833 lines
88 KiB
Plaintext
833 lines
88 KiB
Plaintext
\id 1CO
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h 1 Corinto
|
|
\toc1 1 Corinto
|
|
\toc2 1 Corinto
|
|
\toc3 1co
|
|
\mt 1 Corinto
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako, si Pablo, ang sumusulat ng liham na ito. Si Sostenes na ating kapwa mananampalataya ay kasama ko habang isinusulat ko ito. Itinalaga ako ng Diyos upang maging isang apostol ni Cristo Jesus at pinili ako ng Diyos upang paglingkuran siya.
|
|
\v 2 Ang liham na ito ay para sa iglesia ng Diyos sa Corinto, sa mga ibinukod ni Cristo Jesus para sa Diyos, sa bawat isa—kahit saan—na tumatawag sa Diyos upang iligtas sila sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, kanilang Panginoon at maging sa atin.
|
|
\v 3 Nawa ay ibigin kayo at bigyan kayo ng kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ang Panginoong Jesu-Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Araw-araw akong nagpapasalamat sa aking Diyos para sa inyo, dahil binigyan kayo ni Cristo Jesus ng maraming mahahalagang kaloob dahil minamahal niya kayo.
|
|
\v 5 Binigyan kayo ni Cristo ng napakaraming mga bagay. Tinulungan niya kayong ipahayag ang kaniyang katotohanan at upang makilala ang Diyos.
|
|
\v 6 Pinanindigan ninyo mismo ang mga pahayag na ito bilang totoo, gaya ng inyong pagpapahayag tungkol kay Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ipinapanalangin ko kayo na hindi kayo magkulang ng anumang kaloob mula sa Espiritu ng Diyos habang hinihintay ninyo ang araw na gawin ng Diyos na kilala ang Panginoong Jesu-Cristo at ipakita siya sa lahat ng tao.
|
|
\v 8 Palalakasin din kayo ng Diyos upang makapaglingkod kayo sa kaniya hanggang sa pinakawakas, upang hindi kayo mapahiya sa inyong mga sarili sa araw ng pagbabalik ng ating Panginoon Jesu-Cristo sa lupa.
|
|
\v 9 Tutuparin ng Diyos ang kaniyang pangakong gagawin iyon. Tinawag kayo ng Diyos, upang inyong makilala at mahalin ang kaniyang Anak, si Jesu-Cristo na ating Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Aking mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jesus, na kayo ay magkasundo at maayos ninyo ang pagtatalong ito at nang hindi kayo magkaniya-kaniya. Matuto kayong tingnan ang mga bagay sa parehong pananaw habang inaayos ninyo ang pagtatalong ito at pagkatapos ay malalaman ninyo na ang inyong iniisip ay iisang layunin.
|
|
\v 11 Ibinalita sa akin ng mga sambahayan ni Cloe na nagkaniya-kaniya kayo at hindi nagkakasundo ang ilan sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ito ang problema. Nagsasabi ang bawat isa sa inyo na may katapatan sa isang pinuno o sa iba. Ang isa ay nagsasabi ng, "Tapat ako kay Pablo." Ang iba naman ay nagsasabi ng, "Tapat ako kay Apolos." Ang iba naman ay nagsasabi ng, "Tapat ako kay Pedro." At sinasabi ng huli, "Ngunit tapat ako kay Cristo."
|
|
\v 13 Ngunit hindi hinhati ni Cristo ang kaniyang katapatan. Hindi ipinako si Pablo para sa inyo. Ang taong nagbautismo sa inyo ay hindi kayo binautismuhan sa pangalan ni Pablo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Nagpapasalamat ako sa Diyos na iilan lamang ang binautismuhan ko doon; kasama si Crispo at Gayo.
|
|
\v 15 Hindi totoo na binautismuhan ko sila sa aking pangalan.
|
|
\v 16 (Ngayon naaala ko rin na binautismuhan ko ang sambahayan ni Stefenas, ngunit maliban sa mga taong ito, wala na akong maalalang binautismuhan ko sa Corinto.)
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ang pinakamahalagang dahilan kung bakit ako ipinadala ni Cristo ay hindi upang bautismuhan ang mga tao kundi ang ipamalita sa lahat ang magandang balita tungkol sa kaniya. Ipinahayag ko ang mabuting balita hindi sa pamamagitan nang karunungan ng tao at paggamit ng matatalinong salita, ngunit upang ang mensahe ay maitatag sa pundasyon na ginawa ni Cristo nang siya ay namatay sa krus.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Sapagkat ang mga taong walang pakialam sa mga bagay tungkol sa Diyos ay hindi siya makikilala. Namatay si Cristo sa krus para sa kanila, ngunit walang halaga sa kanila ang mensaheng ito. Gayunman, para sa atin na iniligtas ng Diyos at binuhay, pinahintulutan ng mensaheng ito ang Diyos na makapangyarihang kumilos sa atin.
|
|
\v 19 Isang propeta ang sumulat sa Kasulatan: "Ang karunungan ng mga nag-aakalang sila ay marurunong, sisirain ko, at gagawin kong magiging lubos na kabiguan ang mga magagaling na plano ng mga matatalino."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Nasaan ang mga taong marurunong ng mundong ito? Hindi nila nauunawaan ang anumang bagay tungkol sa Diyos. Kahit ang mga dalubhasa, maging ang mga bihasa sa pakikipagdebate. Sapagkat ipinakita ng Diyos na ang lahat ng karunungan nila ay kahangalan.
|
|
\v 21 Sa karunungan ng Diyos, hindi makikilala ng mga hindi mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang sariling karunungan. Kaya nalugod ang Diyos na gumamit ng isang mensahe na inaakala nilang kahangalan. Ito ang mensaheng ipinahayag namin at may kapangyarihan ito na magligtas sa sinumang naniniwala rito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Nais ng mga Judio ang lantarang pagpapakita ng mga makakapangyarihang himala bago sila sumunod kaninuman. Naghahanap ang mga Griyego ng karunugan sa pamamaggitan ng bago at sariwang pamamaraan tungkol sa kaisipang pang-espirituwal.
|
|
\v 23 Ngunit ipinapahayag namin ang isang mensaheng tungkol kay Cristo, siya na namatay sa krus. Para sa mga Judio, ang mensaheng ito tungkol sa krus ni Cristo ay isang bagay na hindi nila matanggap dahil ang kamatayan sa krus ay nagdadala ng isang sumpa. Para sa mga Griyego ito ay labis na kahangalan upang kanilang pag-ukulan ng pansin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ngunit para sa atin, na tinawag ng Diyos upang makilala natin siya, si Cristo ang kaniyang kapangyarihan upang magligtas mula sa kapahamakan at ito ang karunungan upang makilala ang Diyos at upang matutunan ang tungkol sa kaniya. Hindi nakabatay ang mabuting balita sa anumang lahi o pilosopiya; walang pagkakaiba sa pagitan ng mga Judio at ang lahat ng mga bansa at mga lahi kay Cristo.
|
|
\v 25 Ang anumang nakikitang kahangalan sa Diyos ay higit na matalino sa pinakamagaling na ideya na iniisp ng mga tao. At ang pinakamahinang bahagi sa kalikasan ng Diyos ay mas malakas sa kalakasan at kadakilaan ng taong nabuhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Mga kapatid, tingnan ninyo kung anong uri ng tao kayo noong tinawag kayo ng Diyos. Tingnan ninyo kung gaano kayo kawalang-halaga. Hindi kayo ang pinakamatalinong tao. Hindi kayo ganun kahalaga para sundin kayo ng mga tao. Wala kayong mga ninunong kilala.
|
|
\v 27 Sa halip, pinili ng Diyos ang mga bagay na walang kabuluhan sa mga hindi mananampalataya, upang mapigilan sila na papurihan ang kanilang mga sarili. Pinili ng Diyos na gamitin ang mga bagay na mahina, upang ilagay sa kahihiyan ang mga bagay na pinaniniwalaan nilang malakas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Pinili ng Diyos ang inaakala ng mga hindi mananampalataya na walang halaga upang maipakita na ang mga bagay na itinuturing nilang makabuluhan, ay walang halaga.
|
|
\v 29 Ginawa ito ng Diyos, upang walang sinuman na magkaroon ng dahilan upang papurihan ang kaniyang sarili at sa halip dapat niyang ibigay ang lahat ng kapurihan sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Dahil sa ginawa ng Diyos, kayo ngayon ay nakipag-kaisa kay Cristo Jesus, na nagpapakita ng malinaw sa atin kung gaano karunong ang Diyos, itinama niya tayo sa Diyo, at ibinukod tayo para sa Diyos, iniligtas niya tayo at dinala sa kaligtasan.
|
|
\v 31 Kaya, gaya ng sinasabi ng Kasulatan: "Ang sinumang pumupuri sa kaniyang sarili ay dapat siyang magpuri lamang sa kung ano ang ginawa ng Panginoon para sa kaniya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Mga kapatid, nang pumunta ako sa inyo, hindi ako gumawa ng magandang mga pananalita, ni inulit sa inyo ang mga bagay na sinabi ng mga matatalinong tao. Sinabi ko sa inyo ang mga nakatagong katotohanan tungkol sa Diyos.
|
|
\v 2 Nagpasya akong hindi makipag-usap sa inyo tungkol sa anumang bagay maliban kay Jesu-Cristo at ang kaniyang kamatayan sa krus.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nang ako ay kasama ninyo, alam ninyo kung gaano ako kahina sa pisikal. Alam ninyo na puno ng takot ang aking puso at nakita ninyo akong nanginginig sa sobrang takot dahil sa aking mga kaaway.
|
|
\v 4 Ngunit narinig ninyo ang aking mensahe at alam ninyo nang magsalita ako sa inyo, hindi ako nagbigay ng mga salitang maingat na pinagplanuhan. Sa halip, ipinakita ng Espiritu ng Diyos sa inyo na katotohanan ang sinasabi ko dahil sa kapangyarihan ng himalang ginawa niya sa pamamagitan ko.
|
|
\v 5 Nagturo ako sa ganitong paraan upang magtiwala kayo sa Diyos dahil sa kaniyang kapangyarihan at hindi dahil sa anumang magagawa ng karunungan ng tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ngayon nagsasalita kami sa mga nagtitiwala kay Cristo tulad ng mga lumago sa kanilang pananampalataya. Ngunit mayroon na kayong karunungan at wala itong magagawa sa mga hari at mga gobernador na nasa buhay na ito, ngunit hindi magtatagal silang lahat ay mamamatay.
|
|
\v 7 Ipinapahayag namin ang lihim na karunungang itinago ng Diyos hanggang ngayon, sapagkat ginawa ng Diyos itong matalinong mga pagpapasya bago niya likhain ang mundo at ginawa niya ito upang parangalan tayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Wala sa mga namumuno sa mundong ito ang nakakaalam tungkol sa matalinong mga plano ng Diyos. Kung naunawaan nila ang mga ito, hindi nila kailanman ipinako sa krus ang Panginoon, sa halip dapat pinarangalan nila si Cristo.
|
|
\v 9 Ngunit ito ang sinasabi sa Kasulatan: "Ang mga bagay na hindi nakita ninuman, hindi narinig ninuman, hindi pa sumagi sa isipan ninuman, ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kaniya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ito ang mga bagay na ipinakita sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu. Sapagkat nakikita at nalalaman ng Espiritu ang lahat ng bagay. Maging ang malalim at nakatagong mga lihim na tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam tungkol sa kaniyang sarili.
|
|
\v 11 Walang sinuman maliban ang espiritu ng tao ang nakakaalam kung ano ang kaniyang iniisip. Gayundin naman, walang sinuman ang nakakaalam sa mga lihim ng Diyos maliban ang Espiritu ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ang Espiritung ibinigay ng Diyos sa atin ay hindi espiritu na nagmula sa mundong ito. Tinanggap natin ang Espiritung nagmula sa Diyos. Tinutulungan tayo ng Espiritung ito na unawain ang lahat ng kaloob na malayang ibinigay sa atin ng Diyos.
|
|
\v 13 Itinuturo namin ang mga aral na ito na hindi nauunawaan ng mga taong nag-aral sa karunungan ng mundong ito. Tanging ang Espiritu ng Diyos lamang ang nagturo sa mga aral na ito. Siya ang tumutulong sa atin na unawain kung ano ang ibig sabihin ng mga aral na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Hindi tinatanggap ng isang hindi kumikilala sa Diyos ang mga kaalaman na nagmula sa Espiritu ng Diyos. Sa taong iyon, para itong mga aral ng mga hangal. Tanging ang mga taong may karunungang nagmula sa Diyos lamang ang nakakaunawa sa mga bagay na ito.
|
|
\v 15 Hinahatulan ng isang kumikilala sa Diyos ang lahat ng bagay, ngunit hindi niya kailangang magpasailalim sa paghahatol ng ibang mga tao.
|
|
\v 16 Tulad ng isinulat ng isa sa ating mga propeta: "Imposible para sa sinuman na malaman ang lahat nang nasa isipan ng Panginoon. Walang sinuman ang may kakayahang turuan ang Diyos. "Ngunit maaari nating malaman ang mga isipan ni Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Mga kapatid, nang kasama pa ninyo ako, hindi pa kayo handang tumanggap ng katotohanan tungkol sa Diyos. Kinakausap ko kayo bilang mga sanggol pa na siyan napabilang kay Cristo.
|
|
\v 2 Tinuruan ko kayo ng mga bagay na madaling maintindihan, katulad ng isang ina na nagpapasusu sa kaniyang sanggol. Hindi pa kayo handa sa karne. At hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo handa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kahit na mga Kristiyano kayo, kumikilos pa rin kayong gaya ng mga hindi mananampalataya. Alam ko ito, dahil marami sa inyo ang naiinggit at nag-aaway sa bawat isa, at hinahatulan ninyo ang mga bagay na parang hindi pa kayo mga mananampalataya.
|
|
\v 4 Sinisira ninyo nang dahan-dahan ang iglesiya, dahil ilan sa inyo ay sumusunod sa aking mga itinuro, sinasabi ng iba na sumusunod sa itinuro ni Apolos. Kumikilos pa kayong gaya ng mga hindi mananampalataya.
