forked from WA-Catalog/tl_udb
181 lines
17 KiB
Plaintext
181 lines
17 KiB
Plaintext
\id 2PE
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h 2 Pedro
|
|
\toc1 2 Pedro
|
|
\toc2 2 Pedro
|
|
\toc3 2pe
|
|
\mt 2 Pedro
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako, si Simon Pedro, ang sumusulat ng liham na ito sa inyo. Naglilingkod ako kay Jesu-Cristo at isa akong apostol na kaniyang hinirang. Ipinararating ko ang liham na ito sa inyo na mga dinulot ng Diyos na manampalataya kay Cristo tulad ng pagdulot niya sa aming mga apostol na manampalataya kay Cristo. Tayo ay may magkakaparehong karangalan sa pananampalataya kay Jesu-Cristo. Siya ay Diyos at ganap na makatarungan, siya ang nag-iisa nating sinasamba, at ating Tagapagligtas.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ipinapanalangin ko na ang Diyos ay patuloy na kumilos ng kabutihan sa inyo at bigyan kayo ng ganap na kapayapaan dahil tunay ninyong nakikilala ang Diyos at si Jesus na ating Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Binigyan tayo ng Diyos ng lahat ng kailangan natin nang sa gayon ay mabuhay tayo magpakailanman at maparangalan natin siya. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan bilang Diyos at dahil nakikilala natin siya. Ibinigay din niya sa atin ang mga ito bilang bunga ng pagkakakilala natin sa kaniya. Siya ang pumili sa atin na maging bayan niya dahil siya ay makapangyarihan at mabuti.
|
|
\p
|
|
\v 4 Dahil ganito ang kaniyang paraan, nangako siya sa atin na gagawa siya ng mga bagay na napakadakila at hindi matutumbasang halaga para sa atin. Sinabi rin niya sa inyo na habang kayo ay naniniwala sa kaniyang mga ipinangako, magkakaroon kayo ng kakayahang kumilos sa tamang paraan tulad ng pagkilos ng Diyos sa tamang paraan, at hindi na kayo kailanman mapupunta sa kapahamakan dahil sa pagnanais ninyong gumawa ng masama, tulad ng mga hindi mananampalataya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Dahil ginawa ng Diyos ang lahat ng ito, gawin ninyo ang inyong makakaya na hindi lang kayo manampalataya kay Cristo kundi namumuhay rin kayo ng maayos. At siguraduhin ninyo na hindi lang kayo namumuhay ng maayos kundi lalo pa rin kayong natututo tungkol sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 6 Bilang karagdagan, gawin din ninyo ang inyong makakaya na hindi lang kayo natututo lalo tungkol sa Diyos kundi pinipigilin din ninyo ang inyong sarili sa inyong ginagawa at sinasabi. At siguraduhin ninyo na hindi niyo lang pinipigilan ang inyong sarili sa inyong ginagawa at sinasabi kundi kayo rin ay tapat sa kaniya. At siguraduhin ninyo na hindi lang kayo tapat sa kaniya kundi pinaparangalan din ninyo siya.
|
|
\q1
|
|
\v 7 At siguraduhin ninyo na hindi lang ninyo siya pinaparangalan kundi mayroon din kayong malasakit sa inyong kapwa mananampalataya gaya ng pagkakaroon ng malasakit ng magkakapatid para sa isa't isa. At siguraduhin ninyo na hindi lang kayo mayroong malasakit sa inyong kapwa mananampalataya kundi minamahal din ninyo ang iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Kung ginagawa ninyo ang lahat ng mga ito, at lalo niyo pa itong ginagawa, ipinapakita nito na ang pagkakakilala ninyo sa ating Panginoong Jesu-Cristo ay nagbubunga ng napakabuting bagay sa inyong mga buhay.
|
|
\p
|
|
\v 9 Pero kung ang mga bagay na ito ay hindi totoo sa mga tao, nangangahulugan ito na hindi nila nalalaman na mahalaga ang mga bagay na ito tulad ng isang bulag na walang kaalam-alam sa kung ano ang nasa kaniyang paligid. Iniisip lang nila ang mga makamundong bagay, tulad ng isang taong malinaw lang na nakikita ang mga bagay na nasa malapit. Tila nakalimutan nila na pinatawad na sila ng Diyos sa dati nilang makasalanang buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Sa halip na kumilos kayo tulad ng mga taong iyon, sikapin ninyong kumilos ng wasto nang sa gayon malaman ng lahat na kayo ay pinili ng Diyos na maging bayan niya. Kung gagawin ninyo iyon, tiyak na hindi kayo kailanman mahihiwalay sa Diyos,
|
|
\p
|
|
\v 11 at buong puso kayong tatanggapin ng Diyos sa lugar kung saan ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo ay mamumuno sa kaniyang bayan magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 12 Sinasadya kong patuloy kayong paalalahanan ng madalas tungkol sa mga bagay na ito, kahit na alam na ninyo ang mga ito at matatag nang pinaniniwalaan na totoo ang mga ito.
