forked from WA-Catalog/tl_udb
294 lines
22 KiB
Plaintext
294 lines
22 KiB
Plaintext
\id PHP
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Mga Taga-Filipos
|
|
\toc1 Mga Taga-Filipos
|
|
\toc2 Mga Taga-Filipos
|
|
\toc3 php
|
|
\mt Mga Taga-Filipos
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako, si Pablo, ang sumusulat ng liham na ito para sa mga minamahal kong kapwa mananampalataya na naninirahan sa lungsod ng Filipos. Sina Pablo at Timoteo ang nagpadala ng liham na ito sa inyo, kayo na naglilingkod kay Cristo Jesus. Isinusulat namin ito para maipadala sa inyong lahat na nasa Filipos na mga ibinukod ng Diyos para sa kaniyang sarili, kayong mga pinag-isa kay Cristo Jesus. Ipinapadala rin namin itong liham sa mga tagapangasiwa at mga dyakono na naglilingkod diyan.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ipinapanalangin namin na bigyan kayo ng ating Diyos Ama at ng ating Panginoong Jesu-Cristo ng kagandahang loob at ng kapayapaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Sa tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa aking Diyos habang ako ay nanananalangin sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 4 Palagi akong nananalangin para sa inyo na may galak
|
|
\p
|
|
\v 5 at nagpapasalamat sa Diyos dahil kayo ay naglilingkod na kasama ni Timoteo, kasama ko, at ng iba pa sa pagpapahayag ng magandang balita simula pa noong kayo ay unang nanampalataya hanggang ngayon.
|
|
\p
|
|
\v 6 Alam ko na gumagawa ang Diyos ng mabubuting bagay sa inyong lahat. Lubos akong nakatitiyak na magiging ganap ang lahat ng bagay na ito sa oras ng muling pagbabalik ni Jesu-Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 7 Nararapat lang na ganito ang aking nararamdaman para sa inyo, dahil buong puso ko kayong iniibig. Naging kasama ko kayo na maisakatuparan ang gawaing pinagkaloob sa akin ng Diyos, nasa loob man ako ng kulungan ngayon, o kung nasa labas na nagpapahayag ng magandang balita at ipinapakita sa mga tao na ito ay totoo.
|
|
\p
|
|
\v 8 Alam ng Diyos kung gaano ko ninanais na makapiling kayo, katulad ng kung gaano kalalim ang aking pagmamahal sa inyo, ganoon din kagiliw ang pag-ibig ni Cristo Jesus sa inyong lahat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Ipinapanalangin ko kayo na mas pagtibayin pa ang inyong pagmamahal sa inyong kapwa, at malaman at maunawaan kung bakit iyon ang nais ng Diyos na gawin ninyo.
|
|
\p
|
|
\v 10 Ipinapanalangin ko rin na bigyan kayo ng Diyos ng kakayahang maunawaan kung ano ang inyong dapat paniwalaan at ang pinakamainam na paraan kung paano kayo kumilos. Ito ang ipinapanalangin ko upang sa muling pagbabalik ni Cristo kayo ay maging tapat at walang bahid ng kasalanan.
|
|
\p
|
|
\v 11 Ipinapanalangin ko rin na patuloy ninyong gawin ang lahat ng mga bagay na kaya ninyong gawin sapagkat ipinahayag ng Diyos na kayo ay matuwid sa kaniyang paningin dahil kay Jesu-Cristo. Nang sa gayon, makikita ng mga tao kung gaano ninyo pinararangalan ang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 12 Mga kapwa kong mananampalataya, nais kong malaman ninyo na hindi hadlang ang mga nararanasan kong paghihirap sa pagpapahayag ng mabuting balita sa mga tao. Sa halip, ang aking paghihirap ang naging dahilan upang makarinig ang maraming mga tao ng magandang balita tungkol kay Cristo.
