forked from WA-Catalog/tl_ulb
2242 lines
203 KiB
Plaintext
2242 lines
203 KiB
Plaintext
\id EXO
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Exodo
|
|
\toc1 Exodo
|
|
\toc2 Exodo
|
|
\toc3 exo
|
|
\mt Exodo
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Israel na sumama kay Jacob sa Ehipto, bawat isa sa kanilang sambahayan ay:
|
|
\v 2 Ruben, Simeon, Levi at Juda.
|
|
\v 3 Isacar, Zebulun, at Benjamin,
|
|
\v 4 Dan, Neftali, Gad at Asher.
|
|
\v 5 Lahat ng ipinanganak mula kay Jacob ay pitumpu ang bilang. Si Jose ay nasa Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pagkatapos si Jose, lahat ng kaniyang mga lalaking kapatid, at lahat ng salinlahing iyon ay namatay.
|
|
\v 7 Ang mga Israelita ay naging mabunga, lubhang dumami ang bilang at naging napakalakas; ang lupain ay napuno nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos isang bagong hari ang namahala sa Ehipto, na walang pakialam sa alaala ni Jose.
|
|
\v 9 Sinabi niya sa kaniyang bayan "Tingnan ninyo ang mga Israelita; mas marami pa sila at malalakas pa kaysa sa atin.
|
|
\v 10 Tara na, makipag-ugnayan tayo nang may karunungan sa kanila. Kundi patuloy silang dadami, at kung magkaroon ng digmaan, sasama sila sa ating mga kaaway, makikipaglaban sa atin at aalis sa lupain."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Kaya naglagay sila ng mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila para apihin sila ng mabibigat na trabaho. Nagtayo ang mga Israelita ng lungsod imbakan para kay Paraon: Pitom at Rameses.
|
|
\v 12 Habang inaapi sila ng mga taga-Ehipto, mas dumarami ang bilang ng mga Israelita at kumakalat. Kaya sinimulan ng mga taga-Ehipto para mangamba ang mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pinagtatrabaho ng mabagsik ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
|
|
\v 14 Ginawa nilang masaklap ang kanilang buhay na may kasamang mabibigat na paglilingkod sa tisa at laryo, at sa lahat ng uri ng gawain sa mga bukid. Lahat na kailangan nilang gawain ay mahirap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos ang hari ng Ehipto ay nakipag-usap sa Hebreong mga komadrona; ang pangalan ng isa ay si Sifra, at ang isa ay si Pua.
|
|
\v 16 Sinabi niya, "Kung tutulong kayo sa mga Hebreong babae sa paanakan, pagmasdan ninyo kapag sila ay manganganak. Kapag ang sanggol ay lalaki, patayin ninyo; pero kung ito ay babae, siya ay mabubuhay."
|
|
\v 17 Pero ang mga hilot ay natakot sa Diyos at hindi nila ginawa ang iniutos ng hari ng Ehipto; sa halip, pinabayaan nilang mabuhay ang mga lalaking sanggol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Pinatawag ng hari ng Ehipto ang mga komadrona at sinabi sa kanila, "Bakit pinabayaan ninyo na mabuhay ang mga lalaking sanggol?"
|
|
\v 19 Sumagot ang mga hilot kay Paraon, "Ang mga babaeng Hebreo ay hindi tulad ng mga babaeng taga-Ehipto; sila ay masigla at tapos nang manganak bago dumating ang komadrona."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pinangalagaan ng Diyos ang mga komadrona. Ang mga tao ay dumarami ang bilang at naging napakalakas.
|
|
\v 21 Dahil may takot ang mga komadrona sa Diyos, binigyan sila ng kanilang sariling pamilya.
|
|
\v 22 Inutusan ni Paraon ang lahat ng kaniyang mga tao, "Kailangan ninyong itapon sa ilog bawat lalaki na ipinanganak, pero pabayaan ninyong mabuhay ang bawat babae."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon isang lalaki sa lipi ng mga Levi ang nakapag-asawa ng isang babaeng Levi.
|
|
\v 2 Nabuntis ang babae at nagsilang ng isang anak na lalaki. Nang makita niya na malusog ang bata, itinago niya ito ng tatlong buwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pero nang hindi na siya maitago nila, kumuha siya ng isang basket na papirus at sinelyohan ito ng aspalto at alkitran. Pagkatapos nilagay niya dito ang bata at inilagay ito sa mga tambo sa tubig sa tabi ng ilog.
|
|
\v 4 Ang kaniyang kapatid na babae ay nakatayo sa may hindi kalayuan para tingnan kung anong mangyayari sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ang anak na babae ni Paraon ay nagpunta sa ilog para maligo doon habang naglalakad ang kaniyang mga katulong sa tabing ilog. Nakita niya ang basket kasama ng mga tambo at pinapuntahan niya sa kaniyang katulong para kunin ito.
|
|
\v 6 Nang buksan niya ito, nakita niya ang bata. Masdan ito, ang bata ay umiiyak. Siya ay nahabag sa kaniya at sinabing, "Ito ay tiyak na isa sa mga sanggol ng mga Hebreo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pagkatapos sinabi ng kapatid na babae ng bata sa anak na babae ni Paraon, "Maaari ba akong pumunta at kumuha ng isang babaeng Hebreo para alagaan ang sanggol para sa iyo?"
|
|
\v 8 Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa kaniya, "Pumunta ka". Kaya nagpunta ang batang babae at kinuha ang ina ng sanggol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa ina ng bata, "Kunin mo ang sanggol na ito at alagaan mo siya para sa akin, at bibigyan kita ng mga kabayaran." Kaya kinuha ng babae ang sanggol at inalagaan siya.
|
|
\v 10 Nang lumaki na ang sanggol, siya ay dinala niya sa anak na babae ni Paraon, at siya ay naging lalaking anak niya. Pinangalanan niya siyang Moises at sinabing, "Dahil inahon kita mula sa tubig"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nang lumaki na si Moises, pumunta siya sa kaniyang bayan at inobserbahan ang kanilang mahirap na gawain. Nakita niya ang isang taga-Ehipto na sinasaktan ang isang Hebreo, isa sa kaniyang sariling bayan.
|
|
\v 12 Lumingon siya sa magkabilang banda, at nang makita niya na walang tao doon, pinatay niya ang taga-Ehipto at tinago ang kaniyang katawan sa buhangin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Lumabas siya nang sumunod na araw, at, nakita ang dalawang Hebreo na nag-aaway. Sinabi niya sa isang may sala, "Bakit mo sinasaktan ang iyong kasamahan?"
|
|
\v 14 Pero sinabi ng lalaki "Sino ang gumawa sa iyong pinuno at hatulan kami? Pinaplano mo ba akong patayin gaya ng iyong pagpatay sa taga-Ehipto?" Pagkatapos natakot si Moises at sinabing, "Anuman ang ginawa ko ay tiyak na nalaman ng iba."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ngayon nang marinig ni Paraon ang tungkol dito, sinubukan niyang patayin si Moises. Pero tumakas si Moises mula kay Paraon at nanatili sa lupain ng Midian. Umupo siya doon sa tabi ng isang balon.
|
|
\v 16 Ngayon ang pari ng Midian ay mayroong pitong anak na babae. Dumating sila, umigib ng tubig, at pinuno ang mga labangan para painumin ang kawan ng kanilang ama.
|
|
\v 17 Dumating ang mga pastol at sinubukang palayasin sila, pero lumapit si Moises at tinulungan sila. Pagkatapos pinainom niya ang kanilang mga kawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Nang pumunta ang mga babae kay Reuel na kanilang ama, sinabi niya, "Bakit maaga kayong nakauwi ngayong araw?"
|
|
\v 19 Sinabi nila, "Tinulungan kami ng isang taga-Ehipto mula sa mga pastol. Ipinag-igib pa nga niya kami ng tubig at pinainom ang mga kawan."
|
|
\v 20 Sinabi niya sa kaniyang mga anak na babae, "Kaya nasaan siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya para makasabay natin siyang kumain."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Sumang-ayon si Moises na manatili siya kasama ang lalaki, na binigay rin ang kaniyang anak na babae na si Zipora para mapangasawa.
|
|
\v 22 Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, at pinangalanan siya ni Moises na Gersom; sinabi niya, "Ako ay naging isang mamamayan sa isang dayuhang lupain."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Lumipas ang isang mahabang panahon, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang mga Israelita ay dumaing dahil sa kanilang pagkaalipin. Sila ay humingi ng tulong, at ang kanilang daing ay nakarating sa Diyos dahil sa kanilang pagkaalipin.
|
|
\v 24 Nang marinig ng Diyos ang kanilang mga daing, inalala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
|
|
\v 25 Nakita ng Diyos ang mga Israelita, at naunawaan niya ang kanilang kalagayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon si Moises ay nagpapastol pa rin ng kawan ng biyenan niyang si Jetro, ang pari ng Midian. Pinangunahan ni Moises ang kawan sa malayong dako ng ilang at dumating sa Horeb, ang bundok ng Diyos.
|
|
\v 2 Doon ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya sa isang nagliliyab na apoy sa mababang puno. Tumingin si Moises at nakita na nagliliyab ang puno pero ito ay hindi nasusunog.
|
|
\v 3 Sinabi ni Moises, "Lilingon ako at titingnan ang kahanga-hangang bagay na ito, bakit ang puno ay hindi nasusunog."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nang makita ni Yahweh na lumingon si Moises para tingnan, tumawag ang Diyos sa kaniya mula sa mababang puno at sinabi, "Moises, Moises." Sinabi ni Moises, "Narito po ako."
|
|
\v 5 Sinabi ng Diyos, "Huwag kang lumapit! Hubarin mo ang sapatos sa iyong mga paa, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay lupang inilaan sa akin."
|
|
\v 6 Dagdag pa niya, "Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob." Pagkatapos tinakpan ni Moises ang kaniyang mukha, dahil takot siyang tumingin sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sinabi ni Yahweh, "Tunay na nakita ko ang pagdurusa ng aking bayan na nasa Ehipto. Narinig ko ang kanilang pagsigaw dahil sa kanilang mahihigpit na tagapangasiwa, dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagdurusa.
|
|
\v 8 Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ngayon ang mga pagsigaw ng bayan ng Israel ay nakarating sa akin. Bukod dito, nakita ko ang pagmamalupit na dulot ng mga taga-Ehipto.
|
|
\v 10 Kaya ngayon, ipapadala kita kay Paraon para dalhin mo ang aking bayan, ang mga Israelita, palabas mula sa Ehipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pero sinabi ni Moises sa Diyos, "Sino ba ako, na dapat akong magpunta kay Paraon at dalhin ang mga Israelita mula sa Ehipto?"
|
|
\v 12 Sumagot ang Diyos, "Ako ay tiyak na makakasama mo. Ito ang magiging palatandaan na pinadala kita. Kapag nailabas mo ang bayan mula sa Ehipto, sasambahin ninyo ako sa bundok na ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Sinabi ni Moises sa Diyos, "Pagpunta ko sa mga Israelita at sabihin sa kanilang, 'Ang Diyos ng inyong mga ninuno ay pinadala ako sa inyo,' at kung sabihin nila sa akin, 'Ano ang pangalan niya?' ano ang dapat kong sabihin sa kanila?"
|
|
\v 14 Sinabi ng Diyos kay Moises, "AKO AY SI AKO." Sabi ng Diyos, "Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'SI AKO ang nagpadala sa akin sa inyo.'"
|
|
\v 15 Sinabi rin ng Diyos kay Moises, "Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Lumakad ka at sama-samang tipunin ang mga nakatatanda ng Israel. Sabihin sa kanila, 'si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob, ay nagpakita sa akin at nagsabi, "Tunay ngang napagmasdan ko kayo at nakita ang ginawa sa inyo sa Ehipto.
|
|
\v 17 Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
|
|
\v 18 Makikinig sila sa iyo. Ikaw at ang mga nakatatanda ng Israel ay dapat pumunta sa hari ng Ehipto, at dapat mong sabihin sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay kinatagpo kami. Kaya ngayon hayaan mo kaming maglakbay ng tatlong araw sa ilang, para makapaghandog kami kay Yahweh, na aming Diyos.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pero nalalaman ko na ang hari ng Ehipto ay hindi kayo papayagang umalis, maliban na ang kamay niya ay pilitin.
|
|
\v 20 Iaabot ko ang kamay ko at sasalakayin ang mga taga-Ehipto ng mga himalang gagawin ko sa gitna nila. Pagkatapos niyon, papayagan niya kayong umalis.
|
|
\v 21 Bibigyan ko ang mga taong ito ng pabor mula sa mga taga-Ehipto, kaya sa pag-alis ninyo, hindi kayo aalis na walang dala.
|
|
\v 22 Bawat babae ay hihingi ng pilak at gintong alahas at mga damit mula sa kapitbahay na taga-Ehipto at sinumang babaeng nanatili sa bahay ng mga kapitbahay niya. Ilalagay ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak na lalaki at babae. Sa paraang ito ay lolooban ninyo ang mga taga-Ehipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Sumagot si Moises, "Pero paano kung hindi sila maniwala o makinig sa akin pero sa halip na sabihin, 'Si Yahweh ay hindi nagpakita sa iyo'?"
|
|
\v 2 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Ano iyang nasa kamay mo?" Sinabi ni Moises, "Isang tungkod."
|
|
\v 3 Sinabi ni Yahweh, "Ihagis mo ito sa lupa." Inihagis ito ni Moises sa lupa, at ito ay naging isang ahas. Tumakbo si Moises palayo dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Damputin mo at hawakan ito sa buntot." Kaya dinampot niya at hinawakan ang ahas. Naging tungkod ito muli sa kaniyang kamay.
|
|
\v 5 "Ito ay para maniwala sila na si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob, ang nagpakita sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sinabi rin ni Yahweh sa kaniya, "Ngayon ilagay mo ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal." Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal. Nang ilabas niya ito, namasdan, na ang kaniyang kamay ay naging ketong, kasing puti ng niyebe.
|
|
\v 7 Sinabi ni Yahweh, "Ilagay mo ulit ang iyong kamay sa loob ng iyong balabal." Kaya inilagay ni Moises ang kaniyang kamay sa loob ng kaniyang balabal, at ng inilabas niya ito, nakita niya na naging malusog ito muli, tulad ng kaniyang ibang laman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sinabi ni Yahweh, "Kung hindi sila maniniwala sa iyo—kung hindi nila bibigyang pansin ang unang palatandaan ng aking kapangyarihan o maniniwala dito, pagkatapos paniniwalaan nila ang ikalawang palatandaan.
|
|
\v 9 At kung hindi sila maniniwala kahit sa dalawang palatandaan ng aking kapangyarihan, o makikinig sa iyo, pagkatapos kumuha ka ng kaunting tubig mula sa ilog at ibuhos ito sa tuyong lupa. Ang tubig na iyong kinuha ay magiging dugo sa tuyong lupa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, "Panginoon, hindi ako naging magaling manalita, kahit pa noong nakaraan o ni mula ng nakipag-usap ka sa iyong lingkod. Mahina ako sa pananalita at mahina ang dila."
|
|
\v 11 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Sino ba itong gumawa ng bibig ng tao? Sino bang gumawa sa taong pipi o bingi, nakakakita o bulag? Hindi ba ako, si Yahweh?
|
|
\v 12 Kaya ngayon lumakad ka at kasama mo ako sa iyong pananalita at tuturuan kita kung ano ang sasabihin."
|
|
\v 13 Pero sinabi ni Moises, "Panginoon, pakiusap magpadala ka nalang ng iba, sinuman ang gusto mong ipadala."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pagkatapos nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, "Ano kaya kung si Aaron, ang iyong kapatid na Levita? Alam ko na nakakapagsalita siya ng maayos. Bukod dito, paparating siya para makipagkita sa iyo, at kapag nakita ka niya, magsasaya ang kaniyang puso.
|
|
\v 15 Makikipag-usap ka sa kaniya at ilalagay mo sa kaniyang bibig ang mga salita na dapat sabihin. Ako ay mapapasa iyong bibig at sa kaniyang bibig, at ipapakita ko sa inyo kung ano ang gagawin.
|
|
\v 16 Magsasalita siya sa mga tao para sa iyo. Siya ang magiging tagapagsalita mo, at ikaw sa kaniya ay magiging tulad ko, parang Diyos.
|
|
\v 17 Dadalhin mo ang tungkod na ito sa iyong kamay. Sa pamamagitan nito gagawin mo ang mga palatandaan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kaya bumalik si Moises kay Jetro ang kaniyang biyenang lalaki, at sinabi sa kaniya, "Payagan mo akong umalis para makabalik sa aking mga kamag-anak na nasa Ehipto at makita ko kung buhay pa ba sila." Sinabi ni Jetro kay Moises, "Lumakad ka nang may kapayapaan."
|
|
\v 19 Sinabi ni Yahweh kay Moises sa Midian, "Lumakad ka, bumalik ka sa Ehipto, dahil lahat ng mga taong nagnanais kunin ang iyong buhay ay patay na."
|
|
\v 20 Dinala ni Moises ang kaniyang asawa at mga anak na lalaki at isinakay niya sila sa asno. Bumalik siya sa lupain ng Ehipto, at dinala niya ang tungkod ng Diyos na nasa kaniyang kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kung babalik ka sa Ehipto, siguraduhin mong gawin sa harapan ni Paraon ang lahat ng mga kababalaghan na inilagay ko sa iyong kapangyarihan. Pero patitigasin ko ang kaniyang puso, at hindi niya paaalisin ang mga tao.
|
|
\v 22 Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay,
|
|
\v 23 At sasabihin ko sa iyo, "Payagan mo ang aking anak na umalis, kaya siya ay sasamba sa akin." Pero dahil ikaw ay tumangging paalisin siya, tiyak na papatayin ko ang iyong anak, ang iyong panganay."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ngayon habang nasa daan, nang huminto sila para sa gabi, si Yahweh ay nakipagkita kay Moises at sinubukang patayin siya.
|
|
\v 25 Pagkatapos kumuha si Zepora ng batong matulis at pinutol niya ang unahang balat ng kaniyang anak na lalaki, at inilapat ito sa paa ni Moises. Pagkatapos sinabi niya, "Sigurado ako na ikaw ang lalaking ikakasal sa akin sa pamamagitan ng dugo."
|
|
\v 26 Kaya hinayaan siya ni Yahweh na mag-isa. Sinabi niya, "Ikaw ang lalaking ikakasal sa dugo" dahil sa pagtutuli.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Sinabi ni Yahweh kay Aaron, "Pumunta ka doon sa ilang para makipagkita kay Moises." Pumunta si Aaron, at nakipagkita sa kaniya sa bundok ng Diyos, at hinalikan siya.
|
|
\v 28 Sinabi ni Moises kay Aaron ang lahat ng mga salita ni Yahweh na ipinadala niya para sabihin at tungkol sa lahat ng mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh na iniutos niya na kaniyang gagawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Pagkatapos pumunta at tinipon nina Moises at Aaron ang lahat ng mga nakatatanda ng mga Israelita.
|
|
\v 30 Sinabi ni Aaron ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh kay Moises. Ipinakita niya rin ang mga palatandaan ng kapangyarihan ni Yahweh sa paningin ng mga tao.
|
|
\v 31 Naniwala ang mga tao. Nang marinig nila na si Yahweh ay nag-oobserba sa mga Israelita at nakita niya ang kanilang pagkaalipin, pagkatapos iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sinamba siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, "Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang."
|
|
\v 2 Sinabi ni Paraon, "Sino si Yahweh? Bakit ako makikinig sa kaniyang tinig at hahayaang umalis ang Israel? Hindi ko kilala si Yahweh; bukod dito, hindi ko papayagang umalis ang Israel."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sinabi nila. "Ang Diyos ng mga Hebreo ay nakipagkita sa amin. Payagan mo kaming umalis at maglakbay ng tatlong araw doon sa ilang at mag-alay kay Yahweh na aming Diyos para hindi niya kami salakayin ng salot o may espada."
|
|
\v 4 Pero sinabi ng hari ng Ehipto sa kanila, "Moises at Aaron, bakit ninyo pinapaalis ang mga tao sa kanilang gawain? Bumalik kayo sa inyong gawain."
|
|
\v 5 Sinabi rin niya, "Marami ng mga taong Hebreo ngayon sa aming lupain, at papatigilin mo sila sa kanilang gawain."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sa araw ding iyon, nagbigay ng utos si Paraon sa mga katiwala at mga mahihigpit na tagapangasiwa. Sinabi niya,
|
|
\v 7 "Hindi tulad noon, hindi na ninyo kailanman bibigyan ang mga tao ng dayami para gawing mga laryo. Pabayaan ninyong magtipon ng para sa kanilang sarili.
|
|
\v 8 Gayun pa man, dapat pa rin ninyong hihingiin sa kanila ang parehong bilang ng mga laryo na ginawa nila noon. Huwag ninyong tanggapin ang anumang kakaunti, dahil sila ay tamad. Kaya nga sila ay tumatawag at sinasabing, 'Payagan ninyo kaming umalis at mag-alay sa aming Diyos.'
|
|
\v 9 Dagdagan pa ang mga gawain ng mga kalalakihan para magpatuloy sila rito at hindi na papansinin ang mapanlinlang na mga salita."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya ang mga mahihigpit na tagapangasiwa at katiwala ay lumabas at pinaalam sa mga tao. Sinabi nila, ''Ito ang sinasabi ni Paraon: 'Hindi na ako kailanman magbibigay ng kahit anong dayami sa inyo.
|
|
\v 11 Kayo na sa inyong sarili ang umalis at kumuha ng dayami kahit saan ninyo ito mahahanap, pero ang inyong gawain ay hindi mababawasan."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Kaya ang bayan ay nagsikalat sa buong lupain ng Ehipto para maka-ipon ng mga pinagputulan para sa dayami.
|
|
\v 13 Palagi silang hinihimok ng mahihigpit na tagapangasiwa at sinasabing, "Tapusin ninyo ang inyong trabaho, sa panahon na maibigay ang dayami sa inyo."'
|
|
\v 14 Binubugbog ng mga mahihigpit na tagapangasiwa ni Paraon ang mga katiwala na Israelita, iyon ding taong nilalagay nila bilang pinuno sa mga manggagawa. Palaging tinatanong ng mga mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila, "Bakit hindi ninyo naibibigay ang lahat ng hinihinging laryo sa inyo, maski kahapon at ngayon, na dati ninyong ginagawa?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kaya pumunta ang mga Israelitang katiwala kay Paraon at tumawag sa kaniya. Sinabi nila, "Bakit sa ganitong paraan ang pakikitungo mo sa iyong mga lingkod?
|
|
\v 16 Wala nang dayaming binibigay sa iyong mga lingkod, pero sinasabi pa rin nila sa amin, 'Gumawa kayo ng mga laryo!' Kami, ang iyong mga lingkod, ay binubugbog maski ngayon, pero kagagawan ito ng sarili mong bayan."
|
|
\v 17 Pero sinabi ni Paraon, "Kayo ay mga tamad! Kayo ay mga tamad! Sabi niyo, 'Payagan mo kaming umalis para makapag-alay kay Yahweh.'
|
|
\v 18 Kaya ngayon bumalik na kayo sa trabaho. Wala nang dayami ang ibibigay sa inyo, pero gagawa pa rin kayo ng parehong bilang ng mga laryo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nakita ng mga Israelitang katiwala na sila ay nasa panganib nang sinabihan silang, "Hindi ninyo babawasan ang araw-araw na bilang ng mga laryo."
|
|
\v 20 Nakipagkita sila kina Moises at Aaron na nakatayo sa labas ng palasyo, papalayo kay Paraon.
|
|
\v 21 Sinabi nila kina Moises at Aaron, "Nawa tingnan kayo ni Yahweh at paparusahan kayo, dahil ginawa ninyo kaming maging hindi kanais-nais sa paningin ni Paraon at sa kaniyang mga lingkod. Inilagay ninyo ang espada sa kanilang kamay para patayin kami."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabi, "Panginoon, bakit mo idinulot ang panganib sa mga taong ito? Bakit mo pala ako ipinadala?
|
|
\v 23 Sa simula pa lang na pumunta ako kay Paraon para magsalita sa kaniya sa iyong pangalan, idinulot niya ang panganib para sa mga taong ito, at hindi mo pinalaya ang iyong bayan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ngayon makikita mo kung ano ang gagawin ko kay Paraon. Makikita mo ito, dahil hahayaan niya na sila ay umalis dahil sa aking malakas na kamay. Dahil sa kamay kong makapangyarihan, sila ay kaniyang palalayasin sa kaniyang lupain."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Kinausap ng Diyos si Moises at sinabi sa kaniya, "Ako si Yahweh.
|
|
\v 3 Nagpakita ako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan; pero sa pamamagitan ng aking pangalang Yahweh, ay hindi ako nahayag sa kanila.
|
|
\v 4 Itinatag ko rin sa kanila ang aking tipan, para ibigay sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain na kung saan sila ay nanirahan bilang hindi mamamayan, ang lupain kung saan sila ay lumibot.
|
|
\v 5 Dagdag pa doon, narinig ko ang mga daing ng mga Israelita na siyang inalipin ng mga taga-Ehipto, at inalala ko ang aking tipan sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol.
|
|
\v 7 Dadalhin ko kayo sa aking sarili bilang aking bayan, at ako ay inyong magiging Diyos. Malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Dadalhin ko kayo sa lupain na aking sinumpaan para ibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Ibibigay ko ito sa inyo bilang isang pag-aari. Ako si Yahweh.'"
|
|
\v 9 Nang sinabi ito ni Moises sa mga Israelita, ayaw nilang makinig sa kaniya dahil sa pagkasira ng kanilang loob dahil sa lupit ng kanilang pagkaalipin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kaya nakipag-usap si Yahweh kay Moises at sinabing,
|
|
\v 11 "Pumunta ka at sabihan si Paraon, ang hari ng Ehipto, na hayaang umalis ang bayan ng Israel mula sa kaniyang lupain."
|
|
\v 12 Sinabi ni Moises kay Yahweh, "Kung ang mga Israelita ay hindi nakinig sa akin, bakit makikinig si Paraon sa akin, gayong hindi ako magaling sa pagsasalita?"
|
|
\v 13 Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron. Nagbigay siya ng kautusan para sa mga Israelita at para kay Paraon, ang hari ng Ehipto, na dalahin ang mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ito ay ang mga pinuno sa mga bahay ng kanilang mga ama. Mga anak na lalaki ni Ruben, ang panganay ni Israel, sina Hanoch, si Phallu, si Hezron, at si Carmi. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Ruben.
|
|
\v 15 Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, si Jamin, si Ohad, si Jachin, si Zohar, at si Shaul—ang anak na lalaki sa isang babaeng Cananeo. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Simeon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Narito ang naitalang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan. Sila ay sina Gerson, Kohath, at Merari. Nabuhay si Levi hanggang siya ay 137 taong gulang.
|
|
\v 17 Ang mga anak na lalaki ni Gerson ay sina Libni at Shimi.
|
|
\v 18 Ang mga anak na lalaki ni Kohath ay sina Amram, Izhar, Hebron at Uzziel. Si Kohath ay nabuhay hanggang siya ay 133 taong gulang.
|
|
\v 19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ang mga ito ang naging mga ninunong angkan ng mga Levita, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Napangasawa ni Amram si Jochebed, ang kapatid na bababe ng kaniyang ama. Ipinanganak niya sina Aaron at Moises. Si Amram ay nabuhay ng 137 taon at pagkatapos ay namatay.
|
|
\v 21 Ang mga anak na lalaki ni Izhar ay sina Korah, Nepheg, at Zithri.
|
|
\v 22 Ang mga anak na lalaki ni Uzziel ay sina Misael, si Elzaphan, at si Zithri.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Napangasawa ni Aaron si Elisheba, anak na babae ni Aminadab, na kapatid na babae ni Naashon. Ipinanganak niya sina Nadab at Abiu, si Eleazar at Ithamar.
|
|
\v 24 Ang mga anak na lalaki ni Cora ay sina, Assir, Elcana, at Abiasaph. Ito ang mga ninunong angkan ng mga Corita.
|
|
\v 25 Si Eleazar, na anak na lalaki ni Aaron, ay napangasawa ang isa sa mga anak na babae ni Putiel. Ipinanganak niya si Finehas. Ito ang mga pinuno sa bahay ng mga ama sa gitna ng mga Levita, kabilang ng kanilang mga kaapu-apuhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Ang dalawang lalaking ito ay sina Aaron at Moises kung kanino sinabi ni Yahweh, "Dalhin palabas ang mga Israelita mula sa lupain ng Ehipto, sa pamamagitan ng kanilang mga pangkat ng mga lalaking mandirigma."
|
|
\v 27 Nakipag-usap si Aaron at si Moises kay Paraon, ang hari ng Ehipto, para pahintulutan silang mailabas ang mga Israelita mula sa Ehipto. Ang mga ito pa rin ay sina Moises at Aaron.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Nang nagsalita si Yahweh kay Moises sa lupain ng Ehipto,
|
|
\v 29 sinabi niya sa kaniya, "Ako si Yahweh. Sabihin mo kay Paraon, ang hari ng Ehipto, lahat ng sasabihin ko sa iyo."
|
|
\v 30 Pero sinabi ni Moises kay Yahweh, "Hindi ako magaling sa pagsasalita, kaya bakit makikinig si Paraon sa akin?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Tingnan mo, ginawa kitang parang isang diyos kay Paraon. Si Aaron na iyong kapatid ang magiging propeta mo.
