forked from WA-Catalog/tl_ulb
1616 lines
164 KiB
Plaintext
1616 lines
164 KiB
Plaintext
\id 2CH
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h 2 Mga Cronica
|
|
\toc1 2 Mga Cronica
|
|
\toc2 2 Mga Cronica
|
|
\toc3 2ch
|
|
\mt 2 Mga Cronica
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Solomon na anak ni David ay naging matatag sa kaniyang pamumuno, at si Yahweh na kaniyang Diyos ay kasama niya at ginawa siyang makapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 At nagsalita si Solomon sa buong Israel at sa mga pinunong kawal ng libu-libo at sa daan-daan at sa mga hukom at sa bawat prinsipe sa buong Israel, sa mga pinuno ng mga ama ng tahanan.
|
|
\v 3 Kaya si Solomon at ang buong kapulungang kasama niya ay pumunta sa dambana na nasa Gibeon; dahil naroon ang toldang tipanan ng Diyos na ginawa ni Moises na lingkod ni Yahweh sa ilang.
|
|
\v 4 Ngunit dinala ni David ang kaban ng Diyos mula sa Chiriath Jearim sa lugar na kaniyang inihanda para rito sapagkat nagtayo siya ng tolda para dito sa Jerusalem.
|
|
\v 5 Sa karagdagan, ang altar na tanso na ginawa ni Besalel na anak ni Uri na anak ni Hur ay nasa harapan ng tabernakulo ni Yahweh; pumanta roon sina Solomon at ang kapulungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pumunta si Solomon doon sa altar na tanso sa harapan ni Yahweh, na naroon sa toldang tipanan at naghandog dito ng isang libong sinunog na mga alay.
|
|
\v 7 Nagpakita ang Diyos kay Solomon ng gabing iyon at sinabi sa kaniya, "Humiling ka! Ano ang dapat kong ibigay sa iyo?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sinabi ni Solomon sa Diyos, "Nagpakita ka ng dakilang katapatan sa tipan kay David na aking ama at ginawa mo akong hari na kahalili niya.
|
|
\v 9 Ngayon, Yahweh na Diyos, isakatuparan mo ang iyong pangako kay David na aking ama, dahil ginawa mo akong hari sa mga tao na ang bilang ay kasing dami ng mga alikabok sa lupa.
|
|
\v 10 Ngayon bigyan mo ako ng karunungan at kaalaman upang mapamunuan ko ang mga taong ito, sapagkat sino ba ang huhukom sa iyong mga tao na napakarami ang bilang?"
|
|
\v 11 Sinabi ng Diyos kay Solomon, "Dahil ito ang nasa iyong puso at dahil hindi ka humiling ng mga yaman, kayamanan o karangalan at hindi mo hiningi ang buhay ng mga may galit sa iyo, o mahabang buhay para sa iyong sarili—ngunit dahil humiling ka ng karunungan at kaalaman para sa iyong sarili, upang mapamunuan mo ang aking mga tao kung saan kita ginawang hari—
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ibinibigay ko sa iyo ngayon ang karunungan at kaalaman; bibigyan din kita ng yaman, kayamanan, karangalan, higit pa sa nakamtan ng sinumang mga hari na nauna sa iyo at higit pa sa makakamtan ng sinuman na susunod sa iyo."
|
|
\v 13 At bumalik si Solomon sa Jerusalem mula sa dambana na nasa Gibeon, mula sa harapan ng toldang tipanan; naghari siya sa buong Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Nagtipon si Solomon ng mga karwahe at mangangabayo: at nagkaroon siya ng 1, 400 na mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo na inilagay niya sa lungsod na pinag-iimbakan ng mga karwahe, at sa kaniya rin, na hari ng Jerusalem.
|
|
\v 15 Ginawa ng hari ang pilak at ginto na pangkaraniwan sa Jerusalem na parang mga bato at ginawa niyang pangkaraniwan ang sedar na kahoy tulad ng mga puno ng sikamorong nasa mababang mga lupain.
|
|
\v 16 Sa pag-aangkat ng mga kabayo mula sa Ehipto at Cilicia para kay Solomon, binili ng kaniyang mga mangangalakal ang mga ito mula sa Cilicia sa mataas na halaga.
|
|
\v 17 Nag-angkat sila ng karwahe mula sa Ehipto sa halagang anim na raang siklong pilak at kabayo sa halagang 150 siklo. Iniluluwas din nila ang mga ito sa mga hari ng Heteo at sa mga Arameo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon, iniutos ni Solomon ang pagpapatayo ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh at pagpapatayo ng palasyo para sa kaniyang kaharian.
|
|
\v 2 Nagtalaga si Solomon ng pitumpung libong kalalakihan na tagahakot at walumpung libong kalalakihan na tagaputol ng mga kahoy sa mga kabundukan at 3, 600 na kalalakihan upang mangasiwa sa kanila.
|
|
\v 3 Nagpadala ng mensahe si Solomon kay Hiram, ang hari ng Tiro, na nagsasabi, "Tulad ng ginawa mo sa aking amang si David na pinadalhan mo ng sedar na mga troso upang magpatayo ng tahanan na matitirahan, gawin mo rin iyon sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Tingnan mo, malapit na akong magtayo ng isang tahanan para sa pangalan ni Yahweh na aking Diyos, upang ihandog ito sa kaniya, upang magsunog sa harap niya ng matatamis na mga sangkap, para sa tinapay ng presensiya at para sa mga alay na susunugin sa umaga at gabi, sa Araw ng Pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa nakatakdang mga kapistahan para kay Yahweh na aming Diyos. Ito ay batas ng Israel sa lahat ng panahon.
|
|
\v 5 Ang itatayo kong tahanan ay magiging napakalaki, sapagkat mas dakila ang aming Diyos kaysa sa lahat ng mga diyus-diyosan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ngunit sino ang makapagtatayo ng isang tahanan para sa Diyos, gayong sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi siya magkasiya? Sino ako upang ipagtayo siya ng tahanan, maliban na magsunog ng mga alay sa harapan niya?
|
|
\v 7 Kaya padalhan mo ako ng isang tao na dalubhasa sa pagpanday ng ginto, pilak, tanso, bakal at marunong humabi ng telang kulay ube, pula at asul, at isang tao na nakakaalam gumawa ng lahat ng uri ng pag-uukit ng kahoy. Siya ay makakasama ng mga dalubhasang kalalakihan na kasama ko sa Juda at Jerusalem, na ibinigay ng aking ama na si David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Padalhan mo rin ako ng mga puno ng sedar, mga puno ng pir at mga puno ng algum mula sa Lebanon; sapagkat alam ko na mahusay ang iyong mga lingkod sa pagputol ng troso sa Lebanon. Sasamahan ng aking mga lingkod ang iyong mga lingkod,
|
|
\v 9 upang ihanda ang napakaraming troso para sa akin; sapagkat magiging napakalaki at kahanga-hanga ang tahanan na aking itatayo.
|
|
\v 10 Ibibigay ko sa iyong mga lingkod, na puputol ng kahoy, ang dalawampung libong sisidlang puno ng binayong trigo, dalawampung libong sisidlang puno ng sebada, dalawampung libong sisidlang puno ng alak at dalawampung libong sisidlan na puno ng langis."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 At sumagot si Hiram na hari ng Tiro sa liham, na ipinadala niya kay Solomon: "Sapagkat mahal ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ginawa ka niyang hari sa kanila."
|
|
\v 12 Sinabi pa ni Hiram, "Purihin si Yahweh, Diyos ng Israel, na lumikha ng langit at lupa, na nagbigay kay haring David ng isang matalinong anak, pinagkalooban ng mabuting pagpapasiya at karunungan, na magtatayo ng tahanan para kay Yahweh, at tahanan para sa kaniyang kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ngayon nagpadala ako ng bihasang tao, na pinagkalooban ng karunungan, si Huramabi,
|
|
\v 14 na lalaking anak ng isang babaeng mula sa angkan ni Dan. Ang kaniyang ama ay mula sa Tiro. Bihasa siyang gumawa gamit ang ginto, pilak, tanso, bakal, bato at troso at humabi ng telang kulay ube, pula at asul at pino na lino. Bihasa rin siya sa paggawa ng lahat ng uri ng pag-uukit at paggawa ng lahat ng uri ng disenyo. Isamo mo siya sa iyong mga bihasang mangagawa, at sa mga bihasang mangagawa ng aking panginoong si David na iyong ama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 At ngayon, ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak na sinabi ng aking panginoon, ipadala ninyo ang mga ito sa inyong mga lingkod.
|
|
\v 16 Puputol kami ng kahoy mula sa Lebanon, kasindami ng iyong kailangan. Dadalhin namin ito sa iyo sa mga balsa na idadaan sa dagat patungong Jopa at bubuhatin ninyo ito patungong Jerusalem."
|
|
\v 17 Binilang ni Solomon ang lahat ng mga dayuhang naroon sa lupain ng Israel, na sinusunod ang paraan ng pagbilang sa kanila ni David na kaniyang ama. Sila ay 153, 600.
|
|
\v 18 Nagtalaga siya ng pitumpong libo sa kanila upang magbuhat, walumpong libo na tagaputol ng mga kahoy sa mga kabundukan at 3, 600 na tagapamahala upang pakilusin ang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 At sinimulang ipatayo ni Solomon ang tahanan ni Yahweh sa Jerusalem sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita si Yahweh kay David na kaniyang ama. Inihanda niya ang lugar na binalak ni David para rito sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
|
|
\v 2 Sinimulan niyang ipatayo sa ikalawang araw ng ikalawang buwan, sa ika-apat na taon ng kaniyang paghahari.
|
|
\v 3 At ganito ang mga sukat ng pundasyong inilatag ni Solomon para sa tahanan ng Diyos. Gamit ang sinaunang paraan ng siko, ang haba ay animnapung siko at ang lapad ay dalawampung siko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Dalawampung siko ang haba ng portiko sa harapan ng tahanan, kapantay ng lapad ng mga gusali. Dalawampung siko rin ang taas nito at binalot ni Solomon ang loob nito ng purong ginto.
|
|
\v 5 Ginawa rin niya ang kisame ng pangunahing bulwagan gamit ang kahoy ng pino, na kaniyang binalutan ng purong ginto, at inukitan niya ng mga puno ng palma at mga kadena.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pinalamutian niya ang tahanan ng mga mamahaling bato; ang ginto ay ginto mula sa Parvaim.
|
|
\v 7 Binalot niya rin ng ginto ang mga hamba, mga bungad, mga dingding at mga pintuan ng ginto; umukit siya ng kerubin sa mga dingding nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ipinatayo niya ang kabanal-banalang lugar. Kapantay ng haba nito ang lapad ng tahanan, dalawampung siko at dalawampung siko rin ang lapad nito. Binalutan niya ito ng purong ginto na nagkakahalaga ng anim na raang talento.
|
|
\v 9 Limampung siklo ng ginto ang bigat ng mga pako. Binalot niya ng ginto ang mga ibabaw nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Gumawa siya ng dalawang imahe ng mga kurebin para sa kabanal-banalang lugar; binalot ito ng ginto ng mga manggagawa.
|
|
\v 11 Dalawampung siko ang haba ng lahat ng mga pakpak ng mga kerubin; limang siko ang haba ng pakpak ng isang kerubin, na umaabot sa dingding ng silid; at ang isang pakpak ay limang siko rin na umaabot sa pakpak ng isa pang kerubin.
|
|
\v 12 Ang pakpak ng isang pang kerubin ay limang siko rin, na umaabot sa dingding ng silid; ang isang pakpak nito ay limang siko rin, na umaabot sa pakpak ng naunang kerubin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ang mga pakpak ng mga kerubin na ito ay bumubuka na may kabuuang sukat na dalawampung siko. Nakatayo ang mga kerubin, na nakaharap ang kanilang mga mukha sa pangunahing bulwagan.
|
|
\v 14 Ginawa niyang kulay ube, asul, at pulang tela at pinong lino ang kurtina at dinisenyuhan niya ito ng mga kerubin.
|
|
\v 15 Gumawa rin si Solomon ng dalawang haligi, tatlumpu't limang siko ang taas ng bawat isa, para sa harapan ng tahanan; ang ulunan na nasa tuktok ng mga ito ay limang siko ang taas.
|
|
\v 16 Gumawa siya ng mga kadena para sa mga haligi at inilagay ang mga ito sa tuktok nito; gumawa rin siya ng isang daang granada at idinugtong ang mga ito sa mga kadena. *
|
|
\v 17 Inilagay niya ang mga haligi sa harapan ng templo, ang isa sa kanang bahagi at ang isa ay sa kaliwa; pinangalanan niya ang haliging nasa kanan ng Jaquin at ang haligi sa kaliwa ay Boaz.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Bukod dito, gumawa siya ng isang altar na tanso; ang haba nito ay dalawampung siko, at ang lapad nito ay dalawampung siko. Ang taas nito ay sampung siko.
|
|
\v 2 Ginawa rin niya ang lagayan ng tubig na tinawag na bilog na dagat na gawa sa hinulmang metal, na may sampung siko ang luwang ng labi. Ang taas nito ay limang siko, at ang dagat ay tatlumpung siko ang sukat pabilog.
|
|
\v 3 Sa ilalim ng labi nito ay mga toro na pumapalibot sa dagat, sampu sa bawat siko na kasamang hinulma nang hulmahin ang dagat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ang lagayan ng tubig na tinawag na dagat ay nakapatong sa labindalawang toro, ang tatlo ay nakaharap sa hilaga, ang tatlo ay nakaharap sa timog, ang tatlo ay nakaharap sa kanluran, at ang tatlo ay nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa mga ito, at lahat ng kanilang mga puwitan ay nakapaloob.
|
|
\v 5 Ang dagat ay kasing kapal ng lapad ng isang kamay, at ang labi nito ay pinanday gaya ng labi ng kopa, gaya ng bulaklak na liryo. Ang dagat ay may lamang tatlong libong baldeng tubig.
|
|
\v 6 Gumawa rin siya ng sampung palanggana para sa paghuhugas ng mga bagay; naglagay siya ng lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa; ang mga kasangkapang ginamit sa pagsasagawa ng handog na susunugin ay huhugasan sa mga ito. Ngunit ang dagat ay paghuhugasan ng mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ginawa niya ang gintong patungan ng ilawan na ginawa ayon sa tagubilin para sa disenyo ng mga ito; inilagay niya ang mga ito sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa.
|
|
\v 8 Gumawa siya ng sampung mesa at inilagay sa templo, lima sa gawing kanan, at lima sa kaliwa. Gumawa siya ng sandaang palangganang ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Bukod pa rito, ginawa niya ang patyo ng mga pari at ang malaking patyo, at ang mga pinto ng patyo; binalot niya ng tanso ang pinto ng mga ito.
|
|
\v 10 Inilagay niya ang dagat sa gawing kanan ng tahanan, sa silangan na nakaharap sa timog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Ginawa ni Huram ang mga palayok, ang mga pala at ang mga mangkok na pangwisik. Kaya tinapos ni Hiram ang trabahong ginawa niya para kay Haring Solomon sa loob ng tahanan ng Diyos:
|
|
\v 12 ang dalawang haligi, at ang tila mangkok na nasa itaas ng dalawang haligi, at ang dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi.
|
|
\v 13 Ginawa niya ang apatnaraang granada para sa dalawang hanay ng lambat na pandekorasyon: dalawang hilera ng granada para sa bawat hanay ng lambat upang takpan ang dalawang tila mangkok na nasa itaas ng mga haligi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ginawa rin niya ang mga patungan at ang mga palangganang ipapatong sa patungan;
|
|
\v 15 isang dagat ng maraming tubig at labindalawang toro sa ilalim nito,
|
|
\v 16 maging ang mga palayok, mga pala, mga pantusok ng karne, at lahat ng iba pang mga kasangkapan—ginawa ni Huramabi ang mga ito mula sa pinakintab na tanso para kay Haring Solomon, para sa tahanan ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Hinulma ng hari ang mga ito sa kapatagan ng Jordan, sa maputik na lupa sa pagitan ng Sucot at Zaretan.
|
|
\v 18 Kaya ginawa ni Solomon ang lahat ng mga sisidlang ito sa labis na kasaganaan; sa katunayan, ang timbang ng tanso ay hindi malaman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Ginawa ni Solomon ang lahat ng mga kasangkapan na nasa loob ng tahanan ng Diyos, maging ang gintong altar, at ang mga mesa kung saan ilalagay ang tinapay na handog;
|
|
\v 20 ang mga patungan ng ilawan kasama ang mga ilawan ng mga ito, na dinisenyo upang sindihan sa harap ng loobang silid—gawa ang mga ito sa purong ginto;
|
|
\v 21 at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga panipit ay gawa sa ginto, purong ginto.
|
|
\v 22 Maging ang mga sindihan ng ilawan, mga palanggana, mga panandok, at mga sunugan ng insenso ay gawa lahat sa purong ginto. Gayon din sa bungad ng tahanan, ang mga loobang pintuan nito patungo sa dakong kabanal-banalan at ang mga pintuan ng tahanan, ang templo, ay gawa sa ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Kaya natapos ang lahat ng gawain na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh. Dinala ni Solomon ang mga bagay na inialay ni David na kaniyang ama, kabilang ang pilak, ang ginto, at ang lahat ng mga kasangkapan, at inilagay ang mga ito sa mga silid-imbakan ng tahanan ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Pagkatapos, tinipon ni Solomon sa Jerusalem ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng mga pinuno ng mga lipi, at ang mga pinuno ng mga angkan ng mga tao sa Israel, upang kunin ang kaban ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, ang Zion.
|
|
\v 3 Lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipun-tipon sa harapan ng hari sa pagdiriwang, na ginaganap sa ikapitong buwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Dumating ang lahat ng mga nakatatanda ng Israel, at binuhat ng mga Levita ang kaban.
|
|
\v 5 Dinala nila ang kaban, ang toldang tipanan at ang lahat ng banal na kasangkapan na nasa loob ng tolda. Dinala ng mga pari na kabilang sa tribu ni Levi ang mga bagay na ito.
|
|
\v 6 Si Haring Solomon at ang buong kapulungan ng Israel ay nagtipon sa harapan ng kaban, na nag-aalay ng mga tupa at mga baka na hindi mabilang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Dinala ng mga pari ang kaban ng tipan ni Yahweh sa lagayan nito, sa loobang silid ng tahanan, sa dakong kabanal-banalan, sa ilalim ng mga pakpak ng mga kerubin.
|
|
\v 8 Sapagkat nakabuka ang mga pakpak ng mga kerubin sa kinaroroonan ng kaban, at tinakpan ng mga ito ang kaban at ang mga pasanan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ang mga pasanan ay napakahaba at ang mga dulo nito ay nakikita mula sa dakong banal sa harap ng silid na nasa loob, ngunit hindi nila ito nakikita mula sa labas. Naroon pa rin ang mga ito hanggang sa araw na ito.
|
|
\v 10 Walang laman ang kaban maliban sa dalawang tapyas ng bato na inilagay roon ni Moises sa Horeb noong si Yahweh ay gumawa ng kasunduan sa mga tao ng Israel nang makalabas sila sa Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nangyari na ang mga pari ay lumabas mula sa dakong banal. Inilaan ng lahat ng mga paring naroon ang kanilang mga sarili kay Yahweh; pinangkat sila ayon sa kanilang pagkakabaha-bahagi.
|
|
\v 12 Maging ang mga Levitang mga mang-aawit, lahat sila, kabilang sina Asaf, Heman, Jedutun, at ang kanilang lalaking anak at ang kanilang mga kapatid na lalaki ay nakadamit ng pinong lino at tumutugtog ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira, na nakatayo sa silangang dulo ng altar. Kasama nila ang 120 pari na umiihip ng mga trumpeta.
|
|
\v 13 Nangyari na ang mga umiihip ng trumpeta at ang mga mang-aawit ay sama-samang gumawa ng musika, tumutugtog nang iisang tunog na maririnig para sa pagpupuri at pagpapasalamat kay Yahweh. Nilakasan nila ang kanilang mga tinig kasama ng mga trumpeta at mga pompiyang at iba pang mga instrumento, at pinuri nila si Yahweh. Umawit sila, "Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang katapatan sa kaniyang kasunduan ay nananatili magpakailanman." At ang tahanan, na tahanan ni Yahweh ay napuno ng ulap.
|
|
\v 14 Ang mga pari ay hindi makatayo sa loob upang maglingkod dahil sa ulap, sapagkat pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang kaniyang tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 At sinabi ni Solomon, "Sinabi ni Yahweh na siya ay titira sa makapal na kadiliman,
|
|
\v 2 ngunit ipinagtayo kita ng isang matayog na tirahan, isang lugar na titirahan mo magpakailanman."
|
|
\v 3 At humarap ang hari at binasbasan ang buong kapulungan ng Israel, habang nakatayo ang buong kapulungan ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sinabi niya, "Purihin nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel na nakipag-usap kay David na aking ama, at tinupad ito sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga kamay, sinasabi,
|
|
\v 5 'Mula noong araw na inilabas ko ang aking mga tao mula sa lupain ng Ehipto, wala akong piniling lungsod mula sa lahat ng lipi ng Israel kung saan magtatayo ng tahanan, upang naroon ang aking pangalan. Ni hindi ako pumili ng sinumang tao upang maging prinsipe sa aking bayang Israel.
|
|
\v 6 Gayunpaman, pinili ko ang Jerusalem, upang naroon ang aking pangalan, at pinili ko si David upang mamuno sa aking bayang Israel.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngayon nasa puso ni David, na aking ama, na magtayo ng tahanan para sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
|
|
\v 8 Ngunit sinabi ni Yahweh kay David, na aking ama, 'Yamang nasa iyong puso ang magtayo ng tahanan para sa aking pangalan, mabuti ang iyong ginawa na ito ay nasa iyong puso.
|
|
\v 9 Gayunpaman, hindi mo dapat itayo ang tahanan; sa halip, ang iyong anak, na manggagaling sa iyong puson, ang siyang magtatayo ng tahanan para sa aking pangalan.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat bumangon ako kapalit ni David na aking ama, at umupo ako sa trono ng Israel, ayon sa ipinangako ni Yahweh. Ipinatayo ko ang tahanan para sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
|
|
\v 11 Inilagay ko ang kaban doon, kung saan naroon ang kasunduan ni Yahweh, na ginawa niya kasama ang mga tao ng Israel."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh sa harapan ng buong kapulungan ng Israel, at iniunat ang kaniyang mga kamay.
|
|
\v 13 Sapagkat gumawa siya ng tansong entablado, limang siko ang haba, limang siko ang lapad, tatlong siko ang taas. At inilagay niya ito sa gitna ng patyo. Tumayo siya rito at lumuhod sa harapan ng buong kapulungan ng Israel, at itinaas niya ang kaniyang mga kamay patungo sa kalangitan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sinabi niya, "Yahweh, Diyos ng Israel, walang Diyos na katulad mo sa langit man o sa lupa, na tumutupad sa tipan at sa tipan ng kasunduan sa iyong mga lingkod na lumalakad sa harap mo nang kanilang buong puso;
|
|
\v 15 tinupad mo ang iyong pangako sa iyong lingkod na si David na aking ama. Oo, nagsalita ka sa iyong bibig at tinupad mo ito ng iyong kamay, maging sa araw na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kaya ngayon, Yahweh, Diyos ng Israel, tuparin mo ang pangako mo sa iyong lingkod na si David na aking ama, noong sinabi niya, 'Hindi ka magkukulang na magkaroon ng lalaki sa aking paningin na uupo sa trono ng Israel, kung magiging maingat lang ang iyong mga kaapu-apuhan na sumunod sa aking kautusan, tulad ng pagsunod mo sa akin.'
|
|
\v 17 Kaya ngayon, Diyos ng Israel, dalangin ko na ang pangako na ginawa mo sa iyong lingkod na si David ay matupad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Ngunit talaga bang titira ang Diyos kasama ng mga tao sa lupa? Tingnan, sa buong kalawakan at maging sa kalangitan mismo ay hindi ka magkasiya—gaano pa kaya sa templong ito na aking itinayo!
|
|
\v 19 Gayunpaman isaalang-alang mo ang panalanging ito ng iyong lingkod at ang kaniyang kahilingan, Yahweh na aking Diyos; pakinggan mo ang iyak at panalangin na ipinapanalangin ng iyong lingkod sa iyong harapan.
