\v 1 May isang lalaki sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job; walang maipipintas kay Job at siya ay matuwid, may takot siya sa Diyos at tumatalikod sa anumang kasamaan.
\v 2 Binigyan siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
\v 3 May pag-aari siyang pitong libong mga tupa, tatlong libong kamelyo, limang daang pares ng mga baka, at limang daang mga asno at napakaraming mga lingkod. Ang lalaking ito ang pinaka-dakila sa lahat ng tao sa Silangan.
\v 4 Sa bawat araw na may kani-kaniyang pagdiriwang ang mga anak na lalaki, ipinapatawag nila ang kanilang tatlong kapatid na babae para kumain at uminom kasama nila.
\v 5 Pagkatapos ng mga araw ng pista, sila ay ipinapatawag at muli silang itatalaga ni Job sa Diyos. Babangon siya nang maagang-maaga at mag-aalay ng sinunog na handog para sa bawat kaniyang mga anak, dahil iniisip niya na, "Marahil nagkasala ang aking mga anak at isinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso." Ito ay laging ginagawa ni Job.
\v 6 At dumating naman ang isang araw para humarap ang mga anak ng Diyos kay Yahweh, at si Satanas ay dumalo kasama nila.
\v 7 Ang tanong ni Yahweh kay Satanas, "Saan ka naman nanggaling?" Sumagot si Satanas kay Yahweh, "Galing ako sa isang paglalakad-lakad sa mundo, nagpabalik-balik ako rito."
\v 8 Nagtanong muli si Yahweh, "Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Dahil wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan."
\v 9 Saka sumagot si Satanas kay Yahweh, "Basta na lang ba magkakaroon ng takot sa iyo si Job nang walang kadahilanan?"
\v 10 Hindi ka ba gumawa ng bakod sa kaniyang paligid, sa paligid ng kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang mga pag-aari? Pinagpala mo ang kaniyang hanap-buhay at pinarami mo ang kaniyang kayamanan.
\v 11 Pero iunat mo ang iyong kamay laban sa kaniyang mga pag-aari, at makikita mo na itatanggi ka niya sa iyong harapan.
\v 12 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Makinig ka, ang lahat ng kaniyang pag-aari ay hawakan mo, pero huwag mo siyang pagbubuhatan ng kamay." Saka umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh.
\v 13 Dumating ang isang araw habang nagkakainan at nag-iinuman ang kaniyang mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid,
\v 14 isang mensahero ang pumunta kay Job at nagbalita, "Habang ang mga baka ay nag-aararo at ang mga asno ay nanginginain sa kanilang tabi;
\v 15 lumusob ang mga Sabano at tinangay sila. Pinatay nga nila ang ibang mga lingkod gamit ang espada; ako lang ang nag-iisang nakatakas para ibalita sa iyo."
\v 16 Habang siya ay nagsasalita pa, dumating ang isa pang lingkod at nagbalita. "Umulan ng apoy ng Diyos mula sa langit at tinupok ang mga tupa kasama na ang mga lingkod; at ako lang ang tanging nakaligtas para sabihin sa iyo."
\v 17 Habang siya rin ay nagsasalita, may dumating pang isang lingkod at nagbalitang "Gumawa ng tatlong pangkat ang mga Caldea, nilusob ang mga kamelyo, at tinangay silang lahat. Totoo ito, at pinatay pa nila ang mga lingkod gamit ang espada, at ako lang ang nakaligtas para ibalita sa iyo."
\v 18 Habang siya ay nagsasalita dumating ang isa pa at nagbalitang, "Nagkakainan at nag-iinuman ng alak ang iyong mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid.
\v 19 Isang malakas na hangin ang umihip mula sa disyerto at giniba ang apat na haligi ng bahay, nadaganan nito ang mga kabataan, at namatay silang lahat, at ako na lang ang nakatakas para sabihin ito sa iyo."
\v 20 Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos."
\v 21 Sabi niya, "Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik doon. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi; ang pangalan nawa ng Diyos ang mapapurihan."
\v 22 Sa lahat ng mga pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job at hindi siya naging hangal para akusahan ang Diyos.
\v 3 Nagtanong muli si Yahweh kay Satanas, "Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Sapagkat wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan. Nananatili pa rin siya sa kaniyang integridad kahit na pinilit mo akong gumawa ng laban sa kaniya, para sirain siya nang walang dahilan."
\v 9 Saka sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, "Panghahawakan mo pa rin ba ang iyong integridad? Isumpa mo na ang Diyos at mamatay ka na."
\v 10 Pero sinabi niya sa kaniyang asawa, "Kung makapagsalita ka parang wala kang isip, hindi mo ba naisip na hindi lang kabutihan ang maaari nating maranasan sa kamay ng Diyos at maaari rin tayong makaranas ng masama?" Sa lahat ng pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job sa kaniyang mga labi.
\v 11 Ngayon naman, nabalitaan ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat ng masamang nangyari sa kaniya, nilisan nila ang kani-kanilang lugar para puntahan si Job: Si Eliphaz na Temaneo, Bildad na Shuhita, at Zophar na Naamita. Naglaan sila ng panahon para makidalamhati sa kaniya at aliwin siya.
\v 12 Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
\v 13 Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi, wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita sa kaniya, dahil nakita nila ang sobrang hirap ni Job.
\v 4 Sana napuno na lang ng kadiliman ang araw na iyon, huwag na sana itong maalala ng Diyos, o kaya sikatan pa ito ng araw.
\v 5 Sana angkinin na lang ito ng kadiliman at ng anino ng kamatayan; balutan na lang ng madilim na ulap at ang lahat na nagpapadilim sa umaga ay gawing mas kalagim-lagim.
\v 6 At sa gabing iyon, hayaan na lang na makapal na kadiliman ang bumalot dito: huwag na itong hayaan na magalak sa mga araw ng taon, huwag na itong paabutin sa hustong bilang ng mga buwan.
\v 7 Masdan mo, sana naging baog na lang ang gabing iyon, at walang masayang tinig ang narinig.
\v 8 Hayaan na lang na isumpa ang araw na iyon ng mga marunong gumising sa Leviatan.
\v 9 Hayaan na ang mga bituin sa hating-gabi ay magdilim. Hayaan na maghanap ng liwanag ang araw na iyon pero walang matagpuan, o kaya ang mga talukap ng mga mata ay huwag nang makakita ng bukang liwayway,
\v 10 dahil hindi nito sinara ang pintuan ng sinapupunan ng aking ina, ni itinago ang kaguluhan mula sa aking mga mata.
\v 11 Bakit hindi pa ako namatay noong ako ay lumabas sa sinapupunan? Bakit hindi ko pa isinuko ang aking espiritu noong ako ay ipinagbubuntis pa lang ng aking ina?
