forked from WA-Catalog/tl_udb
2802 lines
226 KiB
Plaintext
2802 lines
226 KiB
Plaintext
\id ACT
|
||
\ide UTF-8
|
||
\h Mga Gawa
|
||
\toc1 Mga Gawa
|
||
\toc2 Mga Gawa
|
||
\toc3 act
|
||
\mt Mga Gawa
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 1
|
||
\p
|
||
\v 1 Minamahal na Teofilo, sa unang aklat na isinulat ko para sa iyo, isinulat ko ang tungkol sa maraming mga bagay na ginawa at itinuro ni Jesus
|
||
\p
|
||
\v 2 hanggang sa araw na kinuha siya ng Diyos sa langit. Bago siya pumunta sa langit, sinabi niya sa mga apostol sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang mga bagay na nais niyang malaman nila.
|
||
\p
|
||
\v 3 Pagkatapos niyang magdusa at namatay sa krus, nabuhay siyang muli. Gaya ng madalas niyang pagpapakita sa loob ng sumunod na apatnapung araw, maraming beses siyang nakita ng mga apostol. Sa maraming kaparaanan ay pinatunayan niya sa kanila na nabuhay siyang muli. Nakipag-usap siya sa kanila tungkol sa pamumuno ng Diyos sa buhay ng mga tao sa kaniyang kaharian.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Minsan habang siya ay kasama nila, sinabi niya sa kanila, "Huwag kayong umalis sa Jerusalem. Sa halip, maghintay kayo rito hanggang ipadala ng aking Ama ang kaniyang Espiritu sa inyo, gaya ng ipinangako niyang gawin. Narinig ninyo na nagsalita ako sa inyo ng tungkol dito.
|
||
\p
|
||
\v 5 Nagbabautismo ng mga tao si Juan sa tubig, ngunit pagkaraan ng ilang araw ay babautismuhan kayo ng Diyos sa Banal na Espiritu."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Isang araw, nang nagtipon ang mga apostol kasama si Jesus, nagtanong sila sa kaniya, "Panginoon, ikaw na ba ngayon ang magiging hari ng Israel?"
|
||
\q1
|
||
\v 7 Sumagot siya sa kanila, "Hindi na ninyo kailangang malaman ang itinakdang oras at mga araw kung kailan ito mangyayari. Ang aking ama lamang ang nagpasiya kung kailan ito mangyayari.
|
||
\p
|
||
\v 8 Ngunit palalakasin kayo ng Banal na Espiritu kapag siya ay sumainyo. At sasabihin ninyo ang tungkol sa akin sa mga tao sa Jerusalem at sa mga rehiyon ng Judea, Samaria at sa buong mundo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Pagkatapos niyang sabihin iyon, pumaitaas siya sa langit at isang ulap ang humarang upang hindi na siya makita pa.
|
||
\p
|
||
\v 10 Habang nakatingala pa ang mga apostol sa langit habang pumapaitaas siya, biglang may dalawang kalalakihang nakasuot ng puti ang nakatayo sa tabi nila. Sila ay mga anghel.
|
||
\p
|
||
\v 11 Isa sa kanila ay nagsabi, "Kayong mga kalalakihang mula sa Galilea, hindi na ninyo kailangang tumayo pa dito nang nakatingala sa langit! Balang araw ang Jesus rin na ito, na kinuha ng Diyos mula sa inyo papunta sa langit ay babalik sa mundo. Babalik siya sa pamamaraang kagaya ng nakita ninyo ngayon nang siya ay pumaitaas sa langit."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q1
|
||
\v 12 At pagkatapos umalis ng dalawang anghel, bumalik ang mga apostol sa Jerusalem mula sa Bundok ng mga Olibo, na malapit lang sa Jerusalem
|
||
\q1
|
||
\v 13 Matapos nilang pumasok sa lungsod, umakyat sila sa silid na nasa itaas ng bahay kung saan sila tumutuloy. Kabilang sa mga naroon sina Pedro, Juan, Santiago, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo, ang isa pang Santiago na anak ni Alfeo, Simon na Makabayan, at Judas na anak ng isa pang nagngangalang Santiago.
|
||
\p
|
||
\v 14 Lahat ng mga apostol na ito ay nagsimulang magkakasamang manalangin sa lahat ng pagkakataon. Ang ibang kasama nilang nanalangin ay ang ang mga babae na sinamahan si Jesus, si Maria na ina ni Jesus at ang kaniyang mga nakababatang kapatid na lalaki."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Sa mga araw na iyon, tumayo si Pedro sa gitna ng mga kapwa niya mananampalataya. Mayroong pangkat na nasa 120 na tagasunod ni Jesus sa lugar na iyon. Sinabi niya,
|
||
\p
|
||
\v 16 "Mga kapatid ko, may mga salita tungkol kay Judas na sinulat ni Haring David matagal na panahon na ang nakalipas. Kailangang magkatotoo ang mga salitang ito, at nangyari nga, dahil sa sinabi ng Banal na Espiritu kay David kung ano ang isusulat.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Bagaman si Judas ay isang apostol na kagaya natin, sinamahan niya ang mga taong dumakip at pumatay kay Jesus."
|
||
\p
|
||
\v 18 Ngayon ang taong ito ay kumita ng pera sa pamamagitan ng paggawa ng kasamaang ito. Gamit ang perang ito, bumili siya ng isang bukid. Pagkatapos, nahulog siya doon sa lupa, ang kaniyang katawan ay bumuka at lumabas ang lahat ng kaniyang bituka.
|
||
\p
|
||
\v 19 Narinig ng lahat ng naninirahan sa Jerusalem ang tungkol dito, kaya tinawag nila ang bukid na iyon ayon sa kanilang sariling wika na Aramaic, Akeldama, na ang ibig sabihin ay "Bukid ng Dugo," dahil may isang tao na namatay dito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Sinabi rin ni Pedro "Nakita ko na ang nangyari kay Judas ay gaya ng nasabi sa Mga Awit: 'Nawa ay mawalan siya ng angkan; nawa ay walang matira kahit isa.' At tila ang iba pang mga salita na sinulat ni David ay tumutukoy rin kay Judas: 'Hayaang may isang tao pa na pumalit sa kaniyang gawain bilang isang tagapanguna."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 21 "Kaya kinakailangan para sa ating mga apostol na pumili ng isang tao na papalit kay Judas. Kailangang isa siya sa mga kasama natin sa lahat ng panahon noong kasama pa natin ang Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 22 Iyon ay mula noong panahong binautismuhan si Jesus ni Juan na Tagapagbautismo hanggang sa araw na iniwan tayo ni Jesus at pumaitaas sa langit. Kailangang ang taong papalit kay Judas ay isa sa mga nakakita na muling nabuhay si Jesus pagkatapos niyang mamatay."
|
||
\q
|
||
\v 23 Kaya ang mga apostol at ang iba pang mananampalataya ay nagmungkahi ng mga pangalan ng dalawang kalalakihan. Ang isang lalaki ay si Jose Barsabas, na may pangalan ring Justo. Ang isa pang lalaki ay si Matias.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24-25 Pagkatapos nanalangin sila: "Panginoong Jesus, huminto na si Judas sa pagiging isang apostol. Nagkasala siya at pumunta na sa lugar kung saan siya nararapat. Nalalaman mo kung ano ang iniisip ng bawat tao sa kaniyang sariling puso, kaya kami ay nakikiusap na ipakita mo sa amin kung sino sa dalawang lalaking ito ang pinili mo upang pumalit kay Judas."
|
||
\p
|
||
\v 26 Pagkatapos, nagsapalaran sila upang pumili sa kanilang dalawa, at napunta ang sapalaran kay Matias at siya ang naging apostol kasama ng labing-isang mga apostol.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 2
|
||
\p
|
||
\v 1 Sa araw na nagdiriwang ang mga Judio ng pista ng Pentecostes, nagsama-sama ang lahat ng mga mananampalataya sa isang lugar sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 2 Bigla silang nakarinig ng ingay mula sa langit na katulad ng tunog ng malakas na hangin. Narinig ng lahat ng nasa loob ng bahay ang ingay kung saan sila nakaupo.
|
||
\q
|
||
\v 3 Pagkatapos, nakakita sila ng tulad ng mga ningas ng apoy. Naghiwa-hiwalay ang mga ningas na ito at bumaba ang isa sa mga ito sa ulo ng bawat mananampalataya.
|
||
\p
|
||
\v 4 Pagkatapos, napuspos ng Banal na Espiritu ang lahat ng mananampalataya at nagsimulang magsalita ng iba't ibang mga wika, sa paraan na ibinigay ng Espiritu sa bawat isa sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Sa oras na iyon, maraming Judio ang nananatili sa Jerusalem upang ipagdiwang ang pista ng Pentecostes. Sila ay mga Judio na laging sumasamba sa Diyos. Nanggaling sila sa iba't ibang mga bansa.
|
||
\p
|
||
\v 6 Nang marinig nila ang malakas na ingay tulad ng hangin, napakaraming tao ang sama-samang dumating sa lugar kung saan naroon ang mga mananampalataya. Namangha ang napakaraming tao dahil naririnig ng bawat isa sa kanila na nagsasalita ang bawat isa sa mga mananampalataya ng kanilang sariling wika.
|
||
\q
|
||
\v 7 Ganap silang namangha at sinabi sa bawat isa, "Mula sa Galilea ang lahat ng kalalakihang ito na nagsasalita, kaya papaano nila nalaman ang ating mga wika?
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Subalit naririnig natin silang lahat na nagsasalita ng ating sariling wika na natutunan natin mula pagkasilang!
|
||
\q
|
||
\v 9 Ang ilan sa atin ay mula sa mga rehiyon ng Partia, Media at Elam. Ang ilan naman sa atin ay mula sa mga rehiyon ng Mesopotamia, Judea, Capadocia, Punto at Asia.
|
||
\p
|
||
\v 10 May ilang tao roon mula sa Pergia at Pamfilia, Egipto at mga rehiyon ng Libya na malapit sa lungsod ng Cerene. May iba sa atin na bumibisita sa Jerusalem galing sa Roma.
|
||
\p
|
||
\v 11 Kasama ang mga katutubong Judio at mga hindi Judio na naniniwala sa paniniwalang Judio. At mula sa Isla ng Creta at sa rehiyon ng Arabia ang iba sa atin. Kaya paanong nakapagsasalita ang mga taong ito sa ating mga sariling wika tungkol sa mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos?
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Namangha ang mga tao at hindi nila alam kung ano ang kanilang iisipin tungkol sa kung ano ang nangyayari. Kaya nagtanong sila sa isa't isa, "Ano ang ibig sabihin nito?"
|
||
\p
|
||
\v 13 Subalit pinagtawanan ng iba ang kanilang nakita. Sinabi nila, "Nagsasalita ng ganito ang mga taong ito dahil lasing sila ng maraming bagong alak!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Kaya tumayo si Pedro kasama ang iba pang labing isang apostol at nagsalita nang malakas sa napakaraming tao, sinabi niya, "Kayong mga taga- Judea at kayong mga iba pang nananatili sa Jerusalem, makinig kayo sa akin, kayong lahat, at ipapaliwanag ko sa inyo kung ano ang nangyayari!
|
||
\p
|
||
\v 15 Iniisip ng ilan sa inyo na lasing kami, subalit hindi kami lasing. Ika-siyam na oras palang ng umaga at hindi naglalasing ang mga tao ng ganitong oras!
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Sa halip, isang kahima-himalang bagay ang nangyari sa amin na isinulat ni propetang Joel noong unang panahon. Isinulat niya, sinabi ng Diyos,
|
||
\p
|
||
\v 17 Sa panahon ng mga huling araw, ibibigay ko ang Banal na Espiritu sa lahat ng tao, at sasabihin ng inyong mga anak na lalaki at mga babae ang aking mga mensahe sa mga tao at bibigyan ko ng mga pangitain ang mga batang lalaki at bibigyan ko ng mga panaginip ang mga matatandang lalaki.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 Sa mga araw na iyon, ibibigay ko ang aking Banal na Espiritu sa aking mga lingkod upang maaari nilang sabihin sa mga tao ang aking mga mensahe.
|
||
\p
|
||
\v 19 Ipapahintulot ko na mangyayari ang kamangha-manghang bagay sa langit at gagawa ako ng mga himala sa lupa upang ipakita na mangyayari ang mga mahalaga at kamangha-manghang mga bagay. Dito sa lupa, magkakaroon ng dugo, apoy at usok sa lahat ng dako.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 20 Makikita ng mga tao na magdidilim ang araw sa kalangitan at makikita nila na pula ang buwan. Mangyayari ang mga bagay na ito bago Ako, ang Panginoong Diyos ay darating upang hatulan ang lahat.
|
||
\p
|
||
\v 21 At ililigtas ko ang lahat ng tatawag sa akin na tulungan sila.""
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Patuloy na nagsasalita si Pedro, "Kapwa ko mga Israelita, makinig kayo sa akin! Nang si Jesus na mula sa Nazareth ay nabuhay na kasama ninyo at pinatunayan ng Diyos sa inyo na isinugo niya si Jesus sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng kakayahan na gawin ang maraming kamangha-manghang himala na nagpakita na mula siya sa Diyos. Alam ninyo sa inyong mga sarili na totoo ito.
|
||
\p
|
||
\v 23 Kahit alam ninyo iyon, ipinasakamay ninyo ang taong si Jesus sa mga kamay ng kaniyang mga kaaway. Gayon pa man, nag-plano na ang Diyos para dito at alam niya ang lahat ng tungkol dito. Pagkatapos hinimok ninyo ang mga taong hindi sumusunod sa kautusan ng Diyos upang patayin si Jesus. Ginawa nila iyon sa pamamagitan ng pagpako sa kaniya sa krus
|
||
\p
|
||
\v 24 Namatay siya ngunit muli siyang binuhay ng Diyos, dahil hindi siya maaaring manatiling patay. Ang Diyos ang muling bumuhay kay Jesus."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 "Noong unang panahon, sinulat ni Haring David ang sinabi ng Mesiyas, alam ko na ikaw, Panginoong Diyos ay laging makikinig sa akin. Ikaw ay nasa tabi ko, kaya hindi ako matatakot sa sinumang nais manakit sa akin.
|
||
\p
|
||
\v 26 Dahil doon natuwa at nagalak ang aking puso. Kahit na mamatay ako balang araw, alam ko na lagi mo akong tutulungan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Hindi mo hahayaang manatili ako sa lugar kung saan naroon ang mga patay. Ni hindi mo hahayaang mabulok kahit ang aking katawan dahil matapat ako sa iyo at laging sumusunod sa iyo.
|
||
\p
|
||
\v 28 Ipinakita mo sa akin kung paano mabuhay muli. Labis mo akong pasasayahin dahil ikaw ay makakasama ko magpakailanman."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 29 Nagpatuloy si Pedro, "Kapwa ko mga Judio, nakatitiyak ako na namatay ang ating ninunong si Haring David at inilibing siya ng mga tao. At narito pa rin ngayon ang lugar kung saan inilibing ang kaniyang katawan.
|
||
\p
|
||
\v 30 Isang propeta si Haring David at alam niya na ipinangako ng Diyos sa kaniya na magiging isang hari ang isa sa kaniyang kaapu-apuhan.
|
||
\p
|
||
\v 31 Matagal na panahon na ang nakalipas, alam na ni David kung ano ang gagawin ng Diyos. Sinabi niya na bubuhaying muli ng Diyos si Jesus, ang Mesiyas pagkatapos niyang mamatay. Hindi hahayaan ng Diyos na manatili siya sa libingan at hindi niya hahayaang mabulok ang kaniyang katawan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 32 "Pagkatapos mamatay ni Jesus, muli siyang binuhay ng Diyos. Lahat kami na tagasunod niya ay alam ito dahil nakita namin siya.
|
||
\p
|
||
\v 33 Labis na pinarangalan ng Diyos si Jesus sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniya sa kanang kamay upang maghari kasama niya, ang kaniyang Ama. Ibinigay niya sa atin ang Banal na Espiritu at iyan ang inyong nakikita at naririnig dito ngayon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 34 Alam natin na hindi nagsasalita si David tungkol sa kaniyang sarili dahil hindi umakyat si David sa langit gaya ng ginawa ni Jesus. Bukod dito, sinabi mismo ni David ang tungkol kay Jesus, ang Mesiyas: Sinabi ng Panginoong Diyos sa aking Panginoon, ang Mesiyas, 'Mamahala ka dito sa aking kanang kamay,
|
||
\q
|
||
\v 35 habang ganap kong tinatalo ang iyong mga kaaway."'
|
||
\p
|
||
\v 36 Nagtapos si Pedro sa pagsasabi ng, "Kaya nais kong malaman ninyo at lahat ng ibang Israelita na ginawa ng Diyos si Jesus na parehong Panginoon at Mesiyas, ang parehong Jesus na ipinako ninyo sa krus at pinatay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 37 Nang narinig ng mga tao ang sinabi ni Pedro at ng iba pang mga apostol, alam nila na nakagawa sila ng mali. Sinabi ng mga tao sa kanila, "Ano ang dapat naming gawin?"
|
||
\p
|
||
\v 38 Sumagot si Pedro sa kanila, "Dapat talikuran ng bawat isa sa inyo ang makasalanang pag-uugali. Kung naniniwala na kayo ngayon kay Jesus, babautismuhan namin kayo. Patatawarin ng Diyos ang inyong mga kasalanan at ibibigay niya sa inyo ang kaniyang Banal na Espiritu.
|
||
\p
|
||
\v 39 Nangako ang Diyos na gagawin niya ito para sa inyo at sa inyong mga anak at sa lahat ng iba pang mga naniniwala kay Jesus, kahit na ang mga naninirahan sa malayo rito. Ibibigay ng ating Panginoong Diyos ang kaniyang Banal na Espiritu sa lahat ng tinawag nita upang maging mga taga-sunod niya!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 40 Marami pa ang mga sinabi ni Pedro at nagsalita nang mas may katapangan. Sinabi niya sa kanila, "Hingiin ninyo sa Diyos na iligtas kayo upang hindi niya kayo parusahan kapag parurusahan na niya ang mga masasamang taong ito na tumanggi kay Jesus!"
|
||
\p
|
||
\v 41 Kaya nagpabautismo ang mga taong naniwala sa mensahe ni Pedro. Umabot sa tatlong libo ang sumama sa grupo ng mga mananampalataya sa araw na iyon.
|
||
\p
|
||
\v 42 Patuloy nilang sinusunod ang mga itinuturo ng mga apostol. Maraming beses silang nagtitipon-tipon kasama ng iba pang mga mananampalataya at sama-sama silang kumakain at nananalangin araw-araw.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 43 Labis na iginalang at pinarangalan ng lahat ng mga taong nasa Jerusalem ang Diyos dahil nagsagawa ng maraming mahimalang bagay ang mga apostol.
|
||
\v 44 Ang lahat ng mga naniniwala kay Jesus ay naniniwala sa parehong mga bagay at palaging magkakasamang nagtitipon. Palagi rin nilang ibinabahagi sa isa't isa ang lahat ng mayroon sila.
|
||
\v 45 Paminsan-minsan, ipinagbibili ng ilan sa kanila ang ilang bahagi ng kanilang lupa at ilan sa iba pang mga pagmamay-ari nila at ibinigay ang ilang pera sa iba pang mga kasama nila, ayon sa kanilang pangangailangan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 46 Araw-araw silang patuloy na magkakasamang nagkikita sa lugar ng templo. Sama-sama silang kumakain at nagbabahay-bahay at sa tuwing gagawin nila, masaya sila at ibinabahagi sa bawat isa kung ano ang mayroon sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 47 Habang ginagawa nila ito, patuloy nilang pinupuri ang Diyos at iginagalang sila ng lahat ng ibang mga tao sa Jerusalem. Habang nangyayari ang mga bagay na iyon, araw-araw na dinadagdagan ng Panginoong Jesus ang bilang ng mga taong naliligtas mula sa kaparusahan ng kanilang mga kasalanan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 3
|
||
\p
|
||
\v 1 Isang araw, patungo sina Pedro at Juan sa patyo ng Templo. Sa ika-tatlo ng hapon ito, sa oras na nananalangin ang mga tao doon.
|
||
\p
|
||
\v 2 May isang lalaki doon na hindi makalakad mula nang siya ay isinilang. Nakaupo siya sa may tarangkahang tinatawag na Magandang Pintuan, sa pasukang bahagi ng Templo. Araw-araw siyang dinadala ng mga tao doon upang manlimos ng pera sa mga taong pumapasok sa patyo ng Templo.
|
||
\p
|
||
\v 3 Nang papasok na sina Pedro at Juan sa patyo ng templo, humingi siya ng pera sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Habang nakatingin sina Pedro at Juan sa kaniya, sinabi ni Pedro, "Tumingin ka sa amin".
|
||
\p
|
||
\v 5 Kaya tumingin ang lalaki sa kanila na umaasang mabibigyan nila siya ng pera.
|
||
\p
|
||
\v 6 At sinabi ni Pedro, "Wala akong pera, ngunit gagawin ko sa iyo ang kaya kong gawin. Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, pinagaling ka na. Tumayo ka at lumakad!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Pagkatapos, hinawakan ni Pedro ang kanang kamay ng lalaki at tinulungang tumayo. Nang sandaling iyon, lumakas ang mga paa at bukong-bukong ng lalaki.
|
||
\p
|
||
\v 8 Lumukso siya at nagsimulang lumakad! Pagkatapos, pumasok siya sa templo kasama sina Pedro at Juan na naglalakad, lumulukso at nagpupuri sa Diyos!
