866 lines
105 KiB
Plaintext
866 lines
105 KiB
Plaintext
|
\id ROM
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h Mga Taga-Roma
|
||
|
\toc1 Mga Taga-Roma
|
||
|
\toc2 Mga Taga-Roma
|
||
|
\toc3 rom
|
||
|
\mt Mga Taga-Roma
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ako, si Pablo, na naglilingkod kay Cristo Jesus, isinusulat ko ang liham na ito para sa inyong lahat na mananampalataya sa lungsod ng Roma. Pinili ako ng Diyos upang maging isang apostol at itinalaga niya ako upang ipangaral ang magandang balita na nagmula sa kaniya.
|
||
|
\v 2 Bago pa dumating si Jesus sa daigdig, ipinangako ng Diyos na ihahayag niya ang magandang balitang ito ayon sa paraang isinulat ng kaniyang mga propeta sa banal na kasulatan.
|
||
|
\v 3 Ang magandang balitang ito ay tungkol sa kaniyang Anak. Sa pisikal na katangian ng kaniyang Anak, ipinanganak siyang nagmula sa lahi ni Haring David.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sa kaniyang banal na katangian, makapangyarihang ipinakita na Anak siya ng Diyos. Ipinakita ito ng Diyos nang muli siyang binuhay ng kaniyang Banal na Espiritu, pagkatapos niyang mamatay. Siya si Jesu-Cristo na ating Panginoon.
|
||
|
\v 5 Ipinakita niya sa atin ang labis na kabaitan at itinalaga niya tayo upang maging mga apostol. Ginawa niya iyon upang marami sa lahi ng mga hindi Judio ang sumampalataya at sumunod sa kaniya.
|
||
|
\v 6 Kayong mga mananampalataya na nakatira sa Roma ay kabilang sa mga pinili ng Diyos na maging kay Jesu-Cristo
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sinusulat ko ang liham na ito para sa inyong lahat na minamahal ng Diyos, at pinili niya upang maging mga tao niya. Ipinapanalangin ko na ang ating Diyos Ama at si Jesus na ating Panginoon ay patuloy na maging mabuti sa inyo at patuloy na magdulot sa inyo ng kapayapaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Habang sinisimulan ko ang liham na ito. Pinasasalamatan ko ang aking Diyos dahil sa inyong lahat na mananampalataya sa Roma. Dahil sa ginawa ni Jesu-Cristo para sa atin kaya nagagawa ko iyon. Pinasasalamatan ko siya dahil pinag-uusapan ng mga tao sa buong Imperyo ng Roma ang tungkol sa kung paano kayo nagtitiwala sa kaniya.
|
||
|
\v 9 Ang Diyos na matapat kong pinaglilingkuran habang ipinangangaral ko sa mga tao ang magandang balita tungkol sa kaniyang Anak, ay alam na sinasabi ko ang totoo nang sabihin kong palagi ko kayong binabanggit sa tuwing nananalangin ako sa Diyos.
|
||
|
\v 10 Itinatanong ko sa Diyos kung nais niyang dalawin ko kayo, sa huli, sa anumang paraan ay madadalaw ko kayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ipinapanalangin ko ito dahil sabik akong dalawin kayo upang tulungan kayong magtiwala kay Cristo at lalo pa siyang parangalan.
|
||
|
\v 12 Nais kong palakasin natin ang loob ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsasabi natin sa isa't isa kung paano tayo nagtitiwala kay Jesus.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Mga kapwa ko mananampalataya, maraming beses akong nagbalak na dalawin kayo. Nais ko talagang malaman ninyo iyan. Ngunit hindi ako makapunta sa inyo dahil palaging mayroong pumipigil sa akin. Nais kong makapunta upang mas marami pa sa inyo ang magtiwala kay Jesus, gaya sa ibang mga lugar, sa mga hindi Judio.
|
||
|
\v 14 May pananagutan akong ipangaral ang magandang balita sa lahat ng mga hindi Judio, sa mga nagsasalita ng Griyego at sa mga hindi nagsasalita ng Griyego, sa mga nakapag-aral at sa mga hindi nakapag-aral.
|
||
|
\v 15 Bunga nito, labis kong ninais na ipangaral ko rin ang magandang balitang ito sa inyong mga nakatira sa Roma.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Hindi ko ikinakahiyang ipahayag ang magandang balita tungkol sa ginawa ni Cristo, dahil ang magandang balitang ito ang makapangyarihang paraan kung saan iniligtas ng Diyos ang mga taong nagtitiwala sa ginawa ni Cristo para sa kanila. Unang iniligtas ng Diyos ang mga Judiong nananampalataya sa magandang balita, at pagkatapos ay iniligtas niya ang mga hindi Judio.
|
||
|
\v 17 Sa pamamagitan ng magandang balitang ito ipinahayag ng Diyos kung paano niya ginawang karapat-dapat sa kaniya ang mga tao. Gaya ito ng isinulat ng propeta sa kasulatan matagal na panahon na ang nakalipas, "Mabubuhay ang mga taong ginawa ng Diyos na matuwid dahil nagtitiwala sila sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Maliwanag na ipinapakita ng Diyos sa langit na galit siya sa lahat ng walang paggalang sa kaniya at sa gumagawa ng mga masasamang bagay. Ipinapakita niya sa kanila na nararapat lamang na parusahan niya sila. Dahil gumagawa sila ng mga masasamang bagay, pinipigilan din nilang malaman ng ibang tao ang katotohanan tungkol sa Diyos.
|
||
|
\v 19 Maaaring maliwanag na malaman ng lahat ng hindi Judio ang tungkol sa Diyos, dahil inihayag ito ng Diyos sa lahat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Hindi talaga nakikita ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata kung ano ang katulad ng Diyos. Ngunit simula pa nang likhain ng Diyos ang mundo, ipinauunawa sa atin ng mga bagay na narito ang tungkol sa kaniya. Halimbawa, lagi siyang gumagawa ng mga makapangyarihang bagay. Isa pang halimbawa, alam ng lahat na talagang kakaiba siya sa lahat ng kaniyang nilikha. Kaya walang sinumang tunay na makapagsasabi, "Hindi namin kailanman nalaman ang tungkol sa Diyos."
|
||
|
\v 21 Bagaman alam ng mga hindi Judio kung ano ang katangian ng Diyos, hindi nila siya iginagalang bilang Diyos, ni pinasasalamatan man sa kaniyang ginawa. Sa halip, nagsimula silang mag-isip ng mga bagay na kahangalan tungkol sa kaniya, at hindi na sila makaunawa sa nais niyang malaman nila tungkol sa kaniyang sarili.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Bagaman sinasabi nila na marurunong sila, naging mangmang sila,
|
||
|
\v 23 at ayaw nilang aminin na dakila ang Diyos at hindi kailanman mamamatay. Sa halip, gumawa sila at sumamba sa mga diyus-diyosan na kawangis ng mga taong mamamatay balang-araw, at gumawa sila ng iba pang mga diyus-diyosan na kawangis ng mga ibon at mga hayop na may apat na paa, at sa huli gumawa rin sila ng mga diyus-diyosan na kawangis ng mga reptilya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Kaya hinayaan ng Diyos ang mga hindi Judio na gumawa ng mga mahahalay na gawain na labis nilang ninanais, mga bagay na inakala nilang kailangan nilang gawin, dahil labis nilang ninanais na gawin ang mga ito. Dahil dito, sinimulan nilang sirain ang katawan ng isa't isa sa pamamagitan ng kanilang mga kahalayan.
|
||
|
\v 25 Pinili rin nilang sumamba sa mga diyus-diyosan sa halip na tanggapin ang katotohanan tungkol sa Diyos. Sinasamba nila ang mga bagay na nilikha ng Diyos sa halip na sambahin siya na lumikha sa lahat ng bagay, ang dapat purihin nating lahat magpakailanman! Amen.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Kaya hinayaan ng Diyos ang mga hindi Judio na gawin ang mga kahiya-hiyang mahahalay na gawain na labis nilang ninanais. Dahil dito, maraming babae ang sumisiping sa ibang babae, bagay na salungat sa kanilang likas na katangian.
|
||
|
\v 27 Gayon din naman, maraming lalaki ang tumigil sa pagkakaroon ng mga relasyong naaayon sa kanilang likas na katangian at sa pakikisiping sa mga babae. Sa halip, sumisiping sila sa kanilang kapwa lalaki, bagay na kahiya-hiyang gawin. Gumagawa sila ng mga gawaing kahiya-hiya, mga kahalayan sa kapareho nilang kasarian. Dahil dito, pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga karamdaman sa kanilang katawan, na nararapat sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Dagdag pa rito, dahil nagpasya sila na hindi mahalagang makilala ang Diyos, hinayaan ng Diyos ang kanilang walang kabuluhang pag-iisip na tuluyang pangunahan sila. Bunga nito, nagsimula silang gumawa ng mga masasamang bagay na hindi dapat gawin ng sinuman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Labis nilang ninanais na gumawa ng lahat ng uri ng mga gawang hindi matuwid. Labis nilang ninanais na gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan sa ibang tao. Labis nilang ninanais na kunin ang mga bagay na pag-aari ng iba. Labis nilang ninanais na mapahamak ang iba sa iba't ibang paraan. Marami ang palaging naiinggit sa ibang tao. Marami ang nagnanais pumatay. Marami ang nagnanais magdulot ng pagtatalo at alitan sa pagitan ng mga tao. Marami ang palaging nagnanais manlinlang. Marami ang palaging nagnanais magsalita ng pagkamuhi tungkol sa iba.
|
||
|
\v 30 Marami ang nagsasabi ng kasamaan tungkol sa iba. Marami ang mga naninirang-puri. Marami ang namumuhi sa Diyos. Marami ang gumagawa ng karahasan sa iba. Marami ang nakikitungo nang may paghamak sa ibang tao. Marami ang nagmamalaki ng kanilang sarili sa iba. Marami ang gumagawa ng bagong paraan upang gumawa ng kasamaan. Maraming mga anak ang sumusuway sa kanilang mga magulang.
|
||
|
\v 31 Marami ang kumikilos sa hangal na paraan na nanghahamak sa Diyos. Marami ang hindi gumagawa ng kanilang ipinangako sa iba. Marami ang hindi umiibig kahit pa ang sariling miyembro ng kanilang pamilya. At marami ang hindi naaawa sa ibang tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Kahit alam nila na ipinahayag ng Diyos na karapat-dapat mamatay ang mga gumagawa ng mga bagay na iyon, hindi lamang nila ginagawa ang ganitong uri ng kasamaan ngunit sinasang-ayunan din nila ang ibang tao na gumagawa ng mga ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Malupit na parurusahan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng mga bagay na kaniyang ipinagbabawal. Malinaw na sinabi ng Diyos na galit siya sa mga taong nagkakasala sa kaniya. Kaya, kapag hinatulan ng Diyos ang mga tao, hindi niya patatawarin ang sinuman. Maaari mong sabihin na nararapat lamang na parusahan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng mga bagay na kinasusuklaman niya. Ngunit kapag sinabi mo iyan, ang talagang sinasabi mo ay dapat kang parusahan ng Diyos. Dahil kapag hiningi mo sa Diyos na parusahan niya ang iba sa paggawa ng mga bagay na kinasusuklaman niya, namuhay ka din sa ganoong uri ng pamumuhay. Ginawa mo rin ang mga bagay katulad ng ginawa nila.
|
||
|
\v 2 Alam natin na makatarungang hahatulan at parurusahan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng mga masasamang gawain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kaya, ikaw na nagsasabing dapat parusahan ng Diyos ang iba sa paggawa ng masasamang gawain, kahit na gumagawa ka ng masasamang gawain, huwag mong isipin na makatatakas ka sa Diyos kapag sinimulan ka niyang parusahan!
|
||
|
\v 4 At hindi mo dapat sabihin, "Lubhang mapagtiis at matiyaga ang Diyos sa akin, kaya hindi ko kinakailangang talikuran ang aking mga kasalanan." Dapat mong maunawaan na matiyagang naghihintay ang Diyos na magsisi ka sa iyong mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ayaw mong tumigil sa pagkakasala, parurusahan ka ng Diyos nang mas malupit. Gagawin niya iyon sa panahong ipapakita niya na galit siya at makatarungan niyang hahatulan ang lahat ng tao.
|
||
|
\v 6 Ibibigay ng Diyos sa lahat ang naaayon sa kanilang ginawa.
|
||
|
\v 7 Partikular ang mga taong patuloy na gumagawa ng mga mabubuting gawa, dahil nais nilang parangalan sila ng Diyos at nais nilang mabuhay magpakailanman kasama siya. Gagantimpalaan sila ng Diyos sa ganitong paraan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ngunit nagiging makasarili ang ilang tao at ayaw nilang paniwalaan na totoo ang sinasabi ng Diyos, at ginagawa nila ang mga bagay na sinasabi ng Diyos na masamang gawin. Labis na magagalit ang Diyos at malupit niya silang parurusahan.
|
||
|
\v 9 Bibigyan niya ng matinding paghihirap at kaguluhan ang lahat ng taong laging gumagawa ng masama. Tiyak na mangyayari ito sa mga Judio na ayaw tumanggap sa mensahe ng Diyos, dahil binigyan sila ng Diyos ng karapatan upang maging natatangi niyang mga tao, ngunit mangyayari din ito sa mga hindi Judio.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ngunit papupurihan, pararangalan, at bibigyan ng Diyos ng isang payapang espiritu ang bawat taong laging gumagawa ng kabutihan. Tiyak na gagawin niya ito sa mga Judio dahil hinirang niya sila bilang natatangi niyang mga tao, ngunit gagawin din niya ito sa mga hindi Judio.
|
||
|
\v 11 Makatarungan itong gagawin ng Diyos, dahil hindi niya binibigyang pansin kung gaano kahalaga ang sinuman.
|
||
|
\v 12 Kahit na wala sa mga hindi Judio ang mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises, mahihiwalay sa Diyos magpakailanman ang lahat ng mga hindi Judio na nagkakasala. Hindi niya isasaalang-alang kung alam nila o hindi ang mga kautusan na ibinigay niya kay Moises. At parurusahan din niya ang lahat ng mga Judio na sumuway sa kaniyang mga kautusan, dahil hahatulan niya sila ayon dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Nararapat lamang na parusahan sila ng Diyos dahil hindi ang mga taong sadyang nakakaalam ng mga kautusan ng Diyos ang itinuturing niyang matuwid. Sa halip, ang mga patuloy na sumusunod lamang sa lahat ng kautusan ng Diyos ang ituturing ng Diyos na matuwid.
|
||
|
\v 14 Sa tuwing ang mga hindi Judio, na walang kautusan ng Diyos, ay malayang sinunod ang mga kautusang iyon, pinatutunayan nila na mayroon silang kautusan sa kanilang sariling isip, kahit na wala talaga sa kanila ang mga kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ipinapakita nila na alam nila sa kanilang sariling isipan kung ano ang iniuutos ng Diyos sa kaniyang kautusan, sapagkat sa budhi ng bawat tao maaaring inaakusahan niya ang kaniyang sarili sa masama niyang pag-uugali o ipinagtatanggol ang kaniyang sarili.
|
||
|
\v 16 Parurusahan sila ng Diyos sa panahon na hahatulan niya ang mga tao ng naaayon sa kanilang mga inisip at ginawa. Hahatulan niya sila maging sa mga bagay na ginawa nila nang lihim. Hahatulan niya ang mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan kay Jesu-Cristo na gawin ang paghahatol sa kanila. Ito ang sinasabi ko sa mga tao kapag ipinapangaral ko ang magandang balita sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ngayon, may sasabihin ako sa sinuman sa inyong mga Judio na aking sinusulatan: Nagtitiwala ka na ililigtas ka ng Diyos dahil alam mo ang mga kautusan na ibinigay niya kay Moises. Ipinagmamalaki mo na pag-aari ka ng Diyos.
|
||
|
\v 18 Alam mo kung ano ang nais ng Diyos. Dahil itinuro sa iyo ang mga kautusan ng Diyos, nalaman mo kung aling mga bagay ang tama at pinili mong gawin ang mga iyon.
|
||
|
\v 19 Nakatitiyak ka na ipinapakita mo ang katotohanan ng Diyos sa mga hindi Judio, at kaya mong turuan ang mga taong walang nalalaman tungkol sa Diyos.
