forked from WA-Catalog/tl_ulb
2028 lines
128 KiB
Plaintext
2028 lines
128 KiB
Plaintext
|
\id JOB
|
||
|
\ide UTF-8
|
||
|
\h Job
|
||
|
\toc1 Job
|
||
|
\toc2 Job
|
||
|
\toc3 job
|
||
|
\mt Job
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 1
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 May isang lalaki sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job; walang maipipintas kay Job at siya ay matuwid, may takot siya sa Diyos at tumatalikod sa anumang kasamaan.
|
||
|
\v 2 Binigyan siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
|
||
|
\v 3 May pag-aari siyang pitong libong mga tupa, tatlong libong kamelyo, limang daang pares ng mga baka, at limang daang mga asno at napakaraming mga lingkod. Ang lalaking ito ang pinaka-dakila sa lahat ng tao sa Silangan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sa bawat araw na may kani-kaniyang pagdiriwang ang mga anak na lalaki, ipinapatawag nila ang kanilang tatlong kapatid na babae para kumain at uminom kasama nila.
|
||
|
\v 5 Pagkatapos ng mga araw ng pista, sila ay ipinapatawag at muli silang itatalaga ni Job sa Diyos. Babangon siya nang maagang-maaga at mag-aalay ng sinunog na handog para sa bawat kaniyang mga anak, dahil iniisip niya na, "Marahil nagkasala ang aking mga anak at isinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso." Ito ay laging ginagawa ni Job.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 At dumating naman ang isang araw para humarap ang mga anak ng Diyos kay Yahweh, at si Satanas ay dumalo kasama nila.
|
||
|
\v 7 Ang tanong ni Yahweh kay Satanas, "Saan ka naman nanggaling?" Sumagot si Satanas kay Yahweh, "Galing ako sa isang paglalakad-lakad sa mundo, nagpabalik-balik ako rito."
|
||
|
\v 8 Nagtanong muli si Yahweh, "Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Dahil wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Saka sumagot si Satanas kay Yahweh, "Basta na lang ba magkakaroon ng takot sa iyo si Job nang walang kadahilanan?"
|
||
|
\v 10 Hindi ka ba gumawa ng bakod sa kaniyang paligid, sa paligid ng kaniyang bahay, at sa lahat ng kaniyang mga pag-aari? Pinagpala mo ang kaniyang hanap-buhay at pinarami mo ang kaniyang kayamanan.
|
||
|
\v 11 Pero iunat mo ang iyong kamay laban sa kaniyang mga pag-aari, at makikita mo na itatanggi ka niya sa iyong harapan.
|
||
|
\v 12 Sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Makinig ka, ang lahat ng kaniyang pag-aari ay hawakan mo, pero huwag mo siyang pagbubuhatan ng kamay." Saka umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Dumating ang isang araw habang nagkakainan at nag-iinuman ang kaniyang mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid,
|
||
|
\v 14 isang mensahero ang pumunta kay Job at nagbalita, "Habang ang mga baka ay nag-aararo at ang mga asno ay nanginginain sa kanilang tabi;
|
||
|
\v 15 lumusob ang mga Sabano at tinangay sila. Pinatay nga nila ang ibang mga lingkod gamit ang espada; ako lang ang nag-iisang nakatakas para ibalita sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Habang siya ay nagsasalita pa, dumating ang isa pang lingkod at nagbalita. "Umulan ng apoy ng Diyos mula sa langit at tinupok ang mga tupa kasama na ang mga lingkod; at ako lang ang tanging nakaligtas para sabihin sa iyo."
|
||
|
\v 17 Habang siya rin ay nagsasalita, may dumating pang isang lingkod at nagbalitang "Gumawa ng tatlong pangkat ang mga Caldea, nilusob ang mga kamelyo, at tinangay silang lahat. Totoo ito, at pinatay pa nila ang mga lingkod gamit ang espada, at ako lang ang nakaligtas para ibalita sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Habang siya ay nagsasalita dumating ang isa pa at nagbalitang, "Nagkakainan at nag-iinuman ng alak ang iyong mga anak sa bahay ng kanilang panganay na kapatid.
|
||
|
\v 19 Isang malakas na hangin ang umihip mula sa disyerto at giniba ang apat na haligi ng bahay, nadaganan nito ang mga kabataan, at namatay silang lahat, at ako na lang ang nakatakas para sabihin ito sa iyo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Napatayo si Job, pinunit ang kaniyang damit, inahit ang kaniyang buhok, nagpatirapa sa lupa at sinamba ang Diyos."
|
||
|
\v 21 Sabi niya, "Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik doon. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi; ang pangalan nawa ng Diyos ang mapapurihan."
|
||
|
\v 22 Sa lahat ng mga pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job at hindi siya naging hangal para akusahan ang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 2
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Muling dumating ang araw para humarap kay Yahweh ang mga anak ng Diyos, pumunta rin si Satanas para iharap ang kaniyang sarili kay Yahweh.
|
||
|
\v 2 Tinanong ni Yahweh si Satanas, "Saan ka naman nanggaling ngayon?" Sumagot si Satanas, "Galing ako sa paglalakad sa lupa nang pabalik-balik."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Nagtanong muli si Yahweh kay Satanas, "Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Sapagkat wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan. Nananatili pa rin siya sa kaniyang integridad kahit na pinilit mo akong gumawa ng laban sa kaniya, para sirain siya nang walang dahilan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sumagot si Satanas kay Yahweh at sinabing, "Balat sa balat naman; kayang ibigay ng tao ang lahat-lahat ng pag-aari niya para lamang siya mabuhay.
|
||
|
\v 5 Pero subukan mong iunat ang iyong kamay at galawin ang kaniyang mga buto at katawan, tingnan mo kung hindi ka niya isumpa nang harapan."
|
||
|
\v 6 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, "Sige, siya ay nasa iyong mga kamay, pero huwag mo lang siyang babawian ng buhay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kaya umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh at nilagyan ng mga malubhang pigsa si Job mula sa kaniyang talampakan hanggang sa bumbunan.
|
||
|
\v 8 Pumulot si Job ng isang piraso ng basag na palayok para kayurin ang sarili gamit nito, saka siya umupo sa ibabaw ng mga abo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Saka sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, "Panghahawakan mo pa rin ba ang iyong integridad? Isumpa mo na ang Diyos at mamatay ka na."
|
||
|
\v 10 Pero sinabi niya sa kaniyang asawa, "Kung makapagsalita ka parang wala kang isip, hindi mo ba naisip na hindi lang kabutihan ang maaari nating maranasan sa kamay ng Diyos at maaari rin tayong makaranas ng masama?" Sa lahat ng pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job sa kaniyang mga labi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ngayon naman, nabalitaan ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat ng masamang nangyari sa kaniya, nilisan nila ang kani-kanilang lugar para puntahan si Job: Si Eliphaz na Temaneo, Bildad na Shuhita, at Zophar na Naamita. Naglaan sila ng panahon para makidalamhati sa kaniya at aliwin siya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Nang tumanaw sila sa kalayuan, hindi nila agad nakilala si Job, napahiyaw sila at humagulgol sa iyak; pinunit ng bawat isa ang kani-kaniyang damit, nagsaboy ng abo sa hangin at sa kanilang mga ulo.
|
||
|
\v 13 Saka sila umupo sa tabi ni Job sa loob ng pitong araw at pitong gabi, wala ni isa sa kanila ang nangahas magsalita sa kaniya, dahil nakita nila ang sobrang hirap ni Job.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 3
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos nito, binuksan ni Job ang kaniyang bibig at isinumpa ang araw ng kapanganakan niya.
|
||
|
\v 2 Sinabi niya,
|
||
|
\v 3 "Sana napuksa na lang ang araw na ipinanganak ako, ang gabi na binalitang 'isang sanggol na lalaki ang ipinanganak.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sana napuno na lang ng kadiliman ang araw na iyon, huwag na sana itong maalala ng Diyos, o kaya sikatan pa ito ng araw.
|
||
|
\v 5 Sana angkinin na lang ito ng kadiliman at ng anino ng kamatayan; balutan na lang ng madilim na ulap at ang lahat na nagpapadilim sa umaga ay gawing mas kalagim-lagim.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 At sa gabing iyon, hayaan na lang na makapal na kadiliman ang bumalot dito: huwag na itong hayaan na magalak sa mga araw ng taon, huwag na itong paabutin sa hustong bilang ng mga buwan.
|
||
|
\v 7 Masdan mo, sana naging baog na lang ang gabing iyon, at walang masayang tinig ang narinig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Hayaan na lang na isumpa ang araw na iyon ng mga marunong gumising sa Leviatan.
|
||
|
\v 9 Hayaan na ang mga bituin sa hating-gabi ay magdilim. Hayaan na maghanap ng liwanag ang araw na iyon pero walang matagpuan, o kaya ang mga talukap ng mga mata ay huwag nang makakita ng bukang liwayway,
|
||
|
\v 10 dahil hindi nito sinara ang pintuan ng sinapupunan ng aking ina, ni itinago ang kaguluhan mula sa aking mga mata.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Bakit hindi pa ako namatay noong ako ay lumabas sa sinapupunan? Bakit hindi ko pa isinuko ang aking espiritu noong ako ay ipinagbubuntis pa lang ng aking ina?
|
||
|
\v 12 Bakit pa ako kinandong sa kaniyang mga tuhod? O tinanggap ng kaniyang didbdib para ako ay makasuso?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Dapat sana tahimik na akong nakahiga ngayon, nakatulog na sana ako at namamahinga
|
||
|
\v 14 kasama ng mga hari at taga-payo sa lupa, na nagtayo ng mga puntod para sa kanilang mga sarili na ngayon ay gumuho na.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 O kaya naman ay nakahiga na kasama ang mga prinsipe na minsan nang nagkaroon ng maraming ginto, na pinuno ang kanilang mga bahay ng pilak.
|
||
|
\v 16 O kaya, patay na ako nang ipinanganak, tulad ng mga sanggol na hindi na nasilayan ang liwanag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Sa lugar na iyon, ang mga masasama ay wala nang kaguluhan, at ang mga pagod ay nakakapagpahinga.
|
||
|
\v 18 Na kung saan ang mga bilanggo ay nagkakasundo, hindi na nila maririnig ang boses ng mga tagapamahala sa kanila.
|
||
|
\v 19 Ang mga karaniwan at mga tanyag na tao ay naroroon, ang lingkod doon ay malaya mula sa kayang amo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong naghihirap, bakit pa ibinigay ang buhay sa taong ang kaluluwa ay puno ng pait;
|
||
|
\v 21 ang taong gusto nang mamatay pero hindi mamatay-matay, ang taong naghahanap ng kamatayan higit pa sa paghahanap ng kayamanan?
|
||
|
\v 22 Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong lubos na masaya at nagagalak kung hinahanap naman niya ay libingan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Bakit ibinibigay ang liwanag sa isang taong inililihim ang kaniyang pamamaraan, isang tao kung saan naglagay ang Diyos ng mga bakod?
|
||
|
\v 24 Dahil mas nangyayari ang aking hikbi kaysa kumain; ang aking panaghoy ay ibinubuhos na parang tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Dahil ang bagay na kinatatakutan ko ay dumating na sa akin; kung ano ang ikinatatakot ko ay narito na.
|
||
|
\v 26 Wala akong kaginhawaan, katahimikan at kapahingahan bagkus ang dumating sa akin ay kabalisahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 4
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Sumagot si Elifaz ang Temaneo at sinabing,
|
||
|
\v 2 "Kung sakaling may kumausap sa iyo, malulungkot ka ba? Pero sino ba ang makakapigil sa kaniyang sarili para magsalita?
|
||
|
\v 3 Tingnan mo nga naman, nagturo ka sa marami, pinalakas mo ang mga nanghihinang kamay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Inalalayan ng iyong salita ang mga nahuhulog, at ang mga nanlalambot na tuhod ay pinatigas mo.
|
||
|
\v 5 Pero ngayong ikaw naman ang may kaguluhan, nanghihina ka; ikaw ay dinapuan ng kaguluhan, at ikaw ay naguluhan.
|
||
|
\v 6 Hindi ba dapat ang takot mo sa Diyos ang nagbibigay sa iyo ng lakas ng loob? Hindi ba ang integridad mo sa iyong mga ginagawa ang nagbibigay sa iyo ng pag-asa?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Parang awa mo na, isipin mo itong mabuti: may inosente bang naghirap? O kaya may matuwid bang pinalayas?
|
||
|
\v 8 Ayon sa aking natunghayan, siyang nagbungkal ng kasalanan, at nagtanim ng kaguluhan, ay umani rin nito.
|
||
|
\v 9 Sila ay mamamatay sa pamamagitan ng hininga ng Diyos; sa pagsabog ng kaniyang galit sila ay matutupok.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ang atungal ng mga leon, ang tinig ng mabangis na leon, maging ang pangil ng mga batang leon—ang lahat ay nabasag.
|
||
|
\v 11 Ang matandang leon ay namatay dahil sa kawalan ng mga biktima; ang mga batang leon ng inahin ay nagkalat saan mang lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Subalit ngayon, may lihim na dumating sa akin, may bumulong sa aking tainga tungkol dito.
|
||
|
\v 13 Sa mga kahulugan ng mga pangitain sa gabi, habang ang mga tao ay natutulog nang mahimbing.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Matinding takot ang siyang lumukob sa akin, at sa aking mga buto ay nanginig.
|
||
|
\v 15 Pagkatapos isang espiritu ang dumaan sa aking harapan, at ang mga balahibo ko ay nagsipagtayuan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ang espiritu ay tumigil at tumayo, pero di ko maaninag ang kaniyang anyo. Isang anyo ang nasa aking harapan, tahimik ang paligid at may bigla akong narinig,
|
||
|
\v 17 "Ang isang mortal na tao ba ay mas matuwid kaysa sa Diyos? Mas dalisay ba ang tao kaysa sa kaniyang Manlilikha?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Tingnan mo, kung hindi pinagkakatiwalaan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod, at pinaparatangan ang kaniyang mga anghel nang kahangalan,
|
||
|
\v 19 ano pa kaya silang mga nakatira sa mga bahay na gawa sa putik, at ang mga pundasyon ay nasa buhangin, na mas marupok sa mga kulisap na madaling durugin?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sa pagitan ng umaga at gabi sila ay winasak; naglaho na sila magpakailanman nang walang nakakapansin sa kanila.
|
||
|
\v 21 Hindi ba nabunot ang tali ng kanilang mga tolda? Namatay sila, namatay sila nang walang karunungan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 5
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Manawagan ka na ngayon, mayroon bang makikinig sa iyo? Sino sa mga banal ang malalapitan mo?
|
||
|
\v 2 Dahil papatayin ng galit ang isang hangal, papatayin ng selos ang walang isip.
|
||
|
\v 3 Nakakita na ako ng isang hangal na lumalalim na ang ugat, pero bigla kong sinumpa ang kaniyang tahanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ang kaniyang mga anak ay malayo sa kaligtasan; naipit sila sa mga tarangkahan ng lungsod. Wala kahit isa ang magliligtas sa kanila —
|
||
|
\v 5 ang ani nila ay kinain ng mga nagugutom, ng mga taong kumukuha nito mula sa mga matinik na lugar; ang mga kayamanan nila ay sinimot ng mga taong nauuhaw dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sapagkat ang mga paghihirap ay hindi tumutubo mula sa lupa; kahit ang kaguluhan ay hindi umuusbong mula sa lupa;
|
||
|
\v 7 Pero gumagawa ang sangkatuhan ng sarili niyang kaguluhan, gaya ng mga apoy na lumilipad paitaas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pero ako, sa Diyos ako lalapit, ipagkakatiwala ko sa Diyos ang aking kalagayan —
|
||
|
\v 9 siya na gumagawa ng mga dakila at makabuluhang mga bagay, mga kamangha-manghang bagay na hindi na mabilang.
|
||
|
\v 10 Nagbibigay siya ng ulan sa lupa, at nagpapadala ng tubig sa mga taniman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ginawa niya ito para itaas ang mga mabababa; para ilikas ang mga taong nagdadalamhati sa mga abo.
|
||
|
\v 12 Binibigo niya ang mga balak ng mga tuso, para hindi makamit ang mga binalak nila.
|
||
|
\v 13 Binibitag niya ang mga matatalino sa kanilang katusuhan; ang mga plano ng matatalino ay matatapos din.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Nagpupulong sila sa dilim tuwing umaga, at nangangapa sa tanghali na tulad nang sa gabi.
|
||
|
\v 15 Pero inililigtas niya ang mga mahihirap mula sa mga espada na nasa kanilang mga bibig, at ang mga nangangailangan mula sa mga mayayaman.
|
||
|
\v 16 Kaya may pag-asa ang mahihirap, at ang kawalan ng katarungan ay itinitikom ang kaniyang sariling bibig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Tingnan mo, masaya ang taong tinutuwid ng Diyos; kaya huwag mong kamuhian ang pagtutuwid ng Makapangyarihan.
|
||
|
\v 18 Dahil siya ay sumusugat at tumatapal, sumusugat siya at siya rin ang gumagamot.
|
||
|
\v 19 Ililigtas ka niya sa anim na kaguluhan; lalo na, sa pitong kaguluhan, walang anumang masama ang makagagalaw sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Sa tag-gutom ikaw ay kaniyang ililigtas mula sa kamatayan; sa digmaan mula sa kapangyarihan ng espada.
|
||
|
\v 21 Ikukublli ka mula sa latay ng mga dila; at hindi ka matatakot kapag ang pagkawasak ay dumating.
|
||
|
\v 22 Tatawanan mo ang pagkawasak at tag-gutom, at hindi ka matatakot sa mga mababangis na hayop.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Sapagkat may kasunduan ka sa mga bato sa iyong taniman; magiging mapayapa ka sa mga mababangis na hayop.
|
||
|
\v 24 Matitiyak mo na ang iyong tolda ay ligtas; dadalawin mo ang iyong kawan at makikitang hindi ito nabawasan.
|
||
|
\v 25 Matitiyak mo na dadami ang iyong lahi, na ang iyong mga anak ay matutulad sa mga damo sa lupa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Uuwi ka sa iyong puntod sa iyong katandaan, tulad ng mga naipong mga tangkay ng palay na dinadala sa giikan.
|
||
|
\v 27 Tingnan mo, siniyasat namin ang bagay na ito; ganito talaga ito; pakinggan mo ito at patunayan sa iyong sarili."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 6
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabing,
|
||
|
\v 2 "O, kung titimbangin lamang ang aking paghihirap, at susukatin ang lahat ng aking mga sakuna!
|
||
|
\v 3 Sa ngayon mas magiging mabigat pa ito kaysa sa lahat ng buhangin sa dagat. Kaya nga naging padalos-dalos ako sa aking mga salita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Dahil ang mga palaso ng Makapangyarihan ay nakaabang sa akin, ang aking espiritu ay iniinom ang lason; ang mga kaparusahan ng Diyos ay nagsunod-sunod laban sa akin.
|
||
|
\v 5 Ang isa bang mabangis na asno ay uungal kung marami namang damo? O ang mga baka ba ay uungal kung may dayami naman silang makakain?
|
||
|
\v 6 Ang isang pagkain ba na walang lasa ay makakain kung walang asin? O may kung anong lasa ba sa puti ng itlog?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Tumatanggi akong hawakan sila; tulad sila ng mga nakakapandiring pagkain sa akin.
|
||
|
\v 8 O, sana matanggap ko na ang aking hinihiling, oh, ibigay na sana ng Diyos ang aking minimithi;
|
||
|
\v 9 na malugod ang Diyos na durugin niya ako ng isang beses, na bitawan niya ako at putulin sa buhay na ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sana ito na lang ang aking maging pampalubag-loob--kahit na magsaya ako sa hindi napapawing hapdi: na hindi ko sinuway ang mga salita ng Tanging Banal.
|
||
|
\v 11 Ano ba ang aking lakas, na kailangan ko pang maghintay? Ano ba ang aking katapusan, na kailangan kong pahabain ang aking buhay?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ang lakas ko ba ay kasing lakas ng mga bato? O ang aking mga kalamnan ay gawa sa tanso?
|
||
|
\v 13 Hindi ba totoo na hindi ko kayang tulungan ang aking sarili, at ang karunungan ay tinanggal sa akin?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Para sa isang taong malapit nang mawalan ng malay, dapat ipakita ng kaniyang kaibigan ang katapatan; kahit na pinabayaan niya pa ang kaniyang takot sa Makapangyarihan.
|
||
|
\v 15 Pero naging matapat ang mga kapatid ko sa akin, na tulad ng mga batis sa disyerto, na tulad ng mga daluyan ng tubig na natutuyo,
|
||
|
\v 16 na dumidilim dahil sa mga yelong tumatakip sa mga ito, at dahil sa mga niyebe na ikinukubli ang sarili sa kanila.
