tl_udb/48-2CO.usfm

755 lines
58 KiB
Plaintext

\id 2CO
\ide UTF-8
\h 2 Mga Taga-Corinto
\toc1 2 Mga Taga-Corinto
\toc2 2 Mga Taga-Corinto
\toc3 2co
\mt 2 Mga Taga-Corinto
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ako, si Pablo, kasama si Timoteo, ang ating Kristiyanong kapatid, isinulat ang liham na ito para sa inyo. Isinugo ako ni Cristo Jesus upang maglingkod sa kaniya at upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Ipinapadala namin ang sulat na ito para sa mga nagkaisa bilang mga tao ng Diyos sa lungsod ng Corinto; ipinapadala rin namin ang sulat na ito sa lahat ng mga Kristiyanong naninirahan sa rehiyon ng Acaya, ang mga taong ibinukod mismo ng Diyos para sa kaniya.
\p
\v 2 Sumainyo nawa ang kaloob ng kaniyang pagmamahal at kapayapaan ng Diyos, ito ang mga bagay na mula sa ating Diyos Ama at mula sa Panginoong Jesu-Cristo.
\s5
\p
\v 3 Papurihan nawa natin palagi ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang gumagawa ng kabutihan at palaging nagbibigay sa atin ng kaginhawaan.
\p
\v 4 Binibigyan tayo ng kaginhawaan ng Diyos tuwing dumaranas tayo ng anumang matinding pagsubok. Ang kaniyang kaginhawaan ang nagbibigay lunas sa ating buhay upang maibahagi natin ang parehong kaginhawaan sa ibang taong nakararanas ng paghihirap.
\s5
\p
\v 5 Tulad ng hindi masukat na paghihirap ni Cristo na aming naranasan, naranasan din namin ang hindi masukat na kaginhawaang mula kay Cristo.
\p
\v 6 Kaya sa tuwing nakakaranas kami ng mga paghihirap, ito ay upang mabigyan kayo ng kaginhawaan ng Diyos at mailigtas kayo sa anumang kapahamakan. Kapag binibigyan kami ng kaginhawaan ng Diyos, ito ay upang bigyan niya kayo ng higit na kaginhawaan, upang maturuan niya kayo na maghintay para sa Diyos tuwing dumaranas kayo ng hirap na katulad ng aming paghihirap.
\q1
\v 7 Nakatitiyak kami kung ano ang mangyayari sa inyo; dahil dumanas kayo ng paghihirap tulad ng aming paghihirap, ang Diyos din ang magbibigay kaginhawaan sa inyo tulad ng ginawa niya sa amin.
\s5
\p
\v 8 Mga kapatid namin kay Cristo, nais naming malaman ninyo ang tungkol sa kaguluhang naranasan namin sa probinsiya ng Asya. Ang kaguluhan na iyon ang nagbigay sa amin ng labis na pasakit na halos hindi namin makayanan. Halos nakatitiyak kaming mamamatay na kami.
\p
\v 9 Hinatulan na nila kami ng kamatayan at naghihintay na kami sa aming kamatayan. Ang hatol na iyon ang nagturo sa amin na hindi kami dapat magtiwala sa aming sariling kakayahan kundi sa Diyos lamang na bumubuhay sa mga patay at nagpapanumbalik sa buhay.
\p
\v 10 Ngunit iniligtas kami ng Diyos mula sa mga matitinding panganib na iyon at nangako siyang ililigtas niya kami sa hinaharap.
\s5
\p
\v 11 Gagawin niya ito habang tinutulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong mga panalangin para sa amin. Ngayon, marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa kaniyang kabutihan sa amin, yamang marami ang nanalangin para sa amin.
\s5
\q1
\v 12 Natutuwa kaming sabihin na namuhay kaming matapat at marangal para sa lahat ng tao. Namuhay kami sa mundo bilang mga tao ng Diyos at may malalim kaming pagtitiwala sa Diyos, kaloob ito mula sa kaniya. Hindi kami namuhay sa anumang pinahahalagahan ng mundo. Hindi kami nakinig sa karunungan ng mundo kung ano ang dapat naming piliin na gawin. Sa halip, ginawa kaming tapat at banal ng Diyos kung paano kami mamuhay.
\q1
\v 13 Nabasa na ninyo ang aking mga liham. Sinulat ko ang mga ito upang maintindihan ninyo.
\p
\v 14 May nalalaman na kayong bahagya sa amin, ngunit sa araw na darating ang Panginoong Jesus, umaasa akong ipagmamalaki ninyo kami sa kaniyang harapan at lubos namin kayong ipagmamalaki.
\s5
\p
\v 15 Nakakasiguro akong ito ang dahilan kung bakit nais kong dalawin muna kayo, upang madalaw ko kayo ng dalawang beses.
\p
\v 16 Ninanais ko kayong makita sa aking pagpunta sa Macedonia at upang sa aking pagbalik mula roon, maihatid ninyo ako patungong Judea.
\s5
\p
\v 17 Nakatitiyak ang aking isipan na ito ang magiging plano. Hindi ako nagsasabi ng "Oo" at sasabihin sa inyo na "Hindi." Hindi ako gumagawa ng mga plano na gaya ng mga madalas na ginagawang plano ng mga hindi mananampalataya.
\p
\v 18 Ngunit tapat ang Diyos sa paggabay sa amin, at hindi rin namin kayo ginugulo. Gumagawa kami ng mga plano at nananatili kami sa mga ito.
\s5
\p
\v 19 Mula sa Anak ng Diyos ang aming "Oo", si Jesu-Cristo na aming ipinapahayag sa inyo, at walang anumang pagdadalawang-isip sa kaniya—walang "Oo" at "Hindi" sa kaniya. Sa halip, "Oo" ang lahat sa kaniya.
\p
\v 20 Sapagkat laging "Oo" ang mga pangako ng Diyos dahil mula ito sa kaniya. At nakadaragdag tayo ng pagpapatibay sa kaniyang "Oo". At sasabihin natin sa kaniyang kaluwalhatian: "Oo, totoo ito!"
\s5
\p
\v 21 Binubuklod tayo ng Diyos upang maging matibay tayong mga Kristiyano dahil kapwa iisa tayo kay Cristo at kami ang kaniyang isinugo upang ipahayag ang magandang balita.
\p
\v 22 Inilagay na niya ang kaniyang tatak sa amin, kaya malalaman lahat ng tao na pinahintulutan niya kami. At ipinagkaloob niya sa amin ang Banal na Espiritu na nananahan sa amin bilang isang pangakong hindi nasisira, na marami pa siyang gagawing bagay para sa amin.
\s5
\q
\v 23 Ang Diyos nawa ang magpatunay sa dahilan ng hindi ko pagpunta sa inyo, mga Kristiyano sa Corinto upang hindi ninyo ako kailangang makaharap na nagbibigay ng mag pagtutuwid.
\p
\v 24 Hindi kami gaya ng mga panginoon na nagbibigay ng mga utos sa inyo kung paano kayo dapat magtiwala sa Diyos. Gayon pa man, nais naming gumawa kasama ninyo, upang matuto kayong magtiwala sa Diyos anuman ang mangyari at magkaroon ng kagalakan sa pagtitiwala sa kaniya.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Noong huling dumalaw ako sa Corinto, alam kong nasaktan ko kayo ng lubos dahil sa aking mga nasabi sa inyo. Nakatitiyak ako ngayon na hindi na ako makakasakit pang muli sa aking pagdalaw sa inyo.
\p
\v 2 Nagdulot ako ng matinding pasakit sa inyo noong huling dumalaw ako, at ang mga taong makapagpapasaya sa akin ng lubusan ay ang mga tao rin na aking nasaktan noong naroon ako.
\s5
\q
\v 3 Isinulat ko ang liham na ito upang sa pagdating ko sa inyo, hindi na ako muling makaramdam ng lungkot sa inyo, kayo na dapat nagbigay ng kagalakan sa akin! Nakakatiyak ako na marami tayong dahilan upang magalak.
\p
\v 4 Sumulat ako sa inyo dahil may mga hinanakit at sama ng loob pa rin sa aking puso, napakarami na ng pagluha ko para sa inyo, at ayaw ko ng masaktan ko pa kayong muli. Nais kong malaman ninyong lahat kung gaano ko kayo kamahal.
\s5
\p
\v 5 Ang taong ito na nahulog sa kasalanan ay hindi lamang niya ako napalungkot dahil sa kaniyang nagawa, ang kaniyang kasalan ang nagdulot sa inyo ng kalungkutan.
\p
\v 6 Napagkasunduan natin lahat kung ano ang ating gagawin sa taong ito at sa kaniyang kasalanan. Naparusahan na siya ngayon at makatarungan ang kaniyang parusa.
\q
\v 7 Kaya ito na tayo ngayon, nagdusa siya sa kaniyang kaparusahan, ngunit ngayon, ito na ang panahon upang patawarin siya sa kaniyang nagawa at upang mahalin siya, upang hindi siya mawalan ng pag-asa sa labis na kalungkutan.
\s5
\p
\v 8 Sa harap ng lahat ng mananampalataya, sabihin ninyo kung gaano ninyo siya kamahal.
\q
\v 9 Sinulatan ko kayo upang makita ko kung sinusunod ba ninyo ang Diyos at hinaharap ang suliraning ito.
