1393 lines
161 KiB
Plaintext
1393 lines
161 KiB
Plaintext
|
\id 2KI
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h 2 mga hari
|
||
|
\toc1 2 mga hari
|
||
|
\toc2 2 mga hari
|
||
|
\toc3 2ki
|
||
|
\mt 2 mga hari
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos mamatay ni Haring Ahab, nagrebelde ang bansa ng Moab laban sa Israel.
|
||
|
\v 2 Isang araw, si Ahazias, ang bagong hari ng Israel ay nahulog sa balkonahe sa taas ng kaniyang silid at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Kaya pinadala niya ang kanilang mga mensahero at inutusan sila, "Pumunta kayo at tanungin si Baalzebub, ang diyos ng Ekron kung gagaling pa ako sa karamdamang ito."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pero ang sabi ng anghel ni Yahweh kay Elias, ang propeta mula sa lungsod ng Tisbe, "Ang hari ng Samaria ay nagpadala ng mga mensahero sa Ekron. Pumunta ka at salubungin sila at sabihin sa kanila, 'dahil ba walang Diyos sa Israel kaya gusto ninyong tanungin si Baalzebub kung gagaling ka pa o hindi na?
|
||
|
\v 4 Sinabi ni Yahweh na dapat ninyong sabihin sa inyong Haring Ahazias na hindi na siya gagaling sa kaniyang karamdaman; tiyak siyang mamamatay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kaya pumunta si Elias para salubungin ang mga mensahero at sinabi iyon sa kanila, at bumalik sila sa kanilang hari sa halip na pumunta sa Ekron. Tinanong sila ng hari, "Bakit ang bilis ninyong bumalik?"
|
||
|
\v 6 Sumagot sila, "Isang lalaki ang lumapit sa amin at sinabi sa amin, 'bumalik kayo sa inyong hari na nagpadala sa inyo at sabihin ninyo sa kaniya na sinabi ni Yahweh na, "dahil ba walang Diyos sa Israel kaya gusto ninyong tanungin si Baalzebub kung gagaling ka pa o hindi na? Sabihin ninyo sa hari na hindi na siya gagaling sa kaniyang karamdaman; sa halip, tiyak siyang mamamatay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sinabi ng hari sa kanila, "Ang lalaki na lumapit sa inyo at nagsabi sa inyo ng mga iyon, ano ang itsura niya?"
|
||
|
\v 8 Sumagot sila, "Nakasuot siya ng balabal na gawa mula sa buhok ng kamelyo at may malapad na sinturon sa kaniyang baywang." Sumigaw ang hari, "Malamang si Elias iyon!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pagkatapos nagpadala ang hari ng opisyal kasama ng limampung sundalo para hulihin si Elias. Natagpuan nila si Elias na nakaupo sa taas ng burol. Tinawag siya ng opisyal, "Propeta, inuutusan ka ng hari na bumaba ka dito!"
|
||
|
\v 10 Pero sumagot si Elias sa opisyal, "Ako ay isang propeta, kaya inuutusan ko ang apoy na bumaba mula sa kalangitan at sunugin ka at iyong limampung sundalo!" Kaagad, bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog ang opisyal at kaniyang limampung sundalo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nang nalaman ng hari ang tungkol doon, nagpadala siya ng isa pang opisyal kasama ang limampung sundalo. Pumunta sila kung saan naroroon si Elias, at tinawag siya ng opisyal, Propeta, inuutusan ka ng hari ng magmadali kang bumaba!"
|
||
|
\v 12 Pero sumagot si Elias, "Ako ay isang propeta, kaya inuutusan ko ang apoy na bumaba mula sa kalangitan at patayin ka at iyong mga sundalo!" Pagkatapos bumaba mula sa kalangitan ang apoy mula sa Diyos at pinatay ang opisyal at kaniyang mga sundalo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Nang narinig ng hari ang tungkol doon, nagpadala pa din siya ng isa pang opisyal kasama ang limampung sundalo. Pumunta sila kung saan naroroon si Elias; nagpatirapa ang opisyal sa harap ni Elias at sinabi sa kaniya, "Propeta, nakikiusap ako sa iyo, maging mabait ka sa akin at sa limampung sundalo ko, at huwag mo kaming papatayin!
|
||
|
\v 14 Alam namin na dalawang beses bumaba ang apoy mula sa kalangitan at pinatay ang mga opisyal at mga kasama niyang sundalo. Kaya ngayon, pakiusap maging mabait ka sa akin!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ng anghel ni Yahweh kay Elias, "Bumaba ka at sumama sa kaniya. Huwag kang matakot sa kaniya." Kaya pumunta si Elias sa hari.
|
||
|
\v 16 Nang dumating si Elias, sinabi niya sa hari, "Ito ang sinabi ni Yahweh: Nagpadala ka ng mga mensahero para pumunta sa Ekron para tanungin si Baalzebub kung gagaling ka pa o hindi na. Kumilos ka na parang walang Diyos sa Israel na maaring lapitan. Kaya hindi ka gagaling sa iyong karamdaman; sa halip, ikaw ay mamamatay!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kaya namatay si Ahazias, gaya ng sinabi ni Yahweh kay Elias na mangyayari. Si Joram, nakababatang kapatid ni Ahazias ay ang naging bagong hari, kasabay ng paghahari ni Jehoram, anak ni Jehoshafat, na naghahari ng halos dalawang taon. Naging hari ang kapatid ni Ahazias dahil walang anak si Ahazias na magiging hari.
|
||
|
\v 18 Kung gusto mong malaman lahat ng ibang mga bagay na ginawa ni Ahazias, nakasulat sila sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang malapit ng kunin ni Yahweh ang propetang si Elias sa langit sa pamamagitang ng ipu-ipo, si Elias at ang kasama niyang propetang si Eliseo ay naglalalakbay sa timog mula sa Gilgal.
|
||
|
\v 2 Sinabi ni Elias kay Eliseo, "Manatili ka dito, dahil sinabi sa akin ni Yahweh na ako lang ang pupunta sa lungsod ng Bethel." Pero sumagot si Eliseo, "Hanggang nabubuhay si Yahweh at nabubuhay ka, hindi kita iiwan!" Kaya magkasama silang nagpunta sa Bethel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Isang grupo ng mga propeta sa Bethel ang lumapit kay Eliseo at Elias; tinanong nila si Eliseo, "Alam mo ba na kukunin ngayong araw ni Yahweh ang iyong panginoon na si Elias?" Sumagot si Eliseo, "Oo alam ko iyon, pero huwag mo ng sabihin!"
|
||
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ni Elias kay Eliseo, Manatili ka rito, dahil sinabi sa akin ni Yahweh na ako lang ang pupunta sa Jerico, "Pero sumagot muli si Eliseo, ""Hanggang nabubuhay si Yahweh at nabubuhay ka, hindi kita iiwan!" Kaya magkasama silang nagpunta sa Jerico.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nang malapit na sila sa Jerico, isa pang grupo ng mga propeta mula doon ang lumapit kay Eliseo at sinabi sa kaniya, "Alam mo ba na kukunin ngayong araw ni Yahweh ang iyong panginoon na si Elias?" Sumagot si Eliseo, "Oo alam ko iyon, pero huwag mo ng sabihin!"
|
||
|
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Elias kay Eliseo, "Manatili ka rito, dahil sinabi sa akin ni Yahweh na ako lang ang pupunta sa Ilog Jordan." Pero sumagot si Eliseo, "Hanggang nabubuhay si Yahweh at nabubuhay ka, hindi kita iiwan!" Kaya nagpatuloy silang maglakbay ng magkasama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Limampung lalaki mula sa grupo ng mga propeta mula sa Jerico ang sumama din, pero nakatingin sila sa malayo habang nakatigil si Elias at Eliseo sa gilid ng Ilog Jordan.
|
||
|
\v 8 Pagkatapos binalumbon ni Elias ang kaniyang balabal at hinampas ang tubig gamit ito. Isang daanan ang bumukas para sa kanila sa gitna ng ilog, at tumawid sila na para bang sila ay nasa tuyong lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Nang nakarating na sila sa kabilang dako, sinabi ni Elias kay Eliseo, "Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo bago ako kunin?" Sumagot si Eliseo, "Gusto kong matanggap ang dobleng kapangyarihan mo gaya ng mayroon ang mga propeta."
|
||
|
\v 10 Sumagot si Elias, "Humihiling ka ng isang bagay na mahirap kong tuparin. Pero kung makikita mo ako sa oras na kukunin ako sa iyo, makukuha mo ang hinihiling mo. Pero kung hindi mo ako makikita, hindi mo ito makukuha."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Habang naglalakad at nag-uusap sila, biglang may lumabas na karwahe na binabalutan ng apoy na hila-hila ng mga kabayo na binabalutan din ng apoy. Dumaan sa gitna nila Elias at Eliseo ang karwahe at napaghiwalay sila. Pagkatapos kinuha pataas ng langit si Elias ng ipu-ipo.
|
||
|
\v 12 Nakita ito ni Eliseo. Sumigaw siya, "Ama ko! Ama ko! Ang karwahe ng Israelita at mga nagmamaneho nito ay kinuha ang aking panginoon!" Naglaho sila sa kalangitan, at hindi na muling nakita ni Eliseo si Elias. Pagkatapos pinunit ni Eliseo ang kaniyang damit sa dalawang bahagi para ipakita na siya ay lubos na nalulungkot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Nahulog ang balabal ni Elias nang kinuha siya, kaya pinulot ito si Eliseo at bumalik sa gilid ng Ilog Jordan.
|
||
|
\v 14 Binalumbon niya balabal at hinampas ang tubig gamit ito, at sumigaw siya, "Kasama ko din ba si Yahweh, ang Diyos ni Elias?" Pagkatapos nahati ang ilog, at isang daanan ang bumukas para sa kaniya, at tumawid si Eliseo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Nang nakita ng mga grupo ng mga propeta mula sa Jerico ang nangyari, namangha sila, "na kay Eliseo na ang kapangyarihan ni Elias!" Lumapit sila kay Eliseo at yumuko sa kaniyang harapan.
|
||
|
\v 16 Ang sabi ng isa sa kanila, "Ginoo, kung iyong mamarapatin, limampu sa pinakamalalakas na lalaki ang aalis at hahanapin ang iyong panginoon sa kabilang dako ng ilog. Baka iniwan siya ng Espiritu ni Yahweh sa bundok o sa ilang lambak." Sumagot si Eliseo, "Hindi, huwag ninyo silang ipadala."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pero patuloy nila siyang pinilit. Hanggang napagod siyang magsabi ng "Hindi," at sinabi niya, "Sige na nga, ipadala ninyo na sila." Kaya naghanap ng tatlong araw ang limampung lalaki, pero hindi nila natagpuan si Elias.
|
||
|
\v 18 Bumalik sila sa Jerico, at naroon pa rin si Eliseo. Sinabi niya sa kanila, "Diba sinabi ko na sa inyo na hindi dapat kayo pumunta, dahil hindi ninyo siya matatagpuan!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pagkatapos lumapit ang mga pinuno ng Jerico para kausapin si Eliseo. Sabi ng isa sa kanila, "Aming panginoon, may problema kami. Nakikita mo naman na napakagandang pamuhayan ng lugar na ito. Pero marumi ang tubig, at dahil doon, hindi namumunga ang mga pananim sa lupain."
|
||
|
\v 20 Sinabi ni Eliseo sa kanila, "Maglagay kayo ng asin sa bagong mangkok at dalahin ninyo sa akin." Kaya dinala nila ito sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pagkatapos pumunta si Eliseo sa bukal kung saan kumukuha ang mga tao sa bayan ng tubig. Hinagis niya ang asin sa bukal. Pagkatapos sinabi niya, "Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Ginagawa kong mabuti ang tubig na ito. Wala ng mamamatay dahil sa maduming tubig, at magbubunga na ng masagana ang mga pananim.'"
|
||
|
\v 22 At naging malinis na ang tubig, gaya ng sinabi ni Eliseo. Simula sa oras na iyon, nanatili ng malinis ang tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Umalis na ng Jerico si Eliseo at pumunta ng Bethel. Habang naglalakad siya, isang grupo ng mga batang lalaki mula sa Bethel ang nakakita sa kaniya at sinimulan siyang tuksuhin. Patuloy nilang sinisigaw, "Umalis ka dito, kalbo!"
|
||
|
\v 24 Lumingon si Eliseo at pinagalitan sila sa pangalan ni Yahweh. Biglang may lumabas sa kakahuyan na dalawang babaeng oso at sinaktan ang apatnapu't dalawa sa kanila.
|
||
|
\v 25 Umalis si Eliseo sa Bethel at pumunta sa Bundok Carmel, at pagkatapos bumalik sa lungsod ng Samaria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos maghari ni Jehoshafat nang halos labingwalong taon, naging hari ng Israel si Joram anak ni Ahab. Pinamahalaan niya ang lungsod ng Samaria ng labindalawang taon.
|
||
|
\v 2 Ginawa niya ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na masama, pero hindi kasing sama ng ginawa ng kaniyang ama at ina, at inalis niya ang ginawang batong poste ng kaniyang ama at ina para sa pagsamba kay Baal.
|
||
|
\v 3 Pero gumawa siya ng kasalanan katulad ng ginawa ni Haring Jeroboam na humikayat sa bayan ng Israel na magkasala, at hindi siya huminto sa paggawa ng paulit-ulit na mga kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Si Mesa, hari ng Moab ay nag-alaga ng tupa. Bawat taon, sapilitan siyang pinagbibigay ng 100,000 na kordero at balahibo mula sa 100,000 na tupa para sa hari ng Israel, dahil pinamamahalaan ng hari ng Israel ang kaniyang kaharian.
|
||
|
\v 5 Pero pagkatapos mamatay ni Haring Ahab, nagrebelde si Mesa laban sa hari ng Israel.
|
||
|
\v 6 Kaya umalis si Haring Joram sa Samaria para tawagin lahat ng mga sundalo mula sa buong Israel para sa pagpunta sa digmaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kaya nagpadala siya ng mensahe kay Jehoshafat, ang hari ng Juda: "Nagrebelde ang hari ng Moab laban sa akin. Kaya maari bang sumama ang iyong hukbo at lumaban sa hukbo ng Moab?" Sumagot si Jehoshafat, "Oo, tutulungan ka namin. Handa kaming gawin lahat ng gusto mong ipagawa sa amin. Ang aking mga sundalo at aking mga kabayo ay handa kang tulungan."
|
||
|
\v 8 Nagtanong siya, "Saang daanan tayo maglalakad para lusubin sila?" Sumagot si Joram, "Pupunta kami sa timog ng Jerusalem, kung saan sasama sa amin ang iyong hukbo. Pagkatapos pupunta lahat tayo sa timog ng Dagat na Patay at pagkatapos liliko tayo sa hilaga ng ilang sa Edom."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kaya nagpunta ang hari ng Israel at kaniyang hukbo kasama ng mga hari ng Juda at Edom at kanilang mga hukbo. Naglakad sila ng pitong araw. Pagkatapos wala ng natitirang tubig para sa kanilang mga sundalo o sa kanilang mga hayop na nagdadala ng mga gamit.
|
||
|
\v 10 Sumigaw ang hari ng Israel, "Napakahirap ng ating kalagayan! Parang hahayaan tayong tatlo ni Yahweh na mahuli ng hukbo ng Moab!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Sinabi ni Jehoshafat, "Mayroon bang propeta rito na maaaring magtanong kay Yahweh kung ano ang dapat naming gawin?" Isa sa opisyal ng hukbo ni Joram ang sumagot, "Si Eliseo, anak ni Safat ang narito. Katulong siya dati ni Elias."
|
||
|
\v 12 Sinabi ni Jehoshafat, "Mabuting tanungin natin siya, dahil nagsasalita siya ayon sa gustong sabihin ni Yahweh." kaya nagpunta ang tatlong hari kay Eliseo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, "Bakit ka lumapit sa akin? Umalis ka at tanungin mo ang mga propeta na tinanong ng iyong ama at ina!" Pero sumagot si Joram, "Hindi, gusto namin na tanungin mo si Yahweh, dahil para kasing pinagsama-sama kaming tatlong hari para mahuli kami ng hukbo ng Moab.
|
||
|
\v 14 "Sumagot si Eliseo, "Pinaglilingkuran ko si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel sa langit. Hanggang nabubuhay siya, kung hindi ko ginagalang si Jehoshafat ang hari ng Juda, hindi ko maiisipang gumagawa ng kahit anong bagay para tulungan ka.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pero magdala ka ng isang manunugtog sa akin." Kaya ginawa nila iyon. Nang tinugtog ng manunugtog ang kaniyang alpa, pumunta ang kapangyarihan ni Yahweh kay Eliseo.
|
||
|
\v 16 Sinabi niya, "Sabi ni Yahweh, gagawin niyang mapuno ng tubig ang tuyong batis na ito.
|
||
|
\v 17 Dahil dito, magkakaroon ng maraming inuming tubig ang inyong mga sundalo at mga hayop na nagdadala ng gamit.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Hindi iyon mahirap gawin para kay Yahweh. Pero gagawa pa Siya ng higit pa roon. Gagawin niya rin na matalo ninyo ang hukbo ng Moab.
|
||
|
\v 19 Masasakop ninyo ang lahat ng kanilang magagandang lungsod, mga lungsod na may matataas na pader na nakapalibot sa kanila. Kailangan ninyong putulin ang lahat ng kanilang mga punong prutas, ihinto ang pagdaloy ng tubig sa kanilang batis, at sirain ang matabang lupa nila sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bato."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Kinabukasan, sa oras ng pag-aalay ng mga sakripisyo ng butil, namangha sila na makita ang tubig na dumadaloy mula sa Edom at natakpan ang lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Nang narinig ng bayan ng Moab na dumating ang tatlong hari kasama ng kanilang mga hukbo para labanan sila, pinatawag niya ang lahat ng lalaki na kayang lumaban sa labanan, mula sa pinakabata sa pinakamatanda, at pumusisyon sila sa katimugang bahagi ng kanilang lupain.
|
||
|
\v 22 Pero nang bumangon sila nang sumunod na araw, nakita nila ang tubig sa kabilang dako nila na kulay dugo.
|
||
|
\v 23 Sumigaw sila, "Dugo iyon! Malamang naglaban-laban ang tatlong magkakalabang hukbo at pinatay ang isa't-isa! Tara at kunin natin lahat ng naiwan nila!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pero nang nakarating sila sa lugar kung saan nakalagay ang mga tolda ng mga Israelitang sundalo, nilusob sila ng mga sundalo ng Moab at sapilitan silang pinaatras. Hinabol ng mga Israelitang sundalo ang mga sundalo mula sa Moab at pinatay ang karamihan sa kanila.
|
||
|
\v 25 Winasak din ng mga Israelita ang kanilang mga lungsod. Sa tuwing makadadaan sila sa matabang sakahan, nagtatapon sila ng mga bato hanggang matakpan ito ng mga bato. Ipinahinto nila ang pagdaloy ng tubig sa mga batis at pinutol ang mga punong prutas. Sa huli, ang Kir-hareset, ang kabeserang lungsod na lang ang naiwan. Pinalibutan ng mga sundalong naghagis ng mga bato gamit ang tirador ang lungsod at sinugod ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Nang nalaman ng hari ng Moab na natalo ang kaniyang hukbo, kumuha siya ng pitong daang lalaki na gumagamit ng espada, at sinubukan nilang lusubin ang mga sundalo ng Israel para makatakas para humingi ng tulong sa hari ng Edom, na inaasahan nila na sasamahan sila, pero hindi sila nakatakas.
|
||
|
\v 27 Pagkatapos, kinuha ng hari ng Moab ang kaniyang panganay na anak, na magiging susunod na hari, at pinatay ito at inalay ang kaniyang anak bilang sakripisyo sa kanilang diyos na si Chemos, sinunog siya sa taas ng pader ng lungsod. Nagalit ang mga Israelita, kaya umalis na ang hukbo ng Israelita at bumalik sa kanilang lupain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 4
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Isang araw, isang balo ng propeta ni Yahweh ang pumunta kay Eliseo at umiiyak, "Patay na ang aking asawa na nagtrabaho sa iyo. Alam mo na ginalang niya ng sobra si Yahweh. Pero ngayon may taong pumunta sa akin na kinauutangan niya ng malaking halaga. Hindi ko siya mabayaran, kaya binantaan niya ako na kukunin niya ang dalawa kong anak para maging mga alipin niya bilang kabayaran!"
|
||
|
\v 2 Sumagot si Eliseo, "Ano ang magagawa ko para tulungan ka? Sabihin mo sa akin, ano ang mayroon ka sa iyong bahay?" Sumagot siya, "Mayroon lamang kaming isang lalagyanan ng olibang langis. Wala na kaming kahit ano bukod doon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sumagot si Eliseo, "Pumunta ka sa iyong mga kapitbahay at manghiram ka ng maraming tapayan hangga't kaya mo.
|
||
|
\v 4 Pagkatapos, dalahin mo ang mga tapayan sa loob ng inyong bahay kasama ng iyong mga anak. Isarado mo ang pinto. Pagkatapos, ibuhos mo ang olibang langis mula sa iyong lalagyanan sa ibang mga tapayan. Kapag napuno na ang bawat tapayan, itabi mo ito at punuin ang iba pang tapayan. Patuloy mo lang gawin iyon hanggang mapuno ang lahat ng tapayan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kaya ginawa niya ang sinabi ni Eliseo. Tuloy-tuloy na nagdadala ng mga tapayan ang kaniyang mga anak, at patuloy niya itong pinupuno.
|
||
|
\v 6 Maya-maya, napuno na ang lahat ng tapayan. Kaya sinabi niya sa isa sa kaniyang mga anak, "Magdala ka pa ng isa pang tapayan!" Pero siya ay sumagot, "Wala ng tapayan!" Sa oras na iyon, huminto ang pagdaloy ng olibang langis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nang sinabi niya ang nangyari kay Eliseo, sinabi ni Eliseo sa kaniya, "Ngayon, ipagbili mo ang langis at sa perang makukuha mo, bayaran mo ang utang mo, at may matitira pang pera para makabili ka ng pagkain mo at ng mga anak mo." Kaya ginawa niya iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Isang araw, pumunta si Eliseo sa lungsod ng Sunem. Mayroon doong isang mayamang babae na naninirahan doon kasama ng kaniyang asawa. Isang araw, inanyayahan niya si Eliseo sa kaniyang bahay para kumain. Kaya pumunta si Eliseo doon, at mula sa araw na iyon, sa tuwing nasa Sunem si Eliseo pumupunta siya sa kanilang bahay para kumain.
|
||
|
\v 9 Isang araw, sinabi ng babae sa kaniyang asawa, "Sigurado ako na ang taong ito na madalas pumunta dito ay isang propeta na siyang nagdadala ng mga mensahe mula sa Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sa tingin ko kailangan natin siyang bigyan ng silid sa taas ng ating bahay at maglagay ng higaan, lamesa, upuan, at ilawan. Kung gagawin natin iyon, sa tuwing pupunta siya dito, mayroon siyang lugar na pananatilihan." Kaya ginawa nila iyon.
|
||
|
\v 11 Isang araw, bumalik si Eliseo sa Sunem, at pumunta siya sa silid na iyon para magpahinga.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sabi niya sa alipin niyang si Gehazi, "Sabihin mo sa babae na gusto ko siyang makausap." Kaya pumunta ang alipin at sinabi ito sa kaniya. Nang pumunta siya sa pintuan ng silid ni Eliseo,
|
||
|
\v 13 Sinabi ni Eliseo kay Gehazi, "Sabihin mo sa kaniya na parehas tayong natutuwa sa lahat ng kabutihan na nagawa niya para sa atin. Pagkatapos tanungin mo siya kung ano ang magagawa natin para sa kaniya. Tanungin mo, Gusto mo ba akong pumunta sa hari o sa pinuno ng hukbo para humiling para sa iyo?'" Sinabi ni Gehazi ang mensaheng ito sa babae. Sumagot siya "Hindi, hindi na kailangan gawin iyon ng iyong panginoon, dahil may kakayahan ang aking pamilya na ibigay ang aking mga kailangan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kinamayaan, tinanong ni Eliseo si Gehazi, "Ano sa tingin mo ang magagawa natin para sa babaeng iyon?" Sumagot siya "Wala siyang anak, at matanda na ang kaniyang asawa."
|
||
|
\v 15 Sinabi ni Eliseo kay Gehazi, "Tawagin mo siya muli." Kaya pumunta si Gehazi at tinawag ang babae. At nang bumalik ang babae, habang nakatayo siya sa harap ng pintuan,
|
||
|
\v 16 Sinabi ni Eliseo sa kaniya, "Sa parehas na panahon na ito, sa susunod na taon, mahahawakan mo ang iyong anak sa iyong mga kamay." Pero umalma siya, "Ginoo, isa kang propeta na nagdadala ng mga mensahe ng Diyos, kaya pakiusap huwag mo akong linlangin sa pagsasabi ng mga bagay na ganyan!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pero pagkalipas ng ilang buwan, nabuntis ang babae, at nagsilang sa isang anak na lalaki sa parehas na panahon na sumunod na taon, gaya ng sinabi ni Eliseo.
|
||
|
\v 18 Nang lumalaki na ang bata, minsan siyang pumunta sa sakahan para makita ang kaniyang ama, na nagtratrabaho kasama ng mga lalaking nag-aani.
|
||
|
\v 19 Biglang sumigaw ang bata, "Ang sakit ng ulo ko! Ang sakit ng ulo ko!" Sinabi ng kaniyang ama sa isa sa kaniyang mga alipin, Buhatin ninyo siya pauwi sa kaniyang ina!"