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Nakita siya ng lahat ng mga tao sa templo na naglalakad at nagpupuri sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 10 Nakilala nila na ito ang lalaking dating nakaupo sa Magandang Pintuan sa patyo ng templo at humihingi ng pera sa mga tao! Kaya labis na namangha ang lahat ng tao doon sa himalang nangyari sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Habang nakahawak ang lalaki kina Pedro at Juan, gulat na gulat ang lahat na hindi na nila alam kung ano ang kanilang iisipin! Kaya tumatakbo silang nagtungo sa patyo ng templo na tinatawag na Portiko ni Solomon.
|
||
\p
|
||
\v 12 Nang makita ni Pedro ang mga tao, sinabi niya, "Mga kapwa Israelita, hindi kayo dapat magulat sa nangyari sa lalaking ito! Bakit ninyo kami tinitignan na para bang mayroon kaming sariling kapangyarihan para palakarin ang taong ito?
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Kaya sasabihin ko sa inyo kung ano ang tunay na nangyayari. Sinamba ng ating mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob ang Diyos. At ngayon, lubos na pinarangalan ng Diyos si Jesus. Dinala siya ng inyong mga pinuno sa gobernador na si Pilato upang pahirapan ng kaniyang mga kawal. Kayo ang nagtanggi kay Jesus sa harapan ni Pilato, matapos mapagpasiyahan ni Pilato na dapat niyang palayain si Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 14 Kahit na si Jesus ay sariling Mesiyas ng Diyos ng Israel, ang Siyang Matuwid, hiniling pa rin ninyo na palayain ang isang mamatay tao sa halip na si Jesus!
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 15 Itinuturing ng Diyos na kayo ang pumatay kay Jesus, siya na nagbibigay sa mga tao ng buhay na walang hanggan. Ngunit binuhay siyang muli ng Diyos. Maraming beses naming nakita si Jesus pagkatapos niyang mabuhay muli.
|
||
\p
|
||
\v 16 Dahil sa may pananalig ang lalaking ito kaya siya pinagaling at muling nakalakad sa harapan ninyong lahat."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 "Kaya, aking mga kababayan, nalalaman kong pinatay ninyo at ng inyong mga pinuno si Jesus dahil hindi ninyo alam na siya ang Mesiyas.
|
||
\q
|
||
\v 18 Gayunman, nakita na ng Diyos noon pa man na papatayin ng mga tao si Jesus. Sinabi ng Diyos sa lahat ng propeta na isulat kung ano ang gagawin ng mga tao sa Mesiyas. Isinulat nila na ang Mesiyas na isusugo ng Diyos ay magdurusa at mamamatay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 19 Kaya tumalikod kayo sa inyong mga makasalanang pamumuhay at hilingin ninyo sa Diyos na tulungan kayong gawin ang nakalulugod sa kaniya upang ganap niya kayong mapatawad sa inyong mga kasalanan at nang mapalakas niya kayo.
|
||
\p
|
||
\v 20 Kung gagawin ninyo iyon, darating ang panahon na malalaman ninyong tinutulungan kayo ng Panginoong Diyos. At balang araw muli niyang isusugo sa lupa ang Mesiyas na kaniyang ibinigay para sa inyo. Ang taong ito ay si Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 21 Tiyak na manatili si Jesus sa langit hanggang sa panahon na muling baguhin ng Diyos ang lahat ng kaniyang nilikha. Noon pa man, ipinangako na ng Diyos na tutuparin niya ito at humirang siya ng mga banal na propetang magpapahayag nito sa mga tao.
|
||
\p
|
||
\v 22 Halimbawa, sinabi ito ni propeta Moises tungkol sa Mesiyas: 'Magsusugo ang Panginoong Diyos ng isang propeta na katulad ko mula sa inyo. Dapat kayong makinig sa lahat ng kaniyang sasabihin.
|
||
\p
|
||
\v 23 Wawasakin at hindi na ibibilang sa bayan ng Diyos ang mga taong hindi makikinig at hindi susunod sa propetang ito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Nagpatuloy si Pedro, "Sinabi ng lahat ng mga propeta ang tungkol sa mga mangyayari sa mga panahong ito. Kabilang sa mga propetang ito si Samuel at ang lahat ng iba pang nagpahayag tungkol sa mga pangyayaring ito bago ito naganap.
|
||
\q
|
||
\v 25 Nang tapatang ipinangako ng Diyos na pagpapalain niya ang ating mga ninuno, tiniyak din niyang ipinangako na pagpapalain kayo. Sinabi niya kay Abraham ang tungkol sa Mesiyas, 'Pagpapalain ko ang lahat ng tao sa daigdig bilang gantimpala sa pagsunod ng inyong mga kaapu-apuhan.'"
|
||
\p
|
||
\v 26 Sinabi ni Pedro, "Kaya nang isinugo ng Diyos sa mundo si Jesus upang maglingkod bilang Mesiyas, isinugo muna siya sa inyong mga Israelita upang pagpalain kayo nang sa gayon ay tumalikod kayo sa paggawa ng kasamaan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 4
|
||
\p
|
||
\v 1 Samantala, may ilang mga pari sa patyo ng templo. Naroon din ang opisyal na namamahala sa mga bantay ng templo at ilang kasapi sa samahan ng Saduceo. Lumapit ang lahat ng mga kalalakihang ito kanila Pedro at Juan habang nagsasalita ang dalawa sa mga tao.
|
||
\p
|
||
\v 2 Labis na nagalit ang mga kalalakihang ito dahil nagtuturo ang dalawang apostol sa mga tao tungkol kay Jesus. Sinasabi nila sa kanila na ang Diyos bumuhay muli kay Jesus pagkatapos siyang patayin.
|
||
\p
|
||
\v 3 Kaya dinakip ng mga kalalakihang ito sina Pedro at Juan at ikinulong. Kinailangang maghintay ng konseho ng Judio ang sumunod na araw upang tanungin sila Pedro at Juan sapagkat gabi na noon.
|
||
\p
|
||
\v 4 Gayunman, maraming tao ang nanampalataya kay Jesus nang marinig nila ang sinabi ni Pedro. Nadagdagan ang bilang ng mga taong naniwala kay Jesus nang halos limanlibo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Kinabukasan, tinawag ng pinakapunong pari ang ibang mga punong pari, ang mga tagpagturo ng mga batas ng mga Judio at ang ibang kasapi ng mga Konseho ng Judio at nagkatipun-tipon sila sa isang lugar sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 6 Naroon din ang dating pinakapunong pari na si Anas. Naroon din ang bagong pinakapunong pari na si Caifas, si Juan at si Alejandro at ang ibang mga tao na kamag-anak ng pinakapunong pari.
|
||
\p
|
||
\v 7 Inutusan nila ang mga bantay upang dalhin sina Pedro at Juan sa loob ng silid at tinanong sila Pedro at Juan, "Sino ang nagbigay sa inyo ng kapangyarihan upang pagalingin ang lalaking hindi makalakad?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Nang bigyan ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan si Pedro, sinabi ni Pedro sa kanila, "kayong mga kapwa Israelita na namumuno sa amin at lahat kayong mga nakatatanda, makinig kayo sa akin!
|
||
\p
|
||
\v 9 Tinatanong ninyo kami ngayon tungkol sa mabuting gawa namin sa lalaking hindi makalakad at tinatanong ninyo kami kung paano siya gumaling. Kaya sasabihin ko ito sa inyo at sa lahat ng mga Israelita:
|
||
\p
|
||
\v 10 Gumaling ang lalaking ito sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo ng Nazaret, kaya may kakayahan siya ngayon na tumayo sa inyong harapan. Kayo ang nagpako sa krus at pumatay kay Jesus, ngunit muli siyang binuhay ng Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Si Jesu-Cristo ng Nazaret ang tinutukoy sa Kasulatan ng Diyos na: "Ang bato na tinanggihan ng mga manggagawa ay naging pinakamahalagang bato sa gusali."
|
||
\p
|
||
\v 12 Si Jesus lamang ang makapagliligtas sa atin, sapagkat wala nang ibang taong ibinigay ang Diyos sa sanlibutan para sa atin na makapagliligtas sa ating mga kasalanan!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Napagtanto ng pinuno ng mga Judio na hindi takot sina Pedro at Juan sa kanila. Nalaman din nila na ang dalawang lalaking ito ay pangkaraniwang tao lamang at walang pinag-aralan. Kaya namangha ang mga pinuno. Alam nila na nakasama ni Jesus ang mga lalaking ito.
|
||
\p
|
||
\v 14 Nakita din nila ang pinagaling na lalaki na nakatayo sa tabi nila Pedro at Juan, kaya wala silang masabi na kahit na ano laban sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa mga bantay na ilabas sina Pedro at Juan at ang pinagaling na lalaki sa silid kung saan sila nagpupulong. Pagkatapos nila itong ginawa, nagusap-usap ang mga pinuno tungkol kanila Pedro at Juan.
|
||
\p
|
||
\v 16 Sinabi nila, "Wala na tayong magagawa upang parusahan ang dalawang lalaking ito! Alam ng lahat ng naninirahan sa Jerusalem na kamangha-manghang himala ang ginawa nila, kaya hindi natin maaaring sabihin sa mga tao na hindi ito nangyari!
|
||
\p
|
||
\v 17 Gayunman, hindi natin dapat hayaan na marinig ng iba pang mga tao ang anumang itinuturo nila tungkol sa Jesus na ito. Kaya dapat nating sabihin sa mga lalaking ito na parurusahan natin sila kung patuloy nilang sasabihin sa ibang tao ang tungkol sa sinasabi nilang nagbigay sa kanila ng kapangyarihan upang pagalingin ang lalaking ito."
|
||
\p
|
||
\v 18 Kaya sinabi ng mga pinunong Judio sa mga bantay na papasuking muli ang dalawang apostol sa loob ng silid. Pagkatapos itong gawin ng mga bantay, sinabihan silang pareho na dapat huwag na silang magsalita o magturo tungkol kay Jesus sa kaninuman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Ngunit sinabi nila Pedro at Juan, "Iisipin ba ng Diyos na makabubuti para sa amin na sumunod sa inyo at huwag siyang sundin? Hahayaan naming kayo na ang magpasya kung ano sa tingin ninyo ang tama.
|
||
\p
|
||
\v 20 Ngunit para sa amin, hindi namin kayo maaaringsundin. Hindi kami titigil na sabihin sa mga tao ang tungkol sa mga bagay na nakita naming ginawa ni Jesus at ang mga narinig naming itinuro niya."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 21 Pagkatapos, muling sinabi ng mga pinuno ng Judio kanila Pedro at Juan na huwag silang suwayin, ngunit napagpasyahan nila na huwag silang parusahan sapagkat lahat ng tao sa Jerusalem ay nagpupuri sa Diyos tungkol sa nangyari sa lalaking hindi makalakad.
|
||
\p
|
||
\v 22 Mahigit na siyang apatnapung taong gulang at hindi siya makalakad mula sa araw na siya ay ipinanganak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 Matapos iwan nila Pedro at Juan ang konseho ng Judio, pumunta sila sa iba pang mga mananampalataya at sinabi sa kanila ang lahat ng sinabi ng mga pinakapunong pari at ilang mga nakatatandang Judio.
|
||
\q
|
||
\v 24 Nang marinig ito ng mga mananampalataya, sumang-ayon silang lahat habang sama-sama silang nananalangin sa Diyos, "Aming Panginoon! Ikaw ang lumikha ng langit, ang lupa, mga karagatan at lahat nang naroon.
|
||
\p
|
||
\v 25 Ang Banal na Espiritu ang nagdulot sa ating ninunong si Haring David na naglingkod sa iyo, upang isulat ang mga salitang ito: 'Bakit nagagalit ang pangkat ng mga lahi ng sanlibutan at nagbabalak nang walang kabuluhan ang mga Israelita laban sa Diyos?
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 26 Naghanda ang mga hari ng mundo upang labanan ang Taga-pamuno ng Diyos at sumama ang mga namumuno sa kanila upang sumalungat sa Panginoong Diyos at sa isang pinili niyang maging Mesiyas.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Totoo ito! Kapwa sina Herodes at si Poncio Pilato, kasama ng mga hindi-Judio at ang mga Israelita ay nagtipun-tipon sa lungsod na ito laban kay Jesus na iyong pinili upang maglingkod sa iyo bilang Mesiyas.
|
||
\p
|
||
\v 28 Hinayaan mo silang gawin ito dahil ito ang napagpasyahan mo noon pa na mangyari."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 29 "Kaya ngayon, Panginoon, pakinggan mo kung ano ang sinasabi nila tungkol sa kung paano nila kami parurusahan! Tulungan mo kaming mga naglilingkod sa iyo na magsalita tungkol kay Jesus sa bawa't isa!
|
||
\p
|
||
\v 30 Gamitin mo ang inyong kapangyarihan upang makagawa ng dakilang mga himala ng pagpapagaling, mga tanda at mga kamangha-manghang bagay sa ngalan ng iyong banal na lingkod na si Jesus!"
|
||
\p
|
||
\v 31 Nang matapos manalangin ang mga mananampalataya, nayanig ang lugar kung saan sila nagtipon-tipon. Ibinigay sa kanila ng Banal na Espiritu ang lahat ng kapangyarihan upang sabihin nang may katapangan ang mga salitang sinabi ng Diyos sa kanila na sabihin, at ito ang kanilang ginawa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 32 Ganap na nagkaisa ang mga taong nananampalataya kay Jesus tungkol sa kung ano ang inisip at kagustuhan nila. Wala ni isa ang sa kanila ang nagsasabi na pag-aari niya ang anumang bagay. Sa halip, ibinahagi nila sa bawat isa ang lahat ng mayroon sila.
|
||
\p
|
||
\v 33 Lubos nilang ipinagpatuloy ang pagsasabi sa iba na ang Diyos ang dahilan sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At lubos na tinutulungan ng Diyos ang lahat ng mga mananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 34-35 Ibinenta ng ilan sa mga mananampalataya na nagmamay-ari ng lupain o mga bahay ang kanilang mga pag-aari. Pagkatapos, dadalhin nila ang perang pinagbentahan at ibibigay ito sa mga apostol. At ibibigay naman ng mga apostol ang pera sa mananampalatayang nangangailangan nito. Kaya nagkaroon ang lahat ng mga mananampalataya ng kanilang mga pangangailangan para mabuhay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 36 Ngayon may isang mananampalataya na nagngangalang Jose na kabilang sa tribo ni Levi at nanggaling sa Isla ng Cyprus. Tinatawag siyang Bernabe ng mga apostol na sa wika ng mga Judio ang kahulugan ng pangalang iyon ay ang taong palaging nagpapalakas ng loob ng mga iba.
|
||
\v 37 Nagbenta siya ng kaniyang bukid at dinala ang pera sa mga apostol para maibigay nila sa ibang mga mananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 5
|
||
\p
|
||
\v 1 Ngayon, may isa sa mga mananampalataya na ang pangalan ay Ananias at Safira ang pangalan ng kaniyang asawa. Nagbenta rin siya ng ilang lupa.
|
||
\p
|
||
\v 2 Itinago niya para sa kaniyang sarili ang ilan sa pera na kaniyang tinanggap kapalit ng lupa at alam ng kaniyang asawa na iyon ang kaniyang ginawa. Pagkatapos, dinala niya ang natirang pera at ipinakita ito sa mga apostol.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 3 At sinabi ni Pedro, "Ananias, hinayaan mo si Satanas na lubusan kang pamahalaan kaya sinubukan mong linlangin ang Banal na Espiritu. Bakit mo ginawa ang ganoong kakila-kilabot na bagay? Itinago mo ang ilang pera na natanggap mo sa pagbebenta ng lupa para sa iyong sarili. Hindi mo ito ibinigay lahat sa amin.
|
||
\q
|
||
\v 4 Bago mo ibinenta ang lupa, ikaw ang tunay na nagmamay-ari nito. At pagkatapos mo itong ibenta, sa iyo parin ang pera. Kaya bakit mo naisip ang tungkol sa paggawa ng masamang bagay na ito? Hindi lang kami ang sinubukan mong linlangin! Hindi, sinubukan mong linlangin ang Diyos mismo!"
|
||
\p
|
||
\v 5 Nang marinig ni Ananaias ang mga salitang ito, bigla siyang bumagsak at namatay. At lubos na natakot ang lahat ng nakarinig tungkol sa pagkamatay ni Ananias.
|
||
\p
|
||
\v 6 IIang mga kabataang lalaki ang lumapit, binalot ang kaniyang katawan ng kumot at dinala ito sa labas at inilibing.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Lumipas ang halos tatlong oras, pumasok ang kaniyang asawa ngunit hindi niya alam kung ano ang nangyari.
|
||
\p
|
||
\v 8 Pagkatapos, ipinakita ni Pedro sa kaniya ang pera na dinala ni Ananias at tinanong siya, "Sabihin mo sa akin, ito ba ang halaga ng pera na tinanggap ninyong dalawa sa lupang ibinenta ninyo?" sinabi niya, "Oo, iyan ang natanggap namin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Kaya sinabi ni Pedro sa kaniya, "Kayong dalawa ay gumawa ng isang kakila-kilabot na bagay! Nagkasundo kayo upang subukang linlangin ang Espiritu ng Panginoon! Makinig ka! Naririnig mo ba ang mga yabag ng paa ng mga lalaking naglibing sa iyong asawa? Nandiyan lamang sila sa labas ng pintuang ito at dadalhin ka din nila palabas!"
|
||
\p
|
||
\v 10 Agad-agad na nabuwal si Safira at namatay sa paanan ni Pedro. Pagkatapos pumasok ang mga kabatang lalaki. Nang makita nilang patay na rin ang babae, binuhat nila ang katawan nito palabas at inilibing ito sa tabi ng labi ng kaniyang asawa.
|
||
\p
|
||
\v 11 Lahat ng mga mananampalataya sa Jerusalem ay nagkaroon ng matinding takot dahil sa ginawa ng Diyos kay Ananias at Safira. At ang lahat ng nakarinig ng tungkol sa mga bagay na ito ay nagkaroon ng matinding takot.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Binigyan ng kakayahan ng Diyos ang mga apostol na gumawa ng maraming kamangha-manghang mga himala na nagpakita ng katotohanan ng kanilang ipinangangaral sa mga tao. Ang lahat ng mananampalataya ay palaging nagkakatipon sa patyo ng templo sa lugar na tinawag na Portiko ni Solomon.
|
||
\p
|
||
\v 13 Natakot na sumama sa mga mananampalataya ang lahat ng mga taong hindi pa nanampalataya kay Jesus. Gayunman, ipinagpatuloy ng mga taong iyon ang kanilang matinding paggalang sa mga mananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Marami pang mga lalaki at mga babae ang nagsimulang manampalataya sa Panginoong Jesus at sumama sila sa pangkat ng mga mananampalataya.
|
||
\p
|
||
\v 15 Bilang resulta, dinadala ng mga tao ang mga may sakit sa lansangan at inilalagay sa higaan at mga banig, upang sa pagdaan ni Pedro, kahit man lang ang kaniyang anino ay sakaling tumapat sa ilan sa kanila at sila ay gumaling.
|
||
\p
|
||
\v 16 Malalaking bilang ng mga tao rin ang pumupunta sa mga apostol mula sa mga bayang malapit sa Jesusalem. Dinadala nila ang mga may sakit at ang mga pinahihirapan ng mga masasamang espiritu at pinagaling silang lahat ng Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 At ang pinakapunong pari at ang lahat ng kasama niya--kasapi silang lahat sa pangkat ng Saduseo--ay labis na nainggit sa mga apostol.
|
||
\p
|
||
\v 18 Kaya inutusan nila ang mga bantay ng templo na dakpin ang mga apostol at ikulong sila sa pampublikong bilangguan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Ngunit nang gabing iyon, isang anghel mula sa Panginoong Diyos ang nagbukas ng mga pintuan ng bilangguan at dinala ang mga apostol sa labas! Pagkatapos sinabi ng anghel
|
||
\p
|
||
\v 20 sa mga apostol, "Pumunta kayo sa patyo ng templo, tumayo kayo doon at sabihin sa mga tao ang lahat ng mensaheng ito ng buhay na walang hanggan!"
|
||
\p
|
||
\v 21 Pagkarinig nito, pumasok ang mga apostol sa patyo ng templo noong magmamadaling araw na at nagsimulang magturo muli sa mga tao tungkol kay Jesus. Samantala, ang pinakapunong pari at ang mga kasama niya ay pinatawag ang iba pang Judiong mga kasapi ng konseho. Silang lahat na magkakasama ay mga pinuno ng Israel. Pagkatapos nilang magtipon-tipon, nagpapunta sila ng mga bantay sa bilangguan upang dalhin ang mga apostol.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Ngunit nang dumating ang mga bantay sa bilangguan, natuklasan nila na wala doon ang mga apostol. Kaya bumalik sila sa Konseho at ibinalita,
|
||
\p
|
||
\v 23 "Nakita namin ang mga pintuan ng bilangguan ay talagang mahigpit na nakakandado at nakatayo ang mga bantay sa mga pintuan. Ngunit nang buksan namin ang mga pintuan at kami ay pumasok upang kunin ang mga kalalakihang iyon, wala sa kanila ang nasa loob ng bilangguan!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 24 Nang marinig iyon ng kapitan ng mga bantay ng templo at ng mga punong pari, labis silang naguluhan at napaisip kung saan hahantong ang lahat ng mga pangyayaring ito.
