tl_ulb/03-LEV.usfm

1665 lines
157 KiB
Plaintext
Raw Normal View History

2018-03-09 15:11:14 +00:00
\id LEV
\ide UTF-8
\h Levitico
\toc1 Levitico
\toc2 Levitico
\toc3 lev
\mt Levitico
\s5
\c 1
\p
\v 1 Tinawag ni Yahweh si Moises at kinausap siya mula sa tolda ng pagpupulong, sinasabing,
\v 2 "Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang tao mula sa inyo ang magdadala ng isang handog kay Yahweh, dalhin bilang inyong handog ang isa sa inyong mga hayop, alinman mula sa pangkat ng mga hayop o mula sa kawan.
\s5
\v 3 Kung ang kaniyang handog ay isang handog na susunugin mula sa pangkat ng mga hayop, dapat niyang ihandog ang isang lalaking hayop na walang dungis. Ihahandog niya ito sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, para maaari itong tanggapin sa harapan ni Yahweh.
\v 4 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin, at pagkatapos tatanggapin ito sa ngalan niya para gawing kabayaran ng kasalanan para sa kanyang sarili.
\s5
\v 5 Pagkatapos dapat niyang patayin ang toro sa harapan ni Yahweh. Ang mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga pari, ihahandog ang dugo at isasaboy ito sa altar na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
\v 6 Pagkatapos dapat niyang balatan ang handog na susunugin at pagpira-pirasuhin ito.
\s5
\v 7 Pagkatapos ilalagay ng mga anak na lalaki ni Aaron na pari ang apoy sa ibabaw ng altar at maglalagay ng kahoy para palakasin ang apoy.
\v 8 Ilalagay ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang mga piraso, ang ulo at ang taba nang maayos sa kahoy na nasa apoy na nasa altar.
\v 9 Pero dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti nito. Pagkatapos susunugin ng pari ang lahat ng bagay sa altar bilang isang handog na susunugin. Magbibigay ito sa akin ng mabangong halimuyak; magiging isang handog ito na ginawa sa akin sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\v 10 Kung mula sa kawan ang kaniyang handog para sa handog na susunugin, isa sa mga tupa o isa sa mga kambing, isang lalaking walang kapintasan ang dapat niyang ihandog.
\v 11 Dapat niya patayin ito sa hilagang dako ng altar sa harapan ni Yahweh. Isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron, na mga pari, ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
\s5
\v 12 Pagkatapos dapat niyang pagpira-pirasuhin ito, kasama ang ulo at ang taba nito, at ilalatag ang mga iyon ng pari sa kahoy na nasa apoy, na nasa altar,
\v 13 subalit dapat niyang hugasan ng tubig ang mga lamang-loob at ang mga binti. Pagkatapos ihahandog ng pari ang kabuuan, at susunugin ito sa altar. Ito ay isang handog na susunugin, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\v 14 Kung ang handog niya kay Yahweh ay isang sinunog na handog na mga ibon, sa gayon dapat niyang dalhin bilang kaniyang handog ang alinman sa isang kalapati o batang ibon.
\v 15 Dapat itong dalhin ng pari sa altar, pilipitin ang ulo nito, at sunugin ito sa altar. Pagkatapos dapat patuluin lahat ng dugo nito sa gilid ng altar.
\s5
\v 16 Dapat niyang alisin ang balun-balunan kasama ang mga laman nito, at itapon ito sa tabi ng altar sa silangang dako, sa lugar para sa mga abo.
\v 17 Dapat niyang biyakin ito hawak ang mga pakpak, pero hindi niya ito dapat hatiin sa dalawang bahagi. Pagkatapos susunugin ito ng pari sa altar, sa kahoy na nasa apoy. Magiging isang handog na susunugin ito, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Kapag magdadala ang sinuman ng isang butil na handog kay Yahweh, dapat pinong harina ang kaniyang handog, at bubuhusan niya ito ng langis at lalagyan ito ng insenso.
\v 2 Dadalhin niya ang handog sa mga anak na lalaki ni Aaron ang mga pari, at doon kukuha ang pari ng isang dakot ng pinong harina kasama ang langis at ang insensong naroon. Pagkatapos susunugin ng pari ang handog sa altar para alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh. Magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
\v 3 Mabibilang kina Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natirang butil na handog. Ganap na inilaan ito kay Yahweh mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\v 4 Kapag naghahandog kayo ng isang butil na handog na walang pampaalsa na hinurno sa isang pugon, dapat malambot na tinapay ito na gawa sa pinong harinang hinaluan ng langis, o matigas na tinapay na walang pampaalsa, na pinahiran ng langis.
\v 5 Kung hinurno ang inyong butil na handog sa isang lapad na kawaling bakal, dapat gawa ito sa pinong harina na walang pampaalsang hinaluan ng langis.
\s5
\v 6 Hahatiin ninyo ito sa pira-piraso at bubuhusan ito ng langis. Isang butil na handog ito.
\v 7 Kung niluto sa isang kawali ang inyong butil na handog, dapat gawa ito sa pinong harina at langis.
\s5
\v 8 Dapat ninyong dalhin kay Yahweh ang butil na handog na ginawa mula sa mga bagay na ito, at idudulog ito sa pari, na siyang magdadala nito sa altar.
\v 9 Pagkatapos kukuha ang pari ng ilan mula sa butil na handog upang alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh, at susunugin niya ito sa altar. Magiging isang handog ito sa pamamagitan ng apoy, at magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh.
\v 10 Mabibilang kina Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natira sa butil na handog. Ganap na inilaan ito kay Yahweh mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\v 11 Walang butil na handog na inyong ihahandog kay Yahweh ang gagawing may pampaalsa, dahil hindi kayo dapat magsunog ng pampaalsa, ni anumang pulot, bilang handog na ginawa kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy.
\v 12 Ihahandog ninyo ang mga ito kay Yahweh bilang isang handog ng unang mga bunga, pero hindi gagamitin ang mga iyon upang magbigay ng mabangong halimuyak sa altar.
\v 13 Dapat ninyong timplahan ng asin ang bawat butil ninyong handog. Hindi ninyo kailanman dapat hayaang mawala ang asin ng kasunduan ng inyong Diyos mula sa inyong butil na handog. Kasama ng lahat ng inyong mga handog dapat maghandog kayo ng asin.
\s5
\v 14 Kung maghahandog kayo kay Yahweh ng unang mga bunga ng isang butil na handog, maghandog ng sariwang butil na sinangag sa apoy at pagkatapos dinurog upang maging pagkain.
\v 15 Pagkatapos dapat ninyong lagyan ito ng langis at insenso. Isang butil na handog ito.
\v 16 Pagkatapos susunugin ng pari ang bahagi ng dinurog na butil at langis at insenso para alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh. Isang handog ito na ginawa kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Kung mag-alay ang isang tao ng isang handog para sa pagtitipon-tipon ng isang hayop mula sa grupo ng mga hayop, maging lalaki o babae, dapat siyang mag-alay ng isang hayop na walang kapintasan sa harapan ni Yahweh.
\v 2 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang handog at papatayin ito sa pintuan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak ni Aaron na lalaki na mga pari ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
\s5
\v 3 Iaalay ng lalaki ang handog kay Yahweh na isang alay para sa pagtitipon-tipon sa pamamagitan ng apoy. Ang tabang bumabalot o nakadikit sa lamang-loob,
\v 4 at ang dalawang bato at ang tabang nasa mga puson, at ang taba ng atay, kasama ang mga bato--aalisin niya ang lahat ng ito.
\v 5 Susunugin iyon ng mga anak ni Aaron na lalaki sa ibabaw ng altar kasama ang handog na susunugin, na naroon sa kahoy na nasa apoy. Magbibigay ito ng mabangong samyo para kay Yahweh; magiging handog ito na gawa para sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
\s5
\v 6 Kapag ang alay na handog ng lalaki sa isang pagtitipon-tipon para kay Yahweh ay mula sa kawan; lalaki o babae, dapat siyang maghandog ng isang alay na walang kapintasan.
\v 7 Kapag maghandog siya ng isang tupa para sa kaniyang alay, pagkatapos dapat niyang ihandog ito sa harapan ni Yahweh.
\v 8 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kaniyang alay at papatayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
\s5
\v 9 Maghahandog ang lalaki ng alay ng mga handog para sa pagtitipon-tipon bilang isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh. Aalisin ang taba, ang buong taba ng buntot hanggang sa gulugod, at ang tabang bumabalot sa lamang-loob at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob,
\v 10 at ang dalawang bato at ang tabang nasa mga ito, na nasa mga puson at ang taba ng atay, kasama ang mga bato-- aalisin niya ang lahat ng ito.
\v 11 At susunugin ng pari ang lahat ng ito sa altar bilang isang pagkaing handog na gawa sa apoy kay Yahweh.
\s5
\v 12 At kung ang handog ng lalaki ay isang kambing, kung gayon ihahandog niya ito sa harapan ni Yahweh.
\v 13 Dapat niyang ipatong ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing at patayin ito sa harapan ng tolda ng pagpupulong. Pagkatapos isasaboy ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo nito sa mga gilid ng altar.
\v 14 Ihahandog ng lalaki ang kaniyang alay kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Aalisin niya ang tabang bumabalot sa lamang-loob, at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob.
\s5
\v 15 Aalisin niya rin ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa mga puson at ang taba ng atay kasama ang mga bato.
\v 16 Susunugin ng pari ang lahat ng iyon bilang isang pagkaing handog na gawa sa pamamagitan ng apoy, para magbigay ng isang mabangong samyo. Pag-aari ni Yahweh ang lahat ng taba.
\v 17 Magiging isang permanenteng batas ito sa lahat ng mga salinlahi ng inyong bayan sa bawat lugar na gagawan ninyo ng inyong bahay, na dapat hindi kayo kakain ng taba o dugo."'
\s5
\c 4
\p
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises, sinasabing,
\v 2 "Sabihin mo sa bayan ng Israel, 'Kapag nagkasala ang sinuman na hindi sinasadyang magkasala, sa paggawa ng alinmang bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal, dapat gawin ang sumusunod.
\v 3 Kung ang punong pari ang siyang nagkasala para magdala ng kasalanan sa mga tao, sa gayon hayaan siyang maghandog para sa kasalanang ginawa niya ng isang batang toro na walang kapintasan kay Yahweh bilang isang handog para sa kasalanan.
\s5
\v 4 Dapat niyang dalhin ang toro sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa harapan ni Yahweh, ipatong ang kaniyang kamay sa ulo nito, at patayin ang toro sa harapan ni Yahweh.
\v 5 Kukuha ang hinirang na pari ng kaunting dugo ng toro at dadalhin ito sa tolda ng pagpupulong.
\s5
\v 6 Isasawsaw ng pari ang kanyang daliri sa dugo at iwiwisik ang kaunti nito ng pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina ng kabanal-banalang lugar.
\v 7 At ilalagay ng pari ang kaunting dugo sa mga sungay ng altar ng mabangong insenso sa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo ng toro sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
\s5
\v 8 Aalisin niya ang lahat ng taba sa torong panghandog para sa kasalanan; ang tabang bumabalot sa mga lamang loob, lahat ng tabang nakadikit sa mga panloob na bahagi,
\v 9 ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na nasa puson, at ang umbok ng atay, kasama ang mga bato— aalisin niya itong lahat.
\v 10 Aalisin niya ang lahat ng ito, gaya ng kaniyang pag-alis nito mula sa torong alay ng handog para sa kapayapaan. Pagkatapos susunugin ng pari ang mga bahaging ito sa altar para sa mga handog na susunugin.
\s5
\v 11 Ang balat ng toro at anumang natirang laman, kasama ang ulo at ang mga binti at ang mga panloob na bahagi at ang dumi nito,
\v 12 ang lahat ng natirang bahagi ng toro—bibitbitin niya ang lahat ng bahaging ito sa labas ng kampo sa isang lugar na nilinis nila para sa akin, kung saan nila binubuhos ang mga abo; susunugin nila ang mga bahaging iyon doon sa kahoy. Dapat nilang sunugin ang mga bahaging iyon kung saan nila binubuhos ang mga abo.
\s5
\v 13 Kung nagkasala ang buong kapulungan ng Israel nang hindi sinasadya, at hindi alam ng kapulungan na nagkasala sila at nakagawa ng anumang mga bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nagkasala sila,
\v 14 pagkatapos, kapag naging hayag ang kasalanang ginawa nila, sa gayon dapat maghandog ang kapulungan ng isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at dalhin ito sa harap ng tolda ng pagpupulong.
\v 15 Ipapatong ng mga nakatatanda ng kapulungan ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro sa harap ni Yahweh, at papatayin ang toro sa harapan ni Yahweh.
\s5
\v 16 Dadalhin ng hinirang na pari ang kaunting dugo ng toro sa tolda ng pagpupulong,
\v 17 at isasawsaw ng pari ang kaniyang daliri sa dugo at iwiwisik ito nang pitong beses sa harapan ni Yahweh, sa harap ng kurtina.
\s5
\v 18 Maglalagay siya ng kaunting dugo sa mga sungay ng altar na nasa harapan ni Yahweh, na nasa tolda ng pagpupulong, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo sa paanan ng altar para sa mga handog na susunugin, na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
\v 19 Aalisin niya ang lahat ng taba mula rito at susunugin ito sa altar.
\s5
\v 20 Ganyan ang dapat niyang gawin sa toro. Gaya ng kaniyang ginawa sa torong handog para sa kasalanan, gayon din ang kaniyang gagawin sa torong ito, at gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa mga tao, at papatawarin sila.
\v 21 Bubuhatin niya ang toro sa labas ng kampo at susunugin ito gaya ng pagsunog niya sa unang toro. Ito ang handog para sa kasalanan para sa kapulungan.
\s5
\v 22 Kapag nagkasala ang isang namumuno nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anuman sa lahat ng mga bagay na inutos ni Yahweh na kanyang Diyos na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
\v 23 pagkatapos kung ipinaalam sa kaniya ang kasalanang kaniyang ginawa, dapat siyang magdala para sa kaniyang alay ng isang kambing, isang lalaking walang kapintasan.
\s5
\v 24 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing at papatayin ito sa lugar kung saan nila pinapatay ang mga handog na susunugin sa harapan ni Yahweh. Isa itong handog para sa kasalanan.
\v 25 Kukunin ng pari ang dugo ng handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang dugo nito sa paanan ng altar ng handog na susunugin.
\s5
\v 26 Susunugin niya ang lahat ng taba sa altar, gaya ng taba ng alay ng mga handog para sa kapayapaan. Gagawa ang pari para sa ikapagpapatawad ng namumuno patungkol sa kaniyang kasalanan, at papatawarin ang namumuno.
\s5
\v 27 Kung nagkasala ang sinuman sa mga karaniwang tao nang hindi sinasadya, sa paggawa ng anumang mga bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nagkasala siya,
\v 28 pagkatapos kung alam niya ang kasalanang nagawa niya, sa gayon magdadala siya ng isang kambing para sa kaniyang alay, isang babaeng walang kapintasan, para sa kasalanang ginawa niya.
\s5
\v 29 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog para sa kasalanan at papatayin ang handog para sa kasalanan sa lugar ng susunuging handog.
\v 30 Kukuha ang pari ng kaunting dugo gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar para sa mga handog na susunugin. Ibubuhos niya ang lahat ng natirang dugo sa paanan ng altar.
\s5
\v 31 Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng pag-alis ng taba mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan. Susunugin ito ng pari sa altar upang magdulot ng isang matamis na samyo para kay Yahweh. Gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa tao, at papatawarin siya.
\s5
\v 32 Kung magdadala ang isang tao ng isang kordero bilang alay niya para sa isang handog sa kasalanan, dadalhin niya ang isang babaeng walang kapintasan.
\v 33 Ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog para sa kasalanan at papatayin ito para sa isang handog sa kasalanan sa lugar kung saan nila pinapatay ang handog na susunugin.
\s5
\v 34 Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa handog para sa kasalanan gamit ang kaniyang daliri at ilalagay ito sa mga sungay ng altar bilang mga handog na susunugin, at ibubuhos niya ang lahat ng dugo nito sa paanan ng altar.
\v 35 Aalisin niya ang lahat ng taba, gaya ng ang taba ng kordero ay inalis mula sa alay ng mga handog para sa kapayapaan, at susunugin ito ng pari sa altar sa ibabaw ng mga handog ni Yahweh na gawa sa apoy. Gagawa ang pari ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya para sa kasalanang ginawa niya, at papatawarin ang tao.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Kung magkasala ang sinuman dahil tumanggi siyang magpatotoo nang nakasaksi siya tungkol sa isang bagay na kung saan kinakailangan niyang magpatotoo, kahit na nakita niya ito o narinig ang tungkol dito, mayroon siyang pananagutan.
\v 2 O kung sinuman ang makakahipo ng anumang bagay na itinalaga ng Diyos bilang marumi, maging patay na katawan ito ng isang marumi na mabangis na hayop o katawan ng anumang mga hayop na patay, o gumagapang na hayop, kahit na hindi sinasadyang mahipo ito ng tao, siya ay marumi at nagkasala.
\s5
\v 3 O kung makakahawak siya ng karumihan ng isang tao, kung anumang karumihang iyon, at kung hindi niya alam ito, sa gayon magkakasala siya kapag nalaman niya ang tungkol dito.
\v 4 O kung sinuman ay sumumpa nang padalus-dalos sa pamamagitan ng kaniyang mga labi upang gumawa ng masama, o gumawa ng mabuti, anumang sumpa ang binitiwan ng isang tao nang padalus-dalos ng may isang panunumpa, kahit na hindi niya alam ito, kapag nalaman niya ang tungkol dito, kung gayon ay magkakasala siya, sa anumang mga bagay na ito.
\s5
\v 5 Kapag nagkasala ang isang tao sa anumang mga bagay na ito, dapat ipagtapat niya ang anumang kasalanan na kaniyang nagawa.
\v 6 Pagkatapos dapat niyang dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan para sa kasalanang nagawa niya, isang babaeng hayop mula sa kawan, alinman sa isang tupa o isang kambing, para sa isang handog para sa kasalanan, at gagawa ang pari para sa ikapapatawad niya ukol sa kaniyang kasalanan.
\s5
\v 7 Kung hindi niya kayang bumili ng isang tupa, kung gayon maaari niyang dalhin kay Yahweh bilang kaniyang handog na pambayad sa kasalanan ang dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, isa para sa handog para sa kasalanan at ang isa para sa isang handog na susunugin.
\v 8 Dapat niyang dalhin ang mga ito sa pari, na ihahandog ang isa para sa isang handog para sa kasalanan—pipilipitin niya ang ulo nito mula sa leeg pero hindi niya tuluyang tatanggalin ito mula sa katawan.
\v 9 Pagkatapos isasaboy niya sa gilid ng altar ang kaunting dugo ng handog pambayad para sa kasalanan, at ibubuhos niya ang natitirang dugo sa pundasyon ng altar. Ito ay isang handog para sa kasalanan.
\s5
\v 10 Pagkatapos dapat niyang ihandog ang pangalawang ibon bilang isang handog na susunugin, gaya ng inilarawan sa mga tagubilin, at gagawa ang pari ng kabayaran ng kasalanan para sa kaniya para sa nagawa niyang kasalanan, at patatawarin ang tao.
\s5
\v 11 Ngunit kung hindi niya kayang bumili ng dalawang kalapati o dalawang batang kalapati, kung gayon dapat dalhin niya bilang kaniyang alay para sa kaniyang kasalanan ang isang ikasampu ng isang epa ng pinong harina para sa handog para sa kasalanan. Hindi niya dapat lagyan ito ng langis o kahit anong insenso, dahil ito ay isang handog para sa kasalanan.
\s5
\v 12 Dapat niya dalhin ito sa pari, at kukuha ang pari ng isang dakot nito para isipin nang may pasasalamat tungkol sa kabutihan ni Yahweh at pagkatapos sunugin ito sa ibabaw ng altar, sa ibabaw ng mga handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ito ay isang handog para sa kasalanan.
\v 13 Gagawa ang pari sa ikapapatawad ng anumang kasalanan na nagawa ng tao, at ang taong iyon ay patatawarin. Magiging pag-aari ng pari ang mga natira mula sa handog, gaya din ng handog na butil."'
\s5
\v 14 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
\v 15 "Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
\v 16 Dapat niya bigyan ng kasiyahan si Yahweh para sa kaniyang nagawang mali kaugnay sa kung ano ang banal, at dapat niya itong dagdagan ng ikalima at ibigay ito sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng kabayaran sa kasalanan para sa kanya kasama ang lalaking tupa na handog na pambayad kasalanan, at patatawarin ang taong iyon.
\s5
\v 17 Kung nagkasala ang isang tao at gumawa ng anumang bagay na iniutos ni Yahweh na hindi dapat gawin, kahit na hindi niya alam ito, nagkasala pa rin siya at dapat niya dalhin ang kaniyang sariling pagkakasala.
\v 18 Dapat niyang dalhin ang isang lalaking tupa na walang kapintasan mula sa kawan, katumbas ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad sa kasalanan sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng pambayad sa kasalanan para sa kanya ukol sa kanyang nagawang kasalanan, na kung saan hindi niya alam, at siya ay papatawarin.
\v 19 Isang handog ito na pambayad sa kasalanan, at tiyak na nagkasala siya sa harap ni Yahweh."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
\v 2 "Kung sinuman ang nagkasala at lumabag sa isang utos laban kay Yahweh, tulad ng sinungaling na pakikitungo sa kaniyang kapwa hinggil sa isang bagay na ipinagkatiwala sa kaniya, o kung nililinlang o ninanakawan niya, o pinahihirapan ang kaniyang kapwa,
\v 3 o nakakita ng isang bagay na nawala ng kaniyang kapwa at nagsinungaling tungkol dito, at nanumpa sa pagsisinungaling, o sa mga bagay na katulad nito na nagkasala ang mga tao,
\v 4 kung gayon, mangyayari na kung nagkasala siya at may kasalanan, na dapat niyang ibalik anuman ang kaniyang kinuha sa pamamagitan ng pagnanakaw o pang-aapi o pagkuha ng kung ano ang ipinagkatiwala sa kaniya o ang nawalang bagay na nakita niya.
