2811 lines
285 KiB
Plaintext
2811 lines
285 KiB
Plaintext
|
\id ISA
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h Isaias
|
||
|
\toc1 Isaias
|
||
|
\toc2 Isaias
|
||
|
\toc3 isa
|
||
|
\mt Isaias
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ang pangitain ni Isaias, anak ni Amos, na ipinakita ni Yahweh sa kaniya tungkol sa Juda at Jerusalem, sa panahon ng mga hari ng Juda na sina Uzias, Jotam, Ahas, at Hezekias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Makinig kayong mga langit, at makinig ka, lupa. Ito ang sinabi ni Yahweh: "Nagtalaga ako ng bayan simula noong ipinanganak sila, pero nagrebelde sila sa akin.
|
||
|
\v 3 Alam ng baka ang amo nila, at ang mga asno kilala kung sino ang nagpapakain sa kanila pero ang Israel walang alam, hindi nakauunawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Isang makasalanang bansa, isang bayan na hinahatak pababa ng kasalanan nila, mga anak ng mapaggawa ng masama, mga anak ng hindi makatarungan. Iniwan nila si Yahweh, ang Banal ng Israel. Tumalikod sila mula sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Bakit niyo pa rin ginagawa ang mga bagay na alam niyong magdudulot na parusahan kayo ni Yahwheh? Bakit nagrerebelde pa rin kayo sa kaniya? Para kayong mga may kapansanan sa puso at isip.
|
||
|
\v 6 Mula ulo hanggang paa, walang maayos sa inyo. Puno ito ng mga sugat, hiwa at nana na hindi nalilinis o ginagamot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Winasak ng mga kaaway ang bansa niyo; sinunog nila ang mga lungsod niyo at wala ni isa ang naiwan. Ninakaw ng mga dayuhan ang mga pananim sa bukid niyo habang nanonood kayo; winasak nila lahat ng nakita nila.
|
||
|
\v 8 Ang lungsod ng Jerusalem naging tila sinliit ng kubo ng pastol. Para itong silong sa ubasan; gaya ng kubo ng isang bantay ng taniman ng melon. Napaliligiran ito ng mga kalaban na nakaabang para sumalakay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kung hindi pinahintulutan ni Yahweh, pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang ilan sa mga mamamayan ang mabuhay, siguro namatay na tayong lahat, gaya ng nawasak na Sodoma at Gomorra.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pakinggan niyo ang sasabihin ni Yahweh sa inyo, kayong mga pinuno ng Sodoma! Makinig kayo sa batas ng aming Diyos, kayong mga taga-Gomorra!
|
||
|
\v 11 "Anong silbi ng mga alay niyo sa akin?" sabi ni Yahweh; "Ayoko na ng sinunog na tupa o taba ng toro bilang handog. Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa o kambing.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sa tuwing pupunta kayo sa templo ko para sambahin ako, sino nagsabi sa inyo na magsi-padyak kayo sa aking patyo habang nagriritwal?
|
||
|
\v 13 Huwag niyo na akong dalhan ng mga handog na iyon dahil walang silbi sa akin ang mga iyon; nasusuklam ako sa insenso na sinusunog ng pari! At ang mga pista ng bagong buwan ninyo at mga araw ng pamamahinga ninyo at iba ninyo pang mga kapistahan --galit ako sa mga iyon dahil sa mga masasamang ginagawa ninyo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Galit ako sa lahat ng mga pagdiriwang ninyo! Para silang mga bigatin na hirap na hirap akong pasanin.
|
||
|
\v 15 Kaya sa tuwing nananalangin kayo sa akin, hindi ako tumitingin sa inyo. Kahit madalas kayong manalangin, hindi ako makikinig sa inyo dahil sa puno ng dugo ang mga kamay ninyo dahil sa dami ng taong pinatay ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Linisin ninyo ang puso ninyo! Alisin ninyo ang kasamaan sa inyo! Tumigil na kayo sa paggawa ng mali!
|
||
|
\v 17 Aralin ninyong maging mabuti at sikapin ninyong maging makatarungan. Tulungan ninyo ang mga inaapi, protektahan ninyo ang mga ulila at balo sa tuwing ihaharap sila sa hukuman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Sabi ni Yahweh, "Pag-isipan ninyong mabuti ang mga ginagawa ninyo. Kahit nadungisan kayo, magiging malinis kayo. Magiging singputi kayo ng bulak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kung handa kayo na sumunod sa akin, kakain kayo ng masasarap na pagkain.
|
||
|
\v 20 Pero kung tatalikuran ninyo ako at magrerebelde kayo sa akin, papatayin kayo ng mga kaaway ninyo." Mangyayari iyon dahil sinabi ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Dati, si Yahweh lang ang matapat ninyong sinasamba, kayong mga mamamayan ng Jerusalem, pero ngayon, para naging tulad kayo ng mga babaeng bayaran na hindi tapat sa mga asawa nila. Makatarungan at matuwid ang mga tao noon, pero ngayon puno na ang lungsod ng mamamatay-tao.
|
||
|
\v 22 Hindi na dalisay ang pilak ninyo, at ang alak ninyo, may halong tubig na.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Mga rebelde ang mga pinuno ninyo; kaibigan sila ng mga magnanakaw. Ang gusto lang nila ay pera at suhol mula sa mga tao. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila at mga balo sa hukuman para matanggap nila ang dapat na sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Kaya sabi ni Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang magiting na Diyos ng Israel, "Maghihiganti ako sa mga kaaway ko.
|
||
|
\v 25 Pagbubuhatan ko kayo ng kamay at parurusahan ko kaya nang matindi para maalis ang lahat ng karumihan ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Pagkatapos nito, bibigyan ko kayo ng maayos na mga hukom gaya dati. Magkakaroon kayo ng matatalinong tagapayo gaya noon. Tatawagin ng mga tao ang lungsod mo na lungsod kung saan tapat at matutuwid na kumikilos ang mga tao, lungsod ng mga tapat."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Dahil magiging makatarungan ang mga mamamayan ng Jerusalem, ibabalik ni Yahweh ang lungsod nila at ililigtas niya ang mga nagsisisi dahil sa katuwiran nila.
|
||
|
\v 28 Pero dudurugin at paglalahuin niya ang mga rebelde, makasalanan at ang mga tumalikod sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 "Mahihiya kayo dahil sumamba kayo sa ibang diyos sa ilalim ng puno na akala niyo ay banal at mapapahiya kayo dahil sumamba kayo sa hindi totoong diyos sa mga hardin na gustong gusto ninyo.
|
||
|
\v 30 Magiging tulad kayo ng isang napakalaking puno na lanta ang mga dahon, gaya ng isang hardin na nanuyot dahil walang tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Ang mga makikisig sa inyo ay magiging tulad ng tuyong kahoy at ang mga ginagawa nila ay mawawalan ng saysay. Sila at ang masasamang ginagawa nila ay masusunog, at walang makaaapula ng apoy nito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ito ay mensahe na ibinigay ni Yahweh kay Isaias, anak ni Amos, sa isang pangitain tungkol sa Juda at Jerusalem.
|
||
|
\v 2 Darating ang araw, ang burol kung saan nakatayo ang templo ni Yahweh ang magiging pinakamahalagang lugar sa mundo. Magiging tila pinakamataas na bundok ito na para bang itinaas ito nang higit sa lahat ng burol, at pupuntahan ito ng lahat ng tao sa buong mundo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sasabihin ng mga tao sa isa't isa, "Halina, umakyat tayo sa burol, sa templo ni Yahweh, para sambahin ang Diyos na sinamba ni Jacob. Doon ituturo niya ang mga nais niyang matutunan natin nang sa gayon malugod siya sa mga ginagawa natin." Tuturuan nila tayo sa Jerusalem, malalaman natin ang nais na sabihin ni Yahweh sa atin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Makikinig si Yahweh sa mga pagtatalo ng mga bansa at aayusin niya ang mga alitan nila. Pagkatapos, sa halip na mag-away, papandayin nila ang mga espada nila para gawing pang-araro at ang mga sibat nila para gawing tabak. Ang hukbo ng mga bansa ay hindi na magdidigma sa isa't isa o mag-sasanay para sa digmaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kayong mga anak ni Jacob, mamuhay tayo nang nararapat dahil kasama natin si Yahweh!
|
||
|
\v 6 Iniwan mo kami, Yahweh, kaming mga kaapu-apuhan ni Jacob, dahil kahit saan ginagawa ng mga mamamayan ang pagsasagawa ng mga kaugalian ng mga taga-silangan. Nagriritwal pa sila para malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap, gaya ng mga taga-Filisteo. Nakikipagkasundo sila sa mga dayuhan na hindi kilala si Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Puno ng pilak at ginto ang Israel; napakayaman nito. Puno ng mga kabayong pandigma ang bayan at maging ng mga karwaheng pandigma.
|
||
|
\v 8 Pero ang bansa ay puno rin ng mga diyus-diyosan; pinupuri ng mga tao ang bagay na sila mismo ang lumikha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kaya ibababa sila; ipapahiya sila ni Yawheh. Huwag mo silang patawarin, Yahweh!
|
||
|
\v 10 Magsigapang kayong mga tao papunta sa mga kweba! Sumuot kayo sa ilalim ng lupa dahil tiyak matatakot kayo kay Yahweh at sa kaniyang matinding kapangyarihan.
|
||
|
\v 11 Hindi na kayo pahihintulutan ni Yahweh na magmataas at maging mayabang. Sa araw na iyon, tanging si Yahweh ang pupurihin at pararangalan ng mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pumili si Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng anghel ng araw para hatulan ang mga mapagmataas, lahat sila, at ibababa niya sila.
|
||
|
\v 13 Papatayin niya ang mga nag-iisip na dapat silang kahangaan, gaya ng mga matatayog na puno ng Sedar sa Lebanon, at tulad ng lahat ng malalaking puno ng owk sa rehiyon ng Bashan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Papatayin niya silang lahat na iniisip na sila ay kasing taas ng mga matataas na burol, na kasing taas ng matatayog na bundok.
|
||
|
\v 15 Papatayin niya silang iniisip na sila ay kasing taas ng mga matataas na tore at kasing tibay ng mga matitibay na pader kung saan sila ay ligtas.
|
||
|
\v 16 Wawasakin niya ang lahat ng mayayaman dahil nagmamay-ari sila ng malalaking barko na nagdadala ng mga kalakal sa ibang mga bansa at nagmamay-ari pa ng ibang malalaking barko.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Hindi niya na pahihintulutan na magmalaki ang mga tao. Sa araw na iyon, tanging si Yahweh ang pupurihin at parararangalan ng mga tao.
|
||
|
\v 18 Maglalaho ang lahat ng diyus-diyosan.
|
||
|
\v 19 Sa pagdating ni Yahweh, matatakot ang mga tao; magtatakbuhan sila at magtatago sa mga kweba at ilalim ng lupa dahil sa matinding takot nila sa dakila at matinding kapangyarihan ni Yawheh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sa araw na iyon, itatakwil ng mga tao ang diyus-diyosan nilang gawa sa pilak at ginto para sambahin at itatapon nila ito sa mga paniki at mga daga.
|
||
|
\v 21 Pagkatapos, gagapang sila papunta sa mga kweba. Sisikapin nilang tumakas mula kay Yahweh na parurusahan sila. Katatakutan nila si Yahweh dahil siya ay dakila at kahanga-hanga sa pagdating niya.
|
||
|
\v 22 Kaya huwag kayong umasa na ililigtas kayo ng tao dahil walang sinuman ang may sapat na kapangyarihan para gawin ito. Walang sinuman ang makatutulong sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Si Yahweh, ang pinuno ng hukbo ng mga anghel, ay aalisin ang lahat ng inaasahan ng Jerusalem at Juda -- lahat ng pagkain at tubig.
|
||
|
\v 2 Aalisin niya ang mga bayani, mga kawal, mga hukom, mga propeta, mga taong nagriritwal, mga nakatatanda,
|
||
|
\v 3 mga opisyales, mga tagapayo, mga dalubhasa, mga salamangkero at lahat ng mahahalagang tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sabi ni Yahweh, "Magtatalaga ako ng mga kabataang lalaki para maging pinuno.
|
||
|
\v 5 Magiging marahas ang mga tao sa isa't isa. Mawawalan ng respeto ang mga nakababata sa mga nakatatanda, babastusin ng mga taong walang-hiya ang mga taong karaniwang pinararangalan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sa oras na iyon, susunggaban ng isang lalaki ang kapatid niya at sasabihin sa kaniya, 'Nirerespeto ka ng mga tao. Pamunuan mo kami! Pamunuan mo ang lungsod na ito na ngayon ay wasak-wasak na.'
|
||
|
\v 7 Pero sasagot ang kapatid niya at sasabihing, 'Hindi kita matutulungan, dahil wala akong sapat na pagkain at damit sa bahay na ito. Kaya huwag mo akong gawing pinuno ninyo.'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Mawawasak ang Jerusalem at ang iba pang lungsod ng Juda dahil ang lahat ng ginagawa at sinasabi ng mga mamamayan doon ay pagtuligsa kay Yahweh, ang makapangyarihan at dakila, at sumusuway sila sa kaniya. Nagrerebelde sila sa kaniya.
|
||
|
\v 9 Buong pagmamamalaki nilang ipinamumukha kay Yahweh ang mga kasalanan nila gaya ng mga taga-Sodoma noon; hindi nila nililihim ang mga kasalanan nila. Dahil sa mga kasalanan nila, mapapahamak sila; dudulutin nila na dumating ang mga sakuna na iyon sa kanilang mga sarili.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sabihin ninyo sa matutuwid na magiging mabuti ang mga bagay para sa kanila; magpapakasasa sila sa pagpapala na tatanggapin nila dahil sa kabutihan nila.
|
||
|
\v 11 Pero kapahamakan ang darating sa masasama. Pagbabayarin sila ni Yahweh para sa lahat ng kasamaan na ginawa nila.
|
||
|
\v 12 Pagmamalupitan sila ng mga kabataan na itinalaga ko bilang pinuno at mga babae ang mamumuno sa bayan ko. Bayan ko, niloloko kayo ng mga pinuno ninyo; tinutulak nila kayong gumawa ng iba't-ibang uri ng mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Tila pumasok si Yahweh sa isang hukuman na handang hatulan ang bayan niya.
|
||
|
\v 14 Tatayo siya para ihayag bakit dapat magdusa ang mga nakatatatanda at mga pinuno nila, sasabihing, "Ang mga mamamayan ng Israel ay tulad ng ubasan na itinanim ko, pero sinira ninyo ito, kayong mga pinuno! Puno ang mga bahay ninyo ng mga gamit na ninakaw ninyo mula sa mga mahihirap.
|
||
|
\v 15 Tigilan niyo na ang pagpapahirap sa bayan ko! Masyado ninyo silang inginungudngod sa putikan!" Iyon ang sinabi ni Yahweh, ang pinuno ng hukbo ng mga anghel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Sinasabi ni Yahweh: "Palalo ang mga babae ng Jerusalem; naglalakad sila nang nakatingala at inaakit ang mga kalalakihan gamit ang mga mata nila. Dahan-dahan silang naglalakad nang mayroong pulseras na kumakalansing sa paa nila."
|
||
|
\v 17 Kaya't pagsusugatin sila ni Yahweh at kakalbuhin niya sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Sa oras na ginawa iyon ng Panginoon, aalisin niya mula sa mga babae ng Jerusalem ang lahat ng isinusuot nila para magpaganda -ang mga pulseras sa paa nila, ang mga panali nila sa buhok, ang mga kwintas nila,
|
||
|
\v 19 ang mga hikaw, pulseras sa braso at belo nila,
|
||
|
\v 20 ang mga panyo at laso nila, maging ang mga pabango at alahas nila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Aalisin niya ang mga singsing nila sa daliri at ilong,
|
||
|
\v 22 ang magagarang balabal nila, belo at pitaka,
|
||
|
\v 23 ang mga salamin nila at magagandang tela, ang mga pampaganda nila sa buhok at mga balabal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Sa halip na maging mabango, babaho sila; sa halip na laso pangbaywang, lubid ang pupulupot sa kanila. Sa halip na magagandang ayos ng buhok, makakalbo sila. Sa halip na magagarang balabal, sako ang isusuot nila. Sa halip na ganda, sa mga sugat sila makikilala.
|
||
|
\v 25 Papatayin ng mga kaaway ang mga kalalakihan ninyo at ang mga kawal ninyo ay mamamatay sa digmaan.
|
||
|
\v 26 Magluluksa ang mga tao at iiyak sa tarangkahan ng lungsod. Ang lungsod ay magiging tulad ng isang bababeng nakalupasay dahil iniwan siya ng mga kaibigan niyang nag-iisa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 4
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kapag nangyari iyon, kakaunti na lang ang mga lalaking walang asawa. Kaya pitong dalaga ang mag-aagawan sa isang lalaki at magsasabing, "Hayaan mo kaming lahat na pakasalanan ka! Kami na ang bahala sa aming pagkain at kasuotan. Ang tanging gusto lang namin ay matanggal ang aming kahihiyan dahil hindi kami nakapag-asawa."
|
||
|
\v 2 Pero isang araw, magiging napakaganda at napakadakila ng Israel. Ang bayan ng Israel na mananatili roon ay magmamalaki dahil sa maiinam na pananim na namumunga sa kanilang lupain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Lahat ng tao na mananatili sa Jerusalem, silang mga hindi namatay nang winasak ng kaaway ang Jerusalem, ay mapapabilang sa Panginoon—lahat ng mga pangalang nakalista na nakatira roon.
|
||
|
\v 4 Mangyayari ito kapag nilinis ng Panginoon ang kasalanan ng mga kababaihan sa Jerusalem, at kapag itinigil niya ang karahasan sa mga lansangan ng Jerusalem sa pamamagitan ng pagpaparusa sa mga tao rito. Kapag ginawa niya ito, magiging tulad ito ng apoy na sumusunog sa lahat ng maruruming bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pagkatapos, magpapadala si Yahweh ng ulap tuwing umaga at nagliliyab na apoy naman sa gabi para silungan ang Jerusalem at lahat ng nagtitipon doon; magiging tulad ito ng maluwalhating silungan sa buong lungsod.
|
||
|
\v 6 Magiging kublihan ito ng mga tao mula sa init ng araw sa buong araw at silungan kapag bumabagyo at umuulan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 5
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon, aawit ako tungkol kay Yahweh, na aking pinakamamahal na kaibigan, at sa kaniyang ubasan. Ang ubasan ay nakatanim sa isang napakatabang burol.
|
||
|
\v 2 Binungkal ng aking kaibigan ang lupa at inalis ang mga bato. Pagkatapos, nagtanim siya ng maiinam na ubas sa lupa. Sa gitna ng ubasan, nagtayo siya ng tore at gumawa ng pigaan ng ubas. Pagkatapos, naghintay siya bawat taon para anihin ang ilan sa mga matatamis na ubas, pero ang mga puno ng ubas ay namunga ng mga maaasim.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ngayon, ito ang sinasabi ng kaibigan kong si Yahweh: "Kayong mamamayan ng Jerusalem at sa iba't-ibang dako ng Juda, tulad kayo ng aking ubasan; kaya kayo ang humatol kung sino sa atin ang gumawa ng tama.
|
||
|
\v 4 Ano pa ang maaari kong gawin sa inyo nang higit pa sa nagawa ko na? Umaasa ako na gagawa kayo ng mabubuting bagay, kaya nakasusuklam na gumagawa kayo ng masasama tulad ng ubasan na namunga ng maaasim na ubas!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kaya ngayon sasabihin ko sa inyo ang gagawin ko sa Juda, ang lugar na tulad ng aking ubasan. Puputulin ko ang mga halamang nakapaligid dito, at ang aking ubasan ay magiging isang pastulan. Ibabagsak ko ang mga pader ng mga lungsod at hahayaang tapak-tapakan ang lupain ng mga mababangis na hayop.
|
||
|
\v 6 Gagawin ko itong walang pakinabang kung saan ang mga puno ng ubas ay hindi mapuputol at ang lupa ay hindi mabubungkal. Magiging lugar ito kung saan ang dawag at matitinik na halaman ay tutubo. At mag-uutos ako na walang ulan ang bubuhos dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ang bansang Israel ay tulad ng ubasan ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel. Ang mamamayan ng Juda naman ay tulad ng hardin na kasiya-siya sa kaniya. Inaasahan niyang gagawin nila kung ano ang makatarungan, pero sa halip, nakita niya na pinapatay ng mga tao ang kanilang kapwa. Inaasahan niya na gagawin nila kung ano ang mga bagay na matuwid, pero sa halip, nakarinig siya ng pagtangis mula sa mga tao na marahas na nilusob.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Nakakatakot na mga bagay ang mangyayari sa mga taong patuloy na nang-aangkin ng mga bahay at bukirin sa maling paraan. Sapilitan niyong pinaalis ang pamilya sa kanilang tahanan hanggang kayo na ang manirahan doon.
|
||
|
\v 9 Pero narinig ko na ipinahayag ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Darating ang araw, mawawalan ng tao ang mga malalaking bahay na iyon; walang sinuman ang maninirahan sa magagarang mansyon na iyon.
|
||
|
\v 10 Ang mga puno ng ubas sa sampung ektaryang lupain ay hindi makapamumunga ng sapat na ubas para makagawa ng dalawampu't dalawang litro ng alak, at ang sampung sisidlan ng binhi ay makapamumunga lang ng isang sisidlan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nakakatakot ang mga bagay na mangyayari sa mga taong bumabangon ng maaga para uminom ng alak haggang hatinggabi at magpakalasing
|
||
|
\v 12 Nagsasagawa sila ng malalaking handaan at naghahain ng napakaraming alak. Sa kanilang mga handaan, may mga tumutugtog gamit ang alpa, lira, tamburin at plauta, pero hindi nila kailanman naisip ang mga ginawa ni Yahweh o pinahalagahan ang mga nilikha niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kaya ang aking bayan ay dadalhing-bihag sa malayong lugar dahil wala silang alam tungkol sa akin. Silang mga mahaharlika at pinararangalan ay magugutom, at ang ibang tao ay mamamatay sa uhaw.
|
||
|
\v 14 Tila ang lugar ng mga patay ay sabik sa maraming Israelita, binubuka ang bibig nito para lamunin sila, at marami ang itatapon sa lugar na iyon, kasama ang kanilang mga pinuno gayundin ang mga maiingay na tao na nagsasaya sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ibababa ni Yahweh ang lahat, lalo na ang mga mapagmalaki.
|
||
|
\v 16 Pero si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang Banal, ay mapararangalan sa kaniyang kabanalan dahil naging makatarungan siya. Ipakikita ng Diyos na siya ay banal sa pamamagitan ng paggawa ng matuwid.
|
||
|
\v 17 Pagkatapos, ang mga tupa ay makatatagpo ng damuhan para manginain, kahit sa mga wasak na mga bahay ng mga mayayaman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ang ilan ay nagsisikap na gumawa ng kasalanan na tila hinihila nila ang mga bagay na mali at walang silbing bagay na kanilang ginagawa. Nakakatakot na mga bagay ang mangyayari sa kanila!
|
||
|
\v 19 Pinagtatawanan nila ang Diyos at sinasabi sa kaniya, "Parusahan mo kami kaagad! Gusto naming makita ang gagawin mo. Ikaw, na Banal ng Israel, ay dapat gawin ang binabalak mong gawin dahil gusto naming malaman kung ano ito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Nakakatakot na mga bagay ang mga mangyayari sa mga nagsasabing mabuti ang masama at masama ang mabuti, ang kadiliman ay liwanag at liwanag ay kadiliman, ang mapait ay matamis at ang matamis ay mapait.
|
||
|
\v 21 Nakakatakot ang mga bagay na mangyayari sa mga nag-iisip na sila ay matalino at mautak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Nakakatakot na mga bagay ang mga mangyayari sa mga nag-iisip na sila ay bayani dahil nakaiinom sila ng napakaraming alak, at nagyayabang dahil napaghahalo nila ang masasarap na alak.
|
||
|
\v 23 Kung nag-aalok ang mga tao sa kanila ng suhol para hindi maparusahan ang masasama, tatanggapin nila ito, at sila ang magiging dahilan para maparusahan ang mga walang kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Kaya nga, tulad na lang ng apoy na tinutupok ang pinaggapasan at agarang pagkasunog ng tigang na tuyong damo, gayundin ang tila pagkakaroon ng mga ugat ng mga tao ay mabubulok at matutuyot ang mga bulaklak. Mangyayari ito dahil itinakwil nila ang mga batas ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel; nilapastangan nila ang mga mensahe ng Banal ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Kaya nga galit na galit si Yahweh sa kaniyang bayan; tila ang kaniyang kamay ay nakataas at handa siyang durugin sila. Kapag ginawa niya ito, mayayanig ang mga bundok, kakalat ang mga bangkay sa mga lansangan tulad ng dumi ng mga hayop. Pero kahit pa mangyari ito, galit na galit pa rin si Yahweh; maghahanda pa rin siya para parusahang muli ang kaniyang bayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Magpapadala ng isang hudyat si Yahweh para tawagin ang mga hukbo ng mga bansa mula sa malayong lugar; na para bang sisipol siya sa mga sundalong nasa mga ilang na lugar sa mundo. Pupunta agad sila sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Hindi sila mapapagod ni matitisod. Hindi sila titigil para magpahinga ni matulog. Walang sinuman sa kanila ang matatanggalan ng mga sinturon, ni mapipigtasan ng mga sandalyas, kaya silang lahat ay handa para lumaban sa mga digmaan.
|
||
|
\v 28 Ang kanilang mga palaso ay matutulis, at handa silang pumana sa digmaan. Dahil matutulin ang kanilang mga kabayo, kikislap ang mga paa nito at ang mga gulong ng mga karwahe ay iikot tulad ng mga ipo-ipo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Aatungal sila tulad ng nagngangalit na mga leon na umuungol at pagkatapos ay sasakmal ng mga hayop na gusto nilang patayin; dadalhin nila ang mga ito, at walang sinuman ang makapagliligtas sa kanila.
|
||
|
\v 30 Gaya nito, ang inyong mga kaaway ay uungol tulad ng dagat sa mga taong gusto nilang patayin. Sa araw na iyon, kapag may isang taong naghahanap sa lupaing iyon, tanging mga taong nasa kadiliman at kapighatian lang ang makikita niya; na para bang pati sikat ng araw ay matatakpan ng makakapal na ulap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 6
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sa taon ng kamatayan ni Haring Uzias, nagpakita si Yahweh ng pangitain sa akin. Sa pangitaing iyon, nakita ko si Yahweh na nakaupo sa trono, na mas mataas kaysa sa iba. Nakasuot siya ng napakahabang kasuotan na nagtatakip sa sahig ng templo.
|
||
|
\v 2 Sa taas niya ay may ilang umaaligid na nilalang na may pakpak. Bawat isa sa kanila ay may anim na pakpak. Tinakpan ng dalawa sa pakpak nila ang kanilang mga mukha, dalawa sa kanilang mga paa, at lumipad sila gamit ang dalawa pang pakpak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinasabi nila sa isa't isa, "Si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay banal; siya ay ganap na banal! Ang buong mundo ay puno ng kaniyang kaluwalhatian."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Nang nagsalita sila, nayanig ang mga pundasyon ng templo at napuno ito ng usok.
|
||
|
\v 5 Pagkatapos sinabi ko, "Nakakatakot ang mangyayari sa akin, dahil lahat ng sinasabi ko ay makasalanan, at namumuhay ako kasama ng mga taong patuloy na gumagawa ng kasalanan. Mamamatay ako dahil nakita ko si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos isa sa mga nilalang na may pakpak ay kumuha ng baga sa altar, gamit ang isang pares ng sipit.
|
||
|
\v 7 Lumipad siya palapit sa akin at idinampi ang baga sa aking mga labi. At sinabi niya, "Masdan mo, ang bagang ito ay dumampi sa iyong mga labi. Ang iyong kasalanan ay winakasan na at pinatawad."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos narinig ko si Yahweh na nagtatanong, "Sino ang maaari kong ipadala bilang mensahero para sa aking bayan? Sino ang pupunta doon at magpapahayag para sa atin? Tumugon ako, "Narito ako. Ako ang iyong ipadala!"
|
||
|
\v 9 Pagkatapos sinabi niya, "Pumunta ka roon at sabihin mo sa bayan ng Israel, "Makinig kayong mabuti sa sasabihin ko, pero hindi niyo ito mauunawaan. Titingin kayo ng mabuti pero hindi niyo pa maiintindihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ang sasabihin mo ang magpapatigas sa ulo ng mga taong iyon; magiging dahilan ito para hindi sila makarinig at makakita. Bunga nito, hindi nila makikita ang gusto kong ipakita sa kanila at hindi nila maririnig ang gusto kong iparinig, at hindi nila ito mauunawaan sa kanilang kalooban, at hindi sila manunumbalik sa akin para mailigtas ko sila at hindi ko maparusahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ko, "Hanggang kailan mo gustong patuloy na gawin ko ito? Tumugon siya, "Gawin mo ito hanggang mawasak ng kanilang mga kaaway, ang mga lungsod nila, hanggang sa wala ng nakatira sa kanilang mga bahay. Gawin mo ito hanggang manakaw ang lahat ng mga pananim sa kanilang bukirin at mawasak ang kanilang mga bukirin.
|
||
|
\v 12 Gawin mo ito hanggang ipatapon sila ni Yahweh sa malayong lugar, at ang buong lupain ng Israel ay napag-iwanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kahit sampung bahagi na lang ng kabuuan ng mga tao ang nakaligtas at nananatili roon, sasakupin muli ng kanilang mga kaaway ang lupain at lahat ay susunugin. Pero tulad na lang ng pagputol ng isang puno at pagtira ng tuod nito, at may bagong sisibol dito, ang mga taong nanatili sa lupaing iyon ay magiging isang pangkat na ihiniwalay para sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 7
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Si Ahaz ay anak ni Jotam at apo ni Uzias. Sa panahon na si Ahaz ang hari ng Juda, lumusob sa Jerusalem sina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka ng Israel kasama ng kanilang mga hukbo. Pero hindi nila ito nasakop.
|
||
|
\v 2 Bago sila lumusob, nalaman ng mga nasa palasyo sa Jerusalem ang balita na ang Aram at Israel ay magkakampi na. Kaya labis na natakot si Haring Ahaz at ang kaniyang mga nasasakupan; nanginig sila tulad ng pagyugyog ng mga puno dahil sa bagyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos sinabi sa akin ni Yahweh, "Isama mo ang anak mong si Sear-Yasub, at pumunta kayo para kausapin si Haring Ahaz. Nasa dulo siya ng pinagdadaluyan ng tubig patungo sa imbakan ng tubig sa itaas, malapit sa daan kung saan naglalaba ang mga kababaihan.
|
||
|
\v 4 Sabihin mo kay Ahaz na huwag mag-alala. Sabihin mo na hindi siya dapat matakot sa dalawang haring iyon, kina Rezin at Peka. Galit na galit sila sa Juda pero hindi nila mawawasak ang kaniyang bansa kung papaanong ang nagbabagang mga uling ay hindi makapanakit sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Oo, nagpaplano sila ng masama laban sa kaniya at nagsasabing,
|
||
|
\v 6 'Lulusubin natin ang Juda at sasakupin ito. Pagkatapos, iluluklok natin ang anak ni Tabeel na maging hari ng Juda.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero ito ang pinapasabi ni Yahweh, ang Panginoon, "Hindi ito mangyayari; hindi nila masasakop ang Jerusalem!
|
||
|
\v 8 Ang kabisera ng Aram ay Damascus, pero ang Damascus ay pinamumunuan lang ng walang-halagang si Haring Rezin. At sa Israel, sa loob ng animnapu't limang taon, masasakop ito at tuluyang mawawasak.
|
||
|
\v 9 Ang kabisera ng Israel ay Samaria, at ang Samaria ay pinamumunuan lang ng walang kwentang si Haring Peka. Kaya hindi ka na dapat matakot sa dalawang bansang iyon! Pero dapat kang magtiwala sa akin, dahil kapag hindi ka nagtiwala ng lubos sa akin, ikaw ay matatalo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sa kalaunan, nagbigay ulit ng panibagong mensahe si Yahweh para kay Ahaz.
|
||
|
\v 11 Sinabi niya, "Humiling ka kay Yahweh, ang iyong Diyos, ng palatandaan para masigurado mong tutulungan ka niya. Maaari kang humiling na kasintaas ng langit o kasinglalim ng lugar kung saan nakahimlay ang mga patay.
|
||
|
\v 12 Pero noong sinabi ko ito sa hari, tumanggi siya. Sinabi niya, "Hindi, hindi ako hihiling kay Yahweh ng palatandaan para patunayan na tutulungan niya kami."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ko sa kaniya, "Kayong mga kaapu-apuhan ni David, makinig kayo! Inuubos niyo ang pasensya ko. Uubusin niyo rin ba ang pasensya ng aking Diyos sa inyo?
|
||
|
\v 14 Si Yahweh mismo ang gagawa ng bagay na magpapatunay na tutulungan ka niya. Pakinggan niyo ito: Isang babae ang magdadalang-tao at magsisilang ng isang lalaki. Pangangalangan niya siyang Immanuel, na nangangahulugang, "Kasama natin ang Diyos."
|
||
|
\v 15 Pagsapit ng araw na ang bata ay nasa hustong gulang na para kumain ng namuong gatas at pulot, itatakwil niya ang kasamaan at pipiliin ang kabutihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 At bago sumapit ang araw na magagawa niya ito, ang mga lupain ng kinatatakutan mong mga hari ay pababayaan.
|
||
|
\v 17 Pero pagkatapos, hahayaan ni Yahweh na marasanan mo, ng pamilya mo, at ng buong bansa ang kalunos-lunos na mga sakuna. Ang mga sakunang iyon ay higit na malala kaysa sa mga sakuna na naganap simula nang humiwalay ang Israel sa Juda. Gagamitin ni Yahweh ang hukbo ng hari ng Asiria para salakayin kayo!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Sa panahong iyon, para bang sisipol si Yahweh para tawagin ang hukbo mula sa timog ng Ehipto pati na rin ang hukbo ng Asiria. Darating sila at paliligiran ang inyong bansa tulad ng mga langaw at bubuyog.
|
||
|
\v 19 Darating silang lahat at maninirahan kung saan-saan—sa makikipot na lambak at sa mga kweba sa mababatong bangin, sa lupain kung saan maraming halamang tinik pati na rin sa matabang lupain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sa panahong iyon, uupahan ni Yahweh ang hari ng Asiria na pumunta kasama ang kaniyang hukbo mula sa silangan ng Ilog Eufrates. Papatayin nila lahat ng nasa lupain ninyo—mga pananim at mga tao. Wawasakin nila ng lubusan ang lahat; magiging tulad ito ng taong inaahit hindi lang buhok ng isang lalaki kundi pati ang kaniyang balbas at buhok sa mga binti.
|
||
|
\v 21 Kapag nangyari ito, isang batang baka at dalawang kambing lang ang kayang buhayin ng isang magsasaka.
|
||
|
\v 22 Gayun pa man, makapagbibigay ng masaganang gatas ang mga hayop na iyon, at magkakaroon ang magsasaka ng kakaining gatas. At dahil kakaunti na lang ang natitira sa lupain, lahat ng tao roon ay mananagana sa gatas at pulot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Ngayon, mayroong mga ubasan sa maraming lugar na nagkakahalaga ng isang libong piraso ng pilak, pero sa panahong iyon, tanging dawag lang at tinik ang tutubo sa mga bukirin.
|
||
|
\v 24 Tanging dawag at tinik lang ang naroon sa buong lupain, pati mababangis na hayop, kaya ang mga tao ay pupunta roon para mangaso at pumatay ng mga hayop.
|
||
|
\v 25 Walang sinuman ang makapupunta sa dating mga hardin sa matabang kaburulan, dahil dawag at tinik ang babalot sa kaburulan. May mga lugar kung saan kakaunting baka, tupa at kambing ang magpapagala-gala sa palibot para maghanap ng makakain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 8
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Saka sinabi sa akin ni Yahweh, "Gumawa ka ng malaking karatula. At isulat mo ito nang malinaw dito, 'Maher-Salal-has-baz' na ang ibig sabihin ay 'mabilis mong samsamin at agawin ang lahat'."
|
||
|
\v 2 Kaya pinakiusapan ko ang punong paring si Urias, at si Zacarias na anak ni Jeberequias, mga tapat na saksi, para bantayan ako habang ginagawa ko iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos sumiping ako sa aking asawa, na isang propeta, at siya ay nagbuntis at nagsilang ng isang anak na lalaki. Saka sinabi sa akin ni Yahweh, "Pangalanan mo siyang Maher-Salal-has-baz,
|
||
|
\v 4 dahil bago pa niya magawang masabi ang 'tatay' o 'nanay', darating ang hari ng Asiria kasama ang kaniyang hukbo at kukunin ang lahat ng mahahalagang pag-aari ng Damasco at Samaria."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kinausap muli ako ni Yahweh at sinabing,
|
||
|
\v 6 "Sabihin mo sa bayan ng Juda: Inalagaan ko kayo ng mabuti, pero tinanggihan ninyo ito sa pag-aakalang maliit lang ang aking naitutulong, na parang kanal lang na pinagdadaluyan ng tubig mula sa batis ng Gihon patungong Jerusalem. Sa halip, mas masaya pa kayo na humingi ng tulong kay Haring Rezin at Haring Peka.
|
||
|
\v 7 Kaya, ako, ang Panginoon, ang magpapadala sa makapangyarihang hukbo ng hari ng Asiria, na magiging tulad ng malaking baha mula sa Ilog Eufrates, upang salakayin ang bayan ng Juda. Matatagpuan mo ang mga sundalo nila sa bawat sulok ng inyong bayan, na tulad ng ilog na umaapaw sa mga pampang nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ang mga sundalong iyon ay ilulubog ang buong Juda, tulad ng baha na aabot sa leeg ang lalim. Mabilis na kakalat ang mga hukbo, na tulad ng isang agila, at sakop ang buong lupain ninyo! Pero, ako na inyong Diyos ay kasama ninyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Makinig, kayong mga nakatira sa malalayong mga bansa! Maghahanda kayo sa pagsalakay sa Juda. Maghahanda kayo sa digmaan, at sisigaw kayo sa labanan, pero ang inyong mga sundalo ay madudurog!
|
||
|
\v 10 Maghahanda kayo para salakayin ang Juda, pero ang inyong mga plano ay mawawalan ng silbi! Hindi kayo magtatagumpay dahil kasama namin ang Diyos!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Mahigpit akong pinagbawalan ni Yahweh na huwag gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Juda. Sinabi niya sa akin
|
||
|
\v 12 "Huwag mong sabihing lahat ng kanilang ginagawa ay pagsalungat sa pamahalaan, na tulad ng sinasabi nila, at huwag kang matakot sa kanilang kinatatakutan.
|
||
|
\v 13 Ako, si Yahweh, ang pinuno ng hukbo ng mga anghel, ang kailangan ninyong ituring na banal. Ako ang dapat ninyong katakutan, sa akin kayo magsusulit.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Iingatan kayo ni Yahweh. Pero sa ibang mga tao sa Juda at Israel, si Yahweh ay magiging isang bato na katitisuran ng mga tao, tulad ng isang malaking bato na sanhi ng kanilang pagkahulog. At sa mga mamamayan ng Jerusalem, siya ay magiging patibong o bitag.
|
||
|
\v 15 Maraming tao ang matitisod, madadapa, at hindi na makakabangon pang muli. Makakaranas sila ng mabigat na mga suliranin; bibihagin sila ng kanilang mga kalaban.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kaya sinabi ko sa inyong mga alagad ko, selyuhan ninyo ang balumbon na ito kung saan isinulat ko ang mga mensaheng ibinigay sa akin ng Diyos, at ibigay ninyo ang kaniyang mga tagubilin sa ibang mga sumama sa akin.
|
||
|
\v 17 Maghihintay ako para makita ko kung ano ang gagawin ni Yahweh. Itinatwa niya ang mga kaapu-apuhan ni Jacob, pero panatag ako na tutulungan niya ako.
|
||
|
\v 18 Ako at ang mga anak na ibinigay ni Yahweh sa akin ang magsisilbing babala para sa Israel, kami ang mga babala mula kay Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel, siya na nananahan sa templo sa bundok ng Sion sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 May ilan ang manghihikayat sa inyo na kumunsulta sa mga taong kumakausap sa mga espiritu ng mga taong namatay na o nagsasabing nakakatanggap ng mensahe mula sa mga espiritu. Binubulong nila at sinasambit ang kailangan nating gawin sa hinaharap. Pero ang Diyos ang dapat nating lapitan para gumabay sa atin! Isang katatawanan na humingi ng tulong ang mga buhay sa mga espiritu ng mga patay para malaman kung ano ang kailangan nating gawin!
|
||
|
\v 20 Makinig kayo sa mga utos at katuruan ng Diyos! Kung ang mga tao ay hindi nagsasalita ng ayon sa tinuturo ng Diyos, walang kabuluhan ang kanilang sinasabi. Para silang nasa kadiliman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Gagala sila sa lupain nang nag-aalala at nagugutom. At kapag sila ay gutom na gutom na, sila ay magagalit nang sobra. Titingala sila sa langit at susumpain ang Diyos at isusumpa rin nila ang kanilang hari.
|
||
|
\v 22 Maghahanap sila sa buong lupain at ang makikita lang nila ay puro kaguluhan at kadiliman at mga bagay na magpapalungkot sa kanila. At sila ay itatapon sa isang lugar na napaka-dilim.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 9
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Samantala, silang mga nasa Juda ay hindi mananatiling naghihirap. Noong nakaraan, hinamak ni Yahweh ang mga tao sa lupain na kabilang sa tribo ng Zebulun at Neptali. Pero sa hinaharap pararangalan niya ang mga taong nakatira sa rehiyon ng Galilea, sa tabi ng daan sa pagitan ng ilog Jordan at dagat Mediteraneo, na kung saan maraming dayuhan ang nakatira.
|
||
|
\v 2 Isang araw sa hinaharap, ito ay magiging tulad ng mga taong naglalakad sa dilim na nakakita ng matinding liwanag. Oo, isang matinding liwanag ang magliliwanag sa lahat ng mga nakatira sa lupa na kung saan maraming mga kaguluhan ngayon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Yahweh, pasasayahin mo kami sa Israel ng sobra. Magdiriwang kami na tulad ng ginagawa ng mga tao kapag umaani na sila, o tulad ng mga sundalo na pinaghahatian nila ang mga bagay na nakuha nila sa digmaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Hindi mo na kami hahayaang maging alipin ng mga bumihag sa amin; tatanggalin mo ang mga mabibigat na pasanin mula sa aming mga balikat. Tulad ito ng pagwasak mo sa mga taong nagpapahirap sa amin, na tulad ng pagwasak mo sa hukbo ng mga taga-Midian.
|
||
|
\v 5 Ang mga bota na gamit ng mga sundalo at mga damit nila na may mantsa ng dugo ay susunugin, magiging pandingas sila sa malaking apoy.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Isa pang dahilan ng aming pagdiriwang ang pagsilang ng isang mahalagang sanggol para sa amin, isang babae ang manganganak ng lalaki, siya ang magiging pinuno namin. At ang kaniyang mga pangalan ay 'Nakamamanghang Tagapayo', 'Makapangyarihang Diyos', 'Ang Ating Walang-hanggang Ama', at 'Hari na nagbibigay Kapayapaan.'
|
||
|
\v 7 Ang kaniyang pamumuno at kapayapaan ay walang hangganan. Mamumuno siya ng tapat at patas, tulad ng kaniyang ninunong si Haring David. Ito ay mangyayari dahil si Yahweh, ang pinuno ng hukbo ng mga anghel ay higit na nais mangyari ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Binalaan ng Panginoon ang mga kaapu-apuhan ni Jacob; sinabi niya na paparusahan niya ang Israel.
