tl_ulb/16-NEH.usfm

768 lines
68 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

2018-03-09 15:11:14 +00:00
\id NEH
\ide UTF-8
\h Nehemias
\toc1 Nehemias
\toc2 Nehemias
\toc3 neh
\mt Nehemias
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ang mga salita ni Nehemias na anak ni Hacalias: Ngayon ito ay nangyari sa buwan ng Kislev, sa ikadalawampung taon, habang ako ay nasa tanggulang lungsod ng Susa,
\v 2 na ang isa sa aking mga kapatid, na si Hanani, ay dumating kasama ang ilang mga tao mula sa Juda, at tinanong ko sila tungkol sa mga Judio na nakatakas, mga natirang Judio, at tungkol sa Jerusalem.
\s5
\v 3 Sinabi nila sa akin, “Silang mga nasa lalawigan na nakaligtas sa pagkabihag ay nasa matinding kaguluhan at kahihiyan dahil ang pader ng Jerusalem ay gumuho, at ang mga tarangkahan nito ay sinunog."
\s5
\v 4 At nang marinig ko ang mga salitang ito, ako ay umupo at umiyak, at ilang araw akong patuloy na nagdalamhati at nag-ayuno at nanalangin sa harap ng Diyos ng langit.
\v 5 Sinabi ko, "Yahweh, ikaw ang Diyos ng langit, ang Diyos na dakila at kahanga-hanga, na tumutupad sa kaniyang tipan at kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya at tumutupad sa kaniyang mga kautusan.
\s5
\v 6 Pakinggan mo ang aking panalangin at buksan mo ang iyong mga mata, para marinig mo ang panalangin ng iyong lingkod na aking ipinanalangin sa harapan mo araw at gabi para sa mga bayan ng Israel na iyong mga lingkod. Ipinagtatapat ko ang mga kasalanan ng mga bayan ng Israel, na kami ay nagkasala laban sa iyo. Ako at ang tahanan ng aking ama ay nagkasala.
\v 7 Kami ay namuhay ng may labis na kasamaan laban sa iyo, at hindi namin iningatan ang mga kautusan, mga batas, at ang mga utos na inutos mo sa iyong lingkod na si Moises.
\s5
\v 8 Mangyaring alalahanin mo ang salita na iyong iniutos sa iyong lingkod na si Moises, 'Kung kayo ay namumuhay ng hindi tapat, ikakalat ko kayo sa iba't ibang mga bansa,
\v 9 pero kung kayo ay magbabalik sa akin at susunod sa aking mga kautusan at gagawin ang mga ito, kahit na ang iyong bayan ay nagkalat sa ilalim ng pinakamalayong kalangitan, titipunin ko sila mula doon at dadalhin ko sila sa lugar na aking pinili para mapanatili ang aking pangalan.'
\s5
\v 10 Ngayon sila ang iyong mga lingkod at iyong bayan, na iyong iniligtas sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng iyong makapangyarihang kamay.
\v 11 Yahweh, ako ay nakikiusap sa iyo, pakinggan mo ngayon ang panalangin ng iyong lingkod at ang panalangin ng iyong mga lingkod na nasisiyahang parangalan ang iyong pangalan. Ngayon bigyan mo ng katagumpayan ang iyong lingkod sa araw na ito, at ipagkaloob mo sa kaniya ang habag sa paningin ng taong ito." Ako ay naglingkod bilang tagapagdala ng kopa ng hari.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Sa buwan ng Nisan, sa ikadalawampung taon ni Haring Artaxerxes, siya ay pumili ng alak, at kinuha ko ang alak at ibinigay ito sa hari. Ngayon ako ay hindi kailanman naging malungkot sa kaniyang harapan.
\v 2 Kaya sinabi sa akin ng hari, “Bakit malungkot ang iyong mukha? Hindi ka naman mukhang may sakit. Marahil ito ay kalungkutan ng puso. ” Pagkatapos nito, ako ay lubos na natakot.
\s5
\v 3 Sinabi ko sa hari, "Nawa mabuhay ang hari magkailanman! Bakit hindi malulungkot ang aking mukha? Ang lungsod, ang lugar ng mga libingan ng aking ama, ay nananatiling giba, at ang mga tarangkahan nito ay winasak sa pamamagitan ng apoy."
\s5
\v 4 Pagkatapos sinabi sa akin ng hari. "Ano ang gusto mong gawin ko?" Kaya ako ay nanalangin sa Diyos ng kalangitan.
\v 5 Tumugon ako sa hari, "Kung mabuti ito para sa hari, at kung ang iyong lingkod ay gumawa ng mabuti sa iyong paningin, maaari mo akong ipadala sa Juda, sa lungsod ng libingan ng aking mga ninuno, para maitayo ko itong muli."
\v 6 Tumugon ang hari sa akin (at ang reyna ay nakaupo rin sa tabi niya), "Gaano katagal kang mawawala at kailan ka babalik?" Ang hari ay nagalak na isugo ako matapos kong maibigay sa kaniya ang mga petsa.
\s5
\v 7 Pagkatapos sinabi ko sa hari, "Kung makalulugod sa hari, nawa bigyan ako ng mga liham para ibigay sa mga gobernador sa kabilang ilog, para ako ay pahintulutang makaraan sa kanilang mga lupain sa aking pagpunta sa Juda.
\v 8 Mangyaring mayroon din sanang liham para kay Asaf ang tagapag-ingat ng kagubatan ng hari, nang sa gayon ay maaaring niya akong bigyan ng troso para gawing mga biga sa mga pintuan ng tanggulang kasunod sa templo, at sa pader ng lungsod, at sa aking bahay na aking pananahanan." Dahil ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin, ipinagkaloob sa akin ng hari ang aking mga kahilingan.
\s5
\v 9 Pumunta ako sa mga gobernador sa kabilang ilog, at ibinigay sa kanila ang mga liham ng hari. Ngayon ang hari ay nagpadala ng mga opisyal at mga mangangabayo para samahan ako.
\v 10 Nang marinig ito nina Sanballat na Horonita at ni Tobias na lingkod na Ammonita, sila ay labis na nayamot na may isang taong dumating para tulungan ang bayan ng Israel.
\s5
\v 11 Kaya nagpunta ako sa Jerusalem, at nanatili roon ng tatlong araw.
\v 12 Bumangon ako ng gabi, ako at ilan sa mga kalalakihang kasama ko. Hindi ko sinabi kahit kanino kung ano ang inilagay ng aking Diyos sa aking puso na gagawin para sa Jerusalem. Wala akong ibang hayop na kasama, maliban sa isa na aking sinasakyan.
\s5
\v 13 Lumabas ako ng gabi sa Tarangkahan ng Lambak, malapit sa Bukal ng Dragon at sa Tarangkahan ng Dumi, at siniyasat ang mga pader ng Jerusalem na nasira at ang mga tarangkahang kahoy na nawasak ng apoy.
\v 14 Pagkatapos pumunta ako sa Tarangkahan ng Bukal at sa paliguan ng hari. Napakasikip ng lugar para daanan ng hayop na aking sinasakyan.
\s5
\v 15 Kaya umakyat kami ng gabing iyon sa lambak at siniyasat ang pader, bumalik ako at pumasok sa Tarangkahan ng Lambak, gayundin pabalik.
\v 16 Hindi alam ng mga namumuno kung saan ako pumunta o kung ano ang ginawa ko, at hindi ko pa ipinaalam sa mga Judio, maging sa mga pari, mga maharlika, mga namumuno, at maging sa mga iba pang gumawa ng trabaho.
\s5
\v 17 Sinabi ko sa kanila, "Nakikita ninyo ang kaguluhan kung saan tayo naroroon, kung paano nananatiling giba ang Jerusalem at ang mga tarangkahan nito ay winasak ng apoy. Halikayo, itayo nating muli ang pader ng Jerusalem, para hindi na tayo kailanman mapahiya."
\v 18 Sinabi ko sa kanila na ang mabuting kamay ng Diyos ay nasa akin at tungkol din sa mga salita ng hari na kaniyang sinabi sa akin. Sinabi nila "Tayo nang bumangon at magtayo." Kaya pinalakas nila ang kanilang mga kamay para sa mabubuting gawain.
\s5
\v 19 Pero nang marinig nila Sanballat na Horonita, at ni Tobias ang Ammonitang lingkod, at Gesem na taga-Arabya ang tungkol dito, pinagtawanan nila kami at nilait, at sinabi nila, "Ano ang ginagawa ninyo? Naghihimagsik ba kayo laban sa hari?"
\v 20 Pagkatapos sinagot ko sila, "Bibigyan kami ng Diyos ng kalangitan ng katagumpayan. Kami ay kaniyang mga lingkod at babangon kami at magtatayo. Pero kayo ay walang bahagi, walang karapatan, at walang kasaysayang pinanghahawakan sa Jerusalem."
\s5
\c 3
\p
\v 1 Pagkatapos tumayo si Eliasib ang punong pari kasama ng kaniyang mga kapatirang pari, at itinayo nila ang Tarangkahan ng Tupa. Pinagingbanal nila ito at naglagay ng mga pinto. Pinagingbanal nila ito hanggang sa Tore ng Sandaan at hanggang sa Tore ng Hananel.
\v 2 Kasunod niyang nagtrabaho ang mga kalalakihan ng Jerico, at kasunod nilang nagtrabaho si Zacur na anak ni Imri.
\s5
\v 3 Itinayo ng mga anak ni Hasenaa ang Tarangkahan ng Isda. Inilagay nila ang mga biga sa lugar at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas.
\v 4 Si Meremot ang nag-ayos ng katabing bahagi. Siya ay anak ni Urias na anak ni Hakoz. At Si Mesulam ang kasunod nilang nag-ayos. Siya ang anak ni Berequias na anak ni Mesezabel. Kasunod nilang nag-ayos ay si Zadok. Siya ang anak ni Baana.
\v 5 Kasunod nilang nag-ayos ang mga taga-Tekoa, pero ang kanilang mga pinuno ay tumangging gawin ang inutos ng kanilang mga tagapangasiwa.
\s5
\v 6 Sina Joiada anak ni Pasea at Mesullam anak ni Besodeias ang nag-ayos ng Lumang Tarangkahan. Nilagay nila ng mga biga, at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas.
\v 7 Kasunod nilang nag-ayos sina Melatias na taga-Gibeon, kasama si Jadon na taga-Meronot. Sila ang namumuno sa mga kalalakihan ng Gibeon at Mizpa. Ang Mizpa ay tirahan ng gobernador ng lalawigan sa kabilang Ilog.
\s5
\v 8 Kasunod niya na nag-ayos ang anak ni Harhaia na si Uziel, isa sa mga platero, at kasunod niya si Hanania, manggagawa ng mga pabango. Itinayo nilang muli ang Jerusalem hanggang sa Malapad na Pader.
\v 9 Kasunod nilang nag-ayos si Refaias na anak ni Hur. Siya ang pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem.
\v 10 Kasunod nila si Jedias anak ni Harumaf na nag-ayos katabi ng kaniyang bahay. Kasunod niyang nag-ayos si Hatus na anak ni Hasabneias.