|
|
\v 2 Sasabihin mo ang lahat ng inutos kong sabihin mo. Ang kapatid mong si Aaron ay makikipag-usap kay Paraon para payagan niya ang bayan ng Israel na umalis mula sa kaniyang lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto.
|
|
\v 4 Pero si Paraon ay hindi makikinig sa iyo, kaya ilalagay ko ang kamay ko sa Ehipto at ilalabas ang aking mga pangkat ng mandirigmang kalalakihan, aking bayan, ang mga kaapu-apuhan ni Israel, palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng dakilang mga gawa ng pagpaparusa.
|
|
\v 5 Malalaman ng mga taga-Ehipto na ako si Yahweh kapag iniabot ko ang aking kamay sa Ehipto at inilabas ang mga Israelita mula sa kanila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ginawa iyon nina Moises at Aaron; ginawa nila tulad ng inutos ni Yahweh sa kanila.
|
|
\v 7 Si Moises ay walumpung taong gulang, at si Aaaron ay walumpu't tatlong taong gulang nang nakipag-usap sila kay Paraon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron,
|
|
\v 9 "Kapag sinabi ni Paraon sa inyo, 'Gumawa kayo ng isang himala,' sa gayon sasabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at itapon sa harap ni Paraon, para ito ay maging isang ahas.'"
|
|
\v 10 Pagkatapos pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon, at ginawa nila ayon sa inutos ni Yahweh. Tinapon ni Aaron ang kaniyang tungkod sa harapan ni Paraon at kaniyang mga lingkod, at ito ay naging isang ahas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Pagkatapos tinawag din ni Paraon ang kaniyang mga matatalino at salamangkero. Gumawa sila ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka.
|
|
\v 12 Bawat isang lalaki ay itinapon ang kaniyang tungkod at ang mga tungkod ay naging mga ahas. Pero ang tungkod ni Aaron ay nilamon ng kanilang mga ahas.
|
|
\v 13 Ang puso ni Paraon ay tumigas, at hindi siya nakinig, tulad ng naunang pinahayag ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Matigas ang puso ni Paraon, at tumatanggi siyang payagang umalis ang ang mga tao.
|
|
\v 15 Pumunta ka kay Paraon sa umaga kapag lumabas siya papunta sa tubig. Tumayo ka sa pampang ng ilog para salabungin siya, at hawakan ang tungkod na naging ahas sa iyong kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sabihin mo sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay pinadala ako sa iyo para sabihin, "Payagan mong umalis ang aking bayan, para sambahin nila ako sa ilang. Hanggang ngayon ay hindi ka nakikinig."
|
|
\v 17 Sinasabi ito ni Yahweh: "Sa pamamagitan nito ay makikilala mong ako si Yahweh. Hahampasin ko ang tubig ng Ilog Nilo ng tungkod na nasa kamay ko, at ang tubig ay magiging dugo.
|
|
\v 18 Ang mga isda na nasa ilog ay mamamatay, at ang ilog ay mangangamoy. Ang mga taga-Ehipto ay hindi makakainom ng tubig mula sa ilog."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Ginawa nina Moises at Aaron ayon sa inutos ni Yahweh. Itinaas ni Aaron ang tungkod at hinampas ang tubig sa ilog, sa paningin nina Paraon at ng kaniyang mga lingkod. Lahat ng tubig sa ilog ay naging dugo.
|
|
\v 21 Ang mga isda sa ilog ay namatay, at ang ilog ay nagsimulang mangamoy. Hindi makainom ang mga taga-Ehipto ng tubig mula sa ilog, at ang dugo ay nasa lahat ng dako sa lupain ng Ehipto.
|
|
\v 22 Pero ang mga salamangkero ng Ehipto ay gumawa ng kaparehong bagay sa kanilang salamangka. Kaya ang puso ni Paraon ay tumigas, at tumanggi siyang makinig kay Moises at Aaron, tulad ng sinabi ni Yahweh na mangyayari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Pagkatapos tumalikod si Paraon at nagpunta sa kaniyang bahay. Hindi man lamang niya binigyang pansin ito.
|
|
\v 24 Lahat ng mga taga-Ehipto ay naghukay sa palibot ng ilog para sa tubig na maiinom, pero hindi nila mainom ang mismong tubig ng ilog.
|
|
\v 25 Pitong araw ang lumipas matapos salakayin ni Yahweh ang ilog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Puntahan mo si Paraon at sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni 'Yahweh: "Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin.
|
|
\v 2 Kung tatanggi ka na paalisin sila, pararanasin ko ang iyong buong bansa ng mga salot na palaka.
|
|
\v 3 Mapupuno ang ilog ng mga palaka. Aahon sila at papasok sa iyong bahay, sa iyong silid tulugan, at sa iyong higaan. Pupunta sila sa mga bahay ng iyong mga lingkod. Sila ay pupunta sa iyong bayan, sa iyong mga hurno, sa iyong mga masahang mangkok.
|
|
\v 4 Sasalakay ang mga palaka sa iyo, sa iyong mga tauhan, at sa lahat ng iyong mga lingkod.""'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong kamay at ang iyong tungkod sa ibabaw ng mga ilog, sa mga sapa at sa mga tubigan at dalhin mo ang mga palaka doon sa lupain ng Ehipto."'
|
|
\v 6 Inunat ni Aaron ang kaniyang kamay sa ibabaw ng mga tubig ng Ehipto, at nagsilabasan ang mga palaka at linukob ang lupain ng Ehipto.
|
|
\v 7 Pero ang mga salamangkero ay gumawa ng katulad din nito gamit ang kanilang mga salamangka: nagdala rin sila ng mga palaka sa lupain ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos tinawag ni Paraon sina Moises at Aaron at sinabi, "Manalangin kayo kay Yahweh para paalisin niya ang mga palaka mula sa akin at sa aking bayan. Pagkatapos hahayaan ko ang mga tao na umalis, para maghandog sa kaniya."
|
|
\v 9 Sinabi ni Moises kay Paraon, "Maaari kang magkaroon ng pribilehiyo na sabihan ako kung kailan ako magdasal para sa iyo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan, para ang mga palaka ay mawala mula sa iyo at sa iyong mga bahay at manatili lamang doon sa ilog."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sinabi ni Paraon, "Bukas." Sinabi ni Moises, "Mangyayari ayon sa sinabi mo, para malaman mo na walang ibang katulad ni Yahweh, ang aming Diyos.
|
|
\v 11 Aalis ang mga palaka mula sa iyo, sa iyong mga bahay, sa iyong mga lingkod, at sa iyong bayan. Mananatili lamang ang mga ito sa ilog."
|
|
\v 12 Umalis sina Moises at Aaron mula kay Paraon. Pagkatapos tumawag si Moises kay Yahweh tungkol sa mga palaka na dinala niya roon kay Paraon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ginawa ni Yahweh ang hiningi ni Moises: ang mga palaka ay namatay sa loob ng mga bahay, mga patyo, at sa mga parang.
|
|
\v 14 Tinipon ito ng mga tao sa tambakan at nangamoy ang lupain.
|
|
\v 15 Pero nang nakita ni Paraon na mayroon doong kaginhawahan, pinatigas niya ang kaniyang puso at hindi siya nakinig kina Moises at Aaron, tulad ng kung ano ang sinabi ni Yahweh na gagawin niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong tungkod at hampasin mo ang alikabok sa lupa, para ito ay maging niknik sa lahat ng lupain ng Ehipto."'
|
|
\v 17 Ginawa nila ito: Iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay at ang kaniyang tungkod. Hinampas niya ang alikabok sa lupa. Dumating ang mga niknik sa mga tao at sa mga hayop. Lahat ng mga alikabok sa lupa ay naging niknik sa buong lupain ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Ang mga salamangkero ay nagsubok gamit ang kanilang salamangka para makagawa ng niknik, pero hindi sila nakagawa. May mga niknik sa mga tao at mga hayop.
|
|
\v 19 Pagkatapos sinabi ng mga salamamgkero kay Paraon, "Ito ang daliri ng Diyos" Pero ang puso ni Paraon ay pinatigas, kaya tumanggi siyang makinig sa kanila. Tulad ito ng sinabi ni Yahweh na gagawin ni Paraon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Gumising ka ng maaga at tumayo sa harapan ni Paraon habang siya ay papunta ng ilog. Sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni Yahweh: "Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin.
|
|
\v 21 Pero kung hindi mo paaalisin ang aking bayan, magpapadala ako ng mga kuyog ng langaw sa iyo, sa iyong mga lingkod, at sa iyong mga tauhan, at sa iyong mga bahay. Ang mga bahay ng mga taga-Ehipto ay mapupuno ng mga kuyog ng langaw, at kahit sa lupa kung saan sila nakatayo ay mapupuno ng mga langaw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pero sa araw na iyon ituturing kong kakaiba ang lupain ng Gosen, ang lupain kung saan naninirahan ang aking bayan, para walang mga kuyog ng langaw ang paparoon. Ito ay mangyayari para iyong malaman na ako si Yahweh sa kalagitnaan ng lupaing ito.
|
|
\v 23 Gagawa ako ng pagkakakilanlan sa pagitan ng aking bayan at ng iyong bayan. Itong tanda ng aking kapangyarihan ay magaganap bukas.""
|
|
\v 24 Ginawa nga ito ni Yahweh, at ang makakapal na mga kuyog ng langaw ay dumating sa bahay ni Paraon at sa mga bahay ng kaniyang mga lingkod. Sa buong lupain ng Ehipto, ang lupain ay nasalanta dahil sa mga kuyog ng langaw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Tinawag ni Paraon sina Moises at Aaron at sinabi, "Lumakad kayo, mag-alay kayo sa inyong Diyos dito sa aming sariling lupa."
|
|
\v 26 Sinabi ni Moises, "Hindi tama sa amin na gawin iyan, dahil ang mga handog na aming ginagawa para kay Yahweh na aming Diyos ay karumal-dumal para sa mga taga Ehipto. Kapag gumawa kami ng pag-aalay na karumal-dumal sa paningin ng mga taga-Ehipto, hindi ba nila kami babatuhin?
|
|
\v 27 Hindi, ito ay tatlong araw na paglalakbay patungong ilang na aming gagawin, para makapag-alay kay Yahweh na aming Diyos, ayon sa kaniyang iniutos sa amin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Sinabi ni Paraon, "Papayag ako na umalis kayo at maghandog kay Yahweh na inyong Diyos doon sa ilang. Huwag lamang kayong pumunta sa napakalayo. At ipanalangin ninyo ako."
|
|
\v 29 Sinabi ni Moises, "Pagkaalis na pagkaalis ko mula sa iyo, mananalangin ako kay Yahweh na ang mga kuyog ng langaw ay aalis mula sa inyo, Paraon, at sa iyong mga lingkod at sa bayan mo bukas. Pero ikaw ay hindi na dapat manlinlang sa pamamagitan ng hindi pagpaalis sa aking bayan para maghandog kay Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Umalis si Moises mula kay Paraon at nanalangin kay Yahweh.
|
|
\v 31 Ginawa ni Yahweh ang hiniling ni Moises: Inalis niya ang mga kuyog ng langaw mula kay Paraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan. Wala ni isa ang natira.
|
|
\v 32 Pero sa panahong ito pinatigas pa rin ni Paraon ang kaniyang puso, at hindi niya pinayagang umalis ang bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: "Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin".
|
|
\v 2 Pero kung ikaw ay tatanggi na paalisin sila, kung patuloy mo silang panatilihin,
|
|
\v 3 pagkatapos ang kamay ni Yahweh ay nasa inyong mga baka na nasa bukirin at sa mga kabayo, mga asno, mga kamelyo, mga kawan at mga tupa at magdudulot ito ng isang matinding sakit.
|
|
\v 4 Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nagtakda si Yahweh ng isang panahon; kaniyang sinabi, "Gagawin ko bukas ang bagay na ito sa lupain.
|
|
\v 6 Ito ang ginawa ni Yahweh sa sumunod na araw: namatay ang lahat ng mga baka sa Ehipto. Pero wala ni isa sa mga hayop ng mga Israelita ang namatay, wala ni isang hayop.
|
|
\v 7 Nagsaliksik si Paraon, at nakita, wala ni isang hayop ng mga Israelita ang namatay. Pero matigas ang kaniyang puso, kaya hindi niya hinayaang umalis ang bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises at kay Aaron, "Kumuha kayo ng ilang dakot ng mga abo mula sa isang hurno. Ikaw, Moises, dapat mong ihagis ang mga abo sa hangin habang nanonood si Paraon.
|
|
\v 9 Magiging pinong alikabok na kakalat sa buong lupain ng Ehipto. Magdudulot ng mga pigsa at pamamaga na siyang kakalat sa mga tao at mga hayop sa buong lupain ng Ehipto.
|
|
\v 10 Kaya kumuha si Moises at Aaron ng mga abo na mula sa isang hurno at tumayo sa harapan ni Paraon. Pagkatapos, inihagis ni Moises ang mga abo sa hangin. Nagdulot ang mga abo ng pigsa at pamamaga na siyang kumalat sa mga tao at mga hayop.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Hindi mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa; dahil nagkaroon din sila ng mga pigsa maging ang lahat ng ibang mga taga-Ehipto.
|
|
\v 12 Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, kaya hindi nakinig si Paraon kina Moises at Aaron. Ito mismo ang sinabi ni Yahweh kay Moises na gagawin ng Paraon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Gumising ka ng maaga, tumayo ka sa harapan ni Paraon, at sabihin sa kaniya, 'si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, sinasabi ito: "Hayaan mong umalis ang aking bayan para maari silang sumamba sa akin.
|
|
\v 14 Sa oras na ito ipapadala ko ang lahat ng mga salot sa iyo mismo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan. Gagawin ko ito para malaman mo na walang sinuman ang katulad ko dito sa buong mundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sa ngayon maaari kung iunat ang aking kamay at lusubin ka at ang iyong bayan ng sakit, at kayo ay lipulin mula sa lupain.
|
|
\v 16 Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan.
|
|
\v 17 Patuloy mong itinataas ang iyong sarili laban sa aking bayan sa pamamagitan ng hindi mo pagpayag na paalisin sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Makinig! Bukas sa ganito ring oras magdadala ako ng isang napakalakas na ulang may yelo, pangyayari na hindi pa nakikita sa Ehipto mula sa unang araw nito hanggang ngayon.
|
|
\v 19 Kaya ngayon, magpadala ka ng mga lalaki at ipunin sa ligtas na lugar ang iyong mga baka at ang lahat ng mayroon ka sa iyong bukid sa ligtas na lugar. Ang bawat tao at hayop na nasa bukid at hindi dinala sa bahay---babagsak sa kanila ang ulang may yelo, at mamamatay sila."'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos ang mga lingkod ni Paraon na naniwala sa mensahe ni Yahweh, ay nagmadali na dalhin ang kanilang mga alipin at mga baka sa kanilang mga bahay.
|
|
\v 21 Pero ang mga hindi magseryoso ng mensahe ni Yahweh ay iiwan ang kanilang mga alipin at mga baka sa mga bukid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iunat mo ang iyong kamay patungo sa kalangitan para magkaroon ng ulang may yelo sa lahat ng lupain ng Ehipto, sa bayan, sa mga hayop at sa lahat ng mga halaman sa mga bukid sa buong lupain ng Ehipto."
|
|
\v 23 Iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod patungo sa kalangitan, at nagpadala si Yahweh ng kulog, ulang may yelo at kidlat sa lupa. Pinaulanan din niya ng yelo ang lupain ng Ehipto.
|
|
\v 24 Kaya nagkaroon ng ulan at kidlat na may kasamang yelong ulan, napakalubha, bagay na hindi pa nangyayari sa buong lupain ng Ehipto mula nang ito ay maging isang bansa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Sa buong lupain ng Ehipto, tumama ang ulang ay yelo sa lahat ng bagay na nasa mga bukid, sa kapwa mga tao at mga hayop. Tumama ito sa bawat halaman na nasa mga bukid at sinira ang bawat punongkahoy.
|
|
\v 26 Doon lamang sa lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang mga Israelita, hindi umulan ng yelo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pagkatapos nagpadala ang Paraon ng mga tao para ipatawag sina Moises at Aaron. Sinabi niya sa kanila, "Nagkasala ako sa oras na ito. Si Yahweh ay matuwid at ako at ang aking bayan ay masasama.
|
|
\v 28 Magdasal kayo kay Yahweh, dahil ang napakalakas na mga kidlat at ulang may yelo ay sobra na. Papaalisin ko na kayo at hindi na kayo titira dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Sinabi ni Moises sa kaniya, "Sa oras na umalis ako sa lungsod, ilalatag ko ang aking mga kamay kay Yahweh. Titigil na ang kulog at wala ng anumang ulang may yelo. Sa ganitong paraan malalaman mo na pag-aari ni Yahweh ang mundo.
|
|
\v 30 Pero para sa iyo at sa iyong mga lingkod, alam ko na hindi niyo talaga ginagalang si Yahweh na Diyos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Ngayon ang mga lino at sebada ay nasira, dahil ang uhay magulang na sa tangkay at namumulaklak na ang lino.
|
|
\v 32 Pero ang trigo at ang espelta ay hindi nasalanta dahil huli itong tumubo.
|
|
\v 33 Nang umalis si Moises kay Paraon at sa lungsod, inilatag niya ang kaniyang mga kamay kay Yahweh; tumigil ang kulog at ulang may yelo, at ang ulan ay hindi na bumuhos pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Nang nakita ni Paraon na ang ulan, ang ulang may yeloo at kulog ay humupa na, muling nagkasala siya at pinatigas ang kaniyang puso, kasama ang kaniyang mga lingkod.
|
|
\v 35 Pinatigas ang puso ni Paraon, kaya hindi niya pinayagang umalis ang bayan ng Israel. Ito ang paraan na sinabi ni Yahweh kay Moises na ito ang gagawin ni Paraon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Puntahan mo ang Paraon, dahil pinatigas ko ang kaniyang puso at ang mga puso ng kaniyang mga lingkod. Ginawa ko ito para maipakita ang mga palatandaan ng aking kapangyarihan sa kanila.
|
|
\v 2 Ginawa ko rin ito para maikuwento mo sa iyong mga anak at mga apo ang mga bagay na ginawa ko, kung paano ko pinagmalupitan ang Ehipto, at kung paano ko binigay ang iba't-ibang mga palatandaan ng aking kapangyarihan sa kanila. Sa ganitong paraan malalaman mo na ako si Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, "Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin.
|
|
\v 4 Pero kung tatanggihan mo na paalisin ang aking bayan, makinig ka, bukas magpapadala ako ng mga balang sa iyong lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Tatakpan nila ang ibabaw ng lupain nang wala ni isang makakakita ng lupa. Kakainin nila ang mga tira ng anumang nakaligtas mula sa ulang may yelo. Kakainin din nila ang bawat puno na tumutubo para sa inyo sa mga bukid.
|
|
\v 6 Pupunuin nila ang inyong mga tahanan, iyong lahat ng mga lingkod, at lahat ng mga taga-Ehipto—bagay na hindi pa kailanman nakita ng iyong ama maging ng iyong lolo, hindi pa kailanman nasaksihan mula noong araw na nasa mundo na sila hanggang sa kasalukuyan.'" Pagkatapos umalis si Moises at lumabas mula sa harap ni Paraon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Sinabi ng mga lingkod ni Paraon sa kaniya, "Gaano ba katagal na magiging pahamak ang taong ito sa atin? Hayaan mo nang umalis ang mga Israelita para makasamba kay Yahweh na kanilang Diyos. Hindi mo pa ba napagtanto na wasak na ang Ehipto?"
|
|
\v 8 Muling dinala sina Moises at Aaron sa Paraon, na siyang nagsabi sa kanila, "Sige, sambahin ninyo si Yahweh na inyong Diyos. Pero anong klaseng mga tao ba ang aalis?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sinabi ni Moises, "Aalis kami na kasama ang aming mga kabataan at ang aming mga matatanda, kasama ang aming mga anak na lalaki at mga anak na babae. Dadalhin din namin ang mga kawan at mga baka, dahil kailangan naming magdiwang para kay Yahweh."
|
|
\v 10 Sinabi ng Paraon sa kanila, "Nawa'y samahan nga kayo ni Yahweh, kung sakali na paaalisin ko kayo at ang inyong maliliit na mga bata. Tingnan niyo, may sa kasamaan kayong iniisip.
|
|
\v 11 Hindi! Lumakad kayo, ang mga lalaki lamang na nasa inyo at sambahin si Yahweh, dahil iyan ang gusto ninyo." Pagkatapos pinaalis sina Moises at Aaron sa harapan ni Paraon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iunat mo ang iyong mga kamay at ituon sa buong lupain ng Ehipto, at sa mga balang para lusubin nila ang lupain ng Ehipto at kainin ang bawat tanim na naroroon, lahat ng mga natira mula sa ulang may yelo."
|
|
\v 13 Iniunat ni Moises ng kaniyang tungkod sa buong lupain ng Ehipto, at nagdala si Yahweh ng silangang hangin sa lupain sa buong araw na iyon at sa buong gabi. Kinaumagahan, nagdala ang silangang hangin ng mga balang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pumunta ang mga balang sa buong lupain ng Ehipto at pinugaran ang lahat ng bahagi nito. Napakaraming mga balang na kailanman ay hindi pa nakarating sa lupain at hindi na mauulit pa.
|
|
\v 15 Tinakpan nila ang ibabaw ng buong lupain sa gayon nagdilim ito. Kinain nila ang bawat halaman na nasa lupain at ang lahat ng bunga ng mga punongkahoy na natira ng ulang may yelo. Walang natirang buhay na berdeng halaman o anumang punongkahoy o halaman sa mga bukid sa lahat ng lupain ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Pagkatapos mabilis na pinatawag ng Paraon sina Moises at Aaron at sinabing, "Nagkasala ako laban kay Yahweh na inyong Diyos at laban sa inyo.
|
|
\v 17 Kaya ngayon, patawarin ninyo ako sa aking kasalanan sa oras na ito, at idalangin ninyo kay Yahweh na inyong Diyos na kaniyang alisin ang kamatayang ito mula sa akin."
|
|
\v 18 Kaya lumabas si Moises mula sa harap ng Paraon at nanalangin kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Dinala ni Yahweh ang napakalakas na kanlurang hangin na dumampot sa mga balang at itinangay sila patungo sa Dagat ng mga Tambo; Wala ni isang balang ang natira sa buong lupain ng Ehipto.
|
|
\v 20 Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi pinaalis ni Paraon ang mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iunat mo ang iyong kamay patungo sa kalangitan, para magkaroon ng kadiliman sa buong lupain ng Ehipto, kadiliman na maaaring madama."
|
|
\v 22 Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay patungo sa kalangitan at nagkaroon ng makapal na kadiliman sa buong lupain ng Ehipto sa loob ng tatlong araw.
|
|
\v 23 Wala ni isang nakakakita ng sinuman; wala ni isang lumisan sa kanilang mga tirahan sa loob ng tatlong araw. Pero, mayroong ilaw ang lahat ng mga Israelita, sa lugar kung saan sila nakatira.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Pinatawag ng Paraon si Moises at sinabing, "Lumakad kayo at sambahin si Yahweh. Maaari na ring sumama sa inyo maging ang inyong mga pamilya, pero dapat maiwan ang inyong mga kawan at mga grupo ng mga hayop."
|
|
\v 25 Pero sinabi ni Moises, "Kailangan mo rin magbigay ng mga hayop para sa mga alay at sunog na mga handog para maihandog namin kay Yahweh na aming Diyos.
|
|
\v 26 Kailangan din naming isama ang aming mga baka; wala ni isang paa nila ang maiiwan, dahil kailangan namin silang dalhin para sa pagsamba kay Yahweh na aming Diyos. Dahil hindi namin alam kung ano ang aming kakailanganin sa pagsamba kay Yahweh hanggang sa makarating kami roon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ng Paraon at hindi niya sila hinayaang umalis. Sinabi ng Paraon kay Moises,
|
|
\v 28 "Lumayo kayo sa akin! Mag-ingat sa isang bagay, nang hindi mo na ako muling makita, dahil sa araw na makita mo ang aking mukha, mamamatay ka."
|
|
\v 29 Sinabi ni Moises, "Ikaw na mismo ang nagsalita. Hindi ko na muling makikita ang iyong mukha."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Mayroon pa rin akong isang salot na dadalhin kay Paraon at sa Ehipto. Pagkatapos niyan, papayagan na niya kayong makaalis mula rito. Kapag ganap na pinayagan na niya kayong makaalis, itataboy niya kayo ng tuluyan.
|
|
\v 2 Turuan mo ang mga tao na ang bawat mga lalaki at babae ay humingi sa kanilang kapitbahay ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto."
|
|
\v 3 Ngayon ginawang masabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Bukod dito, ang tauhan ni Moises ay talagang kahanga-hanga sa paningin ng mga alipin ni Paraon at mga tao sa Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Sinabi ni Moises. "Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi.
|
|
\v 5 Mamamatay ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hanggang sa panganay ng aliping babae na siyang nasa likod ng gilingan ng trigo nito, at sa lahat ng panganay ng mga baka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pagkatapos magkakaroon ng isang matinding iyakan sa buong lupain ng Ehipto, tulad ng hindi pa kailanman nangyari at hindi na kailanman mangyayaring muli.
|
|
\v 7 Pero kahit hindi tumahol ang isang aso laban sa alinmang taga-Israel, sinuman laban sa tao o hayop. Sa ganitong paraan malalaman ninyo ang pagkakaiba ng pagtrato ko sa mga taga-Ehipto at sa mga Israelita.'
|
|
\v 8 Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako." Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Hindi makikinig si Paraon sa iyo. Ito ay mangyari para makagawa ako ng maraming kamangha-manghang mga bagay sa lupain ng Ehipto."
|
|
\v 10 Ginawa lahat nina Moises at Aaron ang mga kababalaghan sa harapan ni Paraon. Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi pinayagan ni Paraon na makaalis ang mga Israelita sa kaniyang lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Nakipag-usap si Yahweh kina Moises at Aaron sa lupain ng Ehipto. Sinabi niya,
|
|
\v 2 "Para sa inyo, ang buwan na ito ay magiging simula ng mga buwan, ang unang buwan ng taon sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sabihan ang kapulungan ng Israel, 'Sa ikasampung araw ng buwan na ito dapat kumuha ang bawat isa ng isang tupa o batang kambing para sa kanilang mga sarili, gagawin ito ng bawat pamilya, isang tupa para sa bawat sambahayan.
|
|
\v 4 Kung ang sambahayan ay napakaliit para sa isang tupa, ang tao at sa kaniyang kapitbahay ay kukuha ng tupa o karne ng batang kambing na sapat para sa bilang ng tao. Dapat ito ay sapat para sa bawat isa na kakain, kaya kailangan nilang kumuha ng sapat na karne para ipakain sa kanilang lahat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Ang inyong tupa o batang kambing ay dapat walang kapintasan, isang taong gulang na lalaki. Maaari ninyong kunin ang isa sa tupa o mga kambing.
|
|
\v 6 Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
|
|
\v 7 Kailangan ninyong kumuha ng ilang dugo at ipahid sa dalawang magkabilang poste ng pintuan at sa itaas ng balangkas ng pintuan ng mga bahay na kung saan kakainin ninyo ang karne.
|
|
\v 8 Dapat ninyong kainin ang karne sa gabing iyon, pagkatapos na ihawin ito sa apoy. Kainin ninyo ito ng may tinapay na walang lebadura, kasama ang mga mapapait na damong-gamot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Huwag ninyong kainin itong hilaw o pinakuluan sa tubig. Sa halip, ihawin ninyo ito sa apoy kasama ang ulo, mga binti at ng lamang-loob.
|
|
\v 10 Huwag ninyong hayaan na may matira nito hanggang umaga. Dapat ninyong sunugin ito anuman ang natira sa umaga.
|
|
\v 11 Ganito dapat kung paano ninyo ito kakainin: Suot ang inyong sinturon sa inyong baywang, ang inyong mga sapatos sa inyong paa, at inyong tungkod sa kamay. Kailangan ninyong kainin ito ng mabilisan. Ito ang Paskua ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
|
|
\v 13 Ang dugo ay magiging isang palatandaan sa inyong mga tahanan para sa pagdating ko sa inyo. Kapag nakita ko ang dugo, lalagpasan ko lang kayo kapag sinalakay ko ang lupain ng Ehipto. Ang salot na ito ay hindi dadapo sa inyo at wawasak sa inyo.
|
|
\v 14 Ang araw na ito ay magiging araw ng pag-alaala para sa inyo, kung saan dapat ninyong sundin bilang isang pista para kay Yahweh. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo, sa lahat ng inyong mga salinlahi, na dapat ninyong sundin ngayong araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
|
|
\v 16 Sa unang araw magkakaroon ng isang pagpupulong para ilaan sa akin, at sa ika-pitong araw magkakaroon ng ibang ganoong pagtitipon. Walang trabahong gagawin sa mga araw na ito, maliban sa pagluluto para sa makakain ng lahat. Iyon lang dapat ang trabaho na maaari ninyong gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Dapat ninyong pagmasdan ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura dahil sa araw na ito dadalhin ko ang inyong bayan, armadong grupo sa armadong grupo, palabas sa lupain ng Ehipto. Kaya dapat ninyong sundin ang araw na ito sa lahat ng salinlahi ng inyong bayan. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo.