|
||
|
\v 20 Kaya binuhat siya pauwi ng alipin, at nilagay ng kaniyang ina ang bata sa kaniyang hita. Pero katanghalian namatay ang bata.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Dinala siya sa silid ng propeta at hiniga siya sa higaan. Iniwan siya doon at umalis at sinara ang pinto.
|
||
|
\v 22 Pagkatapos, tinawag niya ang kaniyang asawa at sinabi, "Magpadala ka sa akin ng isa sa iyong mga alipin at asno para masakyan ko papunta sa propeta, at makabalik!" Pero hindi niya sinabi sa kaniyang asawa na patay na ang kanilang anak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Tinanong niya ang kaniyang asawa at sinabi, "Bakit gusto mong umalis ngayong araw? Hindi ito ang araw ng pagdiriwang ng pista ng bagong buwan, at hindi naman Araw ng Pamamahinga!" Pero sumagot siya, "Gawin mo lang ang hinihiling ko at magiging maayos din ang lahat."
|
||
|
\v 24 Kaya sinabi niya sa alipin na ihanda ang dawalang asno, habang papaalis na sila, sabi niya, Bilisan mo! Huwag kang babagal hangga't hindi ko sinabi sa iyo!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Nang papalapit na sila sa Bundok Carmel, kung saan naroroon si Eliseo, nakita siya ni Eliseo sa kalayuan. Sinabi niya kay Gehazi, "Tingnan mo, paparating ang babaeng mula sa Sunem!
|
||
|
\v 26 Tumakbo ka papunta sa kaniya, at tanungin kung maayos ang kaniyang kalagayan at asawa at kaniyang anak!" Kaya tumakbo si Gehazi at tinanong siya, pero wala siyang sinabi kay Gehazi bukod sa, "Oo, maayos lang ang lahat."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Pero nang dumating siya kung saan naroroon si Eliseo, nagpatirapa siya sa lupa sa harap ni Eliseo at hinawakan ang paa ni Eliseo. Tinulak siya palayo ni Gehazi, pero sabi ni Eliseo, "Huwag mo siyang itulak! May bagay na sobrang bumabagabag sa kaniya, pero hindi sinabi ni Yahweh kung ano iyon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Pagkatapos sinabi niya kay Eliseo, "O ginoo, hindi ko naman hiniling makapagsilang ng isang anak, pero sinabi ko,' Huwag kang magsinungaling sa akin.""
|
||
|
\v 29 Pagkatapos, naisip ni Eliseo na may nangyari sa anak ng babae. Kaya sinabi niya kay Gehazi, "Maghanda ka ng mabilis para sa pag-alis. Kunin mo ang aking tungkod at pumunta ka sa kaniyang tahanan. Huwag kang huminto para makipag-usap sa kahit sinong nasa daan. Magmadali kang pumunta kung nasaan ang kaniyang anak at ilagay mo ang tungkod sa mukha ng bata. Kung gagawin mo iyon, baka buhayin siya muli ni Yahweh."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Pero sabi ng ina ng bata, "Hanggang nabubuhay si Yahweh at ikaw, Hindi ako uuwi kung hindi ka sasama sa akin." Kaya bumalik siya kasama si Eliseo sa kaniyang tahanan.
|
||
|
\v 31 Pero mabilis na nauna si Gehazi sa kanila. Nang nakarating na siya sa tahanan ng babae, nilagay niya ang tungkod sa mukha ng bata, pero hindi gumalaw ang bata o nagsalita. Kaya bumalik si Gehazi para salubingin si Eliseo sa daanan, at sinabi niya, "Patay pa din ang bata."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Nang nakarating si Eliseo sa bahay, nakita niya ang patay na bata na nakahiga sa kaniyang higaan.
|
||
|
\v 33 Pumunta mag-isa si Eliseo sa silid at sinarado ang pintuan at nanalangin kay Yahweh.
|
||
|
\v 34 Pagkatapos dumapa siya sa katawan ng bata, at nilagay ang kaniyang bibig sa bibig ng bata, at kaniyang mga mata sa mga ng bata, at kaniyang mga kamay, sa mga kamay ng bata. Pagkatapos nagsimulang mag-init ang katawan ng bata!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 Tumayo si Eliseo at naglakad-lakad sa silid ng ilang beses. Pagkatapos muli niyang inunat ang kaniyang katawan sa katawan ng bata. Bumahing ng pitong beses ang bata at binuksan ang kaniyang mga mata!
|
||
|
\v 36 Pagkatapos tinawag ni Eliseo si Gehazi, sabi niya, "Tawagin mo ang ina ng bata." Kaya pumunta si Gehazi at tinawag ang ina, at pumasok siya sa silid, sabi ni Eliseo, "Ito na, kunin mo na ang iyong anak."
|
||
|
\v 37 Nakatirapa siyang nagpasalamat sa paanan ni Eliseo. Pagkatapos kinuha niya ang kaniyang anak at binuhat ang bata pababa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 38 Pagkatapos bumalik ng Gilgal si Eliseo. Pero sa panahong iyon, may taggutom sa lugar. Isang araw, may grupo ng mga propeta ang nakaupo habang nakikinig sa mga katuruan ni Eliseo, sabi niya sa kaniyang alipin, "Maglagay ka ng isang malaking palayok sa apoy at magluto ka ng nilaga para sa mga lalaking ito."
|
||
|
\v 39 Isa sa mga propeta ang pumunta sa sakahan para kumuha ng mga gulay. Pero ilang ligaw na gulay lang ang kaniyang nakuha at nilagay sa kaniyang balabal at dinala pabalik. Hiniwa niya ang mga ito at nilagay sa palayok, pero hindi niya alam na nakalalason ang gulay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 40 Hinain niya ang nilaga sa mga propeta, pero pagkatapos nilang makakakain ng ilang subo, sumigaw sila, "panginoon, may bagay sa palayok na papatay sa amin!" Kaya hindi nila kinain ito.
|
||
|
\v 41 Sinabi ni Eliseo, "Magdala ka sa akin ng harina." Nagdala sila at hinagis niya ito sa palayok at sinabi, "Mabuti na ito. Maaari ninyo na itong kainin." At kinain nila ito at hindi sila namatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 42 Isang araw may isang lalaki mula sa lungsod ng Baal-salisa ang nagdala ng isang sakong sariwang aning butil para kay Eliseo at dalawangpung tinapay na gawa mula sa unang butil na inani nila sa taong iyon. Sinabi ni Eliseo sa kaniyang alipin, "Ibigay mo ito sa grupo ng mga propeta, para makakain sila."
|
||
|
\v 43 Pero sumigaw ang alipin, "Sa tingin mo ba na mapapakain kaming isang daang propeta sa dami nito? Paano ko ipapakita ito sa kanila?" Pero sumagot si Eliseo, "Ibigay mo iyan sa mga propeta para makakain sila, dahil sabi ni Yahweh na magkakaroon ng sapat na pagkain para sa kanilang lahat, at mayroon pang matitira!"
|
||
|
\v 44 Pagkatapos ibigay ng kaniyang alipin ito sa mga propeta, kinain nila ang kahit anong gusto nila, at may natira pang pagkain, gaya ng pinangako ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 5
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Isang lalaking nagngangalang Naaman ang pinuno ng hukbo ng Aram. Tinulungan siya ni Yahweh na magkaroon ng maraming tagumpay, kaya't hinangaan at pinarangalan siya ng hari ng Aram. Malakas at matapang din na sundalo sa Naaman pero mayroon siyang ketong.
|
||
|
\v 2 Kamakailan lang, grupo grupo ng mga kawal ang lumusob sa lupain ng Israel, at nakahuli sila ng batang babae at dinala nila ito sa Aram. Naging lingkod siya ng asawa ni Naaman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Isang araw, sinabi ng babaeng iyon sa kaniya, "Sana puntahan ng amo ko ang propeta na nasa lungsod ng Samaria. Pagagalingin ng propetang iyon ang asawa mo mula sa kaniyang ketong."
|
||
|
\v 4 Sinabi ng asawa ni Naaman sa kaniya kung ano ang sinabi ng babaeng mula sa Israel, at sinabi ito ni Naaman sa hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5-6 Sinabi ng hari sa kaniya, "Kung ganoon, humayo ka at puntahan ang propeta. Susulat ako ng liham para dalhin mo sa hari ng Israel kung saan nakasaad na ipinadala kita." Isinulat ng hari sa liham na, "Ipinadadala ko ang liham na ito kasama ng pinuno ng aking hukbo na si Naaman, na naglilingkod sa akin nang tapat. Nais kong pagalingin mo siya sa kaniyang karamdaman." Kaya dinala ni Naaman ang liham sa hari ng Israel, inaakalang siya ang propeta, kasama ng 340 na kilo ng pilak, 70 kilo ng ginto, at sampung pares ng mga kasuotan, para ibigay sa kaniya, at nagtungo siya sa Samaria, kasama ang mga lingkod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nang dumating siya sa Samaria, ibinigay niya ang liham sa hari ng Israel. Binasa ng hari ang liham. Dahil labis siyang nadismaya, pinunit ng hari ang kaniyang damit at sinabing, "Hindi ako Diyos! Hindi ko kayang bumuhay ng tao o pumatay! Bakit hinihiling ng sumulat ng liham na ito na pagalangin ko ang taong ito sa kaniyang ketong? Wala akong kapangyarihan na gumamot ng ketong! Naghahanap lang yata ng palusot ang hari ng Aram para lusubin tayo!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Narinig ni Eliseo kung bakit pinunit ng hari ng Israel ang kaniyang balabal, kaya nagpadala siya ng mensahe sa hari, sinasabing, "Bakit ka naiinis? Papuntahin mo si Naaman sa akin, at makikita niyang ako ay totoong propeta ng Israel."
|
||
|
\v 9 Kaya't nagpunta si Naaman kasama ng kaniyang mga kabayo at mga karwahe sa bahay ni Eliseo at naghintay sa tapat ng kaniyang pinto.
|
||
|
\v 10 Pero hindi pumunta si Eliseo sa pinto. Sa halip, nagpadala siya ng mensahero kay Naaman para sabihin sa kaniya, "Pumunta ka sa Ilog Jordan at lumublob ka nang pitong beses sa tubig. Matapos nito, gagaling ang kutis mo at mawawala ang ketong mo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pero lubos na nagalit si Naaman. Sinabi niya, "Ang akala ko, tiyak na ikakaway niya ang kamay niya sa ketong ko at mananalangin kay Yahweh at pagagalingin ako!
|
||
|
\v 12 Siguradong ang ilog sa Abana at Farfar sa Damasco sa bansa namin ay mas malinis ang tubig kaysa sa anumang ilog dito sa Israel! Hindi ba ako pwedeng pumunta sa mga ilog sa lugar namin at gumaling at malinis?" Kaya't tumalikod siya at umalis nang may matinding sama ng loob.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pero lumapit ang mga lingkod niya sa kaniya, at sinabi ng isa sa kanila, "Sir, kung sinabihan ka ng propetang iyon na gumawa ng isang bagay na mahirap gawin, tiyak gagawin mo ito. Pero bakit tumatanggi ka sa isang simpleng gawain na hiniling niya nang sinabi niyang, "Lumublob ka sa Ilog Jordan nang pitong beses para luminis ka?'"
|
||
|
\v 14 Kaya bumaba si Naaman sa Ilog Jordan at lumublob sa tubig nang pitong beses, gaya ng sinabi ng propeta, at gumaling ang kaniyang kutis, gaya ng makinis na kutis ng isang bata.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pagkatapos bumalik at nakipag-usap si Naaman kay Eliseo, kasama ng mga taong sumama sa kaniya. Tumayo sila sa harap niya at sinabi ni Naaman, "Ngayon alam ko na, na walang ibang tunay na diyos sa buong mundo, pero mayroong tunay na Diyos dito sa Israel! Kaya ngayon, pakiusap, tanggapin mo ang mga regalong ito na dinala ko para sa iyo!"
|
||
|
\v 16 Pero tumugon si Eliseo, "Hangga't nabubuhay si Yahweh na aking pinaglilingkuran, hindi ako tatanggap ng anumang regalo." Hinimok siya ni Naaman na tanggapin ang mga regalo pero patuloy na tumanggi si Eliseo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Kaya sinabi ni Naaman, "Oh siya sige, pero mayroon akong isang kahilingan. Ang lupa dito sa Israel ay lupain ni Yahweh, kaya pahintulutan mo akong kumuha ng ilang lupa mula sa lugar na ito at ilagay ito sa mga sako sa dalawang mola. Pagkatapos iuuwi ko ito sa amin at gagawa ako ng altar gamit ang lupang ito. Mula ngayon, maghahandog ako ng mga alay kay Yahweh sa altar na iyon. Hindi na ako maghahandog ng mga alay sa sinumang diyos.
|
||
|
\v 18 Pero, kung ang aking amo, ang hari, ay pumunta sa templo ng diyos na si Rimmon para sumamba sa kaniya, hinihiling ko na patawarin ako ni Yahweh dahil kakailanganin kong yumuko rin."
|
||
|
\v 19 Sumagot si Eliseo, "Umuwi ka at huwag mong alalahanin iyon." Kaya't nagsimulang maglakbay si Naaman at ang kaniyang mga lingkod, pauwi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pero sinabi ng alipin ni Eliseo na sa Gehazi sa kaniyang sarili, "Hindi mabuti na hinayaan ng aking amo ang Aramean na ito na umalis nang ganito. Dapat tinanggap niya ang mga regalo. Kaya hangga't nabubuhay si Yahweh, aalis ako hahabulin ko si Naaman at tatanggap mula sa kaniya."
|
||
|
\v 21 Kaya nagmadali si Gehazi para abutan si Naaman. Nang nakita ni Naaman na tumatakbo si Gehazi patungo sa kaniya, pinahinto niya ang karwahe kung saan siya nakasakay, bumaba at sinalubong si Gehazi para malaman kung anong nais niya. Tinanong niya ito, "Ayos lang ba ang lahat?"
|
||
|
\v 22 Tumugon si Gehazi, "Oo, pero dalawang batang propeta mula sa bayan sa burol kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Efraim ay nakatira ang dumating ngayon lang. Pinadala ako ni Eliseo para sabihin na gusto niya silang bigyan ng 34 na kilo ng pilak, at dalawang pares ng mga damit."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Tumugon si Naaman, "Walang problema! Maaari mong kunin ang 68 na kilo ng pilak!" Hinikayat niya si Gehazi na tanggapin ito. Nagbigay din siya ng dalawang pares ng pilak. Tinali niya ang dalawang bag ng pilak at binigay ito sa dalawa sa kaniyang mga alipin para dalhin pabalik kay Eliseo.
|
||
|
\v 24 Pero nang dumating sila sa burol kung nasaan si Eliseo, kinuha ni Gehazi ang pilak at mga damit mula sa mga lingkod ni Naaman at pinabalik sila kay Naaman. Pagkatapos kinuha niya ang mga iyon at tinago ito sa bahay niya.
|
||
|
\v 25 Nang nagpunta siya ka Eliseo, tinanong siya ni Eliseo, "Saan ka nanggaling Gehazi?" Tumugon si Gehazi, "Wala akong pinuntahan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Tinanong siya ni Eliseo, "Hindi mo ba alam na ang espiritu ko ay naroon nang bumaba si Naaman mula sa karwahe niya para kausapin ka? Hindi ito ang oras para tumanggap ng mga regalong pera at mga damit at mga olibo at mga ubasan at mga tupa at mga baka at mga alipin!
|
||
|
\v 27 Dahil ginawa mo ito, ikaw at ang iyong mga anak, at ang lahat ng kaapu-apuhan mo ay magkakaroon ng ketong gaya ng kay Naaman habang-buhay!" Nang umalis si Gehazi sa silid, naging ketongin siya. Ang kutis niya ay kasimputi ng bulak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 6
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Isang araw, sinabi ng grupo ng mga propeta kay Eliseo, "Tingnan mo, ang lugar na ito kung saan tayo nagkikita-kita kasama ka ay masyadong maliit.
|
||
|
\v 2 Hayaan mong pumunta kami sa Ilog Jordan at pumutol ng ilan sa mga puno para makapagtayo ng isang bagong lugar ng pagtitipon."
|
||
|
\v 3 Sinabi ni Eliseo, "Kung ganoon, sige." Sinabi ng isa sa kanila kay Eliseo, "Samahan mo kami." Kaya sumagot si Eliseo, "Sige. Sasama ako sa inyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Kaya umalis sila nang magkakasama. Nang marating nila ang Ilog Jordan, pumutol sila ng ilan sa mga puno.
|
||
|
\v 5 Pero habang nagpuputol ang isa sa kanila ng puno, biglang natanggal ang ulo ng palakol na hawak niya at nahulog sa tubig. Sumigaw siya kay Eliseo, "Amo, anong gagawin ko? Hindi sa akin ang palakol na iyon. Hiniram ko lang iyon!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sumagot si Eliseo, "Saan banda ito nahulog?" Matapos na maipakita ng lalaki ang lugar, pumutol si Eliseo ng isang patpat, tinapon ito sa tubig, at lumutang ang palakol sa ibabaw ng tubig.
|
||
|
\v 7 Sinabi ni Eliseo, "Kunin mo ito." Kaya inabot ito ng lalaki at kinuha ang ulo ng palakol.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sa tuwing naghahanda ang hari ng Aram para ipadala ang kaniyang hukbo para digmain ang Israel, sumasangguni muna siya sa kaniyang mga opisyales, at sinasabi sa kanila kung saan dapat magtayo ng mga tolda.
|
||
|
\v 9 Pero bawat pagkakataon, magpapadala ng mensahe ng babala si Eliseo sa hari ng Israel, sinasabi sa kaniya kung saan nagbabalak na lumusob ang hukbo ng Aram, sinasabing, "Tiyakin niyong hindi pupunta sa lugar na iyon ang hukbo, dahil ang hukbo ng Aram ay nagkampo roon."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kaya magpapadala ang hari ng Israel ng mga mensahero para balaan ang mga tao na naninirahan sa lugar na iyon, at magigiting ng seguridad ang mga tao. Nangyari iyon nang ilang beses.
|
||
|
\v 11 Labis na nainis ang hari ng Aram tungkol dito, kaya ipinatawag niya ang mga opisyales ng kaniyang hukbo at sinabi sa kanila, "Isa sa inyo ang nagsasabi ng ating mga plano sa hari ng Israel. Sino sa inyo ang gumagawa nito?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sumagot ang isa sa kaniyang mga opisyales, "Kamahalan, hindi isa sa amin. Si Eliseo na propeta ang nakaaalam ng mga binabalak nating gawin at sinasabi niya ang lahat sa hari ng Israel. Alam niya maging ang mga sinasabi mo sa iyong silid!"
|
||
|
\v 13 Sumagot ang hari ng Aram, "Humayo kayo at hanapin kung nasaan siya, at magpapadala ako ng ilang mga tauhan para dakpin siya." May nagsabi sa kaniya, "Sabi ng mga tao, nasa lungsod siya ng Dotan, sa hilaga ng Samaria."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kaya nagpadala ang hari ng isang malaking grupo ng mga kawal sa Dotan kasama ng mga kabayo at mga karwahe. Dumating sila sa gabi at pinaligiran ang lungsod.
|
||
|
\v 15 Kinabukasan nang umagang-umaga, bumangon ang alipin ni Eliseo at lumabas ng bahay. Nakita niya ang mga sundalo ng Aram kasama ng mga kabayo at mga karwahe nila na nakapaligid sa bayan. Kaya pumasok siya sa loob ng bahay at ibinalita ito kay Eliseo at sinabing, "Amo! Anong gagawin natin?"
|
||
|
\v 16 Tumugon si Eliseo, "Huwag kang matakot! Silang tumutulong sa atin ay higit na mas marami kaysa sa kanila na tumutulong sa kanila!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pagkatapos nanalangin siya, "Yahweh, hinihiling ko na buksan mo ang mga mata ng aking alipin nang makita niya kung ano ang naroon!" Kaya binuksan ni Yahweh ang mga mata ng kaniyang alipin at ipinakita sa kaniya ang paligid ng burol kung saan nakatayo ang bayan, na mayroong napakaraming kabayo at karwahe na tila gawa sa apoy!
|
||
|
\v 18 Nang naghanda ang hukbo ng Aram para lusubin si Eliseo, nanalangin siya muli, sinasabing, "Yahweh, bulagin mo ang mga sundalong ito!" Tinugon ni Yahweh ang kaniyang panalangin at dinulot na hindi sila makakita nang maliwanag.
|
||
|
\v 19 Kaya nagpunta sa kanila si Eliseo at sinabing, "Wala kayo sa tamang daan. Hindi ito ang lungsod na hinahanap ninyo. Dadalhin ko kayo sa taong hinahanap ninyo." Pero dinala niya sila sa lungsod ng Samaria, ang kabisera ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sa oras na nakapasok sila sa Samaria, nanalangin muli si Eliseo, sinasabing, "Yahweh, hayaan mo nang makakita ang mga sundalong ito nang maayos!" Kaya dinulot ni Yahweh na makakita ulit sila nang maayos, at nagulat sila na makita na sila ay nasa loob ng Samaria.
|
||
|
\v 21 Nang nakita sila ng hari ng Israel, sinabi niya kay Eliseo, "Sir, dapat ko bang sabihin sa aking mga sundalo na patayin sila? Dapat bang patayin na namin silang lahat?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Sumagot si Eliseo, "Hindi. Hindi niyo sila dapat patayin. Kapag nakabihag ng maraming kaaway ang iyong hukbo sa digmaan, huwag niyo silang patayin. Bigyan niyo ang taong ito ng makakain at maiinom, at pagkatapos, hayaan niyong bumalik sila sa kanilang hari."
|
||
|
\v 23 Kaya ginawa iyon ng hari ng Israel. Sinabi niya sa kaniyang mga alipin na magbigay ng malaking piging para sa kanila. At nang nakakain at nakainom sila, pinaalis niya sila. Bumalik sila sa hari ng Aram at sinabi sa kaniya kung ano ang nangyari. Kaya't sa loob ng ilang panahon matapos noon, huminto sa paglusob sa mga bayan ng Israel ang mga sundalo mula sa Aram.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pero kinalaunan, tinipon ni Ben Hadad, hari ng Aram ang kaniyang buong hukbo, at nagpunta sila sa Samaria at pinaligiran ang lungsod nang mahabang panahon.
|
||
|
\v 25 Dahil doon, matapos ang ilang panahon, halos walang natirang pagkain sa loob ng lungsod, kaya hindi nagtagal ang ulo ng isang asno na karaniwang walang halaga, ang naghalagang walumpung piraso ng pilak.
|
||
|
\v 26 Isang araw, nang naglalakad ang hari ng Israel sa ibabaw ng pader ng lungsod, isang babae ang umiiyak na lumapit sa kaniya at sinabing, "Kamahalan, tulungan mo ako!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Tumugon siya, "Kung hindi ka tutulungan ni Yahweh, hindi kita matutulungan. Wala akong trigo ni alak!
|
||
|
\v 28 Anong problema mo?" Sumagot siya, "Noong nakaraang araw, sinabi ng babaeng iyon sa akin, 'Dahil wala nang natira sa atin para makain, patayin natin ang anak mo ngayon para makain natin siya. Pagkatapos bukas pwede nating patayin ang aking anak para kainin ang kaniyang laman.'
|
||
|
\v 29 Kaya pinatay namin ang aking anak at hiniwa ang katawan niya, pinakuluan ang laman niya at kinain ito. Kinabukasan, sinabi ko sa kaniya, 'Ngayon ibigay mo ang anak mo sa akin, para patayin natin siya at iluto ang laman niya at kainin ito.' Pero tinago niya ang kaniyang anak."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Nang marinig ng hari ang sinabi ng babae, pinunit niya ang kaniyang balabal para ipakita na lubos siyang nabagabag. Nakita ng mga taong malapit sa pader na may suot na magaspang na tela ang hari bilang panloob sa kaniyang balabal dahil siya ay labis na nabagabag.
|
||
|
\v 31 Isinigaw ng hari, "Sana patayin ako ng Diyos kung hindi ko papupugutan si Eliseo ngayong araw na ito, dahil siya ang naging dahilan ng lahat ng kalunos-lunos na pangyayaring ito na nangyari sa amin!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Kaya nagpadala ng opisyal ang hari para kunin si Eliseo. Bago dumating ang opisyal, nakaupo si Eliseo sa kaniyang bahay kasama ang ilang nakatatanda ng mga Israelita, na nakikipag-usap sa kaniya. Sinabi sa kanila ni Eliseo, "Ang mamamatay-taong iyon, ang hari ng Israel, ay nagpadala ng tao dito para patayin ako. Makinig kayo. Kapag dumating siya, isara niyo ang pinto at huwag niyo siyang hayaang makapasok, dahil darating ang hari kasunod ng opisyal!"
|
||
|
\v 33 At habang nagsasalita siya, dumating ang hari at ang opisyal. Sinabi ng hari, "Si Yahweh ang nagpapahintulot na danasin natin ang lahat ng suliraning ito. Hindi na ako maghihintay sa kaniya na tulungan tayo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 7
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pero sumagot si Eliseo sa hari, "Makinig ka sa sinasabi ni Yahweh: 'Sinasabi niya na sa ganitong oras bukas, sa palengke dito sa Samaria, makabibili ka ng pitong litro ng pinakamaiinam na harina sa halagang isang pilak, at labing apat na litro ng sebada sa halagang isang palak.'"
