2902 lines
281 KiB
Plaintext
2902 lines
281 KiB
Plaintext
|
\id GEN
|
|||
|
\ide UTF-8
|
|||
|
\h Genesis
|
|||
|
\toc1 Genesis
|
|||
|
\toc2 Genesis
|
|||
|
\toc3 gen
|
|||
|
\mt Genesis
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 1
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Noong simula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.
|
|||
|
\v 2 Nang simulan niyang likhain ang mundo, wala itong hugis ni anyo. Kadiliman ang bumabalot sa ibabaw ng malalim na tubig. At kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Sinabi ng Diyos, "Inuutos ko na magkaroon ng liwanag,” at nagkaroon ng liwanag.
|
|||
|
\v 4 Nalugod ang Diyos sa liwanag. Pagkatapos pinaningning niya ang liwanag sa ilang lugar sa ilang panahon, habang sa ilang lugar ay mayroon pa ding kadiliman.
|
|||
|
\v 5 Pinangalanan niya ang liwanag na "araw" at pinangalanan niya ang kadiliman na "gabi." Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Inuutos ko na magkaroon ng puwang na hahati sa tubig sa dalawang bahagi."
|
|||
|
\v 7 At nangyari iyon. Ginawa ng Diyos ang kalawakan at hiniwalay nito ang tubig na nasa itaas nito mula sa tubig sa lupa na nasa ilalim nito.
|
|||
|
\v 8 Pinangalanan ng Diyos ang puwang na "langit." Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Inuutusan ko ang tubig na nasa ilalim ng langit na magtipon at ang tuyong lupain na lumitaw at pumaitaas rito". At nangyari iyon.
|
|||
|
\v 10 Binigyan ng Diyos ang lupain ng pangalang "lupa" at binigyan niya ang nagtipong tubig ng pangalang "dagat." Nalugod ang Diyos sa lupat at sa dagat.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Inuutusan ko ang mundo na magkaroon ng maraming uri ng mga halaman na nagpaparami ng kanilang mga sarili—mga halaman na nagbibinhi at mga punong namumunga na may mga buto sa loob nito. At nangyari iyon.
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos tumubo ang mga halaman sa mundo. Nagsimulang magbinhi ang bawat uri ng halaman at ang bawat uri ng punong kahoy, nagkaroon ng bunga na may mga buto sa loob nito. Nalugod ang Diyos sa mga halaman at sa mga punong kahoy.
|
|||
|
\v 13 Naggabi at nag-umaga, ito ang ikatlong araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Inuutusan ko ang mga liwanag na magningning sa langit. Ipakikita ng mga ito ang kaibahan ng umaga sa gabi. Sa pamamagitan ng pagbabago ng kanilang anyo, ipahihiwatig nila ang panahon ng iba't ibang mga pagdiriwang at iba pang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa itinakdang mga panahon at itinakdang mga taon.
|
|||
|
\v 15 Nais ko ring magningning ang mga liwanag na ito na nasa langit pababa sa mundo." At nangyari iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Ginawa ng Diyos ang dalawa sa mga ito na maging napakalaking mga liwanag. Ang pinakamalaki, ang araw, ginawa niya para pamahalaan ang araw at ang isa na mas maliit, ang buwan, ginawa niya para pamahalaan ang gabi. Ginawa rin niya ang mga bituin.
|
|||
|
\v 17 Inilagay ng Diyos ang lahat ng mga ito sa langit upang magliwanag sa mundo,
|
|||
|
\v 18 upang pamahalaan ang araw at ang gabi, at upang ihiwalay ang liwanag ng araw mula sa kadiliman ng gabi. Nalugod ang Diyos sa mga liwanag.
|
|||
|
\v 19 Naggabi at nag-umaga, ito ang ikaapat na araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Mapuno ang katubigan ng lahat ng mga uri ng nilalang, hayaang lumipad ang mga ibon sa ibabaw ng lupa sa puwang sa kalangitan.”
|
|||
|
\v 21 Kaya nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang sa karagatan at himpapawid. Nalugod ang Diyos sa mga ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Kaya pinagpala ng Diyos ang mga ito. Sinabi niya, "Gumawa kayo ng maraming supling at magpakarami. Gusto ko na mamuhay ang mga nilalang sa tubig sa buong katubigan at ang mga ibon na maging napakarami din."
|
|||
|
\v 23 Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalimang araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Inuutusan ko ang lupa na magkaroon ng iba't ibang mga uri ng mga hayop na nagpaparami ng kanilang sarili upang mamuhay sa mundo. Magkaroon ng maraming mga uri ng maaamong hayop, mga nilalang na gumagapang sa lupa at malalaking mabangis na hayop." At nangyari iyon.
|
|||
|
\v 25 Ginawa ng Diyos ang lahat ng mga uri ng mga mababangis at maaamong mga hayop at ang lahat ng mga uri ng mga nilalang na gumagapang sa lupa. Silang lahat, makakapag paparami ng kanilang uri. Nalugod ang Diyos sa mga ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Pagkatapos sinabi ng Diyos, "Lalangin natin ang sangkatauhan na maging katulad natin. Gusto kong pamunuan nila ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa langit, ang lahat ng maaamong mga hayop, at lahat ng iba pang mga nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
|
|||
|
\v 27 Kaya nilalang ng Diyos ang sangkatauhan na kawangis niya sa maraming mga kaparaanan. Nilalang niya sila na maging katulad ng kanyang sarili. Nilalang niya sila na lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Pinagpala sila ng Diyos at sinabing, "Magkaroon kayo ng maraming anak na mamumuhay sa buong mundo at pamunuan ito. Gusto kong pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat at mga ibon sa langit at ang lahat ng mga nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
|
|||
|
\v 29 Sinabi ng Diyos, "Tingnan ninyo! Ibinigay ko sa inyo lahat ng mga halaman na nagbibigay ng mga binhi sa buong mundo, at ang lahat ng mga punong kahoy na nagbibigay ng bunga. Para sa inyo ang lahat ng mga bagay na ito upang kainin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Ibinigay ko ang lahat ng mga luntiang halaman para maging pagkain ng lahat ng mababangis na hayop, para sa mga ibon, at para sa lahat ng mga nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng lupa, iyon ay, para sa lahat ng bagay na may hininga na nagbibigay buhay". At nangyari iyon.
|
|||
|
\v 31 Nalugod ang Diyos sa lahat ng bagay na ginawa niya. Tunay na napakabuti ng lahat ng mga ito. Naggabi at nag-umaga, ito ang ika anim araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 2
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Iyan ang paraan ng paglikha ng Diyos ng kalangitan, ng mundo, at ng lahat ng mga bagay na pumuno sa mga ito.
|
|||
|
\v 2 Nang ikapitong araw, natapos ng Diyos ang paglilikha ng lahat ng bagay, kaya hindi na siya gumawa sa araw na iyon.
|
|||
|
\v 3 Ipinahayag ng Diyos ang ikapitong araw na kanyang pinagpapala. Nilaan niya ang araw na iyon para maging natatangi dahil sa ikapitong araw, ang Diyos, hindi na muling gumawa pagkatapos niyang tapusin ang lahat ng kaniyang gawain sa paglikha ng lahat ng bagay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Ang sumusunod ay kung paano nilikha ng Diyos ang kalangitan at ang mundo. Ginawa ng Diyos na ang pangalan ay Yahweh, ang kalangitan at ang mundo
|
|||
|
\v 5 . Sa simula, wala pang mga halaman ang tumutubo dahil hindi pa pinapaulanan ni Yahweh na Diyos ang lupa. At saka, wala pang kahit na isang mag-aararo ng lupain upang mataniman.
|
|||
|
\v 6 Sa halip, umaakyat ang hamog mula sa lupa, kaya nagkakaroon ng tubig sa buong ibabaw ng lupa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos, kumuha si Yahweh na Diyos ng ilang lupa at bumuo ng isang tao. Hininga niya sa mga butas ng ilong ng tao ang kanyang sariling hininga na bumubuhay sa mga bagay, at naging buong buhay na nilalang ang tao.
|
|||
|
\v 8 Gumawa si Yahweh na Diyos ng hardin sa lugar na pinangalanang Eden na nasa silangan ng lupain ng Canaan. Doon niya inilagay ang tao na kanyang binuo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pinatubo ni Yahweh na Diyos mula sa lupa ang bawat uri ng punong kahoy na magandang tingnan at nagbibigay ng bunga na mainam kainin. Nilagay rin niya sa gitna ng hardin ng Eden ang punong kahoy na may bunga na magdudulot sa sinumang kumain nito na mabuhay magpakailanman. Nilagay din niya doon ang isa pang punongkahoy na may bunga na magdudulot sa mga kumain nito na malaman kung ano ang mabubuting gawain at masasamang gawain.
|
|||
|
\v 10 Umagos ang isang ilog mula sa Eden upang magbigay ng tubig para sa hardin. Sa labas ng Eden, nahati ang ilog sa apat na mga ilog.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pishon ang pangalan ng unang ilog. Umaagos ang ilog na iyon sa lahat ng lupain ng Havilah, kung saan mayroong ginto.
|
|||
|
\v 12 Napaka puro ng gintong iyon. Mayroon ding mabangong dagta na tinawag na bdellium at mga mahahalagang bato na tinawag na onyx.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Gihon ang pangalan ng pangalawang ilog. Umaagos ang ilog na iyon sa lahat ng lupain ng Cush.
|
|||
|
\v 14 Tigris ang pangalan ng pangatlong ilog. Umaagos ito sa silangan ng lungsod ng Asshur. Eufrates ang pangalan ng pang-apat na ilog.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Kinuha ni Yahweh na Diyos ang tao at inilagay siya sa Eden para bungkalin ito at pangalagaan.
|
|||
|
\v 16-17 Pero sinabi ni Yahweh sa kanya, "Hindi kita pahihintulutang kumain ng bunga ng punongkahoy na magbibigay kaalaman sa iyo kung ano ang mabubuting gawain at masasamang gawain. Kung kakain ka ng anumang bunga mula sa punongkahoy na iyon, sa araw na kakainin mo ito, tiyak na mamamatay ka. Pero pahihintulutan kitang kumain ng bunga ng ibang punongkahoy sa hardin ng Eden."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Sinabi ni Yahweh na Diyos, "Hindi mabuti para sa taong ito na nag-iisa. Kaya gagawa ako ng isang nararapat na magiging katuwang para sa kanya.
|
|||
|
\v 19 Kumuha si Yahweh na Diyos ng ilang lupa at binuo ang lahat ng mga uri ng mga hayop at mga ibon, at dinala sila sa lalaki para mapakinggan kung anong mga pangalan ang ibibigay niya sa kanila. At nagbigay ang tao ng panglan sa bawat nabubuhay na hayop na ginawa ni Yahweh.
|
|||
|
\v 20 Pagkatapos binigyan ng tao ng mga pangalan ang lahat ng mga uri ng baka, mga ibon at mga mababangis na hayop, subalit wala sa mga nilalang na ito ang katuwang na nararapat para sa tao.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Kaya pinatulog nang mahimbing ni Yahweh na Diyos ang lalaki. Habang natutulog, kinuha ni Yahweh ang isa sa mga tadyang ng lalaki. Pagkatapos kaagad niyang isinara ang pinagkunan sa kanyang katawan at pinagaling ito.
|
|||
|
\v 22 Pagkatapos ginawa ni Yahweh ang babae mula sa tadyang na kinuha niya mula sa katawan ng lalaki at dinala niya siya sa lalaki.
|
|||
|
\v 23 Napasigaw ang lalaki, "Sa wakas, isa itong tunay na taong katulad ko! Ang kanyang mga buto, nagmula sa aking mga buto, at ang kanyang laman, nagmula sa aking laman. Kaya tatawagin ko siyang babae, dahil kinuha siya galing sa akin, isang lalaki."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Kinuha ang unang babae mula sa katawan ng lalaki, kaya kung magpapakasal ang lalaki at ang babae, kailangan nilang iwan ang kanilang mga magulang. Makikipag-isa ang lalaki sa kanyang asawa upang mamuhay silang dalawa bilang isang tao.
|
|||
|
\v 25 Kahit na hubad ang lalaki at ang kanyang asawa, hindi sila nahihiya sa pagiging hubad.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 3
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ngayon, mas tuso ang ahas kaysa lahat ng ibang mababangis na mga hayop na gi nawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi ng ahas sa babae, "Sinabi ba talaga ng Diyos sa inyo na, 'Huwag ninyong kainin ang bunga mula sa anumang mga puno na nasa hardin'?"
|
|||
|
\v 2 Sumagot ang babae, "Ang sinabi ng Diyos, 'Huwag niyong kainin ang prutas mula sa puno na nasa gitna ng hardin, ni hawakan ito. Kung gagawin ninyo iyan, mamamatay kayo.
|
|||
|
\v 3 Pero maaari ninyong kainin ang bunga mula sa anumang ibang mga puno.'"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Sinabi ng ahas sa babae, "Hindi, tiyak na hindi kayo mamamatay. Sinabi lang iyan ng Diyos
|
|||
|
\v 5 dahil alam niya na kapag kakain kayo ng bunga mula sa punong iyan, makauunawa kayo ng bagong mga bagay. Tila magbubukas ang inyong mga mata at malalaman ninyo na, tulad ng Diyos, kung ano ang mabuting gawin at masamang gawin."
|
|||
|
\v 6 Nakita ng babae na masarap kainin ang bunga sa punong iyon at napakaganda nito. Ninais niya ito dahil inisip niya na patatalinuhin siya nito. Kaya pinitas niya ang ilan sa mga bunga at kinain ito. Pagkatapos binigay niya ang ilan sa kanyang asawa, at kinain niya ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Agad-agad na tila nagbukas ang kanilang mga mata at napagtanto nila na hubad sila, kaya nahiya sila. Kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos at pinagsama-sama nilang tinahi ito para gumawa ng mga damit para sa kanilang mga sarili.
|
|||
|
\v 8 Pagdating ng dapit hapon, nang umiihip ang isang malamig na hangin, narinig nila ang tunog ni Yahweh na Diyos habang naglalakad siya sa hardin. Kaya tinago ng lalaki at ng kanyang asawa ang kanilang mga sarili sa gitna ng mga mababa't mayabong na halaman sa hardin, upang hindi sila makita ni Yahweh na Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pero tinawag ng Diyos ang lalaki na sinasabi sa kanya, "Bakit sinusubukan mong magtago mula sa akin?
|
|||
|
\v 10 Sumagot ang lalaki, "Narinig ko ang tunog ng iyong mga yapak sa hardin, at hubad ako, kaya natakot ako at tinago ko ang aking sarili mula sa iyo."
|
|||
|
\v 11 Sinabi ng Diyos, "Paanong nalaman mo na hubad ka? Marahil dahil kumain ka ng ilan sa bunga mula sa puno na sinabi ko sa iyo na 'Huwag kainin ang bunga nito'. Iyan ba ang ginawa mo?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Sinabi ng lalaki, "Binigay mo sa akin ang babaeng ito upang makasama ko. Siya ang nagbigay sa akin ng ilang bunga mula sa puno, kaya kinain ko ito".
|
|||
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, "Bakit mo nagawa ang mga bagay na ito?" Sumagot ang babae, "Kinain ko iyon dahil nilinlang ako ng ahas".
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos sa ahas, "Dahil ginawa mo ito, sa lahat ng maamong mga hayop at sa lahat ng mga mababangis na mga hayop, ikaw lamang ang isusumpa ko. Bilang resulta, gagapang ka at ang lahat ng ibang mga ahas sa lupa, kaya habang nabubuhay ka may rumi ang kakainin mo.
|
|||
|
\v 15 Pag-aawayin kita at ang babae, at pag-aawayin ko rin ang inyong mga kaapu-apuhan. Tutuklawin mo ang kanyang sakong, pero dudurugin niya ang iyong ulo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, "Patitindihin ko ang sakit ng iyong panganganak. Nanaisin mong makasama ang iyong asawa na lalaki, pero mamumuno siya sa iyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos sinabi niya sa lalaki, "Nakinig ka sa kung ano ang sinabi ng iyong asawa at kumain ng ilang bunga sa puno na iniutos ko sa iyo na 'Huwag kainin ito'. Kaya gagawin panhihirapin kong tumubo ang mga bagay sa lupa dahil sa iyong ginawa. Kailangan mong magpakahirap sa pagtatrabaho habang nabubuhay ka para magkaroon ng mga bagay mula sa lupa na makain.
|
|||
|
\v 18 Tutubo ang matitinik na mababa't mayabong na halaman at iba pang mga damo at pipigilan nito ang pagtubo ng iyong mga tinanim. At para sa pagkain, makakakain ka lamang ng mga bagay na tumubo mula sa iyong mga lupain.
|
|||
|
\v 19 Sa buong buhay mo papawisan ka habang hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng makakain. Pagkatapos mamamatay ka at ililibing ang iyong katawan sa lupa. Ginawa kita mula sa lupa kaya ang iyong katawan, magiging lupang muli."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Pinangalanan ng lalaki na si Adan ang kanyang asawa na Eva, na ang ibig sabihin ay "nabubuhay", dahil siya ang naging ninuno ng lahat ng mga taong nabubuhay.
|
|||
|
\v 21 Pagkatapos gumawa si Yahweh na Diyos ng mga damit mula sa mga balat ng mga hayop para kay Adan at sa kanyang asawa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, "Tingnan niyo! Nagiging katulad na natin ang dalawang iyon dahil alam na nila kung ano ang mabuting gawin at kung ano ang masamang gawin. Kaya ngayon, hindi na mabuti kung aabot sila at mamimitas at kakain ng ilang bunga mula sa puno na magdudulot sa mga tao na kumain nito na mabuhay nang walang hanggan!"
|
|||
|
\v 23 Kaya pinalabas ni Yahweh na Diyos ang lalaki at ang kanyang asawa na babae mula sa hardin ng Eden. Ginawa ni Yahweh na Diyos si Adan mula sa lupa at pinilit niya siyang mag-araro ng lupa.
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos silang palabasin ni Yahweh na Diyos nilagyan niya ng querubin at ng isang pabalik-balik na nagliliyab na espada ang silangang bahagi ng hardin upang harangan ang pasukan, nang hindi na makabalik pa ang tao sa puno na magdudulot sa sinuman na makakain ng mga bunga nito na mabuhay nang walang hanggan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 4
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Sumiping si Adan sa kanyang asawang si Eva, at nabuntis siya at nagsilang ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Cain na ang ibig sabihin ay "pagkakaroon", sinabi niya, "Sa pamamagitan ng tulong ni Yahweh nagkaroon ako ng anak na lalaki."
|
|||
|
\v 2 Lumipas ang ilang panahon, nagsilang siya ng isa pang anak na lalaki at pinangalanan niyang Abel. Pagkatapos lumaki ang mga batang lalaking iyon, si Abel ay nag-alaga ng tupa at mga kambing at si Cain ay naging isang magsasaka.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Isang araw nag-ani si Cain ng ilang mga pananim na kanyang pinalago at dinala ang mga ito kay Yahweh bilang isang regalo para sa kanya,
|
|||
|
\v 4 at si Abel, kumuha mula sa kanyang mga hayop ng ilan sa panganay na mga tupa na isinilang at pinatay ang mga ito at bilang isang regalo, binigay niya kay Yahweh ang matatabang mga bahagi, mga pinakamabuting bahagi. Nasiyahan si Yahweh kay Abel at sa kanyang alay,
|
|||
|
\v 5 pero kay Cain at sa kanyang alay, hindi siya nasiyahan. Kaya matinding nagalit si Cain at hindi mailarawan ang kanyang pagmumukha.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Sinabi ni Yahweh kay Cain, "Hindi ka dapat magalit! Hindi ka dapat sumimangot ng ganyan!
|
|||
|
\v 7 Kung gagawin mo ang tama, tatanggapin kita. Pero kung hindi mo gagawin ang tama, lalamunin ka ng kasamaan na gusto mong gawin, gaya ng isang leon na naghihintay sa labas ng iyong pinto upang lapain ka. Ang pagnanais mong magkasala, gustong pagharian ka, subalit dapat mo itong pagharian."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Pero isang araw, sinabi ni Cain sa kanyang nakababatang kapatid na si Abel, "Sumama ka sa akin sa bukid." Kaya magkasama silang pumunta. At nang nasa bukid na sila, biglang inatake ni Cain si Abel at pinatay niya ito.
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos, kahit na alam na ni Yahweh kung ano ang ginawa ni Cain, sinabi niya kay Cain, "Alam mo ba kung nasaan si Abel, ang nakababata mong kapatid? Sumagot si Cain, "Hindi, hindi ko alam. Hindi ko trabaho ang bantayan ang aking nakababatang kapatid!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Sinabi ni Yahweh, "Nakakakilabot ang ginawa mo! Hinahatulan ka sa iyong pagkakasala ng dugo ng iyong kapatid na nababad sa lupa.
|
|||
|
\v 11 Pinatay mo ang iyong nakababatang kapatid, at, ngayon na nababad ang lupa sa dugo ng iyong nakababatang kapatid, hindi kana tatanggapin nito at mabibigo ka sa iyong pagsisikap na magpatubo ng pananim.
|
|||
|
\v 12 Kapag magbubungkal ka ng lupa upang magtanim ng mga pananim, magbibigay ang lupa ng napaka kaunti para sa iyo. Magpapatuloy kang pagala-gala sa mundo at hindi magkakaroon ng matitirhan saanmang lugar.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Sumagot si Cain kay Yahweh, "Pinarurusahan mo ako nang higit sa aking makakaya.
|
|||
|
\v 14 Pinapalayas mo ako mula sa lupa na aking sinasaka at hindi na ako maaring pumunta sa iyong harapan. At magpapatuloy akong pagala-gala sa mundo na walang lugar na matitirhan, at papatayin ng sinumang makakita sa akin".
|
|||
|
\v 15 Pero sinabi ni Yahweh sa kanya, "Hindi, hindi mangyayari iyon. Lalagyan kita ng palatandaan upang maging babala sa sinuman na makikita sa iyo, matindi ko siyang parurusahan kung papatayin ka niya. Parurusahan ko ang taong iyon ng pitong beses na kasintindi ng pagpaparusa ko sa iyo." Pagkatapos nilagyan ng palatandaan ni Yahweh si Cain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Kaya iniwanan ni Cain si Yahweh at pumunta sa silangan ng Eden, sa lupain na tinatawag na Nod na ang kahulugan ay 'gumagala',
|
|||
|
\v 17 Lumipas ang ilang panahon, sumiping si Cain sa kanyang asawa at nabuntis ito, nagsilang ng anak na lalaki, na pinangalanang niyang Enoc. Pagkatapos, nagsimula si Cain na magtayo ng isang lungsod at pinangalanan niya ang lungsod ng 'Enoc', tulad ng pangalan ng kanyang anak na lalaki.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Lumaki si Enoc at nag-asawa at naging ama ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Irad. Nang lumaki si Irad naging ama siya ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Mehujael. Lumaki si Mehujael at naging ama sa anak na lalaki na pinangalanan niyang Metusael. Lumaki si Metusael at naging ama ni Lamec.
|
|||
|
\v 19 Nang lumaki si Lamec, nag-asawa siya ng dalawang babae. Ang pangalan ng isa ay Ada at ang pangalan ng isa pa ay Zilla.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Nagsilang si Ada ng anak na lalaki na nagngangalang Jabal. Pagkatapos, si Jabal ang naging unang ama ng mga tao na nakatira sa mga tolda dahil naglakbay siya mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar para mag-alaga ng mga hayop.
|
|||
|
\v 21 Ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid ay Jubal. Siya ang unang tao na gumawa ng isang alpa at isang plauta.
|
|||
|
\v 22 Ang isa pang asawa ni Lamec na si Zilla ay nagsilang ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Tubal Cain. Pagkatapos natuto siya kung paano gumawa ng mga bagay mula sa tanzo at bakal. Ang pangalang ng nakababatang kapatid na babae ni Tubal Cain ay si Naama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Isang araw sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, "Ada at Zilla, dalawa kong asawa, makinig kayong mabuti sa sasabihin ko. Sinaktan ako ng isang binata at sinugatan ako, kaya pinatay ko siya.
|
|||
|
\v 24 Sinabi ni Yahweh noon pa na ipaghihiganti niya at parurusahan ang sino mang pumatay kay Cain ng pitong beses na kasing tindi ng pagparusa niya kay Cain. Kaya kung sinuman ang sumubok na patayin ako, nawa siya'y maparusahan ng pitumpu't pitong beses ang tindi."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nagpatuloy na sinipingan ni Adan ang kanyang asawa at muling nabuntis, nagsilang ng isa pang anak na lalaki, na pinangalanan niyang Set. Sinabi niya, "Pinangalanan ko siya ng Set dahil binigyan muli ako ng Diyos ng isa pang anak na lalaki upang maging kapalit ni Abel, yamang pinatay siya ni Cain.
|
|||
|
\v 26 Nang lumaki na si Set, naging ama siya ng isang anak na lalaki na pinangalanang niyang Enos. Sa panahong iyon nagsimula ng sumamba ang mga tao kay Yahweh.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 5
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ito ang listahan ng mga nagmula kay Adan. Nang nilikha ng Diyos ang mga tao, ginawa niya itong katulad niya sa maraming kaparaanan.
|
|||
|
\v 2 Nilikha niya sila na isang lalaki at isang babae. Pinagpala niya sila, at sa araw na iyon ng kanyang paglikha sa kanila. tinawag niya silang 'sangkatauhan'.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Nang 130 taong gulang na si Adan, naging ama siya ng isang lalaki na kawangis niya. Siya ang anak na lalaki na pinangalan niyang Set.
|
|||
|
\v 4 Matapos na ipinanganak si Set, nabuhay pa ng karagdagang walong daang taon si Adan, at sa loob ng mga taong iyon, naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 5 Nabuhay ng kabuuang 930 taon si Adan, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nang 105 taong gulang na si Set, naging ama siya ni Enos.
|
|||
|
\v 7 Matapos ipinanganak si Enos, nabuhay pa ng karagdagang 807 taon si Set, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 8 Nabuhay ng kabuuang 912 taon si Set, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Nang siyamnapung taong gulang si Enos, naging ama siya ni Kenan.
|
|||
|
\v 10 Matapos na ipinanganak si Kenan, nabuhay pa ng karagdagang 815 taon si Enos at naging ama ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 11 Nabuhay ng kabuuang 905 taon si Enos, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nang pitumpung taong gulang si Kenan, naging ama siya ni Mahalalel.
|
|||
|
\v 13 Matapos na ipinanganak si Mahalalel, nabuhay pa ng karagdagang 840 taon si Kenan at naging ama pa ng iba pang mga anak lalaki at babae.
|
|||
|
\v 14 Nabuhay ng kabuuang 910 taon si Kenan, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Nang animnapu't limang taong gulang si Mahalalel, naging ama siya ni Jared.
|
|||
|
\v 16 Matapos na ipinanganak si Jared, nabuhay pa ng karagdagang 830 taon si Mahalel at naging ama ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 17 Nabuhay ng kabuuang 895 taon si Mahalalel, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Nang 162 taong gulang si Jared, naging ama siya ni Enoc.
|
|||
|
\v 19 Nabuhay pa ng walong daang taon si Jared matapos na ipinanganak si Enoc, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 20 Nabuhay ng kabuuang 962 taon si Jared, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Nang animnapu't limang taon si Enoc, naging ama siya ni Metusalem.
|
|||
|
\v 22 Nabuhay na may malapit na pagsasama si Enoc sa Diyos sa loob ng tatlong daang taon matapos na ipinanganak si Metusalem, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 23 Nabuhay ng 365 taon si Enoc.
|
|||
|
\v 24 Mayroon siyang malapit na pagsasama sa Diyos, at isang araw bigla siyang nawala, dahil kinuha siya ng Diyos upang makasama niya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nang 187 taong gulang si Metusalem, naging ama siya ni Lamec.
|
|||
|
\v 26 Nabuhay si Metusalem ng 782 taon matapos na ipinanganak si Lamec, at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 27 Nabuhay ng kabuuang 969 taon si Metusalem, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Nang 182 taong gulang si Lamec, naging ama siya ng isang anak na lalaki,
|
|||
|
\v 29 na pinangalanan niyang Noe, dahil, sinabi niya, "Magbibigay siya sa atin ng kaginhawaan sa lahat ng mahirap na trabaho na ating ginagawa upang magkaroon ng pagkain na mula sa lupa na isinumpa ni Yahweh."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Nabuhay ng 595 taon si Lamec matapos ipinanganak si Noe at naging ama siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
\v 31 Nabuhay ng 777 taon si Lamec, at siya ay namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Nang limang daang taon si Noe, naging ama siya ng mga lalaki na pinangalanan niyang Sem, Ham at Jafet.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 6
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang magsimulang dumami ng husto ang mga tao sa buong mundo, at maraming anak na babae ang ipinanganak sa kanila,
|
|||
|
\v 2 nakita ng ilang mga nilalang sa langit na napakaganda ng mga babae sa lupa. Kaya kinuha nila ang alinman sa kanilang mga napili upang maging asawa.
|
|||
|
\v 3 Pagkatapos sinabi ni Yahweh, "Hindi mananatili ang aking hininga sa mga tao magpakailanman para mapanatili silang buhay. Gawa sila sa mahinang laman. Mabubuhay lamang sila na hindi hihigit sa 120 taon bago sila mamamatay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Nang sinipingan ng mga nilalang sa langit ang mga babae sa lupa, nagsilang sila ng mga anak. Ito ang mga higanteng nakatira sa mundo noong panahong iyon at maging sa kinalaunan. Magiting na mandirigma ang mga higanteng ito; mga tanyag na mga tao noong unang panahon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nakita ni Yahweh ang mga tao sa mundo na naging labis na masama, at patuloy na puro kasamaan ang lahat ng kanilang iniisip sa kanilang kaloob-looban.
|
|||
|
\v 6 Nagsisi si Yahweh na ginawa niya ang mga tao sa mundo at nagdulot ito sa kanya ng kalungkutan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Kaya sinabi ni Yahweh, "Lilipulin ko ang lahat ng tao na aking ginawa. Lilipulin ko rin ang lahat ng mga malalaking hayop at ang mga nilalang na gumagalaw sa lupa at ang mga ibon. Walang matitira sa kanila dito sa mundo dahil nagsisi ako sa paggawa sa kanila."
|
|||
|
\v 8 Pero nalugod si Yahweh kay Noe.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ito ang nangyari: si Noe ay isang tao na mayroong ugali na laging matuwid. Wala ni isang nabuhay sa panahon na iyon ang pumuna sa kanya tungkol sa anumang bagay. Nabuhay si Noe na malapit ang pagsasama sa Diyos.
|
|||
|
\v 10 Naging ama si Noe ng tatlong anak na mga lalaki: Sem, Ham, at Jafet.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Nakikita ng Diyos na sukdulan ang kasamaan ng lahat ng mga tao sa mundo at gumagawa ang mga tao ng kalupitan at karahasan sa bawat isa kahit saan man sa mundo.
|
|||
|
\v 12 Nakita ng Diyos ang bawat isa at nakita niya kung gaano kasama ang mga tao, dahil nagsimulang umasal ang lahat ng mga tao sa mundo ng masamang paraan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Kaya sinabi ng Diyos kay Noe, "Napagpasyahan kong lipulin ang lahat ng mga tao, dahil gumagawa ang mga tao sa lahat ng dako sa mundo ng karahasan sa bawat isa. Kaya aalisin ko sila maging ang lahat ng mga bagay na nasa mundo.
|
|||
|
\v 14 Gumawa ka para sa iyong sarili ng malaking bangka na gawa sa saypres na kahoy. Gumawa ka ng mga kwarto sa loob nito. Balutin mo ng aspalto ang labas at ang loob nito upang hindi ito mapasukan ng tubig.
|
|||
|
\v 15 Ganito dapat ang pagkakagawa mo: Dapat 138 metro ang haba nito, dalawampu't tatlong metro ang lapad at labing apat na metro ang taas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Gawaan mo ng bubong ang barko. Magtira ka ng puwang na kalahating metro sa pagitan ng mga gilid nito at ng bubong, upang makapasok ang hangin at ang liwanag ng araw. Gawin itong tatlong palapag sa loob at lagyan ng pinto sa isang gilid.
|
|||
|
\v 17 Makinig ka nang mabuti! Magpapadala ako ng baha na lilipol sa lahat ng mga bagay na nabubuhay sa ilalim ng kalangitan. Mamamatay ang lahat ng mga bagay na nasa mundo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Pero gagawa ako ng kasunduan sa iyo. Ikaw at ang iyong asawa, ang iyong mga anak na lalaki at kanilang mga asawa, papasok sa malaking bangka.
|
|||
|
\v 19 Dapat magdala ka rin ng tig-dadalawa ng lahat ng mga nabubuhay na nilalang, lalaki at babae, sa loob ng bangka na kasama mo, upang manatili rin silang buhay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Dalawa sa bawat uri ng nilalang ang magkasunod na sasama sa iyo upang mapanatili mo silang buhay. Isasama nila ang tig-dadalawa sa bawat uri ng ibon at dalawa sa bawat uri ng malalaking hayop at dalawa sa bawat uri ng nilalang na gumagalaw sa lupa.
|
|||
|
\v 21 Dapat ka ring kumuha ng ilan sa bawat uri ng mga pagkain na para sa iyo at para sa pangangailangan ng lahat ng mga nilikha, at iimbak mo ito sa barko."
|
|||
|
\v 22 Kaya ginawa ni Noe ang lahat ng mga tagubilin ng Diyos sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 7
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Noe, "Nakita ko mula sa lahat ng mga tao na namumuhay ngayon, tanging ikaw lamang ang laging kumikilos ng matuwid. Kaya gusto ko na pumasok ka at ang lahat ng iyong pamilya sa malaking bangka.
|
|||
|
\v 2 Magdala ka ng pitong pares ng bawat uri ng hayop na aking sinabi na tatanggapin ko na mga alay. Magdala ka ng pitong mga lalaki at pitong mga babae. Gayundin magdala ka ng isang lalaki at isang babae mula sa bawat uri ng hayop na aking sinabi na hindi ko tatanggapin na mga alay.
|
|||
|
\v 3 Gayundin magdala ka ng pitong pares ng bawat uri ng ibon upang mapanatiling buhay ang kanilang susunod na mga lahi ng ibon sa buong mundo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Gawin mo ito dahil pitong araw mula ngayon magpapaulan ako sa buong mundo. Patuloy na uulan sa loob ng apatnapung araw at gabi. Sa paraang ito, Lilipulin ko ang lahat ng bagay na aking nilikha sa mundo."
|
|||
|
\v 5 Ginawa ni Noe ang lahat ng bagay na sinabi ni Yahweh sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Si Noe ay anim na raang taong gulang nang dumating ang baha sa mundo.
|
|||
|
\v 7 Bago nagsimula ang ulan, pumasok si Noe, ang kanyang asawa, kanyang mga anak na lalaki at ang kanilang mga asawa sa loob ng malaking bangka upang makatakas mula sa tubig-baha.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Mga pares na mga hayop, 'yung mga sinabi ng Diyos na kanyang tatanggapin na mga alay at 'yung hindi niya tatanggapin na mga alay, at mga pares ng mga ibon at mga pares ng lahat ng uri ng mga nilalang na gumagapang sa lupa,
|
|||
|
\v 9 mga lalaki at mga babae, pumunta kay Noe at pagkatapos pumasok sa loob ng malaking bangka, gaya ng sinabi ng Diyos kay Noe na kanilang gagawin.
|
|||
|
\v 10 Matapos ang pitong araw, nagsimulang umulan at nagsimulang tinakpan ng baha ang mundo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Nang si Noe ay nasa anim na raang taong gulang, sa ikalabimpitong araw ng pangalawang buwan, biglaang lumabas ang lahat ng tubig na nasa ilalim ng lupa, at nagsimulang umulan ng napakalakas na tila itong ilog sa langit na biglaang lumabas.
|
|||
|
\v 12 Patuloy na bumagsak ang ulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at gabi.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Sa araw na nagsimulang umulan, pumasok si Noe sa loob ng malaking bangka kasama ang kanyang asawa, ang kanyang tatlong anak na lalaki na sina Sem, Ham, at Jafet, at kanilang mga asawa.
|
|||
|
\v 14 Sila at ang ilan sa bawat uri ng mababangis at maamo na mga hayop, at bawat uri ng nilalang na gumagapang sa lupa, bawat uri ng ibon at bawat ibang nilalang na may mga pakpak, lahat, pumasok sa barko.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Mga pares ng lahat ng mga nilalang na humihinga, pumunta kay Noe at pumasok sa loob ng barko.
|
|||
|
\v 16 Mayroong isang lalaki at isang babae ng bawat nilalang na pumunta kay Noe, ayon sa sinabi ng Diyos na kanilang gagawin. Pagkatapos nilang lahat pumasok sa malaking bangka, isinara ni Yahweh ang pintuan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Sa loob ng apatnapung araw patuloy na dumating ang tubig at tumaas ang baha at iniangat ang malaking bangka pataas sa ibabaw ng lupa.
|
|||
|
\v 18 Tumaas ng tumaas ang umaagos na tubig sa mundo at lumutang ang malaking bangka sa tubig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Umagos ang tubig nang pataas nang pataas sa lahat ng panig ng mundo hanggang sa nilubog nito ang lahat ng mga kabukiran at ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng langit.
|
|||
|
\v 20 Nilubog nito maging ang pinakamatataas na mga bundok ng higit pa na anim na metrong tubig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Kaya’t namatay ang bawat nabubuhay na nilalang sa ibabaw ng lupa. Kasali ang mga ibon, ang maamong mga hayop, ang mababangis na mga hayop, at lahat ng ibang nilalang na gumagapang sa lupa, gayundin ang lahat ng mga tao.
|
|||
|
\v 22 Lahat ng bagay na humihinga, na noo'y nilalang sa lupa, namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Sa ganitong paraan nalipol ang bawat bagay na nabubuhay na nasa mundo—ang mga tao, ang malalaking mga hayop, ang mga nilalang na gumagapang at ang mga ibon. Ang tanging natitirang buhay ay sina Noe at yung mga kasama niya sa malaking bangka.
|
|||
|
\v 24 Nanatili ang baha na ganoon sa mundo sa loob ng 150 na araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 8
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Pero hindi kinaligtaan ng Diyos ang tungkol kay Noe o sa lahat ng uri ng mababangis at maaamong mga hayop na kasama niya sa loob ng barko. Kaya isang araw nagpadala ang Diyos ng hangin upang hipan ang mundo at nagsimulang humupa ang tubig.
|
|||
|
\v 2 Itinigil ng Diyos ang biglaang paglabas ng tubig na nasa ilalim ng lupa at sinara niya ang daluyan ng baha mula sa langit kaya huminto ang pag-ulan.
|
|||
|
\v 3 Dahan-dahang humupa ang tubig sa mundo. Makalipas ang isang daan at limampung araw na baha, marami na’ng tubig ang nawala.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Sa ikalabimpitong araw ng ika pitong buwan, dumaong ang malaking bangka sa isa sa mga bundok sa rehiyon ng Ararat.
|
|||
|
\v 5 Patuloy na humupa ang tubig hanggang sa unang araw ng ikasampung buwan ng taong iyon, nakikita na ang mga tuktok ng ibang mga bundok.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Makalipas ang apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana na kanyang ginawa sa gilid ng malaking bangka at pinalabas ng isang uwak.
|
|||
|
\v 7 Lumipad ang uwak ng pabalik-balik na paparoon at magmumula sa malaking bangka hanggang sa natuyo ang tubig mula sa ibabaw ng lupa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Pagkatapos nagpalabas si Noe ng isang kalapati upang malaman kung humupa na ang tubig mula sa ibabaw ng lupa.
|
|||
|
\v 9 Pero hindi nakahanap ang kalapati ng lugar na mapagdadapuan, kaya lumipad ito pabalik kay Noe sa malaking bangka dahil may tubig pa rin sa lahat ng dako ng ibabaw ng lupa. Kaya iniabot ni Noe ang kanyang kamay at kinuha ang kalapati pabalik sa loob ng barko.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Naghintay si Noe ng pito pang mga araw. Pagkatapos nagpalabas siya muli ng kalapati sa malaking bangka.
|
|||
|
\v 11 Sa pagkakataong ito bumalik sa kanya ang kalapati kinagabihan at sa hindi inaasahan, mayroon sa tuka nitong kapipitas na dahon mula sa kahoy na olibo. Pagkatapos nalaman ni Noe na totoong humupa na ang tubig sa ibabaw ng lupa.
|
|||
|
\v 12 Naghintay muli si Noe ng pitong araw. Pagkatapos nagpalipad siyang muli ng kalapati, pero sa pagkakataong ito, hindi na ito bumalik sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Si Noe ngayon ay nasa 601 taong gulang. Sa unang araw ng unang buwan ng taong iyon, ganap nang natuyo ang tubig sa lupa. Inalis ni Noe ang takip sa ibabaw ng barko at nagulat siya nang nakita na natutuyo na ang ibabaw ng lupa.
|
|||
|
\v 14 Sa ika-dalawampu't pitong araw ng kasunod na buwan, ganap nang tuyo ang lupa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Noe,
|
|||
|
\v 16 "Lumabas ka sa malaking bangka, kasama ang iyong asawa, iyong mga anak na lalaki at ang kanilang mga asawa.
|
|||
|
\v 17 Ilabas mo rin ang lahat ng mga ibon, ang maaamong mga hayop, at lahat ng mga uri ng nilalang na gumagapang sa lupa, upang kumalat ang mga ito sa lahat ng dako ng mundo at maging napakarami."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Kaya lumabas si Noe sa malaking bangka, kasama ang kanyang asawa, kanyang mga anak na lalaki at kanilang mga asawa.
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos lahat ng mga nilalang, kasali ang lahat ng mga gumagapang sa lupa, lahat ng mga ibon at bawat hayop na gumagalaw sa mundo, iniwan ang malaking bangka. Pangkat-pangkat na umalis ang mga ito sa malaking bangka ayon sa kani-kanilang uri.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Pagkatapos, gumawa si Noe ng altar para kay Yahweh, kumuha siya ng ilan sa mga hayop at mga ibon na maaaring tanggapin bilang mga alay at pinatay ang mga ito. Pagkatapos sinunog niya ang mga ito ng buo sa ibabaw ng altar.
|
|||
|
\v 21 Nang naamoy ni Yaweh ang kaaya-ayang samyo, nalugod siya sa alay. Pagkatapos sinabi niya sa kanyang sarili, "Hindi ko na kailanman muling lilipulin ang bawat bagay sa mundo dahil sa makasalanang bagay na ginawa ng mga tao. Kahit na ang lahat ng mga tao ay mayroong masamang pag-iisip sa mula sa kanilang pagkabata, hindi ko na muling lilipulin lahat ng nabubuhay na mga nilalang na gaya ng ginawa ko ngayon.
|
|||
|
\v 22 Hangga't nariyan ang mundo, ang panahon para sa pagtatanim ng buto at panahon para sa pag-aani ng pananim, ang panahon ng taglamig at panahon ng tag-init, ang tagtuyo at tag-ulan, ang araw at gabi ay magpapatuloy."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 9
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 At pinagpala ng Diyos si Noe at ang kaniyang mga anak na lalaki. Sinabi niya sa kanila, "Nais kong magkaroon kayo ng maraming mga anak na maninirahan sa buong mundo.
|
|||
|
\v 2 Sobrang matatakot ang lahat ng malalaking hayop sa mundo, lahat ng mga ibon, lahat ng mga nilalang na gumagalaw sa lupa, at lahat ng isda sa ninyo. Inilagay ko ang mga ito sa ilalim ng iyong kapangyarihan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Dati hinayaan kong luntiang halaman ang inyong pagkain, subalit ngayon maaari na ninyong kainin ang lahat ng mga bagay na may buhay at gumagalaw.
|
|||
|
\v 4 Subalit huwag ninyong kainin ang karneng mayroon pang dugo, sapagkat nasa dugo ang buhay nito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Parurusahan ko ang sinumang pumatay ng tao—mananagot sila kay Yahweh—mapa hayop man ito o mapa mula sa tao. Hihingin ko na dapat maghirap ang mga mamatay-tao para sa kanilang mga kasalanan at pagbayaran ito kapalit ng kanilang mga buhay. Kahit pa na hayop ang pumatay ng tao, buhay rin ang kapalit sapagkat buhay ng tao ang kinuha nito.
|
|||
|
\v 6 Sapagkat nilalang ko ang tao ayon sa aking wangis. Kaya iginigiit ko na kung sinumang pumatay ng kapwa niya tao, ibang tao din ang papatay sa kanya. Sinumang magpapadanak ng dugo ng ibang tao, dugo rin niya ang kabayaran nito.
|
|||
|
\v 7 At sa 'yo, nais kong magkaroon kayo ng maraming anak, upang sila at ang kanilang mga kaapu-apuhan, maninirahan sa buong mundo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Sinabi ni Yahweh kay Noe at sa kanyang mga anak,
|
|||
|
\v 9 "Makinig kayong mabuti. Gagawa ako ng kasunduan sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan,
|
|||
|
\v 10 at sa lahat ng nilalang, na may buhay—kasama ang mga ibon, mga maamo at maiilap na mga hayop—bawat nabubuhay na hayop na nilalang sa mundo na kasama ninyong lumabas ng malaking bangka.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ito ang gagawin kong kasunduan sa inyo, hindi ko na muling lilipulin ang lahat ng nilalang sa pamamagitan ng baha, o lilipulin ang lahat ng bagay sa mundo sa pamamagitan ng baha".
