1871 lines
160 KiB
Plaintext
1871 lines
160 KiB
Plaintext
|
\id ACT
|
|||
|
\ide UTF-8
|
|||
|
\h Mga Gawa
|
|||
|
\toc1 Mga Gawa
|
|||
|
\toc2 Mga Gawa
|
|||
|
\toc3 act
|
|||
|
\mt Mga Gawa
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 1
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Teofilo, nabanggit sa unang aklat na aking isinulat ang lahat ng mga gawain na sinimulan at itinuro ni Jesus.
|
|||
|
\v 2 Hanggang sa araw na siya ay tinanggap sa itaas. Ito ay matapos siyang bigyan ng utos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu para sa mga Apostol na kaniyang pinili.
|
|||
|
\v 3 Pagkatapos ng kaniyang paghihirap, iniharap niyang buhay ang kaniyang sarili sa kanila kasama ang marami pang mga kapani-paniwalang katibayan. Sa loob ng apatnapung araw, nagpakita siya sa kanila at nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Noong nakikipagkita pa siya sa kanila, iniutos niya sa kanila na huwag umalis ng Jerusalem, kundi maghintay sa pangako ng Ama na kung saan sinabi niya "Narinig ninyo mula sa akin
|
|||
|
\v 5 na tunay na nagbautismo si Juan gamit ang tubig, ngunit kayo ay mababautismuhan sa Banal na Espiritu sa mga susunod na araw.''
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nang sama-sama silang nagkatipon tinanong nila siya, ''Panginoon, ito na ba ang oras na ibabalik mo ang kaharian sa Israel?''
|
|||
|
\v 7 Sinabi niya sa kanila, ''Hindi na para malaman ninyo ang mga oras o ang mga panahon na itinakda ng Ama sa kaniyang sariling kapamahalaan.
|
|||
|
\v 8 Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.''
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Nang sabihin ng Panginoong Jesus ang mga bagay na ito, habang nakatingala sila, siya ay itinaas, at itinago siya ng ulap mula sa kanilang mga mata.
|
|||
|
\v 10 Habang nakatitig sila sa langit nang siya ay paalis, bigla na lamang may dalawang lalaking nakatayo sa tabi nila na nakasuot ng puti.
|
|||
|
\v 11 Sinabi nila, "Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayo dito na nakatingin sa langit? Itong Jesus na umakyat sa langit ay babalik rin sa paraang katulad ng nakita ninyo na pagpunta niya sa langit."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 At bumalik sila sa Jerusalem mula sa Bundok ng Olibo, na malapit sa Jerusalem, isang Araw ng Pamamahinga na paglalakbay.
|
|||
|
\v 13 Pagkarating nila, umakyat sila sa silid na nasa itaas, kung saan sila nananatili. Sila ay sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Filipe, Tomas, Bartolome, Mateo, Santiago na anak ni Alfeo, Simon na Makabayan at si Judas na anak ni Santiago.
|
|||
|
\v 14 Sama-sama silang nagkakaisa habang patuloy silang masigasig na nananalangin. Kasama rito ang mga kababaihang sina Maria na ina ni Jesus at ang kaniyang mga kapatid.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Sa mga araw na iyon, tumayo si Pedro sa kalagitnaan ng mga kapatid, na halos 120 katao at sinabi,
|
|||
|
\v 16 "Mga kapatid, kinailangan na ang kasulatan ay matupad, na ang Banal na Espiritu ay magsalita sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, na siyang gumabay sa mga dumakip kay Jesus.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Sapagkat nakasama natin siya at tinanggap ang kaniyang bahagi ng kapakinabangan sa ministeryong ito."
|
|||
|
\v 18 (Ngayon bumili ang taong ito ng bukid mula sa kaniyang natanggap kita dahil sa kaniyang kasamaan, at doon ay nahulog siya na nauna ang ulo, ang kanyang katawan ay sumambulat, at lahat ng kanyang bituka ay sumabog.
|
|||
|
\v 19 Narinig ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem ang tungkol dito, kaya tinawag nila ang bukid na iyon na "Akeldama," na ang ibig sabihin sa kanilang salita ay, "Bukid ng Dugo".)
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 "Sapagkat nasusulat sa Aklat ng Mga Awit, 'Hayaan ninyong walang manirahan sa kaniyang bukirin, at huwag ninyong hayaan ang kahit na isang tao na manirahan doon'; at 'Hayaang may isang tao na kumuha sa kanyang posisyon ng pamumuno.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Ito ay kinakailangan, samakatuwid, na isa sa mga kalalakihang nakasama natin sa lahat ng oras nang ang Panginoong Jesus ay kasa-kasama pa natin,
|
|||
|
\v 22 simula sa pagbautismo ni Juan hanggang sa araw na kunin siya sa atin, dapat ay isa siyang saksing kasama natin sa kaniyang muling pagkabuhay."
|
|||
|
\v 23 Naglapit sila sa harapan ng dalawang kalalakihan, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinangalanan ring Justo, at si Matias.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Nanalangin sila at sinabi, "Ikaw, Panginoon, ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao, kaya ipahayag mo kung sino sa dalawang ito ang iyong pinili
|
|||
|
\v 25 upang pumalit sa gawaing ito at sa pagka-apostol mula nang si Judas ay lumabag upang magtungo sa kaniyang sariling lugar.''
|
|||
|
\v 26 Sila ay nagpalabunutan para sa kanila; at napunta kay Matias ang palabunutan at siya ang ibinilang na kasama ng labing-isang apostol.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 2
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang sumapit ang araw ng Pentecostes, lahat sila ay sama-sama sa iisang lugar.
|
|||
|
\v 2 Bigla na lamang may tunog mula sa langit na tila humahagibis na hangin, at napuno nito ang buong bahay kung saan sila nakaupo.
|
|||
|
\v 3 Doon ay nagpakita sa kanila ang tulad ng dilang apoy na napamahagi at dumapo sa bawat isa sa kanila.
|
|||
|
\v 4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu sa kanila na sabihin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Ngayon may mga Judiong naninirahan sa Jerusalem, mga maka-diyos na tao, galing sa bawat bansa sa ilalim ng langit.
|
|||
|
\v 6 Nang marinig ang tunog na ito, nagpuntahan ang maraming tao at nalito sapagkat narinig nang lahat na nagsasalita sila sa kanilang sariling wika.
|
|||
|
\v 7 Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, "Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Bakit kaya naririnig natin sila, bawat isa sa ating sariling wika na ating kinalakihan?
|
|||
|
\v 9 Mga taga- Partia, taga-Media at mga taga- Elam, at sa mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea at Capadocia, sa Ponto at sa Asya,
|
|||
|
\v 10 sa Frigia at Panfilia, sa Egipto at sa bahagi ng Libya na malapit sa Cirene at mga panauhin mula sa Roma,
|
|||
|
\v 11 Mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala, at mga taga-Creta at mga taga- Arabia, naririnig namin sila na nagsasabi ayon sa ating mga wika tungkol sa mga kamangha- manghang gawa ng Diyos."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nagtaka silang lahat at naguluhan; at sinabi nila sa isa't- isa, "Ano ang ibig sabihin nito?"
|
|||
|
\v 13 Ngunit nangutya ang iba at sinabi, "Lasing na lasing sila ng bagong alak."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Ngunit tumayo si Pedro kasama ang labing isa, tinaasan niya ang kaniyang boses, at sinabi sa kanila, "Mga tao ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, dapat ninyo itong malaman; pakinggan ninyong mabuti ang aking sasabihin.
|
|||
|
\v 15 Sapagkat ang mga taong ito ay hindi lasing gaya ng inyong inaakala, sapagkat pangatlong oras pa lamang nang araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Ngunit ito ang sinabi sa pamamamagitan ni propeta Joel:
|
|||
|
\v 17 'Mangyayari ito sa mga huling araw,' sinabi ng Diyos, 'Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao. Magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at mga babae, makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki, at magkakaroon ng mga panaginip ang inyong mga matatandang lalaki.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Gayundin sa aking mga lingkod at sa aking mga lingkod na babae ibubuhos ko ang aking Espiritu sa araw na iyon, at sila ay magpapahayag.
|
|||
|
\v 19 Magpapakita ako ng mga kamangha-manghang bagay mula sa langit at mga tanda dito sa lupa, dugo, apoy, at singaw ng usok.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Magiging madilim ang araw at magiging dugo ang buwan, bago dumating ang dakila at hindi pangkaraniwang araw ng Panginoon.
|
|||
|
\v 21 Iyon ay ang pagkakaligtas ng bawat isa na tatawag sa pangalan ng Panginoon.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Mga taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus ng Nazaret, ang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga makapangyarihang gawa at mga kamangha- manghang bagay at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya, sa inyong kalagitnaan, katulad ng inyong nalalaman-
|
|||
|
\v 23 dahil sa nakatakdang plano at kaalaman ng Diyos mula sa simula pa siya ay isinuko ninyo sa mga kamay ng taong lumalabag sa batas, ipinako siya sa krus at pinatay;
|
|||
|
\v 24 binuhay ng Diyos, inalis ang mga sakit at kamatayan sa kaniya, sapagakat hindi siya maaaring pigilan nito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Sapagkat sinasabi ni David tungkol sa kaniya, 'Nakita kong lagi ang Panginoon sa aking harapan, sapagkat siya ay nasa aking kanang kamay upang hindi ako matinag.
|
|||
|
\v 26 Samakatuwid, natuwa ang aking puso at nagalak ang aking dila. Maging ang aking laman ay mamumuhay nang may pananalig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa na mapunta sa hades, o papayagan ang iyong Nag-iisang Banal na makitang mabulok.
|
|||
|
\v 28 Ipinahayag mo sa akin ang mga daan ng buhay; pupunuin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Mga kapatid, kaya kong magsalita sa inyo ng may katiyakan tungkol sa patriarkang si David: namatay siya at inilibing, at ang kaniyang libingan ay nasa atin hanggang sa ngayon.
|
|||
|
\v 30 Kaya naman, siya ay isang propeta at alam niya na may sinumpaang panata ang Diyos sa kaniya, na itinalaga niya sa kaniyang kaapu-apuhan ang maupo sa kaniyang trono.
|
|||
|
\v 31 Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Ang Jesus na ito ay binuhay ng Diyos kung saan saksi kaming lahat.
|
|||
|
\v 33 Kaya naman pinarangalan siya sa kanang kamay ng Diyos at tinanggap ang pangako ng Banal na Espiritu mula sa Ama, ibinuhos niya ito, na inyong nakikita at naririnig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Sapagkat si David ay hindi pumaitaas sa langit, ngunit sinabi niya, 'Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, "Umupo ka sa aking kanang kamay,
|
|||
|
\v 35 hanggang sa gawin kong maging tuntungan ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway."
|
|||
|
\v 36 Kaya naman siguraduhing ipaalam sa lahat ng tahanan sa Israel na ginawa siya ng Diyos na parehong Panginoon at Cristo, ang Jesus na ito na ipinako ninyo sa krus."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 37 Nang marinig nila ito, nadurog ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa iba pang mga apostol, "Mga kapatid, ano ba ang dapat naming gawin?"
|
|||
|
\v 38 At sinabi ni Pedro sa kanila, "Magsisi at magpabautismo, ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo para sa kapatawaran ng inyong mga kasalanan, at inyong tatanggapin ang kaloob ng Banal na Espiritu.
|
|||
|
\v 39 Sapagkat sa inyo ang pangako at sa inyong mga anak at sa lahat ng mga nasa malayo, at sa mga tao na tatawagin ng ating Panginoong Diyos."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 40 Pinatotohanan at hinimok niya sila sa pamamagitan ng maraming mga salita; sinabi niya," Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa mga masasamang salin-lahing ito.
|
|||
|
\v 41 Pagkatapos tinanggap nila ang kaniyang salita at nabautismuhan, at ng araw na iyon may mga naidagdag na aabot sa tatlong libong mga kaluluwa.
|
|||
|
\v 42 Nagpatuloy sila sa mga katuruan ng mga apostol at pagsasama-sama, sa pagpipira-piraso ng tinapay at sa pananalangin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 43 Dumating ang takot sa bawat kaluluwa, at maraming mga kamangha- manghang bagay at mga tanda ang nagawa ng mga apostol.
|
|||
|
\v 44 Ang lahat ng nanampalataya ay nagsama-sama at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian,
|
|||
|
\v 45 at ipinagbili nila ang kanilang mga pag-aari at mga ari-arian at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat-isa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 46 Nagpatuloy sila sa bawat araw na may iisang layunin sa templo, at nagpira-piraso sila ng tinapay sa kanilang mga tahanan, at namamahagi ng pagkain na may kagalakan at kapakumbabaan ng puso.
|
|||
|
\v 47 Nagpupuri sila sa Diyos at kinalugdan sila ng lahat ng mga tao. Dinagdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 3
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon papunta sina Pedro at Juan sa templo sa oras ng pananalangin, alas tres ng hapon.
|
|||
|
\v 2 May isang lalaking pilay mula pa nang isinilang ang dinadala doon araw-araw at ipinapahiga sa harapan ng templo na tinawag na Pintuang Maganda, upang mamalimos sa mga taong pumupunta sa templo.
|
|||
|
\v 3 Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasok sa templo, humingi siya ng limos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Tinitigan siya ni Pedro, kasama si Juan na nagsabi, "Tumingin ka sa amin."
|
|||
|
\v 5 Tumingin sa kanila ang lalaking pilay, na umaasang makatatangap ng anuman mula sa kanila.
|
|||
|
\v 6 Ngunit sinabi ni Pedro, "Wala akong pilak at ginto, ngunit ibibigay ko sa iyo kung ano ang mayroon ako. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Hinawakan siya ni Pedro sa kanang kamay, at itinayo: kaagad na lumakas ang kaniyang mga paa at ang mga buto sa kaniyang bukung-bukong.
|
|||
|
\v 8 Paluksong tumayo ang lalaki at nagsimulang maglakad, pumasok siya na kasama sina Pedro at Juan sa templo, lumalakad, lumulundag, at nagpupuri sa Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Nakita siya ng lahat ng mga tao na naglalakad at nagpupuri sa Diyos.
|
|||
|
\v 10 Nakilala nila na ito ang lalaking nakaupo at tumatanggap ng limos sa may Magandang Pintuan ng templo, at labis silang nagtaka at namangha dahil sa nangyari sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Habang nakahawak siya kina Pedro at Juan, tumakbong magkakasama papunta sa kanila ang lahat ng mga tao sa tinatawag na portiko ni Solomon, na labis na nagtataka.
|
|||
|
\v 12 Nang makita ito ni Pedro, sumagot siya sa mga tao, "Kayong mga Israelita, bakit kayo nagtataka? Bakit kayo nakatitig sa amin, na parang kami ang nakapagpalakad sa kaniya sa pamamagitan ng aming sariling kapangyarihan o pagiging makadiyos?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Ang Diyos ni Abraham, Isaac, at ni Jacob. Ang Diyos ng ating mga ninuno ay niluwalhati ang kaniyang lingkod na si Jesus. Siya na inyong dinala at itinakwil sa harapan ni Pilato, nang ipinasya niyang palayain siya.
|
|||
|
\v 14 Inyong itinakwil Ang Banal at Ang Matuwid, at sa halip hiniling ninyo na mapalaya ang isang mamamatay tao para sa inyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Pinatay ninyo ang Prinsipe ng buhay, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay -at kami ang mga saksi ng mga ito.
|
|||
|
\v 16 Ngayon, sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang pangalan, pinalakas ang lalaking ito na inyong nakita at nakikilala. Ang pananampalataya sa pamamagitan ni Jesus ang nagbigay sa kaniya ng lubos na kagalingan, sa harapan ninyong lahat.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Ngayon, mga kapatid, alam ko na gumawa kayo ng kamangmangan, kagaya ng ginawa ng inyong mga pinuno.
|
|||
|
\v 18 Ngunit ang mga bagay na siyang ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na kinakailangang maghirap ang kaniyang Cristo ay tinupad niya na ngayon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Kaya nga magsisi kayo at magbalik loob, upang mapawi ang inyong mga kasalanan, nang sa gayon mayroong dumating na panahon ng pagpapanibagong-lakas sa presensya ng Panginoon;
|
|||
|
\v 20 at kaniyang isusugo si Jesus, ang hinirang na Cristo para sa inyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta.
|
|||
|
\v 22 Sa katunayan sinabi ni Moises, 'Ang Panginoong Diyos ay magbabangon ng propeta tulad ko mula sa inyong mga kapatid. Makikinig kayo sa lahat ng kaniyang sasabihin sa inyo.
|
|||
|
\v 23 Mangyayari na ang lahat ng tao na hindi makikinig sa propetang ito ay tiyak na malilipol mula sa mga tao.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Oo, at lahat ng mga propeta na mula kay Samuel at mga sumunod pagkatapos niya, nagsalita sila at nagpahayag sa mga araw na ito.
|
|||
|
\v 25 Kayo ang mga anak ng mga propeta at ng kasunduan na ginawa ng Diyos kasama ng inyong mga ninuno, katulad ng sinabi niya kay Abraham, 'Sa iyong binhi pagpapalain ko ang lahat ng mga sambahayan sa buong mundo.'
|
|||
|
\v 26 Pagkatapos itaas ng Diyos ang kaniyang lingkod, isinugo siyang una sa inyo upang pagpalain kayo sa pamamagitan ng pagtalikod ng bawat isa mula sa inyong mga kasamaan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 4
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Habang nakikipag-usap sina Pedro at Juan sa mga tao, lumapit sa kanila ang mga pari at ang kapitan ng templo at maging ang mga Saduseo.
|
|||
|
\v 2 Nabalisa sila ng labis dahil nagtuturo sa mga tao sina Pedro at Juan tungkol kay Jesus at ipinapahayag ang kaniyang muling pagkabuhay mula sa mga patay.
|
|||
|
\v 3 Sila ay dinakip nila at inilagay sa kulungan hanggang sa kinabukasan, sapagkat gabi na noon.
|
|||
|
\v 4 Ngunit marami sa mga tao na nakarinig sa mensahe ang nanampalataya; at ang bilang ng mga lalaking nanampalataya ay nasa limanglibo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 nang sumunod na araw, ang kanilang mga tagapamuno, mga nakatatanda, at mga eskriba ay nagtipon-tipon sa Jerusalem.
|
|||
|
\v 6 Naroon si Anas, ang pinakapunong pari, at si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at lahat ng mga kamag-anak ng pinakapunong pari.
|
|||
|
\v 7 Nang mailagay nila sina Pedro at Juan sa kanilang kalagitnaan, tinanong nila sila, "Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan, nagagawa ninyo ito?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 At si Pedro, na napuspos ng Banal na Espiritu ay nagsabi, "Kayong mga pinuno ng mga tao at mga nakatatanda,
|
|||
|
\v 9 kung sinisiyasat kami sa araw na ito tungkol sa kabutihang ginawa sa isang lalaking may karamdaman- sa anong paraan napagaling ang lalaking ito?
|
|||
|
\v 10 Malaman nawa ninyong lahat, at ng lahat ng mga taga-Israel, na sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na muling binuhay ng Diyos mula sa mga patay- sa pamamagitan niya kaya ang lalaking ito ay nakatayo na malusog sa inyong harapan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan.
|
|||
|
\v 12 Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Nang makita nila ang katapangan ni Pedro at Juan, at nabatid nila na sila ay pangkaraniwan lang, mga taong walang pinag-aralan, nagulat sila, at nalaman nilang sina Pedro at Juan ay nakasama ni Jesus.
|
|||
|
\v 14 Dahil nakita nila ang lalaking gumaling na nakatayong kasama nila, wala silang masabi laban dito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Ngunit pagkatapos nilang utusan ang mga apostol na iwan ang pagpupulong ng konseho, nag-usap-usap sila.
|
|||
|
\v 16 Sinabi nila, "Ano ang gagawin natin sa mga lalaking ito?" Dahil ang katotohanan na may kakaibang himalang nagawa sa pamamagitan nila ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at hindi natin ito maipagkakaila.
|
|||
|
\v 17 Ngunit upang hindi ito kumalat pa sa mga tao, bigyan natin sila ng babala na huwag magsasalita kaninuman sa pangalang ito."
|
|||
|
\v 18 Tinawag nila sina Pedro at Juan na pumasok at inutusan sila na huwag magsasalita o magtuturo kailan man sa pangalan ni Jesus.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Ngunit sumagot sina Pedro at Juan at sinabi sa kanila, "Kung tama sa paningin ng Diyos na sundin kayo sa halip na siya, kayo na ang humatol.
|
|||
|
\v 20 Dahil hindi namin kayang hindi magsalita tungkol sa mga bagay na aming nakita at narinig."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Pagkatapos muling balaan sina Pedro at Juan, pinayagan na nila silang umalis. Hindi sila makahanap ng anumang dahilan upang sila ay parusahan, sapagka't ang lahat ng mga tao ay nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyari.
|
|||
|
\v 22 Ang lalaking nakaranas ng himalang ito ng kagalingan ay higit na apatnapung taong gulang.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Pagkatapos nilang mapalaya, pumunta sina Pedro at Juan sa kanilang mga kasamahan at ibinalita ang lahat ng sinabi sa kanila ng mga punong pari at mga nakatatanda.
|
|||
|
\v 24 Nang marinig nila ito, sama-sama nilang nilakasan ang kanilang mga boses sa Diyos at sinabi, "Panginoon, ikaw na siyang may gawa ng langit at lupa, at ng dagat, at ng lahat ng naroon,
|
|||
|
\v 25 ikaw na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David na iyong lingkod, ay nagsabi, 'Bakit nagngangalit ang mga bansang Gentil at ang mga tao ay nag-iisip ng mga walang kabuluhang bagay?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Naghanda ang mga hari sa mundo, at sama-samang nagtipon ang mga tagapamuno laban sa Panginoon, at laban kay Cristo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Totoong kapwa sina Herod at Poncio Pilato, kasama ang mga Gentil at ang mga Israelita ay nagtipon-tipon sa lungsod na ito laban sa inyong banal na lingkod na si Jesus, na inyong pinili.
|
|||
|
\v 28 Nagtipon-tipon sila upang isagawa ang lahat na napagpasyahan ng inyong kamay at ng inyong kagustuhan na mangyari noon pang una.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Ngayon, Panginoon, tingnan mo ang kanilang mga babala at ipagkaloob mo sa iyong mga lingkod na maipahayag ang iyong salita na may katapangan.
|
|||
|
\v 30 Sa gayon habang iniuunat mo ang iyong kamay para magpagaling, ang mga palatandaan at himala ay mangyayari sa pamamagitan ng pangalan ng iyong banal na lingkod na si Jesus."
|
|||
|
\v 31 Nang matapos silang manalangin, ang lugar kung saan sila nagtipon-tipon ay nayanig, at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu, at ipinahayag nila ng may katapangan ang salita ng Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 May iisang puso at kaluluwa ang maraming bilang ng mga nanampalataya: at wala ni isa man sa kanila ang nagsabi na anuman ang mayroon siya ay tunay na kaniya; sa halip, para sa kanilang lahat ang lahat ng bagay.
|
|||
|
\v 33 Ipinapahayag ng mga apostol ang kanilang patotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus ng may dakilang kapangyarihan, at labis na biyaya ay napa-sa kanilang lahat.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Wala ni isa man sa kanila ang kinukulang sa anumang bagay, dahil ang lahat ng mga nag mamay-ari ng titulo ng mga lupa o mga bahay ay ibinenta ang mga ito at dinala ang pera ng mga napagbentahan
|
|||
|
\v 35 at inilagay sa paanan ng mga apostol. At nangyari ang mga pagbaha-bahagi sa bawat mananampalataya, ayon sa kani-kanilang pangangailangan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Si Jose, na Levita, isang lalaking taga-Cyprus, ay binigyan ng pangalan ng mga apostol na Barnabas (na ang ibig sabihin ay anak ng pagpapalakas-loob).
|
|||
|
\v 37 Dahil mayroon siyang bukid, ibinenta niya ito at dinala ang pera at inilagay ito sa paanan ng mga apostol.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 5
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon, may isang lalaki na ang pangalan ay Ananias, kasama ang kaniyang asawa na si Safira, ang nagbenta ng bahagi ng kanilang ari-arian,
|
|||
|
\v 2 at kaniyang itinago ang bahagi ng napagbilhang pera (alam din ito ng kaniyang asawang babae), at idinala ang ibang bahagi nito at inilagay sa paanan ng mga apostol.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Ngunit sinabi ni Pedro, ''Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Banal na Espiritu upang itago ang bahagi ng napagbilhan ng iyong lupa?
