tl_udb/67-REV.usfm

1216 lines
102 KiB
Plaintext

\id REV
\ide UTF-8
\h Pahayag
\toc1 Pahayag
\toc2 Pahayag
\toc3 rev
\mt Pahayag
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ang aklat na ito ay may mga bagay na ipinakita ni Jesu-Cristo sa akin, si Juan. Ipinakita ng Diyos ang mga bagay na ito kay Jesus para maipasa niya ang mga ito sa kaniyang mga lingkod. Malapit nang maganap ang mga bagay na ito. Ipinagbigay-alam ni Jesus ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagsusugo ng kaniyang anghel sa akin, ang kaniyang lingkod na si Juan.
\p
\v 2 Bilang isang saksi, ako, si Juan, ay nag-ulat ng lahat ng aking nakita at narinig tungkol sa Salita ng Diyos, at ang mga tunay na salaysay na ibinigay tungkol kay Jesu-Cristo.
\p
\v 3 Gagawing mabuti ng Diyos ang sinuman na magbabasa ng mga salitang ito sa sinumang makikinig sa mga ito kapag malakas na binabasa ang mga ito. Gagawin niyang mabuti sa mga tao na makinig nang mabuti at susunod sa mga ito, dahil ang oras kung kailan ang mga bagay na ito ay mabilis nang dumating.
\s5
\p
\v 4 Ako, si Juan, ay sumusulat ng liham na ito sa pitong pangkat ng mga mananampalataya sa lalawigan ng Asya. Nawa maging mabuti ang Diyos sa inyo at bigyan kayo ng kapayapaan, dahil siya ang laging nabubuhay, na nabubuhay ngayon, at laging mabubuhay sa hinaharap. Nawa ang pitong espiritu na nakaupo sa harap ng kaniyang trono ay gawin din ang mga bagay na ito para sa inyo.
\p
\v 5 Nawa si Jesu-Cristo rin -- na tapat na sinabi sa atin ang katotohanan tungkol sa Diyos at -- ay maging mabuti sa inyo at bigyan kayo ng kapayapaan. Dahil siya ang siyang unang ibinangon ng Diyos mula sa mga patay, at siya ang namumuno sa mga hari ng daigdig. Siya ang nagmamahal sa atin at siyang nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo nang namatay siya sa krus.
\p
\v 6 Siya ang nagpasimulang mamuno sa kaniyang kaharian; ibinukod niya tayo para maging mga pari na lumalapit sa Diyos at sinasamba ang kaniyang Ama tulad ng kaniyang inutos. Si Jesu-Cristo ang siyang dapat nating parangalan at papurihan magpakailanman. Ito ang katotohanan.
\s5
\q1
\v 7 Tingnan ninyo! Dumarating si Cristo sa mga ulap. Makikita siya ng lahat ng tao, kasama ng mga pumatay sa kaniya sa pamamagitan ng pagpako sa kaniya sa isang krus. Bawat lipi, bawat uri ng tao sa daigdig, ay malulungkot at magdadalamhati kapag nakita nila siya na dumarating. Iyan ang katotohanan!
\p
\v 8 Ipinapahayag ng Panginoong Diyos, "Ako ang siyang nagpasimula ng lahat ng bagay, ang Alpa, at ako ang siyang magsasanhi na magwakas ang lahat ng bagay, ang Omega. Ako ang nabubuhay, na siyang laging buhay, at siyang laging mabubuhay. Ako ang namumuno sa lahat ng bagay at sa lahat ng tao."
\s5
\p
\v 9 Ako, si Juan, ang kapwa mananampalataya ninyo, ay nagdurusa tulad ninyo, dahil namumuno sa atin si Jesus. Sama-sama tayong magbabahagi sa tawag para magdusa para sa ating pananampalataya. Kabahagi tayo ng kaniyang paghahari at pamumuno sa lahat ng mga bagay, at matiyaga nating pinagtitiisan ang bawat pagsubok at pagsusuri na dumarating. Ako ay nakulong at pinadala sa Isla ng Patmos dahil palagi kong sinasabi sa mga tao ang tungkol sa mensahe ng Diyos at ang katotohanan tungkol kay Jesus.
\p
\v 10 Sa isa sa mga araw na sinasamba natin ang Panginoon kasama ng ibang mananampalataya, nilukuban ako ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Pagkatapos narinig ko ang isang tao na nagsasalita sa likod ko. Ang kaniyang tinig ay parang isang trumpeta na tinutugtog.
\p
\v 11 Sinabi niya sa akin, "Isulat mo sa isang balumbon ng kasulatan ang nakikita mo, at ipadala mo ito sa pitong pangkat ng mga mananampalataya. Ipadala mo ito sa mga mananampalataya sa lungsod ng Efeso, Smirna, Pergamo, Tiatira, Sardis, Filadelfia at Laodicea."
\s5
\q1
\v 12 Nang marinig ko ang mga salitang ito, lumingon ako para tingnan kung sino ang nagsasalita. Pagkatapos nakita ko ang pitong ilawang ginto.
\q1
\v 13 Sa gitna ng mga ilawan may isang parang tao (na tinatawag na anak ng tao). Nakasuot siya ng isang damit na umaabot hanggang kaniyang paanan at isang gintong laso sa paligid ng kaniyang dibdib.
\s5
\p
\v 14 Ang buhok sa kaniyang ulo ay kasing puti ng balahibo ng tupa o bumabagsak na niyebe. Ang kaniyang mga mata ay parang makislap na apoy.
\p
\v 15 Ang kaniyang mga paa ay parang tanso na galing sa isang pugon, na kumikinang na pula. Nang siya ay nagsalita, ang kaniyang boses ay kasing lakas at kasing lalim ng isang malaking ilog na rumaragasang tubig
\p
\v 16 Hawak-hawak niya ang pitong bituin sa kaniyang kanang kamay. Isang tabak na may magkabilang talim ay lumalabas sa kaniyang bibig. Ang mukha niya ay nakakasilaw tulad ng araw sa katanghaliang-tapat.
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos nakita ko siya, para akong patay na bumagsak sa kaniyang paanan. Pero ipinatong niya ang kaniyang kanang kamay at sinabi sa akin, "Huwag kang matakot! Ako ang una na siyang nagpasimula sa lahat ng bagay at ang huli na siyang nagsasanhi ng katapusan sa lahat ng bagay.
\p
\v 18 Ako ay buhay, kahit minsan na akong namatay, at sa katunayan, ako ay buhay magpakailanman! May kapangyarihan ako sa kamatayan at pinamamahalaan ko ang lugar ng mga patay.
\s5
\p
\v 19 Kaya isulat mo ang mga nakita mo. At isulat mo ang mga nangyayari ngayon. At isulat mo ang mga mangyayari sa hinaharap.
\p
\v 20 Ang kahulugan ng pitong bituin na nakita mo sa aking kanang kamay at pitong ilawang ginto ay ito: Kinakatawan ng pitong bituin ang mga anghel na nagbabantay sa pitong pangkat ng mga mananampalataya sa Asya at kinakatawan ng pitong ilawan ang bawat isa sa pitong pangkat na naroroon.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Isulat mo ang mensaheng ito para sa anghel ng mga mananampalataya sa lungsod ng Efeso: Siya na humahawak sa pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, at siya na lumalakad sa kalagitnaan ng pitong gintong ilawan ay sinasabing:
\p
\v 2 'Alam ko ang lahat ng inyong ginawa. Alam ko na kayo ay nagsusumikap para sa akin. Alam ko na kayo ay nagtitiis sa tuwing kayo ay dadaan sa mga pagsubok. Alam ko din na hindi ninyo pinalalampas ang mga masasamang tao, sinusubok ang mga tao sa kanilang pananampalataya, at nakikilala ang mga nagsasabing sila ay mga apostol, pero ang totoo ay hindi.
\s5
\q
\v 3 Alam ko din na kayo ay matiyagang nagtiis nang dumaan kayo sa paghihirap dahil kayo ay naniniwala at patuloy na naglilingkod sa akin nang tapat. sKahit nang ang mga tao ay nagdulot sa iyo para magdusa dahil sa iyong pagsunod sa akin. Patuloy kayong naglingkod sa akin at nanatili sa aking mga salita nang hindi tumitigil o sumusuko kahit naging mahirap para sa inyo.
\p
\v 4 Sa kabila nito, mayroon akong isang bagay na laban sa inyo: Nawala na ang pag-ibig ninyo sa isa't isa at sa akin --pag-ibig na nasa inyo katulad ng una kayong manampalataya sa akin.
\p
\v 5 Kaya alalahanin ninyong muli kung paano ninyo ako inibig tulad noong una. Kung hindi, maliban na kayo ay magsisi, darating ako para tanggalin ang liwanag mula sa inyong kalagitnaan.
\s5
\p
\v 6 Pero mayroon kayong isang mabuting ginagawa: Ang mga Nicolaita, ang bayan na nagsasabi na maaari kayong sumamaba sa diyus-diyosan at gumawa ng imoralidad-- kinapopootan ninyo nag ginawa nila, gaya ng pagkapoot ko rito.
\q
\v 7 Sinumang nais para maunawaan ang aking mensahe ay dapat makinig ng mabuti sa mensahe ng Espiritu ng Diyos sa mga nagtitipong mananampalataya. Ang pangako ay katagumpayan para sa inyo na sumusunod sa akin. At ang mga nagtatagumpay ay pahihintulutang kumain ng bunga mula sa puno na nagbibigay ng buhay na walang hanggan, ang puno na nasa hardin ng Diyos.'"
\s5
\p
\v 8 "Isulat mo ang mensaheng ito para sa anghel ng mga mananampalataya sa lungsod ng Smirna: 'Sinasabi ko ang mga bagay na ito sa inyo. Ako ang una, ang nagsimula ng lahat ng bagay; at ang huli, ang nagtatapos ng lahat ng bagay. Ako ang siyang namatay at muling nabuhay.
\q
\v 9 Alam ko ang tungkol sa inyong naging pagdurusa. Alam ko ang tungkol sa inyong kahirapan, kakulangan at pangangailangan (pero kayo ay totoong mayaman sa mga bagay na walang hanggan at hindi kailanman ay hindi makukuha sa inyo). Alam ninyo ang pakiramdam nang sinusumpa at pinagsasabihan ng mga masasamang bagay dahil sa inyong pagsunod sa akin. Ang mga Judiong iyon (na hindi totoong mga Judio) na sinusumpa kayo at nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa inyo, sila ay mga miyembro ng samahan ni Satanas at hindi ng samahan ng bayan ng Diyos.
\s5
\p
\v 10 Huwag kayong matakot sa anumang bagay na inyong pagdurusa. Sa katunayan, ipakukulong kayo ng diyablo para subukin ang inyong pananampalataya. Sa loob ng sandaling panahon, kayo ay magdurusa. Manatili kayong nagtitiwala sa akin kahit patayin nila kayo, at puputungan ko kayo ng koronang gawa sa bulaklak na magsisilbing simbolo ng inyong buhay na walang hanggan at tanda na kayo ay nanalo.
\p
\v 11 Makinig kayo nang mabuti sa mensahe na sinasabi ng Espiritu ng Diyos sa pangkat ng mga mananampalataya na sama-samang nagtitipon. Lahat ng sinakop ay hindi mamamatay sa pangalawang pagkakataon.'"
\s5
\p
\v 12 "Isulat mo ang mensaheng ito para sa anghel ng mga mananampalataya sa lungsod ng Pergamo: 'Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito. Ako ang siyang mayroong tabak na magkabila ang talim.
\p
\v 13 Alam kong naninirahan kayo kung saan malakas ang kapangyarihan ni Satanas at kung saan ang kaniyang impluwensiya ay nagkalat. Alam ko na kayo ay matatag na nananampalataya at nananatili sa mga bagay na iniibig ko at mahalaga sa akin kahit pinatay nila ang aking matapat na lingkod na si Antipas, na patuloy na nagsasabi sa mga tao kung sino ako at ano ang ginawa ko para sa kanila.
\s5
\p
\v 14 Pero, nakikita ko ang ilang mga bagay na nakakasakit sa inyong patotoo at nagpapahina ng inyong pagsunod. Pinahihintulutan ninyo ang ilan sa inyong mga miyembro na magturo gaya ng mga katuruan ni Balaam noon. Tinuro niya kay Balak na kumain ng pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at ang kahalayan ay pinahihintulutan sa bayan ng Diyos.
\p
\v 15 Dahil dito, pinahihintulutan ninyo din ang ilan sa inyong mga miyembro na gawin ang mga itinuturo ng mga Nicolaita, na ang kahalayan ay pinahihintulutan sa bayan ng Diyos na sa katunayan ay hindi.
\s5
\p
\v 16 Itigil ninyo ito at baguhin ang inyong pag-iisip dahil kung hindi, darating ako ng biglaan sa inyo at makikipagdigma ako sa kanila sa pamamagitan ng salita ng Diyos na lumalabas sa aking bibig.
\p
\v 17 Makinig kayo ng mabuti sa mensahe na sinasabi ng Espiritu ng Diyos sa mga mananampalataya. Sa kaniya na nalupig, ibibigay ko ang natatagong manna na magpapakain at magpapalakas sa kaniya. Gayundin, bibigyan ko siya ng puting bato kung saan ko iuukit ang isang bagong pangalan para sa kaniya, isang pangalan na siya at ako lang ang makaaalam.'"
\s5
\p
\v 18 "Isulat mo ang mensaheng ito para sa anghel ng mga mananampalataya na nagtipon sa lungsod ng Tyatira: 'Ako na Anak ng Diyos, na ang mga mata ay nagniningning tulad ng nag-aalab na apoy; at ang mga paa ay nagniningning tulad ng isang mainam na tanso -- ako ang siyang nagsasabi ng mga bagay na ito sa inyo.
\p
\v 19 Alam ko ang lahat ng inyong mabuting ginagawa. Alam kong mahal ninyo ako at ang isa't isa, at patuloy kayong nagtitiwala sa akin. Alam kong pinaglilingkuran ninyo ang ibang tao at tapat ninyong tinitiis ang maraming kahirapan. Alam kong ginagawa ninyo ang mga ito nang higit pa kaysa sa inyong ginawa noong nakaraan.
\s5
\q
\v 20 Pero mayroon akong isang bagay na laban sa inyo: Pinahihintulutan ninyo ang babae na katulad ng masamang reyna na nabuhay noon na si Reyna Jezebel sa inyong samahan. Sinasabi niya na siya ay isang propeta pero nililinlang niya ang aking mga lingkod sa pamamagitan ng kaniyang mga katuruan. Hinihimok niya sila na gumawa ng kahalayan at kumain ng mga pagkaing inalay sa mga diyus-diyosan.
\p
\v 21 Bagaman binigyan ko siya ng panahon na tumalikod sa kaniyang kahalayan at mga gawaing pagano, pero hindi siya tumigil.
\s5
\p
\v 22 Dahil dito, dudulitin ko na siya ay magkaroon ng malubhang karamdaman. Dudulutin ko din na ang mga namumuhay sa kahalayan katulad niya ay magdurusa nang matindi kung hindi sila titigil sa kanilang ginagawa.
\p
\v 23 Ang ilan ay naging katulad ng kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga itinuturo niya --at sila ay tiyak kong papatayin. Matapos nito, ang lahat ng mga mananampalataya ay mababatid na ako ang siyang nakaaalam ng iniisip at ninanais ng bawat isa. Gagantimpalaan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa.
\s5
\p
\v 24 Pero may mabuti akong masasabi sa ibang mga mananampalataya sa lungsod ng Tyatira. Mabuti at hindi ninyo tinatanggap ang mga masasamang bagay na ito. Mabuti na hindi ninyo tinanggap ang mga "lihim na mga gawain" na itinutiro ng mga gurong iyon na siya namang itinuro ni Satanas sa kanila. Wala na akong ibang ipag-uutos sa inyo maliban na
\p
\v 25 kayo ay magpatuloy at manatiling nananalig sa akin at sundin ako hanggang sa muli kong pagbalik.
\s5
\p
\v 26 Sa kanila na dinadaig si Satanas at patuloy na sumusunod sa aking mga kautusan maging hanggang kamatayan, ibibigay ko ang aking kapangyarihan na pamunuan ang lahat ng grupo ng bayan.