\v 12 Bakit pa ako kinandong sa kaniyang mga tuhod? O tinanggap ng kaniyang didbdib para ako ay makasuso?
\v 4 Inalalayan ng iyong salita ang mga nahuhulog, at ang mga nanlalambot na tuhod ay pinatigas mo.
\v 5 Pero ngayong ikaw naman ang may kaguluhan, nanghihina ka; ikaw ay dinapuan ng kaguluhan, at ikaw ay naguluhan.
\v 6 Hindi ba dapat ang takot mo sa Diyos ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob? Hindi ba ang integridad mo sa iyong mga ginagawa ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa?
\v 16 Ang espiritu ay tumigil at tumayo, pero di ko maaninag ang kaniyang anyo. Isang anyo ang nasa aking harapan, tahimik ang paligid at may bigla akong narinig,
\v 17 "Ang isang mortal na tao ba ay mas matuwid kaysa sa Diyos? Mas dalisay ba ang tao kaysa sa kaniyang Manlilikha?
\v 18 Tingnan mo, kung hindi pinagkakatiwalaan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod, at pinaparatangan ang kaniyang mga anghel nang kahangalan,
\v 19 ano pa kaya silang mga nakatira sa mga bahay na gawa sa putik, at ang mga pundasyon ay nasa buhangin, na mas marupok sa mga kulisap na madaling durugin?
\v 4 Ang kaniyang mga anak ay malayo sa kaligtasan; naipit sila sa mga tarangkahan ng lungsod. Wala kahit isa ang magliligtas sa kanila —
\v 5 ang ani nila ay kinain ng mga nagugutom, ng mga taong kumukuha nito mula sa mga matinik na lugar; ang mga kayamanan nila ay sinimot ng mga taong nauuhaw dito.
\v 4 Dahil ang mga palaso ng Makapangyarihan ay nakaabang sa akin, ang aking espiritu ay iniinom ang lason; ang mga kaparusahan ng Diyos ay nagsunod-sunod laban sa akin.
\v 5 Ang isa bang mabangis na asno ay uungal kung marami namang damo? O ang mga baka ba ay uungal kung may dayami naman silang makakain?
\v 6 Ang isang pagkain ba na walang lasa ay makakain kung walang asin? O may kung anong lasa ba sa puti ng itlog?
\v 10 Sana ito na lang ang aking maging pampalubag-loob--kahit na magsaya ako sa hindi napapawing hapdi: na hindi ko sinuway ang mga salita ng Tanging Banal.
\v 11 Ano ba ang aking lakas, na kailangan ko pang maghintay? Ano ba ang aking katapusan, na kailangan kong pahabain ang aking buhay?
\v 14 Para sa isang taong malapit nang mawalan ng malay, dapat ipakita ng kaniyang kaibigan ang katapatan; kahit na pinabayaan niya pa ang kaniyang takot sa Makapangyarihan.
\v 15 Pero naging matapat ang mga kapatid ko sa akin, na tulad ng mga batis sa disyerto, na tulad ng mga daluyan ng tubig na natutuyo,
\v 16 na dumidilim dahil sa mga yelong tumatakip sa mga ito, at dahil sa mga niyebe na ikinukubli ang sarili sa kanila.
\v 17 Kapag sila ay natunaw, sila ay mawawala; kapag ang panahon ay mainit, nalulusaw sila sa kanilang kinalalagyan.
\v 1 Hindi ba't may mabigat na gawain ang bawat isang tao sa ibabaw ng lupa?
\v 2 Hindi ba na ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang taong upahan?
\v 3 Katulad ng isang alipin na maalab na ninanais ang mga anino ng gabi, katulad ng isang taong upahan na naghihintay sa kaniyang mga sahod- kaya nagtiis ako sa mga buwan ng kahirapan; nagkakaroon ako ng mga gabing punong-puno ng kaguluhan.
\v 4 Kapag ako ay humihiga, sinasabi ko sa aking sarili, "Kailan ako babangon at kailan lilipas ang gabi? Punong-puno ako ng kabalisahan hanggang sa magbukang-liwayway.
\v 5 Ang aking laman ay nadadamitan ng mga uod at mga tipak ng alikabok; nanigas na ang mga sugat sa aking balat at saka malulusaw at mananariwang muli.
\v 19 Gaano katagal bago mo alisin ang iyong tingin sa akin? bago mo ako hayaang mag-isa nang may sapat na panahon para lunukin ang aking sariling laway?
\v 20 Kahit ako ay nagkasala, ano ang magagawa nito sa iyo, ikaw na nagbabantay sa mga tao? Bakit mo ako ginawang isang pakay, para ba ako ay maging pasanin sa iyo?
\v 21 Bakit hindi mo mapatawad ang aking mga pagsuway at alisin ang aking kasamaan? Sa ngayon ako ay hihiga sa alikabok; maingat mo akong hahanapin, pero wala na ako."
\v 1 Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at nagsabing,
\v 2 "Hanggang kailan mo sasabihin ang mga bagay na ito? Gaano katagal magiging kagaya ng malakas na hangin ang mga salita sa iyong bibig? Binabaluktot ba ng Diyos ang katarungan?
\v 3 Maaari bang baluktututin ng Makapangyarihang Diyos ang katuwiran?
\v 8 Para sa kaalaman, nagmamakaawa ako sa iyo, tungkol sa mga dumaang panahon, ihanda ang iyong sarili para matutunan kung ano ang mga natuklasan ng ating mga ninuno.
\v 9 ( Ipinanganak lamang tayo kahapon at wala tayong nalalaman sapagkat ang ating mga araw sa daigdig ay isang anino.)
\v 10 Hindi ba nila ituturo at sasabihin sa iyo? Hindi ba sila magsasalita mula sa kanilang mga puso?
\v 13 Kaya gayon din ang mga landas ng lahat nang nakakalimot sa Diyos, ang pag-asa ng mga walang diyos ay maglalaho -- na ang may pagtitiwala ay nagkakahiwa-hiwalay,
\v 14 na ang may tiwala ay marupok tulad ng isang sapot ng gagamba.
\v 15 Ang ganoong tao ay sasandig sa kaniyang bahay, pero hindi ito magtatagal. Hahawak siya dito, pero hindi ito mananatili.
\v 10 Ito rin ang Diyos na gumagawa ng mga dakilang bagay, mga bagay na hindi kayang maunawaan--sa katunayan, mga kahanga-hangang bagay na hindi mabibilang.
\v 11 Masdan mo, sinasamahan niya ako, at hindi ko siya nakikita; Dumadaan din siya, pero hindi ko siya napapansin.
