tl_udb/52-COL.usfm

272 lines
21 KiB
Plaintext

\id COL
\ide UTF-8
\h Mga taga-Colosas
\toc1 Mga taga-Colosas
\toc2 Mga taga-Colosas
\toc3 col
\mt Mga taga-Colosas
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako, si Pablo, ang sumulat nito para sa mga kapwa kong mananampalataya sa lungsod ng Colosas. Galing ito kay Pablo na pinili ng Diyos na isinugo sa inyo bilang apostol ni Cristo Jesus. At galing din kay Timoteo ang liham na ito, kapwa nating mananampalataya na nakiisa kay Cristo. Pinapadala namin ang liham na ito para sa inyong lahat.
\p
\v 2 Ipinapadala namin ang liham na ito para sa mga ibinukod ng Diyos para sa kaniyang sarili—sa mga tapat na mga mananampalatayang pag-aari ni Cristo. Ipinapanalangin namin na biyayaan kayo ng Diyos Ama ng kaniyang kabutihan at kapayapaan.
\p
\v 3 Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos, ang Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, habang nananalangin kami para sa inyo,
\s5
\p
\v 4 dahil nabalitaan namin na nagtitiwala kayo kay Cristo Jesus at iniibig ninyo ang lahat ng mga taong binukod ng Diyos para sa kaniyang sarili.
\p
\v 5 Iniibig ninyo ang mga kapwa nating mananampalataya dahil naghihintay kayo na may pag-asa sa mga bagay na inilaan ng Diyos para sa inyo sa langit. Una ninyong nalaman ang tungkol sa mga bagay na ito nang inyong narinig ang mensahe ng katotohanan, ang mabuting balita tungkol kay Cristo.
\p
\v 6 Ipinapahayag ng mga mananampalataya ang magandang balitang ito na inyong narinig sa Colosas para sa bawat tao sa mundo. Katulad din ito ng pagkilos sa inyo simula pa sa araw na inyong narinig at naunawaan kung gaano katotoo ang kagandahang-loob ng Diyos. Maihahalintulad ang mabuting balita sa isang bukid kung saan lumalago ang mga pananim at magbibigay ng isang napaka saganang ani.
\s5
\q1
\v 7 Itinuro sa inyo ni Epafras na mangyayari ang mga ito. Minamahal namin siya sapagkat kasama namin siyang naglilingkod kay Cristo at tapat na kumikilos bilang aming kinatawan.
\p
\v 8 Ibinalita niya sa amin ang tungkol sa inyong pag-ibig para sa lahat ng mga tao ng Diyos, dahil binigyan kayo ng kapangyarihan ng Espiritu ng Diyos na umibig sa Diyos at sa ibang tao.
\s5
\p
\v 9 Simula nang marinig namin kung paano kayo magmahal, palagi na namin kayong ipinapanalangin. Hinihiling namin sa Diyos na ipakita sa inyo ang lahat ng mga bagay na nais niyang gawin, at bigyan kayo ng karunungan upang maunawaan kung ano ang mga itinuturo sa inyo ng Espiritu ng Diyos.
\p
\v 10 Ipinapanalangin namin na mamuhay kayo sa paraan na ang ibang tao ay magbibigay ng karangalan sa Panginoon, nang sa gayon ay malugod siya sa inyo. Ipinapanalangin namin na magampanan ninyo ang lahat ng mga mabubuting gawa na ipinapagawa niya sa inyo.
\s5
\p
\v 11 Ipinapanalangin namin na pagtibayin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan upang makayanan ninyo ng may pagtitiis ang bawat paghihirap.
\q1
\v 12 Ipinapanalangin namin na magalak kayo at nagpapasalamat sa ating Diyos Ama dahil inihayag niya kayong karapat-dapat na ibilang kasama ng kaniyang mga ibinukod para sa kaniyang sarili, ito ay upang maibigay niya sa inyo ang lahat ng mga bagay na kaniyang iniingatan na kaniyang inilaan para sa inyo sa tuwing kasama niya kayo sa liwang ng kaniyang presensiya.