\p
\v 27 Pamumunuan nila sila gamit ang isang bakal na tungkod. Wawasakin nila ang mga masasama tulad ng kung paano winawasak ng bayan ang mga paso. Bibigyan ko sila ng karapatan na gawin ang mga bagay na ito katulad nang pagbibigay ng karapatan sa akin ng Ama.
\p
\v 28 Sa lahat ng dumadaig kay Satanas, ibibigay ko ang bituin sa umaga.
\p
\v 29 Sinuman na nais umunawa ay dapat makinig nang mabuti sa mensahe na sinasabi ng Espiritu ng Diyos sa mga nagtitipong mananampalataya.
\s5
\c 3
\p
\v 1 "Isulat ang mensaheng ito para sa anghel ng pangkat ng mga mananampalataya na nagtipon-tipon sa lungsod ng Sardis. 'Sinasabi ko ang mga bagay na ito sa iyo. Ako ang isa na mayroong pitong espiritu ng Diyos at ang pitong bituin. Alam ko ang lahat ng iyong ginawa. Pinapakita mong buhay ka, pero ikaw ay patay.
\p
\v 2 Gumising ka sa iyong pagkakatulog! Palakasin ang natitirang kakaunting mga bagay na mayroon ka, ang mga bagay na iyon na malapit ng mamatay. Kailangan mo itong gawin dahil alam ko na tinuturing ng aking Diyos na hindi kasiya-siya ang ginawa mo.
\s5
\p
\v 3 Kaya pagkatapos, patuloy mong alalahanin ang mensahe ng Diyos at ang katotohanan na iyong tinanggap nang marinig mo ito. Palaging sundin ito at tumalikod mula sa iyong makasalanang pag-uugali. Kung hindi mo ito gagawin, pupunta ako sa iyo kung kailan hindi mo ako inaasahan, gaya ng pagdating ng isang magnanakaw. Hindi mo malalaman kung anong oras ako dadating para hatulan ka.
\p
\v 4 Gayunpaman, mayroon kang ilang mananampalataya diyan sa lungsod ng Sardis na hindi gumagawa ng mali. Ito ay parang hindi nila dinungisan ang kanilang mga damit. Bunga nito, dahil sila ay karapat-dapat mabuhay kasama ko, sila ang mabubuhay kasama ko at magiging dalisay sa lahat ng paraan, katulad ng mga taong nakasuot ng dalisay na puting damit.
\s5
\p
\v 5 Silang mga lumupig kay Satanas ay bibihisan ko ng parehong puting mga damit. Hindi ko kailanman buburahin ang kanilang mga pangalan mula sa aklat ng buhay na naglalaman ng mga pangalan ng mga tao na mayroong walang hanggang buhay. Sa halip, kikilalanin ko sa presensiya ng aking Ama at ng kaniyang mga anghel na sila ay pagmamay-ari ko.
\p
\v 6 Ang bawat isa na gustong makaunawa ay kailangang makinig mabuti sa mensahe na sinasabi ng Espiritu ng Diyos sa mga pangkat ng mananampalataya na sama-samang nagtitipon.'"
\s5
\p
\v 7 "Isulat ang mensaheng ito para sa anghel ng pangkat ng mga mananampalataya na nagtipon-tipon sa lungsod ng Filadelfia: 'Sinasabi ko ang mga bagay na ito sa iyo. Ako ang Isang banal, ang Totoong Isa. Gaya ni Haring David ay mayroong kapangyarihan na payagan ang mga tao na pasukin ang sinaunang lungsod ng Jerusalem, kaya mayroon akong kapahintulutan na payagan ang mga tao na pumasok sa aking kaharian. Ako ang isa na nagbubukas ng mga pinto para walang sinuman ang makapagsasara nito at ako ang isa na nagsasara ng mga pinto para walang sinuman ang makapagbubukas nito.
\p
\v 8 Alam ko ang lahat ng iyong ginawa. Magkaroon ng kamalayan na binuksan ko ang isang pintuan para sa iyo na walang sinuman ang makapagsasara. Alam ko na kahit na mayroon kang maliit na kapangyarihan, sinunod mo ang sinabi ko, at hindi mo itinanggi na naniniwala ka sa akin.
\s5
\p
\v 9 Maging maingat! Ako ay may kamalayan na ang iba sa iyong bayan ay nakikipagtagpo kasama ang mga sumusunod kay Satanas. Inaangkin nila na sila ay mga Judio, pero alam ko na sila ay hindi tunay na mga Judio. Sila ay nagsisinungaling. Idudulot ko na sila ay pumunta sa iyo at yumukod nang buong pagpapakumbaba sa iyong paanan at kilalanin na ikaw ay mahal ko.
\p
\v 10 Dahil ako ay iyong sinunod nang inutos ko sa iyo na tiisin ang paghihirap ng matiyaga, pananatilihin kong ligtas ka mula sa mga iyon na susubukan ka na sumuway sa akin. Sa madaling panahon, gagawin din nila ito sa buong mundo.
\p
\v 11 Darating ako sa madaling panahon. Kaya patuloy na gawin ang kung ano ang sinabi ko sa iyo, nang sa gayon ay walang sinuman ang magdudulot sa iyo na mawala ang iyong gantimpala na inilaan ng Diyos para sa iyo.
\s5
\p
\v 12 Gagawin kong matibay ang mga lumupig kay Satanas. Sila ay magiging matatag katulad ng mga poste sa templo ng aking Diyos, at sila ay mananatili doon magpakailanman. Tatatakan ko sila ng pangalan ng aking Diyos, na nagpapakita na sila ay pag-aari niya. Sila ay tatatakan ko rin ng pangalan ng lungsod ng aking Diyos, ang Bagong Jerusalem, ang lungsod na bababa galing sa langit mula sa aking Diyos. Sila rin ay tatatakan ko ng aking bagong pangalan, na nagpapakita na sila ay pag-aari ko.
\p
\v 13 Ang lahat nang sinuman na gustong makaintindi ay kinakailangang makinig ng mabuti sa mensahe na sinasabi ng Espiritu ng Diyos sa mga pangkat ng mga mananampalataya na sama-samang nagtitipon.'"
\s5
\p
\v 14 "Isulat ang mensaheng ito para sa anghel ng pangkat ng mga mananampalataya na nagtipon-tipon sa lungsod ng Laodicea: 'Sinasabi ko ang mga bagay na ito sa iyo. Ako ang isa na umaako sa lahat ng mga pangako ng Diyos. Ako ang isa na magpapatotoo tungkol sa Diyos ng mapagkakatiwalaan at tama. Ako ang isa kung kanino nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay.
\q
\v 15 Alam ko ang lahat ng iyong ginawa: Hindi mo itinanggi na nagtitiwala ka sa akin, pero hindi mo ako gaanong mahal. Ikaw ay parang tubig na hindi malamig o mainit. Hinihiling ko na ikaw ay alinman sa malamig o mainit!
\p
\v 16 Dahil ikaw ay hindi mainit o malamig, malapit na kitang itakwil, na parang ako ay dumudura ng maligamgam na tubig mula sa aking bibig.
\s5
\p
\v 17 Sinasabi mong, 'Ako ay mayaman at nakakuha ng maraming kayamanan. Wala akong kakulangan!' Pero hindi mo napagtatanto na ikaw ay may kakulangan sa maraming mga bagay. Ikaw ay katulad ng mga tao na napakasama at kahabag-habag, mahirap, bulag, at hubad.
\q
\v 18 Pinapayuhan kita na kunin mo mula sa akin lahat ng kailangan mo, parang ikaw ay bumibili mula sa akin ng purong ginto para ikaw ay maaaring maging tunay na mayaman. Hayaan mo akong gawin kang matuwid, parang ikaw ay bumibili mula sa akin ng puting damit parang ikaw ay makasuot ng damit sa halip na maging hubad at nahihiya. Hayaan mo akong tulungan ka na maintindihan ang katotohanan, parang ikaw ay bumibili mula sa akin ng gamot para ilagay sa may sakit na mga mata.
\s5
\q
\v 19 Yamang itinutuwid at itinatama ko ang lahat ng aking mahal, tumalikod ka ng buong puso mula sa iyong makasalanang pag-uugali.
\p
\v 20 Magkaroon ng kamalayan na ako ay tumatawag sa bawat isa sa inyo na tumugon sa akin na parang ako ay nakatayo at naghihintay sa inyong pinto at kumakatok. Ako ay darating para sa lahat ng narinig ang aking boses, bubuksan ang pinto, at aanyayahan akong pumasok. Ako ay papasok at makakasama katulad ng ginagawa ng mga magkakaibigan kapag sila ay kumakain ng magkakasama.
\s5
\p
\v 21 Papayagan ko ang bawat isa na lumupig kay Satanas na umupo at mamuno kasama ko sa aking trono, katulad ng paglupig ko kay Satanas at ngayon nakaupo at namumuno kasama ang aking Ama sa kaniyang trono.
\p
\v 22 Ang bawat isang may gustong makaunawa ay kinakailangang makinig ng mabuti sa mensahe ng Espiritu ng Diyos na sinasabi sa pangkat ng mga mananampalataya na nagkatipon-tipon.'"
\s5
\c 4
\p
\v 1 Matapos ang mga bagay na ito ako, si Juan, ay nakakita ng pangitain na may isang pintong nakabukas sa langit. Ang isa na may tinig na katulad ng isang malakas na trumpeta, ang siyang unang nagsalita sa akin, ay nagsabi, "Halika dito! Ipapakita ko sa iyo ang mga susunod na kaganapan na dapat mangyari.
\p
\v 2 Kaagad kong naranasan na ang Espiritu ng Diyos ay pinangungunahan ako nang hindi pangkaraniwan. May isang trono doon sa langit, at sa trono na iyon ay may isang nakaupo at naghahari.
\p
\v 3 Ang kaniyang anyo ay nagniningning na mga hiyas, tulad ng isang makinang na kristal na haspe at isang makinang na pulang karolina. Nakapalibot sa trono ang isang bahaghari na nagniningning na katulad ng isang makinang na berdeng esmeraldang hiyas.
\s5
\p
\v 4 Sa paligid ng trono ay may dalawampu't-apat na ibang mga trono. Sa mga tronong ito ay may dalawampu't-apat na mga nakatatanda na nakaupo. Sila ay nakasuot ng purong puting mga damit at may gintong mga korona sa kanilang mga ulo.
\p
\v 5 Mula sa trono nanggagaling ang kidlat at mga dagundong at pagkulog. Sa unahan ng trono ay may nagliliyab na pitong mga sulo, na kumakatawan sa pitong espiritu ng Diyos.
\s5
\p
\v 6 Sa unahan ng trono ay mayroon ding tila isang dagat gawa sa salamin. Ito ay malinaw, katulad ng kristal. Sa bawat isa sa apat na gilid ng trono may isang buhay na nilalang. Bawat isa ay nababalutan ng mga mata sa unahan at likuran.
\s5
\p
\v 7-8 Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng isang leon. Ang pangalawang buhay na nilalang ay katulad ng isang baka. Ang pangatlong buhay na nilalang ay may isang mukha na katulad ng isang mukha ng tao. Ang pang-apat na buhay na nilalang ay katulad ng isang agilang lumilipad. Bawat isa sa apat na mga buhay na nilalang ay may anim na mga pakpak. Itong mga pakpak ay nababalutan ng mga mata sa parehong itaas at ibaba. Araw at gabi ay patuloy nilang sinasabi: "Banal, banal, banal ang Panginoong Diyos, ang Kaisa-isang Makapangyarihan. Siya ang buhay noon, ngayon, at magpakailanman."
\s5
\p
\v 9-10 Ang mga buhay na nilalang ay nagpupuri, nagpaparangal, at nagpapasalamat sa isang nakaupo sa trono, ang isa na siyang namumuhay magpakailanman. Tuwing ginagawa nila iyon, ang dalawampu't-apat na mga nakatatanda ay nagpapatirapa sa lupa sa harap ng isa na siyang nakaupo sa trono. Siya ay kanilang sinasamba, ang isa na siyang nabubuhay magpakailanman pa man. Inilagak nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono at sinabing:
\p
\v 11 "Aming Panginoon at Diyos, ikaw ay karapat-dapat na purihin ng lahat ng mga nilalang; ikaw ay karapat-dapat na parangalan ng lahat ng mga nilalang; at ikaw ay karapat-dapat kilalanin na siyang makapangyarihan sa lahat ng mga nilalang. Sapagkat ikaw lamang ang lumikha ng lahat ng mga bagay. Bukod doon, sapagkat binalak mo na sila ay dapat mabuhay, nilikha mo sila; bilang bunga; sila ay nabuhay."
\s5
\c 5
\p
\v 1 Nakita ko ang isang balumbon ng kasulatan na nasa kanang kamay nang siyang nakaupo sa trono. May nakasulat sa labas at loob ng balumbon, at ito ay sinelyuhan ng pitong mga selyo.
\p
\v 2 Nakita ko ang isang makapangyarihang anghel na naghahayag sa malakas na tinig, "Ang siyang nararapat na sumira sa mga selyo ng balumbon ng kasulatan at pagkatapos buksan ito ay dapat na lumapit at gawin ito!"
\s5
\q
\v 3 Pero walang nilikha sa langit, sa mundo, o sa ilalim nito ang may kakayahan upang mabuksan ang balumbon ng kasulatan at tingnan kung ano ang nakasulat dito.
\q
\v 4 Umiyak ako ng malakas dahil wala ni isang nararapat para gawin iyon.
\p
\v 5 Pero isa sa mga nakatatanda ay nagsabi sa akin, "Huwag ka ng umiyak! Tingnan mo, ang isa na tinatawag na Leon mula sa lipi ng Juda, na siyang kaapu-apuhan at tagapagmana ni Haring David, ay nagapi si Satanas! Bilang bunga, siya ay nararapat upang sirain ang pitong mga selyo sa balumbon ng kasulatan at buksan ito!"
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos nakita ko ang isang kordero na nakatayo sa gitna ng apat ng mga buhay na nilalang at ang mga nakatatanda sa paligid ng trono. Bagaman siya ay buhay, siya ay may mga tanda na nagpakita na may isang tao ang pumatay sa kaniya. Siya ay may pitong mga sungay, at siya ay may pitong mga mata na pitong espiritu ng Diyos na mga ipinadala ng Diyos sa buong mundo.
\p
\v 7 Lumapit ang kordero at kinuha ang balumbon ng kasulatan mula sa kanang kamay ng isa na nakaupo sa trono.
\s5
\p
\v 8 Nang kinuha niya ang balumbon ng kasulatan, ang apat na mga buhay na nilalang at ang dalampu't-apat na mga nakatatanda ay nagpatirapa sa kaniyang harapan. Bawat isa sa kanila ay may isang alpa, at sila ay may mga gintong mangkok na puno ng insenso na kumakatawan sa mga panalangin ng bayan ng Diyos.
\s5
\p
\v 9 Ang mga buhay na nilalang at ang mga nakatatanda ay kumanta ng isang bagong awit. Kinanta nila: "Ikaw ay nararapat upang makatanggap ng balumbon ng kasulatan at buksan ang mga selyo nito dahil ikaw ay pinatay, at dahil ikaw ang tumubos sa mga tao para sa Diyos mula sa bawat lipi, wika, mga tao, at grupo ng mga tao na mayroong dugo mo nang ikaw ay namatay.
\p
\v 10 Ikaw ang sanhi upang sila ay maging isang bayan na pinamumunuan ng ating Diyos at maging mga pari na naglilingkod sa kaniya; kanilang pamumunuan ang mundo."
\s5
\p
\v 11 Sa aking patuloy na pagtingin, aking narinig ang mga tinig ng maraming mga anghel sa paligid ng trono at sa paligid ng mga buhay na nilalang at ang mga nakatatanda. Milyun-milyon sila, sa dami ng tao ay wala ni isa ang maaaring makapagbilang sa kanila.
\p
\v 12 Sila ay umaawit sa malakas na tinig: "Ang kordero na kanilang pinatay- ito ang tamang gawin na dapat nating purihin ang kaniyang kapangyarihan, kayamanan, karunungan, at kalakasan. Ito ang tamang gawin na ang lahat ng nilikhang mga bagay ay dapat parangalan at purihin siya!"
\s5
\p
\v 13 At narinig ko ang bawat nilikha na nasa langit at nasa ibabaw ng lupa at nasa ilalim ng lupa at nasa dagat na sinabing, "Dapat nating purihin magpakailanman, parangalan, at luwalhatiin ang siyang nakaupo sa trono at ang kordero. Nawa ganap silang maghari nang may kapangyarihan magpakailanman!"
