tl_ulb/17-EST.usfm

345 lines
35 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

2018-03-09 15:11:14 +00:00
\id EST
\ide UTF-8
\h Ester
\toc1 Ester
\toc2 Ester
\toc3 est
\mt Ester
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 1
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Sa mga araw ni Assuero (ito ang Assuero na naghari mula India hanggang sa Ethiopia, mahigit 127 lalawigan),
\v 2 sa mga araw na iyon naupo si Haring Assuero sa kanyang maharlikang trono sa kuta ng Susa.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Sa ikatlong taon ng kanyang paghahari, nagbigay siya ng isang pista sa lahat ng kanyang mga opisyal at kanyang mga lingkod. Ang hukbo ng Persia at Media, ang magigiting na mga lalaki, ang mga gobernador ng mga lalawigan ay nasa kanyang harapan.
\v 4 Ipinakita niya ang yaman ng karangyaan ng kanyang kaharian at ang dangal ng kaluwalhatian ng kanyang kadakilaan nang maraming araw, sa loob ng 180 araw.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 5 Nang natapos ang mga araw na ito, nagbigay ang hari ng pista na tumagal ng pitong araw. Ito ay para sa lahat ng tao sa palasyo ng Susa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakahamak. Idinaos ito sa bulwagan ng hardin ng palasyo ng hari.
\v 6 Ang bulwagan ng hardin ay pinalamutian ng mga kurtina na kulay puti ang tela at kulay-ube, na may mga tali ng pinong lino at kulay-ube, ibinitin sa sabitang pilak mula sa mga haliging marmol. May mga sopang ginto at pilak na nasa bangketang may dibuhong palamuti na yari sa batong kristal, marmol, ina ng perlas, at mga batong panlatag na may kulay.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 7 Ang mga inumin ay inihain sa mga gintong tasa. Di-pangkaraniwan ang bawat tasa, at maraming maharlikang alak na dumating dahil sa pagiging mapagbigay ng hari.
\v 8 Ang inuman ay isinagawa alinsunod sa kautusang, "Dapat walang pilitan." Nagbigay ng mga utos ang hari sa lahat ng mga tauhan ng kanyang palasyo na gawin para sa kanila ang anumang naisin ng bawat panauhin.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 9 Pati si Reyna Vashti ay nagbigay ng pista para sa mga kababihan sa maharlikang palasyo ni Haring Assuero.
\v 10 Sa ika-pitong araw, nang ang puso ng hari ay nasisiyahan dahil sa alak, sinabihan niya sina Memuhan, Biztha, Harbona, Bigtha, Abagtha, Zethar at Carcas (ang pitong opisyal na naglilingkod sa harap niya),
\v 11 na dalahin si Reyna Vashti sa harap niya dala ang kanyang maharlikang korona. Gusto niyang ipakita sa mga tao at mga opisyal ang kanyang kagandahan, sapagkat ang mga katangian niya ay napakaganda.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 12 Ngunit tumangging sumunod si Reyna Vashti sa salita ng hari na ipinadala sa kanya ng mga opisyal. Pagkatapos labis na nagalit ang hari; nag-alab ang matinding galit sa kalooban niya.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 13 Kaya sumangguni ang hari sa mga lalaking kilalang matalino, na nakakaintindi sa mga panahon (dahil ito ang pamamaraan ng hari sa lahat ng mga bihasa sa batas at paghahatol).
\v 14 Ngayon ang mga taong malapit sa kanya ay sina Carshena, Shethar, Admatha, Tarshish, Meres, Marsena at Memucan, pitong prinsipe ng Persia at Media. May paraan sila ng paglapit sa hari, at may pinakamataas na mga katungkulan sa loob ng kaharian.
\v 15 "Alinsunod sa batas, ano ang gagawin kay Reyna Vashti dahil hindi niya sinunod ang utos ni Haring Assuero, na dinala sa kanya ng mga opisyal?"
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 16 Sinabi ni Memucan sa harap ng hari at ng mga opisyal, "Hindi lamang laban sa Hari nakagawa ng mali si Reyna Vashti, kundi pati na rin sa lahat ng mga opisyal at lahat ng taong nasa loob ng lahat ng lalawigan ni Haring Assuero.
\v 17 Dahil ang paksa ng reyna ay malalaman ng lahat ng kababaihan. Magdudulot ito sa kanila na ituring nang may paghamak ang kanilang mga asawa. Sasabihin nilang, 'Inutusan ni Haring Assuero si Vashti ang reyna na pumunta sa kanyang harapan, ngunit tumanggi siya.'
\v 18 Bago pa matapos ang mismong araw na ito ang mararangal na mga babae ng Persia at Media na nakarinig sa paksa ng reyna ay magsasabi ng parehong bagay sa lahat ng mga opisyal ng hari. Magkakaroon ng matinding paghamak at galit.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 19 Kung ito ay makalulugod sa hari, hayaang isang maharlikang kautusan ang palabasin mula sa kanya, at hayaan itong maisulat sa mga batas ng mga Persiano at ng mga Medeo, na hindi na maaaring pawalang-bisa, upang si Vashti ay hindi na muling makapunta sa harap niya. Hayaan ang hari na ibigay ang kanyang kalagayan bilang reyna sa ibang higit na mabuti kaysa kanya.