\s5
\q1
\v 13 Iniligtas tayo ng Diyos Ama mula sa kasamaang pumipigil sa atin; itinalaga niya ang kaniyang pinakamamahal na Anak upang maghari sa atin ngayon.
\p
\v 14 Sa pamaamgitan ng kaniyang Anak pinalaya niya tayo sa kasamaan; kung saan pinatawad niya tayo sa ating mga kasalanan.
\s5
\p
\v 15 Kung nakikilala natin ang Anak, nakikilala na rin natin kung sino ang Diyos, kahit hindi natin siya nakikita. Ang Anak ang nangunguna sa lahat ng kaniyang nilikha.
\p
\v 16 Sapagkat ang Anak ang lumikha ng lahat ng bagay, ayon sa ninais ng Ama na kaniyang gawin. Nilikha niya ang lahat ng bagay na nasa langit at ang lahat ng nasa lupa, ang lahat ng nakikita natin, gayundin ang lahat ng hindi nakikita tulad ng iba't ibang uri ng mga makalangit na nilalang, maging ang mga kapangyarihan at mga pamunuan. Nagkaroon ng lahat ng bagay dahil nilikha sila ng Anak dahil ito ang kagustuhan ng Ama na gawin ng Anak. At nagkaroon ang lahat ng mga ito para sa kaniya.
\p
\v 17 Naroon ang Anak bago pa nilikha ang lahat ng mga ito at siya ang may hawak sa lahat ng mga bagay.
\s5
\p
\v 18 Pinaghaharian niya ang lahat ng mananampalataya --ang Iglesiya--tulad ng paghahari ng isang ulo sa kaniyang sariling katawan. Pinaghaharian niya ang Iglesiya sapagkat siya ang nagpasimula nito. Siya ang kauna-unahang nabuhay mula sa mga patay na may katawang ganap. Kaya mas dakila siya kaysa sa lahat ng bagay.
\p
\v 19 Nalulugod ang Diyos Ama na manahan ang lahat ng bagay sa kaniya kay Cristo.
\p
\v 20 Kinalulugod din ng Diyos na maipagkasundong muli sa kaniya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ni Jesus. Naghandog ng kapayapaan ang Diyos sa lahat ng tao at sa lahat ng mga bagay sa buong mundo at sa buong kalangitan. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagkamatay ng Anak sa krus bilang isang alay, sa pagbubuhos ng kaniyang dugo nang siya ay namatay.
\s5
\p
\v 21 Bago kayo naniwala kay Cristo, tinuring kayong mga kaaway ng Diyos, at hindi kayo nakikitungo ng maayos sa Diyos dahil nag-iisip kayo at gumagawa ng masasama.
\p
\v 22 Ngunit ngayon, naghandog ng kapayapaan ang Diyos at pinagkasundo niya tayo sa kaniyang sarili at ginawa niya kayong mga kaibigan. Ginawa niya ito para sa atin nang binigay ni Jesus sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang kaniyang katawan at ang kaniyang buhay. Nagbigay daan ito upang mapabilang tayo sa Diyos, wala na siyang nakikitang kamalian sa atin ngayon at wala na siyang maisusumbat sa atin.
\q
\v 23 Subalit kailangan ninyong patuloy na magtiwala kay Cristo ng lubusan, at magiging katulad kayo sa isang bahay na itinayo sa matatag na bato. Sa anumang dahilan, huwag kayong titigil sa inyong pananampalataya sa mga pangako na gagawin ng Diyos para sa inyo na napapaloob sa magandang balita na inyong narining kasama ang iba pang mga tao sa buong mundo. Ito ang magandang balita na kung saan, ako, si Pablo ay naglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag nito sa mga tao.
