tl_udb/58-PHM.usfm

75 lines
4.5 KiB
Plaintext

\id PHM
\ide UTF-8
\h Filemon
\toc1 Filemon
\toc2 Filemon
\toc3 phm
\mt Filemon
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako, si Pablo, isang bilanggo na naglilingkod kay Cristo Jesus. Naririto ako kasama si Timoteo, ang kapwa nating mananampalataya. Sinusulat ko ang liham na ito sa iyo, Filemon, ang aming mahal na kaibigan at kamanggagawa.
\p
\v 2 Sumusulat din ako kay Apia, ang kapwa naming mananampalataya, at kay Arquipo, na parang isang sundalo na naglilingkod kasama namin. At sumusulat ako sa pangkat ng mga mananampalataya na nagtitipon sa iyong tahanan.
\p
\v 3 Idinadalangin ko na ang Diyos na ating Ama at ang ating Panginoong Jesu-Cristo ay patuloy na gumawa ng kabaitan sa inyong lahat. Idinadalangin ko na patuloy siyang magdulot sa inyo ng kapayapaan.
\s5
\p
\v 4 Sa tuwing nananalangin ako para sa iyo, lagi kong pinasasalamatan ang Diyos.
\p
\v 5 Sapagkat lagi kong naririnig ang tungkol sa pagtitiwala mo sa Panginoong Jesus. Naririnig ko rin ang tungkol sa kung paano mo patuloy na minamahal at tinutulungan ang lahat ng mga mananampalataya.
\p
\v 6 Dalangin ko na sapagkat nagtitiwala ka rin kay Cristo tulad namin, malalaman mo ang lahat ng mabubuting bagay na nais naming ibigay sa iyo patungkol kay Cristo.
\q1
\v 7 Lubos akong nagalak at lumakas ang loob dahil sa ikaw, aking mahal na kaibigan, ay minamahal at tinutulungan ang bayan ng Diyos.
\s5
\p
\v 8 Kaya't nais kong hilingin na gawin mo ang isang bagay. Buo ang aking pagtitiwala na mayroon akong kapahintulutan na utusan ka na gawin ang nararapat mong gawin, dahil sa ako ay isang apostol ni Cristo.
\p
\v 9 Ngunit dahil sa alam ko na mahal mo ang bayan ng Diyos, hinihiling ko ito sa halip na utusan ka na gawin ito. Ako ito, si Pablo, isang matandang lalaki at ngayon ay isang bilanggo sapagkat pinaglilingkuran ko si Cristo Jesus, ang siyang humihiling nito.
\s5
\p
\v 10 Hinihiling ko na may gawin ka para kay Onesimo. Siya ngayon ay parang anak ko na dahil sa sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Cristo dito sa bilangguan.
\p
\v 11 Kahit ang kanyang pangalan, tulad ng nalalaman mo, ay nangangahulugan na "kapaki-pakinabang," siya ay walang pakinabang sa iyo dati. Subalit ngayon siya ay kapaki-pakinabang kapwa sa iyo at sa akin!
\q1
\v 12 Kahit na labis ko siyang minamahal, pinababalik ko siya sa iyo.
\q1
\v 13 Gusto ko nga sana siyang manatili sa aking piling, para mapaglingkuran niya ako bilang kahalili mo. Kailangan ko siya sapagkat ako ay nasa bilangguan dahil sa aking pangangaral ng mensahe tungkol kay Cristo
\s5
\p
\v 14 Subalit, dahil hindi ko pa napagpapaalam sa iyo na payagan siya na manatili dito kasama ko, hindi ko muna siya kinupkop dito. Naisip ko na dapat mo lang akong tulungan kung gusto mo talaga akong tulungan.
\p
\v 15 Marahil ang dahilan kung bakit pinahintulutan ng Diyos na mahiwalay si Onesimo sa iyo ay upang makasama mo siya nang habang panahon.
\p
\v 16 Makakasama mo siya hindi lamang bilang isang alipin. Sa halip makakasama mo siya bilang isang tao na higit pa sa isang alipin. Makakasama mo siya bilang isang kapwa mananampalataya. Labis ko siyang minamahal, ngunit tiyak na mas mamahalin mo siya. Ito ay dahil sa ngayon hindi mo siya pag-aari bilang isang alipin lamang, kundi pag-aari rin siya ng Panginoon.
\s5
\p
\v 17 Kaya kung naniniwala ka na ikaw at ako ay parehong gumagawa para sa Diyos, tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin.
\p
\v 18 Kung nakagawa man siya ng anumang uri ng pinsala, o may pagkakautang sa iyo, ako na magbabayad doon.
\p
\v 19 Ako, si Pablo, sinusulat ito sa sarili kong sulat-kamay: Babayaran ko ang mga utang niya sa iyo. Pwede ko ngang sabihin sa iyo na mas malaki ang utang mo sa akin kaysa sa utang ni Onesimo sa iyo, sapagkat ang sinabi ko sa iyo ang ikinaligtas ng iyong buhay.
\p
\v 20 Sige nga, aking kapatid, pasayahin mo ako sa Panginoon. Dahil pareho naman tayong pinag-isa kay Cristo, pasayahin mo ang puso ko.
\s5
\p
\v 21 Isinulat ko sa iyo ang liham na ito, dahil sa natitiyak kong gagawin mo ang bagay na hinihiling ko. Sa katunayan, alam ko na gagawin mo nang mas higit pa sa hinihiling ko.
\p
\v 22 Gayundin, maghanda ka ng isang silid para matuluyan ko, sapagkat buo ang tiwala ko na bunga ng inyong mga panalangin para sa akin, palalayain ako mula sa bilangguan at pupuntahan ko kayong lahat.
\s5
\q
\v 23 Si Epafras, na kasama kong nagdurusa sa bilangguan dahil nakipag-isa siya kay Cristo, ay nagpapaabot ng kanyang mga pagbati sa inyo.
\p
\v 24 Sina Marcos, Aristarkus, Demas at Lucas, ang iba pang mga kamanggagawa ko, ay nagpapaabot din ng kanilang mga pagbati sa inyo.
\q
\v 25 Dalangin ko na patuloy na maging mabuti ang Panginoong Jesu-Cristo sa inyo.