|
|
\q1
|
|
\v 13 Itinuturing ko itong tama na dapat ko kayong tulungan na patuloy na isipin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagpapaalala sa inyo tungkol dito habang ako ay nabubuhay,
|
|
\p
|
|
\v 14 dahil alam ko na nalalapit na ang aking kamatayan, gaya ng malinaw na ipinahayag ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa akin.
|
|
\p
|
|
\v 15 Bukod doon, pagsisikapan kong gawin sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga bagay na ito na maalala ninyo ang mga ito sa lahat ng oras pagkatapos kong mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaming mga apostol ay sinabi sa inyo na ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay makapangyarihan at muli siyang babalik balang araw. Hindi namin ibinabatay ang mga sinabi namin sa inyo mula sa mga gawa-gawang kuwento. Sa halip, sinabi namin sa inyo na nakita mismo ng sariling naming mga mata na ang Panginoong Jesus ay lubos na dakila.
|
|
\p
|
|
\v 17 Lubos siyang pinarangalan ng Diyos na ating Ama nang pumalibot sa kaniya ang dakilang liwanag ng Diyos, at sinabi niya, "Ito ang aking Anak, na labis kong minamahal; lubos akong nalulugod sa kaniya."
|
|
\p
|
|
\v 18 Narinig namin mismo na sinabi iyon ng Diyos mula sa langit noong kasama kami ni Cristo sa banal na bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Sa ganitong paraan, dahil sa aming nakita, kami ay naging mas tiyak na ang isinulat ng mga propeta tungkol kay Cristo noong unang panahon ay ganap na mapagkakatiwalaan. Kailangan ninyong bigyan ng pansin ang kanilang isinulat dahil ito ang magbibigay sa inyo ng kaalaman kung ang itinuro namin sa inyo ay tama o mali, tulad ng ilawan na nagliliwanag sa madilim na lugar na tumutulong sa mga tao na makita kung saan sila patungo. Dapat ninyong bigyan ng pansin ang kanilang isinulat hanggang sa pagbalik ng ating Panginoong Jesu-Cristo at makilala ninyo ng lubusan ang Diyos. Sa puntong iyon, magiging tulad ito ng pagsikat ng araw at paglabas ng bituin sa umaga at makikita natin ito ng malinaw.
|
|
\p
|
|
\v 20 Mahalagang malaman ninyo na walang propeta ang makakapagpaliwanag sa sarili niyang kakayahan ng kahulugan ng kanilang mga isinulat sa Kasulatan nang walang tulong ng Espiritu ng Diyos,
|
|
\p
|
|
\v 21 dahil walang tao ang nagpasyang gawin ang mga propesiya na iyon. Kundi, silang mga nagsalita ng mga mensahe mula sa Diyos ay nagawa ito dahil tinulungan sila ng Banal na Espiritu. Kaya nga, kailangang tulungan din tayo ng Espiritu para maunawaan natin ang ibig nilang sabihin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Noong unang panahon, may iba't ibang tao sa mga Israelita ang nagpanggap na magbigay ng totoong mensahe mula sa Diyos, at gagawin din iyan ng ibang tao sa inyo. Sa simula hindi ninyo malalaman kung sino sila, at pinapatigil nila ang ilan sa pagtitiwala kay Cristo; magsisimula silang mag-isip na hindi mahalaga ang Panginoon—kahit na siya ang tumubos sa kanila. Pero pagdating ng araw, pupuksain ng Diyos ang mga bulaang propetang ito.
|
|
\p
|
|
\v 2 At maraming mananampalataya ang gagaya sa pamumuhay ng mga bulaang propeta. Sa ganitong paraan, hahamakin nila ang katotohanan tungkol sa Diyos.
|
|
\q
|
|
\v 3 Magsasabi sila sa inyo ng mga kasinungalingan sa paraang kikita sila sa inyo. Hindi maghihintay ng napakatagal ang Diyos bago niya sila parusahan; maglalaho sila sa lalong madaling panahon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Pinuksa ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Itinapon niya sila sa pinakamasamang lugar sa impiyerno at ibinilanggo niya sila sa kadiliman para panatilihin sila roon hanggang sa hatulan at parusahan sila.