|
|
\v 20 Nawa ay maging bukas ang iyong mga mata sa templong ito araw at gabi, sa lugar kung saan sinabi mong paglalagyan mo ng iyong pangalan—upang dinggin ang mga panalangin na idadalangin ng iyong lingkod sa lugar na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Kaya pakinggan mo ang mga kahilingan ng iyong lingkod at ng iyong mga taong Israel kapag kami ay mananalangin paharap sa lugar na ito. Oo, pakinggan mo mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa kalangitan; at kapag iyong napakinggan, patawarin mo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kung magkasala ang isang tao laban sa kaniyang kapwa at kailangan na manumpa ng isang panunumpa, at kung siya ay dumating at manumpa ng isang panunumpa sa harapan ng iyong altar sa tahanang ito,
|
|
\v 23 dinggin mo mula sa langit at kumilos ka at hatulan mo ang iyong mga lingkod, na papagbayarin ang masama, upang parusahan siya ng nararapat sa kaniyang ginawa. At ipahayag mong matuwid ang walang kasalanan, upang ibigay sa kaniya ang gantimpala dahil sa kaniyang pagkamatuwid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Kapag matalo ng kaaway ang iyong mga taong Israel dahil nagkasala sila sa iyo, kung magbabalik-loob sila sa iyo, at kilalanin ang iyong pangalan, mananalangin, at hihiling ng kapatawaran sa harapan mo sa templong ito—
|
|
\v 25 pakiusap pakinggan mo mula sa kalangitan at patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga taong Israel; ibalik mo sila sa lupaing ibinigay mo sa kanila at sa kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Kapag nakasara ang langit at walang ulan dahil nagkasala laban sa iyo ang mga tao—kung mananalangin sila na nakaharap sa lugar na ito, kikilalanin ang iyong pangalan, at tatalikod sa kanilang kasalanan kapag pinahirapan mo sila--
|
|
\v 27 dinggin mo sa langit at patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga lingkod at ng iyong mga taong Israel, kapag pangungunahan mo sila sa mabuting daang dapat nilang lakaran. Magpadala ka ng ulan sa iyong lupain na ibinigay mo sa iyong mga tao bilang mana nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Ipagpalagay na may taggutom sa lupain, o ipagpalagay na may sakit, tagtuyot o amag, mga balang o mga uod; o ipagpalagay na sasalakayin ng mga kaaway ang mga tarangkahan ng lungsod sa kanilang lupain, o na may anumang salot o karamdaman—
|
|
\v 29 at ipagpalagay natin na nanalangin at humiling ang isang tao o ang lahat ng iyong tao sa Israel—na nalalaman ng bawat isa ang salot at kalungkutan sa kaniyang sariling puso habang itinataas ang kaniyang mga kamay tungo sa templong ito.
|
|
\v 30 Kung gayon, pakinggan mo mula sa langit, ang lugar kung saan ka nakatira; patawarin mo, at gantimpalaan mo ang bawat tao sa lahat ng kaniyang kaparaanan; alam mo ang kaniyang puso, sapagkat tanging ikaw lamang ang nakakaalam sa puso ng mga tao.
|
|
\v 31 Gawin mo ito upang sila ay matakot sa iyo, upang sila ay lumakad sa iyong mga kaparaanan sa lahat ng araw na sila ay nabubuhay sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Dagdag pa rito, tungkol sa dayuhang hindi kabilang sa iyong mga taong Israel: kapag siya ay dumating mula sa malayong bansa dahil sa iyong dakilang pangalan, sa iyong makapangyarihang kamay, at sa iyong nakataas na bisig; kapag sila ay dumating at mananalangin patungo sa tahanang ito—
|
|
\v 33 sa panahong iyon pakiusap pakinggan mo mula sa kalangitan, sa lugar kung saan ka nakatira, at gawin mo ang anumang hihilingin ng dayuhan sa iyo, upang malaman ng lahat ng lahi sa mundo ang iyong pangalan, upang matakot sila sa iyo, katulad ng iyong mga taong Israel, at upang malaman nila na ang tahanang ito na itinayo ko ay tinatawag sa iyong pangalan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Ipagpalagay nating lumabas ang iyong mga tao upang makipagdigma laban sa kanilang mga kaaway, sa anumang kaparaanang ipadadala mo sila, at ipagpalagay nating nananalangin sila patungo sa lungsod na ito na iyong pinili, at patungo sa tahanang itinayo ko sa iyong pangalan.
|
|
\v 35 Sa panahong iyon pakinggan mo mula sa kalangitan ang kanilang panalangin, ang kanilang kahilingan, at tulungan sa kanilang layunin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Ipagpalagay na nagkasala sila laban sa iyo—yamang walang sinuman ang hindi nagkakasala—at ipagpalagay na galit ka sa kanila at ibibigay mo sila sa kanilang kaaway, upang dalhin sila ng kaaway at gawin silang mga bihag sa kanilang lupain, maging malayo man o malapit.
|
|
\v 37 At ipagpalagay na napagtanto nila na sila ay nasa lupain kung saan sila ay sapilitang dinala, at ipagpalagay na nagsisi sila at humingi ng pabor mula sa iyo sa lupain ng kanilang pagkakabihag. Ipagpalagay na sasabihin nila, 'Naging matigas ang aming ulo at nagkasala kami. Gumawa kami ng kasamaan.'
|
|
\v 38 Ipagpalagay na sila ay magbabalik-loob sa iyo nang buong puso nila at buong kaluluwa nila sa lupain kung saan sila binihag, kung saan sila dinala bilang mga bihag, at ipagpalagay na mananalangin sila tungo sa kanilang lupain, na ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, at tungo sa lungsod na iyong pinili, at tungo sa tahanan na aking itinayo para sa iyong pangalan.
|
|
\v 39 Sa panahong iyon makinig ka mula sa kalangitan, sa lugar kung saan ka nakatira, sa kanilang panalangin at kanilang mga kahilingan, at tulungan sila sa kanilang adhikain. Patawarin mo ang iyong mga tao, na nagkasala sa iyo.
|
|
\v 40 Ngayon, aking Diyos, nagmamakaawa ako sa iyo, buksan mo ang iyong mga mata, at ang iyong mga tainga na dinggin ang panalangin na ginawa sa lugar na ito.
|
|
\v 41 Kaya ngayon tumindig, Yahweh na Diyos, pumunta ka sa iyong lugar ng pahingahan, ikaw at ang kaban ng iyong lakas, suotan mo ng kaligtasan, Yahweh na Diyos, ang iyong mga pari, at ang iyong mga banal ay magalak sa iyong kabutihan.
|
|
\v 42 Yahweh na Diyos, huwag mong italikod ang mukha ng iyong pinili mula sa iyo. Alalahanin mo ang iyong tipan ng katapatan kay David, na iyong lingkod."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon pagkatapos manalangin ni Solomon, bumaba ang apoy mula sa langit at nilamon ang mga handog na susunugin at ang mga Alay, at pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tahanan.
|
|
\v 2 Hindi makapasok ang mga pari sa tahanan ni Yahweh, dahil pinuno ng kaniyang kaluwalhatian ang kaniyang tahanan.
|
|
\v 3 Tumingin ang lahat ng mga tao ng Israel nang bumaba ang apoy at ang kaluwalhatian ni Yahweh ay nasa tahanan. Yumuko sila na nakasayad ang kanilang mga mukha sa sahig na bato, sumamba, at nagpasalamat kay Yahweh. Sinabi nila, "Sapagkat siya ay mabuti, sapagkat ang kaniyang tipan ng katapatan ay magpakailanman."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kaya naghandog ang hari at ang lahat ng tao ng mga alay kay Yahweh.
|
|
\v 5 Naghandog ng alay si Haring Solomon ng dalawampung libong mga baka at 120, 000 na mga tupa at mga kambing. Kaya inihandog ng hari at ng lahat ng mga tao ang tahanan ng Diyos.
|
|
\v 6 Tumayo ang mga pari, nakatayo ang bawat isa kung saan sila naglilingkod; ganoon din ang mga Levita dala ang mga kagamitan ng musika ni Yahweh na ginawa ni David sa pagbibigay ng mga pasasalamat kay Yahweh sa awitin, "Mananatili ang kaniyang tipan ng kasunduan magpakailanman." Nagpatunog ng mga trumpeta ang lahat ng pari sa harap nila; at tumayo ang lahat ng Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Inihandog ni Solomon ang gitna ng patyo na nasa harap ng tahanan ni Yahweh. Hinandog niya roon ang mga handog na susunugin at ang taba ng handog pangkapayapaan, dahil hindi magkasya sa ginawa niyang altar na tanso ang mga handog na susunudin, ang mga butil na handog, at ang taba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kaya idinaos ni Solomon ang pagdiriwang sa panahong iyon sa loob ng pitong araw, kasama ang buong Israel, isang napakalaking kapulungan, mula sa Lebo Hamat hanggang sa batis ng Ehipto.
|
|
\v 9 At sa ika-walong araw nagdaos sila ng taimtim na pagtitipon, sapagkat ginawa nila ang paghahandog ng altar sa loob ng pitong araw, at ang pagdiriwang sa loob ng pitong araw.
|
|
\v 10 Sa ika- dalawampu't tatlong araw ng ika-pitong buwan, pina-uwi ni Solomon ang mga tao sa kanilang mga tahanan na may mga pusong masaya at nagagalak dahil sa kabutihan na ipinakita ni Yahweh kay David, kay Solomon, at sa Israel, ang kaniyang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Sa gayon natapos ni Solomon ang tahanan ni Yahweh at ang kaniyang sariling tahanan. Lahat ng nasa puso ni Solomon na gawin sa tahanan ni Yahweh at sa kaniyang sariling tahanan, matagumpay niyang nagawa.
|
|
\v 12 Nagpakita si Yahweh kay Solomon sa gabi at sinabi sa kaniya, "Narinig ko ang iyong panalangin, at pinili ko ang lugar na ito para sa aking sarili bilang isang bahay alayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ipagpalagay na isinara ko ang kalangitan upang walang ulan, o kung utusan ko ang mga balang na lamunin ang lupain, o kung magpadala ako ng sakit sa aking mga tao.
|
|
\v 14 Sa panahong iyon kung ang aking mga tao na tinawag sa pamamagitan ng aking pangalan ay magpapakumbaba, mananalangin, hahanapin ako, at tatalikod sa kanilang masasamang gawain, makikikiibig ako mula sa langit, patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.
|
|
\v 15 Ngayon magiging bukas ang aking mga mata at makikinig ang aking mga tainga sa mga panalangin na gagawin sa lugar na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sapagkat pinili ko ngayon at inilaan ang tahanang ito, upang ang aking pangalan ay naroon magpakailanman; at ang aking mga mata at puso ay naroon sa lahat ng panahon.
|
|
\v 17 At ikaw, kung lalakad ka sa harap ko tulad ng iyong amang si David, na sinusunod ang lahat ng iniutos ko sa iyo at sinusunod ang aking mga panuntunan at mga kautusan,
|
|
\v 18 kung gayon, itatatag ko ang trono ng iyong kaharian, tulad ng sinabi ko sa isang kasunduan kay David na iyong ama, noong sinabi ko, 'Hindi mabibigo kailanman ang isa sa iyong lahi na maging hari ng Israel.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Ngunit kung tatalikod ka, at iiwanan ang aking mga panuntunan at ang mga kautusan na aking ibinigay sa iyo, at kung sasamba ka sa ibang mga diyos at yumuko sa kanila,
|
|
\v 20 sa panahong iyon ay bubunutin ko sila mula sa aking lupain na ibinigay ko sa kanila; at ang tahanang ito na itinalaga ko sa aking pangalan—palalayasin ko ito mula sa aking harapan, at gagawin ko itong kawikaan at isang katatawanan sa gitna ng lahat ng lahi ng tao.
|
|
\v 21 At kahit na ang templong ito sa ngayon ay matayog, magugulat ang lahat na dadaan dito at susutsut. Tatanungin nila, 'Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupain ito at sa tahanang ito?'
|
|
\v 22 Sasagot ang iba, 'Dahil tinalikuran nila si Yahweh, ang kanilang Diyos, na naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa lupain ng Ehipto, at bumaling sila sa ibang diyos at yumuko sa kanila at sinamba sila. Iyon ang dahilan kung bakit dinala ni Yahweh ang lahat ng sakunang ito sa kanila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Nangyari na sa pagtatapos ng ika-dalawampung taon ng pagpapatayo ni Solomon ng tahanan ni Yahweh at ng kaniyang sariling tahanan,
|
|
\v 2 ipinatayo muli ni Solomon ang mga bayan na ibinigay sa kaniya ni Hiram at pinatira niya ang mga Israelita doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nilusob at tinalo ni Solomon ang Hamat-Zoba.
|
|
\v 4 Ipinatayo niya ang Tadmor sa ilang at ipinatayo niya ang lahat ng mga lungsod-imbakan sa Hamat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ipinatayo din niya ang Bet-horong Itaas at Bet-horong Ibaba, mga lungsod na napapalibutan ng mga pader at mayroon ding mga tarangkahan at pangharang.
|
|
\v 6 Ipinatayo niya ang Baalat at ang lahat ng mga lungsod-imbakan na pag-aari niya at ang lahat ng mga lungsod para sa kaniyang mga karwahe, mga mangangabayo at anumang naisin niyang ipatayo para sa kaniyang kasiyahan sa Jerusalem, sa Lebanon at sa lahat ng mga lupaing kaniyang pinamumunuan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Tungkol naman sa lahat ng taong naiwan na Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita at Jebuseo na hindi kabilang sa Israel,
|
|
\v 8 ang kanilang mga kaapu-apuhan na naiwan sa lupain na hindi nilipol ng mga Israelita—Sila ay ginawa ni Solomon na mga sapilitang manggagawa hanggang sa panahong ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Gayunpaman, hindi isinama ni Solomon ang mga Israelita sa mga sapilitang manggagawa. Sa halip, sila ay naging kaniyang mga kawal, mga pinuno ng kaniyang mga hukbo, mga tagapangasiwa at pinuno ng kaniyang mga mangangarwahe at kaniyang mga mangangabayo.
|
|
\v 10 Sila rin ang mga punong tagapangasiwa sa mga namamahala na kabilang kay Haring Solomon, 250 sa kanila ang namamahala sa mga manggagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Dinala ni Solomon ang anak ng Faraon sa labas ng lungsod ni David, sa tahanan na ipinatayo niya para rito, sapagkat sinabi niya, "Hindi maaaring tumira ang aking asawa sa tahanan ni David na hari ng Israel, sapagkat banal ang lugar kung saan naroroon ang kaban ni Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos nito, naghandog si Solomon ng mga alay na susunugin kay Yahweh sa ipinagawa niyang altar sa harap ng portiko.
|
|
\v 13 Naghandog siya ng mga alay ayon sa kailangan sa bawat araw, inihandog niya ang mga ito na sinusunod ang mga alituntuning nakasaad sa kautusan ni Moises, sa mga Araw ng Pamamahinga, sa bawat paglabas ng bagong buwan, sa mga itinakdang kapistahan, tatlong beses sa bawat taon: ang pagdiriwang ng Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, Pista ng mga Linggo at ang Pista ng mga Tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Bilang pagsunod sa mga utos ng kaniyang amang si David, itinalaga ni Solomon ang mga pangkat ng pari sa kanilang gawain at ang mga Levita sa kanilang mga posisyon upang purihin ang Diyos at upang maglingkod sa mga pari ayon sa kailangan sa bawat araw. Itinalaga din niya sa bawat tarangkahan ang mga tagapagbantay ng mga tarangkahan ayon sa kanilang pangkat, sapagkat iniutos din ito ni David na lingkod ng Diyos.
|
|
\v 15 Hindi lumabag ang mga taong ito sa mga utos ng hari sa mga pari at sa mga Levita tungkol sa anumang bagay o tungkol sa mga silid-imbakan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ngayon, natapos ang lahat ng mga gawain ni Solomon, simula sa araw ng pagtatayo ng pundasyon ng tahanan ni Yahweh hanggang sa matapos ito. Sa ganitong paraang natapos at nagamit ang tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 17 Pagkatapos, pumunta si Solomon sa Ezion-geber at Elot sa baybaying dagat sa lupain ng Edom.
|
|
\v 18 Pinadalhan siya ni Hiram ng mga barko na pinangangasiwaan ng mga opisyal na may kaalaman tungkol sa karagatan. Pumunta sila sa Ofir kasama ang mga lingkod ni Solomon. Mula doon, nag-uwi sila ng 450 talentong ginto para kay Haring Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pumunta siya sa Jerusalem upang subukin siya ng mga mahihirap na tanong. Dumating siya nang may napakaraming dala at kasama, mga kamelyo na may pasang mga pampalasa, maraming ginto, at maraming mamahaling bato.
|
|
\v 2 Nang pumunta siya kay Solomon, sinabi niya sa kaniya ang lahat ng nasa kaniyang puso. Sinagot ni Solomon ang lahat ng kaniyang tanong; walang mahirap para kay Solomon; walang tanong na hindi niya nasagot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Nang makita ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon, at ang palasyo na kaniyang itinayo,
|
|
\v 4 ang pagkain sa kaniyang mesa, ang ayos ng kaniyang mga lingkod, ang mga gawain ng kaniyang mga lingkod at ang kanilang kasuotan, gayundin ang kaniyang mga tagahawak ng saro at ang kanilang kasuotan, at ang pamamaraan ng kaniyang paghahandog ng handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh, nawalan siya ng loob.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sinabi niya sa hari, "Totoo nga ang balita na narinig ko sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga salita at karunungan.
|
|
\v 6 Hindi ako naniwala sa aking narinig hanggang sa nakarating ako dito at ngayon, nakita ito ng aking mga mata. Wala pa sa kalahati ang sinabi sa akin tungkol sa iyong karunungan at kayamanan! Nahigitan mo ang katanyagan na aking narinig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pinagpala ang iyong mga tao at ang iyong mga tagapaglingkod na palaging nakatayo sa iyong harapan dahil naririnig nila ang iyong karunungan.
|
|
\v 8 Purihin si Yahweh na iyong Diyos na nalugod sa iyo at naglagay sa iyo sa trono upang maging hari ni Yahweh na iyong Diyos. Dahil mahal ng iyong Diyos ang Israel, ginawa ka niyang hari ng lahat upang patatagin sila magpakailanman upang gawin mo kung ano ang makatarungan at makatuwiran!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Binigyan niya ang hari ng 120 talento ng ginto at napakaraming sangkap at mga mamahaling bato. Hindi na nakatanggap si Haring Solomon ng kasing dami ng mga sangkap na ibinigay sa kaniya ng reyna ng Sheba
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ang mga lingkod ni Hiram at ang mga lingkod ni Solomon, na nag-uwi ng mga ginto mula sa Ofir ay nagdala rin ng mga kahoy na algum at mga mamahaling bato.
|
|
\v 11 Gamit ang kahoy na algum, gumawa ang hari ng mga hagdan para sa tahanan ni Yahweh at para sa kaniyang tahanan, at ng mga arpa at liro para sa mga musikero. Walang pang nakikitang kahoy na katulad nito nang panahong iyon sa lupain ng Juda.
|
|
\v 12 Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang lahat ng gusto niya, anuman ang hiniling niya, na karagdagan sa kaniyang dinala sa hari. Kaya umalis siya at umuwi sa kaniyang sariling lupain kasama ang kaniyang mga lingkod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ang timbang ng gintong dumadating kay Solomon sa loob ng isang taon ay 666 talento ng ginto,
|
|
\v 14 hindi pa kabilang ang ginto na idinadala sa kaniya ng mga negosyante at mangangalakal. Nagdala rin ng ginto at pilak kay Solomon ang lahat ng hari sa Arabia at mga gobernador sa bansa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Gumawa si Haring Solomon ng dalawang daan na malalaking mga kalasag na gawa sa pinanday na ginto. Anim na raang siklo ng ginto ang nagamit sa paggawa sa bawat isa.
|
|
\v 16 Gumawa rin siya ng tatlong daang mga kalasag na gawa sa pinanday na ginto. Tatlong mina ng ginto ang nagamit sa paggawa sa bawat isa. Inilagay ng hari ang mga ito sa Palasyo ng Kagubatang Lebanon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 At nagpagawa ang hari ng isang napakalaking trono ng garing at binalot ito ng pinakamagandang ginto.
|
|
\v 18 Mayroon anim na baitang paakyat sa trono at pabilog ang likod ng tuktok ng trono. May mga patungan ng kamay sa magkabilang bahagi ng trono at may dalawang leon na nakatayo sa magkabilang bahagi ng patungan ng kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 May labindalawang imahe ng leon ang nakatayo sa bawat baitang, isa sa bawat gilid ng bawat anim na baitang. Walang tronong katulad nito sa ibang kaharian.
|
|
\v 20 Ang lahat ng kopang iniinuman ni Haring Solomon ay mga ginto at ang lahat ng kopang iniinuman sa Palasyo ng Kagubatang Lebanon ay mga purong ginto. Walang pilak dahil ang pilak itinuturing na hindi mahalaga sa kapanahunan ni Solomon.
|
|
\v 21 Ang hari ay may pangkat ng mga barko sa karagatan kasama ang mga barko ni Hiram. Minsan sa bawat ika-tatlong taon, nagdadala ang pangkat ng mga barko ng ginto, pilak at garing at ng mga gorilya at malalaking unggoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kaya nahigitan ni Haring Solomon ang lahat ng mga hari sa buong mundo sa kayamanan at karunungan.
|
|
\v 23 Hinahangad ng buong daigdig na makaharap si Solomon upang mapakinggan ang kaniyang karunungan na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso.
|
|
\v 24 Nagdadala ang mga bumibisita ng mga pagpaparangal, mga sisidlang gawa sa pilak at ginto, mga damit, baluti at mga sangkap, gayundin ng mga kabayo at mola. Nagpatuloy ito taun-taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 May apat na libong kuwadra si Solomon para sa mga kabayo at mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga lungsod ng mga karwahe at sa kaniya sa Jerusalem.
|
|
\v 26 Pinamumunuan niya ang lahat ng hari mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 May pilak ang hari sa Jerusalem, na kasindami ng mga bato sa lupa. Ginawa niyang sagana ang kahoy na sedar katulad ng punong sikamoro na nasa mababang lugar.
|
|
\v 28 Nagdala sila ng mga kabayo para kay Solomon galing sa Ehipto at mula sa lahat ng lupain.
|
|
\v 29 Ang iba pang mga pangyayari tungkol kay Solomon mula sa simula hanggang sa wakas, hindi ba ito nakasulat sa Kasaysayan ni Propeta Natan at sa Pahayag ni Ahias na taga-Shilo at sa mga Pangitain ni Propeta Iddo tungkol kay Reboam na anak ni Nebat?
|
|
\v 30 Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel ng apatnapung taon.
|
|
\v 31 At namatay siya at inilibing ng mga tao sa lungsod ni David na kaniyang ama. Si Rehoboam na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Pumunta sa Shekem si Rehoboam, dahil darating ang lahat ng mga taga-Israel sa Shekem upang gawin siyang hari.
|
|
\v 2 Narinig ito ni Jeroboam na anak ni Nebat (dahil nasa Egipto siya, kung saan siya tumakas mula kay haring Solomon, ngunit bumalik si Jeroboam mula sa Ehipto).