\s5
\p
\v 10 Kaya ang taong inyong pinatawad, pinapatawad ko rin. Anuman ang aking pinatawad, kahit pa sa mga maliliit na bagay, pinatawad ko dahil sa aking pagmamahal sa inyo, at nagpapatawad ako na para bang nakatayo sa aking harapan si Cristo.
\p
\v 11 Sa pagpapatawad sa taong ito, ginawa natin ito upang hindi tayo malinlang ni Satanas na gawin ang napakasamang bagay. Alam nating lahat ang kaniyang panlilinlang at mga kasinungalingan.
\s5
\p
\v 12 Kahit pa binigyan kami ng maraming pagkakataon ng Panginoon upang makapagpahayag ng magandang balita sa lungsod ng Troas,
\p
\v 13 nag-aalala ako sa ating kapatid na si Tito, dahil hindi ko siya mahanap doon. Kaya iniwan ko ang mga mananampalataya sa Troas at bumalik sa Macedonia upang hanapin siya.
\s5
\p
\v 14 Nagpapasalamat kami sa Diyos na muli niya kaming binuklod kasama ni Cristo, at lagi niya kaming pinangungunahan sa parada ng tagumpay na para kaming nanalo sa isang digmaan! Sa pamamagitan ng aming buhay at ng aming mensahe, saan man kami pumunta, tila isang mabangong samyo kami na gustong maamoy ng mga tao, at ang samyo ay nagmumula sa pagkilala kay Cristo.
\p
\v 15 Naaamoy din ng Diyos ang samyong ito at nakapagpapaalala ito sa kaniya kay Cristo. At naaamoy rin sa amin ang parehas na samyong ito sa lahat ng mga niligtas ng Diyos. Ganun din sa mga taong hindi nailigtas ng Diyos na naamoy ang samyong iyon na nakapagpapaalala kay Cristo.
\s5
\p
\v 16 Sa mga taong hindi iniligtas ng Diyos, tila isang samyo ng patay na tao na muling namatay ang samyong iyon ni Cristo. Ngunit sa mga taong inligtas ng Diyos, para silang samyo ni Cristo na buhay, pumarito upang buhayin rin sila. Sa katunayan, walang sinuman ang makapagpapalaganap sa samyong ito!
\p
\v 17 Alam ninyong maraming tao ang pumupunta sa iba't ibang lungsod na ipinagbibili ang salita ng Diyos para sa pera. Ngunit hindi kami katulad nila. Nagpapakapagod kami upang malugod ang Diyos sa amin at ginagawa namin kung ano ang kaniyang nais. At nagsasalita kami tungkol kay Cristo dahil alam naming nakikita ng Diyos ang lahat ng aming ginagawa, at ipinapahayag namin si Cristo dahil kaisa kami sa kaniya.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Kilala ninyo kami ng lubusan at dapat kayong magtiwala sa amin. Maaaring kailangan ng isang dayuhan ng isang taong kakilala ninyo upang sumulat ng isang liham na nagpapakilala sa kaniya, ngunit kilala na ninyo kami ng lubusan.
\p
\v 2 Kayo mismo ay tulad ng isang liham na nagpapakilala sa amin sa ibang tao, dahil ang lahat na nakakakilala sa inyo ay nakikita kung gaano ninyo kami pinagkakatiwalaan.
\p
\v 3 Ang inyong pamumuhay ay tulad ng liham na isinulat mismo ni Cristo na aming dinala para sa inyo. Tunay ngang hindi ito liham na nakasulat sa tinta o sulatang bato. Kundi ito ay tunay na liham ng Espiritu ng Diyos na nakasulat mismo sa inyong mga puso.
\s5
\p
\v 4 Ganito kami magtiwala sa Diyos, dahil kaisa kami kay Cristo.
\p
\v 5 Wala kaming magagawa na anumang bagay para sa Diyos mula sa aming sariling kalakasan, kaya wala kaming magagawa. Sa halip, ang Diyos ang nagbibigay sa amin ng lahat ng aming pangangailangan upang paglingkuran siya.
\p
\v 6 Binibigay ng Diyos ang aming mga pangangailangan bilang mga lingkod ng bagong tipan. Hindi nakakakuha ng anumang kalakasan ang tipan na ito mula sa mga nakasulat, nagmula sa Espiritu ng Diyos na tumutulong sa amin upang abuhay na kaisa si Cristo. Walang nagagawa ang nakasulat na kautusan kundi nagdudulot lamang ng kamatayan ng mga tao.
\s5
\p
\v 7 Ang kautusan ng Diyos na nagdudulot ng kamatayan ng mga tao, na kaniyang sinulat sa sulatang bato ang dumating kay Moses na may maningning na liwanag na madalas nagliliwanag kung nasaan ang Diyos. Nagliliwanag ng labis ang mukha ni Moises gaya ng liwanag na iyon, na halos hindi makatingin ang mga Israelita sa kaniyang mukha. Gayunman, unti-unting nawala ang liwanag na iyon sa kaniyang mukha.
\p
\v 8 Gaano pa kaya ang nagagawa ng Espiritu na may napakaningning na liwanag.
\s5
\p
\v 9 Nagliwanag din maging ang kautusan sa liwanag ng Diyos. Ngunit sa huli ang kautusan na iyon ang papatay sa mga tao. Kaya kung ginawa tayong matuwid ng Diyos sa kaniya, mas kahanga-hanga ang gawaing ito.
\p
\v 10 Dahil dito, kung ikukumpara ang kautusan sa gawain mismo ng Diyos na pagtutuwid sa atin, hindi na rin kamangha-mangha ang kautusang ito, gaya ng buwan kapag napalapit sa araw.
\p
\v 11 Kaya inyong nakikita ang kautusan na lumilipas, at kamangha-mangha, ngunit makikita ninyo na ang bagay na pumapalit dito ay mas higit na kamangha-mangha dahil mananatili ito kailanman.
\s5
\p
\v 12 At dahil may pagtitiwala kaming mga apostol sa Diyos para sa hinaharap, mayroon kaming lubos na katapangan.
\p
\v 13 Hindi kami tulad ni Moises na naglagay ng talukbong sa kaniyang mukha upang hindi makita ng mga anak ng Israel ang paglipas ng liwanag na mula sa Diyos.
\s5
\p
\v 14 Noon, tumangging maniwala sa mensahe ng Diyos ang mga anak ng Israel. Maging hanggang ngayon, kapag binabasa ang lumang kautusan, nakasuot pa rin sa kanila ang dating talukbong. Aaalisin lamang ng Diyos ang talukbong kung makikipag-isa tayo kay Cristo.
\q
\v 15 Oo, hanggang ngayon, sa tuwing binabasa ang Kautusan ni Moises, tila nakasuot pa rin ang talukbong sa kanilang mga isipan.
\p
\v 16 Ngunit kung lalapit ang tao sa Panginoon, aalisin ng Diyos ang talukbong na ito.
\s5
\p
\v 17 Ngayon, ang salitang "Panginoon" dito ay tumutukoy sa, "Espiritu." Dahil kung nasaan ang Espiritu ng Diyos, nagiging malaya ang mga tao.
\q
\v 18 Ngunit tayo na nananampalataya sa Diyos, nakikita natin ang Panginoon na nagniningning sa liwanag na nagmumula sa Diyos, at nakatingin tayo na walang talukbong sa kaniyang mukha. Binabago pa tayo ng Diyos na maging mas kamangha-manghang tulad niya. Ito ang ginagawa ng Panginoon, siya na mismong Espiritu.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Ibinigay ng Diyos sa atin ang tungkulin na ito upang isagawa, at naawa siya sa atin. Kaya hindi tayo pinanghinaan ng loob.
\p
\v 2 Nag-iingat tayo na hindi makagawa ng mga bagay na maaari nating ikahiya at wala tayong dapat itago sa sinuman. Hindi kami nangangako ng isang bagay na hindi ibibigay ng Diyos at hindi namin binabaluktot ang mensahe ng Diyos upang sabihin ang nais namin. Katotohanan lamang ang ipinapahayag namin. Sa ganitong paraan, ihinaharap namin ang aming mga sarili upang hatulan ninyo sa pagtayo namin sa harapan ng Diyos.
\s5
\p
\v 3 Kung natatakpan ng talukbong ang magandang balita, nakatago ito sa mga namamatay na hiwalay sa Diyos.
\p
\v 4 Para sa kanila, ang diyos ng mundong ito ang gumawa sa kanila upang maging bulag sa katotohanan dahil hindi sila nagtitiwala sa magandang balita tungkol sa kahanga-hangang kadakilaan ni Cristo— sapagkat si Cristo ang nagpakita sa atin kung ano ang katulad ng Diyos.
\s5
\p
\v 5 Hindi namin ipinapahayag ang aming sarili sa inyo bilang mga tao na sasagip sa inyo mula sa anumang kasamaan. Sa halip, ipinapahayag namin si Cristo Jesus bilang aming Panginoon at kami ang inyong mga lingkod dahil nakipag-isa kami kay Jesus.
\p
\v 6 Sapagkat ang Diyos ang siyang nagsabi, "Magliliwanag ang ilaw mula sa kadiliman." Ipinakita niya ang kaniyang liwanag sa aming mga puso, upang kung magtitiwala kami kay Jesu-Cristo, malalaman namin kung gaano kahanga-hanga ang Diyos.
\s5
\p
\v 7 Ngayon dala-dala namin ang mga mahahalagang kaloob na ito mula sa Diyos sa aming katawan, na parang mga babasaging palayok. Walang pagkakamali tungkol sa kung saan nanggagaling ang aming kalakasan nagmumula lamang ito sa Diyos.