|
|
\v 5 Kumpara sa malaking ginawa ng Diyos sa inyong mga buhay, hindi mahalaga si Apolos at maging si Pablo. Pareho lamang kaming mga lingkod, at naglilingkod kami sa iisang Diyos sa mga pamamaraang tungkuling itinakda sa amin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kahit ako ang unang nagtanim ng salita ng Diyos sa inyo, si Apolos ang naniguro upang lumago kayo sa pananampalataya. Ngunit ang Diyos lamang ang maaaring magbigay ng paglago ng ispirituwal sa inyo.
|
|
\v 7 Sasabihin kong muli, hindi na mahalaga ang nagtatanim ng mga buto at nagdidilig nito. Ang Diyos ang siyang nagpapalago nito. Katulad kayo ng halamanan na kaniyang tinamnan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Nagtatrabaho sa parehong gawain ang taong nagtatanim at nagdidilig at ang bawat isa ay tatanggap ng gantimpala. Nababatay ang kaniyang gantimpala kung paano siya nagsikap.
|
|
\v 9 Sama-sama tayong gumagawa para sa Diyos at kabilang tayo sa kaniya. Ngunit para sa inyo, pinapalago kayo ng Diyos sa kaniyang kabukiran. Ito ay parang pinapatibay kayo na maging kaniyang tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ibinigay ng Diyos ang gawaing ito sa akin para sa kaniya. Nagtrabaho ako sa inyo tulad ng mahusay na tagapagtayo nang may malaking pagmamalasakit. Ngunit pagkatapos ko, iba ang magpapatuloy sa aking nasimulan. Ipinagpapatuloy ng bawat isa kung ano ang ginawa ng iba noon. Ngunit dapat mag-ingat ang bawat isa kung paano nila ito itatayo.
|
|
\v 11 Sapagkat wala ng ibang pundasyon ang maaaring mailagay kaysa sa isang naitalaga na. Ang pundasyong ito ay si Jesu Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Katulad tayo ng mga tagapagtayo na pumipili kung ano ang ilalagay natin sa ibabaw ng pundassyon na iyon. Pumipili ang mga tagapagtayo ng mga kagamitan mula sa ginto, pilak, mamahaling mga bato, kahoy, kugon at dayami.
|
|
\v 13 Hahatulan ng Diyos ang ating mga gawa at ihahayag ang ginawa ng bawat isa para sa kaniya. Magpapadala siya ng apoy upang subukin ang gawain na ating ginawa. Ang apoy na iyon ang magpapatunay sa Diyos kung paano tayo nagtrabaho para sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kung maligtasan ng gawain ng taong ito ang apoy na susubok sa kaniyang mga itinayo, tatanggap siya ng gantimpala para sa kaniyang gawain.
|
|
\v 15 Ngunit kung masusunog ang lahat ng kaniyang ginawa, mawawala ang lahat ng kaniyang mga gantimpala, ngunit ililigtas parin siya ng Diyos. Kahit ganap na nilamon ng apoy ang lahat ng kaniyang ginawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Tunay nga na alam ninyong kayo ang pinananahanan ng Diyos, na kayo ang kaniyang templo. Tunay nga na alam ninyo na ang Espiritu ng Diyos ay nananahanan sa inyo.
|
|
\v 17 Ipinangako ng Diyos na sisirain niya ang sinumang magtangkang sirain ang kaniyang templo. Dahil ang templong ito ay kaniyang pag-aari lamang. At sa pamamagitan ng pangakong ito, iniingatan niya kayo, dahil kayo ngayon ay templo niya at kayo ay pag-aari lamang niya!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Maging maingat upang hindi ninyo linlangin ang inyong sarili. Kung sinuman sa inyo ang mag-isip na siya ay mayroong dakilang karunungan na hahangaan ng mga hindi mananampalataya, dapat siyang mag-ingat. Mas makabubuti sa kaniya na iwanan niya ang lahat ng gusto ng hindi mananampalataya, kahit na ituring siyang hangal sa paggawa nito. Kapag iwanan niya ang mga bagay na iyon, sisimulan niyang aralin ang tunay na karunungan.
|
|
\v 19 Sapagkat ang itinuring na dakilang karunungan ng sanlibutang ito ay talagang kahangalan sa Diyos. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, "Hinuhuli ng Diyos ang marurunong sa sarili nilang kahangalan."
|
|
\v 20 At itinuturo din ng Kasulatan, "Nalalaman din ng Diyos ang plano ng marunong at alam niya na sa huli ay mawawala nila ang lahat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Kaya itigil ang paghanga sa gusto ng mga hindi mananampalataya, at itigil ang pagmamalaki sa paggawa ng mga bagay na iyon. Sapagkat ibinigay na ng Diyos sa inyo ang lahat ng bagay. Papaano niyo ba ihahambing sa mga bagay na maaaring ibigay ng mga hindi mananampalataya sa inyo?
|
|
\v 22 Ipinagkaloob ng Diyos sa inyo si Pablo, si Apolos at si Pedro. Gayundin ang sanlibutan, ang buhay at ang tagumpay sa kamatayan. At ipinagkaloob nga ng Diyos ang lahat ng bagay at ang lahat ng nasa hinaharap—ang lahat ng ito ay para sa inyo;
|
|
\v 23 at kayo ay para kay Cristo at si Cristo ay sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Dapat kaming ituring ng mga tao na mga lingkod ni Cristo at kung saan ipinagkatiwala ng Diyos ang mga lihim ng katotohanan sa magandang balita.
|
|
\v 2 Dapat tapat naming gawin ang gawaing ibinigay ng Diyos sa amin dahil nagtitiwala siya sa amin na gagawin namin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kung hahatulan ng mga tao o maging hukuman ng batas ang aking buhay, hindi ko ito masyadong pahahalagahan. Hindi ko rin kayang hatulan ang aking sarili.
|
|
\v 4 Wala akong nalalaman na may taong nagpaparatang sa akin na gumagawa ako ng mali. Ngunit hindi ibig sabihin na wala akong kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kaya, dapat huwag ninyong hatulan ang anuman ng wala pa sa panahon. Gagawin iyan ng Panginoon sa kaniyang pagbabalik. Siya ang maglalantad sa liwanag ng lahat ng lihim maging ang kadilim-diliman at matuwid siyang hahatol dahil alam niya ang iniisip ng tao. Sa kaniyang pagbabalik, bawat isa ay makatatanggap ng karangalang nararapat mula sa Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ngayon mga kapatid, ang patakarang sinusunod namin ay "huwag ninyong hihigitan ang nasusulat." Ipinamuhay namin ito ni Apolos. Para sa inyong kapakanan, itinuturo namin ito sa inyo sa ganitong paraan. Patuloy niya kayong pag-iisipin tungkol sa salita ng Diyos. Ilalayo kayo nito sa pagiging mapagmalaki sa mga taong nagtuturo sa inyo, maging ako man o ni Apolos.
|
|
\v 7 Walang pagkakaiba sa inyo at sa ibang mananampalataya. Tumanggap kayong lahat ng mga bagay bilang kaloob. Wala sa inyo ang mas mabuti kaysa iba. Walang sinuman sa inyo ang dapat magmalaking naiiba kayo sa lahat. Tayong lahat ay pantay-pantay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ngunit kumikilos kayo na parang nasa inyo na ang lahat ng inyong gusto! Namumuhay kayo na parang mayaman! At namumuhay kayo na parang mga hari at reyna, kahit wala ang aming tulong. Sana nga ay naging mga hari at reyna kayo upang makapaghari kaming kasama ninyo.
|
|
\v 9 Sa katunayan, para bang inilagay kaming mga apostol ng Diyos na panoorin sa pinakahuling hanay ng mga bilanggo na ipinaparada pagkatapos ng labanan. Katulad kami ng mga taong nahatulan ng kamatayan, naging isang panoorin kami para makita ng buong sanlibutan, kapawa mga anghel at mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sa iba, kaming mga apostol ay katulad ng mga hangal para kay Cristo ngunit itinuturing ninyo ang inyong mga sarili na taong marurunong. Nagmukha kaming mahihina ngunit para bang kayo ang naging malakas! Pinupuri at pinaparangalan ninyo ang inyong mga sarili, ngunit kaming mga apostol ang kinamumuhian ng ibang tao.
|
|
\v 11 Hanggang sa oras na ito, kaming mga apostol ay nagugutom at nauuhaw. Naging mahirap kami na hindi man lamang makabili ng sarili naming kasuotan. Paulit-ulit kaming pinagmalupitan at wala kaming lugar na matatawag na tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Nagtrabaho kami upang mabuhay. Kapag nilalait kami ng mga iba, pinagpapala namin sila bilang ganti. Kapag inuusig kami ng iba, tinitiis namin ito.
|
|
\v 13 Kapag pinagsisinungalingan kami ng mga tao, malumanay kaming sumasagot sa kanila. Gayunpaman, itinuturing pa rin kaming mga basura sa mundo at katulad ng dumi na itinatapon ng mga tao sa basurahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Hindi ko sinusubukang hiyain kayo, ngunit gusto ko kayong itama katulad ng pagtuwid ng isang mapagmahal na magulang sa anak.
|
|
\v 15 Kahit na magkaroon pa kayo ng sampung libong tagapagturo tungkol kay Cristo, iisa lamang ang inyong ama sa pananampalataya. Naging ama ninyo ako kay Cristo nang naniwala kayo sa magandang balitang ipinangaral ko sa inyo.
|
|
\v 16 Kaya hinihikayat ko kayo na tularan ang aking halimbawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ito ang dahilan kung bakit ko pinapunta si Timoteo sa inyo, minamahal ko siya at tapat ko siyang anak. Paaalalahanan niya kayo kung papaano ako nabuhay nang nakiisa ako kay Cristo. Itinuro ko rin ang mga bagay na ito sa lahat ng aming pinupuntahan at sa bawat iglesyang dinadalaw namin.
|
|
\v 18 Naging mapagmalaki ang ilan sa inyo. Namuhay kayo na para bang hindi ako agad babalik sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Ngunit kung loloobin ng Panginoon, pupunta ako riyan sa lalong madaling panahon. At aking malalaman hindi lamang kung papaano magsalita ang mga taong ito na mapagmalaki, aalamin ko rin kung nasa kanila ang kapangyarihan ng Diyos.
|
|
\v 20 Sapagkat ang kaharian ng Diyos ay hindi hinggil sa inyong sinasabi, ito ay hinggil sa kapangyarihan ng Diyos.
|
|
\v 21 Ano ba ang gusto ninyong gawin ko? Dapat ba akong pumunta sa inyo upang parusahan kayo na may dalang pamalo, o dapat ba akong pumunta upang makita ninyo kung gaano ko kayo kamahal sa pagiging mabait ko sa inyo?
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi sa amin ng mga tao na may isa sa inyong iglesiya ang namumuhay sa sekswal na imoralidad, ang uri ng imoralidad na hindi pinahihintulutan maging ang mga hindi mananampalataya. Ang isang lalaki na kalaguyo niya ang asawa ng kaniyang ama.
|
|
\v 2 Masyado kayong mapagmataas! Sa halip dapat iniyakan ninyo ang ganitong kasalanan, sapagkat sisirain nito ang buong iglesiya. Dapat ninyong itiwalag ang taong ito sa inyong iglesiya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Hindi ninyo ako kasama sa pisikal, ngunit labis ang pagmamalasakit ko sa inyong lahat at kasama ninyo ako sa aking espiritu. At nahatulan ko na ang isang gumawa nito, na parang kasama ninyo ako.
|
|
\v 4 Nang magtipun-tipon kayo para sumamba sa ilalim ng kapangyarihan ng Panginoong Jesus, sumasamba akong kasama ninyo---at hinatulan ko na ang taong ito.
|
|
\v 5 Dapat ninyong ibigay kay Satanas ang taong ito, nang sa gayon ang kaniyang pisikal na katawan ay maaaring masira. Umaasa tayong ililigtas pa rin siya ng Diyos sa pagbabalik ng Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Hindi mabuting pinupuri ninyo ang inyong mga sarili. Tiyak na alam ninyo na ang kasamaan ay tulad ng lebadura. Pinapaalsa ng kaunting lebadura ang buong tinapay.
|
|
\v 7 Ang kasalanan ay tulad ng lebadurang ito. Kailangan ninyong linisin ang lumang lebadura at itapon ito upang hindi nito maapektuhan ang buong minasang harina. Kayo ay tulad ng minasang harina na walang pampaalsa. Gaya ng Pagdiriwang sa Paskua, kailangang hindi mahaluan ng lebadura ang tinapay. Sapagkat si Cristo ang ating Korderong Pampaskua. Siya ay naging handog para sa atin.
|
|
\v 8 Kaya ipagdiwang natin ang Pagdiriwang ng Paskua at sundin natin lahat ng alituntunin ng paglilinis. Dapat nating itapon ang lumang lebadura na sumisimbolo sa pagsuway at kasamaan at dapat nating ipagdiwang ang pista sa pamamagitan ng pagsunod sa Diyos at pagsasabi ng katotohanan sa isa't isa. Kung gagawin natin ito, magiging katulad tayo ng tinapay na walang lebadura.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sumulat ako sa inyo para hindi kayo dapat makisama sa mga taong mahahalay.
|
|
\v 10 Siyempre, hindi ko sinasabi na huwag kayong makisama sa mga hindi mananampalataya na mga imoral o sa mga nagnanais ng mga bagay na pag-aari ng iba, o nangunguha ng mga bagay na pag-aari ng iba o sa sumasamba sa mga diyus-diyosan. Dapat lisanin ninyo ang mundong ito upang makaiwas sa lahat ng taong tulad nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sa halip, ang ibig kong sabihin ay huwag kayong maging malapit na kaibigan ng kapwa mananampalatayang namumuhay sa sekswal na imoralidad. Dapat nating isama ang ibang kasalanan, gaya ng kasakiman, o pagsamba sa diyus-diyosan, o isang mapang-abuso sa paraan ng kaniyang pananalita sa iba, o isang lasinggero, o isang manggagantso. Ni dapat huwag makisalo sa mga taong ito na nagsasabing nagtitiwala sila kay Cristo, ngunit ginagawa nila itong kakila-kilabot na mga bagay.
