tl_udb/60-JAS.usfm

313 lines
28 KiB
Plaintext

\id JAS
\ide UTF-8
\h Santiago
\toc1 Santiago
\toc2 Santiago
\toc3 jas
\mt Santiago
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako, si Santiago, ay naglilingkod sa Diyos at iginapos sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Isinusulat ko ang liham na ito sa labindalawang tribu ng mga Judio na nagtiwala kay Cristo at nagkawatak-watak sa buong mundo. Binabati ko kayong lahat.
\p
\v 2 Mga kapwa ko mananampalataya, ituring na labis na kagalakan kung kayo ay nakakaranas ng iba't ibang uri ng paghihirap.
\p
\v 3 Unawain na habang ikaw ay nagtitiwala sa Diyos sa iyong mga paghihirap, tinutulungan ka ng mga ito upang mapagtiisan ang mas marami pang mga paghihirap.
\s5
\p
\v 4 Pagtiisan ang mga paghihirap hanggang sa wakas ng mga ito, upang maaari kayong sumunod kay Cristo sa lahat ng paraan. At hindi na kayo mabibigong gumawa nang mahusay.
\p
\v 5 Kung sinuman sa inyo ang kailangang malaman kung ano ang gagawin humingi siya sa Diyos na mapagbigay at hindi galit sa sinumang humihingi.
\s5
\p
\v 6 Ngunit kung humingi ka sa Diyos, magtiwala ka sa kaniya na tutugunin ka niya. Huwag kang mag-alinlangan na tutugon siya at lagi ka niyang tutulungan, sapagkat ang mga taong patuloy na nag-aalinlangan sa Diyos ay hindi makakasunod sa kaniya, katulad ng alon sa dagat na hinihipan ng hangin papunta at pabalik at hindi maaaring magpatuloy sa iisang direksiyon.
\q1
\v 7 Sa katunayan, ang mga taong nag-aalinlangan ay hindi dapat nag-iisip na ang Panginoong Diyos ay gagawa ng anumang kanilang hiniling na gawin niya.
\p
\v 8 Sapagkat sila ang mga taong hindi makapagpasiya kung sila ba ay susunod kay Jesus o hindi susunod kay Jesus. Hindi ginagawa ng mga taong ito ang sinasabi nila na kanilang gagawin.
\s5
\p
\v 9 Ang mga mananampalatayang mahihirap ay dapat magsaya sapagkat pinaparangalan sila ng Diyos.
\p
\v 10 At ang mga mananampalatayang mayayaman ay dapat magsaya dahil sila ay ginawang mapagpakumbaba ng Diyos, kung saan tutulungan sila na magtiwala kay Jesu-Cristo, sapagkat sila at ang kanilang kayamanan ay mawawala, katulad ng ligaw na mga bulaklak na malalanta.
\p
\v 11 Sa pagsikat ng araw, ang nakasusunog na init ng hangin ay nakapagpapatuyo ng mga halaman at nagdudulot ng pagkalagas ng mga bulaklak at hindi na kailanman magiging maganda. Katulad ng mga bulaklak na namamatay, ang mga mayayamang tao ay mamamatay habang sila ay kumikita ng pera.
\s5
\q1
\v 12 Pinaparangalan ng Diyos ang mga nagtitiis ng mahihirap na mga pagsubok, sapagkat gantimpala sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbuhay sa kanila magpakailanman, katulad ng kaniyang ipinangakong gagawin sa lahat ng nagmamahal sa kaniya.
\q1
\v 13 Kapag tayo ay natukso sa kasalanan, huwag nating isipin na ang Diyos ang tumutukso sa atin, sapagkat hindi nais ng Diyos na gumawa ng masama, at hindi niya kailanman tinutukso ang sinuman upang gumawa ng masama.
\s5
\p
\v 14 Ngunit nais ng bawat isa na gumawa ng masama, at kaya ginawa nila ito, na para bang sila ay nahuhulog sa isang bitag.
\p
\v 15 At pagkatapos, ang kanilang masasamang pag-iisip ay magdadala sa kanila upang gumawa ng kasalanan, at ang kasalanang ito ay mananaig sa kanilang mga isipan hanggang sa wasakin sila nito. Pagkatapos, kung ang masasamang nais ay magsama-sama, ang kasalanan ay maipapanganak, na nangangahulugang ang taong nakagawa ng kasalanan ang maaari lamang patawarin ni Jesus. At sa sandaling magbunga ang kasalanan ng kaniyang huling kahihinatnan, darating ang kamatayan, ito ang kamatayan ng katawan at kamatayan ng espiritu, na nangangahulugan na ang makasalanan ay nakahiwalay sa Diyos magpakailanman. Tanging si Jesus lamang ang makapagliligtas sa atin dito sa huling kamatayan.
