222 lines
23 KiB
Plaintext
222 lines
23 KiB
Plaintext
|
\id 1TI
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h 1 Timoteo
|
||
|
\toc1 1 Timoteo
|
||
|
\toc2 1 Timoteo
|
||
|
\toc3 1ti
|
||
|
\mt 1 Timoteo
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1-2 Ako, si Pablo, ay isinusulat ito para kay Timoteo. Ang Diyos na ating Tagapagligtas at si Cristo Jesus kung nasaan naroroon ang ating pagtitiwala sa hinaharap, at inutusan ako ni Cristo na maging isang apostol. Ikaw ay itinuturing kong tunay na anak, sapagkat dinala kita sa Panginoon. Nawa ay maging mabuti sa iyo ang Diyos Ama at Cristo Jesus na ating Panginoon, kaawaan ka at bigyan ka ng kapayapaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ang dahilan kung bakit nakikiusap ako sa iyo na manatili ka sa Efeso habang ako ay naglalakbay patungong Macedonia ay upang utusan mo ang ilang mga kalalakihan na huwag magtuturo ng iba sa kung ano ang itinuturo namin.
|
||
|
\v 4 At utusan sila na huwag silang mag-ukol ng panahon at pansin sa mga luma at walang kabuluhang mga kuwento at mga talaan ng mga ninuno na hindi kailanman tinigilan ng mga tao na isipin. Ang mga bagay na ito ay magiging dahilan ng mga pagtatalo-talo ng bawat isa, ngunit hindi ito nakakatulong sa kanila upang malaman ang plano ng Diyos na iligtas tayo--isang planong pinaniniwalaan natin sa pamamagitan ng pananampalataya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Sa halip, ang layunin na aming inuutos sa iyo na ituro ay ang mahalin ang Diyos mula sa isang pusong dalisay, mula sa isang mabuting budhi, at mula sa tapat na pananampalataya.
|
||
|
\v 6 Sinusubukang ihinto ng ilang mga kalalakihan na gawin ang mga magagandang bagay na ito; sa halip, ngayon nagsasabi sila ng mga bagay na walang kabuluhan.
|
||
|
\v 7 Nais nilang magturo ng tungkol sa kautusan, ngunit hindi nila ito nauunawaan. Ngunit ipinipilit nila na totoo ang kanilang mga itinuturo.
|
||
|
\v 8 Ngunit alam natin na ang kautusan ay mabuti kung alam natin itong gamitin na naayon sa kung ano ang sinasabi ng kautusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Alam natin na ang kautusan ay hindi ginawa para sa mga mabubuting tao, kundi ginawa upang pigilan ang mga suwail at mga taong hindi gumagalang sa Diyos, mga makasalanan, at sa mga lapastangan, para sa mga mamamatay tao at sa mga pumapatay ng kanilang sariling mga magulang.
|
||
|
\v 10 Ito rin ay ginawa upang pigilan ang mga nakikipagtalik sa parehong kasarian at sa mga taong gumagawa ng kahalayan, upang pigilan ang mga nangunguha ng tao upang ibenta bilang alipin, upang pigilan ang mga sinungaling at mga huwad na saksi sa hukuman, at pigilan ang anumang naiiba mula sa ating mabuti at malagong katuruan.
|
||
|
\v 11 Sumasang-ayon ang lahat ng mga ito sa kahanga-hangang ebanghelyo ng Diyos, na ating pinupuri, na itinuro sa atin, at pinagkakatiwalaan niya ako upang ipahayag ito sa iba.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Nagpapasalamat ako kay Cristo Jesus na ating Panginoon, dahil binigyan niya ako ng lakas upang maglingkod sa kaniya. Pinagkakatiwalaan din niya ako upang paglingkuran siya.
|
||
|
\v 13 Nang mga nakaraang panahon, inalipusta at inusig ko ang mga mananampalataya. Gumawa ako ng mga mararahas na mga gawain, ngunit kinahabagan ako ng Diyos dahil hindi ako naniniwala, at hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa.
|
||
|
\v 14 Lubos ang kabutihan ng Diyos sa akin, sapagkat binigyan niya ako ng kakayahan upang manampalataya kay Cristo Jesus at mahalin siya dahil iniugnay niya ako sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Dapat tanggapin ng bawat isa ang mga katotohanang ito, dahil ganap natin itong maaasahan: Dumating si Jesu-Cristo sa mundo upang iligtas ang mga makasalanan. Totoo na ako ang pinakamalala sa lahat ng mga makasalanan.