\s5
\p
\v 24 Ngayon, nagagalak ako sa paghihirap ko para sa inyong kapakinabangan. Oo, upang makatulong sa Iglesiya, na siyang katulad ng katawan ni Cristo, at naghihirap ako sa mga bagay na mangyayari pa.
\q
\v 25 Ginawa akong lingkod ng Diyos at binigyan ng natatanging gawain na ipahayag ang buong mensahe ng Diyos sa mga katulad ninyong hindi mga Judio.
\p
\v 26 Simula pa noong una, sa lahat ng salinlahi, hindi ipinahayag ng Diyos ang magandang balita na ito, ngunit ngayon inihayag na ang hiwagang ito sa mga taong ibinukod ng Diyos para sa kaniyang sarili.
\p
\v 27 Plano ng Diyos na ipahayag sa mga tao, Judio man o hindi Judio katulad ninyo ang kahanga-hangang hiwagang ito. At ito ang hiwaga: Mananahan si Cristo sa inyo at pagtitibayin ang inyong pag-asa na makabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos!
\s5
\p
\v 28 Pinapaalalahanan namin ng may karunungan at tinuturuan ang bawat isa tungkol kay Cristo upang mailapit namin ang bawat isa sa presensya ng Diyos na lubos na kumikilala sa Diyos, na pinagkaisa kay Cristo.
\p
\v 29 Dahil dito nagpapagal ako nang mabuti dahil binibigyan ako ni Cristo ngkalakasan.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Gusto kong maunawaan ninyo na ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang matulungan kayo at ang mga nasa Laodicea at pati na rin ang mga mananampalatayang hindi pa ako nakikita ng harapan.
\p
\v 2 Ginagawa ko ito upang makapagbigay ako ng lakas ng loob sa kanila at sa inyong mga sarili na mahalin ang isa't-isa at sama-samang magkaisa. Nais kong maintindihan ninyong lahat at ganap ninyong maintindihan ang lihim na katotohanan tungkol sa Diyos at ang katotohanang ito ay si Cristo!
\q
\v 3 Sa pamamagitan lamang ni Cristo natin maaaring malaman kung ano ang iniisip ng Diyos at kung gaano siya katalino.
\s5
\p
\v 4 Sinasabi ko ito sa inyo nang sa gayon ay walang manlinlang sa inyo.
\p
\v 5 Kahit na pisikal akong wala sa inyo, ako ay labis na nag-aalala tungkol sa inyo. Gayunman, ako ay nagagalak dahil alam ko na sinusunod ninyo si Cristo sa paraang walang makapagpipigil sa inyo, na nagtitiwala kayo kay Cristo nang hindi sumusuko.
\s5
\p
\v 6 Nagsimula kayong maniwala kay Cristo Jesus na Panginoon sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kaniya, kaya mamuhay rin sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kaniya.
\q
\v 7 Dapat ganap kayong umasa kay Cristo Jesus ang Panginoon, gaya ng isang puno na nag-uugat ng malalim sa lupa. Natutunan ninyong magtiwala kay Cristo sa ganitong paraan, gaya ng mga kalalakihang nagtayo ng bahay sa magandang pundasyon. At palagi ninyo dapat bigyan ng pasasalamat ang Diyos.
\s5
\p
\v 8 Huwag ninyong paniwalaan ang sinuman na nagsasabi sa inyo na dapat ninyong sundin ang mga itinuturo ng mga tao kung paano parangalan ang Diyos o na kailangan ninyong sundin kung ano ang sinasamba nila sa mundong ito. Sa halip, sundin ninyo si Cristo,
\q
\v 9 dahil ang taong si Jesu-Cristo ay ganap na Diyos.
\s5
\p
\v 10 Ngayon ibinigay ng Diyos sa inyo ang lahat ng inyong mga pangangailangan dahil pinagkaisa niya kayo kay Cristo at pinamumunuan niya ang lahat ng mga tao, espiritu, at anghel.