|
||
|
\v 9-10 At malalaman iyon ng lahat ng mga tao sa Samaria at sa iba pang lugar sa Israel pero mayabang at arogante na sila ngayon. Sinabi nila, "Nawasak na ang ating lungsod pero tatanggalin namin ang mga sirang pader mula sa mga guho at papalitan namin ito ng mga inukit na bato. Ang aming mga puno ng igos ay pinutol ng aming mga kalaban, pero magtatanim kami ng sedar kapalit nila."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pero dadalhin ni Yahweh ang mga hukbo ng Asiria, ang kalaban ni Haring Rezin ng Aram, para labanan ang Israel at sulsulan ang iba pang mga bansa para salakayin ang Israel.
|
||
|
\v 12 Ang hukbo ng Aram ay darating mula sa silangan, ang hukbo ng Filisteo ay mula sa kanluran. Pupuksain nila ang Israel na tulad ng isang mabangis na hayop na hinihimay-himay ang kaniyang biktima at saka niya lalamunin. Pero kahit na matapos na iyon, mananatili pa ring galit si Yahweh. Siya ay nakahanda na saktan muli sila ng kaniyang kamao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pero kahit na paparusahan ni Yahweh ang mga taong ito, hindi pa rin sila babalik sa kaniya at sasambahin siya. Hindi pa rin sila makikiusap kay Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel para alalayan sila.
|
||
|
\v 14 Kaya, sa loob lang ng isang araw tatanggalin ni Yahweh silang mga ulo ng Israel maging silang buntot nito; silang mga tulad ng tuktok ng mga palma at silang tulad ng mga ugat nito.
|
||
|
\v 15 Ang mga pinuno ng Israel ang ulo, at ang mga propetang nagsasabi ng kasinungalingan ang buntot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ang mga pinuno ng mga tao ay iniligaw sila, nilito nila ang mga taong pinangungunahan nila.
|
||
|
\v 17 Sa kadahilanang iyon, hindi nalugod si Yahweh sa mga kabataang lalaki ng Israel, at hindi man lang sila naawa sa mga balo at ulila, dahil sila ay hindi maka-diyos at masasama, at nagsasalita sila ng mga kamangmangan. Pero galit pa rin si Yahweh sa kanila, handa siyang saktan muli sila ng kaniyang kamao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Kapag gumagawa ang mga tao ng masasamang bagay, ito ay tulad ng sunog sa damuhan na mabilis kumalat. Sinusunog nito hindi lang ang mga damo at tinik; nagsisimula ito ng isang malaking sunog sa kagubatan na kung saan makakapal na usok ang umaangat.
|
||
|
\v 19 Parang ang buong lupain ay tinutong dahil si Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ay galit na galit sa mga Israelita. Para silang mga pandingas para sa malakas na apoy, at wala ni isa ang magliligtas sa kaniyang kapatid mula sa apoy na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sasalakayin ng mga Israelita ang kanilang kapit bahay sa kanan para kumuha ng pagkain sa kanila, pero gutom pa rin sila. Papatayin nila at kakainin ang mga nakatira sa kanilang kaliwa, pero hindi pa rin sila mabubusog.
|
||
|
\v 21 Sasalakayin ng mga tribo nila Manases at Efraim ang bawat isa, at silang dalawa ay sasalakayin ang Juda. Pero pagkatapos mangyari iyon, galit na galit pa rin si Yahweh sa kanila; handa siyang saktan muli sila ng kaniyang kamao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 10
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nakakagimbal na bagay ang mangyayari sa inyong mga hukom na hindi matuwid at gumagawa ng hindi patas na mga batas.
|
||
|
\v 2 Tumatanggi kayo sa pagtulong sa mga mahihirap na tao, at hindi niyo sila hinahayaang makamit ang mga bagay na nararapat sa kanila. Hinahayaan ninyo na pagnakawan ng mga tao ang mga balo at gawan ng masama ang mga ulila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kapag pinarusahan ko kayo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tao mula sa malalayong lupain para magdala ng sakuna sa inyo, kanino kayo hihingi ng tulong? Tiyak na hindi magiging ligtas ang inyong mga ari-arian saan mang lugar.
|
||
|
\v 4 Ang tanging magagawa niyo lang ay ang matisod habang dinadala kayo palayo kasama ng mga bihag, o kung hindi, ang inyong mga bangkay ay maiiwan sa lupa kasama ng iba pang namatay. Pero pagkatapos mangyari iyon, galit na galit pa rin si Yahweh sa inyo; handa siyang saktan muli kayo ng kaniyang kamao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Sinabi ni Yahweh, "Nakakagimbal na mga bagay ang mangyayari sa Asiria. Totoo nga na ang kanilang hukbo ay tulad ng pamalo o tungkod na gagamitin ko para parusahan ang mga bansa dahil sa galit ko sa kanila.
|
||
|
\v 6 Minsan pinapadala ko ang mga taga-Asiria para salakayin ang isang bansang hindi maka-diyos, para labanan ang ibang mga tao na nagpagalit sa akin. Pinadala ko sila para bumihag ng mga tao at kamkamin ang kanilang mga ari-arian, at apak-apakan sila ng tulad ng paglalakad sa putikan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero hindi ito naunawaan ng hari ng Asiria; hindi niya naunawaan na siya ay tulad lamang ng isang sandata sa aking kamay. Gusto lang niya na pumuksa, at mangwasak ng maraming bansa.
|
||
|
\v 8 Ang sabi pa niya, 'Ang lahat ng mga pinuno ng aking hukbo ay magiging hari ng mga bansang sasakupin ko!
|
||
|
\v 9 Winasak namin ang lungsod ng Calno tulad ng pagwasak namin sa Carquemis. Winasak namin ang lungsod ng Hamat tulad ng pagwasak namin sa lungsod ng Arpad; winasak namin ang Samaria tulad ng pagwasak namin sa Damasco.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nagawa naming wasakin ang lahat ng kaharian na iyon na puno ng mga diyus-diyosan, mga kaharian na ang diyos ay mas malakas kaysa sa mga diyos sa Jerusalem at Samaria.
|
||
|
\v 11 Kaya tatalunin namin ang Jerusalem at wawasakin ang mg diyus-diyosan nito, tulad ng pagwasak namin sa Samaria at sa mga imahe na naroon!'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pero ako ang Panginoon, at pagkatapos kong gamitin ang Asiria para tapusin ang pagpaparusa ko sa mga mamamayan ng Jerusalem, paparusahan ko naman ang hari ng Asiria dahil siya ay naging napakayabang at arogante.
|
||
|
\v 13 Sinabi niya, 'Sa pamamagitan ng sarili kong kapangyarihan nagawa ko ang mga bagay na ito. Nagawa ko ang mga ito dahil sa sobra kong karunungan at katalinuhan. Tinanggal ng aking hukbo ang mga harang at hangganan ng mga bansa at sinamsam ang lahat ng kanilang kayamanan. Tinalo ng aking hukbo tulad ng isang mabangis na toro ang kanilang mga hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Tulad ng isang tao na kumukuha ng itlog sa pugad ng ibon, kinuha namin ang kayamanan ng mga bansa. Ang mga tao ay hindi tulad ng mga ibon na papagaspas o huhuni ng malakas para pumalag kung ang kanilang mga itlog ay ninanakaw; ang mga tao ay hindi man lang tumutol sa pagnanakaw ng kanilang mga kayamanan.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pero ako si Yahweh, at sinasabi ko na ang isang palakol ay hindi kailanman makakapagyabang na mas malakas pa ito kaysa sa gumagamit nito, at ang isang lagari ay hindi makahihigit sa gumagamit nito. Hindi kayang kontrolin ng isang tungkod ang humahawak dito, at ang isang pamalo ay hindi kayang buhatin ang isang tao. Kaya ang hari ng Asiria ay hindi dapat magmayabang na nagawa niya ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng sarili niyang karunungan at lakas.
|
||
|
\v 16 Ako si Yahweh ang Panginoon, Pinuno ng hukbo ng mga anghel, na magpapadala ng mga salot sa mga pinakamagagaling na sundalo ng Asiria; magiging tulad ito sa isang apoy na papatay sa kanila at tatanggalin ang kanilang kaluwalhatian.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Si Yahweh ay liwanag sa bayan ng Israel, tulad ng isang apoy; Ang Banal na naghahari sa Israel ay tulad ng isang nagliliyab na apoy. Ang mga sundalo ng Asiria ay tulad ng mga tinik at damo, at isang araw, sila ay susunugin ni Yahweh.
|
||
|
\v 18 May mga mayayabong na gubat at lupaing mataba sa Asiria, pero ang lahat ng ito ay wawasakin ni Yahweh; matutulad sila sa isang taong may karamdaman na mamamatay na.
|
||
|
\v 19 Mabibilang na lang ng mga bata ang matitira mula rito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sa hinaharap, kakaunti na lang sa mga kaapu-apuhan ni Jacob ang maiiwang buhay sa Israel. Pero hindi na sila aasa sa hari ng Asiria, ang hari na nagtangkang wasakin sila. Sa halip, lubos silang magtitiwala kay Yahweh, Ang Banal na naghahari sa Israel.
|
||
|
\v 21 Silang mga Israelita ay magbabalik-loob sa kanilang makapangyarihang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Sa ngayon, ang mamamayan ng Israel ay magiging kasing dami ng mga buhangin sa dalampasigan, pero iilan lang sa kanila ang makakababalik mula sa mga bayan kung saan sila ipinatapon. Nagpasya si Yahweh na wasakin ang karamihan sa mga Israelita, at dapat niya lang gawin iyon dahil siya ay patas.
|
||
|
\v 23 Oo, ang Panginoong Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel, ay nagpasya nang wasakin ang buong Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel: "Bayan ko sa Jerusalem, huwag kayong matakot sa hukbo ng Asiria kapag hinagupit kayo ng kanilang mga pamalo at baston, tulad nang ginawa ng mga taga-Ehipto sa inyong mga ninuno.
|
||
|
\v 25 Malapit nang humupa ang galit ko sa inyo, at magagalit naman ako sa bayan ng Asiria para wasakin sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Hahagupitin sila ng latigo ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel. Gagawin niya sa kanila ang ginawa niyang pagtalo sa hukbo ng Midian at paglunod sa hukbo ng Ehipto sa Dagat na Pula.
|
||
|
\v 27 Isang araw sa hinaharap, patitigilin ni Yahweh ang hukbo ng Asiria sa pagpapahirap sa inyo. Patitigilin niya ang inyong kahirapan at ang inyong pagkaalipin sa Asiria; tatanggalin niya ang bigat ng inyong binubuhat at bibigyan kayo ng ginhawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Ito ang mangyayari isang araw sa hinaharap: Ang hukbo ng Asiria ay pumasok sa Hilagang Juda malapit sa Aiat; binagtas nila ang Migron at itinago ang kanilang mga kagamitan sa Micmas, hilagang Jerusalem.
|
||
|
\v 29 Tumawid sila sa gilid ng bundok at nagkampo sa Geba. Manginginig sa takot ang mga taga-Rama. Nagtakbuhan ang bayan ng Gibea kung saan ipinanganak si Saul.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Kayong mga taga-Galim ay hihingi kayo ng tulong! Babalaan nila ang mga mamamayan ng Laisa malapit sa Jerusalem. Ang mga taga-Anatot ay lubos na maghihirap.
|
||
|
\v 31 Magsisipagtakbuhan ang mga taga-Madmena, hilaga ng Jerusalem at ang mga taga-Gebim malapit sa Jerusalem ay susubukang magtago.
|
||
|
\v 32 Titigil ang hukbo ng Asiria sa lungsod ng Nob sa labas ng Jerusalem. Itataas nila ang kanilang kamao para takutin ang bayan sa Bundok ng Sion sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Pero pakinggan ninyo ito! Si Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel, sa kaniyang kapangyarihan ay wawasakin ang hukbo ng Asiria. Tulad sila ng isang matayog na puno na puputulin.
|
||
|
\v 34 Wawasakin niya ang mga sundalo ng Asiria na tulad ng pagpapalakol ng mga matataas na puno sa mga gubat sa Lebanon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 11
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Gaya ng isang bagong sanga na madalas na tumubo mula sa naputol na puno, magkakaroon ng isang bagong hari mula sa kaapu-apuhan ni Haring David.
|
||
|
\v 2 Ang espiritu ang laging sasama sa kaniya. Gagawin siyang matalino ng espiritu at makaunawa ng maraming bagay; Bibigyang kakayahan siya ng espiritu na makapagpasya kung ano ang tama at bibigyan siya ng matinding kapangyarihan. Gagawin siya ng Espiritu na makilala si Yahweh at gumalang sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Magagalak siya sa pagsunod kay Yahweh. Hindi niya hahatulan kung sino ang matuwid at hindi sa pamamagitan ng panlabas na anyo ng tao, o sa pamamagitan ng pakikinig sa sasabihin ng iba.
|
||
|
\v 4 Hahatulan niya ng tapat ang mga kaso ng mga nangangailangang tao; at kikilos siya ng matuwid tungo sa mahihirap na tao. Paparusahan niya ang masasamang tao bilang resulta ng kaniyang pagpapasya; papatayin niya ang masasamang tao dahil sa mga masasamang bagay na ginawa nila.
|
||
|
\v 5 Lagi siyang kikilos ng matuwid; magiging gaya ng sinturon sa kaniyang bewang ang mga mabubuting bagay na kaniyang gagawin. Lagi siyang magsasabi ng tama; magiging gaya ng laso sa kaniyang bewang ang totoong mga sasabihin niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kapag naging hari siya, mapayapang mabubuhay ng magkasama ang mga lobo at tupa; sa halip na papatayin ng mga leopardo ang mga batang kambing, magkasama silang matutulog. Katulad noon, magkasamang kakain ang mga malusog na guya at leon; at isang bata ang mag-aalaga sa kanila.
|
||
|
\v 7 Magkasamang kakain ang mga baka at oso; magkasamang matutulog ang mga anak ng oso at mga guya. Hindi na kakain ng ibang mga hayop ang mga leon; sa halip, kakain sila ng dayami gaya ng mga baka.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ligtas na makapaglalaro ang mga bata malapit sa butas kung saan naninirahan ang mga ahas; mailalagay din ng mga bata ang kanilang mga kamay sa mga lungga ng mga makamandag na ahas, at hindi sila sasaktan ng mga ahas.
|
||
|
\v 9 Wala nang tao o hayop na mananakit o papatayin ang ibang nilikha sa Bundok Sion, ang aking banal na burol; at mapupuno ang mundo nang tao na nakakakilala sa akin, gaya ng mga dagat na puno ng tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sa oras na iyon, may hahawak ng isang bandila mula sa kaapu-apuhan ni David na maghuhudyat sa mga grupo ng mga tao na dapat silang magsama-sama; lalapit sila sa kaniya para hingin ang kaniyang payo, at magiging maluwalhati ang pinananahanan niya.
|
||
|
\v 11 Sa oras na iyon, tutulong si Yahweh gaya ng ginawa niya noon, gagawin niyang makauwi ang mga tinapon mula sa Israel, mula sa Asiria, mula sa hilagang Ehipto, mula sa timog ng Ehipto, mula sa Etiopia, mula sa Elam, mula sa Babilonia, mula sa Hamat, at mula sa malalayong mga bansa na malapit sa dagat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Itataas ni Yahweh ang kaniyang bandila sa gitna ng lahat ng grupo ng tao, at titipunin niya ang mga tao ng Israel na tinapon dati. Titipunin niya ang mga tao ng Juda mula sa malalayong mga lugar na kinalat niya sa mga lugar na iyon.
|
||
|
\v 13 Pagkatapos, hindi na maiinggit sa isa't-sa ang bayan ng Israel at bayan ng Juda, at hindi na sila magiging magkalaban.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Magsasama-sama ang kanilang mga hukbo na lulusob sa bayan ng Filisteo sa kanluran. At sama-sama silang lulusob sa mga bansa sa silangan; tatalunin nila ang mga bansang iyon at kukunin ang lahat ng kanilang mga kayamanan. Sasakupin nila ang lugar ng Edom at Moab, at pamamahalaan nila ang bayan ng Ammon.
|
||
|
\v 15 Gagawa si Yahweh ng tuyong daan malapit sa dagat ng Ehipto. Ikakaway niya ang kaniyang kamay sa kabilang bahagi ng Ilog Eufrates at magdadala ng malakas na hangin na makakapaghati nito sa pitong batis, na magiging dahilan nang pagtawid ng mga tao sa mga batis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Dahil gagawa siya ng daanan para sa kaniyang bayan na naninirahan sa Asiria, makakabalik na sila sa kanilang sariling lupain, gaya ng dati na gumawa siya ng daanan para sa bayan ng Israel para makatawid sila sa tubig nang umalis sila sa Ehipto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 12
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sa oras na iyon, kakantahin ng bayang Jerusalem ang awiting ito: "Yahweh, pinupuri ka namin! Dati, galit ka sa amin, pero hindi na ngayon at pinasaya mo kami.
|
||
|
\v 2 Nakamamangha, na pumunta ka para iligtas kami, kaya magtitiwala kami sa iyo at hindi na matatakot. Yahweh na aming Diyos, pinalakas mo kami; ikaw ang aming awitin; niligtas mo kami sa aming mga kaaway."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kayo na kaniyang bayan ay labis na magagalak dahil niligtas niya kayo, gaya ng pagsasaya ninyo sa inuming tubig mula sa isang bukal.
|
||
|
\v 4 Sa oras na iyon, sasabihin ninyo, "Dapat nating pasalamatan si Yahweh! Dapat natin siyang pasalamatan! Dapat nating sabihin sa lahat ng grupo ng tao ang kaniyang ginawa; dapat natin ipaalam sa kanila na dakila siya!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Dapat tayong umawit kay Yahweh, dahil gumawa siya ng mga kamangha-manghang mga bagay. Dapat natin ipaalam sa lahat ng tao sa mundo!
|
||
|
\v 6 Kayo na bayan ng Jerusalem, sumigaw kayo nang papuri na may kagalakan kay Yahweh, dahil siya ang dakilang Banal na sinasamba ng bayan ng Israel, at namuhay kasama natin!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 13
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ako si Isaias anak ni Amoz, ang nakatanggap ng mensahe mula kay Yahweh tungkol sa lungsod ng Babilonia:
|
||
|
\v 2 Itaas ninyo ang bandila sa tuktok ng burol, para hudyatan na dapat nang lumusob ang hukbo sa Babilonia. Sigawan sila at ikaway ang inyong kamay para hudyatan sila na dapat na silang maglakad sa pintuan ng lungsod papunta sa mga palasyo ng mayayabang na namamahala nang Babilonia!
|
||
|
\v 3 Sinabi ni Yahweh, "Inatasan ko ang mga mandirigma na aking pinili para parusahan ang bayan ng Babilonia dahil galit na galit ako sa kanila, at magmamalaki ang mga sundalo kapag ginawa nila iyon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Makinig kayo sa ingay ng mga bundok, ingay iyon ng malaking hukbo na naglalakad! Ingay iyon na gawa ng mga grupo ng mga tao na sumisigaw. Si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel ay pinatawag ang hukbong ito para magsama-sama.
|
||
|
\v 5 Galing sila mula sa malalayong mga bansa, mula sa pinakaliblib na mga lugar sa mundo. Gaya sila ng mga sandata na gagamitin ni Yahweh para parusahan ang mga taong kinagagalitan niya, at para wasakin ang buong bansa ng Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sisigaw kayong bayan ng Babilonia dahil manginginig kayo sa takot, dahil iyon ang oras na pinili ni Yahweh, oras para wasakin ng pinakamalakas na Diyos ang inyong lungsod.
|
||
|
\v 7 Dahil mangyayari iyon, matatakot lahat ng tao sa inyo, bilang resulta, hindi nila maitataas kahit ang kanilang mga kamay.
|
||
|
\v 8 Matatakot kayong lahat, labis kayong masasaktan gaya ng babaeng nanganganak. Hindi ninyo matutulungan ang isa't-isa, at makikita sa iyong mga mukha ang nararamdaman ninyong takot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Makinig kayo dito, bayan ng Babilonia: Paparating na ang araw na pinili ni Yahweh para kumilos, araw na paparusahan niya nang galit na galit at malupit dahil sobra ang galit niya sa inyo. Sasanhiin niyang sirain ang lupain ng Babilonia, at papatayin niya ang lahat ng makasalanan na natira doon.
|
||
|
\v 10 Kapag nangyari iyon, wala nang bituin ang magniningning. Kapag sumikat ang araw, magiging madilim ito, at mawawala ang liwanag ng buwan sa gabi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Sinabi ni Yahweh, "Paparusahan ko ang lahat ng tao sa daigdig dahil sa kasamaan na ginawa nila; Paparusahan ko ang lahat ng tao dahil sa nagawa nilang mga kasalanan. Tatanggalin ko ang kayabangan ng mga mapagmataas na tao, at ihihinto ko ang kalupitan ng mga walang awa.
|
||
|
\v 12 Dahil papatayin ko ang maraming tao, mas mahirap nang hanapin ang mga tao kaysa sa ginto, mas mahirap hanapin kaysa sa pinong ginto mula sa Ofir sa Arabia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Yayanigin ko ang kalangitan, at maaalis din ang mundo sa kinalalagyan nito. Mangyayari iyon kapag ako na si Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel ay paparusahan ang masasamang tao, kapag pinakita ko sa kanila na ako'y galit na galit.
|
||
|
\v 14 Magtatakbuhan ang mga banyaga sa Babilonia gaya ng usa na hinuhuli, gaya ng tupa na walang pastol. Susubukan nilang hanapin ang mga tao mula sa kanilang mga bansa, at pagkatapos tatakas sila mula sa Babilonia at babalik sa kanilang sariling mga bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Papatayin ang sinumang mahuhuli sa Babilonia sa pamamagitan ng mga espada ng kanilang mga kaaway.
|
||
|
\v 16 Itatapon ang kanilang mga anak sa mga batuhan habang pinapanuod ng kanilang mga magulang; nanakawin ng kanilang mga kaaway ang kayamanan nila mula sa kanilang mga bahay at pipilitin ang kanilang mga asawang babae na sipingan sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Tingnan ninyo! Susulsulan ko ang bayan ng Media para lusubin ang Babilonia. Lulusubin ng hukbo ng Media ang Babilonia, kahit na bibigyan sila ng pilak at ginto kung ipapangako nila na hindi sila lulusob.
|
||
|
\v 18 Gamit ang kanilang mga palaso, papanain ng mga sundalo ng Media ang mga batang lalaki sa Babilonia; ni hindi nila papakitaan ng awa ang mga sanggol at mga bata!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Napakaganda ng lungsod ng Babilonia; labis itong ipinagmamalaki ng mga tao; pero wawasakin ng Diyos ang Babilonia, gaya ng pagwasak niya sa Sodoma at Gomorra.
|
||
|
\v 20 Wala na muling maninirahan sa Babilonia magpakailanman. Tatanggi ang mga manlalakbay na ilagay ang kanilang mga tolda doon; hindi dadalahin ng mga pastol ang kawan ng mga tupa para magpahinga doon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pupunta ang mga hayop na nakatira sa desyerto doon; maninirahan ang mga mababangis na aso sa mga sirang bahay. Maninirahan ang mga kuwago sa mga gumuhong bahay, at mga ostrich at maglalaro doon ang mga kambing.
|
||
|
\v 22 Uungol ang mga hiyena sa mga sirang tore, at maglulungga ang mga mababangis na aso sa mga dating magagandang palasyo. Nalalapit na ang oras na mawawasak ang Babilonia; Hindi na magtatagal ang buhay ng Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 14
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pero kikilos ng may awa si Yahweh sa bayan ng Israel; pipiliin niya muli ang Israel na maging bayan niya muli, at hahayaan niya sila na makabalik at manirahan muli sa kanilang lupain. Pagkatapos, pupunta ang iba't-ibang bansa at makikiisa sa bayan ng Israel.
|
||
|
\v 2 Tutulong ang bawat bayan ng bansa para makabalik sila sa kanilang lupain, at magtratrabaho ang iba't-ibang bansa para sa bayan ng Israel. Mahuhuli ng mga sundalo ng Israel ang mga humuli sa kanila, at pamumunuan ng bayan ng Israel ang dating nang-api sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Balang araw papalayain ni Yahweh ang bayan ng Israel mula sa paghihirap at kaguluhan at mula sa pagkatakot, at mula sa mga pagmamalupit sa kanila bilang mga alipin.
|
||
|
\v 4 Kapag nangyari iyon, pagtatawanan ninyo ang hari ng Babilonia sa pamamagitan ng pagkanta nito: "Pinagmalupitan mo kami, pero tapos na iyon! Nilait mo ang ibang tao at pinahirapan sila, pero hindi mo na ito magagawa pa!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ikaw na masamang namamahala, winasak na ni Yahweh ang iyong kapangyarihan, at hindi ka na makaaapi ng mga tao!
|
||
|
\v 6 Nilusob mo ng maraming beses ang mga tao dahil galit ka sa kanila, at sinakop mo ang ibang mga bansa sa pamamagitan ng pagdudulot mo ng walang humpay na pagpapahirap sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero malapit na ang katahimikan at kapayapaan sa mundo. Muling aawit ang lahat!
|
||
|
\v 8 Masayang aawitin ng mga punong sipres at punong sedar sa Lebanon ang awiting ito: 'Naitapon ka na, at wala ng puputol sa amin.'
|
||
|
\v 9 Sabik na naghihintay sa iyo ang mga patay na mapunta ka sa kinalalagyan nila. Magagalak ang kaluluwa ng mga yumaong mga pinuno na salubungin ka; Nakatayong sasalubungin ka ng mga namatay na mga hari ng bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sama-sama silang sisigaw, 'Kasing hina ka na namin!
|
||
|
\v 11 Labis kang mapagmataas at makapangyarihan noon, pero nawala ang lahat ng iyon nang namatay ka, kasama ng mga tunog ng alpa sa iyong palasyo. Mababalutan ng uod ang iyong libingan gaya ng isang papel, at matatakpan ka ng mga bulate gaya ng isang kumot.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Nawala ka mula sa mundo gaya ng isang bituin na nahulog mula sa kalangitan; kilala ka ng lahat, gaya ng bituin sa umaga na nakikita ng lahat; marami kang winasak na bansa, pero ngayon ikaw ang nawasak.
|
||
|
\v 13 Mapagmataas mong sinabi sa iyong sarili, 'Aakyat ako sa langit, sa aking trono na mas mataas sa mga bituin ng Diyos. Pamamahalaan ko ang mga bundok kung saan nagtitipon ang mga diyos.
|
||
|
\v 14 Aakyat ako na mas mataas sa mga ulap at magiging gaya ng Diyos!'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pero hindi mo na magagawa iyon; sa halip, nahila ka pababa sa iyong libingan, at napunta sa lugar ng mga patay.
|
||
|
\v 16 Nakatingin sa iyo ang mga patay; nag-iisip sila kung anong nangyari sa iyo. Sabi nila, 'Ito ba ang taong nagsanhi na yanigin ang mundo at sanhi ng panginginig ang maraming kaharian?
|
||
|
\v 17 Ito ba ang taong sumakop ng mga lungsod at hindi nagpahintulot sa mga bilanggo na hindi makauwi sa kanilang mga tahanan?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Labis na pinaparangalan ang lahat ng hari kapag namatay sila,
|
||
|
\v 19 pero hindi maililibing ang iyong bangkay; itatapon ito gaya ng isang walang silbing sanga ng puno. Matatabunan ng bangkay ng mga sundalo ang iyong bangkay, at hindi nailibing ang kanilang mga bangkay; makakasama mo ang mga napatay nang kanilang mga kaaway, makakasama mo sila sa hukay.
|
||
|
\v 20 Hindi maililibing ang iyong bangkay dahil winasak mo ang iyong bansa at sinanhi mong mapatay ang iyong bayan. Hindi na muling mapaparangalan ang mga kaapu-apuhan ng masasamang tao na kagaya mo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Sasabihin ng mga tao, "Patayin mo ang anak ng lalaking ito dahil sa mga nagawang kasalanan ng kanilang mga ninuno! Huwag mo silang hayaan na maging mga tagapamahala, at sakupin ang mga bansa sa daigdig, at punuin ang daigdig nang mga lungsod na pinamamahalaan nila!"
|
||
|
\v 22 Ito ang sabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: 'Ako mismo ang magsasanhi na masakop ang Babilonia. Wawasakin ko ang Babilonia at mga tao at kanilang mga kaapu-apuhan.
|
||
|
\v 23 Sasanhiin kong tirahan ng mga kuwago ang Babilonia, lugar na puno ng latian; lubusan kong wawasakin ito gaya ng pagwawalis. Ako ang nagsabi noon, ako si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Taimtim din itong pinangako ni Yahweh ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Tiyak na mangyayari ang lahat ng mga balak ko.
|
||
|
\v 25 Kapag pumunta ang hukbo ng Asiria sa aking lupain, dudurugin ko sila. Tatapakan ko sila sa aking mga bundok. Hindi na magiging alipin ang aking bayan sa Asiria; aalisin ko ang mga pasanin nila sa kanilang mga balikat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Mayroong plano para sa lahat, plano na magpapakita ng kapangyarihan ni Yahweh para parusahan ang lahat ng bansa.
|
||
|
\v 27 Nagsalita na si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, at walang sinuman ang makakapagbago ng kaniyang isipan. Kapag itinaas ni Yahweh ang kaniyang kamay para hampasin ang Asiria, walang sinuman ang makakahinto sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Natanggap ko ang mensaheng ito mula kay Yahweh, taon nang mamatay si haring Ahaz:
|
||
|
\v 29 Kayo na bayan ng Filisteo, huwag kayong magdiwang dahil natalo na ang lumusob sa inyo at namatay na ang kanilang hari. Mapanganib siya gaya ng isang ahas, pero wala nang magiging ibang hari na mas mapanganib kaysa sa ulupong; Magiging kagaya siya ng isang mabilis na makamandag na ahas.
|
||
|
\v 30 Iingatan ng mahirap kong bayan ang kanilang mga kawan ng tupa, at makakatulog ng mahimbing ang mga nangangailangan, pero papatayin ko sa gutom ang mga natitirang tao sa Filisteo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Kaya, kayo na bayan ng Filisteo, manangis kayo sa tarangkahan ng inyong mga lungsod! Labis kayong matakot, dahil isang makapangyarihang hukbo ang manggagaling sa hilaga para lusubin kayo; magagawang gaya ng makapal na usok ang alikabok sa pagdaan ng kanilang mga karwahe. Handa ng lumaban ang bawat sundalo.
|
||
|
\v 32 Kung may mensaherong pupunta sa bayan ng Israel mula sa Filisteo, ito ang dapat nating sabihin sa kanila: "Ginawa ni Yahweh ang Jerusalem, hindi ang Filisteo, at ang kaniyang bayan na inapi ay magiging ligtas sa loob ng mga pader ng Jerusalem."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 15
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Natanggap ni Isaias ang mensaheng ito mula kay Yahweh tungkol sa bayan ng Moab: Sa isang gabi, dalawang mahalagang lungsod sa Moab, Ar at Kir, ang mawawasak.
|
||
|
\v 2 Pupunta sa kanilang templo ang bayan ng Dibon at ang kabiserang lungsod para tumangis; pupunta sila sa kanilang mga dambana sa tuktok ng burol para umiyak. Mananaghoy sila dahil sa nangyari sa Nebo at Medeba sa timog; kakalbuhin nila ang kanilang mga ulo, at puputulin ng mga lalaki ang kanilang mga balbas para ipakita na nagdadalamhati sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sa mga kalye, nakasuot ng magaspang na sako ang mga tao, at nananangis habang umiiyak ang mga tao sa kanilang mga bubungan at plasa ng lungsod.
|
||
|
\v 4 Umiiyak ang lahat ng tao mula sa lungsod ng Hesbon at bayan ng Eleale sa hilaga ng Moab; Naririnig ang kanilang pagtangis mula sa malayong bayan ng Jahaz sa timog. Kaya nanginig at umiyak ang mga sundalo ng Moab, at labis silang matatakot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nahahabag si Yahweh sa bayan ng Moab; umalis sila sa mga bayan ng Zoar at Eglat-Selisiya sa malayong bahagi ng timog. Umiiyak sila habang patungo sa bayan ng Luhit. Habang naglalakad ang bayan ng Horonaim, tumatangis sila dahil nawasak ang kanilang bansa.
|
||
|
\v 6 Matutuyo ang tubig sa Lambak ng Nimrim. Matutuyot ang mga damo; mawawala ang mga luntiang halaman, at walang matitira.
|
||
|
\v 7 Dala-dala nila ang kanilang mga ari-arian at buhat-buhat patawid ng batis ng Herabim.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Iiyak ang buong bansa ng Moab; maririnig ang kanilang mga iyak hanggang sa Eglaim sa timog at Beer-Elim sa hilaga.
|
||
|
\v 9 Magiging pula ang batis malapit sa Dibon dahil sa dugo ng mga taong pinatay, pero padadanasin ko ang bayan ng Moab nang mas matinding kaguluhan: Lulusubin ng mga leon ang mga nagnanais na tumakas mula sa Moab at lulusubin din ang mga tao na natitira sa loob ng bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 16
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Maguusap-usap ang mga namumuno sa Moab, "Kailangan natin magpadala ng mga tupa sa lungsod ng Sela bilang regalo sa mga namamahala sa Juda para hikayatin siya na hindi na payagan na lumusob ang kaniyang hukbo sa atin. Kailangan natin ipadala sila patungo sa desyerto para sa hari ng Jerusalem."
|
||
|
\v 2 Iiwan ang mga babae sa Moab sa tawiran ng Ilog Arnon; magiging gaya sila ng mga ibon na pinaalis sa kanilang mga pugad.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Iiyak sila, "Tulungan ninyo kami! Sabihin ninyo sa amin kung ano ang dapat naming gawin! Ipagtanggol ninyo kami, kami na tumatakas sa aming mga kaaway, at huwag ninyo kaming ipagkanulo.
|
||
|
\v 4 Hayaan ninyo kaming tumatakas sa Moab na makasama kayo; itago ninyo kami mula sa aming mga kaaway na gusto kaming wasakin! Balang araw wala nang mang-aapi sa amin, at hihinto na ang aming mga kaaway na wasakin ang aming mga lupain."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pagkatapos, Magtatalaga si Yahweh ng isang hari na magiging kaapu-apuhan ni Haring David. Habang namamahala ang taong ito, magiging maawain siya at matapat. Lagi niyang gagawin ang makatarungan at gagawin ang makatuwiran.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Narinig naming mga taga-Juda ang tungkol sa bayan ng Moab; narinig namin na sobrang yabang nila at mapagmataas; wala silang galang, pero hindi naman totoo ang sinasabi nila sa kanilang mga sarili.
|
||
|
\v 7 Balang araw, iiyak lahat ng tao sa Moab. Magdadalamhati silang lahat, dahil wala nang tinapay sa lungsod ng Kir-Hareset.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Matutuyot ang mga pananim sa mga taniman ng Hesbon, at matutuyot din ang mga ubasan ng Sibma. Wawasakin ng ibang mga bansa ang Moab, na gaya ng isang magandang ubasan na malago ang mga sanga na aabot hanggang sa hilagang Jazer, at silangang desyerto. Aabot ang mga sanga nito sa malayong bahagi ng kanluran, hanggang kanlurang bahagi ng Patay na Dagat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kaya iiyak ako dahil sa Jazer at sa mga ubasan ng Sibma. Luluha ako para sa kanilang lahat. Iiyak ako dahil hindi na nagsasaya ang mga tao, gaya ng madalas nilang gawin kapag nag-aani sila ng mga hinog na prutas sa tag-init at iba pang mga pananim.
|
||
|
\v 10 Hindi na magagalak ang mga tao sa panahon ng anihan. Wala ng kakanta sa mga ubasan; wala ng magsasaya. Wala ng mag-aani ng mga ubas para makakuha ng katas nito na gagawing alak; wala na silang dahilan para magsaya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Umiiyak ako sa aking kaloob-looban para sa Moab; gaya ng isang malungkot na awitin na tinutugtog sa alpa ang aking paghihinagpis. Malungkot ako sa aking kaloob-looban para sa Kir-Hareset.
|
||
|
\v 12 Pupunta at mananalangin ang bayan ng Moab sa kanilang mga sagradong templo, pero hindi iyon makakatulong sa kanila. Iiyak sila sa kanilang diyos sa kanilang mga templo, pero walang makakapagligtas sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sinabi na ni Yahweh ang mga bagay na ito tungkol sa Moab.
|
||
|
\v 14 Pero sinasabi niya na tatlong taon mula ngayon, wawasakin niya ang lahat ng bagay na pinagmamalaki ng Moab. Kahit na marami silang tao sa Moab ngayon, kakaunti lang ang mabubuhay sa kanila, at manghihina sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 17
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Natanggap ni Isaias ang mensahe na ito mula kay Yahweh tungkol sa Damasco, ang kabisera ng Aram: "Makinig ng mabuti! Hindi na magiging lungsod ang Damasco; ito ay magiging tambak na lamang ng mga gumuhong gusali!
|
||
|
\v 2 Iiwanan ang mga bayan na malapit sa lungsod ng Aroer. Kakainin ng mga kawan ng tupa ang mga damo sa lansangan at hihiga doon, at walang sinuman ang makapagtataboy palayo sa kanila.
|
||
|
\v 3 Ang mga lungsod ng Israel ay mawawalan ng mga pader para ingatan sila. Magwawakas ang kapangyarihan ng kaharian ng Damasco, at mapupunta sa kahihiyan ang ilang mananatili sa Aram gaya ng bayan ng Israel na napunta sa kahihiyan." Iyon ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 "Sa panahon na iyon, mawawalan ng halaga ang Israel. Ito ay magiging gaya ng matabang tao na nangayayat.
|
||
|
\v 5 Ang buong lupain ay magiging tulad ng bukid na pinutol ang lahat ng butil; walang matitira dito, gaya ng bukid sa Lambak ng Refaim pagkatapos maani lahat ng mga pananim.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ilang Israelita lang ang mananatili, gaya ng ilang olibo na nanatili sa tuktok ng puno pagkatapos maalog ng mga nagtatrabaho ang lahat ng ibang mga oliba papunta sa lupa. Mayroon lamang dalawa o tatlong mga oliba sa tuktok ng mga sanga, o apat o lima sa ibang mga sanga." Iyon ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng hukbo ng mga anghel.
|
||
|
\v 7 At sa panahon na iyon, kayong bayan ng Israel ay magtitiwala sa Diyos, ang inyong manlilikha, Ang Banal ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Hindi na kayo manghihingi ng tulong mula sa inyong mga diyus-diyosan ni sasamba sa mga diyus-diyosan na ginawa ng sarili ninyong mga kamay. Hindi na kayo muling luluhod sa harap ng mga imahe kung saan sinamba ninyo ang diyosang si Asera. Hindi na kayo muling sasamba sa mga dambana na inyong itinayo para sa pagsusunog ng insenso.
|
||
|
\v 9 Iiwanan ang malalaking mga lungsod sa Israel, gaya ng kalupaan na iniwan ng pangkat ng Hiv at Amor nang nilusob sila ng mga Israelita nang matagal nang panahon. Wala nang maninirahan doon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Mangyayari iyon dahil tumigil na kayo sa pagsamaba sa Diyos, na gaya ng malaking bato kung saan maaari kayong maging ligtas sa tuktok nito. Kinalimutan niyo na siya ang makakapag-ingat sa inyo. Kaya ngayon ay nagtatanim kayo ng napakabuting mga ubasan at kahit ng mga kakaibang halaman na mula sa ibang mga bansa.
|
||
|
\v 11 Pero kahit na may tumubong mga dahon dito nang itinanim ninyo ito, at kahit na mamulaklak ito sa umaga ring iyon, wala kayong mapipitas na ubas sa panahon ng pag-aani. Ang makukuha niyo lamang ay puro sakit at paghihirap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Makinig kayo! Uugong ang mga hukbo ng mga bansa gaya ng pag-ugong ng dagat. Magiging kasing tunog nito ang ingay ng nagbabanggaang mga alon.
|
||
|
\v 13 Pero kahit na tulad ng malakas na ingay ng mga nagbabanggaang mga alon ang kanilang pag-ugong, tatakbo sila palayo kapag sinaway sila ni Yahweh. Tatakbo sila gaya ng ipa na kumakalat sa mga bundok kapag umihip ang hangin, gaya ng mga dayami na kumakalat kapag umihip ang hanging bagyo.
|
||
|
\v 14 At kahit na matakot kayong bayan ng Israel, maglalaho ang mga kaaway ninyo sa umaga. Iyon ang mangyayari sa mga lulusob sa ating lupain at magnanakaw ng mga pagmamay-ari natin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 18
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Katakot-takot na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga taga-Etiopia! Maraming mga bangka sa lupain ninyo sa itaas na bahagi ng Ilog Nilo.
|
||
|
\v 2 Nagpapadala ang mga pinuno ninyo ng mga kinatawan na agad naglalayag pababa sa ilog habang nakasakay sa mga bangkang papirus. Kayong mga mensahero, pumunta agad kayo sa Etiopia! Umakyat kayo sa ilog papunta sa lugar kung nasaan ang mga taong matatangkad at makikinis ang balat. Natatakot ang lahat ng mga tao sa kanila, dahil sinasakop nila at winawasak ang ibang mga bansa; sila ang mga taong naninirahan sa lupain na hinihiwalay ng mga sanga ng malaking ilog.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kayong mga mensahero ay dapat sabihin sa lahat ng mga tao sa mundo, sa lahat ng tao sa bawat dako, "Tumingin kayo kapag itinaas sa bundok ang panlabang bandila, at makinig kapag hinipan ang sungay ng lalaking tupa para maghudyat na magsisimula na ang labanan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Makinig kayo dahil sinabi sa akin ito ni Yahweh: "Tahimik akong manunood mula sa aking tinitirhan. Tahimik akong manunood gaya ng kumukulong init habang tumataas ito sa panahon ng tag-init, kasing tahimik ng pagbuo ng hamog sa lupa habang panahon ng pag-aani."
|
||
|
\v 5 Pero bago pa man magsimulang lumusob ang hukbo sa Etiopia, habang unti-unting nabubuo ang kanilang mga plano gaya ng paghinog ng mga ubas, itatapon sila ni Yahweh gaya ng magsasaka na tinatapiyas ang mga bagong sanga ng ubas gamit ang kaniyang panghalamang gunting, na tinatapiyas ang mga sangnang humaba na ng husto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Papatayin ang lahat ng mga sundalo sa hukbo ng Etiopia, at hihiga ang kanilang mga bangkay sa bukirin para kainin ng mga buwitre sa panahon ng tag-init. At ngunguyain ng mababagsik na hayop ang kanilang mga buto sa panahon ng tag-lamig.
|
||
|
\v 7 Sa panahon na iyon, ang mga tao sa lupain na hinihiwalay ng mga nagsasangang malaking ilog ay magdadala ng mga kaloob kay Yahweh sa Jerusalem. Ang mga taong matatangkad at may makikinis na balat, na siyang kinakatakutan ng lahat ng mga tao, dahil nanlulupig sila at nagwawasak ng maraming mga bansa, ay magdadala ng mga kaloob sa Jerusalem, ang lungsod na pinananahanan ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 19
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Natanggap ni Isaias ang mensahe na ito mula kay Yahweh tungkol sa Ehipto: Pakinggan ninyo ito! Ako, si Yahweh, ay paparating na sa Ehipto habang nakasakay sa mabilis na ulap. Manginginig ang mga diyus-diyosan ng Ehipto kapag lumabas ako, at labis na matatakot ang bayan ng Ehipto.
|
||
|
\v 2 Paglalabanin ko ang mga taga-Ehipto sa kanilang mga kapwa: lalabanan ng mga lalaki ang kanilang mga kapatid, lalabanan ng mga magkakapit-bahay ang isa't isa, lalabanan ng mga tao sa isang lungsod ang mga tao sa iba pang lungsod, lalabanan ng mga tao sa isang lalawigan ang mga tao sa kabilang lalawigan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Labis na mapanghihinaan ng loob ang bayan ng Ehipto, at dudulutin kong mabigo ang kanilang mga plano. Magmamakaawa sila sa kanilang mga diyus-diyosan at sa mga salamangkero at sa mga nakikipag usap sa mga espiritu ng mga patay para sabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin.
|
||
|
\v 4 Pagkatapos, ang taong magmamalupit sa kanila nang husto ay gagawin kong hari nila. Iyon ang sinasabi ko, si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Balang araw matutuyo ang tubig sa Ilog Nilo, at lubusang matutuyot ang ilog.
