737 lines
82 KiB
Plaintext
737 lines
82 KiB
Plaintext
\id DAN
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Daniel 1:1-21
|
|
\toc1 Daniel 1:1-21
|
|
\toc2 Daniel 1:1-21
|
|
\toc3 dan
|
|
\mt Daniel 1:1-21
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Matapos ang tatlong taong paghahari sa Juda ni Haring Jehoiakim, dumating sa Jerusalem si Haring Nebucadnezar ng Babilonia kasama ang kaniyang hukbo at kinubkob ang lungsod upang humina ang lungsod bago salakayin ng hukbo.
|
|
\v 2 Pagkatapos ng dalawang taon, binigyan ng Panginoon ng katagumpayan ang mga kawal ni Nebucadnezar laban kay Jehoiakim na hari ng Juda. Kinuha rin nila ang ilan sa mga sagradong kagamitan na nasa templo ng Diyos, at dinala ang mga ito sa sa Babilonia sa lupain ng Sinar. At doon inilagay ang mga ito ni Nebucadnezar sa tahanan ng kayamanan ng kaniyang diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pagkatapos, inutusan ni Nebucadnezar si Aspenaz, ang pinunong opisyal sa kaniyang palasyo, upang dalhin sa kaniya ang ilan sa kalalakihang Israelita na kanilang dinala sa Babilonia. Ang mga kalalakihang ito ay nagmula sa mga mahahalagang pamilya, kabilang ang pamilya ng hari ng Juda.
|
|
\v 4 Ang mga kalalakihan na napaka-lusog, makisig, matalino, may pinag-aralan, madaling matuto sa lahat ng bagay at angkop para sa pagtatrabaho sa palasyo ang nais lamang ni Haring Nebucadnezar. Nais niyang turuan sila ng wika ng taga-Babilonia upang maunawaan nila ang mga sulat-kamay ng taga-Babilonia.
|
|
\v 5 Inutusan ng hari ang kaniyang mga lingkod, "Ibigay ninyo sa kanila ang mainam, masaganang mga pagkain at alak na hinahain sa akin. Sanayin sila sa loob ng tatlong taon at pagkatapos sila ay magiging aking mga lingkod."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kasama sa mga binatang Israelita na napili ay sina Daniel, Hananias, Misael at Azarias, silang lahat ay nanggaling sa Juda.
|
|
\v 7 Binigyan sila ni Aspenaz ng Babiloniang mga pangalan. Ibinigay niya kay Daniel ang pangalang Beltesazar, ibinigay niya kay Hananias ang pangalang Shadrac, ibinigay niya kay Misael ang pangalang Mesiac at ibinigay niya ang pangalang Abednego kay Azarias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ngunit nagpasiya si Daniel na hindi niya kakainin ang uri ng pagkain na kinakain ng hari, o inumin ang alak na iniinom ng hari dahil iyon ang ritwal na dudungis sa kaniya. Kaya humingi siya ng pahintulot kay Aspenaz, ang pinuno ng mga opisyal ng hari na kumain at uminom ng ibang pagkain upang hindi niya madungisan ang kaniyang sarili.
|
|
\v 9 Binigyan ng Diyos si Daniel ng kabutihan at habag sa ugnayang mayroon sila ni Aspenaz. Nagkaroon ng malaking paggalang ang pinunong opisyal kay Daniel.
|
|
\v 10 Sinabi niya kay Daniel, "Ang aking panginoong hari, ang pumili kung anong pagkain at inumin ang dapat mayroon kayo. Kapag kumain kayo ng ibang mga bagay at naging mas payat kayo at mas maputla kaysa sa ibang mga binata na kasing-edad ninyo, maaari niyang utusan ang kaniyang mga kawal upang pugutin ang aking ulo dahil hindi ninyo sinunod ang kaniyang mga utos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nagtalaga ng isang lingkod ang pinunong opisyal upang bigyan ng pagkain at inumin si Daniel, Hananias, Misael at Azarias. Kinausap siya ni Daniel.
|
|
\v 12 Sinabi niya, "Pakiusap subukin mo ang inyong mga lingkod! Sa loob ng sampung araw bigyan mo lamang kami ng mga gulay na kakainin at tubig na iinumin.
|
|
\v 13 Pagkatapos ng sampung araw, tingnan mo kung kami ay lumusog o hindi. At tingnan mo rin ang itsura ng mga kumain ng pagkain ng hari. Pagkatapos gawin mo sa amin kung ano ang iniisip mong nararapat."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sumang-ayon ang lingkod sa pagsubok na ito. Ibinigay niya ang pagkain na hiniling ni Daniel sa loob ng sampung araw.
|
|
\v 15 Pagkatapos ng sampung araw, nakita niyang mas malusog sila at mas malakas ang pangangatawan kaysa sa mga binatang kumain ng pagkain na pinili ng hari para sa kanila.
|
|
\v 16 Kaya pagkatapos noon, kinuha niya ang natatanging pagkain at inumin ng hari, at binigyan lamang sila ng mga gulay upang kainin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Binigyan ng Diyos ng karunungan at kakayahan ang apat na binatang ito upang pag-aralan ang maraming bagay na isinulat at pinag-aralan ng mga taga-Babilonia. Binigyan niya rin ng kakayahan si Daniel upang maunawaan ang kahulugan ng mga pangitain at mga panaginip.
|
|
\v 18 Pagkatapos ng tatlong taon, pumili ang hari ng araw kung kailan haharap sa kaniya ang mga dumaan sa pagsasanay. Si Aspenaz, ang pinuno ng mga opisyal ng hari, ay iniharap silang lahat kay Nebucadnezar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Kinausap sila ng hari at napagtanto na wala sa ibang mga binata ang mas marunong kaysa kay Daniel, Hananias, Misael, at Azarias. Kaya tumindig silang magkakasama, at nakahandang magsimula sa kanilang paglilingkod sa hari.
|
|
\v 20 Sa bawat katanungan na nangangailangan ng karunungan at pang-unawa, nalaman ng hari na ang mga binatang ito ay sampung beses na mas magagaling kaysa sa mga salamangkero at engkantador. Wala nang hihigit pa sa apat na ito sa kaniyang buong kaharian.
|
|
\v 21 Nanatiling naglingkod si Daniel doon sa hari ng mahigit animnapung taon hanggang sa unang taong pagdating ni haring Ciro.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Isang gabi, sa panahon ng ikalawang taon na paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng isang panaginip. Nabagabag siya nang labis ng kaniyang panaginip kaya hindi siya makatulog.
|
|
\v 2 Nang sumunod na umaga, ipinatawag niya ang kaniyang mga tauhan na siyang gumagawa ng salamangka, ang mga nagsasabing nakakausap ang patay, ang mga nagbibigay ng payo mula sa pagmamatiyag sa mga bituin, at ang matatalinong kalalakihan. Upang subukan ang kanilang kakayahan, hiniling niya na sabihin nila sa kaniya kung ano ang kaniyang napanaginipan. Dumating sila at tumayo sa harapan ng hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sinabi ng hari, "Nagkaroon ako ng panaginip kagabi na bumagabag sa akin at nais kong malaman kung ano ang kahulugan ng panaginip."
|
|
\v 4 Sumagot sa hari ang mga kalalakihan na pinag-aaralan ang mga bituin, (kung ano ang sumunod ay naisulat sa wikang Aramaico). Sinabi nila, "Haring Nebucadnezar, nawa'y mabuhay ka magpakailanman! Sabihin mo sa amin ang iyong panaginip at sasabihin namin sa iyo ang kahulugan nito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ngunit sumagot ang hari sa kanila, "Nakapagpasiya na ako na kailangan ninyong sabihin sa akin ang panaginip at sabihin din sa akin ang kahulugan nito. Kung hindi ninyo gagawin ito, puputulin ko kayo ng pira-piraso at gagawin kong tumpok ng dumi ang inyong mga tahanan!
|
|
\v 6 Ngunit kung sasabihin ninyo sa akin ang aking napanaginipan at kung ano ang kahulugan nito, gagantimpalaan ko kayo. Ibibigay ko sa inyo ang mga kaloob at dakilang karangalan. Kaya sabihin ninyo sa akin ang aking napanaginipan at kung ano ang kahulugan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Muli silang sumagot, "Sabihin mo sa amin kung ano ang iyong napanaginipan, at sasabihin namin sa iyo ang kahulugan nito."
|
|
\v 8 Sumagot ang hari, "Alam ko na sinusubukan ninyo lamang na kumuha pa ng maraming oras dahil alam ninyo na gagawin ko sa inyo kung ano ang aking sinabing gagawin.
|
|
\v 9 Kung hindi ninyo sasabihin sa akin ang aking napanaginipan, alam ninyo ang aking ipinangakong gagawin sa inyo. Sa tingin ko, nagkasundo kayong lahat na magsabi sa akin ng mga kasinungalingan at ibang masasamang bagay bago maubos ang inyong oras. Kung kaya, may isa lamang kayong pagpipilian. Sabihin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na kaya ninyong sabihin sa akin kung ano ang kahulugan nito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sumagot ang matatalinong kalalakihan sa hari, "Walang tao sa mundo ang may kayang gawin ang iyong hiling! Walang hari kahit ang isang dakila at makapangyarihang hari na humiling kailanman sa kaniyang mga astrologo o sa mga nagsasabing nakikipag-usap sa patay, o sa matatalinong kalalakihan tulad sa aming mga sarili upang gawin ang tulad ng isang bagay na iyon!
|
|
\v 11 Ang hinihiling mo sa amin na gawin ay imposible. Ang mga diyos lamang ang may kakayahang sabihin sa iyo kung ano ang napanaginipan mo at hindi sila nabubuhay kasama natin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Labis na nagalit ang hari nang marinig niya iyon, kaya iniutos niya sa kaniyang mga kawal na patayin nila ang lahat ng kalalakihang kinilala sa kanilang karunungan sa buong Babilonia.
|
|
\v 13 Ayon sa utos ng hari, umalis sila upang hanapin si Daniel at ang kaniyang mga kaibigan, upang ipapatay sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dumating si Arioc na pinuno ng mga bantay ng hari kasama ang mga kawal upang patayin ang bawat isa sa Babilonia na itinuturing na matatalino. Kaya kinausap siya ni Daniel nang labis na napakatalino at mahusay na pakikitungo.
|
|
\v 15 Tinanong ni Daniel ang pinunong si Arioc, "Bakit gumawa ng kautusan ang hari na kailangang maipatupad kaagad?" Kaya sinabi ni Arioc kay Daniel ang lahat ng nangyaring iyon.
|
|
\v 16 Pumunta si Daniel upang makipag-usap sa hari at humiling ng kasunduan sa hari upang maaari niyang sabihin sa hari kung ano ang tungkol sa kaniyang panaginip at kung ano ang ibig sabihin nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at sinabi niya sa kaniyang mga kaibigang sina Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari.
|
|
\v 18 Hinimok niya sila na humiling sa Diyos na naninirahan sa kalangitan, upang tulungan sila sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila ng lihim ng panaginip ng hari upang sila at ang ibang kalalakihan sa Babilonia na kilala sa karunungan ay hindi mailagay sa kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nang gabing iyon, binigyan ng Diyos si Daniel ng isang pangitain, at sa pangitaing iyon, naipaalam sa kaniya ang lihim. Pagkatapos, pinuri ni Daniel ang Diyos
|
|
\v 20 na nagsasabing, "Pinupuri namin ang pangalan ng tunay na Diyos magpakailanman dahil pagmamay-ari niya ang lahat ng karunungan at kapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pinalipas niya ang oras, at siya ang nagmamay-ari ng mga panahon. Tinatanggal niya ang bawat hari kapag namimili siya at nagbibigay sa mga bagong hari ng kanilang kaharian. Nagbibigay siya ng karunungan sa iilan, at nagiging matalino ang mga tao. Nagtuturo siya ng kaalaman sa mga nakakaunawa.
|
|
\v 22 Inihahayag niya sa atin ang mga bagay na malalalim at nakatago. Kaya niyang gawin ito dahil nalalaman niya ang lahat na itinatago ng kadiliman sa atin at dahil nagmumula ang liwanag kung saan siya nananahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Ang Diyos, na siyang sinamba ng aking mga ninuno, nagpapasalamat ako at pinupuri ka dahil ginawa mo akong matalino at malakas. Sinabi mo sa akin at sa aking mga kaibigan ang hiniling namin na sasabihin mo sa amin, at inihayag mo sa amin kung ano ang pangangailangan ng hari na malaman."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pagkatapos, pumunta si Daniel kay Arioc, ang lalaki na siyang hinirang ng hari upang patayin ang lahat na kinilalang matalino sa Babilonia. Sinabi niya sa kaniya, "Huwag mong patayin ang mga kalalakihang may karunungan. Dalhin mo ako sa hari at sasabihin ko sa kaniya kung ano ang kahulugan ng kaniyang panaginip."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Kaya kaagad na dinala ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi niya sa hari, "Natagpuan ko na ang isa sa mga kalalakihan na siyang dinala mula sa Juda na makapagsasabi ng kahulugan ng iyong panaginip!"