\p
\v 8 Dumanas kami ng ibat-ibang uri ng kaguluhan, subalit hindi kami sinira ng mga iyon. Maaaring nalito kami sa kung ano ang dapat naming gawin ngunit hindi kami kailanman sumuko.
\p
\v 9 Sinusubukan kaming saktan ng ilang mga tao, ngunit hindi kami kailanman nag-iisa, para kaming tinutumba ng iba ngunit muli kaming bumabangon.
\p
\v 10 Lagi kaming nasa bingit ng kamatayan, gaya ni Jesus na namatay, ngunit muling mabubuhay ang aming katawan, dahil buhay si Jesus.
\s5
\p
\v 11 Kami na mga nabubuhay, pinangungunahan kami lagi ng Diyos na harapin ang kamatayan dahil nakiisa kami kay Jesus, upang kung titingnan kami ng mga tao malalaman nila na buhay si Jesus.
\p
\v 12 Kaya makikita ninyo na gumagawa ang kamatayan sa amin, ngunit gumagawa ang buhay sa inyo.
\s5
\p
\v 13 Nagtitiwala kami sa Diyos gaya ng sinabi ng kasulatan: "Nagtitiwala ako sa Diyos, ito ang dahilan kaya ko sinasabi ito." Nagtitiwala din kami sa Diyos at sinasabi din namin ang tungkol sa ginawa niya sa amin.
\p
\v 14 Alam namin na ang Diyos na bumuhay sa Panginoong Jesus mula sa kamatayan, ay bubuhayin din kami mula sa kamatayan na kasama niya, at isasama kami ni Jesus kasama ninyo at dadalhin tayo kung saan naroon ang Diyos.
\p
\v 15 Ang lahat ng aking paghihirap ay upang makatulong sa inyo, upang marami pang tao ang makaalam kung gaano sila kamahal ng Diyos na may kalayaan, at upang purihin pa nila ang Diyos nang lubusan.
\s5
\p
\v 16 Hindi kami pinanghinaan ng loob. Kung paunti-unting nanghihina sa bawat araw ang aming mga panlabas na katawan, muling pinapalakas ng Diyos ang aming panloob na katawan sa bawat araw.
\p
\v 17 Sa maikli at panandaliang mga paghihirap na ito ay naghahanda sa amin sa araw na gagawin kami ng Diyos na kamangha-mangha magpakailanman, kamangha-mangha sa mga paraan na walang sinuman ang makakasukat o makapagpapaliwanag.
\p
\v 18 Sapagkat hindi namin hinihintay ang mga bagay na nakikita, ngunit sa mga bagay na hindi natin nakikita. Pansamantala lamang ang mga bagay na nakikita natin ngayon, ngunit ang mga bagay na hindi natin nakikita, mananatili ito magpakailanman.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Alam natin na pansamantalang tirahan lamang ang mga katawang ito, katulad ng mga tolda na hindi nagtatagal. Ngunit alam natin na kung mamamatay tayo, bibigyan tayo ng Diyos ng permanenteng lugar kung saan tayo maninirahan, isang katawang magtatagal magpakailanman, katawang ginawa ng Diyos.
\p
\v 2 Habang nabubuhay tayo sa ating pisikal na katawan, naghihinagpis tayo na may pananabik sa katawan na mapapasaatin sa panahon na mamuhay tayo kasama ng Diyos
\q
\v 3 dahil kung dadamitan tayo ng Diyos sa ating bagong katawan, iyon ang ating magiging panakip tulad ng damit.
\s5
\q
\v 4 Sapagkat nabubuhay tayo sa mga katawang ito na isang araw ay mamamatay at nananabik tayo sa araw na iiwan natin ang mga katawang ito. Hindi sa sabik tayo na mamatay, subalit sabik tayo na madamitan ng ating panghabang-buhay na katawan, katulad ng kasabihang nagsasabi, "Lahat ng mamamatay ay muling bibigyan ng buhay."
\p
\v 5 Ang Diyos mismo ang naghanda ng ating bagong katawan para sa atin, nagbigay siya sa atin ng katibayan na matatanggap natin ang mga iyon sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng kaniyang Espiritu.
\s5
\p
\v 6 Kaya kayo ay dapat laging nakatitiyak na habang nabubuhay tayo sa ating katawang lupa, malayo tayo sa Panginoon na nasa langit
\p
\v 7 (nabubuhay tayo sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kaniya at hindi sa pagtitiwala sa kung ano ang ating nakikita).
\p
\v 8 Dahil inilagay na natin ang ating tiwala sa kaniya, na mas nanaisin pa natin na iwanan ang ating kasalukuyang katawan upang manirahan na kasama ang Panginoon.
\s5
\p
\v 9 Kaya ang layunin namin ay sumunod sa kaniya, narito man kami o nasa langit.
\p
\v 10 Sapagkat haharap tayong lahat kay Cristo kapag uupo na siya bilang hukom ng lahat. Hahatulan niya ang ating ginawa nang nabubuhay pa tayo. Ibibigay ni Cristo ang anumang nararapat sa atin at hahatulan niya kung ano ang mabuti o masama.
\s5
\p
\v 11 Kaya alam namin kung ano ang pagpaparangal sa Panginoon, kaya tinitiyak namin na sabihin sa mga tao kung anong uri siya ng Diyos. Alam ng Diyos kung anong uri tayo ng tao at inaasahan ko na maiintindihan din ninyo kung gumagawa kami ng mabuti o masama.
\p
\v 12 Hindi namin muling sinusubukang patunayan na kami ay tunay na lingkod ng Diyos. Nais lamang naming malaman ninyo kung anong uri kami ng tao, at upang bigyan kayo ng dahilan upang ipagmalaki kami. Ginagawa namin ito upang makaya ninyong sagutin ang mga taong pumupuri sa sarili nilang mga gawa, ngunit wala silang pakialam kung ano sila sa kanilang panloob na pagkatao.
\s5
\p
\v 13 Kung iniisip ng mga tao na baliw kami, gayon paman, naglilingkod kami sa Diyos. Subalit kung nasa tama kaming pag-iisip, ito ay upang tumulong sa inyo.
\p
\v 14 Ang aming pag-ibig kay Cristo ang nag-uudyok sa amin upang magpatuloy. Nakatitiyak kami dito: Namatay si Cristo para sa lahat ng tao, kaya namatay tayong lahat kasama niya.
\p
\v 15 Namatay si Cristo para sa lahat ng tao upang hindi mamuhay ang lahat ng nabubuhay para lamang sa kanilang sarili ngunit dapat mabuhay para kay Cristo, na siyang namatay para sa kanilang mga kasalanan at siyang binuhay ng Diyos mula sa kamatayan.
\s5
\p
\v 16 Dahil hindi na kami nabubuhay para sa aming sarili, hindi kami humahatol sa sinuman ayon sa paraan ng paghatol ng mga hindi mananampalataya. Minsan na rin naming kinilala si Cristo ayon sa mga makataong pamantayan na ito. Subalit bilang mga Kristiyano, hindi na kami humahatol ngayon sa sinuman ng tulad nito.
\p
\v 17 Kapag ang isang tao ay nakiisa kay Cristo at nagtiwala sa kaniya, nagiging isa siyang bagong tao. Lahat ng bagay sa nakalipas ay wala na —Tingnan niyo!—ginawang bago ng Diyos ang lahat sa inyo.
\s5
\p
\v 18 Mula sa Diyos ang lahat ng mga kaloob na ito. Nakipag-ayos siya sa atin upang hindi na tayo maging kaaway ng Diyos. Ngayon mayroon na tayong pakikipagkasundo sa Diyos dahil sa krus ni Cristo. At ibinigay sa atin ng Diyos ang tungkulin na ihayag na ipinag-isa niya ang mga tao sa kaniyang sarili.
\p
\v 19 Ang mensahe na nagdadala sa Diyos at sa mga tao na magkasama, ay kung paano nakipagkasundo ang Diyos sa mundo sa pamamagitan ng ginawa ni Cristo. Hindi na sila pinapanagot ng Diyos sa kanilang mga kasalan. At ngayon, inalis ni Cristo ang ating mga kasalanan at ibinigay ang mensaheng ito na nagdudulot ng pakikipagkasundo at nagpapalapit sa Diyos at sa mga tao sa isa't isa.
\s5
\p
\v 20 Kaya hinirang kami ng Diyos upang kumatawan kay Cristo. Nakikiusap ang Diyos sa inyo sa pamamagitan namin, at nakikiusap kami sa inyo sa ngalan ni Cristo: Sa pamamagitan ni Cristo, hayaan ninyo siyang makipagkasundo sa inyo at ilapit kayo sa kaniyang sarili.
\p
\v 21 Ginawa ng Diyos si Cristo bilang handog para sa kasalanan— ang siyang hindi nagkasala kailanman —upang kung magtitiwala tayo kay Cristo at sumampalataya sa kaniya, ginawa ng Diyos na tama ang ating relasyon sa kaniya.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Gumawa kami ng magkakasama at nakikiusap kami sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang kaloob ng Diyos ng walang pagbabago sa inyo.
\p
\v 2 Dahil sinabi ng Diyos, "Sa panahon na ipinakita ko ang aking awa, nakinig ako sa inyo, at noong tinapos ko ang aking ginawang kaligtasan, tinulungan ko kayo." Tingnan ninyo, ito ang araw na kinaawaan kayo ng Diyos ito ang araw na iniligtas niya kayo.
