forked from WA-Catalog/tl_udb
81 lines
6.8 KiB
Plaintext
81 lines
6.8 KiB
Plaintext
\id JUD
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Judas
|
|
\toc1 Judas
|
|
\toc2 Judas
|
|
\toc3 jud
|
|
\mt Judas
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako si Judas. Ako ay isang lingkod ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago. Sumusulat ako sa inyo na mga tinawag ng Diyos para sa kanya, sa inyo na mga iniibig ng Diyos Ama at pinapapanatili niya para kay Jesu-Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 2 Sumagana nawa sa inyo ang habag ng Diyos. Pagkalooban kayo ng labis na kapayapaan at ibigin kayo nang lubusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Kayo na aking mga minamahal, ay sinubukan kong sulatan patungkol sa pagliligtas ng Diyos sa ating lahat. Kinailangan ko na sumulat sa inyo para hikayatin kayo na magsalita sa abot nang inyong makakaya para sa mga katotohanan na ating pinaniniwalaan. Ito ang mga katotohanan na itinuro ng Diyos sa lahat ng nagtiwala kay Cristo -- mga katuruan na kailanman ay hindi magbabago.
|
|
\p
|
|
\v 4 Ito ay dahil mayroong mga tao na palihim na pumapasok sa inyong mga samahan, mga masasamang tao na tinutukoy ng mga propeta noon sa kanilang mga isinulat, mga taong nagtuturo ng maling mga katuruan at ginagamit ang biyaya ng Diyos bilang pahintulot na gumawa ng mga mahahalay na kasalanan. Sa paraang ito, kinakalaban nila ang katotohanan patungkol kay Jesu-Cristo, ang ating nag-iisang Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Kahit na alam niyo ang lahat ng mga bagay na ito, mayroong ilang bagay na nais kong ipaalala sa inyo. Huwag ninyong kalimutan na kahit na iniligtas ng Panginoon ang kaniyang bayan mula sa Ehipto, kaniyang pinuksa kinalaunan ang karamihan sa mga taong iyon --sila na mga hindi naniwala sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 6 Gayundin, maraming mga anghel ang binigyan ng Diyos ng makapangyarihang posisyon sa langit ngunit hindi nagpatuloy sa pamumuno. Sa halip, iniwan nila ang mga katayuang ito. Kaya't ginapos sila ng Diyos sa kadiliman ng impiyerno magpakailanman. Mananatili sila doon hanggang dumating ang araw ng paghahatol at pagpaparusa ng Diyos sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 7 Gayun din, ang mga taong nanirahan sa mga lungsod ng Sodom at Gomora at ang mga kalapit nitong lungsod ay namuhay sa kahalayan. Hinangad nila ang lahat ng uri ng ugnayang sekswal na iba sa pinahihintulutan ng Diyos. Kaya't winasak ng Diyos ang kanilang mga lungsod. Ang nangyari sa mga taong iyon at maging sa mga anghel sa langit ay nagpapakita na parurusahan ng Diyos ang mga tao sa walang hanggang apoy ng impiyerno gaya ng mga nagtuturo ng maling mga katuruan.
|
|
\p
|
|
\v 8 Gayun din, ang mga taong hindi maka-diyos na nasa inyong samahan ay dinudungisan ang kanilang mga katawan sa pamamagitan ng pamumuhay sa kahalayan. Sinasabi nila na binigyan sila ng Diyos ng mga pangitain na nagpapakita na sila ay dapat mamuhay sa ganitong paraan. Ngunit sumusuway sila sa mga utos ng Diyos at iniinsulto ang kamangha-manghang mga anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Maging si Miguel na arkanghel nang makipagtalo kay Satanas patungkol sa kung sino ang magmamamay-ari ng katawan ni Moises ay hindi ininsulto at nilapastangan si Satanas; sa halip, sinabi niya, "Nawa'y parusahan ka ng Diyos!"
|
|
\p
|
|
\v 10 Ngunit ang mga taong ito na tinutukoy ko sa sulat na ito ay nagsasalita ng masama patungkol sa lahat ng mabuti na hindi nila naiintidihan. Katulad sila ng mga mababangis na hayop na hindi nag-iisip dahil lahat ng likas sa kanilang pang-unawa ay nakakasira sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 11 Lubos na parurusuhan ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na ito. Kumikilos sila na parang si Cain. Ginagawa nila ang kaparehas na kasalanan na ginawa ni Balaam para sa pera, at sila ay mamamatay tulad ni Kora na nagrebelde kay Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 12 Ang mga taong ito ay tulad ng mga bato sa ilalim ng tubig na nababangga ng mga barko. Sa tuwing sila ay makikisalo sa inyong pista ng pag-ibig, hindi sila nahihiya na kumain para lang mabusog. Sila ay tulad ng mga ulap na hindi nagbibigay ng ulan, mga ulap na hinihipan ng hangin. Wala silang ginagawang mabuti dahil sila ay tulad ng mga puno sa taglagas na hindi namumunga.