\s5
\v 11 Sina Malquias anak ni Harim at Hasub anak ni Pahath Moab ang nag-ayos ng isa pang bahagi sa gawi na Tore ng mga Pugon.
\v 12 Kasunod nila si Sallum anak ni Haloles, pinuno ng kalahating distrito ng Jerusalem, ang nag-ayos kasama ang kaniyang mga anak na babae.
\s5
\v 13 Sila Hanun at ang mga naninirahan sa Zanoa ang nag-ayos ng Lambak na Tarangkahan. Itinayo nila ito at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito. Sila ang nag-ayos ng isang libong siko hanggang sa Tarangkahan ng Dumi.
\s5
\v 14 Si Malquias anak ni Recab, ang pinuno ng distrito sa Beth Hakerem, ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Dumi. Itinayo niya ito at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito.
\v 15 Si Sallun anak ni Col hoze, ang pinuno ng distrito ng Mizpa, ang nagtayo muli ng Bukal na Tarangkahan. Itinayo niya ito, at inilagay ang isang takip sa ibabaw nito at at inilagay ang mga pinto nito, mga tornilyo, at mga rehas nito. Itinayo niyang muli ang pader ng Paliguan ng Siloam sa hardin ng hari, hanggang sa hagdan patungo sa ibaba mula sa lungsod ni David.
\s5
\v 16 Si Nehemias anak ni Azbuk, ang pinuno ng kalahating distrito ng Beth Zur, ang nag-ayos ng lugar sa kabila mula sa mga libingan ni David, hanggang sa paliguan na gawa ng tao, at sa bahay ng malalakas na lalaki.
\v 17 Pagkatapos niya ang mga Levita ang nag-ayos, kasama si Rehum anak ni Bani at kasunod niya si Hashabias, ang pinuno ng kalahating distrito ng Keila, para sa kaniyang distrito.
\s5
\v 18 Pagkatapos niya ang kanilang mga kababayan ang nag-ayos, kabilang si Bavai, anak ni Henadad, pinuno ng kalahating distrito ng Keila.
\v 19 Si Ezer ang sumunod sa kaniya na nag-ayos. Siya ay anak ni Jeshua, pinuno ng Mizpa, na nag-ayos sa isa pang bahagi sa kabila ng paakyat patungo sa taguan ng mga armas, sa tukod.
\s5
\v 20 Pagkatapos niya, si Baruch anak ni Zabai ang buong pusong nag-ayos ng isa pang bahagi mula sa tukod hanggang sa pinto ng bahay ng punong paring si Eliasib.
\v 21 Pagkatapos niya, si Meremot anak ni Urias na anak ni Hakoz ang nag-ayos ng isa pang bahagi, mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib hanggang sa dulo ng bahay ni Eliasib.
\s5
\v 22 Kasunod niya ang mga pari, ang mga kalalakihan mula sa lugar sa palibot ng Jerusalem ang nag-ayos.
\v 23 Pagkatapos nila, sina Benjamin at Hassub ang nag-ayos sa kabila ng kanilang sariling bahay. Pagkatapos nila, si Azarias anak ni Maaseias na anak ni Ananias ang nag-ayos sa tabi ng kanilang sariling bahay.
\v 24 Pagkatapos niya, si Binui anak ni Henadad ang nag-ayos ng isa pang bahagi, mula sa bahay ni Azarias hanggang sa tukod.
\s5
\v 25 Si Palal anak ni Uzai ang nag-ayos sa itaas salungat sa tukod at toreng aabot pataas mula sa itaas ng bahay ng hari sa patyo ng mga guwardiya. Pagkatapos niya, si Pedeias anak ni Paros ang nag-ayos.
\v 26 Ngayon ang mga lingkod ng templo na naninirahan sa Ofel ang nag-ayos sa kabilang bahagi ng Tarangkahan ng Tubig sa silangan ng nakausling tore.
\v 27 Pagkatapos niya ang mga taga-Tekoa ang nag-ayos ng isa pang bahagi, sa kabila ng malaking tore na namumukod tangi, hanggang sa pader ng Ofel.
\s5
\v 28 Inayos ng mga pari ang ibabaw ng Tarangkahan ng mga Kabayo, bawat tapat ng sarili nilang bahay.
\v 29 Pagkatapos nila, si Zadok anak ni Immer ang nag-ayos ng katapat na bahagi ng sarili niyang bahay. At pagkatapos niya, inayos ni Semias anak ni Secanias, ang tagapagbantay ng silangang tarangkahan.
\v 30 Pagkatapos niya, sina Hananias anak ni Selemias, at Hanun ang ikaanim na anak ni Zalap ang nag-ayos ng kabilang bahagi. Pagkatapos niya, inayos ni Mesulam anak ni Berequias ang tapat na kaniyang tinitirahang mga silid.
\s5
\v 31 Pagkatapos niya ay si Malquias, isa sa mga platero, ang nag-ayos hanggang sa bahay ng mga lingkod sa templo at mga mangangalakal na nasa kabila ng Tarangkahan ng Tipan at ang silid sa sulok na tinitirahan sa itaas.
\v 32 Nag-ayos ang mga platero at ang mga mangangalakal sa gitna ng itaas na silid at ang Tarangkahan ng mga Tupa.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Ngayon nang narinig ni Sanbalat na itinatayo namin ang pader, ito ay nagpaalab ng kaniyang kalooban, at siya ay galit na galit, at kinutya niya ang mga Judio.
\v 2 Sa harapan ng kaniyang mga kapatid at ng hukbo ng Samaria, sinabi niya, "Ano ang ginagawa ng mga mahihinang Judiong ito? Nais ba nilang maibalik sa dating kalagayan ang lungsod para sa kanila? Sila ba ay maghahandog ng mga alay? Matatapos ba nila ang trabaho sa isang araw? Nais ba nilang buhayin ang mga bato mula sa mga tumpok ng durog na bato pagkatapos itong masunog?
\v 3 Si Tobias na Ammonita ay kasama niya, at sinabi niya, "Kung ang isang asong-gubat ay aakyat sa kanilang itinatayo, maaaring ikabagsak ito ng kanilang pader na bato!"
\s5
\v 4 Makinig ka, aming Diyos, dahil kami ay hinahamak. Ibalik mo ang kanilang mga panunuya sa sarili nilang mga ulo at pabayaan mo sila para nakawan sila sa lupain kung saan mga bilanggo sila.
\v 5 Huwag mong pagtakpan ang kanilang mabigat na sala at huwag mong burahin ang kanilang kasalanan mula sa harap mo, dahil ginalit nila ang mga tagapagtayo.
\v 6 Kaya itinayo namin ang pader at lahat ng pader ay naitayo hanggang sa kalahating taas nito, dahil ang mga tao ay may pagnanais na magtrabaho.
\s5
\v 7 Pero nang marinig nina Sanbalat, Tobias, na mga taga-Arabia, ang mga Ammonita, at ang mga Asdod na nagpapatuloy ang gawain sa pagsasaayos ng mga pader sa Jerusalem, at isinasara na ang mga nasirang bahagi ng pader, nag-alab ang matinding galit sa kanilang kalooban.
\v 8 Silang lahat ay sama-samang nagsabwatan, at pumunta sila para makipag-away laban sa Jerusalem at magdulot ng pagkalito rito.
\v 9 Pero nanalangin kami sa aming Diyos at naglagay ng bantay bilang tagapagtanggol laban sa kanila araw at gabi dahil sa kanilang pananakot.
\s5
\v 10 Pagkatapos sinabi ng mamamayan ng Juda, "Ang lakas nilang mga umako ng trabaho ay nanghihina. Napakarami ng durog na bato, at hindi na namin kayang itayong muli ang pader."
\v 11 At sinabi ng aming mga kaaway, "Hindi nila malalaman o makikita hanggang makalapit kami sa kanila at mapatay sila, at mapatigil ang trabaho."
\s5
\v 12 Sa panahong iyon, ang mga Judiong naninirahan malapit sa kanila ay dumating mula sa lahat ng direksiyon at nakipag-usap sa amin ng sampung beses, binalaan kami tungkol sa mga pamamaraan na kanilang ginagawa laban sa amin.
\v 13 Kaya naglagay ako ng mga tao sa pinakamababang bahagi ng pader sa lantad na mga lugar. Nagbigay ako ng pwesto sa bawat pamilya. Sila ay may kanya-kanyang tabak, mga sibat, at mga pana.
\v 14 Tumingin ako at tumayo, at sinabi sa mga maharlika, at sa mga namumuno, at sa natitirang ibang mga tao, "Huwag kayong matatakot sa kanila. Alalahanin ninyo ang Panginoon, na dakila at kahanga-hanga. Ipaglaban ninyo ang inyong mga pamilya, ang inyong mga anak na lalaki at babae, ang inyong mga asawa, at ang inyong mga tahanan.
\s5
\v 15 Nangyari na nang narinig ng aming mga kalaban na batid na namin ang kanilang mga balak, at binigo ng Diyos ang kanilang mga balak, lahat kami ay bumalik sa pader, bawat isa sa kaniyang trabaho.
\v 16 Kaya mula noon kalahati ng aking mga lingkod ay nagtrabaho lamang sa pagtatayo muli ng pader, at kalahati sa kanila ay may hawak na mga sibat, panangga, mga pana at nagsuot ng kalasag, habang ang mga pinuno ay nakatayo sa likuran ng lahat ng mamamayan sa Juda.
\s5
\v 17 Kaya ang parehong mga manggagawa na nagtatayo ng pader at nagdadala ng mga pasanin ay nagbabantay din ng kanilang mga kinalalagyan. Ang bawat isa ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng isang kamay, at sa kabilang kamay naman ay hawak ang kaniyang sandata.
\v 18 Bawat tagapagtayo ay nagsuot ng kaniyang espada sa kaniyang tagiliran at ganoon siya nagtatrabaho. At nanatili sa aking tabi ang nagpapatunog ng trumpeta.
\s5
\v 19 Sinabi ko sa mga maharlika at sa mga opisyales at sa natitirang mga tao, "Ang gawain ay malaki at malawak, at kami ay napahiwalay doon sa pader, malayo sa isa't-isa.
\v 20 Bilisan ninyo ang takbo sa lugar kung saan maririnig ninyo ang trumpeta at kayo ay magtipon doon. Ang ating Diyos ang lalaban para sa atin."
\s5
\v 21 Kaya ginagawa namin ang trabaho. Kalahati sa kanila ay may hawak-hawak na mga sibat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglabas ng mga bituin.
\v 22 Sinabi ko rin sa mga tao sa oras na iyon, "Hayaan ninyo ang bawat lalaki at ang kaniyang lingkod na magpalipas ng gabi sa kalagitnaan ng Jerusalem, sa gayon sila ay magiging bantay natin sa gabi at manggagawa sa araw."
