forked from WA-Catalog/tl_udb
305 lines
24 KiB
Plaintext
305 lines
24 KiB
Plaintext
\id 1JN
|
||
\ide UTF-8
|
||
\h 1 Juan
|
||
\toc1 1 Juan
|
||
\toc2 1 Juan
|
||
\toc3 1jn
|
||
\mt 1 Juan
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 1
|
||
\p
|
||
\v 1 Ako, si Juan, ay sumusulat sa inyo tungkol sa isa na siyang nabuhay bago magkaroon ng lahat ng bagay! Siya ang isa na pinakinggan naming mga apostol habang kami ay tinuturuan niya! Nakita namin siya! Kami nga ay nakatingin sa kanya at hinawakan siya! Siya ang isa na nagturo sa amin ng mensahe tungkol sa buhay na walang hanggan.
|
||
\p
|
||
\v 2 (Dahil siya ay dumating dito sa lupa at siya ay nakita namin, ipinapahayag namin sa inyo ng malinaw na ang siya na nakita namin ay ang siyang laging nabubuhay. Siya noon ay kasama ng kaniyang Ama sa langit, pero siya ay dumating para mamuhay na kasama natin.)
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 3 Nagpapahayag kami sa inyo ng mensahe tungkol kay Jesus, ang siyang nakita namin at narinig, para kayo ay maaaring makasama namin. Ang siyang ating sinamahan ay ang Diyos na ating Ama at ang kanyang anak na si Jesu-Cristo.
|
||
\p
|
||
\v 4 Ako ay sumusulat sa inyo tungkol sa mga bagay na ito, para kayo ay maniwala na ang mga ito ay totoo, at bilang bunga nito maaaring maging ganap ang ating kagalakan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Ang mensahe na narinig namin mula sa Diyos na ipinahahayag sa inyo ay ito: Siya ay hindi nagkasala kailanman. Siya ay katulad ng isang nagniningning na liwanag na walang kadiliman kailanman.
|
||
\p
|
||
\v 6 Kung sinasabi natin na tayo ay kasama ng Diyos, pero pinamamahalaan natin sa ating mga buhay ang isang maruming pag-uugali, iyon ay katulad ng pamumuhay sa masamang paraan. Tayo ay nagsisinungaling. Hindi natin pinamamahalaan ang ating mga buhay ayon sa totoong mensahe ng Diyos.
|
||
\q1
|
||
\v 7 Pero ang nabubuhay sa dalisay na pag-uugali, katulad ng Diyos, ay namumuhay sa liwanag niya. Kung gagawin natin iyon, maaaring magsama-sama tayo, at pinapatawad tayo ng Diyos at tinatanggap tayo sapagkat si Jesus ay namatay para sa atin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Ang mga nagsasabing hindi sila kailanman nagkasala ay niloloko ang kanilang mga sarili at tinatanggihang paniwalaan kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 9 Pero laging ginagawa ng Diyos ang sinasabi niya na gagawin niya, at ito ay laging tama. Kaya kung aaminin natin sa kanya na tayo ay nagkasala, patatawarin niya tayo sa ating mga kasalanan, at palalayain tayo mula sa pagkakasala sa lahat ng bagay na ating maling ginawa. Dahil doon, dapat nating aminin sa kanya na tayo ay nagkasala.
|
||
\p
|
||
\v 10 Sapagkat sinasabi ng Diyos na ang lahat ay nagkasala, ang mga nagsasabi na sila ay hindi kailaman nagkasala ay nagsasalita na parang ang Diyos ay nagsisinungaling! Tinatanggihan nila kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa atin!