|
||
|
\v 20 Nakatitiyak ka na kaya mong turuan ang mga naniniwala ng mga kahangalan tungkol sa Diyos at ang mga taong katulad ng mga bata dahil wala silang nalalaman tungkol sa kaniya. Nakatitiyak ka tungkol sa lahat ng ito dahil sa kautusan ay mayroong nagtuturo sa iyo ng totoo tungkol sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Yamang sinasabi mo na mayroon ka ng lahat ng kalamangang ito dahil ikaw ay Judio, nakasusuklam na tinuturuan mo ang iba ngunit hindi mo sinusunod ang mga kautusan! Ikaw na nangangaral na hindi dapat magnakaw ang mga tao, nakasusuklam na ikaw mismo ay nagnanakaw!
|
||
|
\v 22 Ikaw na nagsasabi sa mga tao na huwag sumiping sa hindi nila asawa, nakasusuklam na ikaw mismo ay nangangalunya! Ikaw nag-uutos sa iba na huwag sumamba sa mga diyus-diyosan, nakasusuklam na hindi mo iniiwasan ang mga nakasusuklam na bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Ikaw na nagmamayabang na nagsasabi, "Nasa akin ang mga kautusan ng Diyos," nakasusuklam na sinusuway mo ang mga kautusan ding iyon! Dahil dito, iniinsulto mo ang Diyos!
|
||
|
\v 24 Hindi ka dapat maging katulad ng ating mga ninuno, na siyang tinutukoy ng mga salitang ito sa kasulatan: "Nagsasalita ng masama ang mga hindi Judio tungkol sa Diyos dahil sa masasamang gawain ninyong mga Judio," Sinasabi ng mga hindi Judio na mapagkunwari ang Diyos kung hinahayaan niya ang pag-uugali ng mga taong katulad mo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Sinuman sa inyo ang tuli upang ipakita na pag-aari siya ng Diyos ay makikinabang doon kung susundin niya ang kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises. Ngunit kung ikaw, na taong tuli, ay sumusuway sa kautusan, hindi ka ituturing ng Diyos na mas mabuti sa kaniyang paningin kaysa sa taong hindi pa tuli.
|
||
|
\v 26 Nangangahulugan ito na tiyak na ituturing ng Diyos na kaniyang mga tao maging ang mga hindi Judio na hindi tuli kung susundin nila ang mga bagay na iniutos niya sa kaniyang mga kautusan.
|
||
|
\v 27 Ihahayag ng mga taong hindi tuli ngunit sumusunod pa rin sa kautusan ng Diyos, na makatarungan ang Diyos kapag pinarusahan ka niya, sapagkat ikaw ay tuli ngunit sinusuway mo pa rin ang kautusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Hindi ang mga taong gumagawa ng ritwal para sa Diyos ang mga tunay na Judio, at hindi rin ang pagiging tuli sa pisikal na katawan ang dahilan upang tanggapin sila ng Diyos.
|
||
|
\v 29 Sa halip, tayong mga binago ng Diyos ang mga tunay na Judio. Tinanggap tayo ng Diyos dahil hinayaan natin ang Espiritu ng Diyos na baguhin ang ating likas na pagkatao, hindi dahil ginagawa natin ang mga ritwal na iniutos ng kautusan. Kahit hindi tayo purihin ng ibang tao, pararangalan tayo ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Maaaring may tumutol dito, sasabihin, "Kung ang pagiging tuli ay hindi dahilan ng pagtanggap ng Diyos sa ating mga Judio, walang kalamangan ang pagiging isang Judio sa pagiging isang hindi Judio. Walang pakinabang sa ating mga Judio ang pagiging tuli!"
|
||
|
\v 2 Sasagot ako na may kapakinabangan sa atin ang pagiging Judio sa maraming paraaan. Una sa lahat, ito ay may pakinabang sa atin dahil sa ating mga ninuno sinabi ng Diyos ang kaniyang mga salita, mga salitang nagpapakita sa atin kung sino siya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Maraming mga Judio ang hindi sumunod sa Diyos gaya ng ipinangako nila. Kaya maaaring may magtanong, "Nangangahulugan ba na tayong mga Judio ay hindi pagpapalain ng Diyos gaya ng kaniyang ipinangako dahil sa kanilang hindi pagiging tapat?"
|
||
|
\v 4 Sasagot ako, "Hindi, tiyak na hindi iyan ang ibig sabihin! Palaging tinutupad ng Diyos ang kaniyang ipinangako kahit na hindi tumutupad ang mga tao. Ang lahat ng nagpaparatang na hindi tinutupad ng Diyos ang kaniyang mga pangako sa ating mga Judio ay labis na nagkakamali. Isinulat ni Haring David ang tungkol dito: "Kaya dapat kilalanin ng lahat na totoo ang iyong sinabi tungkol sa kanila, at lagi kang mananalo kapag paparatangan ka ng sinuman na ikaw ay gumagawa ng mali."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kaya kung tayong mga Judio ay hindi pinagpala ng Diyos dahil tayo ay makasalanan, masasabi ba nating hindi siya naging makatarungan? Na maling parusahan niya tayo dahil sa galit? (Hindi ko dapat tinatanong ang mga katanungang ito tungkol sa Diyos, ngunit nagsasalita ako tulad ng pagsasalita ng isang karaniwang tao.)
|
||
|
\v 6 Hindi natin dapat ipalagay na hindi tayo dapat hatulan ng Diyos, dahil kung tayong mga Judio ay hindi hinatulan ng Diyos, hindi niya maaaring hatulan ang sinumang tao sa mundo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ngunit maaaring may sumagot sa akin, "Ang katotohanang tunay na tinutupad ng Diyos ang kaniyang mga pangako ay naging maliwanag dahil hindi ko ginawa ang iniuutos ng Diyos. Bunga nito pinupuri ng mga tao ang Diyos dahil siya ay may habag! Kaya hindi na dapat sabihin ng Diyos na ako ay dapat parusahan dahil ako ay nagkasala, dahil pinupuri siya ng mga tao.
|
||
|
\v 8 Kung totoo ang iyong sinasabi, Pablo, kung gayon gagawa na lamang kami ng mga masasamang bagay upang magbunga ng mga magagandang bagay! Pagkatapos ay pupurihin ng mga tao ang Diyos!" Nagsasalita ang ibang tao ng masama tungkol sa akin dahil pinaparatangan nila ako sa pagsasalita ng katulad nito. Parurusahan ng Diyos ang mga taong nagsasabi ng mga bagay na ganito tungkol sa akin, at nararapat na purusahan niya sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kung may magtatanong, "Ipagpapalagay ba natin na pakikitunguhan ng Diyos nang mas mabuti ang mga Judio kaysa mga hindi Judio? Sasabihin ko na hindi natin ipagpapalagay iyan! Ipinakita ko na sa inyo na ang lahat ng tao, ang mga Judio at gayun din ang mga hindi-Judio ay nagkasala kung kaya nararapat silang parusahan ng Diyos.
|
||
|
\v 10 Pinapatunayan ito ng mga sumusunod na salita na nakasulat sa kasulatan, Walang taong matuwid. Wala kahit isang tao na matuwid!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Walang sinuman ang nakakaunawa kung paano mamuhay nang tama. Walang sinuman ang naghahangad na makilala ang Diyos!
|
||
|
\v 12 Tinalikuran ng lahat ang Diyos. Itinituring sila ng Diyos na napakasama. Walang kumikilos nang matuwid; wala, wala kahit isa!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Marumi ang sinasabi ng mga tao, katulad ng amoy na nagmumula sa libingang binuksan. Dinadaya nila ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang salita. Sa pamamagitan ng kanilang salita, sinasaktan nila ang mga tao, katulad ng pagpinsala ng kamandag ng ahas sa tao.
|
||
|
\v 14 Patuloy nilang sinumsumpa ang iba at nagsasabi ng mga malulupit na salita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Mabilis silang umaalis upang pumatay ng mga tao.
|
||
|
\v 16 Saanman sila pumunta winawasak nila ang lahat at pinahihirapan nila ang mga tao.
|
||
|
\v 17 Hindi nila alam kung paano mamuhay nang may kapayapaan kasama ang ibang tao.
|
||
|
\v 18 Ayaw nilang parangalan ang Diyos!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Higit pa rito, alam natin na para sa mga Judio, na kinakailangang sumunod sa kautusan ng Diyos, ang kautusang isinulat ni Moises. Natutunan natin mula rito na walang Judio o hindi-Judio ang makapagsasabi ng kahit ano kapag sasabihin ng Diyos na parurusahan niya sila dahil sa pagkakasala. Inihayag ng Diyos na nagkasala ang lahat ng tao sa mundo!
|
||
|
\v 20 Hindi dahil sinunod ng mga tao ang hinihingi ng kautusan ng Diyos kaya buburahin ng Diyos ang talaan ng kanilang mga kasalanan, dahil walang sinuman ang ganap na nakagawa ng mga iyon. Sa katunayan, malinaw na alam natin na nagkasala tayo dahil alam natin ang mga kautusan ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ang pagpapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan ay hindi nakabatay sa pagsunod natin sa mga kautusang ibinigay niya kay Moises. Ipinahayag na ngayon sa atin na pinapatawad niya ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ibang kaparaanan. Isinulat ni Moises ang tungkol dito sa kautusang ibinigay sa kaniya ng Diyos at isinulat din ng mga propeta ang tungkol dito.
|
||
|
\v 22 Binubura ng Diyos ang talaan ng ating mga kasalanan dahil nagtitiwala tayo sa ginawa ni Jesus para sa atin. Ginagawa ito ng Diyos sa bawat taong nagtitiwala kay Cristo dahil itinuturing niyang walang pagkakaiba ang mga Hudio at hindi-Judio.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Ang lahat ng tao ay gumawa ng masama, at ang lahat ay nabigong tuparin ang mga maluwalhating layunin na itinakda ng Diyos para sa kanila.
|
||
|
\v 24 Nabura ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang kagandahang-loob na patawarin ang ating mga kasalanan, nang hindi tayo gumagawa ng anuman upang makamtan ito. Ginawa ito ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan para sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Ipinakita ng Diyos na si Cristo ang nag-alis ng kaniyang galit sa pamamagitan ng pagbubuhos ng kaniyang dugo nang mamatay siya, at dapat tayong maniwala sa ginawa niya para sa atin. Ipinapakita ng sakripisyo ni Cristo na kumilos ang Diyos sa makatarungang paraan. Kung hindi, hindi iisipin ng iba na siya ay makatarungan, dahil hindi niya tiningnan ang mga kasalanang ginawa ng mga tao noong nakaraan, sapagkat siya ay matiyaga.
|
||
|
\v 26 Itinalaga ng Diyos si Cristo na mamatay para sa atin. Sa pamamagitan ng paggawa noon, ipinapakita niya na siya ay makatarungan, at ipinapakita niya na siya ay makatarungan na mag-alis ng mga kasalanan ng lahat ng nagtitiwala kay Jesus.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Hindi dahil sinusunod natin ang kautusan ni Moises kaya binubura ng Diyos ang ating mga kasalanan. Kaya hindi maaaring magmayabang tayo na pinapanigan tayo ng Diyos dahil sinunod natin ang mga kautusan iyon. Sa halip, dahil naniwala tayo kay Cristo kaya binura ng Diyos ang ating mga kasalanan.
|
||
|
\v 28 Kaya maliwanag na pinapawalang-sala ng Diyos ang isang tao kung ang taong iyon ay nagtitiwala kay Cristo—hindi sa pagsunod ng taong iyon sa kautusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Kayong mga Judio, hindi ninyo dapat isipin na kayo lamang ang tatanggapin ng Diyos! Dapat ninyong maunawaan na tatanggapin din niya ang mga hindi-Judio. Tiyak na tatanggapin niya ang mga hindi Judio,
|
||
|
\v 30 katulad ng inyong matatag na pananampalataya na may iisang Diyos lamang. Ang Diyos na ito rin ang magpapawalang-sala sa mga Judio—ang mga tuli—dahil nagtitiwala sila kay Cristo, at ang Diyos din ang magpapawalang-sala sa mga hindi Judio—ang mga hindi tuli—dahil nagtitiwala din sila kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Kaya ipagpalagay na may magtanong sa akin tungkol sa kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises, "Kung sinasabi mong pinapawalang-sala tayo ng Diyos dahil nagtitiwala tayo kay Cristo, ibig sabihin ba na wala nang kabuluhan ang kautusan?" Sasagot ako ng, "Hindi. Sa halip, ang kautusang iyon ay totoong may kabuluhan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 4
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Si Abraham ang iginagalang na ninuno nating mga Judio. Kaya pag-isipan natin kung ano ang matututunan natin sa nangyari kay Abraham.
|
||
|
\v 2 Kung ang paggawa ni Abraham ng mga mabubuting bagay ang dahilan na naging matuwid siya sa Diyos, may dahilan na si Abraham na magmalaki sa mga tao, (ngunit gayon pa man, wala siyang dahilan upang magmalaki sa Diyos tungkol dito).
|
||
|
\v 3 Alalahanin ninyo na nasusulat sa kasulatan na naniwala si Abraham sa ipinangako ng Diyos na gagawin niya para sa kaniya, at sa kadahilanang ito, itinuring siya ng Diyos na matuwid.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ngayon, kung tumanggap tayo ng sahod para sa trabahong ginawa natin, ang sahod na iyon ay hindi itinuturing na kaloob. Sa halip, itinuturing ang mga ito na ating kita. Gayon din naman, kung gagawa tayo ng isang bagay upang maging mabuti ang Diyos sa atin, hindi na ito magiging isang kaloob.
|
||
|
\v 5 Ngunit sa katotohanan, pinapawalang-sala ng Diyos ang mga tao na dating hindi gumagalang sa kaniya. Sa halip, nagtitiwala na sila ngayon sa kaniya, kaya itinuturing sila ng Diyos na matuwid.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kagaya ng isinulat ni David sa mga Awit tungkol sa sinumang itinuturing ng Diyos na matuwid nang hindi ito kinikita.
|
||
|
\v 7 "Pinagpala ang mga taong pinatawad ng Diyos ang kanilang mga kasalanan, hindi na niya aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan.
|
||
|
\v 8 Pinagpala ang mga taong hindi na niya itatala ang kanilang mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Hindi lamang kaming mga Judio ang maaaring makaranas ng pagpapalang tulad nito. Hindi, ito rin ay isang bagay na maaaring maranasan ng mga hindi Judio. Alam natin ito, dahil nasusulat sa kasulatan na nagtiwala si Abraham sa Diyos, kaya itinuring siya ng Diyos na matuwid.
|
||
|
\v 10 Isipin ninyo nang gawin ito ng Diyos kay Abraham. Ginawa niya ito bago matuli si Abraham, hindi pagkatapos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos ng maraming taon, iniutos ng Diyos na matuli si Abraham. Sumunod si Abraham, alam niya na ipapakita ng seremonyang ito na tinanggap na siya ng Diyos, kagaya ng pagtatatak natin sa isang bagay na pag-aari natin. Kaya matututunan natin dito na itinuring ng Diyos na si Abraham ang ninuno ng bawat isang nagtitiwala sa kaniya, kahit na ang mga hindi tuli. Sa ganitong paraan, itinuturing ng Diyos ang lahat ng taong ito na matuwid.
|
||
|
\v 12 Gayon din, itinuturing ng Diyos na si Abraham ang ninuno nating mga tunay na Judio. Ang lahat ng Judio na hindi lamang natatakan ng pagiging tuli, ngunit, higit sa lahat, namuhay na kagaya ng ginawa ng ating ninunong si Abraham noon bago siya tuliin, noong siya ay nagtitiwala sa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kaniyang mga kaapu-apuhan na aariin nila ang mundo. Ngunit nang ipinangako niya iyon, hindi dahil sinusunod ni Abraham ang anumang kautusan. Sa halip, dahil naniniwala si Abraham na tutuparin ng Diyos ang kaniyang ipinangako. Kaya itinuring ng Diyos si Abraham na matuwid sa kaniya.
|
||
|
\v 14 Kung aariin ng mga tao ang mundo dahil sinusunod nila ang kautusan ng Diyos, kung gayon walang kabuluhan na magtiwala sa Diyos sa anumang bagay at ang kaniyang mga pangako ay walang kabuluhan.