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya ipinatawag nila siya, dumating si Jeroboam at ang lahat ng Israelita. Kinausap nila si Rehoboam at sinabi,
|
|
\v 4 "Ginawang mahirap ng iyong ama ang aming mga pasanin. Kaya ngayon, gawin mong mas madali ang mahirap na gawain ng iyong ama, at pagaanin mo ang mabigat na pasanin na ibinigay niya sa amin at paglilingkuran ka namin."
|
|
\v 5 Sinabi ni Rehoboam sa kanila, "Bumalik kayo sa akin pagkatapos ng tatlong araw." Kaya, umalis na ang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sumangguni si Haring Rehoboam sa mga matandang kalalakihan na nagpayo kay Solomon na kaniyang ama noong nabubuhay pa siya. sinabi niya, "Paano ninyo ako papayuhan upang mabigyan ng kasagutan ang mga taong ito?"
|
|
\v 7 Nakipag-usap sila sa kaniya at sinabi, "Kung magiging mabuti ka sa mga taong ito at bibigyang-lugod mo sila at magsasabi ng mga mabubuting salita sa kanila, magiging alipin mo sila sa habang panahon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ngunit hindi pinakinggan ni Rehoboam ang payo na ibinigay ng mga matandang kalalakihan sa kaniya at sumangguni siya sa mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki at nagpapayo sa kaniya.
|
|
\v 9 Sinabi niya sa kanila, "Ano ang maibibigay ninyong payo sa akin upang sagutin natin ang mga taong ito na nakipag-usap sa akin at sinasabi, "Pagaanin mo ang mga pasanin na ibinigay ng iyong ama sa amin'?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Nagsalita ang mga kabataang lalaki na kasabayang lumaki ni Rehoboam na nagsasabi, "Makipag-usap ka sa mga taong nagsabi sa iyo na ginawang mabigat ng iyong amang si Solomon ang kanilang mga pasanin, na kailangan mong gawing mas magaan. Dapat mong sabihin sa kanila, 'Mas makapal ang aking hinliliit kaysa sa baywang ng aking ama.
|
|
\v 11 Kaya ngayon, bagaman pinapasan kayo ng aking ama ng isang mabigat na pasanin, dadagdagan ko pa ang inyong mga pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Kaya pumunta si Jeroboam at ang lahat ng tao kay Rehoboam sa ikatlong araw, kagaya ng iniutos ng hari sa kanila ng sabihin niya, "Bumalik kayo sa akin sa ikatlong araw."
|
|
\v 13 Marahas silang sinagot ng hari. Hindi pinansin ni Haring Rehoboam ang payo ng mga matandang kalalakihan.
|
|
\v 14 Nakipag-usap siya sa kanila na sinunod ang payo ng mga kabataang lalaki at sinabi, "Gagawin kong mas mabigat ang inyong mga pasanin at dadagdagan ko pa ito. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Hindi nakinig ang hari sa mga tao, sapagkat ito ang isang pangyayaring pinahintulutan ng Diyos, upang matupad ni Yahweh ang kaniyang salita na sinabi niya sa pamamagitan ni Ahias na Silonita kay Jeroboam na anak ni Nebat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Nang makita ng mga taga-Israel na hindi nakinig ang hari sa kanila, sinagot siya ng mga tao at sinabi, "Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Bumalik na kayong mga taga-Israel sa inyong mga tolda. Ngayon David, bahala ka ng tumingin sa iyong sariling tolda." Kaya, bumalik na ang bawat isa sa mga Israelita sa kanilang mga tolda.
|
|
\v 17 Ngunit ang mga taga-Israel na nakatira sa mga lungsod ng Juda, pinamunuan sila ni Rehoboam.
|
|
\v 18 Pagkatapos, ipinadala ni Haring Rehoboam si Adoram na namumuno sa sapilitang panggawa, ngunit binato siya ng mga Israelita hanggang sa namatay siya. Kaagad na tumakas si Haring Rehoboam sakay ng kaniyang karwahe patungo sa Jerusalem.
|
|
\v 19 Kaya, nagrerebelde ang Israel laban sa sambahayan ni David hanggang sa mga panahong ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang makarating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang sambahayan ni Juda at Benjamin, 180, 000 na piling mga lalaking mandirigma na makikipaglaban sa Israel upang maibalik kay Rehoboam ang kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Ngunit natanggap ni Semaias na lingkod ng Diyos ang salita ni Yahweh, na nagsasabi,
|
|
\v 3 "Sabihin mo kay Rehoboam na anak ni Solomon na hari ng Juda at sa buong Israel na nasa Juda at Benjamin.
|
|
\v 4 Sinabi ito ni Yahweh, 'Hindi ninyo dapat salakayin o kalabanin ang inyong mga kapatid. Dapat bumalik ang bawat isa sa kaniyang tahanan sapagkat ang bagay na ito ay pinahintulutan kong mangyari.'" Kaya nakinig sila sa mga salita ni Yahweh at hindi na nila kinalaban si Jeroboam.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nanirahan si Rehoboam sa Jerusalem at nagpatayo ng mga lungsod sa Juda upang maging pananggalang.
|
|
\v 6 Ipinatayo niya ang Bethlehem, Etam, Tekoa,
|
|
\v 7 Beth-sur, Soco, Adullam,
|
|
\v 8 Gat, Maresa, Zif,
|
|
\v 9 Adoraim, Laquis, Azeka,
|
|
\v 10 Zora, Aijalon, at Hebron. Ito ay mga pinatibay na lungsod sa Juda at Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pinatibay niya ang mga tanggulan at naglagay ng mga pinuno sa mga ito na may kasamang imbakan ng mga pagkain, langis at alak.
|
|
\v 12 Naglagay siya ng mga kalasag at mga sibat sa bawat lungsod at labis na pinatibay ang mga lungsod. Sakop niya ang Juda at Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pumunta sa kaniya ang mga pari at ang mga Levitang nasa buong Israel na mula sa loob ng kanilang hangganan.
|
|
\v 14 Sapagkat iniwan ng mga Levita ang kanilang mga pastulan at mga pag-aari upang pumunta sa Juda at Jerusalem; sapagkat itinaboy sila ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak, kaya hindi na sila makagagawa pa ng mga tungkulin ng pari para kay Yahweh.
|
|
\v 15 Nagtalaga si Jeroboam ng mga pari para sa mga dambana at sa mga diyus-diyosang guya at kambing na kaniyang ipinagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sumunod sa kanila ang mga tao mula sa lahat ng mga tribu ng Israel na itinuon ang kanilang puso na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Pumunta sila sa Jerusalem upang maghandog kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
\v 17 Kaya pinalakas nila ang kaharian ng Juda at pinatatag sa loob ng tatlong taon si Rehoboam na anak ni Solomon sapagkat sa loob ng tatlong taon, sinunod nila ang paraan ng pamumuhay nina David at Solomon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Napangasawa ni Rehoboam si Mahalat, ang anak na babae ni Jerimot na anak ni David at ni Abihail na anak ni Eliab na na anak ni Jesse.
|
|
\v 19 Nagsilang siya ng mga batang lalaki na sina Jeus, Semarias at Zaham.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kasunod ni Mahalat, napangasawa ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom. Isinilang niya sina Abiaz, Atai, Ziza at Selomit.
|
|
\v 21 Minahal ni Rehoboam si Maaca na anak ni Absalom nang higit sa lahat ng kaniyang ibang mga asawa at sa kaniyang mga asawang alipin (mayroon siyang labing-walong asawa at animnapung asawang alipin at naging ama ng labing-walong mga anak na lalaki at animnapung mga anak na babae).
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Itinalaga ni Rehoboam si Abias na anak ni Maaca upang maging pinuno sa kaniyang mga kapatid. Naisip niyang gawing hari si Abias.
|
|
\v 23 Namuno ng may karunungan si Rehoboam, ikinalat niya ang lahat ng kaniyang lalaking anak sa buong lupain ng Juda at Benjamin hanggang sa mga matitibay na lungsod. Binigyan rin niya sila ng saganang pagkain at naghanap siya ng maraming asawa para sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Nangyari nang naging matatag na ang paghahari ni Rehoboam at malakas siya, tinalikuran niya ang mga kautusan ni Yahweh—kasama ang buong Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Nangyari na sa ikalimang taon ng paghahari ni Haring Rehoboam, sinalakay ni Shishak na hari ng Ehipto ang Jerusalem dahil hindi naging tapat ang mga tao kay Yahweh.
|
|
\v 3 Kasama niyang dumating ang kaniyang mga kawal na isang libo at dalawang daang karwahe at animnapung libong mangangabayo. Kasama niya ang hindi mabilang na mga kawal mula sa Ehipto: mga taga-Libya, mga taga-Sukuim at mga taga-Etiopia.
|
|
\v 4 Sinakop niya ang mga matatag na lungsod na pag-aari ng Juda at nakarating siya sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ngayon, pumunta ang propetang si Semaias kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na nagtipun-tipon sa Jerusalem dahil kay Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, "Ito ang sinasabi ni Yahweh. 'Tinalikuran ninyo ako, kaya ibinigay ko rin kayo sa mga kamay ni Shishak."'
|
|
\v 6 Kaya nagpakumbaba ang mga prinsipe ng Israel at ang hari at sinabi, "Matuwid si Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Nang makita ni Yahweh na nagpakumbaba sila, nagsalita si Yaweh sa pamamagitan ni Semaias, sinabi niya ito, "Nagpakumbaba sila. Hindi ko sila pupuksain. Sasagipin ko sila sa ganap na kapahamakan at hindi maibubuhos ang aking poot sa Jerusalem sa pamamagitan ng mga kamay ni Shishak.
|
|
\v 8 Gayon pa man, magiging mga tagapaglingkod niya sila, upang maunawaan nila kung paano ang maglingkod sa akin at ang maglingkod sa mga pinuno ng ibang mga bansa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kaya nilusob ni Shishak na hari ng Egipto ang Jerusalem at kinuha ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan sa bahay ng hari. kinuha niya ang lahat, kinuha rin niya ang mga gintong kalasag na ginawa ni Solomon.
|
|
\v 10 Nagpagawa si Haring Rehoboam ng mga tansong kalasag bilang kapalit ng mga ito at ipinagkatiwala ang mga ito sa mga kamay ng pinuno ng mga tagabantay, na nagbabantay ng mga pintuan sa bahay ng hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nangyari na sa tuwing pumapasok ang hari sa tahanan ni Yaweh, binubuhat ng mga tagabantay ang mga kalasag at pagkatapos ay ibabalik sa silid ng mga tagabantay.
|
|
\v 12 Nang magpakumbaba si Rehoboam, nawala ang poot ni Yaweh sa kaniya, at hindi na niya pinuksa si Rehoboam nang lubusan; bukod dito may matatagpuan paring mabuti sa Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Kaya, pinalakas ni Haring Rehoboam ang kaniyang paghahari sa Jerusalem at nagpatuloy ang kaniyang pagiging hari. Apatnapu't isang taon si Rehoboam nang magsimula siyang maghari, at naghari siya ng labing pitong taon sa Jerusalem, ang lungsod na pinili ni Yaweh sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maipahayag ang kaniyang pangalan doon. Naama ang pangalan ng kaniyang ina na isang Ammonita.
|
|
\v 14 Masama ang kaniyang ginawa, dahil hindi niya itinuon ang kaniyang puso sa paghahanap kay Yahweh.
|
|
\v 15 Tungkol sa iba pang mga bagay na may kinalaman kay Rehoboam, mula umpisa at hanggang sa huli, hindi ba isinulat ang mga ito sa sulat ng propetang si Semaias at ng propetang si Iddo, na mayroon ding mga talaan ng mga angkan at ang malimit na digmaan sa pagitan ni Rehoboam at Jeroboam?
|
|
\v 16 Namatay si Rehoboam at inilibing siyang kasama ang kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David. Si Abija na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ika-labingwalong taon ni Haring Jeroboam, nagsimulang maghari si Abias sa Judah.
|
|
\v 2 Naghari siya ng tatlong taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Maacah na anak ni Uriel na taga-Gibea. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ni Abias at Jeroboam.
|
|
\v 3 Nagtungo si Abias sa digmaan dala ang malakas na hukbo, magigiting na mga kawal at 400, 000 na piniling mga kalalakihan. Humanay naman si Jeroboam laban sa kaniya ng 800, 000 na piling mga kalalakihan, malalakas at magigiting na mga kawal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Tumayo si Abias sa Bundok ng Zemaraim, sa may lupaing maburol ng Efraim at nagsabi, "Makinig ka sa akin Jeroboam at lahat ng Israel!
|
|
\v 5 Hindi ba ninyo alam na si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ang nagbigay kay David ng pamumuno sa buong Israel magpakailanman, sa kaniya at sa kaniyang mga anak sa pamamagitan ng isang kasunduan?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ngunit si Jeroboam na anak na lalaki ni Nebat, ang lingkod ni Solomon na anak ni David ay nakipaglaban at naghimagsik sa kaniyang panginoon.
|
|
\v 7 Mga walang kabuluhang lalaki na mga hamak na tao ang nakipagtipon sa kaniya. Dumating sila laban kay Rehoboam na anak ni Solomon, nang bata pa si Rehoboam at walang pang karanasan at hindi sila kayang tapatan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ngayon ay sinasabi ninyo na kaya ninyong labanan ang makapangyarihang pamumuno ni Yahweh sa kamay ng mga kaapu-apuhan ni David. Kayo ay isang malaking hukbo at kasama ninyo ang mga ginintuang guya na ginawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.
|
|
\v 9 Hindi ba't pinaalis ninyo ang mga pari ni Yahweh na mga anak ni Aaron at ang mga Levita? Hindi ba gumawa kayo ng mga pari para sa inyong sarili ayon sa pamamaraan ng ibang lahi ng ibang lupain? Ang sinumang dumarating upang italaga ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng isang batang toro at pitong lalaking tupa ay maaaring maging isang pari sa mga hindi tunay na diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ngunit para sa amin, si Yahweh ang aming Diyos at hindi namin siya tinalikuran. Mayroon kaming mga pari na mga anak ni Aaron na naglilingkod kay Yahweh at ang mga Levita na nasa kanilang mga gawain.
|
|
\v 11 Nagsusunog sila sa bawat umaga at gabi ng mga alay na susunugin at mga mababangong insenso para kay Yahweh. Sila rin ay naghahanda ng tinapay na handog sa ibabaw ng dinalisay na hapag. Sinisindihan rin nila ang ilawang gintong patungan upang ang mga ito ay magliwanag sa bawat gabi. Sinusunod namin ang mga kautusan ni Yahweh na aming Diyos, ngunit tinalikuran ninyo siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Tingnan ninyo, kasama namin ang Diyos na siyang namumuno at ang kaniyang mga pari ay narito dala ang mga trumpeta upang magpatunog ng babala laban sa inyo. Bayang Israel, huwag ninyong labanan si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, sapagkat hindi kayo magtatagumpay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ngunit naghanda si Jeroboam ng isang lihim na pagsalakay sa kanilang likuran. Ang kaniyang hukbo ay nasa harapan ng Juda at ang lihim na pagsalakay ay nasa kanilang likuran.
|
|
\v 14 Nang lumingon sa likuran ang mga taga-Juda, nakita nila na ang labanan ay parehong nasa kanilang harapan at likuran. Sumigaw sila ng malakas kay Yahweh at hinipan ng mga pari ang mga trumpeta.
|
|
\v 15 At sumigaw ang mga kalalakihan ng Juda at habang sumisigaw sila, nangyari nga na hinampas ng Diyos si Jeroboam at ang lahat ng Israel sa harapan ni Abias at ng taga-Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Tumakas ang mga Israelita mula sa Juda at ipinasakamay sila ng Diyos sa mga taga-Juda.
|
|
\v 17 Pinatay sila ni Abias at ng kaniyang hukbo; 500, 000 na piling lalaki ng Israel ang namatay.
|
|
\v 18 Sa ganitong paraan, natalo ang Israel nang panahong iyon. Nagtagumpay ang mga taga-Juda dahil umasa sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
\v 19 Tinugis ni Abias si Jeroboam at sinakop niya ang mga lungsod mula sa kaniya, ang Bethel, Jesana at Efron, kasama ang mga nayon ng mga ito.
|
|
\v 20 Hindi na nabawi ni Jeroboam ang kapangyarihan sa panahon ng paghahari ni Abias, hinampas siya ni Yahweh at namatay siya.
|
|
\v 21 Subalit naging makapangyarihan si Abias, nagkaroon siya ng labing-apat na asawa at naging ama ng dalawampu't dalawang anak na lalaki at labing-anim na anak na babae.
|
|
\v 22 Ang iba pang ginawa at sinabi ni Abias ay naisulat sa kasaysayan ni proteta Iddo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 14
|
|
\p
|
|
\v 1 Namatay si Abias at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa lungsod ni David. Ang kaniyang anak na si Asa ang naging hari. Sa kaniyang kapanahunan, mapayapa ang lupain nang sampung taon.
|
|
\v 2 Ginawa ni Asa ang mabuti at matuwid sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos,
|
|
\v 3 sapagkat tinanggal niya ang mga altar ng mga diyus-diyosan at mga dambana. Giniba niya ang mga sagradong batong poste at binuwal ang mga imahe ni Ashera.
|
|
\v 4 Inutusan niya ang mga taga-Juda na hanapin si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno at tuparin ang kaniyang batas at mga kautusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Tinanggal din niya sa lahat ng lungsod ng Juda ang mga dambana at ang mga altar na sunugan ng insenso. Naging mapayapa ang kaharian sa kaniyang pamamahala.
|
|
\v 6 Nagpatayo siya ng matitibay na pader sa lungsod ng Juda, sapagkat mapayapa ang lupain at walang digmaan sa mga panahong iyon dahil binigyan siya ni Yahweh ng kapayapaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sapagkat sinabi ni Asa sa Juda, "Itayo natin ang mga lungsod na ito at gumawa tayo ng mga pader sa paligid nito, mga tore, tarangkahan at rehas. Sa atin pa rin ang lupain dahil hinanap natin si Yahweh na ating Diyos. Hinanap natin siya at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa bawat dako." Kaya nagtayo sila at nagtagumpay.
|
|
\v 8 May mga kawal si Asa na nagdadala ng mga kalasag at mga sibat. Mula sa tribu ni Juda ay mayroon siyang 300, 000 na tauhan at mula sa tribu ni Benjamin ay 280, 000 na tauhan na nagdadala ng mga kalasag at mga pana. Malalakas at matatapang ang mga kalalakihang ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Nilusob sila ni Zera na taga-Etiopia na may hukbong isang milyong kawal at tatlong daang karwahe at nagtungo siya sa Maresa.
|
|
\v 10 Pagkatapos, lumabas si Asa upang harapin siya at itinakda nila ang hanay para sa labanan sa lambak ng Sefata at Maresa.
|
|
\v 11 Tumangis si Asa kay Yahweh na kaniyang Diyos at sinabi, "Yahweh, walang iba kundi ikaw lamang ang tumutulong sa mga mahihina kapag humaharap sa mga kaaway. Tulungan mo kami Yahweh na aming Diyos sapagkat umaasa kami sa iyo at sa iyong pangalan, narito kami laban sa ganito karaming bilang. Yahweh, ikaw ang aming Diyos, huwag mong hayaang matalo ka ng tao."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Kaya hinampas ni Yahweh ang mga taga-Etiopia sa harapan ni Asa at ng Juda, tumakas ang mga taga-Etiopia.
|
|
\v 13 Hinabol sila ni Asa at ang kaniyang mga kawal hanggang Gerar. Kaya marami sa mga taga-Etiopia ang namatay at ang iba ay hindi na nakabawi pa, dahil lubos silang nawasak sa harapan ni Yahweh at sa kaniyang hukbo. Marami ang nasamsam ng hukbo.
|
|
\v 14 Winasak ng hukbo ang lahat ng nayon sa paligid ng Gerar, dahil natakot ang lahat ng naninirahan doon kay Yahweh. Sinamsam ng hukbo ang lahat ng nayon at marami silang nakuhang mahahalagang bagay.
|
|
\v 15 Winasak din ng hukbo ang mga toldang tinirhan ng mga pastol na pagala-gala, kinuha nila ang napakaraming tupa, gayundin ang mga kamelyo at bumalik na sila sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 15
|
|
\p
|
|
\v 1 Bumaba ang Espiritu ng Diyos kay Azarias na anak na lalaki ni Oded.
|
|
\v 2 Umalis siya upang makipagkita kay Asa at sinabi sa kaniya, "Makinig ka sa akin Asa at ang lahat ng mga tao sa tribu nina Juda at Benjamin. Kasama ninyo si Yahweh habang kayo ay nasa kaniya. Kung siya ay inyong hahanapin, matatagpuan ninyo siya. Ngunit kung itatakwil ninyo siya, itatakwil rin niya kayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ngayon, sa napakahabang panahon, hindi kasama ng Israel ang tunay na Diyos, walang nagtuturong pari at wala ang kautusan ng Diyos.
|
|
\v 4 Ngunit sa kanilang kagipitan, nagbalik-loob sila kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, hinanap nila si Yahweh at siya ay natagpuan nila.
|
|
\v 5 Sa mga panahong iyon, walang kapayapaan sa taong naglalakbay palayo, ni sa taong naglalakbay papunta roon. Sa halip, malaki ang kapahamakang ang nasa lahat ng naninirahan sa mga lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Nagkawatak-watak sila, bansa laban sa bansa at lungsod laban sa lungsod sapagkat pinahirapan sila ng Diyos ng lahat ng uri ng pagdurusa.
|
|
\v 7 Ngunit magpakatatag kayo at huwag kayong panghinaan ng loob sapagkat gagantimpalaan kayo sa inyong mga gawa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Nang marinig ni Asa ang mga salitang ito, ang propesiya ni propeta Oded, lumakas ang kaniyang loob at ipinaalis ang mga bagay na kasuklam-suklam sa buong lupain ng Juda at Benjamin at sa mga lungsod na nabihag niya mula sa bayan sa burol ng Efraim. Muli niyang ipinatayo ang dambana ni Yahweh na nasa harapan ng portiko ng tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 9 Tinipon niya ang lahat ng mga taga-Juda at Benjamin at ang mga naninirahang kasama nila, mga taong nagmula kay Efraim at Manases at Simeon. Sapagkat nang makita nila na kasama niya si Yahweh na kaniyang Diyos, napakarami nilang pumunta sa kaniya na nagmula sa Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya nagtipun-tipon sila sa Jerusalem sa ikatlong buwan, sa ika-labinlimang taon ng paghahari ni Asa.
|
|
\v 11 Nang araw na iyon, inihandog nila kay Yahweh ang ilan sa kanilang mga nasamsam: pitong daang baka at pitong libong tupa at mga kambing ang kanilang dinala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Gumawa sila ng kasunduan na hahanapin nila nang buong puso at kaluluwa si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
\v 13 Nagkasundo sila na dapat ipapatay ang sinumang tumangging hanapin si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Hamak man o dakila ang taong ito, lalaki man o babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Nangako sila kay Yahweh nang may malakas na tinig, may sigawan, may mga trumpeta at may mga tambuli.
|
|
\v 15 Nagalak ang buong Juda sa pangako, sapagkat buong puso silang nangako kay Yahweh at hinanap nila ang Diyos nang may buong pagnanais at siya ay natagpuan nila. Binigyan sila ni Yahweh ng kapayapaan sa buong lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Inalis din niya sa pagiging reyna si Maaca na kaniyang lola dahil gumawa siya ng kasuklam-suklam na imahe ng diyosang si Ashera. Giniba ni Asa ang kasuklam-suklam na imahe, dinurog niya iyon at sinunog sa batis ng Kidron.
|
|
\v 17 Ngunit hindi tinanggal ang mga dambana sa Israel. Gayunpaman, naging tapat ang puso ni Asa noong mga panahong nabubuhay pa siya.
|
|
\v 18 Dinala niya sa tahanan ng Diyos ang mga kagamitan ng kaniyang ama at ang kaniyang sariling kagamitan na pag-aari ni Yahweh: mga pilak at mga gintong kagamitan.
|
|
\v 19 Wala nang digmaan hanggang sa ika-tatlumpu't limang taon ng paghahari ni Asa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 16
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ikatatlumpu't anim na taon ng paghahari ni Asa, agrisibong kumilos si Baasa na hari ng Israel laban sa Juda at itinayo ang Rama upang walang sinumang makalabas o makapasok sa lupain ni Asa na hari ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Pagkatapos, kinuha ni Asa ang pilak at ginto mula sa silid imbakan sa templo ni Yahweh at sa sambahayan ng hari at ipinadala kay Ben-hadad, ang hari ng Aram na nakatira sa Damascus. Sinabi niya,
|
|
\v 3 "Magkaroon tayo ng kasunduan, gaya ng aking ama at ng iyong ama. Tingnan mo, pinadalhan kita ng pilak at ginto. Putulin mo na ang iyong kasunduan kay Baasha na hari ng Israel, upang ako ay lubayan niya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pinakinggan ni Ben-hadad si Haring Asa at ipinadala niya ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo laban sa mga lungsod ng Israel. Sinalakay nila ang Ijon, Dan at Abelmain at ang imbakang lungsod ng Neftali.
|
|
\v 5 Nang mabalitaan ito ni Baasha, itinigil niya ang pagpapatayo sa Rama at itinigil niya ang kaniyang gawain.
|
|
\v 6 Pagkatapos, tinawag ni haring Asa ang lahat ng Juda. Kinuha nila ang mga bato at mga troso sa Rama na ginagamit ni Baasha sa pagtatayo ng lungsod. Pagkatapos, ginamit ni Haring Asa ang mga kagamitang iyon upang itayo ang Geba at Mizpah.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sa panahong iyon, pumunta ang manghuhulang si Hanani kay Asa, ang hari ng Juda at sinabi sa kaniya, "Dahil umasa ka sa hari ng Aram at hindi ka umasa kay Yahweh na iyong Diyos, ang hukbo ng hari ng Aram ay nakatakas mula sa iyong mga kamay.