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 2
|
||
\p
|
||
\v 1 Kayo na aking minamahal katulad ng mga sarili kong mga anak, sumusulat ako sa inyo upang ilayo kayo sa pagkakasala. Pero kung sinuman sa inyo na mga mananampalataya ay makagawa ng kasalanan, alalahanin si Jesu-Cristong matuwid, ay nagsusumamo sa Ama para tayo ay mapatawad niya.
|
||
\p
|
||
\v 2 Kusang inialay ni Jesu-Cristo ang kaniyang sariling buhay para sa atin, kaya ang bunga nito ay ang pagpapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan. Oo, kayang patawarin ng Diyos ang ating mga kasalanan, pero hindi lang sa atin! Magagawa rin niyang patawarin ang mga kasalanan ng mga tao sa lahat ng dako!
|
||
\q
|
||
\v 3 Sasabihin ko kung paano tayo makatitiyak na kilala natin ang Diyos: kung susundin natin ang kaniyang mga utos na ipinapagawa sa atin, ipinapakita nito sa atin na tayo ay kaanib niya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Sila na nagsasabing, "Kilala namin ang Diyos," at hindi sumusunod kung ano ang inuutos ng Diyos na gawin natin, ay mga sinungaling. Hindi sila namumuhay ayon sa tunay na mensahe ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 5 Pero sila na sumusunod sa mga utos ng Diyos sila ang mga tao na umiibig sa Diyos sa lahat ng paraan. Ganito natin matitiyak na tayo ay kaisa ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 6 Kung sinasabi natin na mayroon tayong pakikiisa sa Diyos, dapat tayong mamuhay gaya nang ginawa ni Cristo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 7 Mga minamahal kong kaibigan, hindi ako sumusulat sa inyo upang kayo ay gumawa ng bagong bagay. Sa halip, sumusulat ako ng isang bagay na alam na ninyo noon pa man simula ng sumampalataya kayo kay Cristo. Ito ay bahagi ng mensahe na inyong laging naririnig.
|
||
\p
|
||
\v 8 Pero mayroon akong muling sasabihin sa parehong paksang ito: Maaari kong sabihin na nagsasabi ako sa inyo na gumawa kayo ng bagong bagay. Ito ay bago dahil ang ginawa ni Cristo ay bago, at ang ginagawa ninyo ay bago. Ito ay dahil tumigil kayo sa paggawa ng kasamaan at mas lalong gumagawa kayo ng kabutihan. Gaya ito ng paglipas ng gabi at pagbubukang-liwayway, ang tunay na araw ni Cristo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 9 Sila na nagsasabi na katulad sila ng mga tao na namumuhay sa liwanag, pero kinamumuhian ang kahit sinong mananampalataya, ay katulad pa rin ng mga tao na namumuhay sa kadiliman.
|
||
\p
|
||
\v 10 Pero sila na umiibig sa kanilang kapwa mananampalataya ay umaasal gaya ng mga tao na namumuhay sa liwanag; sila ay walang dahilan para magkasala.
|
||
\p
|
||
\v 11 Sila na napopoot sa kanilang kapwa mga mananampalataya ay katulad pa rin ng mga taong namumuhay sa kadiliman, walang malay kung ano ang totoo tungkol sa Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Sumusulat ako sa inyo na aking minamahal na parang sarili ko kayong mga anak. Pinatawad ng Diyos ang inyong mga kasalanan dahil sa ginawa ni Cristo para sa inyo.
|
||
\p
|
||
\v 13 Sumusulat ako sa inyo mga mananampalataya na mas nakatatanda kaysa sa iba. Kilala ninyo si Cristo, na noon pa man ay nabubuhay. Sumusulat din ako sa inyo mga kabataang lalaki; natalo na ninyo si Satanas, ang siyang masama. Sumusulat ako sa inyo munting mga anak, dahil kilala ninyo ang Diyos Ama.
|
||
\p
|
||
\v 14 Aking sasabihin muli: Sumusulat ako sa inyo na mas nakatatandang mga lalaki dahil nakakilala na kayo kay Cristo, ang siyang laging nabubuhay. Sumusulat ako sa inyo mga kabataang lalaki, dahil kayo ay malalakas at nagpapatuloy kayong sumusunod sa mga utos ng Diyos, at dahil natalo na ninyo si Satanas, ang siyang masama.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Huwag kayong umasal gaya ng mga tao sa mundo na hindi nagpaparangal sa Diyos. Huwag ninyong pagnasaan ang mga bagay na nais nila. Kung sinuman ang nabubuhay nang katulad ng sa kanila, pinapatunayan nila na hindi nila mahal ang Diyos na ating Ama.