|
|
\v 26 Sinabi ng hari kay Daniel (na ang pangalan ngayon ay Beltesazar), "Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang napanaginapan ko at ang kahulugan nito?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Sumagot si Daniel, "Walang sinuman ang makakatulong, kahit ang mga nagsasabi na marunong at ang mga sumasangguni sa patay. Walang sinuman ang makakatulong, wala sa mga salamangkero o sa mga astrologo. Wala sa mga ito ang may kakayahang matuklasan ang mga lihim ng iyong panaginip.
|
|
\v 28 Ngunit may Diyos sa langit na makapaghahayag ng mga lihim, at ipinakita niya sa iyong panaginip kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon sasabihin ko sa iyo ang napanaginipan mo at ang pangitain na iyong nakita habang nakahiga ka sa iyong higaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 O hari, habang natutulog ka, nanaginip ka tungkol sa mga pangyayari na mangyayari sa hinaharap. Ang isa na makapaghahayag ng mga hiwaga ay ipinakita sa iyo kung ano ang mangyayari.
|
|
\v 30 Hindi dahil mas marunong ako kaysa sa sinuman sa lupa na alam ko ang kahulugan ng mahiwagang panaginip na ito. Ito ay dahil nais ng Diyos na maunawaan mo ang iyong malalim na pag-iisp na nakatago sa pangitain na ibinigay niya sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 O hari, sa iyong pangitain ay nakita mo sa iyong harapan ang isang malaki at nakakasindak na imahen ng isang lalaki. Nagniningning ito nang napakaliwanag, nakakatakot at kasindak- sindak.
|
|
\v 32 Gawa sa purong ginto ang ulo ng imahen. Ang dibdib nito at mga braso ay gawa sa pilak. Ang tiyan at mga hita nito ay gawa sa tanso.
|
|
\v 33 Gawa sa bakal ang mga binti at sa pinaghalong putik at bakal ang paa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Habang pinagmamasadan mo, may nagtibag ng bato mula sa bundok, ngunit hindi isang tao ang nagtibag nito. Gumulong pababa ang bato at binasag ang paa ng imahen na gawa sa bakal at putik. Binasag ang mga ito ng pira-piraso.
|
|
\v 35 At gumuho ang natira sa imahen sa malaking tambak ng bakal, putik, tanso, pilak at ginto. Ang mga piraso ng imahen ay kasing liit ng piraso ng dayami sa lupa kung saan ito giniik, at hinipan palayo ng hangin ang lahat ng maliliit na pira-piraso. Walang natira. Ngunit ang bato na bumasag sa imahen ay naging isang malaking bundok na kumubkob sa buong mundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Ito ang iyong napanaginipan. Ngayon sasabihin namin sa iyo kung ano ang kahulugan nito.
|
|
\v 37 Ikaw ang hari na siyang namumuno sa lahat ng ibang mga hari. Ang Diyos na namumuno sa langit ay ipinamuno sila sa iyo at binigyan ka ng kahanga-hangang kapangyarihan at pinarangalan ka.
|
|
\v 38 Ginawa ka niyang pinuno sa lahat ng mga tao kung kaya kahit ang mga hayop at ibon ay pag-aari mo. Ikaw ang ulo ng imahen, gawa sa ginto ang imaheng iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Pagkatapos magwakas ng iyong kaharian, magkakaroon ng ibang dakilang kaharian, ngunit hindi ito kasing dakila katulad ng sa iyo. Kumamakatawan ang bahaging pilak ng imahen sa kahariang iyon. At magkakaroon ng ikatlong dakilang kaharian na siyang maghahari sa buong mundo. Ang tansong bahagi ng imahen ang kumakatawan sa kahariang iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Pagkatapos magwakas ang kahariang iyon, magkakaroon ng ikaapat na kaharian. Ang mga bahaging bakal ng imahen ay kumakatawan sa kahariang iyon. Pababagsakin ng hukbo ng kahariang iyon ang mga naunang kaharian, tulad lamang ng bakal na pinapabagsak ang lahat ng hinahampas nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Ang mga paa at daliri sa paa ng imahen na nakita mo ay pinaghalong bakal at putik, ipinapakita na ang kaharian na kinakatawan nila ay mahahati.
|
|
\v 42 Ilan sa mga bahagi ng kahariang iyon ay magiging kasintatag ng bakal, ngunit ilan sa mga bahagi ay hindi mananatiling magkakasama, tulad lamang ng bakal at putik na hindi magkakasama kapag pinaghalo.
|
|
\v 43 Ang pinaghalong bakal at putik sa imahen ay nangangahulugan din na ang kahariang ito ay mahihiwalay, dahil ang ibang grupo ng mga tao ay hindi magtatrabaho nang sama-sama, tulad lamang ng putik na hindi dumidikit sa bakal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 Ngunit habang namumuno ang mga haring iyon, magtatayo ang Diyos na siyang namumuno sa kalangitan ng isang kaharian na hindi kailanman magwawakas. Walang tao ang makatatalo kailanman sa hari nito. Ganap niyang wawasakin ang lahat ng mga kahariang iyon, ngunit mananatili magpakailanman ang kaniyang kaharian.
|
|
\v 45 Iyon ang kahulugan ng bato na may nagtibag mula sa bundok, ang batong dudurog sa maliliit na piraso ng imahen na gawa sa bakal, tanso, pilak, at ginto. Diyos, ang dakilang Diyos, ang nagsabi sa iyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Magkakatotoo ang panaginip na ibinigay niya sa iyo. Totoo ang kahulugan nito, tulad ng sinabi ko sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 46 Pagkatapos, nagpatirapa si Haring Nebucadnezar sa lupa sa harapan ni Daniel bilang isang pagkilos ng dakilang pagrespeto. Iniutos niya sa kaniyang mga tao na magsunog ng insenso at magsunog ng handog ng butil sa pagpaparangal kay Daniel.
|
|
\v 47 Sinabi ng hari kay Daniel, "Pinahintulutan ng iyong Diyos sa iyo na sabihin sa akin ang kahulugan ng panaginip na ito, kaya ngayon ay katotohanang nalaman ko na ang iyong Diyos ay mas dakila sa lahat ng ibang mga diyos, ang Hari sa lahat ng ibang mga hari. Inihahayag niya ang mga lihim, pinapaalam niya ang mga hiwaga na walang sinuman ang nakakaalam."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 48 Pagkatapos, nagbigay ang hari ng maraming kaloob kay Daniel, at hinirang niya din siya upang mamuno sa buong lalawigan ng Babilonia. Ginawa niya siyang maging punong gobernador sa lahat ng pinakamatatalinong kalalakihan sa Babilonia.
|
|
\v 49 Hiniling ni Daniel sa hari na hirangin sina Shadrac, Meshac at Abednego upang maglingkod sa mahalagang katayuan bilang mga tagapangasiwa sa lalawigan ng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari at pinaglingkuran ang hari doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Gumawa si Haring Nebucadnezar ng isang gintong imahen. Halos dalawampu't pitong metro ang taas nito at halos tatlong metro ang lapad. Itinayo niya ito sa kapatagan ng Dura sa lalawigan ng Babilonia.
|
|
\v 2 Pagkatapos, nagpadala siya ng mga mensahe sa lahat ng mga gobernador sa lalawigan, mga gobernador ng rehiyon at mga lokal na mga gobernador, mga konsehal, mga tagapag-ingat yaman, mga hukom, mga mahistrado at lahat ng matataas na mga opisyal ng mga lalawigan. Sinabihan niya sila na dumalo upang ipagdiwang ang bagong imahen na kaniyang ipinatayo upang parangalan ang diyos na kinakatawan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nang dumating na silang lahat, nakatayo silang lahat sa harapan ng imaheng iyon.
|
|
\v 4 Isinigaw ng isang taong tauhan ng maharlika ang bagong batas para sa lahat ng tao, "Kayong mga tao na dumating mula sa maraming mga bansa at nagsasalita ng maraming wika, makinig sa iniutos ng hari!
|
|
\v 5 Kapag marinig ninyo ang tunog ng mga tambuli, mga plauta, mga sitar, mga lira, mga alpa at ibang mga plauta at lahat na tugtog na kanilang tutugtugin, magpatirapa kayo at parangalan ang gintong imahen na ipinatayo ni Haring Nebucadnezar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sinumang tatanggi na gawin iyon ay itatapon sa naglalagablab na apoy."
|
|
\v 7 Nang kanilang narinig ang mga instrumentong tumugtog, ang lahat ng mga taong nagkatipun-tipon mula sa maraming tao at mga bansa, nagpatirapa sila sa lupa at ibinigay ang kanilang pagsamba at nagsabi ng mga salitang papuri sa imahen.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ngunit pumunta sa hari ang ilan sa mga taga-Caldeo.
|
|
\v 9 Ibinalita nila sa kaniya, "O hari, nawa'y hindi ka mamatay kailanman!
|
|
\v 10 Iniutos mo na dapat magpatirapa ang bawat tao na makarinig sa tunog ng mga instrumentong iyon at magbigay parangal sa gintong imahen.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Iniutos mo rin na sinumang tao ang tatangging gawin iyon ay itatapon sa naglalagablab na apoy.
|
|
\v 12 May ilang kalalakihan na mula sa Juda na iyong itinalaga upang maging mga opisyal sa lalawigan ng Babilonia ang hindi nagbigay-pansin sa iyong kautusan. Ang kanilang pangalan ay sina Shadrac, Meshac at Abednego. Tumanggi silang sambahin ang iyong mga diyos at ang gintong imahen na iyong ipinatayo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Nang narinig niya ito, labis na nagalit si Nebucadnezar. Iniutos niya sa kaniyang mga kawal na dalhin sina Shadrac, Meshac at Abednego. Kaya, dinala sila sa hari.
|
|
\v 14 Sinabi ni Nebucadnezar sa kanila, "Nakapagpasiya na ba kayo na hindi ninyo sasambahin ang aking mga diyos o ang gintong imahen na aking ipinatayo?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Bibigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon. Kung yuyukod kayo upang sambahin ang imahen na aking ipinatayo, at kung maririnig ninyo ang mga tugtog ng mga instrumentong panugtog, mabuti. Ngunit kung tatanggi kayo, ihahagis kayo sa naglalagablab na apoy. At sino ang diyos na makakapagligtas sa inyo mula sa aking kapangyarihan?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sumagot sina Shadrac, Meshac at Abednego, "Nebucadnezar, hindi namin kailangang ipagtanggol ang aming mga gawa sa usaping ito.
|
|
\v 17 Kung itatapon kami sa apoy, ililigtas kami ng Diyos na aming sinasamba. May kapangyarihan siyang iligtas kami mula sa iyo.
|
|
\v 18 Ngunit kahit hindi niya kami iligtas, hindi kami sasamba sa iyong mga diyos at hindi kailanman kami magbibigay parangal sa imahen na iyong ipinatayo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 At labis na nagalit si Nebucadnezar. Nagpakita ng matinding galit ang kaniyang mukha laban kay Shadrac, Meshac at Abednego. Nagbigay siya ng mga utos na dapat gawing pitong beses na mainit ang apoy kaysa karaniwan.
|
|
\v 20 Pagkatapos na magawa iyon, inutusan niya ang ilan sa kaniyang pinakamalakas na mga kawal upang gapusin sina Shadrac, Meshac at Abednego at pagkatapos ihahagis sila sa naglalagablab na apoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Nang maigapos na sila ng mga kawal at itinapon sila sa pugon, suot na nina Shadrac, Meshac at Abednego ang kanilang mga balabal, mga tunika, mga turban at ang iba pa nilang mga kasuotan.
|
|
\v 22 Sapagkat ibinigay ng hari ang utos nang labis ang kaniyang galit at nasunod agad ng walang pagkaantala at dahil labis na napakainit ang apoy, lumundag ang lagablab ng apoy at pinatay ang mga kawal na nagdala kay Shadrac, Meshac at Abednego sa apoy.
|
|
\v 23 Kaya nakagapos na nahulog sina Shadrac, Meshac at Abednego sa nagliliyab na apoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ngunit habang nanonood si Nebucadnezar, nagulat siya. Lumundag siya at sinigawan ang kaniyang mga tagapayo, "Hindi ba't tatlong kalalakihan ang itinapon natin sa apoy?" Sumagot sila, "Oo, O hari,
|
|
\v 25 Sumigaw si Nebucadnezar, "Tingnan ninyo! Apat na kalalakihan ang aking nakikita sa apoy! Hindi na sila nakagapos ng mga lubid at naglalakad sila sa gitna ng apoy at hindi sila nasasaktan sa apoy! Kumikinang na tulad ng anak ng mga diyos ang ika-apat!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Lumapit si Nebucadnezar sa gilid ng naglalagablab na apoy at sumigaw, "Shadrac, Meshac at Abednego na sumasamba sa Kataas-taasang Diyos lumabas kayo mula riyan at halikayo rito!" Kaya lumabas sila at lumayo mula sa apoy.