\p
\v 14 Ang apat na buhay na nilalang ay nagsabi, "Mangyari nawa ito!" Pagkatapos ang mga nakatatanda ay nagpatirapa ng kanilang mga sarili at nagpuri sa Diyos at sa kordero.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Nakita kong binuksan ng kordero ang una sa pitong selyo ng balumbon ng kasulatan. Pagkatapos ang isa sa apat na nabubuhay na nilalang ay nagsabi sa isang tinig na sinlakas ng kulog, "Halika!"
\p
\v 2 at isang puting kabayo ang lumitaw. May isang taong nakasakay dito, siya ay may isang pana at mga palaso. Binigyan siya ng Diyos ng isang korona upang ipakita na siya ang hari na sumasakop sa mga tao. Siya ay lumabas upang patuloy na sakupin ang mga tao.
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos ang isang katulad ng isang kordero ay binuksan ang ikalawang selyo, at narinig ko ang pangalawang nabubuhay na nilalang na nagsasabi, "Halika!"
\p
\v 4 Nang sinabi niya iyon, isang pulang kabayo ang lumitaw. May isang tao ring nakasakay dito, at binigyan siya ng Diyos ng kapangyarihan na magdulot sa mga tao na hindi na mamuhay ng mapayapa, pero sa halip ay patayin ang isa't-isa. Dahil sa layuning ito siya ay nagdala ng isang malaking espada.
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos binuksan ng kordero ang ikatlong selyo, at narinig ko ang pangatlong nabubuhay na nilalang na nagsasabi, "Halika!" Sa pagkakataong ito, nakita ko ang isang itim na kabayo na lumitaw. May isang taong nakasakay dito, at siya ay may isang pares na mga timbangan sa kaniyang kamay.
\p
\v 6 Pagkatapos narinig ko ang isang tinig na tila nagmumula sa kalagitnaan ng apat na nabubuhay na mga nilalang. Ito ang sinabi sa taong nasa kabayo, "Gawing mangyari ito na ang isang litrong trigo ay lalong malaki ang halaga na ang isang tao ay kailangan maghanapbuhay ng isang buong araw upang kumita ng sapat na salapi upang makabili nito. Gawin ding mangyari ito na ang tatlong litro ng sebada ay mabibili sa parehong halaga. Pero huwag babawasan ang dami ng pinagmumulan ng langis ng olibo o alak."
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos binuksan ng kordero ang ika-apat na selyo, at narinig ko ang ika-apat na nabubuhay na nilalang na nagsasabi, "Halika!"
\p
\v 8 Sa pagkakataong ito nakita ko ang isang maputlang kabayo ang lumitaw. Isang tao ang nakasakay dito; ang kanyang pangalan ay, "Ang isang nagbibigay dahilan sa mga tao para mamatay. "May isang tao pa ang sumusunod sa kaniya; ang pangalan ng taong ito ay, "Ang lugar kung saan ang mga patay na tao ay napupunta." Ang Diyos ay nagbigay ng kapangyarihan sa dalawang taong ito upang pumatay sa ikaapat na bahagi sa lahat ng mga tao sa lupa. Maaari nila silang patayin sa pamamagitan ng mga sandata, ng taggutom, ng sakitn, o ng mabangis na mga hayop.
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos binuksan ng kordero ang ika-limang selyo, at nakita ko sa ilalim ng altar sa langit ang mga espiritu ng mga lingkod ng Diyos na pinatay ng iba dahil ang mga lingkod na ito ay naniwala sa mensahe ng Diyos at dahil sinabi nila sa iba ang katotohanan tungkol dito at kay Jesus.
\p
\v 10 Malakas nilang tinanong ang Diyos, "Pinakamakapangyarihang Panginoon, ikaw ay banal at totoo. Gaano pa katagal ito bago mo hatulan at parusahan ang mga tao sa lupa na pumatay sa amin?"
\p
\v 11 Pagkatapos binigyan ng Diyos ang bawat isa ng isang mahabang, puting balabal, at sinabi sa kanila na magpahinga at magtiis ng sandali. Sila ay dapat maging matiisin hanggang mapatay ng masamang mga tao ang lahat ng mga mananampalataya na naglingkod sa Diyos kasama sila. Ang mga mananampalatayang ito ay iyong mga nais ng Diyos na mamatay katulad ng ibang namatay na.
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos nakita kong binuksan ng kordero ang ika-anim na selyo at ang lupa ay malakas na nayanig. Ang araw ay nagdilim katulad ng tela na yari sa itim na balahibo. Ang buong buwan ay naging pula tulad ng dugo.
\p
\v 13 Ang mga bituin ay nalaglag sa lupa sa malaking mga bilang, katulad ng paglagas ng hindi pa nahihinog na mga igos na inuuga ng isang malakas na hangin.
\p
\v 14 Ang himpapawid ay nahahating magkabila katulad ng pagtiklop ng isang lumang balumbon ng kasulatan kung ito ay nahahati sa dalawa. Bawat bundok at isla ay nauga mula sa kinalalagyan nito.
\s5
\p
\v 15 Bilang resulta, lahat ng tao sa lupa, kasama ang mga hari, matataas na katungkulan ng tao, heneral, mayayamang tao, makapangyarihang tao, kasabay ng lahat ng mga tao pa, kapwa alipin at malaya, ay nagtago sa mga yungib at sa pagitan ng mga bato ng bundok.
\p
\v 16 Sila ay sumigaw sa mga bundok at sa mga bato, "Mahulog kayo sa amin at itago kami upang ang isang nakaupo sa trono ay hindi kami makita, at sa gayon hindi na kami maaaring maparusahan ng kordero!
\p
\v 17 Ito ang kakilakilabot na araw na parurusahan nila tayo. Walang isa man ay maaaring maligtas!"
\s5
\c 7
\p
\v 1 Pagkatapos nito nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa lupa. Isa ay nakatayo sa hilaga, isa sa silangan, isa sa timog at isa sa kanluran. Kanilang pinipigilan ang pag-ihip ng hangin at pagwasak ng mga bagay dito sa lupa, sa karagatan, o kahit sa anumang punong kahoy.
\p
\v 2 Pagkatapos nakita Ko ang isa pang anghel na nagmula sa silangan. Siya ay may dala-dalang selyo ng Diyos. Sa pamamagitan ng selyong ito ang Diyos, na siyang makapangyarihan sa lahat, minarkahan ang kaniyang mga tao upang sila ay mapangalagaan. Ang anghel na ito ay tumawag na may malakas na tinig sa apat na anghel na sinabihan ng Diyos na puminsala sa lupa at sa karagatan.
\p
\v 3 Sinabi niya sa kanila, "Huwag ninyong sirain ang lupa o ang karagatan o ang mga punong kahoy hanggang mamarkahan namin sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos."
\s5
\p
\v 4 Pagkatapos ang anghel at ang kaniyang kapwa mga anghel ay minarkahan ang lahat ng lingkod ng Diyos. Aking narining ang bilag ng mga tao na kanilang namarkahan. Ang bilang ay 144,000. Sila ang mga tao mula sa iba't ibang lipi ng Israel.
\p
\v 5 Ang mga anghel ay nagmarka ng labing dalawang libong tao mula sa lipi ng Juda, labing dalawang libo mula sa lipi ni Ruben, labing dalawang libo mula sa lipi ni Gad,
\p
\v 6 labing dalawang libo mula sa lipi ni Aser, labing dalawang libo mula sa lipi ni Neftali, labing dalawang libo mula sa lipi ni Manases,
\s5
\p
\v 7 labing dalawang libo mula sa lipi ni Simeon, labing dalawang libo mula sa lipi ni Levi, labing dalawang libo mula sa lipi ni Isacar,
\p
\v 8 labing dalawang libo mula sa lipi ni Zebulun, labing dalawang libo mula sa lipi ni Jose, at labing dalawang libo mula sa lipi ni Benjamin.
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos mangyari ng mga bagay na ito, nakita ko ang isang malaking bilang ng tao. May napakaraming tao na walang sinuman ang makakabilang sa kanila. Sila ay mula sa bawat bansa, bawat lipi, bawat grupo ng tao, at bawat wika. Sila ay nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng kordero. Sila ay nakasuot ng puting kasuotan at hawak ang sanga ng palma upang ikaway ang kanilang mga kamay para magdiwang.
\p
\v 10 Sila ay sumigaw ng malakas, "Aming Diyos, ang nakaupo sa trono, at ang kordero ay niligtas tayo mula sa kapangyarihan ni Satanas!"
\s5
\p
\v 11 Ang lahat ng mga anghel ay nakatayo sa paligid ng trono, sa paligid ng mga nakatatanda, at sa paligid ng apat na nabubuhay na nilalang. Silang lahat ay nagpatirapa sa harap ng trono habang ang kanilang mga mukha ay nakaharap sa lupa at sumamba sa Diyos.
\p
\v 12 Sinabi nila. "Oo, siya nawa! Kami ay nagpupuri, nagpapasalamat, at ika ay pinararangalan, aming Diyos, magpakailanman! Aming kinikilala na ikaw ay ganap na matalino, ang makapangyarihan, na may kakayahang gawin ang lahat ng mga bagay magpakailanman! Siya nawa!"
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos nito ang isa sa mga nakatatanda ako ay tinanong, "Silang mga tao na nakasuot ng puting mga kasuotan, kilala mo ba kung sino sila at kung saan sila nagmula?
\p
\v 14 Siya ay aking sinagot, "Ginoo, hindi ko alam. Ngunit tiyak na alam ninyo kung sino sila!" Sinabi niya sa akin, "Sila ang mga taong naging sanhi ng masidhing pagdurusa ng iba. Ang kordero ay namatay para sa kanila, at pinatawad na sila ng Diyos sa kanilang mga kasalanan. Na tila hinugasan nila ang kanilang mga kasuotan sa pamamagitan ng kaniyang dugo at ginawa silang malinis.
\s5
\p
\v 15 Dahil dito, sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos, at sila ay sumasamba sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo. Ang Diyos, na nakaupo sa trono, ay pangangalagaan sila.
\p
\v 16 Bunga nito, sila ay hindi na muling magugutom. Sila ay hindi na muling mauuhaw. Hindi na sila mabibilad sa araw, at hindi mapapaso ng kahit anong init.
\p
\v 17 Ito ay dahil ang kordero na siyang nakaupo sa trono ang mag-iingat sa kanila, tulad ng isang pastol na nag-iingat sa kaniyang mga tupa. Siya ang gagabay sa kanila sa pinagmulan ng buhay na walang hanggan, tulad ng isang pastol na umaakay sa kaniyang mga tupa sa mga bukal ng tubig. Hindi sila hahayaan ng Diyos na patuloy na maging malungkot. Ito ay parang pinupunasan niya ang mga luha mula kanilang mga mata."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Pagkatapos binuksan ng kordero ang ikapitong selyo, at doon tila nawala ang tunog sa buong kalangitan sa isang sandaling panahon.
\p
\v 2 Nakita ko ang pitong angel na nakatayo sa harapan ng Diyos. Kaniyang binigyan ang bawat isa ng trumpeta.
\s5
\p
\v 3 Isa pang anghel ang dumating at tumayo sa altar. Mayroon siyang isang gintong mangkok para sa pagsusunog ng insenso. Binigyan siya ng Diyos ng isang malaking bilang ng insenso para kaniyang ialay ang mga ito, kasama ang mga panalangin ng lahat ng bayan ng Diyos, sa gintong altar na nasa harapan ng trono ng Diyos. Pagkatapos kaniyang sinunog ang insenso sa altar.
\p
\v 4 Mula sa mangkok sa kamay ng anghel, ang usok ng insenso, kasama ang mga panalangin ng bayan ng Diyos, ay umakyat sa Diyos.
\p
\v 5 Pagkatapos kinuha ng anghel ang gintong mangkok at pinuno ito ng mga nagbabagang uling mula sa altar. Kaniyang inihagis lahat ito sa lupa. Kumulog at dumagundong, kumidlat at ang lupa ay nayugyog.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos ang pitong anghel, ang bawat isa ay may pitong trumpeta, at naghanda silang hipan ang mga ito.
\p
\v 7 Ang unang anghel ay hinipan ang kaniyang trumpeta, at ang ulan na may yelo at apoy na may halong dugo ay bumuhos pababa sa lupa. Ang bunga nito, ang ikatlong bahagi ng lahat ng nasa ibabaw ng lupain ay nasunog: ang ikatlong bahagi ng mga puno ay sinunog, at ikatlong bahagi ng lahat ng luntiang damuhan ay sinunog.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos ang ikalawang anghel ay hinipan ang kaniyang trumpeta, at may isang bagay na tulad ng isang malaking bundok na nag-aapoy ay bumagsak sa karagatan. Bilang isang bunga, ang ikatlong bahagi ng karagatan ay naging kulay pula tulad ng dugo,
\p
\v 9 ang ikatlong bahagi ng mga buhay na mga nilalang sa karagatan ay nangamatay, at ang ikatlong bahagi ng bilang ng mga barko sa karagatan ay winasak.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos ang pangatlong anghel ay hinipan ang kaniyang trumpeta, at isang malaking bituin, kung saan ay nagliliyab tulad ng isang sulo, ay bumagsak mula sa himpapawid patungo sa ikatlong bahagi ng mga ilog at sa ikatlong bahagi ng mga bukal ng tubig.
\p
\v 11 Ang pangalan ng bituin ay Kapaitan. Bunga nito, ang tubig sa ikatlong bahagi ng mga ilog at mga bukal ng tubig ay naging mapait. Maraming mga tao ang namatay mula sa pag-iinom ng tubig dahil ito ay naging mapait.
\s5
\p
\v 12 Pagkatapos ang ikaapat na anghel ay hinipan ang kaniyang trumpeta, at hinampas ng Diyos ang araw, ang buwan, at ang mga bituin kaya sila ay nawalan ng liwanag sa ikatlong bahagi ng isang araw. Ang araw ay hindi lumiwanag sa ikatlong ng isang araw, at ang buwan at mga bituin ay hindi nagningning sa ikatlong bahagi ng isang gabi.
\s5
\p
\v 13 Sa aking pagmamasid, ako ay nakarinig ng agila na lumilipad sa himpapawid na sumisigaw sa isang malakas na tinig, “Kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa mga tao na naninirahan sa lupa kapag ang tatlong natitirang mga anghel ay hinipan ang kanilang mga trumpeta! Kanila nang hihipan ang mga ito!”
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkatapos hinipan ng ika-limang anghel ang kaniyang trumpeta, at may nakita akong tala na nalaglag mula sa langit papunta sa lupa. Binigay dito ng Diyos ang susi sa lagusan na pababa sa mundo ng mga patay.
\q
\v 2 Nang binuksan niya ang lagusan na iyon, may lumabas na usok dito katulad ng usok na mula sa nasusunog na pugon. Ang usok na iyon ang humadalang para makita ng sinuman ang liwanag ng araw at ang himpapawid.
\s5
\p
\v 3 May mga balang din na lumabas mula sa usok papunta sa lupa. Binigyan sila ng kapangyarihan ng Diyos na tusukin ang mga tao katulad ng pagtusok ng isang alakdan sa mga tao.
\p
\v 4 Sinabihan ng Diyos ang mga balang na hindi dapat nila sirain ang mga damo ng lupa o kahit na anong mga halaman o kahit na anong mga puno. Sinabi ng Diyos na maaari lang nilang saktan ang mga taong walang tanda sa kanilang mga noo na nagpapakita na kabilang sila sa Diyos.
\s5
\p
\v 5 Hindi pinayagan ng Diyos ang mga balang na patayin nila ang mga tao. Sa halip, patuloy lang na pinahirapan ng mga balang ang mga tao ng limang buwan. Ang sakit na naramdaman ng mga tao ay katulad ng sakit na idinudulot ng isang alakdan kapag tinusok nito ang mga tao.
\q
\v 6 Habang sa mga panahon na pinapahirapan ng mga balang ang mga mapaghimagsik na mga tao, ang sakit ay magiging malubha na nanaisin ng mga tao na maghanap ng paraan para mamatay, pero hindi sila makakahanap. Nanaisin nilang mamatay, pero hindi sila mamamatay.