|
||
|
\v 15 Alalahanin na sa katotohanan, sinabi ng Diyos sa kaniyang kautusan na parurusahan niya ang sinumang hindi susunod sa lahat ng kautusan. Gayunpaman, alalahanin din ninyo na hindi maaaring sumuway sa kautusan ang mga taong walang kautusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kaya matatanggap natin ang mga bagay na ipinangako niya dahil nagtitiwala tayo sa Diyos. At ipinapangako niya ang mga bagay na ito sa atin bilang isang kaloob, dahil napakabuti niya. Kumikilos siya sa ganitong paraan upang ibigay ang mga bagay na ito sa lahat ng itinuturing niyang tunay na kaapu-apuhan ni Abraham, tayong mga mananampalatayang Judio, na mayroong kautusan ng Diyos at nagtitiwala sa kaniya. Gayon din ang mga hindi Judio na walang kautusan ng Diyos ngunit nagtitiwala sa Diyos gaya ng ginawa ni Abraham. Sapagkat itinuturing ng Diyos si Abraham bilang tunay na ninuno nating mga mananampalataya.
|
||
|
\v 17 (Ito ang sinabi ng Diyos kay Abraham sa kasulatan: "Gagawin kitang ninuno ng maraming pangkat ng mga lahi.") Ipinangako ng Diyos na bibigyan niya si Abraham ng maraming kaapu-apuhan. Buong katiyakang naniwala si Abraham na tutuparin iyon ng Diyos, at namuhay sa kaniyang piling, nagtitiwalang makapagbibigay siya ng buhay sa mga patay na tao at makapaglilikha ng mga bagay na wala pa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Nagtiwala siya sa pangakong ito ng Diyos, kahit na wala siyang pisikal na dahilan upang umasa na magkakaroon siya ng maraming kaapu-apuhan, dahil silang mag-asawa ay napakatanda na upang magkaroon ng anak. Sinabi ng Diyos kay Abraham, "Magkakaroon ka ng napakaraming kaapu-apuhan na imposibleng mabilang gaya ng mga bituin." Pinaniwalaan iyon ni Abraham at naniwala siya na magiging ninuno siya ng maraming pangkat ng mga lahi.
|
||
|
\v 19 Hindi siya nag-alinlangan na gagawin ng Diyos ang kaniyang ipinangako, kahit na alam niyang wala nang kakayahan ang kaniyang katawan na magkaroon ng anak, na para bang siya ay patay (sapagkat siya ay mga isandaang taon na) at kahit alam niya na walang kakayahan si Sara na magbuntis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Hindi siya kailanman nag-alinlangan na tutuparin ng Diyos ang kaniyang ipinangako. Sa halip, lalo pa siyang nagtiwala sa Diyos, at pinasalamatan niya ang Diyos sa kung ano ang gagawin ng Diyos.
|
||
|
\v 21 Naniwala din siya na kayang gawin ng Diyos ang anumang sinabi niya na gagawin niya.
|
||
|
\v 22 At iyan ang dahilan kaya itinuring ng Diyos na matuwid si Abraham.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Ang mga salita sa Kasulatan, "Itinuring siya ng Diyos na matuwid dahil nagtiwala siya sa kaniya," ay hindi lamang tungkol kay Abraham.
|
||
|
\v 24 Isinulat din ang mga ito tungkol sa atin, na itinuturing ng Diyos na matuwid dahil nagtitiwala tayo sa kaniya, na muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus pagkatapos niyang mamatay.
|
||
|
\v 25 Pinayagan ni Jesus na patayin siya ng mga tao upang mapatawad ng Diyos ang ating mga masasamang gawain. At muling binuhay ng Diyos si Jesus dahil nais ng Diyos na maging matuwid tayo sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 5
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ginawa tayo ng Diyos na matuwid sa kaniya dahil nagtitiwala tayo sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Kaya kasundo na tayo ng Diyos.
|
||
|
\v 2 Dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin, para bang nagbukas ang Diyos ng isang pinto para sa atin upang makapunta tayo sa kung saan siya ay magiging mabuti sa atin. Kaya nagagalak tayo dahil buong katiyakan tayong umaasa na masayang ibabahagi ng Diyos sa atin ang kaniyang kadakilaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kapag nagdusa tayo dahil nakiisa tayo kay Cristo, nagagalak din tayo dahil alam natin na kapag nagdurusa tayo, natututunan nating magtiis nang may pagtitiyaga.
|
||
|
\v 4 At alam natin na kapag tiniis natin ang mga pagdurusa nang may pagtitiyaga, sumasang-ayon ang Diyos sa atin. At kapag alam nating sumasang-ayon ang Diyos sa atin, inaasahan natin nang may katiyakan na gagawa siya ng mga dakilang bagay para sa atin.
|
||
|
\v 5 At buong katiyakan tayong umaasa na matatanggap natin ang mga bagay na ating hinihintay, dahil labis tayong iniibig ng Diyos. Ang kaniyang Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin ang nagpapaunawa sa atin kung gaano tayo iniibig ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Nang hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili, namatay si Cristo sa panahong itinakda ng Diyos para sa atin, kahit hindi natin iginagalang ang Diyos.
|
||
|
\v 7 Bihirang may mamatay para sa ibang tao, kahit na matuwid ang taong iyon. Bagaman para sa mabuting tao, marahil may isang tao na maglalakas-loob na mamatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Gayon pa man, para sa Diyos, ipinakita niya sa atin ang kaniyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagkamatay ni Cristo para sa atin habang naghihimagsik pa tayo laban sa Diyos.
|
||
|
\v 9 Ginawa tayong matuwid ng Diyos dahil namatay si Cristo para sa atin at dumanak ang kaniyang dugo para sa ating mga kasalanan. Kaya lalong tiyak na ililigtas tayo ni Cristo mula sa Diyos kapag ipapakita niya sa buong mundo kung gaano siya napopoot sa kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kahit na kumikilos tayo bilang mga kaaway ng Diyos, ginawa niya tayong mga kaibigan dahil namatay ang kaniyang Anak para sa atin. Kaya lalong tiyak na ililigtas tayo ni Cristo, dahil nabuhay siyang muli.
|
||
|
\v 11 At hindi lamang iyan! Ngayon nagagalak din tayo dahil naging kaibigan tayo ng Diyos, dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo para sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ipapaliwanag ko na ngayon kung bakit kinakailangan natin ang Diyos upang gawin ito para sa atin: Makasalanan ang lahat ng tao dahil kay Adan, ang unang tao na nilikha ng Diyos na nagkasala noon. Dahil nagkasala siya, namatay siya sa huli. Kaya naging makasalanan ang lahat ng taong namuhay mula noon at namatay silang lahat.
|
||
|
\v 13 Nagkasala ang mga tao sa mundo bago ibigay ng Diyos ang kaniyang kautusan kay Moises. Ngayon walang itinalang kasalanan ang Diyos laban sa kautusang iyon bago niya ito ibinigay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Ngunit alam natin na mula noong panahong nabubuhay si Adan hanggang sa panahong nabubuhay si Moises, nagkasala ang lahat ng tao at namatay sila bilang kabayaran. Namatay ang lahat, kahit na ang mga hindi lumabag sa kautusan na mula mismo sa Diyos, gaya ng ginawa ni Adan. Nadamay ang lahat ng tao sa kasalanan ni Adan, gaya ng ginawa ni Cristo na sumunod na dumating, nadamay din ang lahat ng tao.
|
||
|
\v 15 Ngunit hindi gaya ng kasalanan ni Adan ang kaloob na ibinigay ng Diyos. Dahil nagkasala si Adan, namatay ang lahat. Ngunit dahil sa isang tao, si Jesu-Cristo na namatay para sa ating lahat, hinandugan tayo ng Diyos ng kaloob na buhay na walang hanggan, kahit hindi tayo karapat-dapat dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 At may isa pang paraan kung saan ang kaloob ng Diyos ay naiiba sa kasalanan ni Adan. Dahil nagkasala si Adan, nagkasala ang lahat ng tao na nabuhay pagkatapos niya, kaya inihayag ng Diyos na nararapat na maparusahan ang lahat ng tao. Ngunit bilang isang mabuting kaloob, iniaalok ng Diyos na maging matuwid tayo.
|
||
|
\v 17 Namamatay ang lahat ng tao dahil sa ginawa ng isang tao, si Adan. Ngunit ngayon marami sa atin ang nakaranas ng napakadakilang kaloob na ibinigay sa atin ng Diyos, na hindi karapat-dapat sa atin: ginawa niya tayong matuwid. Tiyak din na maghahari tayong kasama ni Cristo sa langit. Mangyayari ito dahil sa ginawa ni Jesu-Cristo para sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Kaya, dahil sumuway ang isang tao na si Adan sa utos ng Diyos, nararapat na maparusahan ang lahat ng tao. Gayon din naman, dahil ang isang tao na si Jesus ay kumilos nang matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Diyos nang siya ay mamatay, iniaalok ng Diyos na ipawalang-sala ang lahat upang sila ay mabuhay magpakailanman.
|
||
|
\v 19 Dahil sumuway sa Diyos ang isang tao na si Adan kaya naging makasalanan ang lahat ng tao. Gayon din naman, dahil sumunod sa Diyos si Jesus nang siya ay mamatay kaya ipapawalang-sala ng Diyos ang marami.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Ibinigay ng Diyos ang kaniyang kautusan kay Moises upang mapagtanto ng mga tao kung gaano sila labis na nagkasala; ngunit habang lalo pang nagkakasala ang mga tao, patuloy na lalo pang naging mabuti ang Diyos sa kanila, sa paraang hindi sila karapat-dapat.
|
||
|
\v 21 Ginawa niya iyon upang ipawalang-sala sila ng kaniyang mabuting kaloob hindi gaya ng mga taong namamatay dahil nagkasala sila. At maaari silang mabuhay nang walang hanggan dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo para sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 6
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Maaaring sabihin ng isang tao bilang tugon sa aking isinulat na yamang mabuti ang Diyos sa atin, marahil dapat tayong patuloy na magkasala upang patuloy niya tayong patawarin.
|
||
|
\v 2 Sasago ako: Hindi, tiyak na hindi! Katulad tayo ng mga taong namatay, hindi na makagagawa ng kahit na anong masamang bagay. Kaya hindi tayo dapat patuloy na magkasala.
|
||
|
\v 3 Nang bautismuhan tayo sa pakikiisa kay Cristo Jesus, itinuring tayo ng Diyos na namatay kasama ni Cristo sa kaniyang krus. Hindi ba ninyo ito alam?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Kaya, nang bautismuhan tayo, itinuring din tayo ng Diyos na kasama ni Cristo sa kaniyang libingan. Ginamit ng Diyos Ama ang kaniyang kapangyarihan upang buhayin si Cristo mula sa mga patay, sa ganoon ding paraan, ginawa niya ito upang makapamuhay tayo sa panibagong paraan.
|
||
|
\v 5 Yamang itinuring tayo ng Diyos na kasama ni Cristo nang mamatay siya, bubuhayin din niya tayong kasama niya mula sa mga patay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Tayong mga makasalanan ay itinuring ng Diyos na namatay sa krus kasama ni Cristo upang wakasan ang ating makasalanang pagkatao. Bilang resulta, hindi na tayo dapat pang magkasala.
|
||
|
\v 7 Sapagkat sinumang namatay na ay hindi na dapat pang magkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Yamang itinuring tayo ng Diyos na namatay kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya.
|
||
|
\v 9 Alam natin na dahil binuhay ng Diyos si Cristo, hindi na muling mamamatay si Cristo. Wala ng may kakayahan na patayin siyang muli.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nang mamatay siya, napalaya siya mula sa ating mundong makasalanan at hindi na siya muling mamamatay; ngunit dahil nabuhay siyang muli, nabuhay siya upang paglingkuran ang Diyos.
|
||
|
\v 11 Sa ganoon ding paraan, dapat ninyong ituring ang inyong mga sarili gaya ng pagturing sa inyo ng Diyos: kayo ay mga patay, wala nang kakayahang magkasala pa, ngunit kayo rin naman ay buhay, nabubuhay upang sambahin ang Diyos at nakiisa kay Cristo Jesus
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kaya kung nais ninyong magkasala, huwag ninyong hayaan ang inyong sarili na gawin ang inyong nais. Alalahanin ninyong mamamatay ang inyong katawan balang araw.
|
||
|
\v 13 Huwag kayong gagawa o magsasabi ng anumang masama. Kagaya kayo noon ng mga patay, dahil hindi nakakakilala ng sinuman ang mga patay at hindi ninyo kilala ang Diyos. Sa halip, ialay ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos bilang mga taong buhay at nakakakilala sa kaniya. Ang lahat ng inyong gagawin at sasabihin ay gawin ninyo para sa Diyos, hayaan ninyong gamitin niya kayo sa paggawa ng mga makatarungang bagay.
|
||
|
\v 14 Kapag nais ninyong magkasala, huwag ninyo itong gagawin! Hindi kayo pinahinto ng mga kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises sa pagkakasala. Ngunit ngayon ang Diyos ang pumipigil sa inyo at tumutulong upang hindi kayo magkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Maaaring may magsabi sa akin, "Sinabi mo na hindi tayo pinahinto ng mga kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises sa pagkakasala, ngunit ngayon pinakikitunguhan tayo ng Diyos nang mabuti sa mga paraang hindi tayo karapat-dapat. Tila nangangahulugan iyan na pinahihintulutan tayo ng Diyos na magpatuloy sa pagkakasala." Ang sagot ko riyan ay hindi, hindi na tayo dapat magpatuloy sa pagkakasala!
|
||
|
\v 16 Kung inihandog ninyo ang inyong mga sarili na sumunod sa isang tao, magiging alipin niya kayo. Kung nagkasala kayo kapag nais ninyong magkasala, naging alipin kayo ng kasalanan at dahil dito, mamamatay kayo. Ngunit kung susundin ninyo ang Diyos, magiging alipin niya kayo, ang kalalabasan, gagawin ninyo ang mga bagay na tama na nais ng Diyos na gawin ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Noong nakaraan nagkasala kayo sa anumang paraang nais ninyo—mga alipin kayo ng kasalanan. Ngunit sinunod ninyo nang matapat ang itinuro ni Cristo sa inyo. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil diyan.
|
||
|
\v 18 Kaya ngayon hindi na kayo dapat pang magkasala; hindi na ninyo panginoon ang kasalanan. Sa halip, kayo ay mga alipin ng Diyos na matuwid.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sumusulat ako sa inyo sa pamamagitan ng talinghaga na nauunawaan ng mga tao, upang tulungan kayong maunawaan ang katotohanan tungkol sa inyong mga sarili at sa Diyos. Noong nakaraan, naging alipin kayo ng inyong mga kaisipan, kaya ginawa ninyo ang lahat ng uri ng mga marurumi at masasamang bagay. Ngunit ngayon, hayaan ninyong kumilos ang inyong mga sarili nang makatuwiran gaya ng pagkilos ng Diyos, upang ilaan niya kayo bilang mga tao niya.
|
||
|
\v 20 Totoo na noong nakaraan, namuhay kayo bilang mga taong malaya mula sa kapangyarihan ng Diyos at katuwiran (dahil ginawa ninyo ang anumang sinabi ng inyong masamang isipan). Hindi ninyo kinakailangang gawin ang mga bagay na tama.
|
||
|
\v 21 Ngunit ano ang kabutihan ng kalayaang ito sa inyo? Ang paggawa ng mga bagay na iyon na ikinahihiya na ninyo ngayon ay nangangahulugan lamang na mailalayo kayo mula sa Diyos magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Ngunit ngayon hindi na kayo dapat pang magkasala. Hindi na kayo mga alipin. Sa halip, naging mga alipin kayo ng Diyos. Bilang kapalit, inilaan niya kayo bilang kaniyang mga tao at hahayaan niyang mamuhay kayo magpakailanman kasama niya.
|
||
|
\v 23 Makatatanggap din ng kabayaran ang lahat ng mga gumagawa ng sinasabi ng kanilang masasamang isipan, ngunit ang kabayarang iyon ay kamatayan: mailalayo sila sa Diyos magpakailanman. Ngunit para sa Diyos, wala siyang binabayaran sa kaniyang mga alipin. Sa halip, binibigyan niya tayo ng kaloob: hinayaan niya tayong mamuhay magpakailanman kasama niya, tayong nakiisa kay Cristo Jesus na ating Panginoon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 7
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, alam ninyo ang tungkol sa mga kautusan. Kaya tiyak na alam ninyo na kailangang sumunod ang mga tao sa mga kautusan habang nabubuhay sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Halimbawa, dapat maging tapat ang isang babae sa kaniyang asawa habang nabubuhay ang kaniyang asawa. Ngunit kung namatay ang kaniyang asawa, hindi na niya kinakailangan pang mamuhay na para bang may asawa siya. Pinalalaya na siya ng batas mula sa pag-aasawa.