\s5
\v 5 O kung nagsinungaling siya tungkol sa anumang bagay, dapat niyang ibalik ito nang buo at dapat dagdagan ng ikalima para bayaran siya na kung kanino ito inutang, sa araw na nakitaan siya na may kasalanan.
\v 6 Pagkatapos dapat niya dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad para sa kasalanan: isang lalaking tupa mula sa kawan na walang dungis na nagkakahalaga ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad para sa kasalanan sa pari.
\v 7 Para sa kaniya ay gagawa ang pari ng isang pambayad para sa kasalanan sa harap ni Yahweh, at patatawarin siya ukol sa anumang kasalanang ginawa niya."
\s5
\v 8 Pagkatapos nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
\v 9 "Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar.
\s5
\v 10 Isusuot ng pari ang kaniyang linong mga damit, at isusuot niya ang kaniyang linong mga damit na panloob. Kukunin niya ang naiwang mga abo pagkatapos na natupok ng apoy ang handog na pambayad para sa kasalanan sa ibabaw ng altar, at ilalagay niya ang mga abo sa gilid ng altar.
\v 11 Huhubarin niya ang kaniyang mga damit at isusuot ang ibang mga damit para dalhin ang mga abo sa labas ng kampo patungo sa isang lugar na malinis.
\s5
\v 12 Pananatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay, at ang pari ay magsusunog ng kahoy sa ibabaw nito tuwing umaga. Aayusin niya ang handog na pambayad para sa kasalanan ayon sa pangangailangan nito, at kaniyang susunugin dito ang taba ng mga handog pangkapayapaan.
\v 13 Dapat patuloy na panatilihing umaapoy ang apoy sa ibabaw ng altar. Hindi ito dapat mamatay.
\s5
\v 14 Ito ang batas ng handog na pagkaing butil. Ihahandog ito ng mga anak na lalaki ni Aaron sa harap ni Yahweh sa harapan ng altar.
\v 15 Kukuha ang pari ng isang dakot ng pinong harina sa handog na pagkaing butil at sa langis at sa insenso na nasa handog na pagkaing butil, at susunugin niya ito sa altar para magpalabas ng isang mabangong samyo para isipin at magpasalamat tungkol sa kabutihan ni Yahweh.
\s5
\v 16 Kakainin ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang anumang natira sa handog. Dapat ito kainin nang walang pampaalsa sa isang banal na lugar. Kakainin nila ito sa patyo ng tolda ng pagpupulong.
\v 17 Hindi ito dapat ihurno nang may pampaalsa. Ibinigay ko ito bilang kanilang bahagi sa aking mga handog na gawa sa pamamagitan ng apoy. Pinakabanal ito, gaya ng handog para sa kasalanan at ng handog na pambayad para sa kasalanan.
\v 18 Para sa lahat na panahong darating sa lahat ng mga salinlahi ng iyong bayan, maaaring makakain nito bilang kaniyang bahagi ang anumang lalaki na nagmumula kay Aaron, kinuha mula sa mga handog kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Magiging banal ang sinumang humipo ng mga ito."'
\s5
\v 19 Kaya muling nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
\v 20 "Ito ang handog ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki, na kanilang ihahandog kay Yahweh sa araw na kung kailan papahiran ng langis ang bawat anak na lalaki: isang ikasampung bahagi ng isang ephah ng pinong harina bilang isang karaniwang handog na pagkaing butil, kalahati nito sa umaga at kalahati nito sa gabi.
\s5
\v 21 Gagawin ito sa isang panghurnong kawali na may langis. Kapag nababad na ito, dadalhin mo ito sa loob. Sa inihurnong pira-piraso ihahandog mo ang handog na pagkaing butil para magpalabas ng mabangong samyo para kay Yahweh.
\v 22 Ang anak na lalaki ng punong pari na siyang magiging bagong punong pari mula sa kaniyang mga anak na lalaki ang siyang mag-aalay nito. Gaya ng iniutos magpakailanman, susunugin ang lahat ng mga ito para kay Yahweh.
\v 23 Lubusang susunugin ng pari ang bawat handog na pagkaing butil. Hindi ito dapat kainin."
\s5
\v 24 Muling nagsalita si Yahweh kay Moises, na nagsasabing,
\v 25 "Kausapin mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, na nagsasabing, 'Ito ang batas ng handog para sa kasalanan: Dapat patayin ang handog para sa kasalanan sa lugar na kung saan pinatay ang handog na susunugin sa harap ni Yahweh. Ito ay pinakabanal.
\v 26 Kakainin ito ng pari na naghandog nito para sa kasalanan. Dapat ito kainin sa isang banal na lugar sa patyo ng tolda ng pagpupulong.
\s5
\v 27 Magiging banal ang anumang makakahawak ng mga karneng ito, at kung naiwisik ang dugo sa anumang damit, dapat ninyong labahan ito, ang bahagi na tinilamsikan, sa isang banal na lugar.
\v 28 Pero dapat basagin ang kaldero na pinakuluan nito. Kung pinakuluan ito sa isang tansong kaldero, dapat kuskusin ito at hugasan sa malinis na tubig.
\s5
\v 29 Maaaring kainin ng sinumang lalaki mula sa mga pari ang ilan sa mga ito dahil ito ay pinakabanal.
\v 30 At walang handog para sa kasalanan ang dapat kainin mula sa kung saan anumang dugo ay dinala sa loob ng tolda ng pagpupulong para makagawa sa ikapapatawad ng kasalanan sa banal na lugar. Dapat itong sunugin.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Ito ang batas ng handog na pambayad para sa kasalanan. Pinakabanal ito.
\v 2 Dapat nila patayin ang handog na pambayad para sa kasalanan sa lugar ng pagpatay dito, at dapat isaboy nila ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
\v 3 Ihahandog ang lahat ng taba nito: ang taba ng buntot, ang taba na nasa panloob na mga bahagi,
\v 4 ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na kasunod sa mga puson, at ang bumalot sa atay, kasama ang mga bato—dapat tanggalin ang lahat ng ito.
\s5
\v 5 Dapat sunugin ng pari ang mga bahagi sa altar bilang isang handog na sinunog sa apoy para kay Yahweh. Ito ang handog na pambayad para sa kasalanan.
\v 6 Bawat lalaki na kabilang sa mga pari ay maaaring kumain ng bahagi ng handog na ito. Dapat kainin ito sa isang banal na lugar dahil pinakabanal ito.
\s5
\v 7 Ang handog para sa kasalanan ay katulad ng handog na pambayad para sa kasalanan. Parehong batas ang ginagamit sa dalawang ito. Nabibilang ang mga ito sa pari na siyang gumawa ng pambayad para sa kasalanan sa kanila.
\v 8 Ang pari na siyang naghahandog ng kanino mang handog na sinunog ay maaaring ilaan para sa kaniyang sarili ang balat ng handog na iyon.
\s5
\v 9 Bawat handog na pagkaing butil na inihurno sa isang hurno, at ang bawat handog na niluto sa isang kawali o sa isang kawaling panghurno ay mabibilang sa pari na siyang naghahandog nito.
\v 10 Bawat handog na pagkaing butil, kahit tuyo o hinaluan ng langis, parehong mabibilang sa lahat ng mga kaapu-apuhan ni Aaron.
\s5
\v 11 Ito ang batas ng alay na handog para sa kapayapaan na ihahandog ng mga tao kay Yahweh.
\v 12 Kung sinuman ang maghahandog nito para magbigay ng mga pasasalamat, kung gayon dapat niya ihandog ito kasama ng isang alay na mga tinapay na ginawa na walang pampaalsa, ngunit hinaluan ng langis, mga tinapay na ginawa na walang pampaalsa, ngunit pinahiran ng langis, at ang mga tinapay na ginawa gamit ang pinong harina na hinaluan ng langis.
\s5
\v 13 Pati rin ang para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat, dapat ihandog niya kasama ang kaniyang handog na para sa kapayapaan ang mga tinapay na niluto na may pampaalsa.
\v 14 Ihahandog niya ang isa sa bawat uri ng mga alay bilang isang handog na idudulog kay Yahweh. Magiging pag-aari ito ng mga pari na siyang nagsaboy ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan sa altar.
\s5
\v 15 Ang taong naghahandog ng isang handog para sa kapayapaan para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat ay dapat kainin ang karne na kanyang handog sa araw ng pag-alay. Wala siyang dapat itira na anuman nito hanggang sa susunod na umaga.
\v 16 Ngunit kung ang alay na kaniyang handog ay para sa layunin ng isang panata, o para sa isang layunin ng pagkukusang-loob na handog, kakainin dapat ang karne sa araw na kaniyang ihahandog ang kanyang alay, pero kung anuman ang natira nito ay maaaring kainin kinabukasan.
\s5
\v 17 Subalit, kung anumang karne ng alay na natira sa ikatlong araw ay dapat sunugin.
\v 18 Kung anuman sa karne ng alay ng tao na handog para sa kapayapaan ay kinain sa ikatlong araw, hindi ito tatanggapin, ni bibigyang pagkilala ang taong naghandog nito. Ito ay magiging isang kasuklam-suklam na bagay, at ang tao na siyang kumain nito ay dadalhin ang pagkakasala ng kaniyang kasalanan.
\s5
\v 19 Anumang karne na madikit sa maruming bagay ay hindi dapat kainin. Dapat itong sunugin. Ganoon din sa natirang karne, sinuman ang malinis ay maaaring kumain nito.
\v 20 Subalit, ang taong marumi na kumain sa anumang karne mula sa alay ng isang handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh—dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.
\s5
\v 21 Kung sinuman ang makahahawak ng anumang bagay na marumi—kahit ang taong walang kalinisan, o hayop na hindi malinis, o alin mang hindi malinis at nakapandidiring bagay, at kung kinain niya ang ilan sa karne na isang alay na handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan."'
\s5
\v 22 Pagkatapos nangusap si Yahweh kay Moises, sinasabing,
\v 23 "Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Hindi kayo dapat kumain ng taba ng isang baka o tupa o kambing.
\v 24 Ang taba ng isang hayop na namatay na hindi naalay, o ang taba ng isang hayop na nilapang mga mababangis na hayop, maaaring gamitin para sa ibang mga layunin, pero tiyak na hindi ninyo dapat kainin ito.
\s5
\v 25 Sinuman ang kumain ng taba ng isang hayop na maaaring ihandog ng mga lalaki bilang isang alay na susunugin sa apoy para kay Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga lahi.
\v 26 Hindi dapat kayo kumain ng anumang dugo sa anuman sa inyong mga bahay, mula man ito sa isang ibon o sa isang hayop.
\v 27 Sinuman ang kumain ng anumang dugo, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan."'
\s5
\v 28 Kaya nangusap si Yahweh kay Moises at sinabi,
\v 29 "Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sino man ang maghandog ng alay ng isang handog para sa kapayapaan para kay Yahweh ay dapat magdala ng bahagi ng kaniyang alay para kay Yahweh.
\v 30 Ang handog para kay Yahweh na susunugin sa apoy, dapat ang kaniyang sariling mga kamay ang magdala nito. Dapat niya dalhin ang taba kasama ang dibdib, para ang dibdib ay maging isang handog na maitaas sa harapan ni Yahweh at idulog sa kaniya.
\s5
\v 31 Dapat sunugin ng pari ang taba sa altar, pero ang dibdib ay ikakaloob kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan.
\v 32 Dapat ibigay ninyo ang kanang hita sa pari bilang isang handog na idinulog mula sa alay ng inyong handog para sa kapayapaan.
\s5
\v 33 Ang pari, isa sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang naghandog ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan at ang taba—magkakaroon siya ng kanang hita bilang kaniyang bahagi sa handog.
\v 34 Dahil kinuha ko ang handog na dibdib at hita na itinaas at idinulog sa akin, at ibinigay ko ang mga ito kay Aaron, ang pinakapunong pari at sa kaniyang mga kaapu-apuhan; patuloy itong magiging kanilang bahagi mula sa mga alay na handog para sa kapayapaan na ginawa ng bayan ng Israel.
\s5
\v 35 Ito ay bahagi para kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan mula sa mga handog para kay Yahweh na sinunog sa apoy, sa araw na iniharap sila ni Moises para maglingkod kay Yahweh sa gawain ng pari.
\v 36 Ito ang mga bahagi na iniutos ni Yahweh na ibigay sa kanila mula sa bayan ng Israel, sa araw na kaniyang hinirang ang mga pari. Patuloy itong magiging kanilang bahagi sa lahat ng mga salinlahi.
\s5
\v 37 Ito ang batas ng sinunog na handog, handog na pagkaing butil, handog para sa kasalanan, handog na pambayad para sa kasalanan, handog na pagpapabanal, at alay na handog para sa kapayapaan,
\v 38 kung saan ibinigay ni Yahweh ang mga utos kay Moises sa Bundok Sinai sa araw na kaniyang iniutusan ang bayan ng Israel na maghandog ng kanilang mga alay kay Yahweh sa ilang g Sinai."'
\s5
\c 8
\p
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises, sinasabing,
\v 2 "Isama mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, ang mga kasuotan at ang langis na pampahid, ang toro para sa mga paghahandog sa kasalanan, ang dalawang lalaking tupa, at ang basket ng tinapay na walang pampaalsa.
\v 3 Tipunin ang lahat ng kapulungan sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong."
\s5
\v 4 Kaya ginawa ni Moises ang ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya, at sama-samang dumating ang kapulungan sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong.
\v 5 Pagkatapos sinabi ni Moises sa kapulungan, "Ito ang ipinag-utos ni Yahweh na dapat gawin."
\s5
\v 6 Dinala ni Moises si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki at hinugasan sila ng tubig.
\v 7 Inilagay niya kay Aaron ang tunika at itinali ang kabitan sa palibot sa kaniyang baywang, binihisan siya ng kasuotan at inilagay ang efod sa kaniya, at pagkatapos itinali niya ang efod sa palibot niya kasama ng kabitan na hinabi nang pino at itinali ito sa kaniya.
\s5
\v 8 Inilagay niya ang baluti sa kaniya, at sa baluti inilagay niya ang Urim at Tummim.
\v 9 Inilapat niya ang turbante sa ibabaw ng kaniyang ulo, at sa ibabaw ng turbante, sa harapan, inilagay niya ang gintong plato, ang banal na korona, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\v 10 Kinuha ni Moises ang pampahid na langis, pinahiran ang tabernakulo at ang lahat ng bagay sa loob nito, at inihandog ang mga ito kay Yahweh.
\v 11 Winisikan niya ng langis ang ibabaw ng altar ng pitong ulit, at pinahiran ang altar at ang lahat nitong kagamitan, at ang panghugas na palanggana at ang patungan nito, para ihandog ang mga ito kay Yahweh.
\s5
\v 12 Binuhusan niya ng kaunting pampahid na langis ang ulo ni Aaron at pinahiran siya para ihandog siya kay Yahweh.
\v 13 Dinala ni Moises ang mga anak na lalaki ni Aaron at binihisan sila ng mga tunika; itinali niya ang mga kabitan sa palibot ng kanilang mga baywang at ibinalot ng lino na damit sa palibot ng kanilang mga ulo, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\v 14 Dinala ni Moises ang torong handog para sa kasalanan, at si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ay ipinatong ang kanilang mga kamay sa ulo ng toro na kanilang dinala para ihandog para sa kasalanan.
\v 15 Pinatay niya ito, at kinuha niya ang dugo at inilagay niya ito sa mga sungay ng altar gamit ang kaniyang daliri, nilinisan ang altar, binuhusan ng dugo ang patungan ng altar, at ibinukod ito para sa Diyos para sa kabayaran ng kasalanan para dito.
\s5
\v 16 Kinuha niya ang lahat ng taba sa laman-loob, ang bumabalot sa atay, at ang dalawang bato at ang kanilang taba, at sinunog ni Moises ang lahat ng ito sa ibabaw ng altar.
\v 17 Pero ang toro, balat nito, karne nito, at dumi nito ay sinunog niya sa labas ng kampo, gaya ng iniutos ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\v 18 Inalay ni Moises ang lalaking tupa para sa handog na susunugin, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ulo ng lalaking tupa.
\v 19 Pinatay niya ito at isinaboy ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
\s5
\v 20 Hiniwa niya ang lalaking tupa nang pira-piraso at sinunog ang ulo at ang mga piraso at ang taba.
\v 21 Hinugasan niya ang laman loob at ang mga binti sa pamamagitan ng tubig, at kaniyang sinunog ang isang buong lalaking tupa sa ibabaw ng altar. Ito ay isang handog na susunugin at naglalabas ng mabangong halimuyak, isang paghahandog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh inutos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\v 22 Pagkatapos iniharap ni Moises ang ibang tupa, ang tupang lalaki ng pagtatalaga, at ipinatong ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng ulo ng lalaking tupa.
\v 23 Pinatay ito ni Aaron at kumuha si Moises ng kaunting dugo nito at inilagay ito sa dulo ng kanang tainga ni Aaron, sa hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa hinlalaki ng kaniyang kanang paa.
\v 24 Dinala niya ang mga anak na lalaki ni Aaron, at inilagay niya ang kaunting dugo sa ibabaw ng dulo ng kanilang kanang tainga, sa hinlalaki ng kanilang kanang kamay, at sa hinlalaki ng kanilang kanang paa. Pagkatapos isinaboy ni Moises ang dugo nito sa bawat gilid ng altar.
\s5
\v 25 Kinuha niya ang taba, ang taba ng buntot, ang lahat ng taba sa mga laman-loob, ang bumabalot sa atay at ang dalawang bato at ang kanang hita.
\v 26 Mula sa basket ng tinapay na walang na walang pampaalsa at isang nilangisan na tinapay at isang barkilyos, at inilagay ang mga ito sa ibabaw ng taba at sa kanang hita.
\v 27 Inilagay niya ang lahat ng ito sa mga kamay ni Aaron at sa mga kamay ng kaniyang mga anak na lalaki, itinaas ang mga ito bilang isang paghahandog sa harapan ni Yahweh.
\s5
\v 28 Kaya kinuha ni Moises ang mga ito mula sa kanilang mga kamay at sinunog ang mga ito sa ibabaw ng altar para sa mga handog na susunugin. Ang mga ito'y isang handog ng pagtatalaga at naglabas ng mabangong halimuyak. Ito ay isang paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh.
\v 29 Kinuha si Moises ang dibdib at itinaas ito bilang isang handog kay Yahweh. Ito ang bahagi ni Moises sa tupang lalaki para sa pantalaga sa pari, ayon sa ipinag-utos ni Yahweh sa kaniya.
\s5
\v 30 Kumuha si Moises ng kaunting pampahid na langis at dugo na nasa ibabaw ng altar; iwinisik niya ang mga ito kay Aaron, sa kaniyang mga damit, sa kaniyang mga anak na lalaki, at sa mga damit ng kaniyang mga anak na lalaki. Sa ganitong paraan inihandog niya si Aaron at ang kaniyang mga damit, at kaniyang mga anak na lalaki at ang kanilang mga damit kay Yahweh.
\s5
\v 31 Kaya sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, "Pakuluan ninyo ang karne sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at doon kainin ito at ang tinapay na nasa basket ng pagtatalaga, ayon sa aking ipinag-utos, na nagsasabing, 'Sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang kakain nito.
\v 32 Kung anuman ang matitira sa karne at sa tinapay dapat mo itong sunugin.
\v 33 At hindidapat kayo lumabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong sa loob ng pitong araw, hanggang sa matapos ninyo ang mga araw ng inyong pagtatalaga. Dahil itatalaga kayo ni Yahweh sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 34 Kung anuman ang nagawa sa araw na ito -Si Yahweh ang nag-utos na gawin para pantubos para sa inyo.
\v 35 Mananatili kayo araw at gabi sa pasukan ng tolda ng pagtitipon sa loob ng pitong araw at susundin ang utos ni Yahweh, para hindi kayo mamatay, dahil ito ang ipinag-utos sa akin.
\v 36 Kaya sinunod ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki ang lahat ng mga bagay na ipinag-utos ni Yahweh sa kanila sa pamamagitan ni Moises.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Sa ikawalong araw tinawag ni Moises si Aaron at kaniyang mga anak na lalaki at ang mga nakatatanda ng Israel.
\v 2 Sinabi niya kay Aaron, "Kumuha ka ng isang guya mula sa kawan para sa handog para sa kasalanan, at isang tupang lalaki na walang dungis para sa handog na susunugin, at ialay ang mga ito sa harap Yahweh.
\s5
\v 3 Dapat makipag-usap ka sa bayan ng Israel at sabihin, 'Kumuha kayo ng isang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang guya at isang tupa, parehong isang taong gulang at walang kapansanan, para sa isang handog na susunugin;
\v 4 kumuha rin ng isang bakang lalaki at isang tupang lalaki para sa mga handog para sa kapayapaan para ialay sa harapan ni Yahweh, at isang handog na pagkaing butil na hinaluan ng langis, dahil sa araw na ito magpapakita sa inyo si Yahweh.' "
\v 5 Kaya dinala nila ang lahat ng iniutos ni Moises sa tolda ng pagpupulong, at lumapit ang buong kapulungan ng Israel at tumayo sa harap ni Yahweh.
\s5
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Moises, "Ito ang iniutos ni Yahweh na inyong gawin, para maihayag sa inyo ang kaniyang kaluwaltian."
\v 7 Sinabi ni Moises kay Aaron, "Lumapit ka sa altar at ialay ang iyong handog para sa kasalanan at handog na susunugin, at gumawa ng kabayaran sa kasalanan para sa iyong sarili at para sa mga tao, at ihandog ang alay para sa mga tao bilang kabayaran ng kasalanan para sa kanila, tulad ng iniutos ni Yahweh."