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos sinabi ng Diyos sa kanya, "Ito ang palatandaan na papanatilihin ko ang kasunduan na gagawin ko sa ninyo at sa lahat ng mga nabubuhay na nilalang, isang kasunduan na papanatilihin ko magpakailanman.
|
|||
|
\v 13 Sa pana-panahon, maglalagay ako ang bahaghari sa kalangitan. Magiging palatandaan ito ng aking kasunduan sa inyo at sa lahat ng bagay sa mundo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Kapag papaulanin ko ang mga ulap at lumitaw ang bahaghari sa kalangitan,
|
|||
|
\v 15 ipapaalala nito sa akin ang tungkol sa ginawa kong kasunduan sa inyo at sa lahat ng mga nilalang, ang aking pangako na hindi na kailanman magkakaroon ng baha na lilipol sa lahat ng mga nabubuhay na nilalang.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Sa tuwing may bahaghari sa kalangitan, makikita ko ito at aking alalahanin ang tungkol sa kasunduan na ginawa ko sa lahat ng nilalang na nasa mundo, isang pangako na aking tutuparin magpakailanman."
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Noe, "Ang bahaghari ang magiging palatandaan ng kasunduang ginawa ko sa lahat ng mga nilalang sa mundo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Ang mga anak ni Noe na lumabas sa malaking bangka ay sina Sem, Ham, at Jafet. Kinalaunan naging ama si Ham ni Canaan.
|
|||
|
\v 19 Ang lahat ng tao sa mundo ay mula sa tatlong mga anak na lalaki ni Noe.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Nagsimulang magsaka si Noe sa lupain. Nagtanim siya ng mga ubas.
|
|||
|
\v 21 Matapos mamunga ang mga ubas, gumawa siya ng alak mula sa mga ito. Isang araw, nang nakainom siya ng sobrang alak, nalasing siya at humiga na walang saplot sa katawan sa loob kanyang tolda.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Si Ham na ama ni Canaan, nakita niyang nakahigang hubad ang kanyang ama sa loob tolda. Kaya lumabas siya at sinabi sa kanyang dalawang nakakatandang kapatid kung ano ang kanyang nakita.
|
|||
|
\v 23 Pagkatapos kumuha si Sem at Jafet ng malaking tela at nilagay sa kanilang likuran at pumasok ng patalikod sa tolda. Tinakpan nila ang hubad na katawan ng kanilang ama. Hindi sila humarap sa kanilang ama, kaya hindi nila siya nakitang hubad.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Nang nagising si Noe at nahimasmasan, nalaman niya kung gaano kasama ang inasal ni Ham na kanyang bunsong anak na lalaki, sa kanya.
|
|||
|
\v 25 Sinabi niya, "Sinusumpa ko ang anak ni Ham na si Canaan at ang kanyang mga kaapu-apuhan. Sila ay magiging alipin ng kanilang mga tiyuhin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Pinupuri ko si Yahweh na sinasamba ni Shem. Nawa'y maging alipin ang mga kaapu-apuhan ni Canaan ng mga kaapu-apuhan ni Shem.
|
|||
|
\v 27 Subalit palawakin nawa ng Diyos ang lupain ni Jafet. Nawa'y pahintulutan niya na mamuhay ang mga kaapu-apuhan ni Jafet ng mapayapa kasama ng mga kaapu-apuhan ni Sem. Nawa'y maging alipin nila ang mga kaapu-apuhan ni Canaan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Nabuhay pa ng 350 na taon si Noe matapos ang baha.
|
|||
|
\v 29 Namatay siya sa edad na 950 na taon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 10
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe. Shem, Ham, Jafet. Sila ay naging mga ama ng maraming mga anak matapos ang baha.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 2 Ang mga anak na lalaki ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras.
|
|||
|
\v 3 Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat at Togarma.
|
|||
|
\v 4 Ang mga anak na lalaki ni Javan naman ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.
|
|||
|
\v 5 Nanirahan ang mga anak na lalaki at kanilang mga pamilya na nagmula kay Javan sa mga pulo at sa baybay-dagat. Naging mga lahi ang kanilang mga kaapu-apuhan, ang bawat isa sa kanila ay may sariling wika, mga angkan, at teritoryo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Ehipto, Put at Canaan.
|
|||
|
\v 7 Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raamah ay sina Sheba at Didan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Isa sa mga anak na lalaki ni Cus ay si Nimrod. Si Nimrod ang kauna-unahang manlulupig sa mundo.
|
|||
|
\v 9 Nakita ni Yahweh na naging mahusay siya na mangangaso. Kaya sinasabi ng mga tao sa isang mahusay na mangangaso, "Nakita ni Yahweh na mahusay ka na mangangaso kagaya ni Nimrod"
|
|||
|
\v 10 Naging hari si Nimrod na siyang namuno sa lupain ng Babilonia. Babel, Erec, Acad at Calne ang mga unang lungsod na kanyang pinamunuan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Mula doon pumunta siya kasama ang ibang tao sa Asiria at tinatag ang mga lungsod ng Nineve, Rehoboth Ir, Cale,
|
|||
|
\v 12 at Resen. Malaking lungsod ang Resen na nasa pagitan ng Nineve at Cale.
|
|||
|
\v 13 Ang anak ni Ham na lalaki na si Ehipto ay naging ninuno ni Lud, Anam, Lehab, at Naptu,
|
|||
|
\v 14 Patrus, Caslu at Captor na mga lahi. Ang mga taong Filisteo, nagmula kay Caslu.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Ang bunsong anak na lalaki ni Ham na si Canaan ay naging ama ni Sidon na siyang panganay na anak na lalaki at si Heth naman ang nakababatang anak na lalaki.
|
|||
|
\v 16 Si Canaan din ang ninuno ng mga Jebuseo, Amoreo, Gergaseo
|
|||
|
\v 17 Hivita, Araceo, Sineo,
|
|||
|
\v 18 Arvadeo, Zemareo at Hamateo na mga lahi. Mula noon kumalat ang mga kaapu-apuhan ni Canaan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Umabot ang kanilang lupain mula sa lungsod ng Sidon, hilaga hanggang sa timog na nasa Gaza, malapit sa Gegar, at pasilangan sa Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim na bayan na hanggang sa bayan ng Lasa.
|
|||
|
\v 20 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Ham. Sila ay naging mga lahi na mayroong sariling mga angkan, sariling mga wika at sariling mga lupain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Si Sem ang nakatatandang kapatid ni Jafet na mayroon ding mga anak na lalaki at naging ninuno ng lahat ng kaapu-apuhan ni Eber.
|
|||
|
\v 22 Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sila Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram.
|
|||
|
\v 23 Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether at Meshech.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber.
|
|||
|
\v 25 May dalawang anak na lalaki si Eber. Ang isa sa kanila ay si Peleg na ang ibig sabihin ay "pagkakahati-hati" dahil sa panahon ng kanyang pamumuhay, nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang mga sa iba’t ibang lugar sa mundo. Ang nakababatang kapatid na lalaki ni Peleg ay si Joctan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Si Joctan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmaveth, Jerah,
|
|||
|
\v 27 Hadoram, Uzal, Diklah,
|
|||
|
\v 28 Obal, Abimael, Sheba,
|
|||
|
\v 29 Ofir, Havila, at Jobab. Silang lahat ay anak ni Joctan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Ang mga lugar kung saan nagsimulang manirahan ang mga angkan ay umabot mula sa Mesha hanggang sa Sephar, na nasa burol ng Silangan.
|
|||
|
\v 31 Sila ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Sem. Naging lahi sila na mayroong sariling mga angkan, sariling mga wika at sariling lupain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Nagmula ang lahat ng mga angkan na ito sa mga anak na lalaki ni Noe. May sariling talaan ng lahi ang bawat angkan at nagkaroon ng kanya-kanyang lahi. Nabuo at kumalat ang mga lahi na ito pagkatapos ng baha.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 11
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Sa panahong ito, nagsasalita ang lahat ng tao sa mundo sa parehong wika.
|
|||
|
\v 2 Sa paglipat ng mga tao sa silangan, nakarating sila sa isang kapatagan, sa rehiyon ng Babylon, at nagsimulang manirahan doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Pakatapos sinabi nila sa isa't isa, "Gumawa tayo ng mga laryo at lutuin ang mga ito para tumibay, para sa pagtatayo ng isang gusali!" Kaya ginamit nila ang mga laryo sa halip na mga bato at mga alkitran sa halip na almires para pakapitin ang mga ito."
|
|||
|
\v 4 Sinabi nila,"Magtayo tayo ng lungsod para sa ating mga sarili! Dapat gumawa rin tayo ng isang napakataas na tore na aabot hanggang langit! Sa ganoong paraan, malalaman ng mga tao kung sino tayo! Kung hindi natin ito gagawin, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Isang araw bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang itinatayongtore ng mga tao."
|
|||
|
\v 6 Sinabi ni Yahweh, "Ang mga taong ito ay isang grupo lamang at nagsasalita sila ng iisang wika. Kung nasimulan na nilang gawin ito, wala nang anuman sa napagpasyahan nilang gawin ang imposible para sa kanila!
|
|||
|
\v 7 Kaya bumaba tayo roon at pag-iba-ibahin natin ang wika ng mga tao nang hindi na nila maintindihan ang sinasabi ng bawat isa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Sa paggawa nito, ikinalat sila ni Yahweh sa buong mundo, at itinigil ng mga tao ang pagpapatayo ng lungsod.
|
|||
|
\v 9 Tinawag ang lungsod na Babel, dahil doon idinulot ni Yahweh na hindi na magsalita ng isang wika ang lahat ng mga tao sa buong mundo. At idinulot ni Yahweh namagkalat sila sa buong mundo mula sa lugar naiyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Dalawang taon pagkalipas ng baha, nang si Sem ay mahigit isangdaan taong gulang na, siya ay naging ama ni Arfaxad.
|
|||
|
\v 11 Pagkapanganak kay Arfaxad, nabuhay pa si Sem ng limandaan taon at naging ama ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nang tatlumpu't limang taong gulang na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Shela.
|
|||
|
\v 13 Pagkapanganak kay Selah, nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Nang tatlumpung taong gulang na si Selah, siya ay naging ama ni Eber.
|
|||
|
\v 15 Pagkapanganak kay Eber, nabuhay pa si Selah ng 403 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nang tatlumpu't apat na taong gulang na si Eber, siya ay naging ama ni Peleg.
|
|||
|
\v 17 Pagkapanganak kay Peleg, Nabuhay pa si Eber ng 430 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Nang tatlumpung taong gulang na si Peleg, siya ay naging ama ni Reu.
|
|||
|
\v 19 Pagkapanganak kay Reu, nabuhay pa si Peleg ng 209 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Nang tatlumpu't dalawang taong gulang na si Reu, siya ay naging ama ni Serug.
|
|||
|
\v 21 Pagkalipas na ipinanganak si Serug, nabuhay si Reu ng 207 taon pa at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Nang tatlumpung taong gulang na si Serug, siya ay naging ama ni Nahor.
|
|||
|
\v 23 Pagkapanganak si Nahor, nabuhay pa si Serug ng dalawandaang taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Nang dalawampu't siyam na taong gulang na si si Nahor, siya ay naging ama ni Terah.
|
|||
|
\v 25 Pagkapanganak si Terah, nabuhay pa si Nahor ng 119 taon at naging ama ng iba pang anak na mga lalaki at babae.
|
|||
|
\v 26 Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Ito ang nangyari tungkol sa mga kaapu-apuhan ni Terah: Ang mga lalaking anak ni Terah ay sina Abram, Nahor, at Haran. Ang lalaking anak ni Haran ay pinangalanang Lot.
|
|||
|
\v 28 Nasa piling pa ni Haran ang kaniyang ama nang mamatay si Haran sa lungsod ng Ur, sa lupain ng mga Caldeo. Ito ang kaniyang lupang sinilangan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Si Abram at Nahor ay kapwa nag-asawa. Pinangalanang Sarai ang asawa ni Abram, at pinangalanang Milcah ang asawa ni Nahor. Si Milcah at ang kaniyang kapatid na babaeng si Iscah ay mga anak na babae ni Haran.
|
|||
|
\v 30 Hindi magawang magkaanak ni Sarai.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Nagpasya si Terah na lisanin ang Ur at mamuhay sa lupain ng Canaan. Kaya sinama niya ang kaniyang anak na lalaki na si Abram at apong lalaking si Lot na anak ni Haran, at si Sarai na asawa ni Abram. Pero sa halip na pumunta ng Canaan, tumigil sila sa bayan ng Haran at nanirahan doon.
|
|||
|
\v 32 Nang 205 taong gulang si Terah, namatay siya sa Haran.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 12
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 At sinabi ni Yahweh kay Abram, "Lisanin mo ang bansang iyong kasalukuyang tinitirahan. Lisanin mo ang angkan at pamilya ng iyong ama at pumunta ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.
|
|||
|
\v 2 Gagawin kong malaking bansa ang iyong mga kaapu-apuhan. Pagpapalain kita at gagawin kitang tanyag. Magiging pagpapala sa iba ang ginagawa ko para sa iyo.
|
|||
|
\v 3 Pagpapalain ko ang sinumang magpapala sa iyo at susumpain ko ang gagawa ng kasamaan sa iyo. Pagpapalain ko ang lahat ng mga angkan sa mundo sa pamamagitan mo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Kaya nilisan ni Abram ang Haran, gaya ng sinabi ni Yahweh sa kaniya. Si Abram ay pitumpu't limang taong gulang nang lumisan siya roon kasama ang kaniyang pamilya at pamilya ni Lot.
|
|||
|
\v 5 Isinama ni Abram ang asawa niyang si Sarai at ang kaniyang lalaking pamangkin na si Lot; dinala din niya ang lahat ng kaniyang mga ari-arian at mga aliping natipon sa Haran. Umalis sila roon at nagtungo sa lupain ng Canaan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Sa Canaan, naglakbay sila hanggang sa Shekem at nagkampo sa may malaking puno na tinatawag na Moreh. Nang nangyari ito, naninirahan na mga Cananeo sa lupaing iyon.
|
|||
|
\v 7 Saka nagpakita si Yahweh kay Abram at sinabi sa kaniya, "Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan". Saka nagtayo ng altar si Abram para maghandog ng alay para kay Yahweh na nagpakita sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Mula sa Shekem, naglakbay si Abram at ang kaniyang pamilya patungo sa mga burol na nasa silangan ng Bethel. Pakanluran ang Bethel kung saan nagtayo sila ng kanilang tolda at ang Ai ay pasilangan. Gumawa siya roon ng isa pang altar para maghandog ng alay at sinamba niya si Yahweh roon.
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos lumisan sila roon at patuloy na naglakbay patimog sa desyerto ng Negeb.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya patuloy silang pumunta sa timog para pansamantalang mamuhay sa lupain ng Ehipto, dahil labis ang kakulangan ng pagkain sa lupain na kanilang tinitirhan.
|
|||
|
\v 11 Nang papalapit na sila sa lupain ng Ehipto, sinabi ni Abram sa kaniyang asawang si Sarai, "Makinig ka, alam kong napakaganda mong babae.
|
|||
|
\v 12 Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto, sasabihin nilang, 'Asawa niya ang babaeng ito!' at papatayin nila ako, pero hindi ka nila papatayin.
|
|||
|
\v 13 Kaya hinihiling ko sa iyo na sabihin mo sa kanila na kapatid kita para maging ligtas ako at hindi nila papatayin dahil sa iyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 At iyon nga ang nangyari. Sa sandaling nakarating sila sa Ehipto, nakita ng mga taga-Ehipto ang kaniyang asawa na talaga ngang napakaganda.
|
|||
|
\v 15 Nang makita siya ng mga opisyales ng hari, sinabihan nila ang hari kung gaano siya kaganda. Saka dinala siya ng hari sa kaniyang palasyo.
|
|||
|
\v 16 Maganda ang pakikitungo ng hari kay Abram nang dahil kay Sarai, at binigyan niya si Abram ng mga tupa at baka, mga asno at mga lalaki't babaeng alipin at mga kamelyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Pero dahil kinuha ng hari para maging asawa si Sarai na asawa ni Abram, pinahirapan ni Yahweh ang hari at ang kaniyang sambahayan sa pamamagitan ng kakilakilabot na mga sakit.
|
|||
|
\v 18 Kaya pinatawag ng hari si Abram at sinabi sa kaniya, "Kakilakilabot na bagay ang ginawa mo sa akin! Bakit hindi mo sinabi sa akin na asawa mo siya?
|
|||
|
\v 19 Bakit mo sinabi na kapatid mo siya, kaya kinuha ko siya para maging asawa? Hindi mo sana dapat ginawa iyon! Kaya ngayon kunin mo ang iyong asawa, iwanan niyo na ang lugar na ito at umalis na kayo rito!"
|
|||
|
\v 20 Pagkatapos iniutos ng hari sa kaniyang mga opisyales na paalisin si Abram at ang kaniyang asawa pati na ang lahat ng kaniyang mga ari-arian patungong Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 13
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Kaya nilisan nina Abram at Sarai ang Ehipto at bumalik sa timog ng ilang sa Judea. Dinala nila ang lahat ng kanilang mga ari-arian, at sumama si Lot sa kanila.
|
|||
|
\v 2 Napakayaman ni Abram. Nagmamay-ari siya ng maraming alagang hayop, pilak at ginto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Patuloy ang kanilang paglalakbay mula sa isang dako patungo sa ibang dako, mula sa timog ng ilang ng Judean patungong Bethel, hanggang sa gitna ng Bethel at Ai kung saan dati nilang itinayo ang kanilang mga tolda.
|
|||
|
\v 4 Dito rin dating nagtayo ng altar si Abram; doon muli niyang sinamba si Yahweh.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Si Lot na naglalakbay kasama ni Abram ay mayroon ding mga kawan ng tupa at mga kambing at mga kawan ng mga baka at mga tolda.
|
|||
|
\v 6 Silang dalawa ay mayroong napakaraming mga hayop, kaya hindi na sila maaaring tumirang lahat sa iisang lugar. Hindi na sapat ang lupain sa pagbigay ng tubig at pagkain para sa lahat ng kanilang mga hayop.
|
|||
|
\v 7 At saka, nagsimulang makipag-away ang mga tauhan ni Abram na nag-aalaga ng mga hayop sa mga tauhan ni Lot na nag-aalaga rin ng mga hayop. Naninirahan din ang mga lahi ng Canaan at Perez sa lugar na iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Abram kay Lot, "Yamang malapit tayo na magkamag-anak, hindi maganda para sa atin ang magkaalitan, maging ang mga tagapangalaga ng iyong mga hayop na makipag-alitan sa mga tagapangalaga ng aking mga hayop.
|
|||
|
\v 9 Napakaraming lupain para sa ating dalawa. Kaya kailangan na nating maghiwalay. Maaari mong piliin saanmang bahagi ang iyong naisin. Kung nais mo ang sa banda roon, mananatili ako rito. Kung nais mo rito, pupunta ako banda roon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Tumingin si Lot patungong Zoar at nakita na sagana sa tubig ang lahat ng dako ng kapatagan na malapit sa Ilog Jordan. Ito ay bago pa nilipol ni Yahweh ang Sodoma at Gomorrah na nasa kapatagang iyon. Sa mga araw na iyon, para itong hardin ni Yahweh tulad ng lupain sa Ehipto na malapit sa Ilog Nilo.
|
|||
|
\v 11 Kaya pinili ni Lot para sa kaniyang sarili ang lupain sa kapatagan ng Ilog Jordan. Iniwan niya ang kaniyang tiyuhing si Abram at lumipat sa silangan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nanatili si Abram sa lupain ng Canaan at umalis si Lot para manirahan malapit sa mga lungsod sa kapatagan ng Ilog Jordan at itinayo ang kaniyang mga tolda malapit sa Sodoma.
|
|||
|
\v 13 Ngayon, ubod ng sama ang mga taong nakatira sa Sodoma at labis ang kasalanan nila kay Yahweh.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Matapos maghiwalay nina Abram at Lot, sinabi ni Yahweh kay Abram, "Tumingin ka sa palibot nitong buong lugar na iyong kinaroroonan. Tumingin ka sa hilaga, timog, silangan at kanluran.
|
|||
|
\v 15 Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng lupaing nakikita mo; ibibigay ko ito sa iyo ng walang hanggan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Gagawin kong sindami ng alikabok ang iyong mga kaapu-apuhan! Kung mayroong isang taong susubukang bilangin ang alikabok, ganito rin niya bibilangin ang iyong mga kaapu-apuhan.
|
|||
|
\v 17 Lakarin mo ang lupain sa bawat direksyon dahil ibibigay ko ang lahat ng ito sa iyo."
|
|||
|
\v 18 Kaya niligpit ni Abram ang kaniyang mga tolda at lumipat sa Hebron at nanahan sa may malalaking punongkahoy ni Mamre. Itinayo niya ang batong altar doon para gumawa ng mga alay kay Yahweh.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 14
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 May apat na mga hari na magkakampi. Sila ay sina Haring Amrafel ng Babilonia, Haring Arioc ng Elasar, Haring Kedorlaomer ng Elam, Haring Tidal ng Goyim.
|
|||
|
\v 2 Naghanda sila sa paglusob sa isang grupo ng limang mga hari: Haring Bera ng Sodoma, Haring Birsha ng Gomorra, Haring Shinab ng Adma, Haring Shemeber ng Zeboim, at ang hari ng Bela, ang lungsod na tinatawag na ngayong Zoar.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Nagsama-sama 'yung limang mga hari at ang kanilang mga hukbo sa Lambak ng Sidim, na tinatawag din na lambak ng Dagat Patay, para labanan ang apat na mga hari at ang kanilang mga hukbo.
|
|||
|
\v 4 Sa loob ng labindalawang taon si Haring Kedorlaomer ang namuno sa kanila. Pero nang ikalabintatlong taon, naghimagsik sila laban kay Haring Kedorlaomer at tumanggi nang magbigay ng buwis sa kaniya.
|
|||
|
\v 5 Nang sumunod na taon, pinagtipon-tipon nina Haring Kedorlaomer at ng iba pang mga hari na kasama niya ang kanilang mga hukbo at sinimulang pumunta sa lugar ng limang mga hari. Natalo nila ang mga Refaita sa Astarot Carnaim, ang mga Zuzita sa Ham at ang mga Emita sa Save-Kiryatam.
|
|||
|
\v 6 Natalo rin nila ang mga Horeo na nasa kanilang burol na lugar ng Seir hanggang El Paran na malapit sa disyerto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos umikot sila at pumunta sa Enmispat, na tinatawag na ngayong Kades. Sinakop nila ang lahat ng lupaing pag-aari ng mga Amalekita at ang mga Amoreo na naninirahan sa Hasason Tamar.
|
|||
|
\v 8 Pagkatapos nagmartsa ang mga hukbo ng mga hari ng Sodoma, Gomorra, Adma, Zeboim at Bela para labanan ang mga hukbo ng apat na mga hari sa lambak ng Sidim.
|
|||
|
\v 9 Nakipaglaban sila sa mga hukbo nina Kedorlaomer ang hari ng Elam, Tidal ang hari ng Goyim, Amrafel ang hari ng Sinar, at Arioc ang hari ng Elasar. Ang mga hukbo ng apat na mga hari ay nakipagdigmaan laban sa mga hukbo ng limang mga hari.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Ang lambak ng Sidim ay puno ng mga hukay na may alkitran. Kaya maraming tauhan mula sa mga hukbo ng mga hari ang nahulog doon nang sinubukan nilang tumakas. Ang iba ay nakaligtas at tumakas patungo sa mga burol.
|
|||
|
\v 11 Habang tumatakas sila, kinuha ng kanilang mga kaaway ang lahat ng mga mahahalagang bagay sa Sodoma at Gomorra, pati na ang lahat ng mga pagkain.
|
|||
|
\v 12 Binihag din nila ang pamangkin ni Abram na si Lot at ang kaniyang mga ari-arian, yamang nakatira siya sa Sodoma nang panahong iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Nung panahong iyon, naninirahan si Abram malapit sa malalaking punongkahoy na pag-aari ni Mamre, na pag-aari ng angkan ng Amor. Gumawa ng kasunduan si Abram kina Mamre at sa kaniyang dalawang lalaking kapatid na sina Escol at Aner, na magtutulungan sila sakaling mayroong digmaan.
|
|||
|
\v 14 Ang isa sa mga tauhang nakatakas mula sa digmaan ay nakapagsumbong kay Abram na Hebreo kung anong nangyari, pati na ang pagkakabihag ng kaaway sa kaniyang pamangkin na si Lot. Kaya pinatawag ni Abram ang 318 tauhan na kaniyang mga lingkod, mga tauhan na naging kasama ni Abram mula nang maipinanganak sila at mga bihasa sa pakikipaglaban. Sama-sama silang pumunta at tumugis sa mga kaaway hanggang sa lungsod ng Dan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Kinagabihan, pinaghiwa-hiwalay ni Abram ang kaniyang mga tauhan sa ilang mga grupo at nilusob ang kanilang mga kaaway mula sa iba't ibang mga direksiyon at tinalo sila. Hinabol nila ang mga kaaway hanggang sa Hoba na nasa hilaga ng lungsod ng Damasco.
|
|||
|
\v 16 Nabawi ng mga tauhan ni Abram ang lahat ng mga nakuhang mga kagamitan. Nailigtas rin nila si Lot at ang lahat ng kaniyang mga ari-arian pati na ang mga kababaihan at iba pang mga nakuha ng mga kaaway.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Habang pauwi si Abram matapos niya at ng kaniyang mga tauhang talunin ang mga hukbo ni Haring Kedorlaomer na kasama ang iba pang mga hari sa pakikipaglaban, pumunta ang Hari ng Sodoma sa hilaga para katagpuin siya sa Lambak ng Save, na tinatawag din ng mga tao na Lambak ng Hari.
|
|||
|
\v 18 Si Melquisedec, hari ng lungsod ng Salem, ay pari rin ng Kataas-taasang Diyos. Nagdala siya ng ilang tinapay at alak kay Abram.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos pinagpala niya si Abram at sinabing, "Hinihingi ko sa kataastaasang Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa na pagpalain ka.
|
|||
|
\v 20 Pinupuri ko ang kataastaasang Diyos dahil siya ang dahilan kung bakit natalo mo ang iyong mga kaaway." Pagkatapos nagbigay si Abram kay Melquisedec ng ikapu ng lahat ng mga bagay na kaniyang nakuha.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Sinabi ng Hari ng Sodoma kay Abram, "Sa iyo na ang lahat ng mga kagamitang nabawi mo. Basta hayaan mong bawiin ko ang aking mga mamamayan na iyong nabihag."
|
|||
|
\v 22 Pero sinabi ni Abram sa Hari ng Sodoma, "Taimtim akong nangako kay Yahweh, kataas-taasang Diyos, siyang lumikha ng langit at lupa,
|
|||
|
\v 23 na hindi ako kukuha ng kahit na isang sinulid o sintas ng sandalyas mula sa kahit na anong pag-aari mo. Nang sa gayun hindi ka makakapagsabing, 'Ako ang dahilan ng pagyaman ni Abram.'
|
|||
|
\v 24 Ang tanging bagay na tatanggapin ko ay ang mga nakain ng aking mga tauhan. Pero sumabay sa akin at nakipaglaban din kasama ko sina Aner, Escol, at Mamre, kaya't hayaan mo silang kunin ang kanilang bahagi mula sa mga kagamitan na aming naidala pabalik.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 15
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Kinalaunan, nagkaroon ng pangitain si Abram na kinausap siya ni Yahweh at sinabing, "Huwag kang matakot sa anumang bagay, ipagtatanggol kita at bibigyan kita ng dakilang gantimpala."
|
|||
|
\v 2 Pero sumagot si Abram "Panginoong Yahweh, paano mo maibibigay sa akin ang aking gusto, dahil wala akong mga anak, at ang magmamana ng lahat ng aking mga ari-arian ay ang aking lingkod na si Eliezer, mula sa Damascus!"
|
|||
|
\v 3 At sinabi rin ni Abram, "Hindi mo ako pinagkalooban ng mga anak, kaya isang lingkod sa aking sambahayan ang magmamana ng lahat ng bagay na mayroon ako!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Sumagot si Yahweh, Hindi! Hindi siya ang magmamana nito. Sa halip, ikaw mismo ang magiging ama ng natatanging tagapagmana ng lahat na mayroon ka."
|
|||
|
\v 5 Pagkatapos dinala ni Yahweh sa labas si Abram sa kaniyang tolda at sinabi, "Tumingin ka sa langit! Kaya mo bang bilangin ang mga bituin? Hindi, hindi mo silang kayang bilangin dahil napakarami ng mga ito, at ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging kasing rami ng mga bituin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Naniwala si Abram na mangyayari ang sinabi ni Yahweh. Dahil dito, itinuring siya ni Yahweh na matuwid.
|
|||
|
\v 7 Sinabi rin ni Yahweh sa kaniya, "Ako si Yahweh. Ako ang nagdala sa iyo mula Ur, sa lupain ng Caldea. Dinala kita rito para ibigay sa iyo ang lupaing ito para ariin."
|
|||
|
\v 8 Pero tumugon si Abram, "Panginoong Yahweh, paano ko matitiyak na maaangkin ko ang lupaing ito?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Sinabi ng Diyos sa kaniya, "Magdala ka ng isang tatlong taong gulang na dumadalagang baka at isang tatlong taong gulang na kambing sa akin at isang kalapati at isang pitson."
|
|||
|
\v 10 Kaya dinala ni Abram ang lahat ng mga ito. Pinatay niya ang mga ito at hiniwa ng tigkakalahati ang mga hayop. Inalagay niya sa magkabilang gilid ang bawat kalahating bahagi nito. Pero hindi niya hinati ang pitson at kalapati.
|
|||
|
\v 11 Dumapo ang mga ibon na kumakain ng mga patay na hayop para kainin ang mga ito, pero itinaboy sila ni Abram.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nang lumulubog na ang araw, nakatulog ng mahimbing si Abram at biglang dumilim ang buong paligid niya at ito ay nakakatakot.
|
|||
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Abram, "Gusto kong malaman mo na mamumuhay bilang mga dayuhan ang iyong mga kaapu-apuhan sa isang lupain na hindi kanila. Magiging alipin sila ng mga may-ari ng lupaing iyon Pagmamalupitan sila ng mga may-ari ng lupain sa loob ng apatnaraang taon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pero paparusahan ko ang mga mamamayan ng bansa iyon kung saan sila naging mga alipin. Pagkatapos lilisanin ng iyong mga kaapu-apuhan ang bansang iyon na may dala-dalang mga ari-arian.
|
|||
|
\v 15 Pero ikaw, mapayapa kang mamamatay at ililibing kapag ikaw ay napakatanda na.
|
|||
|
\v 16 Pagkatapos na maging alipin ng iyong mga kaapu-apuhan ng apatnaraang taon, babalik sila rito. Sila ang mamamahala sa lupaing ito at tatalunin nila ang mga mamamayan sa Amor. Hindi pa ito mangyayari, dahil hindi pa naging sukdulan ang kasamaan ng mga mamamayan ng Amor para mapasurahan ko sila ng ganoon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Nang lumubog na ang araw at madilim na, sa hindi inaasahan, isang nagliliyab na sulo at palayok na may nagbabagang uling na kung saan nanggagaling ang usok na umaangat ay lumitaw at pumunta sa pagitan ng mga hinati ng mga hayop.
|
|||
|
\v 18 Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram. Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Ibibigay ko sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng lupain sa gitna ng ilog na nasa hangganang silangan ng Ehipto hanggang sa timog, at ang hilaga hanggang ilog ng Eufrates.
|
|||
|
\v 19 Ito ang lupain kung saan naninirahan ang mga mamamayan ng Ken, Keniz, Kidmon,
|
|||
|
\v 20 Heth, Perez, Repha,
|
|||
|
\v 21 Amor, Canaan, Gerges, at Tebus.”
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 16
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Hanggang sa mga panahong iyon, hindi pa rin nagkaanak ang asawa ni Abram na si Sarai para kay Abram. Pero mayroon siyang alipin na babae na taga-Ehipto na ang pangalan ay Agar.
|
|||
|
\v 2 Sinabi ni Sarai kay Abram, "Makinig ka sa akin! Hindi ako pinahintulutan ni Yahweh na magkaanak. Kaya sipingan mo ang aking alipin na si Agar. Marahil maaari siyang magkaanak na maaari maging akin." At sumang-ayon si Abram sa sinabi ni Sarai.
|
|||
|
\v 3 Nangyari ito makalipas ang sampung taon mula ng pumunta sina Abram at Sarai para manirahan sa lupain ng Canaan. Sa ganitong paraan kinuha ni Abram si Agar na alipin ni Sarai na taga-Ehipto, para kaniyang maging pangalawang asawa.
|
|||
|
\v 4 Kaya sinipingan niya si Agar at nagdalang-tao ito. Nang nalaman niyang nagdadalang-tao siya, sinimulan niyang hamakin ang kaniyang among si Sarai.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, "Kasalanan mo ito! Ipinaubaya ko sa iyong bisig ang aking alipin para iyong sipingan. Ngayon siya ay nagdadalang-tao at hinahamak niya ako dahil wala akong anak. Nawa makita ni Yahweh na nagkasala ka dahil sa ginawa mong ito sa akin!"
|
|||
|
\v 6 Kaya sinabi ni Abram kay Sarai, "Makinig ka sa akin! Siya ay iyong alipin, dapat mo siyang pakitunguhan sa alam mong pinakamabuting paraan." Pagkatapos nagsimula ang pagmamalupit ni Sarai sa kaniya, kaya sila Hagar ay tumakas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pinuntahan siya ng anghel ni Yahweh sa tabi ng isang bukal na tubig sa disyerto. Isa itong bukal na nasa tabi ng daanan na papuntang Shur.
|
|||
|
\v 8 Sinabi niya sa kaniya, "Agar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka papunta?" Sumagot siya, "Tumakas ako mula kay Sarai na aking amo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Sinabi ng anghel ni Yahweh, "Bumalik ka sa iyong among babae at patuloy kang sumunod sa kaniya."
|
|||
|
\v 10 Sinabi rin ng anghel ni Yahweh sa kaniya, "Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na walang ni isa ang makakabilang nito!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Sinabi rin ng anghel ni Yahweh sa kaniya, "Pakinggan mo ito! Ikaw ay nagdadalang-tao. Ipanganganak mo ang isang batang lalaki. Dapat pangalanan mo siyang Ismael, na ang ibig sabihin ay 'Nakikinig ang Dios', dahil narinig ni Yahweh ang iyong pag-iyak dahil sa nararamdaman mong matinding kalungkutan.
|
|||
|
\v 12 Pero ang iyong anak ay magiging isang mailap na asno na hindi mapipigilan. Kakalabanin niya ang lahat at kakalabanin siya ng lahat. Maninirahan siya nang malayo mula sa lahat ng kaniyang kamag-anak."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Sinabi ni Agar sa kaniyang sarili," Patuloy akong mamumuhay, kahit nakikita ako ni Yahweh". Kaya tinawag niya si Yahweh na“Ang Diyos na nakakita sa akin."
|
|||
|
\v 14 Dahil dito tinawag ng mga tao ang balon na Beer lahai ro," na ang ibig sabihin, ang balon ng isang nabubuhay na nakakita sa akin!" Nandoon pa rin iyon, sa pagitan ng Kades at Bered.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Kinalaunan nagsilang si Agar ng isang anak na lalaki para kay Abram at siya ay pinangalanan niyang Ismael.
|
|||
|
\v 16 Walumput-anim na taong gulang si Abram nang isilang ni Agar ang anak na lalaki ni Abram na si Ismael.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 17
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, muling nagpakita si Yahweh kay Abram at sinabi sa kaniya, "Ako ang Diyos na makapangyarihan. Gusto kong mamuhay ka sa paraan na gusto ko. Gusto ko na huwag kang gumawa ng anumang hindi tama.
|
|||
|
\v 2 Pagtitibayin ko ang aking tipan sa pagitan natin, at idudulot kong magkaroon ka ng napakaraming bilang ng kaapu-apuhan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Lumuhod si Abram na nakasayad ang mukha sa lupa. Pagkatapos sinabi ng Diyos sa kanya,
|
|||
|
\v 4 "Pakinggan mo ito! Ito ang tipan na gagawin ko sa iyo: Ikaw ay magiging ama ng maraming pangkat ng mga tao.
|
|||
|
\v 5 Hindi na magiging Abram ang pangalan mo. Sa halip, ang iyong magiging pangalan ay Abraham, dahil gagawin kitang ama ng maraming pangkat ng mga tao.
|
|||
|
\v 6 Idudulot ko na ikaw ay magkaroon ng napakaraming kaapu-apuhan, at idudulot ko rin na kabilang dito ang mga bansa at mga hari.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Gagawin ko ang tipan na ito sa pagitan ko at sa iyo at sa mga susunod na salinlahi ng iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman. Dahil sa tipang ito, kayo ay sasamba at susunod sa akin bilang Diyos, gayundin ang iyong mga kaapu-apuhan.
|
|||
|
\v 8 Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan ang lupain ng Canaan, ang buong lupain ng Canaan, kung saan naninirahan kayo ngayon. Magiging walang hanggang pag-aari ito para sa kanila, at ako ang kanilang magiging Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Abraham, "Ngayon dapat mong ingatan ang bahagi ng tipan na ginawa ko sa iyo, dapat sundin din ito ng iyong mga kaapu-apuhan, para sa lahat ng mga salinlahi.
|
|||
|
\v 10 Ito ay kailangan sa tipan na aking gagawin sa pagitan ko at sa iyo at lahat ng iyong mga kaapu-apuhan: Ang bawat lalaki sa inyo ay dapat matuli.
|
|||
|
\v 11 Ang paghiwa ng kanilang mga balat ay magiging palatandaan na tinatanggap mo ang tipan na aking ginawa sa iyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Bawat batang lalaki sa inyo ay dapat matuli pagdating ng ikawalong araw na gulang, at sa lahat ng darating pang mga salinlahi. Kasama na roon ang mga batang lalaki sa iyong sambahayan at mga ipinanganak mula sa mga alipin na nabili, at mga dayuhan na naninirahan sa inyo pero hindi kabilang sa iyong sambahayan.
|
|||
|
\v 13 Hindi mahalaga kung ang kanilang mga magulang ay kasapi ng iyong sambahayan o alipin na iyong binili; dapat silang lahat ay matuli. Ang iyong mga katawan ay magkakaroon ng tandang ito para ipakita na tinanggap mo ang walang hanggang tipan na aking ginawa.
|
|||
|
\v 14 Kailangan palayasin mo mula sa iyong komunidad ang sinumang lalaki na hindi pa natuli, dahil ang taong iyon ay sumuway sa aking tipan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Sinabi rin ng Diyos kay Abraham, "Tungkol naman kay Sarai, ang iyong asawa, hindi mo na siya kailanman tatawaging Sarai. Babaguhin ko na rin ang kanyang pangalan. Ang pangalan niya ngayon ay magiging Sara na.
|
|||
|
\v 16 Pagpapalain ko siya, at tiyak na magsisilang siya ng anak na lalaki para sa iyo. At pagpapalain ko siya nang lubos na siya ay magiging ninuno ng mga tao ng napakaraming mga bansa. Ang mga hari at mga pangkat ng mga tao ay magmumula sa kanya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Lumuhod si Abraham na nakasayad ang mukha sa lupa bilang paggalang sa Diyos. Pero tumawa siya, at sinabi sa kanyang sarili, "Maaari pa kayang maging ama ng batang lalaki ang isandaang taong gulang na? At dahil si Sara ay siyamnapung taong gulang na, paano pa kaya siya magdadalang tao"?
|
|||
|
\v 18 Pagkatapos sinabi ni Abraham sa Diyos, "Marahil hahayaan mong matanggap ni Ismael ang iyong pagpapala at magmana ng lahat ng aking pag-aari."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos sumagot ang Diyos, "Hindi! Ang iyong asawa na si Sara ay magkakaanak ng isang batang lalaki para sa iyo. Dapat mo siyang pangalanang Isaac. Itatatag ko ang aking tipan sa kanya, na magiging walang hanggang tipan sa kanya at sa kanyang mga kaapu-apuhan.
|
|||
|
\v 20 Tungkol naman kay Ismael, narinig ko ang kahilingan mo sa akin na gawin ko para sa kanya. Pagpapalain ko siya para magkaroon din siya ng napakaraming kaapu-apuhan. Kabilang sa kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging pinuno ng labindalawang lipi. At idudulot kong maging isang dakilang bansa ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
|
|||
|
\v 21 Pero kay Isaac ko itatatag ang aking tipan—kay Isaac, ang batang lalaki na isisilang ni Sara sa ganitong panahon sa susunod na taon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Nang matapos makipag-usap ang Diyos kay Abraham, naglaho ang Diyos sa kanyang paningin.
|
|||
|
\v 23 Sa parehong araw na iyon, kinuha ni Abraham ang kanyang anak na lalaki na si Ismael at ang lahat ng mga anak na lalaki na naroon sa kanyang sambahayan, kabilang ang mga anak na lalaki ng mga alipin na kanyang binili, at tinuli sila. Hiniwa niya ang kanilang mga balat, gaya ng sinabi ng Diyos na kanyang gawin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Si Abraham ay natuli nang siya ay siyamnapu't-siyam na taong gulang,
|
|||
|
\v 25 at labintatlong taong gulang naman si Ismael nang siya ay tinuli.
|
|||
|
\v 26 Sa parehong araw tinuli sina Abraham at kanyang anak na si Ismael.
|
|||
|
\v 27 Lahat ng mga lalaki sa kanyang sambahayan, ang mga isinilang doon at ang mga nabili ni Abraham mula sa mga dayuhan, ay tinuli rin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 18
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Isang araw sa taon na iyon, sa oras na napakainit ng araw, nagpakita ulit si Yahweh kay Abraham malapit sa malalaking puno na pagmamay-ari ni Mamre. Nakaupo si Abraham sa pasukan ng kanyang tolda.
|
|||
|
\v 2 Tumingala si Abraham at nagulat ng makita niya ang tatlong lalaki na nakatayo malapit sa kanya. Nang makita niya sila, tumakbo siya para salubungin sila. Nagpatirapa siya sa lupa bilang panggalang.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Sinabi niya sa isa sa kanila, "Panginoon, kung nalulugod kayo sa akin, manatili muna kayo rito nang ilang sandali.
|
|||
|
\v 4 Hayaan mong magdala ang aking mga lingkod ng kaunting tubig at mahugasan ang inyong mga paa, at pagkatapos makapagpahinga kayo sa ilalim ng punong ito.
|
|||
|
\v 5 Yamang pumunta kayo rito sa akin, hayaan niyong dalhan ko kayo ng pagkain nang sa gayon manumbalik ang inyong lakas bago kayo umalis." Sumagot ang mga lalaki, "O sige, gawin mo ang iyong sinabi."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Pagkatapos nagmadali si Abraham na pumunta sa tolda at sinabi kay Sara, "Bilis, kumuha ka ng dalawampung kilo ng ating pinakamainam na harina at gumawa ka ng ilang tinapay!"
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos tumakbo siya sa kawan ng mga baka at pumili ng isang guya na ang karne ay malambot at malasa. Binigay niya ito sa isa sa kanyang mga lingkod, na nagmadaling patayin at lutuin ito.
|
|||
|
\v 8 Nang maluto na ang karne, kumuha si Abraham ng kaunting keso, gatas, at ang karne na inihanda ng kaniyang lingkod. Inihain niya ang mga ito sa kanilang harapan. Pagkatapos tumayo siya malapit sa kanila sa ilalim ng puno habang sila ay kumakain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos nilang kumain, siya ay tinanong nila, "Nasaan ang iyong asawang si Sara?" Sumagot siya, "Siya ay nasa tolda."
|
|||
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ng pinuno sa grupo, "Babalik ako sa iyo sa tagsibol sa susunod na taon, at makinig ka, ang asawa mong si Sara ay magkakaroon ng sanggol na lalaki." Nangyari ito na nakikinig si Sara sa pasukan ng tolda, na nasa likuran ng nagsasalitang lalaki.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ngayon napakatanda na ni Abraham at Sara, at lumipas na ang panahon nang pagbubuntis ni Sara.
|
|||
|
\v 12 Kaya tinawanan ni Sara ang kanyang sarili, at napaisip, "Pagod na ang aking katawan, at matanda na ang aking asawa. Kaya paano pa ako magagalak na magkaroon ng sanggol?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Sinabi ni Yahweh kay Abraham, "Bakit tumawa si Sara? Bakit iniisip niya na, 'Matanda na ako, kaya paano pa ako magkakaanak'?
|
|||
|
\v 14 Mayroon bang mahirap para sa akin? Babalik ako sa ganitong panahon sa susunod na taon ng tagsibol, ang itinakda kong panahon, at magkakaroon si Sara ng sanggol na lalaki."