\p
\v 16 Mga kapwa ko mananampalataya na aking minamahal, itigil na ang panlilinlang sa inyong mga sarili.
\s5
\p
\v 17 Bawat tunay na mabuti at ganap na kaloob ay galing sa Diyos Ama, na nasa langit. Siya ang tunay na Diyos na nagbibigay sa atin ng liwanag. Hindi nagbabago ang Diyos katulad ng mga nilikhang mga bagay na nagbabago, katulad ng isang anino na lumilitaw at nawawala. Hindi nagbabago ang Diyos at Siya ay laging mabuti!
\p
\v 18 Pinili ng Diyos na bigyan tayo ng buhay na espirituwal kung tayo ay nagtiwala sa kaniyang tunay na mensahe. At ngayon ang mga mananampalataya kay Jesus ay naging mga unang tao na nagkaroon ng totoong buhay espiritwal na tanging si Jesus lamang ang makapagbibigay.
\s5
\p
\v 19 Mga kapwa ko mananampalataya na aking minamahal, alam ninyo na ang bawat isa sa inyo ay dapat maging masigasig na magbigay pansin sa tunay na mensahe ng Diyos. Hindi kayo dapat magsalita agad ng inyong mga sariling kaisipan, ni madaling magalit,
\p
\v 20 sapagkat kung tayo ay magalit, hindi natin magagawa ang mga matutuwid na bagay na nais ng Diyos na gawin natin.
\p
\v 21 Kaya itigil ang paggawa ng lahat ng uri ng kasamaan, at tanggapin nang may kababaang loob ang mensahe na itinanim ng Diyos sa inyong kalooban, sapagkat kaya ka niyang iligtas kung tatanggapin mo ang kaniyang mensahe.
\s5
\p
\v 22 Gawin kung ano ang inutos ng Diyos sa kaniyang mensahe. Huwag lamang pakinggan ito, sapagkat ang mga taong nakikinig lamang nito at hindi sumusunod ay nagkakamali sa kanilang pag-iisip na sila ay ililigtas ng Diyos.
\q
\v 23 May mga ibang tao na nakarinig na ng mensahe ng Diyos ngunit hindi ginagawa kung ano ang sinasabi nito. Sila ay katulad ng isang tao na tumitingin ng kaniyang mukha sa isang salamin.
\p
\v 24 Bagaman nakita niya ang kaniyang sarili, siya ay umalis sa salamin at agad na nakalimutan kung ano ang kaniyang itsura.
\q
\v 25 Ngunit ang ibang tao ay tumitingin nang mabuti sa mensahe ng Diyos, na siyang ganap at pinapalaya ang mga tao upang kusang-loob na gawin kung ano ang nais ng Diyos na gawin nila. At kung patuloy nilang susuriin ang mensahe ng Diyos at hindi lamang ito pinapakinggan at pagkatapos ay kinakalimutan ito, ngunit ginagawa kung ano ang sinasabi ng Diyos na kanilang gawin, pagpapalain sila ng Diyos dahil sa kanilang ginawa.
\s5
\p
\v 26 May ilang mga tao ang nag-iisip na tama ang kanilang pagsamba sa Diyos, ngunit lagi namang nagsasalita ng masama. Ang mga taong iyon ay nagkakamali sa kanilang mga iniisip na tama ang pagsamba nila sa Diyos. Sa katunayan walang kabuluhan ang kanilang pagsamba sa Diyos.
\p
\v 27 Isa sa mga bagay na sinabi ng Diyos sa atin na ating gawin ay alagaan ang mga ulila at mga balo na dumaranas ng paghihirap. Ang mga gumagawa nito at mga hindi nag-isip o gumagawa ng mga imoral na bagay katulad ng mga hindi sumusunod sa Diyos ay tunay na sumasamba sa Diyos, na ating Ama at sinasang-ayunan sila ng Diyos.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Mga kapatid ko, dahil nagtiwala kayo sa ating Panginoong Jesu-Cristo, higit na dakila sa anumang bagay, itigil ang pagpaparangal sa ilang tao nang higit sa iba.
\p
\v 2 Halimbawa, ipagpalagay na ang isang tao na nakasuot ng mga gintong singsing at magagarang kasuotan ay pumasok sa inyong lugar ng pagtitipon. At ipagpalagay na ang isang mahirap na tao na nakasuot ng maruming kasuotan ay dumating din at pumasok.
\q
\v 3 At ipagpalagay na ikaw ay nagpakita ng natatanging pag-asikaso sa may suot ng magarang kasuotan sa pamamagitan ng pagsabi ng, "Pakiusap umupo kayo sa magandang upuan na ito!" at sinabi mo sa isang mahirap, "Tumayo ka roon o umupo sa sahig!"