\s5
\v 8 Kaya lumapit si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kasalanan, na para sa kaniyang sarili.
\v 9 Dinala ng mga lalaking anak ni Aaron ang dugo sa kaniya, at isinawsaw niya ang kaniyang daliri dito at inilagay ito sa mga sungay ng altar; pagkatapos ibinuhos niya ang dugo sa paanan ng altar.
\s5
\v 10 Gayunman, sinunog niya ang taba, ang mga bato, at ang balot ng atay sa ibabaw ng altar bilang isang handog para sa kasalanan, tulad ng iniutos ni Yahweh kay Moises.
\v 11 At sinunog niya ang laman at ang balat sa labas ng kampo.
\s5
\v 12 Pinatay ni Aaron ang handog na susunugin, at ibinigay sa kaniya ng kaniyang mga anak na lalaki ang dugo, na kaniyang iwinisik sa bawat gilid ng altar.
\v 13 Pagkatapos ibinigay nila sa kaniya ang handog na susunugin, piraso bawat piraso, kasama ang ulo, at sinunog niya ang mga ito sa ibabaw ng altar.
\v 14 Hinugasan niya ang mga panloob na bahagi at ang mga binti at sinunog ang mga ito sa ibabaw ng handog na susunugin sa altar.
\s5
\v 15 Idinulog ni Aaron ang alay ng mga tao-isang kambing, pagkatapos kinuha ito bilang alay para sa kanilang kasalanan at pinatay ito; inialay niya ito para sa kasalanan, gaya ng kaniyang ginawa sa unang kambing.
\v 16 Idinulog niya ang handog na susunugin at inihandog ito ayon sa iniutos ni Yahweh.
\v 17 Idinulog niya ang handog na pagkaing butil; pinuno niya ang kaniyang kamay nito at sinunog ito sa ibabaw ng altar, kasama ang pang-umagang handog na susunugin.
\s5
\v 18 Pinatay niya rin ang kapong baka at ang tupang lalaki, ang alay bilang handog para sa kapayapaan, na para sa mga tao. Ibinigay ng mga anak na lalaki ni Aaron ang dugo sa kaniya, na iwinisik niya sa bawat gilid ng altar.
\v 19 Gayunman, ang taba ng toro at ang tupang lalaki, ang taba ng buntot, ang taba na nakabalot sa mga laman loob, ang mga bato, at ang balot sa atay--
\s5
\v 20 inilagay nila ang mga ito sa mga dibdib, at pagkatapos sinunog ni Aaron ang taba sa altar.
\v 21 Itinaas ni Aaron ang mga dibdib at ang kanang hita bilang isang handog sa harapan ni Yahweh at idinulog ang mga ito sa kaniya, tulad ng iniutos ni Moises.
\s5
\v 22 Pagkatapos itinaas ni Aaron ang kaniyang mga kamay sa mga tao at pinagpala sila; pagkatapos bumaba siya mula sa paghahandog ng handog para sa kasalanan, ang handog na susunugin, at ang handog para sa kapayapaan.
\v 23 Pumasok sina Moises at Aaron sa loob ng tolda ng pagpupulong, pagkatapos lumabas ulit at pinagpala ang mga tao, at nagpakita ang kaluwalhatian ni Yahweh sa lahat ng mga tao.
\v 24 Lumabas ang apoy mula kay Yahweh at tinupok ang handog na susunugin at ang taba sa altar. Nang makita ito ng lahat ng mga tao, sumigaw sila at nagpatirapa.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Kumuha ng kani-kaniyang insensaryo sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron, nilagyan ito ng apoy at saka insenso. Pagkatapos naghandog sila ng hindi karapat-dapat na apoy sa harapan ni Yahweh na hindi niya iniutos sa kanila na ihandog.
\v 2 Kaya lumabas ang apoy mula sa harapan ni Yahweh at sila ay nilamon at namatay sa harapan ni Yahweh.
\s5
\v 3 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, "Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ihahayag ko ang aking kabanalan sa sinumang lalapit sa akin. Luluwalhatiin ako sa harapan ng lahat ng mga tao.'" Walang kahit anong sinabi si Aaron.
\v 4 Tinawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga anak na lalaki ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi sa kanilang, "Halikayo rito at dalhin ang inyong mga kapatid palabas ng kampo mula sa tabernakulo."
\s5
\v 5 Kaya lumapit sila at binuhat sila, na suot pa rin ang kanilang pang paring tunika, palabas ng kampo ayon sa iniutos ni Moises.
\v 6 Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, "Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh.
\v 7 Hindi kayo maaaring lumabas mula sa pasukan ng tolda ng pagpupulong o kayo ay mamamatay, dahil ang pambasbas na langis ni Yahweh ay nasa inyo." Kaya sumunod sila ayon sa mga iniutos ni Moises.
\s5
\v 8 Nangusap si Yahweh kay Aaron, sinabing,
\v 9 "Huwag uminom ng alak o matapang na inumin, ikaw, ni ang iyong mga anak na lalaki na natitirang kasama mo, para kapag pumasok ka sa tolda ng pagpupulong hindi kayo mamatay. Ito ay permanenteng batas sa buong salinlahi ng iyong mga mamamayan,
\v 10 para maibukod ang banal sa pangkaraniwan, at ang marumi sa malinis,
\v 11 para maituro mo sa mga mamamayan ng Israel ang lahat ng batas na iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises."
\s5
\v 12 Nakipag-usap si Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar, na kaniyang natitirang mga anak na lalaki, "Kunin ang mga handog na pagkaing butil na natira mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, at kainin ito nang walang pampaalsa sa tabi ng altar, dahil ito ang pinakabanal.
\v 13 Dapat ninyong kainin ito sa isang banal na lugar, dahil ito ay bahaging para sa iyo at bahagi ng iyong mga anak na lalaki sa mga handog para kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, dahil ito ang iniutos sa akin na sabihin sa inyo.
\s5
\v 14 Ang dibdib na itinaas bilang handog at ang hita na idinulog kay Yahweh—ang mga ito ay dapat ninyong kainin sa isang malinis na lugar na katanggap-tanggap sa Diyos. Dapat kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ang mga bahaging iyon, dahil ibinigay ang mga iyon bilang iyong bahagi at bahagi ng iyong mga anak na lalaki mula sa mga alay ng handog sa pagtitipon-tipon ng bayan ng Israel.
\v 15 Ang hita na isang handog na inialay kay Yahweh at ang dibdib na bahagi na itinaas bilang isang handog—dapat nilang dalhin ang mga iyon kasama ng mga handog na taba na ginawa sa pamamagitan ng apoy, para itaas ang mga ito at idulog bilang isang handog kay Yahweh. Magiging sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki na kasama mo ang mga ito bilang isang bahagi magpakailanman ayon sa iniutos ni Yahweh."
\s5
\v 16 Pagkatapos tinanong ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan, at nalaman na ito ay nasunog na. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, ang mga natitirang anak na lalaki ni Aaron; sinabi niya,
\v 17 "Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa lugar ng tabernakulo, yamang ito ang pinakabanal, at ibinigay ito ni Yahweh para maalis ang kasalanan ng buong kapulungan, na maging kabayaran para sa kanilang kasalanan sa kaniyang harapan?
\v 18 Tingnan ninyo, ang dugo nito ay hindi dinala sa loob ng tabernakulo, kaya dapat talagang kinain ninyo ito sa lugar ng tabernakulo, ayon sa iniutos ko."
\s5
\v 19 Pagkatapos sumagot si Aaron kay Moises, "Tingnan mo, ngayon ginawa nila ang kanilang handog para sa kasalanan at handog na susunugin sa harapan ni Yahweh, at ang bagay na ito ay nangyari sa akin ngayon. Kung kinain ko ang handog para sa kasalanan ngayon, magiging kaaya-aya ba ito sa paningin ni Yahweh?"
\v 20 Nang marinig iyon ni Moises, siya ay nasiyahan.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Nagsalita si Yahweh kay Moises at kay Aaron, nagsasabing,
\v 2 "Magsalita kayo sa bayan ng Israel, sabihin ninyo, ' ito ang mga bagay na buhay na maaari ninyong kainin sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.
\s5
\v 3 Maaari ninyong kainin ang alinmang hayop na hati ang kuko at gayundin ang ngumunguya ng pagkain.
\v 4 Gayunman, ang ilang mga hayop maging ang ngumunguya ng pagkain o may hati ang kuko, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, mga hayop tulad ng kamelyo, dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko. Kaya marumi ang kamelyo para sa inyo.
\s5
\v 5 Gayundin ang liebre na nakatira sa batuhan: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi rin ito para sa inyo.
\v 6 At ang kuneho: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi ito para sa inyo.
\v 7 At ang baboy kahit hati ang kuko, hindi ito ngumunguya, kaya marumi ito para sa inyo.
\v 8 Hindi ninyo dapat kainin alinman sa kanilang karne, ni hawakan ang kanilang patay na katawan. Marumi ang mga ito para sa inyo.
\s5
\v 9 Ang mga hayop na nabubuhay sa tubig na maaari ninyong kainin ay iyong may mga palikpik at may mga kaliskis, maging nasa karagatan man o nasa mga ilog.
\v 10 Ngunit lahat ng mga nabubuhay na nilikha na walang mga palikpik at kaliskis na nasa karagatan o mga ilog, kasama ang lahat ng mga gumagalaw na nasa tubig at lahat ng mga nabubuhay na nilikha na nasa tubig—maging kasuklam-suklam ang mga ito para sa inyo.
\s5
\v 11 Dahil ang mga ito ay dapat kasuklaman, hindi ninyo dapat kainin ang kanilang laman; gayundin, dapat kasuklaman ang mga patay na katawan ng mga ito.
\v 12 Anumang mga walang mga palikpik o mga kaliskis na nasa tubig ay dapat ninyong kasuklaman.
\s5
\v 13 Ito ang mga ibong dapat ninyong kasuklaman at hindi dapat kainin: ang agila, ang buwitre.
\v 14 ang halkon, anumang uri ng palkon,
\v 15 bawat uri ng uwak,
\v 16 ang kuwagong may sungay at ang malaking kuwago, ang tagak at ang anumang uri ng lawin.
\s5
\v 17 Dapat din ninyong kasuklaman ang maliit na kuwago at ang malaking kuwago, ang maninisid-isda,
\v 18 ang puting kuwago at kuwagong kamalig, ang ibong ospri,
\v 19 ang tagak, anumang uri ng bakaw, ang ubabila at gayundin ang paniki.
\s5
\v 20 Dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na kulisap na lumalakad gamit ang mga paa.
\v 21 Gayunman maaari ninyong kainin alinman sa lumilipad na mga kulisap na lumalakad din gamit ang paa, kung may mga binti sila sa itaas ang kanilang mga paa, na ginagamit upang tumalon sa lupa.
\v 22 At maaari rin ninyong kainin ang anumang uri ng balang, lukton, kuliglig o tipaklong.
\v 23 Ngunit dapat ninyong kasuklaman ang lahat ng lumilipad na mga kulisap na may apat na paa.
\s5
\v 24 Magiging marumi kayo hanggang sa gabi kung hahawakan ninyo ang patay na katawan ng isa sa mga ito.
\v 25 Dapat labhan ang damit ng sinumang pumulot ng isa sa mga patay na katawan ng mga ito at manatiling marumi hanggang sa gabi.
\s5
\v 26 Marumi para sa inyo ang bawat hayop na hindi ganap na nahati ang kuko o hindi ngumunguya ng pagkain. Magiging marumi ang bawat isa na hahawak sa kanila.
\v 27 Marumi para sa inyo ang anumang naglalakad sa mga pangamot nito sa lahat ng hayop na lumalakad gamit ang lahat na apat na paa. Magiging marumi hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa ganoong patay na katawan.
\v 28 Dapat labhan ang kaniyang mga damit at maging marumi hanggang sa gabi ang sinumang pumulot sa ganoong patay na katawan. Marumi para sa inyo ang mga hayop na ito.
\s5
\v 29 Sa mga hayop na gumagapang sa lupa, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo: ang bubuwit, ang daga, bawat uri ng malalaking butiki,
\v 30 ang tuko, ang bayawak, ang butiki, ang bubuli at ang hunyango.
\s5
\v 31 Sa lahat ng mga hayop na gumagapang, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo. Sinumang humawak sa mga ito kapag namatay, magiging marumi hanggang sa gabi.
\v 32 At kung alinman sa mga ito ang namatay at nahulog sa anumang bagay, magiging marumi ang bagay na iyon, kahit gawa ito sa kahoy, tela, balat o telang magaspang. Anuman ito at anuman ang mga gamit nito, dapat itong ilagay sa tubig; magiging marumi ito hanggang sa gabi. Pagkatapos magiging malinis na ito.
\v 33 Sapagka't bawat palayok na mahulugan ng anumang maruming hayop, magiging marumi anuman ang nasa palayok, at dapat ninyong wasakin ang palayok na iyon.
\s5
\v 34 Lahat ng malinis na pagkain at pinahihintulutang kainin, ngunit kung nabuhusan ng tubig mula sa isang maruming palayok, sa gayon magiging marumi ito. At anumang bagay na maaaring maiinom mula sa bawat palayok ay magiging marumi.
\v 35 Magiging marumi ang lahat ng bagay na mabagsakan ng anumang bahagi ng patay na katawan ng maruming hayop, kahit isang pugon ito o mga lutuang palayok. Dapat itong basagin sa pira-piraso. Marumi ito at dapat maging marumi para sa inyo.
\s5
\v 36 Mananatiling malinis ang Isang bukal o hukay kung saan naiipon ang inuming tubig kung mahulog ang ganoong mga nilalang dito. Ngunit kung sinumang humawak sa patay na katawan ng isang maruming hayop sa tubig, magiging marumi siya.
\v 37 Kung anumang bahagi ng isang maruming patay na katawan ang nahulog sa mga butong itatanim, mananatiling malinis ang mga butong iyon.
\v 38 Ngunit kung nabasa ng tubig ang mga buto at kung anumang bahagi ng isang maruming patay na katawan ang nahulog doon, sa gayon magiging marumi ang mga ito para sa inyo.
\s5
\v 39 Kung mamamatay ang anumang hayop na maaari ninyong kainin, sa gayon ay magiging marumi hanggang sa gabi ang sinumang humawak sa katawan ng patay na hayop.
\v 40 At kung sinuman ang kumain sa katawan ng patay na hayop na iyon ay lalabhan niya ang kaniyang damit at magiging marumi hangggang gabi. At sinumang pumulot sa gayong patay na hayop ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at magiging marumi hanggang sa gabi.
\s5
\v 41 Ang bawat hayop na gumagapang sa lupa ay kasuklaman ninyo, hindi ito dapat kainin.
\v 42 Anumang gumagapang gamit ang kanilang tiyan at anumang lumalakad gamit ang kanilang apat na paa o anumang may maraming paa—ang lahat ng mga hayop na gumagapang sa lupa, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, dahil sila ay kinasusuklaman.
\s5
\v 43 Hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili sa anumang nabubuhay na mga nilalang na gumapang; hindi ninyo dapat gawing marumi ang inyong sarili dahil sa kanila, na dapat kayong gawing marumi sa pamamagitan nila.
\v 44 Dahil ako si Yahweh na inyong Diyos. Samakatuwid ialay ang inyong sarili sa akin at magpakabanal dahil ako ay banal. Hindi ninyo dapat dungisan ang inyong sarili sa anumang uri ng hayop na gumagalaw sa lupa.
\v 45 Dahil ako si Yahweh, na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, para maging inyong Diyos. Samakatuwid dapat kayong maging banal, dahil ako ay banal.
\s5
\v 46 Ito ang batas tungkol sa mga hayop, sa mga ibon, bawat nabubuhay na nilalang na gumagalaw sa mga tubig at ang bawat nilalang na mga gumagapang sa lupa,
\v 47 kung saan gagawa ng pagkakaiba sa pagitan ng marumi at ng malinis, at sa pagitan ng nabubuhay na mga bagay na maaaring kainin at ang nabubuhay na mga bagay na hindi maaaring kainin"
\s5
\c 12
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises,
\v 2 "Kausapin ang mga tao ng Israel, sabihin, 'kung nabuntis ang isang babae at nanganak ng isang batang lalaki, sa gayon siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw, halos katulad ng siya'y marumi noong mga araw ng kaniyang buwanang pagdurugo.
\v 3 Sa ikawalong araw dapat tuliin ang laman na natatakpan ng balat ng isang sanggol na lalaki.
\s5
\v 4 Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina mula sa kaniyang pagdurugo sa loob ng tatlumput-tatlong araw. Dapat hindi siya hahawak ng anumang banal na bagay o pupunta sa loob ng tabernakulo habang hindi tapos ang mga araw ng kaniyang paglilinis.
\v 5 Ngunit kung manganganak siya ng isang sanggol na babae, sa gayon magiging marumi siya sa loob ng dalawang linggo, gaya nang siya ay nasa panahon ng kaniyang pagdurugo. Pagkatapos magpapatuloy ang paglilinis ng ina sa loob ng animnaput-anim na araw.
\s5
\v 6 Kapag natapos ang mga araw ng kanyang paglilinis, para sa isang anak na lalaki o isang anak na babae, dapat siyang magdala ng isang taong gulang na tupa bilang isang handog na susunugin at isang batang batu-bato o kalapati bilang isang handog para sa kasalanan, sa pasukan ng tolda ng pagtitipon, para sa pari.
\s5
\v 7 Pagkatapos ay ihahandog niya ito sa harapan ni Yahweh at gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya at malilinis siya mula sa kaniyang pagdurugo. Ito ay ang batas tungkol sa isang babae na magsisilang sinuman sa dalawa isang lalaki o isang batang babae.
\v 8 Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.' "
\s5
\c 13
\p
\v 1 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at kay Aaron, na nagsasabing,
\v 2 "Kung sinuman ang may pamamaga o galis o maputing batik sa balat ng kanyang katawan, at naging nakakahawa at may isang sakit sa balat ang kanyang katawan, sa ganun kailangan siyang dalhin kay Aaron ang punong pari, o sa isa sa kaniyang mga anak na lalaking mga pari.
\s5
\v 3 Pagkatapos ay susuriin ng pari ang sakit sa balat ng kanyang katawan. Kung ang buhok sa bahaging may sakit ay naging puti, at kung ang sakit ay makikitang malalim kaysa balat lang, sa ganun iyon ay isang nakakahawang sakit. Pagkatapos siyang suriin ng pari, kailangan niyang ipahayag na siya ay marumi.
\v 4 Kung ang maliwanag na batik sa kanyang balat ay puti, at ang itsura nito ay hindi mas malalim kaysa balat, at kung ang buhok sa bahaging may sakit ay hindi maging puti, kung gayon kailangang ilayo ng pari ang may sakit sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 5 Sa ikapitong araw, kailangan siyang suriin ng pari upang makita kung sa palagay niya ay hindi malala ang sakit, at kung ito ay hindi kumalat sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon kailangan siyang ilayo ng pari ng karagdagang pitong araw.
\v 6 Susuriin ulit siya ng pari sa ikapitong araw upang makita kung ang karamdaman ay mas bumuti at hindi kumalat ng mas malawak sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon sasabihin ng pari na siya ay malinis. Ito ay isang pantal. Kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, at pagkatapos siya ay malinis na.
\s5
\v 7 Pero kung ang pantal ay kumalat sa balat pagkatapos niyang ipakita ang kanyang sarili sa pari para sa kanyang paglilinis, kailangan niya muling ipakita ang kanyang sarili sa pari.
\v 8 Susuriin siya ng pari para makita kung ang pantal ay kumalat ng mas malawak sa balat. Kung kumalat ito, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
\s5
\v 9 Kapag ang nakakahawang sakit sa balat ay nasa sinuman, kung gayon ay kailangan siyang dalhin sa pari.
\v 10 Susuriin siya ng pari upang makita kung may puting pamamaga sa balat, kung ang buhok ay naging puti, o kung may hilaw na laman sa pamamaga.
\v 11 Kung naroon iyon, sa gayon ito ay isang malubhang sakit sa balat, at dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Hindi na siya ihihiwalay, dahil siya ay marumi na.
\s5
\v 12 Kung ang sakit ay malawak na ang pagkalat sa balat at natatakpan na ang buong balat ng taong may sakit mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang paa, hangga't nakikita iyon ng pari,
\v 13 kung gayon kailangang suriin siya ng pari upang makita kung ang sakit ay bumalot sa buo niyang katawan. Kapag mayroon nito, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na ang taong may sakit ay malinis. Kung lahat ng ito ay naging puti, kung gayon ay malinis siya.
\v 14 Ngunit kung hilaw na laman ang makita sa kanya, siya ay magiging marumi.
\s5
\v 15 Dapat tingnan ng pari ang hilaw na laman at ipahayag siyang marumi dahil ang hilaw na laman ay marumi. Iyon ay isang nakakahawang sakit.
\v 16 Ngunit kung ang hilaw na laman ay maging puti muli, kung gayon ay dapat pumunta ang tao sa pari.
\v 17 Susuriin siya ng pari para makita kung ang laman ay naging puti. Kung nagkagayon ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay malinis.
\s5
\v 18 Kung ang tao ay may pigsa sa balat at gumaling ito,
\v 19 at sa bahagi ng pigsa ay mayroong puting pamamaga o isang malinaw na batik, namumulang-puti, kung gayon ay kailangan itong ipakita sa pari.
\v 20 Susuriin ito ng pari upang makita kung ito ay mas malalim sa balat, at kung ang buhok doon ay naging puti. Kung gayon, dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit, kapag ito ay namuo sa bahagi kung nasaan ang pigsa.
\s5
\v 21 Ngunit kung sinuri ng pari ito at makita na walang puting buhok dito, at iyon ay wala sa ilalim ng balat kundi kumupas na, sa ganun kailangang ihiwalay siya ng pari sa loob ng pitong araw.
