tl_ulb/34-NAM.usfm

111 lines
9.2 KiB
Plaintext

\id NAM
\ide UTF-8
\h Nahum
\toc1 Nahum
\toc2 Nahum
\toc3 nam
\mt Nahum
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ang pahayag tungkol sa Ninive. Ang Aklat ng Pangitain ni Nahum, ang Elkoshita.
\s5
\v 2 Si Yahweh ay mapanibughuing Diyos at mapaghiganti; si Yahweh ay mapaghiganti at puno ng poot; naghihiganti si Yahweh sa kaniyang mga kalaban, at ipinagpapatuloy ang galit niya sa kaniyang mga kaaway.
\v 3 Banayad si Yahweh sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan; hindi niya ipahahayag na walang sala ang kaniyang mga kaaway. Si Yahweh ay gumagawa ng kaniyang daan sa ipu-ipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay mga alabok ng kaniyang mga paa.
\s5
\v 4 Sinasaway niya ang dagat at ginagawa itong tuyo; tinutuyo niya ang lahat ng ilog. Mahina ang Bashan, at gayon din ang Carmel; nanlulupaypay rin ang mga bulaklak sa Lebanon.
\v 5 Nayayanig ang mga bundok sa kaniyang presensiya at natutunaw ang mga burol; nagsisiguho ang lupa sa kaniyang presensiya, sa katunayan, ang sanlibutan at ang lahat ng taong nabubuhay dito.
\s5
\v 6 Sino ang makakaharap sa kaniyang poot? Sino ang makakapigil sa bagsik ng kaniyang galit? Ibinubuhos na tulad ng apoy ang kaniyang poot, at nahahati ang mga bato sa pamamagitan niya.
\s5
\v 7 Si Yahweh ay mabuti, isang tanggulan sa panahon ng kaguluhan at tapat siya sa mga naglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya.
\v 8 Ngunit gagawa siya ng isang lubos na pagwawakas sa kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng isang malaking baha, at hahabulin niya sila hanggang sa kadiliman.
\s5
\v 9 Ano ang masamang binabalak ninyong mga tao laban kay Yahweh? Wawakasan niya ito nang lubusan at hindi na magkakaroon ng kaguluhan sa ikalawang pagkakataon.
\v 10 Sapagkat magiging sala-salabat silang tulad ng matinik na mga halaman; malulunod sila sa kanilang sariling inumin; lubos silang lalamunin sa pamamagitan ng apoy tulad ng tuyong pinaggapasan.
\v 11 May isang titindig mula sa iyo, Ninive, ang siyang nagbalak ng masama laban kay Yahweh, isang taong nagtaguyod ng kasamaan.
\s5
\v 12 Ito ang sinasabi ni Yahweh: "Kahit na napakalakas at napakarami ang bilang nila, gayon pa man, sila ay gugupitin; mawawala ang kanilang mga tao. Ngunit ikaw, Juda: Kahit na pinahirapan kita, hindi na kita pahihirapang muli.
\v 13 Ngayon aking babaliin ang pamatok ng mga taong iyon paalis sa iyo; sisirain ko ang iyong mga tanikala."
\s5
\v 14 At nagbigay si Yahweh ng isang utos tungkol sa iyo, Ninive: "Wala nang kaapu-apuhan ang magdadala ng iyong pangalan. Aking ihihiwalay ang inukit na mga larawan at ang minoldeng mga larawang gawa sa metal mula sa mga tahanan ng iyong mga diyos. Huhukayin ko ang iyong mga libingan, sapagkat napakasama mo."
\s5
\v 15 Tingnan mo, nasa mga kabundukan ang mga paa ng isang taong nagdadala ng magandang balita, na siyang naghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Juda, at tuparin ang iyong mga pangako, sapagkat hindi ka na sasalakayin pa ng masasama, siya ay lubos na naihiwalay.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Ang siyang dudurog sa iyo ng pira-piraso ay parating na laban sa iyo. Maglagay ng bantay sa mga pader ng siyudad, bantayan ang mga kalye, palakasin ang iyong mga sarili, tipunin ang iyong mga hukbo.