\v 23 Kaya kahit ako, maging ang aking mga kapatid na lalaki, aking mga lingkod, mga lalaki na nagbabantay na sumunod sa akin, ay hindi nagpalit ng aming mga damit, at bawat isa sa amin ay nagdala ng kaniya-kaniyang sandata, kahit na siya ay kumukuha ng tubig.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Pagkatapos, ang mga lalaki at ang kanilang mga asawa ay dumaing nang napakalakas laban sa kanilang mga kapwa Judio.
\v 2 Dahil may mga iba na nagsabi "Kasama ng aming mga anak na lalaki at babae, kami ay marami. Kaya hayaan ninyong makakuha kami ng butil para makakain kami at patuloy na mabuhay."
\v 3 May mga iba rin na nagsabing, "Sinasanla namin ang aming mga bukirin, ang aming ubasan, at ang aming mga bahay para makakuha ng butil sa panahon ng taggutom."
\s5
\v 4 May mga iba rin na nagsabing, "Humiram kami ng pera para bayaran ang buwis ng hari sa aming mga bukirin at sa aming mga ubasan.
\v 5 Pero ngayon ang aming laman at dugo ay pareho na ng sa mga kapatid namin, at ang aming mga anak ay pareho na ng kanilang mga anak. Napilitan kaming ipagbili ang aming mga anak na lalaki at babae para maging mga alipin. Ang iba naming mga anak na babae ay inalipin na. Pero wala sa aming kapangyarihan na baguhin ito dahil ibang mga tao na ngayon ang nagmamay-ari ng aming mga bukirin at aming mga ubasan."
\s5
\v 6 Galit na galit ako nang narinig ko ang kanilang daing at ang mga salitang ito.
\v 7 Pagkatapos ay pinag-isipan ko ito, at nagharap ng sakdal laban sa mga maharlika at opisyales. Sinabi ko sa kanila, "Naniningil kayo ng tubo, bawat isa sa kanyang sariling kapatid." Nagdaos ako ng isang malaking pagpupulong laban sa kanila
\v 8 at sinabi sa kanila, "Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!" Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita.
\s5
\v 9 Sinabi ko rin, "Hindi mabuti ang ginagawa ninyo. Hindi ba dapat kayong lumakad na may takot sa ating Diyos para maiwasan ang paghamak ng mga bansa na mga kaaway natin?
\v 10 Ako at ang aking mga kapatid at ang mga lingkod ko ay nagpapautang sa kanila ng pera at butil. Pero dapat nating itigil ang paniningil ng tubo sa mga pautang na ito.
\v 11 Ibalik sa kanila ngayon mismong araw na ito ang kanilang mga bukirin, ang kanilang ubasan, at kanilang taniman ng olibo at ang kanilang mga bahay at ang porsiyento ng pera, ng butil, ng bagong alak, at ng langis na siningil ninyo mula sa kanila."
\s5
\v 12 Pagkatapos sinabi nila, "Ibabalik namin kung ano ang kinuha namin sa kanila, at wala kaming hihingin mula sa kanila. Gagawin namin ang sinabi mo." Pagkatapos tinawag ko ang mga pari, at pinanumpa sila na gagawin ang kanilang ipinangako.
\v 13 Ipinagpag ko ang tiklop ng aking kasuotan at sinabi, "Ganito nawa ipagpag ng Diyos mula sa kanyang bahay at mga ari-arian ang bawat taong hindi tutupad ng kanyang pangako. Ganito nawa siya maipagpag at mawalan." Lahat ng kapulungan ay nagsabing, "Amen," at pinuri nila si Yahweh. At ginawa ng mga tao ang ipinangako nila.
\s5
\v 14 Kaya mula ng pahanon na itinalaga ako bilang gobernador nila sa lupain ng Juda, mula sa ika-dalawampung taon hanggang sa ika-tatlumpu't dalawang taon ni Artaxerxes ang hari, labindalawang taon, hindi ako kumain, maging ang aking mga kapatid na lalaki, ng pagkain na inilaan para sa gobernador.
\v 15 Pero ang mga dating gobernador na nauna sa akin ay nagpatong ng mabibigat na mga pasanin sa mga tao, at kinuha mula sa kanila ang apatnapung sekel ng pilak para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at alak. Kahit ang kanilang mga lingkod ay pinahirapan ang mga tao. Pero hindi ko ito ginawa dahil sa takot sa Diyos.
\s5
\v 16 Patuloy rin akong gumawa sa pader, at wala kaming biniling lupa. At lahat ng mga lingkod ko ay nagtipon doon para sa gawain.
\v 17 Sa mesa ko ay mga Judio at opisyales, 150 lalaki, maliban pa sa mga dumating sa amin mula sa mga kasamang bansa na nakapaligid sa amin.
\s5
\v 18 Ngayon ang hinanda bawat araw ay isang baka, anim na piling tupa, at mga ibon din, at sa bawat sampung araw sagana sa lahat ng uri ng alak. Gayumpaman para sa lahat ng ito hindi ko hiningi ang nakalaang halaga para sa pagkain ng gobernador, dahil ang mga hinihingi ay masyadong mabigat sa mga tao.
\v 19 Alalahanin mo ako, aking Diyos, sa kabutihan, dahil sa lahat ng aking ginawa para sa mga taong ito.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Ngayon nang narinig nila Sanbalat, Tobias, at Gesem ang taga-Arabia at ng iba pang mga kalaban natin na muli ko nang naitayo ang pader at wala nang ibang mga bahagi na nananatiling sira, bagama't hindi ko pa nailalagay ang mga pinto sa mga tarangkahan,
\v 2 nagpadala sina Sanbalat at Gesem sa akin na sinasabing, "Halika, sama-sama tayong magpulong kahit saan sa kapatagan ng Ono." Pero binalak nila na gawan ako ng masama.
\s5
\v 3 Nagpadala ako ng mga sugo sa kanila, na nagsasabing, "Gumagawa ako ng mahalagang gawain at hindi ako makabababa. Bakit kailangang mahinto ang gawain habang iniiwan ko ito at bumaba sa inyo?"
\v 4 Pinadalhan nila ako ng parehong mensahe nang apat na beses, at sumagot ako sa kanila sa parehong paraan sa bawat pagkakataon.
\s5
\v 5 Ipinadala ni Sanbalat ang kanyang lingkod sa akin sa parehong paraan nang ika-limang beses, na may isang bukas na liham sa kanyang kamay.
\v 6 Nasusulat dito, "Ito ay nauulat sa mga bansa, at sinasabi rin ito ni Gesem, na ikaw at ang mga Judio ay nagbabalak na maghimagsik, iyan ang dahilan kung bakit mo muling tinatayo ang pader. Mula sa sinasabi ng mga ulat na ito, ikaw ay malapit ng maging hari nila.
\s5
\v 7 At nagtalaga ka rin ng mga propeta para ipahayag ang tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nagsasabing, 'May isang hari sa Juda!' Matitiyak mong maririnig ng hari ang mga ulat na ito. Kaya halika, mag-usap tayo."
\s5
\v 8 Pagkatapos nagpadala ako sa kanya ng kasagutan na nagsasabing, "Walang ganyang mga bagay ang nangyari gaya ng sinabi mo, dahil sa loob ng iyong puso gawa-gawa mo lang ang mga iyan."
\v 9 Dahil gusto nilang lahat na takutin kami, nag-iisap na, "Bibitiwan ng mga kamay nila ang kanilang trabaho, at hindi ito magagawa." Pero ngayon, O Diyos, palakasin mo ang mga kamay ko.
\s5
\v 10 Pumunta ako sa bahay ni Semaya anak ni Delaias anak ni Mehetabel, na nananatili sa kanyang tahanan. Sinabi niya, "Sama-sama tayong magpulong sa tahanan ng Diyos, sa loob ng templo, at isara natin ang mga pinto ng templo, dahil darating sila para patayin ka. Sa gabi, darating sila para patayin ka."
\v 11 Sumagot ako, "Tatakas ba ang isang lalaking katulad ko? At ang isa bang lalaking tulad ko ay papasok sa templo para lang manatiling buhay? Hindi ako papasok."
\s5
\v 12 Napag-isip-isip ko na hindi ang Diyos ang nagpadala sa kanya, kundi nagpropesiya siya laban sa akin. Binayaran siya nina Tobias at Sanbalat.
\v 13 Binayaran nila siya para takutin ako, para gawin ko kung ano ang sinabi niya at magkasala, para mabigyan nila ako ng masamang pangalan para hiyain ako.
\v 14 Alalahanin mo sina Tobias at Sanbalat, aking Diyos, at lahat ng ginawa nila. Alalahanin mo rin ang babaeng propetang si Noadias at ang iba pang mga propeta na sinubukan akong takutin.
\s5
\v 15 Ang pader ay natapos sa ika-dalawampu't limang araw ng buwan ng Elul, pagkaraan ng limampu't dalawang araw.
\v 16 Nang narinig ng lahat ng mga kalaban namin ang tungkol dito, lahat ng mga bansa na nakapaligid sa amin, natakot sila at malaki ang nawalang tiwala sa kanilang sarili. Dahil alam nila na nagawa ang gawain sa tulong ng aming Diyos.
\s5
\v 17 Sa panahong ito nagpadala ang mga maharlika sa Juda ng maraming liham kay Tobias, at dumating sa kanila ang mga liham ni Tobias.
\v 18 Dahil marami sa Juda ang nakatali sa panunumpa sa kanya dahil siya ang manugang ni Secanias ni Arah. Ang kanyang anak na si Jehohanan ay napangasawa ang anak ni Mesulam anak ni Berequias.
\v 19 Sinabi rin nila sa akin ang tungkol sa mabubuting mga gawa niya at iniulat ang mga salita ko pabalik sa kanya. Ang mga liham ay ipinadala sa akin mula kay Tobias para takutin ako.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Nang matapos maitayo ang pader at nailagay ko na ang mga pinto nito, at naitalaga na ang mga bantay ng mga tarangkahan at mga mang-aawit at mga Levita,
\v 2 ibinigay ko sa aking kapatid na si Hanani ang pamamahala sa Jerusalem, kasama ni Hananias na namuno sa tanggulan, dahil siya ay taong tapat at may takot sa Diyos higit pa kaysa sa karamihan.
\s5
\v 3 At sinabi ko sa kanila, "Huwag ninyong buksan ang mga tarangkahan ng Jerusalem hangga't hindi pa tirik ang araw. Habang may nagbabantay sa tarangkahan, maaari ninyong isara ang mga pinto at lagyan ng harang ang mga ito. Magtalaga kayo ng mga tagapagbantay mula doon sa mga naninirahan sa Jerusalem, ang ilan ay italaga sa kanilang himpilan, at ang ilan sa harap ng kanilang mga bahay."
\v 4 Ngayon ang lungsod ay malawak at malaki, pero kaunti lang ang mga taong nasa loob nito, at wala pang mga bahay ang muling naitatayo.
\s5
\v 5 Inilagay ng aking Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, ang mga opisyales, at ang mga tao na itala ang kanilang mga pangalan ayon sa kanilang mga pamilya. Natagpuan ko ang Talaan ng Lahi ng unang pangkat ng mga bumalik at aking natagpuan ang mga sumusunod na nakasulat dito.
