tl_ulb/53-1TH.usfm

171 lines
13 KiB
Plaintext

\id 1TH
\ide UTF-8
\h 1 Tesalonica
\toc1 1 Tesalonica
\toc2 1 Tesalonica
\toc3 1th
\mt 1 Tesalonica
\s5
\c 1
\p
\v 1 Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo para sa iglesiya ng mga taga-Tesalonica sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
\s5
\v 2 Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat, habang binabanggit namin kayo sa aming mga panalangin.
\v 3 Inaalala namin ng walang tigil sa harapan ng Diyos at Ama ang inyong mga gawa ng pananampalataya, pagpapagal sa pag-ibig, at pagtitiyagang may pagtitiwala para sa hinaharap sa ating Panginoong Jesu-Cristo.
\s5
\v 4 Mga kapatid na iniibig ng Diyos, alam namin ang inyong pagkatawag,
\v 5 kung paanong ang ating ebanghelyo ay dumating sa inyo na hindi lamang sa salita, ngunit gayon din sa kapangyarihan, sa Banal na Espiritu, at sa lubos na katiyakan. Gayon din naman, inyong nalalaman kung anong uri ng tao kami sa inyo para sa inyong kapakanan.
\s5
\v 6 ninyo kami at ang Panginoon, gaya nga ng pagtanggap ninyo sa salita sa matinding paghihirap na may kagalakan mula sa Banal na Espiritu.
\v 7 Bilang resulta, kayo ay naging halimbawa sa lahat ng mananampalataya sa Macedonia at Acaya.
\s5
\v 8 Sapagkat mula sa inyo ang salita ng Panginoon ay lumaganap, at hindi lamang sa Macedonia at Acaya. Kundi, sa lahat ng dako kung saan ang inyong pananampalataya sa Diyos ay naibalita. Bilang resulta, hindi na namin kailangang magsalita ng ano pa man.
\v 9 Sapagkat sila mismo ang nagbalita kung paano kami dumating sa inyo. Kanilang sasabihin kung paano kayo nanumbalik sa Diyos mula sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa buhay at tunay na Diyos.
\v 10 Ibinalita nila na kayo ay naghihintay sa kaniyang Anak mula sa langit, na kaniyang ibinangon mula sa mga patay. Ito ay si Jesus, na nagpalaya sa atin mula sa poot na darating.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Kayo mismo ang nakakaalam mga kapatid, na ang aming pagpunta sa inyo ay hindi nawalan ng kabuluhan.
\v 2 Alam naman ninyo na kami ay naghirap noon at inalipusta ng kahiya-hiya sa Filipos, gaya ng inyong alam. Malakas ang loob namin sa ating Diyos na ipahayag sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos na may labis na pagsisikap.
\s5
\v 3 Sapagkat ang aming panghihikayat ay hindi galing sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa panlilinlang.
\v 4 Sa halip, kami ay pinagtibay ng Diyos na napagkatiwalaan ng ebanghelyo, kaya ito ay aming sinasabi. Kami ay nagsasalita, hindi upang magbigay lugod sa mga tao, kundi upang magbigay lugod sa Diyos. Siya ang nakakasiyasat sa aming mga puso.
\s5
\v 5 Sapagkat hindi kami kailanman gumamit ng mga matatamis na salita, gaya ng alam ninyo, ni ng pagdadahilan sa kasakiman, ang Diyos ang aming saksi.
\v 6 Ni hindi namin hinahanap ang kaluwalhatian mula sa mga tao, ni sa inyo at sa iba. Nararapat sana naming tanggapin ang aming mga karapatan bilang mga apostol ni Cristo.
\s5
\v 7 Sa halip, kami ay naging mahinahon sa inyo na gaya ng ina na inaaliw ang kaniyang mga anak.
\v 8 Sa ganitong paraan kami ay nagmamalasakit sa inyo. Kami ay nalulugod na ibahagi sa inyo hindi lamang ang ebanghelyo ng Diyos kundi maging ang aming buhay. Sapagkat kayo ay labis na napamahal na sa amin.
\v 9 Sapagkat inyong naaalala, mga kapatid, ang aming trabaho at pagpapakahirap. Sa araw at gabi kami ay gumagawa upang hindi maging pabigat kaninuman sa inyo. Sa panahong iyon, ipinangaral namin sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos.
