tl_ulb/67-REV.usfm

839 lines
75 KiB
Plaintext
Raw Blame History

This file contains invisible Unicode characters

This file contains invisible Unicode characters that are indistinguishable to humans but may be processed differently by a computer. If you think that this is intentional, you can safely ignore this warning. Use the Escape button to reveal them.

\id REV
\ide UTF-8
\h Pahayag
\toc1 Pahayag
\toc2 Pahayag
\toc3 rev
\mt Pahayag
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang kapahayagan ni Jesu-Cristo na ibinigay sa kaniya ng Diyos para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit nang maganap. Ipinaalam niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaniyang anghel sa kaniyang lingkod na si Juan.
\v 2 Pinatotohanan ni Juan ang lahat ng kaniyang nakita tungkol sa salita ng Diyos at sa patotoong ibinigay tungkol kay Jesu-Cristo.
\v 3 Pinagpala ang bumabasa ng malakas-- at ang lahat ng nakikinig --sa mga salita ng propesiyang ito at sumunod sa nakasulat dito, dahil ang panahon ay malapit na.
\s5
\v 4 Si Juan,  para sa pitong iglesia sa Asya:  Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa kaniya na siya,  at siyang noon,  at siyang darating,  at mula sa pitong espiritu na nasa harap ng kaniyang trono,
\v 5 at mula kay Jesu-Cristo, siyang matapat na saksi, ang panganay sa mga patay, at ang tagapamahala ng mga hari sa mundo. Sa kaniya na umiibig sa atin, at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo,
\v 6 ginawa niya tayong isang kaharian, mga pari sa Diyos at kaniyang Ama--sa kaniya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan pa man. Amen.
\s5
\v 7 Tingnan mo, siya ay dumarating kasama ng mga ulap; bawat mata ay makikita siya, maging ang mga taong pumako sa kaniya. At ang lahat ng lipi sa lupa ay magluluksa para sa kaniya. Oo, Amen.
\v 8 "Ako ang Alpa at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, "ang isa na, at siyang noon, at siya na darating, ang Makapangyarihan."
\s5
\v 9 Ako, si Juan--inyong kapatid at ang isang nakikibahagi sa inyo sa paghihirap at kaharian at matiyagang pagtitiis iyon ay si Jesus--ay nasa isla na tinatawag na Patmos dahil sa salita ng Diyos at patotoo tungkol kay Jesus.
\v 10 Ako ay nasa Espiritu sa araw ng Panginoon. Narinig ko ang isang malakas tulad ng isang trumpeta sa aking likuran.
\v 11 Ito ay sinabi: "Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakita at ipadala ito sa pitong mga iglesia--sa Efeso, sa Smirna, sa Pergamo, sa Tiatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea."
\s5
\v 12 Lumingon ako para makita kung kanino ang tinig na kumakausap sa akin, sa aking paglingon, nakita ko ang pitong gintong ilawan.
\v 13 Sa gitna ng mga ilawan ay mayroong isang katulad ng Anak ng Tao, suot ang isang mahabang balabal na abot pababa sa kaniyang mga paa, at isang gintong sinturon na nakapalibot sa kaniyang dibdib.
\s5
\v 14 Ang kaniyang ulo at buhok ay kasing-puti ng lana, kasing-puti ng niyebe, at ang kaniyang mga mata ay tulad ng ningas ng apoy.
\v 15 Ang kaniyang mga paa ay tulad ng pinakintab na tanso, tulad ng tanso na pinino sa isang pugon, at ang kaniyang tinig ay tulad ng tunog ng maraming umaagos na tubig.
\v 16 Sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin at lumalabas mula sa kaniyang bibig ang isang matalas na magkabilang talim na espada. Ang kaniyang mukha ay nagniningning tulad ng matinding sikat ng araw.
\s5
\v 17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan tulad ng isang lalaking patay. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa akin at sinabi, "Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli,
\v 18 at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades.
\s5
\v 19 Kaya isulat mo ang lahat ng iyong nakita, ano ang ngayon, at ang magaganap pagkatapos nito.
\v 20 Patungkol sa nakatagong kahulugan tungkol sa pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ang pitong mga gintong ilawan: ang pitong bituin ay ang mga angel ng pitong iglesia, at ang pitong ilawan ay ang pitong mga iglesia."
\s5
\c 2
\p
\v 1 Sa anghel ng iglesia sa Efeso isulat: 'Ito ang mga salita ng isang may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay.' Ang isa na siyang lumakad sa gitna ng pitong mga gintong ilawan sinasabi ito,
\v 2 "Alam ko ang inyong ginawa at ang inyong mahirap na trabaho at ang inyong matiyagang pagtitiis, at hindi ninyo matiis ang mga kasaman at inyong sinubok ang mga umaangkin na sila ay mga apostol, pero hindi, at nakita ninyo na sila ay hindi totoo.
\s5
\v 3 Alam ko na mayroon kayong matiyagang pagtitiis, at marami na kayong pinagdaanan dahil sa aking pangalan, at hindi kayo lumagong pagod.
\v 4 Pero ito ang ayaw ko laban sa inyo--iniwan ninyo ang inyong unang pag-ibig.
\v 5 Kaya tandaan ninyo kung saan kayo nahulog. Magsisi kayo at gawin ninyo ang mga bagay na ginawa ninyo sa una. Malibang kayo ay magsisi, Ako ay darating sa iyo at aalisin ko ang ilawan mula sa kinalalagyan nito.
\s5
\v 6 Pero kayo ay mayroon nito--kinapopootan ninyo ang mga ginawa ng mga Nicolaita, na kinapopootan ko rin.
\v 7 Kung mayroon kayong tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isang na siyang nakalupig pahihintulutan ko na kumain mula sa puno ng buhay, na nasa paraiso ng Diyos.'
\s5
\v 8 Sa anghel ng iglesia ng Smirna isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang una at ang huli--siyang namatay at siyang muling nabuhay:'
\v 9 "Alam ko ang inyong mga pagdurusa at inyong kahirapan (pero kayo ay mayaman), at ang paninirang-puri ng mga nagsasabing sila ay mga Judio (pero sila ay hindi--sila ay isang sinagoga ni Satanas).
\s5
\v 10 Huwag katakutan ang tungkol sa pagdurusahan ninyo. Tingnan mo! Ihahagis ng diyablo ang ilan sa inyo sa kulungan para kayo ay subukin, at magdurusa kayo ng sampung araw. Maging tapat kayo hanggang kamatayan, at ibibigay ko sa inyo ang korona ng buhay.
\v 11 Kung kayo ay may tainga, makinig kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang isa na siyang nakalupig ay hindi masasaktan sa pamamagitan ng ikalawang kamatayan.
\s5
\v 12 Sa anghel ng iglesia ng Pergamo isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang may matalas na may magkabilang talim na espada:'
\v 13 "Alam ko kung saan kayo nakatira -- kung nasaan ang trono ni Satanas. Gayon man mahigpit ninyong pinanghahawakan ang aking pangalan at hindi ninyo itinanggi ang inyong pananampalataya sa akin, kahit sa mga araw ni Antipas na aking saksi, aking matapat, na pinatay sa inyong kalagitnaan, doon nakatira si Satanas.
\s5
\v 14 Pero mayroon akong mga ilang bagay na laban sa inyo: Mayroon ilan sa inyo na mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ni Balaam, na nagturo kay Balak para ihagis ang isang hadlang sa harap ng mga anak ni Israel, sa gayon makakakain sila ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at maging sekswal na imoralidad.
\v 15 Sa parehong paraan, may ilan din sa inyo na siyang mahigpit na pinanghahawakan ang katuruan ng mga Nicolaita.
\s5
\v 16 Kaya magsisi kayo! Kung hindi, darating ako sa inyo nang hindi magtatagal, at ako ay gagawa ng digmaan laban sa kanila gamit ang espada na lumalabas sa aking bibig.
\v 17 Kung mayroon kayong tainga, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Sa isa na siyang nakalupig, ibibigay ko ang ilang nakatagong manna, at ibibigay ko ang isang puting bato na may isang bagong pangalan na nakasulat sa bato, isang pangalan na walang kahit isang nakakaalam kundi ang isa na siyang tumanggap nito.
\s5
\v 18 Sa anghel ng iglesia ng Tiatira isulat: 'Ito ang mga salita ng Anak ng Diyos, na may mga mata na katulad ng ningas ng apoy at mga paa na gaya ng pinakintab na tanso:'
\v 19 "Alam ko ang inyong mga ginawa -- ang inyong pag-ibig, at panananampalataya, at paglilingkod, at ang inyong matiyagang pagtitiis at ang inyong mga ginawa kamakailan ay higit pa kaysa mga ginawa ninyo sa una.
\s5
\v 20 Pero mayroon akong laban sa inyo: pinahihintulutan ninyo ang babaeng si Jezebel, na tinatawag ang sarili niyang isang propeta. Sa pamamagitan ng kaniyang katuruan ay nililinlang niya ang aking mga lingkod na gumawa ng mga sekswal na imoralidad at kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan.
\v 21 Binigyan ko siya ng oras para magsisi pero hindi maluwag sa kaniyang kalooban na magsisi sa kaniyang imoralidad.
\s5
\v 22 Bantayan ninyo! Ihahagis ko siya sa isang banig ng karamdaman, at ang mga gumawa ng pangangalunya kasama niya sa matinding pagdurusa, malibang sila ay magsisi sa anumang ginawa niya.
\v 23 Hahampasin ko ang kaniyang mga anak hanggang mamatay, at ang lahat ng mga iglesia ay malalaman na ako ang siyang sumisiyasat sa mga kaisipan at mga nasain. Ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong ginawa.
\s5
\v 24 Pero sa iba sa inyo sa Tiatira, sa lahat ng hindi pinanghahawakan ang katuruang ito, at hindi alam ang tinatawag ng iba na malalalim na mga bagay ni Satanas -- sinasabi ko sa inyo, "hindi ko inilagay sa inyo ang anumang ibang pasanin.'
\v 25 Sa anumang kalagayan, dapat kayong humawak nang mahigpit hanggang ako ay dumating.
\s5
\v 26 Ang isa na siyang nakalupig at siyang gumagawa ng mga ginawa ko hanggang sa huli, sa kaniya ko ibibigay ang kapangyarihan sa ibabaw ng mga bansa.
\v 27 Siya ay mamumuno sa kanila gamit ang tungkod na bakal, sila ay dudurugin niya gaya ng mga palayok.'
\v 28 Gaya ng aking tinanggap mula sa aking Ama, ibibigay ko rin sa kaniya ang bituin sa umaga.
\v 29 Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espirito sa mga iglesia.
\s5
\c 3
\p
\v 1 "Sa anghel ng iglesya ng Sardis isulat: 'Ang mga salita ng isa na siyang hawak ang pitong mga espiritu ng Diyos at ng pitong mga bituin. "'Alam ko ang inyong ginawa. Mayroon kayong isang dangal na kayo ay buhay, pero kayo ay patay.
\v 2 Gumising at palakasin ninyo ang natitira, pero malapit ng mamatay, dahil hindi ko natagpuan ang inyong mga gawa na ganap sa paningin ng Diyos.