|
||
|
\v 3 Kaya kung pumunta siya sa ibang lalaki habang nabubuhay pa ang kaniyang asawa, siya ay nangangalunya. Ngunit kung namatay ang kaniyang asawa, hindi na niya kailangang sundin ang batas na iyan. At kung nagpakasal siya sa ibang lalaki, hindi siya mangangalunya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Gayon din naman, mga kapatid, nang namatay kayo kasama ni Cristo sa kaniyang krus, hindi na kayo pinipangunahan ng kautusan ng Diyos. Malaya na kayong makiisa kay Cristo, upang maparangalan ninyo ang Diyos. Magagawa ninyo ito dahil nabuhay kayong muli. Ipinagkaisa kayo ng Diyos kay Cristo at binuhay niyang muli si Cristo mula sa mga patay.
|
||
|
\v 5 Kapag ginagawa natin ang sinasabi ng ating masamang isipan, nang malaman natin ang kautusan ng Diyos, nais pa nating magkasala nang higit pa. Kaya ginawa natin ang mga masasamang bagay na maghihiwalay sa atin mula sa Diyos magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ngunit ngayon pinalaya tayo ng Diyos sa pagsunod sa mga kautusan ni Moises na para bang namatay tayo at hindi na masasabi sa atin ng kautusan kung ano ang ating gagawin. Ginawa ito ng Diyos para sa atin upang maaari natin siyang sambahin sa makabagong paraan na ipinapakita sa atin ng Espiritu, kaysa sa dating paraan na ipinag-uutos ng kautusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Maaaring may sumagot sa akin, "Totoo bang lalong nais ng mga tao na magkasala kung alam nila ang kautusan ng Diyos? Kung gayon, ang mga kautusang iyon ay masama." Sasabihin ko sa mga taong iyon, "Hindi, siyempre hindi! Hindi masama ang kautusan!" Ngunit totoo na hindi ko talaga alam kung ano ang kasalanan hanggang sa malaman ko sa kautusan ang tungkol dito. Halimbawa, hindi ko nalaman na masama ang magnasa ng hindi sa iyo hanggang sa malaman ko ang sinasabi ng kautusan na, "Dapat huwag mong naisin ang hindi sa iyo."
|
||
|
\v 8 At dahil sa isinaad ng kautusan iyon, ang aking makasalanang pagnanasa na magkaroon ng mga bagay na pag-aari ng iba ay naging sanhi para sa akin na mag-angkin sa maraming paraan. Ngunit kung saan walang kautusan, walang kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Noong hindi ko pa nalalaman ang hinihingi ng kautusan ng Diyos, nagkakasala ako nang hindi nag-aalala sa aking ginagawa. Ngunit nang malaman ko na ibinigay ng Diyos sa atin ang kaniyang kautusan, napagtanto ko na nagkakasala ako,
|
||
|
\v 10 at napagtanto ko na hiwalay ako sa Diyos. Ang kautusan na magbibigay sana sa akin ng buhay na walang hanggan, kung susundin ko, sa halip ay dinadala ako sa kamatayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kapag nais kong magkasala, inakala kong mabubuhay ako magpakailanman kung sinunod ko nang lubusan ang kautusan. Ngunit nagkamali ako: inakala kong maaari rin akong patuloy na magkasala. Sa katunayan, ihihiwalay ako ng Diyos sa kaniya magpakailanman dahil hindi ko totoong sinusunod ang kautusan.
|
||
|
\v 12 Kaya alam natin na ganap na mabuti ang kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises. Wala ring kamalian, tuwid at mabuti ang lahat ng iniutos ng Diyos na ating gawin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kaya, kung may magsasabi sa akin, "Inilayo ako sa Diyos ng mabuting kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises!" Sasagot ako, "Tiyak na hindi nito ginawa iyan." Sa halip, dahil sa mabuting kautusan ninais kong magkasala.
|
||
|
\v 14 Alam natin na mula sa Diyos ang kautusan ni Moises. Ngunit para sa akin, ako ay isang taong nagkakasala. Para bang pinilit akong maging alipin ng aking kagustuhan na magkasala; kinakailangan kong gawin ang anumang sinasabi ng aking isipan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ang mga bagay na aking ginagawa, madalas hindi ko nauunawaan. Iyan ay, hindi ko ginagawa ang mga mabubuting bagay na gusto kong gawin. At minsan ginagawa ko ang mga masasamang bagay na kinamumuhian ko.
|
||
|
\v 16 Yamang ginagawa ko ang mga masasamang bagay na ayaw kong gawin, sumasang-ayon ako na ang mga kautusan ng Diyos ay mabuti.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kaya, hindi dahil nais kong magkasala kaya ako nagkakasala. Sa halip, nagkakasala ako dahil ang pagnanais na magkasala ang nagiging dahilan upang magkasala ako.
|
||
|
\v 18 Alam ko na kung ako lang, wala akong magagawang mabuti. Alam ko ito dahil gusto kong gumawa ng mabuti, ngunit hindi ko ginagawa kung ano ang mabuti.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Hindi ko ginagawa ang mga mabubuting bagay na gusto kong gawin. Sa halip, ang mga masasamang bagay na ayaw kong gawin ang aking ginagawa.
|
||
|
\v 20 Kapag gumagawa ako ng mga masasamang bagay na ayaw kong gawin, hindi talaga ako ang gumagawa ng mga bagay na iyon. Sa halip, ibang bagay ang nagiging dahilan upang magkasala ako: ang katotohanang hindi ako ganap na mabuti ang dahilan kaya ako nagkakasala.
|
||
|
\v 21 Natuklasan ko ngayon na ang laging nangyayari, kapag gusto kong gawin ang mabuti, may masamang pagnanais sa akin na pumipigil sa akin na gumawa ng mabuti.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Sa aking bagong likas na pagkatao, labis akong nagagalak sa kautusan ng Diyos.
|
||
|
\v 23 Gayon pa man, nararamdaman ko na mayroong kakaibang kapangyarihan sa aking katawan. Salungat ito sa nais na gawin ng aking isipan, at pinapagawa nito sa akin ang nais ng aking dating likas na makasalanang pagkatao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Kapag iniisip ko ito, nararamdaman ko na napakasama kong tao. Nais ko na may magpalaya sa akin mula sa nais ng aking katawan, upang hindi ako mahiwalay sa Diyos.
|
||
|
\v 25 Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon, pinalaya niya tayo mula sa nais ng ating katawan. Kaya sa ating isipan, sa isang dako ay nais nating sumunod sa mga kautusan ng Diyos. Ngunit kadalasang hinahayaan din nating pamahalaan tayo ng ating makasalanang pagnanais dahil sa ating dating likas na makasalanang pagkatao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 8
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kaya hindi hahatulan at parurusahan ng Diyos ang mga nakiisa kay Cristo Jesus.
|
||
|
\v 2 Ang Espiritu ng Diyos ang dahilan upang mamuhay tayo sa bagong paraan dahil nakiisa tayo kay Cristo Jesus. Sa ganitong paraan, hindi ko na kinakailangan pang magkasala kapag iniisip ko ang tungkol sa pagkakasala, at hindi na ako maihihiwalay pa sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinubukan nating sundin ang kautusan ng Diyos upang mabuhay tayo kasama ng Diyos, ngunit walang saysay na isipin nating kaya natin, hindi natin kayang tumigil sa pagkakasala. Kaya tinulungan tayo ng Diyos: isinugo niya ang sarili niyang Anak sa mundo upang ang kaniyang Anak ang maging kabayaran sa ating mga kasalanan. Dumating ang kaniyang Anak na may katawang gaya ng ating katawan na nagkakasala. Dumating ang kaniyang Anak upang ialay ang kaniyang sarili bilang handog sa ating kasalanan. Nang gawin niya ito, ipinakita din niya na totoong masama ang ating mga kasalanan at karapat-dapat na maparusahan ang sinumang nagkakasala.
|
||
|
\v 4 Kaya maaari na nating tuparin ang mga hinihingi ng Diyos sa kaniyang kautusan. Ginagawa natin ito, hindi sa paggawa ng dati nating likas na masamang pagnanasa, sa halip sa pamamagitan ng pamumuhay sa nais ng Espiritu ng Diyos.
|
||
|
\v 5 Ang mga taong namumuhay ayon sa iniisip ng kanilang likas na masamang pagkatao ay binibigyang pansin ang mga bagay na iyon. Ngunit ang mga taong nabubuhay ayon sa ninanais ng Espiritu ng Diyos ay iniisip ang tungkol sa mga bagay na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Hindi mabubuhay magpakailanman ang mga nag-iisip at nag-aalala tungkol sa kanilang mga likas na masamang pagnanais. Ngunit ang mga may gusto sa nais ng Espiritu ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman at magkakaroon ng kapayapaan.
|
||
|
\v 7 Hayaan ninyo akong ipaliwanag ito. Sa lawak ng kagustuhan ng tao sa mga masasamang likas na pagnanasa, namumuhay sila na salungat sa Diyos. Hindi nila sinunod ang kaniyang kautusan. Sa katunayan, hindi nila kayang sundin ang kaniyang kautusan.
|
||
|
\v 8 Hindi maaaring magbigay kaluguran sa Diyos ang mga taong gumagawa sa sinasabi ng kanilang likas na masamang pagkatao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ngunit hindi na natin kailangan pang hayaan ang ating dating likas na masamang pagkatao na manguna sa atin. Sa halip, maaari nating hayaan ang Espiritu ng Diyos na manguna sa atin, dahil nananahan siya sa atin. Kung hindi nananahan sa mga tao ang Espiritu ni Cristo, hindi sila kabilang kay Cristo.
|
||
|
\v 10 Ngunit dahil nananahan si Cristo sa inyo sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, itinuturing ng Diyos ang inyong mga katawan na patay, kaya hindi na kayo dapat magkasala. At itinuturing niya ang inyong mga espiritu na buhay, dahil itinuring niya kayong matuwid.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Muling binuhay ng Diyos si Jesus pagkatapos niyang mamatay. At dahil nananahan sa inyo ang kaniyang Espiritu, muli ring bubuhayin ng Diyos ang inyong mga katawan na ngayon ay tiyak na mamamatay. Muli niyang binuhay si Cristo pagkatapos niyang mamatay, at muli niya kayong bubuhayin sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kaya, mga kapwa ko mananampalataya, dapat tayong mamuhay ayon sa patnubay Espiritu. Hindi na tayo dapat mabuhay ayon sa kagustuhan ng ating dating likas na masamang pagkatao.
|
||
|
\v 13 Kung gagawin ninyo ang nais ng inyong dating likas na masamang pagkatao, siguradong hindi kayo mabubuhay magpakailanman kasama ang Diyos. Ngunit kung hahayaan ninyo ang Espiritu na pigilan kayo sa paggawa ng mga bagay na iyon, mabubuhay kayo magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Tayong mga sumusunod sa Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
|
||
|
\v 15 Ito ay dahil natanggap ninyo mula sa Diyos ang Espiritu na siyang dahilan kung bakit hindi na kayo muling natatakot sa Diyos. Hindi kayo gaya ng mga alipin na natatakot sa kanilang mga panginoon. Sa katunayan, ginawa tayo ng Espiritung ito na mga anak ng Diyos. Dahil sa Espiritu na iyon maaari na tayong sumigaw sa Diyos, "Ikaw ang aking Ama!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ang Espiritu mismo ang nagpapatunay sa sinasabi ng ating espiritu na tayo ay mga anak ng Diyos.
|
||
|
\v 17 Dahil mga anak tayo ng Diyos, matatanggap din natin isang araw ang pangako ng Diyos sa atin. At tatanggapin din datin kasama ni Cristo ang pangako ng Diyos sa atin. Ngunit kinakailangan nating magdusa sa paggawa ng mabuti gaya ng ginawa ni Cristo, upang parangalan tayo ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Itinuturing ko na ang mga dinadanas natin sa kasalukuyan ay hindi karapat-dapat na bigyan ng pansin dahil labis na dakila ang hinaharap na karangyaan na ihahayag sa atin ng Diyos.
|
||
|
\v 19 Sabik na naghihintay ang mga bagay na nilikha ng Diyos sa panahon na ihahayag niya ang kaniyang tunay na mga anak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Hindi hinayaan ng Diyos na makamit ng kaniyang mga nilikha ang kaniyang nilalayon. Hindi dahil gusto nilang mabigo. Sa katunayan, ginawa sila ng Diyos na ganoon dahil nakatitiyak siya
|
||
|
\v 21 na isang araw hindi na mamamatay, mabubulok at mawawasak ang kaniyang mga nilikha balang araw. Palalayain niya sila mula roon, upang maaari din niyang gawin sa kanila ang mga kahanga-hangang bagay na gagawin niya sa kaniyang mga anak.
|
||
|
\v 22 Alam natin na hanggang ngayon, para bang dumadaing ang lahat ng mga bagay na kaniyang nilikha, at gusto nilang gawin din niya ang mga kahanga-hangang bagay na iyon para sa kanila. Ngunit ngayon, gaya ito ng isang babae na dumadanas ng sakit sa panganganak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Hindi lamang ang mga bagay na iyon ang dumadaing, kundi tayo rin mismo ay dumadaing sa ating kaibuturan. Tayong mga may Espiritu ng Diyos, na paunang kaloob na natanggap natin habang naghihintay tayo sa lahat ng bagay na ibibigay sa atin ng Diyos, dumadaing tayo sa ating kaibuturan. Dumadaing tayo habang sabik nating hinihintay ang panahon na tatanggapin natin ang ating buong karapatan bilang mga anak na kinupkop ng Diyos. Kabilang dito ang pagpapalaya niya sa ating mga katawan mula sa mga bagay na humahadlang sa atin dito sa mundo. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng pagbibigay niya sa atin ng mga bagong katawan.
|
||
|
\v 24 Sapagkat iniligtas tayo ng Diyos dahil mayroon tayong pananalig sa kaniya. Kung nasa atin na ngayon ang mga bagay na ating hinihintay, hindi na natin kailangan pang hintayin ang mga ito. Pagkatapos ng lahat, kapag naangkin mo na ang isang bagay na inaasahan mong makuha, tiyak na hindi mo na kailangang hintayin.
|
||
|
\v 25 Ngunit dahil patuloy tayong naghihintay na matatanggap natin ang mga bagay na wala pa sa atin, hinihintay natin ito ng may pananabik at pagtitiyaga.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu ng Diyos kapag mahina tayo. Hindi natin alam kung ano ang angkop na ipanalangin natin. Ngunit alam ng Espiritu ng Diyos; habang ipinapanalangin niya tayo, dumadaing siya sa paraan na hindi maipaliwanag ng mga salita.
|
||
|
\v 27 Nauunawaan ng Diyos na sumusuri sa ating likas na panloob na pagkatao at isipan ang ninanais ng kaniyang Espiritu. Ipinapanalangin tayo ng kaniyang Espiritu, tayong mga kabilang sa Diyos, ayon sa kagustuhan ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 At alam natin na sa mga nagmamahal sa Diyos, ginagawa niya ang lahat ng bagay na nangyayari sa kanila sa paraang makabubuti para sa atin. Ginagawa niya para sa kaniyang mga hinirang, dahil iyon ang balak niyang gawin.
|
||
|
\v 29 Alam ng Diyos noon pa man na maniniwala tayo sa kaniya. Tayo din ang dati nang pinagpasyahan ng Diyos na magkakaroon ng katangian gaya ng katangian ng kaniyang Anak. Ang kinalabasan, si Cristo ang unang Anak ng Diyos at ang mga anak ng Diyos ay mga nakababatang kapatid ni Jesus.
|
||
|
\v 30 At ang mga pinagpasyahan ng Diyos na maging katulad ng kaniyang Anak, tinawag din niya upang makasama siya. At ang mga tinawag niya upang makasama niya, ginawa din niya silang matuwid. At ang mga ginawa niyang matuwid, bibigyan niya rin sila ng karangalan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Kaya sasabihin ko sa inyo kung ano ang dapat nating matutunan mula sa lahat ng bagay na ito na ginagawa ng Diyos para sa atin. Dahil ang Diyos ang kumikilos para sa atin, walang makatatalo sa atin!
