\id DEU \ide UTF-8 \h Deuteronomio \toc1 Deuteronomio \toc2 Deuteronomio \toc3 deu \mt Deuteronomio \s5 \c 1 \p \v 1 Sa aklat na ito naisulat kung ano ang sinabi ni Moises sa lahat ng mga Israelita, matapos nilang maitakda ang kanilang mga tolda sa kanlurang bahagi ng Jordan—sa patag na disyerto sa tabi ng Jordan—malapit sa isang lugar na pinangalanang Suph, sa pagitan ng Paran sa isang bahagi ng Ilog Jordan at sa mga bayan ng Tofel, Laban, Hazerot at Dizahab sa kabilang bahagi ng ilog. \v 2 Para lakarin mula sa Bundok ng Sinai hanggang sa Kades Barnea, kadalasan nilalakbay lamang ng mga tao ng labing isang mga araw, sa daan ng maburol na bansa na tinatawag na Edom. \s5 \v 3 Matapos ang apatnapung taon na umalis ang mga Israelita mula sa Ehipto, sinabi ni Moises sa mga Israelita ang lahat ng bagay na iniutos ni Yahweh sa kaniya. \v 4 Ito ay matapos nilang talunin si Sihon, ang hari sa mga lahi ng taong Amor, kung saan nakatira sa siyudad ng Hesbon at Og ang hari sa rehiyon ng Bashan, kung saan nakatira sa mga bayan ng Astarot at Edrei. \s5 \v 5 Sinabi ni Moises ang mga bagay na ito nang ang mga tao ay nasa Moab, na nasa silangang bahagi ng Ilog Jordan. Ipinaliwanag niya sa kanila ang mga tagubilin ng Diyos. Ito ang mga sinabi niya sa kanila. \v 6 "Sinabi ni Yahweh na ating Diyos sa atin nang tayo ay nasa bundok ng Sinai, 'Nanatili kayo ng napakahabang panahon sa paanan ng bundok na ito. \s5 \v 7 Kaya ngayon magpatuloy sa paglalakbay, pumunta sa maburol na mga bansa kung saan nakatira ang mga Amoreo at sa karatig na mga lugar—sa kabila ng patag ng Jordan, sa maburol na bansa, sa paanan ng kanlurang mga burol, sa timog ng disyerto ng Judean, sa tabing dagat ng Mediterraneo, sa lahat ng lupain ng Canaan, sa bundok ng Lebanon at sa hilagang-silangan ng malaking Ilog ng Eufrates. \v 8 Ibibigay ko ang lupaing iyan sa inyo. Ako, si Yahweh, nangako sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob na aking ibibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhan. Kaya ngayon humayo kayo at angkinin ito."' \s5 \v 9 Gayundin sinabi ni Moises sa mga tao, "Nang tayo ay nasa Bundok ng Sinai, sinabi ko sa inyong mga ninuno, 'Ito ay isang napakalaking gawain para sa akin na pamahalaan kayong lahat. Hindi ko ito magagawang mag-isa. \v 10 Idinulot ni Yahweh na ating Diyos sa atin na mga Israelita na maging marami tulad ng mga bituin sa langit. \v 11 At inaasahan ko na si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng ating mga ninuno ay idudulot tayo na maging isang libong ulit sa bilang kung ano tayo ngayon at pagpapalain tayo tulad ng kaniyang ipinangako na gawin. \s5 \v 12 Ngunit tiyak na hindi ko mapapakitunguhan lahat ng inyong mga pagrereklamo at pagtatalo. \v 13 Kaya pumili kayo ng ilang mga lalaking matalino at may mabuting pag-iisip at ginagalang mula sa inyong mga lipi. Pagkatapos ay itatalaga ko sila bilang inyong mga pinuno.' \v 14 Sumagot ang inyong mga ninuno, 'Kung ano ang inyong iminumungkahi ay mabuti para sa amin na gawin.' \s5 \v 15 Kaya kumuha ako ng matatalino at ginagalang na mga lalaki na pinili ng inyong mga ninuno mula sa inyong mga lipi at itinalaga ko sila na maging inyong mga pinuno. Itinalaga ko ang iba na pamunuan ang isang libong mga tao, ang iba ay mamuno sa isang daang mga tao, ang iba ay mamuno sa limampung mga tao at ang iba ay mamuno sa sampung mga tao. Itinalaga ko rin ang ibang mga opisyal mula sa inyong mga lipi. \v 16 Sinabihan ko ang inyong mga pinuno, 'Pakinggan ang mga pagtatalo na nangyayari sa inyong mga tao. Hatulan ang bawat pagtatalo, kasali ang pagtatalo sa pagitan ng malapit na kamag-anak at away sa pagitan ng inyong mga tao at mga tao mula sa ibang mga bansa na namumuhay kasama niyo. \s5 \v 17 Hindi kayo dapat magkaroon ng mga pagtatangi. Dapat ninyong pakitunguhan ang mga taong dukha at mahalagang mga tao ng patas. Hindi ninyo dapat alalahanin ang tungkol sa kung ano ang iisipin ng iba, dahil kayo ang magpapasya sa mga bagay ayon sa gusto ng Diyos na inyong gagawin. Kung anumang pagtatalo ay lubhang mahirap at hindi kayo makapagpasya nito, dalhin ninyo ito sa akin, at ako ang magpapasya.' \v 18 Sa panahon ding iyon sinabi ko sa inyo ang iba pang maraming mga bagay." \s5 \v 19 "Pagkatapos, tulad ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos sa atin, nilisan natin ang Bundok ng Sinai at pumunta sa malawak na disyerto na masyadong mapanganib, sa daan patungo sa maburol na bansa kung saan ang lahi ng bayan ng Amor ay nakatira. Dumating tayo sa Kades Barnea. \s5 \v 20 Sinabi ko sa inyong mga ninuno, 'Dumating tayo ngayon sa maburol na bansa kung saan ang lahi ng bayan ng Amor nakatira. Ito ang bahagi ng lugar na kung saan ang sinamba ng ating mga ninuno si Yahweh na ating Diyos, ay ibibigay sa atin. \v 21 Bigyang pansin ang lupaing ito na ibibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos. Kaya humayo at angkinin ito ayon sa kaniyang iniutos. Huwag matakot,' \s5 \v 22 Ngunit lahat ng inyong mga ninuno ay lumapit sa akin at sinabi, 'Bago tayo humayo, dapat muna tayong magpadala ng mga lalaki doon para siyasatin ang lupain, para kung sila ay makabalik at masasabi sa atin kung saang daan ang magandang daanan doon at kung anong mga bayan ang nandoon.' \v 23 Inisip kong mabuting gawin iyon, kaya pumili ako ng labindalawang mga lalaki, isang lalaki mula sa bawat lipi. \v 24 Umakyat sila sa maburol na bansa hanggang sa lambak ng Escol at siniyasat nila ang lahat ng lugar na iyon. \s5 \v 25 Kumuha sila ng iilang bunga na kanilang nakita doon at dinala ito sa atin. Iniulat nila na ang lupain na ibibigay sa atin ni Yahweh na ating Diyos ay napakainam." \s5 \v 26 "Pero ang inyong mga ninuno ay tumangging pumunta at lumusob sa lupaing iyon. Sumuway sila laban sa iniutos ni Yahweh na ating Diyos na gawin at hindi sila pumunta roon sa lupain na iyon. \v 27 Nanatili ang inyong mga ninuno sa kanilang mga tolda at nagreklamo. Sinabi nila, 'Napopoot si Yahweh sa atin, Kaya dinala niya tayo rito mula sa Ehipto para hayaan na ang lahi ng bayan ng Amor ay lipulin tayo. \v 28 Hindi namin gustong pumunta roon. Ang mga lalaki na ating ipinadala roon ay ginawa tayong panghinaan ng loob. Sinabi nila sa atin na ang mga tao doon ay mas malalakas at matataas kaysa atin, at mayroon ding matataas na mga pader na nakapalibot sa kanilang mga bayan. Gayundin iniulat nila na sila ay mga higante doon na mga kaapu-apuhan ni Anak.' \s5 \v 29 Pagkatapos sinabi ko sa inyong mga ninuno, 'Huwag kayong matakot sa lahat ng mga taong iyon! \v 30 Mangunguna si Yahweh na ating Diyos sa inyo at makikipaglaban sa inyo, tulad ng nakita ninyo na ginawa niya sa inyo sa Ehipto \v 31 at sa mga disyerto. Nakita ninyo kung paano kayo dinala dito ng ligtas, tulad ng isang ama na nagdadala sa kaniyang anak.' \s5 \v 32-33 Pinapaalalahanan ko sila na siya ay palaging mangunguna sa kanila habang sila ay naglalakbay sa disyerto. Sila ay ginabayan niya ng isang poste ng apoy sa gabi at isang poste ng ulap sa araw. Ipinapakita niya sa kanila ang mga lugar para itirik ang kanilang mga tolda. Ngunit kung anuman ang aking sinabi sa inyong mga ninuno hindi sila nagtitiwala kay Yahweh na ating Diyos. \s5 \v 34 Narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang sinabi at siya ay nagalit. Mataimtim niyang inihayag, \v 35-36 'Si Caleb na anak ni Jefunneh, ay makakapasok sa lupain. Siya ay ganap na sumunod sa akin. Kaya ibibigay ko sa kaniya at sa kaniyang kaapu-apuhan ang ibang lupain na kaniyang ginalugad. Siya lang ang natatanging makakapasok sa lupaing iyon mula sa inyo. Wala sa masasamang mga tao na ito ang makakakita sa mainam na lupaing iyon na tapatkong ipinangako para ibigay sa inyong mga ninuno.' \s5 \v 37 Pero dahil sa ginawa ng inyong mga ninuno, si Yahweh ay nagalit din sa akin. Sinabi niya sa akin, 'Ikaw din ay hindi makapasok sa lupaing iyon. \v 38 Si Josue anak ni Nun, na iyong katulong, ay makakapasok doon. Palakasin ang kaniyang loob dahil siya ang natatanging gumawa sa inyong mga Israelita na masakop ang lupaing iyon.' \s5 \v 39 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa ating lahat, 'Sinabi mo na ang inyong mga bata ay madadakip ng inyong mga kaaway. Dahil sila ay napakabata pa, hindi pa nila alam kung ano ang mabuti at kung ano ang masama. Pero sila ang tanging bibigyan ko ng lupaing iyon at makakapasok sila roon at sasakupin ito. \v 40 Pero para sa inyo, umikot at bumalik sa disyerto, patungo sa Dagat ng mga Tambo.' \s5 \v 41 Pagkatapos sumagot ang inyong mga ninuno, 'Nagkasala kami; sumuway kami kay Yahweh. Kaya pupunta kami at lulusubin ang mga tao na nakatira sa lupaing iyon, ayon sa iniutos sa atin na gawin ni Yahweh na ating Diyos.' At bawat isa sa kanilang mga lalaki ay ilagay ang kanyang mga sandata at iniisip nila na madali lamang sakupin ang maburol na bansa. \v 42 Pero sinabi ni Yahweh sa akin, 'Sabihan sila, "Huwag kayong pumunta doon at lusubin ang mga taong iyon, dahil hindi ako sasama sa inyo at kung kayo ay pupunta, tiyak na tatalunin kayo ng inyong mga kaaway."' \s5 \v 43 Kaya sinabi ko iyon sa inyong mga ninuno, pero hindi nila pinakinggan ang aking mga sinabi sa kanila. Muli silang sumuway laban sa iniutos ni Yahweh sa kanila na dapat nilang gawin. Ang kanilang mga sundalo ay mayabang na nagmartsa paakyat doon sa maburol na bansa. \v 44 Pagkatapos ang mga lalaki sa lipi ng taong Amor na nakatira doon sa rehiyon ay lumabas sa kanilang mga bayan at nilusob ang mga sundalo ninyo. Hinabol nila ang inyong mga ninunong sundalo tulad ng isang kumpol ng pukyutan na humahabol sa isang tao, at patuloy nilang hinabol sila mula sa timog ng Edom at tinalo sila sa siyudad ng Horma. \s5 \v 45 Kaya bumalik ang inyong mga ninuno sa Kades Barnea at umiyak para humiling kay Yahweh na tulungan sila, pero hindi siya nakinig sa kanila. Hindi niya sila binigyan ng anumang pansin. \v 46 Kaya tayo ay nanatilli doon sa Kades Barnea sa mahabang panahon." \s5 \c 2 \p \v 1 "Pagkatapos umikot tayo at pumunta sa desyerto patungo sa Dagat ng mga Tambo gaya ng sinabi ni Yahweh sa atin na gawin, at naglakbay tayo ng maraming taon sa Edom. \v 2 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, \v 3 'Kayo ay naglalakbay sa maburol na bansang ito sa sapat na haba ng panahon. Ngayon bumalik at pumunta kayo sa hilaga. \s5 \v 4 At sabihin sa mga tao na maglalakbay sila malapit sa lupain na pag-aari ng mga kaapu-apuhan ni Esau, na siya ring mga kaapu-apuhan ni Isaac. Sila ay naninirahan sa maburol na bansa ng Edom. Matatakot sila sa inyo, \v 5 pero huwag kayong magsimulang makipag-away laban sa kanila, dahil hindi ko kayo bibigyan ng kahit kaunti ng kanilang lupain. Ibinigay ko ang lupain na iyon sa mga kaapu-apuhan ni Esau. \s5 \v 6 Kapag maglalakbay kayo malapit sa kanilang lupain, bumili kayo ng pagkain at tubig sa kanila.' \v 7 Huwag ninyong kalimutan na si Yahweh na ating Diyos ay pinagpala kayo sa lahat ng bagay na inyong ginawa. Alam niya ang nangyari sa inyo habang kayo ay naglakbay sa malaking disyertong ito. Pero siya ay kasama ninyo sa loob ng apatnapung taon, at bilang resulta nagkaroon kayo lahat ng inyong pangangailangan. \s5 \v 8 Kaya nagpatuloy tayo sa paglalakbay. Iniwasan natin ang pumunta sa maburol na bansa kung saan naninirahan ang mga kaapu-apuhan ni Esau. Tayo ay lumiko mula sa daan na patungong patag na lambak ng Jordan at lumabas mula sa Ezion Geber at Elat, at tayo ay naglakbay sa ilang na daan ng Moab. \s5 \v 9 Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Huwag ninyong abalahin ang bayan ng Moab, at huwag kayong magsimula ng away laban sa kanila, dahil hindi ko kayo bibigyan ng kahit kaunti ng kanilang lupain. Huwag ninyong kalimutan na sila ay mga kaapu-apuhan ni Lot ang pamangkin ni Abraham, at ibinigay ko sa kanila ang lungsod ng Ar."' \s5 \v 10 Isang malaking grupo ng mga higanteng tinatawag na Emim ang dating nanirahan doon. Sila ay kasintaas ng mga higante ng mga kaapu-apuhan ni Anak. \v 11 Sila at ang mga kaapu-apuhan ni Anak ay tinawag ring mga higanteng Refaim, subalit ang mga tao sa Moab ay tinawag silang Emim. \s5 \v 12 Ang bayan ng Hor ay dating naninirahan sa pook ng Edom, pero hinabol sila palabas ng mga kaapu-apuhan ni Esau. Tinalo nila at pinatay sila at nanirahan sa kanilang lupain, gaya ng ginawa ng mga Israelita na sa huli ay pinaalis ang kanilang mga kaaway mula sa lupaing ibinigay ni Yahweh sa kanila. \s5 \v 13 Sinabi rin ni Moises sa mga Israelita, "Pagkatapos tumawid tayo sa Bangin ng Zered, gaya ng sinabi ni Yahweh na gawin natin. \v 14 Tatlumpu't-walong taon na ang lumipas simula nang tayo ay unang umalis mula sa Kades Barnea hanggang tayo ay makatawid sa Bangin ng Zered. Sa loob ng mga taong iyon, lahat ng mga lalaking mandirigma ng Israel ng salinlahing iyon ay namatay, gaya ng tapat na sinabi ni Yahweh na mangyayari. \v 15 Sila ay namatay dahil hinadlangan sila ni Yahweh hanggang lahat sila ay mapaalis niya. \s5 \v 16 Pagkatapos lahat ng mga lalaking matatanda para lumaban sa digmaan ay namatay, \v 17 sinabi sa akin ni Yahweh, \v 18 'Sa araw na ito kayong lahat ay dapat na maglakbay sa rehiyon ng Moab, na malapit sa Ar, na kanilang lungsod. \v 19 Kapag kayo ay malapit na sa hangganan ng lupain kung saan ang mga pangkat ng Ammon ay naninirahan, huwag ninyo silang abalahin o magsimula ng away laban sa kanila. Sila rin ay mga kaapu-apuhan ni Lot, kaya hindi ko ibibigay sa inyo ang alinman sa lupain na ibinigay ko sa kanila.'" \s5 \v 20 (Ang rehiyon na iyan ay tinawag ding lupain ng mga higanteng Refaim, na dating nanirahan dito. Ang pangkat ng Ammon ay tinawag silang grupo ng Zamsum. \v 21 Sila ay malalaki at makapangyarihang pangkat, na kasintaas ng mga kaapu-apuhan ni Anak. Pero sinira sila ni Yahweh, at ang mga pangkat ni Ammon ay pinalayas sila at kinuha ang kanilang lupain mula sa kanila at nag simulang manirahan doon. \v 22 Parehong bagay din ang ginawa ni Yahweh sa mga kaapu-apuhan ni Esau na naninirahan sa maburol na bansa ng Edom. Inalis niya ang pangkat ng Hor, na nagresulta para makuha ng pangkat ng Edom ang kanilang lupain mula sa kanila at nagsimulang manirahan doon. Doon parin sila naninirahan. \s5 \v 23 Ang mga tao na dumating mula sa isla ng Crete ay pinaalis ang pangkat ng Av na dating nanirahan sa lupain na malapit sa Dagat ng Mediteraneo, hanggang sa malayong timog tulad ng Gaza. Kinuha nila ang kanilang lupain mula sa kanila at nagsimulang manirahan doon.) \s5 \v 24 "Pagkatapos nating tumawid sa rehiyon ng Moab, sinabi ni Yahweh sa atin. 'Ngayon tumawid kayo sa Ilog ng Arnon. Tutulungan ko kayo para matalo ang hukbo ni Sihon, ang hari ng pangkat ng Amor, na naninirahan sa lungsod ng Hesbon. Kaya lusubin ang kanilang hukbo at simulan na kunin ang kanilang lupain mula sa kanila. \v 25 Sisimulan ko sa araw na ito na magdulot sa bawa't-isa, saanmang lugar, na matakot sa inyo. Ang lahat ng makakarinig tungkol sa inyo ay manginginig at masisindak.' \s5 \v 26 Pagkatapos nagpadala ako ng mga mensahero na pumunta mula sa disyerto, kung nasaan tayo, sa Hari ng Sihon sa Hesbon. Sinabi ko sa kanila na ibibigay ko ang mapayapang mensahe na ito sa hari: \v 27 'Pakiusap pahintulutan kaming makatawid sa inyong lupain. Ipinapangako namin na hindi kami magtatagal sa daan; at hindi kami liliko sa kaliwa o sa kanan. \s5 \v 28 Magbabayad kami sa alinmang pagkain o tubig na ipahihintulot mo na aming bilhin. Gusto lamang namin na dumaan sa inyong bansa \v 29 hanggang sa makatawid kami sa Ilog ng Jordan papunta sa lupain na ibinibigay sa amin ni Yahweh na aming Diyos. Gawin ninyo sa amin gaya ng ginawa sa amin ng mga kaapu-apuhan ni Esau na naninirahan sa pook ng Edom at sa pangkat ni Moab nang pinahintulutan nila kami na makadaan sa kanilang mga pook.' \s5 \v 30 Pero hindi tayo pinahintulutan ni Haring Sihon na makadaan sa kanilang bansa. Dahil dinulot iyon ni Yahweh na ating Diyos na siya ay magmatigas. Ang resulta ay binigyan tayo ng kakayahan ni Yahweh na matalo ang kaniyang hukbo at kunin ang kaniyang lupain, kung saan tayo naninirahan. \v 31 Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Makinig ka! Ipapahintulot ko na matalo ninyo ang hukbo ni Sihon at makuha ang lupain ng bayan mula sa kanila. Kaya simulang tirahan ito!' \s5 \v 32 Pagkatapos lumabas si Sihon mula sa lungsod ng Jahaz kasama ng lahat ng kaniyang hukbo. Pero binigyan tayo ng Diyos ng kakayahan na matalo sila, at \v 33 pinatay natin si Sihon, kaniyang mga anak, at lahat ng kaniyang mga kawal. \s5 \v 34 Nabihag natin ang kanilang mga lungsod, at sinira silang lahat. Pinatay natin ang lahat ng mga kalalakihan at mga kababaihan at mga bata; hindi natin sila hinayaan na sila ay manatiling buhay. \v 35 Kinuha natin ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa lungsod na ating nabihag, at gayun din ang kanilang mga baka. \s5 \v 36 Si Yahweh na ating Diyos ang nagbigay ng kakayahan na mabihag natin ang lahat ng kanilang bayan mula sa timog ng Aroer, na nasa gilid ng Lambak na Ilog ng Arnon, sa rehiyon ng Galaad sa hilaga. Ang ilan sa kanilang mga lungsod ay mayroong mga pader na nakapalibot sa mga iyon, pero nagawa parin nating mabihag sila. \v 37 Pero hindi tayo nakalapit sa lugar kung saan ang pangkat ng Ammon ay naninirahan, o sa mga pampang ng Ilog ng Jabbok, o sa mga bayan ng maburol na bansa, o saanmang lugar na kung saan sinabi sa atin ni Yahweh na ating Diyos na huwag nating puntahan. \s5 \c 3 \p \v 1 Pagkatapos tayo ay nagtungo sa hilaga at pumunta sa rehiyon ng Bashan. Nagmartsa ang hari ng lugar na iyon na si Og, at lahat ng kaniyang mga kawal sa timog para makipaglaban sa atin sa lungsod ng Edrei. \v 2 Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Huwag kang matakot sa kaniya, dahil bibigyan ko ng kakayahan ang iyong mga kawal na talunin siya at lahat ng kaniyang mga kawal at para masakop lahat ng lupain nila. Gawin sa kaniya ang ginawa ninyo kay Sihon, ang hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon.' \s5 \v 3 Kaya binigyan tayo ni Yahweh ng kakayahan na matalo si Haring Og at ang lahat ng kaniyang kawal. Pinatay natin silang lahat; Hindi natin hinayaan ang sinuman sa kanila na manatiling buhay. \v 4 Mayroong animnapung lungsod sa rehiyong iyon ng Argob, sa kaharian ni Haring Og sa Bashan. Pero nabihag natin silang lahat. \s5 \v 5 Lahat ng mga lungsod na iyon ay mayroong matataas na pader sa paligid nito at may tarangkahan at rehas. Maraming nayon ang ating nabihag na walang mga pader na nakapaliigid. \v 6 Ganap nating nasira ang lahat ng bagay, gaya ng ginawa natin sa lugar kung saan namuno si Haring Sihon. Pinatay natin lahat ng mga kalalakihan, mga kababaihan, at mga bata. \v 7 Pero mula sa mga lungsod na iyon kinuha natin para sa ating mga sarili ang lahat ng mga alagang hayop at ibang mga mahahalagang bagay. \s5 \v 8 Kaya nang panahong iyon kinuha natin mula sa dalawang hari ng pangkat ng Amor ang lahat ng lupain sa silangan ng Ilog Jordan, mula sa bangin ng Ilog Arnon sa timog hanggang sa Bundok Hermon sa hilaga." \v 9 (Ang bundok na iyon ay tinawag na Sirion ng mga tao sa lungsod ng Sidon at tinawag na Senir ng pangkat ng Amor.) \v 10 "Nabihag natin ang lahat ng mga siyudad sa talampas, at ang lahat ng rehiyon ng Galaad, at lahat ng Bashan hanggang sa kalayuang silangan ng mga siyudad ng Edrei at Saleca, na kabilang din sa kaharian ni Og." \s5 \v 11 (Si Og ang huling hari na nagmula sa kaapu-apuhan ng mga higanteng Refaim. Ang kaniyang higaan ay gawa sa bakal. Halos apat na metro ang haba at dalawang metro ang lapad nito. Nasa lungsod ito ng Rabba sa rehiyon ng Ammon.) \s5 \v 12 "Mula sa lupain na ating nabihag ng panahong iyon, ipinamahagi ko sa mga lipi ni Ruben at Gad ang lupain sa hilaga ng lungsod ng Aroer malapit sa Ilog Arnon, at ilan sa burol na bansa ng Galaad, kasama ng mga malalapit na lungsod. \v 13 Ang ibang bahagi ng Galaad at lahat ng Bashan, na rehiyon ng Argob na pinamunuan ni Haring Og, ipinamahagi ko sa kalahati ng lipi ni Manases." (Tinatawag na lupain ng mga higanteng Refaim ang buong rehiyon ng Bashan.) \s5 \v 14 Sinakop ni Jair, isang lalaki na mula sa lipi ni Manases, ang lahat ng Bashan hanggang sa hilagang hangganan ng mga nasasakupan ng mga Gesureo at Maacateo. Ibinigay niya ang kaniyang sariling pangalan sa siyudad doon, at tinatawag parin silang mga siyudad ni Jair.) \s5 \v 15 Ipinimahagi ko ang hilagang bahagi ng rehiyon ng Galaad sa lipi ng Maquir, na mga kaapu-apuhan ng lipi ni Manases. \v 16 Ipinamahagi ko sa mga lipi nina Ruben at Gad ang katimugang bahagi ng Galaad, na nagdudugtong sa timog ng Ilog Arnon. Ang kalagitnaan ng ilog ay ang katimugang hangganan. Ang hilagang hangganan ay ang Ilog Jabbok na hangganan ng rehiyon ng Ammon. \s5 \v 17 Ang hangganan ay nagdudugtong mula sa kapatagan na malapit sa silangang bahagi ng lambak ng Jordan, mula Kineret sa hilaga (kilala bilang Dagat ng Galilea), hanggang sa Dagat ng Araba (kilala bilang Dagat Patay) sa timog, at sa mga matatarik na Bundok Pisga sa silangan. \s5 \v 18 Nang panahong iyon, sinabi ko sa inyong tatlong mga lipi, 'ibinibigay sa inyo ni Yahweh na ating Diyos ang lupaing ito sa silangan ng Ilog Jordan, para matirhan ninyo. Kaya ngayon, kailangan kumuha ang mga sundalo ninyo ng mga sandata at tumawid sa Ilog Jordan sa unahan ng mga tauhan mula sa ibang mga lipi ng Israel para matulungan sila na sakupin ang lupain na ibibigay sa kanila ng Diyos. \s5 \v 19 Pero kailangang manatili ng inyong mga asawa, inyong mga anak at ng inyong napakaraming baka sa mga nayon na aking naibigay sa inyo. \v 20 Kailangang tumulong ng inyong mga tauhan sa inyong kapwa mga Israelita hanggang sa mapahintulutan sila ni Yahweh na manirahan doon ng mapayapa pagkatapos nilang masakop ang lahat ng lupain na ibinigay ni Yahweh na ating Diyos sa kanila sa kanlurang bahagi ng Ilog Jordan, katulad ng ginawa niya sa inyo dito sa silangang bahagi ng ilog. Pagkatapos noon, makakabalik na kayong lahat sa lupaing ito na ibinigay ko sa inyo.' \s5 \v 21 At sinabi ko kay Josue, 'Nakita ninyo ang lahat ng ginawa ni Yahweh na ating Diyos sa dalawang haring iyon, sina Sihon at Og. Gagawin niya kung ano ang ginawa niya sa mga taong nasa lupain na papasukin ninyo. \v 22 Huwag matakot sa mga taong iyon, dahil si Yahweh na ating Diyos ang siyang lalaban para sa inyong lahat.'" \s5 \v 23 Sa panahong iyon, taos-puso akong nanalangin, na sinasabing \v 24 'Yahweh aking Panginoon, sinimulan mo lamang ipakita sa akin na ikaw ay napaka dakila at ipakita sa akin ang mga makapangyarihang bagay na magagawa mo. Tunay nga na walang ni isang diyos sa langit o sa mundo na makagagawa ng mga makapangyarihang mga bagay na ginawa mo. \v 25 Kaya pakiusap hayaan mo akong makatawid sa Ilog Jordan at para makita ang masaganang lupain sa silangang bahagi, ang magandang burol na bansa at ang kabundukan sa Lebanon.' \s5 \v 26 Pero galit si Yahweh sa akin dahil sa kung ano ang nagawa ng inyong mga ninuno, kaya hindi niya ako pinapansin. Sa halip, sinabi niya, 'Tumigil ka na sa pagsasalita! Huwag na muling makipag-usap sa akin tungkol diyan! \v 27 Aakyat ka sa tuktok ng Bundok Pisga at titingin sa kanluran at sa silangan, sa hilaga at sa timog. Kailangan mo itong tingnan ng maigi, dahil hindi ka tatawid sa Ilog Jordan para makita mula doon ang lupain. \s5 \v 28 Pero sabihin kay Josue kung ano ang dapat niyang gawin; palakasin ang kaniyang loob para tumibay, dahil siya ang mamumuno sa mga tao sa pagtawid sa ilog para matirahan nila ang lupain na makikita mo mula sa tuktok ng bundok.' \v 29 Kaya nanatili kami sa lambak ng Ilog Jordan na malapit sa nayon ng Beth Peor." \s5 \c 4 \p \v 1 "Ngayon, kayong mga Israelita, sundin ang lahat ng mga patakaran at mga tuntunin na aking ituturo sa inyo. Kung gagawin ninyo iyon, mananatili kayong buhay at kayo ay makakapasok at masasakop ang lupain na ibinibigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos na sinamba ng iyong mga ninuno. \v 2 Huwag magdagdag ng anumang bagay sa kung ano ang iniutos ko sa inyo, at huwag kumuha ng anumang bagay mula sa sasabihin ko sa inyo. Sundin ang lahat ng mga utos ni Yahweh na inyong Diyos na aking ibibigay sa inyo. \s5 \v 3 Nakita ninyo ang ginawa ni Yahweh sa Baal Peor. Winasak niya ang lahat ng mga taong sumamba sa diyos doon na si Baal, \v 4 Pero kayong lahat na patuloy na sumamba ng tapat kay Yahweh na ating Diyos ay nananatiling buhay sa araw na ito. \s5 \v 5 Tandaan na itinuro ko sa inyo ang lahat ng mga patakaran at mga tuntunin, gaya ng sinabi ni Yahweh na ating Diyos na aking gawin. Gusto niyang sundin ninyo ang mga ito kapag kayo ay naninirahan na sa lupaing malapit na ninyong pasukin at sakupin. \v 6 Sundin ang mga ito ng may katapatan dahil, kung gagawin ninyo iyon, maipapakita ninyo sa mga tao sa ibang mga bansa ang inyong malawak na karunungan. Kapag narinig nila ang tungkol sa lahat ng mga batas na ito, sila ay magsasabing, 'Ang dakilang bansang Israel ay tunay na malawak ang karunungan!' \s5 \v 7 Kahit na kung ang ibang mga bansa ay malaki, wala ni isa sa kanila na may isang diyos na malapit sa kanila gaya ni Yahweh na ating Diyos! \v 8 At walang ibang bansa, kahit na ito ay isang malaking bansa, na may mga batas na mga kasing makatarungan gaya ng mga batas na aking sinasabi sa inyo sa araw na ito. \s5 \v 9 Pero maging napakaingat! Huwag kalilimutan ang nakita ninyong ginawa ng Diyos. Tandaan ninyo ang mga bagay na iyon habang kayo ay nabubuhay. Sabihin ang mga ito sa inyong mga anak at sa inyong mga apo. \v 10 Sabihin sa kanila ang araw na ang inyong mga ninuno ay tumayo sa presensya ni Yahweh na ating Diyos sa Bundok Sinai, nang sinabi niya sa akin, 'sama-samang tipunin ang mga tao, para maririnig nila ang aking sasabihin. Gusto kong matutunan nilang gumalang sa akin at parangalan ako habang sila ay nabubuhay, at gusto kong turuan nila ang kanilang mga anak na gawin din iyon.' \s5 \v 11 Sabihin sa inyong mga anak na ang inyong mga ninuno ay pumunta malapit sa paanan ng bundok, habang ang bundok ay nasusunog ng isang apoy na paakyat sa langit, at ang bundok ay natatakpan ng madilim na mga ulap at itim na mga usok. \v 12 Pagkatapos si Yahweh ay nagsalita sa inyong mga ninuno mula sa kalagitnaan ng apoy. Narinig ng inyong mga ninuno na nagsalita siya, pero siya ay hindi nila nakita. Boses lamang niya ang kanilang narinig. \s5 \v 13 At ipinahayag niya ang tipan sa kanila na gusto niyang sundin rin ninyo. Ibinigay niya sa kanila ang Sampung Utos. Sinulat niya iyon sa dalawang mga tipak na bato. \v 14 Inutusan ako ni Yahweh na ituro ang lahat ng patakaran at mga tuntunin sa inyo, para sundin ninyo ang mga ito sa lupain na malapit na ninyong pasukin at sakupin. \s5 \v 15 Sa araw na iyon nagsalita si Yahweh sa inyong mga ninuno sa Bundok ng Sinai, siya ay hindi nila nakita. Kaya maging maingat! \v 16 Huwag magkasala sa pamamagitan ng paggawa ng anumang inukit na hugis! Huwag gumawa ng anumang bagay na kahawig ng sinumang tao, lalaki man o babae, \v 17 o nang kahawig ng anumang hayop o anumang ibon \v 18 o anumang reptilya o anumang isda sa malalim na karagatan. \s5 \v 19 At maging maingat sa hindi pagtingin sa itaas patungong langit at matuksong sambahin ang anumang bagay na nakikita ninyo doon— ang araw o ang buwan o mga bituin. Ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos iyon para tulungan ang lahat ng mga tao sa lahat ng dako, pero hindi dapat sambahin ang mga iyon. \v 20 Dinala ni Yahweh ang inyong mga ninuno palabas ng Ehipto, kung saan sila ay nagdurusa na parang sila ay nasa isang nagliliyab na pugon, nang sa gayon sila ay magiging mga tao na nabibilang sa kaniya, na kung ano kayo sa araw na ito. \s5 \v 21 Subalit si Yahweh ay nagalit sa akin dahil sa ginawa ng inyong mga ninuno. At nangako siya na ako ay kailanman ay hindi makakapasok sa lupaing ibibigay niya sa inyo. \v 22 Siya ay sumumpang ako ay mamamatay dito sa lupain at hindi kailanman makakatawid sa Ilog Jordan. Subalit kayo ay makakapunta sa ibayo nito, at sasakupin ninyo ang lupaing iyon. \s5 \v 23 Tiyakin na huwag ninyong kalilimutan ang tipan na ginawa ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo, at huwag gagawa ng isang inukit na hugis na kahawig ng anumang bagay na ipinagbabawal sa inyo. \v 24 Hindi dapat ninyo gawin iyon sapagkat lilipulin ni Yahweh na inyong Diyos ang sinumang sumasamba sa mga diyus-diyosan, gaya ng mga taong sumasamba sa sinuman o anumang bagay. Gusto niya na ang lahat ay siya lamang ang sasambahin. \s5 \v 25 Kapag kayo ay nasa lupain ng Canaan sa mahabang panahon at nagkaroon na kayo ng mga anak at mga apo, huwag magkakasala sa pamamagitan ng paggawa ng isang inukit na hugis na kumakatawan sa anumang bagay, sapagkat sinabi ni Yahweh na iyon ay masama, at kung gagawin ninyo iyon, magiging dahilan na siya ay magagalit sa inyo at paparusahan kayo. \v 26 Sa araw na ito hinihiling ko sa lahat na nasa langit at sa lahat na nasa lupa na bantayan ang kung ano ang inyong ginagawa. Kung kayo ay hindi susunod sa kung ano ang sinasabi ko sa inyo, sa madaling panahon kayong lahat ay mamamatay sa lupain na inyong tatawirin sa Ilog Jordan para sakupin. Hindi kayo mabubuhay ng napakatagal doon; Tuluyang papaalisin ang karamihan sa inyo ni Yahweh. \s5 \v 27 At ang natitira sa inyo, pipilitin kayo ni Yahweh na pumunta at manirahan kasama ng mga tao sa iba't-ibang mga bansa. Kakaunti na lamang sa inyo ang makakaligtas doon. \v 28 Kapag kayo ay nasa mga bansang iyon, sasambahin ninyo ang mga diyos na gawa sa kahoy at bato, mga diyos na ginawa ng mga tao, mga diyos na hindi nakakakita ng anumang bagay o nakakarinig ng anumang bagay o nakakakain ng anumang bagay o nakakaamoy ng anumang bagay. \s5 \v 29 Pero habang kayo ay nandoon, susubukin ninyong kilalanin si Yahweh na inyong Diyos, at kung sinubok ninyo sa inyong buong puso na kilalanin siya, kayo ay sasagutin niya. \s5 \v 30 Sa hinaharap, kapag kayo ay pinagmalupitan doon at lahat ng masamang mga bagay na iyon ay mangyayari sa inyo, muli ninyong sasambahin si Yahweh lamang at siya ay susundin. \v 31 Si Yahweh ay isang Diyos na mahabagin. Kung magpapatuloy kayo sa pagsunod sa kanya, hindi niya kayo iiwan o kayo ay lilipulin o kakalimutan ang kasunduan na tapat niyang ginawa sa inyong mga ninuno." \s5 \v 32 Ngayon isipin ninyo ang nakaraan, tungkol sa panahon bago pa man kayo ipinanganak, tungkol sa lahat ng panahon mula noong unang nilikha ng Diyos ang mga tao dito sa mundo. Maaari ninyong saliksikin sa lahat ng dako, sa langit at sa lupa. Mayroon bang anumang bagay katulad nito na kailanman ay nangyari na kasing dakila katulad sa ginawa ni Yahweh para sa atin na mga Israelita? \v 33 Mayroon bang ano mang pangkat na kailanman ay nanatiling buhay matapos marinig nilang nagsalita ang isang diyos sa kanila mula sa kalagitnaan ng isang apoy, katulad ng ating ginawa? \s5 \v 34 Kailanman wala pang diyos na sumubok na maglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa, katulad ng ginawa niya sa atin kung saan dinala niya tayo palabas ng Ehipto. Nakita nating ginamit ni Yahweh na ating Diyos ang kaniyang dakilang kapangyarihan para gawin ang mga himala para maipakita sa atin kung sino siya, at ipinadala ang mga salot, at ginawa ang maraming mga bagay na ikinasindak ng mga tao, at kung paano niya tayo sinagip nang tangkain tayong atakihin ng hukbo ng Ehipto. \s5 \v 35 Ipinakita ni Yahweh ang lahat ng mga bagay na ito sa inyo, nang sa gayon malaman ninyo na siya lamang ang tunay na Diyos, wala ng iba. \v 36 Pinahintulutan niya ang inyong mga ninuno na marinig siyang magsalita mula sa langit ng sa gayon ay maaari niyang maparusahan sila. Dito sa lupa ay pinahintulutan niyang makita nila ang kaniyang napakalaking apoy sa Bundok Sinai, at siya ay nagsalita sa kanila mula sa kalagitnaan ng apoy. \s5 \v 37 Dahil minahal niya ang ating mga ninuno, pinili niya kayong mga Israelita na kung sino ang kanilang mga kaapu-apuhan, at sa pamamagitan ng kanyang dakilang kapangyarihan dinala niyang palabas ang inyong mga ninuno mula sa Ehipto. \v 38 Sa kanilang paglalakbay, pinaaalis niya ang mga tao ng mga bansa na mas malaki at mas makapangyarihan kaysa sa kanila, nang sa gayon makuha nila ang kanilang lupain at idulot ito na maging kanila, tulad ng ginawa niya ngayon. \s5 \v 39 Kaya sa araw na ito ay dapat ninyong isipin ang tungkol sa katotohanan na si Yahweh ay Diyos, na pinamamahalaan niya ang langit at pati na rin ang lupa, at wala ng ibang diyos. \v 40 Sundin ninyo ang lahat ng mga patakaran at mga tuntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon, nang sa gayon ang mga bagay ay magiging maganda para sa inyo at para sa inyong mga kaapu-apuhan, at upang mabuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo, dahil ito ay mapapabilang sa inyo magpakailanman." \s5 \v 41 Pagkatapos si Moises ay pumili ng tatlong mga siyudad na nasa silangang bahagi ng Ilog Jordan. \v 42 Kung ang isang tao ay nakapatay ng ibang tao nang hindi sinasadya, isang tao na hindi niya dati naging kaaway, siya ay maaaring tumakas sa isa sa mga siyudad na iyon. Siya ay magiging ligtas sa isa sa mga siyudad na iyon sapagkat ipagtatanggol siya ng mga tao doon. \v 43 Para sa lipi ni Ruben, pinili ni Moises ang siyudad ng Bezer sa ilang; Para sa lipi ni Gad, pinili niya ang siyudad ng Ramot sa rehiyon ng Galaad. Para sa lipi ni Manases, pinili ni Moises ang siyudad ng Golan sa rehiyon ng Bashan. \s5 \v 44 Ibinigay ni Moises ang mga utos ng Diyos sa mga Israelita. \v 45 Isinama nila ang lahat na taimtim na mga utos, mga kautusan at mga batas na sinabi ni Moises sa mga Israelita pagkatapos nilang lumabas sa Ehipto, \v 46 nang sila ay nasa lambak ng silangan ng Ilog Jordan. Nasa kabilang ibayo sila mula sa bayan ng Beth Peor, sa lupain na dating pinamumunuan ni Sihon, ang hari ng lahi ng mga Amoreo, na kung sino ay namumuhay sa Heshbon. Dinaig ni Moises at ng ibang mga Israelita ang kanyang hukbo nang sila ay lumabas ng Ehipto. \s5 \v 47 Nakuha nila ang lupain ni Sihon at ang lupain ni Og, ang hari sa rehiyon ng Bashan, na namuno. Iyon ay ang dalawang mga hari na namuno sa lahi ng mga Amoreo sa pook na nasa silangan ng Ilog Jordan. \v 48 Pinalawak ang kanilang lupain mula sa siyudad ng Aroer sa timog katabi ng Ilog Arnon, na kasing layo sa hilaga ayon sa Bundok Sirion, kung saan ang karamihan ng mga tao ay tinatawag itong Bundok Hermon. \v 49 Kasama rin dito ang lahat ng pook sa silangang kapatagan ng Lambak Ilog Jordan, pinalawig hanggang sa Dagat ng Arabah (kilala bilang Dagat na Patay) at sa silangan hanggang sa matarik ng Bundok Pisga. \s5 \c 5 \p \v 1 Tinawag ni Moises ang lahat ng lahi ng Israel at sinabi sa kanila, "Kayo mga Israelita, pakinggan ang lahat ang mga alituntunin at mga panuntunan na ibibigay ko sa inyo ngayon. Aralin at tiyaking sundin ninyo ang mga ito. \v 2 Nang tayo ay nasa Bundok ng Sinai, gumawa si Yahweh na ating Diyos ng isang kasunduan sa atin. \v 3 Pero ang kasunduang ito ay hindi lamang para sa ating mga ninuno. Ginawa rin niya ito para sa atin, na buhay ngayon. \s5 \v 4 Nagsalita si Yahweh sa atin ng harapan sa ibabaw ng bundok na iyon, mula sa kalagitnaan ng apoy. \v 5 Nang araw na iyon, tumayo ako sa pagitan ng inyong mga ninuno at ni Yahweh para sabihin sa kanila kung ano ang kaniyang sinabi, dahil sila ay takot sa apoy, at hindi nila gustong umakyat sa bundok. Ito ang sinabi ni Yahweh: \v 6 'Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang sinasamba ninyo. Ako ang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto. Ako ang nagpalaya sa inyo mula sa pagiging mga alipin doon \s5 \v 7 Ako lang ang dapat ninyong sambahin; wala na kayong dapat sambahin na ibang diyos. \v 8 Hindi dapat kayo gamuwa ng isang inukit na larawan sa anumang bagay na kumakatawan sa anumang nabubuhay na nilikha na nasa kalangitan, o sa lupa, o sa ilalim ng tubig. \s5 \v 9 Hindi kayo dapat yumukod sa anumang diyus-diyosan at sambahin ito, dahil ako si Yahweh ang Diyos, at hindi ko hahayaang gawin ninyo iyon. Parurusahan ko ang sinumang gumawa ng ganun, at ang kanilang mga anak, kaapu-apuhan, at sa mga apo sa tuhod. \v 10 Pero patuloy kong mamahalin ang mga libu-libong salinlahi ng mga nagmamahal sa akin at sumusunod sa aking mga utos. \s5 \v 11 Huwag sabihin ang aking pangalan ng walang ingat o sa maling layunin, dahil ako si Yahweh ang Diyos, ang nag-iisang dapat ninyong sambahin, at titiyakin kong parurusahan ko ang sinumang gumagawa ng iyon. \s5 \v 12 Huwag ninyong kalilimutan na ang ikapitong araw sa bawat linggo ay natatangi para ako ay parangalan ninyo, ako, si Yahweh na inyong Diyos ay inuutos sa inyo. \v 13 Mayroong anim na araw sa bawat linggo para gawin ninyo ang lahat ng inyong trabaho, \v 14 pero ang ikapitong araw ay ang Araw na Pamamahinga, ang araw na inilaan para sa akin, Yahweh na inyong Diyos. Sa araw na iyon dapat hindi kayo gumawa ng kahit na anong gawain. Ikaw at ang inyong mga lalaking anak at mga babaeng anak at inyong mga babae at lalaking alipin ay hindi dapat magtrabaho. Hindi dapat ninyong pilitin ang inyong mga hayop na magtrabaho, at dapat sabihan ninyo ang mga dayuhan na hindi magtrabaho, at ang mga taong naninirahan sa inyong lupain. Pahintulutan ninyo ang inyong mga alipin na magpahinga sa araw na iyon katulad ng inyong ginagawa. \s5 \v 15 Huwag ninyong kalimutan na kayo ay naging mga alipin sa Ehipto, at ako, si Yahweh na inyong Diyos, ang nagdala sa inyo palabas doon sa pamamagitan ng aking napakadakilang kapangyarihan. Iyan ang dahilan kaya iniuutos ko sa inyong lahat na kayo ay dapat magpahinga sa ikapitong araw sa bawat linggo. \s5 \v 16 Galangin ang inyong mga ama at inyong mga ina, katulad ko, si Yahweh na inyong Diyos, na inuutus ko sa inyo, para kayo bilang isang mga lahi ay maaaring mabuhay ng mahabang panahon sa lupain na ako, si Yahweh na inyong Diyos, ang nagbigay sa inyo, at upang makabubuti para sa inyo. \s5 \v 17 Huwag pumatay ng sinuman. \v 18 Huwag gumawa ng pangangalunya. \v 19 Huwag magnakaw ng anumang bagay. \v 20 Huwag magsabi ng kasinungalingan patungkol sa sinuman habang nagsasalita sa hukuman. \s5 \v 21 Huwag pagnasaan ang asawa ng iba, bahay ng ibang tao, mga bukirin ng ibang tao, lalaking alipin o babaeng alipin ng ibang tao, buhay na hayop ng ibang tao, mga asno ng ibang tao, o anumang bagay na pagmamay-ari ng ibang tao.' \s5 \v 22 Iyon ang mga utos na sinabi ni Yahweh sa inyong mga ninuno. Nang nagtipon sila doon sa paanan ng bundok, nagsalita siya ng napakalakas na boses mula sa kalagitnaan ng apoy, at doon mayroong madilim na mga ulap na nakapalibot sa bundok. Kanya lamang sinabi ang sampung utos, wala ng iba. Pagkatapos sinulat niya ang mga ito sa dalawang tipak na bato at binigay ang mga ito sa akin. \s5 \v 23 Matapos marinig ng mga ninuno ang boses ni Yahweh nang kaniyang sinabi sa kanila mula sa kadiliman, habang mayroong isang malaking apoy na nagliliyab sa ibabaw ng bundok, ang kanilang mga pinuno at nakatatanda ay dumating sa akin, \v 24 at nagsalita ang isa sa kanila, 'Makinig ka sa amin! si Yahweh na aming Diyos napakita sa amin na siya ay napakadakila at maluwalhati nang marinig namin siyang nagsalita mula sa apoy. Ngayon aming napagtanto na kaming mga tao maaaring magpatuloy para mabuhay kahit na nagsalita na ang Diyos para sa amin. \s5 \v 25 Pero natatakot kami na mamatay. Natatakot kami na itong nagliliyab na apoy ang susunog sa aming lahat, kung aming mapapakinggan ang boses ni Yahweh. \v 26 Kami lamang ang mga tao sa mundong ibabaw ang nanatiling buhay matapos marinig ang Diyos na lubos na-makapangyarihan na nangusap sa kanila mula sa isang apoy! \v 27 Kaya Moises, umakyat ka sa bundok at makinig sa lahat ng bagay na sasabihin ni Yahweh na ating Diyos. Pagkatapos bumalik ka at sabihin mo sa amin ang lahat ng bagay na kaniyang sinabi, at makikinig kami kung ano kaniyang sinabi at susundin ang mga ito.' \s5 \v 28 Narinig ni Yahweh ang inyong sinabi, kaya nang bumalik ako sa bundok, sinabi ni Yahweh sa akin, 'Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga pinuno mo, at ang sinabi nila ay tama. \v 29 Tiyak kong mimithiin na patuloy silang mag-isip katulad ng ganoon at magkaroon ng isang kaibig-ibig na parangal para sa akin at sundin ang lahat ng aking mga utos, para ang mga bagay ay makabuti sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhan magpakailanman. \v 30 Kaya bumababa ka at sabihan sila na bumalik sa kanilang mga tolda. \s5 \v 31 Pero kung umakyat kang muli at tumayo ka malapit sa akin, at ibibigay ko sa iyo ang lahat na mga alituntunin at mga kautusan na gusto kong sundin nila. Pagkatapos maaari mong ituro ang mga ito sa mga tao, para sundin nila ang mga ito kapag naroon na sila sa lupain na ibibigay ko sa kanila. \s5 \v 32 Kaya bumalik ako sa mga tao at sinabi sa kanila, 'Tiyakin ninyo na inyong susundin ang bawat bagay na inutos ni Yahweh na ating Diyos na ating gawin. Huwag ninyong suwayin ang kanyang mga batas. \v 33 Mamuhay kayo ayon sa utos ni Yahweh na ating Diyos na inyong gawin, para mabuhay kayo ng mahabang panahon, at para maikabubuti sa inyo kapag mamumuhay kayo sa lupain na inyong titirhan.'" \s5 \c 6 \p \v 1 Ito ang mga utos at mga patakaran at panuntunan na iniutos sa akin ni Yahweh na ating Diyos para ituro ko sa inyo. Nais niyang sundin ninyo ang mga ito sa lupain na inyong papasukin at sasakupin. \v 2 Nais niyang parangalan ninyo siya, at nais niyang kayo at inyong mga kaapu-apuhan na sundin palagi ang mga patakaran at alituntunin na aking ibinibigay sa inyo, para mabuhay kayo ng mahabang panahon. \s5 \v 3 Kaya, kayong mga Israelita, pakinggang mabuti at sundin ang mga ito. Kung gagawin ninyo ito, makabubuti ito para sa inyo, at kayo ay magiging napakalaking bansa kapag kayo ay namuhay na sa napakatabang lupain na iyon. Iyan ang pinangako ni Yahweh, ang Diyos na sinamba ng ating ninuno, na mangyayari. \s5 \v 4 Makinig kayong mga Israelita, si Yahweh lamang ang ating Diyos. \v 5 Dapat ninyo siyang mahalin ng inyong buong pagkatao at ng buo ninyong damdamin at sa lahat ng paraan na inyong makakaya. \s5 \v 6 Huwag ninyong kalimutan ang mga utos na ibibigay ko sa inyo sa araw na ito. \v 7 Ituro ninyo ito sa inyong mga anak ng paulit-ulit. Palagi ninyo itong pag-usapan. Kapag kayo ay nasa inyong mga tahanan at kapag naglalakad kayo sa labas, pag-usapan din ninyo ang tungkol dito kapag kayo ay hihiga at kapag kayo ay babangon. \s5 \v 8 Isulat ninyo sila sa maliit na mga balumbon at itali ang mga ito sa inyong mga braso, at isulat bilang paalala sa inyo ang mga ito. \v 9 Isulat ang mga ito sa mga poste ng pintuan sa inyong mga bahay at sa mga tarangkahan ng inyong lungsod. \s5 \v 10 Tapat na ipinangako ni Yahweh na ating Diyos sa inyong mga ninuno na sina Abraham at Isaac at Jacob na ibibigay niya sa inyo ang isang lupain na mayroong malawak at maunlad na mga lungsod na hindi ninyo itinayo. \v 11 Sinabi niya na ang mga bahay doon sa mga lungsod na iyon ay mapupuno ng maraming mabubuting mga bagay na inilagay ng ibang tao doon; hindi kayo ang naglagay sa mga ito. Mayroong mga balon na hinukay ng ibang tao. Mayroong mga ubasan at mga puno ng mga olibo na itinanim ng iba. Kaya kung dadalhin kayo ni Yahweh sa lupain na iyon, at nandoon na ang lahat ng inyong gustong kainin, \v 12 tiyakin na hindi ninyo kalilimutan si Yahweh, na nagligtas sa inyo mula sa pagkaalipin sa Ehipto at nagbigay ng lahat ng mga bagay na ito sa inyo. \s5 \v 13 Dapat ninyong parangalan si Yahweh na ating Diyos, at dapat siya lamang ang inyong sambahin. Kapag kayo ay nangako na sasabihin ang katotohanan o gumawa ng anumang bagay, gawin ito sa kaniyang pangalan. \v 14 Hindi kayo dapat sumamba sa sinumang mga diyos, ang mga diyos na sinasamba ng mga lahi na naninirahan sa lupain na ito. \v 15 Si Yahweh na ating Diyos, na naninirahan sa inyo, ay hindi tatanggap ng mga tao na sumasamba sa kanino man o sa anumang bagay. Kaya kung sasamba kayo sa ibang diyos, si Yahweh ay labis na magagalit sa inyo, at ganap niya kayong sisirain. \s5 \v 16 Huwag kayong gumawa ng masasamang bagay para alamin kung kayo ay paparusahan ni Yahweh o hindi, katulad ng ginawa ng inyong mga ninuno sa Masa. \v 17 Siguraduhin na lagi ninyong susundin ang lahat ng mga batas, ang mabibigat na mga tagubilin, at ang mga alituntunin na kaniyang ibinigay sa inyo. \s5 \v 18 Gawin ang sinasabi ni Yahweh na matuwid at mabuti. Kung gagawin ninyo iyon, magiging maayos ang mga bagay para sa inyo. Maaari kayong makapasok at sakupin ang mabuting lupain na tapat na ipinangako na ibibigay ni Yahweh sa ating mga ninuno. \v 19 Gagawin niya iyon sa pamamagitan ng pagpapalaalis sa inyong mga kaaway mula sa lupain iyon, gaya ng kaniyang ipinangako na gagawin. \s5 \v 20 Sa hinaharap, tatanungin kayo ng inyong mga anak, 'Bakit iniutos ni Yahweh na ating Diyos na sundin ang lahat nitong patakaran at mga panuntunan?' \v 21 Sasabihin ninyo sa kanila, 'Ang ating mga ninuno ay naging mga alipin ng hari ng Ehipto, pero inilabas sila ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan sa Ehipto. \v 22 Nakita nilang gumawa siya nang maraming uri ng himala at nakakakilabot na mga bagay sa bayan ng Ehipto at sa hari at sa kaniyang mga pinuno. \v 23 Iniligtas niya ang ating mga ninuno mula sa Ehipto at dinala sila dito para ibigay itong lupain sa kanila, kagaya ng kaniyang tapat na ipinangakong gagawin sa ating mga ninuno. \s5 \v 24 At inutos niya sa atin na sundin itong mga utos at parangalan siya, para maging maayos ang mga bagay para sa atin, at para mabantayan niya ang ating bansa at para bigyan tayo ng kakayahan na umunlad, gaya ng kaniyang ginagawa ngayon. \v 25 Sasang-ayon sa atin si Yahweh na ating Diyos kung taimtim na susundin ang mga bagay na kaniyang iniutos sa atin.'" \s5 \c 7 \p \v 1 Dadalhin kayo ni Yahweh na ating Diyos sa lupain na inyong papasukin at sasakupin. Sa inyong pagpasok, palalayasin niya mula sa lupain ang pitong lipi na mas malalakas at mas marami kaysa sa inyo. Ito ang mga Heteo, mga Gergeseo, mga Amoreo, mga Cananeo, mga Pherezeo, mga Heveo, at ang mga lipi ng Jebuseo. \s5 \v 2 Kapag si Yahweh ang ating Diyos ay binigyan kayo ng kakayahan na talunin sila, dapat ninyong patayin silang lahat. Dapat hindi kayo gagawa ng kasunduan sa kanila, at dapat huwag kayong magpapakita ng awa para sa kanila. \v 3 Dapat huwag kayong makikipag-asawa sa sinuman sa kanila. Dapat huwag ninyong papayagan ang inyong mga anak na babae na mapangasawa ang sinumang mga anak nilang lalaki o papayagan ang mga anak ninyong lalaki na mapangasawa ang sinuman sa mga anak nilang mga babae. \s5 \v 4 Kung ginawa ninyo ito, iyong mga tao ay hihimukin ang inyong mga anak na pahintuin ang pagsasamba kay Yahweh at sasambahin ang ibang mga diyos. Kung ito ay mangyayari, Si Yahweh ay lubusang magagagalit sa inyo at lilipunin kayo agad. \v 5 Ito ang dapat ninyong gawin sa kanila: Pabagsakin ninyo ang kanilang mga altar, durugin ang mga batong mga poste na inialay sa kanilang mga diyos, pabagsakin ang mga poste na ginagamit nila kapag sila ay sumasamba sa diyosa ng Asera at sunugin ang kanilang hinulma na mga diyus-diyosan. \s5 \v 6 Kailangan ninyong gawin ito sapagkat kayo ay isang pangkat ng mga tao na kabilang para lamang kay Yahweh na ating Diyos. Pinili niya kayo mula sa lahat ng mga lahi sa mundo para maging natatangi na mga taong pag-aari niya. \s5 \v 7 Hindi dahil kayo ang mas marami kumpara sa sinumang ibang mga lahi na pinili kayo ni Yahweh: kayo ang pinakamaliit na mga lahi sa ibabaw ng lupa. \v 8 Sa halip, dahil minahal kayo ni Yahweh at sapagkat gusto niyang maisakatuparan ang kung ano ang taos pusong ipinangako niya sa inyong mga ninuno. Ito ang dahilan kaya iniligtas niya kayo sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan mula sa pagkaka-alipin kay Faraon na hari ng Ehipto. \s5 \v 9 Kaya huwag ninyong kakalimutan na si Yahweh ay ating Diyos. Siya ay tapat sa atin: Pinapanatili niya ang kaniyang kasunduan hanggang sa isanlibong salinlahi sa mga taong umiibig sa kaniya at sumusunod sa kaniyang mga kautusan. \v 10 Pero, doon sa mga galit sa kaniya, maghihiganti siya sa kanila: paparusahan at mabilis na lilipulin sila. \v 11 Kaya nga, dapat na siguraduhin na susundin ninyo ang lahat ng mga utos at patakaran at panuntunan na ibibigay ko sa inyo sa araw na ito. \s5 \v 12 Kung bibigyan ninyo ng pansin itong mga kautusan at lagi ninyong susundin, si Yahweh na ating Diyos ay gagawin kung ano iyong sinang-ayunan na gawin para sa inyo at mamahalin kayo ng tapat, kung saan taos pusong ipinangako sa inyong mga ninuno ang ninanais niyang gawin. \v 13 Mamahalin niya at pagpapalain kayo. Bibigyan niya kayo ng kakayahang magkaroon ng maraming mga anak. Pagpapalain niya ang inyong mga bukid, kalakip na may kinalabasan ng pagkakaroon ninyo ng maraming mga butil at mga ubas para gawing alak at maraming langis na olibo. Magkakaroon kayo ng maraming mga baka at mga tupa. Gagawin niya ang lahat ng mga bagay na ito para sa inyo sa lupain na ipinangako niya sa inyong mga ninuno na nais niyang ibigay sa inyo. \s5 \v 14 Pagpapalain niya kayo ng higit pa sa pagpapala niya sa sinuman sa ibang mga lahi. Lahat kayo ay magkakaroon ng mga anak. Lahat ng inyong mga alagang hayop ay may kakayahan na gumawa ng mga supling. \v 15 At si Yahweh ay pangangalagaan kayo mula sa lahat ng sakit. Hindi niya hahayaang magkasakit kayo ng anumang nakakatakot na sakit na nalaman ng ating mga ninuno tungkol sa Ehipto, pero gagawin niya na magkaroon ng sakit ang lahat ninyong mga kaaway. \s5 \v 16 Dapat ninyong lipulin ang lahat ng mga lahi na pahihintulutan ni Yahweh na ating Diyos na inyong sasakupin. Huwag kayong magpapakita ng awa sa sinuman sa kanila. At huwag ninyong sasambahin ang kanilang mga diyos, sapagkat kung gagawin ninyo iyan, ito ay katulad ng pagbagsak sa isang bitag na maaaring hindi na kayo makakaligtas. \s5 \v 17 Huwag ninyong isipin sa inyong mga sarili, 'Itong mga lahi ay mas marami kaysa sa atin. Hindi natin kakayanin kailanman na mapalayas sila. \v 18 Huwag kayong matakot sa kanila. Sa halip, isipin ninyo kung ano ang ginawa ng ating Diyos sa hari ng Ehipto at sa lahat ng tao na kaniyang pinamumunuan. \v 19 Huwag ninyong kalimutan ang nakakatakot na mga salot na nakita ng inyong mga ninuno na ipinataw niya sa mga tao sa Ehipto at ang ibat-ibang klase ng mga kababalaghan na ginawa ng Diyos para dalhin ang inyong mga ninuno palabas ng Ehipto. Si Yahweh na ating Dios ay gagawin ulit ang mga bagay na ito sa mga lahi na kinakatakutan ninyo sa ngayon. \s5 \v 20 At saka, idudulot niyang matakot sila at lilipulin niya iyong nanatiling buhay at nagsitakas para magtago sa inyo. \v 21 Huwag kayong matakot sa ganoong mga tao dahil si Yahweh na ating Diyos ay kasama ninyo. Siya ay isang dakilang Diyos; Siya ay nag-iisang kinakatakutan ng mga tao. \v 22 Papalayasin niya ng dahan-dahan ang mga lahi na iyon. Hindi dapat ninyo subukang palayasin silang lahat ng mabilisan, sapagkat kung gagawin ninyo iyan, ang bilang ng mga mababangis na hayop ay mabilis na darami, at hindi na ninyo mapapaalis sila. \s5 \v 23 Sa halip, bibigyan kayo ni Yahweh ng kakayahan na talunin ang inyong mga kaaway, isang lahi na magkakasama. Hahayaan niyang magkagulo sila hanggang sila ay malipol. \v 24 Bibigyan niya kayo ng kakayahan talunin ang kanilang mga hari. Pagkatapos ninyo silang patayin, makakalimutan na ang kanilang mga pangalan. Walang ibang lahi ang makakapigil sa inyo, lilipulin ninyo silang lahat. \s5 \v 25 Dapat ninyong sunugin ang inukit na anyo na kumakatawan ng kanilang mga diyos. Huwag ninyong pagnasaan na kunin ang kanilang pilak o ginto na palamuti sa ibabaw ng kanilang mga diyus-diyosan, dahil kung kukunin ninyo ito para sa inyong sarili, magiging tulad ng isang bitag ito para hulihin kayo. Kinamumuhian ni Yahweh ang bawat bahagi ng mga diyus-diyosan na iyon. \v 26 Dapat ay huwag ninyong dalhin ang anuman sa nakakamuhing mga diyus-diyosan na iyon sa loob ng inyong mga bahay, sapagkat kung gagawin ninyo ito, susumpain kayo ng Diyos katulad ng pagsumpa niya sa kanila. Dapat kamuhian at hamakin ninyo iyong mga diyus-diyosan, sapagkat iyon ang mga bagay na isinumpa ni Yahweh at ipinapangako na wawasakin niya ang mga ito." \s5 \c 8 \p \v 1 "Dapat sundin ninyo ng matapat ang lahat ng mga utos na ibibigay ko sa inyo ngayon. Kung gagawin ninyo iyon, mabubuhay kayo ng matagal, kayo ay magiging napakarami, at sasakupin ng inyong mga tao ang lupaing tapat na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno na kaniyang ibibigay sa inyo. \v 2 At huwag kalilimutan kung paano tayo