\v 20 Nang maihayag na ang utos ng hari sa lahat ng kabuuang lawak ng kaharian, lahat ng asawa ay pararangalan ang kanilang mga asawa, mula sa pinakadakila hanggang sa pinakamaliit ang kahalagahan."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 21 Ang hari at kanyang mga marangal na kalalakihan ay nasiyahan sa kanyang payo, at ginawa ng hari ang panukala ni Memucan.
\v 22 Nagpadala siya ng mga liham sa lahat ng maharlikang lalawigan, sa bawat lalawigan sa sarili nitong pagsulat, at sa bawat tao sa kanilang sariling wika. Iniutos niya na ang bawat lalaki ay dapat maging amo ng kanyang sariling sambahayan. Ang utos na ito ay ibinigay sa wika ng bawat tao sa imperyo.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 2
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, nang humupa ang galit ni Haring Assuero, naisip niya si Vashti at kung ano ang ginawa niya. Inisip din niya ang tungkol sa kautusang ginawa niya laban kay Vashti.
\v 2 Pagkatapos ay sinabi ng mga binatang tauhan ng Hari na naglilingkod sa kanya, "Hayaang magsagawa ng paghahanap sa ngalan ng hari para sa mga magagandang dalagang birhen
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Hayaang humirang ang hari ng mga opisyal sa lahat ng mga lalawigan ng kanyang kaharian, upang pagsama-samahin ang lahat ng magagandang mga dalagang birhen sa harem sa palasyo ng Susa. Hayaan silang mailagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa mga babae, at hayaang ibigay niya ang kanilang mga pampaganda.
\v 4 Hayaan ang sinumang dalagang babaeng makalugod sa hari na maging reyna kapalit ni Vashti." Naibigan ng hari ang payong ito at ginawa niya ito.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 5 Mayroong isang Judio na nakatira sa siyudad ng Susa na nagngangalang Mordecai, anak na lalaki ni Jair na apo ni Simei na anak na lalaki ni Kis na lipi ni Benjamin.
\v 6 Kinuha siya palayo mula sa Jerusalem kasama ng mga tinapon pati na mga dinakip na kasama ni Jehoiakin, hari ng Juda, na tinangay ni Nebuchadezzar na hari ng Babilonia.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 7 Siya ang nag-aalaga kay Hadasa, iyon ay, si Esther, ang anak na babae ng kanyang tiyo, sapagkat wala na siyang ama o ina. Ang dalaga ay may magandang hugis at kaibig-ibig ang panlabas na anyo. Inaruga siya ni Mordecai na parang sariling anak.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 8 Nang pinahayag ang utos at batas ng hari, maraming dalaga ang dinala sa palasyo ng Susa. Sila ay inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai. Dinala rin si Esther papuntang palasyo ng hari at inilagay sa ilalim ng pangangalaga ni Hegai, ang siyang tagapangasiwa sa mga dalaga.
\v 9 Ang dalaga ay nakapag-bigay lugod sa kanya, at nakuha niya ang pabor nito. Agad niya itong binigyan ng mga pampaganda at bahagi ng pagkain niya. Itinalaga niya sa kanya ang pitong aliping babae mula sa palasyo ng hari, at siya at mga aliping babae ay inilipat niya sa pinakamagandang lugar sa bahay ng mga kababaihan.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 10 Walang sinumang sinabihan si Esther kung sino ang kanyang lahi o mga kamag-anak, sapagkat sinabihan siya ni Mordecai na huwag sabihin.
\v 11 Araw-araw naglalakad si Mordecai papunta at pabalik sa harapan ng patyo sa labas ng bahay ng mga kababaihan, upang malaman ang tungkol sa kapakanan ni Esther, at tungkol sa kung ano ang gagawin sa kanya.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 12 Nang dumating ang pagkakataon para sa bawat dalaga upang pumunta kay Haring Assuero—sa pagsunod ng mga alintuntunin para sa mga babae, ang bawat babae ay kinakailangang tapusin ang labindalawang buwan ng pagpapaganda, anim na buwan na may langis ng mira, at anim na may pabango at pampaganda —
\v 13 Kapag ang dalaga ay pumunta sa hari, anuman ang kagustuhan nito ay ibinibigay sa kanya mula sa bahay ng mga kababaihan, para madala niya sa palasyo.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 14 Sa gabi siya ay papasok, at sa umaga siya ay babalik sa ikalawang tahanan ng mga babae, at sa pangangalaga ni Saasgaz, ang opisyal ng hari, na siyang namamahala sa ibang mga asawa. Hindi na siya muling makakabalik sa hari maliban na lamang kung siya ay malugod sa kanya at ipatawag siyang muli.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 15 Ngayon nang dumating ang panahon para kay Esther (anak na babae ni Abihail, ang tiyo ni Mordecai, na siyang kumuha sa kanya bilang sariling anak) na pumunta sa hari, hindi siya humingi ng anumang bagay subalit kung ano ang iminungkahi ni Hegai na namamahala sa mga babae. Ngayon naibigan si Esther ng sinumang makakita sa kanya.
\v 16 Dinala si Esther kay Haring Asssuero sa maharlikang tirahan sa ika-sampung buwan, ang buwan ng Tebeth, sa ikapitong taon ng kanyang pamumuno.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 17 Higit na minamahal ng hari si Esther sa lahat ng mga babae, nakuha nito ang pabor at kabaitan sa harapan niya, higit sa lahat ng ibang mga birhen, kaya ipinatong niya ang maharlikang korona sa ulo nito at ginawa siyang reyna sa halip na si Vasthi.