|
|
\v 18 Dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura mula sa takipsilim ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan ng taon, hanggang sa takipsilim ng ikadalawampu't isang araw ng buwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sa loob ng pitong araw na ito, dapat walang lebadura ang makikita sa loob ng inyong mga tahanan. Kung sinuman ang kakain ng tinapay na may lebadura ay dapat itiwalag sa komunidad ng Israel, kahit na ang taong iyon ay isang dayuhan o isang taong ipinanganak sa inyong lupain.
|
|
\v 20 Dapat kayong kumain ng walang lebadura. Saanman kayo manirahan, dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pagkatapos ipinatawag lahat ni Moises ang mga matatanda sa Israel at sinabi sa kanila, "Lumakad kayo at pumili ng mga tupa o mga maliliit na kambing na sapat para maipakain sa inyong mga pamilya at papatayin ang Paskuang tupa.
|
|
\v 22 Pagkatapos kumuha ng isang bigkis ng hisopo at isawsaw sa dugo na nasa isang palanggana. Ipahid ang dugo na nasa palanggana sa itaas ng balangkas ng pinto sa dalawang magkabilang poste. Wala sa inyo ni isa ang lalabas ng pintuan ng kaniyang tahanan hanggang sa umaga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Dapat ninyong ipagdiwang ang pangyayaring ito. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan.
|
|
\v 25 Kung kayo ay papasok sa lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo, tulad ng ipinangako niyang gagawin, dapat ninyong sundin ang pagsambang gawain na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?'
|
|
\v 27 At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan."' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
|
|
\v 28 Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
|
|
\v 30 Nagising si Paraon sa gabing iyon—siya, at ang lahat ng kaniyang alipin, at lahat ng mga taga-Ehipto. Nagkaroon ng malakas na pagdadalamhati sa Ehipto, dahil wala ni isang tahanan ang naroroon ang walang namatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Pinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron sa gabing iyon at sinabing, "Tumayo kayo at lumayas mula sa bayan ko, kayo at ang mga Israelita. Umalis na kayo, at sumamba kay Yahweh, gaya ng sinabi ninyo na nais ninyong gawin.
|
|
\v 32 Kunin na ninyo ang mga alagang hayop at mga kawan, tulad ng sinabi ninyo, at alis na, at pagpalain ninyo rin ako."
|
|
\v 33 Ang mga taga-Ehipto ay nasa isang matinding pagmamadali para ipadala sila palabas ng lupain, dahil sinabi nila, "Lahat tayo ay taong patay na."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Kaya kinuha ng mga tao ang kanilang masa na walang idinagdag na lebadura. Ang kanilang pinagmamasahang mangkok ay binalot nila sa kanilang mga damit na nakalagay sa kanilang mga balikat.
|
|
\v 35 Ginawa ngayon ng bayang Israelita ang ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. Humingi sila sa mga taga-Ehipto ng mga hiyas na pilak, ginto at damit.
|
|
\v 36 Ginawang sabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Kaya binigay ng mga taga-Ehipto ang anumang hingin nila. Sa ganitong paraan, nakuha ng mga Israelita ang yaman ng mga taga-Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Naglakbay ang mga Israelita mula sa Rameses hanggang Sucot. Ang kanilang bilang ay 600, 000 na mga lalaki, dagdag pa rito ang mga babae at mga bata.
|
|
\v 38 Isang halu-halong pangkat ng hindi Israelita ay sumama rin sa kanila, kasama ang kanilang mga alagang hayop at mga kawan, isang malaking bilang ng mga baka.
|
|
\v 39 Naghurno sila ng tinapay na walang lebadura sa ilalim ng masa na dinala nila mula sa Ehipto. Ito ay walang lebadura dahil sila ay pinalayas sa Ehipto at hindi maaaring ipagpaliban ang paghahanda ng pagkain.
|
|
\v 40 Ang mga Israelita ay nanirahan sa Ehipto sa loob ng 430 na taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Matapos ang 430 na taon, sa araw ding iyon, lahat ng mga armadong grupo ni Yahweh ay umalis palabas mula sa lupain ng Ehipto.
|
|
\v 42 Ito ay isang gabing dapat manatiling gising, para ilabas sila ni Yahweh mula sa lupain ng Ehipto. Ito ay gabi ni Yahweh na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga Israelita sa lahat ng salinlahi ng kanilang bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 43 Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, "Ito ang mga alituntunin para sa Paskua: walang dayuhan ang maaaring makibahagi sa pagkain na ito.
|
|
\v 44 Kahit na, ang bawat alipin ng mga Israelita, na binili ng pera, ay maaaring makakain nito matapos ninyo silang tuliin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Hindi makakain ang mga dayuhan at upahang lingkod ng alinmang pagkain.
|
|
\v 46 Dapat kainin ang pagkain sa isang bahay. Huwag kayong magdadala ng anumang karne sa labas ng inyong bahay, at hindi ninyo dapat baliin ang kahit anumang buto nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 47 Dapat obsebahan ng lahat ng mga komunidad ng Israel ang pagdiriwang.
|
|
\v 48 Kapag maninirahan ang isang dayuhan sa inyo at gustong obserbahan ang Paskua para kay Yahweh, lahat ng kaniyang lalaking kamag-anak ay dapat tuliin. Pagkatapos siya ay maaaring dumating at sundin ito. Siya ay magiging katulad ng mga taong ipinanganak sa lupain. Ganun pa man, walang sinumang taong hindi tuli ang makakakain ng anumang pagkain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 49 Parehong batas ang siyang gagamitin sa kapwa katutubo o dayuhan na naninirahan kasama ninyong lahat."
|
|
\v 50 Kaya sinunod ng lahat ng mga Israelita nang lubusan ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
|
|
\v 51 Dumating ang araw na iyon na dinala ni Yahweh ang Israel palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng kanilang mga armadong grupo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabing,
|
|
\v 2 "Ilaan sa akin ang lahat ng mga panganay, ang bawat panganay na lalaki ng mga Israelita, kapwa mula sa mga tao at sa mga hayop. Pagmamay-ari ko ang mga panganay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Sinabi ni Moises sa mga tao, "Alalahanin ninyo ang araw na ito, ang araw kung saan kayo nakalabas mula sa Ehipto, nakalabas mula sa bahay ng pagkakaalipin, dahil nakalabas kayo mula sa lugar na ito sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh. Walang tinapay na may halong lebadura ang kakainin.
|
|
\v 4 Lalabas kayo mula sa Ehipto sa araw na ito, sa buwan ng Abib.
|
|
\v 5 Dapat ninyong sundin ang ganitong pamamaraan ng pagsamba sa buwan na ito kapag dinala na kayo ni Yahweh sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Hivita at Jebuseo, ang lupain na kaniyang ipinangako na ibibigay sa inyong mga ninuno, isang lupain na umaagos ng gatas at pulot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Sa loob ng pitong araw dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura; Sa ikapitong araw magkakaroon ng pista sa karangalan ni Yahweh.
|
|
\v 7 Tinapay na walang lebadura ang dapat kainin sa loob ng pitong araw; dapat walang tinapay na may lebadura ang makikita sa gitna ninyo. Dapat walang lebadurang makikita sa inyo sa loob ng inyong mga kinasasakupan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Sa araw na iyon sasabihan ninyo ang inyong mga anak, 'Dahil ito ang ginawa ni Yahweh para sa akin nang lumabas ako mula sa Ehipto.'
|
|
\v 9 Magsisilbi itong paalala para sa inyo sa inyong kamay, at isang paalala sa inyong noo. Para mapasainyong bibig itong batas ni Yahweh, dahil nakalabas kayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh.
|
|
\v 10 Kaya dapat ninyong sundin ang batas na ito sa itinakdang panahon taun-taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Kapag dadalhin na kayo ni Yahweh sa lupain ng Cananeo, na kaniyang ipinangako sa inyo at sa inyong mga ninuno, at kapag ibinigay niya na ang lupain sa inyo,
|
|
\v 12 kinakailangan ninyong ilaan sa kaniya ang lahat ng inyong mga panganay na anak at ang lahat ng mga unang ipinanganak ng inyong mga hayop. Kay Yahweh ang mga lalaki.
|
|
\v 13 Kailangan mong bilhin pabalik ang bawat unang ipinanganak na asno kasama ang isang tupa. Kapag hindi mo ito bibilhin pabalik, dapat mong baliin ang leeg nito. Pero ang bawat panganay sa inyong mga lalaki sa lahat ng inyong mga anak na lalaki—kailangan ninyo silang bilhin pabalik.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, "Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin.
|
|
\v 15 Nang nagmamatigas na tinanggihan ng Paraon ang pagpapaalis sa amin, pinatay ni Yahweh ang lahat ng mga panganay sa buong lupain ng Ehipto, kapwa panganay na anak ng mga tao at ang panganay na anak ng mga hayop. Kung kaya bakit ako nag-aalay kay Yahweh ng mga panganay ng bawat hayop, at kung kaya bakit ko binibili pabalik ang aking mga panganay na lalaki.'
|
|
\v 16 Magiging paalala ito sa iyong mga kamay, at paalala sa iyong noo, dahil nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nang pinayagan ni Paraon na umalis ang mga tao, hindi sila pinangunahan ng Diyos sa landas patungo sa lupain ng mga Palestina, kahit pa malapit ang lupain. Dahil sinabi ng Diyos, "Marahil magbabago ang mga tao ng kanilang mga isipan kapag nakaranas sila ng digmaan at pagkatapos babalik sa Ehipto.
|
|
\v 18 Kaya pinatnubayan ng Diyos ang mga tao paikot sa may ilang patungo sa Dagat ng mga Tambo. Umakyat ang mga Israelita papalabas mula sa Ehipto na armado para sa pakikipaglaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Dinala ni Moises ang mga buto ni Jose, dahil taimtim na pinanumpa ni Jose ang mga Israelita at sinabing, "Siguradong ililigtas kayo ng Diyos, at kailangan ninyong dalhin papalayo ang aking mga buto kasama ninyo."
|
|
\v 20 Naglakbay ang mga Israelita mula sa Sucot at nagkampo sa Etam sa paligid ng ilang.
|
|
\v 21 Sumabay si Yahweh sa kanila bilang isang haligi na ulap sa umaga para manguna sa kanilang landas. At sa gabi bilang isang haligi na apoy para bigyan sila ng ilaw.
|
|
\v 22 Hindi inaalis ni Yahweh mula sa harapan ng mga tao ang pang-araw na haligi na ulap maging ang pang-gabi na haligi na apoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 14
|
|
\p
|
|
\v 1 Kinausap ni Yahweh si Moises:
|
|
\v 2 "Sabihin mo sa mga Israelita na sila ay bumalik at magkampo sa Pi Hahirot, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, bago ang Baal Zefon. Kayo ay magkakampo sa tabing dagat at sa tapat ng Pi Hahirot.
|
|
\v 3 Sasabihin ni Paraon ang tungkol sa mga Israelita, 'Naliligaw sila sa mga lupain. Sinara sila ng ilang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Papatigasin ko ang puso ni Paraon, at hahabulin ko sila. Makakakuha ako ng parangal dahil kay Paraon at sa kaniyang mga hukbo. Malalaman ng mga taga-Ehipto na ako ay si Yahweh." Kaya ang mga Israelita ay nagkampo dahil sa iniutos sa kanila.
|
|
\v 5 Nang sinabihan ng hari ng Ehipto na ang mga Israelita ay nakatakas, ang isipan ni Paraon at ng kaniyang mga lingkod ay bumaliktad laban sa bayan. Sinabi nila, "Anong ginawa natin at hinayaan nating makalaya ang mga Israelita mula sa pagtrabaho para sa atin?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pagkatapos kinuha ni Paraon ang kaniyang karwahe at kasama niya ang kaniyang mga hukbo.
|
|
\v 7 Isinama niya ang piniling animnaraang karwahe at ang lahat ng ibang mga karwahe ng Ehipto, ang lahat ng mga pinuno sa kanila.
|
|
\v 8 Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, hari ng Ehipto, at hinabol niya ang mga Israelita. Ngayon nakaalis ang mga Israelita nang matagumpay.
|
|
\v 9 Pero hinabol sila ng mga taga-Ehipto kasama ng kanilang mga kabayo at mga karwahe, mga nangangabayo at ang kaniyang mga hukbo. Inabutan nila ang mga Israelita na nagkakampo sa tabing dagat ng Pi Hahirot, bago ang Baal Zefon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Nang malapit na si Paraon, ang mga Israelita ay tumingala at nabigla. Naglalakad ang mga taga-Ehipto patungo sa kanila at sila ay natakot. Umiyak ang mga Israelita kay Yahweh.
|
|
\v 11 Sinabi nila kay Moises, "Dahil wala na bang mapaglilibingan sa amin sa Ehipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? Bakit itinuring mo kami ng ganito, dinala mo kami palabas sa Ehipto?
|
|
\v 12 Hindi ba ito ang sinabi namin sa iyo sa Ehipto? Sinabi namin sa iyo, 'Iwanan kami dito, para makapagtrabaho kami sa mga taga-Ehipto. Mas mabuti pa sa amin ang magtrabaho para sa kanila kaysa kami ay mamatay dito sa ilang."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Sinabi ni Moises sa mga tao, "Huwag kayong matakot. Manatili at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Yahweh na ibibigay sa inyo ngayon. Dahil hindi ninyo na makikita muli ang mga taga-Ehipto na nakikita ninyo ngayon.
|
|
\v 14 Si Yahweh ay makikipaglaban para sa inyo, at kailangan lang ninyong manatili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bakit ikaw, Moises, patuloy na tumatawag sa akin? Sabihan mo ang mga Israelita na magpatuloy sa pagsulong.
|
|
\v 16 Itaas mo ang iyong tungkod, iunat mo sa pamamagitan ng iyong kamay sa ibabaw ng dagat at hatiin mo ito sa dalawa, para ang bayan ng Israel ay makarating sa dagat sa tuyong lupa.
|
|
\v 17 Tandaan mo na patitigasin ko ang puso ng mga taga-Ehipto para sila ay tugisin. Makakakuha ako ng parangal dahil kay Paraon at sa lahat ng kaniyang hukbo, mga karwahe at ang kaniyang mga nangangabayo.
|
|
\v 18 Pagkatapos malalaman ng mga taga-Ehipto na ako ay si Yahweh at makakakuha ako ng karangalan nang dahil kay Paraon, sa kaniyang mga karwahe at sa kaniyang mga nangangabayo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Ang anghel ng Diyos, ang siyang pumunta sa mga Israelita, kumilos at nagpunta sa kanilang likuran. Ang haligi ng ulap ay kumilos mula sa kanila at pumunta at tumayo sa kanilang likuran.
|
|
\v 20 Dumating ang ulap sa pagitan ng kampo ng Ehipto at sa kampo ng Israel. Isang madilim na ulap sa mga taga-Ehipto pero inilawan naman ang gabi para sa mga Israelita. Kaya hindi nakalapit ang isang panig sa kabila buong gabi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat. Pinabalik ni Yahweh ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong gabing iyon at ginawang tuyong lupa. Sa ganitong paraan nahati ang tubig.
|
|
\v 22 Ang mga Israelita ay pumunta sa gitna ng dagat sa tuyong lupa. Ang tubig ay nag-anyong pader para sa kanila sa kanilang kanang kamay at sa kanilang kaliwa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Tinugis sila ng mga taga-Ehipto. Pinuntahan sila sa gitna ng dagat--lahat ng mga kabayo ni Paraon, mga karwahe at mga nangangabayo.
|
|
\v 24 Pero kinaumagahan, si Yahweh ay tumingin mula sa ibaba sa mga hukbo ng Ehipto sa pamamagitan ng haligi ng apoy at ulap. Nagdulot siya ng pagkabahala sa mga taga-Ehipto
|
|
\v 25 Ang gulong ng kanilang mga karwahe ay nabaon, at ang mga nangangabayo ay nahirapang magpatakbo. Kaya sinabi ng mga taga-Ehipto, "Tumakas na tayo mula sa Israel, dahil si Yahweh ay lumalaban para sa kanila laban sa atin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat para ang tubig ay bumalik sa mga taga-Ehipto, kanilang mga karwahe at sa kanilang mga nangangabayo.
|
|
\v 27 Kaya iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat at ito ay bumalik sa dating anyo bago lumitaw ang umaga. Ang mga taga-Ehipto ay tumakas sa dagat, at dinala sila ni Yahweh sa gitna nito.
|
|
\v 28 Bumalik ang tubig at bumalot sa mga karwahe ni Paraon, mga nangangabayo at ang lahat ng kaniyang mga hukbo na sumunod sa mga karwahe papuntang dagat. Wala ni isa ang nakaligtas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Gayunman, naglakad ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Ang tubig ay naging isang pader para sa kanila sa kanang kamay at sa kanilang kaliwa.
|
|
\v 30 Iniligtas ni Yahweh ang Israel sa araw na iyon sa kamay ng mga taga-Ehipto, at nakita ng Israel ang mga patay na mga taga-Ehipto sa dalampasigan.
|
|
\v 31 Nang makita ng Israel ang kapangyarihan ni Yahweh na ginamit laban sa mga taga-Ehipto, pinarangalan ng mga tao si Yahweh, at sila ay nagtiwala kay Yahweh at sa kaniyang lingkod na si Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 15
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos inawit nina Moises at ng bayan ng Israel ang awiting ito para kay Yahweh. Inawit nila, "Umaawit ako kay Yahweh, dahil sa maluwalhating tagumpay; ang kabayo at ang tagasakay nito ay itinapon sa dagat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Si Yahweh ang aking lakas at awitin, at siya ang aking naging kaligtasan. Ito ang aking Diyos, at siya ay aking pupurihin, Diyos ng aking ama, at siya ay aking dadakilain.
|
|
\v 3 Si Yahweh ay isang mandirigma; Yahweh ang pangalan niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ang mga karwahe at hukbo ng Paraon, sa dagat ay kaniyang itinapon. Ang mga piniling opisyal ni Paraon, sa Dagat ng mga Tambo sila ay nalunod.
|
|
\v 5 Sila ay tinabunan ng kailaliman; sila ay tumungo sa kailaliman na tulad ng isang bato.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Ang iyong kanang kamay, Yahweh, ay maluwalhati sa kapangyarihan; ang iyong kanang kamay, Yahweh, ang dumurog sa mga kaaway.
|
|
\v 7 Sa dakilang kaluwalhatian iyong ibinabagsak ang mga bumabangon laban sa iyo. Inilabas mo ang iyong poot; tinupok mo sila gaya ng pinaggapasan.
|
|
\v 8 Sa pamamagitan ng bugso ng butas ng iyong ilong ang mga tubig ay nagtipon; ang mga dumadaloy na tubig ay tumayong matuwid na isang bunton; ang malalim na tubig ay namuo sa puso ng dagat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sinabi ng kaaway, 'Hahabol ako, mangunguna ako, ipamamahagi ko ang nasamsam ko; masisiyahan sila sa ang aking ninanais; Bubunutin ko ang aking espada; ang aking kamay ang sisira sa kanila.'
|
|
\v 10 Pero ipinaihip mo ang iyong hangin at tinakpan sila ng dagat; at sa malakas na mga tubig lumubog sila na parang tingga.
|
|
\v 11 Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Iniunat mo ang iyong kanang kamay, at sila ay nilamon ng lupa.
|
|
\v 13 Sa iyong katapatan sa tipan pinangunahan mo ang mga tao na iyong sinagip. Sa iyong kalakasan sila ay iyong pinangunahan patungo sa banal na lugar kung saan ka naninirahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Narinig ng bayan, at sila ay nanginginig; takot ang babalot sa mga naninirahan sa Filistia.
|
|
\v 15 Pagkatapos ang mga pinuno ng Edom ay matatakot; ang mga sundalo ng Moab ay mayayanig; lahat ng naninirahan sa Canaan ay maglalaho.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ang kilabot at pangamba ay mapapasakanila. Dahil sa kapangyarihan ng iyong bisig, sila ay hindi iimik na parang bato hanggang sa makaraan ang iyong bayan, Yahweh— hanggang sa makaraan ang sinagip mong bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Dadalhin mo sila at itatanim sila sa bundok na iyong pinamana, ang lugar, Yahweh, na iyong ginawa para manirahan, ang santuwaryo, aming Panginoon, na itinayo ng iyong mga kamay.
|
|
\v 18 Maghahari si Yahweh sa magpakailanman pa man."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Dahil lumakad ang mga kabayo ni Paraon kasama ng kaniyang mga karwahe at mga mangangabayo sa dagat. Dinala pabalik ni Yahweh ang mga tubig ng dagat sa kanila. Pero ang mga Israelita ay naglakad sa gitna ng dagat sa mga tuyong lupa.
|
|
\v 20 Si Miriam, ang babaeng propeta, na kapatid na babae ni Aaron, ay dumampot ng tamburin, at lumabas ang lahat ng mga kababaihan na may mga tamburin, sabay na sumasayaw kasama niya.
|
|
\v 21 Inawit ni Miriam sa kanila: "Umawit kay Yahweh, dahil siya ay maluwalhating nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang kabayo at ang kaniyang mangangabayo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Pagkatapos pinangunahan ni Moises ang Israel pasulong mula dagat ng mga Tambo. Lumabas sila sa ilang ng Shur. Naglakbay sila ng tatlong araw sa loob ng ilang at walang nahanap na tubig.
|
|
\v 23 Pagkatapos nakarating sila sa Mara, pero hindi nila mainom ang tubig doon dahil mapait ito. Kaya tinawag nilang Mara ang lugar na iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Kaya nagreklamo ang mga tao kay Moises at sinabing, "Ano ang aming iinumin?."
|
|
\v 25 Umiyak si Moises kay Yahweh at may ipinakitang puno si Yahweh sa kaniya. Hinagis ito ni Moises sa tubig at naging matamis na maiinom ang tubig. Sa lugar na iyon nagbigay si Yahweh sa kanila ng mahigpit na kautusan at doon din niya sila sinubukan.
|
|
\v 26 Sinabi niya, "Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Pagkatapos dumating ang mga tao sa Elim, kung saan mayroong labing-dalawang bukal ng tubig at pitumpung puno ng palma. Nagkampo sila doon sa may tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 16
|
|
\p
|
|
\v 1 Naglakbay ang mga tao mula sa Elim, at ang lahat ng komunidad ng mga Israelita ay nakarating sa ilang ng Sin, na nasa gitna ng Elim at Sinai, sa ikalabinlimang araw ng ikalawang buwan pagkatapos ng kanilang pag-alis sa lupain ng Ehipto.
|
|
\v 2 Ang buong komunidad ng mga Israelita ay nagreklamo laban kina Moises at Aaron sa ilang.
|
|
\v 3 Sinabi sa kanila ng mga Israelita, "Kung namatay na lang sana kami sa kamay ni Yahweh sa lupain ng Ehipto nang kami ay nakaupo sa tabi ng mga palayok ng karne at kumakain ng tinapay hanggang sa mabusog. Pagkat dinala ninyo kami palabas dito sa ilang para patayin sa gutom ang aming buong komunidad."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Magpapaulan ako ng tinapay mula sa langit para sa inyo. Ang mga tao ay lalabas at magtitipon ng pang isang araw na bahagi sa bawat araw para masubukan ko sila para makita kung sila ay lalakad o hindi sa aking batas.
|
|
\v 5 Mangyayari na sa ikaanim na araw, na magtitipon sila ng makalawang dami ng kung ano ang tinipon nila sa bawat naunang araw, at lulutuin nila kung ano ang dala nila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Pagkatapos ay sinabi nina Moises at Aaron sa lahat ng bayan ng Israel, "Sa gabi ay malalaman ninyong si Yahweh ang siyang nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto.
|
|
\v 7 Sa umaga ay makikita ninyo ang kaluwalhatian ni Yahweh, dahil naririnig niya ang inyong pagrereklamo laban sa kaniya. Sino ba kami para kayo ay magreklamo laban sa amin?"
|
|
\v 8 Sinabi rin ni Moises, "Malalaman ninyo ito kapag binigyan kayo ni Yahweh ng karne sa gabi at tinapay sa umaga na sagana—dahil narinig niya ang mga reklamo na sinabi ninyo laban sa kanya. Sino ba si Aaron at ako? Ang inyong mga reklamo ay hindi laban sa amin; ang mga iyon ay laban kay Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Sinabi ni Moises kay Aaron, "Sabihin mo sa lahat ng komunidad ng bayan ng Israel, 'Lumapit kayo kay Yahweh, dahil narinig niya ang inyong mga reklamo.'"
|
|
\v 10 Nangyari na habang nagsasalita si Aaron sa buong komunidad ng bayan ng Israel, tumingin sila sa dako ng ilang, at pagmasdan, ang kaluwalhatian ni Yahweh ay lumitaw sa ulap.
|
|
\v 11 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 12 "Narinig ko ang mga reklamo ng bayan ng Israel. Kausapin mo sila at sabihin, 'Sa gabi ay kakain kayo ng karne, at sa umaga ay mabubusog kayo ng tinapay. Pagkatapos malalaman ninyong ako ay si Yahweh, na inyong Diyos.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Nangyari sa gabi na may dumating na mga pugo at natabunan ang kampo. Sa umaga ang hamog ay nalatag sa palibot ng kampo.
|
|
\v 14 Pagkawala ng hamog, doon sa ibabaw ng ilang ay may mga manipis na mumunting piraso na parang namuong hamog sa lupa.
|
|
\v 15 Nang makita iyon ng bayan ng Israel, sinabi nila sa isa't isa, "Ano ito?" Hindi nila alam kung ano iyon. Sinabi ni Moises sa kanila, "Iyan ang tinapay na bigay ni Yahweh sa inyo para kainin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Ito ang utos na ibinigay ni Yahweh sa inyo: 'Kayo ay dapat magtipon, bawat isa sa inyo, ng dami na kailangan ninyong kainin, isang omer sa bawat tao mula sa bilang ng inyong mga tao. Ganito ninyo titipunin iyon: Magtipon ng tama lang para kainin ng bawat taong naninirahan sa inyong tolda.'"
|
|
\v 17 Ginawa iyon ng bayan ng Israel. Ang ilan ay nagtipon ng mas marami, ang ilan ay nagtipon ng mas kaunti.
|
|
\v 18 Nang sukatin nila iyon sa sukat ng omer, ang mga nagtipon ng mas marami ay walang anumang natira, ang mga nagtipon ng mas kaunti ay hindi nagkulang. Bawat tao ay nagtipon ng tama lamang para mapunan ang kanilang pangangailangan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Pagkatapos sinabi ni Moises sa kanila, "Walang isa sa inyo ang dapat magtira ng anuman niyon hanggang umaga.
|
|
\v 20 "Pero hindi sila nakinig kay Moises. Ang ilan sa kanila ay nagtira ng kaunti nito hanggang umaga, pero ito ay inuod at bumaho. Kaya nagalit sa kanila si Moises.
|
|
\v 21 Sila ay nagtipon niyon kada umaga. Bawat tao ay nagtipon ng tama lang kainin para sa araw na iyon. Nang uminit ang araw, ito ay natunaw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Nangyari na sa ikaanim na araw nagtipon sila ng dobleng dami ng tinapay, dalawang omer para sa bawat tao. Lahat ng mga pinuno ng komunidad ay pumunta at sinabi ito kay Moises.
|
|
\v 23 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Bukas ay isang taimtim na pamamahinga, isang banal na Araw ng Pamamahinga para sa karangalan ni Yahweh. Maghurno kayo ng gusto ninyong hurnuin at maglaga ng gusto ninyong ilaga. Ang lahat nang matira, itabi ninyo para sa inyong mga sarili hanggang umaga.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Kaya itinabi nila ito hanggang umaga, katulad ng tagubilin ni Moises. Ito ay hindi bumaho ni nagkaroon ng anumang uod.
|
|
\v 25 Sinabi ni Moises, "Kainin ang pagkaing ito ngayon, pagkat ngayon ay isang araw na inilaan bilang Araw ng Pamamahinga para parangalan si Yahweh. Ngayon hindi kayo makakahanap nito sa mga bukid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Magtitipon kayo nito sa loob ng anim na araw, pero ang ikapitong araw ay Araw ng Pamamahinga. Sa Araw ng Pamamahinga ay walang manna."
|
|
\v 27 Nangyari na sa ikapitong araw may ilan sa mga tao ang lumabas para magtipon ng manna, pero wala silang nahanap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Gaano katagal kayong tatangging sundin ang aking mga kautusan at mga batas?
|
|
\v 29 Tingnan ninyo, Ako, si Yahweh ang nagbigay ng Araw ng Pamamahinga sa inyo. Kaya sa ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Bawat isa sa inyo ay dapat manatili sa kanyang sariling lugar; walang dapat lumabas mula sa kaniyang lugar sa ikapitong araw."
|
|
\v 30 Kaya nagpahinga ang mga tao sa ikapitong araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Tinawag ng mga tao ng Israel ang pagkaing iyon na "manna." Ito ay maputi tulad ng buto ng kulantro at ang lasa ay parang apa na ginawang may pulot.