|
||
|
\v 32 Hindi ipinagkait ng Diyos kahit na ang sarili niyang Anak. Sa halip, ibinigay niya si Jesus sa iba upang malupit siyang patayin, nang sa gayon lahat tayo na naniniwala sa kaniya ay makinabang sa kaniyang pagkamatay para sa atin. Dahil ginawa iyon ng Diyos, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay na ating kinakailangan upang mabuhay para sa kaniya, na karagdagan sa pagbibigay niya kay Cristo sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Walang maaaring magparatang sa atin sa harapan ng Diyos sa paggawa ng masama, sapagkat pinili niya tayo upang mapabilang sa kaniya. Ginawa niya tayong matuwid sa kaniya.
|
||
|
\v 34 Sino ang hahatol? Si Cristo ang namatay para sa atin—at higit pa riyan, binuhay din siya mula sa mga patay—at naghahari siya kasama ng Diyos sa lugar ng karangalan, at siya ang namamagitan para sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 Tiyak na walang sinuman at walang bagay ang makapagpapatigil kay Cristo na ibigin tayo! Hindi iyan maaaring mangyari, kahit may magpahirap sa atin, o kahit may manakit sa atin, o kahit na wala tayong makain, o kahit na wala tayong sapat na damit, o kahit na mabuhay tayo sa mapanganib na sitwasyon o kahit na may papatay sa atin.
|
||
|
\v 36 Maaaring mangyari ang mga bagay na ito sa atin, gaya ng nasusulat na sinabi ni David sa Diyos, "Dahil mga tao mo kami, pauli-ulit kaming pinagtatangkaang patayin ng iba. Itinuturing nila kaming mga tao lamang na papatayin, gaya ng mga mangangatay na itinuturing na ang mga tupa ay hayop lamang na kakatayin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 37 Ngunit kahit na mangyari sa atin ang lahat ng mga masasamang bagay na ito, lubusan nating mapagtatagumpayan ang mga ito dahil tinutulungan tayo ni Cristo na umiibig sa atin.
|
||
|
\v 38 Lubos akong nakatitiyak na hindi kamatayan, ni ang mangyayari sa atin habang nabubuhay tayo, ni mga anghel, ni mga demonyo, ni mga kasalukuyang nangyayari, ni mga mangyayari sa hinaharap, ni mga makapangyarihang nilalang,
|
||
|
\v 39 ni mga makapangyarihang nilalang sa langit o sa ilalim nito, ni anumang mga bagay na nilikha ng Diyos ang makapagpapatigil sa Diyos na ibigin tayo. Ipinakita sa atin ng Diyos na iniibig niya tayo sa pamamagitan ng pagsugo niya kay Jesu-Cristo na ating Panginoon upang mamatay para sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 9
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Dahil pinag-isa ako kay Cristo, sasabihin ko sa inyo ang katotohanan. Hindi ako nagsisinungaling! Pinapatunayan ng konsiyensya ko ang aking sinasabi dahil pinamamahalaan ako ng Banal na Espiritu.
|
||
|
\v 2 Sinasabi ko sa inyo na labis-labis akong nalulungkot tungkol sa aking mga kapwa Israelita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Nanaisin kong ako na mismo ang maisumpa ng Diyos at maihiwalay kay Cristo magpakailanman, kung iyon ang makakatulong sa aking mga kapwa Israelita, mga likas kong kamag-anak, na maniwala kay Cristo.
|
||
|
\v 4 Sila ay katulad kong mga Israelita. Kabilang sila sa mga pinili ng Diyos upang maging kaapu-apuhan ni Jacob. Noon pa man ay itinuring na sila ng Diyos na mga anak niya. Sa kanilang mga ninuno niya ipinakita kung gaano siya makapangyarihan. Sa kanila siya gumawa ng mga kasunduan nang ilang beses. Sa kanila niya ibinigay ang kautusan sa Bundok ng Sinai. Sila ang mga pinayagan ng Diyos na sumamba sa kaniya. Sila ang mga pinangakuan ng Diyos ng maraming mga bagay, lalo na, na ang Cristo ay manggagaling sa kanilang lahi.
|
||
|
\v 5 Ang ating mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob ang pinili ng Diyos upang magsimula ng ating bansa. At ang pinakamalaga, mula sa ating mga Israelita isinilang ang Cristo bilang tao. Siya ay Diyos, ang karapat-dapat nating purihin magpakailanman! Totoo ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ipinangako ng Diyos kina Abraham, Isaac, at Jacob na ang lahat ng kanilang mga kaapu-apuhan ay magmamana ng kaniyang mga pagpapala. Ngunit kahit na karamihan sa aking mga kapwa Israelita ang hindi tumanggap kay Cristo, hindi nito pinapatunayang nabigo ang Diyos sa pagtupad ng kaniyang mga ipinangako. Dahil hindi lahat ng mga taong kaapu-apuhan ni Jacob at tumatawag sa kanilang mga sarili na mga tao ng Israel ang itinuturing ng Diyos na kaniyang tunay na mga tao.
|
||
|
\v 7 At hindi rin lahat ng likas na kaapu-apuhan ni Abraham ang itinuturing ng Diyos na tunay na kaapu-apuhan ni Abraham. Sa halip, iilan lamang sa kanila ang itinuturing ng Diyos na tunay na kaapu-apuhan ni Abraham. Sumasang-ayon ito sa sinabi niya kay Abraham: "Si Isaac, hindi ang iyong ibang mga anak na lalaki, ang ituturing kong tunay na ama ng iyong kaapu-apuhan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ang ibig kong sabihin, hindi lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham ay ang mga taong ibinibilang ng Diyos na kaniyang sariling mga anak. Sa halip, ang mga tao lamang na nasa isip ng Diyos nang ipinangako niya na bibigyan niya si Abraham ng kaapu-apuhan—ang mga taong ito ang itinuturing niyang tunay na kaapu-apuhan ni Abraham at kaniyang sariling mga anak.
|
||
|
\v 9 Ito ang ipinangako ng Diyos kay Abraham: "Sa ganito ring panahon sa susunod na taon, babalik ako sa inyo, at magsisilang ng anak na lalaki si Sarah na iyong asawa." Ipinangako ito ng Diyos, at ginawa niya nga ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ganoon din kay Rebecca, ang asawa ni Isaac, na anak ni Abraham, nang magbuntis si Rebecca ng kambal.
|
||
|
\v 11 Bago isilang ang kambal na sina Jacob at Isau,
|
||
|
\v 12 nang wala pa sa kanila ang nakagawa ng anumang mabuti o masama, sinabi ng Diyos kay Rebecca, "Maglilingkod ang mas matanda sa mas bata, na salungat sa karaniwang kaugalian." Sinabi ito ng Diyos upang malaman natin ito: na kapag nagplano siyang gawin ang isang bagay, pinipili niya ang mga tao dahil nais niyang piliin sila, hindi dahil sa may ginawa sila para sa kaniya.
|
||
|
\v 13 Tulad ito ng sinabi ng Diyos sa mga kasulatan: "Pinili ko si Jacob, ang nakababatang anak. Tinanggihan ko si Isau, ang nakatatandang anak."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Maaaring may magtanong sa akin, "Ang Diyos ba ay hindi makatarungan sa pagpili ng iilang tao lamang?" Sasagutin ko ng, "Tiyak na makatarungan siya!"
|
||
|
\v 15 Sinabi ng Diyos kay Moises, "Kaaawaan at tutulungan ko ang sinumang piliin ko!"
|
||
|
\v 16 Kaya pinipili ng Diyos ang mga tao, hindi dahil nais nilang sila ang piliin ng Diyos o dahil nagsisikap silang mapalugod siya. Sa halip, pinipili niya ang mga tao dahil siya mismo ay may habag sa mga hindi karapat-dapat na tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Itanala ni Moises na sinabi ng Diyos kay Faraon, "Ito ang dahilan kung bakit kita ginawang hari ng Egipto: Ito ay upang malabanan kita at maipakita sa sinuman sa mundo kung gaano ako kamakapangyarihan."
|
||
|
\v 18 Kaya alam nating sa kagandahang loob, tinutulungan ng Diyos ang mga nais niyang gawan ng kabaitan. At alam din nating ginagawa niyang matigas ang sinumang nais niyang gawing matigas, gaya ni Paraon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Marahil isa sa inyo ay magsasabi sa akin, "Dahil una ng ipinasya ng Diyos ang lahat ng gagawin ng mga tao, ipinapahiwatig din nitong nais niyang magkasala ang ilan sa atin. Wala namang nakatanggi sa ninais na ng Diyos! Kaya, hindi tama na parusahan ng Diyos ang mga nagkakasala."
|
||
|
\v 20 Sasagutin ko ng, "Tao ka lamang, kaya wala kang karapatang punahin ang Diyos! Gaya siya ng taong gumagawa ng mga putik na palayok. Walang karapatan ang palayok na tanungin ang gumagawa sa kaniya, "Bakit mo ako ginawang ganito?"
|
||
|
\v 21 Sa halip, ang magpapalayok ang may karapatang kumuha ng tumpok ng putik at gamitin ang bahagi nito upang gawing magandang palayok na labis na pahahalagahan ng mga tao—at pagkatapos, gagamitin ang natitirang putik sa palayok na gagamitin ng isang tao araw-araw. Tiyak na ang Diyos ay may ganoon ding karapatan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kahit na ninanais ng Diyos na ipakitang galit siya sa kasalanan, at kahit na ninanais niyang linawin na makapangyarihan siyang magparusa sa mga taong nagkasala, tiniis niya ng may pagtitiyaga ang mga taong gumalit sa kaniya na karapat-dapat na wasakin.
|
||
|
\v 23 Naging matiyaga ang Diyos upang maaari niyang linawin kung gaano siya kahanga-hangang kumikilos sa mga kinahahabagan niya, na inihanda na niya noong una upang mabuhay sila kasama niya.
|
||
|
\v 24 Ibig sabihin, tayong mga pinili niya—hindi lamang tayong mga Judio, ngunit maging ang mga hindi Judio.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 May karapatan ang Diyos na mamili sa mga Judio at sa mga hindi Judio, gaya ng isinulat ni propeta Hosea: "Maraming mga tao na hindi ko tao—sasabihin kong mga tao ko sila. Maraming mga tao na hindi ko dating mahal, sasabihin ko na mahal ko na sila ngayon."
|
||
|
\v 26 At isinulat ng isa pang propeta: "Kung saan sinabi ng Diyos sa kanila dati, 'Hindi ko kayo mga tao,' sa parehong mga lugar na iyon, magiging mga anak sila ng tunay na Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Isinisigaw din ni Isaias tungkol sa mga Israelita: "Kahit na napakarami ng mga Israelita na walang makabilang sa kanila, gaya ng mga buhangin sa tabi ng karagatan, kaunti lamang sa kanila ang maliligtas,
|
||
|
\v 28 dahil lubusan at mabilisang paparusahan ng Panginoon ang mga taong nakatira sa lupaing iyon, gaya ng sinabi niyang gagawin niya."
|
||
|
\v 29 Isinulat din ni Isaias, "Kung ang Panginoong namamahala sa lahat ng bagay sa langit, ay hindi pinayagan ng may habag na mabuhay ang ilan sa ating mga kaapu-apuhan, matutulad sana tayo sa mga tao ng mga lungsod ng Sodoma at Gomorra, na lubusan niyang winasak."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Dapat nating ipasya ito: Kahit na hindi sinusubukan ng mga hindi Judio na maging banal, natuklasan nila na gagawin silang matuwid ng Diyos kung magtitiwala sila kay Cristo.
|
||
|
\v 31 Ngunit talagang sinubukan ng mga tao ng Israel na maging banal sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ng Diyos, ngunit hindi nila nagawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Hindi nila nagawa, dahil sinubukan nilang gawin ang mga bagay na magpapalugod sa Diyos. Ayaw nilang magtiwala sa kaniya na patatawarin niya sila. Ayaw nilang sumampalataya kay Cristo, kaya nanatili silang hiwalay sa Diyos.
|
||
|
\v 33 Ito ang sinabi ng propeta na mangyayari: "Pakinggan ninyo! Inilalagay ko sa Israel ang isang parang bato na kung saan matitisod ang mga tao. Magagalit ang mga tao sa kaniyang ginagawa. Gayon pa man, hindi mapapahiya ang mga sumasampalataya sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 10
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, ang labis kong ninanais-nais at ang taos-pusong dalangin ko sa Diyos ay iligtas niya ang aking mga kapwa Judio.
|
||
|
\v 2 Makatotohanan kong ipinapahayag tungkol sa kanila, na kahit talagang sumusunod sila sa Diyos, hindi nila naiintindihan kung paano sumunod sa kaniya sa tamang paraan.
|
||
|
\v 3 Hindi nila alam kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang mga tao sa kaniya. Nais nilang gawing matuwid ang kanilang mga sarili sa Diyos, kaya hindi nila tinatanggap ang ninanais ng Diyos na gawin para sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ganap na sinunod ni Cristo ang kautusan upang maging matuwid sa Diyos ang lahat ng mga sumasampalataya sa kaniya. Kaya hindi na natin kinakailangan ang kautusan.
|
||
|
\v 5 Sumulat si Moises tungkol sa mga taong sinubukang sumunod sa lahat ng mga kautusan ng Diyos: "Ang mga taong ganap na nakagawa sa mga bagay na inuutos ng kautusan, sila ang mabubuhay magpakailanman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ngunit ang mga ginawang matuwid ng Diyos sa kaniya dahil nagtitiwala sila kay Cristo—sinasabi ni Moises sa kanila, "Walang dapat sumubok na pumunta sa langit," upang pababain si Cristo sa atin.
|
||
|
\v 7 Sinasabi din ni Moises sa kanila: "Walang dapat sumubok na bumaba kung nasaan ang mga patay," upang pabalikin si Cristo mula sa mga patay para sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ngunit sa halip, maaaring sabihin ng mga sumasampalataya kay Cristo ang sinulat ni Moises: "Napakadali mong malaman ang tungkol sa mensahe ng Diyos. Maaari mong ikuwento at isipin ito." Ito ang mensahe na ipinapahayag namin: na dapat sumampalataya ang mga tao kay Cristo.
|
||
|
\v 9 Ang mensaheng ito ay kung ang sinuman sa inyo ang nagpapatunay na si Jesus ay Panginoon, at kung tunay kang naniniwala na binuhay siya ng Diyos mula sa mga patay, ililigtas ka niya.
|
||
|
\v 10 Kung sumasampalataya ang mga tao sa mga bagay na ito, gagawin silang matuwid ng Diyos sa kaniya. At sa mga hayagang nagsasabing si Jesus ay Panginoon—ililigtas sila ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nakasulat sa mga kasulatan tungkol kay Cristo, "Ang sinumang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mabibigo o mapapahiya."
|
||
|
\v 12 Sa paraang ito, itinuturing ng Diyos na pantay-pantay ang mga Judio at ang mga hindi Judio. Dahil siya ay parehong Panginoon ng lahat ng taong sumasampalataya sa kaniya, lubusan niyang tinutulungan ang lahat ng mga humihingi sa kaniya ng tulong.
|
||
|
\v 13 Gaya ng sinasabi ng mga kasulatan: "Ililigtas ng Panginoong Diyos ang lahat ng mga humihiling sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Karamihan sa mga Judio ay talagang hindi sumampalataya kay Cristo, at maaaring subukang ipaliwanag ng ilang tao kung bakit hindi sila sumampalataya. Marahil sabihin nila, "Tiyak na hindi makakahingi ang mga Judio ng tulong kay Cristo kung hindi muna sila sumampalataya sa kaniya! At tiyak na hindi sila sasampalataya sa kaniya kung hindi nila narinig ang tungkol sa kaniya! At tiyak na hindi sila makakarinig tungkol sa kaniya kung walang mangangaral sa kanila ng tungkol sa kaniya!
|
||
|
\v 15 At tiyak na hindi makakapangaral ang mga maaaring makapangaral sa kanila tungkol kay Cristo, kung hindi sila isusugo ng Diyos. Ngunit kung nangaral ang ilang mga mananampalataya sa kanila, gaya ito ng sinasabi ng mga kasulatan: 'Kayganda kapag dumating ang mga tao at dinala ang magandang balita!'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Sasagutin ko sa ganitong paraan ang mga nagsasabi ng mga ganiyang bagay: Tunay na nagsugo ang Diyos ng mga tao upang mangaral ng mensahe tungkol kay Cristo. Ngunit hindi lahat ng mga tao sa Israel ay nakinig sa magandang balita! Gaya ng sinabi ni Isaias nang pinanghinaan siya ng loob: "Panginoon, parang walang naniniwala sa mga narinig nilang ipinangaral namin!"