|
|
\v 27 At nakita ng lahat ng mga opisyal ng mga hari nang lumabas sila mula sa apoy. Hindi sila nasaktan sa apoy. Ni natupok ang buhok ng kanilang mga ulo at wala sa kanilang mga kasuotan ang nasunog. Ni hindi sila nag-amoy usok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Pagkatapos, sinabi ni Nebucadnezar, "Kailangan nating purihin ang Diyos nina Shadrac, Meshac at Abednego! Nagpadala siya ng isa sa kaniyang mga mensahero upang iligtas ang tatlong kalalakihang ito na sumamba sa kaniya at nagtiwala sa kaniya. Hindi nila pinansin ang kautusan ng hari at tumangging sumamba sa ibang diyos kaysa sarili nilang Diyos, kahit ikapapahamak ito ng kanilang mga buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Kaya, ginagawa ko na ngayon ang kautusang ito, 'Ang sinumang mga tao mula sa anumang bansa o ang mga nagsasalita ng ibang wika na magsasabi ng anuman laban sa Diyos na sinasamba nina Shadrac, Meshac at Abednego, pagpipira-pirasuhin at wawasakin ang kanilang mga tahanan at gagawing tambakan ng basura. Ginawa ang kautusang ito dahil walang sinumang diyos ang makapagliligtas tulad nito!"'
|
|
\v 30 Pagkatapos, binigyan ng hari ng mataas na tungkulin sina Shadrac, Meshac at Abednego sa lalawigan ng Babilonia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Ilang taong matapos magsimulang maghari ni Nebucadnezar, ipinadala niya ang mensaheng ito sa bawat lahi, bansa, at wika sa kaniyang imperyo. Isinulat niya, "Nawa maging napakabuti ang lahat ng mga bagay sa inyo!
|
|
\v 2 Nais kong malaman ninyo ang lahat ng mga paraang ipinakita ng Kataas-taasang Diyos ang kaniyang kapangyarihan, at kung paano siya gumawa ng maraming kahanga-hangang mga bagay para sa akin.
|
|
\v 3 Gumagawa siya ng mga dakilang himala na nagpapakita ng kaniyang kapangyarihan, gumagawa siya ng mga kamangha-manghang mga bagay. Siya ay hari magpakailanman, maghahari siya sa sali't saling lahi nang walang katapusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ako, si Nebucadnezar ay naninirahan sa aking palasyo nang walang pag-aalala, at nagpapakasaya sa bawat kasagaanan.
|
|
\v 5 Ngunit isang gabi, nagkaroon ako ng isang panaginip na labis na tumakot sa akin. Habang nakahiga ako sa aking higaan, nakakita ako ng mga pangitaing labis na tumakot sa akin.
|
|
\v 6 Kaya ipinatawag ko ang lahat ng mga matatalinong nasa Babilonia upang makapunta sila at masabi nila sa akin ang kahulugan ng aking panaginip.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pumunta sa akin ang lahat ng mga kalalakihang gumagawa ng salamangka, mga nagsasabing nakikipag-usap sa mga patay, mga matatalinong kalalakihan, at mga nanghuhula mula sa mga bituin. Sinabi ko sa kanila ang napanaginipan ko, ngunit hindi nila masabi sa akin ang kahulugan nito.
|
|
\v 8 Sa huli, pumunta si Daniel sa akin, at napagpasyahan kong sabihin sa kaniya ang aking napanaginipan. (Pinangalanan din siyang Beltesazar, upang parangalan ang aking sariling diyos, at alam kong sumasakanya ang espiritu ng mga banal na diyos.)
|
|
\v 9 Sinabi ko sa kaniya, 'Beltesazar, pinakamahalaga ka sa lahat ng aking mga salamangkero. Alam kong sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos at maihahayag mo ang kahulugan ng anumang hiwaga. Walang labis na mahirap sa iyo. Kaya sabihin mo sa akin ang kahulugan ng panaginip ko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ito ang napanaginipan ko habang nakahiga ako sa aking higaan: Nakita ko ang isang napakalaking puno na lumalaki sa gitna ng lupa.
|
|
\v 11 Napakatatag ng puno at lumaking napakataas. Parang umabot sa kalangitan ang tuktok nito at nakikita ng lahat ng nasa daigdig.
|
|
\v 12 May magaganda itong mga dahon, at may bunga para sa pagkain ng mga tao at ng lahat ng mga nilalang. Nagpapahinga sa lilim nito ang mga mababangis na hayop at namumugad ang mga ibon sa mga sanga nito. Kumukuha ng pagkain ang lahat ng mga buhay na nilalang mula sa punong iyan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Habang nakahiga ako sa aking higaan, nakita ko sa aking panaginip ang isang banal na anghel na bumababa mula sa langit.
|
|
\v 14 Sumigaw siya, "Ibuwal ang punong iyan at putulin ang mga sanga nito. Tanggalin ang lahat ng mga dahon, at ikalat ang bunga. Itaboy ang mga hayop na nahihiga sa lilim ng puno at ang mga ibon na nasa mga sanga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ngunit iwan ang tuod ng puno at ang mga ugat sa lupa. Lagyan ng isang gapos na bakal at tanso sa palibot ng tuod at hayaang manatili ito roon kasama ng mga damo sa paligid nito.
|
|
\v 16 Idulot sa taong iyan na mamuhay sa labas sa parang kasama ng mga hayop at mga halaman. Basain ng hamog mula sa kalangitan ang kaniyang katawan sa bawat umaga. Alisin ang kaniyang katinuan at hayaan siyang magkaroon ng isipang tulad ng isipan ng isang hayop sa loob ng pitong taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Inilathala ng mga banal sa langit ang isang atas. Nais nilang malaman ng lahat na ang Kataas-taasang Diyos ang naghahari sa lahat ng mga kaharian sa mundong ito. Siya ang namimili ng mga taong mamumuno sa mga kahariang ito. Minsan itinatalaga niya ang mga labis na hindi mahalagang tao sa mga lugar na mahahalaga."
|
|
\v 18 Sinabi ko kay Daniel, 'Beltesazar, iyan ang nakita ko sa aking panaginip, ako, na si Haring Nebucadnezar. Ngayon, dapat mong sabihin sa akin ang kahulugan ng panaginip. Walang ibang nakapagsabi sa akin. Tinanong ko ang lahat ng mga napakatalinong kalalakihan sa aking kaharian upang sabihin sa akin ang kahulugan nito, ngunit hindi nila kayang gawin iyan. Ngunit makakaya mong sabihin sa akin dahil sumasaiyo ang espiritu ng mga banal na diyos.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 At hindi nagsalita nang ilang sandali si Daniel na pinangalanan ding Beltesazar, dahil labis siyang nabahala sa kahulugan ng panaginip. Sa huli, sinabi ko sa kaniya, 'Beltesazar, huwag kang matakot sa panaginip o sa kahulugan nito.' Sumagot sa akin si Daniel, 'Ginoo, nawa mangyari sa mga namumuhi sa iyo ang mga pangyayaring hinula sa iyong panaginip, at mangyari lamang sa iyong mga kaaway at hindi sa iyo ang kahulugan ng iyong panaginip.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Sa iyong panaginip, nakakita ka ng isang napakatatag at mataas na puno. Parang umaabot ito sa kalangitan at nakikita ito ng lahat sa daigdig.
|
|
\v 21 May mga magagandang dahon, at namumunga nang marami para sa pagkain ng lahat ng mga tao at mga nilalang. Namamahinga sa lilim ng punong iyan ang mga mababangis na hayop, at namumugad sa mga sanga nito ang mga ibon.
|
|
\v 22 O hari, ikaw ang punong iyan! Naging labis kang makapangyarihan. Lumaki ang iyong kadakilaan at umaabot sa kalangitan, at naghahari ka sa mga tao sa buong daigdig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 At nakita mo ang isang banal na anghel na bumababa mula sa langit at sinabi niya, "Ibuwal ang punong iyan at putulin ang mga sanga nito. Tanggalin ang lahat ng mga dahon, at ikalat ang bunga. Ngunit iwan ang tuod ng puno at ang mga ugat nito sa lupa. Lagyan ng gapos na bakal at tanso sa palibot ng tuod at hayaang manatili ito roon kasama ng mga damo sa paligid. Sa bawat umaga, magdala ng hamog mula sa langit upang mabasa ang taong ito, na kinakatawan ng punong iyan. Idulot sa kaniya na mamuhay sa parang kasama ng mga hayop sa loob ng pitong taon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ito ang kahulugan ng iyong panaginip, O hari. Ito ang ipinahayag ng Kataas-taasang Diyos na mangyayari sa iyo.
|
|
\v 25 Pipilitin kang manirahan palayo sa ibang mga tao. Maninirahan ka sa parang kasama ng mga mababangis na hayop. Kakain ka ng damo tulad ng isang baka, at babasain ka ng hamog mula sa kalangitan sa bawat umaga. Mamumuhay ka sa ganiyang paraan sa loob ng pitong taon hanggang sa matutunan mo na ang Kataas-taasang Diyos ang naghahari sa mga kaharian sa mundo. Itinatalaga niya ang mga pinipili niyang maghari sa mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Ngunit iwan ang tuod ng puno at ang mga ugat nito sa lupa. Ibig sabihin nitong muli kang maghahari sa iyong kaharian kapag natutunan mong ang Diyos ang nasa itaas ng lahat ng bagay at ng lahat ng tao.
|
|
\v 27 Kamahalan, pakiusap gawin mo ang sinasabi ko sa iyong gawin mo. Tumigil ka sa pagkakasala at gawin mo kung ano ang matuwid. Talikuran mo ang iyong mga masasamang ugali. Mahabag ka sa mga inaapi ng ibang mga tao. Kung gagawin mo iyan, marahil magpapatuloy kang maging masagana."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28-29 Pagkaraan ng labindalawang buwan, nangyari ang lahat ng ito sa hari gaya ng ipinakita sa panaginip. Habang naglalakad siya sa palibot ng kaniyang palasyo sa Babilonia,
|
|
\v 30 tumingin siya sa lungsod sa labas at sinabi sa mga nasa palibot niya, "Itinayo ko ang dakilang lungsod ng Babilonia upang maging lugar kung saan ako maghahari! Itinayo ko ito sa pamamagitan ng sarili kong kapangyarihan upang ipakita sa mga tao ang aking karangalan at aking kadakilaan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Habang sinasabi ko pa ito, nagsalita ang Diyos mula sa langit at sinabing, 'Haring Nebucadnezar, ito ang dapat mangyari: hindi na ikaw ang hari sa kahariang ito!
|
|
\v 32 Mamumuhay kang malayo sa lipunan ng mga tao. Maninirahan ka sa parang kasama ng mga mababangis na hayop, at kakain ka ng damo gaya ng ginagawa ng isang baka. Mamumuhay ka sa paraang iyon sa loob ng pitong taon hanggang sa matutunan mong ako, ang Kataas-taasan ang naghahari sa mga kaharian sa mundong ito, at itinatalaga ko ang sinumang naisin kong mamuno sa mga ito.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Sa sandaling iyon, nagkatotoo ang lahat ng mga sinabi kay Nebucadnezar. Itinaboy siya palayo mula sa ibang mga tao. Kumain siya ng damo tulad ng isang baka, at binabasa siya ng hamog mula sa kalangitan sa bawat umaga. Humaba ang aking buhok na kasing haba ng mga balahibo ng mga agila, at naging tulad ng mga pangalmot ng mga ibon ang aking mga kuko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Pagkatapos ng pitong taon, ako, si Nebucadnezar ay tumingala sa langit at kinilalang totoo ang sinabi ng Diyos. At nakakapag-isip na akong muli nang tama, at naibalik ang aking katinuan. Pinuri at sinamba ko ang Kataas-taasan, at pinarangalan ko siya, ang siyang nabubuhay magpakailanman. Naghahari siya magpakailanman, walang hanggang kapangyarihan ang kaniyang naghaharing kapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Itinuturing niyang hindi mahalaga ang lahat ng mga tao sa lupa. May kapangyarihan siyang gawin ang anumang naisin niyang gawin. Ginagawa niya ang anumang ninanais niya sa mga hukbo ng anghel sa langit at sa ating naninirahan sa lupa. Kaya walang makakatuwid sa kaniya, walang makakatutol sa kaniya, walang makakapagsabi sa kaniyang, 'Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito?'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Nang nakakapag-isip na akong muli nang tama, pinarangalan akong muli, at para sa kaluwalhatian ng aking kaharian, ibinalik muli sa aking kaharian ang aking kaningningan at ang sumisikat na liwanag ng aking paghahari. Bumalik sa akin ang aking mga tagapayo, at mas naging dakila at higit na naging makapangyarihan ako kaysa noon.