pinatnubayan ni Yahweh na ating Diyos sa paglalakbay sa Disyerto nagdaang apatnapung taong ito. Siya ang nagdulot na magkaroon kayo ng maraming mga problema, dahil ibig niyang mapagtanto ninyo na kailangan ninyong manalig sa kaniya at hindi sa inyong mga sarili. At nais niyang subukin kayo, para malaman kung ano ang hinahangad ninyong gawin, kung susundin ba ninyo ang kaniyang mga utos o hindi. \s5 \v 3 Kaya idinulot niya na magkaroon kayo ng mga kahirapan. Ipinahintulot niya na magutom kayo. Pagkatapos binigyan niya kayo ng manna, pagkaing mula sa langit, pagkaing hindi pa ninyo nakain noon at ng inyong mga ninuno. Ginawa niya iyon para turuan kayo na ang mga tao ay kailangan pagkain para sa kanilang mga katawan, pero kailangan din nila ng pagkain para sa kanilang mga kaluluwa, na n nagmumula sa pagbibigay pansin sa lahat ng bagay na sinasabi ni Yahweh. \s5 \v 4 Nang apatnapung taon na iyon, hindi nasira ang ating mga kasuotan, at hindi namaga ang ating mga paa mula sa paglalakad sa disyerto. \v 5 Huwag ninyong kalilimutan na itinutuwid tayo at pinaparusahan tayo ni Yahweh na ating Diyos, katulad ng mga magulang na tinutuwid ang kanilang mga anak. \v 6 Kaya sundin ang mga utos ni Yahweh na ating Diyos, at mamuhay kayo sa nais niyang gawin ninyo, at parangalan siya. \s5 \v 7 Dadalhin niya kayo sa isang mabuting lupain, na may mga batis na dumadaloy pababa mula sa kaburulan at dumadaloy na mga bukal sa mga lambak. \v 8 Ito ay isang lupain kung saan tumutubo ang trigo at sebada, isang lupain na kung saan may mga puno ng igos at mga puno ng granada, at isang lupain na kung saan may mga puno ng olibo at pulot. \s5 \v 9 Ito ay isang lupain kung saan magkakaroon ng maraming pagkain para sa inyo, kung saan hindi kayo makukulangan ng anumang bagay, isang lupain na may batong-bakal sa bawat mga bato at maaari kayong makahukay ng batong-tanso mula sa kaburulan nito. \v 10 Araw-araw makakakain kayo hanggang sa mabusog ang inyong mga tiyan, at pasasalamatan ninyo si Yahweh na ating Diyos para sa matabang lupain na ibinigay niya sa inyo. \s5 \v 11 Pero kung mangyayari iyon, siguraduhing hindi ninyo kalilimutan si Yahweh na ating Diyos sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa kaniyang mga utos at mga patakaran at mga alituntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon. \v 12 Mabubusog ang inyong mga tiyan bawat araw, at magtatayo kayo ng maayos na mga bahay at manirahan sa kanila Pero maaaring makalimutan ninyo ang mga utos ni Yahweh. \s5 \v 13 Tunay nga, kapag labis na dumami ang bilang ng inyong mga baka at tupa, at kapag naka-ipon na kayo ng isang malaking halaga ng pilak at ginto, at ang labis na dumami ang lahat ng iba pa ninyong mga ari-arian, \v 14 siguraduhin na hindi kayo magiging mapagmataas at kalimutan si Yahweh na ating Diyos, na nagligtas sa inyong mga ninuno mula sa pagka-alipin sa Ehipto at inalis sila mula roon. \s5 \v 15 Huwag kalilimutan na pinatnubayan niya sila habang naglalakbay sa malaki at kakila-kilabot na disyerto, kung saan may mga makamandag na ahas at mga alakdan. At huwag kalilimutan kung saan ang tuyong-tuyong lupa at walang tubig, na dinulot niyang padaluyin ang tubig para sa kanila mula sa matibay na bato. \v 16 Huwag kalimutan na sa diyertong iyon ibinigay niya sa inyong mga ninuno ang manna para makakain, pagkaing hindi pa nila nakain. Dinulot niyang magkaroon sila, dahil ibig niyang mapagtanto nila na kinakailangan nilang manalig sa kanya at hindi sa kanilang mga sarili. At ibig niyang subukin sila, upang malaman kung ano ang kanilang hinahangad na gagawin, para kapag natapos na ang mga kahirapan, gagawa siya ng maraming magagandang mga bagay para sa kanila. \v 17 Siguraduhin na hindi ninyo iisipin sa inyong mga sarili na, 'Natamo ko ang lahat ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng aking sariling kapangyarihan at abilidad.' \s5 \v 18 Huwag kalilimutan na si Yahweh na ating Diyos ang nagbibigay-daan upang maging mayaman kayo. Ginawa niya ito dahil matapat niyang ginagawa kung ano ang mataimtim niyang ipinangako sa ating mga ninuno na kanyang gagawin. \v 19 Mataimtim kong binabalaan kayo, na kung kakalimutan ninyo si Yahweh na ating Diyos at susunod sa ibang mga diyos at magsimulang yumuko sa kanila at sambahin sila, tiyak na lilipulin niya kayo. \v 20 Kung hindi ninyo susundin si Yahweh na ating Diyos, tiyak na lilipulin niya kayo katulad ng paglilipol niya sa mga lahi na inyong nilalabanan. \s5 \c 9 \p \v 1 Kayong mga tao ng Israel, makinig sa akin! Sa madaling panahon tatawid kayo sa Ilog ng Jordan. Sa lupaing papasukin ninyo, ay mayroong mga malalaking siyudad na mayroong napakataas na mga pader sa palibot nila na parang pinataas hanggang sa langit. Mayroong mga lahi sa lupaing iyon na higit na marami at higit na makapangyarihan kaysa sa inyo. \v 2 Napakatangkad at malakas ng mga taong iyon. Mga higante ang ilan sa kanila na mga kaapu-apuhan ni Anak. Alam ninyo ang tungkol sa kanila, at narinig ninyo ang sinabi ng mga tao na walang sinumang makakatalo sa mga kaapu-apuhan ni Anak. \s5 \v 3 Gusto kong malaman ninyo na mauuna si Yahweh na ating Diyos sa inyo. Magiging katulad siya ng isang nananalantang apoy. Habang sumusulong kayo, tatalunin at lilipulin niya sila. Gaya ng kinalabasan, mabilis ninyong mapapalayas ang ilan sa kanila at mapatay ang iba, na ang ipinangako ni Yahweh na inyong gagawin. \s5 \v 4 Matapos silang patalsikin ni Yahweh na ating Diyos para sa inyo, huwag sabihin sa inyong mga sarili, 'Dahil matuwid tayo kaya't idinulot ni Yahweh na makaya nating bihagin ang lupaing ito.' Dahil ang totoo masama ang mga tao sa lupaing iyon kaya't palalayasin sila ni Yahweh habang sumusulong kayo. \s5 \v 5 Muli kong sinasabing hindi ito dahil sa matuwid kayo sa inyong mga sarili o dahil gumawa kayo ng mga bagay na matuwid kaya't papasok kayo at bibihagin ang lupaing iyon. Dahil napakasama ng mga lahing iyon kaya't papatalsikin sila ni Yahweh na ating Diyos habang sumusulong kayo, at dahil nilalayon niyang gawin kung ano ang mataimtim niyang ipinangako sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob na kanyang gagawin. \s5 \v 6 Gusto kong malaman ninyo na hindi ito dahil sa matuwid kayo kaya't ibibigay sa inyo ni Yahweh na ating Diyos itong masaganang lupain. Sinabi ko iyan dahil hindi kayo matuwid; isang napakasutil kayo na mga tao." \s5 \v 7 "Huwag kalimutan kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno sa ilang na nagdulot kay Yahweh na ating Diyos na magalit. Mula sa araw na umalis tayo sa Ehipto hanggang sa araw na dumating tayo rito, nagpatuloy rin kayo na nagsuwail laban sa kanya. \v 8 Kahit sa Bundok Sinai nagdulot ang inyong mga ninuno kay Yahweh na magalit. Dahil galit na galit siya, handa siyang lipulin silang lahat. \s5 \v 9 Nang inakyat ko ang bundok para tanggapin mula sa kanya ang mga tipak na bato na kung saan sinulat niya ang Sampung Utos, nanatili ako roon sa loob ng apatnapung araw at gabi, at sa panahong iyon hindi ako kumain o uminom ng anumang bagay. \v 10 Ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na bato na kung saan sinulat niya ang kanyang mga utos sa pamamagitan ng kanyang mga daliri. Mga salita sila na sinabi niya sa inyong mga ninuno mula sa apoy sa bundok na iyon, nang sama-samang nagtipon sila sa ibaba ng bundok. \s5 \v 11 At pagkatapos ng apatnapung araw at gabing iyon, ibinigay ni Yahweh sa akin ang dalawang tipak na batong iyon na kung saan niya sinulat ang mga utos na iyon. \v 12 Ngunit pagkatapos sinabi niya sa akin, 'Bumaba kaagad sa bundok, dahil ang mga tao na iyong pinangungunahan, ang mga taong pinangunahan mo palabas ng Ehipto, ay gumawa ng isang nakakakilabot na kasalanan! Napakabilis nilang gumawa ng kung ano ang iniutos kong huwag nilang gawin. Gumawa sila para sa kanilang sarili ng isang hinulmang hugis ng isang guya upang sambahin.' \s5 \v 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, 'Minamasdan ko ang mga taong ito, at nakita ko na napakasutil nila. \v 14 Kaya huwag akong subukang pigilan. Lilipulin ko silang lahat, na may kinalabasang wala ni isa sa kahit saan ang makakaalala ng kanilang mga pangalan. Pagkatapos gagawin kitang maging ninuno ng isang bansa na magiging higit na marami at higit na makapangyarihan kaysa sa kanila.' \s5 \v 15 Kaya tumalikod ako at bumaba sa bundok, bitbit sa aking mga kamay ang dalawang tipak na bato kung saan nakasulat ang Sampung Utos. Nagliliyab ang apoy sa buong bundok. \v 16 Tumingin ako, at nagulat ako na makita na nakagawa ang inyong mga ninuno ng isang malaking kasalanan laban kay Yahweh. Napakabilis nilang sinimulang gawin kung ano ang iniutos ni Yahweh na ating Diyos na huwag nilang gawin. Hiniling nila kay Aaron na gumawa para sa kanila ng isang metal na anyo ng isang guya upang sambahin. \s5 \v 17 Habang nanunuod sila, itinaas ko iyong dalawang tipak na batong iyon at tinapon sa lupa, at nagkapira-piraso ang mga ito. \v 18 Pagkatapos nagpatirapa ako sa lupa sa presensya ni Yahweh gaya ng ginawa ko dati, at hindi ako kumain o uminom ng kahit na ano sa loob ng apatnapung araw at gabi. Ginawa ko iyon dahil nagkasala ang inyong mga ninuno laban kay Yahweh at dinulot siyang maging galit na galit. \s5 \v 19 Natakot ako na dahil galit na galit si Yahweh sa kanila, lilipulin niya silang lahat. Ngunit nanalangin akong muli na hindi niya gagawin iyon, at muli siyang nakinig sa akin at sinagot ang aking dasal. \v 20 Galit na galit din si Yahweh kay Aaron dahil sa paggawa ng ginintuang guyang iyon at handang patayin siya. Ngunit sa oras ding iyon pinagdasal ko rin si Aaron, at sinagot ni Yahweh ang dasal ko. \s5 \v 21 Nagkasala ang inyong mga ninuno sa pamamagitan ng paghiling kay Aaron na gumawa ng isang metal na rebulto ng isang guya. Kaya kinuha ko ang rebultong iyon at tinunaw ito sa apoy at dinurog ito at giniling ito ng napakaliit na mga piraso. Pagkatapos tinapon ko iyong maliliit na mga pirasong iyon sa tubig na dumadaloy pababa ng bundok. \s5 \v 22 Dinulot din ng inyong mga ninuno si Yahweh na maging galit na galit sa pamamagitan ng kung ano ang ginawa nila sa mga lugar na pinangalanan nilang Tabera, Masah, at Kibrot Hataavah. \v 23 At nang nasa Kades Barnea kami, sinabi ni Yahweh sa inyong mga ninuno, 'Humayo at bihagin ang lupaing ibibigay ko sa inyo!' Ngunit naghimagsik sila laban sa kanya. Hindi sila nagtiwala sa kanya, at hindi nila sinunod kung ano ang sinabi niya sa kanila na gawin. \v 24 Naghimagsik ang inyong mga ninuno laban kay Yahweh mula sa unang araw na nakilala ko sila, sa Ehipto, at naging ganap na tulad kayo ng inyong mga ninuno. \s5 \v 25 Kaya, gaya ng sinabi ko, nagpatirapa ako sa lupa sa presensya ni Yahweh ng apatnapung araw at gabi, dahil sinabi ni Yahweh na lilipulin niya ang inyong mga ninuno. \v 26 At nanalangin ako kay Yahweh, na nagsasabing, 'Panginoong Yahweh, nabibilang ang mga taong ito sa iyo; huwag mo silang lipulin. Sila ang mga taong iyong sinagip at dinala palabas ng Ehipto sa pamamagitan ng iyong napakadakilang kapangyarihan. \s5 \v 27 Huwag mong kalimutan kung ano ang iyong ipinangako kina Abraham, Isaac, at Jacob. Pabayaan kung gaano kasuwail at kasama ang mga taong ito, at ang kasalanang ginawa nila. \v 28 Kung hindi mo iyan gagawin, at kung lilipulin mo sila, makakarinig ang mga tao ng Ehipto tungkol dito at sasabihing hindi mo nakayang dalhin sila patungo sa lupain na ipinangako mong ibibigay sa kanila. Sasabihin nila na kinuha mo sila patungo sa ilang upang patayin lang sila roon dahil kinamuhian mo sila. \v 29 Huwag mong kalimutan na sila ay iyong mga sangkatauhan. Pinili mo sila upang maging kabilang sa iyo. Dinala mo sila palabas mula sa Ehipto sa pamamagitan ng iyong napakadakilang kapangyarihan."' \s5 \c 10 \p \v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, 'Magtibag ng dalawang tipak na bato katulad ng una. At gumawa ng isang kaban na kahoy para ilagay sila rito. Pagkatapos dalhin ang mga tipak sa akin sa bundok na ito. \v 2 Isusulat ko sa mga tipak na iyon ang parehong mga salita na sinulat ko sa unang mga tipak, na mga binasag mo. Pagkatapos maaari mo na silang ilagay sa kaban.' \s5 \v 3 Kaya gumawa ako ng isang kaban. Gumamit ako ng kahoy mula sa isang puno ng akasya para gawin ito. Pagkatapos nagtibag ako ng dalawang tipak na bato katulad ng mga una, at umakyat ako sa bundok dala ang mga tipak. \v 4 Doon isinulat ni Yahweh sa mga tipak ang parehong Sampung Utos na isinulat niya sa unang tipak. Ito ang mga utos na sinabi niya sa inyong mga ninuno mula sa kalagitnaan ng apoy doon sa bundok, nang nagtipon sila sa ibaba ng bundok. Pagkatapos binigay ni Yahweh ang mga tipak sa akin, \s5 \v 5 at ako'y lumingon at bumaba sa bundok. Pagkatapos, gaya ng kanyang iniutos, inilagay ko sila sa kaban na aking ginawa. At ang mga ito ay naroon parin." \s5 \v 6 (Pagkatapos, mula sa mga balon na pag-aari ng mga tao ng Jaakan, naglakbay ang mga taong Israelita patungong Moserah. Doon namatay si Aaron at inilibing, at ang kanyang anak na lalaki na si Eleazar ang pumalit sa kanya at naging punong pari. \v 7 Mula roon, naglakbay ang mga Israelita patungong Gudgodah, at mula roon hanggang Jotbathat, isang lugar na maraming batis. \s5 \v 8 Sa panahong iyon, pinili ni Yahweh ang lipi ni Levi upang magdala ng kaban na naglalaman ng mga tipak kung saan nakasulat ang Sampung Utos, at upang tumayo sa harapan ni Yahweh sa banal na tolda, upang mag handog ng mga alay, at upang manalangin kay Yahweh na pagpalain ang mga tao. Ginagawa parin nila ang mga bagay na iyon hanggang sa kasalukuyan. \v 9 Iyon ang dahilan na ang lipi ni Levi ay hindi nakakatanggap ng anumang lupain kagaya sa ibang mga lipi. Ang kanilang natanggap ay ang karangalan ng pagiging pari ni Yahweh, na sinabi niya na dapat nilang gawin.) \s5 \v 10 Nagpatuloy si Moises sa pagsasalita: "Nanatili ako sa bundok ng apatnapung araw at gabi, gaya ng ginawa ko noong una. Nanalangin ako kay Yahweh, at muli niyang sinagot ang aking mga dalangin at sinabi na hindi niya lilipulin ang inyong mga ninuno. \v 11 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, 'Ipagpatuloy mo ang iyong paglalakbay, papunta sa harapan ng mga tao, upang sakupin ang lupain na aking mataimtim na ipinangako sa inyong mga ninuno na ibibigay ko sa inyo."' \s5 \v 12 Ngayon, kayong mga taong Israelita, sasabihin ko sa inyo kung ano ang inyong gagawin na sinasabi ni Yahweh na ating Diyos. Hinihingi niya na igalang ninyo siya, upang mamuhay kayo ayon sa kagustuhan niya, upang ibigin siya, at paglingkuran siya ng may buo ninyong pagnanais at ng buo ninyong pagdaramdam, \v 13 at sundin ang lahat ng kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon, upang tulungan nila kayo. \s5 \v 14 Huwag kalimutan na si Yahweh na ating Diyos ang nagmamay-ari maging ang langit at lahat ng bagay na naroon. Siya rin ang nagmamay-ari ng mundo at lahat ng bagay na naroon. \v 15 Ngunit kahit na pagmamay-ari niya ang mga bagay na iyon, minahal parin ni Yahweh ang inyong mga ninuno; mula sa lahat ng mga lahi na nasa mundo pinili niya tayo, kanilang mga kaapu-apuhan, at tayo parin ay kanyang mga tao. \s5 \v 16 Kaya dapat baguhin ninyo ang inyong pagkatao at tumigil sa pagiging suwail. \v 17 Si Yahweh na ating Diyos ay higit na dakila kaysa lahat ng diyos, at siya ay higit na dakila kaysa lahat ng mga pinuno. Siya ay makapangyarihan, higit pa sa iba, at hindi siya tumatanggap ng mga suhol. \s5 \v 18 Tinitiyak niya na ang mga ulila at ang mga balo ay pantay-pantay na pinapakitunguhan. Minamahal niya kahit ang mga dayuhan na naninirahan kasama nating mga taong Israelita, at bibigyan niya sila ng pagkain at mga pananamit. \v 19 Kaya dapat din ninyong mahalin ang mga dayuhang iyon, dahil naging dayuhan din kayo nang kayo ay naninirahan sa Ehipto. \s5 \v 20 Tiyaking igalang si Yahweh na ating Diyos at siya lamang ang sambahin. Maging tapat sa kanya, at sabihin na paparusahan niya kayo kapag hindi ninyo tutuparin ang inyong ipinangako. \v 21 Siya lamang ang dapat ninyong purihin. Siya ang ating Diyos, at nakita natin ang dakila at kahanga-hangang mga bagay na nagawa niya para sa atin. \s5 \v 22 Nang ang ating mga ninuno na si Jacob at kanyang pamilya, ay bumaba sa Ehipto, pitumpo lamang sila. Ngunit idinulot tayo ngayon ni Yahweh na maging napakarami gaya ng mga bituin sa langit." \s5 \c 11 \p \v 1 "Dahil sa lahat ng mga ginawa ni Yahweh na inyong Diyos para sa inyo, dapat ninyong ibigin at patuloy na sundin ang lahat ng kanyang mga patakaran at mga kautusan at mga utos. \s5 \v 2 Kayo at ang inyong mga ninuno, hindi ang mga anak ninyo ang dinisiplina niya sa pagdudulot na lahat kayo ay magkaroon ng mga paghihirap. Kaya simula ngayon, patuloy na isipin kung gaano siya napakadakila at makapangyarihan. \v 3 Isipin ang tungkol sa maraming himalang ginawa niya sa Ehipto, mga bagay na nagpakita kung gaano siya kamapakapangyarihan. Isipin ang tungkol sa kung ano ang ginawa niya sa hari ng Ehipto at sa lahat ng lupaing pinamunuan niya. \s5 \v 4 Isipin ang tungkol sa kung ano ang ginawa niya sa hukbo ng Ehipto, sa kanilang mga kabayo at mga karo. Isipin kung paano niya dinulot ang Dagat Pula na bahain at walisin ang hukbo nila habang hinahabol nila ang inyong mga ninuno. Isipin ang tungkol sa kung paano sila nagdusa mula roon kahit hanggang ngayon. \v 5 Isipin ang tungkol sa kung ano ang ginawa ni Yahweh para sa inyong mga ninuno sa disyerto bago kayo dumating sa lugar na ito. \s5 \v 6 Isipin kung ano ang ginawa niya kina Dathan at Abiram, ang dalawang anak na lalaki ni Eliab mula sa lipi ni Ruben. Habang nanonood ang lahat ng mga ninuno ninyo, ang mundo ay bumuka, at nahulog sila sa butas at nawala, kasama ang mga pamilya nila at mga tolda nila, mga alipin nila, at mga hayop nila. \v 7 Nakita ninyo at ng mga ninuno ninyo ang lahat ng mga himalang ito na ginawa ni Yahweh. \s5 \v 8 Kaya sundin ang lahat ng kanyang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon, upang maging malakas kayo at makatawid sa ilog at sakupin ang lupain kung saan malapit na kayong pumasok, \v 9 at upang mabuhay kayo ng mahabang panahon sa lupaing iyon, isang lupaing taimtim na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno na ibibigay niya sa kanila at sa mga kaapu-apuhan nila, isang lupaing napakayabong. \s5 \v 10 Ang lupaing malapit na ninyong pasukin at sakupin ay hindi katulad ng lupain ng Ehipto, kung saan nanirahan ang inyong mga ninuno. Sa Ehipto, matapos nilang magtanim ng mga buto, kailangan pa nilang magsipag para diligin ang mga halamang tumutubo. \v 11 Subalit ang lupaing malapit na ninyong pasukin ay isang lupain kung saan maraming mga burol at lambak, kung saan may saganang ulan. \v 12 Inaalagaan ni Yahweh ang lupaing iyon. Binabantayan niya iyon araw-araw, mula sa simula ng bawat taon hanggang sa katapusan ng bawat taon. \s5 \v 13 Inuutusan ko kayo ngayon na ibigin si Yahwen na inyong Diyos at paglingkuran siya ng inyong buong pagkatao. Kung gagawin ninyo iyan, \v 14 bawat taon ay magpapadala siya ng ulan sa inyong lupain sa mga tamang panahon. Bilang resulta, magkakaroon kayo ng mga butil at mga ubas para gawing alak at mga olibo para gumawa ng langis olibo. \v 15 At idudulot niyang tumubo ang damo sa mga bukid ninyo para kainin ng inyong mga alagang hayop. Magkakaroon kayo ng lahat ng pagkaing gusto ninyo. \s5 \v 16 Subalit binabalaan ko kayo, huwag tumalikod mula kay Yahweh na ating Diyos at magsimulang sumamba sa ibang mga diyos, \v 17 dahil kung gagawin ninyo iyan, lubhang magagalit sa inyo si Yahweh. Pipigilan niya ang ulan sa pagbagsak. Bilang resulta, hindi tutubo ang mga pananim, at sa madaling panahon ay mamamatay kayo sa gutom sa mabuting lupaing malapit ng ibigay sa inyo ni Yahweh. \s5 \v 18 Kaya palaging isipin kung ano ang mga inutos ni Yahweh sa inyo. Isulat ang mga salitang ito sa mga mumunting balumbon at ikabit sa mga bisig ninyo, at isulat ang mga ito sa gasang ikinakabit ninyo sa inyong mga noo upang matulungan kayong matandaan ang mga iyon. \v 19 Ituro ang mga iyon nang paulit-ulit sa inyong mga anak. Pag-usapan ang tungkol sa mga iyon sa lahat ng oras: Kapag kayo ay nasa mga bahay ninyo at kapag naglalakad kayo sa labas; pag-usapan ang tungkol sa mga iyon kapag nakahiga kayo at kapag gumagawa kayo ng mga bagay. \s5 \v 20 Isulat ang mga iyon sa mga haligi ng pinto at sa mga tarangkahan ng inyong mga lungsod. \v 21 Gawin iyon para kayo at ang inyong mga anak ay mabuhay ng mahabang panahon sa lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno na ibibigay niya sa kanila. Ang lupaing iyon ay mabibilang sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan habang may langit sa ibabaw ng mundo. \s5 \v 22 Tapat na ipagpatuloy na sundin ang inuutos kong gawin ninyo—ibigin si Yahweh na inyong Diyos, at mamuhay tulad ng gusto niyang gawin ninyo, at maging matapat sa kaniya. \v 23 Kung gagawin ninyo iyon, itataboy ni Yahweh lahat ng mga lahi sa lupaing iyon habang sumusulong kayo, mga lahing higit na napakarami at higit na makapangyarihan kaysa inyo. \s5 \v 24 Lahat ng lupa sa lupaing iyon kung saan kayo lalakad ay magiging inyo. Ang inyong nasasakupan ay lalawak mula sa disyerto sa timog tungo sa mga Bundok Lebanon sa hilaga, at mula sa Ilog Eufrates sa silangan tungo sa Dagat Mediteranea sa kanluran. \v 25 Si Yahweh na ating Diyos ay idudulot na ang lahat ng mga tao sa lupaing iyon ay maging takot na takot sa inyo, na kung ano ay ipinangako niya, na may resultang walang lahi ang makakapigil sa inyo. \s5 \v 26 Makinig nang mabuti: Sinasabi ko ngayon sa inyo na maaaring pagpapalain kayo ni Yahweh o sumpain kayo. \v 27 Kung susundin ninyo ang mga utos ni Yahweh na ating Diyos na ibinibigay ko sa inyo ngayon, pagpapalain niya kayo. \v 28 Pero kung hindi ninyo susundin ang mga iyon, at kapag tumalikod kayo sa kaniya para sumamba sa diyus-diyosan na noon pa ay hindi ninyo nakilala, susumpain niya kayo. \s5 \v 29 At kapag dinala kayo ni Yahweh sa lupaing malapit na ninyong pasukin at sakupin, dapat tumayo ang ilan sa inyo sa tuktok ng Bundok Gerizim at ipahayag kung ano ang magdudulot kay Yahweh para pagpalain kayo, at ang iba ay dapat tumayo sa tuktok ng Bundok Ebal at ipahayag ang kung ano ang magdudulot kay Yahweh na isumpa kayo." \v 30 (Ang dalawang bundok na iyon ay sa kanluran ng Ilog Jordan, sa kanluran ng kapatagan sa tabi ng Jordan, sa lupain kung saan nakatira ang mga Cananeo. Nakatira sila malapit sa mga banal na puno malapit sa Gilgal.) \s5 \v 31 "Tatawirin ninyo ang Jordan sa madaling panahon para sakupin ang lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na Diyos natin. Kapag pumasok kayo sa lugar na iyon at nagsimulang manirahan doon, \v 32 tiyaking susundin lahat ng mga patakaran at mga kautusang ibinibigay ko sa inyo ngayon." \s5 \c 12 \p \v 1 "Sasabihin ko na ngayon sa inyo ang mga patakaran at mga kautusan na dapat matapat ninyong sundin sa lupain na si Yahweh, ang Diyos na siyang sinamba ng ating mga ninuno, na ibinibigay sainyo para tirahan. Dapat ninyong sundin ang mga batas na ito sa bawat panahong nabubuhay kayo. \v 2 Kapag itataboy na ninyo ang lahi ng mga taong aagawan ninyo ng kanilang lupain, dapat ninyong wasakin ang lahat ng mga lugar kung saan sila sumamba sa kanilang mga diyos, sa mga lugar sa tuktok ng mga bundok at sa mga burol at sa tabi ng mga malalaking puno. \s5 \v 3 Dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar at wasakin ang kanilang mga banal na halagi. Sunugin ang mga rebulto ng kanilang diyosang si Asera at pabuwalin ang kanilang mga inukit na anyo, para wala na ni isang sumamba pang muli sa kanila sa mga lugar na iyon. \v 4 Huwag sambahin si Yahweh tulad ng pagsamba ng mga tao ng Canaan sa kanilang mga diyus-diyosan. \s5 \v 5 Sa halip, dapat kayong pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh. Ito ay sa pook na kung saan mamumuhay ang isa sa inyong mga lipi. Ito ang lugar kung saan dapat kayong pumasok sa presensya ni Yahweh at sambahin siya. \v 6 Iyon ang lugar kung saan dapat ninyong dalhin ang inyong mga alay na susunugin ng buo ng mga pari sa altar, at ang inyong ibang mga alay na kayo mismo ang naghandog sa akin, ang inyong mga ikapu, ang ibang mga handog na ipinangako ninyong ibibigay sa akin, ang panganay na anak ng inyong mga hayop mula sa inyong baka at tupa, o anumang ibang uri ng handog. \s5 \v 7 Doon, sa presensya ni Yahweh na ating Diyos, kakainin ninyo at ng inyong mga pamilya ang mga mabubuting bagay na bunga ng inyong pinaghirapan, at magiging masaya kayo, dahil labis-labis niya kayong pinagpala. \s5 \v 8 Kapag naroon na kayo sa lupaing iyon, hindi na dapat ninyo gawin ang ilan sa mga bagay na ginagawa natin. Hanggang ngayon, kayong lahat ay sumasamba kay Yahweh sa paraang gusto ninyo, \v 9 dahil hindi pa kayo nakakarating sa lupain na pahihintulot niyang palagian ninyong angkinin, kung saan maaari kayong mamuhay ng mapayapa. \s5 \v 10 Pero kapag tatawid na kayo sa Ilog ng Jordan, magsimula kayong mamuhay sa lugar na ibibigaysa inyo ni Yahweh na ating Diyos. Ipagtatanggol niya kayo mula sa lahat ng inyong mga kaaway na nakapalibot sa inyo, at mamumuhay kayo nang mapayapa. \v 11 Pipili si Yahweh ng isang lugar kung saan gusto niyang sambahin ninyo siya. Iyon ang lugar kung saan ninyo dapat dalhin ang lahat ng mga handog na iniutos kong dalhin ninyo: Ang mga alay na susunugin ng buo ng mga pari sa altar, ang iba ninyong mga alay, ang ibang mga handog na kayo mismo ang nagpasyang ihandog, ang inyong mga ikapu, at lahat ng natatanging mga handog na mataimtim ninyong ipinangakong ibigay kay Yahweh. \s5 \v 12 Magsaya roon sa presensya ni Yahweh, kasama ng inyong mga anak, inyong mga lingkod na lalaki at babae, at ng mga kaapu-apuhan ni Levi na naninirahan sa inyong mga bayan. Huwag kalimutan na ang mga kaapu-apuhan ni Levi ay hindi magkakaroon ng kanilang sariling lupain, tulad ninyo. \s5 \v 13 Tiyaking hindi kayo maghahandog ng sinunog na mga hayop bilang mga alay saan man ninyo gusto. \v 14 Ihahandog lamang ninyo ito sa lugar na pipiliin ni Yahweh para sa inyo, sa isang lugar na nabibilang sa isa sa inyong mga lipi. Iyan lamang ang lugar kung saan gusto niyang maghandog kayo ng mga alay na susunuging buo ng mga pari sa altar, at sa paggawa ng ibang mga bagay na iniuutos ko sa inyo