|
||
|
\v 17 Kapag sila ay natunaw, sila ay mawawala; kapag ang panahon ay mainit, nalulusaw sila sa kanilang kinalalagyan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ang mga karawan ay gumigilid para maghanap ng tubig, nagpapaikot-ikot sila sa tuyong lupain at saka mamamatay.
|
||
|
\v 19 Ang mga karawan mula sa Tema ay pinagmamasdan sila, gayun din sa pangkat ng mga taga-Sheba na umaasa sa kanila.
|
||
|
\v 20 Sila ay nabigo dahil umaasa sila na makakahanap ng tubig; pumunta sila roon pero sila ay nilinlang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Kaya ngayon, kayong mga kaibigan ko ay wala nang halaga sa akin; nakita ninyo ang aking kaawa-awang kalagayan pero kayo ay natatakot.
|
||
|
\v 22 'Sinabi ko ba sa inyo na bigyan ninyo ako ng kahit ano?' 'O, regaluhan ninyo ako mula sa inyong kayamanan?'
|
||
|
\v 23 O, 'Iligtas ako mula sa kamay ng aking kalaban?' O, 'Tubusin ako sa kamay ng mga nang-aapi sa akin?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Ituro ninyo sa akin, at ako ay mananahimik, ipaintindi ninyo sa akin kung saan ako nagkamali.
|
||
|
\v 25 Sadya ngang napakasakit ng katotohanan! Pero ang inyong mga sinasabi, paano ba nito ako maitutuwid?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Balak ba ninyong hindi pansinin ang aking mga sinasabi, ituring ito ang salita ng isang tao na parang ito ay hangin?
|
||
|
\v 27 Totoo nga, pinagpupustahan ninyo ang naulila sa ama, at pinagtatalunan ang inyong kaibigan na tulad ng isang kalakal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Subalit ngayon, tingnan ninyo ako at papatunayan ko sa inyo na hindi ako nagsisinungaling.
|
||
|
\v 29 Pigilan ninyo ang inyong sarili, parang awa ninyo na; maging makatarungan kayo, maghunos-dili kayo dahil nasa tamang panig ako.
|
||
|
\v 30 May kasamaan ba sa aking dila? Hindi ba malalaman ng aking bibig ang malisyosong mga bagay?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 7
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Hindi ba't may mabigat na gawain ang bawat isang tao sa ibabaw ng lupa?
|
||
|
\v 2 Hindi ba na ang kaniyang mga araw ay gaya ng isang taong upahan?
|
||
|
\v 3 Katulad ng isang alipin na maalab na ninanais ang mga anino ng gabi, katulad ng isang taong upahan na naghihintay sa kaniyang mga sahod- kaya nagtiis ako sa mga buwan ng kahirapan; nagkakaroon ako ng mga gabing punong-puno ng kaguluhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Kapag ako ay humihiga, sinasabi ko sa aking sarili, "Kailan ako babangon at kailan lilipas ang gabi? Punong-puno ako ng kabalisahan hanggang sa magbukang-liwayway.
|
||
|
\v 5 Ang aking laman ay nadadamitan ng mga uod at mga tipak ng alikabok; nanigas na ang mga sugat sa aking balat at saka malulusaw at mananariwang muli.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Ang aking mga araw ay mas mabilis kaysa sa panghabi; lilipas sila nang walang pag-asa.
|
||
|
\v 7 Alalahanin mo O Diyos na ang aking buhay ay isa lamang hininga; ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng kabutihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ang mata ng Diyos, na nakikita ako, ay hindi na muli ako makikita; Ang mga mata ng Diyos ay tutuon sa akin pero hindi na ako mabubuhay.
|
||
|
\v 9 Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa.
|
||
|
\v 10 Siya ay hindi na babalik pa sa kaniyang tahanan; ni makikilala pa siya muli sa kaniyang lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Kaya hindi ko pipigilin ang aking bibig; Magsasalita ako sa kadalamhatian ng aking espiritu; Ako ay dadaing sa kapaitan ng aking kaluluwa.
|
||
|
\v 12 Ako ba ay isang dagat, o isang halimaw sa dagat para lagyan mo ng bantay?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kapag sinasabi ko, 'Aaliwin ako ng aking higaan, at pakakalmahin ng aking upuan ang aking daing,
|
||
|
\v 14 pagkatapos tinatakot mo ako sa mga panaginip at ako ay sinisindak sa mga pangitain,
|
||
|
\v 15 kaya pipiliin ko ang magbigti at kamatayan sa halip na panatilihin pang buhay ang aking mga buto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kinasusuklaman ko ang aking buhay; Hindi ko hinahangad na patuloy akong mabuhay; hayaan mo akong mag-isa dahil walang silbi ang aking mga araw.
|
||
|
\v 17 Ano ang tao na dapat bigyan mo ng pansin, na dapat iyong ituon ang isip sa kaniya,
|
||
|
\v 18 na dapat mong bantayan tuwing umaga at sinusubok mo siya sa bawat sandali?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Gaano katagal bago mo alisin ang iyong tingin sa akin? bago mo ako hayaang mag-isa nang may sapat na panahon para lunukin ang aking sariling laway?
|
||
|
\v 20 Kahit ako ay nagkasala, ano ang magagawa nito sa iyo, ikaw na nagbabantay sa mga tao? Bakit mo ako ginawang isang pakay, para ba ako ay maging pasanin sa iyo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Bakit hindi mo mapatawad ang aking mga pagsuway at alisin ang aking kasamaan? Sa ngayon ako ay hihiga sa alikabok; maingat mo akong hahanapin, pero wala na ako."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 8
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at nagsabing,
|
||
|
\v 2 "Hanggang kailan mo sasabihin ang mga bagay na ito? Gaano katagal magiging kagaya ng malakas na hangin ang mga salita sa iyong bibig? Binabaluktot ba ng Diyos ang katarungan?
|
||
|
\v 3 Maaari bang baluktututin ng Makapangyarihang Diyos ang katuwiran?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kaniya; Alam namin ito, dahil pinarusahan niya sila sa kanilang mga kasalanan.
|
||
|
\v 5 Sabihin nating masigasig mong hinanap ang Diyos at iyong inilahad ang iyong mga kahilingan sa Makapangyarihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Sabihin nating ikaw ay dalisay at matuwid; pagkatapos siguradong gagawa siya para sa iyo at gagantipalaan ka ng tahanan na tunay mong pag-aari.
|
||
|
\v 7 Kahit na maliit ang iyong simula, ang iyong huling kalagayan ay magiging mas higit.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Para sa kaalaman, nagmamakaawa ako sa iyo, tungkol sa mga dumaang panahon, ihanda ang iyong sarili para matutunan kung ano ang mga natuklasan ng ating mga ninuno.
|
||
|
\v 9 ( Ipinanganak lamang tayo kahapon at wala tayong nalalaman sapagkat ang ating mga araw sa daigdig ay isang anino.)
|
||
|
\v 10 Hindi ba nila ituturo at sasabihin sa iyo? Hindi ba sila magsasalita mula sa kanilang mga puso?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Maaari bang tumubo ang papirus na walang lati? Maaari bang tumubo ang tambo na walang tubig?
|
||
|
\v 12 Habang sila ay mga sariwa pa at hindi pinuputol, sila ay natutuyo bago ang anumang halaman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kaya gayon din ang mga landas ng lahat nang nakakalimot sa Diyos, ang pag-asa ng mga walang diyos ay maglalaho -- na ang may pagtitiwala ay nagkakahiwa-hiwalay,
|
||
|
\v 14 na ang may tiwala ay marupok tulad ng isang sapot ng gagamba.
|
||
|
\v 15 Ang ganoong tao ay sasandig sa kaniyang bahay, pero hindi ito magtatagal. Hahawak siya dito, pero hindi ito mananatili.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Siya ay sariwa sa ilalim ng araw, at ang kaniyang mga sibol ay kumakalat sa kaniyang buong hardin.
|
||
|
\v 17 Ang kaniyang mga ugat ay pumupulupot sa tambak ng bato; naghahanap sila ng magagandang lugar sa gitna ng batuhan.
|
||
|
\v 18 Pero kung ang taong ito ay sinira sa kaniyang lugar, saka siya ipagkakaila ng lugar na iyon at sasabihing, 'Hindi kailanman kita nakita.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Masdan mo, Ito ay ang "kagalakan" ng ganoong pag-uugali ng isang tao; Sisibol muli ang ibang halaman sa parehong lupa sa kaniyang lugar.
|
||
|
\v 20 Masdan mo, hindi itatakwil ng Diyos ang isang taong walang kasalanan; ni aalalayan ang kamay ng mga gumagawa ng masama.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Pupunuin pa niya ang iyong bibig ng tuwa, at ang iyong mga labi ng sigawan.
|
||
|
\v 22 Sila na mga napopoot sa iyo ay dadamitan ng kahihiyan; Ang tolda ng mga masasama ay maglalaho."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 9
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi, "
|
||
|
\v 2 tunay na alam ko na ganito nga ito. Pero paano magiging matuwid ang isang tao sa harap ng Diyos?
|
||
|
\v 3 Kung gusto niyang makipagtalo sa Diyos, hindi niya siya sasagutin kahit minsan lang sa libong beses.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ang Diyos ay marunong sa puso at makapangyarihan sa lakas; Sino ang nagmatigas laban sa kaniya ang nagtagumpay kailanman? --
|
||
|
\v 5 siya na nagtatanggal ng mga bundok na walang babala sa sinuman kapag pinapataob niya ang mga ito dahil sa kaniyang galit--
|
||
|
\v 6 siyang yumayanig sa daigdig mula sa kinalalagyan nito at pinapanginig ang mga sandigan nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ito rin ang Diyos na nagsasabi sa araw na huwag sumikat, at ito nga ay hindi sumikat, at siyang nagtatakip sa mga bituin,
|
||
|
\v 8 siya na mismong naglatag ng mga kalangitan at siyang yumuyurak at sumusupil sa mga alon ng dagat,
|
||
|
\v 9 siya na gumawa sa Oso, sa Orion, sa Pleyades, at sa kumpol ng mga bituin sa katimugan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ito rin ang Diyos na gumagawa ng mga dakilang bagay, mga bagay na hindi kayang maunawaan--sa katunayan, mga kahanga-hangang bagay na hindi mabibilang.
|
||
|
\v 11 Masdan mo, sinasamahan niya ako, at hindi ko siya nakikita; Dumadaan din siya, pero hindi ko siya napapansin.
|
||
|
\v 12 Kung makakahuli siya ng biktima, sino ang makakapigil sa kaniya? Sino ang magsasabi sa kaniya, "Ano ang iyong ginagawa?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Hindi babawiin ng Diyos ang kaniyang galit; ang mga katulong ni Rahab ay yumuko sa ilalim niya.
|
||
|
\v 14 Paano ako makakasagot sa kaniya, maaari ba akong mamili ng mga salita para ikatwiran sa kaniya?
|
||
|
\v 15 Kahit na ako ay matuwid, hindi ko siya kayang sagutin; ang puwede ko lang gawin ay magmakaawa sa aking hukom.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kahit na ako ay tumawag at sinagot niya ako, hindi ako naniniwala na nakikinig siya sa aking tinig.
|
||
|
\v 17 Dahil binabasag niya ako sa pamamagitan ng bagyo at pinaparami ang aking mga sugat nang walang dahilan.
|
||
|
\v 18 Hindi man lamang ako hinayaang mahabol ang aking hininga; sa halip ay pinuno niya ako nang kapaitan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Kung kami ay nagsasalita tungkol sa kalakasan, bakit, siya ay makapangyarihan! At kung pinag-uusapan natin ang tungkol sa katarungan, 'Sino,' sabi niya, 'ang magtatanong sa akin?'
|
||
|
\v 20 Kahit na ako ay matuwid, ang sarili kong bibig ang hahatol sa akin; kahit na ako ay walang kasalanan, patutunayan pa rin nito na ako ay may pagkakasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ako ay walang kapintasan pero wala na akong pakialam sa aking sarili; kinasusuklaman ko ang sarili kong buhay.
|
||
|
\v 22 Wala itong pagkakaiba, kaya ko sinasabi na magkasama niyang sinisira ang mga taong walang kasalanan at ang mga masasamang tao.
|
||
|
\v 23 Kung ang isang salot ay biglang pumatay, tatawanan niya ang mga pagdurusa ng mga taong walang kasalanan.
|
||
|
\v 24 Ang lupa ay ibinigay sa kamay ng mga masasamang tao; tinatakpan ng Diyos ang mga mukha ng mga hukom nito. Kung hindi siya ang gumagawa nito, kung gayon sino?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Ang aking mga araw ay mas matulin kaysa tumatakbong mensahero; lumilipas ang aking mga araw; wala silang nakikitang mabuti kahit saan.
|
||
|
\v 26 Sila ay kasing-bilis ng mga bangkang tambo ng papirus, at kasing-bilis ng pagsalakay ng agila na dumadagit sa kaniyang biktima.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Kung sinabi kong kakalimutan ko ang aking mga hinaing, na huhubarin ko ang malungkot kong mukha at magpapakasaya,
|
||
|
\v 28 ako ay maaring matakot sa lahat ng aking mga kalungkutan dahil alam ko na hindi mo isaalang-alang na ako ay walang sala.
|
||
|
\v 29 Ako ay hahatulan; kung gayon, bakit pa ako susubok nang wala namang kahihinatnan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Kung huhugasan ko ang aking sarili ng tubig-niyebe at gagawin kong napakalinis ang aking mga kamay,
|
||
|
\v 31 itutulak ako ng Diyos sa isang hukay, at ang aking mga kasuotan ay mayayamot sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Dahil ang Diyos ay hindi tao, kagaya ko, na maaari ko siyang sagutin, na pareho kaming pupunta sa hukuman.
|
||
|
\v 33 Walang hukom sa pagitan namin na maaaring magpatong ng kaniyang kamay sa aming dalawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Walang ibang hukom na maaring mag-alis ng pamalo ng Diyos sa akin, na maaaring pumigil sa kaniyang bagsik para hindi ako matakot.
|
||
|
\v 35 Sa gayon magsasalita ako at hindi matatakot sa kaniya. Pero sa kasalukuyang kalagayan, hindi ko iyon magagawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 10
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Napapagod ako sa aking buhay; magbibigay ako ng malayang pagpapahayag sa aking hinaing; magsasalita ako sa kapaitan ng aking kaluluwa.
|
||
|
\v 2 Sasabihin ko sa Diyos, huwag mo akong basta isumpa; ipakita mo kung bakit mo ako inaakusahan.
|
||
|
\v 3 Makakabuti ba para sa iyo na ako ay iyong apihin, na kasuklaman ang mga gawa ng iyong mga kamay habang ikaw ay nakangiti sa mga plano ng masasama?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Mayroon ka bang mga mata? Nakakakita ka ba kagaya ng nakikita ng tao?
|
||
|
\v 5 Ang mga araw mo ba ay kagaya ng mga araw ng sangkatauhan o ang mga taon mo ba ay kagaya ng mga taon ng mga tao,
|
||
|
\v 6 na nag-uusisa sa aking mga kasamaan at nagsasaliksik ng aking mga kasalanan,
|
||
|
\v 7 kahit na alam mong wala akong kasalanan at walang sinumang makakasagip sa akin mula sa iyong mga kamay?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Ang iyong mga kamay ang nagbalangkas at humubog sa akin, pero sinisira mo ako.
|
||
|
\v 9 Alalahanin mo, nagsusumamo ako sa iyo, na hinubog mo ako gaya ng putik; ibabalik mo ba muli ako sa alabok?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Hindi ba't ibinuhos mo ako na parang gatas at binuo mo ako na parang keso?
|
||
|
\v 11 Binihisan mo ako ng balat at laman at hinabi mo akong magkakasama ng mga buto at mga litid.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pinagkalooban mo ako ng buhay at katapatan sa tipan; ang tulong mo ang nagbantay sa aking espiritu.
|
||
|
\v 13 Gayon man itinago mo ang mga bagay na ito sa iyong puso--alam ko ito ang iyong iniisip:
|
||
|
\v 14 na kung ako ay nagkasala, napapansin mo ito; Hindi mo ako ipapawalang-sala sa aking mga kasamaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Kung ako ay masama, sumpain ako; kahit ako ay matuwid, hindi ko maaring itaas ang aking ulo, yamang puno ako nang kahihiyan at pinagmamasdan ang sarili kong paghihirap.
|
||
|
\v 16 Kung titingala ang aking ulo, hinuhuli mo ako tulad ng isang leon; muli mong ipinapakita sa akin na ikaw ay makapangyarihan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Nagdadala ka ng mga bagong saksi laban sa akin at dinadagdagan mo ang iyong galit sa akin; sinasalakay mo ako ng mga bagong hukbo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Bakit, kung gayon, inilabas mo ako mula sa sinapupunan? Sana ay isinuko ko na ang aking espiritu para wala ng mata ang nakakita sa akin kailanman.
|
||
|
\v 19 hindi na sana ako nabuhay; binitbit na sana ako mula sa sinapupunan diretso sa libingan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Hindi ba kaunti na lang ang aking mga araw? Kung gayon ay tapusin na, hayaan akong mag-isa, para magkaroon naman ako ng kaunting pahinga
|
||
|
\v 21 bago ako pumunta kung saan hindi na ako makakabalik, sa lupain ng kadiliman at sa anino ng kamatayan,
|
||
|
\v 22 ang lupain na kasing-dilim ng hatinggabi, sa lupain ng anino ng kamatayan, walang kahit anong kaayusan, kung saan ang liwanag ay kagaya ng hatinggabi.""
