forked from WA-Catalog/tl_ulb
511 lines
43 KiB
Plaintext
511 lines
43 KiB
Plaintext
\id 2CO
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h 2 Mga Taga-Corinto
|
|
\toc1 2 Mga Taga-Corinto
|
|
\toc2 2 Mga Taga-Corinto
|
|
\toc3 2co
|
|
\mt 2 Mga Taga-Corinto
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako si Pablo na apostol ni Jesu-Cristo dahil sa kalooban ng Diyos, at si Timoteo na ating kapatid, para sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto at sa lahat ng mga mananampalataya sa buong rehiyon ng Acaya.
|
|
\v 2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo ay mapapurihan. Siya ang Ama ng mga awa at ang Diyos ng lahat ng kaalliwan.
|
|
\v 4 Ang Diyos ang nagbibigay ng kaginhawaan sa atin sa lahat ng ating mga pagdurusa, upang mabigyan natin ng kaaliwan ang lahat ng nagdurusa. Makakapagbigay tayo ng aliw sa iba kung paano tayo binigyang aliw ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sapagkat kung paano nananagana ang paghihirap ni Cristo para sa atin, ganoon din nananagana ang kaaliwan na aming nararanasan mula kay Cristo.
|
|
\v 6 Ngunit kung kami ay nagdurusa, ito ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan. At kung kami ay naaaliw, ito ay parasa inyong kaaliwan. Ang inyong kaaliwan ay mabisa kung ibabahagi ninyo nang may tiyaga ang mga paghihirap na atin ding naranasan.
|
|
\v 7 At ang aming pagtitiwala para sa inyo ay tiyak. Alam namin na habang nakikihati kayo sa paghihirap, nakikihati din kayo sa kaaliwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Dahil ayaw namin na hindi ninyo malaman, mga kapatid, ang tungkol sa kaguluhang naranasan namin sa Asya. Kami ay labis na nabigatan nang higit sa aming makakaya, na halos hindi na kami umasang mabuhay pa.
|
|
\v 9 Sa katunayan, hinatulan na kami ng kamatayan. Ngunit iyon ay upang hindi kami magtiwala sa aming mga sarili, kundi sa Diyos na bumubuhay sa mga patay.
|
|
\v 10 Siya ang nagligtas sa amin sa malagim na kamatayan, at ililigtas niya kaming muli. Inilagay na namin ang aming pagtitiwala sa kaniya na ililigtas niya kaming muli.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Gagawin niya ito habang tinutulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong panalangin. At marami ang magpapasalamat para sa amin para sa pagpapala na ibinigay sa amin sa pamamagitan ng panalangin ng marami.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ipinagmamalaki namin ito: ang patotoo ng aming budhi. Dahil sa malinis na hangarin at katapatan sa Diyos kaya kami namuhay sa mundo. Ginawa namin ito lalong lalo na sa inyo, at hindi sa karunungan ng mundo, ngunit sa halip sa biyaya ng Diyos.
|
|
\v 13 Hindi kami sumulat sa inyo ng ano mang bagay na hindi niyo mababasa o maiintindihan. Ako ay nagtitiwala
|
|
\v 14 na naintindihan na ninyo kami ng bahagya. At nagtitiwala ako na sa araw ng ating Panginoong Jesus, kami ay inyong ipagmamalaki, katulad ng pagmamalaki namin sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Dahil nagtitiwala ako tungkol dito, nais kong una kayong puntahan, upang matanggap ninyo ang pakinabang ng dalawang pagbisita.
|
|
\v 16 Balak kong bumisita sa inyo sa pagpunta ko sa Macedonia. Pagkatapos nais kong bumisita muli sa inyo sa aking paglalakbay galing Macedonia at upang matulungan ninyo ako sa pagpunta ko sa Judea.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nang nag-iisip ako ng ganito, nag-aalinlangan ba ako? Binalak ko ba ang mga bagay ayon sa pamantayan ng mga tao, upang masabi ko ang "Oo, oo" at "Hindi, hindi" ng sabay?
|
|
\v 18 Ngunit kung paanong ang Diyos ay tapat, hindi natin sasabihin ng sabay ang "Oo" at "Hindi."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Dahil si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos na ipinahayag namin nina Silvanus at Timoteo sa inyo, ay hindi "Oo" at "Hindi." Kundi laging "Oo".
|
|
\v 20 Dahil ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay "Oo" sa kaniya. Kaya sa pamamagitan din niya, magsasabi tayo ng "Amen" sa kaluwalhatian ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Ngayon ang Diyos na nagpatibay sa amin at sa inyo kay Cristo, at kaniya tayong sinugo.
|
|
\v 22 Nilagay niya ang kaniyang tatak sa atin at ibinigay ang Espiritu sa ating mga puso bilang katiyakan sa kung ano ang ibibigay niya sa atin pagkatapos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sa halip, tumawag ako sa Diyos upang maging saksi para sa akin na ang dahilan ng hindi ko pagpunta sa Corinto ay upang matulungan ko kayo.
|
|
\v 24 Ito ay hindi dahil sa sinusubukan namin kayong pangunahan kung ano ang dapat sa inyong paniniwala. Sa halip, kami ay gumagawa kasama ninyo para sa inyong kagalakan, habang kayo ay naninindigan sa inyong pananampalataya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Kaya pinasya ko sa aking sarili na huwag na muling pumunta sa inyo nang nakakasakit.
|
|
\v 2 Kung nagdulot ako sa inyo ng sakit, sino pa ba ang makapagpapasaya sa akin kundi ang mga nasaktan ko?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sumulat ako gaya ng aking ginawa upang sa aking pagpunta sa inyo ay maaaring hindi na ako masaktan ng mga dapat ay nagbigay ng kagalakan sa akin. Naniniwala ako sa inyo na ang kagalakan na aking nararanasan ay tulad din ng kagalakang mayroon kayo.
|
|
\v 4 Dahil sumulat ako sa inyo ng may matinding kapighatian, at may pusong nagdadalamhati, at maraming pagluha. Ayaw kong magdulot sa inyo ng sakit. Sa halip, nais kong malaman ninyo kung gaano kalalim ang pag-ibig na mayroon ako para sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kung sino man ang nagdulot ng sakit, hindi niya lamang ito ginawa sa akin, ngunit sa halip—hindi sa nagiging mahigpit ako—ay sa inyong lahat.
|
|
\v 6 Ang parusang ito ng nakararami sa taong iyon ay sapat na.
|
|
\v 7 Kaya ngayon, sa halip na parusahan, dapat ninyo siyang patawarin at bigyan ng kaaliwan. Gawin ninyo ito upang hindi siya manghina dahil sa labis na kalungkutan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kaya hinihikayat ko kayo na pagtibayin ninyo ang pag-ibig ninyo para sa kaniya sa harapan ng marami.