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos natakot si Sara, kaya nagsinungaling siya at sinabi, "Hindi ako tumawa." Pero sinabi ni Yahweh, "Huwag mo itong ipagkaila! Ikaw ay tumawa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nang tumayo na ang tatlong lalaki para umalis, tumingin sila sa ibaba sa lambak patungo sa lungsod ng Sodoma. Lumalakad si Abraham kasama nila para sabihing "Paalam" sa kanila.
|
|||
|
\v 17 Sinabi ni Yahweh sa kanyang sarili, "Para sa akin hindi tama na pigilan ko si Abraham na malaman kung ano ang binabalak kong gawin.
|
|||
|
\v 18 Ang mga kaapu-apuhan ni Abraham ay magiging isang dakila at makapangyarihang pangkat ng mga tao. At mga tao sa lahat ng pangkat ng mga tao ay pagpapalain dahil sa ginawa ko sa kanya.
|
|||
|
\v 19 Pinili ko siya para pangunahan niya ang kanyang mga anak at kanilang pamilya nang sa gayon ay sundin nila ako at gawin kung ano ang tama at makatarungan, para gawin ko kay Abraham ang aking ipinangakong gagawin para sa kanya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Kaya sinabi ni Yahweh kay Abraham, "Narinig ko ang mga katakot-takot na bagay na sinabi ng ilang mga tao tungkol sa mga tao sa Sodoma at Gomora. Napakalaki na ng kanilang mga kasalanan.
|
|||
|
\v 21 Kaya bababa ako ngayon, at titingnan ko kung ang lahat ng nakakatakot na mga bagay na narinig ko ay totoo o hindi."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Pagkatapos tumalikod ang dalawang lalaki at nagsimulang maglakad patungo sa Sodoma. Pero nanatiling nakatayo si Abraham sa harapan ni Yahweh.
|
|||
|
\v 23 Si Abraham ay lumapit sa kanya at sinabi, "Lilipulin mo ba talaga ang mga tao na walang ginawang mali kasama ng mga makasalanan?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Anong gagawin mo kung mayroong limampung tao sa lungsod na walang ginawang mali? Lilipulin mo ba talaga silang lahat, at hindi kaaawaan ang lungsod para sa kapakanan ng limampung tao na walang ginawang mali?
|
|||
|
\v 25 Tiyak na hindi mo magagawa ang mga bagay na ito, na patayin ang mabubuting tao kasama ang mga makasalanan, at ituring ang mabubuting tao at mga makasalanan sa parehong pamamaraan. Hindi mo magagawa iyon, dahil ikaw, na humahatol sa bawat isa sa sanlibutan, ay tiyak na gagawin mo kung ano ang nararapat para sa mga tao sa Sodoma!"
|
|||
|
\v 26 Sumagot si Yahweh, "Kung makakita ako ng limampung tao sa Sodoma na walang ginawang mali, kaaawaan ko ang buong lugar alang-alang sa kanilang kapakanan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Sumagot si Abraham, "Hindi dapat ako mangahas gaya nito at makiusap sayo, aking Panginoon, dahil wala akong halaga gaya ng alikabok at mga abo.
|
|||
|
\v 28 Pero anong gagawin mo kung mayroon lamang apatnapu't lima na walang ginawang mali? Lilipulin mo ba ang bawat isa sa buong lungsod dahil mayroong apatnapu't lima lamang at hindi limampu ang mabubuting tao?" Sumagot si Yahweh, "Hindi ko ito lilipulin kung may makita akong apatnapu't limang mabubuting tao."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Patuloy na nakipag-usap si Abraham sa kanya katulad nito, sinabi niya, "Anong gagawin mo kung mayroon lamang apatnapung mabubuting tao roon?" Sumagot si Yahweh, "Hindi ko sila lilipuling lahat alang-alang sa kapakanan ng apatnapu."
|
|||
|
\v 30 Sinabi ni Abraham, "Pakiusap huwag kang magalit ngayon. Hayaan mong magsalita ako ulit. Anong gagawin mo kung mayroon lamang tatlumpung mabubuting tao roon?" Sumagot siya, "Hindi ko ito gagawin kung mayroon akong makikitang tatlumpung mabubuting tao roon."
|
|||
|
\v 31 Sinabi ni Abraham, "Hindi ako dapat mangahas at kausapin ka gaya nito, aking Panginoon. Pero anong gagawin mo kung mayroon lamang dalawampung mabubuting tao roon?" Sumagot siya, "Hindi ko lilipulin ang buong lungsod, alang-alang sa kapakanan ng dalawampu."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Sinabi ni Abraham, "Aking Panginoon, huwag kayong magagalit ngayon. Hayaan mo akong magsalita ng isa pang pagkakataon. Ano ang gagawin mo may makikita ka na sampung mabubuting tao roon?" Sumagot si Yahweh, "Hindi ko lilipulin ang lungsod alang-alang sa sampu na naroon."
|
|||
|
\v 33 Wala ng sinabi si Abraham. Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Yahweh kay Abraham, umalis siya, at si Abraham ay umuwi na sa kanyang tahanan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 19
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang gabing iyon, dumating sa Sodoma ang dalawang anghel. Nakaupo si Lot sa pintuang daan ng lungsod. Nang makita niya sila, tumayo siya para batiin sila at nagpatirapa siya nang nakasayad ang kanyang mukha sa lupa.
|
|||
|
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "Mga Ginoo, pakiusap manatili muna kayo sa aking bahay ngayong gabi. Maaari ninyong hugasan ang inyong mga paa at bukas ng umaga maaari niyo ng ipagpatuloy ang inyong paglalakbay." Pero ang sinabi nila, "Hindi, sa liwasan na lang kami ng bayan matutulog.
|
|||
|
\v 3 Pero pinagpilitan nang husto ni Lot na matulog sila sa kanyang bahay. Kaya pumasok sila sa kaniyang bahay kasama siya at naghanda siya ng pagkain para sa kanila. Naghurno siya ng ilang tinapay na walang lebadura at kinain nila ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Pagkatapos nilang kumain, bago sila pumunta sa higaan, ang mga lalaki sa lungsod ng Sodoma, lahat sila, magmula sa mga bata hanggang sa matatanda, ay pinalibutan ang bahay.
|
|||
|
\v 5 Tinawag nila si Lot at sinabing, "Nasaan ang mga lalaki na pumasok sa bahay mo ngayong gabi? Ilabas niyo sila para masipingan namin sila!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Lumabas ng bahay si Lot at kanyang sinarado ang pintuan sa likod niya para hindi sila makapasok sa loob.
|
|||
|
\v 7 Sinabi niya sa kanila, "Mga kaibigan, huwag kayong gumawa ng ganyang kasamaan!
|
|||
|
\v 8 Pakinggan ninyo ako. Mayroon akong dalawang anak na babae na wala pang sinumang lalaki na sumiping sa kanila. Hayaan ninyo na ilabas ko sila ngayon at maaari niyong gawin sa kanila ang anumang makapagpaligaya sa inyo. Pero huwag kayong gagawa ng anumang bagay sa mga lalaking ito, dahil mga panauhin ko sila na nasa loob ng aking bahay kaya dapat ko silang pangalagaan!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pero sumagot sila, "Umalis ka sa aming daanan! Ikaw ay isang dayuhan; kaya wala kang karapatan na sabihin sa amin kung ano ang tama! Gagawa kami ng higit na masasamang bagay sa iyo kaysa sa gagawin namin sa kanila!" Kaya sinugod nila si Lot at sinubukang pilitin na sirain ang pintuan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Pero maingat na binuksan ng dalawang anghel ang pintuan at inabot nila ang kanilang mga kamay at hinila si Lot papasok ng bahay. Pagkatapos, mabilis nilang isinara ang pintuan.
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos, binulag nila ang mga lalaki na nasa labas ng bahay, bata at matanda, para hindi nila makita ang pintuan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Kaya sinabi ng dalawang anghel kay Lot, "Sino pa ang kasama mo rito? Kung mayroon kang mga anak na lalaki o mga manugang o mga anak na babae o iba pang may kaugnayan sa iyo na narito sa loob ng lungsod, ilabas mo na sila rito,
|
|||
|
\v 13 dahil wawasakin namin ang lugar na ito. Narinig ni Yahweh ang mga kasamaang sinasabi ng karamihan sa mga tao rito tungkol sa lungsod na ito at ipinadala niya kami para wasakin ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Kaya lumabas si Lot at kinausap ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang dalawang anak na babae. Sinabi niya sa kanila, "Bilisan ninyo! Umalis na kayo sa lungsod na ito dahil wawasakin na ito ni Yahweh. Pero inisip ng mga manugang niya na nagbibiro lamang si Lot.
|
|||
|
\v 15 Nang mag-uumaga na, hinimok ng dalawang anghel si Lot at sinabing, "Bilisan mong bumangon! Kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na kasama mo at umalis na kayo! Kung hindi ninyo ito gagawin, mapapahamak kayo kapag winasak na namin ang lungsod na ito!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nang mag-alinlangan si Lot, hinila ng mga anghel ang kanyang kamay, ang kamay ng kanyang asawa at ang mga kamay ng kanyang dalawang anak na babae. Sila ay pinangunahan nila nang ligtas sa labas ng lungsod. Ginawa ito ng mga anghel dahil mahabagin si Yahweh sa kanila.
|
|||
|
\v 17 Nang nasa labas na sila ng lungsod, sinabi ng isa sa mga anghel, "Kung gusto ninyong manatiling buhay, tumakbo kayo nang mabilis! Huwag kayong lilingon! At huwag kayong hihinto kahit saan sa kapatagan! Tumakas kayo sa mga bundok! Kung hindi, mamamatay kayo!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Pero sinabi ni Lot sa isa sa kanila, "Hindi, ginoo, huwag mong hayaang gawin ko iyan!
|
|||
|
\v 19 Pakiusap, makinig ka. Naging katanggap-tanggap ako sa inyo at naging napakabait ninyo sa akin at iniligtas ang aking buhay. Pero hindi ako makakatakas sa bundok. Kung susubukan kong gawin iyan, mamamatay din ako sa sakuna.
|
|||
|
\v 20 Pakinggan ninyo ako. Mayroong bayan na malapit dito. Hayaan ninyo akong tumakbo papunta roon ngayon. Maliit lamang ang bayan na ito, at kung hindi ninyo ito wawasakin, maliligtas ang buhay namin kung pupunta kami roon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Sinabi ng isa sa mga anghel kay Lot, "Papayagan kita na gawin kung ano ang iyong kahilingan. At hindi ko rin wawasakin ang bayan na iyong nabanggit.
|
|||
|
\v 22 Pero magmadali kayo! Tumakbo na kayo roon, dahil hindi ko mawawasak ang anumang bagay hangga't hindi kayo nakararating doon." Hindi nagtagal tinawag ng mga tao na Zoar ang bayan na ito na ang ibig sabihin ay 'maliit,' dahil sabi ni Lot na maliit lang ang bayan na ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Habang sumisikat ang araw, dumating si Lot at ang kanyang pamilya ay dumating sa bayan na tinawag ngayon na Zoar.
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos, hinayaan ni Yahweh na bumagsak ang apoy at nasusunog na asupre sa Sodoma at Gomorah na parang ulan mula sa langit.
|
|||
|
\v 25 Sa ganoong paraan, winasak niya ang mga lungsod na iyon at lahat ng tao na nakatira sa mga lungsod na iyon. Winasak rin niya ang lahat ng bagay sa kapatagan kasama na ang lahat ng mga pananim.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Pero huminto at lumingon ang asawa ni Lot para tingnan kung ano ang nangyayari, kaya namatay siya at hindi nagtagal ang kanyang katawan ay naging isang posteng asin.
|
|||
|
\v 27 Sa umagang iyon, tumayo si Abraham at nagpunta sa lugar kung saan siya tumayo sa harapan ni Yahweh.
|
|||
|
\v 28 Tumingin siya pababa patungo sa Sodoma at Gomora at nagulat siya sa nakita niya sa buong kapatagan, pumapaitaas ang usok tulad ng malawak na usok sa isang napakalaking pugon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Kaya nang wasakin ng Diyos ang mga lungsod na iyon sa kapatagan, hindi niya nakalimutang tulungan si Abraham, at iniligtas niya si Lot mula sa sakuna na nangyari sa loob ng mga lungsod kung saan nanirahan si Lot.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Natakot si Lot na manatili sa Zoar, kaya umalis siya roon at nagtungo kasama ang kanyang dalawang anak na babae sa bundok at doon sila nanirahan sa isang kuweba.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Isang araw, sinabi ng nakakatandang anak na babae sa kanyang kapatid na nakababata, "Matanda na ang ating ama at wala ng lalaki sa lugar na ito na sisiping sa atin katulad ng ginagawa ng mga tao sa buong mundo.
|
|||
|
\v 32 Painumin natin ng alak ang ating ama hanggang malasing siya. Pagkatapos maaari tayong sumiping sa kanya nang hindi niya namamalayan. Sa ganoong paraan mabubuntis niya tayo at magsisilang ng mga anak na magiging kaapu-apuhan ng ating ama.
|
|||
|
\v 33 Kaya nang gabing iyon, hinayaan nilang malasing ang kanilang ama. At ang nakakatandang anak na babae ay pumasok at sinipingan ang kanyang ama, pero sa sobrang kalasingan hindi niya alam kung kailan siya humiga kasama siya o kung kailan siya tumayo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Nang sumunod na araw, sinabi ng kanyang nakakatandang anak na babae sa kapatid niyang nakababata. "Makinig ka sa akin. Sinipingan ko kagabi ang ating ama. Hayaan nating malasing ulit siya ngayong gabi! Sa pagkakataong ito, ikaw naman ngayon ang pupunta at sisiping sa kanya. Kung sisiping siya sa iyo, mabubuntis ka at sa ganoong paraan magkakaroon ka rin ng isang anak.
|
|||
|
\v 35 Kaya nang gabing iyon, hinayaan nilang malasing ulit sa alak ang kanilang ama at pagkatapos pumasok ang kanyang nakababatang anak na babae at sinipingan ang kanyang ama. Dahil sa sobrang kalasingan, hindi niya ulit nalaman kung kailan siya humiga kasama siya o kung kailan siya tumayo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Kaya si Lot ang naging dahilan para mabuntis ang kanyang dalawang anak na babae.
|
|||
|
\v 37 Hindi nagtagal ang nakatatandang anak ay nagsilang ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Moab. Naging ninuno siya ng lipi ng mga tao ng Moab.
|
|||
|
\v 38 Ang nakababatang kapatid na babae naman ay nagsilang din ng isang anak na lalaki na pinangalanan niyang Ben Ammi. Naging ninuno siya ngayon ng mga tao na tinawag na lipi ng mga Amnon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 20
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Umalis si Abraham sa Mamre at nagtungo sa timog kanluran patungo sa disyerto ng Negeb. Nanirahan siya roon sa gitna ng Kadesh at Sur. Nanirahan siya bilang isang dayuhan sa bayan ng Gerar.
|
|||
|
\v 2 Habang naroon siya, sinabihan niya ang mga tao na kapatid niya si Sara, at hindi niya asawa. Pagkatapos, nagpadala si Haring Abimelech ng Gerar ng ilang mga tauhan para kunin si Sara, at dinala nila ito sa kanya para maging asawa niya.
|
|||
|
\v 3 Pero nagpakita si Yahweh kay Abimelech sa isang panaginip ng gabing iyon at sinabi sa kanya, "Makinig ka sa akin! Mamamatay ka dahil ang babaeng kinuha mo ay asawa ng ibang lalaki."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Pero hindi pa sumiping si Abimelech kay Sara, kaya sinabi niya, "Panginoon, yamang ang mga tao sa aking bansa at ako ay inosente, papatayin mo ba kami?
|
|||
|
\v 5 Sinabi sa akin ni Abraham, 'Siya ang aking kapatid,' at sinabi rin naman ng babae, 'kapatid ko siya.' Wala akong balak na gumawa ng anumang mali; ni nakagawa ng anumang mali."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Sabi ng Diyos sa kanya, "Oo, alam ko na ayaw mong gumawa ng anumang mali. Kaya nga hinadlangan kita na magkasala ka laban sa akin. Hindi ko hinayaang hawakan mo siya.
|
|||
|
\v 7 Kaya nga, ibalik mo ang asawa ng lalaki sa kanyang asawa, dahil isa siyang propeta. Ipananalangin ka niya para ikaw ay mabuhay. Pero kapag hindi mo siya ibinalik sa kanya, siguradong mamamatay ka at ang lahat ng kasapi sa iyong sambahayan ay tiyak na mamamatay rin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Kinaumagahan, tinawag ni Abimelech ang lahat ng kanyang mga pinuno at sinabi sa kanila ang lahat ng nangyari. Nang marinig nila ito takot na takot ang kanyang mga tauhan na parurusahan sila ng Diyos.
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos, ipinatawag ni Abimelech si Abraham, at sinabi sa kanya, "Hindi mo dapat ginawa ito sa amin! Mayroon ba akong maling ginawa sa iyo? Gusto mo ba na ako at ang aking mga tauhan ay magkaroon ng matinding kasalanan? Gumawa ka ng mga bagay sa akin na hindi mo dapat gawin!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Bakit mo ginawa ito?"
|
|||
|
\v 11 Sumagot si Abraham, "Sinabi ko na kapatid ko siya dahil naisip ko na ang mga tao sa lugar na ito ay hindi ginagalang ang Diyos. Siguradong gagawin nila ang mga maling bagay na ninanais nila. Kaya papatayin nila ako para kunin ang aking asawa.
|
|||
|
\v 12 At saka, maituturing ko na kapatid ko si Sara, dahil anak siya ng aking ama, kahit na hindi siya anak ng aking ina. Anak siya ng ibang babae at naging asawa ko siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Kinalaunan, nang sinabi ng Diyos sa akin na lisanin ang sambahayan ng aking ama, sinabi ko sa kanya, "Ito ang paraan na maipapakita mo sa akin ang katapatan mo: Saan man tayo makarating sabihin mo tungkol sa akin na, "Siya ay kapatid ko."
|
|||
|
\v 14 Kaya, nagdala si Abimelech ng ilang tupa at baka at ibinigay ang mga ito kay Abraham. Nagbigay din siya sa kanya ng ilang alipin na lalaki at alipin na babae. Pagkatapos, ibinalik niya si Sara asawa ni Abraham sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 At sinabi ni Abimelech sa kanya, "Tingnan mo! nasa harapan mo ang aking lupain. Tumira ka kahit saan mo naisin!"
|
|||
|
\v 16 At sinabi niya kay Sara, "Tingnan mo! Magbibigay ako ng isang libong pilak sa kapatid mo. Pagpapatunay ito na hindi na mapag-uusapan ulit ng kahit sino ang pangyayaring ito at sabihin na may nagawa kang anumang mali."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos, nanalangin si Abraham sa Diyos, at pinagaling ng Diyos ang asawa ni Abimelech at ang kanyang mga babaeng alipin para magkaroon sila ng mga anak.
|
|||
|
\v 18 Sinadya ito ni Yahweh para hindi na maaaring magkaanak kahit sinuman sa mga babae sa sambahayan ni Abimelech dahil kinuha ni Abimelech si Sara na asawa ni Abraham.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 21
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Naging mabuti si Yahweh kay Sara, gaya ng kanyang sinabi na kanyang gagawin. Tinupad niya kung ano ang kanyang pinangako kay Sara,
|
|||
|
\v 2 dahil nagbuntis si Sara at isinilang ang isang batang lalaki para kay Abraham kahit na napakatanda na nito, sa panahong pinangako ng Diyos na mangyayari ito.
|
|||
|
\v 3 Pinagalanan ni Abraham na “Isaac” ang batang lalaki na isinilang ni Sara.
|
|||
|
\v 4 Tinuli ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac sa ika-walong araw ng pagkasilang nito, ayon sa iniutos ng Diyos sa kaniya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nasa isandaang taong gulang si Abraham nang ipanganak ang kanyang anak na si Isaac.
|
|||
|
\v 6 Sinabi ni Sara, "Kahit na malungkot ako dati dahil wala akong anak, ngayon pinatawa ako ng Diyos nang may kagalakan, at ang lahat nang makakarinig sa ginawa ng Diyos sa akin ay tiyak na tatawa rin kasama ko."
|
|||
|
\v 7 Sinabi rin niya, "Walang sinuman ang makakapagsabi kay Abraham na ako'y mag-aalaga pa ng bata, gayunpaman nabigyan ko pa rin ng anak na lalaki si Abraham kahit na siya ay napakatanda na!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Lumaki ang bata. Dumating ang panahon na inawat ang bata sa pagsuso sa gatas ng kanyang ina. Sa araw na iyon, naghanda si Abraham ng isang malaking pista para magdiwang.
|
|||
|
\v 9 Isang araw napansin ni Sara na ang anak na lalaki ni Agar na si Ismael ay pinagtatawanan si Isaac.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Kaya sinabi niya kay Abraham, "Itaboy mo ang babaeng alipin na taga Ehipto at ang kanyang anak na lalaki! Hindi ako papayag na makuha ng anak ng babaeng alipin na iyan ang mamanahin ng anak kong si Isaac."
|
|||
|
\v 11 Labis itong ikinalungkot ni Abraham dahil nag-aalala rin siya tungkol kay Ismael na kanyang anak.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham, "Huwag kang malungkot tungkol sa iyong anak, na si Ismael, at tungkol sa iyong lingkod na si Agar. Pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ni Sara na iyong gagawin, at gawin mo ito, dahil si Isaac ang magiging ninuno ng mga kaapu-apuhan na pinangako kong ibibigay sa iyo.
|
|||
|
\v 13 Ngunit ang anak na lalaki ng iyong lingkod na si Agar ay magiging ninuno rin ng isang malaking lahi, dahil anak mo rin siya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Kaya bumangon si Abraham ng maaga. Naghanda siya ng kaunting pagkain, nilagyan ng tubig ang isang sisidlan, at binigay niya ito kay Agar. Isinabit niya ang lalagyan ng tubig sa balikat ni Agar, ibinigay niya rin si Ismael at pinaalis niya ang mag-ina tungo sa kasukalan ng Beer-seba.
|
|||
|
\v 15 Nang maubos ni Agar at ng kanyang anak ang lahat ng tubig na nasa sisidlan, nilagay niya ang bata sa ilalim mababang punong kahoy.
|
|||
|
\v 16 Pagkatapos umalis siya at umupo sa layo ng aaubitin ng isang pana. Sinabi niya sa kanyang sarili, "Hindi ko makakayang makitang mamatay ang aking anak!" Habang nakaupo siya roon, nagsimula siyang umiyak ng malakas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Kinalaunan, narinig ng Diyos ang tinig ni Ismael, kaya nagpadala siya ng isa sa kanyang mga anghel upang tawagin si Agar mula sa langit. Sinabi niya, "Agar, ano ang bumabagabag sa iyo? Huwag kang matakot, dahil narinig ng Diyos ang iyak ng bata sa kanyang kinaroroonan.
|
|||
|
\v 18 Tumayo ka, itayo mo ang bata at tulungan mo siyang maging matapang, dahil gagawin kong isang malaking bansa ang kanyang lipi."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos ipinakita sa kanya ng Diyos ang isang balon ng tubig. Kaya pinuntahan ni Agar ang balon at pinuno niya ng tubig ang lalagyan, at pinainom ang batang lalaki.
|
|||
|
\v 20 Tinulungan ng Diyos ang batang lalaki habang lumalaki siya sa ilang, at siya ay naging mahusay na mangangaso.
|
|||
|
\v 21 Nanirahan siya sa ilang ng Paran. Kumuha si Agar ng asawa para sa kaniya mula sa Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Sa panahong iyon, si Haring Abimelek at Ficol na pinuno ng kanyang hukbo ay kinausap si Abraham at nagsabing, "Tunay na tinutulungan ka ng Diyos sa lahat ng iyong mga ginagawa.
|
|||
|
\v 23 Kaya ngayon, taimtim kang mangako sa akin dito, habang nakikinig ang Diyos, na hindi mo ako dadayain pati na ang aking mga anak, o ang aking mga kaapu-apuhan. Ipangako mong magiging tapat ka sa akin at sa lahat ng mga taong nandito sa lupain kung saan ka naninirahan. Ipangako mong magiging tapat ka sa akin gaya ng pagiging tapat ko sa iyo."
|
|||
|
\v 24 Kaya nanumpa si Abraham na gagawin iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Nagreklamo rin si Abraham kay Abimelek patungkol sa isa sa mga balon na inagaw sa kanya ng mga lingkod ni Abimelek.
|
|||
|
\v 26 Ngunit sinabi sa kanya ni Abimelek, "Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng mga bagay na iyan. Hindi mo ito sinabi sa akin noon at ngayon ko lang narinig ito.
|
|||
|
\v 27 Kaya nagdala si Abraham ng ilang mga tupa at baka at binigay ang mga ito kay Abimelek, at taimtim silang nagkasundo na magkaroon ng kapayapaan sa pagitan nilang dalawa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Pumunta si Abraham sa kanyang kawan at pinili niya ang pitong babaeng tupa mula rito.
|
|||
|
\v 29 Tinanong ni Abimelek si Abraham, "Bakit mo binukod itong pitong babaeng tupa mula sa iyong kawan?"
|
|||
|
\v 30 Sumagot si Abraham, "Nais kong tanggapin mo itong pitong babaeng tupa mula sa akin. Sa ganitong paraan, ang aking handog para sa iyo ay maging patunay sa lahat na ang balon na ito ay akin dahil ako ang naghukay nito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Kaya tinanggap ni Abimelek ang mga tupa. Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon Beer-seba, na nangangahulugang 'Balon ng panunumpa,' dahil siya at si Abimelek ay sumumpa ng isang panunumpa roon upang maging mapayapa sa bawat isa.
|
|||
|
\v 32 Pagkatapos nilang ginawa ang kasunduan sa Beer-seba, si Abimelek at ang pinuno ng kanyang hukbo na si Ficol, ay umalis at bumalik sa lupain ng Filisteo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Nagtanim si Abraham doon ng isang punong kahoy na tamarisko at doon sinamba niya si Yahweh ang Diyos ng walang hanggan.
|
|||
|
\v 34 Nanatili si Abraham bilang isang dayuhan sa lupain ng Filisteo sa mahabang panahon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 22
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Pagkalipas ng ilang taon, sinubok ng Diyos si Abraham upang malaman kung susundin siya nito. Tinawag niya si Abraham, at sumagot si Abraham, "Narito ako."
|
|||
|
\v 2 Sinabi ng Diyos, "Ang iyong anak, na si Isaac, na iyong minamahal, ang nag-iisang anak na pinangako kong ibibigay sa iyo. Isama mo siya at pumunta kayo sa lupain ng Moria, umakyat kayo sa isang bundok na aking ipapakita sa iyo, at ialay mo siya bilang handog na susunugin.
|
|||
|
\v 3 Kaya bumangon si Abraham nang maaga kinaumagahan, hinanda ang kanyang asno na dala nito ang mga bagay na kakailanganin, at isinama niya rin ang dalawa sa kanyang mga lingkod na kasama ng kanyang anak na si Isaac. Nagsibak din siya ng ilang kahoy para panggatong sa handog na susunugin. Pagkatapos sinimulan nila ang paglalakbay patungo sa lugar na itinuro ng Diyos sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Sa ikatlong araw sa kanilang paglalakbay, tumingala si Abraham at natanaw niya sa may kalayuan ang lugar na nais ng Diyos na puntahan niya.
|
|||
|
\v 5 Sinabi ni Abraham sa kanyang mga lingkod, "Maiwan kayong dalawa dito kasama ang asno, ako at ang batang lalaki ay paparoon. Sasamba kami sa Diyos doon at pagkatapos babalik kami sa inyo.
|
|||
|
\v 6 Pagkatapos kinuha ni Abraham ang panggatong sa susunuging handog at ipinapasan kay Isaac. Dinala ni Abraham sa kanyang kamay ang pangsindi ng apoy. Dinala niya rin ang kutsilyo, at sila'y magkasamang naglakbay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos, kinausap ni Isaac ang kaniyang amang si Abraham, "Aking ama." Sumagot si Abraham, "Ano iyon, aking anak, narito ako!" Sinabi ni Isaac, "Tingnan mo, mayroon tayong kahoy at baga para pandingas ng apoy, ngunit nasaan ang tupa bilang handog na susunugin?"
|
|||
|
\v 8 Sumagot si Abraham, "Aking anak, ang Diyos mismo ang magbibigay ng tupa para sa handog na susunugin." Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Dumating sila sa lugar na itinuro ng Diyos sa kanya. Doon, gumawa si Abraham ng batong altar at inilatag ang mga kahoy sa ibabaw nito. Pagkatapos tinalian niya ang kanyang anak na si Isaac at inihiga niya sa ibabaw ng altar sa ibabaw ng kahoy.
|
|||
|
\v 10 Pagkatapos kinuha ni Abraham ang kutsilyo at itinaas para patayin ang kanyang anak.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ngunit tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, "Abraham! Abraham!" Sumagot si Abraham, "Narito ako!"
|
|||
|
\v 12 Sinabi ng anghel, "Huwag mong saktan ang batang lalaki, dahil ngayon nalaman ko na ginagalang at sinusunod mo ang Diyos. Nalaman ko ito dahil hindi ka tumangging ialay ang iyong nag-iisang anak.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Pagkatapos tumingala si Abraham at nakakita siya ng isang lalaking tupa na sumabit ang mga sungay sa halaman malapit sa kanyang kinatatayuan. Kaya pinuntahan ni Abraham at kinuha ang tupa at pinatay ito, inalay ito sa ibabaw ng altar bilang handog na susunugin sa halip na ang kanyang anak.
|
|||
|
\v 14 Pinangalanan ni Abraham ang lugar na "Si Yahweh ang magbibigay." Magpahanggang ngayon sinasabi ng mga tao, "Sa bundok ni Yahweh, siya ay magbibigay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Tinawag ng anghel ni Yahweh si Abraham mula sa langit sa ikalawang pagkakataon.
|
|||
|
\v 16 Sinabi niya, "Ako si Yahweh, sinasabi ko sa iyo na ginawa mo kung ano ang inutos ko sa iyo, at hindi mo ipinagkait ang iyong kaisa-isang anak. Kaya mataimtim akong nangangako, ako bilang sarili kong saksi,
|
|||
|
\v 17 na sa darating na panahon ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging kasingdami ng mga bituin sa langit at mga butil ng buhangin sa dalampasigan. Tatalunin ng iyong mga kaapu-apuhan ang kanilang mga kaaway at kukubkubin ang kanilang mga lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Dahil sinunod mo ako, sa pamamagitan ng iyong mga kaapu-apuhan pagpapalain ang mga tao sa lahat ng mga bansa sa mundo."
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos bumalik sina Abraham at Isaac sa kanyang mga lingkod kung saan sila naghihintay, at magkakasama silang umuwi sa Beer-seba, si Abraham at ang kanyang mga tao ay nagpatuloy na manatili doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Matapos nangyari ang mga bagay na ito, may nagbalita kay Abraham, "Si Milca, na asawa ng iyong kapatid na si Nahor, ay nagsilang din ng mga sanggol.
|
|||
|
\v 21 Ngayon ang panganay ay si Hus. Ang sumunod naman ay si Buz. Pagkatapos niya ay si Kemuel, na ama ni Aram.
|
|||
|
\v 22 Pagkatapos ni Kemuel ay si Kesed, si Hazo, si Pildas, si Jidlaf, at si Bethuel.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Si Bethuel ang ama ni Rebeca. Sila ang walong anak na isinilang ni Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham.
|
|||
|
\v 24 May iba pang babae si Nahor, ang pangalan niya ay Reumah, nagsilang siya ng apat na anak na lalaki: Tebah, Gaham, Tahas at Maaca.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 23
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang si Sarah ay 127 taong gulang,
|
|||
|
\v 2 namatay siya sa lungsod ng Kiriat Arba, na tinawag ngayong Hebron, na nasa lupain ng Canaan. Ipinagluksa ni Abraham ang kanyang asawa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Iniwan ni Abraham ang namatay niyang asawa at nakiusap siya sa iilang mga kaapu-apuhan ni Heth. Sinabi niya,
|
|||
|
\v 4 "Ako ay pansamatalang naninirahan bilang isang dayuhan na kasama ninyo, kaya wala akong pagmamay-ari na anumang lupain dito. Ipagbili ninyo sa akin ang ilang lupain dito para maaari kong paglibingan sa namatay kong asawa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Sumagot sila sa kanya,
|
|||
|
\v 6 "Ginoo, ikaw ang pinakamakapangyarihang tao sa amin. Pumili ka ng isa sa aming pinakamainam na mga libangan at ilibing mo doon ang namatay mong asawa. Wala ni isa sa amin ang magtatanggi para ipagbili ang lupain sa iyo upang maging libingan ng namatay mong asawa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos tumayo si Abraham at yumuko sa harapan bilang paggalang sa mga tao na siyang nagmamay-ari ng lupain, ang mga kaapu-apuhan ni Het.
|
|||
|
\v 8 Sinabi niya sa kanila, "Kung sinasabi ninyo na pumapayag kayo na ilibing dito ang namatay kong asawa, makinig kayo sa akin, at pakiusapan si Efron na anak ni Zohar,
|
|||
|
\v 9 na ipagbili sa akin ang kuweba na nasa Macpela, na nasa hangganan ng kanyang bukid. Pakiusapan ninyo siya na ipagbili niya sa akin sa buong halagang nais niya, at ipagbili niya ito sa akin sa harapan ninyong lahat. Sa ganitong paraan maaari na akong magkaroon ng isang lupang mapaglilibingan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Nakaupo ngayon si Ephron kasama ang mga tao sa tarangkahan ng lungsod kung saan nagtipon ang kamaramihang mga kaapu-apuhan ni Heth. Narinig niya ang sinabi ni Abraham sa kanila.
|
|||
|
\v 11 Sinabi ni Ephron, "Hindi, ginoo, makinig ka sa akin. Ibibigay ko sa iyo ang bukid at kuweba na naroroon, na walang bayad, kasama ang mga tao dito bilang mga saksi. Pakiusap ilibing mo doon ang iyong namatay na asawa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Yumuko muli si Abraham sa mga tao na nanirahan doon,
|
|||
|
\v 13 at sinabi kay Ephron, habang ang lahat ay nakikinig, "Hindi, makinig ka sa akin. Kung papayag ka, magbabayad ako ng pera para sa bukid. Sabihin mo sa akin kung magkano, at ibibigay ko ito sa iyo. Kung tatanggapin mo ito, ang bukid ay magiging akin, at maaari ko nang ilibing doon ang namatay kong asawa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Sinagot ni Efron si Abraham,
|
|||
|
\v 15 "Ginoo, makinig ka sa akin. Ang lupain ay nagkakahalaga ng apatnaraang shekel ng pilak. Ngunit, ang presyo ay hindi mahalaga sa iyo at sa akin. Ibigay mo ang halaga at ilibing mo ang iyong namatay na asawa doon."
|
|||
|
\v 16 Sumang-ayon si Abraham kay Ephron sa halaga, at tinimbang niya ang apatnaraang pilak na iminungkahi niya, habang naririnig ng lahat. Gumamit siya ng timabangang ginagamit ng mga nagtitinda.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Kaya naging pag-aari ni Abraham ang bukid ni Efron na nasa pook ng Macpela, na malapit sa Mamre, at ang kuweba na nasa bukid, at ang lahat ng mga punong kahoy na naroon sa bukid at iyon ang magsisilbing palatandaan ng hangganan ng lupain.
|
|||
|
\v 18 Ito ang proseso ng pagbili ni Abraham ng lupain, habang ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Het ay nakikinig doon sa tarangkahan ng lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos noon, nilibing na ni Abraham ang namatay niyang asawang si Sarah sa kuweba ng bukid na nasa Macpela na malapit sa Mamre, na tinatawag na ngayong Hebron, na nasa lupain ng Canaan.
|
|||
|
\v 20 Kaya ang bukid at ang kuweba na nakapaloob doon ay opisyal ng naipagbili kay Abraham sa pamamagitan ng mga kaapu-apuhan ni Het, upang kanyang gamitin bilang libingan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 24
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Si Abraham ngayon ay matandang-matanda na. Pinagpala ni Yahweh si Abraham sa maraming bagay.
|
|||
|
\v 2 Isang araw sinabi ni Abraham sa kanyang punong lingkod ng kanyang sambahayan, ang siyang nangangalaga sa lahat ng pagmamay-ari ni Abraham, "Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita upang mangako ka nang mataimtim na iyong gagawin kung anuman ang sabihin ko sa iyo.
|
|||
|
\v 3 Tandaan mo na si Yahweh, ang Diyos na siyang lumikha ng kalangitan at ng mundo, ay nakikinig, mangako ka na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak, na si Isaac, mula sa mga anak na babae ng mga taga-Canaan na kasama ko ngayong naninirahan.
|
|||
|
\v 4 Sa halip, pumunta ka sa aking bansa at sa aking mga kamag-anak. Kumuha ka ng mapapangasawa para sa aking anak na si Isaac mula sa kanila."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nagtanong ang lingkod sa kanya, "Kung makakahanap ako ng isang babae sa iyong mga kamag-anak, ano ang dapat kong gawin kung hindi siya pumayag na sumama sa akin pauwi rito sa lupain? Dapat ko bang dalhin pabalik doon ang iyong anak sa bansa na iyong pinanggalingan, upang makahanap siya ng mapapangasawa at manirahan doon?"
|
|||
|
\v 6 Sumagot si Abraham sa kanya, "Hindi! Tiyakin mo na hindi mo dadalhin ang aking anak doon!
|
|||
|
\v 7 Si Yahweh, ang Diyos na lumikha ng kalangitan, ay dinala ako rito. Dinala niya ako galing sa sambahayan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak kung saan sila nanirahan. Nangusap siya sa akin at gumawa ng isang taimtim na pangako para sa akin. Sinabi niya, 'Ibibigay ko itong lupain ng Canaan sa iyong mga kaapu-apuhan.' Magpapadala siya ng isang anghel na mangunguna sa'yo doon upang makakuha ka ng mapapangasawa para sa aking anak at dalhin mo siya upang dito na manirahan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Ngunit kung ang babae na iyong mahanap ay hindi sasama sa'yo, malaya kang ipagpawalang-saysay ang pangako na iyong ginawa. Ang tanging bagay na hindi mo dapat gawin ay ang dalhin ang aking anak upang doon manirahan."
|
|||
|
\v 9 Kaya nilagay ng lingkod ang kanyang kamay sa pagitan ng mga hita ni Abraham at ginawa ang isang mataimtim na pangako patungkol sa bagay na ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Pagkatapos nagdala ang lingkod ng sampung mga kamelyo ng kanyang amo at kinargahan ang mga ito ng lahat ng uri ng mga bagay na binigay ng kanyang amo sa kanya upang dalhin niya. Pagkatapos umalis siya at tumungo sa Aram Naharaim, na naroon sa hilaga ng Mesopotamia.
|
|||
|
\v 11 Nang dumating ang lingkod sa Nahor, noon ay magdadapit hapon na, at sa oras na iyon habang ang mga babae ay pumupunta sa balon para sumalok ng tubig. Pinaluhod niya ang mga kamelyo malapit sa balon, na nasa labas ng lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nagdasal ang lingkod, "Yahweh, ang Diyos ng aking amo na kanyang sinasamba, pagkalooban mo sana ako na maging matagumpay ngayon! Ipagpatuloy mo sana ang iyong katapatan sa aking amo, na si Abraham!
|
|||
|
\v 13 Dinggin mo ako. Nakatayo ako malapit sa isang balon ng tubig, at ang mga anak na babae ng mga tao ng lungsod ay paparating upang sumalok ng tubig.'
|
|||
|
\v 14 Hinihingi ko ito sa iyo: sasabihan ko ang isa sa mga babae, "Pakiusap ibaba mo ang iyong banga upang makainom ako ng kaunting tubig.' Kung sasabihin niya, 'Uminom ka ng tubig, at bibigyan ko rin ng tubig ang iyong mga kamelyo, malalaman ko na siya na ang babae na iyong pinili upang maging asawa ng iyong lingkod, na si Isaac, at malalaman ko na iniingatan mo ang iyong katapatan sa aking amo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Bago man siya natapos sa pagdarasal, dumating doon ang isang dalaga na nagngangalang Rebeca, dala-dala ang isang banga na nasa kanyang balikat. Anak siya ni Bethuel, na anak ni Milcah, na asawa sa nakababatang kapatid ni Abraham na si Nahor.
|
|||
|
\v 16 Siya ay napakaganda at isang birhen. Wala pa ni isang lalaki ang sumiping sa kanya. Bumaba siya papunta sa gilid ng balon, pinuno niya ng tubig ang kanyang banga, at pagkatapos bumalik siya sa itaas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Tumakbo agad ang lingkod ni Abraham patungo sa babae upang salubungin siya, at sinabing, "Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong banga."
|
|||
|
\v 18 Sumagot siya, "Uminom ka, ginoo!" Binaba niya ang kanyang banga mula sa kanyang balikat papunta sa kanyang mga kamay at binigyan niya ang lalaki ng tubig."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos niyang binigyan ng tubig ang lalaki, nagsalita siya, "Sasalok ako ng tubig para rin sa iyong mga kamelyo, hanggang makainom silang lahat."
|
|||
|
\v 20 Dali-dali niyang binuhos ang tubig na mula sa banga papunta sa lalagyan ng tubig ng mga kamelyo. Pagkatapos, tumakbo siyang pabalik ng balon, at nagpatuloy sa pagkuha ng tubig para sa lahat ng mga kamelyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Pinagmasdan ng lingkod ang babae, na walang sinabing anuman. Gusto niyang alamin kung dinulot ni Yahweh na ang kanyang paglalakbay ay maging matagumpay o hindi.
|
|||
|
\v 22 Sa wakas, matapos uminom ang mga kamelyo, nilabas ng lingkod ang isang gintong sing-sing para sa ilong na mayroong bigat na anim na gramo, at dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga kamay, ang bawat isa ay mayroong bigat na 110 gramo, binigay niya ang lahat kay Rebeca at sinabihan niya na isuot ang mga ito.
|
|||
|
\v 23 Pagkatapos sinabi niya, "Sabihin mo sa akin kaninong anak ka. Sabihin mo rin sa akin, mayroon bang silid doon sa bahay ng iyong ama para sa akin at sa aking mga kasamang lalaki upang matulugan namin ngayong gabi?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Sumagot ang babae, "Bethuel ang pangalan ng aking ama. Anak siya ni Nahor at ng kanyang asawang si Milcah.
|
|||
|
\v 25 Oo, mayroon kaming silid na maaaring ninyong matulugang lahat ngayong gabi, at mayroon kaming maraming dayami at butil upang ipakain sa mga kamelyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Yumuko ang lingkod at sumamba kay Yahweh.
|
|||
|
\v 27 Sinabi niya, "Nagpapasalamat ako kay Yahweh" ang Diyos na siyang sinasamba ng aking amo na si Abraham. Nagpatuloy siyang nagpapakita ng kanyang katapatan at pagtitiwala sa aking amo. Pinatnubayan ni Yahweh ang aking paglalakbay patungo sa bahay ng mga kamag-anak ng aking amo!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Tumakbo ang babae patungo sa sambayanan ng kanyang ina at isinalaysay niya sa lahat ukol sa kung ano ang nangyari.
|
|||
|
\v 29 Si Rebeca ay mayroong kapatid na lalaki na ang pangalan ay Laban. Agad nagpunta si Laban sa lingkod, na nasa labas ng balon.
|
|||
|
\v 30 Nagulat siya nang makita ang sing-sing at mga pulseras na nasa mga kamay ng kanyang kapatid at narinig niya si Rebeca na nagsasalaysay patungkol sa sinabi ng lalaki sa kanya. Kaya lumabas siya at nakita niya ang lalaki na nakatayo malapit sa mga kamelyo, sa tabi ng balon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Sinabi ni Laban sa lalaki, "Pinagpala ka ni Yahweh, halika! Bakit nakatayo ka pa rito sa labas? Naghanda ako ng isang silid sa bahay na para sa iyo, at isang lugar pahingahan para sa iyong mga mga kamelyo."
|
|||
|
\v 32 Kaya pumasok ang lingkod sa bahay, at diniskargahan ng mga lingkod ni Laban ang mga kamelyo. Nagdala sila ng dayami at butil para sa mga kamelyo, at tubig para sa lalaki at sa kanyang mga kasamang lalaki upang hugasan ang kanilang mga paa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Naghanda sila ng mga pagkain sa kanyang harapan upang kanyang kainin, ngunit sinabi niya, "Hindi ako kakain hangga't hindi ko nasasabi sa inyo ang kailangan kong sabihin sa inyo."