|
|
\v 37 Ngayon, ako, si Nebucadnezar ay nagpupuri at nagpaparangal sa Diyos, ang hari na naghahari sa langit. Makatarungan at matuwid ang lahat ng kaniyang mga gawa. At kaya niyang gawing mababa ang mga mapagmataas."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkalipas ng ilang taon, si Belsazar ang naging hari sa Babilonia. Isang araw, inanyayahan niya ang isang libo sa mga pinakamahalagang tao sa isang malaking handaan at uminom siya ng alak sa harapan nilang lahat.
|
|
\v 2 Habang umiinom siya, inutusan niya ang kaniyang mga lingkod na dalhin sa kaniya ang ginto at pilak na mga kopa na kinuha ng kaniyang amang si Nebucadnezar mula sa templo sa Jerusalem. Ginawa ito upang mainuman niya at ng kaniyang mga opisyal, mga asawa at mga asawang alipin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya dinala ng kaniyang mga lingkod ang lahat ng mga kopang ginto at pilak na nakuha mula sa templo sa Jerusalem. Uminom ng alak sa mga kopa na iyon ang hari, ang kaniyang mga opisyal, kaniyang mga asawa at ng kaniyang mga asawang alipin.
|
|
\v 4 Uminom sila ng alak at pinuri ang kanilang mga diyus-diyosan---itong mga diyus-diyosan na gawa sa ginto at pilak, tanso, bakal, kahoy at bato.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Biglang may nakita silang kamay at mga daliri ng isang lalaki sa tapat ng patungan ng ilawan. At nagsulat ang kamay sa makinis na pader ng palasyo. At nakita ng hari ang kamay habang nagsusulat.
|
|
\v 6 Labis siyang natakot at namutla ang kaniyang mukha. Nagsimulang mangatog ang kaniyang mga tuhod at labis na nanghina ang kaniyang mga binti at hindi siya kayang suportahan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 At sinigawan niya ang kaniyang mga lingkod upang dalhin ang mga nagsasabing nakakausap nila ang mga patay, mga matatalinong kalalakihan at mga astrologo ng Babilonia. Sinabi niya sa kanila, "Pararangalan ko nang malaki ang sinuman sa inyo na makabasa sa nakasulat at sabihin sa akin ang kahulugan nito. Ibibigay ko sa taong iyan ang kulay ubeng kasuotan tulad ng suot ko dahil ako ang hari at susuotan ko ng gintong kuwintas ang kaniyang leeg. At gagawin ko siyang pangatlong pinakamakapangyarihan mamuno sa aking kaharian."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ngunit nang pumasok ang mga matatalinong kalalakihan, wala sa kanila ang makabasa sa nakasulat o makapagsabi kung ano ang kahulugan nito.
|
|
\v 9 Kaya lalong natakot si Haring Belsazar. Nagbago ang kaniyang mukha at nag-iba ang kaniyang anyo. Wala sa kaniyang mga opisyal ang may alam kung paano siya matulungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Dumating ang inang reyna, na ina ni Belsazar sa lugar kung saan sila kumakain. Narinig niya ang sinabi ng hari at hindi alam ng kaniyang mga tagapamahala kung paano siya matutulungan. Sinabi niya, "Mahal na hari, mabuhay ka nawa ng magpakailanman! Huwag kang mabagabag sa bagay na ito o maging dahilan upang magbago ang iyong anyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 May isang lalaki dito sa kaharian mo na nasa kaniya ang espiritu ng mga banal na diyos. Noong namumuno si Nebucadnezar, natuklasan niyang nakakaunawa ng maraming bagay ang lalaking ito at matalino, gaya ng mga diyos. Itinalaga siya ni Nebucadnezar na mamahala sa mga salamangkero at sa mga nakikipag-usap sa mga patay, sa mga kalalakihang may karunungan at sa mga astrologo.
|
|
\v 12 Daniel ang kaniyang pangalan, ngunit pinangalanan ng hari na Beltesazar. Siya ay isang taong mapagkakatiwalaan. Siya ay napakatalino at nalalaman niya ang mga nakatagong bagay. Kaya niyang sabihin ang kahulugan ng mga panaginip, ipaliwanag ang mga palaisipan at lutasin ang mga problema na iilan lang ang may kayang makapaglutas. Ipatawag mo siya upang pumunta rito at siya ang magsasabi sa iyo kung ano ang kahulugan nitong nakasulat."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Kaya pumunta sila at dinala si Daniel sa loob. Tinanong siya ng hari, "Ikaw ang tanyag na si Daniel, hindi ba?—isa sa mga dinala rito ng aking ama mula sa Juda.
|
|
\v 14 Nabalitaan ko na nasa iyo ang espiritu ng mga diyos at nakakaintindi ka ng maraming mga bagay at mayroon kang napakahusay na karunungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sinubukang basahin ng mga kalalakihang kilala sa kanilang karunungan at silang nakikipag-usap sa mga patay ang nakasulat sa pader at sabihin sa akin ang mga kahulugan nito ngunit hindi nila ito kaya.
|
|
\v 16 May nakapagsabi sa akin na kaya mong ipaliwanag ang kahulugan ng mga panaginip at kaya mong ipaintindi ang mga bagay na hindi kaya ng iba. Kung kaya mong basahin ang mga salitang ito at sabihin sa akin ang kanilang kahulugan, ibibigay ko sa iyo ang kulay ubeng kasuotan gaya nitong suot ko dahil ako ang hari, ipasusuot ko ang gintong kuwintas sa iyong leeg at gagawin kitang pangatlong pinakamakapangyarihang pinuno sa kaharian."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Sumagot si Daniel at sinabi sa hari, "Hindi ko gusto ang iyong mga kaloob. Sa iyo nalang ang iyong kaloob at ibigay mo ang gantimpala sa ibang tao. Babasahin ko ang nakasulat sa pader para sa iyo, ngunit hindi dahil sa ibibigay mong gantimpala sa akin.
|
|
\v 18 Kamahalan, ang Kataas-taasang Diyos ang naging dahilan kaya naging makapangyarihang pinuno si Nebucadnezar, ang lalaking hari na sinundan mo. Labis siyang pinuri at pinarangalan.
|
|
\v 19 Dahil ginawa siya ng Diyos nang napakadakila, ang bawat isa—bawat bansa, at kahit anong wika ang kanilang salita ay natatakot sa kaniya at nanginginig sila sa kaya niyang gawin. Ipinapapatay niya ang nais niyang dapat mamatay at hinahayaan niyang mabuhay ang nais niyang dapat mabuhay. At pinaparangalan niya ang pinipili niyang pararangalan, at ipinapahiya niya iyong mga gusto niyang maibaba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ngunit nang naging mapagmataas siya ng labis at matigas ang kaniyang ulo, hindi na siya maaaring mamunong muli.
|
|
\v 21 Kailangan niyang lumayo mula sa ibang tao dahil nasira na ang kaniyang pag-iisip. At ginawa ng Diyos ang kaniyang pag-iisip na gaya ng isip ng mga hayop. Nanirahan siya kasama ng mga asno. Kumakain siya ng damo gaya ng baka at tuwing umaga ay basa ang kaniyang katawan sa hamog na nanggagaling sa himpapawid. Nagiging ganyan ang kalagayan niya hanggang sa natutunan niya na ang Kataas-taasang Diyos lamang ang namamahala sa mga kaharian sa mundong ito at siya ang hihirang sa sinuman na pipiliin niya na mamuno sa mga kahariang iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ngayon, Belsazar, ikaw ang naging hari. Nalaman mo ang lahat ng mga bagay na ito, ngunit hindi ka nagpakumbaba.
|
|
\v 23 Inilagay mo ang iyong sarili na mas mataas sa Panginoong namumuno sa kalangitan. Ipinakuha mo ang mga kopa na nakuha sa bahay ng Diyos sa Jerusalem upang gamitin ninyo na inuman ng alak. Ginamit ninyo ang mga kopang ito na inuman ng alak, ikaw at ang iyong mga opisyal, ang iyong mga asawa at ang iyong mga lingkod na asawa at nag-inuman kayo sa harapan ng inyong mga diyus-diyosan—mga diyus-diyosan na gawa sa ginto at pilak, tanso, bakal, kahoy at bato. Ang mga diyus-diyosang ito ay hindi makakita at hindi sila makarinig at wala silang kaalam-alam ng kahit ano! Ngunit hindi ninyo sinamba ang Diyos na nagbibigay ng iyong hininga at namamahala sa lahat ng mga nangyayari sa inyo.
|
|
\v 24 Kaya ipinadala ng Diyos itong kamay upang isulat sa pader ang mensaheng ito para sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Ito ang mensahe ng nakasulat: MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.
|
|
\v 26 Ito ang kahulugan ng mga salitang iyon: Ang kahulugan ng MENE ay 'nabilang na.' Ang ibig sabihin ay binibilang ng Diyos ang mga araw na ikaw ay mamumuno at nagpasiya siyang hindi ka na mamumuno kahit kailan.
|
|
\v 27 Ang kahulugan ng TEKEL ay tinimbang.' Tinimbang ka ng Diyos sa timbangan at hindi ka kasingbigat ng dapat mong timbang.
|
|
\v 28 Ang kahulugan ng PERES ay 'nahati'. Hinati ng Diyos ang iyong kaharian. At pamumunuan ito ng mga tao mula sa Media at mga tao mula sa Persia."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Tinupad ni Belsazar ang kaniyang ipinangako. Dinamitan niya si Daniel ng kulay ubeng kasuotan tulad ng kaniyang kasuotan. At inilagay niya ang gintong kuwintas sa kaniyang leeg at ipinahayag niya na si Daniel ang magiging ikatlong pinakamakapangyarihang mamuno sa kaharian.
|
|
\v 30 Ngunit ng gabi ring iyon, linusob ng mga sundalong galing sa Media ang lungsod at pinatay si Belsazar, ang hari ng Babilonia.
|
|
\v 31 Si Dario, na hari ng Media, ang naging hari ng Babilonia ng siya ay animnapu't dalawang taong gulang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagpasya si Haring Dario na hatiin ang kaharian sa 120 na lalawigan. Nagtalaga siya ng isang gobernador sa bawat lalawigan.
|
|
\v 2 Nagtalaga rin ang hari ng tatlong tagapamahala, isa sa kanila si Daniel. Ang mga punong tagapamahala na ito ang mangangasiwa sa mga panlalawigang gobernador, upang tingnan na nasusunod ang utosng hari at masigurado na hindi mananakawan ang hari sa kaniyang kabang yaman.
|
|
\v 3 Mahusay na tagapamuno si Daniel at bukod tanging tao at naiiba siya sa mga punong tagapamahala. Nagplano ang hari na italaga si Daniel sa kaniyang buong kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 At nainggit ang ibang mga tagapamahala at mga gobernador. Kaya nagsimula silang magsaliksik upang makahanap ng paraan upang mapuna ang gawain ni Daniel para sa hari. Ngunit lagi niyang ginagawang tapat at totoo ang kaniyang trabaho. Hindi sila makahanap ng anumang bagay na maaari nilang mapuna. Tapat siya at mainam na nagtatrabaho.
|
|
\v 5 Nagsimula silang gumawa nang masamang balak kay Daniel, "Ang tanging paraan lamang para makitaan natin ng mali si Daniel ay gamitin laban sa kaniya ang kaniyang pagsunod sa kautusan ng kaniyang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya ginawa nga ng mga taga-pamahala at mga gobernador ang kanilang planong pagpunta sa hari bilang isang grupo at sinasabing, "Kamahalan, mabuhay ka magpakailanman!
|
|
\v 7 Napagkasunduan ng lahat ng mga punong taga-pamahala, mga pang-rehiyong gobernador, mga panlalawigang gobernador, mga tagapayo at ibang gobernador na kailangang gumawa ka nang batas na dapat sundin ng bawat isa. Gusto naming iutos mo na sa mga susunod na tatlumpung araw, sa iyo lamang maaaring manalangin ang mga tao at hindi sa diyos o ibang tao maliban sa iyo. Kapag nanalangin ang sinuman sa kahit na sino, dapat siyang ihagis sa isang lugar na puno ng mga leon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Dahil hindi maaaring mabago ang batas sa lupain ng Medo at Persia, gusto naming ikaw na hari ang magpalabas ng batas at ilagda ang iyong pangalan sa dokumento."