|
|
\v 9 Ito ang dahilan kaya ako sumulat, upang masubok ko at malaman kung masunurin kayo sa lahat ng bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kung pinatawad ninyo ang sino man, patatawarin ko rin ang taong iyon. Ano man ang aking pinatawad—kung pinatawad ko ang anumang bagay— pinatawad ko ito para sa inyong kapakanan sa harap ni Cristo. Ito ay upang hindi tayo malinlang ni Satanas.
|
|
\v 11 Dahil hindi tayo mga mangmang sa kaniyang mga balak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Isang pinto ang binuksan para sa akin ng Panginoon nang ako ay pumunta sa lungsod ng Troas upang maipangaral ang ebanghelyo ni Cristo doon.
|
|
\v 13 Kahit pa walang kapayapaan sa aking isipan, dahil hindi ko nahanap doon si Tito na aking kapatid. Kaya iniwan ko sila doon at bumalik sa Macedonia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ngunit, salamat sa Diyos na laging nagdadala sa atin sa tagumpay kay Cristo. Sa pamamagitan natin, ipinalaganap niya ang mabangong samyo ng kaalaman sa kaniya sa lahat ng dako.
|
|
\v 15 Dahil para sa Diyos, tayo ay mabangong samyo kay Cristo, maging sa mga nailigtas at sa mga napapahamak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sa mga taong napapahamak, ito ay isang samyo mula sa kamatayan para sa kamatayan. Sa mga nailigtas, ito ay isang samyo mula sa buhay para sa buhay. Sino ang karapat-dapat sa mga bagay na ito?
|
|
\v 17 Dahil hindi kami tulad ng maraming tao na ipinagbibili ang salita ng Diyos para sa kita. Kundi, sa malinis na layunin, nagsasalita kami kay Cristo, dahil kami ay mga sinugo mula sa Diyos, sa paningin ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinisimulan ba naming papurihang muli ang aming mga sarili? Hindi namin kailangan ng mga liham ng rekomendasyon para sa inyo o mula sa inyo, tulad ng ibang tao, hindi ba?
|
|
\v 2 Kayo mismo, ang aming liham ng rekomendasyon, nasusulat sa aming mga puso, alam at nababasa sa pamamagitan ng lahat ng tao.
|
|
\v 3 At pinakita ninyo na kayo ay liham mula kay Cristo, na ipinadala sa pamamagitan namin. Ito ay naisulat hindi sa tinta kundi sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos na buhay. Hindi ito nasusulat sa tapyas ng bato, kundi sa mga tapyas ng puso ng mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 At ito ang tiwala na mayroon kami sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo.
|
|
\v 5 Wala kaming kakayahan sa aming mga sarili upang angkinin ang anumang bagay na galing mula sa amin. Sa halip, ang aming kakayahan ay mula sa Diyos.
|
|
\v 6 ito ang Diyos na siyang gumawa na makaya naming kami ay maging mga lingkod ng isang bagong tipan. Ito ang tipan na hindi isang sulat ngunit ng Espiritu. Dahil ang sulat ay nakamamatay, ngunit ang Espiritu ay nagbibigay ng buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngayon ang gawa ng kamatayan na nakaukit sa mga salita sa ibabaw ng bato ay dumating ng may kaluwalhatian na ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Moises. Dahil ito sa kaluwalhatiang mayroon sa kaniyang mukha, isang kaluwalhatian na naglalaho.
|
|
\v 8 Hindi ba't ang mga gawa ng Espiritu ay siyang higit na maluwalhati?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Dahil kung ang paglilingkod ng kahatulan ay may kaluwalhatian, gaano pa kaya nananagana ang paglilingkod ng katuwiran sa kaluwalhatian!
|
|
\v 10 Dahil sa katunayan, ang minsang naging maluwalhati ay hindi na naging maluwalhati sa paraang ito, dahil sa kaluwalhatian na humigit dito.
|
|
\v 11 Dahil kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian, gaano pa ang nananatili sa kaluwalhatian!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Dahil mayroon tayong pag-asa, napakatapang natin.
|
|
\v 13 Hindi tayo tulad ni Moises, na naglagay ng takip sa kaniyang mukha, upang ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng tuwid sa katapusan ng isang kaluwalhatian na naglalaho.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ngunit ang kanilang mga isipan ay sarado. Kahit hanggang ngayon sa araw na ito, ang parehong takip sa mukha ay nanatili parin sa pagbasa ng lumang tipan. Hindi ito nabuksan, dahil tanging si Cristo lamang ang nakagawa nito.
|
|
\v 15 Ngunit hanggang ngayon, sa tuwing si Moises ay mababasa isang takip ang tinataglay nila sa kanilang mga puso.
|
|
\v 16 Ngunit kapag ang isang tao ay bumalik sa Panginoon, ang takip sa mukha ay matatanggal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ngayon ang Panginoon ay ang Espiritu. Kung nasaan ang Espiritu ng Panginoon, naroon ang kalayaan.
|
|
\v 18 Ngayon tayong lahat na walang takip sa mga mukha ay makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon. Binago tayo sa parehong larawan ng kaluwalhatian mula sa isang uri ng antas ng kaluwalhatian tungo sa isa pa, tulad ng mula sa Panginoon, na Espiritu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Samakatuwid, dahil kami ay mayroong ganitong ministeryo, at dahil nakatanggap kami ng awa, hindi kami pinanghinaan ng loob.
|
|
\v 2 Sa halip, itinakwil pa namin ang mga kaparaanan na kahiya-hiya at nakatago. Hindi kami namumuhay sa pandaraya, at hindi namin ginagamit sa maling paraan ang salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan, iminumungkahi namin ang aming sarili para sa budhi ng lahat sa paningin ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ngunit kung ang ating ebanghelyo ay nakatalukbong, nakatalukbong lamang ito sa mga nawawala.
|
|
\v 4 Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sapagkat hindi namin ipinapangaral ang aming mga sarili, kundi si Cristo Jesus bilang Panginoon, at kami bilang inyong mga lingkod alang-alang kay Jesus.
|
|
\v 6 Sapagkat ang Diyos ang siyang nagsabi, "Ang liwanag ay magniningning mula sa kadiliman." Siya ay nagliwanag sa aming mga puso, upang ibigay ang liwanag ng kaalaman sa kaluwalhatian ng Diyos sa presensiya ni Jesu-Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngunit mayroon kaming kayamanan sa loob ng isang sisidlang gawa sa putik, upang maging malinaw na ang lubhang dakilang kapangyarihan ay nararapat para sa Diyos at hindi sa amin.
|
|
\v 8 Nagdurusa kami sa lahat ng bagay, ngunit hindi nagapi. Naguguluhan, ngunit hindi kami nawalan ng pag-asa.
