170 lines
20 KiB
Plaintext
170 lines
20 KiB
Plaintext
|
\id 1TH
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h 1 Tesalonica
|
||
|
\toc1 1 Tesalonica
|
||
|
\toc2 1 Tesalonica
|
||
|
\toc3 1th
|
||
|
\mt 1 Tesalonica
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ako, si Pablo, ang sumusulat ng liham na ito. Kasama ko sina Silas at Timoteo. Ipinapadala namin ang liham na ito sa inyo na isang grupo ng mga mananampalataya sa lungsod ng Tesalonica na nakipag-isa sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Nawa maging mabuti sa inyo ang Diyos at bigyan kayo ng kapayapaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong lahat tuwing binabanggit namin kayo habang kami ay nananalangin.
|
||
|
\v 3 Patuloy naming inaalala na gumagawa kayo para sa Diyos dahil nagtitiwala kayo sa kaniya at patuloy kayong tumutulong sa mga tao dahil mahal ninyo sila. Tinitiis din ninyo kapag pinapahirapan kayo ng mga tao. Napagtitiisan ninyo ito dahil lubos kayong umaasa na ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay malapit nang bumalik mula sa langit upang iligtas kayo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Mga kapwa ko mananampalataya na minamahal ng Diyos, pinapasalamatan din namin siya sapagkat alam namin na pinili niya kayo upang maging kaniyang mga tao.
|
||
|
\v 5 Alam namin na pinili niya kayo dahil noong sinabi namin sa inyo ang magandang balita, ito ay higit pa sa salita lamang. Makapangyarihang kumilos sa inyo ang Banal na Espiritu, at lubusan niyang tiniyak sa amin na ang aming mensahe sa inyo ay totoo. Sa ganoon ding paraan, alam ninyo kung paano kami nagsalita at kung paano kami kumilos sa tuwing kasama ninyo kami, upang maaari namin kayong matulungan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Narinig namin ngayon na kayo ay dumanas ng paghihirap nang pinahirapan kayo ng mga tao dahil nagtiwala kayo kay Cristo. Nagtiis kayo tulad din ng pagtitiis ng Panginoong Jesu-Cristo, na amin ding naranasan. Nang oras na iyon lubos kayong pinasaya ng Banal na Espiritu.
|
||
|
\v 7 Sapagkat tiniis ninyo ang pagdurusa, lahat ng mananampalataya na namumuhay sa mga probinsiya ng Macedonia at Acaya ay natuto kung paano din nila dapat pagkatiwalaan ang Diyos habang nagtitiis sa pagdurusa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Narinig ng ibang tao ang mensahe na sinabi ninyo mula sa Panginoong Jesus. At ipinahayag din nila ang magandang balita sa mga tao na namumuhay sa kabuuan ng Macedonia at Acaya. At hindi lamang iyan, narinig din ng mga tao na namumuhay sa maraming malalayong mga lugar na kayo ay nagtiwala sa Diyos. Kaya hindi na natin kailangan pang sabihin sa mga tao kung ano ang ginawa ng Diyos sa inyong mga buhay.
|
||
|
\v 9 Ang mga taong namumuhay ng malayo mula sa inyo ay nagsasabi sa iba kung gaano kainit ninyo kaming tinanggap nang pumunta kami sa inyo. Ibinalita rin nila na kayo ay tumigil na sa pagsamba sa mga diyus-diyosan at ngayon ay inyo ng sinasamba ang Diyos na siyang gumawa ng lahat at siyang tunay na Diyos. Siya ang dahilan na kayo ay naging mga mananampalataya!
|
||
|
\v 10 Sinabi din nila sa amin na kayo ngayon ay umaasang naghihintay para sa kaniyang Anak na bumalik sa lupa mula sa langit. Matatag kayong naniniwala na ang Diyos ang dahilan kung bakit nabuhay siyang muli pagkatapos ng kaniyang kamatayan. Nagtitiwala din kayo na lahat tayo ay ililigtas ni Jesus, na mga nanampalataya sa kaniya, kapag parurusahan na ng Diyos ang lahat ng tao sa buong mundo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, alam ninyo na napakahalaga ng oras na nakasama namin kayo.