\p
\v 3 Hindi namin nais na bigyan ang sinuman ng dahilan upang gumawa ng mali dahil hindi namin ninanais na paratangan kami ng sinuman na kami ay nangangaral ng magandang balita upang hikayatin ang paggawa ng masama.
\s5
\p
\v 4 Pinatunayan namin ng paulit-ulit na kami ay tunay na lingkod ng Diyos. Tiniis namin ang matinding paghihirap, matapang naming hinarap ang mga taong nanakit sa amin, at namuhay kami sa mahirap na pagkakataon.
\p
\v 5 Hinampas kami ng labis ng mga tao, ikinulong naman kami ng iba sa bilangguan, kami ang dahilan ng pagkakagulo ng mga tao; dumanas kami ng mabigat na gawain, lumipas ang mga gabi na wala kaming tulog at madalas kaming umaalis ng may kaunting pagkain.
\p
\v 6 Ngunit sa lahat ng ito, dalisay ang aming buhay, malalim ang aming kaalaman, at kaya naming maghintay hanggang sa tapusin ng Diyos ang aming paghihirap. Alam namin kung gaano kabuti si Cristo sa amin; puspos kami ng Banal na Espiritu, at mahal namin ang iba.
\p
\v 7 Namuhay kami ayon sa tunay na salita ng Diyos at nasa amin ang kapangyarihan ng Diyos. Dahil kay Cristo, ginawa kaming matuwid ng Diyos sa kaniyang harapan. Ito ang katotohanan na patuloy naming pinaniniwalaan; katulad ito ng baluti na sinusuot ng kawal at katulad ng mga sandata sa kaniyang mga kamay.
\s5
\p
\v 8 Minsan iginagalang kami ng mga tao, sa ibang pagkakataon, hindi nila kami iginagalang. Minsan nagsasalita sila ng mga masasamang bagay tungkol sa amin at sa ibang pagkakataon, pinupuri nila kami. Pinaparatangan nila kami na kami ay nagsisinungaling, kahit na nagsasabi kami ng katotohanan.
\p
\v 9 Nabubuhay kami na katulad ng mga taong walang nakakakilala, ngunit kilalang-kilala kami ng ilang mga tao. Sinubok kaming patayin ng iba dahil ipinapahayag namin ang mensahe tungkol kay Cristo, kahit wala silang sapat na patotoo upang parusahan kami ng kamatayan.
\p
\v 10 Namumuhay kami sa matinding kalungkutan subalit lagi kaming nagagalak. Namumuhay kami tulad ng mga taong napakahirap subalit mayroon kaming kayamanan na magandang balita na nagpapayaman sa marami. Nakikita ninyo na wala kaming anumang pagmamay-ari, ngunit ang katotohanan pagmamay-ari namin ang lahat ng bagay.
\s5
\p
\v 11 Narinig ninyo ang aming patotoo; sinabi namin ang buong katotohanan sa inyo, kapwa mananampalataya sa Corinto. Binuksan namin na malawak ang aming mga puso sa inyo.
\p
\v 12 Ipinakita namin sa inyo na malaya namin kayong minamahal, subalit tila isinara ninyo ang inyong mga puso sa amin.
\p
\v 13 Magiging makatarungan na nakikiusap ako sa inyo bilang mga anak mahalin rin ninyo kami.
\s5
\p
\v 14 Huwag gumawa ng hindi angkop na mga paraan sa mga taong hindi nagtitiwala kay Cristo. Ano nga bang pagkakatulad ng mga taong namumuhay sa pamantayan at mga tuntunin ng Diyos at sa mga hindi sumusunod sa kautusan at ginagawa anuman ang nais nila? Hindi maaaring magsama ang dilim at liwanag.
\p
\v 15 Paano aayon si Cristo sa anumang kaparaanan ng demonyong si Belial? Ano ang pagkakatulad ng mga taong nagtitiwala sa Diyos sa ibang taong hindi nagtitiwala sa Diyos?
\p
\v 16 Tama ba na dalhin ng mga pagano ang mga diyus-diyosan sa templo ng Diyos? Dahil tayo ang templo ng Diyos na buhay, gaya ng sinabi ng Diyos: "Mananahan ako sa aking mga tao. Mamumuhay ako sa kanila. Ako ang magiging Diyos nila at sila ang aking magiging mga tao."
\s5
\p
\v 17 Kaya sinasabi ng kasulatan: "Lumabas kayo mula sa mga hindi mananampalataya at humiwalay kayo sa kanila," sinabi ng Panginoon, "Huwag hawakan ang anumang bagay na makakarumi sainyo at hindi nakakapuri sa akin, at ibubukas ko ang aking mga kamay upang tanggapin kayo.
\p
\v 18 At ako ang inyong magiging Ama, at kayo ang aking magiging mga anak." Sabi ng makapangyarihang Panginoon.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Mga minamahal, dahil ipinangako ng Diyos ang mga bagay na ito para sa atin, dapat tayong tumigil sa paggawa ng mga bagay sa ating mga katawan o sa ating mga isipan na pumipigil sa atin upang sambahin ang Diyos. Patuloy tayong umiwas sa pagkakasala; manatili tayo sa paggalang sa Diyos na may panginginig sa kaniyang presensya.
\s5
\p
\v 2 Buksan ninyo ang inyong mga puso sa amin! Anuman ang inyong mga maririnig tungkol sa amin, wala kaming pagkakamali sa sinuman. At hindi namin nilalamangan ang sinuman.
\p
\v 3 Hindi ko kayo pinapagalitan upang sumpain kayo. Mahal namin kayo ng buong puso! Iisa tayo ng layunin at mabubuhay ako na kasama ninyo at mamatay din na kasama ninyo.
\p
\v 4 Dagdag pa nito, hindi ko lang kayo minamahal— ipinagmamalaki ko kayo sa iba at umaapaw ako sa kagalakan dahil sa inyo, kahit na dumanas man kami ng mga matinding kalungkutan.
\s5
\p
\v 5 Nang dumating kami sa inyo sa Macedonia, pagod na pagod kami. Naguguluhan kami sa bawat panig —hinarap namin ang mga pahirap na dulot ng ibang tao at natakot kami sa maraming bagay.
\p
\v 6 Subalit ang Diyos ang laging umaaliw sa amin tuwing pinanghihinaan kami ng loob, at inaaliw kami ng Diyos sa panahon na iyon sa pamamagitan ng pagsugo niya kay Tito upang sumama sa amin.
\p
\v 7 Malaking kaaliwan ang pagdating ni Tito, ngunit kayo din ang nang-aliw sa kaniya noong kasama ninyo siya. Nang dumating siya sa amin, sinabi niya kung gaano kalalim ang inyong pag-ibig sa amin at kung paano kayo nahahabag sa aming mga paghihirap. Sinabi din niya kung paano kayo nag-alala ng lubos para sa akin, kaya nagagalak ako ng labis dahil sa inyo.
\s5
\p
\v 8 Alam ko na ang liham na aking isinulat ang nagbigay ng kalungkutan sa inyo, subalit kailangan kong isulat ito. Nagsisisi ako ng isulat ko ito, ngunit kung anuman ang aking naisulat, kailangan ito upang tulungan kayo kung paano harapin ang mga pagsubok sa iglesiya. Alam ko na panandalian lamang ang inyong kalungkutan.
\p
\v 9 Kaya ngayon, maaari na akong magalak, hind dahil sa nalungkot kayo nang nabasa ninyo ang aking sulat, kundi dahil pinalayo kayo ng inyong kalungkutan sa kasalanan na nakakasakit sa inyo ng labis, at pinalitan nito ang inyong kalungkutan sa kapighatian na dinala ng Diyos sa inyo, kapighatian na nagbigay sa inyo ng higit sa nawala sa inyo.
\p
\v 10 Ang uri ng kapighatian na ito ang naglalayo sa isang tao mula sa kasalanan upang mailigtas siya ng Diyos; magsasaya ang mga tao sa huli, dahil sila ay nagkaroon ng ganitong kapighatian. Samantala, ang makamundong kapighatian, ay isang kalungkutan sa inyong mga kasalanan dahil lamang nahulog ka sa mga ito, na patungo lamang sa kamatayan.
\s5
\p
\v 11 Ngayon, isipin ninyo kung gaano kabuti ang nais ninyong gawin dahil mayroon kayong kalungkutang ito na ibinigay ng Diyos sa inyo: nais ninyong ipakita sa akin na wala kayong kasalanan. Labis kayong nag-aalala tungkol sa paratang ng kasalanan at nag-aalala kayo sa mga tao kung paano sila nagkasala. Nais ninyong magkaroon ng katarungan. Sa kabuuan, ipinakita ninyo na wala kayong sala.
\p
\v 12 Anuman ang naisulat ko sa inyo, hindi para sa gumagawa ng mali, at hindi rin ito naisulat para sa nagdusa ng pagkakamali, subalit naisulat ito upang maintindihan ninyo kung gaano kayo naging tapat sa amin. Alam ng Diyos na tapat kayo sa amin.
\s5
\p
\v 13 Sa pamamagitan ng lahat ng ito, lubos kaming nahikayat! Lubos kaming masaya sa mga ibinalita ni Tito sa amin at masaya kami dahil binigyan ninyo siya ng kapahingahan at tinulungan ninyo siya.
