forked from WA-Catalog/tl_udb
865 lines
73 KiB
Plaintext
865 lines
73 KiB
Plaintext
\id HEB
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Mga Hebreo
|
|
\toc1 Mga Hebreo
|
|
\toc2 Mga Hebreo
|
|
\toc3 heb
|
|
\mt Mga Hebreo
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Noong una, madalas makipag-usap ang Diyos sa ating mga ninuno sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng isinulat at sinabi ng mga propeta.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ngunit ngayon ng nagsimula na ang huling panahon, nakipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling Anak. Pinili siya ng Diyos upang magmay-ari ng lahat. Nilikha rin ng Diyos ang daigdig sa pamamagitan niya.
|
|
\p
|
|
\v 3 Ang Anak ng Diyos ang liwanag ng kinang ng kapangyarihan ng Diyos. Ipinapakita niyang ganap kung ano ang totoong wangis ng Diyos. Lahat ng bagay na nabubuhay, pinapanatili niyang mga buhay sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng mga makapangyarihang utos. Pagkatapos niyang makamit na dapat mapatawad ang lahat ng kasalanan, umakyat siya sa kalangitan at umupo sa kataas-taasang lugar ng karangalan, sa kanan ng Diyos Ama, na kung saan namumuno siyang kasama niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Ginawa ng Diyos ang kaniyang Anak na lubhang dakila kaysa sa mga anghel, katulad ng kaniyang pangalan at kapangyarihan na labis na nakataas kaysa sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 5 Sa mga Kasulatan, wala ni isa man ang nagbalita na sinabi ng Diyos sa kaninumang anghel kung ano ang sinabi niya sa kaniyang Anak: "Ikaw ay aking Anak! Ngayon ipinahayag ko sa lahat na Ako ang iyong Ama!" At sinabi niya sa iba pang Kasulatan, "Ako ang kaniyang magiging Ama at magiging Anak ko siya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Noong isinugo niya ang kaniyang pinarangalang Anak, ang nag-iisa niyang Anak, sa mundo, iniutos niya: "Dapat siyang sambahin ng lahat ng aking mga anghel."
|
|
\q1
|
|
\v 7 At nasusulat sa Kasulatan ang tungkol sa mga anghel: "Ginawa ng Diyos ang kaniyang mga anghel na maging mga espiritu na maglilingkod sa kaniya nang may kapangyarihan katulad ng lagablab ng apoy."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Ngunit sa mga Kasulatan, nakasulat din ang tungkol sa Anak ng Diyos: "Ikaw na Diyos ay maghahari kailanman, at maghahari ka nang may katarungan sa iyong kaharian.
|
|
\p
|
|
\v 9 Minahal mo ang matuwid na gawa ng mga tao at kinasuklaman mo ang makasalanang gawa ng mga tao. Kaya ang Diyos, na iyong sinasamba, ay nagdulot sa iyo nang mas higit na kagalakang higit sa sinuman."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Alam din nating higit na nakatataas ang kaniyang Anak sa mga anghel dahil nakasulat sa Kasulatan ang tungkol sa Anak ng Diyos, "Panginoon, ikaw ang siyang lumikha ng mundo sa simula pa lamang. Nilikha mo rin ang lahat sa kalawakan, ang mga bituin at lahat ng nasa himpapawid.
|
|
\p
|
|
\v 11 Mawawala ang mga bagay na iyon, ngunit mananatili kang buhay magpakailanman. Masisira silang katulad ng damit na nasisira.
|
|
\q1
|
|
\v 12 Ililigpit mo sila na parang mga lumang damit. At papalitan mo ang lahat na nasa kalawakan ng bago, tulad ng isang taong nagsusuot ng isang bagong damit. Ngunit mananatili ka at mabubuhay magpakailanman!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 13 Hindi sinabi ng Diyos sa kaninumang anghel ang sinabi niya sa kaniyang Anak: "Umupo ka sa pinakamahalagang lugar na malapit sa akin at mamuno kang kasama ko hanggang sa matalo ko ang iyong mga kaaway upang pamunuan mo sila!"
|
|
\p
|
|
\v 14 Ang mga anghel ay mga espiritu lamang na isinugo ng Diyos upang paglingkuran at ingatan ang mga mananampalataya na hindi magtatagal ay ganap na ililigtas ng Diyos, tulad ng ipinangako niyang gagawin sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Kaya, dahil ito ay totoo, kailangan nating pagtuunan nang matinding pansin kung ano ang ating narinig tungkol sa Anak ng Diyos upang hindi tayo unti-unting tumigil sa pananampalataya rito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Nang magsalita ang mga anghel sa mga Israelita tungkol sa kautusan ng Diyos, tunay ang kanilang sinabi. Makatarungang pinarusahan ng Diyos ang lahat ng sumuway sa kaniya at lumabag sa kaniyang Kautusan.
|
|
\q
|
|
\v 3 Dahil ito ay totoo, tiyak na hindi natin matatakasan ang Diyos, tiyak na hahatulan niya tayo kung hindi natin papansinin ang magandang balita tungkol sa kung paano niya tayo iniligtas. Ang Panginoong Jesus ang unang nagsabi sa atin tungkol dito, at ang mga alagad na nakinig sa kaniya ang nagpatunay sa atin na ginawa niya nga ito.
|
|
\p
|
|
\v 4 Pinatunayan din ng Diyos sa ating totoo ang mensaheng ito sa pamamagitan ng pagbibigay nang kapangyarihan sa mga mananampalataya upang gumawa nang kamangha-manghang mga gawa na nagpatunay na totoo ang mga bagay na ito. At nagbigay rin ng maraming kaloob ang Banal na Espiritu sa mga mananampalataya, gaya ng nais niyang ipamahagi sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Hindi inilagay ng Diyos ang mga anghel upang mamahala sa bagong mundong kaniyang gagawin, sa halip, inilalagay niya si Jesus upang siyang mamahala dito.
|
|
\p
|
|
\v 6 Isang tao ang nakipag-usap nang taimtim sa Diyos tungkol dito sa Kautusan na nagsasabing, "Walang sinuman ang karapat-dapat upang alalahanin mo siya! Walang sinuman ang karapat-dapat upang ingatan mo siya!
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 7 Nilikha mo ang taong mas mababa kaysa sa mga anghel, ngunit lubos mo silang pinarangalan gaya ng pagpaparangal ng mga tao sa mga hari! (At inilagay mo siya na mamuno sa lahat ng bagay na ginawa mo.)
|
|
\p
|
|
\v 8 Inilagay mo ang lahat sa ilalim ng kanilang pamamahala! Tiniyak ng Diyos na mamamahala ang sangkatauhan sa lahat ng bagay. Nangangahulugan itong walang matitira sa kaniya upang pamahalaan. Ngunit sa ngayon, sa mga panahong ito, hindi natin nakikita ang sangkatauhang namamahala sa lahat ng bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 9 Gayunpaman, alam natin ang tungkol kay Jesus, na nagpakita sa buhay na ito na mas mababa kaysa sa mga anghel. Dahil nagdusa siya at namatay, ibinigay ng Diyos sa kaniya ang pinakamahalagang lugar sa lahat. Ginawa niyang hari si Jesus sa lahat ng bagay, dahil namatay si Jesus para sa sangkatauhan. Nangyari ito dahil napakabuti ng Diyos sa atin.
|
|
\p
|
|
\v 10 Sapagkat nararapat na gawin ng Diyos si Jesus na ganap sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kaniyang pagdurusa at kamatayan dahil sa atin. Ang Diyos ang nag-iisang lumikha nang lahat, at siya ang dahilan kaya nabubuhay ang lahat. At si Jesus ang nag-iisang nagdulot sa Diyos upang iligtas ang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Si Jesus ang siyang nagbukod sa kaniyang mga tao para sa Diyos, at ang mga taong ito na ipinahayag ng Diyos na mabuti sa kaniya ay nanggaling sa parehong pinagmulan, ang Diyos mismo. Kaya hindi napahiya si Jesus na ipahayag silang kaniyang mga kapatid.
|
|
\p
|
|
\v 12 Isinulat ng Mang-aawit na sinabi ni Cristo sa Diyos na, "Ipapahayag ko sa aking mga kapatid kung gaano ka kadakila. Aawit ako ng papuri para sa iyo sa gitna ng kapulungan ng mga mananampalataya!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 At isang propeta ang sumulat sa ibang Kasulatan kung ano ang sinabi ni Cristo tungkol sa Diyos, "Magtitiwala ako sa kaniya." At binanggit sa ibang Kasulatan, sinabi ni Cristo tungkol sa itinuring niyang kaniyang mga anak, "Ako at ang mga anak na ibinigay ng Diyos sa akin ay narito."
|
|
\p
|
|
\v 14 Yamang ang mga tinawag ng Diyos na kaniyang mga anak ay mga tao, si Jesus ay naging tao ring kagaya nila. May kapangyarihan ang diyablo na takutin ang mga tao na mamatay, ngunit si Jesus ay naging tao upang sa ganoon, sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan at pagtalo sa kamatayan, maaari niyang gawing walang kapangyarihan ang diyablo.
|
|
\p
|
|
\v 15 Ginawa ito ni Jesus upang mapalaya tayong lahat, na sa buong buhay natin ay hindi makakaiwas sa takot sa kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Dahil naging tao si Jesus, hindi siya dumating para tulungan ang mga anghel. Hindi, kundi tayong mga nagtitiwala sa Diyos na gaya ng ginawa ni Abraham na nais niyang tulungan.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya ganap na ginawa ng Diyos si Jesus na maging katulad natin, gaya ng kaniyang "mga kapatid" sa laman. Naging pinakapunong pari siya na mahabagin sa mga tao at kumikilos nang tapat sa Diyos, upang maari siyang mamatay para sa kasalanan ng mga tao at gumawa ng daan upang patawarin sila ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 18 May kakayahan si Jesus na tulungan ang mga tinutuksong magkasala, katulad natin na natutukso ring magkasala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, ibinukod kayo ng Diyos at pinili kayo upang maging pag-aari niya mismo. Isaalang-alang ninyo si Jesus. Siya ay apostol ng Diyos para sa atin at pinakapunong pari na sinasabi nating sama-sama nating pinaniniwalaan.
|
|
\p
|
|
\v 2 Tapat siyang naglingkod sa Diyos na nagtalaga sa kaniya, gaya ng pagiging tapat ni Moises na naglingkod sa mga tao ng Diyos, na tinatawag nating bahay ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 3-4 Ngayon, katulad ng bawat bahay na ginawa ng isang tao, ginawa ng Diyos ang lahat. Kaya itinuring ng Diyos si Jesus na karapat-dapat na parangalan ng mga tao higit pa sa pagparangal nila kay Moises, gaya ng tao na nagtatayo ng bahay, nararapat na parangalan siya nang higit ng mga tao kaysa sa pagpaparangal nila sa bahay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Pinaglingkuran ni Moises ang Diyos nang may lubos na katapatan sa pagtulong niya sa mga tao ng Diyos, gaya ng paglilingkod ng isang lingkod sa kaniyang panginoon. Kaya pinatotohanan ni Moises kung ano ang sasabihin pa lamang ni Jesus.