|
|
\v 8 Hindi ba malaking hukbo ang mga taga-Ethiopia at mga taga-Libya na may mga napakaraming karwahe at mangangabayo? Ngunit, dahil umasa ka kay Yahweh, pinagtagumpay ka niya laban sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sapagkat nagmamasid si Yahweh sa lahat ng dako ng mundo upang ipakita niya ang kaniyang kapangyarihan sa ngalan ng mga buong pusong nagtitiwala sa kaniya. Ngunit ikaw ay naging hangal sa mga bagay na ito. Mula ngayon, makakaranas ka ng digmaan."
|
|
\v 10 Pagkatapos, nagalit si Asa sa propeta; ikinulong niya ito, sapagkat nagalit siya sa kaniya sa mga bagay na ito. Sa araw na iyon, pinahirapan ni Asa ang ilan sa mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Ang lahat ng mga ginawa ni Asa mula sa umpisa hanggang sa wakas, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
|
|
\v 12 Sa ikatatlumpu't siyam na taon ng kaniyang paghahari, si Asa ay nagkaroon ng sakit sa paa; napakalubha ng kaniyang sakit. Gayunpaman, hindi siya humingi ng tulong kay Yahweh, kundi sa mga manggagamot lamang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Namatay si Asa kasama ang kaniyang mga ninuno; namatay siya nang ikaapatnapu't isang taon ng kaniyang paghahari.
|
|
\v 14 Inilibing nila siya sa kaniyang sariling libingan, na ipinahukay niya sa lungsod ni David para sa kaniyang. Inilagay siya sa kabaong na puno ng mababangong amoy at iba't ibang uri ng pabango na inihanda ng mga taong mahusay gumawa ng pabango. Pagkatapos, gumawa sila ng napakalaking apoy bilang parangal sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 17
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Jehoshafat na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari at nagpakalakas siya laban sa Israel.
|
|
\v 2 Naglagay siya ng mga hukbo sa lahat ng pinatibay na lungsod ng Juda at naglagay ng mga kampo sa lupain ng Juda at sa mga lungsod ng Efraim na sinakop ng kaniyang amang si Asa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kasama ni Jehoshafat si Yahweh dahil lumakad siya sa unang kaparaanan ng kaniyang ama na si David at hindi siya bumaling sa mga Baal.
|
|
\v 4 Sa halip, nagtiwala siya sa Diyos ng kaniyang ama, at lumakad siya ayon sa kaniyang mga kautusan, hindi ayon sa gawain ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kaya itinatag ni Yahweh ang pamamahala sa kaniyang kamay, nagbigay ng parangal kay Jehoshafat ang lahat ng Juda. Nagkaroon siya ng napakaraming yaman at karangalan.
|
|
\v 6 Ang kaniyang puso ay nakatuon sa kaparaanan ni Yahweh. Inalis din niya ang mga altar at imahen ni Ashera sa Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari ipinadala niya ang kaniyang mga opisyal na sina Benhayil, Obadias, Zecharias, Netanel at Micaias upang magturo sa mga lungsod ng Judah.
|
|
\v 8 Kasama nila ang mga Levita: Sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonijas, Tobias at Tobadonijas at kasama nila ang mga paring sina Elisama at Jehoram.
|
|
\v 9 Nagturo sila sa Juda, dala-dala Ang Aklat ng Kautusan ni Yahweh. Nagtungo sila sa lahat ng lungsod ng Juda at nagturo sa mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Nagkaroon ng Malaking Takot kay Yahweh ang lahat ng kaharian ng mga lupaing nasa palibot ng Juda kaya hindi sila nakipagdigma laban kay Jehoshafat.
|
|
\v 11 Nagdala ang ilang mga Palestina kay Jehoshafat ng mga kaloob at pilak bilang pagkilala. Nagdala din sa kaniya ang mga Arabo ng mga kawan, 7, 700 na lalaking tupa at 7, 700 na kambing.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Naging labis na makapangyarihan si Jehoshafat. Nagpatayo siya ng mga matibay na tanggulan at imbakang lungsod sa Juda.
|
|
\v 13 Nagkaroon siya ng maraming kagamitan sa mga lungsod ng Juda at mga kawal—malalakas, matatapang na mga lalaki—sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ito ang listahan ng lahat sa kanila, ayon sa pangalan ng sambahayan ng kanilang ama: Mula sa Juda, ang mga pinuno ng libo; si Adna ang pinunong kawal at kasama niya ang 300, 000 na lalaking panglaban;
|
|
\v 15 sumunod sa kaniya si Jehohanan ang pinunong kawal at kasama niya ang 280, 000 na lalaki;
|
|
\v 16 sumunod sa kaniya si Amasias na anak ni Zicri, na nagkusang-loob upang maglingkod kay Yahweh at kasama niya ang 200, 000 na lalaking panglaban.
|
|
\v 17 Mula sa Benjamin: si Eliada isang makapangyarihan na lalaking matapang at kasama niya ang 200, 000 na may dalang mga pana at panangga;
|
|
\v 18 sumunod sa kaniya si Jehosabad at kasama niya ang 180, 000 na handa sa pakikipagdigma.
|
|
\v 19 Ito ang mga naglingkod sa hari, maliban pa sa mga inilagay ng hari sa mga pinatibay na lungsod sa buong Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 18
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon, nagkaroon ng maraming kayamanan at karangalan si Jehoshafat. Umanib siya kay Ahab sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isa sa kaniyang pamilya sa anak na babae ni Ahab.
|
|
\v 2 Pagkatapos ng ilang taon, bumaba siya sa Samaria kung nasaan si Ahab. Nagkatay si Ahab ng maraming tupa at mga baka para sa kaniya at para sa mga taong kasama niya. Hinikayat din siya ni Ahab na lusubin ang Ramot-gilead kasama niya.
|
|
\v 3 Sinabi ni Ahab, na hari ng Israel, kay Jehoshafat, na hari ng Juda, "Sasama ka ba sa akin sa Ramot-gilead?" Sumagot si Jehoshafat sa kaniya, "Ako ay gaya mo at ang aking mga tao ay gaya ng iyong mga tao, sasamahan namin kayo sa digmaan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sinabi ni Jehoshafat sa hari ng Israel, "Pakiusap alamin mo muna ang salita ni Yahweh para sa kasagutan."
|
|
\v 5 Pagkatapos, tinipon ng hari ng Israel ang mga propeta, apat na raang lalaki, at sinabi sa kanila, "Dapat ba tayong pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi dapat?" Sinabi nila, "Sumalakay kayo, sapagkat ibibigay ng Diyos sa hari ang tagumpay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ngunit sinabi ni Jehoshafat, "Wala na bang ibang propeta ni Yahweh dito na maaari nating hingian ng payo?
|
|
\v 7 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, "Mayroon pang isang tao na maaari nating hingian ng payo ni Yahweh, si Micaias na anak ni Imla ngunit kinamumuhian ko siya dahil kahit kailan ay hindi siya nagpahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin kundi mga paghihirap lamang." Ngunit sinabi ni Jehoshafat, "Huwag naman sanang sabihin ng hari iyan."
|
|
\v 8 Pagkatapos, tinawag ng hari ng Israel ang isang opisyal at iniutos, "Dalhin mo dito si Micaias na anak ni Imla, ngayon din."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ngayon ang hari ng Israel at si Jehoshafat na hari ng Juda ay nakaupo sa kani-kanilang trono, suot ang kanilang damit na panghari, sa lantad na lugar sa pasukan ng tarangkahan ng Samaria, at lahat ng propeta ay nagpapahayag ng propesiya sa harap nila.
|
|
\v 10 Si Zedekias na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at sinabi, "Sinabi ni Yahweh ito: 'Sa pamamagitan nito itutulak mo ang mga taga-Aram hanggang sa sila ay maubos.'"
|
|
\v 11 At pareho ang ipinahayag ng lahat ng propeta, sinasabi, "Salakayin ninyo ang Ramot-gilead at magtagumpay, sapagkat ibinigay ito ni Yahweh sa kamay ng hari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ang mensahero na pumunta upang tawagin si Micaias ay nagsalita sa kaniya, sinasabi, "Ngayon tingnan mo, ang mga salita ng mga propeta ay naghahayag ng mabubuting bagay sa hari na iisa ang sinasabi. Pakiusap hayaan mong ang iyong salita ay maging tulad ng salita ng isa sa kanila at sabihin mo ang mabubuting bagay."
|
|
\v 13 Sumagot si Micaias, "Sa ngalan ni Yahweh na buhay magpakailanman, ang sinasabi ng Diyos ang aking sasabihin."
|
|
\v 14 Nang dumating siya sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, "Micaias, dapat ba kaming pumunta sa Ramot-gilead upang makipagdigma o hindi?" Sumagot si Micaias sa kaniya, "Sumalakay kayo at maging matagumpay! Sapagkat ito ay magiging malaking tagumpay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos, sinabi ng hari sa kaniya, "Ilang beses ba kitang dapat utusan na mangakong wala kang ibang sasabihin sa akin kundi ang katotohanan sa ngalan ni Yahweh?"
|
|
\v 16 Kaya sinabi ni Micaias, "Nakita ko ang lahat ng Israel na nagkalat sa mga bundok gaya ng tupa na walang pastol, at sinabi ni Yahweh, 'Ang mga ito ay walang pastol. Hayaang umuwi ang bawat tao sa kaniyang bahay ng payapa.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Kaya sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, "Hindi ba sinabi ko sa iyo na hindi siya maghahayag ng magandang propesiya tungkol sa akin, kundi kapahamakan lamang?"
|
|
\v 18 Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, "Kaya dapat pakinggan ninyong lahat ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo ng langit ay nakatayo sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sinabi ni Yahweh, "Sino ang mag-uudyok kay Ahab na hari ng Israel upang siya ay pumunta at bumagsak sa Ramot-gilead?' At sumagot ang isa sa ganitong paraan, at ang isa pa ay sumagot sa ganoong paraan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos ay pumunta sa harap ang espiritu, tumayo sa harap ni Yahweh at sinabi, 'Ako ang mag-uudyok sa kaniya.' Sinabi ni Yahweh sa kaniya, 'Paano?'
|
|
\v 21 Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang sinungaling na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Ikaw ang mag-uudyok sa kaniya at magtatagumpay ka. Pumunta ka na ngayon at gawin mo.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ngayon tingnan mo, naglagay si Yahweh ng sinungaling na espiritu sa bibig ng mga propeta mo, at iniutos ni Yahweh ang kapahamakan para sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Pagkatapos, lumapit si Zedekias na anak ni Quenaana at sinampal sa pisngi si Micaias, at sinabi, "Saan dumaan ang Espiritu ni Yahweh na umalis mula sa akin upang magsalita sa iyo?"
|
|
\v 24 Sinabi ni Micaias, "Tingnan mo, malalaman mo iyan sa araw na ikaw ay tatakbo sa pinakaloob na silid upang magtago."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Sinabi ng hari ng Israel sa ilang utusan, "Kayong mga tao, hulihin ninyo si Micaias at dalhin kay Ammon, na gobernador ng lungsod, at kay Joas na aking anak.
|
|
\v 26 Sasabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng hari, Ikulong mo ang lalaking ito at pakainin siya ng kaunting tinapay at kaunting tubig lamang, hanggang sa makabalik ako nang ligtas.'"
|
|
\v 27 Pagkatapos ay sinabi ni Micaias, "Kung babalik ka nang ligtas, kung gayon ay hindi nagsalita si Yahweh sa pamamagitan ko." At idinagdag niya, "Makinig kayo rito, lahat kayong mga tao."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Kaya si Ahab, ang hari ng Israel, at si Jehoshafat, ang hari ng Juda, ay nakipaglaban sa Ramot-gilead.
|
|
\v 29 Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, "Magbabalatkayo ako at pupunta sa labanan, ngunit isuot mo ang iyong damit na panghari." Kaya nagbalatkayo ang hari ng Israel, at pumunta sa labanan.
|
|
\v 30 Nagutos ang hari ng Aram sa mga kapitan ng kaniyang karwahe, sinasabi, "Huwag ninyong salakayin ang mga hindi mahalaga o mahalagang kawal. Sa halip, salakayin lamang ninyo ang hari ng Israel."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe si Jehoshafat, sinabi nila, "Iyon ang hari ng Israel." Umikot sila upang salakayin siya, ngunit sumigaw si Jehoshafat, at tinulungan siya ni Yahweh. Pinaalis sila ni Yahweh palayo sa kaniya.
|
|
\v 32 At nangyari, nang nakita ng mga kapitan ng karwahe na hindi iyon ang hari ng Israel, tumigil sila sa paghahabol sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Ngunit may isang taong humatak sa kaniyang pana nang sapalaran at tinamaan ang hari ng Israel, sa pagitan ng pinagdugtungan ng kaniyang baluti. Pagkatapos ay sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwahe, "Lumiko ka at dalhin mo ako palayo sa labanan, sapagkat malubha akong nasugatan."
|
|
\v 34 Lumala ang labanan sa araw na iyon, at ang hari ng Israel ay nanatili sa kaniyang karwahe na nakaharap sa mga taga-Aram hanggang gabi. Nang lumulubog na ang araw, namatay siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 19
|
|
\p
|
|
\v 1 Bumalik nang ligtas si Jehoshafat na hari ng Juda sa kaniyang bahay sa Jerusalem.
|
|
\v 2 Lumabas si propetang Jehu na anak ni Hanani upang salubungin siya at sinabi kay Haring Jehoshafat, "Dapat mo bang tulungan ang masama? Dapat mo bang mahalin ang mga namumuhi kay Yahweh? Dahil sa ginawa mong ito, nasa iyo ang galit mula kay Yahweh.
|
|
\v 3 Gayon pa man, may ilang mabuting makikita sa iyo, iyon ay ang pagtanggal mo ng mga imahen ni Ashera palabas sa lupain, at itinakda mo ang iyong puso na hanapin ang Diyos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sa Jerusalem tumira si Jehoshafat, at muli niyang pinuntahan ang mga tao, mula sa Beer-seba hanggang sa burol na lupain ng Efraim at pinanumbalik sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
\v 5 Naglagay siya ng mga hukom sa lupain, sa bawat pinatibay na lungsod ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sinabi niya sa mga hukom, "Pag-aralan ninyo ang dapat ninyong gawin, dahil hindi kayo humahatol para sa mga tao, ngunit para kay Yahweh, siya ay nasa inyo sa paghahatol.
|
|
\v 7 At ngayon, hayaan ninyong ang takot kay Yahweh ang sumainyo. Maging maingat kapag kayo ay hahatol, sapagkat walang kawalan ng katarungan kay Yahweh na ating Diyos, ni walang pinapanigan o pagtanggap ng suhol."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Bukod dito, nagtalaga si Jehoshafat ng ilan sa mga Levita at mga pari sa Jerusalem, at ilan sa mga pinuno ng mga sinaunang sambahayan ng Israel, para sa pagsasagawa ng paghatol para kay Yahweh, at para sa mga pagtatalo. Tumira sila sa Jerusalem.
|
|
\v 9 Tinagubilinan niya sila, sinasabi, "Bilang paggalang kay Yahweh, ito ang gagawin ninyo nang tapat at may matuwid na puso:
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kapag may dumating na pagtatalo mula sa inyong mga kapatid na nakatira sa kanilang lungsod, kung dahil sa pagdanak ng dugo, kung dahil sa mga batas o kautusan, palatuntunan o utos, dapat ninyo silang balaan upang hindi sila magkasala laban kay Yahweh, at upang ang galit ay hindi bumaba sa inyo at sa inyong mga kapatid. Kung kikilos kayo sa ganitong paraan, hindi kayo magkakasala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Tingnan ninyo, si Amarias na pinakapunong pari ang siyang mangangasiwa sa inyo sa lahat ng bagay na nauukol kay Yahweh. Si Zebedias na anak ni Ismael na pinuno ng sambahayan ng Juda, ang mamamahala sa lahat ng bagay patungkol sa hari. Gayon din naman, ang mga Levita ay magiging opisyal na maglilingkod sa inyo. Kumilos nang may tapang, at manahan nawa si Yahweh sa mga mabubuti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 20
|
|
\p
|
|
\v 1 At nangyari pagkatapos nito, ang mga tao sa Moab at Ammon, kasama ang ilang mga Meunita ay dumating upang makipagdigma laban kay Jehoshafat.
|
|
\v 2 At may ilang dumating na nagsabi kay Jehoshafat, "May isang malaking grupo ng mga tao ang paparating laban sa iyo mula sa ibayo ng Dagat na Patay, sa Aram. Tingnan mo, sila ay nasa Hazazon-tamar" (ito ay ang En-gedi).
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Natakot si Jehoshafat at itinalaga niya ang kaniyang sarili upang hanapin si Yahweh. Nagpahayag siya ng pag-aayuno sa buong Juda.
|
|
\v 4 Nagtipun-tipon ang Juda upang hanapin si Yahweh; dumating sila upang hanapin si Yahweh mula sa lahat ng lungsod ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Tumayo si Jehoshafat sa kapulungan ng Juda at Jerusalem, sa tahanan ni Yahweh, sa harap ng bagong patyo.
|
|
\v 6 Sinabi niya, "Yahweh, ang Diyos ng aming mga ninuno, hindi ba ikaw ang Diyos ng kalangitan? At hindi ba ikaw ang namumuno sa lahat ng kaharian ng mga bansa? Ang kapangyarihan at kalakasan ay nasa iyong kamay, kaya walang sinuman ang makakatalo sa iyo.
|
|
\v 7 Aming Diyos, hindi ba ikaw ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito bago ang bayan mong Israel upang ibigay ito magpakailanman sa mga kaapu-apuhan ni Abraham?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Nanirahan sila dito at ipinagpatayo ka ng isang banal na lugar para sa iyong ngalan, nagsasabi,
|
|
\v 9 "Kung dumating ang sakuna sa amin, ang tabak ng paghatol, o karamdaman, o tag-gutom, kami ay tatayo sa harap ng tahanang ito, at sa harap mo (dahil ang iyong ngalan ay nasa tahanang ito), at kami ay dadaing sa iyo sa aming mga paghihirap, at maririnig mo kami at ililigtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ngayon tingnan mo, narito ang mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir, na hindi mo hinayaang malusob ng Israel nang sila ay umalis sa lupain ng Ehipto, sa halip, tumalikod sa kanila ang Israel at hindi sila winasak.
|
|
\v 11 Tingnan mo kung paano nila kami gantihan; sila ay darating upang palayasin kami sa iyong lupain na ibinigay mo sa amin upang manahin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Aming Diyos, hindi mo ba sila hahatulan? Dahil wala kaming kakayahan laban sa malaking hukbo na ito na paparating laban sa amin. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin, ngunit ang aming mga mata ay nasa iyo."
|
|
\v 13 Lahat ng Juda ay tumayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang kanilang mga sanggol, mga asawang babae, at mga anak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 At sa kalagitnaan ng kapulungan, ang espiritu ni Yahweh ay dumating kay Jahaziel na lalaking anak ni Zacarias na lalaking anak ni Benaias na lalaking anak ni Jeiel na lalaking anak ni Matanias, na isang Levita, isa sa mga lalaking anak ni Asaf.
|
|
\v 15 Sinabi ni Jahaziel, "Makinig, lahat ng Juda at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, at Haring Jehoshafat: Ito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh: 'Huwag kayong matakot, huwag kayong panghinaan ng loob dahil sa malaking hukbo na ito. Dahil ang laban ay hindi sa inyo kundi sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kailangan ninyong bumaba laban sa kanila bukas. Tingnan ninyo, sila ay paparating mula sa daan ng Ziz. Makikita ninyo sila sa dulo ng lambak, bago ang ilang sa Jeruel.
|
|
\v 17 Hindi ninyo kailangang makipaglaban sa labanan na ito. Manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo, at makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo, mga Juda at Jerusalem. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Lumabas kayo laban sa kanila bukas, dahil kasama ninyo si Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Yumuko si Jehoshafat na ang kaniyang mukha ay nasa lupa. At ang lahat ng Judah at mga naninirahan sa Jerusalem ay lumuhod sa harap ni Yahweh na nagpupuri sa kaniya.
|
|
\v 19 Ang mga Levita, ang mga angkan ni Kohat at Korah ay tumayo upang papurihan si Yahweh, ang Diyos ng Israel na may napakalakas na tinig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kinabukasan, maaga pa lamang ay gumising na sila at lumabas patungo sa disyerto ng Tekoa. Sa kanilang pag-alis, si Jehoshafat ay tumayo at nagsabi, "Makinig kayo sa akin, Juda, at kayo na mga naninirahan sa Jeruslaem! Magtiwala kayo kay Yahweh, ang inyong Diyos, at kayo ay tutulungan. Magtiwala kayo sa kaniyang mga propeta, at kayo ay magtatagumpay."
|
|
\v 21 Nang masabihan niya ang mga tao, itinalaga niya ang mga aawit kay Yahweh at magpupuri para sa kaniyang banal na kaluwalhatian, na mauuna bago ang mga hukbo, at magsasabi, "Pasalamatan si Yahweh; dahil ang kaniyang tipan ng katapatan mananatili magpakailanman."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Nang nagsimula silang umawit at magpuri, nagtalaga si Yahweh ng mga kalalakihang lihim na sasalakay sa mga tao ng Ammon, Moab, at Bundok ng Seir na paparating laban sa Juda. Sila ay natalo.
|
|
\v 23 Dahil ang mga tao ng Ammon at Moab ay dumating upang labanan ang mga naninirahan sa Bundok ng Seir, upang tuluyan silang patayin at wasakin. Nang matapos sila sa mga naninirahan ng Bundok ng Seir, nagtulungan silang lahat upang wasakin ang bawat isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Nang makarating ang Juda sa isang lugar kung saan natatanaw ang disyerto, nakita nila ang mga hukbo. Sila ay patay na, nakahandusay sa lupa; walang nakaligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nang lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga tao upang mangsamsam sa kanila, nakita nila ang napakaraming kayamanan at mahahalagang hiyas na kanilang sinamsam para sa kanilang mga sarili, higit pa sa kaya nilang buhatin. Umabot sila ng tatlong araw upang makuha ang mga nasamsam, napakarami nito.
|
|
\v 26 Sa ika-apat na araw, nagtipun-tipon sila sa lambak ng Beracah. Doon sila nagpuri kay Yahweh, kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay "Lambak ng Beracah" hanggang sa araw na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pagkatapos, sila ay bumalik, bawat kalalakihan ng Juda at Jerusalem, at sa pangunguna sa kanila ni Jehoshafat sila ay bumalik sa Jerusalem ng may galak; sapagkat pinagalak sila Yahweh sa kanilang mga kaaway.
|
|
\v 28 Dumating sila sa Jerusalem at sa tahanan ni Yahweh na may mga lira, alpa, at trumpeta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Ang malaking takot sa Diyos ay nasa lahat ng kaharian ng mga bansa nang kanilang marinig na si Yahweh ang nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.
|
|
\v 30 Kaya ang kaharian ni Jehoshafat ay tahimik, sapagkat binigyan siya ng Diyos ng kapayapaan sa palibot niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Si Jehoshafat ang naghari sa Juda: siya ay nasa tatlumput' limang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawamput' limang taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba, ang babaeng anak ni Silhi.
|
|
\v 32 Lumakad siya sa mga kaparaanan ni Asa, ang kaniyang ama; hindi niya tinalikuran ang mga ito; ginawa niya kung ano ang tama sa paningin ni Yahweh.
|
|
\v 33 Gayunman, ang mga altar ay hindi pa inaalis o ni hindi pa itinuon ng mga tao ang kanilang mga puso sa Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Para sa iba pang mga bagay tungkol kay Jehoshafat, mula una at hanggang sa huli, tingnan, nakasulat ito sa kasaysayan ni Jehu na lalaking anak ni Hanani, na nakatala sa Aklat ng mga Hari ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Pagkatapos nito, si Jehoshafat, ang hari ng Juda ay nakipagkasundo kay Ahazias, ang hari ng Israel, na nagsasagawa ng labis na kasamaan.
|
|
\v 36 Nakipagkasundo siya sa kaniya upang gumawa ng mga barkong pangkaragatan. Ginawa nila ang mga barko sa Ezion-geber.