\v 22 Kapag kumalat iyon sa balat, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
\v 23 Ngunit kapag nanatili ang malinaw na batik sa bahagi nito at hindi kumalat, kung gayon ito ay peklat ng pigsa, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis.
\s5
\v 24 Kapag ang balat ay may paso at ang hilaw na laman ng paso ay maging isang namumulang-puti o puting batik,
\v 25 kung ganun susuriin ito ng pari para makita kung ang buhok sa batik na iyon ay naging puti, at kung ito ay nagpapakitang mas malalim kaysa sa balat. Kapag mayroon nito, sa ganun iyon ay nakakahawang sakit. Kumalat na ito palabas sa paso, at dapat ipahayag siya ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
\s5
\v 26 Ngunit kung susuriin iyon ng pari at makitang walang puting buhok sa batik, at iyon ay wala sa ilalim ng balat ngunit kumupas, kung gayon ay dapat siyang ihiwalay ng pari sa loob ng pitong araw.
\v 27 Pagkatapos ay dapat siyang suriin ng pari sa ikapitong araw. Kung iyon ay kumalat ng malawak sa balat, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na siya na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
\v 28 Kung ang batik ay manatili sa bahaging iyon at hindi kumalat sa balat ngunit kumupas, kung gayon ito ay isang pamamaga mula sa paso, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis, dahil hindi ito mas higit sa peklat ng paso.
\s5
\v 29 Kung ang isang lalaki o babae ay may nakakahawang sakit sa ulo o baba,
\v 30 kung gayon kailangang suriin ng pari ang tao para sa isang nakakahawang sakit upang makita kung ito ay nagmimistulang mas malalim kaysa balat, at kung mayroong dilaw, manipis na buhok dito. Kung mayroon, kung gayon kailangan siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang pangangati, isang nakakahawang sakit sa ulo o sa baba.
\s5
\v 31 Kung ang pari ay susuriin ang pangangating sakit at makitang wala ito sa ilalim ng balat, at kung walang itim na buhok doon, kung gayon ang pari ay ihihiwalay ang taong may pangangating sakit sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 32 Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw upang makita kung kumalat ito. Kung walang dilaw na buhok, at kung ang sakit ay lumilitaw na hanggang balat lang ang lalim,
\v 33 kung gayon kailangan siyang ahitan, ngunit ang may sakit na bahagi ay hindi dapat ahitan, at kailangang ihiwalay ng pari ang tao na may pangangating sakit sa loob ng karagdagang pitong araw.
\s5
\v 34 Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw para makita kung ito ay huminto na sa pagkalat sa balat. Kung ito ay lumilitaw na hindi mas malalim kaysa balat, kung gayonn kailangan siyang ipahayag ng pari na malinis. Kailangang labhan ng tao ang kanyang mga damit, at sa gayon siya ay magiging malinis.
\s5
\v 35 Ngunit kung ang pangangating sakit ay kumalat ng malawak sa balat pagkatapos na ang pari ay sabihin na siya ay malinis,
\v 36 kung ganun kailangan siyang suriin ulit ng pari. Kung ang sakit ay kumalat sa balat, ang pari ay hindi na kailangang humanap ng dilaw na buhok. Ang tao ay marumi.
\v 37 Ngunit kung sa tingin ng pari ang pangangating sakit ay huminto sa pagkalat at maitim na buhok ay tumubo sa bahagi, kung gayon ang sakit ay gumaling. Siya ay malinis, at kailangan siyang ipahayag ng pari na malinis.
\s5
\v 38 Kung isang lalaki o isang babae ay mayroong puting mga batik sa balat,
\v 39 kung gayon ay dapat suriin ng pari ang tao para makita kung ang mga batik ay kulay abo, na kung saan isa lamang itong pantal na kumalat mula sa balat. Siya ay malinis.
\s5
\v 40 Kung ang buhok ng isang lalaki ay nalagas mula sa kanyang ulo, siya ay kalbo, ngunit siya ay malinis.
\v 41 At kung ang kanyang buhok ay nalagas mula sa harapang bahagi ng kanyang ulo, at kung ang kanyang noo ay kalbo, siya ay malinis.
\s5
\v 42 Ngunit kung mayroon isang namumulang-puting sugat sa kanyang kalbong ulo o noo, ito ay isang nakakahawang sakit na lumitaw.
\v 43 Kung gayon ay dapat siyang suriin ng pari para makita kung ang pamamaga ng maysakit na bahagi sa kanyang kalbong ulo o noo ay namumulang-puti, kagaya ng itsura ng isang nakakahawang sakit sa balat.
\v 44 Kapag mayroon nito, kung gayon ay mayroon siyang nakakahawang sakit at siya ay marumi. Dapat siguraduhin ng pari na ipahayag na marumi siya dahil sa kanyang sakit sa kanyang ulo.
\s5
\v 45 Ang tao na mayroong nakakahawang sakit ay kailangang magsuot ng mga punit na damit, ang kanyang buhok ay kailangang nakalugay, at dapat niyang takpan ang kanyang mukha hanggang sa kanyang ilong at sumigaw, 'Marumi, marumi.'
\v 46 Sa lahat ng araw na siya ay mayroong nakakahawang sakit siya ay magiging marumi. Dahil siya ay marumi na may isang sakit na maaaring makahawa, siya ay dapat mamuhay ng mag-isa. Dapat siyang mamuhay sa labas ng kampo.
\s5
\v 47 Ang isang kasuotang narumihan ng amag, maging ito ay lana o linong kasuotan,
\v 48 o anumang bagay na lana o sinulsing mula sa lana o lino, o balat o alinmang bagay na gawa sa balat—
\v 49 kung may isang maberde o namumulang dumi sa kasuotan, ang balat, ang hinabi o sinulsing bagay, o anumang bagay na gawa sa balat, kung ganun ito ay isang amag na kumalat; dapat itong ipakita sa pari.
\s5
\v 50 Dapat suriin ng pari ang bagay para sa amag; dapat niyang ihiwalay ang anuman na mayroong amag sa loob ng pitong araw.
\v 51 Dapat niya muling suriin ang amag sa ikapitong araw. Kapag ito ay kumalat sa kasuotan o anumang hinabi o sinulsing gawa sa lana o linong bagay, o balat o alinmang bagay na kung saan balat ang ginagamit, kung gayon ito ay mapanganib na amag, at ang bagay ay marumi.
\v 52 Dapat niyang sunugin ang kasuotan, o anumang bagay na hinabi o sinulsi mula sa lana o linong bagay, o balat o alinmang bagay na gawa sa balat, anuman na kung saan ang mapanganib na amag ay makita, dahil ito ay magdadala ng sakit. Ang bagay ay dapat lubusang sunugin.
\s5
\v 53 Kung sinuri ng pari ang bagay at makita na ang amag ay hindi kumalat sa kasuotan o bagay na hinabi o sinulsi mula sa lana o lino, o balat na mga bagay,
\v 54 kung gayon iuutos niya sa kanila na labahan ang bagay kung saan nakita ang amag, at dapat niya itong ihiwalay sa loob ng karagdagang pitong araw.
\v 55 Pagkatapos ay susuriin ng pari ang bagay na inamag pagkatapos itong malabhan. Kung ang amag ay hindi nagbago ng kulay, kahit na hindi ito kumalat, ito ay marumi. Dapat mong sunugin ang bagay, maging saan ito nahawaan ng amag.
\s5
\v 56 Kung sinuri ng pari ang bagay, at kung ang amag ay kumupas pagkatapos itong malabhan, kung gayon dapat niyang punitin ang nahawahang bahagi mula sa kasuotan o mula sa balat, o mula sa hinabi o sinulsing bagay.
\v 57 Kapag ang amag ay makita parin sa kasuotan, sa hinabi man o sa sinulsing bagay, o sa kahit anong bagay na balat, kumakalat ito. Dapat mong sunugin ang anumang bagay na mayroong amag.
\v 58 Ang kasuotan o anumang bagay na hinabi o sinulsing mula sa lana o linong bagay, o balat o anumang bagay na gawa sa balat—kung lalabhan mo ang bagay at ang amag ay mawala, kung gayon ang bagay ay kailangang malabhan sa ikalawang pagkakataon, at ito ay magiging malinis.
\s5
\v 59 Ito ang batas tungkol sa amag sa isang kasuotan ng lana o lino, o anumang hinabi o sinulsing mula sa lana o linong bagay, o balat o anumang gawa sa balat, para maaari ninyong ipahayag na ito ay malinis o marumi."
\s5
\c 14
\p
\v 1 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises, nagsasabing,
\v 2 "Ito ang magiging batas para sa may sakit na tao sa araw ng kanyang paglilinis. Dapat siyang dalhin sa pari.
\s5
\v 3 Lalabas ang pari sa kampo para suriin ang isang tao para makita kung ang nakakahawang sakit sa balat ay gumaling.
\v 4 Pagkatapos ay iuutos ng pari sa taong lilinisin na dapat kumuha ng dalawang buhay na ibon, kahoy na cedar, matingkad na pulang sinulid, at isopo.
\v 5 Uutusan siya ng pari na patayin ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng tubig-tabang na nasa isang palayok.
\s5
\v 6 Pagkatapos ay kukunin ng pari ang buhay na ibon at ang kahoy na cedar, at ang matingkad na pulang sinulid at ang isopo, at kanyang isasawsaw ang lahat ng mga bagay na ito, kasama ang buhay na ibon, sa dugo ng ibon na pinatay sa ibabaw ng tubig-tabang.
\v 7 Pagkatapos ay iwiwisik ng pari ang tubig na ito nang pitong beses sa taong lilinisin mula sa sakit, at pagkatapos ay ihahayag ng pari na siya ay maging malinis. Pagkatapos ay pakakawalan ng pari ang buhay na ibon sa mga lantad na kabukiran.
\s5
\v 8 Ang taong nilinis ay lalabhan ang kanyang mga damit, aahitin lahat ng kanyang buhok, at paliliguan ang kanyang sarili sa tubig, at pagkatapos siya ay magiging malinis. Pagkatapos ay kailangan niyang pumasaok sa loob ng kampo, pero siya ay titira sa labas ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw.
\v 9 Sa ikapitong araw kailangan niya ring ahitin ang kanyang balbas at mga kilay. Kailangan niyang ahitan ang lahat ng kanyang buhok, at kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig; sa gayon magiging malinis siya.
\s5
\v 10 Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang lalaking tupa na walang kapintasan, isang babaeng tupa na isang taon na walang kapintasan at tatlong ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis.
\v 11 Ang pari na naglinis sa kanya ay patatayuin ang taong lilinisin, kasama ng mga bagay na iyon, sa harap ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
\s5
\v 12 Kukunin ng pari ang isa sa mga lalaking tupa at iaalay ito bilang isang paghahandog sa pagkakasala, kasama ang lalagyan na may langis; itataas niya ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
\v 13 Dapat niyang patayin ang lalaking tupa sa lugar na kung saan nila pinatay ang handog para sa kasalanan at ang mga handog na susunugin, sa lugar ng tabernakulo, sapagkat ang handog para sa kasalanan ay pag-aari ng pari, pati na ang handog para sa kasalanan, dahil ito ay pinakabanal.
\s5
\v 14 Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa alay ng pagkakasala at ilalagay ito sa dulo ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa.
\v 15 Pagkatapos ay kukuha ang pari ng langis mula sa sisidlan na may langis at ibubuhos ito sa palad ng kanyang kaliwang kamay,
\v 16 at isasawsaw ang kanyang kanang daliri sa langis na nasa kanyang kaliwang kamay, at iwiwisik ang kaunting langis gamit ang kanyang daliri ng pitong ulit sa harap ni Yahweh.
\s5
\v 17 Ilalagay ng pari ang natitirang mga langis sa kanyang kamay sa dulo ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa. Kailangan niyang ilagay ang langis na ito sa ibabaw ng dugo na mula sa handog na pambayad ng kasalanan.
\v 18 At sa natitirang langis na nasa kamay ng pari, ilalagay niya ito sa ulo ng tao na lilinisin, at gagawa ang pari ng pambayad kasalanan sa kanya sa harap ni Yahweh.
\s5
\v 19 Pagkatapos ihahandog ng pari ang handog para sa kasalanan at gagawa ng pambayad kasalanan para sa kanya na lilinisin dahil sa kanyang karumihan, at pagkatapos papatayin niya ang handog na susunugin.
\v 20 Pagkatapos ihahandog ng pari ang handog na susunugin at ang handog na pagkaing butil sa altar. Gagawa ang pari ng pambayad kasalanan para sa tao, at pagkatapos magiging malinis siya.
\s5
\v 21 Gayunman, kung ang tao ay mahirap at walang kakayahang makakuha ng mga alay na ito, maaari siyang kumuha ng isang lalaking tupa bilang isang alay sa pagkakasala para itataas at iaalay kay Yahweh upang gawing kabayaran sa kanyang sarili, at isang ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis,
\v 22 kasama ng dalawang kalapati, at dalawang mga batang kalapati, na kaya niyang kunin; ang isang ibon ay maging isang handog para sa kasalanan at ang isa ay isang handog ng susunugin.
\v 23 Sa ikawalong araw kailangan niyang dalhin ang mga ito para sa kanyang paglilinis sa pari, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, sa harap ni Yahweh.
\s5
\v 24 Pagkatapos kukunin ng pari ang tupa para sa pag-aalay ng pagkakasala at sisidlan na may langis, at itataas niya ang mga ito bilang isang handog kay Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
\v 25 Papatayin niya ang tupa para sa handog na pambayad ng kasalanan, at kukuha siya ng kaunting dugo sa pag-aalay ng pagkakasala at ilalagay ito sa dulo ng kanang tainga ng isang lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa.
\s5
\v 26 Pagkatapos magbubuhos ang pari ng kaunting langis sa palad ng kanyang kaliwang kamay,
\v 27 at kanyang iwiwisik gamit ang kanyang kanang kamay ang kaunting langis na nasa kanyang kaliwang kamay ng pitong beses sa harap ni Yahweh.
\s5
\v 28 Pagkatapos maglalagay ang pari ng kaunting langis na nasa kanyang kamay doon sa dulo ng tainga ng isang lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa, parehong mga lugar kung saan niya inilagay ang dugo ng alay ng pagkakasala.
\v 29 Ilalagay niya ang natitirang langis na nasa kanyang kamay sa ulo ng taong lilinisin, para gumawa ng pambayad kasalanan para sa kanya sa harapan ni Yahweh.
\s5
\v 30 Dapat niyang ihandog ang isa sa mga kalapati o mga batu-bato, na nakayang kunin ng tao—
\v 31 isa bilang isang handog para sa kasalanan at ang isa ay bilang isang handog na pambayad ng kasalanan, kasama ng handog na pagkaing butil. Pagkatapos gagawa ng pambayad kasalanan ang pari para sa isang lilinisin sa harap ni Yahweh.
\v 32 Ito ang batas para sa isang tao na kung saan ay mayroong nakakahawang sakit sa balat, siyang hindi makayanan ang mga pamantayan sa paghahandog para sa kanyang paglilinis."
\s5
\v 33 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at kay Aaron, nagsasabing,
\v 34 "Nang nagpunta kayo sa lupain ng Canaan kung saan ibinigay ko sa inyo bilang isang pag-aari, at kung maglalagay ako ng amag na kakalat sa isang bahay sa lupain ng inyong pag-aari,
\v 35 sa gayon ang nagmamay-ari ng bahay ay kailangang pumunta at sabihin sa pari. Dapat niyang sabihin, 'Tila mayroon isang bagay na katulad ng amag sa aking bahay.'
\s5
\v 36 Sa gayon ay iuutos ng pari na lisanin nila ang bahay bago siya pumasok upang makita ang katunayan ng amag, upang walang anumang bagay sa bahay ang magiging marumi. Pagkatapos kailangan pumasok ng pari upang makita ang bahay.
\v 37 Kailangan niyang suriin ang amag upang makita kung ito ay nasa mga pader ng bahay, at upang makita kung ito ay lumalabas na maberde o mamula-mula sa mga lubak sa mga ibabaw ng pader.
\v 38 Kung ang bahay ay mayroong amag, lalabas ng bahay ang pari at sasarhan ang pinto ng bahay sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 39 Pagkatapos babalik uli ang pari sa ikapitong araw at susuriin ito para makita kung kumalat ang amag sa mga dingding ng bahay.
\v 40 Kung mayroon ito, iuutos ng pari na tatanggalin nila ang mga bato na kung saan nakita ang amag at itapon ang mga ito sa isang maruming lugar sa labas ng lungsod.
\s5
\v 41 Iuutos niya na dapat kukuskusin lahat ng mga dingding na nasa loob ng bahay, at kailangan nilang kunin ang nahawaang gamit na kinuskos palabas ng lungsod at itambak ito sa maruming lugar.
\v 42 Kailangan nilang kunin ang ibang mga bato at ilagay ang mga ito sa lugar ng mga bato na tinanggal, at dapat silang gumamit ng bagong luad upang tapalan ang bahay.
\s5
\v 43 Kung bumalik ulit ang amag at kumalat sa bahay na kung saan tinanggal ang mga bato at kinuskos ang mga dingding at pagkatapos muling tinapalan,
\v 44 kung gayon ang pari ay kailangan pumasok at suriin ang bahay upang makita kung ang amag ay kumalat sa bahay. Kung mayroon ito, kung gayon ito ay mapaminsalang amag, at ang bahay ay marumi.
\s5
\v 45 Dapat gibain ang bahay. Ang mga bato, troso, at lahat ng mga panapal ng bahay ay kailangan dalhin palabas ng lungsod papunta sa maruming lugar.
\v 46 Bilang karagdagan, sinumang pupunta sa bahay sa panahong sinarhan ito ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 47 Sinuman ang matutulog sa bahay ay kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, ang sinuman ang kumain sa bahay ay kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit.
\s5
\v 48 Kung papasok ang pari sa bahay upang suriin ito para makita kung ang amag ay kumalat sa bahay matapos tapalan ang bahay, pagkatapos, kung ang amag ay nawala, ihahayag niya na ang bahay ay malinis.
\s5
\v 49 Pagkatapos ang pari ay dapat kumuha ng dalawang ibon upang linisan ang bahay, at kahoy na cedar, at matingkad na pulang sinulid, at isopo.
\v 50 Papatayin niya ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng tubig-tabang sa isang palayok.
\v 51 Kukunin niya ang kahoy na cedar, ang hisopo, ang matingkad na pulang sinulid, at ang buhay na ibon, at isasawsaw ang mga ito sa dugo ng pinatay na ibon, patungo sa tubig-tabang, at wiwisikan ang bahay ng pitong beses.
\s5
\v 52 Lilinisin niya ang bahay sa pamamagitan ng dugo ng ibon at ng tubig-tabang, kasama ng buhay na ibon, kahoy na cedar, ang isopo, at ang matingkad na pulang sinulid.
\v 53 Pero hahayaan niya ang buhay na ibon na lumabas ng lungsod papunta sa mga lantad na bukirin. Sa ganitong paraan kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa bahay, at ito ay magiging malinis.
\s5
\v 54 Ito ang batas sa lahat ng uri ng nakakahawang sakit sa balat at mga bagay na nagdudulot ng ganoong sakit, at para sa isang pangangati,
\v 55 at para sa amag sa damit at sa loob ng isang bahay,
\v 56 para sa pamamaga, para sa isang pantal, at para sa isang makintab na batik,
\v 57 upang malaman kapag alin man sa mga ito ay marumi o kapag ito ay malinis. Ito ang batas para sa mga nakakahawang sakit sa balat at amag."
\s5
\c 15
\p
\v 1 Kinausap ni Yahweh sina Moises at Aaron, sinabing,
\v 2 "Kausapin ang mga mamamayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang lalaki na nagkaroon ng isang likidong may impeksyon na lumabas sa kaniyang katawan, siya ay nagiging marumi.
\v 3 Ang kaniyang karumihan ay dahil sa likidong mayroong impeksyon na ito. Kahit ang kaniyang katawan ay dinadaluyan ng likido, o tumigil na, ito ay marumi.
\s5
\v 4 Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi, at lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi.
\v 5 Sinuman ang humawak sa kaniyang higaan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
\s5
\v 6 Sinuman ang umupo sa anumang bagay na inuupuan ng lalaking dinadaluyan ng likidong mayroong impeksyon, dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 7 At sinumang humawak sa katawan ng isang may tumutulong likidong may impeksyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at maging marumi hanggang gabi.
\s5
\v 8 Kapag ang taong mayroong tumutulong likido ay dumura sa sinumang malinis, kung gayon dapat labhan ng taong iyon ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 9 Alinmang upuan sa likod ng kabayo na sinakyan ng mayroong isang daloy ay magiging marumi.
\s5
\v 10 Ang sinumang humawak sa anumang bagay na napasailalim ng taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi, at sinumang magdala ng mga bagay na iyon ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 11 Ang sinuman na nagkaroon ng ganoong tulo ay humawak na hindi muna niya hinugasan ang kaniyang mga kamay ng tubig, dapat labahan ng taong hinawakan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 12 Anumang palayok na luad na hinawakan ng may tulo na likido ay dapat basagin, at dapat hugasan ng tubig ang bawat sisidlang kahoy.
\s5
\v 13 Kapag siya na nagkatulo ay nilinis na mula sa kaniyang tulo, kung gayon ay dapat siyang bumilang ng pitong araw para sa kaniyang paglilinis; pagkatapos dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng umaagos na tubig. Pagkatapos siya ay magiging malinis.
\v 14 Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batu-batoi at dapat siyang pumunta kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; doon ay dapat niyang ibigay ang mga ibon sa pari.
\v 15 Dapat ihandog ng pari ang mga ito, ang isa bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at ang pari ang dapat gumawa ng pambayad ng kasalanan sa harap ni Yahweh para sa kanyang tulo.