|
|
\v 12 Sapagkat wala akong katungkulan upang hatulan ang mga nasa labas ng iglesiya ni Cristo. Ang inyong tungkulin ay hatulan ang mga nasa loob nito.
|
|
\v 13 Ang Diyos lamang ang hahatol sa mga nasa labas ng iglesiya. Iniuutos sa atin ng Kasulatan, "Dapat ninyong alisin ang masamang tao na kasama ninyo!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Kapag may alitan kayo sa ibang mananampalataya, dapat huwag ninyong dalhin ang usaping iyon sa isang pangmamamayang hukom na hindi mananampalataya. Dalhin ang usapin sa mga kapwa mananampalataya na inilaan ng Diyos sa kaniya mismo.
|
|
\v 2 Dapat alam ninyo na tayong mga kabilang sa Diyos ang hahatol sa sanlibutan. At kung hahatulan ninyo ang sanlibutan balang araw, dapat may kakayahan kayong ayusin ang mga usapin na hindi naman gaanong mahalaga.
|
|
\v 3 Dapat alam ninyo na hahatulan ninyo ang mga anghel! Tiyak na may kakayahan kayo upang hatulan ang mga usapin sa buhay na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 At kung kaya ninyong ayusin ang mga usaping mahahalaga sa buhay na ito, hindi ninyo dapat ipasakamay ang mga reklamo sa pagitan ng mga Kristiyano para ayusin ng mga hindi mananampalataya.
|
|
\v 5 Sinasabi ko ito upang ipakita kung gaano kayo nabigo sa bagay na ito. Dapat may isang tao sa iglesiya ang may sapat na karunungan upang ayusin ang mga alitang ganito kapag ito ay dumating sa mga kapatid na Kristiyano.
|
|
\v 6 Ngunit sa halip, ilang mga mananampalatayang kasama ninyo ang nag-aakusa sa ibang mananampalataya sa pangmamamayang hukuman at pinahihintulutan ninyo ang isang hukom na hindi mananampalataya na ayusin ang usapin!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Kung may alitan kayo sa bawat isa, nangangahulugan ito na hindi ninyo nagawa ang dapat ninyong gawin. Hayaan ang isang kapatid na lamangan kayo kaysa dalhin sila sa hukuman.
|
|
\v 8 Sa halip, ginawan ninyo ng mali at dinaya ang iba at ang dinaya ninyo ay mga kapatid ninyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Tiyak na nauunawaan ninyo na hindi kailanman tatanggapin ng Diyos na pamunuan ang mga masasama. Huwag kayong maniwala sa kanila kung iba ang sasabihin nila. Ang katotohanan ay ang mahahalay, ang mga sumasamba ng kahit ano o kahit sino maliban sa Diyos, ang mga hindi tumutupad ng kanilang sumpaang mag-asawa, ang mga sumasali sa mga gawang napakasama na kung tawagin ay pagsasamba na sangkot ang pakikipagtalik, at ang mga nakikipagtalik sa parehong kasarian,
|
|
\v 10 ang mga nagnanakaw, ang mga sakim na magkaroon ng higit pa, ang mga naglalasing, ang mga nagsasabi ng kasinungalingan tungkol sa iba, at ang mga nagnanakaw mula sa mga nagtitiwala sa kanila----hindi kailanman papayag ang Diyos na pamunuan sila.
|
|
\v 11 At ginawa ng ilan sa inyo ang mga bagay na ito. Ngunit nilinis na kayo ng Diyos sa inyong mga kasalanan, inilaan niya kayo para sa kaniya mismo at ginawa niya kayong matuwid sa kaniya. Ginawa niya ang lahat ng ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong Jesu-Cristo at ang Espiritu ng ating Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sinasabi ito ng ilan: "Malaya kong gawin ang anumang gusto ko dahil kaisa ako kay Cristo." Oo, ngunit hindi dahil pinahintulutan ang isang bagay ay nangangahulugan na nakakabuti ito sa akin. "Malaya kong gawin ang anumang gusto ko"—ngunit hindi ko hahayaan ang anuman na maging aking amo.
|
|
\v 13 Sinasabi rin ng mga tao, "Ginawa ang pagkain para kainin ng tao at nilikha ang tao na kumain ng pagkain," ngunit kapwa wawasakin ng Diyos ang pagkain at mga tao. Siyempre, talagang pinag-uusapan nila ang tungkol sa pakikipagtalik sa mga tao. Gayunman, hindi nilikha ng Diyos ang ating mga katawan upang tayo ay maging mahalay. Ngunit ang katawan ay upang maglingkod sa Panginoon at ang Panginoon ang magbibigay para sa katawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Binuhay ng Diyos ang Panginoon mula sa mga patay at bubuhayin din niya tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan upang muling mabuhay.
|
|
\v 15 Dapat ninyong malaman na ang inyong mga katawan ay kaisa kay Cristo. Dapat ba ninyong alisin ang anumang kabahagi ni Cristo at isama sa isang nagbebenta ng aliw? Hindi kailanman!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Nauunawan ninyo na sinumang makipagtalik sa isang nagbebenta ng aliw ay maging kaisa sa kaniya. Tulad ito ng sinasabi ng mga Kasulatan tungkol sa pag-aasawa: "Magiging isa ang dalawa."
|
|
\v 17 At ang mga kaisa sa Panginoon ay magiging kaisa niya sa espiritu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kaya kapag gusto ninyong gumawa ng sekswal na kasalanan, layuan ninyo ito kaagad hangga't maaari! Sinasabi ng mga tao, "Labas sa katawan ang bawat kasalanan na nagagawa ng tao"—maliban kung kahalayan ang kasalanan ng sinuman, siya ay nagkasala laban sa kaniyang sariling katawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Dapat alam ninyo na ang inyong katawan ay tirahan, isang templo ng Banal na Espiritu na nasa inyo. Ibinigay sa inyo ng Diyos ang kaniyang Espiritu at ngayon hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili. Sa halip, kayo ay pag-aari ng Diyos.
|
|
\v 20 Binili kayo ng Diyos sa halaga ng buhay ng kaniyang Anak. Kaya parangalan ninyo ang Diyos sa lahat ng inyong ginagawa sa pamamagitan ng inyong katawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Sumulat kayo sa akin ng ilang mga katanungan tungkol sa kung paano dapat mamuhay ang mga mag-asawang mananampalataya. Ito ang aking sagot. Maaaring may mga panahon na nakakabuti sa mag-asawa na hindi muna magsiping.
|
|
\v 2 Ngunit napakadalas matukso ng mga tao sa seksuwal na imoralidad. Kaya dapat magkaroon ang bawat lalaki ng sariling asawang babae, at ganundin ang mga babae, dapat magkaroon ng sariling asawang lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 At dapat mayroong karapatang sumiping sa kaniyang asawang babae o sa asawang lalaki, ang bawat mag-asawang mananampalataya
|
|
\v 4 Sapagkat ibinigay ng asawang lalaki sa asawang babae ang karapatan sa kaniyang katawan. At ibinigay ng asawang babae sa kaniyang asawang lalaki ang karapatan sa kaniyang katawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kaya nga huwag ninyong ipagkait sa isa't-isa ang pagsisiping, maliban na lang kung pareho ninyong napagkasunduan na iwasan muna ito ng ilang araw, upang makapanalangin kayo. Ngunit pagkatapos ng ilang araw na iyon, magsama kayong muli. Huwag ninyong pahintulutang tuksuhin kayo ni Satanas dahil sa hindi ninyo mapigilan ang inyong sarili.
|
|
\v 6 Hindi ko kayo inuutusang mag-asawa, ngunit alam ko na marami na sa inyo ang may asawa o naghahangad na gustong mag-asawa.
|
|
\v 7 Ang halimbawa sa harapan ninyo, wala akong asawa at minsan ninanais ko na ang bawat isa sa inyo ay manatiling walang asawa upang makapaglingkod sa Diyos. Ngunit nagbibigay ang Diyos ng iba't-ibang kaloob sa kaniyang mga anak; pinahintulutan niya ang ilan na makapag-asawa at mananatiling walang asawa ang iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sa inyong mga hindi na nag-asawa at sa inyo namang mga namatay na ang asawang lalaki, sinasabi ko na makakabuti pa sa inyo na manatiling walang asawa, gaya ko.
|
|
\v 9 Ngunit kung mahirap para sa inyo na pigilan ang inyong mga sarili, mag asawa na kayo. Mas nakabubuti para sa inyo na mag-asawa na kaysa naman mahirapan kayo sa matinding seksuwal na pagnanasa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ibinibigay ng Panginoon ang kaniyang mga utos sa inyong may mga asawa na; "hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawang lalaki ang asawang babae"
|
|
\v 11 (Ngunit kung hihiwalay siya sa kaniyang asawang lalaki, dapat huwag siyang mag-asawang muli, o kaya makipag-ayos sa kaniyang asawang lalaki). At sa asawang lalaki, hindi niya dapat hiwalayan ang kaniyang asawang babae." Ito ang mga utos ng Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 At ito ang sasabihin ko—at ito ang payo ko, hindi utos ng Panginoon—sa inyo na may asawang babaeng hindi mananampalataya: kung kuntento siyang makisama sa iyo, huwag mo siyang hihiwalayan.
|
|
\v 13 At kung ikaw na isang babae na may asawang hindi nananampalataya: kung kuntento siyang makisama sa iyo, huwag mo siyang hihiwalayan.
|
|
\v 14 Ibinukod ang asawang lalaki na hindi mananampalataya sa isang natatanging paraan dahil nagtitiwala ang asawang babae sa Diyos. At gayundin sa hindi nananampalatayang asawang babae na may asawang lalaki na nagtitiwala sa Diyos. Pareho rin ito sa inyong mga anak: naibukod sila sa Diyos sa natatanging paraan, dahil sa mga magulang na nananampalataya kay Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Gayunpaman, kung gusto kang iwanan ng hindi mananampalatayang asawa, hayaan mo ng umalis ang taong iyon. Sa kalagayang ito, hindi ka na nakatali sa sumpaan ninyo tungkol sa pag-aasawa. Tinawag tayo ng Diyos sa kapayapaan.
|
|
\v 16 Hindi ninyo alam kung ano ang gagawin ng Diyos sa inyong pamumuhay sa harapan ng inyong hindi nananampalatayang asawang babae. At hindi ninyo alam na maaaring maging dahilan ang inyong buhay upang mailigtas ng Diyos ang inyong mga asawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Dapat nating ipamuhay ang buhay na itinalaga sa atin ng Panginoon. At sundin ang tawag ng Diyos na ibinigay sa atin. Ito ang panuntunan sa lahat ng mga iglesia.
|
|
\v 18 Kung tuli ang isang lalaki bago siya naging Kristiyano, hindi niya dapat subukang alisin ang mga tanda nito. Kung hindi ka pa tuli nang iligtas ka ng Diyos huwag mong hayaang tuliin ka pa ng sinuman.
|
|
\v 19 Hindi mahalaga sa atin ang tuli at hindi tuli. Ngunit ang mahalaga ang pagsunod kung ano ang inuutos niya sa atin na dapat gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kaya manatili kayo sa inyong buhay at gawin nang tinawag kayo ng Diyos upang magtiwala kay Cristo.
|
|
\v 21 Kung isa kang alipin nang iligtas ka ng Diyos, huwag na ninyong alalahanin ang tungkol dito. Siyempre, kung may pagkakataon ka na bayaran ang inyong kalayaan, samantalahin ninyo ang pagkakataong ito at maging malaya.
|
|
\v 22 Dahil ang sinumang tinawag ng Panginoon na alipin ay isa siyang malayang tao dahil sa Panginoon. Sa paraan ding iyon, naging alipin din kayo ng Diyos nang tawagin niya kayo, kahit na hindi ka naging alipin ng sinuman.
|
|
\v 23 Binili kayo ng Diyos sa halaga ng kaniyang Anak; napakahalaga ng inyong kalayaan. Kaya huwag kayong maging alipin pa ng mga tao.
|
|
\v 24 Mga kapatid kay Cristo, anuman ang kalagayan ninyo ng tawagin kayo ng Diyos, alipin man o malaya man, manatili kayo sa ganyang kalagayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Tungkol sa tanong sa mga hindi kailanman nag-asawa, ibibigay ko ang aking mga pananaw, ngunit wala akong masabing kautusan na galing sa Panginoon sa tanong na ito. Ngunit maaari kayong magtiwala sa aking isasagot sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoon, pinapatunayan niya na mapagkakatiwalaan ako sa mga bagay na ito
|
|
\v 26 Dahil dito, sa mga panahon ng kahirapang darating sa ating lahat, naisip ko na mas mabuting manatili kayo sa inyong kalagayan nang tinawag kayo ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Kayo na may mga asawa, sasabihin ko: huwag na ninyong hanaping makalaya pa mula sa inyong sinumpaan
|
|
\v 28 Ngunit sa mga lalaking wala pang asawa, sinasabi ko, kung mag-aasawa kayo, hindi kayo nagkakasala. Ibinibigay ko rin ang payong ito sa mga babaeng walang asawa; kung mag-aasawa kayo hindi kayo nagkakasala. Gayunman, kung mag-aasawa kayo, magkakaroon kayo ng maraming suliranin, kaya payo ko sa inyo, manatili na lang kayong walang asawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Ito ang ibig kong sabihin tungkol sa panahon kung saan tayo nabubuhay, mga kapatid na lalaki at babae: maiksi na ang natitira nating oras. Mula ngayon, dapat mamuhay ang mga may asawa na parang walang asawa, dahil sa lahat ng gulo na darating.
|
|
\v 30 Sa mga labis na nalulungkot hindi kayo dapat lumuha. Dapat walang galak sa mga mukha o sa mga puso ng mga labis na nagsasaya sa mga kahanga-hangang pagdiriwang. Sa mga gumagasta ng pera upang bumili ng kanilang gusto, huwag nang ikagalak ito; dapat silang mamuhay na parang walang anumang pag-aari.