|
|
\q1
|
|
\v 13 Lalo na ang mga kawal na nagbabantay dito sa Roma at ang iba pang mga tao na narito sa lungsod na nalaman nila ngayon na ako ay nakulong dahil sa pagpapahayag ko ng magandang balita tungkol kay Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 14 Gayundin, nagsimula nang magpahayag ang karamihan sa mga mananampalataya na taga-rito ng mabuting balita tungkol kay Jesus na may tapang at walang takot dahil mas matibay na ang kanilang pananalig na tutulungan sila ng Panginoon. Nagpahayag sila na may katiyakan tungkol kay Jesus dahil nakita nila kung papaano ako tinulungan ng Panginoon na makapagpahayag ng magandang balita dito sa loob ng kulungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 May mga taong nagpapahayag ng magandang balita dahil naiinggit sila at nais nilang sila ang parangalan ng mga mananampalataya at hindi ako. Ngunit ang iba naman ay nagpapahayag ng magandang balita dahil mahal nila si Cristo at nais nilang makarinig ng magandang balita ang mga taong hindi pa nakakarinig nito.
|
|
\p
|
|
\v 16 Sila na nagpapahayag ng magandang balita alang-alang sa kanilang pag-ibig kay Cristo ang nakakaalam na itinalaga ako mismo ng Diyos na magpahayag sa mga tao at ipaliwanag kung bakit ang magandang balita ay totoo.
|
|
\p
|
|
\v 17 Ngunit sila na nagpapahayag ng magandang balita tungkol kay Cristo para lamang sa pansariling dahilan ay walang mabuting dahilan para ipahayag ito. Naniniwala sila na sa ganitong paraan mas makakaranas ako ng mas matinding paghihirap habang narito ako sa loob ng kulungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Ngunit hindi ito ang mahalaga! Pinapahayag ng mga tao ang magandang balita tungkol kay Cristo, maging sa mabubuti o sa mga masasamang dahilan man. Kaya nagagalak ako na pinapalaganap ng mga tao ang mensahe tungkol kay Jesu-Cristo! At patuloy akong magagalak dahil dito!
|
|
\p
|
|
\v 19 Magagalak ako dahil alam ko na ako ay palalayain ng Diyos sa pagkakakulong. Gagawin niya ito dahil kayo ay nananalangin para sa akin at dahil tinutulungan ako ng Espiritu ni Jesu-Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Umaasa ako nang may pananabik at may katiyakan na hindi ako kailanman mabibigong gampanan ang mga dapat kong gawin. Sa halip, magkakaroon ako ng lakas ng loob ngayon tulad ng nakaraan. Pararangalan ko si Cristo gamit ng aking katawan, maging sa buhay man o sa kamatayan.
|
|
\p
|
|
\v 21 Sapagkat para sa akin, nabubuhay ako upang parangalan si Cristo. Ngunit kung sakaling mamatay ako, mas higit na may pakinabang ito para sa akin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Sa kabilang banda, kung patuloy akong mabubuhay sa aking katawan dito sa lupa, makapagpapatuloy akong makapaglingkod kay Cristo dito. Kaya hindi ko alam kung mas nanaisin kong mabuhay o mamatay.
|
|
\q
|
|
\v 23 Hindi ko alam kung ano ang aking pipiliin, ang mabuhay o ang mamatay. Hinahangad ko nang mamatay at lisanin ang mundong ito para makapiling na si Cristo, dahil ang makapiling si Cristo ay mas higit na mainam para sa lahat.
|
|
\p
|
|
\v 24 Ngunit kinakailangan kong manatiling mabuhay dito sa lupa sapagkat kailangan pa ninyo ako upang tulungan kayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 25 Dahil naniniwala ako dito na mananatili akong mabubuhay kasama ninyong lahat upang matulungan ko kayong maging mas magalak at magtiwala kay Cristo Jesus.
|
|
\p
|
|
\v 26 Kaya dapat kayong magalak sa akin dahil kay Cristo Jesus na makakapiling ko kayong muli.