|
||
|
\v 2 Kahit na hindi mabuti at hinamak kami ng mga tao sa lungsod ng Filipos noong nakaraan, gaya ng nalalalaman ninyo, ginawa kaming matatag ng Diyos. Bilang resulta, sinabi namin sa inyo ang magandang balita na ito kaya kami pinadala ng Diyos, kahit na may ilang tao sa inyong lungsod na labis na tumututol sa amin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Nang himukin namin kayong sumunod sa mensahe ng Diyos, hindi kami nagpahayag sa inyo ng mga bagay na walang katotohanan. At hindi namin gustong kumuha ng anumang mga bagay para sa aming pansarili sa masamang paraan. Hindi namin sinusubukang linlangin kayo o ang sinuman.
|
||
|
\v 4 Sa kabila nito, pinagkatiwalaan kami ng Diyos upang ipahayag sa inyo ang magandang balita, sapagkat sinuri na niya at itinuring kaming karapat-dapat na mga tao upang gawin ang gawaing ito. Habang tinuturuan namin ang mga tao, hindi namin sinasabi kung ano ang gusto nilang marinig. Sa halip, sinasabi namin ang gusto ng Diyos na sabihin namin, sapagkat hinahatulan niya ang lahat ng aming iniisip.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Alam ninyo na kailanman hindi namin kayo pinuri upang makakuha ng kahit na ano mula sa inyo. At hindi kami kailanman nagsabi ng anuman sa inyo upang kumbinsihin kayo na magbigay sa amin ng anumang bagay. Alam ng Diyos na ito ay totoo!
|
||
|
\v 6 Hindi namin sinubukang kunin ang loob ninyo o ng sinuman upang parangalan kami, kahit na maaari naming hilingin sa inyo na bigyan ninyo kami ng mga bagay dahil ipinadala kami ni Cristo sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 sa kabila nito, magiliw kami kapag kasama ninyo, gaya ng isang ina na magiliw na nag-aalaga sa kaniyang mga anak.
|
||
|
\v 8 Kaya, dahil minamahal namin kayo, nagagalak kaming ipahayag sa inyo ng harapan ang magandang balita na ibinigay ng Diyos sa amin. Ngunit nagagalak din kami na gawin ang mga maaari naming maitulong sa inyo dahil nasimulan na namin kayong mahalin ng labis.
|
||
|
\v 9 Mga kapwa ko mananampalataya, naalala ninyo na wala kaming tigil sa pagtatrabaho sa araw at sa gabi. Ganito kami kumita ng pera, kaya hindi na kami humihingi kaninuman sa inyo upang ibigay ang aming pangangailangan. Ginawa namin ito habang ipinapahayag namin ang magandang balita sa inyo tungkol sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Alam ninyo at ng Diyos na namuhay kami kasama kayong mga mananampalataya na napakabuti at matuwid—sa paraang hindi mapintasan ng sinuman.
|
||
|
\v 11 Alam din ninyo na kumilos kami sa bawat isa sa inyo na gaya ng pagkilos ng isang ama na nagmamahal sa kaniyang mga anak.
|
||
|
\v 12 Patuloy namin kayong pinapayuhan ng lubos at hinihikayat kayong mamuhay gaya ng nararapat bilang mga tao ng Diyos, dahil tinawag niya kayo upang maging mga tao niya na pagpapakitaan niya ng kaniyang sarili bilang isang hari na may kamangha-manghang kapangyarihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ito ang dahilan kung bakit lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, sapagkat nang marinig ninyo ang mensahe na ipinahayag namin sa inyo, tinanggap ninyo ito bilang tunay na mensahe, ang magandang mensahe na binigay ng Diyos sa atin. Hindi kami ang gumawa nito. Nagpapasalamat din kami sa Diyos dahil binabago niya ang inyong mga buhay dahil nagtitiwala kayo sa mensaheng ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Nakatitiyak kami sa mga bagay na ito, dahil kumilos kayo kagaya ng pagkilos ng mga grupo ng mga mananampalataya sa Judea. Nakiisa rin sila kay Cristo Jesus gaya ng pagtitiis nila sa hindi mabuting pakikitungo sa kanila ng kapwa kababayan nila dahil kay Cristo, sa ganito ring paraan napagtiisan ninyo ito nang ang inyong sariling mga kababayan ay hindi kayo pinakitunguhan ng mabuti.