|
||
\p
|
||
\v 16 Sinusulat ko ito sa inyo, dahil sa lahat ng maling mga bagay na ginagawa ng mga tao, lahat ng mga bagay na nakikita ng mga tao at sinusubukang makamtan para sa kanilang mga sarili, at lahat ng mga bagay na kanilang ipinagyayabang- ang lahat ng mga bagay na ito ay walang kinalaman sa ating Ama na nasa langit. Ito ay pag-aari ng sanlibutan.
|
||
\p
|
||
\v 17 Ang mga tao ng sanlibutan na hindi nagpaparangal sa Diyos, kasama ng lahat ng bagay na kanilang ninanais, ay mawawala. Pero ang mga gumagawa ng mga nais ng Diyos na gawin nila ay mabubuhay ng magpakailanman!
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 Kayo na aking pinakamamahal, ito na ang panahon bago bumalik si Jesus sa lupa. Narinig na ninyo na ang taong magpapanggap na si Cristo ay darating; sa katunayan, maraming ganitong mga tao ang dumating na-pero silang lahat ay laban kay Cristo. Dahil dito, alam natin na si Cristo ay darating na sa lalong madaling panahon.
|
||
\p
|
||
\v 19 Ang mga taong ito ay tumatanggi na manatili sa ating mga pagtitipon, pero hindi naman talaga sila kaisa sa atin. Nang iniwan nila tayo, maliwanag na nakita natin na hindi kailanman sila naging kabilang sa atin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 20 Pero para sa inyo, si Cristo, ang siyang banal, ay ibinigay sa inyo ang kaniyang Espiritu; ang kaniyang Espiritu ang nagtuturo sa inyo ng lahat ng katotohanan.
|
||
\p
|
||
\v 21 Sinusulat ko ang liham na ito sa inyo, hindi dahil sa hindi ninyo alam ang katotohanan tungkol sa Diyos, pero dahil alam na ninyo kung ano ito. Alam din ninyo na ang Diyos ay hindi nagtuturo sa inyo ng mali; sa halip, nagtuturo lamang siya ng katotohanan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Ang mga pinakamalalang sinungaling ay ang mga taong ikinakaila na si Jesus ay ang Cristo. Ang lahat ng gumagawa nito ay laban kay Cristo, dahil tumanggi silang maniwala sa Ama at sa Anak.
|
||
\p
|
||
\v 23 Sila na tumatanggi na kilalanin na si Jesus ay ang Anak ng Diyos ay hindi maaaring mapabilang ang Ama, pero sila na kumikilala na si Cristo ay ang Anak ng Diyos ay napabilang rin sa Ama.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Kaya, para sa inyo, dapat na magpatuloy kayo sa paniniwala sa katotohanan tungkol kay Jesu-Cristo na inyong unang narinig, at mamuhay ayon dito. Kung gagawin ninyo iyon, mananatili kayo sa Anak at sa Ama.
|
||
\p
|
||
\v 25 At ang sinabi ng Diyos, ay dudulutin niya na tayo ay mabuhay magpakailanman!
|
||
\p
|
||
\v 26 Sinusulat ko ang mga ito upang babala sa inyo tungkol sa mga nagnanais na linlangin kayo tungkol sa katotohanan tungkol kay Cristo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Para sa inyo, ang Espiritu ng Diyos, na inyong tinanggap mula kay Cristo, ay nananatili sa inyo. Kaya hindi na kailangan pang turuan kayo ng ibang tao. Ang Espiritu ng Diyos ay nagtuturo sa inyo sa lahat ng bagay na kailangan ninyong malaman. Lagi siyang nagtuturo ng katotohanan at kailanman ay hindi nagtuturo ng anumang mali. Kaya mamuhay kayo sa paraan na tinuro sa inyo, at manatiling kabilang sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 28 Ngayon, mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo na magpatuloy kayong manatiling kabilang kay Cristo. Kailangan natin gawin ito nang sa gayon tayo ay maging panatag na tatanggapin niya tayo kapag siya ay bumalik na muli. Kung gagawin natin iyon, hindi tayo mahihiya kapag humarap na tayo sa kaniya kapag siya ay dumating.