na gawin kapag sumasamba kayo sa kaniya. \s5 \v 15 Gayun pa man, papayagan kayo ng Diyos na pumatay at kumain ng karne ng inyong mga hayop sa mga lugar kung saan kayo namumuhay. hanggang gusto ninyo, maaari kayong kumain ng karne mula sa mga hayop na pagpapalain ni Yahweh na ating Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ito sa inyo. Maaaring kumain ng karneng iyon ang lahat ng malilinis o marurumi sa panahong iyon, tulad lamang ninyo na kakain ng karne ng usa o isang antilope. \v 16 Pero hindi ninyo dapat kainin ang dugo ng anumang hayop; dapat ninyong hayaang tumulo sa lupa ang dugo bago ninyo lutuin ang karne. \s5 \v 17 Sa mga lugar kung saan kayo naninirahan, hindi dapat kayo kumain ng mga bagay na inyong inihandog kay Yahweh: Hindi ninyo dapat kainin ang mga ikapu ng inyong butil o ng inyong alak, o ng inyong olibong langis o ang panganay na anak ng inyong baka at tupa, o ang mga handog na kayo mismo ang nagpasyang ihandog kay Yahweh, o anumang mga handog. \s5 \v 18 Sa halip, kayo at ang inyong mga anak at ang inyong mga lingkod na lalaki at babae at ang mga kaapu-apuhan ni Levi na naninirahan sa inyong mga bayan ay dapat kumain ng mga bagay na iyon sa prensensya ni Yahweh sa lugar na pipiliin niya. At dapat kayong maging masaya sa lahat ng bagay na ginawa ninyo. \v 19 Tiyaking iingatan ninyo ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa bawat panahong namumuhay kayo sa inyong lupain. \s5 \v 20 Kapag binigyan kayo ni Yahweh na ating Diyos ng higit na malawak na lupain kaysa sa mayroon kayo noong una—at ipinangako niyang gadawin ito, at kapag sinabi ninyo, 'Gusto ko ng ilang karne makakain,' pinahihintulutan kayong kumain ng karne kailan man ninyo gusto. \s5 \v 21 Kung malayo mula sa tahanan ninyo ang lugar na pinipili ni Yahweh na ating Diyos na maging lugar para sa inyo para sambahin siya, pinahihintulutan kayong pumatay ng ilan sa inyong mga baka o tupa na ibinigay ni Yahweh sa inyo, at maaari ninyong kainin ang karneng iyon sa bayan kung saan kayo nakatira, tulad ng sinabi kong gawin ninyo. \v 22 Maaaring kumain ng karne ang sinumang malilinis o marurumi sa panahong iyon, na parang kakain kayo ng karne ng isang usa o ng isang antilope. \s5 \v 23 Pero tiyaking hindi ninyo kakainin ang dugo ng anumang hayop, dahil ito ang dugo na nagbibigay-buhay sa mga nabubuhay na mga nilalang. Hindi ninyo dapat kainin ang buhay kasama ng karne. \v 24 Huwag kakainin ang dugo; sa halip, hayaan itong tumulo sa lupa. \v 25 Kung susundin ninyo ang utos na ito at gagawin kung ano ang sinabi ni Yahweh na tama para gawin ninyo, ang mga bagay ay magiging mabuti para sa inyo at para sa inyong mga kaapu-apuhan. \s5 \v 26 Pero ang mga handog na sinabi ni Yahweh na itabi ninyo para sa kaniya, at ang iba pang mga handog na kayo mismo ang nagpasyang ibigay, dapat ninyong dalhin sa lugar na pipiliin niya. \v 27 Susunugin ng pari ang mga handog na iyon doon sa altar ni Yahweh. Papatayin niya ang mga hayop, patutuluin ang dugo, at isasaboy ang kaunti nito sa mga gilid ng altar. At maaari ninyong kainin ang ilan sa karneng iyon. \s5 \v 28 Matapat na sundin ang lahat ng mga bagay na na iniutos ko sa inyo. Kung gagawin ninyo iyan, ang mga bagay ay magiging mabuti para sa inyo magpakailanman at sa inyong mga kaapu-apuhan, dahil gagawin ninyo kung ano ang sinabi ni Yahweh na ating Diyos na tama para gawin ninyo at kung ano ang nakalulugod sa kaniya. \s5 \v 29 Kapag pumasok na kayo sa lupain na sasakupin ninyo, habang sumusulong kayo, wawasakin ni Yahweh na ating Diyos ang lahi ng mga taong naninirahan doon. \v 30 Pagkatapos niyang gawin iyan, tiyaking hindi ninyo sasambahin ang mga diyos na sinasamba nila, dahil kung gagawin ninyo iyan, ito ay magiging tulad ng isang bitag na huhuli sa inyo. Huwag magtanong kaninuman tungkol sa mga diyos na iyon, sa pagsasabing, 'Sabihin sa akin kung paano sila sumasamba sa kanilang mga diyos, para maaari akong sumamba kay Yahweh sa parehong paraan.' \s5 \v 31 Huwag ninyong subukang sambahin si Yahweh na ating Diyos tulad ng pagsamba nila sa kanilang mga diyos, dahil kapag sinasamba nila sila, ginagawa nila ang kasuklam-suklam na mga bagay, mga bagay na kinamumuhian ni Yahweh. Ang pinakamasamang bagay na ginagawa nila ay iniaalay nila ang kanilang mga anak at sinusunog sila doon sa kanilang mga altar. \v 32 Tiyaking gawin ang lahat ng bagay na iniutos kong gawin ninyo. Huwag magdagdag ng anumang bagay sa mga utos na ito, at huwag magbawas ng anumang bagay mula sa mga iyon. \s5 \c 13 \p \v 1 Maaaring may mga tao sa inyo na siyang magsasabing sila ay mga propeta. Maaari nilang sabihin na sila ay nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip o makagawa ng mga iba't ibang uri ng mga himala. \v 2 Sasabihin nila ang mga bagay na iyon para hikayatin kayo na sumamba sa mga diyos na hindi ninyo kilala noon pa. Pero kahit na ang kanilang hula ay mangyari, \v 3 huwag ninyong bigyan pansin kung ang kanilang sinasabi. Susubukan kayo ni Yahweh na ating Diyos para malaman niya kung mahal ninyo siya ng buo ninyong pagkatao. \s5 \v 4 Dapat mamuhay kayo ayon sa kagustuhan ni Yahweh na ating Diyos, at dapat ninyo siyang parangalan, gawin kung ano ang sinasabi niya sa inyo na gawin, at magtiwala sa kaniya. \v 5 Pero dapat ninyong patayin ang sinumang nagsasabi ng kasinungalingan na siya ay isang propeta, o sinumang nagsasabi ng kasinungalingan na makapagpaliwanag siya ng mga panaginip, o siyang magsasabing maghimagsik laban kay Yahweh na ating Diyos, na siyang nagligtas sa inyong mga ninuno mula sa pagiging mga alipin sa Ehipto. Ang mga taong tulad nila ay ang gusto lamang na maging sanhi ng paghinto ng inyong pamumuhay ayon sa iniutos ni Yahweh na gawin. Patayin ninyo sila para lumayo ang masasamang ito sa inyo. \s5 \v 6 Hindi mahalaga kahit kung ang inyong kapatid na lalaki o inyong anak na babae o inyong asawa o ilang malapit na kaibigan na palihim na pinipilit kayo at sasabihin 'Sambahin natin ang ibang diyos, na hindi kilala ninyo kilala ni ng inyong mga ninuno.' \v 7 Ang iba sa kanila ay maaaring mahikayat kayong sumamba sa mga diyos na sinasamba ng mga lahi na naninirahan malapit sa inyo, o mga diyos na sinasamba ng mga grupong naninirahan sa malayo. \s5 \v 8 Huwag ninyong gawin kung ano ang kanilang iminungkahi. Huwag makinig sa kanila. Huwag maawa sa kanila, at huwag itago ang kanilang lihim na kanilang nagawa. \v 9 Patayin sila! Kayo ang dapat maunang magtapon ng mga bato sa kanila para sila ay patayin; at ang ibang tao rin ay dapat maghagis sa kanilang ng mga bato. \s5 \v 10 Patayin ang mga taong iyon sa pamamagitan ng pagbabato sa kanila, dahil sinusubukan nila kayong pigilan na sambahin si Yahweh na ating Diyos, na siyang nagligtas sa inyong mga ninuno mula sa pagiging alipin sa Ehipto. \v 11 Pag sila ay patay na, lahat ng mga taong Israelita ay malalaman kung ano ang nangyari, at sila ay matatakot, at wala sa kanila ang gagawang muli ng ganoong kasamaang bagay. \s5 \v 12 Kapag kayo ay naninirahan sa isa sa mga bayan sa lupain na binibigay sa inyo ni Yahweh na ating Diyos, maaari ninyong marinig \v 13 na ang ilang walang halagang mga tao sa inyo ay niloloko ang mga tao sa kanilang bayan, sa pagsasabing, 'Halina't sambahin ang ibang mga diyos.' \v 14 Suriing mabuti ang mga katotohanang ito. Ipagpalagay na nalaman ninyo na ang kahiya-hiyang bagay na ito ay nangyari. \s5 \v 15 Sa gayon patayin ang lahat ng mga tao sa bayan na iyon. At patayin rin ang lahat ng kanilang mga alagang hayop. Wasakin ng tuluyan ang bayan. \v 16 Tipunin ang lahat ng mga pag-aari na nabibilang sa mga tao na siyang naninirahan doon at itambak ang mga ito sa lungsod ng plasa. Pagkatapos sunugin ang bayan at lahat ng bagay na ito, na para bang ito ay mga alay kay Yahweh na tuluyang sinunog sa altar. Ang mga nawasak ay dapat manatili doon magpakailanman; ang bayan ay hindi dapat itayong muli. \s5 \v 17 Dapat hindi ninyo kunin para sa inyong sarili ang anumang bagay na sinabi ni Yahweh na dapat ninyong wasakin, dahil kung gagawin ninyo ang aking sinabi, si Yahweh ay hindi na magagalit sa inyo, at siya'y maaawa sa inyo. At siya ay ang magdudulot para magkaroon kayo ng maraming mga anak, na kaniyang ipinangako sa ating mga ninuno na kaniyang gagawin. \v 18 Gagawin ni Yahweh na ating Diyos ang lahat ng mga bagay na iyon kung gagawin ninyo ang kaniyang sinasabi na inyong gawin, at kung susundin ninyo ang lahat ng mga iniutos na binibigay ko ngayon sa inyo at gawin kung ano ang sinasabi ni Yahweh na tama para sa inyo na inyong gawin. \s5 \c 14 \p \v 1 Tayo ay mga tao na kabilang kay Yahweh na ating Diyos. Kaya pag namatay ang mga tao, huwag ninyong ipakita na kayo ay nagdadalamhati sa pamamagitan ng paghihiwa ng inyong mga sarili o sa pag-aahit ng inyong buhok sa inyong noo tulad ng ginagawa ng ibang mga lahi. \v 2 Tayo ay kabilang lamang kay Yahweh. Pinili tayo ni Yahweh mula sa lahat ng mga lahi sa mundo para maging natatanging mga tao niya. \s5 \v 3 Huwag kayong kumain ng anumang bagay na kinasusuklaman ni Yahweh. \v 4 Ang karne ng mga hayop na pinahintulutan inyong kainin ay mga baka, mga tupa, mga kambing, \v 5 lahat ng uri ng usa, mga gasel, mailap na mga kambing, at bukiring tupa. \s5 \v 6 Ang mga hayop na iyon ay may hati ang mga kuko at ngumunguya ng nginuyang pagkain. \v 7 Pero may ibang hayop na ngumunguya ng nginuyang pagkain na hindi mo dapat kainin. Ang mga iyon ay mga kamelyo, mga kuneho, at mga kuneho sa batuhan. Ngumunguya sila ng nginuyang pagkain, pero ang kanilang mga kuko ay hindi hati. Kaya hindi sila katanggap-tanggap para kainin ninyo. \s5 \v 8 Huwag kayong kumain ng mga baboy. Hindi ito mga katanggap-tanggap na kainin ninyo; ang kanilang mga kuko ay hati, pero hindi sila ngumunguya ng nginuyang pagkain. Huwag kumain ng karne ng mga hayop na iyon; Huwag din hawakan ang kanilang mga patay na katawan. \s5 \v 9 Pinahintulutan kayong kumain ng anumang isda na may kaliskis at mga palikpik. \v 10 Pero ano pang bagay na nabubuhay sa tubig na walang mga kaliskis at palikpik, hindi ninyo dapat kainin, dahil ang mga ito ay hindi katanggap-tanggap sa inyo. \s5 \v 11 Pinahintulutan kayong kumain ng laman ng anumang ibon na katanggap-tanggap kay Yahweh. \v 12 Pero ang mga agila, mga buwitre, ospri, \v 13 buzzards, lahat ng mga uri ng mga lawin, \s5 \v 14 Lahat ng uri ng mga itim na ibon at ng mga uwak, \v 15 at ang ostrits, at ang lawin sa gabi, ang sea gull, walang uri ng lawin, \v 16 ang maliit na kuwago, ang malaking kuwago, ang puting kuwago, \v 17 mga pelikano, buwitre na kumakain ng patay na hayop, maninisid-isda, \s5 \v 18 at ang tagak, anumang uri ng kanduro, ang hoopoe, at ang paniki na hindi dapat ninyong kainin. \v 19 Lahat ng mga insekto na may mga pakpak at alin sa kuyog ay hindi mga katanggap-tanggap kay Yahweh; huwag kainin ang mga ito. \v 20 Pero ang ibang mga insekto na may mga pakpak ay katanggap-tanggap na kainin. \s5 \v 21 Huwag kainin ang anumang hayop na likas na namatay. Maaari ninyong payagan ang mga dayuhan na naninirahan sa inyo na kainin ang mga bagay na iyon, o maaari ninyong ipagbili ang mga ito sa ibang mga dayuhan. Pero kabilang kayo kay Yahweh na ating Diyos; ang mga napabilang sa kaniya ay hindi pinahihintulutan na kumain ng laman ng mga hayop na hindi pinaagos ang dugo. Hindi ninyo dapat lutuin ang isang batang tupa o kambing sa gatas ng kaniyang ina." \s5 \v 22 Dapat kayong maglaan minsan sa bawat taon ng ikasampu ng lahat ng mga pananim na binunga sa inyong mga bukid. \v 23 Dalhin ang mga ito sa lugar na pipiliin ni Yahweh na ating Diyos para siya ay sambahin ninyo. Doon dapat ninyo kakainin ang ikasampu ng inyong butil, inyong alak, inyong olibong langis, at ang karne ng unang anak ng lalaking mga hayop ng inyong baka at inyong tupa. Gawin ito para kayo ay matuto na palaging parangalan si Yahweh, na siyang nagbigay ng pagpapala sa inyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng mga bagay na ito. \s5 \v 24 Kung ang piniling lugar para sa inyo ni Yahweh para sambahin siya ay napakalayo mula sa inyong bahay, na ngangahulugan na hindi mo madadala doon ang mga ikapu ng inyong mga pananim kung saan pinagpala kayo ni Yahweh, gawin ito: \v 25 Ipagbili ang ikasampu ng inyong mga pananim, balutin ang pera sa isang tela, at dalhin ninyo ito sa piniling sambahang lugar ni Yahweh. \s5 \v 26 Doon, sa perang iyon, maaari ninyong bilhin ang anumang gusto ninyo— baka o kordero o alak o umasim na mga inumin. At doon, sa presensya ni Yahweh, kayo at inyong mga pamilya ay kakain at iinom ng mga bagay na iyon at maging masaya. \v 27 Pero tiyakin na hindi tatanggihan na tulungan ang mga kaapu-apuhan ng Levi na naninirahan sa inyong mga bayan, dahil wala sila pagmamay-ari ng anumang lupa. \s5 \v 28 Sa katapusan ng bawat tatlong taon, dalhin ang ikapu ng lahat ng inyong mga pananim na nagbunga sa taon na iyon at iimbak ito sa inyong mga bayan. \v 29 Ang mga pagkain na iyon ay para sa mga kaapu-apuhan ni Levi, dahil hindi sila magkakaroon ng kanilang sariling lupa, at para sa mga dayuhan na naninirahan kabilang sa inyo, at para sa mga ulila at mga balo na naninirahan sa inyong mga bayan. Pinahihintulutan sila na pumunta kung saan nakaimbak ang pagkain at dalhin kung ano ang kanilang kailangan. Gawin iyan para pagpapalain kayo ni Yahweh na ating Diyos sa anumang bagay na inyong gagawin. \s5 \c 15 \p \v 1 Sa katapusan ng bawat ikapitong taon, dapat ninyong ikansela ang lahat ng mga pagkakautang. \v 2 Gawin ninyo tulad nito: Bawat isa sa inyo na nagpautang ng pera sa kapwa ninyo Israelita ay dapat ng ikansela. Huwag ninyong ipilit na bayaran niya ito. Dapat ninyong gawin iyon sapagkat ipinahayag na ni Yahweh na dapat ng ikansela ang mga utang sa bawat pitong taon. \v 3 Sa loob ng taong iyon maaari ninyong singilin ang mga dayuhan na naninirahan kasama ninyo upang bayaran ang kanilang pagkakautang, subalit huwag dapat ninyong hingin iyon mula sa sinumang kapwa ninyo Israelita. \s5 \v 4-5 Pagpapalain kayo ni Yahweh na ating Diyos sa lupain na ibibigay niya sa inyo. Kung susundin ninyo si Yahweh na ating Diyos at susunod sa lahat ng mga kautusan na binibigay ko sa inyo ngayon, walang sinumang tao sa inyo ang magiging mahirap. \v 6 Pagpapalain kayo ni Yahweh na ating Diyos tulad ng pinangako niyang gagawin, at makakaya ninyong magpahiram ng pera sa mga tao sa mga ibang lahi, subalit hindi na ninyo kailangang humiram sa kahit kanino sa kanila. Mapapasailalim ninyo ang pananalapi ng ibang mga lahi, subalit hindi nila mapapasailalim ang inyong mga pananalapi. \s5 \v 7 Sa mga bayan na ibibigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo, kung mayroong mga ibang mahirap na Israelita, huwag kayong maging maramot at tumangging tulungan sila. \v 8 Sa halip, maging mapagbigay at pautangin sila ng pera ayon sa kanilang pangangailangan. \s5 \v 9 Siguraduhin ninyo na huwag ninyong sabihin sa iyong sarili, 'Ang taon nang pagkakansela ng mga utang ay malapit na, kaya ayokong magpautang ngayon ng pera kahit na kanino, sapagkat hindi na niya kailangang bayaran ito kapag dumating na ang taon na iyon.' kahit mag-isip ng ganoon ay maaring kasalanan. Kung kikilos kayo ng masama tungo sa kapwa ninyo Israelita na nangangailangan, at hindi siya bigyan nang anuman, siya ay iiyak kay Yahweh laban sa inyo, at sasabihin ni Yahweh na kayo ay nagkasala dahil sa hindi pagtulong sa taong iyon. \v 10 Malaya kayong magbigay sa mahihirap na tao at magbigay ng bukas-palad. Kung gagawin ninyo iyon, pagpapalain kayo ni Yahweh sa bawat bagay na gagawin ninyo. \s5 \v 11 Laging mayroong ilang taong mahirap sa inyong lupain, kaya inuutos kong bukas palad kayong magbigay sa mga taong mahihirap, sa inyong mga kapwa Israelita. \s5 \v 12 Kung sinuman sa kalalakihan na kapwa ninyo Israelita o kababaihan na binenta ang isa sa kanilang mga sarili sa inyo para maging inyong alipin, dapat ninyo silang palayain pagkatapos nilang manilbihan sa inyo ng anim na taon. Kapag dumating ang ikapitong taon, dapat ninyo silang palayain. \v 13 Kapag pinalaya ninyo sila, huwag ninyong hayaan na sila ay makaalis na walang dala. \v 14 Sa halip, bukas palad silang bigyan ng mga bagay na mula sa biyaya ni Yahweh sa inyo—tupa, butil, at bino. \s5 \v 15 Huwag ninyong kalimutan na ang inyong mga ninuno ay naging isang mga alipin sa Ehipto at pinalaya sila ni Yahweh na ating Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit ko ito iniuutos sa inyo na gawin ito ngayon. \v 16 Subalit maaaring sabihin nang isa sa inyong mga alipin, 'Ayaw kong iwan kayo.' Marahil mahal niya kayo at ng inyong pamilya dahil naging mabuti ang turing ninyo sa kaniya. \v 17 Kung sinabi niya ang mga iyon, kunin mo siya sa pintuan ng inyong tahanan at, habang nakatayo sa inyong pintuan, butansa ang isa sa kanyang tainga ng isang pambutas. Nagpapahiwatig iyon na siya ay magiging alipin ninyo sa buong buhay niya. Gawin ninyo rin ang bagay na ito sa ibang babaing alipin na ayaw kayong iwan. \s5 \v 18 Huwag kayong magreklamo kapag kailangan na ninyong palayain ang inyong mga alipin. Isipin ninyong kayo ay pinagsilbihan nila ng anim na taon, at binayaran lamang sila ng kalahati na higit pa sa binabayad ninyo sa inupahan ninyong mga alipin. Kung papalayain ninyo sila, pagpapalain kayo ni Yahweh na ating Diyos sa lahat ng bagay na inyong gagawin. \s5 \v 19 Magbukod kayo ng mga panganay na lalaking hayop mula sa inyong baka at tupa para sa karangalan ni Yahweh na inyong Diyos. Huwag ninyo silang pilitin na gumawa ng anumang gawain para sa inyo, at huwag gupitan ang balahibo ng mga panganay na hayop. \v 20 Kayo at ng inyong pamilya ang dapat na papatay sa kanila at kainin ang karne sa harapan ni Yahweh sa lugar na pipiliin niya para siya ay sambahin. \v 21 Subalit kung may mga kapintasan ang mga hayop, kung sila ay pilay o bulag, o kung sila ay mayroong ibang malubhang kapintasan, hindi ninyo dapat sila ihandog kay Yahweh na ating Diyos. \s5 \v 22 Maaari ninyong patayin at kainin ang karne ng mga hayop na iyon sa inyong mga bayan. Sa mga gumawa ng bagay na ito na nagdulot ng kanilang hindi pagiging katanggap-tanggap sa Diyos at sa mga hindi gumawa ng mga bagay na ito ay pinahihintulutang kumain ng karneng iyon, tulad sa mga pinahihintulutang kumain ng karne ng isang gasel o isang usa. \v 23 Pero hindi ninyo dapat kainin ang anumang dugo; dapat ninyong ibuhos ang lahat ng dugo nito sa lupa kapag pinatay ninyo ang mga hayop na iyon. \s5 \c 16 \p \v 1 Bawat taon parangalan si Yahweh na ating Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Pista ng Paskua sa maagang tagsibol sa buwan ng Abib. Ito ay isang gabi sa buwang iyon na iniligtas ni Yahweh ang inyong mga ninuno mula sa Ehipto. \v 2 Para ipagdiwang ang pistang iyon, pumunta sa lugar na pinili ni Yahweh para kayo ay sumamba sa kaniya, at mag-alay doon ng isang batang hayop na galing sa inyong bakahan o sa inyong tupa para maging handog sa Paskua. \s5 \v 3 Kapag kakainin ninyo ang pagkain sa Paskua, dapat ang tinapay na inyong kakainin ay walang lebadura. Dapat ninyong kainin ang ganitong uri na tinapay, kung saan tatawagin itong tinapay ng paghihirap, sa pitong araw. Ito ay para tulungan kayong maalala lahat nang buhay pa kayo nang umalis ang inyong mga ninuno sa Ehipto, kung saan sila ay nagdusa dahil sila ay mga alipin, at madali silang nakaalis. Sila ay wala ng oras para maglagay ng lebadura at maghintay sa masa na umalsa. \v 4 Sa panahon ng pistang iyon, kung saan magtatagal ng pitong araw, dapat walang lebadura sa bawat tahanan sa inyong lupain. At saka, ang karne ng hayop na inyong ihandog sa gabi ng unang araw nang Pista ng Paskua ay dapat kakainin sa loob ng gabing iyon; huwag ninyong hayaan na may matira nito hanggang sa susunod na araw. \s5 \v 5-6 Para parangalan si Yahweh na ating Diyos, dapat ninyo ialay ang handog sa Paskua sa lugar lamang na pinili niya para sa inyo upang siya ay sambahin; huwag ninyong ialay ang handog na iyon sa kahit ibang bayan sa lupain na ibinigay ni Yahweh sa inyo. Ihandog ang alay na iyon kapag palubog na ang araw, sa parehong oras ng araw na nagsimulang umalis sa Ehipto ang inyong mga ninuno. \s5 \v 7 Pakuluan ang karne at kainin ito sa lugar ng pagsamba na pinili ni Yahweh na ating Diyos. Sa susunod na umaga, maari na kayong bumalik sa inyong mga tolda. \v 8 Sa bawat araw sa loob ng anim na araw ang tinapay na inyong kinakain ay dapat walang lebadura. Sa ikapitong araw, dapat kayong lahat ay magtipon upang sambahin si Yahweh na ating Diyos. Ito'y magiging araw ng pahinga, hindi kayo dapat gumawa ng anumang gawain sa araw na iyon. \s5 \v 9 Bawat taon, bumilang ng pitong linggo, nag simula kayong anihin ang inyong butil. \v 10 Pagkatapos, ipagdiwang ang Pista ng Pentecostes, para parangalan si Yahweh na ating Diyos. Gawin ninyo ito sa pamamagitan ng pagdadala sa kanya ng handog ng butil. Pinagpala kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng pagdulot na tumubo ito sa inyong mga bukirin sa loob ng taon na iyon. Kung nagkaroon kayo ng malaking ani, magdala ng isang malaking handog. Kung kaunti lang ang inyong na ani, magdala ng isang kaunting handog. \s5 \v 11 Bawat mag-asawa ay dapat magsaya sa harapan ni Yahweh. Ang kanilang mga anak, ang kanilang mga tagapaglingkod, ang mga kaapu-apuhan ni Levi na siyang nasa bayang iyon, at ang mga dayuhan, mga ulila, at ang mga balo na naninirahan kasama ninyo, ay dapat ding magsaya. Dalhin ang mga handog na iyon sa lugar ng pagsamba na pipilin ni Yahweh. \v 12 Kapag pinagdiwang ninyo ang mga pistang ito sa pagsunod sa mga utos na ito, tandaan ninyo na ang inyong mga ninuno ay mga alipin sa Ehipto. \s5 \v 13 Bawat taon, pagkatapos ninyong himayin ang lahat ng inyong mga butil at pigain ang katas mula sa lahat ng inyong mga ubas, dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga Kanlungan ng pitong araw. \v 14 Bawat mag-asawa kasama ang kanilang mga anak, kanilang mga tagapaglingkod, mga kaapu-apuhan ni Levi na nasa bayang iyon, at ang mga dayuhan, mga ulila, at mga balo na naninirahan kasama ninyo, ay dapat magsaya sa harapan ni Yahweh. \s5 \v 15 Parangalan si Yahweh na ating Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang ng pista sa pitong araw sa lugar na kaniyang pinili para sambahin siya. Dapat kayong lahat ay magsaya, dahil pinagpala ni Yahweh ang inyong mga ani at lahat ng ibang gawain na inyong ginawa. \s5 \v 16 Kaya, bawat taon lahat kayong mga lalaking Israelita ay dapat magtipon kasama ang inyong mga pamilya para sambahin si Yahweh na ating Diyos sa lugar na kanyang pipiliin, para ipagdiwang ang tatlong pista: Ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura, ang Pista ng Pentecostes, at ang Pista ng mga Kanlungan. Wala ni isa ang dapat pumunta sa harap ni Yahweh na walang handog. Bawat isa sa inyong mga lalaki ay dapat magdala ng handog kay Yahweh sa mga pistang ito \v 17 ayon sa sukat ng pagpapalang ibinigay ni Yahweh sa kanya sa taon na iyon. \s5 \v 18 Pumili ng mga hukom at ibang mga opisiyal sa lahat ng inyong mga lipi, sa lahat ng mga bayan sa lupaing ibinigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo. Dapat patas ang kanilang paghatol sa mga tao. \v 19 Dapat hindi sila humatol na hindi makatarungan. Dapat hindi nila kampihan ang isang tao na higit sa ibang panig. Ang mga hukom ay hindi dapat tumanggap ng mga suhol, dahil kung ang isang hukom ay tumanggap ng isang suhol, kahit siya ay matalino at tapat, magiging napakahirap para sa kanya na humatol ng patas; gagawin niya kung ano ang ipinagawa sa taong nagbigay sa kanya ng suhol at ipahayag na ang walang kasalang tao ang dapat parusahan. \v 20 Dapat kayo ay ganap na makatarungan at patas, nang sa gayon kayo ay maaring mabuhay ng mahaba upang tumira sa lupaing binigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo. \s5 \v 21 Kapag gagawa kayo ng isang altar para sambahin si Yahweh na ating Diyos, huwag kayong maglagay sa tabi nito na kahit anong kahoy na posteng kumakatawan sa diyosang si Asherah. \v 22 At huwag mag tayo ng kahit anong batong haligi para sambahin ang kahit anong diyus-diyosan, dahil kinasusuklaman sila ni Yahweh. \s5 \c 17 \p \v 1 Huwag kayong mag-alay kay Yahweh na ating Diyos ng anumang baka, tupa at mga kambing na mayroong anumang mga kapansanan, dahil kinamumuhian ni Yahweh ang ganyang uri na handog. \s5 \v 2 Kapag kayo ay naninirahan sa kahit saan mang mga bayan sa lupain na ibinigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo, ipagpalagay na ang ilang mga lalaki o mga babae ay nagkasala sa pagsuway sa kautusan na ginawa ni Yahweh para sa inyo. \v 3 Ipagpalagay na ang tao ay sumamba at yumuko sa ibang diyos, o sa araw, o sa buwan, o sa mga bituin. \v 4 Kung ang iba ay magsasabi sa inyo na ang ibang tao ay ginawa iyon, dapat mong suriin ng mabuti para makita itong hindi kalugod-lugod na bagay na nangyari sa Israel. \s5 \v 5 Kung ito ay nangyari, dapat mong palabasin ng bayan ang lalaki o babae na nakagawa nito. Pagkatapos dapat patayin ang taong iyon sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya. \v 6 Pero pinahihintulutan ka na hatulan ng kamatayan ang mga taong iyon kung may dalawang saksi ang nagpapatunay na kanilang nakita sila sa gawaing iyon. Hindi sila dapat hatulan ng kamatayan kung ito ay may isang saksi lamang. \v 7 Ang mga saksi ay kailangang batuhin ang taong nagkakasala. Pagkatapos ang ibang tao ay dapat batuhn yung tao na yan hanggang ito ay mamatay. Sa pagawa nito, pinapawi mo ang masamang gawain sa inyo. \s5 \v 8 Minsan ay magiging napakahirap para sa isang hukom na magpasya kung ano ang nangyari. Maaaring subukan niyang magpasya, kapag ang iba ay nanakit o pinatay ang ibang tao, ang taong iyon ay hindi sinasadyang gawin o sinasadya. O maaaring sinubukan niyang magpasya kung ang ilang tao ay inakusahan ng ibang tao sa hukuman na hindi patas. Kahit saan man sa inyong bayan ay napakahirap malaman kung ano ang tunay na nangyari at kung ang hukom ay hindi makapagpasya nito, dapat kayong pumunta doon sa lugar na pinili ni Yahweh na ating Diyos upang kayo ay sumamba sa kaniya. \v 9 Kailangang iharap doon ang kaso sa mga kaapu-apuhan ni Levi na mga pari at sa mga hukom na nagsisilbi sa panahong iyon at sila ay dapat magpasya kung ano ang dapat gawin. \s5 \v 10 Matapos nilang