|
|
\v 9 Kaya naglabas ng kautusan si Haring Dario at nilagdaan ang dokumento.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Nang malaman ni Daniel na sumulat ang hari at nilagdaan na ang batas, umuwi siya sa kaniyang bahay, lumuhod sa kaniyang silid sa itaas, at nanalangin. Ang silid ay may bintana na nakaharap sa Jerusalem at nakabukas ito. Maaari siyang makita ng sinuman na nanalagin. Ito ang ginagawa niya araw-araw tatlong beses sa isang araw.
|
|
\v 11 isinagawa ng mga opisyal ang kanilang masamang balak laban kay Daniel, at nakita nilang nanalangin siya at humihingi ng tulong sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Kaya bumalik sila sa hari at sinabi sa kaniya, "totoo bang sumulat ka ng isang batas na nagsasaad ng sa susunod na tatlumpung araw sa iyo lamang maaaring mananalangin ang mga tao, at kung sinuman ang manalangin sa kaninuman, maging sa isang tao o sa isang diyos, ihahagis siya sa yungib ng mga leon?" Sumagot ang hari, "Oo, iyan ang kautusan na isinulat ko. Ito ang batas sa lupain ng Media at Persia na hindi maaaring baguhin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pagkatapos, sinabi nila sa hari, "Ang taong iyan si Daniel, isa sa mga kalalakihang dinala rito na galing ng Juda, hindi siya nagbigay pansin sa iyong batas na nilagdaan. Nananalangin siya sa kaniyang Diyos ng tatlong beses isang sa araw!
|
|
\v 14 Nang marinig ng hari iyon, nabalisa siya tungkol dito. Sinubukan niyang gumawa ng paraan upang mailigtas si Daniel. Labis siyang nagsikap hanggang sa buong maghapon hanggang sa lumubog ang araw. Sinusubukan niyang humanap ng paraan upang mailigtas si Daniel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sa kinagabihan, marami sa kanila na nagsagawa nang masamang balak laban kay Daniel ang nagsalita sa hari, "Alam mo, O hari, na hindi maaaring baguhin ang kautusang ginawa ng hari ng Media at Persia, at walang sinuman ang maaaring makapagpapabago nito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Pagkarinig nito, nagbigay ng utos ang hari at dinala ng mga lingkod si Daniel at inihagis sa yungib kung saan naroon ang mga leon. Bago nila siya inihagis sa yungib sinabi ng hari kay Daniel, "Umaasa ako na ililigtas ka ng iyong Diyos na sinasamba mo sa lahat ng oras"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pinagulong nila ang isang malaking bato sa pasukan ng yungib. Pagkatapos tinatakan ng hari ng kaniyang pantatak na singsing, at tinatakan din ng ibang mga opisyal, nang kanilang pantatak na singsing ang pasukan, upang walang maaaring magagawa pa para kay Daniel.
|
|
\v 18 Bumalik ang hari sa kaniyang palasyo. Hindi kumain ang hari ng anumang pagkain. Hindi niya pinahintulutan ang sinuman na aliwin siya at hindi siya nakatulog ng gabing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Kinabukasan ng madaling araw, bumangon ang hari at nagmadaling pumunta sa yungib ng mga leon.
|
|
\v 20 Nang malapit na siya rito, labis siyang nabahala. Tumawag siya nang may labis na pangangamba, "Daniel, ikaw na naglilingkod sa buhay na Diyos! Iniligtas ka ba sa mga leon ng iyong Diyos na lagi mong sinasamba?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Sumagot si Daniel, "O hari, mabuhay ka nawa magpakailanman!
|
|
\v 22 Oo, nagsugo ang Diyos ng kaniyang anghel upang itikom ang bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan! Alam niya na wala akong ginawang mali, at alam mo, O hari na hindi ako gumawa ng anumang bagay na mali maging sa iyo!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Lubos ang kasiyahan ng hari at inutusan niya ang kaniyang mga lingkod na ilabas si Daniel sa yungib. Nang gawin nila iyon, nakita nila na hindi man lang siya sinugatan ng mga leon. Iningatan siya ng Diyos dahil nagtiwala siya sa kaniya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pagkatapos, inutos ng hari na hulihin at ihagis sa yungib ng mga leon ang mga kalalakihang nagparatang kay Daniel—kasama ang kanilang mga asawa at mga anak. Nang ihagis sila sa yungib, nilundag sila ng mga leon at pinagbabali ang kanilang mga buto bago pa man sila bumagsak sa ilalim ng yungib.
|
|
\v 25 Pagkatapos nito isinulat ni Haring Dario ang mensaheng ito at ipinadala sa kaniyang buong kaharian sa lahat ng tao, sa bawat bansa, at sa lahat ng tao, anuman ang kanilang wikang kanilang sinasalita: "Hiling ko na maging mabuti ang lahat ng mga bagay para sa iyo!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Iniuutos ko sa bawat isa sa aking kaharian na kailangang matakot at gumalang sa Diyos na sinasamba ni Daniel. Siya ang buhay na Diyos at mabubuhay siya magpakailanman. Hindi kailanman mawawasak ang kaniyang kaharian; mamahala siya hanggang sa katapusan.
|
|
\v 27 Tinutulungan niya at inililigtas ang kaniyang mga tao, gumagawa siya ng lahat ng uri ng mga tanda at mga himala sa langit at sa lupa. Iniligtas niya si Daniel mula sa kapangyarihan ng mga leon!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Kaya naging matagumpay si Daniel sa lahat ng panahon ng pamamahala ni Dario at sa panahon ni Ciro, na hari ng Persia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Noong unang taon na si Belsazar ang hari ng Babilonia, nagkaroon si Daniel ng pangitain habang natutulog. Nakakita siya ng mga bagay na kaniyang isinulat kinaumagahan. Ito ang kaniyang sinabi,
|
|
\v 2 "Ako, si Daniel ay nagkaroon ng isang panaginip kagabi. Sa aking panaginip, nakita ko ang malakas na hanging umiihip mula sa lahat ng apat na dako, na nagpapakilos ng tubig sa dagat.
|
|
\v 3 Pagkatapos, nakakita ako ng apat na malalaking hayop na papalabas mula sa dagat. Magkakaiba ang bawat isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ang una ay kawangis ng isang leon ngunit mayroon itong pakpak na katulad ng agila. Ngunit habang tinitingnan ko, may sumira sa kaniyang mga pakpak at naiwang nakatayo ang hayop na parang isang tao. Nabigyan ito ng isip katulad ng tao.
|
|
\v 5 Ang ikalawang hayop ay kawangis ng isang oso. Yumuyukyok ito at may kagat na tatlong tadyang ng ilang nilikha. May nagsabi dito, 'Tumayo ka at kumain ng maraming tao!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 At nakita ko sa aking harapan ang ikatlo sa mga hayop na ito. Kawangis nito ang isang leopardo ngunit sa likod nito ay may apat na pakpak katulad ng mga pakpak ng isang ibon. Mayroon itong apat na ulo at nabigyan ito ng kapangyarihan na maghari sa mga tao.
|
|
\v 7 Sa pangitain, nakita ko ang ikaapat na hayop. Mas malakas ito at mas nakakatakot kaysa sa ibang mga hayop. Dinurog nito ang ibang mga nilalang at kinain ang kanilang laman sa pamamagitan ng kaniyang napakalaking bakal na mga ngipin. Tinatapakan nito ang mga bahagi ng hayop na hindi nito nadudurog. Naiiba ito sa tatlong hayop. Mayroon itong sampung sungay sa kaniyang ulo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Habang tinitingnan ko ang mga sungay na iyon, nakakita ako ng maliit na sungay na lumitaw sa ulo ng hayop na iyon. Binali nito ang tatlo sa mga sungay. Ang maliit na sungay na ito ay may mga matang katulad ng tao at bibig na nagmamayabang ng mga dakilang bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 At habang nakatingin ako, naihanda ang mga trono para sa mga hukom at sa Diyos, naupo sa isa sa mga trono ang Nabubuhay Magpakailanman. Ang kaniyang kasuotan ay kasing puti na tulad ng niyebe at kasing puti ng balahibo ng tupa ang kaniyang buhok. Naglalagablab sa apoy ang kaniyang trono at mayroon din itong mga gulong na naglalagablab.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Umaagos sa kaniyang harapan ang apoy na parang isang sapa. Pinaglilingkuran siya roon ng milyun-milyong tao at nakatayo sa kaniyang harapan ang daang-milyon na tao. Nagpatawag ng pagpupulong ang hukuman at binuksan nila ang mga aklat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Habang nakatingin ako, naririnig kong nagsasalita ang maliliit na sungay nang may labis na kayabangan. Habang patuloy akong nakatingin, pinatay ang ikaapat na hayop. Itinapon ang kaniyang bangkay sa apoy at ganap na nasunog.
|
|
\v 12 Kinuha ang kapangyarihan ng tatlo pang hayop ngunit hinayaan silang mabuhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Nakakita rin ako sa gabing iyon ng paparating na kahawig ng anak ng tao, mayroon siyang larawang katulad ng tao. Napapalibutan siya ng mga ulap, lumapit siya sa Nabubuhay Magpakailanman at humarap sa kaniya nang may karangalan.
|
|
\v 14 Binigyan siya ng kapangyarihan upang maghari sa lahat ng bansa sa mundo, binigyan siya ng makaharing karangalan. Maghahari siya magpakailanman at hindi siya kailanman titigil sa paghahari. Hindi kailanman mawawasak ang kaharian na kaniyang pinaghaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Para sa akin na si Daniel, labis akong nalungkot sa aking nakita sa pangitain. Nababagabag ako at hindi ko alam ang iisipin tungkol dito.
|
|
\v 16 Pumunta ako sa isa sa mga nakatayo sa harapan ng trono ng Diyos at hiniling ko sa kaniya na sabihin sa akin ang kahulugan ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Sinabi niya, 'Kumakatawan ang apat na malalaking hayop sa apat na haring maghahari sa lupa.
|
|
\v 18 Ngunit bibigyan ng Kataas-taasan nang kakayahan ang mga taong nabibilang sa kaniya na maghari sa kaharian magpakailanman.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 At Nais ko pang malaman ang tungkol sa kung saan kumakatawan ang ikaapat na hayop, ang hayop na naiiba sa tatlo, ang hayop na dumurog sa mga sinalakay nito sa pamamagitan ng kaniyang mga tansong kuko at pagkatapos kinakain ang kanilang mga laman sa pamamagitan ng kaniyang mga bakal na ngipin, ang hayop na tumapak sa mga bahagi ng kanilang mga katawan na hindi nito kinain.
|
|
\v 20 Nais ko ring malaman ang tungkol sa sampung sungay sa ulo nito at sa sungay na lumitaw na siyang nag-alis sa tatlo pang mga sungay. Nais kong malaman ang kahulugan kung bakit mayroong mga mata at bibig na nakakapagsalita nang may labis na kayabangan. Ang hayop na kinakatawan ng sungay na iyan ay mas nakakatakot kaysa sa ibang mga hayop.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Habang nasa pangitain ako, nakita ko na sinalakay ng sungay na ito ang mga tao ng Diyos at tinatalo sila.
|
|
\v 22 Ngunit dumating ang Nabubuhay Magpakailanman at nagbigay ng hatol sa panig ng mga taong kabilang sa kaniya. At panahon na ng mga tao ng Diyos upang maghari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 At sinabi sa akin ng taong nakatayo doon, 'Kumakatawan sa isang imperyo na maitatatag sa lupa ang ikaapat na hayop, na magiging naiiba sa ibang mga imperyo. Dudurugin ng hukbo ng imperyong iyon ang mga tao sa buong mundo at tatapakan ang kanilang mga katawan.
|
|
\v 24 Kumakatawan naman ang sampung sungay sa sampung hari na maghahari sa imperyong iyon, isa sa bawat isa. At lilitaw ang isa pang hari. Magiging iba siya sa mga naunang hari. Tatalunin niya ang tatlong hari na kumakatawan sa tatlong sungay na inalis.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Magsasabi siya ng mga bagay na laban sa Kataas-taasan at hahamakin niya ang mga tao ng Diyos. Susubukan niyang palitan ang mga oras ng mga banal na pista at ang kanilang mga batas. Pamumunuan niya sila ng tatlo at kalahating taon.
|
|
\v 26 Ngunit magtitipun-tipon ang hukuman at aalisin nila ang kaniyang kaharian at lubusan itong mawawasak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pagkatapos, ibibigay sa mga banal na tao na kabilang sa Kataas-taasan ang kaharian, ang kapangyarihang mamuno at ang kadakilaan ng mga kaharian sa ilalim ng buong kalangitan. Ang kaharian na kaniyang paghaharian ay kahariang walang hanggan, paglilingkuran at susundin siya ng lahat ng hari at pinuno.'
|
|
\v 28 Iyan ang nakita ko sa aking pangitain. Ako, si Daniel ay nasindak at namutla ang aking mukha. Ngunit hindi ko sinabi kaninuman ang pangitain na aking nakita."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ikatlong taon na si Belsazar ang hari ng Babilonia, akong si Daniel ay nagkaroon ng isa pang pangitain.