\s5
\v 3 Kaya tandaan, kung ano ang inyong tinanggap at narinig. Sundin ito, at magsisi. Pero kung hindi kayo gigising, darating ako na parang isang magnanakaw, at hindi ninyo malalaman kung anong oras ako darating laban sa inyo.
\v 4 Pero may ilang mga pangalan ng mga tao sa Sardis na hindi dinumihan ang kanilang mga damit. Lalakad silang kasama ko, nakadamit ng puti, dahil sila ay karapat-dapat.
\s5
\v 5 Ang isa na siyang nakalupig ay susuotan ng puting damit, at hindi ko kailanman buburahin ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay, at sasabihin ko ang kaniyang pangalan sa harap ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel.
\v 6 Kung mayroon kayong tainga, pakinggan kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
\s5
\v 7 "Sa anghel ng iglesya ng Filadelfia isulat: Ang mga salita ng isa na siyang banal at tunay -- hawak niya ang susi ni David, binubuksan niya at walang isang makapagsasara, sinasara niya at walang sinuman ang maaaring magbukas.
\v 8 Alam ko ang inyong ginawa. Tingnan ninyo, Inilagay ko sa inyong harap ang isang pintuang bukas na walang sinuman ang maaaring ikulong. Alam kong mayroon kayong kaunting kalakasan, gayunman sinunod ninyo ang aking salita at hindi itinanggi ang aking pangalan.
\s5
\v 9 Bantayan ninyo! Sila na siyang nabibilang sa sinagoga ni Satanas, sila na siyang nagsabing na sila ay mga Judio pero hindi, -- sa halip sila ay nagsisinungaling. Palalapitin ko sila at payuyukuin ko sa harap ng inyong mga paa, at malalaman nila na minahal ko kayo.
\v 10 Yamang pinanatili ninyo ang aking utos na matiyagang pagtitiis. Iingatan ko rin kayo mula sa oras ng pagsubok na darating sa buong mundo, para subukin sila na siyang nakatira sa mundo.
\v 11 Ako ay malapit nang dumating. Mahigpit na panghawakan kung anong mayroon kayo kaya walang sinuman ang maaaring mag-alis ng inyong korona.
\s5
\v 12 Gagawin kong isang haligi sa templo ng aking Diyos ang isa na siyang nakalupig, at hindi na siya kailanman lalabas dito. Isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Diyos, ang pangalan ng lungsod ng aking Diyos (ang bagong Jerusalem, na bumababa sa langit mula sa aking Diyos), at ang aking bagong pangalan.
\v 13 Ang isa na siyang may tainga, hayaan siyang makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
\s5
\v 14 Sa anghel ng iglesya sa Laodicea isulat: 'Ang mga salita ng Amen, ang maaasahan at totoong saksi, ang tagapamahala sa nilikha ng Diyos.
\v 15 Alam ko kung ano ang inyong ginawa, at kayo na sinumang malamig o mainit. Nais ko na kayo ay maging malamig ni mainit!
\v 16 Kaya, dahil kayo ay maligamgam -- ni mainit o malamig -- malapit ko na kayong isuka buhat sa aking bibig.
\s5
\v 17 Dahil sinabi mo, "Mayaman ako, marami akong materyal na pag-aari, at wala akong pangangailangan." Pero hindi mo alam na ikaw ang pinakamalungkot, kaawa-awa, dukha, bulag at hubad.
\v 18 Pakinggan ang aking payo: Bumili ka mula sa akin ng gintong pinino sa pamamagitan ng apoy kaya maaari kang maging mayaman, at makinang na mga puting damit kaya maaari mong damitan ang iyong sarili at hindi makikita ang kahihiyan ng iyong kahubaran, at papanatag para pahiran ang iyong mga mata kaya maaari kang makakita.
\s5
\v 19 Bawat isa na mahal ko ay sinasanay ko at tinuturuan sila paano dapat mamuhay. Kaya, maging masigasig at magsisi.
\v 20 Tingnan ninyo, ako ay nakatayo sa may pinto at kumakatok. Kung sinuman ang nakaririnig sa aking tinig at nagbubukas ng pinto, papasok ako sa kaniyang tahanan at kakain kasama niya, at siya sa akin.
\s5
\v 21 Ang isa na siyang nakalupig, bibigyan ko ng karapatang umupo kasama ko sa aking trono, gaya nang ako ay nakalupig at umupo kasama ng aking Ama sa kaniang trono.
\v 22 Kung mayroon kang tainga, makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Pagkatapos makita ko ang mga bagay na ito at nakita ko na may isang pintuang bumukas sa langit. Ang unang tinig, ay nangungusap sa akin gaya ng isang trumpeta, sinabi, "Umakyat ka dito at ipapakita ko sa iyo kung anong dapat mangyari pagkatapos ng lahat ng mga bagay na ito.
\v 2 Agad akong nasa Espiritu, at nakita ko ang isang trono na inilagay sa langit, na may isang tao na nakaupo dito.
\v 3 Ang isa na siyang nakaupo dito ay parang batong jaspe at kornalina. May isang bahaghari sa palibot ng trono. Ang bahaghari ay katulad ng isang esmeralda.
\s5
\v 4 Sa paligid ng trono ay may dalawampu't apat na mga trono, at nakaupo sa mga trono ay ang dalawampu't apat na mga nakatatanda, bihis ng mga puting damit, may gintong mga korona sa kanilang mga ulo.
\v 5 Mula sa trono dumating ang bulos ng kidlat, mga dagundong at mga lagapak ng kulog. Nag aapoy ang pitong ilawan sa harapan ng trono, mga ilawan ng pitong espiritu ng Diyos.
\s5
\v 6 Sa harapan din ng trono ay mayroon isang dagat, kasing linaw ng kristal. Lahat ng palibot ng trono ay may apat na buhay na mga nilalang, puno ng mga mata sa harapan at likod.
\s5
\v 7 Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng isang leon, ang ikalawang buhay na nilalang ay katulad ng isang guya, ang ikatlong buhay na nilalang ay may isang mukha ng isang tao at ang ikaapat na buhay na nilalang ay katulad ng isang lumilipad na agila.
\v 8 Ang bawat isa sa apat na buhay na mga nilalang ay mayroong anim na mga pakpak, puno ng mga mata sa tuktok at sa ilalim. Gabi at araw hindi sila tumigil sa pagsasabing, "Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos, ang namumuno sa lahat, siyang noon, at siyang ngayon, at siyang darating.
\s5
\v 9 Kapag ang buhay na mga nilalang ay nagbigay ng kaluwalhatian, karangalan at pasasalamat sa isa na siyang nakaupo sa trono, sa isa na siyang nabubuhay magpakailan pa man,
\v 10 ang dalawampu't apat na nakatatanda ay nagpatirapa sa harap ng isang nakaupo sa trono. Yumuko sila sa isang nabubuhay ng walang hanggan at magpakailan pa man, at inihagis nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, sinasabing,
\v 11 "Karapat-dapat ka, aming Panginoon at aming Diyos, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan. Dahil nilikha mo ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila ay nabuhay at nilikha.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Pagkatapos nakita ko sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono, isang balumbon na nakasulat sa harapang panig at sa likurang panig, at sinelyuhan ng pitong selyo.
\v 2 Nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na naghahayag ng may malakas ng tinig, "Sino ang karapat-dapat magbukas ng balumbon at sirain ang mga selyo nito?"
\s5
\v 3 Walang sinuman sa langit o sa lupa o sa ilalim ng lupa ang kayang buksan ang balumbon o basahin ito.
\v 4 Maramdamin akong umiyak dahil walang sinuman ang nakatagpo na karapat-dapat para buksan ang balumbon o basahin ito.
\v 5 Pero sinabi sa akin ng isa sa mga nakatatanda, "Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang Leon sa lipi ng Juda, ang Ugat ni David, ay nalupig, at kaya niyang buksan ang balumbon at ang mga selyo nito."
\s5
\v 6 Sa pagitan ng trono at ng apat na buhay na mga nilalang at sa kalagitnaan ng mga nakatatanda, nakita ko ang isang Kordero na nakatayo, nagmamasid na kahit siya ay pinatay. Mayroon siyang pitong mga sungay at pitong mga mata -- ito ay ang pitong espiritu ng Diyos na ipinadala sa lahat ng dako ng lupa.
\v 7 Pumunta siya at kinuha ang balumbon mula sa kanang kamay ng isa na siyang nakaupo sa trono.
\s5
\v 8 Nang nakuha niya ang balumbon, ang apat na buhay na nilalang at ang dalawampu't apat na nakatatanda ay inihiga ang kanilang mga sarili sa lupa sa harap ng Kordero. Ang bawat isa sa kanila ay may isang alpa at isang gintong mangkok na puno ng insenso -- kung saan ang mga panalangin ng mga mananampalataya.
\s5
\v 9 Umawit sila ng bagong awit: "Ikaw ay karapat-dapat kumuha ng balumbon at buksan ang mga selyo nito. Dahil ikaw ay pinatay at sa pamamagitan ng iyong dugo, binili mo ang mga tao para sa Diyos mula sa bawat lipi, wika, mga tao, at bansa.
\v 10 Ginawa mo silang isang kaharian at mga pari para maglingkod sa ating Diyos at sila ay maghahari sa mundo.
\s5
\v 11 Pagkatapos nakita ko at narinig ang tunog ng maraming mga anghel sa palibot ng trono, -- ang kanilang bilang ay 200, 000, 000 -- at ang mga buhay na nilalang at mga nakatatanda.
\v 12 Kanilang sinabi sa malakas na tinig, "Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, kayamanan, karunungan, kalakasan, karangalan, kaluwalhatian at kapurihan."
\s5
\v 13 Narinig ko bawat bagay na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat -- lahat ng bagay sa kanila -- sinasabing: "Sa kaniya na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero, ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan para mamahala, magpakailan pa man.
\v 14 Ang apat na buhay na nilalang ay sinabing' "Amen" at ang mga nakatatanda ay humiga at sumamba.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Tumingin ako nang buksan ng Kordero ang isa sa pitong mga selyo, at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na sinabi sa tinig na gaya ng tunog ng kulog, "Halika!"
\v 2 Tumingin ako at naroon ang isang puting kabayo! Ang nakasakay ay may hawak na pana, at binigyan siya ng isang korona. Siya ay lumabas bilang isang manlulupig para manakop.
\s5
\v 3 Nang buksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na sinabi, "Halika!"
\v 4 Pagkatapos lumabas ang isa pang kabayo--maningas na pula. Sa sakay nito ay ibinigay ang pahintulot na alisin ang kapayapaan mula sa lupa, kaya itong ang mga tao ay magnais na patayin ang isa't isa. Binigyan ang sakay ng isang malaking espada.
\s5
\v 5 Nang buksan ng Kordero ang ikatlong seal, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na sinabi, "Halika!" Nakita ko ang isang kabayong itim, ang sakay ay may hawak na pares ng timbangan sa kaniyang kamay.
\v 6 Narinig ko ang tinig parang mula sa gitna ng apat ng buhay na nilalang, sinabi, "Isang takal ng trigo para sa isang dinaryo at tatlong takal ng sebada para sa isang dinario. Pero huwag mong ipahamak ang alak at langis."
