forked from WA-Catalog/tl_ulb
2616 lines
271 KiB
Plaintext
2616 lines
271 KiB
Plaintext
\id JER
|
||
\ide UTF-8
|
||
\h Jeremias
|
||
\toc1 Jeremias
|
||
\toc2 Jeremias
|
||
\toc3 jer
|
||
\mt Jeremias
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 1
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita ni Jeremias na anak ni Hilkias, isa siya sa mga pari sa Anatot sa lupain ng Benjamin.
|
||
\v 2 Dumating sa kaniya ang salita ni Yahweh noong ikalabintatlong taon ng paghahari ni Josias na anak ni Ammon na hari ng Juda.
|
||
\v 3 Muli itong dumating sa mga araw ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda hanggang sa ikalimang buwan ng ikalabing isang taon ng paghahari ni Zedekias na anak ni Josias na hari ng Juda, nang binihag ang mga taga-Jerusalem bilang mga bilanggo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh na nagsasabi,
|
||
\v 5 "Bago kita binuo sa sinapupunan, pinili na kita. Bago ka ipanganak, itinalaga na kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa."
|
||
\v 6 "O! Panginoong Yahweh!" Sinabi ko, "Hindi ako marunong magsalita sapagkat napakabata ko pa."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Ngunit sinabi sa akin ni Yahweh, "Huwag mong sabihin na, 'Napakabata ko pa.' Dapat kang pumunta saanman kita ipadala at dapat mong sabihin ang anumang iuutos ko sa iyo!
|
||
\v 8 Huwag kang matakot sa kanila sapagkat sasamahan kita upang iligtas ka. Ito ang pahayag ni Yawheh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Pagkatapos, iniabot ni Yahweh ang kaniyang kamay, hinipo niya ang aking bibig at sinabi, "Ngayon, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig.
|
||
\v 10 Hinihirang kita ngayon sa mga bansa at sa mga kaharian upang magbunot at magpabagsak, magsira at magwasak, magtayo at magtatag.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Dumating ang salita ni Yahweh sa akin na nagsasabi, "Ano ang iyong nakikita Jeremias?" Sinabi ko, "Nakikita ko ang sanga ng almendra."
|
||
\v 12 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakita mong mabuti, sapagkat nagbabantay ako sa aking mga salita upang maisakatuparan ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh sa pangalawang pagkakataon at sinabi, "Ano ang iyong nakikita? "Sinabi ko, "Nakikita ko ang isang pinakuluan na palayok, na nakatagilid mula sa hilaga."
|
||
\v 14 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Kapahamakan ang mangyayari sa lahat ng naninirahan sa lupaing ito na magmumula sa hilaga."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Sapagkat tinatawagan ko ang lahat ng tribo sa mga hilagang kaharian, pahayag ni Yahweh. Darating sila at ilalagay nila ang kanilang trono sa pasukan sa mga tarangkahan ng Jerusalem, laban sa lahat ng pader na nakapaligid dito, at laban sa lahat ng mga lungsod ng Juda.
|
||
\v 16 Ihahayag ko ang hatol laban sa kanila dahil sa lahat ng kanilang kasamaan sa pagtalikod sa akin, sa pagsusunog ng mga insenso sa ibang mga diyos at sa pagsamba sa mga ginawa ng sarili nilang mga kamay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Ihanda mo ang iyong sarili! Tumayo ka at sabihin mo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwag kang manlupaypay sa kanila, baka panlupaypayin kita sa harapan nila!
|
||
\v 18 Tingnan mo! Ngayong araw, ginawa kitang matatag na lungsod, isang haliging bakal at mga pader na tanso laban sa buong lupain, laban sa mga hari ng Juda at sa kanilang mga opisyal, sa mga pari at ng mga tao sa lupain.
|
||
\v 19 Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nila matatalo sapagkat sasamahan kita upang iligtas ka. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 2
|
||
\p
|
||
\v 1 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
|
||
\v 2 "Pumunta ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Alang-alang sa iyo, inaalala ko ang iyong pangako ng katapatan sa iyong kabataan, ang iyong pag-ibig nang magkasundo tayong magpakasal, nang sundan mo ako sa ilang, ang lupain na walang tanim.
|
||
\v 3 Nakalaan ang Israel para kay Yahweh, ang unang bunga ng mga ani! Nagkakasala ang lahat ng kumain mula sa mga unang bunga! Darating ang kasamaan sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, sambahayan ni Jacob at bawat pamilya sa sambahayan ng Israel.
|
||
\v 5 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Ano ang pagkakamaling nakita sa akin ng inyong mga ama upang lumayo sila sa pagsunod sa akin? At sumunod sila sa mga walang kabuluhang diyus-diyosan at sila mismo ay naging walang kabuluhan?
|
||
\v 6 Hindi nila sinabi, 'Nasaan si Yahweh, ang nagpalaya sa atin mula sa lupain ng Egipto? Nasaan si Yahweh, ang nanguna sa atin sa ilang sa lupain ng Araba, sa may tuyong hukay at madilim na lupain, ang lupaing hindi nilalakaran at walang sinuman ang naninirahan?'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Ngunit dinala ko kayo sa lupain ng Carmel upang kainin ang mga bunga nito at iba pang mga magagandang bagay! Ngunit nang dumating kayo, dinungisan ninyo ang aking lupain, ginawa ninyong kasuklam-suklam ang aking mana!
|
||
\v 8 Hindi sinabi ng pari, 'Nasaan si Yawheh?' at hindi ako inalala ng mga dalubhasa sa batas! Lumabag ang mga pastol laban sa akin. Nagpahayag ang mga propeta para kay Baal at lumakad sa hindi kapaki-pakinabang na mga bagay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Kaya pararatangan ko pa rin kayo at ang anak ng inyong mga anak. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 10 Tumawid kayo sa baybayin ng Chittim at inyong tingnan. Magpadala kayo ng mga mensahero sa Cedar upang malaman at makikita ninyo kung mayroong nangyari noon na gaya nito.
|
||
\v 11 May bansa bang ipinagpalit ang mga diyos kahit hindi naman sila mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng aking mga tao ang kanilang kaluwalhatian sa hindi makakatulong sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Manginig kayo, mga kalangitan dahil dito! Masindak kayo at mangilabot. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 13 Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukal na nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sa kanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Alipin ba ang Israel? Hindi ba siya isinilang sa tahanan? Kung gayon, bakit siya ninakawan?
|
||
\v 15 Umaatungal ang mga batang leon laban sa kaniya. Nagsihiyawan sila at ginawang katakot-takot ang kaniyang lupain! Nawasak ang kaniyang mga lungsod ng walang sinuman ang naninirahan.
|
||
\v 16 Inahitan rin ng mga taga-Memfis at taga-Tafnes ang iyong bungo at ginawa kang alipin!
|
||
\v 17 Hindi mo ba ito ginawa sa iyong sarili nang talikuran mo si Yahweh na iyong Diyos habang pinangungunahan ka niya sa iyong paglalakbay?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Kaya ngayon, bakit ka pupunta sa Egipto at iinom ng tubig sa Sikor? Bakit ka pupunta sa Asiria at iinom ng tubig sa Ilog ng Eufrates?
|
||
\v 19 Sinasaway ka ng iyong kasamaan at pinarurusahan ka ng iyong kataksilan. Kaya pag-isipan mo ito, unawain mo na masama at mapait para sa iyo na talikuran ako at hindi na ako katakutan, akong si Yahweh na iyong Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Sapagkat sinira ko ang iyong pamatok na mayroon ka noong mga sinaunang araw, sinira ko ang iyong mga tanikala. Ngunit sinabi mo pa rin, 'Hindi ako maglilingkod!' sapagkat yumuko ka sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat madahong puno, ikaw na mangangalunya.
|
||
\v 21 Ngunit ako mismo ang nagtanim sa iyo bilang isang piniling puno ng ubas, na isang tunay na binhi. Ngunit papaanong nagbago ka sa akin, isang hindi tapat mula sa ibang puno ng ubas!
|
||
\v 22 Sapagkat kahit linisin mo ang iyong sarili sa ilog o maghugas ka ng matapang na sabon, ang iyong pagkakasala ay isang bahid sa aking harapan. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Paano mo nasasabi, "Hindi ako nadungisan! Hindi ako sumunod sa mga Baal? Tingnan mo ang iyong pag-uugali sa mga lambak! Unawain mo ang iyong ginawa, para kang kamelyo na nagmamadaling tumakbo sa sarili nitong daan!
|
||
\v 24 Isa kang mailap na asno, na sanay sa ilang, nananabik sa buhay at humihingal sa walang kabuluhang hangin! Sino ang makapagbabalik sa kaniya kapag siya ay nag-iinit? Hindi mapapagod ang sinumang maghahanap sa kaniya. Pinupuntahan siya sa kabuwanan ng kaniyang pag-iinit.
|
||
\v 25 Dapat mong iwasan na walang suot ang iyong mga paa at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw! Ngunit sinabi mo, 'Walang pag-asa! Hindi, iniibig ko ang mga dayuhan at sasama ako sa kanila!'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Katulad ng kahihiyan ng isang magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon din ang kahihiyan ng sambahayan ng Israel. Sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, at mga propeta!
|
||
\v 27 Sila ang mga nagsabi sa puno, 'Ikaw ang aking ama,' at sa bato, 'Ipinanganak mo ako.' Sapagkat nakaharap sa akin ang kanilang likuran at hindi ang kanilang mga mukha. Gayunpaman, sinasabi nila sa oras ng mga kaguluhan, 'Tumayo ka at iligtas mo kami!'
|
||
\v 28 Ngunit nasaan ang mga diyos na inyong ginawa para sa inyong mga sarili? Patayuin ninyo sila kung nais nila kayong iligtas sa oras ng inyong mga kaguluhan, sapagkat kasindami ng inyong diyos ang inyong mga lungsod, oh Juda!
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 Kaya bakit ninyo ako pinararatangan na gumagawa ng masama? Nagkasala kayong lahat sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 30 Pinarusahan ko ang inyong mga tao ng walang kabuluhan. Hindi nila tinanggap ang pagtutuwid. Nilamon ng inyong mga tabak ang mga propeta gaya ng mapaminsalang leon!
|
||
\v 31 Kayong mga nabibilang sa salinlahing ito! Bigyan ninyo ng pansin ang aking salita, ang salita ni Yahweh! Naging ilang ba ako sa Israel? O naging lupain ng matinding kadiliman? Bakit sinasabi ng aking mga tao, 'Maglibot tayo, hindi na kami pupunta sa iyo kailanman'?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 32 Makakalimutan ba ng isang birhen ang kaniyang alahas, o ang talukbong ng babaing ikakasal? Ngunit nakalimutan na ako ng aking mga tao sa hindi na mabilang na mga araw!
|
||
\v 33 Ganoon ka na lamang kahusay na humanap ng pag-ibig. Itinuro mo pa ang iyong mga pamamaraan sa mga makasalanang kababaihan.
|
||
\v 34 Nakita sa iyong mga kasuotan ang dugo ng mga dukha at walang kasalanang tao. Sila ang mga taong hindi nahuli sa mga gawaing pagnanakaw.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 35 Sa halip, sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Wala akong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh ang galit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan ka sapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.'
|
||
\v 36 Bakit ninyo itinuturing na napakadali ng pagbabagong ito sa inyong pamamaraan? Bibiguin ka rin ng Egipto gaya ng ginawa sa iyo ng Asiria.
|
||
\v 37 Malulungkot ka ring lalabas mula roon na nakapatong ang iyong mga kamay sa iyong ulo, sapagkat tinanggihan ni Yahweh ang iyong mga pinagkatiwalaan upang hindi ka nila matulungan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 3
|
||
\p
|
||
\v 1 "Sinabi nila, 'Pinapaalis ng isang lalaki ang kaniyang asawa, kaya umalis siya at naging asawa ng ibang lalaki. Dapat ba siyang bumalik muli sa kaniyang asawang babae? Hindi ba siya ganap ng marumi?' Ang babaing iyan ay ang lupaing ito! Kumilos ka na gaya ng babaing bayaran na may maraming kakampi at ngayon nais mo bang bumalik sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 2 Tumingala ka sa mga tigang na burol at tingnan mo! Saan ka hindi nakipagsiping? Nakaupo ka sa mga tabing-daan at hinihintay ang iyong mga mangingibig, gaya ng isang taong pagala-gala sa ilang. Dinungisan mo ang lupain ng iyong kahalayan at kasamaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Kaya pinigilan ko ang pagbuhos ng ulan ng tagsibol at hindi na pumatak ang huling ulan. Ngunit mapagmataas ang iyong mukha, gaya ng mukha ng babaing bayaran. Tinanggihan mong maramdaman ang kahihiyan.
|
||
\v 4 Hindi ka ba tatawag sa akin simula sa oras na ito, 'Aking ama! Ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan magmula pa sa aking kabataan.
|
||
\v 5 Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bang itatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mo na gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kaya ipagpatuloy mo itong gawin!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Kaya sinabi sa akin ni Yahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo ba kung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungo siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilos gaya ng babaing bayaran.
|
||
\v 7 Sinabi ko, 'Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga bagay na ito, babalik siya sa akin,' ngunit hindi siya bumalik. At nakita ng taksil niyang kapatid na Juda ang kaniyang ginawa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Kaya nakita ko na sa lahat ng mga dahilang ito, nangalunya siya. Israel na tuluyang tumalikod! Pinalayas ko siya at binigyan ng mga atas ng pakikipaghiwalay. Ngunit hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda, lumabas at kumilos din siya gaya ng babaing bayaran!
|
||
\v 9 Walang halaga sa kaniya na dinungisan niya ang lupain, kaya gumawa sila ng mga diyus-diyosan mula sa bato at punongkahoy.
|
||
\v 10 At pagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nang buong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundi isang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 At sinabi ni Yahweh sa akin, "Ang taksil na Israel ay mas matuwid kaysa sa taksil na Juda!
|
||
\v 12 Pumunta ka at ihayag ang mga salitang ito sa hilaga. Sabihin mo, 'Magbalik ka taksil na Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat tapat ako, hindi ako mananatiling galit magpakailanman. Ito ang pahayag ni Yahweh
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Aminin mo ang iyong malaking kasalanan, sapagkat lumabag ka laban kay Yahweh na iyong Diyos, nakisama ka sa mga dayuhan sa ilalim ng bawat mayabong na punongkahoy! Sapagkat hindi mo pinakinggan ang aking tinig! Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 14 Magbalik kayo mga taksil na tao! Sapagkat pinakasalan ko kayo! Kukunin ko kayo, isa sa isang lungsod, dalawa sa isang angkan at dadalhin ko kayo sa Zion! Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 15 Bibigyan ko kayo ng mga pastol na umiibig sa akin at pamumunuan nila kayo nang may katalinuhan at kaalaman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 At mangyayari nga na dadami kayo at mamumunga sa lupain sa mga araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi na nila sasabihin, "Ang kaban ng tipan ni Yahweh!" Hindi na aalalahanin ng kanilang mga puso ang bagay na ito, sapagkat hindi na nila iisipin ang tungkol dito o bibigyang pansin ito. Ang pahayag na ito ay hindi na gagawin.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Sa oras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Ito ang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa sa Jerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakad sa katigasan ng kanilang mga masasamang puso.
|
||
\v 18 Sa mga araw na iyon, maglalakad ang sambahayan ng Juda kasama ang sambahayan ng Israel. Magkasama silang pupunta mula sa lupain sa hilaga patungo sa lupaing ibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang kanilang mana.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Para sa akin, sinabi ko, 'Gayon na lamang kita nais parangalan bilang aking anak na lalaki at bigyan ka ng kaaya-ayang lupain, isang mana na mas maganda kaysa sa anumang nasa ibang bansa!' Sasabihin ko, 'Tatawagin mo ako, "aking Ama".' Sasabihin ko na hindi ka dapat tumalikod sa pagsunod sa akin.
|
||
\v 20 Ngunit gaya ng isang babaing taksil sa kaniyang asawa, pinagtaksilan mo ako, sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 "Isang ingay ang narinig sa mga kapatagan, ang pag-iyak at pagsusumamo ng mga Israelita! Sapagkat binago nila ang kanilang mga pamamaraan, nilimot nila ako, si Yahweh na kanilang Diyos.
|
||
\v 22 Magbalik kayo, mga taong taksil! Pagagalingin ko kayo sa inyong kataksilan!" "Masdan! Lalapit kami sa iyo, sapagkat ikaw si Yahweh na aming Diyos!
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Kasinungalingan lamang ang nagmumula sa mga burol, mula sa mga kabundukan. Tiyak na ang kaligtasan ng Israel ay na kay Yahweh lamang na ating Diyos.
|
||
\v 24 Ngunit inubos ng kahiya-hiyang mga diyus-diyosan ang pinaghirapan ng ating mga ninuno, ang kanilang mga kawan at baka, ang kanilang mga anak na lalaki at babae!
|
||
\v 25 Humiga tayo sa kahihiyan. Takpan nawa tayo ng ating kahihiyan, sapagkat nagkasala tayo kay Yahweh na ating Diyos! Tayo mismo at ang ating mga ninuno, mula sa panahon ng ating kabataan hanggang sa kasalukuyan ay hindi nakinig sa tinig ni Yahweh na ating Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 4
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang pahayag ni Yahweh. "Kung babalik ka Israel, dapat lamang na sa akin ka bumalik. Kung inalis mo ang mga kasuklam-suklam na bagay sa aking harapan at hindi na lilihis muli sa akin
|
||
\v 2 at kung ipapangako mo, 'Namumuhay si Yahweh sa katotohanan, katarungan at katuwiran,' hihilingin ng mga bansa ang aking pagpapala at pupurihin nila ako.
|
||
\v 3 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh sa bawat tao sa Juda at Jerusalem, 'Bungkalin ninyo ang sarili ninyong lupain at huwag kayong maghasik sa mga matitinik.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Maging tuli kay Yahweh at alisin ninyo ang kasamaang bumabalot sa inyong puso, mga kalalakihan ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem, kung hindi, lalabas ang aking galit gaya ng apoy at sunog na walang sinumang makapapatay nito. Mangyayari ito dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.
|
||
\v 5 Ibalita sa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem. Sabihin ninyo, "Hipan ang trumpeta sa lupain." Ihayag ninyo, 'Magtipun-tipon. Pumunta tayo sa matitibay na mga lungsod."
|
||
\v 6 Itaas ang bandilang panghudyat at ituro ito sa Zion at tumakbo para sa kaligtasan! Huwag kayong manatili sapagkat magdudulot ako ng sakuna mula sa hilaga at isang malaking pagkawasak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Isang leon ang paparating mula sa kasukalan at naghahanda na ang wawasak ng mga bansa. Iiwan niya ang kaniyang lugar upang magdala ng matinding takot sa inyong lupain, upang wasakin ang inyong mga lungsod kung saan walang sinuman ang maninirahan.
|
||
\v 8 Dahil dito, magsuot kayo ng damit panluksa, magsipanaghoy at magsitangis. Sapagkat hindi nawala ang matinding poot ni Yahweh sa atin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Ito ang pahayag ni Yahweh. At mangyayari ito sa araw na iyon, na ang puso ng hari at ng kaniyang mga opisyal ay mamamatay. Manlulumo ang mga pari at manginginig sa takot ang mga propeta.'"
|
||
\v 10 Kaya sinabi ko, 'Oh! Panginoong Yahweh. Tunay nga na nilinlang mo ng lubusan ang mga taong ito at ang Jerusalem sa pagsasabi, 'Magkakaroon kayo ng kapayapaan.' Ngunit nag-aaklas ang mga espada laban sa kanilang mga buhay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Sa oras na iyon, sasabihin ito sa mga tao at sa Jerusalem, "Isang nag-aapoy na hangin mula sa mga kapatagan sa disyerto ang darating sa anak na babae ng aking mga tao. Hindi ito ang magtatahip o maglilinis sa kanila.
|
||
\v 12 Isang hangin na mas malakas pa dito ang darating sa aking utos, at ngayon ay hahatulan ko sila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Tingnan ninyo, lumulusob siya katulad ng mga ulap at ang kaniyang mga karwahe ay gaya ng isang bagyo. Ang kaniyang mga kabayo ay mas mabilis pa kaysa sa mga agila. Kaawa-awa tayo sapagkat mawawasak tayo!
|
||
\v 14 Linisin mo ang iyong puso mula sa kasamaan, Jerusalem, upang ikaw ay maaaring maligtas. Gaano katagal mong iisipin ng malalim ang tungkol sa kung paano magkasala?
|
||
\v 15 Sapagkat ang isang tinig ay nagdadala ng mga balita mula sa Dan at narinig ang paparating na sakuna mula sa kabundukan ng Efraim.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Hayaang isipin ng mga bansa ang tungkol dito. Tingnan ninyo, ipahayag ninyo sa Jerusalem na paparating ang mga mananakop sa malayong lupain upang sumigaw ng pakikidigma laban sa mga lungsod ng Juda.
|
||
\v 17 Magiging tulad sila ng mga kalalakihang tagapagbantay na nakapalibot sa sinasakang bukid, sapagkat naghihimagsik siya laban sa akin.
|
||
\v 18 At ang iyong mga pag-uugali at mga gawain ang gumawa ng mga bagay na ito sa iyo. Ito ang magiging kaparusahan mo. Magiging katakot-takot ito! Tatagos ito sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang aking puso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimik sapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyat ng labanan.
|
||
\v 20 Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba ang inihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain. Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang aking tolda.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Gaano katagal kong makikita ang pamantayan? Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli?
|
||
\v 22 Sapagkat ang kahangalan ng aking mga tao ay hindi nila ako kilala. Mga hangal silang tao at wala silang pang-unawa. Mahusay sila sa paggawa ng kasamaan ngunit hindi nila alam ang gumawa ng kabutihan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Nakita ko ang lupain at tingnan mo! Wala itong hugis at walang laman. Sapagkat walang liwanag sa kalangitan.
|
||
\v 24 Tiningnan ko ang mga kabundukan. Masdan, nanginginig sila at nayayanig ang lahat ng mga burol.
|
||
\v 25 Tumingin ako. Masdan, wala ni isa man at nagsitakas ang lahat ng ibon sa kalangitan.
|
||
\v 26 Tumingin ako. Masdan, ang mga halamanan ay naging isang ilang at ang lahat ng mga lungsod ay pinabagsak sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kaniyang matinding poot."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Ang lahat ng lupain ay mawawasak, ngunit hindi ko sila lubos na sisirain.
|
||
\v 28 Sa kadahilanang ito, magdadalamhati ang lupain at ang kalangitan sa itaas ay magdidilim. Sapagkat inihayag ko ang aking mga layunin, hindi ko ito babawiin, hindi ko tatalikuran ang pagpapatupad ng mga ito.
|
||
\v 29 Ang bawat lungsod ay tatakas mula sa ingay ng mga mangangabayo at mamamana, tatakbo sila sa kagubatan. Bawat lungsod ay aakyat sa mga mabatong lugar. Mapapabayaan ang mga lungsod, sapagkat walang sinuman ang maninirahan dito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Ngayong nawasak ka na, ano ang gagawin mo? Bagaman nakasuot ka ng mapulang damit, nakagayak ng gintong alahas at pinalalaki ng pintang pampaganda ang iyong mga mata, itinakwil ka na ng mga kalalakihang nagnasa sa iyo. Sa halip, sinusubukan ka nilang patayin.
|
||
\v 31 Kaya narinig ko ang ingay ng pagdadalamhati, pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay ng anak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina ako dahil sa mga mamamatay-taong ito.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 5
|
||
\p
|
||
\v 1 "Magmadali ka sa mga lansangan ng Jerusalem, maghanap din sa mga pamilihan ng kaniyang lungsod. Tingnan at pag-isipan ang tungkol dito. Kung makakatagpo ka ng tao o sinumang kumikilos nang makatarungan at sinusubukang kumilos nang tapat, patatawarin ko ang Jerusalem.
|
||
\v 2 Kahit na sinasabi nila, 'Sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh,' sumusumpa sila ng hindi totoo."
|
||
\v 3 Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sa katapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi sila nakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunit tumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisiplina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato ang kanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Kaya sinabi ko, "Totoong mahihirap lamang ang mga taong ito. Mga hangal sila, sapagkat hindi nila alam ang mga pamamaraan ni Yahweh ni ang mga atas ng kanilang Diyos.
|
||
\v 5 Pupuntahan ko ang mga mahahalagang tao at ihahayag sa kanila ang mga mensahe ng Diyos, dahil kahit papaano ay alam nila ang mga pamamaraan ni Yahweh, ang mga atas ng kanilang Diyos. Ngunit sama-sama nilang sinira ang kanilang mga pamatok, sinira nila ang mga tanikalang nag-uugnay sa kanila sa Diyos.
|
||
\v 6 Kaya isang leon mula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobo mula sa Araba ang wawasak sa kanila. Isang nagkukubling leopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod. Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain. Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Ang kanilang kataksilan ay walang hangganan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Bakit ko patatawarin ang mga taong ito? Tinalikuran ako ng iyong mga anak at sumumpa sa mga hindi diyos. Binusog ko sila, ngunit nangalunya sila at ginugol ang mga panahon sa bahay aliwan.
|
||
\v 8 Mga kabayo silang nag-iinit. Naglilibot sila sa kagustuhang makipagtalik. Bawat lalaki ay humahalinghing sa asawa ng kaniyang kapwa.
|
||
\v 9 Kaya hindi ko ba sila dapat parusahan at hindi ko ba dapat ipaghiganti ang aking sarili sa bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Akyatin ninyo ang bakuran ng kaniyang mga ubasan at wasakin. Ngunit huwag silang lubusang wasakin. Putulin ang kanilang mga puno ng ubas, sapagkat ang mga puno ng ubas na iyon ay hindi galing kay Yahweh.
|
||
\v 11 Sapagkat labis akong pinagtaksilan ng mga sambahayan ng Israel at Juda. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 12 At ikinaila nila ako. Sinabi nila, 'Hindi siya totoo. Hindi darating sa atin ang kasamaan, ni hindi tayo makakakita ng espada o taggutom.
|
||
\v 13 Sapagkat naging walang silbi ang mga propeta gaya ng hangin at wala ni isa ang magpapahayag sa atin ng mga mensahe ni Yahweh. Hayaang dumating sa kanilang mga sarili ang kanilang mga pagbabanta.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Kaya sinabi ito ni Yahweh na Diyos ng mga hukbo, "Dahil sinabi ninyo ito, tingnan mo, ilalagay ko na ang aking salita sa iyong bibig. Magiging tulad ito ng apoy at ang mga taong ito ay magiging tulad ng mga kahoy! Sapagkat tutupukin sila nito.
|
||
\v 15 Tingnan ninyo! Magpapadala ako ng isang bansa mula sa malayo laban sa inyo, sambahayan ng Israel. Ito ay magtatagal na bansa at sinaunang bansa! Ito ay isang bansang hindi ninyo alam ang kanilang wika, ni maiintindihan ang kanilang sinasabi. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Ang lalagyan nito ng palaso ay tulad ng isang bukas na libingan. Lahat sila ay mga kawal.
|
||
\v 17 Kaya mauubos ang inyong ani, gayon din ang inyong mga anak at ang inyong pagkain. Kakainin nila ang inyong mga kawan at baka, kakainin nila ang mga bunga mula sa mga puno ng inyong ubas at mga puno ng igos. Pababagsakin nila sa pamamagitan ng espada ang inyong mga matitibay na lungsod na inyong pinagkakatiwalaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Ngunit kahit sa mga araw na iyon, hindi ko ninais na lubusan kayong wasakin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 19 Mangyayari ito kapag sinabi ninyo, Israel at Juda, 'Bakit ginawa ni Yahweh na ating Diyos ang lahat ng mga bagay na ito sa atin?' At sasabihin mo Jeremias sa kanila, 'Kung paanong tinalikuran ninyo si Yahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos sa inyong lupain, maglilingkod din kayo sa mga dayuhan sa isang lupaing hindi ninyo pag-aari.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Ibalita ito sa sambahayan ni Jacob at hayaang marinig ito sa Juda. Sabihin mo,
|
||
\v 21 'Pakinggan ninyo ito mga hangal na tao! Sapagkat ang mga diyus-diyosan ay walang kakayahan, may mga mata sila ngunit hindi sila nakakakita. May mga tainga sila ngunit hindi sila nakaririnig.
|
||
\v 22 Hindi ba ninyo ako kinatatakutan o manginig sa aking harapan? Naglagay ako ng mga buhangin na hangganan sa dagat, isang patuloy na atas na hindi nito nilalabag, kahit na tumataas at bumababa ang dagat, hindi pa rin nito nilalabag. Kahit pa dumagundong ang mga alon nito, hindi nito nilalagpasan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Ngunit matitigas ang puso ng mga taong ito. Naghimagsik sila at lumayo.
|
||
\v 24 Sapagkat hindi nila sinabi sa kanilang mga puso, "Matakot tayo kay Yahweh na ating Diyos, ang siyang nagdadala ng ulan, ang maaga at huling ulan sa kanilang takdang panahon at naglalaan ng mga takdang linggo ng pag-aani para sa atin."
|
||
\v 25 Ang inyong mga kasamaan ang pumigil upang mangyari ang mga bagay na ito. Ang inyong mga kasalanan ang pumigil sa mga mabubuting bagay na dumating para sa inyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Sapagkat ang mga masasamang kalalakihan ay matatagpuan sa aking mga tao. Nagbabantay sila gaya ng taong nakahandang manghuli ng mga ibon, naglalagay sila ng bitag at nanghuhuli ng mga tao.
|
||
\v 27 Katulad ng hawla na punung-puno ng mga ibon, ang kanilang mga bahay ay punung-puno ng panlilinlang. Kaya dumami sila at naging mayaman.
|
||
\v 28 Naging mataba sila at naging tanyag nang may kagalingan. Ginawa nila ang lahat ng kasamaan. Hindi nila ipinaglaban ang kapakanan ng mga tao o ang kapakanan ng mga ulila. Nagtagumpay sila kahit na hindi sila nagbigay ng katarungan sa mga nangangailangan.
|
||
\v 29 Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil sa mga bagay na ito? At hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa isang bansang gaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Naganap ang mga kasamaan at katakot-takot ang nangyari sa lupain.
|
||
\v 31 Nagpahayag ang mga propeta nang may panlilinlang at namuno ang mga pari gamit ang kanilang sariling kapangyarihan. Inibig ng aking mga tao ang mga pamamaraang ito, ngunit ano ang mangyayari sa huli?
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 6
|
||
\p
|
||
\v 1 Humanap kayo ng kaligtasan, mga tao mula sa tribo ni Benjamin, sa pamamagitan ng paglisan sa Jerusalem. Hipan ang trumpeta sa Tekoa. Magbigay ng hudyat sa Beth-Hakerem, sapagkat ang kasamaan ay lumilitaw mula sa hilaga, isang matinding pagkawasak ang paparating.
|
||
\v 2 Ang anak na babae ng Zion, mawawasak ang babaeng maganda at mahinhin.
|
||
\v 3 Pupunta sa kanila ang mga pastol at ang kanilang mga kawan. Magtatayo sila ng mga tolda sa palibot niya, magpapastol ang bawat isa sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Sasabihin ng mga hari, "Ilaan ninyo ang inyong mga sarili sa mga diyus-diyosan para sa labanan. Tumayo kayo, lulusob tayo sa tanghali. Napakasama nito na naglalaho ang liwanag ng araw at dumarating ang mga anino ng gabi.
|
||
\v 5 Ngunit lulusob tayo sa gabi at sirain ang kaniyang mga kuta."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Putulin ang kaniyang mga puno at gumawa ng mga paglusob laban sa Jerusalem. Ito ang lungsod na dapat lusubin dahil puno ito ng pang-aapi.
|
||
\v 7 Gaya ng balon na patuloy na nagbibigay ng tubig, patuloy din na gumagawa ng kasamaan ang lungsod na ito. Narinig sa kaniya ang karahasan at kaguluhan. Patuloy sa aking harapan ang pagdurusa at salot.
|
||
\v 8 Jerusalem, tanggapin mo ang pagtutuwid, kung hindi tatalikuran kita at wawasakin, isang lupain na walang maninirahan."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, "Tiyak na pupulutin nila ang mga naiwan sa Israel tulad ng isang ubasan. Muli ninyong iabot ang inyong mga kamay upang pitasin ang mga ubas mula sa mga puno nito.
|
||
\v 10 Kanino ako magsasabi at magbibigay ng babala upang makinig sila? Tingnan ninyo! May takip ang kanilang mga tainga. Hindi nila kayang bigyan ng pansin! Tingnan ninyo! Dumating sa kanila ang salita ni Yahweh upang itama sila ngunit hindi nila ito nais."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Ngunit napuno ako ng matinding poot ni Yahweh. Napagod ako sa pagpipigil nito. Sinabi niya sa akin, "Ibuhos mo ito sa mga bata sa mga lansangan at sa mga pangkat ng mga binata. Sapagkat kukunin ang bawat lalaki kasama ang kaniyang asawa at ang bawat matanda na nabibigatan ng mga taon.
|
||
\v 12 Ibibigay sa iba ang kanilang mga bahay, gayundin ang kanilang mga bukirin at mga asawa. Sapagkat lulusubin ko sa pamamagitan ng aking kamay ang mga naninirahan sa lupain. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Sapagkat mula sa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, ang bawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat na kapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, ang bawat isa sa kanila ay nandaraya.
|
||
\v 14 Ngunit pinagaling lamang nila ng bahagya ang sugat ng aking mga tao, nang sabihin nila, 'Kapayapaan! Kapayapaan!' ngunit walang kapayapaan.
|
||
\v 15 Nahiya ba sila nang gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi talaga sila nahiya, hindi sila nakaranas ng anumang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila kasama ng mga babagsak sa panahon na parurusahan ko sila. Ipapatapon sila," sabi ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.'
|
||
\v 17 Nagtalaga ako para sa inyo ng mga bantay upang pakinggan ang trumpeta. Ngunit sinabi nila, 'Hindi kami makikinig.'
|
||
\v 18 Kaya, mga bansa, makinig kayo! Tingnan ninyo, kayong mga saksi, kung ano ang mangyayari sa kanila.
|
||
\v 19 Dinggin mo, daigdig! Tingnan mo, maghahatid ako ng sakuna sa mga tao na ito, ang bunga ng kanilang mga pag-iisip. Hindi nila binigyan ng pansin ang aking salita o kautusan, sa halip itinakwil nila ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 "Ano ang kahulugan para sa akin ng pag-angat ng kamanyang mula sa Sheba? O ng mga mabangong samyo na ito mula sa malayong lupain? Hindi katanggap-tanggap sa akin ang inyong mga handog na susunugin ni ang inyong mga alay.
|
||
\v 21 Kaya sinabi ito ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, maglalagay ako ng katitisuran laban sa mga taong ito. Matitisod sila dito, ang mga ama kasama ang mga anak na lalaki. Ang mga naninirahan sa lugar na iyon at ang kanilang kapwa ay mamamatay rin.
|
||
\v 22 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, dumarating ang mga tao mula sa lupain sa hilaga. Sapagkat nahikayat na pumunta ang isang dakilang bansa mula sa malayong lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Kukuha sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng dagundong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na nakahanay bilang mga mandirigma, anak na babae ng Zion.'"
|
||
\v 24 Narinig natin ang balita tungkol sa kanila. Nabali ang ating mga kamay dahil sa kaguluhan. Napupuno tayo ng pagdadalamhati gaya ng isang babaeng magsisilang ng sanggol.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Huwag kayong pupunta sa mga bukirin at huwag kayong maglakad sa mga lansangan sapagkat ang espada ng kaaway at ang matinding takot ay nasa paligid.
|
||
\v 26 Anak na babae ng aking mga tao, magsuot kayo ng damit-panluksa at gumulong sa alikabok ng isang paglilibing para sa kaisa-isang anak. Magsagawa kayo ng mapait na paglilibing para sa inyong mga sarili sapagkat biglang darating sa atin ang taga-wasak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 "Ginawa kita, Jeremias, na susubok sa aking bayan tulad ng isang tao na sumusubok sa metal, kaya sisiyasatin mo at susubukin ang kanilang mga kaparaanan.
|
||
\v 28 Silang lahat ang pinakamatitigas ang ulo na patuloy na sinisiraan ang iba. Silang lahat ay mga tanso at bakal na nandaraya.
|
||
\v 29 Ang pang-ihip ay pinainit sa pamamagitan ng apoy na sumusunog sa kanila. Natunaw sa apoy ang tingga. Patuloy ang pagdalisay sa kanila, ngunit wala itong saysay dahil hindi natanggal ang kasamaan.
|
||
\v 30 Tatawagin silang mga itinakwil na pilak sapagkat itinakwil sila ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 7
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Yahweh,
|
||
\v 2 "Tumayo ka sa tarangkahan ng tahanan ni Yahweh at ipahayag mo ang mga salitang ito! Sabihin mo, 'Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, lahat kayong mga taga-Juda, kayong mga pumasok sa mga tarangkahan na ito upang sambahin si Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel: Gawin ninyo nang may kabutihan ang inyong mga kaparaanan at kaugalian at hahayaan ko kayong mamuhay sa lugar na ito.
|
||
\v 4 Huwag ninyong ipagkatiwala ang inyong mga sarili sa mga mapanlinlang na salita at sabihin, "Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Sapagkat kung ganap ninyong gagawing mabuti ang inyong mga kaparaanan at mga kaugalian, kung ganap ninyong ipinapakita ang katarungan sa pagitan ng isang tao at ng kaniyang kapwa.
|
||
\v 6 Kung hindi ninyo sinasamantala o inaabuso ang isang tao na naninirahan sa lupain, ang ulila o ang balo at hindi dumanak ang inosenteng dugo sa lugar na ito at hindi kayo sumunod sa ibang mga diyos para sa inyong sariling kapahamakan.
|
||
\v 7 Hahayaan ko kayong manatili sa lugar na ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno magmula pa noong unang panahon at magpakailanman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Masdan ninyo! Nagtitiwala kayo sa mga mapanlinlang na salita na hindi nakakatulong sa inyo.
|
||
\v 9 Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? At nangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay ng insenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos na hindi ninyo kilala?
|
||
\v 10 Kung gayon, pumunta ba kayo at tumayo sa aking harapan sa tahanang ito kung saan inihayag ang aking pangalan at sinabi, "Naligtas kami," kaya magagawa ninyo ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay na ito?
|
||
\v 11 Ang tahanan bang ito na nagtataglay ng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakaw sa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita ko ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 'Kaya pumunta kayo sa aking lugar na nasa Shilo, kung saan hinayaan ko ang aking pangalan na manatili doon sa simula pa at tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko doon dahil sa kasamaan ng aking mga taong Israel.
|
||
\v 13 Kaya ngayon dahil sa paggawa ninyo ng lahat ng mga kaugaliang ito, ito ang pahayag ni Yahweh, 'Paulit-ulit ko kayong sinabihan ngunit hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot.
|
||
\v 14 Kaya, kung ano ang ginawa ko sa Shilo, gagawin ko rin sa tahanang ito na tinawag sa aking pangalan, ang tahanan kung saan kayo nagtiwala, ang lugar na ito na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.
|
||
\v 15 Sapagkat palalayasin ko kayo sa aking harapan gaya ng pagpapalayas ko sa lahat ng inyong mga kapatid, ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Efraim.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 At ikaw, Jeremias, huwag kang manalangin para sa mga taong ito at huwag kang tumangis ng panaghoy o manalangin para sa kanila at huwag kang makiusap sa akin sapagkat hindi kita pakikinggan.
|
||
\v 17 Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginagawa nila sa lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
|
||
\v 18 Nagtitipon ng kahoy ang mga bata at sinisindihan ito ng kanilang mga ama! Nagmamasa ng harina ang mga kababaihan upang gumawa ng mga tinapay para sa reyna ng kalangitan at nagbubuhos ng mga inuming handog para sa ibang mga diyos upang galitin ako.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Ito ang pahayag ni Yahweh. Sinasaktan ba talaga nila ako? Hindi ba ang sarili nila ang kanilang sinasaktan, kaya nasa kanila ang kahihiyan?