|
||
|
\v 6 Matutuyot ang lahat ng mga sanga ng ilog. Babaho ang mga kanal sa tabi ng ilog dahil sa mga nalalanta at nabubulok na mga tambo at damo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Matutuyot ang lahat ng mga halaman sa tabi ng ilog pati na ang lahat ng mga pananim sa bukirin; tatangayin sila at maglalaho.
|
||
|
\v 8 Ihahagis ng mga mangingisda sa ilog ang kanilang mga pamingwit at mga lambat, at maghihinagpis sila at lubos na mapanghihinaan ng loob; malulungkot sila dahil mawawalan ng isda sa ilog.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Magkakagulo ang mga naghahabi ng tela na gawa sa bulaklak dahil mauubusan sila ng sinulid na hahabiin.
|
||
|
\v 10 Mawawalan silang lahat ng pag-asa at labis na mapanghihinaan ng loob.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Mangmang ang mga opisyal ng lungsod ng Soan sa hilagang bahagi ng Ehipto. Walang kabuluhan ang payo na binigay nila sa hari. Bakit patuloy nilang sinasabi sa hari na matalino sila, na kaapu-apuhan sila ng matatalinong hari na nabuhay matagal na panahon na ang nakalilipas?
|
||
|
\v 12 O hari, nasaan na ngayon ang matatalinong mong mga taga-payo? Kung mayroon kang matatalinong mga taga-payo, masasabi nila sa iyo kung ano ang binalak gawin ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, sa Ehipto!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Oo, naging mangmang ang mga opisyal ng Soan, at nilinlang ng mga pinuno ng lungsod ng Memfis sa hilagang bahagi ng Ehipto ang kanilang mga sarili. Dinulot ng lahat ng mga pinuno na gumawa ng mali ang kanilang mga mamamayan.
|
||
|
\v 14 Ginawa silang labis na mangmang ni Yahweh sa lahat ng kanilang ginagawa, na tila ang bayan ng Ehipto ay nagsusuray-suray gaya ng lasing na tao na sumusuray-suray at nadudulas sa sarili niyang suka.
|
||
|
\v 15 Walang sinuman sa Ehipto ang makakatulong sa kanila, mayaman man o mahirap, mahalaga man o hindi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Sa panahon na iyon, magiging kaawa-awa ang bayan ng Ehipto gaya ng mga babae. Manginginig at matatakot sila dahil alam nila na itinaas ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, ang kaniyang kamao para saktan sila.
|
||
|
\v 17 Matatakot ang bayan ng Ehipto sa Juda, at sinumang magbanggit sa kanila ng tungkol sa Juda ay magdudulot sa kanila na lubos na matakot, dahil iyon ang magpapaalala sa kanila sa mga pinaplanong gawin sa kanila ni Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Sa panahon na iyon, taimtim na ipapahayag ng mga mamamayan ng limang lungsod sa Ehipto na paglilingkuran nila si Yahweh. Matututunan nilang magsalita ng wikang Hebreo. Tatawagin ang isa sa mga lungsod na iyon na "Lungsod ng Araw."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sa panahon na iyon, magkakaroon ng altar sa gitna ng Ehipto para sa pagsamba kay Yahweh, at magkakaroon doon ng batong poste para parangalan si Yahweh sa hangganan ng Ehipto at Israel.
|
||
|
\v 20 Magiging tanda iyon para ipakita na si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay sinasamba sa lupain ng Ehipto. At kapag tumatawag ang mga tao kay Yahweh para tulungan sila dahil inaapi sila ng iba, magpapadala siya ng magtatanggol at magliligtas sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Bibigyan ng kakayanan ni Yahweh ang bayan ng Ehipto na makilala siya, at sa panahon na iyon ay magkakaroon sila ng malapit na ugnayan sa kaniya at sasambahin siya at magdadala sa kaniya ng mga handog ng butil at iba pang mga handog. Taimtim silang mangangako na gumawa ng mga bagay para kay Yahweh, at tutuparin nila ang kanilang pangako.
|
||
|
\v 22 Pagkatapos parusahan ni Yahweh ang Ehipto, pahihintuin na niya ang kanilang mga kaguluhan. Lalapit kay Yahweh ang bayan ng Ehipto, at kaniyang pakikinggan sila kapag nagmakaawa sila sa kaniya na tulungan sila, at pahihintuin niya ang kanilang mga suliranin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Sa panahon na iyon, magkakaroon ng malawak na daanan sa pagitan ng Ehipto at Asiria. Bunga nito, madaling makapaglalakbay ang bayan ng Ehipto papunta sa Asiria, at madaling makapaglalakbay ang bayan ng Asiria papunta sa Ehipto. At sasambahin si Yahweh ng mga tao sa parehong bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 At magiging kakampi nila ang Israel. Magiging magkaibigan ang tatlong bansa, at magiging pagpapala ang bayan ng Israel sa mga tao sa buong mundo.
|
||
|
\v 25 Pagpapalain sila ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel; sasabihin niya, "Kayong mamamayan ng Ehipto ay bayan ko na ngayon. Kayong mamamayan ng Asiria, itinatag ko ang inyong bansa. Kayong mamamayan ng Israel ay pinili ko na mapabilang sa akin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 20
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sa taon nang pinadala ni Haring Sargon ng Asiria ang punong kumandante ng kaniyang hukbo para lupigin ang lungsod ng Asdod sa Filisteo. Sa panahon na iyon,
|
||
|
\v 2 sinabi ni Yahweh kay Isaias, "Tanggalin mo ang sinusuot mong magaspang na tela at alisin mo ang iyong sandalyas." Ginawa ito ni Isaias, at tatlong taon siyang naglakad ng hubo at nakayapak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos ay sinabi ito ni Yahweh sa bayan ng Juda: "Tatlong taon nang naglalakad ng hubo at nakayapak ang lingkod kong si Isaias. Iyon ay para ipakita ang katakot-takot na mga sakuna na ipararanas ko sa bayan Ehipto at Etiopia.
|
||
|
\v 4 Lulusubin ng hukbo ng hari ng Asiria ang mga bansang iyon at dadakipin ang maraming mga tao at kukunin sila palayo bilang mga bilanggo. Sapilitan nilang palalakarin silang lahat ng hubo at nakayapak, kabilang ang mga bata at matatanda. Sapilitan silang pahuhubarin ng kanilang pangibabang kausotan, na magiging dahilan para mapahiya ang mga taga-Ehipto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pagkatapos ay malulungkot at matatakot ang mga tao ng mga bansa na nagtiwala na matutulungan sila ng hukbo ng Ehipto at Etiopia.
|
||
|
\v 6 Sasabihin nila, "Akala namin ay matutulungan at mapagtatanggol kami ng mga hukbo ng Ehipto at Etiopia, pero nawasak sila, kaya wala nang paraan para makatakas kami mula sa pagwawasak ng hukbo ng hari ng Asiria!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 21
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ibinigay ni Yahweh ang mensahe na ito sa lupaing malapit nang maging desyerto: May hukbong paparating mula sa katimogang bahagi ng desyerto ng Judea para lusubin ang lupaing iyon; sila ang hukbo na nagdudulot sa kanilang mga kalaban na matakot, ang hukbo na darating sa desyerto mula sa katakot-takot na lupain.
|
||
|
\v 2 Nagpakita sa akin si Yahweh ng isang kakila-kilabot na pangitain: Sa pangitain, may nakita akong hukbo na pagtataksilan ang mga tao at nanakawin ang kanilang mga ari-arian pagkatapos nilang lupigin sila. Sinabi ni Yahweh, "Kayong mga hukbo ng Elam at Media, paligiran niyo ang Babilonia at maghanda kayong lusubin ito! Pahihintuin ko ang paghihinagpis at paghihirap na dinulot ng Babilonia!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Dahil doon, puno ng kirot ang aking katawan; ang kirot ko ay gaya ng kirot ng mga babaeng nanganganak. Kapag naririnig ko at nakikita ang pinaplano ng Diyos, nagugulat ako.
|
||
|
\v 4 Hindi ako makapag-isip ng maayos, at nanginginig ako. Sabik akong gumabi, pero nang dumating na ito, at ako ay nangilabot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nakita ko sa pangitain na naghahanda ng malaking handaan ang mga pinuno ng Babilonia. Naglatag sila ng mga sapin para upuan ng mga tao; kumakain at umiinom ang lahat ng tao. Pero dapat kayong bumangon at ihanda ang inyong mga kalasag, kayong mga prinsipe ng Babilonia, dahil lulusubin na kayo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Yahweh, "Maglagay ka ng bantay sa pader ng Jerusalem, at sabihin mo sa kaniya na isigaw ang nakikita niya.
|
||
|
\v 7 Sabihin mo sa kaniya na magbantay sa paparating na mga karwahe mula sa Babilonia na hinihila ng mga pares ng kabayo, at mga nakasakay sa kamelyo at mga asno. Sabihin mo sa bantay na magmasid at makinig ng mabuti!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kaya ginawa ko iyon, at isang araw ay nagsalita ang bantay ng pader, "Araw-araw akong tumayo sa toreng ito, at patuloy akong nagbantay sa umaga at sa gabi."
|
||
|
\v 9 May dumating na taong nakasakay sa karwahe na hila ng dalawang kabayo. Tinawag ko siya, at sumagot siya, 'Nawasak na ang Babilonia! Ang lahat ng mga pira-pirasong bahagi ng mga diyos-diyosan ng Babilonia ay nagkalat sa lupa!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Bayan ko sa Juda, lubos kayong pinahirapan ng hukbo ng Babilonia na tila mga butil kayo na giniik at tinahip. Pero sinabi ko sa inyo ngayon ang sinabi sa akin ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, na sinasamba nating mga Israelita, tungkol sa Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ibinigay ni Yahweh ang mensahe na ito tungkol sa Edom: May tumatawag sa akin mula sa Edom na sinasabing, "Bantay, gaano pa katagal bago matapos ang gabi?"
|
||
|
\v 12 Sumagot ang bantay, "Malapit nang magumaga, pero pagkatapos noon, agad mag-gagabi ulit. Kung nais mong magtanong ulit sa kung anong mangyayari sa ating bansa, bumalik ka na lang at magtanong ulit."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Binigay ni Yahweh ang mensahe na ito tungkol sa Arabia: Ibigay mo ang mensahe na ito sa mga naglalakbay nang may karawan mula sa bayan ng Dedan sa hilaga-kanlurang Arabia, mga manlalakbay na nagkakampo sa damuhan doon. Sabihin mo sa kanila na magdala ng tubig para sa mga nauuhaw.
|
||
|
\v 14 At magadala dapat kayo ng mga pagkain, kayong mga naninirahan sa lungsod ng Tema sa hilaga-kanlurang Arabia, para sa mga tumatakas mula sa kanilang mga kaaway.
|
||
|
\v 15 Tumatakas sila para hindi sila mapatay ng espada ng kanilang mga kaaway at hindi matamaan ng mga palaso sa digmaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Isang taon mula ngayon, magwawakas ang lahat ng kadakilaan ng rehiyon ng Kedar sa Arabia.
|
||
|
\v 17 Ilang mga sundalo lang na marunong pumana ang matitira. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, ang may sabi nito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 22
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Binigay ni Yahweh ang mensahe na ito tungkol sa Jerusalem, tungkol sa lambak kung saan pinakita niya ang pangitain na ito. Bakit pahangal na tumatakbo ang mga tao papunta sa tuktok ng kanilang mga bahay?
|
||
|
\v 2 Parang sumisigaw ang lahat ng nasa lungsod. Maraming mga bangkay sa lungsod, pero hindi sila napatay ng espada ng kanilang mga kaaway. Hindi sila namatay sa digmaan; sa halip, sila ay namatay sa gutom at karamdaman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Tumakas ang lahat ng mga pinuno ng lungsod. Pero nahuli rin sila dahil wala silang mga pana at palaso para ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Sinubukang tumakas ng inyong mga sundalo habang malayo pa lang ang kanilang mga kaaway, pero nahuli rin sila.
|
||
|
\v 4 Kaya sinabi ko, "Hayaan niyo akong umiyak ng mag-isa; huwag niyo akong subukang aliwin tungkol sa walang pakundangang pagpatay sa aking bayan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nagtakda na si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ng panahon na magkakaroon ng labis na ingay, pagmamartsa ng mga sundalo, at mga taong natatakot sa lambak kung saan natanggap ko ang pangitain na ito. Magiging panahon iyon ng pagkagiba ng ating mga pader at maririnig sa kabundukan ang pagtawag ng tulong ng mga tao.
|
||
|
\v 6 Lulusob ang mga hukbo mula sa Elam at Kir sa Media, daladala ang mga karwahe at buhat ang mga kalasag.
|
||
|
\v 7 Mapupuno ang magaganda nating mga lambak ng mga karwahe ng ating mga kalaban, at tatayo sa labas ng tarangkahan ng ating lungsod ang mga nakasakay sa karwahe.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Dudulutin ng Diyos na magiba ang mga pader na nangangalaga ng mga lungsod ng Juda. Tatakbo kayong mamamayan ng Jerusalem para kunin ang mga sandata na nakatabi sa gusaling tinatawag na "ang Bulwagan ng Gubat."
|
||
|
\v 9 Makikita ninyo na maraming sirang bahagi ang mga pader ng Jerusalem. Mag-iimbak kayo ng tubig sa ibabang tubigan ng lungsod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Susuriin ninyo ang mga bahay sa Jerusalem, at gigibain ninyo ang ilan sa mga ito para gamitin ang mga bato para ayusin ang pader ng lungsod.
|
||
|
\v 11 Magtatayo kayo ng imbakan ng tubig sa pagitan ng mga pader ng lungsod para magimbak ng tubig mula sa lumang tubigan. Pero hindi kayo kailanman hihingi ng tulong mula sa nagtayo ng lungsod; hindi kayo kailanman umasa kay Yahweh, ang nagplano ng lungsod na ito ng matagal nang panahon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sinabi sa inyo ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, na umiyak at magluksa; sinabi niya sa inyo na ahitin ninyo ang inyong mga ulo at magsuot ng magaspang na tela para ipakita na nagsisisi kayo sa iyong mga nagawang kasalanan.
|
||
|
\v 13 Pero sa halip na gawin niyo iyon, masaya kayo at nagdiwang; kinatay ninyo ang mga baka at mga tupa para maluto at makain ang laman nito at uminom ng alak. Sinabi ninyo, "Kainin at inumin natin ang anumang gusto natin, dahil maaaring mamatay na tayo bukas!"
|
||
|
\v 14 Kaya sinabi sa akin ito ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Hindi ko kailanman patatawarin ang aking bayan sa pagkakasala ng ganito!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sinabi sa akin ito ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel: "Pumunta ka kay Sebna, ang opisyal na namamahala sa mga manggagawa sa palasyo, at ibigay mo sa kaniya ang mensahe na ito:
|
||
|
\v 16 "Sino ka ba? Sinong nagpahintulot sa iyo na magtayo ng magandang libingan para sa sarili mo, inukit ito mula sa mabatong bangin sa ibabaw ng lambak na ito?'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sa tingin mo ay dakila ka, pero malapit ka nang itapon palayo ni Yahweh. Tila hinuli ka niya,
|
||
|
\v 18 ginawa kang gaya ng bola, at itinapon ka sa malawak at malayong lupain. Mamamatay at ililibing ka doon, at mananatili doon sa kamay ng iyong mga kalaban ang magaganda mong mga karwahe. At dahil sa nangyari sa iyo, lubos na mahihiya ang iyong amo, ang hari.
|
||
|
\v 19 Sinasabi ni Yahweh, "Pipilitin kitang sumukong magtrabaho sa palasyo; papaalisin ka mula sa mahalaga mong puwesto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pagkatapos ay tatawagin ko si Eliakim, ang anak na lalaki ni Hilkias, na siyang pinaglungkuran ako ng maigi, para palitan ka.
|
||
|
\v 21 Ipasusuot ko sa kaniya ang balabal mo at ilalagay sa kaniya ang bigkis, at ibibigay ko sa kaniya ang kapangyarihan na dati mong pag-aari. Magiging tulad siya ng ama ng mamamayan ng Israel at lahat ng mga bayan sa Juda.
|
||
|
\v 22 Bibigyan ko siya ng kapangyarihan sa lahat ng nangyayari sa palasyo kung saan nanirahan si David; kapag napagpasiyahan niyang gawin ang isang bagay, walang sinuman ang makakapigil nito; kapag tinanggihan niyang gawin ang isang bagay, walang sinuman ang makakapilit sa kaniya na gawin ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Dudulutin kong lubos na parangalan ang kaniyang pamilya, dahil itatatag ko siya sa kaniyang puwesto bilang tagapamahala ng mga manggagawa ng palasyo, gaya ng pako na nakabaon nang malalim sa pader.
|
||
|
\v 24 Bibigyan siya ng kakayanan ng iba na magkaroon ng labis na responsibilidad, bunga nito ay pararangalan ang lahat ng mga miyembro ng kaniyang pamilya, kahit ang mga hindi gaanong mahalaga.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Sinasabi din ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, "Si Sebna ay tulad ng kahoy na pako na nakabaon ng maigi sa pader. Pero darating ang panahon na tatanggalin ko siya sa kaniyang puwesto; mawawalan siya ng kapangyarihan, at mabibigo ang lahat ng kaniyang itinaas." Tiyak ngang mangyayari iyon dahil sinabi ito ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 23
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ako si Isaias ay nakatanggap ng mensahe na ito mula kay Yahweh tungkol sa lungsod ng Tiro: Tumangis kayong mga manlalayag sa barko na mula sa Tarsis dahil ang daungan ng Tiro at lahat ng mga tahanan sa lungsod ay nawasak. Ang balita na inyong narinig sa Isla ng Sayprus tungkol sa Tiro ay totoo.
|
||
|
\v 2 Kayong mga naninirahan sa gilid ng baybayin malapit sa Tiro, at ang mga mangangalakal ng lungsod ng Sidon, tahimik na manangis. Ang iyong manlalayag ay dumaan sa maraming lugar tulad ng Tiro.
|
||
|
\v 3 Naglayag sila sa malalim na karagatan para bumili ng butil sa Ehipto at ibang mga panananim na lumaki malapit sa ilog ng Nilo. Ang Tiro ay naging isang lungsod kung saan ang lahat ng tao mula sa lahat ng mga bansa ay bumibili at nagbebenta ng kalakal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pero ngayon kayo bayan ng Sidon ay dapat mahiya dahil nagtiwala kayo sa Tiro, na naging isang matibay na tanggulan sa isla ng karagatan. Ang tiro ay tulad ng isang babae na nagsasabing, "ngayon ako ay parang hindi nagbigay kapanganakan sa kahit sinumang bata, o nagpalaki ng mga anak na lalaki o babae."
|
||
|
\v 5 Kapag marinig ng bayan ng Ehipto ang nangyari sa Tiro, sila ay labis na magdadalamhati.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Maglayag sa Tarsis at sabihin sa kanila kung ano ang nangyari; umiyak, kayong bayan na naninirahan malapit sa bayabayin.
|
||
|
\v 7 Ang bayan sa napakalumang lungsod ng Tiro ay dating napakasaya. Ang mangangalakal mula sa Tiro ay nagtatag ng mga kolonya sa malalayong mga bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ang mga tao mula sa Tiro ay nagluklok ng mga hari sa iba't -ibang lugar; mayayaman ang kanilang mangangalakal; gaya sila ng mga makapangyarihan at mayayamang mga hari. Sino ang nagdulot sa bayan ng Tiro na makaranas ng sakuna?
|
||
|
\v 9 Si Yahweh iyon, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, siyang gumawa nito; ginawa niya ito para magdulot sa bayan ng Tiro na hindi na magmataas kailanman, para ipahiya ang mga tao na pinararangalan sa buong mundo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kayong bayan ng Tarsis, kailangan niyong magpalaki ng mga pananim sa inyong lupain kaysa makipagkalakalan; ikalat sa buong lupain niyo tulad ng Ilog ng Nilo na kumakalat sa lupain ng Ehipto kapag binaha ito, dahil ngayon walang daungan sa Tiro para sa inyong mga barko.
|
||
|
\v 11 Para itong pag-uunat ng kamay ni Yahweh sa dagat at pag-alog sa mga kaharian sa lupa. Iniutos niya na sa Poenicia lahat ng kuta ay dapat mawasak.
|
||
|
\v 12 Sinabi niya sa bayan ng Sidon, "Hindi kana muling makapagdiriwang pa, dahil ikaw ay madudurog; kahit na pumunta ka sa Isla ng Sayprus, ikaw ay hindi makakatakas mula sa kaguluhan; hindi ka na makakaranas ng kapayapaan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Isipin mo ang nangyari sa Babilonia: ang mga tao na nasa lupain na iyon ay naglaho. Ang mga hukbo ng Asirya ang nagdulot sa lupain na maging isang lugar kung saan ang mga mababangis na hayop mula sa ilang ang naninirahan. Nagtabon sila ng lupa hanggang sa mga pader ng lungsod ng Babilonia; at pumasok sila sa lungsod at winasak ang mga palasyo at nagdulot sa lungsod na maging isang bunton na durog na bato.
|
||
|
\v 14 Kaya manangis, kayong mga manlalayag na nasa barko ng Tarsis, dahil ang daungan sa Tiro kung saan huminto ang inyong barko ay nawasak!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sa Pitumpung taon, kung saan kasing haba ng karaniwang buhay ng mga hari, malilimutan ng mga tao ang tungkol sa Tiro. Pero ito ay maitatayong muli. Kung ano ang mangyayari doon ay magiging katulad ng kung ano ang nangyari sa awitin ng mga bayarang babae:
|
||
|
\v 16 Ikaw masamang babae, na kinalimutan ng mga tao, tugtugin ng maayos ang iyong alpa, at umawit ng mga awitin, para maalala ka muli ng mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Totoo na pagtapos ng pitumpung taon ipapanumbalik muli ni Yahweh ang Tiro. Ang kanilang mga mangangalakal ay muling kikita ng napakaraming pera sa pagbibili at pagbebenta ng mga bagay sa maraming bansa.
|
||
|
\v 18 Pero ang kanilang mga kikitain ay ibibigay kay Yahweh. Ang mangangalakal ay hindi maitatago ang kanilang pera; sa halip, ibibigay nila ito sa bayan ni Yahweh, dahil nabubuhay sila sa kaniyang presensya, para sila ay makabili ng mga pagkain at maayos na mga kasuotan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 24
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Balang araw wawasakin ni Yahweh ang mundo. Ito ay kaniyang wawasakin at magiging sanhi na ito ay maging isang ilang, at ikakalat niya ang kaniyang bayan.
|
||
|
\v 2 Ikakalat niya ang lahat ng tao: mga pari at mga karaniwang tao, mga lingkod at kanilang mga amo, mga katulong at kanilang mga kinakasama, mga mamimili at mga tagabenta, mga nagpapahiram at nanghihiram, mga tao na nangungutang ng pera at mga tao na pinagkautangan ng pera.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Walang mahalagang anumang bagay ang matitira sa mundong ito; lahat ng mahahalagang bagay ay mawawasak. Tiyak na mangyayari iyon dahil sinabi ito ni Yahweh.
|
||
|
\v 4 Lahat ng bagay sa mundo ay matutuyo at mamamatay; ang mahahalagang tao nito ay magiging mahihina at hindi mahalaga.
|
||
|
\v 5 Ang mundo ay magiging hindi katanggap-tanggap kay Yahweh dahil ang bayan na naninirahan dito ay hindi sinusunod ang kaniyang mga batas; tinalikuran nila ang tipan na kaniyang ninais na manalitili magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kaya, isusumpa ni Yahweh ang mundo; ang mga tao na naninirahan doon ay dapat maparusahan dahil sa mga kasalanang kanilang nagawa. Sila ay mawawasak sa pamamagitan ng apoy, at kunting mga tao ang mananatiling buhay.
|
||
|
\v 7 Ang ubasan ay malalanta, at mawawalan ng mga ubas para makagawa ng alak. Ang lahat ng tao na noon ay masaya ngayon ay tatangis at magluluksa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ang mga tao ay hindi na kailanman tutugtog ng masasayang mga awitin sa pamamagitan ng tamburin, ang mga tao ay hindi na kailanman tutugtog ng may kagalakan sa kanilang mga alpa, at ang mga tao ay hindi na kailanman sisigaw sa ingay sa araw ng kanilang mga pagdiriwang.
|
||
|
\v 9 Ang mga tao ay hindi na kailanman aawit habang umiinom ng alak, at lahat ng inuming may alkohol ay maglalasang mapait.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ang mga bayan at mga lungsod ay mawawasak; bawat bahay ay ikakandado para maiwasan na makapasok ang mga magnanakaw, dahil walang sinuman ang maninirahan doon.
|
||
|
\v 11 Maraming tao ang magtitipon sa mga lansangan, na nagnanais ng alak; walang sinuman sa mundo ang magiging masaya kailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ang mga lungsod ay masisira, at lahat ng kanilang mga tarangkahan ay pirapirasuhing sisirain.
|
||
|
\v 13 Ito ay magiging katulad ng lahat sa buong mundo: kunti lamang ang mga taong mananatiling buhay, tulad ng nangyayari kapag ang mga manggagawang hinahampas ang lahat ng olibo ng isang puno at kaunti nalang ang matitira, o kapag sila ay nag-ani ng mga ubas at kunti nalang ang natitira sa puno ng ubas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Silang mga nasa kanluran ay aawit ng may matinding kasiyahan; kanilang ihahayag na si Yahweh ay napaka dakila.
|
||
|
\v 15 Silang nasa silangan ng Israel ay pupurihin din si Yahweh; ang mga nasa baybaying dagat ay pupurihin si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Maririnig natin ang mga tao na nasa pinakamalayong lugar sa mundo na umaawit ng papuri kay Yahweh, ang isang tunay na matuwid. Pero ngayon, napaka lungkot ko. umiyak para sa akin, dahil ako ay pumayat at nanghina. Katakot-takot na mga bagay ang nangyayari! ang mga taong mapanlinlang ay nananitiling nililinlang ang iba saan mang lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Lahat kayong mga tao sa ibabaw ng lupa, kayo ay lubhang matatakot, at kayo ay mahuhulog sa malalim na hukay at mga patibong.
|
||
|
\v 18 Ang mga taong sinusubok na tumakas dahil sila ay natatakot ay malalaglag sa malalim na hukay, at ang mga umaakyat mula sa hukay ay mahuhuli ng mga patibong. Ang himpapawid ay bubukas at ang rumaragasang ulan ng tubig ay babagsak; ang pundasyon ng mundo ay mayayanig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Ang mundo ay mahahati sa gitna at madudurog; Ito ay marahas na mayayanig.
|
||
|
\v 20 Ito ay parang ang mundo ay sumusuray-suray tulad ng isang lasing; mayayanig ito tulad ng isang duyan sa bagyo. Ito ay babagsak at hindi na makakabangon pang muli, dahil napakalaki ang kasalanan ng mga taong nagrebelde kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Sa oras na iyon, parurusahan ni Yahweh ang masamang makapangyarihan tao sa himpapawid at ang masasamang hari sa mundo.
|
||
|
\v 22 Sama-sama silang magtitipon at itatapon sa piitan, at sila ay maparurusahan.
|
||
|
\v 23 Sa oras na iyon ang liwanag ng buwan at ng araw ay mababawasan; ito ay para bang sila ay nahiya sa presensya ni Yahweh, dahil siya, si Yahweh, pinuno ng hukbo ng mga anghel, ay mamumuno ng maluwalhati sa Bundok ng Sion, sa presensya ng lahat ng mga pinuno ng kaniyang bayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 25
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Yahweh, ikaw ang aking Diyos; pararangalan at pupurihin kita. Ikaw ay gumagawa ng mga kamangha-mangha bagay; sinabi mo noon pa na gagawin mo ang mga bagay na iyon, at ngayon ginawa mo ito gaya ng sinabing mong gagawin mo.
|
||
|
\v 2 Minsan ikaw nagdulot sa mga lungsod na maging tambak ng durog na bato, ang mga lungsod na mayroong matibay na mga pader sa palibot nito. Ikaw ang nagdulot sa mga palasyo sa mga dayuhang bansa na maglaho; sila ay hindi na muling maitatatag pa.
|
||
|
\v 3 Kaya, ang mga tao na nasa makapangyarihang bansa ay ihahayag na ikaw ay napaka dakila, at ang mga tao sa mga bansa na ang mga pinuno na hindi nagpapakita ng kaawaan sa kaninuman ay igagalang ka.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Yahweh, tulad ka ng isang matibay na tore kung saan ang mga tao ay maaring makahanap ng kublihan, isang lugar kung saan maaring pumunta ang mga tao kapag sila ay naghihirap. Tulad ka ng isang lugar kung saan maaring makahanap ng silungan sa isang bagyo at kung saan maaring sumilong sa lilim, mula sa init ng araw. Pinahirapan tayo ng mga tao at hindi naawa sa atin; tulad sila ng isang bagyong humahampas sa pader,
|
||
|
\v 5 at tulad ng isang napaka-init na desyerto. Pero ikaw ang nagsanhi sa mga taong nag-uungulan na nasa dayuhang lugar na maglaho. Tulad ng hanging malamig kapag ang ulap ay dumating sa iyong ulunan, pinigil mo ang mga walang awang tao mula sa pag-awit ng mga awitin tungkol sa kung gaano sila kadakila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Dito sa Jerusalem si Yahweh, Pinuno ng hukbo ng mga anghel ay maghahanda ng isang pista para sa lahat ng tao sa mundo. Magiging isa itong salu-salo na may maraming masasarap na karne at mainam na matandang alak.
|
||
|
\v 7 Malungkot ang mga tao dito; napaka lungkot nila na tulad ito ng isang madilim na ulap na nakapasan sa kanila, na parang sila ay nakakaranas kapag may isang taong namatay. Pero kaya silang alisin ni Yahweh sa kalungkutan.
|
||
|
\v 8 Aalisin niya ang kamatayan magpakailanman! Si Yahweh ang ating Diyos ang magdudulot sa mga tao na hindi na magluksa dahil sa may isang namatay. At pahihintuin niya ang mga nang-iinsulto at nangungutya sa kaniyang lupain at sa ating kaniyang bayan. Tunay na mangyayari ito dahil sinabi ito ni Yahweh!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Sa oras na iyon, ihahayag ng mga tao, "Si Yahweh ang ating Diyos! Nagtitiwala kami sa kaniya, at iniligtas niya kami! Kay Yahweh, kami nagtiwala, at ginawa iyon; dapat tayong magdiwang dahil iniligtas niya tayo!"
|
||
|
\v 10 Iingatan tayo ni Yahweh at pagpapalain ang Jerusalem. Pero dudurugin niya ang mga tao sa lupain ng Moab; magiging tulad sila ng isang tinambak na dayami sa dumi at iniwan para mabulok.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ibabagsak ni Yahweh ang bayan ng Moab; magiging tulad sila ng isang manlalangoy na tinutulak pababa ang tubig ng kaniyang kamay; itutulak nila ang kanilang mga kamay sa dumi pero hindi sila makakaalis dito. Siya ang magdudulot sa kanila na mawala ang pagiging mapagmataas, at ipapakita niya sa kanilang lahat na sila ay walang saysay.
|
||
|
\v 12 Siya ang magdudulot sa mga hukbo na pabagsakin ang matataas na mga pader sa paligid ng mga lungsod ng Moab; babagsak sila ng pira-piraso at masasama sa mga alikabok.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 26
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Balang-araw, ang mga tao sa Juda ay aawitin ang awiting ito: "Malakas ang ating lungsod ng Jerusalem! Iingatan ni Yahweh ang ating lungsod; tulad siya ng isang pader na nakapalibot dito.
|
||
|
\v 2 Buksan ang mga tarangkahan ng lungsod para sa mga taong matutuwid; pahintulutan pumasok ang lungsod ng mga taong matapat na sumusunod kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Yahweh, ang mga nagtitiwala sa iyo, ang mga taong nagpasiya na hindi magduda sa iyo, ipapahintulot mong sila ay ganap na mabuhay ng mapayapa sa kanilang kalooban.
|
||
|
\v 4 Kaya lagi magtiwala kay Yahweh, dahil siya ay magpakailanman tulad ng isang malaking bato sa tuktok kung saan tayo ay ligtas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ibinababa niya ang mga mapagmataas na tao at sinisira ang mga lungsod ng mga taong arogante. Siya ang nagdudulot sa mga lungsod na bumagsak sa alikabok.
|
||
|
\v 6 Kapag nangyari iyon, yuyurakan ng mga mahirap at inaping mga tao ang mga gumuho.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero para sa mga matutuwid na tao, Yahweh, gumawa ka kung ano ang tama; ito ay parang pinatag mo ang daan kung saan sila lalakad.
|
||
|
\v 8 Yahweh, sa pagsunod ng iyong mga batas pinapakita namin na nagtitiwala kaming tutulungan mo kami; at ang ninanais ng aming mga kalooban ay ikaw ay maparangalan.
|
||
|
\v 9 Sa buong gabi ninanais kong makilala pa kita ng lubusan, at sa umaga gusto ko paring makasama ka. Kapag dumating ka para maghukom at parusahan ang mga tao na naninirahan sa mundo kanilang matutunang gawin kung ano ang tama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pero ang ginagawa mong mabuti sa mga masasamang tao ay hindi magdudulot sa kanila na gawin kung ano ang mabuti. Kahit na sa mga lugar kung saan ang mga tao ay gumagawa ng tama, ang mga masasamang tao ay patuloy na gumagawa ng kasamaan, at hindi nila nauunawan na ikaw, Yahweh, ay dakila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Yahweh, ito ay parang ang iyong mga kamao ay nakataas para sila ay hampasin, pero hindi nila naunawaan iyon. Ipakita sa kanila na ikaw ay labis na sabik na tulungan ang iyong bayan. Kung ang iyong mga kaaway ay mauunawaan iyon, mahihiya sila; hayaan ang iyong apoy ang sumunog sa kanila dahil kaaway mo sila.
|
||
|
\v 12 Yahweh, ninanais namin na pahintulutang mong maging maayos ang bagay para sa amin; lahat ng aming mga ginawa ay kung ano ang hinayaan mong gawin namin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Yahweh, aming Diyos, ang ibang mga pinuno ay namuno sa amin, pero ikaw ang nag-iisa naming pinararangalan.
|
||
|
\v 14 Ang mga namuno sa amin ngayon ay wala na; patay na sila: ang kanilang mga espiritu ay umalis sa mundo at hindi na silang mabubuhay pang muli. Ikaw ang nagparusa sa mga namumuno at inalis mo sila, at ang mga tao ay hindi na kailanman sila naalala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Yahweh, Kinayanan mong maging malakas ang aming bansa; mas marami na kaming mga tao ngayon, at mas marami pa kaming mga lupain, kaya pinasasalamatan ka namin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Yahweh, nang nasa kagipitan kami, humingi kami sa iyo ng tulong; nang kami ay itinuwid mo, sinubukan naming gumamit ng mga gayuma o orasyon laban sa mga sakuna.
|
||
|
\v 17 Tulad ng isang namimilipit at umiiyak na buntis habang nagbibigay kapanganakan, labis din kaming naghirap,
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 May matindi kami kasakitan, pero walang naging magandang resulta mula rito. Wala kaming nailigtas na mga tao mula sa pagkakabihag ng kanilang mga kaaway, at ang aming mga kaaway na nasa mundo ay hindi natalo sa labanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pero ang bayan ni Yahweh na namatay ay muling mabubuhay, ang kanilang mga bangkay ay mabubuhay muli! Kayong ang mga katawan na nakahimlay sa libingan, bumangon at sumigaw ng may kagalakan! Ang kaniyang liwanag ay magiging tulad ng isang hamog na babagsak sa inyo, ang kaniyang mga taong namatay, kayong mga nasa lugar kung saan ang mga patay ay naroon; dudulutin niyang mabuhay kayong muli.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pero ngayon, aking mga kapwa Israelita, umuwi kayo at isara ang inyong mga pinto! Magtago sa panandaliang panahon, hanggang sa hindi na galit si Yahweh. Pakinggan ito:
|
||
|
\v 21 Dadating si Yahweh mula sa langit para parusahan ang lahat ng mga tao sa mundo para sa kanilang mga kasalanang nagawa. Makikita ng mga tao ang dugo ng mga pinatay; malalaman ng lahat sa huli ang lahat ng mga nagawang pagpatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 27
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sa oras na iyon, parurusahan ni Yahweh ang mga Levitian, ang mabilis na halimaw, na nakapulupot na ahas na namumuhay sa dagat. Papatayin ito ni Yahweh ng kaniyang matalim, malaki, at makapangyarihang espada.
|
||
|
\v 2 Sa panahon na iyon, sasabihin ni Yahweh, "Kayong mga Israelita, na tulad ng isang masaganang ubasan, ay dapat umawit!
|
||
|
\v 3 Iingatan kita tulad ng isang magsasakang dahan-dahang nagdidilig ng kaniyang mga pananim para sila ay lumago ng maayos. Iingatan kita sa gabi at umaga, para walang sinumang makapinsala sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Hindi na ako galit sa aking bayan; kung sinuman sa inyong mga kaaway ang sumubok na manakit sa inyo tulad ng dawag at tinik na manakit sa mga tao, lulusubin ko sila sa isang digmaan; ganap ko silang uubusin,
|
||
|
\v 5 maliban na lamang hilingin nilang ingatan ko sila; Labis ko silang inaanyayahan na makipagkasundo sa akin!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 May mga oras na ang kaapu-apuhan ni Jacob ay magbubunga tulad ng isang halaman na may magandang ugat; magiging tulad ito ng mga puno nauusbong at mamumunga at magdadala ng maraming mga prutas; kung ano ang kanilang gawin ay pagpapalain ang mga tao sa mundo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pinarusahan ba ni Yahweh tayong mga Israelita tulad ng pagparusa ng ating mga kaaway? Pinarusahan ba niya tayo gaya ng pagparusa sa kanila?
|
||
|
\v 8 Hindi, hindi niya ginawa iyon, pero pinarusahan niya tayo bayang Israel at pinatapon tayo; kinuha tayo mula sa ating mga lupain gaya ng pagpatama sa pamamagitan ng isang bagyo mula sa silangan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ginawa iyon ni Yahweh para parusahan tayo sa ating mga kasalanan at alisin ang ating pagkakasala. Bilang bunga ng ating pagkakatapon, gigibain ang lahat ng mga altar ng ibang mga diyos ng Israel, at tayo ay patatawarin sa lahat ng ating mga kasalanan na ating nagawa. Mawawala ang mga poste para sa sambahin ang diyosa ng Asera o ang mga altar para sunugin ang mga insenso sa ibang diyos; lahat sila ay pababagsakin at dudurugin ng pira-piraso.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ang mga lungsod ay may matatag na mga pader at sa paligid nila ay mauubos; tulad ng isang desyerto, mawawalan sila ng kasamang mamumuhay. Ang mga bahay ay iiwanan, at ang mga kalsada ay mapupuno ng mga damo. Ang mga guya ay kakain ng mga damo sa kalsada at ihihimlay doon;
|
||
|
\v 11 ngunguyain nila ang lahat ng mga dahon ng puno doon; ang mga babae ay sisirain sila at gagamitin sila para makagawa ng apoy sa ilalim ng kanilang palayok na panluto. Ang aming bayang Israel ay walang kahit na anong alam; kaya Yahweh, na siyang lumikha sa kanila, hindi maaawa sa kanila o maging mabait sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Gayunman, darating ang panahon na titipunin muli sila ni Yahweh; ihihiwalay niya sila mula sa mga tao na sumakop sa kanila, tulad ng paghihiwalay ng mga tao sa trigo mula sa ipa. Ibabalik niya silang muli sa Israel, isa-isa, mula sa lupain sa pagitan ng Ilog Eufrates sa hilagang-silangan at ang batis at ang hangganan ng Ehipto sa timog-kanluran.
|
||
|
\v 13 Sa panahon na iyon, isang trumpeta ang hihipan ng malakas. At ang mga pinatapon sa Asiria at Ehipto na halos mamatay doon ay babalik sa Jerusalem, para sambahin si Yahweh sa Sion, ang kaniyang banal na burol.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 28
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa lungsod ng Samaria, ang kabisera ng Israel! Ito ay nasa isang burol sa itaas ng isang mayabong na lambak; ang mga taong nakatira doon, na nalalasing dahil sa pag-inom ng labis na alak, ay masyadong mapagmataas; ito ay isang maganda at maluwalhating lungsod, pero balang araw ang kagandahang iyon ay maglalaho tulad ng isang bulaklak na nalalanta at natutuyo.
|
||
|
\v 2 Dinggin ninyo ito: Dudulutin ni Yahweh na salakayin ito ng isang malaking hukbo. Ang mga kawal nila ay magiging tulad ng isang malakas na bagyo ng yelo o isang napakalakas na hangin; sila ay magiging nasa lahat ng dako, tulad ng tubig ng isang napakalaking baha, at ibabagsak nila sa lupa ang mga gusali sa Samaria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ang bayan ng Samaria ay mapagmataas, pero lahat ng bagay na ipinapalagay ng mga lasing na nakatira doon na maganda ay tatapakan ng kanilang mga kaaway.
|
||
|
\v 4 Oo, maganda ang Samaria, na nasa isang burol sa itaas ng isang mayabong na lambak, pero ang kagandahang iyon ay maglalaho tulad ng isang bulaklak na nalalanta at natutuyo. Tuwing nakakakita ng isang malusog na igos ang isang tao sa simula ng panahon nang nahihinog ang mga igos, agad niyang pinupulot at kinakain ito; gayundin, kapag nakikita ng mga kaaway ng Israel ang lahat ng mga magagandang bagay sa Samaria, agad nilang lulupigin ang lungsod at kukunin ang lahat ng mga bagay na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Sa oras na iyon, si Yahweh, ang Tagapag-utos ng mga hukbo ng mga anghel, ay magiging tulad ng isang maluwalhating korona ng mga bulaklak para sa ating bayan ng Israel na nananatiling buhay pagkaraang ipatapon.
|
||
|
\v 6 Dudulutin niyang naisin ng ating mga hukom na gawin kung ano ang makatarungan kapag pinagpapasyahan nila ang mga kaso ng mga tao. Bibigyan niya ng kakayahan ang mga sundalo na tumatayo sa mga tarangkahan ng lungsod na malakas na ipagtanggol ang lungsod kapag sinasalakay ito ng ating mga kaaway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero ngayon, sumusuray ang ating mga pinuno dahil uminom sila ng maraming alak at iba pang mga nakalalasing na inumin. Sumusuray din ang mga pari at mga propeta dahil sa pag-inom ng maraming alak at iba pang nakalalasing na inumin. Hindi sila makaisip nang tama; nakakakita sila ng mga pangitain, pero hindi nila maunawaan ang ibig sabihin ng mga iyon; hindi sila makapagpasya sa mga bagay nang tama.
|
||
|
\v 8 Lahat ng kanilang mga mesa ay natatakpan ng kanilang suka; may dumi sa lahat ng dako.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Tinutuya nila si Yahweh at sinasabi, "Sino sa palagay niya ang kanyang tinuturuan? Bakit siya nakikipag-usap sa atin nang ganito? Ipinapalagay ba niya na maliliit na bata tayo na kamakailan lamang inawat sa ina?
|
||
|
\v 10 Patuloy niyang sinasabi sa atin, "Gawin ninyo ito, gawin ninyo iyon, una sinasabihan niya kami ng isang panuntunan, pagkatapos isa pang panuntunan, sinasabihan niya kami ng isa-isang linya lamang."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kaya ngayon, kakailanganin ni Yahweh na pilitin silang makinig sa mga taga-Asiria na nagsasalita sa kanila sa isang wika na hindi nila nauunawaan.