|
|
\p
|
|
\v 27 Ang pinakamahalaga sa lahat, mamuhay kayo sa paraan na nagbibigay karangalan sa magandang balita tungkol kay Cristo, sa harap ng mga taong naninirahan sa inyong paligid. Gawin ninyo ito, dumating man ako o hindi sa inyong piling, kung papaano kayong namumuhay ng maayos ay tiyak na magbibigay sa akin ng kagalakan. Ang dapat na napapabalita sa akin ay ginagawa ninyong lahat ang inyong makakaya upang kayo ay maniwala at mamuhay ayon sa tinuturo ng magandang balita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Huwag ninyong hayaang takutin kayo ng mga taong sumasalungat sa inyo. Kung kayo ay magpapakatatag at maninindigan, ipinapakita ninyo sa kanila na sila ay lilipulin ng Diyos at kayo naman ay kaniyang ililigtas.
|
|
\p
|
|
\v 29 Mabuti ang Diyos sa inyo dahil hinahayaan niya kayong makaranas ng paghihirap para kay Cristo pati na rin ang magtiwala sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 30 Magpatuloy kayong manindigan laban sa mga taong sumasalungat sa magandang balita, katulad ng inyong nakikita sa akin na naninindigan laban sa mga ganitong mga tao sa Filipos, at katulad pa rin sa kasalukuyan na patuloy akong naninindigan laban sa ganitong uri ng mga tao dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Yamang pinalalakas ni Cristo ang ating loob, yamang minamahal niya tayo at binibigyan niya tayo ng kaginhawaan, yamang nakikisama ang Espiritu ng Diyos sa atin at yamang napakamaawain sa atin ni Cristo,
|
|
\p
|
|
\v 2 gawin ninyo akong ganap na maligaya sa pamamagitan ng paggawa sa mga sumusunod ng mga bagay. Magkasundo kayo sa isa't isa, magmahalan kayo, kumilos kayo nang sama-sama bilang isang tao at subukang magtagumpay sa parehong mga bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Huwag ninyong subukang gawing mas mahalaga ang inyong mga sarili kaysa sa iba o magmayabang tungkol sa inyong ginagawa. Sa halip, magpakumbaba kayo at lalong lalo na igalang ninyo ang isa't isa nang higit pa sa paggalang ninyo sa inyong mga sarili.
|
|
\p
|
|
\v 4 Ang bawat isa sa inyo ay hindi lang dapat mag-alala tungkol sa pansarili ninyong pangangailangan. Sa halip, ang bawat isa sa inyo ay dapat ding mag-alala na makatulong kayo na gawin ang mga pangangailangan ng iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Mag-isip kayo kagaya ng paraan kung paano mag-isip si Cristo Jesus:
|
|
\p
|
|
\v 6 Kahit na siya ay katulad ng Diyos, hindi niya ipinilit na siya ay maging kapantay ng Diyos.
|
|
\q
|
|
\v 7 Sa halip, itinigil niya ang pagkilos bilang isang Diyos. Nagpakita siya sa atin bilang isang lingkod. Siya ay naging isang tao. Nagpakita siya ng anyong tao, kahit na siya ay isang Diyos,
|
|
\p
|
|
\v 8 At ibinaba niya ang kaniyang sarili at sumunod sa Diyos, kahit na kinailangan niyang mamatay, maging ang mamatay sa krus gaya ng isang kriminal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 9 Kaya lubos siyang pinarangalan ng Diyos, pinarangalan siya ng higit pa sa lahat ng taong nabuhay,
|
|
\p
|
|
\v 10 upang sa tuwing maririnig ng mga tao ang pangalang "Jesus" ay yuyuko sila upang parangalan siya, ang lahat sa langit, sa mundo, at sa ilalim ng lupa,
|
|
\p
|
|
\v 11 upang kilalanin ng lahat na si Jesu-Cristo ay Panginoon, at pupurihin nila ang Diyos Ama dahil sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Mga minamahal kong kaibigan, gaya ng palagi ninyong pagsunod sa Diyos kapag kasama ninyo ako, ngayong malayo ako sa inyo, mas lalo pa kayong sumunod sa kaniya. Sama-sama ninyong parangalan ang Diyos, maging mapagpakumbaba, at gumawa hanggang sa dumating ang panahon na ganap niya kayong ililigtas.