\s5
\v 6 "Ito ang mga mamamayan ng lalawigan na umakyat mula sa pagkatapon at naging bihag ni Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Bumalik sila sa Jerusalem at sa Judah, ang bawat isa sa kani-kaniyang lungsod.
\v 7 Dumating sila na kasama sila Zerubabbel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana. Ang bilang ng mga kalalakihan ng bayan ng Israel ay kabilang ang mga sumusunod.
\s5
\v 8 Ang mga kaapu-apuhan ni Paros, 2, 172.
\v 9 Ang mga kaapu-apuhan ni Shefatias, 372.
\v 10 Ang mga kaapu-apuhan ni Arah, 652.
\s5
\v 11 Ang mga kaapu-apuhan ni Pahath Moab, sa pamamagitan ng mga kaapu-apuhan ni Jeshua at Joab, 2, 818.
\v 12 Ang mga kaapu-apuhan ni Elam, 1, 254.
\v 13 Ang mga kaapu-apuhan ni Zatu, 845.
\v 14 Ang mga kaapu-apuhan ni Zacai, 760.
\s5
\v 15 Ang mga kaapu-apuhan ni Binui, 648.
\v 16 Ang mga kaapu-apuhan ni Bebai, 628.
\v 17 Ang mga kaapu-apuhan ni Azgad, 2, 322.
\v 18 Ang mga kaapu-apuhan ni Adonikam, 667.
\s5
\v 19 Ang mga kaapu-apuhan ni Bigvai, 2, 067.
\v 20 Ang mga kaapu-apuhan ni Adin, 655.
\v 21 Ang mga kaapu-apuhan ni Ater, ni Hezekias, 98.
\v 22 Ang mga kaapu-apuhan ni Hasum, 328.
\s5
\v 23 Ang mga kaapu-apuhan ni Bezai, 324.
\v 24 Ang mga kaapu-apuhan ni Harif, 112.
\v 25 Ang mga kaapu-apuhan ni Gibeon, 95.
\v 26 Ang mga lalaki mula sa Bethlehem at Netofa, 188.
\s5
\v 27 Ang mga lalaki mula sa Anatot, 128.
\v 28 Ang mga lalaki ng Beth Azmavet, 42.
\v 29 Ang mga lalaki ng Kiriat Jearim, Chephira, at Beerot, 743.
\v 30 Ang mga lalaki ng Rama at Geba, 621.
\s5
\v 31 Ang mga lalaki ng Micmas, 122.
\v 32 Ang mga lalaki ng Bethel at Ai, 123.
\v 33 Ang mga lalaki sa iba pang Nebo, 52.
\v 34 Ang mga tao sa iba pang Elam, 1, 254.
\s5
\v 35 Ang mga lalaki ng Harim, 320.
\v 36 Ang mga lalaki ng Jerico, 345.
\v 37 Ang mga lalaki ng Lod, Hadid, at Ono, 721.
\v 38 Ang mga lalaki ng Senaa, 3, 930.
\s5
\v 39 Ang mga pari: Ang mga kaapu-apuhan ni Jedaias (sa bahay ni Jeshua), 973.
\v 40 Ang mga kaapu-apuhan ni Imer, 1, 052.
\v 41 Ang mga kaapu-apuhan ni Pashur, 1, 247.
\v 42 Ang mga kaapu-apuhan ni Harim, 1, 017.
\s5
\v 43 Ang mga Levita: ang mga kaapu-apuhan ni Jeshua, ni Kadmiel, ang kaapu-apuhan ni Hodavias, 74.
\v 44 Ang mga mang-aawit: ang mga kaapu-apuhan ni Asaf, 148.
\v 45 Ang mga tagapagbantay ng tarangkahan na kaapu-apuhan ni Sallum, ang mga kaapu-apuhan ni Ater, ang mga kaapu-apuhan ni Talmon, ang mga kaapu-apuhan ni Akub, ang mga kaapu-apuhan ni Hatita, ang mga kaapu-apuhan ni Sobai, 138.
\s5
\v 46 Ang mga lingkod ng templo: ang mga kaapu-apuhan ni Ziha, ang mga kaapu-apuhan ni Hasufa, ang mga kaapu-apuhan ni Tabaot,
\v 47 ang mga kaapu-apuhan ni Keros, ang mga kaapu-apuhan ni Sia, ang mga kaapu-apuhan ni Padon,
\v 48 ang mga kaapu-apuhan ni Lebana, ang mga kaapu-apuhan ni Hagaba, ang mga kaapu-apuhan ni Salmai,
\v 49 ang mga kaapu-apuhan ni Hanan, ang mga kaapu-apuhan ni Gidel, ang mga kaapu-apuhan ni Gahar.
\s5
\v 50 Ang mga kaapu-apuhan ni Reaias, ang mga kaapu-apuhan ni Rezin, ang mga kaapu-apuhan ni Nekoda,
\v 51 ang mga kaapu-apuhan ni Gazam, ang mga kaapu-apuhan ni Uza, ang mga kaapu-apuhan ni Pasea,
\v 52 ang mga kaapu-apuhan ni Besai, ang mga kaapu-apuhan ni Meunim, ang mga kaapu-apuhan ni Nefusesim.
\s5
\v 53 Ang mga kaapu-apuhan ni Bakbuk, ang mga kaapu-apuhan ni Hakufa, ang mga kaapu-apuhan ni Harhur,
\v 54 ang mga kaapu-apuhan ni Bazlit, ang mga kaapu-apuhan ni Mehida, ang mga kaapu-apuhan ni Harsa,
\v 55 ang mga kaapu-apuhan ni Barkos, ang mga kaapu-apuhan ni Sisera, ang mga kaapu-apuhan ni Tema,
\v 56 ang mga kaapu-apuhan ni Nezias, ang mga kaapu-apuhan ni Hatifa.
\s5
\v 57 Ang mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon: ang mga kaapu-apuhan ni Sotai, ang mga kaapu-apuhan ni Soferet, ang mga kaapu-apuhan ni Perida,
\v 58 ang mga kaapu-apuhan ni Jaala, ang mga kaapu-apuhan ni Darkon, ang mga kaapu-apuhan ni Gidel,
\v 59 ang mga kaapu-apuhan ni Shefatias, ang mga kaapu-apuhan ni Hatil, ang mga kaapu-apuhan ni Poqereth Hazebaim, ang mga kaapu-apuhan ni Amon.
\v 60 Lahat ng mga lingkod ng templo, at lahat ng mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon, ay 392.
\s5
\v 61 At ang mga sumusunod ay ang mga pumunta mula sa Tel Mela, Tel Charsa, Cherub, Adon, at Imer; pero hindi nila mapatunayan na sila o ang mga pamilya ng kanilang mga ninuno ay mga kaapu-apuhan mula sa Israel:
\v 62 Ang mga kaapu-apuhan ni Delaias, ang mga kaapu-apuhan ni Tobias, ang mga kaapu-apuhan ni Nekoda, 642.
\v 63 At ang mga pari: ang mga kaapu-apuhan ni Hobaias, ang mga kaapu-apuhan ni Hakoz, ang mga kaapu-apuhan ni Barzilai na ginawang asawa ang mga anak na babae ni Barzilai na taga-Galaad at tinawag ayon sa kanilang pangalan.
\s5
\v 64 Sinaliksik nila ang pagkakatala ng kanilang pangalan kung kasama sa mga nakatala ayon sa kanilang lahi, pero hindi nila matagpuan, kaya sila ay ibinukod mula sa pagkapari bilang marumi.
\v 65 At sinabi ng gobernador sa kanila na hindi dapat sila payagan na kumain sa bahagi ng pagkain ng mga pari na mula sa mga alay hanggang sa pagkakataon na may lumitaw na pari na may Urim at Tumim.
\s5
\v 66 Ang buong kapulungan na magkakasama ay 42, 360,
\v 67 maliban pa sa kanilang mga lalaking lingkod at kanilang mga babaeng lingkod, na ang bilang ay 7, 337. Sila ay mayroong 245 na mang-aawit na mga lalaki at mga babae.
\s5
\v 68 Ang kanilang mga kabayo ay 736, ang kanilang mga mola, 245,
\v 69 ang kanilang mga kamelyo, 435, at ang kanilang mga asno, 6, 720.
\s5
\v 70 Ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan ng mga ninuno ay nagbigay ng mga kaloob para sa gawain. Ang gobernador ay nagbigay sa pananalapi ng isang libong daric ng ginto, 50 mga mangkok, at 530 mga kasuotang pang-pari.
\v 71 Ang ilan sa mga pinuno ng angkan ng mga ninuno ay nagbigay sa pananalapi para sa gawain ng 20, 000 mga daric ng ginto at 2, 200 na mga mina ng pilak.
\v 72 Ang natirang mga tao ay nagbigay ng 20, 000 na mga daric ng ginto, at 2, 200 na mga mina ng pilak, at animnapu't pitong mga balabal para sa mga pari.
\s5
\v 73 Kaya ang mga pari, ang mga Levita, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan, ang mga mang-aawit, ang ilan sa mga mamamayan, ang mga lingkod sa templo, at lahat ng Israelita ay nanirahan sa kani-kanilang mga lungsod. Nang ika-pitong buwan ang mga bayan ng Israel ay nanahan sa kanilang mga lungsod."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Ang lahat ng tao ay nagtipon-tipon para sa isang layunin sa liwasan sa harap ng Tarangkahan ng Tubig. Sinabi nila kay Ezra, ang eskriba na dalhin ang Aklat na Batas ni Moises, na iniutos ni Yahweh sa Israel.
\v 2 Sa unang araw ng ika-pitong buwan, si Ezra, ang pari ay dinala ang batas sa harap ng pagpupulong, sa kapwa mga lalaki at babae, at sa lahat ng nakakarinig at nakakaunawa.
\v 3 Humarap siya sa liwasan sa harap ng Tarangkahan ng Tubig, at binasa niya ito mula umaga hanggang tanghali, sa harap ng mga lalaki at babae, at sinumang nakauunawa. At ang lahat ng tao ay nakinig nang masigasig sa Aklat ng Batas.
\s5
\v 4 At si Ezra, ang eskriba ay tumayo sa isang mataas na entabladong kahoy na ginawa ng mga tao para sa layuning iyon. Ang mga nakatayo sa kaniyang tabi ay sina Matanias, Sema, Anaya, Urias, Hilkias, at Maaseias, sa kaniyang kanan; at Pedaias, Misael, Malquias, Hasum, Hasbadana, Zacarias at Mesulam ay nakatayo sa kaniyang kaliwa.
\v 5 Binuksan ni Ezra ang aklat sa paningin ng lahat ng mga tao, dahil siya ay nakatayo nang mataas sa mga tao, at nang binuksan niya ito, ang lahat ng tao ay tumayo.
\s5
\v 6 Si Ezra ay nagbigay ng pasasalamat kay Yahweh, ang dakilang Diyos, at lahat ng mga tao ay itinaas ang kanilang mga kamay at sumagot, "Amen, Amen!" Pagkatapos, iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh na nakasayad ang kanilang mukha sa lupa.