|
||
|
\v 16 Ngunit dahil ako ang pinakamalalang makasalanan, kinahabagan ako ng Diyos bago ang marami pang iba, upang kanilang makita kung gaano siya katiyaga. Matiyagang naghihintay ang Diyos upang magbigay ng buhay na walang hanggan sa mga taong maniniwala sa kaniya.
|
||
|
\v 17 Ang walang hanggang hari ay hindi maaaring makita, at hindi maaaring mamatay. Siya ang nag-iisang Diyos. Pararangalan siya at luluwalhatiin ng lahat ng tao magpakailanman. Amen.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Timoteo, na aking anak, inuutusan kita: alalahanin mo ang naipropesiya tungkol sa iyo ng ilang mga mananampalataya. Gawin mo ito nang sa gayon masunod mo ang mga bagay na iyon habang nagsisikap ka sa paggawa para sa Panginoon.
|
||
|
\v 19 Magtiwala ka sa Diyos at panatilihin mo ang iyong mabuting budhi. May ilang mga tao na hindi nagbibigay ng pansin sa kanilang mga budhi. Kaya ang nangyari sa kanilang pananampalataya ay pagkawasak.
|
||
|
\v 20 Sina Himeneo at Alejandro ay dalawang lalaking tulad nito. Ibinigay ko sila kay Satanas upang salakayin niya sila, upang matutunan nilang huwag hamakin ang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pinakamahalaga sa lahat, dahil mapanganib ang huwad na guro, hinihikayat ko ang lahat ng mananampalataya na humiling sa Diyos at manalangin sa kaniya na tulungan ang lahat ng tao, at pasalamatan siya para sa kanila.
|
||
|
\v 2 Manalangin para sa mga hari at sa lahat ng may kapangyarihan sa iba, upang makapamuhay tayo ng tahimik at mapayapa sa paraan na mapaparangalan natin ang Diyos at ang ibang tao.
|
||
|
\v 3 Nakikinig ang Diyos na nagligtas sa atin kapag nananalangin tayo gaya nito. Nakikita niyang mabuti ito.
|
||
|
\v 4 Gusto niyang iligtas ang bawat isa. Gusto niyang matutunan ng bawat isa kung ano ang totoo tungkol sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ito ang katotohanan, na may iisang Diyos at may iisang tao lamang na may kakayahang gawin tayong katanggap-tanggap sa kaniya. Ang taong ito ay si Jesu-Cristo lamang.
|
||
|
\v 6 Sa kaniyang sariling kagustuhan, namatay siya upang mapalaya ang lahat ng tao. Niloob ito ng Diyos na mangyari sa panahon na kaniyang itinakda. Ipinakita nito na gusto niyang iligtas ang lahat.
|
||
|
\v 7 Upang ipahayag ang katotohanang ito, ginawa ako ng Diyos na mensahero at isang apostol. Sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling. Itinuturo ko sa mga Gentil ang mga bagay na dapat nilang tunay na paniwalaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kaya naman sa lahat ng dako, gusto ko na may mga kalalakihang manalangin at itaas ang kanilang mga kamay sa Diyos sa paraang nais niya. Hindi dapat manalangin ang mga mananampalataya upang ipakita ang galit at pag-aalinlangan sa Diyos
|
||
|
\v 9 Gusto ko ring manamit ang mga kababaihan ng may pag-iingat. Dapat nilang pigilan ang kanilang mga sarili upang hindi sila magbihis para maging kapansin-pansin sa iba. Sa halip na naayusang buhok, ginto, mga perlas, o mga mamahaling kasuotan,
|
||
|
\v 10 dapat manamit ang mga kababaihan ayon sa nararapat na kasuotan na naghahayag na gumagawa siya ng mabuti at niluluwalhati ang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kapag nagtuturo ang mga kalalakihan sa mga mananampalataya, dapat makinig ng may pananahimik at huwag magtatanong ang mga kababaihan tungkol sa kanilang napakinggan.
|
||
|
\v 12 Hindi ko pinahihintulutan ang mga kababaihan na magturo o sabihin sa mga kalalakihan ang dapat gawin. Ang mga kababaihang nagpaparangal sa Diyos ay nanatiling tahimik sa panahon na ang mga nananampalataya ay nagtitipon sa pag-aaral.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sapagkat si Adan ang unang nilikha at si Eba pagkatapos niya.