|
|||
|
\v 4 Habang hindi pa ito nabebenta, hindi ba nanatili itong sa iyo? At matapos itong maipagbili, hindi ba't nasa iyo parin ang pamamahala? Paano mong naisip ang mga bagay na ito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos."
|
|||
|
\v 5 Habang pinakikinggan ang mga salitang ito, si Ananias ay nabuwal at nawalan ng hininga. At matinding takot ang dumating sa lahat ng nakarinig nito.
|
|||
|
\v 6 Ang mga binata ay lumapit sa harap at binalot siya, binuhat siya palabas at inilibing.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Makalipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa, na alam kung ano ang nangyari.
|
|||
|
\v 8 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Sabihin mo sa akin kung naibenta ang lupa sa ganoong halaga." Sinabi niya, "Oo, sa ganoong halaga."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Pedro sa kaniya, "Paanong nagkasundo kayong dalawa para subukin ang Espiritu ng Panginoon? Tignan mo, ang mga paa ng mga naglibing sa iyong asawa ay nasa pintuan, at dadalhin ka nilang palabas."
|
|||
|
\v 10 Agad siyang nabuwal sa kaniyang paanan, at nawalan ng hininga, at ang mga binata ay pumasok at natagpuan siyang patay; binuhat nila siya palabas at inilibing sa tabi ng kaniyang asawa.
|
|||
|
\v 11 Matinding takot ang dumating sa buong iglesiya, at sa lahat ng mga nakarinig nang bagay na ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Maraming mga tanda at mga kababalaghan ang naipamalita sa mga tao sa pamamagitan ng mga kamay ng mga apostol. Nagkakatipon silang lagi sa portiko ni Solomon.
|
|||
|
\v 13 Ngunit walang sinuman ang may lakas ng loob na sumali sa kanila; gayunpaman, sila ay patuloy na pinahalagahan ng mga tao.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Marami pang mga mananampalataya ang naidagdag sa Panginoon, maraming mga lalaki at mga babae,
|
|||
|
\v 15 kaya dinadala nila maging ang mga may sakit sa daanan at ipinapahiga sa mga higaan at sa hiligan, upang sa pagdating ni Pedro baka sakaling tumama sa ilan sa kanila ang kaniyang anino.
|
|||
|
\v 16 Mayroon ding maraming bilang ng mga tao ang dumating mula sa mga bayan sa palibot ng Jerusalem, dinadala ang mga may sakit at mga pinapahirapan ng maruming mga espiritu, at silang lahat ay gumaling.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Ngunit tumayo ang pinakapunong pari, at ang lahat ng kaniyang mga kasama (na sekta ng mga Saduceo) at sila ay napuno ng inggit
|
|||
|
\v 18 at dinakip nila ang mga apostol, at inilagay sila sa pampublikong bilangguan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Ngunit kinagabihan binuksan ng anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at ginabayan sila palabas, at sinabi,
|
|||
|
\v 20 "Pumunta kayo sa templo tumayo at magsalita sa mga tao lahat ng mga salita ng Buhay na ito."
|
|||
|
\v 21 Nang marinig nila ito, pumasok sila sa templo ng magbubukang-liwayway at nagturo. Ngunit dumating ang pinaka punongpari, at lahat ng kasama niya, at tinawag ang buong konseho, lahat ng mga matatanda ng Israel, at pinapunta sila sa bilangguan upang kunin ang mga apostol.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Ngunit hindi sila nakita sa bilangguan ng mga pumuntang opisyal, at bumalik sila at ibinalita,
|
|||
|
\v 23 "Natagpuan namin na maingat na nakasarado ang bilangguan at ang mga bantay ay nakatayo sa pintuan, ngunit nang aming buksan ay wala kaming nakita."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Ngayon nang narining ng kapitan ng templo at ng mga punong pari ang mga salitang ito, sila ay labis na naguluhan ukol sa kanila ayon sa kung ano ang kalalabasan nito.
|
|||
|
\v 25 Pagkatapos may isang dumating at sinabi sa kanila, ''Ang mga lalaki na inyong inilagay sa bilangguan ay nakatayo sa templo at nagtuturo sa mga tao.''
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Kaya't nagtungo ang kapitan kasama ang mga opisyal, ibinalik sila, ngunit walang karahasan, dahil natakot sila na baka batuhin sila ng mga tao.
|
|||
|
\v 27 Nang dalhin nila sila, iniharap sila sa konseho. Nagtanong ang pinaka-punong pari sa kanila,
|
|||
|
\v 28 nagsasabing, ''Hindi ba't mahigpit namin kayong pinangbilinan na huwag magturo sa pangalang ito, gayon pa man, pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong katuruan, at ninais ninyong dalhin sa amin ang dugo ng taong ito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Ngunit sumagot si Pedro at ang mga apostol, "Kinakailangang sundin namin ang Diyos ng higit kaysa sa mga tao.
|
|||
|
\v 30 Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno.
|
|||
|
\v 31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan.
|
|||
|
\v 32 Mga saksi kami ng mga bagay na ito, at gayundin ang Banal na Espiritu, na ibinigay ng Diyos sa mga susunod sa kaniya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Nang marinig ito ng mga kasapi ng konseho, galit na galit sila at ninais na patayin ang mga apostol.
|
|||
|
\v 34 Ngunit ang isang Pariseo na nagngangalang Gamaliel na isang tagapagturo ng kautusan at iginagalang ng lahat ng tao, ay tumayo at iniutos na sandaling ilabas ang mga apostol.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 At sinabi niya sa kanila, ''Mga tao ng Israel pagtuunan ninyong mabuti ng pansin ang panukala na inyong ginagawa sa mga taong ito.
|
|||
|
\v 36 Hindi pa nagtatagal ng lumitaw si Teudas na inaangking siya ay kilalang tao, at maraming tao, mga apat na raan ang sumali sa kaniya. Pinatay siya, at lahat ng sumusunod sa kaniya ay nagkalat at walang nangyari.
|
|||
|
\v 37 Pagkatapos ng lalaking ito, lumitaw si Judas ng Galilea sa mga araw ng pagpapatala at nakahikayat siya ng ilang tao na susunod sa kaniya. Nasawi rin siya, at kumalat lahat ng sumusunod sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 38 Ngayon sinasabi ko sa inyo, ''Lumayo kayo sa mga taong ito at hayaan sila, dahil kung sa tao ang plano o gawaing ito ito ay babagsak.
|
|||
|
\v 39 Ngunit kung ito ay sa Diyos hindi ninyo sila maaring pabagsakin; lalabas pang kayo ay lumalaban sa Diyos.'' Kaya nahikayat sila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 40 Pagkatapos pinapasok nila ang mga apostol at sila ay binugbog at inutusang huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus at hinayaan silang umalis.
|
|||
|
\v 41 Iniwan nila ang konseho na nagagalak na sila ay napabilang na karapat-dapat na makaranas ng kasiraang-puri para sa kaniyang Pangalan.
|
|||
|
\v 42 Pagkatapos noon araw-araw sa templo at sa bawat bahay, sila ay patuloy na nagtuturo at ipinapangaral si Jesus bilang Cristo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 6
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon sa mga araw na ito, nang ang bilang ng mga alagad ay dumarami, nagsimula ang reklamo mula sa mga Helenista laban sa mga Hebreo, sa dahilan na ang kanilang mga babaing balo ay napapabayaan sa araw-araw na pamamahagi ng pagkain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 2 Tinawag ng labing dalawang apostol ang marami sa kanilang mga alagad at sinabi, ''Hindi nararapat para sa amin na pabayaan ang salita ng Diyos upang maglingkod sa mga hapag.
|
|||
|
\v 3 Mga kapatid, nararapat na pumili kayo ng pitong mga lalaki na mula sa inyo, mga lalaking may mabubuting pagkatao, puspos ng Espiritu at karunungan, na maaari naming ilagay sa trabahong ito.
|
|||
|
\v 4 Ngunit kami ay palaging magpapatuloy sa pananalangin at sa ministeryo ng salita."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nalugod ang lahat ng maraming tao sa kanilang pananalita, kaya pinili nila si Esteban ang lalaking puno ng pananampalataya at ng banal na Espiritu, at si Felipe, si Procorus, si Nicanor, si Timon, si Parmenas, at Nicolas, ang nahikayat na magbago ng paniniwala mula sa Antioquia.
|
|||
|
\v 6 Dinala ng mga mananampalataya ang mga kalalakihang ito sa harap ng mga apostol, ang mga nanalangin at nagpatong ng kamay sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Kaya't lumaganap ang salita ng Diyos, at lubhang dumami ang bilang ng mga alagad sa Jerusalem; at naging masunurin sa pananampalataya ang malaking bilang ng mga pari.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Ngayon si Esteban, na puspos ng biyaya at kapangyarihan, ay gumagawa ng mga kamanghamanghang bagay at mga palatandaan sa gitna ng mga tao.
|
|||
|
\v 9 Ngunit may ilang mga tao na kabilang sa sinagoga na tinawag na ang sinagoga ng mga Taong Pinalaya, ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ilang mga taga Cilicia, at taga Asya. Nakikipagtalo ang mga taong ito kay Esteban.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Ngunit hindi nila kayang sumagot laban sa karunungan at sa Espiritu kung paano nagsalita si Esteban.
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos palihim nilang hinikayat ang ilang mga lalaki upang sabihin, ''Narinig naming nagsalita si Esteban ng mga salitang paglapastangan laban kay Moises at laban sa Diyos.''
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Inudyukan nila ang mga tao, ang mga matatanda, at ang mga eskriba, at hinarap nila si Esteban, sinunggaban siya, at dinala sa konseho.
|
|||
|
\v 13 Nagdala sila ng mga bulaang saksi, na nagsabi, "Hindi tumitigil ang lalaking ito sa pagbigkas sa mga salitang laban sa banal na dakong ito at sa kautusan.
|
|||
|
\v 14 Sapagkat narinig namin siya na nagsasabing sisirain ni Jesus ng Nazaret ang lugar na ito at papalitan ang kaugalian na ipinasa sa atin ni Moises.''
|
|||
|
\v 15 Ang lahat ng nakaupo sa konseho ay nakatutok ang kanilang mga mata sa kaniya at nakita nilang ang kaniyang mukha ay katulad ng sa mukha ng anghel.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 7
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Sinabi ng pinaka-punong pari, "Totoo ba ang mga bagay na ito?''
|
|||
|
\v 2 Sinabi ni Esteban, ''Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa akin: Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ama na si Abraham noong siya ay nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran;
|
|||
|
\v 3 sinabi niya sa kaniya, 'Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Pagkatapos iniwan niya ang lugar ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran; mula doon, matapos mamatay ang kaniyang ama, dinala siya ng Diyos sa lupain na ito, kung saan kayo naninirahan ngayon.
|
|||
|
\v 5 Wala siyang ibinigay na anuman dito bilang pamana sa kaniya, wala, kahit na sapat man lang na paglagyan ng paa. Ngunit siya ay nangako—kahit na wala pang Anak si Abraham—na kaniyang ibibigay ang lupain bilang pag-aari para sa kaniya at sa kaniyang magiging kaapu-apuhan na susunod sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nakikipag-usap sa kaniya ang Diyos ng katulad nito, na ang kaniyang kaapu-apuhan ay panandaliang maninirahan sa ibang lupain, at dadalhin sila ng mga naninirahan doon sa pagkaalipin at pakikitunguhan sila ng masama ng apatnaraang taon.
|
|||
|
\v 7 At hahatulan ko ang bansa kung saan sila ay magiging alipin,' sabi ng Diyos, 'at pagkatapos lalabas sila at sasambahin ako sa lugar na ito.'
|
|||
|
\v 8 At ibinigay niya kay Abraham ang tipan ng pagtututli. Kaya si Abraham ang naging ama ni Isaac at tinuli siya sa ikawalong araw; Si isaac ang naging ama ni Jacob, at si Jacob ang naging ama ng labindalawang patriyarka.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Nainggit kay Jose ang mga patriyarka kaya ibenenta nila siya sa Egipto, at Sinamahan siya ng Diyos,
|
|||
|
\v 10 at iniligtas siya mula sa lahat ng kaniyang mga pagdurusa, at pinagpala siya ng Diyos ng karunungan sa harap ni Faraon, na hari ng Egipto. Pagkatapos ginawa siya ng Faraon na gobernador ng Egipto at ng kaniyang buong sambahayan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ngayon ay nagkaroon ng taggutom sa buong lupain ng Egipto at Canaan, at labis na pagdurusa: at walang natagpuang pagkain ang ating mga ninuno.
|
|||
|
\v 12 Ngunit nang mabalitaan ni Jacob na mayroong butil sa Egipto, ipinadala niya ang ating mga ninuno sa unang pagkakataon.
|
|||
|
\v 13 Sa ikalawang pagkakataon, ipinakita ni Jose ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kapatid; at ang sambahayan ni Jose ay nakilala ng Faraon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pinabalik ni Jose ang kaniyang mga kapatid upang sabihin kay Jacob na kaniyang ama na magtungo sa Egipto, kasama lahat ng kanilang kamag-anak at pitumpu't limang tao silang lahat.
|
|||
|
\v 15 Kaya bumaba si Jacob sa Egipto; pagkatapos namatay siya, pati na rin ang ating mga ninuno.
|
|||
|
\v 16 Sila ay dinala sa Siquem at inihimlay sa libingan na binili ni Abraham sa halaga ng pilak mula sa mga anak ni Hamor na taga Siquem.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Habang papalapit ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, ang mga tao ay lumago at dumami sa Egipto,
|
|||
|
\v 18 hanggang sa may tumayo na ibang hari sa buong Egipto, isang hari na hindi alam ang tungkol kay Jose.
|
|||
|
\v 19 Siya din ang hari na nanlinlang sa ating mga kababayan at nagmalupit ng labis sa ating mga ninuno, na kinailangan nilang itapon ang kanilang mga sanggol upang makaligtas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Isinilang si Moises ng panahong iyon; siya ay napakaganda sa harapan ng Diyos at inalagaan ng tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama.
|
|||
|
\v 21 Nang siya ay itinapon, kinuha siya ng anak na babae ng Paraon at pinalaki siya na kagaya ng kaniyang sariling anak.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Naturunan si Moises sa lahat ng kaalaman ng mga taga Egipto, at naging makapangyarihan siya sa kaniyang mga salita at mga gawa.
|
|||
|
\v 23 Ngunit nang siya ay nasa apatnapung taon na, pumasok sa kaniyang puso na bisitahin ang kaniyang mga kapatid, ang mga anak ni Israel.
|
|||
|
\v 24 Nang makakita siya ng Israelita na inaapi, ipinagtanggol siya ni Moises at pinaghiganti sa pamamagitan ng paghampas sa Egipcio:
|
|||
|
\v 25 Inakala niya na maiintindihan siya ng kaniyang mga kapatid na inililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ngunit hindi nila naintindihan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Nang sumunod na araw pumunta siya sa ilang mga Israelita habang sila ay nag-aaway; sinubukan niyang pagkasunduin sila; sinabi niya, 'Mga Ginoo, kayo ay magkapatid; bakit kayo nag-aaway?'
|
|||
|
\v 27 Ngunit itinulak siya ng lalaking nanakit sa kaniyang kapatid at sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo upang mamuno at humatol sa amin?
|
|||
|
\v 28 Nais mo ba akong patayin katulad ng pagpatay mo sa Egipcio kahapon?'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Tumakas si Moises matapos na marinig ito, naging dayuhan siya sa lupain ng Madian, kung saan siya ay naging ama ng dalawang anak na lalaki.
|
|||
|
\v 30 Nang makalipas ang apatnapung taon, nagpakita sa kaniya ang anghel sa ilang ng bundok Sinai, sa ningas ng apoy na nasa mababang punongkahoy.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Nang makita ni Moises ang apoy, namangha siya sa kaniyang nakita; at habang siya ay papalapit upang tingnan ito, doon ay dumating ang tinig ng Panginoon, na nagsasabing,
|
|||
|
\v 32 'Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob.' Nanginig si Moises at hindi naglakas loob na tumingin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Sinabi ng Panginoon sa kaniya, 'Alisin mo ang iyong sandalyas, sapagkat ang lugar na iyong kinatatayuan ay banal na dako.
|
|||
|
\v 34 Nakita kong tiyak ang pagdurusa ng aking mga tao na nasa Egipto; Aking narinig ang kanilang pagdaing, at bumaba ako upang sila ay iligtas, at ngayon halika, isusugo kita sa Egipto.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Itong Moises na kanilang tinanggihan, nang kanilang sinabi, 'Sino ang naglagay sa iyo na tagapamuno at tagahatol?'—siya ang sinugo sa atin ng Diyos upang maging tagapamuno at tagapagligtas. Sinugo siya ng Diyos sa pamamagitan ng kamay ng anghel na nagpakita kay Moises sa mababang puno.
|
|||
|
\v 36 Ginabayan sila ni Moises palabas ng Egipto, pagkatapos gumawa ng mga himala at tanda sa Egipto at sa dagat na pula at sa ilang sa loob ng apatnapung taon.
|
|||
|
\v 37 Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga tao ng Israel, 'Maghihirang ang Diyos ng isang propeta para sa inyo mula sa inyong mga kapatid, isang propeta na katulad ko.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 38 Ito ang lalaki na nasa kapulungan sa ilang kasama ang anghel na nangusap sa kaniya sa Bundok Sinai. Ito ang lalaking nakasama ng ating mga ninuno; ito ang lalaki na siyang tumanggap ng mga buhay na salita upang ibigay sa atin.
|
|||
|
\v 39 Ito ang lalaking tinanggihang sundin ng ating mga ninuno; siya ay itinulak nila palayo mula sa kanilang sarili, at sa kanilang mga puso sila ay bumalik sa Egipto.
|
|||
|
\v 40 Sa mga panahong iyon sinabi nila kay Aaron, 'Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Sapagkat itong Moises na nanguna sa amin palabas ng Egipto ay hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 41 Kaya nang mga araw na iyon sila ay gumawa ng guya at nagdala sila ng mga handog sa mga diyus-diyosan, at nagalak dahil sa ginawa ng kanilang mga kamay.
|
|||
|
\v 42 Ngunit ang Diyos ay tumalikod at isinuko sila upang sumamba sa mga bituin sa langit, gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, 'Nag-alay ba kayo sa akin ng patay na hayop at ng mga handog sa ilang sa loob ng apatnapung taon, sambahayan ng Israel?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 43 Tinanggap ninyo ang tabernakulo ni Molec at ang bituin ng diyos na si Rephan, at ang mga imahe na inyong ginawa upang sila ay sambahin. At dadalhin ko kayo palayo sa Babilonia.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 44 Ang ating mga ninuno ay mayroong tabernakulo ng patotoo sa ilang, tulad ng iniutos ng Diyos noong siya ay nagsalita kay Moises, na kailangan niyang gawin ito na kagaya ng anyo na nakita niya.
|
|||
|
\v 45 Ito ay ang tolda ng ating mga ninuno, nang sila ay tumalikod ay dinala sa lupain kasama ni Josue. Ito ay nangyari nang sila ay pumasok sa mga pag-aari ng mga bansang itinaboy ng Diyos sa harapan ng ating mga ninuno. Ito ay katulad nito hanggang sa mga araw ni David,
|
|||
|
\v 46 na nakatanggap ng biyaya sa paningin ng Diyos; hiniling niyang makahanap ng lugar na pananahanan para sa Diyos ni Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 47 Ngunit nagtayo si Solomon ng bahay ng Diyos,
|
|||
|
\v 48 Gayunpaman, ang Kataas-taasan ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay; kagaya ito ng sinasabi ng propeta,
|
|||
|
\v 49 'Ang langit ang aking trono at ang lupa ang tungtungan para sa aking mga paa. Anong uri ng bahay ang maaari ninyong itayo sa akin? Sabi ng Panginoon: o saan ang lugar para sa aking kapahingahan?
|
|||
|
\v 50 Hindi ba't ang aking kamay ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito?'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 51 Kayong mga tao, na mapagmatigas at hindi tuli sa puso at mga tainga, lagi ninyong nilalabanan ang banal na Espiritu; ginawa ninyo ang kagaya ng ginawa ng inyong mga ninuno.
|
|||
|
\v 52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga naunang propeta na nagpahayag sa pagdating ng Matuwid; at kayo rin ngayon ang mga nagkanulo at mga pumatay sa kaniya,
|
|||
|
\v 53 kayong mga tao na tumanggap ng kautusan na itinatag ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito iningatan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 54 Ngayon, nang marinig ng mga kasapi ng konseho ang mga bagay na ito, nasugatan sila sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga ngipin ay nagngalit kay Esteban.
|
|||
|
\v 55 Ngunit siya na puspos ng Banal na Espiritu ay kusang tumingala sa langit at kaniyang nakita ang kaluwalhatian ng Diyos; at nakita niya si Jesus na nakatayo sa kanang kamay ng Diyos.
|
|||
|
\v 56 Sinabi ni Esteban, "Tingnan ninyo, nakita ko na binuksan ang kalangitan, at ang Anak ng Tao ay nakatayo sa kanang kamay ng Diyos."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 57 Ngunit ang mga kasapi ng konseho ay sumigaw ng may malakas na boses, at tinakpan ang kanilang mga tainga, at sinunggaban siya,
|
|||
|
\v 58 itinapon siya nila sa labas ng lungsod at siya ay binato: at inilatag ng mga saksi ang kanilang balabal sa paanan ng binatang ang pangalan ay Saulo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 59 Habang binabato nila si Esteban, patuloy siyang tumatawag sa Panginoon at sinasabing, ''Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking espiritu.''
|
|||
|
\v 60 Lumuhod siya at tumawag ng may malakas na boses, ''Panginoon, huwag mong ipataw ang kasalanang ito laban sa kanila." Nang matapos niyang sabihin ito, siya ay nakatulog.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 8
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Si Saulo ay may kinalaman sa kaniyang pagka matay. Kaya nagsimula sa araw na iyon ang malaking pag-uusig laban sa iglesia sa Jerusalem; at ang lahat ng mga mananampalataya ay nagsikalat sa lahat ng rehiyon ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.
|
|||
|
\v 2 Mga lalaking may takot sa Diyos ang naglibing kay Esteban at nagkaroon ng matinding pagdadalamhati para sa kaniya.
|
|||
|
\v 3 Ngunit pininsala ng matindi ni Saulo ang iglesia; pumupunta siya sa bawat bahay upang kaladkarin ang mga lalaki at babae at inilagay sila sa kulungan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Gayon pa man, ang mga mananampalataya na nagsikalat ay nagpatuloy na mangaral ng salita ng Diyos.
|
|||
|
\v 5 Si Felipe ay pumunta pababa sa lungsod ng Samaria at ipinahayag si Cristo sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nang mapakinggan at makita ng maraming tao ang mga palatandaan na ginawa ni Felipe, nakinig sila ng mabuti sa kaniyang sinabi.
|
|||
|
\v 7 Dahil ang karamihan sa kanila ay nagtataglay ng maruruming espiritu habang sumisigaw ng malakas; at gumaling ang maraming lumpo at mga paralitiko.
|
|||
|
\v 8 At nagkaroon ng malaking kagalakan sa lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ngunit mayroong isang lalaki sa lungsod na ang pangalan ay Simon na gumagawa na noon pang una ng pangkukulam; ginagamit niya ito upang mamangha ang mga tao sa Samaria upang angkinin na siya ay mahalagang tao.
|
|||
|
\v 10 Binigyang pansin siya ng lahat ng mga Samaritano, mula sa pinaka mababa hanggang sa pinaka dakila, at kanilang sinabi. "Ang taong ito ay ang kapangyarihan ng Diyos na tinatawag na Dakila."
|
|||
|
\v 11 Nakinig sila sa kaniya dahil labis niya silang pinamangha sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kaniyang pangkukulam.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Ngunit nang paniwalaan nila ang ipinangaral ni Felipe tungkol sa ebanghelyo na tungkol sa kaharian ng Diyos, at ang pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, kapwa mga lalaki at babae.
|
|||
|
\v 13 At si Simon mismo ay naniwala: pagkatapos niyang mabautismuhan, nagpatuloy siyang kasama ni Felipe; nang makita niya ang mga tanda at mga makapangyarihang gawa, siya ay namangha.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Ngayon nang marinig ng mga apostol sa Jerusalem na ang mga taga-Samaria ay tinanggap ang salita ng Diyos, sinugo nila sina Pedro at Juan.
|
|||
|
\v 15 Nang sila ay dumating, nanalangin sila para sa kanila na tanggapin ang Banal na Espiritu.
|
|||
|
\v 16 Sapagkat ng mga panahong iyon hindi pa dumating ang Banal na Espiritu sa sinuman sa kanila. Nabaustimuhan lamang sila sa pangalan ng Panginoon.