|
||
|
\v 15 Sila ang mga Judiong pumatay sa ating Panginoong Jesus at sa marami pang mga propeta. Pinilit kami ng ibang hindi mananampalatayang Judio na umalis sa maraming mga bayan. Labis nilang ginalit ang Diyos; at gumawa sila ng laban sa ikabubuti ng lahat ng mga tao!
|
||
|
\v 16 Halimbawa na rito, sinubukan nilang pigilan kaming ipahayag ang magandang balita sa mga hindi Judio; ayaw nilang iligtas sila ng Diyos! Nagkasala sila hanggang sa kung saan sila pinahihintulutan ng Diyos bago niya sila parusahan sa huli!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Mga kapwa ko mananampalataya, nang kami ay nahiwalay nang sandali sa inyo, pakiramdam namin ay para kaming mga magulang na nawalan ng anak. Matindi ang pagnanais naming makapiling kayo.
|
||
|
\v 18 Sa katunayan, akong, si Pablo ay ilang beses sinubukang bumalik upang makita kayo. Ngunit sa bawat pagkakataon hinahadlangan kami ni Satanas na makabalik.
|
||
|
\v 19 Sa katunayan, dahil sa inyo kaya kami umaasa na gawing mabuti ang gawain ng Diyos; dahil sa inyo nagmamalaki kami; dahil sa inyo umaasa kaming magtatagumpay sa paglilingkod sa Diyos. Dahil sa inyo kami at sa iba pa na umaasa na gagantimpalaan kami ng Panginoong Jesus sa pagbabalik niya sa mundo.
|
||
|
\v 20 Sa katunayan, dahil ito sa inyo na hanggang ngayon ay nalulugod kami at nagagalak!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Bilang resulta, nang hindi ko na mapagtiisan ang pag-aalala sa inyo, nagpasya akong manatili kami ni Silas sa Atenas
|
||
|
\v 2 at pinapunta namin si Timoteo sa inyo. Alam ninyo na malapit namin siyang kasama at gumagawa din sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng magandang balita tungkol kay Cristo. Siya ay pinapapunta naming dalawa ni Silas upang pakiusapan kayo na patuloy na matibay na magtiwala kay Cristo.
|
||
|
\v 3 Hindi namin gustong tumalikod ang sinuman sa inyo kay Cristo sa takot dahil sa inyong mga pagdurusa. Lubos ninyong nalalaman na alam ng Diyos na hindi kami pakikitunguhan ng iba dahil kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Alalahanin ninyo na nang kasama pa ninyo kami, palagi naming sinasabi sa inyo na pakikitunguhan tayo ng hindi maganda ng ilan at ito nga ang nangyari!
|
||
|
\v 5 Ito ang dahilan kung bakit ko ipinadala si Timoteo sa inyo dahil hindi na ako makapaghintay pa na malaman kung nagtitiwala pa kayo kay Cristo. Natakot ako na si Satanas, ang manunukso, ay magdulot sa inyo na tumigil sa pagtitiwala kay Cristo. Natakot akong nawalan ng kabuluhan ang lahat ng aming ginawa sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ngunit ngayon nakabalik na si Timoteo mula sa inyo dito sa amin ni Silas at sinabi niya sa amin ang magandang balita na nagtitiwala pa rin kayo at iniibig ninyo si Cristo. Sinabi rin niya sa amin na masaya ninyo kaming inaalala at labis ninyong ninanais na dalawin namin kayo, gaya ng kagustuhan naming makita kayo.
|
||
|
\v 7 Mga kapwa ko mananampalataya, kahit na nagdurusa kami ng labis ngayon dahil sa ginagawa ng mga tao sa amin dito, nagsaya kami dahil sinabi sa amin ni Timoteo na nagtitiwala pa rin kayo kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ngayon, para kaming namumuhay sa bagong kaparaanan, dahil labis kayong nagtitiwala sa ating Panginoong Jesus.
|
||
|
\v 9 Hindi namin lubos na mapasalamatan ang Diyos dahil sa kaniyang ginawa sa inyo. Labis kaming nagagalak sa inyo tuwing nananalangin kami sa ating Diyos.
|
||
|
\v 10 Taimtim at palagi naming hinihiling sa Diyos na magkaroon kami ng panahon na dalawin kayo at upang matulungan kayong magtiwala kay Cristo ng may katatagan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Idinadalangin namin sa ating Diyos Ama at sa ating Panginoong Jesus na loobin niyang makabalik kami sa inyo.