|
||
|
\v 14 At hindi si Adan ang nalinlang ng ahas. Ang babae ang lubos na kaniyang nalinlang, kaya nagkasala siya.
|
||
|
\v 15 Ngunit iingatan ng Diyos ang mga kababaihan sa kanilang pagbubuntis at pagpapalaki ng kanilang mga anak, kung magpapatuloy sila na maniwala sa Diyos, ibigin siya, mamuhay sa paraang kalugod-lugod sa kaniya at maging matalino kung paano sila mag-isip.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Dapat magtiwala kayo sa sinasabi ko sa inyo rito: Kung may lubos na nagnanais na pangasiwaan ang mga mananampalataya, nagnanais siya na gawin ang isang bagay na napakahusay.
|
||
|
\v 2 Gayunman, sa dahilang ito, ang isang tagapangasiwa ay hindi dapat maparatangan ng anumang masama. Dapat isa lamang ang kaniyang asawa. Dapat wala siyang ginagawang anumang labis. Dapat nag-iisip siya sa matalinong paraan. Dapat kumikilos siya ng maayos at nagpapatuloy siya ng mga estranghero. Dapat may kakayahan siyang turuan ang iba.
|
||
|
\v 3 Dapat hindi siya lasinggero at hindi siya madaling makipag-away. Sa halip, siya ay dapat maging matiyaga at mapayapa makitungo sa iba. At hindi siya dapat sakim sa pera.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Dapat mapamahalaan niya ng maayos ang mga tao sa kaniyang sariling tahanan. Dapat sinusunod siya ng kaniyang mga anak nang may paggalang.
|
||
|
\v 5 Sinasabi ko ito dahil kung hindi alam ng isang lalaki kung paano pamahalaan ang mga tao sa kaniyang sariling tahanan, paano niya pangangalagaan ang grupo ng mga tao ng Diyos?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ang baguhang mananampalataya ay hindi dapat maging tagapangasiwa, dahil baka isipin niya na mas magaling siya sa ibang tao. At kung mangyayari man iyon, parurusahan siya ng Diyos tulad ng pagparusa niya sa diyablo.
|
||
|
\v 7 Dapat mabuti rin ang iniisip sa kaniya ng mga nasa labas ng iglesiya. Kung hindi, baka mapahiya at baka maakit siya ng diyablo na magkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Gayon din naman, ang mga diakono ay dapat na mga taong ginagalang ng iba. Dapat tapat sila kapag sila ay nagsasalita. Dapat hindi sila umiinom ng sobrang alak at dapat hindi sila sakim sa pera.
|
||
|
\v 9 Dapat maniwala sila sa katotohanang sinabi ng Diyos sa atin, at gayundin, alamin ang tama at gawin ito.
|
||
|
\v 10 Makita muna sa kanila ang mga katangian na ito at pagkatapos piliin sila upang maglingkod dahil walang makakita ng anumang mali sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Sa gayon ding paraan, dapat ginagalang ng ibang tao ang mga asawa ng mga diakono. Ang kanilang mga asawa ay hindi dapat nagsasalita ng masama tungkol sa ibang tao. Dapat wala silang ginagawang anumang labis at dapat tapat sila sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa.
|
||
|
\v 12 Ang isang diakono ay dapat isa lamang ang asawa at dapat mapamahalaan niya ang kaniyang mga anak at mga ari-arian ng maayos.
|
||
|
\v 13 Ang mga mabuting diakono ay ang mga lalaking lubos na iginagalang ng ibang mananampalataya. Nagtitiwala sila ng lubos kay Cristo Jesus.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Habang isinusulat ko ang mga bagay na ito sa iyo, umaasa akong makapunta sa iyo sa lalong madaling panahon.