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila, at tinanggap nila ang Banal na Espiritu.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Ngayon nang makita ni Simon na naipagkaloob ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagpatong ng mga kamay ng mga apostol sa kanila, inalok niya sila ng pera.
|
|||
|
\v 19 Sinabi niya," Ibigay mo rin sa akin ang kapangyarihang ito upang sinumang patungan ng aking mga kamay ay tatanggap ng Banal na Espiritu."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Ngunit sinabi ni Pedro sa kaniya, "Masawi ka sana kasama ng iyong pilak, sapagkat iniisip mong makakamit mo ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng pera.
|
|||
|
\v 21 Wala kang kabahagi o karapatan sa bagay na ito, dahil ang iyong puso ay hindi tama sa Diyos.
|
|||
|
\v 22 Samakatuwid magsisi ka sa iyong mga kasamaan, at manalangin sa Panginoon, upang ikaw ay patawarin sa kung ano ang iyong hinahangad.
|
|||
|
\v 23 Sapagakat nakikita ko na ikaw ay nasa lason ng kapaitan at naka gapos sa kasalanan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Sumagot si Simon at sinabi, "Ipanalangin mo ako sa Panginoon na hindi mangyari sa akin ang mga bagay na iyong sinabi."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nang si Pedro at Juan ay nagpatotoo at nagpahayag ng salita ng Panginoon, sila ay bumalik sa Jerusalem; habang nasa daan, nangaral sila ng ebanghelyo sa maraming nayon ng mga Samaritano.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Ngayon ang anghel ng Panginoon ay nangusap kay Felipe at sinabi, "Tumayo ka at pumunta sa bahaging timog sa daang pababa mula sa Jerusalem papuntang Gaza."( Ang daang ito ay nasa disyerto).
|
|||
|
\v 27 Siya ay tumayo at umalis. May isang lalaking mula Ethiopia, isang eunoko na may dakilang kapangyarihan mula kay Candace, na reyna ng mga Etiope. Siya ang namamahala sa lahat ng kaniyang kayamanan. Siya ay pumunta sa Jerusalem upang sumamba.
|
|||
|
\v 28 Siya ay bumalik at nakaupo sa kaniyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni propeta Isaias.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Sinabi ng Espiritu kay Felipe, "Umakyat ka at sabayan mo ang karwahe."
|
|||
|
\v 30 Kaya patakbong lumapit si Felipe, at narinig niyang binabasa ang aklat ni propeta Isaias, at sinabi, "Naiintindihan mo ba ang iyong binabasa?"
|
|||
|
\v 31 Sumagot ang taga-Ethiopia, "Paano ko maiintindihan, maliban kung may magtuturo sa akin?" Nakiusap siya kay Felipe na umakyat sa karwahe at umupo sa tabi niya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Ito ang bahagi ng kasulatan na binabasa ng taga Ethopia, "Siya ay tulad ng tupa na dinala sa bahay katayan; at tulad ng isang kordero sa harap ng manggugupit na tahimik, hindi niya binubuksan ang kaniyang bibig:
|
|||
|
\v 33 Sa kaniyang kahihiyan kinuha sa kaniya ang katarungan: sino ang magpapahayag sa kaniyang salinlahi? sapagkat ang kaniyang buhay ay kinuha mula sa mundong ito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Kaya nagtanongang eunoko kay Felipe, at sinabi, "Nakikiusap ako sa iyo sino ang tinutukoy ng propeta? ang kaniyang sarili ba mismo o ibang tao?"
|
|||
|
\v 35 Nagsimulang magsalita si Felipe; Nagsimula siya sa kasulatan ni Isaias upang ipangaral si Jesus sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Habang nagpapatuloy sila sa daan, napunta sila sa ilang bahagi ng tubig; at sinabi ng eunoko, "Tingnan mo, may tubig dito, ano pa ang puwedeng makahadlang sa akin upang ma bautismuhan?"
|
|||
|
\v 37 Sinabi ni Felipe," kung nananampalataya ka ng buong puso, ikaw ay mag pabautismo. Ang taga Ethopia ay sumagot," Naniniwala ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos."
|
|||
|
\v 38 Kaya inutusan ng taga Ethopia na tumigil ang karwahe. Bumaba sila sa tubig, si Felipe at ang eunoko at binautismuhan siya ni Felipe.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Nang umahon sila sa tubig, kinuha ng Espiritu ng Panginoon si Felipe at hindi na siya nakita ng eunuko; at siya ay umalis ng may kagalakan.
|
|||
|
\v 40 Ngunit si Felipe ay lumitaw sa Azoto. Siya ay dumaan sa rehiyong iyon at ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng lungsod, hanggang sa makarating siya sa Ceasaria.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 9
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Subalit si Saulo na patuloy pa rin na nagsasalita ng mga banta at pagpatay laban sa mga alagad ng Panginoon ay nagtungo sa mga pinakapunong pari
|
|||
|
\v 2 at humingi sa kaniya ng mga sulat para sa mga sinagoga sa Damasco, upang kung may makita siyang sinumang kabilang sa Daan, maging lalaki o babae, ay maari niyang dalhin na nakagapos sa Jerusalem.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Habang siya ay naglalakbay, nangyari nga na nang malapit na siya sa Damasco, biglang may nagningning na liwanag mula sa langit sa buong paligid;
|
|||
|
\v 4 at siya ay natumba sa lupa at narinig niya ang isang tinig na nagsasabi sa kanyang, "Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Sumagot si Saulo, "Sino kayo Panginoon? "Sumagot ang Panginoon, "Ako si Jesus na iyong inuusig;
|
|||
|
\v 6 ngunit bumangon ka, pumasok ka sa lungsod, at sasabihin saiyo kung ano ang dapat mong gawin."
|
|||
|
\v 7 Ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay ay hindi nakapagsalita, naririnig ang tinig, ngunit walang nakikita.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Tumayo si Saulo sa lupa, at nang imulat niya ang kaniyang mga mata, wala na siyang nakita kaya inakay siya at dinala sa Damasco.
|
|||
|
\v 9 Hindi siya nakakita sa loob ng tatlongaraw at hindi kumain ni uminom.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Ngayon may isang alagad sa Damasco na ang pangalan ay Ananias; at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya sa pamaamgitan ng isang pangitain, "Ananias" At sinabi niya, "Tingnan mo, narito ako, Panginoon."
|
|||
|
\v 11 Sinabi ng Panginoon sa kaniya,"Tumayo ka, at pumunta ka sa kalye na kung tawagin ay Matuwid, at tanungin mo sa tahanan ni Judas ang lalaking galing sa Tarsus na ang pangalan ay Saulo; sapagkat siya ay nananalangin;
|
|||
|
\v 12 at nakita niya sa pangitain ang lalaking nagngangalang Ananias na dumarating at nagpapatong ng kamay nito sa kaniya, upang siya ay makakita."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Ngunit sumagot si Ananias,"Panginoon, narinig ko sa marami ang tungkol sa taong ito, kung paano niya ginawan ng masama ang mga banal mong mga tao sa Jerusalem.
|
|||
|
\v 14 Siya ay may kapangyarihan mula sa mga pinakapunong pari upang dakpin ang lahat na tumatawag sa inyong pangalan."
|
|||
|
\v 15 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kaniya," Pumunta, ka sapagkat siya ay sisidlang hirang sa akin, upang dalhin ang aking pangalan sa mga Hentil at sa mga hari at sa lahat ng anak ng Israel;
|
|||
|
\v 16 sapagkat ipapakita ko sa kaniya kung gaano siya dapat magtiis para sa aking pangalan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Kaya umalis si Ananias, at pumasok sa tahanan. Ipinatong nito ang kaniyang kamay sa kaniya at sinabi, "Kapatid na Saulo, ang Panginoon Jesus, na siyang nagpakita sa iyo sa daan nang papunta ka rito, ay sinugo ako upang ikaw ay makakita at mapuspos ng Banal na Espiritu."
|
|||
|
\v 18 Kaagad may isang bagay na parang kaliskis ang nahulog mula sa mga mata ni Saulo, at bumalik ang kaniyang paningin; Tumayo siya at nabautismuhan;
|
|||
|
\v 19 at siya ay kumain at lumakas. Nanatili siya kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang mga araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Kaagad ay ipinahayag niya si Jesus sa mga sinagoga, sinasasabing siya ang Anak ng Diyos.
|
|||
|
\v 21 lahat ng nakarinig sa kaniya ay namangha at sinabi. "Hindi ba ito ang taong lumipol sa mga taga-Jerusalem na tumatawag sa pangalang ito? At siya ay naparito upang dalhin sila na nakagapos sa mga punong pari."
|
|||
|
\v 22 Ngunit si Saulo ay lalong napalakas upang mangaral at nalito ang mga Judio na naninirahan sa Damasco sa pagpapatunay na si Jesus ay ang Cristo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Pagkalipas ng maraming araw, sama-samang nagplano ang mga Judio upang siya ay patayin.
|
|||
|
\v 24 Ngunit nalaman ni Saulo ang kanilang plano. Nagbantay sila sa pintuang bayan araw at gabi upang siya ay patayin.
|
|||
|
\v 25 Subalit nang gabi ay kinuha siya ng kaniyang mga alagad at binaba siya sa pader sa pamamagitan ng isang basket.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Nang dumating siya sa Jerusalem, nagtangkang sumama si Saulo sa mga alagad, subalit natakot silang lahat sa kaniya, hindi sila naniniwalang siya ay isang alagad.
|
|||
|
\v 27 Ngunit isinama siya ni Bernabe at ipinakilala sa mga alagad. At sinabi niya sa kanila kung paanoni Saulo nakita ang Panginoon sa daan at ang Panginoon ay nangusap sa kaniya, at kung paano buong tapang na nangaral sa Damasco si Saulo sa pangalan ni Jesus.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Nakipagkita siya sa kanila habang sila ay pumapasok at lumalabas ng Jerusalem. Nagsalita siya ng may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus
|
|||
|
\v 29 at nakipagtalo sa mga Helenista; ngunit sinubukan parin nila siyang patayin.
|
|||
|
\v 30 Nang malaman ito ng mga kapatiran, siya ay dinala nila pababa sa Cesarea at ipinadala siya patungo sa Tarso.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Kaya ang iglesia sa buong Judea, Galilea, at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan at ito ay lumago at lumalakad ng may takot sa Panginoon sa tulong ng Banal na Espiritu, ang iglesia ay lumago sa bilang.
|
|||
|
\v 32 Ngayon nangyari nga na habang si Pedro ay pumupunta sa buong rehiyon, pumunta din siya sa mga mananampalataya na naninirahan sa bayan ng Lydda.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Doon ay nakita niya ang isang lalaki na ang pangalan ay Eneas, na nakaratay sa kaniyang higaan ng halos walong taon, sapagkat siya ay paralitiko
|
|||
|
\v 34 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Eneas, si Jesu-Cristo ang nagpagaling saiyo. Tumayo ka at ayusin mo ang iyong higaan." At agad siyang tumayo.
|
|||
|
\v 35 Kaya lahat ng nakakita sa Lida at Saron ay nakita ang lalaki at nagbalik loob sila sa Panginoon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Ngayon mayroon alagad sa Joppa na ang pangalan ay Tabitha, na kung isasalin ay "Dorcas." Ang babaeng ito ay puno ng mga mabubuti at maawaing gawa, na ginagawa niya para sa mahihirap.
|
|||
|
\v 37 At nangyari nga sa mga araw na iyon na siya ay nagkasakit at namatay; nang siya ay kanilang hugasan, pinahiga siya sa kuwarto sa itaas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 38 Dahil malapit ang Lida sa Joppa, at narinig ng mga alagad na naroon si Pedro, nagsugo sila ng dalawang lalaki at pumunta sa kaniya, nagmamakaawa na sinabi sa kaniyang, "Sumama ka sa amin agad".
|
|||
|
\v 39 Tumayo si Pedro at sumama sa kanila. Nang dumating siya, dinala nila siya sa kuwarto sa itaas, at ang lahat ng mga balo ay nakatayo sa paligid niya na nananangis, ipinapakita sa kaniya ang mga balabal at mga damit na ginawa ni Dorcas habang kasama pa nila siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 40 Pinalabas silang lahat ni Pedro sa silid, lumuhod siya at nanalangin; at humarap siya sa katawan at sinabi niya. "Tabitha, bumangon ka." Minulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro siya ay umupo.
|
|||
|
\v 41 Pagkatapos iniabot ni Pedro ang kaniyang kamay at ibinangon siya; at nang tawagin niya ang mga mananampalataya at mga balo ay iniharap niya siya sa kanila na buhay.
|
|||
|
\v 42 Nalaman ang pangyayaring ito sa buong Joppa, at maraming mga tao ang nanampalataya sa Panginoon.
|
|||
|
\v 43 Nangyari nga na nanatili si Pedro ng maraming araw sa Joppa kasama ang lalaki na ang pangalan ay Simon, na tagapagbilad ng balat ng hayop
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 10
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon may isang tao sa lungsod ng Cesarea, na nagngangalang Cornelio, isang senturiong tinawag na hukbong Italyano.
|
|||
|
\v 2 Siya ay isang maka-diyos, na sumasamba sa Diyos kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan; siya ay nagbigay ng malaking halaga ng salapi sa mga Judio at palaging nananalangin sa Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, "Cornelio!"
|
|||
|
\v 4 Tumitig si Cornelio sa anghel at takot na takot na sinabi, "Ano po iyon, ginoo?" Sinabi ng anghel sa kaniya, "Ang iyong mga panalangin at mga kaloob sa mga mahihirap ay pumaitaas bilang alaala na alay sa harapan ng Diyos.
|
|||
|
\v 5 Ngayon magpadala ka ng mga lalaki sa lungsod ng Joppa upang sunduin ang lalaking nagngangalang Simon, na pinangalanan ding Pedro.
|
|||
|
\v 6 Siya ay naninirahan sa bahay ng mambibilad ng balat ng hayop na si Simon, na ang bahay ay nasa tabing dagat."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Nang makaalis ang anghel na kumausap sa kaniya, tinawag ni Cornelio ang dalawa sa kaniyang mga tagapaglingkod sa bahay, at isang sundalo na sumasamba sa Diyos na kabilang sa mga sundalong naglilingkod rin sa kaniya.
|
|||
|
\v 8 Sinabi ni Cornelio sa kanila ang lahat nang nangyari at sila ay pinapunta sa Joppa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Bandang tanghali kinabukasan, sa kanilang paglalakbay papalapit sa lungsod, si Pedro ay pumunta sa bubungan upang manalangin.
|
|||
|
\v 10 Nagutom siya at gusto niya ng kumain, ngunit habang nagluluto ang mga tao ng pagkain, nabigyan siya ng isang pangitain,
|
|||
|
\v 11 at nakita niyang bumukas ang langit at may isang sisidlan na bumababa mula sa langit, katulad ng isang malaking kumot na ipinababa sa lupa sa pamamagitan ng apat na mga sulok nito.
|
|||
|
\v 12 Naroon ang lahat na uri ng hayop na may apat na paa, at mga bagay na gumagapang sa lupa, at mga ibon sa himpapawid.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 At may tinig na kumausap sa kaniya: "Bumangon ka Pedro, magkatay ka at kumain."
|
|||
|
\v 14 Ngunit sinabi ni Pedro, "Hindi maaari Panginoon, dahil ni minsan hindi ako kumain ng anumang marumi at hindi malinis."
|
|||
|
\v 15 Ngunit muli niyang narinig ang tinig sa ikalawang pagkakataon: "Huwag mong ituring na marumi ano man ang nilinis na ng Diyos."
|
|||
|
\v 16 Nangyari ito nang tatlong beses; at agad na ibinalik sa langit ang sisidlan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Ngayon habang naguguluhan pa si Pedro tungkol sa kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga lalaki na ipinadala ni Cornelio na nakatayo sa harapan ng tarangkahan, pagkatapos nilang tanungin ang daan patungo sa tahanan.
|
|||
|
\v 18 At sila ay tumawag at nagtanong kung naninirahan doon si Simon na tinatawag ding Pedro.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Habang iniisip pa rin ni Pedro ang tungkol sa pangitain, sinabi ng Espiritu sa kaniya, "Tingnan mo, may tatlong lalaking naghahanap sa iyo.
|
|||
|
\v 20 Bumangon ka at bumaba at sumama sa kanila. Huwag kang matakot na sumama sa kanila, dahil ipinadala ko sila."
|
|||
|
\v 21 Kaya bumaba si Pedro at sinabi sa mga lalaki, "Ako ang hinahanap ninyo. Bakit kayo naparito?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Sinabi nila, "Ang senturion na nagngangalang Cornelio, isang matuwid na tao at sumasamba sa Diyos, at mabuti ang sinasabi tungkol sa kaniya ng lahat ng mga Judio sa bansa, ay sinabihan ng isang banal na anghel ng Diyos na papuntahan ka para isama ka sa kaniyang bahay, upang siya ay makinig ng mensahe mula sa iyo."
|
|||
|
\v 23 Kaya inanyayahan sila ni Pedro na pumasok at manatili na kasama niya. Kinabukasan bumangon siya at sumama sa kanila, at sinamahan siya ng ilang mga kapatid na taga-Joppa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Noong sumunod na araw, dumating sila sa Cesarea. Hinihintay sila ni Cornelio; tinipon niya ang kaniyang mga kamag-anak at kaniyang mga malalapit na kaibigan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nangyari nga na nang papasok na si Pedro, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa kaniyang paanan para parangalan siya.
|
|||
|
\v 26 Ngunit pinatayo siya ni Pedro at sinabi na, "Tumayo ka; ako rin ay isang tao lamang.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Habang nakikipag-usap si Pedro sa kaniya, pumasok siya at natagpuan niya ang napakaraming tao na nagtipon-tipon doon.
|
|||
|
\v 28 Sinabi niya sa kanila, "Batid ninyo mismo na hindi naaayon sa batas para sa isang Judio na makihalubilo o bumisita sa kaninuman galing sa ibang bansa. Ngunit ipinakita sa akin ng Diyos na hindi ko dapat tawagin ang sinuman na marumi o hindi malinis.
|
|||
|
\v 29 Kaya pumunta ako na hindi na nakipagtalo nang ako ay papuntahin dito. Kaya tinatanong ko kayo kung bakit ninyo ako pinapunta."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Sinabi ni Cornelio, " May apat na araw na ngayon ang nakakalipas sa ganito ring oras, bandang alas-tres nananalangin ako sa aking bahay; at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa aking harapan na may maliwanag na kasuotan.
|
|||
|
\v 31 At sinabi niya, "Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin at ang ibinibigay mo sa mga mahihirap ay nagpaalala sa Diyos tungkol sa iyo.
|
|||
|
\v 32 Kaya magpadala ka ng tao sa Jopa, at ipatawag ang taong nagngangalang Simon, na tinatawag ding Pedro. Nakikitira siya sa bahay ng isang taong mambibilad ng balat ng hayop na nangngangalang Simon, sa tabing-dagat. (Pagdating niya, kakausapin ka niya.)
|
|||
|
\v 33 kaya agad kitang ipinatawag, mabuti at dumating ka. At ngayon nandito kaming lahat sa harapan ng Diyos upang makinig sa lahat ng mga itinuro sa iyo ng Diyos na sasabihin mo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 At binuksan ni Pedro ang kaniyang bibig at sinabi, "Sa katotohanan, naunawaan ko ng lubusan na walang tinatangi ang Diyos.
|
|||
|
\v 35 Sa halip, sa bawat bansa ang sinumang sumasamba at gumagawa ng mga matuwid na gawain ay katanggap-tanggap sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat—
|
|||
|
\v 37 Alam ninyo mismo ang mga kaganapan na nangyari, na naganap sa buong Judea, na nagsimula sa Galilea, pagkatapos nang pagbautismo na ipinahayag ni Juan;
|
|||
|
\v 38 ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Saksi kami sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa bansa ng mga Judio at sa Jerusalem —itong si Jesus na kanilang pinatay, na binitay sa isang kahoy.
|
|||
|
\v 40 Itong taong ito ay muling binuhay ng Diyos sa ikatlong araw at ibinigay siya upang makilala,
|
|||
|
\v 41 hindi sa lahat ng mga tao, kundi sa mga saksi na noon pa man ay pinili na ng Diyos- kami mismo, na kumain at uminom kasama niya pagkatapos niyang muling mabuhay mula sa mga patay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 42 Inutusan niya kami upang mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang pinili ng Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay.
|
|||
|
\v 43 Ito ay para sa kaniya kaya nagpapatotoo ang mgapropeta, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kaniya ay makatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 44 Habang sinasabi pa lamang ni Pedro ang mga bagay na ito, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa lahat ng mga nakikinig sa kaniyang mensahe.
|
|||
|
\v 45 Ang mga taong napabilang sa mga mananampalatayang tuli—lahat ng mga sumama kay Pedro— ay namangha, dahil ang kaloob ng Banal na Espiritu ay naibuhos din sa mga Gentil.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 46 Dahil narinig nila ang mga Gentil na nagsasalita ng iba't-ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Pagkatapos sinabi ni Pedro,
|
|||
|
\v 47 "Mayroon bang hahadlang sa mga taong ito upang hindi mabautismuhan sa tubig, ang mga taong ito na nakatanggap ng Banal na Espiritu na katulad natin?"
|
|||
|
\v 48 At sila ay inutusan niya na magpabautismo sa ngalan ni Jesu-Cristo. At hiniling nila na manatili siya sa kanila ng ilang araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 11
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon narinig ng mga alagad at mga kapatiran na nasa Judea na ang mga Gentil ay tumanggap din ng salita ng Diyos.
|
|||
|
\v 2 Nang makarating si Pedro sa Jerusalem, pinuna ng mga taong nabibilang sa mga tinuling pangkat;
|
|||
|
\v 3 sinabi nila, "Nakihalubilo ka sa mga hindi tuling lalaki at kumain kasama nila!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Ngunit nagsimulang ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang bagay na iyon ng detalyado; sinabi niya,
|
|||
|
\v 5 Nananalangin ako sa lungsod ng Joppa, nang ako'y makakita ng isang pangitain ng isang sisidlang bumababa, katulad ng malaking kumot na ipinababa sa pamamagitan ng apat na sulok nito. Ito ay bumaba sa akin.
|
|||
|
\v 6 Minasdan ko ito at inisip ko ang tungkol dito. Nakita ko ang mga may apat na paang mga hayop sa lupa, mga mababangis na hayop, mga hayop na gumagapang, at mga ibon sa himpapawid.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos narinig ko ang tinig na nagsabi sa akin, "Bumangon ka, Pedro; kumatay at kumain."
|
|||
|
\v 8 Sinabi ko, "Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailanman walang hindi banal o hindi malinis na pumasok sa aking bibig."
|
|||
|
\v 9 Ngunit ang tinig ay sumagot muli mula sa langit, "Ang ipinahayag ng Diyos na malinis, huwag mong ituring na hindi malinis."
|
|||
|
\v 10 Nangyari ito ng tatlong beses, at pagkatapos noon ang lahat ay naibalik muli sa langit.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 At narito, agad na may tatlong lalaki na nakatayo sa harap ng bahay kung saan kami naroon; sila ay ipinadala sa akin mula Cesarea.
|
|||
|
\v 12 Iniutos ng Espiritu sa akin na sumama sa kanila, at dapat hindi ako tatangi sa kanila. Itong anim na mga kapatid ay sumama sa akin, at pumasok kami sa bahay ng lalaki.
|
|||
|
\v 13 Sinabi niya sa amin kung paano niya nakita ang anghel na nakatayo sa kaniyang bahay at nagsasabing, "Magpadala ka ng mga lalaki sa Joppa at sunduin si Simon na ang isa pang pangalan ay Pedro.
|
|||
|
\v 14 Siya ay magsasalita sa iyo ng isang mensahe na sa pamamagitan nito maliligtas ka— ikaw at lahat ng iyong sambahayan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Nang magsimula akong magsalita sa kanila, dumating ang Banal na Espiritu sa kanila, gayang nangyari sa atin noong una.