|
|
\p
|
|
\v 5 Pinuksa rin niya ang mga taong namuhay sa mundo noong unang panahon. Walo lamang ang kaniyang iniligtas sa kanila, kabilang si Noe, na isang matuwid na tagapangaral. Ginawa niya ito nang puksain niya sa pamamagitan ng baha ang lahat ng mga taong hindi maka-diyos na nabubuhay noon.
|
|
\p
|
|
\v 6 Hinatulan din niya ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora at tuluyan niyang tinupok hanggang sa maging abo ito. Ito ay isang babala sa mga mamumuhay para lapastanganin ang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 7 Pero iniligtas niya si Lot, ang pamangkin ni Abraham, na isang taong matuwid. Labis na nabalisa si Lot dahil gumagawa ng mga bagay na kasuklam-suklam ang mga tao sa Sodoma.
|
|
\p
|
|
\v 8 Naghihirap ang taong matuwid na iyon dahil araw-araw niyang nakikita at naririnig ang mga masasamang taong iyon na gumagawa ng mga bagay na laban sa kautusan ng Diyos.
|
|
\q
|
|
\v 9 At yamang iniligtas ng Panginoong Diyos si Lot, makatitiyak kayong alam niya kung paano iligtas ang mga taong nagpaparangal sa kaniya, at kung paano niya hinahanda ang mga hindi nagpaparangal sa kaniya sa oras na parurusahan na niya sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Parurusahan niya ng matindi lalo na ang mga taong gumagawa ng mga bagay na nais nilang gawin, mga bagay na nagiging sanhi para hindi sila maging kalugod-lugod sa Diyos. Malakas ang loob nilang ginagawa ang mga bagay na nais nilang gawin; kahit ang mga makapangyarihang anghel ng Diyos ay hinahamak nila.
|
|
\p
|
|
\v 11 Hindi katulad ng mga taong iyon, walang hinahamak na kahit sinuman ang mga anghel ng Diyos sa harapan niya, kahit pa ang mga taong iyon!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Ang mga taong iyon na nagtuturo ng maling katuruan—na katulad ng mga hayop na hindi nakakapag-isip tulad natin—nagsasabi sila ng mga masasamang bagay tungkol sa Diyos, na hindi nila nakikilala. Kaya pupuksain niya sila tulad ng pangangaso at pagpatay natin sa mga maiilap na hayop na maging sa kalikasan ay walang kapakinabangan.
|
|
\p
|
|
\v 13 Pinipinsala sila ng mga maling bagay na ginagawa nila: Nagsasaya sila at naglalasing araw at gabi. Katulad sila ng mantsa at dumi sa damit na minsang malinis.
|
|
\p
|
|
\v 14 Gusto nilang makipagtalik sa bawat babaeng nakikita nila. Hindi sila nagsasawa sa pagkakasala. Hinihikayat nila ang mga taong hindi pa gaanong matapat sa Diyos na sumama sa kanila. Tulad ng isang manlalaro na nagsasanay para sa paligsahan, sinasanay ng mga taong ito ang kanilang mga sarili na maging sakim. Pero isinumpa sila ng Diyos!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Tumatanggi silang mamuhay tulad ng pamumuhay na nais ng Diyos para sa kanila. Tinularan nila ang ginawa ng propetang si Balaam na anak ni Beor, noong unang panahon. Inisip niya na maaari siyang kumilos sa masamang pamamaraan at magkakamit ng gantimpala para dito.
|
|
\p
|
|
\v 16 Pero sinaway siya ng Diyos sa pagkakasala. At kahit hindi nagsasalita ang mga asno, ginamit ng Diyos ang sariling asno ni Balaam para magsalita sa kaniya sa pamamagitan ng tinig ng isang tao at para pigilan ang kaniyang kahibangan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Ang mga taong ito na nagtuturo ng kasinungalingan ay tulad ng mga bukal na walang tubig; katulad sila ng mga ulap na agad na nawawala sa itaas bago pa man ito makapagbuhos ng ulan. Kaya nga, inihanda na ng Diyos ang kadiliman sa impiyerno para sa mga gurong iyon.