|
|
\q1
|
|
\v 13 Sila ay tulad ng mga taong namatay ng dalawang ulit, mga punong hinugot mula sa ugat. Wala silang pagpipigil sa sarili. Tulad ng mga alon sa dagat sa gitna ng bagyo, dinudumihan nila ang ibang tao ng kanilang kahihiyan, gaya ng alon na nag-aanod ng bula at dumi sa dalampasigan. Tulad ng mga tala na hindi nananatili sa langit kung saan sila nabibilang, ilalagay sila ng Diyos sa matinding kadiliman habang buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Sinabi ni Enoc, ang ikapitong tao sa salinlahi ng mga taong nagmula kay Adan patungkol sa mga guro ng maling katuruan: "Makinig kayong mabuti: Ang Diyos ay tiyak na darating kasama ang napakaraming mga anghel.
|
|
\p
|
|
\v 15 Hahatulan nila ang bawat isa at parurusahan ang lahat ng masasama at ang mga hindi nagbigay ng parangal sa Diyos. Gagawin ito ng mga anghel dahil sa lahat ng kalapastanganan nila laban sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ang mga gurong ito ng maling mga katuruan ay nagrereklamo patungkol sa mga ginagawa ng Diyos. Nagrereklamo sila sa mga nangyayari sa kanila. Gumagawa sila ng mga masamang bagay na niloob nila. Sila ay mapagmataas sa kanilang pananalita. At pinupuri nila ang ibang tao upang sila ang makinabang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Ngunit kayo na aking mga minamahal, tandaaan ninyo ang sinabi ng mga apostol ng Panginoong Jesu-Cristo noon.
|
|
\p
|
|
\v 18 Sinabi nila sa inyo, "Bago ang huling araw, tatawanan nang ilang mga tao ang mga katotohanan na sinabi sa atin ng Diyos. Magkakasala sila sa kanilang mga katawan na kanilang ninanais dahil ayaw nilang parangalan ang Diyos."
|
|
\p
|
|
\v 19 Ito ang mga taong pinag-aaway ang mga mananampalataya sa isa't isa. Ginagawa nila ang lahat ng kasamaan na nais nilang gawin. Ang Espiritu ng Diyos ay hindi nananahan sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Ngunit kayo na aking mga minamahal, palakasin ninyo ang isa't isa gamit ang katotohanan na inyong pinaniniwalaan patungkol sa Diyos. Hayaan ninyong gabayan kayo ng Banal na Espiritu sa paraan ng pananalangin.
|
|
\p
|
|
\v 21 Patuloy kayong mamuhay sa paraan na nararapat para sa mga iniibig ng Diyos. Patuloy kayong umasa na ang Diyos ay mahahabag sa inyo. Ipagpatuloy niyo ito hanggang sa panahon na tayo ay mabuhay nang walang hanggan kasama siya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Maging mabuti kayo at tulungan ang mga hindi tiyak kung anong katuruan ang paniniwalaan nila.
|
|
\q
|
|
\v 23 Iligtas niyo sila mula sa apoy nang walang hanggang kaparusahan. Maging mabuti kayo sa mga taong nagkakasala ngunit mag-ingat kayo na huwag sumama sa kanilang kasalanan. Sa halip, kamuhian ninyo maging ang kanilang pananamit dahil pinarumi nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 Ang Diyos ay may kakayahan na panatilihin kayong nagtitiwala sa kaniya. Dadalhin niya din kayo sa kaniyang presensya kung saan mayroong nagniningning na liwanag. Magagalak kayo ng husto at magiging malaya mula sa kasalanan.
|
|
\q
|
|
\v 25 Siya ang nag-iisang tunay na Diyos. Iniligtas niya tayo matapos nang ginawa ng Panginoong Jesu-Cristo para sa atin. Ang Diyos ay maluwalhati at dakila at naghahari nang may kapangyarihan simula noon, sa kasalukuyan at magpakailanman! Amen!
|