|
|
\v 37 At si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa Maresa ay nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat; sinabi niya, "Dahil nakipagkasundo ka kay Ahazias, winasak ni Yahweh ang inyong mga ginawa." Winasak ang mga barko kaya hindi sila nakapaglayag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 21
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Jehoshafat ay namahinga kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing kasama nila sa lungsod ni David; si Jehoram, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
\v 2 Si Jehoram ay may mga kapatid na lalaki, ang mga lalaking anak ni Jehoshafat ay sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael at Sefatias. Ang lahat ng ito ay mga lalaking anak ni Jehoshafat na hari ng Israel.
|
|
\v 3 Binigyan sila ng kanilang ama ng mga malalaking handog na pilak, ginto, at iba pang mga mahahalagang bagay, at gayundin ang mga matitibay na lungsod sa Juda; gayunman, ibinigay niya ang trono kay Jehoram dahil siya ang panganay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ngayon, nang si Jehoram ay naghari sa kaharian ng kaniyang ama at matatag na itinalaga ang kaniyang sarili bilang hari, pinatay niya ang lahat ng kaniyang mga kapatid na lalaki gamit ang tabak, at ang lahat din na iba pang mga pinuno ng Israel.
|
|
\v 5 Si Jehoram ay nasa tatlumpu't dalawang taong gulang nang siya ay nagsimulang maghari, at naghari siya ng walong taon sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Siya ay lumakad sa mga kaparaanan ng mga hari ng Israel gaya ng ginagawa ng sambahayan ni Ahab; dahil nasa kaniya ang babaeng anak ni Ahab bilang kaniyang asawa; at ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh.
|
|
\v 7 Gayunman, ayaw ni Yahweh na wasakin ang sambahayan ni David, dahil sa kasunduan na kaniyang ginawa kay David; siya ay nangako na lagi siyang bibigyan ng buhay at ang kaniyang mga kaapu-apuhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sa mga araw ni Jehoram, naghimagsik ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda, at nagtalaga sila ng kanilang sariling hari.
|
|
\v 9 At tumawid si Jehoram kasama ang kaniyang mga pinuno at ang lahat ng kaniyang karwahe. Nangyari na, siya bumangon nang gabi at sinalakay ang mga Edom na pumalibot sa kaniya at ang mga pinuno ng mga karwahe.
|
|
\v 10 Kaya nagrebelde ang Edom mula sa kapangyarihan ng Juda hanggang sa araw na ito. Sumabay ding naghimagsik ang Libna mula sa kaniyang kapangyarihan, dahil si Jehoram ay tumalikod kay Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Dagdag pa nito, nagtayo rin si Jehoram ng mga dambana sa mga bundok ng Juda; Pinakilos niya ang mga naninirahan sa Jerusalem na tulad ng isang nagbebenta ng aliw. Sa ganitong paraan, iniligaw niya ang Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Isang liham mula kay propetang Elias ang dumating para kay Jehoram. Sabi sa liham, "Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David na iyong ninuno: Dahil hindi ka lumakad sa kaparaanan ni Jehoshafat na iyong ama, o sa kaparaanan ni Asa na hari ng Juda,
|
|
\v 13 sa halip ay lumakad ka sa kaparaanan ng mga hari ng Israel, at nagdulot sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem upang kumilos na gaya ng nagbebenta ng aliw, na tulad ng ginawa ng tahanan ni Ahab, at dahil pinatay mo rin gamit ng tabak ang iyong mga lalaking kapatid sa pamilya ng iyong ama, ang mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyong sarili,
|
|
\v 14 tingnan mo, ipapadanas ni Yahweh ang matinding salot sa iyong mga tao, mga anak, mga asawa at ang lahat ng iyong mga kayamanan.
|
|
\v 15 Magkakaroon ka ng malubhang sakit dahil sa isang karamdaman sa iyong bituka, hanggang sa lumabas ang iyong bituka dahil sa sakit, araw-araw."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Inudyukan ni Yahweh ang mga espiritu ng mga Filisteo at ng mga Arabo na malapit sa Etiopia upang labanan si Jehoram.
|
|
\v 17 Sinalakay nila ang Juda, nilusob ito at kinuha ang lahat ng kayamanan na natagpuan sa sambahayan ng hari. Kinuha rin nila ang kaniyang mga anak na lalaki at ang kaniyang mga asawa. Walang naiwan na lalaking anak sa kaniya maliban kay Ahazias, ang kaniyang bunsong anak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Matapos ang lahat ng ito, binigyan siya ni Yahweh ng isang hindi malunasang karamdaman sa kaniyang bituka.
|
|
\v 19 At nangyari na sa takdang panahon, pagkalipas ng dalawang taon, ang kaniyang bituka ay lumabas dahil sa kaniyang sakit at namatay siya dahil sa malubhang karamdaman. Ang kaniyang mga tao ay hindi nagsunog bilang parangal sa kaniya gaya ng kanilang ginawa para sa kaniyang mga ninuno.
|
|
\v 20 Nagsimula siyang maghari nang siya ay tatlumpu't dalawang taong gulang; naghari siya sa Jerusalem ng walong taon at namatay siya nang walang nagdalamhati. Siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 22
|
|
\p
|
|
\v 1 Hinirang ng mga naninirahan sa Jerusalem si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram bilang hari kapalit niya; sapagkat pinatay ng pangkat ng mga kalalakihang dumating sa kampo na kasama ng mga Arabo ang kaniyang mga nakatatandang anak na lalaki. Kaya naging hari si Ahazias na anak ni Jehoram na hari ng Juda.
|
|
\v 2 Apatnapu't dalawang taong gulang si Ahazias nang siya ay nagsimulang maghari; naghari siya ng isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Atalia; siya ang babaeng anak ni Omri.
|
|
\v 3 Siya ay lumakad din sa mga kaparaanan ng sambahayan ni Ahab dahil ang kaniyang ina ang tagapayo sa paggawa ng mga masasamang bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ginawa ni Ahazias ang mga masasamang bagay sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga ginagawa ng sambahayan ni Ahab dahil sila ang kaniyang mga naging tagapayo matapos mamatay ang kaniyang ama, sa kaniyang pagkawasak.
|
|
\v 5 Sinunod din niya ang kanilang mga payo; sumama siya kay Joram na lalaking anak ni Ahab na hari ng Israel, upang labanan si Hazael na hari ng Aram, sa Ramot-gilead. Nasugatan ng mga taga-Aram si Joram.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Si Joram ay bumalik sa Jezreel upang magamot ang kaniyang mga sugat na kaniyang nakuha sa Ramah, nang lumaban siya kay Hazael na hari ng Aram. Kaya si Ahazias na lalaking anak ni Jehoram na hari ng Juda ay bumaba sa Jezreel upang makita si Joram na lalaking anak ni Ahab, dahil si Joram ay sugatan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngayon, ang pagkawasak ni Ahazias ay kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng pagbisita ni Ahazias kay Joram. Nang siya ay dumating, pumunta siya kasama ni Jehoram upang salakayin si Jehu na lalaking anak ni Namsi, ang pinili ni Yahweh upang wasakin ang sambahayan ni Ahab.
|
|
\v 8 Nangyari nga, nang dala-dala ni Jehu ang kahatulan sa sambahayan ni Ahab, natagpuan niya ang mga pinuno ng Juda at ang mga lalaking anak ng kapatid ni Ahazias na naglilingkod kay Ahazias. Sila ay pinatay ni Jehu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Hinanap ni Jehu si Ahazias; nahuli nilang nagtatago siya sa Samaria, dinala siya kay Jehu at siya ay pinatay. At siya ay kanilang inilibing, dahil sinabi nila, "Siya ay anak ni Jehoshafat, na buong pusong sumunod kay Yahweh." Kaya ang sambahayan ni Ahazias ay wala nang kapangyarihan upang mamuno sa kaharian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ngayon, nang makita ni Atalia, ang ina ni Ahazias, na patay na ang kaniyang anak, kumilos siya at pinatay ang lahat ng anak ng hari sa sambahayan ng Juda.
|
|
\v 11 Ngunit si Jehosabet, isang babaeng anak ng hari ay kinuha si Joas, isang lalaking anak ni Ahazias, at matapang niyang tinakas mula sa mga anak ng hari na pinatay. Inilagay siya sa isang silid kasama ang kaniyang tagapag-alaga. Kaya itinago siya ni Jehosabet, isang babaeng anak ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada (sapagkat siya ay kapatid ni Ahazias), mula kay Atalia, kaya hindi siya napatay ni Atalia.
|
|
\v 12 Siya ay kasama nila, nakatago sa bahay ng Diyos sa loob ng anim na taon, habang si Atalia ang namumuno sa buong lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 23
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ika-pitong taon, naging makapangyarihan si Joiada. Nakipagkasundo siya sa mga pinuno ng hukbo ng daan-daan, sina Azarias na anak na lalaki ni Jeroham, Ismael na anak na lalaki ni Jehohanan, Azarias na anak na lalaki ni Obed, Maasias na anak na lalaki ni Adaya at si Elisafat na anak na lalaki ni Zicri.
|
|
\v 2 Nilibot nila ang Juda at tinipon ang mga Levita mula sa lahat ng lungsod ng Juda, gayundin ang mga pinuno ng mga sinaunang sambahayan ng Israel, at nakarating sila sa Jerusalem.
|
|
\v 3 Nakipagkasundo ang buong kapulungan sa hari sa tahanan ng Diyos. Sinabi ni Joiada sa kanila," Tingnan ninyo, maghahari ang anak ng hari, gaya ng sinabi ni Yahweh tungkol sa mga kaapu-apuhan ni David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ito ang dapat ninyong gawin: ang ikatlong bahagi ng mga pari at ng mga Levita na pupunta upang maglingkod sa Araw ng Pamamahinga ay magiging mga bantay sa mga pintuan.
|
|
\v 5 Ang isa pang ikatlong bahagi ay sa bahay ng hari; at ang natirang ikatlo ay sa Saligang Tarangkahan. Ang lahat ng tao ay pupunta sa patyo ng tahanan ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Walang papasok sa tahanan ni Yahweh, maliban sa mga pari at mga Levita na naglilingkod; dapat silang pumasok, sapagkat naitalaga sila para sa kanilang gawain sa ngayon. Dapat nilang sundin ang lahat ng utos ni Yahweh.
|
|
\v 7 Dapat palibutan ng mga Levita ang hari sa lahat ng mga panig, ang bawat tao ay may sandata sa kanilang kamay. Patayin ang sinumang papasok sa tahanan. Samahan ninyo ang hari kapag siya ay papasok at kapag siya ay lalabas."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kaya naglingkod ang mga Levita at lahat ng Juda sa bawat kaparaanang iniutos ng pari na si Joiada. Isinama ng bawat isa ang kanilang mga tauhan, sila na papasok upang maglingkod sa Araw ng Pamamahinga, at sila na aalis sa paglilingkod sa Araw ng Pamamahinga; sapagkat hindi pinauwi ni Joiada ang kanilang mga pangkat.
|
|
\v 9 At binigyan ni Joiada na pari ang mga pinuno ng hukbo ng mga sibat, at mga maliliit at malalaking panangga, na pag-aari ni haring David, na nasa tahanan ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Inilagay ni Joiada ang lahat ng kawal, ang bawat isa sa kanila ay may hawak na sandata, mula sa kanang bahagi ng templo hanggang sa kaliwang bahagi ng templo, sa tabi ng altar at sa templo, na pinaliligiran ang hari.
|
|
\v 11 Pagkatapos, inilabas nila ang anak na lalaki ng hari, inilagay ang korona sa kaniya at ibinigay ang kautusan. At ginawa nila siyang hari, at pinahiran siya ni Joiada at ng kaniyang mga anak. At sinabi nila, "Mabuhay ang hari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Nang marinig ni Atalia ang ingay ng mga taong tumatakbo at nagpupuri sa hari, pumunta siya sa mga tao na nasa tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 13 At tumingin siya, at masdan, ang hari ay nakatayo sa kaniyang haligi sa pasukan, at nasa tabi ng hari ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Nagsasaya at umiihip ng mga trumpeta ang lahat ng tao sa lupain at ang mga mang-aawit ay tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika at nangunguna sa pagkanta ng papuri. At pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, "Pagtataksil! Pagtataksil!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 At inilabas ni Joiada na pari, ang mga pinuno ng daan-daan na namumuno sa hukbo at sinabi sa kanila, "Ilabas siya sa gitna ng mga hanay, patayin sa pamamagitan ng espada ang sinumang susunod sa kaniya." Sapagkat sinabi ng pari, "Huwag ninyo siyang patayin sa tahanan ni Yahweh."
|
|
\v 15 Kaya nagbigay daan sila para sa kaniya, at lumabas siya sa daan na Tarangkahan ng Kabayo papunta sa tahanan ng hari at doon siya ay pinatay nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 At gumawa si Joiada ng isang kasunduan, sa lahat ng tao at sa hari, na sila ay dapat maging mga tao ni Yahweh.
|
|
\v 17 Kaya pumunta ang lahat ng tao sa bahay ni Baal at giniba ito. Binasag nila ang mga altar ni Baal, dinurog ang kaniyang mga imahe at pinatay nila si Matan, ang pari ni Baal, sa harap ng mga altar na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Nagtalaga si Joiada ng mga opisyal para sa tahanan ni Yahweh sa ilalim ng kamay ng mga pari, na mga Levita, na siyang itinalaga ni David sa tahanan ni Yahweh, upang mag-alay ng mga handog na susunugin kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa kautusan ni Moises, kasama ng pagsasaya at pag-aawitan, gaya ng ibinigay na tagubilin ni David.
|
|
\v 19 Naglagay si Joiada ng mga bantay sa mga tarangkahan sa tahanan ni Yahweh, nang sa gayon ay walang sinumang marumi ang makapasok sa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Isinama ni Joiada ang mga pinuno ng daan-daan, ang mga mararangal na tao, ang mga gobernador ng mga tao, at lahat ng mga tao sa lupain. Ibinaba niya ang hari mula sa tahanan ni Yahweh; pumasok ang mga tao sa Mataas na Tarangkahan sa bahay ng hari at pinaupo ang hari sa trono ng kaharian.
|
|
\v 21 Kaya nagalak ang lahat ng mga tao sa lupain at ang lungsod ay tumahimik. Tungkol naman kay Atalia, siya ay pinatay nila ng espada.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 24
|
|
\p
|
|
\v 1 Pitong taong gulang si Joas nang magsimulang maghari; naghari siya ng apatnapung taon sa Jerusalem. Sibias ang pangalan ng kaniyang ina na taga-Beer-seba.
|
|
\v 2 Ginawa ni Joas kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh sa lahat ng araw ni Joiada na pari.
|
|
\v 3 Ikinuha siya ni Joiada ng dalawang asawa at naging ama siya ng mga anak na lalaki at mga babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 At nangyari pagkatapos nito, na si Joas ay nagpasya na muling itayo ang tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 5 Tinipon niya ang mga pari at mga Levita at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo taun-taon sa mga lungsod ng Juda at kolektahin ang pera mula sa lahat ng Israelita upang isaayos ang tahanan ng inyong Diyos. Tiyakin ninyo na masimulan ninyo kaagad." Noong una, walang ginawa ang mga Levita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya ipinatawag ng hari si Joiada, ang pinakapunong pari, at sinabi sa kaniya, "Bakit hindi mo inatasan ang mga Levita na kunin mula sa Juda at Jerusalem ang buwis na ipinataw ni Moises, ang lingkod ni Yahweh, at ng kapulungan ng Israel, para sa tolda ng tipanan?"
|
|
\v 7 Sapagkat giniba ng mga anak ni Atalia, na masamang babae, ang tahanan ng Diyos at ibinigay sa mga Baal ang lahat ng kagamitan na inilaan sa tahanan ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kaya nag-utos ang hari, at gumawa sila ng isang kaban at inilagay ito sa labas sa may pasukan sa tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 9 At gumawa sila ng proklamasyon sa buong Juda at Jerusalem, para sa mga tao upang dalhin kay Yahweh ang buwis na ipinataw ni Moises na lingkod ng Diyos sa Israel sa ilang.
|
|
\v 10 Nagalak ang lahat ng pinuno at lahat ng tao at dinala ang pera at inilagay sa kaban, hanggang sa napuno nila ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 At nangyari na sa tuwing dinadala ng mga Levita ang kaban sa mga opisyal ng hari, at sa tuwing nakikita nila na maaraming perang nasa loob nito, darating ang mga eskriba ng hari at ang opisyal ng pinakapunong hari, aalisin nila ang laman ng kaban at dadalhin nila at ibabalik sa kinalalagyan nito. Ginagawa nila ito araw-araw, at nakakalikom sila ng malaking halaga ng pera.
|
|
\v 12 Ibinigay ng hari at ni Joiada ang pera sa mga gumawa ng gawaing paglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Umupa ang mga lalaking ito ng mga kantero at mga karpintero upang ibalik sa dating kalagayan ang tahanan ni Yahweh, at maging ang mga gumagawa gamit ang bakal at tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Kaya nagtrabaho ang mga manggagawa, at umusad ang gawaing pag-aayos sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; itinayo nila ang tahanan ng Diyos sa dati nitong disenyo at pinatibay ito.
|
|
\v 14 Nang kanilang matapos, dinala nila ang natirang pera sa hari at kay Joiada. Ang perang ito ay ginamit sa paggawa ng muwebles para sa bahay ni Yahweh, mga kasangkapan sa paglilingkod at paghahandog, mga sandok at mga kasangkapang ginto at pilak. Patuloy silang nag-alay ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh sa lahat ng mga araw ni Joiada.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Tumanda si Joiada at napuspos ng mga araw, at siya ay namatay. Siya ay 130 taong gulang nang siya mamatay.
|
|
\v 16 Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David kasama ng mga hari, dahil mabuti ang ginawa niya sa Israel, sa Diyos, at sa tahanan ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ngayon pagkatapos ng kamatayan ni Joiada, nagpunta ang mga pinuno ng Juda at pinarangalan ang hari. At nakinig sa kanila ang hari.
|
|
\v 18 Pinabayaan nila ang tahanan ni Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, at sinamba ang mga diyos na Ashera at ang mga diyus-diyosan. Dumating ang galit ng Diyos sa Juda at Jerusalem dahil sa kanilang maling gawain.
|
|
\v 19 Gayunman, nagpadala siya ng mga propeta sa kanila upang muli silang ibalik sa kaniya, kay Yahweh. Nagpatotoo ang mga propeta laban sa mga tao, ngunit ayaw nilang makinig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, "Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'"
|
|
\v 21 Ngunit nagsabuwatan sila laban sa kaniya at sa utos ng hari, siya ay binato nila ng mga bato sa patyo ng tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 22 Sa paraang ito, pinagsawalang-bahala ni haring Joas ang kabaitan na ginawa sa kaniya ni Joiada, ang ama ni Zacarias. Sa halip, pinatay niya ang anak ni Joiada. Nang si Zacarias ay naghihingalo, kaniyang sinabi, "Makita nawa ito ni Yahweh at papanagutin ka."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 At nangyari, sa katapusan ng taon na ang hukbo ng Aram ay dumating laban kay Joas. Pumunta sila sa Juda at Jerusalem, pinatay nila lahat ng mga pinuno ng mga tao at ipinadala ang lahat ng kanilang ninakaw sa hari ng Damasco.
|
|
\v 24 Pumunta ang hukbo ng mga Arameo na may munting bilang, ngunit ibinigay sa kanila ni Yahweh ang katagumpayan laban sa isang nakapalaking hukbo dahil tinalikuran ng taga-Juda si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno. Sa paraang ito, ang mga Arameo ang nagdala ng hatol kay Joas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nang nakaalis na ang mga Arameo, malubhang nasugatan si Joas. Nagsabuwatan ang kaniyang sariling mga lingkod laban sa kaniya dahil sa pagpatay sa mga anak ng paring si Joiada. Siya ay pinatay nila sa kaniyang higaan, at namatay siya. Siya ay inilibing nila sa lungsod ni David, ngunit hindi sa mga libingan ng mga hari.
|
|
\v 26 Ito ang mga taong nagsabuwatan laban sa kaniya, si Sabad na anak ni Simeat na Ammonita at si Jehosabad na anak ni Simrit na Maobita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Ngayon ang kasaysayan tungkol sa kaniyang mga anak, ang mahalagang mga propesiya na sinabi tungkol sa kaniya, at ang muling pagtatayo ng tahanan ng Diyos, tingnan, nakasulat ang mga ito sa Ang Paliwanag sa Aklat ng mga Hari. At si Amazias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 25
|
|
\p
|
|
\v 1 Dalawamput-limang taong gulang si Amazias nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng dalawamput-siyam na taon sa Jerusalem. Joadan ang pangalan ng kaniyang ina na taga-Jerusalem.
|
|
\v 2 Ginawa niya kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh, ngunit hindi niya ginawa ito nang may ganap na pusong tapat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 At nangyari, nang ganap na matatag ang kaniyang pamumuno, pinatay niya ang mga lingkod na pumatay sa kaniyang ama na hari.
|
|
\v 4 Ngunit hindi niya pinatay ang mga anak ng mga pumatay sa kaniyang ama, sa halip ginawa niya kung ano ang nakasulat sa kautusan, sa aklat ni Moises, gaya ng iniutos ni Yahweh, "Ang mga ama ay hindi dapat mamatay para sa kanilang mga anak, at hindi rin dapat mamatay ang mga anak para sa mga ama. Sa halip, ang bawat tao ay dapat mamatay para sa kaniyang sariling kasalanan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Bukod dito, tinipon ni Amazias ang mga taga-Juda at itinala sila ayon sa mga bahay ng kanilang mga ninuno, sa ilalim ng mga pinuno ng hukbong libu-libo at mga pinuno ng hukbong daan-daan, ang lahat ng taga-Juda at taga-Benjamin. Sila ay binilang niya mula dalawampung taong gulang at pataas at may 300, 000 na piling lalaki na may kakayahang sumabak sa digmaan, at may kakayahang humawak ng sibat at panangga.
|
|
\v 6 Umupa din siya ng 100, 000 na mga lalaking mandirigmang mula sa Israel ng nagkakahalaga ng sandaang talento ng pilak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ngunit pumunta sa kaniya ang isang lingkod ng Diyos at sinabi, "Hari, huwag mong pasamahin sa iyo ang hukbo ng Israel, sapagkat hindi kasama ng Israel si Yahweh, wala sa mga tao ng Efraim.
|
|
\v 8 Ngunit kahit na pumunta ka nang may katapangan at kalakasan sa labanan, pababagsakin ka ng Diyos sa harap ng kaaway sapagkat may kapangyarihan ang Diyos na tumulong at may kapangyarihang magpabagsak."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sinabi ni Amazias sa lingkod ng Diyos, "Ngunit ano ang aming gagawin sa isandaang talento na aking ibinigay sa hukbo ng Israel?" Sumagot ang lingkod ng Diyos, "Kaya ni Yahweh na bigyan ka ng higit pa roon."
|
|
\v 10 Kaya inihiwalay ni Amazias ang hukbong sasama sa kaniya mula sa Efraim, sila ay muli niyang pinauwi. Kaya lubhang sumiklab ang kanilang galit laban sa Juda at sila ay umuwi nang may matinding galit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Tumapang si Amazias at pinangunahan ang kaniyang mga tao na pumunta sa lambak ng Asin. Doon niya tinalo ang sampung-libong mga lalaki ng Seir.
|
|
\v 12 Dinala ng hukbo ng Juda ang sampung-libong buhay na lalaki. Sila ay dinala nila sa tuktok ng bangin at inihulog sila mula doon, at silang lahat ay nagkabali-bali.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ngunit ang mga lalaki ng hukbong pinauwi ni Amazias upang hindi sila sumamama sa kaniya sa labanan, ay nilusob ang mga lungsod ng Juda mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon. Pinatay nila ang tatlong-libong tao at maraming ninakaw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ngayon nangyari na pagkatapos bumalik si Amazias mula sa pagpatay sa mga Edomita, dinala niya ang mga diyos ng mga tao ng Sier at itinayo niya ang mga ito upang maging kaniyang mga diyos. Yumuko siya sa harap ng mga ito at nagsunog ng insenso para sa mga ito.