|
||
\p
|
||
\v 29 Dahil sa alam na ninyo na si Cristo ay laging gumagawa ng matuwid, alam ninyo na ang lahat na nagpapatuloy sa paggawa ng matuwid ay ang siyang naging mga anak ng Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 3
|
||
\p
|
||
\v 1 Isipin ninyo kung gaano tayo kamahal ng ating Ama! Hinahayaan niya tayong sabihin na tayo ay mga anak niya! At ito ay siyang tunay! Pero ang mga taong hindi mananampalataya ay hindi naintindihan kung sino ang Diyos. Kaya hindi nila maintindihan kung sino tayo, na tayo ay mga anak ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 2 Minamahal na mga kaibigan, kahit na sa kasalukuyan ay mga anak tayo ng Diyos, hindi pa niya ipinapakita sa atin kung ano tayo sa hinaharap. Gayunpaman, alam natin na kapag bumalik muli si Cristo, tayo ay magiging katulad niya, dahil makikita natin siya ng harapan.
|
||
\p
|
||
\v 3 Kaya lahat ng panatag na naghihintay na makita si Cristo ng harapan, ay iingatan ang kanilang mga sarili mula sa pagkakasala, katulad ni Cristo, na hindi kailanman nagkasala.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Pero ang sinumang nagpapatuloy na magkasala ay tumatangging sumunod sa mga utos ng Diyos, dahil iyon ang kasalanan, ang tumanggi na sumunod sa mga utos ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 5 Alam ninyo na dumating si Cristo upang ganap na alisin ang katunayan ng ating mga kasalanan. Alam niyo rin na hindi siya kailanman nagkasala.
|
||
\p
|
||
\v 6 Silang mga patuloy na ginagawa ang naisin ni Cristo na gawin nila ay hindi patuloy na nagkakasala nang paulit-ulit. Pero silang mga paulit-ulit na nagkakasala ay hindi naintindihan kung sino si Cristo, o' maging tunay na umanib sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Kaya hinihikayat ko kayo na mga lubos kong minamahal, huwag ninyong hayaan ang sinuman na linlangin kayo sa pagsasabi sa inyo na ayos lang na magkasala. Kung magpapatuloy kayo sa paggawa ng kung ano ang tama, kayo ay matuwid, katulad ni Cristo na matuwid.
|
||
\p
|
||
\v 8 Pero sinuman ang patuloy na nagkakasala nang paulit-ulit ay katulad ng diyablo, dahil ang diyablo ay nagkakasala na mula pa nang magsimula ang mundo. At ang dahilan kung bakit ang Anak ng Diyos ay naging isang tao ay upang wasakin ang ginawa ng diyablo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Ang mga tao ay hindi patuloy at paulit-ulit na nagkakasala kung sila ay naging mga anak ng Diyos. Sila ay hindi maaaring magpatuloy na magkasala dahil ginawa silang mga anak niya, ng Diyos, at nilagay niya sa kanila ang kung ano ang katulad ng kung ano siya.
|
||
\p
|
||
\v 10 Silang mga anak ng Diyos ay malinaw na naiiba mula sa mga anak ng diyablo. Ganito ang paraan upang malaman natin kung sino ang mga anak ni Satanas: Silang mga hindi ginagawa kung ano ang tama ay hindi anak ng Diyos. At silang mga hindi nagmamahal ng kanilang mga kapwa mananampalataya ay hindi mga anak ng Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Ang mensaheng inyong narinig noong una kayong naniwala kay Cristo ay dapat ninyong mahalin ang bawat isa.
|
||
\p
|
||
\v 12 Hindi dapat natin kapootan ang iba katulad ng ginawa ng anak ni Adan, si Cain, na pag-aari ni Satanas, ang siyang masama. Dahil napoot si Cain sa kaniyang nakababatang kapatid, pinatay niya siya. Sasabihin ko sa inyo kung bakit pinatay niya ang kaniyang kapatid. Ito ay dahil si Cain ay nakagawiang umasal sa masamang paraan, at napoot siya sa kaniyang nakababatang kapatid dahil ang kaniyang nakababatang kapatid ay umasal sa tamang paraan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Hindi dapat kayo mamangha kapag kinapopootan kayo ng mga hindi mananampalataya.