|
|||
|
\v 16 Naalala ko ang mga salita ng Panginoon, kung paano niya sinabing, "Tunay nga na nagbautismo si Juan ng tubig, ngunit kayo ay babautismuhan sa Banal na Espiritu."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 At kung ibinigay ng Diyos sa kanila ang parehong kaloob na gaya ng ibinigay niya sa atin nang sumampalataya tayo sa Panginoong Jesu-Cristo, sino ba ako upang salungatin ang Diyos?"
|
|||
|
\v 18 Nang marinig nila ang mga bagay na ito, wala silang naisagot sa kaniya, ngunit nagpuri sila sa Diyos at sinabing, " Kung ganoon ibinigay din ng Diyos sa mga Gentil ang pagsisisi sa buhay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Kaya kumalat ang mga mananampalataya mula Jerusalem dahil sa paghihirap na nagumpisa noong kamatayan ni Esteban—ang mga mananampalatayang ito ay umabot sa mga malalayong lugar ng Fenicia, Sayprus at Antioquia. Sinabi nila ang mensahe tungkol kay Jesus sa mga Judio lamang, at wala nang iba pa.
|
|||
|
\v 20 Ngunit ang ilan sa kanila, na mga lalaking taga- Sayprus at taga-Cirene, ay pumunta sa Antioquia at nagsalita sa mga Griego rin at ipinangaral ang Panginoong Jesus.
|
|||
|
\v 21 At ang kamay ng Panginoon ay kasama nila; malaking bilang ang nanampalataya at bumalik sa Panginoon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Ang balita tungkol sa kanila ay nakarating sa tainga ng iglesia sa Jerusalem: at kanilang ipinadala si Bernabe hanggang sa Antioquia.
|
|||
|
\v 23 Nang dumating siya at nakita ang kaloob ng Diyos, siya'y natuwa; at pinalakas niya ang loob ng lahat na manatili sa Panginoon ng kanilang buong puso.
|
|||
|
\v 24 Sapagkat siya'y mabuting tao at puspos ng Banal na Espiritu at ng pananampalataya, at maraming tao ang naidagdag sa Panginoon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Pagkatapos nito, pumunta ng Tarso si Bernabe upang hanapin si Saulo.
|
|||
|
\v 26 Nang makita niya siya, isinama niya siya sa Antioquia. At nangyari, na sa loob ng isang taon, nakitipon sila sa iglesia at tinuruan ang maraming tao. At ang mga alagad ay unang tinawag na Kristiyano sa Antioquia.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Ngayon sa mga araw na ito ilang mga propeta ang bumaba mula Jerusalem papuntang Antioquia.
|
|||
|
\v 28 Isa sa kanila na nagngangalang Agabo, ay tumayo, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng Espiritu, na magkakaroon ng matinding taggutom sa buong mundo. Nangyari nga ito sa panahon ni Claudio.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Kaya, napagpasyahan ng mga alagad na magpadala ng tulong sa mga kapatid sa Judea ayon sa kakayahan ng bawat isa.
|
|||
|
\v 30 Ginawa nila ito; nagpadala sila ng pera sa mga nakatatanda sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 12
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang panahong ding iyon, pinagbuhatan ng kamay ni haring Herodes ang ilan sa kapulungan, upang abusuhin sila.
|
|||
|
\v 2 Pinatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng espada.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Nang makita niya na nalugod ang mga Judio, ipinadakip din niya si Pedro. Ito ay sa panahon ng mga tinapay na walang lebadura.
|
|||
|
\v 4 Pagkatapos siyang dakipin, ipinabilanggo siya at nagtalaga ng apat na pangkat ng mga sundalo upang siya ay bantayan; binabalak niyang iharap si Pedro sa mga tao pagkatapos ng Paskwa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Kaya nanatili si Pedro sa kulungan, ngunit ang kapulungan ay masigasig na nanalangin sa Diyos para sa kaniya.
|
|||
|
\v 6 Nang araw bago siya ilabas ni Herodes, nang gabing iyon, natutulog si Pedro sa pagitan ng dalawang kawal, gapos ng dalawang mga tanikala at nagbabantay ang mga bantay sa harap ng pintuan ng bilangguan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 At biglang lumitaw ang isang anghel ng Diyos sa kaniyang tabi at isang ilaw ang lumiwanag sa bilangguan. Tinapik niya si Pedro sa tagiliran at ginising at sinabi, "Bumangon kang madali." Pagkatapos nahulog ang kaniyang mga kadena sa kaniyang mga kamay.
|
|||
|
\v 8 Sinabi sa kaniya ng anghel, "Magdamit ka at isuot ang iyong sandalyas."Ginawa nga ito ni Pedro. Sinabi ng anghel sa kaniya, "Isuot mo ang iyong panlabas na kasuotan at sumunod ka sa akin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Kaya sumunod nga si Pedro sa anghel at lumabas. Hindi niya alam na ang nangyari sa pamamagitan ng anghel ay totoo. Ang akala niya nakakakita siya ng isang pangitain.
|
|||
|
\v 10 Pagkatapos nilang makalampas sa una at sa pangalawang bantay, nakarating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod, kusa itong bumukas para sa kanila. Lumabas sila at bumaba sa isang kalye, at kaagad siyang iniwan ng anghel.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Nang matauhan si Pedro, sinabi niya, "Ngayon, aking napatunayan na ipinadala ng Diyos ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes, at mula sa lahat ng inaasahan ng mga mamamayang Judio."
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos niyang maunawaan ito, dumating siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na ang huling pangalan ay Marcos; maraming mananampalataya ang nagkatipon doon at nananalangin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Nang kumatok siya sa may pintuan ng tarangkahan, isang aliping babae na nagngangalang Roda ang pumunta upang sumagot.
|
|||
|
\v 14 Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa kaniyang kagalakan, hindi niya nabuksan ang pintuan; sa halip, tumakbo siya sa silid at kaniyang ibinalita na nakatayo si Pedro sa may pintuan.
|
|||
|
\v 15 Kaya sinabi nila sa kaniya, "Nababaliw ka na."Ngunit kaniyang ipinilit na ito ay totoo. Kanilang sinabi, "Ito ang kaniyang anghel."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Ngunit patuloy pa rin si Pedro sa pagkatok, at nang kanilang buksan ang pintuan, nakita nila siya at sila ay namangha.
|
|||
|
\v 17 Sumenyas si Pedro sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang kamay na tumahimik, at sinabi niya sa kanila kung paano siya inilabas ng Diyos sa bilangguan. Sinabi niya, "Ibalita ninyo ang mga bagay na ito kay Santiago at sa mga kapatid." Pagkatapos umalis siya at nagpunta sa ibang lugar.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Nang sumapit na ang araw, gulong-gulo ang mga kawal tungkol sa nangyari kay Pedro.
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos siyang hanapin ni Herodes at hindi matagpuan, tinanong niya ang mga bantay at iniutos na patawan sila ng kamatayan. Pagkatapos siya ay bumaba mula Judea hanggang Cesarea at nanatili doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Ngayon galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at Sidon. Pumunta sila sa kaniya na magkakasama. Hinikayat nila si Blasto, na kanang kamay ng Hari, upang tulungan sila. Pagkatapos humiling sila ng kapayapaan, dahil ang kanilang bansa ay tumatanggap ng pagkain mula sa bansa ng hari.
|
|||
|
\v 21 Nang dumating ang takdang araw, nagbihis si Herodes ng marangyang kasuotan at umupo sa trono; nagsalita siya sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Sumigaw ang mga tao, "Ito ang tinig ng isang diyos, hindi ng isang tao!"
|
|||
|
\v 23 Kaagad siyang hinampas ng isang anghel ng Panginoon, dahil hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Diyos; kinain siya ng mga uod at namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Ngunit lumago at lumaganap ang salita ng Diyos.
|
|||
|
\v 25 Nang matapos nina Bernabe at Saul ang kanilang misyon sa Jerusalem, bumalik sila mula doon; isinama nila si Juan na ang huling pangalan ay Marcos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 13
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 At ngayon sa kapulungan ng Antioquia, mayroong mga iilang propeta at mga guro. Sila ay sina Bernabe, Simeon (na tinatawag na Niger), Lucio na taga-Cirene, Manaen (kinakapatid na lalaki ni Herodes na Tetrarka) at Saul.
|
|||
|
\v 2 Habang sumasamba at nag-aayuno sila sa Diyos, sinabi ng Banal na Espiritu, "Ihiwalay ninyo para sa akin sina Bernabe at Saul, upang gawin ang gawain kung saan ko sila tinawag."
|
|||
|
\v 3 Pagkatapos na ang kapulungan ay mag-ayuno, manalangin at magpatong ng kanilang mga kamay sa mga lalaking ito, sila ay kanilang sinugo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Kaya sumunod sina Bernabe at Saul sa Banal na Espiritu at bumaba papuntang Seleucia; Mula doon ay naglayag sila papunta sa isla ng Sayprus.
|
|||
|
\v 5 Nang naroon na sila sa lungsod ng Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos sa mga sinagoga ng mga Judio. Kasama din nila si Juan Marcos bilang kanilang katulong.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nang makaalis sila sa buong isla hanggang Pafos, natagpuan nila ang isang salamangkero, isang bulaang propeta na Judio na nagngangalang Bar-Jesus.
|
|||
|
\v 7 May kaugnayan ang salamangkerong ito sa gobernador na si Sergio Paulo, na isang taong matalino. Pinatawag ng taong ito sina Bernabe at Saul, dahil ibig niyang marinig ang salita ng Diyos.
|
|||
|
\v 8 Ngunit kinalaban sila ni Elimas "ang salamangkero" (ganito isinalin ang kaniyang pangalan); tinangka niyang paikutin ang gobernador na mapalayo mula sa pananampalataya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ngunit si Saulo, na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu. Tinitigan siya nito
|
|||
|
\v 10 at sinabi, "Ikaw na anak ng diyablo, punong-puno ka ng lahat ng uri ng pandaraya at kasamaan. Ikaw ay kaaway ng bawat katuwiran. Hindi ka ba talaga titigil sa pagbabaluktot sa mga tuwid na daan ng Diyos?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ngayon tingnan mo, ang kamay ng Panginoon ay nasa iyo at ikaw ay mabubulag. Pansamantala mo munang hindi makikita ang araw." At biglang nagdilim ang paningin ni Elimas, nagsimula siyang lumibot na humihiling sa mga tao na siya ay akayin sa pamamagitan ng kanilang mga kamay.
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos na makita ng gobernador kung ano ang nangyari, siya ay naniwala, dahil namangha siya sa katuruan tungkol sa Panginoon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Naglayag ngayon si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Pafos at dumating sa Perga ng Panfilia. Ngunit iniwan sila ni Juan at bumalik sa Jerusalem.
|
|||
|
\v 14 Naglakbay si Pablo at ang kaniyang mga kaibigan mula Perga at nakarating sa Antioquia ng Pisidia. Doon ay pumunta sila sa loob ng sinagoga sa Araw ng Pamamahinga at umupo.
|
|||
|
\v 15 Nang matapos ang pagbabasa ng kautusan at ng mga propeta, nagbigay ang mga pinuno ng sinagoga ng mensahe sa kanila na sinasabi, "Mga kapatid, kung mayroon kayong mensahe ng pampalakas loob sa mga tao dito, sabihin ninyo ito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Kaya tumayo si Pablo at sumenyas sa pamamagitan ng kaniyang kamay, sinabi niya, "Mga taga-Israel at kayo na gumagalang sa Diyos, makinig kayo.
|
|||
|
\v 17 Ang Diyos ng mga taong ito sa Israel ang pumili sa ating mga ninuno at pinarami ang mga tao nang nanatili sila sa Egipto, at sa pamamagitan ng pagtaas ng kaniyang kamay ay pinangunahan niya sila na makalabas mula dito.
|
|||
|
\v 18 Sa halos apatnapung taon nagtiis siya na kasama nila sa ilang.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos niyang wasakin ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinagkaloob niya sa ating mga tao ang kanilang lupain bilang pamana.
|
|||
|
\v 20 Naganap ang lahat ng pangyayaring ito sa loob ng apat na raan at limampung taon. Matapos ang lahat ng bagay na ito, binigyan sila ng Diyos ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Pagkatapos nito, humingi ang mga tao ng isang hari, kaya ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul na anak ni Cis, isang lalaki mula sa lipi ni Benjamin sa loob ng apatnapung taon.
|
|||
|
\v 22 Nang matapos siyang alisin ng Diyos sa pagiging hari, hinirang niya si David upang maging kanilang hari. Sinabi ito ng Diyos tungkol kay David, 'Natagpuan ko si David na anak ni Jesse isang lalaking malapit sa aking puso, gagawin niya ang lahat ng aking naisin.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Mula sa kaapu-apuhan ng lalaking ito ay dinala ng Diyos sa Israel ang isang tagapagligtas na si Jesus, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin.
|
|||
|
\v 24 Nagsimula itong mangyari bago dumating si Jesus, unang ipinahayag ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa lahat ng tao sa Israel.
|
|||
|
\v 25 At nang matatapos na ni Juan ang kaniyang gawain, sinabi niya 'Sino ba ako sa akala ninyo? Ako ay hindi siya. Ngunit makinig kayo, may isang darating na kasunod ko, hindi man lang ako karapat-dapat na magtanggal ng kaniyang sandalyas.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Mga kapatid, mga anak na mula sa lipi ni Abraham at ang mga kasama ninyo na sumasamba sa Diyos, ito ay para sa atin kaya ipinadala ang mensaheng ito tungkol sa kaligtasan.
|
|||
|
\v 27 Para sa kanila na taga-Jerusalem, at sa kanilang mga pinuno, na hindi totoong nakakakilala sa kaniya, ni hindi talaga nila nauunawaan ang tinig ng mga propeta habang binabasa tuwing Araw ng Pamamahinga; kaya natupad nila ang mga mensahe ng mga propeta sa pamamagitan ng paghatol kay Jesus sa kamatayan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Kahit pa wala silang natagpuang dahilan upang patayin siya, hiniling nila kay Pilato na siya ay patayin.
|
|||
|
\v 29 At nang natupad na nilang lahat ang mga bagay na isinulat tungkol sa kaniya, siya ay kanilang ibinaba mula sa puno at inihiga sa isang libingan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Ngunit binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay.
|
|||
|
\v 31 Nakita siya sa loob ng maraming araw ng mga sumama sa kaniya mula Galilea hanggang Jerusalem. Ang mga taong ito ang naging mga saksi niya ngayon sa mga tao.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Kaya dala namin sa inyo ang magandang balita tungkol sa mga pangakong ibinigay sa ating mga ninuno.
|
|||
|
\v 33 Iningatan ng Diyos ang mga pangakong ito sa atin na kanilang mga anak, na kung saan binuhay niya si Jesus mula sa mga patay. Ito din ang naisulat sa ikalawang awit: 'Ikaw ang aking Anak, at ngayon ako ay iyong magiging Ama.'
|
|||
|
\v 34 Tungkol din naman sa katotohanang binuhay siya mula sa mga patay upang hindi mabulok ang kaniyang katawan, nagsalita siya ng katulad nito: 'Ipagkakaloob ko saiyo ang banal at maaasahang mga pagpapala ni David.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Ito rin ay kung bakit niya sinabi sa iba pang awit, 'Hindi mo pahihintulutan na makitang mabulok ang iyong Nag-iisang Banal.'
|
|||
|
\v 36 Nang matapos paglingkuran ni David ang kaniyang sariling salinlahi sa mga nais ng Diyos, nakatulog siya, kasama nang kaniyang mga ama, at nabulok,
|
|||
|
\v 37 ngunit siya na binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 38 Kaya dapat ninyo itong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito ay naipahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan.
|
|||
|
\v 39 Sa pamamagitan niya ang bawat isang mananampalataya ay pinawalang-sala mula sa lahat ng bagay na hindi kayang maipawalang-sala sa inyo sa kautusan ni Moises.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 40 Kaya't mag-ingat kayo na hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta:
|
|||
|
\v 41 'Tingnan ninyo, mga mapang-alipusta, at mamangha kayo at saka mamamatay sapagkat isasagawa ko ang gawain sa inyong mga araw, isang gawaing hindi ninyo paniniwalaan kailanman, kahit pa mayroong maghayag nito sa inyo.'''
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 42 Habang paalis na sina Pablo at Bernabe, nagmakaawa sa kanila ang mga tao kung maaari nilang sabihin muli ang katulad na mensahe sa susunod na Araw ng Pamamahinga.
|
|||
|
\v 43 Nang matapos na ang pagpupulong sa sinagoga, marami sa mga Judio at mga taong nagbago ng paniniwala ang sumunod kina Pablo at Bernabe, na nagsalita sa kanila at nanghikayat na magpatuloy sa biyaya ng Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos ang buong lungsod ay nagsama-samang nagkatipon upang makinig ng salita ng Panginoon.
|
|||
|
\v 45 Nang makita ng mga Judio ang maraming tao, napuno sila ng pagka-inggit at nagsalita laban sa mga bagay na ipinahayag ni Pablo at ininsulto siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 46 Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, "Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil.
|
|||
|
\v 47 Sapagkat iniutos sa amin ng Panginoon, na nagsasabi, 'Inilagay ko kayo bilang ilaw sa mga Gentil upang kayo ay magdala ng kaligtasan sa mga pinakadulong bahagi ng mundo."'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 48 Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan.
|
|||
|
\v 49 Lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong rehiyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 50 Ngunit hinikayat ng mga Judio ang mga relihiyoso at mga mahahalagang babae, gayon din ang mga lalaking namumuno sa lungsod. Nagdulot ito ng matinding pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe at itinaboy sila hanggang sa hangganan ng kanilang lungsod.
|
|||
|
\v 51 Ngunit ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok mula sa kanilang mga paa laban sa kanila. Pumunta sila sa lungsod ng Iconio.
|
|||
|
\v 52 At napuno ang mga alagad ng kagalakan at ng Banal na Espiritu.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 14
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nangyari din ito sa Iconio, na sina Pablo at Bernabe ay magkasamang pumasok sa loob ng sinagoga ng mga Judio at nagsalita sa paraan na napakaraming Judio at Griyego ang nanampalataya.
|
|||
|
\v 2 Ngunit nanghikayat ang mga suwail na Judio sa kalagitnaan ng mga Gentil at hinimok sila na magalit laban sa mga kapatid.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Kaya nanatili sila doon ng mahabang panahon, matapang na nagsasalita sa kapangyarihan ng Diyos, Habang nagbibigay siya ng patunay tungkol sa mensahe ng kaniyang biyaya. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kamay nina Pablo at Bernabe.
|
|||
|
\v 4 Ngunit nahati ang karamihan sa lunsod: pumanig ang iba sa mga Judio at sa mga apostol naman ang iba.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nang subukang himukin ng mga Gentil at Judio ang kanilang mga pinuno na saktan at batuhin sina Pablo at Bernabe,
|
|||
|
\v 6 nalaman nila ang mga ito at tumakas sila patungo sa lungsod ng Licaonia, Listra at Derbe at sa palibot na rehiyon,
|
|||
|
\v 7 at doon nangangaral sila ng ebanghelyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Sa Listra may isang lalaking nakaupo sa kaniyang mga paa na walang lakas, isang lumpo mula pa noong nasa sinapupunan ng kaniyang ina, na hindi kailanman nakapaglakad.
|
|||
|
\v 9 Narinig ng taong ito si Pablo na nagsasalita. Itinuon ni Pablo ang kaniyang mga mata sa kaniya at nakita niya na mayroon siyang pananampalataya upang gumaling.
|
|||
|
\v 10 Kaya sinabi niya sa kaniya ng malakas ang boses, ''Tumayo ka." tumalon ang lalaki at lumakad.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Nang makita ng maraming tao ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila ng malakas, nagsasalita sa wikang Licaonia, ''Ang mga diyos ay bumaba sa atin sa anyo ng tao."
|
|||
|
\v 12 Tinawag nilang "Zeus," si Bernabe at "Hermes" naman si Pablo dahil siya ang pangunahing tagapagsalita.
|
|||
|
\v 13 Nagdala ng baka at koronang bulaklak sa tarangkahan ang pari ni Zeus, na ang templo ay nasa labas lamang ng lungsod; siya at ang maraming tao ay gustong mag-alay ng handog.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Ngunit nang narinig ito ng mga apostol na sina, Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang kasuotan at agad na lumabas na sumisigaw sa maraming tao
|
|||
|
\v 15 na sinasabi, ''Mga tao, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? mga tao din kami na may damdamin tulad ninyo. Dinala namin sa inyo ang mabuting balita, upang tumalikod kayo sa mga bagay na walang halaga para sa Diyos na buhay, na gumawa sa kalangitan, lupa, at nang dagat at ang lahat ng mga naroon.
|
|||
|
\v 16 Sa mga nakalipas na panahon, pinahintulutan niya ang lahat ng bansa na lumakad sa sarili nilang kagustuhan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Ngunit gayun pa man hindi niya hinayaan ang kaniyang sarili na walang saksi, dahil doon gumawa siya ng mabuti at ibinigay sa inyo ang mga ulan mula sa langit at mabungang mga panahon, pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at kagalakan."
|
|||
|
\v 18 Maging sa mga salitang ito, napigilan nina Pablo at Bernabe ang pag-aalay sa kanila ng maraming tao.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Ngunit ilang mga Judio mula Antioquia at Iconio ang dumating at hinikayat ang maraming tao. Binato nila si Pablo at kinaladkad palabas ng lungsod sa pag-aakalang siya ay patay na.
|
|||
|
\v 20 Ngunit habang nakatayo ang mga alagad sa palibot niya, tumayo siya at pumasok sa lungsod. Nang sumunod na araw pumunta siya sa Derbe kasama si Bernabe.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Pagkatapos nilang ipinangaral ang ebanghelyo sa lungsod na iyon at magkaroon ng maraming alagad, bumalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia.
|
|||
|
\v 22 Ipinagpatuloy nilang palakasin ang isipan ng mga alagad at hinikayat sila na magpatuloy sa pananampalataya. Sinabi nila sa kanila na sa pamamagitan ng maraming pagdurusa bago tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Nang makapagtalaga sila ng mga nakatatanda sa bawat kapulungan ng mga mananampalataya, at makapanalangin na may pag-aayuno, ipinagkatiwala nila sila sa Panginoon na kanilang pinaniniwalaan.