\p
\v 4 Ikaw ay humatol na sa bawat isa sa mga maling dahilan.
\s5
\p
\v 5 Makinig kayo sa akin, mga minamahal kong mga kapatid. Pinili ng Diyos ang mga mahihirap na tao na parang walang halaga, upang labis na magtiwala sa kaniya. Kaya bibigyan niya sila ng mga dakilang bagay sa panahon na paghaharian niya ang bawat isa sa lahat ng dako. Ito ang kaniyang ipinangako na gagawin para sa bawat isa na nagmamahal sa kaniya.
\p
\v 6 Ngunit hindi ninyo pinahahalagahan ang mahihirap na mga tao. Isipin ninyo ang tungkol dito! Ang mayayaman na mga tao, at hindi ang mahihirap, ang nagpapahirap sa inyo! Ang mayayaman na mga tao ang pumilit na dalhin kayo sa hukuman upang akusahan sa harap ng mga hukom!
\q
\v 7 At sila ang mga nagsasalita ng masama laban sa Panginoong Jesu-Cristo, na siyang karapat-dapat na papurihan, kung kanino ka kabilang!
\s5
\p
\v 8 Si Jesus na ating Hari ay nag-utos sa inyo sa mga Kasulatan na ang bawat isa sa inyo ay dapat mahalin ang ibang mga tao katulad ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. Kung mamahalin ninyo ang iba, ginagawa ninyo kung ano ang tama.
\q
\v 9 Ngunit kung pararangalan ninyo ang ilang mga tao ng higit sa iba, kayo ay gumagawa ng mali. At dahil hindi ninyo ginagawa kung ano ang inuutos ng Diyos sa atin na gawin, hahatulan niya kayo dahil sumuway kayo sa kaniyang mga kautusan.
\s5
\p
\v 10 Ang mga hindi sumusunod sa isa man sa mga kautusan ng Diyos, kahit na sundin nila ang lahat ng kaniyang ibang mga kautusan, itinuturing ng Diyos na nagkasala katulad ng sinumang hindi sumunod sa lahat ng kaniyang mga kautusan.
\p
\v 11 Halimbawa, sinabi ng Diyos, "Huwag mangalunya," ngunit sinabi rin niya, "Huwag papatay ng sinuman."kaya kung hindi mo gagawin ang pangangalunya ngunit pinatay mo ang isang tao, ikaw ay isang taong hindi sumunod sa mga kautusan ng Diyos.
\s5
\p
\v 12 Laging magsalita at makitungo iba bilang mga tao na hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan na nagpalaya sa atin mula sa kaparusahan ng ating mga kasalanan.
\p
\v 13 Dahil kapag hinatulan tayo ng Diyos, hindi siya magpapakita ng kahabagan sa mga hindi nagpapakita sa iba ng kahabagan. Ngunit kung tayo ay mahabagin sa iba, hindi tayo matatakot sa Diyos kapag hinatulan niya tayo.
\s5
\p
\v 14 Mga kapatid ko, sinasabi ng ilang tao, "Naniniwala ako sa Panginoong Jesu-Cristo," ngunit hindi sila gumagawa ng mga mabubuting bagay. Kung anuman ang kanilang sinasabi ay walang mabuting maidudulot sa kanila. Kung sila ay maniniwala lamang sa mga salita, tiyak na hindi sila ililigtas ng Diyos.
\p
\v 15 Bilang paglalarawan, ipagpalagay natin na ang isang kapatid na lalaki o babae ay patuloy na nagkukulang ng kasuotan o pagkain sa araw araw.
\p
\v 16 At ipagpalagay na isa sa inyo ang nagsabi sa kanila, "Huwag mag-alala, humayo ka at magpainit ka at hanapin ang pagkain na iyong kailangan!" Ngunit kung hindi mo sila binigyan ng mga bagay na kanilang kailangan para sa kanilang mga katawan, kung gayon wala itong maitutulong sa kanila!
\p
\v 17 Katulad, kung hindi ka gagawa ng mabuting mga gawain upang makatulong sa iba, ang sinasabi mo patungkol sa paniniwala kay Cristo ay walang kabuluhan gaya ng isang patay na tao! Hindi ka talaga naniniwala kay Cristo.