|
||
\v 20 Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Tingnan ninyo, bubuhos ang aking poot at galit sa lugar na ito, sa tao at sa hayop, sa puno sa mga bukirin at sa bungang kahoy sa lupa. Aapoy ito at hindi mapapatay kailanman.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel, 'Idagdag ninyo ang mga handog na susunugin sa inyong mga alay at ang mga karne mula sa mga ito.
|
||
\v 22 Sapagkat nang pinalaya ko mula sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno, wala akong hiningi na anuman mula sa kanila. Wala akong ibinigay na utos tungkol sa handog na susunugin at sa mga alay.
|
||
\v 23 Ibinigay ko lamang sa kanila ang utos na ito, "Makinig kayo sa aking tinig at ako ang magiging Diyos ninyo at kayo ay magiging aking mga tao. Kaya lumakad kayo sa lahat ng kaparaanan na iniuutos ko sa inyo upang maging maayos ito sa inyo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhay sila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ng kanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong at hindi pasulong.
|
||
\v 25 Simula pa noong araw na lumabas sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ipinadala ko sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod at mga propeta. Nagtiyaga akong ipadala sila.
|
||
\v 26 Ngunit hindi sila nakinig sa akin. Hindi nila binigyan ng pansin. Sa halip, pinatigas nila ang kanilang mga leeg. Mas masama sila kaysa sa kanilang mga ninuno.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 Kaya ipahayag mo sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, ngunit hindi ka nila pakikinggan. Ipahayag mo sa kanila ang mga bagay na ito, ngunit hindi ka nila sasagutin.
|
||
\v 28 Sabihin mo sa kanila, 'Ito ay isang bansa na hindi nakikinig sa tinig ni Yahweh na kaniyang Diyos at hindi tumatanggap ng pagtutuwid. Nasira at naalis ang katotohanan mula sa kanilang mga bibig.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 Gupitin ninyo ang inyong buhok at mag-ahit kayo at itapon ninyo ang inyong buhok. Umawit kayo ng mga awiting panlibing sa mga bukas na lugar. Sapagkat itinakwil at tinalikuran ni Yahweh ang salinlahing ito dahil sa kaniyang matinding galit.
|
||
\v 30 Sapagkat gumawa ng kasamaan sa aking paningin ang mga anak ni Juda, inilagay nila ang mga bagay na kasuklam-suklam sa tahanan kung saan inihayag ang aking pangalan, upang dungisan ito. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 31 Pagkatapos, itinayo nila ang dambana ng Tofet na nasa lambak ng Ben Hinom. Ginawa nila ito upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak, bagay na hindi ko ipinag-utos. Hindi ito kailanman sumagi sa aking isipan.
|
||
\v 32 Kaya tingnan ninyo, paparating na ang panahon na hindi na ito tatawagin na Tofet o nayon ng Ben Hinom. Magiging lambak ito ng Pagpatay, ililibing nila sa Tofet ang mga bangkay hanggang wala nang maiiwang silid doon. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 33 Magiging pagkain ng mga ibon sa himpapawid at ng mga hayop sa lupa ang mga bangkay ng mga tao na ito at walang sinumang makakapagpaalis sa mga ito.
|
||
\v 34 Wawakasan ko ang mga lungsod ng Juda at ang mga lansangan ng Jerusalem, ang mga himig ng pagpaparangal at pagsasaya, ang mga himig ng mga lalaki at babaing ikakasal, yamang magiging isang malagim ang lupain."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 8
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang pahayag ni Yahweh, "Sa panahong iyon, ilalabas nila mula sa mga libingan ang mga buto ng mga hari ng Juda at ng mga opisyal nito, ang mga buto ng mga pari at ng mga propeta at ang mga buto ng mga naninirahan sa Jerusalem.
|
||
\v 2 Pagkatapos, ikakalat nila ang mga ito sa liwanag ng araw, ng buwan at ng mga bituin sa kalangitan, ang mga bagay na ito sa langit na kanilang sinunod at pinaglingkuran, na kanilang nilapitan at hinanap at kanilang sinamba. Hindi na muling titipunin o ililibing ang mga buto. Magiging gaya sila ng dumi sa ibabaw ng lupa.
|
||
\v 3 Sa bawat natitirang lugar kung saan ko sila ipinatapon, pipiliin nila ang kamatayan sa halip na buhay para sa kanilang mga sarili, ang lahat ng mga natitira pa mula sa masamang bansa na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, May tao bang nadapa at hindi bumangon? May tao bang naligaw at hindi sinubukang bumalik?
|
||
\v 5 Bakit ang mga taong ito, ang Jerusalem, ay tumalikod ng walang hanggang pagtalikod? Nagpatuloy sila sa pagtataksil at tumangging magsisi.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Binigyan ko sila ng pansin at pinakinggan ngunit hindi tama ang kanilang sinabi. Walang sinuman ang nagsisi sa kaniyang kasamaan, walang sinuman ang nagsabi, "Ano ang nagawa ko?" Pumupunta silang lahat kung saan nila nais, gaya ng kabayong pandigma na tumatakbo patungo sa labanan.
|
||
\v 7 Kahit ang ibon sa langit, mga kalapati, mga layang-layang at ang mga tagak ay nalalaman ang mga tamang panahon. Pumupunta ang mga ito sa kanilang mga paglilipatan sa tamang panahon ngunit hindi alam ng aking mga tao ang mga atas ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Bakit sinasabi ninyo, "Marurunong kami! At nasa amin ang kautusan ni Yahweh?" Sa katunayan tingnan ninyo! Lumikha ng panlilinlang ang mapanlinlang na panulat ng mga eskriba.
|
||
\v 9 Mapapahiya ang mga marurunong na tao. Nabigo sila at nabitag. Tingnan ninyo! Itinakwil nila ang salita ni Yahweh, kaya anong silbi ng kanilang karunungan?
|
||
\v 10 Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babae at ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-ari ng mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggang sa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sa propeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ng panlilinlang.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Sapagkat ginagamot nila ang bali ng anak na babae ng aking mga tao na para bang wala itong halaga. Sinabi nila, "Kapayapaan, Kapayapaan" ngunit walang kapayapaan.
|
||
\v 12 Nahihiya ba sila kapag gumagawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi sila nahihiya. Wala silang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila sa panahon ng kanilang kaparusahan kasama ng mga bumagsak na. Ibabagsak sila, sabi ni Yahweh.
|
||
\v 13 Ganap ko silang aalisin, ito ang pahayag ni Yahweh, hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, ni magkakaroon ng mga igos sa mga puno ng igos. Sapagkat malalanta ang mga dahon at mawawala ang ibinigay ko sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Bakit tayo nakaupo dito? Magsama-sama tayo, pumunta tayo sa mga matitibay na lungsod at magiging tahimik ang ating kamatayan doon. Sapagkat patatahimikin tayo ni Yahweh na ating Diyos. Paiinumin niya tayo ng lason yamang nagkasala tayo laban sa kaniya.
|
||
\v 15 Umaasa tayo para sa kapayapaan ngunit walang magiging mabuti. Umaasa tayo sa oras ng kagalingan, ngunit tingnan ninyo, magkakaroon ng kaguluhan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Narinig mula sa Dan ang pagsinghal ng kaniyang mga kabayong lalaki. Nayayanig ang buong daigdig sa tunog ng halinghing ng kaniyang mga malalakas na kabayo. Sapagkat darating sila at kukunin ang lupain at ang kayamanan nito, ang lungsod at ang mga naninirahan dito.
|
||
\v 17 Sapagkat tingnan ninyo, magpapadala ako sa inyo ng mga ahas, mga ulupong na hindi ninyo kayang paamuhin. Tutuklawin kayo ng mga ito, ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Walang katapusan ang aking kalungkutan at nasasaktan ang aking puso.
|
||
\v 19 Pakinggan ninyo! Ang hiyaw ng anak na babae ng aking mga tao mula sa malayong lupain! Hindi ba nasa Zion si Yahweh? O hindi ba nasa kaniya ang kaniyang hari? Bakit kaya nila sinasaktan ang aking damdamin sa pamamagitan ng kanilang mga inukit na imahen at mga walang kabuluhang diyus-diyosan ng mga dayuhan?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Lumipas na ang anihan, tapos na ang tag-init. Ngunit hindi tayo naligtas.
|
||
\v 21 Nasaktan ako dahil sa sakit na naramdaman ng anak na babae ng aking mga tao. Nagluksa ako dahil sa mga katakot-takot na bagay na nangyari sa kaniya, pinanghinaan ako ng loob.
|
||
\v 22 Wala bang lunas sa Galaad? Wala bang manggagamot doon? Bakit hindi gumagaling ang anak ng aking mga tao?
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 9
|
||
\p
|
||
\v 1 Kung maaari lamang magpalabas ng tubig ang aking ulo at maging bukal ng luha ang aking mga mata! Sapagkat nais kong umiyak sa umaga at gabi para sa mga anak ng aking mga tao na pinatay.
|
||
\v 2 Kung may makapagbibigay lamang sa akin ng isang lugar sa ilang na para sa mga manlalakbay upang panirahan, na aking mapupuntahan upang talikuran ang aking bayan. Kung maaari ko lamang silang iwanan, yamang mga nakikiapid silang lahat, isang pangkat ng mga taksil!
|
||
\v 3 Ipinahayag ni Yahweh, "Nagsasabi ang kanilang mga dila ng mga kasinungalingan, na kanilang mapanlinlang na sandata, ngunit hindi sila dakila sa katapatan sa lupa. Patuloy silang gumagawa ng masama sa iba. Hindi nila ako kilala."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Bantayan ng bawat isa sa inyo ang inyong kapwa at huwag magtiwala sa sinumang kapatid. Sapagkat mandaraya ang bawat kapatid at namumuhay sa paninirang-puri ang bawat kapwa.
|
||
\v 5 Kinukutya ng bawat isa ang kaniyang kapwa at hindi nagsasabi ng katotohanan. Nagtuturo ng mga mapanlinlang na bagay ang kanilang mga dila. Pagod na pagod sila sa paggawa ng malaking kasalanan.
|
||
\v 6 Namuhay kayo sa gitna ng pandaraya. Sa kanilang panlilinlang, tinanggihan nila akong kilalanin. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, "Tingnan ninyo, susubukin at susuriin ko sila. Ano pa ang aking gagawin para sa anak ng babae ng aking mga tao?
|
||
\v 8 Matatalas na palaso ang kanilang mga dila at nagsasalita sila ng mga bagay na kasinungalingan. Sa pamamagitan ng kanilang mga bibig, naghahayag sila ng kapayapaan sa kanilang kapwa, ngunit sa kanilang mga puso inaabangan nila sila.
|
||
\v 9 Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil sa mga bagay na ito at hindi ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa bansang tulad nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Aawit ako ng mga awiting panluksa at panaghoy para sa mga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitin para sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga ito kaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi sila makaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahat ang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan.
|
||
\v 11 Kaya gagawin kong bunton ng pagkasira ang Jerusalem, isang taguan ng mga asong-gubat. Gagawin kong mga wasak na lugar ang mga lungsod ng Juda na walang maninirahan.
|
||
\v 12 Sino ang matalinong tao na makauunawa nito? Ano ang ipinahayag ni Yahweh sa kaniya upang maaari niya itong iulat? Bakit nawasak ang kalupaan? Nawasak ito tulad ng ilang, kung saan walang sinuman ang makadadaan dito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Sinasabi ni Yahweh, "Dahil ito sa pagtalikod nila sa kautusan na aking ibinigay sa kanila at dahil hindi nila pinakinggan ang aking tinig o ipinamuhay ito.
|
||
\v 14 Ito ay dahil namuhay sila sa pamamagitan ng kanilang mga matitigas na puso at sa pagsunod sa mga Baal tulad ng itinuro sa kanila ng kanilang mga ama na gagawin nila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Kaya, ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel. 'Tingnan ninyo, pakakainin ko ang mga taong ito ng mapapait na halaman at paiinumin ng nakalalasong tubig.
|
||
\v 16 At ikakalat ko sila sa mga bansa na hindi nila nakikilala maging ng kanilang mga ninuno. Magpapadala ako ng espadang tutugis sa kanila hanggang sa ganap ko silang mawasak."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, "Unawain ninyo ito: Tawagin ninyo ang mga mang-aawit sa paglilibing at hayaan silang lumapit, magpadala kayo ng mga babaeng mahuhusay sa pagdadalamhati at hayaan silang lumapit.
|
||
\v 18 Madaliin sila at paawitin ng awiting panluksa sa atin, upang dumaloy ang luha sa ating mga mata at daluyan ng tubig ang talukap ng ating mga mata.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Sapagkat narinig sa Zion ang hiyaw ng panaghoy. 'Ganap kaming nawasak. Labis kaming nahiya, sapagkat nilisan namin ang lupain matapos nilang gibain ang aming mga tahanan.'
|
||
\v 20 Kaya kayong mga kababaihan, pakinggan ang salita ni Yahweh, bigyang pansin ang mga mensahe na nagmula sa kaniyang bibig. At turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng awiting panluksa at sa kapwa babae ng awiting panlibing.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Sapagkat dumating na ang kamatayan sa ating mga bintana, pupunta ito sa ating mga palasyo, pupuksain nito ang mga bata na nasa labas at mga kabataang nasa mga pamilihan ng lungsod.
|
||
\v 22 'Ito ang pahayag ni Yahweh. 'Ipahayag ninyo ito, Malalaglag ang mga bangkay ng mga tao tulad ng dumi sa kabukiran at tulad ng mga tangkay ng butil sa likod ng manggagapas at walang sinuman ang magtitipon sa kanila.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Huwag ninyong hayaang magyabang ang mga matatalino sa kanilang karunungan o ang mandirigma sa kaniyang kalakasan. Huwag ninyong hayaang magyabang ang mayamang tao sa kaniyang kayamanan.
|
||
\v 24 Sapagkat kung magyayabang ang isang tao sa anumang bagay, ito dapat ang mayroon sa kaniya, na mayroon siyang pang-unawa at pagkilala sa akin. Sapagkat ako si Yahweh, na gumagawa ng matapat na kasunduan, katarungan at katuwiran sa sanlibutan. Sapagkat ito ang mga bagay na aking kinagagalak. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Tingnan ninyo, darating ang mga araw na parurusahan ko ang lahat ng tuli lamang sa kanilang mga katawan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 26 Parurusahan ko ang Egipto, Juda, Edom, mga tao sa Ammon, Moab at lahat ng tao na nagpaputol ng kanilang mga buhok sa ulo, na naninirahan sa disyerto. Sapagkat hindi tuli ang lahat ng bansang ito at matigas ang puso ng lahat ng nasa sambahayan ng Israel."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 10
|
||
\p
|
||
\v 1 Pakinggan ninyo ang mga salitang ihahayag sa inyo ni Yahweh, sambahayan ng Israel.
|
||
\v 2 Ganito ang sinasabi ni Yahweh, 'Huwag ninyong pag-aralan ang mga kaparaanan ng ibang mga bansa at huwag kayong mabahala sa mga palatandaan sa mga kalangitan, sapagkat nababahala ang mga bansa ng dahil dito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Sapagkat walang kabuluhan ang mga kaugalian ng mga tao. Sapagkat may pumuputol ng punong kahoy sa kagubatan. Ang mga kamay ng manlililok ang gumagawa nito sa pamamagitan ng palakol.
|
||
\v 4 Pagkatapos, pinapalamutian nila ito ng pilak at ginto. Pinatitibay nila ito gamit ang martilyo at mga pako upang hindi ito bumagsak.
|
||
\v 5 Tulad ng panakot ng ibon sa taniman ng pipino ang mga diyus-diyosang ito sapagkat hindi sila makapagsalita ng anuman. Kailangan silang buhatin, sapagkat hindi man lang sila makahakbang. Huwag ninyo silang katakutan, sapagkat hindi nila kayang gumawa ng masama ni makagagawa ng anumang mabuti.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Wala kang katulad, Yahweh. Dakila ka at dakila ang kapangyarihan ng iyong pangalan.
|
||
\v 7 Sino ang hindi matatakot sa iyo, hari ng mga bansa? Sapagkat ito ang karapat-dapat sa iyo, sapagkat wala kang katulad sa lahat ng matatalinong tao sa mga bansa o sa lahat ng kanilang mga maharlikang kaharian.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Pare-pareho silang lahat, malulupit sila at hangal, mga alagad ng diyus-diyosan na mga kahoy lamang.
|
||
\v 9 Nagdadala sila ng pilak na pinanday mula sa Tarsis at ginto mula sa Upaz na gawa ng mga manggagawa at ng kamay ng mga panday. Asul at lila ang kanilang mga damit. Ang kanilang mga dalubhasang tauhan ang gumawa ng lahat ng bagay na ito.
|
||
\v 10 Ngunit si Yahweh ang tunay na Diyos. Siya ang buhay na Diyos at hari magpakailanman. Nayayanig ang mundo at hindi kayang tiisin ng mga bansa ang kaniyang galit.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Ganito ang sasabihin mo sa kanila, "Malilipol sa lupa at sa ilalim ng kalangitan ang mga diyos na hindi lumikha ng kalangitan at ng lupa.
|
||
\v 12 Ang lumikha ng daigdig sa kaniyang kapangyarihan ang nagtatag ng kalupaan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan at nagpalaganap ng kalangitan sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa.
|
||
\v 13 Ang kaniyang tinig ang lumilikha ng dagundong ng katubigan sa kalangitan at siya ang nagpapaangat ng hamog mula sa bawat sulok ng daigdig. Lumilikha siya ng kidlat para sa ulan at nagpapalabas ng hangin mula sa kaniyang kamalig.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Naging mangmang ang mga tao na walang kaalaman. Nailagay sa kahihiyan ang bawat panday dahil sa kaniyang diyus-diyosan sapagkat manlilinlang ang mga ginawa niyang imahen at walang buhay ang mga ito.
|
||
\v 15 Walang silbi ang mga ito, ang gawa ng mga mangungutya. Malilipol sila sa panahon ng kanilang kaparusahan.
|
||
\v 16 Ngunit hindi nito katulad ang Diyos na kabahagi ni Jacob sapagkat siya ang humubog sa lahat ng bagay. Ang Israel ang tribo ng kaniyang mana, Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Tipunin ang inyong bigkis at umalis sa lupain, kayong mga taong namumuhay sa ilalim ng pananakop.
|
||
\v 18 Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh, "Tingnan ninyo, ipapatapon ko sa panahong ito ang mga naninirahan sa lupain. Pahihirapan ko sila at malalaman nila ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Aba sa akin! Dahil sa mga nabali kong buto, malubha ang aking sugat. Kaya sinabi ko, "Tiyak na matinding paghihirap ito, ngunit dapat ko itong tiisin."
|
||
\v 20 Ganap na nawasak ang aking tolda at nahati sa dalawa ang lahat ng tali nito. Kinuha sa akin ang aking mga anak, kaya wala na sila. Wala ng maglalatag ng aking tolda o magtataas ng aking mga kurtina.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Sapagkat naging hangal ang mga pastol. Hindi nila hinanap si Yahweh kaya hindi sila nagtagumpay at nagsikalat ang lahat ng kanilang kawan.
|
||
\v 22 Dumating na ang ulat ng mga balita, "Tingnan ninyo! Parating na ito! Isang malakas na lindol ang paparating mula sa hilagang lupain upang sirain ang mga lungsod ng Juda at maging taguan ng mga asong-gubat."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Alam ko Yahweh na ang landas ng tao ay hindi nagmula sa kaniyang sarili. Walang tao ang nangunguna sa sarili niyang mga hakbang.
|
||
\v 24 Ituwid mo ako Yahweh ng may katarungan ngunit hindi sa pamamagitan ng iyong galit at baka mapuksa mo ako.
|
||
\v 25 Ibuhos mo ang iyong matinding galit sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo at sa mga pamilya na hindi tumatawag sa pangalan mo. Sapagkat nilamon nila si Jacob at inubos siya upang ganap na wasakin at buwagin ang kaniyang tirahan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 11
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Yahweh, at sinabi niya,
|
||
\v 2 "Makinig ka sa mga salita ng kasunduang ito, at ipahayag ang mga ito sa bawat tao sa Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Sabihin mo sa kanila, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Sumpain ang sinumang hindi makikinig sa mga salita ng kasunduang ito.
|
||
\v 4 Ito ang kasunduan na iniutos ko sa inyong mga ninuno na dapat alalahanin simula ng araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, mula sa pugon ng tunawan ng bakal. Sinabi ko, "Makinig kayo sa aking tinig at gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na ito gaya ng iniutos ko sa inyo, sapagkat kayo ang magiging tao ko at ako ang inyong magiging Diyos."
|
||
\v 5 Sundin ninyo ako upang mapatunayan ko ang sumpaan na aking ipinangako sa inyong mga ninuno, ang panunumpa na ibibigay ko sa kanila ang lupain na umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan kung saan kayo naninirahan ngayon."' At, akong si Jeremias ay sumagot at nagsabi, "Oo, Yahweh!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ipahayag ang lahat ng mga bagay na ito sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Makinig kayo sa mga salita ng kasunduang ito at gawin ninyo ang mga ito.
|
||
\v 7 Sapagkat nagbigay ako ng taimtim na mga utos sa inyong mga ninuno mula ng araw na inilabas ko sila sa Egipto hanggang sa kasalukuyang panahon, patuloy na nagbabala sa kanila at nagsasabi, "Makinig kayo sa aking tinig."'
|
||
\v 8 Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay ng pansin. Lumalakad ang bawat tao sa katigasan ng kaniyang masamang puso. Kaya dinala ko ang lahat ng sumpa sa kasunduang ito na inutusan kong dumating laban sa kanila. Ngunit hindi pa rin sumunod ang mga tao."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Sumunod na sinabi sa akin ni Yahweh, "Natuklasan ang pagsasabwatan ng mga kalalakihan ng Juda at ng mga naninirahan sa Jerusalem.
|
||
\v 10 Bumaling sila sa mga kasamaan ng kanilang sinaunang mga ninuno na tumangging makinig sa aking salita, sa halip namuhay sila sa pagsamba sa ibang mga diyos. Sinira ng sambahayan ng Israel at sambahayan ng Juda ang aking kasunduan na itinatag ko sa kanilang mga ninuno.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, magpapadala ako ng kapahamakan sa kanila, isang kapahamakan na hindi nila maaaring takasan. Pagkatapos, tatawag sila sa akin, ngunit hindi ako makikinig sa kanila.
|
||
\v 12 Pupunta at tatawag ang mga lungsod ng Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem sa mga diyos na pinagbigyan nila ng mga alay, ngunit tiyak na hindi sila maililigtas ng mga ito sa oras ng kanilang kapahamakan.
|
||
\v 13 Sapagkat dumami ang bilang ng iyong mga diyos na pumantay sa bilang ng iyong mga lungsod, Juda. At gumawa kayo ng kahiya-hiyang bilang ng mga altar sa Jerusalem, mga altar ng insenso para kay Baal na pumantay sa bilang ng kaniyang mga lansangan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Kaya ikaw mismo Jeremias, hindi mo dapat ipanalangin ang mga taong ito. Hindi ka dapat tumangis o manalangin para sa kanila. Sapagkat hindi ako makikinig kapag tumawag sila sa akin sa kanilang kapahamakan.
|
||
\v 15 Bakit nasa aking tahanan ang minamahal kong mga tao na may napakaraming masamang hangarin? Sapagkat hindi makakatulong sa inyo ang mga nakalaang karne para sa inyong mga alay dahil gumawa kayo ng kasamaan at nagalak kayo dito.
|
||
\v 16 Sa nakaraan, tinawag kayo ni Yahweh na mayabong na puno ng olibo, maganda na may kaibig-ibig na bunga. Ngunit magsisindi siya ng apoy dito na katulad ng tunog ng dagundong ng bagyo, kaya mababali ang mga sanga nito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo ang nagtanim sa inyo, ang nag-atas ng kapahamakan laban sa inyo dahil sa mga gawaing masama na ginawa ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ng Juda. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alay kay Baal."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Ipinaalam ni Yahweh sa akin ang mga bagay na ito, kaya alam ko ang mga ito. Ikaw Yahweh, ang nagpakita sa akin ng kanilang mga gawain.
|
||
\v 19 Tulad ako ng isang maamong tupa na dinala sa mangangatay. Hindi ko alam na may binalak sila laban sa akin, "Sirain natin ang puno maging ang mga bunga nito! Putulin natin siya sa lupain ng mga buhay upang hindi na maalala pa ang kaniyang pangalan."
|
||
\v 20 Ngunit matuwid na hukom si Yahweh ng mga hukbo na siyang sumisiyasat ng puso at isipan. Magiging saksi ako sa iyong paghihiganti laban sa kanila, sapagkat iniharap ko ang aking kalagayan sa iyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa mga taga-Anatot na umuusig sa iyong buhay, "Sinabi nila, 'Hindi ka dapat mag-propesiya sa ngalan ni Yahweh, o mamamatay ka sa pamamagitan ng aming mga kamay.'
|
||
\v 22 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Tingnan mo, parurusahan ko sila. Mamamatay sa pamamagitan ng espada ang malalakas nilang mga kabataan. Mamamatay sa gutom ang mga anak nilang lalaki at babae.
|
||
\v 23 Walang matitira sa kanila dahil magdadala ako ng kapahamakan sa mga taga-Anatot, ang panahon ng kanilang kaparusahan."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 12
|
||
\p
|
||
\v 1 Sa tuwing nakikipagtalo ako sa iyo, Yahweh, ikaw ay matuwid. Tunay nga na dapat kong sabihin sa iyo ang aking dahilan upang magreklamo. Bakit nagtatagumpay ang pamamaraan ng mga masasama? Nagtatagumpay ang lahat ng mga taong walang pananampalataya.
|
||
\v 2 Itinanim mo sila at nagkaroon ng mga ugat. Nagpatuloy sila upang makapamunga. Malapit ka sa kanilang mga labi, ngunit malayo sa kanilang mga puso.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Ngunit ikaw mismo Yahweh, kilala mo ako. Nakikita mo ako at sinusuri ang aking puso. Dalhin mo sila sa katayan tulad ng isang tupa. Ibukod mo sila para sa araw ng pagkatay.
|
||
\v 4 Gaano katagal magpapatuloy ang lupain sa pagluluksa at nalalanta na ang mga halaman sa bawat bukirin dahil sa kasamaan ng mga naninirahan dito? Nawala lahat ang mga maiilap na hayop at mga ibon. Sa katunayan, sinasabi ng mga tao, "Hindi alam ng Diyos kung ano ang mangyayari sa atin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Sinabi ni Yahweh, "Sapagkat kung ikaw, Jeremias ay nakipagtakbuhan sa mga nakapaang kawal at pinagod ka nila, paano ka makikipag-unahan sa mga kabayo? Kung nadapa ka sa kapatagan sa ligtas na kabukiran, paano mo gagawin sa mga kasukalan sa daan ng Jordan?
|
||
\v 6 Sapagkat nagtaksil din sa iyo at labis kang tinuligsa ng iyong mga kapatid na lalaki at pamilya ng iyong ama. Huwag kang magtiwala sa kanila, kahit magsabi pa sila ng mga mabubuting bagay sa iyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Pinabayaan ko ang aking tahanan at tinalikuran ang aking mana. Ibinigay ko ang aking mga minamahal na tao sa mga kamay ng kaniyang mga kaaway.
|
||
\v 8 Naging katulad na ng isang leon sa isang kasukalan ang aking mana, ibinukod niya ang kaniyang sarili laban sa akin sa pamamagitan ng sarili niyang tinig, kaya kinamumuhian ko siya.
|
||
\v 9 Ang aking mga mahahalagang pag-aari ay isang mabangis na aso at pinalilibutan ng mga ibong mandaragit ang itaas ng kaniyang ulo. Pumunta kayo at tipunin ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa mga bukirin at dalhin ang mga ito upang kainin sila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Sinira ng maraming pastol ang aking ubasan. Tinapakan nila ang buong bahagi ng aking lupain, ginawa nilang isang ilang at malagim ang aking kaakit-akit na bahagi.
|
||
\v 11 Ginawa nila siyang isang lagim. Nagluluksa ako para sa kaniya dahil pinabayaan siya. Pinabayaan ang buong lupain dahil wala ni isa ang tumanggap nito sa kanilang puso.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Dumating ang mga maninira laban sa lahat ng mga tigang na lugar sa ilang, sapagkat ang espada ni Yahweh ang umuubos sa dulo ng lupain hanggang sa iba pa. Walang kaligtasan sa lupain para sa anumang nabubuhay na nilalang.
|
||
\v 13 Naghasik sila ng trigo ngunit umani ng tinik ng mga palumpong. Nagpakapagod sila sa pagtatrabaho ngunit walang napakinabangan. "Kaya, mahiya kayo sa inyong gawa dahil sa poot ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Ito ang sinasabi ni Yahweh laban sa lahat ng aking mga kapwa, ang mga taong masasama na sumira sa aking mga pag-aari na ipinamana ko sa aking mga taong Israelita, "Tingnan ninyo, ako ang siyang bubunot sa kanila mula sa kanilang sariling lupain at bubunutin ko ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.
|
||
\v 15 At pagkatapos kong bunutin ang mga bansang iyon, mangyayari na magkakaroon ako ng habag sa kanila at pababalikin ko sila. Ibabalik ko sila, ang bawat tao sa kaniyang mana at ang kaniyang lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Mangyayari na kapag maingat na natutunan ng mga bansang iyon ang mga pamamaraan ng aking mga tao na sumumpa sa aking pangalan 'Dahil buhay si Yahweh!' tulad ng itinuro nila sa aking mga tao na sumumpa kay Baal, kung gayon maitatayo sila sa kalagitnaan ng aking mga tao.
|
||
\v 17 Ngunit kung sinuman ang hindi makikinig, bubunutin ko ang bansang iyon. At tiyak itong mabubunot at mawawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 13
|
||
\p
|
||
\v 1 Sinabi ito sa akin ni Yahweh, "Pumunta ka at bumili ng isang lino na damit-panloob at isuot mo ito sa palibot ng iyong baywang, ngunit huwag mo muna itong ilagay sa tubig."
|
||
\v 2 Kaya bumili ako ng isang damit-panloob gaya ng iniutos ni Yahweh at isinuot ko ito sa palibot ng aking baywang.
|
||
\v 3 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin sa pangalawang pagkakataon at sinabi,
|
||
\v 4 "Kunin mo ang damit-panloob na iyong binili na nakapalibot sa iyong baywang, tumayo ka at maglakbay sa Eufrates. Itago mo ito doon sa siwang ng isang bato."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Kaya pumunta ako at itinago ito sa Eufrates gaya ng iniutos sa akin ni Yahweh.
|
||
\v 6 Makalipas ang maraming araw, sinabi sa akin ni Yahweh, "Tumayo ka at bumalik sa Eufrates. Kunin mo mula doon ang damit-panloob na sinabi kong itago mo."
|
||
\v 7 Kaya, bumalik ako sa Eufrates at hinukay ang damit-panloob kung saan ko ito itinago. Ngunit, masdan mo! Nawasak ang damit-panloob, hindi na ito maganda.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 At muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
|
||
\v 9 "Sinasabi ito ni Yahweh: Sa parehong paraan, wawasakin ko ang labis na kayabangan ng Juda at Jerusalem.
|
||
\v 10 Ang mga masasamang taong ito na tumangging makinig sa aking mga salita, mga taong lumalakad sa katigasan ng kanilang mga puso, mga taong sumusunod sa ibang mga diyos upang sumamba at yumukod sa kanila, magiging katulad sila ng damit-panloob na ito na maganda na naging walang halaga.
|
||
\v 11 Sapagkat gaya ng isang damit-panloob na dumikit sa baywang ng isang tao, ginawa ko ang buong sambahayan ng Israel at ang buong sambahayan ng Juda na kumapit sa akin, na magiging aking mga tao na magbibigay sa akin ng katanyagan, kapurihan at karangalan. Ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Kaya dapat mong sabihin ang salitang ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Mapupuno ng alak ang bawat banga.' Sasabihin nila sa iyo, 'Hindi nga ba talaga namin alam na mapupuno ng alak ang bawat banga?'
|
||
\v 13 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan ninyo, pupunuin ko ng kalasingan ang bawat naninirahan sa lupaing ito, ang mga hari na nakaupo sa trono ni David, ang mga pari, ang mga propeta, at ang lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem.
|
||
\v 14 At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Makinig kayo at bigyang pansin. Huwag kayong maging mayabang, sapagkat sinasabi Yahweh.
|
||
\v 16 Bigyan ng karangalan si Yahweh na inyong Diyos bago siya magdulot ng kadiliman at bago siya maging dahilan ng pagkatisod ng inyong mga paa sa mga bundok sa takip-silim. Sapagkat naghahangad kayo para sa liwanag ngunit labis niyang padidilimin ang lugar na magiging isang maitim na ulap.
|
||
\v 17 Kaya, kung hindi kayo makikinig, iiyak akong mag-isa dahil sa inyong kayabangan. Tiyak na iiyak ako at dadaloy ang mga luha mula sa aking mga mata, sapagkat mabibihag ang mga kawan ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 "Sabihin ninyo sa hari at sa inang reyna, 'Magpakumbaba kayo at umupo, sapagkat bumagsak na ang mga korona sa inyong ulo, ang inyong pagmamataas at ang inyong karangalan.'
|
||
\v 19 Maisasara ang mga lungsod sa Negev at walang sinuman ang makapagbubukas ng mga ito. Mabibihag ang mga taga-Juda at ipapatapon ang lahat ng nasa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Imulat mo ang iyong mga mata at pagmasdan ang mga parating mula sa hilaga. Nasaan ang kawan na ibinigay niya sa iyo, ang kawan na pinakamaganda sa iyo?
|
||
\v 21 Ano ang sasabihin mo kapag inilagay ng Diyos sa iyong itaas ang mga inaakala mong mga kaibigan mo? Hindi ba ito ang umpisa ng mga paghihirap na sasakop sa iyo gaya ng isang babaing nanganganak?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 At maaari mong sabihin sa iyong puso, 'Bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito?' Sapagkat dahil ito sa napakarami mong kasamaan na itinaas ang iyong mga palda at nilapastangan ka.
|
||
\v 23 Maaari bang baguhin ng mga tao sa Cus ang kulay ng kanilang balat o baguhin ng isang leopardo ang kaniyang mga batik? Kung gayon, ikaw mismo, kaya mong gumawa ng kabutihan bagaman nasanay ka sa kasamaan.
|
||
\v 24 Kaya, ikakalat ko sila tulad ng mga ipa na naglalaho sa hangin sa disyerto.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Ito ang ibinigay ko sa inyo, ang bahagi na iniatas ko para sa inyo, dahil kinalimutan ninyo ako at nagtiwala kayo sa kasinungalingan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 26 Kaya, ako rin mismo ang huhubad ng inyong mga palda at makikita ang mga maseselang bahagi ng inyong katawan.
|
||
\v 27 Ang inyong pangangalunya at paghalinghing, ang inyong kahiya-hiyang kahalayan sa mga burol at sa mga parang! Ilalantad ko ang mga ito, ang mga nakasusuklam na mga bagay na ito! Kaawa-awa ka, Jerusalem! Hindi ka pa malinis. Gaano katagal ito magpapatuloy?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 14
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias tungkol sa tagtuyot,
|
||
\v 2 "Hayaang magluksa ang Juda, hayaang gumuho ang kaniyang mga tarangkahan. Tumataghoy sila para sa lupain, lumalakas ang kanilang pag-iyak para sa Jerusalem.
|
||
\v 3 Pinadadala ng kanilang mga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon wala silang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo, tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya at hindi iginagalang.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Dahil dito, nabitak ang lupa sapagkat walang ulan sa lupain. Nahihiya ang mga mag-aararo at tinatakpan nila ang kanilang mga ulo.
|
||
\v 5 Sapagkat iniiwan din maging ng babaing usa ang kaniyang maliliit na anak sa parang at pinababayaan ang mga ito sapagkat walang damo.
|
||
\v 6 Tumatayo sa mga tigang na kapatagan ang mga maiilap na asno at humihingal sa hangin tulad ng mga asong-gubat. Lumalabo ang kanilang mga mata dahil walang halaman."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Kahit na nagpapatotoo laban sa amin ang aming mga kasamaan, Yahweh, kumilos ka para sa kapakanan ng iyong pangalan. Nagkasala kami sa iyo sapagkat lumalala ang kawalan ng aming pananampalataya.
|
||
\v 8 Ang pag-asa ng Israel, ang siyang nagligtas sa kaniya sa panahon ng matinding pagkabalisa, bakit ka magiging katulad ng isang dayuhan sa lupain, katulad ng isang banyagang gumagala na nagpapalipas at nananatili lamang ng isang gabi?
|
||
\v 9 Bakit ka magiging katulad ng isang taong nalilito, katulad ng isang mandirigma na hindi kayang sagipin ang sinuman? Sapagkat nasa kalagitnaan ka namin, Yahweh! Ipinahayag sa amin ang iyong pangalan. Huwag mo kaming iwanan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Sinabi ito ni Yahweh sa mga taong ito: "Yamang ibig nilang maglibot at hindi nila pinigil ang kanilang mga paa na magpatuloy." Hindi nalugod si Yaweh sa kanila. Ngayon, inalala niya ang kanilang kasamaan at pinarusahan niya ang kanilang mga kasalanan.
|
||
\v 11 Sinabi ni Yahweh sa akin, " Huwag kang manalangin para sa ikabubuti ng mga taong ito.
|
||
\v 12 Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi ako makikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ng mga handog na susunugin at mga handog na pagkain, hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin ko sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 At sinabi ko, "O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito."'
|
||
\v 14 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Panlilinlang sa aking pangalan ang pahayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyan ng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapanlinlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan at ang mga mapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilang mga sariling puso, ito ang mga ipinahahayag nila sa inyo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, "Tungkol sa mga propeta na nagpapahayag sa aking pangalan ngunit hindi ko ipinadala at ang mga nagsasabing walang espada at taggutom sa lupaing ito. Mamamatay ang mga propetang ito sa pamamagitan ng espada at taggutom.
|
||
\v 16 At ang mga tao na kanilang pinagpahayagan ay maitatapon sa labas ng mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutom at espada, sapagkat walang sinuman ang maglilibing sa kanila. Sa kanila, sa kanilang mga asawang babae o sa kanilang mga anak. Sapagkat ibubuhos ko sa kanila ang kanilang mga kasamaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Sabihin mo ang salitang ito sa kanila: 'Hayaang dumaloy sa aking mata ang mga luha sa araw at gabi. Huwag itong pigilan, sapagkat magkakaroon ng isang matinding pagkawasak ang birhen na anak ng aking mga tao. Isang napakalaki at walang lunas na sugat.
|
||
\v 18 Kung lalabas ako sa parang at tumingin! mayroong mga pinatay sa pamamagitan ng espada. At kung pupunta ako sa lungsod at tumingin! mayroong mga nagkasakit dahil sa taggutom. Kahit na ang mga propeta at ang mga paring naglilibot sa lupain ay walang nalalaman."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Ganap mo bang tinalikuran ang Juda? Galit ka ba sa Zion? Bakit mo kami hinahayaang magkasakit gayong walang kagalingan sa amin? Naghangad kami ng kapayapaan, ngunit walang anumang kabutihan. Ngunit tingnan ninyo, para sa oras ng kagalingan, kaguluhan lamang ang mayroon.