|
||
|
\v 2 Sinabi ng opisyal na kasama ng hari kay Eliseo, "Hindi pwedeng mangyari iyon! Kahit na buksan ni Yahweh ang mga bintana at magpaulan galing sa langit ng mga butil sa atin, tiyak na hindi pwedeng mangyari iyon!" Sumagot si Eliseo, "Dahil sinabi mo iyan, makikita mong mangyari ito, pero hindi ka makakakain mula sa mga pagkaing iyon!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Noong araw na iyon, mayroong apat na lalaki na may ketong na nakaupo sa labas ng tarangkahan ng lungsod ng Samaria. Sinabi nila sa isa't isa, "Bakit tayo maghihintay dito hanggang tayo ay mamatay?
|
||
|
\v 4 Kung pupunta tayo sa lungsod, doon tayo mamamatay dahil walang pagkain doon. Kung mananatili tayong nakaupo dito, mamamatay tayo dito. Kaya magpunta tayo kung nasaan nagkampo ang hukbo ng Aram. Kung patayin nila tayo, mamamatay tayo. Pero kung hayaan nila tayong mabuhay, hindi tayo mamamatay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kaya noong maggagabi na, nagtungo ang apat na lalaki sa kampo ng hukbo ng Aram. Pero nang dumating sila sa kampo, wala silang nakitang sinuman doon.
|
||
|
\v 6 Ang nangyari'y, dinulot ni Yahweh na makarinig ang hukbo ng Aram ng mga tunog ng malaking hukbo ng mga kabayo at karwahe. Kaya sinabi ng mga kawal sa isa't isa, "Makinig kayo! Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng Ehipto at Heteo at kanilang mga hukbo, at dumating sila para lusubin tayo!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kaya nagtakbuhan silang lahat nang gabing iyon sa paglubog ng araw at iniwan ang kanilang mga tolda at mga kabayo at mga asno doon, dahil takot silang mamatay kung mananatili sila doon.
|
||
|
\v 8 Nang dumating ang apat na lalaking ketongin sa dulo ng nasasakupan ng mga sundalo ng Aram kung saan sila nagtayo ng kanilang mga tolda, pinasok nila ang isa sa mga tolda at nakita ang lahat ng gamit na iniwan doon. Kaya kinain nila at ininom ang mga naroroon. Pagkatapos lumabas sila ng tolda at itinago ang mga bagay na iyon. Pumasok sila muli sa isa pang tolda at kumuha ng mga gamit doon, at lumabas sila at tinago din ulit ang mga ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pero sinabi nila sa isa't isa, "Hindi tama ang ginagawa natin. May magandang balita tayong dala para sa iba ngayon. Kung hindi natin sasabihin ito ngayon, at kung maghihintay pa tayo hanggang bukas, tiyak parurusahan nila tayo. Kaya pumunta na tayo sa palasyo at sabihin ito sa mga opisyales ng hari!"
|
||
|
\v 10 Kaya nagpunta sila sa mga bantay ng tarangkahan ng lungsod at sumigaw sa kanila, "Nagpunta kami kung saan nagtayo ng tolda ang hukbo ng Aram, pero wala kaming nakita o narinig na tao roon. Nakatali pa rin ang mga kabayo at asno nila pero ang mga tolda nila, iniwan!"
|
||
|
\v 11 Isinigaw ng mga bantay ang balita, at ang ilang nakarinig dito ay nagpunta sa palasyo para ibinalita ito roon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Gabi nang marinig ng hari ang balitang ito. Bumangon siya at sinabi sa kaniyang mga opisyales, "Sasabihin ko sa inyo ang binabalak ng hukbo ng Aram. Alam nilang wala tayong pagkain dito, kaya iniwan nila ang mga tolda nila at nagtago sa mga bukirin. Iniisip nila na iiwan natin ang lungsod para maghanap ng pagkain at saka nila tayo bibihagin at ang lungsod."
|
||
|
\v 13 Pero sinabi ng isang opisyal sa kaniya, "Marami na sa ating mga kababayan ang namatay dahil sa gutom. Kung mananatili tayong lahat na nabubuhay dito, mamamatay rin tayo. Kaya hayaan mong magpadala kami ng lima sa ating mga kabayo na buhay pa para tingnan kung ano talaga ang nangyari."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kaya't pumili sila ng ilang lalaki at sinabi sa kanila na gamit ang dalawang karwahe, tingnan nila kung ano nangyari sa hukbo ng Aram.
|
||
|
\v 15 Nakaabot sila sa Jordan. Saan mang dako sa lansangan, nakita nila ang mga damit at mga gamit ng mga kawal ng Aram na itinapon habong nagtatakbuhan sila. Kaya bumalik ang mga lalaki sa hari at ibinalita kung anong nakita nila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Pagkatapos marami rin sa bayan ng Samaria ang lumabas ng lungsod at nagpunta sa lugar kung saan nagkampo ang hukbo ng Aram. Pinasok nila ang lahat ng tolda at kinuha lahat. Kaya marami silang nakuha! Dahil dito, nakabili ang mga tao ng pitong litro ng pinakamainam na harina sa halagang isang pirasong pilak, at labing apat na litro ng sebada sa halagang isang pirasong pilak, na siyang sinabi ni Yahweh na mangyayari!
|
||
|
\v 17 Inutusan ng hari ng Israel ang kaniyang lingkod, ang nakipag-usap kay Eliseo, na pangasiwaan ang nangyayari sa tarangkahan. Pero habang nakatayo siya sa tarangkahan, nagmadaling lumabas ang lahat ng tao at tinapakan siya, at namatay siya, na siyang sinabi ni Eliseo na mangyayari sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Sinabi sa kaniya na Eliseo, na kinabukasan, magkakaroon ng maraming pagkain para nang sa ganoon, sinuman ay makabili ng labing apat na litro ng sebada sa halagang isang pirasong pilak, at pitong litro ng pinakamainam na harina sa halagang isang pilak.
|
||
|
\v 19 Sumagot ang opisyal na iyon, "Tiyak na hindi mangyayari iyon! Kahit buksan ni Yahweh ang langit at magpaulan ng butil, hindi mangyayari iyon." At sumagot si Eliseo, "Dahil sinabi mo iyan, makikita mong mangyari ito, pero hindi ka makakakain mula sa pagkaing ito!"
|
||
|
\v 20 At iyon nga ang nangyari sa kaniya. Ang mga taong nagmamadaling lumabas ay tinapakan siya, at siya ay namatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 8
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos buhaying muli ni Eliseo ang anak na lalaki ng babae mula sa lungsod ng Sunem, sinabi niya sa kaniya na dapat siyang umalis kasama ang kaniyang pamilya at panandaliang manirahan sa ibang lugar, dahil magpapadala ng taggutom si Yahweh sa lupain. Sinabi niya na ang taggutom ay magtatagal ng pitong taon.
|
||
|
\v 2 Kaya ginawa ng babae kung ano ang sinabi sa kanya ni Eliseo. Siya at kaniyang pamilya ay umalis para manirahan sa rehiyon ng Filisteo ng pitong taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos ng pitong taon ang lumipas, bumalik sila sa kanilang tahanan. Nagpunta ang babae sa hari para hilingin na ang kaniyang tahanan at kaniyang lupain ay ibalik muli sa kaniya.
|
||
|
\v 4 Nang dumating siya, ang hari ay nagsasalita kay Gehazi, lingkod ni Eliseo. Sinasabi ng hari sa kanila, "Sabihin ninyo sa akin ang lahat ng mahahalagang bagay na nagawa ni Eliseo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Habang nagsasalita si Gehazi sa hari na si Eliseo ay binuhay muli ang anak na lalaki ng isang babae mula Sunem, na ang babaeng iyon ay pumasok sa loob at hiniling sa hari na ibalik muli ang kaniyang tahanan at lupain. Napasigaw si Gehazi, "Iyong Kamahalan, ito ang babae na ang anak na lalaki ay binuhay muli ni Eliseo!"
|
||
|
\v 6 Nang tinanong siya ng hari tungkol dito, sinabi niya sa kaniya ang sinabi ni Gehazi ay tama. Ipinatawag ng hari ang isa sa kaniyang mga opisyal at sinabi sa kaniya, "Siguraduhing maibalik sa babaeng ito ang lahat ng bagay na pag-aari niya noong nakaraan, kasama ang halaga ng lahat ng pananim na inani sa panahon ng huling pitong taon habang siya ay malayo sa kaniyang lupain." Kaya ginawa iyon ng mga opisyal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nagpunta si Eliseo sa Damasco, ang kabisera ng Aram, sa panahon na si Ben Hadad, ang hari ng Aram, ay lubhang may karamdaman. Nang may isang taong nagsabi sa hari na si Eliseo ay nasa Damasco,
|
||
|
\v 8 sinabi ng hari isa sa kaniyang mga opisyal na nagngangalang Hazael, "Lumakad ka at kausapin ang propetang iyon at magdala ka ng isang handog para ibigay sa kaniya. Hilingin sa kaniya na tanungin si Yahweh kung gagaling ako sa aking karamdaman."
|
||
|
\v 9 Kaya nagpunta si Hazael para kausapin si Eliseo. Nagdala siya ng apatnapung kamelyo na karga ang maraming uri ng kalakal na ginawa sa Damasco. Nang salabungin siya ni Hazael, sinabi niya sa kaniya, "Ang iyong kaibigan na si Ben Hadad, ang hari ng Aram, isinugo ako para tanungin ka kung sa palagay mo ay gagaling siya sa kaniyang karamdaman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sinabi ni Eliseo kay Hazael, "Lumakad ka at sabihin sa kaniya, 'Oo, tiyak na hindi ka mamamatay sa karamdamang ito,' pero ipinakita sa akin ni Yahweh na siya ay tiyak na mamamatay bago siya gumaling."
|
||
|
\v 11 Pagkatapos tinitigan siya ni Eliseo at may nakatatakot na hitsura. Dahil dito hindi mapalagay si Hazael. Pagkatapos biglang napaiyak si Eliseo.
|
||
|
\v 12 Sinabi ni Hazael, "Ginoo, bakit ka umiiyak?" Sumagot si Eliseo, "Dahil hinayaan ni Yahweh na malaman ko ang mga nakatatakot na bagay na iyong gagawin sa bayan ng Israel. Susunugin ng iyong mga sundalo ang kanilang mga lungsod na ngayon ay may mga pader na nakapaligid sa kanila, papatayin ang kanilang makikisig na kabataang lalaki sa labanan, dudurugin ang mga ulo ng kanilang mga anak, at bibiyakin ang mga tiyan ng kanilang mga buntis gamit ang mga espada."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sumagot si Hazael, "Ako ay walang kapangyarihan gaya ng isang aso. Paano ko magagawa ang ganoong kakila-kilabot na bagay?" Sumagot si Eliseo, "Ipinahayag din sa akin ni Yahweh na ikaw ang magiging hari ng Aram."
|
||
|
\v 14 Pagkatapos umalis si Hazael at bumalik sa kaniyang panginoon ang hari, na nagtanong sa kaniya, "Ano ang sinasabi ni Eliseo?" Sumagot siya, "Sinabi niya sa akin na ikaw ay tiyak na gagaling."
|
||
|
\v 15 Pero kinabukasan, habang natutulog ang hari, kinuha ni Hazael ang isang kumot at inilublob ito sa tubig. Pagkatapos pinatong niya ito sa mukha ng hari para hindi siya makahinga, at siya ay namatay. Pagkatapos si Hazael ay naging hari ng Aram sa halip na si Ben Hadad.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Pagkatapos ni Haring Joram anak ni Ahab, na namumuno sa Israel nang halos limang taon, si Jehosaphat anak ni Jehoram ay naging hari ng Juda.
|
||
|
\v 17 Siya ay tatlumpu't-dalawang taong gulang nang siya ay naging hari, at namuno siya sa Jerusalem ng walong taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ang kaniyang asawa ay anak na babae ni Haring Ahab. Gaya ng bawat isa sa pamilya ni Ahab, nagpatuloy siyang gumawa ng masasamang bagay na nagawa ng dating mga hari sa Israel. Gumawa siya ng maraming bagay na sinabi ni Yahweh ay masama.
|
||
|
\v 19 Pero hindi ninais ni Yaweh na paalisin ang bayan ng Juda, dahil sa kaniyang ipinangako kay David, na naglingkod sa kaniya ng napakabuti. Ipinangako niya kay David na ang kaniyang mga kaapu-apuhan ang laging mamumuno sa Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Habang sa panahon na namuno si Jehoram, naghimagsik ang hari ng Edom laban sa Juda, at nagtalaga sila ng sarili nilang hari.
|
||
|
\v 21 Kaya nagpunta si Jehoram kasama ang kaniyang hukbo at lahat ng kanilang mga karwahe sa lungsod ng Zair malapit sa hangganan ng Edom. Doon ang hukbo ng Edom ay nakapalibot sa kanila. Pero kinagabihan, si Jehoram at ang mga pinuno ng kanilang mga karwahe ay nakapasok sa mga hangganan ng kaaway at nakatakas. At lahat ng kaniyang mga sundalo ay tumakas din patungo sa kanilang mga tahanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kaya pagkatapos noon, ang Edom ay hindi na sakop ng Juda, at ito ay ganoon pa rin. Sa panahon ding iyon, ang mga tao sa lungsod ng Libna ay napalaya rin ang kanilang sarili mula sa pananakop ng Juda.
|
||
|
\v 23 Kung nais mong basahin ang tungkol sa ibang mga bagay na ginawa ni Jehoram, nakasulat ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda.
|
||
|
\v 24 Namatay si Jehoram at inilibing kung saan ang ibang mga hari ng Juda ay nakalibing sa bahagi ng Jerusalem na tinawag na ang lungsod ni David. Pagkatapos si Ahazias na anak ni Jehoram ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pagkatapos ang anak ni Ahab na si Joram ay namumuno sa Israel nang halos labindalawang taon, ang anak ni Jehoram na ni Ahazias ang naging hari ng Juda.
|
||
|
\v 26 Si Ahazias ay dalawampu't-dalawang taong gulang nang siya ay nagsimulang mamuno. Namuno siya sa Jerusalem nang isang taon lamang. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Athalia, ang anak na babae ni Haring Ahab at ang apong babae ni Haring Omri ng Israel.
|
||
|
\v 27 Pinangasiwaan ni Haring Ahazias ang kaniyang buhay gaya ng ginawa ng mga miyembro ng pamilya ni Ahab. Gumawa siya ng maraming bagay na sinabi ni Yahweh ay masama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Sumali ang hukbo ni Ahazias sa hukbo ni Haring Joram ng Israel para lumaban sa hukbo ni Haring Hazael ng Aram. Nagsimulang naglabanan ang kanilang mga hukbo sa lungsod ng Ramoth sa rehiyon ng Galaad, at ang mga sundalo ng Aram ang sumugat kay Joram.
|
||
|
\v 29 Nagbalik si Haring Joram sa lungsod ng Jezreel para magpagaling sa kaniyang mga sugat. Nagpunta si Haring Ahazias para bisitahin siya roon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 9
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Samantala, ipinatawag ni propeta Eliseo ang isa sa ibang mga propeta. Sinabi niya sa kaniya, "Maging handa at pumunta sa lungsod ng Ramoth sa rehiyon ng Galaad. Dalhin mo itong garapon ng langis ng olibo.
|
||
|
\v 2 Kapag dumating ka roon, hanapin mo ang isang lalaki na nagngangalang Jehu anak ni Jehoshaphat at apo ni Nimsi. Sumama ka sa kaniya sa loob ng silid malayo mula sa kaniyang mga kasama,
|
||
|
\v 3 at ibuhos mo ang kaunting langis na ito sa kaniyang ulo. Pagkatapos sabihin sa kaniya, 'ipinapahayag ni Yahweh na hinihirang ka niya na maging hari ng Israel.' Pagkatapos buksan mo ang pinto at tumakbo ng mabilis hanggang kaya mo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Kaya nagpunta ang binatang propeta sa Ramoth.
|
||
|
\v 5 Nang makarating siya, nakita niya ang mga pinuno ng hukbo na mayroong isang pagpupulong. Tumingin siya kay Jehu at sinabi, "Ginoo, mayroon akong isang mensahe para sa isa sa inyo." Sumagot si Jehu, "Sino sa amin ang pinadalhan ng mensaheng ito?" Sumagot ang binatang propeta, "Ito ay para sa iyo, pinuno."
|
||
|
\v 6 Kaya si Jehu ay tumayo at sumama sa binatang propeta sa loob ng bahay. Doon ibinuhos ng binatang propeta ang kaunting langis ng olibo sa ulo ni Jehu at sinabi sa kaniya, "Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, ipinapahayag ito: 'Hinihirang kita para maging hari ng aking bayang Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Dapat mong patayin ang inyong panginoon na si Haring Joram anak ni Ahab, dahil parurusahan ko ang asawa ni Ahab na si Jezabel dahil sa pagpatay sa marami kong mga propeta at ibang tao na naglingkod sa akin.
|
||
|
\v 8 Dapat mong patayin hindi lamang si Joram pero lahat ng pamilya ni Ahab. Nais kong patayin ang bawat lalaki sa pamilya, kasama ang kabataan at nakatatanda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Papatayin ko ang pamilya ni Ahab, gaya ng pagpatay ko sa mga pamilya ng dalawa pang hari ng Israel, si Jeroboam at Baasa.
|
||
|
\v 10 At kapag namatay si Jezabel, ang kaniyang bangkay ay hindi maililibing. Kakainin ng mga aso ang kaniyang bangkay doon sa lungsod ng Jezreel.' "Pagkatapos itong sabihin ng binatang propeta, siya ay umalis sa silid at tumakbo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nang makalabas si Jehu sa silid kung saan naroroon ang iba niyang mga kumander, sinabi nila sa kaniya, "Mabuti ba ang lahat ng bagay? Bakit nagpunta sa iyo ang baliw na iyon?" Sumagot siya, "Nalalaman mo kung anong mga uri ng mga bagay ang sinasabi ng binatang propeta gaya niya."
|
||
|
\v 12 Sinabi nila, "Nagsisinungaling ka. Sabihin mo sa amin kung ano ang sinabi niya!" Sumagot siya, "Sinabi niya sa akin ang ilang mga bagay, at pagkatapos sinabi niya sa akin ang sinabi ni Yahweh, 'Hinihirang kita para maging hari ng Israel."
|
||
|
\v 13 Pagkatapos inilatag nila ang lahat ng kanilang mga balabal sa mga baitang ng gusali para lumakad doon si Jehu, at hinipan nila ang mga trumpeta at sumigaw, "Si Jehu na ngayon ang hari!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14-15 Ipinagtatanggol ni Haring Joram at ng kaniyang hukbo ang Ramoth laban sa paglusob ng hukbo ng hari ng Aram. Nagbalik si Haring Joram sa lungsod ng Jezreel, para gumaling mula sa pagkakasugat sa digmaan laban sa hukbo ni Hazael, ang hari ng Aram. At gumawa ng mga plano si Jehu para patayin si Joram. Sinabi niya sa iba niyang mga pinuno, "Kung nais ninyo talagang akong tulungan, sa gayon siguraduhin ninyong walang makakaalis sa lungsod na ito para pumunta para balaan ang mga tao sa Jezreel tungkol sa kung ano ang pinaplano kong gawin."
|
||
|
\v 16 Kaya sumakay si Jehu at kaniyang mga pinuno sa kanilang mga karwahe patungong Jezreel, kung saan nagpapagaling pa si Joram. At naroon si Haring Ahazias ng Juda, binibisita si Joram.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Isang bantay ang nakatayo sa tore ng Jezreel. Nakita niyang papalapit si Jehu at ang kaniyang mga tauhan. Sumigaw siya, "Nakita ko ang napakaraming tauhan na papalapit!" narinig ni Haring Joram ang sinabi ng bantay, kaya sinabi niya sa kaniyang mga sundalo, "Magpadala ng isang tao na nangangabayo para magtungo at alamin kung sila ay darating nang may kapayapaan o para lusubin kami."
|
||
|
\v 18 Kaya ang isang lalaki na sakay sa isang kabayo ay umalis para salubungin si Jehu at sinabi sa kaniya, "Nais malaman ng hari kung kayo ay naparito nang may kapayapaan." Sumagot si Jehu, "Hindi ito ang panahon para sa iyo para mag-alala tungkol sa kapayapaan! Humanay ka sa amin at sumunod sa akin!" Kaya ibinalita ng bantay sa tore na ang mensahero ay nakarating sa pangkat na papalapit, pero hindi siya babalik mag-isa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kaya nagpadala muli si Haring Joram ng isang mensahero na nagtanong ng parehong tanong kay Jehu. Sumagot muli si Jehu, "Hindi ito ang panahon para sa iyo para mag-alala tungkol sa kapayapaan! Humanay ka sa amin at sumunod sa akin!"
|
||
|
\v 20 Pagkatapos ibinalitang muli ng bantay, "Ipinarating din ng mensahero sa kanila, pero hindi siya babalik mag-isa. At ang pinuno ng pangkat ay maaaring si Jehu anak ni Nimsi, dahil siya ay galit na galit na nagpapatakbo nang kaniyang karwahe, gaya ng ginagawa ni Jehu!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Sinabi ni Joram sa kaniyang mga sundalo, "Ihanda ang aking karwahe." Kaya ginawa nila iyon. Pagkatapos si Haring Joram at Haring Ahazias ay kapwa sumakay patungo kay Jehu, bawat isa ay may sariling karwahe. At nangyari ito na sinalubong nila si Jehu sa bukid na dating pag-aari ni Naboth!
|
||
|
\v 22 Nang nasalubong ni Joram si Jehu, sinabi niya sa kaniya, "Ikaw ba ay pumaparito para sa kapayapaan tungo sa akin?" Sumagot si Jehu, "Paano magkakaroon ng kapayapaan habang ikaw at iyong bayan ay yumuyukod sa mga diyus-diyusan at nagsasanay nang labis na pangkukulam gaya ng ginawa ng iyong inang si Jezabel?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Sumigaw si Joram, "Ahazias, nilinlang nila tayo! Nais nila tayong patayin!" Kaya pinaikot ni Joram ang kaniyang karwahe at sinubukang tumakas.
|
||
|
\v 24 Pero inilabas ni Jehu ang kaniyang pana nang may lakas at pinana ang isang palaso na tumusok kay Joram sa pagitan ng kaniyang balikat. Ang palaso ay tumagos sa katawan at tumusok sa puso ni Joram, at patay siyang nalaglag sa kaniyang karwahe.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Jehu sa kaniyang katiwala na si Bidkar," Kunin ang kaniyang bangkay at ihagis ito dito sa bukid na pag-aari ni Naboth. Sigurado akong naalala ninyo na ikaw at ako ay magkasamang nakasakay sa mga karwahe sa likod ng ama ni Haring Joram na si Ahab na sinabi ito ni Yahweh tungkol kay Ahab,
|
||
|
\v 26 'Kahapon nakita kong pinatay ni Ahab si Naboth at ang kaniyang mga anak dito. At taimtim kong ipinapangako na parurusahan ko siya rito sa parehong bukid!' Kaya kunin ang bangkay ni Joram at ihagis ito sa bukid na iyon! Iyon ang magpapatupad sa sinabi ni Yahweh na mangyayari."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Nang makita ni Haring Ahazias ang nangyari, tumakas siya sa kaniyang karwahe patungo sa lungsod ng Beth Haggan. Pero sinundan nila si Jehu at sinabi sa kaniyang ibang mga pinuno, "Panain din siya!" Kaya siya ay pinana nila sa pamamagitan ng mga palaso habang siya ay nakasakay sa kaniyang karwahe sa paahon ng Gur, malapit sa lungsod ng Ibleam. Nagpatuloy siyang pumunta sa kaniyang karwahe hanggang makarating siya sa lungsod ng Megiddo, kung saan siya ay namatay.
|
||
|
\v 28 Kinuha ng kaniyang opisyales ang bangkay pabalik sa Jerusalem at inilibing ito sa mga puntod sa bahagi ng Jerusalem na tinawag na ang lungsod ni David, kung saan nakalibing ang kaniyang mga ninuno.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Naging hari si Ahazias ng Juda noong pinamumunuan ni Joram ang Israel nang halos labing isang taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Pagkatapos nagpunta si Jehu sa Jezreel. Nang mabalitaan ni Jezabel na asawang balo ni Ahab kung ano ang nangyari, naglagay siya ng pangkulay sa kaniyang mga talukap ng mata, at sinuklay ang kaniyang buhok para gawin itong maganda, at tumanaw sa bintana ng palasyo tungo sa baba ng langsangan.
|
||
|
\v 31 Habang pumapasok si Jehu sa tarangkahan ng lungsod, siya ay tinawag niya, "Katulad ka ni Zimri! Ikaw ay isang mamamatay-tao tulad niya! Sa palagay ko hindi ka pumunta para sa kapayapaan para sa akin!"
|
||
|
\v 32 Tumingala si Jehu sa bintana, at pagkatapos sinabi niya, "Sino ang nasa sa aking panig? Sinuman? Dalawa o tatlong opisyal sa palasyo ay lumingon sa kaniya mula sa bintana.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Sinabi ni Jehu sa kanila, "Ihulog siya rito!" Kaya siya ay inihulog nila, at nang bumagsak siya sa lupa at namatay, tumilamsik ang ibang dugo sa pader ng lungsod at sa mga kabayo na humihila sa mga karwahe.
|
||
|
\v 34 Pagkatapos nagpunta si Jehu sa palasyo at kumain at uminom. Pagkatapos sinabi niya ilan sa kaniyang tauhan, "Kunin ang bangkay ng babaeng iyan na sinumpa ni Yahweh at ilibing ito, dahil siya ay anak na babae ng hari at kaya nararapat ilibing nang maayos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 Pero nang sila ay nagpunta para kunin ang kaniyang bangkay para ilibing ito, ang natira lamang ay kaniyang bungo at ang mga buto ng kaniyang mga paa at kamay. Lahat ng bagay ay nawala.