\s5
\v 7 Nang buksan ng Kordero ang ika-apat na selyo, narinig ko ang ika-apat na buhay na nilalang na sinabi, "Halika!"
\v 8 Pagkatapos nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang sakay dito ay pinangalanang Kamatayan at sumusunod sa kaniya ang hades. Sila ay binigyan ng kapangyarihan sa ibabaw ng isang ika-pat sa lupa, para patayin gamit ang espada, kagutuman at karamdaman at sa pamamagitan ng mga mababangis na hayop sa lupa.
\s5
\v 9 Nang buksan ng Kordero ang ikalimang selyo, nakita ko sa ilalim ng altar ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Diyos at sa kanilang patotoo na pinanghawakan nila nang buong pananalig.
\v 10 Umiyak sila nang may malakas na tinig, "Gaano katagal, Tagapamahala sa ibabaw ng lahat, banal at totoo, hanggang hatulan mo ang mga nabubuhay sa lupa, at hanggang ipaghiganti mo ang aming dugo?
\v 11 Pagkatapos bawa't isa sa kanila ay binigyan ng puting damit, at sila ay sinabihan na dapat silang maghintay ng kaunti hanggang ang lubos na bilang ng kapwa nila mga lingkod at mga kapatid na lalaki at babae ay abutin siyang patayin, na gaya nilang pinatay.
\s5
\v 12 Nang buksan ng Kordero ang ika-anim na selyo, nagmasid ako, at nagkaroon ng malakas na lindol. Ang araw ay naging kasing itim ng sako. At ang kabilugan ng buwan ay naging parang dugo.
\v 13 Ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa, tulad ng puno ng igos na ang mga bunga ay nahuhulog sa panahon ng taglamig kapag inihip ng malakas na hangin.
\v 14 Naglaho ang langit tulad ng balumbong nirolyo ng pataas. Bawat bundok at isla ay nalipat sa kanilang mga kinalalagyan.
\s5
\v 15 Pagkatapos ang mga hari sa lupa at ang mahahalagang tao, at ang mga heneral, ang mayaman, ang makapangyarihan, at iba pa, alipin at malaya, nagtago sa mga kuweba at sa kalagitnaan ng mga bato sa kabundukan.
\v 16 Tabunan kami! Itago mo kami mula sa mukha niya na siyang nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero."
\v 17 Dahil darating ang dakilang araw ng kanilang poot, at sino ang makakayang tumayo?"
\s5
\c 7
\p
\v 1 Pagkatapos nito nakita ako ng apat na angel nakatayo sa apat na sulok ng lupa, mahigpit na hinahawakan ang apat na hangin sa lupa kaya dapat walang umihip na hangin sa lupa, sa dagat at laban sa anumang puno.
\v 2 Nakita ko ang isa pang anghel na dumarating mula sa silangan, na taglay ang selyo ng buhay na Diyos. Sumigaw siya nang may malakas na tinig sa apat na anghel na binigyan ng pahintulot na pinsalain ang lupa at dagat. "
\v 3 Huwag ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga puno, hanggang lagyan na namin ng isang tatak ang mga noo ng lingkod ng ating Diyos."
\s5
\v 4 Narinig ko ang bilang ng siyang mga natatakan: 144, 000, siyang mga natatakan mula sa bawat lipi ng bayan ng Israel:
\v 5 12, 000 mula sa lipi ni Juda ay natatakan, 12, 000 mula sa lipi ni Ruben, 12, 000 mula sa lipi ni Gad,
\v 6 12, 000 mula sa lipi ni Asher, 12, 000 mula sa lipi ni Neftali, 12, 000 mula sa lipi ni Manases.
\s5
\v 7 12, 000 mula sa lipi ni Simeon, 12000 mula sa lipi ni Levi, 12, 000 mula sa tlipi ni Isacar.
\v 8 12, 000 mula sa lipi ni Zebulun, 12, 000 mula sa lipi ni Jose at 12, 000 mula sa lipi ni Benjamin ay natatakan.
\s5
\v 9 Pagkatapos makita ko ang mga ito, at mayroong isang malaking maraming tao na walang sinuman ang makabilang -- mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika -- nakatayo sa harap ng trono sa harapan ng Kordero. Nakasuot sila ng puting mga balabal at hawak ang mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay,
\v 10 at sila ay sumisigaw ng may malakas na tinig: "Ang kaligtasan ay pagmamay-ari ng ating Diyos, siya na nakaupo sa trono, at ng Kordero!"
\s5
\v 11 Ang lahat ng mga anghel ay nakatayo sa paligid ng trono, at sa paligid ng mga matatanda at ng apat na buhay na mga nilalang, at sila ay humiga sa lupa, at inilapat ang kanilang mga mukha sa lupa sa harap ng trono at sumamba sila sa Diyos,
\v 12 na nagsasabing, "Amen! Papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan ay sumaating Diyos magpakailan pa man. Amen!"
\s5
\v 13 Pagkatapos isa sa mga matatanda ay nagtanong sa akin: "Sino ang mga ito, nadaramitan ng puting mga kasuotan, at saan sila nagmula?"
\v 14 Sinabi ko sa kaniya, "Alam po ninyo, ginoo," at sinabi niya sa akin, "Sila ang mga nagmula sa Dakilang Pag-durusa. Hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan at naging maputi dahil sa dugo ng Kordero."
\s5
\v 15 Dahil sa ganitong dahilan, sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos at sumasamba sila araw at gabi sa kaniyang templo. Siya na siyang nakaupo sa trono, ay maglalatag ng tolda sa ibabaw nila.
\v 16 Hindi na sila magugutom muli, ni sila ay mauuhaw muli. Hindi sila masasaktan sa araw ni anumang nasusunog na init.
\v 17 Dahil ang Kordero na nasa gitna ng trono ay kanilang magiging pastol, at gagabayan niya sila patungo sa bukal na tubig ng buhay, papahirin ng Diyos ang bawat luha mula sa kanilang mga mata."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Nang buksan ng Kordero ang ika-pitong selyo, naroon ang isang katahimikan sa langit nang mga kalahating oras.
\v 2 Pagkatapos nakita ko ang pitong anghel na siyang nakatayo sa harap ng Diyos. at pitong mga trumpeta ang ibinigay sa kanila.
\s5
\v 3 Isa pang anghel ang dumating, hawak ang isang gintong mangkok ng insenso, nakatayo sa altar. Maraming insenso ang ibinigay sa kaniya, sa gayon dapat niya itong ialay kasama ng mga panalangin ng lahat ng mga mananampalataya sa gintong altar sa harap ng trono.
\v 4 Ang usok ng insenso kasama ng mga panalangin ng mga mananampalataya, ay bumangon sa harap ng Diyos mula sa kamay ng anghel.
\v 5 Kinuha ng anghel ang mangkok ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa altar. Pagkatapos ibinato niya ito sa lupa, at nagkaroon ng salpukan ng mga kulog, mga dagungdong, at mga kislap ng kidlat at isang lindol.
\s5
\v 6 Ang pitong anghel na may mga trumpeta ay naghanda para patunigin sa kanila.
\v 7 Pinatunog ng unang anghel ang kaniyang trumpeta, at umulan ng yelo at apoy na may halong dugo. Ito ay inihagis pababa sa lupa kaya ang ikatlong bahagi nito ay natupok, ang ikatlong bahagi ng mga puno ay natupok, at ang lahat ng mga damong berde ay natupok.
\s5
\v 8 Pinatunog ng ikalawang anghel ang kaniyang trumpeta, at isang bagay na parang isang napakalaking bundok na nasusunog ng apoy ang itinapon sa dagat. Ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo,
\v 9 ang ikatlong bahagi ng buhay na mga nilalang sa tubig ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga barko ay nasira.
\s5
\v 10 Pinatunog ng ikatlong anghel ang kaniyang trumpeta, at isang napakalaking bituin ang nahulog mula sa himpapawid, nagliliyab tulad ng isang sulo, sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal na tubig.
\v 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging mapait, at maraming mga tao ang namatay mula sa tubig na naging mapait.
\s5
\v 12 Pinatunog ng ika-apat na anghel ang kaniyang trumpeta, at ang ikatlong bahagi ng araw ay hinampas, gayun din ang ikatlong bahagi ng buwan, at ikatlo ng mga bituin. Kaya ang ikatlo sa kanila ay nagdilim, ang ikatlo sa araw at ikatlo sa gabi ay nawalan ng liwanag.
\s5
\v 13 Tumingin ako, at narinig ko na lumilipad ang isang agila sa gitna ng himapapawid, tumatawag ng may malakas na tinig, "Kaawa-awa, kaawa-awa, kaawa-awa, sila na nabubuhay sa lupa, dahil sa natitira pang mga pagsabog ng trumpeta na malapit ng patunugin ng tatlong anghel."
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkatapos hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta. Nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. Ibinigay sa bituin ang susi ng lagusan patungo sa napakalalim na hukay.
\v 2 Binuksan niya ang lagusan ng napakalalim na hukay at lumabas ang isang haligi ng usok sa lagusan tulad ng usok mula sa malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang hangin dahil sa usok na lumalabas mula sa lagusan.
\s5
\v 3 Lumabas sa lupa ang mga balang mula sa usok, at binigyan sila ng kapangyarihan katulad ng mga alakdan sa lupa.
\v 4 Sinabihan sila na huwag pinsalain ang damo sa lupa o anumang berdeng halaman o puno, pero mga tao lamang na walang tatak ng Diyos sa kanilang mga noo.
\s5
\v 5 Sila ay hindi nagbigay ng pahintulot na patayin ang mga taong iyon, pero pahirapan lamang sila sa loob ng limang buwan. Kanilang matinding paghihirap ay naging tulad ng kagat ng isang alakdan kapag hinampas ng isang tao.
\v 6 Sa mga araw na iyon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan, pero di nila ito mahahanap. Sila ay matagal mamamatay, pero lalayo sa kanila ang kamatayan.
\s5
\v 7 Ang mga balang ay katulad ng mga kabayong nakahanda sa digmaan. Sa kanilang mga ulo ay may tulad ng mga gintong korona at ang kanilang mga mukha ay tulad ng mga mukha ng tao.
\v 8 May buhok silang gaya ng buhok ng mga babae at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng ngipin ng mga leon.
\v 9 Mayroon silang mga baluting tulad ng baluting bakal, at ang tunog ng kanilang mga pakpak ay parang tunog na gawa sa mga karwahe at mga kabayong tumatakbo sa loob ng digmaan.
\s5
\v 10 Mayroon silang mga buntot na may tulis tulad ng mga alakdan; sa kanilang mga buntot ay may kapangyarihan silang makasakit sa mga tao nang limang buwan.
\v 11 Mayroon silang hari na nangunguna sa kanila ang anghel sa pinakailalim ng hukay. Ang kaniyang pangalan sa Hebreo ay Abadon at sa Griego ang kaniyang pangalan ay Apolion.
\v 12 Ang unang kaawa-awa ay nakaraan. Masdan mo! Matapos ito may dalawang pang kapahamakan ang darating.