\v 12 Kung makakahuli siya ng biktima, sino ang makakapigil sa kaniya? Sino ang magsasabi sa kaniya, "Ano ang iyong ginagawa?"
\v 19 Kung kami ay nagsasalita tungkol sa kalakasan, bakit, siya ay makapangyarihan! At kung pinag-uusapan natin ang tungkol sa katarungan, 'Sino,' sabi niya, 'ang magtatanong sa akin?'
\v 20 Kahit na ako ay matuwid, ang sarili kong bibig ang hahatol sa akin; kahit na ako ay walang kasalanan, patutunayan pa rin nito na ako ay may pagkakasala.
\v 21 Ako ay walang kapintasan pero wala na akong pakialam sa aking sarili; kinasusuklaman ko ang sarili kong buhay.
\v 22 Wala itong pagkakaiba, kaya ko sinasabi na magkasama niyang sinisira ang mga taong walang kasalanan at ang mga masasamang tao.
\v 23 Kung ang isang salot ay biglang pumatay, tatawanan niya ang mga pagdurusa ng mga taong walang kasalanan.
\v 24 Ang lupa ay ibinigay sa kamay ng mga masasamang tao; tinatakpan ng Diyos ang mga mukha ng mga hukom nito. Kung hindi siya ang gumagawa nito, kung gayon sino?
\v 1 Napapagod ako sa aking buhay; magbibigay ako ng malayang pagpapahayag sa aking hinaing; magsasalita ako sa kapaitan ng aking kaluluwa.
\v 2 Sasabihin ko sa Diyos, huwag mo akong basta isumpa; ipakita mo kung bakit mo ako inaakusahan.
\v 3 Makakabuti ba para sa iyo na ako ay iyong apihin, na kasuklaman ang mga gawa ng iyong mga kamay habang ikaw ay nakangiti sa mga plano ng masasama?
\v 15 Kung ako ay masama, sumpain ako; kahit ako ay matuwid, hindi ko maaring itaas ang aking ulo, yamang puno ako nang kahihiyan at pinagmamasdan ang sarili kong paghihirap.
\v 16 Kung titingala ang aking ulo, hinuhuli mo ako tulad ng isang leon; muli mong ipinapakita sa akin na ikaw ay makapangyarihan.
\v 18 Bakit, kung gayon, inilabas mo ako mula sa sinapupunan? Sana ay isinuko ko na ang aking espiritu para wala ng mata ang nakakita sa akin kailanman.
\v 19 hindi na sana ako nabuhay; binitbit na sana ako mula sa sinapupunan diretso sa libingan.
\v 20 Hindi ba kaunti na lang ang aking mga araw? Kung gayon ay tapusin na, hayaan akong mag-isa, para magkaroon naman ako ng kaunting pahinga
\v 21 bago ako pumunta kung saan hindi na ako makakabalik, sa lupain ng kadiliman at sa anino ng kamatayan,
\v 22 ang lupain na kasing-dilim ng hatinggabi, sa lupain ng anino ng kamatayan, walang kahit anong kaayusan, kung saan ang liwanag ay kagaya ng hatinggabi.""
\v 1 Pagkatapos sumagot si Zofar ang Naamita at nagsabi,
\v 2 Hindi ba dapat sagutin ang ganyang napakaraming salita? Nararapat ba sa taong ito, na puno ng mga salita, na paniwalaan?
\v 3 Nararapat ba na ang iyong pagmamagaling ay nagpapanatili sa iba na manahimik? Kapag kinutya mo ang aming katuruan, wala bang sinuman na magpapahiya sa iyo?
\v 4 Dahil sinasabi mo sa Diyos, 'Ang aking mga paniniwala ay dalisay, ako ay walang kasalanan sa iyong mga mata.
\v 5 Pero, kung sana lang magsalita ang Diyos at buksan ang kaniyang bibig laban sa iyo;
\v 6 na ipakita sa iyo ang mga lihim ng karunungan. Dahil dakila siya sa pang-unawa. Saka mo alamin na ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay mas magaan sa nararapat sa iyong kasalanan.
\v 13 Pero ipagpalagay na itinakda mong ayusin ang iyong puso at iniunat ang iyong mga kamay patungo sa Diyos;
\v 14 ipagpalagay mo na ang kasamaan ay nasa iyong mga kamay, kung gayon ilayo mo ito mula sa iyo, at hindi hinayaan ang kasamaan na manahan sa iyong mga tolda.
\v 20 Pero ang mga mata ng mga masasamang tao ay mabibigo; wala silang paraan para tumakas. Ang kanilang tanging pag-asa ay ang huling hinga ng buhay."
\v 2 walang pag-aalinlangan na kayo ang bayan; ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
\v 3 Pero mayroon din akong pang-unawa na kagaya ninyo; Hindi ako mas mababa kaysa sa inyo. Sa katunayan, sino ang hindi nakaka-alam ng mga bagay na gaya nito?
\v 4 Ako ay isang katatawanan para sa aking kapwa --ako, na siyang tumawag sa Diyos at kaniyang sinagot! Ako, isang taong makatarungan at walang kasalanan--ako ngayon ay isa nang katatawanan.
\v 5 Sa isip ng isang taong matiwasay, may paglait para sa kasawian; Iniisip niya sa paraang magdadala nang mas marami pang kasawian sa mga nadudulas ang paa.
\v 6 Sumasagana ang mga tolda ng mga manloloob, at ang mga nagpapagalit sa Diyos ay dama ang katiyakan; ang kanilang mga sariling mga kamay ang kanilang mga diyos.
\v 22 Inilalantad niya ang mga malalalim na bagay mula sa kadiliman at inilalabas sa liwanag ang mga anino kung saan naroon ang mga patay.
\v 23 Ginagawa niyang malakas ang mga bansa, at winawasak din niya ang mga ito. Pinapalawak niya ang mga bansa, at dinadadala din niya ang mga ito bilang mga bihag.
\v 24 Tinatanggal niya ang pang-unawa mula sa mga pinuno ng mga bayan sa daigdig; Idinudulot niyang magpaikot-ikot sila sa ilang kung saan walang daan.
\v 25 Nangangapa sila sa dilim na walang liwanag; Ginagawa silang parang lasing na pasuray-suray.
\v 9 Makabubuti ba talaga sa iyo kung siya na hukom ay titingnan at suriin ka? O tulad ng ibang nangloloko ng iba, talaga bang magiging maling kinatawan sa kaniya sa hukuman?
\v 10 Siguradong susumbatan ka niya kung lihim mong ipapakita ang pagtatangi sa kaniya.
\v 18 Tingnan mo ngayon, inilagay ko ang aking tanggulan sa ayos; Alam ko na ako ay inosente.
