tl_udb/36-ZEP.usfm

115 lines
13 KiB
Plaintext
Raw Permalink Normal View History

2021-02-25 00:21:44 +00:00
\id ZEP
\ide UTF-8
\h Zefanias
\toc1 Zefanias
\toc2 Zefanias
\toc3 zep
\mt Zefanias
\s5
\c 1
\p
\v 1 Dumating ang mensahe ni Yahweh kay Zefanias na anak ni Cusi, ang apo ni Gedalias at ang kaapu-apuhan ni Amarias na anak ni Haring Hezekias. Ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito noong panahong si Josias ang hari ng Juda na anak ni Haring Ammon.
\v 2 Sinabi ni Yahweh, "Lilipulin ko ang lahat ng nasa lupa.
\v 3 Lilipulin ko ang mga tao at mga hayop. Lilipulin ko ang mga ibon at mga isda. Lilipulin ko ang mga masasamang tao upang wala ng masasamang tao sa lupa."
\s5
\v 4 "Ang mga ito ang ilan sa mga bagay na aking gagawin. Parurusahan ko ang mga taong naninirahan sa Jerusalem at ibang mga lugar sa Juda at wawasakin ko ang lahat ng ginamit sa pagsamba kay Baal at nagdulot sa mga tao upang hindi na maalala ang mga pangalan ng mga paganong pari o ibang mga paring tumalikod sa akin.
\v 5 Lilipulin ko ang mga umaakyat sa mga bubong ng kanilang mga bahay at sumasamba sa araw, buwan at mga bituin at ang mga nagsasabing sinasamba ako ngunit sinasamba rin ang kanilang diyos na si Milcom.
\v 6 Sa huli, lilipulin ko ang lahat ng mga sumamba sa akin noon ngunit hindi na ngayon, ang mga hindi na humihingi ng aking tulong o humihiling sa akin upang sabihin ko sa kanila ang dapat nilang gawin."
\s5
\v 7 Manahimik ka sa harapan ni Yahweh na Panginoon dahil malapit na ang panahong hahatulan at parurusahan ni Yahweh ang mga tao. Inihanda ni Yahweh ang kaniyang sarili upang lipulin ang mga tao ng Juda, magiging tulad sila ng mga hayop na inilaan upang katayin para sa mga pag-aalay at pinili niya ang kanilang mga kaaway na siyang lilipol sa kanila.
\v 8 Sinasabi ni Yahweh, "Sa araw na lilipulin ko ang mga tao ng Juda, parurusahan ko ang kanilang mga pinuno at ang mga anak ng hari at ang lahat ng mga sumasamba sa mga dayuhang diyos—
\v 9 kabilang ang mga nagpapakita ng kanilang paggalang sa kanilang diyos na si Dagan sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagtapak sa pasukan ng kaniyang templo at ang mga gumagawa ng mga mararahas na bagay at nagsasabi ng mga kasinungalingan sa mga templo ng kanilang mga diyos."
\s5
\v 10 Sinasabi rin ni Yahweh, "Sa araw na iyon, sisigaw ang mga tao ng Jerusalem sa Tarangkahang tinawag na Isda. Mananaghoy ang mga tao sa Ikalawang Bahagi ng lungsod at maririnig ng mga tao ang isang malakas na tunog ng pagbagsak ng mga gusaling gumuguho sa mga burol.
\v 11 Dapat kayong managhoy, kayong lahat na naninirahan sa pamilihan ng Jerusalem dahil papatayin ang lahat ng mangangalakal at nagtitimbang ng mga pilak.
\s5
\v 12 Para akong tila magpapailaw ng mga parol upang maghanap sa madidilim na mga lugar sa Jerusalem para sa mga naging labis na nasiyahan sa kanilang mga pag-uugali at nalulugod sa kanilang mga kasalanan. Iniisip nila na akong si Yahweh ay hindi gagawa ng mga mabubuti o masasamang bagay na tila ba hindi ako nabubuhay!
\v 13 Kaya napagpasyahan kong darating ang mga hukbo at kukunin ang kanilang mga mahahalagang ari-arian pagkatapos wasakin ang kanilang mga bahay. Magtatayo ang mga tao ng mga bagong tahanan ngunit hindi sila maninirahan sa mga ito. Magtatanim silang muli ng mga ubas ngunit hindi sila kailanman iinom ng anumang alak mula sa ubas na lumalago."