\s5
\v 10 Kayo ay mga saksi, at ang Diyos rin, kung gaano kabanal, makatuwiran, at walang dungis na kami ay nagpakahinahon sa inyo na sumasampalataya.
\v 11 Sa gayon ding paraan, alam ninyo kung papaano ang bawat isa sa inyo, katulad ng ama sa kaniyang mga anak, kayo ay aming hinimok at hinikayat. Pinatotohanan namin
\v 12 na dapat kayong lumakad sa paraan na karapat-dapat sa Diyos na siyang tumawag sa inyo tungo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.
\s5
\v 13 Sa dahilang ito kami rin ay walang tigil na nagpapasalamat sa Diyos. Sapagkat nang inyong natanggap mula sa amin ang mensahe ng Diyos na inyong napakinggan, ito ay inyong tinanggap hindi bilang salita ng tao. Sa halip, tinanggap ninyo itong totoo, ang salita ng Diyos. Ito rin ang salita na gumagawa sa inyo na sumasampalataya.
\s5
\v 14 Sapagkat kayo, mga kapatid, ay naging katulad din ng mga iglesiya ng Diyos na nasa Judea kay Cristo Jesus. Sapagkat kayo ay nagdusa din ng gayong mga bagay sa inyong mga kababayan, katulad ng ginawa sa kanila ng mga Judio.
\v 15 Ang mga Judio rin ang pumatay sa ating Panginoong Jesu-Cristo at sa mga propeta. Ang mga Judio rin ang nagpalayas sa atin. Sila ay hindi naging kalugod-lugod sa Diyos. Sa halip, naging kaaway ng lahat ng tao.
\v 16 Pinagbabawalan nila kaming makipag-usap sa mga Gentil upang sila ay maligtas. Ang naging resulta ay lagi nilang pinupunuan ang kanilang mga kasalanan. Ang poot ay darating sa kanila sa katapusan.
\s5
\v 17 Kami, mga kapatid, ay nahiwalay sa inyo ng maikling panahon, sa presensya, hindi sa puso. Ginawa namin ang aming makakaya na may malaking pagnanais upang makita ang mukha ninyo.
\v 18 Sapagkat ninais naming makapunta sa inyo, ako, si Pablo, na minsan at muli, ngunit hinadlangan kami ni Satanas.
\v 19 Sapagkat ano ba ang aming inaasahan sa hinaharap, o kagalakan, o korona ng pagmamalaki sa harapan ng ating Panginoong Jesus sa kaniyang pagdating? Hindi ba't kayo at ang iba?
\v 20 Sapagkat kayo ang aming kaluwalhatian at kagalakan.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Kaya naman, nang hindi na namin kayang tiisin pa ito, inakala naming mabuti ang maiwan sa Atenas ng mag-isa.
\v 2 Pinapunta namin si Timoteo, ang ating kapatid at lingkod ng Diyos sa ebanghelyo ni Cristo upang palakasin at aliwin kayo tungkol sa inyong pananampalataya.
\v 3 Ginawa namin ang mga ito upang walang isa man ang mayanig sa mga pagdurusang ito. Sapagkat inyong nalalaman na sa bagay na ito kami ay hinirang.
\s5
\v 4 Katunayan, nang kami ay kasama ninyo, sinabi na namin sa inyo na kami ay magdurusa sa kapighatian at nagkatotoo ito gaya ng inyong nalalaman.
\v 5 Sa kadahilanang ito, nang hindi ko na kayang tiisin pa, nagsugo ako upang malaman ang tungkol sa inyong pananampalataya. Maaaring ang manunukso ay tinukso kayo, at ang aming pagtatrabaho ay nawalan ng kabuluhan.
\s5
\v 6 Ngunit pumarito si Timoteo sa amin galing sa inyo at dinala sa amin ang mabuting balita ng inyong pananampalataya at pag-ibig. Sinabi niya sa amin na laging nasa inyo ang aming mga mabubuting alaala, na nasasabik kayong makita kami gaya ng aming pananabik na makita kayo.