|
||
|
\v 12 Sinabi sa kanila noon ni Yahweh, "Ito ay isang lugar na kung saan maaari kayong makapagpahinga; pagod na pagod na kayo mula sa lahat ng inyong mga paglalakbay sa ilang, pero maaari kayong magpahinga sa lupaing ito." Pero tumanggi silang magbigay pansin sa kung ano ang sinasabi niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kaya patuloy na sinasabi ni Yahweh sa bayan ng Samaria, nang isa-isa, "Gawin ninyo ito, gawin ninyo iyon," una muna isang panuntunan at pagkatapos isa pang panuntunan. Pero dahil sa kanilang pagwawalang bahala sa kung ano ang sinasabi ng Diyos, sasalakayin at tatalunin sila; sila ay masusugatan at masisilo at mabibihag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Dahil sa kung ano ang mangyayari sa Samaria, kayong mga tagapamahala sa Jerusalem na pinagtatawanan ako; makinig kayo sa mensaheng ito mula kay Yahweh;
|
||
|
\v 15 Nagyayabang kayo at nagsasabi, "Nakipag-alyansa kami sa mga pinuno ng Ehipto para hindi kami mapatay sa mga labanan; hindi kami pupunta sa lugar kung nasaan ang mga patay. Kapag sinalakay kami ng hukbo ng Asiria, hindi nila kami kailanman matatalo, sapagkat nakipagkasunduan kami sa Ehipto para protektahan kami!" Pero ang kasunduang iyon ay naglalaman ng maraming kasinungalingan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kaya, sinasabi ito ni Yahweh: "Makinig kayo dito! Ilalagay ko sa Jerusalem ang isang tao na tulad ng isang pundasyong bato, siya ay tulad ng isang bato na sinubok upang alamin kung ito ay matibay. Magiging tulad siya ng isang mahalagang bato na kung saan magiging ligtas na magtayo ng isang bahay; at sinumang magtitiwala sa kanya ay hindi kailanman mabibigo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Susubukin ko kayo bayan ng Jerusalem para alamin kung kikilos kayo nang may katarungan at katuwiran tulad ng isang tao na gumagamit ng isang hulog para malaman kung ang isang pader ay tuwid at pantay. Pero dahil sa ang inyong pakikipagkasunduan sa Ehipto para protektahan kayo ay ginawa ng mga pinuno na nagsisinungaling sa isat isa at nililinlang ang isa't isa, tatalunin kayo at aalisin mula sa inyong bansa ng isang hukbo na lalaban sa inyo tulad ng isang baha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ipawawalang bisa ko ang tipan na ginawa ninyo sa lugar na kung saan pumupunta ang mga espiritu ng patay. Inaakala ninyo na dahil sa tipan na iyon hindi kayo mapapatay at na hindi kayo mapupunta doon. Pero kapag inanod kayo ng napakalaking hukbo ng Asiria tulad ng isang baha, tatapakan nila kayo sa lupa.
|
||
|
\v 19 Darating ang kanilang mga sundalo sa umaga, sa tanghali, at sa gabi, dadalhin nila kayong lahat palayo." At kapag naunawaan ninyo ang mensaheng ito, lubha kayong matatakot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Narinig ninyo ang mga tao na nagsasabi, "Napakaikli ng inyong kama; hindi kayo makakatulog dito; napakakitid ng inyong kumot; hindi nila kayo matatalukbungan!" Nangangahulugan ito sa inyo na hindi kayo ililigtas ng kasunduan ninyo sa Ehipto.
|
||
|
\v 21 Darating si Yahweh at dudulutin na matalo kayo; gagawin niya sa inyo tulad ng ginawa niya sa hukbo ng Filisteo sa Bundok ng Perazim, at tulad ng ginawa niya sa mga Amorito sa Lambak ng Gibeon. Ang gagawin niya ay magiging kakaiba at hindi pangkaraniwan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Sinabi sa akin ni Yahweh, Tagapag-utos ng mga hukbo ng mga anghel, na wawasakin niya ang buong lupain. Kaya huwag na ninyong tuyain kung ano ang sinasabi ko, dahil kung gagawin ninyo ito, paparusahan niya kayo nang mas matindi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Dinggin ninyo kung ano ang aking sinasabi; maingat na bigyang pansin.
|
||
|
\v 24 Kapag ang isang magsasaka ay nag-aararo ng kaunting lupa, hindi ba siya kailanman nagtatanim ng mga binhi? Patuloy ba niyang inaararo ito at hindi kailanman nagtatanim ng kahit ano?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Hindi, ginagawa niyang napakapatag ang lupa, at pagkatapos nagtatanim siya ng mga binhi-- eneldo at linga, at trigo at sebada. Itinatanim niya ang bawat uri ng binhi sa tamang paraan. Hindi siya nagtatanim ng isang uri ng binhi sa paraan na hindi tama para dito.
|
||
|
\v 26 Ginagawa niya iyon dahil tinuruan siya ng Diyos ng tamang paraan para gawin ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Gayundin, hindi kailanman ginigiik ng mga magsasaka ang anis gamit ang isang mabigat na paragos; sa halip, pinapalo nila ito gamit lamang ang isang pamalo. Hindi kailanman ginigiik ng mga magsasaka ang anis sa pamamagitan ng paggulong ng isang karitela sa ibabaw nito; sa halip, pinapalo lang nila ito gamit ang isang patpat.
|
||
|
\v 28 At ang butil sa paghurno ng tinapay ay madaling nadudurog, kaya hindi patuloy na binabayo ito ng mga magsasaka nang matagal. Kung minsan dinudulot nila na hilahin ng kanilang mga kabayo ang isang karitela sa ibabaw nito para giikin ito, pero hindi nagigiling ang butil sa paggawa nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Binibigyan tayo ni Yahweh, Tagapag-utos ng mga hukbo ng mga anghel, ng magandang payo tungkol sa kung paano gagawin ang mga bagay; binibigyan niya tayo ng malawak na karunungan. Kaya ang ginagawa ng mga magsasaka ay labis na matalino, pero ang ginagawa ng mga pinuno ninyo ay napakawalang kwenta.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 29
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ito ay isang mensahe mula kay Yahweh: Kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa Jerusalem, ang lungsod kung saan nanirahan si Haring David. Kayong mga tao ay patuloy na ipagdiriwang ang inyong mga pista bawat taon.
|
||
|
\v 2 Pero dudulutin kong makaranas kayo ng isang malaking sakuna, at kapag nangyari iyon labis na iiyak at mananaghoy ang mga tao. Magiging tulad ng isang altar sa akin ang inyong lungsod kung saan sinusunog ang mga tao bilang mga alay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Dudulutin kong dumating ang inyong mga kaaway at magkampo sa paligid ng inyong lungsod; papaligiran nila ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tore at paglalagay sa lugar ng ibang mga bagay para salakayin kayo.
|
||
|
\v 4 Pagkatapos magsasalita kayo na parang kayo ay nakalibing malalim sa lupa; magtutunog ito na parang isang tao na bumubulong mula sa ilalim ng lupa, parang isang multo na nagsasalita mula sa isang libingan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pero mabilis kayong mahihipan palayo ng inyong mga kaaway gaya ng alikabok; mawawala ang kanilang mga hukbo tulad ng ipa na hinipan palayo ng hangin. Mangyayari ito nang napakabilis:
|
||
|
\v 6 Darating si Yahweh, Tagapag-utos ng mga hukbo ng mga anghel, para tulungan kayo nang may kulog at isang lindol at isang napakalakas na ingay, na may isang malakas na hangin at isang malakas na bagyo at isang apoy na susunugin ang lahat ng bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pagkatapos ang mga hukbo ng lahat ng mga bansa na sasalakay sa Jerusalem ay mabilis na maglalaho tulad ng isang panaginip sa gabi. Ang mga sasalakay sa Jerusalem ay biglang maglalaho.
|
||
|
\v 8 Ang mga tao na natutulog ay nananaginip na sila ay kumakain, pero paggising nila, gutom pa rin sila. Ang mga taong nauuhaw ay nananaginip na umiinom, pero paggising nila uhaw pa rin sila. Ito ay magiging ganoon kapag dumating ang inyong mga kaaway para salakayin ang Bundok ng Sion; mananaginip sila tungkol sa paglupig sa inyo, pero nang gumising sila, mapagtatanto nila na hindi sila nagtagumpay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kayong bayan ng Jerusalem, mamangha at magugulat kayo tungkol dito. Huwag ninyong paniwalaan kung ano ang sinabi ko! At patuloy kayong maging bulag tungkol sa kung ano ang ginagawa ni Yahweh. Kayo ay hangal, pero ito ay hindi dahil sa nakainom kayo ng maraming alak. Sumusuray kayo, pero hindi dahil sa pag-inom ng mga inuming nakalalasing.
|
||
|
\v 10 Dahil sa pinigilan ni Yahweh na maunawaan ng mga propeta at sabihin sa inyo ang kanyang mga mensahe, ito ay parang pinatulog niya kayo nang mahimbing.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Binigyan ako ni Yahweh ng mga pangitain; pero para sa inyo, mga salita lamang iyon na nasa isang balumbon ng kasulatan na sinelyuhan. Kung ibibigay ninyo ito sa mga makakabasa at hilingin na basahin nila ito, sasabihin nila, "Hindi namin mabasa ito dahil sinelyuhan ang balumbon ng kasulatan."
|
||
|
\v 12 Kapag ibibigay ninyo ito sa iba na hindi makabasa, sasabihin nila, "Hindi namin mabasa ito dahil hindi kami marunong magbasa."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kaya sinasabi ng Panginoon, "Sinasabi ng mga taong ito na kabilang sila sa akin. Pinaparangalan nila ako sa pamamagitan ng mga sinasabi nila, pero hindi nila iniisip tungkol sa kung ano ang aking nais. Kapag sinasamba nila ako, bumibigkas lamang sila ng mga panuntunan na ginawa ng mga tao at na kinabisa nila.
|
||
|
\v 14 Kaya, muli akong gagawa ng isang bagay para mamangha ang mga taong ito; gagawa ako ng maraming himala. At ipapakita ko na ang mga taong nagsasabi sa iba na sila ay marurunong ay hindi tunay na marunong, at ipapakita ko na ang mga tao na sinasabi sa iba na matalino sila ay hindi talagang matalino.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Yahweh, kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa mga sumusubok na itago sa akin ang mga masasamang bagay na binabalak nilang gawin; ginagawa nila ang mga gawaing iyon sa kadiliman at iniisip nila, 'Tiyak na hindi tayo nakikita ni Yahweh; hindi niya malalaman kung ano ang ginagawa natin!'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Napakahangal nila! Kumikilos sila na parang sila ang mga magpapalayok at ako ang luwad! Tiyak na hindi kailanman dapat sinasabi ng bagay na nilikha sa isang gumawa dito, 'Hindi mo ako ginawa!' Hindi kailanman dapat sinasabi ng isang banga, 'Hindi alam ng magpapalayok na gumawa sa akin kung ano ang ginagawa niya!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Hindi maglalaon ang mga kagubatan sa Lebanon ay magiging mayabong na mga bukid, at mga masaganang tanim ay tutubo sa mga bukid na iyon, at mangyayari iyon sa lalong madaling panahon.
|
||
|
\v 18 Sa oras na iyon, makakarinig ang mga bingi; makakarinig sila kapag nagbabasa ang isang tao mula sa isang aklat; at makakakita ang mga bulag; makakakita sila ng mga bagay kapag kulimlim at kahit na kapag madilim.
|
||
|
\v 19 Muling pagagalakin ni Yahweh ang mga mapagpakumbaba. Magsasaya ang mga mahihirap tungkol sa kung ano ang nagawa ng ang Banal ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Wala nang mga taong manlilibak sa iba at wala nang mga mapagmataas na tao. At ang mga nagbabalak na gumawa ng mga masasamang bagay ay bibitayin.
|
||
|
\v 21 Ang mga nagpapatotoo nang may kasinungalingan para hikayatin ang mga hukom na parusahan ang mga inosente ay maglalaho. Ganoon din ang mangyayari sa mga humihikayat sa mga hukom, sa pamamagitan ng pagsisinungaling sa hukuman na gumawa ng hindi makatarungang pagpapasya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ni Yahweh, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa bayan ng Israel, "Hindi na mapapahiya ang aking bayan; hindi na nila ipapakita sa kanilang mga mukha na napahiya sila.
|
||
|
\v 23 Kapag nakita nila na pinagpala ko sila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maraming mga anak, at ng lahat na ginawa ko para sa kanila, pararangalan nila ang banal na pangalan ng Diyos na Banal ng Israel, at sasambahin nila ako, ang Diyos na kung kanino, sila, ang mga inapo ni Jacob, ay kabilang.
|
||
|
\v 24 Kapag nangyari iyon, ang mga hindi makapag-isip nang mabuti ay makakapag-iisip nang malinaw, at ang mga nagrereklamo tungkol sa kung ano ang ginagawa ko ay tatanggapin kung ano ang itinuturo ko sa kanila."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 30
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi ni Yahweh, "Kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa inyo, aking bayan na nagrerebelde laban sa akin. Gumagawa kayo ng mga plano, pero ang mga pinaplano ninyo ay hindi ang kung ano ang nais ko. Nakipag-alyansa kayo sa mga pinuno ng Ehipto, pero hindi ninyo tinanong ang aking Espiritu kung iyon ang dapat ninyong gawin. Sa paggawa noon, dinagdagan ninyo ang bilang ng inyong mga kasalanan.
|
||
|
\v 2 Pumunta kayo sa Ehipto para humingi ng tulong sa kanilang mga tagapamuno, nang hindi hinihingi ang aking payo. Nagtiwala kayo sa hukbo ng hari ng Ehipto para protektahan kayo; nagtiwala kayo sa kanila tulad ng mga tao na umuupo sa lilim para protektahan ang kanilang sarili mula sa araw.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pero ang kinalabasan ng inyong pagtitiwala sa hari ng Ehipto ay na mabibigo at mapapahiya kayo; dahil nagtiwala kayo sa kanya, hahamakin kayo.
|
||
|
\v 4 Pumunta ang mga pinuno mula sa Juda sa mga lungsod ng Zoan at Hanes sa Ehipto para gumawa ng mga kasunduan,
|
||
|
\v 5 pero lahat ng mga nagtitiwala sa hari ng Ehipto ay hahamakin, dahil hindi kayo matutulungan ng bansang iyon; ang kasunduan na ginawa ninyo na humihingi ng tulong mula sa kanila ay mawawalang silbi; sa halip, ang kalalabasan ay na hahamakin at mapapahiya kayo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Tinanggap ni Isaias ang mensaheng ito mula kay Yahweh tungkol sa mga hayop sa katimugang bahagi ng Juda, ang ilang na bahagi: Ang lugar na iyon ay isa na kung saan nararanasan ng mga tao ang maraming gulo at kahirapan, isang lugar na kung saan may mga lalaki at babaeng leon at iba't ibang uri ng mga makamandag na ahas. Dumadaan ang mga karawan sa lugar na iyon na may mga asno at mga kamelyo na may kargang mahahalagang mga kalakal. Dinadala nila ang mga iyon sa Ehipto dahil inaasahan nila na poprotektahan sila ng hukbo ng Ehipto, pero walang silbi ito.
|
||
|
\v 7 Walang kwenta ang mga pangakong ginawa ng hari ng Ehipto; kaya nga tinatawag ko ang Ehipto na "Walang silbing Rahab", 'ang halimaw sa dagat na walang ginagawa.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sinabihan ako ni Yahweh na isulat sa isang balumbon ng kasulatan ang isang mensahe, para maging saksi ito sa bayan ng Juda na mananatili magpakailanman.
|
||
|
\v 9 Ipapaalala nito sa kanila na sila ay mapanlinlang at laging nagrerebelde laban kay Yahweh, at na tumatanggi silang bigyang pansin ang sinasabi niya sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sinasabi nila sa mga tao na nakakakita ng mga pangitain mula kay Yahweh, "Itigil ninyo ang pagmamalas ng mga pangitain!" Sinasabi nila sa mga propeta, "Huwag ninyong ibunyag sa amin kung ano ang tama! Mga kaaya-ayang bagay ang sabihin ninyo sa amin; huwag ninyo kaming sabihan ng mga pangitain tungkol sa mga bagay na totoo!
|
||
|
\v 11 Tigilan ninyo ang inyong mga ginagawa! Tigilan ninyo ang pagsasabi sa amin kung ano ang sinasabi sa amin ng Diyos na Banal ng Israel!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kaya nga, ito ang sinasabi ng Banal ng Israel: "Tinanggihan ninyo ang aking mensahe, at nagtitiwala kayo sa mga nang-aapi at nanlilinlang sa iba.
|
||
|
\v 13 Kaya nga, ang magiging kalalabasan ng inyong kasalanan ng pagtanggi sa akin ay bigla kayong makakaranas ng mga sakuna; ang mangyayari sa inyo ay magiging tulad ng isang bitak na pader na biglang babagsak sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Madudurog kayo tulad ng isang luwad na banga na madudurog kapag ibabagsak ito at lubusang mawawasak, na ang kalalabasan ay walang magiging isang pirasong sapat ang laki para walisin ang mga baga mula sa isang kalan o para magdala ng kaunting tubig mula sa isang balon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sinasabi rin ito ni Yahweh, ating Diyos, Ang Banal ng Israel: "Ililigtas ko lamang kayo mula sa inyong mga kaaway kung kayo ay magsisisi at magtitiwala sa kung ano ang gagawin ko para sa inyo; magiging malakas lamang kayo kung ititigil ninyo ang pag-aalala at sa halip ay magtiwala sa akin. Pero ayaw ninyong gawin iyon.
|
||
|
\v 16 Sinabi ninyo, 'Hindi, tatakas kami sakay ng mga kabayo na ibibigay sa amin ng hukbo ng Ehipto!" Kaya sisikapin ninyong tumakas. Sinabi ninyo, 'Tatakas kami mula sa hukbo ng Asiria sa pamamagitan ng pagsakay sa matutulin na mga kabayo!' Pero ang mga humahabol sa inyo ay sasakay din nang matulin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Bilang resulta, isang libo sa inyo ang tatakas samantalang isa lamang sa kanila ang humahabol sa inyo! Kapag lima sa kanilang mga sundalo ang nagbantang patayin kayo, tatakas kayong lahat. Kakaunti lamang sa inyo ang matitira, tulad ng isang poste ng bandila sa tuktok ng isang bundok, o tulad ng nag-iisang bandila sa tuktok ng isang burol."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pero nais ni Yahweh na kumilos nang may kabutihan sa inyo; siya ay dakila dahil ninanais niyang kumilos nang may paghabag. Huwag ninyong kalimutan na si Yahweh ay isang Diyos na kumikilos nang may katarungan; nalulugod siya sa mga nagtitiyagang magtiwala sa kanya.
|
||
|
\v 19 Kayong mga taong naninirahan sa Jerusalem, balang araw hindi na kayo muling iiyak. Magiging mabuti sa inyo si Yahweh kapag tumawag kayo para hingin ang kanyang tulong. Tutugon siya sa inyo sa sandaling marinig niya kayong tumatawag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Kahit na ngayon dinalhan kayo ni Yahweh ng kahirapan, siya, ang inyong guro, ay hindi magtatago mula sa inyo. Tuturuan niya kayo nang malinaw tungkol sa maraming bagay.
|
||
|
\v 21 At maririnig ninyo siyang magsalita sa inyo upang gabayan kayo. Sa likod ninyo sasabihin niya, "Ito ang daan kung saan kayo dapat lumakad; lumakad kayo sa daang ito!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kapag nangyari iyon, wawasakin ninyo ang lahat ng mga diyus-diyosan na nababalutan ng pilak at ginto. Itatapon ninyo ang mga iyon tulad ng pagtapon ninyo sa isang maruming basahan, at sasabihin ninyo sa kanila, "Hindi na namin kayo kailangan!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Kapag ginawa ninyo iyon, pagpapalain kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng pagbigay sa inyo ng saganang ulan sa oras na nagtatanim kayo ng inyong mga pananim. Magkakaroon kayo ng mga masaganang ani at maraming malalaking bukid na may damo para sa inyong mga baka para kainin.
|
||
|
\v 24 Matapos hipan ng hangin ang ipa, ang mga kapong baka at ang mga asno na humihila sa araro sa inyong lupa ay magkakaroon ng masaganang butil para kainin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Sa oras na iyon, nang nakatay na ang inyong mga kaaway at bumagsak ang kanilang mga tore, magkakaroon ng mga batis na dumadaloy pababa sa bawat burol at bundok sa Juda.
|
||
|
\v 26 Liliwanag ang buwan nang parang kasing liwanag ng araw, at ang araw ay magliliwanag nang parang pitong beses na kasing liwanag tulad ng dati. Tulad noon ang mangyayari kapag dinulot ni Yahweh na wakasan ang mga paghihirap ng kanyang bayan; ito ay parang naglalagay siya ng bendahe sa kanilang mga sugat at pinapagaling sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Ito ay parang nakikita namin si Yahweh na nanggagaling mula sa malayo; siya ay galit na galit, at may mga makakapal na ulap ng usok sa paligid niya. Sa pamamagitan ng kanyang sinasabi ipinapakita niya na siya ay nagagalit; ang sinasabi niya ay tulad ng tumutupok na apoy.
|
||
|
\v 28 Ang kaniyang hininga ay tulad ng isang baha na naglulubog sa kanyang mga kaaway hanggang sa kanilang mga leeg. Paghihiwalayin niya ang mga bansa para wasakin ang ilan sa kanila; ito ay parang lalagyan sila ng mga kabisada ng mga kabayo at ipapatapon sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Pero ang kaniyang bayan ay kakanta nang may kagalakan tulad ng pagkanta nila tuwing gabi kapag nagdiriwang sila ng isang banal na pista. Sila ay lubos na magagalak, tulad ng isang malaking grupo ng mga tao na nagagalak kapag umaakyat sila sa Bundok ng Sion sa Jerusalem, kasama ng mga lalaking tumutugtog ng mga plauta kapag pumupunta silang lahat doon para sambahin si Yahweh. Siya ay tulad ng isang napakalaking bato sa tuktok ng kung saan ligtas kaming mga Israelita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 At ipaparinig sa atin ni Yahweh ang pagsasalita niya nang may kapangyarihan. Ipapakita niya sa atin na siya ay napakamakapangyarihan. Makikita natin siyang winawasak ang kanyang mga kaaway. Galit na galit siyang bababa dala ang isang malaking bagyo ng ulan at kulog at yelo para parusahan sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Labis na matatakot ang mga sundalo ng Asiria kapag narinig nila ang tinig ni Yahweh at kapag hinampas niya sila ng kaniyang baston.
|
||
|
\v 32 At habang hinahampas sila ni Yahweh para parusahan sila, magdiriwang ang kanyang bayan sa pamamagitan ng pagtugtog ng mga tamburin at mga arpa. Ito ay parang itataas ni Yahweh ang kanyang makapangyarihang kamay at tatalunin ang hukbo ng Asiria sa labanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Matagal nang nakahanda ang Lambak ng Tofet sa labas ng Jerusalem; handa na ito para sa hari ng Asiria; ang libing siga para sa pagsusunugan ng kanilang katawan ay malapad at mataas, at ito ay parang sisindihan ni Yahweh ang apoy gamit ang kaniyang hininga, na lalabas tulad ng isang daloy ng nasusunog na asupre.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 31
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa mga umaasa sa Ehipto para tulungan sila, nagtitiwala sa mga kabayo ng kanilang mga sundalo at ang kanilang maraming karwahe at ang mga nakasakay dito, sa halip na magtiwala kay Yahweh, Ang Banal ng Israel, na tutulong sa kanila.
|
||
|
\v 2 Si Yahweh ay napakarunong, pero idinudulot niya rin sa bayan na makaranas ng sakuna! At kapag nagpasya siyang gawin iyon, hindi siya nagbabago ng kaniyang kaisipan! Papaslangin niya ang bayang masasama at lahat ng mga tumulong sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kayong bayan ng Juda, ang mga sundalo ng Ehipto na inaasahan ninyo ay mga tao, hindi Diyos! At ang kanilang mga kabayo ay mga kabayo lamang; sila ay hindi makapangyarihang mga espiritu! Kaya kapag itinaas ni Yahweh ang kaniyang kamao para hampasin ang mga sundalo ng Ehipto na inaakala ninyong tutulong sa inyo, hahampasin din niya kayo na nag-aakalang matutulungan kayo, at kayo at sila ay matitisod at babagsak; lahat kayo ay sama-samang mamamatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pero ito ang sinabi ni Yahweh sa akin: "Kapag ang isang leon ay tumatayo at umaatungal sa ibabaw ng katawan ng isang tupa na kaniyang pinatay, kahit kung ang isang malaking pangkat ng mga pastol ay dumating para itaboy ang leon, kahit kung sila ay sumigaw ng malakas, hindi matatakot ang leon at hindi aalis. Katulad nito, Ako, si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay bababa para labanan ang aking mga kaaway sa Bundok ng Sion, at walang makakapigil sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay pangangalagaan ang Jerusalem tulad ng isang inahin na umaali-aligid sa ibabaw ng mga inakay sa kaniyang pugad. Kaniyang ipagtatanggol ang lungsod at ililigtas ito mula sa mga kaaway nito."
|
||
|
\v 6 Aking bayan, kahit na lubha kayong nagrebelde laban kay Yahweh, manumbalik kayo sa kaniya.
|
||
|
\v 7 Kapag ginawa ninyo iyon, itatapon ng bawat isa sa inyo ang mga diyus-diyosan na ginawa sa kasalanan, mga diyus-diyosan na nababalutan ng pilak at ginto.
|
||
|
\v 8 Ang mga sundalong taga-Asiria ay mapapatay, pero hindi sa pamamagitan ng mga espada na gamit ng tao. Mawawasak sila sa pamamagitan ng espada ng Diyos; at ang mga hindi napatay ay masisindak at tatakas. At ilan sa kanila ay mabibihag at sapilitang gagawing mga alipin.
|
||
|
\v 9 Kahit ang kanilang napakalakas na mga sundalo ay masisindak; ang kanilang mga pinuno ay iiwan ang lahat ng pag-asa at lalayo mula sa kapangyarihan ni Yahweh! Ang presensya ni Yahweh sa Bundok ng Sion ay tulad ng isang apoy, tulad ng isang pugon na nagliliyab sa Jerusalem. Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa hukbo ng Asiria!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 32
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Makinig kayo dito! Balang araw magkakaroon ng isang matuwid na hari, at tutulungan siya ng kaniyang mga opisyales para mamuno ng may katarungan.
|
||
|
\v 2 Bawat isa sa kanila ay magiging tulad ng isang kanlungan sa hangin at isang kublihan sa bagyo. Sila ay magiging tulad ng tubig sa batis sa desyerto, tulad ng lilim sa ilalim ng isang malaking bato sa napakainit at tuyong lupa.
|
||
|
\v 3 Kapag nangyari iyon, tutulungan ng mga pinunong iyon ang mga taong hindi naunawaan ang katotohanan ng Diyos na maunawaaan ito, at itutuon nila ang pansin ng mga taong hindi pinansin ang katotohanan ng Diyos para pansin ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Kahit ang mga padalus-dalos ay magkakaroon ng mabuting pag-iisip, at ang mga hindi makapagsalita nang maayos ay magsasalita ng matatas at malinaw.
|
||
|
\v 5 Sa panahong iyon, ang mga hangal ay hindi na hahangaan, at ang mga malupit ay hindi na igagalang.
|
||
|
\v 6 Ang mga hangal ay magsasabi ng mga bagay na hangal, at sila ay nagpaplano ng mga masasamang bagay. Ang kanilang pag-uugali ay kahiya-hiya, at nagsasabi sila ng mga bagay tungkol kay Yahweh na hindi totoo. Hindi sila nagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom, at hindi sila nagbibigay ng tubig sa mga nauuhaw.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ang mga malupit ay gumagawa ng mga bagay na masasama at dinaraya ang mga tao; sila ay nagpaplanong gumawa ng mga masasamang bagay; sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga kasinungalingan sa hukuman, pinahihirapan nila ang mahihirap na magkaroon ng kaguluhan, kahit na ang hinihiling ng mahihirap ay makatarungan.
|
||
|
\v 8 Pero ang mga marangal ay nagpaplanong gumawa ng mga bagay na marangal, at ginagawa nila ang mga bagay na marangal, kaya sila ay nagtagumpay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kayong kababaihan ng Jerusalem na nag-iisip na kayo ay lubos na ligtas at iniisip na ang lahat ng bagay ay mabuti, makinig kayo sa aking sasabihin!
|
||
|
\v 10 Pagkaraan ng isang taon, kayo ngayon na hindi nag-aalala tungkol sa anumang bagay ay manginginig, dahil wala ng mga ubas para sa inyo at wala ng ibang pananim para anihin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kaya manginig ngayon, kayong mga kababaihan ay hindi nag-alala tungkol sa anumang bagay! Hubarin ninyo ang kaakit-akit na mga damit at ilagay ang telang magaspang sa palibot ng iyong baywang.
|
||
|
\v 12 Kayo ay tatangis dahil kayo ay nagluluksa tungkol sa mangyayari sa inyong mayabong na mga bukirin at sa inyong mabungang mga ubasan,
|
||
|
\v 13 dahil ang mga tinik at mga dawag ay tutubo sa inyong lupa. Ang inyong mga bahay kung saan nagkaroon ng masayang pagtitipon at sa inyong lungsod kung saan nagkaroon ng kasiyahan ay mawawala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Ang palasyo ng hari ay mawawalan ng laman; wala ng magiging mga tao sa lungsod na ngayon ay napakaingay. Ang mga mabangis na asno ay lalakad sa paligid at ang mga kawan ng tupa ay kakain ng damo sa bakanteng mga kuta at mga tore.
|
||
|
\v 15 Ito ay magiging ganoon hanggang ibuhos ng Diyos ang kaniyang Espiritu sa atin mula kalangitan. Kapag nangyari iyon, ang mga desyerto ay magiging mayabong na mga bukirin, at ang masaganang mga pananim ay tutubo sa mga mayabong na mga bukirin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ang mga tao ay kikilos ng makatarungan sa mga lugar ng desyertong iyon, at ang mga tao ay kikilos ng matuwid sa mga mayabong na mga bukirin.
|
||
|
\v 17 Ang bunga ng kanilang pagkilos ng matuwid ay magkakaroon ng kapayapaan, ang lupain ay magiging panatag, at ang mga tao ay magiging matiwasay magpakailanman.
|
||
|
\v 18 Maninirahan ang aking bayan sa kanilang mga tahanan ng mapayapa, at ligtas, at mahinahon, sa mga lugar ng kapahingahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kahit na isang matinding ulan ng yelo ang magpapabagsak sa mga puno sa gubat, at lahat ng gusali sa lungsod ay tinatangay ng hangin,
|
||
|
\v 20 lubos kayong pagpapalain ni Yahweh; magtatanim kayo ng mga butil sa bukirin sa tabi ng mga batis at magiging masagana ang mga pananim. Ang inyong mga asno at baka ay madaling makahahanap ng damo para kainin kapag dinala ninyo sila sa pastulan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 33
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mangyayari ang kakila-kilabot na mga bagay sa inyo bayan ng Asiria! Winasak ninyo ang iba, pero hindi pa kayo lubos na nawasak. Pinagtaksilan ninyo ang iba, pero hindi pa kayo napagtaksilan. Kapag itinigil ninyo ang pagwawasak sa iba, wawasakin kayo ng iba. Kapag itinigil ninyo ang pagtataksil sa iba, pagtataksilan kayo ng iba.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Yahweh, kumilos ka ng mabuti tungo sa amin, dahil matiyaga kaming naghintay sa iyo para tulungan kami. Palakasin mo kami araw-araw, at sagipin kami kapag mayroon kaming mga kaguluhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ang aming mga kaaway ay tumatakas kapag narinig nila ang inyong tinig. Kapag tumayo ka at ipinakita mo na ikaw ay makapangyarihan, ang mga tao sa lahat ng bansa ay tatakas.
|
||
|
\v 4 At pagkatapos matalo ng aming mga kaaway, kami, na iyong bayan, kukunin ang lahat ng mga ari-arian ng aming mga kaaway, tulad ng mga uod at mga balang na kinakain ang lahat ng dahon ng mga halaman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Si Yahweh ay higit na dakila kaysa sa sinuman, at siyang naninirahan sa kalangitan, at siya ay mamumuno ng makatarungan at makatuwiran sa Jerusalem.
|
||
|
\v 6 Kapag nangyayari iyon, hahayaan niyang mabuhay kayo nang panatag; ganap niyang pangangalagaan ang iyong mga pag-aari, bibigyan niya kayo ng kakayahan na maging marunong at para malaman ang lahat ng inyong kailangang malaman; at ang paggalang kay Yahweh ay magiging tulad ng isang mahalagang kayamanan para sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero ngayon, pagmasdan ninyo, ang aming mga mensahero ay umiiyak sa mga lansangan; ang aming mga kinatawan ay nanggaling sa ibang bansa para gumawa ng mga kasunduang pangkapayapaan, pero sila ay iiyak ng lubos dahil sila ay hindi magtatagumpay.
|
||
|
\v 8 Walang sinuman ang naglalakbay sa aming mga daanan. Sinira ng mga pinuno ng Asiria ang kanilang kasunduang pangkapayapaan sa amin; kinamuhian nila ang mga tao na gumawa ng mga kasunduang iyon, at hindi nila iginagalang ang sinuman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ang lupain ng Juda ay tuyo at tigang. Ang mga puno ng sedar sa Lebanon ay natutuyo at nabubulok. Ang Kapatagan sa Sharon sa gitna ng baybayin ay isang patag na desyerto ngayon. Wala ng mga dahon sa puno sa mga lugar ng Bashan at Carmelo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sinasabi ni Yahweh, "Ngayon ako ay babangon at ipapakita na nararapat ako para sa bawat isa para parangalan ako.
|
||
|
\v 11 Kayong bayan ng Asiria ay gumawa ng mga plano na walang silbi tulad ng ipa at dayami. Ang inyong hininga ay magiging isang apoy na susunog sa inyo.
|
||
|
\v 12 Kayong mga tao ay masusunog hanggang abo na lamang ang matira, tulad ng mga halamang matinik ay puputulin at susunugin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kayong bayan na naninirahan sa malayo at kayong bayan na naninirahan sa malapit, bigyang-pansin kung ano ang aking nagawa at alamin na ako ay lubos na makapangyarihan."
|
||
|
\v 14 Ang mga makalasanan sa Jerusalem ay manginginig dahil sila ay lubhang matatakot; ang bayang hindi maka-diyos ay masisindak. Sinasabi nila, "Wala sa amin ang maaaring manatiling buhay dahil ang apoy na ito ang nagsusunog sa lahat ng bagay; tulad ito ng apoy sa altar ni Yahweh na mag-aapoy magpakailanman!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ang mga matapat na kumikilos at nagsasabi kung ano ang matuwid, ang mga hindi sumusubok na maging mayaman sa pamamagitan ng sapilitang pagkuha ng pera mula sa mga tao, ang mga hindi sumusubok na kumuha ng mga suhol, ang mga tumatangging makinig sa mga tao na nagpaplano na pumatay ng isang tao, ang mga hindi nakikisama sa iba na pinipilit silang gawin kung ano ang mali;
|
||
|
\v 16 sila ang mga taong mabubuhay nang ligtas; sila ay makakakita ng mga lugar na magiging ligtas sa mga kweba sa mga bundok. Sila ay magkakaroon ng maraming pagkain at tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kayong bayan ng Juda ay makikitang suot-suot ng hari ang lahat ng kaniyang mga magagandang balabal, at makikita ninyo na pinamumunuan niya ang isang lupain na umaabot sa malayo.
|
||
|
\v 18 Kapag nakita ninyo iyon, iisipin ninyo noong kayo ay dating natatakot, at sasabihin ninyong, "Ang mga opisyales ng Asiria na bumilang ng buwis na sapilitan kaming pinagbayad sa kanila ay naglaho! Ang mga lalaking iyon na bumilang ng aming mga tore ay nawala!
|
||
|
\v 19 Ang mga taong mayayabang na nagsalita ng isang wika na hindi namin nauunawaan ay wala na rito!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sa panahon na iyon, makikita ninyo ang Bundok ng Sion, ang lugar kung saan ipinagdiriwang namin ang aming mga pista; Makikita ninyo na ang Jerusalem ay naging isang lugar na panatag at ligtas. Ito ay magiging ligtas, tulad ng isang tolda na hindi maililipat dahil ang mga tali nito ay mahigpit at ang mga tulos nito ay malalim ang pagkakabaon sa lupa.
|
||
|
\v 21 Si Yahweh ang aming magiging makapangyarihang Diyos; siya ay magiging tulad ng isang malakas na ilog na mangangalaga sa amin dahil ang aming mga kaaway ay hindi makakayang tawirin ito at walang sinuman ang makakapanagwan sa kabila nito at walang mga bapor na pandigma ang makakapaglayag sa kabila nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Si Yahweh ay aming hukom; siya ang nagbibigay sa amin ng mga batas, at siya ay aming hari. Siya ang magliligtas sa amin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Ang mga tali ng bangka ng aming mga kaaway ay maluwag na nakabitin, ang kanilang mga poste sa bapor ay hindi matatalian ng matibay, at ang kanilang mga layag ay hindi mailalatag. Ang mga kayamanan na kanilang sinamsam ay paghahatian natin, ang bayan ng Diyos, at kahit mga taong pilay sa amin ay makakakuha ng kaunti.
|
||
|
\v 24 At ang bayan ng Jerusalem ay hindi na sasabihing, "Kami ay may sakit," dahil patatawarin ni Yahweh ang mga kasalanan na nagawa ng mga tao na nakatira roon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 34
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kayong mamamayan ng lahat ng mga bansa, lumapit kayo at makinig; bigyan ng maingat na pansin. Nais kong ang mundo at lahat ng bagay na naririto na makinig kung ano sasabihin ko.
|
||
|
\v 2 Nagagalit si Yahweh sa mamamayan ng lahat ng mga bansa; galit na galit siya sa lahat ng kanilang mga hukbo. Siya ay nagpasya na sila ay dapat mawasak, at sila ay kaniyang papatayain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ang kanilang mga bangkay ay hindi maililibing, at bilang resulta ang kanilang katawan ay mangangamoy, at ang mga batis ay mapupuno ng kanilang mga dugo na aagos mula sa mga bundok.
|
||
|
\v 4 Ang kalawakan ay maglalaho tulad ng isang balumbon ng kasulatan na nakarolyo at itinapon. Ang mga bituin ay babagsak mula sa kalawakan tulad ng natuyong mga dahon na bumabagsak mula sa mga puno ng ubas, o tulad ng tuyong igos na bumabagsak mula sa mga puno ng igos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nang matapos ni Yahweh ang kaniyang ginagawang pagwawasak ng mga bagay sa kalawakan, parurusahan niya ang bayan ng Edom, ang pangkat ng mga tao na sinabi niya na dapat wasakin.
|
||
|
\v 6 Para itong si Yahweh na mayroong isang espadang puno ng dugo at taba--ang dugo ng mga batang tupa at kambing at ang taba ng mga lamang-loob ng mga lalaking tupa para maging handog. Ito ay parang si Yahweh ay mag-aalay ng isang handog sa Bosra at pinatay ang maraming tao sa ibang mga lungsod sa Edom.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kahit ang mabangis na baka ay papatayin, at ang mga batang guya at malalaking toro. Ang lupain ay mabababad sa pamamagitan ng dugo, at ang lupa ay matatabunan ng taba ng mga hayop na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Iyon ang magiging panahon kapag naghiganti si Yahweh para sa mga ginawa ng tao sa bayan ng Juda.
|
||
|
\v 9 Ang mga batis ng Edom ay puno ng nasusunog na alkitran, at ang lupain ay matatabunan ng nasusunog na asupre at alkitran.
|
||
|
\v 10 Hindi kailanman matatapos ang pagpaparusa ni Yahweh sa Edom sa pamamagitan ng apoy; ang usok ay tataas magpakailanman. Walang sinuman ang mabubuhay sa lupaing iyon, at walang kahit sinuman ang maglalakbay sa pamamagitan nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Mga uwak at iba't ibang uri ng mga kuwago at mga maliliit na hayop ang maninirahan doon. Susukating mabuti ni Yahweh ang lupaing iyon; susukatin niya ito para mapagpasyahan kung saan magdudulot ng kaguluhan at pagkawasak.
|
||
|
\v 12 Wala ng magiging mga prinsipe; ang mga tao na may kapangyarihan ay mawawalan ng kaharian para pamunuan; ang mga prinsipe ay maglalaho.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ang mga pinabayaang palasyo at mga pinatibay na gusali ay mapupuno ng mga tinik at dawag. Ang mga guho ay magiging mga lugar para sa mga asong-gala at mga ostrits para tirahan.
|
||
|
\v 14 Ang mga hayop na naninirahan sa desyerto at mga asong-gubat ay mapupunta roon, at ang mababangis na mga kambing ay uungal sa isa't isa. Magkakaroon din ng mga nilalang na gumagala sa paligid sa gabi at magpapahinga roon.
|
||
|
\v 15 Ang mga kuwago ay gagawa ng kanilang mga pugad doon at ilalagay ang kanilang mga itlog sa mga pugad; at kapag napisa ang mga itlog, ang mga inahin ang magtatakip sa kanila sa pamamagitan ng kanilang mga pakpak. Magkakaroon din ng mga lawin doon, bawat isa ay may kapareha nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kung babasahin ninyo kung ano ang nasusulat sa aklat na naglalaman ng mga mensahe mula kay Yahweh, matutuklasan ninyo kung ano ang gagawin niya sa Edom. Lahat ng mga hayop at mga ibon ay naroroon, at bawat isa ay may isang kapareha, dahil iyon ang ipinangako ni Yahweh, at ang kaniyang espiritu ay magdudulot sa kanilang lahat na magtipon doon.
|
||
|
\v 17 Siya ay nagpasya kung anong bahagi ng lupain ng Edom ang titirahan ng bawat isa, at iyon ang mga lugar kung saan ang bawat ibon o hayop ay maninirahan. Ang kanilang mga kaapu-apuhan ay aariin ang mga lugar na iyon magpakailanman, sa lahat ng mga salinlahi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 35
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Balang araw, magiging tila ang desyerto at ibang napakatuyong lugar ay magsasaya; ang desyerto ay magagalak at ang mga bulaklak ay mamumulaklak. Tulad ng rosas,
|
||
|
\v 2 ang desyerto ay mamumunga ng masaganang mga bulaklak; ito ay parang lahat ng bagay ay nagagalak at umaawit! Ang mga desyerto ay magiging kasing ganda tulad ng mga puno sa Lebanon, kasing sagana ng mga kapatagan ng Sharon at ang lugar ng Carmelo. Makikita ng bayan ang kaluwalhatian ni Yahweh doon; makikita nila na siya ay kahanga-hanga.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kaya palakasin ninyo ang mga napapagod at mahihina.
|
||
|
\v 4 Sabihin ninyo sa mga natatakot, "Magpakatatag kayo at huwag matakot, dahil ang ating Diyos ay darating para maghiganti sa kaniyang mga kaaway; sila ay paghihigantihan niya sa kanilang nagawa, at kayo ay ililigtas niya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kapag ginawa niya iyon, bibigyan niya ng kakayahan ng makakita ang mga bulag at ang mga bingi na makarinig.
|
||
|
\v 6 Ang pilay ay makakalundag tulad ng usa, at ang mga hindi makayang magsalita ay aawit nang may kagalakan. Bubuluwak ang tubig mula sa mga bukal sa disyerto, at ang mga batis ay aagos sa desyerto.
|
||
|
\v 7 Ang napakainit at tuyong lupa ay magiging isang lawa ng tubig, at mga batis ay magbibigay ng tubig para sa tuyong lupa. Ang damo at mga tambo at papirus ay lalago sa mga lugar kung saan ang mga asong-gala na dating nanirahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Magkakaroon ng isang malawak na daanan sa pamamagitan ng lupaing iyon; ito ay tatawaging 'ang Banal na Daan.' Ang mga taong hindi katanggap-tanggap sa Diyos ay hindi makalalakad sa daanang iyon; ito ay para lamang sa mga namumuhay ayon sa ninanais ng Diyos sa kanila, at walang masasamang hangal ang lalakad sa daanang iyon.