\s5
\v 14 Malapit na ang araw na parurusahan ni Yahweh ang mga tao. Mabilis itong darating dito. Ito ang panahon na iiyak ng malakas maging ang mga matatapang na kawal.
\v 15 Ito ang panahon na ipapakita ng Diyos na labis siyang nagagalit, panahong mararanasan ng mga tao ang labis na pagdadalamhati at kaguluhan. Ito ang panahon na maraming bagay ang mawawasak, masisira at aalis ang bawat isa. Ito ang panahon na magiging napakalungkot at napakadilim kapag naging napakaitim ng mga ulap.
\v 16 Ito ang panahon na hihipan ng mga kawal ang mga trumpeta upang tawagin ang mga kawal para sa digmaan. Pababagsakin ng inyong mga kaaway ang mga pader sa palibot ng inyong mga lungsod at ang mga matataas na tore sa mga sulok ng mga pader na iyon.
\s5
\v 17 Dahil nagkasala kayo kay Yahweh, ipararanas niya sa inyo ang matinding pagdadalamhati, maglalakad kayo sa paligid na nangangapa tulad ng mga bulag na tao. Dadaloy ang inyong mga dugo mula sa inyong mga katawan gaya ng mga ibinubuhos na lupa at hahandusay at mabubulok ang inyong mga bangkay sa lupa.
\v 18 Sa panahong ipapakita ni Yahweh ang kaniyang matinding poot sa inyo, hindi ninyo makakayang iligtas ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pilak o ginto sa inyong mga kaaway. Dahil labis na naninibugho si Yahweh, magpapadala siya ng apoy upang tupukin ang buong kalupaan at ganap niyang lilipulin ang lahat ng masasamang tao na naninirahan sa lupa sa isang pinaka-nakakatakot na paraan.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Kayong mga taga-Juda na dapat na nahihiya, magtipun-tipon kayo upang hilingin sa Diyos na kahabagan kayo.
\v 2 Labis ang galit ni Yahweh sa inyo kaya magtipun-tipon kayo ngayon bago niya kayo parusahan, bago niya kayo parusahan at lipulin tulad ng pagtangay ng hangin sa ipa.
\v 3 Kayong mga taga-Juda na mapagpakumbaba, sambahin ninyo si Yahweh at sundin ang kaniyang iniutos. Subukan ninyong gawin ang matuwid at maging mapagpakumbaba. Kung gagawin ninyo iyan, marahil iingatan kayo ni Yahweh sa araw na parurusahan niya ang mga tao.
\s5
\v 4 Kapag pinarusahan ni Yahweh ang Filistia, mawawala ang lahat ng naninirahan sa mga lungsod ng Gaza at Ashkelon. Sasalakayin ang Asdod at mapapalayas ang mga tao sa tanghaling-tapat kapag nagpapahinga sila. Mapapalayas din ang mga tao sa lungsod ng Ekron.
\v 5 At kasindak-sindak na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga taga-Filistia na naninirahan malapit sa dagat dahil sinabi ni Yahweh na parurusahan niya rin kayo. Lilipulin niya kayong lahat, wala ni isa sa inyo ang makakaligtas!
\s5
\v 6 Magiging pastulan ang lupain ng Filistia na malapit sa karagatan, isang lugar para sa mga pastol at kulungan ng kanilang mga tupa.
\v 7 Magiging pag-aari ng mga taga-Juda na makakaligtas ang lupaing iyan. Sa gabi, matutulog sila sa mga pinabayaang bahay sa Ashkelon. Iingatan sila ni Yahweh at muli niya silang pasasaganahin.
\s5
\v 8 Sinabi ito ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Diyos ng mga Israelita: "Narinig kong hinahamak ng mga Moabita at Ammonita ang aking mga tao at binabalak na sakupin ang bansa ng aking mga tao.