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos, dumaan sila sa Pisidia at dumating sa Panfilia.
|
|||
|
\v 25 Nang kanilang maihayag ang salita sa Perga, umalis sila pababa ng Atalia.
|
|||
|
\v 26 Mula doon naglayag sila patungong Antioquia kung saan ipinagkatiwala nila sa biyaya ng Diyos ang gawaing kanilang natapos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Nang dumating sila sa Antioquia at sama-samang tinipon ang kapulungan, ibinalita nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paanong binuksan ng Diyos ang pintuan ng pananampalataya para sa mga Gentil.
|
|||
|
\v 28 Nanatili sila ng mahabang panahon kasama ng mga alagad.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 15
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 May ilang mga lalaki na bumaba galing sa Judea at nagturo sa mga kapatid na nagsasabi "Maliban na kayo ay magpatuli mula sa kaugalian ni Moises, kayo ay hindi maliligtas."
|
|||
|
\v 2 Nang nakipagharap at nakipagtalo sa kanila sina Pablo at Bernabe, nagpasiya ang mga kapatid na sina Pablo, Bernabe, at ang ilan sa kanila ay kailangang pumunta sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga nakatatanda patungkol sa mga pinagtatalunan nila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Kaya sila, na pinadala ng iglesiya ay dumaan ng Fenicia at Samaria at ipinahayag ang pagbabalik-loob ng mga Gentil. Nagdulot sila ng lubos na kagalakan sa lahat ng kapatid.
|
|||
|
\v 4 Nang dumating sila sa Jerusalem, sinalubong sila ng iglesia, ng mga apostol at ng nakatatanda, at ipinahayag ang lahat ng mabuting ginawa ng Diyos sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Ngunit ilan sa mga kalalakihan na nanampalataya, na kabilang sa pangkat ng mga Pariseo ay tumayo at nagsabi, "Kinakailangan na sila ay matuli at utusan sila na sundin ang kautusan ni Moises."
|
|||
|
\v 6 Kaya nagtipon ang mga apostol at nakatatanda upang pag-usapan ang bagay na ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos ng mahabang pagtatalo, tumayo si Pedro at sinabi sa kanila "Mga kapatid, alam ninyo na hindi pa nagtatagal ay pumili ang Diyos sa inyo, na sa pamamagitan ng aking bibig kailangang marinig ng mga Gentil ang salita ng ebanghelyo, at manampalataya.
|
|||
|
\v 8 Ang Diyos na nakakaalam ng puso ay nagpatotoo sa kanila, ibinibigay sa kanila ang Banal na Espiritu, katulad ng ginawa niya sa atin;
|
|||
|
\v 9 at wala siyang tinangi sa atin at sa kanila, ginawa niyang malinis ang kanilang mga puso sa pamamamagitan ng pananampalataya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Ngayon bakit ninyo sinusubukan ang Diyos, na dapat kayong maglagay ng pamatok sa leeg ng mga alagad na kahit ang ating mga ama o maging tayo man ay hindi kayang makadala?
|
|||
|
\v 11 Ngunit naniniwala tayo na tayo ay maliligtas sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoong Jesus, katulad nila."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nanatiling tahimik ang mga tao habang nakikinig kay Bernabe at Pablo na ibinabalita ang mga tanda at himala na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan nila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Pagkatapos nilang tumigil sa pagsasalita, sumagot si Santiago, na sinasabi "Mga kapatid, makinig kayo sa akin.
|
|||
|
\v 14 Sinabi ni Simon kung paano unang tinulungan ng may mapagmahal ng Diyos ang mga Gentil upang kumuha mula sa kanila ng mga tao para sa kaniyang pangalan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Sumasang-ayon dito ang mga salita ng mga propeta, katulad ng nasusulat,
|
|||
|
\v 16 'Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako ay babalik, at itatayo ko muli ang tolda ni David na bumagsak; aayusin ko at itatayong muli ang mga guho nito,
|
|||
|
\v 17 upang ang mga natitirang mga kalalakihan ay hanapin ang Panginoon, kasama ang lahat na mga Gentil na tinawag sa aking pangalan.'
|
|||
|
\v 18 Ito ang sinasabi ng Panginoon, na siyang gumawa ng mga bagay na batid sa nagdaang kapanahunan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Kaya, ang opinyon ko ay dapat huwag nating gambalain ang mga Gentil na nagbalik sa Diyos;
|
|||
|
\v 20 sa halip, sulatan natin sila na dapat silang lumayo sa karumihan ng mga diyus-diyosan, mula sa sekswal na imoralidad, at mula sa mga binigti at sa dugo.
|
|||
|
\v 21 Mula sa mga nagdaang salinhali may mga tao na nagpapahayag at nagbabasa ng katuruan ni Moises sa sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga".
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Kaya't minabuti ng mga apostol at mga nakatatanda, kasama ang buong iglesia na piliin si Judas na tinatawag na Barsabas, at Silas, na mga pinuno ng iglesia upang ipadala sila sa Antioquia kasama ni Pablo at Bernabe.
|
|||
|
\v 23 Isinulat nila ito, "Ang mga apostol, mga nakatatanda at mga kapatid, sa mga kapatid na Gentil sa Antioquia, Siria at Cilicia, binabati ko kayo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Nalaman namin na may ilang mga kalalakihan kung saan hindi kami nagbigay ng anumang utos ay pumunta sa inyo at nagbagabag sa inyo sa mga katuruang aming ipinahayag na nagbabagabag sa inyong mga kaluluwa.
|
|||
|
\v 25 Kaya minabuti naming lahat na magkaisa na pumili ng mga lalaki na papapuntahin namin sa inyo kasama sa aming mga minamahal na sina Pablo at Bernabe,
|
|||
|
\v 26 mga taong nagtaya ng kanilang mga buhay para sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Kaya isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas, na magsasabi din sa inyo ng gayon ding mga bagay.
|
|||
|
\v 28 Sapagkat minabuti namin at ng Banal na Espiritu na huwag kayong bigyan ng mabibigat na mga pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan:
|
|||
|
\v 29 na talikuran ninyo ang bagay na naialay sa mga diyus-diyosan, sa dugo, sa mga binigti, at sa sekswal na imoralidad. Kapag nailayo ninyo ang inyong mga sarili sa mga ito, ikabubuti ninyoito. Paalam."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Kaya sila, nang sila ay pinauwi, pumunta sila sa Antioquia; pagkatapos nilang tipunin ang lahat ng tao, iniabot nila ang liham.
|
|||
|
\v 31 Nang mabasa nila ito, sila'y nagalak dahil sa pag-asa at lakas na ibinigay sa kanila.
|
|||
|
\v 32 Si Judas at Silas na mga propeta rin, ay pinatatag ang loob ng mga kapatiran sa marami nilang mga salita na nakapagpatibay sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Pagkatapos nilang mamalagi ng ilang panahon doon, ay payapa silang pinauwi sa mga kapatid na nagsugo sa kanila.
|
|||
|
\v 34 (Ngunit minabuti ni Silas na magpaiwan doon.)
|
|||
|
\v 35 Ngunit si Pablo at Bernabe ay nanatili sa Antioquia kasama ng mga iba pa, na kung saan sila ay nagturo at nagpahayag ng salita ng Panginoon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Lumipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, "Balikan natin ngayon at dalawin ang ating mga kapatid sa bawat lungsod na kung saan ipinahayag natin ang salita ng Panginoon, at kumustahin ang kanilang kalagayan.
|
|||
|
\v 37 Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos.
|
|||
|
\v 38 Ngunit naisip ni Pablo na hindi mabuting isama si Marcos na nag-iwan sa kanila sa lugar ng Pamfilia at hindi na sumama sa kanilang gawain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 At sila ay nagkaroon ng matinding di pagkakaunawaan, kaya sila naghiwalay, isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Sayprus.
|
|||
|
\v 40 Pinili naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis pagkatapos siyang ipagkatiwala ng mga kapatiran sa biyaya ng Panginoon.
|
|||
|
\v 41 At siya pumunta patungong Siria at Cilicia, na pinagtitibay ang mga iglesiya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 16
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nakarating din si Pablo sa Derbe at Listra, at masdan ito, naroon ang isang alagad na nagngangalang Timoteo, anak ng isang babaeng Judio na mananampalataya; ang kaniyang ama ay isang Griego.
|
|||
|
\v 2 Maganda ang sinasabi tungkol sa kaniya ng mga kapatiran na taga Listra at Iconio.
|
|||
|
\v 3 Gusto ni Pablo na makasama siya sa paglalakbay; kaya siya ay isinama niya at tinuli dahil sa mga Judio na nasa lugar na iyon, sapagkat alam nilang lahat na ang kaniyang ama ay isang Griego.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Nang sila ay patungo na sa mga lungsod, inihatid nila sa mga Iglesia ang mga tagubilin upang kanilang sundin, mga tagubilin na isinulat ng mga apostol at ng mga nakatatanda sa Jerusalem.
|
|||
|
\v 5 Kaya napalakas sa pananampalataya ang mga iglesia at dumami ang kanilang bilang araw-araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Tumungo si Pablo at ang kaniyang mga kasama sa mga lupain ng Frigia at Galacia, dahil hindi pinahintulutan ng Banal na Espiritu na mangaral sila ng salita ng Diyos sa probinsiya ng Asia.
|
|||
|
\v 7 Nang malapit na sila sa Misia, ninais nila na tumungo sa Bitinia, ngunit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus.
|
|||
|
\v 8 Kaya ng makalampas sila sa Misia, tumungo sila sa lungsod ng Troas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Isang pangitain ang nakita ni Pablo ng gabing iyon: may isang lalaki na Macedonia ang nakatayo doon na tumatawag sa kaniya at nagsasabing, "Tumungo kayo dito sa Macedonia at tulungan kami."
|
|||
|
\v 10 Nang makita ni Pablo ang pangitain, nagmamadali kaming pumunta sa Macedonia, pinatutunayan na tinawag kami ng Diyos upang ipangaral ang ebanghelyo sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkalayag namin galing ng Troas, dumiretso kami sa Samotracia at nang sumunod na araw kami ay dumating sa Neapolis;
|
|||
|
\v 12 Mula roon ay pumunta kami sa Filipos, isang lungsod ng Macedonia, ang pinakamahalagang lungsod sa distrito at nasasakupan ng Roma, at nanatili kami sa lungsod na ito ng ilang araw.
|
|||
|
\v 13 Nang Araw ng Pamamahinga lumabas kami sa tarangkahan sa may tabi ng ilog, na kung saan naisip namin na may lugar doon upang manalangin. Naupo kami at nakipag usap sa mga nagtipon-tipon na mga babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 May isang babae na nagngangalang Lidia ang nagbebenta ng mga tela na kulay lila na nanggaling sa lungsod ng Tiatira na sumasamba sa Diyos, nakinig siya sa amin. Binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang bigyangpansin ang mga bagay na sinabi ni Pablo.
|
|||
|
\v 15 Nang mabautismuhan siya at ang kaniyang sambahayan, hinikayat niya kami, at nagsasabing, "Kung itinuturing ninyo na ako ay matapat sa Panginoon, pumunta kayo sa aking bahay, at manatili roon." At nahikayat niya kami.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nangyari nga, habang kami ay patungo sa lugar ng panalanginan, nasalubong namin ang isang batang babae na may espritu ng panghuhula. Nagdadala siya sa kaniyang mga amo ng maraming pakinabang sa pamamagitan ng panghuhula.
|
|||
|
\v 17 Sumunod ang babaeng ito kay Pablo at sa amin at sumigaw, na nagsasabing, "Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos. Nagpapahayag sila sa inyo ng daan ng kaligtasan."
|
|||
|
\v 18 Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo nang lubhang nainis sa kaniya ay lumingon at sinabi sa espiritu, "Inuutos ko saiyo sa pangalan ni Jesu Cristo lumabas ka sa kaniya." At agad itong lumabas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Nang makita ng kaniyang mga amo na ang kanilang pag-asa sa pinag kakakitaan ay nawala, sinunggaban nila si Pablo at Silas at kinaladkad sila sa pamilihan at iniharap sa mga may kapangyarihan.
|
|||
|
\v 20 Nang dinala sila sa mga hukom, sinabi nilang, "Judio ang mga taong ito at sila ay gumagawa ng maraming kaguluhan sa ating lungsod.
|
|||
|
\v 21 Nagtuturo sila ng mga bagay na hindi naaayon sa ating batas upang tanggapin o gawin bilang mga Romano."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 At nagkaisa ang napakaraming tao laban kina Pablo at Silas; Pinunit ng mga hukom ang kanilang mga damit at nag-utos na hampasin sila ng pamalo.
|
|||
|
\v 23 Nang mapalo na sila ng maraming beses, ipinatapon sila sa bilangguan at inutusan ang bantay ng bilangguan na sila ay bantayang maigi.
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos niyang matanggap ang utos na ito, pinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ikinadena ang kanilang paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila.
|
|||
|
\v 26 Biglang may malakas na lindol, kaya't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig; at agad nagbukas ang lahat ng mga pintuan, at nakalas ang kadena ng bawat isa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Nagising ang bantay sa kaniyang pagkakatulog at nakitang bukas ang mga pintuan ng bilangguan; hinugot niya ang kaniyang espada at magpapakamatay na sana, dahil inakala niyang nakatakas ang mga bilanggo.
|
|||
|
\v 28 Ngunit sumigaw si Pablo ng may malakas na boses na nagsasabing, "Huwag mong saktan ang iyong sarili, narito kaming lahat."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Humingi ng ilaw ang bantay ng bilangguan at nagmamadaling pumasok na nanginginig sa takot at nagpatirapa kina Pablo at Silas,
|
|||
|
\v 30 at inilabas sila at nagsabing, "Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?"
|
|||
|
\v 31 Sinabi nila sa kaniya, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang buo mong sambahayan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Ipinahayag nila ang salita ng Panginoon sa kaniya, kasama ang lahat sa kaniyang tahanan.
|
|||
|
\v 33 Nang gabing iyon kinuha sila ng bantay ng bilanguan sa oras ding iyon at hinugasan ang kanilang mga sugat at siya at ang lahat ng kaniyang sambahayan ay agad na nabautismuhan.
|
|||
|
\v 34 Dinala niya si Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at naghain ng pagkain para sa kanila. Siya ay lubhang nagalak kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan, dahil lahat sila ay nanampalataya sa Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Nang umaga na, nagpaabot ang mga hukom ng pahayag sa mga bantay, na nagsasabing, "Hayaan na ninyong makalaya ang mga lalaking iyon."
|
|||
|
\v 36 Ibinalita ng bantay ang mensahe kay Pablo, na nagsasabing, " Ang mga hukom ay nagpaabot ng mensahe sa akin na kayo ay palayain na; kaya ngayon ay lumabas na kayo at humayo na may kapayapaan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 37 Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila, "Hayagan nila kaming hinampas, mga Romano kaming hindi nahatulan at pinatapon kami sa bilangguan; at ngayo'y palalayain kami ng lihim? Hindi maaari; hayaan ninyo sila mismo ang pumarito at dalhin tayo palabas."
|
|||
|
\v 38 Binalita ng mga bantay ang mga salitang ito sa mga hukom; natakot ang mga hukom nang kanilang marinig na sina Pablo at Silas ay mga Romano.
|
|||
|
\v 39 Dumating ang mga hukom at nagmakaawa sa kanila; at nang inilabas nila sila sa bilangguan, pinakiusapan nila si Pablo at si Silas na umalis na sa lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 40 Kaya lumabas na ng bilangguansina Pablo at Silas at nagtungo sa bahay ni Lidia. Nang makita nina Pablo at Silas ang mga kapatid, pinalakas nila ang kanilang kalooban at sila ay umalis mula sa lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 17
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon nang dumaan sila sa mga bayan ng Amfipolis at Apolonia, sila ay dumating sa bayan ng Tesalonica, kung saan ay mayroong isang sinagoga ng mga Judio.
|
|||
|
\v 2 Tulad ng nakagawian ni Pablo, pumunta siya sa kanila, at sa tatlong araw ng sabbath ay nangatwiran sa kanila mula sa mga kasulatan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Binubuksan niya ang mga kasulatan at nagpapaliwanag na kinakailangan ng Cristo na magdusa at muling mabuhay mula sa mga patay. Sinabi niya, "Itong si Jesus na aking ipinapahayag sa inyo ay ang Cristo."
|
|||
|
\v 4 May ilang mga Judio ang nahikayat at sumama kina Pablo at Silas, pati na rin ang mga debotong Griego, mga kilalang kababaihan, at lubhang napakaraming tao.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Ngunit nang dahil sa inggit, ang mga hindi naniniwalang mga Judio ay kumuha ng mga masasamang tao mula sa pamilihan, nagsama-sama sila upang manggulo sa lungsod. Pinasok nila ang bahay ni Jason dahil nais nilang iharap sina Pablo at Silas sa mga tao.
|
|||
|
\v 6 Ngunit nang hindi nila sila matagpuan, kinaladkad nila si Jason at ang iba pang mga kapatid sa harapan ng mga pinuno ng lungsod na sumisigaw "Pumunta rito ang mga lalaking ito na nagdulot ng kaguluhan."
|
|||
|
\v 7 Itong mga lalaking tinanggap ni Jason ay sumasalungat laban sa mga kautusan ni Ceasar; sinasabi nilang mayroong pang ibang hari - si Jesus."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Nang marinig ng karamihan at ng mga pinuno ng lungsod ang mga bagay ito, sila ay nabagabag.
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos nilang makuha ang perang pambayad mula kay Jason at sa kasamahan niya pinalaya na nila sila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Nang gabing iyon pinapunta ng mga kapatid sina Pablo at Silas sa Berea. Nang makarating sila roon, nagpunta sila sa sinagoga ng mga Judio.
|
|||
|
\v 11 Ngayon ang mga taong ito ay mas matalino kaysa sa mga taga Tesalonica, dahil tinanggap nila ang salita nang may kahandaan ng isip, nagsasaliksik ng mga kasulatan araw araw, upang makita kung ang mga bagay na ito ay totoo.
|
|||
|
\v 12 Kaya naman marami sa kanila ang nanampalataya, kabilang ang ilang mga kilalang kababaihang Griego at maraming kalalakihan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Ngunit nang mapag-alaman ng mga Judio na taga Tesalonica na nagpapahayag si Pablo ng Salita ng Dios sa Berea, nagpunta sila doon at niligalig at ginulo nila ang mga tao.
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos, agad - agad na pinapunta ng mga kapatid si Pablo papunta doon sa dagat, ngunit nanatili sina Silas at Timoteo doon.
|
|||
|
\v 15 Dinala si Pablo ng mga naghatid sa kaniya hanggang sa lungsod ng Atenas. Nang sila ay papaalis na doon, nagbilin sa kanila si Pablo, na papuntahin sina Silas at Timoteo sa kaniya sa lalong madaling panahon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Ngayon habang nag-aantay si Pablo sa kanila sa Atenas, nabagabag ang kaniyang espiritu nang kaniyang makita na ang lungsod ay puno ng mga diyus-diyosan.
|
|||
|
\v 17 Kaya nangatwiran siya sa mga Judio sa sinagoga at sa mga sumamba sa Diyos at maging sa mga nakikipagkita sa kaniya sa pamilihan araw-araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Ngunit mayroong din mga pilosopong Epicureo at Estoico na kaniyang nakaharap. At may mga nagsabi, "Ano ang nais sabihin ng madaldal na ito?" sabi ng iba, "Parang mangangaral siya ng ibang diyos," dahil nangangaral siya tungkol kay Jesus at nang muling pagkabuhay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Dinala nila si Pablo papunta sa Areopago na sinasabing, "Maaari ba naming malaman ang bagong katuruan na iyong sinasabi?
|
|||
|
\v 20 Sapagkat naghatid ka ng kakaibang bagay sa aming tainga. Kaya nga, nais naming malaman ang kahulugan ng mga ito.
|
|||
|
\v 21 (Ngayon lahat ng mga taga Atenas at mga dayuhang nakatira doon ay ginugugol lamang ang kanilang panahon sa pagkukwento o pakikinig tungkol sa mga bagay na bago.)
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Kaya tumayo si Pablo sa kalagitnaan ng Aeropago at nagsabi, "Kayong mga taga-Atenas, nakita ko na kayo ay napakarelihiyoso sa lahat ng paraan.
|
|||
|
\v 23 Sapagkat sa aking pagdaraan at pagmamasid sa mga bagay na inyong sinasamba, natagpuan ko ang isang altar na may naka-ukit na ganito, "SA DIYOS NA HINDI NAKIKILALA ". Ang sinasamba ninyo na hindi nakikilala ang aking ipinapahayag sa inyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Ang Diyos na lumikha ng mundo at ng lahat ng naroon, dahil siya ang Panginoon ng langit at lupa, ay hindi nananahan sa mga templo na itinayo ng mga kamay.
|
|||
|
\v 25 Hindi rin siya pinagsilbihan ng mga kamay ng tao, na para bang kailangan niya ang anuman, dahil siya mismo ang nagbigay ng buhay sa tao at hininga at lahat ng iba pang mga bagay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 At mula sa isang tao ay nilikha niya ang bawat lahi ng mga taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo, itinakda niya ang kanilang mga kapanahunan at ang hangganan ng kanilang tinitirahan.
|
|||
|
\v 27 Kaya nga dapat nilang hanapin ang Diyos at baka sakaling maabot siya at matagpuan at sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Dahil sa kaniya tayo ay nabubuhay at gumagalaw, at mayroong pagkatao, gaya nga ng sabi ng inyong mga makata, 'Dahil tayo rin ay kaniyang anak.'
|
|||
|
\v 29 Dahil tayo ay anak ng Diyos, hindi natin dapat isipin na ang pagkadiyos ay tulad ng ginto o pilak o mga batong nilikha ng kaisipan ng tao.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Kaya nga, pinalampas ng Diyos ang panahon na hindi siya kinilala, ngunit ngayon inuutusan niya ang lahat ng mga tao sa lahat ng dako na magsisi.
|
|||
|
\v 31 Ito ay dahil itinakda na niya ang araw kung kailan niya hahatulan ang mundo sa katuwiran sa pamamagitan ng taong kaniyang pinili. Pinatunayan ito ng Diyos sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya sa mga patay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Ngayon nang marinig ng mga kalalakihan ng Atenas ang tungkol sa muling pagkabuhay sa mga patay, kinutya ng iba si Pablo; ngunit sinabi ng iba, "Pakikinggan ka naming muli tungkol sa mga bagay na ito."
|
|||
|
\v 33 Pagkatapos niyon, iniwan sila ni Pablo.
|
|||
|
\v 34 Ngunit may ilang mga lalaking sumama sa kaniya at nanampalataya, kabilang si Dionisio na Areopagita, isang babaing nagngangalang Damaris at iba pang kasama nila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 18
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Pagkatapos mangyari ng mga bagay na ito si Pablo ay umalis sa Atenas at pumunta sa Corinto.
|
|||
|
\v 2 Natagpuan niya doon ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila na nagmula sa Punto na kagagaling lamang ng Italya, kasama si Priscila na kaniyang asawa, dahil pinag-utos ni Claudio na lahat ng Judio ay umalis ng Roma. Pumunta si Pablo sa kanila;
|
|||
|
\v 3 Namuhay at nagtrabaho si Pablo kasama nila dahil siya ay katulad din nila. Mga manggagawa ng tolda.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Kaya nangangatwiran si Pablo sa loob ng sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga. Hinikayat niya ang mga Judio at mga Griyego.
|
|||
|
\v 5 Ngunit nang dumating sina Silas at Timoteo sa Macedonia, Inudyukan ng Espiritu si Pablo na magpatotoo sa mga Judio na si Jesus ang Kristo.
|
|||
|
\v 6 Nang hindi sumang-ayon ang mga Judio at siya ay nilait, pinagpag ni Pablo sa kanila ang kaniyang kasuotan at sinabi sa kanila, "Ang inyong dugo ay sumainyong sariling mga ulo; wala akong kasalanan. Simula ngayon sa mga Gentil na ako pupunta."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 At siya ay umalis at nagpunta sa tahanan ni Ticio Justu, isang lalaking sumasamba sa Diyos. Ang kaniyang tahanan ay nasa tabi ng sinagoga.
|
|||
|
\v 8 Si Crispo na namumuno sa sinogoga at lahat sa kaniyang sambahayan ay nanampalataya sa Panginoon. Marami sa mga taga-Corinto na nakarinig kay Pablo ay nanampalataya at nabautismuhan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Isang gabi sinabi ng Panginoon kay Pablo sa isang pangitain, "Huwag kang matakot, kundi magsalita ka at huwag kang manahimik.
|
|||
|
\v 10 Dahil kasama mo ako, at walang sinumang magtatangkang manakit sa iyo, dahil marami akong tao sa lungsod na ito."
|
|||
|
\v 11 Tumira doon si Pablo ng isang taon at anim na buwan, Nagtuturo ng salita ng Diyos sa kanilang kalagitnaan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Ngunit nang si Galio ay naging Gobernador ng Acaya, sama-samang nag alsa ang mga Judio laban kay Pablo at dinala siya sa harap ng hukuman;
|
|||
|
\v 13 sinabi nila, " Ang lalaking ito ay nanghihikayat sa mga tao na sumamba sa Diyos na labag sa batas."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Ngunit nang magsasalita na si Pablo, sinabi ni Galio sa mga Judio, "kayong mga Judio, kung totoo man na ito ay tungkol sa isang pagkakamali o isang krimen, nararapat lamang na harapin ko kayo.
|
|||
|
\v 15 Ngunit dahil ito ay mga katanungan lamang tungkol sa mga salita at mga pangalan at sarili ninyong batas, lutasin ninyo ito sa inyong mga sarili. Hindi ko gustong maging hukom ng mga bagay na ito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Pinaalis sila ni Galio sa hukuman.
|
|||
|
\v 17 Kaya sinunggaban nila si Sostenes na pinuno ng mga sinagoga at binugbog siya sa harapan ng hukuman. Ngunit hindi pinansin ni Galio ang kanilang ginawa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Matapos manatili doon ni Pablo ng marami pang mga araw, iniwanan ang mga kapatid at naglayag papunta ng Siria kasama sina Priscila at Aquila. Bago siya umalis sa daungan ng Cencrea, ipinaahit niya ang kaniyang ulo dahil sa kaniyang panatang Nazaro.
|
|||
|
\v 19 Nang dumating sila sa Efeso, iniwan niya sina Priscila at Aquila doon, ngunit siya mismo ay nagpunta sa sinagoga at nangatuwiran sa mga Judio.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Nang tanungin nila si Pablo na manatili pa ng mas mahabang panahon, tumanggi siya.