|
||
|
\v 12 Idinadalangin namin na tulungan kayo ng Panginoong Jesus na ibigin ang bawat isa at ang ibang tao ng lubos, katulad ng aming patuloy na pag-ibig sa inyo ng lubos.
|
||
|
\v 13 Idinadalangin namin sa ating Panginoong Jesus na mas higit ninyo pang naisin na bigyan siya ng kaluguran. Idinadalangin namin sa ating Diyos Ama na bigyan kayo ng kakayanang maging katulad niya at upang hindi mapintasan ninuman. Idinadalangin namin ito upang kapagsa bumalik na si Jesus sa mundo at ang lahat ng kabilang sa kaniya ay sumama sa kaniya, malulugod siya sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 4
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1-2 Ngayon, mga kapwa ko mananampalataya, Nais kong sumulat tungkol sa ilan pang ibang mga bagay. Nakikiusap ako sa inyo--at kapag nakiusap ako sa inyo--na umasal kayo sa inyong pamumuhay sa paraang kalugod-lugod sa Diyos. Itinuro namin sa inyo na gawin iyan dahil sa itinuro ng Panginoon sa amin na sabihin. Alam naming umaasal kayo sa paraang iyan, ngunit lalo naming ipinipilit na lalo ninyo pa itong gawin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Gusto ng Diyos na huwag kayong magkasala, mamuhay kayo sa paraang nagpapakita na talagang kayo ay sa kaniya. Gusto niya na umiwas kayo sa mga gawa ng anumang kahalayan.
|
||
|
\v 4 Kaya, gusto niya na bawat isa sa inyo ay alamin kung paano mamuhay na kasama ang asawang babae, sa paraang napaparangalan siya, at huwag magkasala laban sa kaniya.
|
||
|
\v 5 Huwag ninyong gamitin ang inyong asawang babae upang mapunan lang ang inyong makalamang pagnanasa. (Gaya ng ginagawa ng mga hindi Judio na hindi nakakakilala sa Diyos).
|
||
|
\v 6 Gusto ng Diyos na magpigil ang bawat isa sa pagnanasang seksuwal sa paraang hindi kayo nagkakasala laban sa inyong kapwa mananampalataya at huwag samantalahin ng lalaki o babae na gawin ang ganyang mga bagay. Alalahanin na matindi ang aming babala sa inyo noong nakaraan, na parurusahan ng Panginoong Jesus ang lahat ng tao na gumagawa ng mga kahalayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nang piliin ng Diyos tayong mga mananampalataya, hindi niya ginusto na magaya tayo sa mga tao na nag-uugaling mahalay sa pamamaraang seksuwal. Sa kabila nito, gusto niya tayo bilang mga tao na hindi nagkasala.
|
||
|
\v 8 Kaya binabalaan ko kayo na sa sinumang magwalang bahala sa katuruan kong ito hindi ako ang binabalewala, na isang tao. Kundi, binabalewala nila ang Diyos, dahil inutos ito ng Diyos. Alalahanin ninyo na ang Diyos ang nag-sugo ng kaniyang Espiritu, na hindi nagkakasala, upang manirahan sa inyo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Nakikiusap akong muli sa inyo na dapat ninyong ibigin ang inyong kapwa mananampalataya. Hindi na kailangang pa na may sumulat sa inyo tungkol diyan, sapagkat tinuruan na kayo ng Diyos kung paano mag-ibigan sa isat-isa.
|
||
|
\v 10 At dahil naipakita na ninyo ang pag ibig sa kapwa mananampalataya na nanirahan sa ibang lugar sa inyong probinsya sa Macedonia, gayunpaman, kapwa ko mananampalataya, nakikiusap kami na mag-ibigan kayo sa isa't isa ng mas higit pa.
|
||
|
\v 11 Nakikiusap rin kami na pagtuunan ninyo ng pansin ang inyong sariling kapakanan at huwag makialam sa kapakanan ng iba. Nakikiusap rin kami na paghusayan ninyo ang inyong sariling mga trabaho upang kumita para sa inyong mga pangangailangan sa buhay. Alalahanin ninyo na dati naming itinuro sa inyo na mamuhay ng ganyan.