\s5
\p
\v 7 Ang mga balang ay mukhang mga kabayo na handa para sa digmaan. Mayroon silang suot sa kanilang mga ulo na kamukha ng gintong korona. Ang kanilang mga mukha ay katulad mukha ng mga tao.
\p
\v 8 Mayroon silang mahabang buhok na katulad ng mga babae. Ang kanilang mga ngipin ay kasingtigas ng mga ngipin ng mga leon.
\p
\v 9 Nagsuot sila ng baluti sa dibdib na gawa sa bakal. Nang lumilipad sila, ang kanilang mga pakpak ay parang dagundong ng maraming mga kabayo na may hilang mga karwahe na tumatakbo papunta sa labanan.
\s5
\p
\v 10 Mayroon silang mga buntot na katulad ng buntot ng mga alakdan. Sa mga buntot na ito ay kaya nilang tumusok ng mga tao. Ang kapangyarihan nila na saktan ang mga tao sa loob ng limang buwan na iyon ay nasa kanilang mga buntot.
\p
\v 11 Ang hari na namuno sa kanila ay ang anghel ng mundong ilalim. Ang pangalan niya sa wikang Hebreo ay Abaddon, at ang pangalan niya sa wikang Griyego ay Apollon, na parehong nangangahulugang "Taga-wasak".
\p
\v 12 Doon nagtapos ang unang kakila-kilabot na kaganapan. Pero maging mapagbatid na mayroon pang dalawang susunod na kakila-kilabot na kaganapan.
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos hinipan ng ika-anim na anghel ang kaniyang trumpeta, at narinig ko ang isang tinig na mula sa apat na mga sulok ng gintong altar na nasa harapan ng Diyos.
\p
\v 14 Sinasabi ng tinig sa pang-anim na anghel, sa kaniya na may trumpeta, "Pakawalan ang apat na anghel na aking itinali sa dakilang ilog ng Eufrates."
\p
\v 15 Pagkatapos nakalaya ang apat na mga anghel na iyon, sa kanila na mga naghihintay sa tiyak na araw, buwan, at taon na iyon. Lumaya sila upang bigyan nila ng kakayanan ang kanilang mga sundalo na patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao.
\s5
\p
\v 16 Ang bilang ng mga sundalo na nakasakay sa kabayo ay dalawang daang milyon. May narinig akong nagsabi kung gaano karami ang mayroon doon.
\p
\v 17 Sa pangitain nakita ko kung ano ang mukha ng mga kabayo at mga sundalo na nakasakay sa kanila. Ang mga sundalo ay may suot na balutin na kulay pula katulad ng apoy, madilim na kulay asul katulad ng usok, at kulay dilaw na katulad ng asupre. Ang mga ulo ng mga kabayo ay katulad ng mga ulo ng mga leon. Mula sa kanilang mga bibig ay may lumalabas na apoy, usok, at singaw ng nasusunog na asupre.
\s5
\p
\v 18 Ang tatlong bagay na iyon - ang apoy, ang usok, at ang nasusunog na asupre na lumalabas mula sa mga bibig ng mga kabayo - ang pumatay sa ikatlong bahagi ng mga tao.
\q
\v 19 Ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang mga bibig at nasa kanilang mga buntot. Ang kanilang mga buntot ay may mga ulo na katulad ng mga ahas na ginagamit nila para makapanakit sa mga tao.
\s5
\p
\v 20 Pero ang natitirang mga tao, ang mga hindi pinatay sa salot ng apoy, usok, at nasusunog na asupre, ay hindi tumalikod sa mga makasalanang mga bagay na ginagawa nila. Hindi sila tumigil sa pagsamba ng mga demonyo o sa mga diyus-diyosan na sila mismo ang gumawa na yari sa ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy. Hindi tumigil ang mga tao sa pagsamba sa mga ito, kahit na sila ay mga diyus-diyosan na hindi nakakakita, nakakarinig, o nakakalakad.
\p
\v 21 Hindi sila tumigil sa pagpatay ng mga tao, o sa pangkukulam, o sa paggawa ng mga sekswal na imoral na mga gawain, o sa pagnanakaw ng mga bagay.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Nakita ko sa pangitain ang isa pang makapangyarihang anghel na bumaba mula sa langit. Isang ulap ang nakapalibot sa kaniya. May isang bahaghari sa ibabaw ng kaniyang ulo. Ang kaniyang mukha ay nagniningning tulad ng araw. Ang kaniyang mga binti ay tulad ng mga haligi ng apoy.
\p
\v 2 Sa kaniyang kamay ay may isang maliit na balumbon ng kasulatan na nakabukas. Inilagay niya ang kaniyang kanang paa sa karagatan at ang kaniyang kaliwang paa sa lupa.
\s5
\p
\v 3 Siya ay sumigaw ng isang malakas na tinig, isang tinig tulad ng atungal ng isang leon. Nang siya ay sumigaw, kumulog ng pitong beses; sa pagkulog ay may mga salita na aking naintindihan.
\p
\v 4 Isusulat ko dapat ang mga salita na aking narinig, pero ang isang tinig mula sa langit ang nagsabi sa akin, ”panatilihin Iihim kung ano ang sinabi ng kulog! Huwag mo itong isulat!”
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos ang anghel na aking nakita na nakatayo sa dagat at sa lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay tungo sa langit,
\p
\v 6 at kaniyang tinanong siyang nabubuhay magpakailanman-ang lumikha ng kalangitan at lahat ng bagay dito, at lumikha ng lupa at ang lahat ng bagay dito, at siyang lumikha ng karagatan at ang lahat ng bagay na ito-na sabihin kung totoo ang kaniyang sinabi. Sinabi ng anghel na tiyak na hindi na niya maantala kung ano plano ng Diyos na gawin.
\p
\v 7 Sinabi niya kapag dumating ang oras ng ikapitong anghel para hipan ang kaniyang trumpeta, ang lihim na plano ng Diyos ay matatapos na, gaya ng kaniyang sinabi niya noon sa kaniyang mga lingkod, ang mga propeta.
\s5
\p
\v 8 Ang isa na aking narinig na nagsalita mula sa langit ay nagsalita muli sa akin, Kaniyang sinabi, “Pumunta ka at kunin mo ang nakabukas na balumbon ng kasulatan mula sa kamay ng anghel na nakatayo sa karagatan at sa lupa.”
\p
\v 9 Kaya ako ay pumunta sa anghel at hiniling ko sa kaniya na ibigay niya sa akin ang maliit na balumbon. Kaniyang sinabi sa akin, "Kunin mo ito at kainin ito. Sa iyong bibig ito ay maglalasang matamis tulad ng pulot, pero ito ay gagawing mapait sa iyong sikmura."
\s5
\p
\v 10 Aking kinuha ang maliit na balumbon ng kasulatan mula sa kamay ng anghel at aking kinain ito. Sa aking bibig ito ay lasang matamis tulad ng pulot, pero pagkatapos ito ay ginawang mapait ang aking sikmura.
\p
\v 11 Ang isang nagsalita mula sa langit ay nagsabi sa akin, “Ikaw ay kailangang magsalita ng mga mensahe ng Diyos muli sa napakaraming mga bansa, lahi ng tao, tagapagsalita ng maraming mga wika, at mga hari.”
\s5
\c 11
\p
\v 1 Pagkatapos ang isang anghel ay nagbigay sa akin ng isang tambo katulad ng isang panukat na patpat. Sinabi ng Diyos sa akin, "Magpunta ka sa templo, sukatin mo ito, ang altar, at bilangin mo ang mga tao na sumasamba roon.
\p
\v 2 Pero huwag mong sukatin ang patyo sa labas ng gusali ng templo dahil ibinigay ko ito sa mga pangkat ng mga tao na hindi Judio. Bilang bunga, kanilang yuyurakan ang lungsod ng Jerusalem nang apatnapu't dalawang buwan.
\s5
\p
\v 3 Magpapadala ako ng dalawang saksi para ihayag kung ano ang aking isiniwalat sa kanila para sa 1,260 na araw. Kanilang ipapakita na sila ay malungkot patungkol sa mga kasalanan ng mga tao sa pamamagitan ng pagsusuot ng magaspang na mga damit na yari mula sa buhok ng kambing."
\p
\v 4 Ang mga saksi na iyon ang kumakatawan sa pamamagitan ng dalawang puno ng olibo at dalawang mga ilawan na nasa presensya ng Panginoon, sa namumuno sa lupa.
\p
\v 5 Kung sinuman ang magtatangkang manakit sa mga saksi, ang apoy ay manggagaling mula sa bibig ng mga saksi at wawasakin sila. Kung ang mga tao ay gusto silang saktan, ang dalawang saksi ay tiyak silang papatayin sa kaparehong paraan.
\s5
\p
\v 6 Ang mga saksi ay magkakaroon ng kapangyarihan sa himpapawid upang pigilan ang pagbuhos ng ulan habang hinahayag nila kung ano ang isiniwalat ng Diyos sa kanila. Magkakaroon din sila ng kapangyarihan para gawing dugo ang tubig sa lahat ng dako; magkakaroon din sila ng kapangyarihan na magpadala sa lupa ng lahat ng uri ng salot. Gagawin nila ito anumang oras nilang naisin.
\p
\v 7 Nang sila ay natapos na sa pagpapahayag sa mga tao ng mensahe mula sa Diyos, ang halimaw ay lumabas mula sa kailaliman ng mundo para sugurin, supilin, at patayin sila.
\s5
\p
\v 8 Ang mga patay na katawan ng dalawang saksi ay mahihimlay sa kalsada ng dakilang lungsod kung saan ang Panginoon ay pinako, ang lungsod na naglalarawan ay tinawag na Sodoma o Ehipto dahil ang mga tao nito ay napakasama katulad ng mga tao na nanirahan sa Sodoma at Ehipto.
\p
\v 9 Ang bawat-isa mula sa mga pangkat ng mga tao, tribo, wika, at bansa ay mamasdan ang kanilang patay na mga katawan sa loob ng tatlo at kalahating araw. Pero hindi nila hahayaan ang sinuman na mailibing ang kanilang mga katawan.
\s5
\p
\v 10 Kapag nakita ng mga tao na nabubuhay sa lupa na ang mga saksi ay patay na, sila ay magagalak at magdidiwang. Sila ay magpapadala ng kaloob sa bawat isa dahil ang dalawang propeta na ito ay nagpadala ng mga salot na nagpahirap sa kanila.
\q
\v 11 Pero pagkatapos ng tatlo at kalahating araw, bubuhayin sila muli ng Diyos. Sila ay tatayo, at ang mga tao na makakakita sa kanila ay masisindak.
\p
\v 12 Ang dalawang saksi ay makakarinig ng malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi sa kanilang: "Pumarito kayo!" Pagkatapos sila ay aakyat sa langit sa isang ulap. Ang kanilang mga kaaway ay papanuorin silang umakyat.
\s5
\p
\v 13 Sa kasabay nito magkakaroon ng malakas na lindol. Dahil dito, ang ika-sampu ng mga gusali sa lungsod ay guguho at pitong libo sa mga tao ay mamamatay. Ang mga natitirang mga tao ay matatakot at kikilalanin na ang Diyos na siyang namumuno sa langit ay kahanga-hanga.
\p
\v 14 Ito ang magiging pangalawang kakila-kilabot na pangyayari. Magkaroon ka ng kaalaman na ang pangatlong pangyayari ay malapit nang maganap.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos nito ang ika-pitong anghel ay umihip sa kaniyang trumpeta. Ang mga tinig sa langit ay sumigaw ng malakas, "Ang aming Panginoong Diyos at ang Cristo na siyang itinalaga ay maaari nang mangasiwa sa lahat ng mga tao dito sa mundo, at sila ay magpapatuloy sa pamamahala sa mga tao magpakailanman!"
\s5
\p
\v 16 Ang dalawampu't apat na mga nakatatanda na nakaupo sa kanilang mga trono sa presensya ng Diyos ay nagpatirapa at siya ay sinamba.
\p
\v 17 Sinabi nila: "Panginoong Diyos, ikaw ay tunay na dakila! Ikaw ang siyang nabubuhay ngayon at magpakailanman. Nagpapasalamat kami na tinalo mo ang lahat nang naghimagsik sa iyo sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, at ikaw ngayon ay namumuno sa sangkatauhan sa buong sanlibutan.
\s5
\p
\v 18 Ang mga hindi mananampalataya ng mga bansa ay lubos na nagalit sa iyo. Dahil dito lubos kang nagalit sa kanila. Ikaw ay nagpasya na ito ang tamang panahon para hatulan mo ang mga patay na tao. Ikaw din ay nagpasya na ito ang tamang panahon para gantimpalaan ang lahat ng iyong mga lingkod —ang mga propeta at ang mga tao na pinararangalan ka, sila man ay mahalaga dito sa lupa o hindi. Ito ang panahon para sila lahat ay gantimpalaan. Ikaw din ay nagpasya na ito ang panahon para puksain ang mga tao na sumisira sa iba sa ibabaw ng lupa."
\s5
\p
\v 19 Pagkatapos ang Diyos ay binuksan ang templo sa langit, at nakita ko ang sagradong baul. Ang kidlat ay sumiklab; ito ay kumukulog at dumadagundong; nayanig ang lupa, at malalaking mga yelong bato ay nahulog mula sa langit.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Tapos isang bagay na sobrang halaga ang nagpakita sa himpapawid. Iyon ay isang babae, na ang damit ay ang araw. Ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang paa. Sa kaniyang ulo ay may korona ng tagumpay na gawa sa labing dalawang mga bituin.
\p
\v 2 Siya ay halos manganganak na ng isang sanggol, at siya ay umiiyak ng malakas dahil siya ay nahihirapan sa sakit.
\s5
\q
\v 3 May isa pang bagay na hindi pangkaraniwan ang nagpakita sa himpapawid. Iyon ay isang malaking pulang dragon. Ito ay may pitong ulo at sampung sungay. Sa bawat ulo ay may pangharing korona.
\p
\v 4 Ang buntot ng dragon ay kaladkad ang ikatlong sa mga bituin na mula sa himpapawid at inihagis sila sa lupa. Ang dragon ay inilagay ang kaniyang sarili sa harap ng babae na halos manganganak na para maaari niyang kainin ang kaniyang sanggol sa sandaling ito ay isilang.
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos siya ay nagsilang ng isang anak na lalaki na nakalaan na mamahala sa lahat ng mga pangkat ng mga tao na may buong kapahintulutan na parang siya ay gumagamit ng bakal na tungkod. Kinuha ng Diyos ang kaniyang sanggol palayo at nilagay siya sa kaniyang trono.
\p
\v 6 Pero ang babae ay pumunta sa ilang. Siya ay may lugar doon na inihanda ng Diyos para sa kaniya para maalagaan niya ito ng 1,260 na araw.
\s5
\q
\v 7 Pagkatapos may isang labanan sa langit. Si Micael at mga anghel na kaniyang inuutusan lumaban laban sa dragon. Ang dragon at kaniyang mga anghel ay lumaban din laban kay Micael at kaniyang mga anghel.
\q
\v 8 Pero ang dragon ay hindi nanalo sa laban; ni hinayaan ng Diyos na ang dragon at kaniyang mga anghel na manatili pa sa langit.
\p
\v 9 Sa halip, ang Diyos ay inihagis ang malaking dragon sa labas ng langit. Ang dragon ay ang matandang ahas, ang isa na ang mga pangalan ay ang Demonyo at Satanas. Siya ang isang nandaraya sa mga tao sa lahat ng dako ng daigdig. Siya ay inihagis sa lupa kasama ng kaniyang mga anghel.
\s5
\p
\v 10 Pagkatapos ako ay nakarinig ng isang tao sa langit na sumisigaw ng malakas, "Ngayon ang ating Diyos ay niligtas ang kaniyang bayan sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, at siya ang namamahala sa lahat ng mga tao! Ngayon ang kaniyang Cristo, na siyang pinakamataas na tagapamahala na itinalaga ng Diyos, ay may kapahintulutan na mamahala kahit saan dahil ang ating Diyos ay inihagis na sa labas ng langit ang isa na siyang nag-aakusa sa ating mga kasamang mananampalataya na gumagawa ng mali. Ang dragon ay inaakusahan sila araw at gabi sa harap ng Diyos.