\s5
\v 16 Kung ang similya ng sinumang lalaki ay kusang lumabas mula sa kaniya, sa gayon ay dapat niyang paliguan ang kaniyang buong katawan sa tubig; siya ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 17 Dapat malabhan ng tubig ang bawat kasuotan o balat ng hayop na nagkaroon ng similya; ito ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 18 At kapag ang isang babae at isang lalaki ay nagsiping at nagkaroon ng paglilipat ng similya sa babae, dapat paliguan nila pareho ang kanilang mga sarili ng tubig; sila ay magiging marumi hanggang gabi.
\s5
\v 19 Kapag dinudugo ang isang babae, magpapatuloy ang kaniyang karumihan ng pitong araw, at sinumang gumalaw sa kaniya ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 20 Bawat bagay na kaniyang hinigaan sa loob ng kaniyang kabuwanang dalaw ay magiging marumi; lahat ng bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi din.
\s5
\v 21 Sinumang humawak ng kaniyang higaan ay dapat labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili sa tubig; magiging marumi hanggang gabi ang taong iyon.
\v 22 Sinumang makahawak sa anumang bagay na kanyang inupuan ay dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig; ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
\v 23 Kahit ito ay sa higaan o sa alinmang bagay na kaniyang inupuan, kung hawakan niya ito, ang taong iyon ay magiging marumi hanggang gabi.
\s5
\v 24 Kung sinumang lalaki ang sumiping sa kanya, at kung ang kaniyang maruming daloy ay mapasayad sa kaniya, magiging marumi siya ng pitong araw. Bawat higaan na kaniyang hinigaan ay magiging marumi.
\s5
\v 25 Kung ang isang babae ay nagkaroon ng pagdurugo ng maraming araw na hindi sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw, o kapag siya ay mayroong siyang pagdurugo na lagpas pa sa kaniyang kabuwanang dalaw, sa panahon ng mga araw ng pag-agos ng kaniyang karumihan, siya ay parang nasa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw. Siya ay marumi.
\v 26 Ang bawat higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang pagdurugo ay magiging kagaya ng higaan na kaniyang hinigaan sa panahon ng kaniyang kabuwanang dalaw para sa kaniya, at bawat bagay na kaniyang inupuan ay magiging marumi, tulad ng karumihan ng kaniyang kabuwanang dalaw.
\v 27 At sinumang gumalaw ng alinmang mga bagay na iyon ay magiging marumi; dapat niyang labhan ang kaniyang mga damit at paliguan ang kaniyang sarili ng tubig, at siya ay magiging marumi hanggang gabi.
\s5
\v 28 Pero kung siya ay nalinisan mula sa kaniyang pagdurugo, kung gayon siya ay magbilang ng pitong araw at pagkatapos nito siya ay magiging malinis.
\v 29 Sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang kalapati o dalawang batu-bato at dadalhin ang mga ito sa pari sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
\v 30 Iaalay ng pari ang isang ibon bilang handog para sa kasalanan at ang isa bilang handog na susunugin, at siya ay gagawa ng pambayad para sa kanyang kasalanan sa harap ni Yahweh para sa maruming pag-agos ng dugo.
\s5
\v 31 Ganito dapat kung paano ninyo ihiwalay ang mga taong Israelita mula sa kanilang karumihan, nang sa gayon ay hindi sila mamatay sanhi ng kanilang karumihan, sa pamamagitan ng pagdungis ng aking tabernakulo, kung saan ako nanirahan sa piling nila.
\s5
\v 32 Ito ang mga alituntunin para sa sinumang mayroong tulo ng likido, para sa sinumang lalaki na nilalabasan ng kanyang similya at nagdulot sa kanyang maging marumi,
\v 33 para sa sinumang babaeng mayroong kabuwanang dalaw, para sa sinumang nilalabasan ng likido, kahit pa lalaki o babae, at para sa sinumang lalaki na sumiping sa maruming babae.'"
\s5
\c 16
\p
\v 1 Nakipagusap si Yahweh kay Moises—pagkatapos ito ng kamatayan ng dalawang anak na lalaki ni Aaron, kung saan lumapit sila kay Yahweh at namatay.
\v 2 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Kausapin mo si Aaron na iyong kapatid at sabihin na huwag siyang pumunta kahit anong oras patungo sa loob ng pinakabanal na lugar sa loob ng kurtina, sa harapan ng takip na luklukan ng awa na nasa kaban. Kapag ginawa niya, mamamatay siya, sapagkat magpapakita ako sa ulap sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa.
\s5
\v 3 Kaya ganito dapat pumunta si Aaron sa loob ng pinakabanal na lugar. Dapat siyang pumasok na may isang batang toro bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
\v 4 Dapat siyang magsuot ng banal na linong tunika, at dapat siyang magsuot ng linong mga damit pangloob sa kanyang sarili, at dapat siyang magsuot ng linong sintas sa baywang at linong turbante. Ito ay mga banal na damit. Dapat niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig at damitan ang kanyang sarili ng mga damit na ito.
\v 5 Dapat siyang kumuha mula sa kapulungan ng mga tao ng Israel ng dalawang lalaking kambing bilang isang handog para sa kasalanan at isang lalaking tupa bilang isang handog na susunugin.
\s5
\v 6 Sa gayon ay dapat ipakita ni Aaron ang toro bilang handog para sa kasalanan, kung saan maging para sa kanya, sa pambayad ng kasalanan para sa kanya at sa kaniyang pamilya.
\v 7 Pagkatapos ay dapat niyang kunin ang dalawang kambing at ilagay sila sa harapan ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
\s5
\v 8 Pagkatapos ay dapat magpalabunutan si Aaron para sa dalawang kambing, ang isang mabubunot para kay Yahweh, at ang ibang mabubunot ay para sa hantungan ng sisi.
\v 9 Dapat iharap ni Aaron ang kambing kung saan nahulog ang palabunutan para kay Yahweh, at ihandog ang kambing bilang isang handog para sa kasalanan.
\v 10 Subalit ang kambing na kung saan tumapat ang palabunutan ay dapat dalhing buhay kay Yahweh, upang gawing pambayad sa kasalanan sa pamamagitan ng pagpapadala nito palayo bilang isang hantungan ng sisi patungong ilang.
\s5
\v 11 Kung ganoon dapat iharap ni Aaron ang toro para sa handog para sa kasalanan, na kung alin ay magiging para sa kanyang sarili. Dapat siyang gumawa ng pambayad sa kasalanan para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya, kung gayon dapat niyang patayin ang toro bilang isang handog para sa kasalanan para sa kanyang sarili.
\s5
\v 12 Dapat kumuha si Aaron ng isang sensaryo na puno ng mga uling na may apoy mula sa altar sa harapan ni Yahweh, na puno ng giniling na pinong-pinong mabangong insenso ang mga kamay niya, at dadalhin ang mga bagay na ito sa loob ng kurtina.
\v 13 Dapat niyang ilagay doon ang insenso sa ibabaw ng apoy sa harapan ni Yahweh upang maaaring tumakip ang ulap mula sa insenso sa luklukan ng awa sa ibabaw ng tipan ng mga batas. Dapat niya itong gawin upang hindi siya mamatay.
\s5
\v 14 Pagkatapos dapat siyang kumuha ng konting dugo ng toro at iwisik ito gamit ang kanyang daliri sa harapan ng takip ng luklukan ng awa. Dapat niyang iwisik ang konting dugo gamit ang kanyang daliri ng pitong beses sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
\s5
\v 15 Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa.
\v 16 Dapat gumawa siya ng pambayad kasalanan para sa banal na lugar dahil sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel, at dahil sa kanilang paghihimagsik at lahat ng kanilang mga kasalanan. Dapat din niyang gawin ito para sa tolda ng pagpupulong, kung saan namumuhay si Yahweh sa kanilang kalagitnaan, sa harap ng kanilang maruruming mga gawain.
\s5
\v 17 Walang sinuman ang dapat nasa loob ng tolda ng pagpupulong kapag papasok si Aaron upang gumawa ng pambayad kasalanan sa pinakabanal na lugar, at hanggang sa lumabas siya at matapos ang paggawa ng pambayad kasalanan sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya, at para sa lahat ng kapulungan ng Israel.
\v 18 Dapat siyang lumabas sa altar na nasa harapan ni Yahweh at gawin ang pambayad kasalanan para dito, at dapat siyang kumuha ng kaunting dugo ng toro at kaunting dugo ng kambing at ilagay ito sa mga sungay ng altar sa lahat ng palibot.
\v 19 Dapat niyang wisikan ng kaunting dugo ang ibabaw nito gamit ang kanyang daliri ng pitong beses upang malinisan ito at maialay ito kay Yahweh, palayo mula sa maruming mga gawain ng mga tao ng Israel.
\s5
\v 20 Kapag natapos na niya ang pagbabayad kasalanan para sa pinakabanal na lugar, ang tolda ng pagpupulong, ang altar, dapat niyang ipakita ang buhay na kambing.
\v 21 Kailangang ipatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng buhay na kambing at ipagtapat sa kaniya ang lahat ng kasamaan ng mga tao sa Israel, lahat ng kanilang paghihimagsik, at lahat ng kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay dapat niyang ilagay ang pagkakasalang iyon sa ulo ng kambing at ipadala ang kambing sa pangangalaga ng isang tao na handang akayin ang kambing sa ilang.
\v 22 Dapat dalhing mag-isa ng kambing ang kasalanan ng mga tao patungo sa isang liblib na lugar. Doon sa ilang, dapat pakawalan ng tao ang kambing.
\s5
\v 23 Pagkatapos ay dapat bumalik si Aaron sa tolda ng pagpupulong at hubarin ang linong mga damit na kanyang isinuot bago pumunta sa pinaka banal na lugar, at kailangan niyang iwanan ang mga damit na iyon doon.
\v 24 Kailangan niyang paliguan ang kanyang katawan sa tubig sa isang banal na lugar, at magbihis ng kanyang pangkaraniwang kasuotan; pagkatapos ay kailangan niyang lumabas at ialay ang kanyang handog na susunugin at ang handog na susunugin para sa mga tao, at sa ganitong paraan ay makagawa ng pambayad kasalanan sa kanyang sarili at para sa mga tao.
\s5
\v 25 Dapat niyang sunugin ang taba ng handog ng kasalanan sa altar.
\v 26 Ang lalaking nagpalaya sa kambing na pakakawalan ay kailangang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon, maaari na siyang bumalik sa kampo.
\s5
\v 27 Ang toro para sa handog sa kasalanan at ang kambing para sa handog ng kasalanan, na ang dugo nito ay dinala sa loob para gawing pambayad kasalanan sa banal na lugar, ay dapat dalhin sa labas ng kampo. Doon kailangan nilang sunugin ang kanilang mga balat, laman, at dumi nito.
\v 28 Kailangang labhan ng taong nagsunog ng mga bahaging iyon ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang katawan sa tubig; pagkatapos niyon; maaari na siyang bumalik sa kampo.
\s5
\v 29 Palaging magiging isang tuntunin ito para sa inyo na sa ikapitong buwan, sa ikasampung araw ng buwan, dapat niyong magpakumbaba at walang gagawing trabaho, maski isang katutubo o isang dayuhan na namumuhay sa inyo.
\v 30 Dahil ang araw na ito ang pambayad kasalanan na gagawin para sa inyo, para kayo ay malinisan mula sa lahat ng inyong mga kasalanan nang sa gayon kayo ay maging malinis sa harapan ni Yahweh.
\v 31 Ito ay isang dakilang Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at kailangan ninyong magpakumbaba sa inyong mga sarili at walang gagawing trabaho. Ito ay palaging magiging isang tuntunin sa inyo.
\s5
\v 32 Ang punong pari, ang isang papahiran at itatalagang maging punong pari sa lugar ng kanyang ama, ay kailangang gawin ang pambayad kasalanan nito at isusuot ang linong mga damit, iyon ay, ang banal na mga damit.
\v 33 Kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa pinaka banal na lugar; kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa tolda ng pagpupulong at para sa altar, at kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa mga pari at para sa lahat ng mga tao ng kapulungan.
\s5
\v 34 Ito ay palaging magiging isang tuntunin para sa inyo, para gawing pambayad kasalanan para sa mga tao ng Israel ng dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, isang beses sa bawat taon." At ginawa ito gaya ng utos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
\v 2 Makipag usap kay Aaron at kanyang mga anak na lalaki, at sa lahat ng mamamayan ng Israel. Sabihin sa kanila kung ano ang inutos ni Yahweh:
\v 3 'Ang sinumang tao na mula sa Israel na pumatay ng isang lalaking baka, tupa, o kambing sa loob ng kampo, o sa labas ng kampo, upang ialay ito—
\v 4 kung hindi niya ito dadalhin sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog bilang isang alay para kay Yahweh sa harap ng kanyang tabernakulo, ang taong iyon ay nagkasala na sa pagdanak ng dugo. Pinadanak niya ang dugo, at dapat ng itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
\s5
\v 5 Ang layunin ng kautusang ito ay upang dalhin ng mga mamamayan ng Israel ang kanilang mga alay para kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, upang ialay ng pari bilang handog ng pagtitipon-tipon para kay Yahweh, sa halip na mag handog ng mga alay sa isang lantad na bukid.
\v 6 Isasaboy ng pari ang dugo sa altar ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong; susunugin niya ang taba nito para makagawa ng isang mahalimuyak na amoy para kay Yahweh.
\s5
\v 7 Hindi na dapat maghandog ang mga tao ng kanilang mga alay sa kambing na mga diosdiosan, kung saan kumikilos sila tulad ng mga bayarang babae. Ito ay magiging isang permanenteng batas para sa kanila hanggang sa katapusan ng kanilang salinlahi.'
\s5
\v 8 Dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinumang tao ng Israel, o sinumang dayuhang nakatira sa kanila, na maghahandog ng isang alay na susunugin bilang handog.
\v 9 at hindi ito dinala sa pasukan ng tolda ng pagpupulong upang ihandog ito para kay Yahweh, dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
\s5
\v 10 At sinuman sa Israel, o sinumang dayuhang naninirahan sa kanila, na kumain ng kahit anong dugo, itatalikod ko ang aking mukha laban sa mga taong iyon, sa sinumang kumain ng dugo; ititiwalag ko siya mula sa kanyang bayan.
\v 11 Sapagkat ang buhay ng isang hayop ay nasa dugo nito. Ibinigay ko ang dugo nito sa inyo upang gawing pambayad ng kasalanan sa altar para sa inyong mga buhay, dahil ang dugong ito ang ginagawang pambayad ng kasalanan, sapagkat ang dugo ay pambayad ng kasalanan para sa buhay.
\s5
\v 12 Kaya sinabi ko sa bayan ng Israel na walang sinuman sa inyo ang dapat kumain ng dugo, ni sinumang dayuhan na naninirahan kasama ninyo ang maaaring kumain nito.
\v 13 At sinumang mamamayan ng Israel, o sinumang mga dayuhang naninirahan sa kanila, na nangaso at pumatay ng isang hayop o ibon na maaaring kainin, dapat patuluin ng taong iyon ang dugo nito at takpan ng lupa.
\s5
\v 14 Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Kaya sinabi ko sa bayan ng Israel, "Hindi ninyo dapat kainin ang dugo ng anumang nilalang, sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay ang dugo nito. Dapat na itiwalag ang sinumang kumain nito."
\s5
\v 15 Bawat tao na kumain ng isang patay na hayop o ginutay-gutay ng mga mababangis na hayop, maging ang taong iyon ay katutubo o isang dayuhang naninirahan kasama ninyo, dapat niyang labahan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig, at patuloy siyang marumi hanggang gabi. Pagkatapos nito magiging malinis na siya.
\v 16 Subalit kung hindi niya nilabhan ang kanyang mga damit o pinaliguhan ang kanyang katawan, kung gayon dapat siyang managot sa kanyang kasalanan.' "
\s5
\c 18
\p
\v 1 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
\v 2 "Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\v 3 Hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Ehipto, kung saan dati kayong nanirahan. At hindi ninyo dapat gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao sa Canaan, sa lupain na pagdadalhan ko sa inyo. Huwag ninyong sundin ang kanilang mga kaugalian.
\s5
\v 4 Ang aking mga batas ang dapat ninyong gawin, at ang aking mga kautusan ang dapat ninyong sundin, para lumakad kayo dito, dahil Ako si Yahweh ang inyong Diyos.
\v 5 Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga utos at aking mga batas. Kung susunod ang isang tao sa mga ito, mabubuhay siya dahil sa mga ito. Ako si Yahweh.
\s5
\v 6 Walang sinuman ang dapat na sumiping sa malapit na kamag-anak niya. Ako si Yahweh.
\v 7 Huwag ninyong lapastanganin ang inyong ama sa pagsiping sa inyong ina. Siya ay inyong ina! Hindi ninyo siya dapat lapastanganin.
\v 8 Huwag kayong sumiping sa alinmang mga asawa ng inyong ama; hindi ninyo dapat lapastanganin ang inyong ama tulad nito.
\s5
\v 9 Huwag sumiping sa sinuman sa inyong mga kapatid na babae, maging siya ay anak na babae ng inyong ama o anak na babae ng inyong ina, maging siya ay lumaki sa inyong tahanan o malayo mula sa inyo. Hindi dapat kayo sumiping sa inyong mga kapatid na babae.
\v 10 Huwag kayong sumiping sa anak na babae ng inyong anak na lalaki o sa anak na babae ng inyong anak na babae. Magiging sarili ninyong kahihiyan iyon.
\v 11 Huwag kayong sumiping sa babaeng anak ng asawa ng inyong ama. Siya ay inyong kapatid, at hindi dapat kayo sumiping sa kanya.
\s5
\v 12 Huwag sumiping sa babaeng kapatid ng inyong ama. Siya ay isang malapit na kamag-anak ng inyong ama.
\v 13 Huwag kayong sumiping sa babaeng kapatid ng inyong ina. Siya ay malapit na kamag-anak ng inyong ina.
\v 14 Huwag ninyong alisan ng dangal ang kapatid na lalaki ng inyong ama sa pagsiping sa kanyang asawa. Huwag ninyo siyang lapitan para sa ganoong layunin; siya ay inyong tiyahin.
\s5
\v 15 Huwag kayong sumiping sa inyong manugang na babae. Siya ay asawa ng inyong anak na lalaki; huwag siyang sipingan.
\v 16 Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapatid na lalaki; huwag ninyo siyang lapastanganin sa ganitong paraan.
\s5
\v 17 Huwag kayong sumiping sa isang babae at sa kanyang anak na babae, o sa babaeng anak ng kanyang anak na lalaki o sa babaeng anak ng kanyang anak na babae. Malapit na mga kamag-anak niya ang mga ito, at ang pagsiping sa kanila ay masama.
\v 18 Hindi ninyo dapat pakasalan ang kapatid na babae ng inyong asawa bilang pangalawang asawa at sumiping sa kanya habang buhay pa ang una ninyong asawa.
\s5
\v 19 Huwag kayong sumiping sa isang babae habang siya ay may regla. Siya ay marumi sa panahong iyon.
\v 20 Huwag kayong sumiping sa asawa ng inyong kapit-bahay at dungisan ang inyong sarili sa kanya sa ganitong paraan.
\s5
\v 21 Hindi ninyo dapat ibigay ang sinuman sa inyong mga anak upang idaan sa apoy, upang ialay ninyo sila kay Molec, sapagkat hindi ninyo dapat lapastanganin ang pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
\s5
\v 22 Huwag sumiping sa ibang kalalakihan gaya sa isang babae. Napakasama nito.
\v 23 Huwag kayong sumiping sa alinmang hayop at dungisan ang inyong sarili dahil dito. Walang babae ang dapat na mag-isip na sumiping sa alinmang hayop. Ito ay kabuktutan.
\s5
\v 24 Huwag ninyong dungisan ang inyong mga sarili sa mga paraang ito, sapagkat sa lahat ng mga paraang ito nadungisan ang mga bansa, mga bansang itataboy ko mula sa inyong harapan.
\v 25 Naging marungis ang lupain, kaya pinarusahan ko ang kanilang kasalanan, at isinuka ng lupain ang mga naninirahan dito.
\s5
\v 26 Kaya, dapat kayong sumunod sa aking mga utos at mga batas, at hindi ninyo dapat gawin ang alinman sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito, maging katutubong Israelita o dayuhang naninirahan kasama ninyo.
\v 27 Sapagkat ito ang mga kasamaang ginawa ng mga tao sa lupain, mga dating nanirahan dito bago kayo, at ngayon marungis na ang lupain.
\v 28 Kaya mag-ingat kayo para hindi rin isuka kagaya ng mga taong nauna sa inyo..
\s5
\v 29 Ititiwalag sa kanilang mga tao ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na ito.
\v 30 Kaya dapat ninyong ingatan ang aking kautusan upang hindi makagawa ng alinmang kasuklam-suklam na mga kaugalian na ginawa nila dito bago kayo, upang hindi ninyo madungisan ang inyong mga sarili dahil sa mga iyon. Ako si Yahweh na inyong Diyos."
\s5
\c 19
\p
\v 1 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinabing,
\v 2 "Makipag-usap sa lahat ng kapulungan ng mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kailangan ninyong maging banal, sapagkat ako ay banal, ako si Yahweh na inyong Diyos.
\v 3 Dapat gumalang ang bawat isa sa kanyang ina at kanyang ama, at dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\v 4 Huwag ng bumaling sa mga walang kuwentang diyus-diyosan, ni gumawa ng diyus-diyosan na gawa sa metal para sa inyong sarili. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 5 Kapag kayo ay nag-alay ng handog para sa pagtitipon kay Yahweh, dapat ninyong ihandog ito upang maaari kayong tanggapin.
\v 6 Dapat itong kainin sa mismong araw nang ito ay inihandog, o sa susunod na araw. Kung may matira hanggang sa ikatlong araw, dapat na itong sunugin.
\v 7 Marumi na ito kung kakainin sa ikatlong araw. Hindi na dapat ito maaring tanggapin,
\v 8 ngunit kung sinuman ang kumain nito ay dapat managot sa kanyang kasalanan sapagkat dinungisan niya ang inihandog kay Yahweh. Dapat na itiwalag ang taong iyon mula sa kanyang bayan.