|
||
|
\v 17 Kung kaya, sinasabi ko sa inyo na sumasampalataya ang mga tao kay Cristo dahil naririnig nila ang tungkol sa kaniya, at naririnig ng mga tao ang mensahe dahil ipinapangaral ng iba ang tungkol kay Cristo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ngunit kung may magsabi sa mga taong iyon, "Talaga ngang narinig ng mga Israelita ang mensaheng ito," sasabihin ko, "Oo, talaga! Gaya ng sinasabi ng mga kasulatan: Nakita ng mga taong nabubuhay sa buong mundo ang mga bituin, at ang napatunayan nila tungkol sa kung sino ang Diyos—kahit ang mga taong nabubuhay sa mga pinakaliblib na lugar sa mundo ay naintindihan ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 At isa pa, totoong narinig ng mga Israelita ang mensaheng ito. Naintindihan din nila ito, ngunit ayaw nilang sumampalataya. Tandaan ninyo na si Moises ang unang nagbabala sa mga taong gaya nito. Sinabi niya sa kanila na sinabi ng Diyos, "Iniisip ninyong hindi tunay na bansa ang mga bansang hindi Judio. Ngunit sasampalataya sa akin ang ilan sa kanila, at pagpapalain ko sila. At kaiinggitan ninyo sila at magagalit kayo sa kanila, ang mga taong hindi ninyo iniisip na nakakaunawa sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Tandaan din ninyong sinabi ng Diyos kay Isaias, "Tiyak na matatagpuan ako ng mga hindi Judio na hindi sinubukang kilalanin ako! Tiyak na ihahayag ko kung sino ako sa mga hindi nagtatanong tungkol sa akin!"
|
||
|
\v 21 Ngunit nagsalita din ang Diyos tungkol sa mga Israelita. Sinabi niya, "Sa mahabang panahon, iniunat ko ang aking mga kamay sa mga taong hindi sumunod sa akin at sa mga kumalaban sa akin, upang anyayahan silang bumalik sa akin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 11
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Dahil diyan, kung may magtatanong, "Itinakwil ba ng Diyos ang kaniyang mga tao, na mga Judio?" Sasabihin kong tiyak na hindi itinakwil ng Diyos ang lahat sa atin! Tandaan ninyo na kabilang din ako sa mga Israelita. Kaapu-apuhan ako ni Abraham, at kabilang ako sa tribu ni Benjamin, ngunit hindi ako itinakwil ng Diyos!
|
||
|
\v 2 Hindi, hindi itinakwil ng Diyos ang kaniyang mga tao, na kaniyang pinili noon pa man na maging mga taong pagpapalain niya sa natatanging paraan. Tandaan ninyo na nagkamali sa pagdaing si Elias sa Diyos tungkol sa Israelita, gaya ng sinasabi ng mga kasulatan:
|
||
|
\v 3 "Panginoon, pinatay nila ang iyong mga natitirang propeta, at winasak nila ang iyong mga altar. Ako na lamang ang natitirang buhay na sumasampalataya sa iyo, at ngayon ipinapapatay nila ako!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sinagot siya ng Diyos ng ganito: "Hindi lamang ikaw ang natirang tapat sa akin. May inilaan akong pitong libong lalaki sa Israel para sa aking sarili, mga lalaking hindi sumamba sa diyus-diyosang si Baal."
|
||
|
\v 5 Kaya ganoon din, may maliit pang pangkat sa ating mga Judio sa panahon ding ito na naging mga mananampalataya. Pinili tayo ng Diyos upang maging mananampalataya dahil sa kaniyang kabaitan sa atin, sa mga paraang hindi karapat-dapat sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sapagkat mabuti siya sa mga pinipili niya, hindi dahil gumawa sila ng mga mabubuting bagay kaya pinili niya sila. Kung pinili ng Diyos ang mga tao dahil gumawa sila ng mga mabubuting gawa, kung ganoon, hindi na niya kailangang maging mabait sa kanila.
|
||
|
\v 7 Sapagkat pinili lamang ng Diyos ang ilang mga tao sa Israel, nalalaman natin dito na nabigo ang karamihan sa mga Judio na makuha ang kanilang hinahanap—(kahit na nakuha ito ng mga Judio na pinili ng Diyos). Nanatiling hindi maunawaan ng karamihan sa mga Judio ang sinasabi ng Diyos sa kanila.
|
||
|
\v 8 Tungkol dito mismo ang isinulat ni propeta Isaias: "Ginawa silang matigas ng Diyos. Dapat maunawaan nila ang katotohanan tungkol kay Cristo, ngunit hindi nila maunawaan. Dapat silang sumunod sa Diyos kapag nagsasalita siya, ngunit hindi sila sumusunod. Ganiyan din maging sa araw na ito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ipinapaalala sa akin ng mga Judio ang sinabi ni Haring David, nang hilingin niya sa Diyos na papurulin niya ang mga pakiramdam ng kaniyang mga kaaway: "Gawin mo silang mangmang, gaya ng mga hayop na nahuhulog sa mga lambat o mga bitag! Sana maramdaman nilang ligtas sila na para bang sila ay nasa kanilang mga handaan, ngunit sana ang mga pagdiriwang na iyon ang panahong huhulihin mo sila, at magkakasala sila, na ang kalalabasan ay wawasakin mo sila.
|
||
|
\v 10 Sana hindi nila makita ang panganib kapag dumarating sa kanila. Sana lagi mo silang pagdusahin dahil sa kanilang mga suliranin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Marahil may magtatanong, "Nang nagkasala ang mga Judio sa pamamagitan ng hindi pagsampalataya kay Cristo, ibig bang sabihin nito ay lagi na silang maihihiwalay sa Diyos?" Sasagutin ko ng, "Hindi, tiyak na hindi nila inihiwalay ang kanilang mga sarili sa Diyos nang permanente! Sa halip, dahil nagkasala sila, inililigtas ng Diyos ang mga hindi Judio upang mainggit ang mga Judio sa paraan ng pagpapala niya sa mga hindi Judio, upang hilingin nila kay Cristo na iligtas sila."
|
||
|
\v 12 Nang hindi tinanggap ng mga Judio si Cristo, ang kinalabasan ay masaganang pinagpala ng Diyos ang ibang mga tao sa mundo sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila ng pagkakataon na sumampalataya. At nang nabigo ang mga Judio sa espirituwal na kalagayan, ang kinalabasan ay masaganang pinagpala ng Diyos ang mga hindi Judio. Sapagkat totoo ito, isipin ninyo kung gaano magiging kahanga-hanga kapag ang ganap na bilang ng mga Judio na pinili ng Diyos ay sasampalataya kay Cristo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ngayon, sa inyong mga hindi Judio ko sinasabi ang mga sumusunod. Ako ang apostol sa mga katulad ninyong mga hindi Judio, at labis kong pinapahalagahan ang gawaing ito na itinakda ng Diyos na gawin ko.
|
||
|
\v 14 Ngunit inaasahan ko ring sa pamamagitan ng aking gawain, maiinggit ang aking mga kapwa Judio, na ang kalalabasan ay sasampalataya ang ilan sa kanila at nang maligtas sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Itinakwil ng Diyos ang karamihan sa mga kapwa kong Judio dahil hindi sila sumampalataya, na ang kinalabasan ay nakipagkasundo siya sa maraming iba pang tao sa mundo. Kung iyan ang nangyari pagkatapos hindi tanggapin ng karamihan ng mga Judio si Cristo, isipin ang mga magagandang bagay na mangyayari pagkatapos nilang magtiwala sa kaniya. Ito ay para bang muli silang nabuhay mula sa mga patay!
|
||
|
\v 16 Gaya ng buong tumpok ng minasang harina na magiging pag-aari ng Diyos kung iaalay ng mga tao sa Diyos ang unang bahagi ng hinurnong tinapay, kaya magiging pag-aari ng Diyos ang mga Judio dahil pag-aari ng Diyos ang kanilang mga ninuno. At gaya ng mga sanga ng puno na magiging mabuti kung mabuti ang ugat, kaya ang mga kaapu-apuhan ng ating mga ninunong Judio na pag-aari ng Diyos ay magiging pag-aari rin ng Diyos balang araw.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Itinakwil ng Diyos ang marami sa mga Judio, gaya ng pagputol ng mga tao sa mga patay na sanga ng isang puno. At ang bawat isa sa inyong mga hindi Judio na tinanggap ng Diyos ay gaya ng sanga ng ligaw na puno ng olibo na idinugtong sa nilinis na puno ng olibo. Pinayagan kayo ng Diyos na makinabang sa kung paano niya pinagpala ang aming mga ninunong Judio, gaya ng mga sangang nakikinabang sa dagtang mula sa ugat ng nilinang na puno ng olibo.
|
||
|
\v 18 Gayun pa man, kayong mga hindi Judio, huwag ninyong hamakin ang mga Judio na itinakwil ng Diyos, kahit na gaya sila ng mga sanga na pinuputol mula sa puno! Kung nais ninyong magmayabang tungkol sa kung paano kayo iniligtas ng Diyos, tandaan ninyo ito: Hindi pinapakain ng mga sanga ang ugat. Sa halip, pinapakain ng ugat ang mga sanga. Ganoon din, tinulungan kayo ng Diyos dahil sa tinanggap ninyo mula sa mga Judio! Wala kayong ibinigay sa mga Judio na nakatutulong sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Marahil sasabihin mo sa akin, "Itinakwil ng Diyos ang mga Judio gaya ng pagputol ng mga tao sa mga hindi mabuting sanga ng isang puno at tinatapon ang mga ito, at ginawa niya ito upang matanggap niya tayong mga hindi Judio, gaya ng mga sanga ng ligaw na puno ng olibo na idinugtong ng mga tao sa mabuting puno."
|
||
|
\v 20 Sasagot ako na totoo iyan. Gayun pa man, dahil hindi nanampalataya ang mga Judio kay Cristo, itinakwil sila ng Diyos. Sa iyo naman, dahil lamang nanampalataya ka kay Cristo kaya matibay kang nakatayo! Kaya huwag kang maging mayabang, ngunit sa halip, matakot ka!
|
||
|
\v 21 Sapagkat hindi pinatawad ng Diyos ang mga hindi sumasampalatayang Judio, na lumaki gaya ng likas na mga sanga ng puno na nagmula sa ugat, kung kaya alamin mo, na kung hindi ka sumampalataya, hindi ka rin niya patatawarin!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kaya tandaan mo na mabait ang Diyos, ngunit siya rin ay mabagsik. Naging mabagsik siya sa mga Judio na ayaw magtiwala kay Cristo. Naging mabait siya sa iyo, ngunit magiging mabagsik siya kung hindi ka patuloy na magtitiwala kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 At kung sasampalataya ang mga Judio kay Cristo, muli rin silang idudugtong ng Diyos sa puno, dahil kayang gawin iyan ng Diyos.
|
||
|
\v 24 Kayong mga hindi Judio na dating hiwalay sa Diyos ay nakinabang mula sa mga paraang pinagpala ng Diyos ang mga Judio. Iyan ay tulad ng pagkuha ng mga sanga na pinutol ng isang tao mula sa ligaw na puno ng olibo—isang puno na kusang tumubo kahit na walang nagtanim nito—at salungat sa karaniwang ginagawa ng mga tao, idinudugtong sila sa mabuting puno ng olibo. Kaya handang tanggapin ng Diyos pabalik ang mga Judio dahil sila ay pag-aari niya noon! Iyan ay tulad ng pagdurugtong ng mga tunay na sanga na pinutol ng isang tao, pabalik sa puno ng olibo na dati nilang kinabibilangan!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Mga hindi Judio na kapwa kong mananampalataya, talagang nais kong maintindihan ninyo ang lihim na katotohanang ito, upang hindi kayo mag-isip na alam ninyo ang lahat: Maraming Israelita ang magpapatuloy sa pagiging matigas hanggang sa sumampalataya kay Jesus ang lahat ng hindi Judio na pinili ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 At pagkatapos, ililigtas ng Diyos ang lahat ng mga tao ng Israel. At magkakatotoo ang mga salitang ito sa kasulatan: "Ang magpapalaya sa kaniyang mga tao ay manggagaling sa kinaroroonan ng Diyos sa mga Judio. Patatawarin niya ang mga kasalanan ng mga Israelita."
|
||
|
\v 27 At gaya ng sinabi ng Diyos, "Sa pamamagitan ng kasunduang gagawin ko kasama nila, patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Dahil hindi tinanggap ng mga Judio ang magandang balita tungkol kay Cristo, itinuring sila ng Diyos bilang mga kaaway, at nakatulong ito sa inyong mga hindi Judio. Ngunit dahil sila ang mga taong pinili ng Diyos, mahal pa rin sila ng Diyos dahil sa kaniyang ipinangakong gagawin niya para sa kanilang mga ninuno.
|
||
|
\v 29 Mahal niya pa rin sila, dahil hindi niya binabago ang kaniyang isip tungkol sa kaniyang ipinangakong ibibigay niya sa kanila, at tungkol sa kung paano niya sila tinawag na maging kaniyang mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Kayong mga hindi Judio ay minsang sumuway sa Diyos, ngunit ngayon ay naging mahabagin siya sa inyo dahil sinuway siya ng mga Judio.
|
||
|
\v 31 Ganoon din, ngayon sinuway nila ang Diyos. Ang kalalabasan ay sa parehong paraan na naging mahabagin siya sa inyo, magiging mahabagin din ulit siya sa kanila.
|
||
|
\v 32 Inihayag at pinatunayan ng Diyos na ang lahat ng tao, Judio at hindi Judio ay sumuway sa kaniya. Inihayag niya iyon dahil nais niyang maging mahabagin sa ating lahat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Namamangha ako kung gaano kadakila ang mga karunungang ginawa ng Diyos at ang kaniyang nalalaman! Walang makakaunawa o makakabatid sa mga ito nang lubos.
|
||
|
\v 34 Naaalala ko ang sinasabi ng mga kasulatan, "Wala pang nakaalam sa iniisip ng Panginoon. Wala pang nakapayo sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 At, "Wala pang nakapagbigay ng anuman sa Diyos na kailangan siyang gantimpalaan ng Diyos."
|
||
|
\v 36 Ang Diyos ang lumikha ng lahat ng mga bagay. Siya rin ang nagpapanatili sa lahat ng mga bagay. Ginawa niya sila upang siya ay purihin nila. Nawa ay purihin siya ng lahat ng tao magpakailanman! Nawa ay mangyari ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 12
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, sapagkat naging mahabagin ang Diyos sa inyo sa maraming paraan, nakikiusap ako sa inyong lahat na ihandog ninyo ang inyong mga sarili gaya ng isang buhay na alay, alay na sa Diyos ninyo lamang ibinibigay at nakalulugod sa kaniya. Ito lamang ang tanging tamang paraan ng pagsamba sa kaniya.
|
||
|
\v 2 Huwag ninyong hayaan na turuan kayo ng mga hindi mananampalataya kung paano kumilos. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang paraan ng inyong pag-iisip at palagi ninyo itong baguhin, upang malaman ninyo ang nais niyang gawin ninyo, upang malaman ninyo kung paano kumilos sa mga paraang kalugod-lugod sa kaniya, sa paraang siya mismo ang kumikilos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Dahil itinakda ako ng Diyos na may kagandahang-loob upang maging apostol niya, na hindi ako karapat-dapat para dito, sinasabi ko ito sa bawat isa sa inyo: Huwag ninyong isiping kayo ay mas mabuti kaysa kung ano talaga kayo. Sa halip, isipin ninyo ang inyong mga sarili sa makatwirang paraan, na tulad sa paraang pinayagan kayo ng Diyos na magtiwala sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Kahit na may iisang katawan ang tao, binubuo ito ng maraming bahagi. Mahalaga ang lahat ng mga bahagi sa katawan, ngunit hindi lahat ay may pare-parehong gawain.
|
||
|
\v 5 Gaya rin sa atin, kahit na marami tayo, tayo ay nagkaisa sa isang pangkat dahil pinag-isa tayo kay Cristo, at kabilang tayo sa isa't isa. Kaya walang dapat umasal na parang siya ay mas mahalaga kaysa sa iba!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sa halip, dahil ang bawat isa sa atin ay nakagagawa ng iba't ibang mga bagay dahil ginawa tayong magkakaiba ng Diyos, kailangan nating gawin ang mga ito nang masigasig at may kagalakan! Ang mga nasa atin na binibigyan ng Diyos ng mga mensahe para sa iba ay dapat magsalita sa paraang gaya ng pagtitiwala natin sa Diyos.