\s5
\p
\v 11 Ang ating mga kasamang mananampalataya ay napagtagumpayan na siya dahil ang kordero ay dinanak na ang kaniyang dugo at namatay para sa kanila at dahil sila ay nagsalita ng katotohanan tungkol sa kaniya sa ibang mga tao. Hindi sila naghahanap para manatiling buhay, pero sila ay handa na hayaan ang mga tao na patayin sila sa pagsasabi ng katotohanan tungkol sa kaniya.
\p
\v 12 Kaya ang bawat isa sa langit ay dapat magdiwang. Pero may mga nakapanghihilakbot na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga tao na nakatira sa lupa at sa karagatan dahil ang demonyo ay bababa sa inyo. Siya ay galit na galit dahil alam niya na mayroon na lamang siyang maikling oras bago siya hatulan at parusahan ng Diyos.
\s5
\p
\v 13 Nang mapagtanto ng dragon na siya ay itinapon sa baba ng lupa, hinabol niya ang babae na nagbigay ng kapanganakan sa isang anak na lalaki.
\p
\v 14 Pero ang Diyos ay nagbigay sa babae ng dalawang pakpak katulad ng mga pakpak ng isang napakalaking agila para siya ay makalipad papunta sa ilang. May lugar doon na hinanda ang Diyos para sa kaniya. Doon ang Diyos ang nag-alaga sa kaniya ng tatlo at kalahating taon. Ang ahas, na iyon, ang dragon, walang kakayahan na maabot siya roon.
\s5
\p
\v 15 Tapos ang ahas ay nagbuhos ng tubig katulad ng isang ilog galing sa kaniyang bibig patungo sa babae para matangay siya palayo kasama ng tubig.
\p
\v 16 Pero tinulungan ng lupa ang babae sa pamamagitan ng pagbubuka nito at nilulunok ang ilog na ibinuhos ng dragon mula sa kaniyang bibig.
\p
\v 17 Tapos ang dragon ay galit na galit sa babae, kaya siya ay umalis para labanan ang natitira niyang mga kaapu-apuhan. Sila ang mga tao na sumusunod sa mga utos ng Diyos at nagsabi ng katotohanan tungkol kay Jesus.
\p
\v 18 Tapos ang dragon ay tumayo sa baybayin ng karagatan.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Pagkatapos nakita kong lumabas mula sa karagatan ang isang halimaw. Mayroon itong sampung sungay at pitong ulo. Sa bawat sungay nito ay may isang maharlikang korona. Sa bawat ulo nito ay may isang pangalan na umaalipusta sa Diyos.
\p
\v 2 Ang halimaw na ito ay katulad ng isang leopardo. Pero ang kaniyang mga paa ay katulad ng mga paa ng isang oso, at ang kaniyang bibig ay katulad ng bibig ng isang leon. Ginawa ng dragon na napakamakapangyarihan ang halimaw. Ibinigay sa kaniya ang kapangyarihan na mamahala sa mga tao bilang hari.
\s5
\p
\v 3 Ang isa sa mga ulo ng halimaw ay parang sinugatan ng isang tao kung kaya muntik nang mamatay ang halimaw. Pero ang kaniyang sugat ay gumaling. Bunga nito, ang lahat ng mga tao sa mundo ay namangha sa halimaw at sumunod dito.
\p
\v 4 At sinamba rin nila ang dragon dahil binigyan niya ng kapangyarihan ang halimaw na mamuno sa kanila. Sinamba rin nila ang halimaw at sinabi, "Walang sinumang kasing makapangyarihan tulad ng halimaw! Sino ang maaaring lumaban dito?"
\s5
\p
\v 5 Pinahintulutan ng Diyos na magsalita ang halimaw ng may kayabangan at alipustain siya. Pinahintulutan din ito ng Diyos na pamunuan ang mga tao sa loob ng apatnapu't dalawang buwan.
\p
\v 6 Nang ito ay nagsalita, inalipusta niya ang Diyos, ang kaniyang pangalan, ang lugar na kung saan siya naninirahan, at ang lahat ng mga nakatira sa langit.
\s5
\p
\v 7 Pinahintulutan din ng Diyos ang halimaw na labanan ang kaniyang mga hinirang at lupigin sila. Nagkaroon ito ng kapangyarihan na mamuno sa bawat tribo, sa bawat bansa, sa mga nagsasalita ng bawat wika, at sa bawat pangkat ng mga tao.
\p
\v 8 Lahat ng mga tao na nabubuhay sa lupa ay sasambahin ito. Sila ang mga tao na wala ang mga pangalan sa aklat ng buhay na pag-aari ng pinatay na kordero. Ang mga ito ay ang mga pangalan ng mga tao na isinulat niya sa aklat bago nilikha ng Diyos ang mundo, ang mga pangalan ng siyang mga pag-aari ng Diyos.
\s5
\p
\v 9 Bawat isa na gustong makaunawa ay dapat maingat na makinig sa mensaheng ito mula sa Diyos.
\p
\v 10 Kung ang Diyos ay nagpasya na ang ilang mga tao ay mabihag ng kanilang mga kaaway, sila nga ay nabihag. Kung ang Diyos ay nagpasya na ang ibang tao ay mamatay sa digmaan, sila nga ay mamamatay sa digmaan. Kaya ang mga tao ng Diyos ay dapat magtiis ng kahirapan at maging tapat sa kaniya.
\s5
\p
\v 11 At nakita ko ang isa pang halimaw na lumabas mula sa lupa. Mayroon itong dalawang maliliit na sungay sa kaniyang ulo gaya ng sa tupa. Pero malupit siyang nagsalita na kagaya ng isang dragon.
\p
\v 12 Pinaghaharian niya ang mga tao nang may kapangyarihan para gawin kung ano ang nais ng unang halimaw. Pinilit nito ang mga tao na nakatira sa lupa na sambahin ang unang halimaw, iyon ay, ang halimaw na muntik nang mamatay pero gumaling ang kaniyang sugat.
\s5
\p
\v 13 Ang pangalawang halimaw ay gumawa rin ng mga kasindak-sindak na himala, maging ang magpapaulan ng apoy mula sa langit para bumagsak sa lupa habang nanonood ang mga tao.
\p
\v 14 Ginawa niya ang mga himalang ito sa ngalan ng unang halimaw. Sa paggawa nito, nilinlang niya ang mga tao sa lupa kung kaya't inisip nilang dapat nilang sambahin ang unang halimaw. Pero naganap lamang ito dahil sa pinayagan ng Diyos na mangyari ito. Sinabi ng pangalawang halimaw sa mga taong nabubuhay sa lupa na gumawa ng isang diyus-diyosan para kumatawan sa unang halimaw, na siyang muntik nang mapatay ng isang tao.
\s5
\p
\v 15 Pinahintulutan ng Diyos ang pangalawang halimaw na hingahan ng buhay ang diyus-diyosan na iyon para magsalita at utusan ang diyus-diyosan na sinuman ang tumangging sambahin ito ay dapat patayin.
\p
\v 16 Inatasan din ng pangalawang halimaw ang mga tao na isulat ang pangalan ng unang halimaw sa kanang kamay o sa noo ng bawat isa, maging mga mahahalagang tao man ang mga ito o hindi, mayaman o mahirap, malaya o alipin. Bawat isa!
\p
\v 17 Iniatas ito ng pangalawang halimaw para ang mga tao ay hindi makabili ng anumang bagay o makapagbenta ng anumang bagay kung wala silang tatak, iyon ay, ang pangalan ng halimaw o ang bilang na sumasagisag ng pangalan ito.
\s5
\p
\v 18 Kailangang mag-isip kayo nang may karunungan para maunawaan ang kahulugan ng tatak. Sinuman na nag-iisip nang may karunungan ay dapat maunawaan na ang bilang ay kumakatawan sa isang tao. Ito ay 666.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Pero nakita ko ang kordero na nakatayo sa Bundok Sion sa Jerusalem. Kasama niya ang 144,000 na mga tao. Ang kaniyang pangalan at ang pangalan ng kaniyang ama ay nakasulat sa kanilang mga noo.
\q
\v 2 Nakarinig ako ng tunog mula sa langit, na kasinglakas ng tunog ng isang malaking talon o malakas na kulog. Ang tunog din nito ay katulad ng maraming taong nagpapatugtog ng mga harpa.
\s5
\p
\v 3 Ang 144,000 na mga tao ay kumakanta ng isang bagong awit habang sila ay nakatayo sa harap ng trono, sa harap ng apat na buhay na nilalang, at sa harap ng mga nakakatanda. Tanging ang 144,000 na mga tao, na mga tinubos ng kordero mula sa mga tao sa lupa, ang maaaring matuto ng awit na iyon. Wala nang iba na maaaring matuto ng awit na iyon.
\p
\v 4 Ang 144,000 na iyon ay ang mga taong hindi dinungisan ang kanilang mga sarili sa mga babae; sila ay dalisay. Sila ang mga sumusunod sa kordero saan man siya pumunta. Sila ang mga tinubos ng kordero para sa Diyos mula sa mga tao sa lupa; sila ang mga unang inalay ng kordero sa Diyos at sa kaniyang sarili.
\p
\v 5 Ang mga taong ito ay hindi kailanman nagsinungaling nang sila ay nagsalita, at hindi sila kailanman kumilos ng imoral.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos nakakita ako ng isa pang anghel na lumilipad sa pagitan ng himpapawid at langit. Dala-dala niya ang walang hanggang mabuting balita ng Diyos sa lupa para maipahayag niya ito sa mga tao na namumuhay sa lupa. Ipapahayag niya ito sa bawat bansa, sa bawat lipi, sa mga nagsasalita ng bawat wika, at sa bawat pangkat ng tao.
\q
\v 7 Sinabi niya sa malakas na boses, "Parangalan ninyo ang Diyos at purihin siya dahil ngayon ay oras na para hatulan niya ang bawat isa! Sambahin ninyo siya dahil siya ang lumikha ng langit, ng lupa, ng karagatan, at ng mga bukal ng tubig."
\s5
\p
\v 8 Isa pang anghel, ang pangalawa, ay dumating pagkatapos niya at nagsasabing, "Ang napakasamang lungsod ng Babilonia ay tuluyan nang winasak! Pinarusahan ng Diyos ang kaniyang mga tao dahil hinikayat niya ang mga tao ng lahat ng mga bansa na gumawa ng mga sekswal na imoral na kaparaanan katulad ng kaniyang ginagawa. Bunga nito, ang Diyos ay galit sa kanilang lahat at parurusahan sila. Ang kaniyang galit ay magiging katulad ng alak na ipapainom niya sa kanila."
\s5
\p
\v 9 Isa pang anghel, ang ikatlo, ay dumating pagkatapos, at sinabi sa malakas na boses, "Kung ang mga tao ay sasamba sa halimaw at sa larawan nito o hahayaang ilagay ang tanda nito sa kanilang mga noo o sa kanilang mga kamay,
\p
\v 10 ang Diyos ay magagalit sa kanila at sila ay paparusahan niya ng lubha. Pahihirapan niya sila sa nasusunog na asupre sa harapan ng kaniyang mga banal na anghel, at sa harapan ng kordero.
\s5
\p
\v 11 Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay tataas magpakailanman. Patuloy silang pahihirapan ng Diyos, araw at gabi. Ito ang mangyayari sa mga taong sumasamba sa halimaw at sa larawan nito o sinuman na hinahayaang isulat ang pangalan nito sa kanila."
\p
\v 12 Kaya ang bayan ng Diyos, silang mga sumusunod sa mga utos ng Diyos at siyang mga nagtitiwala kay Jesus, ay kailangang tapat na magpatuloy na sumunod at magtiwala sa kaniya.
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos nakarinig ako ng tinig mula sa langit sinasabing, "Isulat mo ito: Ganoong kapalad mula ngayon ang mga mamamatay sa pakikipagkaisa sa Panginoon." Sinasabi ng Espiritu ng Diyos, "Oo, dahil pagkatapos nilang mamatay, hindi na nila kailangang magtiis sa pagdurusa. Sa halip, sila ay magpapahinga, at bawat isa ay malalaman ang mga mabubuting bagay na kanilang ginawa."
\s5
\q
\v 14 Pagkatapos isa pang bagay na nakakabigla ang nakita ko. Ito ay isang puting ulap, at sa ulap ay may isang nakaupo na kamukha ng Anak ng Tao. Suot niya ang isang gintong korona sa kaniyang ulo. At sa kaniyang kamay hawak niya ang isang matalas na karit.
\p
\v 15 Gayunman isa pang anghel ang lumabas mula sa templo sa langit. Sa isang malakas na boses, sinabi niya sa kaniya na nakaupo sa ulap, "Ang oras ay dumating na para anihin ang butil sa lupa, kaya gamit ang karit mo anihin mo ang butil dahil ang butil ay hinog na."
\p
\v 16 At inilagay nga ng nakaupo sa ulap ang kaniyang karit sa lupa at ginawa ang lahat ng gawain.
\s5
\p
\v 17 Isa pang anghel ang lumabas mula sa santuwaryo sa langit. Mayroon din siyang hawak na matalas na karit.
\p
\v 18 Mula sa altar ay dumating din ang isa pang anghel. Siya ang nangangalaga ng apoy sa altar. Sinabi niya sa malakas na boses sa anghel na may hawak na karit, "Gamit ang iyong karit putulin mo ang mga kumpol ng ubas sa ubasan sa lupa! Pagkatapos ipunin mo ang mga kumpol ng ubas dahil ang mga ubas na ito ay hinog na!"
\s5
\p
\v 19 Kaya iwinasiwas ng anghel ang kaniyang karit sa lupa. Pagkatapos inihagis niya ang mga ubas sa malaking lugar kung saan ang Diyos ay galit na magpaparusa.
\q
\v 20 Inapakan ng Diyos ang mga ubas sa tapakan ng mga ubas sa labas ng lungsod, at dugo ang lumabas! Ang dugo ay dumaloy sa isang batis na sa sobrang lalim na ito ay umabot sa kabisada ng mga kabayo at umabot ng tatlong daang kilometro.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Isang hindi pangkaraniwang bagay pa ang lumitaw sa langit. Nakakita ako ng pitong mga anghel, na ang katungkulan ay parusahan ang mga taong naghihimagsik sa pitong magkakaibang paraan. Lubos ang galit ng Diyos sa mga taong naghihimagsik kaya't parurusahan niya sila sa huling pagkakataon.
\s5
\p
\v 2 Nakakita ako ng isang tila dagat na mukhang yari sa salamin at may halong apoy. Nakita ko rin ang mga tao na siyang dumaig sa halimaw sa pamamagitan ng hindi pagsamba rito o sa imahe nito, at sa pamamagitan ng hindi pagpayag sa mga alagad nito na tatakan sila na may bilang na sumagisag sa pangalan ng halimaw. Sila ay nakatayo sa dagat na mukhang gawa sa salamin. Hawak-hawak nila ang mga harpa na ibinigay ng Diyos sa kanila.
\s5
\q
\v 3 Umawit sila ng isang kanta na katulad ng inawit na alagad ng Diyos na si Moises noong unang panahon. Kumanta sila nito para purihin ang kordero sa ganitong paraan; "Panginoong Diyos na dakila, ang lahat ng iyong ginagawa ay makapangyarihan at kamanghamangha! Ikaw ay palaging kumikilos sa katuwiran at katotohanan. Ikaw ang hari ng lahat magpakailanman!
\q
\v 4 O Panginoon, ang bawat isa ay matatakot sa iyo at pararangalan ka dahil ikaw ay nagiisa at banal. Lahat ng mga pangkat ng mga tao ay pupunta at yuyuko sa harap mo dahil ikaw ay nagpakita na ikaw ay humahatol sa tamang pamamaraan."
\s5
\q
\v 5 Pagkatapos nito nakita kong nagbukas ang pinakabanal na lugar sa langit, kung nasaan ang sagradong tolda.
\q
\v 6 Ang pitong mga anghel na siyang may mga mangkok na naglalaman ng pitong magkakaibang uri ng parusa ay lumabas mula sa pinakabanal na lugar. Ang mga anghel ay nakasuot ng malinis, at puting linong kasuotan; sila din ay nakasuot ng gintong bigkis na nakapalibot sa kanilang mga dibdib.
\s5
\q
\v 7 Ang isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay ng isang gintong mangkok na puno ng alak sa bawat isa sa pitong mga anghel. Ang alak ay nag lalarawan na ang Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman, ay lubos nagagalit sa mga taong naghimagsik laban sa kaniya at kaniyang paparusahan sila.