|
|
\p
|
|
\v 6 Ngunit si Cristo ang Anak na siyang namumuno sa mga tao ng Diyos, at tayo ang mga tao na pamumunuan niya kung magpapatuloy tayo nang may katapangan sa ating pananampalataya kay Cristo at buong pagtitiwalang aasa sa Diyos na gagawin niya ang lahat ng kaniyang mga ipinangako sa atin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Ang Banal na Espiritu ang nagdulot sa Mang-aawit upang isulat ang mga salitang ito sa mga Kasulatan para sa mga Israelita, "Ngayon, kapag narinig ninyo ang Diyos na mangusap sa inyo,
|
|
\p
|
|
\v 8 huwag kayong magmatigas na sumuway sa kaniya, gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno sa ilang nang maghimagsik sila sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Paulit-ulit akong sinubok ng inyong mga ninuno, upang makita kung magiging matiyaga ba ako sa kanila, kahit pa nakita nila ang ginawa kong kamangha-manghang mga bagay sa loob ng apatnapung taon.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kaya nagalit ako sa mga taong iyon, at sinabi ko tungkol sa kanila, 'Hindi sila kailanman naging tapat sa akin, at hindi nila nauunawaan ang kagustuhan kong maiayos ang kanilang mga buhay.'
|
|
\p
|
|
\v 11 Nagalit ako sa kanila at taimtim kong ipinahayag, 'Hindi sila makapapasok sa Canaan kung saan ko sila pagpapahingain!"'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya, mga kapwa mananampalataya, maging maingat kayo upang wala sa inyo ang tumigil sa pagtitiwala kay Cristo dahil sa kasamaan sa inyong puso, na maaaring maging sanhi sa inyo upang itakwil ang nag-iisang Diyos na totoong buhay.
|
|
\p
|
|
\v 13 Sa halip, hikayatin ninyo ang bawat isa sa inyo sa araw-araw, habang may pagkakataon pa kayo. Kung magmatigas kayo, lilinlangin kayo ng iba at aakayin kayo sa kasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Nakiisa na tayo ngayon kay Cristo kung buong puso at buong pananalig tayong magtitiwala sa kaniya, sa panahon na nagtiwala tayo sa kaniya hanggang sa panahon na mamatay tayo.
|
|
\q
|
|
\v 15 Isinulat ng Mang-aawit sa Kasulatan na sinabi ng Diyos, "Ngayon, kung marinig ninyo akong nakikipag-usap sa inyo, huwag kayong magmamatigas na suwayin ako gaya ng ginawa ng inyong mga ninuno noong naghimagsik sila sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Alalahanin ninyo kung sino ang naghimagsik laban sa Diyos, kahit narinig nila na nakipag-usap siya sa kanila. Hindi ba ang lahat ng tao ng Diyos na siyang pinangunahan ni Moises palabas ng Egipto.
|
|
\p
|
|
\v 17 At alalahanin kung sino ang siyang kinagalitan ng Diyos sa loob ng apatnapung taon. Hindi ba mga tao ng Diyos na nagkasala, at nakaratay ang kanilang mga bangkay sa ilang.
|
|
\q
|
|
\v 18 At alalahanin kung kanino taimtim na nagpahayag ang Diyos, "Hindi sila makakapasok sa lupa kung saan ko sila pahihintulutang magpahinga." Ang mga Israelitang iyon ang siyang sumuway sa Diyos.
|
|
\q
|
|
\v 19 Kaya sa ganoong halimbawa alam natin na dahil hindi sila nanatili sa pagtitiwala sa Diyos kaya hindi sila nakapasok sa lupain kung saan pahihintulutan sila ng Diyos na magpahinga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Ipinangako ng Diyos na tayo ay magpapahinga, ngunit dapat tayong maging maingat dahil maaaring hindi tayo makakaabot sa lugar ng kapahingahan ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 2 Narinig natin ang magandang balita kung paano ibinigay ni Jesus sa atin ang pahingahan ng Diyos, gaya ng pagkarinig ng mga Israelita sa pangako ng Diyos na magpapahinga sila sa Canaan. Ngunit katulad ng mensaheng ito na hindi nakatulong sa maraming Israelita dahil hindi sila nagtiwala sa Diyos kagaya ng ginawa nina Joshua at Caleb, hindi makatutulong ang magandang balita tungkol kay Cristo sa atin kung hindi tayo magtitiwala sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Makapapasok tayong mga nagtitiwala kay Cristo sa lugar ng kapahingahan ng Diyos dahil sinabi niya, "Dahil nagalit ako sa mga Israelita, taimtim kong ipinahayag ang, 'Hindi sila makapapasok sa lupain kung saan ko sila pahihintulutang magpahinga.'" Sinabi ito ng Diyos kahit pa (tapos na ang mga plano niya mula sa panahon na nilikha niya ang mundo) natapos sa simula pa lang ang kaniyang plano mula sa panahong nilikha niya ang mundo.
|
|
\p
|
|
\v 4 Ang naisulat sa Kasulatan tungkol sa ikapitong araw pagkatapos niyang ginugol ang anim na araw sa paglilikha nang mundo, ay nagpapakita na ito ay totoo, "At sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos mula sa kaniyang gawa nang paglilikha ng lahat."
|
|
\p
|
|
\v 5 Ngunit tandaan ninyong muli kung ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa mga Israelita sa bahagi ng una kong binanggit, "Hindi sila makapapasok sa lupain kung saan ko sila pahihintulutang magpahinga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ilan sa mga tao ang papasok pa rin sa kapahingahan ng Diyos. Ngunit ang mga Israelita na unang nakarinig ng pangako ng Diyos na makapagpapahinga sila— Hindi sila nakapasok sa lugar ng kapahingahan, dahil tinanggihan nilang maniwala sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 7 Ngunit nagtalaga ulit ang Diyos ng ibang panahon kung saan maaari tayong makapasok sa lugar na iyon ng kapahingahan. Ang panahon na iyon ay ngayon! Alam natin na iyon ay totoo bago pa man naghimagsik ang mga Israelita sa ilang laban sa Diyos, siya ang nagdulot kay haring David upang isulat ang aking nabanggit, "Mula ngayon, nang naintindihan mo kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo, huwag kang magmatigas na sumuway sa kaniiya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Kung pinangunahan ni Joshua ang mga Israelita sa lugar ng kapahingahan, hindi na sana magsasalita ang Diyos sa ngayon tungkol sa ibang panahon na maaari tayong magpahinga. Kaya alam natin na nagsasalita ang Diyos tungkol sa ibang panahon upang maaaring pumasok ang ilang mga tao sa lugar ng kapahingahan na iyon na walang hanggan.
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya, gaya ng pagpapahinga ng Diyos sa ika-pitong araw nang matapos niyang likhain ang lahat, doon ay may nakalaang panahon kung kailan magpapahinga ang mga tao ng Diyos magpakailanman.
|
|
\p
|
|
\v 10 Hihinto ang sinumang papasok sa lugar ng kapahingahan ng Diyos mula sa kaniyang gawa, gaya ng pagtapos ng Diyos nang kaniyang gawain ng paglikha ng lahat.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kaya dapat tayong magsumikap na pumasok sa kapahingahan ng Diyos sa pagsunod natin kay Cristo, upang ang mga halimbawa ng mga hindi sumusunod ay hindi tayo maimpluwensiyahan at sirain din tayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Buhay ang salita ng Diyos at makapangyarihan itong tumatagos sa ating mga kaisipan at humahati kung ano ang bumubuhay sa atin na umaabot sa Diyos. Parang tabak ito na humahati sa ating mga kasu-kasuan mula sa loob ng ating mga buto. Ipinapakita ng salita ng Diyos kung ano ang nasa ating mga puso, kung ano ang tama at mali sa ating isip at mga nais.
|
|
\p
|
|
\v 13 Alam ng Diyos ang lahat tungkol sa atin. Walang naitatago sa kaniya. Ganap na lantad sa kaniya ang lahat at sa kaniya tayo maglilitis kung paano tayo nabuhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Kaya mayroon tayong dakilang pinakamataas na pari na umakyat sa kalangitan nang bumalik siya sa presensiya ng Diyos. Siya ay si Jesus, ang Anak ng Diyos. Kaya maging matapang tayong sabihin nang lantaran na nagtitiwala tayo kay Jesu-Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 15 Tunay na may habag sa atin at pinapalakas tayo ng ating pinakapunong pari, tayo na mga madaling magkasala, dahil siya man ay tinukso ni Satanas upang magkasala sa lahat nang paraan gaya ng pagtukso niya sa atin na magkasala— ngunit hindi siya nagkasala.
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaya, lumapit tayo sa Diyos nang may katapangan, na namumuno sa kalangitan at gumagawa para sa atin ng mga bagay na hindi tayo karapat—dapat, upang matulungan niya tayo nang may kabaitan at kahabagan sa atin kapag kailangan natin siya na gawin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Kapag pumipili ang Diyos ng pinakapunong pari, pumipili siya ng isang lalaki mula sa mga tao. Ang lalaking ito ay kailangang maglingkod sa Diyos para sa mga tao; dapat siyang magbigay sa Diyos ng mga kaloob at handog na mga hayop para sa kasalanan ng mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ang pinakapunong pari ay kayang maging magiliw sa mga kaunti lang ang nalalaman tungkol sa Diyos at sa mga nagkasala laban sa kaniya. Ito ay dahil sa ang pinakapunong pari mismo ay mahina sa kasalanan.
|
|
\q
|
|
\v 3 Ang kinahinatnan nito, siya ay kailangan ding maghandog ng mga hayop dahil nagkakasala rin siya kagaya ng mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 4 Ngunit walang sinuman ang makapagpaparangal sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagpapasya na maging pinakapunong pari. Sa halip, ang Diyos ang pumipili sa bawat tao upang maging pinakapunong pari kagaya ng pagpili niya kay Aaron na naging unang pinakapunong pari.
|
|
\p
|
|
\v 5 Gayon din, maging si Cristo ay hindi pinarangalan ang kaniyang sarili sa pagiging pinakapunong pari. Sa halip, ang Diyos Ama ang humirang sa kaniya sa pamamagitan ng pagsasabi sa kaniya kung ano ang sinulat ng Mang-aawit sa Kasulatan: "Ikaw ay aking anak! Ngayon, pinahayag ko na ako ang iyong ama."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 At sinabi rin niya kay Cristo ang sinulat ng mang-aawit sa iba pang bahagi ng Kasulatan: "Ikaw ay walang hanggang pari katulad ng pagkapari ni Melquisedec."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Nang si Cristo ay namuhay sa mundo, nanalangin siya sa Diyos at sumigaw ng malakas sa kaniya na may pagluha. Tinanong niya ang Diyos, kung sino ang makapagliligtas sa kaniya mula sa kamatayan. Pinakinggan siya ng Diyos dahil pinarangalan at sinunod siya ni Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 8 Bagaman si Cristo ay sariling anak ng Diyos, natutunan niya ang pagsunod sa Diyos sa pamamagitan ng paghihirap at kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Sa pamamagitan ng paggawa sa lahat ng bagay na gustong ipagawa ng Diyos sa kaniya, siya ngayon ay naging ganap na may kakayahan upang walang hanggang magligtas sa lahat ng susunod sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 10 Inilagay siya ng Diyos upang maging pinakapunong pari natin sa paraan ng pagiging pinakapunong pari ni Melquisedec.
|
|
\p
|
|
\v 11 Bagaman, marami kaming masasabi sa inyo tungkol sa kung paanong si Cristo ay kawangis ni Melquisedec, mahirap para sa akin na ipaliwanag ito sa inyo dahil napakabagal ninyong makaunawa ng mga bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Matagal na kayong naging Kristiyano. Kaya nagtuturo na dapat kayo ngayon ng mga katotohanan ng Diyos sa iba. Ngunit kailangan pa rin ninyo ng isang tao upang magturo muli sa inyo ng panimulang mga katotohanan ng salita ng Diyos mula sa Kasulatan mula sa simula. Kailangan ninyo ang mga pangunahing katotohanan katulad ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas. Hindi pa kayo handa upang matuto nang mas mahihirap na bagay, mga bagay na gaya ng matitigas na pagkain na kailangan ng mga may sapat na gulang.