|
||
|
\v 7 Ang mga binigyan ng Diyos ng kakayahang maglingkod ay dapat gawin ito. Ang mga binigyan ng Diyos ng kakayahang magturo ng kaniyang katotohanan ay dapat gawin ito.
|
||
|
\v 8 Ang mga binigyan ng Diyos ng kakayahang magpalakas ng loob ng iba ay dapat gawin ito nang buong puso. Ang mga binigyan ng Diyos ng kakayahang magbigay sa iba ay dapat gawin ito nang walang pagpipigil. Ang mga binigyan ng Diyos ng kakayahang mamahala sa iba ay dapat gawin ito, at gawin ito nang may pag-iingat. Ang mga binigyan ng Diyos ng kakayahang tumulong sa mga nangangailangan ay dapat gawin ito nang may kagalakan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Dapat ninyong mahalin ang mga tao nang tapat! Kamuhian ninyo ang masama! Ipagpatuloy ninyong gawin nang masigasig ang mga itinuturing ng Diyos na mabuti!
|
||
|
\v 10 Mahalin ninyo ang isa't isa gaya ng ginagawa ng mga bahagi ng pamilya; at tungkol sa paggalang sa isa't isa, kayo dapat ang maunang gumawa nito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Huwag maging tamad. Sa halip, maging masigasig na maglingkod sa Diyos! Maging masigla habang naglilingkod kayo sa Panginoon!
|
||
|
\v 12 Magsaya kayo dahil naghihintay kayo nang may katiyakan sa gagawin ng Diyos sa inyo! Kapag nagdurusa kayo, maging matiyaga! Magpatuloy kayong manalangin at huwag kayong susuko kailanman!
|
||
|
\v 13 Kung sinuman sa mga tao ng Diyos ang nagkukulang ng anuman, ibahagi ninyo sa kanila ang kung anong mayroon kayo! Laging maging handang kumalinga sa mga mananampalatayang naglalakbay at nangangailangan ng matutuluyan!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Hilingin ninyo sa Diyos na maging mabait sa mga nang-aapi sa inyo dahil sumasampalataya kayo kay Jesus! Hilingin ninyo sa kaniya na maging mabait sa kanila; huwag ninyong hilingin sa kaniya na gumawa siya ng masama sa kanila.
|
||
|
\v 15 Kung may masaya, makipagsaya rin kayo! Kung may malungkot, maging malungkot din kayo!
|
||
|
\v 16 Naisin din ninyo sa iba ang ninanais ninyo para sa inyong mga sarili. Huwag kayong maging mayabang sa inyong pag-iisip; sa halip, makipagkaibigan kayo sa mga taong parang hindi mahalaga. Huwag ninyong isipin na marunong kayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Huwag kayong gumawa ng masasama sa sinumang nakagawa ng masama sa inyo. Kumilos kayo sa paraang malalaman ng lahat ng mga tao na ito ay mabuti!
|
||
|
\v 18 Mamuhay nang mapayapa sa ibang mga tao hangga't maaari, hanggang sa kaya mong pamahalaan ang mga pangyayari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Mga kapwa kong mananampalataya na aking minamahal, huwag gumanti ng masama kapag gumawa ng masama ang mga tao sa inyo! Sa halip, hayaan ninyong ang Diyos ang magparusa sa kanila. Sinasabi ng mga kasulatan, "Ako ang gaganti sa mga gumagawa ng masama. Karapatan kong gumanti sa kanila,' sinasabi ng Panginoon."
|
||
|
\v 20 Sa halip na gumawa ng masama sa mga gumawa ng masama sa inyo, sundin ninyo ang itinuturo ng mga kasulatan: "Kung nagugutom ang iyong mga kaaway, pakainin mo sila! Kung nauuhaw sila, bigyan mo sila ng maiinom. Sa paggawa niyan, binibigyan mo sila ng dahilan upang mahiya at marahil ay baguhin nila ang kanilang pakikitungo sa iyo."
|
||
|
\v 21 Huwag ninyong hayaang daigin kayo ng masasamang ginawa ng iba sa inyo. Sa halip, gawan ninyo sila ng mas mabuti kaysa sa ginawa nila sa inyo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 13
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kailangan sumunod ang bawat mananampalataya sa mga opisyal ng gobyerno. Tandaan ninyo na ang Diyos lamang ang nagbibigay sa mga opisyal ng kanilang kapangyarihan. Dagdag pa rito, ang mga opisyal na iyon na namamahala ay itinalaga ng Diyos.
|
||
|
\v 2 Kaya kung sinuman ang lumalaban sa mga opisyal ay lumalaban sa kung ano ang itinatag ng Diyos. Dagdag pa rito, ang mga lumalaban sa mga opisyal ay makatatanggap ng parusa mula sa mga opisyal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinasabi ko ito, sapagkat hindi tinatakot ng mga pinuno ang mga taong gumagawa ng mabuti. Sa halip, sila ang dahilan upang matakot ang mga taong gumagawa ng masama. Kung kaya kung sinuman sa inyo ang gumagawa ng mabuti, pupurihin ka nila sa halip na parusahan ka!
|
||
|
\v 4 Naririyan ang lahat ng mga opisyal upang maglingkod sa Diyos, nang sa gayon ay matulungan nila ang bawat isa sa inyo. Kung sinuman ang gumagawa ng masama, dapat talagang matakot kayo sa kanila. Naririyan ang mga opisyal upang maglingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga gumagawa ng masama.
|
||
|
\v 5 Kaya, kinakailangan na sumunod kayo sa mga opisyal, hindi lamang dahil parurusahan nila kayo kung susuway kayo sa kanila, ngunit dahil alam din ninyo mismo sa inyong mga sarili na dapat kayong magpasailalim sa kanila!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ito ang dahilan kung bakit nagbabayad din kayo ng buwis, dahil ang mga opisyal ang siyang naglilingkod sa Diyos habang patuloy nilang ginagawa ang kanilang trabaho.
|
||
|
\v 7 Ibigay ninyo sa lahat ng mga opisyal ang dapat sanang ibibigay ninyo sa kanila! Magbayad kayo ng buwis sa mga taong nag-aatas na magbayad kayo ng mga buwis. Magbayad kayo para sa mga bagay na dapat bayaran. Igalang ninyo ang mga dapat ninyong igalang. Parangalan ninyo ang mga dapat ninyong parangalan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Bayaran ninyo ang lahat ng inyong mga utang kapag dapat ninyo talaga itong bayaran. Ang isang bagay lamang na parang isang utang na hindi ninyo dapat tigilang bayaran ay ang mahalin ang isa't isa. Ang sinumang nagmamahal sa iba ay tumupad sa lahat ng iniuutos ng Diyos sa kaniyang kautusan.
|
||
|
\v 9 May maraming bagay na iniutos ang Diyos sa kaniyang kautusan, tulad ng huwag mangangalunya, huwag papatay ng sinuman, huwag magnakaw, at huwag magnasa ng anumang bagay na pag-aari ng ibang tao. Ngunit maaari nating pagsama-samahin ang kahulugan ng lahat ng kautusan sa pangungusap na ito: "Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili."
|
||
|
\v 10 Kung mahal mo ang lahat ng nakapaligid sa iyo, wala kang sasaktan. Kaya sinuman ang nagmamahal sa iba ay tumutupad sa lahat ng iniuutos ng kautusan ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Gawin ninyo ang sinabi ko sa inyo, lalo na dahil alam ninyo kung gaano kahalaga ang panahon kung saan tayo nabubuhay ngayon. Alam ninyo na oras na upang kayo ay maging lubusang alerto at gising, tulad ng mga taong nagising mula sa pagkakatulog, sapagkat ang panahon kung kailan tayo lubusang ililigatas ni Cristo mula sa mga kasalanan ng mundong ito at mula sa kapighatian ay malapit na. Mas nalalapit na ang panahon ngayon kaysa noong una tayong nanampalataya kay Cristo.
|
||
|
\v 12 Malapit nang matapos ang panahon natin sa mundong ito, tulad ng gabi na malapit nang matapos. Ang panahon na babalik si Cristo ay malapit na. Kaya kinakailangan nating tumigil sa paggawa ng mga masasamang gawain na gustong gawin ng mga tao sa gabi, at dapat ginagawa natin ang mga bagay na makakatulong sa atin na labanan ang kasamaan, gaya ng mga kawal na nagsusuot ng kanilang mga baluti sa araw upang maghanda na lumaban sa kanilang mga kaaway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Dapat tayong kumilos nang tama, na parang ang oras ng pagbabalik ni Cristo ay narito na. Hindi tayo dapat malasing at gumawa ng mga masasamang bagay sa iba. Huwag tayong gumawa ng anumang uri ng sekswal na immoralidad o mahalay na gawain. Huwag tayong makipag-away. Huwag tayong magselos sa ibang tao.
|
||
|
\v 14 Bagkus dapat tayong maging katulad ng Panginoong Jesu-Cristo nang sa gayon ay makita ng iba kung ano ang katulad niya. Dapat ninyong itigil ang pagnanais na gumawa ng mga bagay na ninanais ng inyong dating masamang pagkatao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 14
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tanggapin ninyo ang mga hindi nakatitiyak kung sila ba ay papayagan ng Diyos na gumawa ng mga bagay na iniisip ng ibang tao na mali. Ngunit kapag tatanggapin ninyo sila, huwag kayong makipagtalo sa kanila tungkol sa kanilang iniisip. Pansariling opinyon lamang ang mga katanungang ito.
|
||
|
\v 2 Naniniwala ang ilang mga tao na maari nilang kainin ang lahat ng uri ng pagkain. Naniniwala naman ang iba na may mga pagkain na hindi ninanais ng Diyos na kainin nila, kaya naniniwala sila na gulay lamang ang maaari nilang kainin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ang sinumang nag-iisip na maaaring kainin ang lahat ng uri ng pagkain ay hindi dapat hamakin ang mga taong hindi ganoon ang pag-iisip. Hindi dapat hatulan ng mga taong nag-iisp na maaaring kainin ang lahat ng uri ng pagkain ang mga taong hindi ganoon ang pag-iisip, dahil tinanggap ng Diyos ang ganoong mga tao.
|
||
|
\v 4 Ang Diyos ang panginoon nating lahat, kaya siya ang magpapasya kung nakagawa ng mali ang mga taong iyon! Walang sinuman ang dapat humatol sa iba sa mga bagay na ito, sapagkat napapanatili sila ng Panginoon na tapat sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Itinuturing ng ilan na may mga araw na mas banal kaysa sa ibang mga araw. Itinuturing ng ilan na lahat ng araw ay angkop sa pagsamba sa Diyos. Dapat na buo ang paniniwala ng bawat isa tungkol sa mga bagay na ito, nag-iisip at nagpapasya para sa kaniyang sarili at hindi para sa iba.
|
||
|
\v 6 Para sa mga nanampalataya na naniniwala na dapat silang sumamba sa mga piling araw sa buong linggo, sumasamba sila sa araw na iyon upang parangalan ang Panginoon. At para sa mga nag-iisip na maaaring kainin ang lahat ng uri ng pagkain, kinakain nila ang mga pagkaing iyon upang parangalan ang Panginoon, dahil nagpapasalamat sila sa Diyos para sa kanilang pagkain. Para naman sa mga taong hindi kumakain ng ilang uri ng pagkain, hindi nila kinakain ang mga pagkaing iyon upang parangalan ang Panginoon, at nagpapasalamat din sila sa Diyos sa mga pagkaing kanilang kinakain. Kaya hindi mali ang mga taong ito, kahit iba ang kanilang pag-iisip.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Wala sa atin ang dapat mabuhay para lamang pasayahin ang ating mga sarili, at wala sa atin ang dapat mag-isip na kung mamamatay tayo, tayo lamang ang maaapektuhan nito.
|
||
|
\v 8 Habang nabubuhay tayo, ang Panginoon ang nagmamay-ari sa atin at siyang dapat nating palugurin, at hindi lamang ang ating mga sarili. At kapag mamamatay tayo, ang Panginoon ang dapat nating palugurin. Kaya, habang nabubuhay tayo at gayon din kapag mamamatay tayo, dapat nating subukan na palugurin ang Panginoon, sapagkat pag-aari niya tayo.
|
||
|
\v 9 Sapagkat namatay si Cristo at muling nabuhay upang maging Panginoon na kinakailangang sundin ng lahat ng tao, ang mga buhay at ang mga patay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kahiya-hiya na kayong mga sumusunod sa ilang mga alituntunin ay nagsasabi na paparusahan ng Diyos ang kapwa ninyo mananampalataya na hindi sumusunod sa mga ito. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang bawat isa sa atin.
|
||
|
\v 11 Alam natin ito sapagkat nasusulat sa Kasulatan: "Yuyuko ang lahat sa aking harapan! At pupurihin ako ng lahat ng tao."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kaya alam natin na ang Diyos ang magpapasya kung sasang-ayunan niya ang ginawa ng bawat isa.
|
||
|
\v 13 Yamang ang Diyos ang hahatol sa bawat isa, dapat nating itigil ang pagsasabi na dapat parusahan ng Diyos ang ilan sa ating mga kapwa mananampalataya! Sa halip, dapat kayong magpasya na kayo ay hindi kailanman magiging sanhi ng pagkakasala ng inyong kapatid o ng paghinto nila na magtiwala kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Dahil nakiisa ako sa Panginoong Jesus, lubos akong nakatitiyak na walang pagkain ang maruming kainin. Ngunit kung iniisip ng mga tao na masamang kainin ang isang bagay, para sa kanila masama na kainin nila ito. Kaya dapat huwag ninyo silang hikayatin na kainin ito.
|
||
|
\v 15 Kung kakainin mo ang pagkain na iniisip ng iyong kapwa mananampalataya na masamang kainin, maaaring ikaw ang maging dahilan upang hindi na siya sumunod sa Diyos. Nawawala na ang pagmamahal mo sa kaniya. Huwag kang maging dahilan upang tumigil ang iyong kapwa mananampalataya na magtiwala kay Cristo. Namatay din naman si Cristo para sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Gayundin, huwag kang gumawa ng bagay na itinuturing ng iyong kapwa mananampalataya na masama, kahit iniisip mong ito ay mabuti.
|
||
|
\v 17 Kapag pinapamahalaan ng Diyos kung paano tayo mabuhay, hindi niya iniisip kung ano ang ating kinakain at iniinom. Sa halip, iniisip niya kung sinusunod ba natin siya, magkaroon kayo ng kapayapaan sa bawat isa, at magalak dahil sa Banal na Espiritu.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Nalulugod ang Diyos sa mga naglilingkod kay Cristo na kumikilos sa ganitong pamamaraan, at igagalang din sila ng iba.
|
||
|
\v 19 Kaya dapat lagi tayong masigasig na mamuhay sa paraan na nagdudulot ng kapayapaan sa mga kapwa Kristiyano, at dapat nating subukang gawin ang anumang makakatulong sa iba upang magtiwala at sumunod kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Huwag mong sirain kung paano tinulungan ng Diyos ang sinumang mananampalataya, dahil lamang may pagkaing gusto mong kainin. Totoo na pinahihintulutan tayo ng Diyos na kainin ang lahat ng uri ng pagkain. Ngunit kung kakainin mo ang isang bagay na iniisip ng ibang mananampalataya na masamang kainin, kung gayon hinihikayat mo siyang gawin ang iniisip niyang mali.
|
||
|
\v 21 Hindi mabuti na kumain kayo ng karne o uminom ng alak, o gumawa ng anumang bagay sa anumang oras kung ito ay magdudulot ng pagtigil ng kapwa mo mananampalataya sa pagtitiwala sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Hayaan mong sabihin ng Diyos sa iyo ang mga bagay na karapat-dapat mong gawin, ngunit huwag mong pilitin ang iba na tanggapin kung ano ang iyong pinapaniwalaan. At paluluguran mo ang Diyos kung wala kang alinlangan tungkol sa iyong pananalig sa kung ano ang tama o maling gawin.
|
||
|
\v 23 Ngunit natatakot ang ibang mananampalataya na hindi malulugod ang Diyos kung kakainin nila ang kahit na anong uri ng pagkain. At sa katunayan, sasabihin niya na gumawa sila ng mali, kung hindi nila ginagawa ang pinaniniwalaan nilang tama. Kung gagawa tayo ng anumang bagay na hindi tayo nakatitiyak kung ito ba ay sinasang-ayunan ng Diyos, nagkakasala tayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 15
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tayong mga mananampalataya na nakatitiyak na pinapahintulutan tayo ng Diyos na gumawa ng marami mga bagay kaysa sa iniisip ng ibang mga mananampalataya na ipinapahintulot ng Diyos na gawin nila—dapat tayong maging matiyaga sa kanila at hayaan silang abalahin tayo. Mas mahalaga ito kaysa sa pagbibigay lugod natin sa ating mga sarili.