\s5
\p
\v 18 Ngunit sasabihin ng isang tao sa akin, "Nililigtas lamang ng Diyos ang ilan sa mga tao sapagkat sila ay nagtitiwala sa kaniya, at nililigtas niya ang iba na gumagawa ng mga mabubuting bagay sa mga tao." Sasabihin ko sa taong iyon, "Hindi mo mapapatunayan sa akin na ang mga tao ay tunay na nagtitiwala sa Diyos kung sila ay hindi gumagawa ng mga mabubuting bagay para sa iba! Ngunit sa pamamagitan ng paggawa ng mga mabubuting bagay para sa iba, papatunayan ko sa inyo na ako ay tunay na nagtitiwala sa Diyos!
\p
\v 19 Isipin ninyo ito! Naniniwala kayong mayroon lamang nag-iisa at totoong Diyos na totoong buhay, at tama kayo upang paniwalaan iyon. Ngunit ang mga demonyo ay naniniwala rin dito, at nanginginig sila dahil alam din nila na ang Diyos ay totoong buhay at paparusahan Niya sila.
\q
\v 20 At ikaw rin taong hangal, bibigyan kita ng patunay na kung sinuman ang magsasabi na, "Nagtitiwala ako sa Diyos," ngunit hindi gumagawa ng mga mabubuting gawain, kung ano ang sinabi ng taong iyon ay hindi nakatulong sa kaniya sa anumang paraan.
\s5
\p
\v 21 Pinaparangalan nating lahat si Abraham na ating ninuno. Sinubukan niyang sundin kung ano ang sinabi ng Diyos sa kaniya; sinubukan niyang ialay ang kaniyang anak na si Isaac sa Diyos sa altar. Itinuring ng Diyos si Abraham na isang matuwid na tao sa pagsisikap niyang sumunod sa kaniya.
\p
\v 22 Sa paraang ito, nagtiwala si Abraham sa Diyos at sumunod sa kaniya. Nang sumunod siya sa kaniya, tinapos niya kung ano ang kaniyang pinaniniwalaan sa Diyos.
\p
\v 23 At nangyari ito katulad ng nakasulat sa mga kasulatan, "Sapagka't tunay na nagtiwala si Abraham sa Diyos, tiningnan siya ng Diyos na gumagawa ng matuwid." Sinabi rin ng Diyos ang patungkol kay Abraham, "Siya ay aking kaibigan."
\p
\v 24 Mula sa halimbawa ni Abraham mauunawaan ninyo na dahil gumagawa ang mga tao ng mabubuting bagay kaya itinuring sila ng Diyos na mga matuwid, at hindi lamang dahil nagtitiwala sila sa kaniya.
\s5
\p
\v 25 Gayundin, tiyak na dahil sa ginawa ni Rahab kaya itinuring siyang mabuti ng Diyos. Si Rahab ay naging isang babaeng nagbebenta ng aliw, ngunit pinangalagaan niya ang mga mensahero na dumating na magmamana sa buong lupain at tinulungan niya silang makatakas upang makauwi sa pamamagitan ng ibang daan pauwi kung saan sila nagmula.
\p
\v 26 Katulad ng isang taong hindi na humihinga na patay na at ang kaniyang katawan ay wala nang kabuluhan, sa ganoong paraan, ang isang taong nagsasabing siya ay nagtitiwala sa Diyos ngunit hindi gumagawa ng mabuti ay nagtitiwala sa Diyos nang walang kabuluhan.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Mga kapatid ko ang karamihan sa inyo ay hindi dapat naisin na maging mga tagapagturo ng salita ng Diyos, sapagka't alam ninyo na hahatulan ng Diyos tayong mga guro nang mas matindi kaysa sa paghatol niya sa ibang tao.
\p
\v 2 Sa maraming paraan nakakagawa tayo ng mali. Ngunit ang mga nagtitimpi ng kanilang sasabihin ay magiging lahat ng hinahangad ng Diyos sa kanila. Maaari nilang pigilan ang lahat ng kanilang mga kilos.
\s5
\p
\v 3 Bilang paglalarawan, kung maglalagay tayo ng isang maliit na busal na yari sa metal sa bibig ng isang kabayo upang papuntahin siya kung saan natin naisin, maaari nating ibaling ang malaking katawan ng kabayo kung saan nais nating papuntahin.
\p
\v 4 Isipin din natin ang tungkol sa mga barko. Bagaman ang barko ay napakalaki at mapapagalaw sa pamamagitan ng malakas na hangin, sa pamamagitan ng pagliko ng mga tao sa napakaliit na timon maari nila itong papuntahin saan man nila ito naising magtungo.
\s5
\p
\v 5 5 Gayundin, bagaman ang ating mga dila ay napaka-liit, kung hindi natin ito masupil, maaari tayong makasakit ng tao sa pamamagitan ng labis na kayabangan. Isipin din ninyo kung paano ang isang nagliliyab na apoy ay maaaring magdulot ng isang malaking sunog sa kagubatan.