|
|
\p
|
|
\v 13 Tandaan ninyo na ang nag-aaral pa ng mga panimulang katotohanang ito ay hindi nauunawaan kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa pagiging matuwid. Ni hindi nila alam ang mabuti mula sa masama. Kagaya lang sila ng mga sanggol na kailangan ng gatas!
|
|
\p
|
|
\v 14 Ngunit ang mas mahirap na katotohanang espiritwal ay para sa mga taong higit na kilala ang Diyos. Kagaya ng matigas na pagkain para sa mga taong may sapat na gulang. Kaya nilang sabihin ang pagkakaiba ng mabuti at ng masama, dahil sinanay nila ang kanilang sarili na matutunan kung ano ang tama at ano ang mali.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1-3 Kaya hindi na natin kailangang patuloy pang pag-usapan ang unang natutunan tungkol kay Cristo, ang unang mga bagay na dapat matutunan ng lahat ng mananampalataya. Ang ilan sa mga bagay na ito ay kung paano titigil sa pagkakasala at kung paano magsisimulang magtiwala sa Diyos. May mga mahahalagang bagay din kaming tinuturo tungkol sa mga iba't ibang uri ng bautismo, bakit kami madalas manalangin habang ipinapatong ang aming mga kamay sa bawa't isa; at tungkol rin sa kung paano tayo bubuhaying lahat ng Diyos mula sa mga patay at hahatulan ang bawat isa sa pamamaraang mananatili magpakailanman. Sa katunayan, pag-uusapan nating muli ito sa ibang pagkakataon kung bibigyan tayo ng Diyos ng pagkakataon na gawin ito. Ngunit ngayon, kailangan nating pag-usapan ang mga bagay na mas mahirap maunawaan; Ang mga bagay na ito ang tutulong sa atin upang magtiwala kay Cristo sa lahat ng panahon, anuman ang mangyari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Ipapaliwanag ko kung bakit mahalaga ito na gawin. Ang ilang mga tao ay minsan nang naunawaan ang mensahe tungkol kay Cristo. Natutunan nila kung paano patawarin ng Diyos at mahalin ni Cristo, at tinanggap nila ang mga regalo mula sa Banal na Espiritu.
|
|
\p
|
|
\v 5 Natuklasan nila sa kanilang mga sarili na ang mensahe ng Diyos ay mabuti at natutunan nila kung paanong ang Diyos ay makapangyarihang gagawa sa hinaharap.
|
|
\p
|
|
\v 6 Ngunit ngayon, kung tatanggihan ng mga taong ito si Cristo, wala ng sinuman ang makakahikayat sa kanila upang huminto sa pagkakasala at upang muling magtiwala sa kaniya! Iyon ay dahil parang muling ipinako sa krus ng mga taong ito ang anak ng Diyos! Sila ang nagdudulot sa mga tao upang hamakin si Cristo sa harap ng iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Pag-isipan ninyo ito: Pinagpala ng Diyos ang lupa kung saan madalas bumabagsak ang ulan at kung saan lumalago ang mga halaman para sa mga magsasaka.
|
|
\p
|
|
\v 8 Ngunit ang mangyayari sa mananampalataya na hindi susunod sa Diyos ay katulad ng lupa kung saan tinik at dawag lamang ang tumutubo. Ang lupang iyan ay walang halaga. Ito ay naging lupa na isusumpa ng magsasaka at ang mga halaman ay kanilang susunugin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Nakikita ninyo na binabalaan ko kayo, mga minamahal na kaibigan, huwag ninyong tanggihan si Cristo. Gayundin naman, nakatitiyak ako na ginagawa ninyo ang higit pa diyan. Ginagawa ninyo ang mga bagay na tama para sa mga iniligtas ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 10 Dahil palaging kumikilos nang makatarungan ang Diyos, hindi niya makakaligtaan ang lahat ng ginawa ninyo para sa kaniya; hindi niya makakaligtaan kung paano ninyo minahal at tinulungan ang inyong kapwa mananampalataya, at kung paano ninyo sila patuloy na tinutulungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Labis ang pagnanais namin na ang bawat isa sa inyo ay patuloy na umasang lubos na tanggapin kung ano ang ipinagkaloob ng Diyos para sa inyo, hanggang sa lubusan ninyong matanggap ang lahat mula sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 12 Ayaw ko na kayo ay maging tamad. Sa halip, gusto kong gawin ninyo ang ginawa ng ibang mga mananampalataya. Sila na tumatanggap kung ano ang ipinangako ng Diyos sa kanila dahil nagtiwala sila sa kaniya at naging matiisin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Nang nangako ang Diyos na gawin ang mga dakilang bagay kay Abraham, walang sinuman ang higit sa kaniyang sarili na maaaring hilingan upang pilitin ang kaniyang sarili na gawin ang mga bagay na iyon. Kaya siya mismo ang humiling.
|
|
\p
|
|
\v 14 At sinabi niya kay Abraham, "Tiyak na pagpapalain kita at lubos kong pararamihin ang bilang ng iyong mga kaapu-apuhan."
|
|
\p
|
|
\v 15 Kaya matapos maghintay ng may pagtitiis ni Abraham sa Panginoon na gawin ang kaniyang ipinangako, ginawa ng Diyos ang ipinangako niya sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Isaisip ninyo na kapag ang tao ay nangako ng anuman, hinihingi nila na ang mas mahalagang tao ang magparusa sa kanila kung hindi nila magagawa ang kanilang ipinangako. Ganito nila madalas na inaayos ang mga hindi pagkakaunawaan.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya nang ginusto ng Diyos na ipakita sa atin nang napakalinaw kung sino ang tatanggap ng kaniyang ipinangako na hindi niya babaguhin ang kaniyang binalak na gawin, sinabi niya na ihahayagniya angkaniyang sarili na may sala kung hindi niya gagawin ang sinabi niyang gagawin niya.
|
|
\p
|
|
\v 18 Ginawa niya iyon upang lubusang palakasin ang ating loob dahil ginawa niya ang dalawang bagay na hindi mababago: Ipinangako niyang tulungan tayo at sinabi niya sa atin na ihahayag niyang may sala ang kaniyang sarili kung hindi niya tayo tutulungan. Ngayon, ang Diyos ay hindi maaring magsinungaling. Kaya nagtiwala tayo sa kaniya at ngayon, mayroon nang dahilan upang magpatuloy na gawin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Oo, umaasa tayo ng may pagtitiwala na matanggap kung ano ang ipinangako ng Diyos na gawin para sa atin. Ito ay parang tayo ay isang barko, na ang angkla ay matatag na nakahawak sa atin sa isang lugar. Ang ating inaasahan ng may pagtitiwala na hahawak sa atin ay si Jesus, dahil naroon na siya sa mismong presensiya ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit tulad siya ng mga pinakapunong pari na pumupunta sa likuran ng tabing sa kaloob-loobang bahagi ng templo na kinaroroonan ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 20 Nauna si Jesus sa atin na pumunta sa kinaroroonan ng Diyos upang pahintulutan rin tayong pumasok sa parehong lugar kasama ang Diyos. Si Jesus ay naging pinakapunong pari magpakailanman sa paraan ng pagiging pinakapunong pari ni Melquisedec.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Ngayon marami pa akong masasabi tungkol kay Melquisedec. Siya ang hari ng lungsod ng Salem at isa ring pari ng Diyos na naghahari sa sandaigdigan. Nakilala niya si Abraham at ang kaniyang mga tauhan ng pabalik na sa kanilang tahanan mula ng matalo nila ang mga hukbo ng apat na hari. Pinagpala ni Melquisedec si Abraham.
|
|
\p
|
|
\v 2 Pagkatapos, ibinigay ni Abraham sa kaniya ang ika-sampung bahagi ng lahat ng kaniyang nakuha pagkatapos manalo sa labanan. Ngayon ang pangalang Melquisedec ay nangangahulugan ng una, "ang hari na namumuno nang matuwid," at yamang ang ibig sabihin ng Salem ay "kapayapaan," ang pangalan rin niya ay nangangahulugan ng, "ang hari na namumuno ng may kapayapaan."
|
|
\p
|
|
\v 3 Ang Kasulatan ay walang maibigay sa atin na talaan ng ama, ina, o mga ninuno ni Melquisedec; ni sabihin sa atin ng Kasulatan kung kailan siya ipinanganak o kailan siya namatay. Ito ay kung magpapatuloy siya na maging isang pari magpakailanman. Sa pamamaraang ito, para siyang may kaunting pagkakatulad sa Anak ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Mauunawaan ninyo kung gaano kadakila ang Melquisedec na ito mula sa katotohanang si Abraham, ang ating kinikilalang ninuno ay nagbigay sa kaniya ng ikapu ng pinakamahalagang bagay na nakuha niya mula sa digmaan ng mga hari.
|
|
\p
|
|
\v 5 Ayon sa kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises, ang mga kaapu-apuhan ng apo sa tuhod ni Abraham na si Levi, na mga pari ay dapat kumuha ng mga ikapu mula sa mga tao ng Diyos na kanilang mga kamag-anak, kahit na ang mga taong iyon ay kapwa kaapu-apuhan rin ni Abraham.
|
|
\p
|
|
\v 6 Ngunit ang Melquisedec na ito, na hindi kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Levi ay tumanggap ng lahat ng ikasampung bahagi mula kay Abraham. Pinagpala rin niya si Abraham, ang taong pinangakuan ng Diyos ng maraming mga kaapu-apuhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Ngayon, alam ng bawat isa na pinagpapala ng mas mahalagang tao ang di gaanong mahalagang tao, kagaya ni Melquisedec na pinagpala si Abraham. Kaya alam natin na mas dakila si Melquisedec kaysa kay Abraham.
|
|
\p
|
|
\v 8 Sa usapin ng mga pari na mga kaapu-apuhan ni Levi, silang lahat ay mga lalaki na mamamatay balang araw at kahit na tumanggap sila ng ikapu. Gayunman, sa usapin ni Melquisedec, na tumanggap ng lahat ng ikasampung bahagi mula kay Abraham--Ito ay parang pinapatotohanan ng Diyos na si Melquisedec ay nanatiling buhay, yamang walang sinabi ang Kasulatan tungkol sa kaniyang pagkamatay.
|
|
\p
|
|
\v 9 At para itong si Levi mismo at ang lahat ng mga pari na nagmula sa kaniya---sila na mga tumanggap ng ikapu mula sa mga tao ay nagbayad ng ikapu kay Melquisedec dahil ang kanilang ninuno na si Abraham ay nagbayad ng ikapu sa kaniya. Nang si Abraham ay nagbayad ng ikapu kay Melquisedec, ito ay parang si Levi at ang lahat ng paring nagmula sa kaniya ay kinilala na si Melquisedec ay mas higit kaysa kay Abraham.
|
|
\p
|
|
\v 10 Ito ay totoo dahil masasabi natin na si Levi at ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay nasa katawan pa lamang ni Abraham nang makilala ni Melquisedec si Abraham.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Ibinigay ng Diyos ang kautusan sa kaniyang mga tao kasabay ng pagbibigay niya ng mga alituntunin tungkol sa mga pari. Kaya kung ang mga pari na nagmula kay Aaron at sa kaniyang ninuno na si Levi ay magbigay ng daan sa Diyos upang patawarin ang mga tao sa pagsuway sa mga kautusang iyon. Naging sapat ang mga paring iyon. Kung gayon, walang ibang pari na kagaya ni Melquisedec ang maaaring kailanganin.