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 11
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Zofar ang Naamita at nagsabi,
|
||
|
\v 2 Hindi ba dapat sagutin ang ganyang napakaraming salita? Nararapat ba sa taong ito, na puno ng mga salita, na paniwalaan?
|
||
|
\v 3 Nararapat ba na ang iyong pagmamagaling ay nagpapanatili sa iba na manahimik? Kapag kinutya mo ang aming katuruan, wala bang sinuman na magpapahiya sa iyo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Dahil sinasabi mo sa Diyos, 'Ang aking mga paniniwala ay dalisay, ako ay walang kasalanan sa iyong mga mata.
|
||
|
\v 5 Pero, kung sana lang magsalita ang Diyos at buksan ang kaniyang bibig laban sa iyo;
|
||
|
\v 6 na ipakita sa iyo ang mga lihim ng karunungan. Dahil dakila siya sa pang-unawa. Saka mo alamin na ang hinihingi sa iyo ng Diyos ay mas magaan sa nararapat sa iyong kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Maiintindihan mo ba ang Diyos sa pamamagitan ng paghahanap sa kania? Maaari mo bang mauunawaan ang Makapangyarihan nang lubusan?
|
||
|
\v 8 Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo?
|
||
|
\v 9 Ang kaniyang sukat ay mas mahaba pa kaysa daigdig, mas malawak pa kaysa dagat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kung siya ay dumadaan at ikinukulong ang sinuman, kung tinatawag ang sinuman sa hukuman, sa gayon sino ang makakapigil sa kaniya?
|
||
|
\v 11 Sapagkat kilala niya ang mga taong mapagpanggap; kapag nakakakita ng kasamaan, hindi ba niya napapansin ito?
|
||
|
\v 12 Pero ang mga taong hangal ay walang pang-unawa; Makukuha nila ito kapag ang isang ligaw na asno ay magsilang ng isang tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pero ipagpalagay na itinakda mong ayusin ang iyong puso at iniunat ang iyong mga kamay patungo sa Diyos;
|
||
|
\v 14 ipagpalagay mo na ang kasamaan ay nasa iyong mga kamay, kung gayon ilayo mo ito mula sa iyo, at hindi hinayaan ang kasamaan na manahan sa iyong mga tolda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sa gayon ay tiyak na maitataas mo ang iyong mukha na walang tanda ng kahihiyan; tunay nga, magiging matatag ka at hindi matatakot.
|
||
|
\v 16 Makakalimutan mo ang iyong paghihirap; maaalala mo lamang ito gaya ng tubig na umagos palayo.
|
||
|
\v 17 Ang iyong buhay ay magiging mas maliwanag kaysa katanghaliang tapat; kahit na mayroong kadiliman, ito ay magiging gaya ng umaga.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Magiging ligtas ka dahil may pag-asa; sa katunayan, matatagpuan mo ang iyong kaligtasan at ikaw ay makapagpapahinga nang ligtas.
|
||
|
\v 19 At walang pwedeng tumakot sa iyo; tunay, marami ang lalapit sa iyo para humingi ng pabor.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Pero ang mga mata ng mga masasamang tao ay mabibigo; wala silang paraan para tumakas. Ang kanilang tanging pag-asa ay ang huling hinga ng buhay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 12
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
|
||
|
\v 2 walang pag-aalinlangan na kayo ang bayan; ang karunungan ay mamamatay na kasama ninyo.
|
||
|
\v 3 Pero mayroon din akong pang-unawa na kagaya ninyo; Hindi ako mas mababa kaysa sa inyo. Sa katunayan, sino ang hindi nakaka-alam ng mga bagay na gaya nito?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ako ay isang katatawanan para sa aking kapwa --ako, na siyang tumawag sa Diyos at kaniyang sinagot! Ako, isang taong makatarungan at walang kasalanan--ako ngayon ay isa nang katatawanan.
|
||
|
\v 5 Sa isip ng isang taong matiwasay, may paglait para sa kasawian; Iniisip niya sa paraang magdadala nang mas marami pang kasawian sa mga nadudulas ang paa.
|
||
|
\v 6 Sumasagana ang mga tolda ng mga manloloob, at ang mga nagpapagalit sa Diyos ay dama ang katiyakan; ang kanilang mga sariling mga kamay ang kanilang mga diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pero ngayon tanungin mo ang mga mababangis na hayop; at tuturuan ka nila; Tanungin mo ang mga ibon sa mga himpapawid at sasabihin nila sa iyo.
|
||
|
\v 8 O magsalita ka sa lupa, at ikaw ay tuturuan; Ang mga isda sa dagat ay magpapahayag sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Alin sa mga hayop ang hindi alam na ang kamay ni Yahweh ang gumawa nito--ang nagbigay sa kanila ng buhay--
|
||
|
\v 10 Yahweh, sa kaninong kamay ang bawat bagay na may buhay at ang hininga ng sangkatauhan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Hindi ba ang tainga ang sumusuri sa mga salita gaya ng dila na tumitikim sa pagkain?
|
||
|
\v 12 Sa mga taong may edad ay karunungan; sa kahabaan ng mga araw ay pang-unawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sa Diyos ay may karunungan at kalakasan; mayroon siyang mabuting kaisipan at pang-unawa.
|
||
|
\v 14 Tingnan mo, siya ay nasisira, at hindi na ito maitatayong muli; kung ikinukulong niya ang isang tao, hindi na maaring palayain.
|
||
|
\v 15 Masdan mo, kung pinipigil niya ang mga tubig, natutuyo ang mga ito, at kung pakakawalan ang mga ito, natatabunan nila ang lupain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Nasa kaniya ang kalakasan at karunungan; ang mga taong nilinlang at ang mga luminlang ay parehong nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan.
|
||
|
\v 17 Pinapangunahan niyang ilayo ang mga tagapayo ng nakayapak sa kalungkutan; inililiko niya ang mga hukom para maging hangal.
|
||
|
\v 18 Tinatanggal niya ang hanay ng kapangyarihan mula sa mga hari; binabalutan niya ng tela ang kanilang mga baywang.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pinapangunahan niyang ilayo ang mga pari na nakayapak sa kalungkutan at patalsikin ang mga makapangyarihang tao.
|
||
|
\v 20 Inalis niya ang pananalita ng mga taong mapagkakatiwalaan at inaalis niya ang pang-unawa ng mga matatanda.
|
||
|
\v 21 Ibinubuhos niya ang paghamak sa mga prinsipe at kinanakalas niya ang sinturon ng mga malalakas na tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Inilalantad niya ang mga malalalim na bagay mula sa kadiliman at inilalabas sa liwanag ang mga anino kung saan naroon ang mga patay.
|
||
|
\v 23 Ginagawa niyang malakas ang mga bansa, at winawasak din niya ang mga ito. Pinapalawak niya ang mga bansa, at dinadadala din niya ang mga ito bilang mga bihag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Tinatanggal niya ang pang-unawa mula sa mga pinuno ng mga bayan sa daigdig; Idinudulot niyang magpaikot-ikot sila sa ilang kung saan walang daan.
|
||
|
\v 25 Nangangapa sila sa dilim na walang liwanag; Ginagawa silang parang lasing na pasuray-suray.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 13
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tingnan mo, nakikita ko ang lahat; Nakikinig at nauunawaan ko ito.
|
||
|
\v 2 Kung ano ang alam mo, alam ko rin; hindi ako mas mababa sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Gayunman, mas gugustuhin ko na lang na makipag-usap sa Makapangyarihan; aking hihilingin na makapagdahilan sa Diyos.
|
||
|
\v 4 Pero inyong pinagtakpan ang katotohanan ng kasinungalingan; kayo ay manggagamot na walang silbi.
|
||
|
\v 5 O, nais mo bang hawakang mabuti ang iyong kapayapaan! Iyon ang inyong karunungan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pakinggan mo ang aking mga paliwanag; pakinggan mo ang panawagan ng aking mga labi.
|
||
|
\v 7 Magsasabi ka ba ng hindi matuwid sa Diyos, at magsasalita ka ba ng mapanlinlang sa kaniya?
|
||
|
\v 8 Dapat mo ba talagang ipakita ang kabaitan sa kaniya? Ginusto mo ba talagang makipagtalo sa hukuman bilang mga manananggol para sa Diyos?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Makabubuti ba talaga sa iyo kung siya na hukom ay titingnan at suriin ka? O tulad ng ibang nangloloko ng iba, talaga bang magiging maling kinatawan sa kaniya sa hukuman?
|
||
|
\v 10 Siguradong susumbatan ka niya kung lihim mong ipapakita ang pagtatangi sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Hindi ka ba magawang matakot ng kaniyang kamahalan? Hindi ba babagsak ang pagkatakot niya sa iyo?
|
||
|
\v 12 Hindi malilimutang kasabihan mo ay kawikaan na gawa sa mga abo; ang mga panananggol mo ay panananggol na gawa sa putik.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Manahimik ka muna, hayaan mo muna ako, para makapagsalita ako, dumating na kung anuman ang nararapat sa akin.
|
||
|
\v 14 Kukunin ko ang sarili kong laman sa aking ngipin; kukunin ko ang aking buhay sa aking mga kamay.
|
||
|
\v 15 Tingnan mo, kung papatayin niya ako, mawawalan ako ng pag-asa; gayon pa man, ipagtatanggol ko ang aking mga pamamaraan sa harapan mo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ito ang magiging dahilan ko para sa aking pagpapawalang-sala, hindi na ako pupunta sa harapan mo tulad ng isang taong walang diyos.
|
||
|
\v 17 O Diyos, pakinggan ng mabuti ang aking sasabihin; hayaan mong madinig ng iyong mga tainga ang aking pagpapahayag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Tingnan mo ngayon, inilagay ko ang aking tanggulan sa ayos; Alam ko na ako ay inosente.
|
||
|
\v 19 Sinong maaaring makipagtalo sa akin laban sa akin sa hukuman? Kung pupunta ka para gawin iyon, at kung mapapatunayan mong mali ako, kung gayon mananahimik at isusuko ko ang aking buhay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 O Diyos, gumawa ka ng dalawang bagay para sa akin, at pagkatapos hindi ko na itatago ang aking sarili sa iyong mukha:
|
||
|
\v 21 babawiin mo ang mapang-aping kamay mo, at huwag mong hayaan ang iyong mga paninindak para takutin ako.
|
||
|
\v 22 Pagkatapos tatawag ka, at tutugon ako; O hayaan mong ako ay magsalita, at iyong tugunin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Ilan ang aking mga kasamaan at kasalanan? Hayaan mong malaman ko ang aking pagsuway at kasalanan.
|
||
|
\v 24 Bakit mo itinatago ang iyong mukha sa akin at itinuturing mo akong tulad ng iyong kaaway?
|
||
|
\v 25 Uusigin mo ba ang isang tinangay na dahon? Hahabulin mo ba ang tuyong dayami?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Dahil sumulat ka ng mga mapapait na mga bagay laban sa akin; ipinamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan.
|
||
|
\v 27 Inilagay mo rin ang aking paa sa mga kandadong kahoy; tinitingnan mong mabuti ang lahat ng aking mga landas; sinusuri mo ang lupa kung saan ang mga nilakaran ng talampakan ng aking paa
|
||
|
\v 28 bagaman tulad ako ng isang mabahong bagay na nabubulok, tulad ng isang damit na kinakain ng gamugamo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 14
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ang mga tao, na ipinanganak ng babae, na nabubuhay ng kaunting araw at puno ng kaguluhan.
|
||
|
\v 2 Umuusbong siya mula sa lupa tulad ng isang bulaklak at pinuputol; tumatakas siya tulad ng isang anino at hindi nagtatagal.
|
||
|
\v 3 Tumitingin ka ba alinman sa mga ito? Dinadala mo ba ako sa paghatol kasama mo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sinong magdadala ng mga bagay na malinis mula sa mga bagay na marumi? Walang sinuman.
|
||
|
\v 5 Ang mga araw ng tao ay tiyak; Ang bilang ng kaniyang mga buwan ay nasa iyo; itinakda mo ang kaniyang mga hangganan para hindi siya makalampas.
|
||
|
\v 6 Lumayo ka mula sa kaniya para siya ay maaaring makapahinga, sa gayon siya ay maaaring masiyahan sa kaniyang araw tulad ng isang inupahang tao kung magagawa niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Maaaring magkaroon ng pag-asa roon para sa isang puno; kung puputulin ito, maaaring sumibol muli, itong sariwang sanga ay hindi matatapos.
|
||
|
\v 8 Kahit tumanda na ang ugat nito sa lupa, at ang mga tangkay nito ay mamatay sa lupa,
|
||
|
\v 9 kahit na ito ay nakakaamoy ng tubig lamang, uusbong ito at magkakasanga tulad ng isang halaman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pero ang tao ay namamatay; nagiging mahina; sa katunayan nga, nalalagutan ng hininga ang tao, at kung gayon nasaan siya?
|
||
|
\v 11 Gaya ng tubig na nawawala sa isang lawa, at tulad ng isang ilog na nauubusan ng tubig at natutuyo,
|
||
|
\v 12 gayundin ang mga tao ay humimlay at hindi na bumangon muli. Hanggang mawala ang kalangitan, hindi na sila gigising ni magigising man sa kanilang pagkakatulog.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 O, nais mo akong itagong palayo sa sheol na malayo mula sa mga kaguluhan, at nais mo akong panatilihing itago hanggang matapos ang iyong poot, nais mo akong ilagay sa takdang panahon para manatili doon at pagkatapos alalahanin mo ako!
|
||
|
\v 14 Kung ang isang tao ay mamamatay, mabubuhay ba siyang muli? Kung gayon, hinahangad kong maghintay sa nakakapagod na panahon doon hanggang dumating ang aking paglaya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Tatawag ka, at sasagutin kita. Nais mong magkaroon ng hangarin para sa gawa ng iyong mga kamay.
|
||
|
\v 16 Binilang mo at iningatan ang aking mga yapak; hindi mo nais panatilihin ang bakas ng aking kasalanan.
|
||
|
\v 17 Ang aking mga kasalanan ay itinago sa isang lalagyan; nais mong takpan ang aking kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pero kahit ang mga bundok ay gumuguho at nawawala; kahit ang mga bato ay nilipat sa kanilang lugar;
|
||
|
\v 19 sinisira ng tubig ang mga bato; tinatangay ng mga baha ang mga alikabok sa lupa. Tulad nito, winawasak mo ang pag-asa ng tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Lagi mo siyang tinatalo, at siya ay pumapanaw; pinalitan mo ang kaniyang mukha at pinalayas mo siya para mamatay.
|
||
|
\v 21 Ang kaniyang mga anak na lalaki ay maaaring dumating para magparangal, pero hindi niya ito nalalaman; maaari silang ibaba, pero hindi niya ito nakikitang nangyayari.
|
||
|
\v 22 Nararamdaman lamang niya ang kirot sa kaniyang sariling katawan, at siya ay nagdadalamhati para sa kaniyang sarili.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 15
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Elifaz ang Temanita at sinabi,
|
||
|
\v 2 Nararapat bang sumagot ang isang matalinong tao nang walang kabuluhang kaalaman at pupunuin ba ng kaniyang sarili ng hanging silangan?
|
||
|
\v 3 Nararapat ba siyang magdahilan nang walang pakinabang na pakikipag-usap o mga pananalita na maaaring hindi makakagawa sa kaniya ng mabuti?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Tunay nga, inalis mo ang paggalang para sa Diyos; pinigilan mo ang debosyon para sa kaniya,
|
||
|
\v 5 dahil ang iyong kasalanan ang nagtuturo sa iyong bibig; pinili mong magkaroon ka ng dila ng isang taong mapanlinlang.
|
||
|
\v 6 Ang sarili mong bibig ang sumusumpa sa iyo, hindi sa akin; sa katunayan nga, ang sarili mong mga labi ang nagpapatunay laban sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ikaw ba ang unang taong ipinanganak? Dinala ka ba na mabuhay bago ang mga burol?
|
||
|
\v 8 Narinig mo ba ang lihim na kaalaman ng Diyos? Nilimitahan mo ba ang karunungan sa iyong sarili?
|
||
|
\v 9 Anong nalalaman mo na hindi namin nalalaman? Anong nauunawaan mo na wala rin sa amin?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kasama namin ang kapwa puti ang buhok at napakatandang tao na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.
|
||
|
\v 11 Ang mga kaaliwan ba ng Diyos ay napakaliit para sa iyo, ang mga salitang mahinahon sa iyo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Bakit ka nadaig ng iyong puso? Bakit ang iyong mga mata ay nanglilisik,
|
||
|
\v 13 sa gayon ibaling mo ang iyong espiritu laban sa Diyos at maglabas ka ng ganoong mga salita mula sa iyong bibig?
|
||
|
\v 14 Ano ang tao na siya ay dapat maging malinis? Ano siya na ipinanganak ng isang babae na dapat maging matuwid?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Tingnan mo, hindi nagtitiwala ang Diyos kahit sa kaniyang mga hinirang; sa katunayan nga, ang kalangitan ay hindi malinis sa kaniyang paningin;
|
||
|
\v 16 gaano kaunti ang isang malinis na karumal-dumal at makasalanan, isang tao na umiinom ng kasalanan tulad ng tubig!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ipapakita ko sa iyo; pakinggan mo ako; ipapahayag ko sa iyo ang mga bagay na aking nakita,
|
||
|
\v 18 ang mga bagay na ipinasa ng mga taong matatalino mula sa kanilang mga ama, ang mga bagay na hindi itinago ng kanilang mga ninuno.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Ang mga ito ay kanilang mga ninuno, sa nag-iisang binigyan ng lupain, at sa kanilang kalagitnaan ay walang dayuhan ang dumaan.
|
||
|
\v 20 Ang masasamang tao na namimilipit sa sakit sa lahat ng araw niya, ang bilang ng mga taon na inilaan para sa taong mapang-api para magdusa.
|
||
|
\v 21 Isang kalila-kilabot na tunog ay nasa kaniyang mga tainga; habang siya ay nasa kasaganaan, ang tagapagwasak ay darating sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Hindi niya naiisip na babalik siya sa kadiliman; nakaabang ang espada para sa kaniya.
|
||
|
\v 23 Gumagala siya sa iba-ibang mga lugar dahil sa tinapay, na sinasabing, 'Nasaan na ito?' Nalalaman niya ang araw ng kadiliman ay malapit na.
|
||
|
\v 24 Ang pagdadalamhati at pagkahapis ay ginagawa siyang takot; nagwagi sila laban sa kaniya, tulad ng isang hari na handa sa labanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Dahil inabot niya ng kaniyang kamay laban sa Diyos at kumikilos nang may pagmamalaki laban sa Makapangyarihan,
|
||
|
\v 26 ang masamang taong ito na lumalaban sa Diyos na may matigas na leeg, na may isang makapal na kalasag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Totoo ito, kahit tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at mataba rin ang kaniyang mga pigi,
|
||
|
\v 28 at nanirahan sa mga wasak na lungsod; sa mga bahay na walang taong nakatira ngayon at handa nang maging mga tambakan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Hindi siya magiging mayaman; hindi magtatagal ang kaniyang yaman; kahit ang kaniyang anino ay hindi magtatagal sa daigdig.
|
||
|
\v 30 Hindi siya umalis sa kadiliman; isang apoy ang magtutuyo sa kaniyang mga sanga; at sa hininga ng bibig ng Diyos siya ay papanaw.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Huwag siyang hayaang magtiwala sa mga walang kabuluhang bagay, nililinlang niya ang kaniyang sarili; dahil ang walang pakinabang ang kaniyang magiging gantimpala.
|
||
|
\v 32 Mangyayari ito bago ang panahon ng kaniyang kamatayan; ang kaniyang sanga ay hindi magiging luntian.
|
||
|
\v 33 Ihuhulog niya ang kaniyang mga hilaw na ubas tulad ng puno ng ubas; itatapon niya ang kaniyang mga bulaklak tulad ng puno ng olibo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Dahil ang mga kasamahan ng hindi maka-diyos na tao ay hindi mamumunga; tutupukin ng apoy ang kanilang mga tolda ng panunuhol.
|
||
|
\v 35 Nagbubuntis sila ng kasamaan at nanganganak ng kasalanan; sa kanilang sinapupunan ay nagbubuntis ng panlilinlang."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 16
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
|
||
|
\v 2 "Narinig ko ang maraming ganoong mga bagay; kayong lahat ay nakakainis na mga tagapag-aliw.
|
||
|
\v 3 May katapusan ba ang mga walang saysay na mga salita? Ano ang nangyayari sa iyo na ganito ang iyong sagot?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Maaari din akong magsalita tulad ng ginagawa mo, kung ikaw ay nasa aking kinalalagyan; maaari kong tipunin at pagsama-samahin ang mga salita laban sa iyo at ilingin ang aking ulo sa iyo nang may pangungutya.
|
||
|
\v 5 O, paano ko palalakasin ang loob mo gamit ang aking bibig! Paano ko mapapagaan ang iyong pighati gamit ang aking mga labi!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kung magsasalita ako, ang aking pighati ay hindi mababawasan; kung hindi ako magsasalita, paano ako matutulungan?
|
||
|
\v 7 Pero ngayon, O Diyos, pinahirapan mo ako; pinabayaan mo ang buong pamilya ko.
|
||
|
\v 8 Ginawa mo akong matuyo, na sa sarili nito ay isang saksi laban sa akin; ang pagpayat ng aking katawan ay tumatayo laban sa akin, at nagpapatotoo ito laban sa aking mukha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Sa matinding galit ng Diyos nilupig at inusig niya ako; nagngangalit siya sa akin gamit ang kaniyang ngipin; ipinako ng kaaway ang kaniyang paningin sa akin habang sinisira niya ako.
|
||
|
\v 10 Napanganga sa akin ang mga tao; sinampal niya ako nang may mapanisi sa pisngi; sila ay nagsama-samang nagtipon laban sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ibinigay ako ng Diyos sa taong hindi maka-diyos, at inihagis ako sa kamay ng masamang tao.
|
||
|
\v 12 Nasa kaginhawahan ako at sinira niya ako. Tunay nga, hinalbot ako sa leeg at binasag ako ng pira-piraso; inilagay niya rin ako bilang kaniyang puntirya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pinalibutan ako ng kaniyang tagapana; O Diyos tinusok mo ang aking laman-loob at hindi ako kinaawaan; pinalabas niya ang aking bituka sa lupa.
|
||
|
\v 14 Dinurog niya ng paulit-ulit ang aking pader; tumakbo siya tulad ng isang mandirigma.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Tinahi ko ang sako sa aking balat; sinaksak ko sa lupa ang aking sungay.
|
||
|
\v 16 Mamula-mula ang aking mukha sa pag-iyak; nasa pilik-mata ko ang anino ng kamatayan
|
||
|
\v 17 bagaman walang karahasan sa aking mga kamay, at ang aking panalangin ay dalisay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 O lupa, huwag mong tabunan ang aking dugo; hayaan ang aking iyak ay walang lugar ng kapahingahan.
|
||
|
\v 19 Kahit ngayon, tingnan mo, ang aking saksi ay nasa langit; siyang mananagot sa akin ay nasa kaitaasan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Hinahamak ako ng aking mga kaibigan, pero umiiyak ko sa Diyos.
|
||
|
\v 21 Hiniling ko sa saksi ng kalangitang iyon na makipagtalo para sa taong ito kasama ang Diyos tulad ng isang tao na ginagawa sa kaniyang kapwa!