\v 18 Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, "Handaan ni Esther," at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 19 Nang tipunin ang mga birhen sa ikalawang pagkakataon, si Mordecai ay naka-upo sa tarangkahan ng Hari.
\v 20 Hindi pa sinabi ni Esther ang tungkol sa kanyang mga kamag-anak o kanyang lahi, tulad ng tagubilin ni Mordecai sa kanya. Patuloy niyang sinunod ang payo ni Mordecai tulad ng ginawa niya nang pinapalaki siya nito.
\v 21 Sa panahong iyon, habang si Mordecai ay nakaupo sa tarangkahan ng hari, dalawa sa mga opisyal ng hari na sina Bigtan at Teres, na nagbabantay sa daanan ng pintuan, ay nagalit at naghanap ng paraan para gumawa ng masama kay Haring Assuero.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 22 Nang mapag-alaman ni Mordecai ang bagay na ito, sinabihan niya si Reyna Esther, at kinausap ni Esther ang hari sa ngalan ni Mordecai.
\v 23 Ang ulat ay siniyasat at napatunayan, kaya binitay ang dalawang lalaki sa bitayan. Isinulat ang pangyayaring ito sa Aklat ng mga Alaala sa presensya ng hari.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 3
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito, itinaas ni Haring Assuero ang tungkulin ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, at inilagay ang sentro ng kanyang kapangyarihan na mataas sa lahat ng opisyal na kasama niya.
\v 2 Lahat ng mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay palaging lumuluhod at nagpapatirapa kay Haman tulad ng inutos ng hari na gawin nila. Ngunit si Mordecai ay hindi lumuhod ni pinatirapa ang kanyang sarili.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Pagkatapos ang mga lingkod ng hari na nasa tarangkahan ng hari ay sinabihan si Mordecai, "Bakit mo sinusuway ang utos ng hari?"
\v 4 Kinausap nila siya araw-araw, ngunit tumanggi siyang sundin ang kanilang kagustuhan. Kaya kinausap nila si Haman upang alamin kung ang usapin tungkol kay Mordecai ay mananatiling ganoon, sapagkat sinabi niya na siya ay isang Judio.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 5 Nang makita ni Haman na si Mordecai ay hindi lumuhod at yumuko sa kanya, napuno si Haman ng matinding galit.
\v 6 May paghamak na inisip niya ang pagpatay lamang kay Mordecai, sapagkat sinabi ng mga lingkod ng hari kung sino ang lahi ni Mordecai. Gustong lipulin ni Haman lahat ng mga Judio, ang lahi ni Mordecai, na nasa buong kaharian ni Assuero.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 7 Sa unang buwan (iyon ay ang buwan ng Nisan), sa ikalabindalawang taon ni Haring Assuero, nagtapon sila ng Pur—iyon ay, nagpalabunutan sila—sa harapan ni Haman—palabunutan sa bawat araw matapos ang araw at buwan, upang pumili ng araw at buwan— hanggang mapili nila ang ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar).
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Haman kay Haring Assuero, "May isang lahing nagkalat at nakatira sa lahat ng lalawigan ng iyong kaharian. Ang kanilang mga batas ay iba mula sa ibang mga tao, at hindi nila sinusunod ang mga batas ng hari, kaya hindi nararapat para sa hari na hayaan silang manatili.
\v 9 Kung mamarapatin ng hari, magbigay ng utos upang patayin sila, at maglalagay ako ng sampung libong talentong pilak sa kamay ng namamahala sa kalakalan ng hari, upang ilagay nila ito sa kabang-yaman ng hari."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 10 Pagkatapos ay hinubad ng hari ang panselyong singsing sa kanyang kamay at ibinigay ito kay Haman na anak na lalaki ni Hammedatha ng Agageo, ang kaaway ng mga Judio.
\v 11 Sinabi ng hari kay Haman, "Sisiguraduhin kong maibalik ang pera sa iyo at sa iyong lahi. Magagawa mo anuman ang iyong naisin para dito."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 12 Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing.
\v 13 Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 14 Ang kopya ng liham ay ginawang batas sa bawat lalawigan. Sa bawat lalawigan ito ay ipinagbigay-alam sa lahat ng mga tao na dapat silang maghahanda para sa araw na ito.
\v 15 Lumabas ang mga tagahatid at nagmadaling ipinamahagi ang kautusan ng hari. Ang batas ay ipinamahagi rin sa palasyo ng Susa. Ang hari at si Haman ay umupo upang uminom, ngunit ang siyudad ng Susa ay nasa kaguluhan.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 4
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Nang malaman ni Mordecai ang lahat ng ginawa, pinunit niya ang kanyang mga damit at isinuot ang telang magaspang at mga abo. Lumabas siya sa gitna ng siyudad, at umiyak ng isang malakas at mapait na iyak.
\v 2 Pumunta lamang siya hanggang sa tarangkahan ng hari, dahil walang sinuman ang pinahihintulutang makadaan dito na nakadamit ng telang magaspang.
\v 3 Sa bawat lalawigan, saan man nakarating ang utos at batas ng hari, mayroong matinding pagluluksa ang mga Judio, may pag-aayuno, iyakan, at taghuyan. Marami sa kanila ang nakahiga sa telang magaspang at mga abo.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 4 Nang ang mga kabataang babae ni Esther at kanyang mga lingkod ay dumating at sinabihan siya, ang reyna ay nagdalamhati. Nagpadala siya ng mga damit upang damitan si Mordecai (para mahubad niya ang kanyang telang magaspang), subalit ayaw niyang tanggapin ang mga ito.