|
||
\p
|
||
\v 14 Dahil mahal natin ang ating mga kapwa mananampalataya, alam natin na ginawa ng Diyos na tayo ay mabuhay magpakailanman kasama niya. Pero itinuturing na patay ng Diyos ang sinuman na hindi nagmamahal sa kanila.
|
||
\q
|
||
\v 15 Tinatrato ng Diyos ang sinumang napopoot sa kanilang kapwa mananampalataya na parang sila ay may ginawang kasalanan na kasingsama ng pagpatay. At alam ninyong walang mamamatay tao ang may buhay na walang hanggan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Ang paraan kung paano natin tunay na malalaman na mahalin ang ating mga kapwa mananampalataya ay sa pag-aalala na namatay para sa atin si Cristo sa kaniyang sariling pagpapasya. Kaya sa parehong paraan, dapat nating gawin ang anumang bagay para sa ating mga kapwa mananampalataya, kahit ang mamatay para sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 17 Marami sa atin ang sagana sa mga pangangailangan upang tayo ay mabuhay sa mundong ito. Kung tayo ay makababatid na mayroong isa sa ating mga kapwa mananampalataya ang salat sa mga pangangailangan at tayo ay tatangging magbigay sa kanila, malinaw na hindi natin mahal ang Diyos katulad ng ating sinasabi.
|
||
\q
|
||
\v 18 Sinasabi ko sa inyo na lubos kong mga minamahal, huwag lang nating sabihin na mahal natin ang isa't isa; mahalin natin ang isa't isa sa pamamagitan ng pagtulong sa bawat isa!
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 19 Kung tunay nating minamahal ang ating mga kapwa mananampalataya, makasisiguro tayo na tayo ay namumuhay ayon sa tunay na mensahe tungkol kay Cristo. Bunga nito, hindi tayo makakaramdam ng kasalanan sa harapan ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 20 Tayo ay makakapanalangin na may lakas ng loob, dahil kahit na nakakaramdam tayo ng pagiging makasalanan dahil may ginawa tayong mali, karapat-dapat ang Diyos na pagkatiwalaan natin. Alam niya ang lahat ng bagay tungkol sa atin.
|
||
\p
|
||
\v 21 Mahal kong mga kaibigan, kung ang ating mga isipan ay hindi tayo inaakusahan ng pagkakasala, tayo ay makakapanalangin sa Diyos ng may lakas ng loob.
|
||
\p
|
||
\v 22 At kapag makakapanalangin tayo sa kaniya nang may lakas ng loob at humiling ng isang bagay mula sa kaniya, tatanggapin natin ito dahil ginagawa natin kung ano ang inutos niyang gawin natin, at dahil ginagawa natin kung ano ang nakalulugod sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 Sasabihin ko sa inyo kung ano ang inutos niyang gawin natin: Maniwala tayo na si Jesu-Cristo ay ang Kaniyang Anak. Dapat din nating mahalin ang bawat isa, katulad ng inutos niya na ating gawin.
|
||
\p
|
||
\v 24 Silang mga gumagawa ng mga inuutos ng Diyos ay silang mga kaanib sa Diyos, at ang Diyos ay kaanib nila. At ito ay dahil nasa atin ang kaniyang Espiritu, na ibinigay niya sa atin, upang tayo ay maging tiyak na ang Diyos ay kaanib sa atin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 4
|
||
\p
|
||
\v 1 Mga mahal kong kaibigan, maraming mga tao na may maling mensahe ay nagtuturo sa ibang mga tao. Pero dapat kayong mag-isip nang may pag-iingat tungkol sa kung ano ang maririnig ninyong katuruan sa kanila, at nang sa gayon malaman ninyo kung sila ay nagtuturo ng katotohanan na mula sa Diyos o hindi.