\v 7 Maging sila Jeshua, Bani, Serebias, Jamin, Akub, Sabetai, Hodias, Maaseias, Kelita, Azarias, Jozabad, Hanan, Pelaias at ang mga Levita ay tumulong sa mga tao na maintindihan ang batas, habang ang mga tao ay nanatili sa kanilang lugar.
\v 8 At kanilang binasa ang aklat, ang batas ng Diyos, pinapaliwanag nang malinaw at binibigyan ng kahulugan para maintindihan nila ang binabasa.
\s5
\v 9 Sinabi nina Nehemias, ang gobernador, at si Ezra, ang pari at eskriba, at ang mga Levita na nagbibigay-kahulugan sa mga tao sa kanila, "Ang araw na ito ay banal kay Yahweh na inyong Diyos. Huwag kayong mamighati at umiyak." Dahil ang lahat ng tao ay umiyak nang marinig nila ang mga salita ng batas.
\v 10 Pagkatapos, sinabi ni Nehemias sa kanila, "Humayo na kayo, kainin ninyo ang taba at kumuha kayo ng matamis na maiinom, at ipadala ang ilan nito sa mga walang naihanda, dahil ang araw na ito ay banal sa ating Panginoon. Huwag kayong magdalamhati, dahil ang kagalakan ni Yahweh ang inyong lakas."
\s5
\v 11 Kaya pinatahimik ng mga Levita ang mga tao, na sinasabing, "Tumahimik kayo! Dahil ang araw na ito ay banal. Huwag kayong magdalamhati."
\v 12 At lahat ng tao ay humayo para kumain, uminom, magbahagi ng pagkain at magdiwang ng may matinding kagalakan dahil naunawaan nila ang mga salitang ipinahayag sa kanila.
\s5
\v 13 Sa ikalawang araw ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang mga ninuno mula sa lahat ng tao, ang mga pari at mga Levita, ay nagpunta nang sama-sama kay Ezra, ang eskriba para makatanggap ng kaalaman mula sa mga salita ng batas.
\v 14 At kanilang natagpuan na nakasulat sa batas kung paano iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises na ang bayan ng Israel ay kailangan manirahan sa mga kubol sa panahon ng kapistahan sa ikapitong buwan.
\v 15 Kailangan nilang gumawa ng isang panukala sa lahat ng kanilang mga lungsod, at sa Jerusalem, na nagsasabing, "Pumunta kayo sa burol, at magdala kayo ng mga sanga pabalik mula sa mga puno ng olibo at ligaw na olibo, at mula sa mirto, mga palma at mayabong na mga puno, para gumawa ng pansamantalang bahay, katulad nang nasusulat."
\s5
\v 16 Kaya ang mga tao ay pumunta at nagdala ng mga sanga pabalik at ginawan nila ang kanilang mga sarili ng kubol, bawat isa sa kanilang mga bubong, sa kanilang mga patyo, sa mga hukuman ng bahay ng Diyos, sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Tubig, at sa bukas na lugar sa Tarangkahan ng Efraim.
\v 17 At lahat ng kapulungan ng mga bumalik mula sa pagkabihag ay gumawa ng mga kubol at tumira doon. Dahil simula noong mga araw ni Josue, anak na lalaki ni Nun, hanggang sa araw na iyon, ang bayan ng Israel ay hindi ipinagdiwang ang kapistahang ito. At ang kagalakan nila ay lubos-lubos.
\s5
\v 18 Gayundin araw-araw, mula sa unang araw hanggang sa huli, si Ezra ay nagbasa mula sa Aklat ng Batas ng Diyos. Pinanatili nila ang kapistahan nang pitong araw at sa ikawalong araw ay isang taimtim na pagpupulong, bilang pagsunod sa kautusan.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Ngayon sa ika-dalawampu't-apat na araw ng parehong na buwan, ang bayan ng Israel ay nagpulong at sila ay nag-ayuno, at nagsuot sila ng telang sako, at naglagay ng alikabok sa kanilang mga ulo.
\v 2 Inihiwalay ng mga kaapu-apuhan ng Israel ang kanilang sarili mula sa lahat ng mga dayuhan. Tumayo sila at nagtapat ng kanilang sariling mga kasalanan at masasamang mga gawain ng kanilang mga ninuno.
\s5
\v 3 Tumayo sila sa kanilang mga lugar, at sa ika-apat na araw nagbasa sila mula sa Aklat ng Batas ni Yahweh na kanilang Diyos. Sa isa pang ika-apat na araw sila ay nagtatapat at yumuyuko sa harap ni Yahweh na kanilang Diyos.
\v 4 Ang mga Levita, sila Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, Bani, at Kenani, ay tumayo sa mga hagdan at sila ay tumawag ng may malakas na tinig kay Yahweh na kanilang Diyos.
\s5
\v 5 Tapos ang mga Levita, Jeshua, at Kadmiel, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias, ay sinabing, "Tumayo kayo at magbigay ng papuri kay Yahweh na inyong Diyos magpakailanman." "Nawa pagpalain nila ang iyong maluwalhating pangalan, at madakila ito nang higit sa anumang pagpapala at pagpupuri.
\v 6 Ikaw si Yahweh. Ikaw lamang. Ginawa mo ang langit, ang pinakamataas na kalangitan, kasama ng lahat ng kanilang mga anghel na nakahanda para sa digmaan, at ang lupa at lahat nang naroon, at ang mga dagat at lahat ng nasa kanila. Nagbigay ka ng buhay sa kanilang lahat, at ang hukbo ng mga anghel ng langit ay sumasamba sa iyo.
\s5
\v 7 Ikaw si Yahweh, ang Diyos na pumili kay Abram, at ang naglabas sa kaniya sa Ur ng Caldea, at ang nagbigay sa kaniya ng pangalang Abraham.
\v 8 Natagpuan mong tapat ang kaniyang puso sa iyong harapan, at gumawa ka ng tipan sa kaniya na ibibigay mo sa kaniyang mga kaapu-apuhan ang lupain ng Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo at ng Gergeseo. Pinanatili mo ang iyong pangako dahil ikaw ay matuwid.
\s5
\v 9 Nakita mo ang paghihirap ng aming mga ninuno sa Ehipto at narinig mo ang kanilang mga hinagpis sa dagat ng mga Tambo.
\v 10 Nagbigay ka ng mga tanda at kababalaghan laban sa Paraon, at sa lahat ng kaniyang mga alipin, at sa lahat ng mga tao sa kaniyang lupain, dahil alam mo na ang mga taga-Ehipto ay kumilos nang may pagmamataas laban sa kanila. Pero gumawa ka ng pangalan para sa iyong sarili na nananatili hanggang sa araw na ito.
\s5
\v 11 At hinati mo ang dagat sa kanilang harapan, kaya dumaan sila sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at tinapon ang mga humabol sa kanila papunta sa mga kailaliman, gaya ng isang bato sa malalim na katubigan.
\s5
\v 12 Ginabayan mo sila sa pamamagitan ng isang haliging ulap sa araw, at sa pamamagitan ng haliging apoy sa gabi, para ilawan ang kanilang daan nang sa gayon makalakad sila sa liwanag nito.
\v 13 Sa bundok ng Sinai bumaba ka at kinausap sila mula sa langit at binigyan mo sila ng makatuwirang mga kautusan at totoong mga batas, mabuting mga alituntunin at mga kautusan.
\s5
\v 14 Pinaalam mo ang iyong Banal na Pamamahinga sa kanila, at binigyan mo sila ng mga kautusan at alituntunin at batas sa pamamagitan ni Moises na iyong lingkod.
\v 15 Binigyan mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang gutom, at tubig mula sa isang bato para sa kanilang uhaw, at sinabi mo sa kanila na pumunta para angkinin ang lupain na pinangako mo na ibibigay sa kanila.
\s5
\v 16 Pero sila at ang aming mga ninuno ay kumilos ng may kalapastanganan, at matigas ang ulo nila, at hindi nakinig sa iyong mga kautusan.
\v 17 Tumanggi silang makinig, at hindi nila inisip ang tungkol sa mga kababalaghan na iyong ginawa sa kanilang kalagitnaan, pero naging mapagmatigas sila, at sa kanilang paghihimagsik sila ay nagtalaga ng pinuno na magbabalik sa kanila sa pagkakaalipin. Pero ikaw ang Diyos na puno ng kapatawaran, mapagbigay-loob at mahabagin, hindi madaling magalit, at sagana sa pag-ibig na hindi nagbabago. Hindi mo sila iniwan.
\s5
\v 18 Hindi mo sila iniwan kahit na sila ay gumawa ng guya mula sa tinunaw na bakal at sinabing, 'Ito ang inyong Diyos na nag-alis sa inyo sa Ehipto,' habang sila ay gumagawa ng labis na mga kalapastanganan.
\v 19 Ikaw, at ang iyong kahabagan, ay hindi nagpabaya sa kanila sa ilang. Ang haliging ulap na gagabay sa kanila sa kanilang daan ay hindi sila iniwan sa araw, maging ang haliging apoy sa gabi para bigyan ng liwanag ang kanilang daan kung saan sila maglalakad.
\s5
\v 20 Binigay mo ang mabuti mong Espiritu para turuan sila, at ang iyong manna ay hindi mo ipinagkait sa kanilang mga bibig, at binigyan mo sila ng tubig para sa kanilang pagkauhaw.
\v 21 Sa apatnapung taon ibinigay mo ang kanilang pangangailangan sa ilang, at hindi sila nagkulang. Ang kanilang mga kasuotan ay hindi nasira at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
\s5
\v 22 Binigyan mo sila ng mga kaharian at mamamayan, at nagtakda ka sa kanila ng lupain sa bawat malalayong sulok. Kaya kinuha nila bilang pag-aari ang lupain ni Haring Sihon ng Hesbon, at ang lupain ng Og na hari ng Bashan.
\s5
\v 23 Ginawa mo ang kanilang mga anak na kasing dami ng bituin sa langit, at dinala mo sila sa lupain. Sinabi mo sa kanilang mga ninuno na pumunta at angkinin iyon.
\v 24 Kaya ang mga tao ay pumunta doon at inangkin ang lupain, at sinakop mo bago pa man sila manirahan sa lupain, ang mga Cananeo. Binigay mo sila sa kanilang mga kamay, kasama ng kanilang mga hari at mga mamamayan ng lupain, para magawa ng Israel ang anumang naisin nila sa kanila.
\s5
\v 25 Nasakop nila ang mga matatatag na lungsod at masaganang lupain, at nasakop nila ang mga bahay na puno ng lahat ng mabubuting bagay, ang mga balon ay nahukay na, ang mga ubasan at halamanan ng olibo, at punong prutas ay nananagana. Kaya sila ay kumain, nabusog, nasiyahan, at labis na natuwa sa kanilang mga sarili dahil sa iyong dakilang kabutihan.
\s5
\v 26 Pagkatapos, sila ay naging suwail at naghimagsik laban sa iyo. Tinapon nila ang iyong batas sa kanilang likuran. Pinatay nila ang iyong mga propeta na nagbabala sa kanila na bumalik sa iyo, at gumawa sila ng matinding mga kalapastanganan.