\v 19 Sinong maaaring makipagtalo sa akin laban sa akin sa hukuman? Kung pupunta ka para gawin iyon, at kung mapapatunayan mong mali ako, kung gayon mananahimik at isusuko ko ang aking buhay.
\v 26 Dahil sumulat ka ng mga mapapait na mga bagay laban sa akin; ipinamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan.
\v 27 Inilagay mo rin ang aking paa sa mga kandadong kahoy; tinitingnan mong mabuti ang lahat ng aking mga landas; sinusuri mo ang lupa kung saan ang mga nilakaran ng talampakan ng aking paa
\v 28 bagaman tulad ako ng isang mabahong bagay na nabubulok, tulad ng isang damit na kinakain ng gamugamo.
\v 4 Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.
\v 5 Ang mga araw ng tao ay tiyak; Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nasa iyo; itinakda mo ang kaniyang mga hangganan para hindi siya makalampas.
\v 6 Lumayo ka mula sa kaniya para siya ay maaaring makapahinga, sa gayon siya ay maaaring masiyahan sa kaniyang araw tulad ng isang inupahang tao kung magagawa niya.
\v 10 Pero ang tao ay namamatay; nagiging mahina; sa katunayan nga, nalalagutan ng hininga ang tao, at kung gayon nasaan siya?
\v 11 Gaya ng tubig na nawawala sa isang lawa, at tulad ng isang ilog na nauubusan ng tubig at natutuyo,
\v 12 gayundin ang mga tao ay humimlay at hindi na bumangon muli. Hanggang mawala ang kalangitan, hindi na sila gigising ni magigising man sa kanilang pagkakatulog.
\v 13 O, nais mo akong itagong palayo sa sheol na malayo mula sa mga kaguluhan, at nais mo akong panatilihing itago hanggang matapos ang iyong poot, nais mo akong ilagay sa takdang panahon para manatili doon at pagkatapos alalahanin mo ako!
\v 14 Kung ang isang tao ay mamamatay, mabubuhay ba siyang muli? Kung gayon, hinahangad kong maghintay sa nakakapagod na panahon doon hanggang dumating ang aking paglaya.
\v 20 Lagi mo siyang tinatalo, at siya ay pumapanaw; pinalitan mo ang kaniyang mukha at pinalayas mo siya para mamatay.
\v 21 Ang kaniyang mga anak na lalaki ay maaaring dumating para magparangal, pero hindi niya ito nalalaman; maaari silang ibaba, pero hindi niya ito nakikitang nangyayari.
\v 22 Nararamdaman lamang niya ang kirot sa kaniyang sariling katawan, at siya ay nagdadalamhati para sa kaniyang sarili.
\v 31 Huwag siyang hayaang magtiwala sa mga walang kabuluhang bagay, nililinlang niya ang kaniyang sarili; dahil ang walang pakinabang ang kaniyang magiging gantimpala.
\v 32 Mangyayari ito bago ang panahon ng kaniyang kamatayan; ang kaniyang sanga ay hindi magiging luntian.
\v 33 Ihuhulog niya ang kaniyang mga hilaw na ubas tulad ng puno ng ubas; itatapon niya ang kaniyang mga bulaklak tulad ng puno ng olibo.
\v 4 Maaari din akong magsalita tulad ng ginagawa mo, kung ikaw ay nasa aking kinalalagyan; maaari kong tipunin at pagsama-samahin ang mga salita laban sa iyo at ilingin ang aking ulo sa iyo nang may pangungutya.
\v 5 O, paano ko palalakasin ang loob mo gamit ang aking bibig! Paano ko mapapagaan ang iyong pighati gamit ang aking mga labi!
\v 6 Kung magsasalita ako, ang aking pighati ay hindi mababawasan; kung hindi ako magsasalita, paano ako matutulungan?
\v 7 Pero ngayon, O Diyos, pinahirapan mo ako; pinabayaan mo ang buong pamilya ko.
\v 8 Ginawa mo akong matuyo, na sa sarili nito ay isang saksi laban sa akin; ang pagpayat ng aking katawan ay tumatayo laban sa akin, at nagpapatotoo ito laban sa aking mukha.
\v 9 Sa matinding galit ng Diyos nilupig at inusig niya ako; nagngangalit siya sa akin gamit ang kaniyang ngipin; ipinako ng kaaway ang kaniyang paningin sa akin habang sinisira niya ako.
\v 10 Napanganga sa akin ang mga tao; sinampal niya ako nang may mapanisi sa pisngi; sila ay nagsama-samang nagtipon laban sa akin.
\v 11 Ibinigay ako ng Diyos sa taong hindi maka-diyos, at inihagis ako sa kamay ng masamang tao.
\v 12 Nasa kaginhawahan ako at sinira niya ako. Tunay nga, hinalbot ako sa leeg at binasag ako ng pira-piraso; inilagay niya rin ako bilang kaniyang puntirya.
\v 3 Bakit mo pinapalagay na gaya kami ng mga halimaw; bakit kami naging hangal sa iyong paningin?
\v 4 Ikaw na sinisira ang sarili sa iyong galit, dapat bang pabayaan ang daigdig para lang sa iyo o dapat bang alisin ang mga bato mula sa kanilang mga lugar?
\v 14 Siya ay tatanggalin sa kaniyang tolda, ang tahanan na ngayon ay kaniyang pinagkakatiwalaan; dadalhin siya sa kamatayan, ang hari ng mga takot.
\v 15 Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.
\v 18 Itutulak siya mula sa liwanag patungo sa kadiliman at itatapon sa labas ng mundong ito.
\v 19 Hindi siya magkakaroon ng anak o apo sa kalagitnaan ng kaniyang bayan, ni anumang natitirang kaanak ang mananatili kung saan siya natira.
\v 20 Silang naninirahan sa kanluran ay nanginig sa takot sa kung ano ang mangyayari sa kaniya isang araw; silang naninirahan sa silangan ay matatakot sa pamamagitan nito.
\v 15 Ang mga taong minsang tumuloy sa bahay ko bilang panauhin pati na ang mga lingkod kong babae ay itinuring akong ibang tao; isa akong dayuhan sa paningin nila.
\v 16 Nananawagan ako sa aking lingkod, pero hindi niya ako tinutugon kahit na nagmamakaawa ako sa pamamagitan ng aking bibig.
\v 25 Pero para sa akin, alam ko na nabubuhay ang aking Manunubos, at balang araw ay tatayo siya sa daigdig;
\v 26 pagkatapos mawasak ang balat ko, iyon ay, ang aking katawan, saka makikita ko ang Diyos sa aking pangangatawan.