|
||
|
\v 9 Hindi magkakaroon ng mga leon o anumang ibang mapanganib na mga hayop sa daanang iyon. Tanging ang mga pinalaya ni Yahweh ang makalalakad dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ang mga pinalaya ni Yahweh ay manunumbalik sa Jerusalem; aawit sila habang pumapasok sila sa lungsod, at sila ay labis na magagalak magpakailanman. Hindi na sila kailanman malulungkot o magdadalamhati; sila ay ganap na magagalak at magsasaya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 36
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Noong halos labing apat na taon ng pinamumunuan ni Haring Hezekias ang Juda, nilusob ni Haring Senaquerib ng Asiria at kanyang hukbo ang mga lunsod ng Juda na pinaliligiran ng mga pader. Hindi nila sinakop ang Jerusalem, pero sinakop nila ang lahat ng ibang lunsod.
|
||
|
\v 2 Pagkatapos nagsugo ng malaking hukbo ang hari ng Asiria kasama ang ilang mataas na opisyales mula sa Laquis para hikayating sumuko si Haring Hezekias. Noong dumating sila sa Jerusalem, nanatili sila sa tabi ng daluyan ng tubig kung saan umaagos ang tubig sa lawa patungong Jerusalem, malapit sa daan patungo sa bukirin kung saan naglalaba ang mga babae.
|
||
|
\v 3 Ang mga Israelitang opisyales na nakipag-usap sa kanila sa labas ng lungsod ay sila Hilkias anak ni Eliakim, administrador na palasyo, Sebna ang kalihim ng hari, at Joa anak ni Asaf, na nagtala ng mga hatol ng pamahalaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ng isa sa opisyales ni Senaquerib na dalhin ang isang mensahe kay Hezehias mula sa hari ng Asiria, ang dakilang hari. Sa kanyang mensahe, sinabi ng hari sa mamamayan ng Jerusalem, "Ano ang pinaniniwalaang magliligtas sa inyo?
|
||
|
\v 5 Sinasabi ninyo na mayroon kayong mga sandata at nangako ang ibang bansang tutulungan kayo, pero ito ay mga salita lamang. Sino sa palagay ninyo ang tutulong sa inyo laban sa mga kawal kong mula sa Asiria?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Makinig kayo sa akin! Umaasa kayo sa hukbo ng Ehipto. Pero tulad ito ng isang lalaking pinipilit lumakad gamit ang buhong tungkod na may lamat. At ito ay tutusok sa kanyang kamay kapag sinandalan ito! Iyon ang katulad ng hari ng Ehipto sa mga umaasa sa kanya ng tulong.
|
||
|
\v 7 Pero marahil inyong sasabihin sa akin na kayo ay umaasa kay Yahweh ang inyong Diyos na tulungan kayo. Kung gayon, aking sasabihin na si Yahweh ang siyang nilapastangan ni Hezekias ng gibain niya ang mga bantayog at altar at pinipilit ang lahat sa Jerusalem at ibang lugar sa Juda na sumamba lamang sa harap ng altar sa Jerusalem."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Nagpatuloy sa pagsasalita sa harap ng lungsod ang opisyal ng Asiria: Kaya iminumungkahi ko na gumawa kayo ng isang kasunduan sa aking panginoon, ang hari ng Asiria. Bibigyan ko kayo ng dalawang libong kabayo, pero hindi ko alam kung makakahanap kayo ng dalawang libong lalaking makasasakay sa mga iyon!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Inaasahan ninyong magpapadala ang hari ng Ehipto ng mga karwaheng pandigma at mangangabayo upang tulungan kayo. Pero tiyak na hindi nila kayang talunin kahit ang pinakahinang opisyal ng hukbo ng Asiria.
|
||
|
\v 10 Maliban pa dito, huwag ninyong iisipin na kami ay naparito para lusubin at wasakin ang lupaing ito na walang pag-uutos ni Yahweh! si Yahweh mismo ang siyang nagsabi sa aming pumarito at wasakin ang lupaing ito!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi nila Eliakim, Sebna, at Joa sa opisyal mula sa Asiria, "Nakiki-usap kaming kausapin ninyo sa wikang Aramaic, dahil naunawaan namin ito. Huwag sa wikang Hebreo, dahil ang mga taong nakatayo sa pader ay mauunawaan ito at matatakot.
|
||
|
\v 12 Pero sumagot ang opisyal, inaakala niyo ba na pinadala ako ng aking panginoon upang sabihin ang mga bagay na ito sa inyo lamang, at hindi sa mga nakatayo sa pader? Kapag tinanggihan ninyo ang mensaheng ito di magtatagal ang lahat sa lungsod na ito ay kakainin ang kanilang sariling dumi at iinumin ang sariling ihi, katulad ng gagawin ninyo, dahil wala na kayong makakain."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos tumayo ang opisyal at sumigaw sa wikang Hebreo sa mga nakaupo sa pader. Sinabi niya, "Pakinggan ang mensaheng ito galing sa dakilang hari, ang hari ng Asiria!
|
||
|
\v 14 Sinasabi niya, Huwag kayong magpalinlang kay Hezekias! Hindi niya kayo kayang iligtas!
|
||
|
\v 15 Huwag hayaang hikayatin kayong magtiwala kay Yahweh, na sasabihing maililigtas kayo ni Yahweh, at ang hukbo ng hari ng Asiria ay hinding hindi masasakop ang lungsod na ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Huwag pansinin ang sinasabi ni Hezekias! Ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: "Lumabas kayo ng lungsod at sumuko sa akin. Kung inyo itong gagawin, ipag-uutos ko na ang bawat isa sa inyo ay makakainom ng alak mula sa kanyang sariling ubasan at makakain ng igos mula sa kanyang sariling puno, at makakainom ng tubig mula sa kayang sariling balon.
|
||
|
\v 17 Magagawa ninyo ito hanggang madala namin kayo sa lupaing tulad ng inyong lupain- isang lupain may butil na gagawing tinapay at ubasang pinagmumulan ng bagong alak at, kung saan kami ay gumagawa ng maraming maraming tinapay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Huwag hayaang linlangin kayo ni Hezekias sa pagsasabing, ililigtas tayo ni Yahweh." Ang mga diyos na sinasamba ng ibang bansa ay hindi kailanman nailigtas sila mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria!
|
||
|
\v 19 Bakit hindi nailigtas ng mga diyos ng Hamat at mga lungsod ng Arpad, at ang mga diyos ng Sefarvaim mula sa aking kapangyarihan?
|
||
|
\v 20 Wala, walang diyos ng anumang bansa na nilusob ng aking mga hukbo ang makasasagip sa kanila mula sa akin. Kaya bakit ninyo iniisip na ililigtas ni Yahweh kayong nasa Jerusalem mula sa aking kapangyarihan?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pero ang mga nakikinig na mga sundalong Hebreo ay tahimik. Walang nagsalita, dahil ipinag-utos sa kanila ni Haring Hezekias, "Kapag ang opisyal mula sa Asiria ay magsasalita sa inyo, huwag niyo siyang sasagutin."
|
||
|
\v 22 Pagkatapos si Eliakim at Sebna at Joa ay bumalik kay Hezekias sa kanilang punit ng mga damit dahil lubha silang nabalisa. Sinabi nila kung ano ang sinabi ng opisyales mula sa Asiria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 37
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Noong narinig ni Haring Hezekias ang kanilang ulat, pinunit niya ang kanyang damit at nagsuot ng telang sako dahil siya ay labis na nabalisa. Pagkatapos ay nagtungo siya sa templo ni Yahweh at nanalangin.
|
||
|
\v 2 Sinugo niya sina Eliakim, Sebna at nakatatandang mga pari, na nakasuot din ng telang sako, para kausapin si propeta Isaias, anak ni Amoz.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinabi niya sa kanila, "Sabihin ito kay Isaias: Ito ay isang araw nang tayo ay nasa malaking kaguluhan sabi ni Haring Hezekias. Iniinsulto at nilalait tayo ng ibang mga bansa. Katulad tayo ng isang babaeng magsisilang ng isang sanggol, pero walang kakayahang gawin ito.
|
||
|
\v 4 Marahil narinig ni Yahweh ating Diyos ang sinabi ng opisyal mula sa Asiria. Marahil nalalaman ng Diyos na ang hari ng Asisria ay nagsugo ng kanyang opisyal para insultuhin siya, ang lubos na makapangyarihang Diyos. Marahil parurusahan ni Yahweh ang hari ng Asiria dahil sa kanyang sinabi. At ako, si Hezekias, ay humuhiling na ipanalangin ninyo kaming natitirang buhay dito sa Jerusalem."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Matapos maibigay ang mensaheng ito kay Isaias,
|
||
|
\v 6 sinabi niyang iparating sa hari na sinasabi ni Yahweh: "Iyong mga utusan mula sa hari ng Asiria ay nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa akin. Pero huwag mo silang intindihin.
|
||
|
\v 7 Pakinggan mo ito: padadalhan ko ng balita mula sa kanyang bansa si Senaquerib na lubha niyang ikababahala. Kaya siya ay babalik doon, at papatayin siya ng ibang lalaki gamit ang kanilang espada.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Nalaman ng opisyal mula sa Asiria na ang kanyang hari at ang hukbo ng Asiria ay nilisan ang lungsod ng Laquis at ngayon ay nilulusob ang kalapit na lungsod ng Libna. Kaya iniwan ng opisyal ang Jerusalem at nagtungo sa Libna para mag-ulat sa hari kung ano na ang nangyayari sa Jerusalem.
|
||
|
\v 9 Hindi pa nagtatagal, nakatanggap ng balita si Haring Senaquerib na si Haring Tiraka ng Etiopia ay pinamumunuan ang kanyang hukbo sa paglusob sa kanila. Kaya nagsugo siya ng ibang mga mensahero kay Hezekias taglay ang isang liham na nagsasabi:
|
||
|
\v 10 "Huwag hayaan ang diyos ninyong inaasahan na linlangin kayo sa kanyang pangakong hindi masasakop ng aking hukbo ang Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Natitiyak kong narinig na ninyo ang ginawa sa ibang bansa ng hukbo ng mga naunang hari ng Asiria; ganap silang winasak ng aming hukbo. Kaya hindi ninyo ipinalalagay na makakaligtas kayo mula sa akin, hindi ba?
|
||
|
\v 12 Sila ba ay naligtas ng diyos ng kanilang bansa? Naligtas ba nila ang lupain ng Gozan, o mga lungsod ng Haran at Rezep sa hilagang Aram, o mga mamamayan sa lupain ng Eden sa lungsod ng Telasar?
|
||
|
\v 13 Anong nangyari sa hari ng Hamat at hari ng Arpad? Anong nangyari sa hari ng mga lungsod ng Sefarvaim, Hena, at Ivaa? Naligtas ba sila ng kanilang diyos?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Natanggap ni Hezekias ang liham, at binasa niya ito. Pagkatapos ay natungo siya sa templo at binuksan ang liham sa harapan ni Yahweh.
|
||
|
\v 15 At ito ang panalangin ni Hezekias:
|
||
|
\v 16 "Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng angel, Ang Diyos kung kanino kaming mga Israelita ay nabibilang, ikaw na nakaupo sa iyong trono sa itaas ng mga bantayog ng kerubin, sa itaas ng banal na kaban. Tanging ikaw ang totoong Diyos. Pinamumunuan mo ang lahat ng kaharian sa mundong ito. Ikaw ang siyang lumikha ng lahat sa lupa at sa kalangitan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kaya Yahweh, nakiki-usap akong pakinggan ang aking sasabihin, at masdan ano ang nagaganap! At dinggin ang pag-iinsulto sa iyo ni Senaquerib, ang lubos na makapangyarihang Diyos!
|
||
|
\v 18 Yahweh, totoo itong winasak ng mga hukbo ng hari ng Asiria ang mga bansa at sinira ang kanilang lupain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 At sinunog nila lahat ng mga diyus-diyosan ng mga bansa. Dahil hindi sila mga totoong diyos. Sila ay yari sa kahoy at bato, kaya sila ay nawasak nila.
|
||
|
\v 20 Kaya ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas kami sa kapangyarihan ng hari ng Asiria, sa gayon lahat ng kaharian sa buong mundo ay makikilala na ikaw, Yahweh, ay siyang tanging totoong Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pagkatapos ay nagpadala ng mensahe si Isaias kay Hezekias para sabihing si Yahweh, na siyang sinasamaba ng mga Israelita, ay sinabi ito sa kanya: "Dahil ikaw ay nanalangin tungkol sa sinabi ni haring Senaquerib ng Asiria,
|
||
|
\v 22 ito ang sinasabi ko sa kanya: 'Kinamumuhian ka ng mga taga-Jerusalem at pinagtatawanan ka. Habang ikaw ay tumatakas mula dito, iniiling ng mga tao ang kanilang ulo bilang pangungutya sa iyo.
|
||
|
\v 23 Sino sa palagay mo ang iyong hinahamak at pinagtatawanan? Sino sa palagay mo ang iyong sinisigawan? Sino ang pinagmamataasan mo kung tingnan. Iyon ay Ako, Ang Banal na sinasamaba ng mga Israelita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Ang iyong mga mensahero ay pinagtawanan ako. Sinabi mo, sa aking mga karwaheng pandigma nakarating ako sa pinakamataas na mga bundok ng Lebanon. Pinutol namin kanyang pinakamataas na punong cedar at magagandang punong pino. Narating namin ang pinakamataas mong mga tuktok at sa makakapal na kagubatan nito.
|
||
|
\v 25 Nakapagpahukay kami ng mga balon sa mga bansa at uminom mula dito. At sa aming paglalakad sa mga batis ng Ehipto, natuyo silang lahat!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Pero sumagot ako sa kanya, hindi mo pa ba naririnig na noon pa ay itinakda ko na ang mga bagay na iyon; noon pa binalak ko na ito, at ngayon ito nagaganap. Binalak ko na wawasakin ng iyong hukbo ang mga lungsod at gagawin silang mga tumpok ng batong durog.
|
||
|
\v 27 Ang mamamayan ng mga lungsod na iyon ay walang kakayahan, at naging matatakutin at mahina ang loob. Sila ay naging mahina gaya ng damo at mga pananim sa bukirin, kasinghina ng damong tumutubo sa mga bubong ng bahay at nasunog ng mainit na hanging silangan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Pero alam ko ang lahat tungkol sa iyo; alam ko kapag nasa loob ka ng iyong tahanan at kapag ikaw ay lalabas; alam ko din na galit na galit ka sa akin.
|
||
|
\v 29 Kaya dahil galit na galit ka sa akin at dahil narinig ko ang pagmamataas mo, magiging tulad ito ng ako ay magsasabit ng isang kalawit sa iyong ilong at lubid sa iyong bibig sa gayon madadala kita kung saan ko nais, at pipilitin kitang bumalik sa iyong sariling bansa, sa iisang daan na ikaw ay pumarito, nang hindi masasakop ang Jerusalem."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Ito ang magpapatunay sa iyo, Hezekias na ito ay ako, si Yahweh, na siyang magpapangyari ng lahat ng ito. Sa taong ito, kakainin ninyo ang mga pananim na kusang tumutubo, ganoon din sa susunod na taon. Pero sa ikatlong taon kayo ay magtatanim at aanihan ang mga ito; aalagaan ninyo ang inyong ubasan at kakanin ang mga ubas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Kayong mamamayan nandidito pa sa Juda, kayo ay magiging matatag at uunlad muli.
|
||
|
\v 32 Ang ilan sa inyo ay makakaligtas, at sila ay kakalat mula sa Jerusalem." Dagdag pa ni Isaias, "Magaganap iyon dahil si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng angel, ay lubhang ninanais na matupad ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa hari ng Asiria: Hindi makakapasok ang kanyang hukbo sa Jerusalem; ni panain ito ng isang palaso. Ang kanyang mga kawal ay hindi makapagdadala ng kalasag sa Jerusalem, at hindi makakapagtambak ng lupang akyatan sa pader para lusubin nila ang lungsod. Sa halip, ang kanilang hari ay babalik sa kanyang sariling bansa sa iisang daan ng siya ay pumarito.
|
||
|
\v 34 Hindi siya makakapasok sa lungsod na ito! Hindi magaganap iyon dahil Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 Para sa aking pangalan at dahil sa ipinangako ko kay Haring David, na matapat kong lingkod, ipagtatanggol ko ang lungsod na ito at hindi pahihintulutan itong mawasak."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Nang gabing iyon, pumunta ang isang angel ni Yahweh kung saan itinayo ng hukbo ng Asiria ang kanilang mga tolda at pinaslang ang 185,000 sa kanilang mga kawal. Kinaumagahan pagkagising ng natitira pang kawal, kanilang nakitang nagkalat ang bangkay.
|
||
|
\v 37 Pagkatapos umalis ni Haring Senaquerib at nagbalik sa kanyang tahanan sa Nineve sa Asiria at nanatili roon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 38 Isang araw, habang siya ay sumasamba sa templo ng kanyang diyos si Nisroc, pinaslang siya ng kanyang dalawang anak, si Adramelec at Sarezar, gamit ang kanilang espada. At sila ay tumakas sa lupain ng Ararat hilagang kanluran ng Nineveh. At naging hari ng Asiria si Esarhadon, isa pang anak ni Senaquerib.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 38
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sa mga panahong iyon, malubhang nagkasakit si Hezekias at nasa binggit ng kamatayan. Kaya nagtungo si Isaias sa kanya dala ang mensaheng ito: "ito ang pinasasabi ni Yahweh: 'Dapat mo nang bilinan ang taong papalit sa iyo dahil hindi ka na gagaling sa karamdamang ito. Ikaw ay mamamatay'"
|
||
|
\v 2 Hinarap ni Hezekias ang pader, at nagdasal ng ganito:
|
||
|
\v 3 Yahweh, huwag kaligtaan na matapat akong naglingkod sa iyo ng buong puso, at ginagawa ang ikalulugod mo!" Pagkatapos nag-umpisang umiyak ng malakas si Hezekias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkatapos binigay ni Yahweh ang mensaheng ito kay Isaias:
|
||
|
\v 5 "Bumalik ka kay Hezekias at sabihin na Ako, ang Diyos ng kanyang ninunong si Haring David, ay sinasabing: 'Narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ang iyong pag-iyak. Kaya makinig: ipapahintulot kong mabuhay ka pa ng labinlimang taon.
|
||
|
\v 6 At ililigtas ko ang lungsod na ito sa kapangyarihan ng hari ng Asiria. Ipagtatanggol ko ang lungsod na ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 At patutunayan kong gagawin ang kapapangako ko lang ngayon.
|
||
|
\v 8 Idudulot kong bumalik ng sampung hakbang ang anino ng araw sa mga hagdanang ginawa ni Haring Ahaz.'" Kaya ang anino ng araw sa hagdanan ay bumalik ng sampung hakbang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Nang si Haring Hezekias ay halos magaling na, isinulat niya ito:
|
||
|
\v 10 Sinabi ko sa sarili ko, "Kinakailangan ba akong mamatay at magtungo sa lugar ng mga patay nang ako ay malakas pa? Ipagkakait ba ni Yahweh ang natitirang taon na ako ay dapat mabuhay?"
|
||
|
\v 11 Aking sinabi, "hindi ko na muling makikita si Yahweh sa mundo ng mga buhay. Hindi na muling makikita mga kaibigan ko, o makasama ang ibang nabubuhay sa mundong ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ito ay parang ang buhay ko ay tulad ng isang toldang inalis sa pagkakatayo ng pastol at iniligpit. Tulad sa ginagawa ng manghahabi sa isang tela, ang buhay ko ay pinutol at tiniklop, pinutol ni Yahweh ang buhay ko. Sa pagitan ng umaga at gabi tatapusin niya ako.
|
||
|
\v 13 Magdamag akong matiyagang naghintay, pero aking pagdurusa ay parang nilalapa ako ng mga leon. Sa pagitan ng umaga at gabi tatapusin niya ako.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Nahihibang ako; sumisiyap tulad ng isang layang layang o golondrina at dumaing tulad ng isang kalapati. Nangalay ang aking mata sa kahihingi ng tulong sa langit. Sumigaw ako, 'Yahweh, tulungan ako, dahil ako ay nababalisa!'
|
||
|
\v 15 Pero walang akong pwedeng sabihin o hingin para ako ay sagutin, dahil si Yahweh ang nagdulot ng karamdamang ito. Kaya magpapakumbaba ako sa nalalabing mga taon dahil ako ay lubhang nagdadalamhati.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Yahweh, mabuti ang mga pagdurusang binigay mo, dahil ang iyong ginawa at sinabi ay nagdulot ng panibagong buhay at kalusugan sa akin. At ibinalik mo ako sa dati at hinayaang patuloy na mabuhay!
|
||
|
\v 17 Totoong naging mabuti ang aking pagdurusa; minahal mo ako at dahil doon iniligtas ako sa kamatayan at pinatawad din lahat kong kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Hindi ka pupurihin ng mga patay; hindi sila makaka-awit sa iyo. Silang napunta sa kanilang mga libingan ay hindi na umaasang may gagawin ka para sa kanila.
|
||
|
\v 19 Tanging ang mga buhay, tulad ko, ang maaaring magpuri sa iyo. Mga ama sabihin sa inyong anak kung gaano siya katapat at kung manantiling akong buhay, gagawin ko din ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Ganap akong pagagalingin ni Yahweh, kaya aawit tayo ng papuri sa kanya habang ang iba ay tumutugtog. Gagawin namin ito araw araw sa templo ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Nauna nang sinabi ni Isaias sa lingkod ni Hezekias, "Maghanda ka ng langis mula sa minasang igos, at ipahid ito sa kanyang pigsa, at pagkatapos siya ay gagaling." Kaya siyang ginawa nila, at gumaling si Hezekias.
|
||
|
\v 22 At naunang tanong ni Hezekias, "Ano ang gagawin ni Yahweh para patunayang ako ay gagaling at makakapunta sa kanyang templo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 39
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Makalipas iyon, si Merodac Baladan anak ni Baladan, hari ng Babylonia, ay narinig ang balitang si Hezekias ay gumaling mula sa malubhang karamdaman. Kaya siya ay nagpadala ng isang liham sa mensahero kasama ang isang regalo kay Hezekias.
|
||
|
\v 2 Malugod na tinanggap ni Hezekias ang mga mensaherong dumating. Pagkatapos ipinakita niya lahat ang nasa kanyang ingatang yaman - mga pilak, ginto, mga pabango at langis ng olibo. Ipinakita din niya ang kanilang mga armas at iba pang mahahalagang bagay na nasa mga imbakan. Lahat ng nasa palasyo at iba pang lugar ay ipinakita sa kanila ni Hezekias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos nagtungo si Isaias kay Hezekias at tinanong siya, "Saan nanggaling ang mga taong iyon, at ano ang kanilang gusto?" Sumagot siya, "Nagmula sila sa malayong lupain ng Babylonia."
|
||
|
\v 4 Tinanong siya ni Isaias, "Ano ang nakita nila sa iyong palasyo?" Tugon ni Hezekias, "Nakita nila ang lahat. Naipakita ko sa kanila lahat ng aking ari-arian - lahat ng mahalagang bagay na mayroon ako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Isaias kay Hezekias, "Dinggin mo ang mensaheng ito mula kay Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng angel:
|
||
|
\v 6 Darating ang isang panahon nang ang lahat sa iyong palasyo, lahat ng mahalagang bagay mula pa sa iyong mga ninuno, ay tatanggayin sa Babilonia. Sabi ni Yahweh, walang matitira.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Higit pa rito, pipiliting magtungo ang ilan mong lalaking anak sa Babilonia. Sila ay kakapunin sa gayon ay maging mga lingkod sa palasyo ng hari ng Babilonia."
|
||
|
\v 8 Pagkatapos sumagot si Hezekias kay Isaias, "Mainam ang mensahe ni Yahweh." Iniisip niya kasi, "Kahit na kung ito ay maganap, magkakaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa panahong ako ay nabubuhay pa."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 40
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi ng ating Diyos "Palakasin mo ang loob ng aking bayan! Palakasin mo ang kanilang loob!"
|
||
|
\v 2 Magsalita ka nang maayos sa bayan ng Jerusalem; sabihin na tapos na ang kanilang paghihirap, pinatawad na sila ni Yahweh sa mga kasalanang ginawa nila. Ganap silang naparusahan dahil sa mga kasalanan nila."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 May isang sumisigaw, "Sa kapatagan ng desyerto gawing tuwid ang daan para kay Yahweh na parating sa inyo; gumawa ng makinis na daan para sa ating Diyos.
|
||
|
\v 4 Punuin ang mga lambak; papatagin ang bawat burol at bawat bundok. Patagin ang mga hindi pantay na daan,
|
||
|
\v 5 Kapag ginawa mo iyon, makikilala na si Yahweh ay maluwalhati, at sabay-sabay itong mauunawaan ng lahat ng tao. Tiyak na mangyayari ang mga bagay na iyon dahil si Yahweh ang nagsabi nito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 May nagsabi sa akin, "Sumigaw ka!" Sumagot ako, "Ano ang isisigaw ko?" Siya ay tumugon, "Isigaw mo na ang mga tao ay gaya ng damo; ang kanilang katapatan ay kasing bilis ng paglaho ng mga bulaklak sa bukid.
|
||
|
\v 7 Nalalanta ang mga halaman at natutuyo ang mga bulaklak kapag nagpabuga ng mainit na hangin si Yahweh na mula sa desyerto. At ang lahat ng tao ay tulad non.
|
||
|
\v 8 Ang halaman ay malalanta at ang bulaklak ay matutuyo, pero ang pangako ng Diyos ay mananatili magpakailanman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kayong mga taga-Jerusalem, mayroon kayong mabuting balita na sasabihin sa mga tao, kaya isigaw niyo ito mula sa tuktok ng bundok! Isigaw niyo ito nang malakas at huwag kayong matakot! Sabihin sa mga tao sa lungsod ng Juda, "Ang inyong Diyos ay darating na dito!"
|
||
|
\v 10 Si Yahweh na inyong Diyos ay darating ng may kapangyarihan, makapangyarihan siyang mamumuno. Kapag siya ay dumating, kasama niya ang mga taong pinalaya mula sa pagiging alipin sa Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pangangalagaan niya ang kaniyang mga tao gaya ng pastol na pinangangalagaan ang kaniyang mga tupa, at dala-dala ang mga batang tupa sa kaniyang mga bisig. Dala-dala niya sila malapit sa kaniyang dibdib at malumanay niyang inaalalayan ang mga babaeng tupa na nag-aalalaga ng kanilang mga anak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Walang katulad si Yahweh! Sino pa ang nakasukat ng tubig sa dagat gamit ang kaniyang palad? Sino pa ang nakakasukat sa himpapawid? Sino pang nakakaalam kung gaano kadami ang lupa dito sa mundo? Sino pa ang nakapagtimbang ng mga bundok at mga burol?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 At sino pa ang makakapagpayo kay Yahweh? Sino ang makakapagturo at makakapagpayo sa kaniya ng dapat niyang gawin?
|
||
|
\v 14 Sumangguni ba si Yahweh kaninuman para makakuha ng payo? Kinailangan ba niya ng may magsasabi ng dapat niyang gawin at kung paano kumilos ng makatarungan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Itinuring ni Yahweh ang bayan na hindi mahalaga tulad ng isang patak mula sa isang baldeng puno ng tubig. Sila ay hindi kasing halaga ng alikabok sa isang timbangan. Kaniyang natimbang ang mga isla na para bang mas magaan pa sa alikabok.
|
||
|
\v 16 Hindi sasapat ang mga kahoy na nagmula sa mga puno ng Lebanon para sa gagawing apoy sa pag-aalay ng mga hayop para sa kaniya, at hindi sasapat ang mga hayop sa Lebanon para sa pag-aalay.
|
||
|
\v 17 Ang mga bansa sa mundo ay tiyak na walang halaga sa kaniya, kaniyang tinuturing ito na walang halaga at walang kahulugan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Kaya kanino mo ihahambing ang Diyos? Sino ang kahawig niya?
|
||
|
\v 19 Maihahambing mo ba siya sa isang diyus-diyosan na hinulma, at pagkatapos ay binalutan ng manipis na piraso ng ginto at inayusan ng pilak na kwintas?
|
||
|
\v 20 Ang taong mahirap ay hindi makakabili ng ginto o pilak para sa kaniyang diyus-diyosan; kaya siya ay pipili ng pirasong kahoy na hindi mabubulok, at ibibigay ito sa manggagawa para ukitin ang diyus-diyosan na hindi matutumba.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Hindi niyo ba ito nadinig? Hindi niyo ba naunawaan? Hindi niyo ba napakinggan ang sinabi ng Diyos noon --- mga mensahe bago pa niya nilikha ang mundo?
|
||
|
\v 22 Umupo ang Diyos sa kaniyang trono sa ibabaw ng mundo, at ang mga tao sa mundo na nasa ibaba ay maliliit na para bang sila ay mga tipaklong. Kaniyang inunat ang himpapawid na parang mga kurtina; tulad ito ng tolda para tirhan niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Siya ang dahilan kaya nawalan ng kapangyarihan ang mga hari at mawalan ng halaga ang mga pinuno.
|
||
|
\v 24 Nagsimula silang mamuno, gaya ng mga halamang tumutubo at nagkakaroon ng mga ugat; pagkatapos ay pinaalis sila na para bang nalanta sila kapag hinipan, gaya ng ipang hinipan palayo ng hangin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Tinanong ng Banal, "kanino mo ako ihahalintulad? mayroon bang papantay sa akin?
|
||
|
\v 26 Tumingala ka sa himpapawid, ituring kung sino ang lumikha ng mga bituin. Si Yahweh ang lumikha sa kanila, at siya ang nagsanhi ng pagpapakita nila sa gabi, isa-isa niya itong tinatawag sa pangalan. Dahil siya ay labis na makapangyarihan, ang lahat ng mga bituin ay nandoon kapag isa-isa niya itong tinatawag sa pangalan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Kayong mga taga-Israel, bakit kayo nagrereklamo na hindi nakikita ni Yahweh ang mga kaguluhan na inyong nararanasan? Bakit niyo sinasabi na hindi patas ang pagtrato niya sa inyo?
|
||
|
\v 28 Hindi niyo ba nadinig o nauunawan na si Yahweh ay pangwalang hanggang Diyos, siya ang lumikha ng mundo, kahit pa ang malayong lugar sa lupa. Kailanman ay hindi siya nanghina o napagod, at walang makakaalam kung gaano siya nakakaunawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Pinalalakas niya ang mga nakakaramdam ng panghihina at napapagod.
|
||
|
\v 30 Kahit ang mga kabataan ay nakaramdam ng panghihina at pagkapagod, at babagsak ang mga batang lalaki kapag sila ay pagod na pagod.
|
||
|
\v 31 Pero silang nagtitiwala kay Yahweh ay palalakasing muli, na parang sila ay pumailanglang tulad ng agila. Sila ay tatakbo ng matagal pero hindi sila mapapagod, maglalakad nang malayo at hindi hihimatayin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 41
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi ni Yahweh, "kayong mga naninirahan sa mga isla sa dagat, manatili sa aking harap habang nagtatanong ako sa inyo! Pagkatapos ay maging matapang at makipag-usap sa akin. Tayo ay magkikitang muli at magpapasiya kung sino sa atin ang tama.
|
||
|
\v 2 Sino ang nakiusap sa hari na pumunta mula sa silangan? Sino ang nag-atas sa hari para magtrabaho para sa kaniya? Kung sino man iyon, kaniyang pinagana ang hukbo na matalo ang maraming mga bansa at para matapakan ang kanilang mga hari sa ilalim ng kaniyang paa; para putulin ang kanilang mga kaaway sa pira-piraso gamit ang kanilang mga espada; para ikalat ang kanilang mga mga kaaway gamit ang mga pana, tulad ng hangin na nagkalat na ipa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kahit na sila ay nasa kapamahakan, matulin nilang hinabol ang kanilng mga kaaway, at walang pumipigil sa kanila.
|
||
|
\v 4 Sino ang pumayag sa mga pinuno na gumawa ng kamangha-manghang mga bagay tulad noon? Sino ang gumawa noon sa lahat ng henerasyon? Ito ay ako, si Yahweh! Ako ang unang nakagawa ng mga ganoong bagay, at ako ang huling gagawa sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ang mga naninirahan sa mga isla sa karagatan ay natatakot habang nanunuod. Ang mga tao sa malayong mga lugar ay nanginginig at nagsama-sama.
|
||
|
\v 6 Pinalakas nila loob ng isa't isa at nagsabi, 'maging matatag ka!'
|
||
|
\v 7 Ang mga karpintero ay pinalakas ang loob ng mga gumagawa ng mga bagay mula sa ginto, at ang mga lalaking pinapanday ang bakal ay hinikayat ang mga nagmamaso. Sinabi nilang lahat, 'Ang diyos-diyusan ay nagawang mabuti!' Pagkatapos ay maingat nilang pinako ang diyus-diyosan para hindi ito bumaliktad!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Patuloy na sinabi ni Yahweh, "Kayong mga taga-Israel ay ang aking mga lingkod; kayo ay kaapu-apuhan ni Jacob, na pinili ko; kayo ay mga kaapu-apuhan ni Abraham, na sinabi kong aking kaibigan.
|
||
|
\v 9 Pinatawag ko kayo mula sa pinakamalayong mga lugar dito sa mundo, at sinabi, 'Nais kong paglingkuran niyo ako." Pinili ko kayo at hindi ko kayo tatanggihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Huwag kayong matakot, dahil sasamahan ko kayo. Huwag kayong madismaya, dahil ako ang inyong Diyos. Gagawin ko kayong malakas, at tutulungan ko kayo; iaangat ko kayo gamit ang makapangyarihan kong mga bisig kung saan sasagipin ko kayo, at ako ay ganap nang gagawa ng tama!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Tiyak ang lahat ng may galit sa inyo mga taga- Israel ay malalagay sa kahihiyan. Silang kumakalaban sa inyo ay maglalaho; silang lahat ay mamamatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kung hahanapin niyo silang sumubok na sakupin kayo, hindi niyo sila makikita, dahil lahat sila ay mawawala. Ang mga umatake sa inyo ay hindi na mabubuhay,
|
||
|
\v 13 dahil ito ay para bang iaangat ko kayo sa pamamagitan ng inyong kanang kamay. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos, at sinasabi ko sa inyo, 'Huwag kayong matakot, dahil ako ang tutulong sa inyo.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kahit ang iba ay tinuring kayong mga taga-Israel na tulad ng mga uod, huwag kayo matakot sa inyong mga kaaway, dahil tutulungan ko kayo!" Ito ang matapat na sinasabi ni Yahweh -- ang sumagip sa inyo, ang Banal ng Israel.
|
||
|
\v 15 Patuloy niyang sinasabi, "Ako ang magsasanhi na maging tulad kayo ng bagong panggiik na paragos, napakatalas at dalawang talim. Kayo ang pipilas sa inyong mga kaaway na magsasanhi sa kanila na maging tulad ng piraso ng ipa sa mga kabundukan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ihahagis niyo sila sa hangin, at isang malakas na hangin ang iihip sakanila palayo. Kapag nangyari iyon, magagalak kayo sa nagawa ko para sa inyo; pupurihin ninyo ako, si Yahweh, ang Banal ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kapag ang mahirap at nangangailangang tao ay nangailangan ng tubig at sila ay walang tubig, at ang kanilang mga dila ay labis na natuyo dahil sila ay talagang uhaw, Ako, si Yahweh, ay dadating at tutulungan sila. Ako, ang Diyos kung saan pag-aari ang mga mamamayan ng Israel ay hindi sila pababayaan.
|
||
|
\v 18 Ako ang magsasanhi sa mga ilog para umagos sa tigang na burol. Bibigyan ko sila ng bukal sa mga lambak. Pupunuin ko ng lawa ng tubig ang desyerto. Tubig na mula sa mga bukal ang aagos sa ilog, at ang mga ilog ay aagos sa kabila ng tuyong lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Magtatanim ako ng mga sedar, akasya, at mertel, sa ilang - at ang mga puno ng oliba ay itatanim sa patag na disyerto -- saypress, pino at alerses na magkakasama.
|
||
|
\v 20 Gagawin ko iyon para ang taong makakakita doon ay iisipin ang tungkol doon, at malalaman nila at mauunawaan na ako ito, si Yahweh, ang gumawa nito; ito ang ginawa ko, ang Banal ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ako, si Yahweh, ang hari ng Israel ay nakikipagusap sa mga bansa: Halika at sabihin sa akin ang kayang gawin ng inyong diyus-diyosan! Mangatwiran ka sa pinakamahusay na paraan para ipagtanggol sila.
|
||
|
\v 22 Dalhin sila dito para sabihin sa atin ang mangyayari! Hingin sa kanila na sabihin sa atin ang mga bagay na nangyari na, noon pa, para mapag-isipan ang mga bagay na iyon, at mapag-aralan kung ang mga bagay na kanilang hinulaan ay totoong nangyari. O hilingin mo sa kanila na magsabi ng tungkol sa hinaharap, para malaman natin ang mangyayari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Oo, ang mga diyus-diyosan na iyon ay dapat magsabi ng mangyayari sa hinaharap. Kung gagawin nila iyon, malalaman natin na sila ay totoong diyos. Sabihan sila na gumawa ng isang bagay -- maski isang mabuting bagay o isang masama! Sabihan na gumawa sila ng isang bagay na mapapabilib at matatakot tayo!
|
||
|
\v 24 Pero iyon ay hindi posible, dahil ang diyus-diyosan ay tiyak na walang halaga; wala silang kayang gawin, at kinamumuhian ko ang mga nagpapasiya na sasamba sa diyus-diyosan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pero inudyukan ko ang isang pinuno na darating kasama ang kaniyang hukbo mula sa hilaga. Pinatawag ko siya na lumapit mula sa kaniyang bansa, kung saan ay silangan ng Israel, at binigyan ko siya ng kapangyarihan. Hahayaan ko ang kaniyang hukbo na sakupin na ibang pinuno; tatapakan nila ang mga pinuno tulad ng isang tao na gumagawa ng palayok na tinatapakan ang luad.
|
||
|
\v 26 Sino ang nagsabi sa inyo na ito ay mangyayari? Sino ang nanghula, na ating masasabi, "Ang kaniyang hinulaan ay tama!"? Wala ng iba pang nakapagsabi na ito ay mangyayari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Ako ang unang nakapagsabi sa mga taga-Jerusalem: "Makinig kayo dito! Ako ay may hinirang na isang mensahero na magsabi ng mabuting balita sa inyo!"
|
||
|
\v 28 Wala sa inyong diyus-diyosan ang nakapagsabi niyan. At kapag nagtanong ako sa kanila, wala sa kanila ang nakapagbigay sa akin ng mga sagot.
|
||
|
\v 29 Isipin mo ito: Ang mga diyus-diyosan na iyon ay walang kwenta, walang halagang mga bagay. Sila ay kasing walang kahulugan ng hangin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 42
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi ni Yahweh, "Nais kong malaman niyo ang tungkol sa aking lingkod, na aking pinalalakas ang loob. Pinili ko siya at ako ay nalulugod sa kaniya. Ibinigay ko sa kaniya ang aking Espiritu, at kaniyang titiyakin na ang lahat ng pangkat ng tao ay gagawin ang tama.
|
||
|
\v 2 Hindi niya ipapakita ang kaniyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsigaw o sa pagsasalita nang napakalakas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Hindi niya aalisin kahit sinong mahina tulad ng isang basag na tambo, at hindi niya tatapusin ang buhay ang kahit sinung walang magawa, tulad ng langis sa lampara na titigil sa pagkasunog. Kaniyang titiyakin na ang manghuhusga ay matapat na magpapasiya.
|
||
|
\v 4 Hindi siya labis na mapapagod o mapanghihinaan ng loob sa buong oras na siya ang nagdudulot ng mga bagay na magawa ng matapat sa buong mundo. Kahit ang mga taong namumuhay sa mga isla sa mga karagatan ay nagtitiwalang maghihintay para sa kaniya na turuan sila ng kaniyang mga kautusan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Si Yahweh na aming Diyos ang lumikha ng himpapawid at nag-unat nito. Siya din ang gumawa ng mundo at lahat ng nandoon. Siya ang nagbigay ng hininga sa lahat ng tao sa mundo at naging sanhi sakanila para mabuhay. At siya ang nagsabi sa kaniyang natatanging lingkod,
|
||
|
\v 6 "Ako, si Yahweh, ay pinili ka para ipakita sa mga tao na palagi akong kumikilos nang matuwid. Hahawakan ko ang iyong mga kamay at pangangalagaan kita, at ihaharap kita sa aking mga Israelita na siyang magsasagawa ng aking tipan sa kanila. Magiging tulad ka ng isang ilaw sa ibang mga bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sapagkat hahayaan mo ang bulag na makakita, palalayain mo ang mga nasa kulungan at palalayain silang nasa madilim na mga piitan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ako si Yahweh; iyon ang pangalan ko. Hindi ko pahihintulutan ang kahit sino na makatanggap ng parangal na ako lang ang karapdapat. At hindi ko hahayaan ang iba na purihin ang mga diyus-diyosan, dahil ako lang ang dapat nilang purihin.
|
||
|
\v 9 Ang lahat ng aking hinulaan ay nangyari, at ngayon sasabihin ko ang ibang mga bagay na mangyayari. Sasabihin ko ang mga bagay na mangyayari bago pa ito mangyari."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Umawit ng bagong awitin kay Yahweh! Umawit para papurihan siya sa buong mundo! Lahat kayong naglalayag sa kabila ng karagatan, at lahat kayong nilalang na naninirahan sa mga karagatan, at lahat kayong naninirahan sa malayong mga isla, umawit kayo!
|
||
|
\v 11 Kayong mga taong naninirahan sa mga bayan sa desyerto, umawit nang malakas! Kayong mga naninirahan sa rehiyon ng Kedar sa hilaga ng Arabia, magalak din kayo! Kayong mga nasa lungsod ng Sela sa Edom, kayo rin ay dapat umawit ng may kagalakan; sumigaw ng papuri sa kaniya mula sa tuktok ng inyong mga bundok!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kahit ang mga taong naninirahan sa malayong mga isla ay dapat parangalan si Yahweh at umawit para purihin siya.
|
||
|
\v 13 Ito ay para bang si Yahweh ang lalabas tulad ng makapangyarihang sundalo; ipapakita niya na sya ay galit na galit. Siya ay sisigaw, at pagkatapos ay tatalunin ang lahat ng kaniyang mga kaaway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kaniyang sasabihin, "nanatili akong tahimik ng mahabang panahon; pinigilan ko ang sarili ko sa paggawa ng kailangan kong gawin. Pero ngayon, tulad ng isang babaeng nanganganak, ako ay sisigaw, maghahabol at mangangapos ng hininga.
|
||
|
\v 15 Aking papatagin ang mga burol at mga kabundukan, at patutuyuin ko ang mga halaman at mga puno. Gagawin kong maliit na batis ang mga ilog, at ang maliliit na isla ay lilitaw sa kanila, at ako ang magpapatuyo sa mga lawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ang aking mga tao na dinala sa pagtatapon ay tulad ng taong bulag, pero pangungunahan ko sila sa isang daan na hindi pa nila nalalakaran, sa daan na hindi pa nila nakikita. Sila ay nakaramdam ng labis na panghihina, na para bang sila ay naglalakad sa kadiliman, pero aking aalisin ang kadilim at gagawin kong patag ang daan na nasa harapan nila. Iyon ang mga bagay na gagawin ko para sa kanila; hindi ko sila pababayaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pero silang nagtitiwala sa mga inukit na diyus-diyosan, at nagsasabi sa mga imahe, 'Kayo ay ang aming mga diyos.' ay ganap na mapapahiya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Kayong mga Israelita na nagbingi-bingihan sa harap ng Diyos, makinig sa sinasabi ni Yahweh! "Kayo na naging tulad ng mga bulag, tingnan niyo!
|
||
|
\v 19 Walang bayan na kasing bulag ng aking bayan, na dapat na naglilingkod sa akin. Walang bayan na kasing bingi ng mga Israelita, na siyang dapat na aking mga mensahero. Walang bayan na kasing bulag ng mga taong aking pinili na maglingkod sa akin sa isang tipan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Nakikita mo at alam ang mga tamang bagay na gawin, pero hindi mo ito ginagawa. Naririnig mo ang sinasabi ko sa inyo, pero hindi kayo nakikinig."