|
|
\v 31 At sa kanila na nakikitungo sa mga hindi nananampalataya, mamuhay na parang walang pakialam sa kanila. Sapagkat malapit nang gumuho at mawalan ng kabuluhan ang mundong ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Gusto kong maging malaya kayo mula sa mga alalahanin. Gaya ng inyong nakikita, ang pinapahalagahan ng mga wala pang asawa ay ang mga bagay na mahalaga sa Panginoon. Naglilingkod siya sa Diyos at nagagawa niya ang gusto niya.
|
|
\v 33 Dapat pahalagahan din ng lalaking may asawa ang kaniyang sarili para sa araw-araw ng paglilingkod at pagpapasaya sa kaniyang asawa.
|
|
\v 34 Sa mga may asawa, may dalawang uri ng pag-aalala na humihila laban sa isat isa. Gayundin sa mga balo at sa babaeng wala pang asawa: bilang mga mananampalatayang babae, iniisip nila na gugulin ang kanilang oras sa paglilingkod sa Panginoon. Iniisip nila kung paano mamuhay sa paraang pagtalaga sa kanila ng Diyos para sa kaniyang sarili. Ngunit nag-iisip din ang mga babaeng may asawa sa mga bagay ng mundong ito na nakakaapekto din sa bawat isa. At sa karagdagan tungkol dito, gusto rin nilang pasayahin ang kanilang mga asawang lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Sinasabi ko ito upang matulungan kayo. Hindi ko kayo gustong bigyan ng anumang utos. Kung susundin ninyo ang aking payo, makikita ninyong mas madaling maglingkod sa Diyos na walang anumang bagay na inaalala tungkol sa mga bagay na alalahanin ng mga may asawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Kung nangako ang isang lalaki na magpapakasal sa isang babae, ngunit kung hindi niya iginagalang ang babae dahil sa kaniyang mga seksuwal na pagnanasa, dapat na siyang mag-asawa. Hindi ito kasalanan.
|
|
\v 37 Ngunit kung nagpasya siya na hindi pa niya nais mag-asawa sa panahong iyon, at kung napipigilan pa niya ang kaniyang sarili sa alab ng seksuwal na pagnanasa, mabuti ang kaniyang pagpapasya na hindi muna mag-asawa.
|
|
\v 38 Kaya ang nagpakasal sa kaniyang pinangakuang pakasalan ay gumawa ng mabuting bagay, at hindi ito kasalanan; at ang pumili na hindi muna mag-asawa ay pinili rin ang mas mabuti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Dapat manatili ang isang babae sa kaniyang asawang lalaki habang ito ay nabubuhay; kung mamatay ang kaniyang asawa, malaya na siya na mag-asawa sa sinumang ninanais niya, ngunit dapat siyang mag-asawa sa isang may pananampalataya sa Panginoon lamang.
|
|
\v 40 Gayunpaman, ito ang aking hatol mas magiging masaya ang balo kung hindi na siya mag-aasawang muli. At yan ang iniisip ko, na nasa akin rin ang Espiritu ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon, tungkol sa katanungang itinatanong ninyo tungkol sa pagkain na inihandog sa mga diyus-diyosan. Alam natin na sinasabi ng mga tao, "May kaalaman tayong lahat" Ngunit kung iniisip ninyo na marami kayong alam, maaari kayong maging labis na mapagmalaki sa inyong sarili. Gayon pa man, kapag mahal ninyo ang ibang tao, tutulungan ninyo silang lumagong matatag sa kanilang pananampalataya.
|
|
\v 2 Kapag inisip ng isang tao na may kaalaman siya, ang totoo hindi pa niya natututunan ang mga bagay na kailangan niyang malaman.
|
|
\v 3 Kapag inibig mo ang Diyos, kilala ka ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ngayon, tungkol sa pagkain na inihandog sa mga diyus-diyosan: Magsimula tayo sa paniniwalang, wala talagang halaga ang mga diyus-diyosan sa mundong ito. Wala tayong duda na, "Mayroon lamang iisang Diyos." Kaya hindi tunay na diyos ang mga diyus-diyosan, hindi sila nabubuhay na diyos kailanman.
|
|
\v 5 Mayroong mga templo ang mga tinatawag na diyus-diyosan at mga panginoon, at sinasamba sila ng mga tao na para bang nabubuhay sila sa langit o sa lupa.
|
|
\v 6 Malinaw na sinasabi ito sa Kasulatan, "Ngunit para sa atin mayroon lamang iisang Diyos, ang Ama na siyang pinagmulan ng lahat at nabubuhay tayo para sa kaniya. At mayroon lamang iisang Panginoon, si Jesu-Cristo, ginawa niya ang lahat ng mga bagay at siya lamang ang nag-iisang nagbibigay sa atin ng buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngunit hindi ito alam ng lahat. Sinamba ng ilan ang isang diyus-diyosan noong unang panahon, at ngayon, kapag kumain sila ng pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, nag-aalala sila na sinasamba pa rin nila ang isang diyus-diyosan. Nahahati sila sa dalawang saloobin, mahina sila sa kanilang pananampalataya kay Cristo, dahil pakiramdam nila pinararangalan nila ang isang diyus-diyosan kapag kumain sila ng pagkaing inialay dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Alam natin na hindi ang pagkaing ating kinakain ang nakapagpapabuti o nakapagpapasama sa atin sa harapan ng Diyos.
|
|
\v 9 Ngunit ang mahalaga ay ang iyong mga kapatid kay Cristo. Malaya kayong kainin ang mga pagkaing iyon, ngunit hindi kayo dapat maging dahilan ng pagkasira ng pananampalataya ng isang tao dahil malaya kayong kainin ito.
|
|
\v 10 Alam ninyo na hindi kailanman nabuhay ang mga diyus-diyosan, ni naging diyos kailanman ang mga ito. Ngunit, kapag nakita ka ng isang kapatid na mahina ang pananampalataya na kumakain sa templo ng mga diyus-diyosan, hindi ba iyon ang makahihikayat sa kanila upang bumalik sa pagsamba sa mga diyus-diyosan?`
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Dahil dito, kapag nakita ka ng inyong kapatid na mas mahina ang pananampalataya na kumain ng karneng inialay sa mga diyus-diyosan, dahil may kalayaan sa isip mo na kainin ang pagkaing iyon, ngunit wala silang kalayaang tulad ng mayroon ka, maaaring sirain ng kalayaan mong kumain ng pagkaing iyon ang kapatid mong mas mahina ang pananampalataya, na siyang dahilan ng pagkamatay ni Cristo.
|
|
\v 12 Kaya, nagkasala ka sa iyong mga kapatid na mas mahina ang pananampalataya kung hikayatin mo silang gawin ang isang bagay na sinasabi ng kanilang budhi na huwag nilang gawin. Pagkakasala rin ito kay Cristo.
|
|
\v 13 Samakatuwid, kung pagkain ang magiging dahilan ng pagkasira ng kaugnayan ng aking mga kapatid sa Diyos, hindi na ako kailanman muling kakain ng karneng inialay sa mga diyus-diyosan! Hindi na ako gagawa ng anumang bagay na magiging dahilan nang kanilang pagbagsak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa mga taong pumupuna kung paano ako maglingkod, ito ang aking tugon, isa akong apostol. Nakita ko si Jesus na ating Panginoon. Malaya na ako. Ikaw ang naging bunga ng aking paglilingkod, Ikaw ang aking paglilingkod.
|
|
\v 2 Bagaman hindi iniisip ng ilan na tunay akong apostol, isa akong tunay na apostol para sa inyo. Sa pamamagitan ng selyo ng pagpapatibay ng Diyos, kayo ang katibayan na isa akong tunay na apostol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ganito ko sinasagot ang mga nagsasabing hindi ako isang tunay na apostol dahil hindi ako nabubuhay sa perang ibinibigay ninyong mga mananampalataya para sa akin.
|
|
\v 4 Tunay ngang mayroon tayong karapatang mabuhay sa pamamagitan ng pera.
|
|
\v 5 Maaari tayong maglakbay kasama ang asawang mananampalataya, gaya ng ginagawa ng ibang mga apostol, kagaya ng kapatid ng Panginoon at ni Cefas.
|
|
\v 6 Walang sinuman ang gumawa ng patakarang si Bernabe lamang at ako ang dapat magtrabaho upang suportahan ang aming sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Walang kawal ang naglilingkod sa hukbo sa pamamagitan ng kaniyang sariling gastos. Walang sinumang nagtatanim sa ubasan ang hindi makakakain ng mga ubas o makaiinom ng alak. Walang sinumang nagpapastol ng isang kawan ang hindi makaiinom ng gatas na nagmula sa mga hayop na iyon.
|
|
\v 8 Madali lamang maunawaan ang mga bagay na ito. Ngunit sinasabi rin ito ng kautusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sapagkat sa kautusan ni Moises, "Kapag gumigiik ng butil ang kapong baka, huwag ninyo itong pigilan na kumain ng ilan sa mga butil." May iba pang bagay na pinagmamalasakitan ang Diyos tungkol sa kautusang ito.
|
|
\v 10 Tungkol sa atin ang kautusang ito. Sinasabi ni Moises na ang mga nagtatrabaho sa anumang uri ng trabaho ay dapat makinabang sa bunga ng trabahong iyon, gaya ng kapong bakang kumakain ng mga butil kung saan siya gumigiik, katulad ng isang apostol sa kaniyang iglesiya.
|
|
\v 11 Kung naihasik namin ang butil ng magandang balita sa inyo, hindi ba ito kalabisan para sa amin na tumanggap ng pera mula sa inyo upang suportahan kami?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Kung nakatanggap ang iba ng ganitong uri ng tulong mula sa inyo, tiyak na pinatunayan naming higit kaming karapat-dapat na makatanggap ng mga ito. Gayunpaman, hindi kami tumanggap ng anuman mula sa inyo, kahit na may karapatan kami sa mga ito. Sa halip, tiniis namin ang lahat ng uri ng mga paghihirap upang hindi ito maging mas mahirap para sa mga tao na maniwala sa magandang balita tungkol kay Cristo.
|
|
\v 13 Tiyak na alam ninyo na nakatatanggap ang mga tumutulong sa pag-aalay ng mga handog para sa Diyos sa templo ng ilan sa mga alay para sa kanilang sariling pangangailangan. Nakatatangggap sila ng ilan sa pagkaing inialay sa Diyos.
|
|
\v 14 Gayon din naman, iniutos ng Panginoon na tatanggap ng kabayaran mula sa magandang balita ang mga naghahayag ng magandang balita. Tumatanggap sila ng bahagi ng ibinigay sa Diyos para sa kanilang mga pangangailangan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ngunit hindi ko hiningi ang perang ito para sa aking sarili. At hindi iyan ang dahilan kung bakit ko ito isinusulat sa inyo ngayon. Mabuti pang mamatay ako kaysa bayaran ninyo ako. Hindi ko ito hihingin dahil hindi ko inaangkin ang aking karapatan upang tustusan ninyo, ito ang aking dahilan upang magmalaki.
|
|
\v 16 Kung ipinangangaral ko ang magandang balita, hindi ako gumagawa ng anumang bagay na dapat kong ipagmalaki. Nararapat kong ipangaral ang magandang balita. Magdadalamhati ako nang may luha kung hindi ko magagawa ang ipinagagawa sa akin ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Kapag walang bayad kong ipinapangaral ang magandang balita, mayroon akong malaking gantimpala. Ngunit kahit hindi ko ito ipinapangaral nang walang bayad, kailangan ko pa rin itong gawin dahil pinagkatiwalaan ako ng Diyos upang gawin ang gawaing ito para sa kaniya.
|
|
\v 18 Kaya ano ang gantimpalang ibinibigay sa akin ng Diyos? Kapag ipinangangaral ko ang magandang balita sa mga taong hindi sumusuporta sa akin, ipinagkakaloob ko ito nang walang bayad, nang hindi nagbibigay sa sinuman ng pananagutan sa akin. Tinatanggap nila ang mabuting balita nang hindi nagbabayad ng pera, at hindi ako tumatanggap mula sa kanila ng anumang ibinibigay nila sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Malaya ako mula sa lahat ng mga pananagutan at wala akong utang sa sinuman. Walang sinumang nagmamay-ari sa akin, ngunit isa akong lingkod para sa lahat, upang makahikayat pa ako ng mas maraming tao na magtiwala kay Cristo.
|
|
\v 20 Kapag nagtatrabaho kasama ang mga Judio, nagiging tulad ako ng isang Judio, upang maidala ko sila kay Cristo. Sa mga nabubuhay sa ilalim ng kautusan namuhay ako katulad ng kanilang pamumuhay, upang ang mga nabubuhay sa ilalim ng kautusan ay magtiwala kay Cristo gaya ng pagtitiwala ko sa kaniya. Namuhay ako gaya ng kanilang ginawa, bagaman hindi ako nabubuhay sa pamamagitan ng mga hinihingi ng kautusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Kapag kasama ako ng mga hindi Judio, ang mga nabubuhay nang hiwalay sa kautusan ni Moises, nagiging tulad nila ako (bagaman ako mismo ay hindi labas sa kautusan ng Diyos at masunurin ako sa kautusan ni Cristo), upang mahikayat ko ang mga hiwalay sa kautusan na magtiwala kay Cristo.
|
|
\v 22 Sa mga mahihina tungkol sa mga patakaran at kautusan, namuhay akong gaya ng kanilang pamumuhay, upang mahikayat ko silang magtiwala kay Cristo. Namuhay ako sa ilalim ng mga patakaran at sa maraming paraan, at kasama ang lahat ng uri ng tao upang sa anumang paraang piliin ng Diyos na kumilos, ililigtas niya ang ilan sa kanila.
|
|
\v 23 Ginagawa ko ang lahat ng ito upang maipahayag ko ang magandang balita tungkol kay Cristo, upang maranasan ko rin ang mga magagandang bagay na inihahatid sa atin ng magandang balita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Alam ninyo na kapag tumatakbo ang mga tao sa isang karera, tumatakbo silang lahat, ngunit isa lamang sa kanila ang magkakamit ng gantimpala. Kaya nararapat din kayong tumakbo upang makamit ang gantimpala.