\v 27 Makikita ko siya, ako mismo ang makakakita sa kaniya sa aking tabi; makikita siya ng aking mga mata, at hindi bilang isang dayuhan. Bibigay ang lamang-loob ko.
\v 23 Kapag naghahanda na siyang magpakabusog, ibubuhos ng Diyos ang bagsik ng kaniyang poot sa taong iyon; papaulanin niya ito sa kaniya habang kumakain siya.
\v 24 Bagaman tatakas ang taong iyon sa bakal na sandata, patatamaan siya ng isang tanso na pana.
\v 25 Tatagos ang palaso mula sa likod niya; tunay nga, lalabas mula sa atay niya ang kumikinang na dulo nito; katakot-takot na mga bagay ang darating sa kaniya.
\v 26 Nakalaan ang ganap na kadiliman para sa kaniyang mga kayamanan; lalamunin siya ng apoy na hindi naapula; lalamunin nito kung ano ang nalabi sa kaniyang tolda.
\v 27 Ipapakita ng kalangitan ang kaniyang mga kasalanan, at babangon ang kalupaan laban sa kaniya bilang isang saksi.
\v 10 Nanganganak ang kanilang mga toro, at hindi nabibigo ang mga ito; nanganganak ang kanilang mga baka at hindi namamatay ang guya nito dahil sa maagang pagkapanganak nito.
\v 11 Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito.
\v 12 Umaawit sila sa tamburin at alpa at nagagalak sa tugtog ng plauta.
\v 16 Tingnan ninyo, hindi ba nasa mga kamay nila ang kanilang kasaganaan? Wala akong gagawin sa payo ng masasamang tao.
\v 17 Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masasamang tao, o dumadating ang kapahamakan sa kanila? Gaano kadalas kinakalat ng Diyos ang kalungkutan sa kanila dahil sa kaniyang galit?
\v 18 Gaano sila kadalas nagiging katulad ng putol na halaman sa hangin o tulad ng ipa na tinatangay ng bagyo?
\v 19 Sinasabi ninyo, 'Nilalaan ng Diyos ang kasalanan ng tao para pagbayaran ng kaniyang mga anak'. Hayaan mo siyang pagbayaran ito mismo, para malaman niya kung ano ang kasalanan niya.
\v 20 Hayaan mong makita ng kaniyang mga mata ang sarili niyang pagkawasak, at hayaan mong inumin niya ang poot ng Makapangyarihan.
\v 21 Dahil ano ang pakialam niya sa kaniyang pamilya kapag naputol na ang kaniyang mga araw?
\v 8 Tingnan ninyo, pumupunta ako pasilangan, pero wala siya roon, at pumupunta ako pakanluran, pero hindi ko siya maramdaman.
\v 9 Sa hilaga, kung saan siya gumagawa, pero hindi ko siya makita, at sa timog, kung saan niya tinatago ang kaniyang sarili para hindi ko siya makita.
\v 1 Bakit hindi tinakda ng Makapangyarihan ang panahon ng paghahatol sa masasamang tao? Bakit hindi nakikita ng mga tapat sa Diyos ang paparating na panahon ng kaniyang paghuhukom?
\v 2 Mayroong mga masasama na tinatanggal ang mga hangganan ng tagamarka; mayroong mga masasama na pilit kinukuha ang mga kawan at nilalagay sa sarili nilang mga pastulan.
\v 3 Tinataboy nila ang alagang asno ng mga taong walang ama; kinukuha nila ang kapong baka ng balo bilang kasiguraduhan.
\v 4 Pinapalayas nila ang mga nangangailangan sa kanilang dinaraanan; tinatago ng mga mahihirap sa mundo ang sarili nila mula sa kanila.
\v 5 Tingnan ninyo, pumupunta ang mga mahihirap na ito sa kanilang trabaho gaya ng mga ligaw na asno sa ilang, maingat na naghahanap ng pagkain; marahil pagkakalooban sila ng pagkain ng Araba para sa kanilang mga anak.
\v 6 Umaani sa gabi ang mga mahihirap sa palayan ng ibang tao; namumulot sila ng mga ubas mula sa inani ng mga masasama.
\v 7 Buong gabi silang hubad na nakahiga nang walang damit; wala silang panakip sa lamig.
\v 8 Basa sila ng mga ambon ng mga bundok; nahihiga sila sa tabi ng malalaking bato dahil wala silang masisilungan.
\v 9 Mayroong masasama na kinukuha ang mga ulila mula sa dibdib ng kanilang ina, at masasamang tao na kinukuha ang mga bata bilang kasiguraduhan mula sa mga mahihirap.
\v 10 Pero naglilibot ang mga mahihirap nang walang damit; bagaman sila ay nagugutom, dinadala nila ang bungkos ng mga butil ng iba.
\v 11 Gumagawa ng langis ang mga mahihirap sa loob ng mga pader ng masasama. Tinatapakan nila ang pampiga ng ubas ng masasama, pero sila mismo ay nagdudusa ng kauhawan.
\v 12 Dumadaing ang mga tao sa lungsod, umiiyak ang mga sugatan, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
\v 15 Gayundin, inaabangan ng mata ng nakikiapid ang takipsilim, sinasabi niya, 'Walang mata ang makakakita sa akin'. Tinatago niya ang kaniyang mukha.
\v 16 Sa kadiliman ay nagbubungkal sa loob ng bahay ang mga masasama; pero kinukulong nila ang kanilang sarili sa araw; wala silang pakialam sa liwanag.
\v 17 Dahil ang umaga para sa kanilang lahat ay gaya ng makapal na kadiliman; maginhawa sila sa mga katakot-takot na mga bagay sa makapal na kadiliman.
\v 18 Pero, mabilis silang lumilipas gaya ng bula sa ibabaw ng mga tubig; may sumpa ang bahagi ng kanilang lupa; walang nagtatrabaho sa kanilang ubasan.
\v 19 Tinutupok ng tagtuyot at init ang tubig ng niyebe; gayundin nilalamon ng sheol ang mga nagkasala.
\v 20 Makakalimutan siya ng sinapupunang nagdala sa kaniya; matamis siyang kakainin ng mga uod, hindi na siya maaalala magpakailanman; sa ganitong paraan, mababali ang kasamaan gaya ng puno.
\v 21 Nilalamon ng masama ang mga baog na babae na kailanman ay hindi nanganak; wala siyang ginagawang mabuti sa balo.
\v 22 Pero tinatangay ng Diyos ang makapangyarihang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; bumabangon siya at hindi pinalalakas ang kanilang buhay.
\v 23 Hinahayaan ng Diyos na isipin nila na ligtas sila, at masaya sila roon, pero ang mata niya ay nasa kanilang mga kinikilos.