\v 5 Pagkatapos pinatawag ni Esther si Hathach, isa sa mga opisyal ng hari na naatasan para paglingkuran siya. Inutusan niya ito na pumunta kay Mordecai para alamin kung ano ang nangyari at ano ang ibig sabihin nito.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 6 Kaya nagpunta si Hathach kay Mordecai sa plasa ng siyudad sa harap ng tarangkahan ng hari.
\v 7 Iniulat ni Mordecai sa kanya ang lahat ng nangyari sa kanya, at ang kabuuang halaga ng pilak na pinangako ni Haman para timbangin at ilagay sa pananalapi ng hari upang ipapatay ang mga Judio.
\v 8 Binigyan niya rin siya ng kopya ng batas na nilathala sa Susa para sa pagkawasak ng mga Judio. Ginawa niya ito upang maipakita ito ni Hathach kay Esther, at mabigyan niya siya ng pananagutan ng pagpunta sa hari para hingin ang kanyang pabor, at magmakaawa sa kanya ngalan ng kanyang lahi.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 9 Kaya pumunta si Hathach kay Esther at sinabi sa kanya kung ano ang sinabi ni Mordecai.
\v 10 Pagkatapos kinausap ni Esther si Hathach at sinabi sa kanyang bumalik kay Mordecai.
\v 11 Sinabi niya, "Ang lahat ng mga lingkod ng hari at mga tao sa mga lalawigan ng hari ay nakakaalam na kung sinumang lalaki o babae ang pumunta sa hari sa panloob na bulwagan nang hindi pinapatawag, mayroon lamang isang batas: na siya ay dapat patayin—maliban sa sinuman na iunat ng hari sa kaniya ang gintong setro upang mabuhay siya. Hindi pa ako pinapatawag upang pumunta sa hari sa tatlumpung araw na ito."
\v 12 Kaya iniulat ni Hathach ang sinabi ni Esther kay Mordecai.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 13 Pinabalik ni Mordecai ang mensaheng ito: "Hindi mo dapat isipin na sa palasyo ng hari, makakatakas ka higit pa sa ibang mga Judio.
\v 14 Kung mananatili kang tahimik sa oras na ito, ang pagsaklolo at pagliligtas ay darating para sa mga Judio mula sa ibang lugar, subalit ikaw at ang sambahayan ng iyong ama ay mamamatay. Sinong nakakaalam kung dumating ka sa maharlikang kalagayan para sa panahong tulad nito?"
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 15 Pagkatapos pinadala ni Esther ang mensaheng ito kay Mordecai,
\v 16 "Pumunta ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Susa, at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga kabataang babae ay mag-aayuno sa parehong paraan. Pagkatapos pupunta ako sa hari, kahit na labag ito sa batas. At kung ako ay mamatay, ako ay mamamatay."
\v 17 Pumunta si Mordecai at ginawa ang lahat ng sinabi ni Esther na kanyang gagawin.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 5
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Makalipas ng tatlong araw, isinuot ni Esther ang kanyang damit pangreyna at nagtungo upang tumayo sa panloob na patyo ng palasyo ng hari, sa tapat ng bahay ng hari. Nakaupo ang hari sa kanyang trono sa loob ng palasyo, paharap sa pasukan ng maharlikang tahanan.
\v 2 Nang makita ng hari si Reyna Esther na nakatayo sa patyo, nakasumpong ito ng pabor sa kanyang paningin. Itinuro niya sa kanya ang kanyang gintong setro na nasa kanyang kamay. Kaya lumapit at hinawakan ni Esther ang dulo ng kanyang setro.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Pagkatapos sinabi ng hari sa kanya, "Ano ang nais mo, Reyna Esther? Ano ang iyong kahilingan?" Ibibigay sa iyo hanggang sa kalahati ng aking kaharian."
\v 4 Sinabi ni Esther, "Kung mamarapatin ng hari, hayaang dumalo ang hari at si Haman sa handaang inihanda ko ngayon para sa kanya."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 5 Pagkatapos sinabi ng hari "Dalhin agad si Haman, upang gawin kung ano ang sinabi ni Esther." Kaya pumunta ang hari at si Haman sa handaang inihanda ni Esther.
\v 6 Nang inihahain na ang alak sa handaan, sinabi ng hari kay Esther, "Ano ang iyong kahilingan? Ipagkakaloob sa iyo. Ano ang iyong pakiusap? Hanggang kalahati ng aking kaharian, ito ay ipagkakaloob."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 7 Sumagot si Esther, "Ito ang aking kahilingan at pakiusap,
\v 8 kung nakasumpong ako ng pabor sa paningin ng hari at mamarapatin ng hari na ipagkaloob ang aking kahilingan, at igalang ang aking pakiusap. Hayaan na ang hari at si Haman ay dumalo sa ihahanda kong handaan para sa inyo bukas, at sasagutin ko ang katanungan ng hari."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 9 Masayang lumabas si Haman nang araw na iyon at may galak sa puso. Ngunit nang makita ni Haman si Mordecai sa tarangkahan ng hari na hindi tumayo ni hindi nanginig sa takot sa kanyang harapan, napuno siya ng matinding galit laban kay Mordecai.