|
|
\v 2 Sa pangitaing iyon, nasa Susa ako, ang matibay na lungsod sa probinsiya ng Elam. Nakatayo ako sa tabi ng Ilog Ulai.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Tumingala ako at nakakita ng isang lalaking tupa na nakatayo sa tabi ng ilog. Mayroon itong dalawang mahabang sungay, ngunit ang huling tumubo ay mas mahaba kaysa sa unang tumubo.
|
|
\v 4 Sinuwag ng lalaking tupa sa pamamagitan ng kaniyang sungay ang lahat ng bagay na nasa kanluran, ang lahat ng bagay na nasa hilaga at ang lahat ng bagay na nasa timog nito. Walang ibang hayop ang may kakayahang kalabanin ito at walang sinuman ang maaaring makapigil dito. Ginawa ng lalaking tupa ang anumang nais nitong gawin at naging labis na makapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Habang iniisip ko ang tungkol sa aking nakita, nakakita ako ng isang kambing na nagmula sa kanluran. Tumakbo ito nang napakabilis sa kabilang panig ng lupain na tila hindi sumasayad ang mga paa nito sa lupa. Ang kambing na ito ay may isang napakalaking sungay sa pagitan ng mga mata nito.
|
|
\v 6 Tumakbo ito patungo sa lalaking tupa na may dalawang sungay, ang lalaking tupa na nakatayo sa tabi ng ilog at tumakbo ang kambing patungo dito nang may matinding galit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Galit na galit na sinuwag ng kambing ang tupa at binali ang dalawa nitong sungay. Tinumba ng kambing ang lalaking tupa sa lupa at tinapakan ito. Walang sinuman ang makakapagligtas sa lalaking tupa mula sa kapangyarihan ng kambing.
|
|
\v 8 Naging labis na makapangyarihan ang kambing. Ngunit nang maging napakalakas ng kapangyarihan nito, nabali ang malakas nitong sungay. Apat na kapansin-pansing sungay ang tumubo kapalit nito. Nakaturo ang bawat isa sa isa sa apat na hangin ng langit: hilaga, timog, silangan at kanluran.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 At mula sa isa sa apat na sungay na iyon ay may lumitaw na isang maliit na sungay. Naging napakalaki nito at nakaturo sa timog, sa silangan at sa magandang lupain ng Israel.
|
|
\v 10 Naging napakalakas ng sungay na iyon na naging dahilan upang lusubin nito ang ilan sa mga kawal ng hukbo ng langit at ang ilan sa mga bituin sa langit. Itinapon nito ang ilan sa daigdig at tinapakan ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sinuway nito ang Diyos, ang pinuno ng hukbo ng langit at inalis nito ang mga pang-araw-araw na pag-aalay ng mga handog. Dinungisan din nito ang templo.
|
|
\v 12 Dahil sa paghihimagsik, panghihinaan ng loob ang hukbo ng langit at aalisin ang patuloy na mga alay na susunugin. Itatapon nito ang katotohanan sa lupa. Magtatagumpay ang mga masasamang bagay na ginagawa nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pagkatapos, narinig ko ang dalawang anghel na nag-uusap. Tinanong ng isa sa kanila, "Gaano katagal magpapatuloy ang mga bagay na nasa pangitaing ito? Gaano katagal hahadlangan ng taong naghimagsik sa Diyos at dumungis sa templo ang mga pari sa pag-aalay ng mga handog? Gaano katagal niya yuyurakan ang templo at ang mga hukbo ng langit?"
|
|
\v 14 Tumugon ang isang anghel, "Magpapatuloy ito ng 2,300 na araw. Sa bawat araw ng panahong iyon, hindi papayagan ang mga tao na mag-alay ng mga handog sa umaga o sa gabi. Pagkatapos nito, dadalisayin ang templo at muling isasaayos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Habang akong si Daniel ay sinusubukang unawain ang kahulugan ng pangitain, biglang may nakatayo sa aking harapan na isang anghel na kawangis ng isang tao.
|
|
\v 16 At narinig ko ang isang tao na tumawag mula sa kabilang dako ng Ilog Ulai na nagsasabi, "Gabriel, ipaliwanag mo sa kaniya ang kahulugan ng pangitaing nakita niya!"
|
|
\v 17 Kaya lumapit at tumayo sa aking tabi si Gabriel. Labis akong natakot at nagpatirapa ako sa lupa. Ngunit sinabi niya sa akin, "Lalaki, kinakailangang maunawaan mo na mangyayari sa panahon ng pagwawakas ang mga pangyayaring nakita mo sa pangitain."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Habang nagsasalita siya, nakatulog ako ng mahimbing na nasa lupa ang aking mukha. Ngunit hinawakan at itinayo ako ni Gabriel upang makatayo akong muli.
|
|
\v 19 At sinabi niya, "Nagpunta ako rito upang ipakita sa iyo ang mangyayari dahil sa galit ng Diyos. Mangyayari ang mga bagay na ito malapit sa panahon na magwawakas ang mundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ang lalaking tupa na may dalawang sungay na iyong nakita, kumakatawan ang mga sungay na iyon sa mga kaharian ng Media at Persia.
|
|
\v 21 Ang kambing na iyong nakita ay kumakatawan sa kaharian ng Grecia at ang sungay na lumitaw sa pagitan ng kaniyang mga mata ay kumakatawan sa una nitong hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ang apat na sungay na tumubo matapos mabali ang unang sungay, kumakatawan ang mga ito sa apat na kaharian kung saan mahahati ang unang kaharian. Hindi magiging kasing lakas ng unang kaharian ang apat na kaharian.
|
|
\v 23 Ngunit pagkatapos, darating ang panahon na magwawakas ang mga kahariang iyon. Ito ay matapos gawin ng mga masasamang pinuno ang lahat ng masasamang bagay na pahihintulutan ng Diyos na gawin nila. At isa sa mga kahariang iyon ang magkakaroon ng hari na labis na mapagmalaki at labis na matalino sa paggawa ng masama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Magiging labis siyang makapangyarihan, ngunit hindi ito dahil sa kung ano ang mismong ginawa niya. Wawasakin niya ang mga bagay sa maraming lugar at magtatagumpay siya sa lahat ng kaniyang gagawin. Papatayin niya ang maraming kawal na matatapang at ang mga taong banal.
|
|
\v 25 Dahil napakatuso niya, magtatagumpay siya sa pamamagitan ng panlilinlang sa iba. Maghihimagsik din siya laban sa Hari ng mga hari na siyang lilipol sa kaniya nang hindi gumagamit ng kapangyarihan ng tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Ito ang mga tunay na pangitain ng mga gabi at umaga. Ngunit selyuhan mo ang mga ito at huwag ihayag ang pangitain sa iba, dahil maraming taon pa bago mangyari ang mga bagay na iyon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 At akong si Daniel ay napagod at nakahigang mahina sa higaan nang ilang araw. Pagkatapos, bumangon ako at bumalik sa paggawa ng mga gawain na ibinigay sa akin ng hari, ngunit naguguluhan ako tungkol sa pangitain. Walang sinuman ang makakaunawa nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa unang taon ng paghahari ni Dario (na isang kaapu-apuhan ng Medo at anak ni Assuero, na sumakop sa mga taga-Babilonia)—
|
|
\v 2 Sa unang taon na siya ay hari, ako si Daniel, pinag-aaralan ang mga banal na aklat, ang mensahe ni Yahweh na ibinigay kay propeta Jeremias, na mawawasak ang Jerusalem at mananatiling sira ng pitumgpung taon
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pagkatapos kong basahin iyon, nagsumamo ako kay Yahweh na aking Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno upang tulungan kami. Nagdamit ako ng damit na gawa sa mga magaspang na mga tela ng mga butil at umupo sa mga abo.
|
|
\v 4 Nanalangin ako kay Yahweh na aking Diyos at ipinahayag ko ang mga kasalanan na aming ginawa: "Panginoon, dakila at makapangyarihan ka. Matapat mong ginawa kung ano ang iyong sinabing gagawin mo para sa amin. Matapat mong iniibig ang mga umiibig sa iyo at sa mga gumagawa kung ano ang iniutos mo sa kanila upang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ngunit nagkasala kami at gumawa ng mga bagay na mali. Gumawa kami ng mga bagay na masasama at naghimagsik kami laban sa iyo. Tumalikod kami at sinuway namin ang iyong mga kautusan.
|
|
\v 6 Nagsalita para sa iyo ang iyong mga propeta, ipinaparating ang iyong mga mensahe sa aming mga hari, sa aming ibang mga pinuno, sa aming ibang mga ninuno at sa lahat ng mga Israelita ngunit hindi kami nakinig sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Panginoon, makatarungan ang iyong pagkilos. Gayon pa man, nabalot kami ng kahihiyan. Totoo ito sa mga taga-Judah na naninirahan sa Jerusalem at sa mga naninirahan sa ibang mga lugar ng Judea. Totoo rin ito tungkol sa iyong mga taong Judio, na ikinalat mo sa ibang mga bansa dahil labis kaming hindi matapat sa iyo.
|
|
\v 8 Yahweh, nahihiya kami at ang aming mga hari at ang ibang mga pinuno, at ang ibang mga ninuno dahil nagkasala kami ng laban sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Bagaman naghimagsik kami laban sa iyo, kumikilos ka ng may kaawaan sa amin at nakahanda kang patawarin kami.
|
|
\v 10 Nang ibinigay mo ang iyong mga batas sa iyong mga propetang naglingkod sa iyo at sinabi nila sa amin na ipamuhay ang aming buhay na ayon sa mga batas na iyon, hindi kami nakinig sa tinig ni Yahweh na aming Diyos.
|
|
\v 11 Sinuway ng buong Israel ang iyong batas at lumayo kami mula sa mga ito at tinanggihan naming gawin kung ano ang sinabi mong gawin namin. Dahil nagkasala kami laban sa iyo, nagpadala ka ng mga katakot-takot na mga bagay na sinabi ng iyong lingkod na si Moises na mangyayari sa amin kung nagkasala kami laban sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Binalaan mo kami at ang aming mga pinuno na parurusahan mo nang matindi ang Jerusalem sa pamamagitan ng isang malaking sakuna, isang sakunang mas higit kaysa sa anumang sakuna na hindi pa naranasan kailanman ng ibang mga lungsod. At ginawa mo kung ano ang sinabi mong gagawin mo.
|
|
\v 13 Pinarusahan mo kami gaya ng isinulat ni Moises na iyong gagawin. Ngunit hindi pa rin kami tumalikod mula sa aming masasamang mga gawa patungo sa katotohanan, o humingi sa iyo ng habag.
|
|
\v 14 Kaya dahil hindi kami sumunod sa iyo, Yahweh, nakahanda ka upang parusahan kami at pagkatapos pinarusahan mo nga kami, dahil lagi mong ginagawa kung ano ang matuwid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Panginoon na aming Diyos, inilabas mo ang iyong mga tao sa Egipto sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa paggawa niyan, ipinaalam mo sa mga tao na mula sa panahon na iyon hanggang sa kasalukuyan na dakila ka kahit na nagkasala kami at gumawa ng masasamang mga bagay.
|
|
\v 16 Ngunit ngayon, dahil matuwid ang lahat ng iyong ginagawa, hinihiling naming huwag ka ng magalit pa sa Jerusalem, O Panginoon. Ang Jerusalem ay iyong lungsod at itinayo doon ang iyong templo sa iyong sagradong burol. Ngayon hahamakin ng lahat ng mga taong naninirahan sa kalapit na mga bansa ang Jerusalem dahil sa aming mga kasalanan at dahil sa mga masasamang mga bagay na ginawa ng aming mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Aming Diyos, pakinggan mo ang panalangin ng pagsusumamo ko, na iyong lingkod na gawin mo. Para sa iyong kapakanan, kumilos ka nang may kabaitan sa iyong santuwaryo sa Jerusalem, na winasak ng mga hukbo ng mga taga-Babilonia.
|
|
\v 18 Aking Diyos, pakinggan mo ang aking panalangin. Tingnan mo kami at gawin mo ang nararapat. Tingnan mo, nasira itong lungsod na pagmamay-ari mo. Nananalangin kami sa iyo dahil mahabagin ka, hindi dahil sa ginawa namin kung ano ang tama.
|
|
\v 19 Panginoon, Pakinggan mo kami! Panginoon, patawarin mo kami! Pagmamay-ari mo ang lungsod at ang mga taong ito, kaya nagsusumamo ako sa iyo, aking Diyos upang bigyan ng pansin ang aking sinasabi at kumilos ka upang tulungan kami ngayon, para sa iyong kapakanan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Nagpatuloy ako sa pananalangin at pagpapahayag ng mga kasalanang ginawa ko at ng aking mga kababayang Israel at nagsusumamo kay Yahweh na aking Diyos na muli niyang isaayos ang templo sa sagradong burol sa Jerusalem.