|
|
\v 9 Inuusig kami ngunit hindi pinabayaan. Hinahampas kami ngunit hindi nasira.
|
|
\v 10 Palagi naming dinadala sa aming mga katawan ang kamatayan ni Jesus, nang sa gayon ang buhay ni Jesus ay maihayag din sa aming mga katawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Kaming mga nabubuhay ay laging nahaharap sa kamatayan alang-alang kay Jesus, upang ang buhay ni Jesus ay maihayag sa aming mga katawang tao.
|
|
\v 12 Sa kadahilanang ito, ang kamatayan ay kumikilos sa amin, ngunit ang buhay ay kumikilos sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ngunit mayroon tayong parehong espiritu ng pananampalataya na ayon sa nasusulat: "Nanampalataya ako, kaya ako ay nagpahayag." Tayo rin ay nananampalataya, kaya't tayo rin ay nagpapahayag.
|
|
\v 14 Alam namin na ang muling bumuhay sa Panginoong Jesus ay bubuhayin din kaming muli kasama niya. Alam namin na dadalhin niya kami kasama ninyo sa kaniyang presensya.
|
|
\v 15 Ang lahat ay para sa kapakanan ninyo nang sa gayon, habang lumalaganap ang habag sa maraming tao, ang pasasalamat ay lalong madaragdagan para sa kaluwalhatian ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kaya hindi kami nasiraan ng loob. Kahit na pinanghihinaan kami sa aming panlabas na katawan, patuloy na pinalalakas ang amig kalooban sa araw-araw.
|
|
\v 17 Sapagkat, ang panandalian at bahagyang pagdadalamhati na ito ay naghanda sa amin para sa walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na hindi masukat.
|
|
\v 18 Sapagkat hindi kami tumitingin sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Ang mga bagay na nakikita ay panandalian, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Alam natin na kung nasira ang ating lupang tahanan na tinitirahan, mayroon tayong tahanan sa langit na ginawa ng Diyos. Ito ay tirahan na hindi ginawa ng kamay ng tao, kundi walang hanggang tahanan, sa langit.
|
|
\v 2 Sapagkat dumaraing tayo sa katawang lupa na ito, na naghahangad na madamitan ng ating makalangit na tahanan.
|
|
\v 3 Hinahangad natin ito sapagkat sa pamamagitan ng ating pagsuot dito hindi tayo madaratnang hubad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sapagkat habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo ay dumaraing dahil nabibigatan. Ayaw nating matanggalan ng damit. Sa halip, nais nating madamitan, upang ang katawang namamatay ay mapalitan ng buhay.
|
|
\v 5 Ang naghanda sa atin para sa ganitong pagbabago ay ang Diyos mismo, na nagbigay sa atin ng Espiritu bilang katibayan sa kung ano ang darating.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya maging laging malakas ang loob. Dapat nating malaman na habang tayo ay nasa katawang-lupa, malayo tayo sa Panginoon.
|
|
\v 7 Sapagkat lumalakad tayo sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita.
|
|
\v 8 Kaya mayroon tayong lakas ng loob. Mas pipiliin pa nating iwanan ang katawang ito at manirahan kasama ng Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kaya gawin natin itong layunin, kung tayo man ay nasa ating katawang lupa dito sa mundo o sa langit man, upang malugod siya.
|
|
\v 10 Sapagkat tayo ay haharap sa hukuman ni Cristo, upang ang bawat isa ay makatanggap ng nararapat sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa katawan, maging sa mabuti man o masama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Samakatuwid, sa pagkaalam ng takot sa Panginoon, hinihikayat namin ang mga tao. Malinaw na nakikita ng Diyos kung sino tayo. Sana ay malinaw din ito sa inyong budhi.
|
|
\v 12 Hindi namin kayo hinihikayat muli upang ipakita na kami ay tapat. Sa halip, ay binibigyan namin kayo ng dahilan upang maipagmalaki ninyo kami, upang may maisasagot kayo sa mga taong nagmamalaki sa mga panlabas na anyo ngunit hindi sa mga nilalaman ng puso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Dahil kung kami ay parang wala sa sarili naming kaisipan, para ito sa Diyos. At kung kami ay nasa tamang kaisipan, ito ay para sa inyong kapakanan.
|
|
\v 14 Dahil ang pagmamahal ni Cristo ang nag-uudyok sa amin, sapagkat kami ay sigurado dito: na mayroong isang tao na namatay para sa lahat, kaya ang lahat ay namatay.
|
|
\v 15 At namatay si Cristo para sa lahat, upang ang mga nabubuhay ay hindi na mamuhay para sa kanilang mga sarili. Sa halip dapat silang mamuhay para sa kaniya na namatay at muling nabuhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 At dahil dito, mula ngayon, hindi na natin hahatulan ang sinuman ayon sa batayan ng tao, kahit na noong simula ay ganoon din ang ating pagtingin kay Cristo. Ngunit ngayon hindi na tayo tumitingin sa kanino man sa ganitong paraan.
|
|
\v 17 Sapagkat kung sinuman ang kay Cristo, siya ay isang bagong nilalang. Ang luma ay lumipas na. Tingnan, sila ay naging bago na.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagmula sa Diyos. Nakipagkasundo siya sa atin dahil kay Cristo, at binigyan niya tayo ng ministeryo sa pagkakasundo.
|
|
\v 19 Ang ibig sabihin, dahil kay Cristo, ipinagkakasundo ng Diyos ang mundo sa kaniya, at hindi binilang ang kanilang mga pagkakasala laban sa kanila. Ipinagkakatiwala niya sa atin ang mensahe ng pakikipagkasundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kaya kami ay itinalaga bilang mga kinatawan ni Cristo, na para bang ang Diyos mismo ang nakikipag-usap sa inyo sa pamamagitan namin. Ipinakikiusap namin sa inyo, alang-alang kay Cristo: "Makipagkasundo kayo sa Diyos!"
|
|
\v 21 Si Jesus ay ginawa niyang handog para sa ating mga kasalanan. Siya na hindi kailan man nagkaroon ng kasalanan. Ginawa niya ito upang tayo ay maging katuwiran ng Diyos sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 At kaya, sa sama-samang paggawa, nakikiusap kami sa inyo na huwag tanggapin ang biyaya ng Diyos ng walang katuturan.
|
|
\v 2 Sapagkat sinabi niya, "Sa tamang panahon, ikaw ay aking pinansin, at sa araw ng pagliligtas, ikaw ay aking tinulungan." Tingnan ninyo, ngayon ang tamang panahon. Ngayon ang araw ng kaligtasan.