|
||
|
\v 12 Kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, kikilalanin ng mga hindi mananampalataya na kumikilos kayo ng maayos at hindi na kayo umaasa sa iba na matustusan ang inyong mga pangangailangan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kapwa ko mananampalataya gusto namin na maunawaan ninyo kung ano ang mangyayari sa ating mga kapwa mananampalataya na patay na. Huwag kayong tumulad sa mga hindi mananampalataya. Labis ang pagdadalamhati nila sa mga taong namatay na sapagkat hindi nila inaasahan na mabubuhay pa silang muli pagkatapos nilang mamatay.
|
||
|
\v 14 Alam nating mga mananampalataya na si Jesus ay namatay at nabuhay muli. Kaya lubos din nating nalalaman na bubuhaying muli ng Diyos ang mga nakipag-isa kay Jesus, at siya ang magbabalik sa kanila kasama ni Jesus.
|
||
|
\v 15 Isinulat ko ito sapagkat ang Panginoong Jesus ang nagpahayag sa akin kung ano ang sinasabi ko sa inyo ngayon. Maaring nag-iisip ang ilan sa inyo na kapag bulmalik ang Panginoong Jesus, mauunang sasalubong kay Jesus tayong mga mananampalataya na nananatiling buhay kaysa sa mga namatay na. Tiyak na hindi totoo yan!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Isinulat ko ito, dahil ang Panginoon Jesus mismo ang bababa mula sa langit. Kapag dumating siya, uutusan niya tayong lahat na mga mananampalataya na bumangon. Sisigaw ng napakalakas ang punong anghel, at iihipan ng ibang anghel ang trumpeta para sa Diyos. Pagkatapos ang unang mangyayari ay bubuhaying muli ang mga tao na nakiisa kay Cristo.
|
||
|
\v 17 Pagkatapos niyan, kukunin tayo ng Diyos paitaas sa mga ulap tayong lahat na nananampalataya na nananatiling buhay sa ibababaw ng lupa. Kukunin niya tayo at ang ibang nanampalataya na namatay, upang sa gayon sasalubong tayong lahat na sama-sama sa Panginoong Jesus sa alapaap. Bilang resulta niyan, makakasama nating lahat siya magpakailanman.
|
||
|
\v 18 Dahil totoo ang lahat ng ito, pasiglahin ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga katuruang ito sa isa't isa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 5
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, nais ko pang magsabi ng karagdagan sa inyo tungkol sa panahon kung kailan babalik ang Panginoong Jesus. Sa totoo lang hindi na ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang tungkol dito,
|
||
|
\v 2 dahil kayo mismo ay may ganap nang kaalaman tungkol dito. Alam na ninyo na ang Panginoong Jesus ay babalik nang hindi inaasahan. Hindi siya inaasahan ng mga tao, tulad ng pagdating ng isang magnanakaw sa gabi na hindi inaasahan ng sinuman.
|
||
|
\v 3 May panahon sa hinaharap na maraming tao ang magsasabi, "Lahat ay mapayapa at tayo ay ligtas!" Biglang darating ang Diyos upang parusahan sila ng napakatindi. Tulad ng babaeng nagdadalang-tao na nakararanas ng hilab sa panganganak na hindi ito maaaring pigilan, hindi rin makakatakas ang mga taong iyon sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ngunit kayo, mga kapwa ko mananampalataya ay hindi kayo tulad ng mga taong namumuhay sa kadiliman, dahil alam ninyo ang katotohanan tungkol sa Diyos. Kaya sa pagbabalik ni Jesus, maging handa kayo para sa kaniya.
|
||
|
\v 5 Kabilang kayo sa liwanag o sa araw. Hindi kayo tulad ng mga nasa panig ng kadiliman o sa gabi.
|
||
|
\v 6 Kaya tayong mga mananampalataya ay dapat nababatid natin ang mga nangyayari. Dapat pigilan natin ang ating mga sarili at maging handa sa pagdating ni Jesus.
|
||
|
\v 7 Sa gabi ay natutulog ang mga tao at hindi nila alam ang nangyayari, at sa gabi rin ay naglalasing ang mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ngunit tayong mga mananampalataya ay kabilang sa araw, kaya pigilan natin ang ating mga sarili. Maging katulad tayo sa mga kawal, gaya ng pangangalaga nila sa kanilang mga dibdib sa pamamagitan ng mga baluti, pangalagaan din natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Cristo at pagmamahal sa kaniya. Tulad ng pangangalaga nila sa kanilang mga ulo sa pamamagitan ng mga helmet, pangalagaan din natin ang ating mga sarili sa pag-asa na tayo ay lubos na ililigtas ni Cristo sa kasamaan.