\p
\v 11 Ito ay parang tinuli kayo ng Diyos. Ngunit hindi siya nagtanggal ng kahit na anong laman mula sa inyo. Sa halip, tinanggal ni Jesus ang bagay na nagiging sanhi ng inyong pagkakasala.
\p
\v 12 Dahil binautismuhan nila kayo, itinuring ng Diyos na noong ilibing ng mga tao si Cristo, inilibing na nila kayo kasama niya. Itinuturing niya na noong binuhay niyang muli si Cristo, binuhay rin niya kayong muli, dahil nagtiwala kayo na kaya niya kayong buhaying muli.
\s5
\p
\v 13 Tiningnan kayo ng Diyos bilang patay, dahil kayo ay nagkakasala sa kaniya, at dahil hindi kayo mga Judio, kaya hindi ninyo siya sinamba. Ngunit binuhay niya kayo kasama ni Cristo; pinatawad niya tayong lahat sa ating mga kasalanan.
\p
\v 14 Lahat tayo ay labis na nagkasala, ngunit pinatawad ng Diyos ang ating mga kasalanan. Katulad ito ng maaaring pagpapatawad ng isang tao sa mga taong nagkautang ng pera sa kaniya, kaya pinunit niya ang mga papel na pinirmahan nila nang pautangin niya sila ng pera. Ngunit sa Diyos, ito ay parang ipinako niya sa krus kung saan namatay si Cristo ang mga papel na iyon na kung saan isinulat niya ang lahat ng ating mga kasalanan at lahat ng mga sinuway nating mga batas.
\p
\v 15 Bukod pa rito, tinalo ng Diyos ang masasamang espiritu na namumuno sa mga tao sa mundo at ipinaalam niya sa lahat na tinalo niya sila. Ito ay parang ipinarada niya sila sa mga kalye bilang mga bilanggo!
\s5
\p
\v 16 Kaya huwag ninyong pansinin ang mga taong nagsasabing paparusahan kayo ng Diyos dahil kumakain kayo ng mga pagkain at mga inumin o dahil hindi kayo nagdiriwang ng espesyal na taunang pagdiriwang o tuwing lumalabas ang bagong buwan o lingguhang Araw ng Pamamahinga.
\p
\v 17 Ang mga uri ng mga alituntuning ito at mga pangyayari ay naglalarawan lamang ng kung ano ang tunay na paparating. Si Cristo mismo ang tunay na paparating.
\s5
\p
\v 18 Huwag ninyong hayaan ang mga tao na pigilan ang Diyos na iligtas kayo sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa inyo na paniwalaan ang mga sinasabi nila at na dapat kayong kumilos ng may mababang-loob at sumamba sa mga anghel. Ang mga taong ito ay palaging nagsasalita ng tungkol sa mga pangitain na sinasabi nilang ipinakita sa kanila ng Diyos. Ipinagmamayabang nila ang tungkol sa mga bagay na ito dahil nag-iisip sila ng tulad ng mga tao sa lahat ng dako na hindi nagbibigay parangal sa Diyos.
\p
\v 19 Ang mga taong ito ay hindi kasapi kay Cristo. Ngunit siya ay tulad ng ulo ng katawan at ang katawang iyon ay ang lahat ng mga naniniwala sa kaniya. Ang buong katawan ay nakadepende sa ulo. Ang mga buto at mga kasu-kasuan ang magdidikit sa buong katawan, ngunit ang Diyos ang nagpapalago sa atin, at ang ulo na siyang nagbibigay ng pangangailangan nito.
\s5
\q
\v 20 Itinuring ng Diyos na kayo ay namatay kasama ni Cristo nang siya ay namatay. Kaya ngayon ang mga espiritu at lahat ng mga alituntunin na ginawa ng mga tao kung paano bigyang lugod ang Diyos: wala na sa mga bagay na ito ang mamumuno sa inyo. Kaya bakit namumuhay pa rin kayo na parang ang mga bagay na ito ay totoo? Bakit sinusunod pa rin ninyo ang mga bagay na ito?