|
||
\p
|
||
\v 25 Pagkatapos, may isang tao ang dumating at nagbalita sa kanila, "Pakinggan ninyo ito! Ngayon mismo, ang mga lalaking inilagay ninyo sa bilangguan ay nakatayo sa patyo ng templo at nagtuturo sa mga tao!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 26 Kaya nagpunta sa patyo ng templo ang kapitan ng mga bantay ng templo kasama ang mga opisyal at dinala nila pabalik ang mga apostol sa silid ng Konseho. Ngunit hindi sila pinakitunguhan ng marahas dahil natakot silang baka patayin sila ng mga tao sa pamamagitan ng pagbato.
|
||
\q
|
||
\v 27 Pagkatapos dalhin ng kapitan at kaniyang mga opisyal ang mga apostol sa silid ng Konseho, inutusan nila silang tumayo sa harapan ng mga kasapi ng Konseho at tinanong sila ng pinakapunong pari.
|
||
\p
|
||
\v 28 Sinabi niya sa kanila, "Inutusan namin kayo na huwag nang turuan ang mga tao tungkol sa Jesus na iyan! Ngunit sinuway ninyo kami at tinuruan ninyo ang mga tao sa buong Jerusalem tungkol sa kaniya! Higit pa dito, pinapalabas ninyo na kami ang may kasalanan sa pagkamatay ng taong iyan!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 29 Ngunit sumagot si Pedro na nagsasalita para sa kaniyang sarili at sa iba pang mga apostol, "Kailangang sundin namin kung ano ang mga iniutos ng Diyos na gawin namin, hindi kung ano ang sinasabi ninyong mga tao na gawin namin!
|
||
\q
|
||
\v 30 Kayo ang pumatay kay Jesus sa pamamagitan ng pagpako sa kaniya sa krus! Ngunit ang Diyos, na sinamba ng ating mga ninuno, ang bumuhay muli kay Jesus pagkatapos niyang mamatay.
|
||
\q
|
||
\v 31 Pinarangalan ng Diyos si Jesus nang higit kaninuman. Siya ang ginawa ng Diyos na magligtas sa atin at mamuno sa ating lahat. Pinahintulutan niya tayong mga Israelita na tumigil sa pagkakasala, nang sa gayon maaari niyang patawarin ang ating mga kasalanan.
|
||
\p
|
||
\v 32 Sinasabi namin sa mga tao ang tungkol sa mga bagay na ito na alam naming nangyari kay Jesus. Ang Banal na Espiritu, na sinugo ng Diyos sa ating mga sumusunod sa kaniya ay siya ring nagpapatunay na ang mga bagay na ito ay totoo."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 33 Nang marinig ito ng mga kasapi ng Konseho, labis silang nagalit sa mga apostol at nais nila silang patayin.
|
||
\p
|
||
\v 34 Ngunit may isang kasapi ng Konseho na ang pangalan ay Gamaliel. Kasapi siya sa pangkat ng mga Pariseo. Itinuro niya sa mga tao ang kautusan ng mga Judio at iginagalang siya ng lahat ng mamamayang Judio. Tumayo siya sa Konseho at sinabihan ang mga bantay na kunin ang mga apostol at ilabas sa silid nang sandaling panahon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 35 Pagkatapos na ilabas ng mga bantay ang mga apostol, sinabi niya sa ibang mga kasapi ng Konseho, "Kapwa ko mga Israelita, dapat ninyong pag-isipang mabuti ang tungkol sa gusto ninyong gawin sa mga taong ito.
|
||
\p
|
||
\v 36 Ilang taon na ang lumipas, isang lalaking nagngangalanga Teudas ang naghimagsik laban sa pamahalaan. Sinabi niya sa mga tao na siya ay isang mahalagang tao at halos apatnaraang kalalakihan ang sumama sa kaniya. Ngunit napatay siya at lahat ng sumama sa kaniya ay nagwatak-watak. Kaya wala silang kakayahan upang gawin ang anumang kanilang binalak.
|
||
\v 37 Pagkatapos noon, sa panahon na isinusulat nila ang mga pangalan ng mga tao para sila ay buwisan, may isang lalaki na ang pangalan ay Judas mula sa rehiyon ng Galilea na naghimagsik at nakahikayat ng ilang mga tao upang sumunod sa kaniya. Ngunit pinatay rin siya at lahat ng sumama sa kaniya ay pumunta sa iba't ibang mga deriksiyon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 38 Kaya ngayon sinasabi ko ito sa inyo: Huwag ninyong saktan ang mga lalaking ito! Pakawalan ninyo sila! Sinasabi ko ito sa inyo dahil kung ang mga bagay na nangyayari ngayon ay isang bagay lamang na pinagplanuhan ng mga tao, may taong magpapatigil sa kanila. Sila ay mabibigo.
|
||
\v 39 Ngunit kung ang Diyos ang nag-utos sa kanila na gawin ang mga bagay na ito, hindi ninyo sila kayang pigilan, dahil lalabas pang kinakalaban ninyo ang Diyos!" Tinanggap ng ibang kasapi ng Konseho ang sinabi ni Gamaliel.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 40 Sinabi nila sa mga bantay ng templo na dalhin ang mga apostol at bugbugin sila. Kaya dinala sila ng mga bantay sa silid ng Konseho at sila ay binugbog. Pagkatapos, inutusan sila ng mga kasapi ng Konseho na huwag nang muling magsalita sa mga tao tungkol kay Jesus at kanilang pinakawalan ang mga apostol.
|
||
\v 41 Kaya lumabas ang mga apostol mula sa Konseho. Nagagalak sila dahil alam nilang pinarangalan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapahintulot niya sa mga tao na hiyain sila dahil sumusunod sila kay Jesus.
|
||
\v 42 Araw-araw pagkatapos noon, pumunta ang mga apostol sa templo at sa iba't ibang mga bahay at nagpatuloy silang magturo sa mga tao at nagsasabi sa kanila na si Jesus ay ang Cristo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 6
|
||
\p
|
||
\v 1 Nang panahong iyon, maraming tao ang nagiging mananampalataya. Nagsimulang magreklamo ang mga hindi katutubong Judio tungkol sa mga katutubong Israelita dahil hindi nakakatanggap ng pantay na bahagi sa pang araw-araw na pagkain ang mga kasama nilang balo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 2 Kaya matapos marinig ng labindalawang apostol ang kanilang sinasabi, ipinatawag nila ang lahat ng iba pang mananampalataya sa Jerusalem upang magkatipon. At sinabi ng mga apostol sa kanila, "Hindi namin ginagawa ang tama kung titigil kami sa pangangaral at pagtuturo ng mensahe ng Diyos upang mamahagi na lamang ng pagkain para sa mga tao!
|
||
\p
|
||
\v 3 Kaya mga kapwa mananampalataya, maingat kayong pumili ng pitong kalalakihan mula sa inyong mga sarili, mga lalaking alam ninyong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos at iyong mga matatalino. At tuturuan namin sila upang gawin ang gawaing ito.
|
||
\p
|
||
\v 4 At kami naman, magpapatuloy kami sa pagbigay ng aming oras na manalangin, mangaral at magturo ng mensahe tungkol kay Jesus."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Nalugod ang lahat ng iba pang mananampalataya sa iminungkahi ng mga apostol. Kaya pinili nila si Esteban, isang lalaki na may matatag na pananampalataya sa Diyos at lubos na pinapatnubayan ng Banal na Espiritu. Pinili rin nila sina Felipe, Procorus, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na mula sa lungsod ng Antioquia. Tinanggap ni Nicolas ang relihiyong Judio bago siya nanampalataya kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 6 Dinala ng mga mananampalataya ang pitong kalalakihang ito sa mga apostol. Pagkatapos, ipinanalangin ng mga apostol at pinatungan ng kamay sa ulo ang bawat isa sa kanila na upang ipagawa sa kanila ang trabahong ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Kaya nagpatuloy ang mga mananampalataya na sabihin sa maraming tao ang mensaheng mula sa Diyos. Lubhang dumadami ang bilang ng mga taong nanampalataya kay Jesus na mula sa Jerusalem. Kasama nila ang maraming paring Judio na sumusunod sa mensahe tungkol sa pagtitiwala nila kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Binigyan ng Diyos si Esteban ng kapangyarihan na gumawa ng maraming kahanga-hangang mga himala sa gitna ng mga tao na nagpapatunay na ang mga mensahe tungkol kay Jesus ay totoo.
|
||
\p
|
||
\v 9 Gayunman, tutol ang ilang tao kay Esteban. Sila ay ang mga Judio na mula sa pangkat na palaging nagkakatipon sa isang sinagoga na tinawag na Sinagoga ng mga Malayang Tao at maging ang mga tao na mula sa mga lungsod ng Cirene at Alejandrino at mula sa mga lalawigan ng Cilicia at Asia. Nagsimula silang lahat na makipagtalo kay Esteban.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 10 Ngunit hindi nila kayang patunayan na mali ang kaniyang sinabi dahil binigyan siya ng kakayahan ng Espiritu ng Diyos upang makapagsalita nang may lubos na karunungan.
|
||
\p
|
||
\v 11 Kaya palihim nilang hinikayat ang ilang tao na paratangan ng kasinungalingan si Esteban. Sinabi ng mga taong iyon, "Narinig namin siyang nagsalita ng masasamang bagay tungkol kay Moises at sa Diyos."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Kaya nagawa nilang magalit ang ibang mga Judio kay Esteban, kabilang ang mga nakatatanda at mga tagapagturo ng mga kautusang Judio. At sinunggaban nilang lahat si Esteban at dinala siya sa Konseho ng mga Judio.
|
||
\p
|
||
\v 13 Nagdala rin sila ng ilang mga tao na pinaratangan siya ng kasinungalingan. Sinabi ng mga taong ito, "Ang taong ito ay patuloy sa pagsasabi ng masamang mga bagay tungkol sa banal na templong ito at tungkol sa mga kautusan na tinanggap ni Moises mula sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 14 Ang gusto naming sabihin ay narinig namin siyang nagsabi na itong si Jesus na mula sa bayan ng Nazaret ay sisirain ang templong ito at sinabihan kami na sundin ang ibang kaugalian kaysa sa itinuro ni Moises sa ating mga ninuno."
|
||
\p
|
||
\v 15 Lahat ng mga tao sa silid ng Konseho ay tumitig kay Esteban at nakita nila na ang kaniyang mukha ay kahawig ng mukha ng isang anghel.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 7
|
||
\p
|
||
\v 1 Pagkatapos, tinanong si Esteban ng pinakapunong pari, "Totoo ba ang mga bagay na sinasabi ng mga taong ito tungkol sa iyo?"
|
||
\p
|
||
\v 2 Sumagot si Esteban, "Mga kapwa ko Judio at iginagalang na mga pinuno, nakikiusap ako na makinig kayo sa akin! Ang maluwalhating Diyos na sinasamba natin ay nagpakita sa ating ninunong si Abraham habang naninirahan pa lamang siya sa rehiyon ng Mesapotamia, bago pa siya lumipat sa lungsod ng Haran.
|
||
\p
|
||
\v 3 Sinabi ng Diyos sa kaniya, 'Iwan mo ang lupaing ito kung saan ikaw at ang iyong mga kamag-anak ay naninirahan at pumunta ka sa lupain na ituturo ko sa iyo.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Kaya iniwan ni Abraham ang lupaing iyon na tinawag rin na Caldeo at nakarating siya sa Haran at nanirahan doon. Pagkatapos mamatay ng kaniyang ama, sinabi ng Diyos sa kaniya na lumipat sa lupaing ito kung saan kayo at ako ay naninirahan ngayon.
|
||
\p
|
||
\v 5 Noong panahong iyon, hindi binigyan si Abraham ng anumang lupain ng Diyos upang maging pag-aari niya, kahit isang maliit na bahagi ng lupaing ito. Ngunit ipinangako ng Diyos na sa huli ay ibibigay niya ang lupaing ito sa kaniya at sa kaniyang mga kaapu-apuhan at ito ay magiging kanila habang panahon. Gayunman sa panahong iyon, wala kahit isang anak si Abraham na magmamana nito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Sa bandang huli sinabi ng Diyos kay Abraham, 'Ang iyong kaapu-apuhan ay pupunta at maninirahan sa isang banyagang bansa. Maninirahan sila doon ng apatnaraang taon, at sa panahong iyon ay aabusuhin ng kanilang mga pinuno ang iyong kaapu-apuhan at pipilitin silang magtrabaho bilang mga alipin.
|
||
\p
|
||
\v 7 'Ngunit parurusahan ko ang mga taong gagawin silang mga aalipin. Pagkatapos noon, ang iyong mga kaapu-apuhan ay aalis sa lupaing iyon at darating sila at sasamba sa akin sa lupaing ito.'
|
||
\p
|
||
\v 8 At iniutos ng Diyos na ang bawat lalaki sa sambahayan ni Abraham at lahat ng lalaki sa kaniyang kaapu-apuhan ay kinakailangang tuliin upang ipakita na silang lahat ay pag-aari ng Diyos. Pagkalipas ng ilang taon ipinanganak ang anak ni Abraham na si Isaac at nang ikawalong araw ay tinuli siya ni Abraham. At pagkatapos ng ilang taon, isinilang ang anak ni Isaac na si Jacob. Si Jacob ang ama ng labindalawang lalaki na tinatawag nating mga Judio na mga patriyarka na ating mga ninuno.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Alam ninyo na ang mga nakakatandang anak ni Jacob ay nainggit dahil pinapaboran ng kanilang ama ang kanilang nakababatang kapatid na si Jose. Kaya ibinenta nila si Jose sa mga mangangalakal na nagdala sa kaniya sa Egipto kung saan siya ay naging isang alipin. Ngunit tinulungan ng Diyos si Jose.
|
||
\p
|
||
\v 10 Iningatan siya ng Diyos kapag pinahihirapan siya ng mga tao. Minarapat ng Diyos na maging matalino si Jose at maging ang Paraon na hari ng Egipto ay nagkaroon ng dahilan upang mag-isip ng mabuti kay Jose. Kaya itinalaga siya ng Paraon upang mamuno sa buong Egipto at magbantay sa lahat ng ari-arian ng Paraon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Habang ginagawa ni Jose ang trabahong iyon, may pagkakataon na napakaunti lamang ng pagkain sa Egipto at gayun din sa Canaan. Naghihirap ang mga tao. Sa panahong iyon, si Jacob at ang kaniyang mga anak sa Canaan ay hindi rin makahanap ng sapat na pagkain.
|
||
\p
|
||
\v 12 Nang marinig ni Jacob ang ulat ng mga tao na may mga butil na maaaring bilhin ng mga tao sa Egipto, inutusan niya ang mga nakakatandang kapatid ni Jose upang bumili ng mga butil doon. Pumunta sila at bumili ng mga butil mula kay Jose, ngunit hindi nila siya nakilala. Pagkatapos umuwi na sila.
|
||
\p
|
||
\v 13 Nang pumunta ang mga kapatid ni Jose sa Egipto sa ikalawang pagkakataon, muli silang bumili ng mga butil kay Jose. Ngunit sa pagkakataong iyon, sinabi na niya sa kanila kung sino siya. Kaya napag-alaman ng Paraon na ang kababayan ni Jose ay mga Hebreo at ang mga dumating mula sa Canaan ay kaniyang mga kapatid.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Pagkatapos, pinabalik ni Jose ang kaniyang mga kapatid sa kanilang tirahan, sinabi nila sa kanilang amang si Jacob na gusto ni Jose na siya at ang kaniyang buong pamilya ay pumunta sa Egipto. At sa panahong iyon, ang pamilya ni Jacob ay binubuo ng pitumpu't limang katao.
|
||
\p
|
||
\v 15 Kaya nang marinig ito ni Jacob, pumunta siya at ang buong pamilya niya sa Egipto at doon nanirahan. Lumipas ang panahon, namatay doon si Jacob at ang ating mga ninuno at ang kaniyang mga anak ay namatay din doon.
|
||
\p
|
||
\v 16 Dinala ang kanilang mga labi pabalik sa ating lupain at inilibing sila sa libingan na binili ni Abraham sa anak ni Hamon sa lungsod ng Shekem.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Ang ating mga ninuno ay lubhang dumami nang malapit na ang panahon ng pagliligtas ng Diyos mula sa Egipto. Gaya ng ipinangako niya kay Abraham na gagawin niya.
|
||
\p
|
||
\v 18 Nagsimulang mamuno sa Egipto ang ibang hari. Hindi niya alam na malaki ang naitulong ni Jose sa mga tao sa Egipto, noon pa man bago ang panahon niya.
|
||
\p
|
||
\v 19 Sinubukan ng haring iyon na paalisin nang may kalupitan ang ating mga ninuno. Sila ay inapi niya na naging sanhi ng kanilang labis na pagdurusa. Iniutos pa niya na ipatapon ang kanilang kapapanganak na mga sanggol sa labas ng kanilang mga tahanan upang sila ay mamatay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Sa panahong iyon, ipinanganak si Moises at nakita ng Diyos na siya ay napakagandang bata. Kaya palihim siyang inalagaan ng kaniyang mga magulang sa kanilang bahay sa loob ng tatlong buwan.
|
||
\q
|
||
\v 21 Pagkatapos, kinailangan nila siyang ilagay sa labas ng bahay, ngunit natagpuan siya ng anak na babae ng Paraon at inalagaan siya na parang sarili niyang anak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Itinuro kay Moises ang lahat ng kaalaman na nalalaman ng mga tao sa Egipto. At nang siya ay tumanda, nagsalita at gumawa siya ng makapangyarihang mga bagay.
|
||
\p
|
||
\v 23 Isang araw, nang si Moises ay halos apatnapung-taong gulang na, nagpasya siya na pumunta at bisitahin ang kaniyang mga kamag-anak, ang mga Israelita.
|
||
\p
|
||
\v 24 Nakita niya ang isang taga-Egipto na pinagmamalupitan ang isa sa mga Israelita. Kaya lumapit siya upang tulungan ang lalaking Israelita at ipinaghiganti niya ang lalaking Israelita sa pamamagitan ng pagpatay sa taga-Egipto.
|
||
\p
|
||
\v 25 Inakala ni Moises na mauunawaan ng kaniyang mga kasamang Israelita na siya ay ipinadala ng Diyos upang palayain sila mula sa pagiging mga alipin ngunit hindi nila naunawaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 26 Kinabukasan, nakita ni Moises ang dalawang Israelita na nag-aaway. Sinubukan niyang pigilan sila sa pag-aaway sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila, 'Mga lalaki, kayong dalawa ay parehong Israelita! Bakit ninyo sinasaktan ang isa't isa?'
|
||
\p
|
||
\v 27 Ngunit ang lalaki na nanakit sa isa pang lalaki ay itinulak si Moises at sinabi sa kaniya,' Walang sinuman ang naglagay sa iyo na tagapamuno at tagahatol sa amin!
|
||
\p
|
||
\v 28 Gusto mo ba akong patayin gaya ng pagpatay mo sa taga-Egipto kahapon?'