|
|||
|
\v 34 Kaya sinabi ni Laban, "Sabihin mo sa amin!" Kaya sinabi ng lingkod, "Lingkod ako ni Abraham.
|
|||
|
\v 35 Lubos na pinagpapala ni Yahweh ang aking amo kaya naging napakayaman niya. Binigyan siya ni Yahweh ng maraming tupa at mga baka, maraming ginto at pilak, lalaki at babaeng mga lingkod, mga kamelyo at mga asno.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Si Sarah, na asawa ng aking amo, ay nagsilang ng isang batang lalaki para kay Abraham, kahit napakatanda na niya, at binigay ng aking amo sa kanyang anak ang lahat ng bagay na mayroon siya.
|
|||
|
\v 37 Pinanumpa ako ng mataimtim ng aking amo, na nagsasabing, 'Huwag kang kumuha ng mapapangasawa para sa aking anak, na si Isaac, na mula sa babaing anak ng mga tao na taga Canaan, sa lupain kung saan tayo naninirahan.
|
|||
|
\v 38 Sa halip, ay bumalik ka sa pamilya ng aking ama, na aking sariling angkan, at kumuha ka ng mapapangasawa mula sa kanila para sa aking anak.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Pagkatapos tinanong ko ang aking amo, 'Ano ang aking gagawin kung ang babae na kanilang ibibigay ay hindi sasama sa akin?'
|
|||
|
\v 40 Sumagot siya, 'Si Yahweh, na sinunod kong palagi, ay magpapadala ng kanyang anghel upang samahan ka, at upang maging matagumpay ang iyong paglalakbay. Gagawin ka niyang may kakayahan upang makakuha ka ng mapapangasawa para sa aking anak na mula sa aking angkan, mula sa pamilya ng aking ama.
|
|||
|
\v 41 Ngunit kung ang aking angkan ay tumangging payagan siyang bumalik kasama mo, magiging malaya ka mula sa sumpa at wala kang pananagutan sa akin.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 42 Nang dumating ako ngayon sa balon, nagdasal ako, 'Yahweh, Diyos ni Abraham, na aking amo, na kanyang sinasamba, kung gawin mo akong matagumpay sa paglalakbay na ito, pakiusap gawin mo ito para sa akin:
|
|||
|
\v 43 Nakatayo ako sa tabi ng balon, kung saan pumupunta ang mga babae upang sumalok ng tubig. Hinihingi ko sa iyo na kung sasabihan ko sa isang babae, "Pakiusap, bigyan mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong banga upang aking inumin."
|
|||
|
\v 44 At kung sasabihin niya sa akin, "Oo, uminom ka ng marami, at paiinumin ko rin ng maraming tubig ang iyong mga kamelyo," Sa gayon hayaan mong maging siya ang babaeng pinili mo para sa anak ng aking amo!'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 45 Bago paman ako natapos sa aking pagdarasal, dumating si Rebekka na mayroong dalang banga sa kanyang balikat. Bumaba siya sa balon at nagsalok ng tubig. Sinabi ko sa kanya, 'Pakiusap bigyan mo ako ng maiinom!
|
|||
|
\v 46 Agad niyang binaba ang kanyang banga at sinabi, 'Uminom ka ng marami! Paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo.' Kaya uminom ako ng maraming tubig, at nagsalok din siya ng tubig para sa mga kamelyo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 47 Kaya tinanong ko sa siya, Kaninong anak ka? Sinabi niya, anak ako ni Bethuel na anak ni Nahor at ng kanyang asawang, na si Milcah.' Ipinalagay ko sa kanyang ilong ang sing-sing at nilagay ko ang mga pulseras sa kanyang mga kamay.
|
|||
|
\v 48 Pagkatapos, yumuko ako at sumamba kay Yahweh, at nagpapasalamat ako kay Yahweh na Diyos, ang nag-iisang sinasamba ng aking amo na si Abraham, ang nag-iisang gumabay sa akin sa tamang daan upang makuha ang apo na babae ng kapatid ng aking amo upang maging asawa para sa anak ng aking amo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 49 Ngayon, kung ikaw ay kikilos ng matapat sa aking amo at bilang bahagi sa kanyang malawak na pamilya, sabihin ninyo sa akin na gagawin ninyo kung ano ang aking hinihingi. Kung hindi ninyo ito gagawin, sabihin niyo rin sa akin, upang malaman ko kung ano ang aking gagawin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 50 Sumagot sina Laban at Bethuel, "Ito ay malinaw na nagmula kay Yahweh. Kaya kaming dalawa ay hindi makakapagsabi kung ito ay tamang bagay o maling bagay na gawin.
|
|||
|
\v 51 Narito sa harapan mo si Rebeca. Dalhin mo siya at humayo kayo, at siya ay maging asawa ng anak ng iyong amo, gaya ng pinahihiwatig ni Yahweh."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 52 Nang narinig ng lingkod ni Abraham ang kanilang mga salita, lumuhod siya sa lupa kay Yahweh.
|
|||
|
\v 53 Pagkatapos, nilabas ng lingkod ang pilak at gintong alahas at mga damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Binigyan niya ng mga regalo ang kapatid ni Rebeca na si Laban at ang kanyang ina.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 54 Pagkatapos, kumain sila ng pagkain at uminom. Natulog din doon ang mga lalaking kasama ng lingkod ni Abraham ng gabing iyon. Kinaumagahan, sinabi ng lingkod, "Payagan ninyo ako ngayon na bumalik sa aking amo."
|
|||
|
\v 55 Ngunit sumagot ang kanyang kapatid na lalaki at ang kanyang ina, "Hayaan mo munang manatili rito ang babae sa amin nang sampung araw. Pagkatapos niyan, maaari mo na siyang dalhin at humayo kayo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 56 Ngunit, sumagot siya sa kanila, "Ginawa ni Yahweh na matagumpay ang paglalakbay ko, kaya huwag ninyo akong antalain. Hayaan ninyong dalhin ko siya pauwi sa aking amo ngayon!"
|
|||
|
\v 57 Sinabi nila, "Tawagin natin ang babae at tanungin siya upang sabihin niya kung ano ang kanyang gustong gawin."
|
|||
|
\v 58 Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, "Sasama ka ba ngayon sa lalaking ito? Sumagot siya, "Opo, sasama ako."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 59 Kaya pinadala nila si Rebeca, kasama ang kanyang babaeng lingkod na nag-alaga sa kanya sa buong buhay niya, upang sumama kasama ng lingkod ni Abraham at sa mga lalaking sumama sa kanya.
|
|||
|
\v 60 Pagkatapos hiniling nila sa Diyos na pagpalain si Rebeca at sinabi sa kanya, "Aming kapatid, hinihiling namin kay Yahweh na pagpalain ka upang magkaroon ka ng milyun-milyong mga kaapu-apuhan, at payagan talunin silang lahat ng nasusuklam sa kanila."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 61 Pagkatapos naghanda si Rebeca at ang kanyang mga lingkod na mga babae. Sumakay sila sa kanilang mga kamelyo at sumama sa lingkod ni Abraham. Sinama niya si Rebeca at umalis.
|
|||
|
\v 62 Ngayon, naninirahan si Isaac sa silangang ilang ng Judea. Galing siya sa Beerlahairoi.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 63 Isang gabi lumabas si Isaac papunta sa parang upang magnilay-nilay habang naglalakad. Tumingala siya at nagulat nang makita ang mga kamelyo na paparating.
|
|||
|
\v 64 Tumingala rin si Rebeca at nakita niya si Isaac. Bumaba siya sa kamelyo,
|
|||
|
\v 65 at tinanong niya ang lingkod, "Sino ang lalaking iyon na paparating?" Sumagot ang lingkod, "Iyan ay si Isaac, ang aking amo." Kaya kinuha niya ang kanyang belo at tinakpan ang kanyang mukha, upang ipakita ang kahinhinan sa harapan niya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 66 Isinalaysay ng lingkod kay Isaac ang buong pangyayari.
|
|||
|
\v 67 Pagkatapos dinala ni Isaac si Rebeca sa loob ng tolda na pagmamay-ari ng kanyang ina na si Sara, at siya ay kanyang naging asawa. Minahal niya si Rebeca. Sa ganitong paraan naginhawaan si Isaac tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 25
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ilang panahon pagkatapos mamatay ni Sara, si Abraham ay nag-asawa ng isang pang babae, na ang pangalan ay Ketura.
|
|||
|
\v 2 Siya ay nagsilang kinalaunan ng anim na mga anak na lalaki: sina Zimran, Joksan, Medan, Midian, Ishbak, at Sua.
|
|||
|
\v 3 Si Joksan ay naging ama ng dalawang anak na lalaki, na sina Seba at Dedan. Ang mga kaapu-apuhan ni Dedan ay ang mga pangkat ng mga lahi ng Assurim, ang Letusim, at ang Leummim.
|
|||
|
\v 4 Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Epha, Epher, Enech, Abida, at Eldaa. Sila ang mga kaapu-apuhan ni Ketura.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Ipinahayag ni Abraham na pagkatapos niyang mamatay, si Isaac ang magmamana ng lahat ng kanyang pag-aari.
|
|||
|
\v 6 Subalit habang si Abraham ay nabubuhay pa, nagbigay siya ng mga regalo sa kanyang mga anak na lalaki sa kanyang mga kerida at ipinadala niya ang mga ito sa lupain na nasa silangan, para mapanatili silang malayo mula sa kanyang anak na lalaki.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Si Abraham ay nabuhay hanggang siya ay naging 175 taong gulang.
|
|||
|
\v 8 Siya ay namatay sa isang napakatandang edad at siya ay natipon sa kanyang mga ninuno na dati nang namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ang kanyang mga anak na lalaki na sina Isaac at Ismael ang naglibing ng kanyang mga labi sa kuweba sa pook ng Macpela, na malapit sa Mamre, sa parang na binili ni Abraham kay Ephron na anak na lalaki ni Zohar, isang kaapu-apuhan ni Heth.
|
|||
|
\v 10 Doon inilibing nila Isaac at Ismael ang kanyang mga labi, kung saan na dati nang nailibing ni Abraham ang mga labi ng kanyang asawang si Sara.
|
|||
|
\v 11 Pakatapos mamatay ni Abraham, pinagpala ng Diyos ang kanyang anak na si Isaac. Si Isaac ay patuloy na nanirahan malapit sa Beer-lahai-roi.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Ang mga ito ay ang mga sumunod mula sa mga anak na lalaki ni Abraham, si Ismael, sa lingkod na babae ni Sara, na si Hagar na taga Ehipto, ang siyang nagsilang.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Ito ang kanilang mga pangalan, sa pagkakasunod-sunod kung saan sila ay isinilang: Ang panganay na anak na lalaki ni Ismael ay pinangalanang Nebayot. Pagkatapos niya ay isinilang sina Kedar, Adbeel, Mibsam,
|
|||
|
\v 14 Misma, Duma, Massa,
|
|||
|
\v 15 Hadar, Tema, Jetur, Naphis, at Cedama.
|
|||
|
\v 16 Ang labindalawang anak na mga lalaki ni Ismael ay naging mga pinuno ng mga lipi na nagkaroon ng ganoong mga pangalan. Ang bawat isa sa kanila ay nagkaroon ng sarili nilang tirahan at kampo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Si Ismael ay nabuhay hanggang siya ay 137 taong gulang. Pagkatapos siya ay namatay at isinama sa kanyang mga ninuno na naunang namatay.
|
|||
|
\v 18 Ang kanyang mga kaapu-apuhan ay namalagi sa pook na nasa pagitan ng Shur at Havila, malapit sa hangganan ng Ehipto kung ang isang tao ay naglalakbay patungong Asiria. Subalit, hindi sila namuhay ng payapa na magkasama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Ito ay ang nangyari ukol sa anak na lalaki ni Abraham, na si Isaac. Si Abraham ang naging ama ni Isaac.
|
|||
|
\v 20 Nang si Isaac ay apatnapung taong gulang, pinakasalan niya si Rebeca, ang anak na babae ni Bethuel. Si Bethuel ay isa sa mga kaapu-apuhan ni Aram mula sa Padan-aram. Si Rebeca ang kapatid na babae ni Laban, na nabibilang sa mga lahi ng Aram.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Sa mahabang panahon, pagkatapos ng sila ay kinasal, si Rebeca ay wala paring mga anak. Kaya si Isaac ay nagdasal kay Yahweh ukol sa kanyang asawa, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal. Ang kanyang asawa na si Rebeca ay nabuntis.
|
|||
|
\v 22 Mayroong dalawang sanggol sa kanyang sinapupunan, at palagi silang nagsisiksikan sa bawat isa. Kaya sinabi niya, "Bakit ito nangyayari sa akin?" Kaya tinanong niya si Yahweh tungkol dito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Sinabi ni Yahweh sa kanya, "Dalawang bansa ang manggagaling sa kambal sa sinappunan mo. At ang dalawang bansa na iyon ay mahihiwalay, at ang isa ay magiging mas malakas kaysa sa isa. At ang nakatatanda ang magsisilbi sa nakababata."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Nang nanganak na si Rebeca, totoo nga! Kambal na lalaki ang isinilang!
|
|||
|
\v 25 Ang unang isinilang ay mapula, at ang kanyang katawan ay puno ng buhok, gaya ng damit na gawa sa buhok. Kaya siya ay kanilang pinangalanang Esau.
|
|||
|
\v 26 Pagkatapos sumunod na isinilang ang kanyang kapatid na lalaki, nakahawak sa sakong ni Esau. Kaya siya ay kanilang pinangalanang Jacob. Si Isaac ay animnapung taong gulang nang isinilang ang kambal.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Nang nagsilakihan na ang mga batang lalaki, si Esau ay naging isang napakahusay na mangangaso ng ligaw na mga hayop. Gumugugol siya ng maraming oras sa gubat. Gayunman, si Jacob ay isang tahimik na tao na lumalagi malapit sa kampo.
|
|||
|
\v 28 Mas nagustohan ni Isaac si Esau, dahil nasisiyahan siya sa lasa ng karne ng mga hayop na napapatay ni Esau. Subalit si Rebeca ay mas nagustohan si Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Isang araw habang si Jacob ay nagluluto ng nilaga, si Esau ay dumating sa kanilang tahanan mula sa gubat, gutom na gutom.
|
|||
|
\v 30 Sinabi niya kay Jacob, "Bigyan mo ako niyang mapulang nilaga para kainin ko ngayon, dahil ako ay nagugutom na." (Kaya iyon ay bakit ang ibang pangalan ni Esau ay Edom).
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Sinabi ni Jacob, "Bibigyan kita kung ipagbibili mo sa akin ang iyong karapatan bilang panganay para manahin ang karamihan ng yaman ng ating ama."
|
|||
|
\v 32 Sagot ni Esau, "Kung gayon, ako ay malapit nang mamatay dahil sa sobrang gutom. Kung mamatay ako ngayon, ay hindi ako matutulungan ng aking mga karapatan."
|
|||
|
\v 33 Sinabi ni Jacob, "Mangako ka sa akin na ibinibigay mo na sa akin ang iyong karapatan ng panganay!" Kaya iyon ang ginawa ni Esau. Ipinagbili niya ang kanyang mga karapatan bilang panganay kay Jacob.
|
|||
|
\v 34 Pagkatapos nagbigay si Jacob kay Esau ng ilang tinapay at nilaga na gawa sa mga lintel. Si Esau ay kumain at uminom, at pagkatapos tumayo siya at umalis. Sa paggawa niyon, ipinakita ni Esau na hindi siya interisado sa kanyang mga karapatan bilang panganay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 26
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ilang panahon ang lumipas nagkaroon ng taggutom sa lupain. Ito ay iba pa sa taggutom na naganap noong nabubuhay pa si Abraham. Kaya pumunta si Isaac sa timog-silangan sa bayan ng Gerar para kausapin si Abimelec, ang hari ng bayan ng Filisteo.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 2 Ngunit si Yahweh ay nagpakita sa kanya at sinabi, "Huwag kang pumunta sa Ehipto! Tumira sa ka lupain na sasabihin ko sa iyo!
|
|||
|
\v 3 Manatili ka sa lupaing ito, at tutulungan kita at pagpapalain kita, dahil ito ay sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan na aking ibibigay lahat ng lupaing ito, at gagawin ko anuman ang aking mataimtim na pinangako sa iyong ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na napakarami gaya ng mga bituin sa langit. Ibibigay ko sa iyong mga kaapu-apuhan ang mga lupaing ito, at gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na para maging pagpapala sa lahat ng mga lahi ng tao sa lupa.
|
|||
|
\v 5 Gagawin ko iyan dahil sinunod ako ni Abraham. Sinunod niya lahat ng sinabi ko sa kanya na gawin, lahat ng iniutos ko sa kanya na gawin, lahat ng ipinahayag ko at lahat ng mga batas na binigay ko sa kanya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Kaya si Isaac ay nanatili sa Gerar kasama ng kanyang asawa at mga anak na lalaki.
|
|||
|
\v 7 Nang ang mga lalaki sa Gerar ay tinanong kung sino ang babaeng iyan, sinagot ni Isaac, "Siya ay aking kapatid na babae." Sinabi niya iyon dahil natakot siyang sabihing, "Siya ay aking asawa." Inisip niya, "Si Rebeca ay napakaganda, kaya siya ay nanaisin nila. Papatayin nila ako makuha lamang siya."
|
|||
|
\v 8 Nang tumagal na si Isaac doon, isang araw si Abimelec, ang hari ng bayan ng Palestina, tumingin pababa mula sa bintana ng kanyang palasyo at nagulat nang makita si Isaac na nilalambing ang kanyang asawang si Rebeca.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Kaya pinatawag ni Abimelec si Isaac at sinabi sa kanya, "Ngayon napagtanto ko na siya nga ay talagang iyong asawa! Kaya bakit mo sinabi, 'Siya ay aking kapatid na babae'?" Sumagot si Isaac sa kanya, "Sinabi ko iyan dahil inisip ko na maaring mayroong isang tao dito na patayin ako para makuha siya."
|
|||
|
\v 10 Sinabi ni Abimelec, "Hindi mo dapat ginawa ito sa amin! Isa sa aming mga tao ay maaring sumiping sa iyong asawa, at ikaw ay maging sanhi upang kami ay magkasala ng napakalaking kasalanan!"
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos si Abimelec ay iniutos sa lahat ng kanyang mga tao, sinabing "Huwag ninyo sasaktan ang taong ito o ang kanyang asawa! Ang sinumang gumawa niyan sa kanila ay siguradong papatayin!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Nagtanim si Isaac ng butil sa lupaing iyon ng taong iyon, at siya ay umani ng maraming pananim, dahil pinagpala siya ni Yahweh.
|
|||
|
\v 13 Si Isaac ay patuloy na nagkaroon ng higit na marami pang mga ari-arian, hanggang sa wakas siya ay naging napakayaman.
|
|||
|
\v 14 Siya ay nagkaroon ng maraming mga kawan ng tupa, mga kambing, at mga baka, at mga alipin. Dahil doon, ang mga tao sa Filisteo ay nainggit sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Kaya ang lahat ng mga balon na hinukay ng mga lingkod ng kanyang amang si Abraham, pinuno ng mga tao ng lupa.
|
|||
|
\v 16 Pagkatapos sinabi ni Abimelec kay Isaac, "Kayo ay dumami ng higit pa sa amin, kaya gusto kong umalis kayo sa aming lugar."
|
|||
|
\v 17 Kaya si Isaac at ang kanyang pamilya ay lumipat mula doon. Sila ay nagpunta at nagtayo ng kanilang mga tolda sa lambak ng Gerar at namalagi doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Mayroong mangilan-ngilang balon sa lugar na iyon na nahukay ng ama ni Isaac na si Abraham nang siya'y nabubuhay pa, ngunit ang bayan ng Filisteo ay pinuno ito ng lupa matapos mamatay si Abraham. Ngunit si Isaac at ang kanyang mga lingkod ay hinukay muli ang mga balon, at binigyan ni Isaac ang mga balon ng kaparehong pangalan na binigay ng kanyang ama sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Ang mga lingkod ni Isaac ay naghukay sa lambak at natuklasan ang isang balon ng sariwang tubig.
|
|||
|
\v 20 Ngunit ang mga lalaki na nagpapastol ng mga hayop sa lambak ng Gerar ay nakipagtalo sa mga lalaking nangangalaga ng mga hayop ni Isaac. Sinabi nila, "Ang tubig sa balon na ito ay sa amin!" Kaya tinawag ni Isaac ang balon na "Esek", na ibig sabihin ay "hindi pagkakaunawaan," dahil sila ay hindi nagka-unawaan tungkol sa kung sino ang nagmamay-ari nito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Pagkatapos ang mga lingkod ni Isaac ay naghukay ng isa pang balon, ngunit sila ay nag-away tungkol sa kung sino ang nagmamay-ari din nito. Kaya pinangalanan ito ni Isaac na Sitna, na ibig sabihin ay "pagsalungat."
|
|||
|
\v 22 Sila ay lumipat mula doon at naghukay ng isa pang balon, ngunit sa pagkakataong ito wala ni isang nakipag-away tungkol sa sino ang nagmamay-ari nito. Kaya tinawag niya itong Rehobot, na ang ibig sabihin ay "lugar na walang laman," sinabing, "si Yahweh ay binigyan tayo ng isang lugar na walang laman para tirahan ito, isang lugar na hindi ninais nang ibang tao, at tayo ay magiging napakasagana dito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Mula doon si Isaac ay pumunta sa Beer-seba.
|
|||
|
\v 24 Sa unang gabi na siya ay naroon, si Yahweh ay nagpakita sa kanya at sinabing, "Ako ang Diyos na sinamba ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot sa anumang bagay. Ako ay tutulong sa iyo at pagpapalain ka, at dahil sa anuman ang aking ipinangako sa aking lingkod na si Abraham, aking dadagdagan ng lubos ang bilang ng iyong mga kaapu-apuhan."
|
|||
|
\v 25 Kaya si Isaac ay gumawa ng altar doon at siya ay naghandog ng pag-aalay para sumamba kay Yahweh. Siya ay nagtayo ng tolda doon, at ang kanyang mga lingkod ay nag-umpisang maghukay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Habang hinuhukay nila ang balon, si Haring Abimelec ay dumating mula sa Gerar, kasama si Ahuzat, kanyang tagapag-payo, at si Picol, ang kumander ng kanyang mga hukbo.
|
|||
|
\v 27 Tinanong sila ni Isaac, "Ikaw ay kumilos sa pagalit ng paraan noon sa akin at pinalayo mo ako. Kaya bakit ka pumunta sa akin ngayon?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Isa sa kanila ay sumagot, "Nakita namin na si Yahweh ay tumutulong sa iyo. Kaya sinabi namin sa isa't isa, 'Kailangan nating magkaroon ng kasunduan sa pagitan natin at kay Isaac.' Kaya kailangan naming gumawa ng kasunduang pangkapayapaan sa iyo,
|
|||
|
\v 29 sinasabi na hindi mo kami sasaktan, sa ganoong paraan na hindi ka namin guguluhin. Palagi kaming tumatrato sa iyo ng mabuti, at pinaalis ka namin ng mapayapa. At ngayon si Yahweh ay nagpapala sa iyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Kaya si Isaac ay gumawa ng pagdiriwang para sa kanila, at silang lahat ay kumain at uminom.
|
|||
|
\v 31 Maaga ng kinaumagahan sila ay nagsumpaan sa isa't-isa na gagawin nila ang anuman ang kanilang pinangako. Pagkatapos si Isaac ay pinauwi sila ng mapayapa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Sa araw na iyon ang mga lingkod ni Isaac ay pumunta sa kanya at sinabihan siya tungkol sa balon na natapos nilang hukayin. Sinabi nila, "Nakakita kami ng tubig sa balon!"
|
|||
|
\v 33 Pinangalanan ni Isaac iyong Shiba, na kasintunog ng gaya sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay "panunumpa." Hanggang sa kasalukuyang panahon ang bayan doon ay mayroong pangalang Beer-seba na ang ibig sabihin ay "balon ng kasunduang pangkapayapaan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Nang si Esau ay apatnapung taong gulang, pinakasalan niya si Judit, na anak na babae ni Beeri, at Basemat, na anak na babae ni Elon. Ang mga babaeng iyon ay parehong mga kaapu-apuhan ni Heth, hindi kabilang sa lahi ni Isaac.
|
|||
|
\v 35 Ang dalawang asawa ni Esau ay ginawang kahabag-habag ang buhay para kay Isaac at Rebeca.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 27
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang matanda na si Isaac, naging halos bulag na siya. Isang araw pinatawag niya si Esau, na unang anak niyang lalaki at sinabi sa kanya, "Anak ko?" Sumagot siya, "Narito po ako!"
|
|||
|
\v 2 Sinabi ni Isaac, "Makinig ka sa akin. Ako ay napakantanda na, at hindi ko alam kung kailan ako mamamatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Kaya dalhin mo ang iyong pana at sisidlan na puno ng palaso at magpunta ka sa gubat, at ipangaso mo ako ng mabangis na hayop.
|
|||
|
\v 4 Pumatay ka ng isa at ihanda ang masarap na uri ng karneng gusto ko. Pagkatapos dalhin mo iyon sa akin upang matapos ko itong kainin, mabigyan kita ng pagpapala bago ako mamatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Nakikinig si Rebeca nang sabihin iyon ni Isaac sa kanyang anak na si Esau. Kaya nang iwan ni Esau ang tolda para mangaso,
|
|||
|
\v 6 sinabi ni Rebeca sa kanyang anak na si Jacob, "Makinig ka sa akin. Narinig ko ang iyong ama na nakikipag-usap sa kapatid mong si Esau, na nagsasabing,
|
|||
|
\v 7 'Humayo ka at pumatay ng mabangis na hayop at dalhin iyon dito, at ihanda ang karne sa masarap na paraan, upang kainin ko iyon. Pagkatapos bago ako mamatay ibibigay ko sa iyo ang aking pagpapala habang nakikinig si Yahweh.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Kaya ngayon, anak ko, gawin mo ang sinasabi ko sa iyo.
|
|||
|
\v 9 Pumunta sa kawan at pumatay ng dalawang magandang batang kambing at dalhin ang karne sa akin. Pagkatapos maghahanda ako ng masarap na pagkain para sa iyong ama, sa paraang gusto niya.
|
|||
|
\v 10 Pagkatapos ay maaari mong dalhin iyon sa iyong ama, upang makain niya, at pagkatapos ay ibibigay niya sa iyo ang kanyang pagpapala bago siya mamatay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Subalit sinabi ni Jacob sa kanyang inang si Rebeca, "Ang balat ng kapatid kong si Esau ay puno ng balahibo, at ang balat ko ay hindi tulad niyon! Ang balat ko ay makinis!
|
|||
|
\v 12 Anong mangyayari kung himasin ako ng aking ama? Malalaman niyang nililinlang ko siya, at magdadala ako ng isang sumpa sa aking sarili, hindi isang pagpapala!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Sinabi ng kanyang ina sa kanya, "Kung iyan ay mangyari, anak ko, hayaang ang sumpa ay mapunta sa akin. Gawin mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo. Lakad at kunin mo ang mga kambing para sa akin!"
|
|||
|
\v 14 Kaya umalis si Jacob at pumatay ng dalawang kambing at dinala ang mga iyon sa kanyang ina. Pagkatapos ay naghanda ang kanyang ina ng masarap na pagkain, sa paraang gusto ng kanyang ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos ay kinuha ni Rebeca ang pinakamagandang damit ni Esau na nasa kanya sa tolda, at ipinasuot iyon sa kanyang nakababatang anak na si Jacob.
|
|||
|
\v 16 Inilagay rin niya ang balat ng kambing sa kanyang mga kamay at sa makinis na bahagi ng kanyang leeg.
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos inilagay niya sa kanyang kamay ang ilang tinapay at ang masarap na pagkaing inihanda niya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Dinala iyon ni Jacob at pumunta sa kanyang ama at sinabi, "Ama ko!" Sumagot si Isaac, "Narito ako; alin ka sa mga anak ko?"
|
|||
|
\v 19 Sinabi ni Jacob sa kanyang ama, "Ako si Esau, ang inyong unang anak na lalaki. Nagawa ko na po ang sinabi ninyo. Maupo kayo at kainin ang ilan sa karne upang mapagpala mo ako."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Subalit tinanong ni Isaac ang kanyang anak, "Anak ko, paano mo nakayang makahanap at makapatay ng hayop nang mabilis?" Sumagot si Jacob, "Dahil si Yahweh, na inyong sinasamba ay idinulot na ako ay maging matagumpay."
|
|||
|
\v 21 Sinabi ni Isaac kay Jacob, "Halika lumapit ka sa akin, anak ko, upang mahimas kita at malaman kung tunay ngang ikaw ang anak kong si Esau."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Kaya si Jacob ay lumapit sa kanyang amang si Isaac. Hinimas siya ni Isaac at sinabi, "Ang tinig ay tinig ni Jacob, subalit ang mga kamay ay mabalahibo, tulad ng mga kamay ng kanyang nakatatandang kapatid na si Esau."
|
|||
|
\v 23 Hindi siya nakilala ni Isaac, sapagkat siya ay bulag at dahil ang mga kamay ni Jacob ay mabalahibo, tulad ng sa nakatatanda niyang kapatid na si Esau. Kaya si Isaac ay naghanda na upang pagpalain siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Subalit nagtanong muna si Isaac, "Ikaw ba talaga ang anak kong si Esau?" Sumagot si Jacob, "Oo, ako nga."
|
|||
|
\v 25 Sinabi ni Isaac, "anak ko, dalhan mo ako ng ilan sa karne na iyong niluto, upang kainin ko at ibigay sa iyo ang aking pagpapala." Kaya dinalhan siya ni Jacob ng kaunti, at kinain niya iyon. Dinalhan din siya ni Jacob ng kaunting alak, at ininom iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Pagkatapos ang kanyang amang si Isaac ay sinabi sa kanya, "Anak ko, halika at hagkan mo ako."
|
|||
|
\v 27 Kaya si Jacob ay lumapit sa kanya, at hinalikan siya ng kanyang ama sa pisngi. Naamoy ni Isaac ang amoy ng damit na suot ni Jacob. Iyon ay may amoy na tulad ng damit ni Esau. Kaya sinabi niya, "Tunay na ang amoy ng anak ko ay tulad ng amoy ng kabukirang pinagpala ni Yahweh."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Hininiling ko na ang Diyos ay magpadala ng hamog mula sa langit upang diligan ang iyong mga bukid, at idulot na magkaroon ka ng masaganang pananim mula sa lupa, at mabuting mga ani ng butil, at mga ubas para sa alak.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Hinihiling ko na ang mga tao ng maraming mga lahi ay paglingkuran ka at yumuko sa iyo. Hinihiling ko na pamunuan mo ang iyong mga kapatid na lalaki at yumuko rin sa iyo ang mga kaapu-apuhan ng iyong ina. Hinihiling ko na sumpain ng Diyos ang mga sumumpa sa iyo, at pagpalain ang mga magpala sa iyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Nang matapos pagpalain ni Isaac si Jacob, at si Jacob ay kaaalis pa lamang sa silid na kinaroroonan ng kanyang ama, ang nakatatandang kapatid niyang si Esau ay bumalik mula sa pangangaso.
|
|||
|
\v 31 Nagluto si Esau ng masarap na karne at dinala iyon sa kanyang ama. Sinabi niya sa kanyang ama, "Ama ko, pakiusap, maupo kayo at kainin ang ilan sa karneng nailuto ko, sa gayon ay maibigay ninyo sa akin ang inyong pagpapala!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Ang kanyang amang si Isaac ay nagsabi sa kanya, Sino ka?" Sumagot siya, "Ako si Esau, ang unang anak mong lalaki!"
|
|||
|
\v 33 Pagkatapos si Isaac ay nagsimulang manginig ng matindi. Sinabi niya, "kung gayon, sino pala ang nagdala sa akin ng ilang karne ng hayop na pinangaso at pinatay niya, at kinain kong lahat iyon? Narito lamang siya bago ka dumating. Pinagpala ko siya, at hindi ko na mababawi ang pagpapalang iyon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Nang marinig ni Esau ang mga salitang iyon ng kanyang ama, umiyak siya nang malakas. Siya ay labis na nalungkot. Sinabi niya sa kanyang ama, "Ama ko, pagpalain mo rin ako!"
|
|||
|
\v 35 Subalit sinabi ng kanyang ama, "Dumating ang iyong kapatid, nilinlang ako, at kinuha ang iyong pagpapala!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Sinabi ni Esau, "Hindi ba tama lang na ang pangalan niya ay Jacob dahil ninlinlang niya ako ng dalawang beses. Sa unang pagkakataon ay kinuha niya ang aking karapatan bilang unang anak, at ngayon naman ay kinuha niya ang aking pagpapala!" Pagkatapos ay nagtanong siya, "Wala ka na bang anumang natitirang pagpapala para sa akin?"
|
|||
|
\v 37 Sumagot si Isaac at sinabi kay Esau, "Naipahayag ko na pamumunuan ka ng iyong nakababatang kapatid, at naipahayag ko na ang lahat ng kanyang mga kamag-anak ay maglilingkod sa kanya. At nasabi ko na bibigyan siya ni Yawheh ng maraming butil at mga ubas para sa alak. Kaya anak ko, ano ang magagawa ko para sa iyo?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 38 Sinabi ni Esau sa kanyang ama, "Ama ko, mayroon ka ba lamang isang pagpapala? Ama ko, pagpalain mo rin ako!" Pagkatapos ay umiyak si Esau nang napakalakas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Ang kanyang amang si Isaac ay sumagot at sinabi sa kanya, "Ang lugar na titirahan mo ay magiging malayo sa mabungang lupa at sa hamog na padala ni Yahweh mula sa langit upang diligan ang kabukiran.
|
|||
|
\v 40 Magnanakaw ka at papatay ng mga tao upang makuha ang kailangan mo para mabuhay, at ikaw ay magiging parang alipin ng iyong kapatid na lalaki. Subalit sa sandaling magpasya kang maghimagsik laban sa kanya, makakalaya ka mula sa kanyang pamamahala."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 41 Dahil sa pagpapalang binigay ng kanyang ama kay Jacob, nagalit si Esau sa kanyang kapatid. Sinabi ni Esau sa kanyang sarili, "Pagkatapos mamatay ng aking ama at matapos kaming magluksa para sa kanya, papatayin ko si Jacob!"
|
|||
|
\v 42 Subalit napag-alaman ni Rebeca ang iniisip ng nakatatanda niyang anak na si Esau. Kaya ipinatawag niya ang nakababatang anak niyang si Jacob at sinabi sa kanya, "Makinig ka sa akin. Ang iyong nakatatandang kapatid na si Esau ay inaaliw ang kanyang sarili sa pagbabalak na patayin ka, upang makaganti sa iyong panlilinlang sa inyong ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 43 Kaya ngayon, anak ko, makining kang mabuti sa sinasabi ko sa iyo. Tumakas ka agad at magpunta at manatili sa kapatid kong lalaking si Laban, sa Haran.
|
|||
|
\v 44 Manatili ka sandali sa piling niya hanggang sa ang nakatatanda mong kapatid ay hindi na galit.
|
|||
|
\v 45 Kapag nalimutan na niya ang ginawa mo sa kanya, magpapadala ako ng pasabi sa iyo upang sabihan kang bumalik na mula roon. Kung patayin ka ni Esau, sunod ay papatayin siya ng iba, at sa gayon ang dalawang anak ko ay mamamatay nang sabay!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 46 Pagkatapos sinabi ni Rebeca kay Isaac, "Itong mga dayuhang babaeng napangasawa ni Esau, na mga kaapu-apuhan ni Heth ay ginagawang malungkot ang buhay ko. Kung si Jacob ay mag-asawa rin ng babae mula sa mga kaapu-apuhan ni Heth sa dakong ito, mawawalan ng kabuluhan ang buhay ko!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 28
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Pagkatapos pinatawag ni Isaac si Jacob at binigyan siya ng pagpapala. Sinabi niya ito sa kanya: "Huwag kang mag-aasawa ng babae mula sa mga kababaihan ng mga Cananeo.
|
|||
|
\v 2 Sa halip ay magtungo ka agad sa Padan-aram, sa bahay ni Bethuel na ama ng iyong ina. Hilingin mo ang isa sa mga anak na babae ni Laban na kapatid ng iyong ina na pakasalan ka.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Ipananalangin ko na ang Diyos na Makapangyarihan ay pagpalain ka, at dulutan kang magkaroon ng maraming kapu-apuhan, nang sa gayon sila ay maging iba't ibang mga lahi.
|
|||
|
\v 4 Ipananalangin ko rin na pagpalain ka niya at ang iyong mga kaapu-apuhan sa pamamagitan ng pagdudulot na angkinin ninyo ang lupain kung saan kayo ngayon naninirahan bilang isang dayuhan, ang lupang pinangako ng Diyos na ibigay kay Abraham at sa kanyang mga kaapu-apuhan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Kaya pinadala ni Isaac si Jacob sa Padan-aram para manirahan sa kapatid ni Rebeca na si Laban na anak ni Bethuel, na nabibilang mga lahi ng mga Aramean. (Si Rebeca kalaunan ang magsisilang kina Jacob at Esau.)
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Napag-alaman din ni Esau na pinagpala ni Isaac si Jacob at pinadala siya sa Padan-aram. Napag-alaman din niyang pinagpala si Jacob ng kaniyang ama, at sinabi niya sa kaniya, "Huwag mong pakasalan ang babae mula sa mga Cananeo,"
|
|||
|
\v 7 at siya si Jacob ay sumunod sa kanyang ama at ina, at nagpunta siya sa Padan-aram.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Napagtanto rin ni Esau na hindi sang-ayon si Isaac sa mga kababaihan ng mga taga-Canaan.
|
|||
|
\v 9 Dahil doon, nakipagkita si Esau sa kamag-anak niyang si Ishmael at pinakasalan si Mahalath, ang anak na babae ni Ishmael. Si Mahalath ay kapatid na babae ni Nabaioth at apo ni Abraham.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Samantala, iniwan ni Jacob ang Beer-seba at nagsimulang humayo papuntang Haran.
|
|||
|
\v 11 Nang makarating siya sa lugar, tumigil siya roon dahil lumubog na ang araw. Kumuha siya ng isa sa mga bato roon at inilagay iyon sa ilalim ng kaniyang ulo para gamitin bilang isang unan. Pagkatapos siya ay humiga at natulog doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Habang siya ay natutulog, siya ay nanaginip na nakakita siya ng isang hagdanan. Ang ilalim ng hagdanan ay nasa mundo at ang tuktok ay nasa langit. Nakita rin ni Jacob ang mga anghel ng Diyos na nag-aakyat panaog sa hagdanan.
|
|||
|
\v 13 Pagkatapos nakita niya si Yahweh na nakatayo sa tuktok ng hagdanan, na nagsasabing, "Ako si Yahweh na Diyos, na siyang sinamba ng lolo mong si Abraham at sinasamba ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan ang lupa kung saan ka nakahiga.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Ang mga kaapu-apuhan mo ay magiging napakarami tulad ng mga katiting ng alabok ng mundo, at ang kanilang nasasakupan mo ay magiging napakalawak. Ito ay aabot sa lahat ng dako, sa silangan at sa kanluran, sa hilaga at sa timog. Pagpapalain ko ang lahat ng mga angkan at mga lahi sa mundo sa pamamagitan mo at ng iyong mga kaapu-apuhan.
|
|||
|
\v 15 Tutulungan kita at pangangalagaan saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupang ito. Hindi kita iiwan; at gagawin ko para sa iyo ang lahat ng pinangako kong gawin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Sa gabi, nang magising si Jacob mula sa pagtulog ay naisip niya, "Tiyak na si Yahweh ay nasa lugar na ito, at hanggang ngayon ay hindi ko iyon namalayan!"
|
|||
|
\v 17 Siya ay natakot, at nagsabing, "Nakakakilabot ang lugar na ito! Tiyak na ito ang lugar kung saan nakatira ang Diyos, at ito ang pasukan sa langit!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Kinaumagahan, bumangon si Jacob, kinuha ang batong inilagay niya sa ilalim ng kaniyang ulo, at itinayo ito sa kanyang dulo para tandaan ang lugar kung saan nagpakita sa kanya ang Diyos. Binuhusan niya ng kaunting langis ng olibo ang ibabaw ng bato para ilaan sa Diyos.
|
|||
|
\v 19 Pinangalanan niya ang lugar na Bethel, na nangangahulugang "bahay ng Diyos." Dati ang pangalan nito ay Luz.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Si Jacob ay taimtim na nangako sa Diyos, na nagsasabing, "Kung tutulungan mo ako at pangangalagaan ako habang nasa paglalakbay na ito, at bibigyan ng sapat na pagkain para kainin at mga damit para isuot,
|
|||
|
\v 21 para matiwasay akong makabalik sa bahay ng aking ama, ikaw nga si Yahweh, ang Diyos na aking sasambahin.
|
|||
|
\v 22 Ang batong itinayo ko ay magtatanda sa lugar kung saan ka nagpakita sa akin. Ibabalik ko sa iyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay na ibibigay mo sa akin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 29
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nagpatuloy si Jacob sa paglalakbay sa daan, at narating niya ang lupain na nasa silangang lupain ng Canaan.
|
|||
|
\v 2 Doon nakita niya ang isang balon sa bukid, at tatlong mga kawan ng tupa ang nakahiga malapit sa balon. Ito ang balon na kung saan kalimitan ang mga pastol ay kumukuha ng tubig para sa kanilang tupa. Mayroong malaking bato na nakatakip sa ibabaw ng balon.
|
|||
|
\v 3 Nang natipon doon ang lahat ng mga kawan, magtutulungan ng sama sama ang mga pastol para pagulungin ang bato palayo mula sa ibabaw ng balon at kukuha ng tubig para sa mga tupa. Pagkatapos nilang gawin iyon, ilalagay nila ulit ang bato sa ibabaw ng balon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Noong araw na iyon, tinanong ni Jacob ang mga pastol ng mga tupa na nakaupo roon, "Saan kayo nanggaling?" Sumagot sila, "Nanggaling kami sa lungsod ng Haran."
|
|||
|
\v 5 Tinanong niya sila, "Kilala niyo ba si Laban na apo ni Nahor?" Sumagot sila, "Oo, kilala namin siya."
|
|||
|
\v 6 Tinanong sila ni Jacob, "Maayos ba ang kalagayan ni Laban?" Sumagot sila, "Oo, maayos ang kanyang kalagayan. Tingnan mo! Paparating ang kanyang anak na si Raquel kasama ang mga tupa!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Sinabi ni Jacob, "Pero ang araw ay mataas pa. Hindi pa oras para sa mga tupa na tipunin para sa oras ng gabi. Bakit hindi ninyo bigyan ng tubig ang mga tupa at pagkatapos ibalik sila para manginain sa pastulan?"
|
|||
|
\v 8 Sumagot sila, "Hindi, hindi namin maaaring gawin iyan hanggang matipon ang lahat ng mga kawan dito at ang bato ay maalis mula sa ibabaw ng balon. Pagkatapos niyan, bibigyan namin ng tubig ang tupa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Habang nakikipag-usap pa siya sa kanila, si Raquel ay dumating kasama ng mga tupa ng kanyang ama. Siya ang nangangalaga sa mga tupa ng kanyang ama.
|
|||
|
\v 10 Nang makita ni Jacob si Raquel, ang anak na babae ni Laban, na kapatid ng kanyang ina, at ang mga tupa ni Laban, lumapit siya at nag-iisang inalis ang bato na nakatakip sa ibabaw ng balon, at kumuha siya ng tubig para sa mga tupa ng kanyang tiyuhin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos hinalikan ni Jacob si Raquel sa pisngi, at napaiyak ng malakas dahil sa sobrang saya.
|
|||
|
\v 12 Sinabi ni Jacob kay Raquel na siya ang isa sa mga kamag-anak ng kanyang ama, ang anak ng kanyang tiyahin na si Rebeca. Kaya tumakbo siya at sinabi niya ito sa kanyang ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Pagkarinig ni Laban na si Jacob, ang anak ng kanyang kapatid na babae, ay naroon, tumakbo siya para salubungin siya. Niyakap niya at hinalikan siya sa pisngi. Pagkatapos dinala niya sa kanyang tahanan, at pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng nangyari sa kanya.