\p
\v 21 Ang mga alituntuning ito ay gaya ng: "Huwag ninyong hawakan ang anumang bagay. Huwag ninyong tikman ang anumang bagay. Huwag ninyong hihipuin ang anumang bagay." Huwag ninyong isipin na kailangan pa ninyong sundin ang mga panuntunang ito.
\p
\v 22 Ang mga patakarang ito ay tungkol sa mga bagay na nabubulok sa mundong ito habang ginagamit ito ng mga tao.
\p
\v 23 Ang mga patakarang ito ay maaaring mabuti. Ngunit ginawa ito ng mga tao dahil sinusubukan nilang parangalan ang Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit kadalasan ay nagmumukha silang mapagpakumbaba; iyon ang dahilan kung bakit sinasaktan nila ang kanilang mga sariling katawan. Ngunit kung susundin natin ang mga patakarang ito, hindi talaga tayo humihinto sa paggawa ng kasalanan.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Itinuring ng Diyos na muli niya kayong binuhay nang buhayin niya si Cristo matapos siyang mamatay. At si Cristo ay nasa langit at nakaupo sa kanan ng Diyos, ang lugar para sa taong mayroong pinakadakilang karangalan at kapangyarihan. Dapat din ninyong subukang mamuhay rito na para bang naroon na kayo.
\p
\v 2 Naisin ninyo ang inihanda ni Jesus sa langit upang ibigay sa inyo, huwag ninyong naisin ang mga bagay dito sa lupa.
\p
\v 3 Sapagkat itinuturing ng Diyos na namatay na kayo at hindi na pag-aaari ng mundong ito. Itinuring niyang itinago niya kayong kasama ni Cristo upang mapanatili kayong ligtas.
\p
\v 4 Kapag inihayag ng Diyos si Cristo sa lahat ng nasa lupa sa kaniyang maningning na liwanag, ihahayag din niya kayo sa parehong liwanag dahil binuhay kayo ni Cristo!
\s5
\p
\v 5 Samakatwid, ituring ninyong mga kaaway na dapat nang mamatay ang lahat ng mga masasamang bagay na nais ninyong gawin sa mundong ito. Dapat ninyong patayin ang mga ito. Huwag subukang gumawa ng kahalayan sa laman o maruruming gawa. Huwag mag-isip sa mahahalay at masasamang pamamaraan. At huwag maging sakim sapagkat tulad ito ng pagsamba sa mga diyus-diyosan.
\p
\v 6 Dahil gumagawa ang mga tao ng mga bagay na tulad nito nagagalit ang Diyos sa kanila, sapagkat hindi nila sinusunod ang Diyos.
\p
\v 7 Namuhay rin kayong tulad nito noong una, nang namumuhay kayong katulad ng mga gumagawa ng mga iyon.
\p
\v 8 Ngunit ngayon, dapat na ninyong itigil ang paggawa ng mga bagay na ito. Huwag kayong magalit sa isa't isa. Huwag subukang gumawa ng kaguluhan sa pagitan ng isa't isa. Huwag hamakin ang isa't isa o magsalita sa kahiya-hiya at kasuklam-suklam na paraan.
\s5
\p
\v 9 At huwag kayong magsinungaling sa isa't isa. Huwag ninyong gagawin ang anuman sa mga bagay na ito, dahil naging isa na kayong bagong nilalang, isang taong hindi na gumagawa ng mga masasamang bagay na ito.
\p
\v 10 Isa na kayong bagong nilalang at patuloy kayong binabago ng Diyos upang lubusan pa ninyo siyang makilala, ang lumikha sa inyo bilang isang bagong nilalang na katulad niya.
\p
\v 11 Ginawa tayo ng Diyos na mga bagong nilalang na ipinagkaisa kay Cristo at palagi niya tayong binabago. Kaya hindi na mahalaga kung ang isang tao ay Judio o hindi Judio, o kung ang isang tao ay tuli o hindi tuli, o kung ang isa man ay dayuhan o walang pinag-aralan, o kung isa man ay alipin o hindi alipin. Ngunit sa halip, ang mahalaga ay si Cristo na siyang lahat ng bagay sa inyong lahat.