|
||
|
\v 36 Nang ibalita nila ito kay Jehu, sinabi niya, "Ito ang sinabi ni Yahweh na mangyayari! Sinabi niya sa kaniyang lingkod na si Eliseo, 'Sa lungsod ng Jezreel, kakainin ng mga aso ang laman ng bangkay ni Jezabel.
|
||
|
\v 37 Ang kaniyang mga buto ay ikakalat doon sa Jezreel gaya ng dumi, bilang bunga walang sinuman ang makakakilala sa kanila at sasabihing, "Ito ang mga buto ni Jezabel."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 10
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Mayroong pitumpung kaapu-apuhan si Haring Ahab na naninirahan sa Samaria. Sumulat si Jehu ng isang liham at gumawa ng mga kopya nito at ipinadala niya sa mga pinuno ng lungsod, sa matatanda, at sa mga nagpalaki at nagturo sa mga anak ni Ahab.
|
||
|
\v 2 Ito ang kaniyang isinulat: "Kayo ang tanging nag-aalaga sa mga kaapu-apuhan ng hari. Mayroon kayong mga karwahe, kabayo, at mga sandata, at kayo ay naninirahan sa lungsod na may mga pader na nakapaligid dito. Kaya sa sandaling matanggap ninyo ang liham na ito,
|
||
|
\v 3 pumili kayo ng isa sa mga kaapu-apuhan ng hari, na siyang pinaka karapat-dapat, at italaga siya para maging hari ninyo. Pagkatapos maghanda kayo para lumaban para ipagtanggol siya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pero nang makuha nila ang mga liham na iyon at binasa ito, lubha silang nangamba. Sinabi nila, "Si Haring Joram at Haring Ahazias ay hindi siya kayang tutulan; paano namin siya tututulan?
|
||
|
\v 5 Kaya ang pinuno na namamahala sa palasyo at ang pinuno ng lungsod ay nagpadala ng isang mensahe kay Jehu na sinasabing, "Nais naming maglingkod sa iyo, at handa kaming gawin anuman ang sabihin ninyo sa amin. Hindi kami magtatalaga ng sinuman para maging hari namin. Gawin ninyo anuman ang iniisip ninyong mabuti."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kaya si Jehu ay nagpadala ng ikalawang liham para sa kanila, at kaniyang isinulat: "Kung kayo ay nasa aking panig, at kung kayo ay handang sumunod sa akin, patayin ang kaapu-apuhan ni Haring Ahab at pugutin ang kanilang mga ulo at dalahin ang kanilang mga ulo sa akin dito sa Jezreel bukas sa ganitong oras." Ngayon ang pitumpung kaapu-apuhan ni Haring Ahab ay pinalalaki at pinangasiwaan ng mga pinuno ng lungsod ng Samaria.
|
||
|
\v 7 Nang natanggap nila ang liham mula kay Jehu, pinatay nila ang lahat ng pitumpung kaapu-apuhan ni Ahab at pinugutan ang kanilang mga ulo. Inilagay nila ang kanilang mga ulo sa basket at ipinadala kay Jehu sa Jezreel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Isang mensahero ay dumating kay Jehu at sinabi sa kaniya, "Dinala nila ang mga ulo ng mga kaapu-apuhan ni Ahab." Kaya inutos ni Jehu na dapat ilagay ang mga ulo sa dalawang tumpok sa tarangkahan ng lungsod at dapat manatili ang mga ulo roon hanggang kinabukasan.
|
||
|
\v 9 Kinabukasan lumabas siya sa tarangkahan ng lungsod at sinabi sa buong bayan, "Ako ang tanging nagbanta laban kay Haring Joram at pumatay sa kaniya. Hindi kayo ang nagkakasala sa gawaing iyon. Pero si Yahweh iyon, hindi ako, na nag-utos na lahat ng mga kaapu-apuhan ni Ahab ay dapat patayin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nais kong malaman ninyo na lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh ay mangyayari at nangyari. Idinulot niyang mangyayari kung ano ang sinabi niya kay propeta Eliseo na mangyayari."
|
||
|
\v 11 Pagkatapos pinatay ni Jehu ang lahat ng ibang kamag-anak ni Ahab sa Jezreel, lahat ng mga pinuno ni Ahab, malalapit na kaibigan, at kaniyang mga pari. Hindi niya pinahintulutan ang sinuman sa kanila ang manatiling buhay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pagkatapos umalis si Jehu sa Jezreel at pumunta tungo sa Samaria. Habang papunta siya roon, sa isang lugar na tinatawag na Beth Eked,
|
||
|
\v 13 nakasalubong niya ang ilan sa mga kamag-anak ni Haring Ahazias ng Juda. Tinanong niya sila, "Sino kayo?' Sumagot sila, "Kami ang mga kamag-anak ni Haring Ahazias. Pupunta kami sa Jezreel para bisitahin ang mga anak ni Reyna Jezabel at ang ibang miyembro ng pamilya ni Haring Joram."
|
||
|
\v 14 Sinabi ni Jehu sa kaniyang mga tauhan, "Hulihin sila!" Kaya hinuli nila sila at pinatay silang lahat sa balon ng Beth Eked. Mahigit apatnaput-dalawang tao na pinatay nila. Hindi nila pinahintulutan ang sinuman sa kanila ang manatiling buhay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pagkatapos patuloy na naglakbay si Jehu patungong Samaria. Sa tabing daan sinalubong siya ni Jonadab, isang pinuno ng angkan ni Rechab. Binati siya ni Jehu at sinabi sa kaniya, "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" sumagot si Jonadab, "Oo, naiisip ko rin" sinabi ni Jehu, "Kung ikaw nga, makiisa ka sa akin." Kaya nakiisa si Jonadab sa kaniya, at tinulungan siya ni Jehu na sumakay sa kaniyang karwahe.
|
||
|
\v 16 Sinabi ni Jehu sa kaniya, "Sumama ka akin, at makikita mo kasabikan kong sumunod kay Yahweh." Kaya magkasama silang sumakay patungong Samaria.
|
||
|
\v 17 Nang makarating sila sa Samaria, pinatay ni Jehu ang lahat ng mga kamag-anak ni Ahab na nanatili pa ring buhay. Wala siyang itinira alinman sa kanila. Iyon ang sinabi ni Yahweh na mangyayari kay Elias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pagkatapos ipinatawag ni Jehu ang lahat ng mga tao sa Samaria, at sinabi sa kanila, "Si Haring Ahab ay hindi masyadong tapat sa inyong diyos na si Baal, pero mas higit ko siyang paglilingkuran.
|
||
|
\v 19 Kaya ngayon ipatawag ang lahat ng mga propeta, mga pari, at lahat ng ibang sumasamba kay Baal. Ako ay gagawa ng isang malaking paghahandog kay Baal. Nais ko na ang lahat ay naroroon. Sinuman sa kanila ang wala roon ay papatayin." Pero pinaplano ni Jehu na dayain sila, dahil pinaplano niyang patayin ang lahat ng sumasamba kay Baal.
|
||
|
\v 20 Pagkatapos inutos ni Jehu, "Ipahayag na kami ay magbubukod ng isang araw para parangalan si Baal." Kaya sila ay naglabas ng isang kapahayagan tungkol sa araw na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Nagpasya si Jehu kung anong araw dapat silang magtipon at ipinadala ang mga mensahe sa buong Israel na nagsasabi sa bawat isa kung anong araw magtitipon, at sa araw na iyon, bawat isang sumasamba kay Baal ay dumating. Walang nanatili sa tahanan. Nagpunta silang lahat sa malaking templo ni Baal at napuno ito mula dulo hanggang kabila.
|
||
|
\v 22 Sinabi ni Jehu sa pari na nangangalaga sa mga banal na balabal na ilabas at ibigay nila sa mga taong sumasamba kay Baal. Kaya ginawa iyon ng pari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Pagkatapos pumunta si Jehu sa templo ni Baal kasama si Jonadab, at sinabi niya sa mga taong naroroon na sasamba kay Baal, "Siguraduhin ninyo ang mga sumasamba lamang kay Baal ang naririto. Siguraduhin ninyo na walang isa man ang sumasamba kay Yahweh ang makapasok."
|
||
|
\v 24 Pagkatapos siya at si Jonadab ay naghanda para mag-alay ng mga handog at ibang mga iaalay kay Baal na maaaring sunugin ng buo sa altar na naroroon sa Samaria. Pero nagtalaga si Jehu ng walumpu ng kaniyang mga tauhan sa labas ng templo, at sinabi sa kanila, "Nais kong patayin ninyo ang lahat ng tao na nasa templo. Sinuman ang magpatakas isa man sa kanila para tumakas ay papatayin!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Sa sandaling natapos patayin ni Jehu at Jonadab ang mga hayop na lubos na susunugin para ihandog kay Baal, lumabas sila at sinabi sa mga bantay at pinuno, "Pumasok kayo at patayin silang lahat! Huwag ninyong pahintulutan ang sinuman sa kanila para tumakas!" Kaya pumasok ang mga bantay at pinuno at pinatay silang lahat gamit ang kanilang mga espada. Pagkatapos kinaladkad nila ang kanilang mga bangkay palabas ng templo. At pumunta sila sa loob ng silid ng templo,
|
||
|
\v 26 at inilabas nila ang banal na poste ni Baal na naroroon, at sinunog nila ito.
|
||
|
\v 27 Kaya winasak nila ang poste na nagpaparangal kay Baal, at tinupok nila ang templo at ginawa itong isang palikuran. At iyon ang nangyari dito hanggang panahon na ito.
|
||
|
\v 28 Ganoon tinanggal ni Jehu ang pagsamba kay Baal sa Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Pero hindi tumigil si Jehu sa paggawa ng mga uri ng mga kasalanan na ginawa ni Jeroboam, mga kasalanan na nagdala sa bayan ng Israel para magkasala sa pamamagitan ng pagsamba sa mga gintong rebulto ng mga guya sa mga lungsod ng Bethel at Dan.
|
||
|
\v 30 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jehu, "Nagawa mo kung ano ang nakalulugod sa akin sa pamamagitan ng pagtanggal ng lahat ng mga kaapu-apuhan ni Ahab. Kaya ipinapangako ko sa iyo na ang iyong anak at apo at apo sa tuhod at kaapu-apuhan ay magiging mga hari ng Israel."
|
||
|
\v 31 Pero hindi sumunod si Jehu sa lahat ng mga batas ni Yahweh, ang Diyos ng bayan ng Israel. Hindi siya tumigil sa paggawa ng mga kasalanan na ginawa ni Jeroboam, mga kasalanan na naghikayat sa bayan ng Israel na magkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Sa panahong iyon, nagsimulang idulot ni Yahweh na ang lupaing pinamamahalaan ng Israel ay maging maliit. Lubos na nasakop ng hukbo ni Haring Hazael ng Aram ang lupain ng Israelita.
|
||
|
\v 33 Nasakop niya ang bahagi ng silangang Ilog Jordan, hanggang sa kalayuan ng timog sa lungsod ng Aroer sa Ilog Arnon. Kabilang ang mga rehiyon ng Galaad at Bashan, kung nasaan nanirahan ang mga lipi ni Gad, Ruben, at kalahati ng lipi ni Manasses.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Kung nais ninyong basahin ang lahat ng iba pang mga bagay na ginawa ni Jehu, ito ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
\v 35 Namatay si Jehu, at inilibing sa Samaria. Ang kaniyang anak ni Jehoahaz ay naging hari na kapalit ng kaniyang ama.
|
||
|
\v 36 Namuno si Jehu sa Samaria bilang hari ng Israel ng dalawampu't walong taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 11
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang nakita ni Atalia, ina ni haring Ahazias, na pinatay ang kaniyang anak, inutos niya na patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Ahazias na maaaring maging hari. Kaya muntik ng mapatay lahat ng mga anak ni Ahazias.
|
||
|
\v 2 Pero kinuha ni Joseba, anak na babae ni Haring Joram at kapatid ni Ahazias, ang pinakabunsong anak ni Ahazias na si Joas at itinago siya at ang kaniyang tagapag-alaga sa silid sa templo. Kaya hindi siya napatay.
|
||
|
\v 3 Nanatili siya kasama si Joseba sa loob ng anim na taon. Sa buong panahon na iyon, nanatili siyang nakatago sa templo, habang si Atalia ang namumuno sa Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkalipas ng anim na taon, pinatawag ni Joiada ang punong pari ang mga pinuno na namamahala sa mga tagapagbantay ng maharlika at ng palasyo. Sinabihan niya silang pumunta sa templo. Doon pinanumpa niya sila na gagawin nila kung ano ang sasabihin niyang gawin nila. At ipinakita niya sa kanila si Joas, anak ni Haring Ahazias.
|
||
|
\v 5 Binigyan niya sila ng mga tagubilin: "Mayroong kayong tatlong pangkat na mga tagapagbantay. Kapag natapos ng isang pangkat ang kanilang gawain sa Araw ng Pamamahinga, hatiin ninyo ang inyong mga sarili sa tatlo pang maliliit na pangkat. Ang isang pangkat sa inyo ay magbantay sa palasyo.
|
||
|
\v 6 Ang isa ay magbantay sa Tarangkahan sa Sur. Ang isa pang pangkat ay dapat magbantay sa tarangkahan sa likod ng iba pang mga pangkat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ang dalawang pangkat na hindi nagtatrabaho sa Araw ng Pamamahinga ay dapat bantayan ang templo para maprotektahan ang bata pang si Haring Joas.
|
||
|
\v 8 Dapat kayong tumayo sa paligid ng hari saan man siya pumunta, dala ang inyong mga sandata sa kamay. Dapat ninyong patayin ang sinumang lumapit sa inyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ginawa ng mga pinuno na namamahala sa mga tagapagbantay ang mga sinabi ni Joiada na gawin. Bawat isa sa kanila ay dinala kay Joiada ang mga tagapagbantay na kanilang pinamamahalaan—ang mga tagapagbantay na katatapos lamang ng kanilang gawain at ang mga magsisimula pa lang ng gawain sa Araw ng Pamamahinga.
|
||
|
\v 10 Ipinamahagi ng mga pari sa mga pinuno ng mga tagapagbantay ang sibat at panangga na pag-aari ni Haring David, na itinago sa templo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos inutusan niya ang lahat ng mga tagapagbantay na tumayo sa kanilang mga puwesto, na may hawak na espada, sa palibot ng hari.
|
||
|
\v 12 Pagkatapos inilabas niya si Joas. Inilagay niya ang korona sa ulo ni Joas at binigay ang balumbon ng kasulatan kung saan nakasulat ang mga patakaran na dapat sundin ng mga hari. Pagkatapos pinahiran niya ng langis ng olibo ang ulo ni Joas at idineklara na siya na ngayon ang hari. Nagpalakpakan ang mga tao at sumigaw, "Hangad namin na mabuhay ang hari sa mahabang panahon!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Nang marinig ni Atalia ang ingay na likha ng mga tagapagbantay at ng iba pang mga tao, tumakbo siya sa templo kung saan nagkakatipon ang mga tao.
|
||
|
\v 14 Nakita niya ang bagong hari na nakatayo sa tabi ng isa sa mga malalaking poste, lugar kung saan karaniwang nakatayo ang mga hari. Nakita niya na napapalibutan siya ng opisyales ng templo at mga kalalakihang tumutugtog ng trumpeta, at ang mga tao ay sumisigaw ng may kagalakan, at ang ilan sa kanila ay tumutugtog ng trumpeta. Pinunit niya ang kaniyang kasuotan para ipakita ang kaniyang kabalisahan at sumigaw siya, "Mga taksil kayo! Pinagtaksilan niyo ako!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Agad sinabi ni Joiada, "Patayin ninyo siya, pero huwag ninyong gawin dito sa templo ni Yahweh! Dalhin ninyo siya sa gitna ng dalawang magkahilerang mga tagapagbantay. Patayin ninyo ang sinumang magtatangkang iligtas siya!"
|
||
|
\v 16 Sinubukan niyang tumakas pero hinawakan siya ng mga tagapagbantay at dinala sa palasyo, sa lugar kung saan pumapasok ang mga kabayo sa patyo. Pinatay nila siya roon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pagkatapos gumawa ng tipan si Joiada sa pagitan ng hari at ng bayan, na lagi nilang susundin si Yahweh. Gumawa rin siya ng tipan na iniutos sa mga tao na maging tapat kay Joas na kanilang hari.
|
||
|
\v 18 Pagkatapos ang lahat ng mamamayan ng Israel na naroon ay pumunta sa templo ni Baal at winasak ito. Dinurog nila ang mga altar at ang imahe ni Baal. Pinatay din nila si Matan, ang pari ni Baal, sa harap ng mga altar. Naglagay si Joiada ng mga tagapagbantay sa templo ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pagkatapos siya at ang mga opisyal ng templo, ang mga opisyal na namamahala sa mga tagapagbantay ng maharlika, at mga tagapagbantay ng hari ay dinala ang hari mula sa templo patungo sa palasyo. Lahat ng tao ay sumunod sa kanila. Pumasok si Joas sa palasyo sa Tarangkahan ng Tagapagbantay at umupo sa trono, kung saan ang mga hari ay laging umuupo.
|
||
|
\v 20 Lahat ng mamamayan ng Juda ay nagsaya. At dahil si Atalia ay pinatay, ang lungsod ay tahimik.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Si Joas ay pitong taong gulang nang siya ay naging hari ng Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 12
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang si Jehu ay halos pitong taon nang namumuno sa Israel, si Joas ay naging hari ng Juda. Namuno siya sa Jerusalem ng apatnapung taon. Ang kaniyang ina ay si Sibia mula sa lungsod ng Beersheba.
|
||
|
\v 2 Sa buong panahon na nabubuhay si Joas, ginawa niya kung ano ang kalugod-lugod kay Yahweh, dahil tinuruan siya ni Joiada ang pari.
|
||
|
\v 3 Pero ang mga lugar kung saan sumamba ang mga tao kay Yahweh saanman sa lupain ay hindi niya winasak. Patuloy silang nag-aalay ng mga handog at nagsusunog ng mga insenso sa mga lugar na iyon, sa halip na sa lugar na pinili ng Diyos para sa kanila sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sinabi ni Joas sa mga pari, "Dapat niyong kunin ang mga salapi na binigay ng mga tao, ang salapi na kailangang bayaran at ang salaping bigay nila mismo, bilang banal na handog para bumili ng mga kasangkapan para sa templo.
|
||
|
\v 5 Bawat pari ay dapat kunin ang salapi mula sa mga tao na pumupunta sa kaniya, at dapat niyang gamitin ang salaping ito para ayusin ang templo kapag may nakikita siya na mayroong kinakailangang ayusin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pero pagkatapos ng halos dalawampu't tatlong taon na paghahari ni Joas, hindi pa rin naayos ng mga pari ang templo.
|
||
|
\v 7 Kaya pinatawag ni Joas si Joiada at ang iba pang pari at sinabi sa kanila, "Bakit hindi pa kayo nakakapag-ayos ng templo? Huwag niyo ng kunin kailanman ang salapi mula sa mga taong nagbabayad ng buwis. Kunin ninyo ang salaping inipon para sa layuning ipagawa ang templo at ibayad ang salaping ito sa mga manggagawa na mag-aayos ng templo.
|
||
|
\v 8 Ang mga pari ay sumang-ayon na gawin ito, at sumang-ayon din sila na hindi na nila gagawin ang pag-aayos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pagkatapos kumuha si Joiada ng isang baul at naglagay ng butas sa itaas nito. Nilagay niya ito sa tabi ng altar para sa pagsusunog ng insenso na nasa kanan habang papasok ang sinuman sa templo. Nilagay sa baul ng mga pari na nagbabantay sa pasukan ng templo ang salapi na dinala sa templo.
|
||
|
\v 10 Kapag nakikita nila na marami ng salapi sa baul, ang kalihim ng hari at ang punong pari ay pupunta at bibilangin ang salapi. Pagkatapos ilalagay nila ito sa mga sisidlan at tatalian ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos ipamamahagi nila ang salapi sa mga kalalakihan na namamahala sa paggawa sa templo. Ginagamit ng mga namamahala ang salapi para bayaran ang mga karpentero at tagapagtayo na nag-aayos sa templo,
|
||
|
\v 12 at ang mga mason at nagtatapyas ng bato. Kasama na rin sa dala nilang salapi ang pambili ng kahoy at bato na tinatapyas para magamit sa pag-aayos, at pambayad sa lahat ng mga gastusin sa pagpapagawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pero hindi nila ginamit ang salapi para ipangbayad sa kalalakihan para gumawa ng mga pilak na kopa o mga pantabas ng mitsa para sa ilawan o mga mangkok o trumpeta o iba pang mga bagay na gawa sa pilak at ginto para gamitin sa templo.
|
||
|
\v 14 Lahat ng salapi ay ibinigay sa kalalakihan na nag-aayos ng templo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ang mga kalalakihang namahala sa gawain ay laging ginagawa ang trabaho ng tapat, kaya ang kalihim ng hari at ang punong pari ay hindi na kailanman hiningan ang mga namamahala ng ulat kung saan nila nagastos ang salapi.
|
||
|
\v 16 Pero ang salapi na binigay ng mga tao para bayaran ang mga handog para sa kanilang mga kasalanan ay hindi inilagay sa baul. Ang salaping iyon ay para sa mga pari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sa panahong iyon, si Hazael, ang hari ng Aram, ay pumunta kasama ang kaniyang hukbo at sinalakay ang lungsod ng Gat at sinakop ito. Pagkatapos nagpasiya siya na salakayin ang Jerusalem.
|
||
|
\v 18 Kaya si Joas, ang hari ng Juda, ay kinuha ang lahat ng salapi na itinalaga kay Yahweh ng mga naunang hari, sina Josafat at Joram at Ahazias. Dinagdag niya ang ilan sa kaniyang sariling salapi, at lahat ng ginto na nasa mga silid ng templo kung saan ang mga mahahalagang gamit ay itinatago, at ipinadala nila ang lahat kay Haring Hazael para hikayatin siya na huwag ng salakayin ang Jerusalem. Kaya isinama ni Haring Hazael ang kaniyang hukbo na umalis sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kung nais niyo pang mabasa ang ginawa ni Joas, lahat ng ito ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
\v 20-21 Nagsabwatan ang mga opisyal ni Joas laban sa kaniya, at dalawa sa kanila ay pinatay si Joas sa daan na pababa sa distrito ng Sila. Ang dalawang lalaking gumawa nito ay sina Jozabad anak ni Simet, at Jehozabad anak ni Somer. Si Joas ay inilibing sa lugar kung saan nakalibing ang kaniyang mga ninuno, sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David. Pagkatapos ang anak ni Joas na si Amasias ang naging hari ng Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 13
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos maghari ni Joas sa Juda nang halos dalawampu't tatlong taon, ang anak ni Jehu na si Jehoahas ang naging hari ng Israel. Namuno siya sa lungsod ng Samaria nang labingpitong taon.
|
||
|
\v 2 Marami siyang mga ginawa na sinabi ni Yahweh na masama at ginawa rin ang kasalanang ginawa ni Jeroboam, mga kasalanang humimok sa bayan ng Israel na magkasala. Hindi siya tumigil sa paggawa ng mga kasalanang iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Kaya galit na galit si Yahweh sa mga Israelita, at hinayaan niya ang hukbo ni Haring Hazael ng Aram at ang kaniyang anak na si Ben Hadad na talunin ang mga Israelita nang maraming beses.
|
||
|
\v 4 Pagkatapos nanalangin si Jehoahas kay Yahweh para sa tulong, at nakinig si Yahweh sa kaniya, dahil nakita niya na inaapi ng hukbo ng hari ng Aram ang mga Israelita.
|
||
|
\v 5 Nagpadala si Yahweh ng isang pinuno, na siyang magpapalaya sa kanila sa kapangyarihan ng Aram. Pagkatapos nito, namuhay ng mapayapa ang mga Israelita gaya ng pamumuhay nila noon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pero patuloy pa rin nilang ginagawa ang kasalanang tulad ng ginawa ni Jeroboam at ng kaniyang pamilya at nagdulot sa mga Israelita na magkasala. Gayundin, ang rebulto ng diyus-diyosang Asera ay nanatili sa Samaria.
|
||
|
\v 7 Si Jehoahas ay mayroon na lamang limampung kalalakihan na nakasakay sa kabayo at sampung karwahe at sampung libong mga sundalo, dahil pinatay ng hukbo ng Aram ang iba, na nilalakaran sila tulad ng taong naglalakad sa lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Kung gusto niyong basahin ang tungkol sa lahat ng ginawa ni Jehoahas, mababasa mo ito sa aklat na tinatawag na Ang Kasaysayan ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
\v 9 Si Jehoahas ay namatay at inilibing sa Samaria. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Jehoas ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Si Jehoas anak ni Jehoahas ay nagsimulang maghari sa Israel pagkatapos maghari ni Haring Joas sa Juda ng dalawampu't tatlong taon. Si Jehoas ay namuno sa Samaria sa loob ng labing-anim na taon.
|
||
|
\v 11 Marami siyang ginawa na sinabi ni Yahweh na masama. Tumanggi siyang tumalikod sa pagsamba sa mga imahe, na kasalanan na noon ni Haring Jeroboam na nagdulot sa mga Israelita na magkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ang iba pang mga bagay na nangyari habang si Jehoas ang hari at ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel. Sa talaang ito nakasulat ang tungkol sa katagumpayan ng hukbo, at ang kanilang digmaan sa hukbo ni Haring Amasias ng Juda.