|
|
\v 25 Maingat na nagsasanay ang bawat manlalaro. Tumatakbo sila para sa koronang madaling nasisira at kumukupas. Ngunit tumatakbo tayo upang matanggap natin ang koronang magtatagal magpakailanman.
|
|
\v 26 Samakatwid sa lahat ng aking ginagawa, ginagawa ko ito para sa isang layunin. Hindi ko sinasayang ang aking pagsisikap o pinapagod ang aking sarili sa pagsuntok sa hangin tulad ng isang boksingero na walang kalaban.
|
|
\v 27 Dinidisiplina ko ang aking katawan at pinapasunod ko ito sa aking mga utos. Hindi ko nais ipangaral sa iba ang magandang balita at pagkatapos ay mawawala ang aking gantimpala dahil nabigo akong gawin ang iniutos niya sa akin na dapat kong gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Nais kong tandaan ninyo, mga kapatid, na sumusunod sa Diyos ang ating mga ninunong Judio, na nanguna sa kanila sa paglabas sa Ehipto sa pamamagitan ng ulap sa araw, at tumawid sila sa tuyong lupa ng dagat na Pula.
|
|
\v 2 At tayo bilang nabautismuhan kay Cristo, kaya ang mga Israelita ay dapat sumunod kay Moises gaya ng pagsunod niya sa Diyos sa ulap at pagtawid sa dagat.
|
|
\v 3 Kumain silang lahat ng mana na ibinigay sa kanila ng Diyos mula sa langit,
|
|
\v 4 at uminom silang lahat sa tubig na ibinigay ng Diyos sa kanila nang hampasin ni Moises ang bato. Ang batong ito ay si Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ngunit nagalit ang Diyos sa karamihan sa kanila dahil sumamba sila ng ibang mga diyos at naghimagsik laban sa kaniya, kaya ang kanilang mga bangkay ay nagkalat sa lahat ng kalupaan sa ilang.
|
|
\v 6 Ngayon ang mga bagay na ito ay mga halimbawa para sa atin, nang sa gayon ay matuto tayong huwag labis na magnasa sa mga bagay na masama, gaya ng kanilang ginawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sumamba rin ang ilan sa ating mga ninuno sa mga diyus-diyosan. Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, "Umupo ang mga tao upang kumain at uminom at pagkatapos ay tumayo upang sumayaw sa mahalay na paraan.
|
|
\v 8 Dalawampu't tatlong libo sa ating mga ninunong Judio ang namatay sa isang araw dahil sa kanilang kahalayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Huwag nating subukin ang kapangyarihan ni Cristo sa pamamagitan ng pagsuway sa kaniya, gaya ng ginawa ng ilan sa ating mga ninuno, at pinatay sila ng mga makamandag na ahas.
|
|
\v 10 Huwag magreklamo kung ano ang ibinigay ng Diyos, gaya ng ginawa ng ilan sa ating mga ninuno, at pinatay sila ng isang anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Ngayon nangyari ang mga bagay na ito sa ating mga ninuno; naisulat ang mga ito upang matuto tayo mula sa mga ito—tayo, na mga nabubuhay hanggang sa katapusan ng mundo.
|
|
\v 12 Kaya ang aral ay, maging maingat kayo kung inaakala ninyong kayo ay malakas at nakatindig nang matibay, dahil baka dito kayo bumagsak.
|
|
\v 13 Tinutukso tayong lahat ngunit ibinigay sa atin ng Diyos ang kaniyang pangako at hindi niya pahihintulutan ang tukso na mangibabaw kaysa sa inyong mga kakayahan upang mapaglabanan ang kasalanan. Kapag dumarating ang tukso, magbibigay ang Diyos ng paraan upang makalaya sa mga ito, upang inyong mapagtiisan ang mga tukso sa pagkakasala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Samakatwid, aking mga minamahal, agad ninyong lisanin hangga't kaya ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan.
|
|
\v 15 Kinakausap ko kayo gaya ng mga taong nag-iingat kung paano kayo namumuhay; isipin ninyo kung ano ang sinsabi ko rito.
|
|
\v 16 Kapag ininom natin ang alak sa kopa na ating ipinagpasalamat, tayo ay nakikibahagi sa dugo ni Cristo. Kapag hinati natin ang tinapay, tayo ay nakikibahagi sa katawan ni Cristo.
|
|
\v 17 May iisang piraso lamang ng tinapay, bagaman tayo ay marami, lahat ay ginawa sa iisang katawan, at sama-sama tayong kumukuha at kumakain mula sa iisang piraso ng tinapay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Isipin ninyo ang mga tao ng Israel. Ang mga kumakakain ng mga handog sa altar ay nakikibahagi sa altar.
|
|
\v 19 Sinasabi ko ba na ang diyus-diyosan ay totoo, o mas mahalaga ba na hindi kumain ng naihandog sa diyus-diyosan? Hindi kailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ngunit sinasabi ko ito: kapag nag-aalay ang mga hindi Judio, ginagawa talaga nila ito para sa mga demonyo, at kailan man ay hindi sa Diyos. At hindi ko nais na kayo ay maging kabahagi sa mga demonyo.
|
|
\v 21 Hindi kayo dapat uminom mula sa kopa ng Panginoon at pagkatapos ay iinom sa kopa ng mga demonyo. Hindi kayo dapat makibahagi sa hapunan ng Panginoon at pagkatapos ay kakain kasama ang mga demonyo.
|
|
\v 22 Ang paggawa sa mga ito ay mag-uudyok sa Panginoon para magselos. Hindi kayo mas malakas kaysa sa kaniya!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sinasabi ng iba, "Ang lahat ay naaayon sa batas," ngunit hindi lahat ng bagay ay para sa ating kabutihan o sa ikabubuti ng ibang tao. Oo, "ang lahat ay naaayon sa batas," ngunit hindi lahat ay nakakatulong sa paglago ng buhay ng tao sa Diyos.
|
|
\v 24 Huwag gumawa ng para sa pansariling ikabubuti lamang, ngunit sa ikabubuti rin ng ibang tao. Lahat tayo ay makitungo sa bawat isa sa paraang makakatulong sa kanilang lahat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Ito ang ating alituntunin: maaari mong mabili ang anumang karneng gusto mo sa pamilihan na hindi nagtatanong kung ito ay inihandog sa diyus-dyosan o hindi.
|
|
\v 26 Gaya ng sinasabi ng mang-aawit, "Ang mundo ay sa Panginoon at ang kabuuan nito."
|
|
\v 27 Kung inanyayahan kayong kumain ng isang hindi mananampalatayang Judio, at nais ninyong pumunta, kainin ninyo kung anuman ang inihahain niya sa inyo. Hindi ninyo obligasyong magtanong kung saan niya kinuha ang pagkain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Ngunit kung sinasabi sa inyo ng sinuman, "Binili namin ang pagkain na ito sa templo ng diyus-diyosan at ito ay inihandog sa mga diyos," kung gayon huwag ninyong kainin ang pagkain, para sa ikabubuti ng taong naghain nito, at upang hindi maging sanhi ng pagtatalo kung ano ang tama o mali.
|
|
\v 29 Ito ay hindi tungkol sa pag-iingat sa inyong sariling pag-iisip kung ano ang tama o mali, kundi sa kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol dito. Hindi mababago ang aking mga personal na pagpili sa pamamagitan ng pinaniniwalaan ng ibang tao sa kung ano ang tama o mali.
|
|
\v 30 Kung nasisiyahan ako sa pagkaing ipinagpasalamat ko, hindi ko dapat pinahihintulutan ang sinuman na hatulan ako.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ang alituntunin dito ay kung kakain kayo ng pagkain o iinom ng kanilang iniaalok sa inyo, o anuman ang inyong gawin, gawin ninyo ang lahat ng ito sa paraang nagbibigay ng papuri sa Diyos.
|
|
\v 32 Iwasang makasakit ng loob sa mga Judio o mga Griyego, gayon din sa mga nasa iglesia ng Diyos, tungkol sa mga bagay na gaya ng mga ito.
|
|
\v 33 Gagawin ko na aking tungkulin na pasayahin ang bawat isa sa abot ng aking makakaya, ginagawa ko ito hindi dahil sa paghahanap ng pansarili kong ikabubuti. Sa halip, sinusubukan kong magpalakas ng ibang tao sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila, upang mailigtas sila ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.
|
|
\v 2 Pinupuri ko kayo dahil naaalala ninyo ako sa lahat ng inyong ginagawa at pinanghahawakan ninyo nang mahigpit ang lahat ng mahahalagang katuruan na itinuro ko sa inyo at sinusunod ninyo ang mga ito gaya ng pagturo ko sa inyo.
|
|
\v 3 Nais kong maunawaan ninyo na si Cristo ang namamahala sa bawat lalaki, at ang isang lalaki ang namamahala sa isang babae, at ang Diyos ang namamahala kay Cristo.
|
|
\v 4 Kaya kung mananalangin at magpapahayag ng mensahe ng Diyos ang lalaki na may takip ang kaniyang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kaniyang sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ngunit kung mananalangin ang isang babae at magpapahayag ng mensahe na galing sa Diyos na walang takip ang kaniyang ulo, nagdadala siya ng kahihiyan sa kaniyang sarili. Sapagkat para na rin niyang inahitan ang kaniyang ulo.
|
|
\v 6 Kung ayaw takpan ng isang babae ang kaniyang ulo, dapat niyang gupitan ang kaniyang buhok nang maiksi, tulad sa isang lalaki. Ngunit alam ninyo na ito ay kahihiyan sa isang babae na magpagupit nang maiksi o magpaahit ng kaniyang ulo. Kaya, sa halip, dapat takpan niya ang kaniyang ulo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ang isang lalaki ay hindi dapat magtakip ng kaniyang ulo dahil nilalang siya ng Diyos na tulad niya, at ang lalaki ang sumasalamin sa ilang katangian mismo ng Diyos. Ngunit ang mga babae ang sumasalamin sa ilang katangian ng mga lalaki.
|
|
\v 8 Sapagkat hindi nilikha ng Diyos ang lalaking si Adan mula sa babaeng si Eva, sa halip, nilikha niya ang babaeng si Eva mula sa lalaking si Adan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Hindi ang lalaki ang nilikha ng Diyos para maging katuwang ng babae, kundi ang babae ay para sa lalaki.
|
|
\v 10 Ito ang dahilan kung bakit kailangang takpan ng mga babae ang kanilang mga ulo, bilang tanda na pamamahala ng lalaki sa kaniya at dahil sa mga anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Kaya habang nabubuhay tayong kaisa sa Panginoon, kailangan ng mga babae ang mga lalaki upang tulungan sila. At kailangan din ng mga lalaki ang mga babae upang tulungan sila.
|
|
\v 12 Dahil ang babae ay ginawa mula sa lalaki at ang lalaki ay ipinanganak mula sa babae. Umaasa sila sa isa't isa. Ngunit ang lahat ng bagay ay nagmula sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Hatulan ninyo ito: Ito ba ay angkop sa isang babae na manalangin sa Diyos na walang takip ang kaniyang ulo?
|
|
\v 14 Mismong ang kalikasan ay itinuturo sa atin na ito ay isang kahihiyan sa isang lalaki na magkaroon ng mahabang buhok.
|
|
\v 15 Ngunit itinuturo din ng mga ito na ang mahabang buhok sa isang babae ay isang nagpapakita ng kaniyang kagandahan. Ang kaniyang buhok ay ibinigay ng Diyos sa kaniya upang takpan ang kaniyang kagandahan.
|
|
\v 16 Ngunit kung may sinuman sa iglesiya ang naghahangad na makipagtalo tungkol sa bagay na ito, wala kaming ibang kaugalian maliban dito. Maging ang mga ibang iglesiya ay wala ding magagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Sa mga tagubiling ito, hindi ko kayo maaaring purihin sa ginagawa ninyo tungkol sa hapunan ng Panginoon. Kapag nagsama-sama kayo upang kumain, ginagawa ninyong lalong masama ang pagtitipon sa iglesiya, sa halip na para magpalakasan at magtulungan sa isa't isa.
|
|
\v 18 Pinakauna sa lahat ay kapag nagsama-sama kayo, mayroon kayong magkakaibang grupo at pangkat. Mula sa sinabi sa akin ng mga tao, tila ito ang totoo.
|
|
\v 19 Lumabas na may magkakaiba kayong grupo, ang ilan ay karapat-dapat at napaparangalan at ang iba ay hindi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Hindi ang Banal na Hapunan ng Panginoon ang inyong kinakain kapag nagsama-sama kayo.
|
|
\v 21 Kapag kakain kayo, nagdadala ang isang tao ng pagkain para sa lahat at kinakain din niya ito pagdating niya. Hindi niya hinihintay ang iba. Nagugutom ang isang tao habang nalalasing naman ang ibang tao na umiinom ng sobrang alak.
|
|
\v 22 Kumikilos kayo na parang wala kayong mga bahay upang kumain at uminom! Nilalapastangan ninyo ang iglesiya at hinahamak ninyo ang layunin ng inyong pagtitipon. Pinapahiya ninyo ang mga mahihirap. Wala akong masasabing mabuti tungkol dito. Ito ay isang kahihiyan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang anumang tinanggap ko mula sa Panginoon. Noong gabi na ipasasakamay ang Panginoong Jesus sa kaniyang mga kaaway, dumampot siya ng tinapay,
|
|
\v 24 at pagkatapos niyang magpasalamat, pinagpira-piraso ito at sinabi, "Ito ang aking katawan na para sa inyo, gawin ninyo ito at alalahanin ako."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Gayon din, pagkatapos nilang maghapunan, dinampot niya ang kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Gawin ninyo ito ng madalas habang iniinom ninyo ito, alalahanin ako."