|
|||
|
\v 21 Ngunit ng siya ay paalis na, sinabi niya, "Babalik akong muli sa inyo kung kalooban ng Diyos." Kaya siya ay naglayag mula sa Efeso.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Nang makadaong si Pablo sa Caesarea, umakyat siya at binati ang iglesia sa Jerusalem at pagkatapos ay bumaba siya sa Antioquia.
|
|||
|
\v 23 Pagkatapos niyang manatili doon ng ilang panahon, umalis si Pablo at nagpunta sa mga rehiyon ng Galatia at Phyrgia at pinalakas ang lahat ng mga disipulo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Ngayon, may isang Judio na nagngangalang Apollos na ipinanganak sa Alexandria, ang nagpunta sa Efeso. Mahusay siyang mangusap at bihasa sa mga kasulatan.
|
|||
|
\v 25 Naturuan si Apollos sa mga katuruan ng Panginoon. Sa pagiging maalab sa espiritu, nagsalita siya at nagturo nang wasto tungkol sa mga bagay ukol kay Jesus, ngunit tungkol lamang sa baustismo ni Juan ang kaniyang nalalaman.
|
|||
|
\v 26 Nagsimulang magsalita si Pablo nang may katapangan sa sinagoga. Ngunit nang marinig siya nina Priscila at Aquila, kinaibigan nila siya at ipinaliwanag sa kaniya ang paraan ng Diyos ng mas mabuti.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Nang ninais niyang dumaan sa Acaya, pinalakas ng mga kapatiran ang kaniyang loob at sumulat sa mga disipulo sa Acaya upang siya ay tanggapin. Nang dumating siya, tinulungan niya ng labis ang mga nanampalataya sa pamamagitan ng biyaya.
|
|||
|
\v 28 Lubhang dinaig ni Apolos sa publiko ang mga Judio taglay ang kaniyang kapangyarihan at kahusayan, ipinapakita sa pamamagitan ng mga kasulatan na si Jesus nga ang Cristo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 19
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 At nang si Apolos ay nasa Corinto, dumaan si Pablo sa mga matataas na lupain at nakarating sa lungsod ng Efeso, at natagpuan niya ang ilang alagad doon.
|
|||
|
\v 2 Sinabi ni Pablo sa kanila, "Tinanggap ba ninyo ang Banal na Espiritu nang kayo ay manampalataya?" Sinabi nila sa kaniya, "Hindi, hindi man lang namin narinig ang tungkol sa Banal na Espiritu."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Sinabi ni Pablo, "Kung gayon saan kayo nabautismuhan?" Sinabi nila, "Sa bautismo ni Juan."
|
|||
|
\v 4 Kaya sumagot si Pablo, "Nagbautismo si Juan kasama ang bautismo ng pagsisisi. Sinabi niya sa mga tao na dapat silang manampalataya sa darating na kasunod niya, kay Jesus."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nang narinig ito ng mga tao, nabautismuhan sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
|
|||
|
\v 6 At nang ipatong ni Pablo ang kaniyang kamay sa kanila, ang Banal na Espiritu ay bumaba sa kanila at sila ay nagsalita ng iba't ibang mga wika at nagpahayag ng propesiya.
|
|||
|
\v 7 mga labindalawang kalalakihan silang lahat.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Pumunta si Pablo sa sinagoga at matapang na nagsalita sa loob ng tatlong buwan. Pinangungunahan niya ang mga pagpapaliwanag at panghihikayat sa mga tao tungkol sa mga bagay patungkol sa Kaharian ng Diyos.
|
|||
|
\v 9 Ngunit nang ang ilan sa mga Judio ay nagmamatigas at hindi sumusunod, nagsimula silang magsalita ng masama sa daan ni Cristo sa harap ng maraming tao. Kaya iniwan sila ni Pablo at pinangunahan niya ang mga mananampalataya palayo sa kanila. Nagsimula siyang magsalita araw-araw sa loob ng bulwagan ng Tiranus.
|
|||
|
\v 10 Nagpatuloy ito ng dalawang taon, lahat ng mga taong nakatira sa Asia ay nakarinig ng Salita ng Panginoon, maging Judio o Griego.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Gumagawa ang Diyos ng mga kamangha-manghang gawa sa pamamagitan ng mga kamay ni Pablo,
|
|||
|
\v 12 upang maging ang mga may sakit ay gumaling, at ang mga masasamang espiritu ay lumabas mula sa kanila, nang makakuha sila ng mga panyo at epron mula sa katawan ni Pablo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Ngunit may mga Judio na nagpapalayas ng mga masasamang espiritu ang naglalakbay sa lugar na ginagamit ang pangalan ni Jesus para sa kanilang pansariling nais. Sila ay nagsalita sa mga nasapian ng mga masasamang espiritu; sinabi nilang, Mula sa pagpapahayag ni Pablo inuutusan kita sa pamamagitan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo, lumayas ka."
|
|||
|
\v 14 Ang mga gumawa nito ay ang pitong anak ng punong pari ng mga Hudyo, na si Esceva.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Sumagot ang masamang espiritu sa kanila, "Kilala ko si Jesus at kilala ko si Pablo; ngunit sino kayo?"
|
|||
|
\v 16 Lumundag ang masamang espiritu sa mga nagpalayas ng masamang espiritu at tinalo sila at sinaktan. Pagkatapos tumakas sila palabas sa bahay na iyon na walang damit at sugatan.
|
|||
|
\v 17 Nalaman ito ng lahat, maging mga Judio at Griego na nanirahan sa Efeso. Natakot sila ng labis at naparangalan ang pangalan ng Panginoong Jesus.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Gayon din, marami sa mga mananampalataya ang dumating na nagsabi at umamin ng kanilang mga kasamaang ginawa.
|
|||
|
\v 19 Marami sa mga gumagawa ng salamangka ang nagdala ng kanilang mga libro at sinunog nila sa paningin ng lahat. Nang bilangin nila ang halaga nito, ito ay nagkakahalaga ng limampung libong piraso ng pilak.
|
|||
|
\v 20 Kaya't ang salita ng Panginoon ay lumaganap sa makapangyarihang paraan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Ngayon nang natapos ni Pablo ang kaniyang ministeryo sa Efeso, nagpasya siya sa Espiritu na dumaan sa Macedonia at Acaya patungong Jerusalem; sinabi niya, "Pagkagaling ko roon, kailangan ko ring makita ang Roma."
|
|||
|
\v 22 Pinadala ni Pablo ang dalawa sa kaniyang mga alagad sa Macedonia, si Timoteo at Erasto, na tumulong sa kaniya. Ngunit siya ay nanatili muna sa Asia ng kaunting panahon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 At nagkaroon ng malaking kaguluhan sa panahong iyon Efeso patungkol sa Daan.
|
|||
|
\v 24 May isang magpapanday ng pilak na nagngangalang Demetrio, na gumagawa ng imahe ni Diana na pilak, na nagbibigay ng malaking negosyo sa mga nagpapanday.
|
|||
|
\v 25 Kaya tinipon niya ang mga manggagawa sa trabahong iyon, at sinabi, "Mga Ginoo, alam ninyo na sa negosyong ito tayo kumikita ng malaking halaga.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Nakikita at naririnig ninyo iyon, hindi lang sa Efeso, ngunit halos sa buong Asia. Ang Pablong ito ay nanghikayat at nagpalayo ng maraming tao. Sinasabi niya na walang mga diyos-diyosan na gawa sa mga kamay.
|
|||
|
\v 27 At hindi lamang iyon ang panganib na ang mga kalakal natin ay hindi na kakailanganin, subalit pati narin ang templo ng dakilang diyosang si Diana ay maaring mawalan ng halaga. At mawawalan din siya ng kadakilaan, na siyang sinasamba ng buong Asia at ng buong mundo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Nang marinig nila ito, napuno sila ng galit at sumigaw na nagsasabi, "Dakila si Diana ng mga taga- Efeso."
|
|||
|
\v 29 Napuno ng kaguluhan ang buong lungsod, at ang mga tao ay sama-samang nagmadali papunta sa tanghalan. At dinampot nila ang mga kasamahan ni Pablo sa paglalakbay na sina Gaius at Aristarco, na taga-Macedonia.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Nais ni Pablo na pumasok sa gitna ng napakaraming tao, ngunit pinigilan siya ng mga alagad.
|
|||
|
\v 31 Maging ang ilan sa mga opisyal ng probinsiya ng Asia na kaniyang mga kaibigan ay nagpadala ng mensahe na nakikiusap na huwag siyang tumuloy sa tanghalan.
|
|||
|
\v 32 Ang ibang mga tao ay sumisigaw ng isang bagay, at ang ilan ay naman, sapagkat nalito ang mga tao. Karamihan sa kanila ay hindi alam kung bakit sila nagkatipon-tipon doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Dinala ng mga Judio si Alejandro palabas sa maraming tao, ihinarap siya sa mga tao. Si Alejandro ay nagsenyas ng kaniyang kamay upang magbigay ng paliwanag sa mga tao.
|
|||
|
\v 34 Ngunit nang malaman nila na siya ay isang Judio, sumigaw silang lahat ng may iisang tinig sa loob ng dalawang oras, "Dakila si Diana ng mga taga Efeso."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Nang patahimikin ng kalihim ng bayan ang mga tao, sinabi niya, "Kayong mga taga-Efeso, sino ba naman ang hindi nakakaalam na ang lungsod ng mga taga Efeso ay tagapag-ingat ng templo ng dakilang Diana at ng kaniyang imahe na nahulog mula sa langit?
|
|||
|
\v 36 Nakikita naman natin na ang mga bagay na ito ay hindi maitatanggi, kinakailangan na kayo ay manahimik at huwag maging pabigla-bigla.
|
|||
|
\v 37 Sapagkat dinala ninyo ang mga lalaking ito sa hukumang ito na hindi magnanakaw sa templo o nagsasalita ng masama sa ating diyosa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 38 Kaya, kung si Demetrio at ang mga manggagawa na kasama niya ay may reklamo laban sa sinuman, bukas ang hukuman at nandiyan ang mga gobernador. Hayaan ninyo na akusahan nila ang isat isa.
|
|||
|
\v 39 Ngunit kung naghahanap kayo ng kasagutan sa anumang bagay, ito ay maaring maayos sa pagpupulong.
|
|||
|
\v 40 Kung gayon tayo ay nanganganib na maakusahan sa nangyaring kaguluhan sa araw na ito. Walang dahilan para sa kaguluhang ito, at hindi natin kayang ipaliwanag ito."
|
|||
|
\v 41 Nang sabihin niya ito, tinapos na niya ang pagpupulong.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 20
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang tumigil na ang kaguluhan, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad at pinalakas ang kanilang loob. Pagkatapos nagpaalam siya sa kanila at umalis papuntang Macedonia.
|
|||
|
\v 2 Nang mapuntah niya ang mga rehiyong iyon at labis na mapalakas ang loob ng mga mananampalataya, pumunta siya sa Grecia.
|
|||
|
\v 3 Pagkatapos niyang namalagi ng tatlong buwan doon, may nabuong masamang balak ang mga Judio laban sa kaniya nang siya ay maglalayag sa Siria, kaya nagpasiya siya na bumalik sa Macedonia.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Sinamahan siya hanggang sa Asia nina Sopater na anak ni Pirro mula sa Berea; Aristarco at Segundo, na mga mananampalataya na nagmula sa Tesalonica; ni Gayo na nagmula sa Derbe; Timoteo; Tiquico at Trofimo mula sa Asia.
|
|||
|
\v 5 Ngunit nauna ang mga kalalakihang ito at hinintay kami sa Troas
|
|||
|
\v 6 Naglayag kami mula Filipos pagkatapos ng mga araw ng tinapay na walang lebadura, at sa loob ng limang araw ay nakarating kami sa Troas. Nanatili kami doon ng pitong araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi.
|
|||
|
\v 8 May maraming mga ilawan sa itaas ng silid kung saan kami nagtipun-tipon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 May isang binata na nakaupo sa bintana na nagngangalang Eutico, na nakatulog ng mahimbing. Habang tumatagal ang pangangaral ni Pablo, patuloy parin sa pagtulog ang binatang ito, nahulog mula sa pangatlong palapag at kinuha siyang patay.
|
|||
|
\v 10 Ngunit bumaba si Pablo, dumapa sa kaniya at yinakap siya. At sinabi niya "Wag kayong mag-alala, dahil siya ay buhay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos umakyat siya sa itaas at pinag-piraso ang tinapay at kumain. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanila hanggang madaling-araw, siya ay umalis.
|
|||
|
\v 12 Naibalik nila ang binata ng buhay at naging panatag ang kanilang kalooban.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Nauna kaming pumunta kay Pablo sa pamamagitan ng barko at naglayag papuntang Ason, kung saan namin binalak isakay si Pablo. Ito ang ninais niyang gawin, dahil binalak niyang maglakbay sa lupa.
|
|||
|
\v 14 Nang nakasalubong namin siya sa Ason, isinama namin siya sa barko at nagpunta sa Mitilene.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 At naglayag kami mula doon at nakarating kinabukasan sa kabilang pulo ng Quio. Sa sumunod na araw nakarating kami sa pulo ng Samos, at pagkalipas ng isang araw, nakarating kami sa lungsod ng Mileto.
|
|||
|
\v 16 Sapagka't ipinasya ni Pablo na lumampas ng Efeso, upang hindi siya maglaan ng ilang araw sa Asia; sapagkat nagmamamadali siyang makarating sa Jerusalem para sa araw ng Pentecostes, kung ang lahat na ito'y makaya niyang gawin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Mula Mileto, nagpadala siya ng mga kalalakihan sa Efeso at pinatawag niya mismo ang mga nakatatanda ng iglesia.
|
|||
|
\v 18 Nang dumating sila sa kaniya, sinabi niya sa kanila, "Kayo mismo ang nakakaalam, na mula pa noong unang araw na tumungtong ako sa Asia, palagi akong naglalaan ng oras kasama kayo.
|
|||
|
\v 19 Patuloy akong naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip at may luha, at sa mga pagdurusang naranasan ko dahil sa mga masamang balak ng mga Judio.
|
|||
|
\v 20 Alam ninyo na hindi ko ipinagkait na ituro sa inyo ang mga bagay na nakatutulong, at kung paano ko kayo tinuruan sa publiko at pumunta din ako sa mga bahay-bahay.
|
|||
|
\v 21 Alam ninyo na lagi kong binabalaan ang mga Judio at mga Griego tungkol sa pagsisisi sa Diyos at pananalig sa ating Panginoong Jesus.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Ngayon, tingnan ninyo, pupunta ako na natatali sa Banal na Espiritu patungong Jerusalem, na hindi nalalaman kung ano ang mangyayari sa akin doon,
|
|||
|
\v 23 maliban sa pagpapatotoo sa akin ng Banal na Espiritu sa bawat lungsod at magsabing naghihintay sa akin ang mga kadena at pagdurusa.
|
|||
|
\v 24 Ngunit hindi ko itinuturing na mahalaga ang aking buhay para sa aking sarili, upang matapos ko ang aking pagtakbo at ang ministeryong tinanggap ko mula sa Panginoong Jesus, na magpatotoo sa ebanghelyo ng biyaya ng Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Ngayon, tingnan ninyo, nalalaman ko na kayong lahat, na pinuntahan ko at ipinangaral ang patungkol sa kaharian, hindi na ninyo makikita pang muli ang aking mukha.
|
|||
|
\v 26 Kaya nga pinatotohanan ko sa inyo sa araw na ito, na ako'y walang sala sa dugo ng sinumang tao.
|
|||
|
\v 27 Dahil hindi ko ipinagkait sa inyo ang pagpapahayag ng lahat ng kalooban ng Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Kaya mag-ingat kayo sa inyong mga sarili, at tungkol sa mga kawan na pinamahala ng Banal na Espiritu sa inyo. Pag-ingatan ninyo ang kawan sa kapulungan ng Panginoon, na tinubos ng kaniyang sariling dugo.
|
|||
|
\v 29 Alam ko na pagkatapos ng aking pag-alis, papasukin kayo ng mabagsik na mga lobo, at walang ititira sa kawan.
|
|||
|
\v 30 Alam ko na kahit sa inyong mga sarili, may ilang mga tao na lilitaw at magsasabi ng masasamang mga bagay, upang ilayo ang mga alagad sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Kaya maging mapagbantay. Alalahanin ninyo na sa loob ng tatlong taon, hindi ako tumigil sa pagtuturo sa inyo na may kasamang luha sa araw at gabi.
|
|||
|
\v 32 At ngayon ipinagkatiwala ko kayo sa Diyos, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay at magbigay sa inyo ng mana kasama sa lahat ng mga taong nakalaan sa Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Hindi ko pinagnasahan ang pilak, ginto o damit ng ibang tao.
|
|||
|
\v 34 Alam ninyo na itong mga kamay na ito ang naglingkod para sa aking sariling pangangailangan at maging sa pangangalingan ng aking mga kasama.
|
|||
|
\v 35 Sa lahat ng bagay nagbigay ako ng halimbawa kung paano ninyo dapat tulungan ang mga mahihina sa pamamagitan ng pagtratrabaho at kung paano ninyo dapat maalala ang salita ng Panginoong Jesus, mga salita na siya mismo ang nagsabi: "Mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Pagkatapos niyang magsalita sa ganitong paraan, lumuhod siya at nanalangin kasama nilang lahat.
|
|||
|
\v 37 Umiyak silang lahat ng labis at yumakap kay Pablo at hinalikan siya.
|
|||
|
\v 38 Higit sa lahat nalulungkot sila dahil sa kaniyang sinabi, na hindi na nila makikita pa kailan man ang kaniyang mukha. At hinatid nila siya sa barko.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 21
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang humiwalay kami mula sa kanila at naglayag, dumeretso kami patungo sa lungsod ng Cos at nang sumunod na araw sa lungsod ng Rodas, at mula roon patungo sa lungsod ng Patara.
|
|||
|
\v 2 Nang makakita kami ng barko na papunta sa Fenicia, sumakay kami at naglayag.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Nang natatanaw na namin ang lungsod ng Cyprus, nilampasan namin ito sa kaliwa, at naglayag kami patungong Siria, at dumaong sa lungsod ng Tiro, sapagkat doon ibababa ang mga kargamento ng barko.
|
|||
|
\v 4 Pagkatapos naming matagpuan ang mga alagad, nanatili kami roon ng pitong araw. Nagsabi kay Pablo Ang mga alagad na ito sa pamamagitan ng Espiritu na huwag siyang tumapak ng kaniyang mga paa sa Jerusalem.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nang makapagpalipas kami ng mga araw, umalis kami at nagpatuloy sa paglalakbay. Lahat sila, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ay sinamahan kami sa daan hanggang makalabas kami ng lungsod. Pagkatapos lumuhod kami sa tabing dagat, nanalangin at nagpaalam na sa bawat isa.
|
|||
|
\v 6 Sumakay kami sa barko, habang pabalik sila sa kanilang tahanan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Nang matapos namin ang paglalakbay mula sa Tiro, dumating kami sa Tolemaida. Doon ay binati namin ang mga kapatid at nanatili na kasama nila ng isang araw.
|
|||
|
\v 8 Kinabukasan umalis kami at nagtungo sa Cesarea. Pumasok kami sa bahay ni Felipe, na tagapangaral ng ebanghelyo na isa sa pito, at nanatili kaming kasama niya.
|
|||
|
\v 9 Ngayon ang taong ito ay may apat na anak na babaeng birhen na nagpapahayag ng propesiya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Habang nanatili kami doon ng ilang araw, dumating ang isang propeta mula sa Judea na nagngangalang Agabo.
|
|||
|
\v 11 Lumapit siya sa amin at kinuha ang sinturon ni Pablo. Sa pamamagitan nito itinali niya ang kaniyang mga paa at kamay at sinabing, " Sinabi ng Banal na Espiritu, 'Sa ganito rin itatali ng mga Judio sa Jerusalem ang taong nag mamay-ari ng sinturong ito, at ipapasakamay siya sa mga mga Gentil."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nang marinig namin ang mga bagay na ito, nagmakaawa kami at ang mga tao na nakatira sa lugar na iyon kay Pablo na huwag pumunta sa Jerusalem.
|
|||
|
\v 13 Kaya sumagot si Pablo, "Ano ang ginagawa ninyo, umiiyak at dinudurog ang aking puso? Sapagkat handa na ako, hindi lang upang magapos, ngunit para mamatay din sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus."
|
|||
|
\v 14 Dahil ayaw ni Pablo na hikayatin siya, tumigil na kami sa pagsubok at sinabing "Nawa mangyari ang kalooban ng Panginoon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos nang mga araw na ito, kinuha namin ang aming mga daladalahan at umakyat patungong Jerusalem.
|
|||
|
\v 16 Mayroon ding mga sumama sa amin na mga alagad sa lugar na iyon galing Cesarea. Kasama nila ang isang lalaki na nagngangalang Mnason, isang taong taga-Cyprus, na isa sa unang alagad kung saan kami manunuluyan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Nang dumating kami sa Jerusalem, tinanggap kami ng mga kapatid nang may kagalakan.
|
|||
|
\v 18 Kinabukasan sumama sa amin si Pablo papunta kay Santiago at naroon ang lahat ng mga nakatatanda.
|
|||
|
\v 19 Nang batiin niya sila, isa-isang ibinalita ni Pablo ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang ministeryo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Nang marinig nila ito, nagpuri sila sa Diyos at sinabi nila sa kaniya, "Nakita mo, kapatid, kung ilang libo ang nanampalataya sa mga Judio. Nagsisikap silang lahat na sundin ang kautusan.
|
|||
|
\v 21 nakapagbalita sa kanila ng tungkol sa iyo, na iyong itinuturo sa lahat ng mga Judio na naninirahan kasama ng mga Gentil upang iwanan si Moises, at sinasabi mo sa kanila na huwag tuliin ang kanilang mga anak at huwag sumunod sa sinaunang kaugalian.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Ano ang ating dapat gawin? Tiyak na maririnig nila na ikaw ay dumating.
|
|||
|
\v 23 Kaya gawin mo kung ano ang aming sasabihin saiyo ngayon: may apat kaming kalalakihan na gumawa ng panata.
|
|||
|
\v 24 Isama mo ang mga lalaking ito at linisin mo ang iyong sarili kasama nila, at bayaran ang mga gastusin nila, upang ahitin nila ang kanilang mga ulo. Upang malaman ng bawat isa na ang mga bagay na sinabi nila tungkol sa iyo ay mali. Malalaman nila na sumusunod ka rin sa kautusan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Ngunit tungol sa mga Gentil na nanampalataya, sumulat kami at nagbigay ng tagubilin na ingatan nila ang kanilang mga sarili mula sa mga bagay na inihandog sa mga diyus-diyosan at sa dugo, at mula sa mga nagbigti at mula sa kahalayan."
|
|||
|
\v 26 Pagkatapos isinama ni Pablo ang mga kalalakihan, at kinabukasan, nang makapaglinis na siyang kasama nila, tumungo sila sa templo, inihayag niya ang takdang panahon ng paglilinis, hanggang maialay ang handog para sa bawat isa sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Nang malapit nang matapos ang pitong araw, nakita ng ilan sa mga Judio na galing ng Asia si Pablo sa loob ng templo at sinulsulan ang lahat ng napakaraming tao at siya ay dinakip.
|
|||
|
\v 28 Sumisigaw sila ng, "Mga lalaki sa Israel, tulungan ninyo kami. Ito ang taong nagtuturo sa lahat ng tao na nasa lahat ng dako ng mga bagay na laban sa mga tao, sa kautusan, at sa lugar na ito. Bukod dito, nagdala din siya ng mga Griego sa loob ng templo at dinungisan ang banal na lugar na ito."
|
|||
|
\v 29 Sapagkat kamakailan lamang ay nakita nila si Trofimo na taga-Efeso na kasama nila sa lungsod, at iniisip nilang si Pablo ang nagdala sa kaniya sa templo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Nagkagulo ang buong lungsod at sama samang tumakbo ang mga tao at dinakip si Pablo. Kinaladkad nila siya palabas ng templo, at agad na isinara ang mga pintuan.
|
|||
|
\v 31 Habang binabalak nila na siya ay patayin, nakarating ang balita sa pinunong kapitan ng mga bantay na ang lahat ng nasa Jerusalem ay nagkagulo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Agad-agad nagsama siya ng mga kawal at mga senturion, at tumakbo pababa papunta sa maraming tao. Nang makita ng mga tao ang pinunong kapitan at ang mga kawal, huminto sila sa pagbugbog kay Pablo.