|
||
\v 20 Inaamin namin, Yahweh, ang aming mga kasalanan at ang kasamaan ng aming mga ninuno, sapagkat nagkasala kami sa iyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Huwag mo kaming itakwil! Huwag mong gawing kahihiyan ang iyong maluwalhating trono para sa kapakanan ng iyong pangalan. Alalahanin at huwag sirain ang iyong kasunduan sa amin.
|
||
\v 22 Mayroon ba sa mga diyus-diyosan ng mga bansa na kayang gawin ang sinuman na paulanin ang kalangitan sa panahon ng tagsibol? Hindi ba ikaw Yahweh, na aming Diyos ang gumawa ng mga ito? Umaasa kami sa iyo, sapagkat ikaw ang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 15
|
||
\p
|
||
\v 1 At sinabi sa akin ni Yahweh, "Kahit na tumayo sa aking harapan si Moises o si Samuel, hindi pa rin ako maaawa sa mga taong ito. Paalisin sila sa aking harapan para makapunta sa malayo.
|
||
\v 2 At mangyayari na sasabihin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapat mamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat sa espada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutom ang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag ang mga nakatakda sa pagkabihag.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Ito ang pahayag ni Yahweh: Sapagkat itatalaga ko sila sa apat na pangkat. Ang espada ay upang patayin ang ilan, ang mga aso ay upang kaladkarin ang ilan palayo, ang mga ibon sa kalangitan at ang mga mababangis na hayop sa daigdig ay upang kainin at wasakin ang ilan.
|
||
\v 4 Gagawin ko sa kanila ang mga katakut-takot na bagay sa lahat ng mga kaharian sa daigdig, sa pananagutan ni Manases na anak ni Hezekias na hari ng Juda dahil sa ginawa niya sa Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Sapagkat sino ang mahahabag para sa iyo, Jerusalem? Sino ang magluluksa para sa iyo? Sino ang lilingon upang magtanong tungkol sa iyong kapakanan?
|
||
\v 6 Ito ang pahayag ni Yahweh: Tinalikuran mo ako at lumayo ka sa akin. Kaya hahampasin kita ng aking mga kamay at wawasakin kita. Pagod na akong magkaroon ng awa sa iyo.
|
||
\v 7 Kaya, tatahipan ko sila sa mga tarangkahan ng lupain sa pamamagitan ng isang pantuhog ng mga dayami. Gagawin ko silang ulila. Wawasakin ko ang aking mga tao yamang hindi sila tumatalikod sa kanilang mga gawain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Gagawin kong mas marami ang bilang ng kanilang mga balo kaysa sa mga buhangin sa dalampasigan. Sa katanghalian, ipadadala ko ang mga maninira laban sa mga ina ng mga batang lalaki. Hahayaan kong dumating sa kanila ng biglaan ang pagkasindak at pagkatakot.
|
||
\v 9 Mawawalan ng malay ang isang ina na mamamatay ang pitong anak. Kakapusin siya sa paghinga. Magdidilim ang kaniyang araw habang maliwanag pa. Mahihiya at mapapahiya siya, sapagkat ibibigay ko ang mga natira sa espada ng kanilang mga kaaway. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Kaawa-awa ako, aking ina! Dahil isinilang mo ako, isa akong tao na pinag-uusapan at pinagtatalunan sa buong lupain. Hindi ako nagpautang, ni walang sinuman ang umutang sa akin, ngunit sinusumpa nila akong lahat.
|
||
\v 11 Sinabi ni Yahweh: "Hindi ba kita sasagipin para sa iyong kabutihan? Titiyakin ko na hihingi ng tulong sa panahon ng kalamidad at matinding pagkabalisa ang iyong mga kaaway.
|
||
\v 12 Kaya ba ng isang tao na durugin ang bakal? Lalung-lalo na ang mga bakal na nagmula sa hilaga na may halong mga tanso?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Ibibigay ko sa iyong mga kaaway ang iyong karangyaan at mga kayamanan bilang malayang pagnanakaw. Gagawin ko ito dahil sa lahat ng mga kasalanang ginawa ninyo sa lahat ng inyong nasasakupan.
|
||
\v 14 At hahayaan kong dalhin kayo ng inyong mga kaaway sa isang lupain na hindi ninyo alam, sapagkat magliliyab ang isang apoy at sisiklab ang aking poot sa inyo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Alam mo sa iyong sarili, Yahweh! Alalahanin mo ako at tulungan ako. Ipaghiganti mo ako laban sa aking mga manunugis. Sa iyong pagtitiis, huwag mo akong ilayo. Kilalanin mo na nagdusa ako sa pagsisi para sa iyo.
|
||
\v 16 Natagpuan ang iyong mga salita at naintindihan ko ang mga ito. Kagalakan sa akin ang iyong mga salita, isang kagalakan sa aking puso, sapagkat ipinahayag sa akin ang iyong pangalan, Yahweh na Diyos ng mga hukbo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Hindi ako umupo sa gitna ng mga nagdiwang at nagsaya. Umupo akong nag-iisa dahil sa makapangyarihan mong kamay, sapagkat pinuno mo ako ng iyong pagkagalit.
|
||
\v 18 Bakit hindi nawawala ang sakit at walang lunas ang aking mga sugat at hindi gumagaling? Magiging katulad ka ba ng mapanlinlang na tubig sa akin, mga tubig na natuyo?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Kaya sinabi ito ni Yahweh, "Kung magsisisi ka Jeremias, panunumbalikin kita at tatayo ka sa aking harapan at maglilingkod sa akin. Sapagkat kapag pinaghiwalay mo ang mga bagay na walang kabuluhan sa mga mahahalagang bagay, magiging tulad ka ng aking bibig. Babalik sa iyo ang mga tao, ngunit dapat hindi ikaw ang mismong bumalik sa kanila.
|
||
\v 20 Gagawin kitang tulad ng isang tansong pader na hindi matitibag ng mga taong ito at magsasagawa sila ng digmaan laban sa iyo. Ngunit hindi ka nila matatalo sapagkat kasama mo ako upang iligtas at sagipin ka.
|
||
\v 21 Sapagkat sasagipin kita mula sa kamay ng mga masasama at tutubusin kita mula sa kamay ng mga mang-aapi. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 16
|
||
\p
|
||
\v 1 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin, nagsasabi,
|
||
\v 2 "Huwag kang mag-aasawa, at huwag magkaroon ng mga anak na lalaki o babae sa lugar na ito.
|
||
\v 3 Sapagkat sinasabi ito ni Yahweh sa mga anak na lalaki at babae na ipinanganak sa lugar na ito, sa mga ina na nagsilang sa kanila, at sa mga ama na naging dahilan ng pagkakasilang nila sa lupaing ito.
|
||
\v 4 Sila ay mamamatay sa sakit. Walang magluluksa para sa kanila at manlilibing. Magiging katulad sila ng dumi na nasa lupa. Sapagkat darating ang kanilang wakas sa pamamagitan ng espada at taggutom, at ang mga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Sapagkat sinasabi ito ni Yahweh, 'Huwag kang pumasok sa anumang bahay kung saan may nagluluksa. Huwag kang pupunta sa may nananaghoy, at huwag kang makidalamhati sa mga taong ito. Dahil tinipon ko ang aking kapayapaan, tipan na may katapatan, at mga gawang may kaawaan, mula sa mga taong ito! —Ito ang pahayag ni Yahweh—
|
||
\v 6 kaya ang dakila at ang hamak ay mamamatay sa lupang ito. Sila ay hindi ililibing, at walang sinumang magluluksa para sa kanila. Isa man ay walang magsusugat sa kanilang sarili o mag-aahit ng kanilang mga ulo para sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Wala isa mang magbabahagi ng pagkain sa pagluluksa upang aliwin sila dahil sa kamatayan, at walang dapat magbigay ng pang-aliw na baso sa kaniyang ama o ina para aliwin sila.
|
||
\v 8 Hindi ka dapat pumunta sa handaan sa isang tahanan upang makiupo sa kanila na kumain at uminom.'
|
||
\v 9 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito, 'Tingnan mo, sa harapan mo, sa iyong mga araw at sa lugar na ito, wawakasan ko ang inyong mga tugtugang masasaya at pagdiriwang, ang mga tinig ng lalaki at at ng babaeng ikakasal.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 At kung nangyari ito, ibalita mo sa lahat ang mga salitang ito sa mga tao, at sasabihin nila sa iyo, "Bakit niloob ni Yahweh ang lahat ng malaking sakunang ito sa atin? Anong kasamaan at kasalanan ang aming nagawa laban sa ating Diyos na si Yahweh?
|
||
\v 11 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Dahil iniwan ako ng inyong mga ninuno—Ito ang pahayag ni Yahweh—at sumunod sila sa ibang mga diyos at sumamba at lumuhod sa mga ito. Iniwan nila ako at hindi sinunod ang aking kautusan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Ngunit nagdala kayo ng higit na kasamaan kaysa sa inyong mga ninuno, sapagkat tingnan ninyo, bawat tao ay lumalakad sa katigasan at kasamaan ng kaniyang puso; wala isa mang nakikinig sa akin.
|
||
\v 13 Kaya ipapatapon ko kayo mula sa lupaing ito patungo sa isang lupaing hindi ninyo kilala, kayo o ang inyong mga ninuno, at sasamba kayo roon sa ibang mga diyos sa araw at gabi, sapagkat wala na akong ibibigay sa inyo na anumang tulong."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Kaya tingnan ninyo! Darating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi na magtatagal wala ng magsasabi nito, 'Buhay si Yahweh, na siyang nagdala sa mga tao ng Israel mula sa lupain ng Egipto.'
|
||
\v 15 Sapagkat buhay si Yahweh, ang nagdala sa mga tao ng Israel sa hilagang lupain at sa mga lupain na kung saan ikinalat niya sila, ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Tingnan ninyo! magpapadala ako ng maraming mangingisda—Ito ang pahayag ni Yahweh—upang hulihin nila ang mga tao. Pagkatapos nito, ipadadala ko ang maraming mangangaso upang hanapin sila sa lahat ng kabundukan at mga burol, at sa mga bitak ng bato.
|
||
\v 17 Sapagkat ang aking paningin ay laging nasa kanilang mga gawa. Hindi sila makapagtatago sa harapan ko. Ang kanilang mga kasamaan ay hindi nalilingid sa aking mga paningin.
|
||
\v 18 Una kong pagbabayarin ng dalawang beses ang kanilang kasamaan at kasalanan dahil dinungisan nila ang aking lupain ng kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosang imahen, at dinungisan nila ang aking mana ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Yahweh, ikaw ang aking matibay na tanggulan, aking kanlungan, aking ligtas na lugar sa panahon ng kabagabagan. Ang mga bansa ay pupunta sa iyo mula sa wakas ng lupa at magsasabi, " Tunay na ang aming mga ninuno ay nagmana ng panlilinlang. Wala silang alam; walang pakinabang sa kanila.
|
||
\v 20 Gumawa ba ang mga tao ng diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili? Ngunit sila ay hindi mga diyos.
|
||
\v 21 Kaya tingnan ninyo! Ipapaalam ko sa kanila sa panahong ito, ipapakilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan, kaya makikilala nila na ang pangalan ko ay Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 17
|
||
\p
|
||
\v 1 "Ang kasalanan ng Juda ay nasulat gamit ang isang panulat na bakal na may diyamante sa dulo. Ito ay nakaukit sa kanilang mga puso at sa mga sungay ng inyong mga altar.
|
||
\v 2 Naalala ng kanilang mga anak ang kanilang mga altar at ang imahen ni Ashera na nasa madahong mga puno sa mataas na mga burol.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Naalala nila ang kanilang mga altar na nasa mga bundok sa nayon. Gagawin ko ang inyong mga kayamanan bilang samsam para sa iba. Sapagkat ang inyong kasalanan ay nasa lahat ng mga hangganan.
|
||
\v 4 Mawawala sa inyo ang mga mana na ibinigay ko sa inyo. Aalipinin kayo ng inyong mga kaaway sa lupaing hindi ninyo alam, sapagkat kayo ang nagpaalab ng aking galit, kung saan mag-aapoy magpakailanman."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Sinasabi ni Yahweh, "Sumpain ang mga tao na nagtitiwala sa kapwa tao; ang kaniyang kalakasan ay sa laman ngunit itinalikod niya ang kaniyang puso palayo kay Yahweh.
|
||
\v 6 Sapagkat siya ay tulad ng maliit na halaman sa Araba at hindi makikita ang anumang kabutihang darating. Siya ay nananatili sa mabatong lugar sa ilang, tigang na lupain na walang nananahan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Ngunit mapalad ang tao na nagtitiwala kay Yahweh, sapagkat si Yahweh ang kaniyang pag-asa.
|
||
\v 8 Sapagkat magiging katulad siya ng halaman na itinanim sa tabi ng tubig-batis; ang kaniyang mga ugat ay kakalat. Hindi niya makikita ang init na parating, sapagkat ang kaniyang mga dahon ay malalapad at maganda. At sa panahon ng tag-tuyot hindi siya mangangamba, ni titigil ang kaniyang pamumunga.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Ang puso ay higit na mapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino ang nakakaunawa rito?
|
||
\v 10 Ako si Yahweh, ang nakakasaliksik ng kaisipan, ang sumusubok sa puso. Ibibigay ko sa bawat tao ang nararapat sa kaniya, parurusahan ko siya sa bunga ng kaniyang mga nagawa.
|
||
\v 11 Nililimliman ng isang pugo ang itlog na hindi naman siya ang nangitlog. Maaaring may taong yayaman sa kalikuan. Ngunit sa panahon ng kalakasan sa kaniyang buhay, iiwan siya ng mga kayamanang iyon at magiging mangmang sa huli."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Ang lugar ng ating templo ay isang maluwalhating trono, nakataas mula sa simula.
|
||
\v 13 Si Yahweh ang pag-asa ng Israel. Lahat ng mang-iwan sa iyo ay mapapahiya. Ang mga tumalikod sa iyo na nasa lupain ay puputulin. Sapagkat iniiwan nila si Yahweh, ang bukal ng tubig ng buhay.
|
||
\v 14 Pagalingin mo ako, Yahweh, at ako ay gagaling! Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas. Sapagkat ikaw ang aking awit ng papuri.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Tingnan ninyo, sinasabi nila sa akin, 'Nasaan na ang salita ni Yahweh? Hayaang ito ay pumarito!
|
||
\v 16 Para sa akin, hindi ako tumakbo sa pagiging isang pastol na sumusunod sa inyo. Hindi ko hinangad ang araw ng sakuna. Alam mo ang mga pahayag na lumabas sa aking mga labi. Sila ay ginawa sa iyong harapan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Huwag maging katatakutan sa akin. Ikaw ang aking kanlungan sa panahon ng kalamidad.
|
||
\v 18 Nawa ang mga tumutugis sa akin ay mapapahiya, ngunit huwag mo akong gawing kahiya-hiya. Nawa sila ay panghinaan ng loob, ngunit huwag mong hayaang panghinaan ako ng loob. Ipadala ang araw ng sakuna laban sa kanila at wasakin sila ng ibayong pagkawasak."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Sinabi ni Yahweh ito sa akin: "Pumunta ka at tumayo sa tarangkahan ng mga tao kung saan pumapasok at lumalabas ang mga hari ng Juda, at sa lahat ng ibang tarangkahan ng Jerusalem.
|
||
\v 20 Sabihin mo sa kanila, 'Pakingggan ninyo ang salita ni Yahweh, mga hari ng Juda at lahat ng mga tao ng Juda, at sa bawat naninirahan sa Jerusalem na pumapasok sa mga tarangkahang ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Ito ang sinasabi ni Yahweh: "Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhay at huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Araw ng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ng Jerusalem.
|
||
\v 22 At huwag kayong magdala ng pasan mula sa inyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayong gagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sa inyong mga ninuno na gawin.
|
||
\v 23 Hindi sila nakinig o nagbigay pansin, kundi pinatigas nila ang kanilang mga leeg upang hindi na nila ako pinakinggan ni tanggapin ang aking pagtutuwid.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Ito ay mangyayari kung tunay na nakinig kayo sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—at huwag kayong magbuhat ng pasan sa mga tarangkahan ng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga ngunit sa halip ilaan ninyo kay Yahweh ang Araw ng Pamamahinga at huwag kayong gagawa ng anumang gawain—
|
||
\v 25 At ang mga hari, mga prinsipe, at sa mga umupo sa trono ni David na pupunta sa mga tarangkahan ng lungsod na ito na nakakarwahe at may mga nakakabayo, sila at ang kanilang mga pinuno, mga kalalakihan ng Juda at lahat ng naninirahan sa Jerusalem. At ang lungsod na ito ay mananatili magpakailanman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Darating sila mula sa mga lungsod ng Juda at sa lahat ng nasa palibot ng Jerusalem, at mula sa lupain ng Benjamin at mula sa mababang lupain, mula sa mga bundok at mula sa Negev, magdadala ng mga susunuging handog, mga alay, at mga pagkaing handog at kamanyang. At magdadala sila ng mga handog pasasalamat sa aking tahanan.
|
||
\v 27 Ngunit kung hindi kayo makikinig, upang ilaan ang Araw ng Pamamahinga kay Yahweh—kung magpapasan kayo ng mga pasanin sa mga tarangkahan ng Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga, kung gayon sisindihan ko ng apoy ang mga tarangkahan, apoy na susunog sa mga tanggulan ng Jerusalem, at hindi ito mapapatay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 18
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias at sinabing,
|
||
\v 2 "Bumangon ka at pumunta sa bahay ng magpapalayok, sapagkat ipaparinig ko sa iyo ang aking salita roon."
|
||
\v 3 Kaya pumunta ako sa bahay ng magpapalayok, at masdan! Gumagawa ang magpapalayok sa kaniyang gawaan.
|
||
\v 4 Ngunit ang hawak niyang malagkit na lupa na kaniyang hinuhulma ay nasira sa kaniyang kamay, kaya nagbago ang kaniyang isip at gumawa ng isa pang bagay na sa tingin niya ay mabuti na gawin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Pagkatapos, dumating ang salita ng Panginoon sa akin at sinabing,
|
||
\v 6 "Wala ba akong kakayahan na kumilos sa inyo ng tulad ng magpapalayok na ito, sambahayan ng Israel? — Ito ang pahayag ni Yahweh. Tingnan mo! tulad ng malagkit na lupa sa kamay ng isang magpapalayok— ganyan kayo sa aking kamay, sambahayan ng Israel.
|
||
\v 7 Sa isang sandali, maaari akong magpahayag ng isang bagay tungkol sa isang bansa o isang kaharian, na aking aalisin, gigibain, o wawasakin ito.
|
||
\v 8 Ngunit, kung ang bansa na aking pinahayagan ay tatalikod sa kasamaan nito, kung gayon mahahabag ako mula sa sakuna na binabalak kong dalhin dito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Sa isa pang sandali, maaari kong ipahayag ang tungkol sa isang bansa o isang kaharian, na aking itatayo o itatanim ito.
|
||
\v 10 Ngunit kung gagawa ito ng masama sa aking paningin sa pamamagitan ng hindi pakikinig sa aking tinig, ititigil ko ang aking sinabi na gagawin kong mabuti para sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Kaya ngayon, magsalita ka sa mga kalalakihan ng Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem at sabihin, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, bubuo ako ng sakuna laban sa inyo. May binabalak ako laban sa inyo. Magsisi, ang bawat tao mula sa kaniyang masamang landas, kaya ang inyong mga pamamaraan at inyong mga nakaugalian ang magdadala ng mabuti sa inyo.'
|
||
\v 12 Ngunit sasabihin nila, 'Hindi ito mahalaga. Kikilos kami ayon sa aming sariling mga balak. Gagawin ng bawat isa kung ano ang masama sa kaniya, ang mga ninanais ng kanilang matitigas na puso.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Samakatwid ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tanungin mo ang mga bansa, sino ang nakarinig ng ganitong bagay? Ang birheng Israel ay nakagawa ng isang kakila-kilabot na gawa.
|
||
\v 14 Mawawala ba ang niyebe ng Lebanon sa mga mabatong mga burol sa mga parang? Ang mga batis ng kabundukan na mula sa malayo ay natutuyuan ba ng tubig?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ngunit kinalimutan ako ng aking mga tao. Gumawa sila ng mga handog para sa walang kabuluhang diyus-diyosan at gumawa ng ikakatisod sa kanilang daraanan; iniwan nila ang sinaunang daan upang lumakad sa maikling daan.
|
||
\v 16 Ang kanilang mga lupain ay magiging isang katatakutan, isang bagay ng walang hanggang panunutsut. Bawat isa na dadaan sa kaniya ay mangangatog at iiling ang kaniyang ulo.
|
||
\v 17 Pangangalatin ko sila sa harap ng kanilang mga kaaway tulad ng hangin sa silangan. Ipapakita ko sa kanila ang aking likuran, at hindi ang aking mukha, sa araw ng kanilang sakuna."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Kaya sinabi ng mga tao, "Halikayo, gumawa tayo ng masamang balak laban kay Jeremias, sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa mga pari, o payo sa mga taong marurunong, o mga salita sa mga propeta. Halikayo, atin siyang labanan ng ating mga pananalita at huwag nang magbigay pansin sa anumang bagay na kaniyang ipapahayag."
|
||
\v 19 Magbigay pansin sa akin, Yahweh! At makinig sa ingay ng aking mga kaaway.
|
||
\v 20 Talaga bang ang sakuna mula sa kanila ang aking gantimpala sa pagiging mabuti sa kanila? Sapagkat humukay sila ng isang malalim na hukay para sa akin. Alalahanin kung paano sila tumayo sa iyong harapan upang magsalita sa kanilang mga pangangailangan, upang ang iyong matinding galit ay ilayo mula sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Samakatwid ipasakamay mo ang kanilang mga anak sa pagkagutom, at ibigay sila sa ilalim ng kapangyarihan ng espada. Kaya hayaan ang kanilang mga kababaihan na mawalan at maging mga balo, at ang kanilang mga kalalakihan ay mapatay, at ang mga batang kalalakihan nila ay mamatay sa labanan sa pamamagitan ng espada.
|
||
\v 22 Hayaang marinig ang isang hiyaw ng pagkabalisa mula sa kanilang mga tahanan, kapag biglaang magpapadala ka ng mga tao laban sa kanila. Sapagkat humukay sila ng isang malalim na hukay upang bihagin ako at may nakatagong patibong para sa aking paa.
|
||
\v 23 Ngunit ikaw Yahweh, nalalaman mo ang kanilang mga balak laban sa akin upang patayin ako. Huwag mong patawarin ang kanilang mga kasamaan at mga kasalanan. Huwag mong alisin ang kanilang mga kasalanan mula sa iyo. Sa halip, hayaan silang matanggal mula sa harapan mo. Kumilos laban sa kanila sa panahon ng iyong poot.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 19
|
||
\p
|
||
\v 1 Sinabi ito ni Yahweh, "Pumunta ka at bumili ng banga ng magpapalayok habang kasama mo ang mga nakatatanda sa mga tao at ang mga pari.
|
||
\v 2 At pumunta ka sa lambak ng Ben Hinom kung saan nakabukas ang tarangkahan ng Magpapalayok, at ipahayag mo roon ang mga salitang sasabihin ko sa iyo.
|
||
\v 3 Sabihin mo, 'Pakinggan ang salita ni Yahweh, mga hari ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem! Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, "Tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lugar na ito at papanting ang mga tainga ng bawat makikinig nito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Gagawin ko ito dahil tinalikuran nila ako at hindi iginalang ang lugar na ito. Sa lugar na ito, nag-aalay sila sa ibang mga diyos na hindi nila kilala. Pinuno rin ng kanilang mga ninuno at mga hari ng Juda ang lugar na ito ng walang-salang dugo.
|
||
\v 5 Nagtayo sila ng mga dambana para kay Baal upang sunugin ang kanilang mga anak na lalaki sa apoy bilang mga handog na susunugin para sa kaniya—isang bagay na hindi ko iniutos. Hindi ko sinabi sa kanilang gawin ito ni sumagi man lang sa aking puso.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Kaya, tingnan ninyo, darating ang mga araw na hindi na tatawaging Tofet ang lugar na ito, ang lambak ng Ben Hinom, sapagkat ito ay magiging lambak ng Patayan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 7 Sa lugar na ito, gagawin kong walang saysay ang mga balak ng Juda at Jerusalem. Bubuwalin ko sila sa pamamagitan ng espada sa harapan ng kanilang mga kaaway at sa pamamagitan ng kamay ng mga naghahangad ng kanilang mga buhay. At ibibigay ko ang kanilang mga bangkay bilang pagkain ng mga ibon sa kalangitan at ng mga hayop sa lupa.
|
||
\v 8 At gagawin kong wasak at paksa ng panunutsut ang lungsod na ito, sapagkat ang lahat ng daraan dito ay mangangatog at susutsut dahil sa lahat ng salot nito.
|
||
\v 9 Ipapakain ko sa kanila ang laman ng kanilang mga anak, kakainin ng bawat isa ang laman ng kaniyang kapwa sa pagkakulong at sa kagipitan na dinala sa kanila ng kanilang mga kaaway at ng mga naghahangad ng kanilang buhay.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Pagkatapos, babasagin mo ang banga sa harapan ng mga kalalakihang sumama sa iyo.
|
||
\v 11 Sasabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: Gagawin ko ang ganitong bagay sa mga taong ito at sa lungsod na ito—ito ang pahayag ni Yahweh—gaya ng pagbasag ni Jeremias sa banga upang hindi na mabuong muli. Ililibing ng mga tao ang mga patay sa Tofet hanggang sa wala nang matirang lugar para sa mga namatay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Ito ang gagawin ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito kapag gagawin kong tulad ng Tofet ang lugar na ito—ito ang pahayag ni Yahweh—
|
||
\v 13 kaya magiging katulad ng Tofet ang mga bahay ng Jerusalem at ng mga hari ng Juda—lahat ng mga tahanan na ang bubungan ay pinagsasambahan ng mga hindi malinis na tao sa lahat ng mga bituin sa langit at nagbubuhos ng inuming mga alay sa ibang mga diyos.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Pagkatapos, pumunta si Jeremias mula sa Tofet, kung saan siya isinugo ni Yahweh upang magpahayag ng propesiya. Tumayo siya sa patyo ng tahanan ni Yahweh at sinabi niya sa lahat ng tao,
|
||
\v 15 "Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, 'Makinig kayo, magdadala ako sa lungsod na ito at sa lahat ng bayan nito ng sakuna na aking ipinahayag laban dito, sapagkat pinatigas nila ang kanilang leeg at tumangging makinig sa aking mga salita.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 20
|
||
\p
|
||
\v 1 Si Pashur na lalaking anak ni Imer na pari—siya ang namumunong opisyal—narinig si Jeremias na nagpapahayag ng mga salitang ito sa harapan ng tahanan ni Yahweh.
|
||
\v 2 Kaya hinampas ni Pashur si Jeremias na propeta at pagkatapos inilagay siya sa mga pangawan na nasa Itaas na Tarangkahan ni Benjamin sa tahanan ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Nangyari sa sumunod na araw, pinalaya ni Pashur si Jeremias mula sa mga pangawan. At sinabi ni Jeremias sa kaniya, "Hindi ka pinangalanan ni Yahweh na Pashur, ngunit ikaw ay si Magot Missabib.
|
||
\v 4 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan mo, gagawin kitang isang bagay na kakikilabutan—ikaw at lahat ng iyong minamahal—sapagkat mabubuwal sila sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway at makikita ito ng iyong mga mata. Ibibigay ko ang buong Juda sa kamay ng hari ng Babilonia. Gagawin niya silang mga bihag sa Babilonia o lulusubin sila gamit ang espada.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Ibibigay ko sa kaniya ang lahat ng karangyaan at lahat ng kasaganaan ng lungsod na ito, lahat ng mahahalagang bagay at lahat ng kayamanan ng mga hari ng Juda. Ilalagay ko ang mga bagay na ito sa kamay ng inyong mga kaaway at sasamsamin nila ang mga ito. Kukunin nila ang mga ito at dadalhin sa Babilonia.
|
||
\v 6 Ngunit ikaw Pashur at ang lahat ng naninirahan sa iyong tahanan ay mabibihag. Pupunta ka sa Babilonia at mamamatay doon. Ikaw at ang lahat ng iyong minamahal na siyang pinagpahayagan mo ng mapanlinlang na mga bagay ay maililibing doon'".
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Hinikayat mo ako, Yahweh. Tunay nga akong nahikayat. Tinalo at nilupig mo ako. Ako ay naging katatawanan. Araw-araw akong kinukutya ng mga tao, sa lahat ng araw.
|
||
\v 8 Sapagkat sa tuwing magsasalita ako, isinisigaw at ipinapahayag ko ang, 'Karahasan at pagkawasak.' At ang salita ni Yahweh ay naging paninisi at pangungutya para sa akin araw-araw.
|
||
\v 9 Kung sasabihin kong, 'Hindi ko na iisipin si Yahweh. Hindi ko na ipapahayag ang kaniyang pangalan.' Magiging tulad ito ng apoy sa aking puso na nasa aking mga buto. Kaya nagsusumikap akong pigilan ito ngunit hindi ko kaya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Nakarinig ako ng usap-usapan ng katatakutan mula sa maraming tao sa paligid. 'Iulat! Dapat natin itong iulat!' Ang mga malapit sa akin ay nanonood upang makita kung babagsak ako. 'Marahil maaari siyang madaya. Kung gayon, maaari natin siyang mahigitan at makapaghiganti sa kaniya.'
|
||
\v 11 Ngunit kasama ko si Yahweh tulad ng makapangyarihang mandirigma, kaya ang mga humahabol sa akin ay matitisod. Hindi nila ako matatalo. Labis silang mapapahiya dahil hindi sila magtatagumpay. Magkakaroon sila ng walang katapusang kahihiyan at hindi ito kailanman malilimutan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Ngunit ikaw, Yahweh ng mga hukbo, ikaw na sumusuri sa matuwid at nakakaalam ng isip at puso. Hayaan mong makita ko ang iyong paghihiganti sa kanila sapagkat ipinakita ko ang aking kalagayan sa iyo.
|
||
\v 13 Umawit kay Yahweh! Purihin si Yahweh! Sapagkat iniligtas niya ang mga buhay ng mga naapi mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Isumpa nawa ang araw ng aking kapanganakan. Huwag pagpalain ang araw na ipinanganak ako ng aking ina.
|
||
\v 15 Isumpa ang taong nagsabi sa aking ama na, 'Isang sanggol na lalaki ang ipinanganak para sa iyo,' na nagdulot ng labis na kagalakan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Hayaan ang taong iyon ay maging tulad ng mga lungsod na winasak ni Yahweh nang nawala ang kaniyang awa. Nawa ay marinig niya ang isang panawagan ng tulong sa madaling araw at ang sigaw ng labanan sa tanghali.
|
||
\v 17 Mangyari nawa ito, yamang hindi ako pinatay ni Yahweh sa sinapupunan o ginawang libingan ko ang aking ina, isang sinapupunang buntis magpakailanman.
|
||
\v 18 Bakit ako lumabas sa sinapupunan upang makita ang mga kaguluhan at matinding paghihirap, upang mapuno ng kahihiyan ang aking mga araw?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 21
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita na nagmula kay Yahweh para kay Jeremias nang ipinadala ni Haring Zedekias si Pashur na anak ni Malchias at ang pari na si Zefanias na anak ni Maaseias sa kaniya. Sinabi nila sa kaniya,
|
||
\v 2 "Humingi ka ng payo mula kay Yahweh para sa amin, sapagkat nakikipagdigma sa amin si Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Marahil ay gagawa si Yahweh ng mga himala para sa amin gaya ng mga nakalipas na panahon at gagawa siya ng paraan para umurong siya sa amin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Kaya sinabi ni Jeremias sa kanila, "Ito ang dapat ninyong sabihin kay Zedekias,
|
||
\v 4 sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Tingnan ninyo, ibabalik ko ang mga sandatang pandigma na nasa inyong kamay, na inyong ginagamit sa pakikipaglaban sa hari ng Babilonia at sa mga Caldeo na pumapalibot sa inyo mula sa labas ng mga pader! Sapagkat titipunin ko sila sa gitna ng lungsod na ito.
|
||
\v 5 At ako mismo ang lalaban sa inyo na nakataas ang kamay at malakas na bisig, at may matinding poot, kabangisan at matinding galit.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Sapagkat lulusubin ko ang mga naninirahan sa lungsod na ito, maging tao at hayop. Mamamatay sila sa matinding salot.
|
||
\v 7 Pagkatapos nito— ito ang pahayag ni Yahweh—si Zedekias na hari ng Juda, ang kaniyang mga lingkod, ang mga tao, at ang sinumang natira sa lungsod na ito pagkatapos ng salot, ang espada at ang kagutuman—ipapasakamay ko silang lahat kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, na kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. At papatayin niya sila gamit ang talim ng espada. Hindi niya sila kaaawaan, ililigtas, o kahahabagan.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 At dapat mong sabihin sa mga taong ito, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan ninyo, inilalagay ko sa harapan ninyo ang daan ng buhay at ang daan ng kamatayan.
|
||
\v 9 Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, kagutuman at salot; ngunit sinuman ang lalabas at magpapatirapa sa harapan ng mga Caldeo na nasa palibot ninyo ay mabubuhay. Maililigtas niya ang kaniyang sarili.
|
||
\v 10 Sapagkat nagpasya ako laban sa lungsod na ito upang magdala ng sakuna, at hindi ang magdala ng kabutihan—ito ang pahayag ni Yahweh. Ito ay naibigay sa kamay ng haring Babilonia, at susunugin niya ito.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Tungkol sa sambahayan ng haring Juda, makinig sa salita ni Yahweh.
|
||
\v 12 Sa sambahayan ni David, sinasabi ni Yahweh, 'Magdala ka ng katarungan sa umaga. Iligtas ang isang ninakawan sa kamay ng mapang-api, kung hindi lalabas ang aking matinding galit na kagaya ng apoy at magliliyab. Dahil walang makakaapula nito dahil sa masama ninyong mga gawain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Tingnan ninyo, mga naninirahan sa lambak! Ako ay laban sa inyo, bato sa kapatagan—ito ang pahayag ni Yahweh—Ako ay laban sa sinumang nagsasabing, "Sino ang bababa upang lusubin kami?" o "Sino ang papasok sa aming mga tahanan?"
|
||
\v 14 Nagtakda ako ng bunga ng inyong mga gawain na maging laban sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—at magsisindi ako ng apoy sa mga kasukalan, at lalamunin ang lahat ng nakapalibot dito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 22
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Bumaba ka sa tahanan ng hari ng Juda at ipahayag mo ang salitang ito doon.
|
||
\v 2 Sabihin mo, 'Hari ng Juda, ikaw na nakaupo sa trono ni David, makinig ka sa salita ni Yahweh. At makinig, kayo na mga lingkod niya, at kayo na kaniyang mamamayan na pumasok dito sa mga tarangkahan.
|
||
\v 3 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Maging makatarungan at makatuwiran, at sinuman ang ninakawan—iligtas siya sa kamay ng mang-aapi sa kaniya. Huwag apihin ang mga dayuhan sa inyong bayan, o anumang ulila o balo. Huwag gagawa ng karahasan o magbubuhos ng dugo ng walang kasalanan sa lugar na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Sapagkat kung talagang gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ang mga haring umupo sa trono ni David ay papasok sa mga tarangkahan ng tahanan niya na nakasakay ng karwahe at mga kabayo. Siya, ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga tao!
|
||
\v 5 Ngunit kung hindi kayo makikinig sa mga salitang ito mula sa akin na inihayag ko—ito ang pahayag ni Yahweh—kung gayon ang maharlikang palasyong ito ay masisira.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa palasyo ng hari ng Juda, 'Para sa akin, ikaw ay gaya ng Gilead, o gaya ng tuktok ng bundok ng Lebanon. Ngunit gagawin kitang isang ilang, mga lungsod na walang mga naninirahan.
|
||
\v 7 Dahil may itinalaga akong mga tagapagwasak upang pumunta laban sa inyo! Mga kalalakihan na may dalang sandata at puputulin ang inyong mga piling puno ng sedar at ilalaglag ang mga ito sa apoy.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Pagkatapos maraming bansa ang dadaan sa lungsod na ito. Bawat taong daraan ay sasabihin sa kaniyang kasunod, "Bakit kaya nagawa ni Yahweh ang ganito sa dakilang lungsod na ito?"
|
||
\v 9 At sumagot ang isa, "Dahil pinabayaan nila ang kasunduan nila kay Yahweh na kanilang Diyos at yumukod sa ibang mga diyos at sumamba sa kanila."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Huwag iyakan ang namatay. Huwag siyang ipagluksa. Ngunit tiyak na tatangisan ninyo ang sinuman na bibihagin, dahil hindi na siya kailanman makakabalik upang makitang muli ang lupain kung saan siya ipinanganak.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoahaz na anak ni Josias na hari ng Juda, na naglingkod bilang hari sa halip na si Josias na kaniyang ama, 'Umalis siya mula sa lugar na ito at hindi na babalik.
|
||
\v 12 Doon siya mamamatay sa lugar kung saan nila siya binihag, at hindi niya kailanman makikitang muli ang lupain na ito.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Aba sa sinuman na magpapatayo ng kaniyang tahanan sa paraan na hindi makatuwiran at ang kaniyang mga silid sa itaas na hindi makatarungan; sapagkat pinagawa niya sa ibang manggagawa, ngunit hindi niya sila binayaran.
|
||
\v 14 Aba sa sinuman na magsasabi, 'Magpapatayo ako ng sarili kong tahanan na napakataas at maluluwang na mga silid sa itaas, at malalaki ang pinagawang mga bintana para sa kaniyang sarili at mga dingding na may sedar, at pininturahan lahat ito ng pula.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ito ba ang magpapakita na ikaw ay mabuting hari, kaya gusto mong magkaroon ng sedar na mga dingding? Hindi ba kumain at uminom din ang iyong ama, ngunit gumawa siya ng makatarungan at makatuwiran? Kaya mabuti ang mga bagay na nangyari sa kaniya.
|
||
\v 16 Ang paghuhukom niya ay panig sa mga mahihirap at mga nangangailangan. At maayos ang lahat noon. Hindi ba ito ang kahulugan ng pagkilala sa akin? —Ito ang pinahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Ngunit walang laman ang inyong mga mata at puso maliban ang pag-aalala sa hindi makatarungan na kikitain ninyo at pagbuhos sa mga dugo ng walang kasalanan, at sa paggawa ng pagpapahirap at pagmamalupit sa mga iba.
|
||
\v 18 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda: Hindi nila siya tatangisan ng 'Aba, ang aking kapatid na lalaki!' o 'Aba, ang aking kapatid na babae!' At hindi sila tatangis ng "Aba, panginoon!' o 'Aba, kamahalan!'
|
||
\v 19 Maililibing siya tulad ng paglibing ng isang patay na asno, kakaladkarin palayo at ihahagis sa kabila ng mga tarangkahan ng Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Umakyat ka sa mga bundok ng Lebanon at sumigaw. Lakasan mong sumigaw sa Bashan. Sumigaw mula sa mga bundok ng Abarim, dahil lilipulin ang lahat ng iyong mga kaibigan.
|
||
\v 21 Kinausap kita noong panahon na ikaw ay ligtas, ngunit ang sinabi mo, 'Hindi ako makikinig.' Ito ang dati mong kaugalian mula pa ng kabataan mo, dahil hindi ka nakinig sa aking tinig.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 Ang hangin ang siyang aakay palayo sa lahat ng iyong mga pastol, at ang mga kaibigan mo ay mapupunta sa pagkabihag. Pagkatapos ay tiyak na mapapahiya at hahamakin ka dahil sa mga masasama ninyong gawa.
|
||
\v 23 Ikaw na hari, kayo na nakatira sa Tahanan sa Kagubatan ng Lebanon, kayo na nagpupugad sa mga sedar, paano ninyo matitiis kapag darating sa inyo ang pagpapahirap na gaya ng sakit ng panganganak."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Dahil buhay ako—ito ang pahayag ni Yahweh— kahit na ikaw, Jehoiakin na anak ni Jehoiakim, hari ng Juda, ay ang singsing na pantatak na nasa aking kanang kamay, sisirain kita.