\v 2 Sapagkat pinanunumbalik ni Yahweh ang pagkamaharlika ni Jacob, tulad ng kamaharlikaan ng Israel, kahit na sinira ang mga ito ng mga mandarambong at winasak ang mga sanga ng puno ng kanilang ubas.
\s5
\v 3 Pula ang mga kalasag ng kaniyang mga magigiting na lalaki at nakadamit ng matingkad na pula ang mga matatapang na lalaki; kumikislap ang metal ng kanilang mga karwahe sa araw na iyon na sila ay nakahanda, at ang mga sibat na saypres ay iwinagayway sa hangin.
\v 4 Rumaragasa ang mga karwahe sa mga lansangan; mabilis silang pumaroo't pumarito sa mga maluluwang na mga lansangan. Para silang mga sulo, at tumatakbo sila na parang mga kidlat.
\s5
\v 5 Tinatawag ng siyang dudurog sa iyo ng pira-piraso ang kaniyang mga pinuno; natitisod sila sa isa't isa sa kanilang paglakad; nagmamadali sila upang lusubin ang pader ng lungsod. Inihanda na ang malaking kalasag upang pangalagaan itong mga manlulusob.
\s5
\v 6 Pilit na binuksan ang mga tarangkahan sa mga ilog, at ang palasyo ay babagsak sa pagkawasak.
\v 7 Hinubaran ng damit ang reyna at dinala siya palayo, nanaghoy ang kaniyang mga lingkod na babae na parang mga kalapati, dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
\s5
\v 8 Ang Ninive ay parang isang lawa ng tubig na tumatagas, kasama nitong tumatakas ang kaniyang mga tao na parang rumaragasang tubig. Sumisigaw ang iba, "Tumigil kayo, tumigil kayo," ngunit walang lumilingon.
\v 9 Kunin ninyo ang sinamsam na pilak, kunin ninyo ang sinamsam na ginto, sapagkat wala itong katapusan, ang karangyaan ng lahat ng bagay na magaganda sa Ninive.
\v 10 Walang nakatira sa Ninive at nawasak. Natutunaw ang puso ng lahat, nag-uumpugan ang mga tuhod ng bawat isa, at ang nagdadalamhati ang bawat isa, maputlang lahat ang kanilang mga mukha.
\s5
\v 11 Nasaan na ngayon ang lungga ng mga leon, ang lugar kung saan pinapakain ang mga batang leon, ang lugar kung saan dumadaan ang leon at ang babaeng leon, kasama ang mga batang leon, kung saan wala silang kinatatakutan?
\v 12 Niluray ng leon ng pirara-piraso ang kaniyang biktima para sa kaniyang mga anak, sinakmal niya ang mga biktima para sa kaniyang mga asawang leon, at pinupuno ang kaniyang kuweba ng mga biktima, puno ang kaniyang mga lungga ng mga nilapang patay na hayop.
\s5
\v 13 "Masdan mo, ako ay laban sa iyo", ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. "Susunugin ko ang iyong mga karwahe sa usok at lalamunin ng espada ang iyong mga batang leon. Ihihiwalay ko ang iyong mga sinamsam mula sa iyong lupain at hindi na maririnig ang mga tinig ng iyong mga mensahero."
\s5
\c 3
\p
\v 1 Aba sa lungsod na puno ng dugo! Puno ito ng lahat ng kasinungalingan at ninakaw na ari-arian; at laging nasa kaniya ang mga biktima.
\v 2 Ngunit ngayon naroon ang ingay ng pamamalo at tunog ng mga dumadagundong na mga gulong, tumitigidig na mga kabayo, at rumaragasang mga karwahe.
\s5
\v 3 May mga lumulusob na mangangabayo, kumikislap na mga espada, kumikinang na mga sibat, mga tambak ng mga bangkay, mataas na tumpok ng mga bangkay. Walang katapusan sa mga katawan, natitisod ang mga manlulusob sa kanila.