\s5
\p
\v 12 Dahil pinili kayo ng Diyos at ibinukod bilang kaniyang mga hinirang at dahil iniibig niya kayo, maawain, mahabagin at buong kabaitan ninyong paglingkuran ang inyong kapwa. Buong kababaang-loob at maging mahinahon kayong magmalasakit para sa isa't isa nang may pagtitiis
\p
\v 13 at magtiis kasama ang isa't isa. Kung may hinaing ang isang tao laban sa isa pang tao, patawarin ninyo ang isa't isa. Pinatawad kayo ng Panginoong Jesus, kaya dapat rin ninyong patawarin ang isa't isa.
\p
\v 14 At ang pinakamahalaga ay ang ibigin ang isa't isa dahil sa pamamagitan ng paggawa nito ganap ninyong maipagbubuklod ang inyong mga sarili.
\s5
\q
\v 15 Si Cristo ang dahilan kaya namumuhay kayo nang may kapayapaan sa Diyos at sa isa't isa, kaya palagi kayong mamuhay nang maayos upang manatili kayong mapayapa. Ito ang dahilan kung bakit niya kayo tinawag upang magsama-sama kayo. At palagi kayong magpasalamat sa Diyos sa lahat ng bagay.
\p
\v 16 Habang kayo ay nabubuhay at naglilingkod sa Diyos, palagi ninyong sama-samang sundin ang itinuro sa inyo ni Cristo. Turuan at sabihan ninyo ang isa't isa nang may karunungan. Purihin at buong pusong pasalamatan ang Diyos sa inyong pag-awit ng mga salmo, imno at mga awiting nagbibigay karangalan sa kaniya.
\p
\v 17 Anuman ang inyong sasabihin at gagawin, gawin ninyo ito upang parangalan ang Panginoong Jesus at gawin ito habang nagpapasalamat kayo sa Diyos dahil sa ginawa ni Cristo para sa inyo.
\s5
\q
\v 18 Mga asawang babae, sundin ninyo ang inyong asawa, ito ang tama at naaayon sa iniutos ng Panginoong Jesus.
\q
\v 19 Mga asawang lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag maging malupit sa kanila.
\p
\v 20 Mga anak, palagi ninyong sundin ang inyong mga magulang dahil masisiyahan ang Panginoong Diyos kapag ginawa ninyo iyon.
\p
\v 21 Mga ama, huwag kayong maging dahilan upang magalit ang inyong mga anak upang hindi sila panghinaan ng loob.
\s5
\p
\v 22 Mga alipin, palagi ninyong sundin ang inyong mga amo dito sa lupa. Huwag lamang ninyong sundin ang inyong mga amo kapag nakatingin sila sa inyo, tulad ng mga nagnanais lamang na isipin ng kanilang amo na palagi silang sumusunod. Sa halip, sundin ninyo ang inyong mga amo nang buong puso dahil pinararangalan ninyo ang Panginoong Jesus.
\p
\v 23 Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong puso para sa Panginoong Jesus at hindi para sa mga tao. Huwag kayong gumawa tulad ng mga gumagawa para sa kanilang mga amo,
\p
\v 24 dahil alam ninyong gagantimpalaan kayo ng Panginoon, matatanggap ninyo ang inyong bahagi na ipinangako sa inyo ng Panginoon. Si Jesu-Cristo ang tunay na Panginoong inyong pinaglilingkuran.
\q
\v 25 Ngunit hahatulan din ng Diyos ang bawat isa, parurusahan niya ang mga gumagawa ng masama gaya ng nararapat sa kanila.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Mga amo, pakitunguhan ang inyong mga alipin nang makatarungan at patas at ipagkaloob nang maayos ang kanilang mga pangangailangan, dahil alam ninyo na mayroon din kayong Panginoon sa langit.