|
|
\v 32 Sinabi ni Moises, "Ito ang inutos ni Yahweh: 'Hayaang itago ang isang omer na manna para sa kabuuan ng salinlahi ng inyong bayan para ang inyong mga kaapu-apuhan ay maaring makita ang tinapay na pinakain ko sa inyo sa ilang, matapos na ilabas ko kayo mula sa lupain ng Ehipto.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Sinabi ni Moises kay Aaron, "Kumuha ka ng palayok at maglagay ng isang omer ng manna sa loob nito. Panatilihin ito sa harap ni Yahweh para itago para sa buong salinlahi ng bayan.
|
|
\v 34 Katulad ng inutos ni Yahweh kay Moises, itinago iyon ni Aaron katabi ng mga kautusang tipan sa loob ng kaban.
|
|
\v 35 Kumain ng manna ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon hanggang sa makarating sila sa lupaing may naninirahan. Kumain sila nito hanggang sa makarating sila sa mga hangganan ng lupain ng Canaan.
|
|
\v 36 Ngayon ang omer ay ikasampung bahagi ng epa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 17
|
|
\p
|
|
\v 1 Naglakbay ang buong komunidad ng mga Israelita mula sa ilang ng Sin, ayon sa mga tagubilin ni Yahweh. Nagkampo sila sa Rephidim, pero walang tubig na maiinom para sa mga tao.
|
|
\v 2 Kaya sinisi ng mga tao si Moises dahil sa kanilang kalagayan at sinabing, "Bigyan mo kami ng tubig na maiinom." Sinabi ni Moises, "Bakit kayo makikipagtalo sa akin?" Bakit sinusubok ninyo si Yahweh?"
|
|
\v 3 Labis na nauuhaw ang mga tao, at nagreklamo laban kay Moises. Sinabi nila, "Bakit dinala mo kami palabas sa Ehipto? Para patayin kami at ang aming mga anak pati mga baka sa pagkauhaw?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kaya dumaing si Moises kay Yahweh, "Ano ba ang dapat kong gawin sa mga taong ito? Halos handa na silang batuhin ako."
|
|
\v 5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Mauna ka sa mga tao at magdala ka ng ilan sa mga nakatatanda ng Israel. Dalhin mo ang tungkod na inihampas mo sa ilog at umalis ka.
|
|
\v 6 Tatayo ako sa harapan mo doon sa ibabaw ng bato sa Horeb, at papaluin mo ang bato. Lalabas ang tubig mula dito para inumin ng mga tao. Pagkatapos ginawa ito ni Moises sa paningin ng mga nakatatanda ng Israel.
|
|
\v 7 Tinawag niya ang lugar na iyon na Massah at Meribah dahil sa pagrereklamo ng mga Israelita at dahil sinubukan nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagsabing, "Kasama ba natin si Yahweh o hindi?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Pagkatapos dumating at nilusob ng isang hukbo ng mga Amalekita ang Israel sa Rephidim.
|
|
\v 9 Kaya sinabi ni Moises kay Josue, "Pumili ka ng ilan sa mga lalaki at umalis ka. Labanan mo si Amalek. Tatayo ako bukas sa ibabaw ng burol na hawak ang tungkod ng Diyos sa aking kamay."
|
|
\v 10 Kaya nakipaglaban si Josue sa Amalek ayon sa tagubilin ni Moises sa kaniya, habang sina Moises, Aaron at Hur ay umakyat sa ibabaw ng burol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nananalo ang mga Israelita, habang itinataas ni Moises ang kaniyang mga kamay, kapag ipinagpapahinga niya ang kaniyang mga kamay, nagsisimulang manalo ang mga Amalek.
|
|
\v 12 Nang bumigat na ang mga kamay ni Moises, kumuha sina Aaron at Hur ng bato at inilagay ito sa ilalim niya para makaupo siya. Sa parehong pagkakataon, itinaas ni Aaron at Hur ang mga kamay ni Moises, isang tao ang nasa tabi niya at ang isa naman ay nasa kabilang banda niya. Kaya nanatiling nakataas ang mga kamay ni Moises hanggang sa palubog na ang araw.
|
|
\v 13 Kaya natalo ni Josue ang mga Amalekita sa pamamagitan ng espada.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Isulat mo ito sa isang libro at basahin mo na naririnig ni Josue dahil ganap kong tatanggalin ang alaala ng Amalek mula sa ilalim ng kalangitan."
|
|
\v 15 Pagkatapos gumawa si Moises ng altar at tinawag niya itong "Si Yahweh ang aking bandila."
|
|
\v 16 Ginawa niya ito, dahil sinabi niya, "Pinangako ni Yahweh na makikipaglaban siya kay Amalek mula sa mga salinlahi hanggang sa mga susunod pang salinlahi."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 18
|
|
\p
|
|
\v 1 18
|
|
Narinig ni Jetro na pari ng Midian, na biyenan na lalaki ni Moises ang lahat ng ginawa ng Diyos kay Moises at sa mga Israelita na kaniyang bayan. Narinig niya na dinala ni Yahweh palabas sa Ehipto ang Israel.
|
|
\v 2 Kinuha ni Jetro na biyenan ni Moises si Zippora na asawa ni Moises, matapos niyang pabalikin sa kanilang tahanan.
|
|
\v 3 At ang kaniyang dalawang anak na lalaki; Ang Pangalan ng isa niyang anak ay si Gersom, dahil sinabi ni Moises, "Naging dayuhan ako sa isang dayuhang lupain."
|
|
\v 4 Ang isa niyang anak ay pinangalanang Eliezer, dahil sinabi ni Moises, "Ang Diyos ng aking ninuno ay aking saklolo. Niligtas niya ako mula sa espada ni Paraon."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Dumating si Jetro, na biyenan ni Moises, kasama ang mga anak na lalaki at asawa ni Moises sa ilang kung saan sila nagkampo sa bundok ng Diyos.
|
|
\v 6 Sinabi niya kay Moises, "Ako na iyong biyenan na si Jetro, kasama ang iyong asawa at ang kaniyang dalawang anak na lalaki ay pupunta sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
|
|
\v 8 Isinalaysay ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki ang lahat ng ginawa ni Yahweh kay Paraon at sa mga taga-Ehipto alang-alang sa kapakanan ng Israel, tungkol sa lahat ng mga paghihirap na dumating sa kanilang paglalakbay, at kung paano sila niligtas ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Nagalak si Jetro sa kabila ng lahat ng mabuting nagawa ni Yahweh para sa Israel, dahil niligtas sila ni Yahweh mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
|
|
\v 10 Sinabi ni Jetro, "Purihin nawa si Yahweh, dahil niligtas niya kayo mula sa kamay ng mga taga-Ehipto at mula sa kamay ng Paraon, at pinalaya niya ang bayan mula sa kamay ng mga taga-Ehipto.
|
|
\v 11 Ngayon alam ko na si Yahweh ay dakila kaysa lahat ng mga diyos, dahil niligtas ng Diyos ang kaniyang bayan nang pinagmalupitan ng mga taga-Ehipto ang mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Nagdala si Jetro, na biyenan na lalaki ni Moises, ng sinunog na handog at alay para sa Diyos. Nagpunta si Aaron at lahat ng mga nakatatanda ng Israel para kumain kasama ang biyenan na lalaki ni Moises sa harap ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Kinabukasan umupo si Moises para hatulan ang mga tao. Tumayo ang mga tao sa palibot ni Moises, mula umaga hanggang gabi.
|
|
\v 14 Nang nakita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises para sa bayan, sinabi niya, "Ano ba itong ginawa mo sa bayan? Bakit nauupo kang mag-isa at ang lahat ng tao ay nakatayo na nakapalibot sa iyo mula umaga hanggang gabi?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sinabi ni Moises sa kaniyang biyenan na lalaki, "Lumapit ang mga tao sa akin para hingin ang direksyon ng Diyos.
|
|
\v 16 Pumupunta sila sa akin kapag nagtatalo sila. Hinahatulan ko ang pagitan ng bawat isa, at itinuturo ko sa kanila ang mga kautusan at mga batas ng Diyos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Sinabi ni Jetro kay Moises, "Hindi mabuti ang iyong ginagawa.
|
|
\v 18 Tiyak na manghihina ka, ikaw at ang lahat ng taong pumupunta sa iyo, dahil ang pasanin na ito ay labis na napakabigat para sa iyo. Hindi mo ito kayang gawin sa pamamagitan ng iyong sarili.
|
|
\v 19 Makinig ka sa akin. Bibigyan kita ng payo, at sumaiyo ang Diyos, dahil ikaw ang kinatawan ng tao sa Diyos, at ikaw ang nagdadala ng kanilang mga pagtatalo sa kaniya.
|
|
\v 20 Dapat mong ituro sa kanila ang kaniyang mga kautusan at mga batas. Dapat mong ipakita sa kanila ang daang nararapat lakaran at gawain ang nararapat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo.
|
|
\v 22 Hahatulan nila ang mga tao sa lahat ng kaugaliang pamamaraan na mga kaso, pero dadalhin nila ang mga mabibigat na mga kaso sa iyo. Sila na ang hahatol sa mga maliliit na mga kaso. Sa ganyang paraan, magiging magaan para sa iyo, at dadalhin nila ang pasanin kasama mo.
|
|
\v 23 Kung gagawin mo ito, at kung inatasan ka ng Diyos na gawin ito, hindi ka mahihirapan at makakauwi na nasisiyahan ang bayan sa kanilang tahanan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Kaya nakinig si Moises sa mga salita ng kaniyang biyenan na lalaki at ginawa ang lahat ng kaniyang sinabi.
|
|
\v 25 Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo.
|
|
\v 26 Hinatulan nila ang mga tao sa mga karaniwang pangyayari. Dinala nila kay Moises ang mabigat na mga kaso, pero sila na mismo ang humahatol sa mga maliliit na mga kaso.
|
|
\v 27 Pagkatapos hinayaan ni Moises na umalis ang kaniyang biyenan na lalaki, at bumalik si Jetro sa kaniyang sariling lupain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 19
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ikatlong buwan, pagkatapos lumabas ang bayan ng Israel mula sa lupain ng Ehipto, sa parehong araw, nakarating sila sa ilang ng Sinai.
|
|
\v 2 Pagkatapos nilang lisanin ang Rephidim at pumunta sa ilang ng Sinai, nagkampo sila sa ilang sa harapan ng bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Umakyat si Moises sa Diyos. Tinawag siya ni Yahweh mula sa bundok at sinabi, "Kailangan mong sabihin sa bahay ni Jacob, sa bayan ng Israel:
|
|
\v 4 Nakita mo ang aking ginawa sa mga taga-Ehipto, kung paano ko kayo inakay sa pakpak ng agila at dinala kayo para sa akin.
|
|
\v 5 Ngayon pagkatapos, kung susundin at pakikinggan ninyo ang aking tinig at iingatan ang aking kasunduan, kung gayon, magiging katangi-tanging pag-aari kita mula sa lahat ng mga tao, dahil ang buong daigdig ay akin.
|
|
\v 6 Ikaw ay magiging kaharian ng mga pari at isang banal na bayan para sa akin. Ito ang mga salitang dapat mong sabihin sa bayan ng Israel."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Kaya bumaba si Moises at ipinatawag ang mga nakatatanda ng Israel. Itinakda niya sa kanila ang lahat ng salita ni Yahweh na inutos sa kaniya.
|
|
\v 8 Lahat ng tao ay magkakasabay na sumagot at sinabing, "Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yahweh." Pagkatapos ipinarating ni Moises ang mga salita ng mga tao kay Yahweh.
|
|
\v 9 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Lalapit ako sa iyo sa isang makapal na ulap para maaaring marinig ng mga tao kapag ako ay nakikipag-usap sa iyo at maaari ring maniwala sila sa iyo habang panahon." Pagkatapos, inilahad ni Moises ang salita ng mga tao kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Puntahan mo ang mga tao. Ngayon at bukas kailangan mong ihandog sila sa akin at hugasan nila ang kanilang mga damit.
|
|
\v 11 Maging handa sa ikatlong araw, dahil sa ikatlong araw Ako, si Yahweh ay bababa sa Bundok Sinai.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Dapat kang maglagay ng hangganan sa palibot ng bundok para sa mga tao. Sabihin sa kanila, ''Mag-ingat na hindi sila aakyat ng bundok o hahawakan ang hangganan. Siguradong mailalagay sa kamatayan ang sinumang hahawak sa bundok.'
|
|
\v 13 Walang sinumang hahawak sa ganoong tao. Kundi, kailangan siyang batuhin o panain. Kahit ito man ay isang tao o isang hayop, dapat siyang mailagay sa kamatayan. Kapag tumunog na ang trumpeta ng isang mahabang tunog maaari na silang lumapit pataas sa paanan ng bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Pagkatapos bumaba si Moises mula sa bundok patungo sa mga tao. Inihandog niya ang mga tao kay Yahweh, at hinugasan nila ang kanilang mga damit.
|
|
\v 15 Sinabi niya sa mga tao, "Maging handa sa ikatlong araw; huwag kayong lalapit sa inyong mga asawa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Sa ikatlong araw, nang umagang iyon, mayroon kulog at kidlat at isang makapal na ulap sa itaas ng bundok at ang tunog ng isang napakalakas na trumpeta. Nanginig ang lahat ng tao na nasa kampo.
|
|
\v 17 Dinala ni Moises palabas sa kampo ang lahat ng tao para makipagkita sa Diyos at nakatayo sila sa paanan ng bundok.
|
|
\v 18 Lubusang nababalutan ng usok ang Bundok ng Sinai dahil kay Yahweh na bumaba doon na may apoy at usok. Pumaitaas ang usok katulad ng usok ng isang pugon at marahas na nabulabog ang buong bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nang palakas ng palakas ang tunog ng trumpeta, nagsalita si Moises, at sinagot siya ng Diyos sa isang boses.
|
|
\v 20 Bumaba si Yahweh sa Bundok ng Sinai, mula sa tuktok ng bundok at kaniyang tinawag si Moises sa tuktok. Kaya umakyat si Moises.
|
|
\v 21 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Bumaba ka at balaan mo ang mga tao na huwag sumuway sa akin para tumingin, o marami sa kanila ang mamamatay.
|
|
\v 22 Hayaan ang mga pari na lumapit din sa akin at itakda ang kanilang sarili na humiwalay, ihanda ang kanilang sarili sa aking pagdating para hindi ko sila salakayin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Sinabi ni Moises kay Yahweh, "Hindi makakaakyat ang mga tao sa bundok, ito ang inutos mo sa amin: 'Maglagay ng mga hangganan sa palibot ng bundok at ihandog ito kay Yahweh.'''
|
|
\v 24 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Lakad ka, bumaba sa bundok, at isama mo paakyat si Aaron na kasama mo, pero huwag mong payagan ang mga pari at ang mga tao na tanggalin ang bakod para pumunta sa akin, kung hindi sasalakayin ko sila.
|
|
\v 25 Kaya bumaba si Moises sa mga tao at nakipag-usap sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 20
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ng Diyos ang mga salitang ito:
|
|
\v 2 "Ako ay si Yahweh, inyong Diyos, ang naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa labas ng bahay ng pagkaalipin.
|
|
\v 3 Dapat wala kang ibang diyos sa harapan ko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Huwag dapat kayong gumawa para sa sarili ninyo ng isang inukit na larawan ni kahalintulad ng anumang bagay na nasa itaas ng langit, o sa lupa na nasa ilalim, o sa tubig na nasa ibaba.
|
|
\v 5 Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
|
|
\v 6 Pero magpapakita ako ng katapatan sa tipan sa libu-libong mga nagmamahal sa akin at susunod sa aking mga utos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Hindi ninyo dapat kunin ang pangalan ko, si Yahweh ang inyong Diyos, sa walang kabuluhan, dahil hindi ko ituturing na walang pagkakakasala ang sinumang kukuha ng pangalan ko sa walang kabuluhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, ihandog ninyo ito sa akin.
|
|
\v 9 Dapat magtrabaho kayo at gawin ang lahat ng gawain sa loob ng anim na araw.
|
|
\v 10 Pero ang ikapitong araw, ay isang Araw ng Pamamahinga para sa akin, si Yahweh ang inyong Diyos. Dito dapat walang gagawa ng anumang gawain, ikaw, ni ang iyong anak na lalaki, ni ang iyong anak na babae, ni iyong lalaking lingkod, ni iyong babaeng lingkod, ni iyong baka, ni ang dayuhan na nasa loob ng iyong mga tarangkahan.
|
|
\v 11 Dahil sa ikaanim na araw Ako, si Yahweh, ang lumikha ng langit, lupa at dagat at lahat ng bagay na nasa loob nito at nagpahinga sa ikapitong araw. Kaya nga Ako, si Yahweh, ay pinagpala ang Araw ng Pamamahinga at inihandog ito sa aking sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Igalang ninyo ang inyong ama at inyong ina, para maaari kang manirahanng mahabang panahon sa lupain na ibibigay ko sa inyo Ako, si Yahweh, ang inyong Diyos.
|
|
\v 13 Hindi kayo dapat pumatay ng sinuman.
|
|
\v 14 Hindi kayo dapat mangalunya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Hindi kayo dapat magnakaw mula kaninuman.
|
|
\v 16 Hindi kayo dapat magbigay ng maling patotoo laban sa iyong kapwa.
|
|
\v 17 Hindi ninyo dapat kainggitan ang bahay ng iyong kapwa; hindi ninyo dapat kainggitan ang asawa ng iyong kapwa, ang kaniyang lingkod na lalaki, ang kaniyang lingkod na babae, ang kaniyang baka, kaniyang asno o anumang bagay na pag-aari ng kapwa mo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Nakita ng mga tao ang pagkulog at ang pagkidlat at narinig ang tunog ng trumpeta at nakitang umuusok ang bundok. Nang makita ito ng mga tao, nanginig sila at tumayo sa malayo.
|
|
\v 19 Sinabi nila kay Moises, "Makipag-usap ka sa amin at kami'y makikinig; pero huwag mong payagan makipag- usap sa amin ang Diyos, o lahat kami ay mamamatay."
|
|
\v 20 Sinabi ni Moises sa mga tao, "Huwag kayong matakot, dahil bumaba ang Diyos para kayo ay subukin para ang karangalan na nasa kaniya ay mapasainyo at para hindi kayo magkasala."
|
|
\v 21 Kaya ang mga tao ay tumayo sa malayo at lumapit si Moises tungo sa makapal na kadiliman kung saan naroon ang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: 'Nakita mo na nakipag-usap ako sa iyo mula sa langit.
|
|
\v 23 Huwag kang gagawa para sa sarili mo ng anumang mga diyos kasama ko, mga diyos ng pilak o diyos ng ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Kailangan gumawa ka ng isang makalupang altar para sa akin at kailangang ihain mo itong mga handog na susunugin, mga handog ng pagtipon-tipon, tupa at mga baka. Sa bawat lugar na kung saan pararangalan ang pangalan ko, pupuntahan at pagpapalain kita.
|
|
\v 25 Kung igagawa mo ako ng isang altar mula sa bato, huwag mong itatayo mula sa hinati na mga bato, kapag ginamit mo ang iyong mga kasangkapan para dito, dinumihan mo ito.
|
|
\v 26 Huwag kang aakyat sa mga baitang patungo sa aking altar; ito ay hahadlang sa iyo mula sa paglantad ng pribadong bahagi ng iyong katawan.'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 21
|
|
\p
|
|
\v 1 "Ngayon ito ang mga kautusan na dapat mong igawad sa harapan nila:
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Kung bibili ka ng isang lingkod na Hebreo, maninilbilhan siya sa iyo sa loob ng anim na taon at sa ikapitong taon makakaalis siya nang malaya at walang babayaran na anumang bagay.
|
|
\v 3 Kung dumating siyang mag-isa, aalis siyang malaya mag-isa; kung siya ay may asawa, aalis kasama niyang malaya ang kaniyang asawa.
|
|
\v 4 Kung ang kaniyang amo ang siyang nagbigay ng asawa para sa kaniya at nagkaanak sila ng mga lalaki o mga babae, ang asawa at ang kaniyang mga anak ay pag-aari ng kaniyang amo at dapat umalis siyang malaya mag-isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Pero kung malinaw na sinasabi ng lingkod, "Mahal ko ang aking amo, aking asawa at aking mga anak; hindi ako aalis na malaya,"
|
|
\v 6 pagkatapos dadalhin siya ng kaniyang amo sa Diyos. Dadalhin siya ng kaniyang amo sa pintuan o sa haligi ng pintuan at kailangang butasan ang kaniyang tainga ng kaniyang amo gamit ang isang pambutas. Pagkatapos ang lingkod ay maninilbihan sa kaniya ng buong buhay niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Kung ipinagbili ng isang lalaki ang kaniyang anak na babae na maging lingkod na babae, hindi siya makakaalis na malaya gaya ng mga lingkod na lalaki.
|
|
\v 8 Kung hindi malulugod ang kaniyang amo, na siyang nagtalaga para sa kaniyang sarili, kinakailangan na ipatubos niya siya. Wala siyang karapatan na ipagbili ito sa mga taong dayuhan. Siya ay walang ganoong karapatan, yamang siya ay tinatrato niya ng pandaraya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Kung itatalaga siya ng kaniyang amo bilang asawa para sa kaniyang anak na lalaki, dapat ituring niya siya na parang anak niya rin na babae.
|
|
\v 10 Kung kukuha ng isa pang asawa ang amo para sa kaniyang sarili, hindi niya dapat bawasan ang kaniyang pagkain, damit o ang kaniyang karapatan bilang asawa.
|
|
\v 11 Pero kung hindi niya maibibigay ang tatlong bagay na ito para sa kaniya, makakaalis siyang malaya at walang babayaran na anumang pera.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sinumang manakit ng isang tao at ito ay namatay, ang taong iyon ay siguraduhing malalagay sa kamatayan.
|
|
\v 13 Kung hindi ito ginawa ng tao na may paghahanda, sa halip hindi ito sinadya, pipili ako ng lugar kung saan maaari siyang tumakas.
|
|
\v 14 Kung ang isang tao ay sinadyang lusubin ang kaniyang kapitbahay para patayin siya sa mapanlinlang, pagkatapos dapat mo siyang kunin, kahit kung siya ay nasa altar ng Diyos, kaya maaari siyang mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Sinumang manakit sa kaniyang ama o ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
|
|
\v 16 Sinumang dumukot ng isang tao at ito ay kaniyang ipinagbili, o ang tao ay natagpuan sa kaniyang pangangalaga, ang taong dumukot ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
|
|
\v 17 Sinumang sumpain ang kaniyang ama o kaniyang ina ay dapat siguradong malagay sa kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Kung mag-aaway ang mga lalaki at may isang taong manakit ng iba tao na gamit ang bato o ang kaniyang kamao, at ang taong iyon ay hindi namatay, pero nanatiling nakahiga;
|
|
\v 19 pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Kung sinaktan ng isang tao ang kaniyang lingkod na lalaki o ang kaniyang lingkod na babae gamit ang kaniyang tungkod, at kung ang lingkod ay namatay dahil sa pagkakapalo, ang taong iyon ay dapat siguradong maparusahan.
|
|
\v 21 Gayunpaman, kung ang lingkod ay nabuhay ng isang araw o dalawa, ang amo ay hindi na dapat maparusahan, dahil siya rin ang magdurusa sa kawalan ng lingkod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Kung nag-aaway ang mga lalaki at makasakit ng isang babaeng buntis at nakunan siya, pero wala nang ibang sugat sa kaniya, pagkatapos ang taong salarin ay dapat magmulta; kung may mga hinihingi ang asawa ng babae mula sa kaniya, dapat siyang magbayad ayon sa napagpasyahan ng mga hukom.
|
|
\v 23 Pero kung mayroong malubhang sugat, pagkatapos kailangan mong magbigay ng buhay para sa buhay,
|
|
\v 24 mata para sa mata, ngipin para sa ngipin, kamay para sa kamay, paa para sa paa,
|
|
\v 25 paso para sa paso, sugat para sa sugat o pasa para sa pasa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Kung suntukin ng isang lalaki ang mata ng kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae at nasira ito, dapat palayain niya ang lingkod katumbas para sa kaniyang mata.
|
|
\v 27 Kung suntukin niya at nabunutan ng isang ngipin ang kaniyang lingkod na lalaki o lingkod na babae, dapat palayain niya ang lingkod bilang bayad para sa ngipin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Kung suwagin ng baka ang isang lalaki o isang babae at namatay ito, dapat batuhin ang baka, at hindi dapat kainin ang laman nito; pero mapapawalang sala ang may-ari ng baka.
|
|
\v 29 Pero kung may ugaling pagsuwag dati pa ang baka at binigyan ng babala ang may-ari nito, at hindi niya ito ikinulong, at nakapatay ang baka ng isang lalaki o isang babae, kinakailangang batuhin ang baka. Dapat ding patayin ang may-ari nito.
|
|
\v 30 Kung kinakailangan ang kabayaran para sa kaniyang buhay, dapat niyang bayaran ang anumang kailangan niyang bayaran.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Kung sinuwag ng baka ang anak na lalaki o anak na babae ng isang lalaki, dapat gawin ng may-ari ng baka ang hinihingi ng kautusang ito.
|
|
\v 32 Kung sinuwag ng baka ang isang lingkod na lalaki o lingkod na babae, dapat magbayad ang may-ari ng baka ng tatlumpung sekel na pilak, at dapat batuhin ang baka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Kung magbubukas ng isang hukay ang isang lalaki, o kung humukay ng isang hukay ang isang lalaki, at hindi niya ito tinakpan at may nahulog na baka o asno sa loob nito,
|
|
\v 34 kailangan bayaran ng may-ari ng hukay ang nawala. Kailangan magbigay siya ng pera sa may-ari ng namatay na hayop at magiging kaniya ang namatay na hayop.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Kung saktan ng baka ng isang tao ang baka ng ibang tao kaya namatay ito, kailangan nilang ipagbili ang buhay na baka at paghatian nila ang halaga nito, kailangan din nilang paghatian ang patay na baka.
|
|
\v 36 Pero kung nalaman na ang baka ay may ugaling nanunuwag sa nakaraan, at hindi ito kinulong ng may-ari, dapat siguraduhin siyang magbayad ng baka para sa baka at ang namatay na hayop ay magiging kaniyang pag-aari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 22
|
|
\p
|
|
\v 1 Kung magnakaw ang isang lalaki ng isang baka o isang tupa at pinatay niya o ipinagbili ito, pagkatapos dapat siyang magbayad ng limang baka para sa isang baka, at apat na tupa para sa isang tupa.
|
|
\v 2 Kung ang magnanakaw ay natagpuang naninira, at kung nasaktan at siya ay namatay, sa ganoong kaso walang sinuman ang ituturing na may sala sa kaniyang kamatayan.
|
|
\v 3 Pero kung sumikat ang araw bago niya sinira, salang pagpatay ng tao ang ipapataw sa taong pumatay sa kaniya. Ang magnanakaw ay dapat gumawa ng pagbabayad-pinsala. Kung wala siyang pag-aari, pagkatapos dapat siyang ipagbili dahil sa kaniyang pagnanakaw.
|
|
\v 4 Kung ang ninakaw na hayop ay natagpuang buhay sa kaniyang pag-aari, maging ito ay isang asno, o isang tupa, dapat siyang magbayad ng doble.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Kung magpapastol ang isang lalaki ng kaniyang mga baka sa isang bukid o sa ubasan at hinayaang nakakawala ang kaniyang hayop, at kumain ito sa bukid ng ibang tao, dapat siyang gumawa ng pagbabayad-pinsala mula sa pinakamainam sa kaniyang sariling bukid at mula sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Kung kumalat ang apoy at kumalat sa mga tinik kaya ang mga nakasalansan na butil, o nakatayo na butil, o ang bukid ay natupok, siya na nagsimula ng apoy ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Kung magbibigay ng pera o ari-arian ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para sa ligtas na pag-iingat, at kung ito ay ninakaw mula sa bahay ng lalaki, kung natagpuan ang magnanakaw, ang magnanakaw na iyon ay dapat magbayad ng doble.
|
|
\v 8 Pero kung ang magnanakaw ay hindi natagpuan, pagkatapos ang may-ari ng bahay ay dapat humarap sa mga hukom para tingnan kung nilagay niya ang kaniyang sariling kamay sa pag-aari ng kaniyang kapitbahay.
|
|
\v 9 Sa bawat pagtatalo tungkol sa isang bagay, maging ito ay baka, asno, tupa, damit o anumang nawawalang bagay tungkol sa kung alin ang sinasabi ng isa, "Kabilang ito sa akin," ang pag-aangkin ng dalawang panig ay kailangang humarap sa mga hukom. Ang taong makitaan ng mga hukom na siyang may sala ay dapat magbayad ng doble sa kaniyang kapitbahay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kung magbibigay ng isang asno, isang baka, isang tupa o anumang hayop ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para pangalagaan, at kung ito ay namatay o nasaktan o natangay ito nang walang sinumang nakakita,
|
|
\v 11 isang panunumpa kay Yahweh ang dapat nilang gawin, kung walang isang tao na naglagay sa kaniyang kamay sa pagmamay-ari ng kaniyang kapitbahay. Kailangang tanggapin ng may-ari ito at ang isa ay hindi na kailangang gumawa ng pagbabayad-pinsala.
|
|
\v 12 Pero kung ninakaw ito mula sa kaniya, ang isa ay dapat gumawa ng pagbabayad-pinsala sa may-ari para dito.