|
||
|
\v 21 Dahil si Yahweh ay matuwid, pinarangalan niya ang kaniyang maluwalhating mga kautusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Pero ang mga hukbo ay winasak ang Jerusalem at ganap na sinamsam ang lahat ng mahahalagang mga bagay, at kanilang nahuli ang mga tao ni Yahweh at kinuha sila palayo at ikinulong. Madali silang nahuli, dahil walang sinumang nandoon ang nangalaga sa kanila; walang sinuman na nagsabi na sila ay maaaring makabalik ng kanilang tahanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Sino sa inyo ang maingat na makikinig sa mga bagay na ito? Sino ang magbibigay pansin simula ngayon?
|
||
|
\v 24 Sino ang pumayag na ang mahalagang pag-aari ng mga Israelita ay manakaw? Ito ay si Yahweh, dahil sa kaniya tayo nagkasala; hindi tayo namuhay tulad ng nais niyang ating gawin, at hindi natin sinunod ang kaniyang mga kautusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Kaya siya ay labis ang galit sa atin, at siya ang nagwasak sa ating mga sundalo sa mga labanan. Ito ay para bang inilawan niya ng apoy ang nakapalibot sa kaniya, pero hindi namin naunawaan ang sinusubukan niyang sabihin sa atin. Ang galit niya sa amin ay tulad ng isang apoy na susunog sa atin, pero tayo ay hindi nagbigay pansin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 43
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pero ngayon, Bayan ng Israel, makinig kay Yahweh, ang nagtatag ng inyong bansa. Ang nagsanhi para ikaw ay maging bansa ay sinasabi ito: "Huwag matakot, dahil iniligtas ko na kayo. Tinawag ko kayo sa inyong pangalan, para maging pag-aari ko. Ngayon kayo ay akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Nang ikaw ay nakaranas ng mapanganib na mga sitwasyon, at ikaw ay may mga paghihirap gaya ng kakila-kilabot na malalim na ilog para tawirin, ako ay makakasama mo. Nang ikaw ay nasa pinakamasakit na kaguluhan, gaya ng nakakapasong apoy, ikaw ay may kakayanan para tiisin sila, at ikaw ay hindi nila masasaktan.
|
||
|
\v 3 dahil ako si Yahweh, ang iyong Diyos, Ang Banal ng Israel, ang siyang nagliligtas sa iyo. Iaalay ko ang Ehipto sa lugar mo; at Ethopia at Seba sa Arabia kapalit mo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Idudulot ko na lupigin ang ibang bansa sa halip na ang iyong bansa; ipagpapalit ko sila sa iyo, sa gayon ikaw ay hindi nila mapatay, dahil ikaw ay mahalaga sa akin dahil mahal kita.
|
||
|
\v 5 Huwag kang matakot, dahil ako ay nasa tabi mo. Balang araw titipunin ko ang iyong kaapu-apuhan mula sa silangan at mula sa kanluran.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Aking uutusan ang mga pinuno ng mga bansa sa hilaga at mula sa timog, 'Hayaan ang lahat ng mga Israelita na ibalik sa kanilang bansa, mula sa pinakamalayong lugar sa mundo,
|
||
|
\v 7 Hayaan ang lahat ng sa akin na bumalik, dahil dinulot ko sila na maging isang bansang magpaparangal sa akin; ako ang siyang gumawa nito.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ipatawag ang mga tao na may mga mata pero kumikilos na para silang bulag; ipatawag ang may mga tainga pero kumikilos na para silang bingi.
|
||
|
\v 9 Magtipon ang lahat ng mga bansang magkakasama, mga nagmula sa lahat ng mga grupo ng tao at itanong sa kanila ito: 'Mayroon ba sa kanilang diyus-diyosan na makakahula ng bagay na mangyayari ngayon? at may marunong ba sa kanila na makakahula ano ang manyayari sa hinaharap?' Pagkatapos magdadala ang tao ng saksi at sasabihin 'narinig ko ang mga bagay na hinulaan nila, at kung ano ang kanilang hinulaan ay nangyari, 'pero sila ay magsisinungaling."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pero sinasabi ni Yahweh, "Kayo bayan ng Israel ang aking mga saksi, at kayo ang siyang naglilingkod sa akin. Pinili ko kayo para makilala ninyo ako, maniwala kayo sa akin, at maniwala na ako ang tunay na Diyos. Walang ibang Diyos. Walang ibang Diyos noon, at wala ng ibang magiging Diyos.
|
||
|
\v 11 Ako, Ako lamang, si Yahweh, at wala ng ibang makapagliligtas sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sinabi ko na ililigtas ko ang iyong mga ninuno, at pagkatapos iniligtas ko sila, at ipinahayag na ginawa ko nga ito. Walang ibang diyos na nakagawa nito sa inyo! At ikaw ang saksi ko na ako lamang si Yahweh, ang Diyos.
|
||
|
\v 13 Ako ang Diyos, ang siyang nananatili magpakailanman; at walang makaka-agaw sa mga tao mula sa aking mga kamay, at walang makapagbabago sa aking ginawa."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Yahweh, ang Banal ng Israel, ang siyang nagligtas sa inyo, at ito ang kaniyang sinasabi: "Para sa inyong kapakanan, nagpadala ako ng sundalo para salakayin ang Babilonia. Pipilitin nila ang mga tao sa lungsod para paalisin mula sa kanilang lungsod, at para managhoy sa kanilang awit sa halip na magalak sa kanilang awit.
|
||
|
\v 15 Ako si Yahweh, ang inyong nag- iisang Banal, ang siyang nagsanhi sa Israel para maging isang bansa, at siyang tunay ninyong hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ako si Yahweh, ang siyang nagbukas ng daan sa pamamagitan ng tubig, gumawa ng daan sa dagat ng Tambo.
|
||
|
\v 17 Pagkatapos nagpatawag ako ng malaking hukbo ng Ehipto para pumunta kasama lahat ng kanilang mga karwahe at mga kabayo. Pero ng subukan nilang tugisin ang aking bayan, pinaapaw ko ang mga alon para sila ay malunod; ang kanilang mga buhay ay natapos tulad ng liwanag ng isang kandilang nagtatapos kapag pinatay ang mitsa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pero huwag ninyong alalahanin lamang kung ano ang nangyari sa nakaraan, noong unang panahon.
|
||
|
\v 19 Sa halip, ituring ang bagong bagay na gagawin ko. Ako ay handang magsimulang gawin ito; hindi mo ba ito nakikita? ako ay gagawa ng isang daan sa desyerto. at ako ang magsasanhi para magkaroon ng mga batis sa ilang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Ang asong-gubat at mga ostrich at ibang mababangis na hayop ay magpapasalamat sa akin dahil binigyan sila ng tubig sa desyerto. Dudulutin kong lumitaw ang mga batis sa tuyong desyerto para ang aking bayan, na siyang aking pinili, ay magkakaroon ng tubig;
|
||
|
\v 21 Gagawin ko ito para sa aking bayan na nilikha ko at hinirang ko para sa akin, para sabihin nila sa iba ang tungkol sa kahanga-hangang mga bagay na ginawa ko sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Pero ngayon, kayong kaapu-apuhan ni Jacob, hindi kayo humiling ng tulong sa akin. Kayong bayan ng Israel napagod kayo sa pagsamba sa akin.
|
||
|
\v 23 Hindi kayo nagdala sa akin ng mga tupa o mga kambing para sa mga handog na susunugin sa aking altar; hindi ninyo ako pinarangalan na kahit anumang alay, kahit na mga handog ng butil at insenso na hiniling kong dalhin ninyo sa akin, hindi ito pabigat sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Hindi ka nagdala sa akin ng anumang mabangong mga insenso, at hindi ka nagbuhos sa akin ng mabangong amoy ng taba mula sa anumang handog na hayop. Pero ikaw ay nagdala sa akin ng pasanin dahil sa lahat ng iyong kasalanan na nagawa, at napagod ako dahil sa lahat ng iyong kasamaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Ako ang nag-iisa na may kakayahan para patawarin kayo sa lahat ng inyong mga kasalanan; ako lamang ang makagagawa nito, bunga nito ay hindi ko kailanman iisipin ang tungkol sa kanila.
|
||
|
\v 26 Sabihin mo ano ang ginawa ko na hindi mo nagustuhan. Iniisip mo ba na kung sasabihin mo ang mga iyon, ay mapapatunayan mo na ikaw ay inosente?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Hindi, ang nangyari ay ang unang ninuno ninyong mga Israelita na nagkasala laban sa akin, at simula noon, lahat ng inyong mga pinuno ay naghimagsik laban sa akin.
|
||
|
\v 28 Kaya dudulutin kong mapahiya ang inyong mga pari; papayagan ko ang iba para wasakin ang bayan ng Israel para kayo ay hamakin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 44
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pero ngayon, ikaw bayan ng Israel na pinili ni Yahweh para maglingkod sa kaniya, Ako ay pakinggan.
|
||
|
\v 2 Ako si Yahweh, ang siyang lumikha sa inyo, nagmamasid sa inyo habang ikaw ay isinisilang, at tumutulong sa inyo, sinasabi ko ito: "Ikaw aking minamahal bayan ng Israel na aking hinirang, pinaglingkuran ninyo ako, huwag kayong matatakot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Aking ibubuhos ang tubig sa inyong lupang tuyo at dahilan para umagos ang mga batis. at aking ibubuhos ang aking Espiritu sa inyong mga kaapu-apuhan at labis na pagpapalain sila.
|
||
|
\v 4 Sila ay lalago tulad ng damong tumutubo sa tabi ng tubig, tulad ng mga puno na saganang lumalago sa tabi ng ilog
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ang iba ay magsasabing, 'Ako ay kay Yahweh,' at ang mga iba ay magsasabing, 'kami ay kaapu-apuhan ni Jacob,' at ang iba ay magsusulat sa kanilang kamay, kami ay kay Yahweh' at ang iba ay magsasabi, Kami ay mga Israelita, at kami ay kay Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Yahweh, ang Hari ng Israel, ang siyang nagligtas sa atin, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, sinasabi ito: "ang siyang nagpasimula ng lahat ng bagay at ang nagwakas ng lahat ng bagay; walang ibang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Meron ba na tulad ko, dapat niyang ipahayag ito! Dapat siyang magsalita at sabihin sa akin ngayon! Dapat niyang sabihin kung ano ang nangyari dahil ako ang nagsanhi sa bayan ng Israel para maging isang bansa mula noon; dapat din niyang ipaliwanag kung bakit ang mga nakaraang kaganapan ay nangyari, at dapat niyang hulaan kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Bayan ko, huwag matakot. sinabi ko na sa inyo noon kung ano ang mangyayari; alam ninyo na hinulaan ko na sila, at ikaw ang makapagpapatotoo na ginawa ko ito. Tiyak na walang ibang Diyos. walang ibang Diyos na may kakayahan para ipagtanggol ka."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ang lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan ay hangal, at ang diyus-diyosang iniisip nila ay walang silbi. At ang mga tao na sumasamba sa mga diyus-diyosan ay parang bulag, at sila ay mahihiya dahil sa pagsamba nila sa mga diyus -diyosan na iyon.
|
||
|
\v 10 Hangal na tao lamang ang gumagawa ng hinulmang diyus-diyosan, mga diyus-diyosan na hindi kailanman makakatulong sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ang mga gumagawa ng mga diyus-diyosan at ang mga sumasamba sa kanila ay mapapahiya. Ang mga gumagawa ng mga diyus-diyosan ay mga tao lamang, pero inaangkin nila na gumagawa sila ng mga diyos! Haharap sila sa Diyos sa isang hukuman, at kung marinig nila ang sasabihin, sila ay masisindak, at silang lahat ay mapapahiya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ang mga panday ay tumatayo sa harap ng mainit na baga para gumawa ng diyus-diyosan. Pinukpok ng martilyo at hinuhulma nila. Dahil sila ay nagpapakahirap, sila'y nagutom at nanghina; sila'y uhaw na uhaw at pagod na pagod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos ang mang-uukit ay kumukuha ng isang malaking piraso ng kahoy at sinusukat niya ito; pagkatapos kaniyang ginuhitan ito para makita kung saan niya ito puputulin. Gumagamit siya ng isang paet at ibang kagamitan para ukitin ito sa hawig ng isang tao. Gagawin niya ito para maging napakagandang diyus-diyosan, at pagkatapos ilalagay niya ito sa isang espesyal na bahay, kung saan siya ay luluhod dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Bago siya umukit ng diyus-diyosan mula sa piraso ng kahoy, kaniyang pinuputol sa puno ng cedar, o kaniyang pinipili ang puno ng sipres o ang puno ng ensena at hinahayaang lumaki ito sa kagubatan. O kaniyang tinatanim ang puno ng pino, at ang ulan ang nagdidilig dito at ito ang dahilan para ito ay lumago.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pagkatapos ginagamit niya ang piraso ng puno para gawing isang diyus-diyosan, ginagamit niya ang ibang piraso para lumikha ng apoy, para mainitan ang kaniyang sarili o para makaluto ng tinapay. Pero ginagamit niya ang bahgi ng puno para gawing isang diyus-diyosang sambahin para sa kaniya! Siya ay gumagawa ng isang diyus-diyosan at pakatapos kaniyang niluluhuran para sambahin ito.
|
||
|
\v 16 Siya ay nagsusunog ng piraso ng kahoy para kaniyang lutuin ang karne at kainin ito at siya ay mabusog, at sinusunog niya ang ibang piraso nito para mainitan ang sarili, at sasabihin niya, "nakakaramdam ako ng init habang pinapanood ko ang lumiliyab na apoy."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pagkatapos ang natirang kahoy ay ginawa niyang isang diyus-diyosan kung saan para maging kaniyang diyos. Siya ay yumuyukod at binibigyan galang ito, at nananalangin at sinasabi, "Ikaw ang aking diyos, kaya iligtas mo ako"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ang mga taong iyon ay mga hangal at walang nalalaman. Para silang mga bulag at hindi makakita, na parang sarado ang kanilang kaisipan at hindi nag-iisip ng mabuti.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sila ay hindi nag-iisip tungkol sa kanilang ginagawa, na sila ay kumuha ng piraso ng kahoy at sinunog ang kalahati nito para pampainit sa kanilang sarili at ang ilan ay ginamit para makaluto ng tinapay at mag-ihaw ng ilang karne! hindi nila sinabi sa kanilang sarili, "ito ay isang kahangalan na kumuha ng piraso ng kahoy para gawing isang kasuklam-suklam na diyus-diyosan! ito ay walang saysay na yumuyukod sa piraso ng kahoy!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Mas mabuti pang kainin ang mga abo mula sa isang apoy! Sila ay nagtitiwala sa isang bagay na hindi sila maililigtas; hindi nila aaminin, "Sa aking mga kamay hahawakan ko ang isang bagay na hindi talaga diyos!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Sinasabi ni Yahweh, "Kayong kaapu-apuhan ni Jacob, kayong bayan ng Israel dapat maglingkod sa akin, ako ang lumikha sa iyo, at hindi kita kalilimutan.
|
||
|
\v 22 Ang kasalanan mo ay kinalimutan ko na tulad ng pagtangay ng hangin sa isang ulap. Ang kasalanan mo ay parang hamog sa umaga na hinipan ng hangin. Bumalik ka sa akin dahil iniligtas kita."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Ang araw at buwan at bituin sa kalangitan, dapat umawit, at maging lahat ng espirito ng mga patay ay dapat sumigaw ng may kagalakan! Ang lahat ng mga bundok at mga kagubatan, at lahat ng mga puno, dapat umawit ng napakalakas, dahil iniligtas ni Yahweh ang mga kaapu-apuhan ni Jacob, at ang bayan ng Israel ay magpupuri sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Yahweh, na siyang nagligtas at lumikha sa iyo, sinasabi niya ito: "Ako si Yahweh, ang siyang lumikha sa lahat ng bagay. Ako lamang ang naglatag ng mga kalangitan. Wala ni isa maliban sa akin nang likhain ko ang mundo.
|
||
|
\v 25 Ipinapakita ko na ang mga bulaang propeta ay sinungaling, at ipinapakita na ang mga manghuhula na gumagawa ay mga hangal. Silang mga tao na nag-aakalang sila ay marunong na ay nagsasabing marami silang alam, pero ipinakikita ko na sila ay mga hangal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Pero idudulot ko na mangyari palagi ang mga hula ng aking mga propeta. sinasabi ko sa kanila na sabihin sa bayan ng Jerusalem, balang araw ang mga tao muling maninirahan dito.' at sinabi ko sa kanila na sabihin sa ibang mga bayan ng Juda na ako, si Yahweh ay nagsasabi, Ang inyong bayan ay muling itatayo; idudulot ko ang mga nasirang lugar at itatayo muli.'
|
||
|
\v 27 Kapag sinasabi ko sa mga ilog' 'Matuyo kayo!' at matutuyo nga sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Kapag sinabi ko ang tungkol kay Haring Ciro, 'Siya ang mag-aalaga ng aking bayan tulad ng pastol na nag-aalaga ng kaniyang tupa, gagawin niya ang lahat ng pinapagawa ko sa kaniya, 'sasabihin niya ang tungkol sa Jerusalem, ' muli naming itatayo ito!' at sasabihin din niya, 'at kailangang namin muling itayo ang templo!'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 45
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Hinirang ni Yahweh si Ciro para maging emperador ng Persia at bibigyan siya ng matinding kapangyarihan; Bibigyan siya ng kakayanan ni Yahweh para talunin ang mga ibang bansa at aalisan ng kapangyarihan ang kanilang mga hari. Siya ang magdudulot para mabuksan ang mga tarangkahan ng mga lungsod, at walang sinumang may kakayahang magsara nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Ito ang sinasabi ni Yahweh sa kaniya: Ciro, Ako ang sasama sa iyo at ako ang magpapatag ng mga bundok. Mga tansong tarangkahan ay aking wawasakin at puputulin ko ang kanilang tarangkahang bakal.
|
||
|
\v 3 Bibigyan kita ng mga kayamanan na itinago ng mga tao sa madilim na sikretong lugar. gagawin ko para malaman mo na ako si Yahweh, ang Diyos kung saan ang mga Israelita ay napapabilang, ang Diyos na tumatawag sa iyong pangalan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ipinatawag kita, sa iyong pangalan, para sa kapakanan ng bayan ng Israel na aking pinili, na naglingkod sa akin. Kahit hindi mo ako nakikilala, bibigyan kita ng titulo na mayroong matinding karangalan.
|
||
|
\v 5 Ako si Yahweh, at walang ibang Diyos. Kahit hindi mo ako nakikilala, bibigyan kita ng kapangyarihan para mag-umpisa ng digmaan.
|
||
|
\v 6 para ang lahat sa buong mundo, mula sa silangan hangang sa kanluran, ay malaman nila na walang ibang Diyos. Ako si Yahweh, at walang ibang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ako ang lumikha ng liwanag at kadiliman. ako ang dahilan para magkaroon ng kapayapaan at dahilan para magkaroon ng kapahamakan. Ako, si Yahweh, na gumawa ng lahat."
|
||
|
\v 8 Sinasabi din ni Yahweh, "gaya ng pagbagsak ng ulan sa lupa para tulungan ito, tutulungan ko ang aking bayan at ililigtas sila; idudulot ko na sila ay itrato ng makatarungan. Ako, si Yahweh, ako ang magdudulot para parehong mangyari ang mga bagay na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa mga nakikipagtalo sa akin, ang siyang lumikha sa kanila. Sila ay tulad ng isang palayok at ako ang siyang lumikha nito; kaya tiyak na hindi nila ako pupunahin. Ang isang tumpok ng putik ay tiyak na hindi maaaring mangatwiran sa siyang humuhugis dito, at sinasabi, 'Bakit mo ako ginagawang ganito?' Hindi masasabi ng palayok 'wala kang kakayahan; ang ginagawa mo ay masagwa kaya iisipin ng mga tao na ikaw ay walang galing!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ito ay magiging kakila-kilabot kung ang hindi pa isinisilang na sanggol ay sasabihin sa kaniyang ama, 'Bakit mo ako hinayaang ipanganak?' o kung sasabihin ito sa kaniyang ina, 'Ang paghihirap ng iyong panganganak ay walang kabuluhan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Yahweh, Ang Banal ng mga Israelita, ang siyang lumikha ng Israel, sinasabi ito sa kanila: "Bakit ka nagtatanong tungkol sa ano ang aking ginagawa sa inyo, aking mga anak? Bakit mo ako tinuturuan kung ano ang dapat kong gawin?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ako ang siyang lumikha ng mundo at lumikha ng tao para mabuhay dito. Inilatag ang kalangitan sa pamamagitan ng aking kamay, at inilagay ko ang mga bituin sa kanilang mga lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ako ang nagdulot na hangarin ni Ciro ang mga bagay na matuwid, isaayos ang lahat ng bagay na madali. Walang makapagpapahinto sa kaniya. ang kaniyang manggagawa ay muling itatayo ang lungsod, at kaniyang palalayain ang aking bayan na ipinatapon. At gagawin niya ito na walang kapalit na gantimpla! "Ito ang sinasabi ni Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 At ito rin ang aking sinasabi sa inyo aking bayan, akong si Yahweh: "Pamumunuan ninyo ang bayan ng Ehipto at Ethiopia, at ang matatangkad na lalaki ng Seba sa Arabia ay magiging inyong alipin. Sila ay pupunta dala ang lahat ng mga bagay na kanilang ipagbibili, at ito ay mapapasainyo. May kadena ang kanilang mga kamay habang sumusunod sila sa inyo. Sila ay yuyukod sa iyong harapan at sasabihin, ' nasa inyo ang Diyos at siya ang tanging Diyos; walang ibang Diyos."
|
||
|
\v 15 O Diyos, kahit hindi ka namin nakikita, ikaw ang siyang kasama naming mga Israelita, ang siyang nagligtas sa amin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ang lahat ng gumagawa ng mga diyus-diyosan ay mapapahiya. Silang lahat ay mapapahiya.
|
||
|
\v 17 Pero ikaw, Yahweh, ang magliligtas sa amin, ang iyong bayan ng Israel, at kami ay magiging malaya habang buhay. Hindi na muli kami hahamakin, at ipapahiya sa hinaharap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Si Yahweh ay Diyos; siya ang lumikha ng kalangitan at lumikha at humugis ng mundo. Hindi niya ito ginusto para manatiling walang maninirahan dito; Kaniyang ninais na manirahan ang mga tao dito, "Ako si Yahweh; walang ibang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kung ano ang aking ipinahayag, hindi ko ito sinasabi ng palihim; at hindi ko tinago ang sinasabi ko sa pamamagitan ng pagsasalita sa madilim na lugar. Noong nagsalita ako sa mga kaapu-apuhan ni Jacob, hindi ko sinabi sa kanila 'Walang kabuluhan na ako ay hanapin mo! Ako, si Yahweh nagsasabi ng katotohanan at kung ano ang tama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Kayong mga tao na nabubuhay pa pagkatapos maranasan ang matinding paghihirap, dapat lumapit at magsasama-sama at pakinggan ito: Ang mga tao na nagpapasan ng mga diyus-diyosang kahoy at nananalangin sa kanila ay mga hangal, dahil hindi sila kayang iligtas ng kanilang diyus-diyosan!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pag-usapan ninyo at pagpasiyahan kung ano ang inyong sasabihin para patunayan na dapat kayong manalangin sa mga diyus-diyosan. At kung gagawin ninyo iyon, tatanungin ko kayo, 'Sino ang humula noon tungkol sa mga nangyari ngayon? Wala, si Yahweh lamang, sino nagsabi sa iyo, dahil Ako lamang ang nag-iisang Diyos; walang ibang Diyos. Ako ang nag-iisang Diyos na gumagawa ng matuwid at tagapagligtas ng bayan; walang iba na siyang gumagawa ng lahat ng mga bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Bawat isa sa mundo ay dapat hilingin sa akin na iligtas sila, dahil Ako lamang ang Diyos na makagagawa nito; wala ng iba maliban sa akin.
|
||
|
\v 23 Mataimtim kong ipinahayag, gamit ang aking sariling pangalan; ako ay nagsasabi ng katotohanan, at hindi nagbabago ang aking sinasabi: balang araw, lahat ay luluhod sa aking harapan, at mataimtim nilang ipapangako na magiging tapat sila sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Ipapahayag nila, 'Si Yahweh ang nagbibigay sa atin ng kakayahan para mabuhay ng matuwid at maging malakas." at lahat silang mga nagagalit kay Yahweh ay lalapit sa kaniya, at sila ay mapapahiya na sila ay nagalit sa kaniya.
|
||
|
\v 25 Si Yahweh lamang ang magbibigay sa ating mga Israelita ng kakayanan para talunin ang mga kaaway sa hinaharap, at pagkatapos ay ipagmamalaki namin ang kaniyang ginawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 46
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ito ay parang si Bel at Nebo, ang mga imahe ng mga diyos ng Babilonia, ay yumuyukod habang sila ay nakapatong sa mga hayop at dinadala palayo! Ang mga imahe ay mabibigat na mga pasanin at naging dahilan kaya ang mga hayop ay napagod!
|
||
|
\v 2 Niluhuran nila ang mga diyos at mga hayop; ang mga diyos ay hindi kayang iligtas ang kanilang mga sarili ni ang mga hayop na nabibigatan; maging ang kanilang mga diyos ay ipapatapon!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinasabi ni Yahweh, "kayong kaapu-apuhan ni Jacob na itinapon, Hindi ako tulad ng diyos ng Babilonia na dapat pasanin; sa halip, ito ay parang pinasan ko na kayo mula ng ikaw ay naging isang bansa.
|
||
|
\v 4 Ako ang magiging Diyos ninyo, at papasanin ko kayo ng maraming taon, hanggang ang inyong bansa ay katulad ng isang matandang may puting buhok. Ako ang dahilan para kayo ay maging isang bansa, at aalalayan ko kayo at kayo ay aking ililigtas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tiyak na walang sinumang maihahambing sa akin. Walang sinuman ang makakapantay sa akin.
|
||
|
\v 6 Kaya ito ay isang kahangalan na ilang mga tao ay magbubuhos ng ginto at pilak mula sa kanilang mga supot at titimbangin ang bigat nito. Pagkatapos uupa sila ng isang tao na gagawa ng mga diyus-diyosan mula sa ginto. Pagkatapos makagawa ng diyus-diyosan, sila ay yuyukod at sasambahin ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Itataas nila ito at papasanin sa kanilang mga balikat. Ilalagay nila sa natatanging lugar, at mananatili ito doon. Hindi ito gumagalaw! At kung may mananalangin dito, hindi ito sasagot. Kaya walang duda hindi ito makapagliligtas ng sinuman mula sa kaniyang kaguluhan!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kayong mga bayan ng Juda, huwag ninyong kalimutan ito; lagi ninyong isipin ito, kayong bayang makasalanan!
|
||
|
\v 9 Isipin ang mga bagay na ginawa ko noong unang panahon. Ako lamang ang Diyos; Ako ang Diyos, at wala akong katulad.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Tanging ako lamang ang makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap; Sinasabi ko na ito bago mangyari. Tutuparin ko ang lahat ng bagay na aking binalak para maganap, at gagawin ko ang lahat ng bagay na aking nais.
|
||
|
\v 11 Kaya ipapatawag ko si Ciro para pumunta mula sa silangan tulad ng mabilis at malakas na agila; magmumula siya mula sa malayong bansa. Tutuparin niya kung ano ang aking nais. Siya ang gagawa kung ano ang sinabi ko na kaniyang gagawin, kung ano ang aking plano.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kayong matitigas ang ulo bayan ng Israel, kayo na hindi makagawa ng matuwid,
|
||
|
\v 13 Ililigtas ko kayo, at hindi ito magtatagal bago mangyari. Malapit ko na itong gawin. Ililigtas ko ang Jerusalem at ipapakita ko sa inyong mga Israelita na ako ay dakila."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 47
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi din ni Yahweh, "Kayong mga mamamayan ng Babilonia, dapat kayong maupo sa alikabok, dahil malapit nang matapos ang oras ninyo para pamunuan ang ibang mga bansa. Hindi na muli sasabihin ng mga tao na maganda ang Babilonia tulad ng magandang babae.
|
||
|
\v 2 Magiging alipin kayo, kaya kumuha kayo ng mga mabibigat na bato at gigiling kayo ng butil tulad ng ginagawa ng mga aliping babae. Tanggalin ninyo ang mga magagandang belo at balabal ninyo habang naghahanda kayo sa pagtawid sa mga batis kung saan kayo pipiliting pumunta.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Mahuhubaran kayo at labis kayong mapapahiya. Maghihiganti ako sa inyo at hindi ko kayo kaaawaan."
|
||
|
\v 4 Ang siyang nagpapalaya sa aming mamamayan ng Juda, na tinatawag naming 'Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel', ay ang Banal ng Israel.
|
||
|
\v 5 Sinasabi ni Yahweh, "Kayong mga mamamayan ng Babilonia, tahimik kayong maupo sa kadiliman, dahil wala nang taong magsasabi muli na ang inyong lungsod ay parang reyna na namumuno sa maraming mga kaharian.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Nagalit ako sa mga taong pagmamay-ari ko, at pinarusahan ko sila. Hinayaan ko kayong mga mamamayan ng Babilonia na masakop sila. Pero nang sinakop ninyo sila, hindi kayo naawa sa kanila. Inapi ninyo kahit ang mga matatanda.
|
||
|
\v 7 Sinabi ninyo, 'Pamumunuan namin ang ibang mga bansa habang buhay; para bang ang lungsod namin ay ang reyna magpakailanman!' Pero hindi ninyo inisip ang ginagawa ninyo, o inisip ang magiging resulta nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kayong mga mamamayan ng Babilonia na nagsasaya sa kasiyahan at walang tigil na sumisiping sa ibang tao, makinig kayo dito: Nagsasaya kayo sa malabis na pamumuhay at nakararamdam kayo ng seguridad. Sinasabi ninyo, 'Para kaming mga diyos, at wala kaming katulad. Ang mga kababaihan namin ay hindi magiging biyuda, at ang aming mga anak ay hindi mapapatay sa mga digmaan.'
|
||
|
\v 9 Pero parehong biglang mangyayari sa inyo ang mga iyon: marami sa inyong mga kababaihan ang magiging biyuda at marami sa inyong mga anak ay mamamatay, kahit na gumamit kayo ng salamangka at maraming uri ng mahika para mapigilang mangyari ang mga masasamang bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pakiramdam ninyo ay ligtas kayo kahit gumagawa kayo ng mga masasamang bagay, at sinabi ninyo, 'Walang makakakita ng mga ginagawa namin!' Ang akala ninyo ay matatalino kayo at marami kayong alam, at sinabi ninyo, 'Mga diyos kami, at wala kaming katulad,' pero niloko ninyo ang inyong mga sarili.
|
||
|
\v 11 Kaya makararanas kayo ng mga kagimbal-gimbal na mga bagay, at hindi ninyo mapipigilan ang mga ito gamit ang mahika. Makararanas kayo ng mga sakuna, at wala kayong mababayarang gumagawa ng mahika na makapipigil sa mga bagay na iyon. Isang dilubyo ang biglang darating sa inyo, isang bagay na hindi ninyo naisip na mangyayari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Kaya patuloy kayong gumawa ng mga mahika! Patuloy ninyong gawin ang maraming salamangka na matagal na ninyong ginagawa! Marahil gagawin kayong matagumpay ng mga bagay na iyon; marahil matatakot ninyo ang mga kalaban ninyo!
|
||
|
\v 13 Pero ang naging resulta lang ng paggawa ninyo ng mga ito ay pagod! Dapat kayong iligtas mula sa mga sakunang mararanasan ninyo ng mga taong tumitingin ng mga bituin, nagpapahayag ng bawat bagong buwan at hinuhulaan kung ano ang mangyayari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pero hindi nila kayang gawin iyon, dahil para silang dayami na nasusunog; hindi nila kayang iligtas ang mga sarili nila mula sa pagkakasunog. Hindi nila kayo kayang iligtas; wala silang silbi tulad ng tuyong damo, pero ang apoy na iyon ay tutupukin sila.
|
||
|
\v 15 Madidismaya kayo ng mga taong nakasama at nakatrabaho ninyo mula noon, dahil magpapatuloy lang silang gawin ang mga bagay na walang saysay, at hindi nila papansinin ang paghingi ninyo ng tulong."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 48
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mga kaapu-apuhan ni Jacob, na mga kaapu-apuhan din ni Juda at ngayo'y tinatawag sa bansang Israel, makinig kayo kay Yahweh! Gumagawa kayo ng mga taos-pusong pangako gamit ang pangalan ni Yahweh, at hinihiling ninyo na dinggin kayo ng Diyos na nagmamay-ari sa inyong mga Israelita, pero hindi ninyo ito ginagawa nang taimtim.
|
||
|
\v 2 Sinasabi ninyo na namumuhay kayo sa banal na lungsod ng Jerusalem at sinasabi ninyo ngunit hindi mataimtim na umaasa kayo sa Diyos na nagmamay-ari sa inyong mga Israelita, si Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 "Matagal ko nang pinahayag kung ano ang mangyayari. At sa isang saglit, nangyari ang mga bagay na ito.
|
||
|
\v 4 Alam kong matigas ang mga ulo ninyo; alam kong kasing tigas ng bakal o tanso ang mga ulo ninyo.
|
||
|
\v 5 Kaya matagal ko nang sinabi ang mga bagay na iyon. Bago pa sila mangyari, pinahayag ko na na mangyayari ang mga ito, para kapag nangyari na ang mga ito hindi ninyo masasabing 'Ang mga diyus-diyosan namin ang gumawa nito; ang mga rebulto naming gawa sa kahoy o sa bakal ang gumawa ng mga ito.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Narinig ninyo ang mga bagay na pinahayag ko, at ngayon ay nakita ninyo na nangyari ang lahat ng iyon, kaya bakit hindi ninyo ito inaamin? Ngayon, magsasabi ako ng mga bagong bagay, mga bagay na hindi ninyo alam dati.
|
||
|
\v 7 Gagawin ko sila ngayon; hindi sila ang mga bagay na ginawa ko dati pa. Para hindi ninyo masasabi na, 'Alam na namin ang mga bagay na iyan.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sasabihin ko sa inyo ang mga bagay na hindi pa ninyo narinig o naintindihan dati. Kahit na hindi kayo nakinig sa akin. Alam kong lubos kayong mandaraya; naghimagsik kayo laban sa akin mula pa nang naging bansa kayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pero para sa aking kapakanan, para maparangalan ako, hindi ko kayo parurusahan agad at tuluyang paaalisin.
|
||
|
\v 10 Ginawa ko kayong dalisay, pero hindi sa paraang ginagawa ng mga tao sa pilak. Sa halip, hinayaan kong maghirap kayo nang lubos para mawala ang inyong makasalanang asal.
|
||
|
\v 11 Pero para sa aking kapakanan, ipagpapaliban ko ang pagpaparusa sa inyo; ipagpapaliban ko para sa aking kapakanan, para ang aking reputasyon ay hindi masira. Hindi ko hahayaang maparangalan din tulad ko ang ibang tao o diyus-diyosan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 "Kayong mga kaapu-apuhan ni Jacob, kayong bayan ng Israel na aking pinili, makinig kayo sa akin! Ako lamang ang Diyos; Ako ang siyang nagsisimula at nagtatapos ng lahat.
|
||
|
\v 13 Ako ang siyang naglatag ng pundasyon ng mundo. Inunat ko ang himpapawid gamit ang kamay ko. At kapag sinabi kong lumabas ang mga bituin, ginagawa nila ang sinasabi ko.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kayong lahat, magtipon-tipon kayo at makinig sa akin. Wala sa mga diyus-diyosan ninyo ang nagsabi sa inyo nito: Ako, si Yahweh, ang pumili kay Ciro para tulungan ako, at gagawin niya sa Babilonia kung ano ang gusto kong gawin niya, at wawasakin ng kaniyang hukbo ang hukbo ng Babilonia.
|
||
|
\v 15 Sinabi ko ito; tinawag ko si Ciro. Tinalaga ko siya, at matatapos niya ang lahat ng sinubok niyang gagawin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Lumapit kayo sa akin at makinig sa aking sasabihin. Malinaw na sinabi ko sa inyo noon ang maaaring mangyari, at nang nangyari ang mga iyon, hinayaan ko na ang mga iyon ay mangyari." At ngayon, ipinadala ako ni Yahweh at ng kaniyang Espiritu, ang propetang Isaias, para bigyan kayo ng mensahe.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ito ang sinasabi ni Yahweh, na siyang nagliligtas sa inyo, ang Banal na Diyos nating mga Israelita: "Ako si Yahweh, ang inyong Diyos; itinuro ko sa inyo kung ano ang mahalaga para kayo ay guminhawa; inakay at pinangunahan ko kayo sa mga bagay na dapat ninyong gawin.
|
||
|
\v 18 Sana binigyan ninyo ng pansin ang aking mga utos! Kung ginawa ninyo iyon, naging maayos sana ang mga bagay para sa inyo tulad ng ilog na banayad na umaagos; nagtagumpay sana kayo nang paulit-ulit, tulad ng hindi tumitigil na mga alon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Ang inyong mga kaapu-apuhan sana ay kasing rami ng mga butil ng buhangin sa pampang na walang makakabilang. Hindi ko na sana kinailangang wasakin sila; hindi na sana nawasak ang bayan ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo ngayon, iwanan ninyo ang Babilonia! Umalis kayo mula sa pagkaalipin mula sa bayan ng Babilonia! Ipahayag ninyo ang mensaheng ito nang may galak; ipadala ninyo ito sa mga malalayong lugar sa mundo: 'Pinalaya ni Yahweh ang bayan ng Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Hindi sila nauhaw nang pinangunahan niya sila sa desyerto, dahil biniyak niya ang bato at pinaagos ang tubig para inumin nila.'
|
||
|
\v 22 Pero hindi magiging maayos na katulad niyon ang mga bagay para sa mga masasama," sabi ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 49
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kayong mga taong naninirahan sa mga isla sa karagatan at sa iba pang malalayong lugar, makinig kayo sa sasabihin ko! Bago ako ipinanganak, tinawag ako ni Yahweh; pinili niya ako nang ako pa ay nasa sinapupunan pa ng aking ina.
|
||
|
\v 2 Nang lumaki na ako, ginawa niyang kasing talas ng espada ang aking mga mensahe. Pinangalagaan niya ako gamit ang kamay niya. Pinangalagaan niya ako gaya ng pangangalaga ng isang tao sa matatalas na palaso na nasa lalagyanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinabi niya sa akin, "Paglilingkuran mo ang mga Israelita, at hihikayatin mo ang mga tao na parangalan ako."
|
||
|
\v 4 Sumagot ako, "Ang aking ginawa ay nawalan ng silbi; ginamit ko ang aking lakas, pero wala akong natapos na may halaga; lahat ng ginawa ko ay nawalan ng kabuluhan. Gayunpaman, kung gusto niya maaari akong parangalan ni Yahweh; ang aking Diyos ang magbibigay sa akin ng gantimpala na dapat ay sa akin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Binuo ako ni Yahweh nang ako ay nasa sa sinapupunan ng aking ina para maglingkod ako sa kaniya; tinalaga niya ako para ibalik sa kaniya ang bayan ng Israel. Pinarangalan ako ni Yahweh, at siya ang nagpalakas sa akin.
|
||
|
\v 6 Sinasabi niya sa akin, "Hindi sapat na paglingkuran mo ako sa pagbabalik ng mga kaapu-apuhan ni Jacob para muling sumamba sa akin; gusto ko rin na maging ilaw ka sa mga hindi Israelita; gusto ko na dalhin mo ang mensahe ko kung paano maligtas ang mga tao sa buong mundo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Si Yahweh, siya na nagliligtas sa amin, ang Banal na Diyos naming Israelita, sinabi sa hinamak at tinanggihan ng mga tao mula sa maraming bansa, sa isa na alipin ng mga pinuno, "Balang-araw tatayo ang mga hari bilang respeto sa iyo kapag nakita ka nila, at yuyuko ang mga prinsipe sa harap mo dahil pinaglilingkuran mo ako, si Yahweh, ang matapat na ginagawa ang aking pangako. Ako ang Banal na Diyos na nagmamay-ari sa inyong mga Israelita, ang siyang pumili sa inyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ito rin ang sinasabi ni Yahweh: "Sa panahong gustuhin ko, sasagutin ko ang mga panalangin mo. Sa araw na ililigtas kita mula sa mga mang-aapi, tutulungan kita. Pangangalagaan kita at hahayaang gumawa ka ng kasunduan sa ibang mga bansa. At sa pamamagitan ng ginagawa mo, itatayo ko muli ang bansa mong Israel at hahayaan kayong manirahan muli sa lupaing iniwan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Sasabihin mo sa mga nabihag at tinapon, 'Iwanan ninyo ang Babilonia at bumalik kayo sa sarili ninyong bansa!' At sasabihin mo sa mga nasa madidilim na kulungan, 'Magpakita kayo!' Kapag nangyari iyon, magiging katulad sila ulit ng tupa na kumakain ng damo sa mga luntiang pastulan, sa mga burol na dati ay walang damo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Hindi na sila magugutom o mauuhaw kailanman; hindi na sila tatamaan ng mainit na araw. Ako, si Yahweh, ay kikilos nang may awa sa kanila at pangungunahan sila; pangungunahan ko sila kung saan may mga bukal ng malamig na tubig.
|
||
|
\v 11 At papatagin ko ang mga bundok na para bang patag na daanan sila, at maghahanda ako ng mga magagandang daanan para malakaran ng bayan ko, para bumalik sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Babalik ang aking bayan mula sa malayo; ang iba ay manggagaling sa hilaga, ang iba ay sa kanluran, ang iba ay mula sa timog Ehipto."
|
||
|
\v 13 Dahil sa pinangako ni Yahweh na gawin, ang lahat ay dapat sumigaw sa galak— ang himpapawid at lupa at ang mga bundok ay dapat umawit, dahil inaaliw ni Yahweh ang kaniyang bayan, at kaaawaan niya ang mga nahihirapan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Sinasabi ng mga bayan ng Jerusalem, "Iniwan na tayo ni Yahweh; nakalimutan na niya tayo."
|
||
|
\v 15 Pero sinasabi ni Yahweh, "Hindi 'yan totoo! Malilimutan ba ng isang babae ang sanggol na inaalagaan niya? Kaya niya bang tumigil na maging mabait sa batang pinanganak niya? Pero kahit na gawin iyong ng isang babae, hindi ko kayo makakalimutan!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Tandaan ninyo na sinulat ko ang mga pangalan ninyo sa mga palad ng aking kamay; lagi akong nakatingin sa mga pader ng inyong lungsod.
|
||
|
\v 17 Malapit nang bumalik ang mga anak ninyo doon, at aalis ang lahat ng nagwasak ng inyong lungsod.
|
||
|
\v 18 Titingin kayo sa paligid at makikitang bumabalik ang mga anak ninyo sa inyo. Habang ako ay nabubuhay, makakasama ninyo sila para makita ng mga tao tulad ng pagpapakita ng babaeng ikakasal ng kaniyang mga palamuting pangkasal!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Nasira ang inyong lupain at pinabayaan, pero isang araw mapupuno ito ng mga tao, at malalayo ang mga sumakop sa inyo.
|
||
|
\v 20 Babalik sa Jerusalem ang mga batang pinanganak habang kayo ay nasa pagkakatapon at sasabihing, 'Napakaliit ng lungsod na ito para sa amin; Kailangan namin ng mas malaking lugar para tirhan!'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pagkatapos ay sasabihin ninyo sa inyong mga sarili, 'Kahanga-hangang sa atin ang lahat ng mga batang ito! Marami sa mga anak natin ay patay na, at ang iba ay pinatapon. Naiwan tayo dito; kaya hindi natin alam kung saan nanggaling ang mga batang ito! Sino ang nagpalaki sa kanila?'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Ito ang sinasabi ni Yahweh na ating Diyos: "Tingnan ninyo! Para bang itinaas ko ang kamay ko para humudyat sa mga hindi Israelita. At dadalhin nila ang mga anak mong lalaki at babae sa kanilang mga balikat at ibabalik sila sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Pagsisilbihan kayo ng mga hari at tuturuan ang inyong mga anak, at aalagaan ng mga reyna nila ang mga maliliit ninyong mga anak. Yuyuko sila sa harap ninyo at didilaan ang alikabok sa inyong mga paa. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na ako si Yahweh; at silang nagtitiwala sa akin ay hindi mabibigo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Walang sinuman ang makaaagaw ng mga mahahalagang bagay mula sa sundalong nakakuha ng mga bagay na iyon sa digmaan; walang sinuman ang makapipilit sa isang masamang pinuno na palayain ang mga nabihag niya.