|
|||
|
\v 33 Pagkatapos lumapit ang pinunong kapitan at dinakip si Pablo, at nag-utos na igapos siya gamit ang dalawang kadena. Tinanong niya kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Ang ilan sa mga tao ay sumisigaw ng isang bagay at iba naman ang sinisigaw ng iba. Dahil hindi makapagsabi ang kapitan ng anumang bagay dahil sa ingay ng lahat, nag-utos siya na dalhin si Pablo sa loob ng kampo.
|
|||
|
\v 35 Nang dumating siya sa hagdanan, binuhat siya ng mga kawal dahil sa karahasan ng mga tao.
|
|||
|
\v 36 Sapagkat ang karamihan ng mga tao ay sumusunod at patuloy na sumisigaw ng, "Alisin siya!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 37 Nang dadalhin na si Pablo sa loob ng kampo, sinabi niya sa pinunong kapitan, "Maaari ba akong magsabi ng isang bagay saiyo?" Sinabi ng kapitan, "Nagsasalita ka ba ng Griego?
|
|||
|
\v 38 Hindi ba ikaw iyong taga-Egipto, na dating nangunguna sa paghihimagsik at nagsama ng apat na libong terorista patungo sa ilang?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Sinabi ni Pablo, "Ako ay isang Judio, na mula sa lungsod ng Tarso sa Cilicia. Ako ay mamamayan ng isang mahalagang lungsod. Nakikiusap ako saiyo, hayaan mo akong magsalita sa mga tao."
|
|||
|
\v 40 Nang bigyan siya nang pahintulot ng kapitan, Tumayo si Pablo sa hagdanan at sinenyas ang kaniyang kamay sa mga tao. Nang magkaroon ng labis na katahimikan, nagsalita siya sa kanila sa wikang Hebreo. Sinabi niya,
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 22
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 "Mga kapatid at mga ama, makinig kayo sa aking pagtatanggol na aking gagawin sa inyo ngayon.
|
|||
|
\v 2 Nang marinig ng mga tao si Pablo na nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, tumahimik sila. Sinabi niya,
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 "Isa akong Judio, ipinanganak sa Tarso sa Cilicia, subalit nag-aral sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel. Tinuruan ako mula sa mahigpit na mga kaparaanan ng kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa Panginoon, katulad ninyong lahat ngayong.
|
|||
|
\v 4 Inusig ko ang Daang ito hanggang sa kamatayan; iginapos ko ang mga lalaki at gayon din ang mga babae at ipinabilanggo ko sila.
|
|||
|
\v 5 Ang punong pari at lahat ng mga nakatatanda ay maaari ding sumaksi na ako ay tumanggap ng liham na galing sa kanila para sa mga kapatid sa Damasco, upang ako ay maglakbay doon. Dadalhin ko sana sa Jerusalem na nakakadena silang mga nasa Daang ito upang parusahan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Mangyari nga nang ako ay naglalakbay at malapit na sa Damasco, bandang tanghali may biglang pumalibot na matinding liwanag sa akin na galing sa langit.
|
|||
|
\v 7 Natumba ako sa lupa at nakarinig ng tinig na nagsabi sa akin, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?'
|
|||
|
\v 8 Sumagot ako, 'Sino ka, Panginoon?' Sinabi niya sa akin, 'Ako ay si Jesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Nakita rin ng mga nakasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang kaniyang tinig na kumausap sa akin.
|
|||
|
\v 10 Sinabi ko, 'Panginoon, ano ang dapat kong gawin?' Sinabi ng Panginoon sa akin, 'Tumayo ka at magtungo sa Damasco; doon sasabihin sa iyo ang lahat ng iyong gagawin.'
|
|||
|
\v 11 Hindi ako makakita dahil sa sinag ng liwanag, kaya pumunta ako sa Damasco na inakay ng mga kasama ko.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Doon nakilala ko ang isang lalaki na nagngangalang Ananias, isang tapat na tao na sumusunod sa kautusan at maganda ang sinasabi patungkol sa kaniya ng mga Judio na nakatira doon.
|
|||
|
\v 13 Lumapit siya sa akin, tumayo sa aking tabi, at sinabi, 'Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin.' Sa mga oras din na iyon, nakita ko siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos sinabi niya 'Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman ang kaniyang kalooban, upang makita ang Isang Matuwid, at upang pakinggan ang tinig na manggagaling sa kaniyang sariling bibig.
|
|||
|
\v 15 Dahil ikaw ang magiging saksi sa kaniya sa lahat ng mga tao tungkol sa iyong nakita at narinig.
|
|||
|
\v 16 At bakit ka naghihintay ngayon? Tumayo ka, at magpabautismo, at hugasan ang iyong mga kasalanan na tumatawag sa kaniyang pangalan.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos kong makabalik sa Jerusalem at habang ako ay nananalangin sa templo, nangyari nga na binigyan ako ng pangitain.
|
|||
|
\v 18 Nakita ko siya na sinabi sa akin, 'Magmadali ka at lisanin kaagad ang Jerusalem, dahil hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo patungkol sa akin.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Sinabi ko, 'Panginoon, sila mismo ang nakakaalam na ako ay nagpabilanggo at nagparusa ng mga sumampalataya sa iyo sa bawat sinagoga.
|
|||
|
\v 20 Nang dumanak ang dugo ni Esteban na iyong saksi, nandoon ako na nakatayo at sumasang-ayon at binabantayan ko ang mga damit ng mga pumatay sa kaniya.
|
|||
|
\v 21 Ngunit sinabi niya sa akin "Umalis ka, dahil papupuntahin kita sa mga Gentil."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Pinahintulutan siya ng mga tao na magsalita hanggang sa puntong ito. Ngunit pagkatapos nagsigawan sila at nagsabing, "Alisin ang taong ito sa lupa: sapagkat hindi siya nararapat na mabuhay."
|
|||
|
\v 23 Habang sila ay nagsisigawan, hinahagis nila ang kanilang mga kasuotan, at naghahagis ng alikabok sa hangin
|
|||
|
\v 24 at ipinag-utos ng punong kapitan na dalhin si Pablo sa kampo. Iniutos na hagupitin siya habang tinatanong, upang malaman niya kung bakit nagsisigawan sila laban sa kaniya ng ganoon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nang magapos na nila siya ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa senturion na nakatayo sa tabi, "Naaayon ba sa batas na hagupitin mo ang isang taong Romano na hindi pa nahahatulan?"
|
|||
|
\v 26 Nang marinig ito ng senturion, pinuntahan niya ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, "Ano ang gagawin mo? Dahil ang taong ito ay isang mamamayang Romano."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Pumunta ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, "Sabihin mo sa akin, isa ka nga bang Romano?" sinabi ni Pablo, "Oo."
|
|||
|
\v 28 Sumagot ang punong kapitan, "Dahil lamang sa malaking halaga ng salapi kaya ako naging isang mamamayan."Ngunit sinabi ni Pablo, "Ipinanganak ako na isang mamamayang Roma."
|
|||
|
\v 29 At ang mga tao na magtatanong sa kaniya ay agad na iniwan siya. Natakot din ang punong kapitan, nang malaman niya na si Pablo ay isang mamamayang Romano, dahil ipinagapos niya siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Sa sumunod na araw, gustong malaman ng punong kapitan ang katotohanan tungkol sa mga paratang ng mga Judio laban kay Pablo. Kaya tinanggal niya ang gapos at inutusan ang mga punong pari at lahat ng konseho upang magpulong. At dinala nila si Pablo sa baba at iniharap sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 23
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Tumingin si Pablo ng diretso sa mga miyembro ng konseho at sinabi, "Mga kapatid, namuhay ako sa harapan ng Diyos ng may mabuting budhi hanggang sa araw na ito."
|
|||
|
\v 2 Inutusan ng pinakapunong pari na si Ananias ang mga nakatayo sa tabi niya na sampalin siya sa kaniyang bibig.
|
|||
|
\v 3 At sinabi ni Pablo sa kaniya, "Ang Diyos ang maghahampas sa'yo, ikaw na pinaputing nilinis na pader. Ikaw ba ay naupo para husgahan ako ayon sa kautusan, ngunit nag-utos ka na sampalin ako na labag sa kautusan?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Ang mga nakatayo sa paligid ay sinabing, "Ganito mo ba insultuhin ang pinakapunong pari ng Diyos?"
|
|||
|
\v 5 Sinabi ni Pablo, "Hindi ko alam, mga kapatid, na siya ay pinakapunong pari. Sapagkat nasusulat, Huwag kang magsalita ng masama laban sa pinuno ng iyong mga tao."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nang makita ni Pablo na ang isang bahagi ng konseho ay mga Saduceo at ang iba ay Pariseo, nagsalita siya ng malakas sa konseho, "Mga kapatid, isa akong Pariseo, anak ng mga Parise. Ito ay dahil sa lubos akong nagtitiwala sa muling pagkabuhay ng mga patay kaya ako hintulan."
|
|||
|
\v 7 Nang sabihin niya ito, nag-umpisang magtalo ang mga Pariseo at Saduceo, at nahati ang kapulungan.
|
|||
|
\v 8 Dahil sinasabi ng mga Saduceo na walang muling pagkabuhay ng mga patay, walang mga anghel, at walang mga espiritu, ngunit sinasabi ng mga Pariseo na mayroon ng lahat na ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Kaya nagkaroon ng malakas na sigawan at ang ilan sa mga eskriba na kabilang sa mga Pariseo ay tumayo at nakipagtalo na nagsasabi, "Wala kaming mahanap na mali sa lalaking ito. Paano kung nakipag-usap ang espiritu o isang anghel sa kaniya?"
|
|||
|
\v 10 Nang magkaroon ng labis na pagtatalo, natakot ang punong kapitan na baka pagpira-pirasuin nila si Pablo, kaya inutusan niya ang mga kawal na bumaba at sapilitan siyang kinuha ng mga kasapi ng konseho at dinala siya sa loob ng kampo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Nang sumunod na gabi tumayo ang Panginoon sa kaniyang tabi at sinabi, "Huwag kang matakot, kung paano ka nagpatotoo patungkol sa akin sa Jerusalem, kailangan mo ring maging saksi sa Roma."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Kinaumagahan, may ilang mga Judio ang gumawa ng kasunduan at sinumpa sa kanilang sarili: sinabi nila na hindi sila kakain o iinom ng kahit ano hangga't hindi nila mapatay si Pablo."
|
|||
|
\v 13 Mahigit apat-napung kalalakihan ang gumawa ng planong ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pumunta sila sa mga punong pari at mga nakatatanda at sinabi, "Nilagay namin ang aming sarili sa isang matinding sumpa, na hindi kami kakain ng anuman hangga't hindi namin mapatay si Pablo.
|
|||
|
\v 15 Kaya ngayon, hayaan ninyo na ang konseho ang magsabi sa punong kapitan na dalhin siya sa inyo, na para bang pagpapasyahan mo ng husto ang kaniyang kaso. Para sa amin, handa namin siyang patayin bago siya makapunta dito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Ngunit narinig ito ng lalaking anak ng kapatid na babae ni Pablo na matagal silang naghihintay, kaya pumunta siya at pumasok sa kampo at sinabi kay Pablo.
|
|||
|
\v 17 Tinawag ni Pablo ang isa sa mga senturion at sinabi, "Dalhin mo ang binata na ito sa punong kapitan, dahil mayroon siyang sasabihin sa kaniya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Kaya sinama ng senturion ang binata at dinala sa punong kapitan at sinabi, "Pinatawag ako ng bilanggong si Pablo na pumunta sa kaniya, at nakiusap siya kung maaaring dalhin ko ang binatang ito sa iyo. May nais siyang sabihin sa iyo"
|
|||
|
\v 19 Hinila siya sa kamay ng punong kapitan at dinala sa pribadong lugar at siya ay tinanong, "Ano ang kinakailangan mong sabihin sa akin?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Sinabi ng binata, "Nagkasundo ang mga Judio na hilingin sa iyo na ipadala mo si Pablo sa konseho bukas, na para bang sisiyasatin siya ng mabuti patungkol sa kaniyang kaso.
|
|||
|
\v 21 Pero huwag kang maniniwala sa kanila, dahil mayroong higit sa apat-napung kalalakihan ang nag-aabang sa kaniya. Isinumpa nila ang kanilang sarili, na hindi sila kakain o iinom hangga't mapatay nila siya. Ngayon pa lang nakahanda na sila, naghihintay ng pahintulot mula sa iyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Kaya hinayaan ng punong kapitan ang binata na umalis, pagkatapos siyang mapagsabihang, "Wag mong babanggitin sa iba ang mga bagay na sinabi mo sa akin."
|
|||
|
\v 23 Kaya pinatawag niya ang dalawang senturion at sinabi, "Maghanda kayo ng dalawang-daang kawal na handang magtungo hanggang sa Cesarea, at pitumpung mangangabayo, at dalawang-daang maninibat. Aalis kayo alas nuwebe ng gabi."
|
|||
|
\v 24 Inutusan din niyang magbigay sila ng hayop na masasakyan ni Pablo, at dalhin siya ng ligtas kay gobernador Felix.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 At nagsulat siya ng liham na ganito:
|
|||
|
\v 26 "Mula kay Claudio Lisias para sa kagalang-galang na Gobernador Felix, binabati ko kayo.
|
|||
|
\v 27 Ang taong ito ay dinakip ng mga Judio at muntik na nilang patayin, Nang dumating ako sa kanila kasama ang mga kawal upang sagipin siya, dahil nalaman kong isa siyang mamamayang Romano.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Nais kong malaman kung bakit siya pinaratangan nila, kaya dinala ko siya sa kanilang konseho.
|
|||
|
\v 29 Nalaman ko na pinaratangan siya patungkol sa mga katanungang hinggil sa kanilang sariling batas, ngunit wala sa mga inereklamo laban sa kaniya ang nararapat sa kamatayan o pagkabilanggo.
|
|||
|
\v 30 Pagkatapos naibalita sa akin na mayroon silang masamang balak laban sa lalaki, kaya agad-agad ko siyang pinadala sa iyo, at ipinagbilin din sa mga nag-aakusa sa kaniya na dalhin ang kanilang mga reklamo laban sa kaniya sa iyong harapan. Paalam."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Kaya sumunod ang mga kawal sa kaniyang mga utos: kinuha nila si Pablo at dinala sa Antipatris ng gabing iyon.
|
|||
|
\v 32 Nang sumunod na araw, halos lahat ng kawal ay iniwan ang mga mangangabayo para sumama sa kaniya at sila mismo ay nagbalik sa kampo.
|
|||
|
\v 33 Nang nakarating ang mga mangagabayo sa Cesarea at naihatid ang sulat sa gobernador, hinarap nila si Pablo sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Nang mabasa ng gobernador ang liham, tinanong niya kung saang lalawigan nagmula si Pablo; nang malaman niya na siya ay taga-Cilicia,
|
|||
|
\v 35 sinabi niyang "Papakinggan ko ang lahat kapag nandito na ang mga nagpaparatang sa iyo." At ipinag-utos niya na manatili siya sa palasyo ni Herodes.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 24
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Pagkaraan ng limang araw, pumunta roon si Ananias na pinakapunong pari, ilang mga nakatatanda, at ang mananalumpati na nagngangalang Tertulo. Nagdala ng mga bintang ang mga kalalakihang ito sa gobernador laban kay Pablo.
|
|||
|
\v 2 Nang tumayo si Pablo sa harap ng gobernador, nagsimula siyang paratangan ni Tertulo at sinabi sa gobernador, "Dahil sa iyo nagkaroon kami ng labis na kapayapaan; at ang pag-iintindi mo sa amin ay nagdulot ng ikauunlad ng aming bansa;
|
|||
|
\v 3 kaya buong pasasalamat, tinanggap namin ang lahat ng bagay na iyong ginawa, kataas-taasang Felix.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Kaya hindi ko na kayo gagambalain pa, hinihiling ko sa inyo na makinig ng sandali sa akin ng may kagandahang loob.
|
|||
|
\v 5 Dahil natuklasan namin na ang taong ito ay nanggugulo at dahilan ng paghihimagsik ng lahat ng mga Judio sa buong mundo. Siya ang pinuno ng sektang Nazareno.
|
|||
|
\v 6 Sinubukan pa niyang lapastanganin ang templo; kaya namin siya hinuli. (At gusto pa namin siyang hatulan ayon sa aming batas.)
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 ( "Ngunit si Lisias na opisyal ay dumating at sapilitan siyang kinuha sa aming mga kamay.")
|
|||
|
\v 8 Kung tatanungin ninyo si Pablo tungkol sa lahat ng mga bagay na ito, maging ikaw din, malalaman mo ang mga paratang namin sa kaniya."
|
|||
|
\v 9 Sama-sama ding pinaratangan ng mga Judio si Pablo, at sinabi na ang lahat ng mga bagay na ito ay totoo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Ngunit nang sumenyas ang gobernador upang magsalita si Pablo, sumagot si Pablo, "Nauunawaan ko na sa maraming taon ay naging hukom ka sa bansang ito, kaya ikinagagalak kong ipaliwanag ang aking sarili sa iyo.
|
|||
|
\v 11 Mapapatunayan mo na hindi pa aabot sa labindalawang araw mula ng ako ay umakyat sa Jerusalem upang sumamba;
|
|||
|
\v 12 at nang makita nila ako sa templo, hindi ako nakipagtalo kahit kaninuman, at hindi ko ginulo ang maraming tao, maging sa mga sinagoga o sa lungsod;
|
|||
|
\v 13 at hindi nila kayang mapatunayan sa iyo ang mga reklamo nila laban sa akin ngayon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Subalit inaamin ko ito sa iyo, na ayon sa pamamaraan na tinatawag nilang sekta, sa pamamaraan ding iyon, naglingkod ako sa Diyos ng aming mga ninuno. Tapat ako sa lahat ng nasa batas at sa mga kasulatan ng mga Propeta.
|
|||
|
\v 15 Ganoon din ang pagtitiwala ko sa Diyos, katulad din ng paghihintay ng mga taong ito, sa pagdating ng araw ng pagkabuhay ng mga patay ng kapwa matuwid at hindi matuwid na tao;
|
|||
|
\v 16 at dahil dito, pinagsisikapan ko na magkaroon ng budhing walang kapintasan sa lahat ng mga bagay sa harapan ng Diyos at sa mga tao.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Ngayon, pagkalipas ng maraming taon, ako'y dumating upang maghatid ng tulong sa aking bansa at maging sa pagkaloob ng mga pera.
|
|||
|
\v 18 Nang ginawa ko ito, may ilang mga Judio na taga-Asia ang nakakita sa akin na nagsasagawa ng seremonyang paglilinis sa templo, na walang maraming tao at walang kaguluhan.
|
|||
|
\v 19 Ang mga taong ito ay dapat na narito sa harapan ninyo at sabihin kung ano ang mayroon sila laban sa akin, kung mayroon man.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 O kaya, ang mga tao ding ito ay dapat magsabi kung ano ang kanilang natagpuang kamalian na ginawa ko nang tumayo ako sa konseho ng mga Judio;
|
|||
|
\v 21 maliban kung ito ay patungkol sa isang bagay na pasigaw kong sinabi ng tumayo ako sa gitna nila, 'Ito ay patungkol sa pagkabuhay ng mga patay na inyong inihatol ngayon sa akin."'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Ganap ang kaalaman ni Felix patungkol sa Daan, kaya pinaghintay niya ang mga Judio. Sinabi niya, "Pagpapasiyahan ko ang iyong kaso kapag bumaba ang pinunong kapitan na si Lisias galing Jerusalem."
|
|||
|
\v 23 At inutusan niya ang pinuno ng mga kawal na bantayan si Pablo, subalit may kaluwagan, at walang makakapigil sa kaniyang mga kaibigan sa pagtulong o kaya sa pagdalaw sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 pagkalipas ng ilang araw, nagbalik si Felix kasama ang kaniyang asawa na si Drusila, isang babaing Judio, ipinatawag niya si Pablo at napakinggan ang tungkol sa pananampalataya kay Cristo.
|
|||
|
\v 25 Subalit nang nagbahagi si Pablo tungkol sa pagkamatuwid, pagpipigil sa sarili, at sa nalalapit na paghuhukom, nagkaroon na ng takot si Felix; at siya'y sumagot, "Lumayo ka muna sa ngayon, kapag may oras ako muli, ipapatawag kita."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 niyang bibigyan siya ni Pablo ng pera, kaya't palagi niyang pinapatawag at nakikipag-usap sa kaniya.
|
|||
|
\v 27 Ngunit pagkaraan ng dalawang taon, si Porcio Festo ang naging gobernador kapalit ni Felix, ngunit nais ni Felix na magtamo ng pabor ng mga Judio, kaya iniwan niya si Pablo na patuloy na binabantayan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 25
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon, dumating si Festo sa lalawigan at pagkatapos nang tatlong araw ay nagpunta siya mula sa Cesarea paakyat sa Jesrusalem.
|
|||
|
\v 2 Ang pinakapunong pari at mga kinikilalang mga Judio ay nagharap kay Festo ng mga paratang laban kay Pablo, at malakas silang nagsalita kay Festo.
|
|||
|
\v 3 At humingi sila ng pabor tungkol kay Pablo, na tawagin siya sa Jesrusalem upang magkaroon sila ng pagkakataon na patayin siya sa daan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Ngunit sumagot si Festo na si Pablo ay isang bilanggo sa Caesarea, at babalik siya agad doon.
|
|||
|
\v 5 "Kung gayun, kung sino man ang pwede," Sinabi niyang, "dapat sumama sa amin doon. Kung may pagkakamali sa taong ito, kinakailangang paratangan ninyo siya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Pagkatapos niyang manatili pa ng walo o sampung araw, siya ay bumaba patungo sa Cesarea. Kinabukasan, naupo na siya sa hukuman at pinag-utos na dalhin si Pablo sa kaniya.
|
|||
|
\v 7 Nang siya ay dumating, nakatayo sa di kalayuan ang mga Judiong galing sa Jerusalem, at nagharap sila ng mga mabibigat na bintang laban sa kaniya na hindi nila mapatunayan.
|
|||
|
\v 8 Pinagtanggol ni Pablo ang kaniyang sarili at sinabing, "Hindi laban sa pangalan ng mga Judio, hindi laban sa templo, at hindi laban kay Cesar, wala akong ginawang masama."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ngunit gustong makuha ni Festus ang loob ng mga Judio kaya sumagot siya kay Pablo at sinabing, "Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem at doon kita husgahan tungkol sa mga bagay na ito?"
|
|||
|
\v 10 Sinabi ni Pablo, "Tatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar kung saan ako dapat hatulan, Hindi ako gumawa ng mali sa mga Judio, gaya ng pagkakaalam ninyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Kung may nagawa man akong pagkakamali at kung may nagawa man akong karapat-dapat sa kamatayan, hindi ko tatanggihan ang mamatay. Ngunit kung ang kanilang mga paratang ay walang halaga, walang sino man ang maaaring magdala sa akin sa kanila. Kaya nga ako tumatawag kay Cesar."
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos makipag-usap ni Festo sa kapulungan, sumagot siya, "Tumawag ka kay Cesar; pupunta ka kay Cesar."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Ngayon pagkalipas ng ilang mga araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at Bernice upang magbigay ng opisyal na pagdalaw kay Festo.