|
||
|
\v 13 Nang namatay si Jehoas, inilibing siya sa Samaria kung saan nakalibing ang iba pang mga hari ng Israel. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Jeroboam ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pagkatapos nagkaroon ng malubhang karamdaman si Eliseo. Bago siya mamatay, pumunta si Haring Joas kay Eliseo at umiyak sa harap niya. Sinasabi niya ang parehong mga salita na sinabi ni Eliseo nang kunin si Elias sa langit, sinabi niya, "Ama ko! Ang mga karwahe naming mga Israelita at ang nagpapatakbo sa kanila ay inilalayo ang aking panginoon!"
|
||
|
\v 15 Sinabi sa kaniya ni Eliseo, "Dalhin mo sa akin ang isang pana at ilang mga palaso!" Kaya ginawa ito ng hari. Pagkatapos sinabi ni Eliseo sa hari na ilagay ang kaniyang mga kamay sa pana at maghanda para tumira ng ilang mga palaso.
|
||
|
\v 16 At pagkatapos inilagay ni Eliseo ang kaniyang sariling kamay sa mga kamay ng hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pagkatapos sinabi ni Eliseo sa kaniya, "Ipabukas mo ang bintana na nakaharap sa silangan." Kaya binuksan ito ng isang lingkod. Pagkatapos sinabi ni Eliseo, "Pumana ka!" Kaya ginawa ito ng hari. Sinabi ni Eliseo, "Ang panang iyan ay nagpapahiwatig na matatalo ng iyong hukbo ang hukbo ng mga Aramean. Ang iyong hukbo ay ganap na matatalo ang kanilang hukbo sa lungsod ng Afec.
|
||
|
\v 18 Pagkatapos sinabi ni Eliseo, "Kumuha ka ng mga palaso at panain mo ang lupa! Kaya kumuha ang hari ng mga palaso at pinana ang lupa nang tatlong beses.
|
||
|
\v 19 Pero nagalit si Eliseo sa kaniya. Sumigaw siya, "Dapat pinana mo ang lupa ng lima o anim na beses! Kung ginawa mo ito, matatalo ng iyong hukbo ang hukbo ng Aramean hanggang tuluyan silang malipol! Pero ngayon, dahil pinana mo lang nang tatlong beses ang lupa, matatalo sila ng iyong hukbo nang tatlong beses lamang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pagkatapos namatay si Eliseo at inilibing. May mga pangkat ng mga mananalakay mula sa Moab ang pumupunta sa Israel bawat taon sa panahon ng tagsibol.
|
||
|
\v 21 Isang taon, habang inililibing ng mga Israelita ang isang lalaki, nakita nila ang isang pangkat ng mga mananalakay na iyon. Natakot sila kaya inihagis nila agad ang katawan ng lalaki sa puntod kung saan inilibing si Eliseo, at sila ay tumakbo. Pero pagkadikit na pagkadikit ng katawan ng lalaki sa mga buto ni Eliseo, nabuhay muli ang lalaki at lumundag!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Nagpadala si Haring Hazael ng Aram ng mga sundalo para apihin ang mga Israelita sa buong panahon ng paghahari ni Jehoahas sa Juda.
|
||
|
\v 23 Pero naging mabait si Yahweh sa mga Israelita. Tinulungan niya sila dahil sa tipan na kaniyang ginawa sa kanilang mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Hindi niya itataboy ang mga Israelita, at hindi niya sila itatakwil.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Nang namatay si Hazael hari ng Aram, ang kaniyang anak na si Ben Hadad ang naging hari.
|
||
|
\v 25 Natalo ng hukbo ni Haring Jehoas ng Israel ang hukbo ni Haring Ben Hadad nang tatlong beses; nakuha nilang muli ang mga lungsod na nakuha ni Ben Hadad noong panahon na ang ama ni Jehoas na si Joacaz ang hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 14
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos maghari ni Jehoas sa Israel nang halos dalawang taon, si Amasias na anak ni Joas ang naging hari ng Juda.
|
||
|
\v 2 Siya ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimula siyang maghari, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampu't siyam na taon. Ang kaniyang ina ay si Jehoadin. Siya ay nagmula sa Jerusalem.
|
||
|
\v 3 Maraming ginawang kalugod-lugod si Amasias kay Yahweh, pero hindi siya nakagawa ng mas maraming bagay na kalugod-lugod kay Yahweh tulad ng ginawa ni David. Gumawa siya ng mga mabubuting bagay tulad ng ginawa ng kaniyang amang si Joas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pero, tulad ng kaniyang ama, hindi niya winasak ang ibang mga lugar para sambahin si Yahweh. Patuloy na nagsusunog ng insenso ang mga tao para parangalanan si Yahweh sa mga lugar na iyon sa halip na sa Jerusalem, ang lugar kung saan itinalaga ni Yahweh.
|
||
|
\v 5 Nang ganap na matatag ang kaniyang pamumuno sa kaniyang kaharian, pinapatay niya sa kaniyang mga lingkod ang mga opisyal na pumatay sa kaniyang ama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pero hindi niya sinabing patayin ang mga anak ng mga opisyal. Sinunod niya kung ano ang nakasulat sa mga batas na binigay ng Diyos kay Moises, "Hindi dapat patayin ang mga anak dahil sa kasalanang ginawa ng kanilang mga magulang. Dapat patayin ang mga taong sila mismo ang nakagawa ng kasalanan.
|
||
|
\v 7 Pinatay ni Amasias ang sampung libong sundalo ng Edom sa Lambak ng Asin, timog ng Dagat na Patay, at binihag nila ang lungsod ng Sela at binigyan ito ng bagong pangalan, Jocteel. Ito pa rin ang pangalan nito hanggang ngayon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos nagpadala si Amasias ng mga tagapagbalita kay Haring Jehoas ng Israel, nagsasabing, "Pumunta ka rito at paglabanin natin ating mga hukbo sa isang digmaan.
|
||
|
\v 9 Pero tumugon si Haring Jehoas kay Haring Amasias gamit ang talinghagang ito: "Minsan nagpadala ng isang mensahe ang matinik na halaman na tumutubo sa kabundukan ng Lebanon sa isang puno ng sedar, nagsasabing, "Ibigay mo sa akin ang iyong anak na babae para sa aking anak na lalaki para mapangasawa niya siya.' Pero isang mabangis na hayop sa Lebanon ang dumaan sa halamang matinik at inapakan ito."
|
||
|
\v 10 Ang ibig kong sabihin ay nanalo ang iyong hukbo sa hukbo ng Edom, kaya ngayon ikaw ay nagmamalaki. Pero dapat kuntento ka na sa pagkapanalo mo sa bayan ng Edom; hayaan mong umuwi ang mga sundalo sa kanilang tahanan. Kung magdudulot ka ng gulo sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa amin, magdudulot ka lamang ng isang sakuna na mangyayari sa iyo at sa iyong bayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pero hindi pinansin ni Amasias ang mensahe ni Jehoas. Kaya nagmartsa siya kasama ng kaniyang hukbo para labanan ang mga hukbo ng Israelita sa lungsod ng Beth-semes sa Juda.
|
||
|
\v 12 Natalo ng hukbo ng Israelita ang hukbo ng Juda, at tumakas ang lahat ng mga sundalo at tumakbo pauwi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Nabihag din ng hukbo ni Jehoas si Haring Amasias doon, at nagmartsa rin sila sa Jerusalem at winasak ang pader na nakapalibot sa lungsod, mula sa Tarangkahan ng Efraim hanggang Tarangkahan ng Sulok. Bahagi ito ng pader na may 180 metro ang haba.
|
||
|
\v 14 Kinuha ng mga sundalo ni Jehoas ang lahat ng ginto at pilak na kanilang nakita, at lahat ng mga kagamitan na nasa templo, at lahat ng mahahalagang bagay na nasa palasyo; dinala nila ang mga ito sa Samaria. Nagdala rin sila ng ilang mga bihag sa Samaria para siguraduhin na hindi na kailanman magdudulot ng gulo si Amasias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Kung gusto niyo pang malaman ang lahat ng iba pang bagay na ginawa ni Jehoas nang hari pa siya, pati na ang pakikipaglaban niya sa hukbo ni Haring Amasias ng Juda, nasusulat ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
\v 16 Namatay si Jehoas, at inilibing siya sa Samaria, kung saan nakalibing ang iba pang mga hari ng Israel. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Jeroboam ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Si Amasias, hari ng Juda, ay nabuhay pa ng labinlimang taon pagkatapos mamatay ni Jehoas, hari ng Israel.
|
||
|
\v 18 Kung gusto ninyo pang malaman ang lahat ng ginawa ni Amasias, nasusulat ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.
|
||
|
\v 19 Nagbalak ng masama ang ilang bayan sa Jerusalem laban sa kaniya, kaya tumakas siya patungo sa lungsod ng Lachis. Pero sinundan siya nila doon at pinatay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Dinala nila ang kaniyang bangkay sa Jerusalem, at inilibing siya kung saan nakalibing ang kaniyang mga ninuno, sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag nilang lungsod ni David.
|
||
|
\v 21 Itinalaga ng lahat ng bayan ng Juda si Uzias anak ni Amasias, na maging hari nang labing-anim na taong gulang siya.
|
||
|
\v 22 Pagkatapos ng kamatayan ni Amasias na ama ni Uzias, nasakop ng hukbo ni Uzias ang lungsod ng Elat, na naging sakop muli ng Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Nang namumuno na si Amasias sa Juda nang halos labinlimang taon, naging hari si Jeroboam sa Israel. Pinamunuan niya ang lungsod ng Samaria sa loob ng apatnapu't isang taon.
|
||
|
\v 24 Marami siyang bagay na ginawa na sinabi ni Yahweh na masama. Hindi siya tumigil sa paggawa ng kaparehong kasalanan na ginawa ni Jeroboam na anak ni Nebat, mga kasalanang nagdulot sa mga Israelita na magkasala rin.
|
||
|
\v 25 Nasakop muli ng mga sundalo ni Jeroboam ang ilang teritoryo na dating pag-aari noon ng Israel, mula sa lungsod ng Hamat sa hilaga hanggang Dagat na Patay sa timog. Iyan ang pangako ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita, kay propeta Jonas anak ni Amittai, na mangyayari mula sa lungsod ng Gat Hefer.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Mangyayari ito dahil nakita ni Yahweh na pinahihirapan ng labis ang mga Israelita ng mga kaaway nito. At tiyak na walang tutulong sa kanila.
|
||
|
\v 27 Pero sinabi ni Yahweh na hindi niya ganap na lilipulin ang Israel, kaya pinalakas niya si Haring Jeroboam para iligtas sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Kung gusto ninyo pang malaman ang tungkol sa lahat ng ginawa ni Jeroboam, kung gaano siya katapang makipagdigma, at kung paano niya hinayaan na mabihag muli ng mga Israelita ang Damasco at Hamat, nasusulat ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
\v 29 Namatay si Jeroboam, at inilibing siya kung saan nakalibing ang iba pang mga hari ng Israel, at ang kaniyang anak na si Zecarias ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 15
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos pagharian ni Jeroboam ang Israel ng halos dalawamput-pitong taon, si Uzzias anak ni Haring Amazias ng Juda ay nagsimulang maghari.
|
||
|
\v 2 Siya ay labing-anim na taon at naghari ng limampu't dalawang taon sa Jerusalem. Jecolias ang ngalan ng ina mula sa Jerusalem.
|
||
|
\v 3 Ginawa niya ang nakalulugod kay Yahweh tulad ng ginawa ng kaniyang amang si Amazias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pero ang matataas na lugar ay nanatili at hindi sinira para sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Patuloy silang nagsusunog ng insenso habang sumasamba sa hindi totoong diyos sa kanilang mga dambana.
|
||
|
\v 5 Dinulot ni Yahweh na maging ketongin si Uzzias. Si Uzzias ay isang ketongin sa nalalabi pang mga taon ng kaniyang buhay. Hindi siya pinayagang manirahan sa palasyo. Nabuhay siyang mag-isa, at si Jotam anak niya ang naghari sa lupain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kung nais malaman ang tungkol kay Uzzias, nakasulat ito sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
|
||
|
\v 7 Namatay at inilibing siya sa Jerusalem ang lungsod ni David sa lugar kung saan nakalibing ang kaniyang mga ninuno. Pagkatapos ang anak niyang si Jotam ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Makaraang pagharian ni Uzzias ang Juda sa halos tatlumput-walang taon, si Zacarias anak ni Jeroboam ay naging hari ng Israel. Naghari siya sa loob lamang ng anim na buwan sa Samaria.
|
||
|
\v 9 Ginawa niya ang sinabing masama ni Yahweh, tulad ng ginawa ng ninuno niya. Nagkasala siya tulad ng pagkakasala ng naunang Jeroboam, kasalanang nagbuyo sa Israelitang magkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pagkatapos si Sallum anak ni Jabes, ay nagbalak patayin si Zacarias. Pinatay niya siya sa lungsod ng Ibleam, at siya ay naging hari.
|
||
|
\v 11 Lahat ng ginawa ni Zacarias ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
\v 12 Nang mamatay si Zacarias, natapos ang panunungkulan ng lahi ni Haring Jehu. Natupad ang sinabi ni Yahweh kay Haring Jehu, "Ang iyong anak at apo at apo sa tuhod at apo sa talampakan silang lahat ay magiging hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Si Sallum anak ni Jabes, ay naging hari ng Israel makaraan halos tatlumpu't siyam na taong paghahari ni Haring Uzzias sa Juda. Pero isang buwan lang naghari sa Samaria si Sallum.
|
||
|
\v 14 Nagtungo ng Samaria mula sa Tirza si Menahem anak ni Gadi at pinaslang si Sallum. Tapos si Menahem ang naging hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Lahat ng ginawa ni Sallum, kasama na ang pagpatay kay Haring Zacarias, ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
|
||
|
\v 16 Habang nasa sa Samaria si Menahem, lubusan niyang winasak ang lungsod ng Tappua sa timog ng Samaria at pinatay lahat ng bayan na nanirahan doon at sa nakapaligid na lupain. Ginawa niya iyon dahil ayaw sumuko ng mga tao sa kaniya. Gamit ang kaniyang espada nilaslas niya ng kaunti na ang tiyan ng buntis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Nang talumpu't siyam na taon ng naghahari si Haring Uzzias ng Juda, si Menahem anak ni Gadi, ay naging hari ng Israel sa Samaria sa loob ng sampung taon.
|
||
|
\v 18 Marami siyang mga ginawa na sinabing masama ni Yahweh. Ginawa niya ang kasalanan ginawa ni Haring Jeroboam, kasalanang nagtulak sa mga Israelitang magkasala rin. Patuloy ang pagkakasala niya sa panahong siya ay nabuhay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pagkatapos nilusob ang Israel ni Haring Tiglat Pileser ng Asiria. Kaya nagbigay si Menahem ng halos tatlumpu't apat na metrikong toneladang pilak para patuloy tulungang at palakasin pa ang paghahari ni Menahem.
|
||
|
\v 20 Galing sa bayan sa Israel ang salapi na pinilit ni Menahem na mag-ambag ng halos anim na daang gramo ng pilak bawat isa. Kaya kinuha ni Tiglat Pileser ang salapi at umuwi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Kung nais ninyong malaman tungkol sa lahat ng ginawa ni Menahem, ito ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
|
||
|
\v 22 Namatay at nilibing si Menahem, at anak niyang si Pekakias ay naging hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Nang halos limampung taon ng naghahari si Haring Uzzias sa Juda, naging hari ng Israel si Pekakias anak ni Menahem. Naghari siya sa Samaria ng dalawang taon.
|
||
|
\v 24 Marami siyang ginawa na sinabing masama ni Yahweh. Ginawa niya ang kasalanang ginawa ni Haring Jeroboam, kasalanang nagtulak sa mga Israelitang magkasala rin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pagkatapos si Peka anak ni Remalias, isa sa pinuno ng hukbo ni Pekakias, ay nagbalak kasama ng limampung kalalakihan, mula sa Galaad na patayin si Pekakias; kasama ng mga kalalakihan ito sina Argod at Aries. Pinatay nila ang hari sa pinagtibay na lugar ng palasyo sa Samaria. Tapos naging hari si Peka.
|
||
|
\v 26 Lahat ng ginawa ni Pekekias ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Nang halos limampu't dalawang taon ng naghahari si Haring Uzzias ng Juda, naging hari ng Israel si Peka anak ni Remalias. Dalawampung taon siyang naghari sa Samaria.
|
||
|
\v 28 Marami rin siyang ginawa na sinabing masama ni Yahweh. Ginawa niya ang kasalanan ginawa ni Haring Jeroboam, kasalanang nagtulak sa mga Israelita na magkasala rin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Habang si Peka ay hari, dumating kasama ng kaniyang hukbo si Tiglat Pileser, ang Hari ng Asiria at sinakop ang Ijon, Abel Bet Maaca, Janoa, Kades, Hazor, at lupain ng Galaad, Galilea at Naftali. Sapilitang tinanggay ng kaniyang hukbo ang mga Israelita at manirahan sa Asiria.
|
||
|
\v 30 Tapos binalak patayin ni Hosea anak ni Ela, si Peka. Pinatay niya siya nang naghahari si Jotam anak ni Uzzias ng halos dalawampung taon na. Tapos naging hari ng Israel si Hosea.
|
||
|
\v 31 Lahat ng ginawa ni Peka ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Nang halos dalawang taon ng naghahari si Peka sa Israel, nagsimulang maghari sa Juda si Jotam anak ni Uzzias.
|
||
|
\v 33 Dalawampu't limang taon siya noon, at namuno sa Jerusalem sa loob ng labing anim na taon. Si Jerusa ang kaniyang ina, anak ni Zadok.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Maraming nakalulugod siyang ginawa kay Yahweh, tulad ng ama niyang si Uzzias.
|
||
|
\v 35 Pero hindi niya winasak ang lugar kung saan sinasamba ng bayan si Yahweh, at nagpatuloy mag-alay ng insenso roon ang bayan bilang parangal kay Yahweh. Itinayo ng manggagawa ni Jotam ang Pang-itaas na Tarangkahan ng templo.
|
||
|
\v 36 Kung nais mong malaman ang tungkol sa ginawa ni Jotam, ito ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
|
||
|
\v 37 Sa loob ng panahong ito si Jotam ay ang hari nang isinugo ni Yahweh sina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka ng Israel kasama ng kanilang hukbo para lusubin ang Juda.
|
||
|
\v 38 Namatay si Jotam at inilibing kasama ng kanyang mga ninuno sa Jerusalem ang lungsod ni David. Pagkatapos ang anak niyang si Ahaz ay naging hari ng Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 16
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang halos labing pitong taon ng naghahari ng Israel si Peka, naging hari si Ahaz anak ni Jotam ng Juda.
|
||
|
\v 2 Dalawampung taong gulang siya noon. Naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Hindi niya ginawa ang nakalulugod kay Yahweh ang kaniyang Diyos, ang mabubuting bagay tulad ng ginawa ng kaniyang ninunong si Haring David.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sa halip, naging makasalanan siya tulad ng mga hari ng Israel. Inalay niya ang kaniyang anak bilang handog sa diyus-diyosan. Panggagaya ito sa kasuklam-suklam na ginawa noon ng naninirahan doon, bayang itinaboy ni Yahweh nang sinasakop ng Israel ang lupain.
|
||
|
\v 4 Naghandog siya ng mga alay at insenso sa maraming lugar para parangalan si Yahweh, kabilang sa tuktok ng mga burol at lilim ng malalaking puno, sa halip na sa Jerusalem gaya ng pinag-utos ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Habang siya ay hari ng Juda, si Haring Resin ng Asiria at Haring Peka ng Israel ay lumusob sa Jerusalem kasama ang kanilang hukbo. Pinalibutan nila ang lungsod pero hindi nila ito nasakop.
|
||
|
\v 6 Sa panahong ito tinaboy ng hukbo ng hari ng Edom ang taga-Judang naninirahan sa lungsod ng Elat. Ang ibang mga taga Edom ay nanirahan doon, at maging hanggang ngayon ay naroroon pa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nagsugo ng mensahero si Haring Ahaz kay Haring Tiglat Pileser ng Asiria, para sabihin ang mensaheng ito sa kaniya: Pinapangako ko gagawing lahat ng sinabi mong gawin ko, na parang ako ay anak mo. Nakikiusap ako sagipin kami mula sa mga hukbo ng Aram at Israel na lumulusob sa aking bansa.
|
||
|
\v 8 Kinuha ni Ahaz ang pilak at ginto nasa palasyo at nasa templo at pinadala sa Asiria bilang isang handog sa hari ng Asiria.
|
||
|
\v 9 Kaya ginawa ni Tiglat Pileser ang hiling ni Ahaz. Tinungo ng hukbo niya ang Damasco at sinakop ito, at dinalang bihag ang mga taga-Damasco para manirahan sa kabisera ng Asiria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nang tagpuin ni Haring Ahaz si Haring Tiglat Pileser sa Damasco, nakita niyang naroon pa rin ang altar. Kaya pinadala niya kay Urias, ang punong pari sa Jerusalem, ang disenyo ng altar at isang kaparehong modelo ng altar sa Damasco.
|
||
|
\v 11 Kaya nagtayo si Urias ng isang altar alinsunod sa disenyong pinadala ni Haring Ahaz. Tinapos ni Urias ang altar bago magbalik si Ahaz sa Jerusalem mula sa Damasco.
|
||
|
\v 12 Nang nagkabalik ang hari, nakita niya ang altar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Umakyat siya rito at nagsunog ng hayop bilang handog at inilagay ang handog na harina rito. Binuhos din niya rito ang handog na alak at iwinisik handog na dugo bilang pangako ng pakikipagkaibigan sa Diyos.
|
||
|
\v 14 Ang lumang tansong altar na noon ay itinalaga kay Yahweh ay nasa pagitan ng bagong altar at templo, kaya inilipat ito ni Ahaz sa bandang hilaga ng bagong altar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Pagkatapos inutusan ni Ahaz si Urias: Tuwing umaga gawin ang mga pag-aalay na susunugin ng mga pari sa bagong altar, at sa gabi ilagay dito ang handog na harina, kasama ng aking handog at handog na dala ng mga taong sununugin nila, at aking handog na harina at handog na butil at alak ng mga tao. Ibuhos sa mga gilid ng altar ang dugo ng mga hayop na inalay. Pero ako lamang ang gagamit ng lumang tansong altar sa paghingi ng tulong kay Yahweh.
|
||
|
\v 16 Kaya sinunod ni Urias ang utos ng hari sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sinabi ni Haring Ahaz sa kaniyang manggagawa na alisin ang balangkas ng mga karitong nasa labas ng templo at tanggalin ang palangganang nakapatong. Inalis din nila ang malaking tansong tangke ng tubig mula sa likuran ng mga tansong rebulto ng baka at inilagay ito sa isang batong patungan.
|
||
|
\v 18 Pagkatapos para masiyahan ang hari ng Asiria, pinaalis ni Ahaz mula sa templo ang bubungan ng nilalakaran ng mga tao sa Araw ng Pamamahinga, at isinara ang tangging pasukan ng hari ng Juda sa templo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kung nais mong malaman ang tungkol sa iba pang bagay na ginawa ni Ahaz, sila ay nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan ng mga Buhay ng Hari ng Israel.
|
||
|
\v 20 Namatay si Ahaz at inilibing sa Jerusalem ang lungsod ni David, kung saan ang kaniyang ninuno ay nakalibing. Pagkatapos ang anak niyang si Hezekias ay naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 17
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos maghari ng labingdalawang taon sa Juda si haring Ahaz nagsimulang namuno si Hosea anak ni Ela sa Israel. Sa Samaria naghari si Hosea ng siyam na taon.
|
||
|
\v 2 Gumawa siya ng mga bagay na sinabi ni Yahweh na masama, pero hindi kasing dami ng ginawa ng naunang mga hari ng Israel.
|
||
|
\v 3 Ang hukbo ni Haring Salmaneser ng Asiria ay nilusob at tinalo ang hukbo ni Haring Hosea. Dahil dito, sapilitang pinagbayad ng buwis ang mga Israelita sa Asiria taon- taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pero pagkaraan ng ilang taon, palihim na nagbalak si Hosea laban sa Asiria. Nagsugo siya ng mensahero kay So, hari ng Egipto, hinihingi ang tulong ng kaiyang hukbo para labanan ang Asiria. Hininto rin ni Hosea ang taunang pagbabayad ng buwis. Pero nadiskubre ng hari ng Asiria ang tungkol dito, kaya ipinag-utos na ikulong si Hosea.
|
||
|
\v 5 Pagkatapos nilusob ng hukbo ng Asiria ang buong lupain ng Israel. Sinakop ng kaniyang hukbo ang Samaria ng tatlong taon.
|
||
|
\v 6 Sa wakas, makalipas ang siyam na taong pagmumuno ni Haring Hosea, sapilitang pinasok ng hukbo ng Asiria ang lungsod at binihag ang mga tao. Tinangay nila ang mga Israelita papuntang Asiria at pilit na pinatira ang iba sa kanila sa lungsod ng Hala. Ang iba ay pilit na pinatira malapit sa Ilog Habor sa distrito ng Gozan. Ang iba naman sa mga bayan kung saan naninirahan ang mga taga-Mede.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nangyari ang mga iyon dahil ang mga Israelita ay nagkasala kay Yahweh ang kanilang Diyos. Iniligtas niya ang kanilang ninuno mula sa kapangyarihan ng hari ng Egipto at ligtas silang inilabas ng Egipto, pero di nagtagal ay nagsimula silang sumamba sa ibang mga diyos.