|
||
|
\v 2 Dapat gawin ng bawat isa sa atin ang mga bagay na nagbibigay lugod sa ating mga kapwa mananampalataya, at ang mga bagay na makatutulong sa kanila, mga bagay na makahihikayat sa kanila na magtiwala kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Dapat nating bigyang lugod ang ating mga kapwa mananampalataya, yamang nagbigay sa atin ng halimbawa si Cristo. Hindi siya gumawa ng mga bagay na magbibigay lugod sa kaniyang sarili. Bagkus, sinubukan niyang bigyang lugod ang Diyos kahit na inalipusta siya ng iba. Gaya ng sinasabi sa Kasulatan: "Kapag inilipusta ka ng ibang tao, parang inaalipusta na rin nila ako."
|
||
|
\v 4 Tandaan na ang lahat ng mga bagay na nakasulat sa mga Kasulatan ay nasusulat upang turuan tayo, upang maging matiyaga tayo sa paghihirap. Sa paraang ito, hihikayatin tayo ng Kasulatan na umasa na gagawin ng Diyos ang lahat ng kaniyang ipinangako.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ang Diyos ang nagbibigay kakayahan sa atin upang tayo ay maging matiyaga at ang nagpapalakas ng ating loob. Hilingin ninyo sa kaniya na bigyan niya kayo ng kakayahan na makapamuhay nang mapayapa sa isa't isa, na ginagawa ang mga ginawa ni Cristo Jesus.
|
||
|
\v 6 Kung gagawin ninyo ito, kayong lahat ay sama-samang magpupuri sa Diyos, ang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
|
||
|
\v 7 Kaya sinasabi ko sa inyong lahat na mananampalataya sa Roma, tanggapin ninyo ang isa't isa. Kung gagawin ninyo iyan, papupurihan ng mga tao ang Diyos dahil nakikita nila kayong kumikilos na parang si Cristo. Tanggapin ninyo ang isa't isa tulad ng pagtanggap ni Cristo sa inyo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Gusto kong tandaan ninyo na tinulungan ni Cristo ang mga Judio na malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos. Ang katotohanang iyon ay dumating siya upang magkatotoo ang lahat ng ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno na gagawin niya.
|
||
|
\v 9 Ngunit dumating din siya upang tulungan ang mga hindi Judio, upang papurihan nila ang Diyos sa pagpapakita ng awa sa kanila. Tinupad ng kaniyang ginawa ang nakasulat sa mga kasulatan na sinabi ni David sa Diyos: "Kaya papupurihan kita sa gitna ng mga hindi Judio; aawit ako at magpupuri sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Isinulat din ni Moises, "Kayong mga hindi Judio, makigalak kayo sa amin, na mga tao ng Diyos."
|
||
|
\v 11 At isinulat ni David sa kasulatan, "Purihin ninyo ang Panginoon, lahat kayong mga hindi Judio; nawa ay purihin siya ng lahat."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 At isinulat ni Isaias sa Kasulatan, "Magkakaroon ng kaapu-apuhan mula sa lahi ni Haring David na mamumuno sa mga hindi Judio. Lubos silang magtitiwala na tutuparin niya ang kaniyang ipinangako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng katiyakan na gagawin niya ang kaniyang ipinangako. Ipinagdarasal ko na gawin niya kayong ganap na maligaya at mapayapa habang nagtitiwala kayo sa kaniya. Habang ginagawa ninyo iyon, bibigyan kayo ng kakayahan ng Banal na Espiritu na lalo pa kayong magkaroon ng katiyakan na matatanggap ninyo ang ipinangako ng Diyos sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Mga kapwa ko mananampalataya, ako mismo ay lubos na nakatitiyak na kayo mismo ay nakikitungo sa ibang tao sa mabuting paraan. Ginawa ninyo iyon dahil alam ninyo ang lahat ng gusto ng Diyos na malaman ninyo at dahil natuturuan ninyo ang bawat isa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Gayunman, hayagan kong isinulat sa liham na ito ang tungkol sa ilang mga bagay upang ipaalala sa inyo ang tungkol sa mga ito. Isinulat ko ito dahil ginawa akong isang apostol ng Diyos, kahit na hindi ako karapat-dapat para dito.
|
||
|
\v 16 Ginawa niya ito upang kumilos ako para kay Jesu-Cristo kasama ng mga hindi Judio. Itinalaga ako ng Diyos upang kumilos na gaya ng isang pari habang inihahayag ko ang kaniyang magandang balita, nang sa gayon ay matanggap niya ang mga hindi Judio na nananampalataya kay Cristo. Sila ay magiging tulad ng isang handog na ganap na ibinukod ng Banal na Espiritu para lamang sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kung kaya, dahil sa aking ugnayan kay Cristo Jesus, masaya ako sa aking gawain para sa Diyos.
|
||
|
\v 18 Matapang akong magsalita tungkol lamang sa mga gawaing ibinigay sa akin ng Diyos. Ginagawa ko ang gawaing iyon upang makinig ang mga hindi Judio sa mensahe tungkol kay Cristo—
|
||
|
\v 19 lalo na sa paggawa ko ng maraming makapangyarihang gawa at ibang mga bagay na nakapagpapamangha sa mga tao. Ginawa ko ang mga bagay na iyon sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos. Sa paraang ito, nakapaglakbay ako paikot mula sa Jerusalem hanggang sa probinsya ng Ilirico at nakumpleto ko ang aking gawain ng pagpapahayag ng mensahe tungkol kay Cristo sa mga lugar na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Habang inihahayag ko ang mensaheng iyon, palagi akong nasasabik na subukang ihayag ito sa mga lugar kung saan hindi pa naririnig ng mga tao ang tungkol kay Cristo. Ginagawa ko iyon upang hindi ko lamang basta ipinagpapatuloy ang gawain na sinimulan na ng iba. Hindi ko gustong maging katulad ng isang taong nagtatayo ng isang bahay sa pundasyon ng iba.
|
||
|
\v 21 Bagkus, nagtuturo ako sa mga hindi Judio, upang kung ano ang mangyari ay maging kagaya ng kung ano ang nakasulat: "Ang mga taong hindi pa nakakarinig ng tungkol kay Cristo, makikita nila siya. Ang mga taong hindi pa naririnig ang tungkol sa kaniya ay maiintindihan ang tungkol sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Dahil sinubukan kong ipangaral ang mensahe tungkol kay Cristo sa mga lugar kung saan hindi pa naririnig ng mga tao ang tungkol sa kaniya, maraming beses akong napigil na pumunta upang bisitahin kayo.
|
||
|
\v 23 Ngunit ngayon, wala ng lugar sa mga rehiyon na ito kung saan ang mga tao ay hindi pa nakakarinig ng tungkol kay Cristo. At saka, ilang taon ko nang ninanais na bisitahin kayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Kaya umaasa akong makakapunta ako sa Espanya, at umaasa akong tutulungan ninyo ako sa aking paglalakbay. Gusto ko ring huminto ng sandali sa aking paglalakbay upang magsaya kasama kayo.
|
||
|
\v 25 Ngunit hindi ko kayo maaaring bisitahin sa ngayon, dahil papunta ako sa Jerusalem upang kunin ang pera para sa mga tao ng Diyos doon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Nagpasya ang mga mananampalataya sa mga probinsya ng Macedonia at Acaya na magbigay ng pera upang tulungan ang mga mananampalataya sa Jerusalem, mga tao ng Diyos, na mahihirap.
|
||
|
\v 27 Sila mismo ang nagpasyang gawin ito, ngunit talagang may utang na loob sila sa mga tao ng Diyos sa Jerusalem. Nakinabang sa pangespiritwal ang mga hindi Judiong mananampalataya mula sa mga mananampalatayang Judio dahil narinig nila ang mensahe tungkol kay Cristo mula sa kanila, kaya ang mga hindi Judio ay dapat ding tumulong sa mga mananampalatayang Judio sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga materyal na bagay sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Kapag natapos ko ang gawain ng pagdadala ng lahat ng pera na ibinigay ng mga mananampalataya sa Macedonia at Acaya, lilisanin ko ang Jerusalem at bibisitahin kayo sa Roma habang ako ay papunta sa Espanya.
|
||
|
\v 29 At alam ko na kapag binisita ko kayo, labis tayong pagpapalain ni Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Dahil kabilang tayo sa Panginoong Jesu-Cristo at dahil sa Espiritu ng Diyos dahilan para ating mahalin ang isa't isa, pinapakiusapan ko kayong lahat na tulungan ako sa pamamagitan ng taimtim na pananalangin sa Diyos para sa akin.
|
||
|
\v 31 Ipanalangin ninyo na pangangalagaan ako ng Diyos mula sa mga hindi nananampalatayang Judio habang ako ay nasa Judea. At ipanalangin ninyo na masayang tatanggapin ng mga mananampalataya sa Jerusalem ang pera na dadalhin ko sa kanila.
|
||
|
\v 32 Ipanalangin ninyo ang mga bagay na ito nang sa gayon ay malugod ang Diyos sa aking pagpunta sa inyo at nang ako ay maaaring makapagpahinga kasama ninyo— at kayo ay makapagpahinga kasama ko—nang ilang sandali.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Ipinapanalangin ko na ang Diyos, na nagbibigay sa atin ng kapayapaan ay sumainyo at tulungan kayo. Nawa ay mangyari ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 16
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sa pamamagitan ng liham na ito, ipinapakilala at itinatagubilin ko sa inyo ang ating kapwa mananampalataya na si Febe, na magdadala ng liham na ito sa inyo. Siya ay isang lingkod sa kapulungan sa lungsod ng Cencrea.
|
||
|
\v 2 Ipinapakiusap ko na tanggapin ninyo siya dahil lahat kayo ay nakiisa sa Panginoon. Dapat ninyong gawin iyon dahil nararapat na tanggapin ng mga tao ng Diyos ang kanilang kapwa mananampalataya. Ipinapakiusap ko rin na tulungan ninyo siya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng kaniyang mga pangangailangan, dahil marami na siyang taong tinulungan, kasama na ako doon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sabihin ninyo kay Priscila at sa kaniyang asawang si Aquila na binabati ko sila. Kasama ko silang gumawa para kay Cristo Jesus,
|
||
|
\v 4 at handa silang mamatay para sa akin. Pinasasalamatan ko sila, at pinasasalamatan din sila ng mga kongregasyon ng mga hindi Judio sa pagliligtas ng aking buhay.
|
||
|
\v 5 Sabihin niyo rin sa kongregasyon na nagtitipon sa kanilang bahay na binabati ko sila. Sabihin niyo rin ito sa aking minamahal na kaibigang si Epeneto. Siya ang unang tao sa probinsya ng Asia na nanampalataya kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sabihin ninyo kay Maria, na matiyagang gumawa para kay Cristo upang matulungan kayo, na ipinaaabot ko ang pagbati ko sa kaniya.
|
||
|
\v 7 Sabihin ninyo rin ito kay Andronico at sa kaniyang asawang si Junia, mga kapwa Judio, na nakasama ko sa bilangguan. Kilalang kilala sila sa mga apostol at naging Kristiyano sila bago ako.
|
||
|
\v 8 Ipinaaaabot ko din ang aking pagbati kay Ampliato, na minamahal na kaibigan at nakiisa sa Panginoon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ipinapaabot ko din ang aking pagbati kay Urbano, na gumagawa para kay Cristo kasama natin, at sa aking minamahal na kaibigang si Estaquis.
|
||
|
\v 10 Ipinaaabot ko din ang aking pagbati kay Apeles, na siyang sinang-ayunan ni Cristo dahil matagumpay niyang napagtiisan ang mga pagsubok. Sabihin ninyo sa mga mananampalatayang naninirahan sa bahay ni Aristobulo na ipinapaabot ko ang aking pagbati sa kanila.
|
||
|
\v 11 Sabihin din ninyo kay Herodion, na kapwa ko Judio, na ipinapaabot ko ang aking pagbati sa kaniya. Sabihin din ninyo ito sa mga naninirahan sa bahay ni Narciso, ang mga kabilang sa Panginoon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sabihin din ninyo ito kay Trifena at sa kapatid niyang si Trifosa, na matiyagang gumawa para sa Panginoon. Ipinapaabot ko din ang aking pagbati kay Persida. Kaming lahat ay nagmamahal sa kaniya, at matiyaga siyang gumawa para sa Panginoon.
|
||
|
\v 13 Pakisabi kay Rufo, na isang tanyag na Kristiyano, na ipinapaabot ko ang aking pagbati sa kaniya. Pakisabi rin ito sa kaniyang ina, na itinuring ako na para niyang tunay na anak.
|
||
|
\v 14 Pakisabi kay Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at sa mga kapwa mananampalataya na nakikipagkita sa kanila na ipinapaabot ko ang aking pagbati sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ipinapaabot ko rin ang aking pagbati kay Filologo, sa kaniyang asawang si Julia, kay Nereo at sa kaniyang kapatid na babae, at kay Olimpas at sa lahat ng tao ng Diyos na nakikipagkita sa kanila.
|
||
|
\v 16 Magiliw ninyong batiin ang isa't-isa sa dalisay na paraan, kapag nagtipon-tipon kayo. Binabati kayo ng mga mananampalataya sa lahat ng mga kapulungan na nakiisa kay Cristo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Mga kapwa kong mananampalataya, sinasabi ko sa inyo na dapat kayong maging maingat sa mga taong nagiging dahilan ng pagkakabaha-bahagi sa inyo at sa mga nagpapalayo ng mga tao sa Diyos. Layuan ninyo ang ganoong mga tao!
|
||
|
\v 18 Hindi sila naglilingkod sa ating Panginoong Cristo! Bagkus, gusto lamang nilang masiyahan ang kanilang mga pansariling nais. Nililinlang nila ang mga taong hindi nakakaintindi na nagtuturo sila ng mga maling katuruan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Alam ng mga mananampalataya sa lahat ng dako na sinunod ninyo ang sinasabi ni Cristo sa magandang balita. Kaya nagagalak ako tungkol sa inyo. Ngunit nais ko kayong maging maging matalino upang magawa ninyo kung ano ang mabuti. Nais ko ring iwasan ninyo ang paggawa ng masama.
|
||
|
\v 20 Kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, dudurugin ng Diyos, na nagbibigay sa atin ng kapayapaan, si Satanas sa ilalim ng iyong mga paa sa madaling panahon! Ipinapanalangin ko na ang ating Panginoong Jesus ay patuloy na maging mabuti sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Nais ni Timoteo, na kasama kong gumagawa, at ni Lucio, Jason, at Sosipatro, na aking mga kapwa Judio, na malaman ninyo na ipinapaabot nila ang kanilang pagbati sa inyo.
|
||
|
\v 22 Ako, si Tercio, na kabilang sa Panginoon, ay nais ring malaman ninyo na ipinapadala ko ang aking pagbati sa inyo. Isinusulat ko ang liham na ito habang sinasabi sa akin ni Pablo kung ano ang aking isusulat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23-24 Ako, si Pablo, ay tumutuloy sa bahay ni Gaius, at ang buong kapulungan dito ay nagtitipon sa bahay niya. Nais niya ring malaman ninyo na ipinaparating niya ang kaniyang pagbati sa inyo. Si Erasto, na siyang namamahala sa pera ng lungsod, ay ipinaparating din ang kaniyang pagbati sa inyo kasama ng ating kapatid na si Cuatro.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Habang ininahayag ko ang magandang balita tungkol kay Jesu-Cristo, sinasabi ko ang tungkol sa Diyos, ang nagpapalakas sa inyo ng pang-espiritwal. Inihahayag ko rin ang katotohanan na hindi inihayag ng Diyos sa anumang panahon bago ang ating panahon.
|
||
|
\v 26 Ngayon, gayunman, ipinaalam niya ito ayon sa paraang sinasabi ng kasulatan na mangyayari. Ginawa niya ito nang sa gayon ang lahat ng tao sa lahat ng lahi sa mundo ay maniwala kay Cristo at sumunod sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Ninanais ko na sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, nawa ay purihin natin ang nag-iisang Diyos, ang nag-iisang tunay na matalino. Mangyari nawa ito!
|