|
||
\v 25 Dahil ibinigay na kita sa mga kamay ng mga naghahangad sa buhay mo at sa mga dati mong kinatatakutan, ang kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at ang mga Caldeo.
|
||
\v 26 Itatapon kita at ang iyong ina na nagsilang sa iyo, sa ibang lupain na hindi ka doon ipinanganak. Doon ka mamamatay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 At tungkol sa bansang ito kung saan nila gustong bumalik, hindi na sila makababalik dito.
|
||
\v 28 Ito ba ay hamak at basag na sisidlan? Ito bang lalaking si Jehoiakin ay isang palayok na walang magkakagusto? Bakit kailangan siyang itapon palabas at ang kaniyang mga kaapu-apuhan, at ibuhos sila sa lupaing hindi nila alam?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 O Lupa, Lupa, Lupa! Pakinggan mo ang salita ni Yahweh!
|
||
\v 30 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Isulat ang tungkol sa lalaking ito na si Jehoiakin: Siya ay mawawalan ng anak. Hindi siya naging masagana sa kaniyang panahon, at wala sa kaniyang mga angkan ang magtatagumpay o kailanman ay hindi makauupo sa trono ni David at maghari sa buong Juda."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 23
|
||
\p
|
||
\v 1 "Aba sa inyong mga pastol na sumisira at nagsisingalat sa mga tupa ng aking pastulan—Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
\v 2 Kaya si Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinasabi ito tungkol sa mga pastol na nagpapastol sa kaniyang mga tao, "Inyong pinapangalat ang aking kawan at itinaboy ninyo sila palayo. Hindi ninyo sila inalagaan kailanman. Alamin ninyo ito! Pagbabayarin ko kayo sa mga kasamaang ginagawa ninyo—Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Ako mismo ang magtitipon sa mga nalabi sa aking mga kawan mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila dinala, at ibabalik ko sila sa isang masaganang lugar, kung saan sila ay magiging mabunga at dadami.
|
||
\v 4 Pagkatapos ay magbabangon ako ng mga pastol na magpapastol sa kanila upang hindi na sila matatakot o magugulo. Wala ng maliligaw sa kanila—Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Tingnan ninyo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag magbabangon ako para kay David ng isang matuwid na sanga. Mamumuno siya bilang hari; magdadala siya ng kasaganaan at magpapatupad siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.
|
||
\v 6 Sa kaniyang mga kapanahunan, maliligtas ang Juda at mamumuhay ang Israel ng may katiwasayan. At ito ang pangalan na itatawag sa kaniya: Si Yahweh ang ating Katuwiran.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Samakatuwid tingnan, paparating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—kapag hindi na nila sasabihing,' Sapagkat buhay si Yahweh, na naglabas sa mga tao ng Israel mula sa lupain ng Egipto.'
|
||
\v 8 Sa halip sasabihin nila, 'Sapagkat buhay si Yahweh, na naglabas at nagbalik sa mga kaapu-apuhan ng sambahayan ng Israel mula sa hilagang lupain at sa lahat ng mga lupain kung saan sila dinala.' At mamumuhay sila sa kanilang sariling lupain."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Tungkol sa mga propeta, nawasak ang aking puso, at nanginig ang lahat ng aking mga buto. Naging tulad ako ng isang lasing na lalaki, tulad ng isang lalaking nadaig ng alak, dahil kay Yahweh at sa kaniyang mga banal na salita.
|
||
\v 10 Sapagkat ang lupain ay puno ng mga mangangalunya. Dahil sa mga ito ang lupain ay tumatangis. Ang mga parang sa ilang ay natuyo. Ang mga landas ng mga propetang ito ay masama; ang kanilang kapangyarihan ay hindi ginamit sa tamang paraan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 "Sapagkat ang mga propeta at ang mga pari ay parehong marumi. Maging sa aking tahanan ay natagpuan ko ang kanilang kasamaan! —ito ang pahayag ni Yahweh—
|
||
\v 12 samakatuwid ang kanilang mga landas ay magiging tulad ng isang madulas na lugar sa kadiliman. Itutulak sila pababa. Mahuhulog sila rito. Sapagkat magpapadala ako ng sakuna laban sa kanila sa taon ng kanilang kaparusahan—ito ang pahayag ni Yahweh—
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Sapagkat nakita ko ang mga kasalanan ng mga propeta sa Samaria. Nagpahayag sila sa pamamagitan ni Baal at iniligaw ang aking Israelita sa maling landas.
|
||
\v 14 At maging sa mga propeta sa Jerusalem ay nakita ko ang mga kakila-kilabot na mga bagay: Nangalunya at lumalakad sila sa kasinungalingan. Pinapalakas nila ang mga kamay ng mga gumagawa ng masama: walang isa man ang tumalikod mula sa kaniyang ginagawang kasamaan. Lahat sila ay naging tulad ng Sodoma sa akin at ang mga naninirahan dito ay tulad ng Gomorra!"
|
||
\v 15 Samakatwid ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo tungkol sa mga propeta, "Tingnan ninyo, pakakainin ko sila ng halamang mapait at paiinumin ng tubig na nakakalason, sapagkat lumabas ang karumihan mula sa mga propeta ng Jerusalem sa buong lupain."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, "Huwag ninyong pakinggan ang mga salita ng mga propeta na nagpapahayag sa inyo. Dinaya nila kayo! Naghahayag sila ng mga pangitain mula sa kanilang sariling mga kaisipan, hindi nagmula sa bibig ni Yahweh.
|
||
\v 17 Patuloy nilang sinasabi sa mga taong hindi nagpaparangal sa akin, 'Ipinapahayag ni Yahweh na magkakaroon ng kapayapaan para sa inyo.' At ang bawat isa na lumalakad sa katigasan ng kanilang puso ay sinasabing, 'Ang sakuna ay hindi darating sa inyo.'
|
||
\v 18 Ngayon, sino ang tatayo sa konseho ng pagtitipon ni Yahweh? Sino ang makakakita at makakarinig sa kaniyang salita? Sino ang magbibigay pansin sa kaniyang salita at makikinig?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Tingnan, may isang bagyo na parating mula kay Yahweh! Ang kaniyang matinding galit ay lalabas na, at ang bagyo ay paikot-ikot. Ito ay iikot-ikot sa palibot ng mga ulo ng masasama.
|
||
\v 20 Ang galit ni Yahweh ay hindi huhupa hanggang sa maisagawa ang mga ito at maisakatuparan ang layunin ng kaniyang puso. Maiintindihan ninyo ito, sa mga huling araw.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Hindi ko ipinadala ang mga propetang ito. Lumitaw lamang sila. Hindi ako nagpahayag ng anumang bagay sa kanila, ngunit patuloy silang nagpapahayag,
|
||
\v 22 Sapagkat kung sila ay tumayo sa aking konsehong pagtitipon, ipaparinig nila sa aking mga tao ang aking salita; ito ang dahilan upang tumalikod sila sa kanilang mga masasamang salita at maruruming mga gawain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Diyos lamang ba ako sa malapit—Ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi rin ba Diyos sa malayo?
|
||
\v 24 Maaari bang makapagtago ang sinuman sa tagong lugar na hindi ko siya nakikita? —Ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ba ako ang nagpuno ng mga langit at ang lupa? —ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga propeta, doon sa mga nagpapahayag ng may panlilinlang sa aking pangalan. Sinabi nila, 'Mayroon akong isang panaginip! Mayroon akong isang panaginip!'
|
||
\v 26 Gaano katagal ito magpapatuloy, ang mga propetang nagpapahayag ng kasinungalingan mula sa kanilang mga kaisipan, at sa mga nagpapahayag ng panlilinlang sa kanilang mga puso?
|
||
\v 27 Binabalak nilang gawin na kalimutan ng aking mga tao ang aking pangalan ayon sa mga panaginip na kanilang ibinalita, bawat isa sa kaniyang kapwa, gaya lamang ng kanilang mga ninuno na kinalimutan ang aking pangalan alang-alang sa pangalan ni Baal.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 28 Ang propetang may panaginip, hayaang ibalita ang kaniyang panaginip. Ngunit sa isa na pinahayagan ko ng ilang bagay, ipahayag niya ng makatotohanan ang aking salita. Ano ang gagawin ng dayami sa kaniyang butil? —Ito ang pahayag ni Yahweh—
|
||
\v 29 at ang aking salita ay hindi ba tulad ng apoy? —ito ang pahayag ni Yahweh—at tulad ng maso na dinudurog ang bato?
|
||
\v 30 Kaya tingnan ninyo, hindi ako sang-ayon sa mga propeta—ito ang pahayag ni Yahweh—sinumang magnanakaw ng salita mula sa ibang tao at sinasabi nilang sila ay galing sa akin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 31 Tingnan, hindi ako sang-ayon sa mga propeta—ito ang pahayag ni Yahweh—na gumagamit ng kanilang mga dila upang magpahayag ng mga babala.
|
||
\v 32 Tingnan ninyo, hindi ako sang-ayon sa mga propeta na nananaginip ng mapanlinlang—Ito ang pahayag ni Yahweh—at pagkatapos ay ipapahayag ang mga ito at sa paraang ito naliligaw ang aking mga tao sa kanilang panlilinlang at pagmamataas. Hindi ako sang-ayon sa kanila, sapagkat hindi ko sila isinugo ni binigyan ng mga utos. Kaya tiyak na hindi nila tutulungan ang mga taong ito—ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 33 Kapag ang mga taong ito o isang propeta o isang pari ang magtatanong sa iyo, 'Ano ang pahayag ni Yahweh?' at dapat mong sabihin sa kanila, 'Anong pahayag? Sapagkat iniwan ko na kayo'—ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 34 Para sa mga propeta, mga pari at ang mga taong nagsasabing, 'Ito ang pahayag ni Yahweh,' Parurusahan ko ang taong iyon at ang kaniyang sambahayan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 35 Patuloy ninyong sinasabi, bawat tao sa kaniyang kapwa at bawat tao sa kaniyang kapatid na lalaki, 'Ano ang sagot ni Yahweh?' at 'Ano ang pahayag ni Yahweh?'
|
||
\v 36 Ngunit hindi na ninyo kailangan pang magsalita tungkol sa pahayag ni Yahweh, sapagkat sa bawat pahayag mula sa bawat tao ay naging kaniyang sariling mensahe, at binago ninyo ang mga salita ng buhay na Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, na ating Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 37 Ito ang inyong tinatanong sa propeta, 'Ano ang isinagot ni Yahweh sa inyo? Ano ang ipinahayag ni Yahweh?
|
||
\v 38 Pagkatapos ibabalita ninyo ang isang pahayag mula kay Yahweh, ngunit ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Sinasabi mo, "Narito ang pahayag ni Yahweh," kahit na magpapadala ako ng utos sa inyo at sinabing, "Huwag mong sabihin: Ito ang isang pahayag mula kay Yahweh."
|
||
\v 39 Kaya, tingnan ninyo, pupulutin ko kayo at itatapon palayo mula sa akin, kasama ang lungsod na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.
|
||
\v 40 Pagkatapos ay ilalagay ko kayo sa walang hanggang kahihiyan at lalaitin kayo ng hindi malilimutan.' "
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 24
|
||
\p
|
||
\v 1 Nagpakita si Yahweh ng isang bagay sa akin. Masdan, dalawang basket ng igos ang nakalagay sa harapan ng templo ni Yahweh. (Ang pangitain na ito ay nangyari pagkatapos dalhin ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, sa pagkakabihag si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, ang mga pinuno ng Juda, mga mang-uukit at mga manggagawa ng bakal mula sa Jerusalem at dinala sila sa Babilonia.)
|
||
\v 2 Ang isang basket ng igos ay napakaganda, tulad ng mga unang nahinog na igos, ngunit ang ibang mga basket ng igos ay napakasama na hindi maaring kainin.
|
||
\v 3 Sinabi ni Yahweh sa akin, "Ano ang nakikita mo, Jeremias?" sinabi ko, "Mga igos. Mga igos na napakaganda at igos na napakasama na hindi ito maaaring kainin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Pagkatapos, ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
|
||
\v 5 "Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Titingnan ko ang pagkakabihag ng Juda para sa kanilang kapakinabangan, tulad ng mabubuting igos na ito, ang mga bihag na aking ipinadala mula sa lugar sa lupain ng Caldeo.
|
||
\v 6 Ibabaling ko ang aking mga mata sa kanila para sa kabutihan at muli silang ibabalik sa lupaing ito. Itatayo ko sila at hindi ibabagsak. Itatanim ko sila, at hindi bubunutin.
|
||
\v 7 At bibigyan ko sila ng isang puso upang kilalanin ako, sapagkat ako si Yahweh. Sila ay magiging aking mga tao at ako ay magiging kanilang Diyos, kaya babalik sila sa akin nang buong puso.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Ngunit tulad ng masamang igos na hindi maaaring kainin—ito ang sinasabi ni Yahweh—gagawin ko ang paraang ito kina Zedekias, na hari ng Juda, kasama ang kaniyang mga opisyal, at ang ilan pa sa mga taga-Jerusalem na nananatili sa lupaing ito o pupunta upang manatili sa lupain ng Egipto.
|
||
\v 9 Ibabaling ko sila sa isang nakakatakot na bagay, isang sakuna, sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa, isang kahihiyan at isang sentro ng mga salawikain, mga paghamak, at mga sumpa sa lahat ng lugar kung saan ko sila dinala.
|
||
\v 10 Magpapadala ako ng espada, taggutom, at salot laban sa kanila, lubos silang mauubos mula sa lupain na aking ibinigay sa kanila at sa kanilang mga ninuno."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 25
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias tungkol sa lahat ng mga tao ng Juda. Dumating ito sa ikaapat na taon ni Jehoaikim na anak ni Josias, hari ng Juda. Iyon ang unang taon ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia.
|
||
\v 2 Ipinahayag ito ni Jeremias na propeta sa lahat ng taga-Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Sinabi niya, "Sa dalawampu't tatlong taon, mula sa ikalabing-tatlong taon ni Josias na anak ni Amon, na hari ng Juda hanggang sa araw na ito, dumating ang mga salita ni Yahweh sa akin. Ipinapahayag ko ang mga ito sa inyo. Masigasig kong ipinapahayag ang mga ito, ngunit hindi kayo nakinig.
|
||
\v 4 Isinugo ni Yahweh ang lahat ng kaniyang mga lingkod na mga propeta sa inyo. Masigasig silang humayo, ngunit hindi kayo nakinig o nagbigay-pansin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Sinabi ng mga propetang ito, 'Hayaan ninyong tumalikod ang bawat tao mula sa kaniyang masasamang gawa at ang katiwalian na kanilang mga kinagawian at bumalik sa lupain na ibinigay ni Yahweh noong unang panahon sa inyong mga ninuno at sa inyo, bilang isang permanenteng kaloob.
|
||
\v 6 Kaya huwag kayong lumakad sa ibang diyos upang sambahin sila o yumukod sa kanila, at huwag ninyo silang udyukan sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang gawan nila kayo ng ikakasakit ninyo.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Ngunit hindi kayo nakinig sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—kaya inudyukan ninyo ako sa pamamagitan ng gawa ng inyong mga kamay upang saktan ko kayo.
|
||
\v 8 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo, 'Dahil hindi kayo nakinig sa aking mga salita,
|
||
\v 9 tingnan ninyo, magpapadala ako ng isang utos na tipunin ang lahat ng mga tao sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh—kasama ni Nebucadnezar na aking lingkod, ang hari ng Babilonia, at dalhin sila laban sa lupaing ito at ang bawat naninirahan dito, at laban sa lahat ng mga bansa na nakapalibot sa inyo. Sapagkat inihiwalay ko sila para sa pagkasira. Gagawin ko silang isang katatakutan, sila ang paksa ng mga panunutsot, at walang hanggang pagkawasak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Ang mga tunog ng kagalakan at pagdiriwang—ang mga tinig ng ikakasal na lalake at babae, ang tunog ng mga batong gilingan at ang liwanag ng mga ilawan—pahihintulutan kong mawala ang lahat ng mga bagay na ito mula sa mga bansang ito.
|
||
\v 11 Pagkatapos mawawasak ang lahat ng lupaing ito at magiging isang katatakutan, at maglilingkod sa hari ng Babilonia ang mga bansang ito ng pitumpung taon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 At mangyayari ang mga ito kapag nabuo na ang pitumpung taon, na aking parurusahan ang hari ng Babilonia at ang bansang iyon, ang lupain ng mga Caldeo— Ito ang pahayag ni Yahweh—dahil sa kanilang mga kasalanan at gagawin ito ng walang katapusang pagkawasak.
|
||
\v 13 Pagkatapos dadalhin ko laban sa lupaing iyon ang lahat ng mga salita na aking sinabi, at lahat ng mga bagay na isinulat sa aklat na ito na inihula ni Jeremias laban sa lahat ng mga bansa.
|
||
\v 14 Sapagkat marami rin sa ibang bansa at mga dakilang hari ang gagawing mga alipin mula sa mga bansang ito. Pagbabayarin ko sila sa kanilang mga gawa at sa mga ginawa ng kanilang mga kamay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Sapagkat ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, "Kunin mo ang saro ng alak ng matinding galit sa aking mga kamay at painumin mo ang lahat ng mga bansa kung saan kita isusugo.
|
||
\v 16 Sapagkat iinom sila at pagkatapos madarapa at tatakbo ng may kabaliwan bago ang espada na aking isusugo sa kanila."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Kaya kinuha ko ang saro mula sa kamay ni Yahweh, at pinainom ko ang lahat ng mga bansa kung saan ako isinugo ni Yaweh—
|
||
\v 18 Jerusalem, ang mga lungsod ng Juda at ang kaniyang mga hari at mga opisyal—na gawin silang pagkawasak at isang bagay na nakakatakot, at isang paksa para sa panunutsut at pagsusumpa, nanatili silang gayon hanggang ngayon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Kinakailangang inumin din ito ng ibang bansa: Si Faraon na hari ng Egipto at ang kaniyang mga alipin; ang kaniyang mga opisyal at ang lahat ng kaniyang mga tao;
|
||
\v 20 ang lahat ng mga tao na may ibat-ibang lahi at lahat ng mga hari sa lupain ng Uz; ang lahat ng mga hari sa lupain ng Filisteo—Ascalon, Gaza, Ekron, at ang mga natira sa Asdod;
|
||
\v 21 Edom at Moab at lahat ng mga tao sa Ammon;
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 ang mga hari ng Tiro at Sidon; ang mga hari sa mga baybayin sa kabilang bahagi ng dagat;
|
||
\v 23 Dedan, Tema, at Buz kasama ang lahat ng mga nagputol ng buhok sa mga gilid ng kanilang mga ulo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Kinakailangang inumin din ito ng mga taong ito: ang lahat ng mga hari sa Arabia at sa lahat ng mga hari ng mga tao na may ibat-ibang mga lahi na naninirahan sa ilang;
|
||
\v 25 lahat ng mga hari ng Zimri, lahat ng mga hari ng Elam, at lahat ng mga hari ng Media;
|
||
\v 26 lahat ng mga hari sa hilaga, lahat ng malalapit at mga malalayo—bawat isang kasama ng kaniyang kapatid at lahat ng mga kaharian ng mundo na nasa ibabaw ng lupa. Sa wakas, ang hari ng Babilonia ay iinom pagkatapos ng lahat.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 Sinabi ni Yahweh sa akin, "Ngayon kinakailangan mong sabihin sa kanila, 'Si Yahweh na pinuno ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, sinasabi niya ito: Uminom kayo at malasing, pagkatapos ay sumuka, bumagsak, at huwag babangon bago ang espada na ipadadala ko sa inyo.'
|
||
\v 28 At mangyayari ito kung tatanggi silang kunin ang saro mula sa iyong mga kamay upang inumin, sasabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo: Kinakailangan ninyo itong inumin.
|
||
\v 29 Sapagkat tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lungsod na tatawag sa aking pangalan, at dapat ba na hindi kayo kasama sa kaparusahan? Hindi kayo magiging malaya, sapagkat tatawag ako ng isang espada laban sa lahat ng naninirahan sa lupain! —Ito ang pahayag ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Kaya ikaw mismo, Jeremias, ay dapat magpropesiya sa kanila ng mga salitang ito. Kinakailangan mong sabihin sa kanila, 'Dumagundong ang tinig ni Yahweh mula sa itaas at inilalakas niya ang kaniyang tinig mula sa nilaan niyang lugar na pinananahanan. Dumagundong siya mula sa lugar na kaniyang pinananahanan; sumisigaw siya laban sa lahat ng naninirahan sa lupain, gaya ng mga taong umaawit kapag sila ay magsisiyapak sa mga ubas.
|
||
\v 31 Isang ingay ang dumating sa dulo ng lupain, sapagkat ang isang hindi pagkakasundo kay Yahweh ay magdadala ng isang pagsasakdal laban sa mga bansa. Mangangasiwa siya ng katarungan sa lahat ng laman. Ipapasakamay niya ang mga masasama sa espada—Ito ang pahayag ni Yahweh.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 32 Ito ang sinabi ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo, 'Tingnan ninyo, lalabas ang sakuna mula sa bansa patungo sa bansa, at isang napakalakas na bagyo ang pasimula mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo.
|
||
\v 33 Pagkatapos, silang mga napatay ni Yahweh ng araw na iyon ay madaragdagan mula sa dulo ng mundo hanggang sa kabilang dulo; hindi sila pagluluksaan, titipunin, o ililibing. Magiging tulad sila ng mga dumi sa lupa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 34 Tumangis kayo, mga pastol, at sumigaw para humingi ng tulong! Gumulong sa lupa, kayo na mga kamahalan sa mga kawan. Sapagkat ang inyong mga araw ay kakatayin at ang paghihiwalay ay darating. Babagsak kayong gaya ng mga piniling tupang lalaki.
|
||
\v 35 Ang kanlungan ng mga pastol ay nawala. Walang makakatakas para sa kamahalan sa mga kawan.
|
||
\v 36 May pagkabalisang mga panaghoy ng mga pastol at ang pagtangis ng kamahalan sa kawan, sapagkat wawasakin ni Yahweh ang kanilang mga pastulan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 37 Kaya ang mapayapang pastulan ay mawawasak sapagkat labis ang galit ni Yahweh.
|
||
\v 38 Tulad ng isang batang leon, na iniwan niya ang kaniyang yungib, dahil ang kanilang mga lupain ay magiging isang katatakutan dahil sa kaniyang mapang-aping galit, dahil sa kaniyang matinding galit."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 26
|
||
\p
|
||
\v 1 Sa pasimula ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Josias, ang hari ng Juda, dumating ang salitang ito mula kay Yahweh at sinabi,
|
||
\v 2 "Sinasabi ito ni Yahweh: Tumayo ka sa patyo ng aking tahanan at magsalita sa lahat ng mga lungsod ng Juda na pumupunta upang sumamba sa aking tahanan. Ipahayag mong lahat ang mga salitang iniutos ko sa iyo na iyong sasabihin sa kanila. Huwag mong babawasan ng kahit na anumang salita!
|
||
\v 3 Baka sakaling makinig sila, na bawat tao ay tatalikod sa kanilang mga masasamang kaparaanan, upang bawiin ko ang tungkol sa kapahamakang binabalak kong ipadala sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga nakasanayan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Kaya dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Kung hindi kayo makikinig sa akin at susunod sa kautusan na aking inilagay sa inyong harapan.
|
||
\v 5 Kung hindi kayo makikinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta na siyang patuloy kong isinusugo sa inyo—ngunit hindi ninyo pinakinggan! —
|
||
\v 6 kaya gagawin ko ang tahanang ito na tulad ng Shilo. Gagawin kong isinumpa ang lungsod na ito sa paningin ng lahat ng mga bansa sa lupa.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Narinig ng mga pari, ng mga propeta, at ng lahat ng mga tao ang mga salita na ipinapahayag ni Jeremias sa tahanan ni Yahweh.
|
||
\v 8 Kaya nangyari na, nang matapos ipahayag ni Jeremias sa lahat ng tao, sa mga pari, at sa mga propeta ang ipinapasabi ni Yahweh sa kaniya, hinuli siya ng lahat ng tao at sinabi, "Tiyak na mamamatay ka!
|
||
\v 9 Bakit ka nagpahayag sa pangalan ni Yahweh at sinabi na magiging gaya ng Shilo ang tahanang ito at mapapabayaan ang lungsod na ito na walang maninirahan?" Sapagkat ang lahat ng tao ay nakabuo ng isang nagkakagulong mga tao laban kay Jeremias sa tahanan ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 At narinig ng mga opisyal ng Juda ang mga salitang ito kaya mula sa tahanan ng hari nagtungo sila sa tahanan ni Yahweh. Umupo sila sa daanan sa may Bagong Tarangkahan ng tahanan ni Yahweh.
|
||
\v 11 Nakipag-usap ang mga pari at ang mga propeta sa mga opisyal at sa lahat ng tao. Sinabi nila, "Marapat lamang na mamatay ang taong ito, sapagkat nagpahayag siya laban sa lungsod na ito, gaya ng mga narinig ng inyong mga tainga!"
|
||
\v 12 Kaya nagsalita si Jeremias sa lahat ng opisyal at sa lahat ng tao at sinabi, "Isinugo ako ni Yahweh upang magpahayag laban sa tahanan at sa lungsod na ito upang sabihin sa inyo ang lahat ng mga salita na inyong narinig.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Kaya ngayon, ayusin ninyo ang inyong pamumuhay at mga nakasanayan at makinig kayo sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos upang mahabag siya tungkol sa kapahamakan na kaniyang ipinahayag laban sa inyo.
|
||
\v 14 Tumingin kayo sa akin! Ako mismo ay nasa inyong mga kamay. Gawin ninyo sa akin kung ano ang mabuti at matuwid sa inyong mga mata.
|
||
\v 15 Ngunit dapat ninyong malaman na kapag pinatay ninyo ako, nagdadala kayo ng walang-salang dugo sa inyong mga sarili, sa lungsod na ito at sa mga naninirahan dito, sapagkat tunay na isinugo ako sa inyo ni Yahweh upang ipahayag ko ang lahat ng mga salitang ito sa inyong mga tainga."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Pagkatapos, sinabi ng mga opisyal at ng lahat ng tao sa mga pari at sa mga propeta, "Hindi tama para sa taong ito na mamatay, sapagkat nagpahayag siya sa atin ng mga bagay sa pangalan ni Yahweh na ating Diyos."
|
||
\v 17 Pagkatapos, tumayo ang mga lalaki mula sa mga nakatatanda at nagsalita sa buong kapulungan ng mga tao.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Sinabi nila, "Si Mikas na isang Morastita ay nagpahayag sa mga panahon ni Hezekias, na hari ng Juda. Nagsalita siya sa lahat ng taga-Juda at sinabi, "Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: Magiging gaya ng isang parang na binubungkal ang Zion, magiging isang bunton ng mga durog na bato ang Jerusalem at magiging isang masukal na burol ang bundok na kinatatayuan ng templo.'
|
||
\v 19 Ipinapatay ba siya ni Hezekias na hari ng Juda at ng buong Juda? Hindi ba niya kinatakutan si Yawheh at pinahinahon ang mukha ni Yahweh upang bawiin ni Yahweh ang tungkol sa kapahamakang ipinahayag niya sa kanila? Kaya, gagawa ba tayo nang mas matinding kasamaan laban sa ating mga sariling buhay?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Samantala, may isa pang taong nagpahayag sa pangalan ni Yahweh, si Urias na anak ni Semaya na taga-Kiriat Jearim. Nagpahayag din siya laban sa lungsod at sa lupaing ito na sumasang-ayon sa lahat ng sinabi ni Jeremias.
|
||
\v 21 Ngunit nang marinig ni Haring Jehoiakim at ng lahat ng kaniyang mga kawal at mga opisyal ang kaniyang sinabi, sinubukan siyang ipapatay ng hari ngunit nalaman ito ni Urias at natakot, kaya tumakas siya at nagtungo sa Egipto.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 Gayunpaman, nagpadala si Haring Jehoiakim ng mga tauhan sa Egipto, si Elnatan na anak ni Acbor at mga tauhan na kasama niya sa Egipto.
|
||
\v 23 Dinakip nila si Urias mula sa Egipto at dinala kay Haring Jehoiakim. Pagkatapos, pinatay siya ni Jehoiakim gamit ang espada at ipinadala ang kaniyang bangkay sa libingan ng mga karaniwang tao.
|
||
\v 24 Ngunit na kay Jeremias ang mga kamay ni Ahikam na anak ni Safan, kaya hindi siya ibinigay sa mga kamay ng mga tao upang kanilang patayin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 27
|
||
\p
|
||
\v 1 Sa pasimula ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Yahweh.
|
||
\v 2 Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, "Gumawa ka ng mga tanikala at pamatok para sa iyong sarili. Ilagay mo ang mga ito sa iyong leeg.
|
||
\v 3 At ipadala mo ang mga ito sa hari ng Edom, sa hari ng Moab, sa hari ng mga Amonita, sa hari ng Tiro, at sa hari ng Sidon. Ipadala mo ang mga ito sa pamamagitan ng mga kamay ng mga sugo ng hari na pumunta sa Jerusalem kay Zedekias na hari ng Juda.
|
||
\v 4 Magbigay ka ng mga utos sa kanila para sa kanilang mga panginoon at sabihin, 'Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ganito ang dapat ninyong sabihin sa inyong mga panginoon,
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 "Ako mismo ang gumawa ng lupa sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan at ng aking nakataas na braso. Ginawa ko rin ang mga tao at mga hayop sa lupa at ibibigay ko ito sa sinumang nararapat sa aking paningin.
|
||
\v 6 Kaya ngayon, ako mismo ang magbibigay ng lahat ng lupaing ito sa kamay ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia, na aking lingkod. Gayundin, ibinibigay ko sa kaniya ang mga bagay na nabubuhay sa mga parang upang maglingkod sa kaniya.
|
||
\v 7 Sapagkat maglilingkod sa kaniya ang lahat ng mga bansa, sa kaniyang mga anak at sa kaniyang mga apo hanggang sa dumating ang panahon na magwakas ang kaniyang lupain. At maraming bansa at mga makapangyarihang hari ang tatalo sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Kaya ang bansa at kahariang hindi maglilingkod kay Nebucadnezar, na hari ng Babilonia at hindi maglalagay ng kaniyang leeg sa pamatok ng hari ng Babilonia, parurusahan ko ang bansang iyon sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot hanggang sa mawasak ko sila sa pamamagitan ng kaniyang kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 At kayo! Itigil na ninyo ang pakikinig sa inyong mga propeta, sa inyong mga manghuhula, sa mga nagpapaliwanag ng inyong mga panaginip at sa mga salamangkero na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia.'
|
||
\v 10 Sapagkat nagpapahayag sila ng panlilinlang sa inyo upang sa gayon maipatapon kayo sa malayo mula sa inyong mga lupain, sapagkat ipatatapon ko kayo at kayo ay mamamatay.
|
||
\v 11 Ngunit ang bansa na naglalagay ng leeg nito sa pamatok ng hari ng Babilonia at maglilingkod sa kaniya, pahihintulutan kong magpahinga sa lupain nito at ihahanda nila ito at gagawa ng kanilang mga tahanan dito. Ito ang pahayag ni Yahweh."'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Kaya sinabi ko kay Zedekias na hari ng Juda at ibinigay ko sa kaniya ang mensaheng ito, "Ilagay ninyo sa inyong mga leeg ang pamatok ng hari ng Babilonia at paglingkuran siya at ang kaniyang mga tao at mabubuhay kayo.
|
||
\v 13 Bakit kayo mamamatay, kayo at ang inyong mga tao sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot, gaya ng ipinahayag ko tungkol sa bansa na tumanggi na paglingkuran ang hari ng Babilonia?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propeta na nagsasalita sa inyo at sinasabi, 'Huwag ninyong paglilingkuran ang hari ng Babilonia,' sapagkat mga kasinungalingan ang ipinapahayag nila sa inyo.
|
||
\v 15 'Sapagkat hindi ko sila isinugo dahil nagpapahayag sila ng panlilinlang sa aking pangalan upang ipatapon ko kayo at mamamatay, kayo at ang mga propeta na nagpapahayag sa inyo. Ito ang pahayag ni Yahweh.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Ipinahayag ko ito sa mga pari at sa lahat ng tao at sinabi, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: Huwag kayong makinig sa mga salita ng inyong mga propetang nagpapahayag sa inyo at sinasabi, 'Tingnan ninyo! Ang mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh ay ibinabalik ngayon mula sa Babilonia!' Nagpapahayag sila ng mga kasinungalingan sa inyo.
|
||
\v 17 Huwag kayong makinig sa kanila. Dapat ninyong paglingkuran ang hari ng Babilonia at mabuhay. Bakit kailangang maging isang lungsod ng pagkawasak ang lungsod na ito?
|
||
\v 18 Kung mga propeta sila at totoo na dumating ang salita ni Yahweh sa kanila, hayaan mong magmakaawa sila kay Yahweh ng mga hukbo na huwag ipadala sa Babilonia ang mga bagay na nananatili sa kaniyang tahanan, ang tahanan ng hari ng Juda at Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo ay nagpapahayag tungkol sa mga haligi, sa ipunan ng tubig at sa pundasyon at sa iba pang mga bagay na nananatili sa lungsod na ito,
|
||
\v 20 ang mga bagay na hindi kinuha ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, nang dinala niya sa pagkabihag si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda mula sa Jerusalem patungo sa Babilonia kasama ang lahat ng mga maharlika ng Juda at Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Ito ang sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, tungkol sa mga bagay na nananatili sa tahanan ni Yahweh, ang tahanan ng hari ng Juda at Jerusalem,
|
||
\v 22 'Dadalhin ang mga ito sa Babilonia at mananatili doon hanggang sa dumating ang araw na aking itinakda para sa mga ito at dadalhin ko ang mga ito at ibabalik sa lugar na ito.'" Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 28
|
||
\p
|
||
\v 1 Nangyari ito sa taong iyon, sa simula ng paghahari ni Zedekias na hari ng Juda, sa ika-apat na taon at sa ika-limang buwan, si Ananias na anak ni Azur na propeta, na mula sa Gibeon ay nagsalita sa akin sa tahanan ni Yahweh sa harap ng mga pari at sa lahat ng mga tao. Sinabi niya,
|
||
\v 2 Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Binali ko ang pamatok na ipinataw ng hari ng Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Sa loob ng dalawang taon ibabalik ko sa lugar na ito ang lahat ng mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh na kinuha ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia mula sa lugar na ito at dinala sa Babilonia.
|
||
\v 4 At ibabalik ko sa lugar na ito si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda at lahat ng mga bihag ng Juda na ipinadala sa Babilonia, sapagkat sisirain ko ang pamatok ng hari ng Babilonia." Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Kaya nagsalita si Jeremias na propeta kay Ananias na propeta sa harap ng mga pari at sa lahat ng mga taong nakatayo sa tahanan ni Yahweh.
|
||
\v 6 Sinabi ni Jeremias na propeta, "Gawin nawa ito ni Yahweh! Patunayan nawa ni Yahweh ang mga salita na iyong ipinahayag at ibalik sa lugar na ito ang mga bagay na pag-aari ng tahanan ni Yahweh at ang lahat ng mga bihag mula sa Babilonia.
|
||
\v 7 Gayunpaman, makinig sa mga salita na aking ipapahayag sa inyong pandinig at sa pandinig ng lahat ng mga tao.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Ang mga propeta na nauna sa akin at sa inyo matagal ng panahon ang lumipas ay nagpahayag din tungkol sa maraming bansa at laban sa mga dakilang kaharian, tungkol sa digmaan, tag-gutom at salot.
|
||
\v 9 Kaya ang propetang nagpapahayag na magkakaroon ng kapayapaan, kung magkakatotoo ang kaniyang sinabi, kung gayon malalaman na tunay siyang propeta na isinugo ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Ngunit kinuha ni Ananias na propeta ang pamatok sa leeg ni Jeremias na propeta at binali ito.
|
||
\v 11 At nagsalita si Ananias sa harap ng lahat ng tao at sinabi, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, Katulad lamang nito, sa loob ng dalawang taon babaliin ko mula sa leeg ng bawat bansa ang pamatok na ipinataw ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia." At nagpatuloy sa kaniyang daan si Jeremias na propeta.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Pagkatapos baliin ni Ananias na propeta ang pamatok mula sa leeg ni Jeremias na propeta, ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias at sinabi,
|
||
\v 13 "Pumunta ka at magsalita kay Ananias at sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: binali mo ang pamatok na kahoy, ngunit, sa halip gagawa ako ng pamatok na bakal."
|
||
\v 14 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Inilagay ko ang pamatok na bakal sa leeg ng lahat ng mga bansang ito upang paglingkuran si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at maglilingkod sila sa kaniya. Ibinigay ko rin sa kaniya ang mababangis na hayop sa mga parang upang pamunuan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Sumunod na sinabi ni Jeremias na propeta kay Ananias na propeta, "Makinig ka Ananias! hindi ka sinugo ni Yahweh, ngunit ikaw mismo ang naging dahilan upang maniwala sa kasinungalingan ang mga taong ito.
|
||
\v 16 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo palalayasin na kita sa mundong ito. Mamamatay ka sa taon na ito, yamang ipinahayag mo ang paghihimagsik laban kay Yahweh."
|
||
\v 17 At namatay si Ananias na propeta sa ika-pitong buwan sa taong iyon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 29
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang mga salitang nakasulat sa kasulatang binalumbon na ipinadala ni Jeremias na propeta mula Jerusalem para sa mga natitirang nakatatanda na kasama sa mga bihag at sa mga pari, sa mga propeta at sa lahat ng tao na sapilitang dinala ni Nebucadnezar mula Jerusalem hanggang Babilonia.
|
||
\v 2 Ito ay pagkatapos na palayasin mula Jerusalem si Jeconias na hari, ang inang reyna, ang mga matataas na pinuno, ang mga pinuno ng Juda at Jerusalem, at ang mga manggagawa.
|
||
\v 3 Ipinadala niya ang kasulatang binalumbon sa pamamagitan ng kamay ni Elasa na anak ni Safan at Gemarias na lalaking anak ni Hilkias na ipinadala ni Zedekias na hari ng Juda kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Ang nakasaad sa kasulatang binalumbon, "Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito sa lahat ng mga bihag na ipinadala ko nang sapilitan sa Babilonia mula Jerusalem,
|
||
\v 5 'Magtayo kayo ng mga bahay at manirahan sa mga ito. Magtanim kayo at kainin ang mga bunga nito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 kumuha kayo ng mapapangasawang babae at magsilang ng mga anak na lalaki at babae. At kumuha kayo ng mga asawang babae para sa inyong mga anak na lalaki at ibigay ang inyong mga anak na babae sa mga asawang lalaki. Hayaan ninyong magsilang sila ng mga anak na lalaki at babae at magparami kayo roon upang sa gayon, hindi kayo maging napakaunti.
|
||
\v 7 Hanapin ninyo ang kapayapaan ng lungsod kung saan ko kayo ipinadala nang sapilitan, at mamagitan kayong kasama ko alang-alang dito sapagkat magkakaroon ng kapayapaan para sa inyo kung ito ay mapayapa.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito, 'Huwag ninyong hayaan na linlangin kayo ng inyong mga propeta at inyong mga manghuhula na nasa inyong kalagitnaan at huwag kayong makining sa mga panaginip na mayroon kayo.
|
||
\v 9 Sapagkat nagpapahayag sila ng panlilinlang sa inyo sa aking pangalan. Hindi ko sila ipinadala, ito ang pahayag ni Yahweh.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kapag pinamunuan kayo ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon, tutulungan ko kayo at ipagpapatuloy ang mabuting salita ko para sa inyo upang ibalik kayo sa lugar na ito.