|
||
|
\v 8 Ginaya nila mga ginagawa ng mga paganong nakapalibot sa kanila. Silang mga taong itinaboy ni Yahweh nang sakupin ng Israel ang kanilang lupain. Ginawa din ng mga Israelita ang masasama na ipinakita sa kanila ng halos lahat ng hari ng Israel.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ang mga Israelita ay palihim ding gumagawa ng hindi nakalulugod kay Yahweh ang kanilang Diyos. Nagtayo sila ng mga dambana sa buong lungsod para sumamba sa diyus-diyosan, kasama ang maliliit na bayan at malalaking lungsod na napapaligiran ng pader.
|
||
|
\v 10 Nagtayo sila ng mga haliging batong magpaparangal sa mga diyos, at imaheng poste ng babaeng diyos na si Asera para sambahin sa bawat tuktok ng burol at lilim ng bawat malaking punong- kahoy.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nagsunog ng insenso ang mga Israelita kung saan nila sinasamba ang mga diyos na iyon, tulad ng ginawa ng mga dating naninirahan doon - silang mga itinaboy ni Yahweh mula sa lupain. Gumawa ng masasamang bagay ang mga Israelita na nagpagalit kay Yahweh.
|
||
|
\v 12 Binalaan sila ni Yahweh ng maraming beses na huwag sasamba sa mga diyus-diyosan, pero ginawa pa rin nila ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Madalas isugo ni Yahweh ang kaniyang mga propeta at sugo para bigyang babala ang taga-Israel at Juda. Ito ang mensaheng ibinigay sa kanila, "Talikuran ang inyong masamang ugali. Sundin aking mga utos at batas, ang batas na sinabi kong sundin ng inyong mga ninuno at sinabi ko sa mga propetang naglilingkod sa akin na muling sabihin sa inyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pero ang mga Israelita ay hindi ito pinakinggan. Matitigas ang kanilang ulo tulad ng ninuno nila. Tulad ng ginawa ng kanilang ninuno, tumanggi silang magtiwala kay Yahweh ang kanilang Diyos.
|
||
|
\v 15 Tinanggihan nila ang mga batas ni Yahweh at ang tipan sa pagitan ng kanilang ninuno. Hindi nila pinansin ang babala ni Yahweh. Sinamba nila ang walang halagang mga diyus-diyosan at maging sila ay naging walang halaga. Kahit inutos sa kanila ni Yahweh na huwag gayahin ang pag-uugali ng mga taong malapit sa kanila, nilabag nila ang utos na ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Nilabag ng mga Israelita lahat ng ipinag-utos ni Yahweh. Gumawa sila ng dalawang bakal na guya para sambahin. Nagtayo sila ng dalawang poste para sambahin ang babaeng diyos na si Asera at ang diyos na si Baal, at ang araw, ang buwan, at mga bituin.
|
||
|
\v 17 Sinunog din nila ang sariling mga anak na lalaki at babae bilang handog sa mga diyos na iyon. Kumukunsulta sila sa manghuhula at nangkukulam. Patuloy silang gumagawa ng lahat ng uri ng kasamaan na nagpagalit kay Yahweh.
|
||
|
\v 18 Kaya dahil sa sobrang galit ni Yahweh sa mga Israelita, hinayaan niyan tangayin sila ng kanilang mga kaaway mula sa kanilang bansa. Tanging ang lipi ni Juda ang natira sa lupain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pero kahit ang mga taga-Juda ay hindi sinunod ang mga utos ni Yahweh ang kanilang Diyos. Ginaya nila ang masasamang gawi na ipinakita ng mga Israelita.
|
||
|
\v 20 Kaya tinanggihan ni Yahweh lahat silang sa Israel at Juda. Pinarusahan niya sila nang pahintulutan ang mga hukbo ng ibang bansa na talunin at tangayin sila. Pinalayas niya silang lahat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Bago ito, noong itinaboy ni Yahweh ang sampung lipi ng Israel mula sa pamumuno ng anak ni David, silang liping pinili si Jeroboam anak ni Nebat, na maging kanilang hari. Pagkatapos hinimok ni Jeroboam ang Israelitang huwag ng sambahin si Yahweh at sa halip samhabin ang mga diyus-diyosan. Pinilit silang gumawa ng malaking kasalanan.
|
||
|
\v 22 At nagpatuloy sa kanilang pagkakasala ang mga Israelita na sinimulan ni Jeroboam. Hindi sila lumayo sa mga kasalanang iyon,
|
||
|
\v 23 kaya sa huli pinaalis sila ni Yahweh. Iyon ang babala ng mga propeta na magaganap. Tinangay sa Asiria ang mga Israelita, at maging ngayon ay naroon sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Inutusan ng hari ng Asiria ang kaniyang hukbo na maglipat ng mga tao mula sa lungsod ng Babylonia, Cuta, Avva, Hamat, at Separvaim papunta sa rehiyon ng Samaria, at doon manirahan, kapalit ng mga Israelita na dating naninirahan doon. Pinamahalaan nila ang Samaria at nanirahan sa mga lungsod ng Samaria.
|
||
|
\v 25 Pero ang mga taong nagmula sa ibang bansa ay hindi sinamba si Yahweh nang dumating sa Samaria. Kaya nagsugo si Yahweh ng mga leong papatay sa kanila.
|
||
|
\v 26 Pagkatapos nagpadala sila ng mensahe sa hari ng Asiria. Kanilang sinulat, "Kaming mga nilipat mo sa mga lungsod ng Samaria ay hindi alam kung paano sasambahin ang Diyos ng mga Israelita sa lupaing ito. Kaya nagsugo siya na mga leong papatay sa amin, dahil sa hindi tamang pagsamba sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Nang mabasa ng hari ng Asiria ang liham, ipinag-utos niya sa kanyang opisyales, "Magpadala ng isa sa mga paring dinala dito mula sa Samaria. Sabihin sa kaniyang turuan ang ngayong naninirahan doon ng tamang pagsamba sa Diyos na sinasamba ng mga Israelita sa lupaing iyon.
|
||
|
\v 28 Kaya ginawa ito ng opisyales. Nagpadala sila ng isang paring Israelita pabalik ng Samaria. Ang paring ito ay nanirahan sa lungsod ng Betel, at tinuruan ang mga tao kung paano sambahin si Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Pero ang lahat ay nagpatuloy sa paggawa ng mga sariling diyus-diyosan. Inilagay nila ito sa mga dambana na ginawa ng mga Israelita. Bawat lahing naninirahan sa mga lungsod ng Samaria ay gumawa ng diyus-diyosan.
|
||
|
\v 30 Ang mga taga- Babilonia ay gumawa ng diyus-diyosang maglalarawan sa diyos nilang si Sucot Benot. Habang ang mga taga-Cuta naman sa diyos nilang si Negral, ang mga taga-Hamat sa diyos nilang si Asima,
|
||
|
\v 31 at mga taga-Avva sa diyos nilang sina Nibaz at Tartak. Ang mga taga-Separvaim ay inalay kanilang mga anak at sinunog sila sa altar bilang handog sa kanilang diyos na sina Adramelec at Anamelec.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Pero ang mga taong iyon ay sinamba rin si Yahweh, at nagtalaga sila ng kanilang sariling pari na siyang mag-aalay ng mga handog para sa kanila sa mga dambana.
|
||
|
\v 33 Kaya nagbigay galang sila kay Yahweh, pero sumasamba rin sa kanilang sariling diyos, katulad din ng mga ginagawa ng kanilang mga kababayan sa kanilang sariling bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Ang bayang ito sa Samaria ay nanatili sa luma nilang kaugalian. Hindi totoong sinasamba nila si Yahweh, at hindi sila sumusunod sa mga batas at kautusan na ibinigay ni Yahweh sa mga anak ni Jacob, na siyang binigyan ng bagong pangalang Israel.
|
||
|
\v 35 Nakipagtipan noon si Yahweh sa mga ninuno ng Israel, inuutusan silang huwag sasamba sa ibang mga diyos at yumukod para parangalan sila o mag-alay ng mga handog sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Sinabi niya sa kanila, "Dapat may tapat na paggalang kayo sa aking, si Yahweh, na siyang naglabas sa inyo sa Egipto dahil ako ay napakamakapangyarihan. Sa akin kayo dapat yumukod upang parangalan, sa akin kayo dapat mag-alay ng mga handog.
|
||
|
\v 37 Dapat ninyong sundin lagi ang mga batas at utos na sinabi kong isulat ni Moises. Huwag kayong sasamba sa ibang diyos.
|
||
|
\v 38 At huwag kalilimutan ang tipang aking ginawa sa inyong mga ninuno. Huwag ninyong katatakutan o igagalang ang ibang diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 39 Sa halip, dapat lagi kayong tapat na gumagalang sa akin, si Yahweh, inyong Diyos. Kapag ginawa ninyo ito, sasagipin ko kayo mula sa kapangyarihan ng lahat ninyong kaaway.
|
||
|
\v 40 Pero, binalewala ng mga Israelita ang sinabi ni Yahweh. Sa halip, nagpatuloy na kanilang nakaugalian.
|
||
|
\v 41 Kaya, ang mga iyon ay sumamba kay Yahweh, pero sumamba rin sa kanilang diyus-diyosan. At siya pa ring ginagawa ng kanilang mga kaapu-apuhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 18
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos maghari ni Haring Hoshea sa Israel ng halos tatlong taon, si Hezekias na anak ni Ahaz, ay nagsimulang maghari sa Juda.
|
||
|
\v 2 Dalawampu't limang taong gulang siya nang naging hari siya ng Juda at naghari siya sa Jerusalem ng dalawampu't siyam na taon. Si Abija ang kaniyang ina, na anak ng lalaki na nagngangalang Zecarias.
|
||
|
\v 3 Ginawa ni Hezekias ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na tama, gaya ng ginawa ng kaniyang ninuno na si Haring David.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Winasak niya ang mga lugar kung saan sinamba ng mga tao si Yahweh, at pinagpira-piraso niya ang mga poste na ginamit sa pagsamba ng diyosang si Asera. Pinagpira-piraso rin niya ang mga tansong kopya ng ahas na ginawa ni Moises. Ginawa niya iyon dahil pinangalanan ito ng mga tao na Nehustan, at nagsusunog sila ng insenso sa harap nito para parangalan ito.
|
||
|
\v 5 Nagtiwala si Hezekias kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng mga Israelita. Walang hari sa Juda ang nauna sa kaniya ni ang sumunod sa kaniya na naging tapat kay Yahweh gaya niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Nanatili siyang tapat kay Yahweh at hindi niya siya kailanman sinuway. Maingat niyang sinunod ang lahat ng mga utos na ibinigay ni Yahweh kay Moises.
|
||
|
\v 7 Palaging tinulungan ni Yahweh si Hezekias. Naging matagumpay siya sa lahat ng kaniyang ginawa. Naghimagsik siya laban sa hari ng Asiria at tinanggihang gawin ang nais ipagawa sa kaniya ng hari ng Asiria.
|
||
|
\v 8 Tinalo ng kaniyang hukbo ang mga sundalo ng Filistia hanggang sa katimogang bahagi ng lungsod ng Gaza at sa mga kalapit na mga nayon. Nilupig nila ang buong lugar, mula sa pinakamaliit na nayon na mayroon lamang bantay na tore hanggang sa pinakamalalaking lungsod na pinapalibutan ng mga pader.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pagkatapos maghari ni Haring Hezekias sa Juda ng halos apat na taon, at na naghari si Haring Hoshea sa Israel ng halos pitong taon, ang hukbo ni Haring Salmaneser ang hari Asiria ay nilusob ang Israel at pinalibutan ang lungsod ng Samaria.
|
||
|
\v 10 Nasakop nila ang lungsod sa pangatlong taon. Nangyari iyon nang naghahari na si Hezekias sa Juda ng halos anim na taon, at nang naghahari na si Hoshea sa Israel ng halos siyam na taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Inutusan ng hari ng Asiria na dalhin ang mga mamamayan ng Israel sa Asiria. Dinala ang ilan sa kanila sa lungsod ng Hala, dinala ang ilan sa lugar malapit sa Ilog Habor sa rehiyon ng Gozan, at dinala ang ilan sa mga lungsod kung saan nanirahan ang pangkat ng bayang taga-Mede.
|
||
|
\v 12 Nangyari iyon dahil hindi sinunod ng mga Israelita si Yahweh ang kanilang Diyos. Sinuway nila ang ginawang tipan ni Yahweh sa kanilang mga ninuno, at lahat ng mga utos ni Moises, ang taong pinaglingkurang mabuti ang Diyos, na kaniyang sinabi sa kanila na sundin. Hindi nila sinusunod ang mga batas. Hindi man lang nila pinakinggan ang mga ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pagkatapos maghari ni Haring Hezekias sa Juda ng halos labing-apat na taon, nilusob ng hukbo ni Haring Senaquerib ng Asiria ang lahat ng mga lungsod sa Juda na may mga pader sa paligid nito. Hindi nila nasakop ang Jerusalem, pero nasakop nila ang lahat ng iba pang mga lungsod.
|
||
|
\v 14 Nagpadala si Hezekias ng mensahe kay Senaquerib, habang nasa lungsod ng Lachis si Senquerib, na sinasabing, "Ang ginawa ko ay mali. Pakiusap sabihin mo sa mga sundalo mo na tumigil sa paglulusob sa amin. Kung ginawa mo iyon, ibabayad ko sa iyo ang anumang hingin mo." Kaya sinabi ng hari ng Asiria na dapat siyang bayaran ni Hezekias ng 10,206 na kilo (halos sampung metriko na tonelada) ng pilak at 1,021 na kilo (halos isang metriko na tonelada) ng ginto.
|
||
|
\v 15 Kaya binigay sa kaniya ni Hezekias ang lahat ng pilak na nasa templo at ang mga nakatago sa kaniyang palasyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Binaklas din ng mga tauhan ni Hezekias ang ginto mula sa mga pinto ng templo at ang mga ginto na siya mismo ang naglagay sa mga hamba ng pinto, at pinadala niya ang lahat ng mga ginto sa hari ng Asiria.
|
||
|
\v 17 Pero nagpadala ang hari ng Asiria ng malaking hukbo kasama ang ilan sa kaniyang mga mahahalagang opisyal mula sa lungsod ng Lacis para himukin na sumuko si Haring Hezekias. Nang dumating sila sa Jerusalem, tumayo sila sa tabi ng padaluyan ng tubig kung saan umaagos ang tubig mula sa itaas na tubigan papuntang Jerusalem, malapit sa kalsada papuntang kaparangan kung saan naglalaba ng mga damit ang mga babae.
|
||
|
\v 18 Nagpadala sila ng mensahe kay Haring Hezekias hinihiling na pumunta sa kanila, pero pinadala ng hari ang tatlo sa kaniyang mga opisyal para kausapin sila. Pinadala niya ang anak ni Hilkias na si Eliakim, na nangangasiwa sa palasyo; si Sebna, ang opisyal na kalihim; at ang anak ni Asaf na si Joas, ang nagpayahag ng mensahe ng hari sa bayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sinabi ng isa sa kanilang mga mahalagang opisyal ni Senaquerib na iparating ang mensahe na ito kay Hezekias: "Ito ang sinasabi ng hari ng Asiria, ang dakilang hari: 'Ano ang iyong pinagkakatiwalaan para iligtas ka?
|
||
|
\v 20 Sinasabi mo na may mga sandata ka para labanan kami at may ilang mga bansa na nangakong tutulungan ka, pero sabi mo lang iyon. Sino sa tingin mo ang tutulong sa iyo para maghimagsik laban sa aking mga sundalo mula sa Asiria?
|
||
|
\v 21 Makinig ka sa akin! Umaasa ka sa hukbo ng Ehipto. Pero iyon ay parang paggamit ng sirang tambo para magsilbing tungkod na maaari mong sandalan. Bubutasin nito ang kamay ng sinumang sumandal dito! Ganoon ang hari ng Ehipto sa sinumang umasa sa kaniyang tulong.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Pero maaaring sasabihin mo sa akin, "Hindi, umaasa kami kay Yahweh na aming Diyos para tulungan kami." Tutugon ako, "Hindi ba siya ang inyong inalipusta sa pamamagitan ng paggiba ng kaniyang mga dambana at altar at ang pagpilit sa bawat isa sa Jerusalem at sa iba pang dako ng Juda na sumamba lang sa harap ng altar ng Jerusalem?"
|
||
|
\v 23 Kaya iminumungkahi ko na gumawa ka ng kasunduan sa aking panginoon, ang hari ng Asiria. At bibigyan kita ng dalawang libong mga kabayo, pero sa tingin ko ay hindi ka makakahanap ng dalawang libo sa iyong mga tauhan na kayang sakyan ang mga ito!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Umaasa ka na magpapadala ang hari ng Ehipto ng mga karwahe at mangangabayo para alalayan ka. Pero tiyak na hindi nila matatalo kahit ang pinaka mababang opisyal sa aking hukbo!
|
||
|
\v 25 Higit pa roon, sa tingin mo ba ay pumunta kami para wasakin ang Jerusalem nang walang tulong ni Yahweh? Si Yahweh mismo ang nagsabi sa amin na pumunta rito at wasakin ang lupaing ito!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Pagkatapos sinabi ni Eliakim, Sebna at Joas sa opisyal na mula sa Asiria, "Ginoo, pakiusap kausapin mo kami sa wika mong Aramaic, dahil naiintindihan namin ito. Huwag mo kaming kausapin sa aming wikang Hebreo, dahil mauunawaan ito ng mga taong nakatayo sa pader at matatakot."
|
||
|
\v 27 Pero tumugon ang opisyal, "Sa tingin niyo ba ay pinadala ako ng aking panginoon para sa inyo lang sabihin ang mga bagay na ito at hindi sa mga taong nakatayo sa pader? Kung tatanggihan ninyo ang mensahe na ito, sa ilang sandali lang ay kakailanganing kainin ng mga tao sa lungsod na ito ang kanilang sariling mga dumi at inumin ang sarili nilang mga ihi, gaya ninyo, dahil mawawalan na kayo ng makakain at maiinom."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Pagkatapos tumayo ang opisyal at sumigaw sa wikang Hebreo sa mga taong nauupo sa pader. Sinabi niya, "Makinig sa mensahe na ito mula sa dakilang hari, ang hari ng Asiria. Ito ang kaniyang sinasabi:
|
||
|
\v 29 'Huwag ninyong hayaang linlangin kayo ni Hezekias. Hindi niya kayo maliligtas mula sa aking kapangyarihan.
|
||
|
\v 30 Huwag ninyo siyang hayaang mahimok kayo na umasa kay Yahweh, na sinasabing ililigtas kayo ni Yahweh, at hindi kailanman masasakop ng hukbo ng Asiria ang lungsod na ito!'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Huwag ninyong pansinin ang sinasabi ni Hezekias! Ito ang sinasabi ng hari ng Asiria: 'Lumabas kayo sa lungsod at sumuko na kayo sa akin. Kung gagawin ninyo iyon, hahayaan ko na makainom ang bawat isa sa inyo ng katas mula sa sarili ninyong mga ubasan, at makain ang mga igos mula sa sarili ninyong mga puno, at mainom ang tubig mula sa sarili ninyong mga balon.
|
||
|
\v 32 Magagawa ninyo iyon hanggang sa dumating ako at dalhin kayo sa lupaing gaya ng inyong lupain—isang lupain na may mga butil para makagawa kayo ng tinapay at ubasan para makagawa kayo ng alak. Magiging lupain ito na sagana sa mga puno ng olibo at pulot.' Kung gagawin ninyo ang inuutos ng hari ng Asiria, hindi kayo mamamatay. Huwag ninyong hayaang mahikayat kayo ni Hezekias na magtiwala kay Yahweh, na sinasabing ililigtas niya kayo!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Ang mga diyos na sinamba ng mga tao ng ibang bansa ay hindi sila kailanman naligtas mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria!
|
||
|
\v 34 Nasaan ang mga diyos ng Hamat at Arpad? Nasaan ang mga diyos ng Sefarvaim, Hena, at Iva? May diyos ba na sumagip sa Samaria mula sa aking kamay?
|
||
|
\v 35 Wala sa mga diyos na ito ang nakapag-ingat sa kanilang mga tao mula sa pagwawasak ng hari ng Asiria. Sa tingin niyo ba ay may mas magagawa pa ang inyong Diyos na si Yahweh?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Pero tahimik ang mga taong nakikinig. Walang sinuman ang nagsalita, dahil sinabihan sila ni Haring Hezekias, "Kapag kinausap kayo ng hari ng Asiria, huwag ninyo siyang sagutin."
|
||
|
\v 37 Pagkatapos bumalik sina Eliakim at Sebna at Joas kay Hezekias nang may punit na mga damit dahil labis silang nabagabag, at sinabi nila sa kaniya ang sinabi ng opisyal na mula sa Asiria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 19
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nang narinig ni Hezekias ang kanilang inulat, pinunit niya ang kaniyang mga damit at nagsuot ng damit na gawa sa magaspang na tela dahil labis siyang nababagabag.
|
||
|
\v 2 Pagkatapos pumunta siya sa templo para tanungin ang Diyos kung ano ang dapat gawin. Pagkatapos pinatawag niya sina Eliakim at Sebna at ang matatandang pari, na nakasuot din ng damit na gawa sa magaspang na tela, at sinabi sa kanila na kausapin si Isaias ang propeta, anak ni Amoz.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sinabi niya sa kanila na sabihin kay Isaias ang mga bagay na ito: "Sinasabi ni Haring Hezekias na ang araw na ito ay mayroong labis na pagkabagabag. Kinukutya at pinapahiya tayo ng ibang mga bansa gaya ng isang babae na manganganak, pero kulang ang kaniyang lakas para gawin ito.
|
||
|
\v 4 Marahil narinig ni Yahweh ang ating Diyos ang lahat ng sinabi ng opisyal na mula Asiria. Marahil alam ng opisyal na pinadala siya ng kaniyang panginoon, ang hari ng Asiria, para kutyain ang makapangyarihang Diyos at paparusahan siya ni Yahweh sa kaniyang sinabi. At hinihiling ni Hezekias na ipanalangin mo kaming mga nalalabing buhay dito sa Jerusalem."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Nang dumating ang mga mensahero ni Hezekias kay Isaias, at
|
||
|
\v 6 binilinan sila ni Isaias na bumalik sa kanilang panginoon at sabihin sa kaniya ang sinasabi ni Yahweh: "Nagsabi ang mga mensahero mula sa hari ng Asiria ng masasamang mga bagay tungkol sa akin. Pero hindi ka dapat mabalisa sa kanilang sinabi.
|
||
|
\v 7 Makinig ka rito: Dudulutin kong makarinig si Senaquerib ng isang balita na magpapabagabag sa kaniya, na lulusubin na ng ibang mga hukbo ang kaniyang bansa. Kaya babalik siya sa kaniyang sariling bansa, at dudulutin ko siyang mapatay ng ilang mga kalalakihan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Nalaman ng opisyal na mula sa Asiria na iniwan ng Hari ng Asiria at ng kaniyang hukbo ang lungsod ng Lachis, at nilulusob nila ang Libna, na kalapit na lungsod. Kaya pumunta roon ang opisyal at inulat sa kaniya ang lahat ng nangyari sa Jerusalem.
|
||
|
\v 9 Pagkatapos noon, nakatanggap si Haring Senaquerib ng ulat na pinapangunahan ni Haring Tirhaka ng Etiopia ang kaniyang hukbo para lusubin sila. Pero bago iniwan ni Haring Senaquerib ang Libna para makipaglaban sa hukbo na mula sa Etiopia, nagpadala siya ng iba pang mga mensahero kay Haring Hezekias nang may kasamang liham.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sa liham, sinabi niya kay Hezekias: "Huwag mong hayaang linlangin ka ng iyong Diyos na iyong inaasahan sa pamamagitan ng pangangako na hindi kailanman masasakop ng aking hukbo ang Jerusalem.
|
||
|
\v 11 Tiyak na narinig mo ang ginawa ng mga hukbo ng mga hari ng Asiria sa lahat ng ibang mga bansa. Ganap silang nawasak ng aming mga hukbo. Kaya sa tingin mo ba ay makakatakas ka?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Niligtas ba sila ng mga diyos ng mga bansa nang wawasakin na sila ng mga hukbo ng mga nakalipas na hari ng Asiria? Niligtas ba ng mga diyos na iyon ang mga mamamayan sa rehiyon ng Gozan o sa mga lungsod ng Haran at Rezef sa hilagang Aram? Niligtas ba nila ang bayan ng Eden na pinatapon sa lungsod ng Tel Asar? Wala sa mga diyos ng mga lungsod na iyon ang nakapagligtas sa kanila.
|
||
|
\v 13 Anong nangyari sa mga hari ng mga lungsod ng Hamat, Arpad, Sefarvaim, at Iva? Patay na silang lahat."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Natanggap ni Hezekias ang liham na binigay sa kaniya ng mga mensahero, at binasa ito. Umakyat siya sa templo at nilatag ang liham sa harapan ni Yahweh.
|
||
|
\v 15 Pagkatapos ito ang pinanalangin ni Hezekias: "Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita na iyong pag-aari, nakaluklok ka sa iyong trono sa ibabaw ng mga rebulto ng mga nilalang na may mga pakpak, sa ibabaw ng sagradong kaban. Ikaw lang ang tunay na Diyos. Pinaghaharian mo ang lahat ng mga kaharian sa mundong ito. Ikaw ang lumikha ng lahat ng nasa langit at lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kaya, Yahweh, pakiusap pakinggan ang aking sinasabi, at tingnan mo ang nangyayari. At pakinggan ang sinabi ni Haring Senaquerib para kutyain ka, ang makapangyarihang Diyos.