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos sinabi ni Laban sa kanya, "Ikaw talaga ay bahagi ng aking pamilya!" Matapos manatili ni Jacob doon at nagtrabaho ng isang buwan para kay Laban,
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 sinabi ni Laban sa kanya, "Hindi ka dapat magtrabaho sa akin para sa wala dahil lamang sa ikaw ay aking kamag-anak! Sabihin mo sa akin kung magkano ang gusto mong ibabayad ko sa iyo."
|
|||
|
\v 16 Ngayon may dalawang anak na babae si Laban. Ang nakatatanda ay si Lea, at ang nakababata ay si Raquel.
|
|||
|
\v 17 Si Lea ay may mapupungay na mga mata, pero si Raquel ay may kaakit- akit na pangangatawan at maganda.
|
|||
|
\v 18 Napamahal si Jacob kay Raquel, kaya sinabi niya, "Magtatrabaho ako sa iyo ng pitong taon. Iyon ang aking magiging kabayaran sa pagpayag mo na pakasalan ko ang iyong nakababatang anak, na si Raquel."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Sumagot si Laban, "Mas mabuti para sa akin na ibigay siya sa iyo para pakasalan siya kaysa makapag-asawa siya ng ibang lalaki! Kailangang manatili ka rito kasama namin."
|
|||
|
\v 20 Kaya nagtrabaho si Jacob kay Laban ng pitong taon para makuha si Raquel, pero para sa kanya ito ay parang ilang araw lamang, dahil siya ay minahal niya nang labis.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Matapos ang pitong taon, sinabi ni Jacob kay Laban, "Hayaan mong pakasalan ko si Raquel ngayon, dahil ang panahon na ating sinang-ayunan para sa akin na magtrabaho sa iyo ay natapos na, at gusto kong pakasalan siya."
|
|||
|
\v 22 Kaya tinipon ni Laban ang lahat ng mga tao na naninirahan sa lugar na iyon at nagdaos ng kapistahan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Pero sa gabing iyon, sa halip na dalhin si Raquel kay Jacob, dinala ni Laban ang kanyang nakatatandang anak, na si Lea, sa kanya. Pero dahil madilim na, hindi niya nakita na si Lea iyon at hindi si Raquel, at sumiping siya sa kanya.
|
|||
|
\v 24 (Binigay na ni Laban ang kanyang aliping babae na si Zilpa sa kanyang anak niyang si Lea para maging katulong niya.)
|
|||
|
\v 25 Kinaumagahan, nagulat si Jacob nang makita niya na si Lea ang kasama niya! Kaya pumunta siya kay Laban at galit na galit na nagsabi, "Kasuklam-suklam ang ginawa mo sa akin! Nagtrabaho ako sa iyo para makuha si Raquel, hindi ba? Kaya bakit mo ako dinaya?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Sumagot si Laban, "Sa lupaing ito, hindi namin kaugalian na ibigay ang nakababatang anak na babae na makasal bago namin ipakasal ang aming panganay na babae sa isang tao.
|
|||
|
\v 27 Kapag matapos natin ang linggo ng pagdiriwang na ito, hahayaan naming pakasalan mo rin ang nakababata. Pero bilang kapalit, kailangan mong magbayad para kay Raquel sa pamamagitan ng pagtatrabaho para sa akin ng karagdang pitong taon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Kaya iyon ang ginawa ni Jacob. Pagkatapos ng isang linggong pagdiriwang, binigay ni Laban sa kanya ang kanyang anak na babae, na si Raquel, para maging asawa niya.
|
|||
|
\v 29 Binigay ni Laban ang kanyang babaeng alipin na si Bilha kay Raquel para maging lingkod niya.
|
|||
|
\v 30 Pinakasalan din ni Jacob si Raquel, at mas minahal niya si Raquel kaysa kay Lea. Nagtrabaho siya kay Laban ng karagdang pitong taon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Nang makita ni Yahweh na hindi gaanong minahal ni Jacob si Lea, binigyan niya ng kakayahang mabuntis. Pero si Raquel ay hindi maaaring magbuntis.
|
|||
|
\v 32 Si Lea ay nagsilang ng batang lalaki, na pinangalanan niyang Ruben. Sinabi niya, "Nakita ni Yahweh na nagdadalamhati ako, at dahil doon binigyan niya ako ng anak na lalaki. Ngayon tiyak na mamahalin ako ng aking asawa dahil nanganak ako ng lalaki para sa kanya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Kinalaunan nabuntis siyang muli at nanganak ng lalaki. Sinabi niya, "Dahil narinig ni Yahweh na hindi ako minahal ng aking asawa, binigay rin niya sa akin ang anak na ito." Kaya pinangalanan niya siyang Simon, na nangangahulugang "may isang nakarinig."
|
|||
|
\v 34 Kinalaunan nabuntis siyang muli, at nanganak ng isa pang anak. Sinabi niya, "Sa wakas, ang asawa ko ay magiging malapit na sa akin ngayon." Kaya pinangalanan niya siyang Levi, na nangangahulugang "naging malapit."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Kinalaunan nabuntis na naman siyang muli at nanganak ng isa pang batang lalaki. Sinabi niya, "Sa pagkakataong ito pupurihin ko si Yahweh," kaya tinawag niya ang kanyang pangalan na Juda. Pagkatapos noon, hindi na siya nagsilang pang muli.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 30
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Napagtanto ni Raquel na hindi siya mabuntis sa anumang paraan. Kaya naging mainggitin siya sa kanyang nakatatandang kapatid na babae, si Lea, dahil nanganak si Lea ng apat na lalaki. Sinabi niya kay Jacob, "Buntisin mo ako para magkaroon ng mga anak. Kapag hindi mo gagawin iyan, mamamatay ako!"
|
|||
|
\v 2 Nagalit si Jacob kay Raquel at sinabi, "Hindi ako Diyos! Siya lamang ang pumipigil sa iyo para mabuntis ka!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Pagkatapos sinabi niya, "Tingnan mo, narito ang aking alipin na si Bilha. Sumiping ka sa kanya para magkaroon siya ng mga anak para sa akin. Sa ganyang pamamaraan magkaroon ako ng legal na mga anak."
|
|||
|
\v 4 Kaya binigay niya ang kanyang aliping si Bilha, para maging isa pang asawa niya, at sinipingan siya ni Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Siya ay nabuntis at nanganak ng lalaki kay Jacob.
|
|||
|
\v 6 Sinabi ni Raquel, "Ang Diyos ay nagbigay sa akin ng katarungan. Pinakinggan niya nang magdasal ako sa kanya, at ang kanyang katarungan ay bigyan ako ng anak na lalaki." Pinangalanan siyang Dan, na katunog sa salitang Hebro na ang ibig sabihin ay "binigyan niya ako ng hustisya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Kinalaunan, nabuntis muli ang alipin ni Raquel na si Bilha at nagsilang ng isa pang anak na lalaki para kay Jacob.
|
|||
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Raquel, "Nagkaroon ako ng matinding pagsisikap para magkaroon ng mga anak tulad ng aking nakatatandang kapatid na babae, pero tunay nga na mayroon akong anak na lalaki." Kaya pinangalanan siyang Nephtali, na kasintunog sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay "pagsisikap."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Nang napagtanto ni Lea na hindi na siya nagkakaroon ng mga anak, kinuha niya ang kanyang alipin, na si Zilpa, at ibinigay siya kay Jacob para maging isa pang asawa para sa kanya.
|
|||
|
\v 10 Mayamaya si Zilpa ay nabuntis at nagsilang ng lalaki para kay Jacob.
|
|||
|
\v 11 Sinabi ni Lea, "Mapalad talaga ako!" Kaya pinangalanan niya siyang Gad, na ang ibig sabihin ay "mapalad."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Kinalaunan ang alipin ni Lea, na si Zilpa, nagsilang ng isa pang anak na lalaki para kay Jacob.
|
|||
|
\v 13 Sinabi ni Lea, "Ngayon ako ay napakasaya, at ang mga tao ay tatawagin akong masaya." Kaya pinangalanan siyang Asher, na ang ibig sabihin ay "masaya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Sa panahon nang sila ay umaani ng trigo, lumabas si Ruben at pumunta sa kanilang sakahan at nakakita ng mga mendreik. Nagdala siya ng ilan sa mga ito sa kanyang ina na si Lea. Pero nakita sila ni Raquel at sinabi kay Lea, "Pakiusap bigyan mo ako ng ilan sa mga halaman na dinala ng iyong anak para sa iyo!"
|
|||
|
\v 15 Pero sinabi ni Lea sa kanya, "Hindi" Masama na ninakaw mo ang aking asawa! Ngayon kukunin mo naman ang mga halaman na mendreik ng aking anak?" Kaya sinabi ni Raquel, "Sige, si Jacob ay matutulog na kasama mo ngayong gabi, kung bibigyan mo ako ng ilan sa mga halamang mendreik ng iyong anak." Kaya sumang-ayon si Lea kay Raquel.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nang bumalik si Jacob mula sa mga sakahan ng trigo ng gabing iyon, lumabas si Lea para salubungin siya. Sinabi niya, "Dapat kang sumiping sa akin ngayong gabi, dahil binigyan ko si Raquel ng ilang mendreik na halaman bilang bayad sa pagpayag niyang gawin natin iyon." Kaya sumiping si Jacob sa kanya nang gabing iyon.
|
|||
|
\v 17 Dininig ng Diyos ang mga dalangin ni Lea, at nabuntis siya at nanganak kay Jacob sa ikalimang anak na lalaki.
|
|||
|
\v 18 Sinabi ni Lea, "Binigyan ako ng Diyos ng gantimpala sa pagbibigay ng alipin ko sa aking asawa para maging isa niya pang asawa." Kaya pinangalanan niya siyang Isacar, na katunog sa salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay "gantimpala."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Nabuntis muli si Lea at nanganak ng ika-anim na anak na lalaki para kay Jacob.
|
|||
|
\v 20 Sinabi ni Lea, "Ang Diyos ay nagbigay sa akin ng mahalagang handog. Sa pagkakataong ito pararangalan ako ng aking asawa, dahil nanganak ako ng anim na anak na lalaki para sa kanya." Kaya pinangalanan niyang Zebulon.
|
|||
|
\v 21 Kinalaunan nanganak siya ng anak na babae at pinangalanan niyang Dina.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Pagkatapos naisip ng Diyos ang tungkol sa nais ni Raquel. Narinig niya siyang nanalangin at dinulot siyang mabuntis.
|
|||
|
\v 23 Siya ay nabuntis at nanganak ng lalaki. Sinabi niya, "Dinulot ng Diyos na hindi na ako kailan man mahihiya dahil sa hindi pagkakaroon ng mga anak."
|
|||
|
\v 24 Pinangalanan niya siyang Jose, na katunog ng salitang Hebreo na ang ibig sabihin, "Si Yahweh ay nagbigay sa akin ng isa pang anak na lalaki."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Pagkatapos magsilang ni Raquel kay Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, "Ngayon payagan mo akong huminto sa pagtatrabaho para sa iyo at hayaan mo akong bumalik sa aking sariling lupain.
|
|||
|
\v 26 Alam mo ang trabahong ginawa ko na para sa iyo. Kaya hayaan mong kunin ko ang aking mga asawa at mga anak na aking pinagtrabahuan para makuha ko sa iyo at umalis na."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Pero sinabi ni Laban sa kanya, "Kung ako ay kinalulugdan mo, manatili ka rito, dahil nalaman ko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang salamangkang ritwal na pinagpala ako ni Yahweh dahil sa ginawa mo para sa akin.
|
|||
|
\v 28 Sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong ibayad ko sa iyo para magpatuloy ka sa pagtatrabaho para sa akin, at iyon ang ibabayad ko sa iyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Sinabi ni Jacob sa kanya, "Alam mo kung paano ako nagtrabaho para sa iyo, at alam mo na ang iyong mga hayop ay higit na dumami habang inalagaan ko sila.
|
|||
|
\v 30 Mayroon ka lamang kaunting mga hayop bago ako dumating dito. Pero ngayon ay mayroon kang napakarami, at labis silang pinarami ni Yahweh kahit saan ko sila dalhin. Pero ngayon kailangan kong magsimulang pangalagaan ang pangangailangan ng sarili kong pamilya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Sumagot si Laban, "Ano ang gusto mong ibayad ko sa iyo?" Sumagot si Jacob, "Hindi ko gustong bayaran mo ako ng kahit na anuman. Pero kung gagawin mo itong isang bagay para sa akin, ipagpapatuloy kong alagaan ang iyong mga kawan at ipagtanggol ko sila.
|
|||
|
\v 32 Hayaan mo akong pumunta at tingnan ang lahat ng mga kawan mo sa araw na ito at alisin mula sa kanila ang lahat ng mga may batik-batik na tupa, lahat ng mga may dungis na tupa, at ang bawat na may matingkad na kulay na tupa, lahat ng mga may batik-batik na kambing, at ang lahat ng mga may dungis na kambing. Gusto kong kunin sila para sa aking sarili. Sila ang magiging kabayaran ko.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Sa ganitong paraan, sa hinaharap, malalaman mo kung naging tapat ako sa ibinayad mo sa akin. Kung ilan sa mga kambing ko ang ni walang batik-batik o dungis o kung mayroon mang hindi matingkad na kulay sa aking mga batang tupa, malalaman mo na ninakaw ko iyon mula sa iyo."
|
|||
|
\v 34 Sumang-ayon si Laban at sinabing, "Oo, gagawin natin kung ano sinabi mo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Pero sa araw ding iyon, inalis ni Laban ang lahat ng mga lalaking kambing na may itim at puting guhit sa kanila o mga may dungis, at lahat ng mga babaeng kambing na may batik-batik at dungis, lahat ng mga bahagyang puti, at lahat ng mga may matitingkad na kulay na batang tupa. Hiniwalay niya ito mula sa ibang hayop at inilagay niya ito sa pangangalaga ng kanyang mga anak na lalaki.
|
|||
|
\v 36 Pagkatapos kinuha ni Laban at ng kanyang mga anak na lalaki ang mga hayop na ito at naglakbay ng tatlong araw mula sa kinaroroonan ni Jacob. Si Jacob ay nagpatuloy sa pag-aalaga ng mga natitirang mga kawan ni Laban.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 37 Pagkatapos namutol si Jacob ng ilang mga sanga ng alamo, almendro, at kastanong mga punong kahoy. Nagbalat siya ng mahahabang piraso mula sa mga sanga. Sa ganitong paraan, kung saan inalis niya ang balat, ang mga sanga ay naging maliwanag ang kulay.
|
|||
|
\v 38 Pagkatapos nilagay niya ang mga nabalatang mga sanga doon sa sabsaban kung saan nila nilagay ang tubig para inumin ng mga hayop, nang sa gayon ay makita sila ng mga kawan tuwing umiinom sila ng tubig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Ang mga hayop ay nagtalik din sa harap ng mga sanga, at kinalaunan nagsilang ang mga hayop ng may batik-batik, o sa mga hayop na may dungis, o sa mga hayop na may itim at puting mga guhit sa kanila.
|
|||
|
\v 40 Sa nakaraang mga taon, madalas na hiniwalay ni Jacob ang mga babaeng tupa sa kawan ni Laban mula sa ibang mga tupa at mga kambing. Sa tuwing magtatalik sila, pinatitingin niya sila sa mga hayop na may mga itim at maputing guhit, at sa may matitingkad na kulay na mga hayop. Kaya nagsilang sila ng mga hayop na may magkatulad ang mga marka. Pagkatapos hinihiwalay niya ang mga hayop mula sa mga kawan ni Laban at inalagaan niya para sa kanyang sarili.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 41 Sa karagdagan, sa panahon na ang malakas na babaeng tupa ay handa na sa pakikipagtalik, ilalagay ni Jacob ang ilan sa mga nabalatang mga sanga sa sabsaban na nasa harap nila, para magtalik sila sa harap ng mga sanga.
|
|||
|
\v 42 Pero kapag ang mahihinang mga hayop ay handa nang magtalik, hindi niya ilalagay ang mga sanga sa kanilang sabsaban. Kaya nagsilang ang mga ito ng mahihinang mga batang tupa, na siyang iniwan sa kawan ni Laban, dahil ang malalakas ay naging bahagi ng kawan ni Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 43 Bilang kinalabasan, si Jacob ay naging napakayaman. Nagmamay-ari siya ng mga malalaking kawan. Siya rin ay nagmamay-ari ng maraming mga lalaki at babaeng mga alipin, mga kamelyo, at mga asno.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 31
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Isang araw, isang tao ang nakapagsabi kay Jacob na ang mga anak na lalaki ni Laban ay nagrereklamo at nagsabi, "Si Jacob ay naging napakayaman sa pamamagitan ng pagkuha sa lahat ng bagay na nabibilang sa aming ama."
|
|||
|
\v 2 Napansin ni Jacob na si Laban ay hindi kumikilos ng magiliw sa kanya katulad ng mga ginagawa niya noon.
|
|||
|
\v 3 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jacob, "Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak, at tutulungan kita doon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Kaya nagpadala ng isang mensahe si Jacob kay Raquel at Lea, sinabihan sila na pumunta sa labas ng bukid kung saan nanduon ang kanyang mga kawan ng tupa at mga kambing.
|
|||
|
\v 5 Nang dumating sila, sinabi niya sa kanila, "Nakita ko na ang inyong ama ay hindi kumikilos ng magiliw sa akin katulad ng ginagawa niya noong nakaraan. Ngunit ang Diyos, kung sino ang sinasamba ng aking ama, ay tinulungan ako.
|
|||
|
\v 6 Alam ninyo sa inyong mga sarili na nagtatrabaho akong mabuti para sa inyong ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Dinaya niya ako ng maraming beses sa pamamagitan ng pagbabawas ng aking sahod. Ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na gawan ako ng pisikal na pananakit.
|
|||
|
\v 8 Nang sinabi ni Laban na, "Ang may batik-batik na mga hayop ang ibibigay ko sa iyo bilang sahod,' kaya lahat ng mga hayop ay sinilang na may mga batik-batik. Kapag nagbago ang kanyang isip at sinabi, 'Ang may mga itim at puting guhit sa kanila ang siyang iyong magiging sahod' pagkatapos lahat ng mga hayop ay nagsilang ng may mga guhit.
|
|||
|
\v 9 Sa ganoong paraan, kinuha lahat ng Diyos ang mga kabuhayan na nabibilang sa inyong ama at ibinigay nila sa akin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Isang beses, nang ang mga hayop ay nagpaparami, nagkaroon ako ng isang panaginip. Sa aking panaginip, tumingala ako at nagulat na makita ang ilan sa mga lalaking kambing na nakikipagtalik sa mga babaeng kambing na mayroong maitim at maputing guhit sa kanila, ang ilan ay mayroong batik-batik, at ang ilan ay mayroong batik.
|
|||
|
\v 11 Sa panaginip, isang anghel na mula sa Diyos ang dumating at sinabi sa akin, 'Jacob!' Ako ay sumagot, 'Nandito ako!'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Sinabi niya sa akin, 'Tingnan mo sa itaas at makikita mo na lahat ng mga lalaking kambing na nagtatalik ay mayroong itim at puting mga guhit sa kanila, o mga batik-batik o may batik. Nangyayari ito dahil nakita ko lahat ng ginawa ni Laban sa iyo.
|
|||
|
\v 13 Ako ang Diyos na nagpakita sa iyo sa Bethel, kung saan ka naglagay ng bato, binuhusan ito ng olibong langis at gumawa ng taimtim na pangako sa akin. Kaya ngayon lisanin mo kaagad ang lupaing ito at bumalik sa lupain kung saan ka isinilang.'"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Sumagot sina Raquel at Lea sa kanya, "Hindi kami bibigyan ng kahit ano pang bagay ng aming ama kapag siya ay mamamatay.
|
|||
|
\v 15 Tinuring niya kami na parang mga dayuhan! Ang trabahong ginawa mo sa kanya sa lahat ng taon na ito ay isang kabayaran na ibinigay mo sa kanya para sa amin, ngunit hindi kami magmamana ng kahit anong kayamanan na ibinigay mo sa kanya. Inubos niya ito lahat!
|
|||
|
\v 16 Tiyak na lahat ng kayamanan na kinuha ng Diyos mula sa aming ama ay mabibilang sa amin at sa aming mga anak. Kaya gawin mo ang anumang sinabi ng Diyos sa iyo na gawin mo!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos nilagay ni Jacob ang kanyang mga anak at mga asawa sa kamelyo.
|
|||
|
\v 18 Pinauna niya lahat ng kaniyang mga baka sa kanya habang sila ay papaalis. Kinuha din niya lahat ng ibang ari-arian at mga gamit na dinagdag niya sa kaniyang pagmamay-ari habang nakatira sa Paddan Aram. Ganito ang pagsisimula ng kanilang paglalakbay pabalik sa kaniyang ama na si Isaac, na nanirahan sa lupain ng Canaan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Ngayon si Laban ay umalis upang gupitan ang kanyang mga tupa. Sa kanyang pagliban, ninakaw ni Raquel ang maliit na mga anitong kahoy na nasa tolda ng kanyang ama.
|
|||
|
\v 20 Higit pa rito, nilinlang ni Jacob si Laban ang Aramean sa hindi pagsabi sa kanya sa planong pag-alis.
|
|||
|
\v 21 Kaya si Jacob at ang kanyang pamilya ay tumakas kasama ang lahat ng kanilang ari-arian. Tumawid sila sa Ilog Eufrates at nagsimulang naglakbay sa timog patungo sa munting bundok ng bayan sa rehiyon ng Galaad.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Sa ikatlong araw pagkatapos nilang umalis. May isang taong nakapagsabi kay Laban na si Jacob at ang kanyang pamilya ay wala na.
|
|||
|
\v 23 Kaya kinuha niya ang ilan sa kanyang mga kamag-anak kasama niya at nagsimulang habulin si Jacob. Sila ay naglakad ng pitong araw at nakahabol sila sa burol na bansa ng rehiyon ng Galaad
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos nagpakita ang Diyos kay Laban sa isang panaginip sa gabi. Sinabi niya sa kanya, "Kapag naabutan mo si Jacob, mag-ingat ka kung ano ang sasabihin mo sa kanya."
|
|||
|
\v 25 Ang sumunod na araw, sa oras na naabutan ni Laban si Jacob, si Jacob at ang kanyang sambahayan ay nagtayo ng kanilang mga tolda sa bundok ng Galaad. Kaya si Laban at ang kanyang mga kamag-anak ay nagtayo rin ng kanilang mga tolda doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Pagkatapos pumunta si Laban kay Jacob at sinabi sa kanya, "Bakit mo nagawa ito? Nilinlang mo ako sa pamamagitan ng pagdala sa aking mga anak na babae na tila nabihag mo sila sa isang digmaan!
|
|||
|
\v 27 Bakit ka tumakbo palayo at ako ay nilinlang? Bakit hindi ka nagsabi na kayo ay aalis, upang tayo ay nakapagdiwang at nagkantahan habang ang mga tao ay magpapatugtog ng musika sa mga tamborin at mga alpa bago ako magsabi ng 'paalam' sa iyo?
|
|||
|
\v 28 Hindi mo man lang ako hinayaang humalik sa aking mga apo at sa aking mga anak na babae bago sila umalis! Ang ginawa mo ay kahangalan!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Ako at ang aking mga kamag-anak ay may kapangyarihan na saktan kayo, ngunit kagabi ang Diyos na sinasamba ng iyong ama ay sinabi sa akin sa isang panaginip, 'Mag-ingat ka sa kung anuman ang sasabihin mo kay Jacob.'
|
|||
|
\v 30 Ngayon nalaman ko na umalis ka dahil gusto mong bumalik sa inyong tahanan. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos-diyosan?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Sumagot si Jacob kay Laban, "Hindi ko sinabi sa iyo na nagpaplano kaming umalis, dahil natatakot ako na kukunin mo ng puwersahan ang iyong mga anak na babae sa akin.
|
|||
|
\v 32 Ngunit kung sino man ang matagpuan mo dito na kumuha ng iyong mga diyos-diyosan, papatayin natin ang taong iyon. Habang ang aming mga kamag-anak ay nanunuod, suriin ninyo upang makita kung mayroong anumang bagay ang pag-aari mo na nandito sa akin. Kung mayroon kang matagpuang anumang bagay, maaari mo itong kunin!" Nang sinabi ito ni Jacob, hindi niya alam na si Raquel ang nagnakaw ng mga diyos-diyosan ng kanyang ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Pagkatapos pumunta si Laban sa tolda ni Jacob, at pagkatapos sa tolda ni Lea, at pagkatapos sa tolda ng kanyang dalawang babaeng mga alipin at naghanap sa mga diyos-diyosan, ngunit hindi niya ito natagpuan. Pagkatapos niyang umalis sa kanilang mga tolda, pumasok siya sa tolda ni Raquel.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Ngunit si Raquel ay dati na niyang kinuha ang mga iyos-diyosan at nilagay ang mga ito sa silya ng isang kamelyo at siya ay umupo doon sa silya. Kaya naghanap uli si Laban sa mga ito sa loob ng tolda ni Raquel, hindi niya natagpuan ang mga ito.
|
|||
|
\v 35 Sinabi ni Raquel sa kanyang ama, "Huwag kang magagalit sa akin, ginoo, ngunit hindi ako makakatayo sa iyong harapan upang magbigay ng paggalang sa iyo, dahil mayroon akong buwanang dalaw."Kaya kahit pagkatapos niyang maghanap, si Laban, hindi niya natagpuan ang kanyang mga diyos-diyosan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 36 Pagkatapos nagalit si Jacob. Sinabi niya kay Laban, "Ano bang krimen ang aking nagawa? Para sa anong kasalanan na ako'y iyong tugisin?
|
|||
|
\v 37 Ngayon hinalughog mo na lahat ng aking mga ari-arian at wala kang nakita na pag-aari mo! Kung mayroon ka mang mahanap anumang bagay, ilagay mo ito sa harap ng aking mga kamag-anak at ng iyong mga kamag-anak, upang sila ay magpapasiya kung sino ang tama, ikaw o ako!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 38 Kasama mo ako ng dalawampung taon. Sa lahat ng mga panahong iyon, ang iyong mga tupa at kambing ay hindi nakunan. Hindi ako pumatay at kumain ng kahit anong mga lalaking tupa mula sa iyong kawan.
|
|||
|
\v 39 Noong isa sa iyong mga hayop ay sinalakay at nilapa ng mababangis na hayop, hindi ko dinala sa iyo. Pinalitan ko ng buhay na hayop mula sa aking alagang hayop ang iyong mga alagang hayop na namatay. Tuwing isa sa iyong mga alagang hayop ay ninakaw, umaga man o sa gabi, hihingiin mo na palitan ito mula sa aking sariling mga alagang hayop.
|
|||
|
\v 40 Nagdusa ako mula sa init sa panahon ng araw at mula sa lamig ng gabi. Malimit hindi ako nakakatulog!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 41 Nanirahan ako sa iyong sambahayan ng dalawampung taon. Nagtrabaho ako sa iyo ng labing apat na taon para mapangasawa ang iyong dalawang anak na babae, at sa anim pang taon para bilhin ang ilan sa iyong mga tupa at mga kambing. Sa panahon na iyon, pinalitan at binawasan mo ang aking sahod ng sampung beses.
|
|||
|
\v 42 Kung ang Diyos, ang isa sa sinasamba ng aking lolo na si Abraham at sa harapan kung sino ang aking ama na si Isaac na nanginginig sa takot, ay hindi ko kasama at tumulong sa akin, nais mo akong paalisin na walang dala sa aking mga kamay! Ngunit nakita ng Diyos kung paano ako nagdurusa at papaano ako naghihirap na nagtatrabaho, kaya kagabi sinabihan ka niya na anuman ang ginawa mo sa akin ay mali."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 43 Sumagot si Laban, "Itong dalawang babae ay aking mga anak na babae at ang kanilang mga anak ay aking mga apo, at ang mga hayop ay aking mga hayop. Ang lahat na nakikita mo dito ay akin!
|
|||
|
\v 44 Wala akong magagawa para sila ay pigilin, kaya gagawa tayo ng isang payapang kasunduan, ikaw at ako. Ito ay magsisilbing saksi sa pagitan natin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 45 Kaya kumuha si Jacob ng malaking bato at itinayo sa dulo nito.
|
|||
|
\v 46 Pagkatapos sinabi ni Jacob sa kanyang mga kamag-anak, "Magtipon kayo ng ilang mga bato." Kaya nagtipon sila ng mga bato, at nilagay nila ito sa tambak, at kinain nila ang ilan sa mga pagkain doon malapit sa tambak.
|
|||
|
\v 47 Binigyan ni Laban ang tambak ng Aramaic na pangalang Jegar-sahaduta, ngunit binigyan ni Jacob ang tambak ng Hebreo na pangalang Galeed.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 48 Sinabi ni Laban kay Jacob, "Ang mga bato na ito na itinayo natin ngayon ay tutulong sa atin upang maalala ang ating kasunduan." Kaya tinawag ito ni Jacob na Galeed.
|
|||
|
\v 49 Pinangalanan din nila ang lugar na Mizpah, na ang katunog sa salitang Hebreo na ibig sabihin ay "bantayog na tore," dahil sinabi ni Laban, "Hihilingin natin kay Yahweh na bantayan ka at ako habang tayo ay magkahiwalay sa isa't isa, para hindi natin masubukan na saktan ang isa't isa.
|
|||
|
\v 50 Kapag inaabuso mo ang aking mga anak na babae, o kapag nag-asawa ka ng ibang babae, kahit na walang magsabi sa akin tungkol dito, huwag mong kakalimutan na nakikita ito ng Diyos kung ano ang ginagawa mo at ako!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 51 Sinabi din ni Laban kay Jacob, "Nakikita mo itong malaking bato at itong mga tumpok ng bato na ating itinayo upang mamagitan sa atin.
|
|||
|
\v 52 Itong dalawang mga tumpok at itong malaking bato ay magpapaalala sa atin, na ako ay hindi makakadaan sa mga batong ito upang saktan ka, at hindi ka makakadaan sa mga batong ito upang saktan ako. Nawa ang Diyos na sinasamba ni Abraham at sa sinasamba ng kanyang ama na si Nahor para paparusahan ang alinman sa isa sa atin, kapag sinaktan natin ang isa't isa."
|
|||
|
\v 53 Kaya si Jacob ay taimtim na nangako para gawin ang anumang sinabi sa kanilang kasunduan pangkapayapaan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 54 Naghandog siya ng alay sa Diyos doon sa bundok ng bayan, at inaanyayahan niya ang kanyang mga kamag-anak para kumain kasama niya. Pagkatapos nilang kumain, natulog sila doon ng gabing iyon.
|
|||
|
\v 55 Kinaumagahan hinalikan ni Laban ang kanyang mga apo at ang kanyang mga anak na babae, humingi siya na babasbasan sila ng Diyos. Pagkatapos, umalis siya at ang kanyang mga tauhan at bumalik sa kanilang tahanan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 32
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Habang nagpatuloy sa paglalakbay si Jacob at ang kanyang pamilya, ilang anghel ang dumating mula sa Diyos at sinalubong siya.
|
|||
|
\v 2 Nang nakita sila ni Jacob, sinabi niya, "Ito ang kampo ng hukbo ng Diyos!" Kaya pinangalanan niya ang lugar na iyon na Mahanaim.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Sinabihan ni Jacob ang ilan sa kanyang mga tauhan na mauna sa kanya papunta sa kanyang nakakatandang lalaking kapatid na si Esau, na nakatira noon sa Seir, iyon ay, lupain ng Edom.
|
|||
|
\v 4 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang gusto kong sabihin ninyo sa aking kapatid na si Esau: 'Ako, si Jacob, ang iyong alipin at ikaw ang aking panginoon. Namumuhay ako kasama ang aming tiyuhin na si Laban, at nakatira ako roon hanggang ngayon.
|
|||
|
\v 5 Ako ngayon ay nagmamay-ari ng maraming baka, mga asno, mga tupa, mga kambing, at lalaki at babaeng mga alipin. Ngayon pinapadala ko sa iyo ang mensaheng ito, ginoo, umaasang kagigiliwan mo ako kapag ako ay dumating."'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Pumunta ang mga mensahero at binigay ang mensahe kay Esau. Nang makabalik sila kay Jacob, sinabi nila, "Pumunta kami sa iyong kapatid na si Esau. Pupunta siya sa iyo, at apat na daang tauhan ang kanyang kasama."
|
|||
|
\v 7 Natakot at nag-alala si Jacob. Kaya hinati niya ang mga taong kasama niya sa dalawang pangkat. Hinati rin niya ang mga tupa at mga kambing, ang baka, at ang mga kamelyo, sa dalawang pangkat.
|
|||
|
\v 8 Napag-isip niya, "Kapag pumunta dito si Esau at ang kanyang mga tauhan at sinalakay tayo, marahil maiiwan ang isang pangkat makatakas."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos nanalangin si Jacob, "O Yahweh na Diyos, na sinamba ng aking lolo na si Abraham, at ang sinamba ng aking ama na si Isaac, sinabi mo sa akin, 'Bumalik ka sa iyong sariling lupain at sa iyong mga kamag-anak, at dudulutin kong mangyari ang mabubuting bagay sa iyo.'
|
|||
|
\v 10 Hindi ako karapat-dapat na panatilihin mo ang iyong kasunduan sa maraming paraan gaya ng katapatan at pagtitiwala sa iyong lingkod. Mayroon lamang akong panlakad na patpat sa aking paglalakbay nang aking tawirin ang Ilog ng Jordan sa aking daan patungong Haran, ngunit ngayon ako ay napakayaman na mayroong dalawang malalaking pangkat ang aking pamilya at mga ari-arian.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Kaya ngayon ako'y nananalangin na ako ay iyong iligtas mula sa kapangyarihan ng aking kapatid na si Esau, dahil ako ay natatakot sa kaniya at ang kanyang mga tauhan ay darating at sasalakayin at papatayin ako at ang mga bata at ang kanilang mga ina.
|
|||
|
\v 12 Ngunit huwag mong kakalimutan na ikaw ay nagsabi, 'Tiyak na gagawin kitang maunlad, at dudulutin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na mapakarami na maging kasing dami ng mga butil ng buhangin sa dalampasigan, na walang sinumang makakabilang sa dami nila."'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Natulog si Jacob sa lugar nang gabing iyon. Kinaumagahan pumili siya ng ilan sa mga hayop upang ibigay sa kanyang kapatid na si Esau.
|
|||
|
\v 14 Pinili niya ang dalawang daang babaeng kambing at dalawampung lalaking kambing, dalawang daang babaeng tupa at dalawampung lalaking tupa,
|
|||
|
\v 15 tatlumpung babaeng kamelyo at ang kanilang supling, apatnapung baka at sampung toro, dalawampung babaeng asno at sampung lalaking asno.
|
|||
|
\v 16 Hinati niya sila sa maliliit na kawan, at inilagay ang bawat kawan sa pangangalaga ng isa sa kanyang mga lingkod. Sinabi niya sa kanyang mga lingkod, "Mauna kayo sa akin, isang pangkat sa bawat pagkakataon, at lagyan ng puwang sa pagitan ng bawat kawan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Sinabi niya sa kanyang lingkod na kasama sa unang pangkat, "Kapag sinalubong kayo ng aking kapatid na si Esau, magtatanong siya, 'Kanino kayo nabibilang at saan kayo pupunta, at kanino itong mga hayop na nasa inyong harapan?'
|
|||
|
\v 18 Sabihin sa kanya, 'Nabibilang sila sa iyong lingkod na si Jacob. Pinadala sila sa iyo bilang handog, ginoo. At susunod siya sa amin."'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Sinabi rin niya ang parehong bagay sa lingkod na nangangalaga sa pangalawa at pangatlong pangkat, at sa ibang tagabantay ng kawan. Sinabi niya sa kanila, "'Kapag nagkita kayo ni Esau, gusto kong sabihin ninyo ang parehong bagay na sinabi ko sa unang lingkod.
|
|||
|
\v 20 Tiyakin din ninyong sabihin 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay susunod sa amin."' Sinabi ni Jacob sa kanila na sabihin iyon dahil napag-isip niya, "Marahil ang mga handog na una kong pinadala ay magiging dahilan na siya ay kumilos nang matiwasay sa akin. Mamaya, kapag makita ko siya, marahil siya ay kikilos nang mabait sa akin."
|
|||
|
\v 21 Kaya nauuna ang mga lalaking may dalang mga handog, ngunit si Jacob ay nanatili sa kampo nang gabi na iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Minsan kalagitnaan ng gabing iyon, bumangon si Jacob at kinuha ang kanyang dalawang asawa, kanyang dalawang babaeng alipin, at ang kanyang labing isang mga anak, at pinadala niya sila patawid sa Ilog ng Jabbok.
|
|||
|
\v 23 Sa ganitong paraan niya pinadala ang lahat ng tao at lahat ng kanyang mga ari-arian patawid ng ilog.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Naiwan na mag-isa si Jacob. Ngunit dumating ang isang tao at nakipagbuno sa kanya hanggang madaling araw.
|
|||
|
\v 25 Nang napagtanto ng tao na hindi siya mananalo laban kay Jacob, hinampas niya ang balakang ni Jacob at naging dahilan na ang buto ng hita ay nahila mula sa bokilya ng balakang.
|
|||
|
\v 26 Sinabi ng tao, "Hayaan mo akong umalis, dahil mag-uumaga na." Sumagot si Jacob, "Hindi, kung hindi mo ako pagpapalain, hindi kita hahayaang umalis!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Sinabi ng tao sa kanya, "Ano ang iyong pangalan?" Sumagot siya, "Jacob."
|
|||
|
\v 28 Sinabi ng tao, "Ang iyong pangalan ay hindi na Jacob. Ang iyong pangalan ay magiging Israel, na nangangahulugang 'nakikipagtalo siya sa Diyos,' dahil nakipagtalo ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagwagi."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Sinabi ni Jacob, "Ngayon, pakiusap sabihin mo ang iyong pangalan!" Sumagot ang tao, "Bakit mo tinatanong kung ano ang aking pangalan?" Ngunit binasbasan niya si Jacob doon.
|
|||
|
\v 30 Kaya pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel, ibig sabihin "Mukha ng Diyos," nagsasabing "Tumingin ako ng tuwiran sa Diyos, ngunit hindi ako namatay dahil sa paggawa niyon."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Sumisikat na ang araw nang lisanin ni Jacob ang Peniel at siya ay papilay-pilay dahil sa nangyari sa kanyang balakang.
|
|||
|
\v 32 Ang kalamnan ng kanyang buto sa balakang ay napinsala. Kaya hanggang ngayon, dahil sa nangyari kay Jacob, ang mga taong Israelita ay hindi kinakain ang kalamnan na nakakabit sa bokilya ng balakang ng mga hayop.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 33
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Pagkatapos pinagsama-sama ni Jacob ang natira sa kanyang pamilya. Kinalaunan, tumingala si Jacob at nakita niya si Esau na paparating na may kasamang mga lalaki. Nag-aalala si Jacob dahil doon, kaya't pinaghiwa-hiwalay niya ang mga bata. Inilagay niya ang mga anak ni Lea kay Lea, mga anak ni Raquel kay Raquel, at ang mga anak ng dalawang babaeng alipin sa kanilang ina.
|
|||
|
\v 2 Inilagay niya ang dalawang babaeng alipin at ang kanilang mga anak sa harapan. Kasunod ay inilagay niya si Lea at ang kanyang mga anak. Inilagay niya sa hulihan sina Raquel at Jose.
|
|||
|
\v 3 Siya mismo ang nanguna sa kanilang lahat, at habang patuloy siyang lumalapit sa kanyang nakakatandang kapatid, nagpatirapa siya sa lupa ng pitong beses.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Ngunit tumakbo si Esau papunta kay Jacob. Niyakap niya, inilagay ang kanyang mga braso sa leeg, at hinalikan siya sa pisngi. At sila'y parehong nag-iyakan.
|
|||
|
\v 5 Pagkatapos tumingala si Esau at nakita niya ang mga babae at mga bata. Nagtanong siya, "Sino ang mga taong ito na kasama mo?" Sumagot si Jacob, "Ito ang mga asawa at mga anak na mabiyayang ipinagkaloob ng Diyos sa akin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Ang mga aliping babae ay lumapit at yumukod sa harapan ni Esau.