|
||
|
\v 15 Ngunit kung hindi ako makakarating kaagad, sumusulat na ako ngayon sa iyo upang iyong malaman kung paano kumilos sa sambahayan ng Diyos, kung saan ito ay grupo ng mga nananampalataya sa Diyos, na nagbigay ng buhay sa lahat ng bagay. Ang mga ito ang siyang magtuturo ng katotohanan at magpapatunay na totoo ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 At sama-sama nating sasabihin na napakadakila ang katotohanan na inihayag ng Diyos sa atin at siya ay pinararangalan natin dahil dito: "Si Cristo ay inihayag ng Diyos sa isang katawang-tao. Pinatunayan ng Banal na Espiritu na totoo siya. Nakita siya ng mga anghel. Inihayag siya ng mga mananampalataya sa mga bansa. Sumampalataya sa kaniya ang mga tao sa iba't ibang bahagi ng mundo. Itinaas siya mismo ng Diyos at ibinigay sa kaniya ang kaniyang kapangyarihan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 4
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon maliwanag na sinasabi ng Espiritu na sa mga huling panahon, hihinto ang ilang mga tao sa kanilang pananampalataya sa katotohanan tungkol kay Cristo at kanilang bibigyang pansin ang mga espiritu na nanlilinlang sa mga mananampalataya at sa mga maling itinuturo ng mga demonyo.
|
||
|
\v 2 Nagsasabi ang mga taong ito ng isang bagay ngunit ginagawa nila ang mga masasamang bagay na nais nila, tulad ng isang mainit na bakal na sumunog at sumira sa kanilang mga isipan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Susubukan nilang pigilan ang mga mananampalataya sa pag-aasawa. Sasabihin nilang may mga bagay na hindi nila pwedeng kainin, kahit na nilikha ito ng Diyos. Kaya sa mga mananampalataya na nakakaalam ng katotohanan maaari nilang ibahagi sa iba ang mga bagay na ito habang sila ay nagpapasalamat sa Diyos.
|
||
|
\v 4 Sinasabi ko ito dahil mabuti ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos. Wala tayong tatanggihan sa mga bagay na tinanggap natin mula sa Diyos habang nagpapasalamat tayo sa mga ito.
|
||
|
\v 5 Sapagkat sa pamamagitan ng panalangin sa Diyos at sa paniniwala sa kaniyang Salita naibukod natin ito para sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kung patuloy mong sasabihin ang katotohanang ito sa mga kapatid na lalaki at babae, magiging mabuti kang lingkod ni Jesu-Cristo. Mapaglilingkuran mo siya ng mabuti, dahil pinalalakas ka ng mensaheng pinaniniwalaan natin, gaya sa mabubuting bagay na itinuro ng Diyos na inyong sinunod na siya ring magpapalakas sa inyo.
|
||
|
\v 7 Ngunit huwag kang makinig sa mga bagay na walang saysay at sa mga kuwento lamang na sinasabi ng mga matatandang babae. Sa halip, sanayin mo ang iyong sarili na parangalan ang Diyos.
|
||
|
\v 8 Makakatulong sa iyo ng kaunti ang pisikal na pagsasanay, ngunit kung pararangalan mo ang Diyos, makakatulong ito sa iyo sa lahat ng bagay sa pamumuhay mo ngayon dito sa mundo at sa darating na panahon na kasama mo ang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ang aking naisulat ay isang bagay na maaari mong asahan. Karapat-dapat itong paniwalaan ng lubusan.
|
||
|
\v 10 Dahil dito nagtatrabaho kaming mabuti, sa abot ng aming makakaya, dahil sa pag-asa namin sa Diyos na buhay, ang tagapagligtas ng lahat ng mga tao, ngunit higit sa lahat ang tagapagligtas ng sinumang sumasampalataya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ipahayag at ituro mo ang mga bagay na ito sa mga mananampalataya.
|
||
|
\v 12 Huwag mong hayaan na pagsabihan ka ng sinuman na wala kang silbi dahil sa iyong kabataan. Sa halip, ipakita mo sa ibang mananampalataya kung paano mamuhay. Ipakita mo ito sa kanila kung paano ka magsalita, paano ka mamuhay, kung paano ka umibig, kung paano ka magtiwala sa Diyos, at kung paano mo ingatan ang sarili sa masasamang gawain.
|
||
|
\v 13 Hanggang ako ay makabalik sa iyo, tingnan mo na ang Salita ng Diyos ay binabasa mo sa mga mananampalataya sa pangkalahatan, at ipaliwanag ang Salita ng Diyos at ituro sa mga mananampalataya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Siguraduhin mong gamitin ang kaloob na nasa iyo, na ibinigay ng Diyos nang ipatong ng mga nakatatanda ang kanilang mga kamay at nagpahayag ng mensahe ng Diyos sa iyo.
|
||
|
\v 15 Maging sigurado ka sa paggawa ng lahat ng mga bagay na ito at ipamuhay ang naaayon dito. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng manananampalataya na ginagawa mo ito ng mas mabuti.