\v 10 Gayunman, nagtimpi si Haman sa kanyang sarili at umuwi sa kanyang sariling bahay. Pinatawag niya ang kanyang mga kaibigan at tinipon sila, kasama si Zeresh na kanyang asawa.
\v 11 Ipinagmalaki ni Haman sa kanila ang karangyaan ng kanyang kayamanan at ang bilang ng kanyang maraming anak na lalaki, kung paano siya sumulong angat sa lahat ng mga opisyal at mga lingkod ng hari.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 12 Sinabi ni Haman, "Kahit si Reyna Esther ay walang ibang inimbita na pumunta maliban sa akin kasama ng hari sa handaan na kanyang inihanda. Kahit bukas muli niya akong inimbitahan kasama ang hari.
\v 13 Ngunit lahat ng ito na aking nararanasan ay walang halaga sa akin, hanggang sa nakikita ko si Mordecai na Judio na nakaupo sa tarangkahan ng hari."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 14 Kaya sinabi ni Zeresh kay Haman na kanyang asawa at sa lahat ng kanyang kaibigan, "Hayaan mo silang gumawa ng bitayang may taas na limampung kubit. Sa umaga makipag-usap ka sa hari na ibitay nila roon si Mordecai. Pagkatapos pumunta kang masaya kasama ng hari sa handaan. Naging kasiya-siya ito kay Haman, at nagpagawa siya ng bitayan.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 6
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Nang gabing iyon hindi makatulog ang hari. Inutusan niya ang kanyang mga lingkod na dalhin ang mga talaan ng mga pangyayari sa kanyang paghahari, at ito ay basahin nang malakas sa harap ng hari.
\v 2 At natagpuang nakatala roon na isinumbong ni Mordecai ang tungkol kina Bigthana at Teres, dalawa sa mga opisyal ng hari na nagbabantay sa pasukan, na siyang sinubukang saktan si Haring Assuero.
\v 3 Nagtanong ang hari, "Anong karangalan at pagkilala ang nagawa kay Mordecai sa paggawa nito?" Pagkatapos sinabi ng kanyang mga kabataang lalaki, na lingkod niya, "Walang anumang nagawa para sa kanya."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 4 At sinabi ng hari, "Sino ang nasa patyo?" Ngayon si Haman ay pumasok sa panlabas na patyo ng bahay ng hari upang kausapin siya tungkol sa pagbitay kay Mordecai sa bitayang inihanda niya para sa kanya.
\v 5 Sinabi ng mga lingkod ng hari sa kanya, "Si Haman ay nakatayo sa patyo." Sinabi ng hari, "Hayaan siyang pumasok."
\v 6 Nang pumasok si Haman, sinabi ng hari sa kanya, "Anong dapat gawin sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari?" Ngayon sinabi ni Haman sa kanyang puso, "Sino ang kinalulugdang parangalan ng hari na higit kaysa sa akin?"
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 7 Sinabi ni Haman sa hari, "Sa lalaki na kinalulugdang parangalan ng hari,
\v 8 hayaang dalhin ang mga maharalikang balabal, mga balabal na isinuot ng hari, at isang kabayong sinakyan ng hari at sa ulo nito ay ang sagisag ng hari.
\v 9 Pagkatapos payagang ibigay ang mga balabal at ang kabayo sa isa sa pinakamarangal na opisyal ng hari. Hayaan silang bihisan ang lalaking kinalulugdang parangalan ng hari, at hayaang pasakayin siya sa kabayong lilibot sa mga lansangan ng bayan. Hayaang ipahayag nila sa harapan niya, 'Ganito ang ginagawa sa kinalulugdang parangalan ng hari!"'
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 10 Pagkatapos sinabi ng hari kay Haman, "Magmadali, kunin mo ang mga balabal at ang kabayo, gaya ng iyong sinabi, at gawin mo iyon kay Mordecai na Judio na nakaupo sa tarangkahan ng hari. Huwag mabigo sa isa mang bagay na iyong sinabi."
\v 11 Pagkatapos kinuha ni Haman ang mga balabal at ang kabayo. Binihisan niya si Mordecai at pinasakay sa kabayo patungo sa mga lansangan ng siyudad. Ipinahayag sa unahan niya, "Ganito ang ginagawa sa tao na kinalulugdang parangalan ng hari!"
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 12 Bumalik si Mordecai sa tarangkahan ng hari. Ngunit nagmadali si Haman sa kanyang bahay, nagluluksa, na may takip ang ulo.
\v 13 Sinabi ni Haman kay Zeres na kanyang asawa at sa lahat niyang mga kaibigan ang lahat ng bagay na nangyari sa kanya. Pagkatapos sinabi sa kanya ng kanyang mga kalalakihang kilala sa kanilang karunungan, at Zeres na kanyang asawa, "Kapag si Mordecai, ang tao na siyang nagsimula kang bumagsak, ay Judio, hindi mo siya matatalo, ngunit ikaw ay tiyak na babagsak sa harap niya.
\v 14 Habang nakikipag-usap sila sa kanya, dumating ang mga opisyal ng hari. Nagmadaling dinala si Haman sa handaang inihanda ni Esther.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 7
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Kaya pumunta ang hari at si Haman sa pista kasama ni Reyna Esther.