|
|
\v 26 Sapagkat sa bawat oras na kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng ating Panginoon hanggang sa kaniyang muling pagbabalik.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Lahat ng dadalo sa pagdiriwang ito ng Banal na Hapunan ng Panginoon ay dapat dumalo upang magbigay parangal sa Diyos sa nasabing paraan. Ang mga kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ay dapat gawin nila ito sa paraan na nakakapagbigay karangalan sa Panginoon. Ang sinumanng maglalapastangan sa tinapay at sa kopa ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.
|
|
\v 28 Kaya dapat suriin nating lahat ang ating mga sarili bago tayo magkomunyon. Maaari lamang tayong kumain ng tinapay at uminom sa kopa pagkatapos nating suriin ang ating mga buhay, ang ating mga kasalanan at ang habag ng Diyos.
|
|
\v 29 Sinuman ang kumakain at umiinom nitong Banal na Hapunan na hindi kinikilala ang katawan ng Panginoon, umiinom at kumakain ng hatol ng Diyos sa kaniyang sarili.
|
|
\v 30 Marami sa inyo ang nagkakasakit sa pisikal at ang ilan ay namatay na dahil sa paraan ng pagtrato ninyo sa Banal na Hapunan ng Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Hindi tayo hahatulan ng Diyos kapag sinusuri natin ang ating mga sarili bago tayo magkomunyon.
|
|
\v 32 Ngunit kung hinahatulan at pinaparusahan tayo ng Diyos, dinidisiplina niya tayo upang tayo ay ituwid, nang sa gayon, hindi niya tayo hahatulan kasama ng sanlibutan na naghimagsik laban sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Mga kapwa ko mananampalataya, kapag nagsama-sama kayo para sa Banal na Hapunan ng Panginoon, hintayin ninyo ang isa't isa.
|
|
\v 34 Kung nagugutom ang isa sa inyo, kumain sa tahanan---nang sa gayon, kapag nagsama-sama kayo bilang iglesiya, hindi ito magiging okasyon para sa Diyos na disiplinahan kayo. At tungkol sa ibang mga bagay na inyong sinulat sa akin, bibigyan ko kayo ng mga tagubilin pagdating ko riyan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon mga kapatid, hayaan ninyong turuan ko kayo ng mga espiritual na kaloob. Nais kong malaman ninyo kung paano gamitin ang mga ito.
|
|
\v 2 Maaari ninyong alalahanin, kapag sumamba kayo sa mga diyus-diyosan—diyus-diyosan na hindi makapagsalita, inililigaw kayo ng mga ito.
|
|
\v 3 Tinutulungan kayo ng Espiritu ng Diyos upang ipahayag na si "Jesu-Cristo ay Panginoon." Wala ni isa mang napuspos ng Banal na Espiritu ang makapagsasabi, "Nawa'y isumpa si Jesus!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nagbibigay ang Espiritu ng iba't ibang kaloob sa mga tao ni Cristo, ngunit siya rin mismong Espiritu.
|
|
\v 5 Mayroon ding iba't ibang paraan upang paglingkuran ang Diyos, ngunit mayroon lamang nag-iisang Panginoon.
|
|
\v 6 Marami ring paraan ang mga tao sa paglilingkod sa kaharian ng Diyos, ngunit ang Diyos ang nagbibigay nang kakayahan sa kaniyang mga tao upang maglingkod sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ginawa itong posible ng Diyos sa bawat mananampalataya upang ipakita na nasa kaniya ang ilan sa mga kapangyarihan ng Espiritu. Ginawa ito ng Diyos upang tulungan ang lahat ng mananampalataya na sama-samang magtiwala at mapaluguran siya ng higit.
|
|
\v 8 Sapagkat ang Espiritu ang nagbibigay ng kakayahan sa isang tao upang sabihin ang mensahe nang may labis na karunungan mula sa Diyos at binibigyan din niya nang kakayahan ang isang tao na ibahagi sa isa pang tao ang ilang kaalaman mula sa Diyos. Ang iba't ibang kaloob na ito ay mula sa gawa ng Espiritu ring iyon sa bawat isang naniniwala kay Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ibinibigay ng Espiritu sa iba pang mananampalataya ang kaloob ng pagtitiwala sa Diyos para sa mga magagandang bagay. Sa iba ring tao, ibinibigay niya ang kakayahan na manalangin sa Diyos upang mapagaling ang mga tao. Nagbibigay ang Espiritu ng iba't ibang uri ng kaloob, ngunit siya rin mismo ang Espiritu ng Diyos.
|
|
\v 10 Ibinibigay ng Espiritu sa ibang mananampalataya ang kakayahang gumawa ng mga makapangyarihang gawain upang purihin ng mga tao ang Diyos. Sa ibang mananampalataya, ibinibigay niya sa kanila ang kakayahang magsalita ng mga mensahe mula sa Diyos. Ibinibigay din ng Espiritu sa ibang mananampalataya ang kakayahang sabihin kung alin sa mga espiritu ang gumagalang at hindi gumagalang sa Diyos. Ibinibigay din ng Espiritu ang iba't ibang uri ng mga wika upang sabihin ang mga mensaheng mula sa Diyos at ibinibigay din niya ang kakayahan ng pagbibigay-kahulugan ng mga mensaheng iyon sa ating wika.
|
|
\v 11 Patuloy nating nakikita ang iba't ibang kaloob, ngunit iisang Espiritu ang nagbibigay ng mga kaloob na ito sa bawat tao, ayon sa kaniyang kapasyahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Gaya ng katawan na binubuo ng maraming bahagi at ang bawat bahagi ng katawan ang bumubuo nito, gaya rin ng na kay Cristo.
|
|
\v 13 Sapagkat sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo, nang mabautismuhan tayo, nakiisa tayo sa katawan ni Cristo. Walang pagkakaiba kung anuman ang ating nakaraan, Judio man o Griyego, alipin man o malaya, ngunit ang bawa't isa sa atin ay tinanggap ang kaloob ng Banal na Espiritu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Alalahanin na hindi lamang iisa ang bahagi ng katawan, ngunit maraming bahagi ang magkakasamang gumagawa upang mabuo ang katawan.
|
|
\v 15 Kung sinabi sa iyo ng iyong paa, "Hindi ako kamay, kaya hindi ako bahagi ng iyong katawan," hindi maaaring hindi ito maging bahagi ng iyong katawan dahil hindi ito kamay.
|
|
\v 16 At kung sinabi sa iyo ng iyong tainga, "Hindi ako mata. Sa kadahilanang iyon, wala akong lugar sa katawan," hindi maaaring hindi ito maging bahagi ng iyong katawan dahil hindi ito mata.
|
|
\v 17 Kung ang buo mong katawan ay mata, wala kang maririnig na kahit ano. Kung ang buo mong katawan ay tainga, wala kang maaamoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Maayos na pinagsama-sama ng Diyos ang bawat bahagi ng katawan at gumagana ang mga ito gaya ng kaniyang pagkakagawa. Kinakailangan ang bawat bahagi.
|
|
\v 19 Kung ang bawat isa sa atin ay gaya rin ng ibang bahagi, wala tayong katawan.
|
|
\v 20 Tayong lahat ay mga bahagi, ngunit iisang katawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Sa inyong katawan, hindi maaaring sabihin ng mata sa kamay, "Hindi kita kailangan," tiyak na kailangan nito ang kamay. O hindi maaaring sabihin ng ulo sa paa, "Hindi kita kailangan."
|
|
\v 22 Kahit na ang mga mahihinang bahagi o ang mga gumagawa ng hindi mahahalaga at karaniwang gawain, mahalaga pa rin silang lahat upang mabuo ang katawan.
|
|
\v 23 Ang mga bahagi na maaari nating ikahiya na makita ng iba ay mas maingat nating tinatakpan ang mga ito. Sa paraang ito, ipinapakita natin na mas pinahahalagahan natin sila.
|
|
\v 24 Ngunit pinagkaisa ng Diyos ang mahahalaga sa mga hindi gaanong mahalaga. At pinararangalan ng Diyos ang mga bahaging hindi gaanong mahalaga, dahil bahagi sila ng katawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Pinararangalan ng Diyos ang buong bahagi ng katawan sa paraang ito kaya walang pagkakahiwa-hiwalay sa loob ng iglesiya at ang mga bahaging iyan ng katawan ni Cristo ay maaaring pangalagaan ang bawat bahagi ng katawan nang may pagpapahalaga, anuman ang kanilang layunin o tungkulin, kaloob o kakayahan.
|
|
\v 26 Dahil iisa tayong katawan, kapag nagdurusa ang isa, nagdurusa tayong lahat. Kapag binigyan ng parangal ang isa para sa pagtupad sa isang bagay para kay Cristo, ang buong katawan ay sama-samang nagagalak.
|
|
\v 27 Ngayon, kayo ang mga katawan ni Cristo at ang lahat ay bahagi nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Ibinigay din ng Diyos ang mga tao bilang mga kaloob sa iglesiya. Ibinigay niya sa iglesiya, una ang mga apostol, pangalawa ang mga propeta, pangatlo ang mga guro at ang mga gumagawa ng makapangyarihang mga gawa, ang mga nagsasagawa ng pagpapagaling, ang mga nagbibigay ng tulong, ang mga namamahala at ang mga may iba't ibang uri ng mga wika na ibinigay sa kanila ng Espiritu. Iyon ang mga kaloob na ibinigay sa inyo ng Diyos, mga kaloob na mga tao na bahagi ng mga lokal na iglesiya. Ibinigay sila ng Diyos sa inyo.
|
|
\v 29 Hindi lahat ay apostol. Hindi lahat ay mga propeta. Ilan lamang sa atin ang mga guro. Ilan lamang ang gumagawa ng makapangyarihang mga gawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Makapagpapagaling ba tayong lahat ng may sakit? Tiyak na hindi. Makapagsasalita ba tayong lahat sa mga natatanging wika? Ilan lamang ang may ganyang kaloob. Makapagbibigay-kahulugan ba tayong lahat ng mga mensahe sa ibang mga wika? Ilan lamang ang makagagawa nito. Magkakaiba tayo ng mga kaloob na mula sa Diyos.
|
|
\v 31 Ngunit ninanais kong sabik ninyong hangarin ang mas dakilang mga kaloob, lalo na ang mga kaloob na nagpapalakas at nagpapatibay ng iglesiya. At ngayon ipapakita ko sa inyo ang napakahusay na paraan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Kung makapagsasalita ako para mapamangha ko at mahikayat ang mga tao na gawin ang aking gusto, o kung maaaring makapagsasalita ako sa mga anghel—ngunit kung wala naman akong pag-ibig sa mga tao, wala akong kabuluhan nang higit sa batingaw at pompiyang, na walang ginawa kundi mag-ingay.
|
|
\v 2 Kung nakapagpapahayag ako ng mga mensahe para sa Diyos, at nakapagpapaliwanag ng mga lihim na katotohanan tungkol sa Diyos, at kung labis ang aking pagtitiwala sa Diyos na kaya kong mapalipat ang bundok—ngunit kung wala akong pag-ibig sa mga tao wala akong pakinabang.
|
|
\v 3 Kung ibigay ko ang lahat ng nasa akin upang pakainin ang mga mahihirap, o kung ialay ko ang aking buhay upang sunugin para iligtas ang iba ngunit kung wala akong pag-ibig sa mga tao, wala akong pakinabangan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kung tunay na iniibig ninyo ang iba, pagtitiisan ninyo ang mga paghihirap nang may kagalakan. Kung tunay ang inyong pag-ibig, maging mabuti kayo sa iba, kung tunay ang inyong pag-ibig, huwag ninyong masamain kung mayroon ang ibang tao ng mga bagay na wala sa inyo. Kung tunay ang inyong pag-ibig, huwag ninyong ipagmayabang ang iyong sarili o magmataas.
|
|
\v 5 Kung tunay ang inyong pag-ibig sa iba, hindi ninyo sila aabusuhin. Hindi kayo nabubuhay upang bigyang kasiyahan ang sarili. Hindi kayo madaling pagalitin ng sinuman. Hindi kayo naghahanap ng mga maling ginawa ng mga tao.
|
|
\v 6 Kung tunay ang inyong pag-ibig, hindi ka natutuwa sa ginawang kasamaan ng sinuman; sa halip, masaya ka kapag tapat ang tao sa Diyos.
|
|
\v 7 Kung tunay ang inyong pag-ibig sa iba, matitiis ninyo ang mga bagay na mangyayari. Magtitiwala kayo sa Diyos na may kakayahang makagawa ng mabuting bagay sa mga tao. Nagtitiwala kayo sa Diyos kahit anuman ang mga mangyayari. Sumusunod kayo sa Diyos kahit anuman ang inyong hinaharap na mga problema.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kung tunay ang inyong pag-ibig, hindi kayo hihintong magmahal. Sa kanila na may kakayahang magpahayag ng mensahe ng Diyos, nagsasalita ng kakaibang wika, o nakakaalam ng mga nakatagong katotohanan, gawin ninyo ito sa maikling panahon lamang. Isang araw ititigil na nilang gawin ang mga ganitong bagay.
|
|
\v 9 Ngayon, sa buhay na ito, nalalaman lang natin ang maliit na bahagi ng lahat ng dapat malaman. Nagagawa iyon ng mga nagpapahayag ng salita ng Diyos nang bahagya lamang.
|
|
\v 10 Ngunit kapag nangyari ang mga bagay na ganap, ang lahat na bahagya o hindi kumpleto ay matatapos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nang ako ay maliit na bata, nagsasalita ako gaya ng isang bata, nag-iisip ako gaya ng pag-iisip ng isang bata at nagpapasya gaya ng isang bata. Ngunit ng nasa tamang gulang na ako, itinigil ko na ang pagkilos na gaya ng isang bata, at nagsimulang kumikilos gaya ng nasa tamang gulang na.
|
|
\v 12 Nauunawaan na namin ngayon ang tungkol sa Diyos. Nauunawaan namin ngunit hindi pa lubos, hindi pa lahat, subalit kung bumalik na si Cristo, makikita na namin siya nang harapan. Ngayon alam namin ang bahagi lang ng katotohanan. Ngunit pagkatapos makikilala din namin siya ng lubos, gaya din ng pagkakilala niya sa atin.