|
|
\p
|
|
\v 12 Ngunit alam natin na ang mga paring iyon ay hindi sapat dahil ang bagong uri ng pari na katulad ni Melquisedec ay dumating. At yamang ang Diyos ang naghirang ng isang bagong uri ng pari, kailangan rin niyang baguhin ang kautusan
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Si Jesus na aking tinutukoy sa mga bagay na aking sinasabi, ay hindi isang kaapu-apuhan ni Levi. Sa halip, nagmula siya sa angkan ni Juda, kung saan kahit kailan ay hindi binigyan ang sinuman sa kanila na maglingkod bilang pari.
|
|
\p
|
|
\v 14 Malinaw na nakasaad ito sa Kasulatan. At sa katunayan kailanman ay hindi sinabi ni Moises na sinuman sa inapo ni Juda ay magiging mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Dagdag pa rito, alam natin na ang mga pari na nagmula kay Levi ay hindi sapat, yamang ito ay mas malinaw na ang ibang pari na lilitaw ay katulad ni Melquisedec.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ang paring ito ay si Jesus; siya ay naging pari ngunit hindi dahil natupad niya kung ano ang hinihiling ng kautusan ng Diyos tungkol sa pagiging inapo ni Levi. Sa halip, siya ay mayroong uri ng kapangyarihan na nagmula sa buhay na walang sinuman ang makakasira.
|
|
\p
|
|
\v 17 Alam natin ito yamang ang Diyos ang nagpatunay nito sa bahagi ng Kasulatan kung saan sinabi niya sa kaniyang Anak, "Ikaw ay walang hanggang pari, kagaya ng pagiging pari ni Melquisedec."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Binawi ng Diyos ang una niyang inutos tungkol sa mga pari dahil ang mga paring iyon ay walang kakayahan upang gawing banal ang mga makasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 19 Walang sinuman ang may kakayahan na maging mabuti sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises. Sa kabilang banda, binigyan tayo ng Diyos ng higit na pagtitiwala sa kaniya dahil ginawa niya itong posible para sa atin na lumapit sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Dagdag pa rito, nang hirangin ng Diyos si Cristo bilang pinakapunong pari, taos puso niyang ipinahayag ito. Nang maghirang ang Diyos ng naunang mga pari, hindi niya ginawa ito.
|
|
\q
|
|
\v 21 Ngunit ng hirangin niya si Cristo upang maging isang pari, sa pamamagitan ito ng mga salitang isinulat na sinabi ng Mang-aawit sa Kasulatan: "Ang Panginoon ay taos pusong naghayag — at hindi magbabago ang isip niya: 'Ikaw ay magiging pari magpakailanman!'"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Dahil diyan, tiniyak mismo ni Jesus na ang bagong tipan ay magiging mas mabuti kaysa dati.
|
|
\p
|
|
\v 23 Dati, ang mga pari ay hindi maaaring magpatuloy sa paglilingkod bilang mga pari dahil namamatay sila. Kaya maraming mga pari na papalit sa mga namatay na.
|
|
\p
|
|
\v 24 Ngunit dahil si Jesus ay walang hanggang nabubuhay, magpapatuloy siya sa pagiging pinakapunong pari magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Kaya si Jesus ay ganap at walang hanggang makapagliligtas sa mga lumalapit sa Diyos dahil siya ay nabubuhay magpakailanman upang makiusap sa Diyos na patawarin sila at panatilihin silang ligtas.
|
|
\p
|
|
\v 26 Si Jesus ang uri ng pinakapunong pari na kailangan natin. Siya ay banal, wala siyang ginawang mali at walang sala. Ngayon, hiniwalay siya ng Diyos mula sa pamumuhay kasama ng mga makasalanan, at kinuha siya ngayon sa pinakamataas na langit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Ang mga pinakapunong paring Judio ay kailangang maghandog ng mga hayop araw-araw ganoon din taun-taon. Ginagawa nila ito, una, upang takpan ang kanilang sariling kasalanan at upang takpan ang mga kasalanan ng ibang tao. Ngunit dahil hindi kailanman nagkasala si Jesus, hindi na niya iyon kailangang gawin. Ang tanging kailangan niyang gawin upang iligtas ang mga tao ay ialay ang kaniyang sarili ng minsan at iyon nga ang kaniyang ginawa!
|
|
\p
|
|
\v 28 Kailangan natin ng pinakapunong pari na tulad ni Jesus, dahil ang mga pari na hinirang gaya ng iniutos ng kautusan ay nagkasala tulad ng kasalanan ng lahat ng tao. Ngunit ang Diyos ay taos pusong nagpahayag matapos niyang ibigay ang kaniyang kautusan kay Moises na hinirang niya ang kaniyang Anak na maging pinakapunong pari. Ngayon ang kaniyang Anak, na siyang Diyos Anak, na si Jesus ay walang hanggan, ang natatanging walang kapintasan na pinakapunong pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Ang pinakamahalaga sa lahat ng aking isinulat ay mayroon tayong pinakapunong pari upang maghari sa lugar ng pinakadakilang karangalan sa langit, sa tabi ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 2 Naglilingkod siya sa santuwaryo, iyon ang tunay na lugar sambahan sa langit. Ito ang tunay na Sagradong Tolda na itinayo ng Panginoon at hindi ni Moises.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Nagtalaga ang Diyos ng bawat pinakapunong pari upang maghandog ng mga kaloob at mag-alay para sa kasalanan ng mga tao. Yamang naging dakilang pari si Cristo, marapat lamang na mag-alay din siya ng isang bagay.
|
|
\p
|
|
\v 4 Yamang mayroong mga pari na naghahandog ng mga kaloob na nakabatay sa kautusan ng Diyos, kung si Cristo ay nabubuhay ngayon sa lupa, hindi na siya magiging pari.
|
|
\p
|
|
\v 5 Isinasagawa ng mga pari sa Jerusalem ang mga seremonyang katulad lamang ng ginagawa ni Cristo sa langit. Dahil nang ipapatayo na ni Moises ang Sagradong Tolda, sinabi ng Diyos sa kaniya, "Tiyakin mong gagawin mo ang lahat ayon sa ipinakita ko sa iyo sa Bundok ng Sinai!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ngunit naglilingkod ngayon si Cristo sa paraang mas higit na mabuti kaysa sa ginagawa ng mga paring Judio. Sa paraang ito, ang bagong tipan na itinatag niya sa pagitan ng Diyos at ng tao ay mas higit na mabuti kaysa sa lumang tipan. Nang itatag niya ang bagong tipan, ipinangako niya sa atin ang mga mas mabubuting bagay kaysa sa kautusang ibinigay ng Diyos kay Moises.
|
|
\p
|
|
\v 7 Kinakailangang gawin ng Diyos ang bagong tipan na ito dahil hindi ganap na natupad ang lumang tipan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Sapagkat inihayag ng Diyos na nagkasala ang mga Israelita sa hindi pagsunod sa lumang tipan, kaya't ninais niyang magkaroon ng isang bagong tipan. Ito ang isinulat ng isang propeta tungkol dito, "Sinabi ng Panginoon, 'Makinig kayo! Darating ang araw na gagawa ako ng bagong kasunduan sa mga Israelita at mga taga-Juda.
|
|
\p
|
|
\v 9 Hindi na ito katulad ng unang tipan na ginawa ko sa kanilang mga ninuno nang pangunahan ko silang lumabas sa Egipto katulad ng paggabay ng Ama sa kaniyang anak. Hindi sila nagpatuloy sa pagsunod sa aking tipan, kaya hinayaan ko sila,' sabi ng Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Ito ang kasunduan na aking gagawin sa mga Israelita, matapos na magwakas ang unang tipan,' sabi ng Panginoon, 'Bibigyan ko sila ng kakayahan upang maunawaan at masunod nila ang aking kautusan nang buong puso. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang magiging bayan ko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Hindi na kakailanganin pang turuan ang kaniyang kapwa o sabihin sa kaniyang kapatid, 'Kailangan mong kilalanin ang Panginoon,' sapagkat makikilala ako ng lahat ng aking bayan, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kahahabagan ko sila at patatawarin sa kanilang ginawang mga kasamaan. Hindi ko na sila ituturing na makasalanan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Yamang sinabi ng Diyos na gagawa siya ng bagong tipan, nalalaman natin na isinaalang-alang niya na ang unang tipan ay wala ng bisa at malapit na itong mawala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa unang tipan, inayos ng Diyos ang mga alituntunin kung paano dapat sumamba ang mga Israelita at sinabi niya sa kanila na gumawa ng lugar upang siya ay sambahin.
|
|
\q
|
|
\v 2 Ang santuwaryong itinayo ng mga Israelita ay ang Sagradong Tolda. Sa labas na silid nito nakalagay ang ilawan at ang mesa kung saan naroon ang tinapay na ihahandog sa Diyos. Tinatawag ang silid na ito na banal na lugar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Sa likod ng tabing na nasa isang bahagi ng banal na lugar ay naroon ang isa pang silid. Tinatawag itong Kabanal-banalang lugar.
|
|
\p
|
|
\v 4 Mayroon itong altar na nababalutan ng ginto para sa pagsusunog ng insenso. Narito rin ang kaban ng tipan na nababalutan ng ginto ang lahat ng gilid. Sa loob nito ay naroroon ang sisidlang ginto na may lamang pagkain na tinatawag na manna. Sa kaban ng tipan, naroon din ang tungkod ni Aaron na nagkaroon ng usbong na nagpapatunay na siya ay totoong pari ng Diyos. Naroon din ang mga tapyas ng bato kung saan isinulat ng Diyos ang Sampung Utos.
|
|
\p
|
|
\v 5 Sa ibabaw ng kaban, naroon ang imahe ng mga kerubin na sumisimbolo sa kaluwalhatian ng Diyos. Nililiman ng kanilang mga pakpak ang takip ng kaban ng tipan kung saan iwiniwisik ng pari ang dugo upang mabayaran ang mga kasalanan ng mga tao. Hindi ko maisusulat ng lubusan ang tungkol sa bagay na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 6 Matapos nilang maisaayos ang lahat ng bagay sa paraang ito, madalas na pumapasok ang mga paring Judio sa banal na lugar ng tolda upang gawin ang kanilang mga tungkulin.
|
|
\p
|
|
\v 7 Ngunit ang pinakapunong pari lamang ang pumapasok sa kabanal-banalang lugar sa loob ng isang taon. Palagi niyang dinadala ang dugo ng mga kinatay na hayop. Inaalay niya ang dugo sa Diyos para sa kaniyang kasalanan at para sa kasalanan na nagawa ng mga Israelita. Kabilang dito ang mga nagawa nilang kasalanan na hindi nila sinasadya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Sa pamamagitan ng mga bagay na iyon, ipinapahiwatig ng Banal na Espiritu na hindi inihayag ng Diyos ang daan upang makapasok ang karaniwang tao sa kabanal-banalang lugar habang nakatayo pa ang unang bahagi ng tabing. Gayundin naman, hindi niya ipinahayag sa mga karaniwang tao na makapasok sa presensiya ng Diyos samantalang nag-aalay pa ng mga handog ang mga Judio ayon sa lumang paraan.