gawin ang kanilang pasya, dapat ninyong gawin kung ano ang kanilang sinabi sa inyo na gawin. \v 11 Tanggapin kung ano ang kanilang pasya at gawin kung ano ang kanilang sinabi na dapat ninyong gawin. Huwag subukang baguhin ang ibang paraan kung ano ang kanilang pasya. \s5 \v 12 Dapat ninyong hatulan ng kamatayan ang sinuman na mapagmalaking suwayin ang hukom o ang pari na tumatayo sa presensya ni Yahweh at magpasya kung ano ang dapat gawin. Sa pagawa nito, mapapawi ninyo ang masamang gawain mula sa inyo. \v 13 At pagkatapos mahatulan ng kamatayan ang taong iyon, ang lahat ng mga tao na makakarinig ng tungkol dito at sila ay matatakot at wala sa kanila ang gagawa sa paraan na iyon kailaman. \s5 \v 14 Alam ko na matapos ninyong sakupin ang lupain na ibibigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo at kayo ay nanirahan doon, sasabihin ninyo, 'Dapat magkaroon tayo ng isang hari para mamuno sa atin, tulad ng mga hari ng ibang bansa na nakapalibot sa atin.' \v 15 Pinayagan kayo ni Yahweh na ating Diyos na magkaroon ng isang hari, pero tiyakin ninyo na itatalaga ninyo ang sinuman na kaniyang mapili. Dapat ang lalaking iyon ay isang Israelita; hindi kayo dapat magtalaga ng sinuman na isang dayuhan na magiging inyong hari. \s5 \v 16 Matapos siyang maging hari, hindi siya dapat magkaroon ng isang malaking bilang ng mga kabayo para sa kaniya. Hindi siya dapat magpadala ng mga tao sa Ehipto para bumili ng mga kabayo para sa kanya, dahil sinabi ni Yahweh sa inyo, 'Huwag nang bumalik sa Ehipto para sa anumang bagay!' \v 17 At hindi siya dapat magkaroon ng maraming asawa, dahil kung gawin niya iyon, sila ay lalayo mula sa pagsamba kay Yahweh lamang. At hindi siya dapat magkaroon ng maraming pilak at ginto. \s5 \v 18 Kapag siya ay naging inyong hari, Kailangan niyang magtalaga ng isang tagakopya ng mga batas na ito. Dapat niyang kopyahin ito mula sa balumbon na iningatan ng mga pari mula sa kaapuhan ni Levi. \v 19 Dapat niyang ingatan ang bagong balumbon na ito malapit sa kanya at basahin ito araw-araw sa kanyang buhay, ng sa gayo'y matutunan na magkaroon ng kamangha-manghang respeto para kay Yahweh at upang sumunod ng may tapat na pagsunod sa lahat ng patakaran at alituntunin na isinulat sa batas na ito. \s5 \v 20 Kung nagawa niya iyon, hindi niya iisipin na siya ay mas mahalaga sa kanyang kapwa Israelita at siya ganap na sumunod sa iniutos ni Yahweh. Bilang isang resulta, siya at ang kanyang mga kaapu-apuhan ay mamumuno bilang mga hari sa Israel sa maraming mga taon." \s5 \c 18 \p \v 1 "Ang mga pari, na nagmula lahat sa lipi ni Levi, ay hindi makakatanggap ng anumang lupain sa Israel. Sa halip, makakatanggap sila ng ilan sa mga pagkain na inialay ng ibang tao para sunugin sa altar upang maging alay kay Yahweh at ilan sa ibang mga alay na ihahandog kay Yahweh. \v 2 Hindi sila babahagian ng anumang lupain tulad ng ibang mga lipi. Ang kanilang matatanggap ay ang karangalan ng pagiging mga pari ni Yahweh, anuman ang kanyang sinabi ay dapat magkaroon sila. \s5 \v 3 Kapag magdadala ang mga tao ng isang lalaking baka o isang tupa para maging alay, dapat ibigay nila sa mga pari ang balikat, ang mga pisngi, at ang tiyan ng mga hayop na iyon. \v 4 Dapat din ninyong ibigay sa kanila ang unang bahagi ng butil na inyong aanihin, at ang unang bahagi ng alak na inyong gagawin, at ang unang bahagi ng langis ng olibo na inyong gagawin, at ang unang bahagi ng unang balahibo na inyong naahit mula sa inyong tupa. \v 5 Dapat gawin ninyo ito dahil pinili ni Yahweh na inyong Diyos ang lipi ni Levi mula sa lahat ng inyong mga lipi, upang sila na mula sa liping iyon ang palaging magiging mga paring maglilingkod sa kanya. \s5 \v 6 Kung may tao na mula sa lipi ni Levi na namumuhay sa isa sa mga bayan ng Israel ang gustong pumarito mula roon patungo sa lugar ng pagsamba na pinili ni Yahweh, at magsimulang manirahan roon, \v 7 pinahihintulutan siyang maglingkod kay Yahweh bilang isang pari, tulad ng iba pang mga lalaki mula sa lipi ni Levi na naglilingkod na doon. \v 8 Dapat siyang bigyan ng kasing dami ng pagkaing tinatanggap ng ibang mga pari. Pinahihintulutan siyang itago ang salaping natanggap ng kanyang mga kamag-anak sa pagtitinda ng ilan sa kanilang mga ari-arian at ipinadala sa kanya. \s5 \v 9 Kapag pumasok kayo sa lupaing ibibigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo, hindi ninyo dapat gayahin ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ngayon ng mga lahi roon. \v 10 Dapat huwag ninyong ialay ang alinman sa inyong mga anak sa pamamagitan ng pagsusunog sa kanila sa inyong mga altar. Huwag subukang gumamit ng di-pangkaraniwang kapangyarihan upang matuklasan ang mangyayari sa hinaharap. Huwag subukang gumamit ng salamangka para malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Huwag bigyang kahulugan ang mga pangitain upang malaman kung ano ang mangyayari. Huwag magsanay ng pangkukulam. Huwag maglagay ng orasyun sa mga tao. Huwag subukang makipag-usap sa mga espiritu ng mga patay na tao. \v 11 Huwag gumawa ng salamangka. \s5 \v 12 Kinamumuhian ni Yahweh ang mga taong gumagawa ng anuman sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyon. At habang sumusulong kayo sa lupaing iyon, itataboy niya ang mga lahi dahil ginagawa nila ang mga kasuklam-suklam na bagay na iyon. \v 13 Ngunit dapat lagi kayong maging tapat kay Yahweh at iwasang gawin ang anuman sa mga kasuklam-suklam na bagay na iyon. \v 14 Ang mga lahi na patatalsikin ninyo mula sa lupain na sasakupin ninyo ay sumasangguni sa mga manghuhula at mga nagsasanay ng pangkukulam. Ngunit para sa inyo, hindi kayo pinahihintulutan ni Yahweh na ating Diyos na gawin iyon. \s5 \v 15 Balang araw magpapadala siya ng isang propetang katulad ko mula sa inyo. Sasabihin niya sa inyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap, at dapat ninyo siyang sundin. \v 16 Sa araw na nagtipon ang inyong mga ninuno sa ibaba ng Bundok Sinai, nakiusap sila sa akin na nagsasabing, 'Hindi namin gusto na muling mangusap sa amin si Yahweh, at ayaw naming makita ang malaking apoy na nagliliyab sa bundok!' Sinabi iyon ng inyong mga ninuno dahil natakot sila na sila ay mamamatay kung muling mangusap si Yahweh sa kanila. \s5 \v 17 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, 'Totoo ang kanilang sinabi. \v 18 Kaya magpapadala ako mula sa inyo ng isang propetang katulad mo. Sasabihin ko sa kanya kung ano ang sasabihin niya, at pagkatapos sabihan niya ang mga tao sa lahat ng bagay na sinabi ko. \v 19 Magsasalita siya para sa akin. At paparusahan ko ang sinumang hindi umunawa sa kung anong sinabi niya. \s5 \v 20 Ngunit kung sasabihin ng isang tao na siya ay propeta at mangahas na magpahayag ng isang mensahe na kasinungalingan mula sa akin na hindi ko sinabing sabihin niya, o sinuman ang magpahayag ng isang mensahe na sinabi niyang ibinunyag sa kanya ng ibang diyos, ay dapat siyang patayin dahil sa kagagawa niya.' \v 21 Ngunit marahil ay sasabihin ninyo sa inyong sarili, 'Paano namin malalaman kung ang isang mensaheng sasabihin ng isang tao sa amin ay hindi nagmula kay Yahweh?' \s5 \v 22 Ang sagot ay kung magpapahayag ang isang tao ng isang mensahe tungkol sa kung anong mangyayari sa hinaharap, isang mensahe na sinabi niyang ibinunyag ni Yahweh, kapag hindi mangyayari kung ano ang sinasabi niya, malalaman ninyo na ang mensahe ay hindi nagmula kay Yahweh. Ang taong iyon ay nagkamaling angkinin na ito ay ibinunyag sa kanya ni Yahweh. Kaya hindi na ninyo kailangang matakot sa anumang bagay na sasabihin niya. \s5 \c 19 \p \v 1 Matapos lipulin ni Yahweh na ating Diyos ang mga lahi mula sa lupaing ibinibigay niya sa inyo, at matapos ninyo silang palayasin mula sa kanilang mga siyudad at magsimulang tumira sa kanilang mga bahay, \v 2-3 dapat ninyong hatiin sa tatlong bahagi ang lupaing ibinibigay niya sa inyo. Pagkatapos pumili ng isang siyudad sa bawat bahagi. Dapat kayong gumawa ng mabuting mga daanan nang sa gayon madaling makapunta ang mga tao sa mga siyudad na iyon. Maaaring tumakas ang isang taong nakapatay ng ibang tao sa isa sa mga siyudad na iyon para maging ligtas. \s5 \v 4 Ito ang patakaran tungkol sa isang taong nakapatay ng ibang tao. Kung nakapatay ang isang tao ng iba na hindi sinasadya na hindi niya kaaway, maaari siyang tumakas sa isa sa mga siyudad na iyon at maging ligtas. \v 5 Halimbawa, kung pumunta ang dalawang lalaki sa gubat upang pumutol ng ilang kahoy, kapag tumalsik ang ulo ng palakol mula sa hawakan habang pumuputol ang isa sa kanila ng isang puno at tumama ang ulo ng palakol at nakapatay sa ibang tao, papayagan ang taong gumagamit ng palakol na tumakbo sa isa sa mga siyudad na iyon at maging ligtas doon, dahil pangangalagaan siya ng mga tao ng siyudad na iyon. \s5 \v 6 Dahil hindi niya sinasadyang mapatay ang isang tao, at dahil hindi niya kaaway ang tao, maaari niyang subukang tumakbo sa isa sa mga siyudad na iyon. Kung mayroon lang isang siyudad, maaaring malayo ito sa siyudad na iyon. Pagkatapos kung galit na galit ang kamag-anak ng taong napatay na maghihiganti, maaari niyang maabutan ang ibang tao bago pa siya makarating sa siyudad na iyon. \v 7 Kaya ibibigay ko sa inyo ang utos na ito, na pumili kayo ng tatlong siyudad para sa layuning ito. \s5 \v 8-9 Kung gagawin ninyo ang lahat ng bagay na iniuutos ko sa inyo ngayon upang gawin, at kung iibigin ninyo si Yahweh na ating Diyos, at kung mamumuhay kayo ayon sa gusto niyang gawin ninyo, bibigyan kayo ni Yahweh na ating Diyos ng higit na maraming lupain kaysa sa inyong maaangkin bago pa man ninyo masakop ito, na kung saan ipinangako niyang gawin. Ibibigay niya sa inyo ang lahat ng lupain na ipinangako niya sa inyong mga ninuno na ibibigay niya sa inyo. Kapag ibinigay niya sa inyo ang lupaing iyon, dapat kayong pumili ng tatlo pang siyudad kung saan ang mga tao ay maaaring tumakas. \v 10 Gawin ito ng sa gayon hindi mamatay ang mga taong walang kasalanan, at hindi kayo magkakasala sa pagpayag na patayin sila, sa lupaing ibinigay ni Yahweh sa inyo. \s5 \v 11 Ngunit ipagpalagay na namumuhi ang isang tao sa kanyang kaaway at nagtago at naghintay sa taong iyon na dumaan sa daanan. Pagkatapos nang dumaan siya, bigla niyang sinalakay ang tao at pinatay. Kung tumakas ang sumalakay sa isa sa mga siyudad na iyon upang pangalagaan doon, \v 12 ang mga nakatatanda ng siyudad na kung saan nanirahan ang taong pinatay ay hindi dapat ipagtanggol ang sumalakay. Dapat silang magpadala ng isang tao sa siyudad na kung saan tumakas ang tao, at dalhin siya upang maghiganti, upang maaari niyang patayin ang taong iyon. \v 13 Hindi kayo dapat maawa sa mga taong pumatay ng ibang tao! Sa halip, dapat ninyo silang patayin, upang hindi maparusahan ang mga tao sa lupain ng Israel sa pagpatay sa mga walang kasalanang tao, at upang magiging mabuti ang mga bagay para sa inyo. \s5 \v 14 Kapag naninirahan kayo sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na ating Diyos, huwag ninyong galawin ang mga pananda ng mga hangganan ng ari-arian ng inyong mga kapit-bahay na matagal nang inilagay doon. \s5 \v 15 Kung napagbintangang gumawa ang isang tao ng isang krimen, ang isang taong nagsasabing, 'Nakita kong ginawa niya ito' ay hindi sapat upang hatulan siya ng may pagkakasala. Dapat mayroong kahit na dalawang taong magsasabing, 'Nakita naming ginawa niya ito.' Kung mayroon lamang isang saksi, hindi dapat maniwala ang hukom sa kung ano ang kanyang sinasabi ay totoo. \v 16 O ipagpalagay na ang isang tao ay sinubukang gumawa ng mali sa ibang tao sa pamamagitan ng maling pagbibintang sa kanya. \s5 \v 17 Pagkatapos dapat kapwa silang pumunta sa lugar kung saan sumasamba ang mga tao, upang makipag-usap sa mga pari at mga hukom na naglilingkod sa panahong iyon. \v 18 Dapat maingat ang mga hukom na siyasatin ang usapin. Kung malaman ng mga hukom na nagbintang ang isa sa kanila sa iba ng hindi totoo, \v 19 dapat parusahan ang taong iyon sa parehong paraan na naparusahan ang iba kung nagpasya ang mga hukom na nagkasala siya. Sa pamamagitan ng pagpaparusa sa ganyang mga tao, maaalis ninyo ang masamang gawaing ito mula sa inyo. \s5 \v 20 Kung pinarusahan ang taong iyon, makakarinig ang lahat kung ano ang nangyari, at matatakot sila, at wala ni isang maglalakas-loob na kumilos pa sa paraang iyon. \v 21 Hindi ninyo dapat kaawaan ang mga taong pinarusahan na katulad niyan. Ang patakaran ay dapat na ang isang taong pumatay ng ibang tao ay dapat patayin; dapat dukutin ang isa sa mga mata ng isang tao kung dinukot niya ang mata ng ibang tao, isang ngipin ng isang taong bumunot ng ngipin ng ibang tao ay dapat bunutin; isang kamay ng isang taong pumutol ng kamay ng ibang tao ay dapat ding putulin; isang paa ng taong pumutol ng paa ng ibang tao ay dapat ding putulin. \s5 \c 20 \p \v 1 Kapag umalis ang inyong mga sundalo upang labanan ang inyong mga kaaway, at makita ninyong sila ay may maraming mga kabayo at mga karo at ang kanilang hukbo ay higit na marami kaysa inyo, huwag kayong matakot sa kanila, sapagkat si Yahweh na ating Diyos, na siyang nagdala sa inyong mga ninuno nang ligtas palabas sa Ehipto, ay makakasama ninyo. \s5 \v 2 Kapag kayo ay handa na upang umpisahan ang labanan, dapat na tumayo ang pangulong pari sa harapan ng mga hukbo. \v 3 Dapat niyang sabihin sa kanila, 'Kayong mga Israelitang kalalakihan, makinig sa akin! Makikipag laban kayo ngayon laban sa inyong mga kaaway. Huwag kayong panghinaan o matakot, \v 4 sapagkat kasama ninyo si Yahweh na ating Diyos. Makikipaglaban siya sa inyong mga kaaway para sa inyo, at hahayaan niyang matalo ninyo sila.' \s5 \v 5 Pagkatapos dapat sabihin ng mga opisyal ng hukbo sa mga hukbo, 'Kung sinuman sa inyo ang nagtayo ng isang bagong bahay at hindi ito nahandog sa Diyos, dapat siyang umuwi at ihandog ang kanyang bahay. Kung hindi niya iyon gagawin, kung siya ay mamamatay sa labanan, ibang tao ang maghahandog sa kanyang bahay at manirahan dito. \s5 \v 6 Kung sinuman sa inyo ang nagtanim ng isang ubasan at hindi pa naani ang aliman sa mga ubas mula nito, dapat siyang umuwi. Kung siya ay mananatili dito at mamatay sa labanan, ibang tao ang mag-aani ng mga ubas at makinabang sa alak na gawa rito. \v 7 Kung sinuman sa inyo ang nakatakdang ipakasal sa isang babae subalit hindi pa siya pinakasalan, dapat siyang umuwi. Kung siya ay mananatili dito at mamatay sa labanan, ibang tao ang magpapakasal sa kanya.' \s5 \v 8 Pagkatapos dapat ding sabihin ng mga opisyal, 'Kung sinuman sa inyo ang natatakot o pinanghihinaan, dapat na siyang umuwi, upang hindi siya maging dahilan na ang kanyang mga kapwa sundalo ay hindi maging matapang.' \v 9 Kapag natapos na ang mga opisyal sa pakikipag usap sa mga hukbo, dapat silang magtalaga ng mga mamumuno sa kanila. \s5 \v 10 Kapag kayo ay pupunta sa isang malayong siyudad upang ito ay salakayin, sabihin muna sa mga taong naroon na kung sila ay susuko, hindi ninyo sila sasalakayin. \v 11 Kung binuksan nila ang mga tarangkahan ng siyudad at sumuko, silang lahat ay magiging mga alipin ninyo upang magtrabaho para sa inyo. \s5 \v 12 Subalit kung tumanggi silang sumuko nang mapayapa at sa halip ay magpasyang lumaban laban sa inyo, palibutan dapat ng inyong hukbo ang siyudad at sirain ang mga pader. \v 13 Pagkatapos, kapag idinulot ni Yahweh na ating Diyos na masakop ninyo ang siyudad, dapat ninyong patayin ang lahat ng mga kalalakihan sa siyudad. \s5 \v 14 Subalit kayo ay pinahintulutang kunin ang mga kababaihan, ang mga bata, ang mga alagang hayop, at anumang bagay na gusto ninyong dalhin mula sa siyudad para sa inyong mga sarili. Kayo ay pahihintulutan na makinabang sa lahat ng bagay na nabibilang sa inyong mga kaaway, mga bagay na binigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo. \v 15 Dapat ninyong gawin iyon sa lahat ng mga siyudad na malayo mula sa lupain na kung saan kayo ay maninirahan. \s5 \v 16 Subalit sa mga siyudad na nasa lupain na ibibigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo magpakailanman, dapat ninyong patayin ang lahat ng tao at lahat ng mga hayop. \v 17 Dapat ninyo silang ganap na lipulin. Lipulin ang Hetheo, ang Amorrheo ang Cananeo, ang Pherezeo, ang Heteo, at ang lahi ni Jebuseo; Iyon ay kung ano ang iniutos ni Yahweh na ating Diyos na gawin ninyo. \v 18 Kung hindi ninyo iyon gagawin, tuturuan nila kayong magkasala laban kay Yahweh na ating Diyos at gawin ang kasuklam-suklam na mga bagay na kanilang ginagawa kapag sila ay sumasamba sa kanilang mga diyos. \s5 \v 19 Kapag pinalibutan ninyo ang isang siyudad ng matagal na panahon, sa pagsisikap na sakupin ito, huwag ninyong putulin ang mga puno ng bunga sa labas ng siyudad. Kayo ay pinahintulutang kumain ng mga bunga mula sa mga puno, subalit huwag ninyong sirain ang mga puno, dahil sila ay hindi ninyo mga kaaway. \v 20 Kayo ay pinahintulutan na putulin ang ibang mga puno at gamitin ang kahoy sa pagkawa ng mga hagdanan at sa mga akyatan upang makaya ninyong makasampa sa mga pader at sakupin ang siyudad." \s5 \c 21 \p \v 1 "Ipagpalagay na may pinatay sa isang bukid sa lupaing ibinibigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo, at hindi ninyo alam kung sino ang pumatay sa taong iyon. \v 2 Kung iyon ay mangyayari, ang inyong mga nakakatanda at mga hukom ay dapat lumabas kung saan nakita ang bangkay ng tao at sukatin ang layo mula roon hanggang sa bawat kalapit na mga bayan. \s5 \v 3 Pagkatapos ang mga nakakatanda na nasa pinaka malapit na bayan ay dapat pumili ng dumalagang baka na hindi pa kailanman ginamit sa pagtatrabaho. \v 4 Dapat nila itong dalhin sa isang lugar na malapit sa isang batis kung saan ang lupa ay hindi pa inararu o nataniman. Dapat doon nila baliin ang leeg nito. \s5 \v 5 Ang mga pari ay dapat ding pumunta roon, dahil si Yahweh na ating Diyos ang pumili sa kanila mula sa mga lipi ni Levi upang pagsilbihan siya at upang kumakatawan sa kanya kung pagpalain nila ang mga tao. At sila ay pinili rin niya upang ayusin ang mga pagtatalo kung saan may isang taong nasaktan. \s5 \v 6 Ang mga nakakatanda na galing sa pinakamalapit na bayan ay dapat hugasan ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng binaliang leeg na dumalagang baka, doon sa lambak, \v 7 at dapat sabihin nila, 'Hindi namin pinatay ang taong ito, at hindi namin nakita kung sino ang gumawa nito. \s5 \v 8 Yahweh, patawarin ninyo kami, na iyong mga taong Israelita na iniligtas ninyo mula sa Ehipto. Huwag po ninyo kaming ituring na nagkasala. Sa halip, patawarin ninyo kami.' \v 9 Sa pamamagitan ng paggawa nito, gagawin ninyo kung ano ang itinuturing ni Yahweh na matuwid, at hindi kayong ituturing na nakasala sa pagpatay sa taong iyon. \s5 \v 10 Kung ang inyong mga sundalo ay makikipagdigma laban sa inyong mga kaaway, at idulot ni Yahweh na ating Diyos na matalo ninyo sila, at sila ay maging mga bihag ninyo, \v 11 isa sa inyo ay maaring makakakita sa kanila ng isang magandang babae na gusto niya, at maaring gusto niya nitong pakasalan. \v 12 Dapat niya siyang dadalhin sa kanyang tahanan, at doon dapat ahitin niya ang lahat ng buhok niya sa ulo at putulin niya ang kanyang mga kuko sa daliri upang ipakita na ngayon siya ay hindi na kabilang sa kanyang lahi, nguni't sa halip siya ay nagiging isang Israelita. \s5 \v 13 Dapat niyang hubarin ang kanyang mga isinuot na damit noong siya ay dinakip, at isuot ang mga damit ng Israelita. Dapat siyang mananatili sa bahay ng lalaking iyon at magluksa ng isang buwan dahil sa pag-iwan niya sa kanyang mga magulang. \v 14 Pagkatapos nito, papayagan siyang pakasalan siya. Kinalaunan, kung siya ay hindi na nasisiyahan sa kanya, siya ay pahihintulutan iwan siya. Dahil siya ay napahiya at pinilit na sumiping sa kanya, hindi siya papayagang ituring na tulad ng isang alipin at ipagbili sa kahit sino. \s5 \v 15 Ipagpalagay na ang isang lalaki ay may dalawang asawa, pero gusto niya ang isa sa kanila at hindi niya gusto ang isa. \v 16 At ipagpalagay na ang dalawa ay nanganak ng mga batang lalaki, at ang pinakamatandang anak na lalaki ay anak ng babae na hindi niya gusto. Sa panahon na ang lalaki ay magpasiya kung alin sa kanyang mga ari-arian ang mapupunta sa bawat anak matapos siyang mamatay, hindi niya dapat kampihan ang anak niyang lalaki sa mahal niyang asawa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng mas malaking bahagi na dapat mapunta sa panganay na anak na lalaki. \v 17 Dapat niyang ibigay ang ikalawa sa tatlong bahagdan nang kanyang mga ari-arian sa nakakatandang anak na lalaki, ang anak na lalaki ng kanyang asawa na di niya mahal. Ang anak na lalaking iyon ay kaniyang unang anak at dapat bigyan ng pinakamalaking bahagi. \s5 \v 18 Ipagpalagay na may isang batang lalaki na napakatigas ang ulo at palaging sumusuway sa kanyang mga magulang, at hindi nakikinig kung ano ang sinasabi sa kanya. At ipaglagay na pinarusahan siya nila pero hindi pa rin pinansin kung ano ang sinasabi nila sa kanya. \v 19 Kung ito ay mangyari, dapat dadalhin siya ng kanyang mga magulang sa tarangkahan ng siyudad kung saan sila ay nakatira at patayuin siya sa harapan ng mga nakakatanda ng siyudad. \s5 \v 20 Pagkatapos dapat ang mga magulang ay sabihan ang mga nakakatanda ng siyudad, 'Ang anak namin na ito, ay napakatigas ng ulo at palaging suwail sa amin. Ayaw niyang makinig sa mga sinasabi namin sa kanya. Siya ay napakalas kumain, at siya ay naglalasing.' \v 21 Pagkatapos ang lahat ng mga nakakatanda sa siyudad ay dapat patayin siya sa pamagitan ng paghagis sa kanya ng mga bato. Sa paggawa na iyon, aalisin ninyo ang ganitong masamang gawain mula sa inyo. At ang bawat isa sa Israel ay makakarinig tungkol sa anong nangyari at sila ay matatakot na gawin kung ano ang ginawa niya. \s5 \v 22 Kung may isang tao ay patayin sa paggawa ng isang krimen kung saan siya ay nararapat na mamatay, at ibitin ninyo ang kanyang bangkay sa isang poste, \v 23 Dapat huwag ninyong hayaan ang kanyang bangkay na manatili doon ng buong gabi. Dapat ilibing ninyo ito sa araw kung kailan siya ay namatay, dahil kung pananatilihin ninyo ang bangkay na nasa poste, susumpain ng Diyos ang lupain. Dapat ninyong ilibing ang bangkay sa araw na iyon, upang hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay sa inyo ni Yahweh na ating Diyos. \s5 \c 22 \p \v 1 Kung nakakita kayo ng isang lalaking baka ng Israelita o tupang naligaw, huwag kumilos na tila ito ay hindi mo nakita. Ibalik mo ito sa may-ari. \v 2 Ngunit kung ang may-ari ay hindi nakatira malapit sa inyo, o kung hindi mo kilala kung sino siya, dalhin mo ang hayop sa inyong bahay. Maaari itong manatili sa inyo hanggang dumating ang may-ari, na naghahanap nito. Pagkatapos dapat mong ibigay ang hayop sa kanya. \s5 \v 3 Kailangan ninyong gawin ang parehong bagay na iyon kapag nakakita kayo ng isang asno, isang pirasong damit, o anumang bagay pang nawala ng isang tao. Huwag tumangging gawin kung ano ang dapat ninyong gawin. Huwag magpanggap na wala kayong nalalaman tungkol sa bagay. \v 4 At kung nakita ninyo ang isang asno ng kasamahang Israelita o baka na natumba sa daan, huwag kumilos na tila ito ay hindi mo nakita. Tulungan ang may-ari na itayo ang hayop nang sa gayon ito ay makakatayong muli sa kanyang paa. \s5 \v 5 Ang mga babae ay hindi dapat magsuot ng panlalaking mga damit at ang mga lalaki ay hindi dapat magsuot ng pambabaeng mga damit. Napopoot si Yahweh ang ating Diyos sa mga taong gumagawa ng mga bagay na katulad niyan. \s5 \v 6 Kung sakaling kayo ay nangyaring nakakita ng isang pugad ng ibon sa isang kahoy o sa lupa, at ang inang ibon ay naglilimlim sa pugad sa ibabaw ng kanyang mga itlog o kasama sa mga ibong inakay, huwag kunin ang inang ibon at patayin ito. \v 7 Kayo ay pinahihintulutang kunin ang mga ibong inakay, subalit dapat mong hayaang lumipad ang inang ibon. Gawin ito nang sa gayon ang mga bagay ay maging mabuti para sa inyo at nang mabuhay kayo ng isang mahabang panahon. \s5 \v 8 Kung kayo ay magpapatayo ng isang bagong bahay, dapat ninyong lagyan ng isang rehas palibot sa bubong. Sa ganitong paraan, wala kayong kasalanan sa kamatayan ng isang tao kung ang isang tao ay nahulog mula rito at namatay. \s5 \v 9 Huwag magtanim ng anumang pananim sa lugar kung saan ang inyong mga ubasan ay tumutubo. Kung ginawa ninyo, kukunin ng mga pari sa Banal na Lugar ni Yahweh ang kapwa buto at ang aanihin ng ubasang iyon. \v 10 Huwag italing magkasama ang isang lalaking baka at isang asno para sa pag-aararo ng inyong mga bukid. \v 11 Huwag magsuot ng damit na gawa sa pamamagitan ng magkasabay na inihabing lana at lino. \s5 \v 12 Pilipitin ang mga hibla ng magkasama upang makagawa ng palawit at itahi ang mga iyon sa apat na mga sulok ng inyong balabal. \s5 \v 13 Ipagpalagay na ang isang lalaki ay nagpakasal sa isang dalaga at sumiping sa kanya at di-nagtagal ay nagpasiyang ayaw na niya sa kanya, \v 14 at ipagpalagay na nagsasabi siya ng maling mga bagay tungkol sa kanya, at inangking siya ay hindi na birhen nang siya ay napangasawa niya. \s5 \v 15 Kung nangyari iyon, dapat kunin ng mga magulang ng dalaga ang kumot na nasa higaan kung kailan ang lalaki at ang kanilang anak na babae ay nagkasama, kung alin ay mayroong mantsang dugo pa rin nito, at ipapakita ito sa mga matatanda ng siyudad sa pasukan ng siyudad. \s5 \v 16 Pagkatapos ang ama ng dalaga ay dapat sabihin sa mga matatanda, 'Ibinigay ko ang aking anak na babae sa lalaking ito para maging kanyang asawa. Subalit ngayon ay sinasabi niya na ayaw na niya sa kanya. \v 17 At pinaparatangan niya ang babae na hindi na isang birhen nung siya ay napangasawa niya. Subalit tingnan ninyo! Ito ay nagpapatunay na ang anak kong babae ay isang birhen! Tingnan ang mantsa ng dugo sa kumot kung saan sila ay nagsiping ng gabing iyon nang sila ay ikinasal! At ipinakita niya ang kumot sa mga matatanda. \s5 \v 18 Pagkatapos ang mga matatanda ng siyudad na iyon ay dapat kunin ang lalaking iyon at papaluin siya. \v 19 Dapat nilang pagbayarin siya ng multa na isangdaang piraso ng pilak at ibigay ang pera sa ama ng dalaga, sapagkat nagdala ng kahihiyan ang lalaki sa isang Israelitang dalaga. At saka, ang dalaga ay dapat magpatuloy mamuhay kasama niya; siya ay kanyang asawa. Hindi siya pinapayagang hiwalayan siya sa panahon ng kanyang nalalabing buhay. \s5 \v 20 Ngunit kung ano ang sinabi ng lalaki ay totoo, at