\s5
\v 13 Hinipan ng ika-anim na angel ang kaniyang trumpeta, at narinig ko ang tinig na nagmumula sa mga sungay ng gintong altar na naroon sa harapan ng Diyos.
\v 14 Sinabi ng tinig sa ika-anim na anghel na may trumpet, "Pakawalan ang apat ng anghel na nakagapos sa dakilang ilog Eufrates".
\v 15 Ang apat na anghel na siyang naihanda para sa sobrang oras na iyon, nang araw na iypn, nang buwan na iyon, at nang taon na iyon ay pinalaya par patayin ang ikatlong bahagi ng sang katauhan.
\s5
\v 16 Ang bilang ng mga kawal na nasakay sa kabayo ay 200, 000, 000. Narinig ko ang kanilang bilang.
\v 17 Ganito ko nakita ang mga kabayo sa aking pangitain, at ang mga nakasakay sa kanila. Ang kanilang mga baluti ay maningas na pula, matingkad na asul at asupreng dilaw. Ang ulo ng mga kabayo ay kahawig ng mga ulo ng mga lion at lumalabas sa kanilang mga bibig ang apoy, usok at asupre.
\s5
\v 18 Ang ikatlong bahagi ng bayan ay pinatay sa pamamagitan ng tatlong salot na ito: ang apoy, usok, at asupre na lumabas sa kanilang mga bibig.
\v 19 Dahil ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at sa kanilang mga buntot--dahil ang kanilang mga buntot ay tulad ng mga ahas, at mayroon silang mga ulo na nagsanhi ng mga sugat sa tao.
\s5
\v 20 Ang natira sa sangkatauhan, ang siyang mga hindi pinatay sa pamamagitan ng mga salot na ito, hindi nagsisi sa mga gawaing gawa nila, o ginawa ba nilang itigil ang pagsamba sa mga demonyo at mga diyus-diyosang ginto, pilak tanso, bato at kahoy--mga bagay na hindi nakakikita, nakaririnig o nakalalakad.
\v 21 Ni hindi nila ginawang magsisi sa kanilang mga pagpatay, kanilang pangugulam, kanilang sekswal na imoralidad o ang kanilang gawaing pagnanakaw.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isa pang malakas na anghel bumababa mula sa langit. Nababalutan siya ng isang ulap at may isang bahanghari sa itaas ng kaiyang ulo. Ang kaniyang mukha ay tulad ng araw at ang kaniyang mga paa ay gaya ng haliging apoy.
\v 2 May hawak siya sa kaniyang kamay na isang maliit na balumbon na nakabukas, at ipinatong niya sa dagat ang kaniyang kanang paa at ang kaniyang kaliwang paa sa lupa.
\s5
\v 3 Pagkatapos sumigaw siya ng malakas na tinig gaya ng umaatungal na leon, at nang siya ay sumigaw ang pitong mga kulog ay dumagundong.
\v 4 Nang dumagundong ang pitong kulog, halos isusulat ko na, pero narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinasabing, "Manatiling lihin anuman ang sinabi ng pitong kulog. Huwag itong isulat."
\s5
\v 5 Pagkatapos ang anghel na aking nakitang nakatayo sa dagat at sa lupa, ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit
\v 6 at nanumpa sa pamamagitan niya na mabubuhay magpakailanman -- siyang lumikha ng langit at lahat ng naroon, ang lupa at lahat ng naroon, at ang dagat at lahat ng naroon: "Walang maaaring magtagal doon.
\v 7 Pero sa araw kung kailan ang ika-pitong anghel ay malapit nang hipan ang kaniyang trumpeta, pagkatapos ang hiwaga ng Diyos ay naganap na, gaya ng kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga lingkod na mga propheta."
\s5
\v 8 Narinig ko ang tinig mula sa langit na may muling sinasabi sa akin: "Lumakad ka, kunin mo ang bukas na balumbon na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa."
\v 9 Pagkatapos pumunta ako sa angel at sinabi ko sa kaniya na ibigay niya sa akin ang maliit na balumbon. Sinabi niya sa akin, "Kunin mo ang balumbon at kaiinin ito. Gagawin nitong mapait ang iyong tiyan, pero sa iyong bibig ito ay magiging kasing tamis ng pulot.
\s5
\v 10 Kinuha ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ko ito. Ito ay kasing tamis ng pulot sa aking bibig pero pagkatapos ko itong kainin ay pumait ang aking tiyan.
\v 11 Pagkatapos ilang mga tinig ang nagsabi sa akin, "Kailangan mong magpropesiya muli tungkol sa maraming tao, mga bansa, mga wika at sa mga hari."
\s5
\c 11
\p
\v 1 Isang tambo ang binigay sa akin para gamitin tulad ng isang panukat. Sinabihan ako, "Tumayo ka at sukatin ang templo ng Diyos at ang altar, at ang mga sumasamba sa loob nito.
\v 2 Pero huwag mong susukatin ang patyo sa labas ng templo, dahil naibigay na iyon sa mga Gentil. Pagtatapakan nila ang banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.
\s5
\v 3 Bibigyan ko ang aking dalawang saksi ng kapangyarihan para magpropesiya sa loob ng 1, 260 na araw, na nakadamit ng sako. "
\v 4 Ang mga saksing ito ay ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawan na nakatayo sa harapan ng Panginoon sa lupa.
\v 5 Kung sinuman ang magpapasyang manakit sa kanila, lalabas ang apoy mula sa kanilang bibig at tutupukin ang kanilang mga kaaway. Sinuman ang magnanais manakit ay papatayin sa ganitong paraan.
\s5
\v 6 Ang mga saksing ito ay may kapangyarihan para isara ang kalangitan kaya walang bubuhos na ulan sa oras nang sila ay magpropesiya. May kapangyarihang silang gawing dugo ang mga tubig at hampasin ang mundo kasama ang lahat ng uri ng salot anuman ang kanilang hilingin.
\v 7 Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin.
\s5
\v 8 Ang kanilang mga katawan ay ilalatag sa kalsada sa dakilang lungsod (na tinatawag na Sodom at Egipto bilang simbolo) kung saan ipinako sa krus ang kanilang Panginoon.
\v 9 Sa loob ng tatlo at kalahating araw ilan mula sa bawat bayan, lipi, wika, at bansa ay tinitingnan ang kanilang mga katawan at hindi nila pahihintulutang ilagay sa isang libingan.
\s5
\v 10 Silang mga naninirahan sa lupa ay magagalak sa kanila at magdiriwang, kahit nagpapadala sila ng mga kaloob sa isa't isa dahil itong dalawang propeta ay pinahirapan ang mga naninirahan sa lupa.
\v 11 Pero makalipas ang tatlo at kalahating araw isang hininga ng buhay mula sa Diyos ay papasok sa kanila at sila ay tatayo sa kanilang mga paa. Matinding takot ang lulukob sa lahat ng makakakita sa kanila.
\v 12 Pagkatapos maririnig nila ang malakas na tinig mula sa langit na sinasabi sa kanila, "Umakyat kayo rito!" At sila ay aakyat sa langit sa isang ulap, habang nakatingin ang kanilang mga kaaway.
\s5
\v 13 Sa oras na iyon nagkaroon doon ng isang matinding lindol at ang ika-sampung bahagi ng lungsod nagiba. Pitong libong tao ang namatay sa lindol at ang mga nakaligtas ay natakot at nagbibigay kaluwalhatian sa Diyos ng langit.
\v 14 Ang ikalawang kapighatian ay lumipas na. Pagmasdan ito! Ang ikatlong kapighatian ay mabilis dadating.
\s5
\v 15 Pagkatapos pinatunog ng ika-pitong anghel ang kaniyang trumpeta, at malalakas na tinig ang nagsalita sa langit at sinabing, "Ang kaharian ng mundo ay magiging kaharian na ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. Siya ay maghahari magpakailan pa man."
\s5
\v 16 Pagkatapos ang dalawampu't apat na nakatatanda na nakaupo sa mga trono sa presensiya ng Diyos ay ibinaba ang kanilang mga sarili sa lupa, na nakatungo at sinamba ang Diyos.
\v 17 Sinabi nila, "Nagpapasalamat kami sa iyo, Panginoong Diyos, ang naghahari sa lahat, ang isa na at ang siyang noon, dahil nakamit mo ang iyong dakilang kapangyarihan at nagsimulang maghari.
\s5
\v 18 Sumiklab ang galit ng mga bansa, pero ang iyong poot ay dumating na. Ang panahon ay narito na para ang mga patay para hatulan at dahil sa iyo para gantimpalaan ang iyong mga lingkod, ang mga propeta, ang mga mananampalataya, at silang mga may takot sa iyong pangalan, silang mga hindi mahalaga at ang dakila. At ang oras ay dumating dahil sa iyo para wasakin silang mga sumisira sa mundo.
\s5
\v 19 Pagkatapos bumukas ang templo ng Diyos sa langit at ang kaban ng kaniyang tipan ay nakita sa loob ng kaniyang templo. May mga kislap ng kidlat, mga dagundong at salpukan ng mga kulog, may lindol, at isang matinding pag-ulan ng yelo.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Isang dakilang tanda ang nakita sa langit: isang babae na dinamitan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa; at nasa ulo niya ay korona ng labing dalawang bituin
\v 2 Siya ay buntis at sumisigaw sa sakit ng pagsisilang--sa sakit ng panganganak.
\s5
\v 3 At may isa pang tanda ang nakita sa langit. Tingnan mo! May isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at may pitong korona sa kaniyang mga ulo.
\v 4 Tinaboy ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihulog pababa sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babae na malapit nang magsilang, kaya nang siya ay nagsilang, gusto niyang ay lamunin ang kaniyang anak.
\s5
\v 5 Nagsilang siya ng isang anak, isang batang lalaki, na siyang maghahari sa lahat ng mga bansa nang may tungkod na bakal. Inagaw ang kaniyang anak papunta sa Diyos at sa kaniyang trono,
\v 6 at tumakas ang babae papunta sa ilang, kung saan inihanda ng Diyos ng lugar para sa kaniya, kaya maalagaan siya ng 1, 260 araw.
\s5
\v 7 Ngayon may labanan doon sa langit. Si Michael at ang kaniyang mga anghel ay nakipaglaban sa dragon; at lumaban pabalik ang dragon at ang kaniyang mga anghel.
\v 8 Pero ang dragon ay hindi gaanong malakas para manalo. Kaya wala ng natitirang lugar sa langit para sa kaniya at sa kaniyang mga anghel.
\v 9 Ang dakilang dragon -- ang dating ahas na tinawag na demonyo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo-- ay tinapon pababa sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa kasama siya.
\s5
\v 10 Pagkatapos narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, "Ngayon narito na ang kaligtasan, ang kapangyarihan -- at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kaniyang Cristo. Dahil ang taga-paratang ng ating mga kapatid ay naitapon na pababa -- siyang nagparatang sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos.
\s5
\v 11 Siya ay kanilang nilupig sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at sa pamamagitan ng kanilang patotoo, dahil hindi nila minahal ang kanilang buhay nang higit, kahit sa kamatayan.
\v 12 Kaya, magalak, kayong mga langit, at lahat ng naninirahan sa kanila. Pero kaawa-awa ang nasa lupa at ang nasa dagat dahil ang demonyo ay bumaba sa inyo. Napuno siya ng nakasisindak na galit, dahil alam niya na kakaunti lamang ang kaniyang oras.
