forked from WA-Catalog/tl_ulb
123 lines
11 KiB
Plaintext
123 lines
11 KiB
Plaintext
\id 2PE
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h 2 Pedro
|
|
\toc1 2 Pedro
|
|
\toc2 2 Pedro
|
|
\toc3 2pe
|
|
\mt 2 Pedro
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako, si Simon Pedro, isang alipin at apostol ni Jesu-Cristo, para sa mga nakatanggap ng mahalagang pananampalataya kagaya ng natanggap namin, ang pananampalataya sa katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
|
|
\v 2 Ang biyaya nawa ay sumainyo; nawa ang kapayapaan ay lumago sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos at ng ating Panginoong Jesus.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Lahat ng mga bagay ng banal na kapangyarihan para sa buhay at pagiging maka-diyos ay ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos na siyang tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kabutihan.
|
|
\v 4 Sa pamamagitan nito, binigyan niya tayo ng mahahalaga at dakilang mga pangako. Ginawa niya ito upang kayo ay makibahagi sa banal na katangian habang kayo ay tumatakas mula sa kasamaan na nasa mundo sa masamang hangarin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sa kadahilanang ito, gawin ninyo ang inyong makakaya para dagdagan ang kabutihan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, at sa pamamagitan ng inyong kabutihan ay kaalaman.
|
|
\v 6 Sa pamamagitan ng inyong kaalaman ay pagpipigil sa sarili, at sa pamamagitan ng inyong pagpipigil sa sarili ay pagtitiyaga, at sa pamamagitan ng inyong pagtitiyaga ay pagiging maka-diyos.
|
|
\v 7 Sa pamamagitan ng inyong pagiging maka-diyos ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, at sa pamamagitan ng inyong pagmamahal bilang magkakapatid ay ang pag-ibig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kung ang mga bagay na ito ay nasa inyo at lumalago sa inyo, kayo ay hindi magiging baog o hindi namumunga sa kaalaman ng ating Panginoon na si Jesu-Cristo.
|
|
\v 9 Ngunit ang sinuman na nagkukulang sa mga bagay na ito ay nakikita niya lamang kung ano ang malapit; siya ay bulag. Nakalimutan niya ang paglilinis mula sa kaniyang mga lumang kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Samakatwid, mga kapatid, gawin ninyo ang inyong makakaya upang gawin ang inyong pagkatawag at pagkakapili na tiyak sa inyong mga sarili. Kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, hindi kayo matitisod.
|
|
\v 11 Sa gayon, ang daan ay masaganang ipagkakaloob sa inyo sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Samakatwid, ako ay magiging laging handa na ipaalala sa inyo ang mga bagay na ito, gayong alam na ninyo ang mga ito, kayo ngayon ay matibay na sa katotohanan.
|
|
\v 13 Sa aking palagay ay dapat ko na kayong gisingin at paalalahanan sa mga bagay na ito habang ako ay nandito sa tolda.
|
|
\v 14 Sapagkat alam ko na malapit ko nang tanggalin ang aking tolda tulad ng ipinakita ng Panginoong Jesu-Cristo sa akin.
|
|
\v 15 Gagawin ko ang aking makakaya upang lagi ninyong alalahanin ang mga bagay na ito pagkatapos ng aking pag-alis.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sapagkat hindi namin sinundan ang mga katalinuhang lumikha ng mga kathang-isip noong sinabi namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at pagpapakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ngunit kami ang mga naging saksi sa kaniyang kadakilaan.
|
|
\v 17 Natanggap niya mula sa Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian noong may isang tinig ang dumating sa kaniya mula sa Dakilang Kaluwalhatian na nagsasabing, "Ito ang aking Anak, ang Kaisa-isa kong minamahal, sa kaniya ay lubos akong nalulugod."
|
|
\v 18 Narinig namin itong tinig na nagmula sa langit habang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nasa amin ang mga salitang ipinahayag ng mga propeta at ito ay lalong tiyak, ito ay mabuting pag-ukulan ninyo ng pansin. Ito ay tulad ng isang lampara na nagliliwanag sa madilim na lugar hanggang dumating ang umaga at ang mga bituin sa umaga ay sisikat sa inyong mga puso.
|
|
\v 20 Una ninyong alamin ito, na ang nasusulat na propesiya ay hindi nagmula sa mismong pangangatwiran ng propeta.