|
|
\p
|
|
\v 9 Ang mga kaloob at mga handog na inaalay sa Sagradong Tolda ay hindi makakagawa sa sinuman na palaging malaman ang tama sa mali o makagawa ng matuwid sa paraang nalulugod niya ang Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 10 Ang mga patakaran tungkol sa kung ano ang dapat kainin at inumin at tungkol sa kung ano ang lilinisin. Ang mga tuntuning ito ay wala nang kabutihang maidudulot dahil gumawa ang Diyos ng isang bagong tipan para sa atin. Mas mabuting tuntunin ang bagong tipan na ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Ngunit nang dumating si Cristo bilang ating pinakapunong pari, dinala niya ang mga mabubuting bagay na mayroon tayo ngayon. Pagkatapos pumunta siya sa presensiya ng Diyos sa langit kung saan ito ay katulad ng Sagradong Tolda, ngunit hindi ito bahagi ng daigdig na nilikha ng Diyos. Ito ay mas higit kaysa sa toldang itinayo ni Moises dito sa lupa sapagkat ito ay ganap.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kapag pumapasok ang pinakapunong pari sa kabanal-banalang lugar taun-taon, kumukuha siya ng dugo ng kambing at dugo ng baka na iaalay bilang handog. Ngunit hindi ito ginawa ni Cristo. Isang beses lamang siya pumunta sa kabanal-banalang lugar dahil isang beses niya lamang ibinigay ang kaniyang dugo sa krus. Sa pamamagitan ng paggawa nito, tinubos niya tayo magpakailanman dahil dumaloy ang kaniyang dugo mula sa kaniyang sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Iwiniwisik ng mga pari sa mga tao ang dugo ng mga kambing at ng mga toro at tubig na sinala sa abo ng dumalagang baka na sinunog ng ganap. Sa pamamagitan ng paggawa ng ganoong ritwal, sasabihin nilang tatanggapin na ng Diyos ang pagsamba ng tao sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 14 Kung totoo ang lahat ng iyon, higit na totoo ang ginawa ni Cristo na hindi kailanman nagkasala ay inialay ang kaniyang sarili sa Diyos— Ginawa niya ito sa pamamagitan ng walang hanggang kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos. Dahil inalay niya ang kaniyang sarili, pinatawad tayo ngayon ng Diyos sa ating pagkakasala, sa paggawa ng mga bagay na hahantong sa kamatayan magpakailanman. na para bang hindi tayo nagkasala kailanman. Ngayon, maaari na nating sambahin ang tunay na Diyos na para bang hindi tayo nagkasala kailanman.
|
|
\p
|
|
\v 15 Sa kaniyang kamatayan para sa atin, ginawa ni Cristo para sa Diyos ang bagong tipan kasama natin. Sinisikap nating malugod ang Diyos sa pamamagitan ng unang tipan ngunit makasalanan pa rin tayo. Nang mamatay siya, pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan. Dahil dito, tayong lahat na tinawag ng Diyos upang makilala siya ay makakatanggap ng kaniyang ipinangakong ibibigay magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Ang tipan ay katulad ng isang testamento. Sa kalagayan ng isang testamento, para magkabisa ang probisyon nito, kinakailangang patunayan ng sinuman na namatay na ang gumawa nito.
|
|
\p
|
|
\v 17 Nagkakabisa lamang ang testamento kapag namatay na ang taong gumawa nito. Wala itong bisa kung buhay pa ang taong gumawa nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Kaya pinagtibay ng Diyos ang unang tipan sa pamamagitan lamang ng dugo ng mga hayop na dumadaloy kapag hinahandog ng mga pari.
|
|
\q
|
|
\v 19 Pagkatapos na maihayag ni Moises sa mga Israelita ang lahat ng inutos ng Diyos sa kautusan na ibinigay sa kaniya ng Diyos, kumuha siya ng baka at dugo ng kambing na may halong tubig. Isinawsaw niya sa dugo ang damit na lana na kaniyang itinali sa maliit na sanga ng isopo. Pagkatapos, winisikan niya ng kaunting dugo ang aklat na naglalaman ng kautusan ng Diyos at iwinisik niya ang mas maraming dugo sa lahat ng tao.
|
|
\p
|
|
\v 20 Sinabi niya sa kanila, "Ito ang dugo na nagpatibay ng tipan na inutos ng Diyos na inyong susundin"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Gayundin, iwinisik din niya ang dugong iyon sa Sagradong Tolda at sa bawat kagamitang ginagamit nila sa paggawa.
|
|
\p
|
|
\v 22 Sa pamamagitan ng pagwiwisik ng dugo, halos lahat ay nalinis nila. Ito ang nakasulat sa kautusan ng Diyos. Kung hindi dadaloy ang dugo kapag naghandog sila ng hayop, hindi patatawarin ng Diyos ang mga kasalanan ng mga taong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Kaya sa pamamagitan ng mga paghahandog ng mga hayop, kinakailangan ng mga pari na linisin ang mga bagay na sumisimbolo sa ginawa ni Cristo sa langit. Ngunit kinakailangang linisin ng Diyos ang mga bagay na nasa langit sa pamamagitan ng mas higit na mga handog kaysa sa mga iyon.
|
|
\p
|
|
\v 24 Hindi pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar na ginawa ng mga tao, na naglalarawan lamang ng tunay na kabanal-banalang lugar. Sa halip, sa langit siya mismo pumasok upang makalapit tayo ngayon sa presensiya ng Diyos upang mamagitan para sa atin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Pumapasok ang punong pari sa kabanal-banalang lugar minsan sa isang taon, nagdadala siya ng dugo na hindi sa kaniya upang ialay ito bilang isang handog. Ngunit pumasok si Cristo sa langit, hindi upang paulit-ulit niyang ialay ang kaniyang sarili katulad nito.
|
|
\p
|
|
\v 26 Kung ganoon, kakailanganin niyang magdusa at magbuhos ng kaniyang dugo ng paulit-ulit magmula pa nang panahong likhain ng Diyos ang mundo. Subalit, sa katapusang ng panahon na ito, minsan lamang siyang pumarito upang sa pamamagitan ng paghahandog ng kaniyang sarili, papatawarin ng Diyos ang lahat ng ating mga kasalanan at hindi na tayo hahatulan pa dahil tayo ay nagkasala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 27 Minsan lamang dapat mamatay ang lahat ng tao at pagkatapos nito, hahatulan sila ng Diyos sa kanilang mga kasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 28 Gayundin, nang mamatay si Cristo, minsan siyang inalay ng Diyos bilang isang handog, upang parusahan siya kapalit ng mga taong nagkasala. Babalik siyang muli sa sanlibutan sa ikalawang pagkakataon, hindi upang ihandog muli ang kaniyang sarili para sa mga nagkasala, kundi upang iligtas tayo na mga naghihintay sa kaniyang pagbabalik.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Hindi lubusang ipinakita ng kautusan ang mabubuting bagay na ipagkakaloob ng Diyos sa atin sa hinaharap. Ang kautusan ay katulad ng isang larawan ng isa pang bagay.
|
|
\p
|
|
\v 2 Kung lalapit ang mga tao upang sumamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aalay ng parehong mga handog taun-taon, hindi sila kayang pabanalin nito. Kung pinawalang-sala na ng Diyos ang mga taong naghahandog sa kaniya, hindi na nila mararamdaman pa na sila ay makasalanan. Kaya dapat na nilang itigil ang pag-aalay ng mga hando na iyon!
|
|
\p
|
|
\v 3 Ngunit ang katotohanan na nag-aalay sila ng mga handog na iyon taun-taon ang nagpapaalala sa kanila na makasalanan pa rin sila.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kaya alam natin na kahit mag-alay tayo ng mga hayop katulad ng toro o kambing sa Diyos, kahit na makita ng Diyos na dumaloy ang kanilang dugo, hindi tayo mapipigilan nito sa pagiging makasalanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Kaya nang dumating si Cristo sa mundo, sinabi niya sa kaniyang Ama, "Hindi ang pag-aalay at paghahandog ang iyong nais, ngunit naghanda ka ng isangkatawan para sa akin upang ialay.
|
|
\p
|
|
\v 6 Kapag inalay ng mga tao sa iyo ang mga hayop na ganap na sinusunog, hindi ka nalulugod sa mga hayop na ito at maging sa iba pang mga handog.
|
|
\p
|
|
\v 7 Sa kadahilanang ito, sinabi ko, 'Aking Diyos, pakinggan mo! Naparito ako upang gawin ang nais mo na aking gawin, katulad ng kanilang isinulat tungkol sa akin sa Kasulatan.' "
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Unang sinabi ni Cristo, "Hindi ang paghahandog at pag-aalay ng mga hayop na sinusunog ng ganap ng mga pari at iba pang mga pag-aalay upang bayaran ang kasalanan ng mga taong nagkasala ang iyong ninanais. Hindi ka nalulugod sa mga ito." Sinabi niya, kahit na ang mga bagay na ito ay inialay ayon sa Kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises!
|
|
\p
|
|
\v 9 Tungkol naman sa pag-aalay ng kaniyang sarili bilang handog upang bayaran ang kasalanan ng mga tao, sinabi niya, "Makinig kayo! Naparito ako upang gawin ang nais mo na aking gagawin!" Kaya pinawalang-bisa ni Cristo ang unang paraan ng pagbabayad ng kasalanan upang maisakatuparan ang panibagong paraaan ng pagbabayad ng kasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 10 Dahil ginawa ni Cristo ang nais ng Diyos na kaniyang gagawin, ibinukod tayo ng Diyos para sa kaniya. Naganap ito nang minsang inalay ni Jesu-Cristo ang kaniyang katawan bilang isang handog, isang handog na hindi na niya kailangang ulitin pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Katulad ng bawat pari na nakatayo araw-raw sa harap ng altar, ginagawa niya ang mga ritwal at pag-aalay ng parehong paghahandog na hindi makakapawi ng kasalanan para sa kasalanan ng sinuman.
|
|
\p
|
|
\v 12 Ngunit, nag-alay si Cristo ng isang handog na sapat magpakailanman at minsan niya lang itong inalay! Pagkatapos nito, umupo siya upang mamuno katabi ng Diyos sa lugar ng pinakadakilang karangalan.
|
|
\p
|
|
\v 13 Ngayon, hinihintay niya ang Diyos na talunin ng lubusan ang lahat ng kaniyang kaaway.
|
|
\p
|
|
\v 14 Sa pamamagitan ng minsang pag-alay ng kaniyang sarili bilang handog para sa kasalanan, ginawa niyang ganap magpakailanman ang mga nililinis at pinabanal ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Pinapatunayan din sa atin ng Banal na Espiritu na ito ay totoo. Sinabi niya,
|
|
\p
|
|
\v 16 "Kapag matapos ang panahon ng unang tipan sa aking mga tao, gagawa ako ng panibagong tipan sa kanila. Gagawin ko ito para sa kanila. Ipapaunawa ko sa kanila ang aking mga kautusan at bibigyan ko sila ng kakayahan upang sundin ang mga ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Pagkatapos sinabi niya, "Papatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan at ituturing ko sila na hindi na makasalanan."
|
|
\p
|
|
\v 18 Kapag pinatawad ng Diyos ang kasalanan ng isang tao, hindi na kailangang mag-alay ng taong ito para sa kaniyang kasalanan!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Kaya, mga kapwa ko mananampalataya, dahil nagtiwala tayo sa ginawa ni Jesus nang dumaloy ang kaniyang sariling dugo para sa atin, maaari tayong nagtitiwalang makapasok sa presensya ng Diyos na sumisimbolo sa kabanal-banalang lugar na nasa sagradong tolda.
|
|
\p
|
|
\v 20 Hinayaan niyang makapasok tayo sa presensiya ng Diyos sa pamamagitan ng bagong daan kung saan tayo mabubuhay magpakailanman. Si Jesus ang bagong daan na namatay para sa atin.