\s5
\v 13 Nang mapagtanto ng dragon na siya ay itinapon sa lupa, hinanap niya ang babaing nagsilang ng batang lalaki.
\v 14 Pero ang babae ay binigyan ng dalawang pakpak ng isang malaking agila, kaya siya ay nakalipad sa lugar na inihanda para sa kaniya sa ilang, ang lugar kung saan siya mapapangalagaan, sa loob ng isang oras, maraming oras at kalahating oras--na malayong maabot ng ahas.
\s5
\v 15 Nagbuga ng tubig mula sa kaniyang bibig ang ahas tulad ng isang ilog, kaya nakagawa ng isang baha para tangayin siya.
\v 16 Pero tinulungan ng lupa ang babae. Binuksan nito ang kaniyang bibig at nilunok ng ilog ang binuga ng dragon mula sa kaniyang bibig.
\v 17 Pagkatapos sumiklab ang galit ng dragon sa babae at umalis para makipagdigma sa mga natitirang kaapu-apuhan niya - silang mga sumunod sa mga kautusan ng Diyos at pinanghawakan ang mga patotoo tungkol kay Jesus.
\v 18 Pagkatapos tumayo ang dragon sa buhangin ng dalampasigan.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Siya ay may sampung sungay at pitong ulo. Sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa kaniyang ulo ay may mga pangalan na paglalapastangan sa Diyos.
\v 2 Itong halimaw na nakita ko ay parang isang leopardo. Ang kaniyang mga paa ay tulad ng mga paa ng isang oso, at ang kaniyang bibig ay tulad ng bibig ng isang leon. Ibinigay ng dragon ang kapangyarihan nito sa kaniya, at ang kaniyang trono, at ang kaniyang lubos na kapangyarihan para mamuno.
\s5
\v 3 Isa sa mga ulo ng halimaw ay nagkaroon ng nakamamatay na sugat na maaring maging sanhi ng kaniyang kamatayan. Pero ang sugat na iyon ay humilom, at ang buong mundo ay namangha at sumunod sa halimaw.
\v 4 Sinamba rin nila ang dragon, dahil ibinigay niya ang kaniyang kapangyarihan sa halimaw. Sinamba rin nila ang halimaw at paulit-ulit na sinabi, "Sino ang tulad ng halimaw? at " Sino ang maaaring lumaban sa kaniya?"
\s5
\v 5 Binigyan ang halimaw ng bibig na maaring magsalita ng mga mapagmataas na mga salita at mga paglalapastangan. Pinahintulutan siyang gamitin ang kapangyarihan ng apatnapu't dalawang buwan.
\v 6 Kaya binuksan ng halimaw ang kaniyang bibig para magsalita ng mga paglalapastangan laban sa Diyos, hinahamak ang kaniyang pangalan, ang lugar kung saan siya nanirahan, at silang mga naninirahan sa langit.
\s5
\v 7 Pinahintulutan ang halimaw na makipagdigmaan sa mga mananampalataya at para lupigin sila. Gayundin, ibinigay sa kaniya ang kapangyarihan ng bawat lipi, mga tao, wika, at bansa.
\v 8 Lahat ng mga naninirahan sa lupa ay sasambahin siya, ang lahat ng hindi nakasulat ang pangalan, simula pa nang nilikha ang mundo, sa aklat ng buhay, na pagmamay-ari ng Kordero, siyang pinatay.
\s5
\v 9 Kung sinuman ang may tainga, hayaan siyang makinig.
\v 10 Kung sinuman ang hinuli sa pagkabihag, sa pagkabihag siya ay mapupunta. Kung sinuman ang papatayin gamit ang espada, sa espada siya mapapatay. Ito ay isang panawagan para sa matiyagang pagtitiis at pananampalataya para sa kanila na mga banal.
\s5
\v 11 Pagkatapos nakakita ako ng isa pang halimaw na lumalabas mula sa lupa. Mayroon siyang dalawang sungay tulad ng tupa at nagsalita siya tulad ng isang dragon.
\v 12 Ginamit niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan tulad ng naunang halimaw na nasa kaniyang presensya, at ginawa ang mundo at sa mga naninirahan dito ay sumasamba sa unang halimaw -- siya na may nakamamatay na sugat na gumaling.
\s5
\v 13 Gumawa siya ng mga makapangyarihang himala, kahit pabagsakin ang apoy sa lupa mula sa langit sa harap ng mga tao,
\v 14 at sa pamamagitan ng mga tandang pinahintulutan siyang gawin, kaniyang nilinlang ang mga naninirahan sa lupa, sinasabihan niya sila na gumawa ng larawan sa karalangan ng halimaw na nasugatan sa pamamagitan ng espada, pero buhay pa rin siya.
\s5
\v 15 Pinahintulutan siya na bigyan ng hininga ang imahe ng halimaw kaya ang imahe ay nakapagsalita at papatayin ang dumudulot sa lahat na tumanggi para sambahin ang halimaw para patayin.
\v 16 Pinilit din niya ang lahat, hindi mahalaga at malakas, mayaman at mahirap, malaya at alipin, para tumanggap ng tatak sa kanang kamay o sa noo.
\v 17 Hindi maaring bumili o pagbilhan ang kahit sino maliban na lamang kung siya ay may tatak ng halimaw, iyon ayn, ang bilang na kumakatawan sa kaniyang pangalan.
\s5
\v 18 Ito ay tumatawag para sa karunungan. Kung sino ang may kabatiran, hayaan siyang bilangin ang bilang ng halimaw. Dahil ito ang bilang ng isang tao. Ang kaniyang bilang ay 666.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Tumingin ako at nakita ang Kordero na nakatayo sa aking harapan sa Bundok Sion. Kasama niya ang 144, 000 siyang may pangalan at pangalan ng kaniyang Ama na naisulat sa kanilang mga noo.
\v 2 Narinig ko ang tinig mula sa langit na tila isang dagundong ng maraming tubig at malakas na kulog. Ang tunog na narinig ko ay tulad din ng mga manunugtog na tumutugtog ng kanilang mga alpa.
\s5
\v 3 Umawit sila ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harap ng apat na buhay na nilalang at sa mga nakatatanda. Walang sinuman ang nakakaalam ng awit maliban sa 144, 000 na tinubos mula sa mundo.
\v 4 Sila ang mga hindi dinungisan ang kanilang mga sarili sa mga babae, dahil pinanatili nila ang kanilang sarili sa pagdalisay ng sekswal. Sila ang mga sumusunod sa Kordero saan man siya pumupunta. Sila ang tinubos mula sa sangkatauhan bilang mga unang bunga sa Diyos at sa Kordero.
\v 5 Walang kasinungalingan ang natagpuan sa kanilang mga bibig; sila ay walang kapintasan.
\s5
\v 6 Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa alapaap, na may walang hanggang mensahe ng magandang balita para ipahayag sa mga naninirahan sa mundo -- sa bawat bansa, tribo, wika, at mga tao.
\v 7 Tumawag siya nang may malakas na tinig, "Matakot sa Diyos at bigyan siya ng kaluwalhatian. Dahil sa oras ng kaniyang paghuhukom ay dumating na. Sambahin siya, siya na lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng mga bukal ng mga tubig.
\s5
\v 8 Isa pang anghel - ang pangalawang anghel - ay sumunod sa sinasabing "Bumagsak, bumagsak ang tanyag na Babylonia, na ginawa ang lahat ng bansa na uminom ng alak sa kaniyang sekswal na imoralidad, ang alak na nagdala ng labis na poot sa kaniya."
\s5
\v 9 Isa pang anghel -- ang pangatlong anghel -- ay sumunod sa kanila, sinasabi ang malakas na tinig, "Kung sinuman ang sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo o sa kaniyang kamay,
\v 10 siya rin ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, ang alak na inihanda at ibinuhos nang walang halo sa kopa ng kaniyang galit. Ang taong umiinom nito ay maghihirap sa apoy at asupre sa harap ng mga banal na anghel at sa harap ng Kordero.
\s5
\v 11 Ang usok mula sa kanilang paghihirap ay aangat magpakailan pa man, at wala silang kapahingahan sa umaga o gabi -- silang mga sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at lahat ng tumatanggap ng tanda sa kaniyang pangalan.
\v 12 Ito ay isang panawagan para sa matiyagang pagtitis ng mga mananampalataya, silang mga sumusunod sa mga kautusan ng Diyos at nananampalataya kay Jesus."
\s5
\v 13 Narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinabing, "Isulat ito: Pinagpala ang mga patay na namatay sa Panginoon." "Oo," sabi ng Espiritu, "kaya sila ay makapagpahinga sa kanilang mga gawain, dahil sa kanilang mga gawa ay susunod sila."
\s5
\v 14 Tumingin ako at nakita ko doon ang isang puting ulap, at nakaupo sa ulap ang katulad ng isang Anak ng Tao. Mayroon siyang gintong korona sa kaniyang ulo at matalim na karit sa kaniyang kamay.
\v 15 Pagkatapos isa pang anghel ang lumabas sa templo at tumawag ng malakas sa siyang nakaupo sa ulap: "Kunin mo ang iyong karit at simulan ang pag-ani. Dahil dumating na ang panahon ng anihan, dahil ang mga aanihin sa lupa ay hinog na.
\v 16 Pagkatapos ibinitin ng siyang nakaupo sa ulap ang kaniyang karit sa lupa, at ang lupa ay inani.
\s5
\v 17 Isa pang anghel na lumabas mula sa templo ng kalangitan; mayroon din siyang matalim na karit.
\v 18 May isa pang anghel ang lumabas mula sa altar, isang anghel na may kapangyarihan na apoy. Sumigaw siya nang malakas na tinig sa anghel na may matalim na karit, "Dalhin mo ang iyong matalim na karit at tipunin ang tumpok ng ubas mula sa mga puno ng ubas sa lupa, dahil ang kanilang mga ubas ay hinog na ngayon.
\s5
\v 19 Ibinitin ng anghel ang kaniyang karit sa lupa at tinipon ang ubas na inani sa lupa at itinapon ito sa malaking lalagyan ng alak ng poot ng Diyos.
\v 20 Pinag-aapakan sa labas ng lungsod ang pigaan ng ubas at umagos ang gudo mula dito na umabot sa taas ng preno ng kabayo, para sa 1, 600 estadio.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isa pang tanda sa langit, dakila at kamangha-mangha: Mayroong pitong anghel na may pitong salot, kung saan ito ang mga huling salot (dahil sa kanila ang poot ng Diyos ay tapos na).
\s5
\v 2 Nakita ko kung ano ang lumitaw sa isang dagat ng salamin na hinaluan ng apoy, at sa tabi ng dagat nakatayo ang mga matagumpay laban sa halimaw at kaniyang imahe, at laban sa bilang ng kumakatawan sa kaniyang pangalan. Hawak nila ang mga alpa na Ibinigay sa kanila ng Diyos.
\s5
\v 3 Inaawit nila ang awit ni Moises, ang lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero: "Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa, Panginoong Diyos, siya na naghahari sa lahat. Matuwid at tunay ang iyong mga gawa, Hari ng mga bansa.