\v 2 Sa ikalawang araw na ito, habang nagsisilbi sila ng alak, sinabi ng hari kay Esther, "Ano ang iyong kahilingan, Reyna Esther? Ipagkakaloob ito sa iyo. Ano ang iyong pakiusap? Hanggang sa kalahati ng kaharian, ipagkakaloob ito."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Pagkatapos ay sumagot si Reyna Esther, "Kung nakasumpong ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hari, at kung ito ay mamarapatin mo, hayaang ibigay sa akin ang aking buhay—ito ang aking kahilingan, at pakiusap ko rin ito para sa aking lahi.
\v 4 Dahil kami ay ipinagbili, ako at ang aking lahi, upang wasakin, patayin, at lipulin. Kung kami ay ipinagbili lamang sa pagkaalipin, bilang lalaki at babaing alipin, tatahimik na lang sana ako, sapagkat walang kapighatiang tulad nito na magbigay-katarungan para gagambalain ang hari."
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Haring Assuero kay Esther na reyna, "Sino siya? Nasaan ang taong pumuno sa kanyang puso na gumawa ng ganyang bagay?"
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 6 Sinabi ni Esther, "Ang taong napopoot, ang kaaway na iyon, ay itong masamang si Haman!" Pagkatapos lubhang nasindak si Haman sa harap ng Hari at ng reyna.
\v 7 Tumayo ang hari sa matinding galit mula sa pag-inom ng alak sa kapistahan at pumunta sa hardin ng palasyo, ngunit naiwan si Haman upang magmakaawa para sa kanyang buhay mula kay Reyna Esther. Nakita niya na ang kapahamakan ay pinagpapasyahan na ng hari laban sa kanya.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 8 Pagkatapos bumalik ang hari mula sa hardin ng palasyo patungo sa silid kung saan isinilbi ang alak. Kababagsak lamang ni Haman sa upuang kinaroroonan ni Esther. Sinabi ng hari, "Pagsasamantalahan ba niya ang reyna sa aking harapan sa sarili ko pang pamamahay?" Pagkalabas mismo ng mga salitang ito mula sa bibig ng hari, tinakpan ng mga lingkod ang mukha ni Haman.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 9 Pagkatapos si Harbona, isa sa mga opisyal na naglilingkod sa hari, ay nagsabing, "Isang bitayang limampung kubit ang taas ang nakatayo sa tabi ng bahay ni Haman. Itinayo niya ito para kay Mordecai, ang nagsalita upang mapangalagaan ang hari." Sinabi ng hari, "Bitayin siya roon."
\v 10 Kaya binitay nila si Haman sa bitayang kanyang inihanda para kay Mordecai. Pagkatapos humupa ang matinding galit ng hari.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 8
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Sa araw na iyon ibinigay ni Haring Assuero kay Reyna Esther ang ari-arian ni Haman, na kaaway ng mga Judio. At nagsimulang maglingkod si Mordecai sa hari, dahil sinabihan ni Esther ang hari kung ano ang kaugnayan niya sa kanya.
\v 2 Kinuha ng hari ang panselyong singsing, na binawi niya mula kay Haman, at ibinigay ito kay Mordecai. Itinalaga ni Esther si Mordecai na maging tagapamahala ng lahat ng ari-arian ni Haman.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Pagkatapos nakipag-usap muli si Esther sa hari. Iniyuko niya ang kanyang mukha sa lupa at umiyak habang nagmamakaawa sa kanya na tapusin na ang masamang balak ni Haman na Agageo, ang pakanang binuo niya laban sa mga Judio.
\v 4 Pagkatapos itinuro ng hari ang gintong setro kay Esther; bumangon at tumayo siya sa harap ng hari.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 5 Sinabi niya, "Kung mamarapatin ng hari, at kung nakasumpong ako ng kagandahang-loob sa iyong paningin, kung ang bagay ay parang wasto sa harap ng hari, at ako ay kalugud-lugod sa iyong mga mata, hayaang isang kautusan ang maisulat upang mapawalang-bisa ang mga liham ni Haman na anak ni Hammedatha na Agageo, ang mga liham na kanyang sinulat para wasakin ang mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ng hari.
\v 6 Sapagkat paano ko makakayang tingnan ang kapahamakang mangyayari sa aking lahi? Paano ko matitiis na panoorin ang pagkalipol ng aking mga kamag-anak?
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 7 Sinabi ni Haring Assuero kina Esther at Mordecai na Judio, "Tingnan ninyo, ibinigay ko kay Esther ang bahay ni Haman, at binitay nila si Haman sa bitayan, dahil sasalakayin niya ang mga Judio.
\v 8 Sumulat ka ng iba pang kautusan para sa mga Judio sa pangalan ng hari, at selyuhan ito sa pamamagitan ng singsing ng hari. Sapagkat ang kautusang naisulat na sa pangalan ng hari at naselyuhan sa pamamagitan ng singsing ng hari ay hindi maaaring mapawalang-bisa."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 9 Kaya pinatawag ang mga manunulat ng hari sa oras na iyon, sa ikatlong buwan, na buwan ng Sivan, sa ikadalawampu't tatlong araw ng buwan. Isang kautusan ang isinulat na naglalaman ng lahat ng iniuutos ni Mordecai na may kinalaman sa mga Judio. Isinulat ito para sa mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador at mga opisyal ng mga lalawigang matatagpuan mula India hanggang Ethiopia, 127 na lalawigan, sa bawat lalawigan ang liham ay isinulat sa kanilang sariling pagsulat, at sa bawat lahi sa kanilang wika, at sa mga Judio sa kanilang pagsulat at wika.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 10 Sumulat si Mordecai sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ito ng panselyong singsing ng hari. Pinadala ang mga kasulatan sa pamamagitan ng mga tagahatid na nakasakay sa mabibilis na mga kabayo na siyang ginagamit sa paglilingkod sa hari, pinarami mula sa maharlikang palahiang hayop.