|
||
|
\v 22 Nang lumipas ang ilang taon, pupunta ako sa isang lugar na hindi na ako babalik.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 17
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ang aking espiritu ay naubos, at ang aking mga araw ay tapos na; handa na ang libingan para sa akin.
|
||
|
\v 2 Tunay nga na mayroong mangungutyang kasama ko; lagi ko dapat makita ang kanilang pagtatangka.
|
||
|
\v 3 Ibigay ngayon ang isang pangako, maging isang tagapanagot para sa akin sa iyong sarili; sino pa roon ang tutulong sa akin?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Dahil sa iyo, O Diyos, iningatan mo ang kanilang mga puso na maunawaan ito; kaya, hindi mo sila maitatas nang higit sa akin.
|
||
|
\v 5 Siyang bumabatikos sa kaniyang mga kaibigan para sa isang gantimpala, sa mata ng kaniyang mga anak ay hindi magtatagumpay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pero ginawa niya akong isang usap-usapan ng mga tao; dinuraan nila ang aking mukha.
|
||
|
\v 7 Malabo na rin ang aking mata dahil sa kalungkutan; payat na ang buong katawan ko gaya ng mga anino.
|
||
|
\v 8 Sinisindak nito ang mga matutuwid; ang inosente ay ginugulo ang kaniyang sarili laban sa taong hindi maka-diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Nag-iingat ang taong matuwid sa kaniyang landas; siyang may malinis na mga kamay ay lalakas nang lalakas.
|
||
|
\v 10 Pero para sa inyong lahat, halika ka ngayon; hindi ako makakakita ng matalinong tao sa kalagitnaan ninyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Lumipas na ang mga araw ko, tapos na ang mga plano ko, kahit ang mga kahilingan ng aking puso.
|
||
|
\v 12 Ang mga taong ito, ang mga mangungutya, pinalitan ang gabi ng araw; ang liwanag, sinabi nila, malapit na sa kadiliman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Nang tumingin ako sa sheol bilang aking tahanan; mula nang lumaganap ang aking higaan sa kadiliman;
|
||
|
\v 14 mula nang sinabi ko sa hukay, 'ikaw ang aking ama,' at sa uod, 'ikaw ang aking ina o aking kapatid na babae,'
|
||
|
\v 15 nasaan na ngayon ang aking pag-asa?, dahil sa aking pag-asa, sinong makakakita ng anuman?
|
||
|
\v 16 Ang pag-asa ba ay bababa sa tarangkahan ng sheol kapag kami ay pumanaog sa alabok?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 18
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi,
|
||
|
\v 2 Kailan ka titigil sa iyong pagsasalita? Pag-isipan mo, at pagkatapos saka kami magsasalita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Bakit mo pinapalagay na gaya kami ng mga halimaw; bakit kami naging hangal sa iyong paningin?
|
||
|
\v 4 Ikaw na sinisira ang sarili sa iyong galit, dapat bang pabayaan ang daigdig para lang sa iyo o dapat bang alisin ang mga bato mula sa kanilang mga lugar?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tunay nga, ang liwanag ng masamang tao ay papatayin; ang kislap ng kaniyang apoy ay hindi magliliwanag.
|
||
|
\v 6 Magdidilim ang liwanag sa kaniyang tolda; ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Ang mga hakbang ng kaniyang lakas ay magiging maikli; ang kaniyang sariling mga plano ang magpapabagsak sa kaniya.
|
||
|
\v 8 Dahil siya ay ihahagis sa isang lambat ng kaniyang sariling mga paa; lalakad siya sa isang patibong.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Isang bitag ang huhuli sa kaniya sa sakong; isang patibong ang huhuli sa kaniya.
|
||
|
\v 10 Nakatago sa lupa ang isang silo; at isang bitag para sa kaniyang daraanan.
|
||
|
\v 11 Mga kakila-kilabot ang tatakot sa bawat tabi; siya ay kanilang hahabulin sa kaniyang mga sakong.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Ang kaniyang kayamanan ay mapapalitan ng kagutuman, at ang kalamidad ay magiging handa sa kaniyang tabi.
|
||
|
\v 13 Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay lalamunin; tunay nga, ang panganay ng kamatayan ang lalamon sa kaniyang mga bahagi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Siya ay tatanggalin sa kaniyang tolda, ang tahanan na ngayon ay kaniyang pinagkakatiwalaan; dadalhin siya sa kamatayan, ang hari ng mga takot.
|
||
|
\v 15 Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ang kaniyang mga ugat ay matutuyo sa ilalim; sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang mga sanga.
|
||
|
\v 17 Ang kaniyang alaala ay mawawala sa lupa; mawawalan siya ng pangalan sa lansangan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Itutulak siya mula sa liwanag patungo sa kadiliman at itatapon sa labas ng mundong ito.
|
||
|
\v 19 Hindi siya magkakaroon ng anak o apo sa kalagitnaan ng kaniyang bayan, ni anumang natitirang kaanak ang mananatili kung saan siya natira.
|
||
|
\v 20 Silang naninirahan sa kanluran ay nanginig sa takot sa kung ano ang mangyayari sa kaniya isang araw; silang naninirahan sa silangan ay matatakot sa pamamagitan nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Tunay na ganoon ang mga tahanan ng mga hindi matutuwid na tao, ang mga lugar ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 19
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
|
||
|
\v 2 "Hanggang kailan ninyo ako pahihirapan at babasagin ng pira-piraso na may mga salita?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sampung beses ninyo na akong pinagsasabihan; hindi kayo nahihiya na pinagmamalupitan ninyo ako.
|
||
|
\v 4 Kung totoo nga na nagkasala ako, mananatiling panagutan ko ang aking pagkakamali.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kung totoo nga na magmamalaki kayo laban sa akin at mapaniwala ang lahat ng mga tao na nagkasala ako,
|
||
|
\v 6 kung gayon dapat alam ninyo na ginawan ako ng mali ng Diyos at nahuli ako sa kaniyang lambat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Tingnan ninyo, sumisigaw ako na ginawan ako ng mali, pero hindi ako narinig; nanawagan ako ng tulong, pero walang katarungan.
|
||
|
\v 8 Pinaderan niya ang aking daanan para hindi ako makatawid, at pinadilim niya ang aking nilalakaran.
|
||
|
\v 9 Hinubad niya ang aking karangalan, at kinuha niya ang korona mula sa ulo ko.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Giniba niya ako sa bawat dako, at naglaho na ako; binunot niya ang aking mga pag-asa katulad ng isang puno.
|
||
|
\v 11 Pinasiklab din niya ang kaniyang galit laban sa akin; tinuturing niya ako bilang isa sa kaniyang mga kaaway.
|
||
|
\v 12 Nagtitipon ang mga hukbo niya, nagtayo sila ng tungtungan na panlusob laban sa akin at nagkampo sa paligid ng aking tolda.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Nilayo niya mula sa akin ang mga kapatid ko, nilayo niya ako mula sa aking mga kakilala.
|
||
|
\v 14 Binigo ako ng aking mga kamag-anak; kinalimutan na ako ng malapit kong mga kaibigan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ang mga taong minsang tumuloy sa bahay ko bilang panauhin pati na ang mga lingkod kong babae ay itinuring akong ibang tao; isa akong dayuhan sa paningin nila.
|
||
|
\v 16 Nananawagan ako sa aking lingkod, pero hindi niya ako tinutugon kahit na nagmamakaawa ako sa pamamagitan ng aking bibig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Nakasusulasok sa asawa ko ang aking paghinga; nakapandidiri ang aking panawagan sa sariling kong mga kapatid na lalaki at babae.
|
||
|
\v 18 Kahit ang mga bata ay kinasusuklaman ako; kung babangon ako para magsalita, pinagsasalitaan nila ako.
|
||
|
\v 19 Kinamumuhian ako ng lahat ng aking mga kaibigan; tinalikuran ako ng lahat ng mga minamahal ko.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Nakakapit ang mga buto ko sa aking balat at laman; buto't balat na lamang ang natitira sa akin.
|
||
|
\v 21 Maawa kayo sa akin, maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil hinawakan ako ng kamay ng Diyos. Bakit ninyo ako inaapi na parang kayo ang Diyos?
|
||
|
\v 22 Bakit hindi pa kayo nasisiyahan sa pag-ubos ng laman ko?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 O, sana ay maisulat na ngayon ang mga sinasabi ko! O, sana maitala sa aklat ang mga ito!
|
||
|
\v 24 O, sana ay magpakailanmang maiukit ito ng bakal na panulat at tingga sa isang bato!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pero para sa akin, alam ko na nabubuhay ang aking Manunubos, at balang araw ay tatayo siya sa daigdig;
|
||
|
\v 26 pagkatapos mawasak ang balat ko, iyon ay, ang aking katawan, saka makikita ko ang Diyos sa aking pangangatawan.
|
||
|
\v 27 Makikita ko siya, ako mismo ang makakakita sa kaniya sa aking tabi; makikita siya ng aking mga mata, at hindi bilang isang dayuhan. Bibigay ang lamang-loob ko.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Kung sinasabi ninyo, 'Paano natin siya pahihirapan! Nasa kaniya ang ugat ng kaniyang mga kaguluhan',
|
||
|
\v 29 matakot kayo sa espada, dahil ang poot ang nagdadala ng kaparusahan ng espada, para malaman ninyo na mayroong paghahatol."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 20
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Zofar ang taga-Naaman,
|
||
|
\v 2 "Mabilis akong pinapasagot ng aking kaisipan dahil sa aking pag-aalala.
|
||
|
\v 3 Nakarinig ako mula sa iyo ng isang pagsaway na nagpahiya sa akin, pero tinutugon ako ng espiritu na higit sa aking pang-unawa.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Hindi mo ba alam ang katotohanan na ito noong sinaunang panahon, nang nilagay ng Diyos ang tao sa lupa:
|
||
|
\v 5 saglit lang ang katagumpayan ng masama, at ang kagalakan ng taong hindi naniniwala diyos ay hindi nagtatagal?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Bagaman umabot sa kalangitan ang tangkad niya, at umabot ang ulo niya sa kaulapan,
|
||
|
\v 7 pero maglalaho ang taong iyon katulad ng kaniyang dumi; sasabihin ng mga nakakita sa kaniya, 'Nasaan siya?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Lilipad siya palayo tulad ng panaginip at hindi na masusumpungan; itataboy siya palayo katulad ng pangitain sa gabi.
|
||
|
\v 9 Hindi na siya muling makikita ng mga mata na nakakita sa kaniya; hindi na siya muling makikita ng pinanggalingan niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Hihingi ng kapatawaran ang mga anak niya sa mga dukha, ibabalik ng mga kamay niya ang kaniyang kayamanan.
|
||
|
\v 11 Puno ng kasiglahan ang kaniyang mga buto, pero kasama niya itong hihiga sa kaniya sa alabok.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Bagaman matamis ang kasamaan sa kaniyang bibig, bagaman itinatago niya ito sa ilalim ng kaniyang dila,
|
||
|
\v 13 bagaman pinipigilan niya ito at hindi pinapakawalan pero pinapanatili pa rin ito sa kaniyang bibig—
|
||
|
\v 14 magiging mapait ang pagkain sa kaniyang bituka, magiging kamandag ito ng mga ahas sa loob niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Nilulunok niya ang kaniyang mga kayamanan, pero isusuka niya ulit ito; palalabasin ito ng Diyos mula sa kaniyang tiyan.
|
||
|
\v 16 Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Hindi siya mabubuhay para magalak sa panonood ng mga ilog at dumadaloy na agos ng pulot at mantikilya.
|
||
|
\v 18 Pagbabayaran niya ang kaniyang mga pinaghirapan; hindi niya ito lulunukin; hindi siya magagalak sa kayamanan na nakuha niya.
|
||
|
\v 19 Dahil inapi niya at pinabayaan ang mga dukha; sapilitan niyang inagaw ang mga bahay na hindi niya itinayo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Dahil hindi siya makahanap ng kasiyahan sa kaniyang sarili, hindi niya maliligtas ang kahit anong bagay na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan.
|
||
|
\v 21 Walang naiwang bagay ang hindi niya nilamon; kaya hindi magtatagal ang kaniyang kasaganaan.
|
||
|
\v 22 Sa kasaganaan ng kaniyang kayamanan siya ay mahuhulog sa kaguluhan; darating sa kaniya ang kamay ng lahat ng nasa kahirapan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Kapag naghahanda na siyang magpakabusog, ibubuhos ng Diyos ang bagsik ng kaniyang poot sa taong iyon; papaulanin niya ito sa kaniya habang kumakain siya.
|
||
|
\v 24 Bagaman tatakas ang taong iyon sa bakal na sandata, patatamaan siya ng isang tanso na pana.
|
||
|
\v 25 Tatagos ang palaso mula sa likod niya; tunay nga, lalabas mula sa atay niya ang kumikinang na dulo nito; katakot-takot na mga bagay ang darating sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Nakalaan ang ganap na kadiliman para sa kaniyang mga kayamanan; lalamunin siya ng apoy na hindi naapula; lalamunin nito kung ano ang nalabi sa kaniyang tolda.
|
||
|
\v 27 Ipapakita ng kalangitan ang kaniyang mga kasalanan, at babangon ang kalupaan laban sa kaniya bilang isang saksi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Maglalaho ang kayamanan ng kaniyang bahay; aanurin ang kaniyang mga kalakal sa araw ng poot ng Diyos.
|
||
|
\v 29 Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Diyos, ang pamana ng Diyos na nakalaan para sa kaniya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 21
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabing,
|
||
|
\v 2 "Pakinggang mabuti ang aking sasabihin, at hayaan ninyong maging tulong ninyo ito sa akin.
|
||
|
\v 3 Pagtiisan ako, at magsasalita rin ako; pagkatapos kong magsalita, ipagpatuloy ninyo ang inyong panlalait.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Para sa akin, sa tao ba dapat ako magreklamo? Bakit hindi dapat ako mainip?
|
||
|
\v 5 Tingnan ninyo ako at mabigla, at ilagay ninyo ang inyong mga kamay sa inyong mga bibig.
|
||
|
\v 6 Kapag iniisp ko ang aking mga paghihirap, ako ay nababagabag, at nananaig ang takot sa aking laman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Bakit patuloy pang nabubuhay ang masasamang tao, tumatanda, at umaangat ang antas sa buhay?
|
||
|
\v 8 Natatatag ang mga kaapu-apuhan nila sa kanilang paningin, at natatatag ang kanilang mga anak sa harap ng kanilang mga mata.
|
||
|
\v 9 Ligtas ang tahanan nila mula sa takot; kahit sa pamalo ng Diyos sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nanganganak ang kanilang mga toro, at hindi nabibigo ang mga ito; nanganganak ang kanilang mga baka at hindi namamatay ang guya nito dahil sa maagang pagkapanganak nito.
|
||
|
\v 11 Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito.
|
||
|
\v 12 Umaawit sila sa tamburin at alpa at nagagalak sa tugtog ng plauta.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol.
|
||
|
\v 14 Sinasabi nila sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin dahil wala kaming nais na malaman sa pamamaraan mo.
|
||
|
\v 15 Sino ba ang Makapangyarihan, na dapat namin siyang sambahin? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kung nagdasal kami sa kaniya?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Tingnan ninyo, hindi ba nasa mga kamay nila ang kanilang kasaganaan? Wala akong gagawin sa payo ng masasamang tao.
|
||
|
\v 17 Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masasamang tao, o dumadating ang kapahamakan sa kanila? Gaano kadalas kinakalat ng Diyos ang kalungkutan sa kanila dahil sa kaniyang galit?
|
||
|
\v 18 Gaano sila kadalas nagiging katulad ng putol na halaman sa hangin o tulad ng ipa na tinatangay ng bagyo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Sinasabi ninyo, 'Nilalaan ng Diyos ang kasalanan ng tao para pagbayaran ng kaniyang mga anak'. Hayaan mo siyang pagbayaran ito mismo, para malaman niya kung ano ang kasalanan niya.
|
||
|
\v 20 Hayaan mong makita ng kaniyang mga mata ang sarili niyang pagkawasak, at hayaan mong inumin niya ang poot ng Makapangyarihan.
|
||
|
\v 21 Dahil ano ang pakialam niya sa kaniyang pamilya kapag naputol na ang kaniyang mga araw?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Mayroon bang makapagtuturo ng kaalaman sa Diyos dahil siya ang humahatol kahit ng mga nasa nakatataas?
|
||
|
\v 23 Namamatay ang isang tao habang malakas pa siya, nang payapa at panatag.
|
||
|
\v 24 Puno ang katawan niya ng gatas, at matibay ang kaniyang mga buto at nasa mabuting kalagayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Ang iba naman ay namamatay nang may kapaitan sa kaniyang kaluluwa, ang siyang hindi pa nakararanas ng kahit anong mabuti.
|
||
|
\v 26 Pareho silang nahihiga sa alikabok; pareho silang binabalutan ng mga uod.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Tingnan ninyo, alam ko ang nasa isip ninyo, alam ko ang mga paraan kung paano ninyo ako nais hamakin.
|
||
|
\v 28 Dahil sinasabi ninyo, 'Nasaan na ngayon ang tahanan ng prinsipe? Nasaan na ang tolda na minsang pinapamahayan ng masama?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Hindi ninyo pa ba tinatanong ang mga manlalakbay? Hindi ninyo ba alam ang katibayan na kaya nilang sabihin,
|
||
|
\v 30 na ang masamang tao ay iniingatan mula sa araw ng kapahamakan, at nilalayo siya mula sa araw ng poot?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Sino ang hahatol sa kaniya nang harapan dahil sa masasama niyang pamamaraan? Sino ang maghihiganti sa kaniya dahil sa kaniyang mga ginawa?
|
||
|
\v 32 Pero ililibing siya; babantayan ng mga tao ang kaniyang puntod.
|
||
|
\v 33 Magiging matamis sa kaniya ang mga tipak ng lambak; susundan siya ng lahat ng mga tao, dahil hindi mabilang ang tao na nauna sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Paano ninyo ako ngayon aaliwin sa pamamagitan ng walang kabuluhan, dahil walang mabuti sa mga sagot ninyo kung hindi puro kasinungalingan?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 22
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Elifaz ang taga-Teman at sinabing,
|
||
|
\v 2 "Magiging kagamit-gamit ba ang tao sa Diyos? Magiging kagamit-gamit ba ang matalino sa kaniya?
|
||
|
\v 3 Kasiyahan ba para sa Makapangyarihan kung ikaw ay matuwid? Kapakinabangan ba para sa kaniya kung ginawa mong tuwid ang iyong pamamaraan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Dahil ba sa iyong paggalang para sa kaniya kaya ka niya sinasaway at dinadala sa paghuhukom?
|
||
|
\v 5 Hindi ba napakatindi ng kasamaan mo? Wala bang katapusan ang mga kasalanan mo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Dahil naningil ka ng pangseguridad mula sa kapatid mong lalaki nang walang dahilan; hinubaran mo ang isang tao.
|
||
|
\v 7 Hindi mo binigyan ng tubig na maiinom ang mga nanghihina; nagdamot ka ng tinapay mula sa mga nagugutom
|
||
|
\v 8 bagaman ikaw, isang makapangyarihan, ay nagmamay-ari ng mundo, bagaman ikaw, na taong pinaparangalan, ay namumuhay dito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pinaalis mo ang mga balo nang walang dala; nabali ang mga bisig ng mga walang ama.
|
||
|
\v 10 Kaya, nakapaligid sa iyo ang mga patibong, at binabagabag ka ng hindi inaasahang mga takot.
|
||
|
\v 11 Mayroong kadiliman, para hindi ka makakita; binabalutan ka ng kasaganaan ng mga tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Hindi ba't nasa kalangitan ang Diyos? Pagmasdan mo ang taas ng mga tala, napakataas nila!
|
||
|
\v 13 Sinasabi mo, 'Ano bang alam ng Diyos? Kaya ba niyang humatol sa makapal na kadiliman?
|
||
|
\v 14 Binabalutan siya ng makapal na mga ulap, para hindi niya tayo makita; lumalakad siya sa ibabaw ng arko ng langit.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Papanatilihin mo ba ang dating daan kung saan lumakad ang masamang mga tao—
|
||
|
\v 16 ang mga dinampot palayo sa panahon nila, ang mga tinangay ang pundasyon katulad ng ilog,
|
||
|
\v 17 ang mga nagsabi sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin'; ang mga nagsabing, 'Ano ba ang kayang gawin ng Makapangyarihan sa atin?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pero pinuno niya ang kanilang mga tahanan ng mabubuting bagay; malayo sa akin ang mga balak ng mga masama.
|
||
|
\v 19 Nakikita ang kanilang kapalaran ng mga taong tuwid at nagagalak; pinagtatawanan sila ng mga taong walang sala para hamakin.