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos sumunod na lumapit si Lea at ang kanyang mga anak at yumukod. Sa huli si Jose at Raquel ay lumapit at yumukod.
|
|||
|
\v 8 Tinanong ni Esau, "Ano ang ibig sabihin ng lahat ng mga hayop na nakita ko?" Sumagot si Jacob, "Ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, ginoo, upang magiging mabuti ang kalooban mo sa akin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ngunit sumagot si Esau, "Aking nakababatang kapatid, mayroon na akong sapat na mga alagang hayop! Sa iyo na lang ang mga alagang hayop na mayroon ka!"
|
|||
|
\v 10 Ngunit sinabi ni Jacob, "Hindi, pakiusap, kung ako'y kaaya-aya sa iyo, tanggapin mo ang mga regalong ito mula sa akin. Naging napakabait ng pagbati mo sa akin. Ang makita kang ngumiti sa akin ay nagbibigay katiyakan sa akin na napatawad mo na ako. Ito ay katulad ng pagkakakita ko sa mukha ng Diyos!
|
|||
|
\v 11 Pakiusap tanggapin mo itong mga regalong dinala ko para sa iyo, dahil ang Diyos ay gumawa ng kabutihan sa akin, at mayroon pa akong maraming alagang hayop!" Si Jacob ay nagpatuloy sa pagpupumilit sa kanya na tanggapin ang mga ito, at sa huli ay tinanggap din ni Esau ang mga iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos ay sinabi ni Esau, "Halina't magpatuloy tayo maglakbay ng magkakasama at pangungunahan kita sa iyong daan."
|
|||
|
\v 13 Sinabi ni Jacob, "Alam mo, ginoo, na ang mga bata ay mahihina, at kailangan kong asikasuhin ang mga babaeng tupa at mga baka na sumususo ng gatas sa kanilang ina. Kung pipilitin ko silang maglakad ng mabilis nang malayo sa isang araw lang, lahat ng mga alagang hayop ay mamamatay.
|
|||
|
\v 14 Mauna ka na sa akin. Gagabayan ko ang mga alagang hayop ng marahan, ngunit ako ay maglalakad nang kasing bilis ng paglalakad ng mga bata at mga hayop. Hahabol na lang ako sa iyo sa Seir."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Sinabi ni Esau, "Kung gayon payagan mo akong iwanan kita ng ilan sa mga taong kasama ko upang magbantay sa iyo." Ngunit sumagot si Jacob, "Bakit mo gagawin iyan? Ang tanging bagay lamang na nais ko ay magiging maganda ang kalooban mo sa akin."
|
|||
|
\v 16 Kaya sa araw na iyon umalis si Esau pabalik ng Seir.
|
|||
|
\v 17 Ngunit sa halip na pumunta sa Seir, si Jacob at ang kanyang pamilya ay nagpunta sa isang lugar na tinatawag na Sucot. Doon nagtayo siya ng bahay para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, at nagtayo ng silungan para sa kanyang mga alagang hayop. Iyan ang dahilan na tinawag nila ang lugar na Sucot, na ibig sabihin ay "mga Kanlungan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Sa ganitong paraan umalis sa Paddan Aram si Jacob at ang kanyang pamilya at naglakbay ng ligtas patungo sa lupain ng Canaan. Nagtayo sila doon ng kanilang mga tolda sa bukid malapit sa lungsod ng Sechem.
|
|||
|
\v 19 Isa sa mga pinuno ng mga mamamayan sa lugar na iyon ay si Hamor. Si Hamor ay may maraming anak na lalaki. Binayaran ni Jacob ang mga anak ni Hamor ng isang-daang piraso ng pilak para sa isang piraso ng lupa na kung saan itinayo nila ang kanilang mga tolda.
|
|||
|
\v 20 Nagtayo siya ng batong altar doon at pinangalanan itong El Elohe Israel, na nangangahulugang "Diyos, ang Diyos ng Israel."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 34
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Isang araw, lumabas si Dina anak na babae ni Jacob at Lea para dalawin ang ilang mga kababaihan sa lugar na iyon.
|
|||
|
\v 2 Si Sechem ay isa sa mga anak ni Hamor na nagmula sa lahi ng mga Hevita. Nang makita niya si Dina, kinuha niya at pinilit na sumiping sa kanya.
|
|||
|
\v 3 Labis siyang naakit sa kanya, at naging malapit sa kanya. Napamahal siya ng husto at magiliw na kumausap sa dalaga.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Kaya sinabi ni Sechem sa kanyang amang si Hamor, "Pakiusap kunin mo ang babaeng ito para sa akin. Nais ko siyang maging asawa!"
|
|||
|
\v 5 Nang malaman ni Jacob na kinuha ni Sechem ang anak niyang si Dina at sinipingan niya, ang kanyang mga anak na lalaki ay kasalukuyang nasa bukid kasama ng kanyang mga alagang hayop, kaya wala siyang pinagsabihan tungkol dito hanggang sila ay makauwi sa bahay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Samantala, nagtungo si Hamor na ama ni Sechem upang makiusap kay Jacob.
|
|||
|
\v 7 Habang sila ay nag-uusap, dumating ang mga anak ni Jacob na lalaki mula sa bukid dahil nalaman nila ang nangyari, sila ay nagulat at labis na nagalit. Sinabi nila, "Nakagawa si Sechem ng isang bagay na nagdala ng malaking kahihiyan sa Israel sa pagpupumilit sa kanyang sarili sa aming kapatid na babae, bagay na hindi niya dapat ginawa!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Ngunit sinabi ni Hamor sa kanila, "Ang anak kong si Sechem ay talagang nagkagusto sa babaeng ito na iyong anak at inyong kapatid. Pakiusap payagan ninyo siyang mapangasawa siya.
|
|||
|
\v 9 Gagawa tayo ng kasunduan: Ibibigay ninyo ang inyong mga anak na babae sa aming mga kabataang lalaki na maging kanilang asawa, at ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyong mga kabataang lalaki na kanilang maging asawa.
|
|||
|
\v 10 Maari kayong tumira kasama namin at manirahan kahit saan na nais ninyo sa aming lupain. Maari kayong bumili at magtinda ng kahit anumang bagay. Kung may nakita kayong lupang nais ninyo maari ninyong bilhin."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Sechem sa ama ni Dina at sa kanyang mga kapatid na lalaki, "Kung mabuti ang inyong kalooban sa akin at gawin kung ano ang aking hinihiling. Ibibigay ko ang anumang hihilingin ninyo sa akin.
|
|||
|
\v 12 Sabihin ninyo kung ano ang regalong gusto ninyo at kung ano ang dote na nais ninyo at ibibigay ko ang hingiin ninyo. Nais ko lamang na ibigay ninyo ang babae sa akin na maging asawa ko."
|
|||
|
\v 13 Ngunit dahil si Sechem ay nakagawa ng kahiya-hiyang bagay sa kanilang kapatid na si Dina, si Sechem at ang kanyang amang si Hamor ay nilinlang ng mga anak ni Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Sinabi nila sa kanila, "Hindi, hindi namin maaaring gawin iyan. Hindi namin maaring ibigay ang kapatid naming babae na maging asawa ng lalaking hindi tuli, dahil iyon ay kahiya-hiyang gawin para sa amin.
|
|||
|
\v 15 Gagawin namin iyan kung gagawin ninyo ang isang bagay: Kailangan ninyong maging kagaya namin sa pamamagitan ng pagtutuli sa lahat ng mga lalaking naninirahang kasama ninyo.
|
|||
|
\v 16 Pagkatapos ay ibibigay namin ang aming mga anak na babae sa inyong mga kabataang lalaki upang maging asawa nila, at kukunin namin ang inyong mga anak na babae para maging asawa ng aming mga kabataang lalaki. Maninirahan kami kasama ninyo, at tayo'y magiging isang lahi.
|
|||
|
\v 17 Ngunit kung hindi kayo papayag na magpatuli, kukunin namin ang aming kapatid na babae at aalis."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Ang kanilang sinabi ay ikinasiya ni Hamor at ng kanyang anak na si Sechem.
|
|||
|
\v 19 Gustong-gusto ni Sechem na makuha si Dina bilang asawa; ganon din, yamang siya ang pinakakagalang-galang na tao sa pamilya ng kanyang ama, pumayag agad siya na gawin ang iminungkahi nila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Sumama si Sechem kay Hamor sa lugar ng pagpupulong sa pintuan ng lungsod at nakipag-usap sila sa mga pinuno ng lungsod. Sinabi nila,
|
|||
|
\v 21 "Ang mga taong ito ay naging magiliw sa atin. Dapat payagan natin silang manirahan dito at maglibot. Tunay na ang lupain ay may sapat na lawak para suportahan sila at tayo. Ang ating mga kabataang lalaki ay maaaring pakasalan ang kanilang mga anak na babae, at ang kanilang mga kabataang lalaki ay maaaring pakasalan ang ating mga anak na babae
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Ngunit sila ay papayag lamang sa kasunduang manirahan kasama natin at maging kaisang bayan natin kung ang ating mga kalalakihan ay magpapatuli na katulad nila.
|
|||
|
\v 23 Ngunit kung gagawin natin iyan, isipin ninyo na lang! Ang kanilang mga baka, ang kanilang mga pag-aari, at ang lahat ng kanilang mga hayop ay magiging atin! Kaya't dapat tayong sumang-ayon kung ano ang kanilang mungkahi, at sila rin naman ay maninirahan kasama natin!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Ang lahat ng mga kalalakihan sa pintuan ng lungsod ay pumayag sa mungkahi ni Hamor at Sechem. Bawat lalaki sa lungsod ay nagpatuli.
|
|||
|
\v 25 Sa ikatlong araw pagkatapos niyon, habang ang mga lalaki sa lungsod ay nagdaramdam ng sakit dahil sa kanilang pagpapatuli, sina Simeon at Levi na mga anak ni Jacob na mga kapatid ni Dina ay dinala ang kanilang mga espada at pinasok ang lungsod na wala ni isang pumigil sa kanila at pinatay ang lahat ng mga kalalakihan.
|
|||
|
\v 26 Pinatay nila kahit si Hamor at ang kanyang anak na si Sechem. Pagkatapos kinuha nila si Dina mula sa tahanan ni Sechem at nilisan ang lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Pagkatapos ang iba pang anak ni Jacob ay pumunta sa lungsod na kung saan naroon ang mga bangkay. Ninakawan nila ang lungsod upang maghiganti sa kahiya-hiyang bagay na ginawa sa kanilang kapatid.
|
|||
|
\v 28 Tinangay nila ang mga tupa at kambing ng mga tao, ang kanilang mga baka, ang kanilang mga asno at ang lahat ng mga bagay na gusto nila sa loob ng lungsod at sa labas ng kabukiran.
|
|||
|
\v 29 Tinangay nila ang lahat ng mga mahahalagang bagay, kahit na ang mga bata at mga kababaihan. Tinangay nila ang lahat ng bagay na nasa mga kabahayan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, "Nagdala kayo ng malaking kaguluhan sa akin! Ngayon kamumuhian ako ng mga taga-Canaan, lahi na mga Perezeo, at lahat ng iba pang naninirahan sa lupaing ito. Wala akong maraming tauhan na makikipaglaban para sa atin, kaya't kapag sila ay magtitipon-tipon at pumarito at lusubin tayo, wawasakin nila tayo at ang ating buong sambahayan!
|
|||
|
\v 31 Subalit sumagot sila, "Papayagan ba namin si Sechem na tratuhin ang aming kapatid na katulad ng isang babaeng bayaran?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 35
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Makalipas ang ilang panahon, sinabi ng Diyos kay Jacob, "Umakyat ka sa lungsod ng Betel at manirahan doon. Magtayo ka ng altar para sambahin ako, ang Diyos, na nagpakita sa iyo nung ikaw ay tumatakas mula sa nakatatanda mong kapatid na si Esau."
|
|||
|
\v 2 Kaya sinabi ni Jacob sa kaniyang sambahayan at sa lahat ng iba pang kasama niya, "Alisin ninyo ang mga diyos-diyosang dala ninyo mula sa lupain ng Mesopotamia. Pati na rin, paliguan ang inyong mga sarili at magsuot ng malilinis na mga damit.
|
|||
|
\v 3 Pagkatapos tayo ay maghahanda at aakyat ng Betel. Doon itatayo ko ang isang altar para sambahin ang Diyos. Siya ang tumulong sa akin noong mga panahong ako ay nasa matinding pighati at takot, at siya ay kasama ko saan man ako pumunta."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng mga diyos-diyosang dinala nila at lahat ng kanilang mga hikaw. Inilibing ni Jacob sa lupa sa ilalim ng malaking puno ng terebinto na malapit sa lungsod ng Siquem.
|
|||
|
\v 5 Sa paghahanda nilang umalis doon, Idinulot ng Diyos ang mga taong nakatira sa mga lungsod na nakapalibot sa kanila na labis na matakot sa pamilya ni Jacob, kaya hindi na nila sila hinabol.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Si Jacob at ang lahat ng kasama niya ay nagtungo sa Luz, na tinatawag na ngayong Betel, sa lupaing Canaan.
|
|||
|
\v 7 Doon nagtayo siya ng altar. Pinangalanan niya ang lugar na El Betel, na ang ibig sabihin ay "Diyos ng Betel," dahil sa lugar na iyon ipinakita ng Diyos ang kaniyang sarili kay Jacob noong siya ay tumatakas mula sa kanyang kapatid na si Esau.
|
|||
|
\v 8 Si Debora, na nag-alaga sa asawa ni Isaac na si Rebeka noong si Rebeka ay bata pa, na ngayon ay napakatanda na. Namatay siya at inilibing sa ilalim ng puno ng terebinto sa timog ng Betel. Kaya pinangalanan nila ang lugar na iyon bilang Allon Bacuth, na ang ibig sabihin ay "terebinto ng pagtangis."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Matapos na si Jacob at ang kaniyang pamilya ay makabalik mula Paddan Aram, habang sila ay nananatili pa sa Betel, ang Diyos ay nagpakita muli kay Jacob at siya ay binasbasan.
|
|||
|
\v 10 Sinabi ulit ng Diyos sa kanya, "Ang pangalan mo ay hindi na magiging Jacob. Ito ay magiging Israel." Kaya naman si Jacob ay tinawag noon na "Israel."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos ay sinabi ng Diyos sa kanya, "ako ang Makapangyarihang Diyos. Magbunga ka ng maraming anak. Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging maraming bansa, at ang ilan sa iyong mga kaapu-apuhan ay magiging mga hari.
|
|||
|
\v 12 Ang lupain na ipinangako kong ibibigay kay Abraham at Isaac, Ibibigay ko sa iyo. Ibibigay ko rin ito sa iyong mga kaapu-apuhan."
|
|||
|
\v 13 Pagkatapos na magsalita ang Diyos doon, iniwan na niya si Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Si Jacob ay nagtayo ng malaking bato sa lugar kung saan nakipagusap sa kanya ang Diyos. Nagbuhos siya ng alak at ilang langis ng olibo doon at inihandog iyon sa Diyos.
|
|||
|
\v 15 Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel, na ang ibig sabihin ay "tahanan ng Diyos," dahil nagsalita ang Diyos sa kanya doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Si Jacob at ang kaniyang pamilya ay iniwan ang Betel at naglakbay pa-timog patungo sa bayan ng Efrat. Nang sila ay nasa malayo pa mula sa Efrat, si Raquel ay nagsimulang magkaroon ng matinding pananakit sa panganganak.
|
|||
|
\v 17 Nang matindi na ang pananakit, sinabi ng hilot kay Raquel, "Huwag kang matakot, dahil ngayon ipinanganak mo ang isa na namang sanggol na lalaki!"
|
|||
|
\v 18 Ngunit siya ay naghihingalo na, at sa kanyang huling hininga ay sinabi niya, "Pangalanan mo siyang Benoni," na ang ibig sabihin ay "anak ng aking hinagpis," ngunit pinangalanan siyang Benjamin ng kanyang ama, na ang ibig sabihin ay "anak ng aking kanang kamay."
|
|||
|
\v 19 Pagkamatay ni Raquel, inilibing siya sa tabing daan papuntang Efrat, na ngayon ay tinatawag na Betlehem.
|
|||
|
\v 20 Nagtayo si Jacob ng malaking bato sa libingan niya, at nandoon pa iyon ngayon, nagpapakita kung saan ang libingan ni Raquel.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Si Jacob, na ang bagong pangalan ay Israel, ay nagpatuloy sa paglalakbay kasama ang kanyang pamilya, at itinayo niya ang kanyang mga tolda sa timog na bahagi ng tore ng Eder.
|
|||
|
\v 22 Habang sila ay naninirahan sa lugar na iyon, ang anak na lalaki ni Jacob na si Reuben ay sumiping kay Bilha, isa sa mga kerida ng kanyang ama. May nagsabi kay Jacob tungkol dito, at nagdulot ito sa kanya na sobrang galit. Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na mga lalaki.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Ang mga anak ni Lea ay sina Reuben, na siyang pinakamatandang lalaking anak ni Jacob, si Simeon, Levi, Juda, Isacar, at Zebulun.
|
|||
|
\v 24 Ang mga anak ni Raquel ay sina Jose at Benjamin.
|
|||
|
\v 25 Ang mga lalaking anak ng babaeng alipin ni Raquel na si Bilha ay sina Dan at Naftali.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Ang mga lalaking anak ng alipin ni Lea na si Zilpa ay sina Gad at Asher. Lahat ng mga anak na lalaki ni Jacob, maliban kay Benjamin, ay ipinanganak habang siya ay naninirahan sa Paddanaram.
|
|||
|
\v 27 Bumalik pauwi si Jacob para makita ang kaniyang amang si Isaac sa Mamre, na pinangalanan ding Kiriatharba, at ngayon ay pinangalanang Hebron. Ang ama ni Isaac na si Abraham ay nanirahan din doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Nabuhay si Isaac hanggang sa siya'y 180 taong gulang.
|
|||
|
\v 29 Napakatanda na niya nang siya'y mamatay at naisama sa kanyang mga ninuno na unang namatay. Ang mga anak niyang lalaki na sina Esau at Jacob ang naglibing sa kanyang katawan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 36
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ito ang mga kaapu-apuhan na nagmula kay Esau, kilala din sa pangalang Edom, at kung ano ang nangyari tungkol sa kanila.
|
|||
|
\v 2 Si Esau ay nagpakasal sa tatlong babae mula sa lupain ng Canaan: si Ada, na babaeng anak ni Elon na Heteo; si Aholibama, na babaeng anak ni Ana at babaeng apo ni Zibeon na Heteo;
|
|||
|
\v 3 at Basemat, na anak ni Ismael at babaeng kapatid ni Nebayot.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Ang asawa ni Esau na si Ada ang nagsilang kay Elifaz. Si Basemat ang nagsilang kay Reuel.
|
|||
|
\v 5 Si Aholibama ang nagsilang kina Jeus, Jalam, at Kora. Lahat ng mga lalaking ito na anak ni Esau ay isinilang habang siya ay naninirahan sa lupain ng Canaan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6-7 Maraming pag-aari si Jacob at Esau. Dahil dito, kinakailangan nilang mas malawak lupain para sa kanilang mga alagang hayop. Ang lupain na kanilang tinitirahan ay hindi na sapat ang laki para sa lahat ng kanilang mga alagang hayop. Kaya si Esau, na ang ibang pangalan ay Edom, ay kinuha ang kanyang mga asawa at mga anak na lalaki at mga anak na babae at lahat ng miyembro ng kanyang sambahayan, ang kanyang tupa at mga kambing at iba pa niyang mga hayop, at lahat ng iba pang kasangkapan na nakuha niya sa lupain ng Canaan, at lumipat sila sa lugar malayo mula kay Jacob.
|
|||
|
\v 8 Sila ay tumungo para manirahan sa burol na bayan ng Seir.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ito ang mga kaapu-apuhan na nagmula kay Esau, ang ninuno ng mga lahing Edomita na nanirahan sa lugar ng Seir.
|
|||
|
\v 10 Ang asawa ni Esau na si Ada ay nagsilang kay Elifaz, at ang asawa ni Esau na si Basemat ay isinilang si Reuel.
|
|||
|
\v 11 Ang mga anak na lalaki ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Gatam, at Kenaz.
|
|||
|
\v 12 Ang anak na lalaki ni Esau na si Elifaz ay nagkaroon din ng ibang babae. Ang pangalan niya ay Timna. Isinilang niya si Amalek. Ang anim na kalalakihang iyon ay mga apo ng asawa ni Esau na si Ada.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Ang mga anak na lalaki ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ng asawa ni Esau na si Basemat.
|
|||
|
\v 14 Ang asawa ni Esau na si Aholibama, na anak na babae ni Ana at apo ni Zibeon, ay nanganak ng tatlong anak na lalaki: Jeus, Jalam, Korah.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Ito ang mga pinuno sa lahi ni Esau. Ang lahi ni Elifaz, ang panganay na anak na lalaki, ito ang mga pinuno: Teman, Omar, Zefo, Kenaz,
|
|||
|
\v 16 Korah, Gatam, at mga Amalek. Ito ang mga pinuno sa lahi mula kay Elifaz na nanirahan sa Edom; sila ang mga apo ni Ada.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Ang mga anak na lalaki ni Reuel na anak ni Esau ay ninuno ng mga Nahat, Zera, Shama, at mga Miza. Sila ay ang lahing nagmula kay Basemat na asawa ni Esau. Nanirahan din sila sa Edom.
|
|||
|
\v 18 Ang mga anak na lalaki ni Aholibama na asawa ni Esau, na ang ina ay si Ana, ay ninuno ng mga Jeus, Jalam, at Korah na grupo ng mga tao.
|
|||
|
\v 19 Iyon ang listahan ng mga anak na lalaki ni Esau, at ang mga grupo ng mga tao na kanilang mga lahi.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Ito ang listahan ng mga kaapu-apuhan ni Seir, na kabilang sa grupo ng mga Hor, na unang mga tao na nanirahan sa rehiyon ng Edom: Lotan, Sobal, Zibeon, Ana,
|
|||
|
\v 21 Dishon, Ezer, at Dishan. Ang pitong lalaking iyon ay naging ninuno ng bawat grupo. Ang bawat isa sa grupo ay may katulad na pangalan ng kanilang mga ninuno.
|
|||
|
\v 22 Ang mga anak na lalaki ni Lotan ay sina Hori at Heman. Ang kapatid na babae ni Lotan ay si Timna.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Ang mga anak na lalaki ni Sobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Sefo, at Onam.
|
|||
|
\v 24 Ang mga anak lalaki ni Zibeon ay sina Aya at Ana. Ang Anang ito ang nakadiskubre sa mainit na mga bukal sa disyerto habang inaalagaan niya ang mga asno ng kanyang amang si Zibeon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Si Ana ay may dalawang anak- isang anak na lalaki na nagngangalang Dishon at isang anak na babae na nagngangalang Aholibama.
|
|||
|
\v 26 Ang mga anak na lalaki ni Dishon ay sina Hemdan, Esban, Itran, at Keran.
|
|||
|
\v 27 Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan, at Akan.
|
|||
|
\v 28 Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29-30 Ang mga kaapu-apuhan na nagmula kay Hor ay nanirahan sa lupain ng Seir. Ang mga pangalan ng mga grupo ng mga tao ay Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dishon, Ezer, at Dishan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Ito ang mga pangalan ng mga haring namuno sa Edom bago pa man mamuno sinumang hari sa buong Israelita.
|
|||
|
\v 32 Ang anak ni Beor na si Bela ay naging unang hari ng Edom. Ang lungsod kung saan siya nanirahan ay pinangalanang Dinaba.
|
|||
|
\v 33 Nang si Bela ay namatay, si Zera na anak na lalaki ni Jobab ang naging hari. Siya ay mula sa lungsod ng Bozra.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Nang namatay si Jobab, si Husham ang naging hari. Siya ay nagmula sa rehiyon kung saan ang lahing Teman ay nanirahan.
|
|||
|
\v 35 Nang namatay si Husham, ang anak na lalaki ni Bedad na si Hadan ang naging hari. Lumaban ang mga kawal ni Husham sa lahing Midianita sa rehiyon ng Moab at tinalo sila. Sa lungsod ng Avit naninirahan si Hushamt.
|
|||
|
\v 36 Nang mamatay si Hadad, si Samla ang naging hari. Siya ay nagmula sa Masreka.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 37 Nang namatay si Samla, si Saul ang naging hari. Siya ay mula sa Rehobot, na nasa tabi ng ilog Eufrates.
|
|||
|
\v 38 Nang namatay si Saul, ang anak na lalaki ni Akbor na si Baal Hanan ay naging hari.
|
|||
|
\v 39 Nang ang anak ni Akbor na si Baal Hanan ay namatay, si Hadad ang naging hari. Ang lungsod kung saan siya nanirahan ay pinangalanang Pau. Ang pangalan ng kanyang asawa ay Mehetabel. Siya ang anak na babae ni Matred, na anak na babae ni Me Zahab.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 40-43 Ito ang listahan ng lahat ng mga lahi na nagmula kay Esau: Timna, Alva, Jehet, Aholibama, Ela, Pinon, Kenaz, Teman, Mibzar, Magdiel, at Iram. Silang lahat ay nanirahan sa lupain ng Edom. Ang lupain kung saan naninirahan ang bawat lahi ay nakakuha din ng kaparehong pangalan ng pangalan ng lahi.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 37
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Si Jacob ay nagpatuloy na namuhay sa lupain ng Canaan, kung saan ang kanyang ama ay dating naninirahan.
|
|||
|
\v 2 Ito ang nangyari sa pamilya ni Jacob. Noong labing-pitong taong gulang pa si Jose na kanyang anak, siya ay nag-aalaga ng mga kawan ng tupa at mga kambing kasama niya ang kanyang mga nakatatandang kapatid na lalaki. Sila ay mga anak na lalaki ng isa sa mga asawa ng kanilang ama na sina Bilha at Zilpa. Sinabihan ni Jose ang kanyang ama tungkol sa mga masasamang gawain ng kanyang mga kapatid na lalaki.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Minahal ni Jacob si Jose ng mas higit kaysa sa iba niyang mga anak, sapagkat si Jose ay ipinanganak noong siya ay matanda na. Nagpagawa si Jacob ng magandang damit na may mahabang mga manggas para kay Jose.
|
|||
|
\v 4 Nang nalaman ng kanyang mga nakatatandang kapatid na lalaki na mas minamahal siya higit sa kanila, nagalit sila sa kanya. Ni minsan hindi nila siya kinausap ng maayos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Isang gabi, nanaginip si Jose. Sinabi niya sa kanyang mga kapatid ang tungkol sa panaginip, at lalo silang nagalit sa kanya. Ito ang nangyari:
|
|||
|
\v 6 Sinabi niya sa kanila, "Makinig kayo sa aking panaginip!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Sa panaginip, tinatalian natin ang mga bigkis ng ating mga trigo sa bukirin. Biglang tumayo ng tuwid ang aking bigkis at ang iyong mga bigkis ay pumalibot at yumuko sa aking bigkis!"
|
|||
|
\v 8 Sinabi ng kanyang mga kapatid sa kanya, "Sa palagay mo ba na darating ang panahon na ikaw ay mamumuno sa amin? Magiging hari ka ba namin?" Lalo silang nagalit sa kanya dahil sa kanyang sinabi tungkol sa kanyang panaginip.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Kinamayaan, nagkaroon siya ng panibagong panaginip, at sinabi niya ulit ang tungkol dito sa kanyang mga nakatatandang kapatid. Sabi niya, "Pakinggan ninyo ito! Nanaginip ako muli. Sa panaginip na ito, ang araw, at buwan at ang labing isang bituin ay yumuko sa akin!"
|
|||
|
\v 10 Sinabi niya rin ito sa kanyang ama. Sinaway siya ng kanyang ama, na nagsasabi ng 'Ano ang inyong iminumungkahi sa ganyang panaginip? Ang ibig mo bang sabihin na ang iyong ina at ako at iyong mga nakatatandang kapatid ay luluhod sa lupa sa iyong harapan?"
|
|||
|
\v 11 Ang mga nakatatandang kapatid ni Jose ay masama ang loob sa kanya, ngunit ang kanyang ama ay itinago nalang sa kanyang isip kung ano ang ibig sabihin ng panaginip.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Isang araw umalis ang mga nakatatandang kapatid ni Jose upang alagaan ang mga tupa at mga kambing ng kanilang ama sa kapatagan malapit sa Sechem.
|
|||
|
\v 13 Kinamayaan, sinabi ni Jacob kay Jose, "Ang iyong mga kapatid ay nagpapastol ng tupa at mga kambing malapit sa Sechem. Ipapadala kita doon upang tingnan sila." Sumagot si Jose, "Pupunta ako."
|
|||
|
\v 14 Sinabi ni Jacob, "Puntahan mo at tingnan kung sila ba ay nasa mabuting kalagayan, at kung ang mga kawan ay nasa mabuting kalagayan. Pagkatapos bumalik ka at balitaan mo ako." Kaya pinadala ni Jacob si Jose mula sa kapatagan kung saan sila naninirahan, ang kapatagan kung saan naroon ang Hebron, upang puntahan at hanapin ang kanyang mga kapatid na lalaki. Pagkatapos dumating si Jose malapit sa lungsod ng Sechem.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Habang si Jose ay naglalakad sa mga bukirin upang hanapin ang kanyang mga kapatid na lalaki, may isang tao na nakakita sa kanya at tinanong siya, "Sino ang hinahanap mo?"
|
|||
|
\v 16 Sumagot si Jose, "Hinahanap ko ang aking mga nakatatandang kapatid. Maaari mo bang sabihin kung saan sila nagpapastol ng kanilang tupa at mga kambing?"
|
|||
|
\v 17 Sumagot ang lalaki, "Wala na sila rito. Narinig ko ang isa sa kanila na nagsabi, 'Dalahin natin ang mga tupa't kambing at pumunta tayo sa bayan ng Dotan.'" Kaya si Jose ay umalis at pumunta sa hilaga, at natagpuan niya ang kanyang mga kapatid malapit sa bayan ng Dotan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Ngunit nakita nila siya habang malayo pa siya at nagpasyang silang patayin siya.
|
|||
|
\v 19 Sinabi nila sa isat-isa ang mga bagay na katulad nito, "Narito na ang mapanaginipin!"
|
|||
|
\v 20 "Tara, patayin natin siya at itapon ang kanyang katawan sa isa sa mga hukay! Pagkatapos sasabihin natin sa mga tao na siya ay sinakmal, pinatay at kinain ng mabangis na hayop. At pagkatapos tingnan natin kung magkatotoo pa ba ang kanyang mga panaginip!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Narinig ni Reuben ang kanilang mga sinag-uusapan, kaya sinubukan niyang hinikayat sila na huwag nilang patayin si Jose. Sinabi niya, "Hindi, huwag natin siyang patayin.
|
|||
|
\v 22 Huwag ninyong kunin ang kanyang buhay! Maaari natin siyang itapon sa hukay na ito sa desyerto, ngunit huwag natin siyang saktan." Sinabi niya ito at iniwan sila, dahil balak niyang iligtas si Jose pagkatapos at dalhin pabalik sa kanyang ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Nang nakarating si Jose sa kinaroronan ng kanyang mga nakatatandang kapatid, hinuli nila siya at pinunit ang kanyang damit na may mahabang manggas.
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos dinala nila siya at itinapon sa hukay. Ngayon ang hukay ay tuyo; ito'y walang tubig.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Pagkatapos nilang kumain, may nakita silang mangangalakal na parating, mga kaapu-apuhan ni Ismael, mula sa lugar ng Gilead. Ang kanilang kamelyo ay punong-puno ng mga lalagyan ng mga sangkap at pabangong pasas. Sila ay pababa sa Ehipto para ibenta ang mga bagay na iyon.
|
|||
|
\v 26 Sinabi ni Juda sa kanyang nakatatanda at nakababatang mga kapatid na lalaki, "Kung papatayin natin ang ating nakababatang kapatid at itatago ang kanyang katawan, ano ba ang mapapala natin?
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Kaya sa halip na saktan natin siya, ibenta nalang natin siya sa mga taong ito na mga kaapu-apuhan ni Ismael. Huwag nating kalimutan, siya ay ating nakababatang kapatid!" Kaya nagkasundo sila na gagawin iyon.
|
|||
|
\v 28 Nang paparating na ang mga mangangalakal galing Midian, kinuha si Jose ng kanyang mga kapatid mula sa hukay. Pagkatapos ibenenta nila sa mga taga Midian sa halagang dalawampung piraso na pilak. Dinala ng mga mangangalakal si Jose sa Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Nang bumalik si Reuben sa hukay, nakita niyang wala na roon ang kanyang nakababatang kapatid. Siya ay lubhang nalungkot kaya pinunit niya ang kanyang mga damit.
|
|||
|
\v 30 Bumalik siya sa kanyang mga nakababatang kapatid at sinabi, "Ang bata ay wala na sa hukay! Ano ang gagawin ko ngayon?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Hindi nila makayang sabihin sa kanilang ama ang kanilang nagawa. Kaya nagpasya silang gumawa ng kuwento tungkol sa nangyari. Kinuha nila ang damit na isinuot ni Jose na may mahabang manggas. Pagkatapos pumatay sila ng kambing at isinawsaw ang damit sa dugo ng kambing.
|
|||
|
\v 32 Dinala nila ang piraso ng damit pabalik sa kanilang ama at sinabi, "Natagpuan namin ito! Tingnan mo. Sa anak mo ba ang damit na ito?"
|
|||
|
\v 33 Nakilala niya ito, at sabi niya, "Oo, sa anak ko ito! Sinakmal siya ng mabangis na hayop at pinatay! Nakakasiguro ako na ang hayop na iyon ang nagpira-piraso kay Jose.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 34 Si Jacob ay nagluksa at pinunit ang kanyang damit. Nagsuot siya ng damit panluksa. Siya ay nagluksa.
|
|||
|
\v 35 Sinikap ng lahat ng kanyang mga anak na aliwin siya, ngunit hindi niya binigyang pansin ang sinabi nila. Sinabi niya, "Hindi, ako ay patuloy na magluluksa hanggang mamatay ako at pupunta kasama ang aking anak." Kaya nagpatuloy ang ama ni Jose sa pag-iyak dahil sa nangyari sa kanyang anak.
|
|||
|
\v 36 Samantala, ang mga lalaki na galing sa Midian ay dinala si Jose sa Ehipto at ibenenta kay Potipar, na isa sa mga lingkod ng hari. Siya ang pinuno ng mga sundalo na nagbabantay sa hari.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 38
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Sa panahong iyon, iniwan ni Juda ang kanyang mga nakatatanda at nakababatang mga kapatid na lalaki at bumaba mula sa burol na bayan at nanatili kasama ang isang lalaking nakatira sa Adullam. Ang kanyang pangalan ay Hira.
|
|||
|
\v 2 Doon nakilala niya ang babaeng anak ng lalaking mula sa lupain ng Canaan na ang pangalan ay Sua. Pinakasalan siya at sinipingan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Siya ay nabuntis at hindi nagtagal ay nanganak siya ng isang lalaki. Pinangalanan siya ng kanyang ama na Er.
|
|||
|
\v 4 Hindi nagtagal siya ay nabuntis muli at nanganak ng isa pang lalaki, na pinangalanan niyang Onan.
|
|||
|
\v 5 Pagkalipas ng maraming taon, nang si Juda at kanyang pamilya ay umalis at nanirahan sa Kesib. Nanganak ulit ang asawa ni Juda ng isa namang lalaki. Siya ay pinangalanan niyang Selah.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nang lumaki ang nakatatandang anak ni Juda na si Er, kumuha si Juda ng isang asawa para sa kanya, ang pangalan ng babae ay Tamar.
|
|||
|
\v 7 Ngunit si Er ay nakagawa ng bagay na itinuturing ni Yahweh na napakasama, kaya idinulot ni Yahweh na siya'y mamatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Juda kay Onan, "Ang inyong nakatatandang kapatid na lalaki ay namatay na walang mga anak. Kaya pakasalan mo ang kanyang biyuda at sipingan siya. Iyon ang ating kaugalian na kinakailangan mong gawin."
|
|||
|
\v 9 Ngunit alam ni Onan na kung gagawin niya iyon, ang magiging mga anak na ipapanganak ay hindi maituturing na sa kanya. Kaya sa tuwing sinisipingan niya ang asawa ng kanyang kapatid, itinatapon niya sa lupa ang kanyang semilya, para hindi siya mabuntis at magkaroon ng anak para sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki.
|
|||
|
\v 10 Itinuturing ni Yahweh na ang nagawa niya ay napakasama, kaya idinidulot niya na mamamatay din siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Juda sa kanyang manugang na si Tamar, "Bumalik ka sa bahay ng iyong ama, ngunit huwag ka munang mag-asawa ng kahit sino. Kung ang aking bunsong anak na lalaki na si Selah ay malaki na, maaari ka niyang pakasalan." Ngunit hindi talaga gusto ni Juda na si Selah ay magpakasal sa kanya, dahil natakot siya na kapag nagkagayon mamamatay din si Selah, katulad ng kanyang mga nakatatandang kapatid na namatay. Kaya sinunod ni Tamar si Juda at tumungo pabalik para manirahan muli sa bahay ng kanyang ama.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Pagkalipas ng maraming taon, ang asawa ni Juda, na anak na babae ni Sua, ay namatay. Nang panahon ng pagluluksa ay natapos na, si Juda ay nagpasya na umakyat sa Timnat, sa lugar kung saan ang kanyang mga tauhan ay nanggugupit ng balahibo ng kanyang tupa. Ang kanyang kaibigan na si Hira na mula sa Adullam, ay sumama sa kanya.
|
|||
|
\v 13 May nagsabi kay Tamar, "Ang inyong biyenan ay pupunta sa Timnat para tumulong sa mga lalaking gumugupit ng balahibo ng kanyang mga tupa."
|
|||
|
\v 14 Napag-alaman niya na ngayon si Selah ay lumaki na, ngunit hindi siya ibinibigay ni Juda sa kanya na maging asawa. Kaya inalis niya ang kanyang damit na pang biyuda at tinakpan ang kanyang ulo ng isang balo, upang hindi siya makilala ng mga tao. Pagkatapos umupo siya sa pintuan ng Enaim, na daan patungong Timnat.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Nang dumating si Juda at nakita siya, inisip niya na siya ay babaeng bayaran, dahil tinakpan niya ang kanyang ulo at nakaupo kung saan madalas umuupu ang mga babaeng bayaran.
|
|||
|
\v 16 Hindi naisip ni Juda na siya ang kanyang manugang na babae. Kaya sinabi niya sa kanya, "Hayaan mo akong sipingan ka." Sumagot siya, "Ano ang iibigay mong kapalit para sa akin?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Sumagot siya, "Papadalahan kita ng batang kambing mula sa aking kawan ng mga kambing." Tinanong niya, "Maaari mo ba akong bigyan ng kahit ano ngayon na para sa akin na aking itatago hangga't hindi mo pa naipapadala ang kambing?"
|
|||
|
\v 18 Sumagot siya, "Ano ba ang gusto mong ibigay ko sa iyo?" Sumagot siya, "Ibigay mo sa akin ang singsing na may pangalan mo na nakatali sa iyong leeg, at ibigay mo sa akin ang tungkod na hinahawakan ng iyong kamay." Kaya ibinigay niya ang mga ito sa kanya. Pagkatapos siya ay sinipingan niya at siya ay nabuntis.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Matapos siyang umalis, inalis niya ang belo at ibinalik niya ang damit na pang biyuda ulit.
|
|||
|
\v 20 Nagbigay si Juda ng batang kambing sa kanyang kaibigan mula Adullam, para sa kanya na dadalhin niya pabalik sa babae, ayon sa kanyang ipinangako. Ngunit ang kanyang kaibigan ay hindi makita ang babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Kaya nagtanong ang kanyang kaibigan sa mga lalaking nakatira doon, "Nasaan na ang babaeng bayaran na nakaupo sa gilid ng daan sa Enaim?" Sumagot sila, "Kahit kailanman walang naging babaeng bayaran dito!"
|
|||
|
\v 22 Kaya bumalik siya kay Juda at sinabi, "hindi ko siya nakita. Bukod pa, sinabi ng mga lalaking nakatira sa bayan, 'Kahit kailanman walang naging babaeng bayaran dito.'"
|
|||
|
\v 23 Sinabi ni Juda, "Maaari niyang itago ang mga bagay na naibigay ko sa kanya. Kung patuloy tayong maghahanap sa kanya, magagalit sa atin ang mga tao. Sinubukan kong ipadala itong batang kambing sa kanya, ngunit hindi mo siya mahanap para maibigay ito sa kanya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Halos tatlong buwan na ang nakalipas, may nagsabi kay Juda na, "Ang iyong manugang na babaeng si Tamar ay naging babaeng bayaran, at siya ay buntis ngayon." Sinabi ni Juda, "Kunin ninyo siya palabas ng lungsod at sunugin hanggang mamatay!"
|
|||
|
\v 25 Ngunit habang dinadala nila siya palabas sa lungsod, ibinigay niya ang singsing at tungkod sa isang tao, at sinabihan siya na dalhin ang mga ito kay Juda, at sabihin sa kaniya, "Ang taong nagmamay-ari ng mga bagay na ito ay ang nagdulot sa akin para mabuntis." Sinabi rin niya na sabihan siya, "Tingnan mo itong singsing, ang taling nakakabit dito, at ang tungkod na ito. Kanino ba ang mga ito?"
|
|||
|
\v 26 Nang ginawa ng lalaki iyon, nakilala ni Juda ang singsing at ang tungkod. Sinabi niya, "Siya ay mas matuwid kaysa sa akin. Hindi ko sinabihan ang aking anak na lalaking si Selah na pakasalan siya, ayon sa ipinangako kong gagawin ko" At si Juda ay hindi na muling sumiping sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Nang panahon na para siya ay manganak, siya ay nabigla na may kambal na lalaki sa kanyang sinapupunan.
|
|||
|
\v 28 Sa kanyang panganganak, ang isa sa kanila ay naglabas ng kanyang kamay. Kaya tinatalian ng komadrona ng pulang tela palibot ng kanyang pulso, na nagsasabing, "Ito ang unang lumabas."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Ngunit hinila niya pabalik ang kanyang kamay sa loob ng sinapupunan, at ang kanyang kapatid na lalaki ang naunang lumabas. Kaya ang sabi niya, "Ito ang paraan kung paano kumawala!" Kaya pinangalanan siyang Perez, kung saan may kasing tunog na salitang Ebreo na ibig sabihin "kumawala"
|
|||
|
\v 30 Pagkatapos ang kanyang nakababatang kapatid, na may taling pulang tela ang sumunod na lumabas. At pinangalanan niyang Zera, kung saan may kasing tunog sa salitang Ebreo na ibig sabihin ay "kapulahan ng madaling araw."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 39
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Samantala, dinala ng kaapu-apuhan ni Ismael si Jose pababa ng Ehipto. Doon binili ni Potipar si Jose mula sa kanila. Si Potipar ay isang taga-Ehipto na isa sa mga opisyal ng hari at ang kapitan ng mga bantay ng palasyo ng hari.
|
|||
|
\v 2 Dahil tinulungan ni Yahweh si Jose, nagawa niyang gawin ng maayos ang kanyang trabaho. Nagtrabaho siya sa bahay ng amo niyang taga-Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Nakita ng kanyang amo na tinutulungan ni Yahweh si Jose at ginagawa siyang magtagumpay sa lahat ng bagay na ginawa niya.
|
|||
|
\v 4 Nalulugod ang amo ni Jose sa kanya, kaya siya ay hinirang na maging sariling lingkod niya. Pagkatapos siya ay hinirang niya na maging isa sa mangangalaga sa lahat ng bagay sa kanyang sambahayan at lahat ng kanyang mga pag-aari.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Mula sa panahon na hinirang ni Potipar si Jose para mangalaga sa lahat ng bagay sa kanyang sambahayan at lahat ng pagmamay-ari niya, pinagpala ni Yahweh ang mga tao na nakatira sa bahay ni Potipar dahil kay Jose. Dinulot din niyang tumubo ng maayos ang mga pananim ni Potipar.
|
|||
|
\v 6 Pinahintulutan ni Potipar si Jose na pangalagaan ang lahat na pagmamay-ari niya. Kinakailangan lamang ni Potipar na magpasya tungkol sa pagkaing kakainin niya. Hindi na siya nag-aalala sa kaniyang bahay. Ngayon si Jose ay makisig at matipuno.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Dahil doon, lumipas ang panahon, nagsimula ng magkagusto ang asawa ng kanyang amo kay Jose. Kaya isang araw sinabi ng asawa sa kanya, "Sipingan mo ako!"
|
|||
|
\v 8 Ngunit tumanggi siya at nagsabi sa asawa ng kanyang amo, "Makinig ka! Ang amo ko ay walang pakialam tungkol sa kahit na ano sa bahay na ito. Hinirang niya ako para pangalagaan ang lahat ng mga pagmamay-ari niya.
|
|||
|
\v 9 Walang ni isa sa sambahayang ito na may mas karapatan pa kaysa sa akin. Ang tanging bagay na hindi niya pinahintulutan na maging akin ay ikaw, dahil ikaw ang kanyang asawa! Kaya paano ko magagawa itong masamang bagay na pinapagawa mo sa akin? Magkakasala ako sa Diyos kung gagawin ko iyan!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Patuloy siyang humihiling kay Jose sa bawat araw na lumilipas na sipingan siya, ngunit siya ay tumanggi. Ni hindi man lang siya lumalapit sa kanya.
|
|||
|
\v 11 Isang araw pumunta si Jose sa bahay para gawin ang kanyang gawain at wala ni isa sa mga lingkod ng sambahayan ang nasa bahay.
|
|||
|
\v 12 Hinablot ng asawa ni Potipar ang kaniyang damit at sinabi, "Sipingan mo ako!" Tumakbo palabas ng bahay si Jose, ngunit ang kanyang damit ay nanatili sa kanyang kamay!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Nang makita niya na siya ay tumakbo palabas habang naiwan ang kanyang damit sa kanyang kamay,
|
|||
|
\v 14 tinawag niya ang mga lingkod ng sambahayan. Sinabi niya sa kanila, "Tingnan ninyo! Itong taong Hebreo na dinala sa atin ng aking asawa na lalaki ay nilalait tayo! Nagpunta siya sa kung nasaan ako at sinubukang pilitin ako na sumiping sa kanya ngunit sumigaw ako ng malakas.
|
|||
|
\v 15 Pagkarinig niya na sumisigaw ako, naiwan niya ang kanyang damit sa akin at tumakbo palabas!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Tinago niya ang damit sa kaniyang tabi hanggang makauwi ang amo ni Jose.
|
|||
|
\v 17 Pagkatapos sinabi niya itong kwento sa kanya: "Ang aliping Hebreo na dinala mo dito ay pumunta sa kung nasaan ako at sinubukang pilitin ako na sumiping sa kanya!
|
|||
|
\v 18 Pagkasigaw ko ng malakas, tumakbo siya palabas, habang naiwan niya ang kanyang damit sa tabi ko!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Nang marinig ng amo ni Jose ang kwentong ito na sinabi ng asawa niyang babae, at nang sinabi niya, "Ganito ako pakisamahan ng alipin mo," siya ay labis na galit.
|
|||
|
\v 20 Dinala si Jose ng kanyang amo at nilagay sa bilangguan, kung saan nilalagay ang lahat ng mga bilanggo ng hari at nanatili si Jose doon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Ngunit naging mabait si Yahweh kay Jose at tinulungan siya dahil sa kanyang tipan sa kanyang mga ninuno; dinulot niyang malugod sa kanya ang bantay ng bilangguan.
|
|||
|
\v 22 Kaya nilagay ng bantay ng bilangguan na mamahala si Jose sa lahat na nandoon sa bilangguan, at mamahala sa lahat ng trabaho na ginagawa doon.
|
|||
|
\v 23 Hindi na nababahala ang bantay sa kahit anong bagay na pinapangalagaan ni Jose dahil tinutulungan ni Yahweh si Jose na gawin ng maayos ang lahat ng kanyang gawain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 40
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Kinalaunan, dalawa sa mga opisyal ng hari ng Ehipto ang gumawa ng mga bagay na nagpapasama ng kanyang loob. Ang isa sa kanyang punong serbidor ng inumin at ang iba ay ang kanyang punong panadero.
|
|||
|
\v 2 Nagalit ang hari sa kanilang dalawa.
|
|||
|
\v 3 Kaya sila ay nilagay niya sa bilangguan, sa bahay ng kapitan ng mga bantay ng palasyo. Iyon ang lugar kung saan si Jose ay inilagay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Ang dalawa ay nakakulong ng mahabang panahon. Sa panahong iyon, si Jose ay pinili ng kapitan ng mga bantay na dalhin sa kanila ang mga bagay na kinakailangan nila.
|
|||
|
\v 5 Isang gabi ang punong serbidor ng inumin at punong panadero ng hari, bawat isa, ay may panaginip. Bawat panaginip ay mayroong iba't-ibang kahulugan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Kinabukasan, nang nagpunta si Jose sa kanila, sila ay nakita niya na mukhang malungkot.
|
|||
|
\v 7 Kaya sila ay tinanong niya, "Bakit ngayong araw mukha kayong malungkot?"
|
|||
|
\v 8 Isa sa kanila ang sumagot, "Kapwa kaming nanaginip kagabi, ngunit walang ni isa ang makapagsabi sa amin kung ano ang kahulugan ng mga panaginip." Sinabi ni Jose sa kanila, "Ang Diyos lamang ang makakapagsabi sa kahulugan ng mga panaginip. Kaya sabihin ninyo sa akin kung ano ang napanaginipan ninyo at sasabihin ng Diyos sa akin ang kahulugan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Kaya sinabi ng punong serbidor ng inumin ng hari kay Jose ang kanyang panaginip. Sinabi niya, "Sa panaginip ko nakakita ako ng puno ng ubas sa harapan ko.
|
|||
|
\v 10 Sa puno ng ubas ay may tatlong mga sanga. Ang mga sanga ay sumibol, pagkatapos sila ay namulaklak, at pagkatapos sila ay nagbigay ng kumpol ng mga ubas.