|
|
\v 21 Sapagkat walang anumang propesiya ang nagmula sa kalooban ng tao, kundi sa pamamagitan ng tao, sa ilalim ng Banal na Espiritu na siyang nagsalita mula sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 May mga bulaang propeta na nagpunta sa mga Israelita at may mga bulaang guro ang pupunta sa inyo. Palihim silang magdadala ng mga mapanirang maling pananampalataya at itatatwa nila ang Panginoon na bumili sa kanila. Sila ay nagdadala ng kanilang agarang pagkawasak.
|
|
\v 2 Marami ang susunod sa kanilang kahalayan at sa pamamagitan nila malalapastanganan ang daan ng katotohanan.
|
|
\v 3 Sa kanilang pagkagahaman ay sasamantalahin nila kayo sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na mga salita. Naghihintay ang kahatulan laban sa kanila; ang kanilang pagkawasak ay darating.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sapagkat hindi kinaawaan ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sa halip ay ipinasakamay niya ang mga ito sa Tartarus upang igapos sa mga tanikala hanggang sa paghuhukom.
|
|
\v 5 At hindi rin niya kinaawaan ang sinaunang mundo. Sa halip, itinira niya si Noe, ang mensahero ng katuwiran, kasama ang pitong iba pa, nang nagdala ng baha ang Diyos sa mundo ng mga hindi maka-diyos.
|
|
\v 6 At pinulbos ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora at hinatulan sila ng pagkawasak, bilang halimbawa kung ano ang darating sa mga hindi maka-diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngunit nang kaniyang ginawa iyan ay, iniligtas niya si Lot na matuwid, na lubos na nagdalamhati dahil sa mga maruming gawain ng mga taong lumalabag sa batas.
|
|
\v 8 Dahil ang taong matuwid na iyon na araw-araw na naninirahan kasama nila ay pinahihirapan ang kaniyang matuwid na kaluluwa dahil sa nakita niya at narinig.
|
|
\v 9 Kung gayon, alam ng Panginoon kung paano iligtas ang mga taong maka-diyos mula sa mga pagsubok at kung paano parusahan ang mga taong hindi maka-diyos sa araw ng paghuhukom.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ito ay totoo lalo na sa mga nagpapatuloy sa masasamang nasa ng laman at humahamak sa batas. Sila ay mapangahas at sumusunod sa sariling kalooban. Hindi sila natatakot na lapastanganin ang mga maluluwalhati.
|
|
\v 11 Ang mga anghel ay may taglay na higit na lakas at kakayahan kaysa sa mga tao, ngunit hindi sila nagdala ng mapang-alipustang paghuhukom laban sa kanila sa Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ngunit ang mga walang isip na mga hayop na ito ay likas na ginawa para hulihin at wasakin. Hindi nila alam kung ano ang kanilang inaalipusta. Sila ay mawawasak.
|
|
\v 13 Sila ay masasaktan sa gantimpala ng kanilang mga maling gawain. Namumuhay sila sa kasiyahan sa araw. Sila ay mga dumi at bahid. Nagsasaya sila sa kanilang mga mapanlinlang na kasiyahan habang sila ay nakikipagdiwang sa inyo.
|
|
\v 14 May mga mata sila na puno ng mga mapangalunyang babae; hindi sila kailanman nakuntento sa pagkakasala. Inuudyukan nila ang mga mahihinang kaluluwa sa pagkakamali at ang kanilang puso ay sinanay sa pag-iimbot, mga batang isinumpa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kanilang iniwan ang tamang daan. Naligaw sila at sinunod ang daan ni Balaam na anak ni Beor na nagnais na tumanggap ng kabayaran sa kawalang-katuwiran.
|
|
\v 16 Ngunit siya ay sinaway dahil sa kaniyang paglabag. Isang asno ang nagsalita sa tinig ng tao ang siyang tumapos sa kahibangan ng propeta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ang mga taong ito ay katulad ng mga bukal na walang tubig. Katulad sila ng mga ulap na tinatangay ng bagyo. May makapal na kadiliman ang sa kanila ay naghihintay.
|
|
\v 18 Nagsasalita sila ng mga bagay na pawang walang kabuluhan at kayabangan lamang. Inuudyukan nila ang mga tao sa pamamagitan ng pita ng laman. Inuudyukan nila ang mga taong sumusubok na tumakas mula sa maling pamumuhay.
|
|
\v 19 Nangangako sila ng kalayaan sa kanila ngunit sila ma'y alipin ng kasamaan. Sapagkat ang isang tao ay alipin ng kahit anong dumadaig sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Sino mang makatakas sa karumihan ng mundo sa pamamagitan ng kaalaman ng Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo at bumalik muli sa ganoong karumihan, sila ay naging mas malala pa kaysa noong una.