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos ng maraming araw na naroon siya, inilahad ni Festo ang kaso ni Pablo sa hari; sinabi niya, "May isang tao na naiwan dito ni Felix na bilanggo.
|
|||
|
\v 15 Nang ako ay nasa Jerusalem, ang mga pinunong pari at mga nakatatanda sa mga Judio ay nag harap sa akin ng mga bintang laban sa taong ito, at humihingi sila ng kahatulan laban sa kaniya.
|
|||
|
\v 16 Sinagot ko sila ng ganito na hindi kaugalian ng mga Romano na ibigay ang isang tao bilang pabor; kundi, may pagkakataon ang naparatangang tao na harapin niya ang mga nagparatang sa kaniya at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga ibinintang sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Kung gayun, hindi ako naghintay, nang dumating silang sama-sama rito, ngunit ng kinabukasan ay naupo ako sa upuan ng paghatol at iniutos ko na dalin sa loob ang taong ito.
|
|||
|
\v 18 Nang tumayo ang mga nagparatang at pinaratangan siya, inisip ko na walang mabigat sa mga bintang na hinarap nila sa taong ito.
|
|||
|
\v 19 Sa halip, maroon silang ilan na di pagkakaunawaan tungkol sa kanilang sariling relihiyon at tungkol sa isang Jesus na namatay, na siyang pinatutunayan ni Pablo na buhay.
|
|||
|
\v 20 Nalilito ako kung papaano ko sisiyasatin ang bagay na ito, at tinanung ko siya kung gusto niya na pumunta sa Jerusalem upang husgahan doon tungkol sa mga bagay na ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Ngunit nang ipinatawag si Pablo upang siya ay bantayan hanggang sa makapag-desisyon ang Emperador, Iniutos ko na bantayan siya hanggang maipadala ko siya kay Cesar."
|
|||
|
\v 22 Sinabi ni Agripa kay Festo, "Nais ko rin na makinig sa taong ito." "Bukas," sinabi ni Festo, "Maririnig mo siya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Kaya kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice na may maraming seremonya; dumating sila sa loob ng bulwagan kasama ang mga pinunong kawal at kasama ang mga kinikilalang tao sa lungsod. At nang sabihin ni Festo ang utos, dinala si Pablo sa kanila.
|
|||
|
\v 24 Sinabi ni Festo, "Haring Agripa, at sa lahat ng mga tao na narito na kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito; ang lahat ng mga Judio ay nakipag-usap sa akin sa Jerusalem at sa lugar ding ito, at sumigaw sila sa akin na hindi na siya kinakailangang mabuhay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Napag-alaman ko na wala siyang ginawa na karapdapat sa kamatayan; ngunit dahil tumawag siya sa Emperador, nagpasya ako na dalin siya sa kaniya.
|
|||
|
\v 26 Ngunit wala akong tiyak na maisusulat sa Emperador. Sa dahilang ito, dinala ko siya sa inyo, lalo na sa iyo, Haring Agripa, upang may maisulat ako tungkol sa kasong ito.
|
|||
|
\v 27 Sapagkat parang hindi katanggap tanggap sa akin na ipadala ang isang bilanggo na hindi rin maipahayag ang mga bintang laban sa kaniya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 26
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Kaya sinabi ni Agripa kay Pablo, "Maaari kang magsalita para sa iyong sarili." Pagkatapos iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay at nagsalita.
|
|||
|
\v 2 "Masaya ako, Haring Agripa, na gagawin ko ang pagtatanggol ng aking kaso sa harapan mo sa araw na ito laban sa lahat ng paratang ng mga Judio;
|
|||
|
\v 3 lalo na, sapagkat dalubhasa ka sa lahat ng mga nakaugalian at mga katanungan ng mga Judio. Kaya't hinihingi ko ang katiyagaan mong makinig sa akin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 nga, nalalaman nang lahat ng mga Judio kung papaano ako namuhay sa aking kabataaan sa aking sariling bansa at sa Jerusalem.
|
|||
|
\v 5 Kilala nila ako mula sa simula at kinakailangan nilang tanggapin na namuhay ako bilang isang Pariseo, isang napakahigpit na sekta ng aming relihiyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Ngayon nakatayo ako rito upang hatulan dahil umaasa ako sa pangako na ginawa ng Diyos sa aming mga ninuno.
|
|||
|
\v 7 Sapagkat ito ang pangako na inaasahang ng aming labing dalawang tribo na tanggapin habang matiyaga silang sumasamba sa Diyos gabi at araw. Dahil sa pag-asang ito, Haring Agripa, kaya pinaratangan ako ng mga Judio.
|
|||
|
\v 8 Bakit iniisip ng iba sa inyo na hindi kapani-paniwala na buhayin ng Diyos ang mga patay?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Sa isang pagkakataon naisip ko sa aking sarili na kinakailangan kong gumawa ng maraming bagay laban sa pangalan ni Jesus na taga Nazaret.
|
|||
|
\v 10 Ginawa ko ang mga ito sa Jerusalem; Ikinulong ko ang maraming mga mananampalataya sa bilangguan, at may kapangyarihan ako mula sa mga punong pari na gawin ito; at nang ipapatay sila, ibinigay ko rin ang aking boto laban sa kanila.
|
|||
|
\v 11 Madalas ko silang pinarurusahan sa lahat ng mga sinagoga at sinubukan ko silang magsalita ng masama laban sa Diyos. Galit na galit ako sa kanila at hinabol ko sila kahit sa mga lungsod sa ibang bansa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Habang ginagawa ko ito, pumunta ako sa Damasco na may kapangyarihan at pahintulot ng mga punong pari;
|
|||
|
\v 13 at sa daan patungo roon, sa katanghalian tapat, Hari, Nakakita ako ng liwanag mula sa langit na higit na mas maliwanag kaysa sa araw at nagliwanag palibot sa akin at sa mga kalalakihan na naglalakbay na kasama ko.
|
|||
|
\v 14 Nang bumagsak kaming lahat sa lupa, nakarinig ako ng tinig na nagsasalita sa akin na nag sabi sa wikang Hebreo, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Mahirap para sayo na sumipa sa matulis na tungkod.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ko, 'Sino ka, Panginoon?' Sumagot ang Panginoon, 'Ako si Jesus na iyong inuusig.
|
|||
|
\v 16 Ngayon bumangon ka at tumayo sa iyong mga paa; dahil sa layuning ito'y nagpakita ako saiyo, upang italaga ka bilang lingkod at saksi tungkol sa mga bagay na alam mo tungkol sa akin ngayon at sa mga bagay na ipapakita ko pagkatapos nito;
|
|||
|
\v 17 at ililigtas kita mula sa mga tao at mula sa mga Gentil kung saan kita isusugo,
|
|||
|
\v 18 upang buksan ang kanilang mga mata at upang ibalik sila mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan at mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, upang tanggapin nila mula sa Diyos ang pagpapatawad ng mga kasalanan at ang pamana na ibibigay ko sa kanila na aking itinalaga para sa aking sarili sa pamamagitan ng pananampalataya nila sa akin.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Samakatuwid, Haring Agripa, hindi ko sinuway ang pangitain mula sa langit;
|
|||
|
\v 20 ngunit, una sa mga nasa Damasco at pagkatapos ay sa Jerusalem at sa lahat ng dako ng bansa ng Judea, at pati na rin sa mga Gentil, nangaral ako upang sila ay magsisi at bumalik sa Diyos, gumagawa ng mga bagay na karapatdapat sa pagsisisi.
|
|||
|
\v 21 Sa kadahilanang ito hinuli ako ng mga Judio sa loob ng templo at sinubukan akong patayin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Tinulungan ako ng Diyos hanggang ngayon, kaya't tumayo ako at nagpatotoo sa mga pangkaraniwang tao at sa mga dakila na hindi hihigit sa kung ano ang sinabi ng mga propeta at ni Moises kung ano ang mangyayari;
|
|||
|
\v 23 na ang Cristo ay dapat magdusa, at siya ang unang ibabangon mula sa mga patay at magpapahayag ng kaliwanagan sa mga Judio at mga Gentil."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Nang matapos ni Pablo ang kaniyang pagtatanggol, sinabi ni Festo sa malakas na tinig, "Pablo, nababaliw ka; ang napakaraming natutunan mo ang nagpapabaliw sayo."
|
|||
|
\v 25 Ngunit sinabi ni Pablo, "Hindi ako nababaliw, kagalanggalang na Festo; ngunit nilakasan ko ang aking loob na magpahayag ng mga salita ng katotohanan at kahinahunan.
|
|||
|
\v 26 Sapagkat nalalaman ng hari ang mga bagay na ito; at kaya't, malaya akong nakapagsasalita sa kaniya, sapagkat ako'y nahikayat na wala sa mga bagay na ito ang maitatago sa kaniya; sapakat hindi ito ginawa sa isang sulok.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Naniniwala kaba sa mga propeta, Haring Agripa? Alam ko na naniniwala ka."
|
|||
|
\v 28 Sinabi ni Agripa kay Pablo, "Sa maikling panahon ay hinihikayat mo ako na maging Kristiyano?"
|
|||
|
\v 29 Sinabi ni Pablo, Ipinanalangin ko sa Diyos na kahit sa maikli o mahabang panahon, hindi lang ikaw, kundi sa lahat ng nakikinig sa akin ngayon, ay maging katulad ko, ngunit maliban sa mga kadenang ito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Pagkatapos tumayo ang hari at ang gobernador, at si Bernice din at ang mga naka-upong kasama nila;
|
|||
|
\v 31 nang umalis sila ng bulwagan, nag-usap-usap ang bawat isa at nagsabing, "Ang taong ito ay walang ginawa na ano man na karapatdapat sa kamatayan o pagkabilanggo."
|
|||
|
\v 32 Sinabi ni Agripa kay Festo, "Ang taong ito ay maaaring napalaya na kung hindi sana siya umapila kay Cesar."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 27
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang mapagpasyahan na maglayag kami papunta sa Italia, ibinigay nila si Pablo at iba pang mga bilanggo sa isang senturion na nagngangalang Julio, na nasa hukbo ni Augusto.
|
|||
|
\v 2 Sumakay kami sa isang barko galing Adramicio, na malapit nang maglayag na sa mga dalampasigan ng Asia. Kaya naglayag kami. Ssumama sa amin si Aristarco mula sa Tesalonica ng Macedonia.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Nang sumunod na araw dumaong kami sa lungsod ng Sidon, kung saan pinakitunguhan ng mabuti ni Julio si Pablo at pinayagan siyang pumunta sa kaniyang mga kaibigan upang matanggap ang kaniyang mga kailangan.
|
|||
|
\v 4 Mula roon, pumunta kami sa dagat at naglayag sa palibot ng isla ng Chipre na nakublihan mula sa hangin, sapagakat ang hangin ay pasalungat sa amin.
|
|||
|
\v 5 Nang makapaglayag kami sa tubig malapit sa Cilicia at Pamfilia, dumating kami sa Mira, isang lungsod ng Licia.
|
|||
|
\v 6 Doon, nakatagpo ang senturion ng barko galing Alexandria na maglalayag patungong Italia. Isinakay niya kami dito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Nang makapaglayag kaming may kabagalan ng maraming araw at sa wakas ng makarating kaming may kahirapan malapit sa Cinido, hindi kami pinahintulutan ng hangin na makapunta sa direksyon na iyon, kaya naglayag kami malapit sa mga nasisilungang bahagi ng Creta, tapat ng Salmon.
|
|||
|
\v 8 Naglayag kami sa gilid ng dalamapsigan na may kahirapan, hanggang nakarating kami sa isang lugar na tinatawag na Mabuting Daungan na malapit sa lungsod ng Lasea.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Maraming panahon na ang lumipas sa amin, ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio ay lumipas na rin at naging mapanganib na ang maglayag. Kaya binalaan sila ni Pablo,
|
|||
|
\v 10 at sinabi, "Mga kalalakihan, nakikita kong ang paglalayag na ating gagawin ay maaaring may masaktan at maraming pagkawala, hindi lang ng ating mga kargamento at ng barko, ngunit pati na rin ng ating mga buhay."
|
|||
|
\v 11 Ngunit ang senturion ay mas nagbigay ng pansin sa pinuno at sa may ari ng barko, kaysa sa mga bagay na sinabi ni Pablo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Sapagkat hindi madaling tumigil sa daungan sa taglamig, karamihan sa mga mandaragat ay nagpapayong maglayag mula roon, kahit sa anumang paraan ay makaya naming abutin ang lungsod ng Fenix, upang magpalipas doon ng taglamig. Ang Fenix ay isang daungan sa Creta, at ito ay nakaharap sa hilagangsilangan at timogsilangan.
|
|||
|
\v 13 Nang magsimula ng umihip ng banayad ang hangin mula sa timog, naisip ng mga mandaragat na ang kanilang kailangan ay nasa kanila na. Kaya't isinampa nila ang angkla at naglayag sa gilid ng Creta, malapit sa dalampasigan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Subalit pagkatapos ng maikling panahon ay may napakalakas na hangin, na tinatawag na Ang Hilagang-silangan, na nagsimulang tumama sa amin patawid sa kabilang isla.
|
|||
|
\v 15 Nang matangay ng hangin ang barko at hindi kayang harapin ang hangin, hindi na namin kinaya at nagpatangay nalang dito.
|
|||
|
\v 16 Pumunta kami sa tabi ng kubling bahagi ng maliliit na isla na tinatawag na Cauda: at kahit nahirapan kami nagawa naming iakyat ang bangka sa barko.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Nang maitaas nila ito, gumamit sila ng mga lubid upang itali ang barko. Natakot sila na masadsad kami sa mga pulong buhangin ng Syrtis, kaya ibinaba nila ang angkla sa dagat at hinayaang tangayin kami.
|
|||
|
\v 18 Kami ay lubhang nabugbug ng bagyo, kaya't nang sumunod na araw ang mga mandaragat ay nagsimulang mag tapon sa tubig ng mga kagamitan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Nang ikatlong araw ay itinapon din ng mga mandaragat sa pamamagitan ng kanilang sariling kamay ang mga kagamitan ng barko.
|
|||
|
\v 20 Nang ang araw at mga bituin ay hindi na nagliwanag sa amin ng maraming mga araw, at patuloy ang paghagupit sa amin ng malakas na bagyo, anumang pag-asa na maliligtas kami ay nawala.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Nang matagal ng ubos ang kanilang pagkain, tumayo si Pablo sa harapan ng mga mandaragat at nagsabing, "Mga kalalakihan, nakinig sana kayo sa akin, at hindi naglayag mula sa Creta, at hindi kayo nagtamo ng pinsala at nawalan.
|
|||
|
\v 22 At ngayon hinihimok ko kayo na magkaroon kayon ng lakas ng loob, upang walang mawalan ng buhay sa inyo, ngunit pagkawala ng barko lamang.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Dahil kagabi may isang anghel ng Diyos na nagmamay-ari sa akin na aking sinasamba—tumayo ang kaniyang anghel sa aking tabi
|
|||
|
\v 24 at sinabing, "Huwag kang matakot, Pablo. Kinakailangan kang tumayo sa harapan ni Cesar, at makita na ang Diyos sa kaniyang kabutihan ay ibinigay na saiyo ang lahat na naglalayag kasama mo.
|
|||
|
\v 25 Kaya nga, mga kalalakihan, lakasan ninyo ang inyong loob, sapagkat nagtititawala ako sa Diyos, na mangyayari ito tulad ng pagkasabi sa akin.
|
|||
|
\v 26 Ngunit kinakailangan na mapadpad tayo sa ilang isla."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Nang dumating ang ikalabing-apat na gabi, nang mapadpad kami kung saan-saan sa Dagat ng Adriatico, bandang hating-gabi naisip ng mga mandaragat na papalapit sila sa isang lupain.
|
|||
|
\v 28 Sinukat nila ang kalaliman ng dagat, at nalaman na may dalawangpung dipa ang lalim; pagkatapos ng ilang sandali, sumukat sila ng mas marami at nalaman nila na labinlimang dipa ang lalim.
|
|||
|
\v 29 Natakot sila na baka kami ay sumadsad sa mga bato, kaya ibinaba nila ang apat na angkla mula sa likuran ng barko at nanalangin na dumating na ang umaga.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Naghahanap ang mga mandaragat ng paraan upang iwanan ang barko at ibinaba sa dagat ang bangka mula sa barko, at nagpanggap na itatapon lang nila pababa ang mga angkla mula sa unahan ng barko.
|
|||
|
\v 31 Ngunt sinabi ni Pablo sa senturion at sa mga kawal, "Maliban na manatili ang mga lalaking ito sa barko, hindi kayo maliligtas."
|
|||
|
\v 32 Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid ng bangka at hinayaang mapaanod ito palayo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Nang mag-uumaga na, pinakiusapansilang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, "Ngayon ang ikalabing-apat na araw na naghintay kayo at hindi kumain; wala kayong kinain na anuman.
|
|||
|
\v 34 Kaya nakikiusap ako na kumain kayo, sapagkat para ito sa inyong kaligtasan; at wala kahit isa mang buhok ng inyong mga ulo ang mawawala."
|
|||
|
\v 35 Nang sinabi niya ito, kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa paningin ng bawat isa. Pagkatapos pinutol niya ang tinapay at nagsimulang kumain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Pagkatapos lahat sila ay lumakas ang kalooban at kumuha rin sila ng pagkain,
|
|||
|
\v 37 276 kami na mga tao sa barko.
|
|||
|
\v 38 Nang makakain na sila ng sapat, itinapon nila ang mga trigo sa dagat upang gumaan ang barko.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Nang umaga na, hindi nila nakilala ang lupain, ngunit nakakita sila ng dalampasigan, at pinag-usapan nila kung idadaan ang barko sa lugar na iyon.
|
|||
|
\v 40 Kaya pinutol nila ang tali ng mga angkla at iniwan nila ang mga ito sa dagat. Sa oras ding iyon ay niluwagan nila ang mga lubid ng mga timon at itinaas ang layag sa hangin; at tinangay sila papuntasa dalampasigan.
|
|||
|
\v 41 Ngunit dumating sila sa lugar na may dalawang nagsasalubong na agos at sumadsad ang barko sa lupa. Naipit doon ang unahang bahagi ng barko at nanatili na hindi umaalis, ngunit nagsimulang masira ang hulihang bahagi ng barko dahil sa matinding lakas ng alon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 42 Binalak ng mga Kawal na patayin ang mga bilanggo upang wala sa kanila ang makalangoy palayo at makatakas.
|
|||
|
\v 43 Ngunit gustong iligtas ng senturion si Pablo, kaya pinigilan niya ang kanilang balak; at nag-utos siya sa mga marunong lumangoy lumangoy na maunang tumalon sa tubig at pumunta sa lupa.
|
|||
|
\v 44 Pagkatapos susunod ang mga natirang kalalakihan, ang ilan ay sa mga kahoy, at ang ilan sa ibang mga bagay mula sa barko. Sa ganitong paraan nakararing kaming lahat nang ligtas sa lupa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 28
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang kami ay nakarating ng maaayos, nalaman namin na ang islang iyon ay tinawag na Malta.
|
|||
|
\v 2 Ang mga katutubong tao roon ay nag-alok sa amin ng hindi lang basta pangkaraniwang kabutihan. ngunit sila ay nagsindi ng apoy at tinanggap kaming lahat, dahil sa walang tigil na pag ulan at lamig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Ngunit nang si Pablo ay nakapag-ipon ng ilang bigkis ng kahoy at inilagay sa apoy, isang ulupong ang lumabas dahil sa init at kumapit sa kaniyang kamay.
|
|||
|
\v 4 Nang makita ng mga katutubo na ang ahas ay kumapit sa kaniyang kamay, nasabi nila sa isa't-isa, " Ang taong ito ay tiyak na mamamatay tao, na nakatakas mula sa karagatan, at hindi siya pinayagan ng katarungan upang mabuhay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Ngunit ipinagpag niya ang ahas sa apoy at hindi siya nasaktan.
|
|||
|
\v 6 Hinihintay nila siyang mamaga at mag-apoy sa lagnat o di kaya'y biglang mamatay. Ngunit pagkatapos nilang pagmasdan ng mahabang panahon nakita nila na walang nangyaring pagbabago sa kaniya, nagbago ang kanilang isip at sinabi nila na siya ay isang diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Ngayon, sa malapit na dakong iyon may mga lupain na pagmamay-ari ng pinuno ng Isla, isang lalaki na nagngangalang Publio. Malugod niya kaming tinanggap at ipinaghanda kami sa tatlong araw.
|
|||
|
\v 8 Nangyaring ang ama ni Publio ay nagka-lagnat at nagkaroon ng disenterya. Nang si Pablo ay lumapit sa kaniya, nanalangin siya, ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya, at pinagaling siya.
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos nitong mangyari, ang ilan sa mga taong nasa isla na maysakit ay lumalapit din, at sila ay gumaling.
|
|||
|
\v 10 Pinarangalan din kami ng mga tao ng maraming karangalan. Nang kami ay naghahanda na sa paglayag, binigyan nila kami ng aming mga pangangailangan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos ng tatlong buwan, kami ay nagtakda ng paglalayag sa barkong Alexandria na tag lamig sa isla, na ang kanilang sagisag ay Ang Kambal na mga Lalaki.
|
|||
|
\v 12 Nang kami ay dumaong sa lungsod ng Siracusa, kami ay nanirahan doon ng tatlong araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Mula doon kami ay naglayag at nakarating sa lungsod ng Regio. Pagkatapos ng isang araw ang hangin mula sa timog ay umiihip, at sa ikalawang araw ay nakarating kami sa lungsod ng Puteoli.
|
|||
|
\v 14 Doon nakahanap kami ng ilang kapatiran at inanyayahan kami na tumira sa kanila ng pitong araw. Sa daang ito nakarating kami sa Roma.
|
|||
|
\v 15 Mula doon ang mga kapatiran pagkatapos nilang marinig ang tungkol sa amin, dumating sila para salubungin kami sa malayo sa Pamilihan ng Appio at Ang Tatlong Tuluyan. Nang nakita ni Pablo ang magkapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at siya ay napalakas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nang kami ay pumasok sa Roma, pinayagan si Pablo na tumirang mag isa kasama ang sundalong nagbantay sa kaniya.
|
|||
|
\v 17 At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw tinawag ni Pablo ang mga lalaking pinuno mula sa mga Judio. Nang sila ay magkakasamang dumating, sinabi niya sa kanila, "Mga kapatid, ako man ay walang nagawang pagkakamali laban sa mga tao o sa kaugalian ng ating mga ninuno, dinala ako bilang isang bilanggo mula sa Jerusalem sa mga kamay ng mga Romano.
|
|||
|
\v 18 Pagkatapos nila akong tanungin, nais nila akong palayain sapagkat walang dahilan para ako’y hatulan ng parusa ng kamatayan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Ngunit nang ang mga Judio ay nagsalita labag sa kanilang nais, ako ay napilitang umapila kay Cesar, gayon pa man kahit na hindi ako ang nagdadala ng anumang paratang laban sa aking bansa.
|
|||
|
\v 20 Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 At sinabi nila sa kaniya, "Kami ay walang natanggap na mga sulat mula sa Judea patungkol sa iyo, o sinuman sa mga kapatirang dumating at nagbalita o nagsabi ng anumang masama patungkol sa iyo.
|
|||
|
\v 22 Ngunit nais naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo tungkol sa sektang ito, sapagkat ipinaalam ito sa amin na alam ng lahat at pinag-uusapan saan mang dako.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Nang sila ay nagtakda ng araw para sa kaniya, maraming tao ang lumapit sa kaniya sa lugar na kaniyang tinitirhan. Iniharap niya ang mga bagay sa kanila, at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Dios. Sinubukan niyang himukin sila patungkol kay Jesus, ayon sa batas ni Moises at sa mga propetanasabi, niya, mula umaga hanggang gabi.
|
|||
|
\v 24 Ang ilan ay nahikayat patungkol sa mga bagay na habang ang iba ay hindi naniwala.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nang sila ay hindi sumang-ayon sa isa't isa, umalis sila pagkatapos magsabi ni Pablo ng isang salita. "Ang Banal na Espiritu ay nangusap ng maayos sa pamamagitan ni Isaias ang propeta ng ating mga ninuno.
|
|||
|
\v 26 Sinabi niya, 'Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin, "Sa pamamagitan ng pakikinig kayo ay makakarinig, ngunit hindi ninyo maintindihan; At sa paningin kayo ay makakakita, ngunit hindi mamamalas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Sapagka’t ang puso ng mga taong ito ay naging mahina ang kanilang tainga ay nahihirapang makarinig, ipinikit nila ang kanilang mga mata; ni ayaw makita ng kanilang mga mata, at marinig ng kanilang mga tainga, at maintindihan ng kanilang mga puso, At tumalikod muli at sila'y aking pagagalingin.""
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Kaya, dapat ninyong malaman na ang kaligtasan ng Dios ay naihatid na sa mga Gentil, at sila ay makikinig."
|
|||
|
\v 29 Nang nasabi na niya ang bagay na ito, ang mga Judio ay umalis nagkaroon ng matinding pagtatalo sa kanilang mga sarili.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Si Pablo ay nanirahan ng buong dalawang taon sa kaniyang inupahang bahay, at tinanggap niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya.
|
|||
|
\v 31 Ipinangaral niya ang kahariaan ng Dios at itinuturo ang mga bagay patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo ng may katapangan. Walang sinuman ang pumigil sa kaniya.
|