|
|
\v 13 Kung ang hayop ay nagkagutay-gutay, hayaan na dalhin ng isang tao ang hayop bilang katibayan. Hindi siya kailangang magbayad kung anuman ang nasira.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Kung hihiram ang isang tao ng anumang hayop mula sa kaniyang kapitbahay at ang hayop ay nasaktan o namatay na hindi ito kasama ng may-ari, ang ibang tao ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala.
|
|
\v 15 Pero kung ang may-ari ay kasama nito, ang ibang tao ay hindi na kailangan magbayad; kung inupahan ang hayop, ito ay babayaran sa pamamagitan ng kaniyang bayad paupahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kung inaakit ng isang lalaki ang isang babaeng birhen na wala pang kasunduang magpakasal at kung siya ay kaniyang sinipingan, dapat siguraduhin niyang gawing asawa ang babae sa pamamagitan ng pagbabayad ng kasal-kayamanan na kinakailangan para dito.
|
|
\v 17 Kung ang kaniyang ama ay ganap na tumangging ibigay siya sa lalaki, ang lalaki ay dapat magbayad ng pera katumbas sa bayad-kayamanan ng mga birhen.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Hindi ninyo dapat hayaang mabuhay ang isang babaeng mangkukulam.
|
|
\v 19 Sinumang sumiping sa isang hayop ay dapat siguradong malalagay sa kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Sinumang magsasakripisyo sa anumang diyos maliban kay Yahweh ay dapat ganap na wasakin.
|
|
\v 21 Huwag dapat ninyong gawan ng masama ang isang dayuhan o pagmalupitan siya, dahil naging mga dayuhan din kayo sa lupain ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Huwag dapat ninyong apihin ang sinumang balo o mga batang ulila sa ama.
|
|
\v 23 Kung sasaktan ninyo sila, at kung tumawag sila sa akin, na si Yahweh, siguradong pakikinggan ko ang kanilang tawag.
|
|
\v 24 Magliliyab ang aking galit, at papatayin ko kayo sa pamamagitan ng espada; ang inyong mga asawa ay magiging balo, at ang inyong mga anak ay magiging ulila sa ama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Kung magpapahiram kayo ng pera sa sinuman sa aking mga tao sa gitna ninyo na mga mahihirap, hindi kayo dapat matulad sa isang nagpapatubo sa kaniya o singilin siya ng may tubo.
|
|
\v 26 Kung kukunin ninyo ang damit ng inyong kapitbahay bilang pangako, dapat ninyong isauli ito sa kaniya bago lumubog ang araw,
|
|
\v 27 dahil iyon lamang ang kaniyang tanging pantakip; ito ay ang kaniyang damit para sa kaniyang katawan. Ano pa ang kaniyang ipangtutulog? Kapag tumawag siya sa akin, pakikinggan ko siya, dahil ako ay mahabagin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Hindi dapat ninyo ako nilalapastangan, ako na inyong Diyos, ni sumpain ang namumuno sa inyong bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Hindi dapat ninyo ipagkait ang inyong mga handog mula sa inyong ani o sa inyong pisaan ng ubas. Dapat ninyong ibigay sa akin ang panganay ng inyong mga anak na lalaki.
|
|
\v 30 Dapat din ninyong gawin sa inyong mga baka at sa inyong tupa. Dahil sa loob ng pitong araw mananatili sila sa kanilang mga ina, pero sa loob ng ikawalong araw dapat ninyong ibigay sila sa akin.
|
|
\v 31 Kayo ay magiging bayan na ibubukod para sa akin. Kaya huwag dapat kayong kumain ng anumang karne na ginutay-gutay ng mga hayop sa bukid. Sa halip, dapat ninyong itapon ito sa mga aso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 23
|
|
\p
|
|
\v 1 Hindi ka dapat magbigay ng isang maling ulat tungkol sa sinuman. Huwag makianib sa taong masama para maging saksi na hindi tapat.
|
|
\v 2 Hindi mo dapat sundin ang karamihan ng tao para gumawa ng kasamaan, ni maaari kang sumaksi habang pumapanig kasama ang karamihan ng tao para ilihis ang katarungan.
|
|
\v 3 Hindi ka dapat sumang-ayon sa isang taong dukha sa kaniyang kaso sa batas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Kung makasalubong mo ang naligaw na baka ng iyong kaaway o ang kaniyang asno, dapat mo itong ibalik sa kaniya.
|
|
\v 5 Kung makita mo ang asno ng sinumang napopoot sa iyo na bumagsak sa lupa ang karga nito, hindi mo dapat iwanan ang taong iyon. Dapat siguraduhin mong tulungan siya kasama ang kaniyang asno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Hindi mo dapat ilihis ang katarungan kapag ito ay dapat pumunta sa iyong bayan sa isang lalaking dukha na may kaso.
|
|
\v 7 Huwag kang makianib sa iba na gumagawa ng maling mga paratang, at huwag kang pumatay ng inosente o banal, dahil hindi ko ipapawalang sala ang masama.
|
|
\v 8 Huwag kumukuha ng suhol, dahil ang suhol ang bumubulag sa mga taong nakakakita, at inililihis ang mga salita ng mga taong tapat.
|
|
\v 9 Huwag mo dapat apihin ang dayuhan, dahil alam mo ang buhay ng isang dayuhan, dahil naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sa loob ng anim na taon magtatanim ka ng buto sa iyong lupain at iipunin ang mga naani.
|
|
\v 11 Pero sa ikapitong taon lilinangin mo ito nang walang araro at hahayaan, para ang mahihirap sa gitna ninyo ay makakain. Kung ano ang kanilang iniwan, ang mga mababangis na hayop ang kakain. Gagawin mo rin ito sa iyong ubasan at sa iyong halamanang olibo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sa loob ng anim na araw magtatrabaho ka, pero sa ikapitong araw dapat kang magpahinga. Gawin mo ito para makapagpahinga ang iyong baka at asno, at para ang iyong anak na lalaki ng lingkod na babae at anumang dayuhan ay maaaring makapagpahinga at maging masigla.
|
|
\v 13 Bigyang-pansin ang lahat ng bagay na aking sinabi sa iyo. Huwag mong banggitin ang mga pangalan ng ibang mga diyos, o ni hayaang marinig ang kanilang mga pangalan mula sa iyong bibig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dapat kang maglakbay para magdaos ng isang pista para sa akin tatlong beses sa bawat taon.
|
|
\v 15 Ipagdiwang mo ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Bilang aking utos sa iyo, kakain ka ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa panahong iyon, magpapakita ka sa aking harapan sa buwan ng Abib, na itinakda para sa layuning ito. Sa buwang ito lumabas ka galing Ehipto. Pero hindi ka dapat magpakita sa aking harapan na walang-dala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Dapat ipagdiwang mo ang Pista ng Pag-aani, ang unang mga bunga ng iyong pinagtrabahuhan nang nagtanim ka ng buto sa iyong bukirin. At saka dapat mong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa katapusan ng taon, kapag nalikom ninyo ang iyong inani mula sa bukirin.
|
|
\v 17 Dapat magpakita ang lahat ng iyong mga kalalakihan sa harapan ko, si Yahweh, tatlong beses sa bawat taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Dapat huwag mong ialay ang dugo na galing sa mga handog na ginawa para sa akin kasama ang tinapay na may lamang lebadura. Ang taba na galing sa mga handog ng aking mga kapistahan ay hindi dapat manatili ng buong gabi hanggang sa kinaumagahan.
|
|
\v 19 Dapat ninyong dalhin ang unang mga prutas na piling-pili galing sa inyong lupain sa aking bahay, ang templo ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag mong ilalaga ang batang kambing sa gatas ng kaniyang ina.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Magpapadala ako ng anghel sa unahan mo para bantayan ka sa iyong landas, at para dalhin ka sa lugar na aking inihanda.
|
|
\v 21 Maging mapagmatyag ka sa kaniya at sundin mo siya. Huwag mo siyang galitin, dahil hindi ka niya patatawarin sa iyong mga pagsuway. Ang pangalan ko ay nasa kaniya.
|
|
\v 22 Kung talagang susundin mo ang kaniyang tinig at gagawin ang lahat ng bagay na sinabi ko sa iyo, sa gayon magiging kaaway ko ang iyong mga kaaway at kalaban para sa iyong mga kalaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Pangungunahan ka ng aking anghel at dadalhin ka niya sa mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo. Wawasakin ko sila.
|
|
\v 24 Hindi ka dapat yumuko sa kanilang mga diyos, sambahin sila, o gawin ang tulad ng kanilang ginagawa. Sa halip, dapat mong tuluyang patalsikin sila at basagin ang kanilang sagradong batong mga haligi ng pira-piraso.
|
|
\v 25 Dapat sambahin ninyo ako, si Yahweh na iyong Diyos. Kung gagawin mo, pagpapalain ko ang iyong tinapay at tubig. Aalisin ko ang karamdaman mula sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Walang babae na magiging baog o makukunan sa iyong lupain. Bibigyan kita ng mahabang buhay.
|
|
\v 27 Ako mismo ang magpapadala ng takot sa akin para sa mga taong naroon sa lupain kung saan ka susulong. Papatayin ko lahat ang mga taong makakasalubong mo. Gagawin ko ang lahat mong mga kaaway na babalik sa kanilang landas na may takot.
|
|
\v 28 Magpapadala ako ng mga putakti sa unahan mo para palayasin ang mga Heveo, Cananeo, at ang mga Heteo sa harapan mo.
|
|
\v 29 Hindi ko sila itataboy mula sa harapan mo sa loob ng isang taon, o ang lupain ay magiging napabayaan, at ang mga mababangis na hayop ay magiging napakarami para sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Sa halip, palalayasin ko sila ng paunti-unti mula sa harapan mo hanggang ikaw ay maging mabunga at manahin ang lupain.
|
|
\v 31 Itatakda ko ang iyong mga hangganan mula sa Dagat ng mga Tambo patungo sa Dagat ng Palestina, at mula sa ilang patungo sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban sa mga naninirahan sa lupain. Palalayasin mo sila sa harapan mo.
|
|
\v 32 Huwag kang gumawa ng kasunduan sa kanila o sa kanilang diyos.
|
|
\v 33 Hindi sila dapat manirahan sa iyong lupain o gagawin ka nilang makasalanan laban sa akin. Kung sambahin mo ang kanilang diyos, siguradong ito ay magiging bitag para sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 24
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Umakyat ka papunta sa akin- ikaw, Aaron, Nadab, Abihu, at pitumpung mga nakatatanda ng Israelita, at sambahin ako sa kalayuan.
|
|
\v 2 Si Moises lamang ang maaring lumapit sa akin. Ang iba ay hindi dapat lumapit, ni maaring sumama paakyat ang mga tao sa kaniya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pumunta si Moises sa mga tao at sinabi ang lahat ng mga salita ni Yahweh at mga palatuntunan. Sumagot ang lahat ng mga tao na may isang tinig at sinabing, "Gagawin namin ang lahat ng mga salita na sinabi ni Yahweh.
|
|
\v 4 Pagkatapos sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ni Yahweh. Umagang-umaga, nagtayo si Moses ng altar sa paanan ng bundok at inayos ang labing dalawang mga haligi na bato, kaya ang mga batong iyon ang siyang kumatawan sa labing dalawang lipi ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nagpadala siya ng ilang mga binatang Israelita para mag-alay ng mga sinunog na handog at mag-alay ng sama-samang handog na mga baka para kay Yahweh.
|
|
\v 6 Kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo at nilagay sa loob ng mga palanggana, iniwisik ang natirang kalahati sa ibabaw ng altar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Kinuha niya Ang Aklat ng Tipan at binasa ito ng malakas sa mga tao. Sinabi nila, "Gagawin namin ang lahat ng sinabi ni Yahweh. Magiging masunurin kami."
|
|
\v 8 Pagkatapos kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik ito sa mga tao. Sinabi niya, "Ito ang dugo ng tipan na ginawa ni Yahweh para sa inyo sa pamamagitan ng pagbibigay sa inyo ng pangakong ito kasama ang lahat ng mga salitang ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pagkatapos sina Moises, Aaron, Nadab, Abihu, at pitumpu sa mga nakatatanda ng Israel ay umakyat sa bundok.
|
|
\v 10 Nakita nila ang Diyos ng Israel. Sa ilalim ng kaniyang mga paa mayroong semento na gawa sa sapirong bato, na kasing linaw ng mismong langit.
|
|
\v 11 Hindi inilagay ng Diyos isang kamay sa galit sa mga pinuno ng Israelita. Nakita nila ang Diyos, at kumain at uminom sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Umakyat ka papunta sa akin sa bundok at manatili ka doon. Ibibigay ko sa iyo ang mga tipak ng bato at ang batas at mga utos na aking sinulat, para ituro mo sa kanila."
|
|
\v 13 Kaya lumakad si Moises kasama ang kaniyang utusan na si Josue at inakyat ang bundok ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sinabi ni Moises sa mga nakatatanda, "Manatili kayo dito at hintayin ninyo kami hanggang makabalik kami sa inyo. Sina Aaron at Hur ay kasama ninyo. Kung sinuman ang mayroong pagtatalo, hayaan mo siyang pumunta sa kanila."
|
|
\v 15 Kaya umakyat si Moises papunta sa bundok, at tinakpan ito ng ulap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Nanahan ang kaluwalhatian ni Yahweh sa Bundok ng Sinai, at tinakpan ito ng ulap sa loob ng anim na araw. Sa ikapitong araw tinawag niya si Moises mula sa loob ng ulap.
|
|
\v 17 Ang anyo ng kaluwalhatian ni Yahweh ay katulad ng isang apoy na tumutupok sa ibabaw ng bundok sa mga mata ng mga Israelita.
|
|
\v 18 Pumasok si Moises sa ulap at umakyat sa bundok. Naroon siya sa ibabaw ng bundok nang apatnapung araw at apatnapung gabi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 25
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Sabihin sa mga Israelita na kumuha ng isang handog para sa akin mula sa bawat tao na hinikayat ng maluwag sa kalooban. Dapat ninyong tanggapin ang mga handog na ito para sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Ito ang mga handog na dapat ninyong tanggapin mula sa kanila: ginto, pilak, at tanso;
|
|
\v 4 asul, lila, at matingkad na pulang lana; pinong lino; mga buhok ng kambing;
|
|
\v 5 mga tininang pulang balat ng lalaking tupa at balat ng hayop na nakatira sa dagat; kahoy ng akasya;
|
|
\v 6 langis para sa mga ilawan ng santuwaryo; pampalasa para sa langis na pangpahid at ang mahalimuyak na insenso;
|
|
\v 7 mga oniks na bato at ibang mga mamahaling bato na ilalagay sa epod at baluti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Hayaan silang gumawa ng isang santuwaryo para manirahan ako sa gitna nila.
|
|
\v 9 Dapat ninyong gawin ito ng ganap habang ipinapakita ko sa iyo ang mga plano para sa tabernakulo at sa lahat nitong kagamitan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sila ay gagawa ng isang kaban ng kahoy na akasya. Ang haba dapat nito ay dalawa at kalahating mga kubit; ang lapad nito ay magiging isang kubit at kalahati; at ang taas nito ay magiging isang kubit at kalahati.
|
|
\v 11 Dapat mo itong balutin sa loob at labas sa purong ginto, at dapat mo itong gawan ng isang hangganang ginto sa paligid ng ibabaw nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Dapat kayong magmolde ng apat na gintong argolya para rito, at ilagay sila sa apat na paanan ng kaban, kasama ang dalawang argolya sa isang gilid nito, at dalawang argolya sa ibang gilid.
|
|
\v 13 Dapat kayong gumawa ng mga baras ng kahoy na akasya at balutan ito ng ginto.
|
|
\v 14 Dapat ninyong ilagay ang mga baras doon sa mga argolya sa mga gilid ng kaban, para madala ang kaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Ang mga baras ay dapat manatili sa mga argolya ng kaban; hindi dapat sila kunin mula rito.
|
|
\v 16 Dapat ninyong ilagay sa kaban ang tipan ng kautusan na ibibigay ko sa inyo.
|
|
\v 17 Dapat kayong gumawa ng takip ng isang luklukan ng awa ng purong ginto. Ang haba nito ay dapat dalawa at kalahating mga kubit, at ang lapad nito ay dapat isang kubit at kalahati.
|
|
\v 18 Dapat kayong gumawa ng dalawang kerubin ng gintong pinanday para sa dalawang mga dulo ng takip ng luklukan ng awa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Gumawa ng isang kerubin para sa isang dulo ng takip ng luklukan ng awa, at ang ibang kerubin para sa kabilang dulo. Sila ay dapat maging gawa bilang isang baluti kasama ang takip ng luklukan ng awa.
|
|
\v 20 Nakabuka dapat ang mga pakpak ng kerubin pataas at nilukuban ang takip ng luklukan ng awa sa pagitan nila. Ang kerubin ay dapat nakaharap sa isat-isa at nakatingin patungo sa gitna ng takip ng luklukan ng awa.
|
|
\v 21 Dapat ninyong ilagay ang takip ng luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban, at dapat ninyong ilagay sa kaban ang tipan ng kautusan na ibibigay ko sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Ito ang kaban na kung saan ako ay makikipagkita sa iyo. Makikipag-usap ako sa iyo mula sa aking kinalalagyan sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa. Ito ay magmula sa pagitan ng dalawang kerubin sa ibabaw ng kaban ng patunay na ako ay makikipag-usap sa iyo tungkol sa lahat ng mga utos na ibibigay ko sa iyo para sa mga Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Dapat kayong gumawa ng isang mesa ng kahoy na akasya. Ang haba nito ay dapat dalawang kubit; ang lapad nito ay dapat isang kubit, at ang taas nito ay dapat isang kubit at kalahati.
|
|
\v 24 Dapat balutan ninyo ito ng purong ginto at lagyan ng gintong dulo sa paligid ng ibabaw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Dapat kayong gumawa ng isang kalakip na balangkas para dito na may isang dangkal ang lapad, kasama ng kalakip na hangganan na ginto para sa balangkas.
|
|
\v 26 Dapat gumawa kayo para dito ng apat na argolya na ginto at ikabit ang mga argolya sa apat na kanto, na kung saan ang apat na paa ay naroon.
|
|
\v 27 Ang mga argolya ay dapat nakakabit sa gilid para magbigay ng mga lugar para sa mga baras, nang sa gayon ay mabubuhat ang mesa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Dapat kayong gumawa ng mga baras galing sa kahoy na akasya at balutan sila ng ginto para ang mesa ay maaaring buhatin nila.
|
|
\v 29 Dapat kayong gumawa ng mga pinggan, mga kutsara, mga pitsel, at mga mangkok para gamitin sa pagbuhos ng inuming mga handog. Dapat gawin ninyo sila ng purong ginto.
|
|
\v 30 Dapat palagi ninyong ilagay ang tinapay ng presensya sa mesa na nasa harapan ko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Dapat kayong gumawa ng isang ilawan ng purong gintong pinanday. Ang ilawan ay gagawin na may paanan at poste. Ang mga tasa nito, ang mga madahong paanan, at ang mga bulaklak nito ay gawa lahat sa isang pirasong kalakip nito.
|
|
\v 32 Anim na mga sanga na dapat pahabain palabas mula sa mga gilid nito-tatlong mga sanga na dapat pahabain mula sa isang gilid, at tatlong mga sanga ng ilawan ay dapat pahabain mula sa kabilang gilid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Ang unang sanga ay dapat may tatlong mga tasa na ginawa katulad ng almendro na mga bulaklak, kasama ang isang madahong paanan at isang bulaklak, at tatlong mga tasa ginawa na katulad ng almendro na mga bulaklak na nasa ibang sanga, kasama ang isang madahong paanan at isang bulaklak. Dapat kapareho ito sa lahat ng anim na sanga na hahaba palabas mula sa ilawan.
|
|
\v 34 Sa sariling ilawan, ang gitnang katawan ng poste, apat dapat ang mga tasang gawa tulad ng almendro na mga bulaklak, kasama ng kanilang madahong paanan at ang mga bulaklak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Dapat may isang madahong paanan sa unang pares ng mga sanga--gawa bilang isang piraso na kasama nito, at ang isang madahong paanan sa ilalim ng pangalawang pares ng mga sanga---ginawa rin bilang isang piraso kasama nito. Sa parehong paraan dapat mayroong isang madahong paanan sa ilalim ng pangatlong pares ng mga sanga, ginawa bilang isang piraso na kasama nito. Ito ay dapat kapareho ng lahat ng anim na sanga na palabas mula sa ilawan.
|
|
\v 36 Ang kanilang mga madahong paanan at mga sanga ay dapat maging isang piraso kasama nito, isang piraso ng pinalong yari sa purong ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Dapat kayong gumawa ng ilawan at ang pitong ilaw nito, at ilagay ang mga ilaw nito para sila ay magbigay ng liwanag mula dito.
|
|
\v 38 Ang mga sipit at ang kanilang mga bandeha ay dapat ginawa sa purong ginto.
|
|
\v 39 Gumamit ng isang talentong purong ginto na ang timbang ay 34 kilo sa paggawa ng ilawan at mga kagamitan nito.
|
|
\v 40 Siguraduhin na gagawin sila mula sa modelo na ipinapakita sa inyo sa ibabaw ng bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 26
|
|
\p
|
|
\v 1 Dapat gumawa ka ng tabernakulo na may sampung kurtina na yari sa pinong lino na kulay asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Gagawin ito ng mahusay na manggagawang lalaki.
|
|
\v 2 Ang haba ay dalawampu't walong kubit, ang lapad ay apat na kubit. Dapat magkaparehong sukat ang lahat ng mga kurtina.
|
|
\v 3 Dapat pagdugtungin ang limang kurtina, at ang ibang limang kurtina ay dapat idugtong sa bawat isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Dapat gumawa ka ng asul na silo sa labas ng gilid ng kurtina sa isang pangkat. Gayundin, dapat kang gumawa ng pareho ng gilid sa dulo ng kurtina sa pangalawang pangkat.
|
|
\v 5 Dapat kang gumawa ng limampung silo sa unang kurtina, at dapat kang gumawa ng limampung silo sa dulo ng kurtina sa pangalawang pangkat. Gawin ito para ang mga silo ay maging magkasalungat sa bawat isa.
|
|
\v 6 Dapat kang gumawa ng limampung panghawak na ginto at pagdugtungin ang mga kurtina kasama ito kaya ang tabernakulo ay magiging buo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Dapat kang gumawa ng mga kurtinang balahibo ng kambing para sa isang tolda na pantakip sa itaas ng tabernakulo. Dapat kang gumawa ng labing-isa sa mga kurtinang ito.
|
|
\v 8 Ang haba ng bawat kurtina ay dapat tatlumpung kubit, at ang lapad ng bawat kurtina ay dapat apat na kubit. Dapat parehong sukat ang bawat isa sa labing-isang kurtina.
|
|
\v 9 Dapat pagdugtungin mo ang limang kurtina at ang ibang anim na kurtina sa bawat isa. Dapat doblehin mo ang ikaanim na kurtina sa harap ng tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Dapat kang gumawa ng limampung silo sa gilid ng dulo ng kurtina sa unang pangkat at limampung silo sa gilid ng dulo na magdugtong sa pangalawang pangkat.
|
|
\v 11 Dapat kang gumawa ng limampung tansong panghawak at ilagay ang mga ito sa mga silo. Pagkatapos dapat mong pagdugtungin ng magkakasama ang mga tolda na pantakip para maging isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Ang naiwang kalahating kurtina, iyan ay, ang naiwang nakalaylay na bahagi galing sa mga kurtina ng tolda, dapat nakasabit sa likod ng tabernakulo.
|
|
\v 13 Dapat magkaroon ng isang kubit sa isang bahagi ng kurtina, at sa isang kubit din sa ibang bahaging kurtina—na ang naiwang haba ng toldang kurtina ay dapat lumaylay sa mga gilid ng tabernakulo sa isang gilid at sa kabilang gilid, para takpan ito.
|
|
\v 14 Dapat kang gumawa ng pantakip sa tabernakulo ng balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, at ibang pantakip na yari sa balat para sa itaas nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Dapat kang gumawa ng mga patayong tabla na yari sa akasyang kahoy para sa tabernakulo.
|
|
\v 16 Ang haba ng bawat tabla ay dapat sampung kubit, at ang lapad ay dapat isa at kalahating kubit.
|
|
\v 17 Dapat may dalawang nakausli sa bawat tabla para maidugtong ang mga tabla sa bawat isa. Gagawin mo ang lahat ng mga tabla sa tabernakulo sa ganitong pamamaraan.
|
|
\v 18 Kapag gagawa ka ng mga tabla para sa tabernakulo, dapat kang gumawa ng dalawampung tabla sa bawat timog na bahagi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Dapat kang gumawa ng apatnapung pilak na mga pundasyon sa dalawampung tabla. Dapat may dalawang pundasyon sa isang tabla na may dalawang patungan, at ganoon din ang dalawang pundasyon sa ilalim ng bawat ibang tabla na may dalawang patungan.
|
|
\v 20 Para sa pangalawang gilid ng tabernakulo, sa hilagang bahagi, dapat kang gumawa ng dalawampung tabla
|
|
\v 21 at apatnapung pilak na pundasyon. Dapat may dalawang pundasyon sa unang tabla at dalawang pundasyon sa sumunod na tabla at sa susunod pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Dapat kang gumawa ng anim na tabla, para sa dakong likuran ng kanlurang gilid ng tabernakulo.
|
|
\v 23 Dapat kang gumawa ng dalawang tabla sa likuran ng mga sulok ng tabernakulo.
|
|
\v 24 Dapat magkahiwalay ang mga tablang ito sa ilalim, pero magkadugtong sa itaas sa parehong bilog na metal. Dapat sa ganitong paraan sa parehong likuran ng mga sulok.
|
|
\v 25 Dapat may walong tabla, kasama ng mga pilak na pundasyon. Dapat mayroong labing-anim sa lahat ng pundasyon, dalawang pundasyon sa unang tabla, dalawang pundasyon sa ilalim ng sunod na tabla, at ganoon din sa susunod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Dapat kang gumawa ng mga pahalang na haligi na yari sa akasyang kahoy—lima para sa mga tabla ng isang gilid ng tabernakulo,
|
|
\v 27 limang pahalang na haligi sa kabilang gilid ng tabernakulo, at limang pahalang na haligi para sa dakong likuran ng kanluran ng tabernakulo.
|
|
\v 28 Ang pahalang na haligi sa gitna ng mga tabla, iyan ay, kalagitnaang pataas, dapat umabot sa magkabilang dulo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Dapat mong balutin ng ginto ang mga tabla. Dapat kang gumawa ng kanilang mga gintong bilog na metal, para ang mga ito ay magsilbing hawakan para sa mga pahalang na haligi, at dapat balutin mo ng ginto ang mga baras.
|
|
\v 30 Dapat mong itayo ang tabernakulo sa pamamagitan ng pagsunod sa plano na pinakita sa iyo sa bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Dapat kang gumawa ng kurtina na may asul, lila at matingkad na pulang lana, na may disenyong kerubin, gawa ito ng mahusay na manggagawang lalaki.
|
|
\v 32 Dapat isabit mo ito sa limang poste ng akasya na kahoy na binalot ng ginto. Dapat ang mga poste ay may mga kawit na gintong pangkat sa apat na pundasyong pilak.
|
|
\v 33 Dapat isabit mo ang kurtina sa mga panghawak, at dapat mong dalhin ang kautusang tipan ng kaban. Ihihiwalay ng kurtina ang banal na lugar sa kabanal-banalang lugar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Dapat mong ilagay ang takip ng luklukan ng awa sa kautusang tipan ng kaban, na makikita sa kabanal-banalang lugar.
|
|
\v 35 Dapat mong ilagay ang mesa sa labas ng kurtina. Dapat mong ilagay ang ilawan na kasalungat ng mesa sa timog na bahagi ng tabernakulo. Ang mesa ay dapat nasa hilagang bahagi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Dapat kang gumawa ng pabitin sa pasukan ng tabernakulo. Dapat mong gawing asul, lila, matingkad na pulang bagay, at pinong pinulupot ng lino, ang gawa ng taga-burda.
|
|
\v 37 Dapat kang gumawa ng mga limang poste ng akasya at balutin ito ng ginto. Ang kanilang mga kawit ay ginto at limang tansong pundasyon para sa mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 27
|
|
\p
|
|
\v 1 Dapat kang gumawa ng altar mula sa kahoy ng akasya, limang kubit ang haba at limang kubit ang luwag. Dapat ang altar ay parisukat na may tatlong kubit na taas.
|
|
\v 2 Dapat kang gumawa ng karugtong na apat na mga sulok ng parisukat na mga anyong sungay. Gagawin ang mga sungay bilang isang bahagi ng altar, at dapat mong balutin ito ng tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Dapat kang gumawa ng kasangkapan para sa altar, mga palayok para sa abo at gayundin ang mga pala, mga palanggana, mga tinidor para sa karne at mga lalagyan ng apoy. Dapat mong gawin ang lahat ng mga kagamitan mula sa tanso.
|
|
\v 4 Dapat kang gumawa ng rehas na bakal para sa altar, tanso ang sangkap. Gumawa ng tansong argolya sa bawat apat na mga sulok ng rehas na bakal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Dapat kang maglagay ng rehas sa ilalim ng pasamano ng altar, kalahatian pababa hanggang ilalim.
|
|
\v 6 Dapat kang gumawa ng mga poste para sa altar, mga poste na kahoy ng akasya, at dapat mong balutin ang mga ito ng tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Dapat mailagay ang mga poste sa mga argolya, at ang mga poste ay dapat nasa dalawang tagiliran ng altar, para madala ito.