|
|
\p
|
|
\v 21 Si Cristo ang dakilang pari na naghahari sa atin, tayo na bayan ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 22 Kaya't dapat tayong lumapit sa Diyos nang may katapatan sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Jesus. Siya na nagpadalisay ng ating mga puso mula sa pagkakasala. Ito ay nang iwinisik niya ang kaniyang sariling dugo sa ating mga puso na para bang hinugasan niya ang ating mga katawan sa dalisay na tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Dapat patuloy nating ipahayag nang walang pag-aalinlangan ang ating pinaniniwalaan. Yamang tinutupad ng Diyos ang mga ipinangako niyang gagawin, dapat lubos tayong magtiwala sa kaniya na gagawin niya ang bagay na ito.
|
|
\p
|
|
\v 24 At sikapin nating isipin kung paano hihikayatin ang bawat isa na mahalin ang isa't isa at sa gumawa ng mga mabubuting bagay.
|
|
\p
|
|
\v 25 Huwag tayong huminto sa ating pagtitipun-tipon upang sambahin ang Panginoon, katulad ng ginawa ng ilan. Sa halip, palakasin ang loob ng bawat isa. Gawin natin ito ng higit pa, yamang alam natin na nalalapit na ang araw ng pagbabalik ng Panginoon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Kung sinasadya at patuloy tayo sa pagkakasala matapos nating malaman ang totoong mensahe tungkol kay Cristo, wala ng handog ang makakatulong pa sa atin.
|
|
\p
|
|
\v 27 Sa halip, dapat tayong matakot at asahan na parusahan tayo ng Diyos at makatarungan niyang parurusahan ang lahat ng kaniyang mga kaaway sa naglalagablab na apoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Ang sinumang tumanggi sa kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises ay mamamatay ng walang awa, nang may patunay ng dalawa o tatlong tao laban sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 29 Ito ay napakabigat na kaparusahan. Ngunit si Cristo ay anak ng Diyos at siya rin ay Diyos. Kung sinuman ang tumanggi sa tipan na kaniyang ginawa at humahamak sa dugong dumaloy na nagmula sa kaniya at kung tinanggihan ng taong iyan ang dugo na kapalit ng pagpapatawad sa kaniya ng Diyos, kung tinanggihan ng taong iyan ang Espiritu ng Diyos, na gumawa ng kabutihan para sa kaniya. Tiyak na parurusahan siya ng Diyos nang napakabigat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30 May kasiguraduhan tayo dito, yamang alam natin na sinabi ng Diyos, "Ako ang magpapataw ng katarungan at kapangyarihan sa tao ng nararapat sa kanilang pagkakasala. Parurusahan ko sila nang nararapat sa kanila." At sinulat ni Moises, "Ang Diyos ang magpaparusa sa kaniyang mga tao."
|
|
\p
|
|
\v 31 Ito ay nakakatakot na bagay kapag ang Diyos na makapangyarihan sa lahat na totoong buhay ang lumupig at magparusa sa inyo!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Alalahanin ninyo ang mga araw na una ninyong naunawaan ang katotohanan tungkol kay Cristo. Nagtiis kayo ng matinding kahirapan at nang kayo ay nagdusa, nagpatuloy kayong magtiwala sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 33 May mga panahong hinahamak kayo ng mga tao sa publiko at sa ibang pagkakataon, pinahirapan nila kayo. At may mga panahong nagtiis kayo na kasama ang ibang mga mananampalataya sa kahirapang dinaranas nila.
|
|
\p
|
|
\v 34 Hindi lamang kayo naging mabuti sa mga nasa bilangguan dahil naniwala sila kay Cristo, ngunit tinanggap din ninyo ito ng buong kagalakan nang kunin ng mga hindi mananampalataya ang inyong mga ari-arian. Tinanggap ninyo ito dahil lubusan ninyong alam sa inyong mga sarili na mayroon kayong kayamanang pag-aari sa langit magpakailanman, mga kayamanang mas higit kaysa sa mga kinuha sa inyo!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 35 Kaya huwag kayong panghihinaan ng loob kung inuusig nila kayo dahil kung magpapatuloy kayong magtiwala sa Diyos, malaki ang gantimpalang ipagkakaloob sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 36 Dapat matiyaga kayong magpatuloy sa pagtitiwala sa kaniya dahil sa paggawa ninyo ng nais ng Diyos na inyong gawin, ibibigay niya sa inyo ang kaniyang ipinangako.
|
|
\p
|
|
\v 37 Isinulat ng isang propeta sa Kasulatan na sinabi ng Diyos tungkol sa Mesias, "Sa maikling panahon, tiyak na darating ang isang aking ipinangako, hindi maaantala ang kaniyang pagdating.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 38 Ngunit ang mga kabilang sa akin na gumagawa ng matuwid ay patuloy na mabubuhay ng may pagtitiwala sa akin. Kung duwag sila at hihinto sa pagtitiwala sa akin, hindi ako malulugod sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 39 Ngunit hindi tayo mga taong duwag na dahilan upang wasakin tayo ng Diyos. Sa halip, tayo ang minsang nagtiwala sa kaniya upang iligtas niya tayo magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Dahil sa pagtitiwala ng mga tao sa Diyos na nakakatiyak sila na tatanggapin nila ang mga bagay na inaasahan nilang ibibigay ng Diyos sa kanila. Nakakatiyak rin sila na makikita nila na mangyayari ang mga bagay na iyon, kahit na wala pang nakakita ng mga iyon.
|
|
\p
|
|
\v 2 Pinahintulutan sila ng Diyos dahil sa pagtitiwala ng ating mga ninuno.
|
|
\p
|
|
\v 3 Nauunawaan namin na nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng pag-uutos na magkaroon nito dahil nagtitiwala kami sa Diyos. Kaya hindi nagmula ang mga bagay na nakikita natin sa mga bagay na mayroon na.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Dahil sa kaniyang pagtitiwala sa Diyos, naghandog si Abel na anak ni Adan, ng mas mabuting bagay sa Diyos kaysa sa handog ng kaniyang mas nakatatandang kapatid na si Cain. Kaya nagsalita ang Diyos ng kaaya-aya tungkol sa handog ni Abel, at ipinahayag ng Diyos na matuwid si Abel. At kahit patay na si Abel, natutunan pa rin natin sa kaniya ang pagtitiwala sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Dahil sa kaniyang pananampalataya sa Diyos, Kinuha paakyat ng Diyos si Enoc sa langit, hindi namatay si Enoc ngunit walang sinuman ang nakakita sa kaniya. Bago siya kunin ng Diyos, nagpatotoo ang Diyos na kinalugdan niya si Enoc bago niya ito kinuha.
|
|
\p
|
|
\v 6 Ngayon, maaari nang magbigay ng kaluguran ang mga tao sa Diyos kung magtitiwala lamang sila sa kaniya, dahil ang sinumang nagnanais lumapit sa Diyos ay kinakailangan munang maniwala na mayroong Diyos na nagbibigay ng mga gantimpala sa mga nagsisikap na siya ay makilala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Nagbabala ang Diyos kay Noe na magpapadala siya ng baha at naniwala si Noe sa kaniya. Pinarangalan niya ang Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng arko upang maligtas ang kaniyang pamilya. Sa ganitong paraan, ipinakita niya na marapat lamang na tumanggap ng parusa mula sa Diyos ang mga natitirang tao. Kaya si Noe ay naging isang taong ginawa ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng kaniyang sarili, dahil nagtiwala si Noe sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Tinawag ng Diyos si Abraham na magtungo sa lupain na ibibigay niya sa kaniyang mga kaapu-apuhan. Sinunod ni Abraham ang Diyos, at iniwanan ang kaniyang bayan, kahit na hindi niya alam kung saan siya patungo. Dahil nagtiwala siya sa Diyos,
|
|
\p
|
|
\v 9 namuhay siya na tila isang dayuhan sa lupang ipinangako ng Diyos na ibibigay sa kaniyang mga kaapu-apuhan. Dahil nagtiwala siya sa Diyos tumira si Abraham sa mga tolda, gayundin ang kaniyang anak na si Isaac at ang kaniyang apo na si Jacob. Nangako ang Diyos kay Isaac at Jacob ng parehong mga bagay na ipinangako niya kay Abraham.
|
|
\p
|
|
\v 10 Naghihintay si Abraham na manirahan sa lungsod na mismong Diyos ang magdidisenyo at magtatatag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 11 Dahil nagtiwala si Abraham sa Diyos na bibigyan siya ng kalakasan, nagkaroon siya ng anak na lalaki. Kahit lampas na sa panahon ng panganganak ng babae ang kaniyang asawang si Sarah, nangako ang Diyos na bibigyan siya ng anak na lalaki, at nanampalataya si Abraham na gagawin ng Diyos ang kaniyang ipinangako.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya kahit napakatanda na ni Abraham upang magkaroon ng anak, mula sa isang taong iyon nagmula ang lahi ng maraming tao na tulad ng mga bituin sa langit at tulad ng hindi mabilang na buhangin sa dalampasigan gaya ng ipinangako ng Diyos sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Habang nagtitiwala pa rin sila sa Diyos, namatay ang lahat ng taong ito. Kahit na hindi pa nila natatanggap ang mga bagay na ipinangako ng Diyos na ibibigay sa kanila, na para bang nakita na nila ang mga bagay na iyon sa malayo at sila ay nagalak. Para bang tinanggap nila na hindi sila karapat-dapat sa mundong ito, kundi pansamantala lamang sila dito.
|
|
\p
|
|
\v 14 Sa mga taong nagsasabi ng mga bagay na ito, malinaw na ipinapakita nila na naghahangad sila ng isang lugar na magiging kanilang tunay na bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Kung iniisip nila na ang kanilang tunay na sariling bayan ang lugar kung saan sila nagmula, madali lamang silang makabalik doon.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ngunit, sa halip, naghahangad sila ng mas magandang lugar upang mabuhay. Naghahangad sila ng tahanan sa langit. Kaya naghanda ang Diyos ng isang lungsod para sa kanila upang manirahan kasama niya, at nalugod siya para sa kanila na tawagin siyang kanilang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Dahil nagtiwala si Abraham sa Diyos, handa siyang patayin ang kaniyang anak na si Isaac bilang handog nang subukin siya ng Diyos. Si Abraham na pinangakuan ng Diyos na bibigayan ng anak ay ihahandog ang nag-iisang anak na ibinigay sa kaniya, ang nag-iisang anak na isinilang ng kaniyang asawa!
|
|
\p
|
|
\v 18 Patungkol sa anak na ito sinabi ng Diyos, "Mula lamang kay Isaac ang ituturing kong pagmumulan ng iyong pamilya."
|
|
\p
|
|
\v 19 Isinaalang-alang ni Abraham iyon upang matupad ang pangakong iyon, kayang buhaying muli ng Diyos si Isaac kahit na mamatay siya pagkatapos siyang ihandog ni Abraham! dahil dito, nang tinanggap ni Abraham pabalik si Isaac pagkatapos sabihin ng Diyos sa kaniya na huwag saktan si Isaac, para bang tinanggap siyang muli pagkatapos niyang mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Dahil nagtiwala si Isaac sa Diyos, ipinanalangin niya na pagpalain ng Diyos ang kaniyan gmga anak na sina Jacob at Esau pagkatapos niyang mamatay.
|
|
\p
|
|
\v 21 Dahil nagtiwala si Jacob sa Diyos, nang malapit na siyang mamatay, nanalangin siya na pagpalain ng Diyos ang bawat anak ng kaniyang sariling anak na si Jose. Nagpuri siya sa Diyos habang nakasandal sa kaniyang tungkod bago siya namatay.
