forked from WA-Catalog/tl_ulb
128 lines
10 KiB
Plaintext
128 lines
10 KiB
Plaintext
|
\id HAB
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h Habakuk
|
||
|
\toc1 Habakuk
|
||
|
\toc2 Habakuk
|
||
|
\toc3 hab
|
||
|
\mt Habakuk
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ang pahayag na tinanggap ni propetang Habakuk:
|
||
|
\v 2 "Yahweh, hanggang kailan ako dapat humingi ng tulong, at hindi mo pakikinggan? Sumisigaw ako sa iyo dahil sa matinding takot, 'Karahasan!' ngunit hindi mo ako ililigtas!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Bakit mo ipinapakita sa akin ang kasamaan at ipinamamasid ang maling gawain? Pagkawasak at karahasan ang nasa aking harapan; may alitan, at pagtatalong nabubuo!
|
||
|
\v 4 Kaya ang kautusan ay humina, at ang katarungan ay hindi na umiiral. Dahil pinalibutan ng masama ang matuwid; kaya hindi totoong katarungan ang lumalabas." Tumugon si Yahweh kay Habakuk.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 "Tingnan mo ang mga bansa at suriin ang mga ito; magtaka at mamangha! Sapagkat tinitiyak ko na mayroon akong gagawin sa mga araw mo na hindi mo paniniwalaan kapag ito ay ibinalita sa iyo.
|
||
|
\v 6 Sapagkat tingnan mo! Ibabangon ko ang mga Caldeo—ang malupit at marahas na bansa—sila ay lumalakad sa buong kaluwangan ng lupain upang sakupin ang mga tahanan na hindi sa kanila.
|
||
|
\v 7 Sila ay nakakasindak at nakakatakot; ang kanilang paghuhukom at karangyaan ay mula sa kanilang sarili!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ang kanilang mga kabayo ay mas matulin kaysa sa mga leopardo, mas mabilis kaysa sa mga lobo sa gabi! Ang kanilang mga mangangabayo ay mula sa malayo kaya ang kanilang mga kabayo ay mabilis tumakbo—lumilipad silang gaya ng agila na nagmamadaling manakmal!
|
||
|
\v 9 Dumating silang lahat para sa karahasan, ang karamihan sa kanila ay pumunta na tulad ng hangin ng disyerto at tinitipon nila ang mga bihag na tulad ng buhangin!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kaya kinukutya nila ang mga hari, at ang mga namumuno ay kakutyaan lang sa kanila! Tinatawanan nila ang bawat kutang tanggulan, dahil nagbubunton sila ng lupa at kinukuha ang mga ito!
|
||
|
\v 11 At ang hangin ay mabilis na daraan; lalampas ito—mga taong may kasalanan, sila na ang kanilang diyos ay ang kanilang kapangyarihan!" Nagtanong si Habakuk kay Yahweh ng isa pang katanungan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 "Hindi ba mula ka sa walang hanggan, Yahweh na aking Diyos, ang aking Banal? Hindi kami mamamatay. Itinalaga sila ni Yahweh para sa paghatol, at ikaw na Bato ang nagtatag sa kanila para sa pagtutuwid!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ang iyong mga mata ay napakadalisay upang tumitig sa kasamaan, at hindi mo kayang tumingin sa maling gawain nang may pagsang-ayon; ngunit bakit ka tumingin nang may pagsang-ayon sa mga nagkakanulo? Bakit ka tahimik habang nilulunok ng mga taong masama ang mga higit na matuwid kaysa sa kanila?
|
||
|
\v 14 Ginawa mong gaya ng mga isda sa dagat ang mga tao, gaya ng mga bagay na gumagapang na walang namumuno sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Inangat silang lahat sa pamamagitan ng pamingwit, kinakaladkad nila palayo ang mga tao gamit ang mga lambat at iniipon sila sa kanilang lambat. Ito ang dahilan kaya sila ay nagagalak at sumisigaw nang masayang-masaya!
|
||
|
\v 16 Kaya sila ay naghahandog sa kanilang lambat at nagsusunog ng insenso sa kanilang lambat, sapagkat ang mga pinatabang hayop ang kanilang bahagi, at ang matatabang karne ang kanilang pagkain!