|
|
\v 13 Napakahalaga na magtiwala tayo ngayon kay Cristo. Napakahalaga na nagtitiwala tayo na gagawin niya sa atin ang lahat ng kaniyang ipinangako. At napakahalaga na ibigin natin siya at ang bawat isa. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay pag-ibig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 14
|
|
\p
|
|
\v 1 Dapat masigasig ninyong hilingin sa Diyos na makakaya ninyong mahalin ang iba. Hilingin din ninyo sa kaniya na makakaya ninyong palakasin ang inyong mga kapwa mananampalataya sa mga kaloob na ibibigay sa inyo ng Espiritu; hilingin ninyo sa kaniya lalo na ang makakaya ninyong ipahayag ang mga mensaheng ibibigay niya sa inyo upang sabihin ninyo.
|
|
\v 2 Kapag nagsasalita ang tao sa wika na ibinigay sa kaniya ng Espiritu, hindi siya nakikipag-usap sa mga tao, dahil walang sinumang nakakaunawa sa kaniya, ngunit nakikipag-usap siya sa Diyos. Sinasabi niya ang mga bagay sa kaniya habang pinangungunahan siya ng Espiritu.
|
|
\v 3 Sa kabilang dako, direktang nakikipag-usap sa mga tao ang propeta na nagpapahayag ng mga mensaheng mula sa Diyos. Ginagawa niya ito upang tulungan sila sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kanila na huwag silang matitinag, at upang aliwin sila na maging masaya kahit sa kahirapan.
|
|
\v 4 Ang taong nagsasalita sa wikang ibinigay sa kaniya ng Espiritu ay pinalalakas at tinutulungan niya mismo ang kaniyang sarili, ngunit pinalalakas at tinutulungan ng taong nagpapahayag ng mensahe ng Diyos ang bawat isa sa iglesiya na lalong lumakas sa kanilang pananampalataya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ngayon nais kong makapagsalita kayong lahat ng ganitong mga wika, ngunit mas mabuti ito para sa buong iglesiya kung marami sa inyo ang mayroong kaloob ng pagpapahayag ng mga mensahe ng Diyos. Ang sinumang nagpapahayag ng mensaheng nagmula sa Diyos ay tinutulungan niyang mapalakas ang kapwa niya mananampalataya. Sa kadahilanang ito, ginagawa niya ang gawaing higit na mahalaga kaysa iyong mga nagpapahayag ng mga mensahe sa iba't ibang mga wika—maliban kung may isang magpapaliwanag sa mga mensaheng iyon.
|
|
\v 6 Kung pupunta ako sa inyo at magsasalita lamang ako sa mga wikang ibinigay ng Espiritu, paano ito makakatulong sa inyo? Hindi ito makakatulong sa inyo maliban kung magsasalita ako at tutulungan ko kayong malaman ang mga nakatagong bagay sa inyo, o tutulungan ko kayo upang maunawaan ninyo ang mga katotohanan na hindi ninyo alam, o maliban kung ihahayag ko sa inyo ang ilang mensaheng hindi pa ninyo narinig, o maliban kung ituturo ko sa inyo ang ilang alituntunin na hindi pa ninyo natutunan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Kung tinugtog ko ang plauta at alpa—at wala itong mga buhay, hindi tulad ng mga tao, at kung walang pinagkaiba ang tunog ng plauta sa alpa, walang sinuman ang makapagsasabi kung anong instrumento ang pinapatunog ko.
|
|
\v 8 At kung hinipan ng isang kawal ang trumpeta ng mahina, hindi malalaman ng hukbo kung maghahanda na ba sila para sa labanan.
|
|
\v 9 Parang ganito kapag magsasalita kayo ng mga salitang walang nakakaunawa: walang sinuman ang makakaalam kung ano ang inyong sinabi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Tiyak na maraming wika sa mundo, at may kahulugan ang lahat ng ito sa mga nakakaunawa.
|
|
\v 11 Ngunit kung hindi ko nauunawaan ang wika ng sinuman, magiging dayuhan ako sa kaniya, at gayon din siya sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Dahil labis ang pagnanais ninyong gumawa ang Espiritu sa pamamagitan ninyo, sikapin ninyong tulungan ang mga mananampalataya sa iglesiya na magtiwala kay Cristo at sundin siya.
|
|
\v 13 Sa kadahilanang ito, ipanalangin ninyo na bigyan kayo ng Diyos ng kakayahan upang ipaliwanag kung ano ang sinasabi ninyo sa wikang ibinigay sa inyo ng Diyos.
|
|
\v 14 Kung may mananalangin sa ganitong wika, tiyak na nananalangin din ang kaniyang espiritu, ngunit hindi ang kaniyang isipan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Samakatwid, dapat manalangin tayo sa pamamagitan ng ating espiritu, ngunit manalangin din tayo sa pamamagitan ng ating isipan. At pareho din ito kung aawit tayo ng papuri sa Diyos.
|
|
\v 16 Kung igigiit ninyo na pupurihin lamang ang Diyos sa inyong espiritu, hindi kailanman mauunawaan ng tagalabas kung ano ang inyong sinasabi, at hindi kailanman sasang-ayon sa mensahe.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Sapagkat kung magpapasalamat kayo sa pamamagitan ng inyong espiritu, maigi iyan at mabuti sa inyo, ngunit hindi kayo nakakatulong sa ibang mananampalataya.
|
|
\v 18 Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapagsasalita ako sa ibang mga wika ng higit sa inyo.
|
|
\v 19 Ngunit sa iglesiya mas gugustuhin kong magsalita ng limang salita sa pamamagitan ng aking isipan, sa mga salita na maaari kong maturuan ang iba, kaysa magsalita ng sampung libong salita sa wikang ibinigay sa akin ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Mga kapatid, maging tulad kayo ng mga batang hindi gumagawa ng iba't ibang uri ng kasalanan. Ngunit kung mag-iisip kayo tungkol sa inyong sarili at sa Diyos, dapat mag-isip kayo ng mabuti at huwag maging katulad ng mga bata.
|
|
\v 21 Sa kautusan nasusulat ito na sinabi ng Diyos, "Mangungusap ako sa aking bayang Israel sa pamamagitan ng mga dayuhan, mga taong nagsasalita sa kakaibang mga wika; at hindi ako mauunawaan ng aking mga tao."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kaya kung magsasalita ang isang mananampalataya sa wikang ibinigay sa kaniya ng Diyos, mananatili ito sa isipan ng mga hindi mananampalataya na maaaring nakikinig. Ngunit kung ipinapahayag ng mananampalataya ang mensahe na mula sa Diyos, mananatili ito sa isipan ng ibang mga mananampalataya.
|
|
\v 23 Makikita ninyo kung gaano nakakalito ito kung nagtitipon lahat ng mga mananampalataya at nagsalita ng iba't ibang mga wika. Tatawagin silang lahat na mga baliw kung may makakarinig sa kanila na hindi mananampalataya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ngunit kung ang lahat ay salitan na nagsasabi ng mga totoong mensahe na mula sa Diyos, mapagtanto ng hindi mananampalataya na nagkakasala siya laban sa Diyos.
|
|
\v 25 At sasabihin ng Diyos sa mga ibang naroon kung ano ang tunay na iniisip ng hindi mananampalataya. Magpapatirapa siya sa lupa sa pagkamangha at sindak at pupurihin niya ang Diyos at sasabihing tunay na nasa inyo ang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Mga kapatid, dapat ganito ang paraan kapag samasa-sama kayong sumasamba sa Diyos. Ang bawat isa sa inyo ay dapat dadalong may salmo na aawitin, o may ituturo mula sa mga Kasulatan, o may anumang sinabi ang Diyos sa inyo, o mensahe sa wika na ibinigay ng Diyos, o may pagpapaliwanag sa mensahe. Dapat lahat ng gagawin ninyong magkakasama ay nakakapagpalakas ng loob ng isa't isa, sapagkat iglesiya kayo ni Cristo.
|
|
\v 27 Kung may sinuman na nagnanais na maghayag ng mensahe sa wikang mula sa Diyos, dapat hindi hihigit sa dalawa o tatlong tao. Dapat salitan silang magsasalita at dapat may magpapaliwanag sa mga mensahe.
|
|
\v 28 Gayun pa man, kung walang makapagpapaliwanag sa mga mensaheng ito ay dapat manahimik sila at makipag-usap lamang sila sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Kung may nagnanais na magpahayag ng mensahe na mula sa Diyos, dapat mayroon lamang dalawa o tatlong tao; at dapat hahatulan ng lahat ang mga mensaheng iyon ayon sa sinasabi ng mga Kasulatan.
|
|
\v 30 Ngunit kung may pahihintulutan ang Diyos sa mga nakaupo sa pagtitipon na makaunawa sa mensahe, dapat ihinto ng nagpapahayag ang pagsasalita. Sa paraang ito, lahat ng mananampalataya ay maaaring makinig sa kahulugan ng mensahe.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Gayundin dapat ang gagawin ng mga nagpapahayag ng mensahe ng Diyos. Ngunit dapat nilang gawin ng salitan, nang sa gayon matututo ang lahat ng mananampalataya at makatanggap ng tapang upang mahalin ang Diyos nang mas mabuti.
|
|
\v 32 Sapagkat ang mga tunay na nagpapahayag ng mensahe ng Diyos ay nakakapagtimpi ng espiritu sa kung paano nila nagagawa ito.
|
|
\v 33 Sapagkat hindi nilikha ng Diyos ang pagkakalito; sa halip, nilikha niya ang kapayapaan. Ito ang ginagawa namin sa lahat ng mga iglesiya na inilaan ng Diyos para sa kaniya mismo:
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 manatiling tahimik ang mga babae sa iglesiya; hindi sila pinahintulutan na magsalita. Dapat huwag nilang abalahin ang nagsasalita ng mensahe ng Diyos, kundi dapat lagi nilang susundin ang kanilang mga asawa, gayundin ang sinasabi ng kautusan.
|
|
\v 35 Kung may nais malaman ang mga babae, dapat silang makipag-usap sa kanilang asawa sa bahay kaysa abalahin ang pagsamba. Nilalapastangan ng isang babae ang kaniyang asawa kung aabalahin niya ang gawain.
|
|
\v 36 Kayo ba ang mga tao na pinagkalooban ng Diyos ng kaniyang salita? o kayo lamang ba ang tumanggap nito?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Kung mayroong propeta o sinumang espiritwal sa inyo, mauunawaan niya na ang mga isinulat ko ay mga iniutos ng Panginoon, at susundin niya kung ano ang isinulat ko.
|
|
\v 38 Ngunit kung hindi kinikilala ng sinuman ang isinulat ko, huwag ninyo siyang kilalanin sa inyong pagtitipon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Kaya, mga kapatid, magkaroon nang masigasig na pagnanais na ipahayag ang mensahe ng Diyos sa iglesiya at huwag bawalan ang sinuman na magsalita sa wikang ibinigay sa kaniya ng Diyos.
|
|
\v 40 Lahat ng inyong ginagawa sa pagsamba sa iglesiya ay dapat maganap na may magandang-asal at may kaayusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 15
|
|
\p
|
|
\v 1 At ngayon nais kong ipaalala sa inyo, mga kapatid patungkol sa magandang balita na ipinahayag ko sa inyo. Naniwala kayo sa mensaheng ito at namumuhay kayo ayon dito.
|
|
\v 2 Maliligtas kayo ng magandang balita, hanggat mahigpit ninyo itong pinanghahawakan—maliban na lang kung hindi ninyo ito tunay na pinaniniwalaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kung ano ang unang sinabi sa akin siya namang ipinapasa ko sa inyo, na namatay si Cristo dahil sa ating mga kasalanan, gaya ng sinabi ng Kasulatan na inihula na mangyayari sa kaniya.
|
|
\v 4 At kanila rin siyang inilibing, at binuhay siya ng Diyos ng ikatlong araw. Umaayon ang lahat alinsunod sa mga nakasaad sa Kasulatan na mangyayari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kasunod nito nagpakita si Cristo kay Cephas (na kilalang Pedro) at nagpakita siya sa ibang mga apostol.
|
|
\v 6 Hindi nagtagal, nagpakita siya sa mahigit limandaang mga kapatid sa Panginoon noong sila ay nagsama-sama. Patay na ang ilan sa kanila, ngunit marami sa kanila ang nanatiling buhay pa at maaaring magpatunay dito.
|
|
\v 7 At nagpakita kay Santiago at nagpakitang muli sa lahat ng mga apostol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sa pinakahuli, nagpakita siya sa akin, kahit na hindi ako lubos na katulad ng ibang mga apostol.
|
|
\v 9 Sapagkat ako ang pinakahamak sa lahat ng mga apostol, hindi ako karapat-dapat na tawaging apostol dahil nagawa kong pahirapan nang labis ang iglesya ni Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ngunit napakabuti ng Diyos sa akin, kaya gumawa siya ng maraming mabubuting bagay sa pamamagitan ko. Totoo, nagtrabaho ako ng higit sa lahat ng ibang mga apostol. Hanggang ngayon, tunay na hindi ako ang gumagawa, kundi ang Diyos, na nagbibigay sa akin ng lakas.
|
|
\v 11 Kaya kahit na ang ibang mga apostol o ako ang nangangaral sa inyo, nagpapahayag kami ng mabuting balita tungkol kay Cristo, at naniniwala kayo sa amin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ngayon nagsasabi ang ilan sa inyo na hindi mabubuhay kailanman ang mga namatay na. Hindi totoo ito, dahil ipinahayag namin sa inyo na nabuhay si Cristo mula sa mga patay.
|
|
\v 13 Kung walang nabuhay mula sa mga patay, kung magkaganun hindi na sana binuhay ng Diyos si Cristo.
|
|
\v 14 At kung hindi binuhay si Cristo mula sa mga patay, sa ganun walang kabuluhan lahat ang aming mga ipinangangaral, at ang pinaniniwalaan ninyo tungkol kay Cristo ay walang anumang magagawa para sa inyong buhay o sa inyong kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sa karagdagan, makikita ng mga tao na kami ay nagsasalita ng mga kasinungalingan tungkol sa Diyos, kung totoong hindi muling mabubuhay ang mga patay.