|
|
\p
|
|
\v 13 Dahil ang Diyos ay kumikilos sa inyong mga puso para gustuhin ninyong gumawa at pagkatapos ay gumawa ng mga mabubuting gawain na makapagpapalugod sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang pagrereklamo at pagtatalo,
|
|
\p
|
|
\v 15 upang hindi mo gawin o isipin ang kahit na anong mali habang ikaw ay nabubuhay kasama ng mga hindi nananampalataya yamang marami sa mga ito ay masasamang tao na tinatawag na masama ang mabuti. Kasama sa mga masasamang taong ito, dapat maging tulad ng mga bituin sa gabi na kumikinang sa gitna ng kadiliman.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ipagpatuloy ninyo ang pagtitiwala sa mensaheng ito na maaaring gawin kang buhay magpakailanman. Kung gagawin ninyo ito, magagalak ako sa oras na bumalik si Cristo, dahil doon ko malalaman na hindi ako gumawa kasama ninyo ng walang kabuluhan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 At ako ay labis na magagalak kasama ninyong lahat, kahit na patayin nila ako at bumuhos ang aking dugo tulad ng inihahandog ko sa Diyos. Ito ay magiging karagdagan sa isinasakripisyo ninyo sa Diyos dahil nagtitiwala kayo sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 18 Gayun din naman, dapat rin kayong magalak kasama ko!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Nagtitiwala ako sa Panginoong Jesus na maipapadala kaagad si Timoteo sa inyo. Umaasa ako na sa pagbalik niya, mabibigyan niya ako ng lakas ng loob sa pamamagitan ng pagsasabi sa akin kung ano ang ginagawa ng Diyos sa inyong mga buhay.
|
|
\q
|
|
\v 20 Wala nang ibang taong katulad ni Timoteo na tunay na nag-aalala sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 21 Ang iba na maaari kong isugo sa inyo ay iniisip lamang ang kanilang pansariling kapakanan. Hindi nila iniisip ang tungkol sa itinuturing ng Diyos na mahalaga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Ngunit nalalaman ninyo na napatunayan na ni Timoteo na mahal niya ang Panginoon, dahil kasama ko siya sa pagtuturo ng magandang balita, gaya ng isang bata na gumagawa kasama ng kaniyang ama.
|
|
\p
|
|
\v 23 May pananalig akong umaasa na ipadala si Timoteo sa inyo sa oras na malaman ko kung ano ang mangyayari sa akin.
|
|
\p
|
|
\v 24 At dahil naniniwala ako na kagustuhan itong mangyari ng Diyos, nananalig ako na malapit na nila akong palayain, at ako mismo ang pupunta sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Naniniwala akong dapat kong isugo si Epafrodito pabalik sa inyo. Kapwa ko siya mananampalataya, kapwa ko manggagawa, kawal para sa Diyos, ang inyong mensahero at lingkod na siyang ipinadala ninyo upang tulungan ako sa aking mga pangangailangan.
|
|
\p
|
|
\v 26 Nang malaman ni Epafrodito na narinig ninyong nagkaroon siya ng karamdaman, labis siyang nangamba at nagsimulang manabik na makasama kayong lahat sa Filipos.
|
|
\p
|
|
\v 27 Sa katunayan, malubha ang kaniyang karamdaman na muntik na niyang ikamatay, ngunit hindi siya namatay. Sa halip, napakabuti ng Diyos sa kaniya at gayun din sa akin, kaya wala akong dahilan upang magluksa ng lubusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Kung kaya isinusugo ko siyang muli sa inyo sa lalong madaling panahon. Gagawin ko ito nang sa gayon ay magalak kayo kapag nakita ninyo siyang muli, at nang ako ay hindi na magdalamhati.
|
|
\p
|
|
\v 29 Tanggapin ninyo si Epafrodito ng may labis na galak na mayroon tayo dahil mahal tayo ng Panginoong Jesus. Parangalan ninyo siya at ang iba pang mga mananampalataya na gaya niya.