\p
\v 6 Katulad ng isang apoy na susunog sa isang kagubatan, kung tayo ay magsasabi ng mga bagay na masasama, maaari tayong makasira ng maraming tao. ang ating sinasabi ay naghahayag na may maraming kasamaan mula sa ating kalooban. Kung ano ang ating sasabihin ay makakahawa sa lahat ng ating iniisip at gagawin. Katulad ng isang nagliliyab na apoy na madaling magdulot ng malaking sunog sa kapaligiran, kung ano ang ating sasabihin ay maaaring magdulot sa ating mga anak at sa kanilang kaapu-apuhan na maghangad na gumawa ng kasamaan sa kanilang buong buhay. Ang diyablo mismo ang siyang nang-aakit sa atin upang magsalita ng anumang masama.
\s5
\p
\v 7 Totoo, bagaman may kakayahan ang mga tao upang paamuhin ang lahat ng uri ng mga mababangis na mga hayop, mga ibon, mga hayop na gumagapang at mga nilalang na nakatira sa tubig, at napapaamo sila ng mga tao,
\p
\v 8 walang tao sa kaniyang sarili ang may kakayahang pumigil sa kaniyang sinasabi. At kung ang tao ay nagsasalita ng masama, nagpapakita ito na sila ay nakakagawa ng mga masasamang mga bagay na hindi pinipigil ang kanilang mga sarili. Katulad ng kamandag ng isang ahas na nakakamatay ng mga tao, masasaktan natin ang iba sa pamamagitan ng ating mga sinasabi.
\s5
\p
\v 9 Ginagamit natin ang ating mga dila upang papurihan ang Diyos, na siyang ating Panginoon at Ama, ngunit ginagamit din natin ang dilang ito upang humingi sa Diyos upang gumawa ng masama sa mga tao. Malaking pagkakamal ito, sapagkat ginawa ng Diyos ang mga tao na katulad ng kaniyang sarili.
\p
\v 10 Pinupuri natin ang Diyos, ngunit sa pamamagitan din ng ating dila humihingi tayo na mangyari sa iba ang mga masasamang bagay. Aking mga kapatid, hindi ito nararapat!
\s5
\p
\v 11 Tiyak na ang mapait at mabuting tubig ay hindi nanggagaling sa iisang bukal!
\p
\v 12 Mga kapatid, ang isang puno ng igos ay hindi mamumunga ng mga olibo. Ni ang isang puno ng ubas ay mamunga ng mga igos. Maging ang isang maalat na bukal ay magbigay ng masarap na tubig. Gayundin, tayo ay dapat magsalita kung ano ang mabuti lamang, at hindi dapat tayo magsalita kung ano ang masama.
\s5
\p
\v 13 Kung sinuman sa inyo ang nag-iisip na siya ay matalino at maraming nalalaman, dapat lagi kayong kumikilos sa mabuting paraan upang ipakita sa mga tao na ang inyong mabuting mga ginawa ay bunga ng inyong pagiging tunay na matalino. Ang pagiging matalino ay nakakatulong sa atin upang kumilos nang malumanay sa iba.
\p
\v 14 Ngunit kung ikaw ay masyadong mainggitin sa ibang tao at nagsisinungaling laban sa kanila at ginagawan sila ng masama, huwag kang magpanggap na ikaw ay matalino. Sa pagmamayabang katulad niyan sinasabi mo na ang katotohanan ay mali.
\s5
\q
\v 15 Ang mga nag-iisip ng tulad nito ay hindi matalino sa paraang nais ng Diyos para sa kanila. Sa halip, sila ay nag-iisip at kumikilos lamang ng tulad ng mga taong hindi pinaparangalan ang Diyos. Sila ay nag-iisip at kumikilos ayon sa kanilang sariling masasamang mga nais. Ginagawa nila ang nais ng mga demonyo na gawin nila.
\p
\v 16 Laging isa-isip na ang mga taong may ganiyang mga pag-uugali ay hindi na napipigilan ang kanilang mga sarili. Kumukuha sila mula sa ibang tao at kumikilos na parang ang kanilang ginagawa ay tama, ngunit ito ay mali, at ginagawa nila ang bawat uri ng kasamaan.
\p
\v 17 Ngunit kung ang mga tao ay matalino sa paraan na nais ng Diyos na kanilang gawin, hindi sila makakagawa ng mali, na itinuturing ng Diyos na pinaka mahalaga. Tinutulungan rin nila ang iba na mamuhay ng may kapayapaan, sila ay nagbibigay pansin sa kung ano ang kailangan ng ibang tao, handa silang magpasakop sa mga kahilingan ng iba, sila ay may awa sa iba, at nagpapakita sila ng lahat ng uri ng kabutihan sa iba. Ang kanilang pakikitungo sa iba ay hindi ayon sa kung gaano sila kahalaga, at sila ay nagsasalita at kumikilos sa matapat na paraan.