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 29 Nang marinig iyon ni Moises, tumakas siya mula Egipto papunta sa lupain ng Midian. Siya ay nanirahan doon ng ilang taon. Nag-asawa siya at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki.
|
||
\p
|
||
\v 30 Isang araw, makalipas ang apatnapung taon, ang Panginoong Diyos ay nagpakita kay Moises bilang isang anghel. Nagpakita siya sa ningas ng isang mababang punong kahoy na nagliliyab sa disyerto malapit sa Bundok Sinai.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 31 Nang makita ito ni Moises, namangha siya dahil hindi nasusunog ang mababang punong kahoy. Habang papalapit siya upang tingnan ito nang malapitan, narinig niya ang Panginoong Diyos at sinabi sa kaniya,
|
||
\p
|
||
\v 32 'Ako ang Diyos na sinamba ng iyong mga ninuno. 'Ako ang Diyos na sinasamba ni Abraham, Isaac at Jacob.' Labis na natakot si Moises at nagsimula siyang manginig. Natakot na siyang tignan ang mababang punong kahoy.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 33 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos sa kaniya, 'Alisin mo ang iyong sandalyas bilang pagpapakita ng paggalang mo sa akin. Dahil narito ako, ang lugar kung saan ka nakatayo ay natatanging akin.
|
||
\p
|
||
\v 34 Tiyak na nakita ko kung paano patuloy na pinapahirapan ang aking mga tao ng mga Egipto. Narinig ko ang pagdaing ng aking mga tao dahil dito. Kaya bumaba ako upang iligtas sila mula sa Egipto. Ngayon maghanda ka dahil isusugo kita pabalik sa Egipto.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 35 Ang Moises na ito ay ang sumubok na tumulong sa ating mga kababayang Israelita, ngunit itinanggi nila siya sa pamamagitan ng pagsasabing, 'Walang sinuman ang naglagay sa iyo na tagapamuno at tagahatol! Si Moises ay isinugo mismo ng Diyos upang mamuno sa kanila at upang palayain sila mula sa pagiging mga alipin. Siya ang inutusan ng isang anghel sa mababang puno upang gawin iyon.
|
||
\p
|
||
\v 36 Si Moises ang nanguna sa ating mga ninuno palabas mula sa Egipto. Gumawa siya ng maraming uri ng mga himala sa Egipto upang ipakita na ang Diyos ay kasama niya sa Dagat ng mga Tambo at sa loob ng apatnapung taon na ang mga Israelita ay namuhay sa ilang.
|
||
\p
|
||
\v 37 Ang Moises na ito ang nagsabi sa mga tao ng Israel, 'Ang Diyos ang magbibigay ng ibang tao mula sa inyong sariling kababayan na magiging isang propetang katulad ko para sa inyo.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 38 Ang lalaking ito ay si Moises na kasama ng mga Israelita na magkakasama sa ilang. Kasama siya ng anghel na nagsalita sa kaniya sa mababang punong kahoy sa Bundok Sinai. Si Moises ang binigyan ng Diyos ng ating mga kautusan sa Bundok Sinai sa pamamagitan ng anghel at siya rin ang nagsabi sa ating mga ninuno kung ano ang sinabi ng anghel. Siya ang tumanggap mula sa salita ng Diyos na magsasabi sa atin kung paano mamuhay ng walang hanggan at ipinasa sa kanila maging sa atin.
|
||
\p
|
||
\v 39 Gayunman, ayaw sumunod ng ating mga ninuno kay Moises. Sa halip, tinanggihan nila siya bilang kanilang tagapanguna at gusto pa nilang bumalik sa Egipto.
|
||
\p
|
||
\v 40 Kaya sinabi nila sa kaniyang nakakatandang kapatid na si Aaron, 'Gumawa ka ng diyus-diyosan para sa amin na magiging diyos namin upang manguna sa amin. Sapagkat ang kasama nating si Moises na nanguna sa atin palabas sa Egipto, hindi na natin alam kung ano na ang nangyari sa kaniya!'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 41 Kaya gumawa sila ng imahe na kamukha ng isang guya. Pagkatapos, nag-alay sila ng mga handog upang parangalan ang diyus-diyosan na iyon at sila ay kumanta at sumayaw dahil sila mismo ang gumawa nito.
|
||
\p
|
||
\v 42 Kaya huminto ang Diyos sa pagtutuwid sa kanila. Pinabayaan na nila siya upang sumamba sa araw, buwan at mga bituin sa kalangitan. Ito ay umaayon sa mga salita na isinulat ng isa sa mga propeta: sinabi ng Diyos, 'Kayong mga mamamayang Israelita, noong paulit-ulit kayong pumatay ng mga hayop at ialay ang mga ito bilang mga handog sa loob ng apatnapung taon na kayo ay nasa ilang, iniaalay ba ninyo ang mga ito sa akin?
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 43 Bagkus ay palipat-lipat ninyong dinala ang tolda na naglalaman ng diyus-diyosang kumakatawan kay Molec na inyong sinamba. Dinala rin ninyo ang imahe ng bituing Rephan. Sila ay mga diyus-diyosan na ginawa ninyo at sinamba ninyo sa halip na ako. Kaya hahayaan ko na kunin kayo palayo mula sa inyong mga tahanan patungo sa mga rehiyon na mas malayo kaysa sa bansa ng Babilonia.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 44 Habang ang ating mga ninuno ay nasa disyerto, sinamba nila ang Diyos sa Banal na Tolda bilang pagpapakita na siya ay naroon na kasama nila. Ginawa nila ang tolda na kagaya ng iniutos ng Diyos kay Moises. Kagaya ito mismo ng huwaran na nakita ni Moises nang siya ay nasa itaas ng bundok.
|
||
\p
|
||
\v 45 Kalaunan, dinala ng iba nating mga ninuno ang toldang iyon nang pinangunahan sila ni Josue sa lupaing ito. Iyon ay sa panahon nang sakupin nila ang lupaing ito, nang sapilitang pinaalis ng Diyos ang mga tao na dating naninirahan dito. Kaya nagkaroon ng kakayanan ang mga Israelita na angkinin ang lupaing ito. Ang tolda ay nananatili sa lupaing ito at nandito pa rin noong maghari si Haring David.
|
||
\p
|
||
\v 46 Nalugod ang Diyos kay David at hiniling niya sa Diyos na hayaan siyang magtayo ng bahay kung saan siya at ang lahat ng Israelita ay maaaring sumamba sa Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 47 Ngunit sa halip, sinabi ng Diyos sa anak ni David na si Solomon na magtayo ng isang bahay kung saan maaari siyang sambahin ng mga tao."
|
||
\p
|
||
\v 48 "Gayunman, alam natin na ang Diyos ay dakila sa lahat at hindi tumitira sa bahay na ginawa ng mga tao. Kagaya ito ng isinulat ni propeta Isaias:
|
||
\p
|
||
\v 49-50 Sinabi ng Diyos, "Ang langit ay ang aking trono at ang mundo ay ang tungtungan ng aking paa. Ako mismo ang gumawa ng lahat sa langit at sa lupa. Kaya kayong mga tao ay hindi makakagawa ng isang lugar na sapat sa akin upang manirahan!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 51 "Napakatigas ng ulo ninyong mga tao tungo sa kaniya! Kagaya talaga kayo ng inyong mga ninuno! Lagi ninyong nilalabanan ang Banal na Espiritu, kagaya ng ginawa nila!
|
||
\v 52 Ang inyong mga ninuno ang dahilan upang maghirap ang bawat propeta. Pinatay nila maging ang mga naghayag noong una pa na darating ang Cristo na palaging gumagawa ng nakalulugod sa Diyos. At ang Cristo ay dumating! Siya ang kamakailan lang ay ibinigay ninyo sa kaniyang mga kaaway at ipinilit na patayin nila!
|
||
\p
|
||
\v 53 Kayo ang mga tao na tumanggap ng kautusan ng Diyos. Ang mga kautusan na ipinabigay ng Diyos sa mga anghel sa ating mga ninuno. Gayunman, hindi ninyo sinunod ang mga ito!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 54 Nang marinig ng mga kasapi ng Konseho ng mga Judio at iba pang naroon ang lahat ng sinabi ni Esteban, galit na galit sila. Nagngangalit ang kanilang mga ngipin dahil sa sobrang galit sa kaniya!
|
||
\p
|
||
\v 55 Ngunit lubusang pinangunahan ng Banal na Espiritu si Esteban. Tumingala siya sa langit at nakita niya ang nakasisilaw na liwanag mula sa Diyos at nakita niyang nakatayo si Jesus sa kanan ng Diyos.
|
||
\v 56 "Tingnan ninyo," sabi niya, "nakita ko na bukas ang langit, at nakita ko ang Anak ng Tao na nakatayo sa kanan ng Diyos!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 57 Nang marinig iyon ng mga kasapi ng Konseho ng mga Judio at ng iba pa, sumigaw sila ng malakas. Inilagay nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga tainga upang siya ay hindi nila marinig at agad silang sumugod sa kaniya.
|
||
\v 58 Kinaladkad siya sa labas ng lungsod ng Jerusalem at sinimulan siyang batuhin. Tinanggal ng mga taong nagparatang sa kaniya ang kanilang panlabas na kasuotan upang mas madaling makapaghagis ng bato at inilagay ang kanilang kasuotan sa lupa sa tabi ng isang binata na nagngangalang Saulo, upang bantayan niya ang mga ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 59 Habang patuloy nilang binabato si Esteban, nanalangin siya, "Panginoong Jesus, tanggapin mo ang aking Espiritu!"
|
||
\p
|
||
\v 60 Pagkatapos, lumuhod si Esteban at sumigaw, "Panginoon, huwag mo silang parusahan para sa kasalanang ito!" Pagkatapos niyang sabihin ito ay namatay siya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 8
|
||
\p
|
||
\v 1-2 Pagkatapos, ilibing ng ilang kalalakihang gumagalang sa Diyos ang katawan ni Esteban sa libingan at labis silang nagdalamhati at nanangis para sa kaniya. Sa araw ding iyon, nag-umpisa ang labis na pang-uusig ng mga tao sa mga mananampalataya na naninirahan sa Jerusalem. Kaya tumakas ang karamihan sa mga mananampalataya patungo sa iba't ibang lugar sa mga probinsiya ng Judea at Samaria. Ang mga apostol lamang ang tanging mananampalatayang naiwan sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 3 Habang pinapapatay nila si Esteban, naroon si Saulo na pinapahintulutang dapat nilang patayin si Esteban. Kaya sinimulan ding wasakin ni Saulo ang mga grupo ng mga mananampalataya. Pumasok siya sa bawat bahay at sapilitang kinaladkad palabas ang mga lalaki at babae na naniniwala kay Jesus at inilagay sila sa bilangguan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Nagtungo sa iba't ibang lugar ang mga mananampalatayang umalis sa Jerusalem at doon sila patuloy na nangaral ng mensahe tungkol kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 5 Isa sa mga mananampalatayang iyon na nagngangalang Felipe ang bumaba mula sa Jerusalem patungo sa isang lungsod sa distrito ng Samaria. Sinasabi niya sa mga tao roon na si Jesus ang Cristo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Marami sa mga tao doon ang nakinig sa sinabi ni Felipe at nakita ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya. Kaya nakinig silang mabuti sa kaniyang mga sinabi.
|
||
\p
|
||
\v 7 Halimbawa, inutusan ni Felipe ang mga masasamang espiritu na lumabas mula sa maraming tao at lumabas sila na sumisigaw. Marami ring mga paralisadong tao at marami pang iba na lumpo ang napagaling.
|
||
\p
|
||
\v 8 Kaya maraming tao sa lungsod na iyon ang labis na nagalak.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 May isang lalaki sa lungsod na iyon na nagngangalang Simon. Nagsasagawa siya ng pangungulam sa mahabang panahon at pinahanga niya ang mga tao sa distrito ng Samaria sa pamamagitan ng kaniyang salamangka. Sinasabi niyang siya si "Simon ang Dakila!"
|
||
\p
|
||
\v 10 Nakikinig sa kaniya ang lahat ng mga tao doon, kapwa karaniwan at mahalagang tao. Sinasabi nilang, "Ang taong ito ang Dakilang Kapangyarihan ng Diyos."
|
||
\p
|
||
\v 11 Patuloy silang nakikinig na mabuti sa kaniya dahil sa mahabang panahon, pinahanga niya sila sa pamamagitan ng paggawa ng pangungulam.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Ngunit naniwala sila sa mga mensahe ni Felipe tungkol sa magandang balita na ipapakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari at ang tungkol kay Jesu-Cristo. Nagpabautismo ang mga kalalakihan at mga kababaihan na sumampalataya kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 13 Naniwala mismo si Simon sa mensahe ni Felipe at nabautismuhan. Nagpatuloy siyang sumama kay Felipe at patuloy siyang namamangha sa mga nakita niyang dakilang himala na ginagawa ni Felipe, mga bagay na nagpapakita na nagsasabi si Felipe ng katotohanan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Nang marinig ng mga apostol sa Jerusalem na maraming tao sa buong distrito ng Samaria ang naniwala sa mensahe ng Diyos, isinugo nila doon sina Pedro at Juan.
|
||
\p
|
||
\v 15 Nang dumating sina Pedro at Juan sa Samaria, ipinanalangin nila ang mga bagong mananampalataya na tanggapin nila ang Banal na Espiritu.
|
||
\p
|
||
\v 16 Dahil malinaw na hindi pa dumating ang Banal na Espiritu sa sinuman sa kanila. Nabautismuhan lamang sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 17 Pagkatapos, ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang mga kamay sa kanila at tinanggap nila ang Banal na Espiritu.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 Nakita ni Simon na ibinigay ang Espiritu sa mga tao dahil sa pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol sa kanila. Kaya inalok niya ng pera ang mga apostol,
|
||
\p
|
||
\v 19 sinabi niya, "Bigyan ninyo ako ng kapangyarihan upang magawa ko ang inyong ginagawa, upang maaring tanggapin ng sinuman ang Banal na Espiritu kapag ipapatong ko ang aking mga kamay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Subalit sinabi ni Pedro sa kaniya, "Nawa ay mapahamak ka kasama ng iyong pera dahil sinubukan mong kunin ang kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng pera!
|
||
\p
|
||
\v 21 Hindi ka maaaring gumawa kasama namin sa aming ginagawa dahil hindi matuwid ang puso mo Diyos!
|
||
\q
|
||
\v 22 Kaya tumigil ka na sa iyong masamang iniisip at makiusap sa Panginoon kung papayag siya na patawarin ka sa masamang iniisip ng iyong puso na gawin!
|
||
\p
|
||
\v 23 Talikuran ang iyong mga masasamang kaparaanan dahil aking nakikita na lubos kang naiinggit sa amin at patuloy kang alipin ng iyong masamang hangarin!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Pagkatapos sumagot si Simon, "Ipanalangin mo sa Panginoon na huwag niyang gawin sa akin ang iyong mga sinabi!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 Matapos na sabihin nila Pedro at Juan sa mga tao doon kung ano ang kanilang nalalaman tungkol sa Panginoong Jesus at ipahayag sa kanila ang mensahe ng Panginoon, kapwa silang bumalik sa Jerusalem. Habang nasa daan sila, nangaral sila ng magandang balita tungkol kay Jesus sa mga tao sa distrito ng Samaria.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 26 Isang araw, isang anghel na isinugo ng Panginoong Diyos ang nag-utos kay Felipe, "Maghanda ka at magtungo sa timog, sa daan na mula sa Jerusalem patungong lungsod ng Gaza. "Iyan ang daan papunta sa disyertong lugar.
|
||
\p
|
||
\v 27 Kaya naghanda si Felipe at nagtungo sa daan. Sa daan nakilala niya ang isang lalaki mula sa lupain ng Etiopia. Isa siyang mahalagang opisyal na tagapamahala ng lahat ng pondo para sa reyna ng Etiopia. Sa kanilang wika tinatawag nilang Candace ang kanilang reyna. Galing sa Jerusalem ang taong ito upang magpuri sa Diyos,
|
||
\q
|
||
\v 28 at pabalik na siya sa kanilang tahanan at nakaupong nakasakay sa kaniyang karwahe. Habang nakasakay siya, binabasa niya ng malakas ang aklat ni propeta Isaias.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 29 Sinabi ng Espiritu ng Diyos kay Felipe, "Lumakad ka at lumapit sa karwahe"
|
||
\p
|
||
\v 30 Kaya tumakbo si Felipe papunta sa karwahe at narinig niya ang tagapamahala na binabasa ang isinulat ni propeta Isaias. Nagtanong siya sa lalaki, "Naiintindihan mo ba ang iyong binabasa?"
|
||
\p
|
||
\v 31 Sumagot siya kay Felipe, "Hindi! hindi ko naiintindihan maliban kung mayroong magpapaliwanag sa akin!" At sinabi ng lalaki kay Felipe, "Pakiusap umakyat ka at umupo sa aking tabi."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 32 Ito ang bahagi ng mga Kasulatan na binabasa ng opisyal: "Tahimik siya na katulad ng isang tupa na dinala ng mga tao upang patayin. Katulad ng isang batang tupa na tahimik kapag ginugupit ang kaniyang mga balahibo, hindi siya umiimik
|
||
\p
|
||
\v 33 Napahiya siya at hindi nakatanggap ng katarungan. Walang sinumang makapagsabi tungkol sa kaniyang mga kaapu-apuhan dahil papatayin siya."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 34 Nagtanong kay Felipe ang opisyal tungkol sa mga salitang ito na binabasa niya, "Sabihin mo sa akin, sino ang tinutukoy ng propeta sa kaniyang sulat? Sumulat ba siya tungkol sa kaniyang sarili o tungkol sa ibang tao?"
|
||
\p
|
||
\v 35 Kaya tumugon si Felipe sa kaniya, nagsimula siya sa bahaging iyon ng Kasulatan at sinabi niya sa kaniya ang magandang mensahe tungkol kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 36-37 Habang naglalakbay sila sa daan, napadaan sila sa isang lugar na may tubig. At sinabi ng opisyal kay Felipe, "Tingnan mo may tubig doon! Nais kong bautismuhan mo ako, dahil wala akong alam na anumang bagay na hahadlang sa akin upang ako ay mabautismuhan."
|
||
\p
|
||
\v 38 Kaya sinabi ng opisyal sa kutsero na patigilin ang karwahe. Bumaba si Felipe at ang opisyal papunta sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 39 Nang umahon sila sa tubig, biglang kinuha ng Espiritu ng Diyos si Felipe. Hindi na muling nakita ng tagapamahala si Felipe. Ngunit kahit na hindi na niya muling nakita si Felipe, lubos na masayang nagpatuloy ang opisyal sa pagtahak ng daan.
|
||
\p
|
||
\v 40 Pagkatapos, napagtanto ni Felipe na mahimala siyang dinala ng Espiritu sa bayan ng Azoto. Habang naglalakbay siya sa palibot ng rehiyon na iyon, patuloy niyang ipinapahayag ang mensahe tungkol kay Jesus sa lahat ng mga bayan sa pagitan ng lungsod ng Azoto at Cesaria. At patuloy niyang ipinapahayag ito hanggang sa dumating siya sa Cesaria.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 9
|
||
\p
|
||
\v 1 Samantala, galit na nagpatuloy sa pagbabanta si Saulo na papatayin ang mga sumusunod sa Panginoon. Pumunta siya sa pinakapunong pari sa Jerusalem
|
||
\q
|
||
\v 2 at hiniling sa kaniya na sumulat ng mga liham na nagpapakilala sa kaniya sa mga pinunong Judio sa mga sinagoga sa Damasco. Hinihiling ng mga liham na bigyan ng kapangyarihan si Saulo na hulihin ang sinumang lalaki at babae na sumunod sa daan na itinuro ni Jesus at hulihin sila bilang mga bilanggo sa Jerusalem upang hatulan at parusahan ng mga pinuno ng Judio.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 3 Habang naglalakbay si Saulo at ang kaniyang mga kasama, papalapit na sila sa Damasco. Biglang may maningning na sinag mula sa langit ang nagliwanag sa palibot ni Saulo.
|
||
\p
|
||
\v 4 Agad siyang natumba sa lupa. At nakarinig siya ng isang tinig na nagsasabi sa kaniya, "Saulo, Saulo, bakit mo sinusubukan na saktan ako?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Nagtanong sa kaniya si Saulo, "Panginoon, sino ka?" Sumagot siya, "Ako si Jesus na iyong sinasaktan.
|
||
\q
|
||
\v 6 Ngayon tumayo ka at pumunta sa lungsod! May magsasabi sa iyo doon kung ano ang nais ko na gawin mo."
|
||
\p
|
||
\v 7 Namangha ang mga lalaking kasama ni Saulo sa paglalakbay at wala silang anumang masabi. Nakatayo lamang sila doon. Narinig nila na nagsalita ang Panginoon, ngunit wala silang nakitang sinuman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Tumayo si Saulo mula sa lupa ngunit nang imulat niya ang kaniyang mga mata, hindi na siya makakita. Kaya inakay siya ng mga lalaki patungong Damasco.
|
||
\p
|
||
\v 9 Sa mga sumunod na tatlong araw hindi makakita ng anumang bagay si Saulo at hindi siya uminom o kumain ng anuman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 10 Sa Damasco, may tagasunod doon si Jesus na nagngangalang Ananias. Ipinakita sa kaniya ng Panginoong Jesus ang isang pangitain at sinabi sa kaniya, "Ananias!" Sumagot siya, "Panginoon, nakikinig ako."
|
||
\p
|
||
\v 11 Sinabi ng Panginoong Jesus sa kaniya, "Pumunta ka sa Tuwid na Daan patungo sa bahay na pag-aari ni Judas. Magtanong ka doon kung maaari mong makausap ang lalaking nagngangalang Saulo na taga-Tarsus, dahil nananalangin siya sa akin sa oras na ito.
|
||
\p
|
||
\v 12 Nakakita ng pangitain si Saul na may isang lalaking nagngangalang Ananias ang pumasok sa bahay kung saan siya nananatili at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kaniya upang makakita siyang muli."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Sumagot si Ananias, "Subalit Panginoon, maraming tao ang nagsabi sa akin tungkol sa taong ito! Marami siyang ginawang masasamang bagay sa mga tao sa Jerusalem na naniniwala sa iyo!
|
||
\p
|
||
\v 14 Binigyan siya ng mga punong pari ng kapangyarihang pumunta dito sa Damasco upang hulihin ang mga naniniwala sa iyo!"
|
||
\p
|
||
\v 15 Ngunit sinabi ng Panginoong Jesus kay Ananias, "Pumunta ka kay Saulo! Gawin mo ang aking sinabi dahil pinili ko siya na maglingkod sa akin upang sabihin ang tungkol sa akin sa mga taong hindi Judio sa mga hari at sa mga Israelita.
