tl_ulb/32-JON.usfm

108 lines
8.6 KiB
Plaintext

\id JON
\ide UTF-8
\h Jonas
\toc1 Jonas
\toc2 Jonas
\toc3 jon
\mt Jonas
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ngayon ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas na anak ni Amitai, na nagsasabing,
\v 2 "Bumangon ka at pumunta sa Ninive, iyong malaking lungsod, at magsalita ka laban dito, dahil ang kasamaan nila ay umabot sa akin."
\v 3 Subalit bumangon si Jonas at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh at nagtungo sa Tarsis. Bumaba siya sa Joppa at nakakita ng isang barko patungong Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko upang sumama sa kanila patungong Tarsis, palayo mula sa presensya ni Yahweh.
\s5
\v 4 Subalit nagpadala si Yahweh ng malakas na hangin sa dagat at ito ay naging malakas na bagyo sa dagat. Hindi nagtagal ang barko ay parang masisira na.
\v 5 Kaya lubhang natakot ang mga mandaragat at tumatawag ang bawat tao sa kaniya-kanyang sariling diyos. Tinapon nila ang mga kargamento ng barko sa dagat upang mapagaan ito. Ngunit bumaba si Jonas doon sa mga kaloob-loobang bahagi ng barko, at nakahiga roon mahimbing na natutulog.
\s5
\v 6 Kaya pumunta ang kapitan sa kaniya at sinabi sa kanya, "Anong ginagawa mong natutulog? Bumangon ka! Tumawag ka sa iyong diyos! Marahil mapapansin tayo ng iyong diyos at hindi tayo mamamatay."
\v 7 Sinabi nilang lahat sa bawat isa, "Halikayo, magpalabunutan tayo, para malaman natin kung sino ang dahilan ng kasamaang ito na nangyayari sa atin." Kaya nagpalabunutan sila at ang bunot ay napunta kay Jonas.
\s5
\v 8 Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, "Pakiusap sabihin sa amin kung sino ang dahilan nitong kasamaang nangyayari sa atin. Ano ang iyong hanap-buhay, at saan ka nanggaling? Ano ang iyong bansa at mula sa aling lahi ka?"
\v 9 Sinabi ni Jonas sa kanila, "Ako ay isang Hebreo; at kinatatakutan ko si Yahweh, ang Diyos ng langit, na siyang gumawa ng dagat at ng tuyong lupa."
\v 10 Pagkatapos lalong natakot ang mga tao at sinabi kay Jonas, "Ano itong ginawa mo?" Dahil nalaman ng mga tao na siya ay tumatakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh, dahil sinabi niya sa kanila.
\s5
\v 11 Pagkatapos sinabi nila kay Jonas, "Ano ang dapat naming gawin sa iyo upang humupa ang dagat para sa atin?" Sapagkat ang dagat ay lalong naging marahas.
\v 12 Sinabi ni Jonas sa kanila, "Buhatin ninyo ako at itapon ninyo ako sa dagat. Pagkatapos huhupa ang dagat para sa inyo, sapagkat alam kong dahil sa akin kaya nangyayari sa inyo ang malakas na bagyong ito."
\v 13 Gayunpaman, ang mga lalaki ay nagsumikap sumagwan ng matindi upang makabalik sila sa lupa, ngunit hindi nila ito magawa dahil ang dagat ay lalong nagiging marahas laban sa kanila.
\s5
\v 14 Kaya tumawag sila kay Yahweh at sinabing, "Nagmamakaawa kami sa iyo, Yahweh, nagmakaawa kami, huwag mo kaming hayaang mamatay dahil sa buhay ng taong ito, at huwag mong ipataw sa amin ang pagkakasala sa kanyang kamatayan, dahil ikaw, Yahweh ang gumawa kung ano ang makalulugod sa iyo."
\v 15 Kaya binuhat nila si Jonas at itinapon siya sa dagat, at tumigil ang matinding galit ng dagat.
\v 16 Pagkatapos lalong natakot ang mga tao kay Yahweh. Naghandog sila ng mga alay kay Yahweh at gumawa ng mga panata.
\s5
\v 17 Ngayon inihanda ni Yahweh ang isang malaking isda upang lunukin si Jonas, at si Jonas ay nasa loob ng tiyan ng isda nang tatlong araw at tatlong gabi.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkatapos nanalangin si Jonas kay Yahweh na kaniyang Diyos mula sa tiyan ng isda.
\v 2 Sinabi niya, "Tumawag ako kay Yahweh tungkol sa aking pagdadalamhati at sinagot niya ako; mula sa tiyan ng lugar ng Sheol sumigaw ako para sa tulong! Narinig mo ang aking tinig.
\s5
\v 3 Itinapon mo ako sa kailaliman, sa puso ng karagatan, at pinalibutan ako ng alon; lahat ng iyong mga alon at gumugulong na alon ay dumaan sa ibabaw ko.
\v 4 At aking sinabi, 'Pinaalis ako mula sa harapan ng iyong mga mata; gayunman ako ay muling tatanaw sa dako ng iyong banal na templo?'
\s5
\v 5 Nilukuban ako ng mga tubig hanggang sa aking leeg; nakapalibot sa akin ang kalaliman; nakabalot sa aking ulo ang damong-dagat.
\v 6 Bumaba ako sa mga paanan ng kabundukan; ang lupa kasama ang mga rehas nito ay lumukob sa akin magpakailanman. Gayunman iniangat mo ang aking buhay mula sa hukay, Yahweh, aking Diyos!