\s5
\v 9 Kapag inani ninyo ang mga pananim sa inyong lupain, hindi ninyo dapat anihin ang lahat ng sulok ng inyong bukirin, ni ipunin ang lahat ng bunga ng inyong ani.
\v 10 Hindi ninyo dapat ipunin ang bawat ubas mula sa inyong ubasan, ni ipunin ang mga ubas na nahulog sa lupa sa inyong ubasan. Dapat ninyong iwan ang mga ito para sa mahihirap at para sa dayuhan. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 11 Huwag magnakaw. Huwag magsinungaling. Huwag linlangin ang bawat isa.
\v 12 Huwag manumpa ng kasinungalingan gamit ang aking pangalan at huwag lapastanganin pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.
\s5
\v 13 Huwag ninyong apihin ang inyong kapit-bahay o pagnakawan sila. Ang bayad ng isang inupahang tagapaglingkod ay hindi dapat manatili sa inyo ng buong gabi hanggang umaga.
\v 14 Huwag isumpa ang bingi o lagyan ng isang harang sa harapan ng bulag. Sa halip, dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
\s5
\v 15 Huwag idulot na ang paghataol ay maging kasinungalingan. Hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman dahil siya ay mahirap, at hindi dapat kayo magpakita ng pagtatangi sa sinuman sapagkat siya ay mahalaga. Sa halip, maghusga ng matuwid sa inyong kapwa.
\v 16 Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh.
\s5
\v 17 Huwag kamuhian ang inyong kapatid sa inyong puso. Dapat ninyong pagsabihan nang tapat ang inyong kapwa upang hindi kayo magkasala dahil sa kanya.
\v 18 Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh.
\s5
\v 19 Dapat ninyong ingatan ang aking mga utos. Huwag subukang palahian ang inyong mga hayop ng iba't ibang uri ng mga hayop. Huwag ihalo ang dalawang magkaibang uri ng buto kapag nagtatanim sa inyong kabukiran. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang uri ng materyal na magkasama.
\s5
\v 20 Ang sinumang sumiping sa isang aliping babae na nakapangako ng ikasal sa isang lalaki, subalit hindi pa natubos o naibigay ang kanyang kalayaan, sila ay dapat maparusahan. Hindi dapat sila ipapatay sapagkat hindi siya malaya.
\v 21 Dapat dalhin ng lalaking iyon ang kanyang handog na pambayad ng kasalanan kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagtitipon—isang lalaking tupa bilang isang alay na pambayad ng kasalanan.
\v 22 Pagkatapos gagawa ng pambayad ng kasalanan ang pari para sa kanya sa papamagitan ng lalaking tupa sa harapan ni Yahweh, para sa kasalanan na nagawa niya. Pagkatapos mapapatawad ang kasalanan na kanyang nagawa.
\s5
\v 23 Kapag pumunta kayo sa lupain at magtanim ng lahat ng uri ng mga puno para makain, kung gayon dapat ninyong ituring ang bunga na kanilang nakuha bilang pinagbabawal na kainin. Dapat ipagbawal ang bunga sa inyo ng tatlong taon. Hindi dapat itong kainin.
\v 24 Subalit sa ikaapat na taon lahat ng bunga ay magiging banal, na isang papuring handog kay Yahweh.
\v 25 Sa ikalimang taon maaari na ninyong kainin ang bunga, kinakailangang maghintay upang higit pang magbunga ang puno. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 26 Huwag kumain ng anumang karne na may dugo pa nito. Huwag yayong sumangguni sa mga espiritu tungkol sa hinaharap, at huwag kayong maghangad na makontrol ang iba sa pamamagitan ng mga kahima-himalang kapangyarihan.
\v 27 Huwag sumunod sa mga gawain ng pagano tulad ng pag-ahit sa kanilang magkabilaang ulo o pagputol sa kanilang gilid mula sa kanilang balbas.
\v 28 Huwag ninyong sugatan ang inyong katawan para sa patay o maglagay ng tatu sa inyong katawan. Ako si Yahweh.
\s5
\v 29 Huwag ninyong idulot sa kahihiyan ang inyong anak na babae para maging babaeng bayaran, o babagsak sa prostitusyon ang bansa ay mapupuno ng kasamaan.
\v 30 Dapat ninyong panatiliin ang araw ng aking pamamahinga at igalang ang santuwaryo ng aking tabernakulo. Ako si Yahweh.
\s5
\v 31 Huwag bumaling sa mga nakikipag usap sa mga patay o sa mga espiritu. Huwag hanapin ang mga ito, o dudungisan lang nila kayo. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 32 Dapat kayong tumayo sa harapan ng taong may puting buhok at igalang ang presensiya ng isang matandang tao. Dapat ninyong katakutan ang inyong Diyos. Ako si Yahweh.
\s5
\v 33 Kung naninirahan ang isang dayuhan sa inyong lupain, huwag dapat kayong gumawa ng anumang mali sa kanya.
\v 34 Ang naninirahang dayuhan sa inyo ay dapat maging tulad ninyong katutubong Israelita na kasama ninyong naninirahan, at dapat ninyo siyang mahalin tulad ng inyong sarili, sapagkat naging mga dayuhan kayo sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh na inyong Diyos.
\s5
\v 35 Huwag gumamit ng mga maling sukatan kapag nagsusukat ng haba, bigat, o dami.
\v 36 Dapat gumamit lamang kayo ng mga tamang timbangan, mga tamang pabigat, isang tamang epa, at isang tamang hin. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.
\v 37 Dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga kautusan at lahat ng aking mga batas, at gawin ang mga ito. Ako si Yahweh.""
\s5
\c 20
\p
\v 1 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises, na sinasabing,
\v 2 "Sabihin sa bayan ng Israel, 'Sinuman sa mga mamamayan ng Israel, o sinumang dayuhan na namumuhay sa Israel na magbigay ng sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, ay tiyak na papatayin. Dapat siyang batuhin ng mga tao sa lupain gamit ang mga bato.
\s5
\v 3 Haharap din ako laban sa taong iyon at tatanggalin siya mula sa kanyang mga tao dahil ibinigay niya ang kanyang anak kay Molec, upang dungisan ang aking banal na lugar at lapastanganin ang aking banal na pangalan.
\v 4 Kung ipipikit ng mga tao sa lupain ang kanilang mga mata sa lalaking iyon kapag ibinigay ang sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, kung hindi nila pinatay,
\v 5 sa gayon ako mismo ang haharap laban sa taong iyon at sa kanyang angkan, at tatanggalin ko siya at bawat isa pang gagamitin sa masama ang kanyang sarili para gumanap bilang isang babaeng bayaran kay Molec.
\s5
\v 6 Ang isang taong pumupunta sa mga nakikipag-usap sa patay, o sa mga nakikipag-usap sa mga espiritu para isama ang kanilang sarili ssa kanila, haharap ako laban sa taong iyon; tatanggalin ko siya mula sa kanyang bayan.
\v 7 Kaya ialay ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh at maging banal, dahil ako si Yahweh ang inyong Diyos.
\s5
\v 8 Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at isagawa ang mga ito. Ako si Yahweh, na siyang nagtatalaga sa inyo para sa aking sarili.
\v 9 Ang lahat na sumusumpa sa kanyang ama o sa kanyang ina ay tiyak na papatayin. Isinumpa niya ang kanyang ama o ang kanyang ina, kaya siya ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
\s5
\v 10 Ang taong gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng ibang lalaki, iyon ay, sinumang gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng kanyang kapitbahay—ang nakikiapid na lalaki at ang nakikiapid na babae ay tiyak na kapwa papatayin.
\v 11 Ang lalaking sumisiping sa asawa ng kanyang ama para makipagtalik sa kanya ay nagdulot ng kahihiyan sa kanyang sariling ama. Kapwa ang anak na lalaki at ang asawa ng kanyang ama ay tiyak na papatayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
\v 12 Kung sipingan ng isang lalaki ang kanyang manugang na babae, tiyak na kapwa silang dapat patayin. Nakagawa sila ng kabuktutan. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
\s5
\v 13 Kapag sumiping ang isang lalaki sa kapwa lalaki, tulad ng sa isang babae, pareho silang nakagawa ng kasuklam-suklam na bagay. Tiyak na dapat silang patayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
\v 14 Kung pakasalan ng isang lalaki ang isang babae at pakasalan din ang kanyang ina, ito ay kasamaan. Dapat silang sunugin, kapwa siya at ang mga babae, upang hindi magkaroon ng kasamaan sa inyo.
\s5
\v 15 Kung sumiping ang isang lalaki sa isang hayop, tiyak na dapat siyang patayin, at dapat ninyong patayin ang hayop.
\v 16 Kung lumapit ang isang babae sa anumang hayop para sipingan ito, dapat ninyong patayin ang babae at ang hayop. Tiyak na dapat silang patayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
\s5
\v 17 Kung sumiping ang isang lalaki sa kanyang kapatid na babae, alinman sa anak na babae ng kanyang ama o alinman sa anak na babae ng kanyang ina—kung sumiping siya sa babae at ang babae sa kanya, ito ay isang kahiya-hiyang bagay. Dapat silang alisin mula sa presensiya ng kanyang mga tao, dahil sumiping siya sa kanyang kapatid na babae. Dapat niyang dalhin ang kanyang kasalanan.
\v 18 Kung sipingan ng isang lalaki ang isang babae sa panahon ng kanyang pagreregla at nakipagtalik sa kaniya, binuksan niya ang agusan ng kanyang dugo, ang pinagmumulan ng kanyang dugo. Kapwa ang lalaki at babae ay dapat alisin mula sa kanilang bayan.
\s5
\v 19 Hindi ninyo dapat sipingan ang kapatid na babae ng inyong ina, ni kapatid na babae ng inyong ama, dahil ipapahiya ninyo ang inyong malapit na kamag-anak. Dapat ninyong dalhin ang sarili ninyong kasalanan.
\v 20 Kung sipingan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang tiyuhin, ipinahiya niya ang kanyang tiyuhin. Dapat nilang dalhin ang sarili nilang kasalanan at mamatay ng walang anak.
\v 21 Kung pakasalan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang kapatid na lalaki, ito ay kalaswaan dahil nagkaroon siya ng kaugnayang lumalabag sa kasal ng kanyang kapatid na lalaki, at hindi sila magkakaanak.
\s5
\v 22 Kaya dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga batas at lahat ng aking mga utos; dapat ninyong sundin ang mga ito sa gayon hindi kayo isusuka ng lupain kung saan ko kayo dadalhin para manirahan.
\v 23 Hindi kayo dapat mamuhay sa mga kaugalian ng mga bansang itataboy ko sa harapan ninyo, dahil ginawa nila ang lahat ng mga bagay na ito, at kinamumuhian ko ang mga ito.
\s5
\v 24 Sinabi ko sa inyo, "Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
\v 25 Kaya dapat ninyong kilalanin ang kaibahan ng malinis na mga hayop at ng marumi, at kaibahan ng maruming mga ibon at ang malinis. Huwag dapat ninyong dungisan ang inyong mga sarili ng mga maruming hayop o mga ibon o anumang nilikhang gumagapang sa lupa, na inihiwalay ko bilang marumi mula sa inyo.
\s5
\v 26 Kayo ay dapat maging banal, dahil Ako, si Yahweh, ay banal, at ibinukod ko kayo mula sa ibang mga tao, dahil kayo ay aking pag-aari.
\s5
\v 27 Tiyak na dapat patayin ang isang lalaki o isang babaeng nakikipag-usap sa patay o nakikipag-usap sa mga espiritu. Dapat silang batuhin ng mga tao gamit ang mga bato. Sila ay nagkasala at nararapat mamatay."'
\s5
\c 21
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises: "Nagsalita sa mga pari, ang mga anak na lalaki ni Aaron, at kanilang sinabi, 'Walang isa sa inyo ang gagawing hindi malinis ang kaniyang sarili para sa mga namatay sa kaniyang mga tao,
\v 2 maliban para sa isang malapit na kamag-anak—para sa kaniyang ina at ama, para sa kaniyang anak na lalaki at babae, o para sa kaniyang kapatid
\v 3 o para sa isang birheng kapatid na babae na nasa kaniyang bahay at walang asawa. Para sa kaniya maari niyang gawing hindi malinis ang kaniyang sarili.
\s5
\v 4 Ngunit hindi niya dapat gawing hindi malinis ang kanyang sarili dahil sa ibang kamag-anak, upang dungisan ang kanyang sarili.
\v 5 Hindi dapat mag-ahit ang mga pari ng kanilang mga ulo o ahitin ang mga gilid ng kanilang balbas, o sugatan ang kanilang katawan.
\v 6 Dapat silang ibukod para sa kanilang Diyos, at hindi ipahiya ang pangalan ng kanilang Diyos, dahil ang mga pari ang naghahandog ng mga alay kay Yahweh sa pamamagitan ng apoy, ang "pagkain" ng kanilang Diyos. Kaya dapat silang ibukod.
\s5
\v 7 Hindi sila dapat mag-asawa ng sinumang babaeng bayaran at nadungisan, at hindi sila dapat mag-asawa ng isang babaeng hiwalay mula sa kaniyang asawa, sapagkat ibinukod sila para sa kanilang Diyos.
\v 8 Dapat mo siyang ihandog sapagkat nag-aalay siya ng "pagkain" mula sa inyong Diyos. Dapat siyang maging banal sa iyong paningin, dahil Ako, si Yahweh, na siyang naghandog sa inyo sa aking sarili, ay banal din.
\v 9 Sinumang anak na babae ng pari ang dudungis sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging isang babaeng bayaran ay ipinapahiya ang kaniyang ama. Dapat siyang sunugin.
\s5
\v 10 Siya na punong pari sa kanyang mga kapatid na lalaki, kung kaninong ulo ibinuhos ang panghirang na langis, at ginawang banal upang magsuot ng mga natatanging kasuotan ng punong pari, ay hindi dapat guluhin ang kanyang buhok o punitin ang kanyang mga damit.
\v 11 Hindi siya dapat pumunta kahit saan na mayroong isang patay na katawan at dungisan ang kanyang sarili, kahit para sa kanyang ama o sa kanyang ina.
\v 12 Hindi dapat iiwan ng punong pari ang dako ng santuwaryo ng tabernakulo o lapastanganin ang santuwaryo ng kaniyang Diyos, dahil ginawa siyang banal bilang punong pari sa pamamagitan ng panghirang na langis ng kanyang Diyos. Ako si Yahweh.
\s5
\v 13 Dapat mag-asawa ang punong pari ng isang birhen bilang kanyang asawa.
\v 14 Hindi siya dapat mag-asawa ng isang balo, isang babaeng hiwalay sa asawa, o isang babaeng bayaran. Hindi siya dapat mag-asawa ng ganitong mga uri ng babae. Maaari lang siyang mag-asawa ng isang birhen mula sa kaniyang sariling lahi.
\v 15 Dapat niyang sundin ang mga patakarang ito, upang hindi niya madungisan ang kaniyang mga anak sa kaniyang lahi, sapagkat Ako si Yahweh, na naghandog sa kaniya para sa aking sarili.'''
\s5
\v 16 Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
\v 17 "sabihin kay Aaron at sabihin niya, 'Sinuman sa iyong mga kaapu-apuhan hanggang sa buong salinlahi nila ang may kapansanan sa katawan, hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.
\s5
\v 18 Hindi dapat lumapit kay Yahweh ang sinumang taong may kapansanan sa katawan, gaya ng isang taong bulag, isang taong pilay, isa na ang anyo ay nasira o pumangit,
\v 19 isang taong pilay ang kamay o paa,
\v 20 kuba o taong unano, o isang taong may kapansanan sa kanyang mga mata, o may isang sakit, pamamaga, galis, o napinsala ang mga pribadong bahagi.
\v 21 Walang tao sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na pari na may kapansanan ang katawan na maaaring lumapit upang magsagawa ng mga paghahandog sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ang isang taong iyon ay may kapansanan sa katawan; hindi siya dapat lumapit upang ihandog ang 'pagkain' ng kanyang Diyos.
\s5
\v 22 Maaari niyang kainin ang pagkain ng kanyang Diyos, maging ang ilan sa mga kabanalbanalan o ilan sa banal.
\v 23 Gayunman, hindi siya dapat pumasok sa loob ng kurtina o lumapit sa altar, dahil siya ay may kapansanan sa katawan, upang hindi niya madungisan ang aking banal na lugar, dahil ako si Yahweh, ang siyang naghandog sa kanila para sa aking sarili.'''
\v 24 Kaya sinabi ni Moises ang mga salitang ito kay Aaron, sa kanyang mga anak na lalaki, at sa lahat ng mga tao ng Israel.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
\v 2 "Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, pagsabihan silang lumayo mula sa mga bagay na banal ng mga tao ng Israel, na inihahandog nila sa akin. Hindi nila dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan. Ako si Yahweh.
\v 3 Sabihin sa kanila, 'Sinuman sa inyong mga kaapu-apuhan sa buong angkan ng inyong mga tao na marumi kapag lumapit siya sa mga banal na bagay na inihandog ng mga tao ng Israel kay Yahweh, dapat ihiwalay ang taong iyon mula sa harap ko. Ako si Yahweh.
\s5
\v 4 Wala sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na may nakakahawang sakit sa balat, o isang impeksiyong dumadaloy mula sa kaniyang katawan, ang maaaring kumain ng alinman sa mga alay na ginawa para kay Yahweh hanggang siya ay malinis. Sinuman ang hahawak sa anumang bagay na marumi sa pamamagitan ng paghawak sa patay, o sa pamamagitan ng paghawak sa isang lalaking may daloy ng semilya,
\v 5 o sinumang hahawak ng anumang hayop na gumagapang na nagpaparumi sa kaniya, o sinumang tao na nagpaparumi sa kanya, maging anumang uri ng karumihang ito—
\v 6 pagkatapos ang pari na hahawak sa anumang marumi ay magiging marumi hanggang gabi. Hindi siya dapat kumain ng anumang mga banal na bagay, maliban lang kung pinaliguan niya ang kanyang katawan sa tubig.
\s5
\v 7 Kapag lumubog na ang araw, magiging malinis siya. Maaari siyang kumain mula sa banal na mga bagay pagkatapos ng paglubog ng araw, dahil ang mga ito ay kaniyang pagkain.
\v 8 Hindi siya dapat kumain ng anumang bagay na natagpuang patay o pinatay ng mga mababangis na hayop, kung saan madudungisan niya ang kanyang sarili. Ako si Yahweh.
\v 9 Dapat sumunod ang mga pari sa mga tagubilin ko, o magkakasala sila at maaaring mamatay dahil sa paglapastangan sa akin. Ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.
\s5
\v 10 Walang sinumang hindi kapamilya ng pari, maging ang mga bisita ng isang pari o kaniyang mga inupahang tagapaglingkod ang maaaring kumain ng anumang bagay na banal.
\v 11 Ngunit kung bumili ang isang pari ng alipin sa kaniyang sariling pera, maaaring kumain ang aliping iyan mula sa mga bagay na inihiwalay para kay Yahweh. At ang mga miyembro sa pamilya ng pari at mga aliping ipinanganak sa kaniyang bahay, maaari din silang kumain kasama niya mula sa mga bagay na iyon.
\s5
\v 12 Kung ikinasal sa isang hindi pari ang anak na babae ng isang pari, hindi siya maaaring kumain ng anumang banal na ambag na mga handog.
\v 13 Ngunit kung isang balo ang anak na babae ng pari, o hiwalay, at kung wala siyang anak, at kung babalik siya upang manirahan sa bahay ng kanyang ama gaya noong kanyang kabataan, maaari siyang kumain mula sa pagkain ng kanyang ama. Ngunit walang sinumang hindi pamilya ng pari ang maaaring kumain mula sa pagkain ng pari.
\s5
\v 14 Kung kumain ang isang tao ng isang banal na pagkain na hindi ito nalalaman, dapat niyang bayaran ang pari para rito; dapat niyang dagdagan ng ikalimang bahagi ito at ibalik ito sa pari.
\v 15 Hindi dapat bastusin ng mga tao ng Israel ang mga bagay na banal na itinaas at inihandog kay Yahweh,
\v 16 at idudulot ang kanilang sarili upang dalhin ang kasalanang gagawin silang may sala sa pagkain ng banal na pagkain, dahil ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili."'
\s5
\v 17 Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
\v 18 "Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng mga tao ng Israel. Sabihin sa kanila, 'Sinumang Israelita, o isang banyaga na naninirahan sa Israel, kapag maghahandog sila ng isang alay— kahit na ito ay para tuparin ang isang panata o kahit na ito ay isang kusang handog, o maghahandog sila kay Yahweh ng isang handog na susunugin,
\v 19 kung ito ay tatanggapin, dapat silang maghandog ng isang lalaking hayop na walang kapintasan mula sa baka, tupa, o mga kambing.
\s5
\v 20 Pero hindi ninyo dapat ialay ang anumang may kapintasan. Hindi ko ito tatanggapin sa ngalan ninyo.
\v 21 Sinumang maghandog ng alay para sa pagtitipon-tipon ng handog mula sa maraming tao o sa kawan ni Yahweh para tuparin ang isang panata, o bilang isang kusang handog, dapat wala itong kapintasan para tanggapin. Dapat walang depekto ang hayop.
\s5
\v 22 Hindi kayo dapat maghandog ng mga hayop na bulag, baldado, o lumpo, o mayroong mga kulugo, mga sugat, o mga galis. Hindi ninyo dapat ihandog ang mga ito kay Yahweh bilang alay sa pamamagitan ng apoy sa altar.
\v 23 Maaari ninyong ihandog bilang kusang handog ang isang lalaking baka o kordero na sira ang anyo o maliit, ngunit ang isang handog na katulad niyan ay hindi tatanggapin para sa isang panata.