|
|
\p
|
|
\v 30 Halos mamatay na siya habang gumagawa siya para kay Cristo. Itinaya niya ang kaniyang buhay upang maibigay ang mga bagay na aking kailangan, isang bagay na hindi ninyo magagawa dahil malayo kayo sa akin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa wakas, mga kapwa ko mananampalataya, patuloy kayong magalak dahil pag-aari kayo ng Panginoon. Bagaman isusulat kong muli ang parehong mga bagay na nabanggit ko na noong una, hindi ako mapapagod dahil sa mga ito at pangangalagaan kayo nito laban sa mga nais manakit sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 2 Mag-ingat kayo sa mga taong mapanganib gaya ng mga mababangis na aso. Sinisira lamang nila ang katawan ng mga tao upang sila ay maging Judio.
|
|
\p
|
|
\v 3 Ngunit para sa atin tinutulungan tayo ng Espiritu ng Diyos upang tunay na sambahin ang Diyos. Nagagalak tayo dahil nagtitiwala tayo kay Cristo Jesus. Walang kahulugan sa atin ang mga ritwal at seremonya na ginagawa ng mga tao. Samakatwid tayo mismo ang tunay na kahulugan ng pagiging tuli.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Kung nakagawa ng sapat na bagay ang sinuman upang malugod ang Diyos, ako dapat iyon.
|
|
\p
|
|
\v 5 Tinuli nila ako, pitong araw matapos akong ipanganak. Ipinanganak ako bilang isa sa mga tao ng Israel. Nagmula ako sa lipi ni Benjamin. Wala kayong matatagpuang taong higit ang pagiging Hebreo kaysa sa akin. Mga Hebreo ang lahat ng aking mga ninuno. At bilang isang Pariseo, sinunod ko ang lahat ng mga kautusan ni Moises at ang itinuro ng ating mga ninuno tungkol sa mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Matindi ang aking hangarin na mapasunod sa kautusan ang mga tao kaya ako ang naging dahilan upang magdusa ang mga mananampalataya kay Cristo. Walang makapagsasabi na hindi ko sinunod ang kautusan.
|
|
\p
|
|
\v 7 Ngunit ang lahat ng itinuturing kong mahalaga ay itinuturing ko ngayong walang halaga dahil binago ako ni Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Sa halip, higit kong itinuturing ngayon ang lahat ng bagay na hindi lamang walang halaga ngunit mga basurang itatapon na walang pakinabang, kumpara sa kung gaano kadakila ang makilala si Cristo Jesus na aking Panginoon. Inalis ko ang lahat ng walang halaga sa aking buhay upang makinabang kay Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 9 Ganap na ako ngayong pag-aari ni Cristo. Alam kong hindi ko magagawang maging mabuti ang aking sarilli sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan. Sa halip, lubusan akong nagtitiwala kay Cristo kaya inihayag ako ng Diyos na mabuti sa kaniyang paningin.
|
|
\p
|
|
\v 10 Nang inihayag ako ng Diyos na mabuti sa kaniyang paningin, ginawa niya ito upang makilala ko si Cristo, upang kumilos ang Diyos sa akin sa pamamagitan ng parehong kapangyarihan na bumuhay kay Cristo mula sa mga patay. Upang magdusa akong kasama ni Cristo, gaya ng kaniyang pagdurusa, at upang magawa ako ni Cristo nang higit na katulad niya nang namatay siya.
|
|
\p
|
|
\v 11 Ang lahat ng ito ay dahil lubos akong umaasa na muli akong bubuhayin ng Diyos gaya ng kaniyang ipinangako.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Hindi ko sinasabi na nangyari na ang lahat ng bagay na ito sa akin. Ngunit patuloy kong sinusubukang matanggap ang mga bagay na ito. Dahil ang mga bagay na ito ang dahilan kung bakit ako inangkin ni Cristo Jesus.
|
|
\p
|
|
\v 13 Mga kapwa ko mananampalataya, tiyak na hindi ko pa iniisip na lubusan nang nangyari sa akin ang lahat ng mga bagay na ito. Ngunit ako ay tulad ng isang mananakbo, dahil hindi ko na tinitingnan ang nasa aking likuran habang tumatakbo patungo sa hangganan.