|
|
\v 21 Habang ako ay nananalangin, mabilis na lumipad patungo sa akin si Gabriel, ang anghel na nakita ko sa unang pangitain, sa oras ng gabing paghahandog ng mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Sinabi niya sa akin, "Daniel, pumunta ako sa iyo upang bigyan ka ng kakayahang maunawaan ng malinaw ang mensaheng ibinigay ng Diyos kay Jeremias.
|
|
\v 23 Nang magsimula kang nagsumamo sa Diyos ng kahabagan sa Israel, binigyan niya ako ng isang mensahe upang ibibigay sa iyo. Labis ka niyang iniibig, kaya isinugo niya ako upang sabihin sa iyo kung ano ang sinabi niya sa akin. Kaya ngayon, magbigay ka ng pansin upang maunawaan mo ang kahulugan ng mga ipinahayag niya kay Jeremias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Nagpasiya ang Diyos na magkakaroon ng 490 na taon hanggang sa palalayain niya ang iyong mga kababayan at ang lungsod na pagmamay-ari niya mula sa bigat ng kanilang mga kasalanan at upang pagbayaran ang mga masamang mga bagay na kanilang ginawa. At maghahari ang Diyos ng may katarungan sa lahat at gagawin niya iyan ng walang hanggan. Magkakatotoo ang nakita mo sa pangitain at kung ano ang propesiya ni Jeremias at muling mailalaan sa Diyos ang sagradong templo.
|
|
\v 25 Kailangan mong malaman at maunawaan ito: magkakaroon ng apatnapu't siyam na taon at 434 na taon ang mamamagitan kapag iuutos ng isang hari na muling ipapatayo ang Jerusalem at kapag dumating ang pinuno, na pinili ng Diyos. Pagkatapos, muling maitatayo ang Jerusalem at magkakaroon ito ng mga kalye at mga pader sa palibot nito upang ingatan ang lungsod, kahit na ito ay magiging isang panahon ng matinding kabalisaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Pagkatapos ng 434 na mga taon, papatayin ang pinunong pinili ng Diyos at tatangayin ang lahat ng bagay mula sa kaniya. Pagkatapos, wawasakin ang templo sa pamamagitan ng hukbo ng isang makapangyarihang pinuno. Wawasakin ang lungsod at ang templo gaya ng pagwasak ng isang baha sa lahat ng bagay. Kapag nangyari ito, titigil na ang mga digmaan at ang kapahamakang ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Gagawa ng kasunduan ang pinunong iyan sa maraming tao. Gagawin niya ang kaniyang ipinangako sa loob ng pitong taon. Ngunit kapag natapos ang kalahati ng panahong iyan, hahadlangan niya ang mga pari sa pagbibigay ng kahit anong mga handog at mga alay sa Diyos. Pagkatapos gawin ng pinunong ito ang kasuklam-suklam na mga bagay, may dudungis sa templo sa pamamagitan ng paglalagay ng isang diyus-diyosan sa banal na lugar. Mananatili ito doon hanggang sa ganap na mawasak ng Diyos ang naglagay nito roon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ikatlong taon na si Ciro ang hari ng Persia, isang mensahe mula sa Diyos ang ipinadala kay Daniel (na siyang binigyan ng pangalang Beltesazar), at totoo ang mensahe. Tungkol ito sa isang malaking digmaan at naintindihan ni Daniel ang mensahe dahil sa nakita niya sa pangitain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Sa panahong iyon, akong si Daniel ay nalungkot ng halos tatlong linggo tungkol sa nangyari sa Jerusalem.
|
|
\v 3 Hindi ako kumain ng kahit anong masarap na pagkain o ng anumang karne, ni uminom ng anumang alak. Hindi rin ako naglagay ng anumang mabangong langis sa aking mukha o sa buhok ng halos tatlong linggo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nang matapos ang tatlong linggong iyon, sa ika -dalawampu't apat na araw ng unang buwan, nakatayo ako at ang aking mga kasama sa dalampasigan ng IlogTigris.
|
|
\v 5 Tumingin ako sa itaas at nakita ko ang isang tao na nakasuot ng pinong puti at may sinturon na gawa sa purong ginto.
|
|
\v 6 Kumikinang ang kaniyang katawan katulad ng mamahaling bato ng berilo. Maliwanag ang kaniyang mukha katulad ng pagkislap ng kidlat. Katulad ng nagliliyab na sulo ang kaniyang mga mata. Katulad ng makintab na tanso ang kaniyang mga kamay at paa. Napakalakas ng kaniyang tinig tulad ng ingay ng napakaraming tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Akong si Daniel, ang tanging nakakita ng pangitaing ito. Walang anumang nakita ang mga kalalakihang kasama ko, ngunit naramdaman nila na may isang taong naroroon, at labis silang natakot. Tumakbo sila palayo at nagtago.
|
|
\v 8 Kaya naiwan akong mag-isa doon, na tinitingnan ang hindi pangkaraniwang pangitaing ito. Wala akong natirang lakas. Naging labis na maputla ang aking mukha, na naging dahilan upang hindi ako makilala ng sinuman.
|
|
\v 9 Nakakita ako ng isang lalaki roon, at nang marinig ko siyang nagsalita, bumagsak ako sa lupa. Nawalan ako ng malay, at nakahiga ako doon na nakasubsob ang aking mukha sa lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Biglang may kamay na humawak sa akin at ibinangon ako, na ang naging dahilan ay nakaluhod ako sa aking tuhod at kamay, ngunit nanginginig pa rin ako.
|
|
\v 11 Sinabi ng anghel sa akin, "Daniel labis kang minamahal ng Diyos. Tumayo ka at makinig ka sa aking sasabihin sa iyo dahil isinugo ako ng Diyos sa iyo." Nang sinabi niya iyon, tumayo ako, ngunit nanginginig pa rin ako.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 At sinabi niya sa akin, "Daniel, huwag kang matakot. Pinakinggan ng Diyos ang iyong panalangin mula sa unang araw na nagpasya kang ipakumbaba ang iyong sarili upang maunawaan mo ang pangitain. Naparito ako saiyo dahil sa iyong panalangin.
|
|
\v 13 Nilabanan ako ng masamang espiritu na namuno sa kaharian ng Persia sa loob ng dalawampu't isang araw, at kinakailangan kong manatili doon sa oras na iyon. Subalit si Miguel, ang isa sa mga pangunahing anghel ng Diyos, ay dumating upang tulungan ako. Iniwan ko siya doon sa Persia upang labanan ang masamang espiritu na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pumarito ako upang tulungan kang maunawaan kung ano ang mangyayari sa mga Israelita sa hinaharap. Huwag mong kalilimutan na ang mga bagay na nakita mo sa iyong pangitain ay tungkol sa mga bagay na mangyayari sa hinaharap, at hindi tungkol sa mga bagay na mangyayari sa lalong madaling panahon."
|
|
\v 15 Nang sabihin niya iyon, napatitig ako sa lupa at wala akong nasabing anuman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Di nagtagal, hinipo ng anghel na nag-anyong tao ang aking mga labi. At nakapagsalita ako at sinabi ko sa kaniya, "Ginoo, dahil nakita ko ang pangitaing ito, nanghina ako nang lubusan, na naging dahilan na hindi ko mapigilan ang manginig sa takot.
|
|
\v 17 Hindi ko makayanang makipag-usap sa iyo. Wala na akong natitirang lakas at nahihirapan akong huminga."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Ngunit muli niya akong hinawakan at pinalakas niya muli ako.
|
|
\v 19 Sinabi niya sa akin, "Lalaki, labis kang iniibig ng Diyos. Kaya huwag kang matakot. Hangad ko na maging maayos ang lahat ng bagay sa iyo at mapalakas ang iyong loob. "Nang sinabi niya iyon, naramdaman ko na lalo akong lumakas at sinabi ko, "Ginoo, sabihin mo kung ano ang nais mong sabihin sa akin. Lalo mo pa akong pinalakas."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20-21 At sinabi niya, "Alam mo ba kung bakit ako pumunta sa iyo? Ito ay upang ihayag sa iyo kung ano ang nakasulat sa aklat na nagpapahayag sa katotohahan ng Diyos. Ngunit ngayon, kailangan kong bumalik upang labanan ang masamang espiritu na namamahala sa kaharian ng Persia. Pagkatapos ko siyang talunin, lilitaw ang mga masasamang anghel na nagbabantay sa Grecia at kailangan ko siyang matalo. Si Miguel, na siyang nagbabantay sa mga Israelita ay tutulungan ako ngunit wala nang iba pang tutulong sa akin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa unang taon ni Dario na taga-Media, ako mismo ang pumunta upang tulungan at palakasin ang loob ni Miguel.
|
|
\v 2 Sinabi ng anghel, "Ang ipapahayag ko sa iyo ngayon ay totoong mangyayari". Mayroon pang tatlong haring mamumuno sa Persia, isa pagkatapos ng isa. Pagkatapos, magkakaroon ng pang-apat na hari na magiging mas mayaman kaysa iba. Makakamit niya ang kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pera. At uudyukan niya ang bawat isa na makipaglaban sa kaharian ng Grecia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pagkatapos, magkakaroon ng isang napakamakapangyarihang hari. Pamamahalaan niya ang isang napakalaking imperyo at gagawin niya kung ano ang nais niyang gawin.
|
|
\v 4 Ngunit kapag naging labis na siyang makapangyarihan, mahahati sa apat na bahagi ang kaniyang kaharian. Maghahari ang mga hari na hindi niya mga kaapu-apuhan, ngunit hindi sila magiging makapangyarihan katulad niya. Mahahati-hati ang kaniyang kaharian at maibibigay sa iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Pagkatapos, magiging labis na makapangyarihan ang hari ng Timog. Ngunit isa sa kaniyang mga heneral ng hukbo ang magiging mas makapangyarihan kaysa sa kaniya at pamumunuan niya ang mas malaking bahagi.
|
|
\v 6 Sa tamang panahon, gagawa sila ng kasunduan. Ang babaeng anak ng hari ng Timog ay pupunta sa hari ng Hilaga upang tiyakin ang kasunduan. Ngunit mawawala ang kaniyang kapangyarihan at iiwanan—siya at ang lahat ng sumama sa kaniya at ang kaniyang ama at ang taong tumulong sa kaniya sa panahong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Hindi magtatagal, isa sa kaniyang mga kamag-anak ang kukuha ng kapangyarihan kapalit niya, at sasalakayin ng kaniyang mga hukbo ang hari ng Hilaga. Papasok sila sa tanggulan ng kaharian at tatalunin sila.
|
|
\v 8 Dadalhin nila sa Egipto ang lahat ng kanilang mga diyus-diyosan, at kukunin nila ang kanilang mga imahen at maraming bagay na gawa sa pilak at ginto. At sa loob ng ilang taon, hindi sasalakayin ng kaniyang hukbo ang hari ng Hilaga.
|
|
\v 9 Pagkatapos, sasalakayin ng mga hukbo ng hari ng Hilaga ang kaharian ng hari ng Timog, ngunit babalik din siya sa kaniyang sariling lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Gayunman, maghahanda ang kaniyang mga anak na lalaki upang magsimula ng isang digmaan at titipunin nila ang isang malaking hukbo. Magmamartsa sa timog ang hukbong iyon at sasakupin ang buong Israel na katulad ng isang malaking baha. Sasalakayin nila ang isang matibay na tanggulan sa timog ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pagkatapos, ang hari ng Timog na nagalit nang husto ay magmamartsa sa hilaga kasama ang kaniyang hukbo at lalabanan ang isang malaking hukbo. Titipunin ng hari ng Hilaga ang isang napakalaking hukbo, ngunit tatalunin sila ng hukbo ng hari ng Timog.
|
|
\v 12 Labis na magmamalaki ang hari ng Timog sapagkat tatalunin ng kaniyang hukbo ang isang napakalaking hukbo at papatayin ang marami sa kaniyang mga kaaway. Ngunit hindi siya magtatagumpay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Titipunin muli ng hari ng Hilaga ang isang hukbo na mas malaki kaysa sa dati niyang hukbo. Pagkatapos ng ilang taon, babalik muli ang hari ng Hilaga kasama ang malaking hukbo at maraming kagamitan para sa pakikipaglaban sa digmaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sa panahong iyon, marami ang maghihimagsik laban sa hari ng Timog. Upang matupad ang isang pangitain, ilang marahas na tao mula sa iyong bansang Israel ang mag-aalsa upang hindi na mapamunuan kailanman ngunit sila ay matatalo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos, ang hari ng Hilaga ay darating kasama ang kaniyang hukbo at magtatambak ng lupa laban sa lungsod na naiingatan at wawasakin nila ang mga pader na iyon at bibihagin ang lungsod. Ang mga kawal na dumating mula sa Timog upang ipagtanggol ang lungsod, maging ang mga pinakamahuhusay na hukbo ay mawawalan ng sapat na lakas upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban.