\v 27 Kaya binigay mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, na nagdulot ng kanilang paghihirap. At sa oras ng kanilang paghihirap, sila ay umiyak sa iyo at dininig mo sila mula sa langit at maraming beses mo silang iniligtas sa kamay ng kanilang mga kaaway dahil sa inyong dakilang awa.
\s5
\v 28 Pero pagkatapos nilang makapagpahinga, gumawa ulit sila ng kasamaan sa harapan mo, at ipinaubaya mo sila sa kamay ng kanilang mga kaaway, kaya pinamahalaan sila ng kanilang mga kaaway. Pero nang bumalik sila at umiyak sa iyo, dininig mo sila mula sa langit, at maraming beses, dahil sa iyong habag, na iniligtas mo sila.
\v 29 Binalaan mo sila para manumbalik sila sa iyong batas. Pero kumilos sila nang may pagmamataas at hindi nakinig sa iyong mga kautusan. Sila ay nagkasala laban sa iyong mga kautusan na nagbibigay ng buhay sa sinumang sumusunod dito. Hindi nila sinunod ang mga iyon, at hindi nila ito binigyan ng pansin, at tinanggihan nilang makinig sa mga iyon.
\s5
\v 30 Sa maraming taon, sila ay pinagtiisan mo at binalaan ayon sa iyong Espiritu sa pamamagitan ng iyong mga propeta. Gayumpaman hindi pa rin sila nakinig. Kaya ibinigay mo sila sa mga kalapit-bansa.
\v 31 Pero sa iyong dakilang habag hindi mo sila lubusang nilipol, o pinabayaan, dahil ikaw ay mahabagin at maawain na Diyos.
\s5
\v 32 Kaya ngayon, aming Diyos, ang dakila, ang makapangyarihan, at ang kamangha-manghang Diyos, na siyang tumutupad sa kaniyang tipan at tapat na pagmamahal, huwag mong maliitin ang lahat ng paghihirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, sa aming mga pari, sa aming mga propeta, at sa aming mga ninuno, at sa lahat na iyong mga tao mula sa araw ng mga hari ng Asiria hanggang sa araw na ito.
\v 33 Ikaw ay makatuwiran sa lahat ng bagay na dumating sa amin, dahil matapat mo kaming pinakitunguhan, at kami ay kumilos nang may kasamaan.
\v 34 Ang aming mga hari, mga prinsepe, mga pari, at mga ninuno ay hindi pinanatili ang iyong batas, ni binigyang pansin ang iyong mga kautusan o ang mga utos mo sa tipan na babala sa kanila.
\s5
\v 35 Kahit na sa kanilang sariling kaharian, habang sila ay nagsasaya sa iyong dakilang kabutihan sa kanila, sa malaki at masaganang lupain na hinanda mo sa kanila, hindi sila naglingkod sa iyo o lumayo mula sa kanilang masasamang gawi.
\s5
\v 36 Ngayon sa lupain na binigay mo sa aming mga ninuno para masiyahan sa mga prutas at mabubuting kaloob, kami ay mga alipin, tingnan mo, kami ay mga alipin!
\v 37 Ang masaganang ani mula sa aming mga lupain ay napupunta sa mga hari na iyong itinakda para sa amin dahil sa aming mga kasalanan. Sila ang namamahala sa aming mga katawan at sa aming mga alagang hayop ayon sa kanilang kagustuhan. Kami ay nasa labis na pagdurusa.
\s5
\v 38 Dahil sa lahat ng ito, kami ay gumawa ng isang matatag na tipan sa kasulatan. Sa selyadong dokumento ay ang mga pangalan ng aming mga prinsipe, mga Levita at mga pari."
\s5
\c 10
\p
\v 1 Ang mga naglagay ng mga pangalan nila sa selyadong kasulatan ay sina: Nehemias anak ni Hachalias, ang gobernador, at ang mga pari na siyang lumagda ay sila Zedekias,
\v 2 Seraias, Azarias, Jeremias,
\v 3 Pashur, Amarias, Malchias,
\s5
\v 4 Hattus, Sebanias, Maluch,
\v 5 Harim, Meremot, Obadias,
\v 6 Daniel, Ginnethon, Baruch,
\v 7 Mesullam, Abias, Miamim,
\v 8 Maazias, Bilgai, at Semeias. Ito ang mga pari.
\s5
\v 9 Ang mga Levita ay sina: Jeshua anak ni Azanias, Binui mula sa pamilya ni Henadad, Kadmiel,
\v 10 at ang kapwa nila mga Levita, Sebanias, Hodias, Kelita, Pelaias, Hanan,
\v 11 Mica, Rehob, Hashabias,
\v 12 Zacur, Serebias, Sebanias,
\v 13 Hodias, Bani, at Beninu.
\v 14 Ang mga pinuno ng bayan ay sina: Paros, Pahat-moab, Elam, Zatu, Bani,
\s5
\v 15 Bunni, Azgad, Bebai,
\v 16 Adonijas, Bigvia, Adin,
\v 17 Ater, Hezekias, Azur,
\v 18 Hodias, Hasum, Besai,
\v 19 Hariph, Anathoth, Nebai,
\v 20 Magpias, Mesulam, Hezir,
\v 21 Mesezabel, Zadok, Jaddua,
\s5
\v 22 Pelatias, Hanan, Anaias,
\v 23 Oseas, Hananias, Hasub,
\v 24 Halohesh, Pilha, Sobek,
\v 25 Rehum, Hasabna, Maaseias,
\v 26 Ahias, Hanan, Anan,
\v 27 Maluc, Harim, at Baana.
\s5
\v 28 At sa mga natitirang mga tao, na mga pari, Levita, mga tagapagbantay ng tarangkahan, mga mang-aawit, mga tagapaglingkod sa templo, at lahat ng binukod ang kanilang mga sarili mula sa mga tao ng mga kalapit-bayan at ipinangako ang kanilang mga sarili sa batas ng Diyos, kasama ang kanilang mga asawa, mga anak na lalaki at babae, lahat ng mayroong kaalaman at pang-unawa,
\v 29 sumama sila kasama ng kanilang mga kapatid, mga maharlika, at tinali nila ang kanilang mga sarili sa isang sumpaan at pangako na lalakad sa batas ng Diyos, na ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang lingkod ng Diyos, at sisiyasatin at susunod sa lahat ng mga kautusan ni Yahweh na ating Panginoon at sa kaniyang utos at alintuntunin.
\s5
\v 30 Nangako kami na hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae para sa mga tao sa lupain o kukuha ng kanilang mga anak na babae para sa mga anak naming lalaki.
\v 31 Nangako rin kami na kung ang mga tao sa lupain ay nagdala ng mga kalakal o anumang butil para itinda sa Araw ng Pamamahinga, hindi kami bibili sa kanila sa anumang banal na araw. Tuwing ikapitong taon hahayaan namin ang aming kabukiran na mapahinga, at aalisin namin ang lahat ng utang na pinagkasunduan ng ibang mga Judio.
\s5
\v 32 Tinanggap namin ang mga utos na magbigay ng ikatlo ng siklo bawat taon para sa paglilingkod sa tahanan ng ating Diyos,
\v 33 na magkaloob ng tinapay sa kaniyang presensiya, at para sa karaniwang handog na butil, ng mga sinusunog na handog sa mga Araw ng Pamamahinga, para sa pagdiriwang ng bagong buwan at mga tinakdang kapistahan, at para sa banal na mga handog, at para sa mga handog sa kasalanan para mabayaran ang kasalanan ng Israel, gayundin sa lahat ng gawain sa tahanan ng ating Diyos.
\s5
\v 34 At ang mga pari, ang mga Levita, at ang mga tao ay nagpalabunutan para sa handog na kahoy. Ang palabunutan ay pipili kung sino sa mga pamilya ang magdadala ng kahoy sa tahanan ng ating Diyos sa mga itinalagang panahon bawat taon. Ang kahoy ay susunugin sa altar ni Yahweh na ating Diyos, katulad ng nasusulat sa batas.
\v 35 Pinangako namin na magdadala sa tahanan ni Yahweh ng mga unang bunga na tumubo sa aming lupain, at ng unang bunga ng bawat puno sa bawat taon.
\v 36 At tulad ng nasusulat sa batas, nangako kami na dadalhin namin sa tahanan ng Diyos at sa mga pari na siyang naglilingkod doon, ang aming mga anak na lalaki at ang aming mga kawan at kalupunan.
\s5
\v 37 Dadalhin namin ang unang minasang tinapay at ang aming mga handog na butil, at ang bunga ng bawat puno, at ang bagong alak at ang langis na dadalhin namin sa mga pari, sa mga imbakan sa tahanan ng ating Diyos. Dadalhin namin sa mga Levita ang mga ikapu mula sa aming lupa dahil ang mga Levita ang lumilikom ng mga ikapu mula sa lahat ng bayan kung saan kami naghahanapbuhay.
\v 38 Isang pari, mula sa kaapu-apuhan ni Aaron, ay kailangan sumama sa mga Levita kapag tumatanggap sila ng mga ikapu. Ang mga Levita ay kailangang dalhin ang ikasampu ng mga ikapu sa tahanan ng ating Diyos sa mga imbakan ng ingat-yaman.
\s5
\v 39 Dahil ang bayan ng Israel at ang mga kaapu-apuhan ni Levi ay magdadala ng ambag na butil, bagong alak, at langis sa mga imbakan kung saan nilalagay ang mga kagamitan ng santuwaryo at kung saan nananatili ang mga pari na naglilingkod, ang mga tagapagbantay ng tarangkahan, at ang mga mang-aawit. Hindi namin pababayaan ang tahanan ng ating Diyos.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Ang mga pinuno ng bayan ay nanirahan sa Jerusalem, at ang naiwang mga tao ay nagpalabunutan para dalhin ang isang pamilya mula sa sampu na manirahan sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at ang iba pang siyam ay nanatili na sa ibang mga bayan.
\v 2 At pinagpala ng mga tao ang lahat ng mga nagkusang manirahan sa Jerusalem.
\s5
\v 3 Ito ang mga pinuno sa lalawigan na nanirahan sa Jerusalem. Gayumpaman, sa mga bayan ng Juda, bawat isa ay nanirahan sa kaniyang sariling lupa, kasama ang ilang mga Israelita, mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod sa templo at mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon.
\v 4 Nanirahan sa Jerusalem ang ilan sa mga kaapu-apuhan ni Juda at ilan sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Ang mga mamamayan mula sa Juda kasama: si Ataias na anak ni Uzias na anak ni Zacarias na anak ni Amarias na anak ni Sefatias na anak ni Mahalael, na kaapu-apuhan ni Peres.
\s5
\v 5 At naroon si Maaseias na anak ni Baruc na anak Colhoze na anak ni Hazaias na anak ni Adaias na anak ni Joiarib na anak ni Zacarias, na anak ng Silonita.
\v 6 Lahat ng mga anak ni Peres na nanirahan sa Jerusalem ay 468. Sila ay mga tanyag na kalalakihan.