|
|
\v 8 Dapat mong gawin ang altar na may guwang, na yari sa mga makapal na tabla. Dapat mong gawin ito sa paraan na ipinakita sa iyo sa bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Dapat kang gumawa ng isang patyo para sa tabernakulo. Dapat may mga nakasabit sa bahaging timog ng patyo, mga nakasabit na pinong pinulupot na lino na isang daang kubit ang haba.
|
|
\v 10 Dapat ang mga nakasabit ay may dalawampung mga poste, na may dalawampung tansong mga pundasyon. Dapat mayroon ding mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at gayundin sa pilak na mga baras.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Gayundin naman sa tabi ng hilagang bahagi, dapat mayroong mga nakasabit na isang daang kubit ang haba na may dalawampung mga poste, dalawampung tansong mga pundasyon, mga kawit na nakadugtong sa mga poste, at pilak na mga baras.
|
|
\v 12 Sa tabi ng patyo sa kanlurang bahagi dapat mayroong kurtinang limampung kubit ang haba. Dapat mayroong sampung mga poste at sampung mga pundasyon.
|
|
\v 13 Ang patyo ay dapat ding limampung kubit ang haba sa silangang bahagi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ang mga nakasabit para sa isang dako ng pasukan ay dapat labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste na may tatlong mga pundasyon,
|
|
\v 15 Ang ibang bahagi rin ay dapat mayroong mga nakasabit na labinlimang kubit ang haba. Dapat mayroon silang tatlong mga poste at tatlong mga pundasyon.
|
|
\v 16 Ang tarangkahan ng patyo ay dapat mayroong isang kurtina na dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay dapat ginawa sa asul, lila at matingkad na pulang bagay at pinong pinulupot na lino, ang gawa ng isang taga-burda. Dapat mayroong apat na mga poste na may apat na mga pundasyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ang lahat ng mga poste ng patyo ay dapat mayroong pilak na mga baras, pilak na mga kalawit at tansong mga pundasyon.
|
|
\v 18 Ang haba ng patyo ay dapat isang daang kubit, ang lapad ay limampung kubit at ang taas ay limang kubit na may pinong pinulupot na lino ang lahat ng mga nakasabit sa tabi at ang mga pundasyon ay tanso.
|
|
\v 19 Lahat ng kasangkapan na gagamitin sa tabernakulo at ang lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo at patyo ay dapat gawa sa tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Dapat mong utusan ang mga Israelita na magdala ng purong langis ng pinisang olibo para sa ilawan para magpapatuloy itong masunog.
|
|
\v 21 Sa tolda ng pagpupulong, sa labas ng kurtina na nasa harapan ng tipan ng kautusan, si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat panatilihin ang mga ilawan mula sa gabi hanggang sa umaga sa harapan ni Yahweh. Ang utos na ito ay magiging isang walang hanggang kautusan magpakailanman sa buong mga salinlahi sa bansa ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 28
|
|
\p
|
|
\v 1 Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
|
|
\v 2 Dapat kang gumawa ng kasuotan para kay Aaron, na iyong kapatid, na inihandog para sa akin. Ang kasuotang ito ay magiging kaniyang karangalan at kagandahan.
|
|
\v 3 Dapat mong sabihin sa lahat ng mga tao nang may katalinuhan sa puso, pinuno ko sila ng espiritu ng karunungan, para makagawa sila ng mga kasuotan ni Aaron para itakda siyang nakahiwalay para maglingkod sa akin bilang pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Ang mga kasuotan na dapat nilang gawin ay isang baluti, isang efod, isang balabal, isang kasuotang gawa sa habi, isang turbante at isang sintas. Dapat nilang gawin ang mga kasuotang ito para ihandog sa akin. Ito ay para sa iyong kapatid na si Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para maaari silang maglingkod sa akin bilang mga pari.
|
|
\v 5 Dapat gumamit ang mga manggagawang lalaki ng pinong lino na ginto, asul, lilak at matingkad na pula.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Dapat silang gumawa ng efod na ginto, asul, lilak at matingkad na pulang lana, at ng pinulupot na pinong lino. Dapat gawa ito ng isang bihasang manggagawang lalaki.
|
|
\v 7 Dapat mayroon itong dalawang pirasong pambalikat na nakakabit sa itaas ng dalawang sulok.
|
|
\v 8 Ang makinis na habing sinturon ay dapat kagaya ng efod; dapat gawa ito sa isang piraso kasama ng efod, na gawa sa nakapilipit na pinong lino na ginto, asul, lilak, at matingkad na pula.
|
|
\v 9 Dapat kang kumuha ng dalawang batong oniks at iukit dito ang mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Anim sa kanilang mga pangalan ay dapat nasa isang bato, at ang anim na pangalan dapat ay nasa ibang bato, ayon sa kanilang kapanganakan.
|
|
\v 11 Sa pamamagitan ng gawa ng mang-uukit ng bato, kagaya ng pag-ukit sa isang selyo, dapat mong ipaukit ang dalawang bato kasama ng mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel. Dapat mong ilagay ang mga bato sa lalagyang ginto.
|
|
\v 12 Dapat mong ilagay ang dalawang bato sa mga pirasong pambalikat ng efod, para maging mga bato para magpapaalala kay Yahweh sa mga anak na lalaki ni Israel. Si Aaron ang magdadala ng kanilang mga pangalan sa harap ni Yahweh sa kaniyang dalawang balikat bilang isang paalala sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Dapat kang gumawa ng mga lalagyang ginto
|
|
\v 14 at dalawang mga tinirintas na kadena sa purong ginto kagaya ng mga tali, at dapat mong ikabit ang mga kadena sa mga lalagyan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Dapat kang gumawa ng isang baluti para sa paggawa ng desisyon, ang gawa ng isang bihasang manggagawang lalaki, gaya ng pagkakagawa ng efod. Gawin ito sa ginto, sa asul, lilak, at matingkad na pulang lana, at sa pinong lino.
|
|
\v 16 Ito ay parisukat. Dapat mong tiklupin ng doble ang baluti. Dapat isang dangkal ang haba at isang dangkal ang lapad nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Dapat mong ilagay ito sa apat na hanay ng mahalagang mga bato. Ang unang hanay ay dapat may isang rubi, isang topaz, at isang karbungko.
|
|
\v 18 Ang ikalawang hanay ay dapat may isang esmeralda, isang sapiro, at isang dyamante.
|
|
\v 19 Ang pangatlong hanay ay dapat may isang hasinto, isang agata, at isang amatista.
|
|
\v 20 Ang pang-apat na hanay ay dapat may isang berilo, isang oniks, at isang haspe. Dapat nakakabit ito sa mga lalagyang ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Dapat ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, bawat pangalan na magkakasunod-sunod. Dapat katulad sila sa nakaukit ng isang selyong singsing, bawat pangalan ay tumatayo bilang isa sa mga labindalawang lipi.
|
|
\v 22 Dapat kang gumawa sa baluti ng mga kadena kagaya ng mga tali, tinirintas na gawa sa purong ginto.
|
|
\v 23 Dapat kang gumawa ng dalawang singsing na ginto para sa baluti at kailangang ikabit ang mga ito sa dalawang dulo ng baluti.
|
|
\v 24 Dapat mong ikabit ang dalawang kadenang ginto sa dalawang kanto ng baluti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Dapat ikabit mo ang kabilang dulo ng dalawang kadenang tinirintas sa dalawang lalagyan. Pagkatapos dapat ikabit mo ang mga ito sa dalawang pambalikat sa harap ng efod.
|
|
\v 26 Dapat kang gumawa ng dalawang singsing na ginto, at dapat ilagay mo ang mga ito sa kabila ng dalawang kanto ng baluti, sa dulo ito bago sa panloob na hangganan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Dapat kang gumawa ng dalawa pang singsing na ginto, at dapat mong ikabit ito sa ilalim ng dalawang pambalikat sa harap ng efod, malapit ito sa pinagtahian sa itaas ng pinong habing sintas sa baywang ng efod.
|
|
\v 28 Dapat talian ang baluti sa bawat mga singsing nito patungo sa mga singsing ng epod sa pamamagitan ng isang asul na tali, para ito ay maikabit sa itaas lamang ng habing sinturon sa baywang ng efod. Para hindi na matanggal ang baluti mula sa efod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Kapag si Aaron ay papasok sa banal na lugar, dapat dalhin niya ang mga pangalan ng mga labindalawang anak na lalaki ni Israel sa baluti para gumawa ng mga desisyon sa kaniyang puso. Magsisilbi ito bilang isang palagiang paalala kay Yahweh.
|
|
\v 30 Dapat ang Urim at Tummim ay ilagay sa baluti para sa paggawa ng mga desisyon. Ang mga ito ay dapat nasa dibdib ni Aaron kapag siya ay pupunta sa harap ni Yahweh, dapat palaging dala ni Aaron sa kaniyang dibdib ang paggawa ng mga desisyon para sa mga Israelita sa harap ni Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Dapat kang gumawa ng balabal ng epod na lahat ay galing sa telang lilak.
|
|
\v 32 Dapat mayroon itong isang bukasan sa gitna para sa ulo. Dapat habiin ang gilid ng bukasan paikot para hindi ito mapunit. Dapat gawa ito ng isang manghahabi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Sa dulo ng laylayan, dapat kang gumawa ng mga granada na asul, lilak, at matingkad na pulang tali sa lahat ng palibot. Mga gintong kampanilya ay dapat paikot sa pagitan nila.
|
|
\v 34 Dapat mayroong isang gintong kampanilya at isang granada, isang gintong kampanilya at isang granada na magkakasunod-sunod sa palibot ng laylayan ng balabal.
|
|
\v 35 Dapat isuot ni Aaron ang balabal kapag maglilingkod siya, para marinig ang tunog nito kapag papasok siya sa banal na lugar sa harap ni Yahweh at kapag aalis siya. Nang sa gayon, hindi siya mamamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Dapat kang gumawa ng plato sa purong gintong at iukit dito, katulad ng nakaukit sa isang selyo, HANDOG KAY YAHWEH.
|
|
\v 37 Dapat mong ikabit ang plato na ito sa isang asul na tali patungo sa harap ng turbante.
|
|
\v 38 Dapat nasa noo ito ni Aaron; dapat palaging siyang magdadala ng anumang pagkakasala na nakakabit sa pag-aalay ng banal na mga regalo ng mga Israelita na handog kay Yahweh. Dapat ang turbante ay palaging nasa noo niya para tanggapin ni Yahweh ang kanilang mga regalo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Dapat kang gumawa ng kasuotang gawa sa pinong lino, at dapat kang gumawa ng isang turbante na pinong lino. Dapat ka ring gumawa ng isang sintas, na gawa ng isang taga-burda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Para sa mga anak na lalaki ni Aaron gumawa ka ng mga kasuotan, mga sintas, at mga bandana, para sa kanilang karangalan at kagandahan.
|
|
\v 41 Dapat mong damitan si Aaron na iyong kapatid, at ang kaniyang mga anak na lalaki na kasama niya. Dapat mo silang buhusan ng langis, italaga sila, at ihandog sila sa akin, para maglingkod sila sa akin bilang mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 42 Dapat mo silang igawa ng mga linong salawal para matakpan ang kanilang mga pribadong parte, salawal para takpan sila mula sa baywang hanggang sa mga hita.
|
|
\v 43 Dapat isuot ito ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki kapag papasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lalapit sila sa altar para maglingkod sa banal na lugar. Dapat nila itong gawin para hindi sila magdala ng pagkakasala at mamatay. Mananatili itong isang alituntunin para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan kasunod niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 29
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon ito ang dapat mong gawin sa pagtatalaga sa kanila sa akin para sila ay makapaglingkod bilang mga pari. Kumuha ka ng isang batang toro at dalawang lalaking tupa na walang bahid,
|
|
\v 2 tinapay na walang lebadura, at mamon na walang lebadurang hinalong langis. At saka kumuha ka ng apa na walang lebadurang pinahiran ng langis. Gawin mo ang mga apa gamit ang pino na trigong harina.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Dapat mo itong ilagay sa isang buslo, dalhin ang mga ito sa buslo, at ihandog mo kasama ang toro at dalawang lalaking tupa.
|
|
\v 4 Dapat mong iharap si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Dapat mong paliguan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Dapat kang kumuha ng mga damit at damitan si Aaron kasama ang kapa, ang balabal ng efod, ang efod, at ang baluti, kabitan ng makinis na habing sinturon ng efod na nakapalibot sa kaniya.
|
|
\v 6 Dapat mong itakda ang turbante sa kaniyang ulo at ilagay ang banal na korona sa turbante.
|
|
\v 7 Pagkatapos kumuha ng pambasbas na langis at ibuhos sa kaniyang ulo, at sa ganitong paraan siya babasbasan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Dapat mong dalhin ang kaniyang mga anak na lalaki at ilagay ang mga kapa sa kanila.
|
|
\v 9 Dapat mong damitan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na may kasamang mga sintas at ilagay ang kanilang pamigkis sa ulo. Ang gawain ng pagkapari ay mabibilang na sa kanila sa pamamagitan ng palagiang batas. Sa ganitong paraan dapat mong gawing banal si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para sa kanilang paglilingkod sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Dapat mong dalhin lahat ng toro sa harap ng tolda ng pagpupulong, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
|
|
\v 11 Dapat mong patayin ang mga toro sa aking harapan, si Yahweh, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Dapat mong kunin ang ilang dugo ng toro at ilagay mo ito sa sungay ng altar gamit ang iyong daliri, at dapat mong ibuhos ang natirang dugo sa paanan ng altar.
|
|
\v 13 Dapat mong kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa mga lamang-loob, at saka kumuha ng panakip sa atay at sa dalawang lapay na may kasamang taba na nasa kanila; sunugin ang lahat ng ito sa altar.
|
|
\v 14 Pero ang laman ng mga toro, at ang balat at dumi, sunugin mo ito sa labas ng kampo. Ito ay handog para sa kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Dapat mo ring kunin ang isang lalaking tupa, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
|
|
\v 16 Dapat mong patayin ang lalaking tupa. Pagkatapos kunin ang dugo at isaboy ito sa magkabilang gilid ng altar.
|
|
\v 17 Dapat mong hiwain ang lalaking tupa na pira-piraso at hugasan ang mga lamang-loob at ang mga binti, at ilagay mo ang lamang-loob, sabay ng pira-piraso at kasama ang ulo nito,
|
|
\v 18 sa altar. Pagkatapos sunugin ang buong lalaking tupa. Ito ay maging sinunog na handog sa akin, si Yahweh. Ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay magiging isang handog sa pamamagitan ng apoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Dapat mong kunin ang iba pang lalaking tupa, at ipatong ang kamay ni Aaron at ang mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki sa ulo nito.
|
|
\v 20 Pagkatapos dapat mong patayin ang lalaking tupa at kunin ang ilan sa dugo nito. Ilagay ito sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, at sa dulo ng kanang tainga ng kaniyang mga anak na lalaki, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isaboy ang dugo sa magkabilang gilid ng altar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Dapat mong kunin ang ilan sa mga dugo na nasa altar at ilan sa binasbasang langis, at isaboy ang lahat ng ito kay Aaron at sa kaniyang mga damit, at saka sa kaniyang mga anak na lalaki at sa kanilang mga damit. Ilalaan si Aaron para sa akin, at ang kaniyang mga damit, kasama niya ang kaniyang mga anak na lalaki at mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Dapat mong kunin ang mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa lamang-loob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay, at ang kanang hita—dahil ang lalaking tupang ito ay para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin.
|
|
\v 23 Kumuha ng isang tinapay, isang mamon ng tinapay na gawa sa langis, at isang apa sa labas ng buslo ng tinapay na walang lebadura na sa aking harapan, si Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Dapat mong ilagay ang mga ito sa kamay ni Aaron at sa kamay ng kaniyang mga anak na lalaki. Dapat nilang itaas ito sa aking harapan, si Yahweh, at ipapakita nila ito bilang paghahandog sa akin.
|
|
\v 25 Dapat mong kunin ang mga pagkain galing sa kanilang mga kamay at sunugin ito sa altar kasama ang handog na susunugin. Ito ay magbibigay ng matamis na halimuyak sa akin; ito ay handog na gawa sa apoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Dapat kang kumuha ng dibdib ng lalaking tupa na handog ni Aaron at itaas ito at ipapakita ito bilang handog para sa akin, si Yahweh. Pagkatapos ito ang bahagi na inyong kakainin.
|
|
\v 27 Dapat mong ihandog sa akin ang dibdib ng paghahandog na itinaas na matayog at ang hita ng paghahandog na ipinapakita— dibdib na itinaas at ang hita na ipinakita, kapwa nanggaling sa lalaking tupa para sa pagpapatunay kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki sa akin.
|
|
\v 28 Ang mga bahagi ng laman na ito, na ibinigay ng mga Israelita, ay kailangang mabibilang kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan magpakailanman. Sa pamamalakad para sa mga handog sa pagtitipon, ito ay maging handog para sa mga pari na kinuha mula sa mga handog ng mga Israelita na mga handog na ipinakita sa akin, si Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Ang banal na mga damit ni Aaron ay dapat na isantabi para sa kaniyang mga anak na lalaki na susunod sa kaniya. Dapat silang basbasan at italaga ang mga ito sa akin.
|
|
\v 30 Ang pari na susunod sa kaniya mula sa kaniyang mga anak na lalaki, na nanggaling sa tolda ng pagpupulong para ako ay paglingkuran sa banal na lugar, ay kanilang isuot ang ganoong mga damit sa loob ng pitong araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Dapat mong kunin ang lalaking tupa para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin at pakuluan ang laman nito sa banal na lugar.
|
|
\v 32 Kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang laman ng lalaking tupa at tinapay na nakalagay sa buslo sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
|
|
\v 33 Dapat nilang kainin ang laman at tinapay na binigay para pambayad ng kasalanan nila at sa pagtatalaga sa kanila, para ilaan sa akin. Walang ibang kakain ng pagkain, dahil dapat nila itong ituring na banal at ilaan para sa akin.
|
|
\v 34 Kung alinman sa laman ng itinalagang handog, o alinman sa tinapay ay maiwan sa susunod na umaga, dapat sunugin na ninyo ito. Hindi ito dapat kainin dahil ito ay itinalaga na sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Sa ganitong paraan, sa pagsunod sa lahat ng iniutos ko sa iyo na gawin, dapat mong pakitunguhan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki. Dapat kang kumuha ng pitong araw para italaga sila sa akin.
|
|
\v 36 Bawat araw dapat kang maghandog ng toro bilang isang handog pambayad para sa kasalanan. Dalisayin mo ang altar sa pamamagitan ng paggamit ng pambayad para sa kasalanan nito, at kailangan mo itong buhusan ng langis para sa pagtatalaga sa akin.
|
|
\v 37 Sa pitong araw dapat kang gumawa ng pambayad para sa kasalanan para sa altar at italaga ito kay Yahweh. Pagkatapos ang altar ay ganap na italaga sa akin. Anumang paghahawak sa altar ay ibubukod para kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw.
|
|
\v 39 Dapat kang maghandog ng isang tupa sa umaga, at ang isang tupa ay ihandog mo sa paglubog ng araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Kasama ang unang tupa, maghandog ng ikasampu ng epa ng pinong harina na hinaluan ng ikaapat na bahagi ng hin ng langis galing sa pinigang olibo, at ang ikaapat na bahagi ng hin ng alak bilang inuming handog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 41 Dapat kang maghandog ng pangalawang tupa sa paglubog ng araw. Dapat kang maghandog ng pagkaing butil sa umaga at parehong inuming handog. Ang mga ito ay magdudulot ng matamis na halimuyak sa akin; ito ang magiging handog na gawa para sa akin sa apoy.
|
|
\v 42 Ang mga ito ay magiging palagiang handog na susunugin sa buong salinlahi ng inyong bayan. Dapat mong gawin ang mga ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa aking harapan, si Yahweh, kung saan ako makikipagkita para makipag-usap sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 43 Doon kung saan ako makikipagkita sa mga Israelita; ang tolda ay ihihiwalay para sa akin sa aking kaluwalhatian.
|
|
\v 44 Itatalaga ko ang tolda ng pagpupulong at ang altar para ang mga ito ay mabilang sa akin lamang. Itatalaga ko rin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki para maglingkod sa akin bilang mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 45 Maninirahan ako kasama ng mga Israelita at kanilang magiging Diyos.
|
|
\v 46 Malalaman nila na ako si Yahweh, ang kanilang Diyos, na kumuha sa kanila palabas mula sa lupain ng Ehipto kaya ako ay maninirahan kasama nila. Ako si Yahweh, kanilang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 30
|
|
\p
|
|
\v 1 Dapat kang gumawa ng altar para magsunog ng insenso. Dapat mong gawin ito sa kahoy ng akasya.
|
|
\v 2 Ang haba nito ay dapat isang kubit, at ang lapad nito ay isang kubit. Ito ay dapat maging parisukat, at ang taas nito ay dapat dalawang kubit. Ang mga sungay nito ay dapat gawin bilang kaisang piraso nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Dapat mong balutin ang altar ng insenso sa purong ginto—ang tuktok nito, ang mga gilid nito, at ang mga sungay nito. Dapat kang gumawa ng isang hangganang ginto sa palibot para dito.
|
|
\v 4 Dapat kang gumawa ng dalawang argolyang ginto para maisama dito sa ibaba ng hangganan nito sa dalawang magkabilang bahagi nito. Ang mga argolya ay dapat maging mga lalagyan ng mga baras para madala ang altar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Dapat ninyong gawin ang mga baras sa kahoy ng akasya, at dapat ninyong balutin ang mga ito sa ginto.
|
|
\v 6 Dapat ninyong ilagay ang altar ng insenso bago sa kurtina na nasa kaban ng mga kautusang tipan. Ito ay bago sa takip ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng mga kautusang tipan, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Dapat si Aaron ang magsunog ng mabangong insenso sa tuwing umaga. Dapat niyang sunugin ito kapag inaayos niya ang mga lampara.
|
|
\v 8 Kapag sisindihan ni Aaron ang mga lampara muli sa gabi, dapat siyang magsunog ng insenso sa altar ng insenso. Dapat itong maging isang palagiang pagsusunog ng insenso sa harap ko, si Yahweh, sa buong salinlahi ng inyong bayan.
|
|
\v 9 Pero kayo ay mag-aalay ng walang ibang insenso sa altar ng insenso, o anumang pagsusunog ng alay o handog na pagkaing butil. Dapat mong buhusan ng walang inuming handog dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Dapat si Aaron ay gumawa ng luklukan ng awa sa mga sungay ng altar ng insenso minsan sa isang taon. Dapat niyang gawin ito gamit ang dugo ng handog para sa pagbayad ng kasalanan. Ang punong pari ang siyang dapat na gumawa nito sa buong salinlahi ng inyong lahi. Ang pag-aalay na ito ay ganap na ilaan sa akin, si Yahweh."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabing,
|
|
\v 12 "Kapag kumuha ka ng isang talaan ng mga Israelita, pagkatapos ang bawat tao ay dapat magbigay ng pangtubos para sa kaniyang buhay kay Yahweh. Dapat mong gawin ito pagkatapos mo silang bilangin, para walang maging salot sa kanila kapag binibilang mo sila.
|
|
\v 13 Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh.
|
|
\v 14 Ang bawat isa na nabilang, mula dalawampung taong gulang at pataas, ay dapat magbigay nitong alay sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Kapag magbibigay ang mga tao nitong alay sa akin para gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanilang mga buhay, ang mayayaman ay hindi dapat magbigay ng higit pa sa kalahating sekel, at ang mga mahihirap ay hindi dapat magbigay ng kulang.
|
|
\v 16 Dapat mong tanggapin itong perang pambayad sa kasalanan mula sa mga Israelita at dapat mong ilaan ito para sa gawain sa tolda ng pagpupulong. Ito ay dapat maging isang paalala sa mga Israelita sa akin, para gumawa ng pangtubos ng kasalanan para sa inyong mga buhay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
|
|
\v 18 "Dapat ka ring gumawa ng isang malaking tansong palanggana na mayroong tansong tuntungan, isang palanggana para hugasan. Dapat mo itong ilagay sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at kailangan mo itong lagyan ng tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki ay dapat maghugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa ng tubig nito.
|
|
\v 20 Kapag pumasok sila sa tolda ng pagpupulong o kapag lumalapit sila sa altar para maglingkod sa akin sa pagsusunog ng handog, dapat silang maghugas ng tubig sa gayon ay hindi sila mamatay.
|
|
\v 21 Dapat nilang hugasan ang kanilang mga kamay at paa para hindi sila mamatay. Dapat itong maging palagiang batas para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan sa buong salinlahi ng kanilang bayan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
|
|
\v 23 "Kunin mo itong mga pinong pampalasa: limandaang sekel ng umaagos na mira, 250 sekel ng matamis na halimuyak na kanela, 250 sekel ng matamis na halimuyak na tubo,
|
|
\v 24 limandaang sekel ng kassia, sinukat sa timbang ng sekel ng santuwaryo, at isang hin ng langis ng olibo.
|
|
\v 25 Dapat kang gumawa ng banal na langis ng pagpapahid kasama ang mga sangkap na ito, ang gawa ng tagapagpabango. Ito ay magiging banal na langis ng pagpapahid, inilaan para sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Dapat mong basbasan ang tolda ng pagpupulong ng langis na ito, gayon din sa kaban ng kautusang tipan,
|
|
\v 27 ang mesa at ang lahat ng mga kasangkapan nito, ang tuntungan ng ilaw at ng kasangkapan nito, ang altar ng insenso,
|
|
\v 28 ang altar para sa sinunog na mga alay kasama ng lahat ng mga kasangkapan nito, at ang palanggana kasama ng kaniyang tuntungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Dapat mong ilaan ang mga ito sa akin para ang mga ito ay ganap na mailaan sa akin. Ang anumang humawak sa kanila ay ibubukod din para sa akin.
|
|
\v 30 Dapat mong basbasan si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at ilaan mo sila sa akin para sila ay maglingkod sa akin bilang mga pari.
|
|
\v 31 Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Ito dapat ang langis ng pagpapahid na inilaan kay Yahweh sa buong salinlahi ng iyong bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Ito ay hindi dapat mailapat sa balat ng mga tao, o gumawa man lang kayo sa alinmang langis na kaparehong sangkap, dahil inilaan ito kay Yahweh. Dapat mong isaalang-alang ito sa ganitong paraan.
|
|
\v 33 Ang sinumang gumawa ng pabango gaya nito, o kung sinumang maglagay ng alinman nito sa isang tao, ang taong iyon ay dapat alisin sa kaniyang bayan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kumuha ng mga pampalasa—estacte, onycha, at galbano—matamis na mga pampalasa kasama ng purong kamanyang, ang bawat isa ay magsindami.
|
|
\v 35 Gawin ito sa paraan ng insenso, hinalo ng isang tagapagpabango, pinalasa ng asin, puro at inilaan sa akin.
|
|
\v 36 Gigilingin mo ito sa napakapinong paghalo. Maglagay ng bahagi nito sa harap ng kaban ng mga kautusang tipan, na nasa tolda ng pagpupulong, kung saan ako ay makikipagtagpo sa inyo. Ituturing mo ito bilang ganap na pag-aalay sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Bilang para sa insensong ito na iyong gagawin, hindi ka dapat gumawa ng anumang kaparehong mga sangkap para sa iyong sarili. Ito ay dapat maging pinakabanal sa iyo.
|
|
\v 38 Ang sinumang gumawa ng anumang gaya nito para gamitin bilang pabango ay dapat alisin mula sa kaniyang bayan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 31
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises,
|
|
\v 2 "Tingnan mo, tinawag ko sa pangalan si Bezalel anak na lalaki ni Uri na anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ni Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Pinuno ko si Bezalel ng aking Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa, at kaalaman, para sa lahat ng uri ng gawain,
|
|
\v 4 para gumawa ng pang-sining na mga disenyo at para sa paggawa sa ginto, pilak, at tanso;
|
|
\v 5 para rin sa pagputol at paglagay ng mga bato at para sa pang-ukit ng kahoy-para gawin ang lahat ng uri ng gawain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Bukod sa kaniya, hinirang ko si Oholiab anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan. Nilagyan ko ng kasanayan ang mga puso ng mga matalinong tao kaya magagawa nila ang lahat ng pag-uutos ko sa iyo. Kabilang dito
|
|
\v 7 ang tolda ng pagpupulong, ang kaban ng tipan ng kautusan, ang takip ng luklukan ng awa na nasa kaban, at ang lahat na kasangkapan ng tolda-
|
|
\v 8 ang mesa at ang mga kagamitan nito, ang purong ilawan kasama ang mga kagamitan nito, ang altar ng incenso,
|
|
\v 9 ang altar para sa mga sinunog na handog kasama ang lahat ng kasangkapan nito, at ang malaking palanggana kasama ang paanan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kabilang din dito ang hinabing pinong pananamit, ang mga banal na pananamit para kay Aaron ang pari at sa kaniyang mga anak na lalaki, na nakalaan para sa akin kaya sila ay maglilingkod bilang mga pari.
|
|
\v 11 Kabilang din ang langis na pangpahid at ang mabangong insenso para sa banal na lugar. Gagawin ng mga manggagawang ito ang lahat ng bagay na aking inutos sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Nagsalita si Yahweh kay Moises,
|
|
\v 13 "Sabihin mo sa mga Israelita: 'Dapat ninyong panatilihing tiyak ang mga Araw ng Pamamahinga ni Yahweh, dahil ito ang magiging tanda sa pagitan niya at sa inyo sa buong salinlahi ng iyong bayan kaya malalaman ninyo na siya ay si Yahweh, siyang nagtakda sa iyo para sa kaniya.
|
|
\v 14 Kaya dapat ninyong panatiliin ang Araw ng Pamamahinga, para dapat ninyong ituring ito bilang banal, na nakalaan para sa kaniya. Bawat isa na dumungis dito ay dapat talagang mamatay. Kung sinuman ang gumagawa sa Araw ng Pamamahinga, ang taong iyan ay tiyak na dapat putulin mula sa kaniyang bayan.
|
|
\v 15 Ang gawain ay natapos ng anim na araw, pero ang ikapitong araw ay magiging isang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, banal, nakalaan para sa karangalan ni Yahweh. Sinuman ang gumagawa ng kahit anong gawain sa Araw ng Pamamahinga ay dapat siguraduhing malagay sa kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 16 Kaya ang mga Israelita ay dapat panatilihin ang Araw ng Pamamahinga. Dapat nilang suriin ito saanman sa salinlahi ng kanilang bayan bilang isang palagiang batas.
|
|
\v 17 Ang Araw ng Pamamahinga ay laging magiging isang tanda sa pagitan ni Yahweh at ng mga Israelita, dahil sa anim na araw na ginawa ni Yahweh ang langit at lupa, at sa ikapitong araw siya ay nagpahinga at naginhawaan."'