\q
\v 18 Ang mga nakikitungo nang mapayapa sa iba ay magiging dahilan upang ang iba ay makitungo rin nang may kapayapaan sa iba, na ang kinalabasan silang lahat ay mamumuhay ng magkakasamang kumikilos nang matuwid.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Ngayon ay sasabihin ko sa inyo kung bakit kayo ay nakikipaglaban sa inyong mga sarili at nakikipag-away sa isa't isa. Ito ay dahil ang bawat isa sa inyo ay nais gumawa ng mga masasamang bagay na kinasisiyahan ninyong gawin, mga bagay na hindi nakakasiya sa kapwa ninyo mananampalataya.
\p
\v 2 May mga bagay na gustong-gusto ninyong makamit, ngunit hindi ninyo nakakamit ang mga bagay na iyon, kaya nais ninyong patayin ang mga humahadlang sa inyo at makamit ang mga ito. Hinahangad ninyo kung ano ang mayroon sa ibang tao, ngunit wala kayong kakayahan na makamit kung ano ang inyong nais, kaya kayo ay nakikipaglaban at nakikipag-away sa isa't-isa. Hindi ninyo makakamit ang inyong ninanais sapagkat hindi ninyo ito hinihingi sa Diyos.
\p
\v 3 Kahit na humingi kayo sa kaniya, hindi niya ibibigay ang inyong hinihingi sapagkat hinihingi ninyo ito nang may maling dahilan. Humihingi kayo ng mga bagay upang gamitin ang mga ito upang masiyahan ang inyong mga sarili sa maling kaparaanan.
\s5
\p
\v 4 Katulad ng isang babae na hindi tapat sa kaniyang asawa, kayo rin ay hindi naging tapat sa Diyos at hindi kailanman sumusunod sa kaniya. Ang mga namumuhay tulad ng masasamang mga tao ay nabibilang sa mundong ito at mga kaaway na laban sa Diyos. Marahil hindi ninyo nauunawaan iyon.
\p
\v 5 Tiyak na hindi ninyo iniisip na ito ay walang dahilan na sinabi ng Diyos sa atin sa kasulatan na ang Espiritu na kaniyang inilagay sa atin ay nananabik para tayo ay mamuhay sa mga paraan na nakalulugod sa kaniya.
\s5
\p
\v 6 Ngunit ang Diyos ay makapangyarihan at napakabuti sa atin, at labis niyang ninanais na tulungan tayo upang tumigil sa pagkakasala. Kaya sinasabi ng kasulatan, "Tinututulan ng Diyos ang mga mapag-mataas, ngunit tinutulungan niya ang mga mapagpakumbaba."
\p
\v 7 Kaya ipasakop ang inyong mga sarili sa Diyos. Labanan ang diyablo, at pagkatapos siya ay tatakas palayo mula sa inyo.
\s5
\p
\v 8 Lumapit kayo sa Diyos sa espiritwal na pamamaraan. Kung gagawin ninyo ito, lalapit siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, talikuran ninyo ang paggawa ng mali at gawin lamang kung ano ang mabuti. Kayong mga hindi makapagpasya kung kayo ay magtatalaga ng inyong mga sarili sa Diyos, itigil ang pag-iisip ng maling mga kaisipan, at isipin lamang ang kaniyang mga iniisip.
\p
\v 9 Maging malungkot at tumangis dahil sa mga mali na inyong ginawa. Huwag kayong tumawa, na nagsasaya lamang sa makasarili ninyong nais. Sa halip, maging malungkot dahil sa mali na nagawa ninyo.
\p
\v 10 Magpakumbaba kayo sa inyong mga sarili sa harapan ng Panginoon; kung gagawin ninyo ito, paparangalan niya kayo.
\s5
\p
\v 11 Mga kapatid ko, itigil ang pagsasalita ng masama laban sa isa't-isa, sapagkat ang mga nagsasalita ng masama laban sa isang kapwa mananampalataya at humahatol sa isa na katulad ng isang kapatid ay talagang nagsasalita laban sa kautusan na ibinigay ng Diyos sa atin upang sundin. Kung magsasalita kayo laban sa kaniyang kautusan, kayo ay kumikilos na parang hukom na humahatol nito.
\p
\v 12 Ngunit sa katunayan, mayroon lamang isa na may kapangyarihan upang magpatawad sa ating kasamaan at magparusa sa mga tao, at iyon ay ang Diyos. Siya lamang ang may kakayanang magligtas ng mga tao o puksain ang mga tao. Tiyak na kayo ay walang karapatan upang angkinin ang lugar ng Diyos at hatulan ang iba.