\s5
\v 7 Ang mga ito ay mula sa kaapu-apuhan ni Benjamin: sina Salu na anak ni Mesulam na anak ni Joed na anak ni Pedaias na anak ni Kolaias na anak ni Maaseias na anak ni Itiel na anak ni Jesaias.
\v 8 Ang sumunod sa kaniya ay sina Gabai at Salai, na may kabuuang 928 katao.
\v 9 Si Joel na anak ni Zicri ay tagapamahala, nila at si Juda na anak ni Hesenua ay ang pangalawang tagapamahala sa buong lungsod.
\s5
\v 10 Mula sa mga pari: sina Jedaias na anak ni Joiarib, Jaiquin,
\v 11 Seraias na anak ni Helkias na anak ni Mesulam na anak ni Zadok na anak ni Meraiot na anak ni Ahitub, ang pinuno sa tahanan ng Diyos,
\v 12 at ang kanilang mga kasamahan na gumawa ng trabaho ng angkan, 822 na mga kalalakihan, kasama si Adaias na anak ni Jeroham na anak ni Pelalias na anak ni Amzi na anak ni Zacarias na anak ni Pashur na anak ni Malquijas.
\s5
\v 13 At ito ang kaniyang mga kasamahan na pinuno ng mga sambahayan, 242 na mga lalaki, at si Amasai ang na anak ni Azarel na anak ni Azai na anak ni Mesilemot na anak ni Immer,
\v 14 at kanilang mga kapatid, mga matatapang na mandirigma, ang bilang ay 128; ang kanilang pangunahing pinuno ay si Zabdiel na anak ni Hagedolim.
\s5
\v 15 At mula sa mga Levita: si Semaias na anak ni Hasub na anak ni Azrikam na anak ni Hashabias na anak ni Buni,
\v 16 at si Sabitai at Jozabad, na mula sa mga pinuno ng mga Levita na nakatalaga sa gawaing panlabas ng tahanan ng Diyos.
\s5
\v 17 Doon si Matanias na anak ni Mica na anak ni Zabdi, mula sa kaapu-apuhan ni Asaf, ang tagapangasiwa na nanguna sa panalangin ng pagpapasalamat, at si Bakbukuias, na pangalawa sa kaniyang mga kasamahan, at si Abda na anak ni Samua na anak ni Galal na anak ni Jeduthun.
\v 18 Sa kabuuan ng banal na lungsod ay may 284 na mga Levita.
\s5
\v 19 Ang mga tagapagbantay ng tarangkahan: sina Akub, Talmon, at kanilang mga kasamahan, na nagbabantay ng mga tarangkahan, 172 mga lalaki.
\v 20 At ang natira mula sa Israel at sa mga pari at sa mga Levita ay naroon sa lahat ng mga bayan ng Juda. Bawat isa ay nanirahan sa sariling minanang lupain.
\v 21 Ang mga manggagawa ng templo ay nanirahan sa Ofel, at sina Ziha at Gispa ang namahala sa kanila.
\s5
\v 22 Ang pangunahing pinuno ng mga Levita na naglilingkod sa Jerusalem ay si Uzi na anak ni Bani na anak ni Hashabias na anak ni Matanias na anak ni Mica, mula sa mga kaapu-apuhan ni Asap na mga mang-aawit na namamahala sa gawain sa tahanan ng Diyos.
\v 23 Sila ay nasa ilalim ng mga kautusan ng hari at mahigpit na kautusan ang ibinibigay sa mga mag-aawit na araw-araw kailangang gawin.
\v 24 At si Petahias na anak ni Mesezabel, mula sa kaapu-apuhan ni Zera na anak ni Juda, ay palaging nasa tabi ng hari sa lahat ng usapin tungkol sa mga tao.
\s5
\v 25 Tungkol sa mga nayon at kanilang mga bukirin, ilan sa mga mamamayan ng Juda ay nanirahan sa Kiriat Arba at sa mga nayo nito, at sa Dibon at mga nayon nito, at sa Jekabzeel at mga nayon nito.
\v 26 Sila ay nanirahan din sa Jeshua, Molada, Beth-Pelet,
\v 27 Hazar-shual, Beer-seba at mga nayon nito.
\s5
\v 28 At sila ay nanirahan sa Ziklag, Mecona, at mga nayon nito,
\v 29 sa En-rimon, Zora, Jarmut,
\v 30 Zanoa, Adullam, at mga nayon nito, at sa Laquis sa kabukiran nito at sa Azeka at mga nayon nito. Kaya nanirahan sila mula sa Beer-seba patungo sa lambak ng ng Ben Hinom.
\v 31 Ang mga lipi ni Benjamin ay nanirahan din mula at paakyat sa Geba, at Micmas, at Aija, at sa Bethel at kanilang mga nayon.
\v 32 Sila ay nanirahan din sa Anatot, Nob, Ananias,
\v 33 Hazor, Rama, Gitaim,
\v 34 Hadid, Zeboim, Nebalat,
\v 35 Lod, at Ono, ang lambak ng mga manggagawa.
\v 36 Ilan sa mga Levita na nanirahan sa Juda ay itinalaga sa bayan ni Benjamin.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Ito ang mga pari at mga Levita na umakyat kasama sina Zerubabel na anak ni Sealtiel at kasama ni Josue: sina Sereias, Jeremias, Ezra,
\v 2 Amarias, Maluc, Hatus,
\v 3 Secanias, Rehum, at Meremot.
\s5
\v 4 Naroon sina Ido, Ginetoi, Abijas,
\v 5 Mijamin, Maadias, Bilga,
\v 6 Semaias, at Joiarib, Jedaias.
\v 7 Sina Saul, Amok, Hilkias, at Jedaias. Ito ang mga pinuno ng mga pari at kanilang mga kasamahan sa mga araw ni Josue.
\s5
\v 8 Ang mga Levita ay sina Josue, Binui, Kadmiel, Serebias, Juda, at Matanias, na siyang tagapangasiwa sa mga awit ng pasasalamat, kasama ang kaniyang mga kasamahan.
\v 9 Sina Bakbukuias at Uno, ang kanilang mga kasamahan, ay nakatayo sa tapat nila habang may gawain.
\s5
\v 10 Si Josue ang ama ni Jehoiakim, si Joiakim ang ama ni Eliasib, si Eliasib ang ama ni Joiada,
\v 11 si Joiada ang ama ni Jonatan, at si Jonatan ang ama ni Jadua.
\s5
\v 12 Sa mga araw ni Jehoiakim ito ang mga pari, ang mga pinuno ng mga ama ng mga pamilya: Si Meraias ang pinuno ni Seraias, si Hananias ang pinuno ni Jeremias,
\v 13 si Mesulam ang pinuno ni Ezra, si Jehohanan ang pinuno ni Amarias,
\v 14 si Jonatan ang pinuno ni Maluqui, at si Jose ang pinuno ni Sebanias.
\s5
\v 15 Sa pagpapatuloy, si Adna ang pinuno ni Harim, si Helkai ang pinuno ni Meraiot,
\v 16 si Zacarias ang pinuno ni Ido, si Mesulam ang pinuno ni Gineton, at
\v 17 si Zicri ang pinuno ni Abijas. Mayroon ding pinuno si Miniamin. Si Piltai ang pinuno ni Moadias.
\v 18 Si Samua ang pinuno ni Bilga, si Jehonatan ang pinuno ni Semaias,
\v 19 si Matenai ang pinuno ni Joiarib, si Uzi ang pinuno ni Jedaias,
\v 20 si Kalai ang pinuno ni Salai, si Eber ang pinuno ni Amok,
\v 21 si Hashabias ang pinuno ni Hilkias, at si Nathanael ang pinuno ni Jedaias.
\s5
\v 22 Sa mga araw ni Eliasib, ang mga Levitang sina Eliasib, Joiada, Johanan, at Jadua ay naitala bilang mga pinuno ng mga pamilya, at ang mga pari ay naitala habang naghahari si Dario ang Persiano.
\v 23 Ang mga kaapu-apuhan ni Levi at ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya ay naitala sa Aklat ng mga Salaysay hanggang sa mga araw ni Johanan na anak ni Eliasib.
\s5
\v 24 At ang mga pinuno ng mga Levita ay sina Hashabias, Serabias, at Josue na anak ni Kadmiel, kasama ang kanilang mga kasamahan na nakatayo sa tapat nila para magbigay ng papuri at magbigay ng pasasalamat, tumutugon ng pangkat sa pangkat, bilang pagsunod sa utos ni David, ang lingkod ng Diyos.
\v 25 Sina Matanias, Bakbukuias, Obadias, Mesulam, Talmon at Akub ay mga tagapagbantay ng tarangkahan na nakatayong nagbabantay sa mga bodega ng mga tarangkahan.
\v 26 Naglingkod sila sa mga araw ni Joiakim na anak ni Josue na anak ni Jehozadak, at sa mga araw ni Nehemias ang gobernador at ni Ezra ang pari at eskriba.
\s5
\v 27 Sa pagtatalaga ng pader ng Jerusalem, hinanap ng mga tao ang mga Levita saanman sila nanirahan, para dalhin sila sa Jerusalem para magdiwang ng pagtatalaga ng may kagalakan, may pasasalamat at umaawit na may mga pompiyang, alpa, at may mga lira.
\v 28 Ang samahan ng mga mang-aawit ay sama-samang nagtipon mula sa distrito sa paligid ng Jerusalem at mula sa mga nayon ng mga taga-Netofa.
\s5
\v 29 Sila ay nagmula rin sa Beth Gilgal at mula sa mga kabukiran ng Geba at Azmavet, dahil ang mga mang-aawit ay gumawa ng mga nayon para sa kanilang mga sarili sa paligid ng Jerusalem.
\v 30 Ang mga pari at ang mga Levita ay dinalisay ang kanilang mga sarili, at pagkatapos ay dinalisay nila ang mga tao, ang mga tarangkahan, at ang pader.
\s5
\v 31 Pagkatapos ay kasama ko ang mga pinuno ng Juda na umakyat sa taas ng pader, at nagtalaga ako ng dalawang malaking pangkat ng mang-aawit na magbibigay pasasalamat. Ang isa ay pumunta sa kanan ng pader patungo sa Tarangkahan ng Dumi.
\s5
\v 32 Si Hoshaias at kalahati ng mga pinuno ng Juda ay sumunod sa kanila,
\v 33 at pagkatapos nila ay pumunta sina Azarias, Ezra, Mesulam,
\v 34 Juda, Benjamin, Semaias, Jeremias,
\v 35 at ilan sa mga anak ng mga pari na may mga trumpeta, at si Zacarias na anak ni Jonatan na anak ni Semaias na anak ni Matanias na anak ni Micaias na anak ni Zacur, ang kaapu-apuhan ni Asaf.
\s5
\v 36 Naroon din ang mga kamag-anak ni Zacarias, sina Semaias, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Nathanael, Juda, Hanani, na may instrumento sa musika ni David ang lingkod ng Diyos. Si Ezra ang eskriba ay nasa harap nila.