|
||
\v 11 Sapagkat ako mismo ang nakakaalam ng mga plano na mayroon ako para sa inyo, mga plano para sa kapayapaan at hindi para sa sakuna, upang bigyan kayo ng isang kinabukasan at pag-asa. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 At tatawag kayo sa akin, pupunta kayo at mananalangin sa akin, at pakikinggan ko kayo.
|
||
\v 13 Sapagkat hahanapin ninyo ako at masusumpungan, sapagkat hahanapin ninyo ako nang buong puso.
|
||
\v 14 At matatagpuan ninyo ako at ibabalik ko ang inyong mga kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga bansa at mga lugar kung saan ko kayo ikinalat, sapagkat ibabalik ko kayo mula sa lugar kung saan ko kayo ipinadala nang sapilitan.' Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Yamang sinabi ninyo na nagtalaga si Yahweh ng mga propeta para sa amin sa Babilonia
|
||
\v 16 Ito ang sinasabi ni Yahweh sa hari na nakaupo sa trono ni David at sa lahat ng mga tao na nananatili sa lungsod na iyon, ang inyong mga kapatid na hindi ninyo kasama sa inyong pagkabihag.
|
||
\v 17 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Tingnan ninyo, ipadadala ko na ang espada, taggutom at sakit sa kanila. Sapagkat gagawin ko silang katulad ng mga bulok na igos na hindi maaaring kainin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 At hahabulin ko sila ng espada, taggutom, at salot at gagawin silang isang kakila-kilabot sa paningin ng lahat ng kaharian sa mundo, isang katatakutan, isang bagay tungkol sa mga sumpa at panunutsot na mga salita, at isang kahihiyan sa lahat ng mga bansa kung saan ko sila ikinalat.
|
||
\v 19 Ito ay dahil hindi sila nakinig sa aking mga salita na ipinadala ko sa kanila sa pamamagitan ng aking mga lingkod na propeta, ito ang pahayag ni Yahweh. Paulit-ulit ko silang isinugo, ngunit hindi kayo nakinig. Ito ang pahayag ni Yahweh.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Kaya kayo mismo ang makinig sa salita ni Yahweh, kayong lahat na ipinatapon at ipinadala niya sa Babilonia mula Jerusalem.
|
||
\v 21 Akong si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsabi nito tungkol kay Ahab na anak ni Kolaias at kay Zedekias na anak ni Maasias, na nagpahayag ng kasinungalingan sa inyo sa aking pangalan: Tingnan ninyo, ibibigay ko sila sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Papatayin niya sila sa inyong harapan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 At isang sumpa ang bibigkasin tungkol sa mga taong ito sa lahat ng mga bihag ng Juda sa Babilonia. Sasabihin sa sumpa: Gawin nawa kayo ni Yahweh na katulad ni Zedekias at Ahab na inihaw sa apoy ng hari ng Babilonia.
|
||
\v 23 Mangyayari ito dahil sa mga kahiya-hiyang bagay na ginawa nila sa Israel nang mangalunya sila sa asawa ng kanilang kapwa at nagpahayag ng mga salitang kasinungalingan sa aking pangalan, bagay na hindi ko kailanman iniutos upang sabihin nila. Sapagkat ako ang siyang nakakaalam, ako ang saksi. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Tungkol kay Semaias na Nehelamita, sabihin mo ito:
|
||
\v 25 'Si Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, ang nagsasabi nito: Dahil nagpadala ka ng mga sulat sa iyong sariling pangalan sa lahat ng mga tao sa Jerusalem, kay Zefanias na anak ni Maasias na pari, at sa lahat ng mga pari at sinabi,
|
||
\v 26 "Ginawa kang pari ni Yahweh sa halip na si Joiada na pari, upang maging tagapangasiwa ka ng tahanan ni Yahweh. Ikaw ang namamahala sa lahat ng mga taong nagmamagaling at ginawang propeta ang kanilang mga sarili. Kailangan mo silang lagyan ng mga pangawan at mga tanikala.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 Kaya ngayon, bakit hindi mo sinaway si Jeremias ng Anatot, na ginawang propeta ang kaniyang sarili laban sa iyo?
|
||
\v 28 Sapagkat sinugo siya sa atin sa Babilonia at sinabi, 'Ito ay magiging mahabang panahon. Magtayo kayo ng mga bahay at manirahan sa mga ito, magtanim at kainin ang mga bunga nito.''''''
|
||
\v 29 Binasa ni Zefanias na pari ang sulat na ito na naririnig ni Jeremias na propeta.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Kaya dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi,
|
||
\v 31 "Magpadala ka ng balita sa lahat ng mga sapilitang dinala at sabihin, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Semaias na Nehelamita. Dahil nagpahayag sa inyo si Semaias nang hindi ako mismo ang nagsugo sa kaniya, dahil pinangunahan niya kayo upang maniwala sa mga kasinungalingan,
|
||
\v 32 samakatuwid ito ang sinasabi ni Yahweh. Tingnan ninyo, parurusahan ko si Semaias na Nehelamita at ang kaniyang mga kaapu-apuhan. Hindi magkakaroon ng isang tao para sa kaniya upang manatili sa gitna ng mga taong ito. Hindi niya makikita ang kabutihang gagawin ko para sa aking mga tao, sapagkat ipinahayag niya ang kawalan ng pananampalataya laban sa akin, si Yahweh." Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 30
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay Yahweh at sinabi,
|
||
\v 2 "Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Isulat mo mismo sa kasulatang binalumbon ang lahat ng salita na ipinahayag ko sa iyo sa kasulatang binalonbon.
|
||
\v 3 Sapagkat tingnan mo, parating na ang mga araw—Ito ang pahayag ni Yahweh—kapag pinanumbalik ko ang mga kayamanan ng aking mga tao, ang Israel at Juda. Akong si Yahweh ang nagsabi nito. Sapagkat ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno at aariin nila ito."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Ito ang mga salita na ipinahayag ni Yahweh tungkol sa Israel at Juda,
|
||
\v 5 "Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, ' Narinig namin ang isang nanginginig na tinig ng pangamba at hindi ng kapayapaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Magtanong at tingnan, kung magsisilang ng isang sanggol ang isang lalaki. Bakit nakikita ko ang bawat batang lalaki na nasa kanilang puson ang kanilang mga kamay? Gaya ng isang babaeng nagsisilang ng isang sanggol, bakit namumutla ang lahat ng kanilang mga mukha?
|
||
\v 7 Aba! Sapagkat magiging dakila at walang katulad ang araw na ito. Ito ay magiging panahon ng pagkabalisa para kay Jacob, ngunit maliligtas siya mula rito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Ito ang pahayag ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo. Sapagkat sa araw na iyon, babaliin ko ang pamatok sa inyong leeg at sisirain ko ang inyong mga tanikala, upang hindi na kayo alipinin ng mga dayuhan kailanman.
|
||
\v 9 Ngunit sasamba sila kay Yahweh na kanilang Diyos at maglilingkod kay David na kanilang hari na siyang gagawin kong hari na mamumuno sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Kaya ikaw Jacob na aking lingkod, huwag kang matakot at huwag kang panghinaan ng loob, Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat tingnan ninyo, ibabalik ko na kayo sa malayo at ang inyong mga kaapu-apuhan sa lupain ng pagkabihag. Babalik si Jacob at magiging mapayapa at magiging ligtas siya at wala ng katatakutan kailanman
|
||
\v 11 Sapagkat ako ay nasa inyo upang iligtas ka—ito ang pahayag ni Yahweh. At magdadala ako ng isang ganap na katapusan sa lahat ng bansa kung saan ko kayo ikinalat. Ngunit tinitiyak ko na hindi ako maglalagay ng katapusan sa inyo, bagaman didisiplinahin ko kayo na may katarungan at tinitiyak kong hindi ko kayo iiwan na hindi naparusahan.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Ang iyong pinsala ay hindi na magagamot at ang iyong mga sugat ay naimpeksiyon na.
|
||
\v 13 Walang sinuman ang nakiusap tungkol sa iyong kalagayan; wala ng lunas ang iyong sugat para ikaw ay pagalingin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Kinalimutan ka na ng lahat ng iyong mga mangingibig. Hindi ka nila hahanapin sapagkat sinugatan kita kagaya ng sugat ng isang kalaban at pagdidisiplina ng isang malupit na panginoon dahil sa iyong napakaraming kasamaan at mga hindi mabilang mong mga kasalanan.
|
||
\v 15 Bakit ka humihingi ng tulong para iyong pinsala? Hindi na magagamot ang iyong sakit. Dahil sa napakarami mong kasamaan at hindi mabilang mong mga kasalanan, ginawa ko ang mga bagay na ito sa iyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Kaya ang lahat ng umubos sa iyo ay mauubos at ang lahat ng iyong mga kaaway ay mabibihag. Sapagkat sa mga nagnakaw sa iyo ay mananakawan at sasamsamin ang lahat ng sumamsam sa iyo.
|
||
\v 17 Sapagkat magdadala ako ng kagalingan sa iyo, pagagalingin ko ang iyong mga sugat, ito ang pahayag ni Yahweh. Gagawin ko ito dahil tinawag ka nilang: Itinakwil. Walang nagmamalasakit sa Zion na ito."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Tingnan mo, ibinabalik ko na ang mga kasaganaan sa mga tolda ni Jacob at magkakaroon ng pagkahabag sa kaniyang mga tahanan. At itatayo ang lungsod sa bunton ng mga pagkawasak at magkakaroon ng isang matibay na tanggulan na muling magagamit.
|
||
\v 19 At ang isang awit ng papuri at isang tunog ng kasiyahan ay lalabas mula sa kanila, sapagkat pararamihin ko sila at hindi babawasan; Pararangalan ko sila upang hindi sila hamakin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 At magiging tulad ng dati ang kanilang mga tao at itatatag ang kanilang kalipunan sa aking harapan kapag pinarusahan ko ang lahat ng mga nagpapahirap sa kanila ngayon.
|
||
\v 21 Manggagaling mula sa kanila ang kanilang pinuno. Lilitaw siya mula sa kanilang kalagitnaan kapag palalapitin ko siya at kapag lumapit siya sa akin. Kung hindi ko ito gagawin, sino pa ang maglalakas-loob na lumapit sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 22 At kayo ay magiging aking mga tao at ako ang magiging Diyos ninyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Tingnan ninyo, ang silakbo ng matinding galit ni Yahweh ay lumabas na. Ito ay silakbong nagpapatuloy. Iikot ito sa ulo ng mga masasamang tao.
|
||
\v 24 Ang matinding poot ni Yahweh ay hindi babalik hanggang hindi natutupad ito at naisasakatuparan ang ninanais ng kaniyang puso. Maiintindihan mo ito sa mga huling araw.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 31
|
||
\p
|
||
\v 1 "Sa panahong iyon—ito ang pahayag ni Yahweh— Ako ang magiging Diyos ng lahat ng mga angkan ng Israel at sila ay magiging mga tao ko."
|
||
\v 2 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Ang mga tao na nakaligtas sa dumating na pagpatay sa Israel sa pamamagitan ng espada ay nakasumpong ng biyaya sa ilang."
|
||
\v 3 Nagpakita sa akin si Yahweh noong nakaraan at sinabi, "Minahal kita Israel, ng walang hanggang pagmamahal. Kaya inilapit kita sa aking sarili na may matapat na kasunduan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Itatayo kitang muli, upang sa gayon ikaw ay makatatayo, birheng Israel. Maaari mong damputin muli ang iyong mga tamburin at lumabas nang may mga masasayang sayaw.
|
||
\v 5 Muli kayong makapagtatanim ng mga ubasan sa kabundukan ng Samaria; magtatanim ang mga magsasaka at gagamitin ang mga bunga sa mabuti.
|
||
\v 6 Sapagkat darating ang araw kapag ipinahayag ng taga-bantay sa kabundukan ng Efraim, 'Tumindig kayo at pumunta tayo sa Sion kay Yahweh na ating Diyos."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, "Sumigaw sa galak para kay Jacob! Sumigaw ng may kagalakan para sa pinuno ng mga tao sa mga bansa!. Hayaang marinig ang papuri. Sabihing, 'Iniligtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ang natitira ng Israel.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Tingnan mo, dadalhin ko na sila sa hilagang mga lupain. Titipunin ko sila sa mga pinakamalayong dako ng mundo. Kasama nila ang mga bulag at pilay, ang mga nagdadalang tao at ang mga malapit nang manganak ay kasama nila. Isang malaking kapulungan ang babalik dito.
|
||
\v 9 Darating sila na umiiyak, pangungunahan ko sila habang sila ay nagsusumamo. Paglalakbayin ko sila sa mga batis ng tubig sa isang tuwid na daan. Hindi sila madadapa dito, sapagkat ako ang magiging isang ama ng Israel at ang Efraim ang magiging una kong anak."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 " Dinggin ninyo mga bansa ang salita ni Yahweh. Ibalita sa mga baybayin na nasa kalayuan. Kayong mga bansa, dapat ninyong sabihin, "Ang nagkalat sa Israel ang nagtitipon at nag-iingat sa kaniya kagaya ng pag-iingat ng isang pastol sa kaniyang tupa"
|
||
\v 11 Sapagkat tinubos ni Yahweh si Jacob at iniligtas siya sa kamay ng napakalakas para sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Pagkatapos, darating sila sa taas ng Sion na may galak. Magagalak sila dahil sa kabutihan ni Yahweh, dahil sa mais at sa bagong alak, sa langis at sa anak ng mga kawan at mga inahin. Sapagkat ang kanilang pamumuhay ay magiging katulad ng isang dinidiligang hardin at hindi na sila muling makakaramdam ng anumang kalungkutan
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 At sasayaw nang may galak ang mga birhen at mga binata at mga matatandang kalalakihan. Sapagkat papalitan ko ang kanilang pagdadalamhati ng pagdiriwang. Kahahabagan ko sila at magagalak sa halip na nagluluksa.
|
||
\v 14 Pagkatapos, pananatilihin ko na sagana ang pamumuhay ng mga pari. Mapupuno ang aking mga tao ng aking kabutihan. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Isang tinig ang narinig sa Rama na nananaghoy at mapait na nagluluksa. Ito ay si Raquel na umiiyak para sa kaniyang mga anak. Tumanggi siyang paaliw sa kanila, sapagkat sila ay patay na."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Pigilin mo ang iyong tinig sa pagluluksa at ang iyong mga mata sa pagluha, dahil mayroong kabayaran para sa iyong paghihirap. Ito ang pahayag ni Yahweh babalik ang iyong mga anak mula sa lupain ng kalaban.
|
||
\v 17 Mayroong pag-asa sa iyong hinaharap, ito ang pahayag ni Yahweh, babalik ang iyong mga kaapu-apuhan sa loob ng kanilang mga hangganan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Tiyak na narinig kong nagdadalamhati ang Efraim, 'Pinarusahan mo ako at ako ay naparusahan. Ibalik mo ako kagaya ng baka na hindi pa naturuan at ako ay babalik, sapagkat ikaw si Yahweh na aking Diyos.
|
||
\v 19 Sapagkat matapos akong tumalikod sa iyo, ako ay nagsisisi; matapos akong maturuan, pinaghahampas ko ang aking hita dahil sa kalungkutan. Ako ay nahihiya at napahiya sapagkat dala-dala ko ang pag-uusig sa aking kabataan.
|
||
\v 20 Hindi ba si Efraim ang mahal kong anak? Hindi ba siya ang minamahal at kinalulugdan kong anak? Sapagkat sa tuwing magsasalita ako laban sa kaniya, tinitiyak kong inaalala ko pa rin siya sa aking mapagmahal na isipan. Sa ganitong paraan nananabik ang puso ko sa kaniya. Tinitiyak kong kahahabagan ko siya. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Maglagay ka ng mga palatandaan sa daan para sa iyong sarili. Magtayo ka ng mga posteng-patnubay para sa iyong sarili. Ituon mo ang iyong isipan sa tamang landas, ang daan na dapat mong tahakin. Bumalik kayo, birheng Israel! Bumalik kayo sa mga lungsod na ito na pagmamay-ari ninyo.
|
||
\v 22 Gaano katagal mong ipagpapatuloy ang pag-aalinlangan anak kong walang pananampalataya? Sapagkat lumikha si Yahweh ng isang bagay na bago sa mundo: nakapalibot ang mga babae sa mga malalakas na lalaki upang protektahan sila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Si Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel ang nagsabi nito, "Kapag ibinalik ko na ang aking mga tao sa kanilang lupain, sasabihin nila ito sa lupain ng Juda at sa kaniyang mga lungsod, 'Pagpalain ka nawa ni Yahweh, ikaw na matuwid na lugar kung saan siya nananahan, ikaw na banal na bundok.
|
||
\v 24 Sapagkat ang Juda at ang lahat ng kaniyang mga lungsod ay sama-samang maninirahan sa kaniya. Naroon ang mga magsasaka at mga pastol kasama ang kanilang mga kawan.
|
||
\v 25 Sapagkat bibigyan ko ng tubig na maiinom ang mga napapagod at papawiin ko ang pagdurusa ng bawat isa mula sa pagkakauhaw."
|
||
\v 26 Pagkatapos nito, nagising ako at napagtanto ko na ang pagtulog ko ay naging kaginha-ginhawa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 mo, ang mga araw ay dumarating, Ito ang pahayag ni Yahweh, kapag hahasikan ko ang mga tahanan ng Israel at Juda kasama ang mga kaapu-apuhan ng tao at hayop.
|
||
\v 28 Sa nakalipas, pinasubaybayan ko sila upang bunutin sila at upang sirain, pabagsakin, wasakin at magdala ng pinsala sa kanila. Ngunit sa darating na mga araw, babantayan ko sila upang itayo sila at upang itanim sila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 Sa mga araw na iyon, wala nang magsasabi na, 'Kumain ang mga ama ng mga maaasim na ubas, ngunit mapurol ang mga ngipin ng mga bata.'
|
||
\v 30 Sapagkat mamamatay ang bawat tao sa kaniyang sariling kasalanan. Magiging mapurol ang mga ngipin ng sinumang kumain ng mga maaasim na ubas.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 31 Tingnan mo, paparating na ang mga araw. Ito ang pahayag ni Yahweh. Kapag magtatatag ako ng isang bagong kasunduan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
|
||
\v 32 Hindi na ito kagaya ng kasunduan na itinatag ko sa kanilang mga ama sa mga panahong kinuha ko sila sa kanilang mga kamay upang ilabas mula sa lupain ng Egipto. Iyon ang mga araw na nilabag nila ang aking kasunduan, bagaman, ako ay isang asawang lalaki para sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 33 Ngunit ito ang kasunduan na aking itatatag sa sambahayan ng Israel pagkatapos ng mga araw na ito. Ito ang pahayag ni Yahweh. Ilalagay ko ang aking kautusan sa kanilang kalooban at isusulat ito sa kanilang puso, sapagkat ako ang kanilang magiging Diyos at sila ay magiging aking mga tao.
|
||
\v 34 At hindi na tuturuan ng bawat tao ang kaniyang kapwa o tuturuan ng isang tao ang kaniyang kapatid at sabihin, "Kilalanin si Yahweh!' Sapagkat lahat sila mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila ay makikilala ako. Ito ang pahayag ni Yahweh. Sapagkat patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan at hindi na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 35 Ito ang sinasabi ni Yahweh. Si Yahweh ang nagdudulot sa araw upang magliwanag sa umaga at umaayos sa buwan at sa mga bituin upang magliwanag sa gabi. Siya ang nagpapagalaw ng dagat upang ang alon nito ay dadagundong. Yahweh, ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Ito ang sinasabi niya,
|
||
\v 36 "Kung kusang mawawala ang mga permanenteng bagay na ito sa aking paningin --Ito ang pahayag ni Yahweh—hindi titigil ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa pagiging isang bansa sa harapan ko."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 37 Ito ang sinasabi ni Yahweh, "Kung ang pinakamataas na kalangitan ay masusukat, at kung malalaman ang pundasyon ng mundo, tatanggihan ko ang lahat ng mga kaapu-apuhan ng Israel dahil sa lahat ng kanilang mga ginawang iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 38 Tingnan mo, paparating na ang mga araw—kapag muling itatayo ang lungsod para sa akin, mula sa Tore ng Hananel hanggang sa Sulok ng Tarangkahan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 39 At ang linyang panukat ay muling pupunta sa malalayo, sa burol ng Gareb at sa palibot ng Goah.
|
||
\v 40 Ang buong lambak ng libingan at mga abo at ang lahat ng mga parang sa Kapatagan ng Kidron hanggang sa sulok ng Tarangkahan ng Kabayo sa silangan ay ilalaan para sa akin, kay Yahweh. Hindi na ito kayang hugutin o kaya patumbahing muli.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 32
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh sa ikasampung taon ni Zedekias na hari ng Juda, sa ikalabing-walong taon ni Nebucadnezar.
|
||
\v 2 Sa panahong iyon, sinasalakay ng hukbo ng hari ng Babilonia ang Jerusalem, at si Jeremias na propeta ay nakakulong sa patyo ng bantay sa tahanan ng hari ng Juda.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Ikinulong siya ni Zedekias na hari ng Juda at sinabi, "Bakit ka nagpapahayag at sinasabi, ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia at sasakupin niya ito.
|
||
\v 4 Hindi makatatakas si Zedekias na hari ng Juda sa kamay ng mga Caldeo, sapagkat tunay ngang ipinasakamay siya sa hari ng Babilonia. Ang bibig niya ay makikipag-usap sa bibig ng hari, at makikita ng kaniyang mga mata ang mga mata ng hari.
|
||
\v 5 Sapagkat pupunta si Zedekias sa Babilonia at mananatili siya roon hanggang sa may gawin ako sa kaniya, ito ang pahayag ni Yahweh, sapagkat nilabanan ninyo ang mga Caldeo. Hindi kayo magiging matagumpay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Sinabi ni Jeremias, "Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
|
||
\v 7 'Tingnan mo, pupunta sa iyo si Hanamel ang lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum at sasabihin, "Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatang bilhin ito.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 At gaya ng ipinahayag ni Yahweh, pumunta sa akin si Hanamel na lalaking anak ng aking tiyuhin sa patyo ng mga bantay, at sinabi sa akin, 'Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot sa lupain ng Benjamin, sapagkat nasa iyo ang karapatan sa mana, at nasa iyo ang karapatang bilhin ito. Bilhin mo ito para sa iyong sarili.' At alam ko na salita ito ni Yahweh.
|
||
\v 9 Kaya binili ko ang bukid na nasa Anatot mula kay Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at tinimbang ko ang pilak para sa kaniya, labing-pitong siklo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 At sumulat ako sa isang kasulatang binalumbon at sinelyuhan ko ito, at may mga saksing nakasaksi nito. At tinimbang ko ang pilak sa timbangan.
|
||
\v 11 Pagkatapos, kinuha ko ang katibayan ng pagkabili na naselyuhan, bilang pagsunod sa utos at sa mga kautusan, gayon din ang hindi naselyuhang katibayan.
|
||
\v 12 Ibinigay ko ang selyadong kasulatang nakabalumbon kay Baruc na lalaking anak ni Nerias na anak naman ni Maaseias sa harapan ni Hanamel, ang lalaking anak ng aking tiyuhin, at ng mga saksing nakasulat sa selyadong kasulatang binalumbon, at sa harapan ng lahat ng taga-Juda na nakaupo sa patyo ng bantay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Kaya nagbigay ako ng isang utos kay Baruc sa harap nila. Sinabi ko,
|
||
\v 14 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kunin mo ang mga kasulatang binalumbon na ito kasama ang resibo ng pagbili na naselyuhan at itong hindi naselyuhan na kasulatang binalumbon. Ilagay mo ang mga ito sa bagong lalagyan upang tumagal ang mga ito sa mahabang panahon.
|
||
\v 15 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang mga tahanan, mga bukirin, at mga ubasan ay muling bibilhin sa lupaing ito.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Pagkatapos kong ibigay ang resibo ng pagbili kay Baruc na lalaking anak ni Nerias, nanalangin ako kay Yahweh at sinabi,
|
||
\v 17 'Oh, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Ikaw lamang ang lumikha sa kalangitan at sa lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng iyong nakataas na braso. Wala kang sinabi na napakahirap para sa iyo na gawin.
|
||
\v 18 Nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa libu-libo at ibinuhos mo ang kasamaan ng mga tao sa mga kandungan ng kanilang magiging mga anak. Ikaw ang dakila at makapangyarihang Diyos, Yahweh ng mga hukbo ang iyong pangalan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Ikaw ay dakila sa karunungan at makapangyarihan sa mga gawa, sapagkat bukas ang iyong mga mata sa lahat ng ginagawa ng mga tao, upang ibigay sa bawat tao kung ano ang nararapat sa kaniyang pag-uugali at mga gawa.
|
||
\v 20 Gumawa ka ng mga tanda at mga kababalaghan sa lupain ng Egipto. Maging sa kasalukuyang panahon dito sa Israel at sa lahat ng sangkatauhan, ginawa mong tanyag ang iyong pangalan.
|
||
\v 21 Sapagkat inilabas mo ang iyong mga Israelita sa lupain ng Egipto sa pamamagitan ng mga tanda at mga kamangha-mangha, sa isang malakas na kamay, isang nakataas na braso, at nang may matinding takot.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 At ibinigay mo sa kanila ang lupaing ito, na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa kanila, isang lupaing umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan.
|
||
\v 23 Kaya pumasok sila at inangkin ito. Ngunit hindi nila sinunod ang iyong tinig o namuhay sa pagsunod sa iyong kautusan. Wala silang ginawa sa mga iniutos mo na kanilang gagawin, kaya dinala mo sa kanila ang lahat ng sakunang ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Tingnan mo! Ang mga bunton ng paglusob ay nakaabot sa lungsod upang sakupin ito. Sapagkat dahil sa espada, taggutom at salot, ang lungsod ay naipasakamay sa mga Caldeo na siyang na nakikipaglaban dito. Sapagkat nangyayari na ang sinabi mong mangyayari, at tingnan mo, pinanonood mo.
|
||
\v 25 At ikaw mismo ang nagsabi sa akin, "Bumili ka ng isang bukid para sa iyong sarili sa pamamagitan ng pilak at tumawag ng mga saksi upang saksihan ito, bagaman ibinigay ang lungsod na ito sa mga Caldeo.""
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias at sinabi,
|
||
\v 27 "Tingnan mo! Ako si Yahweh, ang Diyos ng sangkatauhan. Mayroon bang bagay na napakahirap gawin para sa akin?
|
||
\v 28 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo at kay Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Sasakupin niya ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 Darating ang mga Caldeo na nakikipaglaban sa lungsod na ito at susunugin ang lungsod na ito, kasama ang mga bahay kung saan ang mga bubungan ay pinagsambahan ng mga tao kay Baal at pinagbuhusan ng mga inuming handog sa ibang diyos upang galitin ako.
|
||
\v 30 Sapagkat tiyak na ang mga Israelita at ang mga taga-Juda ay mga tao na gumagawa ng kasamaan sa harap ng aking mga mata mula pa sa kanilang pagkabata. Ang mga Israelita ay talagang sinaktan ako sa pamamagitan ng mga gawa ng kanilang mga kamay. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 31 sapagkat ang lungsod na ito ang nagpaalab ng aking poot at matinding galit mula noong araw na itinayo nila ito. Ganito pa rin hanggang sa kasalukuyan. Kaya aalisin ko ito mula sa aking harapan
|
||
\v 32 dahil sa lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel at Juda, ang mga bagay na kanilang ginawa upang galitin ako... sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, mga propeta, at bawat tao sa Juda at mga naninirahan sa Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 33 Tinalikuran nila ako, sa halip na harapin, kahit pa masigasig ko silang tinuruan. Sinubukan kong turuan sila, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakinig upang tumanggap ng pagtutuwid.
|
||
\v 34 At inilagay nila ang kanilang mga kasuklam-suklam na bagay sa tahanan upang dumihan ito, sa tahanan kung saan tinawag ang aking pangalan.
|
||
\v 35 Pagkatapos, nagtayo sila ng dambana para kay Baal sa lambak ng Ben Hinom upang ialay ang kanilang mga anak na lalaki at babae kay Molec, isang bagay na hindi ko iniutos na gawin nila, isang bagay na hindi kailanman sumagi sa aking puso't isipan. Itong kasuklam-suklam na bagay para gawin nila upang magkasala ang Juda.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 36 At kaya ngayon, akong si Yahweh, ang Diyos ng Israel ang nagsasabi nito tungkol sa lungsod na ito, ang lungsod na sinasabi ninyong, 'Naipasakamay na ito sa hari ng Babilonia sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot.'
|
||
\v 37 Tingnan mo, malapit ko na silang tipunin sa bawat lupain kung saan itinaboy ko sila sa aking galit, poot, at matinding galit. Malapit ko na silang ibalik sa lugar na ito at mamumuhay sila nang matiwasay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 38 At sila ay magiging aking mga tao, at ako ay magiging Diyos nila.
|
||
\v 39 Bibigyan ko sila ng isang puso at isang paraan upang parangalan ako sa bawat araw kaya magiging mabuti ito para sa kanila at sa magiging mga kaapu-apuhan nila.
|
||
\v 40 At magtatatag ako ng isang panghabang panahon na kasunduan sa kanila kaya hindi ko na sila tatalikuran. Gagawin ko ito upang magdala ng kabutihan sa kanila at maglagay sa kanilang mga puso ng parangal para sa akin. Kaya hindi na sila tatalikod sa pagsunod sa akin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 41 At magagalak ako sa paggawa ng kabutihan sa kanila. Matapat ko silang patitirahin sa lupaing ito nang buong puso at buong buhay ko.
|
||
\v 42 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tulad ng pagdala ko sa lahat ng matitinding sakunang ito sa mga taong ito, gayon din, dadalhin ko sa kanila ang lahat ng mabubuting bagay na sinabi kong gagawin ko para sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 43 At bibilhin ang mga bukirin sa lupaing ito, na inyong sinasabi, "Ito ay nawasak na lupain, na walang tao o hayop. Naipasakamay na ito sa mga Caldeo."
|
||
\v 44 Bibili sila ng mga bukirin sa pamamagitan ng pilak at isusulat sa mga selyadong kasulatang binalumbon. Titipunin nila ang mga saksi sa lupain ni Benjamin, sa palibot ng buong Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda, sa mga lungsod sa maburol na bansa at sa mga mababang lugar, at sa mga lungsod ng Negeb. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 33
|
||
\p
|
||
\v 1 At ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias sa ikalawang pagkakataon, habang nakakulong siya sa loob ng patyo ng bantay, at kaniyang sinabi,
|
||
\v 2 "Ito ang sinasabi ni Yahweh na manlilikha, Si Yahweh na umaanyo upang magtatag, Yahweh ang kaniyang pangalan,
|
||
\v 3 'Tumawag ka sa akin at sasagutin kita. Magpapakita ako ng dakilang mga bagay sa iyo, mga hiwaga na hindi mo nauunawaan.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel tungkol sa mga tahanan sa lungsod na ito at sa mga tahanan ng mga hari ng Juda na nagiba dahil sa mga bunton ng paglusob at sa espada,
|
||
\v 5 'Parating na ang mga Caldeo upang makipaglaban at upang punuin ang mga tahanan ng mga bangkay ng mga tao na aking papatayin sa aking galit at poot, kapag ikukubli ko ang aking mukha mula sa lungsod na ito dahil sa lahat na kasamaan nila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Ngunit tingnan mo, magdadala ako ng kagalingan at isang lunas, sapagkat pagagalingin ko sila at magdadala ako sa kanila ng kasaganaan, kapayapaan at katapatan.
|
||
\v 7 Sapagkat ibabalik ko ang mga kayamanan ng Juda at Israel. Itatayo ko silang muli gaya noong simula.
|
||
\v 8 At lilinisin ko sila mula sa lahat ng kasamaang kanilang ginawa laban sa akin. Patatawarin ko ang lahat ng kanilang mga kasamaang kanilang nagawa laban sa akin, at ang lahat ng kanilang paghihimagsik laban sa akin.
|
||
\v 9 Sapagkat ang lungsod na ito ay magiging kagalakan sa akin, isang awit ng papuri at karangalan para sa lahat ng bansa sa daigdig na makaririnig ng lahat ng mabubuting bagay na aking gagawin para dito. At manginginig sila dahil sa lahat ng mabubuting bagay at sa kapayapaang aking ibibigay dito.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Sa lugar na ito na inyong sinasabi ngayon, "Ito ay napabayaan. Walang tao ni hayop sa mga lungsod ng Juda at walang naninirahan sa mga lansangan ng Jerusalem, tao man o hayop."
|
||
\v 11 Muling makaririnig dito ng mga ingay ng kagalakan at pagdiriwang, mga ingay ng mga lalaki at mga babaeng ikakasal, mga ingay ng mga taong nagsasabi, "Magpasalamat kay Yahweh ng mga hukbo, sapagkat siya ay mabuti at ang kaniyang tipan ng katapatan ay walang hanggan." Magdala ng handog ng pasasalamat sa aking tahanan, sapagkat panunumbalikin ko ang kayamanan ng lupain gaya noong simula,' sabi ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Sa napabayaang lugar na ito, na ngayon ay mayroon nang tao at hayop, magkakaroon muli ng pastulan sa lahat ng lungsod nito para sa mga pastol na umaakay sa kanilang mga kawan upang mamahinga.
|
||
\v 13 Sa mga lungsod sa maburol na lugar, sa mga kapatagan, at sa Negeb, sa lupain ng Benjamin at sa buong paligid ng Jerusalem, at sa mga lungsod ng Juda, daraan muli ang mga kawan sa ilalim ng mga kamay ng bibilang sa kanila,' sabi ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Tingnan mo! Dumarating ang mga araw, ito ang pahayag ni Yahweh, na gagawin ko ang aking ipinangako sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda.
|
||
\v 15 Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon, gagawa ako ng isang matuwid na sanga na magmumula sa lahi ni David, at kaniyang ipatutupad ang katarungan at katuwiran sa lupain.
|
||
\v 16 Sa mga araw na iyon, maliligtas ang Juda, at mamumuhay nang matiwasay ang Jerusalem, sapagkat ito ang itatawag sa kaniya, "Si Yahweh ay ang ating katuwiran.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Sapagkat ganito ang sinasabi ni Yahweh, 'Ang isang lalaki na magmumula sa lahi ni David ay hindi kailanman kukulangin na uupo sa trono sa tahanan ng Israel
|
||
\v 18 ni ang isang lalaki mula sa mga Levitang pari ay magkukulang sa aking harapan na magtaas ng mga sinunog na handog, upang maghandog ng mga pagkaing susunugin, at upang maghandog ng mga butil sa lahat ng panahon.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi, "
|
||
\v 20 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kung magagawa ninyong sirain ang aking tipan sa araw at sa gabi nang sa gayon wala nang araw at gabi sa kanilang tamang panahon,
|
||
\v 21 kung gayon ay magagawa rin ninyong sirain ang aking tipan kay David na aking lingkod, nang sa gayon hindi na siya magkakaroon ng isang anak na lalaking uupo sa kaniyang trono, at ang aking tipan sa mga paring Levita, na aking mga lingkod.
|
||
\v 22 Gaya ng mga hukbo ng langit na hindi mabilang, at ng mga buhangin sa dalampasigan na hindi masukat, tulad nito ang pagpaparami ko sa mga kaapu-apuhan ni David na aking lingkod at ang mga Levita na naglilingkod sa akin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi,
|
||
\v 24 "Hindi mo ba isinaalang-alang ang ipinahayag ng mga taong ito nang sabihin nila, 'Ang dalawang angkan na pinili ni Yahweh, ngayon sila ay tinanggihan niya? Sa paraang ito, hinamak nila ang aking mga tao, sinasabi na hindi na sila isang bansa sa kanilang paningin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Akong si Yahweh ang nagsabi nito, 'Kung wala na ang aking tipan para sa araw at gabi, o hindi ko pinanatili ang kaayusan ng langit at lupa,
|
||
\v 26 at kung gayon, hindi ko tatanggapin ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at David na aking lingkod, at hindi ako magdadala sa kanila ng isang taong mamumuno sa lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham, Isaac, at Jacob. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan at magiging mahabagin ako sa kanila."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 34
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh. Dumating ang salitang ito nang si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at ang lahat ng kaniyang hukbo, kasama ang lahat ng mga kaharian sa lupa, ang mga lupain sa ilalim ng kaniyang kapangyarihan at lahat ng kanilang mga tao ay nakikipagdigma sa Jerusalem at sa lahat ng kaniyang mga lungsod. Sinabi ng salitang ito,
|
||
\v 2 'Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Pumunta ka at magsalita kay Zedekias na hari ng Juda at sabihin mo sa kaniya, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, aking ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia. Susunugin niya ito.
|
||
\v 3 Hindi ka makakatakas mula sa kaniyang kamay, sapagkat tiyak na masasakop at mapapasakamay ka niya. Titingin ang iyong mga mata sa mata ng hari ng Babilonia, kakausapin ka niya ng harap-harapan sa pagpunta mo sa Babilonia.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Makinig ka sa salita ni Yahweh, Zedekias na hari ng Juda! Sinasabi ito ni Yahweh tungkol sa iyo, 'Hindi ka mamatay sa pamamagitan ng espada.
|
||
\v 5 Mamatay ka sa kapayapaan. Gaya ng pagsusunog sa paglilibing sa iyong mga ninuno, na mga haring nauna sa iyo, susunugin nila ang iyong katawan. Sasabihin nila, "Aba sa iyo, panginoon!" Tatangis sila para sa iyo. Ngayon, nagsalita ako—ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Kaya ipinahayag ng propetang si Jeremias kay Zedekias na hari ng Juda ang lahat ng salitang ito sa Jerusalem.
|
||
\v 7 Nakipagdigma ang hukbo ng hari ng Babilonia laban sa Jerusalem at lahat ng natitirang mga lungsod ng Juda: ang Laquis at Azeka. Ang mga lungsod na ito ng Juda ay nanatili bilang matatag na mga lungsod.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh pagkatapos na itinatag ni Haring Zedekias ang isang kasunduan sa lahat ng tao sa Jerusalem upang ipahayag ang kalayaan:
|
||
\v 9 Dapat palayain ng bawat tao ang kaniyang aliping Israelita, lalaki at babae. Walang sinuman ang dapat mang-alipin sa kapwa Israelita sa Juda kailanman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Kaya sumunod ang lahat ng mga pinuno at mga tao na sumali sa kasunduan. Palalayain ng bawat tao ang kaniyang aliping lalaki at babae at hindi na sila aalipinin kailanman. Pinakinggan nila at pinalaya sila.
|
||
\v 11 Ngunit pagkatapos nito, nagbago ang kanilang mga isip. Pinabalik nila ang mga aliping kanilang pinalaya. Pinilit nila silang maging mga alipin muli.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Kaya ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias at sinabi,
|
||
\v 13 "Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Ako mismo ang nagtatag ng isang kasunduan sa inyong mga ninuno sa panahong inilabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin. Iyon ay nang sinabi ko,
|
||
\v 14 "Sa pagtatapos ng bawat ika-pitong taon, ang bawat tao ay dapat palayain ang kaniyang kapatid, mga kapwa niyang Hebreo na ibinenta ang kaniyang sarili sa inyo at naglingkod sa inyo ng anim na taon. Palayain ninyo siya sa paglilingkod sa inyo." Ngunit hindi nakinig o nagbigay ng pansin ang iyong mga ninuno sa akin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ngayon, kayo mismo na nagsisi at nagsimulang gawin ang tama sa aking paningin. Ipinahayag ninyo ang kalayaan, sa bawat tao sa kaniyang kapwa. At itinatag ninyo ang isang kasunduan sa aking harapan sa tahanan na tinawag sa aking pangalan.
|
||
\v 16 Ngunit tumalikod kayo at dinungisan ang aking pangalan, pinabalik ninyo sa bawat tao ang kanilang mga aliping lalaki at babae, ang mga pinalaya ninyo upang pumunta kung saan nila naisin. Pinilit ninyo sila na maging mga alipin ninyong muli.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Kaya sinasabi ito ni Yahweh, 'Kayo mismo ay hindi nakinig sa akin. Dapat ipinahayag ninyo ang kalayaan, bawat isa sa inyo, sa inyong mga kapatid at kapwa Israelita. Kaya tingnan ninyo! Ipapahayag ko na ang kalayaan sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—kalayaan sa espada, sa salot at taggutom, sapagkat gagawa ako ng kakila-kilabot na bagay sa paningin ng bawat kaharian sa lupa.
|
||
\v 18 At parurusahan ko ang mga taong lumabag sa aking kasunduan, silang hindi sumunod sa mga salita ng kasuduang ipinatupad nila sa aking harapan noong hinati nila ang isang toro sa dalawa at lumakad sa pagitan ng mga bahagi nito,
|
||
\v 19 at pagkatapos lumakad sa pagitan ng mga bahagi ng toro ang mga pinuno ng Juda at Jerusalem, mga eunuko at mga pari, at lahat ng mga tao sa lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Ibibigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. Magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at mga hayop sa lupa ang kanilang mga katawan.
|
||
\v 21 Kaya ibibigay ko si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga pinuno sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia na tumindig laban sa inyo.
|
||
\v 22 Tingnan ninyo, magbibigay ako ng isang utos—ito ang pahayag ni Yahweh—at ibabalik ko sila sa lungsod na ito upang makipagdigma laban dito at sasakupin, at sunugin nila ito. Sapagkat gagawin kong nawasak na mga lugar ang mga lungsod ng Juda kung saan walang makakatira roon.'''