|
||
|
\v 20 Sinasabi nila, 'Siguradong pinuputol ang mga tumayo laban sa atin; tinupok ng apoy ang kanilang mga pagmamay-ari.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ngayon, sumang-ayon ka sa Diyos at makipagpayapaan sa kaniya; sa ganoong paraan, darating sa iyo ang kabutihan.
|
||
|
\v 22 Pakiusap, tanggapin mo ang tagubilin mula sa kaniyang bibig; ingatan mo ang kaniyang mga salita sa iyong puso.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Kung babalik ka sa Makapangyarihan, kung itataboy mo ang hindi makatuwiran mula sa iyong mga tolda, maitatatag ka.
|
||
|
\v 24 Ilatag mo ang iyong mga kayamanan sa alikabok, ang ginto ng Ofir sa gitna ng mga bato ng batis,
|
||
|
\v 25 at ang Makapangyarihan ang iyong magiging kayamanan at mahalagang pilak sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Dahil sa ganoon masisiyahan ka sa Makapangyarihan; itataas mo ang iyong mukha sa Diyos.
|
||
|
\v 27 Mananalangin ka sa kaniya, at diringgin ka niya; tutuparin mo ang iyong mga pangako sa kaniya.
|
||
|
\v 28 Mag-uutos ka rin ng kahit ano, at pagtitibayin ito para sa iyo; magliliwanag ang ilaw sa iyong daan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Binababa ng Diyos ang mga mapagmataas, nililigtas niya ang mga nakababa ang mga mata.
|
||
|
\v 30 Ililigtas niya ang taong walang sala; maliligtas ka sa pamamagitan ng kalinisan ng iyong mga kamay."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 23
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
|
||
|
\v 2 "Kahit ngayon ay mapait ang aking dinadaing; mas mabigat ang aking paghihirap kaysa sa aking paghihinagpis.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 O, sana alam ko kung saan ko siya matatagpuan! O, sana makalapit ako sa kinaroroonan niya!
|
||
|
\v 4 Ilalatag ko sa kaniyang harapan ang aking kaso at pupunuin ang aking bibig ng pangangatwiran.
|
||
|
\v 5 Matututunan ko ang mga salita na isasagot niya at mauunawaan ko ang sasabihin niya sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Makikipagtalo ba siya laban sa akin sa kadakilaan ng kaniyang kapangyarihan? Hindi, pakikinggan niya ako.
|
||
|
\v 7 Doon maaaring makipagtalo sa kaniya ang taong matuwid. Sa ganitong paraan mapapawalang-sala ako magpakailanman ng aking hukom.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Tingnan ninyo, pumupunta ako pasilangan, pero wala siya roon, at pumupunta ako pakanluran, pero hindi ko siya maramdaman.
|
||
|
\v 9 Sa hilaga, kung saan siya gumagawa, pero hindi ko siya makita, at sa timog, kung saan niya tinatago ang kaniyang sarili para hindi ko siya makita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Pero alam niya ang daanan na aking tinatahak; kapag sinubukan na niya ako, lilitaw ako tulad ng ginto.
|
||
|
\v 11 Nanindigan ang aking mga paa sa kaniyang mga yapak; pinanatili ko ang pamamaraan niya at hindi lumihis.
|
||
|
\v 12 Hindi ko tinalikuran ang mga kautusan ng kaniyang mga labi; iningatan ko sa aking puso ang mga salita ng kaniyang bibig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Pero kakaiba siya, sino ang kayang magpatalikod sa kaniya? Kung ano ang ninanais niya, ginagawa niya.
|
||
|
\v 14 Dahil isinasakatuparan niya ang mga atas niya laban sa akin; marami ang mga tulad nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Kaya, natatakot ako sa kaniyang presensiya; kapag iniisip ko siya, natatakot ako sa kaniya.
|
||
|
\v 16 Dahil pinahina ng Diyos ang aking puso; sinindak ako ng Makapangyarihan.
|
||
|
\v 17 Hindi dahil sa pinutol ako ng kadiliman, ni tinatakpan ng makapal na kadiliman ang aking mukha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 24
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Bakit hindi tinakda ng Makapangyarihan ang panahon ng paghahatol sa masasamang tao? Bakit hindi nakikita ng mga tapat sa Diyos ang paparating na panahon ng kaniyang paghuhukom?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 2 Mayroong mga masasama na tinatanggal ang mga hangganan ng tagamarka; mayroong mga masasama na pilit kinukuha ang mga kawan at nilalagay sa sarili nilang mga pastulan.
|
||
|
\v 3 Tinataboy nila ang alagang asno ng mga taong walang ama; kinukuha nila ang kapong baka ng balo bilang kasiguraduhan.
|
||
|
\v 4 Pinapalayas nila ang mga nangangailangan sa kanilang dinaraanan; tinatago ng mga mahihirap sa mundo ang sarili nila mula sa kanila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tingnan ninyo, pumupunta ang mga mahihirap na ito sa kanilang trabaho gaya ng mga ligaw na asno sa ilang, maingat na naghahanap ng pagkain; marahil pagkakalooban sila ng pagkain ng Araba para sa kanilang mga anak.
|
||
|
\v 6 Umaani sa gabi ang mga mahihirap sa palayan ng ibang tao; namumulot sila ng mga ubas mula sa inani ng mga masasama.
|
||
|
\v 7 Buong gabi silang hubad na nakahiga nang walang damit; wala silang panakip sa lamig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Basa sila ng mga ambon ng mga bundok; nahihiga sila sa tabi ng malalaking bato dahil wala silang masisilungan.
|
||
|
\v 9 Mayroong masasama na kinukuha ang mga ulila mula sa dibdib ng kanilang ina, at masasamang tao na kinukuha ang mga bata bilang kasiguraduhan mula sa mga mahihirap.
|
||
|
\v 10 Pero naglilibot ang mga mahihirap nang walang damit; bagaman sila ay nagugutom, dinadala nila ang bungkos ng mga butil ng iba.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Gumagawa ng langis ang mga mahihirap sa loob ng mga pader ng masasama. Tinatapakan nila ang pampiga ng ubas ng masasama, pero sila mismo ay nagdudusa ng kauhawan.
|
||
|
\v 12 Dumadaing ang mga tao sa lungsod, umiiyak ang mga sugatan, pero hindi pinapansin ng Diyos ang kanilang mga panalangin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ang ilan sa masasama ay naghihimagsik laban sa liwanag; hindi nila alam ang pamamaraan nito, ni nagpapatuloy sa daan nito.
|
||
|
\v 14 Bumabangon ang mamamatay-tao kasabay ng liwanag; pinapatay niya ang mahihirap at nangangailangan; sa gabi ay tulad siya ng magnanakaw.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Gayundin, inaabangan ng mata ng nakikiapid ang takipsilim, sinasabi niya, 'Walang mata ang makakakita sa akin'. Tinatago niya ang kaniyang mukha.
|
||
|
\v 16 Sa kadiliman ay nagbubungkal sa loob ng bahay ang mga masasama; pero kinukulong nila ang kanilang sarili sa araw; wala silang pakialam sa liwanag.
|
||
|
\v 17 Dahil ang umaga para sa kanilang lahat ay gaya ng makapal na kadiliman; maginhawa sila sa mga katakot-takot na mga bagay sa makapal na kadiliman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Pero, mabilis silang lumilipas gaya ng bula sa ibabaw ng mga tubig; may sumpa ang bahagi ng kanilang lupa; walang nagtatrabaho sa kanilang ubasan.
|
||
|
\v 19 Tinutupok ng tagtuyot at init ang tubig ng niyebe; gayundin nilalamon ng sheol ang mga nagkasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Makakalimutan siya ng sinapupunang nagdala sa kaniya; matamis siyang kakainin ng mga uod, hindi na siya maaalala magpakailanman; sa ganitong paraan, mababali ang kasamaan gaya ng puno.
|
||
|
\v 21 Nilalamon ng masama ang mga baog na babae na kailanman ay hindi nanganak; wala siyang ginagawang mabuti sa balo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Pero tinatangay ng Diyos ang makapangyarihang mga tao sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; bumabangon siya at hindi pinalalakas ang kanilang buhay.
|
||
|
\v 23 Hinahayaan ng Diyos na isipin nila na ligtas sila, at masaya sila roon, pero ang mata niya ay nasa kanilang mga kinikilos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Tinatanghal ang mga taong ito; pero, sa ilang sandali lamang, maglalaho sila; tunay nga, ibababa sila; titipunin sila gaya ng ilan; mapuputol sila gaya ng dulo ng butil ng palay.
|
||
|
\v 25 Kung hindi ito totoo, sino ang makapagpapatunay na sinungaling ako; sino ang makapagpapawalang-bisa ng aking mga salita?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 25
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi,
|
||
|
\v 2 "Nasa kaniya ang kapangyarihan at takot; nagtatakda siya ng kaayusan sa kaniyang mga matataas na lugar sa langit.
|
||
|
\v 3 May katapusan ba sa bilang ng kaniyang mga hukbo? Kanino ba hindi sumisikat ang kaniyang liwanag?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Kung gayon, paano magiging matuwid ang tao sa Diyos? Paano ba magiging malinis, katanggap-tanggap sa kaniya, siya na ipinanganak ng isang babae?
|
||
|
\v 5 Masdan mo, kahit na ang buwan ay walang liwanag sa kaniya; sa kaniyang paningin, ang mga bituin ay hindi dalisay.
|
||
|
\v 6 Gaano pa kaya ang tao, na isa lamang uod -- isang anak ng tao, na isang uod!"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 26
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job at sinabi,
|
||
|
\v 2 Ganoon mo natulungan ang isang walang kapangyarihan! Ganoon mo iniligtas ang bisig na walang kalakasan!
|
||
|
\v 3 Ganoon mo pinayuhan ang isang walang karunungan at ipinahayag sa kaniya ang tamang kaalaman!
|
||
|
\v 4 Kaninong tulong ang tinutukoy mo? Kaninong espiritu ang lumabas mula sa iyo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tumugon si Bildad, "Ang mga namatay, ang mga kaluluwa, ay nanginginig, ang mga naninirahan sa ilalim ng karagatan.
|
||
|
\v 6 Hubad ang Sheol sa harap ng Diyos; mismong ang pagkawasak ay walang panakip laban sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Inuunat niya ang hilaga sa walang laman na kalawakan at ibinibitin ang daigdig sa gitna ng kawalan.
|
||
|
\v 8 Binibigkis niya ang mga tubig sa kaniyang mga makapal na ulap, pero hindi sumasabog ang mga ulap sa ilalim nila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Tinatakpan niya ang mukha ng buwan at inilalatag dito ang kaniyang mga ulap.
|
||
|
\v 10 Umukit siya ng isang pabilog na hangganan sa ibabaw ng mga tubig bilang guhit sa pagitan ng liwanag at kadiliman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Nanginginig ang mga haligi ng langit at nabibigla sa kaniyang pagsasaway.
|
||
|
\v 12 Pinakalma niya ang dagat sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa, winasak niya si Rahab.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sa pamamagitan ng kaniyang hininga, pinagliwanag niya ang kalangitan mula sa mga bagyo; ang mga kalangitan ay pinagliwanag mula sa mga bagyo; sinaksak ng kaniyang kamay ang tumatakas na ahas.
|
||
|
\v 14 Tingnan mo, ang mga ito ay mga palawit lamang ng kaniyang mga pamamaraan; kay hinang bulong ang naririing natin mula sa kaniya! Sino ang makakaunawa sa kulog ng kaniyang kapangyarihan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 27
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Muling nagsalita si Job at sinabi,
|
||
|
\v 2 Habang nabubuhay ang Diyos, na siyang nag-alis ng aking katarungan, ang Makapangyarihan, na may gawa ng kapaitan ko sa aking buhay,
|
||
|
\v 3 na habang nasa akin pa ang aking buhay at ang hininga mula sa Diyos ay nasa mga butas ng aking ilong,
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 tunay nga hindi magsasalita ng hindi matuwid ang aking mga labi, ni magsasalita ng panlilinlang ang aking dila.
|
||
|
\v 5 Hinding-hindi ko matatanggap na kayo ay tama; hanggang mamatay ako, hindi ko kailanman itatanggi ang aking dangal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pinaninindigan ko ang aking pagkamatuwid at hindi ko ito bibitiwan; hindi ako susumbatan ng aking mga isipan habang ako ay nabubuhay.
|
||
|
\v 7 Hayaang ang aking kaaway ay maging tulad ng isang masamang tao; hayaang ang lumalaban sa akin ay maging tulad ng isang makasalanang tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Para saan ang pag-asa ng isang taong walang diyos kapag kinitil siya ng Diyos, kapag kinuha ng Diyos ang kaniyang buhay?
|
||
|
\v 9 Maririnig ba ng Diyos ang kaniyang iyak kapag dumating ang kaguluhan sa kaniya?
|
||
|
\v 10 Kaluluguran ba niya ang Makapangyarihan at tatawag sa Diyos sa lahat ng oras?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Ituturo ko sa inyo ang tungkol sa kamay ng Diyos; hindi ko itatago ang mga isipan ng Makapangyarihan.
|
||
|
\v 12 Tingnan ninyo, kayong lahat mismo ang nakakita nito; kung gayon bakit ninyo sinabi ang lahat ng mga walang katuturan na ito?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ito ang kapalaran na itatakda ng Diyos para sa isang masamang tao, ang pamana na tinatanggap ng nang-aapi mula sa Makapangyarihan:
|
||
|
\v 14 Kapag dumami ang kaniyang mga anak, ito ay para sa tabak; ang kaniyang mga anak ay hindi kailanman magkakaroon ng sapat na pagkain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Ang mga mananatiling buhay ay ililibing ng salot, at ang kanilang mga biyuda ay hindi magluluksa para sa kanila.
|
||
|
\v 16 Kahit na ang masamang tao ay nagtatambak ng pilak na parang alikabok, at nagtatamabk ng kasuotan na parang luwad,
|
||
|
\v 17 maaaring magyambak siya ng kasuotan, pero isusuot ito ng mga matutuwid na tao, at paghahati-hatian ng mga inosenteng tao ang pilak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Tinatayo niya ang kaniyang bahay tulad ng isang gagamba, tulad ng isang kubo na ginagawa ng isang bantay.
|
||
|
\v 19 Mayaman siyang humihiga sa kama, pero hindi niya laging gagawin ito; imumulat niya ang kaniyang mga mata, at lahat ng bagay ay wala na.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Inaabutan siya ng mga malalaking takot tulad ng tubig sa baha; tinatangay siya ng isang bagyo sa gabi.
|
||
|
\v 21 Tinatangay siya ng hanging silangan, at siya ay nawawala; tinatangay siya nito mula sa kaniyang lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Binabayo siya nito nang walang humpay; sinisikap niyang tumakas mula sa mga kamay nito.
|
||
|
\v 23 Ipinapalakpak nito ang kaniyang mga kamay sa kaniya sa pangungutya; sinasagitsit siya nito mula sa kaniyang lugar.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 28
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tiyak na mayroong isang mina ng pilak, isang lugar kung saan dinadalisay nila ang ginto.
|
||
|
\v 2 Hinuhukay ang bakal mula sa lupa; tinutunaw ang tanso mula sa bato.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Nagtatakda ang tao ng wakas sa kadiliman at hinahanap sa pinakamalayong hangganan, ang mga bato sa karimlan at makapal na kadiliman.
|
||
|
\v 4 Gumagawa siya ng isang hukay pangminahan malayo sa kung saan naninirahan ang mga tao, mga lugar na nalimutan ng kaninumang paa. Naglalambitin siya malayo sa ibang mga tao; pabalik-balik na umiindayog.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Tungkol sa lupa, mula kung saan nanggagaling ang tinapay, tinutupok ito sa ilalim na parang ng apoy.
|
||
|
\v 6 Ang mga bato nito ay ang lugar kung saan matatagpuan ang mga safiro, at ang alabok nito ay naglalaman ng ginto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Walang ibong mahuhuli ang nakakaalam ng landas patungo rito, ni nakita ito ng mata ng palkon.
|
||
|
\v 8 Hindi pa nalalakaran ang ganitong landas ng mga mapagmalaking hayop, ni dumaan na doon ang mabangis na leon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Ipinapatong ng isang tao ang kaniyang kamay sa matigas na bato; itinataob niya ang mga bundok sa kanilang mga ugat.
|
||
|
\v 10 Bumubutas siya ng mga lagusan sa mga bato; nakikita ng kaniyang mata ang bawat mahahalagang bagay doon.
|
||
|
\v 11 Ginagapos niya ang mga batis para hindi sila umaagos; anumang nakatago roon kaniyang dinadala sa liwanag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Saan kaya matatagpuan ang karunungan? Saan kaya ang lugar ng pang-unawa?
|
||
|
\v 13 Hindi alam ng tao ang halaga nito; ni hindi ito natatagpuan sa lupain ng mga buhay.
|
||
|
\v 14 Sinasabi ng malalim na mga tubig sa ilalim ng lupa, "Wala ito sa akin'; Sinasabi ng karagatan, "Wala ito sa akin.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Hindi ito matatamo kapalit ng ginto; ni hindi matitimbang ang pilak bilang presyo nito.
|
||
|
\v 16 Hindi ito matutumbasan ng ginto ng Ofir, ng mahalagang oniks o safiro.
|
||
|
\v 17 Ang halaga nito ay hindi matutumbasan ng ginto at kristal; ni hindi ito maipagpapalit sa mga alahas ng mainam na ginto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Hindi karapat-dapat banggitin ang koral o haspe; tunay nga, ang presyo ng karunungan ay higit kaysa sa mga rubi.
|
||
|
\v 19 Hindi ito matutumbasan ng topaz ng Etiopia; ni hindi ito mapapahalagahan sa purong ginto.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Kung gayon, saan nga nagmumula ang karunungan? Saan ang lugar ng pang-unawa?
|
||
|
\v 21 Natatago ang karunungan mula sa mga mata ng lahat ng mga buhay na bagay at pinanatiling nakatago mula sa mga ibon ng mga kalangitan.
|
||
|
\v 22 Sinasabi ng Pagkawasak at Kamatayan, 'Isa lamang sabi-sabi tungkol dito ang narinig ng aming mga tainga.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Nauunawaan ng Diyos ang landas patungo rito; Alam niya ang lugar nito.
|
||
|
\v 24 Dahil tumitingin siya hanggang sa mga pinakadulo ng daigdig at nakikita lahat ng nasa ilalim ng mga kalangitan.
|
||
|
\v 25 Sa nakaraan, ginawa niya ang pwersa ng hangin at binaha-bahagi ang mga tubig ayon sa sukat.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Gumawa siya ng isang kautusan para sa ulan at isang landas para sa kidlat ng kulog.
|
||
|
\v 27 Pagkatapos nakita niya ang karunungan at ipinahayag ito; tunay nga, itinatag niya ito at sinuri niya ito.
|
||
|
\v 28 Sa mga tao sinabi niya, 'Tingnan ninyo, ang takot sa Panginoon -- iyan ang karunungan; ang lumayo sa kasamaan ay pang-unawa."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 29
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Muling nagsalita si Job at sinabi,
|
||
|
\v 2 " O, na ako ay parang noong mga nakalipas na mga buwan nang pinapangalagaan ako ng Diyos,
|
||
|
\v 3 nang lumiwanag ang kaniyang ilawan sa aking ulo, at nang lumakad ako sa kadilimang ginagabayan ng kaniyang liwanag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 O, kung katulad lang sana ako noong nasa kahinugan pa ng aking mga araw nang ang pagkakaibigan ng Diyos ay nasa aking tolda,
|
||
|
\v 5 nang kapiling ko pa ang Makapangyarihan, at ang aking mga anak ay nakapaligid sa akin,
|
||
|
\v 6 nang ang aking landas ay umaapaw sa gatas, at ibinubuhos sa akin ng bato ang mga batis ng langis!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Nang lumabas ako patungo sa tarangkahan ng lungsod, nang naupo ako sa aking lugar sa plasa,
|
||
|
\v 8 natanaw ako ng mga kabataang lalaki at pinanatili ang kanilang distansya mula sa akin bilang tanda ng paggalang, at ang mga matatanda ay tumindig at tumayo para sa akin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Dati ay itinitigil ng mga prinsipe ang kanilang usapan kapag dumadating ako; tinatakpan nila ng kanilang kamay ang kanilang mga bibig.
|
||
|
\v 10 Tumahimik ang mga boses ng mga maharlilka, at kumapit ang kanilang dila sa bubong ng kanilang mga bibig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Dahil matapos akong marinig ng kanilang mga tainga, pagpapalain nila ako; matapos akong makita ng kanilang mga mata, nagpapatotoo sila at sumasang-ayon sa akin
|
||
|
\v 12 dahil dati ay sinasagip ko ang taong mahirap na sumisigaw, pati na ang lahat ng mga walang ama, na walang sinumang tutulong sa kaniya.