|
||
|
\v 17 Yahweh, totoo na ganap na winasak ng mga hukbo ng mga hari ng Asiria ang maraming mga bansa at sinira ang kanilang lupain.
|
||
|
\v 18 At sinunog nila ang mga diyus-diyosan ng mga bansa. Pero hindi mahirap gawin iyon, dahil hindi sila mga diyos. Mga rebulto lamang sila na gawa sa kahoy at bato, mga diyus-diyosan na ginawa ng mga tao, kaya madali silang nawasak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kaya ngayon, Yahweh aming Diyos, pakiusap iligtas mo kami mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria, para malaman ng lahat ng mga kaharian ng mundo na ikaw, Yahweh, ang nag-iisang tunay na Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pagkatapos pinadala ni Isaias ang mensahe na ito kay Hezekias para sabihin sa kaniya ang tugon ni Yahweh, ang Diyos na pag-aari ang mga Israelita: "Narinig ko ang iyong panalangin sa akin tungkol kay Senaquerib, ang hari ng Asiria.
|
||
|
\v 21 Ito ang aking sinasabi sa hari na iyon: Kinamumuhian at pinagtatawanan ka ng bayan ng Jerusalem. Umiiling sila para kutyain ka.
|
||
|
\v 22 Sino sa tingin mo ang iyong kinamumuhian at kinukutya? Sino sa tingin mo ang iyong sinisigawan? Sino sa tingin mo ang iyong pinagmamataasan? Ako iyon, ang banal na Diyos na sinasamba ng mga Israelita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Kinutya ako ng mga mensaherong pinadala mo. Sinabi mo, 'Umakyat ako sa pinakamataas na mga bundok kasama ng aking mga karwahe, sa pinakamataas na mga bundok sa Lebanon. Pinutol namin ang pinakamatatayog nitong mga puno at ang pinakamabuti nitong mga puno ng sedar. Nanggaling na kami sa pinakamataas na mga tuktok at sa pinakamakapal nitong mga kagubatan.
|
||
|
\v 24 Naghukay kami ng mga balon sa ibang mga bansa at uminom ng tubig mula dito. At sa pamamagitan ng pagmamartsa sa batis ng Ehipto, tinuyo namin ang lahat ng mga ito!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pero sumagot ako, 'Hindi mo pa ba naririnig na matagal ko nang binalak na mangyari ang mga bagay na iyon? Matagal ko na itong binalak, ngayon ay dinudulot kong mangyari ang mga ito. Binalak ko na magkaroon ng kapangyarihan ang iyong mga hukbo na sakupin ang mga lungsod na pinapalibutan ng matataas na pader, at dinulot silang maging mga tipak ng mga guho.
|
||
|
\v 26 Walang kapangyarihan ang mga taong nanirahan sa mga lungsod na iyon, at dahil doon nalungkot sila at napanghinaan ng loob. Kasing hina sila ng mga halaman at damo sa pastulan, kasing hina ng mga damo na tumutubo sa bubungan ng mga bahay at natuyo bago pa man ito tumubo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Pero alam ko ang lahat ng mga bagay tungkol sa iyo. Alam ko kapag ikaw ay nasa iyong tahanan at kapag lumabas ka; alam ko rin na labis na nagagalit ka sa akin.
|
||
|
\v 28 Kaya, dahil labis na nagagalit ka sa akin, at dahil narinig kong ginagawa mo ito, tila maglalagay ako ng kawit sa iyong ilong, at lalagyan ko ng bakal ang iyong bibig, para madala kita saanman kita nais papuntahin. Sapilitan kitang ibabalik sa sarili mong bansa sa parehong daanan na iyong nilakaran papunta rito, nang hindi nasasakop ang Jerusalem.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Kaya sinasabi ko ito kay Hezekias: 'Ito ang mangyayari para patunayan na nagsasabi ako ng katotohanan: Sa taon na ito at sa susunod na taon, aani ka lang at ang iyong bayan ng mga ligaw na butil. Pero sa susunod na taon, makapagtatanim kayong mga Israelita ng butil at aanihin ito, at makapagtatanim ng mga ubasan at kakainin ang mga ubas nito.
|
||
|
\v 30 Sasagana at magkakaroon ng maraming mga anak ang bayan ng Juda na mananatiling buhay; sila ay magiging gaya ng mga halaman na malalim ang ugat sa lupa at maraming ibinubunga.
|
||
|
\v 31 Doon ay magkakaroon ng maraming bayan sa Jerusalem na mananatiling buhay, dahil ako, si Yahweh, Kumander ng mga hukbo, ay binalak itong mangyari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Kaya ito ang sinasabi ko, si Yahweh, tungkol sa hari ng Asiria: "Hindi papasok ang kaniyang mga hukbo sa lungsod na ito; ni makakapana ng palaso rito. Hindi magmamartsa sa labas ng tarangkahan ng lungsod ang kaniyang mga sundalo nang may dalang mga pananggol, ni makapagtatayo ng bundok ng lupa sa tabi ng pader para malusob nila ang lungsod.
|
||
|
\v 33 Babalik ang kanilang hari sa sarili niyang bansa sa parehong kalsada na kaniyang dinaanan papunta rito. Hindi siya papasok sa lungsod na ito. Mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito!
|
||
|
\v 34 Ipagtatanggol ko ang lungsod na ito para maiwas ito mula sa pagkakawasak. Gagawain ko ito para sa kapakanan ng sarili kong reputasyon at dahil sa aking pinangako kay Haring David, na pinaglingkuran akong mabuti.'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 Nang gabing iyon, may anghel ni Yahweh na pumunta sa kinaroroonan ng mga toldang itinayo ng mga hukbo ng Asiria, at pinatay ang 185,000 sa kanilang mga sundalo. Nang gumising kinabukasan ng umaga ang natirang mga sundalo, marami silang nakitang mga bangkay.
|
||
|
\v 36 Kaya umalis si Haring Senaquerib at umuwi sa Ninive, ang kabisera ng Asiria.
|
||
|
\v 37 Isang araw, nang sumasamba siya sa templo ng kaniyang Diyos na si Nisroc, dalawa sa kaniyang mga anak, sina Adramelec at Sharezer, ay pinatay siya gamit ang kanilang mga espada. Tumakas sila sa rehiyon ng Ararat, ang hilaga-kanlurang bahagi ng Ninive. At ang isa pang anak ni Senaquerib, na si Esarhadon, ang naging hari ng Asiria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 20
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sa panahon ding iyon, nagkaroon ng labis na karamdaman si Hezekias. Akala niya ay mamamatay na siya. Pumunta sa kaniya si Isaias at sinabing, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Dapat mong bilinan ang mga tao sa iyong palasyo kung anong nais mong gawin nila pagkatapos mong mamatay, dahil hindi ka na gagaling mula sa karamdaman na ito. Mamamatay ka na.'"
|
||
|
\v 2 Humarap si Hezekias sa pader at nanalangin:
|
||
|
\v 3 "Yahweh, huwag mong kalimutan na palagi kitang tapat na pinaglingkuran ng aking buong puso, at ginawa ko ang mga bagay na ikinalugod mo." Pagkatapos ay nagsimulang umiyak ng malakas si Hezekias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Iniwan ni Isaias ang hari, pero bago pa man niya matawid ang gitnang patyo ng palasyo, binigyan siya ng mensahe ni Yahweh.
|
||
|
\v 5 Sinabi niya, "Bumalik ka kay Hezekias, ang pinuno ng aking bayan, at sabihin mo sa kaniya, 'Ako, si Yahweh, ang Diyos na sinamba ng iyong ninunong si Haring David, ay narinig ang iyong panalangin. At nakita ko ang iyong mga luha. Kaya, makinig ka, pagagalingin kita. Sa ikalawang araw mula ngayon ay makakaakyat ka sa aking templo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Bibigyan pa kita ng labing-limang taon para mabuhay. At muli kitang ililigtas at ang lungsod na ito mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria. Ipagtatanggol ko ang lungsod na ito para sa kapakanan ng sarili kong reputasyon at dahil sa aking ipinangako kay David, ang pinaglingkuran akong mabuti.'"
|
||
|
\v 7 Bumalik si Isaias sa palasyo at sinabi kay Hezekias ang sinabi ni Yahweh. Pagkatapos sinabi niya sa mga lingkod ni Hezekias, "Magdala kayo ng pamahid na gawa sa pinakuluang mga igos. Ipahid ninyo ang ilan sa kaniyang pigsa, at gagaling siya." Ginawa iyon ng kaniyang mga lingkod, at gumaling ang hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos tumugon si Hezekias kay Isaias, "Anong gagawin ni Yahweh para patunayan na pagagalingin niya ako at sa ikalawang araw mula ngayon ay makakaakyat ako sa templo?"
|
||
|
\v 9 Tumugon si Isaias, "Mayroong gagawin si Yahweh para patunayan sa iyo na gagawin niya ang kaniyang ipinangako. Nais mo bang ang anino sa hagdan ay umurong ng sampung hakbang o sumulong ng sampung hakbang?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Tumugon si Hezekias, "Madali para sa anino na sumulong, dahil iyon ang palagi nitong ginagawa. Hilingin mo kay Yahweh na paurungin ito ng sampung hakbang."
|
||
|
\v 11 Kaya taos-pusong nanalangin si Isaias kay Yahweh, at pinaurong ni Yahweh ang anino ng sampung hakbang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sa panahon na iyon, si Haring Merodac Baladan na anak ni Baladan, ang dating hari ng Babilonia, ay nakarinig ng isang ulat na nagkaroon ng labis na karamdaman si Haring Hezekias. Kaya nagsulat siya ng ilang mga liham at ibinigay ang mga ito sa ilang mga mensahero para dalhin kay Hezekias, na may kasamang kaloob.
|
||
|
\v 13 Nang dumating ang mga mensahero, magalak silang tinanggap ni Hezekias. Pagkatapos ipinakita niya sa kanila ang lahat ng kayamanan na nasa kaniyang palasyo at pananalapi—ang pilak at ginto, ang mga sangkap, ang mabangong langis ng olibo, at ang lahat ng mga sandata para sa kaniyang mga sundalo. Walang mahalagang mga bagay sa kaniyang mga imbakan o saanman sa kaharian ang hindi niya ipinakita sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Pagkatapos pumunta si propetang Isaias kay Hezekias at tinanong siya, "Saan nanggaling ang mga taong iyon, at anong sinabi nila sa iyo?" Tumugon si Hezekias, "Nanggaling sila sa napakalayong bansa. Nanggaling sila mula sa Babilonia."
|
||
|
\v 15 Tinanong ni Isaias, "Anong nakita nila sa iyong palasyo?" Tumugon si Hezekias, "Nakita nila lahat. Ipinakita ko sa kanila ang lahat ng aking pagmamay-ari—lahat ng mahalaga kong mga bagay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Alam ni Isaias na kahangalan ang ginawa ni Hezekias. Kaya sinabi sa kaniya ni Isaias, "Makinig sa sinasabi ni Yahweh sa iyo.
|
||
|
\v 17 Darating ang panahon nang ang lahat ng nasa iyong palasyo, lahat ng mahalagang mga bagay na nilagay mo roon at ng iyong mga ninuno, ay dadalhin sa Babilonia. Wala nang matitira rito! Iyon ang sinasabi sa iyo ni Yahweh!
|
||
|
\v 18 Higit pa roon, sapilitang dadalhin doon ang ilan sa iyong mga kaapu-apuhan, at kakapunin sila para maging mga lingkod sila sa palasyo ng hari ng Babilonia."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pagkatapos tumugon si Hezekias kay Isaias, "Mabuti ang iyong ibingay na mensahe na mula kay Yahweh." Sinabi niya ito dahil iniisip niya, "Kahit na mangyari iyon, magkakaroon ng kapayapaan at kaligtasan sa Israel sa mga nalalabing panahon ng aking buhay."
|
||
|
\v 20 Kung nais mo pang malaman ang lahat ng iba pang mga bagay na ginawa ni Hezekias, tungkol sa kaniyang dakilang mga gawain sa labanan, tungkol sa kung paano niya inutusan ang kaniyang bayan na magtayo ng imbakan ng tubig sa lungsod at maghukay ng isang daluyan para magdala ng tubig sa imbakan, nakasulat ang lahat ng mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.
|
||
|
\v 21 Kinalaunan ay namatay si Hezekias, at pumalit ang kaniyang anak na si Manasses bilang hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 21
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Labingdalawang taong gulang si Manasses nang magsimulang siyang maghari. Pinagharian niya ang Juda ng limampu't limang taon sa Jerusalem. Si Hefzibas ang kaniyang ina.
|
||
|
\v 2 Marami siyang ginawang masamang bagay ayon kay Yahweh. Ginaya niya ang karumal-dumal na mga bagay na dating ginawa ng mga mamamayan ng mga bansa na pinalayas ni Yahweh mula sa lupain ng Israel habang sumulong ang kaniyang bayan sa kalupaan.
|
||
|
\v 3 Inutusan niya ang kaniyang mga trabahador na muling itayo ang mga dambana para sa pagsasamba kay Yahweh na winasak ng kaniyang ama na si Hezekias dahil hindi iyon ang lugar na sinabi ni Yahweh na dapat nilang sambahin siya, sa templo. Inutusan niya ang kaniyang mga manggagawa na magtayo ng mga altar para sa pagsasamba kay Baal. Gumawa siya ng rebulto ng diyosang si Asera, gaya ng dating ginawa ni Ahab ang hari Israel. At sinamba ni Manasses ang mga bituin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Inutusan niya ang kaniyang mga manggagawa na magtayo ng mga altar para sa pagsasamba ng mga ibang mga diyos sa templo ni Yahweh, kahit na sinabi ni Yahweh, "Dito sa Jerusalem ang lugar na nais kong sambahin ako ng aking bayan, magpakailanman."
|
||
|
\v 5 Inutos niya na dapat itayo ang mga altar sa pagsasamba ng mga bituin sa parehong patyo sa liwasan sa templo.
|
||
|
\v 6 Inalay din niya ang kaniyang sariling anak at sinunog siya sa apoy. Nagsagawa siya ng mga rituwal para magsanay ng salamangka at mga orasyon. Pumunta rin siya sa mga taong sumangguni sa mga espiritu ng patay para malaman kung anong mangyayari sa hinaharap. Marami siyang ginawang mga bagay na ayon kay Yahweh ay labis na masama, mga bagay na nagpagalit ng husto kay Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nilagay niya ang rebulto ng diyosang si Asera sa templo, ang lugar kung saan sinabi ni Yahweh kina David at sa kaniyang anak na si Solomon, "Ang templo ko ay mapaparito sa Jerualem. Ito ang pinili kong lungsod mula sa lahat ng lupain ng labindalawang mga lipi ng Israel, kung saan nais kong sambahin ako ng mga tao magpakailanman.
|
||
|
\v 8 At kung susundin ng mga Israelita ang lahat ng aking mga utos at lahat ng mga batas na binigay ko kay Moises, ang siyang pinaglungkuran ako ng mabuti, hindi ko na sila sapilitang papaalisin muli sa lupain na ito na binigay ko sa kanilang mga ninuno."
|
||
|
\v 9 Pero hindi pinansin ng mga tao si Yahweh. Hinimok sila ni Manasses na magkasala ng mas higit pa sa mga kasalanan na ginawa ng mga mamamayan ng mga bansang pinalayas ni Yahweh mula sa lupain habang sumusulong ang mga Israelita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ito ang ilan sa mga sinabi ng mga propeta nang maraming beses, mga mensahe na binigay sa kanila ni Yahweh:
|
||
|
\v 11 "Ginawa ni Manasses, ang hari ng Juda, ang karumal-dumal na mga bagay na ito, mga bagay na mas malala pa kaysa sa ginawa ng bayan ng Amor sa lupain na ito nang nagdaang panahon. Hinimok niya ang bayan ng Juda na magkasala sa pamamagitan ng pagsasamba ng mga diyus-diyosan.
|
||
|
\v 12 Kaya, ito ang sinasabi ko, si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita: 'Magpapadala ako ng sakuna sa Jerusalem at sa Juda. Magiging marahas ito, na magdudulot sa mga makarinig nito na maguluhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Hahatulan ko at parurusahan ang bayan ng Jerusalem gaya ng pagpaparusa ko sa pamilya ni Haring Ahab ng Israel. Aalisin ko ang bayan ng Jerusalem gaya ng pagpupunas ng pinggan ng isang tao at binabaligtad ito para ipakita na masaya na siya rito.
|
||
|
\v 14 At iiwanan ko ang mga taong buhay pa, at hahayaan kong masakop sila ng kanilang mga kalaban at manakaw ang lahat ng mahalaga sa kanilang lupain.
|
||
|
\v 15 Gagawin ko ito dahil gumawa ng labis na kasamaan ang aking bayan, mga bagay na labis na nagpagalit sa akin. Dinulot nila akong patuloy na magalit, simula sa panahong umalis ang kanilang mga ninuno sa Ehipto.'"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Inutusan ni Manasses ang kaniyang mga opisyal na pumatay ng maraming inosenteng mga tao sa Jerusalem, na nagdulot na umagos ang kanilang dugo sa kalsada. Karagdagan pa ito sa kaniyang paghihimok sa bayan ng Juda na gumawa ng maraming bagay na ayon kay Yahweh ay masama.
|
||
|
\v 17 Kung nais mong malaman ang lahat ng mga ginawa ni Manasses, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.
|
||
|
\v 18 Namatay si Manasses at inilibing sa hardin sa labas ng kaniyang palasyo, ang hardin na ginawa ni Uza. Pagkatapos ang kaniyang anak na si Amon ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Dalawampu't dalawang taong gulang si Amon nang maging hari siya. Dalawang taon siyang naghari sa Juda mula sa Jerusalem. Mesulemet ang pangalan ng kaniyang ina. Galing siya sa lungsod ng Jotba, at ang anak ni Haruz.
|
||
|
\v 20 Marami siyang ginawang mga bagay na masama ayon kay Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang ama na si Manasses.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ginaya niya ang pag-uugali ng kaniyang ama, at sinamba niya ang parehong mga diyus-diyosan na sinamba ng kaniyang ama.
|
||
|
\v 22 Iniwan niya si Yahweh, ang Diyos na sinamba ng kaniyang mga ninuno, at hindi kumilos sa paraan na nais ni Yahweh.
|
||
|
\v 23 Pagkatapos, isang araw ay binalak ng ilan sa kaniyang mga opisyal na patayin siya. Pinatay nila siya sa kaniyang palasyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pero pinatay ng bayan ng Juda ang mga pumatay kay Haring Amon, at itinalaga nila ang kaniyang anak na si Josias na maging hari nila.
|
||
|
\v 25 Kung nais mong mabasa ang tungkol sa iba pang mga ginawa ni Amon, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.
|
||
|
\v 26 Inilibing din si Amon sa puntod sa hardin na ginawa ni Uza. Pagkatapos si Josias ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 22
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Si Josias ay walong taong gulang nang siya ay naging hari ng Juda. Siya ay namahala mula sa Jerusalem sa loob ng tatlumpu't isang taon. Ang kaniyang ina ay si Jedida at ang kaniyang lolo ay si Adaya mula sa lungsod ng Boskat.
|
||
|
\v 2 Ginawa ni Josias ang mga bagay na kalugod-lugod kay Yahweh at namuhay nang tulad ng kaniyang ninunong si Haring David. Lubos niyang sinunod ang lahat ng mga batas ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkaraan ng halos labing walong taon na namamahala si Josias, ipinadala niya ang kaniyang kalihim na si Safan na anak ni Azalias at apo ni Mesulam, sa templo na may mga ganitong tagubilin:
|
||
|
\v 4 "Pumunta ka kay Hilkias ang punong pari, at sabihin sa kaniya na bigyan ako ng isang ulat, na magsasabi sa akin kung magkano ang nakolekta sa mga tao ng mga lalaki na nagbabantay sa mga pintuan ng templo bilang mga handog.
|
||
|
\v 5 Pagkatapos sabihin mo sa kaniya na ibigay ang lahat ng perang iyon sa mga lalaki na nangangasiwa sa gawain na pagkukumpuni ng templo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Dapat nilang ibigay ang perang iyon sa mga karpentero, mga nagtatayo, at mga kantero, dapat din nilang bilhin ang troso at ang mga bato na gagamitin nila para kumpunihin ang templo.
|
||
|
\v 7 Pero ang mga lalaki na nangangasiwa ng gawain ay hindi mangangailangang gumawa ng isang ulat tungkol sa pera na ibinigay sa kanila, na nagsasabi kung saan nila ginugol ito dahil ang mga lalaking iyon ay lubos na matapat."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pagkatapos sabihin iyon ni Safan ang kalihim ng hari kay Hilkias, sinabi ni Hilkias kay Safan, "Natagpuan ko sa templo ang isang balumbon ng kasulatan kung saan nasusulat ang mga batas na ibinigay ng Diyos kay Moises!" Ibinigay ni Hilkias ang balumbon ng kasulatan kay Safan, at sinimulan niyang basahin ito.
|
||
|
\v 9 Pagkatapos dinala ni Safan ang balumbon ng kasulatan sa hari at sinabi sa kaniya, "Kinuha ng inyong mga bantay ng templo ang pera na nasa templo at ibinigay ito sa mga lalaki na mangangasiwa ng pagkukumpuni ng templo."
|
||
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Safan sa hari, "Dinala ko sa inyo ang balumbon ng kasulatan na ibinigay sa akin ni Hilkias. At sinimulang basahin ito ni Safan sa hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nang marinig ng hari ang mga batas na nakasulat sa balumbon ng kasulatan na binabasa sa kaniya ni Safan, pinunit niya ang kaniyang damit dahil lubha siyang naligalig.
|
||
|
\v 12 Pagkatapos ibinigay niya ang mga tagubiling ito kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Akbor na anak ni Mikaias, at Asaias, ang natatanging tagapayo ng hari.
|
||
|
\v 13 Humayo ka at itanong kay Yahweh para sa akin at para sa lahat ng bayan ng Juda, tungkol sa kung ano ang nasusulat sa natagpuang balumbon ng kasulatang ito. Dahil malinaw na galit na galit si Yahweh sa atin dahil sinuway ng ating mga ninuno ang mga bagay na nasusulat sa balumbon ng kasulatang ito, mga bagay na dapat sana ay nagawa natin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Kaya pumunta sila Hilkias, Ahikam, Akbor, at Asaias para sumangguni sa isang babaeng ang pangalan ay Hulda, isang propetang babae na nanirahan sa mas bagong bahagi ng Jerusalem. Ang kanyang asawa ay si Sallum, na anak ni Tikva at apo ni Harhas, ay nangalaga ng mga kasuotan na isinuot sa templo. Sinabi sa kaniya ng limang lalaking iyon ang tungkol sa balumbon ng kasulatan.
|
||
|
\v 15 Pagkatapos sinabi niya sa kanila kung ano ang sinasabi ni Yahweh ang Diyos na siyang sinasamba ng mga Israelita. Sinabihan ni Yahweh si Hulda na bumalik at sabihin sa hari na siyang nagsugo sa kaniya
|
||
|
\v 16 na ito ang kung ano ang sinasabi ni Yahweh: "Makinig kayong mabuti dito. Magdadala ako ng sakuna sa Jerusalem at sa lahat ng mga taong naninirahan dito, na kung ano ang nasusulat sa balumbon ng kasulatan na binasa ng hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Gagawin ko ito dahil tinalikuran nila ako, at nagsusunog sila ng insenso para parangalan ang ibang mga diyus-diyosan. Dinulot nila na lubha akong magalit sa pamamagitan ng lahat ng mga diyus-diyosan na ginawa nila, at ang aking galit ay tulad ng isang apoy na hindi maapula.
|
||
|
\v 18 Ipinadala kayo ng hari ng Juda para itanong kung ano ang nais ko, si Yahweh na gawin niya. Ito ang kung ano ang dapat ninyong sabihin sa kaniya, "Binigyang-pansin mo kung ano ang nasusulat sa balumbon ng kasulatan.
|
||
|
\v 19 Nagsisi ka rin at nagpakumbaba nang narinig mo kung ano ang banta kong gagawin para parusahan ang lungsod na ito at ang mga taong naninirahan dito. Narinig ko kung ano ang ipinanalangin mo. Sinabi ko na dudulutin ko na mapabayaan ang lungsod na ito. Magiging isang lungsod ito na ang pangalan ay gagamitin ng mga tao kapag sinusumpa nila ang isang tao. Pero dahil pinunit mo ang iyong mga kasuotan at nanangis sa aking harapan, dininig kita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Kaya pahihintulutan kong mamatay at mailibing ka nang payapa. Dudulutin ko na dumating ang isang malaking sakuna sa lugar na ito, pero hindi mo na ito mararanasan.' " Matapos marinig iyon ng mga lalaki, bumalik sila kay Haring Josias at ibinigay sa kaniya ang mensaheng iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 23
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos ipinatawag ng hari ang lahat ng mga nakatatanda ng Jerusalem at ng ibang mga lugar sa Juda.