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 35
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh sa mga panahon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, at sinabi niya,
|
||
\v 2 "Pumunta ka sa angkan ng mga Recabita at magsalita ka sa kanila. At dalhin mo sila sa aking tahanan, sa isa sa mga silid doon at bigyan mo sila ng alak na maiinom."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Kaya dinala ko si Jaazanias na anak ni Jeremias na anak ni Habasinias at ang kaniyang mga kapatid na lalaki, ang lahat ng kaniyang mga anak na lalaki at ang lahat ng angkan ng Recabita.
|
||
\v 4 Dinala ko sila sa tahanan ni Yahweh, sa mga silid ng mga anak ni Heman na anak ni Igdalias, na lingkod ng Diyos. Ang mga silid na ito ay katabi ng silid ng mga pinuno kung saan nasa itaas ng silid ni Maaseias na anak ni Sallum, na tagapagbantay ng tarangkahan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Pagkatapos, naglagay ako ng mga mangkok at mga kopang puno ng alak sa harapan ng mga Recabita at sinabi ko sa kanila, "Uminom kayo ng alak."
|
||
\v 6 Ngunit sinabi nila, "Hindi kami iinom ng anumang alak, sapagkat inutusan kami ng aming ninunong si Jonadab na anak ni Recab na, 'Huwag kayong uminom ng anumang alak, kayo o ng inyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.
|
||
\v 7 Huwag din kayong magtayo ng anumang mga bahay, maghasik ng anumang mga butil o magtanim ng anumang mga ubasan, hindi ito para sa inyo. Sapagkat dapat kayong manirahan sa mga tolda sa buong buhay ninyo, upang sa gayon kayo ay mamumuhay ng mahabang panahon sa lupain kung saan kayo nananatili gaya ng mga dayuhan.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Sinunod namin ang tinig ni Jonadab na anak ni Recab, na aming ninuno sa lahat ng kaniyang iniutos sa amin, na huwag kailanmang uminom ng alak sa buong buhay namin, kami ng aming mga asawa, ng aming mga anak na lalaki at babae.
|
||
\v 9 At huwag kailanman kaming magtatayo ng mga bahay upang tirahan, at hindi kami magkakaroon ng ubasan, bukirin o binhi na aming pag-aari.
|
||
\v 10 Nanirahan kami sa mga tolda at nakinig at sumunod sa lahat ng iniutos ng aming ninunong si Jonadab.
|
||
\v 11 Ngunit nang nilusob ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang lupain, sinabi namin, 'Halikayo, dapat tayong pumunta sa Jerusalem upang tumakas mula sa mga hukbo ng Caldeo at ng taga-Siria.' Kaya naninirahan kami sa Jerusalem."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias at sinabi,
|
||
\v 13 "Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, 'Pumunta ka at sabihin sa mga kalalakihan ng Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem, "Hindi ba ninyo tatanggapin ang pagtutuwid at hindi pakikinggan ang aking mga salita? —ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 14 Ang mga salita ni Jonadab na anak ni Recab na ibinigay niya sa kaniyang mga anak bilang utos, na huwag uminom ng anumang alak ay sinusunod hanggang sa panahong ito. Sinunod nila ang utos ng kanilang ninuno. Ngunit para sa akin, ako mismo ang patuloy na nagpapahayag sa inyo, ngunit hindi kayo nakikinig sa akin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ipinadala ko ang lahat ng aking mga lingkod, na mga propeta. Patuloy ko silang ipinapadala upang sabihin, 'Tumalikod ang bawat tao sa kaniyang masamang pamamaraan at gumawa ng mabubuting bagay, huwag nang sumunod ang sinuman sa ibang diyos at sambahin ang mga ito. Sa halip, bumalik kayo sa lupain na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga ninuno.' Ngunit hindi kayo makikinig sa akin o magbibigay pansin.
|
||
\v 16 Sapagkat sinunod ng mga kaapu-apuhan ni Jonadab na anak ni Recab ang mga utos ng kanilang mga ninuno na ibinigay niya sa kanila, ngunit hindi nakikinig ang mga taong ito sa akin."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Kaya sinasabi ni Yahweh, na Diyos ng mga hukbo at Diyos ng Israel, 'Tingnan ninyo, ang lahat ng mga sakunang aking ipinahayag laban sa kanila—dadalhin ko ang mga sakunang ito sa Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem, dahil nagbabala ako sa kanila, ngunit hindi sila nakinig. Tinawag ko sila, ngunit hindi sila sumagot."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Sinabi ni Jeremias sa sambahayan ng mga Recabita, "Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel: Pinakinggan ninyo ang mga utos ni Jonadab na inyong ninuno at ginawa ang lahat ng mga ito—sinunod ninyo ang lahat ng kaniyang iniutos na gawin ninyo—
|
||
\v 19 kaya sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, 'Laging magkakaroon ng taong nagmula kay Jonadab na anak ni Recab na maglilingkod sa akin."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 36
|
||
\p
|
||
\v 1 Nangyari ito sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, na dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Yahweh, at sinabi niya,
|
||
\v 2 "Kumuha ka nang isang kasulatang balumbon para sa iyong sarili at isulat dito ang lahat ng mga salitang sinabi ko sa iyo tungkol sa Israel at Juda, at bawat bansa. Gawin ito para sa lahat ng sinabi ko mula sa mga araw ni Josias hanggang sa araw na ito.
|
||
\v 3 Marahil, pakikinggan ng mga tao ng Juda ang lahat ng mga sakuna na nais kong dalhin sa kanila. Marahil, tatalikod ang bawat isa mula sa kaniyang masamang landas, kaya patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kanilang kasalanan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 At ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias at isinulat ni Baruc sa isang kasulatang balumbon, sa pagsasalaysay ni Jeremias, ang lahat ng mga salita ni Yahweh na sinabi sa kaniya.
|
||
\v 5 Kasunod nito, nagbigay ng utos si Jeremias kay Baruc. Sinabi niya, "Nasa kulungan ako at hindi makakapunta sa tahanan ni Yahweh.
|
||
\v 6 Kaya kailangan mong pumunta at basahin mula sa kasulatang balumbon na iyong isinulat mula sa aking pagsasalaysay. Sa araw ng pag-aayuno, kailangan mong basahin sa kaniyang tahanan ang mga salita ni Yahweh sa pakikinig ng mga tao, at sa pakikinig ng buong Juda na dumating mula sa kanilang mga lungsod. Ipahayag mo ang mga salitang ito sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Marahil, ang kanilang pagsamo ng habag ay makakarating sa harapan ni Yahweh. Marahil, ang bawat tao ay tatalikod mula sa kanilang masasamang gawa, dahil matindi ang poot at galit na ipinahayag ni Yahweh laban sa mga taong ito."
|
||
\v 8 Kaya ginawa ni Baruc na anak ni Nerias ang lahat ng iniutos ni propeta Jeremias na kaniyang gagawin. Binasa niya ng malakas ang mga salita ni Yahweh sa tahanan ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Nangyari ito sa ika-limang taon at ika-siyam na buwan ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na ang lahat ng mga tao sa Jerusalem at ang mga tao na dumating sa Jerusalem sa mga lungsod ng Juda na nagpahayag ng pag-aayuno sa pagpaparangal kay Yahweh.
|
||
\v 10 Binasa ni Baruc ng malakas ang mga salita ni Jeremias sa tahanan ni Yahweh, mula sa silid ni Gemarias na anak ni Safan na eskriba, sa itaas ng patyo, malapit sa tarangkahan patungo sa tahanan ni Yahweh. Ginawa niya ito sa pakikinig ng lahat ng mga tao.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Ngayon, si Micaias na anak ni Gemarias na anak ni Safan ay narinig ang lahat ng mga salita ni Yahweh sa kasulatang balumbon.
|
||
\v 12 Bumaba siya sa tahanan ng hari, sa silid ng kalihim. Tingnan ninyo, lahat ng mga opisyal ay nakaupo roon, si Elisama na eskriba, si Delaias na anak ni Semias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan at Zedekias na anak ni Hananias at ang lahat ng mga opisyal.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 At ibinalita ni Micaias sa kanila ang lahat ng mga salita na kaniyang narinig na binasa ng malakas ni Baruc sa pakikinig ng mga tao.
|
||
\v 14 Kaya ipinadala ng lahat ng mga opsiyal si Jehudi na anak ni Netanias na anak ni Selemias na anak ni Cusi kay Baruc. Sinabi ni Jehudi kay Baruc, "Kunin mo ang kasulatang balumbon na iyong binasa sa pakikinig ng mga tao at ikaw ay lumapit." Kaya kinuha ni Baruc na anak ni Nerias ang kasulatang binalumbon at pumunta sa mga opisyal.
|
||
\v 15 At sinabi nila sa kaniya, "Maupo ka at basahin mo ito sa aming pakikinig. "Kaya binasa ni Baruc ang kasulatang balumbon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 At nangyari nang kanilang narinig ang lahat ng mga salitang ito, natakot ang bawat tao at sinabi kay Baruc, "Nararapat nating ibalita ang lahat ng mga salitang ito sa hari."
|
||
\v 17 Pagkatapos, tinanong nila si Baruc, "Sabihin mo sa amin, paano mo nagawang isulat ang lahat ng mga salitang ito, sa pagsasalaysay ni Jeremias?"
|
||
\v 18 Sinabi ni Baruc sa kanila, "Isinalaysay niya sa akin ang lahat ng mga salitang ito at isinulat ko ang mga ito sa tinta sa balumbon na ito."
|
||
\v 19 At sinabi ng mga opisyal kay Baruc, "Umalis ka at magtago, at ganoon din si Jeremias. Huwag ninyong ipaalam kahit kanino ang kinaroroonan ninyo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Pagkatapos, pumunta sila sa bulwagan ng hari at ibinalita ang mga salitang ito sa kaniya. Ngunit una nilang inilagay ang kasulatang balumbon sa silid ng kalihim na si Elisama.
|
||
\v 21 At isinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang kasulatang balumbon. Kinuha iyon ni Jehudi sa silid ng kalihim na si Elisama. At binasa niya ito nang malakas sa hari at sa lahat ng mga opisyal na nakatayo sa kaniyang tabi.
|
||
\v 22 Ngayon, nanatili ang hari sa tahanang pang-taglamig sa ika-siyam na buwan, at isang apuyan na nagniningas sa kaniyang harapan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Nangyari ito nang mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na mga hanay, nais itong tanggalin nang hari gamit ang isang kutsilyo at itapon ito sa apuyan hanggang masira ang lahat ng kasulatang balumbon.
|
||
\v 24 Ngunit wala sa hari ni ang sinuman sa kaniyang mga lingkod ang nakarinig sa lahat ng mga salitang ito ang natakot, ni punitin ang kanilang mga kasuotan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Maging sina Elnatan, Delaias at Gemarias ay hinimok ang hari upang hindi sunugin ang kasulatang balumbon, ngunit hindi siya nakinig sa kanila.
|
||
\v 26 At inutusan ng hari si Jerameel, isang kamag-anak, si Seraias na anak ni Azriel at Selenias na anak ni Abdeel upang hulihin si Baruc na eskriba at ang propetang si Jeremias, ngunit itinago sila ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias pagkatapos sunugin ng hari ang kasulatang balumbon at ang mga salita na isinulat ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias, at sinabi niya.
|
||
\v 28 "Bumalik ka, kumuha ka ng ibang balumbon para sa iyong sarili at isulat doon ang lahat ng mga salitang naroon sa naunang kasulatang balumbon, na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda.
|
||
\v 29 At kailangan mo itong sabihin kay Jehoiakim na hari ng Juda: 'Sinunog mo ang kasulatang balumbon na iyon! At sinabi mo: Bakit mo isinulat iyon, "Tiyak na darating ang hari ng Babilonia at wawasakin ang lupaing ito, sapagkat wawasakin niya ang tao at mga hayop dito"?"'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Samakatuwid, sinabi ito ni Yahweh tungkol sa iyo, Jehoiakim na hari ng Juda, "Wala sa mga kaapu-apuhan mo ang makakaupo kahit kailan sa trono ni David. Para sa iyo, ang iyong bangkay ay itatapon sa init ng araw at sa lamig ng gabi.
|
||
\v 31 Sapagkat parurusahan kita, ang iyong mga kaapu-apuhan, at iyong mga lingkod para sa mga kasamaan ninyong lahat. Dadalhin ko sa iyo, sa lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at bawat tao sa Juda, ang lahat ng mga sakuna na aking ibinanta sa iyo, ngunit hindi mo ito binigyang pansin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 32 Kaya kumuha pa ng ibang balumbon si Jeremias at ibinigay ito kay Baruc na anak ng eskribang si Nerias. Isinulat iyon ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias sa lahat ng mga salitang nasa kasulatang balumbon na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda. At saka, maraming ibang magkatulad na mga salita ang idinagdag sa balumbon na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 37
|
||
\p
|
||
\v 1 Ngayon, si Zedekias na anak ni Josias ang namuno bilang hari sa halip na si Jehoiakin na anak ni Jehoiakim. Ginawang hari ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia si Zedekias sa buong lupain ng Juda.
|
||
\v 2 Ngunit si Zedekias, ang kaniyang mga lingkod, at ang mga tao sa lupain ay hindi nakinig sa mga salita ni Yahweh na kaniyang ipinahayag sa pamamagitan ng kamay ni Jeremias na propeta.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Kaya si Haring Zedekias, at Jehucal na anak ni Selemias, at Zefanias na anak ni Maasias na pari ay nagpadala ng isang mensahe kay Jeremias na propeta. Sinabi nila, "Manalangin ka para sa amin kay Yahweh na ating Diyos."
|
||
\v 4 Ngayon, paparating na si Jeremias at pupunta sa mga tao, sapagkat hindi pa siya nakakulong.
|
||
\v 5 Lumabas ang mga hukbo ng Faraon mula sa Egipto at ng narinig ng mga Caldeo na sumalakay sa Jerusalem ang mga balita tungkol sa kanila, at umalis sa Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias na propeta at sinabi,
|
||
\v 7 "Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Ito ang sasabihin mo sa hari ng Juda, sapagkat ipinadala ka niya upang humingi ng payo mula sa akin, 'Tingnan ninyo, ang hukbo ng Faraon na dumating upang tulungan kayo ay pabalik na sa Egipto sa kanilang sariling lupain.
|
||
\v 8 Babalik ang mga Caldeo. Makikipaglaban sila laban sa lungsod na ito, bibihagin at susunugin ito.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Ito ang sinasabi ni Yahweh: Huwag ninyong linlangin ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagsasabi, 'Tiyak na iiwanan tayo ng mga Caldeo,' ngunit hindi sila aalis.
|
||
\v 10 Kahit na matalo ninyo ang buong hukbo ng Caldeo na nakipaglaban sa inyo, kaya, ang mga sugatan na kalalakihan na natitira sa kanilang mga tolda, babangon sila at susunugin ang lungsod na ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 At nang paalis na ang hukbo ng mga Caldeo sa Jerusalem, paparating din ang hukbo na Faraon,
|
||
\v 12 at lumabas si Jeremias mula sa Jerusalem upang pumunta sa lupain ng Benjamin. Ninais niyang kunin ang kaunting bahagi ng isang ari-arian sa lupain doon sa kaniyang mga tao.
|
||
\v 13 Habang nasa Tarangkahan siya ng Benjamin, nandoon ang isang pinunong bantay. Ang kaniyang pangalan ay Irijas na anak ni Selemias na anak ni Hananias. Hinawakan niya ng mahigpit si Jeremias na propeta at sinabi, "Tumatakas ka upang kumampi sa mga Caldeo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Ngunit sinabi ni Jeremias, "Hindi iyan totoo. Hindi ako tumatakas upang kumampi sa mga Caldeo." Ngunit hindi nakinig si Irijas sa kaniya. Kinuha niya si Jeremias at dinala siya sa mga opisyal.
|
||
\v 15 Nagalit ang mga opisyal kay Jeremias. Binugbog nila siya at inilagay sa bilangguan na tahanan ni Jonatan na eskriba, sapagkat ginawa nila itong bilangguan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Kaya inilagay si Jeremias sa seldang nasa ilalim ng lupa, kung saan siya nanatili ng maraming araw.
|
||
\v 17 At nagpadala si Haring Zedekias ng isang tao na nagdala sa kaniya sa palasyo. Sa kaniyang tahanan, tinanong siya ng hari ng sarilinan, "Mayroon bang ibang salita mula kay Yahweh?" Sumagot si Jeremias, "Mayroon pang isang salita: Ibibigay kayo sa kamay ng hari ng Babilonia."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 At sinabi ni Jeremias kay Haring Zedekias, "Paano ako nagkasala laban sa iyo, sa iyong mga lingkod o sa mga taong ito upang ilagay mo ako sa bilangguan?
|
||
\v 19 Nasaan ang iyong mga propeta, ang mga nanghula para sa iyo at sinabing ang hari ng Babilonia ay hindi darating laban sa iyo o laban sa lupaing ito?
|
||
\v 20 Ngunit ngayon, makinig ka aking panginoon na hari! Hayaan mo na ang aking pagsamo ay makarating sa iyong harapan. Huwag mo akong ibalik sa tahanan ni Jonatan na eskriba, kung hindi mamamatay ako roon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Kaya nagbigay ng isang utos si Haring Zedekias. ipinasok ng kaniyang lingkod si Jeremias sa loob ng patyo ng mga bantay. Binibigyan siya ng isang tinapay araw-araw mula sa lansangan ng mga panadero, hanggang maubos ang lahat ng tinapay sa lungsod. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 38
|
||
\p
|
||
\v 1 Narinig ni Sefatias na anak ni Matan, ni Gedalias na anak ni Pashur, ni Jucal na anak naman ni Selenias, at ni Pashur na anak ni Malquias ang mga salita na ipinahayag ni Jeremias sa mga tao. Sinasabi niya
|
||
\v 2 "Sinasabi ito ni Yahweh: Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay papatayin sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot. Ngunit makakaligtas ang sinumang lalabas sa mga Caldeo. Tatakas siya at mabubuhay.
|
||
\v 3 Sinasabi ito ni Yahweh: Ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia, at bibihagin niya ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Kaya sinabi ng mga opisyal sa hari, "Patayin ang taong ito, sapagkat sa paraang ito pinahihina niya ang mga kamay ng mga mandirigmang kalalakihan na nananatili sa lungsod na ito, at ang mga kamay ng lahat ng mga tao. Pinahayag niya ang mga salitang ito, sapagkat ang taong ito ay hindi gumagawa ng kaligtasan para sa mga taong ito, kundi kapahamakan."
|
||
\v 5 Kaya sinabi ni Haring Zedekias, "Tingnan ninyo, siya ay nasa inyong kamay sapagkat wala namang haring may kakayahang pigilan kayo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 At dinala nila si Jeremias at hinagis siya sa balon ni Malquias na anak ng hari. Nasa patyo ng mga bantay ang balon. Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig ang balon, ngunit maputik ito, at lumubog siya sa putik.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Ngayon, si Ebed-Melec na taga-Cush ay isa sa mga eunuko sa tahanan ng hari. Nabalitaan niya na inilagay nila si Jeremias sa balon. Ngayon ang hari ay nakaupo sa Tarangkahan ng Benjamin.
|
||
\v 8 Kaya pumunta si Ebed-Melec mula sa tahanan ng hari at nakipag-usap sa hari. Sinabi niya,
|
||
\v 9 "Aking panginoong hari, masama ang ginawa ng mga kalalakihang ito sa ginawang pagtrato nila sa propetang si Jeremias. Siya ay hinagis nila sa balon upang mamatay doon mula sa gutom, sapagkat wala ng pagkain sa lungsod."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 At nagbigay ng utos ang hari kay Ebed-Melec na taga-Cush. Sinabi niya, "Pangunahan mo ang tatlumpung kalalakihan mula rito at iahon ninyo si propeta Jeremias na nasa balon bago siya mamatay."
|
||
\v 11 Kaya pinangunahan ni Ebed-Melec ang tatlumpung mga kalalakihang iyon at pumunta sa tahanan ng hari, sa isang silid-imbakan ng mga damit sa ilalim ng tahanan. Mula roon kumuha siya ng mga basahan at mga lumang damit at ibinaba nila ang mga ito sa pamamagitan ng mga lubid kay Jeremias na nasa balon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Sinabi ni Ebed-Melec na taga-Cush kay Jeremias, "Ilagay mo ang mga basahan at lumang damit sa ilalim ng iyong mga braso at sa dulo ng mga lubid." Kaya ginawa ito ni Jeremias.
|
||
\v 13 At hinila nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Sa ganitong paraan nila siya iniahon mula sa balon. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 At nagpadala ng salita si Haring Zedekias at dinala si propeta Jeremias sa kaniya, sa pangatlong pasukan sa tahanan ni Yahweh. Sinabi ng hari kay Jeremias, "May nais akong itanong sa iyo. Huwag mong ilihim ang sagot sa akin."
|
||
\v 15 Sinabi ni Jeremias kay Zedekias, "Kung sasagot ako sa iyo, hindi mo ba talaga ako papatayin? At kung bibigyan kita ng payo, hindi ka makikinig sa akin."
|
||
\v 16 Ngunit sumumpa si Haring Zedekias nang palihim kay Jeremias at sinabi, "Sapagkat buhay si Yahweh, ang gumawa sa atin, hindi kita papatayin o ibibigay sa kamay ng mga kalalakihang iyon na naghahangad sa iyong buhay".
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Kaya sinabi ni Jeremias kay Zedekias, "Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kung lalabas ka patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, mabubuhay ka, at hindi masusunog ang lungsod na ito. Mabubuhay ka at ang iyong pamilya.
|
||
\v 18 Ngunit kapag hindi ka lalabas patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo. Susunugin nila ito, at hindi ka makakatakas sa kanilang mga kamay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Sinabi ni Haring Zedekias kay Jeremias, "Ngunit natatakot ako sa mga tao ng Juda na tumakas patungo sa mga Caldeo, dahil maaaring ibigay ako sa kanilang mga kamay, upang tratuhin nila ako ng masama."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Sinabi ni Jeremias, "Hindi ka nila ibibigay sa kanila. Sumunod ka sa mensaheng mula kay Yahweh na sinasabi ko sa iyo, upang maging mabuti ang mga bagay para sa iyo, at upang ikaw ay mabuhay.
|
||
\v 21 Ngunit kung tatanggi kang lumabas, ito ang ipinakita sa akin ni Yahweh:
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 Tingnan mo! Lahat ng mga naiwang babae sa iyong tahanan, hari ng Juda, ay dadalhin sa mga opisyal ng hari ng Babilonia. Sasabihin ng mga babaing ito sa iyo, "Nilinlang ka ng iyong mga kaibigan; sinira ka nila. Nakalubog na ngayon sa putik ang iyong mga paa, at tatakbo palayo ang iyong mga kaibigan.'
|
||
\v 23 Sapagkat ang lahat ng iyong mga asawa at mga anak ay dadalhin patungo sa mga Caldeo, at ikaw mismo ay hindi makakatakas mula sa kanilang mga kamay. Mabibihag ka sa pamamagitan ng kamay ng hari ng Babilonia, at masusunog ang lungsod na ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Pagkatapos sinabi ni Zedekias kay Jeremias, "Huwag mong ipaalam kaninuman ang mga salitang ito, upang hindi ka mamatay.
|
||
\v 25 Kung marinig ng mga opisyal na nakipag-usap ako sa iyo—kung pupunta sila at sasabihin sa iyo, 'Sabihin mo sa amin kung ano ang pinag-usapan ninyo ng hari. Huwag mo itong itago sa amin, kung hindi ay papatayin ka namin. At sabihin mo sa amin kung ano ang sinabi sa iyo ng hari'—
|
||
\v 26 pagkatapos sabihin mo sa kanila, 'Nakiusap ako sa hari na huwag niya akong ibalik sa bahay ni Jonatan upang mamatay doon.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 Pagkatapos, pumunta ang lahat ng mga opisyal kay Jeremias at tinanong siya, kaya sumagot siya sa kanila ayon sa ibinilin ng hari sa kaniya. Kaya tumigil sila sa pakikipag-usap sa kaniya, dahil hindi nila napakinggan ang pinag-usapan sa pagitan ni Jeremias at ng hari.
|
||
\v 28 Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay hanggang sa araw na nasakop ang Jerusalem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 39
|
||
\p
|
||
\v 1 Sa ikasiyam na taon at ikasampung buwan ni Zedekias na hari ng Juda, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia kasama ang lahat ng kaniyang hukbo laban sa Jerusalem at sinakop ito.
|
||
\v 2 Sa ikalabing isang taon at ika-apat na buwan ni Zedekias, sa ikasiyam na araw ng buwan, nawasak ang lungsod.
|
||
\v 3 At dumating ang lahat ng opisyal ng hari ng Babilonia at umupo sa gitnang tarangkahan: Ang mga ito ay sina Nergal-salezer, Samgar-nebo, at Sarsequim, isang mahalagang opisyal. Isang mataas na opisyal si Nergal-salezer, at ang iba pa ay mga opisyal ng hari ng Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Nangyari nang makita sila ni Zedekias, na hari ng Juda, at ng lahat ng kaniyang mga mandirigmang kalalakihan, tumakas sila. Lumabas sila sa gabi mula sa lungsod sa pamamagitan ng daanan sa hardin ng hari, sa tarangkahan sa pagitan ng dalawang mga pader. Umalis ang hari patungo sa Araba.
|
||
\v 5 Ngunit hinabol sila ng hukbo ng mga Caldeo at naabutan si Zedekias sa mga kapatagan sa lambak ng Ilog Jordan malapit sa Jerico. Pagkatapos, binihag nila siya at dinala kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia, sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan binigyan siya ng hatol ni Nebucadnezar.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan sa Ribla. Pinatay din niya ang lahat ng mga maharlikang tao ng Juda.
|
||
\v 7 At tinanggal niya ang mga mata ni Zedekias at iginapos sa kadenang tanso upang dalhin siya sa Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 At sinunog ng mga Caldeo ang tahanan ng hari at ang mga tahanan ng mga tao. Ibinagsak din nila ang mga pader ng Jerusalem.
|
||
\v 9 Si Nebuzaradan, ang kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ay dinalang bihag ang natirang mga tao sa lungsod. Kabilang dito ang mga taong tumakas upang kumampi sa mga Caldeo at ang mga taong naiwan sa lungsod.
|
||
\v 10 Ngunit pinayagan ni Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari ang pinakamahihirap na mga taong walang wala para sa kanilang mga sarili upang manatili sa lupain ng Juda. Binigyan niya sila ng mga ubasan at mga bukid sa araw ding iyon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Nagbigay si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ng isang utos tungkol kay Jeremias kay Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari. Sinabi niya,
|
||
\v 12 "Kunin at alagaan mo siya. Huwag mo siyang saktan. Gawin mo ang anumang sasabihin niya sa iyo."
|
||
\v 13 Kaya nagpadala ng mga kalalakihan si Nebuzaradan na kapitan ng mga tagapagbantay ng hari, si Nebuzazban ang mataas na eunuko, si Nergal Sarezer ang punong opisyal, at lahat ng pinakamahalagang opisyal ng hari ng Babilonia.
|
||
\v 14 Kinuha ng kanilang mga kalalakihan si Jeremias mula sa patyo ng mga bantay at ipinagkatiwala siya kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, upang iuwi siya, kaya nanatili si Jeremias kasama ng mga tao.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ngayon dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias habang siya ay nakakulong sa patyo ng mga bantay, at sinabi niya,
|
||
\v 16 "Magsalita ka kay Ebed-Melec na taga-Cush, 'Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Tingnan mo, gagawin ko na ang aking mga salita laban sa bayang ito para sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Sapagkat magkakatotoo ang lahat ng mga ito sa iyong harapan sa araw na iyon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Ngunit ililigtas kita sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ka na ibibigay sa mga kalalakihan na iyong kinatatakutan.
|
||
\v 18 Sapagkat tiyak ililigtas kita. Hindi ka babagsak sa pamamagitan ng espada. Makakatakas ka dahil nagtitiwala ka sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 40
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh pagkatapos siyang ipinadala mula sa Rama ni Nebuzaradan, na kapitan ng tagapagbantay ng hari. Na kung saan nadala na roon si Jeremias, at kung saan ginapos siya ng mga kadena. Kasama niya ang mga bihag sa Jerusalem at sa Juda na ipapatapon sa Babilonia.
|
||
\v 2 Kinuha ng punong tagapagbantay si Jeremias at sinabi sa kaniya, " Si Yahweh na iyong Diyos ang nag-utos sa kapahamakang ito laban sa lugar na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Kaya dinala ito ni Yahweh. Ginawa niya ang kaniyang iniutos, sapagkat kayong mga tao ay nagkasala laban sa kaniya at hindi sumunod sa kaniyang tinig. Kaya nangyari ang bagay na ito sa inyong mga tao.
|
||
\v 4 Ngunit tingnan mo ngayon! Pinakawalan kita sa araw na ito mula sa mga kadenang nasa iyong mga kamay. Kung mabuti sa iyong paningin na sumama sa akin sa Babilonia, halika, at aalagaan kita. Ngunit kung hindi mabuti sa iyong paningin ang sumama sa akin sa Babilonia, kung gayon huwag mong gawin. Tumingin ka sa lahat ng lupaing nasa iyong harapan. Pumunta ka kung saan mabuti at tama sa iyong paninging puntahan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Nang hindi sumagot si Jeremias, sinabi ni Nebuzaradan, "Pumunta ka kay Gedalias na anak ni Ahikam na anak naman ni Safan, na itinalaga ng hari ng Babilonia sa mga lungsod ng Juda. Manatili ka sa kaniya kasama ang mga tao o pumunta ka kung saanman ang mabuti sa iyong paninging puntahan." Binigyan siya ng pinuno ng mga tagapagbantay ng hari ng pagkain at ng isang kaloob, at pinalaya siya.
|
||
\v 6 Kaya pumunta si Jeremias kay Gedalias na anak ni Ahikam, sa Mizpa. Nanatili siya sa kaniya kasama ang mga tao na naiwan sa lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Ngayon, narinig ng ilang mga pinuno ng mga kawal ng Juda na nasa kabukiran—sila at ng kanilang mga kalalakihan—na ginawang gobernador ng hari ng Babilonia sa lupain si Gedalias na anak ni Ahikam. Narinig din nila na itinalaga niya siyang mamahala sa mga kalalakihan, kababaihan at sa mga batang pinakamahirap na mga tao sa lupain, ang mga hindi binihag sa Babilonia.
|
||
\v 8 Kaya pumunta sila kay Gedalias sa Mizpa. Ang mga kalalakihang ito ay sina Ismael na anak ni Netanias; Johanan at Jonatan na mga anak ni Karea; Serias anak ni Tanhumet; ang mga anak nlalaki ni Efai na taga-Metofat; at si Jezanias na anak ng taga-Maaca—sila at ng kanilang mga kalalakihan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Safan ay sumumpa sa kanila at sa kanilang mga kalalakihan, at sinabi sa kanila, "Huwag kayong matakot na maglingkod sa mga opisyal na mga Caldeo. Manirahan kayo sa lupain at paglingkuran ang hari ng Babilonia, at makakabuti ito sa inyo.
|
||
\v 10 At tingnan ninyo, naninirahan ako sa Mizpa upang makipagkita sa mga Caldeo na dumating sa atin. Kaya mag-ani kayo ng mga alak, mga bunga sa tag-araw, at langis at ilagay ninyo sa inyong mga lalagyan. Manirahan kayo sa mga lungsod na inyong tinirahan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 At narinig ng lahat ng mga taga-Juda na nasa Moab, kasama ng mga tao ng Amon, at sa Edom, at sa bawat lupain na pinahintulutang manatili ng hari ng Babilonia ang nalalabi ng Juda, na itinalaga niya sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Sapan.
|
||
\v 12 Kaya bumalik sa bawat lugar ang lahat ng mga taga-Juda kung saan sila ikinalat. Bumalik sila sa lupain ng Juda, kay Gedalias sa Mizpa. Inaani nila ang alak at mga bunga sa tag-araw sa labis na kasaganaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Pumunta kay Gedalias sa kabukiran ng Mizpa si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo.
|
||
\v 14 Sinabi nila sa kaniya, "Alam mo ba na ipinadala ni Baalis na hari ng mga tao ng Amon si Ismael na anak ni Netania upang patayin ka?" Ngunit hindi naniwala sa kanila si Gedalias na anak ni Ahikam.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Kaya nakipag-usap nang palihim si Johanan na anak ni Karea kay Gedalias sa Mizpa at sinabi, "Pahintulutan mo akong pumunta at patayin si Ismael na anak ni Netania. Hindi ako paghihinalaan ng sinuman. Bakit ka niya papatayin? Bakit pinahihintulutan mo na ang lahat ng mga taga Juda na tinipon mo ay maikalat at malipol ang mga nalalabi sa Juda?"
|
||
\v 16 Ngunit sinabi ni Gedalias na anak ni Ahikam kay Johanan na anak ni Karea, "Huwag mong gawin ang bagay na ito, sapagkat nagsasabi ka ng mga kasinungalingan tungkol kay Ismael."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 41
|
||
\p
|
||
\v 1 Ngunit nangyari na sa ikapitong buwan, si Ismael na anak ni Netanias na anak ni Elisama, mula sa maharlikang pamilya at ilan sa mga opisyal ng hari ay dumating kasama ang sampung lalaki kay Gedalias na anak ni Ahicam, sa Mizpa. Sama-sama silang kumain ng pagkain doon sa Mizpa.
|
||
\v 2 Ngunit si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung mga lalaki na kasama niya ay tumayo at sinalakay si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Safan gamit ang espada. Pinatay ni Ismael si Gedalias na itinakda ng hari ng Babilonia na mangasiwa sa lupain.
|
||
\v 3 At pinatay lahat ni Ismael ang mga Judio na kasama ni Gedalias sa Mizpa at ang mga lalaking mandirigmang taga-Caldeo ang natagpuan doon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 At ito ang ikalawang araw pagkatapos nang pagpatay kay Gedalias, ngunit walang sinuman ang nakaalam.
|
||
\v 5 May ilang lalaki ang dumating galing Shekem, galing sa Shilo, at galing sa Samaria—walumpung kalalakihan ang nag-ahit ng kanilang mga balbas, pinunit ang kanilang mga damit at sinugatan ang kanilang mga sarili—na may dalang mga pagkaing ihahandog at kamanyang sa kanilang mga kamay upang pumunta sa tahanan ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Kaya lumabas si Ismael na anak ni Netanias mula sa Mizpa upang salubungin sila habang naglalakad at umiiyak. At nangyari ito nang masalubong niya sila, sinabi niya sa kanila, "Pumunta kayo kay Gedalias na anak ni Ahicam!"
|
||
\v 7 Nangyari ito nang pagpasok nila sa lungsod, pinatay sila ni Ismael na anak ni Netanias at itinapon sila sa isang hukay, siya at ang mga kalalakihang kasama niya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Ngunit mayroong sampung kalalakihan na kasama nila ang nagsabi kay Ismael, "Huwag mo kaming patayin, sapagkat may mga pagkain sa aming bukid: trigo at sebada, langis at pulot-pukyutan." Kaya hindi niya sila pinatay pati ang iba pa nilang mga kasama.
|
||
\v 9 Ang hukay kung saan itinapon ni Ismael ang lahat ng mga bangkay ng mga kalalakihan na kaniyang pinatay kasama si Gedalias—ang malaking hukay na ito ay hinukay ni Haring Asa nang salakayin sila ni Haring Baasa ng Israel. Pinuno ito ni Ismael na anak ni Netanias ng kaniyang mga napatay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Kasunod nito, binihag ni Ismael ang lahat ng taong nasa Mizpa, ang mga anak na babae ng hari at ang lahat ng mga taong naiwan sa Mizpa na itinalaga ni Nebezaradan na punong tagapagbantay ni Gedalias na anak ni Ahicam. Kaya binihag sila ni Ismael na anak ni Netanias at tumawid sa mga Ammonita.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Ngunit narinig ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng mga pinunong hukbo na kasama niya ang lahat ng ginawang pinsala ni Ismael na anak ni Netanias.
|
||
\v 12 Kaya dinala nila ang lahat ng kanilang mga tauhan at pumunta upang makipaglaban kay Ismael na anak ni Netanias. Natagpuan nila siya sa malaking lawa ng Gibeon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 At nangyari ito nang nakita ng lahat ng mga taong kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo na kasama niya, labis silang natuwa.
|
||
\v 14 Kaya ang lahat ng mga taong nabihag ni Ismael sa Mizpa ay bumalik at pumunta kay Johanan na anak ni Karea.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ngunit tumakas si Ismael na anak ni Netanias kasama ang walong kalalakihan mula kay Johanan. Pumunta siya sa mga Ammonita.
|
||
\v 16 Kinuha ni Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo na kasama niya mula Mizpa ang lahat ng mga taongnaligtas mula kay Ismael na anak ni Netanias. Ito ay matapos patayin ni Ismael si Gedalias na anak ni Ahicam. Kinuha ni Johanan at ng kaniyang mga kasama ang malalakas na kalalakihan, mga lalaking mandirigma, mga kababaihan at mga bata, at ang mga eunuko na nailigtas sa Gibeon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Pagkatapos pumunta sila at nanatili ng isang saglit sa Gerut-quimam na malapit sa Bethlehem. Pupunta sila patungong Egipto
|
||
\v 18 dahil sa mga Caldeo. Natakot sila sa kanila matapos patayin ni Ismael na anak ni Netanias si Gedalias na anak ni Ahicam, na inilagay ng hari ng Babilonia upang mangasiwa sa lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 42
|
||
\p
|
||
\v 1 At lumapit kay propeta Jeremias ang lahat ng mga pinuno ng hukbo at sina Johanan na anak ni Karea, Azarias na anak ni Hosaias at lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
|
||
\v 2 Sinabi nila sa kaniya, "Hayaan na ang aming mga kahilingan ay makarating sa iyong harapan. Ipanalangin mo kami kay Yahweh na iyong Diyos sapagkat kakaunting bilang na lamang ng mga tao ang natira, tulad ng nakikita mo.