\q
\v 8 Ang pinakabanal na lugar ay puno ng usok na naglalarawan sa presensya ng maluwalhati at makapangyarihan Diyos. Wala ni isa ang nakapasok sa pinakabanal na lugar hangga't ang pitong mga anghel ay natapos sa parusahan ang mga tao sa lupa sa pitong magkakaibang pamamaraan.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Sa pangitain, narinig ko ang isang tao na nasa pinakabanal na lugar na nagsasalita sa isang malakas na tinig at sinasabi sa mga anghel na may pitong mangkok, "Pumunta ka mula rito at ibuhos mo sa lupa ang alak na nasa pitong mangkok. Ito ang magpapahirap sa mga tao dahil ang Diyos ay galit sa kanila."
\s5
\q
\v 2 Kaya ang unang anghel ay pumunta at ibinuhos sa lupa ang alak na nasa kaniyang mangkok. Bunga nito, nakakakilabot at mahahapding mga sugat ang kumalat sa mga tao na nagpahintulot sa mga alagad ng halimaw na isulat ang pangalan ng halimaw sa kanila, silang mga sumamba sa larawan ng halimaw.
\s5
\q
\v 3 Pagkatapos ang ikalawang anghel ay ibinuhos sa karagatan ang alak na nasa kaniyang mangkok. Bunga nito, ang tubig sa dagat ay nangamoy tulad ng dugo ng isang bangkay, at bawat nilalang sa karagatan ay namatay.
\s5
\p
\v 4 Pagtapos ang ikatlong anghel ay ibinuhos sa mga ilog at sa mga bukal ang alak na nasa kaniyang mangkok. Bunga nito, ang tubig na nasa mga ilog at mga bukal ay naging dugo.
\p
\v 5 Narinig ko ang anghel na may kapangyarihan sa mga tubig na nagsabi sa Diyos, "O Diyos, ikaw ay buhay at buhay magpakailanman. Ikaw ang siyang banal. Ikaw ay makatarungang humahatol sa mga tao.
\p
\v 6 Ang mga tao na naghimagsik laban sa iyo ay pinatay ang iyong mga banal na tao at ang mga propeta. Kaya ikaw ay makatarungan sa pagpaparusa sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng dugo para inumin. Ito ang nararapat sa kanila."
\p
\v 7 Pagkatapos, narinig ko ang isang tao sa altar na sumagot, "Oo, Panginoong Diyos, Ikaw na siyang dakila, ikaw ay nagpaparusa sa mga tao ng tama at makatarungan."
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos ang ika-apat na anghel ay ibinuhos sa araw ang alak na nasa kaniyang mangkok. Kaniyang binigyan ng kakayahan ang araw na pasuin ang mga tao sa pamamagitan ng apoy.
\p
\v 9 Kaya ang mga tao ay nasunog ng matindi, at sila ay nagsabi ng mga masamang bagay tungkol sa Diyos dahil siya ay may kapangyarihan na pahirapan sila sa ganitong mga paraan. Pero sila ay tumanggi pa ring tumalikod mula sa kanilang masamang asal at tumanggi na purihin siya.
\s5
\p
\v 10 Nang ang ikalimang anghel ay ibinuhos sa trono ng halimaw ang alak na nasa kaniyang mangkok, naging madilim kung saan ang halimaw ay namumuno. Kaya ang halimaw at ang mga tao na pinamunuan ng halimaw ay kinakagat ang kanila mga dila dahil sila ay naghihirap sa matinding sakit.
\p
\v 11 Kanilang nilapastangan ang Diyos na namumuno sa langit dahil ang kanilang mga sugat ay napakahapdi. Pero sila ay tumanggi na huminto sa paggawa ng masamang mga bagay na kanilang ginagawa.
\s5
\q
\v 12 Pagkatapos ang ika-anim na anghel ay ibinuhos sa Ilog ng Eufrates ang alak na nasa kaniyang mangkok. Ang tubig sa ilog ay natuyo kaya ang mga namumuno mula sa silangang dako ng mga bansa ay makatawid dito kasama ang kanilang mga hukbo.
\p
\v 13 Pagkatapos nakakita ako ng mga masasamang espiritu na kamukha ng mga palaka. Ang isa ay lumabas mula sa bibig ng dragon, isa mula sa bibig ng halimaw, at ang isa ay mula sa bibig ng bulaang propreta.
\p
\v 14 Ang mga espiritu na iyon ay mga demonyo na kayang magsagawa ng mga himala. Sila ay pumunta sa mga pinuno ng buong mundo para tipunin ang kanilang mga hukbo. Ito ay upang makalaban sila sa mahalagang araw kung saan ang Makangyarihang Diyos ay parurusahan ang kaniyang mga kaaway.
\s5
\p
\v 15 (Narinig kong sinabi ng Panginoong Jesus, "Ikaw ay makinig ng mabuti sa akin: Katulad ng isang magnanakaw, ako ay dadating ang hindi mo inaasahan. Kaya ako ay magagalak sa mga nananatiling handa at namumuhay sa tamang paraan para sila ay hindi mapahiya. Sila ay magiging katulad ng isang tao na pinapanatili na malinis ang kaniyang kasuotan para siya ay hindi mapahiya sa harap ng ibang mga tao.")
\q
\v 16 Titipunin ng mga masasamang espiritu ang mga pinuno sa isang lugar na pinangalanan sa wikang Hebreo na Armagedon.
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos ang ika-pitong anghel ay ibinuhos sa hangin ang alak na nasa kaniyang mangkok. Bilang bunga, sinabi ng isang tao sa isang malakas na boses mula sa trono ng pinakabanal na lugar, "Ang panahon para parusahan ng Diyos ang mga mapaghimagsik na mga tao ay tapos na."
\p
\v 18 Nang naubos ng anghel ang laman ng mangkok, biglang kumidlat, nagkaroon ng mga dagundong at kulog, at ang lupa ay niyanig. Ito ay niyanig nang napakalakas, higit pa sa lahat ng pagyanig simula nang unang nabuhay ang mga tao sa lupa.
\q
\v 19 Bunga nito, ang napakalaking lungsod ay nahati sa tatlong bahagi. Winasak din ng Diyos ang mga lungsod sa ibang mga bansa. Hindi kinalimutan ng Diyos ang bayan sa Babilonia na lubhang nagkasala. Kaya sila ay kaniyang pinainom ng isang tasa ng alak na nagdulot sa kanila ng paghihirap dahil sa galit niya sa kanila.
\s5
\p
\v 20 Bunga rin ng lindol ang bawat isla ay naglaho, at ang mga bundok ay naging patag na lupa.
\p
\v 21 Mga malalaking batong yelo na kung saan ang bawat isa ay may timbang na apatnapung kilo ay nalaglag mula sa kalangitan tungo sa mga tao. Pagkatapos ang bayan ay nilapastangan ang Diyos dahil pinarusahan niya sila sa ganito kalupit na paraan, at dahil ang mga batong yelo ay napakalaki.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Isa sa mga pitong anghel, na hawak ang isa sa pitong mga mangkok, lumapit sa akin at sinabi, "Sumama ka sa akin at ipapakita ko sa iyo kung paano paparusahan ng Diyos ang babaeng bayaran, ang babae na kumakatawan sa lungsod na kung saan maraming mga daluyan ng tubig.
\p
\v 2 Ang mga hari sa lupa ay gumawa ng kahalayan at sumamba sa kaniya. Ang mga tao sa lupa ay gumawa ng kahalayan sa parehong paraan. Para silang nalasing sa alak na ibinigay niya sa kanila."
\s5
\q
\v 3 Pagkatapos isinailalim ako sa kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos, at dinala ako palayo ng anghel sa isang malungkot na lugar. Dito nakita ko ang isang babae na nakaupo sa isang pulang halimaw. Nakasulat ang mga pangalan sa buong katawan ng halimaw. Ang mga pangalang ito ay ang lumapit sa Diyos. Mayroong pitong ulo at sampung sungay ang halimaw.
\q
\v 4 Nakasuot ng kulay lilak at pulang mga damit ang babae. Siya ay may alahas na ginto, mamahaling mga bato, at mga perlas; may hawak siya sa kaniyang kamay ng isang gintong kopa. Ang kopa ay puno ng isang bagay na maiinom na kumakatawan para sa kasuklam-suklam at maruming mga bagay na kaniyang mga gawa nang siya ay nakagawa ng sekswal na kahalayan.
\p
\v 5 Mayroong isang pangalan na nakasulat sa kaniyang noo, isang pangalan na may lihim na kahulugan. Ito ay "Ang babaeng ito ay Babilonia, ang napakasamang lungsod! Siya ay ang ina ng lahat ng mga babaeng bayaran sa lupa. Tinuturo niya sa kanila na gawin ang lahat ng karumihan, malalaswang mga bagay sa mundo."
\s5
\q
\v 6 Nakita ko ang babae na nalasing dahil siya ay uminom ng dugo ang bayan ng Diyos, sila na mga nagdusa sa pagpapahayag ng katotohanan tungkol kay Jesus. Nang makita ko siya, ako ay lubusang namangha.
\p
\v 7 Sabi ng Anghel sa akin, "Huwag kang mamangha. Ipapaliwanag ko sayo ang kahulugan ng babae at ang halimaw na kaniyang sinasakyan, ang halimaw na may pitong ulo at sampung sungay.
\s5
\p
\v 8 Ang halimaw na nakita mo noon ay buhay. Darating ang panahon na siya ay wawasakin din ng Diyos, pero ngayon patay na siya. Malapit na siyang lumitaw mula sa mundong ilalim. Kapag ang halimaw ay nagpakitang muli, ang mga tao sa lupa ay mamamangha. Sila ang mga tao na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay bago pa likhain ng Diyos ang mundo.
\s5
\p
\v 9 Kailangan ng mga tao na mag-isip na may karunungan para maunawaan ito: Ang pitong mga ulo ng halimaw na kung saan inuupuan ng babae ay sumisimbolo ng pitong mga burol sa lungsod na kinakatawan ng babae. Sinisimbolo rin nito ang pitong mga pinuno.
\p
\v 10 Lima sa mga pinunong ito ay patay na. Buhay pa ang isa. Ang ika-pitong pinuno ay hindi pa dumarating. Kapag siya ay dumating, siya ay mananatili lamang sa sandaling panahon.
\s5
\q
\v 11 Ang halimaw na nabuhay noon at pagkatapos hindi na buhay ay magiging ika-walong pinuno. Ang totoo siya ay isa sa mga pitong pinuno, pero tiyak na wawasakin siya ng Diyos.
\s5
\p
\v 12 Ang sampung sungay na nakita mo ay kumakatawan sa sampung pinuno na hindi pa nagsimulang mamuno. Tatanggap sila ng kapangyarihan para mamuno sa mga tao kasama ng halimaw, pero mamumuno lamang sila sa sandaling panahon, na tila parang isang oras lamang.
\q
\v 13 Ang lahat na mga pinuno ay sasangayon na gawin ang parehong bagay. Bilang bunga nito ibibigay nila sa halimaw ang kanilang karapatan at kapangyarihan para mamuno sa mga tao.
\p
\v 14 Ang mga pinuno at ang halimaw ay makikipagdigmaan laban sa kordero. Tatalunin niya sila dahil siya ay ang Panginoon na namumuno sa lahat ng ibang mga panginoon at ang Hari na namumuno sa lahat ng ibang mga hari. Ang mga tao na kasama niya ay isa sa mga pinili ng Diyos at tinawag sa kaniyang sarili, at patuloy na matapat na naglilingkod sa kaniya."
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos sinabi ng anghel sa akin, "Ang mga tubig na nakita ninyo sa lungsod na kung saan kinauupuan ng babaeng bayaran ay kumakatawan sa mga tao, maraming tao, pangkat ng mga tao, at sa mga tagapagsalita ng maraming mga wika.
\s5
\p
\v 16 Ang sampung sungay nakita mo ay kumakatawan sa sampung mga pinuno. Kapopootan nila at ng halimaw ang babaeng bayaran. Kaya kukunin nila ang lahat ng bagay na nasa lungsod na iyon na tila parang iniiwan nila itong hubad. Wawasakin nila ito na tila parang lumalamon ng laman, at tuluyan nila itong susunugin.
\p
\v 17 Gagawin nila iyon dahil ang Diyos ang nagdulot sa kanila para magpasya na magawa kung ano ang nais niyang ipagawa sa kanila. Kaya ang nangyari, hahayaan nila ang halimaw na makuha ang kanilang kapangyarihan na mamuno hanggang sa matupad kung ano ang sinasabi ng Diyos.
\s5
\p
\v 18 Ang babaeng bayaran na nakita mo ay kumakatawan sa napakasamang lungsod na ang mga pinuno ay namuno sa mga hari sa lupa."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Pagkatapos nito nakita ko ang isa pang anghel, isa na siyang may dakilang kapangyarihan, bumaba mula sa langit. Ang lupa ay nagliwanag dahil siya ay labis na nagningning.
\q
\v 2 Sumigaw siya ng napakalakas na tinig, "Wawasakin ng Diyos nang lubusan ang napakasamang lungsod ng Babilonia. Bunga nito, lahat ng uri ng mga masasamang espiritu ay maninirahan doon, at lahat ng uri ng marurumi at kasuklam-suklam na mga ibon ay maninirahan doon. Ang Babilonia ay katulad ng babaeng bayaran
\p
\v 3 na kung saan ang lahat ng pangkat ng mga tao ay gumagawa ng mga kahalayan. Ang Diyos ay lubhang nagalit sa kanila. Oo, at ganoon din ang ginawa sa kaniya ng mga hari ng lupa. Ang mga mangangalakal sa mundo ay yumaman dahil gusto niya gumawa ng sobrang kahalayan.
\s5
\p
\v 4 Narinig ko si Jesus na nagsalita mula sa langit. Sinabi niya, "Aking mga tao, lumayo kayo mula sa Babilonia para hindi kayo gumawa ng kasalanan gaya ng ginagawa ng mga tao roon. Kapag kayo ay nagkasala katulad nila, paparusahan ko kayo sa pitong magkakaibang kaparaanan, katulad ng pagpaparusa ko sa kanila.
\p
\v 5 Ang kanilang kasalanan ay umabot hanggang langit at naaalala sila ng Diyos, kaya ngayon sila ay parurusahan niya."
\p
\v 6 Sa mga anghel na itinakda ng Diyos na parusahan ang Babilonia, sinabi ni Jesus, "Pagbayaran ng mga tao ng lungsod na iyan ang nagawa nilang kasalanan kagaya ng pagpapahirap nila sa ibang tao. Pahirapan mo sila ng dalawang beses katulad ng pagpapahirap nila sa ibang mga tao.
\s5
\p
\v 7 Sa parehong pagpapalawig ng Babilonia, tulad ng isang babae, pinarangalan ang kaniyang sarili, at gumawa ng mga bagay na gusto niyang gawin, sa pagpapalawig ng pagpapahirap sa kaniya at bigyan siya ng pagdadalumhati. Gawin ninyo ito dahil iniisip niya, 'Ako ay namamahala gaya ng isang reyna! Hindi ako balo, at hindi ako kailanman magluluksa gaya ng ginagawa ng mga balo!
\p
\v 8 Kaya sa isang araw, katakot-takot na salot ang darating sa kaniya. Ang mga tao sa lungsod na iyan ay mamamatay, ang iba ay magluluksa para sa kanila, ang mga tao ay magugutom dahil mawawalan ng pagkain, at ang lungsod ay masusunog. Ang Panginoong Diyos ay kaya siyang parusahan dahil siya ay makapangyarihan."
\s5
\p
\v 9 "Ang mga hari sa lupa na gumawa ng kasamaan kasama niya at ginawa lamang kung ano ang kanilang gustong gawin kasama niya ay mananangis at magluluksa para sa kaniya kapag nakita nila ang usok ng apoy na masusunog doon.
\p
\v 10 Sila ay tatayo malayo sa Babilonia dahil sila ay matatakot na maghirap katulad ng ginawa niya. Sasabihin nila, "Kakila-kilabot ito sa Babilonia, na isang napakalakas na lungsod! Siya ay bigla at mabilis na pinarusahan ng Diyos!"