|
|
\p
|
|
\v 18 Ipinagmamalaki nila ang kanilang mga sarili, pero ang mga sinasabi nila ay walang halaga. Hinihikayat nila ang mga bagong mananampalataya at ngayon pa lang tumigil sa paggawa ng mga masasamang bagay. Hinihikayat nila silang magkasalang muli sa pamamagitan ng paggawa ng anumang bagay na nais gawin ng mga taong makasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 19 Sinasabi nila sa kanila na malaya silang gawin ang anumang nais nila. Pero sila mismo ay mga alipin na kailangang sumunod sa anumang sinasabi ng kanilang mga masasamang kaisipan na gawin. Tiyak na ang isang tao ay alipin sa anumang namumuno sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 20 Pero ipagpalagay ninyo na nasimulan niyo ng nakilala ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo, at tumigil na kayo sa paggawa ng mga bagay na pumipigil sa Diyos upang tanggapin kayo. Pagkatapos ay ipagpalagay niyo na sinimulan niyo muling gawin ang parehong mga masasamang bagay, kayo ay magiging mas masahol pa ngayon kaysa noong una.
|
|
\p
|
|
\v 21 Mas mainam pa para sa kanila na hindi nila nalaman kung paano mamuhay sa tamang kapamaraanan. Pero parurusahan sila ng Diyos nang mas matindi yamang itinakwil nila ang iniutos niyang gawin nila, ang mga ipinasa naming mga apostol sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 22 Ang paraan ng pamumuhay nila ay tulad ng kawikaan na sinasabi ng mga tao: "Sila ay tulad ng mga aso na kinakain ulit ang naisuka na nila;" at tulad sila "ng mga baboy na nilinisan na ang sarili pero pagkatapos nagpapagulong-gulong muli sa putikan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Ang liham na ito na sinusulat ko ngayon sa inyo na aking mga minamahal ay pangalawang liham na naisulat ko sa inyo. Isinulat ko ang parehong liham na ito sa inyo nang sa gayon sa pamamagitan ng pagpapaalala ko sa mga bagay na alam na ninyo, mapasigla ko kayo na mapag-isipan ng taos-puso ang mga bagay na iyon.
|
|
\p
|
|
\v 2 Gusto ko na lagi ninyong alalahanin ang mga salita na sinabi sa pamamagitan ng mga banal na propeta noong unang panahon, at para alalahanin din kung ano ang mga inutos ng ating Panginoon at Tagapagligtas, at mga bagay na sinabi naming mga apostol sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Mahalaga para sa inyo na maintindihan na sa panahon bago ang agarang pagbabalik ni Cristo, may mga tao na pagtatawanan ang kaisipan ng kaniyang pagbabalik. Gagawin ng mga taong iyon ang anumang masasamang gawa na ninanais nilang gawin.
|
|
\p
|
|
\v 4 Sasabihin nila, "Bagaman naipangako na si Cristo ay muling babalik, hindi siya bumalik. Mula pa nang mamatay ang mga Kristyanong pinuno na nabuhay noong unang panahon, lahat ng bagay ay nanatiling kagaya ng dati. Ang mga bagay ay kagaya pa rin ng dati simula pa nang likhain ng Diyos ang mundo!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Sasabihin nila iyon dahil sinadya nilang hindi pansinin ang tunay na nangyari na ang Diyos, sa pamamagitan ng pag-uutos noon na mangyari ito, ang dahilan ng pagkakaroon ng kalangitan, at siya ang dahilan ng pagkakaroon ng lupa mula sa tubig at maihiwalay ito mula sa tubig.
|
|
\p
|
|
\v 6 At ang Diyos, sa pamamagitan ng pag-uutos na mangyari ito, ay winasak kalaunan ang mundo noong panahon na iyon, sa pamamagitan ng pagbaha sa lupa.
|
|
\p
|
|
\v 7 Dagdag pa rito, ang Diyos, sa pamamagitan ng pag-uutos na dapat mangyari ang mga bagay na ito, ay ibinukod ang langit at lupa na mayroon ngayon, at iniingatan ito hanggang sa panahon na hahatulan niya ang mga taong hindi maka-Diyos. At sa panahong iyon, wawasakin niya ang langit at lupa sa pamamagitan ng pagsunog dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Mga minamahal na kaibigan, nais kong maintindihan ninyong mabuti na ang Panginoong Diyos ay handang maghintay ng mahabang panahon para hatulan ang mga tao sa mundo. Hindi mahalaga kung gaano katagal ang panahon na lumipas bago hatulan ng Panginoong Diyos ang mga tao sa mundo! Itinuturing niya na ang isang araw ay hindi lumilipas ng mas mabilis sa isang libong taon at itinuturing din niya na ang isang libong taon ay lumilipas na gaya ng isang araw sa atin!