|
||
|
\v 25 Pero sinasabi ito ni Yahweh: "Isang araw, silang mga binihag ay lalaya, at ang mga mahahalagang bagay na inagaw ng mga masasamang pinuno ay maibabalik, dahil lalabanan ko ang mga lumalaban sa inyo, at ililigtas ko ang mga anak ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 At dudulutin kong wasakin ng mga kaaway ninyo ang sarili nila sa halip na patayin ang iba. Kapag nangyari iyon, malalaman ng buong mundo na ako, si Yahweh, ang siyang nagligtas sa inyo, ang siyang sumagip sa inyo mula sa mga kaaway ninyo; malalaman ng lahat na ako ang makapangyarihang Diyos na nagmamay-ari sa inyong mga kaapu-apuhan ni Jacob."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 50
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ito rin ang sinasabi ni Yahweh: "Kayong mga Israelita, huwag ninyong isipin na pinilit ko ang mga magulang ninyo na mapatapon sa Babilonia na tulad ng ilang lalaking pinaaalis ang mga asawa nilang babae pagkatapos nilang ibigay ang papel na nagsasabing hinihiwalayan nila ang mga asawa nila! Tiyak na hindi ko kayo inalis tulad ng isang lalaking binenta ang kaniyang mga anak para magkaroon ng perang pambayad sa utang niya. Hindi, ang dahilan kung bakit pinilit kong ipatapon kayo ay para parusahan kayo dahil sa mga kasalanan na ginawa ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Nang dumating ako para sagipin kayo, bakit walang sumagot nang tinawag ko kayo? Wala bang may kayang tumubos at mag-uwi sa inyo? Inisip niyo bang wala akong kapangyarihan para sagipin kayo? Isipin ninyo ito: Makakausap ko ang dagat at matutuyo ito! Kaya kong gawing desyerto ang mga ilog na ang mga isda ay mamamatay mula sa pagkauhaw at mabubulok.
|
||
|
\v 3 Kaya kong padilimin ang himpapawid, na para bang nakasuot ito ng itim na damit dahil nagdadalamhati ito dahil mayroong namatay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Tinuruan ako ni Yahweh na ating Diyos na magsalita para sa kaniya, para mabigyan ko ng lakas ng loob ang mga napapagod. Ginigising niya ako bawat umaga, para makinig ako sa mga tinuturo niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kinausap ako ni Yahweh na ating Diyos, at hindi ko tinanggihan ang sinabi niya sa akin; tinanggap ko ito.
|
||
|
\v 6 Hinayaan ko ang mga tao na bugbugin ako at bunutin ang mga buhok ng aking balbas dahil kinamumuhian nila ako. Hindi ako tumalikod sa kanila nang pinagkatuwaan at dinuraan nila ako.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero dahil tinutulungan ako ng Panginoong si Yahweh, hindi ako mapapahiya kailanman. Kaya buo ang loob ko na harapin ang mga paghihirap, at alam ko na walang makapagpapahiya sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Malapit ang Diyos sa akin; ipakikita niya sa iba na tama ako na pagkatiwalaan siya, kaya kung mayroong tumayo sa harap ko at inakusahan ako sa hukuman, hindi niya mapapakita na may ginawa akong mali.
|
||
|
\v 9 Pinagtatanggol ako ng Panginoong si Yahweh sa hukuman, kaya walang magpaparusa sa akin. Lahat silang inaakusahan ako ay mawawala tulad ng lumang mga damit na kinain ng mga insekto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kung pararangalan ninyo si Yahweh at gagawin ang sinasabi sa inyo ng kaniyang lingkod, kahit na naglalakad kayo sa kadiliman, at mukhang walang liwanag, magtiwala kayo kay Yahweh na ating Diyos na tulungan kayo; umasa kayo sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pero kayong mga tao na sumasalungat sa akin sa pamamagitan ng pagsindi ng sarili ninyong mga apoy, at sa pamamagitan ng inyong sariling sulo: mamuhay kayo ayon sa inyong sariling kaalaman, ayon sa kung ano ang tingin ninyong pinaka mabuti. Sinasabi ni Yahweh sa inyo kung ano ang mangyayari sa inyo: papatayin niya kayo sa matinding pagdurusa!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 51
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi ni Yahweh, "Kayong mga taong nagnanais kumilos nang matuwid, na gustong gawin ang mga gusto kong ipagawa, makinig kayo sa akin! Isipin ninyo si Abraham! Para bang isa siyang malaking batong bangin; at nang naging bansa na ang Israel, para bang tinapyas ko kayo mula sa batong bangin na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Isipin ninyo ang inyong ninunong si Abraham at ang kaniyang asawang si Sara, kayong mga kaapu-apuhan nila. Noong una kong kinausap si Abraham, wala siyang anak. Pero pagkatapos ko siyang pagpalain, nagkaroon siya ng malaking bilang ng mga kaapu-apuhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Balang araw, Ako, si Yahweh, ay palalakasin muli ang loob ng mga kaapu-apuhan ni Abraham, at aaliwin ko ang mga taong naninirahan sa mga guho ng Jerusalem. Magiging parang Eden ang mga disyerto sa lugar na iyon; magiging parang hardin ito ni Yahweh. Magiging maligaya at masaya ang lahat ng tao doon; pasasalamatan nila ako at aawit sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ang aking bayan na Juda, makinig kayong mabuti sa akin, dahil inuutusan ko kayong ipahayag ang aking mga utos; magiging ilaw para sa lahat ng tao sa mga bansa ang mga tamang bagay na gagawin ko.
|
||
|
\v 5 Sasagipin ko kayo at sila balang-araw; gamit ang aking kapangyarihan pamumunuan ko ang lahat ng tao sa mundo at pagpapalain sila. Hihintayin ako ng mga taong naninirahan sa mga pinakamalalayong lugar para tulungan ko sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Tingnan ninyo ang himpapawid, at tingnan ninyo ang lupa; tingnan ninyo kung ano sila ngayon, dahil balang araw mawawala ang himpapawid tulad ng usok, at masisira ang kalupaan tulad ng lumang mga damit, at mamamatay ang mga tao sa mundo tulad ng mga langaw. Pero sasagipin ko kayo, at mananatili kayong malaya magpakailanman, at pamumunuan ko kayo nang matuwid magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kayong mga taong alam kung ano ang tamang gawin, at alam sa inyong kaloob-looban kung ano ang nakasulat sa aking mga batas, makinig kayo sa akin! Huwag kayong matakot sa mga taong nang-uuyam sa inyo; huwag kayong mabahala kapag nilalait kayo ng mga tao,
|
||
|
\v 8 dahil isang araw, mawawasak sila tulad ng mga damit na kinain ng mga insekto, tulad ng mga damit na gawa sa lana na kinain ng mga uod. Ililigtas ko sila, at maliligtas sila magpakailanman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Yahweh, gumising ka at tulungan mo kami! Ipakita mo sa amin kung gaano ka kalakas! Gumawa ka ng mga kamangha-manghang bagay tulad ng ginawa mo dati, nang sinaksak mo si Rahab, ang halimaw sa dagat, at pinagpira-piraso ito.
|
||
|
\v 10 Tunay nga na ikaw ang nagtuyo ng dagat, at gumawa ng daanan sa malalim na katubigan para makatawid dito ang iyong bansa!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 At silang sinagip ni Yahweh mula sa pagkakatapon sa Babilonia ay babalik din nang umaawit sa Jerusalem. Ang pagiging maligaya nila magpakailanman ay magiging tulad ng korona sa kanilang mga ulo. Hindi na sila malulungkot o magdadalamhati; tuluyan na silang magiging maligaya at masaya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sinasabi ni Yahweh, "Ako ang siyang nagbibigay sa inyo ng lakas ng loob. Kaya bakit kayo natatakot sa mga taong malalanta at mawawala tulad ng damo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Hindi ninyo dapat ako nakalimutan, si Yahweh, ang siyang lumikha ng inyong bansa, ang siyang nag-unat ng himpapawid at naglatag ng mga pundasyon ng mundo. Hindi dapat kayo matakot sa mga nagagalit at gustong sumira sa inyo. Hindi dapat kayo matakot sa kanila ngayon, dahil ang mga taong nagagalit na iyon ay wala na ngayon!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Balang-araw, kayong mga ginawang alipin sa Babilonia ay lalaya! Hindi kayo mananatiling nasa kulungan, at hindi kayo mamamatay sa gutom,
|
||
|
\v 15 dahil ako si Yahweh, ang inyong Diyos, ang siyang nagpapaalon ng dagat; ako si Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Binigyan ko kayo ng mensaheng ipapahayag, at pinangalagaan ko kayo sa aking kamay. Ginawa ko ito para unatin ang himpapawid at ilatag ang pundasyon ng mundo. At ginawa ko ito para sabihin sa inyong mga Israelita, 'Kayo ang aking bayan!'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kayong mga mamamayan ng Jerusalem, gumising kayo! Naranasan ninyong labis na parusahan ni Yahweh. Hinayaan kayo ni Yahweh na maghirap nang labis at makaranas ng sakuna, tulad ng isang taong pinababagsak ang isa pang tao sa pamamagitan ng pagpilit sa kaniyang uminom ng isang bote ng alak.
|
||
|
\v 18 Ngayon, wala na kayong buhay na anak na hahawak sa inyong mga kamay para kayo ay gabayan. Hindi ninyo kayang tulungan ang mga sarili ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Nakaranas kayo ng ilang sakuna: Napabayaan ang inyong bansa; nawasak ang inyong mga lungsod; maraming namatay sa gutom; maraming napatay sa mga espada ng inyong mga kaaway. Wala na ngayong tatangis at makikidalamhati sa inyo.
|
||
|
\v 20 Ang mga anak ninyo ay nahimatay at nakahiga sa mga lansangan; wala silang magawa tulad ng antilope na nahuli sa lambat. Ang nangyari sa kanila ay dahil galit na galit si Yahweh sa kanila; sinaway niya sila nang lubusan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Kaya ngayon, kayong mga taong labis na naghirap, umaasal kayo na para bang kayo ay lasing, pero hindi ito dahil sa pag-inom ninyo ng alak.
|
||
|
\v 22 Si Yahweh, ang inyong Panginoon at Diyos, ang siyang nagtatanggol sa inyo, ay sinasabi ito: "Para bang kinuha ko ang kopa ng mapait na inumin mula sa inyong mga kamay; hindi na ako magagalit at hindi ko na ipaiinom sa inyo ito para kayo ay mahirapan pa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Sa halip, pahihirapan ko ang mga nagpahirap sa inyo; labis kong parurusahan ang mga nagsabi sa inyong, 'Humiga kayo para makalakad kami sa inyo; dumapa kayo para maging daanan ang inyong mga likod na malalakaran namin.'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 52
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kayong mga mamamayan na naninirahan sa banal na lungsod ng Jerusalem, gumising kayo! Magpalakas kayo muli! Ipakita na ang inyong lungsod ay maganda at dakila; ang mga dayuhang hindi tuli, ang mga hindi nagbibigay ng karangalan kay Yahweh, ay hindi na muling makakapasok sa inyong lungsod para salakayin kayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Mamamayan ng Jerusalem, tumayo kayo mula sa kinauupuan ninyo na alabok, at umupo kayo nang maayos! Kayong mga tao na kagagaling lang mula sa pagkatapon, tanggalin mula sa inyong leeg ang mga kadena na ikinabit ng mga taga-Babilonia,
|
||
|
\v 3 dahil ito ang sinasabi ni Yahweh, "Nang dalhin kayo bilang mga bihag sa Babilonia, walang sinumang nagbayad para mangyari iyon. Kaya ngayon ay maibabalik kayo, at walang salapi na maibabayad sa sinuman para sa inyong paglaya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sinasabi rin ito ni Yahweh na ating Panginoon: "Noong unang panahon, pumunta ang aking bayan sa Ehipto para manirahan doon. KInalaunan ay inapi sila ng mga sundalo ng Asiria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pero ngayon isipin ninyo kung ano ang nangyayari: Ang aking bayan ay pinipilit nilang maging alipin muli, sa oras na ito ang bayan ng Babilonia. At ang mga sariling pinuno ng aking bayan ay humahagulgol at nananaghoy, at kinasusuklaman ako ng ibang grupo ng mga tao sa mundo.
|
||
|
\v 6 Pero pagkatapos niyon, mamahalin at pararangalan ako ng aking bayan; kapag nangyari iyon, malalaman nila na ako ang nagsabi na mangyayari iyon. Ako nga, si Yahweh, ang siyang gagawa nito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ito ay isang kahanga-hangang bagay kapag ang mga mensahero na mula sa kabilang mga bundok at nagdadala ng mabuting balita, mga balitang tungkol sa Diyos na nagbibigay ng kapayapaan at nagliligtas sa atin, ang mga balita na ang Diyos na siyang kinaaniban nating mga Israelita ay ngayon nagpapakita sa lahat ng kanyang kapangyarihan bilang isang hari!
|
||
|
\v 8 Ang mga bantay ng lungsod ay sisigaw at aawit nang buong kagalakan, dahil habang sila ay nagmamatyag, makikita nilang lahat ang pagbabalik ni Yahweh sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ang Jerusalem ay nawasak, pero ang mga taong naroon ay dapat ng magsimulang umawit nang may kagalakan, dahil pasisiglahin ni Yahweh ang kanyang bayan; palalayain niya ang kanyang bayan at ibabalik sa Jerusalem,
|
||
|
\v 10 Ipapakita ni Yahweh sa lahat ng mga bansa na siya ay banal at makapangyarihan. Malalaman ng mga tao sa mga pinakamalalayong lugar sa daigdig na iniligtas niya ang kanyang bayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kaya iwanan ninyo ang mga lugar kung saan kayo dinala noong binihag kayo, kung saan lahat ng bagay ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Kayong mga kalalakihan na nagbubuhat ng mga kasangkapan na ginamit sa templo ni Yahweh, iwanan doon at bumalik sa Jerusalem, at linisin ang inyong mga sarili para maging karapat-dapat na sumamba sa Diyos.
|
||
|
\v 12 Pero hindi kinakailangan na umalis kayo kaagad, na tumakas na natataranta, dahil si Yahweh ang mangunguna sa harapan ninyo; at ipagtatanggol din niya kayo mula sa pagsalakay sa likuran habang kayo ay naglalakbay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Makinig kayong mabuti! Ang aking lingkod ay matalinong kikilos at gagawin lahat ang mga ipinapagawa sa kaniya ni Yahweh, at siya ay pararangalan nang mas higit sa kaninuman.
|
||
|
\v 14 Pero maraming tao ang manlulumo kapag makita nila ang nangyari sa kaniya. Dahil siya ay binugbog nang napakatindi, magbabago ang kanyang hitsura; mahihirapan nilang makilala na siya ay isang tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pero kanyang gugulatin ang mga tao sa maraming mga bansa; kahit mga hari ay mananahimik kapag tumayo sila sa kanyang harapan, dahil makikita nila ang isang tao na walang nakapagsabi sa kanila dati, at mauunawaan nila ang mga bagay na hindi nila narinig noong una.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 53
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sino ang maniniwala sa aming narinig tungkol sa lingkod ng Diyos? Sino ang makakakita kung ano ang ginagawa ni Yahweh sa pamamagitang ng kaniyang dakilang kapangyarihan?
|
||
|
\v 2 Habang nanonood ang Diyos, ang kanyang lingkod ay magiging marupok gaya ng isang napaka- murang punong kahoy, gaya ng isang mahina at nagsisimulang tumubong halaman, isang sanga na tumutubo sa tuyong lupa. Walang magiging maganda o marilag ang tungkol sa kanya, walang magiging dahilan sa atin para gustuhin natin siyang tingnan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kasusuklaman at hindi siya tatanggapin ng mga tao. Magtitiis siya nang matinding sakit, at labis siyang magdurusa. Dahil lubhang papapangitin ang kanyang mukha, hindi gugustuhin ng mga tao na tingnan siya; hindi na siya magiging mukhang tao; kasusuklaman siya ng mga tao at iniisip na wala siyang halaga para pagtuunan ng pansin
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pero siya ay parurusahan para sa mga karamdaman ng ating buhay; magtitiis siya ng matinding sakit para sa atin. Pero iisipin natin na pinaparusahan siya ng Diyos, nasaktan para sa sarili niyang mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pero sasaksakin at papatayin siya ng mga tao dahil sa mga masasamang bagay na ginawa natin; susugatan siya dahil sa ating mga kasalanan. Bubugbugin siya para maging maayos ang mga bagay- bagay sa atin; dahil siya ay hahagupitin, tayo ay mapapagaling.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Lahat tayo ay lumayo sa Diyos gaya ng mga tupa na naligaw mula sa kanilang pastol. Tumalikod tayo mula sa paggawa ng mga bagay na gusto ng Diyos patungo sa mga bagay na gusto natin. Karapat-dapat tayong maparusahan, pero sa halip ay paparusahan siya ni Yahweh sa lahat ng ating mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Lalapastanganin at pagdudusahin siya, pero hindi siya magsasalita nang anuman para umangal. Dadalhin siya kung saan siya papatayin, gaya ng isang kordero kung saan siya kakatayin. At kagaya ng isang tupa na hindi umuunga kapag ginugupit ang kanyang balahibo, hindi siya magsasalita ng anuman para ipagtanggol ang sarili kapag siya ay pinatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos siyang hulihin at ilagay sa paglilitis, siya ay ilalayo at papatayin. At walang sinuman sa oras na iyon ang makakaalala pa tungkol sa kaniya. Sapagkat siya ay mamamatay; tatanggapin niya ang lahat na parusa na dala ng mga sumpa laban sa atin para sa mga maling mga bagay na ating nagawa.
|
||
|
\v 9 Kahit kailanman ay hindi siya nakagawa ng anumang pagkakamali o nanlinlang ng sinuman, binabalak ng mga tao na ilibing ang kanyang labi kung saan inililibing ang mga masasamang tao, at sa libingan ng isang mayamang tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pero kalooban ito ni Yahweh na siya ay mapahirapan at magdusa. Pero kung kayong mga tao ay isasaalang-alang ang kanyang kamatayan bilang isang handog para sa inyong sariling kasalanan, magiging pakinabang siya nang marami, sa maraming tao, para silang mga anak niya; mabubuhay siya nang matagal pagkatapos niyang mamatay at mabubuhay siya muli, at gaganapin niya lahat ng bagay na binalak ni Yahweh.
|
||
|
\v 11 Kapag nakikita niyang magaganap ang lahat dahil sa kanyang pagdurusa, siya ay masisiyahan. At dahil sa mga nangyari sa kanya, ang matuwid na lingkod ni Yahweh, ay tatapusin ang mga pagkakasala ng maraming tao, dahil papasanin niya ang bigat ng kanilang mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ibabahagi ni Yahweh sa maraming tao ang kaniyang mga nasamsam na nagmula sa napanalunan sa kaniyang mga kaaway. Ang kaniyang lingkod ay magiging parang isang hari na naghahati sa kaniyang mga nasamsam kasama ang kaniyang mga kawal, dahil inilalagay niya sa panganib ang kaniyang sarili sa kamatayan at sa katotohanan siya ay namatay. Kahit na itinuring siyang makasalanan ng mga tao, inalis niya ang pagkakasala ng maraming tao, at siya ay namagitan sa mga nakagawa ng mga bagay na hindi tama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 54
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi ni Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem, magsimula kayong umawit! Gaya kayo ng mga babaeng hindi pa nakaranas manganak, umawit nang malakas at sumigaw nang may kagalakan, dahil kayo, gaya ng mga babaeng walang anak na iniwan ng kanilang mga asawa, ay malapit nang magkaroon nang mas maraming anak kaysa sa mga babaeng hindi pa kailanman nagkaroon ng mga anak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Gawin ninyong mas malaki ang inyong mga tolda; gawin ninyo itong mas malawak, at itali silang mabuti sa pamamagitan ng mga tulos ng tolda.
|
||
|
\v 3 Kailangan ninyong palakihin ang inyong lungsod dahil kayo at ang inyong mga kaapu-apuhan ay kakalat sa buong lupain. Pipilitin nila ang mga mamamayan ng mga ibang bansa na umalis sa kinaroroonan nila, at makakapanirahan ka muli sa mga lungsod na dating nilisan ng mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Huwag kang matakot; hindi na kayo mapapahiya. Dati ay napahiya kayo dahil nilupig kayo ng inyong mga kaaway at nagdulot sa inyong bansa na maging kagaya ng isang balo, pero pagdating ng panahon hindi mo na rin ito maaalala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ako, si Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, Ang Banal ng Israel, na siyang naghahari sa buong daigdig, na siyang lumikha sa inyo, ay magiging parang isang asawa ninyo.
|
||
|
\v 6 Ang inyong bansa ay gaya ng isang babae na iniwan ng kaniyang asawa, at naging dahilan para kayo ay naging napakalungkot; gaya kayo ng isang babae na napakaagang nag-asawa at pagkatapos ay pinabayaan siya ng kaniyang asawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kayong mga mamamayan ng Israel ay saglit kong pinabayaan, pero ngayon ay sinasabi ko, "Kukunin ko kayo muli.'
|
||
|
\v 8 Labis akong nagalit sa inyo pansamantala, at tinalikuran ko kayo. Pero maaawa ako sa inyo at buong katapatan ko kayong mamahalin magpakailanman. Ganito ako, si Yahweh, ang inyong tagapagligtas, ito ang sinasabi ko sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Sa panahon nang nabubuhay si Noe, mataimtim kong ipinangako na hindi ko na muling papayagan na babahain ang buong daigdig. Kaya ngayon taimtim kong ipinapangako na hindi ko na kayo pagagalitan o sasawayin.
|
||
|
\v 10 Kahit na ang mga bundok at mga burol ay mayanig at gumuho, hindi ako titigil na mahalin kayo nang buong katapatan, at hindi ko babawiin ang aking tipan na magiging dahilan para ang mga bagay ay maging maayos para sa inyo. Ako, si Yahweh, na maawain ang nagsasabi nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kayong mga mamamayan ng Jerusalem, labis kayong pinagmalupitan ng inyong mga kaaway; ang inyong lungsod ay para itong hinampas ng matinding bagyo, at walang sinumang tumulong sa inyo. Pero ngayon ay idudulot kong itayo muli ang inyong lungsod sa pamamagitan ng mga bato na gawa sa turkisa, at idudulot ko na ang mga pundasyon ng lungsod ay magiging gawa sa mga safiro.
|
||
|
\v 12 Idudulot ko na ang mga tore sa ibabaw ng mga pader ng lungsod ay magiging gawa sa rubi, at lahat ng mga tarangkahan at mga pader na nasa labas ng lungsod ay magiging gawa din ng mga mamahaling bato.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ako ang magtuturo sa inyong mga tao at magdudulot para bumuti ang inyong kalagayan.
|
||
|
\v 14 Ang inyong pamahalaan ay magiging malakas at gaganap ito nang may katarungan; Wala nang mang-aapi sa inyo; hindi kayo matatakot, dahil walang makakalapit sa inyo na para kayo ay matakot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Kung sinasalakay kayo ng anumang hukbo, hindi ito mangyayari dahil ibinuyo ko sila na gawin iyon, at tatalunin ninyo ang sinuman na lulusob sa inyo.
|
||
|
\v 16 Isipin ninyo ang tungkol dito: Pinapaypayan ng mga panday ang mga uling para tumindi ang init ng nagniningas na apoy para makagawa ng mga sandata para magamit sa labanan, pero ako ang mismong gumawa ng mga panday! At ako rin ang lumikha sa mga taong magwawasak sa ibang tao at mga lungsod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Hindi kayo tatalunin ng mga sundalo na gumagamit ng mga sandata na ginawa para lusubin kayo, at kapag inaakusahan kayo ng iba, patutunayan ninyo na sila ay mali, at hahatulan ninyo sila ng kaparusahan. Iyon ang gantimpala sa mga taong naglilingkod kay Yahweh. Ipagtatanggol ko sila at ipakita sa bawat isa na nararapat sa kanila na ako ay pagkatiwalaan; ako si Yahweh, iyon ang aking ipinapangako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 55
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Lumapit kayo! Lahat kayong mamamayan na nasa pagkakatapon, at pakinggan ninyo ako! Kung kayo ay nauuhaw, ngayon na ang oras para lumapit kayo sa akin at kunin ang inyong tubig! Kayong mga walang pera ngayon, maari kayong lumapit at bumili ng alak at gatas mula sa akin, ang pinakamainam na alak at ang pinakamasarap na gatas! Maaari kayong kumuha ng pangangailangan ninyo sa akin, at mabibili ninyo ito sa akin ngayon! Mabibili ninyo ito kahit wala kayong pera, at kahit wala kayong kakayanang bilhin ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Bakit ninyo ginagastos ang pera para bumili ng mga bagay na hindi naman talaga tumutustos sa inyong mga pangangailangan? Bakit kayo nagpapakahirap sa trabaho para makakuha ng pera para bumili ng mga bagay na hindi naman tunay na nakakasiya sa inyo? Bigyang pansin ang aking sinasabi at angkinin kung ano ang mabuti! Kung lumapit kayo sa akin, sa gayon sa inyong puso ay lubos kayong magiging masaya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Makinig kayo at lumapit sa akin; pansinin ninyo ako, at kung iyon ay ginawa ninyo, magkakaroon kayo ng isang panibagong buhay. Gagawa ako ng isang tipan sa inyo na walang katapusan para mamahalin ko kayo ng buong katapatan gaya ng pagmamahal ko kay Haring David.
|
||
|
\v 4 Sa kanyang ginawa, ipinakita ko ang aking kapangyarihan sa maraming grupo ng tao; Idinulot ko silang maging pinuno at tagapag-utos sa mga mamamayan ng maraming mga bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 At katulad nito, ipapatawag ninyo ang mga mamamayan ng ibang mga bansa para pumunta sa inyo, mga bansa na hindi pa ninyo naririnig noon, at hindi rin nila naririnig ang tungkol sa inyo; at agad silang pupunta sa inyo dahil narinig nila na Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos, Ang Banal ng Israel, na nagparangal sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Hanapin para makilala si Yahweh habang maaari pa ninyong magawa ito; tumawag kay Yahweh habang siya ay malapit pa!
|
||
|
\v 7 Dapat iwanan ng mga masasamang tao ang kanilang masasamang pag-uugali, at dapat itigil ng mga masasamang tao ang mag-isip ng masama. Dapat silang magbalik-loob kay Yahweh, at kung ginawa nila ito, maaawa siya sa kanila; dapat silang magbalik-loob kay Yahweh, ang kanilang Diyos, dahil ganap silang papatawarin sa lahat ng masasamang mga bagay na kanilang nagawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ipinapahayag ni Yahweh na ang kaniyang iniisip ay hindi gaya ng inyong iniisip, at ang kaniyang ginagawa ay ibang-iba kaysa sa inyong ginagawa.
|
||
|
\v 9 Kagaya ninyong mga tao sa daigdig na hindi kailanman kayang abutin ang langit, ganoon din, ang mga ginagawa ni Yahweh ay hindi kailanman mauunawaan, kahit na maaari ninyong maunawaan ang mga bagay na inyong ginagawa; at kailanman ay hindi ninyo mauunawaan ang mga iniisip ni Yahweh, kahit na maaari ninyong maunawaan ang inyong iniisip.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pinapabagsak ni Yahweh ang ulan at niyebe mula sa himpapawid, at dinidilig ang kalupaan. Kapag nababasa ang lupa, nagiging dahilan ito para sumibol at tumubo ang mga halaman, sa pamamagitan nito ang resulta ay nakakalikha ang lupa ng buto para sa magsasaka para makapagtanim at magkaroon ng mga butil para makagawa ng harina para makagawa ng tinapay para kainin ng mga tao.
|
||
|
\v 11 At katulad nito, ang mga bagay na ipinangako kong gawin, dudulutin kong mangyari ito palagi; ang aking mga pangako ay palaging magkakatotoo. Tutuparin nila ang mga bagay kung kanino ko sila binigkas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ito ang dahilan kaya lilisanin ninyo ang Babilonia nang may kagalakan; magkakaroon kayo ng kapayapaan habang inilalabas kayo ni Yahweh. Ito ay magiging parang mga burol at mga bundok na buong kagalakang umaawit, at ang mga puno sa mga bukirin ay ipinapalakpak ang kanilang mga kamay.
|
||
|
\v 13 Sa halip na mga matitinik na halaman at mga dawag, mga puno ng pino at mga puno ng mirtel ang tutubo sa inyong lupain. Bilang resulta, higit na pararangalan ng mga tao si Yahweh; at ang mga ginagawa ni Yahweh ang magdudulot sa lahat para maalala ang kaniyang mga ipinangako, at sila ay magbibigay parangal sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 56
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinasabi ni Yahweh sa lahat ng mamamayan ng Juda, Gawin ninyo ang mga bagay na makatarungan at matuwid, dahil sa lalong madaling panahon ay darating ako para kayo ay iligtas. Malapit ko nang ipakita sa lahat na tama kayo sa pagtitiwala sa akin.
|
||
|
\v 2 Pagpapalain ko ang mga matapat na sumusunod sa aking mga kautusan tungkol sa mga Araw ng Pamamahinga. Pagpapalain ko ang mga nagpapanatiling banal ang mga Araw ng Pamamahinga, at mga hindi nagtatrabaho sa mga araw na iyon, at sa mga nagpipigil sa kanilang mga sarili na makagawa ng anumang masama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Hindi dapat sabihin ng mga dayuhang naniwala sa akin na, 'tiyak na hindi ako papayagan ni Yahweh na mapabilang sa kaniyang bayan.' At hindi dapat sabihin ng mga eunuko, ' pinapangit ako at wala akong kakayahang magkaroon ng mga anak, hindi ako maaaring mapabilang kay Yahweh; gaya ako ng isang puno na ganap nang natuyot.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Hindi dapat nilang sabihin iyon, dahil ako, si Yahweh, sinasabi ko sa mga eunuko na sumusunod sa aking mga kautusan tungkol sa Araw ng Pamamahinga, na pumili sa mga bagay na nakakalugod sa akin, at mga sumusunod sa ibang mga utos sa tipan na ginawa ko sa mga Israelita.
|
||
|
\v 5 Dudulutin ko ang mga tao na maglagay sa loob ng mga pader ng aking templo ng isang bantayog para sa kanila; dahil sa bantayog na iyon, pararangalan sila nang mas higit kaysa nagkaroon sila ng mga anak; pararangalan sila magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagpapalain ko rin ang mga hindi Israelita na nakibahagi sa akin, na naglingkod, at sumamba at nagmahal sa akin, at sumunod sa aking mga kautusan tungkol sa Araw ng Pamamahinga, at sila na buong katapatang sumunod sa lahat ng iba pang mga kautusan ng tipan na ginawa kong kasama ang mga Israelita.
|
||
|
\v 7 Dadalhin ko sila sa aking banal na burol sa Jerusalem, para maging dahilan upang sila ay magalak sa aking templo kung saan nananalangin ang mga tao sa akin, at tatanggapin ko ang kanilang mga handog na kanilang susunugin sa aking altar at iba pang mga handog na iaalay nila, dahil ang aking templo ay magiging isang gusali kung saan ang mga tao sa lahat ng mga bansa ay mananalangin sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ako, si Yahweh, ang Panginoon, ang siyang magbabalik sa mga mamamayan ng Israel na sapilitang pumunta sa ibang mga bansa, sinasabi ko ito: Ibabalik ko mula sa ibang mga bansa ang marami pang mga tao para makiisa sa mga Israelitang dinala ko pabalik".
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kayong mga bansa na nakapaligid na may mga hukbong gaya ng mga hayop sa gubat; halikayo at salakayin ang Israel!
|
||
|
\v 10 Ang mga pinuno ng mga Israelita ay dapat kagaya ng mga asong tagapagbantay para pangalagaan ang mga tao, pero para silang mga bulag. Wala silang naiintindihan. Silang lahat ay gaya ng mga aso na hindi makatahol. Ang magaling na asong tagapagbantay ay tumatahol kapag lumalapit ang mga taong hindi kilala, pero ang mga pinuno ng mga Israelita ay hindi nagbibigay ng babala sa mga tao na parating na ang kanilang mga kaaway. Sa halip, gusto lamang nilang humiga at matulog at managinip.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 At gaya sila ng mga matatakaw na aso; hindi nila kailanman makakamit ang lahat ng kanilang nais. Dapat sana nilang pamumunuan ang mga tao, gaya ng pamumuno ng mga mabuting pastol sa kanilang kawan, pero sila ay walang nalalaman, at ginagawa ng bawat isa sa kanila anuman ang nais nilang gawin. Sinasabi nila sa bawat isa,
|
||
|
\v 12 'Halikayo, pumunta tayo at kumuha ng ilang alak at iba pang mga inuming nakalalasing, at tayo ay magpakalasing! At bukas ay higit pa tayong masaya na mag-iinuman!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 57
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mamamatay ang mga matutuwid na tao, at walang sinuman na nag-aalala tungkol dito. Ang taong maka-diyos ay mamamatay, at walang sinumang nakakaunawa kung bakit. Kinukuha sila ng Diyos para hindi na nila mapagtiisan ang maraming kalamidad,
|
||
|
\v 2 at ngayon ay mayroon silang kapayapaan. Sila ay nabuhay nang matuwid, at ngayon ay nagpapahinga sila nang may kapayapaan sa kanilang mga libingan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinasabi ni Yahweh, "Ngunit kayong mga nagsasagawa ng pangkukulam, lumapit kayo rito! Kayong mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, makinig kayo sa akin!
|
||
|
\v 4 Naiintindihan ba ninyo kung sino ang inyong tinutuya, at kung sino ang inyong nilalait? Naiiintindihan ba ninyo kung bakit kayo nandidila? Iniinsulto ninyo ako, ako si Yahweh! Palagi kayong naghihimagsik laban sa akin at lagi kayong nagsisinungaling, gaya ng inyong mga ninuno.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Sabik kayong matulog na magkasama sa ilalim ng bawat mataas at luntiang puno kung saan ninyo sinasamba ang inyong mga diyos. Pinapatay ninyo ang inyong mga anak bilang alay sa inyong mga diyus-diyosan sa ilalim ng mga tuyong ilog, at inihahandog sila bilang alay sa inyong mga diyus-diyosan sa loob ng mga mababatong kuweba.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kumukuha kayo ng malalaking batong makinis mula sa mga tuyong ilog at sinasamba ninyo sila bilang mga diyos. Buhusan ninyo ng alak para maging alay sa kanila, at nagdadala kayo ng mga butil para sunugin at maging alay sa kanila. Iniisip ba ninyo na nasisiyahan ako sa mga ganoong mga bagay?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sumisiping kayo sa mga bayarang babae ng mga diyus-diyosan sa bawat burol at bundok, at pumupunta kayo doon para maghandog ng mga alay sa inyong mga diyos.
|
||
|
\v 8 Naglalagay kayo ng mga anting-anting sa likod ng inyong mga pintuan at mga haligi, at nilayasan ninyo ako. Hinubad ninyo ang inyong mga kasuotan at pumanhik sa inyong kama, at hinikayat pa ang inyong maraming mangingibig na inyong binayaran para sumiping sa inyo, at pinagmasdan ninyo ang kanilang mga maseselang bahagi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Nagbibigay kayo ng mga mababangong langis at maraming mga pabango sa mga hari, at nagpadala kayo ng mga kinatawan sa malalayong mga bansa para maghanap ng ibang mga diyos para sambahin. Sinubukan pa ninyong magpadala ng mga mensahero sa lugar ng mga patay para maghanap ng mga bagong diyos.
|
||
|
\v 10 Napagod kayo dahil sa paggawa nang mga bagay na iyon, pero hindi ninyo kailanman sinabi,' Walang kabuluhan para gawin natin iyon. Nakatagpo kayo ng panibangong lakas para sumamba sa diyus-diyosan, kaya nagpatuloy kayo na gawin ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Dahil ba mas natatakot kayo sa mga diyus-diyosan nang mas higit kaysa sa takot ninyo sa akin na nagsinungaling kayo sa inyong mga ginagawa, na hindi man lamang ninyo naisip ang tungkol sa akin? Dahil ba hindi ko kayo pinarusahan nang matagal na panahon ay hindi na kayo takot sa akin?
|
||
|
\v 12 Iniisip ninyo na ang mga bagay na nagawa ninyo ay tama, pero sasabihin ko sa inyo ang totoo: Hindi ito makakatulong sa inyo para gawin ang mga bagay na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kapag tumatawag kayo para humingi ng tulong sa mga naipon ninyong mga diyus-diyosan, hindi kayo sasagipin ng mga iyon. Iihipan sila ng hangin palayo; tatangayin silang lahat ng isang hininga. Pero ang mga nagtitiwala sa akin ay maninirahan sa lupain ng Israel, at sasambahin nila ako sa Sion, ang aking banal na burol."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Sasabihin sa inyo ni Yahweh, "Ihanda ninyo ang inyong mga sarili para tanggapin ako, gaya ng mga taong nagtatayo at naghahanda ng daan para sa isang hari na darating. Alisin ang mga bagay na nagiging dahilan para kayo magkasala.
|
||
|
\v 15 Dahil ito ang aking sasabihin--Ako, si Yahweh, na siyang banal, na higit na pinaparangalan kaysa kaninuman, at nabubuhay magpakailanman; Ako ay nananahan sa pinakamataas na langit, kung saan ang lahat ng bagay ay banal, pero naroon din ako kasama ng mga mapagpakumbaba at pinagsisisihan ang mga makasalanang bagay na kanilang nagawa. Labis kong pinapalakas ang loob ng mga nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Hindi ko paparatangan ang mga tao nang walang hanggan. Hindi ako palaging magagalit sa kanila, dahil kung ginawa ko iyon, manghihina ang mga tao; lahat ng tao na aking nilikha at dinulot na mabuhay ay mamamatay.
|
||
|
\v 17 Nagalit ako sa aking bayan dahil sila ay nagkasala sa pamamagitan ng marahas na pagkuha sa pag-aari ng iba. Dahil ako ay nagalit, pinarusahan at tumalikod ako sa kanila, pero patuloy silang nagkakasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Nakita ko ang mga masasamang bagay na patuloy nilang ginagawa, pero ibabalik ko sila sa dati nilang kalagayan at pamumunuan ko sila. Palalakasin ko ang kanilang loob. Para naman sa mga nagluluksa,
|
||
|
\v 19 hihimukin ko silang umawit para magpuri sa akin. Ibabalik ko sa dating kalagayan ang aking bayan, ang mga namumuhay na malapit sa Jerusalem at ang mga nakatira sa malayo, at idudulot kong maging maayos ang mga bagay bagay para sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Walang kapayapaan ang masasamang tao sa kanilang kaloob-looban; para silang isang dagat na ang kanyang mga alon ay humahalukay ng putik,
|
||
|
\v 21 at ako, si Yahweh, nagsasabi na hindi kailanman magiging maayos ang kalagayan ng mga masasama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 58
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Sumigaw ka ng malakas! Sumigaw ka tulad ng isang malakas na trumpeta! Sumigaw ka para balaan ang aking bayang Israel tungkol sa kanilang mga kasalanan!
|
||
|
\v 2 Sinasamba nila ako araw-araw; pumupunta sila sa aking templo dahil sinasabi nila na nasasabik sila para malaman kung ano ang nais kong gawin nila. Sila ay kumikilos na parang sila ay isang bansa na gumagawa ng mga bagay na matuwid, na hindi kailanman tatalikod sa aking mga utos, na kanilang Diyos. Hinihiling nila sa akin na magpasya ng mga bagay na makatarungan, at nasisiyahan silang sambahin ako.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinasabi nila, "Kami ay nag-ayuno para malugod ka, pero hindi mo pinansin ang aming ginagawa. Nagpakumbaba kami, pero hindi mo binigyan ng anumang pansin!" Sasabihin ko sa inyo kung bakit hindi ako nagbigay ng pansin. Ito ay dahil kapag nag-aayuno kayo, ginagawa ninyo lamang iyon para sa inyong kasiyahan, at pinagmamalupitan ninyo ang lahat ng inyong mga manggagawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Nag-aayuno kayo, pero nag-aaway at naglalaban-laban din kayo sa isa't-isa sa pamamagitan ng inyong mga kamao. Ang gumagawa ng mga bagay na ganoon habang kayo ay nag-aayuno ay tiyak na magiging dahilan para hindi ko pakinggan ang inyong mga panalangin kung saan ako naroroon, sa kaitaasan ng langit.
|
||
|
\v 5 Niyuyuko ninyo ang inyong mga ulo tulad ng dulo ng mga tambo na bumabaluktot kapag umiihip ang hangin, at nagsusuot kayo ng mga magaspang na kasuotan at tinatakpan ninyo ng mga abo ang inyong mga ulo tulad ng ginagawa ng mga tao kapag sila ay nagluluksa. Ganyan ang ginagawa ninyo kapag kayo ay nag-aayuno, pero akala ba ninyo ako ay talagang nalulugod sa ganyan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Hindi, ganyang uri ng pag-aayuno ang ninanais ko. Sa halip dapat kayong maghangad para palayain ang mga nabilanggo ng walang katarungan, at himukin ang mga pinagmamalupitan; at tulungan ang mga naaapi sa anumang paraan.
|
||
|
\v 7 Ibahagi ninyo ang inyong pagkain sa mga nagugutom at pahintulutan ang mga walang matuluyan na tumira sa inyong mga bahay. Magbigay kayo ng mga damit sa mga nakahubad, at huwag ninyong pagtaguan ang inyong mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong mula sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kung gagawin ninyo ang mga bagay na iyon, ang ginagawa ninyo sa iba ay magiging tulad ng isang liwanag kapag nagbubukang-liwayway. Ang mga kaguluhan na dinulot ng inyong mga kasalanan ay magwawakas agad. Malalaman ng iba ang tungkol sa inyong matuwid na pag-uugali, at ang maluwalhating presensiya ni Yahweh ang mangangalaga sa inyo mula sa inyong likuran tulad ng pangangalaga ko sa bayang Israel noong umalis sila sa Egipto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pagkatapos kayo ay tatawag sa akin, at ako ay tutugon agad at magsasabi, "Ako ay naririto para tulungan kayo." Tigilan ang pang-aapi sa mga tao; tigilan ang pagpaparatang ng kasinungalingan sa mga tao; at tigilan ang mga masasamang bagay na sinasabi tungkol sa mga tao.
|
||
|
\v 10 Magbigay kayo ng pagkain sa mga nagugutom, at magbigay kayo sa mga tao na naghihirap sa mga bagay na kailangan nila. Ang ginagawa ninyong iyan ay magiging tulad ng isang ilaw na nagliliwanag sa kadiliman; sa halip na gumagawa ng masama sa mga tao, ang mga mabubuting bagay na ginagawa ninyo para sa mga tao ay magiging tulad ng pagsikat ng araw sa katanghalian tapat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Palagi kayong papatnubayan ni Yahweh, at bibigyan niya kayo ng mga mabubuting bagay para kayo ay masiyahan. Pananatilihin niya kayong malakas at malusog. Kayo ay magiging tulad ng isang harding nadiligang mabuti, tulad ng isang batis na hindi na matutuyuan kailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Muling itatayo ng inyong bayan ang mga lungsod na nasira noon; sila ay magtatayo ng mga tirahan sa tuktok ng mga dating pundasyon. Sasabihin ng mga tao na kayo ang nagsasaayos ng mga butas sa mga pader ng lungsod, at nagsasaayos ng mga lansangan kung saan nakatira ang mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Huwag maglalakbay sa mga Araw ng Pamamahinga, at sa mga Araw ng Pamamahinga huwag lamang ninyong gagawin ang mga bagay na ikinasisiya ninyong gawin. Tangkilikin ang mga Araw ng Pamamahinga, at sila ay ituring na kasiya-siya. Ang mga Araw ng Pamamahinga ay mga araw ng aking kabanalan. Parangalan ako, si Yahweh, sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo sa mga araw ng Pamamahinga. Huwag pag-uusapan ang tungkol at gagawin na mga bagay para bigyang-lugod ang inyong sarili. Kung gagawin ninyo ang lahat ng kasasabi ko lang ngayon,
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Hahayaan ko kayong maging masaya. Lubos ko kayong pararangalan; ito ay magiging parang kayo ay kasama kong nakasakay sa ibabaw ng pinakamataas na mga bundok! Ibibigay ko sa inyo ang mga pagpapala na ibinigay ko sa inyong ninunong si Jacob. Tiyak na mangyayari ang mga bagay na iyon dahil, Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 59
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Makinig dito! Ang kapangyarihan ni Yahweh ay hindi napakaliit para kayo ay sagipin. Hindi siya naging bingi; kayo ay naririnig pa rin niya kapag kayo ay tumatawag sa kaniya para tulungan.
