tl_rev_text_ulb/18/18.txt

1 line
551 B
Plaintext

\v 18 Sisigaw sila habang nakikita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog. Sinabi nila, "Anong lungsod ang tulad ng dakilang lungsod?" \v 19 Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo, at sumigaw, nananangis, at nananaghoy. "Kaawa-awa, kaawa-awa ang dakilang lungsod kung saan lahat ng kanilang mga barko sa dagat ay yayaman mula sa kaniyang kayamanan. Dahil sa loob ng isang oras siya ay winasak." \v 20 "Magalak kayo sa kaniya, kalangitan, kayong mga mananampalataya, mga apostol at mga propeta, dahil dinala ng Diyos ang inyong hatol sa kaniya!"