\v 7 Dahil dito, mga kapatid, naaliw kami dahil sa inyong pananampalataya, sa lahat ng aming pagkabalisa at pagdadalamhati.
\s5
\v 8 Sapagkat ngayon, nabubuhay kami kung mananatili kayong matatag sa Panginoon.
\v 9 Sapagkat anong pasasalamat ang maibibigay namin sa Diyos dahil sa inyo, para sa lahat ng kagalakan na mayroon kami sa harap ng ating Diyos dahil sa inyo?
\v 10 Gabi at araw nananalangin kami ng buong tiyaga upang makita namin kayo ng harapan at maipagkaloob kung ano ang kulang sa inyong pananampalataya.
\s5
\v 11 Nawa ang ating Diyos Ama, at ang ating Panginoong Jesus ang manguna sa amin sa inyo.
\v 12 Nawa palaguin kayo at pasaganahin ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't-isa at sa lahat ng tao, na gaya ng ginagawa namin sa inyo.
\v 13 Nawa ay gawin niya ito upang palakasin ang inyong mga puso na walang kapintasan sa kabanalan sa harap ng ating Diyos at Ama sa pagdating ng ating Panginoong Jesus kasama ang lahat ng kaniyang mga banal.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Sa wakas, mga kapatid, pinapalakas namin kayo at hinihikayat sa Panginoong Jesus. Gaya sa inyong pagtanggap ng mga tagubilin mula sa amin tungkol sa kung paano kayo dapat lumakad at nagbibigay lugod sa Diyos, sa ganitong paraan kayo lumakad, upang magawa ninyo ito ng higit pa.
\v 2 Sapagkat alam ninyo kung anong mga tagubilin sa Panginoong Jesus ang aming naibigay sa inyo.
\s5
\v 3 Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos: ang inyong pagpapakabanal—umiwas kayo sa kahalayan,
\v 4 na bawat isa sa inyo ay alam kung paano makitungo sa kaniyang asawa ng may kabanalan at karangalan.
\v 5 Huwag kayong mag-asawa sa kahalayan ng laman (gaya ng mga Gentil na di nakakakilala sa Diyos).
\v 6 Huwag hayaan ang sinuman na pagsamantalahan at dayain ang kaniyang kapatid sa bagay na ito. Sapagkat ang Panginoon ang gaganti sa lahat ng mga bagay na ito, gaya sa aming babala sa inyo at pinatotohanan.
\s5
\v 7 Sapagkat hindi tayo tinawag ng Diyos sa karumihan, kundi sa kabanalan.
\v 8 Kaya, ang sinumang magtanggi nito ay hindi ang tao ang tinanggi niya, kundi ang Diyos, na nagkaloob ng Banal na Espiritu sa inyo.
\s5
\v 9 Tungkol sa pag-iibigang magkakapatid, hindi kailangan may sumulat pa sa inyo, sapagkat kayo sa inyong sarili ay naturuan na ng Diyos na umibig sa isat-isa.
\v 10 Sa katunayan, ginagawa ninyo ito sa lahat ng mga kapatid na nasa Macedonia. Ngunit hinihikayat namin kayo, mga kapatid, na gawin ninyo ito ng higit pa.
\v 11 Hinihikayat rin namin kayo na pagsumikapan ninyong mamuhay ng tahimik, gawin ninyo ang inyong sariling gawain, at magtrabaho kayo sa inyong sariling mga kamay, gaya ng inutos namin sa inyo.
\v 12 Gawin ninyo ito upang makalakad kayo ng maayos na may paggalang sa mga taong nasa labas ng pananampalataya, at upang hindi na kayo mangailangan ng anuman.
\s5
\v 13 Nais naming maintindihan ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa mga natutulog, upang hindi kayo magdalamhati gaya ng marami na hindi nakakatiyak tungkol sa kinabukasan.
\v 14 Dahil kung tayo ay naniniwala na si Jesus ay namatay at nabuhay na muli, ganoon din dadalhin ng Diyos kasama ni Jesus ang mga natutulog sa kaniya.
\v 15 Sinasabi namin ito sa inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong mga buhay, na naiwan sa pagparito ng Panginoon, ay tiyak na hindi mauuna sa mga natutulog.