\v 9 Kaya ngayon, gaya ng katiyakang nabubuhay ako, wawasakin ko ang Moab at Ammon tulad ng pagwasak ko sa Sodoma at Gomorra. Ang kanilang lupain ay magiging lugar na kung saan mayroong mga dawag at mga hukay ng asin. Mawawasak ito magpakailanman na wala sa kanilang mga tao ang maninirahan doon! Kukunin ng aking mga taong nakaligtas ang lahat ng kanilang mahahalagang ari-arian at maninirahan din sa kanilang lupain."
\s5
\v 10 Matatamo ng mga Moabita at Ammonita ang nararapat sa kanila dahil sa pagiging mapagmataas, dahil pinagtawanan nila ang mga taong kabilang kay Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
\v 11 Sisindakin sila ni Yahweh kapag winasak niya ang lahat ng diyos ng kanilang mga bansa. Pagkatapos, sasambahin ng mga tao mula sa bawat bansa si Yahweh, bawat isa sa kaniyang sariling bansa.
\s5
\v 12 Sinabi rin ni Yahweh na lilipulin niya ang mga taga-Etopia.
\v 13 Parurusahan at wawasakin ni Yahweh ang Asiria, ang lupaing nasa hilagang-silangan natin, at magdudulot ito sa kabisera ng Nineve upang mawasak at mapabayaang matuyo katulad ng disyerto.
\v 14 Maninirahan doon ang kawan ng mga tupa at baka at maraming uri ng mababangis na hayop. Uupo sa mga haligi ng nawasak na gusali ang mga kuwago at uwak at huhuni sila mula sa mga bintana. Magkakaroon ng mga durog na bato sa mga pasukan, at makikita ang mga mahahalagang barakilan na cedar sa mga bubong ng mga gusali.
\s5
\v 15 Dating masaya at mapagmataas ang mga taga-Nineve, iniisip nilang lubusan silang ligtas. Palagi nilang sinasabi, "Ang aming lungsod ang pinakadakilang lungsod, walang ibang lungsod ang kasing dakila ng aming lungsod!" Ngunit ngayon, magiging kakila-kilabot na tingnan ang lugar na ito, isang lugar na kublihan ng mga mababangis na hayop. Magsisisutsot at mang-uuyam ang bawat daraan sa lungsod na iyon at at ikukumpas ang kanilang mga kamao upang ipakitang labis nilang kinasusuklaman ang bansang iyan.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Katakut-takot na mga bagay ang mangyayari sa Jerusalem, ang lungsod na nanghimagsik ang kaniyang mga tao laban kay Yahweh at naging hindi katanggap-tanggap sa kaniya dahil sa mga kasalanang kanilang ginawa. Marahas silang nakikitungo sa iba at nang-aapi sila ng ibang tao.
\v 2 Hindi binibigyang-pansin ng mga taong naroon ang mga propetang ipinadala ni Yahweh upang sabihin sa kanila ang mga maling bagay na kanilang ginagawa at upang ituwid sila. Hindi nagtitiwala o lumalapit sa kanilang Diyos ang mga taga-Jerusalem.
\s5
\v 3 Tulad ng mga umaatungal na leon ang kanilang mga pinuno. Tulad sila ng mga lobong sumasalakay sa gabi at kinakain ang lahat ng kanilang pinapatay, dahil dito, wala ng natitira sa mga hayop na iyon upang kainin nila kinabukasan.
\v 4 Mapagmataas ang mga propeta ng Jerusalem at nagbibigay ang mga pari ng mga mensaheng hindi dapat pagkatiwalaan ng sinuman. Ginagawa nilang hindi banal ang templo sa paggawa ng mga bagay laban sa kautusan ni Moises.
\s5
\v 5 Ngunit naroon din si Yahweh sa lungsod at hindi siya kailanman gumawa ng kamalian. Araw-araw, makatarungan niyang pinakikitunguhan ang mga tao ngunit hindi kailanman nahiya ang mga masasamang tao sa kanilang ginagawang mali.
\s5
\v 6 Sinasabi ito ni Yahweh: "Winasak ko ang maraming bansa, winasak ko ang kanilang mga matitibay na pader at mga tore. Ngayon, ako ang nagdulot sa mga lansangan sa mga lungsod na iyon upang ganap na mapabayaan. Nawasak ang mga lungsod na iyon at walang sinuman ang nabubuhay pa roon. Patay na silang lahat.