\v 24 Tinatanghal ang mga taong ito; pero, sa ilang sandali lamang, maglalaho sila; tunay nga, ibababa sila; titipunin sila gaya ng ilan; mapuputol sila gaya ng dulo ng butil ng palay.
\v 25 Kung hindi ito totoo, sino ang makapagpapatunay na sinungaling ako; sino ang makapagpapawalang-bisa ng aking mga salita?"
\v 13 Sa pamamagitan ng kaniyang hininga, pinagliwanag niya ang kalangitan mula sa mga bagyo; ang mga kalangitan ay pinagliwanag mula sa mga bagyo; sinaksak ng kaniyang kamay ang tumatakas na ahas.
\v 14 Tingnan mo, ang mga ito ay mga palawit lamang ng kaniyang mga pamamaraan; kay hinang bulong ang naririing natin mula sa kaniya! Sino ang makakaunawa sa kulog ng kaniyang kapangyarihan?
\v 3 Nagtatakda ang tao ng wakas sa kadiliman at hinahanap sa pinakamalayong hangganan, ang mga bato sa karimlan at makapal na kadiliman.
\v 4 Gumagawa siya ng isang hukay pangminahan malayo sa kung saan naninirahan ang mga tao, mga lugar na nalimutan ng kaninumang paa. Naglalambitin siya malayo sa ibang mga tao; pabalik-balik na umiindayog.
\v 7 Nang lumabas ako patungo sa tarangkahan ng lungsod, nang naupo ako sa aking lugar sa plasa,
\v 8 natanaw ako ng mga kabataang lalaki at pinanatili ang kanilang distansya mula sa akin bilang tanda ng paggalang, at ang mga matatanda ay tumindig at tumayo para sa akin.
\v 11 Dahil matapos akong marinig ng kanilang mga tainga, pagpapalain nila ako; matapos akong makita ng kanilang mga mata, nagpapatotoo sila at sumasang-ayon sa akin
\v 12 dahil dati ay sinasagip ko ang taong mahirap na sumisigaw, pati na ang lahat ng mga walang ama, na walang sinumang tutulong sa kaniya.
\v 13 Ang pagpapala ng taong malapit nang masawi ay dumarating sa akin; dinulot kong kumanta ang puso ng biyuda dahil sa kagalakan.
\v 23 Lagi nila akong hinihintay na parang paghintay nila sa ulan; ibinuka nila nang malaki ang kanilang bibig para inumin ang aking mga salita, gaya ng ginagawa nila para sa ulan sa panahon ng tag-araw.
\v 24 Ngumiti ako sa kanila nang hindi nila ito inasahan; hindi nila tinanggihan ang liwanag ng aking mukha.
\v 25 Pinili ko ang kanilang landas at umupo bilang kanilang hepe; namuhay akong tulad ng isang hari sa kaniyang hukbo, tulad ng isang umaaliw sa mga taong nagdadalamhati sa isang libing.
\v 1 Ngayon ang mga mas nakababata sa akin ay walang maidulot kundi pangungnutya sa akin - ang mga kabataang lalaking ito na ang mga ama ay gusto kong tanggihang magtrabaho katabi ng mga aso sa aking kawan.
\v 2 Tunay nga, ang lakas ng mga kamay ng kanilang mga ama - paano nito ako matutulungan - mga lalaki na kung saan ang lakas ng kanilang kaganapan sa gulang ay naglaho na?
\v 3 Sila ay mga payat dahil sa kahirapan at kagutuman, ngumangatngat sila sa tuyong lupa sa kadiliman ng ilang at kapanglawan.
\v 9 Pero ngayon, para sa kanilang mga anak, naging paksa ako ng isang kanta ng pangungutya; tunay nga, naging isang katatawanan ako sa kanila.
\v 10 Kinasusuklaman nila ako at hindi lumalapit sa akin; hindi sila nag-aatubiling dumura sa aking mukha.
\v 11 Dahil tinanggal ng Diyos ang lubid ng aking pana at pinahirapan ako, kaya sa harapan ko ay nawawala ang lahat ng pagpipigil sa sarili ng mga taong ito.
\v 14 Sinasalakay nila ako tulad ng isang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking butas sa pader ng lungsod; sa gitna ng pagkawasak gumulong sila sa akin.
\v 15 Nilukuban ako ng malaking takot; itinaboy ang aking karangalan na parang ng hangin; naglaho ang aking kasaganaan na parang isang ulap.
\v 24 Pero, wala bang umaabot ng kaniyang kamay para humingi ng tulong kapag siya ay bumabagsak? Wala bang nasa kaguluhan na nagmakaawa para sa tulong?
\v 25 Hindi ba ako umiyak para sa kaniya na nasa kaguluhan? Hindi ba ako nagdalamhati para sa taong nangangailangan?
\v 26 Nang naghanap ako ng kabutihan, ang dumating ay kasamaan; nang ako ay naghintay para sa liwanag, sa halip ay dumating ang kadiliman.
\v 7 kung nalihis mula sa tamang daan ang aking hakbang, kung sumunod ang aking puso sa aking mga mata, kung may anumang bahid ng karumihan ang dumikit sa aking mga kamay,
\v 8 kung gayon hayaang maghasik ako at hayaang ang iba ang kumain; tunay nga, hayaang bunutin ang ani mula sa aking bukid.
\v 16 Kung ipinagkait ko ang mga ninanais ng mga mahihirap, o kung idinulot ko na lumabo ang mga mata ng mga biyuda dahil sa pag-iyak,
\v 17 o kung kinain kong mag-isa ang aking pagkain at hindi pinayagang kumain din nito ang mga walang ama -
\v 18 (sa halip, mula sa aking pagkabata ang ulila ay lumaki kasama ko parang sa isang ama, at ginabayan ko ang kaniyang ina, isang biyuda, mula sa sinapupunan ng sarili kong ina) --
\v 33 kung, tulad ng sangkatauhan, itinago ko ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatago ng aking kasalanan sa loob ng aking tunika
\v 34 - dahil kinatakutan ko ang napakaraming tao, dahil lubha akong natakot sa paghamak ng mga pamilya, kung kaya't nanahimik ako at hindi lumabas ng aking bahay.
\v 35 O, kung mayroon lang sanang makikinig sa akin! Tingnan ninyo, narito ang aking lagda; hayaang sagutin ako ng Makapangyarihan! Kung nasa akin lang sana ang sakdal na isinulat ng aking kalaban!
\v 36 Tiyak na lantarang dadalhin ko ito sa aking balikat; isusuot ko ito nang tulad ng isang korona.