|
||
\p
|
||
\v 2 Sasabihin ko sa inyo kung paano malalaman kung ang isang tao ay nagtuturo ng katotohanan mula sa Espiritu ng Diyos. Sila na mga nagpapatotoo na si Jesu-Cristo ay galing sa Diyos upang maging isang tao katulad natin ay nagtuturo ng isang mensahe na mula sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 3 Pero sila na hindi nagpapatotoo ng katotohanan tungkol kay Jesus ay hindi nagtuturo ng isang mensahe mula sa Diyos. Sila ang mga guro na tumututol kay Cristo. Narinig ninyo na ang mga taong katulad nila ay darating sa ating kalagitnaan. Kahit ngayon sila ay narito na!
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Para sa inyo na lubos kong kinagigiliwan, kayo ay kabilang sa Diyos, at hindi kayo naniwala kung ano ang tinuturo ng mga taong iyon, dahil ang Diyos, siya na nagbibigay ng kakayahan sa inyo na magawa kung ano ang mga nais niyang gawin, ay mas dakila.
|
||
\p
|
||
\v 5 Para sa kanila na nagtuturo ng mali, sila ay kabilang sa lahat ng mga tao sa mundo na tumatangging parangalan ang Diyos. Iyon ay dahil kung ano ang kanilang sinasabi ay nagmumula sa parehong mga tao, at sila ay nakikinig sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 6 Para sa atin, tayo ay kabilang sa Diyos. Sinumang nakakakilala sa Diyos ay nakikinig sa kung ano ang aming tinuturo, pero sinumang hindi kabilang sa Diyos ay hindi nakikinig sa kung ano ang aming tinuturo. Sa pamamagitan nito matutukoy natin ang mga taong nagtuturo ng katotohanan tungkol sa Diyos, at silang nandadaya ng iba.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Mga mahal kong kaibigan, dapat nating ibigin ang isat-isa, dahil ang Diyos ang nagbigay ng kakayanan sa atin na mag-mahalan, at sapagkat silang umiibig ng kanilang mga kapwa mananampalataya ay magiging mga anak ng Diyos at makikilala siya.
|
||
\p
|
||
\v 8 Pinapakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa mga tao. Kaya ang mga iyon na hindi umiibig sa kanilang mga kapwa mananampalataya ay hindi kilala ang Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Sinasabi ko sa inyo kung paano pinakita ng Diyos na mahal niya tayo: sinugo niya ang kaniyang tanging anak para mamuhay sa lupa upang makaya natin na mabuhay ng walang hanggan dahil sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 10 At pinakita ng Diyos sa atin kung ano ang tunay na kahulugan na ibigin ang ibang tao: Ito ay hindi nangangahulugan na inibig natin ang Diyos, pero inibig tayo ng Diyos. Kaya sinugo niya ang kaniyang Anak upang ialay ang kaniyang sarili, upang sa gayon-ang Diyos-ay maaaring patawarin tayo kapag tayo ay nagkakasala.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Mga mahal kong kaibigan, dahil ang Diyos ay iniibig tayo, tiyak na dapat din nating ibigin ang isa't isa!
|
||
\p
|
||
\v 12 Walang pang nakakita sa Diyos. Subalit, kung iniibig natin ang isa’t-isa, ito ay malinaw na ang Diyos ay nabubuhay sa atin at iniibig natin ang iba tulad ng kaniyang gusto nating gawin.
|
||
\p
|
||
\v 13 Sinasabi ko sa inyo kung paano tayo maaaaring makasiguro na tayo ay kasama ng Diyos at ang Diyos ay kasama natin: Inilagay niya ang kaniyang Espiritu sa atin.