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Nang matapos makipag-usap ni Yahweh kay Moises sa bundok ng Sinai, binigyan niya siya ng dalawang tipak ng bato ng tipan ng mga kautusan, gawa sa bato, nakasulat sa pamamagitan ng kaniyang sariling kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 32
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang makita ng mga tao na si Moises ay natagalang bumaba sa bundok, nagtipon sila sa paligid ni Aaron at sinabi sa kaniya, "Halika, igawa mo kami ng diyos-diyosan na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala sa amin palabas sa lupain ng Ehipto, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya."
|
|
\v 2 Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, "Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Kinuhang lahat ng mga tao ang mga gintong hikaw na nasa kanilang mga tainga at dinala ang mga ito kay Aaron.
|
|
\v 4 Natanggap niya ang ginto mula sa kanila, niyari ito sa isang molde, at ginawa ito sa isang minoldeng guya. Pagkatapos sinabi ng mga tao, "Israel, ito ang inyong diyos na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Nang nakita ito ni Aaron, nagtayo siya ng isang altar sa harap ng guya at ginawa sa isang pagpapahayag, sinabi niya, "Bukas magkakaroon ng pagdiriwang sa karangalan ni Yahweh.
|
|
\v 6 Kinabukasan gumising ng maaga ang mga tao at nag-alay ng mga sinunog na handog at sama-samang nagdala ng mga alay. Pagkatapos sila ay umupo para kumain at uminom, at pagkatapos tumindig para makipag-inuman sa mahalay na pagdiriwang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, "Umalis ka agad, dahil sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto, naging masama ang kanilang mga sarili.
|
|
\v 8 Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, "Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, "Nakita ko ang bayang ito. Tingnan mo, sila ay mga taong mapagmatigas.
|
|
\v 10 Kaya pagkatapos, huwag mong subukang pigilan ko. Ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, kaya wawasakin ko sila. "Pagkatapos gagawa ako ng isang dakilang bansa mula sa iyo."
|
|
\v 11 Pero sinubukang huminahon ni Moises si Yahweh na kaniyang Diyos. Sinabi niya, "Yahweh, bakit ang inyong galit ay sumiklab laban sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto na may dakilang kapangyarihan at may malakas na kamay?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Bakit kailangang sabihin ng mga taga-Ehipto, "Pinangunahan niya sila nang may masamang layunin, para patayin sila sa mga bundok at para wasakin sila sa ibabaw ng mundo? Magbalik ka mula sa iyong nagsusumiklab na galit at mahabag ang loob mula sa kaparusahan ng iyong bayan.
|
|
\v 13 Alalahanin mo sina Abraham at Isaac at Israel, iyong mga lingkod, na siyang sumumpa sa pamamagitan ng iyong sarili mismo at sinabi sa kanila, "Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na kasing dami ng mga bituin sa kalangitan, at bibigyan ko ang iyong mga kaapu-apuhan lahat ng lupaing aking sinabi. Mamanahin nila ito magpakailanman."
|
|
\v 14 Pagkatapos nahabag si Yahweh mula sa kaparusahan na kaniyang sinabi na dapat pahirapan ang kaniyang bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Pagkatapos tumalikod si Moises at bumaba sa bundok, dala-dala ang dalawang tipak ng bato ng tipan ng kautusan sa kaniyang kamay. Ang mga tipak ng bato ay may nakasulat sa magkabilang gilid, sa harap at sa likuran.
|
|
\v 16 Ang mga tipak ng bato ay sariling gawa ng Diyos, at ang mga sulat ay sariling sulat ng Diyos, inukit sa mga tipak ng bato.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Nang marinig ni Josue ang ingay ng mga tao na humihiyaw, sinabi niya kay Moises, "May ingay ng labanan doon sa kampo."
|
|
\v 18 Pero sinabi ni Moises, "Hindi ito tunog ng isang tagumpay at hindi tunog ng natatalong mga tao, pero ang tunog ng umaawit ang aking naririnig."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Nang dumating si Moises sa kampo, nakita niya ang guya at ang mga taong nagsasayawan. Siya ay lubhang nagalit. Itinapon niya ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang mga kamay, at nabiyak ang mga ito sa ibaba ng bundok.
|
|
\v 20 Kinuha niya ang guya na ginawa ng mga tao, sinunog ito, dinurog ito para maging abo at ibinuhos ito sa tubig. Pagkatapos ipinainom niya ito sa bayan ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, "Ano ang ginawa ng mga taong ito sa iyo, na dinala mo ang ganyang dakilang kasalanan sa kanila?"
|
|
\v 22 Sinabi ni Aaron, "Huwag mong hayaan ang iyong galit ay sumiklab, aking panginoon. Alam mo ang mga taong ito, kung paano sila gumagawa ng kasamaan.
|
|
\v 23 Sinabi nila sa akin, igawa mo kami ng diyos na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala palabas sa amin sa lupain ng Ehipto. hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.'
|
|
\v 24 Kaya sinabi ko sa kanila, 'Kung sinuman ang mayroong anumang ginto, hayaang tanggalin niya ito. Binigay nila sa akin ang ginto at itinapon ko ito sa apoy, at ito ay naging isang guya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Nakita ni Moises ang mga tao ay tumatakbo ng marahas, dahil hinayaan ni Aaron sila ay mawalan ng pagpipigil, para tuksuhin ang kanilang mga kaaway.
|
|
\v 26 Pagkatapos tumayo si Moises sa pasukan ng kampo at sinabi, "Sinuman ang nasa panig ni Yahweh, pumunta sa akin." Lahat ng mga Levita ay nagtipon sa paligid niya,
|
|
\v 27 Sinabi niya sa kanila, "Yahweh, ang Diyos ng Israelita, sanasabi ito, 'Hayaang ang bawat lalaki ay ikabit ang kaniyang espada sa kaniyang gilid at magbalik at bumalik mula sa pasukan hanggang pasukan ng buong kampo, at patayin ang kaniyang kapatid na lalaki, kaniyang kasamahan at kaniyang kapitbahay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Ginawa ng mga Levita ang inutos ni Moises. Sa araw na iyon ay mahigit tatlong libong lalaki mula sa bayan ang namatay,
|
|
\v 29 Sinabi ni Moises sa mga Levita, "Itinalaga kayo sa paglilingkod kay Yahweh sa araw na ito, dahil bawat isa sa inyo ay kumilos laban sa kaniyang anak na kaniyang kapatid na lalaki, kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng pagpapala sa araw na ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Kinabukasan sinabi ni Moises sa mga tao, "Nakagawa kayo ng isang dakilang kasalanan. Ngayon aakyat ako kay Yahweh. Marahil maari akong gumawa ng pambayad sa inyong pagkakasala."
|
|
\v 31 Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, "Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan.
|
|
\v 32 Pero ngayon, pakiusap patawarin mo ang kanilang kasalanan; pero kung hindi ninyo gagawin, pawiin mo ako sa aklat na iyong isinulat."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 33 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kung sinuman ang nagkasala laban sa akin, ang taong iyon ay papawiin ko sa aking aklat.
|
|
\v 34 Kaya ngayon lumakad ka, pangunahan mo ang bayan papunta sa lugar na sinabi ko sa iyo. Tingnan, ang aking anghel ang mangunguna sa inyo. Pero sa araw na parusahan ko sila, paparusahan ko sila dahil sa kanilang pagkakasala.
|
|
\v 35 Pagkatapos nagpadala si Yahweh ng salot sa bayan dahil gumawa sila ng guya, ang isa na ginawa ni Aaron.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 33
|
|
\p
|
|
\v 1 Kinausap ni Yahweh si Moises, "Umalis ka rito, kayo at ang bayan na dinala mo palabas mula sa lupain ng Ehipto. Puntahan mo ang lupain na kung saan ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob, nang aking sinabi, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.'
|
|
\v 2 Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo.
|
|
\v 3 Puntahan mo ang lupain na iyon, kung saan dumadaloy ang gatas at pulot, pero hindi ako sasama sa inyo, dahil kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Baka lang wasakin kayo sa daan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nang marinig ng mga tao ang mga nakakagambalang salitang ito, sila ay nagluksa, at walang ni isa man ang nagsuot ng anumang alahas.
|
|
\v 5 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.'''
|
|
\v 6 Kaya walang suot na alahas ang mga Israelita pasulong mula sa Bundok Horeb.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Kinuha ni Moises ang isang tolda at itinayo ito sa labas ng kampo, nang may kalayuan sa kampo. Tinawag niya itong tolda ng pagpupulong. Ang sinumang magtanong kay Yahweh ng anumang bagay ay lalabas ng tolda ng pagpupulong, sa labas ng kampo.
|
|
\v 8 Sa tuwing lalabas si Moises sa tolda, lahat ng tao ay tumatayo sa harap ng pasukan ng kanilang tolda at tinitingnan si Moises hanggang siya ay makapasok sa loob.
|
|
\v 9 Kapag pumapasok si Moises sa tolda, ang haliging ulap ay bumababa at nananatili sa labas ng tolda, at nagsasalita si Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Kapag nakita ng mga tao ang haliging ulap na nananatili sa pasukan ng tolda, sila ay tumatayo at sumasamba, bawat lalaki sa kanilang sariling pasukan ng tolda.
|
|
\v 11 Kinakausap ni Yahweh si Moises ng harap-harapan, tulad ng isang lalaking nakikipag-usap sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos bumabalik si Moises sa kampo, pero ang kaniyang lingkod na si Josue anak ni Nun, isang binata, ay nananatili sa tolda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Sinabi ni Moises kay Yahweh, "Tingnan mo, sinasabi mo sa akin, 'Dalhin mo ang mga taong ito sa kanilang paglalakbay,' pero hindi mo pinaalam sa akin kung sino ang ipapadala mo na kasama ko. Sinabi mo, 'Nakikilala mo ako sa pangalan, at ikaw din ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin.'
|
|
\v 13 Ngayon kung ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ipakita mo sa akin ang iyong mga paraan nang sa ganon ay makilala kita at patuloy na makatagpo ng pabor sa iyong paningin. Tandaan mo ang bayang ito ay iyong bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Sumagot si Yahweh, "Ang sarili kong presensiya ay sasama sa iyo, at bibigyan kita ng pahinga."
|
|
\v 15 Sinabi ni Moises sa kaniya, "Kung ang inyong presensiya ay hindi sasama sa amin, huwag mo kaming alisin mula rito.
|
|
\v 16 Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo?
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Gagawin ko din ang bagay na ito na iyong hiniling, dahil ikaw ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin, at nakikilalamo ako sa pangalan."
|
|
\v 18 Sinabi ni Moises, "Pakiusap ipakita mo sa akin ang inyong kaluwalhatian."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Sinabi ni Yahweh, "Gagawin ko ang lahat ng aking kabutihan sa inyo, at ipapahayag ko ang aking pangalang 'Yahweh' sa inyo. Magiging maawain ako sa kaninoman na magiging maawain, at magpapakita ako ng habag sa kaninoman na magpapakita ng habag."
|
|
\v 20 Pero sinabi ni Yahweh, "Hindi mo maaring makita ang aking mukha, dahil walang sinuman ang maaaring makakita sa akin at mabuhay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Sinabi ni Yahweh, "Tingnan mo, dito ang isang lugar sa pamamagitan ko; tatayo ka sa batong ito.
|
|
\v 22 Habang dumaraan ang aking kaluwalhatian, ilalagay kita sa siwang ng bato at tatakpan kita gamit ang kamay ko hanggang sa makaraan ako.
|
|
\v 23 Pagkatapos aalisin ko ang aking kamay, at makikita mo ang aking likuran, pero hindi mo makikita ang aking mukha.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 34
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Pumutol ka ng dalawang tipak ng bato katulad ng mga naunang tipak. Isusulat ko sa mga tipak na ito ang mga salita na nasa mga naunang tipak, ang tipak na iyong binasag.
|
|
\v 2 Maghanda ka sa umaga at umakyat ka sa Bundok ng Sinai, at ipakita mo roon ang iyong sarili sa akin sa tuktok ng bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Walang sinumang aakyat kasama mo. Huwag mong hayaang kahit sino na makita kahit saan sa bundok. Walang mga kawan o pangkat ng mga hayop ang dapat manginain sa harap ng bundok".
|
|
\v 4 Kaya pumutol si Moises ng dalawang tipak ng bato katulad sa mga nauna, at maaga siyang bumangon sa umaga at umakyat sa Bundok Sinai, ayon sa tagubilin ni Yahweh sa kaniya. Kinarga ni Moises ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang kamay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Bumaba si Yahweh sa ulap at tumayo doon kasama si Moises, at binigkas niya ang pangalang "Yahweh."
|
|
\v 6 Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, "Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
|
|
\v 7 pinananatili ang katapatan ng tipan para sa libu-libong mga salinlahi, nagpapatawad sa mga kasamaan, mga pagsuway at mga pagkakasala. Pero gagawin niyang walang kasalanan ang nagkasala. Magdadala siya ng parusa sa kasalanan ng ama sa kanilang mga anak at anak ng kanilang mga anak, hanggang sa pangatlo at pang-apat na salinlahi."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Iniyuko agad ni Moses ang kaniyang ulo sa lupa at sumamba.
|
|
\v 9 "Pagkatapos sinabi niya, "Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Sabi ni Yahweh, "Tingnan mo, gagawa ako ng tipan. Sa harap ng lahat ng iyong bayan, gagawa ako ng kamangha-mangha na hindi pa nagagawa sa buong sanlibutan o kahit sa anumang bansa. Ang lahat ng tao na kasama mo ay makakakita ng aking mga gawa, dahil ito ay nakakatakot na bagay na ginagawa ko kasama kayo.
|
|
\v 11 Sundin ninyo kung ano ang iuutos ko sa inyo ngayon. Palalayasin ko sa harap ninyo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain kung saan kayo ay pupunta, o magiging patibong sila sa inyo.
|
|
\v 13 Sa halip, dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar, wasakin ang kanilang mga banal na haliging bato at putulin ang mga poste ni Asera.
|
|
\v 14 Hindi kayo dapat sumamba ng ibang diyos, dahil ako lang, si Yahweh, ang may pangalang 'Mapanibugho,' ako ang mapanibughong Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 15 Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain, nang ginawa nilang bayaran ang kanilang mga sarili sa kanilang mga diyos at maghandog sa kanilang diyos, at sinuman ang magyaya sa inyo at kakainin niyo ang ilan sa knailang handog.
|
|
\v 16 Kahit kunin ninyo ang ilan sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, at ang kaniyang mga anak na babae ay gawing bayaran ang kanilang sarili sa kanilang mga diyos, at ang inyong mga anak na lalaki ay gagawin nilang bayaran ang kanilang sarili para sa kanilang diyos.
|
|
\v 17 Huwag kayong gumawa ng mga diyus-diyosan para sa inyong sarili na gawa sa tinunaw na metal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Walang Lebadurang Tinapay. Tulad ng aking iniutos sa inyo, kailangan ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw at sa takdang panahon sa buwan ng Abib, dahil sa buwan ng Abib kayo ay lumabas mula Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Ang lahat ng panganay ay akin, bawat panganay ng inyong mga toro, maging ang mga baka at tupa.
|
|
\v 20 Dapat ninyong bilhin muli ang panganay na asno kasama ang kordero, pero kung hindi ninyo ito bibilhin ulit, kailangan baliin ninyo ang leeg nito. Dapat ninyong bilhin muli ang lahat ng panganay ninyong anak na lalaki. Walang haharap sa akin kahit isa na walang dala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga.
|
|
\v 22 Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga linggo kasama ang unang pag-aani ng trigo, at dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa huling araw ng taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Dapat haharap sa akin ang lahat ng inyong lalaki, si Yahweh na Diyos ng Israel, tatlong beses sa bawat taon.
|
|
\v 24 Dahil palalayasin ko ang mga bansa sa harap ninyo at palalawakin ang inyong hangganan. Walang sinumang maghahangad na sakupin ang inyong lupain at kukuha nito kapag kayo ay haharap sa akin, Yahweh, ang inyong Diyos, tatlong beses sa bawat taon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Hindi ninyo dapat ialay ang dugo ng aking handog nang may anumang lebadura, ni anumang karne mula sa handog sa Pista ng Paskua ang matira sa umaga.
|
|
\v 26 Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Isulat mo itong mga salita dahil ipinapangako ko ang aking sarili ng mga salitang ito na aking sinabi, at gumawa ng tipan sa inyo at sa Israel."
|
|
\v 28 Naroon si Moises kasama si Yahweh ng apatnapung araw at gabi; hindi siya kumain ng kahit anong pagkain o uminom ng tubig. Isinulat niya sa mga tipak ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Nang makababa si Moises galing sa Bundok ng Sinai dala ang dalawang tipak ng mga utos ng tipan sa kaniyang kamay, hindi niya alam na ang balat ng kaniyang mukha ay lumiwanag habang nakikipag-usap siya sa Diyos.
|
|
\v 30 Nang makita ni Aaron at ng mga Israelita si Moises, ang balat ng kaniyang mukha ay lumiliwanag, at natakot silang lumapit sa kaniya.
|
|
\v 31 Pero tinawag sila ni Moises, at si Aaron at ang lahat ng pinuno sa komunidad ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos nakipag-usap si Moises sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Pagkatapos nito, ang lahat ng mga tao sa Israel ay lumapit kay Moises, at sinabi niya sa kanila ang lahat ng utos na ibinigay ni Yahweh sa kaniya sa Bundok ng Sinai.
|
|
\v 33 Nang natapos makipag-usap ni Moises sa kanila, naglagay siya ng takip sa kaniyang mukha.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Sa tuwing pupunta si Moises kay Yahweh para kausapin siya, inaalis niya ang takip. Pagkatapos ibabalik niya ang takip sa tuwing siya ay aalis. Lalabas siya sa kaniyang tolda at sasabihin sa mga Israelita kung ano ang mga naging tagubilin sa kaniya.
|
|
\v 35 Nakita ng mga Israelita ang mukha ni Moises na nagliliwanag. Pagkatapos ilalagay niya muli ang takip sa kaniyang mukha hanggang sa bumalik siya sa loob para makipag-usap kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 35
|
|
\p
|
|
\v 1 Tinipon ni Moises ang lahat ng mga mamamayang Israelita at sinabi sa kanila, "Ito ang mga bagay na iniutos ni Yahweh na gagawin ninyo.
|
|
\v 2 Sa ikaanim na araw ang lahat ng gawain ay maaaring nagawa na, ngunit sa inyo, ang ikapitong araw ay dapat na banal na araw, ang Araw ng Pamamahinga ng ganap na pamamahinga, na banal kay Yahweh. Ang sinumang gagawa ng anumang gawain sa araw na iyon ay papatayin.
|
|
\v 3 Hindi kayo dapat magsisindi ng apoy saan man sa inyong mga tahanan sa Araw ng Pamamahinga."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Nangusap si Moises sa lahat ng mga mamamayang Israelita, sinabing, "Ito ang bagay na iniutos ni Yahweh.
|
|
\v 5 Magdala ng handog para kay Yahweh, lahat kayo na may bukas na puso. Magdala ng handog kay Yahweh—ginto, pilak, tanso,
|
|
\v 6 asul, lila, at pulang tela at pinong lino; balahibo ng kambing;
|
|
\v 7 balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, balat ng dugong; kahoy na akasya;
|
|
\v 8 langis para sa ilawan ng santuwaryo, panghalo para sa langis na pampahid at ang mabangong insenso,
|
|
\v 9 batong onise at iba pang mahalagang bato na ilalagay sa efod at baluting pangdibdib.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Bawat bihasang lalaki sa inyo ay pumunta at gawin ang lahat na iniutos ni Yahweh—
|
|
\v 11 ang tabernakulo kasama ng tolda nito, ang pantakip nito, mga kawit nito, mga tabla, mga tukod, mga haligi at mga tuntungan;
|
|
\v 12 gayundin ang kaban kasama ng mga haligi nito, ang takip ng luklukan ng awa, at ang kurtina para matakpan ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Dinala nila ang mesa kasama ng mga haligi nito, lahat ng mga kagamitan nito at ang tinapay ng presensya;
|
|
\v 14 ang ilawan para sa mga ilaw, mga palamuti nito, mga ilaw nito, at ang langis para sa mga ilaw;
|
|
\v 15 ang altar ng insenso at ang mga haligi nito, ang pampahid na langis at ang mabangong insenso; ang pambitin para sa pasukan ng tabernakulo;
|
|
\v 16 ang altar para sa sinunog na handog na may rehas na bakal na tanso at ang haligi nito at mga kagamitan, at ang malaking palanggana kasama ng tuntungan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Dinala nila ang mga pambitin para sa patyo kasama ng kaniyang mga haligi at mga tuntungan, at ang kurtina para sa pasukan ng patyo;
|
|
\v 18 at ang mga tulos ng tolda para sa tabernakulo at patyo kasama ang mga lubid nito.
|
|
\v 19 Dinala nila ang mga mainam na hinabing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar, ang banal na kasuotan para kay Aaron na pari at kaniyang mga anak na lalaki para sila ay maglingkod bilang pari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Pagkatapos ang lahat ng mga lipi ng Israel ay umalis mula sa harapan ni Moises.
|
|
\v 21 Bawat isa na ang puso ay napukaw at ang kaniyang espiritu ay naging handang pumunta at nagdala ng handog kay Yahweh para sa paggawa ng tabernakulo, lahat ng bagay na gagamitin sa paglilingkod nito, at para sa banal na kasuotan.
|
|
\v 22 Pumunta sila kasama ang mga lalaki at mga babae, lahat na may pusong handa. Nagdala sila ng mga panusok, mga hikaw, mga singsing, at mga palamuti, lahat ng uri ng gintong alahas. Iniharap nilang lahat ang mga alay na ginto kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Bawat isa na may asul, lila, o pulang tela, pinong lino, balahibo ng kambing, mga balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula o mga balat ng dugong ay dinala nila.
|
|
\v 24 Gumagawa ang bawat isa ng handog na pilak o tanso at dinala ito bilang handog kay Yahweh, at bawat isa na may kahoy na akasya para magamit sa anumang gawain ay dinala ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Ang bawat bihasang babae ay naghabi gamit ang kaniyang mga kamay at dinala ang kaniyang hinabi—asul, lila, o pulang sinulid, o pinong lino.
|
|
\v 26 Lahat ng babae na ang mga puso ay pumukaw sa kanila at may kahusayan ay naghabi ng buhok ng kambing.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Ang mga pinuno ay nagdala ng batong oniks at iba pang mahalagang bato para ilagay sa epod at sa baluti;
|
|
\v 28 Nagdala sila ng panghalo at langis para sa ilawan, para sa pangpahid na langis, at para sa mabangong insenso.
|
|
\v 29 Ang mga Israelita ay kusang-loob na nagdala ng handog kay Yahweh; ang bawat lalaki at babae na may pusong handa ay nagdala ng mga kagamitan para sa lahat ng gawain na iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na gagawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Sinabi ni Moises sa mga Israelita, "Tingnan ninyo, tinawag ni Yahweh sa pangalan si Bezalel na anak ni Uri, anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ni Juda.
|
|
\v 31 Pinuspos niya si Bezalel ng kaniyang Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa at kaalaman sa lahat ng gawaing pansining,
|
|
\v 32 para gumawa ng masining na disenyo na gawa sa ginto, pilak at tanso;
|
|
\v 33 gayundin ang pagputol at paglagay ng mga bato at pag-ukit sa kahoy—sa paggawa ng lahat ng uri ng disenyo at gawaing pansining.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Inilagay niya sa kaniyang puso para magturo, siya at si Oholiab na anak ni Ahisamac, mula sa lipi ni Dan.
|
|
\v 35 Sila ay pinuspos niya ng kakayahan para gumawa ng lahat ng uri ng gawain, para maging taga-gawa ng sining, mga mag-uukit, tagaburda ng asul, lila at pinong lino, at bilang manghahabi. Sila ay manggagawa ng sining sa lahat ng uri ng gawain at sila ay masining na mga taga-disenyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 36
|
|
\p
|
|
\v 1 Kaya si Bezalel at Oholiab ay magtatrabaho, gayundin ang bawat pusong may karunungan na ipinagkalooban ni Yahweh ng kakayahan at pang-unawa na malaman kung paano gumawa ng banal na lugar, na sumusunod sa mga tagubilin na ibinigay sa inyo na gagawin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Tinawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab, at ang lahat ng taong bihasa na sa kaniyang pag-iisip ay pinagkalooban ni Yahweh ng kahusayan, at ang kanilang puso na napukaw ang kalooban na lumapit at gumawa ng gawain.
|
|
\v 3 Tinanggap nila mula kay Moises ang lahat ng handog na dinala ng mga Israelita sa paggawa ng banal na lugar. Patuloy ang mga tao sa pagdadala ng mga handog na kusang-loob sa bawat umaga.
|
|
\v 4 Kaya ang lahat ng mga taong bihasa na gumagawa sa banal na lugar ay lumapit kay Moises mula sa paggawa ng kanilang mga gawain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Sinabi ni Moises, "Ang mga tao ay nagdadala ng labis sa paggawa ng gawain ayon sa iniutos ni Yahweh na ating gagawin."
|
|
\v 6 Kaya ang tagubilin ni Moises na wala ni isa sa kampo ang magdala ng anumang mga handog para sa paggawa ng banal na lugar. Kaya ang mga tao ay huminto na sa pagdadala ng mga handog.
|
|
\v 7 Mayroon na silang labis-labis na mga kagamitan para sa lahat ng gawain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Kaya ang lahat ng manggagawa sa gitna nila ay itinayo ng tabernakulo na may sampung kurtina na gawa sa pinong lino at asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Ito ang ginawa ni Bezalel, ang napakahusay na manggagawa.
|
|
\v 9 Ang haba ng bawat kurtina ay dalawampu't walong kubit, ang lapad ay apat na kubit. Lahat ng mga kurtina ay magkakatulad ang sukat.
|
|
\v 10 Pinagsama ni Bezalel ang limang kurtina sa bawat isa, at ang lima pa ay pinagsama din sa bawat isa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Gumawa siya ng mga silong asul sa sidsid ng bawat piraso ng kurtina, at ganon din sa sidsid ng ikalawang piraso ng kurtina.
|
|
\v 12 Gumawa siya ng limampung silo sa naunang kurtina at limampung silo sa sidsid ng ikalawang kurtina. Kaya ang dalawang kurtina ay magkasalungat sa bawat isa.
|
|
\v 13 Gumawa siya ng limampung gintong kawit at pinagsama ang mga kurtina kaya ang tabernakulo ay nabuo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Gumawa si Bezalel ng kurtina na gawa sa buhok ng kambing para sa tolda sa ibabaw ng tabernakulo; gumawa siya ng labing isang kurtinang kagaya nito.
|
|
\v 15 Ang haba ng bawat kurtina ay tatlumpung kubit, at ang lapad ng bawat kurtina ay apat na kubit. Bawat isa sa labing-isang kurtina ay magkapareho ang sukat.
|
|
\v 16 Pinagsama niya ang limang kurtina sa bawat isa at gayundin ang iba pang anim na kurtina sa bawat isa.
|
|
\v 17 Gumawa siya ng limampung silo sa sidsid ng dulong kurtina sa naunang piraso, at limampung silo sa bandang sidsid ng dulong kurtina na pinagsama ng ikalawang piraso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 18 Gumawa si Bezalel ng limampung tansong kawit para pagsamahin ang mga tolda para ito ay maging isa.
|
|
\v 19 Gumawa siya ng pantakip sa tabernakulo na gawa sa balat ng lalaking tupa na kinulayan ng pula, isa pang pantakip na mainam na balat para sa ibabaw niyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Gumawa si Bezalel ng patayong tabla na gawa sa kahoy na akasya para sa tabernakulo.