\v 37 Magpapahayag ako sa kaniya ng isang pagsusulit ng aking mga hakbang; gaya ng isang prinsipeng malakas ang loob, lalapitan ko siya.
\v 1 Kaya tumigil sa pagsagot kay Job ang tatlong mga lalaking ito dahil siya ay matuwid sa sarili niyang paningin.
\v 2 Pagkatapos sumiklab ang galit ni Elihu anak ni Baraquel, apo ni Bus ng pamilya ni Ram; sumiklab ito laban kay Job dahil binigyang katwiran niya ang kaniyang sarili sa halip na ang Diyos.
\v 6 Pagkatapos nagsalita si Elihu na anak ni Baraquel, apo ni Bus at sinabi, "Bata pa ako, at kayo ay napakatanda na. Iyon ang kung bakit nagpigil ako at hindi nangahas na sabihin sa inyo ang aking palagay.
\v 7 Sinabi ko, " Ang haba ng mga araw ay dapat magsalita; ang maraming mga taon ay dapat magturo ng karunungan.
\v 11 Tingnan ninyo, naghintay ako para sa inyong mga salita; nakinig ako sa inyong mga pangangatuwiran habang iniisip ninyo tungkol sa ano ang sasabihin.
\v 12 Tunay nga, nakinig akong mabuti sa inyo, pero, tingnan ninyo, wala isa man sa inyo ang makakumbinsi kay Job o makatugon sa kaniyang mga salita.
\v 23 Pero kung mayroong lamang na anghel na maaaring mamagitan para sa kaniya, isang tagapamagitan mula sa libi-libong mga anghel, para ipakita kung ano ang tamang gawin,
\v 24 at kung ang anghel ay mabait sa kaniya at sasabihin sa Diyos na, "Iligtas mo ang taong ito mula sa pagbaba sa hukay; nakahanap ako ng pangtubos para sa kaniya,
\v 27 Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, "Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
\v 28 Iniligtas ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa pagpunta sa hukay; patuloy na makikita ng aking buhay ang liwanag.'
\v 13 Sino ang nagtalaga sa kaniya na pamahalaan ang buong mundo? Sino ang naglagay ng buong daigdig sa kaniyang pamamahala?
\v 14 Kung itatakda lamang ng Diyos ang kaniyang layunin para sa kaniyang sarili, at kung iipunin niya pabalik para sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at kaniyang hininga,
\v 15 sama-samang mawawala ang lahat ng laman; babalik muli sa alabok ang sangkatauhan.
\v 18 Ang Diyos, na nagsasabi sa isang hari, "Ikaw a hamak", o sinasabi sa mga maharlika, 'Ikaw ay masama"?
\v 19 Hindi nagpapakita ang Diyos ng pagtatangi sa mga pinuno at hindi niya kinikilala ang mayayaman kaysa sa mahirap, dahil silang lahat ay ginawa ng kaniyang kamay.
\v 20 Sa isang sandali sila ay namatay; sa hating-gabi mayayanig ang mga tao at mamamatay; ang mga taong malalakas ay kukunin, pero hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao.
\v 21 Dahil ang mga mata ni Yahweh ay nakatuon sa pamumuhay ng tao; nakikita niya ang lahat ng hakbang niya.
\v 22 Walang kadiliman, walang makapal na karimlan ang makakapagtago sa kanilang sarili sa mga gumagawa ng kasalanan.
\v 23 Dahil hindi na kailangan ng Diyos na suriin pa nang maigi ang isang tao; hindi na kailangang pumunta ng sinuman sa harapan niya para sa paghuhukom.
\v 24 Winawasak niya nang pira-piraso ang mga malalakas na tao dahil ang kanilang mga pamumuhay ay hindi na kailangan pang suriin; naglalagay siya ng iba sa kanilang mga lugar.
\v 25 Sa paraang ito, mayroong siyang kaalaman sa kanilang mga ginagawa; binabagsak niya ang mga taong ito sa gabi; sila ay winasak.
\v 29 Kapag siya ay nanatiling tahimik, sino ang maaring magparatang sa kaniya? Kung itatago niya ang kaniyang mukha, sino ang maaring makakakilala sa kaniya? Namamahala siya sa lahat ng bansa at bawat tao,
\v 30 kaya hindi mamahala ang hindi maka-diyos, kaya walang ni isa ang mabibitag.
\v 31 Ipagpalagay natin na may taong nagsabi sa Diyos, "Tiyak akong may sala, pero hindi na ako magkakasala;
\v 32 ituro mo kung ano ang hindi ko nakikita; gumawa ako ng kasalanan, pero hindi ko na ito gagawin."
\v 33 Sa tingin mo parurusahan ng Diyos ang kasalanan ng taong iyon, dahil sa hindi mo gusto ang ginawa ng Diyos? Dapat kang mamili, hindi ako. Kaya sabihin mo ang iyong nalalaman.
\v 36 Dapat mailagay si Job sa paglilitis sa maliliit na detalye ng kaniyang kaso dahil nagsasalita siya gaya ng masasamang tao.
\v 37 Dahil nagdadagdag siya ng pagrerebelde sa kaniyang kasalanan; pinapalakpak niya ang kaniyang mga kamay para inisin kami sa aming kalagitnaan; nagsasabi siya ng mga salita laban sa Diyos."
\v 15 Paano pa kaya siya sasagot sa iyo kung sinasabi mo na kailanman hindi niya pinarurusahan ang sinuman dahil sa galit, at wala siyang pakialam sa kayabangan ng mga tao.
\v 16 Kaya binubuksan lang ni Job ang kaniyang bibig para lamang magsalita ng kahangalan; marami siyang sinasabi na walang kaalaman."
\v 2 "Hayaan mong magsalita ako nang kaunti pa, at ipakikita ko sa iyo ang ilang mga bagay dahil may konti pa akong sasabihin para ipagtanggol ang Diyos.
\v 3 Marami akong nakuhang karunungan mula sa malayo; kinilala ko ang katuwiran ng aking Manlilikha.
\v 15 Inililigtas ng Diyos ang mga taong naghihirap sa pamamagitan ng kahirapan; binubuksan niya ang kanilang mga tainga sa pamamagitan ng pang-aapi sa kanila.
\v 16 Tunay nga na gusto niyang tanggalin ka mula sa pagkabalisa tungo sa malawak na lugar kung saan walang paghihirap at kung saan nakahanda ang iyong hapag na puno ng pagkain na maraming taba.
\v 4 Isang tinig ang dumadagundong pagkatapos nito; kumulog ang kaniyang maluwalhating tinig; hindi niya pinipigilan ang mga kidlat kapag narinig ang kaniyang tinig.
\v 5 Kahanga-hangang kumukulog ang tinig ng Diyos; gumagawa siya ng mga kadakilaan na hindi natin maunawaan.