\v 7 Kaya sinabi ko sa aking sarili, 'Dahil sa aking ginawa sa ibang mga bansang iyon, tiyak na pararangalan ako ng mga taga-Jerusalem ngayon at hahayaan akong ituwid sila. Kapag ginawa nila iyon, hindi ko sila lilipulin at hindi ko sila parurusahan gaya ng sinabi kong gagawin ko. Ngunit kahit nalalaman nila kung paano ko pinarusahan ang ibang mga bansang iyon, sabik pa rin silang bumangon tuwing umaga at ipinagpapatuloy ang paggawa ng mga masasamang gawain."
\s5
\v 8 Ito ang ipinahayag ni Yahweh: "Hintayin ninyo ang araw na kikilos ako upang pagnakawan kayo! Napagpasyahan kong tipunin ang mga tao ng mga kaharian sa lupa at ipaalam sa kanila na labis akong nagagalit sa kanila. Parurusahan at lilipulin ko ang lahat ng tao sa buong lupa. Susunugin ko sila ng aking galit tulad ng apoy!
\s5
\v 9 Kapag nangyari iyon, babaguhin ko ang lahat ng tao at bibigyan sila ng kakayahang magsabi lamang ng kung ano ang dalisay upang sambahin ako ng lahat bilang mga taong nagkakaisa.
\v 10 Pagkatapos, lalapit sa akin at magdadala ng mga handog ang aking mga taong sapilitang pinapunta sa ibang mga bansa na nanirahan sa tabi ng itaas na bahagi ng Ilog Nilo sa Etopia.
\v 11 Sa panahong iyon, kayong mga taga-Jerusalem ay hindi na mahihiya tungkol sa nangyari sa inyo dahil hindi na kayo manghihimagsik laban sa akin. Lilipulin ko ang mga taong kabilang sa inyo na labis na mapagmataas. Wala ng sinuman ang magmamayabang sa Zion, ang aking banal na burol.
\s5
\v 12 Magiging mahirap at mapagpakumbaba ang mga nabubuhay sa Israel, magtitiwala sila sa akin.
\v 13 Hindi na gagawa ng anumang kasamaan ang mga taong nabubuhay sa Israel, hindi sila magsisinungaling o manlilinlang ng sinuman. Kakain sila at matutulog ng ligtas dahil walang sinuman ang mananakot sa kanila."
\s5
\v 14 Kayong mga taong naninirahan sa Jerusalem at sa iba pang lugar sa Israel, umawit kayo at sumigaw ng malakas! Magsaya kayo at magalak nang buo ninyong pagkatao,
\v 15 dahil ititigil ni Yahweh ang pagpaparusa sa inyo at ipadadala niya palayo mula sa inyo ang mga hukbo ng inyong mga kaaway! Mananahan mismo sa inyo si Yahweh, ang hari ng mga Israelita at hindi na kayo kailanman matatakot na mapinsala ng iba.
\v 16 Sa panahong iyon, sasabihin ng ibang tao sa ating mga taga-Jerusalem, "Kayong mga taga-Jerusalem, huwag kayong matakot, manghina o panghinaan ng loob."
\s5
\v 17 Mananahan sa inyo si Yahweh na inyong Diyos. Siya ay makapangyarihan at ililigtas niya kayo. Labis siyang masisiyahan sa inyo dahil iniibig niya kayo at magbibigay siya ng kapahingahan sa inyo nang hindi nababahala. Aawit siya nang malakas upang magalak sa inyo
\v 18 tulad ng mga taong nasisiyahan sa pista. Sinasabi ni Yahweh, "Hindi na kayo mahihiya o matatakot na mawasak ng inyong mga kaaway.
\s5
\v 19 Tunay na matindi kong parurusahan ang lahat ng nang-api sa inyo. Ililigtas ko ang mga mahihina at mga taong sapilitang pinapunta sa ibang mga bansa. Bibigyan ko sila ng papuri at karangalan sa bawat bansa kung saan sila ipinatapon, mga lugar kung saan sila ipinahiya.
\v 20 Sa panahong iyon, titipunin ko kayo at ibabalik sa Israel. Bibigyan ko kayo ng karangalan at labis na pupurihin sa lahat ng mga bansa sa lupa. Makikita ninyong muli ko kayong pasasaganahin." Ito ang ipinahayag ni Yahweh!