|
|
\v 15 Kaya sumiklab ang galit ni Yahweh laban kay Amazias. Nagpadala siya ng isang propeta sa kaniya, na nagsabi, "Bakit mo sinamba ang mga diyos ng mga tao na hindi man lamang nakapagligtas ng sarili nitong mga tao laban sa iyong mga kamay?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 At nangyari na habang kinakausap siya ng propeta, sinabi sa kaniya ng hari, "Ginawa ka ba naming tagapayo ng hari? Tumigil ka. Bakit ka kailangan patayin?" At tumigil ang propeta at sinabi, "Alam kong nagpasya ang Diyos na wasakin ka dahil ginawa mo ito at hindi ka nakinig sa aking payo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Pagkatapos, sumangguni si Amazias na hari ng Juda sa mga tagapayo at nagpadala ng mga mensahero kay Joas na hari ng Israel na anak ni Joahaz na anak ni Jehu, nagsasabi, "Halika, magharapan tayo sa isang labanan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Ngunit nagpadala din ng mga mensahero si Joas na hari ng Israel kay Amazias na hari ng Juda, nagsasabi, "Nagpadala ang isang dawag na nasa Lebanon ng isang mensahe sa isang sedar na nasa Lebanon, nagsasabi, 'Ibigay mo ang iyong anak na babae upang maging asawa ng aking anak,' ngunit dumaan ang isang mabangis na hayop sa Lebanon at tinapakan ang dawag.
|
|
\v 19 Sinabi mo, 'Tingnan mo, napabagsak ko ang Edom' at itinaas ka ng iyong puso. Magmalaki ka sa iyong tagumpay ngunit manatili ka sa tahanan, sapagkat bakit mo ipapahamak at ibabagsak ang iyong sarili, ikaw at ang Juda na kasama mo?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ngunit hindi nakinig si Amazias dahil ang kaganapang ito ay mula sa Diyos, upang maipasakamay niya ang mga tao ng Juda sa kanilang mga kaaway dahil humingi sila ng payo sa mga diyos ng Edom.
|
|
\v 21 Kaya lumusob si Joas na hari ng Israel, siya at si Amazias na hari ng Juda ay nagsagupaan sa Beth-semes na sakop ng Juda.
|
|
\v 22 Bumagsak ang Juda sa harap ng Israel at tumakas papunta sa mga tahanan ang bawat lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Binihag ni Joas na hari ng Israel si Amazias na hari ng Juda na anak ni Joas, na anak ni Ahazias, sa Beth-Semes. Siya ay dinala niya sa Jerusalem at giniba ang pader ng Jerusalem mula sa Tarangkahan ng Efraim hanggang sa Tarangkahan sa Sulok, apatnaraang kubit ang layo.
|
|
\v 24 Kinuha niya lahat ng ginto at pilak, lahat ng kagamitan na matatagpuan sa tahanan ng Diyos na kay Obed-Edom, at ang mahahalagang mga kagamitan sa tahanan ng hari, kasama ang mga bihag at bumalik sa Samaria.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nabuhay si Amazias na hari Juda na anak ni Joas, ng labing-limang taon pagkatapos ng kamatayan ni Joas na hari ng Israel na anak ni Joahas.
|
|
\v 26 Ang ibang mga bagay tungkol kay Amazias sa simula hanggang sa kahuli-hulihan, hindi ba nakasulat ang mga ito sa Ang Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Ngayon, mula sa panahon na tumalikod si Amazias sa pagsunod kay Yahweh, sinimulan nilang gumawa ng sabuwatan laban sa kaniya sa Jerusalem. Tumakas siya patungong Laquis, ngunit nagpadala sila ng mga tao na susunod sa kaniya sa Laquis at pinatay siya doon.
|
|
\v 28 Siya ay ibinalik nilang nakasakay sa mga kabayo at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa Lungsod ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 26
|
|
\p
|
|
\v 1 Kinuha ng lahat ng tao ng Juda si Uzias na labing-anim na taong gulang, at ginawa siyang hari na kapalit ng kaniyang ama na si Amazias.
|
|
\v 2 Siya ang muling nagtayo ng Elat at pinanumbalik ito sa Juda. Pagkatapos mamatay ang hari.
|
|
\v 3 Si Uzias ay labing-anim na taong gulang nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng limampu't dalawang taon sa Jerusalem. Jecolias ang pangalan ng kaniyang ina, na mula sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ginawa niya kung ano ang matuwid sa mata ni Yahweh, sinusunod niya ang lahat ng halimbawa ng kaniyang ama na si Amazias.
|
|
\v 5 Inilaan niya ang kaniyang sarili upang hanapin ang Diyos sa mga araw ni Zacarias, na siyang nagbigay sa kaniya ng mga tagubilin para sa pagsunod sa Diyos. Habang hinahanap niya si Yahweh, pinagpala siya ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Lumabas si Uzias at nakipaglaban sa mga Filisteo. Giniba niya ang mga pader sa lungsod ng Gat, Jabne at Asdod. Nagtayo siya ng mga lungsod sa bansa ng Asdod at sa mga Filisteo.
|
|
\v 7 Tinulungan siya ng Diyos laban sa mga Filisteo, laban sa mga Arabo na nakatira sa Gurbaal at laban sa mga Meunita.
|
|
\v 8 Nagbigay ang mga Ammonita ng kayamanang parangal kay Uzias at lumaganap ang kaniyang katanyagan sa ibang mga lupain, maging sa hangganan ng Ehipto, sapagkat siya ay naging lubos na makapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Dagdag pa rito, nagtayo si Uzias ng mga tore sa Jerusalem sa may Tarangkahan sa Sulok, sa Tarangkahan sa Lambak at sa paikot ng pader at pinatibay ang mga ito.
|
|
\v 10 Nagtayo siya ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon, sapagkat marami siyang mga baka sa mababang lugar gayon din sa mga kapatagan. Mayroon siyang mga magsasaka at mga nagtatanim ng ubas sa mga burol sa bansa at sa mabungang mga bukirin, sapagkat mahal niya ang pagsasaka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Bukod dito, si Uzias ay mayroong isang hukbo ng mga lalaking mandirigma na nagpunta sa digmaan na nakapangkat na binuo sa pamamagitan ng kanilang bilang na binilang ni Jeiel, ang eskriba at Maaseias, ang pinuno, sa ilalim ng pamumuno ni Hananias, ang isa sa mga tagapag-utos ng hari.
|
|
\v 12 Ang buong bilang ng mga pangulo ng mga sinaunang sambahayan ay 2, 600 na mandirigmang mga lalaki.
|
|
\v 13 Sa ilalim ng kanilang kamay ay isang hukbong 307, 500 na mga lalaki, na nakidigma na may malakas na kapangyarihan upang tulungan ang hari laban sa kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Naghanda si Uzias para sa kanila, para sa lahat ng hukbo, ng mga panangga, mga sibat, mga helmet, mga baluti, mga pana at mga bato para sa tirador.
|
|
\v 15 Nagtayo siya sa Jerusalem ng mga makina na inimbento ng mga bihasang lalaki upang ilagay sa mga tore at sa mga kuta, kung saan papana ng mga pana at ng mga malalaking bato. Lumaganap sa malayong mga lupain ang kaniyang katanyagan, sapagkat siya ay lubos na tinulungan hanggang sa siya ay naging lubos na makapangyarihan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ngunit nang naging makapangyarihan si Uzias, nagmataas ang kaniyang puso kaya siya gumawa ng masama. Sumuway siya laban kay Yahweh, ang kaniyang Diyos, sapagkat pumasok siya sa tahanan ni Yahweh upang magsunog ng insenso sa altar ng insenso.
|
|
\v 17 Sinundan siya ni paring Azarias at kasama niya ang walumpung matatapang na pari ni Yahweh.
|
|
\v 18 Pinigilan nila si haring Uzias at sinabi sa kaniya, "Hindi ito para sa iyo, Uzias, na magsunog ng insenso para kay Yahweh, kundi para sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na siyang itinalaga kay Yahweh na magsunog ng insenso. Lumabas ka sa banal na lugar, sapagkat sumuway ka. Dahil dito, wala kang magiging karangalan mula kay Yahweh na Diyos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 At nagalit si Uzias. May hawak siyang insensaryo sa kaniyang kamay upang magsunog ng insenso. Habang nagagalit siya sa mga pari, may tumubong ketong sa kaniyang noo sa harap ng mga pari sa tahanan ni Yahweh sa tabi ng altar ng insenso.
|
|
\v 20 Tiningnan siya ng pinakapunong pari na si Azarias at ng lahat ng mga pari, at tingnan, siya ay may ketong sa kaniyang noo. Siya ay agad nilang pinalabas mula doon. Sa katunayan, nagmadali siyang lumabas dahil hinampas siya ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Si haring Uzias ay isang ketongin hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan, at tumira sa isang hiwalay na bahay, sapagkat siya ay isang ketongin, sapagkat pinaalis siya mula sa tahanan ni Yahweh. Ang kaniyang anak na si Jotam ang namahala sa tahanan ng hari at namuno sa mga tao sa lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ang iba pang mga bagay tungkol kay Uzias sa simula hanggang sa kahuli-hulihan ay isinulat ni propetang Isaias na anak ni Amos.
|
|
\v 23 Namatay si Uzias at inilibing siya kasama ng kaniyang mga ninuno sa isang lupang libingan na pag-aari ng mga hari sapagkat sabi nila, "Siya ay ketongin." Si Jotam, ang kaniyang anak, ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 27
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Jotam ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Jerusa; siya ang anak na babae ni Zadok.
|
|
\v 2 Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh, sinusunod ang lahat ng halimbawa ng kaniyang amang si Uzias. Pinigilan din niyang pumunta sa loob ng templo ni Yahweh. Ngunit patuloy pa rin ang mga tao sa kanilang mga masasamang gawain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Itinayo niya ang mataas na tarangkahan sa tahanan ni Yahweh, at sa burol ng Ofel ay nagtayo pa siya ng marami.
|
|
\v 4 Bukod pa roon, nagtayo siya ng mga lungsod sa maburol na bahagi ng Juda, at nagtayo siya ng mga kastilyo at mga tore sa kagubatan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Lumaban din siya sa hari ng Ammon at tinalo sila. Sa taon ding iyon, nagbigay sa kaniya ng isandaang talento ng pilak ang mga Ammonita, sampung libong sukat ng trigo, sampung libong sukat ng sebada. Patuloy na nagbigay sa kaniya ang mga Ammonita sa ikalawa at ikatlong taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya naging makapangyarihan si Jotam dahil lumakad siya ng may katatagan kay Yahweh na kaniyang Diyos.
|
|
\v 7 At sa iba pang mga bagay tungkol kay Jotam, lahat ng kaniyang pakikipagdigma at pamumuhay, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Israel at Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Siya ay dalawampu't limang taong gulang nang magsimulang maghari at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon.
|
|
\v 9 Si Jotam ay namatay at siya ay kanilang inilibing sa lungsod ni David. Si Ahaz, na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 28
|
|
\p
|
|
\v 1 Si Ahaz ay dalawampung taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Hindi niya ginawa ang tama sa mga mata ni Yahweh, katulad ng ginawa ni David na kaniyang ninuno.
|
|
\v 2 Sa halip, lumakad siya sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, gumawa rin siya ng mga metal na imahen para sa mga Baal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Bukod pa roon, nagsunog siya ng insenso sa lambak ng Ben Hinom at inialay niya ang mga anak niya bilang mga alay na susunugin, alinsunod sa kalapastanganan ng mga lahing pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga Israelita.
|
|
\v 4 Nag-alay at nagsunog siya ng insenso sa mga dambana, sa mga burol, at sa ilalim ng bawat luntiang puno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kaya ipinasakamay siya ni Yahweh na Diyos ni Ahaz sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at kinuha mula sa kaniya ang napakalaking bilang ng mga bilanggo at dinala sila sa Damasco. Napasakamay din si Ahaz sa hari ng Israel, na tumalo sa kaniya sa isang matinding labanan.
|
|
\v 6 Si Peka na anak ni Remalias ay nakapatay ng 120, 000 na mga kawal sa Juda sa loob ng isang araw, lahat ng mga matatapang nilang kawal, dahil tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pinatay ni Zicri na isang malakas na lalaki mula sa Efraim si Maasias na anak na lalaki ng hari, si Azrikam na tagapamahala sa palasyo, at si Elkana na kanang kamay ng hari.
|
|
\v 8 Nagdala ng mga bihag ang hukbo ng Israel mula sa 200, 000 na asawang babae ng kanilang mga kamag-anak, mga anak na lalaki at babae. Marami rin silang sinamsam na dinala nila pabalik sa Samaria.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ngunit naroon ang isang propeta ni Yahweh, Oded ang kaniyang pangalan. Siya ay lumabas upang salubungin ang hukbo na papasok sa Samaria. Sinabi niya sa kanila, "Dahil nagalit si Yahweh sa Juda, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ipinasakamay niya sila sa inyo. Ngunit pinagpapatay ninyo sila sa galit na abot hanggang langit.
|
|
\v 10 At ngayon, gusto pa ninyong gawing alipin ang mga kalalakihan at kababaihan ng Juda at Jerusalem. Ngunit hindi ba kayo mismo ay nagkasala kay Yahweh na inyong Diyos?
|
|
\v 11 Makinig kayo ngayon sa akin: ibalik ninyo ang mga bilanggo na inyong binihag mula sa inyong mga kapatid, sapagkat ang matinding poot ni Yahweh ay nasa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos, may ilang pinuno ng Efraim ang tumayo laban sa mga bumalik mula sa digmaan, ang mga lalaking sina Azarias na anak ni Johanan, si Berquias na anak ni Mesillemot, si Jehizkias na anak ni Sallum at si Amasa na anak ni hadlai.
|
|
\v 13 Sinabi nila sa kanila, "Hindi ninyo dapat dalhin ang mga bilanggo rito, sapagkat ang gusto ninyo ay isang bagay na magdadala sa atin ng kasalanan laban kay Yahweh na magdaragdag sa ating mga kasalanan at mga paglabag; sapagkat napakalaki ng ating paglabag at mayroong matinding poot laban sa Israel."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kaya iniwan ng mga kawal ang mga bilanggo at ang mga sinamsam sa harapan ng mga pinuno at sa buong kapulungan.
|
|
\v 15 Ang mga lalaking itinalaga ay tumayo at kinuha ang mga bilanggo at dinamitan ang mga walang kasuotan mula sa mga nasamsam. Dinamitan nila sila at binigyan sila ng sandalyas. Binigyan sila ng makakain at inumin. Ginamot nila ang kanilang mga sugat at isinakay ang mga nanghihina sa mga asno. Ibinalik sila sa kanilang mga pamilya sa Jerico, (na tinatawag na lungsod ng mga Palma). Pagkatapos bumalik sila sa Samaria.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Nang mga panahong iyon, nagpadala si Haring Ahaz ng mga mensahero sa mga hari ng Asiria upang pakiusapan silang tulungan siya.
|
|
\v 17 Sapagkat muling nagbalik ang mga Edomita at sinalakay ang Juda at kumuha ng mga bilanggo.
|
|
\v 18 Sinakop din ng mga Filisteo ang mga lungsod sa mga mabababang lupain at ang Negev ng Juda. Kinuha nila ang Beth-semes, Aijalon, Gederot, Soco kasama ang mga nayon nito, Timna kasama ang mga nayon nito, at gayon din ang Gimzo kasama ang mga nayon nito. Nagpunta sila upang manirahan sa mga lugar na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sapagkat ibinaba ni Yahweh ang Juda dahil kay Ahaz, ang hari ng Israel; sapagkat napakasama ng kaniyang ginawa sa Juda at labis na nagkasala kay Yahweh.
|
|
\v 20 Si Tiglat-Pileser, hari ng Asiria, ay nagpunta at ginulo siya sa halip na palakasin siya.
|
|
\v 21 Sapagkat sinamsam at pinagnakawan ni Ahaz ang tahanan ni Yahweh at ang mga tahanan ng mga hari at mga pinuno upang ibigay sa mga hari ng Asiria, ngunit hindi ito nakatulong sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ang Haring ito na si Ahaz ay nagkasala pa ng mas matindi laban kay Yahweh sa panahon ng kaniyang pagdurusa.
|
|
\v 23 Sapagkat nag-alay siya sa mga diyos ng Damasco, mga diyos na tumalo sa kaniya. Sinabi niya, "Dahil tinulungan sila ng mga diyos ng mga hari ng Syria, mag-aalay ako sa kanila, upang matulungan nila ako." Ngunit sila ang sumira sa kaniya at sa buong Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Tinipon ni Ahaz ang mga kagamitan sa tahanan ng Diyos at pinagpuputol ang mga ito. Ipinasara niya ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at gumawa siya ng mga altar para sa kaniyang sarili sa bawat sulok ng Jerusalem.
|
|
\v 25 Gumawa siya ng mga dambana sa bawat lungsod ng Juda upang pagsunugan ng mga alay sa ibang mga diyos, at ito ang naging dahilan upang magalit si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Ngayon, ang lahat ng kaniyang mga ginawa at lahat ng kaniyang kapamaraanan mula umpisa hanggang wakas, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
|
|
\v 27 Namatay si Ahaz at siya ay kanilang inilibing sa lungsod sa Jerusalem, ngunit siya ay hindi nila dinala sa mga libingan ng mga hari ng Israel. Si Ezequias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 29
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagsimulang maghari si Ezequias noong siya ay dalawampu't limang taong gulang at naghari siya ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Abija na anak ni Zacarias.
|
|
\v 2 Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh at sinusunod ang lahat ng halimbawang ginawa ni David, na kaniyang ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sa unang taon ng kaniyang paghahari, sa unang buwan, binuksan ni Ezequias ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at isinaayos ang mga ito.
|
|
\v 4 Dinala niya ang mga pari at mga Levita at tinipon silang lahat sa patyo sa silangang bahagi.
|
|
\v 5 Sinabi niya sa kanila, "Makinig kayo sa akin, kayong mga Levita! Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh, at italaga ninyo ang tahanan ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at inyong alisin ang karumihan mula sa banal na lugar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sapagkat lumabag ang ating mga ninuno at ginawa nila ang masama sa paningin ni Yahweh na ating Diyos; siya ay tinalikuran nila, tumalikod sila mula sa lugar na pinananahanan ni Yahweh.
|
|
\v 7 Isinara din nila ang mga pintuan ng mga portiko at pinatay ang mga lampara; hindi sila nagsunog ng mga insenso o naghandog ng mga alay na susunugin sa banal na lugar para sa Diyos ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kaya ang poot ng Diyos ay bumagsak sa Juda at Jerusalem, at sila ay ginawa niyang halimbawa ng pagkatakot, pagkasindak at kahihiyan, gaya ng inyong nakikita sa sarili ninyong mga mata.
|
|
\v 9 Ito ang dahilan kung bakit namatay sa tabak ang ating mga ama, at nabihag ang ating mga anak at mga asawa dahil dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ngayon, nasa aking puso na gumawa ng isang kasunduan kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang sa gayon ay maaaring mawala ang kaniyang matinding galit sa atin.
|
|
\v 11 Mga anak ko, huwag na kayong maging tamad, sapagkat pinili kayo ni Yahweh upang tumayo sa harapan niya at sumamba, at upang kayo ay maging mga lingkod niya at magsunog ng insenso."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 At nagsitayuan ang mga Levita, ang mga lalaking sina Mahat na anak ni Amasai, si Joel na anak ni Azarias, mula sa angkan ni Kohat; at mula naman sa mga angkan ni Merari, si Kish na anak ni Abdi, at Azarias na anak ni Jehalelel; at mula sa mga Gershonita, si Joah na anak ni Zimna at Eden na anak ni Joah;
|
|
\v 13 at sa mga anak naman ni Elizafan, sina Simri at Jeiel; at sa mga anak ni Asaf, sina Zacarias at Matanias;
|
|
\v 14 sa mga anak ni Heman, sina Jehiel at Simei; at sa mga anak ni Jeduthun, sina Semias at Uziel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Tinipon nila ang kanilang mga kapatid, itinalaga nila ang mga sarili nila kay Yahweh at pumasok gaya ng iniutos ng hari, na sumusunod sa mga salita ni Yahweh upang linisin ang tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 16 Pumasok ang mga pari sa kaloob-loobang bahagi ng tahanan ni Yahweh upang linisin ito, inilabas nila sa may patyo ng bahay ang lahat ng mga maruruming nakita nila sa templo ni Yahweh. Kinuha ng mga Levita ang mga ito upang dalhin sa batis ng Kidron.
|
|
\v 17 Ngayon, nagsimula sila sa unang araw ng unang buwan upang italaga ang tahanan kay Yahweh, at sa ika-walong araw ng buwan, nagpunta sila sa portiko ni Yahweh. Itinalaga nila ang tahanan ni Yahweh sa loob ng walong araw. Natapos sila sa ikalabing-anim na araw ng unang buwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pagkatapos nagpunta sila kay haring Ezequias sa loob ng palasyo at sinabi, "Nalinis na namin ang buong tahanan ni Yahweh, ang altar para sa mga handog na susunugin kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito, at ang mesa ng tinapay na handog kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito.
|
|
\v 19 Higit pa rito, naihanda at naitalaga na namin kay Yahweh ang lahat ng bagay na itinapon ni Haring Ahaz nang lumabag siya noong panahon ng kaniyang paghahari. Tingnan ninyo, nasa harapan ng altar ni Yahweh ang mga ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos, gumising ng maaga si haring Ezequias at tinipon ang mga pinuno ng lungsod; pumunta siya sa tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 21 Nagdala sila ng pitong lalaking baka, pitong lalaking tupa, pitong kordero, at pitong lalaking kambing, bilang handog para sa kasalanan ng kaharian, para sa santuwaryo, at para sa Juda. Inutusan niya ang mga pari, ang mga anak ni Aaron, na ialay ang mga ito sa altar ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kaya kinatay nila ang mga lalaking baka, at kinuha ng mga pari ang dugo at iwinisik ito sa altar. Kinatay nila ang mga lalaking tupa at iwinisik ang dugo sa altar; kinatay din nila ang mga kordero at iwinisik ang dugo sa altar.
|
|
\v 23 Dinala nila sa harapan ng hari at ng kapulungan ang mga lalaking kambing para sa handog sa kasalanan, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga ito.
|
|
\v 24 Pinatay ng mga pari ang mga ito, at ginawa nila ang handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga ito sa altar, upang maging kabayaran sa mga kasalanan para sa buong Israel sapagkat iniutos ng hari na ang alay na susunugin at handog para sa kasalanan ay dapat gawin para sa buong Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Inilagay ni Ezequias ang mga Levita sa tahanan ni Yahweh na may mga pompyang, mga alpa at mga lira, isinasaayos ang mga ito ayon sa utos ni David, ni Gad na propeta ng hari, at ng propetang si Natan, sapagkat ang utos ay mula kay Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.
|
|
\v 26 Tumayo ang mga Levita na may mga instrumento ni David at ang mga pari na may mga trumpeta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Inutusan sila ni Ezequias na ihandog sa altar ang alay na susunugin. Nang magsimula ang pag-aalay, nagsimula rin ang awit para kay Yahweh na may kasamang mga trumpeta, kasama ang mga instrumento ni David na hari ng Israel.
|
|
\v 28 Sumamba ang buong kapulungan, umawit ang mga mang-aawit at tumugtog ang mga manunugtog ng trumpeta, nagpatuloy ang mga ito hanggang sa natapos ang pagsusunog ng mga alay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Nang matapos nila ang mga pag-aalay, yumukod at sumamba ang hari at ang lahat ng kasama niyang naroon.
|
|
\v 30 Bukod pa rito, inutusan ni haring Ezequias at ng mga pinuno ang mga Levita na umawit ng mga papuri kay Yahweh gamit ang mga awit ni David at ng propetang si Asaf. Umawit sila ng mga papuri nang may kagalakan at nagsiyukod sila at sumamba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 At sinabi ni Ezequias, "Ngayon, pinabanal ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Pumunta kayo rito sa tahanan ni Yahweh at magdala ng mga alay at handog ng pagpapasalamat." Nagdala ang kapulungan ng mga alay at mga handog ng pagpapasalamat, lahat ng may pusong nagnanais ay nagdala ng mga alay na susunugin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Ang bilang ng mga handog na susunugin na dinala ng kapulungan ay pitumpung lalaking baka, isandaang lalaking tupa at dalawandaang lalaking kordero. Lahat ng mga ito ay para sa alay na susunugin para kay Yahweh.