\s5
\v 24 Huwag maghandog kay Yahweh ng mga hayop na may bugbog, durog, sira o hiwa sa mga pampaanak na bahagi. Huwag ihandog ang mga ito sa inyong lupain,
\v 25 at huwag tanggapin ang mga ito mula sa kamay ng isang dayuhan bilang pagkaing inihandog sa Diyos, dahil may mga depekto o kapintasan sa mga ito. Hindi ko tatanggapin ang mga ito sa ngalan ninyo.
\s5
\v 26 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at sinabi,
\v 27 "Kapag ipinanganak ang isang guya o isang tupa o isang kambing, dapat itong manatili sa kaniyang ina ng pitong araw. Pagkatapos mula sa walong araw, maaaring tanggapin ito bilang isang alay para sa isang handog na gawa sa apoy kay Yahweh.
\s5
\v 28 Huwag pumatay ng isang baka o tupang babae kasama ang kaniyang anak, sa ganitong araw.
\v 29 Kapag mag-aalay kayo ng isang handog ng pasasalamat kay Yahweh, dapat kayong mag-alay nito sa isang katanggap-tanggap na paraan.
\v 30 Dapat itong kainin sa ganitong araw na inihandog ito. Hindi kayo dapat magtira nito hanggang sa susunod na umaga. Ako si Yahweh.
\s5
\v 31 Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga kautusan at tuparin ang mga ito. Ako si Yahweh.
\v 32 Huwag dapat ninyong ilagay sa kahihiyan ang aking banal na pangalan. Dapat akong kilalanin bilang banal ng mga bayan ng Israel. Ako si Yahweh na inaalay ko sa inyong sarili.
\v 33 na siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, upang maging inyong Diyos. Ako si Yahweh."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Kinausap ni Yahweh si Moises:
\v 2 "Kausapin mo ang bayan ng Israel, at sabihin sa kanila, 'Ang itinalagang mga pista para kay Yahweh, kung saan dapat ninyong ipahayag bilang banal na mga pagpupulong, ay karaniwang mga pista sa akin.
\s5
\v 3 Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, ngunit sa ikapitong araw ay isang ganap na Araw ng Pamamahinga, isang banal na pagpupulong. Dapat hindi kayo magtatrabaho sapagkat ito ay isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
\s5
\v 4 Ito ay ang mga itinalagang pista ni Yahweh, ang banal na mga pagpupulong na dapat ninyong ipahayag ayon sa kanilang itinalagang mga panahon:
\v 5 Sa unang buwan, sa ikalabing-apat na araw ng buwan sa takipsilim, ay Paskuwa ni Yahweh.
\v 6 Sa ikalabing-limang araw sa parehong buwan ay ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura para kay Yahweh. Dapat ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw.
\s5
\v 7 Sa unang araw mayroon kayong isang pagpupulong na inihandog kay Yahweh, dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.
\v 8 Dapat kayong mag-alay ng isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang ikapitong araw ay isang pagpupulong na inihandog para kay Yahweh na kung saan dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.'"
\s5
\v 9 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
\v 10 "Kausapin mo ang mga bayan ng Israelita at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa loob ng lupain na ibibigay ko sa inyo, at kapag ginapas ninyo ang ani nito, sa gayon dapat dalhin ninyo sa pari ang isang tali ng mga unang prutas nito.
\v 11 Itataas niya ang tali sa harap ni Yahweh at idulog ito kay Yahweh, upang tanggapin ito para sa ngalan mo. Ito ay sa araw pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga na itataas ito ng pari at idudulog ito sa akin.
\s5
\v 12 Kapag sa araw na itinaas ninyo ang tali at idinulog ito sa akin, dapat ninyong ihandog ang isang taong gulang na lalaking tupa at walang dungis bilang isang handog na susunugin para kay Yahweh.
\v 13 Dapat ang handog na pagkaing butil dalawang ikapu ng isang epah ng pinong harina na hinaluan ng langis, isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh, para magpalabas ito ng isang mabangong amoy, at kasama dito ang isang inuming handog na alak, sa ikaapat na bahagi ng isang hin.
\v 14 Dapat hindi kayo kakain ng tinapay, ni inihaw o sariwang butil, hanggang sa parehong araw ng inyong pagdadala itong handog sa inyong Diyos. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga angkan, sa bawat lugar ng inyong titirhan.
\s5
\v 15 Magbibilang kayo kinabukasan mula sa Araw ng Pamamahinga, mula sa araw ng dinala ninyo ang tali na paghahandog para itaas at idinulog, pitong buong linggo, pitong Araw ng Pamamahinga,
\v 16 hanggang ang araw pagkatapos ang ikapitong Araw ng Pamamahinga. Iyon ay, dapat kayong bumilang ng limampung araw. Pagkatapos dapat ninyong ialay ang isang handog ng bagong butil kay Yahweh.
\s5
\v 17 Dapat ninyong ilabas sa inyong mga bahay ang dalawang tinapay na ginawa mula sa dalawang ikapu ng isang epah. Dapat ginawa ang mga ito mula sa pinong harina at inihurno kasama ang lebadura; isang paghahandog ang mga ito mula sa unang mga prutas na itataas at idinulog kay Yahweh.
\v 18 Dapat ninyong idulog kasama ang tinapay, pitong tupa isang taong gulang at walang dungis, isang batang toro, at dalawang lalaking tupa. Dapat itong maging isang handog na susunugin para kay Yahweh, kasama ang kanilang handog ng pagkaing butil at kanilang mga inuming handog, isang paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng apoy at maglalabas ng isang mabangong amoy para kay Yahweh.
\s5
\v 19 Maghahandog kayo ng isang lalaking kambing para sa isang handog para sa kasalanan, at dalawang tupang lalaki na isang taong gulang para isang alay, bilang mga handog ng pagtitipon-tipon.
\v 20 Dapat itataas ng pari ang mga ito sa harapan ni Yahweh, kasama ang tinapay sa unang mga prutas, at idulog ang mga ito sa kanya bilang isang paghahandog kasama ang dalawang tupa. Mga banal na handog ito kay Yahweh para sa pari.
\v 21 Dapat gumawa kayo ng isang pahayag sa parehong araw na iyon. Magkakaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
\s5
\v 22 Kapag gagapasin ninyo ang ani ng inyong lupain, dapat hindi ninyo gagapasin nang lubos ang mga sulok ng inyong mga bukirin, at dapat hindi ninyo iipunin ang mga naipon ninyong ani. Dapat ninyong iwanan ang mga ito para sa mga mahihirap at para sa mga dayuhan. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'"
\s5
\v 23 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
\v 24 "Kausapin ang bayan ng Israel at sabihin, 'Sa ikapitong buwan, ang unang araw ng buwan na iyon magiging isang mataimtim na pahinga para sa inyo, isang alaala sa pamamagitan ng pag-ihip ng mga trumpeta, at isang banal na pagpupulong.
\v 25 Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho, at dapat ninyong ialay ang isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh.'"
\s5
\v 26 Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
\v 27 "Ngayon ang ika-sampung araw ng ikapitong buwan magiging Araw ng Pambayad ng Kasalanan. Dapat magiging isang pagpupulong na inilaan kay Yahweh, dapat magpakumbaba kayo at gumawa ng isang handog na inialay sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh.
\s5
\v 28 Dapat hindi kayo magtatrabaho sa araw na iyon sapagkat ito ay ang Araw ng Pambayad ng Kasalanan, upang gawin ang pambayad ng kasalanan para sa inyong mga sarili sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos.
\v 29 Ang sinumang hindi magpapakumbaba ng kaniyang sarili sa araw na iyon dapat ihiwalay mula sa kaniyang mga tao.
\s5
\v 30 Ang sinumang gagawa ng trabaho sa araw na iyon, Ako, Yahweh, lilipulin ko siya mula sa kanyang mga tao.
\v 31 Dapat hindi kayo gagawa ng kahit anong trabaho sa araw na iyon. Magiging isang permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira.
\v 32 Dapat ang araw na ito ay maging isang mataimtim na Araw ng Pamamahinga para sa inyo, at magpakumbaba kayo sa ikasiyam na buwan. Mula sa gabi hanggang sa susunod na gabi dapat ninyong panatilihin ang Araw ng inyong Pamamahinga.'
\s5
\v 33 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
\v 34 "Kausapin ang mga bayan ng Israel, sinasabi, 'Sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan magiging Pista ng mga Kanlungan para kay Yahweh. Magtatagal ito ng pitong araw.
\s5
\v 35 Dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong sa unang araw. Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.
\v 36 Sa loob ng pitong araw dapat kayong maghandog ng isang alay na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Sa ikawalong araw dapat magkaroon ng isang banal na pagpupulong, at dapat kayong gumawa ng isang alay na ihahandog sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. Ito ay isang mataimtin na pagpupulong, at hindi kayo gagawa kahit anong karaniwang trabaho.
\s5
\v 37 Ito ay ang itinalagang mga pista para kay Yahweh, na dapat ninyong ipahayag bilang banal na mga pagpupulong para maghandog ng alay na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh, isang handog na susunugin at isang handog na pagkaing butil, mga alay at mga inuming handog, isa sa bawat araw nito.
\v 38 Mga pistang ito'y magiging dagdag sa mga Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh at inyong mga regalo, lahat ninyong mga panata at lahat ninyong kusang loob na mga handog na inyong ibibigay kay Yahweh.
\s5
\v 39 Tungkol sa Pista ng mga Kanlungan, sa ikalabing-limang araw ng ikapitong buwan, kapag inipon ninyo ang mga prutas ng mga lupain, dapat ninyong panatilihin ang pista ni Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang unang araw magiging isang mataimtim na pahinga, at ang ikawalong araw magiging isa ring mataimtim na pahinga.
\s5
\v 40 Sa unang araw dapat magdala kayo ng pinakamainam na prutas mula sa mga puno, mga sanga ng mga puno ng palma, at madahong mga sanga na mayabong sa mga puno, at mga puno mula sa batis, at magsasaya kayo sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa pitong araw.
\v 41 Sa pitong araw ng bawat taon, dapat ninyong ipagdiwang itong pista para kay Yahweh. Magiging permanenteng batas ito hanggang sa katapusan ng inyong mga salinlahi sa lahat ng mga lugar kung saan kayo nakatira. Dapat ninyong ipagdiwang itong pista sa ikapitong buwan.
\s5
\v 42 Dapat kayong manirahan sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw. Lahat ng likas na ipinanganak na mga Israelita dapat tumira sa maliliit na mga kanlungan sa loob ng pitong araw,
\v 43 para ang inyong mga kaapu-apuhan, angkan sa mga angkan, maaaring malaman kung papaano ko ginawa ang mga bayan ng Israel na manirahan sa ganoong mga kanlungan nang inilabas ko sila sa lupain ng Ehipto. Ako si Yahweh ang inyong Diyos,'"
\v 44 Sa ganitong paraan, ipinahayag ni Moises sa mga bayan ng Israel ang itinalagang kapistahan para kay Yahweh.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
\v 2 "Utusan ang mga bayan ng Israel para magdala sa iyo ng dalisay na langis na hinalo mula sa mga olibo para sa langis ng inyong mga lampara, para laging nasusunog ang mga ito at magbigay ng liwanag.
\s5
\v 3 Sa labas ng kurtina bago ang mga tipan ng kautusan sa tolda ng pagpupulong, si Aaron ay dapat tuloy-tuloy, mula gabi hanggang umaga, panatilihing naka-ilaw ang lampara sa harap ni Yahweh. Ito ay laging magiging isang batas sa buong angkan ng iyong mga tao.
\v 4 Ang punong pari ang dapat na magpanatiling nakailaw ang mga lampara sa harap ni Yahweh, ang mga lampara sa ilawan ng gintong dalisay.
\s5
\v 5 Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay.
\v 6 Pagkatapos dapat mong ayusin ang mga ito sa dalawang linya, anim sa bawat linya, sa mesa ng gintong dalisay sa harap ni Yahweh.
\s5
\v 7 Dapat maglagay ng isang purong insenso sa tabi ng bawat linya ng mga tinapay bilang isang simbolo ng mga tinapay. Susunugin ang insensong ito para kay Yahweh.
\v 8 Bawat Araw ng Pamamahinga ang punong pari ang dapat na palaging maglagay ng tinapay sa harap ni Yahweh, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Bilang isang tanda ng walang hanggang tipan.
\v 9 Ang pag-aalay na ito ay para kay Aaron at ng kanyang mga anak na lalaki. Dapat nilang kainin ito sa isang lugar na banal, dahil ganap na inilaan ito sa kanya, yamang kinuha ito mula sa mga alay para kay Yahweh na gawa sa apoy."
\s5
\v 10 Ngayon nangyari na ang anak na lalaki ng isang babaeng Israelita, na ang ama ay isang taga-Ehipto, sumama sa mga bayan ng Israel. Itong anak na lalaki ng isang babaeng Israelita ay nakipag-away sa isang lalaking Israelita sa kampo.
\v 11 Ang anak na lalaki ng babaeng Israelita ay nilapastangan ang pangalan ni Yahweh at nilait ang Diyos, kaya dinala siya ng mga tao kay Moises. Ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomith, ang anak na babae ni Dibri, mula sa lipi ni Dan.
\v 12 Ikinulong siya hanggang ang hatol ni Yahweh ay ipahayag sa kanilang pasya.
\s5
\v 13 Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Moises, sinabi,
\v 14 "Dalhin sa labas ng kampo ang taong nilait ang Diyos. Lahat ng nakarinig sa kaniya ay dapat ipatong ang kanilang kamay sa kanyang ulo, at pagkatapos dapat siyang batuhin ng buong kapulungan.
\s5
\v 15 Dapat mong ipaliwanag sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Sinumang lumait sa kaniyang Diyos ay dapat dalhin ang kaniyang pagkakasala.
\v 16 Siya na nilapastanganan ang pangalan ni Yahweh ay tiyak na malalagay sa kamatayan. Lahat ng kapulungan ay tiyak na dapat siyang batuhin, kahit pa nga siya ay isang dayuhan o isang dayuhang Israelita. Kung sinuman ang lumapastangan sa pangalan ni Yahweh, dapat siyang malagay sa kamatayan.
\s5
\v 17 At ang sinomang pumatay ng isang tao ay tiyak na dapat ilagay sa kamatayan.
\v 18 Siya na pumatay ng hayop ng iba ay dapat bayaran ito, buhay sa buhay.
\s5
\v 19 Kapag sinugatan ng isang tao ang kaniyang kapit-bahay, dapat din gawin sa kaniya ang ginawa niya sa kanyang kapit-bahay:
\v 20 bali sa bali, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Bilang siya ay nakagawa ng pinsala sa isang tao, iyon din ang dapat gawin sa kaniya.
\v 21 Sinuman ang pumatay ng isang hayop ay dapat itong bayaran, at sinuman ang pumatay ng isang tao ay dapat malagay sa kamatayan.
\s5
\v 22 Dapat kang magkaroon ng magkatulad na batas para sa kapwa dayuhan at dayuhang Israelita, dahil ako si Yahweh na inyong Diyos.'"
\v 23 Kaya kinausap ni Moises ang mga tao ng Israel, at dinala ng mga tao ang lalaki sa labas ng kampo, na siyang lumait kay Yahweh. Binato nila siya ng mga bato. Sinunod ng mga tao ng Israel ang utos ni Yahweh kay Moises.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai, na sinasabing,
\v 2 "Makipag-usap ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag dumating kayo sa lupaing ibibigay ko sa inyo, sa gayon dapat na magpatupad ang lupain ng isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh.
\s5
\v 3 Dapat ninyong taniman ang inyong bukid sa loob ng anim na taon, at sa loob ng anim na taon dapat ninyong putulan ang ubasan at tipunin ang mga bunga.
\v 4 Subalit sa ikapitong taon, isang Araw ng Pamamahinga ng taimtim na pahinga para sa lupa ang dapat ipatupad, isang Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh. Hindi ninyo dapat taniman ang inyong bukid o putulan ang inyong ubasan.
\s5
\v 5 Hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang tumutubong mag-isa, at hindi kayo dapat magsagawa ng isinaayos na pag-aani ng anumang ubas na tumutubo sa mga hindi pinutulang baging ninyo. Ito ay magiging isang taon ng taimtim na pahinga para sa lupa.
\v 6 Anuman ang tumubo sa hindi sinakang lupa sa panahon ng taon ng Araw ng Pamamahinga ay magiging pagkain para sa inyo. Kayo, ang inyong mga lalaki at babaeng lingkod, ang inyong mga upahang lingkod at ang mga dayuhang naninirahan kasama ninyo ay maaaring magtipon ng pagkain.
\v 7 At ang inyong mga alagang hayop at saka mga mababangis na hayop ay maaaring kainin anuman ang tumubo sa lupa.
\s5
\v 8 Dapat kayong bumilang ng pitong taon ng mga Araw ng Pamamahinga, iyon ay, pitong ulit na pitong taon, upang magkaroon ng pitong mga Araw ng Pamamahingang taon, na binubuo ng apatnapu't siyam na taon.
\v 9 Pagkatapos dapat kayong umihip ng maingay na trumpeta sa lahat ng dako sa ikasampung araw ng ikapitong buwan. Sa Araw ng Pagbabayad ng Kasalanan dapat kayong umihip ng isang trumpeta sa kabuuan ng lahat ng inyong lupain.
\s5
\v 10 Dapat ninyong italaga ang ikalimampung taon kay Yahweh at magpahayag ng kalayaan sa buong lupain para sa lahat ng naninirahan dito. Magiging isang Paglaya ito para sa inyo, kung saan dapat ibalik ang mga ari-arian at mga alipin sa kanilang mga pamilya.
\s5
\v 11 Ang ikalimampung taon ay magiging isang Paglaya para sa inyo. Hindi kayo dapat magtanim o gumawa ng isinaayos na pag-aani. Kainin anuman ang tumutubong mag-isa, at tipunin ang mga ubas na tumutubo sa hindi pinutulang mga baging.
\v 12 Dahil isang Paglaya iyon, na magiging banal para sa inyo. Dapat ninyong kainin ang bungang tumutubong mag-isa mula sa kabukiran.
\s5
\v 13 Dapat ninyong ibalik ang bawat isa sa kanyang sariling ari-arian sa Taon ng Paglaya.
\v 14 Kung magbebenta kayo ng anumang lupa sa inyong kapit-bahay o bibili ng anumang lupa mula sa inyong kapit-bahay, hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa.
\s5
\v 15 Kung bibili kayo ng lupa mula sa inyong kapit-bahay, isaalang-alang ang bilang ng mga taon at mga pananim na maaaring anihin hanggang sa susunod na Paglaya. Dapat din iyong isaalang-alang ng inyong kapit-bahay na nagbebenta ng lupa.
\v 16 Ang higit na malaking bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magdaragdag sa halaga ng lupa, at ang higit na maliit na bilang ng taon hanggang sa susunod na Paglaya ay magbabawas sa halaga, dahil ang bilang ng pag-aani na idudulot ng lupa para sa bagong may-ari ay may kaugnayan sa bilang ng mga taon bago ang susunod na Paglaya.
\v 17 Hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa; sa halip, dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos, sapagkat ako ay Yahweh, na inyong Diyos.
\s5
\v 18 Kaya nga dapat ninyong sundin ang aking mga kautusan, ingatan ang aking mga batas, at tuparin ang mga iyon. Sa gayon ligtas kayong mamumuhay sa lupain.
\v 19 Mamumunga ang lupain, at kakain kayo hanggang mabusog at ligtas na mamumuhay roon.
\s5
\v 20 Maaaring sabihin ninyo, "Anong kakainin namin sa panahon ng ikapitong taon? Masdan, hindi kami makakapagtanim o makakapagtipon ng bunga."
\v 21 Iuutos kong dumating sa inyo ang aking pagpapala sa ikaanim na taon, at magbibigay ito ng aning sapat para sa tatlong taon.
\v 22 Magtatanim kayo sa ikawalong taon at patuloy na kakain mula sa bunga ng mga nakaraang taon at mga itinagong pagkain. Hanggang sa dumating ang ani ng ikasiyam na taon, makakakain kayo mula sa mga pagkaing itinago sa mga nakaraang taon.
\s5
\v 23 Hindi dapat ipagbili ang lupa sa bagong permanenteng may-ari, dahil sa akin ang lupa. Kayong lahat ay mga dayuhan at pansamantalang naninirahan sa aking lupain.
\v 24 Dapat ninyong sundin ang karapatan ng pagtubos para sa lahat ng lupang makamtan ninyo; dapat ninyong payagang muling bilhin ang lupa ng pamilya ng kung kanino ninyo ito binili.
\v 25 Kung naging mahirap ang kapwa ninyo Israelita at dahil doon ipinagbili ang ilan sa kanyang ari-arian, sa gayon maaaring bilhin muli ng pinakamalapit niyang kamag-anak ang ari-ariang ipinagbili niya sa inyo.
\s5
\v 26 Kung ang isang tao ay walang kamag-anak para tumubos ng kanyang ari-arian, subalit kung umunlad siya at may kakayahang tubusin ito,
\v 27 sa gayon maaari niyang kuwentahin ang mga taon mula nang ipinagbili ang lupa at bayaran ang nalalabi sa tao na kung kanino niya ito ipinagbili. Pagkatapos maaari siyang bumalik sa kanyang sariling ari-arian.
\v 28 Subalit kung hindi niya kayang bawiin ang lupa para sa kanyang sarili, sa gayon mananatili ang lupang ipinagbili niya sa pagmamay-ari ng bumili nito hanggang sa Taon ng Paglaya. Sa Taon ng Paglaya, ibabalik ang lupa sa taong nagbenta nito, at babalik ang tunay na may-ari sa kanyang ari-arian.
\s5
\v 29 Kung ang isang tao ay magbebenta ng isang bahay sa isang pinaderang siyudad, sa gayon maaari niya itong bilhin muli sa loob ng isang buong taon matapos na ipagbili ito. Sa loob na isang buong taon magkakaroon siya ng karapatan ng pagtubos.