|
||
|
\v 16 Pagingatan mong mabuti na magtimpi sa sarili maging maingat at gawin ang mga bagay na aming itinuro. Panatilihin mong gawin ang mga bagay na ito. Kung gagawin mo ito, maliligtas mo ang iyong sarili at ang mga taong nakikinig sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 5
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Huwag mong pagsalitaan ng hindi maganda ang mas nakakatanda sayo. Sa halip, palakasin mo ang kaniyang loob na parang siya ang iyong ama. Ganoon din ang gawin mo sa mga nakababatang lalaki na para mo ng kapatid.
|
||
|
\v 2 Palakasin mo ang loob ng mga nakatatandang kababaihan bilang mga ina at mga nakababatang kababaihan na para mo na ring mga kapatid. Makitungo ka sa kanila sa paraang walang sinuman ang maaaring pumuna.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Igalang mo ang mga balo kung tunay silang mga balo.
|
||
|
\v 4 Ngunit kung ang isang balo ay may mga anak o mga apo, dapat muna nilang parangalan ang kanilang ina sa tahanan at suklian ang lahat ng kaniyang ginawa para sa kanila. Kung gagawin nila ito, malulugod nila ang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ngayon, ang tunay na balo ay isang balo na walang pamilya. Kaya nagtitiwala siya sa Diyos kung ano ang ibibigay sa kaniya kapag siya ay humihiling at nananalangin sa buong araw at gabi.
|
||
|
\v 6 Ngunit ang balo na namumuhay kung paano niya kalulugdan ang kaniyang sarili ay patay na kahit siya ay nabubuhay pa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Dapat mong ipahayag ang mga bagay na ito upang ang mga balong ito at ang kanilang mga pamilya ay hindi makagawa ng anumang pagkakamali.
|
||
|
\v 8 Ngunit ang sinumang hindi sumubok na tumulong sa kaniyang sariling kamag-anak, lalo na sa naninirahan sa kaniyang sariling tahanan, tinanggihan ng taong iyon ang ating pinaniniwalaan. Katunayan, mas masama pa siya sa hindi mananampalataya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ilagay mo ang isang babae sa talaan ng mga tunay na balo kung ang edad niya ay higit sa animnapu. Dapat ay mayroon din siyang nag-iisang asawa na kung saan siya ay naging matapat.
|
||
|
\v 10 Dapat malaman ng mga tao na siya ay mapagkawang gawa: naaalagaan niya ang kaniyang mga anak, pinapatuloy niya ang mga taga-ibang bayan, matulungin sa mga mananampalataya o sa mga taong mahihirap: o marahil kilala siya sa paggawa ng malalaking iba't ibang mabubuting bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ngunit huwag mong ilagay ang mga nakababatang balo sa talaan ng mga balo, sa kadahilanang madalas ay nais nilang mag-asawang muli kapag nagbago ang kanilang mga isipan at inuuna ang pag-iibigang mag-asawa kaysa kay Cristo.
|
||
|
\v 12 Kung gagawin nila ito, nagkakasala nga sila sa pagtalikod sa kanilang pangako na manatiling mga balo.
|
||
|
\v 13 Gayundin naman, nagbabahay-bahay sila at nasasanay na walang ginagawa. Maaakit din sila sa mga kahangalan at walang halagang mga gawain at sasabihin ang mga bagay na hindi nila dapat sabihin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kaya mas gugustuhin ko na mag-asawa ang mga nakababatang balo, magkaroon ng mga anak at pamahalaan ang kanilang sambahayan, upang ang kaaway na si Satanas ay hindi makahanap ng pagkakataon upang akusahan na sila ay gumagawa ng mali.
|
||
|
\v 15 Isinulat ko ang mga bagay na ito dahil ang ilan sa mga nakababatang balo ang nang-iwan sa daan ni Cristo upang sumunod kay Satanas.
|
||
|
\v 16 Kung sinuman sa mananampalatayang babae ang may kamag-anak na balo, hayaan niyang tulungan sila, upang ang mga balong ito ay hindi na maging pabigat sa iglesiya. Sa ganitong paraan, maaari ng tulungan ng iglesiya ang totoong mga balo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Hayaan ang mga mananampalataya na bigyan ng dobleng parangal ang mga nakatatanda na namumuno ng maayos sa kanila at lalo na ang mga nakatatanda na nangangaral at nagtuturo ng Salita ng Diyos.