|
|
\p
|
|
\v 22 Dahil nagtiwala si Jose sa Diyos, nang malapit na siyang mamamatay sa Ehipto, inisip niya noon pa man na darating ang panahon na iiwan ng mga Israelita ang Ehipto, at nagbigay siya ng tagubilin sa kaniyang mga tao na dalhin ang kaniyang mga buto kung iiwan na nila ang Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Dahil nagtiwala sa Diyos ang ama at ina ni Moises, itinago nila ang kanilang anak sa loob ng tatlong buwan pagkatapos siyang isilang, dahil nakita nila na napakaganda ng bata. Hindi sila natakot na suwayin ang inutos ng hari ng Ehipto, na kailangang mamatay ang lahat ng lalaking sanggol na Judio.
|
|
\p
|
|
\v 24 Ang anak na babae ng hari, na kanilang tinatawag na Paraon, ang nagpalaki kay Moises, subalit nang lumaki si Moises, hindi niya tinanggap ang mga karapatan ng pagiging kabilang sa pamilya ng hari na maaaring maging kaniya kung itinuring siya ng mga tao bilang " anak ng prinsesang anak ni Paraon"
|
|
\p
|
|
\v 25 Nagpasiya siya na mas mabuting abusuhin siya kasama ang mga tao ng Diyos, kaysa panandaliang magsayang mamuhay ng makasalan sa palasyo ng hari.
|
|
\p
|
|
\v 26 Nagpasiya siya na kung maghihirap siya para kay Cristo, mas mahalaga ito sa mata ng Diyos kaysa magmay-ari sa mga kayamanan ng Ehipto na matatanggap niya sa pagiging kabilang sa pamilya ni Paraon. Umaasa siya sa oras na bibigayan siya ng Diyos ng walang hanggang gantimpala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Dahil nagtiwala siya sa Diyos, iniwan ni Moises ang Ehipto. Hindi siya natakot na maaaring magalit ang hari dahil siya ay umalis. Nagpatuloy siya dahil parang patuloy niyang nakikita ang Diyos, na walang sinuman ang nakakakita.
|
|
\p
|
|
\v 28 Dahil sumasampalataya si Moises sa Diyos na ililigtas niya ang kaniyang bayan, sinunod niya ang mga utos ng Diyos tungkol sa Paskua na naging taunang pagdiriwang. Inutusan niya ang mga tao na pumatay ng kordero at ipahid ang mga dugo nito sa bawat hamba ng pintuan upang hindi patayin ng anghel na magdudulot ng kamatayan ang mga panganay na lalaking Israelita kasama ng panganay na lalaki sa bawat pamilyang taga-Ehipto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 29 Dahil nagtiwala ang mga Israelita sa Diyos nang lumakad sila sa dagat ng Tambo, parang naglalakad sila sa tuyong lupa! Ngunit, nang subukan ng mga hukbo ng Ehipto na tumawid sa dagat, nalunod sila, dahil bumalik ang dagat at lumubog sila!
|
|
\p
|
|
\v 30 Dahil nagtiwala sa Diyos ang mga Israelita, gumuho ang mga pader na nakapalibot sa lungsod ng Jericho, pagkatapos na maglakad ng mga Israelita sa palibot ng mga pader sa loob ng pitong araw.
|
|
\p
|
|
\v 31 Si Rahab ay isang babaeng nagbebenta ng aliw, ngunit hindi siya namatay kasama ng mga hindi sumusunod sa Diyos na nasa loob ng Jericho dahil nagtiwala siya sa Diyos. Nagpadala ng mga espiya si Joshua sa lungsod upang humanap ng paraan upang wasakin ito. Ngunit iniligtas ng Diyos si Rahab dahil tinanggap niya ng maayos ang mga espiya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong sabihin tungkol sa mga nagtiwala sa Diyos. Maraming oras ang igugugol upang masabi ko ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jeptha, David, Samuel at iba pang mga propeta.
|
|
\p
|
|
\v 33 Dahil nagtiwala sila sa Diyos, gumawa ang iba sa kanila ng mga dakilang gawain para sa Diyos. Sinakop ng ilan ang mga lupain na pinamumunuan ng mga makapangyarihang tao. Namuno ang ilan sa Israel at makatarungang pinakitunguhan ang mga tao at mga bansa. Tinanggap ng iba ang mga bagay na ipinangako ng Diyos na ibibigay niya sa kanila. Pinatikom ng ilan ang bibig ng mga leon.
|
|
\p
|
|
\v 34 Nakatakas ang ilan mula sa pagkakatupok sa apoy. Nakatakas ang ilan mula sa mga sumubok na patayin sila sa pamamagitan ng mga espada. Gumaling muli ang ilan mula sa karamdaman. Naging makapangyarihan ang ilan nang lumaban sila sa digmaan. Ang ilan ay naging dahilan upang ang mga hukbo na nanggaling sa ibang mga lupain ay tumakas mula sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 35 Ang ilan sa mga kababaihan na nagtiwala sa Diyos ay muling nakasama ang kanilang mga kamag-anak nang buhayin sila ng Diyos matapos silang mamatay. Ngunit ang iba na nagtiwala sa Diyos ay pinahirapan hanggang sa sila ay mamatay. Pinahirapan sila dahil tumanggi silang sundin ang kanilang mga kaaway na nagsabing, "Pakakawalan namin kayo kung itatanggi ninyo na naniniwala kayo sa Diyos." Tumanggi silang gawin ito, dahil gusto nilang mamuhay na kasama ang Diyos magpakailanman, kung saan mas mainam kaysa magpatuloy na mabuhay dito sa lupa.
|
|
\p
|
|
\v 36 Kinutya ang ibang tao na nagtiwala sa Diyos. Hinampas ng latigo ang likod ng ilan sa kanila. Nakatanikala at ikinulong sa bilangguan ang iba sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 37 Binato hanggang sa mamatay ang ilan sa mga mananampalataya. Nilagari ng lubusan at hinati sa dalawa ang ilan. Pinatay ang iba sa pamamagitan ng mga espada. Nagpagala-gala ang ilan sa mga taong ito na nagtiwala sa Diyos na nakasuot lamang ng damit na gawa sa balat ng tupa at mga kambing. Wala silang pera. Patuloy silang inapi at sinaktan ng mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 38 Ang mga tao sa mundo na naging dahilan upang magdusa ng tulad nito ang mga nagtiwala sa Diyos ay napakasama at hindi sila karapat-dapat na mamuhay kasama ng mga taong iyon na nagtiwala sa Diyos. Nagpagala-gala sa mga disyerto at mga bundok ang ilan sa mga nagtiwala sa Diyos. Namuhay sa mga kuweba ang ilan sa kanila at sa mga malalaking butas sa lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 39 Bagamat ang Diyos ang nagpahintulot sa lahat ng mga taong ito dahil nagtiwala sila sa kaniya, hindi niya ibinigay sa kanila ang kaniyang ipinangako.
|
|
\p
|
|
\v 40 Alam ng Diyos noon pa man na mas mainam ang ibibigay niya sa atin at sa kanila sa darating na panahon kaysa agad na ibigay sa kanila ang ipinangako niya. Ang binalak ng Diyos ay kung sila at tayo ay magkakasama mapapasaatin ang lahat ng nais ibigay ng Diyos na magkaroon tayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Alam natin ang tungkol sa maraming taong tulad nito na pinatunayang nagtitiwala sila sa Diyos. Kaya kailangan din nating alisin ang lahat na humahadlang sa atin. Higit sa lahat, dapat nating itigil ang paggawa ng anumang nakapipigil sa atin, tulad ng mananakbo na inaalis ang kaniyang damit. At matiyaga nating gawin ang lahat ng ibinigay ng Diyos na gawin natin hanggang sa tumawid tayo sa hangganan.
|
|
\p
|
|
\v 2 At lagi nating isipin si Jesus, bilang mananakbo na nakatuon ang tingin sa layunin. Siya ang nag-iisang pinagkakatiwalaan natin dahil tiniis niya ang labis na pagdurusa sa krus at hindi pinansin ang mga taong nagpahiya sa kaniya. Ginawa niya ito dahil alam niyang magdudulot ito ng labis na kagalakan sa iba. Nakaupo siya ngayon sa lugar ng pinakamataas na karangalan sa tabi ng trono, kung saan naghahari ang Diyos sa langit.
|
|
\q
|
|
\v 3 Matiyagang tiniis ito ni Jesus nang ang mga makasalanang tao ay gumawa laban sa kaniya. Palakasin ninyo ang inyong mga puso at isipan sa mga halimbawa ni Jesus upang hindi kayo tumalikod sa pagtitiwala sa Diyos o panghinaan ng loob.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Habang nakikipagpunyagi kayo laban sa tukso ng kasalanan, hindi pa naubos ang inyong dugo o humantong sa kamatayan sa pagtanggi sa kasamaan na katulad ni Jesus.
|
|
\p
|
|
\v 5 Huwag kalimutan ang mga salitang ito na sinabi ni Solomon sa kaniyang anak, na katulad kung paanong pinalalakas kayo ng Diyos bilang kaniyang mga anak: "Aking anak, bigyan mo ng pansin kung dinidisiplina ka ng Panginoon, at huwag panghinaan ng loob kung pinarurusahan ka ng Panginoon.
|
|
\p
|
|
\v 6 dahil ang lahat ng minamahal ng Panginoon ay itinutuwid din niya, at mahigpit niyang dinidisiplina ang lahat na tinatawag niyang kaniya."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 7 Maaaring dinidisiplina kayo ng Diyos sa pamamagitan ng mga mahihirap na mga bagay na nangyayari sa inyo. Kung itinutuwid kayo ng Diyos, itinuturing niya kayong kagaya ng pakikitungo ng ama sa kaniyang mga anak. Itinutuwid ng lahat ng ama ang kanilang mga anak.
|
|
\q
|
|
\v 8 Kung hindi ninyo naranasan ang pagdidisiplina ng Diyos na katulad ng pagdidisiplina niya sa kaniyang mga anak, hindi kayo tunay na mga anak ng Diyos. Katulad kayo ng mga anak sa labas na walang mga ama na magtutuwid sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Bukod dito, itinuwid tayo ng ating mga ama dito sa lupa noong mga bata pa tayo, at ginalang natin sila sa paggawa niyon. Kaya dapat mas handa tayong tanggapin ang pagdidisiplina sa atin ng Diyos, ang ating espiritwal na Ama, nang sa gayon mabubuhay tayo magpakailanman!
|
|
\p
|
|
\v 10 Dinidisiplina tayo ng ating mga ama dito sa lupa sa maikling panahon ayon sa alam nilang tama, subalit lagi tayong dinidisiplina ng Diyos upang makibahagi tayo sa kaniyang kabanalan.
|
|
\p
|
|
\v 11 Sa mga panahon na dinidisiplina tayo ng Diyos, tila hindi ito isang bagay na nakapagbibigay sa atin ng kagalakan. Sa halip, masakit ito para sa atin. Subalit sa darating na panahon, mamumuhay nang may katuwiran ang mga natuto mula dito, na nagdulot ng kapayapaan sa atin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya sa halip na kumilos kayo na parang mga pagod sa espiritwal, magtiwala sa pagtutuwid ng Diyos upang kayo ay magbago.
|
|
\p
|
|
\v 13 Magpatuloy ng deretso sa pagsunod kay Cristo upang mapalakas ang mga mananampalatayang mahina sa pagtitiwala kay Cristo at upang hindi iwan ang mga paraan ng Diyos. Sa halip, manunumbalik ang kanilang kalakasang espiritwal kung paano katulad ng isang paa na nasugatan at walang silbi ay naipanumbalik ang kalakasan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Pagsikapang mamuhay ng may kapayapaan sa lahat ng tao. Gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang maging banal, sapagkat hindi makakikita sa Panginoon ang hindi banal.