|
||
\p
|
||
\v 16 Sasabihin ko mismo sa kaniya ang paghihirap niyang daranasin upang sabihin sa mga tao ang tungkol sa akin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Kaya pumunta si Ananias at pagkatapos niyang matagpuan ang bahay kung saan naroroon si Saulo, pumasok siya rito. Pagkakita niya kay Saulo, ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya at sinabi niya, "Kapatid na Saulo, ang Panginoong Jesus mismo ang nag-utos sa akin na pumunta sa iyo. Siya rin ang nagpakita sa iyo sa daan habang naglalakbay ka patungo sa Damasco. Isinugo niya ako sa iyo upang makakita kang muli at upang maging ganap kang pasakop sa Banal na Espiritu."
|
||
\p
|
||
\v 18 Kaagad na may nahulog na katulad ng kaliskis ng isda mula sa mata ni Saulo at muli siyang nakakita. Pagkatapos, tumayo siya at nagpabautismo.
|
||
\q
|
||
\v 19 Pagkatapos na kumain si Saulo ng kaunting pagkain muli siyang lumakas. Nanatili ng ilang araw si Saulo sa Damasco kasama ang ilang mga mananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Nagsimula siya agad na nangaral sa mga sinagoga ng mga Judio tungkol kay Jesus. Sinabi niya sa kanila na si Jesus ang Anak ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 21 Namangha ang lahat ng taong nakarinig sa kaniyang pangangaral. Sinasabi ng ilan sa kanila, "Hindi kami makapaniwala na ang taong ito rin ang tumugis ng mga mananampalataya sa Jerusalem at pumunta dito upang dalhin sila bilang bihag sa mga punong pari ng Jerusalem!"
|
||
\p
|
||
\v 22 Ngunit binigyan ng Diyos ng kakayahan si Saulo upang mangaral sa maraming tao ng mas kapani-paniwala. Pinapatunayan niya gamit ang Kasulatan na si Jesus ang Cristo. Kaya hindi makaisip ang mga pinuno ng Judio sa Damasco kung paano nila sasabihing hindi totoo ang kaniyang sinabi.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 Hindi nagtagal, nagbalak ang mga pinunong Judio na patayin siya.
|
||
\p
|
||
\v 24 Sa bawat araw at gabi, patuloy na nagbabantay ang mga Judio sa mga taong dumaraan sa mga tarangkahang ng lungsod upang kung makikita nila si Saulo, maari na nila siyang patayin. Gayunman, may isang tao na nagsabi kay Saulo kung ano ang balak nilang gawin.
|
||
\p
|
||
\v 25 Kaya isang gabi, isa sa kaniyang mga inakay na maniwala kay Jesus ang nagdala sa kaniya sa mataas na batong pader na pumapalibot sa lungsod. Gumamit sila ng mga tali upang maibaba si Saulo gamit ang isang basket sa pamamagitan ng bukana sa pader. Sa paraang ito, nakatakas siya mula sa Damasco.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 26 Nang makarating si Saulo sa Jerusalem, sinubukan niya na makipagkita sa iba pang mananampalataya. Gayunman, patuloy pa ring natatakot sa kaniya ang halos lahat sa kanila dahil hindi sila naniniwalang naging mananampalataya na siya.
|
||
\q
|
||
\v 27 Subalit isinama siya ni Bernabe at dinala sa mga apostol. Ipinaliwanag niya sa mga apostol kung paanong habang naglalakbay si Saulo sa daan patungong Damasco, nakita niya ang Panginoong Jesus at kung paano nakipag-usap ang Panginoon sa kaniya doon. Sinabi niya rin sa kanila kung paano nangaral si Saulo ng may katapangan tungkol kay Jesus sa mga tao sa Damasco.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 28 Kaya nagsimulang makipagkita si Saulo sa mga apostol at sa ibang mananampalataya sa buong Jerusalem at nagsalita siya ng may katapangan sa mga tao tungkol sa Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 29 Nagsalita din si Saulo tungkol kay Jesus sa mga Judiong nagsasalita ng Griyego at nakipagtalo siya sa kanila. Ngunit patuloy pa rin silang nag-iisip ng paraan upang patayin siya.
|
||
\p
|
||
\v 30 Nang marinig ng ilang mananampalataya na binabalak siyang patayin, kinuha ng ilan sa kanila si Saulo pababa sa lungsod ng Cesaria. Pinasakay nila sa barko si Saulo papuntang Tarsus na kaniyang bayang kinalakihan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 31 Kaya namuhay nang may kapayapaan ang mga grupo ng mga manampalataya sa buong rehiyon ng Judea, Galilea, at Samaria dahil wala nang umuusig sa kanila. Pinapalakas at hinihikayat sila ng Banal na Espiritu. Patuloy nilang pinarangalan ang Panginoong Jesus at maraming tao ang naging mananampalataya sa tulong ng Banal na Espiritu.
|
||
\p
|
||
\v 32 Habang naglalakbay si Pedro sa buong rehiyon, pumunta siya sa baybayin upang dalawin ang mga mananampalataya na naninirahan sa bayan ng Lida.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 33 Nakilala niya roon ang isang lalaki na nagngangalang Eneas. Hindi nagagawang bumangon ni Eneas mula sa kaniyang higaan dahil walong taon na siyang paralisado.
|
||
\p
|
||
\v 34 Sinabi ni Pedro sa kaniya, "Eneas, pinagaling ka ni Jesu-Cristo! Bumangon ka at iligpit mo ang iyong banig!" Agad na tumayo si Eneas.
|
||
\p
|
||
\v 35 Nakita ng karamihan sa mga taong naninirahan sa Lida at sa Saron si Eneas matapos siyang pagalingin ng Panginoon kaya naniwala sila sa Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 36 Sa bayan ng Joppa, may isang mananampalataya roon na nagngangalang Tabita. Dorcas ang kaniyang pangalan sa salitang Griyego. Lagi siyang gumagawa ng mga mabubuting bagay para sa mga mahihirap na tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang mga pangangailangan.
|
||
\p
|
||
\v 37 Noong panahon na nasa Lida si Pedro, nagkasakit siya at namatay. Hinugasan ng ilan sa mga kababaihan doon ang kaniyang katawan ayon sa kaugalian ng mga Judio. Tinakpan nila ang kaniyang katawan ng tela at inilagay sa silid sa itaas ng kaniyang bahay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 38 Malapit ang Lida sa lungsod ng Joppa, kaya nang marinig ng mga alagad na nasa Lida pa si Pedro, nagsugo sila ng dalawang lalaki upang pumunta kay Pedro. Nang dumating sila sa kinaroroonan ni Pedro, nakiusap sila sa kaniya, "Pakiusap sumama ka agad sa amin sa Joppa!"
|
||
\p
|
||
\v 39 Agad na naghanda si Pedro at sumama sa kanila. Nang dumating siya sa bahay sa Joppa, dinala siya sa itaas ng silid kung saan nakahimlay ang katawan ni Dorcas. Nakatayo ang lahat ng balo sa kaniyang palibot. Umiiyak sila at ipinapakita ang mga tunika at mga damit na ginawa ni Dorcas para sa mga tao noong nabubuhay pa siya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 40 Ngunit inutusan silang lahat ni Pedro na lumabas sa silid. Lumuhod siya at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa babae, at sinabi, "Tabita, tumayo ka!" Kaagad niyang ibinukas ang kaniyang mga mata at nang makita niya si Pedro, umupo siya.
|
||
\p
|
||
\v 41 Hinawakan ni Pedro ang isa sa kaniyang mga kamay at tinulungan siyang makatayo. Matapos niyang ipatawag ang mga mananampalataya lalo na ang mga balo na bumalik sa loob, ipinakita niya sa kanila na nabuhay siyang muli.
|
||
\p
|
||
\v 42 Hindi nagtagal, nalaman ng lahat ng tao saanman sa Joppa ang tungkol sa himala at bunga nito, maraming tao ang naniwala sa Panginoong Jesus.
|
||
\v 43 Nanatili si Pedro sa Joppa ng maraming araw kasama ang lalaki na nagngangalang Simon na gumagawa ng katad mula sa mga balat ng hayop.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 10
|
||
\p
|
||
\v 1 May isang lalaki na naninirahan sa lungsod ng Cesaria na nagngangalang Cornelio. Isa siyang opisyal na nag-uutos ng isang daang mga kalalakihan sa isang malaking hukbong Romano mula sa Italya.
|
||
\p
|
||
\v 2 Lagi niyang sinusubukang gawin ang makalulugod sa Diyos. Siya at ang kaniyang sambahayan ay mga hindi-Judio na palaging sumasamba sa Diyos. Nagbibigay siya paminsan-minsan ng pera upang tulungan ang mga mahihirap na Judio at lagi siyang nananalangin sa Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 3 Isang araw, bandang alas tres ng hapon, may nakitang pangitain si Cornelio. Malinaw niyang nakita ang isang anghel na isinugo ng Diyos. Nakita niya ang anghel na pumapasok sa kaniyang silid at sinasabi sa kaniya, "Cornelio!"
|
||
\p
|
||
\v 4 Tinitigan ni Cornelio ang anghel at labis na natakot. At takot na takot niyang tinanong, "Ginoo, ano ang kailangan mo?" Sumagot ang anghel na isinugo ng Diyos, "Napalugod mo ang Diyos dahil palagi kang nananalangin sa kaniya at madalas kang nagbibigay ng pera upang tulungan ang mga mahihirap. Ang mga bagay na iyon ay naging parang alaala ng pag-aalay sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 5 Kaya ngayon, utusan mo ang ilang mga kalalalakihan na pumunta sa Jopa at sabihin mo sa kanila na sunduin ang lalaking nagngangalang Simon na tinatawag ding Pedro.
|
||
\p
|
||
\v 6 Naninirahan siya kasama ang isang lalaking nagngangalan ding Simon na tagapagbilad ng balat. Malapit sa dagat ang kaniyang bahay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Nang umalis na ang anghel na nangusap kay Cornelio, tinawag niya ang dalawa sa kaniyang mga lingkod at isang kawal na naglilingkod sa kaniya na sumasamba rin sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 8 Ipinaliwanag niya sa kanila ang lahat ng sinabi ng anghel. At sinabi niya sa kanila na pumunta sila sa lungsod ng Jopa upang kausapin si Pedro na pumunta sa Cesaria.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Nang kinabukasan ng tanghali, naglalakbay ang tatlong lalaking iyon sa daan at malapit na silang makarating ng Jopa. Habang paparating sila sa Jopa, umakyat si Pedro sa bubungan upang manalangin.
|
||
\p
|
||
\v 10 Nagutom siya at gusto niya ng makakain. Habang naghahanda ang ilang tao ng pagkain, nakakita si Pedro ng isang pangitain.
|
||
\p
|
||
\v 11 Nakita niyang bumukas ang langit at isang bagay na tila malapad na kumot ang ibinababa sa lupa na nakataas ang apat na sulok nito.
|
||
\p
|
||
\v 12 Sa loob ng kumot ay ang lahat ng uri ng mga nilalang. Kabilang dito ang mga hayop at mga ibon na ipinagbabawal na kainin ng mga Judio sa kautusan ni Moises. Ang ilan ay may apat na paa, ang iba ay gumagapang sa lupa at maiilap na ibon ang iba.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 At narinig niyang sinabi sa kaniya ng Diyos, "Pedro, tumayo ka, kumatay ka ng ilan sa mga ito at kainin mo!"
|
||
\p
|
||
\v 14 Ngunit sumagot si Pedro, "Panginoon, tiyak na hindi mo gustong gawin ko iyan dahil hindi ako kailanman kumain ng anumang pagkain na sinasabi sa kautusan naming mga Judio na hindi katanggap-tanggap sa iyo o kahit ano na hindi dapat naming kainin!"
|
||
\p
|
||
\v 15 At muling narinig ni Pedro na nakipag-usap ang Diyos sa kaniya sa pangalawang pagkakataon. Sinabi niya, "Ako ang Diyos, kapag ginawa kong katanggap-tanggap na kainin ang isang pagkain, huwag mong sabihin na hindi ito katanggap-tanggap na kainin!"
|
||
\p
|
||
\v 16 Nangyari ito ng tatlong beses. Agad-agad pagkatapos noon, muling hinila pabalik sa langit ang kumot na may mga hayop at mga ibon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Habang sinusubukan ni Pedrong intindihin ang ibig sabihin ng pangitaing iyon, dumating ang mga lalakihang ipinadala ni Cornelio. Nagtanong sila sa mga tao kung paano makarating sa bahay ni Simon. Kaya natagpuan nila ang kaniyang bahay at nakatayo na sila sa labas ng tarangkahan.
|
||
\p
|
||
\v 18 Tumawag sila at nagtanong kung naroon ang tao na nagngangalang Simon na tinatawag ding Pedro.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Habang sinusubukan pa rin ni Pedro na intindihin ang ibig sabihin ng pangitain, sinabi ng Espiritu ng Diyos sa kaniya, "Makinig ka! May tatlong lalaki na gusto kang makita.
|
||
\p
|
||
\v 20 Kaya bumangon ka at bumaba at sumama sa kanila! Huwag mong isipin na hindi ka dapat sumama sa kanila dahil ako ang nagpapunta sa kanila dito!"
|
||
\p
|
||
\v 21 Kaya bumaba si Pedro sa kinaroroonan ng mga lalaki at sinabi sa kanila, "Kumusta! Ako ang taong hinahanap ninyo. Bakit kayo naparito?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Sumagot sila, "Ipinadala kami ni Cornelio na isang opisyal ng hukbo ng mga Romano. Mabuti siyang tao na sumasamba sa Diyos at nalalaman ng lahat ng mga Judio na siya ay napakabuting tao. Sinabi ng anghel sa kaniya, 'Sabihin mo sa ilang mga kalalakihan na pumunta sa Jopa at makipagkita kay Simon Pedro at dalhin siya rito upang marinig ninyo ang sasabihin niya."'
|
||
\p
|
||
\v 23 Kaya inanyayahan sila ni Pedro sa loob ng bahay at sinabi sa kanila na dapat silang magpalipas ng gabi doon. Kinabukasan, naghanda si Pedro at sumama sa mga kalalakihan. Sumama rin sa kaniya ang ilang mga mananampalataya mula sa Jopa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Pagkatapos ng araw na iyon, dumating sila sa lungsod ng Cesaria. Naghihintay si Cornelio sa kanila. Niyaya din niya ang kaniyang mga kamag-anak at malalapit na mga kaibigan na pumunta kaya naroon din sila sa kaniyang bahay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 Nang pumasok si Pedro sa bahay, sinalubong siya ni Cornelio at lumuhod sa harap niya upang sambahin siya.
|
||
\p
|
||
\v 26 Ngunit hinawakan ni Pedro ang kamay ni Cornelio at pinatayo siya. Sinabi niya, "Tumayo ka! Huwag mo akong parangalan ako mismo ay tao lamang gaya mo!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Habang nakikipag-usap siya kay Cornelio, pumasok si Pedro at ang iba pa sa loob ng bahay at nakita na maraming tao ang sama-samang nagtipun-tipon doon.
|
||
\p
|
||
\v 28 Sinabi ni Pedro sa kanila, "Alam ninyong lahat na kahit sino sa ating mga Judio ang nag-iisip na sinusuway natin ang ating mga kautusan ng Judio kapag nakikihalubilo tayo sa taong hindi-Judio o bumisita man lamang sa kaniya. Gayunman, ipinakita sa akin ng Diyos sa isang pangitain na hindi ko dapat sabihin na ang sinuman ay napakarumi at hindi malinis na hindi siya matatanggap ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 29 Kaya nang magpadala ka ng mga tao upang kausapin akong pumunta rito, sumama ako kaagad ng walang pagtutol. Kaya, sabihin mo sa akin, bakit hiniling ninyo na pumunta ako rito?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Sumagot si Cornelio, "Sa mga oras na ito, mga tatlong araw na ang nakalipas, sa ganitong oras, nananalangin ako sa Diyos sa aking bahay gaya ng lagi kong ginagawa tuwing ika-tatlo ng hapon. Biglang may isang lalaking nagliliwanag ang kasuotan ang tumayo sa aking harapan
|
||
\p
|
||
\v 31 at sinabi, 'Cornelio, dininig ng Diyos ang iyong panalangin. Napansin din niya na madalas na nagbibigay ka ng pera upang tulungan ang mga mahihirap na tao at nalugod siya dahil doon.
|
||
\p
|
||
\v 32 Kaya ngayon, magsugo ka ng mga mensahero upang pumunta sa lungsod ng Jopa at kausapin si Simon na tinatawag ding Pedro na pumunta rito. Namamalagi siya malapit sa dagat sa bahay na pagmamay-ari ng isang lalaking nagngangalan ding Simon na mangungulti.'
|
||
\p
|
||
\v 33 Kaya agad akong nagsugo ng ilang mga kalalakihan upang kausapin ka na pumarito at talagang nagpapasalamat ako dahil dumating ka. Ngayon, nagtipon tayong lahat dito at nalalaman na kasama natin ang Diyos upang marinig ang lahat ng mga bagay na iniutos ng Panginoong Diyos na sasabihin mo. Kaya pakiusap, magsalita ka sa amin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 34 Kaya nagsimulang magsalita si Pedro sa kanila. Sabi niya, "Ngayon, naiintindihan ko na tunay ngang hindi pinapanigan ng Diyos ang ilang lipi ng mga tao.
|
||
\p
|
||
\v 35 Sa halip, tinatanggap niya ang bawat pangkat ng mga tao na nagpaparangal sa kaniya at ang gumagawa ng nakalulugod sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 36 Alam ninyo ang mensahe na ibinigay ng Diyos sa aming mga Israelita. Inihayag niya sa atin ang magandang balita na siyang magdudulot sa mga tao na magkaroon ng kapayapaan sa kaniya dahil sa ginawa ni Jesus. Si Jesus ay hindi lamang Panginoon sa ating Israelita. Siya rin ang Panginoon na namumuno sa lahat ng tao.
|
||
\p
|
||
\v 37 Alam ninyo ang ginawa niya sa buong Judea na nagsimula sa Galilea. Sinimulan niyang gawin ang mga bagay na iyon pagkatapos ipahayag ni Juan sa mga tao na dapat nilang talikuran ang makasalanang pag-uugali bago niya sila bautismuhan.
|
||
\p
|
||
\v 38 Alam ninyo na ibinigay ng Diyos ang kaniyang Banal na Espiritu kay Jesus, ang lalaking galing sa bayan ng Nazaret at ang binigyan siyang kapangyarihan upang gumawa ng mga himala. Alam din ninyo kung paano pumunta si Jesus sa maraming lugar, laging gumagawa ng mga mabuting gawa at nagpapagaling ng mga tao. Pinapagaling niya ang lahat ng mga tao na pinahihirapan ng demonyo. Kinaya ni Jesus na gawin ang mga bagay na iyon dahil lagi siyang tinutulungan ng Diyos."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 39 "Nakita nating lahat ang mga bagay na ginawa ni Jesus sa Jerusalem at sa buong bansa ng Israel kung saan siya nakatira. Pinatay siya ng kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng pagpako sa kaniya sa krus na gawa sa kahoy.
|
||
\p
|
||
\v 40 At binuhay siyang muli ng Diyos sa ikatlong araw pagkatapos niyang mamatay at tiniyak niya na maraming tao ang makakakita sa kaniya pagkatapos siyang binuhay muli. Nakatitiyak ang mga tao na siya ang namatay at ngayon nakita na ng kanilang sariling mga mata at lubos na naniniwala na nabuhay siyang muli.
|
||
\p
|
||
\v 41 Sa panahong iyon, hindi hinayaan ng Diyos na makita siya ng lahat, sa mga pinili lamang niya na makasama at kumain sa mga unang araw pagkatapos siyang buhaying muli ng Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 42 Inutusan kami ng Diyos upang mangaral sa mga tao at sinabi niya sa amin na itinalaga niya si Jesus na maging tagahatol ng lahat balang araw, isang araw na tiyak na darating. Hahatulan niya ang mga nabubuhay pa at ang lahat ng mga namatay bago ang panahong iyon.
|
||
\p
|
||
\v 43 Ang lahat ng mga propetang nagsulat tungkol sa kaniya ay sinabihan ang mga tao tungkol sa kaniya. Isinulat nila na kung sinuman ang naniniwalaa sa kaniya, patatawarin ng Diyos ang anumang kasalanan na kanilang ginawa, dahil sa ginawa ng taong si Jesus para sa kanila."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 44 Habang sinasabi ni Pedro ang mga salitang iyon, biglang bumaba ang Banal na Espiritu sa mga taong galing sa ibang bansa na nakikinig sa mensahe.
|
||
\v 45 Namangha ang mga mananampalatayang Judio na sumama kay Pedro na galing Jopa na lubos ding ibinigay ng Diyos ang Banal na Espiriu sa lahat ng tao galing sa iba't ibang bansa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 46 Alam ng mga mananampalatayang Judio na ginawa iyon ng Diyos dahil naririnig nila ang mga taong iyon na nagsasalita ng mga wikang hindi nila natutunan at nagsasabi sila kung gaano kadakila ang Diyos. Pagkatapos, sinabi ni Pedro
|
||
\v 47 sa ibang mga mananampalatayang Judio na naroon, "Ibinigay ng Diyos sa kanila ang Banal na Espiritu gaya ng pagbigay niya sa ating mananampalatayang Judio, kaya natitiyak kong sasang-ayon kayo na dapat nating bautismuhan ang mga taong ito!"