|
|
\v 16 Muli sinasabi ko, kung walang isa man ang binuhay sa mga patay, kung gayon maging si Cristo hindi na sana binuhay ng Diyos.
|
|
\v 17 At kung hindi binuhay si Cristo, walang kabuluhan ang inyong paniniwala, at mananatili kayong hahatulan ng Diyos sapagkat nagkasala kayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kung ganoon ang kalagayan, walang inaasahang pagkabuhay ang lahat ng nagtititwala kay Cristo na mga namatay.
|
|
\v 19 Kung sa buhay lang na ito tayo umaasa kay Cristo, at umaasa tayong wala siyang gagawin para sa atin pagkatapos nating mamatay, kaya sa lahat ng tao, tayo na ang pinaka-kawawa sa iba, dahil naniniwala tayo sa kasinungalingan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ngunit sa katotohanan, binuhay ng Diyos si Cristo mula sa mga patay, at una lamang siya maraming tao na bubuhayin.
|
|
\v 21 Sapagkat namatay ang lahat ng tao sa sanlibutan dahil sa ginawa ni Adan. Gayunpaman, muling bubuhayin ang mga namatay--dahil sa ginawa ng isang tao na iyon ang taong si Cristo-Jesus.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Dahil, gaya nating lahat na namatay dahil sa kasalanan ni Adan, sa ganito ring paraan, mabubuhay din tayong lahat dahil sa ginawa ni Cristo.
|
|
\v 23 Ngunit bubuhayin silang muli mula sa mga patay ayon sa kaniya-kaniyang panahon: si Cristo ang unang binuhay mula sa mga patay; kasunod nito muling bubuhayin ang mga nakiisa kay Cristo sa pagbabalik sa mundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pagkatapos magwawakas na ang sanlibutan, kapag naiharap na ni Cristo ang lahat ng sanlibutan sa Diyos Ama, para siya ang mamahala. Ito ay kapag ipinahinto na ni Cristo ang lahat ng pamamahala sa katayuan ng mga pamumuno, at bawat bagay na naghaharing may kapamahalaan at lahat ng nakaluklok sa kapangyarihan ng sanlibutang ito.
|
|
\v 25 Dahil si Cristo ang dapat na mamahala hanggang matalo ng Diyos ang bawat isa sa kaniyang mga kaaway, at mapasailalim sila ng kapangyarihan ni Cristo upang makita na wala silang kapangyarihan.
|
|
\v 26 Ang kamatayan ang huling kaaway na kaniyang sisirain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Sapagkat sinabi sa mga Kasulatan, "Inilagay ng Diyos ang lahat ng bagay sa ilalaim ng kaniyang kapangyarihan," iyon ay, sa kapangyarihan ni Cristo. Ngunit maliwanag na hindi isinama ng Diyos ang kaniyang sarili.
|
|
\v 28 Pagkatapos ilalagay ng Diyos ang lahat ng bagay sa kapangyarihan ni Cristo, kaya ilalagay din ng anak ang kaniyang sarili sa kapangyarihan ng Diyos Ama, sa ganun magiging pareho ang ugnayan ng Diyos sa lahat ng mga tao at bawat bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Kung hindi totoo ang lahat ng ito, kung gayun, bakit nagpapabautismo ang ilan sa mga Kristiyano para maipalit sa mga patay na? Walang kahulugan ito, kung hindi muling bubuhayin ng Diyos ang mga patay.
|
|
\v 30 At mawawalang kahulugan ang lahat ng ito sa aming mga apostol upang magpatuloy na ilagay ang aming buhay sa panganib sa pagpapahayag ng magandang balita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Mga kapatid, ipinagmamalaki ko kayo; gaya kayo ng aking mga ari-arian na aking ipapakita kay Cristo Jesus na ating Panginoon. Ngunit sinasabi ko sa inyo na nabibingit ako sa kamatayan araw-araw!
|
|
\v 32 Kung hindi bubuhayin ng Diyos ang mga patay, kung gayun, walang kabuluhan ang aking pakikipaglaban sa mga mababangis na hayop sa Efeso. Sa isinulat ng makata sa usaping ito na maaaring maging totoo: "Kumain tayo at uminom ng alak ngayon, dahil mamamatay tayo bukas."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Huwag kayong magpadaya: "Kung may mga masasama kayong kaibigan, hindi na ninyo iisipin pang mamuhay sa maayos na paraan."
|
|
\v 34 Maging handa! Mamuhay sa tamang paraan at huwag magpatuloy sa pagkakasala. Hindi talaga kilala ng ilan sa inyo ang Diyos. Sinasabi ko ito upang ipahiya kayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Maaaring itanong sa inyo ng ilan " Paano mabubuhay ang mga patay? Ano ang magiging uri ng katawan nila?"
|
|
\v 36 Wala kayong alam! Hindi ninyo iiniisip ang tungkol sa katotohanan na ang anumang binhi na inyong itinatanim sa lupa ay hindi magsisimulang tumubo hanggang hindi ito mamamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 At kapag namatay kayo, ang katawang inilibing ay hindi kapareho ng katawang babangon. Isang binhi lamang iyon; magbabago ito sa kabuuang anyo.
|
|
\v 38 Bibigyan ito ng Diyos ng isang bagong katawan ayon sa kaniyang pagkakapili, at sa bawat binhi na itinanim sa lupa, bibigyan niya ito ng bagong katawan.
|
|
\v 39 Hindi magkakapareho ang lahat ng mga nilalang. Mayroong tao at mayroong mga hayop sa lupa na iba't ibang uri, at may mga ibon at mga isda. Magkakaiba ang lahat ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Mayroon ding iba't ibang uring mga bagay na nasa kalangitan. Ang mga kagandahan ng panlangit ay kakaiba sa kagandahang panlupa.
|
|
\v 41 May likas na kagandahan para sa liwanag ng araw, at likas na kagandahan para sa liwanag ng buwan. Mayroon namang ibang kagandahan para sa mga bituin, ngunit marami ang pagkakaiba ng mga bituin sa isat isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 42 Kapag babangon ang mga tao mula sa mga patay ay ito rin ang paraan. Ang sinumang pumupunta sa lupa ay patay na, ngunit ang babangon ay kailanman hindi muling mamamatay.
|
|
\v 43 Kapag napunta ito sa lupa, may kahihiyan, ngunit kapag binuhay muli ito ng Diyos, mayroon itong karangalan at kapangyarihan.
|
|
\v 44 Anumang napupunta sa lupa ay pag-aari ng lupa, ngunit anumang bumabangon mula sa patay ay taglay ang kapangyarihan ng Diyos. Kaya, may mga bagay na kabilang sa mundong ito, at may mga bagay na taglay ang kapangyarihan ng Diyos na mananatili magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Kaya sinabi ng Kasulatan, "Ang unang taong si Adan ay isang nabubuhay na siyang nagbigay buhay sa kaniyang mga anak at mga kaapu-apuhan." Ngunit si Cristo, ang ikalawang Adan ay nagbigay sa mga tao ng kapangyarihan ng Diyos upang mabuhay magpakailanman.
|
|
\v 46 Unang dumating ang mga kabilang sa mundo, ito ang kalikasan, at pagkatapos dumating ang mga kabilang sa Diyos, iyan ay espirituwal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 47 Kabilang sa mundo ang tao na si Adan, sapagkat ginawa siya sa alabok. Ngunit ang ikalawang tao na maka-langit ay si Cristo.
|
|
\v 48 Gaya ni Adan na nilikha sa alabok, ang lahat ng galing sa kaniya ay ginawa sa alabok. Katulad ito ni Cristo, siyang nagmula sa langit: sinumang kabilang sa langit ay ginawang katulad niya.
|
|
\v 49 Katulad ng paglikha sa atin ng Diyos na kawangis ng tao na nilikha mula sa alabok, kaya gagawin rin niya tayong kawangis ng taong nagmula sa langit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 50 Ngayon sinasabi ko ito, hindi maaaring makamtan ng mga taong mamamatay ang mga bagay na ipangako ng Diyos na ibibigay sa lahat na pinamamahalaan niya. Tulad ito ng mga bagay na namamatay na hindi magiging mga bagay na hindi namamatay.
|
|
\v 51 Tingnan ninyo! Sasabihin ko sa inyo ang mga bagay na inilihim sa atin ng Diyos. Hindi mamamatay ang lahat ng mananampalataya, ngunit babaguhin tayong lahat ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 52 Babaguhin niya tayo sa isang iglap, katulad sa bilis ng isang kisap-mata, kapag hinipan na ng mga anghel ng Diyos ang huling tunog ng trumpeta. Sapagkat kanilang hihihipan ang mga trumpeta at pagkatapos bubuhayin ng Diyos ang mga namatay para hindi na muling mamamatay.
|
|
\v 53 Sapagkat kahit mamatay tayong lahat, magpakailanman tayong mabubuhay, hindi na muling mamamatay. Oo, ang ating mga katawan na naitalaga sa kamatayan, gagawing bago ng Diyos at hindi na muling mamamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 54 Kapag nangyari ito, magkakatotoo na, kung ano ang sinabi ng kasulatan: Lubos ng tinalo ng Diyos ang kamatayan."
|
|
\v 55 "Hindi na muling mananalo ang kamatayan! Ang takot sa kamatayan ay aalisin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 56 Ang kasalanan ang sanhi nang labis na pagdurusa kapag namamatay na tayo. At dahil sa kautusan, pumasok ang kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay
|
|
\v 57 Ngunit ngayon, nagpapasalamat tayo sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa kamatayan sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 58 Samakatuwid, mga minamahal kong kapatid, maging matatag kayo sa inyong pananampalataya, hindi natitinag at maging masipag sa gawain ng Panginoon. Alam ninyo na mananatili magpakailaman ang anumang ginagawa ninyo para sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 16
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon, nais kong sagutin ang inyong mga katanungan tungkol sa perang kinokolekta namin para sa mga tao ng Jerusalem na kabilang sa Diyos. Dapat din ninyong gawin kung ano lang ang aking sinabing gawin ng mga mananampalataya na gawin ng iglesia sa Galacia.
|
|
\v 2 Tuwing Linggo, ang bawat isa sa inyo ay dapat magtabi ng pera at ipunin, ayon sa inyong makakayanan, upang hindi na ninyo kinakailangan pang mangolekta kapag ako ay dumating.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kailangan ninyong mamili ng tao, sinumang nais ninyo, na magdala ng inyong kaloob sa Jerusalem. At kapag ako ay dumating, magpapadala ako ng mga liham sa kanila tungkol sa inyong mga kaloob.
|
|
\v 4 Kung ito ang nakabubuting gawin, sila ay maglalakbay kasama ko sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Binabalak kong pumunta sa inyo kapag napadaan ako sa rehiyon ng Macedonia.
|
|
\v 6 Marahil ay mananatili akong kasama ninyo, at marahil hanggang sa kabuuan ng taglamig, upang matulungan ninyo ako sa aking pangangailan sa paglalakbay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Hindi ko nais makita lamang kayo sa maikling panahon. Inaasahan ko ang mas mahabang panahon upang matulungan tayo.
|
|
\v 8 Nais kong manatili sa Efeso hanggang sa Pagdiriwang ng Pentecostes,
|
|
\v 9 sapagkat may bagong pagkakataon ang Panginoon para sa akin doon, bagaman marami parin ang tumututol sa amin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ngayon kapag dumating si Timoteo, tratuhin ninyo siya ng maayos at siguraduhin ninyo na wala siyang dapat katakutan, sapagkat ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, gaya ng aking ginagawa.
|
|
\v 11 Huwag ninyong hayaan ang sinuman na hamakin siya. Tulungan ninyo siya sa kaniyang paglalakbay sa abot ng inyong makakaya, pabalikin ninyo siya nang may kapayaan upang makasama ko siya. Inaasahan kong kasama niya ang ibang mga kapatid sa kaniyang paglalakbay papunta sa akin.
|
|
\v 12 Tinanong ninyo ang tungkol sa ating kapatid na si Apolos. Sapilitan ko siyang hinikayat na dapat siyang dumalaw sa inyo kapag ang ibang mga kapatid ay pumunta sa inyo. Nakapagpasiya siyang hindi makakapunta sa ngayon, ngunit pupunta siya diyan sa inyo kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Maging handa at magpakatatag sa inyong pananampalataya. Maglingkod para sa Panginoon tulad ng isang nasa wastong kaisipan.
|
|
\v 14 Gawin ang lahat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pag-ibig
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Alam ninyo ang mga sambahayan ni Estefanas, na sila ang unang naniwala sa lalawigan ng Acaya, at sila ay naglilingkod sa pagtulong ng mga kabilang sa Panginoon. Hinihimok ko kayong mga kapatid,
|
|
\v 16 sumunod kayo katulad nilang tumutulong sa gawain, at nagsisikap kasama kami.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ako ay nagagalak nang makarating dito sina Estefanas, Fortunato at Acaico mula sa Corinto, dahil napatunayan nila na wala ka dito.
|
|
\v 18 Hinikayat at tinulungan nila ako sa aking espiritu, gaya ng pagtulong nila sa iyo. Sabihin sa iba kung gaano ka nila tinulungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Kinukumusta kayo ng mga iglesia sa Asya. Kinukumusta rin kayo nina Aquila at Priscila habang ginagawa ninyo ang gawain ng Panginoon, gayundin ang mga ibang mananampalatayang nagtitipon sa bahay nila, k. inukumusta rin nila kayo.
|
|
\v 20 Kinukumusta rin kayo ng lahat ng mananampalataya. Magbatian kayo nang may banal na halik.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Ako si Pablo, isinusulat ko itong pangungusap ng aking sariling kamay.
|
|
\v 22 Sinumang hindi umiibig sa Panginoon, sumpain nawa siya. O Panginoon, halika!
|
|
\v 23 Nawa'y mapasainyo ang kagandahang-loob ng Panginoong Jesus.
|
|
\v 24 Ipinapadala ko itong paalala na mahal ko kayo, dahil kaisa kayong lahat sa Cristo Jesus.
|