\v 11 Pinahintulutan ng hari ang mga Judio na nasa bawat siyudad na magtipun-tipon at gumawa ng paninindigan upang pangalagaan ang kanilang buhay; upang ubusin, patayin, at lipulin ang anumang sandatahang lakas mula sa alinmang lahi o lalawigang gustong sumalakay sa kanila, kasali ang mga bata at mga kababaihan o dambungin ang kanilang mga ari-arian.
\v 12 Ipapairal ito sa lahat ng lalawigan ni Haring Assuero, sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan, na buwan ng Adar.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 13 Ang kopya ng utos ay ilalathala bilang batas at ilalantad ito sa lahat ng tao. Ang mga Judio ay dapat handa sa araw na iyon upang maghiganti sa kanilang mga kaaway.
\v 14 Kaya sumakay ang mga tagahatid sa maharlikang mga kabayong ginagamit para sa paglilingkod sa hari ang mga tagahatid. Humayo sila nang walang antala. Ang kautusan ng hari ay inilathala rin mula sa palasyo ng Susa.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 15 Pagkatapos umalis si Mordecai sa presensya ng hari na nakasuot ng maharlikang damit na bughaw at puti, na may malaking gintong korona at kulay-ubeng balabal ng pinong lino. At sumigaw at nagsaya ang siyudad ng Susa.
\v 16 Nagkaroon ng kaliwanagan, kagalakan, kasiyahan, at karangalan ang mga Judio.
\v 17 Sa bawat lalawigan at sa bawat siyudad, saanman makarating ang kautusan ng hari, may kagalakan at kasiyahan ang mga Judio, isang pagdiriwang at isang araw ng pangilin. Maraming naging Judio ang nagmula sa ibat-ibang lahi ng mga tao, dahil ang takot ng mga Judio ay bumagsak sa kanila.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 9
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Ngayon sa ikalabindalawang buwan, ang buwan ng Adar, sa ikalabintatlong araw, nang ang batas ng hari at ang kautusan ay malapit nang ipatupad, sa araw na ang mga kaaway ng mga Judio ay umaasang makakuha ng kapangyarihan sa ibabaw nila, ito ay nabaliktad. Ang mga Judio ang nakakuha ng kapangyarihan sa ibabaw ng mga galit sa kanila.
\v 2 Nagpulong ang mga Judio sa kanilang mga siyudad sa kabuuan ng lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasuerus, upang pagbuhatan ng kamay ang mga sumubok na magdala ng kapahamakan sa kanila. Wala ni isa ang makapanindigan laban sa kanila, dahil ang takot sa kanila ay bumagsak sa lahat ng mga lahi.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Lahat ng mga opisyal ng mga lalawigan, ang mga panlalawigang gobernador, ang mga gobernador, at ang mga tagapangasiwa ng hari, tumulong sa mga Judio dahil sa takot kay Mordecai na bumagsak sa kanila.
\v 4 Dahil si Mordecai ay dakila sa bahay ng hari, at ang kanyang kasikatan ay kumalat sa kabuuan ng lahat ng mga lalawigan, dahil ang taong si Mordecai ay nagiging dakila.
\v 5 Sinalakay ng mga Judio ang kanilang mga kaaway gamit ang espada, pinagpapatay at pinagwawasak sila, at ginawa ang anumang naisin nila sa mga galit sa kanila.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 6 Sa mismong kuta ng Susa, pinatay at winasak ng mga Judio ang limandaang kalalakihan.
\v 7 Pinatay nila sina Parshandatha, Dalphon, Aspatha,
\v 8 Poratha, Adalia, Aridatha,
\v 9 Parmashta, Arisai, Aridai, Vaizatha,
\v 10 at ang sampung anak na lalaki ni Haman na anak na lalaki ni Hammedatha, ang kaaway ng mga Judio. Ngunit hindi sila kumuha ng kahit anong nakaw.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 11 Sa araw na iyon ang bilang ng namatay sa Susa, ang pinatibay na siyudad, ay ibinalita sa hari.
\v 12 Sinabi ng hari kay Reyna Esther, "Pinatay ng mga Judio ang limandaang lalaki sa siyudad ng Susa, kasama ang sampung anak na lalaki ni Haman. Pagkatapos ano pa ang ginawa nila sa mga natitirang lalawigan ng hari? Ngayon ano ang iyong kahilingan? Ito ay ipagkakaloob sa iyo. Ano ang pakiusap mo? Ito ay ipagkakaloob sa iyo."
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 13 Sinabi ni Esther, "Kung makalulugod ito sa Hari, hayaang ang mga Judio na nasa Susa ay pahintulutang dalhin ang kautusan ng araw na ito bukas din, at hayaang bitayin ang katawan ng mga anak na lalaki ni Haman sa mga bitayan."
\v 14 Kaya iniutos ng hari na ito ay gawin. Isang kautusan ang pinalabas sa Susa at binitay nila ang sampung anak na lalaki ni Haman.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 15 Ang mga Judio na nasa Susa ay dumating na magkakasama sa ikalabing-apat na araw ng buwan ng Adar, at pumatay ng karagdagang tatlondaang lalaki sa Susa, ngunit walang gumalaw sa mga nakaw.