|
||
|
\v 17 Kaya aalisin ba nila ang lahat ng laman ng kanilang lambat at ipagpapatuloy na patayin ang mga bansa, nang walang pagkahabag?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tatayo ako sa aking bantayan at ipupuwesto ang aking sarili sa toreng bantayan, at magbabantay ako nang mabuti upang malaman kung ano ang sasabihin niya sa akin at kung paano ako dapat tumalikod mula sa aking daing.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Sumagot si Yahweh sa akin at sinabi, "Itala mo ang pangitaing ito at isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato upang ang bumabasa sa mga ito ay makatakbo!
|
||
|
\v 3 Sapagkat ang pangitain ay sa panahong hinaharap pa at sa wakas ay magsasalita at hindi mabibigo. Kahit na ito ay maaantala, hintayin mo ito! Sapagkat ito ay tiyak na darating at hindi magtatagal!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Tingnan ninyo! Ang tao na siyang naghahangad nang higit para sa kaniyang sarili nang hindi matuwid, ay isang hambog. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya!
|
||
|
\v 5 Sapagkat ang alak ay isang mapanlinlang sa mayabang na binata upang hindi siya manatili, ngunit pinapalawak ang kaniyang nais gaya ng libingan at gaya ng kamatayan, at hindi nasiyahan kailanman. Tinitipon niya sa kaniyang sarili ang bawat bansa at lahat ng mga tao para sa kaniyang sarili.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Hindi ba magbabadya ang lahat ng taong ito ng talinghaga laban sa kaniya at nanghahamak na kawikaan tungkol sa kaniya, at sasabihin, 'Aba sa taong nagpaparami nang hindi sa kaniya! Hanggang kailan mo palalakihin ang bigat ng mga panunumpa na iyong kinuha?'
|
||
|
\v 7 Hindi ba tatayo ang mga nagngangalit sa iyo, at hindi ba babangon ang nananakot sa iyo? Ikaw ay magiging biktima para sa kanila!
|
||
|
\v 8 Dahil sinamsam mo ang maraming bansa, lahat ng mga natirang tao ay sasamsamin ka, dahilan sa dugo ng tao at sa karahasan na ginawa sa lupain, sa lambak at sa mga nininirahan dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 'Aba sa taong nag-iipon nang mula sa kasamaan para sa kaniyang sambahayan, upang mailagay niya ang kaniyang pugad sa mataas para mapanatili niyang ligtas ang kaniyang sarili mula sa kamay ng masama!'
|
||
|
\v 10 Nag-isip ka ng kahihiyan para sa iyong sambahayan sa pamamagitan ng paglipol mo sa maraming tao, at nagkasala ka laban sa iyong sarili.
|
||
|
\v 11 Sapagkat dadaing ang mga bato mula sa pader, at ang tahilan ng troso ay sasagot sa kanila:
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 'Kaawa-awa ang taong nagtatayo ng lungsod nang may dugo, at nagtatatag ng bayan sa kasamaan!'
|
||
|
\v 13 Hindi ba ito dahil kay Yahweh ng mga hukbo kaya nagtratrabaho ang mga tao para sa apoy at pinapagod ng bansa ang kanilang mga sarili para sa wala?
|
||
|
\v 14 Kahit ganoon ang lupain ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ni Yahweh kagaya ng tubig na tinatakpan ang dagat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 'Aba sa taong nagpapainom sa kaniyang kapit-bahay, ikaw na nagdadagdag ng iyong lason hanggang sa malasing mo sila upang makita mo ang kanilang kahubaran!'
|
||
|
\v 16 Mapupuno ka ng kahihiyan at hindi ng karangalan! Inumin mo rin ito, at ipakita ang iyong kahubaran! Ang saro ng kanang kamay ni Yahweh ay darating at babaling sa iyo, at tatakpan ng kahihiyan ang iyong karangalan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Tatakpan ka ng karahasang ginawa sa Lebanon, at kakikilabutan ka sa pagkawasak ng mga mababangis na hayop dahil sa dugo ng mga tao at dahil sa karahasang ginawa sa lupain, sa mga lungsod at sa lahat ng mga naninirahan doon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ano ang pakinabang mo sa inukit na anyo? Sapagkat ang taong nag-ukit nito, o siyang gumawa ng anyo mula sa nilusaw na metal ay tagapagturo ng kasinungalingan; dahil nagtitiwala siya sa kaniyang sariling gawa nang ginawa niya ang mga piping diyos na ito.
|
||
|
\v 19 'Kaawa-awa sa taong nagsasabi sa mga kahoy, Gumising ka! O sa mga tahimik na bato, Bumangon ka!' Nagtuturo ba ang mga bagay na ito? Tingnan ninyo, ito ay nababalot ng ginto at pilak, ngunit wala itong hininga man lang.