|
||
|
\v 2 Pero hiniwalay ninyo ang inyong mga sarili mula sa inyong Diyos sa pamamagitan ng mga kasalanan na inyong ginawa. Dahil sa inyong mga kasalanan, tumalikod siya mula sa inyo, na nagbubunga ng hindi niya pagbigay-pansin sa kung ano ang inyong hinihiling na kaniyang gawin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Gumagawa kayo ng mga mararahas na bagay sa iba, na humantong sa pagkabahid ng inyong mga kamay ng kanilang dugo. Kayo ay patuloy na nagsasabi ng mga kasinungalingan, at kayo ay nagsasalita ng mga masasamang bagay tungkol sa iba.
|
||
|
\v 4 Kapag pinaratangan ninyo ang isang tao sa hukuman, hindi patas ang sinasabi ninyo at hindi ito totoo. Kayo ay nagpaparatang ng mali sa mga tao; kayo ay umaasa sa mga kasinungalingan na sinasabi ninyo. Kayo ay patuloy na nagbabalak para magdulot ng kaguluhan sa iba, at pagkatapos ginagawa ninyo ang mga masasamang bagay na inyong binalak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kung ano ang binabalak ninyong gagawin para manakit ng mga tao ay tulad ng mga nangingitlog na makamandag na ahas, tulad ito ng isang sapot ng gagamba na nanghuhuli ng kaniyang mabibiktima. Ang mga ulupong ay magpipisa mula sa mga itlog na iyon, at mahuhulog ang ang mga insekto sa sapot ng gagamba.
|
||
|
\v 6 Hindi ninyo maitatago ang mga masasamang gawain na nagawa ninyo. Kayo ay patuloy na kumikilos ng marahas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Napakabilis ninyong pumunta at gawin ang mga masasamang gawain, at kayo ay nagmamadaling pumatay ng mga taong walang kasalanan. Kayo ay palaging nag-iisip tungkol sa paggawa ng kasalanan. Kahit saan kayo magpunta, sinisira ninyo ang mga bagay at nagdududlot sa mga tao para magdusa.
|
||
|
\v 8 Hindi ninyo nalalaman kung paano kumilos ng mapayapa o pakitunguhan ang iba ng patas. Kayo ay palaging nanloloko, at ang mga gumagaya ng inyong pag-uugali ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang kapayapaan sa kanilang sarili.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Dahil diyan, hindi kami ililigtas ng Diyos mula sa aming mga kaaway, tila hindi siya kumikilos ng patas sa amin. Kami ay umaasa sa Diyos para bigyan kami ng liwanag, pero lahat ng ibinibigay niya sa amin ay kadiliman.
|
||
|
\v 10 Kami ay tulad ng mga bulag na nangangapa sa pader para makalakad kahit saan. Kami ay natitisod at napapatid sa katanghaliang tapat tulad ng dati kapag madilim. Kami ay tulad ng mga patay sa gitna ng mga malusog na mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kami ay umuungal tulad ng mga nagugutom na oso; kami ay patuloy na dumaraing tulad ng mga kalapati. Hinihingi namin sa Diyos na gawin kung ano ang makatarungan, pero walang nangyayari. Nais naming iligtas kami ng Diyos, pero tila siya ay malayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pero ang mga bagay na ito ay nangyayari dahil tila nagpatong-patong na ang aming mga kasalanan sa harap ng Diyos, at sila ang nagpapatotoo laban sa amin. Hindi namin kinakaila ito; nalalaman namin na kami ay nakagawa ng maraming mga maling bagay.
|
||
|
\v 13 Nalalaman namin na kami ay nagrebelde laban kay Yahweh; Kami ay tumalikod mula sa kaniya. Kami ay nang-aapi ng mga tao sa pamamagitan ng aming pinatotoo laban sa kanila; hindi namin sila pinahihintulutan kunin kung ano ang karapatan nilang makuha. Iniisip namin ang tungkol sa mga kasinungalingan na maaari naming sasabihin sa kanila, at saka namin sasabihin sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Sa aming mga hukuman, ang mga hukom ay hindi nagpapasya ng patas sa mga kaso; walang isa man ang kumikilos ng matuwid. Sa mga liwasan kung saan ang mga tao ay sama-samang nagtitipon, walang isa man ang nagsasabi ng katotohanan; tila hindi pinahintulutan ang mga tao para sabihin kung ano ang tutoo.
|
||
|
\v 15 Wala isa man ang nagsasabi ng katotohanan, at pinipilit ng mga tao na wasakin ang mga dangal ng mga tumatanggi sa paggawa ng masama. Si Yahweh ay nagmasid sa paligid, at nakita niya na walang isa man ang gumagawa kung ano ang makatarungan; siya ay lubhang nagalit.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Siya ay nayamot nang makita niyang walang sumubok isa man para tulungan ang mga pinakikitunguhan ng malupit. Kaya ginamit niya ang kaniyang sariling kapangyarihan para iligtas sila; ito ay dahil lagi siyang matuwid na ginawa niya iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ito ay para siyang isang sundalo na isinusuot ang kaniyang baluti at isang helmet; ang patuloy niyang paggawa kung ano ang tama ay tulad ng kaniyang baluti, at ang kaniyang kakayahan para iligtas ang mga tao ay tulad ng kaniyang helmet. Ang kaniyang pagiging labis na pagkagalit at pagiging handa niya para gumanti sa mga gumagawa ng masama ay tulad ng kaniyang mga balabal.
|
||
|
\v 18 Pagbabayarin niya ang kaniyang mga kaaway sa mga bagay na nagawa nila. Lubha niyang parurusahan kahit na ang mga naninirahan sa malayo mula sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kapag nangyari iyon, ang mga tao sa lahat ng dako, mula sa silangan hanggang kanluran, ay igagalang at pararangalan si Yahweh, dahil siya ay darating tulad ng isang rumaragasang ilog na itinutulak ng malakas na hangin na ipinadala ni Yahweh.
|
||
|
\v 20 At sinasabi ni Yahweh na siya ay darating sa Jerusalem para palayain ang kaniyang bayan; siya ay darating para sagipin ang mga nasa Juda na tumigil ng gumagawa ng mga makasalanang bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ito ang sinasabi ni Yahweh sa kaniyang bayan: "Ito ang tipan na gagawin ko sa inyo: Hindi kayo iiwanan ng aking Espiritu, at laging nasa inyo ang aking mensahe. Maipapahayag ninyo ito, at ang inyong mga anak at apo ay maipapahayag ito magpakailanman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 60
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kayong bayan ng Jerusalem, tumayo kayo! Si Yahweh ay may nagawang mga maluwalhating bagay sa inyo, at siya ay makapangyarihang kumilos para sa inyo; kaya ipakita sa iba na siya ay napakadakila!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Pero natakpan ng espirituwal na kadiliman ang lahat ng ibang pangkat ng tao sa daigdig, ganap na kadiliman, pero ipakikita ni Yahweh kung gaano siya kadakila, at makikita rin ito ng ibang tao.
|
||
|
\v 3 Ang mga tao ng lahat ng mga pangkat ng tao ay makikita na siya ay napakadakila sa pamamagitan ng kung ano ang nakikitang nagawa niya sa inyo, at ang mga hari ay darating para makita ang mga kamangha-manghang bagay na nangyari sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sinasabi ni Yahweh, "Pagmasdan ang kapaligiran, at makikita ninyo ang mga tao na bumabalik mula sa pagkakatapon! Ang inyong mga anak na lalaki ay darating mula sa malayong mga bansa; bubuhatin ng iba ang inyong mga maliliit na anak na babae sa inyong tahanan.
|
||
|
\v 5 Kapag nakita ninyong nangyayari ito, kayo ay lubos na magagalak sa inyong mga kaloob-looban, dahil magdadala ng mga mahahalagang kalakal ang mga tao para sa inyo mula sa lahat ng paligid ng daigdig. Sila ay magdadala ng mga mahahalagang bagay mula sa maraming bansa sa pamamagitan ng mga barko.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ang mga tao ay magdadala rin ng mga mahahalagang kalakal sa inyo sa mga kawan ng kamelyo: mga kamelyo mula sa mga lugar ng Midian at Efa ng hilagang Arabya. at mula sa Seba ng timog Arabya sila ay darating, magdadala ng ginto at kamanyang; silang lahat ay darating para papurihan akong, si Yahweh.
|
||
|
\v 7 Sila ay magdadala ng mga kawan ng tupa at kambing mula sa Kedar sa hilagang Arabya at ibibigay nila sa inyo. Sila ay magdadala ng mga lalaking tupa mula sa Nebaioth sa inyo para ihandog sa aking mga altar, at buong kagalakan ko silang tatanggapin. Sa panahon na iyon idudulot ko na palamutian nang napakaganda ang aking templo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 At ano ang mga bagay na iyon na matulin na kumikilos tulad ng mga ulap? Sila ay nahahawig sa mga kalapati na bumabalik sa kanilang mga pugad.
|
||
|
\v 9 Pero sila ay talagang mga barko mula sa Tarsis na nagdadala sa inyong mga kababayan pabalik dito. Kapag dumating ang inyong kababayan, dadalhin nila sa kanila ang lahat ng mga mahahalagang ari-arian na kanilang nakuha, at iyon ay kanilang gagawin para parangalan akong, si Yahweh, na inyong Diyos, ang Banal ng Israel, dahil ako ay lubos na magpaparangal sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ang mga dayuhan ay darating at muling itatayo ang mga pader ng inyong mga lungsod, at ang kanilang mga hari ay maglilingkod sa inyo. Kahit kayo ay pinarusahan ko dahil nagalit ako sa inyo, ang mga bagay na ito ay mangyayari ngayon dahil ako ay kikilos ng may habag sa inyo dahil ako ay mabuti.
|
||
|
\v 11 Ang mga tarangkahan ng inyong mga lungsod ay magbubukas sa araw at sa gabi rin, sa gayon madadala ng mga tao ang mga mahahalagang bagay sa inyong mga lungsod mula sa maraming mga bansa, kasama ang kanilang mga hari na dadalhin sa inyo sa pamamagitan ng mga prusisyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 At ang mga kaharian at bansa na ang mga tao ay tumatanggi para pahintulutan kayong pamahalaan sila ay lubusang mapupuksa.
|
||
|
\v 13 Ang mga bagay na maluwalhati sa Lebanon ay dadalhin sa inyo-- tabla mula sa mga puno ng saypres at ng pir at puno ng pino-- para magamit na pagandahin ang aking templo. Kapag natapos iyon, ang aking templo ay tunay na magiging maluwalhati!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Ang mga kaapu-apuhan ng mga umapi sa inyo ay darating at yuyukod sa inyo; ang mga humamak sa inyo ay magpapatirapa sa harapan ng inyong mga paa. Sasabihin nila na ang inyong mga lungsod sa Bundok ng Sion ay ang lungsod ni Yahweh, kung saan nananahan ang Banal ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Dati kayo ay kinapootan at hindi pinansin ng lahat, pero ngayon magiging marilag ang inyong lungsod magpakailanman; at idudulot kong maging masaya kayo magpakailanman.
|
||
|
\v 16 Ang mga tao sa lahat ng mga bansa at ang kanilang mga hari ay masayang magdadala ng kanilang kayamanan sa inyo. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyong totoong ako si Yahweh, ang nagliligtas at sumasagip sa inyo mula sa inyong mga kaaway, at ako ang tanging makapangyarihan kung saan kayong bayang Israelita ay kabilang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sa halip na mga metal na hindi mahalaga, tulad ng tanso at bakal, magdadala ako sa inyo ng pilak at ginto. Sa halip na kahoy at mga bato, magdadala ako sa inyo ng tanso at bakal para sa inyong mga gusali. Magkakaroon ng kapayapaan sa inyong bayan, at gagawin ng inyong mga tagapamahala kung ano ang makatarungan.
|
||
|
\v 18 Ang mga tao sa inyong bayan ay hindi na kailanman kikilos ng marahas, at hindi na kailanman wawasakin ng mga tao ang inyong lupain at palalayasin kayo mula dito. Ang mga tao sa lungsod ay magiging ligtas, at ang lahat ng naroroon ay magpupuri sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 At hindi na kailanman ninyo kakailanganin ang araw at buwan para bigyan kayo ng liwanag, dahil akong, si Yahweh, ang magbibigay sa inyo ng higit na liwanag kasya sa araw at buwan; Ako ay magiging isang liwanag na maluwalhati para sa inyo magpakailanman.
|
||
|
\v 20 Magiging para itong araw at buwan na laging magniningning, dahil akong, si Yahweh, ay magiging isang walang hanggang liwanag para sa inyo. Hindi na kailanman kayo muling malulungkot dahil sa mga bagay na nangyayari sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ang lahat ng inyong kababayan ay magiging matuwid, at sasakupin nila ang lupain magpakailanman, dahil ako mismo ang naglagay sa inyo doon tulad ng mga tao na nagtatanim ng mga puno para maipakita ninyo sa iba na ako ay napakadakila.
|
||
|
\v 22 Sa panahon na iyon, ang mga pangkat na napakaliit ngayon ay magiging napakalaking mga angkan, at ang mga maliliit na mga angkan ay magiging mga dakilang bansa. Lahat ng mga bagay na iyon ay mangyayari dahil, Akong, si Yahweh, ang magdudulot para mangyari ang mga iyon sa tamang panahon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 61
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ang Espiritu ni Yahweh ay sumasaakin; hinirang niya ako para magdala ng mabuting balita sa mga naaapi, para aliwin ang mga nanghihina ang loob, at para palayain ang lahat na parang nakagapos sa pamamagitan ng mga maling bagay na lagi nilang ginagawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Ipinadala niya ako para sabihin sa mga nagluluksa na ngayon ang panahon na kikilos ng mabuti si Yahweh sa kaniyang bayan; ngayon ang panahon na ang aming Diyos ay maghihiganti sa kanilang mga kaaway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sa lahat ng mga taga Jerusalem na nagluluksa, magbibigay siya ng mga magagandang bagay para isuot sa kanilang mga ulo sa halip na mga abo ang kanilang ilagay sa kanilang mga ulo para ipakita na sila ay malungkot; magdudulot siya ng kagalakan sa kanila sa halip na maging malungkot; hahayaan niya silang maging masaya sa halip na maging mahina ang loob. Tatawagin silang ang "mga tao na laging gumagawa kung ano ang tama, mga tao na tulad ng matataas na puno na itinanim ni Yahweh" para ipakita sa iba na napakadakila niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ang mga bumabalik mula sa Babilonia ay muling itatayo ang mga lungsod na winasak ng mga sundalo mula sa Babilonia. Kahit na ang mga lungsod na iyon ay winasak at pinabayaan ng maraming panahon, sila ay panunumbalikin.
|
||
|
\v 5 Ang mga dayuhan ang mag-aalaga ng inyong mga kawan ng tupa at kambing, at magbubungkal ng inyong mga bukid at mag-aalaga ng inyong mga halamang ubas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pero kayo ang magiging tulad ng mga pari para paglingkuran si Yahweh, para gumawa para sa Diyos. Masisiyahan kayo sa mga mahahalagang kalakal na dinadala mula sa ibang mga bansa, at kayo ay magiging masaya na naging inyo ang mga bagay na iyon.
|
||
|
\v 7 Dati kayo ay hinihiya at siniraang-puri, pero ngayon kayo ay magkakaroon ng labis na mga pagpapala; dati kayo ay hinahamak ng mga kaaway, pero ngayon kayo ay magkakaroon ng maraming mabubuting mga bagay; kayo ay magiging masaya dahil muli kayong makakabalik sa inyong lupain, at magagalak magpakailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ako, si Yahweh, ay lubos na nalulugod sa mga patas na nagpapasya ng mga bagay; Ako ay namumuhi sa mga labag na kumukuha ng mga bagay mula sa ibang mga tao. Tiyak na ipaghihiganti ko ang aking bayan sa lahat ng kanilang pinagdusahan sa nakaraan. At gagawa ako ng isang walang hanggang kasunduan sa kanila.
|
||
|
\v 9 Ang kanilang mga kaapu-apuhan ay pararangalan ng mga tao ng ibang mga bansa. Malalaman ng lahat ng makakakita sa kanila na sila ay isang bayan na Ako, si Yahweh, ang nagpala."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ako ay labis na nagagalak dahil sa nagawa ni Yahweh! Ako ay masaya, dahil ako ay niligtas niya at ipinahayag na ako ay matuwid; ang mga pagpapalang iyon ay tulad ng isang balabal na inilagay niya sa akin. Ako ay kasing saya tulad ng isang lalaking ikakasal na nasa kaniyang mga kasuotang pangkasal, o isang babaeng ikakasal na suot ang mga hiyas.
|
||
|
\v 11 Tulad lamang ng mga butong itinanim sa isang hardin na sumisibol mula sa lupa at lumalaki, Si Yahweh na aming Diyos ay magdudulot sa mga tao sa lahat ng bansa para kumilos ng matuwid, na magbubunga ng pagpuri sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 62
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Dahil ako ay nagmamalasakit tungkol sa bayan ng Jerusalem, gagawa ako ng paraan para tulungan sila. Hindi ako titigil sa pananalangin hanggang sila ay maligtas mula sa mga nang-aapi sa kanila, hanggang maging maliwanag sa bawa't-isa tulad ng bukang-liwayway tuwing umaga, hanggang makita ito ng mga tao na kasing linaw tulad ng nakikita nilang isang sulo na nagliliwanag sa gabi.
|
||
|
\v 2 Balang araw malalaman ng mga tao sa maraming bansa na iniligtas kayo ni Yahweh, kaniyang bayan. Makikita ng kanilang mga hari na ang inyong mga lungsod ay napakadakila. At bibigyan ni Yahweh ng bagong pangalan ang inyong lungsod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Magiging tila itinataas kayo ni Yahweh para kayo ay makita ng lahat. Sa ilalim ng kaniyang kapangyarihan kayo ay magiging tulad ng isang korona na suot ng isang hari.
|
||
|
\v 4 Ang inyong lungsod ay hindi na kailanman muling tatawaging "ang pinabayaang lungsod;" at ang inyong bansa ay hindi na kailanman muling tatawaging "ang nawasak na lupain;" ito ay tatawaging "ang lupaing kinaluluguran ni Yahweh," at tatawagin din itong "ikinasal kay Yahweh." Ganun ang itatawag dahil nalulugod si Yahweh sa inyo, at ito ay parang kayo ang kaniyang magiging asawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kayong bayan ay maninirahan sa buong bansa ng Juda tulad ng isang binatang kasama ang kaniyang babaeng pinakasalan. At ang aming Diyos ay magiging masaya na kabilang kayo sa kaniya, tulad ng isang lalaking ikinasal na masaya na pag-aari niya ang kaniyang babaeng pinakasalan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kayong bayan ng Jerusalem, Naglagay ako ng mga bantay sa inyong mga pader; sila ay maalab na nananalangin kay Yahweh araw at gabi. Kayong mga bantay, hindi kayo dapat tumitigil sa pananalangin at pagpapaalala kay Yahweh ang tungkol sa kung ano ang kaniyang ipanangakong gawin niya.
|
||
|
\v 7 At sabihin kay Yahweh na hindi siya dapat magpahinga hanggang makapagdudulot siya sa Jerusalem na maging isang tanyag na lungsod at hinahangaan sa buong daigdig?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Itinaas ni Yahweh ang kaniyang kanang kamay para mataimtim na mangako sa bayan ng Jerusalem: "Gagamitin ko ang aking kapangyarihan at hindi na kailanman muling pahihintulutan na talunin kayo ng inyong mga kaaway; ang mga sundalo buhat sa ibang mga bansa ay hindi na kailanman muling darating para nakawin ang inyong butil at ang alak na inyong pinaghirapang gawin.
|
||
|
\v 9 Kayo mismo ang magpapalaki ng butil, at kayo ang magpupuri sa akin, na si Yahweh, habang kinakain ninyo ang tinapay na gawa mula sa butil. Sa loob ng mga patyo ng aking templo, kayo mismo ang iinom ng alak na gawa buhat sa mga ubas na inyong inani.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Lumabas kayo sa mga tarangkahan ng lungsod! Ihanda ang daang-bayan kung saan babalik ang bayan buhat sa ibang mga bansa! Ayusin ninyo ang daan; tanggalin ninyo ang lahat ng mga bato; maglagay ng mga tanda na bandera para tulungan ang mga pangkat ng tao para makita ang daan patungong Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ito ang mensahe na ipinadala ni Yahweh sa bayan ng bawat bansa: "Sabihin sa bayang Israel, "Ang siyang tutubos sa inyo ay darating! Pagmasdan! Dadalhin niya sa inyo ang inyong gantimpala; ang kaniyang mga sinagip ay mangungunang kasama niya."
|
||
|
\v 12 Sila ay tatawaging "Ang sariling bayan ni Yahweh," ang siyang sinagip niya." At makikilala ang Jerusalem bilang lungsod na minamahal ni Yahweh, ang lungsod na hindi na pinabayaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 63
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tinatanong ko, "Sino itong dumarating mula sa lungsod ng Bozra na nasa Edom, na may mantsa ng dugo ang damit? Sino itong nakasuot ng mga magagandang kasuotan? Tumugon siya, Ako ito, si Yahweh, nagpapahayag na tinalo ko ang inyong mga kaaway, at nakaya ko kayong iligtas!"
|
||
|
\v 2 Tinatanong ko siya, "Ano yang mga pulang mantsa na nasa iyong mga damit? Mukhang tumatapak ka sa mga ubas para gumawa ng alak."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Tumutugon siya, "Tinatapakan ko ang aking mga kaaway hindi ang mga ubas. Ako mismo ang gumawa at walang tumulong sa akin. Pinarusahan ko sila dahil galit na galit ako sa kanila kaya ang aking mga damit ay namantsahan ng kanilang dugo.
|
||
|
\v 4 Ginawa ko iyon dahil panahon na ng aking paghihiganti; panahon na para iligtas ko ang aking bayan sa mga nagpahirap sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Naghanap ako ng makakasama ko sa pagtulong sa aking bayan pero ako ay nagtaka ng labis na walang sinumang makakatulong sa akin. Tinalo ko ang kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng aking sariling kapangyarihan; nagawa ko iyon dahil ako ay galit na galit;
|
||
|
\v 6 Dahil sa sobrang galit ko, pinarusahan ko ang mga bansa, dinulot ko na magpasuray-suray sila parang mga lasing at isinaboy ko ang kanilang dugo sa lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sasabihin ko lahat ng mga ginawa ni Yahweh sa kanyang bayan dahil sa kaniyang matapat na pag-ibig sa kanila, at siya ay aking pupurihin sa lahat ng kaniyang ginawa. Si Yahweh ay maraming nagawang kabutihan sa aming bayang Israel; mahabagin siya sa amin at minahal niya kami ng may katatagan at katapatan.
|
||
|
\v 8 Sinabi ni Yahweh, "Ito ang aking bayan, hindi nila ako lilinlangin," kaya iniligtas niya kami.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Siya ay nalungkot din noong kami ay maraming kaguluhan. Isinugo niya ang kaniyang anghel mula sa kaniyang presensya para iligtas kami. Kami ay kaniyang iniligtas dahil kami ay minahal at kinahabagan niya. Ito ay parang pinulot niya ang aming mga ninuno at iningatan sila sa lahat ng taong iyon sa panahong sila ay pinahirapan sa Ehipto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pero kami ay nagrebelde laban sa kaniya at kami ay nagdulot ng kalungkutan sa kaniyang Banal na Espiritu. Kaya siya ay naging parang kaaway na nakipaglaban sa amin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos naisip namin kung ano ang nangyari noong nakaraang panahon nang pinangunahan ni Moises ang aming mga ninuno palabas ng Ehipto. Isinigaw namin, "Nasaan ang siyang naglabas sa ating mga ninuno sa Dagat ng mga Tambo habang sila ay pinangungunahan ni Moises? Nasaan ang siyang nagpadala ng kaniyang Banal na Espiritu para makasama ang aming mga ninuno?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Nasaan siyang nagpakita ng kaniyang maluwalhating kapangyarihan at nagdulot na maghiwalay ang dagat nang itinaas ni Moises ang kaniyang bisig sa ibabaw nito, na nagbunga ng pagpaparangal sa kaniya magpagkailanman?
|
||
|
\v 13 Nasaan siyang nanguna sa ating mga ninuno nang sila ay naglakad sa sahig ng dagat? Para silang mga kabayong nagkakarera at kailanman ay hindi nadapa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Para silang baka na bumaba sa isang lambak para makapagpahinga. Ang Espiritu ni Yahweh ang nagbigay sa kanila ng kakayanan para makapunta sa isang lugar na maaari nilang mapagpahingahan. Yahweh, pinangunahan mo ang iyong bayan at idinulot mo na ikaw ay mapapurihan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 "Yahweh, tumingin ka mula sa langit, tanawin mo kami mula sa iyong banal at maluwalhating tahanan. Noon nagmalasakit ka sa amin nang lubos at makapangyarihan kang kumilos para tulungan kami. Pero parang hindi ka na gumagawa nang may kahabagan at kasiglahan para sa amin.
|
||
|
\v 16 Ikaw ay ang aming ama, kahit na hindi alam ni Abraham kung ano ang nangyayari sa amin at ni si Jacob ay walang pagmamalasakit sa amin, ikaw ang aming ama, ang nagligtas sa amin noong unang panahon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Yahweh, bakit mo idinulot na kami ay malihis palayo mula sa iyong daan? Bakit mo idinulot na maging matigas ang aming kalooban na nagbunga ng hindi na namin pagbibigay parangal sa iyo? Tulungan mo kami gaya ng ginawa mo dati dahil kami ang bayan na naglilingkod at nabibilang sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Kaming bayan mong banal ang nagmay-ari ng iyong sagradong templo sa sandaling panahon lamang at ngayon winasak na ito ng aming mga kaaway.
|
||
|
\v 19 Ngayon parang hindi mo kami pinagharian at naging pag-aari kailanman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 64
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Yahweh, nais kong bumaba ka mula sa kalangitan para idulot na mayanig ang mga kabundukan sa takot.
|
||
|
\v 2 Ito sana ay naging tulad ng apoy na sumusunog ng kahoy o gaya ng apoy na nagpapakulo ng tubig. Bumaba ka nang sa ganun malaman ng iyong mga kaaway kung sino ka at para manginig ang mga mamamayan ng ibang mga bansa sa presensya mo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Gumawa ka ng kasindak-sindak na mga bagay na hindi namin inaasahan, nayanig ang kabundukan nang bumaba ka sa Bundok ng Sinai.
|
||
|
\v 4 Magmula noong unang panahon wala pang nakakita o nakarinig tungkol sa isang Diyos na tulad mo. Tinutulungan mo ang mga umaasa sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tinutulungan mo ang mga gumagawa ng tama na may kagalakan at namumuhay ayon sa iyong kagustuhan. Pero hindi namin ginawa iyon, nagpatuloy kaming magkasala kaya nagalit ka sa amin. Matagal na panahon na kaming nagkakasala. Ililigtas mo lamang kami kung patuloy naming gagawin ang iyong kagustuhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kaming lahat ay naging hindi karapat-dapat na sumamba sa iyo, lahat ng mabubuting bagay na ginawa namin ay para lamang basahang namantsahan ng dugo. Dahil sa aming mga kasalanan, kami ay parang mga dahon na natutuyo at nililipad ng hangin.
|
||
|
\v 7 Wala sa aming bayan ang sumasamba sa iyo at wala rin talagang sumusubok na himukin ka na tulungan kami. Tinalikuran mo na kami. Parang pinabayaan mo na kami kaya nagpatuloy kaming gumawa ng kasalanan at lalong naging makasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pero kahit ganoon, ikaw ang aming ama, Yahweh. Para kaming putik na ginagamit ng taga hugis nito, at kami ay nilkha mo tulad ng paggawa sa paso ng magpapalayok.
|
||
|
\v 9 Yahweh, huwag kang magpatuloy na magalit sa amin, huwag mo nang isipin ng isipin ang tungkol sa aming mga kasalanan magpakailanman. Huwag mong kalimutan na kaming lahat ay iyong bayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Lahat ng bayan mo sa Juda ay naging parang ilang; kahit ang Jerusalem ay nawasak.
|
||
|
\v 11 Lubusang nasunong ang maluwalhating templo sa Bundok ng Sion kung saan sumamba sa iyo ang aming mga ninuno. Nawasak lahat ang magagandang bagay na mayroon kami.
|
||
|
\v 12 Yahweh, nakita mo lahat ng mga bagay na iyon pero parang tumatanggi kang gumawa ng kahit ano para tulungan kami. Parang idudulot mong mas lalo pa kaming magdusa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 65
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ito ang sinabi ni Yahweh: "Handa akong tumugon sa aking bayan pero wala naman humiling na tulungan ko sila. Handa kong tulungan kahit na yung mga hindi tumatawag sa akin. Patuloy kong sinabi, 'narito ako para tulungan kayo!'.
|
||
|
\v 2 Ito ay parang patuloy kong itinaas ang aking mga kamay para ipakita na handa akong tumulong sa mga nagrebelde laban sa akin at nagpapatuloy na gumawa ng mga masasamang bagay na nais nilang gawin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Hayagan silang nagpapatuloy na gawin ang mga bagay na ikinakagalit ko; naghahandog sila ng mga alay sa mga diyus-diyosan sa kanilang mga hardin at nagsusunog ng insenso sa kanilang mga altar na gawa sa ladrilyo at tisa.
|
||
|
\v 4 Sa gabi magdamag silang gising sa mga sementeryo na nakikipag-usap sa mga espiritu ng mga patay na tao. Kumakain sila ng karne ng baboy at ang kanilang mga palayok ay puno ng sabaw ng karne na hindi katanggap-tanggap sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tapos sinasabi nila sa iba, 'Lumayo kayo at huwag lumapit sa akin; dahil napakabanal ko kaya hindi ninyo ako dapat hipuin' Ang ganoong mga tao ay parang usok sa aking ilong mula sa apoy na patuloy na nagniningas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Naitala kong lahat ang kasamaang nagawa nila. At hindi ako mananatiling tahimik tungkol sa lahat ng mga bagay na iyon; tiyak na parurusahan ko ang mga taong ito
|
||
|
\v 7 sa mga kasalanan nila at ng kanilang mga ninuno. Kinutya nila ako sa pagsunog ng insenso sa kanilang mga diyus-diyosan sa mga taluktok ng burol. Kaya paparusahan ko sila ng nararapat sa kanilang mga ginawang mga bagay na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ito rin ang sinabi ni Yahweh: "Kapag may magandang kumpol ng mga ubas, hindi ito itinatapon dahil alam ng mga tao na makakakuha ng masarap na inumin sa mga ubas na iyon. Tulad din ng ilang mga mamamayan sa Juda na naglilingkod sa akin ng buong katapatan, hindi ko sila lahat wawasakin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ititira ko ang ibang kaapu-apuhan ni Jacob na naninirahan sa mga burol ng Juda. Sila ay aking pinili, aangkinin nila ang lupain at doon sila maninirahan at sasamba sa akin.
|
||
|
\v 10 Pagkatapos lahat ng lupain mula sa Kapatagan ng Sharon malapit sa Dagat ng Mediterranean hanggang sa malayong silangan ng Lambak ng Achor malapit sa Jericho ay magiging pastulan at pahingahan ng mga baka at tupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pero maiiba ang para sa inyo na tumalikod at hindi sumamba sa akin sa Sion, aking sagradong burol, kayong mga sumasamba kina Gad at Meni, mga diyos na sinabi ninyong magdadala sa inyo ng suwerte at mabuting kapalaran.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ako, at hindi si Meni, ang magpapasya kung ano ang mangyayari sa inyo, papatayin kayong lahat sa pamamagitan ng mga espada. Iyon ang mangyayari dahil hindi kayo sumagot nang nanawagan ako sa inyo, Nagsalita ako sa inyo pero hindi ninyo ako pinansin. Sa halip, ginawa ninyo ang mga bagay na sinabi kong masasama; pinili ninyong gawin ang mga bagay na hindi nakalulugod sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ako, si Yahweh na Panginoon, ang magbibigay ng pagkain at inumin sa mga sumasamba at sumusunod sa akin, at sila ay magiging masaya; pero lahat kayong masasamang tao ay magugutom at mauuhaw, magiging malungkot at kahiya-hiya.
|
||
|
\v 14 Sila na sumasamba at sumusunod sa akin ay aawit nang may kagalakan, pero kayong mga masasamang tao ay mananangis ng malakas dahil magdurusa kayo sa inyong kaloob-looban.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Gagamitin ng aking mga pinili ang inyong mga pangalan kapag sila ay magsusumpa ng mga tao; ako, si Yahweh na Panginoon ang papatay sa inyo. Pero bibigyan ko ng bagong pangalan ang sumasamba at sumusunod sa akin.
|
||
|
\v 16 Nagkaroon ng maraming kaguluhan ang mga mamamayan dito sa lupain pero hindi ko na ipapahintulot na muling mangyari iyon. Kaya naman ang mga humiling sa akin na pagpalain sila at mataimtim na nangakong gagawa ng isang bagay ay hindi dapat makalimutan kailanman na ako ang Diyos na tapat na tutupad kung ano ang aking ipinangakong gagawin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Tandaan ninyo ito: Balang araw ako ay lilikha ng bagong langit at bagong lupa. Ang mga ito ay magiging lubos na kamangha-mangha na hindi na ninyo maiisip ang dati ninyong mga paghihirap.
|
||
|
\v 18 Maging masaya at laging magalak dahil sa aking gagawin: Ang Jerusalem ay magiging isang lugar kung saan magagalak ang mga tao; laging magiging masaya ang mga mamamayan doon.
|
||
|
\v 19 Ako ay magagalak tungkol sa Jerusalem at magsasaya ako kasama ng aking bayan. Ang mga tao ay hindi na mananangis o iiyak dahil sa kanilang pagdurusa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Walang batang mamamatay kung sila ay sanggol pa lamang; lahat ng tao ay mabubuhay hanggang sila ay tumanda na. Ituturing na bata pa ng mga tao ang sinumang isang daang taong gulang na at sinumang mamamatay ng mas bata pa roon ay ituturing na isinumpa.
|
||
|
\v 21 Ang aking bayan ay magtatayo ng mga bahay at sila mismo ang maninirahan doon. Magtatanim sila ng ubasan at pagkatapos kakainin ang mga bunga nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Walang sinuman ang magpapaalis sa kanila at titira sa mga bahay na kanilang itinayo. Walang ubasan ang kukunin mula sa nagmamay-ari nito. Tulad ng mga puno, ang buhay ng aking mga pinili ay magiging mahaba, at masisiyahan sila sa mga bagay na kanilang ginawa-- mga bahay na kanilang itinayo at pananim na kanilang itinanim.
|
||
|
\v 23 Hindi na sila magtatrabaho ng walang kabuluhan at ang kanilang mga anak ay hindi na mamamatay dahil sa mga kalamidad. Tunay na pagpapalain ko ang kanilang mga anak at ang kanilang mga apo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Tutugon na ako bago pa sila humingi ng tulong sa akin, diringgin ko na ang kanilang panalangin habang nananalangin palang sila.
|
||
|
\v 25 Walang mapipinsala o masasaktan saan man sa Sion, aking sagradong burol: ang mga lobo at mga tupa ay magkasamang manginginain nang mapayapa; kakain ng dayami ang mga leon tulad ng mga baka at hindi nila lulusubin ang mga tao. Hindi mananakit ng sinuman ang mga ahas, hihiga sila sa lupa at alikabok lamang ang kakainin. Siguradong ganoon ang magiging kaganapan dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 66
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sinabi rin ito ni Yahweh: "Parang trono ko ang buong kalangitan, at parang tuntungan ko ang buong mundo. Kaya tiyak na hindi kayo makapagpapatayo ng isang bahay na magiging sapat para aking matirhan at mapagpahingahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Ako ang lumikha ng lahat; nananatili ang lahat ng bagay dahil nilikha ko ang mga ito. Iyon ay totoo dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito. Ang mga taong kinaluluguran ko ay ang mga taong mapagkumbaba, na matiyagang nagtitiis kapag sila ay nagdurusa, at nanginginig kapag sila ay aking sinasaway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pinili ninyong magpatuloy na gumawa ng mga bagay na gusto ninyong gawin: ang iba sa inyo ay kumakatay ng baka para ialay sa akin pero nagdadala rin kayo ng mga taong-alay sa inyong mga diyus-diyosan! Naghahandog kayo ng mga tupa sa akin pero pumapatay kayo ng mga aso para iaalay sa inyong mga diyos. Nag-aalay kayo ng butil sa akin pero nagdadala rin kayo ng dugo ng baboy sa inyong diyus-diyosan. Nagsusunog kayo ng insenso sa akin pero pinupuri rin ninyo ang inyong mga diyus-diyosan. Nasisiyahan kayong gawin ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Hindi kayo sumagot nang nanawagan ako sa inyo. Hindi ninyo ako pinansin nung nagsalita ako. Marami kayong ginawang mga bagay sa sinabi kong masasama at pinili ninyong gawin ang mga bagay na hindi ko gusto. Kaya ngayon, kayo ay aking parurusahan sa pamamagitan ng pagpapahintulot na maranasan ninyo ang mga bagay na kayo mismo ang gumawa at inyong kinatatakutan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Pero kayong mga nanginginig kapag narinig ninyo ang sinasabi ni Yahweh ay makinig sa kaniyang sinasabi ngayon: "Kinamumuhian kayo at itinataboy ng iba ninyong sariling kababayan dahil sa akin. Pinagtatawanan nila kayo at sinasabing "Dapat ipakita ni Yahweh ang kaniyang maluwalhating kapangyarihan! Gusto namin siyang makitang gumagawa ng isang bagay na magdudulot sa inyo na maging masayang tunay.' Pero balang araw ang mga taong iyon ay lubusang mapapahiya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sa panahong iyon, makikinig kayo sa ingay ng lungsod. Maririnig ninyo ang sigawan sa templo. Ito ang magiging tunog ng paghihiganti ni Yahweh sa kaniyang mga kaaway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kailanman walang sinuman ang nakarinig na ang isang babae ay nanganak sa isang sanggol nang nag-uumpisa palang humilab ang kanyang tiyan.
|
||
|
\v 8 Siguradong wala pang sinumang nakarinig o nakakita ng ganoong klaseng pangyayari. Gayun din, kailanman walang sinuman ang nakarinig na nalikha ang isang bansa sa isang sandali, hindi sa isang araw. Pero ang Jerusalem ay parang isang babae na nanganganak sa sandaling magsimulang humilab ang kanyang tiyan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Tiyak na hindi magbubuntis ang mga babae hanggang sa oras na handa na silang manganak at pagkatapos hindi nila hahayaang maipanganak ang mga sanggol. Gayun din, gagawin ni Yahweh ang kaniyang ipinangako para sa Jerusalem: idudulot niyang mapuno muli ng mga tao ang Jerusalem. Iyon ay mangyayari dahil ito ay sinabi ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Magalak kayo bayan ng Jerusalem! Lahat kayong nagmamahal sa Jerusalem ay dapat ding maging masaya. Kayong mga nalungkot dahil sa nangyari sa Jerusalem, dapat maging masaya na kayo ngayon.
|
||
|
\v 11 Kayong mga mamamayang nasa Jerusalem ay magkakaroon ng lahat ng bagay na inyong kakailanganin gaya ng isang sanggol na nakakakuha ng lahat ng kanyang pangangailangan mula sa dibdib ng kaniyang ina. Masisiyahan kayo sa lahat ng masagana at kasiya-siyang mga bagay sa lungsod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ipinangako ni Yahweh, "Idudulot ko na mapuno ang Jerusalem ng mga mahahalagang bagay na magmumula sa ibang mga bansa; ang mga iyon ay bubuhos sa Jerusalem na parang isang malaking baha. Aalagaan ko ang bayan ng Jerusalem gaya ng pag-aaruga ng isang ina sa mga sanggol na kanilang pinapasuso.
|
||
|
\v 13 Aaliwin ko kayong mga mamamayan ng Jerusalem gaya ng pag-aaliw ng mga ina sa kanilang mga anak."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Magagalak kayo kapag nakita ninyong mangyayari ang mga iyon. Magiging malakas muli ang inyong mga marurupok na buto gaya noong panahon ng tag-sibol kapag tumutubo na ang mga damo. Kapag nangyari iyon, malalaman ng lahat na may kapangyarihan si Yahweh na tulungan ang mga sumasamba at sumusunod sa kaniya, pero siya ay galit sa kaniyang mga kaaway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Si Yahweh ay bababa na may lagablab ng apoy, at ang kaniyang karwahe ay bababa tulad ng isang ipoipo; siya ay magagalit nang sukdulan at paparusahan niya ang kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagsunog sa kanila sa isang apoy.
|
||
|
\v 16 Ito ay parang may malaking espada si Yahweh, at kaniyang hahatulan at papatayin ang maraming tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sinabi ni Yahweh, "Ang iba sa inyo ay maghahanda ng inyong sarili sa pagpasok ng hardin ng mga diyus-diyosan sa pamamagitan ng paghuhugas, espesyal na pagkain at kasuotan, at kayo ay susunod sa lugar na iyon, ang mga iyon na kumakain ng karne ng mga baboy, mga daga at iba pang mga bagay na ipinagbawal kong kainin ninyo. Ipinapangako ko sa inyo, pipigilan ko sila at hindi na nila ito magagawa pa!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Alam ko lahat nang kanilang masasamang iniisip at ginagawa. Panahon na para sama-sama kong tipunin ang mga taong nabubuhay sa lahat ng mga bansa at nagsasalita ng lahat ng mga wika, at para ipakita sa kanila na napakadakila ko.
|
||
|
\v 19 Gagawa ako ng isang bagay sa kanila para ipakita sa lahat kung sino sila, at kung sinuman ang aking itinira ay pupunta sa iba't ibang malalayong bansa: Sa Tarsis, Put, Lud (tahanan ng mga mamamana), Mescac, Tubal, Javan at sa malalayong mga isla. Ipadadala ko sila para ipahayag sa mga bansa na hindi pa kailanman nakaririnig tungkol sa akin na ako ay napakadakila at maluwalhati.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pagkatapos ibabalik nila dito ang inyong mga kamag-anak na itinapon tulad ng mga alay na dating dinadala sa tamang pamamaraan ng aking bayang Israel sa templo. Sila ay maglalakbay papuntang Jerusalem kung saan naroon ang aking banal na kabundukan; darating silang nakasakay sa mga kabayo, nasa mga karwahe, mga bagon, sa mga mola at mga kamelyo.
|
||
|
\v 21 Taos-puso kong ipinapangako na hihirangin ko ang iba sa kanila para maging pari at ang mga iba para gumawa ng ibang gawain sa templo. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Ipinapangako ko rin na kung paano mananatili magpakailanman ang bagong langit at bagong lupa, gayun din palagi rin kayong magkakaroon ng mga kaapu-apuhan at laging mapaparangalan.
|
||
|
\v 23 Ang lahat ay pupunta at sasamba tuwing pista ng pagdiriwang ng Araw ng Pamamahinga bawat linggo at tuwing bagong buwan bawat buwan. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pagkatapos lalabas sila ng Jerusalem at pagmamasdan ang mga bangkay ng mga nagrebelde laban sa akin. Kailanman hindi mamamatay ang mga uod sa mga bangkay at hindi hihinto ang pagsunog sa kanila, at kamumuhian sila nang lahat ng makakakita sa kanilang mga bangkay."
|