|
||
\v 3 Tanungin mo kay Yahweh na iyong Diyos upang sabihin sa amin ang daang dapat naming puntahan at kung ano ang dapat naming gawin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Kaya sinabi ni propeta Jeremias sa kanila, "Narinig ko kayo. Tingnan ninyo, ipapanalangin ko kay Yahweh na inyong Diyos gaya ng inyong hiniling. Anuman ang mga tugon ni Yahweh, sasabihin ko sa inyo. Wala akong ililihim sa inyo."
|
||
\v 5 Sinabi nila kay Jeremias, "Nawa ay maging tunay at tapat na saksi laban sa atin si Yahweh, kung hindi namin gagawin ang lahat ng bagay na pinagagawa sa amin ni Yahweh na iyong Diyos.
|
||
\v 6 Maging mabuti man ito o masama, susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos, na aming isinusugo sa iyo, nang sa gayon ay makakabuti ito sa amin kapag susundin namin ang tinig ni Yahweh na ating Diyos."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 At nangyari nga ito pagkaraan ng sampung araw, dumating kay Jeremias ang salita ni Yahweh.
|
||
\v 8 Kaya tinawag ni Jeremias si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo kasama niya at ang lahat ng mga tao mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakadakila.
|
||
\v 9 At sinabi niya sa kanila, "Yahweh, ang Diyos ng Israel, na sa kaniya ninyo ako ipinadala upang maaari kong mailapit ang inyong pagsamo sa kaniya. Sinasabi ito ni Yahweh,
|
||
\v 10 'Kung babalik kayo at maninirahan sa lupaing ito, itatayo ko kayo at hindi ko kayo ibabagsak; itatanim ko kayo at hindi bubunutin, sapagkat aalisin ko ang mga sakuna na dinala ko sa inyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Huwag kayong matakot sa hari ng Babilonia, na inyong kinatatakutan. Huwag kayong matakot sa kaniya sapagkat kasama ninyo ako upang iligtas kayo at sagipin kayo mula sa kaniyang kamay, ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 12 Sapagkat kaaawaan ko kayo. Mahahabag ako sa inyo at ibabalik ko kayo sa inyong lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Ngunit ipagpalagay na sinabi ninyo na, "Hindi na kami mananatali sa lupaing ito"—kung hindi kayo makikinig sa aking tinig, ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos.
|
||
\v 14 Ipagpalagay na sinabi ninyo na, "Hindi! Pupunta kami sa lupain ng Egipto, kung saan wala kaming makikitang anumang digmaan, kung saan hindi namin maririnig ang tunog ng trumpeta, at hindi kami magugutom sa pagkain. Maninirahan kami roon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ngayon, makinig kayo sa salitang ito ni Yahweh, kayong natira ng Juda. Si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito, 'Kung nais ninyo talagang umalis papuntang Egipto, upang pumunta at manirahan doon,
|
||
\v 16 at ang espada na inyong kinatatakutan ay mauunahan kayo roon sa lupain ng Egipto. Ang taggutom na inyong inaalala ang hahabol sa inyo sa Egipto. At mamamatay kayo roon.
|
||
\v 17 Kaya mangyayari ito na ang lahat ng mga kalalakihang umalis upang magpunta sa Egipto na maninirahan doon ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, taggutom o salot. Walang makakaligtas sa kanila, walang sinuman ang makakatakas sa sakuna na aking dadalhin sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: Tulad ng aking matinding poot at galit na ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, ganoon din ang aking galit na ibubuhos ko sa inyo kung pupunta kayo sa Egipto. Kayo ay magiging isang sinumpaang bagay at isang katatakutan, isang bagay sa pagsasabi ng mga sumpa, at isang bagay na kahiya-hiya. At ang lugar na ito ay hindi na ninyo muli makikita.'"
|
||
\v 19 Pagkatapos, sinabi ni Jeremias, "Nagsalita si Yahweh tungkol sa inyo—ang natira ng Juda. Huwag kayong pumunta sa Egipto! Natitiyak ko na alam ninyo na ako ang naging saksi laban sa inyo ngayon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Sapagkat babayaran ninyo ng inyong mga buhay nang isugo ninyo ako kay Yahweh na inyong Diyos at sinabi na, 'Ipanalangin mo kami kay Yahweh na ating Diyos. Lahat ng mga bagay na sinasabi ni Yahweh na ating Diyos, sabihin mo sa amin, at gagawin namin ito.
|
||
\v 21 Sapagkat ibinalita ko sa inyo ngayon, ngunit hindi kayo nakinig sa tinig ni Yahweh na inyong Diyos o sa anumang bagay tungkol sa kaniyang ipinadala sa akin para sa inyo.
|
||
\v 22 Kaya ngayon, tiyak na dapat ninyong malaman na mamamatay kayo sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot sa lugar kung saan nais ninyong puntahan upang manirahan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 43
|
||
\p
|
||
\v 1 Nangyari na matapos ang pagpapahayag ni Jeremias sa lahat ng tao ang lahat ng mga salita ni Yahweh na kanilang Diyos ang nagsabi sa kaniya na sabihin.
|
||
\v 2 Sina Azarias na anak ni Osias, Johanan na anak ni Karea at lahat ng mga lalaking mayayabang ay sinabi kay Jeremias na, "Nagsasabi ka ng mga kasinungalingan. Hindi ka isinugo ni Yahweh na ating Diyos upang sabihin, 'Huwag pumunta sa Egipto upang manirahan doon.'
|
||
\v 3 Sapagkat inuudyukan ka ni Baruc na anak ni Nerias laban sa amin upang ibigay kami sa kamay ng mga Caldeo, upang maipapatay mo kami at upang maging mga bihag kami sa Babilonia."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Kaya si Johanan na anak ni Karea, lahat ng mga prinsipe ng hukbo at lahat ng mga tao ay tumanggi na pakinggan ang tinig ni Yahweh na manirahan sa lupain ng Juda.
|
||
\v 5 Kinuha lahat ang natira ng Juda nina Johanan na anak ni Karea at lahat ng mga pinuno ng hukbo na bumalik mula sa lahat ng bansa kung saan sila nagkahiwa-hiwalay upang manirahan sa lupain ng Juda.
|
||
\v 6 Kinuha nila ang mga lalaki at mga babae, mga anak at ang mga anak na babae ng hari at ang bawat tao na hinayaang manatili ni Nebuzeradan na pinuno ng tagabantay ng hari kasama si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Safan. Kinuha din nila si propeta Jeremias at si Baruc na anak ni Nerias.
|
||
\v 7 Pumunta sila sa lupain ng Egipto, sa Tafnes, dahil hindi sila nakinig sa tinig ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Kaya dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias sa Tafnes at sinabi,
|
||
\v 9 "Kumuha ka ng ilang malalaking mga bato sa iyong kamay, at sa paningin ng mga tao sa Juda, itago mo ito sa latag ng semento sa pasukan ng bahay ng Faraon sa Tafnes.
|
||
\v 10 At sabihin mo sa kanila, "Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel, 'Tingnan ninyo, malapit ko ng isugo ang mga mensahero upang kunin si Nebucadnezar na hari ng Babilonia bilang aking lingkod. Ilalagay ko ang kaniyang trono sa ibabaw ng mga batong ito na iyong ibinaon, Jeremias. Ilalagay ni Nabucadnezar ang kaniyang pabilyon sa ibabaw ng mga ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Sapagkat darating siya at lulusubin ang lupain ng Egipto. Sinuman ang itinalagang mamatay ay ibibigay sa kamatayan. Sinuman ang itinalagang mabihag ay bibihagin. At ang sinumang itinalaga sa espada ay maibibigay sa espada.
|
||
\v 12 At susunugin ko ang mga templo ng mga diyus-diyosan ng Egipto. Susunugin sila o sasakupin ni Nebucadnezar. Lilinisin niya ang lupain ng Egipto tulad ng mga pastol na nagtatanggal ng kuto sa kanilang kasuotan. Lalabas siya na matagumpay sa lugar na iyon.
|
||
\v 13 Babasagin niya ang mga batong haligi sa Heliopolis sa lupain ng Egipto. Susunugin niya ang mga templo ng mga diyus-diyosan sa Egipto.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 44
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salitang dumating kay Jeremias tungkol sa lahat ng mga taga-Juda na nanirahan sa lupain ng Egipto, ang mga naninirahan sa Migdol, Tafnes, Memfis, at sa lupain ng Patros.
|
||
\v 2 Si Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: nakita ninyo mismo ang lahat ng kapahamakan na dinala ko sa Jerusalem at sa lahat ng lungsod ng Juda. Tingnan ninyo, nawasak sila ngayon. Wala nang kahit isang nanirahan sa kanila.
|
||
\v 3 Ito ay dahil sa mga masasamang bagay na kanilang ginawa upang saktan ako sa pamamagitan ng pagsunog ng insenso at pagsamba sa ibang mga diyos. Ang mga ito ay mga diyos na kahit sila sa kanilang sarili, kahit kayo, kahit ang inyong mga ninuno ay hindi kilala.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Kaya paulit-ulit kong ipinadala sa kanila ang lahat ng mga lingkod kong propeta. Ipinadala ko sila upang sabihin, 'Itigil ang paggawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na aking kinapopootan.'
|
||
\v 5 Ngunit hindi sila nakinig. Tumanggi silang magbigay pansin o tumalikod sa kanilang kasamaan sa pagsunog ng insenso sa ibang mga diyos.
|
||
\v 6 Kaya ibinuhos ko ang aking matinding galit at poot at nagpasiklab ng apoy sa mga lungsod ng Judah at sa mga lansangan ng Jerusalem. Kaya sila ay naging lugar ng pagkasira at pagkawasak, gaya ng sa kasalukuyan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Kaya ito ang sinasabi ngayon ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo at ang Diyos ng Israel, "Bakit kayo gumagawa ng matinding kasamaan laban sa inyong mga sarili? Bakit nagiging sanhi kayo sa inyong mga sarili na maihiwalay mula sa Juda—mga kalalakihan at kababaihan, mga bata at mga sanggol? Walang natira sa inyo ang maiiwan.
|
||
\v 8 Sa pamamagitan ng inyong kasamaan sinaktan ninyo ako sa mga gawa ng inyong mga kamay, sa pamamagitan ng pagsusunog ng insenso sa ibang mga diyos sa lupain ng Egipto, na inyong pinuntahan upang manirahan. Pumunta kayo roon upang kayo ay malipol, upang kayo ay magiging sumpa at kahihiyan sa lahat ng mga bansa sa lupa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Nakalimutan na ba ninyo ang kasamaang ginawa ng inyong mga ninuno at ang kasamaang ginawa ng mga hari ng Juda at ng kanilang mga asawa? Nakalimutan na ba ninyo ang mga kasamaang inyong ginawa at ng inyong mga asawa sa lupain ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
|
||
\v 10 Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin sila nagpakumbaba. Hindi nila ginagalang ang aking kautusan o mga atas na inilagay ko sa kanilang harapan at sa kanilang mga ninuno, ni lumakad sila sa mga ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Kaya sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, "Tingnan ninyo, malapit ko ng ibaling ang aking mukha laban sa inyo upang magdala ng kapahamakan sa inyo at upang lipulin ang buong Juda.
|
||
\v 12 Sapagkat kukunin ko ang natira sa Juda na nakatakdang lumabas upang pumunta sa lupain ng Egipto upang manirahan doon. Gagawin ko ito upang silang lahat ay mamatay sa lupain ng Egipto. Mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila mamamatay sila sa pamamagitan ng espada at taggutom. Mamamatay sila at magiging kaganapan ng panunumpa, pagsusumpa, paninisi at isang kakila-kilabot na bagay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Sapagkat parurusahan ko ang mga taong naninirahan sa lupain ng Egipto tulad ng pagparusa ko sa Jerusalem sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.
|
||
\v 14 Walang nakatakas o nakaligtas sa mga natira ng Juda ang pupunta at maninirahan doon sa lupain ng Egipto na makababalik sa lupain ng Juda, kahit nais nilang bumalik at manirahan doon. Walang makababalik sa kanila, maliban sa ilang makatatakas mula rito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Kaya sumagot ang lahat ng mga kalalakihang nakakaalam na ang kanilang mga asawa ay nagsusunog ng insenso sa ibang mga diyos at ang lahat ng kababaihan na nasa malaking pagtitipon, at lahat ng mga taong naninirahan sa lupain ng Egipto sa Patros kay Jeremias.
|
||
\v 16 Sinabi nila, "Tungkol sa salita na sinabi mo sa amin sa pangalan ni Yahweh: Hindi kami makikinig sa iyo.
|
||
\v 17 Sapagkat tiyak na gagawin namin ang lahat ng mga bagay na aming sinabi na gagawin: magsusunog kami ng insenso sa Reyna ng Langit at magbubuhos ng mga handog na inumin sa kaniya, na gaya ng ginawa namin, ng aming mga ninuno, ng aming mga hari at ng aming mga pinuno sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan sa Jerusalem. At mapupuno tayo ng mga pagkain at sasagana, na hindi dadanas ng anumang sakuna.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Kapag itinigil namin ang paggawa ng mga bagay na ito, ang hindi maghahandog ng insenso sa Reyna ng Langit at hindi magbubuhos ng handog na inumin sa kaniya, makararanas kaming lahat ng kahirapan at mamamatay sa pamamagitan ng espada at taggutom."
|
||
\v 19 Sinabi ng mga kababaihan, "Noong gumawa kami ng mga handog na insenso sa harapan ng Reyna ng Langit at nagbuhos ng inuming mga handog sa kaniya, ginawa ba namin ang mga bagay na ito na hindi nalalaman ng aming mga asawa?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Pagkatapos sinabi ni Jeremias sa lahat ng mga tao—sa mga kalalakihan at kababaihan, at sa lahat ng mga taong sumagot sa kaniya—nagpahayag siya at sinabi,
|
||
\v 21 "Hindi ba naalala ni Yahweh ang insenso na inyong sinunog sa mga lungsod ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem—kayo at ang inyong mga ninuno, inyong mga hari at mga pinuno, at ang mga tao sa lupain? Sapagkat naaalala ito ni Yahweh; at pumasok ito sa kaniyang isipan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 Kaya hindi na niya kayang tiisin ito dahil sa inyong mga masasamang gawain, dahil sa mga kasuklam-suklam na inyong ginawa. Kaya ang inyong lupain ay naging malungkot, nakakatakot at isinumpa kaya wala ng nakatira mula sa araw na ito.
|
||
\v 23 Sapagkat kayo ay nagsunog ng insenso at nagkasala laban kay Yahweh at dahil hindi kayo nakinig sa kaniyang tinig, sa kaniyang kautusan, sa kaniyang mga alituntunin, o mga atas ng kasunduan, kaya nangyari laban sa inyo ang kapahamakang ito hanggang sa kasalukuyan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Pagkatapos sinabi ni Jeremias sa lahat ng tao at sa lahat ng kababaihan, "Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, sa buong Juda na nasa lupain ng Egipto.
|
||
\v 25 Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel, 'Kayo at ang inyong mga asawang babae ang parehong nagsabi sa pamamagitan ng inyong mga bibig at ginawa ninyo sa inyong mga kamay kung ano ang inyong sinabi, "Tiyak na gagawin namin ang panunumpa na aming ginawa upang sumamba sa Reyna ng Langit, upang magbuhos ng inuming mga handog sa kaniya." Ngayon tuparin ninyo at gawin ninyo ang inyong mga sinumpa.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Kaya ngayon, pakinggan ang salita ni Yahweh, buong Juda na naninirahan sa lupain ng Egipto, 'Tingnan ninyo, sumumpa ako sa pamamagitan ng aking dakilang pangalan—sabi ni Yahweh. Hindi na muling tatawagin kailanman ang aking pangalan sa pamamagitan ng mga bibig ng kahit na sinumang kalalakihan ng Juda sa buong lupain ng Egipto, kayong mga nagsasabi ngayon, "Sapagkat ang Panginoong si Yahweh ay buhay."
|
||
\v 27 Tingnan ninyo, binabantayan ko sila sa kapahamakan at hindi sa kabutihan. Ang bawat tao ng Juda sa lupain ng Egipto ay mamamatay sa pamamagitan ng espada at taggutom hanggang silang lahat ay maubos na.
|
||
\v 28 At ang mga nakaligtas sa espada ay magbabalik mula sa lupain ng Egipto tungo sa lupain ng Juda, kaunti lamang ang bilang nila. Kaya lahat ng natirang taga-Juda na nagpunta sa lupain ng Egipto upang doon manirahan ay malalaman kung kaninong salita ang mangyayari: sa akin o sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 Ito ang magiging tanda para sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—na aking itinakda laban sa inyo sa lugar na ito, upang malaman ninyo na ang aking mga salita ay tiyak na sasalakay sa inyo sa pamamagitan ng kapahamakan.'
|
||
\v 30 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, aking ibibigay si Faraon Hophra, na hari ng Egipto, sa mga kamay ng kaniyang mga kaaaway at sa mga nagnanais sa kaniyang buhay. Gaya ito ng pagbigay ko kay Zedekias na hari ng Juda sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia, at sa kaniyang kaaway na naghahangad ng kaniyang buhay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 45
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita na sinabi ni propeta Jeremias kay Baruc na anak ni Nerias. Nangyari ito nang isinulat niya sa isang balumbon ang mga salitang ito sa pagsasalaysay ni Jeremias—ito ay sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, at sinabi niya,
|
||
\v 2 "Baruc, sinasabi ito sa iyo:
|
||
\v 3 Sinabi mo, 'Aba ako, sapagkat nagdagdag si Yahweh ng matinding paghihirap sa aking kirot. Pinapahina ako ng aking paghihinagpis; Wala akong masumpungang kapahingahan.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Ito ang dapat mong sabihin sa kaniya: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, kung ano ang aking itinayo, ako ngayon ang tumitibag nito. Kung ano ang aking itinanim, ako ngayon ang bumubunot nito. Ito ay totoo sa buong daigdig.
|
||
\v 5 Ngunit umaasa ka ba ng dakilang mga bagay para sa iyong sarili? Huwag kang umasa ng ganoon. Sapagkat tingnan mo, darating ang kapahamakan sa buong sangkatauhan—ito ang pahayag ni Yahweh—ngunit ibinibigay ko sa iyo ang iyong buhay bilang iyong ninakaw sa lahat ng dakong iyong pupuntahan."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 46
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay propetang Jeremias tungkol sa mga bansa.
|
||
\v 2 Para sa Egipto: "Tungkol ito sa hukbo ni Faraon Neco na hari ng Egipto, na nasa Carquemis sa tabi ng Ilog Eufrates. Ito ang hukbong tinalo ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda:
|
||
\v 3 Ihanda ninyo ang mga maliliit at mga malalaking kalasag, at sumugod sa labanan.
|
||
\v 4 Isingkaw ninyo ang mga kabayong lalaki at sakyan ninyo ang mga ito, kayong mga mangangabayo. Humanay kayo, kasama ang inyong mga helmet na nasa inyong mga ulo. Hasain ninyo ang mga sibat at isuot ang inyong mga baluti.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—
|
||
\v 6 ang matulin ay hindi makatatakbo palayo, at ang mga kawal ay hindi makatatakas. Natitisod sila sa hilaga at bumabagsak sa tabi ng Ilog Eufrates.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Sino itong bumabangon tulad ng Nilo, na iniitsa pataas at pababa ang tubig tulad ng mga ilog?
|
||
\v 8 Bumabangon ang Egipto tulad ng Nilo, at iniitsa pataas at pababa ang tubig nito tulad ng mga ilog. Sinasabi nito, 'Babangon ako, tatakpan ko ang lupa. Wawasakin ko ang mga lungsod at ang mga naninirahan sa mga ito.
|
||
\v 9 Bumangon kayo, mga kabayo. Magalit kayo, kayong mga karwahe. Palabasin ang mga kawal, Cus at Puth, mga kalalakihang dalubhasa sa kalasag, at Ludio, mga kalalakihang dalubhasa sa paghatak ng kanilang mga pana.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 10 Ang araw na iyon ang magiging araw ng paghihiganti para sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo, at ipaghihiganti niya ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kaaway. Lalamon at mabubusog ang espada. Iinumin nito ang kanilang dugo hanggang sa mapuno. Sapagkat magkakaroon ng alay sa Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa hilagang lupain sa tabi ng Ilog Eufrates.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Umakyat ka sa Gilead at kumuha ng gamot, birheng anak na babae ng Egipto. Wala itong saysay na naglalagay ka ng maraming gamot sa iyong sarili. Walang lunas para sa iyo.
|
||
\v 12 Nabalitaan ng mga bansa ang iyong kahihiyan. Napuno ng iyong mga pagtangis ang lupa, sapagkat natitisod ang kawal laban sa kawal, pareho silang bumabagsak."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Ito ang salitang sinabi ni Yahweh kay propetang Jeremias nang dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at sinalakay ang lupain ng Egipto:
|
||
\v 14 "Iulat ninyo sa Egipto at hayaang mabalitaan sa Migdol at sa Memfis. Sa Tafnes, sinabi nila, 'Lumugar kayo at tumindig, sapagkat nilalamon ng espada ang lahat ng nasa paligid ninyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Bakit tumakbo palayo ang inyong diyos na si Apis? Bakit hindi tumatayo ang inyong diyos na toro? Ibinagsak siya ni Yahweh.
|
||
\v 16 Dinagdagan niya ang bilang ng mga natitisod. Bumabagsak ang bawat kawal sa sumusunod. Sinasabi nila, "Bumangon kayo. Umuwi na tayo. Bumalik na tayo sa ating sariling mga tao, sa ating katutubong lupain. Iwanan na natin ang espadang ito na tumatalo sa atin."
|
||
\v 17 Ipinahayag nila roon, "Ang Faraon na hari ng Egipto ay isang ingay lamang, na hinayaang makawala ang kaniyang pagkakataon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 "Sapagkat buhay ako—ito ang pahayag ng hari—Yahweh ng mga hukbo ang pangalan, may darating tulad ng Bundok ng Tabor at Bundok ng Carmelo sa tabing-dagat.
|
||
\v 19 Ihanda ninyo para sa inyong mga sarili ang inyong dalahin para sa pagkabihag, kayong mga anak na babae na naninirahan sa Egipto. Sapagkat magiging isang katatakutan at isang pagkawasak ang Memfis upang walang sinuman ang maninirahan doon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Ang Egipto ay isang napakagandang batang baka, ngunit dumarating ang isang nangangagat na insekto mula sa hilaga. Dumarating na ito.
|
||
\v 21 Ang mga upahang kawal sa kaniyang kalagitnaan ay tila mga pinatabang toro, ngunit tatalikod at tatakbo rin sila. Hindi sila titindig ng magkakasama, sapagkat ang araw ng kanilang kapahamakan ay dumarating sa kanila, ang oras ng kanilang kaparusahan.
|
||
\v 22 Sumusutsot at gumagapang papalayo ang Egipto tulad ng isang ahas, sapagkat lumalakad laban sa kaniya ang kaniyang mga kaaway. Lumalakad sila patungo sa kaniya tulad ng mga namumutol ng kahoy na may mga palakol.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Puputulin nila ang mga kakahuyan—ito ang pahayag ni Yahweh—bagaman ito ay labis na masikip. Sapagkat mas magiging marami ang mga kaaway kaysa sa mga balang, hindi sila mabibilang.
|
||
\v 24 Mapapahiya ang anak na babae ng Egipto. Ibibigay siya sa kamay ng mga taong mula sa hilaga."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, "Tingnan mo, parurusahan ko si Ammon na taga-Tebes, ang Faraon, ang Egipto at ang kaniyang mga diyos, ang kaniyang mga haring Faraon, at ang mga nagtitiwala sa kanila.
|
||
\v 26 Ibinibigay ko sila sa kamay ng mga humahangad sa kanilang mga buhay, sa kamay ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at sa kaniyang mga lingkod. At pagkatapos nito, pananahanan ang Egipto gaya noong unang panahon—ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 "Ngunit ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot. Huwag kang mangamba, Israel, sapagkat tingnan mo, ibabalik ko kayo mula sa malayo, at ang inyong mga anak mula sa lupain ng kanilang pagkabihag. Pagkatapos, manunumbalik si Jacob, makakatagpo ng kapayapaan, at magiging ligtas, at wala ng sisindak sa kaniya.
|
||
\v 28 Ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot—Ito ang pahayag ni Yahweh—sapagkat kasama mo ako, kaya magdadala ako ng ganap na pagkawasak laban sa lahat ng bansa kung saan ko kayo ikinalat. Ngunit hindi kita lubusang wawasakin. Gayon pa man, makatarungan kitang didisiplinahin at tiyak na hindi kita iiwang hindi napaparusahan.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 47
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay propetang Jeremias tungkol sa mga Filisteo. Dumating ang salitang ito sa kaniya bago sinalakay ni Faraon ang Gaza.
|
||
\v 2 "Sinasabi ito ni Yahweh: Tingnan mo, tumataas ang maraming tubig sa hilaga. Magiging tulad ng umaapaw na ilog ang mga ito! Pagkatapos, aapaw ang mga ito sa lupain at sa lahat ng naroon, sa mga lungsod nito at sa mga naninirahan dito! Kaya sisisgaw ng tulong ang bawat isa, at tatangis ang lahat ng mga naninirahan sa lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Sa tunog ng malalakas na pagpadyak ng mga paa ng kanilang mga kabayo, sa dagundong ng kanilang mga karwahe at ingay ng kanilang mga gulong, hindi tutulungan ng mga ama ang kanilang mga anak dahil sa kanilang sariling kahinaan.
|
||
\v 4 Sapagkat darating ang araw na wawasak sa lahat ng mga Filisteo, upang ihiwalay sa Tiro at Sidon ang bawat nakaligtas na nagnanais silang tulungan. Sapagkat winawasak ni Yahweh ang mga Filisteo, ang mga nalalabi mula sa pulo ng Caftor.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Makakalbo ang Gaza. Sa Ashkelon naman, patatahimikin ang mga taong naiwan sa kanilang mga lambak. Gaano katagal ninyong susugatin ang inyong mga sarili sa pagluluksa?
|
||
\v 6 Kapighatian, ang espada ni Yahweh! Gaano katagal hanggang sa manahimik ka? Bumalik ka sa iyong kaluban! Tumigil ka at manahimik.
|
||
\v 7 Paano ka mananahimik, sapagkat inutusan ka ni Yahweh. Tinawag ka niya upang salakayin ang Ashkelon at laban sa mga kapatagan sa tabi ng dagat."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 48
|
||
\p
|
||
\v 1 Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel para sa Moab, "Kaawa-awa ang Nebo sapagkat winasak na ito. Ang Kiryataim ay nasakop na at hinamak. Ang kaniyang kutang tanggulan ay dinurog at naging kahihiyan.
|
||
\v 2 Nawala na ang karangalan ng Moab. Ang kanilang mga kaaway sa Hesbon ay may masamang balak laban sa kaniya. Sinabi nila, 'Halikayo at wasakin natin siya bilang isang bansa. Ang Madmena ay mawawala din— hahabulin kayo ng isang espada.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Pakinggan ninyo! Isang tunog ng sumisigaw ang dumarating mula sa Horonaim kung saan may pagguho at malaking pagkawasak.
|
||
\v 4 Nawasak na ang Moab. Ipinarinig ng kaniyang mga anak ang kanilang pag-iyak.
|
||
\v 5 Umiiyak silang umakyat sa burol ng Luhit, sapagkat sa daanan pababa ng Horonaim, ang mga hiyawan ay naririnig dahil sa pagkawasak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Tumakas na kayo! Iligtas ninyo ang inyong mga buhay at maging tulad ng mga puno ng juniper sa ilang.
|
||
\v 7 Nang dahil sa tiwala ninyo sa inyong mga kaugalian at kayamanan, kayo ay masasakop. At si Quemos ay ilalayo at bibihagin kasama ng kaniyang mga pari at mga pinuno.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Sapagkat darating ang mga tagawasak sa bawat lungsod, walang lungsod ang makakatakas. Kaya ang lambak ay mamamatay at ang kapatagan ay mawawasak, gaya ng sinabi ni Yahweh.
|
||
\v 9 Bigyan ng pakpak ang Moab sapagkat tiyak na lilipad ito palayo. Ang kaniyang mga lungsod ay magiging isang kaparangan kung saan walang maninirahan sa kanila.
|
||
\v 10 Sumpain nawa ang mga tamad sa paggawa ng mga gawain ni Yahweh! Isumpa nawa ang sinumang patuloy na ginagamit ang espada sa pagdanak ng dugo!
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Naramdaman ng Moab na ligtas siya mula pa sa pagkabata. Katulad siya ng kaniyang alak na hindi pa naibuhos sa mga banga. Hindi siya nakaranas ng pagkabihag. Samakatuwid, ang lasa niya ay nanatiling masarap gaya ng dati, ang kaniyang linamnam ay hindi nagbago.
|
||
\v 12 Kaya tingnan mo, ang mga araw ay paparating—ito ang pahayag ni Yahweh— paparating na ang panahon na ipadadala ko ang mga magpapatiwarik sa kaniya at ibubuhos ang lahat ng kaniyang palayok at babasagin ang kaniyang mga banga.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Pagkatapos, mapapahiya ang Moab kay Quemos, na gaya ng sambahayan ng Israel na napahiya sa Bethel na dahilan ng kanilang pagtitiwala.
|
||
\v 14 Paano ninyo masasabi, 'Kami ay mga kawal, mga makapangyarihang mandirigmang lalaki'?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Mawawasak ang Moab at sasalakayin ang kanilang mga lungsod. Sapagkat ang mga makikisig na binata nito ay napunta na sa lugar ng patayan. Ito ang pahayag ng Hari! Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
|
||
\v 16 Ang kapahamakan ng Moab ay malapit ng mangyari, ang mga sakuna ay mabilis na darating.
|
||
\v 17 Kayong lahat na nasa paligid ng Moab, tumangis kayo. Kayong lahat na nakakaalam sa kaniyang katanyagan, isigaw ninyo ito, 'Kaawa-awa, ang matibay na tungkod at ang ikinararangal na pamalo ay nawasak na'.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 18 Bumaba kayo mula sa inyong mga dakilang lugar at umupo kayo sa tuyong lupa, kayong mga babaeng anak na naninirahan sa Dibon. Sapagkat sinasalakay ka ng wawasak sa Moab, siya na sisira sa iyong mga matibay na tanggulan.
|
||
\v 19 Tumayo kayo sa mga lansangan at magbantay, kayong mga tao na nakatira sa Aroer. Tanungin ninyo ang mga nagsisitakbuhan at nagsisitakas, sabihin ninyo, 'Ano ang nangyari?'
|
||
\v 20 Ipinahiya na ang Moab, sapagkat dinurog na ito. Tumangis at tumaghoy. Sumigaw para sa tulong. Sabihin ito sa mga tao malapit sa Ilog ng Arnon na ang Moab ay winasak na.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Dumating na ngayon ang kaparusahan sa maburol na lupain, sa Holon, Jaza at Mefaat,
|
||
\v 22 sa Dibon, Nebo at Beth-Diblataim,
|
||
\v 23 sa Kiryataim, Bethgamul at Bethmeon,
|
||
\v 24 sa Keriot at Bozra at sa lahat ng lungsod sa lupain ng Moab, sa mga pinakamalayo at pinakamalapit na mga lungsod.
|
||
\v 25 Ang sungay ng Moab ay sinibak na, ang kaniyang bisig ay nabali na. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Lasingin siya, sapagkat nagmayabang siya laban sa akin, akong si Yahweh. Ngayon ay ipinapalakpak ng Moab ang kaniyang mga kamay sa kahihiyan sa sarili niyang suka, kaya naging tampulan na rin siya ng katatawanan.
|
||
\v 27 Sapagkat, hindi ba naging tampulan ng katatawanan sa inyo ang Israel? Natagpuan ba siyang isa sa mga magnanakaw kaya umiiling kayo sa tuwing sinasabi ninyo ang tungkol sa kaniya?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 28 Kayong mga naninirahan sa Moab, lisanin ninyo ang mga lungsod at magkampo kayo sa mga matarik na dalisdis. Maging tulad ng isang kalapati na nakapugad sa bunganga ng butas sa mga batuhan.
|
||
\v 29 Narinig namin ang pagmamataas ng Moab, ang kaniyang kapalaluan, ang kaniyang kayabangan, ang kaniyang pagmamalaki, ang kaniyang pansariling kaluwalhatian, at ang kaniyang kahambugan sa kaniyang puso.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Ito ang pahayag ni Yahweh—alam ko mismo ang kaniyang mga mapanghamon na pananalitang walang pakinabang, tulad ng kaniyang mga gawa.
|
||
\v 31 Kaya hahagulhol ako ng pagtatangis para sa Moab at sisigaw ako sa pighati para sa lahat ng tao ng Moab. Mananaghoy ako para sa mga tao ng Kir-heres
|
||
\v 32 Tatangis ako sa inyo ng higit sa pagtatangis ko sa Jazer, sa iyo na puno ng ubas ng Sibma! Ang iyong mga sanga ay lumampas sa Dagat na Asin at umabot hanggang sa Jazer. Nilusob ng mga tagawasak ang iyong mga bunga sa tag-araw at ang iyong alak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 33 Kaya ang pagdiriwang at pagsasaya ay kinuha na mula sa mga bungang-kahoy sa lupain ng Moab. Pinatigil ko na ang alak mula sa mga pigaan ng ubas. Hindi na sila yayapak ng may sigaw ng kasiyahan. Anumang sigaw ay hindi na magiging sigaw ng kasiyahan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 34 Mula sa mga sigaw sa Hesbon hanggang sa Eleale, ang kanilang tunog ay narinig sa Jajaz, mula sa Zoar hanggang sa Horonaim at Eglat-selisiya, sapagkat kahit ang mga katubigan sa Nimrim ay natuyo na.
|
||
\v 35 Sapagkat tatapusin ko ang sinuman sa Moab na mag-aalay ng handog sa mga dambana at sa sinumang magsusunog ng insenso sa kaniyang mga diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 36 Kaya ang puso ko ay tumatangis para sa Moab na katulad ng isang plauta. Ang puso ko ay tumatangis na katulad ng mga plauta para sa mga tao ng Kir-Heres. Ang mga kayamanang natamo nila ay nawala na.
|
||
\v 37 Sapagkat ang bawat ulo ay kinalbo na, lahat ng balbas ay inahit na. May mga hiwa sa bawat kamay at ang telang magaspang ay nasa kanilang mga baywang.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 38 Mayroong pagtatangis sa lahat ng dako, sa bawat bubungan sa Moab at sa kaniyang mga plasa. Sapagkat sinira ko ang Moab na gaya ng paso na walang may gusto. Ito ang mga pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 39 Paano ito nadurog! Paano sila humagulgol sa kanilang pananaghoy! Tumalikod ang Moab sa kahihiyan. Kaya ang Moab ay magiging tampulan ng panunukso at katatakutan sa lahat ng nakapalibot sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 40 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, "Tingnan, ang mga kaaway ay darating na katulad ng lumilipad na agila, na nakaunat ang mga pakpak sa ibabaw ng Moab.
|
||
\v 41 Ang Keriot ay nabihag at ang kaniyang mga matibay na tanggulan ay nasakop. Sapagkat sa araw na iyan, ang puso ng mga kawal ng Moab ay magiging katulad ng mga puso ng mga babaeng nanganganak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 42 Kaya ang Moab ay mawawasak na tulad ng isang tao dahil sila ay nagmalaki laban sa akin, akong si Yahweh.
|
||
\v 43 Mga naninirahan sa Moab, darating sa inyo ang katatakutan at ang hukay at isang patibong. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 44 Ang sinumang tumakas dahil sa malaking takot ay mahuhulog sa hukay at sinumang aakyat palabas ng hukay ay mahuhuli sa patibong. Sapagkat ipadadala ko ang lahat ng ito sa taon ng aking paghihiganti laban sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 45 Ang mga tumatakas ay tatayo sa anino ng Hesbon na walang anumang lakas, sapagkat magmumula ang sunog sa Hesbon, liliyab mula sa kalagitnaan ng Sihon. Lalamunin nito ang noo ng Moab at ang ibabaw ng mga ulo ng mga taong mayayabang.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 46 Kaawa-awa ka, Moab! Ang mga tao ni Quemos ay nawasak na. Sapagkat ang iyong mga anak na lalaki ay kinuhang bihag at binihag ang iyong mga anak na babae.
|
||
\v 47 Ngunit ibabalik ko ang kayamanan ng Moab sa mga huling araw. Ito ang pahayag ni Yahweh." Dito nagtatapos ang paghuhukom sa Moab.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 49
|
||
\p
|
||
\v 1 Tungkol sa mga tao ng Ammon, ito ang sinasabi ni Yahweh, "Wala bang mga anak ang Israel? Wala bang magmamana ng anumang bagay sa Israel? Bakit naninirahan si Molek sa Gad at naninirahan ang kaniyang mga tao sa mga lungsod nito?
|
||
\v 2 Kaya tingnan ninyo, darating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—na patutunugin ko ang hudyat para sa digmaan laban sa Rabba sa mga tao ng Ammon, kaya ito ay magiging pinabayaang bunton at ang mga anak na babae nito ay magsisindi ng apoy. Sapagkat aangkinin ng Israel ang mga umangkin sa kaniya," sinabi ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 "Humagulgol ka sa pagtangis, Hesbon, sapagkat mawawasak ang Ai! Sumigaw kayo, mga anak na babae ng Rabba! Magsuot kayo ng telang magaspang. Tumangis at magsitakbo kayo nang walang saysay sapagkat mabibihag si Molek kasama ng kaniyang mga pari at mga pinuno.
|
||
\v 4 Bakit ninyo ipinagmamalaki ang inyong lakas? Ang inyong lakas ay lilipas, mga anak na babaeng walang pananampalataya, kayo na nagtitiwala sa inyong kayamanan. Sinasabi ninyo, 'Sinong lalaban sa akin?'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Tingnan ninyo, padadalhan ko kayo ng matinding takot—ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo—magmumula ang matinding takot na ito sa lahat ng pumapalibot sa inyo. Ang bawa't isa sa inyo ay kakalat sa harapan nito. Walang magtitipon sa mga tumatakbo palayo.
|
||
\v 6 Ngunit pagkatapos nito, ibabalik ko ang kayamanan ng mga tao ng Amon—ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Tungkol sa Edom, ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, "Wala na bang karunungan na matatagpuan sa Teman? Naglaho na ba ang magandang payo mula sa mga may pang-unawa? Nawala na ba ang kanilang karunungan?
|
||
\v 8 Tumakas kayo! Umalis kayo! Manatili sa mga butas sa lupa, mga naninirahan sa Dedan. Sapagkat dadalhin ko ang kapahamakan ni Esau sa kaniya sa panahon na parurusahan ko siya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Kung pumunta sa inyo ang mga taga-ani ng ubas, hindi ba magtitira sila ng kaunti? Kung dumating ang mga magnanakaw sa gabi, hindi ba nanakawin lamang nila ang kasindami ng naisin nila?
|
||
\v 10 Ngunit hinubaran ko si Esau. Inilantad ko ang kaniyang mga taguan kaya hindi niya maitatago ang kaniyang sarili. Nilipol ang kaniyang mga anak, mga kapatid na lalaki at mga kapitbahay at siya ay wala na.
|
||
\v 11 Iwan ninyo ang inyong mga ulilang anak. Iingatan ko ang kanilang buhay at mapagkakatiwalaan ako ng inyong mga balo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, "Tingnan ninyo, ang mga hindi nararapat dito ay dapat uminom ng kaunti sa tasa. Iniisip ba ninyo na aalis kayo ng walang kaparusahan? Hindi, sapagkat tiyak na iinom kayo.