\s5
\p
\v 13 Ang ilan sa inyo ay mayabang na nagsasabing, "Ngayon o bukas tayo ay pupunta sa isang lungsod. Tayo ay mamamalagi nang isang taon doon at tayo ay mamimili at magbebenta ng mga bagay at kikita ng maraming pera." Ngayon, makinig kayo sa akin!
\p
\v 14 Hindi kayo dapat magsalita ng ganiyan, sapagkat hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari bukas, at hindi ninyo alam kung gaano katagal kayo mabubuhay! Ang inyong buhay ay sandali lamang, tulad ng isang hamog na lumilitaw nang sandaling panahon at agad nawawala.
\s5
\p
\v 15 Maliban sa kung ano ang inyong sasabihin, dapat sabihin ninyong, "Kung loloobin ng Panginoon, kami ay mabubuhay at gagawin ito, o gagawin namin iyon."
\p
\v 16 Ngunit ang inyong ginagawa ay pagyayabang tungkol sa lahat ng mga bagay na inyong balak gawin. Ang pagyayabang ninyo na ganiyan ay kasamaan.
\p
\v 17 At kung sinuman ang nakakaalam ng tamang bagay na dapat niyang gawin, ngunit hindi niya ito ginagawa, siya ay nagkakasala.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Ngayon ay mayroon akong nais sabihin sa mga mayayamang tao na hindi sumasampalataya kay Cristo at silang nang-aapi sa inyo! makinig kayo sa akin, kayo na mayayamang mga tao! Dapat kayong tumangis at humagulgol nang malakas sapagkat kayo ay makakaranas ng katakut-takot na kaguluhan!
\p
\v 2 Ang inyong kayamanan ay walang halaga, na parang ito ay nabulok. Ang inyong maayos na mga damit ay walang halaga, na para bang sinisira ng mga insekto.
\q
\v 3 Ang inyong ginto at pilak ay walang halaga, na parang kinalawang. Kung hahatulan kayo ng Diyos, ang mga walang silbing kayamanang ito ay magiging katibayan na ikaw nga ay nagkasala sa pagiging sakim, at tulad ng kalawang at apoy na sisira ng mga bagay, parurusahan kayo ng Diyos nang labis. Nag-iimpok kayo ng kayamanang walang kabuluhan sa panahon na malapit na kayong hatulan ng Diyos.
\s5
\q
\v 4 Isipin ang tungkol sa inyong mga nagawa. Hindi ninyo ibinigay ang inyong ipinangakong sahod sa mga manggagawa na nag-ani para sa inyo sa inyong bukirin. Ang bayad na inyong itinago para sa inyong sarili ay nagpapakita sa akin ng inyong pagkakasala at kung paano ninyo sila dinaya. Ang mga manggagawa ay sumisigaw sa Diyos kung paano ninyo sila pinakitunguhan. At ang Diyos, ang Panginoon na makapangyarihan sa lahat, ay nakikinig sa kanilang malakas na pagsigaw.
\p
\v 5 Kayo ay nakakabili ng anumang bagay na inyong naisin upang kayo ay mamuhay na tulad ng mga hari. Katulad kayo ng mga baka na nagpapataba sa kanilang mga sarili, na hindi nila naisip na sila ay kakatayin, kayo rin ay namumuhay upang magsaya sa mga bagay lamang, hindi ninyo naiisip na paparusahan kayo ng Diyos nang labis.
\p
\v 6 Inihanda ninyo ang iba upang maparusahan ng iba ang mga inosenteng tao. Inihanda ninyo ang iba upang patayin ng iba ang mga tao, bagaman ang mga taong iyon ay hindi nakagawa ng anumang bagay na mali. Wala silang kakayanang ipagtanggol ang kanilang mga sarili laban sa inyo. mga kapatid ko, ito ang sasabihin ko sa mga taong mayaman na nang-aapi sa inyo.
\s5
\p
\v 7 Kaya, aking mga kapatid, bagaman ang mga taong mayaman ay naging sanhi ng inyong paghihirap, maging matiisin hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. Alalahanin nang ang mga magsasaka ay nagtanim sa isang bukirin, naghintay sila ng kanilang mahalagang pananim upang lumago. Kailangan nilang maghintay nang may pagtitiyaga sa pagdating ng ulan sa panahon ng pagtatanim at para sa mas marami pang ulan na darating bago ang panahon ng pag-ani. Hinihintay nila ang mga pananim na lumago at mahinog bago nila ito maaaring anihin.