\s5
\p
\v 11 Ang mga mangangalakal sa lupa ay mananangis at magluluksa para sa kaniya dahil walang isa sa kaniya ang nais bumili ng mga bagay na kanilang ipagbibili
\p
\v 12-13 Ipinagbibili nila ang mga palamuti na gawa sa ginto, pilak, mga mahalagang bato, at mga perlas. Ipinagbibili nila ang mamahaling tela na gawa sa pinong lino at seda, mamahaling tela na kulay lilak at pula. Ipinagbibili nila ang lahat ng mga uri ng hindi pangkaraniwang kahoy, lahat ng mga uri ng mga bagay na gawa sa pangil ng elepante, mamahaling kahoy, tanso, bakal, at marmol. Ipinagbibili nila ang sinamon, pampalasa, pabango, insenso, alak, langis ng olibo, harina, at trigo. Ipinagbibili nila ang mga baka, mga tupa, mga kabayo, at mga karwahe. Kahit mga tao ay ipinagbibili nila bilang mga alipin.
\s5
\p
\v 14 Sasabihin ng mga mangangalakal, 'Ang mga mabubuting bagay na pinananabikan ninyong mga tao na magkaroon ay wala na! Lahat ng inyong mga marangya at manining na ari-arian ay naglaho! Sila ay mawawala magpakailanman!'
\s5
\p
\v 15 Ang mga mangangalakal na nagbenta ng mga bagay na ito at naging mayaman ay tatayo sa malayo dahil sila ay matatakot na sila ay maghihirap gaya lamang ng lungsod. Sila ay mananangis at magluluksa,
\p
\v 16 at sasabihin nila, 'Nakakakilabot na mga bagay ang nangyari sa dakilang lungsod na iyan! Ang lungsod na iyan ay katulad ng isang babae, na nakasuot ng damit na gawa sa pinong lino at mamahaling tela na tininang lila at pula, at napapalamutian ng ginto, mahalagang mga bato, at mga perlas.
\p
\v 17 Ngunit bigla at mabilis na winasak ng Diyos ang lahat ng mamahaling mga bagay na ito.' Bawat kapitan ng sasakyang pandagat, lahat ng mga tao na naglalakbay sa pamamagitan ng sasakyang pandagat, lahat ng mga mandaragat, at lahat ng mga ibang kumikita ng ikinabubuhay sa pamamagitan ng paglalakbay sa karagatan ay tatayo malayo mula sa lungsod.
\s5
\q
\v 18 Nang makita nila ang usok ng apoy na nasusunog doon, sila ay sisigaw, 'Walang ibang lungsod na naging gaya ng dakilang lungsod na iyon!
\p
\v 19 Magsasabog sila ng abo sa kanilang mga ulo upang ipakita na sila ay malungkot, at sila ay sisigaw, mananangis at magluluksa. Sasabihin nila, "Nakakakilabot na mga bagay ang nangyari sa Babilonia! Ang lungsod na iyan ay maraming taong ginawang mayaman, mga tao na mayroong mga sasakyang pandagat na naglalayag sa karagatan upang ipagbili ang mga mamahaling mga bagay. Ang Diyos ay bigla at mabilis na winasak ang lungsod na iyan!"
\p
\v 20 Pagkatapos may isang nagsalita mula sa langit na nagsasabing, "Kayong mga naninirahan sa langit, magalak kayo sa kabila ng nangyari sa Babilonia! Kayo na mga tao ng Diyos, kasama kayong mga apostol at mga propeta, magalak. Dapat magalak kayo; matuwid na pinarusahan ng Diyos ang mga tao doon dahil gumawa sila ng napakasama sa inyo!"
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos may isang makapangyarihang anghel ang dumampot ng isang bato na sinlaki ng isang malaking bato para sa pagigiling ng binhi, at kaniyang ibinato iyon sa karagatan. Pakatapos sinabi niya, "Kayong mga tao sa dakilang lungsod ng Babilonia, ibabato ng Diyos ang inyong lungsod nang sa gayon ito ay mawawala katulad ng pagkawala ng bato sa karagatan! Ang inyong lungsod ay mawawala magpakailanman!
\p
\v 22 Sa inyong lungsod, wala na kailanman ang tutugtog ng alpa, aawit, tutugtog ng plauta, o iihip ng mga trumpeta. Wala ng kahit sinong mahuhusay na manggagawa na gumagawa ng mga bagay. Hindi na kailanman muling ang mga tao ay makapag - gigiling ng binhi sa gilingaan.
\s5
\p
\v 23 Kailanman ay wala ng ilaw na magliliwanag muil roon. Kailanman ay wala na muling masasayang tinig ng kahit na sinong lalaking ikakasal at ng kaniyang babaeng pakakasalan. Wawasakin ng Diyos ang inyong lungsod dahil ang inyong mga mangangalakal ang siyang pinakamahalagang mga tao sa mundo. Gumamit kayo ng pangkukulam upang linlangin ang mga tao sa lahat ng mga pangkat ng mga tao.
\p
\v 24 Kayo rin ang mananagot sa pagpatay sa mga propeta at sa ibang tao ng Diyos. Totoo nga, ikaw ay may sala sa bawat pagpatay na ginawa sa lupa!"
\s5
\c 19
\p
\v 1 Pagkatapos ng mga bagay na ito nakarinig ako ng kung anong ingay na katulad ng napakaraming mga tao sa langit. Sila ay sumisigaw ng mga bagay katulad ng, "Aleluya!" "Siya ang nagligtas sa atin!" "Siya ay maluwalhati at makapangyarihan!"
\q
\v 2 "Purihin siya dahil siya ay humahatol ng tama at makatarungan!" "Pinarusahan niya ang napakasamang lungsod na parang katulad ng isang babaeng bayaran dahil ang kanilang mga tao ay hinikayat ang ibang tao sa lupa na gumawa ng kahalayan katulad ng ginagawa nila." "Purihin siya dahil pinarusahan niya sila sa pagpatay sa kaniyang mga lingkod!"
\s5
\q
\v 3 Sumigaw ang maraming mga tao sa pangalawang pagkakataon, nagsasabing, "Aleluya! Ang usok ng apoy na tumutupok sa lungsod na iyon ay tataas magpakailanman!"
\p
\v 4 Ang dalawampu't apat na mga nakatatanda at ang apat na mga buhay na nilalang ay sila ring nagpatirapa at sumamba sa Diyos, na siyang nakaupo sa trono. Sinabi nila, "Ito ay totoo! Aleluya!"
\s5
\p
\v 5 May isang nagsalita mula sa trono at sinabi, "Lahat kayo na kaniyang mga lingkod, purihin ang ating Diyos! Lahat kayo na nagpaparangal sa kaniya, kayo man ay mahalaga o hindi, purihin siya! Lahat ng tao!"
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos may narinig akong katulad ng ingay ng napakaraming mga tao, katulad ng tunog ng isang napakalaking talon, at katulad ng tunog ng malakas na mga lagapak ng kulog. Sila ay sumisigaw, "Aleluya! Ang ating Panginoong Diyos, ang nag-iisang Makapangyarihan, ay naghahari!
\s5
\p
\v 7 Dapat tayong magsaya, dapat tayong lubos na magalak, at dapat natin siyang parangalan dahil ito na ngayon ang oras para sa kordero na makipag-isa sa babaeng kaniyang pakakasalan. Hinanda na niya ang kaniyang sarili.
\p
\v 8 Pinahintulutan siya ng Diyos na damitan ang kaniyang sarili ng pinong lino, maliwanag at malinis. Ang pino, maliwanag, at malinis na lino ay naglalarawan ng mga gawang matuwid ng mga hinirang ng Diyos."
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos sinabi sa akin ng anghel, "Isulat mo ito: Napakapalad ng mga tao na inimbitahan ng Diyos sa handaan kapag nagpakasal ang kordero sa kaniyang mapapangasawa!" Sinabi niya rin sa akin, "Ang mga salitang ito na ipinahayag ng Diyos ay totoo!"
\p
\v 10 Ako nga ay dali-daling nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya ay sambahin. Ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag mo akong sambahin! Ako ay kapwa lingkod mo lamang at kapwa lingkod ng iyong kapwa mananampalataya, sila na mga nagsasabi ng katotohanan tungkol kay Jesus. Ang Diyos lamang ang siyang iyong dapat sambahin dahil ang Espiritu ng Diyos ang nagbibigay sa mga tao ng kapangyarihang magsalita ng katotohanan tungkol kay Jesus!"
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos nakita ko ang kalangitan na bumukas, at nagulat ako ng makita ang isang puting kabayo. Si Jesus, na siyang nakasakay sa kabayo, ay tinawag na "Mapagkakatiwalaan at Dalisay." Siya ay humahatol sa lahat ng mga tao batay sa kung ano ang tama; siya ay nakikipaglaban ng makatarungan laban sa kaniyang mga kaaway.
\p
\v 12 Ang kaniyang mga mata ay nagningning katulad ng isang liyab ng apoy. Mayroong maraming marangal na mga korona sa kaniyang ulo. Isang pangalan ang nakasulat sa kaniya. Tanging siya lang ang nakakaalam ng kahulugan ng pangalang iyon.
\p
\v 13 Ang suot niyang balabal ay basang-basa ng dugo. Ang pangalan din niya ay "Ang Mensahe ng Diyos."
\s5
\p
\v 14 Ang mga hukbo ng langit ay sumusunod sa kaniya. Sila ay nakasakay sa mga puting kabayo. Sila ay nakasuot ng kasuotang gawa sa malinis na puting lino.
\p
\v 15 Isang matalim na tabak ang humaba mula sa kaniyang bibig; sa pamamagitan nito lalabanan niya ang mga pangkat ng mga taong naghihimagsik. Siya mismo ang mamumuno sa kanila ng buong kapangyarihan na para siyang mayroong bakal na tungkod. Dudurugin niya ang kaniyang mga kaaway katulad ng isang taong nagdudurog ng ubas sa isang pisaan. Gagawin niya ito para sa Makapangyarihang Diyos, na siyang galit na galit sa kanila dahil sa kanilang mga kasalanan.
\p
\v 16 Sa kaniyang balabal malapit sa kaniyang hita ay isang pangalan ang nakasulat: "Ang Hari na siyang namumuno sa lahat ng ibang mga hari at Panginoon na siyang namumuno sa lahat ng ibang mga panginoon."
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa liwanag ng araw. Tinawag niya ng malakas ang lahat ng mga ibong kumakain ng laman na mataas na lumilipad sa himpapawid, "Halikayo at magtipon para sa malaking handaan na ipinagkakaloob ng Diyos para sa inyo!
\p
\v 18 Halikayo at kainin ang laman ng lahat ng mga kaaway ng Diyos na mga patay na-- ang laman ng mga hari, ng mga pinuno ng hukbo, ng mga taong buong kapangyarihang lumaban, ng mga kabayo at ng mga kawal na nakasakay sa kanila, at ang laman ng lahat ng ibang mga uri ng tao, sila man ay malaya o alipin, mahalaga o hindi. Lahat ng uri!"
\s5
\p
\v 19 Pagkatapos nakita ko ang halimaw at mga hari sa lupa kasama ng kanilang mga hukbo; sila ay sama-samang nagtipon upang labanan ang nakasakay sa kabayo at sa kaniyang hukbo.
\p
\v 20 Nabihag ng nakasakay sa puting kabayo ang halimaw at ang huwad na propeta. Ang bulaang propeta ang siyang gumawa ng mga himala sa harap ng halimaw. Sa pamamagitan ng paggawa nito ay nalinlang niya ang mga tao na tumanggap ng marka ng halimaw sa kanilang mga noo at sumamba sa larawan nito. Pagkatapos itinapon ng Diyos ang halimaw at ang bulaang propeta ng buhay sa lawang apoy na nagliliyab na asupre.
\s5
\p
\v 21 Pinatay ng nakasakay sa kabayo ang natira sa kanilang mga hukbo sa pamamagitan ng kaniyang tabak, na siyang humaba mula sa kaniyang bibig. Lahat ng mga ibon ay nilamon ang laman ng mga tao at mga kabayo na kaniyang pinatay.
\s5
\c 20
\p
\v 1 At nakita ko ang isang anghel na pababa mula sa langit. Mayroon siyang susi sa malalim, madilim na hukay, at siya ay may dala-dalang malaking kadena sa kaniyang kamay.
\p
\v 2 Nilupig niya ang dragon. Ang dragon na iyon ay ang sinaunang ahas, ang demonyo, iyon ay, si Satanas. Ang anghel ay itinali siya gamit ang kadena na hindi maaaring makalag sa isang libong taon.
\p
\v 3 Itinapon siya ng anghel sa malalim, madilim na hukay. Isinara niya ang pinto ng hukay, ikinandado ito, at sinelyuhan ito para maiwasan ang sinuman para buksan ito. Ginawa niya ito para si Satanas ay hindi na kailanman maaaring linlangin ang mga pangkat ng mga tao hanggang ang isang libong taon ay matapos. Pagkatapos ng panahon na iyon, si Satanas ay pinalaya sa sandaling oras para magawa niya kung ano ang plano ng Diyos.
\s5
\p
\v 4 Nakita ko ang mga trono kung saan ang mga tao ay nakaupo. Binigyan sila ng Diyos ng kapangyarihan upang humatol. Nakita ko din ang mga kaluluwa ng ibang mga tao na ang mga ulo ay pinutol dahil nagsalita sila ng katotohanan tungkol kay Jesus at ipinahayag ang mensahe ng Diyos. Sila ang mga taong tumanggi na sambahin ang halimaw o ang imahe nito, at hindi pinahintulutan ang lingkod ng halimaw na ilagay ang marka ng halimaw sa kanila, kahit saan sa kanilang noo o sa kanilang mga kamay. Sila ay nabuhay muli, at namuno sila kasama si Cristo sa loob ng isang libong taon.
\s5
\p
\v 5 Sila ang siyang mga nabuhay muli sa unang pagkakataon nang ang Diyos ay nagdulot sa mga taong patay na mabuhay muli. Ang natirang mga mananampalataya na namatay ay hindi nabuhay muli hanggang pagkatapos ng isang libong taon.
\p
\v 6 Ang Diyos ay malulugod sa mga iyon na mabubuhay muli sa unang pagkakataon. Ang Diyos ay ituturing silang banal. Sila ay hindi mamamatay sa pangalawang pagkakataon. Sa halip, sila ay magiging mga pari na maglilingkod sa Diyos at Cristo, at sila ay mamumuno kasama si Cristo sa loob ng isang libong taon.
\s5
\p
\v 7 Nang ang isang libong taon ay natapos, papalayain ng Diyos si Satanas mula sa kaniyang kulungan.
\p
\v 8 Si Satanas ay lalabas para linlangin ang suwail na mga pangkat ng mga tao sa lahat ng dako ng mundo. Ito ay ang mga bayan na tinatawag ni propeta Ezekiel bilang Gog at Magog. Si Satanas ay titipunin sila upang lumaban laban sa mga tao ng Diyos. Magkakaroon ng marami sa kanila na makikipaglaban sa mga tao ng Diyos na walang sinuman ang may kakayahang bilangin sila, katulad ng mga butil ng buhangin sa baybayin ng karagatan.
\s5
\p
\v 9 Sila ay lumalakad sa ibabaw ng buong mundo at papalibutan ang kampo ng mga tao ng Diyos sa Jerusalem, ang lungsod na mahal ng Diyos. At magpapadala ang Diyos ng apoy pababa mula sa langit, at ito ay susunugin sila.
\p
\v 10 Itatapon ng Diyos ang diyablo, na siyang luminlang sa mga taong iyon, sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre. Dito rin kung saan itinapon ng Diyos ang halimaw at ang bulaang propeta. Bunga nito, sila ay patuloy na maghihirap ng masidhi magpakailanman.
\s5
\p
\v 11 At nakita ko ang isang malaking puting trono kung saan ang Diyos ay nakaupo. Siya ay lubhang nakakatakot na ang mundo at ang himpapawid ay ganap ng nawala mula sa kaniyang presensya; sila ay wala na.
\p
\v 12 Nakita ko na ang mga tao na namatay at ngayon ay nabuhay muli ay nakatayo sa harap ng trono. Sila ay kapwa mahalaga at hindi mahalagang mga tao! Ang mga aklat kung saan itinatala ng Diyos kung ano ang ginagawa ng mga tao ay binuksan. Ang isa pang aklat ay binuksan din, ang aklat ng buhay kung saan isinulat ng Diyos ang mga pangalan ng mga tao na mayroong buhay na walang hanggan. Hinatulan ng Diyos ang mga tao na namatay at ngayon ay nabuhay muli ayon sa kung ano ang kanilang ginawa, katulad ng pagtala niya dito sa mga aklat.