|
|
\v 3 Hindi kami maglalagay ng katitisurang bato sa harap ng sino man, sapagkat hindi namin hinahangad na ang aming minesteryo ay humantong sa pagkasira ng pangalan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sa halip, pinatutunayan namin ang aming mga sarili sa pamamagitan ng aming mga ginagawa, na kami ay mga lingkod ng Diyos. Kami ay mga lingkod niya sa maraming pagtitiis, kapighatian, kagipitan, kahirapan
|
|
\v 5 sa panghahagupit, pagkabilanggo, pagkakagulo, pagtatrabaho ng sobra, mga gabing walang tulog, gutom,
|
|
\v 6 sa kalinisan, sa kaalaman, pagtityaga, kabutihan, sa Espiritu Santo, sa tunay na pag-ibig.
|
|
\v 7 Kami ay kanyang mga lingkod sa salita ng katotohanan, sa kapangyarihan ng Diyos. Mayroon kaming baluti ng katuwiran sa kanan at sa kaliwang kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Gumagawa kami sa karangalan at kahihiyan, sa panlalait at papuri. Kami ay napagbintangan na sinungaling ngunit kami ay matapat.
|
|
\v 9 Kami ay gumagawa na parang mga hindi kilala ngunit kami ay mga kilala pa rin. Gumagawa kami na parang mamamatay na-- at tingnan ninyo! -- nabubuhay pa rin kami. Gumagawa kami na parang pinarurusahan sa aming mga gawa, ngunit hindi para hatulan ng kamatayan.
|
|
\v 10 Gumagawa kami na parang malulungkot, ngunit kami ay laging nagagalak. Gumagawa kami na parang naghihirap, ngunit ginagawa naming mayaman ang marami. Gumagawa kami na parang walang-wala, ngunit mayroon ng lahat ng bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sinabi na namin ang buong katotohanan sa inyo, mga taga-Corinto, at ang aming puso ay nakabukas.
|
|
\v 12 Hindi kami ang pumigil sa inyong mga puso, ngunit pinigilan kayo ng inyong mga sariling damdamin.
|
|
\v 13 Ngayon sa makatarungang pagpapalitan—nagsasalita ako na parang kayo ay mga anak ko—malawak ninyong buksan ang inyong mga puso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Huwag kayong makikipag-isa sa mga hindi mananampalataya. Ano ang kaugnayan ng katuwiran sa kasamaan? At anong kaugnayan mayroon ang ilaw sa kadiliman?
|
|
\v 15 Anong kasunduan mayroon si Cristo kay Belial? O anong kabahagi mayroon ang mga mananampalataya sa mga hindi mananampalataya?
|
|
\v 16 At anong kasunduan mayroon sa pagitan ng templo ng Diyos at sa mga diyus-diyosan? Sapagkat tayo ang templo ng buhay na Diyos, katulad ng sinabi ng Diyos: "Ako ay mananahan sa kanila at lalakad kasama nila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ay magiging bayan ko."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Kaya, "Lumabas kayo mula sa kanilang kalagitnaan, at maihiwalay kayo," sabi ng Panginoon. "Huwag humawak ng anumang maruming bagay, at tatanggapin ko kayo.
|
|
\v 18 Ako ay magiging Ama sa inyo, at kayo ay magiging aking mga anak na lalaki at babae," sabi ng Panginoong Makapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Mga minamahal, dahil mayroon tayo ng mga pangakong ito, linisin natin ang ating mga sarili mula sa lahat ng bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu. Sikapin nating maging banal sa pagkatakot sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Gumawa kayo ng lugar para sa amin! Wala kaming ginawan ng mali. Wala kaming sinaktan na kahit sino man o nagsamantala sa kung sino man.
|
|
\v 3 Hindi para husgahan kayo kaya sinabi ko ito. Sapagkat sinabi ko na sa inyo na kayo ay nasa aming mga puso, para mamatay tayo nang magkasama at mabuhay nang magkasama.
|
|
\v 4 Mayroon akong malaking tiwala sa inyo, at ipinagmamalaki ko kayo. Napuno ako ng kaginhawaan. Nag-uumapaw ang aking kagalakan sa kabila ng kapighatian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nang makarating kami sa Macedonia, walang pahinga ang aming mga katawan. Sa halip, nabagabag kami sa lahat ng paraan sa maraming kaguluhan sa labas at takot sa kalooban.
|
|
\v 6 Ngunit ang Diyos, na nagbibigay kaaliwan sa mga pinanghihinaan ng loob, ay nagbigay kaaliwan sa amin sa pamamagitan ng pagdating ni Tito.
|
|
\v 7 Ito ay hindi lamang sa pamamagitan ng kaniyang pag dating na inaliw tayo ng Diyos. Ito ay dahil na rin sa kaginhawaang tinanggap ni Tito mula sa inyo. Sinabi niya sa amin ang lubos ninyong pagmamahal, ang inyong pighati, at ang inyong labis na pag-aalala sa akin. Kaya lalo akong nagagalak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kahit na naging malungkot kayo dahil sa aking sulat, hindi ko ito pinagsisihan. Ngunit pinagsisihan ko ito nang makita ko na ginawa kayong malungkot ng aking sulat. Ngunit naging malungkot kayo ng sandali lamang.
|
|
\v 9 Ngayon, masaya ako, hindi dahil sa kayo ay nagdadalamhati, ngunit dahil sa ang inyong kalungkutan ang naging daan sa inyong pagsisisi. Nakaranas kayo ng kalungkutan mula sa Diyos, kaya hindi nasayang ang inyong pagdurusa dahil sa amin.
|
|
\v 10 Sapagkat ang kalungkutan mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisisi na kumukumpleto sa kaligtasan ng walang panghihinayang. Gayon man, ang kalungkutan sa mundo ay nagdadala ng kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Tingnan kung anong matinding determinasyon ang naidulot sa inyo ng kalungkutang mula sa Diyos na ito. Higit na matindi ang matibay na hangad sa inyo para patunayan na kayo ay walang sala. Namuhi kayo sa inyong sarili, natakot kayo, nanabik, nagsikap, at ninais ninyong makita na ang katarungan ay kailangan mangyari! Sa lahat ng bagay pinatunayan niyo ang inyong mga sarili na walang sala sa bagay na ito.
|
|
\v 12 Kahit pa sumulat ako sa inyo, hindi ako sumulat para lang sa kapakanan ng mga gumagawa ng mali, ni para sa mga nagdusa sa mali. Sumulat ako para ang inyong pagkamasigasig para sa amin ay maipaalam sa inyo sa paningin ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ito ay sa pamamagitan nito kaya malakas ang ating loob. Dagdag sa ating sariling kaginhawaan, nagdiriwang rin kami dahil sa kagalakan ni Tito, dahil ang kaniyang espiritu ay lumakas sa pamamagitan ninyong lahat.