\v 16 Ang natirang mga Judio na nasa mga lalawigan ng hari ay nagsama-sama upang ipagtanggol ang kanilang mga buhay, at nagkaroon sila ng kaginhawaan mula sa kanilang mga kaaway at pumatay ng pitumpu't-limang libo sa mga namumuhi sa kanila, ngunit hindi nila ginalaw ang mga mahahalagang bagay ng mga pinatay nila.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 17 Sa ikalabintatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikalabing-apat na araw, nagpahinga sila at gumawa ng isang araw ng kapistahan at pagsasaya.
\v 18 Ngunit ang mga Judio na nasa Susa ay magkakasamang nagtipon sa ikalabintatlo at ikalabing-apat na araw. Sa ikalabinlimang araw nagpahinga sila at ginawa nila itong isang araw ng kapistahan at pagsasaya.
\v 19 Iyan ang dahilan kung bakit ang mga Judio ng mga nayon, na gumagawa ng kanilang mga tahanan sa mga bayang bukirin, ay ipinagdiriwang ang ikalabing-apat na araw sa buwan ng Adar bilang isang araw ng pagsasaya at kapistahan, at bilang isang araw kung saan nagpapadala sila ng mga regalong pagakain sa isa't-isa.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 20 Itinala ni Mordecai ang mga bagay na ito at nagpadala ng mga liham sa lahat ng mga Judio na nasa lahat ng mga lalawigan ni Haring Ahasueros, kapwa malapit at malayo,
\v 21 pinipilit silang tandaan ang ikalabing-apat at ikalabinlimang araw ng Adar bawat taon.
\v 22 Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 23 Kaya nagpatuloy ang mga Judio sa pagdiriwang ng kanilang nasimulan, paggawa sa kung ano ang isinulat ni Mordecai sa kanila.
\v 24 At sa panahong iyon si Haman na anak na lalaki ni Hammedatha na Agageo, ang kaaway ng lahat ng mga Judio, ay nagpakana laban sa mga Judio para lipulin sila at nagtapon siya ng Pur (iyon ay, nagpalabunutan), upang durugin at wasakin sila.
\v 25 Ngunit nang dumating iyon sa harapan ng Hari, nagbigay siya ng mga kautusan sa pamamagitan ng mga liham na ang masamang balak ni Haman na kanyang binuo laban sa mga Judio ay dapat ibalik sa kanyang sariling ulo at siya at ang kanyang mga anak na lalaki ay dapat bitayin sa bitayan.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 26 Kaya tinawag nila ang mga araw na ito na Purim, sunod sa pangalan ng Pur. Dahil sa lahat ng bagay na naitala sa liham na ito at lahat ng bagay na kanilang nakita at nangyari sa kanila,
\v 27 tinanggap ng mga Judio ang isang bagong kaugalian at tungkulin. Itong kaugalian ay para sa kanilang mga sarili, kanilang mga kaapu-apuhan, at bawat isang sasama sa kanila. Ipagdiriwang nila ang dalawang araw na ito bawat taon. Ipagdiriwang nila sa tiyak na paraan at sa parehong panahon bawat taon.
\v 28 Itong mga araw ay ipagdiriwang at tatandaan ng bawat salinlahi, bawat pamilya, bawat lalawigan at bawat siyudad. Itong mga Judio at kanilang mga kaapu-apuhan ay hindi hihinto sa matapat na pagdiriwang ng mga araw na ito ng Purim, upang hindi nila makalimutan.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 29 Si Reyna Esther na anak ni Abihail at Mordecai na Judio, sumulat na may ganap na kapangyahiran at pinatunayan ang pangalawang liham na ito patungkol sa Purim.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 30 Ipinadala ang mga liham sa lahat ng mga Judio sa 127 na mga lalawigan ng kaharian ni Ahasuerus, ninanais ang kaligtasan at katotohanan ng mga Judio.
\v 31 Ang mga liham na ito ay nagpatunay sa mga araw ng Purim sa kanilang mga itinakdang panahon, ayon sa ibinilin sa mga Judio ni Mordecai na Judio at Reyna Esther. Tinanggap ng mga Judio ang tungkuling ito para sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga kapu-apuhan, katulad din ng pagtanggap nila sa mga panahon ng pag-aayuno at pagdaing.
\v 32 Ang utos ni Esther ay pinagtibay ang mga alituntuning ito hinggil sa Purim, at nakasulat ito sa aklat.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\c 10
\p
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\v 1 Pagkatapos nagpataw ng isang buwis sa lupain at sa mga lupang baybayin sa tabing-dagat si Haring Ahasueros.
\v 2 Lahat ng mga nagawa ng kanyang kapangyarihan at kalakasan, kasama ang buong kasaysayan ng kadakilaan ni Mordecai kung saan inangatan siya ng hari, nakasulat ang mga iyon sa Aklat ng mga Alaala ng mga Hari ng Media at Persia.
2018-03-09 15:11:14 +00:00
\s5
\v 3 Si Mordecai na Judio ay pangalawa sa antas kay Haring Ahasueros. Siya ay dakila sa gitna ng mga Judio at tanyag sa kanyang maraming kapatid na Judio, sapagkat hinahangad niya ang kapakanan ng kanyang lahi, at siya ay nagsalita para sa kapayapaan ng lahat ng kanyang lahi.