|
||
|
\v 13 Ang pagpapala ng taong malapit nang masawi ay dumarating sa akin; dinulot kong kumanta ang puso ng biyuda dahil sa kagalakan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Sinuot ko ang katuwiran, at dinamitan ako nito; ang katarungan ko ay tulad ng isang kasuotan at isang turban.
|
||
|
\v 15 Naging mga mata ako ng mga bulag; naging mga paa ako ng mga pilay.
|
||
|
\v 16 Naging isang ama ako ng mga nangangailangan; sinusuri ko ang kaso kahit na ng isang hindi ko kilala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Binasag ko ang mga panga ng masama; hinalbot ko ang biktima mula sa pagitan ng kaniyang mga ngipin.
|
||
|
\v 18 Pagkatapos sinabi ko, "Mamamatay ako sa aking pugad; pararamihin ko ang aking mga araw tulad ng mga butil ng buhangin.
|
||
|
\v 19 Umaabot ang aking mga ugat sa mga tubig, at nasa mga sanga ko ang hamog buong gabi.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Ang parangal sa akin ay laging sariwa, at ang pana ng aking kalakasan ay laging bago sa aking kamay;
|
||
|
\v 21 Sa akin nakinig ang mga tao; hinintay nila ako; nanatili silang tahimik para marinig ang aking payo.
|
||
|
\v 22 Matapos kong sabihin ang aking mga salita, hindi na sila muling nagsalita; ang aking pananalita ay pumatak sa kanila tulad ng tubig.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Lagi nila akong hinihintay na parang paghintay nila sa ulan; ibinuka nila nang malaki ang kanilang bibig para inumin ang aking mga salita, gaya ng ginagawa nila para sa ulan sa panahon ng tag-araw.
|
||
|
\v 24 Ngumiti ako sa kanila nang hindi nila ito inasahan; hindi nila tinanggihan ang liwanag ng aking mukha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Pinili ko ang kanilang landas at umupo bilang kanilang hepe; namuhay akong tulad ng isang hari sa kaniyang hukbo, tulad ng isang umaaliw sa mga taong nagdadalamhati sa isang libing.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 30
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Ngayon ang mga mas nakababata sa akin ay walang maidulot kundi pangungnutya sa akin - ang mga kabataang lalaking ito na ang mga ama ay gusto kong tanggihang magtrabaho katabi ng mga aso sa aking kawan.
|
||
|
\v 2 Tunay nga, ang lakas ng mga kamay ng kanilang mga ama - paano nito ako matutulungan - mga lalaki na kung saan ang lakas ng kanilang kaganapan sa gulang ay naglaho na?
|
||
|
\v 3 Sila ay mga payat dahil sa kahirapan at kagutuman, ngumangatngat sila sa tuyong lupa sa kadiliman ng ilang at kapanglawan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Namitas sila ng halaman ng soltwot at mga dahon ng palumpong; ang mga ugat ng puno ng tambo ang kanilang pagkain.
|
||
|
\v 5 Pinalayas sila mula sa mga tao na sumigaw sa kanila na parang isang tao na sinisigawan ang isang magnanakaw.
|
||
|
\v 6 Kaya kinailangan nilang manirahan sa ilog lambak, sa mga lungga ng lupa at ng mga bato.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sa mga palumpong, umungal sila tulad ng mga asno; sa ilalim ng mga palumpong nagtitipon-tipon sila.
|
||
|
\v 8 Sila ay mga inapo ng mga hangal; tunay nga, na walang kwentang mga tao; pinalayas sila sa lupain sa pamamagitan ng mga pamalo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Pero ngayon, para sa kanilang mga anak, naging paksa ako ng isang kanta ng pangungutya; tunay nga, naging isang katatawanan ako sa kanila.
|
||
|
\v 10 Kinasusuklaman nila ako at hindi lumalapit sa akin; hindi sila nag-aatubiling dumura sa aking mukha.
|
||
|
\v 11 Dahil tinanggal ng Diyos ang lubid ng aking pana at pinahirapan ako, kaya sa harapan ko ay nawawala ang lahat ng pagpipigil sa sarili ng mga taong ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Sa aking kanang kamay naghimagsik ang magulong pulutong ng mga tao; itinaboy nila ako at itinambak laban sa akin ang kanilang punso ng paglusob.
|
||
|
\v 13 Sinisira nila ang aking landas; Itinutulak nila ang kapahamakan para sa akin, mga lalaki na walang sinumang makapipigil.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Sinasalakay nila ako tulad ng isang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking butas sa pader ng lungsod; sa gitna ng pagkawasak gumulong sila sa akin.
|
||
|
\v 15 Nilukuban ako ng malaking takot; itinaboy ang aking karangalan na parang ng hangin; naglaho ang aking kasaganaan na parang isang ulap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Ngayon ang buhay ko ay ibinubuhos mula sa akin. Hinawakan ako ng maraming araw ng pagdurusa.
|
||
|
\v 17 Sa gabi sinasaksak ang aking mga buto sa loob ng aking katawan; ang mga sakit na nagpapahirap sa akin ay walang kapahingahan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Hinablot ng malakas na pwersa ng Diyos ang aking kasuotan; binalutan ako nito tulad ng kwelyo ng aking tunika.
|
||
|
\v 19 Inihagis niya ako sa putik; Naging tulad ako ng alabok at mga abo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Umiiyak ako sa iyo, Diyos, pero hindi mo ako sinasagot; tumatayo ako pero tinitingnan mo lang ako.
|
||
|
\v 21 Nagbago ka na at naging malupit sa akin; sa kapangyarihan ng iyong kamay ay pinapahirapan mo ako.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Itinaas mo ako sa hangin at dinulot na tangayin ako nito; tinutunaw mo ako sa bagyo.
|
||
|
\v 23 Dahil alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan, sa bahay na nakatadhana para sa lahat ng mga buhay na bagay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Pero, wala bang umaabot ng kaniyang kamay para humingi ng tulong kapag siya ay bumabagsak? Wala bang nasa kaguluhan na nagmakaawa para sa tulong?
|
||
|
\v 25 Hindi ba ako umiyak para sa kaniya na nasa kaguluhan? Hindi ba ako nagdalamhati para sa taong nangangailangan?
|
||
|
\v 26 Nang naghanap ako ng kabutihan, ang dumating ay kasamaan; nang ako ay naghintay para sa liwanag, sa halip ay dumating ang kadiliman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Naguguluhan ang aking puso at hindi nagpapahinga; mga araw ng dalamhati ang dumating sa akin.
|
||
|
\v 28 Patuloy na nangingitim ang aking balat hindi dahil sa araw; tumatayo ako sa kapulungan at humihingi ng tulong.
|
||
|
\v 29 Ako ay kapatid ng asong gubat, isang kasama ng mga ostrich.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Maitim ang aking balat at natutuklap; nasunog sa init ang aking mga buto.
|
||
|
\v 31 Kaya ang aking alpa ay nakatono para sa mga kanta ng pagluluksa, ang aking plauta para sa pagkanta ng mga nananaghoy.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 31
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Gumawa ako ng tipan sa aking mga mata; paano kaya ako makakatingin nang may pagnanasa sa isang birhen?
|
||
|
\v 2 Dahil ano ang gantimpala mula sa Diyos sa itaas, ang mana mula sa Makapangyarihan na nasa itaas?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Dati ay iniisip ko na ang kalamidad ay para sa mga makasalanan, na ang kapahamakan ay para sa mga gumagawa ng kasamaan.
|
||
|
\v 4 Hindi ba nakikita ng Diyos ang aking mga pamamaraan at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Kung ako ay lumakad nang may kasinungalingan, kung ang paa ko ay nagmadali patungo sa panlilinlang,
|
||
|
\v 6 (hayaang ako ay timbangin sa isang parehas na timbangan para malaman ng Diyos ang aking integridad).
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 kung nalihis mula sa tamang daan ang aking hakbang, kung sumunod ang aking puso sa aking mga mata, kung may anumang bahid ng karumihan ang dumikit sa aking mga kamay,
|
||
|
\v 8 kung gayon hayaang maghasik ako at hayaang ang iba ang kumain; tunay nga, hayaang bunutin ang ani mula sa aking bukid.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Kung naakit ang aking puso sa ibang babae, kung ako ay naghintay sa pinto ng aking kapwa para sa kaniyang asawang babae,
|
||
|
\v 10 kung gayon hayaang gumiling ng butil ang aking asawa para sa ibang lalaki, at hayaang sumiping ang ibang mga lalaki sa kaniya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Dahil iyon ay magiging kakila-kilabot na krimen; tunay nga, iyon ay magiging isang krimen na parurusahan ng mga hukom.
|
||
|
\v 12 Dahil iyon ay isang apoy na sumusunog sa lahat ng bagay para sa sheol at susunugin niyon ang lahat ng aking mga ani.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Kung hindi ko pinansin ang pagsamo para sa katarungan mula sa aking lalaki o babaeng lingkod nang sila ay nakipagtalo sa akin,
|
||
|
\v 14 ano kung ganoon ang gagawin ko kapag tumayo ang Diyos para akusahan ako? Kapag dumating siya para husgahan ako, paano ko siya sasagutin?
|
||
|
\v 15 Hindi ba't ginawa rin sila ng siyang gumawa sa akin sa sinapupunan? Hindi ba't pareho ang nag-iisa na bumuo sa ating lahat sa sinapupunan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kung ipinagkait ko ang mga ninanais ng mga mahihirap, o kung idinulot ko na lumabo ang mga mata ng mga biyuda dahil sa pag-iyak,
|
||
|
\v 17 o kung kinain kong mag-isa ang aking pagkain at hindi pinayagang kumain din nito ang mga walang ama -
|
||
|
\v 18 (sa halip, mula sa aking pagkabata ang ulila ay lumaki kasama ko parang sa isang ama, at ginabayan ko ang kaniyang ina, isang biyuda, mula sa sinapupunan ng sarili kong ina) --
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 kung nakita ko ang sinuman na namatay dahil sa kakulangan ng pananamit, o kung nakita ko ang isang nangangailangang tao na walang pananamit;
|
||
|
\v 20 o kung hindi ako binasbasan ng kaniyang puso dahil hindi siya nainitan ng balahibo ng aking tupa,
|
||
|
\v 21 kung iniamba ko ang aking kamay laban sa mga taong walang ama dahil nakita ko ang pagsuporta para sa akin sa tarangkahan ng lungsod --
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 kung ganoon hayaang malaglag ang aking balikat mula sa paypay, at hayaang ang bisig ko ay mabali mula sa hugpungan.
|
||
|
\v 23 Dahil ang sakuna mula sa Diyos ay magiging malaking takot sa akin; dahil sa kaniyang kamahalan, hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Kung ginawa kong aking pag-asa ang ginto, at kung sinabi ko sa mainam na ginto, 'Sa iyo ako may tiwala;'
|
||
|
\v 25 Kung ako ay nagalak dahil labis ang aking kayamanan, dahil kinuha ng aking kamay ang maraming pag-aari;
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 kung nakita ko ang araw nang ito ay lumiwanag, o ang buwan na naglalakad sa kaniyang kaliwanagan,
|
||
|
\v 27 at kung lihim na naakit ang aking puso, kaya hinalikan ng aking bibig ang aking kamay sa pagsamba sa kanila -
|
||
|
\v 28 ito rin ay magiging isang krimen na paparusahan ng mga hukom, sapagkat ikakaila ko sana ang Diyos na nasa itaas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Kung nagalak ako sa pagkasira ng sinumang namumuhi sa akin at binati ang aking sarili nang inabutan siya ng sakuna --
|
||
|
\v 30 (tunay nga, hindi ko pinayagan ang aking bibig na magkasala sa pamamagitan ng paghingi ng kaniyang buhay gamit ang isang sumpa)
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 kung hindi kailanman sinabi ng mga tao sa aking tolda, "Sino ang makakahanap ng isang hindi nabusog sa pagkain ni Job?"
|
||
|
\v 32 (hindi kailanman kinailangan ng dayuhan na manatili sa lansangan; sa halip, lagi kong binubuksan ang aking mga pinto sa manlalakbay)
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 kung, tulad ng sangkatauhan, itinago ko ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatago ng aking kasalanan sa loob ng aking tunika
|
||
|
\v 34 - dahil kinatakutan ko ang napakaraming tao, dahil lubha akong natakot sa paghamak ng mga pamilya, kung kaya't nanahimik ako at hindi lumabas ng aking bahay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 35 O, kung mayroon lang sanang makikinig sa akin! Tingnan ninyo, narito ang aking lagda; hayaang sagutin ako ng Makapangyarihan! Kung nasa akin lang sana ang sakdal na isinulat ng aking kalaban!
|
||
|
\v 36 Tiyak na lantarang dadalhin ko ito sa aking balikat; isusuot ko ito nang tulad ng isang korona.
|
||
|
\v 37 Magpapahayag ako sa kaniya ng isang pagsusulit ng aking mga hakbang; gaya ng isang prinsipeng malakas ang loob, lalapitan ko siya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 38 Kung sakaling sumigaw laban sa akin ang aking lupain, at ang mga daan ng araro nito ay sama-samang umiyak,
|
||
|
\v 39 kung kinain ko ang ani nito nang hindi ito binabayaran o naging dahilan na mamatay ang mga may-ari nito,
|
||
|
\v 40 kung ganoon hayaang tumubo ang mga tinik sa halip na trigo at damo sa halip na barley." Tapos na ang mga salita ni Job.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 32
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kaya tumigil sa pagsagot kay Job ang tatlong mga lalaking ito dahil siya ay matuwid sa sarili niyang paningin.
|
||
|
\v 2 Pagkatapos sumiklab ang galit ni Elihu anak ni Baraquel, apo ni Bus ng pamilya ni Ram; sumiklab ito laban kay Job dahil binigyang katwiran niya ang kaniyang sarili sa halip na ang Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Sumiklab din ang galit ni Elihu laban sa tatlo niyang mga kaibigan dahil wala silang nahanap na sagot kay Job, gayunman hinatulan nila si Job
|
||
|
\v 4 Ngayon naghintay si Elihu na makapagsalita kay Job dahil mas matanda sa kaniya ang tatlong ibang lalaki.
|
||
|
\v 5 Pero, nang nakita ni Elihu na walang sagot sa bibig ng tatlong mga lalaking ito, sumiklab ang kaniyang galit.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos nagsalita si Elihu na anak ni Baraquel, apo ni Bus at sinabi, "Bata pa ako, at kayo ay napakatanda na. Iyon ang kung bakit nagpigil ako at hindi nangahas na sabihin sa inyo ang aking palagay.
|
||
|
\v 7 Sinabi ko, " Ang haba ng mga araw ay dapat magsalita; ang maraming mga taon ay dapat magturo ng karunungan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Pero may espiritu sa isang tao; binibigyan siya ng pang-unawa ng hininga ng Makapangyarihan.
|
||
|
\v 9 Hindi lamang ang mga dakilang tao ang marunong, ni ang mga matatanda lamang ang nakakaunawa ng katarungan.
|
||
|
\v 10 Dahil dito sinasabi ko sa inyo, "Dinggin ninyo ako; Sasabihin ko rin sa inyo ang aking kaalaman.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Tingnan ninyo, naghintay ako para sa inyong mga salita; nakinig ako sa inyong mga pangangatuwiran habang iniisip ninyo tungkol sa ano ang sasabihin.
|
||
|
\v 12 Tunay nga, nakinig akong mabuti sa inyo, pero, tingnan ninyo, wala isa man sa inyo ang makakumbinsi kay Job o makatugon sa kaniyang mga salita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ingatan ninyong huwag sabihing, "Natagpuan namin ang karunungan! Kailangang daigin ng Diyos si Job; hindi ito magagawa ng tao lamang.
|
||
|
\v 14 Dahil hindi itinuon ni Job ang kaniyang mga salita laban sa akin, kaya hindi ko siya sasagutin gamit ang inyong mga salita.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Hindi makaimik ang tatlong mga lalaking ito; hindi na nila masagot si Job; ni isang salita ay wala na silang masabi.
|
||
|
\v 16 Dapat ba akong maghintay dahil hindi sila nagsasalita, dahil nakatayo sila doon nang tahimik at hindi na sumasagot?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Hindi, sasagot din ako sa aking panig; sasabihin ko rin sa kanila ang aking nalalaman.
|
||
|
\v 18 Puno ako ng mga salita; itinutulak ako ng espiritung nasa akin.
|
||
|
\v 19 Tingnan ninyo, ang aking dibdib ay tulad ng nangangasim na alak na walang singawan; tulad ng bagong mga sisidlan ng alak, handa nang pumutok.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 20 Magsasalita ako para ako ay maginhawahan; ibubuka ko ang aking mga labi at sasagot.
|
||
|
\v 21 Hindi ako magpapakita ng pagtatangi; hindi rin ako magbibigay kaninuman ng titulo ng panggalang.
|
||
|
\v 22 Dahil hindi ko alam kung paano magbigay ng ganoong titulo; kung ginawa ko iyon, maaga akong kukunin ng aking Tagalikha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 33
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kaya ngayon Job, nagmamakaawa ako sa iyo, pakinggan ang aking sasabihin; makinig ka sa lahat ng aking mga salita.
|
||
|
\v 2 Tingnan mo ngayon, binuksan ko ang aking bibig; nagsalita na ang aking dila sa aking bibig.
|
||
|
\v 3 Mga salita ko'y magsasabi ng pagkamatapat ng aking puso; kung ano ang alam ng aking mga labi, matapat silang magsasabi sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin; ang hininga ng Makapangyarihan ang nagbigay buhay sa akin.
|
||
|
\v 5 Kung kaya mo, sagutin mo ako; ihanda mo ang iyong sasabihin sa harap ko at tumayo ka.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Tingnan mo, matuwid din ako tulad mo sa paningin ng Diyos; hinulma din ako mula sa luwad.
|
||
|
\v 7 Tingnan mo, hindi ka matatakot sa akin; maging ang aking presensya ay hindi rin magiging mabigat sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sa aking pandinig tiyak kang nagsalita; narinig ko ang tunog ng iyong mga salita na nagsasabi,
|
||
|
\v 9 "Malinis ako at walang pagkakasala; ako ay inosente, at ako ay walang kasalanan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Tingnan mo, naghanap ng pagkakataon ang Diyos na lusubin ako; tinuring niya akong kaaway.
|
||
|
\v 11 Ginapos niya ang aking mga paa sa mga kahoy na posas; tinitingnan niya lahat ng aking daraanan.
|
||
|
\v 12 Tingnan mo, sasagutin kita; nagkakamali ka sa pagsasabi nito, dahil ang Diyos ay mas higit kaysa sa tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Bakit ka nakikibaka sa kaniya? Hindi niya kailangan ipaliwanag ang lahat ng kaniyang mga ginagawa.
|
||
|
\v 14 Minsan nang nagsalita ang Diyos - oo, dalawang beses, bagama't hindi ito napapansin ng tao.
|
||
|
\v 15 Sa panaginip, sa pangitain sa gabi, kapag mahimbing na natulog ang mga tao ay dumating, sa pagkakatulog sa higaan -
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 pagkatapos binubuksan ng Diyos ang mga tainga ng tao, at tatakutin sila ng mga banta,
|
||
|
\v 17 para hilahin sila mula sa kaniyang makasalanang mga layunin, at ilayo ang kayabangan sa kaniya.
|
||
|
\v 18 Nilalayo ng Diyos ang buhay ng tao mula sa hukay, ang buhay niya mula sa pagtawid sa kamatayan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Pinarurusahan din ang tao ng may kirot sa kaniyang higaan, na may patuloy na paghihirap sa kaniyang mga buto,
|
||
|
\v 20 para mapoot ang kaniyang buhay sa pagkain, at mapoot ang kaniyang kaluluwa sa masasarap na pagkain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Inubos ang kaniyang laman para hindi na ito makita; ang kaniyang mga buto na minsan ay hindi na nakikita, ngayon ay nakalitaw na.
|
||
|
\v 22 Sa katunayan, nalalapit na sa hukay ang kaniyang kaluluwa, ang kaniyang buhay sa mga humihiling na wasakin ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Pero kung mayroong lamang na anghel na maaaring mamagitan para sa kaniya, isang tagapamagitan mula sa libi-libong mga anghel, para ipakita kung ano ang tamang gawin,
|
||
|
\v 24 at kung ang anghel ay mabait sa kaniya at sasabihin sa Diyos na, "Iligtas mo ang taong ito mula sa pagbaba sa hukay; nakahanap ako ng pangtubos para sa kaniya,
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 pagkatapos ang kaniyang laman ay magiging mas sariwa kaysa sa isang bata; babalik siya sa mga araw ng kalakasan ng kaniyang kabataan.