|
|
\v 14 Dahil kung ipinagmalaki ko sa kaniya ang tungkol sa inyo, hindi ako nahiya. Sa kabilang dako, tulad ng lahat ng bagay na sinabi namin sa inyo ay totoo, ang aming pagmamalaki tungkol sa inyo kay Tito ay napatunayang totoo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ang kaniyang pag-ibig sa inyo ay mas higit pa, habang inaalala niya ang pagiging masunurin ninyong lahat, kung paano ninyo siya tinanggap ng may takot at panginginig.
|
|
\v 16 Ako ay nagagalak dahil lubos ang aking pagtitiwala sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Nais naming malaman ninyo, mga kapatid, tungkol sa biyaya ng Diyos na naibigay sa mga iglesiya sa Macedonia.
|
|
\v 2 Sa panahon ng matinding pagsubok sa pagdadalamhati, ang kasaganahan ng kanilang kagalakan at ang mahigpit na pangangailangan sa kanilang kahirapan ay nagbunga ng matinding kasaganahan ng kagandahang loob.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sapagkat nagpapatotoo ako na nagbigay sila hanggang sa kanilang makakaya, at labis pa sa kung ano ang kanilang makakaya. At naaayon sa kanilang sariling kalooban
|
|
\v 4 nang may matinding pagmamakaawa, sumasamo sila sa amin para sa pagkakataon ng pagbabahagi sa paglilingkod sa mga mananampalataya.
|
|
\v 5 Hindi ito nangyari nang gaya sa aming inaasahan. Sa halip, una nilang ibinigay ang kanilang mga sarili sa Panginoon. At ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa amin ayon sa kalooban ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya hinimok namin si Tito, na nagsimula ng gawaing ito, upang maisakatuparan ang gawaing ito ng kagandahang loob para sa inyo.
|
|
\v 7 Ngunit nanagana kayo sa lahat ng bagay—sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa lahat ng kasipagan, at sa inyong pag-ibig para sa amin. Kaya siguraduhin niyo na managana kayo sa mga gawain ng kagandahang loob.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 SInasabi ko ito hindi bilang isang utos. Sa halip, sinasabi ko ito upang subukan ang katapatan ng inyong pagmamahal sa pamamagitan ng pagkukumpara nito sa pananabik ng ibang tao.
|
|
\v 9 Sapagkat nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kahit na siya ay mayaman, para sa inyong kapakanan siya ay naging mahirap, upang sa pamamagitan ng kaniyang kahirapan kayo ay maaaring maging mayaman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sa bagay na ito bibigyan ko kayo ng payo na makakatulong sa inyo. Isang taon ang nakakaraan, hindi lang kayo nagsimulang gumawa ng isang bagay, kundi ninais ninyong gawin ito.
|
|
\v 11 Ngayon tapusin ninyo ito. Katulad ng pagsisikap at kagustuhan na gawin ito noon, matapos ninyo rin sana ito, hanggang kaya ninyo.
|
|
\v 12 Sapagkat kung kayo ay may pagsisikap na gawin ang gawaing ito, ito ay mabuti at katanggap-tanggap. Nakabatay ito sa kung ano ang mayroon ang isang tao, hindi sa kung ano ang wala sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Sapagkat ang gawaing ito ay hindi upang ang iba ay magaanan at ang iba ay mabigatan. Sa halip, dapat magkaroon ng pagkakapantay-pantay.
|
|
\v 14 Ang iyong kasaganaan sa panahong ito ay makapagbibigay sa kung anuman ang kanilang pangangailangan. Ito ay dahil din sa ang kanilang kasaganaan ay maaaring makapagbigay ng iyong pangangailangan, at nang magkaroon ng pagkakapantay-pantay.
|
|
\v 15 Katulad ito ng nasusulat: "Ang nananagana ay nawalan ng labis, at ang may kaunti ay hindi nagkulang."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ngunit salamat sa Diyos, na naglagay sa puso ni Tito nang katulad ng pagmamalasakit na mayroon ako para sa inyo.
|
|
\v 17 Sapagkat hindi niya lamang tinanggap ang aming panawagan, ngunit siya rin ay naging napaka-masikap tungkol dito. Dumating siya sa inyo sa kaniyang sariling kagustuhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Siya ay ipinadala namin kasama ang kapatid na pinupuri sa lahat ng mga iglesiya sa kaniyang gawa sa pagpapahayag ng ebanghelyo.
|
|
\v 19 Hindi lamang ito, ngunit siya rin ang inihalal ng mga simbahan na maglakbay kasama namin sa aming pagangasiwa ng kagandahang loob. Ito ay para sa karangalan ng Panginoon at sa ating pagsusumikap na makatulong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kami ay umiiwas na magkaroon ng sino mang magreresklamo tungkol sa amin hinggil sa kagandahang loob na ito na ating pinangangasiwaan.
|
|
\v 21 Iniingatan naming gawin kung ano ang kagalang-galang, hindi lamang sa harap ng Panginoon, ngunit sa harap din ng mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ipinapadala rin namin kasama nila ang isa pang kapatid. Siya ay madalas naming nasubok, at napatunayan naming siya ay masigasig sa maraming gawain. Siya ay higit na masipag na ngayon dahil sa matibay na paniniwala niya sa inyo.
|
|
\v 23 Patungkol naman kay Tito, siya ang aking kasama at kamanggagawa sa inyo. Gayon din naman sa aming mga kapatid, sila ay ipinadala ng mga iglesia. Sila ay karangalan kay Cristo.
|
|
\v 24 Kaya ipakita niyo sa kanila ang inyong pag-ibig, at ipakita sa mga iglesia ang dahilan ng aming pagmamalaki tungkol sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Tungkol naman sa ministeryo para sa mga mananampalataya, para sa akin ay kalabisan na ang sumulat pa sa inyo.
|
|
\v 2 Alam ko ang tungkol sa inyong hangarin, na ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sinabihan ko sila na ang Acaya ay naghahanda na mula pa nang nakalipas na taon. Ang inyong pagiging masigasig ay nag-udyok sa karamihan sa kanila na kumilos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ngayon ipinadala ko ang mga kapatid upang ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo ay hindi mawalan ng kabuluhan, at upang kayo ay maging handa, gaya ng aking sinabi.
|
|
\v 4 Sa halip, kung sino man sa mga taga-Macedonia ang sumama sa akin at madatnan kayong hindi handa, mapapahiya tayo—wala akong sinabi tungkol sa inyo—dahil sa lubos na tiwala sa inyo.
|
|
\v 5 Kaya naisip ko na kinakailangan na himukin ang mga kapatid na pumunta sa inyo at maunang gumawa ng mga kasunduan para sa kaloob na ipinangako ninyo. Ito ay para maging handa bilang isang biyaya, at hindi sapilitan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Tandaan ninyo ito: kung sino man ang nagtatanim ng kaunti ay mag aani ng kaunti, at kung sino man ang nagtatanim sa layunin ng pagpapala ay aani ng pagpapala.