\p
\v 14 Sinabi ko sa kaniya ang mga magagandang bagay tungkol sa inyo, kung gaano ko kayo ipinagmamalaki, at hindi ninyo ako inilagay sa kahihiyan ng pumunta siya sa inyo. Pinuri namin kayo ng lubusan kay Tito, at pinatunayan ninyo na totoo ang lahat ng ito!
\s5
\p
\v 15 Ngayon, lumalim ang kaniyang pag-ibig para sa inyo dahil nakita niya mismo kung gaano kayo sumusunod sa Diyos, at alam niya kung paano ninyo siya tinanggap sa inyo. Tinanggap ninyo siya ng may takot, dahil banal ang Diyos at may panginginig, dahil alam nila na dakila ang Diyos.
\p
\v 16 Kaya puno ako ng kagalakan dahil sa lahat ng bagay, may pagtitiwala ako sa inyo.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Nais naming malaman ninyo, mga kapatid, ang tungkol sa kung gaano kabait ang Diyos na gumawa ng kamangha-manghang mga pamamaraan sa mga iglesiya sa lalawigan ng Macedonia.
\p
\v 2 Bagaman naghihirap ng matindi ang mga mananampalataya doon, labis silang nagagalak, bagaman mahirap sila, nagbigay sila ng labis para sa paglikom ng pera para sa mga mananampalataya sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 3 Nagbigay sila ng higit sa kanilang makakaya at mapapatunayan ko na totoo ito at may ilang nagpakasakit at nagbigay ng labis na sila mismo ay dumanas ng matinding pangangailangan, ngunit nagbigay pa rin sila. Gusto nilang magbigay,
\p
\v 4 at nagmakaawa sila sa amin ng paulit-ulit at nakiusap sa amin na hayaan silang magbigay sa paglikom ng pera, upang sa gayon makatulong sila sa mga mananampalataya na ibinukod ng Diyos para sa kaniya.
\p
\v 5 Hindi namin lubos maisip na kaya nilang magbigay ng ganoon. Ngunit una nilang ibinigay ang kanilang mga sarili sa Panginoon, at pagkatapos, ibinigay nila ang kanilang mga sarili sa amin.
\s5
\p
\v 6 Nagsimula si Tito na hikayatin kayong magbigay ng pera, kaya pinakiusapan namin siya na gabayan ang paglikom nito hanggang sa katapusan.
\p
\v 7 Katulad ng paggawa ninyo ng mas mabuti kaysa sa iba, hindi lamang sa inyong pagtitiwala sa Diyos, sa inyong mga salitang nakakahikayat, sa inyong mga natutunan, sa inyong pagtatapos ng isang gawain, at sa inyong pag-ibig sa amin siguraduhin din ninyo na maayos ninyong tatapusin ang paglilikom na ito.
\s5
\p
\v 8 Hindi ko kayo binibigyan ng utos, ngunit nais kong patunayan ninyo kung gaano ninyo minamahal ang Panginoon sa pamamagitan ng paghahambing kung paano kayo nagbibigay at sa kung paanong nagbibigay ang iba sa mga taong nangangailangan.
\p
\v 9 Sinasabi ko ito, dahil alam ninyo kung gaano kabuti si Jesu-Cristo sa inyo. Bagaman siya ang nagmamay-ari ng lahat ng bagay, ibinigay niya ang lahat at naging mahirap. Ginawa niya ito upang gawin kayong mayaman.
\s5
\p
\v 10 At sa pagkakataong ito, nais ko kayong hikayatin: noong nakaraang taon sinimulan ninyo ang gawaing ito ng pagtulong, at nang sinimulan ninyo ito, masigasig kayo na gawin ito.
\p
\v 11 Gayon din, dapat niyong tapusin ang gawaing ito. Gaya ng inyong pagiging masigasig na sinimulan ang gawaing ito, dapat din kayong maging masigasig na tapusin ito, at gawin ito kaagad sa abot ng inyong makakaya.
\p
\v 12 Tatanggapin ng Diyos ang inyong ginawa sa gawain na ito, kung masigasig kayong gawin ito. Dapat tapusin ninyo ang gawain ng pagbibigay ng pera mula sa perang mayroon kayo. Hindi ninyo maibibigay ang anumang wala sa inyo.
\s5
\p
\v 13 Hindi namin kayo binubuwisan dahil hindi namin nais na tustusan ng iba ang kanilang sarili. Ngunit makatarungan lamang na tulungan ninyo sila.
\p
\v 14 Sa panahong ito mayroon kayo ng higit sa inyong pangangailangan; magiging sapat din sa kanila kung anuman ang sobra sa inyo. Sa hinaharap, magkakaroon sila ng higit sa kanilang pangangailangan, at marahil sa pagkakataong ito, matutulungan nila kayo. Makatarungan ito para sa lahat.
\p
\v 15 Katulad ng sinasabi ng Kasulatan: "Ang mayroon ng higit ay hindi nagkaroon ng anuman upang ibahagi; ngunit ang mayroon lamang ng kaunti ay hindi na nangailangan ng ano man."
\s5
\p
\v 16 Nagpapasalamat kami sa Diyos dahil idinulot niya na pangalagaan kayo ni Tito katulad ng pangangalaga ko para sa inyo.
\p
\v 17 Nang pinakiusapan namin siya upang tulungan kayo, pumayag siyang gawin ito. Gayon na lamang ang kaniyang pananabik na tulungan kayo kaya nagpasya siya mismo na bisitahin kayo.
\s5
\p
\v 18 Pinapunta namin si Tito kasama ang isa pang kapatid na Kristiyano. Pinupuri siya ng lahat ng mga mananampalataya sa iglesiya dahil napakahusay niyang mangaral ng magandang balita.
\p
\v 19 Kinausap siya ng mga mananampalataya sa mga iglesiya na sumama sa amin sa Jerusalem upang tumulong dalhin sa mga mananampalataya doon anuman ang inyong ibibigay at ang ibibigay ng iba sa kanila. Nais naming lahat na iambag ang perang ito upang parangalan ang Panginoon at upang ipakita namin kung paanong kaming mga mananampalataya ay nagtutulungan sa isa't isa.
\s5
\p
\v 20 Ginagawa namin ang lahat ng bagay ayon sa aming makakaya upang hindi tanungin ng sinuman kung bakit kami naglilikom ng perang ito na ibinibigay ninyo ng bukas-palad
\p
\v 21 Nag-iingat kami na gawin ang lahat ng bagay na ito sa matapat at hayag na pamamaraan. Gusto naming malaman ng bawat isa kung paano namin ginagawa ito at alam namin na nakikita din kami ng Panginoon.
\s5
\q
\v 22 Magdadagdag kami ng isa pang kapatid kasama nitong mga kapatid na aming pinapunta sa inyo. Nakita namin na matapat na gumagawa ng mahalagang gawain ang kapatid na ito. Ngayon, ninanais niya na makatulong sa inyo ng higit sa lahat dahil lubos siyang nagtitiwala sa inyo.
\p
\v 23 Tungkol naman kay Tito, siya ang aking kasama na gumagawa sa aking tabi. Ang ibang mga kapatid, ang mga iglesiya sa ating rehiyon ang pumili sa kanila upang sumama sa amin sa Jerusalem. Kung makikita sila ng ibang mga tao, labis nilang pupurihin si Cristo dahil sa kanila.
\p
\v 24 Kaya ipakita ninyo sa mga kapatid na ito kung gaano ninyo sila kamahal, ipakita ninyo sa kanila kung bakit ganoon na lamang kami magsalita tungkol sa inyo, at kung bakit hindi kami tumitigil na sabihin sa lahat ng iglesiya kung gaano namin kayo ipinagmamalaki.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Ngayon, tungkol sa paglikom ng perang ito para sa mga mananampalataya sa Jerusalem—sa lahat ng mga tao na ibinukod ng Diyos para sa kaniya, hindi ko na kailangan pang magsulat ng anumang bagay sa inyo.
\q
\v 2 Alam ko na gusto ninyong tumulong at pinupuri ko kayo sa mga mananampalataya sa Macedonia dahil dito. Sa katunayan, sinabi ko sa kanila na kayo at ang ibang tao ay matagal nang naghahanda ang ibang mga tao sa lalawigan ng Acaya para sa paglikom nito mula pa noong nakaraang taon. Isang halimbawa ang inyong pagiging masigasig na nag-udyok sa mga mananampalataya sa Macedonia upang kumilos.
\s5
\p
\v 3 Sapagkat pinauna kong pinapunta ang mga kapatid, kaya kapag nagkita kayo, makikita nila na hindi namin kayo pinupuri sa wala. Pinauna ko rin silang pinapunta upang makapaghanda kayong tapusin ang gawain, gaya ng ipinangako ko sa iba na inyong gagawin.
\p
\v 4 Natatakot ako na maaaring may ilang mga taga-Macedonia ang sumama sa akin pagpunta ko sa inyo sa madaling panahon at matagpuan kayong hindi pa handang ibigay ang lahat ng gusto ninyong ibigay. Kung mangyayari iyon, mapapahiya kami sa aming pagsasalita ng napakaganda tungkol sa inyo at mapapahiya rin kayo.
\p
\v 5 Nagpasya ako na kinakailangang gawin ang lahat ng paraan upang makapunta ang mga kapatid sa inyo, upang maaari nilang maisaayos ang lahat ng bagay na kinakailangan sa pagtanggap ng perang inyong ipinangakong ibibigay. Sa paraang ito, malaya ninyong ihahandog ang perang ito at hindi parang isang buwis na pinapabayaran namin sa inyo.