\s5
\p
\v 2 Magpatuloy kayo sa pananalangin. Huwag maging tamad, sa halip magpatuloy sa pananalangin at pagpapasalamat sa Diyos.
\p
\v 3 Sama-sama rin kayong manalangin para sa amin, upang gawin ng Diyos na posibleng malaya naming maipaliwanag ang magandang balita, ang lihim tungkol kay Cristo na ipinahahayag ng Diyos ngayon sa lahat ng dako. Dahil ipinahayag namin ang magandang balita kaya ako nakakulong ngayon.
\p
\v 4 Manalangin kayo na ganap kong maipaliwanag ang magandang balita.
\s5
\p
\v 5 Mamuhay ng may karunungan para sa mga hindi mananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat sandaling kasama sila upang ipahayag ang magandang balita sa kanila.
\p
\v 6 Palagi kayong magsalita sa paraan na magiliw, kaaya-aya at kapaki-pakinabang sa mga hindi naniniwala sa Panginoong Jesus. At malalaman ninyo kung paano makipag-usap sa bawat tao tungkol sa Panginoon.
\s5
\p
\v 7 Sasabihin sa inyo ni Tiquico ang lahat ng nangyayari sa akin. Isa siyang kapwa mananampalataya na aking minamahal, tapat na tumutulong sa akin at kasama kong naglilingkod sa Panginoong Jesus.
\p
\v 8 Ang dahilan kung bakit ko pinapupunta si Tiquico sa inyo kasama ng liham na ito ay upang malaman ninyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang inyong loob.
\p
\v 9 Pinapupunta ko siya kasama si Onesimo, isang tapat na kapwa mananampalataya na aking minamahal at inyong kababayan. Sasabihin nila sa inyo ang lahat ng tungkol sa mga nangyayari dito.
\s5
\p
\v 10 Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko dito sa kulungan, pati na rin si Marcos na pinsan ni Bernabe. Sinabi ko na sa inyo ang tungkol kay Marcos, kaya kapag pumunta siya sa inyo, tanggapin ninyo siya.
\p
\v 11 Binabati rin kayo ni Jesus na kilala rin sa pangalang Justo. Ang tatlong lalaking ito lamang ang mananampalatayang Judio na kasama ko upang ipahayag ang Diyos bilang hari, sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Malaki ang naitulong nila sa akin at pinalakas nila ang aking loob.
\s5
\p
\v 12 Binabati kayo ni Epafras na kababayan ninyo at isang lingkod ni Cristo Jesus. Madalas siyang taimtim na nananalangin para sa inyo na maging malakas kayo at maniwala sa lahat ng mga bagay na itinuro at ipinangako ng Diyos sa atin.
\p
\v 13 Masasabi ko na naglingkod siya nang mabuti para sa inyo, para sa mga nakatira sa lungsod ng Laodicea at sa mga nakatira sa lungsod ng Heirapolis.
\p
\v 14 Binabati kayo ni Demas at ng minamahal kong manggagamot na si Lucas.
\s5
\p
\v 15 Batiin ang inyong mga kapwa mananampalataya na naninirahan sa Laodicea, at batiin din si Nimfa at ang pangkat ng mga mananampalatayang nagtitipun-tipon sa kaniyang bahay.
\p
\v 16 Pagkatapos ninyong basahin ang liham na ito, ipabasa din ito sa kapulungan ng Laodicea. At basahin din ninyo ang liham mula sa Laodicea.
\p
\v 17 Sabihin kay Arquipo na tiyaking tapusin ang gawaing ibinigay sa kaniya ng Diyos na dapat niyang gawin.
\s5
\p
\v 18 Ako si Pablo, binabati ko kayo sa liham na ako mismo ang sumulat. Alalahanin at ipanalangin ninyo ako dito sa kulungan. Dalangin ko na patuloy na kumilos ang kagandahang loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa inyong lahat.