\s5
\v 16 Sapagkat ang Panginoon mismo ay bababa mula sa langit. Siya ay paparito na may isang sigaw, na may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Diyos, at ang mga namatay kay Cristo ang unang bubuhayin.
\v 17 At tayong mga buhay, na naiwan, ay makakasama nila sa alapaap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. Sa ganitong paraan tayo ay makakapiling natin ang Panginoon.
\v 18 Kaya, aliwin ang bawat isa ng mga salitang ito.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Ngayon, tungkol sa mga oras at panahon, mga kapatid, hindi kailangang maisulat pa sa inyo ang mga bagay na ito.
\v 2 Sapagkat alam na ninyo ng lubusan na ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw sa gabi.
\v 3 Kapag sinabi nilang "Kapayapaan at kaligtasan," at biglang darating sa kanila ang pagkawasak. Ito ay magiging katulad ng sakit sa panganganak ng isang babaeng buntis. Hindi sila makakatakas dito sa anumang paraan.
\s5
\v 4 Ngunit kayo, mga kapatid, wala na kayo sa kadiliman kaya aabutan kayo ng araw na iyon gaya ng isang magnanakaw.
\v 5 Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng liwanag at mga anak ng umaga. Hindi tayo mga anak ng gabi o ng kadiliman.
\v 6 Kaya nga, huwag tayong matulog gaya ng ginagawa ng karamihan. Sa halip, magbantay tayo at maging malinaw ang ating pag-iisip.
\v 7 Sapagkat ang mga natutulog, sa gabi natutulog, at ang mga naglalasing, sa gabi naglalasing.
\s5
\v 8 Ngunit dahil tayo ay mga anak ng umaga, manatili tayong malinaw ang pag-iisip. Isuot natin ang baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at ang helmet, na siyang katiyakan sa hinaharap na kaligtasan.
\v 9 Sapagkat hindi tayo itinalaga ng Diyos para sa poot, kundi upang matamo ang kaligtasan sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
\v 10 Siya ang namatay para sa atin, nang sa gayon, gising man tayo o natutulog, mabubuhay tayong kasama niya.
\v 11 Kaya nga aliwin ninyo ang isa't isa at magpalakasan kayo, gaya ng inyong ginagawa.
\s5
\v 12 Hinihiling namin sa inyo, mga kapatid, na kilalanin ninyo ang mga gumagawang kasama ninyo at ang mga nakatataas sa inyo sa Panginoon at ang nagbibigay ng payo sa inyo.
\v 13 Hinihiling din namin na pag-ukulan ninyo sila ng lubos na pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Maging payapa kayo sa bawat isa.
\v 14 Hinihikayat namin kayo, mga kapatid: pagsabihan ninyo ang mga magugulo, palakasin ang mga pinanghinaan ng loob, tulungan ang mahina at maging matiyaga para sa lahat.
\s5
\v 15 Siguraduhin ninyo na walang sinuman ang gaganti ng masama para sa masama sa sino man. Sa halip, pagsikapang matamo ang makakabuti sa bawat isa at para sa lahat.
\v 16 Magalak kayo lagi.
\v 17 Manalangin ng walang patid.
\v 18 Magpasalamat kayo sa lahat ng bagay. Sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo kay Cristo Jesus.
\s5
\v 19 Huwag hadlangan ang Espiritu.
\v 20 Huwag hamakin ang mga propesiya.
\v 21 Suriin ang lahat ng bagay. Panghawakan kung ano ang mabuti.
\v 22 Iwasan ang bawat anyo ng masama.
\s5
\v 23 Nawa ang Diyos ng kapayapaan ay gawin kayong ganap na banal. Nawa ang buo ninyong espiritu, kaluluwa, at katawan ay mailaan na walang bahid sa pagdating ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
\v 24 Tapat ang tumawag sa inyo, at siya rin ang gagawa ng mga ito.
\s5
\v 25 Mga kapatid, ipanalangin ninyo rin kami.
\v 26 Batiin ninyo ang mga kapatid ng banal na halik.
\v 27 Hinihiling ko sa inyo sa ngalan ng Panginoon na ang sulat na ito ay mabasa sa lahat ng kapatid.
\v 28 Nawa ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay sumainyo.