|
||
|
\v 18 Sapagkat sinabi ng kasulatan, "Huwag mong pipigilan ang baka habang kumakain ng butil na binubusalan" at "ang manggagawa ay karapat-dapat na makuha ang kaniyang sahod."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Huwag makikinig sa sinuman na nagpaparatang sa nakatatanda sa paggawa ng mali, maliban na lamang kung may dalawa o tatlong magpapatotoo sa kaniya.
|
||
|
\v 20 Sa mga nagpapatuloy sa kasalanan, itama mo sila kung saan ay nakikita ng lahat upang matakot ang iba na magkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Si Jesu-Cristo, ang Diyos at ang mga hinirang na anghel ay nakikita ako habang taimtim ko itong iniuutos sa iyo. Tiyakin mong wala kang hinahatulang sinuman bago mo gawin ito. Tiyakin mong wala kang pinapanigan isa man sa kanila kapag pinangunahan mo ang mga manampalataya.
|
||
|
\v 22 Kung nais mo ang isang tao na maglingkod sa mga mananampalataya, huwag kang padalos-dalos sa pagpapasya, upang hindi ka makapili kaagad sa kanila. At huwag kang makikisama sa kahit na sinuman sa paggawa ng kasalanan. Panatilihin mo ang iyong sarili na walang kamalian.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Huwag lamang tubig ang iyong inumin, Timoteo. Sa halip, umimon ka din ng kaunting alak para sa iyong sakit sa sikmura.
|
||
|
\v 24 Ang kasalanan ng iba ay malinaw sa lahat at ang iglesiya ay wala ng sapat na oras upang hatulan sila. Ngunit hindi matutuklasan ng iglesiya ang ibang kasalanan hanggang sa ito ay mangyari.
|
||
|
\v 25 Sa ganoon ding paraan, ang ilang mga mabubuting gawa ay malinaw sa lahat, ngunit kahit ang ilang mabubuting gawa ay magiging malinaw sa ibang panahon sa hinaharap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 6
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Para sa mga mananampalatayang mga alipin, dapat nilang parangalan ang kanilang mga amo sa anumang paraan, upang walang sinuman ang humamak sa Diyos o sa ating itinuturo.
|
||
|
\v 2 Ang mga alipin na may mananampalatayang mga amo ay hindi dapat mawalan ng respeto sa kanila, sapagkat magkakapatid sila. Sa halip, dapat nilang paglingkuran ang kanilang mga amo ng mas mabuti, dahil ang mga amo na kanilang pinaglilingkuran ay kanilang mga kapatid na dapat nilang mahalin. Ituro at ipahayag ang mga bagay na ito sa mga mananampalataya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kung mayroong nagtuturo ng maling katuruan na hindi umaayon sa maaasahan at tunay na katuruan ng ating Panginoong Jesu-Cristo,
|
||
|
\v 4 mapagmataas ang taong iyan at hindi nakakaintindi ng anumang bagay. Gustong-gusto nilang pagtalunan ang tungkol sa mga hindi importanteng bagay at tungkol sa ilang salita, at naiinggit sa iba ang sinumang nakikinig sa kanila. Inaaway nila ang iba at ang bawat isa. Nagsasalita sila ng masasamang bagay tungkol sa iba. Nag-aakala sila na may masamang hangarin ang iba.
|
||
|
\v 5 Lubos na naging mali ang kabuuan ng kanilang pag-iisip dahil kanilang tinanggihan ang mga mabubuting bagay. Bilang resulta, nagkamali sila sa pagaakalang makakakuha sila ng maraming pera sa pamamagitan ng paggawa ng relihiyosong mga gawain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Totoo nga, na malaki ang ating pakinabang kapag umasal tayo sa paraang ikararangal ng Diyos at kung masisiyahan na tayo sa kung ano ang nasa atin.
|
||
|
\v 7 Sa katunayan, wala tayong dinala dito nang ipinanganak tayo sa mundo, at wala tayong makukuhang anuman kapag namatay tayo.
|
||
|
\v 8 Kaya kung mayroon tayong pagkain at damit, dapat na tayong masiyahan sa mga ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ngunit may ilang tao na labis ang pagnanais na yumaman. Bilang katunayan, gumawa sila ng mga masasamang bagay upang magkapera, at ito rin ang dahilan na nahuli sila sa mga bitag gaya ng mga hayop na nahuli sa mga bitag. Naghahangad sila ng maraming bagay na kamangmangan, kaya nasasaktan sila. Lilipulin sila ng lubusan ng Diyos!