|
||
\p
|
||
\v 48 At sinabi ni Pedro sa mga hindi-Judio na dapat silang mabautismuhan bilang mananampalataya kay Jesu-Cristo. Kaya binautismuhan nila silang lahat. Pagkatapos silang bautismuhan, hiniling nila na manatili si Pedro sa kanila ng ilang araw. Kaya ginawa nga ito nina Pedro at ng iba pang mga mananampalatayang Judio.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 11
|
||
\p
|
||
\v 1 Narinig ng mga apostol at ibang mga mananampalataya na naninirahan sa iba't ibang bayan ng probinsiya ng Judea na nanampalataya din ang ilang mga taong hindi-Judio ang mensahe ng Diyos tungkol kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 2 Ngunit may ilang mga mananampalatayang Judio sa Jerusalem ang gustong matuli ang lahat ng tagasunod ni Cristo. Nang bumalik si Pedro sa Jerusalem mula Caesarea, sinalubong nila siya at binatikos.
|
||
\p
|
||
\v 3 Sinabi nila sa kaniya, "Hindi lamang ang pagbisita mo sa mga tahanan ng mga hindi-tuling mga na hindi-Judio ang mali sa iyo, kumakain ka pang kasama nila!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Kaya sinimulan ni Pedro na ipaliwanag sa kanila kung ano talaga ang nangyari.
|
||
\p
|
||
\v 5 Sinabi niya, "Nananalangin akong mag-isa sa lungsod ng Jopa, nang bigla akong nakakita ng isang pangitain. Nakita ko ang isang parang malaking kumot na ipinabababa mula sa kalangitan sa pamamagitan ng apat na panulukan nito at bumaba kung saan ako naroon.
|
||
\p
|
||
\v 6 Nang titigan ko itong mabuti, nakita ko ang ilang maamong mga hayop at ilan ding mga mababangis na hayop, mga reptilya at mailap na mga ibon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 At narinig ko ang tinig ng Diyos na nag-uutos sa akin, 'Pedro, bumangon ka, magpatay at kainin mo!'
|
||
\p
|
||
\v 8 Ngunit sumagot ako, 'Hindi maaari Panginoon dahil tiyak na hindi mo gustong gawin ko iyan, dahil hindi ako kailanman kumain ng anumang sinasabi ng aming batas na hindi namin puwedeng kainin!'
|
||
\p
|
||
\v 9 Nagsalita ang Diyos mula sa kalangitan ng ikalawang beses sa akin, 'Ako ang Diyos, kaya kung ginawa kong katanggap-tanggap ang isang bagay upang kainin, huwag mong sabihin na hindi ito katanggap-tanggap.'
|
||
\p
|
||
\v 10 Ito ay nangyari ng dalawang beses pa at pagkatapos hinilang pataas sa kalangitan ang kumot kasama ang lahat ng mga hayop at mga ibon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 11 Sa oras ding iyon, dumating ang tatlong lalaki na ipinadala mula sa Cesaria sa bahay kung saan ako namamalagi.
|
||
\p
|
||
\v 12 Sinabi sa akin ng Espiritu ng Diyos na hindi ako dapat mag-alinlangan na sumama sa kanila kahit sila ay hindi-Judio. Sumama din ang anim na mga mananampalataya sa akin sa Cesaria at pumunta kami sa bahay ng taong iyon na hindi-Judio.
|
||
\p
|
||
\v 13 Sinabi niya sa amin na nakakita siya ng anghel na nakatayo sa kaniyang bahay. Sinabi ng anghel sa kaniya, 'Sabihin mo sa ilang mga lalaki na pumunta sa Jopa at sunduin si Simon na nagngangalan ding Pedro.
|
||
\p
|
||
\v 14 Sasabihin niya sa iyo kung paano ka mailigtas at ang lahat ng sambahayan mo.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Nang sinimulan ko ang aking pagsasalita, biglang bumaba ang Banal na Espiritu sa kanila gaya ng unang pagbaba niya sa atin noong pista ng Pentecostes.
|
||
\p
|
||
\v 16 At naalala ko ang sinabi ng Panginoon, 'Binabautismuhan kayo ni Juan sa tubig, ngunit babautismuhan ka ng Diyos sa Banal na Espiritu.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Ibinigay din ng Diyos ang parehong Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin pagkatapos tayong maniwala sa Panginoong Jesu-Cristo. Kaya hindi ko maaaring sabihin na mali ang ginawa ng Diyos nang ibigay sa kanila ang Banal na Espiritu!"
|
||
\p
|
||
\v 18 Pagkatapos marinig ng mga mananampalatayang Judio ang sinabi ni Pedro, tumigil sila sa pagbatikos sa kaniya. Sa halip, nagpuri sila sa Diyos at sinasabing, "Kung gayon, tinanggap din ng Diyos ang mga hindi-Judio upang magkaroon sila ng buhay na walang hanggan kung tatalikuran nila ang kanilang makasalanang pag-uugali."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Pagkatapos mamatay n i Esteban, marami sa mga mananampalataya ang umalis sa Jerusalem at pumunta sa ibang mga lugar dahil nagdurusa sila sa Jerusalem. Pumunta ang ilan sa kanila sa Fenicia, sa Isla ng Ciprus, at ang iba ay sa Antioquia, isang lungsod ng Syria. Sa mga lugar na iyon patuloy nilang ibinabahagi sa mga tao ang mensahe tungkol kay Jesus ngunit sa ibang mga taong Judio lamang nila ito sinabi.
|
||
\p
|
||
\v 20 Sa Isla ng Ciprus at lungsod ng Cirene sa hilagang Africa nanggaling ang ilang mga mananampalataya. Pumunta sila sa Antioquia at ibinabahagi din sa mga hindi-Judio ang tungkol sa Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 21 Lubos na binibigyan ng Panginoong Diyos ang mga mananampalataya ng kapangyarihan upang mangaral ng mahusay. Dahil dito, napakaraming taong hindi-Judio ang naniwala sa kanilang mensahe at nagtiwala sa Panginoon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Narinig ng ilang grupo ng mga mananampalataya sa Jerusalem ang sinasabi sa mga tao na maraming tao sa Antioquia ang naniniwala kay Jesus. Kaya isinugo ng mga pinuno ng mga mananampalataya sa Jerusalem si Bernabe sa Antioquia.
|
||
\p
|
||
\v 23 Nang makarating siya doon, nabatid niya na malugod na kumilos ang Diyos sa mga mananampalataya. Kaya labis siyang nagalak at hinikayat niya ang lahat ng mga mananampalataya na patuloy sila na magtiwala ng ganap sa Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 24 Mabuting tao si Bernabe at lubos na ginagabayan ng Banal na Espiritu at ganap na nagtitiwala sa Diyos. Dahil sa ginawa ni Bernabe, maraming tao roon ang naniwala sa Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 At pumunta si Bernabe sa lungsod ng Tarsus sa Cilicia upang hanapin si Saulo.
|
||
\p
|
||
\v 26 Pagkatapos niyang makita si Saulo, isinama siya ni Bernabe pabalik sa Antioquia upang tumulong na magturo sa mga mananampalataya. Kaya sa buong taon, palaging nagkikita sina Bernabe at Saulo sa iglesia roon at tinuruan ang malaking bilang ng tao tungkol kay Jesus. Sa Antioquia unang tinawag ang mga alagad na Kristiyano.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Sa mga panahong naroon sa Antioquia sina Bernabe at Saulo, dumating ang ilang mga mananampalatayang propeta na galing sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 28 Tumayo ang isa sa kanila na nagngangalang Agabus upang magsalita. Binigyan siya ng Espiritu ng Diyos nang kakayahang ipahayag na magkakaroon ng matinding kagutuman ang maraming bansa. (Nangyari ang kagutumang ito noong si Claudio ang emperador ng Roma).
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 29 Nang marinig ng mga mananampalataya ang sinabi ni Agabus, nagpasya sila na magpadala ng pera upang tulungan ang mga mananampalataya na naninirahan sa Judea. Nagpasya ang bawat isa na magbigay ng malaking halaga ayon sa kaniyang kakayahan.
|
||
\p
|
||
\v 30 Ipinadala nila ang pera sa mga pinuno ng mga mananampalataya sa Jerusalem sa pamamagitan nila Bernabe at Saulo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 12
|
||
\p
|
||
\v 1 Nang panahon ding iyon, nagsugo si Haring Herodes Agripa ng mga kawal upang dakipin ang ilan sa mga pinuno sa pangkat ng mga mananampalataya sa Jerusalem. Ibinilanggo sila ng mga kawal. Ginawa niya iyon dahil nais niyang pahirapan ang mga mananampalataya.
|
||
\p
|
||
\v 2 Iniutos niya sa isang kawal na pugutan ng ulo ang apostol na si Santiago, ang nakakatandang kapatid ni Juan. Kaya ginawa ito ng kawal.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 3 Nang makita ni Herodes na napalugod niya ang mga pinunong Judio, ipinag-utos niya sa mga kawal na dakipin din si Pedro. Nangyari ito sa pista ng mga tinapay na walang lebadura.
|
||
\p
|
||
\v 4 Pagkatapos nilang dakipin si Pedro, ibinilanggo siya. Nag-utos sila sa apat na pangkat ng mga kawal upang bantayan si Pedro. May apat na kawal sa bawat pangkat. Nais ni Herodes na ilabas si Pedro sa bilangguan at hatulan sa harapan ng mga Judio pagkatapos ng Pista ng Paskua. Pagkatapos, binalak niyang pugutan si Pedro.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Kaya sa loob ng ilang mga araw, nanatili si Pedro sa bilangguan. Ngunit masigasig na nananalangin sa Diyos ang iglesiya sa Jerusalem na iligtas niya si Pedro.
|
||
\p
|
||
\v 6 Kinagabihan bago ilabas ni Herodes si Pedro sa bilangguan upang pugutan sa harap ng mga tao, natutulog si Pedro sa loob ng bilangguan sa pagitan ng dalawang kawal na may nakagapos na dalawang kadena sa kaniyang mga kamay. Nagbabantay sa mga pintuan ng bilangguan ang dalawa pang kawal.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 7 Nang biglang may isang nakatayong anghel na mula sa Panginoong Diyos sa tabi ni Pedro at nagliwanag sa kaniyang selda. Tinapik siya ng anghel sa tagiliran, ginising at sinabi, "Bilis, bumangon ka!" Habang bumabangon si Pedro, nakalas ang mga kadena mula sa kaniyang mga kamay. Gayunman, hindi alam ng mga kawal kung ano ang nangyayari.
|
||
\q
|
||
\v 8 At sinabi sa kaniya ng anghel, "Isuot mo ang iyong pamigkis at sandalyas!" Ginawa iyon ni Pedro. At sinabi sa kaniya ng anghel, "Magbalabal ka at sumunod ka sa akin!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Kaya nagbalabal si Pedro at isinuot ang kaniyang sandalyas at sumunod sa anghel palabas sa selda ng bilangguan, ngunit hindi niya alam na totoong nangyayari ang lahat ng ito. Akala niyang nananaginip lamang siya.
|
||
\p
|
||
\v 10 Nilagpasan ni Pedro at ng anghel ang mga kawal na nagbabantay sa mga pintuan ngunit hindi sila nakita ng mga kawal. Pagkatapos nakarating sila sa pintuang bakal na patungo sa lungsod. Kusang bumukas ang pintuan at nakalabas sila ng bilangguan. Matapos nilang maglakad ng malayo-layo sa isang kalye, biglang nawala ang anghel.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 At natauhan sa wakas si Pedro na hindi pangitain ang nangyari sa kaniya kundi tunay na pangyayari. Kaya naisip niya, "Ngayon alam ko na talagang nagsugo ang Panginoong Diyos ng isang anghel upang tulungan ako. Iniligtas niya ako sa mga balak ni Herodes at mula din sa nais na mangyari sa akin ng mga pinunong Judio."
|
||
\p
|
||
\v 12 Nang maunawaan ni Pedro na iniligtas siya ng Diyos, nagpunta siya sa bahay ni Maria. Siya ang ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Maraming mananampalataya ang nagkatipon doon na nananalangin upang tulungan ng Diyos si Pedro.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Nang kumatok si Pedro sa unang pasukan, isang lingkod na babae na nagngangalang Roda ang lumapit upang tingnan kung sino ang nasa labas ng pintuan.
|
||
\p
|
||
\v 14 Nang sumagot si Pedro sa kaniya, nakilala niya ang tinig nito ngunit sa kaniyang kagalakan at pagkabigla, hindi niya nabuksan ang pintuan! Sa halip, tumakbo siyang pabalik sa loob ng bahay. Sinabi niya sa mga mananampalataya na nakatayo si Pedro sa labas ng pintuan.
|
||
\p
|
||
\v 15 Ngunit isa sa kanila ang nagsabi, "Nahihibang ka na!" Ngunit sinasabi pa rin niyang totoo ito. Patuloy din nilang sinasabi na "Hindi maaaring maging si Pedro iyon. Maaaring ito ang kaniyang anghel."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Ngunit patuloy na kumakatok si Pedro. Kaya nang may magbukas ng pinto, nakita nila si Pedro at labis silang namangha!
|
||
\p
|
||
\v 17 Sinenyasan sila ni Pedro na tumahimik. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila ang lahat kung paanong iniligtas siya ng Panginoong Diyos mula sa bilangguan. Sinabi din niya, "Sabihin ninyo ang nangyari kay Santiago, sa mga pinuno at sa kapwa nating mananampalataya." Pagkatapos, umalis si Pedro at nagtungo sa ibang lugar.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 Kinabukasan, takot na takot at balisa ang mga kawal na nagbabantay kay Pedro dahil hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 19 At nalaman ito ni Herodes. Kaya inutusan niya ang mga kawal na hanapin si Pedro, ngunit hindi nila ito matagpuan. Pagkatapos, tinanong niya ang mga kawal na nagbabantay kay Pedro at ipinag-utos niyang patayin sila. Pagkatapos, nagtungo si Herodes mula sa lalawigan ng Judea patungo sa lungsod ng Cesarea kung saan siya nanatili ng maikling panahon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Galit na galit si Herodes sa mga taga-lungsod ng Tiro at Sidon. Dumating ang araw na magkakasamang nagtungo ang mga lalaking kinatawan sa lungsod ng Cesarea upang makipagkita kay Herodes. Hinikayat nila si Blasto, na isa sa mga mahahalagang pinuno ng Hari, ipinapaabot nila kay Herodes na gusto ng mga tao sa mga lungsod nila na makipagkasundo sa kaniya. Nais nilang makipagpalit ng ikabubuhay sa mga taong pinamumunuan ni Herodes dahil kailangan nilang makapamili ng pagkain mula sa mga rehiyong ito.
|
||
\p
|
||
\v 21 Pagsapit ng araw na itinakda ni Herodes upang makipagkita sa kanila, isinuot niya ang kaniyang damit bilang hari na nagpapakilalang siya ang hari. Umupo siya sa kaniyang trono at hayagang nagsalita sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Sumigaw ng paulit-ulit ang mga nakikinig sa kaniya, "Ang taong ito na nagsasalita ay isang diyos, hindi tao!"
|
||
\p
|
||
\v 23 Dahil hinayaan ni Herodes na purihin siya ng mga tao sa halip na magpuri sa Diyos, kaagad siyang hinampas ng anghel na galing sa Panginoong Diyos, dahilan upang magkasakit siya ng malubha. Kinain ng mga uod ang kaniyang bituka at hindi nagtagal, namatay siya ng may kapighatiaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Ipinagpatuloy ng mga mananampalataya na pagpapahayag sa mensahe ng Diyos sa ibat' ibang mga lugar at patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga sumampalataya kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 25 Nang matapos nina Bernabe at Saulo na maibigay ang pera upang tulungan ang mga mananampalatayang Judio sa lalawigan ng Judea, nilisan nila ang Jerusalem at bumalik sa lungsod ng Antioquia sa lalawigan ng Siria. Isinama nila si Juan sa kanila na tinatawag ding Marcos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 13
|
||
\p
|
||
\v 1 Mula sa iglesiya ng Antioquia sa lalawigan ng Siria, may mga propeta at mga nagtuturo sa mga tao tungkol kay Jesus. Sila ay sina Bernabe, Simeon na tinatawag na Niger, si Lucio na taga-Cirene, si Manaen na kababata ni Haring Herodes Antipas at Saulo.
|
||
\p
|
||
\v 2 Habang sumasamba at nag-aayuno sila sa Diyos, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, "Piliin ninyo sina Bernabe at Saulo upang maglingkod sa akin, humayo kayo at gawin ninyo ang gawain na pinili kong ipagawa sa kanila!"
|
||
\p
|
||
\v 3 Kaya nagpatuloy sila sa pag-aayuno at pananalangin. Pagkatapos, ipinatong nila ang kanilang mga kamay kay Bernabe at Saulo at nanalangin na tulungan sila ng Diyos. At pinalakad sila upang gawin ang iniutos ng Banal na Espiritu.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Itinuro ng Banal na Espiritu kina Bernabe at Saulo ang mga tagubilin kung saan sila pupunta. Kaya nagtungo sila ng Antioquia sa lungsod ng Seleucia na malapit sa karagatan. Mula doon, sumakay sila ng barko patungo sa lungsod ng Salamina sa Isla ng Cyprus.
|
||
\p
|
||
\v 5 Habang naroon sila sa Salamina, nagtungo sila sa lugar kung saan nagkakatipon ang mga Judio. Ipinahayag nila doon ang mensahe ng Diyos tungkol kay Jesus. Sumama si Juan Marcos na tumutulong sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Nagtungo ang tatlo sa kanila sa kabilang bahagi ng isla hanggang sa lungsod ng Pafos. At nakita nila ang isang salamangkero na nagngangalang Bar-Jesus. Isa siyang Judio na nagpapanggap na isang propeta.
|
||
\p
|
||
\v 7 Kaibigan niya ang gobernador ng Isla na si Sergio Paulo, isang matalinong lalaki. Nagsugo ang gobernador ng tao upang hilingin kina Bernabe at Saulo na magtungo sa kaniya dahil nais niyang marinig ang salita ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 8 Ngunit, pinigilan sila ng salamangkerong si Elimas na ang kaniyang pangalan ay naisalin sa wikang Griyego. Paulit-ulit niyang sinubukang hikayatin ang gobernador na huwag maniwala kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Pagkatapos, nang napuspos ng Banal na Espiritu si Saulo na ngayon ay tinatawag na ring Pablo, tinitigan niya ang salamangkero at sinabi,
|
||
\p
|
||
\v 10 "Naglilingkod ka sa diyablo at sinusubukan mong pigilan ang mga bagay na mabuti! Palagi kang nagsisinungaling sa mga tao at puro kasamaan ang ginagawa mo sa kanila. Dapat munang tigilan ang pagsasabi na ang katotohanan tungkol sa Panginoong Diyos ay kasinungalingan!