\s5
\p
\v 13 Ang mga tao na ang mga katawan ay inilibing sa dagat ay nabuhay muli para makaharap sa trono ng Diyos. Ang lahat ng inilibing sa lupa ay muling nabuhay para rin makaharap sa trono. Hinatulan ng Diyos ang bawat isa sa kanila ayon sa kanilang mga ginawa.
\p
\v 14 Lahat ng hindi mananampalataya—ang mga iyon na nasa lugar kung saan sila naghintay pagkatapos nila mamatay—ay itinapon sa nasusunog na lawa. Ang nasusunog na lawa ay ang lugar kung saan namatay ang mga tao sa pangalawang pagkakataon.
\p
\v 15 Itinapon din ng Diyos ang mga tao na ang mga pangalan ay wala sa aklat, ang aklat kung saan isinulat ng Diyos ang mga pangalan ng mga tao na mayroong buhay na walang hanggan, sa lawa ng apoy.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Pagkatapos nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Ang unang langit at ang unang lupa ay naglaho, at ang mga karagatan ay hindi na kailanman makikita.
\p
\v 2 Nakita ko ang banal na lungsod ng Diyos, na ang bagong lungsod ng Jerusalem. Ito ay bumababa mula sa langit galing sa Diyos. Inihanda ito ng Diyos at pinalamutian ito, gaya ng mga babaing nagpapalamuti sa isang babaing ikakasal upang ikasal sa isang lalaki.
\s5
\q
\v 3 Pagkatapos narinig ko ang isang tao na malapit sa trono ng Diyos na nagsasalita sa isang malakas na tinig. Sinabi nito, "Pakinggan ito! Ngayon ang Diyos ay mamumuhay kasama ng mga mamamayan. Siya ay mamumuhay ng tama sa kalagitnaan nila! Sila ay magiging kaniyang mga mamamayan. Ang Diyos mismo ay makakapiling nila, at siya ang magiging Diyos nila.
\p
\v 4 Siya ang magsasanhi upang sila ay hindi na kailanman malulungkot. Pahihintuin niya sila na magnangis magpakailanman. Wala sa kanila ang kailanma'y muling mamamatay o magdadalamhati o mananangis o maghihirap sa sakit dahil ang mga bagay na nagdudulot sa kanila ng kalungkutan ay maglalaho lahat.
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos ang Diyos, na nakaupo sa trono, ay sinabi, "Pakinggan ito! Ginagawa kong bago ngayon ang lahat ng bagay!" Sinabi niya sa akin: "Isulat mo ang mga bagay na ito na aking sinabi sa iyo dahil maaari kayong magtiwala na ako ang tunay na madudulot upang ito ay mangyari."
\p
\v 6 Sinabi rin niya sa akin, "Natapos ko na ang lahat ng mga bagay na ito! Ako ang nag-iisa na nagpasimula ng lahat ng mga bagay at ang nag-iisa na magdudulot ng lahat ng mga bagay na magwakas. Sa bawat isa na nais ito, malaya kong ibibigay ang tubig mula sa bukal na magdudulot sa mga tao upang mabuhay magpakailanman.
\s5
\p
\v 7 Ito ay ibibigay ko sa lahat ng sinumang nagtatagumpay laban kay Satanas. Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ay magiging aking mga anak.
\p
\v 8 Subalit silang mga duwag, silang mga hindi naniniwala sa akin, silang mga gumagawa ng mga bagay na kasuklam-suklam, silang mga mamamatay-tao, silang mga nagkakasalang sekswal, silang mga gumagawa ng pangkukulam, silang mga sumasamba sa diyus-diyosan, at bawat sinungaling ay maghihirap lahat sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang kahulugan ng mamatay sa ikalawang pagkakataon."
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos isa sa mga pitong anghel na may pitong mangkok ng alak - ang alak na naging sanhi ng pitong huling paraan ng paghihirap - ay lumapit at sinabi sa akin, "Sumama ka sa akin at ipakikita ko sa iyo ang mga taong panghabangbuhay na nakipag-isa sa kordero bilang isang babaing magpapakasal sa isang lalaki!"
\p
\v 10 Pagkatapos ang Espiritu ng Diyos ay pinamahalaan ako, at ako ay dinala ng anghel sa ibabaw ng isang napakataas na bundok. Ipinakita niya sa akin ang banal na lungsod ng Diyos, ang bagong Jerusalem, kung saan bumababa galing sa langit mula sa Diyos.
\s5
\p
\v 11 Ito ay nagniningning sa makinang na liwanag na nanggaling mula mismo sa Diyos. Ang lungsod ay nagniningning gaya ng isang napakamahal na kinang ng batong jasper, at ito ay malinaw tulad ng kristal.
\p
\v 12 Sa paligid ng lungsod ay may isang napakataas na pader. Ang pader ay may labindalawang pinto. Ang isang anghel ay nasa bawat pinto. Ang mga pangalan ng labindalawang lipi ng Israel ay nakasulat sa itaas ng mga pinto. Ang bawat pinto ay may pangalan ng isang lipi.
\p
\v 13 Ang tatlong mga pinto ay nasa silangang panig, tatlong mga pinto ay nasa hilagang panig, tatlong mga pinto ay nasa panig ng timog, at tatlong mga pinto ay nasa kanlurang panig.
\s5
\q
\v 14 Ang pader ng lungsod ay may labindalawang pundasyong mga bato. Sa bawat pundasyong bato ay ang pangalan ng isa sa labindalawang apostol na itinalaga ng kordero.
\p
\v 15 Ang anghel na nagsasalita sa akin ay may dalang isang gintong panukat na tungkod, isang tungkod na kaniyang ginamit para sukatin ang lungsod, ang mga pinto nito, at ang mga pader nito.
\s5
\p
\v 16 Ang lungsod ay parisukat ang hugis; ang haba nito ay tulad ng lawak nito. Pagkatapos sukatin ng anghel ang lungsod ng kaniyang tungkod, kaniyang iniulat na ito ay 2,200 kilometro ang layo, at ang lapad nito at taas ay pareho sa haba nito.
\p
\v 17 Sinukat niya ang pader nito at iniulat na ito ay animnapu't-anim na metro ang kapal. Ang anghel gumamit ng panukat na karaniwang ginagamit ng mga tao.
\s5
\p
\v 18 Ang pader ng lungsod ay gawa sa anumang bagay gaya ng berdeng bato na tinatawag nating jasper. Ang lungsod ay gawa sa purong ginto na kung tignan ay gaya ng malinaw na salamin.
\p
\v 19 Ang mga pundasyon ng pader ng lungsod ay ginawa na maganda gamit ang mamahaling bato. Ang unang pundasyong bato ay jasper, ang ikalawang pundasyong bato ay safiro, ang ikatlong pundasyong bato ay kalsedonia, ang ika-apat na pundasyong bato ay esmeralda,
\p
\v 20 ang ika-imang punadasyong bato ay onise, ang ika-anim na pundasyong bato ay kornalina, ang ika-pitong pundasyong bato ay krisolito, ang ika-walong pundasyong bato ay berilo, ang ika-siyam na pundasyong bato ay topaz, ang ika-sampung pundasyong bato ay krisopraso, Ang ika-labing-isang pundasyong bato ay hasinto, at ang ika-labindawang pundasyong bato ay amatista.
\s5
\p
\v 21 Ang labindalawang mga pinto ng lungsod ay parang katulad ng malalaking mga perlas. Ang bawat pinto ay katulad ng nag-iisang perlas. Ang lansangan ng lungsod ay lumitaw na purong ginto na kung tignan ay gaya ng malinaw na salamin.
\p
\v 22 Walang templo sa lungsod na iyon. Ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan nga at ang kordero ay naroon, kaya hindi na kailangan ang isang templo.
\s5
\p
\v 23 Ang lungsod ay hindi na kailangan ang araw o ang buwan upang bigyang liwanag ang lungsod dahil ang liwanag na nagmumula sa Diyos ang magliliwanag sa lungsod, at ang kordero ay magiging liwanag din nito.
\q
\v 24 Ang mga pangkat ng mga tao ay mabubuhay sa liwanag sa lungsod na nagniningning sa kanila. Ang mga hari ng mga lupa ay dadalhin ang kanilang kayamanan sa lungsod upang parangalan ang Diyos at ang kordero.
\p
\v 25 Ang mga pinto ng lungsod ay hindi isasara sa huling araw gaya ng kadalasang pagsasara nito dahil hindi na magkakaroon ng gabi roon.
\s5
\p
\v 26 Ang mga tao sa mundo ay dadalhin din ang kanilang mga kayamanan sa lungsod.
\p
\v 27 Wala ng anumang ugaling marumi, walang sinumang gumagawa ng mga gawaing itinuturing ng Diyos na kasuklam-suklam, at walang sinumang nagsasabi ng kasinungalingan ang kailanman makakapasok sa lungsod. Ang mga tao lamang na ang mga pangalan ay nakasulat sa aklat na nauukol sa kordero, ang aklat na may mga pangalan ng mga tao na mayroong buhay na walang hanggan, ang mapaparoon.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Pagkatapos, ang anghel ay ipinakita sa akin ang ilog na nagsasanhi sa mga tao na umiinom mula rito na mabuhay magpakailanman. Ang tubig ay kumikinang at malinaw tulad ng kristal. Ang ilog ay dumadaloy palabas mula sa trono kung saan ang Diyos at ang kordero ay nauupo.
\p
\v 2 Ito ay dumaloy sa gitna ng pangunahing daan ng lungsod. Sa bawat sulok ng ilog ay mga puno na may bunga na nagsasanhi sa mga tao na makakain upang mabuhay magpakailanman. Ang mga puno ay namumunga ng labindalawang uri ng prutas; sila ay namumunga ng ani sa bawat buwan. Ang mga pangkat ng tao ay ginagamit ang mga dahon ng mga puno bilang gamot upang ang kanilang mga sugat ay maghilom.
\s5
\p
\v 3 Walang sinuman o anumang bagay doon na isusumpa ng Diyos. Ang trono ng Diyos at ang kordero ay mapupunta sa lungsod. Ang mga lingkod ng Diyos ay sasambahin siya roon.
\p
\v 4 Makikita nila siya ng harap-harapan, at ang kaniyang pangalan ay masusulat sa kanilang mga noo. Hindi na muling magkakaroon pa ng gabi.
\p
\v 5 Ang lingkod ng Diyos ay hindi na kailangan ng liwanag ng isang ilawan o ang liwanag ng araw dahil ang Panginoong Diyos magniningning ang kaniyang liwanag sa kanila. Sila ay mamumuno magpakailanman.
\s5
\p
\v 6 Sinabi sa akin ng anghel; "Ito ang mga bagay na ipinakita sa inyo ng Diyos ay totoo, at totoo niyang gagawin ito sa kanila. Ang Panginoong Diyos na pumukaw sa mga propetang nagpadala ng kaniyang anghel upang ipakita sa mga tao na naglingkod sa kaniya ng mga kaganapan na dapat na mangyari sa madaling panahon."
\p
\v 7 Sinasabi ni Jesus sa lahat ng kaniyang mga tao, "makinig kayo rito! Ako ay dadating na sa madaling panahon; Ang Diyos ay pagpapalain ng lubos ang lahat ng tao na sumusunod sa mensahe na isnulat sa aklat na ito."
\s5
\p
\v 8 Ako, si Juan, ay ang iisa na nakarinig at nakakita sa isang pangitain ng mga bagay na ito na akin nang isnulat. Nang aking marinig at makita sila, ako ay agad na nagpatirapa sa harap ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito upang sambahin siya.
\p
\v 9 ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag mo akong sambahin! Ako ay isa lamang lingkod ng Diyos tulad mo! Ako rin ay isang lingkod tulad ng iyong kapwa mananampalataya na mga propeta, at tulad nilang mga sumunod sa mensahe ng aklat na ito. Sa halip, sumamba sa Diyos!"
\s5
\p
\v 10 Sinabi niya rin akin, "Huwag mong ilihim ang mensahe tungkol sa kung ano ang naunang sinabi ng Diyos sa aklat na ito dahil ito na halos ang oras para sa kaniya upang maganap itong mensahe.
\p
\v 11 Buhat na ang oras ay nalalapit, kung sila na gumagawa sa isang masamang ay nais na ipagpatuloy na gumawa sa ganoong paraan, hayaan silang pagpatuloy iyong gawin. Ang Diyos ay pagbabayarin sila para roon. Kung silang mga hamak ay nais na ipagpatuloy na maging hamak, hayaan silang pagpatuloy iyong gawin. Ang Diyos ay pagbabayarin sila para roon. Silang mga gumagawa ng makatuwiran ay dapat magpatuloy na gumawa ng makatuwiran. Silang mga ganap ay dapat magpatuloy na maging ganap."
\s5
\p
\v 12 Sinasabi ni Jesus sa lahat ng tao: "makinig kayo! Ako ay malapit nang dumating! at aking pagbabayarin at parurusahan o gagantimpalaan ang lahat ng naayon sa kung ano nagawa ng bawat isa.
\p
\v 13 Ako ang isang nagpasimula ng lahat ng mga bagay na ito at ang magsasanhi sa lahat ng bagay na matapos. Ako ang una sa lahat ng bagay at ako ang nasa huli ng lahat ng mga bagay.
\s5
\p
\v 14 Ang Diyos ay labis na nalulugod sa mga tao na hinugasan ang kanilang balabal at ginagawa itong malinis dahil sila ay maaring makakain ng prutas sa puno na makakaya ang mga tao na mabuhay magpakailanman at dahil sila ay makapapasok ng pinto sa banal na lungsod.
\p
\v 15 Sa labas ay silang mga hindi banal. Nasasama sa kanila ang mga tao na nagsasagawa ng pangkukulam, mga tao na sekswal na nagkasala, ang mga tao na pumatay ng iba, sumasamba sa mga diyus-diyosan, at ang lahat ng mga tao na masaya sa pagsasabi ng mga kasinungalingan at patuloy na mga sinungaling. Sila ay hindi kailanman makapapasok ng lungsod."
\s5
\p
\v 16 Ako, si Jesus, ipinadala ang aking anghel upang sabihin sa inyo na pangkat ng mga mananampalataya na lahat ng mga bagay na ito ay totoo. Ako ang kanunu-nunuan ni Haring David na ipinangako ng mga propeta na dadating. Ako ang iisa na katulad ng maliwanag na bituin sa umaga."
\s5
\p
\v 17 Ang Espiritu ng Diyos at ng kaniyang bayan, na katulad ng isang babaing ikakasal ng Diyos, ay sinasabi sa bawat isa na siyang nais na maniwala, "Halika!" kung sinuman ang makarinig nito ay dapat ding sabihin sa bawat isa na nagnanais na maniwala, "Halika!" Ang mga tao na gustong lumapit ay dapat lumapit! Ang bawat isa na nagnanais sa tubig na kakayanin ang mga tao na mabuhay magpakailanman ay dapat kunin ito bilang isang libreng kaloob!
\s5
\p
\v 18 Ako, si Juan, ay mataimtim na binabalaan ang bawat isa na nakaririnig ng mensahe tungkol sa kung ano ang aking naunang sinabi sa aklat na ito: Kung sinuman ang magdagdag ng kahit anong bagay sa mensaheng ito, parurusahan siya ng Diyos patungkol sa mga kaparaan na sinasabi ng aklat na ito.
\p
\v 19 Kung sinuman ang nagbawas sa kahit anong mensahe patungkol sa kung ano ang aking naunang sinabi sa aklat na ito, kukunin ng Diyos ang karapatan ng taong iyon na kumain ng prutas mula sa puno makakayanan ang mga tao na mabuhay magpakailanman. Kukunin niya rin ang karapatan ng taong iyon na makapasok sa lungsod ng Diyos. Ang mga bagay na ito ay parehong inilarawan sa aklat na ito.
\s5
\p
\v 20 Si Jesus ang siyang nagsasabi na ang lahat ng mga bagay na ito ay totoo, sinasabing, "totoong ako ay malapit nang dumating!"Ako, si Juan, tumugon, "Nawa'y ito nga! Panginoong Jesus, pumarito!"
\p
\v 21 Pinapanalangin ko na ang ating Panginoong Jesus ay magpatuloy na kumilos nang may kabutihan sa lahat ng bayan ng Diyos. Amen!