|
||
\p
|
||
\v 14 Nakita nating mga apostol ang Anak ng Diyos, at tayo ay mataimtim na nagsasabi sa iba na isinugo siya ng Ama upang iligtas ang mga tao sa mundo mula sa walang hanggang paghihirap dahil sa kanilang mga kasalanan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Kaya nanatiling kasama ng Diyos ang mga nagsasabi ng katotohanan tungkol kay Jesus. Sinasabi nila, “Siya ang Anak ng Diyos.” Kaya nananatili silang kasama ang Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 16 Naranasan natin kung gaano tayo iniibig ng Diyos at naniniwala tayo na iniibig niya tayo. Bunga nito, iniibig natin ang iba. Dahil likas sa Diyos ang ibigin ang mga tao, silang mga nagpapatuloy para ibigin ang iba ay kasama ang Diyos, at ang Diyos ay kasama nila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Dapat nating ibigin ang iba ng lubos. At kung gagawin natin iyon, sa pagdating ng oras na tayo ay hahatulan ng Diyos, makakatiyak tayo na hindi niya tayo paparusahan. Makakatiyak tayo sapagkat tayo ay namumuhay sa mundong ito kasama ang Diyos, katulad ni Cristo mismo na kasama ang Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 18 Hindi tayo matatakot sa Diyos kung tayo ay tunay na umiibig sa kaniya, dahil silang umiibig ng ganap sa Diyos, ay hindi maaaring matakot sa kaniya. Maaari lamang tayong matakot kung tayo ay mag-iisip na parurusahan niya tayo. Kaya sila na natatakot sa Diyos ay tiyak na hindi tunay na umiibig nang ganap sa Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Iniibig natin ang Diyos at ating mga kapwa mananampalataya dahil una tayong inibig ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 20 Sa mga nagsasabi na “Iniibig ko ang Diyos” pero napopoot sa kapwa mananampalataya ay nagsisinungaling. Silang hindi umiibig sa kanilang kapwa mananampalataya, na kanilang nakita, ay tiyak na hindi umiibig sa Diyos, na kanilang hindi pa nakikita.
|
||
\p
|
||
\v 21 Tandaan na ito ang inutos ng Diyos sa atin: Kung iniibig natin siya, dapat nating ibigin ang ating mga kapwa mananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 5
|
||
\p
|
||
\v 1 Sa lahat ng naniniwala na si Jesus ay ang Cristo ay mga anak ng Diyos, isinilang galing sa Diyos. At sinuman na umiibig sa Ama ay tiyak din na iniibig niya ang mga anak ng Ama, ang aming mga kasama sa pananampalataya.
|
||
\p
|
||
\v 2 Ang paraan para tayo ay makatiyak na tayo ay totoong umiibig sa mga anak ng Diyos ay kapag iniibig natin ang Diyos at ginagawa natin ang mga inuutos niyang gawin natin.
|
||
\q
|
||
\v 3 Sinasabi ko ito dahil ang tunay na kahulugan ng pagmamahal sa Diyos ay ang gawin natin kung ano ang mga inuutos niya. At hindi mahirap gawin ang kaniyang mga inuutos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 4 Lahat tayo na pinahintulutan ng Diyos na maging kaniyang mga anak ay kayang tanggihan na gawin kung ano ang mga gustong ipagawa sa atin ng mga hindi mananampalataya; tayo ay mas malakas kaysa sa lahat ng laban sa Diyos. Tayo ay may kakayahan na tanggihan na gawin ang mali dahil tayo ay nagtitiwala kay Cristo.
|
||
\p
|
||
\v 5 Sino ang tao na mas malakas kaysa sa lahat ng lumalaban sa Diyos? Iyon ay ang sinuman na naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Isipin si Jesu-Cristo. Siya ang pumunta sa lupa na mula sa Diyos. Ipinakita ng Diyos na siya ang totoong nagpadala kay Jesus nang si Juan ay binawtismuhan si Jesus sa tubig, pero nang dumaloy din ang dugo ni Jesus mula sa kaniyang katawan nang siya ay namatay. At ang Espiritu ng Diyos ay makatotohanang pinapahayag na si Jesu-Cristo ay galing sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 7 Ang tatlong bagay na ito ay katulad ng tatlong mga tao na mga saksi.