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya nga, huwag ninyong isipin na dahil hindi pa bumabalik si Cristo para hatulan ang mga tao, ipinagpapaliban ng Panginoong Diyos ang kaniyang ipinangako. Ilan sa mga tao ang nag-iisip nang ganito, at sinasabi nila na si Cristo ay hindi na kailanman babalik. Pero dapat ninyong maintindihan ang dahilan kung bakit hindi pa bumabalik si Cristo para hatulan ang mga tao. Ito ay dahil ang Diyos ay nagiging matiyaga sa inyo, at ayaw niya na may sinuman ang mawala magpasawalang-hanggan. Sa halip, nais niya na tumalikod ang bawat isa mula sa kanilang makasalanang pag-uugali.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Bagaman nagiging matiyaga ang Diyos, sa panahon na kaniyang itinakda, ang Panginoong Jesu-Cristo ay tiyak na babalik para hatulan ang mga tao. Babalik siya nang hindi inaasahan, gaya ng isang magnanakaw na darating ng hindi inaasahan. Magkakaroon ng napakalakas na tunog sa panahong iyon. Ang kalangitan ay maglalaho. Ang mga bahagi nito ay matutupok sa pamamagitan ng apoy, at ang lupa at lahat ng bagay dito na nagawa ng bawat isa ay maihahayag sa Diyos para kaniyang hatulan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Dahil tiyak na tutupukin ng Diyos ang lahat ng mga bagay tulad ng nasabi ko, dapat alam ninyo kung paano kayo dapat mamuhay. Dapat mamuhay kayo sa paraang ikinararangal ng Diyos,
|
|
\p
|
|
\v 12 habang matiyaga kayong naghihintay sa pagbabalik ni Cristo sa araw na itinakda ng Diyos, at sikapin ninyong mapabilis ang pagdating ng araw na iyon. Dahil sa gagawin ng Diyos sa araw na iyon, ang langit ay maglalaho. Ang mga bahagi nito ay matutunaw at masusunog.
|
|
\p
|
|
\v 13 Bagaman mangyayari ang lahat ng mga kaganapang iyon, nagagalak tayo dahil naghihintay tayo ng bagong langit at bagong lupa na ipinangako ng Diyos. Ang mga tao lang na maninirahan sa bagong langit at bagong lupa ay ang mga taong matuwid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Kaya nga, mga minamahal na kaibigan, dahil naghihintay kayo na mangyari ang mga bagay na ito, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya para mamuhay kayo sa paraang pinaparangalan ang Diyos, nang sa gayon ay makita ni Cristo na hindi kayo nagkasala at namumuhay kayo ng mapayapa sa isa't isa.
|
|
\q
|
|
\v 15 At isipin ninyo ito: Ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay matiyaga dahil nais niyang iligtas ang mga tao. Ang minamahal nating kapatid na si Pablo ay nagsulat din sa inyo ng mga matatalinong salita tungkol sa mga bagay kagaya nito, dahil binigyan siya ng Diyos ng kakayahan para maunawaan ang mga kaganapang ito.
|
|
\p
|
|
\v 16 Sa mga liham na isinulat ni Pablo, may mga ilang bagay na mahirap para sa mga tao na maunawaan. Ang mga taong walang nalalaman tungkol sa Diyos at nagsasalita ng hindi tiyak ay inuunawa ang mga ito ng mali, tulad din ng maling pag-unawa nila sa ibang mga bahagi ng Kasulatan. Ang bunga nito ay magbibigay sila ng daan para parusahan sila ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya nga, mga minamahal na kaibigan, yamang alam na ninyo ang tungkol sa mga bulaang guro na ito, magbantay kayo laban sa kanila. Huwag ninyong pahintulutan ang mga masasamang tao na ito na linlangin kayo sa pamamagitan ng pagsasabi sa inyo ng mga maling bagay. Huwag ninyo silang pahintulutang hikayatin kayo na pagdudahan ang matibay niyo ng pinaniniwalaan.
|
|
\q
|
|
\v 18 Sa halip, mamuhay kayo sa paraan na mas lalo niyo pang mararanasan ang kagandahang-loob ng ating Tagapagligtas na si Jesu-Cristo at para lalo niyo pa siyang makilala. Dinadalangin ko na pararangalan ng bawat isa si Jesu-Cristo ngayon at magpakailanman! Nawa ay tunay itong maganap!
|