\p
\v 8 Gayundin, kinakailangang maghintay din kayo nang may pagtitiyaga at magtiwala sa Panginoong Jesus nang may katatagan, dahil malapit na siyang bumalik at hahatulan ng pantay ang lahat nang mga tao.
\s5
\p
\v 9 Aking mga kapatid, huwag kayong magreklamo laban sa isa't isa, upang hindi kayo hatulan at parusahan ng Panginoong Jesus. Siya nga ang hahatol sa atin, at handa na siyang magpakita.
\p
\v 10 Aking mga kapatid, bilang isang halimbawa kung paano maging matiisin, isaalang-alang na noong una pa ay ipinadala ng Panginoong Diyos ang mga propeta upang sabihin ang kaniyang mga mensahe. Bagaman ang mga tao ang dahilan ng kanilang labis na paghihirap, matiyagang pinagtiisan nila ito.
\p
\v 11 Alam nating iginagalang ng Diyos at tinutulungan ang mga nagtitiis ng paghihirap para sa kaniya. Narinig rin ninyo ang tungkol kay Job. Alam ninyong bagaman siya ay naghirap nang labis, binalak ng Panginoong Diyos na magdala ng mabuti kay Job dahil kaniyang tiniis ang paghihirap. At mula doon nalaman natin na ang Panginoon ay lubos na mahabagin at mabait.
\s5
\p
\v 12 Gayundin, aking mga kapatid, may ilang mahahalagang bagay akong nais sabihin tungkol sa kung paano kayo magsalita, kung sasabihin ninyo na gagawin ninyo ang isang bagay, huwag ninyong sabihin, "Kung hindi ko gagawin ito, ang Diyos na nasa langit ang magpaparusa sa akin." Huwag ninyong sabihin, Hindi ninyo man sabihin, "Kung hindi ko gagawin ito, maaaring isang tao dito sa lupa ang magparusa sa akin." Huwag kayong magsalita ng tulad ng ganoon. Sa halip, kung sasabihin mong "oo," gawin mo kung ano ang sinabi mong gagawin mo. Kung sinabi mong "hindi," huwag mong gawin ito. kung hindi, hahatulan ka ng Diyos.
\s5
\p
\v 13 Sinuman sa inyo ang nakakaranas ng kaguluhan ay dapat manalangin na tulungan siya ng Diyos. Sinuman ang masaya dapat umawit ng mga awiting papuri sa Diyos.
\p
\v 14 Sinuman sa inyo ang maysakit dapat tawagin ang mga pinuno ng pagtitipon upang siya ay ipanalangin sa kanilang pagdating. Dapat lagyan nila siya ng langis ng olibo at, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, manalangin.
\p
\v 15 Kung sila ay totoong nagtitiwala sa Panginoon habang sila ay nananalangin, ang taong maysakit ay mapapagaling. Pagagalingin siya ng Panginoon. Kung ang taong iyon ay nagkasala sa isang paraan na naging dahilan ng kaniyang pagkakasakit, kung kaniyang pagsisisihan ang kaniyang ginawa, siya ay patatawarin.
\s5
\p
\v 16 Kaya, dahil ang Panginoon ay may kakayahang magpagaling ng maysakit at magpatawad ng mga kasalanan, sabihin sa bawat isa ang makasalanang mga bagay na inyong nagawa, at magpanalanginan sa isa't isa upang kayo ay mapagaling. Kung ang matuwid na mga tao ay manalangin at humingi ng taimtim sa Diyos na gumawa ng isang bagay, kikilos ang Diyos sa makapangyarihang paraan at tiyak na gagawin ito.
\p
\v 17 Bagaman ang propetang si Eliseo ay isang karaniwang tao na tulad natin, taimtim siyang nanalangin na hindi umulan. At hindi nga umulan sa loob ng tatlo at kalahating taon.
\p
\v 18 At siya ay nanalanging muli, humingi sa Diyos na magpadala ng ulan, at ang Diyos ay nagpadala ng ulan, at ang mga pananim ay tumubo at muling namunga.
\s5
\p
\v 19 Mga kapatid ko, kung sinuman sa inyo ang titigil sa pagsunod sa totoong mensahe mula sa Diyos, ang isang mula sa inyo ay manghihimok sa taong iyon na minsan pa ay gawin kung ano ang sinabi ng Diyos na gawin. Kung ititigil ang paggawa kung ano ang mali,
\p
\v 20 siya na nanghimok sa kaniya ay kinakailangang maunawaan na dahil siya ang may kakayahan upang pigilan ang tao sa paggawa kung ano ang mali, ililigtas ng Diyos ang taong iyon mula sa espiritwal na kamatayan, at patatawarin siya sa kaniyang mga kasalanan.