|
||
\p
|
||
\v 8 Ang Espiritu ng Diyos, ang tubig nang si Juan ay binawtismuhan si Jesus, at dugo ni Jesus na dumaloy mula sa kaniyang katawan nang siya'y mamatay sa krus. Ang tatlong bagay na ito ay nagsasabi sa atin ng parehong bagay, na si Jesus ay galing sa Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Tayo ay kadalasang naniniwala sa sinasabi ng ibang mga tao sa atin. Pero tayo ay makakatiyak sa pagtitiwala lalo na sa sinasabi ng Diyos. At siya ay tiyak na nagpapatotoo tungkol sa kaniyang Anak.
|
||
\p
|
||
\v 10 Sa mga nagtitiwala sa Anak ng Diyos alam nila sa kanilang kaloob-looban kung ano ang totoo tungkol sa kaniya. Pero sa mga hindi naniniwala sa sinabi ng Diyos ay tinatawag siyang sinungaling, dahil sila ay tumanggi na maniwala sa pinatotohanan ng Diyos tungkol sa kaniyang Anak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Ito ang sinasabi ng Diyos sa atin: "Binigyan ko kayo ng buhay na walang hanggan!" Tayo ay mabubuhay magpakailanman kung tayo ay kaanib ng kaniyang Anak.
|
||
\p
|
||
\v 12 Ang mga kaanib ng Anak ng Diyos ay mabubuhay magpakailanman kasama ang Diyos. Ang mga hindi niya kaanib ay hindi mabubuhay ng magpakailanman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Sinulat ko ang liham na ito sa inyo na naniniwala na si Jesus ay ang Anak ng Diyos, para malaman ninyo na kayo ay mabubuhay magpakailanman.
|
||
\p
|
||
\v 14 Dahil tayo ay umanib sa kaniya, tayo ay lubos na nagtitiwala na naririnig niya tayo kapag tayo ay humihiling sa kaniya na gawin ang kahit anong bagay na pinahihintulutan niya.
|
||
\p
|
||
\v 15 At kung alam natin na naririnig niya tayo - anumang hilingin natin - kung gayon ay makakasiguro tayo na matatanggap natin ang kahit anong hilingin natin mula sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Ipagpalagay ninyo na nakita ninyo ang isa sa mga kasama namin sa pananampalataya na nagkakasala sa paraan na hindi makapaghihiwalay sa kanila mula sa Diyos, at kapag nakakita kayo ng nagkakasala, dapat kayong humiling sa Diyos at manalangin na ang Diyos ay magbibigay buhay sa taong iyon - iyon ay, sa taong iyon na hindi gumagawa ng isang pagkakasala na maghihiwalay sa kaniya mula sa Diyos. Pero mayroong ilang mga tao na nagkakasala sa paraan na magsasanhi sa kanila na mahiwalay mula sa Diyos magpakailanman. Hindi ko sinasabi na kailangan mong humingi sa Diyos na tulungan ang mga tao na nagkakasala sa ganoong paraan.
|
||
\p
|
||
\v 17 Lahat ng mali ay kasalanan laban sa Diyos, pero hindi lahat ng masamang bagay na ginagawa natin ay makapaghihiwalay sa atin mula sa Diyos magpakailanman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 Alam namin na kung ang isang tao ay anak ng Diyos, hindi siya patuloy na magkakasala ng paulit-ulit. Sa halip, ang Anak ng Diyos ay iingatan siya para si Satanas, ang masama, ay hindi siya sasaktan.
|
||
\p
|
||
\v 19 Alam natin na tayo ay pag-aari ng Diyos, at alam natin na ang buong mundo ay nasa ilalim ng pamamahala ng masama.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Alam din natin na ang Anak ng Diyos ay dumating sa atin at binigyan tayo ng kakayahan na maintindihan ang katotohanan; kami ay kaanib sa kaniya na siyang totoo, na Anak ng Diyos na si Jesu-Cristo. Si Jesu-Cristo ay ang totoong Diyos, at siya ang nagbigay sa atin ng buhay na walang hanggan.
|
||
\p
|
||
\v 21 Sinasabi ko sa inyo na mga pinakamamahal ko, bantayan ninyo ang inyong mga sarili mula sa pagsamba sa mga diyos na walang totoong kapangyarihan!
|