|
|
\v 16 Kaya gagawin ng hari ng Hilaga ang lahat ng nais niyang gawin laban sa hari ng Timog at walang sinuman ang makakahadlang sa kaniya. Sasakupin ng kaniyang hukbo ang maluwalhating lupain ng Israel at ganap nila itong pamumunuan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 At magpapasya ang hari ng Hilaga na magmartsa papunta sa Timog kasama ang lahat ng kawal sa kaniyang kaharian. Makikipagkasundo siya sa hari ng Timog at upang matulungan siya ng kaniyang anak na babae na sirain ang kaharian ng timog, ibibigay siya sa hari ng Timog upang maging kaniyang asawa. Ngunit mabibigo ang balak na iyon.
|
|
\v 18 Pagkatapos niyan, sasalakayin ng hari ng Hilaga ang mga rehiyon ng hukbo at ang mga kalapit sa dagat ng Mediteraneo at sasakupin nilang lahat ng kaniyang mga kawal ang karamihan sa kanila. Ngunit tatalunin siya ng pinuno ng hukbo ng ibang bansa at pahihintuin ang kaniyang pagmamalaki. Ibabaling din niya ang kaniyang pagmamalaki sa kaniya.
|
|
\v 19 At babalik ang hari ng Hilaga sa tanggulan sa kaniyang mismong lupain. Ngunit matatalo siya at hindi siya matatagpuan ng sinuman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos, papalitan siya ng isa pang lalaki. Siya ang sapilitang maniningil ng buwis upang matustusan at mapanatili ang ganda ng palasyo, ngunit namatay ang haring iyon pagkalipas ng maikling panahon. Gayunman, hindi siya mamamatay dahil sa galit ng tao sa kaniya o sa isang labanan.
|
|
\v 21 Ang susunod na hari ay masama at kinamumuhian ng mga tao dahil hindi siya anak ng dating hari at wala siyang karapatang maging hari. Ngunit papasok siya na walang tumututol sa hindi inaasahang panahon at magiging hari siya sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga tao.
|
|
\v 22 Kapag sumulong ang kaniyang hukbo, sasalakayin nila ang anumang hukbo na tumututol sa kaniya at ang kanilang mga kaaway ay tatangayin na parang baha sa kanilang harapan. Ang kanilang mga kaaway at ang pinakapunong pari ay tatangayin palayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nila sa ibang mga bansa, lilinlangin niya ang mga ito at magiging labis na makapangyarihan, kahit na pinamumunuan niya ang isang bansang kakaunti ang tao.
|
|
\v 24 At biglang sasalakayin ng kaniyang mga hukbo ang isang napakayamang lalawigan at gagawin nila ang mga bagay na hindi ginawa ng kahit sinong ninuno niya: kukunin nila sa labanan ang lahat ng ari-arian ng mga taong kanilang natalo. At hahatiin ng hari ang mga kayamanan sa kaniyang mga kaibigan. Magpapasya din siyang salakayin ng kaniyang hukbo ang mga tanggulan ngunit sa maikling panahon lamang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Titipunin ng hari ng Hilaga ang isang malaki at malakas na hukbo upang salakayin ang hari ng Timog. Sasalubungin siya ng hari ng Timog sa isang labanan kasama ang isang malaki at malakas na hukbo. Gayon pa man, mabibigo siya dahil sa maraming banta laban sa kaniya.
|
|
\v 26 Binabalak din siyang patayin maging ang pinaka-pinagkakatiwalaang tagapayo ng hari ng Timog. Matatalo ang kaniyang hukbo at marami sa kaniyang kawal ang mamamatay.
|
|
\v 27 Pagkatapos, ang dalawang haring nagnanais pamunuan ang lugar na iyon ay uupo sa isang hapag at magkasalong kakain ngunit pareho silang nagsisinungalingan sa isa't isa. Wala ni isa man sa kanila ang makakakuha ng kaniyang ninanais sapagkat hindi ito ang panahon na itinakda ng Diyos para sa isang mangyayaring kampihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Babalik ang hukbo ng hari ng Hilaga sa kaniyang lupain, dala-dala nila ang lahat ng mga mahahalagang bagay na kanilang sinamsam. Sisikaping sirain ng hari ang banal na tipan at sasamba sa Jerusalem. Gagawin niya sa Israel ang nais niyang gawin at pagkatapos, babalik siya sa kaniyang sariling bansa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Nang dumating ang panahong itinakda ng Diyos, muling sasakupin ng hari ng Hilaga ang hari ng Timog. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya magtatagumpay na gaya ng dati.
|
|
\v 30 Darating ang mga barko mula sa Kitim at lalabanan ang kaniyang mga hukbo na magiging dahilan ng kaniyang pagkatakot. Kaya labis siyang magagalit at babalik siya sa Israel kasama ang kaniyang hukbo at sisirain ang pagsamba at ang kautusan. Magpapakita ng pagtatangi at pagkalugod ang hari sa mga taong lumimot sa banal na tipan ng Diyos sa Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ang iba sa mga kawal ay gagawa ng kalapastanganan laban sa templo. Pipigilan nila ang mga pari sa paghahandog araw-araw at maglalagay sila ng mga kasuklam-suklam na bagay sa loob ng templo na magiging dahilan upang maging kaparangang lugar.
|
|
\v 32 Sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga taong tumalikod sa tipan ng Diyos sa Israel, sila ay kaniyang magiging kakampi at tutulong sa kaniya. Ngunit ang mga tunay na tapat sa kanilang Diyos ay tututol nang mahigpit sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Ang mga matatalino sa lahat ng mga pinuno sa Israel ay magtuturo din sa iba. Ngunit sa sandaling panahon, ang ilan sa mga matatalinong pinuno ang mapapatay sa digmaan, susunugin ang iba hanggang sa mamatay, pagnanakawan ang iba, at dadalhin ang iba sa bilangguan.
|
|
\v 34 Habang pinapahirapan ang mga tao ng Diyos, tutulungan sila ng bahagya ng ibang tao, bagamat ang iba sa mga tutulong sa kanila ay hindi taos-pusong tutulong.
|
|
\v 35 Ang ilan sa mga matatalinong pinuno ay matitisod upang maging dalisay, malinis, at maging puro hanggang sa huli. Sapagkat ang itinakdang oras ay darating pa lamang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Gagawin ng hari ang kaniyang nais. Magmamataas siya at sasabihing mas mataas siya kaysa sinumang diyos. Kukutyain niya maging ang Diyos ng lahat ng diyos. Magagawa niya ang lahat ng nais niyang gawin hanggang sa panahong maging ganap ang galit ng Diyos. Sapagkat magaganap ang anumang iniutos ng Diyos.
|
|
\v 37 Pababayaan ng hari ang diyos na sinamba ng kaniyang mga ninuno at ang mga diyos na iniibig ng mga kababaihan. Pababayaan niya ang bawat diyos dahil iisipin niyang mas mataas siya sa kahit kanino sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Ngunit sasambahin niya ang diyos ng tanggulan. Iyan ang diyos na hindi sinamba ng kaniyang mga ninuno. Magbibigay siya ng ginto at pilak, mga alahas at mga mamahaling handog sa diyos na iyon.
|
|
\v 39 Uupahan niya ang mga tao mula sa ibang bansa na sumasamba sa ibang diyos upang tulungan siyang salakayin ang mga pinakamalalakas na tanggulan. Pararangalan niyang higit ang mga nagpapahintulot sa kaniya na pamunuan sila. Itatalaga niya ang iba sa kanila sa mga mahahalagang tungkulin sa pamahalaan at gantimpalaan niya sila at bibigyan ng lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Ngunit kapag malapit nang magtapos ang kaniyang pamumuno, darating ang hukbo ng hari ng Timog, ngunit mauunang sasalakay ang hari ng Hilaga. Maglalaban ang mga hukbo, kikilos laban sa bawat kaaway na tulad ng isang baha, sasalakay sila nang may maraming barko.
|
|
\v 41 Sasakupin nila ang maluwalhating lupain ng Israel at marami ang mamamatay, ngunit ang lupain ng Edom, Moab, at ang mga taong taga-Amon ay makakatakas nang buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 42 Sasakupin niya ang mga ibang bansa at matatalo ang Egipto.
|
|
\v 43 Kukunin ng mga hukbo ng Hilaga ang mga kayamanan ng ginto at pilak. Kukunin niya ang mga kayamanan ng Egipto. Pagsisilbihan siya ng mga taga-Libya at Etiopia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 44 Ngunit labis siyang matatakot kapag narinig niya ang mga ulat tungkol sa mga nangyayari sa hilaga at timog. Kaya labis siyang magagalit at ipapadala niya ang kaniyang mga kawal upang makipaglaban nang marahas at pumatay ng marami sa kanilang mga kaaway.
|
|
\v 45 Ilalagay ng hari ang kaniyang mga tolda sa pagitan ng Dagat Mediteraneo at sa burol ng Jerusalem, na kinalalagyan ng templo. Ngunit mapapatay siya doon at walang sinuman ang tutulong sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi rin ng anghel sa akin, "Matapos mangyari ang mga bagay na iyon, magpapakita ang dakilang anghel na si Miguel, ang tagapagtanggol ng mga Israelita. At magkakaroon ng panahon ng mga matitinding kaguluhan. Mas magiging malala ang mga kaguluhan kaysa sa anumang mga kaguluhan magmula nang nagsimula ang anumang bansa. Sa panahong iyon, maililigtas ang lahat ng iyong mga kababayan na nakasulat sa aklat ang mga pangalan.
|
|
\v 2 Marami sa mga namatay ang muling mabubuhay. Mamumuhay ang ilan sa kanila sa buhay na walang hanggan at ang ilan ay sa kahihiyan at walang hanggang kapahamakan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Magliliwanag tulad ng liwanag sa kalangitan ang mga marurunong. Magniningning magpakailanman tulad ng mga bituin sa kalangitan ang mga nagpakita sa iba kung paano mamuhay nang matuwid.
|
|
\v 4 Ngunit para sa iyo Daniel, isara mo ang balumbon kung saan ka nagsusulat at selyuhan mo ito hanggang sa panahon ng pagwawakas. Bago mangyari iyon, maraming tao ang maglalakbay paroo't parito, pinag-aaralan nang mabuti ang tungkol sa marami pang mga bagay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nang matapos magsalita ang anghel na iyon, ako, si Daniel, tumingala ako at kaagad kong nakita ang dalawa pang anghel. Nakatayo ang isang anghel sa gilid ng ilog kung saan ako naroon at nakatayo ang isa sa kabilang gilid.
|
|
\v 6 Tinawag ng isa sa kanila ang nakasuot ng linong damit at ang nakatayo ngayon sa gawing itaas ng ilog, "Hanggang kailan matatapos ang mga kamangha-manghang pangyayaring ito?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Itinaas ng nakasuot ng linong damit at nakatayo sa gawing itaas ng ilog ang kaniyang mga kamay sa kalangitan at taimtim na nangako sa nabubuhay magpakailanman, "Mangyayari ito sa tatlo at kalahating taon at kapag hindi na dinudurog ang kalakasan ng mga banal na tao ng Diyos at matatapos ang lahat ng bagay na ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Narinig ko kung ano ang kaniyang sinabi ngunit hindi ko ito naunawaan. Kaya nagtanong ako, "Ginoo, ano ang magiging kahihitnan ng lahat ng bagay na ito kapag natapos na?"
|
|
\v 9 Tumugon siya, "Daniel, kailangan mo nang umalis ngayon. Hindi ko masasagot ang iyong katanungan. Nakasara ang mga salita at selyado hanggang sa panahon ng pagwawakas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Maraming tao ang dadalisayin at lilinangin sila ngunit magpapatuloy na magpapakasama ang mga taong masasama. Ang mga marurunong lamang ang makakaunawa sa mga bagay na ito.
|
|
\v 11 May 1,290 na mga araw mula sa panahong pinigilan ang mga tao sa paghahandog ng mga alay sa bawat araw, ito ay mula sa panahong nagdala ang mga kaaway ng mga kasuklam-suklam na bagay sa templo upang gawin itong tulad ng isang ilang na hindi katanggap-tanggap sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Malulugod ang Diyos sa mga nananatiling tapat hanggang matapos ang 1,335 na mga araw.
|
|
\v 13 Kaya ngayon, sinasabi ko sa iyo, magpatuloy kang magtiwala nang lubusan sa Diyos hanggang sa matapos ang iyong buhay sa mundo. Mamamatay ka, ngunit kapag matatapos ang lahat ng bagay, matatanggap mo ang iyong gantimpala mula sa Diyos."
|