walang magpapatunay na siya ay isang birhen nang siya ay napangasawa niya, \v 21 dapat nilang dalhin ang dalagang iyon sa pintuan ng bahay ng kanyang ama. Pagkatapos ang mga lalaki ng siyudad na iyon ay dapat siyang patayin sa pamamagitan ng pagbato sa kanya. Dapat nilang gawin iyon sapagkat may ginawa siyang ilang bagay sa Israel na labis na nakakahiya, sa pagsiping kasama ng ilang lalaki habang siya ay namumuhay pa rin sa bahay ng kanyang ama. Sa pamamagitan ng pagpatay sa kanya gaya niyan, tatanggalin ninyo itong masamang gawain mula sa inyo. \s5 \v 22 Kung ang isang lalaki ay nahuli na habang sumisiping sa asawa ng ibang lalaki, pareho silang dapat patayin. Sa pamamagitan ng gawaing ito, tinatanggal ninyo itong masamang gawain sa Israel. \s5 \v 23 Ipagpalagay sa ilang bayan ang isang lalaki ay nakakita ng isang dalaga na naipangakong ipapakasal sa ibang lalaki, at siya ay nahuling sumisiping na kasama niya. \v 24 Dapat ninyong dalhin sila sa pasukan ng bayan na iyon, kung saan ang mga pinuno ng bayan ay nagpasiya ng mga mahahalagang bagay. Doon ay dapat ninyong patayin silang dalawa sa pamamagitan ng pagbato sa kanila. Dapat ninyong patayin ang dalaga sapagkat siya ay hindi sumigaw upang tulungan kahit na siya ay nasa bayan. At ang lalaki ay dapat patayin sapagkat sumiping siya sa isang tao na naipangakong ipapakasal. Sa pamamagitan ng gawaing ito, tatanggalin ninyo itong masamang gawain mula sa inyo. \s5 \v 25 Subalit ipagpalagay sa labas ng lantad na kabukiran na ang isang lalaki ay nakilala ang isang dalaga na nakatakda ng ikasal, at pinilit niyang sumiping sa kanya. Kung nangyari iyon, tanging ang lalaking iyon ang dapat patayin. \v 26 Hindi ninyo dapat parusahan ang dalaga sapagkat wala siyang ginawang anumang bagay na karapatdapat siyang patayin. Itong pangyayari ay gaya ng kung saan ang isang tao ay inatake ang ibang tao sa kabukiran at pinatay niya, \v 27 sapagkat ang lalaki na pumilit sumiping sa kanya ay nakita siyang nasa lantad ng kabukiran, at kahit pa man siya ay tumawag ng tulong, walang iba doon na maaaring sumagip sa kanya. \s5 \v 28 Kung ang isang lalaki ay pinilit ang isang dalaga na wala pang kasunduang magpakasal para sumiping sa kanya, at kung siya ay nakita ng isang tao habang ginagawa niya ito, \v 29 ang lalaking iyon ay dapat magbayad ng limampung piraso ng pilak sa ama ng dalaga, at siya ay dapat niyang pakasalan, sapagkat siya ay ipinahiya niya sa pamamagitan ng pagpilit niya na sumiping sa kanya. Hindi siya pinapayagang hiwalayan siya sa panahon ng kanyang natitirang buhay. \s5 \v 30 Hindi dapat kunin ng isang lalaki ang pag-aari ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagsiping sa sinuman sa mga asawa ng kanyang ama. \s5 \c 23 \p \v 1 lalaki na ang kanyang sangkap pangkasarian na nadurog ay hindi maaaring isali bilang kaisa sa mga tao ni Yahweh. \v 2 Walang bastardong tao, ni ang kanyang mga kaapu-apuhan, hanggang sa ikasampung salinlahi, ay makakasali bilang kaisa sa mga tao ni Yahweh. \s5 \v 3 Wala ni isa sa mga lahi ng Ammon o Moab ay malakip bilang kaisa sa mga tao ni Yahweh, hanggang sa ikasampung salinlahi. \v 4 Isa sa dahilan nito na ang kanilang pinuno ay tumangging magbigay ng pagkain at tubig sa inyong mga ninuno noong sila ay naglalakbay mula sa Ehipto hanggang sa Canaan. Isa pang dahilan ay binayaran nila si Balaam na anak na lalaki ni Beor mula sa bayan ng Pethor sa Mesopotamia para sumpain kayo na mga Israelita. \s5 \v 5 Subalit si Yahweh na ating Diyos ay hindi nagbigay pansin kay Balaam; bagkos, idinulot niya na si Balaam na pagpalain ang inyong mga ninuno, dahil minahal sila ni Yahweh. \v 6 Habang ang Israel ay isang bansa, hindi kayo dapat gumawa ng anumang bagay upang idulot na mapabuti ang mga bagay para sa dalawang lahing iyon para sila ay umunlad. \s5 \v 7 Subalit huwag ninyong hamakin ang sinuman sa lahi ng Edom, dahil sila ay mga kaapu-apuhan ng inyong ninunong si Jacob, katulad ninyo. At huwag ninyong hamakin ang mga tao ng Ehipto, dahil pinakitunguhan nila ng mabuti ang inyong mga ninuno nang una silang manirahan sa Ehipto. \v 8 Ang mga apo ng mga tao mula sa Edom at Ehipto na naninirahan kasama ninyo ngayon ay maaaring masali sa mga tao ni Yahweh. \s5 \v 9 Kapag ang inyong mga sundalo ay tumira sa kampo sa panahon ng digmaan, dapat nilang iwasan ang gumawa ng mga bagay na gagawin silang hindi katanggap-tanggap sa Diyos. \v 10 Kung sinuman sa sundalo ay naging hindi katanggap-tanggap sa Diyos dahil sa lumabas na semilya sa kanyang katawan sa gabi, sa susunod na araw ay dapat siyang pumunta sa labas ng kampo at manatili doon sa araw na iyon. \v 11 Subalit kinagabihan ng araw na iyon, dapat niyang paliguan ang kanyang sarili, at sa paglubog ng araw siya ay pinapayagan nang makabalik sa kampo. \s5 \v 12 Ang inyong mga sundalo ay dapat magkaroon ng kubeta sa labas ng kampo kung saan maaari nilang puntahan kapag kailangan nila. \v 13 Kapag kayo ay makipag-away laban sa inyong mga kaaway, mag-bitbit ng kahoy kasama ng inyong mga sandata, nang sa gayon kapag kailangan ninyong magbawas, maaari kayong maghukay ng isang butas gamit ang kahoy, at pagkatapos ay takpan ang butas kapag tapos na kayong magbawas. \v 14 Dapat ninyong panatilihing kataggap-tanggap ang inyong kampo kay Yahweh na ating Diyos, dahil siya ay kasama ninyo sa inyong kampo para pangalagaan kayo at para gawing matalo ninyo ang inyong mga kaaway. Huwag kayong gumawa ng anumang bagay na kahiya-hiya na magdudulot kay Yahweh para pabayaan kayo. \s5 \v 15 Kapag ang mga alipin na tumakas mula sa kanilang mga amo ay pumunta sa inyo at hilingin na ikubli ninyo, huwag ninyo siyang pabalikin sa kanilang mga amo. \v 16 Pahintulutan silang manatili sa inyo, sa anumang bayang kanilang piliin, at huwag ninyo silang aapihin. \s5 \v 17 Huwag ninyong pahintulutan ang alinman sa mga lalaki o babaeng Israelita na maging bayaran sa templo. \v 18 Gayundin, huwag ninyong pahintulutan ang tao na kumita ng pera mula sa pagiging isang bayaran para magdala ng anuman sa perang iyon sa templo ni Yahweh na ating Diyos, kahit pa nga mataimtim silang nangakong babayaran ang perang iyon sa kanya. Napopoot si Yahweh sa mga bayaran. \s5 \v 19 Kapag kayo ay nagpapahiram ng pera o pagkain o anumang bagay sa isang kapwa Israelita, huwag ninyo silang singilin ng mayroong tubo. \v 20 Kayo ay pinahihintulutan na maningil ng mayroong tubo kapag nagpapahiram kayo ng pera sa mga dayuhan na naninirahan sa inyong bayan, ngunit hindi kapag kayo ay nagpahiram ng pera sa mga Israelita. Gawin ito sa paraan na si Yahweh na ating Diyos ay pagpalain kayo sa bawat bagay na inyong gawin sa lupa na inyong papasukin at sasakupin. \s5 \v 21 Kapag kayo ay mataimtim na nangako para magbigay ng isang bagay kay Yahweh na inyong Diyos o gumawa ng isang bagay para sa kanya, huwag ninyong patagalin ang pag-gawa nito. Aasahan kayo ni Yahweh para gawin ang anumang inyong ipinangako, at kapag hindi ninyo gagawin ito, kayo ay makakagawa ng isang kasalanan. \v 22 Subalit kapag hindi kayo mangako ng mataimtim para gawin ang isang bagay, hindi iyon kasalanan. \v 23 Subalit kapag kusang-loob ninyong ipinangako na gawin ang isang bagay, dapat ninyo itong gawin. \s5 \v 24 Kapag kayo ay maglalakad sa ubasan ng iba, kayo ay pinahihintulutan na kumuha at kumain ng ubas sa dami ng gusto ninyo, subalit hindi kayo dapat maglagay ng anuman sa isang lalagyan at dalahin ang mga ito. \v 25 Kapag kayo ay maglalakad sa isang daanan ng bukid ng butil ng iba, kayo ay pinahihintulutang pumitas ng ilan sa mga butil at kainin ito, subalit hindi ninyo dapat putulin alinman sa butil gamit ang isang karit at dalahin ninyo ito. \s5 \c 24 \p \v 1 Ipagpalagay na pakakasalan ng lalaki ang isang babae at kalaunan ay nagpasya siya na hindi na niya siya gusto dahil mayroong bagay na nakagagalit at pinalayas niya ang babae mula sa kanyang bahay. At ipagpalagay na susulat siya ng isang kasulatan na nagsasabing hihiwalayan na niya ang babae at ibibigay ang kasulatan sa kanya at palalayasin siya mula sa kanyang bahay. \v 2 Pagkatapos ipagpalagay na siya ay lumayas. Siya ay malayang mag-asawa ng ibang lalaki. \s5 \v 3 Ipagpalagay na ang taong iyon ay nagpasya ring hindi na niya gusto ang babae at magsusulat din siya ng isang kasulatan na nagsasabing hihiwalayan niya ang babae at palalayasin siya mula sa kanyang bahay, o ipagpalagay na namatay ang kanyang pangalawang asawa. \v 4 Kung mangyari ang alinman sa mga bagay na ito, hindi siya dapat pakakasalanan muli ng kanyang unang asawa. Dapat niyang isaalang-alang na siya ay hindi naging katanggap-tanggap kay Yahweh. Maaaring isaalang-alang na maging hindi kalugod-lugod sa kanya kung siya ay mag-aasawang muli. Hindi kayo dapat magkasala sa pamamagitan ng paggawa ng bagay na iyon sa lupain na ibibigay ni Yahweh na ating Diyos sa inyo. \s5 \v 5 Kapag ang isang lalaki ay nag-asawa, hindi niya kinakailangan na maging isang sundalo sa hukbo o atasan na gumawa ng anumang gawain para sa pamahalaan. Siya ay hindi kasali mula sa mga tungkuling iyon sa loob ng isang taon matapos na siya ay mag-asawa. Dapat siyang manatili sa kanyang bahay at pasayahin ang kanyang asawa sa taong iyon. \s5 \v 6 Sinuman ang magpapahiram ng pera sa iba ay papayagan na atasan ang taong bigyan siya ng anumang bagay ng kasiguraduhan na babayaran niyang muli ang pera na kanyang hiniram, ngunit hindi niya dapat kunin ang kanyang gilingan dahil iyon ay para sa kanyang pamilya para gumawa ng harina para sa pagluto ng tinapay upang mabuhay. \s5 \v 7 Kung dinukot ng iba ang isang kapwa Israelita na gawin ang taong iyon na kanyang alipin o upang ipagbili sa iba na gawing alipin, dapat mong hatulan ng kamatayan ang taong iyon na gumawa sa kanya, dapat mong pawiin ang masamang gawain mula sa inyo. \s5 \v 8 Kung ikaw ay nakakaranas ng ketong, tiyakin mong makagawa ka ng anumang bagay sa mga pari, kung saan mula sa lipi ni Levi, sinabi sa inyo na gawin. Sundin ng maayos ang mga habilin na aking ibinigay sa kanila. \v 9 Huwag kalimutan kung ano ang ginawa ni Yahweh na ating Diyos kay Miriam, nang siya ay naging isang ketungin, bilang inyong mga ninuno na nakalabas sa Ehipto. \s5 \v 10 Kapag magpapahiram kayo ng anumang bagay sa iba, huwag kayong pumunta sa kanyang bahay upang kunin ang kanyang damit na sinasabing ibibigay niya sa iyo upang maging garantiya na maibabalik niya kung ano ang kanyang nahiram. \v 11 Tumayo lamang sa labas ng kanyang bahay at ang taong nanghiram ng anumang bagay ay dadalhin niya ang kanyang damit sa iyo. \s5 \v 12 Ngunit kung siya ay dukha, huwag mong itago ang kanyang damit sa buong magdamag. \v 13 Kapag ang araw ay lumubog, ibalik mo sa kanya ang kanyang damit, ng sa gayo'y maisuot niya ito sa kanyang pagtulog. Kung gagawin mo iyon dadaing siya sa Diyos at pagpalain ka at ikalulugod iyon ni Yahweh na inyong Diyos. \s5 \v 14 Huwag apihin ang sinumang mga alipin na iyong inupahan na dukha at salat, ni sila ay mga Israelita o mga dayuhan na naririrahan sa inyong bayan. \v 15 Bawat araw, bago lumubog ang araw, dapat mo silang bayaran ng pera na kanilang kita. Sila ay dukha at kailangan nilang makuha ang kanilang bayad. Kung hindi mo sila babayaran agad, sila ay iiyak laban sa iyo kay Yahweh at parurusahan ka niya para sa kasalanang ginawa mo. \s5 \v 16 Hindi dapat parusahan ang mga magulang dahil sa kasalanan na nagawa ng kanilang mga anak at hindi dapat parusahan ang mga anak dahil sa kasalanang nagawa ng kanilang mga magulang. Dapat parusahan ang taong mismong nakagawa ng kasalanan. \s5 \v 17 Kailangan mong gawin sa mga dayuhan na naninirahan sa inyo at sa mga ulila ang mga bagay na nakasaad sa mga batas na dapat mangyari sa kanila. At kung ikaw ay magpapahiram ng anumang bagay sa isang balo, huwag mong kunin ang kanyang damit bilang pamalit na maibalik niya ito. \v 18 Huwag mong kalimutan na nagkaroon ka ng malaking suliranin nang ikaw ay naging alipin sa Ehipto at si Yahweh na ating Diyos ang nagligtas sa iyo mula doon. Kaya iniuutos ko sa inyo na tulungan ang iba na nakararanas ng mga suliranin. \s5 \v 19 Kapag aanihin mo ang iyong mga pananim, kung nakalimutan mo na may isang bigkis sa bukid, huwag ka ng bumalik at kunin ito Iwan lamang doon para sa mga dayuhan, sa mga ulila at mga balo, kung gawin mo iyon, Pagpalain ka ni Yahweh sa lahat ng bagay na iyong gagawin. \v 20 At kapag inani mo ang lahat ng iyong olibo mula sa kanyang puno, huwag kang bumalik at pulutin ang mga natitira sa mga puno. \s5 \v 21 Gayundin, kapag pumitas ka ng iyong mga ubas sa iyong ubasan, huwag bumalik sa pangalawang pagkakataon at subukang hanapin ang iba, Iwan iyon para sa mga dayuhan, mga ulila at mga balo sa inyo. \v 22 Huwag kalimutan na si Yahweh ay kumilos ng mabait tungo sayo nang ikaw ay naging alipin sa Ehipto. Samakatuwid ako ay nag-uutos sa inyo na maging mabait sa mga nangangailangan." \s5 \c 25 \p \v 1 "Kung ang dalawang Israelita ay may pagtatalo at pumunta sila sa hukuman, ang hukom ay malamang magpapasya na ang isa ay walang kasalanan at ang isa ay may kasalanan. \v 2 Kung sabihin ng hukom na ang may kasalanan ay dapat maparusahan, siya ay uutusan niyang dumapa sa lupa at hampasin. Ang dami ng ulit na hahampasin siya ng latigo ay naaayon sa uri ng nagawa niyang krimen. \s5 \v 3 Pinapayagan siyang paluin hanggang sa daming apatnapung ulit, subalit hindi lalampas doon. Kung hahampasin siya ng lampas sa apatnapung ulit, mapapahiya sa publiko. \s5 \v 4 Kapag ang inyong lalaking baka ay lumalakad sa butil upang ihiwalay ito mula sa ipa, hindi ito dapat pigilang kumain ng ilan sa butil. \s5 \v 5 Kung ang dalawang magkapatid na lalaki ay nakatira sa parehong ari-arian at ang isa sa kanila na walang anak ay namatay, ang balo ng lalaki ay hindi dapat magpakasal sa isang taong hindi miyembro ng kanyang pamilya. Ang kapatid na lalaki ng namatay na lalaki ay dapat siyang pakasalan at sumiping sa kanya. Tungkulin niyang gawin iyon. \v 6 Kung sa katagalan ay manganak siya ng isang anak na lalaki, ang anak na iyon ay ituturing na anak ng lalaking namatay, upang ang pangalan ng patay na lalaki ay hindi maglaho mula sa Israel. \s5 \v 7 Subalit kung ang kapatid na lalaki ng namatay ay hindi gustong pakasalan ang babaeng iyon, dapat siyang tumayo sa tarangkahan ng siyudad. Dapat niyang sabihin sa mga pinuno ng siyudad, 'Ang kapatid ng aking asawa ay tumatangging pakasalan ako upang makapanganak ako ng anak na lalaki na siyang makakapigil sa pangalan ng namatay na lalaki na maglaho sa Israel.' \v 8 Pagkatapos ay dapat ipatawag ng mga nakakatanda ang lalaking iyon at kausapin siya. Marahil ay tatanggi pa rin siyang pakasalan ang balong iyon. \s5 \v 9 Sa gayong usapin, dapat siyang pumunta sa lalaki habang nakatingin ang mga nakakatanda, at hubarin ang isa sa mga sandalyas niya upang sumagisag na hindi siya tatanggap ng anuman sa kanyang ari-arian, duraan siya sa mukha, at sabihin sa kanya, 'Ito ang nangyayari sa lalaking tumatangging gawin kung ano ang kailangan upang hayaan ang kanyang namatay na kapatid na lalaking magkaroon ng anak na lalaki upang ang pangalan ng pamilya namin ay hindi maglaho.' \v 10 Matapos mangyari iyon, ang pamilya ng lalakng iyon ay makikilala bilang, 'ang pamilya ng lalaking ang sandalyas ay hinila.' \s5 \v 11 Kapag dalawang lalaki ang naglalaban sa isa't isa, at dumating ang asawa ng isang lalaki para siya ay tulungan sa pamamagitan ng pagdakma sa maselang bahagi ng ikalawang lalaki, \v 12 huwag kumilos nang may awa sa kanya; putulin ang kamay niya. \s5 \v 13-14 Kapag bumibili kayo at nagtitinda ng mga bagay, huwag ninyong subukang dayain ang mga tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dalawang uri ng timbangan, isang gamit ninyo kapag bumibili kayo ng isang bagay at isang gamit ninyo kapag nagtitinda ng isang bagay, o dalawang uri ng panukat na basket, isang gamit ninyo kapag bumibili kayo ng isang bagay at isang gamit ninyo kapag nagtitinda ng isang bagay. \s5 \v 15 Palaging gumamit ng tamang mga timbangan at tamang mga panukat na basket upang payagan kayo ni Yahweh na mabuhay ng mahabang panahon sa lupaing ibinibigay niya sa inyo. \v 16 Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng kumikilos nang hindi tapat, at parurusahan niya sila. \s5 \v 17 Patuloy na tandaan kung ano ginawa ng lahi ni Amalek sa inyong mga ninuno nang sila as lumalabas mula sa Ehipto. \v 18 Sinalakay nila ang inyong mga ninuno habang sila ay naglalakbay, nang sila ay mahina at pagod na pagod. Ang mga taong iyon ay hindi man lang natakot sa Diyos, kaya sinalakay nila ang inyong mga ninuno mula sa likuran at pinatay lahat sila na hindi nakapaglakad na kasimbilis ng iba. \v 19 Dahil dito, kapag ibinigay ni Yahweh na Diyos natin ang lupaing ipinangako niyang ibigay sa inyo, at idinulot niya na makapagpahinga kayo mula sa pakikipaglaban ninyo sa lahat ng inyong mga kaaway sa paligid ninyo, lipulin ninyo ang lahat ng lahi ni Amalek, na may resulta na walang isa man ang makakaalala pa sa kanila. Huwag ninyo kalimutang gawin ito! \s5 \c 26 \p \v 1 Matapos ninyong sakupin ang lupaing ibinibigay sa inyo in Yahweh na ating Diyos, at nanirahan kayo roon, \v 2 bawat isa sa inyo ay dapat kunin ang ilan sa mga unang pananim na inyong anihin, ilagay iyon sa basket, at dalhin iyon sa lugar na pinili ni Yahweh upang kayo ay sumamba roon. \s5 \v 3 Pumunta sa pangulong saserdote na naglilingkod sa panahong iyon at sabihin sa kanya, 'Sa pagbibigay sa iyo ng unang bahaging ito ng aking ani ngayon, ipinapahayag ko kay Yahweh na ating Diyos na pinitas ko ito sa lupaing taimtim niyang ipinangako sa ating mga ninuno na ibigay sa atin.' \v 4 Pagkatapos ay dapat kunin ng pari ang basket ng pagkain mula sa iyong kamay at ilagay ito sa altar kung saan inihahandog ang mga alay kay Yahweh na ating Diyos. \s5 \v 5 Pagkatapos ay dapat ninyo itong sabihin sa presensya ni Yahweh, 'Ang ninuno kong si Jacob ay isang lalaking mula sa Aram at makapangyarihang bansa. Dinala niya ang kanyang pamilya sa Ehipto. Sila ay maliit na pangkat nang pumunta sila roon, ngunit tumira sila roon at ang kanilang mga kaapu-apuhan ay naging napakalaki at makapangyarihang bansa. \s5 \v 6 Pagkatapos ang mga tao ng Ehipto ay napakalupit na nakitungo sa kanila, at pinilit silang maging alipin nila at magtrabaho nang napakabigat. \v 7 Pagkatapos ay tumawag ang ating mga ninuno sa iyo, Yahweh na aming Diyos at narinig mo sila. Nakita mong sila ay nagdurusa, at pinilit silang magtrabaho nang napakabigat, at inaapi. \s5 \v 8 Pagakatapos sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng paggawa ng maraming uri ng mga himala, at iba pang nakasisindak na mga bagay, inilabas mo sila mula sa Ehipto. \v 9 Dinala mo kami sa lupaing ito at ibinigay ito sa amin, isang lupaing napakayabong. \s5 \v 10 Kaya ngayon, Yahweh, dinala ko sa iyo ang unang bahagi ng ani mula sa lupaing tinanggap ko.' Pagkatapos ay dapat ninyong ilagay ang basket sa ibaba sa presensya ni Yahweh at sambahin siya roon. \v 11 At dapat kayong magdiwang sa pamamagitan ng pagkain nang sama-sama para pasalamatan si Yahweh na ating Diyos para sa lahat ng mabubuting bagay na ibinigay niya sa inyo at sa inyong mga pamilya. Dapat ninyong anyayahan ang mga kaapu-apuhan ni Levi at ang mga dayuhang naninirahan kasama ninyo upang magasaya rin at kumain kasama ninyo. \s5 \v 12 Bawat ikatlong taon ay dapat ninyong dalhin sa mga kaapu-apuhan ni Levi at sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo at mga ulila at mga balo ang ikapu ng ninyong mga pananim, upang sa bawat bayan ay magkaroon sila ng sagana para kainin. \v 13 Pagkatapos dapat ninyong sabihin kay Yahweh, 'Dinala ko sa iyo, mula sa aking bahay, lahat ng ikasampu mula sa aking ani sa taong ito, ang ikasampu na itinabi ko para sa iyo. Ibinibigay ko ito sa mga kaapu-apuhan ni Levi, sa mga dayuhan, mga ulila, at mga balo, tulad ng inutos mong gawin namin. Hindi ko sinuway ang alinman sa mga utos mo tungkol sa ikasampung bahagi, at hindi ko nalimutan ang alinman sa iyong mga utos tungkol dito. \s5 \v 14 Ipinapahayag kong hindi ko kinain ang anuman mula sa ikasampung bahagi habang ako ay nagluluksa para sa isang namatay na tao. At hindi ko kinuha ang anuman nito mula sa aking bahay habang ako ay nasa anumang kalagayang hindi katanggap-tanggap sa iyo; hindi ko inihandog ang anuman nito sa mga espritu ng mga patay na tao. Yahweh, sinunod kita at ginawa ang lahat ng mga bagay na inutos mo sa amin tungkol sa ikasampung bahagi. \v 15 Kaya pakiusap tumingin ka pababa mula sa iyong banal na lugar sa langit, at pagpalain kami, ang iyong mga taong Israelita. Pagpalain din ang napakayabong na lupaing ito na ibinigay mo sa amin, na siyang ipinangako mo sa aming mga ninuno na gagawin mo.' \s5 \v 16 Ngayon si Yahweh na ating Diyos ay inuutusan kayong sundin ang lahat ng mga patakaran at mga kautusang ito. Kaya matapat na sundin ang mga ito, ng inyong buong pagkatao. \v 17 Ngayon ay ipinahayag ninyong siya ay inyong Diyos, at mamumuhay kayo ayon sa gusto niyang gawin ninyo, at susundin ninyo ang lahat ng kanyang mga utos at patakaran at mga kautusan, at gagawin ninyo ang lahat ng sinasabi niyang gawin ninyo. \s5 \v 18 At ngayon ay ipinahayag ni Yahweh na kayo ay kanyang bayan, na kung ano ay kanyang ipinangako na kayo ay magiging, at inuutusan kayong sundin lahat ng kanyang mga utos. \v 19 Kung gagawin ninyo iyan, idudulot niya na kayo ay maging higit na dakila kaysa ibang mga bansang itinatag niya, at idudulot niyang purihin ninyo siya at parangalan siya. Kayo ay isang natatanging bayan kay Yahweh, ibinukod at banal sa kanya, tulad ng ipinangako niya." \s5 \c 27 \p \v 1 Sinabi ito ni Moises, kasama ng iba pang mga pangulo ng mga Israelita, sa mga tao: "Sundin ninyo ang mga utos na ibibigay ko sa inyo ngayon. \v 2 Sa darating na panahon tatawirin na ninyo ang Ilog ng Jordan at pasukin ang lupaing ipinangakong ibibigay sa inyo ni Yahweh, na inyong Diyos. Doon, maglagay kayo ng ilang malalaking mga bato at takpan ito ng palitada. \v 3 Isulat sa mga batong iyon ang lahat ng mga kautusang ito at mga aral, kapag pumasok na kayo sa napakatabang lupain na ipinangakong ibibigay sa inyo ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng ating mga ninuno. \s5 \v 4 Kapag nakatawid na kayo sa Ilog ng Jordan, maglagay kayo ng malalaking mga bato sa Bundok Ebal, katulad ng sinabi ko sa inyo, at takpan sila ng palitada. \v 5 At doon magtayo ng isang batong altar upang maghandog ng mga alay kay Yahweh, ngunit huwag gagawa ng kahit anong trabaho sa mga batong iyon na ginagamitan ng mga kasangkapang bakal. \s5 \v 6 Dapat hindi gawa sa pinutol na mga bato ang altar na inyong gagawin upang sunugin ang mga alay para kay Yahweh na ating Diyos. \v 7 At doon maghandog kayo ng mga alay upang ibalik ang pagkikipag-isa kay Yahweh, at dapat kakainin ninyo ang inyong mga parte sa mga alay na iyon at magsaya sa harap ni Yahweh. \v 8 At, kapag isusulat na ninyo sa mga bato ang kautusang ito, dapat isulat ninyo ang mga ito ng napakalinaw." \s5 \v 9 Pagkatapos sinabi ni Moises kasama ng mga pari, sa lahat ng mga taong Israelita, "Kayong mga taong Israelita, manahimik at makinig sa aking sasabihin. Ngayon naging lahi kayong pag-aari ni Yahweh, na ating Diyos. \v 10 Kaya dapat ninyong gawin kung ano ang kanyang sinasabi sa inyo, at sundin ang lahat ng mga patakaran at mga alituntunin na ibibigay ko sa inyo ngayon." \s5 \v 11 Sa araw ding iyon sinabi ni Moises sa mga Israelita, \v 12 "Pagkatapos ninyong makatawid sa Ilog ng Jordan, dapat tumayo sa Bundok Gerizim ang mga lipi nina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin at maki-usap kay Yahweh na pagpalain ang mga tao. \s5 \v 13 At dapat tumayo sa Bundok Ebal ang mga lipi nina Ruben, Gad, Asher, Zabulun, Dan, at Neftali at makinig sa mga bagay na gagawin ni Yahweh kapag isusumpa niya ang mga tao. \v 14 Dapat malakas na isigaw ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang mga salitang ito: \s5 \v 15 "Isusumpa ni Yahweh ang sinumang mag-ukit ng isang anyo mula sa kahoy o bato o huhulma ng isang anyo mula sa metal, at naglagay nito ng palihim at sambahin ito. Isinasaalang-alang ni Yahweh na kasuklam-suklam ang mga bagay na ito.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \s5 \v 16 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang lumalapastangan sa kanyang ama o sa kanyang ina.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \v 17 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang mag-aalis ng palatandaan sa mga hangganan ng ari-arian ng isang tao.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \s5 \v 18 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang umakay sa isang taong bulag sa maling direksiyon.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \v 19 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang magkakait sa mga dayuhan, mga ulila, o balo sa mga bagay na dapat gawin para sa kanila.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \s5 \v 20 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang magpapakita ng walang paggalang sa kanyang ama sa pamamagitan ng pagsiping sa sinumang asawa ng kanyang ama.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \v 21 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang sumisiping sa anumang hayop.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \s5 \v 22 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang sumisiping sa kanyang kapatid na babae o sa kanyang kapatid na babae sa ina o ama.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \v 23 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang sumisiping sa kanyang biyenang babae.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \s5 \v 24 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang palihim na pumatay ng isang tao.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \v 25 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang, papatay ng isang taong walang kasalanan dahil binigyan siya ng suhol ng isang tao.