|
|
\v 21 Ang haba ng bawat tabla ay sampung kubit, at ang lapad ng mga ito ay isa't kalahating kubit.
|
|
\v 22 May dalawang usli sa bawat tabla para pagsamahin ang bawat isa. Ginawa niya ang lahat ng tabla ng tabernakulo sa pamamagitan nito.
|
|
\v 23 Sa paraang ito ginawa niya ang mga tabla para sa tabernakulo. Ginawa niya ang dalawampung tabla para sa timog na bahagi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Gumawa si Bezalel ng apatnapung pilak na tuntungan na suotan ng dalawampung tabla. May dalawang patungan sa ilalim ng naunang tabla na maging dalawang tuntungan, at gayundin ang dalawang tuntungan sa ilalim ng bawat iba pang tabla para sa kanilang dalawang tuntungan.
|
|
\v 25 Para sa ikalawang gilid ng tabernakulo, sa silangang bahagi, gumawa siya ng dalawampung tabla.
|
|
\v 26 At ang kanilang apatnapung pilak na tuntungan. May dalawang tuntungan sa ilalim ng naunang tabla, dalawang tuntungan sa ilalim ng kasunod na tabla, at sa sumunod pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Para sa bandang likuran ng tabernakulo sa gawing kanluran, gumawa si Bezalel ng anim na tabla.
|
|
\v 28 Gumawa siya ng dalawang tabla para sa likurang sulok ng tabernakulo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Ang mga tabla ay nahiwalay sa ilalim, pero pinagsama sa itaas sa iisang argolya. Ganito ginawa ang para sa dalawang sulok na nasa likuran. Mayroong walong tabla, kasama ng kanilang pilak na tuntungan.
|
|
\v 30 Mayroong bilang na labing anim na tuntungan lahat, dalawang tuntungan sa ilalim ng naunang tabla, dalawang tuntungan sa ilalim ng kasunod na tabla, at sa kasunod pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Gumawa si Bezalel ng pahalang na haligi na gawa sa kahoy ng akasya—lima para sa mga tabla sa isang gilid ng tabernakulo,
|
|
\v 32 limang pahalang na haligi para sa mga tabla sa kabilang gilid ng tabernakulo, at limang mga pahalang na haligi para sa mga tabla ng likurang gilid ng tabernakulo patungong kanluran.
|
|
\v 33 Ginawa niya ang pahalang na haligi sa gitna ng mga tabla, iyon ay, kalahati pataas, para umabot sa dulo hanggang dulo.
|
|
\v 34 Tinakpan niya ang mga tabla ng ginto. Ginawa niya ang kanilang mga gintong argolya, para ang mga ito ay magsilbing panghawak ng mga tubo, at kaniyang binalot ng ginto ang mga rehas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 35 Gumawa si Bezalel ng kurtinang asul, lila, at pulang lana, at pinong lino na may mga disenyo ng kerubim, ang gawa ng mahusay na manggagawa.
|
|
\v 36 Gumawa siya ng apat na haligi ng kahoy na akasya para sa kurtina, at tinakpan niya ang mga ito ng ginto. Gumawa rin siya ng mga gintong kawit para sa mga haligi, at kaniyang ipinagbubo ng apat na tuntungang pilak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Gumawa siya ng pabitin para sa pasukan ng tolda. Gawa ito sa asul, lila, at pulang lana, na ginagamitan ng pinong lino, na gawa ng isang magbuburda.
|
|
\v 38 Gumawa din siya ng limang mga haligi na may mga kawit na may pabitin. Tinakpan niya ang ibabaw at ang mga dulo nito ng ginto. Ang limang tuntungan ng mga ito ay gawa sa tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 37
|
|
\p
|
|
\v 1 Gumawa si Bezalel ng kaban sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay dalawa at kalahating kubit; ang lapad nito ay isa at kalahating kubit at ang taas nito ay isa at kalahating kubit.
|
|
\v 2 Binalutan niya ang loob at labas nito ng purong ginto at ginawan niya ito ng gintong hangganan na nakapalibot sa ibabaw nito.
|
|
\v 3 Siya ay naghulma ng apat na mga singsing na ginto para sa apat na paa nito, na mayroong dalawang singsing sa isang gilid nito, at dalawang singsing sa kabilang gilid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Gumawa siya ng mga poste sa kahoy ng akasya at binalutan ang mga ito ng ginto.
|
|
\v 5 Nilagay niya ang mga poste sa mga singsing na nasa mga gilid ng kaban, para mabuhat ang kaban.
|
|
\v 6 Gumawa siya ng takip ng luklukan ng awa na purong ginto. Ang haba nito ay dalawa at kalahating kubit at ang lapad ay isa at kalahating kubit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 7 Gumawa si Bezalel ng dalawang kerubim na minartilyong ginto para sa dalawang dulo ng takip ng luklukan ng awa.
|
|
\v 8 Isang kerubim ay para sa isang dulo ng takip ng luklukan ng awa, at ibang kerubin ay para sa ibang dulo. Ginawa sila bilang isang piraso kasama ng takip ng luklukan ng awa.
|
|
\v 9 Binuka ng kerubim ang kanilang mga pakpak pataas at nagbibigay lilim sa takip ng luklukan ng awa kasama nila. Nakaharap ang kerubim sa bawat isa at nakatingin patungo sa gitna ng takip ng luklukan ng awa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Gumawa si Bezalel ng mesa sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay dalawang kubit, ang lapad nito ay isang kubit at ang taas nito ay isa at kalahating kubit.
|
|
\v 11 Binalutan niya ito ng purong ginto at nilagyan ng isang hangganan na purong ginto sa paligid ng ibabaw.
|
|
\v 12 Gumawa siya ng nakapaligid na balangkas nito na isang dapal ang lapad na mayroong kalapit na gintong hangganan para sa balangkas.
|
|
\v 13 Nagmolde siya ng apat na singsing na ginto at ikinabit ang mga singsing sa apat na sulok, kung saan naroon ang apat na mga paa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ang mga singsing ay nakakabit sa balangkas para magbigay ng lugar para sa mga poste, para mabuhat ang mesa.
|
|
\v 15 Ginawa niya ang mga poste mula sa kahoy ng akasya at binalutan ang mga ito ng ginto, para mabuhat ang mesa.
|
|
\v 16 Gumawa siya ng mga bagay na dapat nasa mesa—ang mga pinggan, mga kutsara, ang mga mangkok at mga pitsel na gagamitin para ibuhos ang mga handog. Ginawa niya ang mga ito ng purong ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Gumawa siya ng ilawan na purong minartilyong ginto. Gumawa siya ng ilawan kasama ng tuntungan at baras nito. Ang mga baso nito, ang madahong tuntungan nito at mga bulaklak nito ay ginawa lahat sa isang piraso na kasama nito.
|
|
\v 18 Anim na mga sanga ang pinahaba mula sa gilid nito—tatlong mga sanga ang pinahaba sa isang gilid at tatlong sanga ng ilawan ang pinahaba mula sa kabilang gilid.
|
|
\v 19 Ang unang sanga ay may tatlong baso na ginawa gaya ng bulaklak ng almendra, mayroong madahong tuntungan at bulaklak, at tatlong baso na ginawa katulad ng bulaklak ng almendra sa kabilang sanga na may madahong tuntungan at isang bulaklak. Ito ay katulad sa lahat ng anim na mga sangang pinahaba mula sa ilawan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 20 Sa mismong ilawan, ang gitnang baras, mayroong apat na baso ginawa katulad ng mga bulaklak ng almendra kasama ng kanilang mga madahong tuntungan at ang mga bulaklak.
|
|
\v 21 Mayroong madahong tuntungan sa ilalim ng unang pares ng mga sanga—ginawang isang piraso ito, at isang madahong tuntungan sa pangalawang pares ng mga sanga—ginawa ring isang piraso ito. Sa parehong paraan ay mayroong madahong tuntungan sa ilalim ng pangatlong pares ng mga sanga, ginawang isang piraso ito. Magkatulad ito sa lahat ng anim na mga sangang pinahaba mula sa ilawan.
|
|
\v 22 Ang kanilang mga madahong tuntungan at mga sanga lahat ay isang piraso ito, isang bahaging pinalong trabaho ng purong ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 23 Gumawa si Bezalel ng ilawan at pitong mga ilawan nito, mga panipit nito at kanilang mga bandeha ng purong ginto.
|
|
\v 24 Ginawa niya ang ilawan at mga kagamitan sa isang talento ng purong ginto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Gumawa si Bezalel ng altar ng insenso. Ginawa niya ito mula sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay isang kubit, at ang lapad ay isang kubit. Iyon ay parisukat at ang taas nito ay dalawang kubit. Ang mga sungay nito ay ginawa bilang isang piraso na kasama nito.
|
|
\v 26 Binalutan niya ang altar ng insenso ng purong ginto—ang ibabaw, mga gilid nito, at mga sungay nito. Gumawa rin siya ng nakapalibot na gintong hangganan para dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Gumawa siya ng dalawang gintong mga singsing para isama ito sa ilalim ng hangganan sa dalawang magkabilang mga gilid nito. Ang mga singsing ay tagahawak sa mga poste para mabuhat ang altar.
|
|
\v 28 Gumawa siya ng mga poste sa kahoy ng akasya at binalutan niya sila ng ginto.
|
|
\v 29 Ginawa niya ang banal na pangpahid na langis at ang purong pabango ng insenso, ang trabaho ng tagapagpabango.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 38
|
|
\p
|
|
\v 1 Gumawa si Bezalel ng altar para sa mga handog na susunugin sa kahoy ng akasya. Iyon ay limang kubit ang haba at limang kubit ang lapad—isang parisukat—at tatlong kubit ang taas.
|
|
\v 2 Ginawan niya ng mga karugtong sa apat nitong kanto na kahugis ng mga sungay ng kapong baka. Ang mga sungay ay ginawa sa isang piraso na kasama ang altar at binalutan niya ito ng tanso.
|
|
\v 3 Ginawa niya ang lahat na kagamitan para sa altar—palayok para sa mga abo, mga pala, mga palanggana, mga tinidor ng karne, at mga lalagyan ng apoy. Ginawa niya ang lahat ng kagamitang ito sa tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Gumawa siya ng rehas na bakal para sa altar, isang naayos na nagkakabit-kabit na tanso na ilalagay sa ilalim ng baytang, kalagitnaan pababa sa ilalim.
|
|
\v 5 Nagmolde siya ng apat na singsing para sa apat ng mga kanto ng tanso na rehas na bakal, bilang tagahawak sa mga poste.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Gumawa si Bezalel ng mga poste sa kahoy ng akasya at binalutan ang mga ito ng tanso.
|
|
\v 7 Nilagay niya ang mga poste sa mga singsing sa mga gilid ng altar, para buhatin ito. Ginawa niya ang altar na banal, mula sa makapal na mga tabla.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Gumawa si Bezalel ng malaking palangganang tanso kasama ng tansong patungan. Ginawa niya ang palanggana mula sa mga salamin na pag-aari ng mga babaeng naglingkod sa pasukan sa tolda ng pagpupulong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 9 Ginawa rin niya ang patyo. Ang mga nakabitin sa timog na bahagi ng patyo ay pinong lino, isandaang kubit ang haba.
|
|
\v 10 Ang mga nakabitin ay mayroong dalawampung mga poste, kasama ng dalawampung mga tuntungang tanso. Mayroong mga kawit na nakadikit sa mga poste, at gayundin ang mga pilak na baras.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 11 Gayundin naman sa bandang hilagang bahagi, mayroong mga nakabiting isandaang kubit ang haba kasama ng dalawampung mga poste, dalawampung mga tungtungang tanso, dinikit ang mga kawit sa mga poste, at mga pilak na baras.
|
|
\v 12 Ang mga nakabitin sa kanlurang bahagi ay limampung kubit ang haba, kasama ng sampung mga poste at mga tuntungan. Ang mga kawit at mga baras ng poste ay pilak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 13 Ang patyo rin ay limampung kubit ang haba sa silangan bahagi.
|
|
\v 14 Ang mga nakabitin sa isang bahagi ng pasukan ay labinlimang kubit ang haba. Mayroon silang tatlong mga poste kasama ng tatlong mga tuntungan.
|
|
\v 15 Sa kabilang bahagi ng pasukan ng hukuman ay may nakabitin ding labinlimang kubit ang haba, kasama ng tatlong mga poste at tatlong mga tuntungan.
|
|
\v 16 Lahat ng mga nakabitin sa palibot ng patyo ay gawa sa pinong lino.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Ang mga tuntungan para sa mga poste ay gawa sa tanso. Ang mga kawit at mga baras para sa mga poste ay gawa sa pilak, at ang tabing para sa mga ibabaw ng mga poste ay gawa rin sa pilak. Ang lahat ng mga poste ng patyo ay binalutan ng pilak.
|
|
\v 18 Ang kurtina ng tarangkahan ng patyo ay dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay gawa sa asul, lila, at matingkad na pulang lino, pinong pinulupot na lino, at dalawampung kubit ang haba. Iyon ay dalawampung kubit ang haba at limang kubit ang taas, katulad ng mga kurtina ng patyo.
|
|
\v 19 Ito ay mayroong apat na tansong mga tuntungan at mga kawit na pilak. Ang tabing ng kanilang ibabaw at ang mga baras nito ay gawa sa pilak.
|
|
\v 20 Ang lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo at patyo ay gawa sa tanso.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Ito ang talaan ng pag-aari ng tabernakulo, ang tabernakulo ng kautusang kasunduan, gaya ng ito ay kinuha sa pagsunod sa mga tagubilin ni Moises. Iyon ay ang trabaho ng mga Levita sa ilalim ng pamamahala ni Itamar na anak na lalaki ni Aaron na pari.
|
|
\v 22 Si Bezalel na anak na lalaki ni Uri, na anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ng Juda, ang gumawa ng lahat na iniutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
\v 23 Si Oholiab na anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan, nagtrabaho kasama ni Bezalel bilang tagapag-ukit, bilang isang bihasang manggagawa at bilang mangbuburda ng asul, lila, matingkad na pulang lana, at pinong lino.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Ang lahat ng ginto na ginamit para sa proyekto, sa lahat ng trabaho na karugtong sa banal na lugar—ang ginto na mula sa handog na tinanghal—ay dalawampu't siyam na talento at 730 sekel, sinukat ng pamantayan ng sekel ng santuwaryo.
|
|
\v 25 Ang pilak na binigay ng kumunidad ay nagtitimbang ng isandaang talento at 1, 775 sekel, ayon sa sekel ng santuwaryo,
|
|
\v 26 o isang beka bawat lalaki, na kalahati ng sekel, sinukat ng sekel ng santuwaryo. Ang bilang na ito ay umabot sa batayan na ang bawat tao na nabilang sa sensus, ang mga dalawampung taong gulang at nakatatanda—603, 550 kalalakihan lahat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Isandaang talento ng pilak ay minolde para sa tuntungan ng banal na lugar at ang tuntungan ng mga kurtina: isandaan tuntungan, isang talento sa bawat tuntungan.
|
|
\v 28 Sa natitirang 1, 775 sekel ng pilak, ginawa ni Bezalel ang mga kawit at ginawa ang mga baras para sa kanila.
|
|
\v 29 Ang mga tanso na galing sa handog ay nagtitimbang ng pitumpong mga talento at 2, 400 mga sekel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Gamit nito ginawa niya ang mga tuntungan para sa pasukan papunta sa tolda ng pagpupulong, ang tansong altar, tansong rehas na bakal nito, lahat ng kagamitan para sa altar,
|
|
\v 31 ang mga tuntungan para sa patyo, ang mga tuntungan sa pasukan ng patyo, lahat ng mga tulos ng tolda para sa tabernakulo, at lahat ng mga tulos ng tolda para sa patyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 39
|
|
\p
|
|
\v 1 Gamit ang asul, lila at pulang tela, sila ay nakagawa ng mga pinong hinabing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar. Ginawa nila ang mga kasuotan ni Aaron para sa banal na lugar, ayon sa iniutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 2 Ginawa ni Bezalel ang efod na ginto, na asul, lila, at matingkad na pulang lana, at ng pinong pinulupot na lino.
|
|
\v 3 Nagpanday sila ng mga pinanipis na ginto at ginupit nila ang mga alambre, para magawa ito sa asul, lila at matingkad na pulang lana, at para sa pinong lino, ang trabaho ng isang mahusay na manggagawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 4 Gumawa sila ng mga pang-balikat na piraso para sa efod, na nakakabit sa dalawang itaas na kanto nito.
|
|
\v 5 Ang pinong nahabing sinturon nito ay katulad ng efod; gawa ito sa isang piraso kasama ang efod, na gawa sa pinong pinulupot na linong ginto, asul, lila, at pula, katulad ng inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 6 Inukit nila ang mga batong oniks, na kalakip sa lagayan ng ginto, iniayos kasama ang inukitan na parang nasa isang pantatak, at inukitan ng mga pangalan ng labing-dalawang anak na lalaki ni Israel.
|
|
\v 7 Inilagay ito ni Bezalel sa balikat na piraso ng efod, bilang mga bato para alalahanin ni Yahweh ang labing-dalawang anak na lalaki ni Israel, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Ginawa niya ang baluti, gawain ng bihasang manggagawa, inihugis katulad ng efod. Ginawa ito sa pamamagitan ng ginto, asul, lila at pulang tela, at ng pinong lino.
|
|
\v 9 Ito ay parisukat. Itiniklop nila ang baluti ng dalawang ulit. Ito ay isang dipang haba at isang dipang lapad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 10 Iniayos nila ito sa apat na hanay ng mahahalagang mga bato. Ang unang hanay ay may isang rubi, isang topaz, at isang garnet.
|
|
\v 11 Ang ikalawang hanay ay may isang esmeralda, isang safira, at isang dyamante.
|
|
\v 12 Ang ikatlong hanay ay may jacinto, isang agate, at isang ametista.
|
|
\v 13 Ang ikaapat na hanay ay may beryl, isang oniks, at isang jasper. Ang mga bato ay ikinabit sa may gintong lalagyan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, ang bawat isa ay inayos ayon sa pangalan. Ang mga ito ay mistulang mga inukit na nakalagay sa pangselyong singsing, bawat pangalan ay kumakatawan para sa isa sa labindalawang lipi.
|
|
\v 15 Sa baluti gumawa sila ng mga kadena na katulad ng tali, tinirintas ng purong ginto.
|
|
\v 16 Gumawa sila ng dalawang lalagyan ng ginto at dalawang singsing na ginto, at nagkabit sila ng dalawang singsing sa dalawang sulok ng baluti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Inilagay nila ang dalawang tinirintas na kadenang ginto sa dalawang singsing sa bawat gilid ng baluti.
|
|
\v 18 Ikinabit nila ang ibang dalawang dulo ng tinirintas na mga kadena sa dalawang lalagyan. Ikinabit nila ito sa pang-balikat na piraso ng efod sa may harapan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 19 Gumawa sila ng dalawang mga singsing na ginto at inilagay nila ang mga ito sa dalawang sulok ng baluti, sa may gilid katabi ng panloob na hangganan.
|
|
\v 20 Gumawa sila ng dalawa pang singsing na ginto at ikinabit ang mga ito sa ibaba ng dalawang pang-balikat na piraso ng harap ng efod, malapit sa tahi nito sa itaas ng pinong nahabing sinturon ng efod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Itinali nila ang baluti gamit ang singsing nito sa singsing ng efod na may asul na tali, kaya ito ay maidugtong sa bandang taas ng mainam na tinahing sinturon ng efod. Ito rin ang baluti na hindi matanggal sa pagkakadugtong mula sa efod. Ginawa ito ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 22 Si Bezalel ay gumawa ng balabal ng efod na tunay na gawa sa telang lila, ginawa ng isang manghahabi.
|
|
\v 23 Sa gitna ay mayroon itong bukasan para sa ulo. Ang bukasan ay may hinabing gilid na paikot para hindi ito mapunit.
|
|
\v 24 Sa may ilalim na tupi, gumawa sila ng pomegranteng asul, lila at pulang tali at pinong lino.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Gumawa sila ng mga kampananilya sa purong ginto, at inilagay nila ang mga kampanilya sa pagitan ng mga prutas na granada sa paligid ng ilalim na dulo ng gilid ng balabal, sa pagitan ng mga prutas na granada—
|
|
\v 26 isang kampanilya at isang prutas na granada, isang kampanilya at isang prutas na granada—sa gilid ng balabal para kay Aaron na paglilingkuran niya. Ito ay ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 27 Ginawa nila ang mahabang panlabas na kasuotan para kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki.
|
|
\v 28 Gumawa sila ng turbante na yari sa pinong lino, mga ginayak na pamigkis sa ulo na gawa sa pinong lino, ang linong damit pang-ilalim na pinong lino,
|
|
\v 29 at ang sintas naman sa baywang na yari sa pinong lino at ng asul, lila, at matingkad na pulang tali, gawa ng isang tagaburda. Ito ay ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 30 Ginawa nila ang plaka ng banal na korona na purong ginto; inukit nila ito, katulad ng pag-ukit sa isang selyo, INILAAN KAY YAHWEH.
|
|
\v 31 Ikinabit nila sa turbante ang isang asul na tali sa taas ng turbante. Ito ay ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 32 Kaya ang gawain sa tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong, ay natapos. Ginawa ng bayan ng Israel ang lahat ng bagay. Sumunod sila sa lahat ng tagubilin na ibinigay ni Yahweh kay Moises.
|
|
\v 33 Dinala nila ang tabernakulo kay Moises- ang tolda at lahat ng mga kagamitan nito, mga kawit, mga tabla, mga tubo, mga poste, at mga tuntungan;
|
|
\v 34 ang pantakip na mga balat ng kambing na pinapula, pantakip na balat ng dugong, at ang kurtina na tatabingan
|
|
\v 35 ang mga kaban ng kautusang tipan, ganoon din ang mga baras at ng takip na lulukan ng awa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Dinala nila ang mesa, lahat ng mga kagamitan nito, at tinapay ng presensya;
|
|
\v 37 ang ilawang purong ginto at mga ilawan na nakahanay, kasama ng mga kagamitan nito at ang langis para sa mga ilawan;
|
|
\v 38 ang gintong altar, ang pangpahid na langis at ang mabangong insenso; ang nakabitin para sa pasukan ng tabernakulo;
|
|
\v 39 ang tansong altar kasama ng tansong parilya at mga baras at kagamitan at ang malaking palanggana kasama ng patungan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Dinala nila ang mga pangsabit para sa patyo kasama ng mga poste at patungan, at ng kurtina para sa pasukan ng bulwagan; ang mga tali nito at mga pako ng tolda; at lahat ng mga kagamitan para sa paglilingkod sa tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong.
|
|
\v 41 Dinala nila ang mga pinong natahing kasuotan para sa paglilingkod sa banal na lugar, ang banal na kasuotan para kay Aaron na pari at kaniyang mga anak na lalaki, para sila ay maglingkod bilang mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 42 Kaya nagawa ng bayan ng Israel ang lahat ng gawain ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
\v 43 Pinagmasdan lahat ni Moises ang mga nagawa, at, masdan ito, nagawa nila ito. Ayon sa inutos ni Yahweh, sa pamamaraang iyon nagawa nila ito. Pagkatapos sila ay pinagpala ni Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 40
|
|
\p
|
|
\v 1 At nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
|
|
\v 2 "Sa unang araw ng unang buwan ng bagong taon dapat mong itayo ang tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 3 Dapat mong ilagay doon ang kaban ng mga tipan ng kautusan, at dapat mong tabingan ang kaban gamit ang kurtina.
|
|
\v 4 Dapat mong dalhin ang mesa at ilagay ng maayos ang mga bagay na nakapaloob doon. Pagkatapos dapat mong ipasok ang ilawan at isaayos ang mga lampara.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 5 Dapat mong ilagay ang gintong insenso sa altar s harap ng kaban ng tipan ng kautusan, at dapat mong ilagay ang kurtina sa pasukan ng tabernakulo.
|
|
\v 6 Dapat mong ilagay ang altar para sa mga sinunog na alay sa harapan ng pasukan ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong.
|
|
\v 7 Dapat mong ilagay ang malaking palanggana sa pagitan ng tolda ng pagpupulong at altar, at dapat mong lagyan ng tubig iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 8 Dapat mong ayusin ang patyo sa palibot nito, at dapat mong ibitin ang kurtina sa pasukan ng patyo.
|
|
\v 9 Dapat mong kunin ang pangpahid na langis at pahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay na naroon. Dapat mong ilaan ito at ang lahat ng mga kagamitan para sa akin; pagkatapos ito ay magiging banal.
|
|
\v 10 Dapat mong pahiran ang altar para sa sinunog na handog at lahat ng mga kagamitan nito. Dapat mong ilaan ang altar sa akin, at ito ay magiging buong ilaan sa akin.
|
|
\v 11 Dapat mong pahiran ang tansong palanggana at ang patungan nito, at ilaan ito sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 12 Dapat mong dalhin si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at dapat mong hugasan sila ng tubig.
|
|
\v 13 damitan mo si Aaron ng mga kasuotan na nailaan sa akin, pahiran mo siya, at ilaan mo siya sa akin ng sa ganoon siya ay makapaglingkod sa akin bilang aking pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 14 Dadalhin mo ang kaniyang mga anak na lalaki at dadamitan mo sila ng balabal.
|
|
\v 15 Dapat mong pahiran sila gaya ng pangpahid mo sa kanilang ama kaya makapaglilingkod sila sa akin bilang mga pari. Ang pagpapahid sa kanila ay magdudulot sa kanila na maging palagian ang kanilang pagpapari sa buong salinlahi ng kanilang bayan."
|
|
\v 16 Ito ang ginawa ni Moises; sumunod siya sa lahat ng iniutos ni Yahweh. Ginawa niya ang lahat ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 17 Kaya ang tabernakulo ay naitayo noong unang araw ng unang buwan ng ikalawang taon.
|
|
\v 18 Itinayo ni Moises ang tabernakulo, inilagay ang mga tuntungan nito sa kanilang mga lugar, inilagay ang mga tabla, ikinabit ang mga tubo, at itinayo ang mga haligi at poste.
|
|
\v 19 Inilatag niya ang pantakip sa ibabaw ng tabernakulo at naglagay ng tolda sa ibabaw nito, ayon sa inutos ni Yahweh.
|
|
\v 20 Kinuha niya ang mga tipan ng kautusan at inilagay ito sa loob ng kaban. Inilagay niya din ang mga baras sa kaban at inilagay ang takip ng luklukan ng awa doon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 21 Dinala niya ang kaban sa loob ng tabernakulo. Iniayos niya ang kurtina para ito ay magtabing sa kaban ng mga tipan ng kautusan, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
|
|
\v 22 Inilagay niya ang mesa papasok sa tolda ng pagpupulong, sa may hilagang bahagi ng tabernakulo, sa labas ng kurtina.
|
|
\v 23 Inilagay niya sa ayos tinapay sa mesa sa tapat ni Yahweh, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 24 Inilagay niya ang ilawan sa loob ng tolda ng pagpupulong, sa kabila mula sa mesa, sa gawing timog ng tabernakulo.
|
|
\v 25 Sinindihan niya ang mga ilaw sa tapat ni Yahweh, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 26 Inilagay niya ang gintong altar ng insenso sa loob ng tolda ng pagpupulong sa harap ng kurtina.
|
|
\v 27 Nagsunog siya doon ng pabangong insenso, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 28 Isinabit niya ang kurtina sa pasukan ng tabernakulo.
|
|
\v 29 Inilagay niya ang altar para sa sinunog na handog sa pasukan ng tabernakulo, ang tolda ng pagpupulong. Inihandog niya doon ang sinunog na handog at butil na handog, ayon sa inutos ni Yahweh sa kaniya.
|
|
\v 30 Inilagay niya ang palanggana sa gitna ng tolda ng pagpupulong at ng altar, at naglagay siya ng tubig dito para sa paghuhugas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 31 Si Moises, Aaron at kaniyang mga anak ay naghugas ng kanilang mga kamay at kanilang mga paa sa palanggana.
|
|
\v 32 Sa tuwing sila ay papasok sa tolda ng pagtitipon at sa tuwing pupunta sila pataas ng altar. Hinuhugasan nila ang kanilang mga sarili, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
|
|
\v 33 Iniayos ni Moises ang patyo sa paligid ng tabernakulo at ng altar. Iniayos niya ang kurtina sa pasukan ng patyo. Sa paraang ito, tinapos ni Moises ang mga gawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 34 Pagkatapos binalot ng ulap ang tolda ng pagpupulong, at napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo.
|
|
\v 35 Hindi makapasok si Moises sa tolda ng pagpupulong dahil ang ulap ay palaging naroon, at dahil pinuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang tabernakulo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Kahit na ang ulap ay umalis sa ibabaw ng tabernakulo, ang bayan ng Israel ay magpapatuloy sa kanilang paglalakbay.
|
|
\v 37 Pero kung hindi tumaas ang ulap mula sa tabernakulo, pagkatapos ang bayan ay hindi makakapaglakbay. Sila ay mananatili hanggang sa ito ay tumaas.
|
|
\v 38 Dahil ang ulap ni Yahweh ay nasa taas ng tabernakulo kapag umaga, at ang kaniyang apoy ay nasa itaas nito kapag gabi, sa patag na tanawin ng lahat ng bayan ng Israel sa buo nilang paglalakbay.
|