|
|||
|
\v 11 Hinahawakan ko ang baso ng hari, kaya kinuha ko ang mga hinog na mga ubas at piniga ang katas sa loob ng baso. Pagkatapos binigay ko ang baso sa hari para inumin ang katas."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Dali-daling sinabihan ng Diyos si Jose kung ano ang kahulugan ng panaginip. Kaya sinabi ni Jose sa kanya, "Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong mga sanga ng puno ng ubas ay tumatayong tatlong mga araw.
|
|||
|
\v 13 Sa loob ng tatlong araw pakakawalan ka ng hari mula sa pagkakabilanggo. Hahayaan ka niyang gawin mo ang trabaho na ginagawa mo noon. Magdadala ka ng mga baso ng alak papunta sa hari gaya ng ginawa mo noon nang ikaw pa ang kanyang serbidor ng inumin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Ngunit kapag ikaw ay nakalabas na ng bilangguan at lahat naging maayos ang lahat sa iyo, pakiusap huwag mo akong kalimutan.
|
|||
|
\v 15 Puwersahang kinuha ako ng mga tao palayo sa lupain kung saan ang mga kasamahan kong Hebreo ay nakatira. Wala akong nagawang mali doon, at saka habang ako ay naririto sa Ehipto, wala rin akong ginawang mali para ilagay ako sa bilangguan. Kaya maging mabuti ka sa akin at sabihin mo sa hari ang tungkol sa akin upang palayain niya ako mula sa bilangguang ito!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nang marinig ng punong panadero na ang kahulugan ng panaginip ng serbidor ng inumin ng hari ay napakabuti para sa punong serbidor ng inumin, sinabi niya rin kay Jose, "Ako rin ay may panaginip. Sa aking panaginip ako ay nagulat ng makita ang tatlong mga sisidlan na isinalansan sa ulo ko.
|
|||
|
\v 17 Sa itaas na sisidlan ay mayroong iba't-ibang uri na inihurnong pagkain para sa hari, ngunit kinakain sila ng mga ibon mula sa taas na sisidlan na nasa aking ulo!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Ulit na sinabihan si Jose ng Diyos kung ano ang kahulugan ng panaginip, kaya sinabi niya, "Ang tatlong mga sisidlan rin ay tumatayong tatlong mga araw.
|
|||
|
\v 19 Sa loob ng tatlong araw ang hari ay mag-uutos na putulin ng iyong ulo. Pagkatapos ang katawan mo ay bibitayin sa puno at darating ang mga ibon at kakainin ang iyong laman."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Pagkatapos ng tatlong araw ay ang kaarawan ng hari. Sa araw na iyon ay inaanyayahan ng hari ang lahat ng kanyang mga opisyal na magdiwang sa kanyang kaarawan. Sa panahon ng pagdiriwang, habang silang lahat ay nagtitipon doon, ipinatawag ng hari ang kanyang punong serbidor ng inumin at punong panadero mula sa bilangguan.
|
|||
|
\v 21 Sinabi niya na ang kanyang serbidor ng inumin ay maaring ng bumalik sa kanyang dating gawain, kaya siya ay muling kumuha ng mga baso ng alak para sa hari.
|
|||
|
\v 22 Ngunit inutusan niya na patayin ang punong panadero sa pamamagitan ng pagbitay, gaya ng sinabi ni Jose na mangyayari nang sinabi niya sa dalawang lalaki ang kahulugan ng kanilang mga paniginip.
|
|||
|
\v 23 Ngunit hindi inisip ng punong serbidor ng inumin ang tungkol kay Jose. Sa halip, kinalimutan niyang gawin kung ano ang hiningi ni Jose na gawin niya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 41
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Lumipas ang dalawang buong taon, nagkaroon ng panaginip ang hari ng Ehipto. Sa panaginip, siya ay nakatayo sa tabi ng Ilog Nilo.
|
|||
|
\v 2 Walang anu-ano ay pitong malulusog na matabang mga baka ang biglang lumitaw. Nagsimula silang kumain ng mga damo na nasa pampang ng ilog.
|
|||
|
\v 3 Maya-maya, may pitong baka, hindi malulusog at payat, ang lumabas sa likod nila galing sa Ilog Nilo. Tumayo sila sa tabi ng mga matabang baka na nasa pampang ng ilog.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Pagkatapos, kinain ng mga hindi malulusog na payat na mga baka ang pitong malulusog na matatabang mga baka. Pagkatapos, gumising ang hari.
|
|||
|
\v 5 Natulog ulit ang hari, at siya ay nagkaroon ng isa pang panaginip. Sa pagkakataong ito, nakakita siya ng pitong mga uhay ng butil na puno ng ubod ng butil at hinog, at lahat ay tumutubo sa iisang tangkay.
|
|||
|
\v 6 Kasunod niyon, nakita ng hari na may iba pang pitong mga uhay ng butil ang tumubo sa tangkay na iyon. Sila ay payat at tinuyo na ng init ng silangang hangin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos, nilamon ng pitong payat na mga uhay na butil ang pitong hinog na uhay. Pagkatapos, nagising ang hari. Naisip niya na siya pala ay nananaginip.
|
|||
|
\v 8 Pero sa kinaumagahan siya ay nabagabag tungkol sa kahulugan ng panaginip. Kaya ipinatawag niya ang lahat ng mga salamangkero at mga matalinong lalaki na nakatira sa Ehipto. Sila ay sinabihan niya ng kaniyang napanaginipan pero wala sa kanila ang makakapagsabi sa kaniya ng kahulugan ng dalawa niyang mga panaginip.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Sinabi ng punong serbidor ng inumin sa hari, "Ngayon ay may natatandaan akong isang bagay na dapat sasabihin ko sa iyo! Nakagawa ako ng mali sa pamamagitan ng paglimot na sabihin ito sa iyo.
|
|||
|
\v 10 May panahon na ikaw ay galit sa aming dalawa. Kaya nilagay mo ako at ang punong panadero sa bilangguan sa bahay ng kapitan ng mga bantay ng palasyo.
|
|||
|
\v 11 Habang kami ay naroroon, isang gabi ay bawat isa sa amin ay may panaginip, at ang mga panaginip ay may magkaibang kahulugan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Mayroong isang lalaking batang Hebreo na kasama namin doon. Siya ay isang lingkod ng kapitan ng mga bantay ng palasyo. Sinabi namin sa kaniya kung ano ang napanaginipan namin, at sinabi niya kung ano ang kahulugan ng mga panaginip. Sinabi niya sa bawat isa sa amin ang kahulugan ng aming mga panaginip.
|
|||
|
\v 13 Ang nangyari pagkatapos niyon ay pareho sa kahulugan ng sinabi niya sa amin: Sinabi mo na makakamit ko ulit ang dating kong gawain, pero ang isa ay pinatay sa pamamagitan ng pagbitay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Nang marinig iyon ng hari, sinabihan niya ang ilan sa mga lingkod na dalhin si Jose sa kaniya at dali-dali nilang kinuha si Jose palabas ng bilangguan. Nag-ahit si Jose at nagsuot ng mas maayos na mga damit at siya ay pumunta at tumayo sa harapan ng hari.
|
|||
|
\v 15 Sinabi ng hari kay Jose, "Mayroon akong dalawang panaginip, at walang ni isa ang makakapagsabi sa akin kung ano ang kanilang kahulugan. Pero isang tao ang nagsabi sa akin na kung makarinig ka ng isang taong nagsasabi ng kaniyang napanaginipan, masasabi mo sa taong iyon kung ano ang mga kahulugan ng panaginip."
|
|||
|
\v 16 Pero sumagot si Jose sa hari, "Hindi, hindi ko iyan magagawa. Ang Diyos ang nakakaalam ng kahulugan ng mga panaginip, pero binigyan niya ako ng kakayanang sabihin sa iyo ang kahulugan nila at sila ay mangangahulugan ng isang mabuting bagay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Sinabi ng hari kay Jose, "Sa una kong panaginip ako ay nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo.
|
|||
|
\v 18 Agad-agad ay pitong malulusog na matabang mga baka ang biglang umahon sa ilog at nagsimula silang kumain sa damo na nasa pampang ng ilog.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Maya-maya ay may iba pang pitong mga baka, pangit at payat ang umahon sa likuran nila mula sa ilog. Hindi ako kailanman nakakita ng ganoong pangit na mga baka sa buong lupain ng Ehipto!
|
|||
|
\v 20 Kinain ng payat na pangit na mga baka ang pitong matabang mga baka na naunang umahon.
|
|||
|
\v 21 Pero pagkaraan, walang ni isa ang makakaalam na sila ay kinain ng mga payat na mga baka dahil sila ay sadyang pangit gaya ng dati. Pagkatapos, ako ay gumising.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Pagkatapos, nagkaroon pa ako ng isa pang panaginip. Nakakita ako ng pitong mga uhay ng butil. Sila ay puno ng ubod ng butil at hinog at silang lahat ay tumutubo sa isang tangkay.
|
|||
|
\v 23 Pagkatapos, sa aking pagkagulat, nakakita ako ng pitong mga uhay ng butil na tumutubo. Sila ay payat at tinuyo ng init ng silangang hangin.
|
|||
|
\v 24 Nilamon ng pitong payat na mga uhay ang pitong mabubuting mga uhay. Sinabi ko ang panaginip na ito sa mga salamangkero pero wala sa kanila ang makapagpaliwanag sa akin kung ano ang kahulugan nila."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Jose sa hari, "Ang parehong panaginip mo ay mayroong parehong kahulugan. Pinapakita sa iyo ng Diyos sa mga panaginip mo kung ano ang kaniyang gagawin.
|
|||
|
\v 26 Ang pitong malulusog na mga baka ay kumakatawan sa pitong mga taon. Ang pitong mabubuting mga uhay ng butil ay kumakatawan sa pitong mga taon. Ang dalawang mga panaginip ay mayroong parehong kahulugan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Ang pitong payat na pangit na mga baka na umahon sa likod nila at ang pitong walang halagang mga uhay ng butil na tinuyo ng mainit na silangang hangin ay kumakatawan sa bawat pitong taon ng taggutom.
|
|||
|
\v 28 Iyon ay mangyayari gaya ng sinabi ko sayo dahil pinakita sa iyo ng Diyos kung ano ang gagawin niya.
|
|||
|
\v 29 Magkakaroon ng pitong taon na kung saan magkakaroon ng maraming pagkain sa buong lupain ng Ehipto,
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 pero pagkatapos niyan ay magkakaroon ng pitong taon ng taggutom. Pagkatapos, makakalimutan ng mga tao ang lahat ng mga taon kung saan mayroong maraming pagkain dahil ang taggutom ay darating pagkatapos masira ang lalawigan.
|
|||
|
\v 31 Makakalimutan ng mga tao kung gaano karami ang pagkain noong nakaraan dahil ang taggutom ay labis na nakakakilabot.
|
|||
|
\v 32 Ang dahilan na binigyan ka ng Diyos ng dalawang panaginip ay dahil napagpasyahan niya na ito ay mangyayari at idudulot niya ito na mangyari sa lalong madaling panahon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Ngayon minumungkahi ko na kailangan mong pumili ng taong matalino at makakagawa ng magagandang desisyon. Minumungkahi ko na itakda mo siyang tiyakin ang kapakanan ng buong lalawigan.
|
|||
|
\v 34 Kailangan mo ring magtakda ng mga tagapangasiwa sa buong lalawigan para maihanda nilang maipon ang ikalima sa lahat ng mga butil na naani sa panahon ng pitong taon na ang pagkain ay masagana.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Kailangan nilang ipunin ang ganitong karaming butil sa panahon nang pitong mga taong paparating nang sa ganoon ay mayroong maraming pagkain. Kailangan mo silang pangasiwaan habang iniimbak nila ito sa mga lungsod at habang binabantayan nila ito.
|
|||
|
\v 36 Kinakailangan na maitago ang mga butil na ito para ito ay makain sa panahon nang pitong taong magkakaroon ng taggutom dito sa Ehipto, at upang hindi mamatay mula sa gutom ang mga tao sa lalawigang ito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 37 Inisip ng hari at kaniyang mga opisyal na ito ay magiging magandang plano.
|
|||
|
\v 38 Kaya sinabi ng hari sa kanila, "Makakakita kaya tayo ng taong katulad ni Jose, isang tao na binigyan ng Diyos ng kaniyang espiritu?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 39 Pagkatapos, sinabi ng hari kay Jose, "Dahil pinakita ng Diyos ang lahat ng ito sa iyo, mukhang wala na ni isa na kasing talino mo at makakapagpasya ng maayos tungkol sa mga bagay.
|
|||
|
\v 40 Kaya ilalagay kita bilang tagapamahala sa lahat ng nasa aking palasyo. Dapat ang lahat ng mga tao dito sa Ehipto ay susunod sa kung anong iuutos mo. Tanging ako ay hari kaya ako ay mas may karapatan kaysa sa iyo."
|
|||
|
\v 41 Pagkatapos, sinabi ng hari kay Jose, "Nilalagay na kita ngayon sa pamamahala sa buong bansa ng Ehipto."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 42 Kinuha ng hari sa kaniyang daliri ang singsing na may selyo niya at nilagay niya ito sa daliri ni Jose. Nilagyan niya siya ng mga balabal na gawa sa pinong lino at naglagay siya ng gintong kuwentas sa palibot ng kaniyang leeg.
|
|||
|
\v 43 Pagkatapos naghanda siya para kay Jose na nagpapakita na siya ang pangalawang napakahalagang tao sa lalawigan. Nang nakasakay si Jose sa karo, sumigaw ang mga lalaki sa mga tao na nasa daan sa harapan niya, "Yumuko kayo!" Kaya nilagay ng hari si Jose na tagapamahala sa lahat ng nasa lalawigan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 44 Sinabi ng hari kay Jose, "Ako ang hari, pero walang ni isa sa buong lupain ng Ehipto ang gagawa ng kahit na ano kung hindi mo papayagan sila na gawin iyon."
|
|||
|
\v 45 Binigyan ng hari si Jose ng bagong pangalan, Zafenat-panea. Binigay niya rin sa kaniya si Asenat na maging asawa niyang babae. Siya ay ang anak na babae ni Potifera, na isang pari ng templo na nasa lungsod ng On. Sa ganitong paraan ay naging tanyag si Jose sa buong lupain ng Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 46 Si Jose ay tatlumpung taong gulang nang siya ay nagsimulang magtrabaho para sa hari ng Ehipto. Upang gawin ang kaniyang trabaho, iniwan niya ang palasyo ng hari at naglakbay sa buong Ehipto.
|
|||
|
\v 47 Sa panahon ng kasunod na pitong mga taon, nagbigay ang lupain ng masaganang pananim kaya mayroong maraming pagkain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 48 Habang si Jose ang nangangasiwa sa kanila, inipon ng kaniyang mga katulong ang ikalima sa lahat ng mga butil na binigay ng mga taong iyon, at inimbak ito sa mga lungsod. Sa bawat lungsod, mayroon siyang katulong na nag-iimbak sa mga butil na tumutubo sa mga lupain na pumapalibot sa lungsod.
|
|||
|
\v 49 Inuutusan sila ni Jose na mag-imbak ng napakalaking bilang ng butil. Kasing dami ito ng buhangin sa dalampasigan. Nagkaroon ng napakamaraming butil na tumigil na sila sa pagtala kung ilang butil na ang kanilang naimbak dahil hindi na nila masukat ang bilang ng mga butil.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 50 Bago nagsimula ang pitong taong taggutom, nanganak ang asawa ni Jose na si Asenat ng dalawang anak na lalaki.
|
|||
|
\v 51 Pinangalanan ni Jose ang una na Manases na tunog gaya ng salitang Hebreo na ang kahulugan ay "kalimutan," dahil sinabi niya, "Pinalimot sa akin ng Diyos ang lahat ng mga gulo at ang pamilya ng aking ama."
|
|||
|
\v 52 Pinangalanan niya ang pangalawang anak niya na lalaki na Efraim na ang ibig sabihin ay "magkaroon ng mga anak," dahil sinabi niyang, "Binigyan ako ng Diyos ng mga anak dito sa lupain kung saan ako nagdusa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 53 Sa wakas natapos na ang pitong taon na sagana ang pagkain.
|
|||
|
\v 54 Pagkatapos, ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula gaya ng nahulaan ni Jose. Mayroon ring taggutom sa lahat ng mga kalapit na mga lupain pero kahit na ang mga pananim ay hindi tumubo, mayroong pagkain sa buong Ehipto dahil sa mga butil na naimbak nila sa mga lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 55 Nang makain na ang lahat ng kani-kanilang mga pagkain ng lahat ng mga tao sa Ehipto at nanatili paring gutom, nanghingi sila sa hari ng pagkain. Kaya sinabi ng hari sa mga tao ng Ehipto, "Pumunta kayo kay Jose at gawin ang kung anong sabihin niya na gawin ninyo."
|
|||
|
\v 56 Nang lumala ang taggutom sa buong lalawigan, inutusan ni Jose ang kaniyang mga katulong na buksan ang mga kamalig. Pagkatapos, ipinagbili nila ang mga butil sa mga kamalig sa mga tao ng Ehipto dahil napakalubha ng taggutom sa buong Ehipto.
|
|||
|
\v 57 Ang mga tao mula sa mga kalapit na mga lalawigan ay pumunta sa Ehipto upang bumili ng butil galing kay Jose dahil kahit saan ay napakatindi ng taggutom.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 42
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang may nagsabi kay Jacob na mayroong butil sa Ehipto na maaaring mabili ng mga tao, sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, "Bakit kayo nakaupo lang diyan na nagtitinginan sa isa't-isa? Kailangan natin ng ilang butil!"
|
|||
|
\v 2 Sinabi niya sa kanila, "May nagsabi sa akin na mayroong butil na ibinebenta sa Ehipto. Bumaba kayo doon at bumili ng ilang para sa atin, para tayo ay manatiling buhay!"
|
|||
|
\v 3 Kaya bumaba sa Ehipto sila para bumili ng ilang butil ang sampung mga nakatatandang kapatid na lalaki ni Jose.
|
|||
|
\v 4 Ngunit hindi ipinasama ni Jacob si Benjamin, na nakababatang kapatid na lalaki ni Jose, na umalis kasama ng iba, dahil natatakot siya na maaaring may nakakakilabot na bagay ang mangyari sa kanya katulad ng nangyari kay Jose.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Kaya ang mga anak na lalaki ni Jacob ay bumaba mula Canaan patungong Ehipto para bumili ng butil, at ang iba ay pumunta din, dahil mayroon ding taggutom sa Canaan.
|
|||
|
\v 6 Sa panahong iyon si Jose ang gobernador ng Ehipto. Siya ang nagbebenta ng butil sa mga tao na dumating mula sa buong Ehipto at mula sa ibang mga bansa para bumili ng butil. Kaya nang dumating ang mga kapatid na lalaki ni Jose, idinapa nila ang kanilang mga sarili sa harap niya na ang kanilang mga mukha ay nasa lupa.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Sa sandaling makita ni Jose ang kanyang mga kapatid na lalaki, namukhaan niya sila. Ngunit nagkunwari siya na hindi niya kilala sila. Siya ay nagsalita ng masakit sa kanila, na nagsasabing, "Saan kayo nagmula? Isa sa kanila ang sumagot, "Kami ay nanggaling sa lupain ng Canaan, para bumili ng ilang butil."
|
|||
|
\v 8 Kahit na nakilala ni Jose ang kanyang mga kapatid na lalaki, hindi niya sila binigyan ng pansin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Pagkatapos naalala ni Jose ang kanyang napanginipan tungkol sa kanila ilang taon na ang nakalipas. Ngunit siya ay nagpasya na hindi muna sabihin sa kanila na siya ang kanilang nakababatang kapatid na lalaki. Sinabi niya sa kanila, "Mga ispya kayo! Kayo ay dumating para alamin kung kaya ba namin maipagtanggol ang aming mga sarili kapag sumalakay kayo!"
|
|||
|
\v 10 Isa sa kanila ang sumagot, "Hindi ginoo! Dumating kami para bumili ng butil.
|
|||
|
\v 11 Kaming lahat ay mga anak na lalaki ng iisang tao. Mga tapat kaming tao, hindi ispya."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Sinabi niya sa kanila, "Hindi ako naniniwala sa inyo! Pumunta kayo dito para makita kung maipagtatanggol namin ang aming sarili kapag kami ay sinalakay!"
|
|||
|
\v 13 Ngunit sumagot ang isa sa kanila, "Hindi, iyan ay hindi totoo! Noong una kami ay labindalawang magkakapatid na lalaki na anak ng iisang tao. Kasama ng aming ama ang bunsong kapatid namin. Isa sa kanila ay patay na."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Sumagot si Jose, "Kayo ay nagsisinungaling! Sa palagay ko tama ang sinabi ko. Kayo ay mga ispya!
|
|||
|
\v 15 Ngunit ganito ang aking gagawin para malaman kung nagsasabi nga kayo ng totoo. Sa palagay ko hangga't nabubuhay ang hari, kayo ay mga ispya. Kaya hindi kayo aalis hangga't ang inyong bunsong kapatid ay pumunta dito!
|
|||
|
\v 16 Ipadala ninyo ang isa sa inyong grupo para pumunta at kunin ang inyong nakababatang kapatid at dalhin dito. Ang natira sa inyo ay ilalagay ko sa kulungan, nang sa ganun ay masubukan ko kung ang inyong sinasabi sa akin ay totoo. Kung ang sinumang aalis na hindi madala ang inyong bunsong kapatid na lalaki dito, kung ganoon, hangga't nabubuhay ang hari, magigigng malinaw na kayo ay nagsisinungaling at kayo'y mga ispya."
|
|||
|
\v 17 At ikinulong silang lahat ni Jose sa loob ng tatlong araw.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Makalipas ang ikatlong araw; Si Jose ay pumunta sa kulungan at sinabi sa kanila, "Ako ang taong natatakot na parusahan ng Diyos kapag hindi ko ginawa ang ipinangako ko. Kaya gawin ninyo ang ipinag-uutos ko at bibigyan ko kayo ng pagkakataong mabuhay.
|
|||
|
\v 19 Kung kayo ay mga tapat na tao, hayaan ninyong manatili ang isa sa inyong kapatid dito sa kulungan, at ang iba sa inyo ay maaari nang kumuha ng butil na dadalhin pabalik sa inyong mga pamilya na labis ang gutom dahil sa tagtuyot.
|
|||
|
\v 20 Ngunit kung babalik ulit kayo dito, kinakailangang dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid na lalaki, upang mapatunayan ninyo na nagsasabi kayo ng totoo, at hindi ko na kayo ipapapatay." Kaya pumayag silang gawin iyon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Sinabi nila sa isa't-isa, "Siguradong dahil sa ginawa natin sa ating nakababatang kapatid kaya tayo pinaparusahan! Nakita natin na sobra siyang nahirapan nang nagmakaawang huwag siyang saktan. Ngunit hindi natin siya pinansin, at dahil doon nandito tayo ngayon na may ganitong kaguluhan!"
|
|||
|
\v 22 Sinabi ni Reuben sa kanila, "Sinabi ko sa inyong huwag saktan ang bata, ngunit hindi ninyo binigyang-pansin ang sinabi ko! Ngayo'y pinagbabayad tayo dahil sa pagpatay natin sa kanya!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Habang sila ay nakikipagusap kay Jose, sa tulong ng tagapag-salin, at kapag sinasabi nila ang mga ito sa bawat isa, sila ay nagsasalita gamit ang kanilang wika. Hindi nila alam na nauunawaan ni Jose ang kanilang wika at naiintindihan niya ang mga sinasabi nila.
|
|||
|
\v 24 Dahil sa kanilang sinabi, napagtanto ni Jose na inaamin na nila na mali ang kanilang nagawa sa kanya sa mga taong nagdaan. Ngunit naisip niya na hindi siya makakapagpigil sa pag-iyak, at hindi niya gustong makita nila na umiiyak siya, kaya umalis sya at lumabas ng kwarto at nagsimulang umiyak. Pero bumalik din siya sa kanila at nakipagusap ulit. Pagkatapos kinuha niya si Simeon, at habang sila ay nakatingin, sinabi niya sa kanyang mga lingkod na igapos siya. Iniwan niya si Simeon sa kulungan at sinabihan ang iba na maaari na silang umalis.
|
|||
|
\v 25 Sinabihan ni Jose ang kanyang mga lingkod na punuin ang bawat sako ng butil ng mga lalaki, ngunit sinabi din niya sa kanila na ilagay ang mga salaping ibinayad nila para sa butil sa ibabaw ng kaniyang sako. Sinabi din niya na bigyan sila ng makakain para sa kanilang paglalakbay. Pagkatapos nilang gawin ang mga bagay na iyon para sa kanyang mga nakatatandang kapatid,
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 isinakay ng kanyang mga nakatatandang kapatid ang sako ng mga butil sa kanilang asno at umalis.
|
|||
|
\v 27 Sa lugar kung saan sila huminto upang matulog sa gabing iyon, isa sa kanila ang nagbukas ng kanyang sako para kumuha ng kaunting butil para sa kanyang asno. Nagulat siya nang makita ang kanyang salapi sa ibabaw ng sako.
|
|||
|
\v 28 Isinigaw niya sa kanyang mga kapatid, "May nagsauli ng aking salapi! Narito sa aking sako!" Nagsimula silang manginig sa takot, at sinabi sa isa't-isa, "Ano itong ginawa sa atin ng Diyos?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Nang sila ay bumalik sa kanilang ama sa lupain ng Canaan, sinabi ng isa sa kanila,
|
|||
|
\v 30 "Ang taong namamahala sa buong lupain ng Ehipto ay nakipagusap sa amin ng marahas. Nakitungo siya sa amin na mistulang mga ispya kami sa kanyang bansa.
|
|||
|
\v 31 Ngunit sinabi namin, "Kami'y mga tapat na tao! Hindi kami mga ispya.
|
|||
|
\v 32 Ang totoo'y labindawala kaming magkakapatid, mga anak ng iisang ama. Ang isa ay patay na, at ang bunsong kapatid ay kasama ng aming amang nasa Canaan.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Ang namamahala sa lupain ay hindi naniwala sa amin, kaya sinabi niya sa amin, 'Ganito ko malalaman kung kayo nga ay totoong mga matapat na tao: iwanan ninyo ang isa sa inyong mga kapatid dito sa akin. Pagkatapos ang iba sa inyo ay kumuha ng ilang butil para sa inyong mga pamilya na labis na nagugutom at umalis na kayo.
|
|||
|
\v 34 Ngunit kapag bumalik kayo, dalhin ninyo ang inyong bunsong kapatid sa akin, sa ganoong paraan ay malalaman ko na kayo ay hindi mga ispya, ngunit, mga tapat kayong tao. Pagkatapos ay pakakawalan ko ang inyong kapatid. At saka maaari kayong bumilli kahit anung gustuhin ninyo sa bansang ito."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 35 Habang inaalis nila ang laman ng kanilang mga sako, nagulat sila na bawat sako ay may nakalagay na supot ng pera! Natakot sila nang makita nila at ng kanilang ama ang mga ito.
|
|||
|
\v 36 Sinabi sa kanila ng kanilang amang si Jacob, "Kayo ang nagdulot sa dalawa kong anak na lalaki na mahiwalay sa akin! Patay na si Jose at nawawala si Simeon! At ngayon gusto niyo pang kunin si Benjamin sa akin! Ako ang nagdurusa dahil sa mga bagay na ito na nangyayari!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 37 Sinabi ni Reuben sa kanyang ama, "Ibabalik ko si Benjamin sa iyo. Hayaan mong ingatan ko siya. Kung hindi ko man maibalik si Benjamin sa iyo, maaari mo nang patayin ang dalawa kong anak na lalaki."
|
|||
|
\v 38 Ngunit sinabi ni Jacob, "Hindi, ako ay hindi papayag na ang anak ko ay sumama sa iyo pababa. Ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na, at siya na lamang ang natitirang anak ng asawa kong si Raquel! Kapag may nangyaring masama sa kanya habang kayo ay naglalakbay, magagawa mo akong mamatay sa paghihinagpis, ako na isang matandang kulay-abo na buhok."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 43
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ang taggutom sa Canaan ay lumala.
|
|||
|
\v 2 Sa wakas, nang matapos kainin ni Jacob at ng kanyang pamilya ang lahat ng butil na binili nila mula sa Ehipto, sinabi ni Jacob sa kanila, "Bumalik kayo sa Ehipto at bumili ng ilan pang butil para sa atin!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Ngunit sinabi ni Juda sa kanya, "Ang taong nagbenta sa atin ng butil ay mahigpit kaming binantaan, 'Hindi ko kayo hahayaan na makita ninyo ako muli kung babalik kayo at hindi kasama ang inyong nakababatang kapatid.'
|
|||
|
\v 4 Kaya kung ipapadala mo ang aming nakababatang kapatid sa amin, kami ay bababa sa Ehipto at bibili ng ilang butil para sa inyo.
|
|||
|
\v 5 Ngunit kung hindi ninyo siya ipapadala, hindi kami bababa doon, dahil sinabi ng taong iyon sa amin, ' hindi ko na kayo papayagan na makita ninyo pa ako ulit kung hindi ninyo kasama ang inyong nakababatang kapatid."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nagtanong si Jacob, "Bakit idinulot ninyo sa akin na magkaroon ng ganitong kaguluhan sa pagsasabi sa taong iyon na mayroon pa kayong nakababatang kapatid?"
|
|||
|
\v 7 Sumagot ang isa sa kanila, "Ang taong iyon ay nagtanong tungkol sa atin at tungkol sa ating pamilya. Sinabi niya," Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid? Kailangan namin sagutin ang kanyang mga tanong. Hindi namin alam na sasabihin niyang, 'Sa susunod na bumalik kayo dito, isama ninyo ang inyong kapatid!"'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Juda sa kanyang ama na si Jacob, "Ipadala ninyo ang batang lalaki sa akin at agad kaming aalis, upang tayo at ikaw, at ating mga anak ay makakuha ng butil at hindi mamamatay mula sa gutom.
|
|||
|
\v 9 Ako mismo ay nangangako na siya ay babalik. Maasahan mo ako na gagawin ko ang aking mga ipinangako. Kung hindi ko siya maibabalik sa iyo na ligtas, maaari mong sabihin habangbuhay na ako ang dapat sisihin.
|
|||
|
\v 10 Kung hindi tayo nagsayang ng maraming oras, sa ngayon nakapunta na kami doon at nakabalik na ng dalawang beses!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ng kanilang amang si Jacob sa kanila, "Kung wala ng ibang paraan, gawin niyo ito: Ilagay ninyo sa inyong mga sako ang ilang mga magagandang tanim na tumutubo sa lupaing ito, at dalhin ninyo ito sa tao bilang isang regalo. Kumuha kayo ng ilang balsamo at pulot-pukyutan at mga pabango at mirra, at ilang mga pili at mga almendra.
|
|||
|
\v 12 Doblehin ninyo ang perang dala ninyo dati, dahil kailangan ninyong ibalik ang pilak na inilagay sa itaas ng inyong mga sako. Marahil ito ay pagkakamali lang at sa inyong sako nailagay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Kunin mo na ang iyong nakababatang kapatid na lalaki at bumalik ka sa taong iyon.
|
|||
|
\v 14 Ipapanalangin ko na ang Makapangyarihang Diyos ay magdulot sa taong iyon na maawa sa inyo, upang pabayaan ang iba mong kapatid, pati na rin si Benjamin, na makabalik dito kasama ninyo. Ngunit para sa akin, kung kukunin ang aking mga anak na lalaki mula sa akin, kung gayon wala na akong mga anak na lalaki!"
|
|||
|
\v 15 Kaya ang mga lalaki ay kinuha ang mga regalo na sinabi ni Jacob na dapat nilang kunin, at dalawang beses na dami ng pera na presyo ng butil. Kinuha din nila si Benjamin. Bumaba sila kaagad sa Ehipto, at tumayo sila sa harapan ni Jose.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Nang makita ni Jose si Benjamin na kasama nila, sinabi niya sa taong namamahala sa kanyang bahay," Dalhin mo ang mga taong ito sa aking bahay. Magkatay ka ng hayop at maghanda ng pagkain, dahil gusto kung kasama nila akong kumain sa tanghali." Sinabihan niya ang kanyang lingkod sa kung anong ayos ng pagkakaupo nila.
|
|||
|
\v 17 Ginawa ng taong ito ang utos ni Jose; dinala niya sila sa bahay ni Jose.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Ngunit sila ay natakot dahil dinala sila sa bahay ni Jose. At sila ay nag isip," Dinala niya tayo dito dahil sa pilak na inilagay sa ating mga sako noong unang pagpunta natin dito. Habang kami ay kumakain, aatakihin kami ng kanyang alipin at huhulihin at gagawin kaming kanyang mga alipin, at kukunin din nila ang aming mga asno."
|
|||
|
\v 19 Nagpunta sila kasama ang taong namamahala sa bahay ni Jose. Nang makarating sila sa pasukan ng bahay,
|
|||
|
\v 20 isa sa kanila ang nagsabi sa kanya, "Pakiusap, ginoo, makinig po kayo sa akin. Bumaba kami dito noong nakaraan at bumili ng ilang butil.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Ngunit sa lugar kung saan kami huminto ng gabing pauwi na kami ng tahanan, binuksan namin ang aming mga sako. Kami ay nabigla na makita ito sa ibabaw ng aming mga sako ang eksaktong halaga ng pilak na aming ibinayad para sa mga butil! Kaya dinala namin ito pabalik kasama namin.
|
|||
|
\v 22 Nagdala rin kami ng marami pang pilak upang bumili ng maraming butil. Hindi namin alam kung sino ang naglagay ng pilak sa aming mga sako.
|
|||
|
\v 23 Sumagot ang lalaki, "Huminahon ka! Huwag kayong mag-alala tungkol diyan, Natanggap ko ang pilak na iyong dinala. Ang iyong Diyos, ang Diyos na sinasamba ng iyong ama, siguro ang naglagay sa iyong mga sako." At pagkatapos dinala niya si Simeon sa kanila mula sa bilangguan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos dinala niya sila sa bahay ni Jose. Binigyan sila ng tubig upang hugasan ang kanilang mga paa at binigyan din sila ng pagkain para sa kanilang mga asno.
|
|||
|
\v 25 Sinabi niya sa kanila na sila ay kakain kasama ni Jose sa tanghali. Kaya hinanda ng lalaki ang kanilang mga regalo upang ibigay kay Jose kapag dumating siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Nang nakarating na si Jose sa bahay, iniharap nila sa kanya ang mga regalong dinala nila sa bahay. Pagkatapos sila ay yumukod sa lupa sa harapan niya.
|
|||
|
\v 27 Sila ay tinanong niya kung sila ba ay mabuti, at pagkatapos tinanong niya, "Kamusta na ang kalusugan ng inyong matandang ama, ang taong sinabi ninyo sa akin? Buhay pa ba siya?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Isa sa kanila ang sumagot, "Opo, ang iyong lingkod, ang aming ama, ay buhay pa, at siya ay mabuti." Pagkatapos sila ay ulit na yumukod sa harap niya.
|
|||
|
\v 29 Pagkatapos nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Benjamin, ibang anak na lalaki ng kanyang sariling ina. Tinanong niya sila, "Ito ba ang inyong nakababatang kapatid, ang taong sinabi ninyo sa akin? Pagkatapos nilang sinabi na "Opo," sinabi niya kay Benjamin, "Batang lalaki, ipinapanalangin ko na ang Diyos ay kumilos ng may kabutihan sa iyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Mabilis na umalis si Jose sa silid. Napagtanto niya na malapit na siyang umiyak dahil napuno ang kanyang damdamin ng tungkol sa kanyang nakababatang kapatid. Siya ay pumunta sa pribado niyang silid at doon umiyak.
|
|||
|
\v 31 Pagkatapos, matapos niyang hugasan ang mga luha sa kanyang mukha, lumabas siya, at habang pinipigilan niya ang kanyang damdamin, sinabi niya sa mga lingkod," Ihain ninyo ang pagkain!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 32 Ngayon, ang mga tao ng Ehipto ay iniisip na kahiya-hiya para sa kanila na kumain kasama ang mga Hebreo, kaya ang mga lingkod ang naghain ng pagkain kay Jose na siya lang, at naghain para sa ibang tao ng Ehipto na kumain kasama niya na sila lang, at naghain sila sa mga nakatatandang kapatid ni Jose at ang nakababatang kapatid na sila lang.
|
|||
|
\v 33 Nagulat ang kanyang mga kapatid na lalaki na makita na ang kanilang mga upuan ay nakaayos ayon sa kanilang mga edad, mula sa nakababata hanggang sa nakatatanda!
|
|||
|
\v 34 Nang inihain ang mga bahagi ng pagkain sa kanila mula sa mesa ni Jose, ang bahagi ni Benjamin ay limang beses na mas marami kaysa sa bahagi ng iba! Kaya sila ay kumain at uminom ng alak kasama si Jose hanggang sa sila ay nagkasiyahan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 44
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Nang handa ang kanyang mga kapatid na lalaki upang umuwi sa kanilang tahanan, sinabi ni Jose sa kanyang katiwala sa bahay, "Punuin mo ang mga sako ng mga magkakapatid ng butil hanggat sa makakaya nilang dalhin sa kanilang mga asno. At ilagay mo sa ibabaw ng bawat sako ng mga lalaki ang pilak na kanilang ibinayad para sa butil.
|
|||
|
\v 2 At ilagay mo ang aking gintong baso sa ibabaw ng sako ng bunso nilang kapatid, kasama ang pilak na kanilang ibinayad para sa butil." Ginawa ng katiwala ang iniutos ni Jose ayon sa iniuutos niya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Kinabukasan ng madaling araw ang mga lalaki ay pinahintulutan ng makaalis pauwi sa kanilang tahanan kasama ang kanilang mga asno.
|
|||
|
\v 4 Nang sila ay hindi pa nakakalayo mula sa lungsod, sinabi ni Jose sa kanyang katiwala sa bahay, "Habulin mo agad ang mga lalaki. Kapag sila ay naabutan mo, sabihin mo sa kanila, 'Gumawa kami ng magandang bagay para sa inyo! Subalit bakit kasamaan ang binalik ninyo sa amin?
|
|||
|
\v 5 Ninakaw ninyo ang baso na iniinuman ng aking amo! Ito ang basong ginagamit niya sa paghahanap ng mga bagay na walang sinumang nakakaalam! Ang ginawa ninyo ay sadyang masama!"'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 6 Nang sila ay naabutan ng katiwala, sinabi niya sa kanila kung ano ang sinabi ni Jose sa kanya.
|
|||
|
\v 7 Subalit isa sa kanila ang sumagot, "Ginoo, bakit ninyo sinasabi ang mga bagay na ito? Kami ay iyong mga lingkod, at hindi namin magagawa ang anumang bagay na iyan!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Ibinalik nga namin sa inyo mula sa Canaan ang pilak na nahanap namin mula sa ibabaw ng aming mga sako! Kaya hindi namin makakayang nakawin ang ginto o pilak mula sa tahanan ng inyong amo.
|
|||
|
\v 9 Kung matuklasan man ninyo na isa sa amin ang nagtatago ng baso, maaari mo siyang patayin, at lahat kami ay magiging alipin mo."
|
|||
|
\v 10 Ang sinagot ng katiwala ay, "Gagawin ko ang sinabi mo. Subalit ang isa sa inyo na may baso ay hindi ko papatayin. Sa halip, siya ay magiging alipin ko, at ang lahat sa inyo ay maaari ng makabalik sa inyong tahanan."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ang bawat lalaki ay nagmamadaling ibinaba ang kanyang sako mula sa asno at binuksan ito.
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos nagsimulang maghanap ang katiwala ng baso sa bawat sako. Nagsimula siyang maghanap sa sako ng panganay at hanggang matapos sa sako ng bunso. Nahanap niya ang baso sa sako ni Benjamin at pinakita niya ito sa kanila.
|
|||
|
\v 13 Pinunit ng magkakapatid ang kanilang mga damit dahilan sa pagkadismaya. Muli nilang ibinalik ang kanilang kagamitan sa mga asno at bumalik sa lungsod.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Nang si Juda at kanyang nakatatandang mga kapatid at mga nakababatang kapatid na lalaki ay pumasok sa tahanan ni Jose, si Jose ay naroon pa rin. Sinabi ng katiwala kay Jose kung ano ang nangyari. Pagkatapos lumapit ang magkakapatid at nagpatirapa sa harapan ni Jose.
|
|||
|
\v 15 Sinabi niya sa kanila, "Bakit ninyo ginawa ito? Hindi ninyo ba alam na ang lalaking tulad ko ay nakakatuklas ng bagay na walang sinumang nakakaalam?"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Sumagot si Juda, "Ginoo, ano po ang masasabi namin? Paano po namin mapapatunayan na kami ay walang kasalanan? Pinagbabayad kami ng Diyos sa aming kasalanan ilang taon na ang nakalipas. Kaya ngayon kami ay magiging alipin na ninyo-- kami at ang taong nahanapan ninyo ng baso."
|
|||
|
\v 17 Subalit sumagot si Jose, "Hindi, hindi ko kailanman gagawin ang bagay na iyan. Ang nakitaan ng baso sa kanyang sako ang siyang magiging alipin ko lamang. Maliban sa kanya lahat kayo ay maaari ng makauwi sa inyong ama ng mapayapa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 At pumunta palapit si Juda kay Jose at sinabing, "Ginoo, nakikiusap po ako sa iyo marapatin mong ako'y makapagsalita. Kapantay ka ng hari, kaya maaari mong ipag-utos na ako ay patayin; subalit sa pakikipag-usap ko po sa inyo huwag po kayong magalit.
|
|||
|
\v 19 Kami ay tinanong ninyo, 'Buhay pa ba ang iyong ama, at mayroon ba kayong bunsong kapatid?'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Ang aming sinagot, 'Ang aming ama ay buhay pa, subalit siya ay matanda na. Mayroon siyang batang anak na lalaki na ipinanganak matapos maging ganap na isang matanda ang aming ama. Ang anak niyang lalaking ito ay may kapatid na nakatatanda subalit ito'y patay na. Kaya ang bunsong anak na lalaki na lamang ang nag-iisang buhay na anak ng kanyang ina, at mahal na mahal siya ng kanyang ama.'
|
|||
|
\v 21 Pagkatapos sinabi mo sa amin, 'Sa susunod na pumunta kayo dito, dalhin ninyo ang nakababata ninyong kapatid, upang siya ay makita ko.'
|
|||
|
\v 22 Ang sinabi namin sa iyo, 'Hindi, hindi po namin kayang gawin iyan, dahil hindi kayang iwan ng bata ang kanyang ama. Kung iiwan niya ang kanyang ama, ang kanyang ama ay mamamatay sa kalungkutan.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Subalit sinabi ninyo sa amin, 'Kung ang bunso ninyong kapatid ay hindi pupunta dito kasama ninyo, hindi ko na kayo pahihintulutan na makita ako muli!'
|
|||
|
\v 24 Nang kami ay nakabalik sa aming ama, sinabi namin ang sinabi mo.
|
|||
|
\v 25 Matapos ang ilang buwan sinabi ng aming ama, 'Bumalik kayo sa Ehipto at bumili ng ilang butil!'
|
|||
|
\v 26 Subalit sinabi namin, 'Hindi na kami makababalik ng kami lamang. Aalis lang kami kung kasama namin ang aming bunsong kapatid na lalaki. Hindi na namin maaaring makita ang lalaking nagbenta ng butil kung ang aming bunsong kapatid ay hindi namin kasama.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Sumagot ang aming ama, 'Alam ninyo na dalawa lamang ang anak namin ni Raquel.
|
|||
|
\v 28 Ang isa ay nawala na, at sinabi kong, "isang mabangis na hayop ang siyang nagluray sa kanya. "At hindi ko na siya nakita mula noon.
|
|||
|
\v 29 Kung kukunin mo muli ang isa sa akin, at may mangyari sa kanya, magiging dahilan ito ng isang matandang puti na ang buhok, upang mamatay dahil sa labis na paghihinagpis.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 30 Kaya nagmamakaawa po ako na makinig po kayo. Mananatiling buhay ang aking ama kung ang kanyang bunsong anak ay mananatiling buhay kasama niya.
|
|||
|
\v 31 Kung nakita niyang hindi namin kasama ang bata pagbalik namin sa kanya, mamamatay siya. Magiging dahilan kami ng pagpanaw ng aming ama sa labis na kalungkutan.
|
|||
|
\v 32 Pinangako ko na makakabalik ang bata ng ligtas. Sinabi ko sa kanya, 'Maaari mong hingin sa akin na gawin kung ano ang pinangako ko. Kung hindi ko siya maibabalik sa iyo, maari mo akong sisihin magpakailanman sa kadahilanang hindi ko siya naibalik sa iyo.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Kaya, ako'y nagmamakaawa na hayaan mong manatili ako dito bilang iyong alipin sa halip na ang bunso kong kapatid na lalaki, at hayaang makabalik sa kanyang tahanan ang bata kasama ng kanyang mga kapatid.
|
|||
|
\v 34 Hindi ako makababalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang bata! Ayaw kong makita kung paanong magiging kahabag-habag ang aking ama!'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 45
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Hindi nagawang pigilan ni Jose ang kanyang nararamdaman. Ayaw niyang umiyak sa harap ng kanyang mga lingkod, malakas niyang sinabi sa kanila, "Lumabas kayong lahat!" Matapos nilang lumabas, walang taga-Ehipto ang nandoon na kasama ni Jose nang sinabi niya sa kanyang mga lalaking kapatid kung sino siya.
|
|||
|
\v 2 Umiyak siya ng napakalakas na pati ang mga tao sa labas ay nakarinig nito.
|
|||
|
\v 3 Sinabi ni Jose sa kanyang mga lalaking kapatid, "Ako si Jose! Buhay pa ba ang ating ama?" Ngunit ang kanyang mga lalaking kapatid ay hindi magawang sumagot, sapagkat sila ay natakot ng dahil sa kanyang sinabi.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ni Jose sa kanyang mga lalaking kapatid, "Lumapit kayo sa akin!" Nang sila ay lumapit sa kanya, sinabi niya, "Ako ang inyong lalaking kapatid na si Jose! Ako ang inyong ipinagbili sa mga mangangalakal na siyang nagdala sa akin dito sa Ehipto!
|
|||
|
\v 5 Ngunit ngayon, huwag kayong magdalamhati at huwag magalit sa inyong mga sarili dahil ipinagbili ninyo ako bilang isang alipin. Ang Diyos ang siyang nagpadala sa akin dito, na nauna sa inyo upang hindi kayo mamatay sa tagtuyot.
|
|||
|
\v 6 Dalawang taon ng may tagtuyot sa lupaing ito at magpapatuloy ito ng lima pang mga taon. Sa mga panahong ito, walang mag-aararo ng lupain, at walang mga tanim na aanihin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Nauna akong pinadala ng Diyos dito kaysa sa inyo upang hindi kayo magutom at upang tiyakin na makakaligtas ang inyong mga lahi.
|
|||
|
\v 8 Kaya nga, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito; ang Diyos ang siyang nagpadala sa akin dito! Siya ang nagdulot sa akin na maging parang isang ama ng Paraon. Ako ang tagapamahala sa lahat ng mga nasa kanyang palasyo at ang gobernador ng lahat ng mga nasa Ehipto!