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.' \s5 \v 26 Isusumpa ni Yahweh ang sinumang tumatangging ipahayag na mabuti ang mga kautusang ito sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa kautusang ito.' At dapat sumagot ang lahat ng mga tao ng, 'Amen.'" \s5 \c 28 \p \v 1 Kung gagawin ninyo kung ano ang iniutos ni Yahweh na ating Diyos sa inyo na gawin at tapat na susundin ang lahat na iniuutos ko na gawin ninyo ngayon, idudulot niya na kayo na maging mas dakila kaysa ibang bansa sa mundo. \v 2 Kung susundin ninyo si Yahweh, ito ang gagawin niya para pagpalain kayo: \s5 \v 3 Pagpapalain niya ang lahat ng inyong gawin kapag nasa mga siyudad kayo at pagpapalain niya ang lahat na ginagawa niyo kapag nagtatrabaho kayo sa mga kabukiran. \v 4 Pagpapalain niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng maraming anak at sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng masaganang mga pananim, maraming baka at mga tupa. \s5 \v 5 Pagpapalain niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng maraming butil para gawing tinapay. \v 6 Pagpapalain niya kayo kahit saan—kapag lumabas kayo mula sa inyong mga bahay at kapag pumasok kayo sa inyong mga bahay. \s5 \v 7 Pahihintulutan ni Yahweh kayo na talunin ang mga kawal ng inyong mga kalaban; sasalakayin nila kayo mula sa isang direksyon, ngunit tatakbo sila papalayo mula sa inyo sa pitong direksyon. \v 8 Pagpapalain kayo ni Yawheh sa pamamagitan ng pagpupuno sa inyong mga kamalig ng butil, at pagpapalain niya ang lahat ng mga bagay na ginagawa ninyo; pagpapalain niya kayo sa lupain na ibibigay niya sa inyo. \s5 \v 9 Kung susundin ninyo lahat ng mga kautusan na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo at kung mamumuhay kayo sa pagsunod sa kanyang mga kautusan, gagawin niya kayong kanyang pag-aari, kanyang banal na mga tao, gaya ng kanyang ipinangako. \v 10 Sa ganun mauunawaan ng lahat ng mga lahi sa mundo na kayo ay nabibilang kay Yahweh, at matatakot sila sa inyo. \s5 \v 11 At idudulot ni Yahweh sa inyo na maging napaka matagumpay. Bibigyan niya kayo ng maraming anak, maraming baka, at masaganang mga pananim sa lupain na taimtim niyang ipinangako sa ating mga ninuno na ibibigay niya sa inyo. \v 12 Sa panahong kailangan ng ulan, ipapadala ni Yahweh ito mula sa pinagtataguan niya nito sa kalangitan, at pagpapalain niya lahat ng inyong mga gawa, na may kalalabasang makakapagpahiram kayo ng salapi sa ibang bansa, ngunit hindi ninyo kakailanganing manghiram mula sa kanila. \s5 \v 13 Kung tapat ninyong susundin ang lahat ng mga utos ni Yahweh na ating Diyos na ibinibigay ko sa inyo ngayon, Idudulot ni Yahweh sa inyong mga bansa na maging mas mataas sa ibang mga bansa, hindi mas mababa sa kanila; kayo ay laging magiging masagana at hindi kayo maghihirap. \v 14 Gagawin ni Yahweh ang lahat ng mga bagay na ito para sa inyo kung hindi kayo tatalikod mula sa pagsunod sa iniuutos ko sa inyo ngayon, at kung hindi kayo sasamba o maglilingkod sa ibang mga diyos. \s5 \v 15 Ngunit kung hindi ninyo gagawin ang sinasabi ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo na gawin, at kung hindi ninyo tapat na susundin lahat ng kanyang mga batas at alituntunin na ibinibigay ko sa inyo ngayon, ito ang gagawin niya para sumpain kayo: \s5 \v 16 Isusumpa niya kayo kapag kayo ay nasa mga siyudad at isusumpa niya kayo kapag nagtatrabaho kayo sa kabukiran. \v 17 Isusumpa niya kayo sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa inyo ng maraming butil para gawing tinapay. \s5 \v 18 Isusumpa niya kayo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng kakaunti lamang na mga anak, sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng di-malulusog na mga pananim, at sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa inyo ng maraming baka at mga tupa. \v 19 Isusumpa niya kayo kahit saan—kapag lumabas kayo sa inyong mga bahay at kapag pumasok kayo sa inyong mga bahay. \s5 \v 20 Kung gagawa kayo ng mga masasamang bagay at tatanggihan si Yawheh, susumpain niya kayo sa pamamagitan ng pagdudulot sa inyo na malito, at maging bigo sa lahat ng inyong gawin, hanggang sa mabilisan at tuluyan kayong mawasak ng inyong mga kaaway. \v 21 Magpapadala si Yahweh ng kakila-kilabot na mga sakit sa inyo, hanggang sa wala ni isa sa inyo ang matirang buhay sa lupain na malapit na ninyong mapasok at matirahan. \s5 \v 22 Patatamaan kayo ni Yahweh ng mga sakit na magpapanginig ng inyong mga katawan, na may lagnat, na may pamamaga. Magiging sobrang init, at hindi uulan. Magkakaroon ng malakas na mga hangin, at pabubulukin ang inyong mga pananim. Tatama ang lahat ng mga bagay na ito sa inyo hanggang sa mamatay kayo. \s5 \v 23 Walang ulan mula sa langit, na may kalalabasan na magiging kasing tigas ng bakal ang lupa. \v 24 Sa halip na magpadala ng ulan, magpapadala si Yahweh ng mga malalakas na hangin na iihip ng buhangin at alikabok sa buong lupain ninyo, hanggang sa masira ang inyong lupain. \s5 \v 25 Ipapatalo kayo ni Yahweh sa inyong mga kaaway; sasalakayin sila ng inyong mga sundalo mula sa isang direksyon, ngunit tatakbo palayo mula sa kanila sa pitong mga direksyon, at kung makita ng mga tao ng ibang mga bansa kung ano ang nangyayari sa inyo, sasabihin nila na iyan ay kahindik-hindik. \v 26 Mamamatay kayo at dadating at kakainin ng mga ibon at ng mga mababangis na hayop ang inyong mga bangkay, at walang sinuman ang makakabugaw sa kanila papalayo. \s5 \v 27 Idudulot ni Yahweh na magkaroon kayo ng mga pigsa sa inyong mga balat, tulad ng pagdulot niya sa mga tao ng Ehipto na magkaroon ilang taon na ang nakakaraan. Idudulot niya sa inyo na nagkaroon ng mga bukol, mga bukas na sugat at mangangati ang inyong mga balat, ngunit walang kahit na anong makakapagpagaling ng mga sakit na iyon. \v 28 Idudulot ni Yahweh ang ilan sa inyo na maging baliw; idudulot niya ang ilan sa inyo na maging bulag, at papalituhin niya kayo. \v 29 Dahil hindi ninyo makikita kung saan kayo pupunta, sa tanghali kakapit kayo sa paligid gamit ang inyong mga kamay, tulad ng ginagawa ng mga tao sa dilim. Hindi kayo sasagana sa kahit anong gawin ninyo. Patuloy kayong aapihin at nanakawan at walang sinuman ang tutulong sa inyo. \s5 \v 30 Ipagkakasundo ang Ilan sa inyong mga kalalakihan para ipakasal sa isang dalagang babae, ngunit iba ang sapilitang sisiping sa kanya. Magtatayo kayo ng mga bahay, ngunit hindi kayo makakatira sa mga iyon. Magtatanim kayo ng mga ubasan, ngunit hindi ninyo makakain ang mga ubas; iba ang kakain ng mga iyon. \v 31 Kakatayin ng inyong mga kaaway ang inyong mga baka habang nanonood kayo sa kanila, at hindi kayo makakakuha ng alinmang karne para kainin. Hihilain nila palayo ang inyong mga asno habang pinanunuod ninyo sila sa paggawa noon, at hindi nila ibabalik ang mga ito sa inyo. Kukunin nila ang inyong mga tupa; at walang sinuman ang makakatulong sa inyo sa pagligtas sa kanila. \s5 \v 32 Habang nanonood kayo ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay ibibigay sa mga dayuhan para maging alipin. Araw-araw kayong magbabantay sa pagbabalik ng inyong mga anak ngunit masasayang lang ang inyong paghihintay. \s5 \v 33 Mga tao sa dayuhang bansa ang kukuha ng mga pananim na inyong pinaghirapan na gawin, at patuloy nila kayong ituturing ng may kalupitan at may kabagsikan. \v 34 Magiging baliw kayo dahil sa mga kahindik-hindik na mga bagay na nakita ninyo. \v 35 Idudulot ni Yahweh na matakpan ang inyong mga binti ng mga pigsang masasakit na hindi gagaling at magkakaroon kayo ng mga pigsa mula sa inyong talampakan hanggang sa inyong bumbunan. \s5 \v 36 Idudulot ni Yahweh na madala ang inyong hari at ang natira sa inyo sa ibang bansa, sa isang lugar na hindi ninyo natirhan at ng inyong mga ninuno at sasamba kayo doon at maglilingkod sa mga diyos na gawa sa kahoy o bato. \v 37 Kapag makita ng mga lahi sa kalapit na mga bansa kung ano ang nangyari sa inyo, magugulat sila; Kukutyain nila kayo at pagtatawanan kayo sa bawat lugar na pagdadalhan sa inyo ni Yahweh. \s5 \v 38 Magtatanim kayo ng maraming binhi sa inyong mga bukirin, ngunit kakaunti lang ang inyong ani, dahil kakainin ng mga balang ang inyong mga pananim. \v 39 Magtatanim kayo ng mga ubasan at aalagaan ang mga ito, ngunit wala kayong makukuha na anumang ubas para gawing alak, dahil kakainin ng mga uod ang mga sanga. \s5 \v 40 Tutubo ang mga puno ng olibo sa bawat lugar ng inyong lupain, ngunit hindi kayo makakakuha ng anumang langis ng olibo para ipahid sa inyong balat dahil mahuhulog ang mga olibo sa lupa bago pa sila mahinog. \v 41 Magkakaroon kayo ng mga anak na lalaki at anak na babae, ngunit hindi sila mananatili sa inyo, dahil mabibihag sila at ilalayo. \s5 \v 42 Kakain ng mga pulutong ng balang ang inyong mga pananim at ang mga dahon ng lahat ng inyong mga puno. \v 43 Papalabis ng papalabis na makapangyarihan ang mga dayuhan na nanirahan sa inyong lupain at papaunti ng papaunti ang inyong kapangyarihan. \v 44 Magkakaroon sila ng salapi para ipahiram sa inyo, ngunit hindi kayo magkakaroon ng anumang salapi para ipahiram sa kanila. Magiging mataas sila sa inyo at magiging mababa kayo sa kanila. \s5 \v 45 Mangyayari ang lahat ng mga kalamidad na ito sa inyo at patuloy na mangyayari sa inyo hanggang masira kayo, kung hindi ninyo gagawin ang sinabi sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos na gawin at hindi susundin ang lahat ng mga batas at mga alituntunin na ibinigay niya sa inyo. \v 46 Taimtim na magbababala sa inyo magpakailanman at sa inyong mga kaapu-apuhan ang mga kalamidad na ito na mangyayari sa mga grupong susuway kay Yahweh. \s5 \v 47 Dahil masaganang pinagpala kayo ni Yahweh sa maraming paraan, dapat na naglingkod kayo sa kanya ng sobrang galak, ngunit hindi ninyo ginawa iyan. \v 48 Kaya magtatrabaho kayo para sa mga kalaban na ipapadala ni Yahweh para salakayin kayo. Magugutom kayo at mauuhaw; hindi kayo magkakadamit na isusuot at magkukulang kayo sa lahat ng mga bagay na kailangan ninyo. At idudulot ni Yahweh na kayo ay maging mga alipin at magtrabaho ng sobra hanggang sa mawasak niya kayo. \s5 \v 49 Dadalhin ni Yahweh laban sa inyo ang isang hukbo mula sa napakalayo, mga kawal na nagsasalita ng isang wikang hindi ninyo maintindihan. Tatangayin nila kayo pababa ng mabilisan tulad ng isang agila. \v 50 Magmumukha silang mabangis. Hindi sila aakto ng pagkamaaawain sa kanino man, kahit pa sa mga bata at matatanda. \v 51 Papatayin nila at kakainin ang inyong mga alagang hayop, at kakainin nila ang inyong mga pananim, at magugutom kayo. Hindi sila mag-iiwan para sa inyo ng anumang butil o bino o langis na olibo o baka o tupa; at mamamatay kayong lahat sa pagkagutom. \s5 \v 52 Papaligiran ng inyong mga kalaban ang inyong mga nayon sa buong lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo, at gigibain nila ang mga matataas at matitibay na mga pader sa paligid ng inyong mga bayan, mga pader na pinagtiwalaan ninyo na ipagsasanggalang kayo. \v 53 Kapag nakapalibot na ang inyong mga kalaban sa inyong mga bayan, magugutom kayo ng sobra, na ang kalalabasan ay kakainin ninyo ang laman ng inyong sariling mga anak na lalaki at mga anak na babae na ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos. \s5 \v 54-55 Kapag nakapalibot na sa inyong mga bayan ang inyong mga kalaban, kahit na ang napakaamo at maramdaming mga lalaki na kapiling ninyo ay lubhang mangangailangan ng pagkain na ang kalalabasan ay papatayin nila ang sarili nilang mga anak at kakainin ang kanilang laman, dahil wala na silang maaaring kainin. Ni hindi sila mamamahagi ng anuman sa mga ito sa kanilang mga kapatid na lalaki o mga asawa na sobra nilang mahal o sa kahit na sinuman sa ibang mga anak nila na nabubuhay pa. \s5 \v 56-57 Kahit na ang napakaamo at mabait na babae na kapiling ninyo na sobrang yaman na ang kinalabasan ay hindi siya napilit na maglakad kahit saan, ay gagawin ang katulad na bagay. Kapag nakapalibot na ang inyong mga kalaban sa inyong mga bayan, magugutom ng sobra ang mga babaeng iyon, na ang kalalabasan ay pagkatapos nilang manganak ng isang bata, palihim nilang papatayin ang sanggol at kakainin ang laman nito at kakainin din ang mga susunod na ipapanganak. At hindi sila mamahagi ng anuman sa mga ito sa kanilang mga asawang lalaki na sobra nilang mahal o sa sinuman sa iba pa nilang mga anak. \s5 \v 58 Kung hindi ninyo tapat na susundin lahat ng mga batas na isinusulat ko, at kung wala kayong taimtim na paggalang para kay Yawheh na ating maluwalhating Diyos, \v 59 paparusahan niya kayo sa pamamagitan ng pagpapadala sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan ng matinding mga sakit at salot na tatagal ng napakaraming mga taon. \s5 \v 60 Dadadlhin niya sa inyo ang mga salot na ipinadala niya sa mga tao ng Ehipto at hindi kayo kailanman gagaling. \v 61 Magpapadala din siya sa inyo ng iba pang mga sakit at mga karamdaman na hindi ko naipaliwanag sa mga batas na ito, hanggang sa kayong lahat ay mamatay. \v 62 Naging kasing dami kayo ng mga bituin sa langit ngunit iilan lang sa inyo ang maiiwang buhay, kung hindi ninyo susundin si Yahweh na inyong Diyos. \s5 \v 63 Napakasaya ni Yahweh na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa inyo at pinarami kayo ng sobra, ngunit ngayon sasaya siya sa pagwasak sa inyo at maialis kayo. Dudukutin mula sa lupain na malapit na ninyong mapasok kayong mga hindi napapatay nitong mga salot. \v 64 Ikakalat kayo ni Yahweh sa piling ng maraming lahi, sa buong mundo, at sa mga lugar na iyon ay sasambahin ninyo ang ibang mga diyos na gawa sa kahoy o bato, mga diyos na hindi ninyo nakilala maging ng inyong mga ninuno. \s5 \v 65 Sa mga lugar na iyon hindi kayo magkakaroon ng anumang kapayapaan. Makakaramdam kayo ng kawalan ng pagasa at kahinaan ng loob. \v 66 Lagi kayong matatakot na papatayin kayo ng inyong mga kalaban. Mapupuno kayo ng sobrang takot sa buong umaga at sa buong gabi. \s5 \v 67 Dahil puno kayo ng takot at dahil sobra kayong maghihinagpis dahil sa mga kahindik-hindik na mga bagay na nakita ninyo, sa tuwing umaga sasabihin ninyong 'sana gabi na!' at sa tuwing gabi sasabihin ninyong 'sana umaga na!' \v 68 Ipapadala ni Yahweh ang ilan sa inyo pabalik sa Ehipto sa mga barko, kahit na ipinangako niya na hindi kayo sapilitang papupuntahin doon ulit. Doon sa Ehipto susubukan ninyong ibenta ang inyong mga sarili para maging mga alipin ng inyong mga kaaway ng sa ganun magkaroon ng pagkain para makain, ngunit kahit ni isa, hindi kayo bibilihin." \s5 \c 29 \p \v 1 Ito ang mga tipanang iniutos ni Yahweh na ang mga Israelita ay inaatasang sumunod. Nang sila ay nasa rehiyon ng Moab sa dakong silangan ng Ilog Jordan, inutusan sila ni Moises na sundin ang mga alituntuning ito. Ang mga alituntuning ito ay naging bahagi ng tipan na ginawa ni Yahweh sa kanila sa Bundok Sinai. \s5 \v 2 Ipinatawag ni Moises ang lahat ng mga taong Israelita at sinabi sa kanila. "Nakita ninyo sa inyong mga sarili kung ano ang ginawa ni Yahweh sa hari ng Ehipto at sa kanyang mga opisiyal at sa kanyang buong bansa. \v 3 Nakita ninyo ang mga salot na pinadala ni Yahweh sa kanila, at ang lahat ng sari-saring mga himala na kanyang isinagawa. \v 4 Ngunit hanggang sa araw na ito, hindi kayo pinahintulutan ni Yahweh na makaintindi sa kahulugan ng lahat nang mga nakita ninyo at narinig. \s5 \v 5 Pinamunuan kayo sa loob ng apatnapung taon ni Yahweh habang naglalakbay kayo sa disyerto. Sa panahong iyon, ang inyong mga damit at mga sandalyas ay hindi naluma. \v 6 Wala kayong tinapay upang kainin o alak o ibang mangasim na mga inumin upang inumin, ngunit inalagaan kayo ni Yahweh, upang malaman ninyo na siya ang Diyos ninyo. \s5 \v 7 At nang dumating tayo sa lugar na ito, si Sihon, ang hari na namamahala sa syudad ng Heshbon, at Og, ang hari na namamahala sa rehiyon ng Bashan, ang lumabas kasama ng kanilang mga hukbo upang salakayin tayo, ngunit tinalo natin sila. \v 8 Kinuha natin ang kanilang lupain at hinati ito sa mga lipi ni Reuben at Gad, at kalahati ng lipi ni Manasseh. \v 9 Kaya sundin ng matapat ang lahat ng tipang ito, upang kayo ay sumagana sa lahat ng bagay na gagawin ninyo. \s5 \v 10 Ngayon lahat tayo ay nakatayo sa harap ni Yahweh na ating Diyos—Ako, ang mga pinuno ng lahat ng inyong mga lipi, mga nakakatanda ninyo, inyong mga opisyal, lahat kayong kalalakihang Israelita, \v 11 inyong mga asawa, inyong mga anak, at ang mga dayuhan na naninirahan sa inyo at pumuputol ng kahoy para sa atin at nagdadala ng tubig para sa atin. \s5 \v 12 Narito kayong lahat ngayon upang pumayag at upang tanggapin ang tipang ito kasama ni Yahweh, at upang ibigkis ang inyong mga sarili dito. \v 13 Ginagawa niya ang kasunduang ito sa inyo upang tiyakin na kayo ay kanyang mga tao, at siya ay inyong Diyos. Ito ang kung anong ipinangako niyang gawin niya para sa inyo, at kung anong taimtim niyang ipinangako sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob, na kanyang gagawin. \s5 \v 14 Ang tipan na ito ay hindi lamang sa inyo. \v 15 Ginawa ng Diyos ang kasunduang ito sa atin na narito ngayon at pati na sa inyong mga kaapu-apuan na hindi pa ipinapanganak. \v 16 Natandaan ninyo ang mga bagay na pinaghirapan ng inyong mga ninuno sa Ehipto, at kung paano sila naglakbay sa lupain na nabibilang sa ibang mga bansa pagkatapos nilang lumabas ng Ehipto. \s5 \v 17 Sa mga lalawigang iyon ay nakita nila ang mga nasuklam-suklam na mga diosdiosan na gawa sa kahoy at bato at pinalamutian ng pilak at ginto. \v 18 Kaya dapat tiyakin na walang lalaki o babae o mag-anak o lipi na narito ngayon na tatalikod mula kay Yahweh na ating Diyos, upang sumamba sa kahit anong diyos ng mga lahing iyon. Kung gagawin ninyo iyon, magdadala kayo ng kapahamakan sa inyong mga sarili. \v 19 Dapat tiyakin na wala ni isa dito ngayon na nakarinig sa mga salita ng tipang ito na magsasabi sa kanyang sarili, 'Lahat ng bagay ay papabuti sa akin, kahit na sutil kung gagawin ang gusto kong gawin.' Kung gawin ninyo iyan, ang kalabasan ay wawasakin kayong lahat sa katapusan ni Yahweh, kapwa mabuting mga tao at masamang mga tao. \s5 \v 20 Hindi papatawarin ni Yahweh ang sinumang sutil na gaya niyan. Sa halip, siya ay lubusang magagalit sa taong iyon, at lahat ng mga sumpa na sinabi ko sa inyo ay mangyayari sa taong iyon, hanggang mawasak ni Yahweh ang taong iyon at kanyang mag-anak magpakailanman. \v 21 Mula sa lahat ng mga lipi ng Israel, pipili si Yahweh ng mga tao upang magdusa sa lahat ng mga kapahamakan na naisulat ko sa tipan—lahat ng mga masasamang bagay na mangyayari sa sinumang sinumpa ni Yahweh sa pagsuway sa mga batas na aking isinulat sa balumbon na ito. \s5 \v 22 Sa mga hinaharap na taon, makikita ng inyong mga kaapu-apuan at mga taong mula sa ibang mga bansa ang mga kapahamakan at ang mga sakuna na idudulot ni Yahweh na mangyari sa inyo. \v 23 Makikita nila na ang lahat ng inyong lupain ay nawasak sa pamamagitan ng nasusunog na asupre at asin. Wala ng naitanim. Wala kahit damo ay naroon. Ang inyong lupain ay magiging katulad ng mga syudad ng Sodoma at Gomorrah, at ang mga syudad ng Admah at Zeboiim, na kung saan ay winasak nang siya ay labis na galit sa mga taong iyon. \v 24 At ang mga tao na nagmula sa ibang mga bansa ay magtatanong, 'Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupaing ito? Bakit siya ay labis na galit sa mga tao na nakatira dito?' \s5 \v 25 Pagkatapos sasagot ang ibang mga tao, 'Ito ay dahil tumanggi silang sumunod sa tipan na ginawa nila kay Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng kanilang mga ninuno, nang inilabas niya sila ng Ehipto. \v 26 Sa halip, sinamba nila ang ibang diyos na hindi nila kailanman sinasamba noon, mga diyos na hindi sinabi ni Yahweh sa kanila na sambahin. \s5 \v 27 Kaya si Yahweh ay labis na nagalit sa mga tao ng lupaing ito, at kanyang idinulot na mangyari sa kanila ang lahat ng mga kapahamakan na ibinabala ng kanilang mga pinuno sa kanila. \v 28 Si Yahweh ay labis na nagalit sa kanila at kinuha sila palabas ng kanilang lupain, at tinapon papunta sa ibang lupain, at sila ay naroon pa rin.' \s5 \v 29 May iilang mga bagay na pinapanatili ni Yahweh na ating Diyos na lihim, sapagkat ibinunyag niya ang kanyang batas sa atin, at tayo ay inaasahan at ating mga kaapu-apuan na sundin ito magpakailanman. \s5 \c 30 \p \v 1 Sinabi ko sa inyo ngayon ang tungkol sa mga paraan ni Yahweh ang ating Dios na pagpapalain kayo kung susundin ninyo siya at ang mga paraan na susumpain kayo kung susuway kayo sa kanya. Ngunit kung pipiliin ninyo na sumuway sa kanyang mga batas, may panahon na mamumuhay kayo sa mga bansa na kung saan ay ikakalat niya kayo, at maaalala ninyo ang mga sinabi ko. \v 2 Pagkatapos, kung kayo at ang inyong mga anak ay magsimulang sambahin si Yahweh ang ating Dios at matapat na susundin ang lahat ng inutos ko sa araw na ito sa inyo upang gawin, \v 3 siya ay magpapakita ulit ng habag para sa inyo. Ibabalik niya kayo mula sa mga bansang kung saan ay ikinalat niya kayo, at idudulot niya na muling sumagana kayo. \s5 \v 4 Kahit na kayo ay naipakalat sa pinakamalayong mga lugar sa ibabaw ng lupa, titipunin kayo ni Yahweh ang ating Dios mula doon at dalhin kayo pabalik sa inyong lupain. \v 5 Bibigyan niya kayo ng kakayahan muling angkinin ang lupain kung saan nakatira ang inyong mga ninuno. At idudulot niya sa inyo na mas masagana at mas darami pa kayo kaysa sa bilang ninyo ngayon. \s5 \v 6 Yahweh ang ating Dios ay papalitan ang inyong pagkatao na ang magiging kakalabasan ay mamahalin ninyo siya ng buong hangarin at ng inyong buong damdamin. At pagkatapos magpapatuloy kayong mamumuhay sa lupaing iyon. \v 7 Si Yahweh ang ating Dios ay ipapadala ang lahat ng mga kapahamakan na sinabi ko sa inyo tungkol sa inyong mga kaaway at doon sa mga nagpapahirap sa inyo. \v 8 Kagaya ng dati ninyong ginawa, gagawin ninyo kung ano ang gusto ni Yahweh sa inyo na nais niyang gawin ninyo, at inyong susundin ang lahat ng kanyang mga kautusan na ibinigay ko sa inyo sa araw na ito. \s5 \v 9 Yahweh na ating Dios ay magdudulot na maging mas masagana ang lahat ng inyong ginagawa. Magkakaroon kayo ng maraming mga anak, at maraming mga baka, at aani kayo ng masaganang ani. Masisiyahan ulit siya para kayanin ninyong umunlad, katulad ng kasiyahan niya sa kakayanan ng inyong mga ninuno upang umunlad. \v 10 Ngunit gagawin lamang niya ang mga bagay na ito kung gagawin ninyo kung ano ang sinabi niya na gawin ninyo, at kung inyo lamang susundin ang kanyang mga patakaran at alituntunin na isinulat ko sa aklat na ito, at kung babalik lamang kayo kay Yahweh ng inyong buong hangarin at ng inyong buong damdamin. \s5 \v 11 Ang mga kautusan na ibinibigay ko sa inyo sa araw na ito ay hindi mahirap para sa inyo na sundin at hindi mahirap malaman. \v 12 Hindi nakatago ang mga ito sa kalangitan. Hindi ninyo kailangan sabihin, 'Sino ang aakyat sa langit para sa atin upang kunin at dalhin ang mga ito pababa para sa atin upang matutunan natin ang mga ito?' \s5 \v 13 At ang mga ito ay wala sa kabilang ibayo ng dagat. Hindi ninyo kailangang sabihin, 'Sino ang tatawid sa dagat para sa atin at dalhin pabalik ang mga ito sa atin, para ating matutunan ang mga ito?' \v 14 Hindi, ang kanyang mga kautusan ay nasa inyo. Alam ninyo ito, at maaari ninyong sabihin ang mga ito ng pauli-ulit. Upang madali para sa inyo na sundin ang mga ito. \s5 \v 15 Kaya Makinig! Sa araw na ito ay pinapahintulutan ko kayo na pumili sa pagitan ng paggawa sa kung ano ang masama at sa paggawa kung ano ang mabuti, sa pagitan sa kung ano ang magbibigay sa inyo na kakayahang mabuhay para sa isang mahabang panahon at kung ano ang magdudulot sa inyo na maagang pagkamatay. \v 16 Muli kong sinasabi, kung susundin ninyo ang mga kautusan ni Yahweh ang ating Dios na ibibigay ko sa inyo sa araw na ito, at kung mamahalin ninyo siya at magpapakita kayo ng magandang asal sa inyong buhay sa gusto niyang gawin ninyo, at kung susundin ninyo ang lahat ng kanyang mga patakaran at mga alituntunin, kayo ay uunlad at mas darami, at si Yahweh na ating Dios ay magpapala sa inyo sa lupain na inyong papasukin at aangkinin. \s5 \v 17 Ngunit kung tatalikuran ninyo si Yahweh at hindi papansinin kung ano ang mga sinabi niya, at kung pahihintulutan ninyo ang inyong mga sarili na humantong sa pagsamba sa ibang mga dios, \v 18 binabalaan ko kayo sa araw na ito na mamamatay kayo sa madaling panahon. Ang inyong mga lahi ay hindi mananatili ng matagalan sa lupain na inyong tatawirin sa ilog ng Jordan upang pasukin at angkinin. \s5 \v 19 Hinihiling ko sa lahat ng nasa langit at sa ibabaw ng lupa na magpatotoo sa inyo, na sa araw na ito ay pinahihintulutan ko kayong pumili kung gusto ninyong mabuhay sa mahabang panahon o mamamatay sa madaling panahon, kung gusto ninyo na pagpalain kayo ni Yahweh o sumpain kayo. Kaya piliin ninyo na mabuhay kayo. \v 20 Magpasiya kayo na mahalin si Yahweh na ating Dios at sundin siya. Kung gagawin ninyo ito, kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan ay mabubuhay para sa mahabang panahon sa lupain na taos pusong ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno kay Abraham, Isaac, at kay Jacob na nais niyang ibigay sa kanila." \s5 \c 31 \p \v 1 Nang natapos si Moises sa pagsasalita sa mga lahi ng Israelita, \v 2 "120 taong gulang na ako. Wala na akong kakayahang pumunta sa kahit saang lugar na kailangan ninyong pupuntahan, kaya hindi na ako ang inyong magiging pinuno kailanman. At sinabihan na ako ni Yahweh na hindi na ako tatawid sa Ilog ng Jordan. \v 3 Ngunit si Yahweh na ating Diyos ang mangunguna sa inyo. Palalakasin niya kayo upang mawasak ang mga bansa na nabubuhay doon, nang sa ganoon makuha ninyo ang kanilang lupain. Si Josue ang inyong magiging pinuno, kung saan sinabi ito ni Yahweh sa akin. \s5 \v 4 Gagawin ni Yahweh sa mga bansang iyon kung ano ang kanyang ginawa sa Sihon at Og, ang dalawang hari ng mga lahing Amoreo na kanyang linipol ang kanilang mga hukbo at mga lahi. \v 5 Palalakasin kayo ni Yahweh upang lipulin ang mga lahing iyon, ngunit dapat ninyong patayin ang buong lahing iyon, kung saan aking iniutos sa inyo upang gawin. \v 6 Maging matapang at may pananalig. Huwag matakot sa mga lahing iyon. Huwag kalimutan na si Yahweh na ating Diyos ay sasama sa inyo. Patuloy siyang tutulong sa inyo at hindi magpapabaya sa inyo." \s5 \v 7 Pagkatapos tinawag ni Moises si Josue na pumunta sa kanyang tabi at sinabi sa kanya, "Maging matapang at may pananalig. Ikaw ang siyang mangunguna nitong mga tao patungo sa lupain na ipinangko ni Yahweh sa ating mga ninuno na kanyang ibibigay sa kanila, at