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Ngayon din ay parurusahan ka ng Panginoong Diyos! Mabubulag ka at pansamantala mong hindi makikita ang liwanag." Kaagad siyang nabulag na para bang tinakpan siya ng maitim na ulap at nangapa, naghahanap ng taong hahawak sa kaniyang mga kamay upang akayin siya.
|
||
\p
|
||
\v 12 Nang makita ng gobernador ang nangyari kay Elimas, naniwala siya kay Jesus. Humanga siya sa mga itinuturo nina Pablo at Barnabe tungkol sa Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Pagkatapos noon, naglayag gamit ang barko sina Pablo at ang mga kalalakihang kasama niya mula Pafos patungo sa lungsod ng Perga sa lalawigan ng Panfilia. Iniwan sila ni Juan Marcos sa Perga at bumalik sa kanilang bahay sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 14 Pagkatapos, naglakbay sa lupa sina Pablo at Bernabe mula Perga at nakarating sa lungsod ng Antioquia sa distrito ng Pisidia na nasa lalawigan ng Galacia. Sa Araw ng Pamamahinga, pumasok sila sa sinagoga at umupo.
|
||
\p
|
||
\v 15 May nagbasa nang malakas mula sa aklat ng kautusan na isinulat ni Moises. Sumunod, may nagbasa mula sa isinulat ng mga propeta. Pagkatapos, nagbigay ng mensahe ang mga pinunong Judio sa lugar ng pagpupulong kina Pablo at Bernabe: "Mga kapwa kong Judio, kung sinuman sa inyo ang nais magsalita sa mga taong naririto upang palakasin ang kanilang loob, pakiusap, magsalita ka na."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Kaya tumayo si Pablo at sumenyas sa kanila gamit ang kaniyang kamay upang makinig ang mga tao sa kaniya. At sinabi niya, "Mga kapwa ko Israelita at kayong mga hindi-Judio na sumasamba din sa Diyos, pakiusap, makinig kayo sa akin!
|
||
\p
|
||
\v 17 Ang Diyos na sinasamba nating mga Israelita ay pinili ang ating mga ninuno upang maging kaniyang bayan at pinarami sila habang sila ay mga dayuhang naninirahan sa Egipto. Pagkatapos, nagpakita ang Diyos ng mga makakapangyarihang bagay upang pangunahan silang makalabas sa pagkakaalipin.
|
||
\p
|
||
\v 18 Kahit na paulit-ulit nila siyang sinuway, pinagtiisan niya ang kanilang mga ugali sa loob ng halos apatnapung taon habang sila ay nasa ilang.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Binigyan niya ng kakayahan ang mga Israelita upang sakupin ang pitong pangkat na naninirahan sa rehiyon ng Canaan at ipinagkaloob sa mga Israelita ang kanilang lupain upang pagharian ito magpakailanman.
|
||
\p
|
||
\v 20 Naganap ang lahat ng mga bagay na ito noong humigit kumulang 450 na taon pagkatapos na makaalis ng kanilang mga ninuno sa Egipto." "Pagkatapos noon, pumili ang Diyos ng mga tao upang maglingkod bilang mga hukom at mga pinuno upang pamunuan ang mga Israelita. Nagpatuloy ang mga pinunong iyon na pamunuan ang ating sambayanan at si propeta Samuel ang huling hukom na namuno sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 21 Pagkatapos, habang si Samuel pa ang kanilang pinuno, hiniling ng mga tao na pumili siya ng hari na mamumuno sa kanila. Kaya pinili ng Diyos si Saul, ang anak ni Kis na mula sa tribo ni Benjamin upang kanilang maging hari. Pinamunuan niya sila ng apatnapung taon.
|
||
\p
|
||
\v 22 Matapos tanggihan ng Diyos si Saul na maging hari, hinirang niya si David na maging hari nila. Sinabi ng Diyos ang tungkol sa kaniya, 'Nakita ko na si David na anak ni Jesse ay ang mismong uri ng tao na ninanais kung ano ang aking ninanais. Gagawin niya ang lahat ng gusto kong ipagagawa sa kaniya.' "
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 "Mula sa mga kaapu-apuhan ni David, dinala ng Diyos ang isa sa kanila, si Jesus, sa ating mga Israelita upang iligtas tayo. Tulad ng kaniyang ipinangako kay David at sa iba pa nating mga ninuno na gagawin niya.
|
||
\p
|
||
\v 24 Bago sinimulan ni Jesus ang kaniyang gawain, ipinangaral ni Juan na Tagapagbautismo sa ating lahat na mga Israelita na lumapit sa kaniya. Sinabi niya sa kanila na dapat nilang talikuran ang kanilang makasalanang paguugali at hilingin sa Diyos na patawarin sila. Pagkatapos ay babautismuhan niya sila.
|
||
\p
|
||
\v 25 Nang malapit nang matapos ni Juan ang gawaing ibinigay sa kaniya ng Diyos, sinasabi niya, 'Sa tingin ba ninyo na ako ang Mesiyas na ipinangako ng Diyos na kaniyang isusugo? Hindi, hindi ako. Ngunit makinig kayo! Malapit nang dumating ang Mesiyas. Higit siyang dakila kaysa sa akin na hindi man lamang ako karapat-dapat na magtanggal ng kaniyang mga sandalyas.' "
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 26 "Mga kapwa ko Israelita, kayo na siyang mga kaapu-apuhan ni Abraham at kayo na mga hindi-Judio na sumasamba rin sa Diyos, pakiusap makinig kayo! Para sa ating lahat kaya ipinadala ng Diyos ang mensahe tungkol sa kung paano siya nagliligtas ng mga tao.
|
||
\q
|
||
\v 27 Hindi nauunawaan ng mga taong naninirahan sa Jerusalem at ng kanilang mga pinuno na ang taong ito, si Jesus, ang siyang isinugo ng Diyos upang iligtas sila. Kahit na binabasa ng malakas ang mga mensahe mula sa mga propeta tuwing Araw ng Pamamahinga, hindi nila naunawaan ang isinulat ng mga propeta tungkol sa Mesiyas. Kaya hinatulan ng mga pinunong Judio na mamatay si Jesus, na siyang ipinahayag ng mga propeta.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 28 Maraming tao ang nagparatang ng gumagawa ng mga masasamang bagay si Jesus, pero kahit hindi nila mapatunayan na may nagawa siya na karapat-dapat sa kamatayan, hiniling nila kay Pilato na gobernador na hatulan ng kamatayan si Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 29 Ginawa nila kay Jesus ang lahat ng mga isinulat ng mga propeta noong unang panahon na gagawin sa kaniya. Pinatay nila si Jesus sa pamamagitan ng pagpapako sa kaniya sa krus. Pagkatapos, ibinaba ang kaniyang katawan sa krus at inilagay sa libingan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Gayon pa man, binuhay siyang muli ng Diyos mula sa mga patay.
|
||
\p
|
||
\v 31 Sa loob ng maraming araw ay nagpakita siya ng paulit-ulit sa kaniyang mga tagasunod na sumama sa kaniya mula Galillea hanggang sa Jerusalem. Ang mga taong nakakita sa kaniya ang nagsasabi sa mga tao ng tungkol sa kaniya ngayon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 32 "Inihahayag namin sa inyo ngayon ang magandang mensaheng ito. Nais naming sabihin sa inyo na tinupad ng Diyos ang kaniyang ipinangako sa ating mga ninunong Judio!
|
||
\p
|
||
\v 33 At ngayon, ginawa niya ito para sa atin na kanilang mga kaapu-apuhan, gayon din para sa inyo na mga hindi-Judio nang buhayin niyang muli si Jesus. Katulad lamang ito ng isinulat ni David sa pangalawang Awit, nang nagsasalita ang Diyos tungkol sa pagsugo niya sa kaniyang Anak, 'Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito naging Anak kita.'
|
||
\p
|
||
\v 34 Binuhay ng Diyos ang Mesiyas mula sa mga patay at hindi na hahayaan pang mamatay muli. Sinabi ng Diyos sa ating mga ninunong Judio, 'Tiyak na tutulungan kita, gaya ng ipinangako ko kay David na aking gagawin.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 35 Sa isa pang awit na isinulat ni David, sinasabi din niya ang tungkol sa Mesiyas: 'Hindi mo pahihintulutang mabulok ang katawan ng iyong banal.'
|
||
\p
|
||
\v 36 Noong nabubuhay pa si David, ginawa niya ang mga nais ng Diyos na kaniyang gagawin. At nang mamatay siya, inilibing ang kaniyang katawan, gaya ng pagkalibing sa mga katawan ng kaniyang mga ninuno at nabulok ang kaniyang katawan. Kaya hindi na niya maaaring tukuyin ang tungkol sa kaniyang sarili sa Awit na ito.
|
||
\p
|
||
\v 37 Ngunit si Jesus ang siyang binuhay ng Diyos mula sa mga patay at hindi nabulok ang kaniyang katawan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 38 Kung ganoon, mga kapwa ko Israelita at mga kaibigan, mahalagang malaman ninyo na kaya kayong patawarin ng Diyos sa inyong mga kasalanan dahil sa ginawa ni Jesus. Mapapatawad din niya kayo sa lahat ng bagay na hindi kayang patawarin sa pamamagitan ng mga isinulat na kautusan ni Moises.
|
||
\v 39 Ang lahat ng taong naniwala kay Jesus ay hindi na nagkakasala sa kahit na anong bagay na kanilang nagawa na hindi nakapagpalugod sa Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 40 Kaya mag-ingat kayo upang hindi kayo hatulan ng Diyos, gaya ng sinabi ng mga propeta na gagawin ng Diyos!
|
||
\q
|
||
\v 41 Isinulat ng propeta na sinabi ng Diyos, 'Kayong umaalipusta sa akin, tiyak na mabibigla kayo kapag nakita ninyo kung ano ang ginagawa ko at pagkatapos mamamatay kayo. Mabibigla kayo dahil may gagawin ako sa inyong katakot-takot na bagay habang nabubuhay kayo. Hindi kayo maniniwala na gagawin ko iyon kahit na may ibang tao pa ang magsabi sa inyo!"'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 42 Matapos magsalita ni Pablo at paalis na, maraming tao doon ang nakiusap na bumalik sa susunod na Araw ng Pamamahinga at sabihing muli ang mga bagay na ito sa kanila.
|
||
\v 43 Nang natapos na ang pagpupulong, marami sa kanila ang nagsimulang sumunod kina Pablo at Bernabe. Ang mga taong ito ay mga Judio at mga hindi-Judio na sumasamba sa Diyos. Nagpatuloy na makipagusap sa kanila sina Pablo at Bernabe at hinihimok sila na patuloy na magtiwala na mahabaging pinapatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng mga tao dahil sa ginawa ni Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, pumunta ang karamihan sa mga tao sa Antioquia sa lugar na pinagpupulungan ng mga Judio upang pakinggang magsalita sina Pablo at Bernabe tungkol sa Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 45 Ngunit nainggit nang matindi ang mga pinuno ng mga Judio nang makita nila ang malaking bilang ng mga tao na dumarating upang makinig kina Pablo at Bernabe. Kaya sinimulan nilang salungatin ang mga bagay na sinasabi ni Pablo at upang laitin din siya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 46 Pagkatapos, habang buong tapang silang nagsasalita, sinabi nina Pablo at Bernabe sa mga pinuno ng Judio, "Kailangan muna naming ipahayag sa inyong mga Judio ang mensaheng nagmula sa Diyos tungkol kay Jesus bago namin ito ipahayag sa mga hindi-Judio dahil iyon ang inutos ng Diyos na aming gawin. Ngunit tinatanggihan ninyo ang mensahe ng Diyos. Sa paggawa noon, ipinakita ninyo na hindi kayo karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya iiwanan namin kayo at pupunta kami sa mga hindi-Judio upang ipahayag sa kanila ang mensahe ng Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 47 Ginagawa rin namin ito dahil ito ang iniuutos ng Panginoong Diyos na aming gagawin. Sinabi niya sa mga Kasulatan, 'Hinirang kita upang ibunyag ang mga bagay tungkol sa akin sa mga hindi-Judio na maging tulad ng isang ilaw sa kanila. Hinirang kita upang sabihin sa mga tao sa lahat ng dako ng mundo ang mensahe na gusto ko silang iligtas.'"'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 48 Nang marinig ng mga hindi-Judio ang mga salitang iyon, nagalak sila at pinuri nila ang Diyos para sa mensahe tungkol kay Jesus. Naniwala sa mensahe tungkol sa Panginoong Jesus ang lahat ng hindi-Judio na pinili ng Diyos na pinagkalooban ng buhay na walang hanggan.
|
||
\v 49 Nang oras iyon, marami sa mga mananampalataya ang naglakbay sa kabuoan ng rehiyong iyon, ipinapangaral ang mensahe tungkol sa Panginoong Jesus kahit saan sila pumunta.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 50 Gayon pa man, hinikayat ng ilang mga pinunong Judio ang ilang kilalang mga babae na sumasambang kasama nila, gayon din ang mga kilalang lalaki sa lungsod. Sinubukan nilang hikayatin sila na patigilin sina Pablo at Bernabe. Kaya nahikayat ng mga Gentil ang maraming tao upang hadlangan sina Pablo at Bernabe at itinaboy sila palabas ng kanilang rehiyon.
|
||
\p
|
||
\v 51 Habang papaalis ang dalawang apostol, ipinagpag nila ang alikabok mula sa kanilang mga paa upang ipakita sa kanila na tinanggihan sila ng Diyos at sila ay parurusahan. Pagkatapos, iiniwan nila ang lungsod ng Antioquia at nagtungo sa lungsod ng Iconio.
|
||
\p
|
||
\v 52 Samantala, patuloy na napupuno ng kagalakan ang mga mananampalataya at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 14
|
||
\p
|
||
\v 1 Sa Iconio nagtungo sina Pablo at Bernabe sa sinagoga ng mga Judio at matapang na nagsalita tungkol sa Panginoong Jesus. Dahil dito, marami sa mga Judio at hindi-Judio ang naniwala kay Jesus.
|
||
\q
|
||
\v 2 Ngunit tumangging maniwala ang ilang mga Judio sa mensahe. Sinabi nila sa mga hindi-Judio na huwag paniwalaan ito, ginalit nila ang ilang mga hindi-Judio, sa mga mananampalatayang naroon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 3 Kaya nanatili doon sina Pablo at Bernabe nang mahabang panahon, matapang silang nagsasalita sa Panginoon at binigyan sila ng Panginoong Jesus ng kakayahan upang gumawa ng mga himala. Sa ganitong paraan, ipinakita niya sa mga tao ang mensahe ng katotohanan, kahit na hindi tayo karapat-dapat dito, iniligtas tayo ng Panginoon.
|
||
\p
|
||
\v 4 Ang mga mga taga-Iconio ay may dalawang magkaibang paniniwala. Pumanig ang ilan sa mga Judio at ang ilan ay sa mga apostol.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 At nag-usap-usap ang mga hindi-Judio at mga Judiong kumakalaban kina Pablo at Bernabe, kung papaano nila gagawan ng masama sina Pablo at Bernabe. Sumang-ayon ang ilang kilalang lalaki sa lungsod upang tulungan sila. Nagkaisa sila at nagpasyang patayin sina Pablo at Bernabe sa pamamagitan ng pagbato sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 6 Ngunit narinig nina Pablo at Bernabe ang kanilang balak, kaya agad silang umalis na nagtungo sa distrito ng Licaonia. Nagtungo sila sa mga lungsod ng Listra at Derbe sa lugar na ito at sa karatig na lugar.
|
||
\q
|
||
\v 7 Habang naroroon sila, patuloy nilang sinasabi sa mga tao ang mensahe tungkol sa Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Sa Listra, may isang lalaking lumpo doon ang nakaupo na hindi nakakapaglakad. Lumpo na siya mula ng isinilang ng kaniyang ina.
|
||
\p
|
||
\v 9 Nakikinig siya habang nagsasalita si Pablo tungkol sa Panginoong Jesus. Tinitigan siya ni Pablo at nakita niya na mayroon siyang pananampalataya upang mapagaling ng Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 10 At sa malakas na tinig, sinabi ni Pablo sa kaniya, "Tumindig ka!" Nang marinig niya ito, agad siyang lumukso at nagsimulang lumakad.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Nang makita ng napakaraming tao ang ginawa ni Pablo, inisip nila na sina Pablo at Bernabe ang diyos na kanilang sinasamba. Kaya tuwang-tuwa silang sumigaw sa kanilang wikang Licaonia, "Tingnan ninyo! Bumaba ang mga diyos na nag-anyong tao mula sa kalangitan upang tulungan tayo!"
|
||
\p
|
||
\v 12 Sinabi nila na si Bernabe ang punong diyos na si Zeus at si Pablo naman ay si Hermes, ang mensahero ng ibang diyos. Sinabi nila ito dahil si Pablo ang nagsasalita.
|
||
\p
|
||
\v 13 Malapit sa labas na tarangkahan ng lungsod ang isang templo kung saan sinasamba ng mga tao si Zeus. Narinig ng paring naroon ang ginawa ni Pablo at Bernabe, kaya pumunta siya sa tarangkahan ng lungsod, kung saan marami nang tao ang naroon. Nagdala siya ng dalawang toro na may kwintas na bulaklak sa mga leeg nito. Nais ng pari at nang mga tao na maghandog ng mga toro bilang bahagi ng seremonya para sambahin sina Pablo at Bernabe.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 14 Ngunit nang marinig nina Pablo at Bernabe ang tungkol dito, labis silang nababahala kaya pinunit nila ang kanilang mga kasuotan. Patakbo silang sumisigaw sa mga tao,
|
||
\p
|
||
\v 15 "Mga tao, hindi ninyo dapat patayin ang mga torong iyan upang sambahin kami! Hindi kami mga diyos! Tao rin kaming may damdamin katulad ninyo! Narito kami upang sabihin ang magandang balita at upang sabihin sa inyo ang tungkol sa Diyos na makapangyarihan sa lahat. Nais niyang tumigil kayo sa pagsamba sa ibang mga diyus-diyosan, dahil hindi kayo matutulungan ng mga ito. Siya ang Diyos na gumawa sa kalangitan, sa lupa, sa tubig at sa lahat nang naroroon.
|
||
\p
|
||
\v 16 Noon, sinamba ninyong mga hindi-Judio ang lahat ng mga diyos na inyong maibigan. Hinayaan kayo ng Diyos na sambahin sila, dahil hindi ninyo siya nakikilala.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Ngunit ipinakita niya sa atin ang kaniyang kagandahang-loob. Siya ang nagbibigay ng ulan at nagpapatubo sa mga pananim. Siya ang nagbibigay sa inyo ng masaganang pagkain at pumupuno sa inyong mga puso ng kagalakan."
|
||
\p
|
||
\v 18 Narinig ng mga tao ang sinabi ni Pablo, ngunit nais pa rin nilang ihandog ang mga toro upang sambahin sina Pablo at Bernabe. Sa huli, nagpasya ang mga tao na huwag na itong gawin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Gayunman, ilang mga Judio ang dumating mula sa Antioquia at Iconio, hinikayat nila ang maraming tao sa Listra na ang mensaheng ipinapahayag ni Pablo sa kanila ay hindi totoo. Pinaniwalaan ng mga tao ang sinabi ng mga Judio kaya nagalit sila kay Pablo. Hinayaan nilang batuhin siya hanggang sa matumba at mawalan ng malay. Sa pag-aakalang patay na siya, kinaladkad nila ito palabas ng lungsod at iniwan siyang nakahiga doon.
|
||
\q
|
||
\v 20 Ngunit dumating ang ilang mga mananampalataya sa Listra at tumayo sa paligid ni Pablo, kung saan siya nakahiga at nagkamalay si Pablo! Tumayo siya at bumalik sa lungsod na kasama ang mga mananampalataya. Nang sumunod na araw, umalis sina Pablo at Bernabe sa lungsod ng Listra at naglakbay sa lungsod ng Derbe.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 21 Nanatili sila roon ng ilang araw at patuloy nilang ipinapahayag sa mga tao ang magandang balita tungkol kay Jesus. Maraming tao ang naging mananampalataya. Pagkatapos nito, bumalik na sina Pablo at Bernabe. Nagtungo silang muli sa Listra at mula doon nagtungo sila sa Iconio gayundin sa lungsod ng Antioquia sa lalawigan ng Pisidia.
|
||
\p
|
||
\v 22 Sa bawat lugar, pinatatag nila ang mga mananampalataya na manatiling magtitiwala sa Panginoong Jesus. Sinabi nila sa mga mananampalataya, "Kailangan nating makaranas ng kahirapan bago tayo pagharian ng Diyos magpakailanman."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 Humirang sina Pablo at Bernabe ng mga pinuno para sa bawat iglesiya. Bago sila umalis, tinipon nila ang mga mananampalataya at magkakasamang silang nag-ayuno at nanalangin. Pagkatapos, ipinagkatiwala nina Pablo at Bernabe ang mga pinuno at ang mga mananampalataya sa Panginoong Jesus na kanilang pinaniniwalaan upang maingatan sila.
|
||
\p
|
||
\v 24 Pagkatapos na maglakbay nina Pablo at Bernabe sa distrito ng Pisidia, nagtungo sila sa Pamfilia.
|
||
\p
|
||
\v 25 Sa lugar na ito, nakarating sila sa bayan ng Perga at ipinangaral sa mga tao ang mensahe ng Diyos tungkol sa Panginoong Jesus. Pagkatapos, nagtungo sila sa tabing dagat sa bayan ng Atalia.
|
||
\p
|
||
\v 26 Mula roon, naglayag sila pabalik sa lungsod ng Antioquia na nasa lalawigan ng Siria. Iyon ang lugar kung saan pinili sina Pablo at Bernabe upang pumunta sa iba't ibang lugar at mangaral. Kung saan hiniling ng mga mananampalataya sa Diyos na tulungan sina Pablo at Bernabe sa gawain na kanilang natapos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 27 Nang dumating sila sa Lungsod ng Antioquia, tinipon nila ang mga mananampalataya. Pagkatapos, sinabi nina Pablo at Bernabe ang lahat ng tulong na ginawa ng Diyos sa kanila. Tinukoy nila kung paano binuksan ng Diyos ang kaligtasan para sa mga hindi-Judio na naniwala kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 28 Nanatili sina Pablo at Bernabe sa Antioquia kasama ang ilang mga mananampalataya nang mahabang panahon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 15
|
||
\p
|
||
\v 1 Pagkatapos ay may ilang mga mananampalatayang Judio na bumaba galing sa lalawigan ng Judea papunta sa Antioquia. Nagsimula silang nangangaral sa mga hindi mananampalatayang Judio doon, na nagsasabi, "Kinakailangan ninyong magpatuli upang ipakita na kayo ay pag-aari ng Diyos, tulad ng iniutos ni Moises sa mga kautusan na tinanggap niya mula sa Diyos. Kung hindi ninyo gagawin iyon, hindi kayo maliligtas."
|
||
\p
|
||
\v 2 Mahigpit na tinutulan nila Pablo at Bernabe ang mga Judio at nag-umpisang makipagtalo sa kanila. Kaya itinalaga ng mga mananampalataya sa Antioquia sina Pablo at Bernabe at ang ilan sa mga mananampalataya na pumunta sa Jerusalem, upang talakayin nila ang bagay na ito kasama ang mga apostol at iba pang mga pinuno.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 3 Pagkatapos isugo ng mga mananampalataya sina Pablo, Bernabe at iba pang mga kasama sa kanilang pagpunta sa Antioquia, dumaan sila sa mga lalawigan ng Fenicia at Samaria. Nang tumigil sila sa iba't-ibang mga lugar na kanilang dinaraanan, ibinalita nila sa mga mananampalataya na marami sa mga hindi-Judio ang naging mga mananampalataya. Sa kinahinatnan, ang lahat ng mga mananampalataya sa mga lugar na iyon ay labis na nagalak.