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Ngayon, bumalik kayo agad sa aking ama at sabihin sa kaniya, 'Ito ang sinabi ng inyong anak na si Jose: "Ang Diyos ang nagdulot sa akin na maging gobernador sa buong lupain ng Ehipto. Magmadali kayong pumunta sa akin!
|
|||
|
\v 10 Maaari kayong manirahan sa rehiyon ng Gosen. Ikaw, ang iyong mga anak at mga apo, ang iyong mga tupa, mga kambing at mga baka, at ang lahat ng iyong mga pagmamay-ari ay malalapit sa akin.
|
|||
|
\v 11 Titiyakin kong mayroon kayong pagkain, yamang magkakaroon ng lima pang mga dagdag na taon ng tagtuyot. Kung hindi kayo pupunta dito, ikaw at ang iyong pamilya at ang lahat ng iyong mga lingkod ay magugutom."'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Kung kayo at si Benjamin, ay titingnan ako sa malapitan, makikita ninyong lahat na ako nga ito, si Jose, ang nakikipag-usap sa inyo.
|
|||
|
\v 13 Humayo kayo at sabihin sa aking ama ang tungkol sa kung gaanong karangalan ang mayroon ako dito sa Ehipto. At sabihin sa kanya ang tungkol sa lahat ng inyong mga nasaksihan. Magmadali kayong dalahin ang aking ama dito!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos niyakap niya sa leeg ang kanyang lalaking kapatid na si Benjamin at umiyak. At niyakap siya ni Benjamin at umiyak.
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos hinagkan niya sa pisngi ang kanyang mga nakakatandang lalaking kapatid at umiyak. Pagkatapos noon, nagsimula ng makipag-usap sa kanya ang kanyang mga lalaking kapatid.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 May isang taong pumunta sa palasyo at sinabi ang balita na dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose.
|
|||
|
\v 17 Ikinalugod ito ng Paraon at ng lahat ng kanyang mga opisyal. Sinabi ng Paraon kay Jose, "Sabihin mo ito sa iyong mga lalaking kapatid: Lagyan ninyo ng mga butil ang inyong mga hayop at bumalik sa lupain ng Canaan.
|
|||
|
\v 18 Pagkatapos dalhin ninyo ang inyong ama at ang inyong mga pamilya pabalik rito. Ibibigay ko ang pinakamagandang lupain sa Ehipto at makakakain kayo ng pinakamasasarap na pagkain sa lupain.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Sabihin mo rin ito sa iyong mga lalaking kapatid: 'Kumuha ng mga karitela mula sa Ehipto para magbuhat sa inyong mga anak at ng inyong mga asawa, at kunin sila at ang inyong ama at magmadali kayong bumalik dito.
|
|||
|
\v 20 Huwag na ninyong alalahanin ang pagdadala ng inyong mga ari-arian, sapagkat ang kasaganahan ng Ehipto ay mapapasainyo. Nang dahil diyan, hindi na ninyo kinailangan pang dalhin ang mga bagay na mula sa Canaan.'"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Ginawa ng mga anak na lalaki ni Jacob ang iniutos ng Paraon. Binigyan sila ni Jose ng mga karitela at makakain sa daan, ayon sa utos ng Paraon.
|
|||
|
\v 22 Binigyan niya ng bagong damit ang bawat isa sa kanila, ngunit kay Benjamin, nagbigay siya ng tatlong daang piraso ng pilak at limang bihisan ng mga bagong damit!
|
|||
|
\v 23 Ito ang kanyang ipinadala sa kanyang ama: Sampung lalaking mga asno, na may mga pinakamagandang mga bagay na mula sa Ehipto, at sampung mga babaing asno na may mga butil, tinapay, at iba pang makakain para sa paglalakbay ng kanyang ama patungong Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Pagkatapos pinaalis niya ang kanyang mga lalaking kapatid at sinabihan silang, "Huwag kayong mag-aaway sa daan!"
|
|||
|
\v 25 Kaya ang mga magkakapatid na lalaki ay umalis ng Ehipto at pumunta sa kanilang amang si Jacob sa lupaing Canaan.
|
|||
|
\v 26 Isa sa kanila ang nagsabi sa kanya, "Buhay pa si Jose! Sa katunayan nga, siya ang gobernador ng buong Ehipto!" Labis na namangha si Jacob; hindi siya makapaniwala na totoo ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Ngunit sinabi nila ang lahat ng mga sinabi ni Jose sa kanila, at nakita ni Jacob ang mga karitela na ipinadala na magdadala sa kanya at sa kanyang pamilya at mga pag-aari patungong Ehipto. Huminahon si Jacob.
|
|||
|
\v 28 Sinabi niya, "Ang iyong mga sinabi ay sapat na upang ako ay hikayatin! Ang aking lalaking anak na si Jose ay buhay pa, pupunta ako at makikipagkita sa kanya bago ako mamatay!"
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 46
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Lumisan si Jacob, dala niya ang kanyang buong mag-anak at mga ari-arian. Nang dumating sila sa Beer-seba, naghandog siya ng mga alay sa Diyos, na sinamba ng kanyang amang si Isaac.
|
|||
|
\v 2 Nang gabing iyon, tinawag ng Diyos si Jacob sa pamamagitan ng pangitain, sinasabing, "Jacob! Jacob!" Sumagot siya, "Narito ako!"
|
|||
|
\v 3 Sinabi ng Diyos, "Ako ay Diyos, ang siyang sinamba ng iyong ama. Huwag kang matakot na bumaba sa Ehipto, dahil bibigyan kita ng maraming kaapu-apuhan at sila ay magiging isang dakilang bansa roon.
|
|||
|
\v 4 Bababa ako sa Ehipto kasama mo at pagkatapos dadalhin kong muli ang iyong mga kaapu-apuhan pabalik sa Canaan. At si Jose ay makakapiling mo kapag ikaw ay mamamatay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Kaya nilisan ni Jacob ang Beer-seba at isinakay ng kanyang mga anak na lalaki ang kanilang ama, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak sa sasakyang ipinadala ng hari na gagamitin sa kanilang paglalakbay.
|
|||
|
\v 6 Sa paraang ito pumunta si Jacob at ang kanyang buong mag-anak sa Ehipto. Dinala nila ang kanilang mga alagang hayop at ang kanilang mga ari-arian na naipon nila sa Canaan.
|
|||
|
\v 7 Pumunta si Jacob sa Ehipto kasama ang kanyang mga anak na lalaki, mga anak na babae at mga apong lalaki at babae—ang kanyang buong pamilya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Ito ang talaan ng mga kasapi ng pamilya ni Jacob na kasama niyang pumunta sa Ehipto:
|
|||
|
\v 9 Si Ruben, ang panganay na anak ni Jacob; mga anak ni Ruben na sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi;
|
|||
|
\v 10 Si Simeon at ang kanyang mga anak na sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul, na mga anak na lalaki ng babaeng mula sa lahi ng Cananeo;
|
|||
|
\v 11 Si Levi at ang kanyang mga anak na sina Gershon, Coat at Merari;
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Si Juda at ang kanyang mga anak na sina Sela, Fares at Zara, (ang kanyang mga anak na sina Er at Onan ay namatay sa lupain ng Canaan); Ang dalawang anak ni Fares; sina Hezron at Hamul;
|
|||
|
\v 13 si Isacar at ang kanyang mga anak na sina Tola, Pua, Job, at Simron;
|
|||
|
\v 14 Si Zebulon at ang kanyang mga anak na sina Sered, Elon, at Jahleel
|
|||
|
\v 15 Ito ang mga anak nina Jacob at Lea, na ipinanganak sa Padan Aram, kasama si Dina na kanyang anak na babae. May kabuuang bilang na tatlumpu't tatlong anak na lalaki at babae.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Si Gad at ang kanyang mga anak na sina Zifion, Hagui, Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli;
|
|||
|
\v 17 Si Aser at ang kanyang mga anak na sina Jimnah, Isua, Isui, at Beria; at si Sera na kanilang kapatid na babae; mga anak Beria na sina Heber at Malquiel;
|
|||
|
\v 18 (Iyon ang mga anak at apo ni Jacob at Zilpa, ang babaeng alipin na ibinigay ni Laban sa kanyang anak na si Lea. Sa kabuuan silang lahat ay labing-anim na tao.)
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Sina Jose at Benjamin na mga anak ng asawa ni Jacob na si Raquel;
|
|||
|
\v 20 (Sina Efraim at Manases ay dalawang anak ni Jose. Hindi sila bumaba dahil naipanganak sila sa Ehipto. Sila ang mga anak ni Asenath, na anak na babae ni On, na pari sa templo sa lungsod ng On.)
|
|||
|
\v 21 Si Benjamin at ang kanyang mga anak na sina Bela, Beker, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Rosh, Muppim, Huppim at Ard;
|
|||
|
\v 22 (Ito ang mga anak at mga apo nina Raquel at Jacob. Silang lahat ay labing-apat.)
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Si Dan at ang kanyang anak na si Hushim;
|
|||
|
\v 24 Si Nepthali at kanyang mga anak, na sina Jazhiel, Guni, Jezer at Shillem.
|
|||
|
\v 25 (Ito ang mga anak na lalaki at mga apong lalaki nina Jacob at Bilha, ang aliping babae na ibinigay ni Laban sa kanyang anak na si Raquel. Sa kabuuan pito silang lahat.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Sa kabuuan kasama ni Jacob na pumunta sa Ehipto ang animnapu't anim niyang mga kaapu-apuhan. Hindi kabilang ang mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki.
|
|||
|
\v 27 Kabilang sina Jacob at Jose at ang dalawang anak ni Jose na ipinanganak sa Ehipto, mayroong kabuuang pitumpung kasapi sa pamilya ni Jacob nang silang lahat ay nasa Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Ipinadala ni Jacob si Juda na maunang pumunta sa kanila para kausapin si Jose at magtanong tungkol sa direksyon kung paano maglakbay papuntang Gosen. Pagkatapos si Juda ay bumalik sa kanyang naiwang pamilya at sila ay naglakbay patungo sa rehiyon ng Gosen. Nang sila ay dumating doon,
|
|||
|
\v 29 inihanda ni Jose ang kanyang karuwahe at tumungo sa Gosen para salubungin ang kanyang ama. Nang dumating si Jose, niyakap niya sa leeg ang kanyang ama at umiyak nang matagal.
|
|||
|
\v 30 Sinabi ni Jacob kay Jose, "Nakita na kita, at ngayon alam kong ikaw ay buhay pa! Kaya ako ay handa nang mamatay."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Pagkatapos sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid at sa nalalabing pamilya ng kanyang ama, "Pupunta ako sa hari at sasabihin sa kanya, 'Ang mga kapatid ko at ang aking ama at ang kanyang nalalabing pamilya na naninirahan sa lupain ng Canaan ay pumunta lahat sa akin.
|
|||
|
\v 32 Ang lahat ng mga kalalakihan ay pawang mga pastol. Inaalagaan nila ang kanilang mga alagang-hayop, at dinala nila ang kanilang mga tupa, mga kambing, mga baka at lahat ng kanilang ari-arian.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 33 Kapag pinatawag kayo at tinanong ng hari, 'Ano ang hanapbuhay ninyo?'
|
|||
|
\v 34 sumagot kayo sa pamamagitan ng pagsasabing, 'Mula sa panahon ng aming kabataan, nag-aalaga na kami ng mga kawan katulad ng ginawa ng aming mga ninuno.' Kapag sinabi ninyo sa kanya iyan, papayagan niya kayong maninirahan sa rehiyon ng Gosen." Sinabihan sila ni Jose na iyon ang sasabihin nila dahil hinahamak ng mga taga-Ehipto ang mga pastol.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 47
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1-2 Pumili si Jose ng lima sa kanyang mga kapatid para sumama sa kanya na makipag-usap sa hari. Pinakilala niya sila sa hari, at pagkatapos sinabi niya, "Ang aking ama at ang aking mga kapatid ay dumating galing sa lupain ng Canaan. Dinala nila ang lahat ng kanilang mga tupa, mga kambing, baka, at lahat ng iba pang bagay na kanilang pag-aari, at sila ngayon ay naninirahan sa rehiyon ng Goshen."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Tinanong ng hari ang magkakapatid, "Anong trabaho ang ginagawa ninyo?" Sumagot sila sa hari, "Kami ay mga pastol, katulad ng aming mga ninuno."
|
|||
|
\v 4 Sinabi rin nila sa kanya, "Pumunta kami rito para manirahan nang pansamantala sa lupang ito, dahil ang taggutom ay napakalubha sa Canaan, at ang aming mga hayop ay wala ng mapastulan doon. Kaya ngayon, pakiusap hayaan niyo kaming manirahan sa rehiyon ng Goshen."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Sinabi ng hari kay Jose, "Kaya pala pumunta sa iyo ang iyong ama at mga kapatid.
|
|||
|
\v 6 Maaari silang tumira kahit saan mo gusto sa buong Ehipto. Bigyan mo ang iyong ama at mga kapatid ng pinakamainam na bahagi ng lupain. Maaari silang tumira sa Gosen. At kung may kilala kang sinuman sa kanila na mayroong natatanging galing sa pag-aalaga ng hayop, gawin mo rin silang tagapamahala ng aking mga alagang-hayop."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Pagkatapos dinala ni Jose ang kanyang amang si Jacob sa palasyo at pinakilala siya sa hari. Hiniling ni Jacob sa Diyos na pagpalain ang hari.
|
|||
|
\v 8 Pagkatapos tinanong ng hari si Jacob, "IIang taon ka na?"
|
|||
|
\v 9 Sumagot si Jacob, "Ako ay naglalakbay na sa loob ng 130 taon. Hindi ako nabuhay na kasinghaba ng aking mga ninuno, pero ang aking buhay ay puno ng mga kaguluhan."
|
|||
|
\v 10 Pagkatapos muling hiniling ni Jacob ang Diyos na pagpalain ang hari at siya ay iniwanan niya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ganoon ang ginawa ni Jose sa kaniyang ama at mga kapatid na magsimulang mamuhay sa Ehipto. Gaya ng inutos ng hari, binigyan niya sila ng ari-arian sa pinakamainam na bahagi ng lupain, sa Gosen, na ngayon ay tinawag na Rameses.
|
|||
|
\v 12 Naglaan din si Jose ng pagkain para sa lahat ng mag-anak ng kaniyang ama. Ang mga halaga na kaniyang ibinigay sa kanila ay naaayon sa kung gaano karaming mga bata mayroon ang bawat isa sa kanila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Walang pagkain ang tumutubo sa buong bansa dahil ang taggutom ay napakalubha. Ang mga tao sa Ehipto at sa Canaan ay naging mahina dahil sila ay wala nang sapat na pagkain para kainin.
|
|||
|
\v 14 Natanggap na ni Jose ang lahat ng salapin na ibinayad ng mga tao sa Ehipto at Canaan para sa butil na pinagbili niya sa kanila, at dinala niya ito sa palasyo ng hari.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Nang maubos ng mga tao ng Ehipto at ng Canaan ang lahat ng kanilang salapi para sa butil, patuloy silang lumapit kay Jose at sinabing, "Pakiusap bigyan mo kami ng pagkain! Kung hindi mo kami bibigyan ng butil, mamamatay kami! Ginamit na namin ang lahat ng aming salapi para bumili ng pagkain, at wala nang natira sa amin!"
|
|||
|
\v 16 Sumagot si Jose, "Yamang ang lahat ng salapi ninyo ay wala na, dalhin ninyo sa akin ang inyong mga alagang-hayop. Kung gagawin niyo iyan, magbebenta ako sa inyo ng pagkain bilang kapalit ng inyong mga alagang-hayop."
|
|||
|
\v 17 Kaya dinala nila ang kanilang mga alagang-hayop kay Jose. Binigyan niya sila ng pagkain bilang kapalit ng kanilang mga kabayo, mga tupa, mga kambing, mga baka, at mga asno.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Nang natapos ang taong iyon, nang sumunod na taon ay pumunta sila sa kanya at sinabing, "Hindi namin maitatago ito sa iyo: Wala na kaming salapi, at ngayon lahat ng aming mga baka ay pag-aari mo na. Mayroon nalamang kaming mga katawan at lupain na maibibigay namin sa inyo. Wala nang natira pa sa amin.
|
|||
|
\v 19 Kung hindi mo kami bibigyan ng pagkain, mamamatay kami! Kapag hindi mo kami bibigyan ng mga binhi, ang aming mga bukirin ay magiging walang silbi. Bilhin mo kami at ang aming lupain bilang kapalit ng pagkain. Pagkatapos kami ay magiging mga alipin ng hari, at siya ang mag-aari ng lupain. Bigyan mo kami ng mga buto para makapagtanim kami at makapagpatubo ng pagkain, nang sa gayon ay hindi kami mamatay, at ang aming lupain ay hindi magiging katulad ng isang ilang."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 20 Kaya binili ni Jose ang lahat ng sakahan sa Ehipto para sa hari. Ang bawat tao ng Ehipto ay nagbenta ng kanilang mga lupain sa kanya dahil ang taggutom ay napakalubha at sila ay wala ng ibang paraan para bumili ng pagkain. Kaya ang lahat ng mga sakahan ay naging sakahan ng hari.
|
|||
|
\v 21 Bunga nito, ginawa ni Jose na maging alipin ng hari ang lahat ng mga tao mula sa isang hangganan ng bansa hanggang sa kabila.
|
|||
|
\v 22 Pero hindi niya binili ang lupain ng mga pari, dahil palagi silang nakakatanggap ng kanilang pagkain mula sa hari. Iyan ang dahilan kung bakit hindi nila ipinagbili ang kanilang lupain sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 23 Sinabi ni Jose sa mga tao, "Makinig kayo sa akin! Ngayon binili ko kayo at ang inyong mga lupain para sa hari. Kaya narito ang mga binhi para sa inyo para maitanim ninyo ang mga ito sa lupa.
|
|||
|
\v 24 Pero kapag inaani niyo na ang pananim, kailangan ninyong ibigay ang ikalimang bahagi sa hari. Ang nalalabing pananim ay maaari ninyong itago para maging binhing pananim sa bukid at para maging pagkain para sa inyo at sa inyong mga anak at para kainin ng lahat ng nasa sambahayan ninyo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Sumagot sila, "Niligtas mo ang aming buhay! Gusto naming masiyahan ka sa amin. At kami ay magiging mga alipin ng hari.
|
|||
|
\v 26 Kaya gumawa si Jose ng batas tungkol sa lahat ng lupain ng Ehipto, na nagpapahayag na ang ikalimang bahagi ng mga pananim na inani ay pag-aari ng hari. Ang batas na iyon ay umiiral pa rin. Ang lupain lamang ng mga pari ang hindi naging lupain ng hari.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Si Jacob at ang kanyang mag-anak ay nagsimulang manirahan sa Ehipto, sa rehiyon ng Gosen. Nakaipon sila ng ari-arian doon. Maraming anak ang isinilang sa kanila roon. Bunga nito, ang kanilang populasyon ay dumami ng lubos.
|
|||
|
\v 28 Nanirahan si Jacob sa Ehipto sa loob ng labimpitong taon. Sa kabuuan siya ay nabuhay ng 147 taon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 29 Noong oras na malapit na siyang mamatay, pinatawag niya ang kanyang anak na si Jose at sinabi sa kanya, "Kung nasisiyahan ka sa akin, ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita para taimtim mong ipangako na magiging tapat ka sa akin bilang iyong ama at gagawin kung ano ngayon ang ipagkakatiwala ko na gawin mo: Kapag ako ay namatay, huwag mo akong ilibing dito sa Ehipto.
|
|||
|
\v 30 Sa halip, kapag ako ay namatay at sumama sa aking mga ninuno na nauna nang namatay, ilabas mo ang aking katawan ng Ehipto, at ilibing ito sa Canaan kung saan sila inilibing." Sumagot si Jose, "Gagawin ko kung ano ang sinabi mo."
|
|||
|
\v 31 Sinabi ni Jacob, "Mangako ka sa akin na gagawin mo ito!" Kaya si Jose ay nangakong gagawin ito. Pagkatapos bumaliktad si Jacob sa kanyang higaan, niyuko ang kanyang ulo, at sumamba sa Diyos.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 48
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Paglipas ng ilang araw pagkatapos nito, may isang taong nagsabi kay Jose, "Ang iyong ama ay maysakit." Nang narinig ito ni Jose, kinuha niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Manasses at Efraim, para makita ang kanyang ama.
|
|||
|
\v 2 Nang may nagsabi kay Jacob na, "Tingnan mo, ang iyong anak na si Jose ay dumating para makita ka!" Si Jacob, na tinatawag ding Israel, ay nagsumikap na umupo sa higaan, kahit na mahirap para sa kaniya na gawin ito.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Sinabi niya kay Jose, "Nang ako ay nasa Luz sa lupain ng Canaan, nagpakita sa akin ang makapangyarihang Diyos. Pinagpala niya ako
|
|||
|
\v 4 at sinabi niya sa akin, 'Gagawin kitang ama ng maraming mga anak. Magkakaroon ka ng maraming kaapu-apuhan, at sila ay magiging maraming pangkat. At ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan para ariin magpakailanman.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 At ngayon isasaalang-alang ko na ang dalawa mong mga anak na lalaki, na ipinanganak sa iyo dito sa Ehipto bago ako dumating, ay pag-aari ko. Sina Efraim at Manasses ay magiging mga anak ko, at sila ay magmamana ng aking mga ari-arian, katulad ng aking mga anak na sina Ruben at Simeon at ang iba pa.
|
|||
|
\v 6 Kung ikaw ay magiging ama ng iba pang mga anak, hindi sila isasaalang-alang na maging mga anak ko, sa halip bilang mga apo ko. Tatanggap sila bilang bahagi ng kanilang mamanahin ng parehong lupain na nasa teritoryo ng mamanahin ng kanilang mga kapatid.
|
|||
|
\v 7 Maraming taon na ang nakalipas, habang pabalik ako mula sa Padan Aram, malungkot na namatay ang iyong inang si Raquel sa lupain ng Canaan habang naglalakbay pa kami, hindi kalayuan mula sa bayan ng Efrata. Kaya inilibing ko ang kanyang katawan doon sa tabi ng daan patungong Efrata (na tinatawag ngayong Bethlehem)."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Nang nakita ni Jacob ang mga anak ni Jose, tinanong niya, "Sino ang mga batang lalaking ito?"
|
|||
|
\v 9 Sumagot si Jose sa kanyang ama, "Sila ang mga anak kong lalaki na binigay sa akin ng Diyos dito sa Ehipto." Sinabi ni Jacob, "Ilapit mo sila sa akin para pagpalain ko sila."
|
|||
|
\v 10 Halos hindi na makakita si Jacob dahil sa kanyang katandaan. Hindi na siya masyadong nakakakita. Kaya dinala ni Jose ang kanyang mga anak malapit sa kanyang ama, at hinagkan sila at niyakap ni Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Sinabi ni Jacob kay Jose, "Hindi ko na inasahan na makikita ko pang muli ang iyong mukha, pero tingnan mo ito! Pinahintulutan ng Diyos na makita kita, at pinahintulutan niya ring makita ko pati ang iyong mga anak!"
|
|||
|
\v 12 Inalis ni Jose ang mga bata mula sa mga tuhod ni Jacob. Pagkatapos nagpatirapa siya na nakasayad ang kaniyang mukha sa lupa.
|
|||
|
\v 13 Pagkatapos kinuha ni Jose ang dalawang bata, inilagay si Efraim sa kanyang kanang bahagi sa bandang kaliwa ng kamay ni Jacob, at inilagay si Manases sa kanyang kaliwang bahagi sa bandang kanan ng kamay ni Jacob, at dinala niya sila malapit kay Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Pero hindi ginawa ni Jacob ang gustong ipagawa sa kanya ni Jose. Sa halip, inabot niya ang kanyang kanang kamay at ipinatong ito sa ulo ni Efraim, kahit siya ang nakababatang anak. Pinagsalungat niya ang kanyang mga braso at ipinatong niya ang kaliwang kamay sa ulo ni Manases, kahit si Manases ang nakatatandang anak.
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos pinagpala niya si Jose at ang kanyang mga anak, na nagsasabing, "Ang lolo kong si Abraham at ama kong si Isaac ay namuhay ayon sa kalooban ng Diyos, at hanggang sa araw na ito ginagabayan ako ng Diyos at inaalagaan ako tulad ng isang pastol na gumagabay at nangangalaga sa kanyang mga tupa.
|
|||
|
\v 16 Ang anghel na pinadala niya ay iniingatan ako sa kapahamakan sa anumang paraan. Dinadalangin ko na pagpalain ng Diyos ang mga batang ito. Dinadalangin ko na iisipin ng mga tao ang tungkol sa akin at sa aking mga ninuno, sina Abraham at Isaac, dahil sa ginagawa ng Diyos para sa kanila. Dinadalangin ko na magkakaroon sila ng maraming kaapu-apuhan na maninirahan sa ibabaw ng lupa."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 17 Nang nakita ni Jose na ipinatong ng kanyang ama ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim at hindi sa ulo ni Manases, siya ay nabahala. Kaya kinuha niya ang kamay ng kanyang ama at inilipat ito mula sa ulo ni Efraim sa ulo ni Manases.
|
|||
|
\v 18 Sinabi ni Jose sa kanya, "Ama ko, hindi iyan tama! Ang pinatungan mo ng kaliwang kamay mo ay ang aking nakatatandang anak. Ipatong mo ang kanang kamay sa kaniyang ulo."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pero tumanggi ang kanyang ama, na nagsasabing, "Alam ko iyan, anak ko; alam ko ang ginagawa ko. Ang kaapu-apuhan din ni Manases ay magiging isang pangkat ng mga tao, at sila ay magiging mahalaga. Pero ang kaapu-apuhan ng kanyang nakababatang kapatid ay magiging mas dakila kaysa kanya. Ang kanyang mga kaapu-apuhan ay magiging maraming bansa."
|
|||
|
\v 20 Kaya pinagpala niya ang dalawa sa araw na iyon, na nagsasabing, "Ang mamamayan sa Israel ay gagamitin ang inyong mga pangalan kapag nagpapala sila ng mga tao. Sasabihin nila, 'Dinadalangin namin na tulungan kayo ng Diyos gaya ng pagtulong niya kay Efraim at Manases.'" Sa paraang ito, sinabi ni Jacob na si Efraim ay magiging mas mahalaga kaysa kay Manases.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Jose, "Malapit na akong mamatay. Pero alam ko na tutulungan kayo ng Diyos. Balang araw ibabalik niya ang inyong mga kaapu-apuhan sa lupain ng inyong mga ninuno.
|
|||
|
\v 22 Sa iyo ko ito, hindi sa iyong mga kapatid, ibibigay ko ang burol na may matabang lupain sa lugar ng Sechem. Nabihag ko ang lupaing iyon mula sa lahi ng mga Amoreo, sa pakikipaglaban sa kanila sa pamamagitan ng aking tabak, at ng aking pana at mga palaso."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 49
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Ipinatawag ni Jacob ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at sinabi sa kanila.
|
|||
|
\v 2 "Magtipon-tipon kayo malapit sa akin para masabi ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Mga anak ko, halikayo at makinig sa akin. Ako ang inyong ama, si Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 3 Ruben, ikaw ang aking pinakamatandang anak. Ipinanganak ka nang ako ay malakas at bata pa. Nang ako ay lumaki na, ikaw ang una kong anak. Higit na mapagmalaki at malakas ka kaysa sa lahat ng natitira kong mga anak na lalaki.
|
|||
|
\v 4 Pero ikaw ay hindi matatag katulad ng mga alon ng karagatan. Kaya ngayon hindi na ikaw ang pinakamahalaga kong anak dahil sumampa ka sa aking kama at sumiping sa isa sa aking asawang-lingkod. Iyan ang nagdulot sa akin, na iyong ama, na magkaroon ng malaking kahihiyan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 5 Simeon at Levi, kayong dalawang magkapatid ay kumilos na parang mga kriminal. Ginamit ninyo ang inyong mga tabak para kumilos ng marahas.
|
|||
|
\v 6 Ayaw ko kayong makasama kapag gumagawa kayo ng masamang balak. Masyado akong marangal para makisama sa inyong mga pagpupulong, dahil pumatay kayo ng mga tao kapag kayo ay nagalit ng labis, at pinipilayan ninyo ang baka para lamang sa kasiyahan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Ang sabi ng Diyos, 'Isusumpa ko sila sa pagiging magagalitin, sa pagkilos ng napakamarahas kapag sila ay galit na galit. Ikakalat ko ang kanilang mga kaapu-apuhan sa buong lupain ng Israel.'
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 8 Juda, pupurihin ka ng iyong nakatatanda at nakababatang mga kapatid. Yuyuko sila sa harap mo dahil lubusan mong matatalo ang iyong mga kaaway.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 9 Si Juda ay parang batang leon na bumalik sa kanyang kulungan pagkatapos mabusog sa kinain niyang mga hayop na kanyang pinatay. Siya ay parang leon na nakahiga at umuunat pagkatapos kumain; walang sinuman ang maglalakas loob na gambalain siya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Palaging mayroong mamumuno mula sa mga kaapu-apuhan ni Juda. Bawat isa ay hahawak ng setro para ipakita na mayroon siyang kapangyarihan bilang isang hari. Gagawin niya iyon hanggang magdala sa kanya ng parangal ang mga bansa at magpakita na sila ay susunod sa kanya.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 11 Ang mga puno ng ubas ng kanyang mga kaapu-apuhan ay magbubunga ng napakamasagana. Bunga nito, hindi sila tututol na itali ang kanilang mga batang asno sa baging ng ubas para makakain sila ng mga dahon ng baging ng ubas. Ang alak ay magiging napakasagana, kaya lalabhan nila ang kanilang mga damit sa alak; lalabhan nila ang kanilang mga balabal sa alak na kasing pula ng dugo.
|
|||
|
\v 12 Ang kanilang mga mata ay mamumula dahil marami silang nainom na alak, pero ang kanilang mga ngipin ay magiging napakaputi dahil sa pag-inom ng napakaraming gatas mula sa mga baka.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 13 Zebulon, ang iyong mga kaapu-apuhan ay titira sa tabing-dagat kung saan ligtas ang pagdaong para sa mga barko. Ang kanilang lupain ay aabot sa hilaga na kasing layo ng lungsod ng Sidon.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 14 Isacar, ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng malakas na asno na nakahiga sa pagitan ng lupa sa gitna ng kanilang mga dinadala, pagod na pagod kaya hindi na sila makabangon!
|
|||
|
\v 15 Makikita nila na ang kanilang lugar na pinagpapahingahan ay mabuti at ang lupain ay nagpapasaya ng labis sa kanila. Pero iyuyuko nila ang kanilang mga likod para pumasan ng mabibigat na karga at mapipilitang magtrabaho para sa iba.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 16 Dan, kahit na ang iyong lipi ay maliit, ang iyong mga pinuno ay mamumuno sa kanilang mga tao katulad ng mga pinuno sa ibang mga lipi ng Israel na mamumuno sa kanilang mga tao.
|
|||
|
\v 17 Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng ahas sa gilid ng daan, katulad ng nakakalasong ahas na nakahiga sa tabi ng daan. Tutuklawin nila ang mga sakong ng mga kabayo na dadaan, na magiging dahilan para mahulog ang mga mangangabayo habang itinataas ng mga kabayo ang hulihan ng kanilang mga paa."
|
|||
|
\v 18 Pagkatapos nanalangin si Jacob, "Yahweh, naghihintay ako sa iyo na iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 19 Pagkatapos si Jacob ay nagpatuloy sa pagsasabi sa kanyang mga anak ng mangyayari sa hinaharap. Sinabi niya, "Gad, ang iyong lipi ay lulusubin ng grupo ng bandido, pero sila ay hahabulin at lulusubin ng lipi mo.
|
|||
|
\v 20 Aser, ang iyong mga kaapu-apuhan ay kakain ng masasarap na pagkain; sila ang magbibigay ng masasarap na pagkain para kainin ng mga hari.
|
|||
|
\v 21 Nephtali, ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng usa na malayang tumatakbo, usa na may magagandang anak.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Jose, magkakaroon ka ng maraming mga kaapu-apuhan. Ang kanilang mga anak ay magiging kasing rami gaya ng bunga na nasa baging malapit sa batis, na ang mga sanga ay aabot sa itaas ng pader.
|
|||
|
\v 23 Lulusubin sila nang matindi ng kanilang mga kaaway, at papanain sila ng mga pana at palaso at tutugisin sila.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Pero hahawakan nila ang kanilang mga pana nang matatag at ang kanilang mga braso ay mananatiling malakas, dahil sa kapangyarihan ng makapangyarihang Diyos, dahil kay Yahweh, na gumagabay at nagkakaloob para sa akin, bilang pastol na gumagabay at nagkakaloob para sa kanyang mga tupa. Hihiling ang mamamayan ng Israel kay Yahweh na pangalagaan sila, gaya ng mga taong kumukubli sa tuktok ng batong mataas.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 25 Ang Diyos, na sinasamba ko, ay tutulong sa iyong mga kaapu-apuhan. Pagpapalain sila ng makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng ulan mula sa langit at pagbibigay ng tubig sa kanila mula sa kailaliman ng lupa. Sila ay bibigyan niya ng maraming anak at palulusugin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 26 Ang mga pagpapala na gusto kong ibigay ng Diyos sa inyo ay napakalaki. Higit itong malaki kaysa sa mga pagpapala mula sa walang hanggang kabundukan, kaysa nagmula sa magpakailanmang kaburulan. Jose, dalangin ko na ang mga pagpapalang ito ay mapasaiyo, dahil ikaw ang pinuno ng iyong mga kapatid.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 27 Benjamin, ang iyong mga kaapu-apuhan ay tulad ng mababangis na lobo. Papatayin nila ang kanilang mga kaaway sa umaga katulad ng lobo na lalamunin ang nahuli nito, at sa gabi paghati-hatian nila kabilang ng kanilang mga mandirigma ang mga nasamsam na nakuha mula sa kanilang kaaway."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 28 Ang labindalawang anak na iyon ang mga ninuno ng labindalawang lipi ng Israel. Ito ang sinabi ng kanilang ama habang sila ay pinagpala, sinasabi sa bawat isa ang mga salitang tama para sa kanya.
|
|||
|
\v 29 Pagkatapos sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, "Malapit na akong mamatay at sumama sa aking mga ninuno na namatay na. Ilibing ninyo ang aking katawan kung saan inilibing ang ilan sa aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid na binili mula kay Efron, na pag-aari ng pangkat ng mga tao sa Heteo.
|
|||
|
\v 30 Ang bukid ng Macpela, ay nasa silangan ng Mamre, sa lupain ng Canaan. Binili ito ni Abraham mula kay Efron para gamitin bilang libingan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 31 Doon nila siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Inilibing din nila roon ang aking amang si Isaac at ang kanyang asawa na si Rebeca. At doon ko rin inilibing ang aking asawang si Lea.
|
|||
|
\v 32 Ang bukid at ang kuwebang ito ay binili mula sa pangkat ng mga tao sa Heteo; kaya gusto ko na doon ninyo ako ilibing."
|
|||
|
\v 33 Nang matapos ibigay ni Jacob ang mga tagubiling iyon sa kanyang mga anak, humiga siya ulit sa kanyang kama. Pagkatapos nalagutan siya ng hinihinga at namatay.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\c 50
|
|||
|
\p
|
|||
|
\v 1 Niyakap ni Jose ang kanyang ama at iniyakan siya at hinalikan.
|
|||
|
\v 2 Inutusan ni Jose ang kanyang mga lingkod na naghahanda sa bangkay para sa paglilibing na embalsamuhin ang katawan ng kanyang ama para mapangalagaan ito, at pagkatapos balutin ito ng mahabang piraso ng tela.
|
|||
|
\v 3 Tumagal ng apatnapung araw ang pag-embalsamo sa katawan ni Jacob, dahil iyon ang bilang ng panahon na kailangan para embalsamuhin ang isang katawan. Ang mga tao sa Ehipto ay nagluksa ng pitumpung araw dahil sa kamatayan ni Jacob.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 4 Nang matapos ang panahon ng pagluluksa, sinabi ni Jose sa mga opisyal ng hari. "Kung nalulugod kayo sa akin, pakiusap dalhin mo ang mensaheng ito sa hari:
|
|||
|
\v 5 "Nang malapit ng mamatay ang aking ama, sinabi niya sa akin na tapat na mangako na ililibing ko ang kanyang katawan sa lupain ng Canaan, sa libingan na hinanda niya mismo. Kaya pakiusap hayaan mo akong umakyat papunta sa Canaan at ilibing ang katawan ng aking ama. Pagkatapos ay babalik din ako."
|
|||
|
\v 6 Pagkatapos nilang maibigay sa hari ang mensahe, sumagot siya. "Sabihin ninyo kay Jose, "Humayo ka at ilibing ang katawan ng iyong ama, ayon sa iyong ipinangakong gagawin.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 7 Kaya umakyat si Jose sa Canaan para ilibing ang katawan ng kanyang ama. Lahat ng opisyal ng hari, lahat ng tagapayo ng hari, at lahat ng nakakatanda sa Ehipto ay nagpunta kasama niya.
|
|||
|
\v 8 Ang mga maliliit na bata sa kanyang pamilya at kanilang tupa at mga kambing at kanilang baka ay nanatili sa rehiyon ng Gosen. Pero lahat ng natitirang pamilya ni Jose at kanyang mga kapatid at ang pamilya ng kanyang ama ay pumunta kasama niya.
|
|||
|
\v 9 Ang mga lalaking nakasakay sa mga karwahe at mga mangangabayo ay sumama rin. Ito ay isang napakalaking pangkat.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 10 Nagpunta sila sa silangang bahagi ng ilog Jordan at dumating sa Atad. May isang lugar doon kung saan ang mga tao ay naghihimay ng butil para ihiwalay ang trigo mula sa ipa. Nagluksa sila nang malakas para kay Jacob sa mahabang panahon. Nagsagawa si Jose ng seremonya ng pagluluksa para sa kanyang ama sa loob ng pitong araw.
|
|||
|
\v 11 Nang nakita sila ng mga taga-Canaan na nakatira doon na nagluluksa ng ganoon, sinabi nila, "Ito ay isang malungkot na lugar ng pagluluksa para sa mamamayan ng Ehipto!" Kaya pinangalanan nila ang lugar na Abel Mizraim, na kasintunog ng salitang Hebreo na nangangahulugang "ang pagluluksa ng mga taga-Ehipto."
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 12 Pagkatapos ginawa ng mga anak ni Jacob sa kanya kung ano ang iniutos ng kanilang ama.
|
|||
|
\v 13 Tumawid sila sa Ilog ng Jordan at dinala ang katawan ni Jacob sa lupain ng Canaan. Inilibing nila ito sa kuweba sa bukid ng Macpela, sa silangang bahagi ng bayan ng Mamre. Bukid iyon na nabili ni Abraham kay Efron, na isa sa mga pangkat ng mga taong taga-Heteo para gamitin bilang lugar ng libingan.
|
|||
|
\v 14 Pagkatapos niyang ilibing ang kanyang ama, si Jose at kanyang mga kapatid at lahat ng ibang kasama niyang umakyat sa Canaan para sa paglilibing ay bumalik na sa Ehipto.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 15 Pagkatapos mamatay si Jacob, nag-alala ang mga kapatid ni Jose, napagtanto nila ang mga maaaring mangyari. Sinabi nila, "Ano ang mangyayari kung nasusuklam pa si Jose sa atin at gusto niyang gantihan tayo, dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa natin sa kanya maraming taong nakalipas?
|
|||
|
\v 16 Kaya nagpadala sila ng tao para sabihin ito kay Jose para sa kanila: "Bago mamatay ang ating ama, sinabi niya ito sa amin:
|
|||
|
\v 17 'Sabihin ninyo kay Jose, Pakiusap patawarin mo ang iyong mga nakatatandang kapatid sa masasamang bagay na nagawa nila sa iyo, sa kanilang katakot-takot na kasalanan laban sa iyo, dahil napakasama ng nagawa nila sa iyo. Kaya ngayon, kami na mga lingkod ng Diyos ng iyong ama, ay nagsusumamo sa iyo, pakiusap patawarin mo kami sa aming mga nagawa sa iyo." Umiyak si Jose nang matanggap niya ang kanilang mensahe.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 18 Pagkatapos dumating ang kanyang mga nakatatandang kapatid at nagpatirapa sa harapan ni Jose, at ang isa sa kanila ay nagsabi. "Pakiusap makinig ka, kami ay magiging mga lingkod mo."
|
|||
|
\v 19 Pero sumagot si Jose sa kanila, "Huwag kayong matakot! Ang Diyos lamang ang nagpaparusa sa mga tao; Diyos ba ako?
|
|||
|
\v 20 Para sa inyo, oo, ninais ninyong gumawa ng napakasamang bagay sa akin. Pero dinulot ng Diyos na may mabuting bunga mula roon! Nais niyang iligtas ang maraming tao mula sa pagkamatay sa gutom at iyon ang nangyari! Ngayon sila ay buhay!
|
|||
|
\v 21 Kaya sasabihin kong muli, huwag kayong matakot! Sisiguraduhin ko na kayo at ang iyong mga anak ay magkaroon ng sapat na makakain." Sa paraang iyon, muli niya silang binigyan ng katiyakan at pinanatag ang kanilang mga puso.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 22 Nabuhay si Jose kasama ang kanyang pamilya sa Ehipto hanggang siya ay 110 taong gulang,
|
|||
|
\v 23 Nabuhay siya ng matagal at nakita niya pa ang mga anak ni Efraim at mga apo. Ang mga anak ni Makir na apo ni Jose na anak ni Manases, ay ipinanganak bago mamatay si Jose, at kinilala sila bilang kanyang mga kaapu-apuhan.
|
|||
|
|
|||
|
\s5
|
|||
|
\v 24 Isang araw sinabi ni Jose sa kanyang mga nakatatandang kapatid, "Malapit na akong mamatay. Pero tiyak na tutulungan kayo ng Diyos. Balang araw pangungunahan niya ang inyong mga kaapu-apuhan palabas sa lupaing ito at dadalhin sila sa Canaan, ang lupain na tapat niyang ipinangakong ibibigay kay Abraham, Isaac at Jacob."
|
|||
|
\v 25 Pagkatapos sinabi ni Jose, "Kapag dinulot ng Diyos na gawin ninyo iyon, kailangan ninyong dalhin ang aking katawan mula rito hanggang sa Canaan." Pinangako niya ng tapat ang kanyang nakatatandang kapatid na gawin iyon.
|
|||
|
\v 26 Kaya namatay si Jose sa Ehipto nang siya ay 110 taong gulang. Ang kanyang katawan ay inembalsamo at inilagay sa isang kabaong doon.
|