|
||
|
\v 9 Nang pinili tayo ng Diyos, hindi niya binalak na tayo ay maging mga tao na kaniyang parurusahan. Kundi, nagpasya siya na tayo ay iligtas dahil nagtitiwala tayo sa ginawa ng ating Panginoon Jesu-Cristo para sa atin.
|
||
|
\v 10 Namatay si Jesus upang pagbayaran ang ating mga kasalanan nang sa gayon maaari tayong mabuhay na kasama niya, buhay man tayo o patay na sa kaniyang muling pagparito sa lupa.
|
||
|
\v 11 Dahil alam ninyo na ito ay totoo, patuloy ninyong palakasin ang loob ng isa't isa, gaya ng ginagawa ninyo ngayon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Mga kapwa ko mananampalataya, hinihiling namin na kilalanin ninyo bilang mga pinuno ang mga taong nagpapagal para sa inyo. Ito ay nangangahulugan na dapat ninyong igalang ang mga nangunguna sa inyo bilang mga kapwa mananampalatayang nakiisa sa Panginoong Jesus. Ang mga pinunong nagbabala sa inyo na huwag gumawa ng mali.
|
||
|
\v 13 Hinihiling namin na sila ay parangalan ninyo dahil mahal ninyo sila at dahil nagpapagal sila na tulungan kayo. Hinihikayat rin namin kayong mamuhay ng mapayapa sa isa't isa.
|
||
|
\v 14 Mga kapwa ko mananampalataya, hinihikayat namin kayo na pagsabihan ninyo ang mga mananampalataya na umaasa lamang sa ibibigay ng iba sa kanila sa halip na magtrabaho. Palakasin din ang loob ng mga mananampalataya na matatakutin, at tulungan ang lahat ng tao na mahina sa anumang paraan. Hinihikayat din namin kayong maging matiyaga sa lahat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Tiyakin na wala sa inyo ang gumagawa ng mga masamang gawa sa sinumang nakagawa sa inyo ng masama. Kundi, dapat ninyong sikapin na laging gawin ang mabuti sa bawat isa at sa lahat.
|
||
|
\v 16 Magalak sa lahat ng oras,
|
||
|
\v 17 patuloy na manalangin,
|
||
|
\v 18 at magpasalamat sa Diyos sa lahat ng kalagayan. Gusto ng Diyos na kumilos kayo ng ganito dahil sa ginawa ni Cristo para sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Huwag pigilin ang Espiritu ng Diyos sa paggawa sa inyo.
|
||
|
\v 20 Halimbawa, huwag hamakin ang anumang sinasabi ng Banal na Espiritu sa sinuman.
|
||
|
\v 21 Kundi, suriin ang lahat na ganitong mensahe. Tanggapin ang mga bahaging mabuti at sundin ang mga ito.
|
||
|
\v 22 Huwag sundin ang anumang uri ng masamang mensahe.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Bigyan nawa kayo ng Diyos ng kapayapaan at gawin kayong walang kapintasan upang hindi kayo magkasala. Nawa ilayo niya kayo sa pagkakasala sa anumang paraan hanggang sa muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa lupa.
|
||
|
\v 24 Dahil tinawag kayo ng Diyos na maging kaniyang mga tao, tiyak na maaari ninyo siyang pagkatiwalaan upang patuloy niya kayong tulungan sa ganitong paraan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Mga kapwa ko mananampalataya, ipanalangin ninyo ako, si Silas at si Timoteo.
|
||
|
\v 26 Kapag nagtitipun-tipon kayo bilang mga mananampalataya, batiin ninyo ang bawat isa ng may pagmamahal, gaya ng dapat gawin ng kapwa mananampalataya.
|
||
|
\v 27 Tiyakin na mabasa ninyo ang liham na ito sa lahat ng mga mananampalatayang kasama ninyo. Nang sinabi ko ito sa inyo ay parang ang Panginoon na rin ang nangungusap sa inyo.
|
||
|
\v 28 Nawa ipagpatuloy ng ating Panginoong Jesu-Cristo ang paggawa ng mabuti sa inyong lahat.
|