tutulutan mo silang maangkin ito. \v 8 Si Yahweh ang siyang mangunguna sa inyo. Makakasama ninyo siya. Patuloy siyang tutulong sa inyo. Hindi niya kayo pababayaan. Kaya huwag matakot o mangamba." \s5 \v 9 Isinulat ni Moises ang lahat ng mga batas at ibinigay ang balumbon sa mga pari, na silang nagdala ng banal na kaban. Ibinigay rin niya ang balumbon sa lahat ng mga nakatatandang Israelita. \v 10 Sinabihan sila ni Moises, "Sa katapusan ng bawat pitong taon, sa panahon na ang lahat ng mga utang ay mapapawalang-bisa, basahin mo ito sa mga tao sa panahon ng Kapistahan ng mga Kanlungan. \v 11 Basahin ito sa buong lahi ng Israelita kapag nagtitipon na sila sa lugar na pinili ni Yahweh para sa kanila upang sambahin siya. \s5 \v 12 Sama-samang tipunin ang bawat isa-mga lalaki, mga babae, mga bata, kahit ang mga dayuhan na namumuhay sa inyong mga bayan-upang maaari nilang marinig ang mga batas at matuto sa mga ito upang magkaroon ng kaaya-ayang parangal para kay Yahweh na ating Diyos, at matapat na susundin ang lahat ng bagay na naisulat nitong batas. \v 13 Kung gagawin nila iyon, ang inyong mga kaapu-apuhan, na hindi pa nakakaalam sa mga batas na ito, ay maririnig nila at matuto din upang magkaroon ng kaaya-ayang parangal para kay Yahweh na ating Diyos, sa panahon ng buong taon na namuhay sila sa lupain na malapit na ninyong tatawirin ang Ilog ng Jordan upang lukubin." \s5 \v 14 Pagkatapos sinabihan ni Yahweh si Moises, "Makinig ka ng mabuti". Malapit kanang mamatay. Tawagin si Josue, at pumunta kayo sa banal na tolda na kasama siya, upang hihirangin ko siyang na maging bagong pinuno." Kaya pumunta si Josue at Moises sa banal ng tolda. \v 15 Nagpakita doon si Yahweh sa kanila bilang isang haliging ulap, ang ulap ay naroon sa ibabaw ng pintuan ng tolda. \s5 \v 16 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Malapit kanang mamatay. Pagkatapos magiging hindi matapat ang mga lahi sa akin. Hihinto sila sa pagsunod sa kasunduan na ginawa ko sa kanila. Sisimulan nilang sumamba sa dayuhang mga diyos na sinasamba ng mga tao ng lupain na kanilang papasukin. \s5 \v 17 Kapag nangyari iyon, magiging lubha akong mapopoot sa kanila. Pababayaan ko at tatanggi akong tulungan sila kailanman. Maraming masasamang mga bagay ang mangyayari sa kanila, at masisira sila. Pagkatapos sasabihin nila sa kanilang mga sarili, 'Ang mga bagay na ito ay mangyayari sa atin dahil ang ating Diyos ay wala na sa atin.' \v 18 At dahil sa lahat ng masasamang bagay na kanilang ginawa, at lalong-lalo na sapagkat magsisimula silang sumamba sa ibang mga diyos, tatanggihan ko silang tulungan. \s5 \v 19 Kaya bibigyan kita, Moises, ng isang awitin. Isulat mo ito sa isang balumbon at ituro mo ito sa mga lahing Israelita at sabihan sila na isaulo ito. Ito ay magiging tulad ng isang saksi na mag-aakusa sa kanila. \v 20 Malapit ko na silang dalhin patungo sa isang napakamayabong na lupain, ang lupain na aking mataimtim na ipinangako sa kanilang mga ninuno na maaari kong ibigay sa kanila. Doon magkakaroon sila ng maraming pagkain, na hahantong na ang kanilang mga tiyan ay patuloy na magiging busog at magiging mataba sila. Subalit babaling sila sa ibang mga diyos at magsimulang sambahin sila, at kasusuklaman nila ako at susuwayin ang kasunduan na aking ginawa para sa kanila. \s5 \v 21 At maraming katakot-takot na mga sakuna ang mangyayari sa kanila. Pagkatapos mangyari iyan, maaalala ng kanilang mga kaapu-apuhan ang awiting ito, at ito ay magiging katulad na isang saksi na nagsasabing, 'Ngayon alam na ninyo kung bakit pinarusahan ni Yahweh ang inyong mga ninuno.' Malapit ko na silang dalhin patungo sa lupain na aking mataimtim na ipinangakong ibibigay sa kanila; ngunit kahit ngayon, bago ko gawin iyan, alam ko kung ano ang kanilang iniisip na gagawin nila kapag maninirahan na sila doon." \s5 \v 22 Kaya sa mismong araw na iyon ibinigay ni Yahweh kay Moises ang awiting iyon, itinuro rin ito ni Moises sa lahi ng mga Israelita. \v 23 Pagkatapos hinirang ni Yahweh si Josue bilang isang pinuno at sinabi sa kanya, "Maging matapang at may pananalig, sapagkat pangungunahan mo ang lahi ng mga Israelita papasok sa lupain na aking mataimtim na ipinangako na ibig kong ibigay sa kanila. At sasainyo ako." \s5 \v 24 Natapos ni Moises ang pagsusalat ng buong utos sa isang balumbon. \v 25 Pagkatapos sinabihan niya ang mga kaapu-apuhan ni Levi, na siyang nagdadala sa Banal na Kaban na naglalaman ng Sampung Utos, \v 26 "Tanggapin mo itong balumbon kung saan nakasulat ang mga batas, at ilagay mo ito sa gilid ng Banal na Kaban na naglalaman ng kasunduan na ginawa ni Yahweh na ating Diyos sa inyo, upang ito ay maaaring manatili doon upang magpatotoo patungkol sa gagawin ni Yahweh sa mga tao kung hindi sila susunod sa kanya. \s5 \v 27 Sinabi ko ito sapagkat ang mga lahing ito ay napakatigas ang kalooban. Naghimagsik sila laban kay Yahweh sa panahon na kasama nila ako, at maghihimagsik sila ng napakalubha pagkatapos kong mamatay! \v 28 Kaya tipunin lahat ang mga nakatatanda ng mga lipi at inyong mga opisyal, upang maturuan sila sa mga salita ng awiting ito, at upang maaari kong pakiusapan ang lahat na naroon sa langit at nasa mundo bilang mga saksi upang magpatotoo laban sa mga tao. \v 29 Sinabi ko ito, sapagkat alam ko pagkatapos akong mamatay, magiging napakasama ng mga tao. Tatalikod sila palayo mula sa lahat ng kanilang ginagawa na aking iniutos sa kanila na gawin. At sa hinaharap, sapagkat lahat ng masasamang mga bagay na kanilang gagawin, ang magdudulot kay Yahweh ng pagkapoot sa kanila. At dudulatan niya sila na makaranas ng mga sakuna." \s5 \v 30 Pagkatapos, habang nakikinig ang boung lahi ng mga Israelita, inawit ni Moises ang buong awitin sa kanila: \s5 \c 32 \p \v 1 "Makinig sa akin, kayong lahat na nasa mga langit, at kayong lahat na nasa mundo, makinig sa kung anong sasabihin ko. \v 2 Hinihiling ko na ang aking awit ay makakatulong sa inyo katulad ng pagtulong ng ulan sa inyo, o gaya ng hamog sa ibabaw ng lupa sa umaga, o gaya ng banayad na ulan sa mga batang halaman, gaya ng mga mahinang ulan sa damo. \s5 \v 3 Pupurihin ko si Yahweh. At kayong lahat na mga tao ay dapat magpuri sa kung gaano kadakila ang ating Diyos. \v 4 Siya ay parang isang bato sa ibabaw na kung saan tayo ay pinangangalagaan; lahat ng bagay na ginawa niya ay ganap at lubos na makatarungan. Parati niyang ginagawa kung anong sasabihin niya na gagawin niya; hindi siya kailanman gumawa ng anumang bagay na mali. \s5 \v 5 Subalit kayong mga taong Israelita ay labis na hindi tapat sa kanya; dahil sa inyong mga kasalanan, hindi na kayo nararapat na maging kanyang mga anak. Kayo ay napakasama at mapanlinlang. \v 6 Kayong mga hangal at walang damdaming tao, ganito ba ang pamamaraan na kayo ay magbayad kay Yahweh para sa lahat ng kanyang nagawa sa inyo? Siya ang inyong ama; nilikha niya kayo; dinulot niya na kayo ay maging isang bansa. \s5 \v 7 Isipin ang mga nangyari noon, alalahanin ang anong nangyari sa inyong mga ninuno. Tanungin ang inyong mga magulang, at aabisuhan kayo nila; tanungin ang mga taong nakakatanda, at sasabihan kayo nila. \v 8 Nang hiniwalay ng Diyos, na mas nakakataas kaysa sa anumang diyos, ay hinati ang mga lahi noon sa mga pangkat, itinalaga niya sa mga bansa ang kanilang mga lupain. Tiniyak niya kung saan mamumuhay ang bawat lahi at itinakda sa bawat lahi ang kanilang mga sariling diyos. \s5 \v 9 Subalit nagpasya si Yahweh na tayo ay magiging kanyang mga tao; pinili niya tayo, ang mga kaapu-apuan ni Jacob, na mabibilang sa kanya. \v 10 Nakita niya ang ating mga ninuno nang sila ay nasa isang ilang, gumagala sa isang lupain na walang tao. Pinangalagaan niya sila at sila ay inalagaan, gaya ng bawat tao na nag-aalaga sa kanyang mga mata. \s5 \v 11 Inalagaan ni Yahweh ang kanyang mga tao na gaya ng isang agila na humihimok sa kanyang mga inakay na lumipad at kumakampay sa ibabaw nila, ibinubuka ang mga pakpak nito at sinasalo sila kapag nagsisimula na silang mahulog. \v 12 Si Yahweh lang ang nag-iisang nanguna sa kanila; walang ibang dayuhang diyos ang tumulong sa kanila. \s5 \v 13 Pagkatapos nilang makapasok sa lupain na ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa kanila, idinulot ni Yahweh na pamahalaan nila ang mabuburol na bayan; kinain nila ang mga pananim na tumutubo sa mga bukid. Nakakita sila ng pulut sa mga bato, at tumutubo ang kanilang mga punong olibo sa mabatong lupa. \s5 \v 14 Binigyan sila ng mga baka ng maraming keso; binigyan sila ng mga kambing ng labis-labis na gatas, mayroon silang tupa at baka na masagana sa pagkain, mayroon silang napakainam na trigo, at gumawa sila ng masarap na alak mula sa kanilang mga ubas. \s5 \v 15 Naging mayaman at masaganang tao ang mga taong Israelita, ngunit pagkatapos naghimagsik sila laban sa Diyos; siya ay iniwan nila, ang isang lumikha sa kanila, ang tanging makapangyarihang nagligtas sa kanila. \v 16 Sila ay iniwanan niya dahil nagsimula na silang sumamba sa ibang mga diyos. Nang dahil sa kanilang pagsamba sa kasuklam-suklam na mga diosdiosan, siya ay nagalit. \s5 \v 17 Naghandog sila ng mga alay sa mga diyos na sa totoo ay mga demonyo, mga diyos na hindi kilala ng kanilang mga ninuno; naghandog sila ng mga alay sa mga diyos na bago palang nila nakilala, mga diyos na hindi kailanman ginalang nang inyong mga ninuno. \v 18 Nakalimutan nila ang totoong Diyos, ang isang nag-alaga sa kanila, ang isang lumikha sa kanila at nagdulot sa kanila na mabuhay. \s5 \v 19 Nang makita ito ni Yahweh na siya ay iniwan na nila, siya ay nagalit, kaya tinanggihan niya ang mga taong Israelita na kung saan ay parang kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae. \v 20 Sinabi niya, 'Sila ay mga napakasamang tao, lubos na hindi matapat; kaya hindi ko na sila tutulungan, pagkatapos titingnan ko at makikita kung ano ang mangyayari sa kanila. \s5 \v 21 Dahil sila ngayon ay sumasamba ng mga diosdiosan, kung saan ay hindi talaga diyos, dinulot nila akong maging tulad ng isang selosong asawang lalaki dahil gusto ko silang sumamba sa akin lamang. Kaya ngayon, para idulot na sila ay magalit, magpapadala ako ngayon sa kanila, upang salakayin sila, ng isang hukbo ng isang bansa ng walang halaga at hangal na mga tao. \s5 \v 22 Ako ay labis na magalit, at lilipulin ko sila na parang isang apoy na susunog sa lahat hanggang sa lugar kung saan naroon ang mga patay; ang apoy na iyon ay lilipol sa mundo at lahat ng bagay na tumutubo dito, at ito rin ay susunog kahit na kung anong ilalim ng mga bundok. \s5 \v 23 Tatambakan ko sila ng maraming mga kapahamakan; mararamdaman nila na parang pinapana ko lahat ng aking mga palaso sa kanila. \v 24 Mamamatay sila dahil sa gutom at dahil sa pagkakaroon ng mga mainit na lagnat at dahil sa mga malulubhang sakit; magpapadala ako ng mga mababangis na hayop upang lusubin sila, at mga makakamandag na ahas upang tuklawin sila. \s5 \v 25 Sa labas ng kanilang mga bahay, papatayin sila ng kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng mga espada, at sa kanilang mga tahanan, idudulot sila ng kanilang mga kaaway na maging takot. Papatay ang kanilang mga kaaway ng mga batang kalalakihan at mga batang kababaihan, at papatay sila ng mga sanggol at mga matandang tao na kulay abo ang buhok. \v 26 Gusto ko lamang silang paghiwalayin papunta sa malayong mga bansa para wala ni isa kailanman ang makaalala sa kanila. \s5 \v 27 Subalit kung gagawin ko iyon, ang kanilang mga kaaway ay magkamaling magmamayabang na sila ang mismo ang nagpaalis sa aking mga tao; baka sasabihin nilang, "Kami ang nag-iisang tumalo sa kanila; hindi si Yahweh na gumawa ng lahat ng mga bagay na ito.'" \s5 \v 28 Kayong mga Israelita ay isang bansa ng mga tao na walang anumang kabuluhan. Wala sa inyo ang matalino. \v 29 Kung kayo ay matalino, maiintidihan ninyo kung bakit kayo paparusahan; mapagtatanto ninyo kung ano ang mangyayari sa inyo. \s5 \v 30 Mapagtanto ninyo kung bakit ang isang libo ng inyong mga sundalo ay matatalo ng nag-iisa lamang ng mga sundalo ng kalaban, at kung bakit dalawa sa inyong kaaway na sundalo ay hahabolin ang sampung libong sundalong Israelita. Maipagtatanto ninyo na ito ay mangyayari lamang kung ang Diyos, ang nag-iisa na palaging nagtatanggol sa inyo, ang maglalagay sa inyo sa mga kamay ng inyong mga kaaway, na iniwanan kayo ni Yahweh. \v 31 Alam ng inyong mga kaaway na ang kanilang mga diyos ay hindi makapangyarihan na katulad ni Yahweh, ating Diyos, kaya di tayo matatalo ng kanilang mga diyos tayong mga Israelita. \s5 \v 32 Parang ubasan ang inyong mga kaaway na itinanim malapit sa mga nasira na mga syudad ng Sodom at Gomorrah; ang mga ubas na mula sa mga baging na iyon ay mapait at nakakalason. \s5 \v 33 Ang alak na mula sa yaong mga ubas ay kagaya ng lason ng mga ahas. \v 34 Sinabi ni Yahweh, 'Alam ko kung ano ang binabalak kong gagawin sa mga taong Israelita at sa kanilang mga kaaway, at kinandaduhan ko ang mga balak na iyon gaya ng isang tao na kakandado ng kanyang mga mahahalagang ari-arian. \s5 \v 35 Ako ang nag-iisang maghihiganti at pagbabayarin yaong mga kaaway pabalik kung ano ang ginawa nila sa aking mga tao, sa tamang panahon para sila ay parusahan; malapit na nilang mararanasan ang mga kapahamakan, at paparusahan ko sila ng mabilis.' \s5 \v 36 Subalit sasabihin ni Yahweh na kayo ang kanyang tunay na mga tao ay walang kasalanan, at siya ay kikilos ng maawain patungo sa kanila na naglilingkod sa kanya, kapag makikita niya na kayo ay nanghihina, at yaong may iilan sa inyo, mga alipin o mga malayang tao, na nabubuhay pa. \s5 \v 37 Pagkatapos tatanungin kayo ni Yahweh, 'Nasaan ang mga diyos na inaakala ninyo na magtatanggol sa inyo? \v 38 Binigay ninyo sa mga diyos na iyon ang mga napakagandang bahagi ng mga hayop na inyong inaalay, at binuhusan ninyo ng alak upang sila ay makainom. Kaya dapat sila ay babangon at tulungan kayo; sila dapat ang nag-iisang magtatanggol sa inyo! \s5 \v 39 Ngunit ngayon mapagtanto ninyo na ako, ako lamang, ang Diyos; wala nang ibang diyos na totoong diyos. Ako ang nag-iisa na kayang pumatay ng tao at may kayang dumulot na ang tao ay mabuhay; kaya kong sugatan ang tao, at kaya kong pagalingin ang tao, at walang ni isa ang makakapigil sa akin mula sa paggawa ng mga bagay na iyon. \v 40 Itataas ko ang aking kamay sa langit at taimtim na ihahayag na talagang habang ako ay nabubuhay magpakailanman, ako ay kikilos. \s5 \v 41 Kapag hinasa ko ang aking espada at maghandang parusahan ang mga tao, maghihiganti ako sa aking mga kaaway, at gagantihan ko ang mga namuhi sa akin. \s5 \v 42 Papatayin ko ang lahat ng aking mga kaaway sa pamamagitan ng isang espada; ito ay magiging gaya nang ako ay may mga palaso na binalutan ng kanilang dugo. Papatayin ko lahat ng aking madadakip at puputulin ang kanilang mga ulo.' \s5 \v 43 Kayong mga tao ng lahat ng mga bansa, dapat ninyong purihin ang mga tao ni Yahweh, dahil gaganti si Yahweh sa mga taong papatay sa mga taong naglilingkod sa kanya, at lilinisin niya ang lupain ng kanyang mga tao na kung alin ay nadungisan dahil sa kanilang mga kasalanan." \s5 \v 44 Inawit ni Jushua at Moises ang awiting iyon habang nakikinig ang mga taong Israelita. \v 45 Pagkatapos natapos nilang awitin ang awiting ito sa kanila. \s5 \v 46 Sinabi ni Moises, "Huwag kalimutan ang lahat ng mga utos na ito na ibinibigay ko sa iyo ngayon. Ituro ang mga batas na ito sa iyong mga anak, upang sumunod sila ng matapat sa lahat ng mga ito. \v 47 Ang mga tagubiling ito ay napakahalaga. Kung susundin ninyo ang mga ito, mabubuhay kayo ng mahabang panahon sa lupain na kung saan tatawirin ninyo ang Ilog Jordan upang tirahan. \s5 \v 48 Sa parehong araw, sinabi ni Yahweh kay Moises, \v 49 "Pumunta sa kabundukan ng Abarim dito sa rehiyon ng Moab, sa kabila ng Jericho. Umakyak sa bundok Nebo at tumingin sa bandang kanluran upang makita ang Canaan, ang lupain na ibibigay ko sa mga taong Israelita. \s5 \v 50 Mamamatay ka sa bundok na iyon, gaya ng iyong nakatatandang kapatid na si Aaron na namatay sa Bundok Hor. \v 51 Mamamatay ka dahil kapwa kayong di sumunod sa akin sa harapan ng mga taong Israelita, nang lahat kayo ay nasa batis ng Meribah na malapit ng Kadesh sa ilang ng Sin. Hindi mo ako pinarangalan at ginalang sa harapan ng mga taong Israelita sa paraan na nararapat sa akin dahil ako ay Diyos. \v 52 Kapag ikaw ay nasa bundok na kung saan kita sinabihan na pumunta, makikita mo sa di kalayuan sa iyong harapan ang lupain na ibibigay ko sa mga taong Israelita, ngunit hindi ka papasok doon.' \s5 \c 33 \p \v 1 Bago mamatay si Moises ang propeta ng Diyos, hiningi niya sa Diyos na pagpalain ang mga taong Israelita. \v 2 Ito ang kanyang sinabi: "Dumating si Yahweh at kinausap tayo sa Bundok Sinai; dumating siya katulad ng araw na sumikat sa rehiyon ng Edom at katulad ng kanyang liwanag na nagliwanag sa atin habang tayo ay nasa disyerto malapit sa Bundok Paran pagkatapos nating iniwan ang Bundok Sinai. Dumating siya kasama ang sampung libong mga anghel, at mayroong isang naglalagablab na apoy na nasa kanyang kanang gilid. \s5 \v 3 Tunay na minahal ni Yahweh ang kanyang lahi at ipinagtanggol ang lahat na nabibilang sa kanya. Kaya nagpatirapa sila sa harapan niya, at nakinig sila sa kanyang mga tagubilin. \v 4 Ibinigay ko sa kanila ang mga batas na susundin, mga batas na magpakailanman ay para sa mga kaapu-apuhan ni Jacob. \s5 \v 5 Kaya naging hari si Yahweh sa kanyang mga taong Israelita kapag nagtipun-tipon ang lahat ng mga lipi at ng kanilang mga pinuno. \v 6 Sinasabi ko ito tungkol sa lipi ni Ruben: Ang hangad ko na ang kanilang lipi ay hindi mawawala, ngunit sila ay hindi na magiging marami. \s5 \v 7 Sinasabi ko ito tungkol sa lipi ni Juda: Yahweh, pakinggan mo sila kapag humingi sila ng tulong; at matapos silang humiwalay mula sa ibang mga lipi, pag-isahin sila muli kasama ang ibang mga lipi. Lalaban para sa kanila, at tulungan sila na labanan ang kanilang mga kaaway. \s5 \v 8 Sinasabi ko ito sa lipi ni Levi: Yahweh, ibigay sa mga tapat sa inyo ang sagradong mga bato na kanilang gagamitin upang malaman kung ano ang iyong gagawin; Sinubukan mo sila sa isang bukal sa disyerto, isang bukal na pinangalanan nilang Masa at pinangalanan ding Meriba upang alamin kung sila ay manatiling tapat sa inyo. \s5 \v 9 Ginawa ng lipi ni Levi kung ano ang sinabi ninyo na gawin nila at sinunod ang tipan na inyong ginawa kasama ang mga taong Israelita; ang mga batas na iyon ay mas mahalaga sa kanila kaysa kanilang mga kapatid at mga magulang at mga anak. \s5 \v 10 Ituturo ng lipi ni Levi sa mga taong Israelita ang iyong mga kautusan at inyong mga batas, at sila mismo ang susunog ng insenso at gawing ganap na susunugin sa altar ang mga handog na dala ng mga tao. \s5 \v 11 Yahweh, pagpalain ang kanilang mga gawa at tanggapin ang lahat nilang ginagawa. Durugin ang lahat nilang mga kaaway; huwag hayaan ang kanilang mga kaaway na lalaban sa kanila muli. \s5 \v 12 Sinasabi ko ito tungkol sa lipi ni Benjamin: Sila ang lipi na minahal ni Yahweh; ingatan niya sila. Patuloy silang itanggol ni Yahweh, at mamuhay siya sa kanila sa mga burol. \s5 \v 13 Sinasabi ko ito tungkol sa mga lipi ni Jose: Hangad ko na pagpalain ni Yahweh ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ulan mula sa langit at tubig mula sa ilalim ng lupa, \s5 \v 14 sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng masarap na prutas na nahihinog sa pamamagitan ng araw at mabuting pananim sa tamang mga buwan. \v 15 Hangad ko na mas masarap na prutas ay tutubo sa mga puno ng kanilang napakatandang mga bundok. \s5 \v 16 Hangad ko na ang kanilang lupain ay mapuno ng maraming mga mabubuting mga pananim, na pinagpala ni Yahweh, ang siyang nagpakita sa akin sa isang nasusunog na palumpong. Hangad ko na pagpalain ni Yahweh ang mga lipi ni Jose sa lahat ng paraan, dahil siya ang nakakatandang kapatid na namuno nang nandoon sila sa Ehipto. \s5 \v 17 Ang kaapu-apuhan ni Jose ay magiging malalakas gaya ng isang toro; gamit ang kanilang mga sandata at susugatan nila ang kanilang mga kaaway tulad ng isang mabangis na kapong baka at ang ibang mga hayop na may mga sungay. Itutulak nila ang ibang mga lahi, lahat sila, sa pinakasulok na mga lugar sa mundo. Iyan kung ano ang gagawin ng dalawang mga anak na lalaki sa kaapu-apuhan ni Jose, ang sampung libong mga lipi ni Efraim at ang libu-libong lipi ni Manases. \s5 \v 18 Sinabi ko ito tungkol sa mga lipi ni Zabulun at Issachar: Hangad ko na ang lahi ni Zabulun ay magiging maunlad sa kanilang paglalakbay sa ibayo ng mga dagat, at ang lahi ni Isacar ay uunlad habang sila ay mananatili sa bahay at alagaan ang kanilang baka at mga pananim. \v 19 Aanyayahan nila ang mga tao mula sa ibang mga lipi ng Israelita sa bundok kung saan sila sumasamba kay Yahweh, at iaalay nila ang tamang mga alay para sa kanya. Magiging mayaman sila mula sa pangangalakal na kanilang nakukuha sa mga dagat at mula sa paggamit ng buhangin sa kahabaan ng dagat sa paggawa ng mga bagay. \s5 \v 20 Sinabi ko ito tungkol sa lipi ni Gad: Purihin si Yahweh, ang siyang lumikha ng kanilang malawak na sasakupan ng lugar. Ang mga tao ng kanilang lipi ay lulusob sa kanilang mga kaaway na may katapangan katulad ng isang leon na nakaluhod, at naghihintay na sirain ang braso o ang anit ng ilang hayop. \s5 \v 21 Pinili nila ang pinakamabuting bahagi ng lupain para sa kanilang mga sarili; isang malawak na bahagi ng lupain, ang bahagi na dapat ibigay sa isang pinuno ay nakalaan sa kanila. Kapag ang mga pinuno ng mga lipi ng Israel ay nagtipun-tipon, pagpapasyahan nila na ang lipi ni Gad ang dapat magkaroon ng isang malaking bahagi na lupain. Sinunod ng lipi ni Gad ang mga utos ni Yahweh at ang mga bagay na pinagpasyahan nila na gagawin. \s5 \v 22 Sinasabi ko ito tungkol sa lipi ni Dan: Ang tao ng lipi ni Dan ay katulad ng isang batang leon; lulundag sila palabas mula sa mga kuweba sa rehiyon ng Bashan upang lusubin ang kanilang mga kaaway. \s5 \v 23 Sinabi ko ito tungkol sa lipi ni Naftali: Ang mga tao sa lipi ni Naftali ay pinagpala ni Yahweh, na siyang napakabuti sa kanila; ang kanilang mga lupain ay lumawak hanggang timog mula sa lawa ng Galilea. \s5 \v 24 Sinabi ko ito tungkol sa lipi ni Aser: Pagpapalain ni Yahweh ang kaapu-apuhan ni Asher higit pa sa kanyang pagpapala sa ibang mga lipi. Bibigyan sila ng pabor ni Yahweh higit sa lahat. Hangad ko na mapupuno ang kanilang lupain ng puno ng mga olibo na magbibigay ng napakaraming mga olibo para gawing olibong langis. \v 25 Ang kanilang mga bayan ay mayroong mga matataas ng mga pader mga tarangkahan na mayroong tanso at mga rehas na bakal; Hangad ko na sa bawat panahon ng paninirahan nila ay hindi sila masasaktan ninuman. \s5 \v 26 Kayo mga taong Israelita, walang ibang diyos katulad ng inyong Diyos, na dakilang nakasakay sa kabilang langit para tumulong sa inyo. \s5 \v 27 Ang Diyos, na nabubuhay magpakailanman, ang siyang nagbigay sa inyo ng kublihan; ito ay tulad ng paglagay ng kanyang walang hanggang mga braso upang alalayan kayo. Itataboy niya ang inyong mga kaaway habang nasa unahan kayo; sinabihan niya kayo na lilipulin silang lahat. \s5 \v 28 Kaya kayong mga Israelita ay mamumuhay ng ligtas; kayong mga kaapu-apuhan ni Jacob ay hindi guguluhin ng iba; sa lupain kung saan kayo titira, magkakaroon ng maraming mga butil at alak, at saganang ulan na babagsak mula sa langit. \s5 \v 29 Kayong mga tao ng Israel, tunay na mapalad. Tiyak na walang bansa katulad ng inyong bansa, kung saan iniligtas ni Yahweh mula sa pagkakaalipin sa Ehipto. Siya ay magiging isang katulad ng isang panangga na magtanggol sa inyo at katulad ng isang tabak upang makakayanan ninyong talunin ang inyong mga kaaway. Ang inyong mga kaaway ay lalapit sa inyo na nagmamakaawa para kaawaan sila, ngunit tatapakan ninyo ang kanilang mga likuran." \s5 \c 34 \p \v 1 Pagkatapos umakyat si Moises mula sa kapatagan ng rehiyon ng Moab patungong Bundok Nebo, sa pinakamataas na tuktok ng Bundok Pisga, na nasa ibayo ng Ilog Jordan mula sa Jerico. Doon ay ipinakita ni Yahweh sa kaniya ang lahat ng lupaing sasakupin ng mga Israelita. Ipinakita niya sa kaniya ang rehiyon ng Galaad hanggang sa malayong hilaga ng lungsod ng Dan; \v 2 lahat ng lupaing sasakupin ng lipi ni Neftali; lahat ng lupaing sinakop ng mga lipi ng Efraim at ng Manases; lahat ng lupaing sasakupin ng lipi ni Juda hanggang sa malayong kanlurang Dagat ng Mediteraneo; \v 3 ang disyertong pook sa katimugang bahagi ng Juda; at ang lambak ng Jordan na umaabot mula sa Jerico sa hilaga tungo sa lungsod ng Zoar sa timog. \s5 \v 4 Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Nakita mo ngayon ang lupaing ito na buong puso kong ipinangako kina Abraham, Isaac at Jacob, sa pagsasabing 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.' Pinayagan kitang makita ito mula sa malayo, pero hindi ka makakapunta roon." \v 5 Kaya si Moises na palaging naglingkod kay Yahweh na may katapatan ay namatay roon sa lupain ng Moab, na sinabi ni Yahweh na mangyayari. \v 6 Inilibing ni Yahweh ang katawan ni Moises sa lambak sa lupain ng Moab, sa ibayo mula sa bayan ng Beth Peor, pero hanggang sa araw na ito wala ni isang nakakaalam kung saan siya inilibing. \s5 \v 7 Si Moises ay 120 taong gulang nang siya ay namatay, pero napakalakas pa rin niya, at nakakakita pa rin siya nang napakalinaw. \v 8 Nagluksa ang mga Israelita para sa kaniya sa loob ng tatlumpung araw sa mga kapatagan ng Moab. \s5 \v 9 Idinulot ng Diyos si Josue na maging napakatalino, dahil ipinatong ni Moises ang kaniyang kamay kay Josue para italaga siya na maging kanilang bagong pinuno. Sinunod ng mga Israelita si Josue at sinunod nila ang lahat ng iniutos ni Yahweh na ibinigay kay Moises para sabihin sa mga Israelita. \s5 \v 10 Simula nang panahong nabuhay si Moises, hindi pa nagkaroon ng isang propeta sa Israel na tulad niya, dahil harap-harapan na nakipag-usap sa kaniya si Yahweh. \v 11 Walang ibang propeta na nakagawa ng lahat ng uri ng makapangyarihang mga himala na idinulot ni Yahweh na gawin niya laban kay Paraon, hari ng Ehipto, laban sa lahat ng lingkod niya, at laban sa mga tao ng Ehipto. \v 12 Walang ibang propeta ang nakagawa ng lahat ng dakila at nakakasindak na gawain na ginawa ni Moises habang nanonood ang lahat ng mga Israelita.