|
|
\p
|
|
\v 15 Mag-ingat na wala sa inyo ang tumigil sa pagtitiwala sa Diyos, na gumawa sa atin ng mga mabubuting bagay kahit na hindi tayo karapat-dapat. Maging mapagbantay na hindi kayo nakakagawa ng masama sa iba, dahil lalaki ito katulad ng mga ugat ng malaking halaman, na aakay sa maraming mananampalataya tungo sa kasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 16 Huwag hahayaan ang sinuman na maging imoral o sumuway sa Diyos katulad ni Esau. Ipinagpalit niya ang kaniyang karapatan bilang panganay sa isang pagkain lamang.
|
|
\p
|
|
\v 17 Hind nagtagal, nais bawiin ni Esau ang kaniyang karapatan bilang panganay at lahat ng pagpapala na ibibigay ng kaniyang ama na si Isaac. Subalit tumanggi si Isaac sa kahilingan ni Esau. Kaya hindi nakakita ng paraan si Esau upang maibalik ang kaniyang karapatan bilang panganay at mga biyaya, kahit na hinangad niya ito nang lumuluha.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Sa paglapit sa Diyos, hindi ninyo naranasan ang katulad ng naranasan ng mga Israelita ng nasa Bundok sila ng Sinai. Pumunta sila sa bundok na inutos ng Diyos na huwag nilang hawakan dahil siya mismo ang bababa sa bundok na iyon. Lumapit sila sa nagliliyab na apoy, at napakapanglaw at napakadilim nito, na may napakalakas na bagyo.
|
|
\p
|
|
\v 19 Nakarinig sila ng tunog ng trumpeta at narinig nila na nagsalita ang Diyos ng isang mensahe. Labis itong makapangyarihan at nakiusap sila na huwag na siyang makipag-usap muli sa kanila ng ganoon.
|
|
\p
|
|
\v 20 Dahil iniutos ng Diyos sa kanila, "Kung hahawakan ng tao o kahit na hayop ang bundok na ito, kailangan ninyo siyang patayin."Lubhang natakot ang mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 21 Dahil natakot si Moises pagkatapos makita ang nangyari sa bundok, kaniyang sinabi, "Nanginginig ako dahil labis akong natatakot!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Sa halip, lumapit kayo sa presensiya ng Diyos na tunay na naninirahan sa langit, sa "Bagong Jerusalem." Katulad iyon ng ginawa ng inyong mga ninuno nang nagtungo sila sa Bundok ng Zion sa Israel, upang sumamba kung saan itinayo ang makalupang Jerusalem. Lumapit kayo kung saan magkakasamang nagsasaya ang hindi mabilang na mga anghel.
|
|
\p
|
|
\v 23 Sumama kayo sa pagpupulong ng lahat ng mga mananampalataya na may tanging karapatan bilang mga panganay na anak, na ang kanilang mga pangalan ay isinulat ng Diyos sa langit. Lumapit kayo sa Diyos, na hahatol sa lahat. Lumapit kayo kung saan naroon ang espiritu ng mga tao ng Diyos, ang mga taong namuhay sa katuwiran bago sila namatay, at sila ngayon ay ginawa ng Diyos na ganap sa langit.
|
|
\p
|
|
\v 24 Lumapit kayo kay Jesus na nag-ayos ng isang bagong tipan sa atin at sa Diyos sa pamamagitan ng kaniyang dugo na umagos nang namatay siya sa krus. Ang dugo ni Jesus ang nagbigay daan upang mapatawad tayo ng Diyos at mas mabuti ang kaniyang dugo kaysa sa dugo ni Abel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Mag-ingat kayo na hindi kayo tumatangging makinig sa Diyos na nangungusap sa inyo. Hindi nakatakas ang mga Israelita sa parusa ng Diyos sa kanila nang nagbabala si Moises sa kanila dito sa lupa. Kaya siguradong hindi tayo makakatakas sa parusa ng Diyos na nagbigay sa atin ng babala mula sa langit kung tatanggihan natin siya!
|
|
\p
|
|
\v 26 Nayanig ang lupa nang magsalita siya sa Bundok ng Sinai. ngunit nangako siya ngayon, "Yayanigin kong muli ang lupa, minsan pa, at yayanigin ko din ang langit."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Ang mga salitang "muli, at minsan pa" ay nagsasabi na aalisin ng Diyos ang mga bagay na iyon sa mundo na kaniyang yayanigin, lahat ng kaniyang nilikha. Gagawin niya ito upang manatili magpakailanman ang mga bagay na nasa langit na hindi nayayanig.
|
|
\q
|
|
\v 28 Kaya magpasalamat tayo sa Diyos dahil kasama tayo sa kahariang hindi nayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa pamamagitan ng pasasalamat at may lubos na pagkamangha sa dakilang kapangyarihan ng kaniyang pag-ibig.
|
|
\p
|
|
\v 29 Alalahanin ninyo na ang Diyos na ating sinasamba ay tulad ng isang apoy na tumutupok sa lahat ng marumi!
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Patuloy na mahalin ang inyong mga kapwa mananampalataya.
|
|
\p
|
|
\v 2 Huwag kalimutang maging bukas ang inyong tahanan sa mga nangangailangan na mga manlalakbay. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa mga dayuhan, nakapagbigay ng mabuting pakikitungo ang ibang tao sa mga anghel ng hindi ito nalalaman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Alalahanin at tulungan ang sinumang nasa bilangguan dahil mga mananampalataya sila, na parang nasa bilangguan din kayo na kasama nila at nagdurusa tulad nila.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kinakailangang may paggalang sa isa't isa ang mga lalake at babaeng kasal na, at kinakailangan na maging tapat sila sa isa't isa. Siguradong isusumpa ng Diyos ang sinumang gumagawa ng imoral o nakikiapid.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Mamuhay na hindi laging pera ang ninanais at masiyahan sa anumang bagay na nasa iyo. Alalahanin ang sinulat ni Moises na sinabi ng Diyos: "Hindi kita kailanman iiwan; Hindi ako titigil sa pagbibigay sa iyo."
|
|
\p
|
|
\v 6 Kaya sasabihin natin ng may pagtitiwala ang sinabi ng Mang-aawit, "Dahil ang Panginoon ang siyang tumutulong sa akin, hindi ako matatakot! Walang magagawa ang mga tao sa akin na makapipigil sa pagtulong ng Diyos sa akin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Sinabi sa inyo ng inyong mga espiritwal na pinuno ang mensahe tungkol kay Cristo. Alalahanin ninyo kung paano sila namuhay at tularan kung paano sila nagtiwala kay Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 8 Kailanman hindi nagbago si Jesu-Cristo, at hindi siya magbabago kailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya huwag ninyong hayaang hikayatin kayo ng ibang tao na maniwala ng ibang bagay tungkol sa Diyos, mga kakaibang bagay na hindi ninyo natutunan mula sa amin. Halimbawa, huwag ninyong hayaan ang anumang bagay na magpasunod sa inyo ng iba-bang panuntunan tungkol sa kung ano ang dapat kainin at hindi dapat kainin. Hindi makakatulong sa atin ang mga panuntunang ito.
|
|
\p
|
|
\v 10 Ang mga naglilingkod sa banal na tolda ay walang karapatang kumain sa sagradong altar kung saan tayo nagpupuri kay Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 11 Pagkatapos dalhin ng pinakapunong-pari sa dakong kabanalbanalan ang dugo ng mga hayop na inialay nila para sa kabayaran ng mga kasalanan, sinusunog naman ng ibang tao ang mga katawan ng mga hayop na iyon sa labas ng kampo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Gayon din naman, nagdusa si Jesus at namatay sa labas ng tarangkahan ng Jerusalem upang gawin tayong kaniyang mga tao na natatangi para sa Diyos. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alay niya sa kaniyang sariling dugo para sa ating mga kasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 13 Kaya dapat tayong lumapit kay Jesus upang maligtas; kailangang pahintulutan natin ang iba na alipustahin tayo katulad ng pang-aalipusta nila sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 14 Dito sa lupa, tayong mga mananampalataya ay walang lungsod na katulad sa Jerusalem. Sa halip, hinihintay natin ang makalangit na lungsod na mananatili magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Dahil namatay si Jesus para sa atin, dapat tayong patuloy na magpuri sa Diyos anuman ang mangyari. Iyon ang bagay na maaari nating ialay sa kaniya sa halip na mga hayop. Dapat tayong maging handa na sabihin sa iba na nagtitiwala tayo kay Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 16 Laging gumawa ng mga mabubuting bagay sa iba at ibahagi ang mga bagay na mayroon kayo, dahil sa paggawa ng mga ganoong bagay, para na rin kayong nag-aalay ng mga handog na kalugud-lugod sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 17 Sundin ninyo ang inyong mga pinuno at gawin ang sasabihin nila sa inyo, yamang sila ang nagbabantay sa inyong kapakanan. Darating ang panahon na tatayo sila sa harapan ng Diyos upang sabihin kung sang-ayon siya sa ginawa nila. Sundin ninyo sila upang gawin nila ang pagbabantay sa inyo nang may kagalakan at hindi nila gagawin ito nang may kalungkutan, dahil kung kayo ang dahilan ng pagawa nila ng may kalungkutan, tiyak na hindi ito makakatulong sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Ipanalangin ninyo ako at ang aking mga kasama. Tiyak ako na wala akong ginawa na hindi nakalulugod sa Diyos. Sinubukan kong gumawa ng mabuti sa inyo sa anumang paraan.
|
|
\p
|
|
\v 19 Hinihimok ko kayo na ipanalangin ninyong mabuti na alisin kaagad ng Diyos ang mga bagay na pumipigil sa aking pagpunta sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Si Jesus ang nagbibigay sa atin, nag-iingat sa atin at gumagabay sa atin katulad ng ginagawa ng dakilang pastol sa kaniyang mga tupa. At ang Diyos, na nagbibigay sa atin ng panloob na kapayapaan, ang bumuhay sa ating Panginoong Jesus mula sa kamatayan. Sa paggawa ng bagay na iyon, pinagtibay ng Diyos ang kaniyang walang hanggang pakikipagkasundo sa atin sa pamamagitan ng dugo na dumaloy mula kay Cristo nang mamatay siya sa krus.
|
|
\p
|
|
\v 21 Kaya naman ipinapanalangin ko sa Diyos na mabigyan kayo ng mga mabubuting kasangkapan upang magawa ninyo ang kaniyang nais. Nawa ay gawin niya sa atin ang kalugod-lugod sa kaniya habang pinapanood niya tayong sumusunod kay Jesus, na nag-alay ng kaniyang sarili para sa atin. Magpuri nawa ang lahat ng tao kay Jesu-Cristo magpakailanman. Amen!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Kapwa ko mga mananampalataya, yamang ito ay maikling liham na isinulat ko sa inyo, hinihiling ko sa inyo na isalang-alang ninyo ng may pagtitiyaga ang sulat na ito upang mapalakas kayo.
|
|
\p
|
|
\v 23 Nais kong malaman ninyo na lumaya na mula sa bilangguan si Timoteo, ang ating kapwa mananampalataya. Kung paparito siya agad, sasamahan niya ako kapag pumunta ako riyan upang makita kayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 Sabihin ninyo sa lahat ng inyong mga pinunong espiritwal at sa lahat ng inyong kapwa mananampalataya na kabilang sa Diyos sa inyong lungsod na binabati ko sila. Binabati rin kayo ng mga mananampalataya sa lugar na ito mula sa Italya.
|
|
\p
|
|
\v 25 Nawa ay patuloy kayong mahalin at ingatan ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang kabutihan.
|