|
|
\p
|
|
\v 14 Sa halip, patuloy akong tumatakbo patungo sa hangganan upang makamit ang gantimpala, ang mabuhay magpakailanman kasama ang Diyos. Ito ang dahilan kaya ako tinawag ng Diyos at ginawang posible ni Cristo Jesus.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 15 Kaya tayong lahat na naging matatag ng mga mananampalataya ay dapat mag-isip sa ganitong paraan. Ngunit kung hindi nag-iisip sa ganitong paraan ang sinuman sa inyo, ipahahayag ito ng Diyos sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 16 Anuman ang totoo tungkol sa atin ngayon, gaano man kalayo ang ating narating, magtiwala tayo kay Cristo nang higit pa sa parehong paraan na ginawa na natin noong una hanggang ngayon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Mga kapwa ko mananampalataya, sumama kayo sa akin at tularan ninyo ako at pagmasdang mabuti ang mga taong namumuhay gaya ng aking ginagawa at tinutularan ang ating halimbawa.
|
|
\q
|
|
\v 18 Maraming tao ang nagsasabing naniniwala sila kay Cristo, ngunit sinasalungat nila ang ginawa niya sa krus para sa atin. Maraming beses ko nang sinabi sa inyo noon ang tungkol sa mga taong iyon at nalulungkot ako ngayon at umiiyak habang sinasabi kong muli sa inyo ang tungkol sa kanila.
|
|
\q
|
|
\v 19 Sa huli, wawasakin sila ng Diyos dahil naging diyos nila ang hilig ng kanilang katawan at namumuhay sila nang kahiya-hiya at nag-iisip tungkol sa mga bagay sa daigdig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Para sa atin, mga mamamayan tayo sa langit. Mula roon, sabik tayong naghihintay na bumalik ang ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.
|
|
\p
|
|
\v 21 Babaguhin niya ang katawang mayroon tayo ngayon, mahina at mababang mga katawan, tungo sa mga katawang tulad ng kaniyang makapangyarihang katawan. Gagawin niya ito sa pamamagitan ng parehong kapangyarihan na ginamit niya upang pamahalaan ang lahat ng bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Mga kapwa ko mananampalataya, mahal ko kayo at kinasasabikan ko kayo. Binigyan ninyo ako ng kagalakan, kayo ang dahilan kaya ako gagantimpalaan ng Diyos. Mahal kong mga kaibigan, magpatuloy sa matatag na pananampalataya sa Panginoon, gaya ng sinabi ko sa inyo sa liham na ito.
|
|
\p
|
|
\v 2 Nakikiusap ako sa inyo Eudia at Sintique na muli kayong magkaroon ng mapayapang pakikipag-ugnayan sa isa't isa, dahil pareho kayong pinagkaisa sa Panginoong Jesus.
|
|
\p
|
|
\v 3 Nakikiusap din ako sa inyo, mga matapat kong kasamahan, pakiusap tulungan ang mga kababaihang ito. Buong katapatan nilang ipinahayag ang magandang balita at nagtrabaho silang kasama ko. Kasama si Clemente at iba pang mga kapwa ko manggagawa na nasa aklat ng buhay ang mga pangalan. Ang aklat kung saan isinulat ng Diyos ang mga pangalan ng lahat ng taong iyon na mabubuhay magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Magalak lagi para sa Panginoong Jesus! Muli kong sasabihin, magalak kayo!
|
|
\p
|
|
\v 5 Dapat makita ng lahat ng mga tao na mahinahon kayo dahil malapit lamang ang Panginoon.
|
|
\p
|
|
\v 6 Huwag alalahanin ang tungkol sa anumang bagay. Sa halip, manalangin sa Diyos sa anumang pagkakataon, sabihin sa kaniya ang mga tiyak ninyong pangangailangan, at hilingin ninyong tulungan niya kayo. At magpasalamat sa Diyos sa lahat ng kaniyang ginawa para sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 7 At ang kapayapaan ng Diyos na higit pa sa kaya nating unawain ang magiging tulad ng isang kawal na magbabantay sa inyong mga nararamdaman at sa inyong mga iniisip, sapagkat pinagkaisa tayo kay Cristo Jesus.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Bilang pagtatapos, mga kapwa ko mananampalataya, anuman ang totoo, anuman ang karapat-dapat na iginagalang ng mga tao, anuman ang tama, anuman ang matuwid, anuman ang nakalulugod, anuman ang dapat hangaan, anuman ang mabuti at nararapat upang purihin ng mga tao, ito ang mga bagay na dapat lagi ninyong iniisip.