|
||
|
\v 20 Ngunit si Yahweh ay nasa loob ng kaniyang banal na templo! Manahimik ka sa harapan niya, lahat ng lupain!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ang panalangin ni Habakuk na propeta: (Dinaragdag ng teksto ng Hebreo ang "sa Sigionoth" na maaaring tumutukoy sa musikal na direksiyon para sa mga mang-aawit)
|
||
|
\v 2 Yahweh, narinig ko ang iyong ulat, at ako ay natakot! Yahweh, buhayin mo muli ang iyong gawain sa gitna ng mga panahong ito; sa gitna ng mga panahong ito ipaalam mo; alalahanin mo na magkaroon ng habag sa iyong galit!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Ang Diyos ay nanggaling mula sa Teman, at ang Banal mula sa Bundok Paran! Selah. Tinakpan ng kaniyang kaluwalhatian ang mga kalangitan, at ang mundo ay puno ng kaniyang kapurihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ang sinag ng kaniyang kamay ay kumikinang gaya ng liwanag, at pinanatili niya roon ang kaniyang kapangyarihan.
|
||
|
\v 5 Ang salot ay nasa kaniyang harapan, at sinusundan ng kamatayan ang kaniyang paa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Tumayo siya at sinukat ang mundo; tumingin siya at niyanig ang mga bansa! Maging ang mga walang haggang bundok ay gumuho, at ang mga walang hanggang burol ay yumukod! Ang kaniyang landas ay walang hanggan!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nakita ko ang mga tolda ng Cusan sa paghihirap, at ang tela ng mga tolda sa lupain ng Midian ay nanginginig.
|
||
|
\v 8 Nagalit ba si Yahweh sa mga ilog? Ang iyong poot ba ay laban sa mga ilog, o ang iyong matinding galit ay laban sa dagat nang sumakay ka sa iyong mga kabayo, ang iyong karwahe nang kaligtasan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Inilabas mo ang iyong pana nang walang takip; inilagay mo ang iyong palaso sa iyong pana! Selah. Hinati mo ang mundo sa pamamagitan ng mga ilog.
|
||
|
\v 10 Nakita ka ng mga bundok at namimilipit sa sakit! Ang malakas na buhos ng tubig ay dumaloy sa kanila; at ang kailaliman ng dagat ay sumigaw! Itinaas nito ang kaniyang mga alon!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ang araw at ang buwan ay nanatiling nakatayo sa kanilang matayog na lugar, umalis sila sa liwanag ng iyong mga palaso at sa kumikinang na liwanag ng iyong sibat!
|
||
|
\v 12 Lumakad kayo sa mga lupain nang may galit. Sa poot ay giniik ninyo ang mga bansa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Lumabas ka para sa kaligtasan ng iyong mga tao, para sa kaligtasan ng iyong pinili! Winasak mo ang pinuno ng sambahayan ng masama para ipakita ang puno ng leeg! Selah.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Tinusok mo ang ulo ng kaniyang mga mandirigma sa pamamagitan ng kaniyang sariling mga palaso yamang pumarito sila gaya ng isang bagyo upang ikalat kami, ang kanilang kasiyahan ay gaya ng isang taong sinasakmal ang mahihirap sa isang taguan.
|
||
|
\v 15 Naglakbay kayo sa dagat kasama ang inyong mga kabayo, at pinaapaw ang malaking tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Narinig ko, at ang aking kaloob-loobang bahagi ay nanginig! Ang aking mga labi ay nangatal sa tunog! Kabulukan ay pumasok sa aking mga buto, at sa ilalim ng katawan ko ay nanginig habang tahimik kong hinihintay na dumating ang araw nang kaguluhan sa mga taong lumulusob sa amin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Bagaman ang mga puno ng igos ay hindi sumibol at walang bunga mula sa mga puno ng ubas; bagaman ang puno ng olibo ay hindi namunga, at ang mga bukirin ay walang naibibigay na pagkain; bagaman ang kawan ay naihiwalay sa kulungan, at walang baka sa mga kuwadra—
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Gayon man, magagalak ako kay Yahweh! Matutuwa ako dahil ang Diyos ang aking kaligtasan!
|
||
|
\v 19 Ang Panginoong Yahweh ang aking lakas, at ginagawa niya ang aking paa na tulad ng paa ng usang babae at pinangungunahan ako sa aking mga lugar na matataas! —Sa direktor ng musika, sa aking mga instrumentong may kuwerdas.
|