\v 30 Kung hindi matubos ang bahay sa loob ng isang buong taon, sa gayon ang bahay na nasa pinaderang siyudad ay magiging permanenteng ari-arian ng taong bumili nito, sa kabuuan ng mga salinhlahi ng kanyang mga kaapu-apuhan. Hindi na ibabalik ang bahay na iyon sa Paglaya.
\s5
\v 31 Subalit ang mga bahay sa mga bayan na walang pader sa palibot ng mga iyon ay magiging ari-ariang may kaugnayan sa mga bukirin ng bansa. Maaaring bilhin muli ang mga iyon, at dapat ibalik ang mga iyon sa panahon ng paglaya.
\v 32 Gayunman, ang mga bahay na pagmamay-ari ng mga Levita sa kanilang mga siyudad ay maaaring tubusin sa anumang oras.
\s5
\v 33 Kung hindi tutubusin ng isa sa mga Levita ang bahay na ipinagbili niya, sa gayon dapat ibalik ang bahay na ipinagbili sa siyudad kung saan ito naroon sa Paglaya, dahil ang mga bahay sa mga siyudad ng mga Levita ay ari-arian nila sa gitna ng mga tao ng Israel.
\v 34 Subalit hindi maaring ipagbili ang mga bukid sa palibot ng kanilang mga siyudad dahil ang mga iyon ay permanenteng ari-arian ng mga Levita.
\s5
\v 35 Kung naging mahirap ang kapwa kababayan ninyo, kung kaya hindi na niya kayang itaguyod ang kanyang sarili, sa gayon dapat ninyo siyang tulungan tulad ng tutulungan ang isang dayuhan o sino pa mang naninirahan bilang tagalabas na kasama ninyo.
\v 36 Huwag siyang singilin ng tubo o subukang kumita mula sa kanya sa anumang paraan, ngunit parangalan ang inyong Diyos upang ang kapatid ninyo ay makapanatiling namumuhay kasama ninyo.
\v 37 Hindi ninyo siya dapat bigyan ng pautang na pera at patawan ng tubo, ni pagbilhan ng iyong pagkain upang kumita.
\v 38 Ako ay Yahweh na inyong Diyos na naglabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, upang ibigay ko sa inyo ang lupain ng Canaan, at upang ako ay maging Diyos ninyo.
\s5
\v 39 Kung maging mahirap ang kapwa kababayan ninyo at ipagbili ang kanyang sarili sa inyo, hindi ninyo siya dapat pagtrabahuhin tulad ng isang alipin.
\v 40 Ituring siyang isang upahang lingkod. Dapat siyang maging tulad ng isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo. Maglilingkod siya sa inyo hanggang sa Taon ng Paglaya.
\v 41 Pagkatapos aalis siya mula sa inyo, siya at ang kanyang mga anak na kasama niya, at babalik siya sa kanyang sariling pamilya at sa ari-arian ng kanyang ama.
\s5
\v 42 Sapagkat mga lingkod ko sila na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Hindi sila ipagbibili bilang mga alipin.
\v 43 Hindi ninyo sila dapat pamunuan nang malupit, subalit dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos.
\v 44 Para sa inyong mga aliping lalaki at babae, na maaari ninyong makuha mula sa mga bansang naninirahan sa palibot ninyo, maaari kayong bumili ng mga alipin mula sa kanila.
\s5
\v 45 Maaari rin kayong bumili ng mga alipin sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo, iyon ay, mula sa kanilang mga pamilyang kasama ninyo, mga batang ipinanganak sa inyong lupain. Maaari ninyo silang maging ari-arian.
\v 46 Maaari ninyong ibigay ang ganyang mga alipin bilang isang pamana sa inyong mga anak na kasunod ninyo, para panghawakan bilang ari-arian. Mula sa kanila ay maaari kayong palaging bumili ng inyong mga alipin, ngunit hindi ninyo dapat pamunuan ang mga tao ng Israel nang may pagmamalupit.
\s5
\v 47 Kung isang dayuhan o isang taong pansamantalang naninirahan kasama ninyo ang naging mayaman, at kung isa sa mga kapwa ninyo Israelita ang naging mahirap at ipagbili ang kanyang sarili sa dayuhang iyon, o sa isang tao sa pamilya ng isang dayuhan,
\v 48 matapos na ang inyong kapwa Israelita ay nabili, maaari siyang muling bilhin. Isang tao sa kanyang pamilya ang maaaring tumubos sa kanya.
\s5
\v 49 Marahil ang tiyuhin ng tao o anak ng kanyang tiyuhin ang siyang tutubos sa kanya, o sinumang malapit na kamag-anak niya mula sa kanyang pamilya. O, kung naging maunlad siya, maaari niyang tubusin ang kanyang sarili.
\v 50 Dapat siyang makipagtawaran sa taong bumili sa kanya; dapat niyang bilangin ang mga taon mula sa taong ipinagbili niya ang kanyang sarili sa nakabili sa kanya hanggang sa Taon ng Paglaya. Ang halaga ng kanyang katubusan ay dapat kuwentahin alinsunod sa halagang ibabayad sa isang upahang lingkod, para sa bilang ng mga taon na maaari siyang patuloy na magtrabaho para sa bumili sa kanya.
\s5
\v 51 Kung may maraming taon pang natitira hanggang sa Paglaya, dapat siyang magbalik bayad bilang halaga para sa kanyang katubusan ng isang katumbas na dami ng perang angkop sa bilang ng mga taong iyon.
\v 52 Kung may ilang taon na lamang tungo sa Taon ng Paglaya, sa gayon ay dapat siyang makipagtawaran sa nakabili sa kanya upang ipakita ang bilang ng mga taong natitira bago ang Paglaya, at dapat siyang magbayad para sa kanyang katubusan alinsunod sa bilang ng mga taon.
\s5
\v 53 Dapat siyang ituring bilang isang taong inuupahan taun-taon. Dapat ninyong tiyaking hindi siya mapagmalupitan.
\v 54 Kung hindi siya matutubos sa mga paraang ito, dapat siyang maglingkod hanggang sa Taon ng Paglaya, siya at ang kanyang mga anak na kasama niya.
\v 55 Para sa akin ang mga tao ng Israel ay mga lingkod. Mga lingkod ko sila na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'"
\s5
\c 26
\p
\v 1 "Dapat huwag kayong gumawa ng mga rebulto, ni hindi kayo magtatayo ng mga nililok na mga larawan o isang sagradong batong haligi at dapat huwag kayong maglagay sa inyong lupain ng anumang hinulma na imaheng bato na inyong yuyukudan, sapagkat ako si Yahweh na inyong Dios.
\v 2 Dapat ninyong isagawa ang aking mga Araw ng Pamamahinga at parangalan ang aking santuwaryo. Ako si Yahweh.
\s5
\v 3 Kung lalakad kayo sa aking mga batas at isaisip ang aking mga utos at susundin ang mga ito,
\v 4 Sa gayon bibigyan ko kayo ng ulan sa kapanahunan nito; mapapakinabangan ang lupain at magbibigay ang mga punong kahoy sa bukid ng kanilang mga bunga.
\s5
\v 5 Magpapatuloy ang inyong paggiik hanggang sa panahon ng aning ubas at aabot ang aning ubas hanggang sa panahon ng pagtatanim. Kakainin ninyo ang inyong tinapay ng sagana at mamumuhay ng ligtas sa ginawa ninyong tahanan sa lupain;
\v 6 Magbibigay ako ng kapayapaan sa lupain; hihiga kayo ng walang kahit na anong kinatatakutan. Aalisin ko ang mga mababangis na hayop mula sa lupain at hindi dadaan ang espada sa inyong lupain.
\s5
\v 7 Hahabulin ninyo ang inyong mga kaaway at babagsak sila sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
\v 8 Hahabulin ng lima sa inyo ang isang daan at hahabulin ng isang daan sa inyo ang sampung libo; babagsak ang inyong mga kaaway sa inyong harapan sa pamamagitan ng espada.
\s5
\v 9 Titingnan ko kayo ng may pagkampi at gagawin ko kayong mabunga at pararamihin kayo; Itatatag ko ang aking tipan sa inyo.
\v 10 Kakain kayo ng pagkaing inimbak ng mahabang panahon. Kakailanganin ninyong ilabas ang inyong inimbak na pagkain dahil kakailanganin ninyo ng lugar para sa bagong ani.
\s5
\v 11 Ilalagay ko ang aking tabernakulo sa inyo at hindi ko kayo itatakwil.
\v 12 Maglalakad ako kasama ninyo, magiging Diyos ninyo at magiging bayan ko kayo.
\v 13 Ako si Yahweh na inyong Dios na nagdala sa inyo palabas mula sa lupain ng Ehipto, nang sa ganoon hindi na nila kayo magiging mga alipin. Winasak ko ang mga rehas ng inyong yugo at pinalakad kayo ng matuwid.
\s5
\v 14 Pero kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi sumunod sa lahat ng mga utos na ito,
\v 15 at kung tatanggihan ninyo ang aking mga kautusan at kung kamumuhian ang aking mga batas, na hindi ninyo susundin ang lahat ng aking mga utos, pero susuwayin ko ang tipan—
\s5
\v 16 —kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito.
\v 17 Tatalikuran ko kayo at dadaigin kayo ng inyong mga kaaway. Pamumunuan kayo ng mga taong galit sa inyo at tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
\s5
\v 18 Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
\v 19 Babaliin ko ang inyong pinagmamalaking kapangyarihan. Gagawin ko ang langit sa inyong itaas na parang bakal at ang inyong lupain na parang tanso.
\v 20 Mauubos ang inyong lakas para sa wala, sapagkat hindi magkakaroon ang inyong lupa ng ani at hindi mamumunga ang inyong mga punong kahoy na nasa lupain.
\s5
\v 21 Kung maglalakad kayo laban sa akin at hindi makikinig sa akin, magdadala ako sa inyo ng pitong beses pang palo na katumbas ng inyong mga kasalanan.
\v 22 Magpapadala ako ng mapanganib na mga hayop laban sa inyo na magnanakaw ng inyong mga anak, lilipol ng inyong mga baka at magpapakaunti ng inyong bilang. Kaya magiging pinabayaan ang inyong mga daanan.
\s5
\v 23 Kung sa lahat ng ito, hindi niyo pa rin tinatanggap ang aking pagtuturo, sa halip nagpatuloy na lumakad laban sa akin,
\v 24 Pagkatapos lalakad din ako laban sa inyo. Ako mismo ang magpapatama sa inyo ng pitong beses na palo para sa inyong mga kasalanan.
\s5
\v 25 Magdadala ako ng espada sa inyo na gagawa ng paghihiganti dahil sa pagsuway sa aking mga utos. Maiipon kayo sa loob ng inyong mga siyudad at magpapadala ako ng mga sakit sa inyo doon at matatalo kayo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng inyong kaaway.
\v 26 Kapag puputulin ko ang tustos ng inyong pagkain, sampung mga kababaihan ang makakaluto ng inyong tinapay sa isang hurnohan, at ipamamahagi nila ang inyong tinapay ayon sa timbang. Kakain kayo ngunit hindi mabubusog.
\s5
\v 27 Kung hindi kayo makikinig sa akin kahit pa na may mga ganitong bagay, at sa halip patuloy na lumakad laban sa akin,
\v 28 ay lalakad ako laban sa inyo sa galit at paparusahan ko kayo ng kahit pitong beses pang ulit na katumbas ng inyong mga kasalanan.
\s5
\v 29 Kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na lalaki; kakainin ninyo ang laman ng inyong mga anak na babae.
\v 30 Gigibain ko ang inyong mga altar, puputulin ko ang inyong mga altar ng insenso, at itatapon ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng bangkay ng inyong mga diyos-diyosan, at ako mismo, kasusuklaman kayo.
\s5
\v 31 Gagawin kong sira-sirang lugar ang inyong mga lungsod at sisirain ang inyong mga santuwaryo. Hindi ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
\v 32 Sisirain ko ang lupain. Sobrang mabibigla ang inyong mga kaaway na naninirahan doon sa pagkakasira.
\v 33 Ikakalat ko kayo sa mga bansa, at bubunutin ko ang aking espada at susundan kayo. Pababayaan ang inyong lupain at magiging sira-sira inyong mga lungsod.
\s5
\v 34 Pagkatapos magsasaya ang lupain sa mga Araw ng Pamamahinga nito hangga't nananatili itong pinabayaan at nasa lupain kayo ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, mamamahinga ang lupain at magpapakasaya sa mga Araw ng Pamamahinga nito.
\v 35 Hangga't nananatili itong pinabayaan, maangkin nito ang pamamahinga, pamamahinga na hindi nito naangkin sa inyong mga Araw ng Pamamahinga, noong nanirahan kayo sa lupaing iyon.
\v 36 At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.
\s5
\v 37 Madadaganan ninyo ang isa't isa na parang tinatakbuhan ninyo ang espada, kahit na wala namang humahabol sa inyo. Hindi kayo magkakaroon ng kapangyarihan na tumayo sa harap ng inyong mga kaaway.
\v 38 Maglalaho kayo sa mga nabibilang na mga bansa, at ang lupain mismo ng inyong mga kaaway ang lalamon sa inyo.
\v 39 'Yung mga natitira sa inyo, mabubulok sa kanilang mga kasalanan doon sa mga lupain ng inyong mga kaaway, at dahil sa kasalanan ng kanilang mga ama, mabubulok din sila.
\s5
\v 40 Ngunit kung aamin sila sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ama, at sa kanilang kataksilan na pagiging hindi tapat sa akin at sa kanilang paglalakad laban sa akin—
\v 41 na nagdulot sa akin upang talikuran sila at ibigay sila sa lupain ng kanilang mga kaaway—kung magpapakumbaba ang kanilang hindi pa tuli na mga puso, at kung tatanggapin nila ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan,
\v 42 ay isasaisip ko ang aking kasunduan kay Jacob, aking kasunduan kay Isaac, at ang aking kasunduan kay Abraham; gayun din, na isasaisip ko ang lupain.
\s5
\v 43 Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas.
\s5
\v 44 Pero sa kabila ng lahat ng ito, kapag nasa lupain sila ng kanilang mga kaaway, hindi ko sila kamumuhian na tuluyan silang lipulin at hindi puputulin ang aking tipan sa kanila, sapagkat ako si Yahweh na kanilang Diyos.
\v 45 Pero para sa kanilang kapakanan isasaisip ko ang tipan sa kanilang mga ninuno, na siyang aking dinala palabas mula sa lupain ng Ehipto na nasaksihan ng mga bansa, upang ako ay maging Diyos nila. Ako si Yahweh."
\s5
\v 46 Ito ang mga utos, kautusan, at mga batas na ginawa ni Yahweh sa pagitan ng kanyang sarili at ng mga tao ng Israel sa Bundok Sinai sa pamamagitan ni Moises.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Nangusap si Yahweh kay Moises at sinabi,
\v 2 "Magsalita ka sa mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag gagawa ang isang tao ng isang natatanging panata na nangangailangang gumamit siya ng isang pamantayang halaga ng isang tao na ilalaan niya kay Yahweh, gamitin ang sumusunod na mga halaga.
\s5
\v 3 Ang inyong pamantayang halaga para sa isang lalaki mula dalawampu hanggang animnapung taong gulang ay dapat limampung siklo ng pilak, batay sa siklo ng santuwaryo.
\v 4 Ang inyong pamantayang halaga para sa isang babae sa parehong gulang ay dapat tatlumpung siklo.
\s5
\v 5 Mula limang taon hanggang dalawampung taong gulang ang inyong pamantayang halaga ay dapat dalawampung siklo para sa lalaki, at sampung siklo para sa babae.
\v 6 Mula isang buwang gulang hanggang limang taon ang inyong pamantayang halaga ay dapat limang siklo ng pilak para sa isang lalaki, at tatlong siklo ng pilak para sa isang babae.
\s5
\v 7 Mula animnapung taong gulang pataas ang inyong pamantayang halaga para sa isang lalaki ay dapat labin limang siklo, at sampung siklo para sa isang babae.
\v 8 Pero kung ang taong gumawa ng panata ay hindi makabayad ng pamantayang halaga, kung gayon dapat iharap sa pari ang taong ibinigay, at bibigyang halaga ng pari ang taong iyon sa pamamagitan ng halagang makakaya ng isang gumagawa ng panata.
\s5
\v 9 Kung gusto ng isang tao na mag-alay ng isang hayop kay Yahweh, at kung tatanggapin ito ni Yahweh, sa gayon ang hayop na iyon ay ilalaan sa kanya.
\v 10 Hindi dapat baguhin o palitan ng isang tao ang isang hayop na iyon, isang mabuti para sa isang masama o isang masama para sa isang mabuti. Kung gagawin niyang baguhin ang isa para sa iba, sa gayon parehong mga hayop at ang isa na ipinagpalit ay magiging banal.
\s5
\v 11 Gayunman, kung ang panunumpa ng isang tao na ibigay kay Yahweh ay totoong marumi, kung kaya hindi ito tatanggapin ni Yahweh, sa gayon dapat dalhin ng tao ang hayop sa isang pari.
\v 12 Bibigyang halaga ito ng pari, sa pamamagitan ng halaga ng hayop sa pamilihan. Anuman ang halaga na ibinigay ng pari sa hayop, iyon ang magiging halaga nito.
\v 13 At kung nais ng may-ari na tubusin ito, ang ikalima ng halaga nito ay idadagdag sa pantubos na presyo nito.
\s5
\v 14 Kung ninanais ng isang tao na ilaan ang kaniyang bahay para ibukod para kay Yahweh, sa gayon tatantiyahin ng pari ang halaga nito. Anuman ang ibibigay na halaga ng pari dito, iyon ang magiging halaga nito.
\v 15 Pero kung ilalaan ng may-ari ang kaniyang tahanan at katagalan ninais na tubusin ito, ang ikalima ng halaga nito ay idadagdag sa pantubos na presyo, at pagkatapos magiging kaniyang muli ang bahay.
\s5
\v 16 Kung ninanais ng isang tao na ilaan kay Yahweh ang ilan sa kaniyang lupa, sa gayon ang pagtataya ng halaga nito ay gagawin alinsunod sa halaga ng binhing kinakailangan upang itanim dito. Magkakahalaga ng limampung siklo ng pilak ang isang homer ng sebada.
\s5
\v 17 Kung ilalaan niya ang kaniyang bukid sa panahon ng Taon ng Paglaya, ang tinatayang halaga ay mananatili.
\v 18 Pero kung ilalaan niya ang kaniyang bukid pagkatapos ng Paglaya, sa gayon dapat kwentahin ng pari ang halaga ng lupa ayon sa bilang ng mga taon na natitira hanggang sa susunod na Taon ng Paglaya, at dapat bawasan ang tinatayang halaga.
\s5
\v 19 Kung ang taong naglaan ng bukid ay nagnanais na tubusin ito, sa gayon dapat siyang magdagdag ng ikalima sa tinatayang halaga, at ito ay magiging kaniyang muli.
\v 20 Kung hindi niya tutubusin ang bukid, o kung ipagbili niya ang bukid sa ibang tao, hindi na ito matutubos kailanman.
\v 21 Sa halip, ang bukid, kapag ibinalik ito sa Paglaya, magiging isang banal na regalo kay Yahweh, katulad ng bukid na ganap na ibinigay kay Yahweh. Mabibilang ito sa pari.
\s5
\v 22 Kung ilalaan ng isang tao kay Yahweh ang bukid na kanyang binili, pero ang bukid na iyon ay hindi bahagi ng lupain ng kanyang pamilya,
\v 23 pagkatapos aalamin ng pari ang tinatayang halaga hanggang sa Taon ng Paglaya, at dapat bayaran ng tao ang halaga sa araw na iyon bilang isang banal na regalo kay Yahweh.
\s5
\v 24 Sa Taon ng Paglaya, ibabalik ang bukid sa tao kung kanino ito binili, sa may-ari ng lupa.
\v 25 Dapat na itakda ang lahat ng mga tinatayang mga halaga ayon sa timbang ng santuwaryong siklo. Dalawampung gera ang dapat na katumbas ng isang siklo.
\s5
\v 26 Pero ang unang anak ng mga hayop ay nabibilang na kay Yahweh at walang tao ang maaaring maglaan nito—maging lalaking baka o tupa—sapagkat ito ay nabibilang kay Yahweh.
\v 27 Kung ito ay isang maruming hayop, maaaring bilhin itong muli ng may-ari sa tinatayang halaga, at dapat na idagdag ang ikalima sa halagang iyon. Kung hindi tinubos ang hayop, sa gayon ipagbibili ito sa itinakdang halaga.
\s5
\v 28 Gayunman, walang taong maglalaan kay Yahweh mula sa anumang bagay na mayroon siya, maging tao o hayop, o lupa ng kanyang pamilya, na maaaring ipagbili o tinubos. Bawat inilaan na bagay ay banal kay Yahweh.
\v 29 Walang pantubos ang maaaring ibayad para sa taong ibinukod para patayin. Dapat patayin ang taong iyon.
\s5
\v 30 Lahat ng ikapu ng lupain, maging tumubong butil sa lupa o bunga mula sa mga puno, ay kay Yahweh. Banal ito kay Yahweh.
\v 31 Kung tutubusin ng isang tao ang alinman sa kanyang ikapu, dapat siyang magdagdag ng ikalima sa halaga nito.
\s5
\v 32 Para sa lahat ng ikapu ng grupo ng mga hayop o ang kawan, anuman ang dumaan sa ilalim ng tungkod ng pastol, dapat ilaan kay Yahweh ang ikasampu.
\v 33 Hindi dapat humanap ang pastol ng higit na mabuti o higit na masamang mga hayop, at hindi niya maaaring ipagpalit ang isa para sa iba. Kung papalitan man niya ito, magiging banal ang parehong mga hayop at iyon na kung saan ito ipinagpalit. Hindi ito matutubos."'
\s5
\v 34 Ito ang mga utos na ibinigay ni Yahweh kay Moises sa Bundok Sinai para sa mga bayan ng Israel.