\s5
\v 7 Nang nanlupaypay ang aking kaluluwa, naalala ko si Yahweh; pagkatapos dumating sa iyo ang aking dalangin, sa iyong banal na templo.
\v 8 Ang mga nagbigay pansin sa mga walang kabuluhang diyos ay tinatanggihan ang iyong katapatan para sa kanilang sarili.
\s5
\v 9 Subalit para sa akin, mag-aalay ako sa iyo ng isang tinig ng pasasalamat; tutuparin ko kung alin ang aking ipinangako. Ang kaligtasan ay nagmumula kay Yahweh!"
\v 10 Pagkatapos nangusap si Yahweh sa isda, at iniluwa nito si Jonas paitaas sa ibabaw ng tuyong lupa.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jonas sa pangalawang pagkakataon, na nagsasabing,
\v 2 "Tumindig ka, pumunta ka sa Ninive, iyong malaking lungsod, at ipahayag dito ang mensaheng iniutos ko sa iyo para ibigay."
\v 3 Kaya tumayo si Jonas at pumunta sa Ninive bilang pagsunod sa salita ni Yahweh. Ngayon ang Nineve ay isang napakalaking lungsod, isang lungsod na may tatlong araw na paglalakbay.
\s5
\v 4 Nagsimulang pumasok si Jonas sa lungsod at pagkatapos ng isang araw na paglalakbay sumigaw siya at sinabing, "Sa loob ng apatnapung araw ang Ninive ay ibabagsak."
\v 5 Ang mga tao sa Ninive ay naniwala sa Diyos at nagpahayag sila ng isang pag-aayuno. Nagsuot silang lahat ng magaspang na tela, mula sa pinakamatasas sa kanila hanggang sa pinakamababa sa kanila.
\s5
\v 6 Madaling nakarating ang balita sa hari ng Ninive. Tumayo siya mula sa kaniyang trono, hinubad ang kaniyang balabal, tinakpan ang kaniyang sarili ng magaspang na tela, at umupo sa mga abo.
\v 7 Nagpadala siya ng isang pahayag na nagsasabing, "Sa Ninive, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng hari at kanyang mga tauhang maharlika, huwag hayaan na ang tao man ni hayop, pangkat ng mga hayop ni kawan, ay tumikim ng anuman. Huwag silang hayaang kumain ni uminom ng tubig.
\s5
\v 8 Ngunit hayaan ang kapwa tao at hayop ay matakpan ng magaspang na tela at hayaan silang sumigaw nang malakas sa Diyos. Hayaan ang bawat isa na tumalikod mula sa kanyang masamang gawi at mula sa karahasang nasa kanyang mga kamay.
\v 9 Sinong nakakaalam? Maaring mahabag ang Diyos at mabago ang kanyang isip at tumalikod mula sa kanyang mabangis na galit upang hindi tayo mamatay."
\s5
\v 10 Nakita ng Diyos kung ano ang kanilang ginawa, na tumalikod sila mula sa kanilang masasamang mga gawi. Kung kaya binago ng Diyos ang kanyang isipan tungkol sa parusang sinabi niyang gagawin niya sa kanila, at hindi niya ginawa ito.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Ngunit naghinanakit si Jonas, at nagalit siya nang labis.
\v 2 Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, "A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.
\v 3 Kaya ngayon, Yahweh, nagmamakaawa ako, kunin mo ang aking buhay, dahil higit na mabuti para akin ang mamatay kaysa sa mabuhay."
\s5
\v 4 Sinabi ni Yahweh, "Mabuti bang ikaw ay lubos na magalit?"
\v 5 Pagkatapos lumabas si Jonas mula sa lungsod at umupo sa dakong silangang bahagi ng lungsod. Doon gumawa siya ng silungan at umupo sa ilalim nito sa lilim upang makita niya kung ano ang maaaring mangyari sa lungsod.
\s5
\v 6 Naghanda ang Diyos na si Yahweh ng isang halaman at pinatubo niya ito sa ibabaw ng ulo ni Jonas para maging lilim sa ibabaw ng ulo niya para mapagaan ang kanyang pagkabalisa. Labis na natuwa si Jonas nang dahil sa halaman.
\v 7 Ngunit kinabukasan sa pagsikat ng araw naghanda ang Diyos ng isang uod. Sinalakay nito ang halaman at nalanta ang halaman.
\s5
\v 8 Nangyari na nang sumikat ang araw ng sumunod na umaga, ang Diyos ay naghanda ng isang mainit na hangin mula sa silangan. At saka, tinamaan ng sinag ng araw ang ulo ni Jonas at naging maputla siya. Pagkatapos hinangad ni Jonas na mamatay siya. Sinabi ni Jonas sa kanyang sarili, "Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa mabuhay.
\v 9 Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Jonas, "Tama bang labis kang magalit dahil sa halaman? At sinabi ni Jonas, "Tama lang na magalit ako, kahit hanggang sa kamatayan."
\s5
\v 10 Sinabi ni Yahweh, "Nagkaroon ka ng habag sa halaman, na hindi mo naman pinaghirapan, ni pinatubo ito. Tumubo ito sa isang gabi at namatay sa isang gabi.
\v 11 Kaya para sa akin, hindi ba dapat akong mahabag sa Ninive, ang malaking lungsod na iyon, kung saan may mas marami pa sa isandaan at dalawampung libong tao na hindi alam ang kaibahan sa pagitan ng kanilang kanang kamay at kaliwang kamay, at saka maraming rin baka?"