|
|
\p
|
|
\v 9 Ang mga bagay na iyon na itinuro ko sa inyo at natanggap mula sa akin, ang mga bagay na narinig ninyong sinabi ko at nakita ninyong ginawa ko, iyon ang mga bagay na dapat lagi ninyong gawin. At ang Diyos na siyang nagbibigay sa atin ng kapayapaan ay mapapasainyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Labis akong nagagalak at nagpapasalamat sa Panginoon dahil ngayon, makalipas ang ilang panahon, nagpadala kayo ng pera para sa akin, muli ninyong ipinakita na nagmamalasakit kayo sa akin. Sa katunayan, nagmamalasakit kayo sa akin sa lahat ng oras, ngunit wala kayong pagkakataon upang ipakita ito.
|
|
\p
|
|
\v 11 Hindi ko ito sinasabi dahil may pangangangailangan akong mga bagay. Sa katunayan, natutunan ko ang makontento sa anumang mayroon ako.
|
|
\p
|
|
\v 12 Naranasan kong mangailangan o magkaroon ng marami. Natutunan ko kung paano masiyahan sa lahat ng pagkakataon. Alam ko ang lihim kung paano maging masaya sa lahat ng panahon.
|
|
\p
|
|
\v 13 Magagawa ko ang lahat ng bagay dahil pinapalakas ako ni Cristo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Gayon pa man, ginawa ninyo ang nararapat upang makibahagi sa aking mga paghihirap.
|
|
\p
|
|
\v 15 Mga kaibigan kong nasa Filipos, alam ninyo mismo na noong una kong ipahayag ang magandang balita sa inyo, nang umalis ako sa lalawigan ng Macedonia, walang kapulungan ng mga mananampalataya ang nagpadala ng pera o tumulong sa akin ng anumang bagay maliban lamang sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 16 Kahit noong nasa lungsod ako ng Tesalonica, nagpadala kayo sa akin ng pera nang higit pa sa isang beses upang matustusan ang aking mga pangangailangan.
|
|
\p
|
|
\v 17 Hindi ko sinasabi ang mga ito dahil nais kong magbigay kayo ng pera sa akin ngayon. Sa halip, nais ko kayong makitang gumawa ng higit pang mga bagay na ikalulugod sa inyo ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Mayroon na akong maraming bagay ngayon. Nagkaroon ako ng maraming bagay na ipinadala ninyo sa akin sa pamamagitan ni Epafroditus. Tulad ito ng mga bagay na kapag nagsunog ang mga pari ng isang hayop bilang alay sa Diyos, nagiging mabangong amoy ito sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 19 Ang Diyos na aking pinaglilingkuran ang siyang magbibigay ng lahat ng inyong mga pangangailangan dahil pag-aari kayo ni Jesu-Cristo na nagmamay-ari ng karangyaan at kayamanan sa langit.
|
|
\p
|
|
\v 20 Kaya purihin ang ating Amang Diyos na siyang maghahari magpakailanman! Amen!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Batiin para sa akin ang lahat ng mga mananampalataya. Silang lahat ay pag-aari ng Diyos! Binabati rin kayo ng lahat ng mga mananampalatayang kasama ko rito.
|
|
\p
|
|
\v 22 Pinaparating ng mga Anak ng Diyos dito ang kanilang pagbati sa inyo. Pinapabati rin kayo, lalo na ang mga kapwa mananampalatayang naglilingkod sa palasyo ng Emperador na si Ceasar.
|
|
\p
|
|
\v 23 Hangad kong patuloy na kumilos ang kabutihan ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa inyong lahat.
|