\s5
\q
\v 6 Sa madaling salita, magkakaroon ng kakaunting ani ang sinumang naghahasik ng kakaunting butil, ngunit maghahakot ng napakaraming ani ang sinumang naghahasik ng napakaraming butil.
\p
\v 7 Una, magpasya kayo sa inyong puso kung magkano ang perang inyong ibibigay, kaya kapag nagbigay kayo hindi na ninyo ito panghihinayangan. Dapat huwag ninyong isipin na may pumipilit sa inyo upang magbigay, dahil minamahal ng Diyos ang tao na masayang nagbibigay.
\s5
\p
\v 8 Maibibigay ng Diyos sa inyo ang lahat ng uri ng mga kaloob nang labis-labis, upang lagi kayong magkakaroon para sa inyong pansariling pangangailangan, at sapat din upang magamit sa paggawa ng mabubuting bagay.
\p
\v 9 Gaya ng nasusulat sa Kasulatan: "Ibinibigay niya ang mabubuting bagay sa mga tao sa lahat ng dako at ibinibigay niya sa mga mahihirap ang kanilang mga pangangailangan. Ginagawa niya ang mga bagay na ito magpakailanman.
\s5
\p
\v 10 Ibinibigay ng Diyos ang butil sa manghahasik at ibinibigay niya ang tinapay sa gumagawa nito. Ibibigay din niya ang inyong butil at dadagdagan niya kung anuman ang inyong ibibigay sa iba.
\p
\v 11 Gagawin kayong mayaman ng Diyos sa maraming pamamaraan, kaya maaari kayong maging mapagbigay. Dahil dito, magpapasalamat sa Diyos ang ibang mga tao sa kanilang matatanggap sa pamamagitan ng gawain na ginawa naming mga apostol.
\s5
\p
\v 12 Tinanggap namin ang perang ito, hindi lang upang matulungan ang ating mga kapatid na Kristiyanong nangangailangan; ginagawa din namin ito upang maraming mga mananampalataya ang magpasalamat sa Diyos.
\p
\v 13 Dahil sinimulan ninyo ang gawaing ito, ipinakita ninyo kung anong uring mga tao kayo. Pinararangalan ninyo ang Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniya at sa inyong pananampalataya sa kaniyang sinabi sa magandang balita tungkol kay Cristo. Pararangalan din ninyo siya sa pamamagitan ng bukas-palad ninyong pagbibigay.
\p
\v 14 Silang inyong binigyan ay lubhang mananabik na makita kayo at ipapanalangin nila kayo, dahil sa kamangha-manghang pamamaraan kung papaanong ipinamalas ng Diyos ang kaniyang kabutihan sa inyo.
\p
\v 15 Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa kaloob na ito na mula sa kaniya, napakadakila ng kaniyang kaloob kaya hindi sapat ang salita upang ipahayag ito.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Ngayon ako, si Pablo, ay nagsusumamo sa inyo— na mapagpakumbaba at magiliw kong ginagawa ito, dahil ginawa ako ni Cristo na ganito, nahihiya ako kapag nasa harap ninyo ako, ngunit may tapang kapag nagsusulat ng liham sa inyo sa malayo.
\p
\v 2 Nagsusumamo ako na kapag dumating ako, hindi ako magiging mabagsik sa inyo. Gayunman, natatakot ako na dapat kong gawin iyon, upang makapagsalita laban sa mga nag-iisip na gumagawa kami ayon sa pamantayan ng tao.
\s5
\p
\v 3 Bagama't nabubuhay kami, sa aming pisikal na katawan, nakikipaglaban kami tulad ng pakikipaglaban ng hukbo.
\p
\v 4 Para bang nakikipaglaban kami na may mga sandata, ngunit kakaibang mga sandata ito kaysa sa ginagamit ng mga sundalo. Ang Diyos ang siyang nagbigay ng ating mga sandata, kaya magagamit natin ang mga ito upang wasakin ang mga kuta, kaya sa madaling salita, ito ay upang ipakita na nagkakamali ang mga taong lumalait sa atin.
\s5
\p
\v 5 Sa ganitong paraan, mapapatunayan namin na mali ang lahat ng nagsasalita laban sa Diyos ng may pagmamataas upang pigilan ang ibang mga tao na makilala siya. Maaari naming baguhin kung paano nag-iisip ang mga tao, upang magsimula silang sumunod kay Cristo.
\p
\v 6 Kapag makita namin na lubos kayong sumusunod kay Cristo, magiging handa kami upang parusahan ang sinumang nananatiling hindi sumusunod sa kaniya.
\s5
\p
\v 7 Dapat tingnan ninyo ang mga maliwanag na katunayan. Kung sinuman ang may pananampalataya na kabilang siya kay Cristo, paalalahanan siya na kung paanong kabilang siya kay Cristo, ganoon din kami!
\p
\v 8 Kung pinuri ko ang aking sarili tungkol sa aming kapangyarihan bilang mga apostol, maaaring naging labis ito para sa inyo. Ngunit ibinigay ng Panginoon sa akin ang kapangyarihang iyon hindi upang wasakin kayo, ngunit upang tulungan kayo at gawin kayong malakas. Kaya hindi ako nahihiya sa kapangyarihan na ibinigay sa akin ng Panginoon.
\s5
\p
\v 9 Bagaman tila marahas ang aking mga liham kapag binabasa ninyo ang mga ito, hindi ko gustong matakot kayo kapag binabasa ninyo ang mga ito. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ko isinulat ang mga iyon sa inyo.
\p
\v 10 Sasabihin ng ilang mga tao na nakakakilala sa akin at nakabasa ng aking mga liham, "Dapat mataimtim nating basahin ang kaniyang mga liham dahil makapangyarihan ang mga nilalaman nito, ngunit kung naririto si Pablo, mahina ang kaniyang pisikal na pangangatawan at hindi siya karapat-dapat pakinggan."
\s5
\p
\v 11 Hayaan ninyong malaman ng mga namimintas sa amin na ganoon din ang aming gagawin sa aming pagdating ang aming isinulat sa aming liham para sa inyo.
\p
\v 12 Hindi man lamang naming susubukang ihambing ang aming mga sarili sa mga nagpupuri sa kanilang sarili. Kapag inihahambing ang kanilang mga sarili sa isa't isa, pinapatunayan lang nito na mga hangal sila.
\s5
\p
\v 13 Pupurihin lang namin ang aming mga sarili tungkol sa kung ano ang ibinigay ng Diyos na aming gagawin. At gagawa lang kami ayon sa sinasabi niya na aming gagawin; ang aming gawain, gayunman, kasama din kayo.
\p
\v 14 Nang inabot namin kayo, hindi kami lumampas kung saan kami tinalaga ng Diyos upang magtrabaho. Itinakda niya ang inyong rehiyon sa amin, at kami ang naunang nagsabi sa inyo ng Magandang Balita tungkol kay Cristo.
\s5
\p
\v 15 Hindi namin ipinagmamalaki ang tungkol sa gawain na ibinigay ng Diyos sa iba, na para bang kami ang tumapos ng gawaing iyon. Sa halip, umaasa kami na mas lubusan kayong magtitiwala sa Diyos, at sa ganoong paraan, itatalaga kami ng Diyos sa isang mas malaking rehiyon upang magtrabaho.
\p
\v 16 Inaasahan namin ito, upang maaari naming maibahagi ang magandang balita sa mga tao sa ibayong lugar kung saan kayo naninirahan. Hindi namin aangkinin ang gawain ng ibang mga lingkod ng Diyos sa kanilang sariling rehiyon kung saan sila naglilingkod sa kaniya.
\s5
\p
\v 17 Ang sinasabi ng Kasulatan, "Hayaan ang siyang mapagmalaki, ipagmalaki ang Panginoon."
\p
\v 18 Kapag pinupuri ng isang tao ang kaniyang sarili kung ano ang kaniyang nagawa, hindi gagantimpalaan ng Diyos ang sinumang gumagawa niyon. Sa halip, gagantimpalaan niya ang sinumang kaniyang sinasang-ayunan.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Kahangalan na purihin ng isang tao ang kaniyang sarili, ngunit iyon ang aking ginagawa. Hayaan ninyong magpatuloy ako ng bahagya.
\p
\v 2 Sapagkat alam ko na mayroon akong katunggali na isinasaalang-alang ninyo, at naninibugho ako para sa inyo—naninibugho ako para sa Diyos dahil sa inyo. Katulad ako ng isang ama na ipinangako kayong mapangasawa ng isang lalaki at ninanais ko na ako ang siyang magharap sa inyo, bilang isang dalisay na dalagang birhen, kay Cristo.
\s5
\p
\v 3 Ngunit habang iniisip ko kayo, natakot ako na may luminlang sa inyo, katulad ng diyablo na luminlang kay Eba. Natakot ako na may humikayat sa inyo na huwag na ninyong mahalin si Cristo ng may tapat na puso.
\p
\v 4 Sinasabi ko ito dahil tila hindi kayo nababahala kung may dumating at magsabi sa inyo ng mga bagay na iba sa aming sinabi tungkol kay Jesus o kung gusto niya kayong tumanggap ng espiritu na iba sa Espiritu ng Diyos, o ibang uri ng magandang balita.
\s5
\p
\v 5 Tinatawag ng mga tao ang mga tagapagturong iyon na "magagaling na mga apostol" ngunit sa tingin ko ay hindi sila nakahihigit kaysa akin.