\v 4 Sino ang hindi matatakot sa iyo, Panginoon, at luluwalhatiin ang iyong pangalan? Dahil ikaw lamang ang banal. Lahat ng mga bansa ay pupunta at sasamba sa iyong harapan dahil ang iyong mga gawang matuwid ay naihayag.
\s5
\v 5 Pagkatapos ng mga bagay na ito, tumingin ako, at ang pinakabanal na lugar, kung saan ang tolda ng mga saksi, ay bumukas sa langit.
\v 6 Mula sa pinaka banal na lugar, lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, dinamitan ng dalisay, maliwanag na lino at may mga gintong laso ang nakapalibot sa kanilang mga dibdib.
\s5
\v 7 Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailan pa man.
\v 8 Puno ng usok ang pinakabanal na lugar mula sa kalulwalhatian ng Diyos at mula sa kanIyang kapangyarihan. Walang sinUman ang makakapasok doon hanggang ang pitong salot ng pitong anghel ay tapos na.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Narinig ko ang isang malakas na tinig na sumisigaw mula sa dakong kabanal-banalan at sinasabi sa pitong anghel, "Lumakad kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng poot ng Diyos."
\s5
\v 2 Ang unang anghel ay pumunta at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; pangit at masasakit na sugat ang dumating sa mga tao na may tatak ng halimaw, silang mga sumamba sa kaniyang imahe.
\s5
\v 3 Ang ikalawang anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa dagat; ito ay naging tulad ng dugo ng isang patay na tao, at bawat buhay na nilalang sa dagat ay namatay.
\s5
\v 4 Ang ikatlong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa mga ilog at mga bukal ng tubig; ang mga ito ay naging dugo.
\v 5 Narinig ko ang sinabi ng anghel ng mga tubig, "Ikaw ay makatarungan-- ang siya ngayon at ang siya nakaraan, ang Banal -- dahil ikaw ang nagdala ng mga hatol na ito.
\v 6 Dahil ibinuhos nila ang dugo ng mga mananampalataya at mga propeta, binigyan mo sila ng dugo para inumin; ito ang nararapat sa kanila."
\v 7 Narinig kong sumagot ang altar, "Oo, Panginoong Diyos, siyang namumuno sa lahat, ang iyong mga hatol ay totoo at makatarungan."
\s5
\v 8 Ang ika-apat na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa araw, at binigyan ito ng pahintulot na tupukin ng apoy ang mga tao.
\v 9 Pinaso sila ng mantinding init, kaya nilapastangan nila ang pangalan ng Diyos, siya na may kapangyarihan sa mga salot na ito. Hindi sila nagsisi o nagbigay ng kaluwalhatian sa kaniya.
\s5
\v 10 Ang ika-limang anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa trono ng halimaw, at nabalot ng kadiliman ang kaniyang kaharian. Nginatngat nila ang kanilang mga dila sa dalamhati.
\v 11 Nilapastangan nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga sakit at mga sugat, pero tumanggi pa rin silang magsisi sa kanilang mga ginawa.
\s5
\v 12 Ang ika-anim na anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa malaking ilog, ang Eufrates, at ang tubig nito ay natuyo para maihanda ang daan para sa mga hari na nanggagaling sa silangan.
\v 13 Nakita ko ang tatlong maruruming mga espiritu na tulad ng mga palaka na lumalabas mula sa bibig ng dragon, ng halimaw, at ng bulaang propeta.
\v 14 Dahil sila ay mga espiritu ng demonyo na gumagawa ng mga kamangha-manghang tanda. Pupunta sila para tipunin ang mga hari ng buong mundo para sa digmaan sa dakilang araw ng Diyos, siya na namumuno sa lahat.
\s5
\v 15 ("Bantayan mo! Darating ako na parang isang magnanakaw! Pinagpala ang siyang nananatiling nagmamatyag, pinapanatiling suot ang kaniyang mga damit para hindi sila lumabas ng hubad at makita nila ang kaniyang nakakahiyang kalagayan.")
\v 16 Sama-sama silang dinala sa lugar na tinatawag na Armagedon sa Hebreo.
\s5
\v 17 Ang ika-pitong anghel ay ibinuhos ang kaniyang mangkok sa hangin. At may isang malakas na tinig na nanggaling sa dakong kabanal-banalan at mula sa trono, sinasabing, "Ito ay tapos na!"
\v 18 May mga kislap ng kidlat, mga dagundong, mga salpukan ng kulog, at isang nakakatakot na lindol -- isang lindol na mas malakas pa kaysa sa kahit anong nangyari simula pa noong manirahan ang mga tao sa mundo, lubhang napakalakas ng lindol na ito.
\v 19 Ang tanyag na lungsod ay nahati sa tatlong bahagi, at ang mga lungsod ng mga bansa ay gumuho. Pagkatapos naalala ng Diyos ang tanyag na Babyblonia, at binigyan ang lungsod ng kopa na puno ng alak gawa mula sa kaniyang matinding poot.
\s5
\v 20 Naglaho ang bawat pulo at ang mga bundok ay hindi na natagpuan.
\v 21 Malakas na pag-ulan ng yelo, na mayroong bigat na isang talento, bumagsak ito mula sa himpapawid patungo sa mga tao, at sinumpa nila ang Diyos dahil sa salot ng pag-ulan ng mga yelo dahil ang salot ay sobrang nakakatakot.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Dumating ang isa sa pitong anghel na mayroong pitong mangkok at sinabi sa akin, "Halika, ipapakita ko sa iyo ang kaparusahan ng pinakamasamang babae na nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig,
\v 2 na nakasama ng mga hari ng mundo sa paggawa ng sekswal na imoralidad, at sa kaniyang sekswal na imoralidad ang mga naninirahan sa mundo ay nalasing.
\s5
\v 3 Dinala ako ng anghel sa Espiritu sa isang ilang, at nakita ko ang babaeng nakaupo sa pulang halimaw na puno ng paglalapastangan sa mga pangalan. Ang halimaw ay may pitong ulo at sampung sungay.
\v 4 Nakasuot ng kulay lila at matingkad na pulang damit at pinaganda ng ginto, mamahaling mga bato, at mga perlas. Sa kaniyang kamay hawak niya ang gintong baso na puno ng kasuklam-suklam na mga bagay at ang mga karumihan ng kaniyang sekswal na imoralidad.
\v 5 Sa kaniyang noo nakasulat ang isang pangalan na mayroong lihim na kahulugan: "ANG DAKILANG BABYLONIA, ANG INA NG LAHAT NG MGA MASASAMANG BABAE AT NANG KASUKLAM-SUKLAM NA MGA BAGAY SA LUPA."
\s5
\v 6 Nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga mananampalataya at sa dugo ng mga martir kay Jesus. Nang makita ko siya, labis akong namangha.
\v 7 Pero sinabi sa akin ng anghel, "Bakit ka namangha? Ipapaliwanag ko sa iyo ang kahulugan ng babae at ng halimaw na pumapasan sa kaniya (ang halimaw na mayroong pitong ulo at sampung sungay).
\s5
\v 8 Ang nakita mong halimaw, ay hindi pa nabubuhay sa ngayon, pero malapit nang umahon mula sa kailaliman hukay. At pupunta siya para manira. Sa mga naninirahan sa lupa, silang mga hindi naisulat ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay simula pa noong itinatag ang mundo -- mamamangha sila kapag nakita nila na nabuhay ang halimaw, na hindi pa nabubuhay ngayon, pero malapit nang dumating.
\s5
\v 9 Nagpapaalala ito sa kaisipang may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong burol na kung saan ang babae ay nakaupo.
\v 10 Sila rin ang pitong hari. Limang haring ang bumagsak, isa ang nanatili, at ang isa ay hindi pa dumarating; kapag siya ay dumating, sandali lamang siyang mananatili.
\s5
\v 11 Ang halimaw na nabuhay, pero hindi pa nabubuhay ngayon, ay siya rin ang ika-walong hari; pero isa rin siya sa kanilang pitong hari, at siya ay mapupunta sa pagkawasak.
\s5
\v 12 Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung hari na hindi pa nakakatanggap ng kaharian, pero sila ay makakatanggap ng pamumuno bilang mga hari sa isang oras kasama ang halimaw.
\v 13 Ang mga ito ay nagkakaisa sa isip, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa halimaw.
\v 14 Makikipag-digma sila laban sa Kordero. Pero lulupigin sila ng Kordero dahil siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari -- at kasama niya ang mga tinawag, ang mga pinili, ang mga matapat."
\s5
\v 15 Sinabi sa akin ng anghel, "Ang mga tubig na nakita mo, kung saan nakaupo ang bayarang babae, ay bayan, maraming tao, mga bansa, at mga wika.
\s5
\v 16 Ang sampung sungay na nakita mo -- sila at ang halimaw ay masusuklam sa bayarang babae. Gagawin nila siyang ulila at hubad, lalamunin nila ang kaniyang laman, at siya ay susunugin nila ng buo sa apoy.
\v 17 Dahil inilagay ito ng Diyos sa kanilang mga puso para tuparin ang kaniyang layunin sa pamamagitan ng pagsang-ayon na ibigay ang kanilang kapangyarihan sa halimaw hanggang sa matupad ang mga salita ng Diyos.
\s5
\v 18 Ang babaeng nakita mo ay ang dakilang lungsod na namumuno sa mga hari ng mundo.
\s5
\c 18
\p
\v 1 Pagkatapos ng mga ito nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit. Siya ay may dakilang kapangyarihan, at ang daigdig ay tumatanglaw sa pamamagitan ng kaniyang kaluwalhatian.
\v 2 Sumigaw siya nang may malakas na tinig sinasabing, "Bumagsak! Bumagsak ang dakilang Babilonia!" Siya ay naging tirahan ng mga demonyo, tirahan para sa bawat maruming espiritu at tirahan para sa bawat marumi at kasuklam-suklam na ibon.
\v 3 Dahil ang lahat ng bansa ay uminom ng alak ng pagnanasa ng kaniyang sekswal na imoralidad na nagdulot sa kaniya ng poot. Ang mga hari ng mundo ay gumawa ng sekswal na imoralidad kasama niya. Ang mga mangangalakal sa mundo ay naging mayaman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng marangya niyang pamumuhay.
\s5
\v 4 Pagkatapos, narinig ko ang isa pang tinig, mula sa langit na sinasabi, "Lumabas kayo mula sa kaniya, aking bayan, para hindi kayo makibahagi sa kaniyang mga kasalanan, at para hindi ninyo tanggapin ang anumang sa kaniyang mga salot.
\v 5 Ang kaniyang mga kasalanan ay patung-patong hanggang sa langit, at inalala ng Diyos ang kaniyang mga masasamang gawain.
\v 6 Bayaran mo siya katulad ng pagbabayad niya sa iba at bayaran mo siya ng dalawang ulit, dahil sa kaniyang ginawa, sa kaniyang paghalo sa kopa, paghaluin ng dalawang ulit ang bayad para sa kaniya.