|
|
\v 7 Bawat isa ay magbigay ayon sa pasiya ng kaniyang puso. Huwag siyang hayaang magbigay na may kalungkutan o napilitan. Sapagkat minamahal ng Diyos ang masayang nagbibigay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 At may kakayahan ang Diyos na paramihin ang bawat pagpapala para sa inyo, upang, palagi, sa lahat ng bagay, magkakaroon kayo ng lahat ng kailangan ninyo. Nang sa gayon maaari kayong gumawa ng mas maraming mabubuting bagay.
|
|
\v 9 Ito ay gaya ng nasusulat: "Ipinamahagi niya ang kaniyang kasaganaan at ibinigay sa mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay magpakailanman."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ang nagbibigay ng binhi sa nagtatanim at tinapay para sa pagkain, ay magbibigay din at pararamihin ang inyong binhi para sa pagtatanim. Pararamihin niya ang ani ng inyong katuwiran.
|
|
\v 11 Pasasaganahin niya kayo sa lahat ng paraan upang maging mapagbigay kayo. Magdadala ito ng pasasalamat sa Diyos mula sa amin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sapagkat ang pangangasiwa sa gawaing ito ay hindi lang makakatugon sa mga pangangailangan ng mga mananampalataya. Ito rin ay nagpaparami sa maraming gawaing ng pasasalamat sa Diyos.
|
|
\v 13 Dahil sa nasubok na kayo at napatunayan ng gawaing ito, luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa pagsunod sa inyong pagpapahayag sa ebanghelyo ni Cristo. Luluwalhatiin rin ninyo ang Diyos sa kasaganaan ng inyong mayamang handog sa kanila at sa bawat isa.
|
|
\v 14 Nananabik sila sa inyo, at ipinapanalangin nila kayo. Ginagawa nila ito dahil sa napaka dakilang biyaya ng Diyos na nasa inyo.
|
|
\v 15 Sa Diyos nawa ang lahat ng pasasalamat sa kaniyang hindi maipaliwanag na kaloob!
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Akong si Pablo, ay nananawagan sa inyo, sa kababaang loob at kahinahunan ni Cristo. Ako ay mapagpakumbaba kapag ako ay nasa harap ninyo, ngunit matapang ako sa inyo kapag nasa malayo ako.
|
|
\v 2 Nakikiusap ako sa inyo na, kapag ako ay nasa harapan ninyo, hindi ko kailangang maging matapang at malakas ang loob. Ngunit naisip ko na kailangan kong maging matapang kapag sinagot ko ang mga nag-aakala na namumuhay kami ng naaayon sa laman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Bagaman kami ay namumuhay sa laman, hindi kami nakikipaglaban ayon sa laman.
|
|
\v 4 Dahil ang aming sandata sa aming pakikipaglaban ay hindi makalaman. Sa halip, mayroon silang dakilang kapangyarihan para wasakin ang mga kuta. Dinadala nila sa wala ang mga maling pangangatuwiran.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Winawasak din namin ang bawat pagmamataas laban sa kaalaman tungkol sa Diyos. Binibihag namin ang lahat ng kaisipan para sa pagsunod kay Cristo.
|
|
\v 6 At naghahanda kami upang parusahan ang bawat gawain ng pagsuway, hanggang sa ang inyong pagsunod ay maging ganap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Tingnan ninyo kung ano ang maliwanag na nasa inyong harapan. Kung sino man ang naniwala na siya ay kay Cristo, sana ay paalalahanan niya ang kaniyang sarili na kung siya ay kay Cristo, ganoon din kami.
|
|
\v 8 Dahil kahit na ako ay para bang nagmamalaki ng labis tungkol sa aming kapangyarihan, na ibinigay ng Panginoon sa amin upang kayo ay pagtibayin at hindi upang kayo ay wasakin, hindi ako mahihiya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ayaw kong ipakita na tinatakot ko kayo sa aking mga sulat.
|
|
\v 10 Dahil sinasabi ng ibang tao, "Ang kaniyang mga sulat ay mahalaga at makapangyarihan, ngunit ang kaniyang katawan ay mahina. Ang kaniyang mga salita ay hindi karapat-dapat na pakinggan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Hayaan nating malamanng mga taong ito na kung ano ang sinasabi namin sa sulat kung kami ay nasa malayo, ay gagawin rin namin kung kami ay nariyan.
|
|
\v 12 Hindi namin gustong ibukod ang aming mga sarili o ikumpara ang aming mga sarili sa mga pumupuri sa kanilang mga sarili. Ngunit kung susukatin man nila ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng bawat isa at ikumpara ang kanilang mga sarili sa bawat isa, wala silang mga alam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Gayon man, kami ay hindi magmamalaki ng higit sa nararapat. Sa halip, gagawin lang namin sa hangganan na itinakda sa amin ng Diyos, na umabot hanggang sa inyo.
|
|
\v 14 Sapagkat hindi kami naging palalo sa aming mga sarili nang kami ay pumunta sa inyo. Kami ang naunang pumunta sa inyo para sa ebanghelyo ni Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Hindi kami nagmamalaki ng labis tungkol sa mga gawain ng iba. Sa halip, umaasa kami na kasabay ng paglago ng inyong pananampalataya ay mas lalo pang lalawak ang lugar ng ating gawain, at nananatili sa dapat nitong hangganan.
|
|
\v 16 Umaasa kami para dito, upang maaari naming ipangaral ang ebanghelyo kahit na sa mga rehiyon na lampas sa inyo. Hindi namin ipagmamalaki ang tungkol sa gawain na ginagawa sa lugar ng iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 "Ngunit hayaan ang nagmamalaki, na magmalaki sa Panginoon."
|
|
\v 18 Sapagkat hindi ang sinasang-ayunan ng kanyang sarili ang sasang-ayunan. Sa halip, siya na sinasang-ayunan ng Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Ninanais ko na pagtiyagaan ninyo ako sa ilan sa aking kamangmangan. Ngunit ako nga ay inyong pinagtitiyagaan!
|
|
\v 2 Sapagkat ako ay naninibugho sa inyo. Ako ay may maka-diyos na panibugho sa inyo sapagkat ipinangako ko kayo na mapangasawa ng isang lalaki. Ako ay nangako na ihaharap kayong dalisay na birhen kay Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ngunit ako ay natatakot na baka katulad ni Eba, kayo ay malinlang ng ahas sa kaniyang pagiging tuso, at ang inyong kaisipan ay maaring mailayo sa tapat at dalisay na pananalig kay Cristo.