|
||
|
\v 26 Mananalangin siya, at magiging mabait ang Diyos sa kaniya, para makita niya ang mukha ng Diyos nang may kasiyahan at bibigyan siya ng tagumpay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, "Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
|
||
|
\v 28 Iniligtas ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa pagpunta sa hukay; patuloy na makikita ng aking buhay ang liwanag.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Tingnan mo, ginawang lahat ito ng Diyos sa isang tao, dalawang beses, oo, kahit tatlong beses pa,
|
||
|
\v 30 para makuha ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, kaya maliliwanagan siya nang liwanag ng buhay.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Bigyang-pansin mo ito Job, at makinig ka sa akin; tumahimik ka at magsasalita ako.
|
||
|
\v 32 Kung may sasabihin ka, sagutin mo ako; magsalita ka, dahil hiling ko na mapatunayan na ikaw ay nasa tama.
|
||
|
\v 33 Kung hindi, makinig ka sa akin; manatili kang tahimik, at tuturuan kita ng karunungan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 34
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Higit pa rito, nagpatuloy sa pagsasalita si Elihu;
|
||
|
\v 2 "Makinig ka sa aking mga sasabihin, kayong matatalino; pakinggan ninyo ako, kayong may kaalaman.
|
||
|
\v 3 Sinusubok ng tainga ang mga salita, gaya ng dila na tumitikim ng pagkain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Piliin natin para sa ating sarili kung ano ang matuwid: alamin natin sa ating mga sarili kung ano ang tama.
|
||
|
\v 5 Dahil sinabi ni Job, " Ako ay matuwid, pero kinuha ng Diyos ang aking mga karapatan.
|
||
|
\v 6 Sa kabila ng aking mga karapatan, itinuring akong isang sinungaling. Walang lunas ang aking sugat, kahit wala naman akong kasalanan.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Sino ang katulad ni Job, na umiinom ng pangungutya gaya ng tubig,
|
||
|
\v 8 na sumasama sa mga gumagawa ng masama, at lumalakad kasama ang masasamang tao?
|
||
|
\v 9 Dahil kaniyang sinabi, "walang pakinabang sa isang tao ang magalak sa paggawa ng nais ng Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Kaya makinig kayo sa akin, kayong mga matatalino: malayong gawin ng Diyos na gumawa ng kasamaan; malayong gawin ng Makapangyarihan na magkasala.
|
||
|
\v 11 Dahil kaniyang binabayaran ang gawa ng isang tao; pinapatanggap niya sila ng gantimpala sa kanilang sariling mga pamamaraan.
|
||
|
\v 12 Tunay nga na hindi gumagawa ng kasamaan ang Diyos, ni hindi binabaluktot ng Makapangyarihan ang katarungan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sino ang nagtalaga sa kaniya na pamahalaan ang buong mundo? Sino ang naglagay ng buong daigdig sa kaniyang pamamahala?
|
||
|
\v 14 Kung itatakda lamang ng Diyos ang kaniyang layunin para sa kaniyang sarili, at kung iipunin niya pabalik para sa kaniyang sarili ang kaniyang espiritu at kaniyang hininga,
|
||
|
\v 15 sama-samang mawawala ang lahat ng laman; babalik muli sa alabok ang sangkatauhan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Kung mayroon kayong pang-unawa, pakinggan ninyo ito; makinig kayo sa tunog ng aking mga sasabihin.
|
||
|
\v 17 Kaya bang mamahala ng taong namumuhi sa katarungan? Hahatulan mo ba ang Diyos na siyang matuwid at makapangyarihan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Ang Diyos, na nagsasabi sa isang hari, "Ikaw a hamak", o sinasabi sa mga maharlika, 'Ikaw ay masama"?
|
||
|
\v 19 Hindi nagpapakita ang Diyos ng pagtatangi sa mga pinuno at hindi niya kinikilala ang mayayaman kaysa sa mahirap, dahil silang lahat ay ginawa ng kaniyang kamay.
|
||
|
\v 20 Sa isang sandali sila ay namatay; sa hating-gabi mayayanig ang mga tao at mamamatay; ang mga taong malalakas ay kukunin, pero hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Dahil ang mga mata ni Yahweh ay nakatuon sa pamumuhay ng tao; nakikita niya ang lahat ng hakbang niya.
|
||
|
\v 22 Walang kadiliman, walang makapal na karimlan ang makakapagtago sa kanilang sarili sa mga gumagawa ng kasalanan.
|
||
|
\v 23 Dahil hindi na kailangan ng Diyos na suriin pa nang maigi ang isang tao; hindi na kailangang pumunta ng sinuman sa harapan niya para sa paghuhukom.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Winawasak niya nang pira-piraso ang mga malalakas na tao dahil ang kanilang mga pamumuhay ay hindi na kailangan pang suriin; naglalagay siya ng iba sa kanilang mga lugar.
|
||
|
\v 25 Sa paraang ito, mayroong siyang kaalaman sa kanilang mga ginagawa; binabagsak niya ang mga taong ito sa gabi; sila ay winasak.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Sa harapan ng lahat ng tao, pinatay niya sila dahil sa kanilang masasamang gawa gaya ng mga kriminal
|
||
|
\v 27 dahil lumayo sila mula sa pagsunod sa kaniya at tumangging kilalanin ang kaniyang mga pamamaraan.
|
||
|
\v 28 Sa paraang ito, ginawa nilang ilapit ang iyak ng mahihirap sa kaniya; pinakinggan niya ang iyak ng mga taong nahihirapan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Kapag siya ay nanatiling tahimik, sino ang maaring magparatang sa kaniya? Kung itatago niya ang kaniyang mukha, sino ang maaring makakakilala sa kaniya? Namamahala siya sa lahat ng bansa at bawat tao,
|
||
|
\v 30 kaya hindi mamahala ang hindi maka-diyos, kaya walang ni isa ang mabibitag.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Ipagpalagay natin na may taong nagsabi sa Diyos, "Tiyak akong may sala, pero hindi na ako magkakasala;
|
||
|
\v 32 ituro mo kung ano ang hindi ko nakikita; gumawa ako ng kasalanan, pero hindi ko na ito gagawin."
|
||
|
\v 33 Sa tingin mo parurusahan ng Diyos ang kasalanan ng taong iyon, dahil sa hindi mo gusto ang ginawa ng Diyos? Dapat kang mamili, hindi ako. Kaya sabihin mo ang iyong nalalaman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Sasabihin sa akin ng matatalinong tao - tunay nga, na sasabihin sa akin ng bawat matatalinong tao na nakaririnig sa akin,
|
||
|
\v 35 "Nagsasalita si Job nang walang kaalaman; walang karunungan ang mga sinasabi niya.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Dapat mailagay si Job sa paglilitis sa maliliit na detalye ng kaniyang kaso dahil nagsasalita siya gaya ng masasamang tao.
|
||
|
\v 37 Dahil nagdadagdag siya ng pagrerebelde sa kaniyang kasalanan; pinapalakpak niya ang kaniyang mga kamay para inisin kami sa aming kalagitnaan; nagsasabi siya ng mga salita laban sa Diyos."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 35
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Higit pa rito nagpatuloy si Elihu, sinasabing, "
|
||
|
\v 2 Sa tingin mo wala kang sala? Iniisip mo ba na, "Mas matuwid ako kaysa sa Diyos?"
|
||
|
\v 3 Dahil sabi mo, "Ano pang silbi sakin na matuwid ako? Anong kabutihan ang maidudulot nito para sa akin, kung mas mabuti pa kung nagkasala ako?"
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sasagutin kita, ikaw at ang iyong mga kaibigan.
|
||
|
\v 5 Tumingala ka sa himpapawid, at tingnan mo ito; tingnan mo ang himpapawid, na mas mataas kaysa sa iyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Kung nagkasala ka, anong pinsala ang nagawa mo sa Diyos? Kung maipon ang iyong mga kasalanan, ano ang ginagawa mo sa kaniya?
|
||
|
\v 7 Kung ikaw ay matuwid, ano ang maibibigay mo sa kaniya? Ano ang matatanggap niya mula sa iyong kamay?
|
||
|
\v 8 Maaaring makasakit ang iyong kasamaan sa tao, na katulad mo at maaring pakinabangan ng ibang mga anak ng tao ang iyong katuwiran.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Dahil sa maraming pang-aapi, umiiyak ang mga tao; tumawag sila ng tulong mula sa kamay ng mga malalakas na tao.
|
||
|
\v 10 Pero, walang nagsabi, "Nasaan ang aking Diyos na aking manlilikha, na nagbibigay ng mga awitin sa gabi,
|
||
|
\v 11 na nagtuturo sa amin na mas higit sa pagtuturo niya sa mga hayop sa lupa, at ginagawa kaming mas matalino kaysa sa mga ibon sa himpapawid?'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Doon umiyak sila, pero hindi nagbigay ang Diyos ng kasagutan dahil sa pagmamataas ng mga masasamang tao.
|
||
|
\v 13 Tiyak na hindi pakikinggan ng Diyos ang iyak ng isang hangal; hindi papansinin ito ng Makapangyarihan.
|
||
|
\v 14 Paano pa kaya siya sasagot sa iyo kung sinasabi mo na hindi mo siya nakikita, na nasa harapan niya ang iyong kaso, at naghihintay ka sa kaniya!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Paano pa kaya siya sasagot sa iyo kung sinasabi mo na kailanman hindi niya pinarurusahan ang sinuman dahil sa galit, at wala siyang pakialam sa kayabangan ng mga tao.
|
||
|
\v 16 Kaya binubuksan lang ni Job ang kaniyang bibig para lamang magsalita ng kahangalan; marami siyang sinasabi na walang kaalaman."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 36
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Nagpatuloy si Elihu at sinabi,
|
||
|
\v 2 "Hayaan mong magsalita ako nang kaunti pa, at ipakikita ko sa iyo ang ilang mga bagay dahil may konti pa akong sasabihin para ipagtanggol ang Diyos.
|
||
|
\v 3 Marami akong nakuhang karunungan mula sa malayo; kinilala ko ang katuwiran ng aking Manlilikha.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sigurado, hindi kasinungalingan ang aking mga sasabihin; kasama mo ang isang taong matalino.
|
||
|
\v 5 Tingnan mo, ang Diyos ay makapangyarihan, at hindi namumuhi kaninuman; siya ay makapangyarihan sa lawak ng kaunawaan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Hindi niya pananatilihin ang buhay ng masasamang tao sa halip gagawin niya ang nararapat para sa mga nagdurusa.
|
||
|
\v 7 Hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata sa mga matutuwid na tao sa halip inihahanda sila sa mga trono gaya ng mga hari, at naitaas sila.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Gayunman kapag nakagapos sila sa kadena, at kung nahuli sila ng mga lubid ng paghihirap,
|
||
|
\v 9 saka niya ipakikita sa kanila ang kanilang ginawa - ang kanilang mga kasalanan at kung paano sila kumilos nang may pagmamataas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Binubuksan din niya ang kanilang mga tainga para sa kaniyang tagubilin, at inutusan niya sila na tumalikod mula sa kasalanan.
|
||
|
\v 11 Kung makikinig sila sa kaniya at sasamba sa kaniya, ilalaan nila ang kanilang mga araw sa kasaganahan, ang kanilang mga taon sa kaligayahan.
|
||
|
\v 12 Gayon pa man, kung hindi sila makikinig, mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; mamamatay sila dahil wala silang alam.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ang mga hindi maka-diyos ay nagkikimkim ng galit sa kanilang puso; hindi sila humihingi ng tulong kahit na tinatali na sila ng Diyos.
|
||
|
\v 14 Mamamatay sila sa kanilang kabataan; magtatapos ang kanilang buhay kasama ang kababaihang sumasamba sa diyus-diyosan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Inililigtas ng Diyos ang mga taong naghihirap sa pamamagitan ng kahirapan; binubuksan niya ang kanilang mga tainga sa pamamagitan ng pang-aapi sa kanila.
|
||
|
\v 16 Tunay nga na gusto niyang tanggalin ka mula sa pagkabalisa tungo sa malawak na lugar kung saan walang paghihirap at kung saan nakahanda ang iyong hapag na puno ng pagkain na maraming taba.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Pero puno ka ng paghatol sa mamasamang tao; hatol at katarungan ang ginawad sa iyo.
|
||
|
\v 18 Huwag mong hayaan na maakit ka ng kayamanan sa pandaraya; huwag mong hayaan na malihis ka mula sa katarungan dahil sa malaking suhol.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 May pakinabang ba ang kayaman sa iyo, para hindi ka na mabalisa, o kaya ba ng buong lakas mo na tulungan ka?
|
||
|
\v 20 Huwag mong naisin ang gabi, para gumawa ng kasalanan laban sa iba, kapag nawala na ang mga tao sa kanilang kinalalagyan.
|
||
|
\v 21 Mag-ingat ka na hindi ka magkasala dahil sinusubukan ka sa pamamagitan ng pagdurusa kaya manatili kang malayo mula sa pagkakasala.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Tingnan mo, dakila ang kapangyarihan ng Diyos; sinong tagapagturo ang katulad niya?
|
||
|
\v 23 Sino ang minsang nagturo tungkol sa kaniyang pamumuhay? Sino ang makapagsasabi sa kaniya, "Nakagawa ka ng kasamaan?'
|
||
|
\v 24 Alalahanin mo na purihin ang kaniyang mga ginawa, na kinanta ng mga tao.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Tumingin ang lahat ng tao sa mga ginawa niya, pero nakita lang nila ang mga gawang ito mula sa malayo.
|
||
|
\v 26 Tingnan mo, dakila ang Diyos, pero hindi namin siya lubos na maintindihan; hindi mabilang ang kaniyang mga taon.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Dahil kinukuha niya ang mga singaw mula sa mga patak ng tubig para gawing ulan,
|
||
|
\v 28 na binubuhos ng mga ulap at bumabagsak nang masagana sa sangkatauhan.
|
||
|
\v 29 Tunay nga, mayroon bang makauunawa ng paggalaw ng mga ulap at kidlat mula sa kaniyang tolda?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 30 Tingnan mo, kinalat niya ang kaniyang kidlat sa paligid niya; binalot niya ng kadiliman ang dagat.
|
||
|
\v 31 Sa pamamagitan nito, pinakain niya ang mga tao at binigyan sila ng masaganang pagkain.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 32 Binalot niya ang kaniyang kamay ng kidlat hanggang sa inutusan sila na patayin ang kanilang mga target.
|
||
|
\v 33 Ang kanilang ingay ay naghuhudyat sa mga tao na paparating na ang bagyo; alam din ng mga baka ang pagdating nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 37
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Tunay nga, kumakabog dito ang aking dibdib; naalis ito sa kaniyang kinalalagyan.
|
||
|
\v 2 Pakinggan ang ingay ng kaniyang tinig, ang tunog na lumalabas mula sa kaniyang bibig.
|
||
|
\v 3 Pinadadala niya ito sa buong himpapawid, pinadadala niya ang kaniyang kidlat sa lahat ng dako ng mundo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Isang tinig ang dumadagundong pagkatapos nito; kumulog ang kaniyang maluwalhating tinig; hindi niya pinipigilan ang mga kidlat kapag narinig ang kaniyang tinig.
|
||
|
\v 5 Kahanga-hangang kumukulog ang tinig ng Diyos; gumagawa siya ng mga kadakilaan na hindi natin maunawaan.
|
||
|
\v 6 Sabi niya sa niyebe, "Mahulog ka sa lupa'; gaya sa ambon, 'Maging isang malakas na pagbuhos ng ulan.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Pinatigil niya ang bawat kamay ng mga tao sa pagtatrabaho, para makita sa lahat ng tao na kaniyang nilalang ang kaniyang mga ginawa.
|
||
|
\v 8 Pagkatapos, pumunta ang mga hayop sa kanilang taguan at nanatili sa kanilang mga lungga.
|
||
|
\v 9 Sa timog nagmula ang bagyo at sa hilaga nagmula ang malamig na hangin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Sa pamamagitan ng hininga ng Diyos ibinigay ang yelo; nanigas ang tubig gaya ng bakal.
|
||
|
\v 11 Tunay nga, pinupuno niya ang makapal na ulap ng tubig; kinakalat niya ang kidlat mula sa mga ulap.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Pinaikot niya ang mga ulap sa pamamagitan ng kaniyang gabay, para magawa nila ang kahit anong inuutos niya mula sa ibabaw ng buong daigdig.
|
||
|
\v 13 Ginawa niya ang lahat ng ito na mangyari; minsan nangyayari ito para sa pagtatama, minsan para sa lupain, at minsan bilang mga pagkilos sa katapatan sa tipan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Makinig ka dito Job; huminto ka at isipin mo ang kamangha-manghang mga ginawa ng Diyos.
|
||
|
\v 15 Alam mo ba kung papaano pinilit ng Diyos ang kaniyang kagustuhan sa mga ulap at pinakislap ang mga kidlat?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Naiintindihan mo ba ang paglutang ng mga ulap, ang kamangha-manghang mga ginawa ng Diyos, na siyang nakaaalam ng lahat?
|
||
|
\v 17 Naiintindihan mo ba kung papaano ang iyong mga damit ay natuyo nang walang mainit na hangin na mula sa timog?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 18 Kaya mo bang palawakin ang himpapawid gaya ng ginawa niya - ang himpapawid, na kasing tibay ng salaming bakal?
|
||
|
\v 19 Turuan mo kami kung ano ang sasabihin namin sa kaniya, dahil hindi namin matanto ang aming mga katuwiran dahil sa kadiliman ng aming mga pag-iisip.
|
||
|
\v 20 Dapat ko bang sabihin sa kaniya na nais kung makausap siya? Sinong tao ang nais malulon?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Ngayon, hindi makatingin ang mga tao sa araw kapag nagliliwanag ito sa himpapawid pagkatapos umihip ng hangin at nagliwanag ang mga ulap nito.
|
||
|
\v 22 Mula sa hilaga ang ginintuang kaluwalhatian - dahil sa kagila-gilalas na kaningningan ng Diyos.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 23 Tungkol sa Makapangyarihan, hindi namin siya makita; dakila ang kaniyang kapangyarihan at katuwiran. Hindi siya nang-aapi ng mga tao.
|
||
|
\v 24 Kaya, kinatatakutan siya ng mga tao. Hindi niya pinapansin ang mga nag-iisip na matalino sila."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 38
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos tinawag ni Yahweh si Job sa malakas na bagyo at sinabi,
|
||
|
\v 2 "Sino itong nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
|
||
|
\v 3 Talian mo ang iyong baywang gaya ng isang lalaki dahil magtatanong ako sa iyo, at kailangan mo akong sagutin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Nasaan ka nang inilatag ko ang pundasyon ng mundo? Sabihin mo sa akin, kung mayroon kang labis na kaunawaan.
|
||
|
\v 5 Sino ang nakaaalam ng lawak nito? Sabihin mo sa akin, kung alam mo. Sino ang nag-unat ng panukat dito?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Saan nakalatag ang mga pundasyon nito? Sino ang naglatag ng mga panulukang-bato nito
|
||
|
\v 7 nang magkakasamang kumanta ang mga bituin sa umaga at sumigaw sa galak ang lahat ng mga anak ng Diyos?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sino ang nagsara ng dagat gamit ang pinto kapag bumubulwak ito, na parang lumabas sa sinapupunan -
|
||
|
\v 9 nang ginawa ko ang mga ulap bilang damit nito, at makapal na kadiliman bilang mga bigkis nito?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Iyon ay noong nilagyan ko ng tanda ang hangganan ng dagat, at naglagay ako ng mga rehas at mga pinto,
|
||
|
\v 11 at nang sinabi ko dito, 'Maari kang pumunta hanggang dito, pero hanggang dito lamang; dito ko ilalagay ang hangganan ng pagmamalaki ng iyong mga alon.'