\s5
\v 7 Gaya ng pagluwalhati niya sa kaniyang sarili, at namuhay sa karangyaan, bigyan mo siya ng higit sa katumbas na pagdurusa at pagdadalamhati. Dahil sinabi niya sa kaniyang puso, "Ako ay nakaupong tulad ng isang reyna; hindi ako balo, at hindi kailanman makikita ang kalungkutan.
\v 8 Kaya isang araw ay dadaanan siya ng kaniyang sariling mga salot: kamatayan, kalungkutan at kagutuman. Siya ay tutupukin ng apoy, dahil ang Panginoong Diyos ay makapangyarihan, at siya ang kaniyang hukom.
\s5
\v 9 Ang mga hari ng mundo na nakagawa ng mga sekswal na imoralidad at hindi nakapagpigil kasama niya ay tatangis at mananaghoy sa kaniya kapag nakita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog.
\v 10 Tatayo sila sa malayo, takot sa kaniyang paghihirap, sinasabing, "Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod, sa Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Dahil ang i sa loob ng isang oras ang iyong kaparusahan ay darating.
\s5
\v 11 Ang mga mangangalakal ng mundo ay tatangis at magluluksa para sa kaniya, dahil walang sinuman ang bibili ng kaniyang mga kalakal kailanman-
\v 12 mga kagamitang ginto, pilak, at mamahaling hiyas, mga perlas, pinong lino, lila, seda, telang pula at lahat ng uri ng mabangong kahoy, bawat sisidlang yari sa pangil ng elepante, bawat sisidlang yari sa mamahaling kahoy, ginto, tanso, bakal at marmol,
\v 13 sinamon, pampalasa, insenso, mira at kamangyan, alak, langis, pinong harina, trigo, baka, at tupa, mga kabayo at karwahe, mga alipin at mga kaluluwa ng tao.
\s5
\v 14 Ang bunga na iyong hinahangad nang buong lakas mo ay nawala mula sa iyo. Lahat ng iyong karangyaan at kaningningan ay naglaho, at hindi na kailanman muling masusumpungan.
\s5
\v 15 Ang mga mangangalakal ng mga bilihing ito na naging mayaman sa pamamagitan niya ay tatayong malayo mula sa kaniya sa kalayuan dahil sa takot ng kaniyang paghihirap, pagtatangis at malakas na pagpipighati.
\v 16 Sasabihin nila, "Kaawa-awa, kaawa-awa sa dakilang lungsod na nadadamitan ng pinong lino, ng lila at telang pula at pagpapaganda ng ginto, mamahaling hiyas at mga perlas!"
\v 17 Sa loob ng isang oras ang lahat ng kayamanan ay nasayang. Ang bawat kapitan ng barko, bawat mandaragat, mga manlalayag, at silang lahat na ang nabubuhay ay mula sa dagat, ay nakatayo sa kalayuan.
\s5
\v 18 Sisigaw sila habang nakikita nila ang usok ng kaniyang pagkakasunog. Sinabi nila, "Anong lungsod ang tulad ng dakilang lungsod?"
\v 19 Nagsaboy sila ng alikabok sa kanilang mga ulo, at sumigaw, nananangis, at nananaghoy. "Kaawa-awa, kaawa-awa ang dakilang lungsod kung saan lahat ng kanilang mga barko sa dagat ay yayaman mula sa kaniyang kayamanan. Dahil sa loob ng isang oras siya ay winasak."
\v 20 "Magalak kayo sa kaniya, kalangitan, kayong mga mananampalataya, mga apostol at mga propeta, dahil dinala ng Diyos ang inyong hatol sa kaniya!"
\s5
\v 21 Isang makapangyarihang anghel ang kumuha ng isang bato tulad ng isang malaking gilingang bato at itinapon ito sa dagat, sinasabing, "Sa ganitong paraan ang dakilang lungsod ng Babilonia, ay itatapon pababa nang may karahasan at hindi na makikita kailanman.
\v 22 Ang tunog ng manunugtog ng alpa, mga musiko, manunugtog ng plauta at mga trumpeta ay hindi na maririnig sa inyo kailanman. Walang anumang uri ng manggagawa ang matatagpuan sa inyo. Walang tunog ng gilingan ang maririnig sa inyo kailanman.
\s5
\v 23 Ang ilaw ng ilawan ay hindi na magliliwanag sa inyo kailanman. Ang mga tinig ng lalaking ikakasal at babaing ikakasal ay hindi na ninyo maririnig kailanman, dahil ang inyong mga mangangalakal ay ang mga prinsipe ng mundo at ang mga bansa ay nilinlang sa pamamagitan ng inyong pangkukulam.
\v 24 Sa kaniya natagpuan ang dugo ng mga propeta at ng mga mananampalataya, at ang dugo ng lahat ng mga pinatay sa lupa.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito narinig ko ang tunog tulad ng isang malakas na tinig ng malaking bilang ng mga tao sa langit na sinasabing, "Aleluya. Kaligtasan, kaluwalhatian, at kapangyarihan ay kabilang para sa ating Diyos.
\v 2 Ang kaniyang hatol totoo at makatarungan, dahil hinatulan niya ang pinakamasamang babae na siyang nagpasama sa lupa, ng kaniyang sekswal na imoralidad. Naghihiganti siya para sa dugo ng kaniyang mga lingkod, na tinigis mismo niya."
\s5
\v 3 Nagsalita sila sa ikalawang pagkakataon, "Aleluya! Umaangat ang usok mula sa kaniya magpakailan pa man."
\v 4 Ang dalawamput-apat na nakatatanda at apat na buhay na nilalang ay nagpatirapa sa kanilang sarili at sumamba sa Diyos na siyang nakaupo sa trono. Sinasabi nila, "Amen. Aleluya!"
\s5
\v 5 Pagkatapos lumabas ang isang tinig mula sa trono, na sinasabing, "Purihin ang ating Diyos, kayong lahat na kaniyang mga lingkod, kayo na may takot sa kaniya, kapwa hindi mahahalaga at ang malalakas."
\s5
\v 6 Pagkatapos narinig ko ang tunog na tulad ng tinig ng isang malaking bilang ng mga tao, tulad ng dagundong ng maraming tubig, katulad ng malakas na salpukan ng kulog, sinasabing, "Aleluya! Dahil ang Panginoon, ang ating Diyos, ang namumuno ng lahat, siya ay maghahari.
\s5
\v 7 Magalak tayo at maging napakasaya at bigyan siya ng kaluwalhatian dahil ang pagdiriwang ng kasalan ng Kordero ay darating, at ang babaing kaniyang papakasalan ay inihanda ang kaniyang sarili.
\v 8 Siya ay pinahintulutang magsuot ng maliwanag at malinis na pinong lino (dahil ang pinong lino ay mga gawaing matutuwid ng mga mananampalataya).
\s5
\v 9 Sinabi sa akin ng anghel, "Isulat mo ito: Pinagpala ang mga inanyayahan sa pagdiriwang ng kasalan sa Kordero." Sinabi rin niya sa akin, "Ito ang tunay na mga salita ng Diyos.
\v 10 Ipapatirapa ko ang aking sarili sa kaniyang paanan para sambahin siya, pero sinabi niya sa akin, "Huwag mong gawin iyan!" Ako ay kapwa lingkod na kasama mo, at ng iyong mga kapatid na pinanghahawakan ang patotoo tungkol kay Jesus. Sambahin ang Diyos, dahil ang patotoo tungkol kay Jesus ay ang espiritu ng propesiya.
\s5
\v 11 Pagkatapos nakita ko ang langit na bumukas, at nakita ko roon ang isang puting kabayo. Ang nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo. Humahatol siya ng may katuwiran at nakikipagdigma siya.
\v 12 Ang kaniyang mga mata ay parang nagniningas na apoy, at sa kaniyang ulo ay maraming mga korona. Mayroon siyang pangalan na nakasulat sa kaniya na walang ibang nakakaalam kundi ang kaniyang sarili.
\v 13 Nakasuot siya ng balabal na nilublob sa dugo at ang kaniyang pangalan ay Ang Salita ng Diyos.
\s5
\v 14 Ang hukbo ng kalangitan ay sumusunod sa nakasakay sa puting kabayo, na nakadamit ng pinong lino, maputi at malinis.
\v 15 Mula sa kaniyang bibig lumabas ang isang matalim na espada na ipinanghahampas niya sa mga bansa, at pamumunuan niya sila ng pamalong bakal. Pag-aapakan niya ang tindi ng galit sa poot ng Diyos, na namumuno sa lahat.
\v 16 Sinulatan niya ang kaniyang balabal at sa kaniyang hita ng pangalang: HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON.
\s5
\v 17 Nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya nang may malakas na tinig ang lahat na mga ibong lumilipad sa ibabaw ng kaniyang ulo. "Halikayo sama-samang magtipon para sa dakilang hapunan ng Diyos.
\v 18 Halikayo kainin ang laman ng mga hari, ang laman ng pinuno ng hukbo, ang laman ng mga magigiting na lalaki, ang laman ng mga kabayo at kanilang mga mangangabayo, at ang laman ng lahat ng mga tao, kapwa malaya at alipin, ang hindi mahahalaga at ang makapangyarihan."
\s5
\v 19 Nakita ko ang halimaw at ang mga hari ng mundo kasama ang kanilang mga hukbo. Humahanay sila para makipagdigmaan sa kaniya na nakasakay sa kabayo kasama ng kaniyang hukbo.
\v 20 Nabihag ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa kaniyang presensya. Gamit ang mga tandang ito nilinlang niya ang mga tumanggap ng tanda ng halimaw at silang sumamba sa kaniyang imahe. Ang dalawa sa kanila ay inihagis nang buhay sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre.
\s5
\v 21 Ang natitira sa kanila ay pinatay gamit ang espada na lumabas mula sa bibig ng siyang nakasakay sa kabayo. Kinain ng lahat ng ibon ang kanilang patay na laman.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, mayroong susi sa kailaliman ng hukay at mayroong malaking tanikala sa kaniyang kamay.
\v 2 Sinukal niya ang dragon, ang dating ahas, na siyang demonyo, o Satanas, at ginapos siya nang isang libong taon.
\v 3 Tinapon siya sa kailaliman ng hukay, ikinulong siya rito at sinelyuhan ang ibabaw nito. Para hindi na ito makapanglinlang kailanman ng mga bansa hanggang sa ang isang libong taon ang lumipas. Pagkatapos niyon, dapat siyang maging malaya ng maikling panahon.
\s5
\v 4 Pagkatapos nakita ko ang mga trono. Ang mga binigyan ng kapangyarihang humatol ang nakaupo sa mga ito. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo tungkol kay Cristo at sa salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw o sa kaniyang imahe, at tumanggi silang tanggapin ang tatak sa kanilang mga noo at kamay. Nabuhay silang muli, at naghari kasama ni Cristo ng isang libong taon.
\s5
\v 5 Ang ibang mga namatay ay hindi na nabuhay muli hanggang sa matapos ang isang libong taon. Ito ang unang pagkabuhay.
\v 6 Pinagpala at banal ang sinuman na makibahagi sa unang muling pagkabuhay! Ang pangalawang kamatayan ay walang kapangyarihan na tulad ng mga ito. Sila ay magiging mga pari ng Diyos at sila ay maghahari kasama niya sa loob ng isang libong taon.