\v 6 Sabi niya sa niyebe, "Mahulog ka sa lupa'; gaya sa ambon, 'Maging isang malakas na pagbuhos ng ulan.'
\v 12 Pinaikot niya ang mga ulap sa pamamagitan ng kaniyang gabay, para magawa nila ang kahit anong inuutos niya mula sa ibabaw ng buong daigdig.
\v 13 Ginawa niya ang lahat ng ito na mangyari; minsan nangyayari ito para sa pagtatama, minsan para sa lupain, at minsan bilang mga pagkilos sa katapatan sa tipan.
\v 18 Kaya mo bang palawakin ang himpapawid gaya ng ginawa niya - ang himpapawid, na kasing tibay ng salaming bakal?
\v 19 Turuan mo kami kung ano ang sasabihin namin sa kaniya, dahil hindi namin matanto ang aming mga katuwiran dahil sa kadiliman ng aming mga pag-iisip.
\v 20 Dapat ko bang sabihin sa kaniya na nais kung makausap siya? Sinong tao ang nais malulon?
\v 10 Iyon ay noong nilagyan ko ng tanda ang hangganan ng dagat, at naglagay ako ng mga rehas at mga pinto,
\v 11 at nang sinabi ko dito, 'Maari kang pumunta hanggang dito, pero hanggang dito lamang; dito ko ilalagay ang hangganan ng pagmamalaki ng iyong mga alon.'
\v 12 Binuksan mo na ba, buhat noong nagsimula ang iyong mga araw, na magbigay ng utos na magsimula ang umaga, at idulot ang bukang-liwayway na malaman ang lugar nito sa takbo ng mundo,
\v 13 para mahawakan nito ang mga dako ng mundo para yanigin ang mga masasamang tao?
\v 14 Nagbago ang anyo ng mundo gaya ng luwad na nagbabago sa ilalim ng tatak; nangingibabaw ang lahat ng naroroon gaya ng mga tiklop na piraso ng damit.
\v 15 Mula sa masasamang tao ang kanilang 'liwanag' ay kinuha; sinira ang nakataas nilang braso.
\v 1 Alam mo ba kung anong panahon ipinapanganak ng ligaw na kambing sa mga bato ang kaniyang anak? Kaya mo bang pagmasdan ang mga usa habang ipinapanganak nila ang mga batang usa?
\v 2 Kaya mo bang bilangin ang mga buwan na sila ay nagbubuntis? Alam mo ba ang panahon na kanilang dinadala ang kanilang mga anak?
\v 24 Nilulunok niya ang lupa nang may bagsik at matinding galit; sa tunog ng trumpeta, hindi siya makatayo sa isang lugar.
\v 25 Tuwing tutunog ang trumpeta, sinasabi niyang, 'Aha!' Naaamoy niya ang labanan sa malayo— ang dumadagundong na mga sigaw ng mga kumander at mga hiyawan.
\v 22 Tinatakpan siya ng mga halamang tubig gamit ang kanilang lilim; ang mga puno sa batis ay nakapaligid sa kaniya.
\v 23 Tingnan mo, kung umapaw ang ilog sa mga pampang nito, hindi siya nanginginig; panatag siya, kahit na ang Ilog Jordan ay umapaw hanggang sa nguso niya.
\v 24 Kaya ba ng sinuman na hulihin siya gamit ang isang kawit, o butasin ang ilong niya gamit ang patibong?
\v 28 Hindi siya mapapatakbo ng palaso; sa kaniya ang mga bato ng tirador ay nagiging ipa.
\v 29 Ang mga pamalo ay parang dayami; pinagtatawanan niya ang sumusuray na paglipad ng sibat.
\v 30 Ang kaniyang mga pambabang bahagi ay tulad ng mga matatalim na piraso ng basag na palayok; iniiwan niya ang malaking bakas sa putik na para siyang karetang giikan.
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job kay Yahweh at sinabing,
\v 2 "Alam kong kaya mong gawin ang lahat ng bagay, na wala kang layunin na mapipigilan.
\v 3 Tinanong mo ako, 'Sino ba itong walang nalalaman na nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano?' Kaya sinabi ako ang mga bagay na hindi ko naintindihan, mga bagay na napakahirap para maunawaan ko, na hindi ko alam.
\v 7 Mangyaring pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Yahweh kay Elifaz ang Temaneo, "Ang aking poot ay sumiklab laban sa iyo at laban sa dalawa mong kaibigan dahil hindi ninyo sinabi ang mga katotohanan tungkol sa akin katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
\v 8 Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa, pumunta kayo sa aking lingkod na si Job, at mag-alay ng handog na susunugin. Ang aking lingkod na si Job ay ipapanalangin kayo, at tatanggapin ko ang kaniyang panalangin, para hindi ko kayo parusahan dahil sa inyong kamangmangan. Hindi ninyo sinabi ang totoo tungkol sa akin, katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job."
\v 9 Kaya sila Elifaz ang Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar ang Naamita ay umalis at ginawa kung ano ang inutos ni Yahweh sa kanila, at tinanggap ni Yahweh si Job.
\v 10 Nang ipinanalangin ni Job ang kaniyang mga kaibigan, ibinalik ni Yahweh ang yaman niya. Binigay ni Yahweh ang doble ng kung ano ang pag-aari niya dati.
\v 11 Pagkatapos lahat ng kapatid na lalaki ni Job, at lahat ng kaniyang kapatid na babae, at lahat silang naging kasama niya dati—pumunta sila sa kaniya at kumain sa bahay niya. Nakidalamhati sila sa kaniya at inaliw siya dahil sa lahat ng mga sakuna na dinala sa kaniya ni Yahweh. Ang bawat isa ay binigyan si Job ng piraso ng pilak at gintong singsing.
\v 12 Mas pinagpala ni Yahweh ang huling bahagi ng buhay ni Job kaysa sa una; nagkaroon siya ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, isang libong pamatok ng baka, at isang libong babaeng asno.
\v 13 Nagkaroon din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
\v 14 Pinangalanan niya ang unang anak na babae na Jemima, ang pangalawa Kezia, at ang pangatlo Keren-hapuc.
\v 15 Sa buong lupain, walang babae ang matatagpuang kasing ganda ng mga anak ni Job. Binigyan sila ni Job ng pamana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki.
\v 16 Pagkatapos nito, nabuhay pa si Job ng 140 taon; nakita niya ang kaniyang mga anak na lalaki at ang mga anak ng mga anak niya, hanggang sa apat na salinlahi.
\v 17 Pagkatapos namatay si Job, sa katandaan at puspos ng mga kaarawan.