\v 4 Nangyayari ito dahil sa mahahalay na kilos ng magandang nagbebenta ng aliw, ang bihasa sa pangkukulam na siyang nagbebenta ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagbebenta ng aliw, at ang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang paggawa ng pangkukulam.
\s5
\v 5 "Pagmasdan mo, ako ay laban sa iyo," ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. "Aking itataas ang iyong palda hanggang sa iyong mukha at ipapakita ang iyong mga maseselang bahagi sa mga bansa, ang iyong kahihiyan sa mga kaharian."
\v 6 Magtatapon ako ng nakakadiring dumi sa iyo at gagawin kang mabaho; Gagawin kitang isang bansa na titingnan ng lahat.
\v 7 Mangyayari ito na ang lahat ng makakakita sa iyo ay lalayo at sasabihin, 'Nawasak ang Ninive, sino ang iiyak para sa kaniya?' Saan ako makakahanap ng sinumang aaliw sa iyo?"
\s5
\v 8 Ninive, ikaw ba ay mas mabuti kaysa sa Tebes, na itinayo sa Ilog Nilo, na napalibutan ng tubig, na ang kaniyang depensa ay ang karagatan, na ang kaniyang pader ay ang dagat mismo?
\v 9 Etiopia at Egipto ang kaniyang mga kalakasan, at wala itong katapusan; kaanib niya ang Put at ang Libya.
\s5
\v 10 Gayon pa man, dinala ang Tebes palayo; napunta siya sa pagkabihag; nadurog ang kaniyang mga batang anak sa dulo ng bawat lansangan; nagpalabunutan ang kaniyang mga kaaway para sa kaniyang mga mararangal na tao, at lahat nang kaniyang mga dakilang tao ay ginapos ng mga tanikala.
\v 11 Ikaw rin ay malalasing; susubukan mong magtago, at maghahanap ka rin ng isang mapagkukublihan mula sa iyong mga kaaway.
\s5
\v 12 Lahat ng iyong mga kuta ay magiging tulad ng puno ng mga igos na may maagang nahihinog na mga bunga: kung nayuyugyog ang mga ito, nahuhulog ang mga ito sa bibig ng mangangain.
\v 13 Tingnan mo, ang mga taong kasama mo ay mga babae; maluwang na nabuksan ang mga tarangkahan ng iyong lupain para sa iyong mga kaaway; nilamon ng apoy ang kanilang mga baras.
\s5
\v 14 Sumalok ka ng tubig para sa paglusob; pagtibayin mo ang iyong mga kuta; pumasok ka sa putikan at tapakan mo ang lusong; tibayan mo ang mga hulmahan ng mga laryo.
\v 15 Lalamunin ka roon ng apoy, at sisirain ka ng espada. Lalamunin ka nito gaya ng paglamon ng mga batang balang sa lahat ng bagay. Paramihin mo ang iyong sarili gaya ng batang mga balang, kasindami ng malalaking mga balang.
\s5
\v 16 Pinarami mo ang iyong mga mangangalakal nang mas marami kaysa sa mga bituin sa kalangitan; ngunit para silang mga batang balang; sinasamsam nila ang lupain at pagkatapos ay lumilipad palayo.
\v 17 Marami ang iyong mga prinsipe na gaya ng malalaking mga balang, at ang iyong mga heneral ay katulad ng mga dumapong balang na nagkampo sa mga pader sa isang malamig na panahon. Ngunit kapag sumikat ang araw nagsisilipad sila palayo sa walang nakakaalam kung saan.
\s5
\v 18 Hari ng Asiria, natutulog ang iyong mga pastol; nagpapahinga ang iyong mga pinuno. Nakakalat sa mga bundok ang iyong mga tao, at walang sinuman ang titipon sa kanila.
\v 19 Walang maaaring kagalingan para sa iyong mga sugat. Malala ang iyong mga sugat. Lahat ng makakarinig ng balita tungkol sa iyo ay ipapalakpak ang kanilang mga kamay sa kagalakan dahil sa iyo. Sino ang makatatakas sa iyong patuloy na kasamaan?