\p
\v 6 Maaaring totoo na hindi ako nag-aral kung papaano magbigay ng kahanga-hangang pananalita ngunit marami akong alam na bagay tungkol sa Diyos na nalaman ninyo noong nagsalita ako sa inyo.
\s5
\p
\v 7 Nagkamali ba ako na paglingkuran kayo bilang isang mapagpakumbabang tao sa paraan na mas pinuri kayo ng iba sa halip na ako? Nagkamali ba ako nang ipinangaral ko sa inyo ang magandang balita na walang hinihinging pera?
\p
\v 8 Oo, hinayaan ko ang ibang mananampalataya na magbigay sa akin ng pera upang mapagsilbihan ko kayo. Marahil ay sasabihin ninyong ninanakawan ko sila. Ngunit wala akong hiningi sa inyo.
\p
\v 9 May panahon na nangangailangan ako ng maraming bagay noong ako ay nasa inyo ngunit kailanman ay hindi ako humingi ng pera sa inyo. Sa halip, ibinigay ng mga kapatid na dumating mula sa Macedonia ang lahat ng kailangan ko. Ginawa ko ang lahat ng maaari kong gawin upang hindi kayo mahirapan dahil sa akin at ipagpapatuloy kong gagawin iyon.
\s5
\p
\v 10 Sinasabi ko ang buong katotohanan tungkol kay Cristo at kung paano ako nagtrabaho para sa kaniya. Kaya ipagpapatuloy kong ipaalam sa lahat ng nasa rehiyon ng Acaya ang tungkol dito.
\q
\v 11 Inisip talaga ninyo na tinanggihan ko ang inyong pera dahil hindi ko kayo mahal, inisip ba ninyo? Walang katotohanan! Alam ng Diyos na mahal ko kayo.
\s5
\p
\v 12 Ipagpapatuloy kong pagsilbihan kayo sa ganoon ding paraan upang mapatigil ko ang mga nagsasabing sila ay kapantay namin. Wala silang dahilan na ibibigay sa kanilang pagmamayabang.
\p
\v 13 Ang mga ganoong tao ay mga bulaang apostol na nagsasabing isinugo sila ng Diyos. Sila ay mga manggagawa na palaging nagsasabi ng kasinungalingan at nagpapanggap na mga apostol ni Cristo.
\s5
\p
\v 14 Hindi na dapat tayo magulat sa kanila. Kahit si Satanas ay nagpapanggap na anghel na nagniningning nang may liwanag ng presensiya ng Diyos.
\p
\v 15 Nagpapanggap din na naglilingkod sa Diyos ang kaniyang mga alipin, nagpapanggap sila na sila ay mabuti. Parurusahan sila ng Diyos ng nararapat sa kanila.
\s5
\p
\v 16 Walang sinuman ang dapat mag-isip na ako ay hangal. Ngunit kung talagang iniisip ninyo na ako ay hangal, kung ganoon ipagpapatuloy ko pang purihin ang aking sarili ng kaunti pa.
\p
\v 17 Kung nagsasalita ako sa ganitong paraan, hindi nais ng Panginoon na sa ganitong paraan ako magsalita, ako lamang itong nagsasalita na parang hangal.
\p
\v 18 Marami ang nagmamalaki tungkol sa kung sino sila sa buhay na ito. Kung gayon, maaari rin akong maging ganoon.
\s5
\p
\v 19 Tiyak na masaya ninyong pagtitiisan ang aking kahangalan sapagkat kayo mismo ay matatalino!
\p
\v 20 Sinasabi ko ito dahil pinagtiisan ninyo ang mga pinuno na tumarato sa inyo na parang mga alipin, sinunod ninyo ang mga gumawa ng pagkabaha-bahagi sa inyo, hinayaan ninyong lamangan kayo ng inyong mga pinuno, pinayagan ninyong isipin ng inyong mga pinuno na mas nakahihigit sila kaysa sa iba, at pinayagan ninyong sampalin nila kayo sa mukha ngunit wala kayong ginagawa tungkol dito. At tinatawag talaga ninyo ang inyong mga sarili na matalino?
\p
\v 21 Nahihiya ako dahil noong kami ay nasa inyo, mahihina ang loob namin para pakitunguhan kayo ng ganoon.
\s5
\p
\v 22 Hebreo ba ang mga taong iyon? Ako rin naman. Mga Israelita ba sila? Ako rin naman. Kaapu-apuhan ba sila ni Abraham? Ako rin naman.
\p
\v 23 Sila ba ay mga lingkod ni Cristo?—nagsasalita ako na tulad ng isang taong wala sa tamang pag-iisip! Nagtrabaho ako ng mas higit kaysa sa sinuman sa kanila, nabilanggo ako ng mas madalas kaysa sa kanila, nakaranas ako ng mas maraming matinding panghahagupit kaysa sa kanila at mas maraming beses akong humarap sa kamatayan kaysa sa kanila.
\s5
\p
\v 24 Limang beses akong pinarusahan ng mga Judio ng tatlumpo't siyam na hagupit, hinagupit ako gamit ang latigo hanggang sa halos ako ay mamatay.
\p
\v 25 Tatlong beses akong pinalo ng mga humuli sa akin gamit ang kahoy na pamalo. Minsan pinagbabato nila ako upang patayin. Tatlong magkakaibang barko na aking sinakyan ang nasira dahil sa bagyo at nagpalipas ako ng gabi at araw sa karagatan at umaasang ako ay sasagipin.
\p
\v 26 Nakaranas ako ng maraming paglalakbay at naranasan ko ang panganib sa mga ilog, naranasan ko ang panganib mula sa mga magnanakaw, panganib mula sa aking sariling bayan, ang mga Judio, panganib mula sa mga hindi Judio, panganib sa mga lungsod, sa ilang, sa karagatan, at panganib mula sa mga nagpapanggap na kapatid na nagtaksil sa amin.
\s5
\p
\v 27 Nagtrabaho ako ng mabuti at nakaranas ng mga paghihirap, madalas na umaalis ng walang tulog, nagutom at nauhaw ako na walang makain. Gininaw ako at walang sapat na maisuot.
\p
\v 28 Dagdag pa sa lahat ng iyon, nag-aalala ako araw-araw kung nasa mabuting kalagayan ang mga iglesya.
\p
\v 29 Walang kapwa mananampalataya ang nanghina, na hindi ako nanghina kasama niya. Walang kapwa mananampalataya na umakay sa isang tao sa kasalanan, na hindi ako nagalit tungkol dito.
\s5
\p
\v 30 Kung ako ay marapat na magyabang, magyayabang lamang ako tungkol sa mga bagay tulad nito, mga bagay na nagpapakita kung gaano ako kahina.
\p
\v 31 Ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo—nawa ay purihin siya ng lahat ng tao at lahat ng bagay!—alam niya na hindi ako nagsisinungaling!
\s5
\p
\v 32 Sa lungsod ng Damasco, naglagay ng bantay sa palibot ng lungsod ang gobernador sa ilalim ni Haring Aretas na umaasang hulihin ako.
\p
\v 33 Ngunit inilagay ako ng aking mga kaibigan sa basket at ibinaba ako palabas sa lungsod sa pamamagitan ng bintana sa pader at nakatakas ako mula sa kaniya.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Kailangan kong ipagpatuloy na ipagtanggol ang aking sarili, kaya magpapatuloy ako sa pamamagitan ng pagmamalaki tungkol sa ilang pangitain na ibinigay ng Panginoon sa akin.
\p
\v 2 Labing-apat na taon na ang nakakaraan, dinala ako ng Diyos, isang tao na pinagkaisa kay Cristo, papunta sa pinakamataas na langit, bagamat ang Diyos lamang ang nakakaalam kung dinala niya ako pataas sa aking espiritu lamang o kasama din ang aking katawan.
\s5
\q
\v 3 At ako—maging sa aking katawan o sa aking espiritu lamang, tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam—
\p
\v 4 ay dinala sa isang lugar sa langit na kung tawagin ay paraiso. Doon ay aking narinig ang mga lubhang banal na bagay na hindi ko kayang ibigkas sa inyo.
\p
\v 5 Maaari kong ipagmalaki ang tungkol sa bagay na iyon—ngunit ang Diyos ang kumilos upang mangyari ang lahat ng iyon at hindi ako. Kung para sa aking sarili, ipagmamalaki ko lamang kung papaano kumikilos ang Diyos sa akin na isang mahinang tao.
\s5
\p
\v 6 Kahit na magpatuloy ako sa pagmamalaki sa aking sarili, hindi ako magiging hangal sapagkat sinasabi ko lamang kung ano ang totoo. Gayunman, hindi na ako magmamalaki upang mahusgahan ninyo ako ayon lamang sa inyong mga naririnig sa akin o sa mga bagay na inyong nalalaman tungkol sa akin.
\q
\v 7 Kaya iiwan ko na ang usapin tungkol sa mga kamangha-manghang pangitain na ibinigay sa akin ng Diyos, maliban sa kailangan kong sabihin sa inyo na may ipinadala sa akin ang Diyos na lubhang mahirap dalahin, isang pamamaraan mula kay Satanas upang pahirapan ako. Ginawa ito ng Diyos, nang sa gayon hindi ako maging mayabang dahil sa mga nakita kong mga pangitain.
\s5
\q
\v 8 Tatlong beses akong nanalangin sa Panginoon tungkol sa bagay na ito. Sa bawat pagkakataon, nagsumamo ako na alisin niya ito sa akin.