|
||
\v 13 Sapagkat sumumpa ako sa aking sarili—ito ang pahayag ni Yahweh—na ang Bozra ay magiging katatakutan, kahihiyan, kasiraan at isang bagay na gagamitin sa pagsumpa. Ang lahat ng lungsod nito ay magiging wasak magpakailanman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Narinig ko ang balita mula kay Yahweh, at isang mensahero ang ipinadala sa mga bansa, 'Magsama-sama kayo at salakayin siya. Maghanda kayo para sa digmaan.'
|
||
\v 15 "Sapagkat tingnan ninyo, ginawa ko kayong maliit kumpara sa ibang bansa na kinasuklaman ng mga tao.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Sa inyong pagiging nakakatakot, nilinlang kayo ng pagmamalaki ng inyong puso, kayong mga naninirahan sa mga lugar sa talampas, kayo na tumira sa mga pinakamataas na burol upang pataasin ang inyong mga pugad tulad ng agila. Ibababa ko kayo mula roon—ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Magiging katatakutan ang Edom sa lahat ng mapapadaan dito. Ang bawat taong iyon ay manginginig at susutsot dahil sa lahat ng kapahamakan nito.
|
||
\v 18 Katulad ng pagbagsak ng Sodoma at Gomora at ng kanilang mga kalapit na bayan," sinasabi ni Yahweh, "wala ni isang titira roon; walang taong mananatili roon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Tingnan ninyo, aakyat siya na gaya ng isang leon na mula sa gubat ng Jordan papunta sa berdeng lupaing pastulan. Sapagkat bigla kong patatakbuhin ang Edom mula rito at maglalagay ako ng isang taong mapipiling mamahala rito. Sapagkat sino ang katulad ko, at sino ang magpapatawag sa akin? Anong pastol ang may kakayahang labanan ako?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 "Kaya makinig kayo sa mga balak na ipinasya ni Yahweh laban sa Edom, ang mga balak na kaniyang binuo laban sa mga naninirahan sa Teman. Tiyak na kakaladkarin sila palayo, kahit na ang pinakamaliit na kawan. Magiging wasak na lugar ang kanilang mga lupang pastulan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 Sa tunog ng kanilang pagbagsak, mayayanig ang mundo. Maririnig sa dagat ng Tambo ang tunog ng mga sigaw ng pagkabalisa.
|
||
\v 22 Tingnan ninyo, may sasalakay na gaya ng isang agila, at lilipad pababa at ibubuka ang kaniyang pakpak sa Bozra. At sa araw na iyon, ang mga puso ng mga kawal ng Edom ay magiging katulad ng puso ng babaing malapit ng manganak."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Tungkol sa Damasco: "Mapapahiya ang Hamat at Arpad sapagkat nakarinig sila ng balita ng kapahamakan. Natutunaw sila! Nabagabag sila katulad ng dagat, na hindi mapanatiling mapayapa.
|
||
\v 24 Naging napakahina ng Damasco. Tumatalikod ito upang tumakas; binalot ito ng matinding takot. Binalot ito ng pagkabalisa at sakit, katulad ng sakit ng babaing nanganganak.
|
||
\v 25 Sinasabi ng mga tao, 'Kumusta ang tanyag na lungsod, ang lungsod kung saan ako nagalak, hindi pa nililisan?'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Kaya ang mga binata nito ay babagsak sa mga plasa nito at lahat ng mandirigmang kalalakihan ay mamamatay sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga Hukbo."
|
||
\v 27 "Sapagkat magsisindi ako ng apoy sa pader ng Damasco, at lalamunin nito ang mga matibay ng tanggulan ni Ben-hadad."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 28 Tungkol sa Kedar at sa mga kaharian ng Hazor, ito ang sinasabi ni Yahweh kay Nebucadnezar (sasalakayin ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang mga lugar na ito): "Bumangon ka at salakayin ang Kedar at sirain ang mga taong iyon sa silangan.
|
||
\v 29 Kukunin ng kaniyang hukbo ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan, ang kanilang mga tabing ng tolda at lahat ng kanilang mga kagamitan. Kukunin nila ang kanilang mga kamelyo mula sa mga tao ng Kedar at isisigaw sa kanila, 'Katakot-takot ang nasa lahat ng dako!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Tumakas kayo! Magpagala-gala kayo sa malayo! Manatili kayo sa mga butas sa lupa, mga nananahan sa Hazor—ito ang pahayag ni Yahweh— sapagkat bumuo ng plano si Nebucadnezar na hari ng Babilonia laban sa inyo. Tumakas kayo! Bumalik kayo!
|
||
\v 31 Bumangon kayo! Salakayin ninyo ang bansang payapa, na naninirahan ng ligtas," sinabi ni Yahweh. "Wala silang tarangkahan o rehas, at namumuhay ng mag-isa ang mga tao nito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 32 Sapagkat ang kanilang mga kamelyo ay magiging nakaw, at ang kasaganaan ng kanilang ari-arian ay magiging nakaw sa digmaan. Pagkatapos ay ikakalat ko sa bawat hangin ang mga pumutol ng kanilang mga buhok at magdadala ako sa kanila ng kapahamakan mula sa bawat panig—ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 33 Magiging lungga ng asong-gubat ang Hazor, isang ganap na pinabayaang lupa. Walang maninirahan doon, walang taong mananatili roon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 34 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa Elam. Nangyari ito sa simula ng paghahari ni Zedekias na hari ng Juda, at sinabi niya,
|
||
\v 35 "Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga Hukbo: Tingnan ninyo, babasagin ko ang lalaking mamamana ng Elam, ang pangunahing bahagi ng kanilang kapangyarihan.
|
||
\v 36 Sapagkat dadalhin ko ang apat na hangin mula sa apat na sulok ng kalangitan at ikakalat ko ang mga tao ng Elam sa lahat ng hangin na iyon. Walang bansang hindi pupuntahan ng mga taong nakakalat mula sa Elam.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 37 Kaya dudurugin ko ang Elam sa harapan ng kaniyang kaaway at sa harapan ng mga naghahangad ng kaniyang buhay, sapagkat magdadala ako ng kapahamakan laban sa kanila, ang bagsik ng aking galit—ito ang pahayag ni Yahweh—at ipadadala ko ang espada hanggang sa mapuksa ko sila.
|
||
\v 38 Pagkatapos ay ilalagay ko ang aking trono sa Elam at wawasakin ko roon ang hari at mga pinuno nito—ito ang pahayag ni Yahweh—
|
||
\v 39 at mangyayari sa darating na araw na ibabalik ko ang kayamanan ng Elam—ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 50
|
||
\p
|
||
\v 1 Ito ang salita na ipinahayag ni Yahweh tungkol sa Babilonia, ang lupain ng mga Caldeo sa pamamagitan ni Jeremias na propeta,
|
||
\v 2 "Ipahayag mo sa mga bansa at maging dahilan upang makinig sila. Magbigay ka ng isang hudyat at maging dahilan upang makinig sila. Huwag mo itong ilihim at sabihin mo, "Nasakop na ang Babilonia at nalagay na sa kahihiyan ang Bel. Nanlupaypay na ang Merodac. Nalagay sa kahihiyan ang kanilang mga diyus-diyosan, nasira ang mga imahen nito.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Isang bansa mula sa hilaga ang lilitaw laban dito, upang gawing malagim ang kaniyang lupain. Walang maninirahan dito, tao man o mabangis na hayop. Tatakas sila palayo.
|
||
\v 4 Sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, ang mga tao ng Israel at ang mga tao ng Juda ay sama-samang iiyak at hahanapin si Yahweh na kanilang Diyos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 5 Tatanungin nila ang daan papuntang Zion at tutungo sila roon. Pupunta sila at makikipag-isa kay Yahweh para sa isang tipan na hindi masisira kailanman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Mga nawawalang kawan ang aking mga tao. Hinayaan sila ng kanilang mga pastol na maligaw sa mga bundok at inilayo sila sa mga burol. Pumunta sila at nakalimutan nila ang lugar kung saan sila nanirahan.
|
||
\v 7 Nilapa sila ng mga nakatagpo sa kanila. Sinabi ng kanilang mga kaaway, "Wala kaming kasalanan dahil nagkasala sila kay Yahweh, ang tunay nilang tahanan, si Yahweh ang pag-asa ng kanilang mga ninuno.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 8 Umalis kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, umalis kayo sa lupain ng mga Caldeo at maging gaya ng isang lalaking kambing na umaalis bago pa magawa ng ibang kawan.
|
||
\v 9 Dahil makikita ninyo, pakikilusin at pababangunin ko ang isang grupo ng mga dakilang bansa mula sa hilaga laban sa Babilonia. Ihahanay nila ang kanilang mga sarili laban sa kaniya. Dito mabibihag ang Babilonia. Tulad ng isang bihasang mandirigma ang kanilang mga palaso na hindi bumabalik na walang dala.
|
||
\v 10 Magiging isang nakaw ang Caldeo. Masisiyahan ang lahat ng magnanakaw nito. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Nagalak kayo, ipinagdiwang ninyo ang pagnanakaw sa aking mana; tumalon kayo na gaya ng isang baka na pumapadyak sa kaniyang pastulan, at humalinghing kayo na gaya ng isang malakas na kabayo.
|
||
\v 12 Kaya malalagay sa kahihiyan ang inyong ina at mapapahiya ang nagluwal sa inyo. Tingnan ninyo, siya ang magiging pinakamaliit sa mga bansa, magiging isang ilang, isang tuyong lupain at isang disyerto.
|
||
\v 13 Dahil sa galit ni Yahweh, walang maninirahan sa Babilonia, bagkus, magiging ganap na wasak. Manginginig ang lahat ng dadaan dito dahil sa Babilonia at susutsot dahil sa lahat ng kaniyang mga sugat.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 14 Ihanay ninyo ang inyong mga sarili na nakapalibot laban sa Babilonia. Kailangan patamaan siya ng bawat papana sa kaniya. Huwag kayong magtitira ng inyong mga palaso, dahil nagkasala siya laban kay Yahweh.
|
||
\v 15 Sumigaw kayo ng katagumpayan laban sa kaniya ang lahat ng nakapalibot sa kaniya. Isinuko na niya ang kaniyang kapangyarihan, bumagsak na ang kaniyang mga tore. Nasira na ang kaniyang mga pader dahil ito ang paghihiganti ni Yahweh. Maghiganti kayo sa kaniya! Gawin ninyo sa kaniya kung ano ang ginawa niya sa ibang mga bansa!
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 16 Wasakin ninyo ang manghahasik at ang gumagamit ng karit sa oras ng pag-aani sa Babilonia. Hayaan ninyong bumalik ang bawat tao sa kaniyang sariling bayan mula sa espada ng mga taong mapang-api, hayaan ninyo silang makatakas sa kanilang sariling lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Parang isang tupa ang Israel na nakakalat at itinataboy ng mga leon. Una, nilapa siya ng hari ng Asiria at matapos nito, si Nebucadnezar na hari ng Babilonia ay binali ang kaniyang mga buto.
|
||
\v 18 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel: Tingnan ninyo, parurusahan ko ang hari ng Babilonia at ang kaniyang lupain, katulad ng pagparusa ko sa hari ng Asiria.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 19 Ibabalik ko ang Israel sa kaniyang sariling bayan; manginginain siya sa Carmel at sa Basan. At masisiyahan siya sa burol ng bansang Efraim at Gilead.
|
||
\v 20 Sa mga araw na iyon at sa oras na iyon, sinabi ni Yahweh, uusigin ang kasamaan sa Israel, ngunit walang matatagpuan. Tatanungin ko ang mga kasalanan ng Juda ngunit walang matatagpuan dahil patatawarin ko ang natira na aking iniligtas."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 21 "Tumindig kayo laban sa lupain ng Merataim, labanan ninyo ito at ang mga naninirahan na Pekod. Patayin ninyo sila ng mga espada at itakda ang mga ito para sa pagkawasak, gawin ninyo ang lahat ng aking inuutos. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 22 Ang ingay ng digmaan at matinding pagkawasak ay nasa lupain.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 23 Kung gaano nasira at nawasak ang pamukpok sa lahat ng mga lupain. Kung gaano naging katakot-takot ang Babilonia sa buong bansa.
|
||
\v 24 Naghanda ako ng isang bitag para sa inyo. Nabihag kayo Babilonia at hindi ninyo ito alam! Natagpuan kayo at nasakop nang hinamon ninyo ako, si Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 Binuksan ni Yahweh ang kaniyang taguan ng sandata at ilalabas niya ang kaniyang mga sandata dahil sa kaniyang galit. May gawain ang Panginoong Yahweh ng mga hukbo sa lupain ng mga Caldeo.
|
||
\v 26 Salakayin ninyo siya sa kalayuan. Buksan ninyo ang kaniyang mga kamalig at isalansan siya na parang tambak ng butil. Itakda ninyo siya para sa pagkawasak. Huwag kayong magtitira para sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 Patayin ninyo ang lahat ng kaniyang mga toro at dalhin ninyo sila sa lugar ng katayan. Kaawa-awa sila dahil dumating na ang kanilang araw, ang oras ng kanilang kaparusahan.
|
||
\v 28 Magkakaroon ng ingay sa mga tumatakas, sa mga nakaligtas mula sa lupain ng Babilonia. Ito ang magiging kapahayagan sa paghihiganti ni Yahweh na ating Diyos para sa Zion, at ang paghihiganti sa kaniyang templo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 "Ipatawag ang mga mamamana laban sa Babilonia, ang lahat ng mga bumabaluktot ng kanilang mga pana. Magkampo kayo laban sa kaniya, at huwag hayaang may makatakas. Gantihan ninyo siya sa kaniyang mga nagawa. Gawin din ninyo sa kaniya ayon sa sukat na kaniyang ginamit. Dahil kinalaban niya si Yahweh, ang Banal ng Israel.
|
||
\v 30 Kaya babagsak ang kaniyang mga tauhan sa lansangan ng mga lungsod at mawawasak ang lahat ng kaniyang mga mandirigma sa araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 31 "Tingnan ninyo, ako ay laban sa inyo, kayong mga palalo, sapagkat dumating na ang inyong araw, kayong mga palalo, ang oras na parurusahan ko kayo. Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh ng mga hukbo.
|
||
\v 32 Kaya madadapa at babagsak ang mga palalo. Walang sinuman ang makapagpapabangon sa kanila. Magpapaningas ako ng apoy sa kanilang mga lungsod at tutupukin nito ang lahat ng nakapalibot sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 33 Sinabi ito ni Yahweh ng mga hukbo: pinahirapan ang mga tao sa Israel kasama ang mga tao sa Juda. Hawak pa din sila ng lahat ng mga dumakip sa kanila at tumanggi sila na hayaan silang makatakas.
|
||
\v 34 Malakas ang magliligtas sa kanila. Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan. Tiyak na ipagtatanggol niya ang kanilang kalagayan upang magkaroon ng kapahingaan sa lupain at upang magkaroon ng alitan ang mga naninirahan sa Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 35 Laban sa mga Caldeo ang espada at laban sa mga naninirahan sa Babilonia, sa kaniyang mga pinuno at sa kaniyang mga matatalinong kalalakihan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 36 Darating ang espada laban sa mga magsasabi ng mga salitang paghula upang ihayag ang kanilang mga sarili bilang mga hangal. Darating ang espada laban sa kaniyang mga kawal kaya mababalot sila ng matinding takot.
|
||
\v 37 Darating ang espada laban sa kanilang mga kabayo, sa kanilang mga karwahe at ang lahat ng mga taong nasa kalagitnaan ng Babilonia upang maging katulad sila ng isang babae. Darating ang espada laban sa kaniyang mga imbakan at mananakaw ang mga ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 38 Darating ang espada laban sa kaniyang mga katubigan kaya matutuyo ang mga ito. Sapagkat lupain siya ng mga walang makabuluhang diyus-diyosan at kumikilos sila na tulad ng mga taong nababaliw sa kanilang kakila-kilabot na mga diyus-diyosan.
|
||
\v 39 Kaya maninirahan ang mga mababangis na hayop sa disyerto kasama ng mga asong-gubat at maninirahan din sa kaniya ang mga inakay ng mga avestruz. At kahit kailan, wala ng maninirahan dito. Hindi na maninirahan dito ang anumang sali't salinlahi.
|
||
\v 40 Tulad nang kung paano pinabagsak ni Yahweh ang Sodoma at Gomorra at ang kanilang mga karatig na walang maninirahan doon, walang sinuman ang mananatili roon. Ito ang pahayag ni Yahweh "
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 41 Tingnan ninyo, darating ang mga tao mula sa hilaga, sapagkat magsasama-sama ang mga makapangyarihang bansa at mga hari mula sa malayong lupain.
|
||
\v 42 Magdadala sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng ugong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na tila nakaayos na mandirigma laban sa inyo, anak ng Babilonia.
|
||
\v 43 Narinig ng hari ng Babilonia ang kanilang balita at nanlupaypay ang kaniyang mga kamay dahil sa pagkabalisa. Nilamon siya ng pagdadalamhati na tulad ng isang babaeng manganganak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 44 Tingnan ninyo! Aakyat siya na parang isang leon sa kaitaasan ng Jordan patungo sa lugar ng kanilang pastulan sapagkat agad ko silang itataboy mula rito at ako ang magtatalaga kung sino ang mapipiling mamamahala rito. Sapagkat sino ang katulad ko at sino ang magpapatawag sa akin? Sinong pastol ang lalaban sa akin?
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 45 Kaya makinig kayo sa mga balak ni Yahweh na kaniyang napagpasiyahan na gawin laban sa Babilonia, ang mga layunin na kaniyang binalak laban sa lupain ng mga Caldeo. Tiyak na maitataboy sila palayo kahit pa ang mga maliliit na kawan. Magiging wasak na lugar ang kanilang mga pastulan.
|
||
\v 46 Mayayanig ang lupa sa ingay ng pagkabihag ng Babilonia, at maririnig sa buong bansa ang kanilang sigaw ng pagdadalamhati."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 51
|
||
\p
|
||
\v 1 "Ito ang sinasabi ni Yahweh, tingnan ninyo, pupukawin ko ang isang hangin ng pagkawasak laban sa Babilonia at laban sa mga nakatira sa Leb Kamai.
|
||
\v 2 Magpapadala ako ng mga dayuhan sa Babilonia. Ikakalat nila ito at wawasaking ganap ang kaniyang lupain, sapagkat darating sila laban sa kaniya mula sa lahat ng dako sa araw ng malaking sakuna.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 3 Huwag ninyong hayaang mahatak ng mga mamamana ang kanilang mga pana, huwag ninyo silang hayaang makapagsuot ng baluti. Huwag kayong magtira ng mga kabataang lalaki, itakda ninyo ang kaniyang buong hukbo sa pagkawasak.
|
||
\v 4 Sapagkat ang mga taong sugatan ay babagsak sa mga lupain ng mga Caldeo, ang mga pinatay ay babagsak sa kaniyang mga lansangan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 5 Sapagkat ang Israel at ang Juda ay hindi pinabayaan ng kanilang Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, kahit na ang kanilang lupain ay puno ng mga ginawang paglabag laban sa Kaniya na Banal ng Israel.
|
||
\v 6 Lumayo kayo sa kalagitnaan ng Babilonia, hayaang iligtas ng bawat tao ang kaniyang sarili. Huwag kayong malilipol sa kaniyang labis na malaking kasalanan. Sapagkat ito na ang panahon ng paghihiganti ni Yahweh. Pababayaran niya ang lahat ng ito sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 7 Ang Babilonia ay isang gintong kopa sa kamay ni Yahweh na naging dahilan ng pagkalasing ng buong lupain, ininom ng mga bansa ang kaniyang alak at nabaliw.
|
||
\v 8 Ang Babilonia ay biglaang babagsak at mawawasak. Tumangis para sa kaniya! Bigyan siya ng gamot para sa kaniyang karamdaman, baka sakaling siya ay gumaling.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 'Hinangad naming lunasan ang Babilonia ngunit hindi siya gumaling. Siya ay iwanan nating lahat at lumayo patungo sa sarili nating lupain. Sapagkat ang kaniyang pagkakasala ay umaabot na sa mga kalangitan, patung-patong ang mga ito hanggang sa mga ulap.'
|
||
\v 10 'Inihayag ni Yahweh ang ating kawalan ng kasalanan. Halina kayo, sabihin natin sa Zion ang mga ginawa ni Yahweh na ating Diyos.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 11 Patalasin ninyo ang inyong mga palaso at kunin ang mga panangga. Pinapakilos na ni Yahweh ang espiritu ng hari ng Medes para sa layuning wasakin ang Babilonia. Ito ay para sa paghihiganti ni Yahweh, paghihiganti para sa pagkawasak ng kaniyang templo.
|
||
\v 12 Itaas ninyo ang bandila sa ibabaw ng mga pader ng Babilonia at ilagay sa pwesto ang mga taga-bantay. Italaga ninyo ang mga magbabantay at ikubli ang mga kawal upang hulihin ang sinumang tumatakbo mula sa lungsod, sapagkat gagawin ni Yahweh ang kaniyang mga plano. Gagawin niya ang kaniyang ipinahayag laban sa mga naninirahan sa Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 13 Kayong mga taong naninirahan sa maraming dumadaloy na tubig, kayong mga taong sagana sa kayamanan, dumating na ang inyong katapusan. Ang mitsa ng inyong buhay ngayon ay pinaikli na.
|
||
\v 14 Si Yahweh ng mga hukbo ay nanumpa ayon sa kaniyang sariling buhay, "Pupunuin ko kayo ng inyong mga kalaban, katulad ng isang salot ng mga balang, isisigaw sila ng isang pandigma laban sa iyo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 Ginawa niya ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, inilagay niya sa kaayusan ang mundo ayon sa kaniyang karunungan. Sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, pinalawak niya ang kalangitan.
|
||
\v 16 Kapag ginagawa niya ang mga kulog, mayroong dagundong ng mga tubig sa mga kalangitan, sapagkat itinataas niya ang ambon mula sa mga hangganan ng sanlibutan. Gumagawa siya ng kidlat para sa ulan at nagpapadala ng hangin mula sa kaniyang mga kamalig.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Ang bawat tao ay nagiging tulad ng isang hayop na walang kaalaman, ang bawat manggagawa ng bakal ay ipinapahiya ng kaniyang mga diyus-diyosan. Sapagkat ang inanyuang mga imahe ay mga panlilinlang, walang buhay sa kanila.
|
||
\v 18 Wala silang pakinabang, gawa ng mga manloloko, malilipol sila sa oras ng kanilang kaparusahan.
|
||
\v 19 Ngunit ang Diyos na kabahagi ni Jacob ay hindi katulad ng mga ito, sapagkat siya ang humuhubog sa lahat ng bagay. Ang Israel ang tribu ng kaniyang mana. Yahweh ng mga hukbo ang kaniyang pangalan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Ikaw ang aking martilyong pandigma, ang aking sandata sa labanan. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga bansa at sisirain ang mga kaharian.
|
||
\v 21 Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga kabayo at ang kanilang mga sakay. Sa pamamagitan mo dudurugin ko ang mga pandigmang karwahe pati ang nagpapatakbo nito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang bawat lalaki at babae, sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang matanda at bata. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga binata at mga babaeng birhen.
|
||
\v 23 Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga nagpapastol at ang kanilang mga kawan, Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga nag-aararo at ang kanilang mga kasama. Sa pamamagitan mo, dudurugin ko ang mga namumuno at ang mga opisyal.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Para sa inyong paningin, pagbabayarin ko ang Babilonia at lahat ng naninirahan sa Caldea dahil sa lahat ng masamang ginawa nila sa Zion— Ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 25 "Tingnan mo, ako ay laban sa iyo, sa iyo na bundok, sa iyo na pumatay sa ibang tao—ito ang pahayag ni Yahweh—na winawasak ang lahat sa mundo. Hahampasin kita sa pamamagitan ng aking kamay at ihuhulog ka sa mga bangin. Pagkatapos ay gagawin kitang bundok na lubusang nasunog.
|
||
\v 26 Upang hindi sila kailanman kukuha ng mga bato mula sa iyo upang gumawa ng pundasyon ng isang gusali, dahil magiging ganap kang kasiraan magpakailanman—ito ang pahayag ni Yahweh."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 27 "Magtaas kayo ng isang bandila sa mundo. Hipan ninyo ang trumpeta sa lahat ng mga bansa. Italaga ninyo ang mga bansa upang lusubin siya. Ipamalita ninyo sa mga kaharian ng Ararat, Mini at Askenaz ang tungkol sa kaniya, magtalaga kayo ng isang pinuno ng mga kawal upang salakayin siya, magdala kayo ng mga kabayo tulad ng napakaraming balang.
|
||
\v 28 Italaga ninyo ang mga bansa upang salakayin siya, ang mga hari ng Medes at ang kaniyang mga namumuno, lahat ng mga opisyal at lahat ng mga lupain sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 29 Sapagkat ang lupain ay mayayanig at labis na malulungkot, sapagkat patuloy ang plano ni Yahweh laban sa Babilonia, upang gawing kaparangan ang lupain ng Babilonia kung saan walang naninirahan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Tumigil na sa pakikipagdigma ang mga kawal ng Babilonia, nanatili sila sa kanilang mga tanggulan. Ang kanilang lakas ay nanghina na, sila ay naging mga babae na—ang kaniyang mga tahanan ay tinutupok na ng apoy, at ang mga rehas ng kaniyang tarangkahan ay nasira na.
|
||
\v 31 Ang isang mensahero ay tumatakbo upang ipahayag sa iba pang mensahero, at ipinapahayag ng mananakbo sa iba pang mananakbo sa Hari ng Babilonia na ang kaniyang lungsod ay nasakop na sa magkabilang dulo.
|
||
\v 32 Kaya hinuhuli ang lahat ng mga tumatawid sa ilog, sinusunog ng kaaway ang mga tuyong tambo sa mga sapa, at ang mga lalaking mandirigma ng Babilonia ay nalito na."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 33 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Ang babaeng anak ng Babilonia ay katulad ng isang giikan. Panahon na upang tapak-tapakan siya. Hindi magtatagal at sasapit na sa kaniya ang oras ng anihan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 34 Sinasabi ng Jerusalem, 'Nilamon ako ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia. Piniga niya ako hanggang sa matuyo at ginawa niya akong banga na walang laman. Nilunok niya ako na tulad ng isang dragon. Binusog niya ang kaniyang tiyan ng masarap kong pagkain at ako ay kaniyang isinuka.'
|
||
\v 35 Sasabihin ng mga taga-Zion, 'Maibalik nawa laban sa Babilonia ang pagmamalupit na ginawa sa akin at sa aking pamilya.' Sasabihin ng Jerusalem, 'Maibalik nawa laban sa mga naninirahan sa Caldea ang kanilang kasalanan nang dumanak ang aking dugo.'"
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 36 Kaya nga, ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, ipagtatanggol ko kayo sa inyong kalagayan at ipaghihiganti ko kayo. Sapagkat tutuyuin ko ang mga tubig sa Babilonia at tutuyuin ko ang kaniyang mga bukal.
|
||
\v 37 Ang Babilonia ay magiging bunton ng mga durog na bato, pugad ng mga asong-gubat, isang katatakutan at tampulan ng panunutsot, kung saan walang maninirahan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 38 Ang mga taga-Babilonia ay sama-samang aatungal katulad ng mga batang leon. Sila ay aangil na tulad ng mga batang leon.
|
||
\v 39 Kapag sila ay uminit sa kanilang kasakiman, gagawa ako ng handaan para sa kanila. Lalasingin ko sila upang sumaya sila, at pagkatapos ay matutulog sila nang walang katapusan at hindi na magigising pa—ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 40 Ipadadala ko sila na tulad ng mga batang tupa sa katayan, tulad ng mga lalaking tupa na may kasamang mga lalaking kambing.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 41 Paanong nasakop ang Babilonia! Kaya ang papuri ng mundo ay inagaw. Paanong ang Babilonia ay naging wasak na lugar na lamang sa lahat ng bansa.
|
||
\v 42 Sinakluban na ng dagat ang Babilonia. Natakpan na ito ng kaniyang mga umuugong na alon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 43 Ang kaniyang mga lungsod ay pinabayaan na, isang tuyong lupain at ilang, isang lupain na walang naninirahan, at walang taong dumaraan.
|
||
\v 44 Kaya parurusahan ko si Bel sa Babilonia, ilalabas ko mula sa kaniyang bibig ang kaniyang nilunok, at hindi na muling dadaloy sa kaniya ang handog ng mga bansa. Babagsak ang mga pader ng Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 45 Umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan, aking bayan. Iligtas ninyo ang sarili ninyong buhay mula sa bangis ng aking galit.
|
||
\v 46 Huwag ninyong hayaan na manghina ang inyong mga puso o matakot sa mga narinig ninyong mga balita sa lupain, sapagkat ang mga balita ay darating sa isang taon. Pagkatapos nito, sa susunod na taon ay magkakaroon ng mga balita at darating ang mga karahasan sa lupain. Maglalaban-laban ang mga namumuno.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 47 Kaya nga tingnan, darating ang mga araw na parurusahan ko ang mga inukit na diyus-diyosan ng Babilonia. Mapapahiya ang lahat ng kaniyang lupain at lahat ng kaniyang mga pinatay ay mahuhulog sa kaniyang kalagitnaan.
|
||
\v 48 Magdiriwang ang kalangitan at ang lupa, ang lahat ng nilalaman nito ay magagalak sa Babilonia. Sapagkat darating sa kaniya ang mga maninira mula sa hilaga—ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 49 "Gaya ng ginawa ng Babilonia, kung saan pinabagsak niya ang kaniyang mga pinatay sa Israel, kaya ang mga namatay sa kaniyang lupain ay babagsak din sa Babilonia."
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 50 Kayong mga nakaligtas mula sa espada, lumayo kayo. Huwag kayong manatili. Tumawag kayo kay Yahweh mula sa malayo, isipin ninyo ang Jerusalem.
|
||
\v 51 Tayo ay napahiya sapagkat nakarinig tayo ng pang-iinsulto, nabalot ng pagsisisi ang ating mga mukha sapagkat ang mga dayuhan ay pumasok sa mga banal na dako ng templo ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 52 Samakatuwid, tingnan ninyo, dumarating na ang mga araw, ito ang pahayag ni Yahweh, na parurusahan ko ang kaniyang mga inukit na diyus-diyosan at ang mga taong sugatan ay tatangis sa lahat ng kaniyang lupain, ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
\v 53 Sapagkat kahit na pupunta sa kalangitan ang Babilonia o patibayin pa niya ang kaniyang mga pinakamataas na tanggulan, darating ang mga wawasak sa kaniya mula sa akin. Ito ang pahayag ni Yahweh.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 54 Isang sigaw ng pagkabahala ang manggagaling sa Babilonia, isang malaking pagguho mula sa lupain ng mga Caldeo.
|
||
\v 55 Sapagkat winawasak ni Yahweh ang Babilonia. Siya ang dahilan na mawawala ang kaniyang malakas na tinig. Ang kanilang mga kalaban ay umuugong na gaya ng maraming alon ng tubig, ang kanilang ingay ay magiging napakalakas.
|
||
\v 56 Sapagkat dumating ang mga wawasak sa kaniya, wawasak sa Babilonia, at nahuli na ang kaniyang mga mandirigma. Ang kanilang mga pana ay nabali sapagkat si Yahweh ay ang Diyos ng paghihiganti, tiyak na gagawin niya ang pagbabayad na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 57 Dahil lalasingin ko ang lahat ng kaniyang mga prinsipe, mga pantas, mga opisyal at mga kawal, at matutulog sila nang walang hanggan at hindi na magigising pa. Ito ang pahayag ng Hari. Ang kaniyang pangalan ay Yahweh ng mga hukbo."
|
||
\v 58 "Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo. Ang makapal na pader sa Babilonia ay lubusang guguho at ang kaniyang mataas na tarangkahan ay susunugin. Pagkatapos, ang lahat ng tutulong sa kaniya ay magpapagal ng walang kabuluhan at lahat ng sisikaping gawin ng mga bansa sa kaniya ay masusunog.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 59 Ito ang salitang ipinahayag ni Jeremias na propeta kay Seraias na lalaking anak ni Neraias na lalaking anak ni Macsaias noong magkasama silang pumunta ni Zedekias na hari ng Juda sa Babilonia sa ikaapat na taon ng kaniyang pamumuno. Ngayon, si Seraias ay isang punong opisyal.
|
||
\v 60 Sapagkat isinulat ni Jeremias sa isang kasulatang balumbon ang mga pahayag ng lahat ng malaking kapahamakan na darating sa Babilonia—ang lahat ng salitang ito na nakasulat tungkol sa Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 61 Sinabi ni Jeremias kay Seraias, "Kapag pumunta ka sa Babilonia, tiyaking basahin mong lahat ang mga salitang ito.
|
||
\v 62 At sasabihin mo, 'Ikaw Yahweh, ikaw ang nagsabi na wawasakin mo ang lugar na ito. Walang maninirahan dito, maging mga tao man o mga hayop. Ito ay magiging ganap na kaparangan.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 63 At pagkatapos mong basahin ang balumbon na ito, magtali ka dito ng isang bato at ihagis mo ito sa ilog Euphrates.
|
||
\v 64 Sabihin mo, 'Lulubog ang Babilonia tulad nito. Hindi na ito muling lulutang pa dahil babagsak dito ang kapahamakan na aking ipinapadala laban dito.'" Dito nagtatapos ang mga salita ni Jeremias.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 52
|
||
\p
|
||
\v 1 Si Zedekias ay dalawampu't isang taon nang siya ay magsimulang maghari; naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias na mula sa Libna.
|
||
\v 2 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at ginawa niya ang lahat ng ginawa ni Jehoiakim.
|
||
\v 3 Sa galit ni Yahweh, nangyari ang lahat ng pangyayaring ito sa Jerusalem at Juda, hanggang sa itakwil niya sila sa kaniyang harapan. Pagkatapos ay naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 4 Nangyari na sa ikasiyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ikasampung buwan, at sa ikasampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia, kasama ang lahat ng kaniyang mga hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo sila sa kabila nito, at nagtayo sila ng pader sa palibot nito.
|
||
\v 5 Kaya ang lungsod ay nilusob hanggang sa ikalabing-isang taon ng paghahari ni Haring Zedekias.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 6 Sa ikaapat na buwan, sa ikasiyam na araw ng taon na iyon, matindi ang taggutom sa lungsod na walang pagkain para sa mga tao ng lupain.
|
||
\v 7 Pagkatapos nilusob at winasak ang lungsod, at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigma ay tumakas at lumabas sa lungsod sa gabi, dumaan sila sa tarangkahan na nasa pagitan ng dalawang pader, malapit sa hardin ng hari, kahit na ang mga Caldea ay nakapalibot sa lungsod. Kaya nagtungo sila sa direksiyon ng Araba.
|
||
\v 8 Ngunit hinabol ng mga Caldean ang hari at inabot si Zedekias sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jerico. Ang lahat ng kaniyang hukbo ay nagkalat palayo sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 9 Binihag nila ang hari at dinala sa hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan niya ibinigay ang hatol sa kaniya.
|
||
\v 10 Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan, at pinatay din niya sa Ribla ang lahat ng mga pinuno ng Juda.
|
||
\v 11 Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 12 Ngayon sa ikalimang buwan, sa ikasampung araw ng buwan, na siyang ikalabinsiyam na taon ng paghahari ni Haring Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, dumating si Nebuzaradan sa Jerusalem. Siya ang pinuno ng mga bantay ng hari at isang lingkod ng hari ng Babilonia.
|
||
\v 13 Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng mga bahay sa Jerusalem. Ganoon din sinunog niya ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
|
||
\v 14 Ang mga pader naman sa palibot ng Jerusalem ay winasak ng lahat ng hukbo ng Babilonia kasama ng pinuno ng mga bantay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 15 At ang mga pinakamahihirap na tao, ang mga taong naiwan sa lungsod, ang mga nagsitakas patungo sa hari ng Babilonia, at ang mga nalabing manggagawa—dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng mga bantay, ang ilan sa kanila ay ipinatapon.
|
||
\v 16 Ngunit iniwan ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, ang ilan sa mga pinakamahihirap sa lupain upang magtrabaho sa ubasan at sa mga bukid.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 17 Ang mga posteng tanso naman na nasa tahanan ni Yahweh, at ang mga patungan at ang dagat na tanso na nasa tahanan ni Yahweh, sinira at dinurog ng mga Caldea sa malilit na piraso ang tanso at dinala sa Babilonia.
|
||
\v 18 Ang mga palayok, mga pala, mga gunting, mga mangkok, at lahat ng mga kagamitang tanso na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod sa templo ay kinuhang lahat ng mga Caldea.
|
||
\v 19 Ang mga palanggana at ang mga sunugan ng insenso, ang mga mangkok, mga palayok, mga kandelero, at mga palanggana na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak ay kinuha rin ng kapitan ng bantay ng hari.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 20 Ang dalawang poste, ang dagat-dagatan, at ang labindalawang tansong toro na nasa ilalim ng mga patungan, ang mga bagay na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh ay naglalaman ng maraming tanso na higit sa kanilang kayang timbangin.
|
||
\v 21 Ang poste ay may taas na labing walong kubit bawat isa, at ang bawat paikot ay nasukat ang bawat isa ng labindalawang kubit. Ang bawat isa ay may apat na daliri ang kapal ngunit walang laman sa loob.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 22 May pangunahing tanso sa ibabaw nito. Ang sukat nito ay may limang kubit ang taas, na may palamuti at mga granada sa palibot. Ang lahat ay gawa sa tanso. Ang ibang poste at mga granada ay kapareho ng nauna.
|
||
\v 23 Kaya mayroong siyamnapu't anim na granada sa tagiliran ng kapitel, at isandaang granada sa itaas ng nakapalibot na palamuti.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 24 Dinalang bihag ng pinuno ng bantay si Seraias, na pinakapunong pari, kasama si Zepanias, na pangalawang pari, at ang tatlong bantay ng tarangkahan.
|
||
\v 25 Mula sa lungsod dinala niyang bihag ang isang opisyal na namamahala sa mga kawal, at pitong mga kalalakihan na tagapayo ng hari, na nananatili sa lungsod. Kinuha din niyang bilanggo ang opisyal ng hukbo ng hari na tumatawag sa mga kalalakihan para maging kawal, kasama ang animnapung mahahalagang mga kalalakihan mula sa lupain na nasa lungsod.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 26 Pagkatapos kinuha at dinala sila ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, sa hari ng Babilonia sa Ribla.
|
||
\v 27 Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan lumabas ang Juda sa lupain nito sa pagpapatapon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 28 Ito ang mga taong dinalang bihag ni Haring Nebucadnezar: sa ikapitong taon ay 3, 023 na mga taga-Judea.
|
||
\v 29 Sa ikalabing-walong taon ni haring Nebucadnezar kinuha niya ang 832 mga tao mula sa Jerusalem.
|
||
\v 30 Sa ikadalawampu't tatlong taon ni Nebucadnezar, dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay ng hari ang 745 na mga Judio. Ang lahat ng kabuuan ng mga taong ipinatapon ay 4, 600.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 31 Nangyari na sa ika-tatlumpu't pitong taon ng pagpapatapon kay Jehoiakin, na hari ng Juda, sa ikalabindalawang buwan, sa ikadalawampu't limang araw ng buwan, na pinalaya ni Evil-merodac na hari ng Babilonia si haring Jehoiakin mula sa kulungan. Nangyari ito sa taon nang simulang maghari si Evil-merodac.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 32 Siya ay nagsalita ng kagandahang loob at binigyan siya ng upuan na mas kagalang-galang kaysa sa ibang hari na kasama niya sa Babilonia.
|
||
\v 33 Inalis ni Evil-merodac ang damit pangbilanggo ni Jehoiakin at palaging kumakain si Jehoiakin sa hapag ng hari sa natirang taon ng kaniyang buhay.
|
||
\v 34 At binigyan ng pagkain sa araw-araw sa natitira pang taon ng kaniyang buhay hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
|