|
|
\v 33 Ang mga hayop na itinalaga kay Yahweh ay anim na raang baka at tatlong libong tupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Ngunit kakaunti ang bilang ng mga pari upang balatan ang lahat ng mga alay na susunugin, kaya tinulungan sila ng mga kapatid nilang mga Levita, hanggang matapos ang gawain, at hanggang sa maitalaga ng mga pari ang kanilang mga sarili kay Yahweh, sapagkat higit na maingat ang mga Levita sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili kaysa sa mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Sa karagdagan, mayroong napakaraming alay na susunugin; ginawa ang mga ito kasama ang taba ng mga alay pangkapayapaan, at mayroong inuming handog sa bawat alay na susunugin. At nagawa nang may kaayusan ang seremonya sa tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 36 Nagsaya si Ezequias, gayon din ang mga tao, dahil sa inihanda ng Diyos para sa mga tao, sapagkat mabilis na natapos ang gawain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 30
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagpapunta si Ezequias ng mga mensahero sa buong Israel at Juda, at sumulat din ng liham sa Efraim at Manases, na kinakailangan nilang pumunta sa tahanan ni Yahweh sa Jerusalem, upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.
|
|
\v 2 Sapagkat ang hari, ang kaniyang mga pinuno, at ang lahat ng kapulungan sa Jerusalem ay nagsanggunian, at napagpasiyahang ipagdiwang ang Paskwa sa ikalawang buwan.
|
|
\v 3 Hindi nila ito maipagdiwang kaagad, sapagkat hindi sapat ang bilang ng mga paring nakapaglaan ng kanilang sarili para kay Yahweh, at hindi rin nagtipon-tipon ang mga tao sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ang planong ito ay tama sa paningin ng hari at ng buong kapulungan.
|
|
\v 5 Kaya gumawa sila ng kautusan na kinakailangan ipahayag sa buong Israel, mula sa Beer-seba hanggang sa Dan, na kinakailangang pumunta ang mga tao sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Sa katunayan, hindi nila ginanap ito sa napakaraming bilang na gaya ng iniutos sa kasulatan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya pumunta sa buong Israel at Juda ang tagapagdala ng sulat na dala-dala ang sulat mula sa hari at sa kaniyang mga pinuno, ayon sa utos ng hari. Sinabi nila, "Kayong mga taga-Israel, manumbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Israel, upang muli siyang bumalik sa mga nalalabi sa inyo na nakatakas mula sa kamay ng mga hari ng Asiria.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Huwag kayong maging katulad ng inyong mga ninuno o kaya ng inyong mga kapatid, na nagkasala laban kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, kaya ibinigay niya sila sa pagkawasak, gaya ng inyong nakita.
|
|
\v 8 Ngayon huwag maging matigas ang inyong ulo, tulad ng inyong mga ninuno; sa halip, ibigay ninyo ang inyong sarili kay Yahweh at pumunta kayo sa kaniyang banal na lugar, na kaniyang itinalaga kay Yahweh magpakailanpaman, at sambahin ninyo si Yahweh, ang inyong Diyos, upang mawala ang kaniyang malaking galit sa inyo.
|
|
\v 9 Sapagkat kung muli kayong babalik kay Yahweh, makakatagpo ng kahabagan ang inyong mga kapatid at mga anak sa harapan ng mga bumihag sa kanila, at muli silang babalik sa lupaing ito. Sapagkat si Yahweh, ang inyong Diyos, ay mapagbiyaya at maawain, at hindi niya ibabaling ang kaniyang mukha palayo sa inyo, kung babalik kayo sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya dumaan ang mga tagapagdala ng sulat sa bawat lungsod sa buong rehiyon ng Efraim at Manases, hanggang sa Zebulun; ngunit pinagtawanan at kinutya sila ng mga tao.
|
|
\v 11 Gayunpaman, may mga kalalakihan sa Aser at Manases at Zebulun na nagpakumbaba, at pumunta sa Jerusalem.
|
|
\v 12 Nasa Juda rin naman ang kamay ng Diyos, upang bigyan sila ng isang puso, upang sumunod sa utos ng hari at mga pinuno ayon sa salita ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Maraming tao, isang napakalaking kapulungan, ang nagsamasama sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa ikalawang buwan.
|
|
\v 14 Tumindig sila at inalis ang mga altar na nasa Jerualem at ang lahat ng mga altar ng insenso; at itinapon ang mga iyon sa batis ng Kidron.
|
|
\v 15 At sa ikalabing-apat na araw ng pangalawang buwan, pinatay nila ang kordero ng Paskwa. Nahiya ang mga pari at mga Levita, at inihandog nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh at nagdala sila ng mga handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Tumayo sila sa kanilang lugar ayon sa kanilang pangkat, sinusunod ang utos na nasa kautusan ni Moises, na lingkod ng Diyos. Iwinisik ng mga pari ang dugo na tinanggap nila mula sa mga kamay ng mga Levita.
|
|
\v 17 Dahil marami ang naroroon sa kapulungan na hindi itinalaga ang kanilang mga sarili kay Yahweh, kaya ang mga Levita ang namahala sa pagkakatay ng korderong pampaskwa para sa lahat ng hindi nakapaglinis upang ilaan ang kordero kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Sapagkat marami sa mga tao, ang karamihan sa kanila ay mula sa Efraim, Manases, Isacar at Zebulun, ang hindi nakapaglinis ng kanilang sarili, gayon pa man kumain sila ng pagkaing pampaskwa, labag sa nakasulat na tagubilin. Ipinanalangin sila ni Ezequias, na nagsasabing, "Patawarin nawa ng mabuting Yahweh ang bawa't isa
|
|
\v 19 na nagtakda ng kanilang mga puso na hanapin ang Diyos, na si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno, kahit na hindi siya malinis ayon sa pamantayan ng paglilinis ng banal na lugar."
|
|
\v 20 Kaya pinakinggan ni Yahweh si Ezequias at pinagaling niya ang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon sa Jerusalem ang pista ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw na may labis na kagalakan. Araw-araw nagpuri ang mga Levita at mga pari kay Yahweh, kumakanta kay Yahweh na may mga instrumentong may malakas na tunog.
|
|
\v 22 Kinausap ni Ezequias nang may panghihimok ang mga Levita na nakauunawa sa paglilingkod kay Yahweh. Kaya kumain sila sa kabuuan ng pista sa pitong araw, nag-alay sila ng mga handog na pangkapayapaan, at ipinagtapat nila ang kanilang kasalanan kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Nagpasya ang buong kapulungan na magdiwang ng pitong araw pa, at ginawa nga nila nang may kagalakan.
|
|
\v 24 Sapagkat nagbigay sa kapulungan si Ezequias na hari ng Juda ng isang libong toro at pitong libong tupa bilang alay; at nagbigay ang mga pinuno sa kapulungan ng isang libong toro at sampung libong tupa at mga kambing. Maraming bilang ng mga pari ang nagtalaga ng kanilang mga sarili kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nagalak ang buong kapulungan ng Juda, kasama ang mga pari at mga Levita, at ang lahat ng mga taong dumating mula sa Israel, pati na rin ang mga dayuhan na mula sa lupain ng Israel at ang mga naninirahan sa Juda.
|
|
\v 26 Kaya may labis na kagalakan sa Jerusalem, sapagkat simula sa panahon ni Solomon na anak ni David, na hari ng Israel, ay wala pang nangyaring katulad nito sa Jerusalem.
|
|
\v 27 Pagkatapos, tumayo ang mga pari at mga Levita at pinagpala ang mga tao. Narinig ang kanilang tinig at umabot ang kanilang dalangin sa kalangitan, ang banal na lugar kung saan naninirahan ang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 31
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon nang matapos ang lahat ng ito, pumunta sa lungsod ng Juda ang lahat ng mga Israelita naroon at dinurog ang sagradong haliging mga bato, pinutol ang mga imahen ni Ashera, at giniba ang mga dambana at mga altar sa buong Juda at Benjamin. Ginawa rin nila ito sa Efraim at Manases, hanggang sa mawasak nilang lahat ang mga ito. At bumalik ang mga tao ng Israel, bawat isa sa kaniyang sariling lupain at lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Itinalaga ni Ezequias ang mga pari sa kanila mga pangkat at ang mga Levita at isinaayos ayon sa kanilang mga pangkat, itinalaga ang bawat isa sa kani-kaniyang gawain, ang mga pari at mga Levita. Itinalaga niya sila upang ihanda ang mga handog na susunugin at mga handog para sa pangkapayapaan, upang maglingkod, upang magbigay pasasalamat, at upang magpuri sa mga tarangkahan ng templo ni Yahweh.
|
|
\v 3 Itinalaga rin niya ang ibabahagi ng hari para sa handog na susunugin mula sa kaniyang sariling ari-arian, ito ay, para sa umaga at sa gabing handog na susunugin, at ang mga handog na susunugin para sa araw ng mga pamamahinga, sa mga bagong buwan, at sa mga nakatakdang pista, ayon sa nakasulat sa kautusan ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Bukod dito, inutusan niya ang mga taong nakatira sa Jerusalem na ibigay ang mga nakalaan para sa mga pari at sa mga Levita, upang mapag-ukulan nila ng panahon ang kanilang pagsunod sa kautusan ni Yahweh.
|
|
\v 5 Nang mailabas ang kautusan, nagbigay agad ng masagana ang mga Israelita ng unang bunga ng butil, bagong alak, langis, pulot, at lahat ng mula sa kanilang inani sa mga bukirin; at masagana rin nilang dinala ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Nagdala rin ang mga tao ng Israel at judah na naninirahan sa lungsod ng Juda ng ikasampung bahagi ng bakahan, kawan ng tupa, at ang ikasampung bahagi ng mga bagay na nailaan kay Yahweh na kanilang Diyos, at inilatag ang mga ito sa maraming bunton.
|
|
\v 7 Inumpisahan nilang ilatag ang mga bunton noong ikatlong buwan at natapos nila sa ikapitong buwan.
|
|
\v 8 Nang pumunta si Ezequias at ang mga namumuno at nakita ang napakaraming bunton, pinagpala nila si Yahweh at ang mga taga-Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 At tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga napakaraming bunton.
|
|
\v 10 Sinagot siya ni Azarias, ang pinakapunong pari sa tahanan ni Zadok, at sinabing, "Nang magsimulang magdala ng mga handog sa tahanan ni Yahweh ang mga tao, nakakain kami ng higit sa sapat at marami pang natira, sapagkat pinagpala ni Yahweh ang kaniyang mga tao. At malaking bilang pa rin ang naiwan sa mga ito."
|
|
\v 11 Pagkatapos, nag-utos si Ezequias na maghanda ng silid imbakan sa tahanan ni Yahweh, at inihanda ang mga ito.
|
|
\v 12 At tapat silang nagdadala ng mga handog, ng ikapu at ng lahat ng bagay na para kay Yahweh. Si Conanias, na isang Levita, ang tagapangasiwa sa mga ito, at si Simie na kaniyang kapatid ang pumapangalawa sa kaniya.
|
|
\v 13 sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat, at Benaias ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala ni Conanias at si Simei na kaniyang kapatid, sa pamamagitan ng pagtalaga ni Ezequias, na hari at si Azarias, na tagapangasiwa sa tahanan ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 At si Korah na anak ni Imna na Levita, na bantay sa silangang tarangkahan, ang namamahala sa mga kusang kaloob na handog sa Diyos, at siya ang namamahala sa pamamahagi ng mga handog kay Yahweh at ng mga handog na inilaan kay Yahweh.
|
|
\v 15 Sa ilalim ng kaniyang pamamahala ay sina Eden, Minyamin, Jeshua, Semaya, Amarias, Semaya, Amarias at si Secanias sa mga lungsod ng mga pari. Sila ang nasa takdang katungkulan upang maibigay ang handog na ito sa kanilang mga kapatid sa bawat pangkat, sa mahalaga at hindi mahalaga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Nagbigay din sila sa mga lalaking may tatlong gulang at pataas na kabilang sa talaan ng mga angkan—ang lahat ng pumasok sa tahanan ni Yahweh, ayon sa nakatakda araw-araw, upang gawin ang kanilang tungkulin sa bawat pangkat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nagbigay din sila sa mga kabilang sa mga talaan ng angkan ng kanilang mga ninuno, at sa mga Levitang dalawampu at pataas ang gulang, bawat pangkat ay nabigyan ng kani-kanilang tungkulin.
|
|
\v 18 Nagbigay sila sa mga—kabilang sa talaan ng angkan—kasama ang kanilang mga maliliit na anak, ang kanilang mga asawa, kanilang mga anak na lalaki at mga anak na babae, sa lahat ng kabuuan ng mga tao—sapagkat inilaan nila ang kanilang mga sarili kay Yahweh upang maging banal para sa kanilang tungkulin na ipinagkatiwala sa kanila.
|
|
\v 19 Ang mga pari na kaapu-apuhan ni Aaron, na nakatira sa mga bukirin sa mga nayon na kabahagi ng kanilang mga lungsod, o sa bawat lungsod, doon ay may pinangalanan na mga kalalakihan na nakatalaga upang magbigay ng bahagi para sa lahat ng mga kalalakihang kasama ng mga pari, at ang lahat na kabilang sa talaan ng angkan na kasama ng mga Levita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ginawa ni Ezequias ang mga ito sa buong Juda. Ginawa niya kung ano ang mabuti, tama, at tapat sa harapan ni Yahweh na kaniyang Diyos.
|
|
\v 21 Sa bawat proyekto na kaniyang sinimulan sa paglilingkod sa tahanan ng Diyos, sa batas, at sa mga kautusan, upang hanapin ang kaniyang Diyos, ginawa niya ito nang buong puso, at nagtagumpay siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 32
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito at ang mga gawaing ito na nagpapakita ng katapatan, si Sinaquerib, ang hari ng Asiria, ay dumating at pumasok sa Juda; nagkampo siya upang lusubin ang mga matitibay na lungsod, na binalak niyang sakupin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Nang makita ni Ezequias na dumating si Senaquerib at nilalayon na labanan ang Jerusalem,
|
|
\v 3 sumangguni siya sa kaniyang mga pinuno at sa kaniyang mga makapangyarihang tauhan upang harangan ang tubig ng mga bukal na nasa labas ng lungsod; tinulungan nila siyang gawin ito.
|
|
\v 4 Kaya maraming tao ang nagtipon-tipon at hinarangan ang lahat ng mga bukal at ang sapa na dumadaloy sa kalagitnaan ng lupain. Sinabi nila, "Bakit paririto ang mga Hari ng Asiria at makakasumpong ng maraming tubig?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nagkaroon si Ezequias ng lakas ng loob at itinayo ang lahat ng mga pader na nasira; pinataas niya ang mga ito hanggang sa mga tore, gayon din ang iba pang mga pader na nasa labas. Pinatibay din niya ang Millo sa lungsod ni David, at gumawa siya ng maraming bilang ng mga sandata at mga kalasag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Naglagay siya ng mga pinunong kawal na mangangasiwa sa mga tao. Tinipon niya silang sama-sama sa kaniyang harapan sa malawak na lugar sa tarangkahan ng lungsod at pinalakas niya ang kanilang kalooban. Sinabi niya,
|
|
\v 7 "Magpakalakas at magpakatapang kayo. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob dahil sa hari ng Asiria at sa lahat ng mga hukbo na kasama niya, Sapagkat kasama natin ang mas malakas kaysa sa mga kasama niya.
|
|
\v 8 Kawal lamang sa laman ang mga kasama niya, ngunit kasama natin si Yahweh, na ating Diyos, upang tulungan tayo, at upang makipaglaban para sa atin." At pinalakas nila ang loob ng bawat isa ayon sa sinalita ni Ezequias, na hari ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pagkatapos nito, si Sinaquerib, na hari ng Asiria ay nagpadala ng kaniyang mga lingkod sa Jerusalem (ngayon siya ay nasa harap na ng Laquis at ang lahat ng kaniyang mga kawal ay kasama niya), para kay Ezequias, na hari ng Juda, at sa lahat ng taga-Juda na nasa Jerusalem. Sinabi niya,
|
|
\v 10 "Ito ang sinabi ni Sinaquerib, na hari ng Asiria: 'Sa ano kayo umaaasa upang mapagtiisan ninyo ang isang nakaambang paglusob sa Jerusalem?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Hindi ba nililinlang kayo ni Ezequias, upang mamatay kayo sa pamamagitan ng pagkagutom at pagka-uhaw, nang sinabi niya sa inyo, "Ililigtas tayo ni Yahweh mula sa kamay ng hari ng Asiria?"
|
|
\v 12 Hindi ba ito rin ang Ezequias na nag-alis sa kaniyang mga dambana at sa kaniyang mga altar, at inutusan ang Juda at Jerusalem, "sa isang altar kayo sasamba at dito ninyo susunugin ang inyong mga alay?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Hindi ba ninyo alam kung ano ang ginawa ko at ng aking mga ninuno sa lahat ng mga lahi ng ibang mga lupain? Nailigtas ba ng mga diyos ng mga ibang mga lahi sa anumang paraan ang kanilang lupain mula sa aking kapangyarihan?
|
|
\v 14 Sa lahat ng mga diyos ng mga bansang iyon na lubusang sinira ng aking mga ninuno, mayroon bang diyos na may kakayahang iligatas ang kaniyang bayan mula sa aking mga kamay? Bakit kayo maililigtas ng inyong Diyos mula sa aking kapangyarihan?
|
|
\v 15 Ngayon huwag ninyong hayaan na linlangin o hikayatin kayo ni Ezequias sa paraang ito. Huwag kayong maniwala sa kaniya, sapagkat wala diyos ng anumang bansa o kaharian ang nakapagligtas ng kaniyang bayan mula sa aking mga kamay, o mula sa kamay ng aking mga ninuno. Gaano pa kaya kayo ililigtas ng ang inyong Diyos mula ssa aking kamay?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Nagsalita pa ang mga alipin ni Sinaquerib ng mas marami laban kay Yahweh na Diyos at sa lingkod niyang si Ezequias.
|
|
\v 17 Sumulat din si Sinaquerib ng liham upang kutyain si Yahweh, ang Diyos ng Israel, at upang magsalita ng laban sa kaniya. Sinabi niya, "Gaya ng mga diyos ng mga tao sa mga lupain na hindi nailigtas ang kanilang mga tao sa aking mga kamay, gayundin ang Diyos ni Ezequias na hindi kayang iligtas ang kaniyang mga tao sa aking mga kamay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Sumigaw sila nang malakas gamit ang salita ng mga Judio sa mga taga-Jerusalem na nasa pader, upang takutin at guluhin sila, nang sa gayon, masakop nila ang lungsod.
|
|
\v 19 Nagsalita sila sa Diyos ng Jerusalem gaya ng pagsasalita nila sa diyos ng ibang mga tao sa lupa, na gawa lamang ng kamay ng tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Si haring Ezequias, at si propetang Isaias na anak ni Amos ay nanalangin dahil sa mga pangyayaring ito at nagmakaawa sa langit.
|
|
\v 21 Nagsugo si Yahweh ng isang anghel, na pumatay sa mga mandirigma, sa mga pinuno ng kawal, at sa mga pinuno ng hari sa kampo. Kaya kahiya-hiyang bumalik si haring Senaquerib sa kaniyang sariling lupain. Nang pumunta siya sa tahanan ng kaniyang diyos, pinatay siya ng ilan sa kaniyang sariling anak gamit ang espada.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Sa ganitong paraan, iniligtas ni Yahweh si Ezequias at ang mga naninirahan sa Jerusalem mula sa kamay ni Sinaquerib, ang hari ng Asiria, at mula sa lahat ng kamay ng iba, at pinatnubayan sila sa lahat ng paraan.
|
|
\v 23 Maraming nagdala ng kaloob kay Yahweh sa Jerusalem, at mga mahahalagang bagay kay Ezequias, ang hari ng Judah, kaya naging tanyag siya sa paningin ng lahat ng bansa mula sa panahong iyon at sa sumunod pang mga panahon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Sa mga panahong iyon nagkasakit si Ezequias na halos malapit na niyang ikamatay. Kaya nanalangin siya kay Yahweh, na nagsalita sa kaniya na nagbigay ng tanda sa kaniya na siya ay gagaling.
|
|
\v 25 Ngunit hindi tumanaw ng utang na loob si Ezequias kay Yahweh sa tulong na ibinigay sa kaniya, sapagkat nagmalaki ang kaniyang puso. Kaya dumating ang galit sa kaniya, sa Judah at sa Jerusalem.
|
|
\v 26 Gayunman, sa bandang huli nagpakumbaba siya sa pagmamataas ng kaniyang puso, siya at kasama ang mga mamamayan ng Jerusalem, kaya hindi dumating ang galit ni Yahweh sa kanila sa panahon ng paghahari ni Ezequias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Nagkaroon ng maraming kayamanan at karangalan si Ezequias. Nagpagawa siya para sa kaniya ng silid imbakan para sa mga pilak, ginto, mamahaling mga bato at para sa mga pampalasa, at para din sa mga kalasag at para sa lahat ng uri ng mamahaling bagay.
|
|
\v 28 Mayroon din siyang mga bahay imbakan para sa mga inaning butil, bagong alak, at langis; at kuwadra para sa lahat ng uri ng mga hayop; mayroon din siyang mga kawan sa kanilang kural.
|
|
\v 29 Bukod pa rito, nagpatayo siya para sa kaniyang sarili ng mga lungsod at nagkaroon siya ng napakaraming mga tupa at mga kawan, sapagkat binigyan siya ng Diyos ng napakaraming kayamanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Si Ezequias din na ito ang nagpatigil sa bukal ng tubig sa itaas ng Gihon, at pinaagos ito pababa patungo sa gilid ng kanlurang bahagi ng lungsod ni David. Nagtagumpay si Ezequias sa lahat ng kaniyang gawain.
|
|
\v 31 Gayun pa man, tungkol sa mga sugo ng mga prinsipe ng Babilonia na pinapunta sa kaniya upang magtanong tungkol sa mga kamangha-manghang nangyari sa lupain, hinayaan siya ng Diyos, upang subukin siya, at upang alamin ang lahat ng nasa kaniyang puso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Sa iba pang mga bagay tungkol kay Ezequias, kabilang ang kaniyang mga gawa na nagpapakita ng katapatan, makikita ninyo na nakasulat ang mga ito sa Pangitain ni Propeta Isaias na Anak ni Amoz, at sa Aklat ng mga Hari ng Judah at Israel.
|
|
\v 33 Namatay si Ezequias gaya ng kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa burol ng libingan ng mga kaapu-apuhan ni David. Sa kaniyang burol pinarangalan siya ng lahat ng mga taga-Juda at lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem. Pumalit sa kaniya bilang hari ang kaniyang anak na lalaki na si Manases.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 33
|
|
\p
|
|
\v 1 Labing dalawang taong gulang si Manases nang nagsimula siyang maghari; naghari siya ng limampu't limang taon sa Jerusalem.
|
|
\v 2 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, tulad ng mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga tao na pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
|
|
\v 3 Sapagkat itinayo niyang muli ang dambana na giniba ni Ezequias, na kaniyang ama, nagpagawa siya ng altar para kay Baal, at nagtayo siya ng imahen ni Ashera, at lumuhod siya upang sambahin ang lahat ng mga bituin sa langit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nagtayo si Manases ng mga altar ng mga pagano sa tahanan ni Yahweh, bagaman iniutos ni Yahweh na, "Dito sa Jerusalem sasambahin ang aking pangalan magpakailanman."
|
|
\v 5 Nagtayo siya ng mga altar para sa lahat ng bituin sa langit sa dalawang patyo sa tahanan ni Yahweh.
|
|
\v 6 Inihandog niya ang kaniyang mga anak bilang mga handog na susunugin sa lambak ng Ben Hinnom; nagsagawa siya ng panghuhula, pangkukulam at salamangka, at sumangguni sa mga nakikipag-usap sa mga patay at sa mga nakikipag-usap sa espiritu. Marami siyang isinasagawang masasama sa paningin ni Yahweh, at ginalit niya ang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Ang inukit na imahen ni Ashera na kaniyang pinagawa, inilagay niya ito sa tahanan ng Diyos. Ang tahanang ito ang tinutukoy ng Diyos kay David at sa kaniyang anak na si Solomon. Sinabi niya "Sa bahay na ito at sa Jerusalem, na aking pinili mula sa lahat ng mga tribo ng Israel, dito sasambahin ang aking pangalan magpakailanman.
|
|
\v 8 Hindi ko palalayasin ang mga Israelita kailanman sa lupain na aking ibinigay sa kanilang mga ninuno, kung maingat lamang nilang susundin ang lahat ng iniutos ko sa kanila, susundin ang lahat ng mga batas, kautusan, at alituntunin na ibinigay ko sa kanila sa pamamagitan ni Moises."