\p
\v 9 Subalit ang sagot niya sa akin, "Hindi, hindi ko ito aalisin sa iyo. Ang tanging kailangan mo ay ang mahalin at samahan kita dahil ginagawa ko ang pinakadakila kong gawain sa iyo kapag ikaw ay mahina." Iyon ang dahilan kung bakit mas nanaisin kong ipagmalaki ang aking mga kahinaan upang maaaring dumating ang kapangyarihan ni Cristo at gawin akong malakas.
\p
\v 10 Mahaharap ko ang anumang bagay dahil kasama ko si Cristo. Maaring may mga pagkakataong kailangan kong maging mahina, o kaya ay kutyain ng mga tao, o kaya makararanas ng matinding paghihirap, o kaya subukan akong patayin ng ibang tao. Maaaring patuloy akong makararanas ng iba't-ibang uri ng matitinding pagsubok. Sa anumang pagkakataon, kapag naubos na ang aking kakayahan, doon ako magiging pinakamalakas.
\s5
\p
\v 11 Kapag sa ganitong paraan ako nagsusulat, pinupuri ko ang aking sarili. Ngunit kailangan kong gawin ito dahil dapat kayong nagtiwala sa akin. Kasing-husay din ako ng mga "lubhang dakilang apostol" na iyon kahit na wala talaga akong kabuluhan.
\p
\v 12 Nagbigay ako sa inyo ng mga totoong palatandaan ng pagiging isang tunay na apostol—mga himala na matiyaga kong ginawa sa kalagitnaan ninyo, mga kamangha-manghang himala na nagpapatunay na totoong pinaglilingkuran ko si Jesu-Cristo.
\p
\v 13 Tiyak na mahalaga kayo gaya ng ibang iglesiya! Ang tanging pagkakaiba ninyo lamang ay hindi ako tumanggap ng pera mula sa inyo katulad ng pagtanggap ko sa kanila. Patawarin ninyo ako sapagkat hindi ko hiningi ito sa inyo!
\s5
\p
\v 14 Kaya pakinggan ninyo ito! Handa na akong bumisita sa inyo sa ikatlong pagkakataon, at sa pagdalaw kong ito katulad ng mga nakaraan, hindi ako hihingi ng anumang pera sa inyo. Hindi ko kailangan ang anumang mayroon kayo. Ang kailangan ko ay kayo! Alam ninyo ang patakarang sinusunod nating lahat sa ating mga pamilya, hindi dapat ang mga anak ang magbayad ng mga gastusin ng kanilang mga magulang, sa halip ang mga magulang ang nag-iipon para may pambayad sa gastusin ng mga anak.
\p
\v 15 Buong kagalakan kong gagawin ang lahat ng magagawa ko para sa kapakanan ninyo, kahit na hanggang sa pagbubuwis ng aking buhay. Kung pinapahiwatig nito na mas minamahal ko kayo ngayon higit pa sa dati, nararapat din naman na mas mahalin ninyo ako nang higit kaysa dati.
\s5
\p
\v 16 Kaya nga, maaaring may magsabi na bagamat hindi ako humingi ng pera sa inyo, dinaya ko naman kayo nang hayaan ninyo akong magtustos sa sarili kong pangangailangan.
\p
\v 17 Hindi ko kayo kailanman nilinlang sa pamamagitan ng paggamit ng mga taong pinapunta ko sa inyo, nilinlang ko ba kayo?
\p
\v 18 Halimbawa, pinapunta ko si Tito na kasama ang isang kapatid, ngunit hindi sila humingi ng tulong sa inyo, humingi ba sila? Hindi kailanman pinabayaran ni Tito sa inyo ang kaniyang mga gastusin, pinabayaran ba niya? Pinakitunguhan kayo nina Tito at ng isang kapatid tulad ng aking pakikitungo sa inyo, hindi ba? Magkatulad ang aming paraan ng pamumuhay, hindi ninyo kailanman kailangang magbayad ng ano pa man para sa amin.
\s5
\p
\v 19 Hindi talaga ninyo iniisip na sinusubukan kong ipagtanggol ang aking sarili sa pamamagitan ng liham na ito, iniisip ba ninyo? Alam ng Diyos na ako nga ay pinagkaisa kay Cristo, at isinulat ko ang lahat ng ito upang palakasin kayo sa inyong pagtitiwala sa kaniya.
\s5
\p
\v 20 Ngunit sa aking pagpunta sa inyo, maaaring hindi ko kayo matagpuan ayon sa aking inaasahan. Sa aking pagdating, maaaring ayaw na ninyong makinig sa akin. Natatakot ako na palagi kayong nagtatalo-talo, na ang ilan sa inyo ay naiinggit sa isa't isa, at ang ilan sa inyo ay labis na nagalit sa isa't isa. Nangangamba ako na inuuna ng ilan sa inyo ang kanilang sarili, na pinag-uusapan ninyo ang bawat isa, at ang ilan ay labis na makasarili.
\p
\v 21 Sa aking pagpunta sa inyo, natatakot ako na hihiyain ako ng Diyos kapag nagkita tayo. Nalulungkot ako at itinatangis ko ang mga taong hindi sumusunod sa Diyos at hindi pa humihinto sa pagkakasala ng paggawa ng iba't ibang uri ng kahalayan.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Ito ang pangatlong pagkakataon na dadalaw ako sa inyo upang ayusin ang mga bagay na ito. Ang patakaran sa pagsasaayos ng ganitong usapin ay ganito, ang bawat paratang laban sa isa ay dapat nakabatay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi at hindi lamang ng iisa.
\p
\v 2 Nang ako ay nariyan sa aking ikalawang pagdalaw, sinabi ko sa mga nagkasala at sa mga pinaratangan sa harap ng iglesiya, at sa buong iglesiya, at muli ko itong sasabihin: Hindi ko palalampasin ang ganitong mga paratang.
\s5
\p
\v 3 Sinasabi ko ito sa inyo dahil naghahanap kayo ng katibayan na nagsasalita si Cristo sa pamamagitan ko. Hindi mahina si Cristo sa pakikitungo niya sa inyo; sa halip kumikilos siya sa inyo sa kaniyang dakilang kapangyarihan.
\p
\v 4 Natututo tayo mula sa halimbawa ni Cristo, dahil siya ay ipinako nila sa krus nang siya ay mahina, gayunmabinuhay siyang muli ng Diyos. At kami rin ay mahina habang nabubuhay at sumusunod sa kaniyang halimbawa, subalit sa pamamagitan niya, palalakasin kami ng Diyos habang pinag-uusapan natin ang tungkol sa mga kasalanan na ginawa ng ilan sa inyo.
\s5
\p
\v 5 Dapat siyasatin ng bawat isa sa inyo kung papaano siya namumuhay; dapat ninyong hanapin ang mga katibayan na nagtitiwala nga kayo sa kung paano kayo iniibig ng Diyos at kung gaano kayo kinahabagan. Dapat ninyong ilagay ang inyong mga sarili sa ganitong pagsusu; it, nakikita ba ninyo na nananahan si Jesu-Cristo sa inyo? Nananahan siya sa bawat isa sa inyo, maliban na lamang kung nabigo kayo sa pagsusulit na ito.
\p
\v 6 At umaasa ako na makikita ninyo na nananahan din naman ang amin si Cristo.
\s5
\p
\v 7 Nananalangin kami ngayon sa Diyos na hindi kayo makagagawa ng anumang kamalian. Ipinapanalangin namin ito hindi upang palabasing mas magaling kami kaysa inyo dahil pumasa kami sa pagsusuring iyon. Sa halip nais namin na malaman at magawa ninyo ang mga bagay na mabubuti. Kahit na parang hindi kami nakapasa, nais namin na kayo ay magtagumpay.
\p
\v 8 Ang katotohanan ang naghahari sa aming ginagawa; wala kaming magagawa laban sa katotohanan.
\s5
\p
\v 9 Nagagalak kami kung kami ay mahina at kayo ay malakas. Dalangin namin na lagi nawa kayong magtiwala at ganap na sumunod sa Diyos.
\p
\v 10 Malayo ako ngayon sa inyo ngayon habang isinusulat ko ito para sa inyo. Kapag pumunta ako sa inyo, hindi ko na kailangan maging malupit sa aking pakikitungo sa inyo. Dahil hinirang ako ng Panginoon bilang apostol, mas nais kong palakasin kayo at hindi kayo gawing mas mahina.
\s5
\p
\v 11 At ang panghuli, mga kapatid ay ito: Magalak kayo! Kumilos at mamuhay kayo nang mas maayos kaysa dati, at hayaan ninyong bigyan kayo ng Panginoon ng tapang. Makipagkasundo kayo sa isa't isa at sama-sama kayong mamuhay nang may kapayapaan. Kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, sasainyo ang Diyos na nagmamahal sa inyo at nagbibigay sa inyo ng kapayapaan.
\p
\v 12 Malugod ninyong tanggapin ang isa't isa sa paraan na nagpapakita sa lahat ng tao kung gaano ninyo iniibig ang isa't isa.
\s5
\p
\v 13 Kaming lahat na narito na ibinukod ng Diyos para sa kaniyang sarili ay bumabati sa inyo.
\p
\v 14 Kumilos nawa ang Panginoong Jesu-Cristo nang may kabaitan sa inyo, ibigin nawa kayo ng Diyos, at nawa ay sumainyong lahat ang Banal na Espiritu.