|
|
\v 4 Sapagkat ipagpalagay na may dumating at ipahayag ang ibang Jesus liban sa aming ipinangaral. O ipagpalagay na kayo ay tumanggap ng ibang espiritu liban sa inyong tinanggap. O ipagpalagay na kayo ay tumanggap ng ibang ebanghelyo liban sa inyong tinanggap. Labis na ninyong pinapayagan ang mga ganitong bagay!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sapagkat sa tingin ko, hindi ako ang pinakamababa sa mga tinatawag na pinakamagagaling na mga apostol.
|
|
\v 6 Ngunit kahit na ako ay hindi nagsanay sa pananalita, ako ay hindi kapos sa kaalaman. Sa bawat pagkakataon at sa lahat ng bagay pinaalam namin ito sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ako ba ay nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili upang kayo ay maitaas? Sapagkat itinuro ko sa inyo ang mabuting balita ng Diyos ng walang bayad.
|
|
\v 8 Ninakawan ko ang ibang mga iglesia sa pamamagitan ng pagtanggap ko ng kanilang tulong upang kayo ay aking mapaglingkuran.
|
|
\v 9 Noong ako ay na sa inyo at nangangailangan, hindi ako naging pabigat sa kahit na sino. Sapagkat ang aking mga pangangailangan ay tinugunan ng mga kapatid na galing sa Macedonia. Sa lahat ng bagay iniwasan ko na maging pabigat sa inyo at ipagpapatuloy kong gawin iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Gaya ng katotohanan ni Cristo na nasa akin, ang pagmamayabang kong ito ay hindi mapatatahimik sa mga bahagi ng Acaya.
|
|
\v 11 Bakit? Dahil ba hindi ko kayo mahal? Alam ng Diyos na kayo ay aking minamahal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ngunit ang aking ginagawa, ay gagawin ko rin. Gagawin ko ito upang maputol ang pagkakataon ng mga nagnanais ng pagkakataon na maging katulad namin sa kanilang mga pinagmamayabang.
|
|
\v 13 Sapagkat ang mga ganoong tao ay hindi totoong apostol at mapanlinlang na mga manggagawa. Sila ay nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 At ito ay hindi na nakakagulat sapagkat kahit si Satanas ay nagpanggap na isang anghel ng liwanag.
|
|
\v 15 Ito ay hindi labis na nakagugulat kung ang kaniyang mga alagad ay nagbabalat kayo rin na mga alagad ng katuwiran. Ang kanilang kapalaran ay kung ano ang nararapat sa kanilang mga gawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sinasabi ko ulit: Huwag isipin ng kahit na sino man na ako ay mangmang. Ngunit kung ganoon nga ang inyong iniisip, tanggapin ninyo ako tulad ng isang mangmang upang ako ay makapagyabang ng kaunti.
|
|
\v 17 Ang aking sinasabi tungkol sa mayabang na lakas ng loob na ito ay hindi pinapayagan ng Panginoon ngunit ako ay nagsasalita tulad ng isang mangmang.
|
|
\v 18 Dahil maraming tao ang nagyayabang na naaayon sa laman, ako rin ay magyayabang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sapagkat masaya ninyong pinagtitiyagaan ang mga mangmang. Kayo mismo ay matatalino!
|
|
\v 20 Sapagkat pinagtityagaan ninyo ang umaalipin sa inyo, kung siya ay nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi sa inyo, kung siya ay nanlalamang sa inyo, kung siya ay nagyayabang, o sinampal niya kayo sa mukha.
|
|
\v 21 Nahihiya kong sasabin na kami ay labis na mahihina para gawin iyon. Ngunit kung magyayabang—ang iba ako ay nagsasalita na tulad ng isang mangmang—ako rin ay magyayabang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Sila ba ay mga Hebreo? Ako rin. Sila ba ay mga Israelita? Ako rin. Sila ba ay mula sa kaapu-apuhan ni Abraham? Ako rin.
|
|
\v 23 Sila ba ay mga alagad ni Cristo? (Ako ay nagsasalita na para bang ako ay wala sa aking tamang pag-iisip.) Lalong lalo na ako. Ako ay higit na nakaranas ng mabigat na trabaho, sa mas maraming bilangguan, nakaranas ng hindi mabilang na pamamalo, humarap sa panganib ng kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Mula sa mga Judio nakatanggap ako ng limang "apatnapung latigo binawasan ng isa".
|
|
\v 25 Tatlong beses akong pinalo ng tungkod. Minsang binato. Tatlong beses na nawasak ang barko na aking sinasakyan. nakaranas akong magdamag at buong araw na nasa karagatan.
|
|
\v 26 Ako ay madalas na nasa paglalakbay, nanganib mula sa mga ilog, nanganib mula sa mga magnanakaw, nanganib mula sa aking mga kababayan, nanganib mula sa mga Gentil, nanganib sa lungsod, nanganib sa ilang, nanganib sa karagatan, nanganib mula sa mapagpanggap na mga kapatid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Ako ay nakaranas ng matinding trabaho at paghihirap, mga gabi na walang tulog, madalas na nagugutom at nauuhaw, madalas na nag-aayuno, giniginaw at walang maisuot.
|
|
\v 28 Bukod pa sa lahat ng ito, araw-araw ang panggigipit sa akin ng aking pag-aalala sa lahat ng mga iglesiya. Kung sinuman ang nanghihina, ako rin ay nanghihina?
|
|
\v 29 Sino ang naging dahilan ng pagkahulog ng isa sa kasalan, na hindi ako nagalit?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Kung ako ay magyayabang. Ako ay magyayabang tungkol sa mga nagpapakita ng aking kahinaan.
|
|
\v 31 Ang Diyos at ang Ama ng Panginoong Jesus, siya na pinupuri magpakailanman, alam niya na hindi ako nagsisinungaling!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Sa Damascus, ang gobernador sa ilalim ni haring Aretas ay binabantayan ang lungsod ng Damasco upang ako ay huliin.
|
|
\v 33 Ngunit ako ay ibinaba sa bintana sa pader gamit ang basket at ako ay nakatakas mula sa kaniyang mga kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Dapat akong magyabang, ngunit walang mapapala dito. Ngunit ako ay magpapatuloy sa mga pangitain at mga pahayag na mula sa Panginoon.
|
|
\v 2 Ako ay may kilalang tao kay Cristo, labing apat na taon na ang nakararaan—kung sa katawan o hindi sa katawan, hindi ko alam, alam ng Diyos— na dinala sa ikatlong langit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 At alam ko na ang taong ito—kung sa katawan o hindi sa katawan, hindi ko alam, alam ng Diyos—
|
|
\v 4 na dinala sa paraiso at narinig ang mga bagay na labis na sagrado na sabihin ng kahit na sino.
|
|
\v 5 Para sa tulad ng tao na iyon ako ay magyayabang. Ngunit para sa akin hindi ako magyayabang, maliban sa aking mga kahinaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kung gusto kong magyabang, hindi ako magiging mangmang sapagkat sasabihin ko ang katotohanan. Ngunit pipigilan kong magmayabang upang walang mag-isip na ako ay higit sa kung anong nakikita sa akin o naririnig mula sa akin.