|
||
|
\v 10 Ginagawa ng mga tao ang lahat ng ibat-ibang masasamang bagay magkaroon lang ng pera. Sapagkat sabik sa pera ang ilang mga tao, huminto sila sa paniniwala sa katotohanan na pinaniniwalaan nating lahat at naging dahilan ng kanilang labis na pagdadalamhati.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ngunit para sa iyo, na isang tao na naglilingkod sa Diyos, umiwas kang lubos sa pag-ibig sa pera. Magpasya ka na gawin ang tama at iyong parangalan ang Diyos. Magtiwala ka sa Diyos at ibigin ang iba. Pagtiisan mo ang mga mahihirap na mga pangyayari. Maging magiliw ka sa mga tao.
|
||
|
\v 12 Maging masigasig at buong lakas na mamuhay sa iyong pinaniniwalaan. Magpatuloy ka sa iyong ginagawang mabuti upang matiyak mo na ikaw ay mabubuhay magpakailanman. Alalahanin mo na pinili ka ng Diyos upang mamuhay na kasama niya, at nang may maraming mga nakatatanda ang nakakarinig sinabi mo ang iyong matibay na pinaniniwalaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ang Diyos, na nagbigay ng buhay sa lahat ng bagay ay nakakaalam ng lahat ng bagay na iyong ginawa. Si Cristo Jesus din ang nakakaalam ng lahat ng iyong ginawa. Lubos niyang inihayag ang katotohan ng kasalukuyang litisin siya sa harap ni Poncio Pilato.
|
||
|
\v 14 Kaya habang inaalala mo ang mga bagay na iyon, inuutusan kita na mahigpit mong panghawakan ang mga inuutos sa atin ni Cristo sa anumang paraan. Panghawakan mong mabuti ang mga katuruan sa anumang paraan na walang maipintas sa iyong mali ang ating Panginoong Jesu-Cristo hanggang sa muli niyang pagdating.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Alalahanin mo na idudulot ng Diyos na bumalik muli si Jesus sa tamang panahon. Kamangha-mangha ang Diyos! Siya lamang ang tanging Pinuno! Namamahala Siya sa lahat ng mga taong namamahala!
|
||
|
\v 16 Siya lamang ang nagiisa na hindi mamamatay, naninirahan siya sa langit sa ilaw na sobrang liwanag na walang sinuman ang makakalapit! Wala pang tao ang nakakita sa kaniya at walang sinumang tao na makakakita sa kaniya! Ninanais ko na parangalan siya ng lahat ng tao at pamamahalaan niya ng kapangyarihan magpakailanman! Mangyari nawa ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sabihin mo sa mga mananampalataya na mayayaman sa kasalukuyang mundong ito na hindi sila dapat magmataas, at hindi dapat magtiwala sa kanilang mga pag-aari, dahil hindi sila nakakasiguro kung hanggang kailan ito mananatili sa kanila. Sa halip, dapat silang magtiwala sa Diyos. Siya ang masaganang nagbibigay sa atin ng lahat ng bawat bagay sa paraang maaari nating ikasaya.
|
||
|
\v 18 Gayundin, sabihin mo sa kanila na gawin ang mga mabubuting bagay. Ito ang tunay na kayamanan. Sa katunayan, dapat nilang ibahagi sa iba ng lubos ang yamang nasa kanila.
|
||
|
\v 19 Kung gagawin nila iyan, magiging gaya ito ng pag-iipon nila ng maraming bagay para sa kanilang sarili na ibibigay sa kanila ng Diyos. Kapag ginawa nila ito, magkakaroon sila ng buhay na totoong buhay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Timoteo, ipahayag mo nang may katapatan ang totoong mensahe na ipinagkaloob sa iyo ni Jesus. Iwasan mo ang mga tao na gustong pagusapan ang mga bagay na hindi mahalaga para sa Diyos. Iwasan mo ang mga tao na nagsasabing may totoong kaalaman ngunit nagsasalita ng mga bagay na laban sa ating tunay na itinuturo.
|
||
|
\v 21 May ilang mga lalaki na nagtuturo ng mga bagay na ganito kaya huminto na sila sa paniniwala sa katotohanan. Sumainyo nawa ang lahat ng kabutihan ng Diyos.
|