|
||
|
\v 2 Magkasama silang pumunta sa templo, kasama ng mga pari at mga propeta, at maraming iba pang mga tao, mula sa pinakamahalagang mga tao hanggang sa pinaka-aba. At habang sila ay nakikinig, binasa sa kanilang lahat ng hari lahat ng mga batas na isinulat ni Moises. Nagbasa siya mula sa balumbon ng kasulatan na natagpuan sa templo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos tumayo ang hari sa tabi ng haligi kung saan tumayo ang mga hari kapag gumagawa sila ng mga mahahalagang pahayag, at, habang nakikinig si Yahweh, inulit niya ang kaniyang pangako na tapat na sundin nang kaniyang kaloob-looban ang tipan. At lahat ng mga tao ay nangako na susundin ang tipan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkatapos nagbigay ng isang utos ang hari kay Hilkias, ang punong pari, sa lahat ng ibang mga pari na tumulong sa kaniya, at sa mga lalaki na nagbantay sa pasukan ng templo. Sinabi niya sa kanila na ilabas mula sa templo ang lahat ng mga kagamitan na ginagamit ng mga tao para sambahin si Baal, ang diyosa na si Ashera, at ang mga bituin. Matapos nilang dalhin ang mga iyon sa labas, sinunog nila ang lahat ng mga bagay na iyon sa labas ng lungsod sa Lambak ng Kidron. Pagkatapos dinala nila ang lahat ng mga abo sa Bethel.
|
||
|
\v 5 Maraming mga paring pagano na itinalaga ng mga nakaraang hari ng Juda para magsunog ng insenso sa mga altar na nasa iba't- ibang bahagi ng buong rehiyon ng Juda. Naghahandog sila ng mga alay kay Baal, sa araw, sa buwan, sa mga planeta, at sa mga bituin. Ipinatigil sa kanila ng hari ang paggawa ng mga bagay na iyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ipinag-utos niya na alisin mula sa templo ang rebulto ng diyosang si Ashera. Pagkatapos dinala nila ito sa labas ng Jerusalem, pababa sa Lambak ng Kidron, at sinunog ito. Pagkatapos, dinurog nila para maging pulbos ang mga abo at ikinalat ang mga ito sa ibabaw ng mga libingan ng mga karaniwang tao.
|
||
|
\v 7 Dinala niya lahat ng bagay mula sa mga silid sa templo kung saan nanirahan ang mga lalaking bayaran ng templo. Iyon ay kung saan humahabi ang mga babae ng mga kasuotan na ginagamit para sambahin ang diyosang si Ashera.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8-9 Dinala ni Josias sa Jerusalem lahat ng mga pari na naghahandog ng mga alay sa ibang mga lungsod ng Juda. Nilapastangan din niya ang mga lugar na kung saan nagsunog ng insenso ang mga pari para parangalan ang mga diyus-diyosan mula sa Geba sa hilaga hanggang sa Beerseba sa timog. Ang mga paring iyon ay hindi pinayagan na maghandog ng mga alay sa templo, pero pinayagan silang kumain ng tinapay na walang pampaalsa na kinain ng mga paring gumawa sa templo. Inutos niya rin na wasakin ang mga altar na malapit sa tarangkahan na itinayo ni Josue, ang alkalde ng Jerusalem. Ang mga altar na iyon ay nasa kaliwa ng pangunahing tarangkahan patungo sa lungsod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nilapastangan din ni Josias ang lugar na pinangalanang Tofet, sa Lambak ng Ben Hinom, para walang makapaghandog ng kaniyang anak na lalaki o anak na babae roon para ganap na sunugin sa altar bilang isang alay sa diyos na si Molec.
|
||
|
\v 11 Inalis din niya ang mga kabayo na inilaan sa pagsasamba sa araw, at sinunog niya ang mga karwahe na ginamit sa pagsambang iyon. Ang mga kabayo at karwaheng iyon ay itinago sa patyo sa labas ng templo, malapit sa pasukan sa templo, at malapit sa silid kung saan nanirahan ang isa sa mga opisyal ni Josias, na ang pangalan ay Natan Melec.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Inutusan din ni Josias ang kaniyang mga lingkod na gibain ang mga altar na itinayo ng mga nakaraang hari ng Juda sa bubong ng palasyo, sa itaas ng silid kung saan nanirahan si Haring Ahaz. Giniba rin nila ang mga altar na itinayo ni Haring Manases sa dalawang patyo sa labas ng templo. Ipinag-utos niya na basagin ang mga iyon at itapon sa Lambak ng Kidron.
|
||
|
\v 13 Inutos din niya na lapastanganin ang mga altar na itinayo ni Haring Solomon sa silangan ng Jerusalem sa timog ng bundok ng Olibo - ang tinatawag na Bundok ng Katiwalian. Itinayo ni Solomon ang mga iyon para sa pagsamba ng mga nakasusuklam na diyus-diyosan - ang rebulto ng diyosang Astoret na sinamba ng mga mamamayan sa lungsod ng Sidon, Quemos ang diyos ng mga Moabita, at Milcom ang diyos ng mga Ammonita.
|
||
|
\v 14 Pinira-piraso rin nila ang mga haliging bato na sinamba ng mga grupo ng mga Israelita, at pinutol ang mga poste na pinarangalan ang diyosang si Ashera, at nagkalat sila ng mga buto ng tao sa lupa roon para lapastanganin ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Bukod pa rito, inutusan niya sila na gibain ang lungsod ng Bethel ang lugar ng pagsamba na itinayo ni Haring Jeroboam, ang hari na humimok sa bayan ng Israel na magkasala. Giniba nila ang altar. Pagkatapos pinira-piraso nila ang mga bato nito at dinurog ang mga ito para maging pulbos. Sinunog din nila ang poste na ginamit sa pagsasamba sa diyosang si Ashera.
|
||
|
\v 16 Pagkatapos tumingin sa paligid si Josias at nakita ang ilang libingan sa burol. Inutos niya sa kaniyang mga tauhan na kunin ang mga kalansay mula sa mga libingang iyon at sunugin ang mga ito sa altar. Sa paggawa niyon, nilapastangan niya ang altar. Iyon ang hinulaan ng isang propeta maraming taon na ang nakalilipas nang tumatayo si Jeroboam malapit sa altar na iyon sa isang pagdiriwang. Pagkatapos tumingala si Josias at nakita ang libingan ng propetang humula niyon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Tinanong ni Josias, "Kaninong libingan iyon?" Tumugon ang mga mamamayan ng Bethel, "Ito ay ang libingan ng propeta na dumating mula sa Juda at hinulaan na ang mga bagay na ito na kagagawa mo lamang sa altar na ito ay mangyayari."
|
||
|
\v 18 Sumagot si Josias, "Hayaan ninyong manatiling ganito ang kaniyang libingan. Huwag ninyong alisin ang kalansay ng propeta mula sa kaniyang libingan." Kaya hindi inalis ng mga mamamayan ang kalansay na iyon, ni ang kalansay ng isa pang propeta, ang siyang nanggaling sa Samaria.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sa bawa't lungsod sa Israel, sa utos ni Josias, giniba nila ang mga dambana na itinayo ng dating mga hari ng Israel, na nagdulot na labis na magalit si Yahweh. Ginawa niya sa lahat ng mga dambanang iyon ang parehong bagay na nagawa niya sa mga altar sa Bethel.
|
||
|
\v 20 Inutos niya na lahat ng mga paring naghandog ng mga alay sa iba't ibang mga altar ay patayin sa mga altar na iyon. Pagkatapos sinunog niya ang mga kalansay sa bawa't isa sa mga altar para lapastanganin ang mga iyon. Pagkatapos bumalik siya sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pagkatapos inutusan ng hari ang lahat ng mga tao na ipagdiwang ang pista ng Paskua para parangalan si Yahweh ang kanilang Diyos, na nasusulat sa batas ni Moises na dapat nila gawin taon-taon.
|
||
|
\v 22 Sa lahat ng mga taon na namahala ang mga pinuno ng Israel at noong lahat ng mga taon na namahala ang mga hari sa Israel at Juda, hindi nila naipagdiwang ang pistang iyon.
|
||
|
\v 23 Pero ngayon, makaraang mamuno nang halos labing walong taon si Josias, para parangalan si Yahweh ipinagdiwang nila ang pista ng Paskua sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Bukod pa rito, inalis ni Josias mula sa Jerusalem at ibang mga lugar sa Juda ang lahat ng mga taong gumawa ng pangungulam at ang mga sumangguni sa mga espiritu ng mga patay kung ano ang dapat nilang gawin. Inalis rin niya mula sa Jerusalem at mula sa ibang mga lugar sa Juda ang lahat ng mga diyus-diyosan ng sambahayan at lahat ng ibang diyus-diyosan at kasuklam-suklam na mga bagay. Ginawa niya ang mga bagay na iyon para sumunod sa kung ano ang nasusulat sa balumbon ng kasulatan na natagpuan ni Hilkias sa templo.
|
||
|
\v 25 Matapat si Josias kay Yahweh sa lahat ng kanyang naramdaman at inisip at sa lahat ng kaniyang kalakasan. Wala kailanman naging isang hari tulad niya sa Juda o Israel. Sinunod niya ang lahat ng mga batas ni Moises. At buhat noon wala kailanmang naging isang hari tulad ni Josias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Pero labis na nagalit si Yahweh sa bayan ng Juda dahil sa lahat ng mga bagay na ginawa ni Haring Manases para udyukan siya, at patuloy siyang labis na nagagalit.
|
||
|
\v 27 Sinabi niya, "Gagawin ko sa Juda kung ano ang nagawa ko sa Israel. Palalayasin ko ang bayan ng Juda, na hahantong sa hindi na sila kailanman muling makapapasok sa aking presensya. At tatanggihan ko ang Jerusalem, ang lungsod na pinili kong maging pag-aari ko, at tatanggihan ko ang templo, ang lugar na kung saan sinabi ko na dapat akong sambahin."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Kung nais mong may malaman pa tungkol sa lahat ng ibang mga bagay na ginawa ni Josias, ang mga iyon ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Juda.
|
||
|
\v 29 Habang siya ang hari ng Juda, pinangunahan ni Haring Neco ng Ehipto ang kaniyang hukbo sa gawing hilaga ng Ilog Eufrates para tulungan ang hari ng Asiria. Sinikap ni Haring Josias na patigilin ang hukbo ng Ehipto sa lungsod ng Megido, pero napatay siya sa isang labanan doon.
|
||
|
\v 30 Inilagay ng kaniyang mga opisyal ang kaniyang bangkay sa isang karwahe at dinala ito pabalik sa Jerusalem, kung saan inilibing ito sa kaniyang sariling puntod. Pagkatapos binuhusan ng langis olibo ng bayan ng Juda ang anak ni Josias na si Joahaz, para hirangin siya na maging bagong hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Si Joahaz ay dalawampu't tatlong taong gulang nang siya ay naging hari ng Juda, pero namahala lamang siya mula sa Jerusalem sa loob ng tatlong buwan. Ang kanyang ina ay si Hamutal, ang anak ni Jeremias mula sa lungsod ng Libna.
|
||
|
\v 32 Maraming mga bagay ang ginawa ni Joahaz na sinabi ni Yahweh ay masama, tulad lang ng nagawa ng marami sa kaniyang mga ninuno.
|
||
|
\v 33 Binihag siya ng hukbo ni Haring Neco at ginapos siya ng mga kadena at dinala siya bilang isang bilanggo sa lungsod ng Ribla sa distrito ng Hamat, para mapigilan siya na patuloy na maghari sa Jerusalem. Pinilit ni Neco ang bayan ng Juda na magbayad sa kaniya ng halos 3.75 metrikong toneladang pilak at 34 kilo ng ginto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Hinirang ni Haring Neco ang isa pang anak ni Josias, si Eliakim, na maging bagong hari, at pinalitan niya sa Jehoiakim ang pangalan ni Eliakim. Pagkatapos dinala niya si Joahas sa Ehipto, at pagkatapos namatay si Joahas doon sa Ehipto.
|
||
|
\v 35 Nangolekta ng buwis si Haring Jehoiakim nang mas marami mula sa mga mayayamang tao at mas kakaunti mula sa mga mahihirap na tao. Nangolekta siya ng pilak at ginto mula sa kanila, para bayaran ang hari ng Ehiipto ng kung ano ang inutos niyang ibigay nila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Si Jehoiakim ay dalawampu't limang taon nang naging hari siya ng Juda, at namahala siya mula sa Jerusalem nang labing isang taon. Ang kaniyang ina ay si Zebida, ang anak ni Pedaias mula sa lungsod ng Ruma.
|
||
|
\v 37 Marami siyang ginawang mga bagay na sinabi ni Yahweh ay masasama, tulad nang nagawa ng kaniyang mga ninuno.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 24
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Habang si Jehoiakim ay namamahala sa Juda, sinalakay ng hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ang Juda. Tinalo nila ang hukbo ng Juda, at bunga nito, nangailangang magbayad si Jehoiakim ng maraming salaping pangbuwis kay Haring Nebucadnezar. Pero pagkaraan ng tatlong taon, naghimagsik si Jehoiakim.
|
||
|
\v 2 Pagkatapos nagpadala si Yahweh ng mga tagasalakay mula sa Babilonia at Aram, at mula sa mga grupo ng mga Moabita at Ammonita, para lusubin ang bayan ng Juda at patayin sila, gaya ng sinabi ni Yahweh sa kaniyang mga propeta na balaan ang bayan na mangyayari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ang mga bagay na ito ay nangyari sa bayan ng Juda tulad ng inutos ni Yahweh. Pinagpasyahan niyang wasakin ang bayan ng Juda dahil sa maraming mga kasalanan na ginawa ni Haring Manasses.
|
||
|
\v 4 Dinulot pa ni Manasses ang maraming mga inosenteng tao sa Jerusalem na mapatay, at hindi iyon mapapatawad ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Ang ibang mga bagay na nangyari habang hari si Jehoiakim, at ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa, ay nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda.
|
||
|
\v 6 Nang namatay si Jehoiakim, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang naging hari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Tinalo ng hukbo ng hari ng Babilonia ang hukbo ng Ehipto. Sinakop ng hari ng Babilonia ang lahat ng mga lugar na dating sinasakupan ng mga taga-Ehipto, mula sa batis at hangganan ng Ehipto sa katimugan hanggang sa Ilog Eufrates sa hilaga. Kaya ang hukbo ng hari ng Ehipto ay hindi bumalik para muling salakayin ang Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Si Jehoiakin ay labing walong taong gulang nang siya ay naging hari ng Juda. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Nehusta. Siya ang anak ng isang lalaki mula sa Jerusalem na nagngangalang Elnatan. Namahala si Jehoiakin sa Jerusalem sa loob lamang ng tatlong buwan.
|
||
|
\v 9 Maraming mga bagay ang ginawa ni Jehoiakin na sinabi ni Yahweh ay masasama, lahat ng mga masasamang bagay na ginawa ng kaniyang ama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Habang hari si Jehoiakin, dumating sa Jerusalem ang ilang mga opisyal ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, at pinalibutan nila ang lungsod.
|
||
|
\v 11 Habang ginagawa nila iyon, si Nebucadnezar mismo ay dumating sa lungsod.
|
||
|
\v 12 Pagkatapos sumuko lahat sina Haring Jehoiakin, ang kaniyang ina, kaniyang mga tagapayo, mahahalagang mga opisyal, mga opisyal ng palasyo sa hukbo ng Babilonia. Nang walong taon nang nagiging hari si Nebucadnezar, binihag niya si Jehoiakin at dinala siya sa Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari, dinala sa Babilonia ng mga kawal ni Nebucadnezar ang lahat ng mga mahahalagang mga bagay mula sa templo ni Yahweh at mula sa mga palasyo ng hari. Pinagputol-putol nila ang mga gintong mga bagay na inilagay ni Haring Solomon sa templo.
|
||
|
\v 14 Dinala nila sa Babilonia mula sa Jerusalem ang sampung libong katao, kabilang ang mga mahahalagang opisyal at ang pinakamahuhusay na mga kawal at mga tao na gumawa at nangumpuni ng mga bagay na gawa sa metal. Ang pinakamahihirap na mga tao lamang ang naiwan sa Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Nilupig ng mga kawal ni Nebucadnezar si Haring Jehoiakin at dinala siya sa Babilonia, kasama ng kaniyang mga asawa at mga opisyal, kaniyang ina, at lahat ng mga mahahalagang tao.
|
||
|
\v 16 Dinala rin nila sa Babilonia ang lahat ng pitong libong mga kawal at isang libong lalaki na alam kung paano gumawa at mangumpuni ng mga bagay na gawa sa metal. Ang lahat ng mga taong ito na dinala nila ay nakipaglaban sa digmaan.
|
||
|
\v 17 Pagkatapos hinirang ng hari ng Babilonia ang tiyuhin ni Jehoiakin, si Metanias, para maging hari ng Juda, at pinalitan niya ang pangalan ni Metanias sa Zedekias.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Nang si Zedekias ay dalawampu't isang taong gulang, siya ay naging hari, at namahala siya sa Jerusalem sa loob ng labing isang taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal. Siya ang anak na babae ng isang lalaking nagngangalang Jeremias mula sa lungsod ng Libna.
|
||
|
\v 19 Pero maraming ginawang mga bagay si Zedekias na sinabi ni Yahweh ay masama, tulad ng nagawa ni Jehoiakin.
|
||
|
\v 20 Dahil galit na galit si Yahweh, sa wakas ay pinalayas niya ang bayan ng Jerusalem at ng ibang lugar sa Juda at pinadala sila sa Babilonia. Ito ang kung ano ang nangyari nang naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 25
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Matapos mamahala si Zedekias sa loob ng siyam na taon, sa ika-sampung araw ng ika-sampung buwan ng taong iyon, dumating si Haring Nebucadnezar kasama ang kaniyang buong hukbo. Pinalibutan nila ang Jerusalem. Sa mga pader ng lungsod, nagtayo sila ng mga rampa gawa sa lupa, para maka-akyat sila at salakayin ang lungsod.
|
||
|
\v 2 Inabot sila ng dalawang taon para gawin iyon.
|
||
|
\v 3 Pagkatapos mamahala si Zedekias nang labing isang taon, pagsapit ng ika-siyam na araw sa ika-apat na buwan ng taong iyon, naging matindi ang taggutom. Naubos lahat ng pagkain ng mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Pagkatapos binutas ng mga sundalo ng Babilonia ang bahagi ng pader ng lungsod, at na nakapagpapasok sa kanila sa lungsod. Sinikap tumakas ng lahat ng mga kawal ng Juda. Pero pinalibutan ng mga kawal ng Babilonia ang lungsod, kaya hinintay ng hari at ng mga kawal ng Juda na sumapit ang gabi. Pagkatapos tumakas sila sa pamamagitan ng tarangkahan na nasa pagitan ng dalawang pader malapit sa liwasan ng hari. Tumakbo sila patawid sa mga bukid at sinimulang bumaba sa kapatagan sa may Ilog Jordan.
|
||
|
\v 5 Pero hinabol sila ng mga kawal ng Babilonia. Nahuli nila ang hari na nag-iisa sa mga kapatagan ng Jerico. Nag-iisa siya dahil iniwan siya ng lahat ng kaniyang mga sundalo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos dinala ng mga kawal ng Babilonia si Haring Zedekias sa lungsod ng Ribla sa Babilonia. Doon nagpasya ang hari ng Babilonia kung ano ang gagawin nila para parusahan siya.
|
||
|
\v 7 Pinilit ng hari ng Babilonia si Zedekias na manood habang pinapatay ng mga kawal ng Babylonia ang lahat ng mga anak ni Zekedias. Pagkatapos dinukit nila ang mga mata ni Zedekias. Nilagyan nila ng mga tansong kadena ang kaniyang mga kamay at paa at dinala siya sa lungsod ng Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sa ika-pitong araw ng ika-limang buwan ng taong iyon, pagkaraang mamahala si Nebucadnezar nang labing siyam na taon, dumating sa Jerusalem si Nebuzaradan. Isa siya sa mga opisyal ni Haring Nebucadnezar; siya ang namahala sa mga lalaki na nagbantay sa hari.
|
||
|
\v 9 Inutusan niya ang kaniyang mga kawal na sunugin ang templo ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at ang lahat ng mga bahay sa Jerusalem. Kaya sinunog nila ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
|
||
|
\v 10 Pagkatapos pinangasiwaan ni Nebuzaradan ang mga kawal ng Babilonia habang ginigiba nila ang mga pader na nakapaligid sa Jerusalem.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Pagkatapos noon, dinala niya at ng kaniyang mga kawal sa Babilonia ang mga tao na tumitira pa rin sa lungsod, ang ibang mga tao na nanirahan sa rehiyon ng Juda, at ang mga kawal na nauna nang sumuko sa hukbo ng Babilonia.
|
||
|
\v 12 Pero pinayagan ni Nebuzaradan ang ilan sa mga pinakamahihirap na tao na manatili sa Juda para alagaan ang mga ubasan at magtanim ng mga pananim sa mga bukid.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pero pinagpira-piraso ng mga kawal ng Babilonia ang mga haliging tanso, tansong karwahe na may mga gulong, at ang malaking hugasang tanso, lahat na kung alin ay nasa patyo ng templo, at dinala nila ang lahat ng tanso sa Babilonia.
|
||
|
\v 14 Dinala rin nila ang mga palayok, pala, mga bagay para patayin ang sindi ng mga ilawan, mga pinggan at lahat ng iba pang bagay na tanso na ginamit ng mga Israelitang pari para maghandog ng mga alay sa templo.
|
||
|
\v 15 Kinuha rin ng mga sundalo ang mga lalagyan ng mga abo ng mga alay, hugasan, at lahat ng ibang mga bagay gawa sa ginto o pilak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Napakabigat ng tanso mula sa dalawang haligi, mga patungan na may mga gulong, at malaking hugasan. Hindi sila matimbang. Ginawa ang mga bagay na ito para sa templo noong si Solomon ang hari ng Israel.
|
||
|
\v 17 Bawat haligi ay 8.3 metro ang taas. Ang tansong kapitel ng bawat haligi ay 1.3 metro ang taas. Bawa't isa sa kanila ay nababalot sa palamuti na mukhang isang lambat gawa sa kadenang tanso na nagkakabit sa mga granadang tanso.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Dinala ni Nebuzaradan sa Babilonia si Seraya, ang punong pari; si Zefanias, ang kaniyang kanang kamay; at ang tatlong lalaking binantayan ang mga pasukan sa templo.
|
||
|
\v 19 Sa mga tao na naiwan pa sa Jerusalem, kinuha niya ang isang opisyal mula sa hukbo ng Juda, lima sa mga tagapayo ng hari, ang punong kalihim ng pinuno ng hukbo na namamahala sa pangangalap ng mga lalaki para sumali sa hukbo, at animnapung ibang mahahalagang lalaki ng Juda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Dinala silang lahat ni Nebuzaradan sa hari ng Babilona sa lungsod ng Ribla.
|
||
|
\v 21 Doon sa lungsod ng Ribla, sa lalawigan ng Hamat, inutos ng hari ng Babylonia na patayin silang lahat. Iyon ang kung ano ang nangyari nang sapilitang kinuha ang bayan ng Juda mula sa kanilang lupain patungo sa Babilonia.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Pagkatapos hinirang ni Haring Nebucadnezar ang isang lalaking nagngangalang Gedalias para maging gobernador ng mga tao na pinayagan niyang manirahan pa rin sa Juda. Si Gedalias ay isang anak na lalaki ni Ahikam at isang apo ni Safan.
|
||
|
\v 23 Nang nalaman ng lahat ng mga puno ng hukbo sa Juda at ng kanilang mga kawal na hinirang ng hari ng Babilonia si Gedalias na maging gobernador, nakipagpulong sila sa kaniya sa lungsod ng Mizpa. Ang mga pinuno na ito ay sina Ismael na anak ni Netanias; Johanan na anak ni Karea; Seraias na anak ni Tanhumet, mula sa lungsod ng Netofat at Jaazanias mula sa rehiyon ng Maaca.
|
||
|
\v 24 Pormal na sumumpa si Gedalias sa kanila na hindi nagbabalak ang mga opisyal mula sa Babilonia na saktan sila. Sinabi niya, "Maaari kayong manirahan sa lupain na ito nang hindi natatakot; dapat kayong sumunod sa hari ng Babilonia. Kapag gagawin ninyo ito, magiging mabuti ang lahat para sa inyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pero noong ika-pitong buwan ng taong iyon, si Ismael, na ang lolong si Elisama ay nasa pamilyang nagmula kay Haring David, ay pumunta sa Mizpa kasama ng sampung ibang lalaki. Pinatay nila si Gedalias at lahat ng mga lalaking kasama niya. May mga lalaki rin mula sa Juda at mga lalaking mula sa Babylonia na kanilang pinatay.
|
||
|
\v 26 Pagkatapos marami sa mga tao mula sa Juda, mga mahahalagang tao at hindi mga mahahalaga, at ang mga pinuno ng hukbo ay lubhang natakot sa kung ano ang gagawin sa kanila ng mga taga-Babilonia, kaya tumakas sila sa Ehipto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Tatlumpu't pitong taon pagkaraang dalhin sa Babylonia si Haring Johoiakin ng Juda, naging hari ng Babilonia ang anak ni Nebucadnezar na si Evil Merodac. Mabuti ang pakikitungo niya kay Jehoiakin, at sa ika-dalawampu't pitong araw ng ika-labing dalawang buwan ng parehong taong iyon, pinalaya niya mula sa bilangguan si Jehoiakin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Laging maayos ang pakikipag-usap niya kay Jehoiakin at pinarangalan niya siya higit sa ibang mga hari na dinalang bihag sa Babilonia.
|
||
|
\v 29 Binigyan niya si Jehoiakin ng mga bagong damit para palitan ang mga suot niya sa bilangguan, at pinayagan niya si Jehoiakin na kumain sa hapag kainan ng hari araw-araw nang buong buhay niya.
|
||
|
\v 30 Binigyan din siya ng hari ng Babilonia ng pera araw-araw para makabili siya ng mga bagay na kailangan niya. Patuloy na ginawa iyon ng hari hanggang mamatay si Jehoiakin.
|