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Binuksan mo na ba, buhat noong nagsimula ang iyong mga araw, na magbigay ng utos na magsimula ang umaga, at idulot ang bukang-liwayway na malaman ang lugar nito sa takbo ng mundo,
|
||
|
\v 13 para mahawakan nito ang mga dako ng mundo para yanigin ang mga masasamang tao?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 14 Nagbago ang anyo ng mundo gaya ng luwad na nagbabago sa ilalim ng tatak; nangingibabaw ang lahat ng naroroon gaya ng mga tiklop na piraso ng damit.
|
||
|
\v 15 Mula sa masasamang tao ang kanilang 'liwanag' ay kinuha; sinira ang nakataas nilang braso.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Nakapunta ka na ba sa mga pinagmumulan ng tubig sa dagat? Nakapaglakad ka na ba sa pinakamababang bahagi ng kailaliman?
|
||
|
\v 17 Naipakita na ba sa iyo ang tarangkahan ng kamatayan? Nakita mo na ba ang mga tarangkahan ng anino ng kamatayan?
|
||
|
\v 18 Naintindihan mo ba ang kalawakan ng mundo? Sabihin mo sa akin, kung alam mo ang lahat ng ito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Nasaan ang daan patungo sa kinalalagyan ng liwanag - para sa kadiliman, saan ito nakalagay?
|
||
|
\v 20 Kaya mo bang dalahin ang liwanag at kadiliman sa kanilang pinagtatrabahuhan? Kaya mo bang hanapin ang pabalik sa bahay nila?
|
||
|
\v 21 Siguradong alam mo, dahil pinanganak ka roon; ang bilang ng iyong mga araw ay napakahaba!
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Nakapasok ka na ba sa mga imbakan ng niyebe, o nakita mo na ba ang mga imbakan ng yelo,
|
||
|
\v 23 ang mga bagay na itinatago kong ito ay para sa panahon ng kaguluhan, para sa araw ng labanan at digmaan?
|
||
|
\v 24 Saang daanan binabahagi ang mga kidlat o saan kinakalat ang mga hangin mula sa silangan para sa buong mundo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Sino ang gumawa ng mga agusan ng mga pagbaha ng ulan, o sino ang gumawa ng mga daanan ng mga dagundong ng kulog,
|
||
|
\v 26 para idulot ito na umulan sa mga lupain kung saan walang tao ang nabubuhay, at sa ilang, kung saan walang ni isang tao,
|
||
|
\v 27 para matugunan ang mga pangangailangan ng baog at malungkot na mga rehiyon, at para pasibulin ang sariwang damo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 May ama ba ang ulan? Sino ang nagbunga ng mga patak ng hamog?
|
||
|
\v 29 Kaninong sinapupunan galing ang yelo? Sino ang nagsilang ng puting hamog ng yelo mula sa himpapawid?
|
||
|
\v 30 Tinago ng mga tubig ang kanilang mga sarili at naging gaya ng bato; tumigas ang ibabaw ng kailaliman.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Kaya mo bang ikandado ang mga kadena sa Pleyades, o kalagan ang mga tali ng Orion?
|
||
|
\v 32 Kaya mo bang patnubayan ang mga bituin para lumitaw sa kanilang nararapat na mga panahon? Kaya mo bang patnubayan ang Oso sa kaniyang mga anak?
|
||
|
\v 33 Alam mo ba ang mga batas sa himpapawid? Kaya mo bang ipatupad ang batas ng himpapawid sa mundo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 34 Kaya mo bang sumigaw sa mga ulap, para masaganang bumuhos ang ulan sa iyo?
|
||
|
\v 35 Kaya mo bang ipadala ang mga kidlat para makalabas sila, na sasabihin nila sa iyo, 'Narito na kami'?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 36 Sino ang naglagay ng karunungan sa mga ulap o nagbigay ng pang-unawa sa mga ambon?
|
||
|
\v 37 Sino ang makabibilang ng mga ulap sa pamamagitan ng kaniyang kahusayan? Sino ang kayang magbuhos ng tubig sa himpapawid
|
||
|
\v 38 kapag nagsama-sama ang maraming alikabok at nagkumpulan nang magkakasama ang tipak ng lupa?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 39 Kaya mo bang maghanap ng biktima para sa babaeng leon o pawiin ang gutom ng mga batang leon
|
||
|
\v 40 kapag yumuyukyok sila sa kanilang mga lungga at nakahigang naghihintay sa kanilang taguan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 41 Sino ang nagbibigay ng biktima sa mga uwak kapag umiiyak ang mga batang uwak sa Diyos at sumusuray dahil sa kakulangan ng pagkain?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 39
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Alam mo ba kung anong panahon ipinapanganak ng ligaw na kambing sa mga bato ang kaniyang anak? Kaya mo bang pagmasdan ang mga usa habang ipinapanganak nila ang mga batang usa?
|
||
|
\v 2 Kaya mo bang bilangin ang mga buwan na sila ay nagbubuntis? Alam mo ba ang panahon na kanilang dinadala ang kanilang mga anak?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Yumuyukod sila at pinapanganak ang kanilang anak, at pagkatapos winawakasan nila ang kanilang mga sakit sa panganganak.
|
||
|
\v 4 Ang kanilang mga anak ay lumalakas at lumalaki sa mga damuhan; lumalabas sila at hindi na bumabalik muli.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 5 Sino ang nagpalaya sa ligaw na asno? Sino ang nagkalag sa mga gapos ng mabilis na asno,
|
||
|
\v 6 na ang tahanan ay ginawa ko sa Araba, ang kaniyang bahay sa asin na lupain?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Tumatawa siya nang may panghahamak sa mga ingay sa lungsod; hindi niya naririnig ang mga sigaw ng kutsero.
|
||
|
\v 8 Gumagala siya sa mga bundok bilang kaniyang pastulan; doon siya humahanap ng mga luntiang halaman para kainin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 9 Masaya bang maglilingkod sa iyo ang mabangis na toro? Pahihintulutan niya bang manatili sa iyong sabsaban?
|
||
|
\v 10 Gamit ang lubid, kaya mo bang pasunurin ang mabangis na toro para mag-araro ng mga tudling? Susuyurin niya ba ang mga lambak para sa iyo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 11 Magtitiwala ka ba sa kaniya dahil kahanga-hanga ang kaniyang lakas? Iiwan mo ba sa kaniya para gawin ang iyong tungkulin?
|
||
|
\v 12 Aasahan mo ba siyang dadalhin sa bahay ang iyong butil na titipunin para sa iyong giikan?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Ang mga pakpak ng ostrich ay nagmamalaking pumapagaspas, pero sila ba ang mga pakpak at balahibo ng pag-ibig?
|
||
|
\v 14 Dahil iniiwan niya ang kaniyang mga itlog sa lupa, at hinahayaan niyang malimliman sila sa alikabok;
|
||
|
\v 15 nalilimutan niyang maaari silang madurog ng paa o maapakan ng isang mabangis na hayop.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Magaspang ang kaniyang pakikitungo sa kanila na parang sila ay hindi kaniya; hindi siya natatakot na ang kaniyang hirap ay mawalan ng kabuluhan,
|
||
|
\v 17 dahil pinagkaitan siya ng Diyos ng karunungan at hindi siya binigyan ng anumang pang-unawa.
|
||
|
\v 18 Kapag mabilis siyang tumatakbo, tumatawa siya sa panlilibak sa kabayo at sa sakay nito.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Binigyan mo ba ng lakas ang kabayo? Dinamitan mo ba ang leeg niya ng kaniyang malambot na buhok?
|
||
|
\v 20 Napatalon mo na ba siya na parang balang? Ang katanyagan ng kaniyang pagsinghal ay nakakatakot.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 21 Yumayabag siya sa kapangyarihan at nagagalak sa kaniyang kalakasan; tumatakbo siya nang mabilis para salubungin ang mga sandata.
|
||
|
\v 22 Kinukutya niya ang takot at hindi nasisiraan ng loob; hindi siya umaatras sa espada.
|
||
|
\v 23 Ang suksukan ng mga palaso ay kumakalampag sa kaniyang tagiliran, kasama ang kumikintab na sibat at dyabelin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 24 Nilulunok niya ang lupa nang may bagsik at matinding galit; sa tunog ng trumpeta, hindi siya makatayo sa isang lugar.
|
||
|
\v 25 Tuwing tutunog ang trumpeta, sinasabi niyang, 'Aha!' Naaamoy niya ang labanan sa malayo— ang dumadagundong na mga sigaw ng mga kumander at mga hiyawan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 26 Sa pamamagitan ba ng karunungan mo nakakalipad ang lawin, na inuunat niya ang kaniyang mga pakpak papuntang timog?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 27 Sa mga utos mo ba umaakyat ang agila at gumagawa ng kaniyang pugad sa matataas na lugar?
|
||
|
\v 28 Naninirahan siya sa mga bangin at ginagawa ang kaniyang tahanan sa mga tuktok ng mga bangin, isang matibay na tanggulan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 29 Mula roon naghahanap siya ng mga biktima; nakikita sila ng kaniyang mga mata mula sa malayo.
|
||
|
\v 30 Ang kaniyang anak ay umiinom din ng dugo; kung nasaan ang mga taong pinatay, naroon siya."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 40
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Patuloy na kinausap ni Yahweh si Job; sinabi niya,
|
||
|
\v 2 "Dapat bang itama ang Makapangyarihan ng sinumang naghahangad na magbatikos? Siya na nakikipagtalo sa Diyos, hayaan siyang sumagot."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 3 Pagkatapos sumagot si Job kay Yahweh at sinabing,
|
||
|
\v 4 "Tingnan mo, ako ay walang halaga; paano kita sasagutin? Nilagay ko ang kamay ko sa aking bibig.
|
||
|
\v 5 Minsan akong nagsalita, at hindi ako sasagot; sa katunayan, dalawang beses, pero hindi na ako magpapatuloy."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 6 Pagkatapos sumagot si Yahweh kay Job sa isang malakas na bagyo at sinabing,
|
||
|
\v 7 "Ngayon, bigkisin mo ang iyong damit bilang isang tunay na lalaki, dahil tatanungin kita, at dapat mo akong sagutin.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 8 Sasabihin mo ba talaga na hindi ako makatarungan? Hahatulan mo ba ako para masabi mong tama ka?
|
||
|
\v 9 Mayroon ka bang bisig na katulad ng sa Diyos? Kaya mo bang magpakulog sa boses na katulad ng sa kaniya?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Ngayon damitan mo ang iyong sarili ng kaluwalhatian at dignidad; gayakan mo ang iyong sarili ng karangalan at karangyaan.
|
||
|
\v 11 Ikalat mo ang labis sa iyong galit; tingnan mo ang bawat isang mayabang at ibagsak siya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Tingnan mo ang lahat ng mayabang at pabagsakin mo siya; tapakan mo ang mga masasamang tao kung saan sila nakatayo.
|
||
|
\v 13 Sama-sama mo silang ilibing sa lupa; ikulong mo ang kanilang mga mukha sa isang liblib na lugar.
|
||
|
\v 14 Pagkatapos kikilalanin ko rin ang tungkol sa iyo na ang iyong sariling kanang kamay ay kaya kang maligtas.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Masdan mo ngayon ang dambuhalang hayop, na ginawa ko na katulad ng paggawa ko sa iyo; kumakain siya ng damo katulad ng toro.
|
||
|
\v 16 Tingnan mo ngayon, ang kaniyang kalakasan ay nasa kaniyang mga hita; ang kaniyang kapangyarihan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 17 Ginagalaw niya ang kaniyang buntot na parang sedar; ang kalamnan ng kaniyang mga hita ay magkakarugtong.
|
||
|
\v 18 Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubo ng tanso; ang kaniyang mga binti ay parang mga rehas ng bakal.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Siya ang puno ng mga nilikha ng Diyos. Tanging ang Diyos, na gumawa sa kaniya, ang makatatalo sa kaniya.
|
||
|
\v 20 Dahil ang mga burol ay nagbibigay sa kaniya ng pagkain; ang mga hayop sa damuhan ay naglalaro sa malapit.
|
||
|
\v 21 Nahihiga siya sa ilalim ng mga halamang tubig sa silungan ng mga talahib, sa putikan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Tinatakpan siya ng mga halamang tubig gamit ang kanilang lilim; ang mga puno sa batis ay nakapaligid sa kaniya.
|
||
|
\v 23 Tingnan mo, kung umapaw ang ilog sa mga pampang nito, hindi siya nanginginig; panatag siya, kahit na ang Ilog Jordan ay umapaw hanggang sa nguso niya.
|
||
|
\v 24 Kaya ba ng sinuman na hulihin siya gamit ang isang kawit, o butasin ang ilong niya gamit ang patibong?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 41
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Kaya mo bang palabasin ang leviatan gamit ang kawit sa pangingisda? O igapos ang mga panga niya gamit ang tali?
|
||
|
\v 2 Kaya mo bang maglagay ng lubid sa ilong niya, o butasin ang panga niya gamit ang kawit?
|
||
|
\v 3 Magsusumamo ba siya sa iyo nang paulit-ulit? Magsasabi ba siya ng mga malumanay na salita sa iyo?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Gagawa ba siya ng kasunduan sa iyo, na dapat mo siyang gawing alipin magpakailanman?
|
||
|
\v 5 Makikipaglaro ka ba sa kaniya nang katulad sa ibon? Itatali mo ba siya para sa iyong mga aliping babae?
|
||
|
\v 6 Tatawad ba ang mga pangkat ng mga mangingisda para sa kaniya? Hahatiin ba nila siya para makipagkalakalan sa mga mangangalakal?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Kaya mo bang punuin ang tagiliran niya ng mga salapang o ang ulo niya ng mga sibat sa pangingisda?
|
||
|
\v 8 Ilagay mo ang iyong kamay sa kaniya minsan lamang, at maaalala mo ang labanan at hindi na ito gagawin.
|
||
|
\v 9 Tingnan mo, ang pag-asa ng sinumang ginagawa iyon ay kasinungalingan; hindi ba mapapatirapa sa lupa sa pagtingin lamang sa kaniya?
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Walang matapang na maglalakas-loob na pukawin ang leviatan; sino ngayon, ang makatatayo sa harap ko?
|
||
|
\v 11 Sino ang unang nagbigay sa akin ng anumang bagay na dapat ko siyang bayaran pabalik? Anuman ang nasa ilalim ng buong kalangitan ay sa akin.
|
||
|
\v 12 Hindi ako mananahimik tungkol sa mga binti ng leviatan, maging ang tungkol sa kaniyang kalakasan, maging ang kaniyang kaaya-ayang anyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 13 Sino ang makatatanggal ng kaniyang panlabas na takip? Sino ang makapapasok sa kaniyang dobleng baluti?
|
||
|
\v 14 Sino ang makapagbubukas ng mga pinto ng kaniyang mukha— napalilibutan ng kaniyang mga ngipin na kakila-kilabot?
|
||
|
\v 15 Ang kaniyang likod ay gawa sa mga hanay ng mga kalasag, magkakalapit na katulad ng saradong selyo.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 16 Magkalapit sila sa isa't isa na walang hangin na nakapapasok sa gitna nila.
|
||
|
\v 17 Magkadugtong sila; magkadikit sila, para hindi sila mapaghihiwalay.
|
||
|
\v 18 Kumikislap ang liwanag mula sa kaniyang pagsinghal; ang kaniyang mga mata ay tulad ng talukap ng bukang-liwayway.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 19 Mula sa bibig niya ay mga nag-aapoy na sulo, ang mga kislap ng apoy ay nagtatalsikan.
|
||
|
\v 20 Mula sa mga butas ng kaniyang ilong ay usok katulad ng kumukulong palayok sa apoy na pinaypayan para maging sobrang init.
|
||
|
\v 21 Ang kaniyang hininga ay sinisindihan ng mga uling para lumagablab; apoy ang lumalabas sa bibig niya.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 22 Kalakasan ang nasa leeg niya, at sumasayaw ang takot sa harap niya.
|
||
|
\v 23 Magkakadugtong ang mga tupi ng kaniyang laman; nakakapit sila sa kaniya; hindi sila magagalaw.
|
||
|
\v 24 Ang kaniyang puso ay kasing tigas ng bato— sa katunayan, kasing tigas ng batong gilingan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 25 Kapag tinataas niya ang kaniyang sarili, kahit ang mga diyos ay natatakot; dahil sa takot, umaatras sila.
|
||
|
\v 26 Kung tatamaan siya ng espada, wala itong magagawa— at maging ang sibat, palaso at iba pang matulis na sandata.
|
||
|
\v 27 Ang tingin niya sa bakal ay parang dayami, at sa tanso ay parang bulok na kahoy.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 28 Hindi siya mapapatakbo ng palaso; sa kaniya ang mga bato ng tirador ay nagiging ipa.
|
||
|
\v 29 Ang mga pamalo ay parang dayami; pinagtatawanan niya ang sumusuray na paglipad ng sibat.
|
||
|
\v 30 Ang kaniyang mga pambabang bahagi ay tulad ng mga matatalim na piraso ng basag na palayok; iniiwan niya ang malaking bakas sa putik na para siyang karetang giikan.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 31 Pinabubula niya ang kailaliman katulad ng kumukulong tubig sa palayok; ginagawa niya ang dagat na parang palayok ng pamahid.
|
||
|
\v 32 Pinakikinang niya ang landas na dinaanan niya; iisipin ng isang tao na ang kailaliman ay puti.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 33 Sa lupa ay walang makapapantay sa kaniya, na ginawa para mamuhay nang walang takot.
|
||
|
\v 34 Nakikita niya ang lahat ng mayabang; siya ang hari ng lahat ng mga anak ng kayabangan."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\c 42
|
||
|
\p
|
||
|
\v 1 Pagkatapos sumagot si Job kay Yahweh at sinabing,
|
||
|
\v 2 "Alam kong kaya mong gawin ang lahat ng bagay, na wala kang layunin na mapipigilan.
|
||
|
\v 3 Tinanong mo ako, 'Sino ba itong walang nalalaman na nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano?' Kaya sinabi ako ang mga bagay na hindi ko naintindihan, mga bagay na napakahirap para maunawaan ko, na hindi ko alam.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 4 Sinabi mo sa akin, 'Makinig ka, ngayon, at magsasalita ako; magtatanong ako sa iyo ng mga bagay, at sasabihin mo sa akin.'
|
||
|
\v 5 Narinig ko na ang tungkol sa iyo sa pandinig ng aking tainga, pero ngayon nakikita ka na ng aking mata.
|
||
|
\v 6 Kaya kinamumuhian ko ang sarili ko; nagsisisi ako sa alikabok at abo."
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 7 Mangyaring pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Yahweh kay Elifaz ang Temaneo, "Ang aking poot ay sumiklab laban sa iyo at laban sa dalawa mong kaibigan dahil hindi ninyo sinabi ang mga katotohanan tungkol sa akin katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.
|
||
|
\v 8 Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa, pumunta kayo sa aking lingkod na si Job, at mag-alay ng handog na susunugin. Ang aking lingkod na si Job ay ipapanalangin kayo, at tatanggapin ko ang kaniyang panalangin, para hindi ko kayo parusahan dahil sa inyong kamangmangan. Hindi ninyo sinabi ang totoo tungkol sa akin, katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job."
|
||
|
\v 9 Kaya sila Elifaz ang Temaneo, Bildad na Suhita, at Zofar ang Naamita ay umalis at ginawa kung ano ang inutos ni Yahweh sa kanila, at tinanggap ni Yahweh si Job.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 10 Nang ipinanalangin ni Job ang kaniyang mga kaibigan, ibinalik ni Yahweh ang yaman niya. Binigay ni Yahweh ang doble ng kung ano ang pag-aari niya dati.
|
||
|
\v 11 Pagkatapos lahat ng kapatid na lalaki ni Job, at lahat ng kaniyang kapatid na babae, at lahat silang naging kasama niya dati—pumunta sila sa kaniya at kumain sa bahay niya. Nakidalamhati sila sa kaniya at inaliw siya dahil sa lahat ng mga sakuna na dinala sa kaniya ni Yahweh. Ang bawat isa ay binigyan si Job ng piraso ng pilak at gintong singsing.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 12 Mas pinagpala ni Yahweh ang huling bahagi ng buhay ni Job kaysa sa una; nagkaroon siya ng labing-apat na libong tupa, anim na libong kamelyo, isang libong pamatok ng baka, at isang libong babaeng asno.
|
||
|
\v 13 Nagkaroon din siya ng pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae.
|
||
|
\v 14 Pinangalanan niya ang unang anak na babae na Jemima, ang pangalawa Kezia, at ang pangatlo Keren-hapuc.
|
||
|
|
||
|
\s5
|
||
|
\v 15 Sa buong lupain, walang babae ang matatagpuang kasing ganda ng mga anak ni Job. Binigyan sila ni Job ng pamana kasama ng kanilang mga kapatid na lalaki.
|
||
|
\v 16 Pagkatapos nito, nabuhay pa si Job ng 140 taon; nakita niya ang kaniyang mga anak na lalaki at ang mga anak ng mga anak niya, hanggang sa apat na salinlahi.
|
||
|
\v 17 Pagkatapos namatay si Job, sa katandaan at puspos ng mga kaarawan.
|