\v 37 Sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Bukal, sila ay pumanhik sa pamamagitan ng mga hagdanan sa lungsod ni David paakyat ng pader, sa itaas ng palasyo ni David, patungo sa Tarangkahan ng Tubig sa silangan.
\s5
\v 38 At ang ibang pangkat ng mang-aawit na nagbigay pasasalamat ay pumunta sa ibang direksiyon. Sinundan ko sila sa pader kasama ang kalahati ng mga tao, sa itaas ng Tore ng mga Pugon, sa Malapad na Pader,
\v 39 at sa itaas ng Tarangkahan ng Efraim, at sa pamamagitan ng Lumang Tarangkahan, at sa pamamagitan ng Tarangkahan ng Isda, at ng Tore ni Hananel at ng Tore ng Sandaan, patungo sa Tarangkahan ng mga Tupa, at huminto sila sa Tarangkahan ng Bantay.
\s5
\v 40 Kaya ang parehong mga pangkat ng mang-aawit na nagbigay pasasalamat ay pumunta kung saan sila nakatalaga sa tahanan ng Diyos, at pumunta rin ako kung saan ako nakatalaga kasama ang kalahati ng mga pinuno.
\v 41 At ang mga pari ay pumunta rin kung saan sila nakatalaga: sina Eliakim, Maaseias, Miniamin, Micaias, Elioenai, Zacarias, at Hananias, na may mga trumpeta,
\v 42 sina Maaseias, Semaias, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malquijas, Elam, at Ezer. Ang mga mang-aawit ay umawit kasama si Jezrahias bilang tagapanguna.
\s5
\v 43 At naghandog sila ng maraming mga alay ng araw na iyon, at nagsaya, dahil dinulot ng Diyos na sila ay magdiwang ng may labis na kagalakan. Ang mga babae rin at mga bata ay nagsaya. Kaya ang kagalakan ng Jerusalem ay maririnig mula sa malayo.
\s5
\v 44 Sa araw na iyon ang mga lalaki ay itinalaga na maging tagapangasiwa sa mga silid-imbakan para sa mga kontribusyon, mga unang bunga, at mga ikapu, para ipunin nila ang mga bahagi na hiningi ng kautusan para sa mga pari at para sa mga Levita. Ang bawat isa ay inatasang magtrabaho sa mga bukirin malapit sa mga bayan. Dahil ang mga taga-Juda ay nagsaya para sa mga pari at mga Levita na nakatayo sa harapan nila.
\v 45 Naisagawa nila ang paglilingkod sa kanilang Diyos, at sa gawain ng pagdadalisay, bilang pagpapanatili sa utos ni David at ni Solomon na kaniyang anak, at gayundin ang mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan.
\s5
\v 46 Sa mahabang panahon, sa mga araw ni David at Asaf, ay mayroong mga tagapamahala ng mga mang-aawit, at mayroong mga awiting papuri at pasasalamat sa Diyos.
\v 47 Sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias, lahat ng mga Israelita ay nagbigay ng kanilang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan. Itinabi nila ang bahagi na para sa mga Levita, at ang mga Levita ay itinabi ang bahagi para sa mga kaapu-apuhan ni Aaron.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Nang araw na iyon binasa nila ang Aklat ni Moises na naririnig ng mga tao. Natuklasan nila na nakasulat doon na walang Ammonita o Moabita ang dapat sumali sa kapulungan ng Diyos, magpakailanman.
\v 2 Ito ay dahil hindi sila lumapit sa mga mamamayan ng Israel nang may tinapay at tubig, sa halip binayaran nila si Balaam para sumpain ang Israel. Gayumpaman, ginawa ng ating Diyos na isang pagpapala ang sumpa.
\v 3 Nang narinig nila ang Batas, pinaalis nila mula sa Israel ang bawat dayuhan.
\s5
\v 4 Bago nito, si Eliasib na pari ay itinalaga sa mga imbakan ng tahanan ng ating Diyos. Siya ay kamag-anak ni Tobias.
\v 5 Naghanda si Eliasib ng isang malaking imbakan para kay Tobias, kung saan pinaglalagyan dati ng mga handog na pagkaing butil, ng insenso, mga kagamitan, at ng mga ikapu ng butil, bagong alak, at ng langis, na itinalaga para sa mga Levita, mga mang-aawit, mga tagapagbantay ng tarangkahan, at ang mga ambag para sa mga pari.
\s5
\v 6 Pero wala ako sa Jerusalem nang mga panahong ito. Dahil pumunta ako sa hari ng Babilonia na si Artaxerxes sa kaniyang ika-tatlumpu't dalawang taon. Pagkatapos ng ilang panahon ay humingi ako ng pahintulot sa hari para umalis,
\v 7 at bumalik ako sa Jerusalem. Nabatid ko ang kasamaan na ginawa ni Eliasib sa pagbibigay kay Tobias ng isang imbakan sa patyo ng bahay ng Diyos.
\s5
\v 8 Nagalit ako nang lubos at itinapon ko ang lahat ng mga kagamitan sa bahay ni Tobias palabas ng imbakan.
\v 9 Iniutos ko na gawin nilang dalisay ang mga imbakan, at ibinalik ko sa loob ng mga ito ang mga kagamitan sa tahanan ng Diyos, ang mga handog na pagkaing butil, at ang insenso.
\s5
\v 10 At nalaman ko na ang mga bahaging nakatakda para sa mga Levita ay hindi naibigay sa kanila, kaya naman mabilis nilang nilisan ang templo, ang bawat isa sa kani-kaniyang bukid, tulad din ng ginawa ng mga mang-aawit.
\v 11 Kaya hinarap ko ang mga opisyales at sinabi, "Bakit napabayaan ang bahay ng Diyos?" Tinipon ko sila at inilagay sila sa kanilang mga puwesto.
\s5
\v 12 Pagkatapos, dinala ng buong Juda ang ikapu ng butil, ng bagong alak, at ng langis sa mga imbakan.
\v 13 Itinalaga ko bilang mga tagapag-ingat yaman sa mga kamalig na imbakan si Selemias, ang pari, at si Sadoc, ang eskriba, at mula sa mga Levita, si Pedaias. Sunod sa kanila ay si Hanan na anak ni Zacur na anak ni Matanias, dahil itinuring silang mapagkakatiwalaan. Ang kanilang mga tungkulin ay ang ibigay ang mga panustos sa kanilang mga kasamahan.
\v 14 Alalahanin mo ako, aking Diyos, tungkol dito, at huwag niyo ng burahin ang mga ginawa kong magaganda para sa tahanan ng aking Diyos at ang mga pakinabang nito.
\s5
\v 15 Sa mga araw na iyon nakita ko sa Juda ang mga taong umaapak sa mga pigaan ng ubas sa Araw ng Pamamahinga at nagpapasok ng mga tumpok ng butil at isinasakay ang mga ito sa mga asno, at pati alak, mga ubas, mga igos, at lahat ng uri ng mga mabibigat na pasanin, na dinala nila sa Jerusalem sa Araw ng Pamamahinga. Tinutulan ko sila sa pagtitinda ng pagkain sa araw na iyon.
\s5
\v 16 Ang mga lalaking mula sa Tiro na nakatira sa Jerusalem ay nagdala ng mga isda at lahat ng uri ng mga kalakal, at itininda nila ang mga iyon sa Araw ng Pamamahinga sa mga mamamayan ng Juda at sa lungsod!
\v 17 Kaya hinarap ko ang mga pinuno ng Juda, "Ano itong masamang bagay na inyong ginagawa, nilalapastangan ninyo ang Araw ng Pamamahinga?
\v 18 Hindi ba ito ang ginawa ng inyong mga ama? At hindi ba nagdala ang ating Diyos ng lahat ng kasamaang ito sa atin at sa lungsod na ito? Ngayon nagdadala kayo ng mas higit pang poot sa Israel dahil sa paglalapastangan ng Araw ng Pamamahinga."
\s5
\v 19 Nang dumilim na sa mga tarangkahan ng Jerusalem bago ang Araw ng Pamamahinga, iniutos ko na ang mga pinto ay isara at hindi dapat buksan ang mga ito hanggang sa matapos ang Araw ng Pamamahinga. Inilagay ko ang ilan sa aking mga lingkod sa mga tarangkahan para walang kargada ang maipasok sa Araw ng Pamamahinga.
\v 20 Ang mga mangangalakal at tagapagtinda ng lahat ng uri ng paninda ay nanatili sa labas ng Jerusalem ng isa o dalawang beses.
\s5
\v 21 Pero binalaan ko sila, "Bakit kayo nananatili sa labas ng pader? Kung uulitin niyo iyan, pagbubuhatan ko kayo ng kamay!" Mula nang panahong iyon hindi na sila pumunta sa Araw ng Pamamahinga.
\v 22 At inutusan ko ang mga Levita na gawing dalisay ang kanilang mga sarili, at lumapit at bantayan ang mga tarangkahan, para gawing banal ang Araw ng Pamamahinga. Alalahanin mo rin ako dahil dito, aking Diyos, at kaawaan mo ako dahil sa katapatan ng pangako mo na mayroon ka para sa akin.
\s5
\v 23 Sa mga araw na iyon nakita ko rin ang mga Judio na nag-asawa ng mga babae mula sa Asdod, Ammon, at Moab.
\v 24 Kalahati sa kanilang mga anak ang nakakapagsalita ng wika ng Asdod, pero hindi sila makapagsalita ng wika ng Juda, liban sa isang wika ng ibang mga bansa.
\s5
\v 25 Kaya hinarap ko sila, at isinumpa, at sinaktan ko ang iba sa kanila at sinabunutan ko sila. Pinasumpa ko sila sa Diyos, na nagsasabing, "Hindi niyo dapat ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalaki, o kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, o para sa inyong mga sarili.
\v 26 Hindi ba si Solomon na hari ng Israel ay nagkasala nang dahil sa mga babaeng ito? Sa maraming mga bansa walang haring tulad niya, at siya ay minahal ng kaniyang Diyos. At ginawa siya ng Diyos na hari ng buong Israel. Gayunpaman, ang kaniyang mga dayuhang asawa ang nagtulak sa kaniyang magkasala.
\v 27 Dapat nga ba kaming makinig sa inyo at gawin ang lahat ng malaking kasamaang ito, at kumilos ng may pagtataksil laban sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa ng mga dayuhang babae?"
\s5
\v 28 Isa sa mga anak ni Joiada anak ni Eliasib na punong pari ay manugang na lalaki ni Sanbalat ang Horonita. Kaya, inalis ko siya sa aking presensya.
\v 29 Alalahanin mo ang mga ito, aking Diyos, dahil sa nilapastangan nila ang kaparian, at ang tipan ng kaparian at ang mga Levita.
\s5
\v 30 Kaya nilinis ko sila mula sa lahat ng dayuhan, at itinatag ang mga tungkulin ng mga pari at ng mga Levita, bawat isa sa kani-kanyang mga tungkulin.
\v 31 Naglaan ako para sa handog ng mga kahoy sa itinakdang mga oras at para sa mga unang bunga. Alalahanin niyo ako, aking Diyos, magpakailanman.