\s5
\v 7 Kapag natapos na ang libong mga taon, palalayain si Satanas mula sa kaniyang bilangguan.
\v 8 Siya ay lalabas para manlinlang ng mga bansa sa apat na sulok ng mundo -- Gog at Magog -- para tipunin sila para sa digmaan. Sila ay magiging kasing dami ng buhangin sa dagat.
\s5
\v 9 Umakyat sila pataas sa malawak na patag ng lupa at pinalibutan ang kampo ng mga mananampalataya, ang minamahal na lungsod. Pero bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon sila.
\v 10 Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man.
\s5
\v 11 Pagkatapos nakita ko ang dakilang puting trono at ang siyang nakaupo roon. Ang lupa at ang langit ay lumayo mula sa kaniyang presensya, pero wala na silang lugar na mapupuntahan.
\v 12 Nakita ang mga patay -- ang magigiting at ang hindi mahahalaga -- nakatayo sa harap ng trono, at binuksan ang mga aklat. Pagkatapos isa pang aklat ang binuksan -- Ang aklat ng Buhay. Ang patay ay hinatulan sa pamamagitan ng itinala sa mga aklat, ang kinalabasan ng kanilang ginawa.
\s5
\v 13 Ibinigay ng dagat ang mga patay na naroroon. Ibinigay ng kamatayan at ng hades ang mga patay na nasa kanila, at hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa.
\v 14 Ang kamatayan at ang hades ay itinapon sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan -- Ang lawa ng apoy.
\v 15 Kung kaninong pangalan ang hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay, siya ay itatapon sa lawa ng apoy.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong mundo, dahil ang unang langit at unang mundo ay lumipas na, at ang dagat ay wala na.
\v 2 Nakita ko ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumamababa mula sa langit mula sa Diyos, inihanda tulad ng isang babaeng ikakasal na pinaganda para sa kaniyang asawa.
\s5
\v 3 Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono sinasabing: "Tingnan mo! Ang tirahan ng Diyos ay kasama ng mga tao, at siya ay naninirahan kasama nila. Sila ay magiging kaniyang bayan, at ang Diyos mismo ay makakasama nila at siya ay magiging kanilang Diyos.
\v 4 Papahirin niya ang bawat luha mula sa kanilang mga mata, wala nang kamatayan, o pagdadalamhati, o pag-iyak, o sakit. Ang naunang mga bagay ay lumipas na.
\s5
\v 5 Siya na nakaupo sa trono ay sinabing, "Tingnan mo! Ginawa kong bago ang lahat ng mga bagay." Sinabi niya, "Isulat mo ito dahil ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo.
\v 6 Sinabi niya sa akin, "Ang mga bagay ng ito ay tapos na, Ako ang Alpa at ang Omega, ang simula at ang katapusan. Sa sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng inuming walang bayad mula sa bukal ng tubig ng buhay.
\s5
\v 7 Ang isa na manlulupig ay magmamana ng mga bagay na ito, at ako ay magiging kaniyang Diyos, at siya ay magiging anak ko.
\v 8 Pero para sa mga duwag, sa walang pananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga sekswal na imoralidad, sa mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kanilang lugar ay sa dagat-dagatang apoy ng nagniningas na asupre. Na siyang ikalawang kamatayan.
\s5
\v 9 Lumapit sa akin ang isa sa pitong mga anghel, siyang may hawak ng pitong mangkok na puno ng pitong huling mga salot, at sinabi, "Halika rito. Ipakikita ko sa iyo ang babaeng ikakasal, ang asawa ng Kordero."
\v 10 Pagkatapos dinala niya ako sa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok at ipinakita niya sa akin ang banal na lungsod, ang Jerusalem, na bumababa mula sa langit mula sa Diyos.
\s5
\v 11 Mayroong kaluwalhatian ng Diyos ang Jerusalem, at ang kaningningan nito ay tulad ng isang pinakamamahaling hiyas, tulad ng isang batong kristal na malinaw na jaspe.
\v 12 Mayroon itong isang kadakilaan, mataas na pader na may labingdalawang tarangkahan, na may labingdalawang anghel sa mga tarangkahan. Nakasulat sa mga tarangkahan ang mga pangalan ng labingdalawang lipi ng mga anak ng Israel.
\v 13 Sa silangan ay may tatlong tarangkahan, sa hilaga ay may tatlong tarangkahan, sa timog ay may tatlong tarangkahan, sa kanluran ay may tatlong tarangkahan.
\s5
\v 14 Ang pader ng lungsod ay may labingdalawang pundasyon, at doon ay may labingdalawang pangalan ng labindalawang apostol ng Kordero.
\v 15 Ang siyang nagsalita sa akin ay may tungkod na panukat na gawa sa ginto para sukatin ang lungsod, ang mga tarangkahan at pader nito.
\s5
\v 16 Ang pagkakatayo ng lungsod ay parisukat; magkatulad ang haba at ang lawak nito. Sinukat niya ang lungsod gamit ang tungkod na panukat, ang haba nito ay 12, 000 na mga estadio (ang haba, ang lawak, at ang taas ay magkakapareho).
\v 17 Sinukat din niya ang pader nito, 144 na kubit ang kapal sa panukat ng tao (na ganoon din sa panukat ng anghel).
\s5
\v 18 Ang pader ay itinayo sa jaspe, at ang lungsod sa purong ginto, tulad ng malinaw na salamin.
\v 19 Ang pundasyon ng pader ay pinaganda ng iba't ibang uri ng mamahaling bato. Ang una ay jaspe, ang ikalawa ay safiro, ang ikatlo ay agate, ang ikaapat ay esmeralda,
\v 20 ang ikalima ay oniks, ang ikaanim ay kornalina, ang ikapito ay krisolito, ang ikawalo ay berilo, ang ikasiyam topaz, ang ikasampu ay krisopraso, ang ikalabing-isa ay jacinto, at ang ikalabingdalawa ay amatista.
\s5
\v 21 Ang labing dalawang tarangkahan ay labing dalawang perlas, ang bawat tarangkahan ay mula sa iisang perlas. Ang mga lansangan ng lungsod ay purong ginto, gaya ng malinaw na salamin.
\v 22 Wala akong nakitang templo sa lungsod, dahil ang Panginoong Diyos, na siyang namumuno sa lahat, at ang Kordero ang kanilang templo.
\s5
\v 23 Hindi na kailangan ng lungsod ang araw o ang buwan para liwanagan ito dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ang nagliliwanag dito, at ang kaniyang ilawan ay ang Kordero.
\v 24 Ang mga bansa ay maglalakad sa pamamagitan ng ilaw ng lungsod na iyon. Dadalahin ng mga hari ng mundo ang karangyaan nila dito.
\v 25 Hindi isasara ang tarangkahan nito sa araw, at hindi na magkakaroon ng gabi dito.
\s5
\v 26 Dadalhin nila ang karangyaan at ang karangalan ng mga bansa dito,
\v 27 at walang marurumi ang maaaring makapasok dito. Maging ang sinumang gumagawa ng anumang kahihiyan o panlilinlang ang makakapasok, pero ang mga nakasulat lamang ang pangalan sa aklat ng buhay ng Kordero.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Pagkatapos ipinakita sa akin ng anghel ang ilog ng tubig ng buhay, ang tubig ay kasing linaw ng kristal. Dumadaloy ito mula sa trono ng Diyos at ng Kordero,
\v 2 sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay na nagbubunga ng labingdalawang uri ng prutas, at sa bawat buwan ay namumunga ito. Ang mga dahon ng puno ay para mapagaling ang bansa.
\s5
\v 3 Wala na kahit anumang sumpa. Ang trono ng Diyos at ng Kordero ay matatagpuan sa lungsod at paglilingkuran siya ng kaniyang mga lingkod.
\v 4 Makikita nila ang kaniyang mukha at ang kaniyang pangalan ay malalagay sa kanilang mga noo.
\v 5 Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man.
\s5
\v 6 Sinabi sa akin ng anghel, "Ang mga salitang ito ay mapagkakatiwalaan at totoo. Ang Panginoon, ang Diyos ng mga espiritu ng mga propeta, ay ipinadala ang kaniyang anghel para ipakita sa kaniyang mga lingkod ang mga bagay na malapit ng maganap."
\v 7 "Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Pinagpala ang siyang sumusunod sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito."
\s5
\v 8 Ako, si Juan, ang siyang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. Nang aking makita at narinig sila, ipinatirapa ko ang aking sarili sa paanan ng anghel para sambahin siya, ang anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
\v 9 Sinabi niya sa akin, "Huwag mong gawin iyan!" Ako ay tulad mo ring lingkod na kasama mo, kasama ng iyong mga kapatid na mga propeta, at kasama ng mga sumusunod sa mga salita ng aklat na ito. Sambahin ang Diyos!"
\s5
\v 10 Sinabi niya sa akin, "Huwag mong selyuhan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, dahil ang oras ay malapit na.
\v 11 Siya na hindi matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gawin ang hindi matuwid. Siya na marumi ang moralidad, hayaan siyang magpatuloy sa pagiging marumi ang moralidad. Siya na matuwid, hayaan siyang magpatuloy na gumawa ng matuwid. Siya na banal, hayaan siya na magpatuloy na maging banal.
\s5
\v 12 Tingnan mo! Malapit na akong dumating. Ang aking gantimpala ay nasa akin, para gantihan ang bawat isa ayon sa anuman na kaniyang ginawa.
\v 13 Ako ang Alpa at ang Omega, ang Una at ang Huli, ang Simula at ang Katapusan.
\s5
\v 14 Pinagpala ang mga naglilinis ng kanilang mga balabal kaya magkakaroon sila ng karapatan para makakain nang mula sa puno ng buhay at para makapasok sa lungsod sa pamamagitan ng mga tarangkahan.
\v 15 Nasa labas ang mga aso, ang mga mangkukulam, ang sekswal na imoralidad, ang mga mamamatay tao, ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang lahat ng nagmamahal at gumagawa ng kasinungalingan.
\s5
\v 16 Ako, si Jesus, ipinadala ko ang aking anghel para magpatotoo sa inyo tungkol sa mga bagay para sa mga iglesiya. Ako ang ugat at ang kaapu-apuhan ni David, ang maningning na Bituin sa Umaga.
\s5
\v 17 Sinasabi ng Espiritu at ng Babaeng ikakasal, "Halika! Hayaang sabihin ng nakaririnig, "Halika!" Sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit, at sinuman ang nagnanais nito, hayaan siya na malayang magkaroon ng tubig ng buhay.
\s5
\v 18 Pinatototohanan ko sa bawat isang nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung sinumang magdagdag sa mga ito, ang Diyos ang magdadagdag sa kaniya ng mga salot na tulad ng nakasaad sa aklat na ito.
\v 19 Kung sinuman ang mag-aalis mula sa mga salita ng aklat na ito ng propesiya, aalisin ng Diyos ang kaniyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod, na nakasulat tungkol sa aklat na ito.
\s5
\v 20 Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay sinasabi, "Oo! Malapit na akong dumating." Amen! Halika, Panginoong Jesus!
\v 21 Sumainyong nawa lahat ng biyaya ng Panginoong Jesus. Amen.