|
|
\v 21 Mas mabuti pang hindi nila nalaman ang daan ng katuwiran kaysa malaman ito at pagkatapos ay tumalikod sa banal na kautusang ibinigay sa kanila.
|
|
\v 22 Ang kawikaang ito ay totoo para sa kanila: "Ang aso ay bumabalik sa sariling suka nito. Ang bagong paligong baboy ay bumabalik sa putik."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon, sumulat ako sa inyo, mga minamahal, ang ikalawang sulat na ito ay upang gisingin ang inyong tapat na kaisipan,
|
|
\v 2 upang inyong maalala ang mga salita na sinabi noon ng mga banal na propeta at ang tungkol sa utos ng Panginoon at tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Una ninyong alamin ito, na darating ang mga mangungutya sa huling araw ay kukutyain kayo ng taong mangungutya at mamumuhay sa kanilang mga sariling kagustuhan.
|
|
\v 4 at sasabihing, "Nasaan ang pangako ng kaniyang pagbabalik? Patay na ang ating mga ama, ngunit ang lahat ng mga bagay ay nananatili buhat nang likhain ang mundo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sinadya nilang kinalimutan na ang mga langit at lupa ay nabuo mula sa tubig, at sa tubig, mahabang panahon na ang nakalipas, sa pamamagitan ng salita ng Diyos,
|
|
\v 6 at sa kaniyang salita ang mundo ay nagkaroon ng tubig sa oras na iyon, at ang tubig ay siyang bumaha at sumira.
|
|
\v 7 Ngunit ngayon ang mga langit at ang lupa ay ipinapanatili para sa katulad na salita para sa apoy, nakahanda para sa araw ng paghuhukom at ang pagkawasak ng mga taong hindi maka Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ito ay hindi sana mawawala sa inyong kaalaman, mga minamahal, na ang isang araw sa Panginoon ay tulad ng isang libong mga taon, at ang isang libong mga taon ay tulad ng isang araw.
|
|
\v 9 Ang Panginoon ay hindi mabagal tungkol sa kaniyang mga pangako, na itinuturing ng iba na kabagalan, ngunit siya ay matiyaga sa iyo. Hindi niya ninanais na sino man sa inyo ay mapahamak, ngunit ninanais niyang bigyan ng panahon ang lahat upang magsisi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Gayunpaman, ang araw ng Panginoon ay darating na parang isang magnanakaw, ang mga langit ay mawawala kasabay ng malakas na ingay. Ang mga bagay ay masusunog sa apoy, at ang lupa at ang mga gawa dito ay maihahayag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Yaman lamang na ang lahat ng mga bagay na ito ay mawawala sa ganitong kaparaanan, anong uri ng tao kayo dapat maging? Dapat kayong mamuhay na banal at maka-Diyos.
|
|
\v 12 Inyo ngang asahan at magmadali patungo sa pagdating ng araw ng Diyos. Sa araw na iyon, ang langit ay magugunaw sa pamamagitan ng apoy, at ang mga bahagi nito ay matutunaw sa pamamagitan ng sobrang init.
|
|
\v 13 Ngunit ayon sa kaniyang pangako, ating hintayin ang bagong mga langit at ang bagong lupa, kung saan ang mga katuwiran ay mananahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kaya nga, mga minamahal, yaman din lamang na inaasahan ninyo ang mga bagay na ito, sikapin ninyong gawin ang lahat na kayo ay matagpuang walang bahid, at walang kapintasan upang makatagpo ng kapayapaan sa kaniya,
|
|
\v 15 At isaalang-alang ninyo ang katiyagahan ng ating Panginoon na maging kaligtasan, kagaya ng ating minamahal na kapatid na si Pablo, ayon sa karunungan na ipinagkaloob sa kaniya.
|
|
\v 16 Sinabi ni Pablo ang lahat ng mga bagay na ito sa lahat ng kaniyang mga sulat, na kung saan maraming mga bagay ang mahihirap na maintindihan. Ang mga bagay na ito ay binaluktot ng mga taong hindi naturuan at walang katiyakan, habang sila ay gumagawa ng ibang mga kasulatan para sa sarili nilang kapahamakan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Kaya nga mga minamahal, yamang din lamang na alam na ninyo ang mga bagay na ito, bantayan ninyo ang inyong mga sarili, upang hindi kayo maililigaw sa panlilinlang ng mga taong walang batas na siyang magdudulot ng pagkawala ng inyong katapatan.
|
|
\v 18 Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen!
|