|
|
\v 7 Pipigilan ko rin na magmayabang dahil sa hindi pangkaraniwang uri na mga pahayag na iyon. Kung kaya, upang ako ay hindi mapuno ng pagmamalaki, isang tinik sa laman ang ibinigay sa akin, isang mensahero mula kay Satanas upang ako ay guluhin at ng ako ay hindi labis na maging mapagmataas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Tatlong beses akong nagmakaawa sa Panginoon tungkol dito, para tanggalin ito sa akin.
|
|
\v 9 At sinabi niya sa akin, "Ang aking biyaya ay sapat sa iyo, sapagkat ang kapangyarihan ay nagiging ganap sa kahinaan." Kung kaya mas mabuti pang ipagmayabang ko ang tungkol sa aking kahinaan, upang ang kapangyarihan ni Cristo ay manahan sa akin.
|
|
\v 10 Kung kaya ako ay nasisiyahan alang-alang kay Cristo, sa kahinaan man, sa panglalait man, sa kaguluhan man, sa pagmamalupit man, sa mga pangyayari man na nakapagbibigay ng kapighatian. Sa tuwing ako ay mahina, saka ako malakas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Ako ay naging isang mangmang! Pinilit ninyo ako na gawin ito, kahit kayo sana ang dapat pumuri sa akin. Sapagkat hindi ako mababa kaysa sa mga tinatawag na matatalinong apostol na iyan, kahit na ako ay walang silbi.
|
|
\v 12 Ang tunay na palatandaan ng isang apostol ay ginawa sa inyo ng buong pagtitiyaga, ang mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay at mga dakilang gawa.
|
|
\v 13 Kaya paanong kayo ay mas hindi pinapahalagahan kaysa sa ibang mga iglesiya, maliban na lang na ako ay hindi naging pabigat sa inyo? Patawarin ninyo ako sa ganitong kamalian!
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Tingnan niyo! Ako ay handang pumunta sa inyo sa ikatlong pagkakataon. Ako ay hindi magiging pabigat sa inyo sapagkat hindi ko gusto ang anumang nasa inyo. Kayo ang gusto ko. Sapagkat ang mga anak ay hindi dapat mag-ipon para sa mga magulang. Sa halip, ang mga magulang ang dapat mag-ipon para sa mga anak.
|
|
\v 15 Ako ay labis na matutuwa na gumugol at mapagod para sa inyong mga kaluluwa. Kung mahal ko kayo ng labis, dapat ba akong mahalin ng kakaunti?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ngunit ganoon nga, hindi ako naging pabigat sa inyo. Ngunit dahil ako ay tuso, kayo ay aking nahuli sa pamamagitan ng panlinlang.
|
|
\v 17 Kayo ba ay nilamangan ko sa pamamagitan ng aking mga isinugo sa inyo?
|
|
\v 18 Pinakiusapan ko si Tito na pumunta sa inyo, at pinasama ko sa kaniya ang isang kapatid. Nilamangan ba kayo ni Tito? Hindi ba tayo lumakad sa parehong paraan?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sa tingin niyo ba sa buong panahon ay ipinagtatanggol namin ang aming mga sarili sa inyo? Sa paningin ng Diyos, ayon sa kalooban ni Cristo ipinagsasabi namin ang lahat para sa inyong kalakasan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Sapagkat ako ay nangangamba na baka hindi ko makita sa inyo ang aking inaasahan. Ako ay nangangamba na baka hindi niyo makita sa akin ang inyong inaasahan. Ako ay nangangamba na baka mayroong pagtatalo, pagkainggit, pagsilakbo ng galit, makasariling hangarin, usap-usapan, pagmamataas at kaguluhan.
|
|
\v 21 Ako ay nangangamba na sa aking pagbalik, ibaba ako ng aking Diyos sa inyong harapan. Ako ay nangangamba na baka ako ay magdalamhati dahil sa maraming nagkasala noon, at sa mga hindi nagsisi mula sa karumihan at pangangalunya at kahalayan na kanilang nakaugalian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Ito na ang pangatlong pagkakataon na ako ay pupunta sa inyo. "Ang bawat paratang ay dapat pagtibayin ng patotoo ng dalawa o tatlong saksi."
|
|
\v 2 Sinabi ko na sa mga nagkasala noon at sa lahat, noong ikalawang pagpunta ko riyan, at sasabihin kong muli: Sa aking pagbabalik, hindi ko na sila patatawarin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sinasabi ko ito sa inyo dahil kayo ay naghahanap ng katibayan na si Cristo ay nagsasalita sa pamamagitan ko. Hindi siya mahina patungkol sa inyo. Sa halip, siya ay makapangyarihan sa inyo.
|
|
\v 4 Sapagkat siya ay naipako sa kahinaan ngunit siya ay buhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sapagka't kami rin ay mahina ngunit kami ay mabubuhay kasama niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos na nasa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Suriin ninyo ang inyong sarili upang makita ninyo kung kayo ay namumuhay sa pananampalataya. Subukin ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ba ninyo napagtanto na si Jesu-Cristo ay nasa inyo? Siya ay nasa inyo maliban kung kayo ay hindi pinagtibay.
|
|
\v 6 At ako ay nakatitiyak na kami ay makikita ninyong pinagtibay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngayon kami ay nananalangin sa Diyos na sana kayo ay hindi gumawa ng kahit anong mali. Hindi ko pinapanalangin na kami ay lumabas na parang nakapasa sa pagsubok, sa halip, dalangin ko na sana gawin ninyo kung ano ang tama, kahit na parang hindi kami pumasa sa pagsubok.
|
|
\v 8 Sapagka't hindi namin maaring gawin ang kahit anong laban sa katotohanan, ngunit para lamang sa katotohanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sapagkat kami ay nagagalak kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Dalangin din namin na kayo ay maging ganap.
|
|
\v 10 Sinulat ko ang mga bagay na ito habang ako ay malayo sa inyo upang kung ako ay kasama na ninyo hindi ko na kailangang maging malupit sa inyo. Ayaw kong gamitin ang kapangyarihan na ibinigay sa akin ng Panginoon upang pagtibayin kayo at hindi upang kayo ay sirain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sa wakas, mga kapatid, kayo ay magalak! Gumawa para sa panunumbalik, maging masigla, magkaisa kayo, mamuhay ng may kapayapaan. At ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay mapapasainyo.
|
|
\v 12 Batiin ninyo ang isa't isa ng banal na halik.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Lahat ng mananampalataya ay binabati kayo.
|
|
\v 14 Nawa ang biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo, ang pag-ibig ng Diyos at ang pakikisama ng Banal na Espiritu ay sumainyo.
|