|
|
\v 9 Pinamunuan ni Manases ang mga taga-Judah at ang mga nakatira sa Jerusalem na gumawa ng masasama ng higit pa sa ginawa ng mga bansang pinuksa ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Nakipag-usap si Yahweh kay Manases, at sa kaniyang mga tao; ngunit hindi nila pinakinggan.
|
|
\v 11 Kaya ipinasalakay sila ni Yahweh sa pinuno ng hukbo ng Hari ng Asiria, na bumihag kay Manases nang nakakadena, at nilagyan ng tanikala ang kanyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Nang nagdurusa si Manases, nagmakaawa siya kay Yahweh, na kaniyang Diyos at labis siyang nagpakumbaba sa Diyos ng kaniyang mga ninuno.
|
|
\v 13 Nanalangin siya sa kaniya; at nagmakaawa siya sa Diyos, at dininig ng Diyos ang kaniyang pagmamakaawa at dinala siya pabalik sa Jerusalem, sa kaniyang pagiging hari. At napagtanto ni Manases na Diyos si Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pagkatapos nito, gumawa si Manases ng panlabas na pader sa lungsod ni David, sa kanlurang bahagi ng Gihon, sa lambak, hanggang sa pasukan na tinatawag na Isdang Tarangkahan. Pinalibutan niya ang burol ng Ofel ng mga napakataas na pader. Naglagay siya ng mga matatapang na pinuno ng kawal sa lahat ng mga pinagtibay na lungsod ng Juda.
|
|
\v 15 Inalis niya ang mga diyos ng mga dayuhan, inalis niya ang mga diyus-diyosang mula sa tahanan ni Yahweh at lahat ng altar na itinayo niya sa bundok ng tahanan ni Yahweh at sa Jerusalem, at itinapon ang mga ito palabas ng lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ipinatayo niyang muli ang altar ni Yahweh at naghandog doon ng mga handog pangkapayapaan at handog ng pasasalamat; inutusan niya ang Juda na maglingkod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
|
|
\v 17 Gayuman nag-alay pa rin ang mga tao sa dambana, ngunit ang kanilang alay ay kay Yahweh lamang, na kanilang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Tungkol naman sa iba pang mga bagay ukol kay Manases, ang panalangin niya sa kaniyang Diyos, at ang sinabi ng mga Propetang nakipag-usap sa kaniya sa pangalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel, nakasulat ang mga ito sa mga ginawa ng mga hari ng Israel.
|
|
\v 19 Gayundin, ang kaniyang panalangin at kung paano siya nagmakaawa sa Diyos, lahat ng kaniyang kasalanan at paglabag, at ang mga lugar kung saan siya nagtayo ng mga dambana at naglagay ng mga imahen ni Ashera at ng mga inukit na imahe bago siya nagpakumbaba—nakasulat ang mga ito sa Kasayasayan ng mga Propeta.
|
|
\v 20 Namatay si Manases kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing siya sa kaniyang sariling bahay. Si Ammon, na kaniyang anak, ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Dalawampu't dalawang taon si Ammon nang siya ay nagsimulang maghari; naghari siya ng dalawang taon sa Jerusalem.
|
|
\v 22 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Naghandog siya sa lahat ng inukit na imahe na ginawa ng kaniyang amang si Manases, at sinamba niya ang mga ito.
|
|
\v 23 Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ni Yahweh, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Sa halip, lalo pang nagkasala si Ammon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ang kaniyang mga lingkod ay nagsabwatan laban sa kaniya at pinatay siya sa kaniyang sariling bahay.
|
|
\v 25 Ngunit pinatay ng mga tao ang lahat ng mga nagsabwatan laban kay haring Ammon, at ginawa nila si Josias, na kaniyang anak, bilang hari na kapalit niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 34
|
|
\p
|
|
\v 1 Walong taong gulang si Josias nang magsimula siyang maghari. Tatlumpu't isang taon siyang naghari sa Jerusalem.
|
|
\v 2 Ginawa niya kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh at sumunod sa mga yapak ni David na kaniyang ninuno, at hindi lumingon sa kanan man o sa kaliwa.
|
|
\v 3 Dahil sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, habang siya ay bata pa, sinimulan niyang hanapin ang Diyos ni David na kaniyang ninuno. Sa ikalabing dalawang taon, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem mula sa mga dambana, mga imahen ni Ashera, at mga inukit na mga imahe, at ang mga molde ng imahe na gawa sa metal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Giniba ng mga tao ang mga altar ng mga Baal sa kaniyang harapan. Binasag niya ang mga altar ng insenso na nasa ibabaw nila. Giniba niya ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit naimahe sa pira-piraso hanggang sa maging abo ang mga ito. Ikinalat niya ang abo sa mga libingan ng mga taong nag-alay sa mga ito.
|
|
\v 5 Sinunog niya ang mga buto ng kanilang mga pari sa kanilang mga altar. Sa ganitong paraan, nilinis niya ang Juda at ang Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ginawa rin niya ito sa mga lungsod ng Manases, Efraim, at Simeon, hanggang sa Neftali, at sa mga nawasak na lugar na nakapalibot sa kanila.
|
|
\v 7 Giniba niya ang mga altar, dinurog ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit na imahe hanggang sa naging pulbos ang mga ito, at hinati-hati ang lahat ng altar ng insenso sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Pagkatapos ay bumalik siya sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ngayon sa ikalabing-walong taon ng kaniyang paghahari, matapos linisin ni Josias ang lupain at ang templo, ipinadala niya si Safan na anak ni Azalias, si Maasias, ang gobernador ng lungsod, at si Joas na anak ni Joahaz na nakalihim upang ipaayos ang tahanan ni Yahweh na kaniyang Diyos.
|
|
\v 9 Pumunta sila kay Hilkias, ang pinakapunong pari at ipinagkatiwala sa kaniya ang pera na dinala sa tahanan ng Diyos na tinipon ng mga Levita, ng mga bantay ng mga pintuan mula sa Manases at Efraim, mula sa lahat ng mga naninirahan sa Israel, mula sa buong Juda at Benjamin at mula sa mga naninirahan sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Ipinagkatiwala nila ang pera sa mga kalalakihang namamahala sa mga gawain sa templo ni Yahweh. Binayaran ng mga kalalakihang ito ang mga manggagawang nag-ayos muli ng templo.
|
|
\v 11 Ibinayad nila ito sa mga karpentero at mga manggagawa, upang bumili ng mga tabas na bato, at mga kahoy na panghalang at para gumawa ng mga barakilan para sa mga gusali na pinabayaan ng ilang mga hari na magiba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ginawa ng mga kalalakihan ang kanilang trabaho nang tapat. Ang kanilang mga tagapamahala ay sina Jahat at Obadias, ang mga Levita, na mga anak ni Merari; at sina Zacarias at Mesulam, mula sa mga anak ng mga taga-Kohat. Ang ibang mga Levita, na mahuhusay na manunugtog ay pinamahalaan ang mga trabahador.
|
|
\v 13 Ang mga Levitang ito ang namahala sa mga nagbuhat ng mga materyales na kinakailangan sa gawain at sa lahat ng mga kalalakihang nagtrabaho sa kahit na anong paraan. Mayroon ding mga Levita na mga kalihim, mga administrador at mga bantay ng tarangkahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Nang inilabas nila ang salapi na ipinasok sa tahanan ni Yahweh, natagpuan ni Hilkias na pari Ang Aklat ng Kautusan ni Yahweh na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.
|
|
\v 15 Sinabi ni Hilkias sa eskribang si Safan, "Natagpuan ko ang Aklat ng Kautusan sa tahanan ni Yahweh." Dinala ni Hilkias ang aklat kay Safan.
|
|
\v 16 Dinala ni Safan ang aklat sa hari at ibinalita sa kaniya, "Ginagawa ng inyong mga lingkod ang lahat ng ipinagkatiwala sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ibinuhos nila ang salaping natagpuan sa loob ng tahanan ni Yahweh, at ipinagkatiwala nila ito sa mga tagapamahala at sa mga trabahador."
|
|
\v 18 Sinabi ng eskribang si Safan sa hari, "Binigyan ako ng paring si Hilkias ng isang aklat." Pagkatapos ay binasa ito ni Safan sa hari.
|
|
\v 19 At nangyari nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan, pinunit niya ang kaniyang mga kasuotan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Inutusan ng hari si Hilkias, si Ahikam na anak ni Safan, si Abdon na anak ni Mica, sa eskribang si Safan, at si Asias na kaniyang sariling lingkod, sinabi niya,
|
|
\v 21 "Pumunta kayo at itanong ninyo ang kagustuhan ni Yahweh para sa akin at para sa mga naiwan sa Israel at sa Juda dahil sa mga salita ng aklat na natagpuan. Sapagkat malaki ang galit ni Yahweh na ibinuhos sa atin. Dahil ang ating mga ninuno ay hindi nakinig sa mga salita ng aklat na ito upang sundin ang lahat ng nakasulat dito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kaya si Hilkias at ang lahat ng inutusan ng hari ay pumunta kay Hulda na isang babaeng propeta, ang asawa ni Sallum na anak ni Tokat na anak ni Hasra, ang tagapag-ingat ng kasuotan (nanirahan siya sa Jerusalem sa Ikalawang Distrito) at nakipag-usap sila sa kaniya sa ganitong paraan:
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Sabihin ninyo sa taong nagpadala sa inyo sa akin,
|
|
\v 24 "Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, ang lahat ng mga sumpang naisulat sa aklat na kanilang nabasa sa harapan ng hari ng Juda.
|
|
\v 25 Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog sila ng insenso sa ibang mga diyos, upang galitin ako sa lahat ng kanilang mga ginawa—kung gayon ibubuhos ko ang aking galit sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Ngunit sa hari ng Juda, na siyang nagpadala sa inyo upang tanungin ang kagustuhan ni Yahweh, ito ang sasabihin ninyo sa kaniya: "Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Tungkol sa mga salitang narinig mo:
|
|
\v 27 'dahil malambot ang iyong puso at nagpakumbaba ka sa harapan ng Diyos nang marinig mo ang kaniyang mga salita laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, at dahil nagpakumbaba ka sa aking harapan at pinunit mo ang iyong kasuotan at umiyak sa aking harapan, nakinig din ako sa iyo'—ito ang pahayag ni Yahweh.
|
|
\v 28 'Tingnan mo, titipunin kita kasama ng iyong mga ninuno at magsasama-sama kayo sa inyong libingan nang payapa, at hindi mo makikita ang anuman sa mga sakunang ibibigay ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito.""" Kaya dinala ng mga kalalakihan ang mensaheng ito sa hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang hari at tinipon ang lahat ng mga nakatatanda ng Juda at Jerusalem.
|
|
\v 30 Pagkatapos ay umakyat ang hari sa tahanan ni Yahweh, at ang lahat ng mga tao sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem, ang mga pari, ang mga Levita, at ang lahat ng tao mula sa mga dakila hanggang sa mga hamak. Binasa niya sa kanila ang lahat ng salita ng Aklat ng Kautusan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Tumayo ang hari sa kaniyang lugar at nakipagtipan sa harap ni Yahweh, na susunod siya kay Yahweh, at susundin niya ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang tipan ng katapatan, at ang kaniyang mga batas nang buong puso at kaluluwa, na susundin niya ang mga salita ng kasunduan na nakasulat sa aklat na ito.
|
|
\v 32 Pinanumpa niya ang lahat ng taong matatagpuan Jerusalem at Benjamin na sumunod sa kasunduan. Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay sumunod sa kasunduan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Tinanggal ni Josias ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay mula sa mga lupain na pagmamay-ari ng mga Israelita. Pinasamba niya ang lahat ng mga Israelita kay Yahweh, na kanilang Diyos. Sa lahat ng kaniyang mga araw, hindi sila tumalikod sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 35
|
|
\p
|
|
\v 1 Ipinagdiwang ni Josias ang Paskwa para kay Yahweh sa Jerusalem at pinatay nila ang mga tupang pampaskwa sa ikalabing apat na araw ng unang buwan.
|
|
\v 2 Itinalaga niya ang mga pari sa kani-kanilang mga posisyon at hinikayat silang maglingkod sa tahanan ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sinabi niya sa mga Levitang nagturo sa buong Israel, na tapat kay Yahweh, "Ilagay ninyo ang banal na kaban sa bahay na itinayo ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel. Huwag na ninyo itong buhatin sa inyong mga balikat. Ngayon ay sambahin ninyo si Yahweh, na inyong Diyos, at paglingkuran ang kaniyang sambayanang Israel.
|
|
\v 4 Ayusin ninyo ang inyong mga sarili ayon sa pangalan ng inyong mga sambahayan at inyong mga pangkat, na sinusunod ang mga nakasulat na tagubilin ni David, ang hari ng Israel at ni Solomon na kaniyang anak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Tumayo kayo sa banal na lugar, ayon sa inyong posisyon kasama ang inyong mga pangkat sa loob ng mga sambahayan ng inyong mga kapatid, ang mga kaapu-apuhan ng mga tao, at ayon sa inyong posisyon sa inyong mga pangkat sa loob ng sambahayan ng mga Levita.
|
|
\v 6 Katayin ninyo ang mga tupang pampaskwa at ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Ihanda ninyo ang mga tupa para sa inyong mga kapatid na mga Israelita. Gawin ninyo iyon bilang pagsunod sa salita ni Yahweh na ibinigay kay Moises."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Nagbigay si Josias sa lahat ng taong naroon ng tatlumpung libong tupa at mga batang kambing mula sa mga kawan para sa mga handog para sa Paskwa. Nagbigay din siya ng tatlong libong toro, ang mga ito ay mula sa mga pagmamay-ari ng hari.
|
|
\v 8 Ang kaniyang mga tagapamuno ay nagbigay ng kusang loob na handog sa mga tao, mga pari, at mga Levita. Sina Hilkias, Zacarias at Jehiel, ang mga opisyal na namamahala sa bahay ng Diyos ay nagbigay sa mga pari para sa mga handog sa Paskwa ng 2, 600 na maliliit na mga kambing at tatlong daang baka.
|
|
\v 9 Gayun din sina Conanias, at Semaya, Natanael, ang kaniyang mga kapatid, sina Hosabias, Jehiel at Jozabad, ang mga pinuno ng mga Levita ay nagbigay sa mga Levita ng mga handog sa Paskwa ng limang libong maliliit na kambing at limang daang mga baka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya ang paglilingkod ay nakahanda na at tumayo ang mga pari sa kani-kaniyang mga puwesto, kasama ng mga Levita sa kani-kanilang mga pangkat bilang pagsunod sa utos ng hari.
|
|
\v 11 Kinatay nila ang mga tupang pampaskwa at isinaboy ng mga pari ang dugo na kanilang tinanggap mula sa mga kamay ng mga Levita at binalatan naman ng mga Levita ang mga tupa.
|
|
\v 12 Inalis nila ang mga handog na susunugin upang ibigay ito sa mga pangkat ng mga sambahayan ng mga tao, upang ihandog ang mga ito kay Yahweh, gaya ng nasusulat sa Aklat ni Moises. Ganoon din ang ginawa nila sa mga toro.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Inihaw nila sa apoy ang mga tupang pampaskwa gaya ng sinasabi ng tagubilin. Para naman sa mga handog na nakalaan, pinakuluan nila ito sa mga palayok, kaldero at mga kawali, at mabilis nila itong dinala sa mga tao.
|
|
\v 14 Hindi nagtagal ay inihanda nila ang mga handog para sa kanilang mga sarili at para sa mga pari, dahil ang mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron ay abala sa paghahandog ng mga handog na susunugin at ang taba hanggang sa gumabi, kaya inihanda ng mga Levita ang mga handog para sa kanilang sarili at para sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ang mga mang-aawit, ang mga kaapu-apuhan ni Asaf ay nasa kanilang mga pwesto, gaya ng iniutos ni David, sina Asaf, Heman at Jeduthun, ang mga propeta ng hari. Nasa bawat tarangkahan ang mga bantay, hindi nila kinakailangang umalis sa kanilang mga pwesto dahil ang kanilang mga kapatid na mga Levita ang naghanda ng mga handog para sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kaya, sa panahon iyon, ang kabuuan ng paglilingkod kay Yahweh ay ginawa para sa pagdiriwang ng Paskwa at para maghandog ng handog na susunugin sa altar ni Yahweh, gaya ng iniutos ni Haring Josias.
|
|
\v 17 Ipinagdiwang ng mga Israelitang naroon ang Paskwa sa panahong iyon at pagkatapos ay ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura sa loob ng pitong araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Hindi pa nagkaroon ng ganitong pagdiriwang ng Paskwa mula sa panahon ng propetang si Samuel, at hindi ipinagdiwang ng kahit sino sa mga naging hari ng Israel ang Paskwa na gaya ng ginawa ni Josias, kasama ang mga pari, ang mga Levita, at lahat ng mga tao ng Juda at Israel na naroon at ang mga mamamayan ng Jerusalem.
|
|
\v 19 Ipinagdiwang ang Paskwang ito sa ikalabing-walong taon ng paghahari ni Josias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos ng lahat ng ito, pagkatapos isaayos ni Josias ang templo, si Neco na hari ng Ehipto ay pumunta upang makipaglaban sa Carquemis sa ilog ng Eufrates at pumunta si Josias upang labanan siya.
|
|
\v 21 Ngunit nagpadala ng mga sugo si Neco sa kaniya at sinabing, "Ano ang gagawin ko sa iyo, hari ng Juda? Hindi ako naparito upang labanan ka sa araw na ito kundi laban sa sambahayan na aking kinakalaban. Inutusan ako ng Diyos na magmadali, kaya huwag mong hadlangan ang Diyos, na siyang kasama ko, kung hindi ay wawasakin ka niya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Gayun pa man, ayaw tumalikod ni Josias sa kaniya. Nagbalatkayo siya upang makipaglaban sa kaniya. Hindi siya nakinig sa mga salita ni Neco na nagmula sa bibig ng Diyos, kaya pumunta siya upang makipaglaban sa lambak ng Megido.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Napana ng mga mamamana si Haring Josias, at sinabi ng hari sa kaniyang mga lingkod, "Ilayo ninyo ako, dahil malubha akong nasugatan."
|
|
\v 24 Kaya inilabas siya ng kaniyang mga lingkod sa karwahe at isinakay sa ibang karwahe. Siya ay dinala sa Jerusalem, kung saan siya namatay. Inilibing siya sa libingan ng kaniyang mga ninuno. Ang lahat ng Juda at Jerusalem ay nagluksa para kay Josias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nagdalamhati si Jeremias para kay Josias. Nagdadalamhati ang lahat ng mga lalaki at mga babaeng mang-aawit kay Josias hanggang sa araw na ito. Naging kaugalian sa Israel ang mga awit na ito kaya isinulat ang mga ito sa mga awiting pangluksa.
|
|
\v 26 Para sa mga iba pang usapin tungkol kay Josias at ang kaniyang mga mabubuting gawa bilang pagsunod sa nasusulat sa kautusan ni Yahweh—
|
|
\v 27 at ang kaniyang mga gawain, mula sa umpisa hanggang sa huli ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 36
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos ay pinili ng mga tao ng lupain si Jehoahaz na anak ni Josias at ginawa siyang hari bilang kapalit ng kaniyang ama sa Jerusalem.
|
|
\v 2 Si Jehoahaz ay dalawampu't tatlong taong gulang nang magsimula siyang maghari, at naghari siya ng tatlong buwan sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Tinanggal siya ng hari ng Ehipto sa Jerusalem at pinagmulta ang lupain ng isang daang talentong pilak at isang daang talentong ginto.
|
|
\v 4 Ginawa ng hari ng Ehipto si Eliakim, na kaniyang kapatid bilang hari ng Juda at Jerusalem at binago ang kaniyang pangalan sa Jehoiakim. Pagkatapos, dinala niya ang kapatid ni Eliakim na si Jehoahaz at dinala siya sa Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Dalawampu't limang taong gulang si Jehoiakim nang magsimula siyang maghari, at labing-isang taon siyang naghari sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano ang masamang sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos.
|
|
\v 6 At nilusob siya ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia at iginapos siya ng kadena upang dalhin sa Babilonia.
|
|
\v 7 Dinala rin ni Nebucadnezar ang ilan sa mga bagay sa tahanan ni Yahweh sa Babilonia at inilagay ang mga iyon sa kaniyang palasyo sa Babilonia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Para naman sa mga ibang usapin tungkol kay Jehoiakim, ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa niya at ang mga nalaman laban sa kaniya ay nasusulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Pagkatapos, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang pumalit sa kaniya bilang hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Walong taong gulang si Jehoiakin nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng tatlong buwan at sampung araw sa Jerusalem. Ginawa niya kung ano masama sa paningin ni Yahweh.
|
|
\v 10 Noong tagsibol, nagpadala si Haring Nebucadnezar ng mga kalalakihan at dinala siya sa Babilonia, kasama ng mga mahahalagang bagay mula sa tahanan ni Yahweh at ginawa niyang hari ng Juda at Jerusalem ang kaniyang kamag-anak na si Zedekias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Dalawampu't-isang taong gulang si Zedekias nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem.
|
|
\v 12 Ginawa niya kung ano ang masama sa paningin ni Yahweh na kaniyang Diyos. Hindi siya nagpakumbaba sa harapan ng propetang si Jeremias, na nagsasalita mula sa bibig ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Naghimagsik din si Zedekias laban kay Haring Nebucadnezar, na siyang nagpasumpa sa kaniya ng katapatan sa pamamagitan ng Diyos. Ngunit pinatigas ni Zedekias ang kaniyang ulo at pinatigas ang kaniyang puso sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
|
|
\v 14 Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at ng mga tao ay nagkasala ng labis, sinusunod ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ng ibang lahi. Nilapastangan nila ang tahanan ni Yahweh na inilaan niya para sa kaniyang sarili sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno ay nagpadala ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng kaniyang mga mensahero nang paulit-ulit, dahil mayroon siyang habag sa kaniyang mga tao at sa lugar kung saan siya naninirahan.
|
|
\v 16 Ngunit kinutya nila ang mga mensahero ng Diyos, kinamuhian ang kaniyang mga salita, at hinamak ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang galit ni Yahweh ay nagsimula laban sa kaniyang mga tao hanggang sa ito ay hindi na maiiwasan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Kaya dinala ng Diyos sa kanila ang hari ng mga Caldeo, na siyang pumatay sa kanilang mga kabataan sa pamamagitan ng mga tabak sa santuwaryo at walang habag sa mga kabataang lalaki o mga birhen, mga matatandang lalaki o ang mga puti na ang buhok. Ibinigay silang lahat ng Diyos sa kaniyang kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Lahat ng kagamitan ng tahanan ng Diyos, malaki at maliit, ang mga kayamanan sa tahanan ni Yahweh at ang mga kayamanan ng hari at kaniyang mga opisyal—ang lahat ng mga ito ay dinala niya sa Babilonia.
|
|
\v 19 Sinunog nila ang tahanan ng Diyos, giniba nila ang pader ng Jerusalem, sinunog ang lahat ng mga palasyo nito, at winasak ang mga magagandang bagay sa loob nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Dinala ng hari sa Babilonia ang mga nakaligtas sa tabak. Sila ay naging lingkod niya at ng kaniyang mga anak hanggang sa nangyari ang pamumuno ng kaharian ng Persia.
|
|
\v 21 Nangyari ito upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, hanggang sa masiyahan ang lupain sa kaniyang Araw ng Pamamahinga. Sapagkat habang ang lupain ay pinabayaan ipinagdiwang nito ang Araw ng Pamamahinga sa loob ng pitumpung taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ngayon sa unang taon ni Ciro, ang hari ng Persia, upang maganap ang salita ni Yahweh sa pamamagitan ng bibig ni Jeremias, inudyukan ni Yahweh ang espiritu ni Ciro, ang hari ng Persia, kaya gumawa siya ng pahayag sa lahat ng kaniyang kaharian at isinulat din ang mga ito. Sinabi niya,
|
|
\v 23 "Ito ang sinabi ni Ciro, ang hari ng Persia: Ibinigay sa akin ni Yahweh na Diyos ng langit ang lahat ng kaharian sa mundo. Inutusan niya ako na magtayo ng isang tahanan para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Kung sino man sa inyo ang kabilang sa kaniyang mga tao, nawa si Yahweh na inyong Diyos ay sumainyo. Pinahihintulutan kitang pumunta sa lupain."
|