|
||
\q
|
||
\v 4 Nang nakarating sina Pablo, Bernabe at iba pang mga kasama sa Jerusalem, tinanggap sila ng mga apostol, iba pang mga nakatatanda at iba pang mga mananampalataya sa kalipunan na naroroon. At ibinalita nina Pablo at Bernabe ang kakayahang ibinigay ng Diyos sa kanila na gawin ang mga bagay sa mga taong hindi Judio.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 5 Ngunit tumayo ang ilang mga mananampalatayang Judio na kabilang sa sekta ng Pariseo sa gitna ng ibang mga mananampalataya at sinabi sa kanila, "Ang mga hindi Judio na nanampalataya kay Jesus ay kinakailangang matuli, at kailangang masabihan sila na sumunod sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises."
|
||
\q
|
||
\v 6 At nagkatipun-tipon ang mga apostol at mga nakatatanda nang sa gayon ay mapag-usapan ang bagay na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 7 Pagkatapos nilang matalakay ito ng mahabang oras, tumayo si Pedro at nagsalita sa kanila. Sinabi niya, "Mga kapwa mananampalataya, alam ninyong lahat na matagal na panahon na ang nakalipas, pinili ako ng Diyos mula sa inyo na iba pang mga apostol, upang masabi ko rin sa mga tao na hindi Judio ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos, at upang manampalataya sila sa kaniya.
|
||
\q
|
||
\v 8 Alam ng Diyos ang mga puso ng lahat ng tao. Ipinakita niya sa akin at sa iba pa na tinanggap niya ang mga hindi Judio na maging kaniyang mga tao sa pamamagitan ng pagbigay ng Banal na Espiritu sa kanila, katulad ng ginawa niya sa atin.
|
||
\q
|
||
\v 9 Hindi gumawa ang Diyos ng pagtatangi sa pagitan natin at sa kanila, dahil ginawa niyang malinis ang kanilang mga kalooban bilang kinahinatnan ay ang kanilang pananampalataya sa Panginoong Jesus. Ganyang-ganyan ang pagpapatawad niya sa atin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 10 Bakit ninyo pinipilit ang mga mananampalatayang hindi Judio na sundin ang ritwal at mga kautusan nating mga Judio? Sa paggawa nito ay parang naglalagay tayo ng mabigat na pasanin sa kanila, dahil napipilitan sila na sundin ang mga kautusan na maging ang ating mga ninuno o tayong mga Judio ngayon ay hindi pa kailanman kayang sundin ang mga ito! Kung ganoon, huwag ng galitin ang Diyos sa paggawa nito!
|
||
\q
|
||
\v 11 Alam natin na tayong mga Judio ay iniligtas ng Diyos sa ating mga kasalanan dahil sa ginawa ng Panginoong Jesus para sa atin. Iniligtas ng Diyos tayong mga Judio katulad ng pagligtas niya sa mga hindi Judio na sumampalataya sa Paginoong Jesus."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Lahat ng tao doon ay tumahimik pagkatapos magsalita ni Pedro. At silang lahat ay nakinig kay Bernabe at kay Pablo, habang silang dalawa ay nagkuwento tungkol sa maraming dakilang himala ayon sa kakayanang ipinagkaloob ng Diyos sa kanila, mga himalang nagpapakita na tinanggap ng Diyos ang mga hindi Judio.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 13 Nang matapos magsalita sina Pablo at Bernabe, nagsalita sa kanila si Santiago na pinuno sa pangkat ng mga mananampalataya sa Jerusalem. sinabi niyang, "Mga kapwa kong mananampalataya, makinig kayo sa akin.
|
||
\q
|
||
\v 14 Sinabi sa inyo ni Simon Pedro kung paano pinagpala ng Diyos sa nakaraan ang mga mananampalatayang hindi Judio. Ginawa iyon ng Diyos sa pamamagitan ng pagpili mula sa kanilang mga tao na magiging pag-aari niya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 15 Ang mga salita na sinabi ng Diyos noong matagal nang panahon, mga salitang isinulat ng isa sa mga propeta ay sumasang-ayon dito:
|
||
\q
|
||
\v 16 Sa darating na panahon, babalik ako at pipili ng isang hari mula sa kaapu-apuhan ni David. Ito ay magiging tulad sa isang tao na magtatayo muli ng isang bahay pagkatapos nitong mawasak.
|
||
\q
|
||
\v 17 Gagawin ko ito upang ang lahat ng iba pang tao ay susubukang kilalanin ako, ang Panginoong Diyos. Mapapabilang dito kahit ang mga hindi Israelita na tinawag ko na aking pag-aari. Makatitiyak kayo na mangyayari ito dahil ako ang Panginoong Diyos na nagsabi ng mga salitang ito.
|
||
\q
|
||
\v 18 Ginawa ko ang mga bagay na ito, at ipinaalam ko sa aking mga tao ang tungkol sa mga ito noong unang panahon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Nagpatuloy magsalita si Santiago. Sinabi niya, "Kaya naisip ko na dapat nating itigil ang pag-aabala sa mga taong hindi Judio na tumatalikod sa kanilang mga kasalanan at tumatalima sa Diyos. Ang ibig sabihin nito ay dapat nating itigil ang pagpipilit na sundin nila ang lahat ng ating mga kautusan at mga ritwal.
|
||
\p
|
||
\v 20 Sa halip, dapat gumawa tayo ng isang liham sa kanila, na nangagailangan lamang ng apat na mga bagay: Huwag silang kakain ng karne na inialay ng mga tao sa mga diyus-diyosan, huwag silang sumiping sa hindi nila asawa, huwag silang kakain ng karne na galing sa mga hayop na namatay sa pagkakabigti, at huwag silang kakain ng dugo ng mga hayop.
|
||
\p
|
||
\v 21 Sa maraming lungsod, sa napakatagal na panahon ang mga tao ay ipinapahayag ang mga kautusan na isinulat ni Moises, mga kautusan na ipanagbabawal ang mga bagay na ito. At sa bawat Araw ng Pamamahinga, babasahin ang mga kautusang ito sa mga lugar na pinagpupulungan ng mga Judio. Kaya kung nais pang malaman ng mga hindi Judio ang tungkol sa mga kautusan na iyon, makikita din nila sa mga bahay na ating pinagpupulungan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Tinanggap ng mga apostol at ng iba pang mga nakatatanda, kasama ang iba pang mga mananampalataya sa Jerusalem ang sinabi ni Santiago. Pagkatapos ay napagpasiyahan nilang pumili sa kanilang mga kalalakihan at dapat ipadala sila kasama nina Pablo at Bernabe, papuntang Antioquia, upang malaman ng mga mananampalataya doon ang napagpasiyahan ng mga pinuno sa Jerusalem. Kaya't pinili nila si Judas, na tinatawag ding Barsabas at si Silas. Ang mga ito ay kapwa mga pinuno ng mga mananampalataya sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 23 At isinulat nila ang mga sumusunod na liham na hiniling nilang dalhin nina Judas at Silas sa mga mananampalataya sa Antioquia: "Kaming mga apostol at mga nakatatanda na kapwa ninyo mananampalataya, ipinaabot namin ang aming pagbati sa sulat namin na ito sa inyong mga mananampalatayang hindi Judio na nakatira sa Antioquia at sa iba pang mga lugar sa mga lalawigan ng Siria at Silicia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Sinabi ng mga tao sa amin na pumunta sa inyo ang ilan sa mga kalalakihan na galing sa amin, bagaman hindi namin sila isinugo sa inyo. Narinig namin na ginugulo nila kayo sa pamamagitan ng pagsasabi sa inyo ng mga bagay na nakapagpapalito sa inyong pag-iisip.
|
||
\p
|
||
\v 25 Kaya pagkatapos naming magsama-samang nagpulong dito, napagpasiyahan naming pumili ng ilang kalalakihan at pinakiusapan namin sila na pumunta sa inyo, kasama sina Bernabe at Pablo, na labis naming minamahal.
|
||
\q
|
||
\v 26 Inilagay ng dalawang iyon ang kanilang buhay sa panganib dahil pinaglilingkuran nila ang ating Panginoong Jesu-Cristo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Ipinadala din namin sina Judas at Silas sa inyo. Sasabihin nila sa inyo ang katulad ng aming isinusulat.
|
||
\q
|
||
\v 28 Minabuti ito ng Banal na Espiritu at sa amin na hindi na ninyo kailangan pang sundin ang mararaming mahihirap na mga kautusan ng Judio. Sa halip, kinakailangan lamang namin na sundin ninyo ang sumusunod na mga tagubilin na,
|
||
\p
|
||
\v 29 Huwag kayong kakain ng pagkaing inihandog ng mga tao sa mga diyus-diyosan. Huwag dapat kayong kakain ng dugo na galing sa mga hayop, at Huwag kayong kakain ng karne na galing sa hayop na binigti ng mga tao. Gayundin, Huwag kayong makisiping kasama ang isang tao na hindi ninyo asawa. Kung iiwasan ninyo ang paggawa ng mga bagay na ito, ginagawa ninyo ang tama. Paalam."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Ang apat na napiling kalalakihan ay bumaba mula sa Jerusalem at nakarating sa Antioquia. Nang ang lahat ng mga mananampalataya doon ay nagkatipon-tipon, ibinigay nila ang liham sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 31 At nang mabasa ng mga mananampalataya doon ang liham, sila ay nagalak, dahil ang mensahe ay nakapagpalakas ng kanilang loob.
|
||
\p
|
||
\v 32 Bilang mga propeta, maraming sinabi sina Judas at Silas at pinalakas ang loob ng mga mananampalataya doon, at tinulungan nilang lalong magtiwala ng lubos sa Panginoong-Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 33 Pagkatapos namalagi nina Judas at Silas doon ng ilang panahon at handa nang bumalik sa Jerusalem, sinabi ng mga tao sa Antioquia na sila ay mag-ingat, at sila ay umalis.
|
||
\p
|
||
\v 34 (Ngunit naisip ni Silas na masmabuti kung magpapaiwan siya doon.)
|
||
\q
|
||
\v 35 Gayunman, nagpatuloy na manatili sina Pablo at Bernabe sa Antioquia. Habang sila ay nandoon, sila at ang iba pang mga kasama nila ay nagtuturo at nangangaral sa kanila ng mensahe tungkol sa Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 36 Pagkatapos ng ilang panahon, sinabi ni Pablo kay Bernbabe, "Balikan natin at dalawin ang mga kapwa nating mananampalataya sa bawat lungsod kung saan naipahayag natin noon ang mensahe tungkol sa Panginoong Jesus. Sa ganoong paraan, malalaman natin kung gaano sila nagpapatuloy sa pananampalataya sa Panginoong Jesus."
|
||
\p
|
||
\v 37 Sumang-ayon si Bernabe kay Pablo, at sinabi niyang nais niyang isama muli sa kanila si Juan na ang ibang pangalan ay Marcos.
|
||
\p
|
||
\v 38 Gayun pa man, sinabi ni Pablo kay Bernabe na naisip niyang hindi mabuting isama nila si Marcos, dahil iniwan sila ni Marcos noong nasa rehiyon sila ng Pamfilia, at hindi na nagpatuloy na sumamang maglingkod sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 39 Sina Pablo at Bernabe ay labis na hindi nagkasundo sa isa't isa tungkol sa bagay na ito, kaya naghiwalay sila sa isa't isa. Kinuha ni Bernabe si Marcos na kasama niya. Sumakay sila sa isang barko at pumunta sa Isla ng Cyprus.
|
||
\v 40 Pinili ni Pablo si Silas na bumalik sa Antioquia upang maglingkod kasama niya. Nanalangin doon ang mga mananampalataya sa Panginoon Diyos, hinihiling sa kaniya na tulungang mabuti sina Pablo at Silas. At silang dalawa ay umalis mula Antioquia.
|
||
\v 41 Nagpatuloy na naglakbay si Pablo kasama si Silas sa mga lalawigan ng Siria at Cilicia. Sa mga lugar na iyon, tinutulungan nila ang mga kalipunan ng mananampalataya upang magtiwala nang lubos sa Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 16
|
||
\p
|
||
\v 1 Nagpunta sina Pablo at Silas sa mga lungsod ng Derbe at Listra at dinalaw ang mga mananampalataya doon. Nakatira sa Listra ang isang mananampalataya na nagngangalang Timoteo. Isang mananampalatayang Judio ang kaniyang ina, ngunit isang Griego ang kaniyang ama.
|
||
\q
|
||
\v 2 Mabuting mga bagay ang mga sinabi ng mga mananampalatayang taga-Listra at Iconio tungkol kay Timoteo,
|
||
\q
|
||
\v 3 at gustong isama ni Pablo si Timoteo kapag nagpunta siya sa iba't ibang mga lugar, kaya tinuli niya si Timoteo. Ginawa niya iyon upang tanggapin si Timoteo ng mga Judiong naninirahan sa mga lugar na iyon, sapagkat alam nila na hindi tinuli si Timoteo ng kaniyang amang hindi Judio.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Kaya sumama si Timoteo kina Pablo at Silas, at naglakbay sila sa iba't ibang mga bayan. Sinabi nila sa mga mananampalataya sa bawat bayan ang mga alituntunin na napagpasiyahan ng mga apostol at ng mga nakatatanda sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 5 Tinulungan nila ang mga mananampalataya sa mga bayang iyon na higit na magtiwala sa Panginoong Jesus, at araw-araw mas maraming tao ang naging mananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Pinigilan ng Banal na Espiritu sina Pablo at ang kaniyang mga kasama na magpahayag ng salita ng Diyos sa Asia, kaya dumaan sila sa lupain ng Frigia at Galacia.
|
||
\p
|
||
\v 7 Narating nila ang hangganan ng probinsiya ng Misia, at nais nilang pumunta sa hilaga sa probinsya ng Bitinia, ngunit muli silang pinigilan ng Espiritu ni Jesus na pumunta roon.
|
||
\p
|
||
\v 8 Kaya dumaan sila sa probinsiya ng Misia at nakarating sa Troas, isang lungsod sa tabi ng dagat.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Nang gabing iyon binigyan ng Diyos ng isang pangitain si Pablo na kung saan nakita niya ang isang lalaki na nagmula sa probinsiya ng Macedonia. Tinatawag niya si Pablo, at sinasabing, "Pumunta ka sa Macedonia at tulungan mo kami!"
|
||
\p
|
||
\v 10 Pagkatapos niyang makita ang pangitain, umalis kami patungong Macedonia, sapagkat naniniwala kami na ang Diyos ang tumawag sa amin upang ipahayag ang magandang balita sa mga tao doon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Sumakay kami sa isang bangka at naglayag mula sa Troas papunta sa Samotracia, at kinabukasan pumunta kami sa lungsod ng Neapolis.
|
||
\q
|
||
\v 12 Pagkatapos umalis kami sa Neapolis at pumunta sa Filipos. Napakahalagang lungsod iyon sa Macedonia, kung saan maraming mamamayang Romano ang naninirahan. Nanatili kami ng maraming araw sa Filipos.
|
||
\p
|
||
\v 13 Sa Araw ng Pamamahinga, pumunta kami sa labas ng tarangkahan ng lungsod pababa sa may ilog. Narinig namin ang isang tao na nagsabi na nagtipon ang mga Judio upang manalangin doon. Nang makarating kami, nakita namin ang ilang kababaihan na nagtiponn upang manalangin, kaya naupo kami at nagsimulang sabihin sa kanila ang tungkol kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Isang babae ang nagngangalang Lydia ang isa sa mga kababaihan na nakikinig kay Pablo. Nagmula siya sa lungsod ng Tiatira, nagbebenta ng telang lila, at sumasamba sa Diyos. Ang Panginoong Diyos ang nag-udyok sa kaniya upang makinig sa mensahe na sinabi ni Pablo, at pinaniwalaan niya ito.
|
||
\p
|
||
\v 15 Pagkatapos bautismuhan nina Pablo at Silas si Lydia at ang iba pang naninirahan sa kaniyang bahay, sinabi niya sa kanila, "Kung naniniwala kayo na ako ay naging matapat sa Panginoon, pumunta kayo sa aking bahay at manatili doon." pagkatapos niyang sabihin ito, nanatili kami sa kaniyang bahay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 16 Isang araw, habang papunta kami sa lugar na kung saan nagtitipon ang mga tao upang manalangin, nakilala namin ang isang batang babae na isang alipin. Isang masamang espiritu ang nagbibigay sa kaniya nang kapangyarihan upang magsabi ng mga panghinaharap tungkol sa mga tao. Nagbabayad ang mga tao ng pera sa mga kalalakihan na nagmamay-ari sa kaniya, kapalit nang pagsasabi niya sa kanila kung ano ang mangyayari sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 17 Sumunod ang batang babaeng ito kay Pablo at sa amin, na sumisigaw, "Naglilingkod ang mga lalaking ito sa Diyos na pinakadakila sa lahat ng diyos! Sinasabi nila sa inyo kung papaano kayo maililigtas ng Diyos."
|
||
\p
|
||
\v 18 Nagpatuloy siyang gawin ito ng maraming araw. Sa bandang huli, nagalit si Pablo, kaya humarap siya sa batang babae at kinausap ang masamang espiritu na nasa batang babae. Sinabi ni Pablo, "Sa pangalan ni Jesu-Cristo, lumabas ka sa babaeng ito!" Kaagad iniwan ng masamang espiritu ang batang babae.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 19 Napagtanto ng mga nagmamay-ari sa kaniya na hindi na siya maaaring kumita ng pera para sa kanila sapagkat hindi na siya makapanghula ng kung ano ang mangyayari sa mga tao, kaya nagalit sila. Dinampot nila sina Pablo at Silas at dinala sa plaza kung saan naroon ang mga pinuno ng lungsod.
|
||
\p
|
||
\v 20 Dinala sila ng mga nagmamay-ari ng batang babae sa mga pinuno ng lungsod at sinabi sa kanila, "Judio ang mga taong ito, at lubha nilang ginagambala ang mga tao sa ating lungsod.
|
||
\p
|
||
\v 21 Itinuturo nila na dapat nating sundin ang mga alituntunin na hindi tayo pinahihintulutan bilang mga Romano na sundin!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 22 Nakiisa ang karamihan sa napakaraming tao na nagpaparatang kina Pablo at Silas, at sinimulang bugbugin ang mga ito. Pagkatapos sinabi ng mga pinunong Romano sa mga kawal na puniting pahubad ang mga damit nina Pablo at Silas at hampasin sila ng tungkod.
|
||
\p
|
||
\v 23 Kaya hinampas sila ng matindi ng mga kawal sa pamamagitan ng tungkod. Pagkatapos niyon, kinuha nila sila at inilagay sa bilangguan. Ibinilin nila sa bantay-bilangguan na siguraduhing hindi sila makakalabas.
|
||
\q
|
||
\v 24 Sapagkat sinabi ng mga pinuno sa kaniya na gawin iyon, inilagay ng bantay-bilangguan sina Pablo at Silas sa pinakamalayong silid sa loob ng kulungan. Doon, pinaupo niya sila sa sahig at iniunat ang kanilang mga binti. Pagkatapos ay ikinadena niya ang kanilang mga bukung-bukong sa butas ng dalawang malaking piraso ng kahoy, upang hindi maigalaw nina Pablo at Silas ang kanilang mga binti.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 Nang hating gabi, nananalangin sina Pablo at Silas at nagpupuri sa Diyos sa pamamagitan ng pag-awit ng mga awitin. Nakikinig ang ibang mga bilanggo sa kanila.
|
||
\q
|
||
\v 26 Biglang may napakalakas na lindol na nagpauga sa bilangguan. Ang lindol ang naging dahilan upang magbukas ang mga pintuan ng bilangguan at makalas ang mga kadena ng mga bilanggo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 27 Nagising ang bantay-bilangguan at nakitang nabuksan ang mga pintuan ng bilangguan sa pamamagitan ng lindol. Inakala niyang nakaalis na ng bilangguan ang mga bilanggo, kaya hinugot niya ang kaniyang tabak upang patayin ang kaniyang sarili, sapagkat alam niya na papatayin siya ng mga namumuno sa lungsod kung nakatakas ang mga bilanggo.
|
||
\p
|
||
\v 28 Nakita ni Pablo ang bantay-bilangguan at sumigaw sa kaniya, "Huwag kang magpakamatay! Narito kaming lahat na mga bilanggo!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 29 Sumigaw ang bantay-bilanguan na magdala ng sulo ang isang tao upang makita niya kung sino ang nanatili sa bilangguan. Nanginginig sa takot, nagpatirapa siya sa harapan nina Pablo at Silas.
|
||
\q
|
||
\v 30 Pagkatapos dinala niya sina Pablo at Silas palabas ng kulungan at nagtanong: "Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?"
|
||
\p
|
||
\v 31 Sumagot sila, "Magtiwala ka sa Panginoong Jesus, at ikaw at ang iyong sambahayan ay maliligtas."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 32 Pagkatapos nagkuwento nina Pablo at Silas tungkol sa Panginoong Jesus sa kaniya at sa kaniyang sambahayan.
|
||
\q
|
||
\v 33 At sa oras ding iyon sa kalagitnaan ng gabi, hinugasan ng bantay-bilangguan ang kanilang mga sugat. Pagkatapos ay binautismuhan siya nina Pablo at Silas at ang bawat isa sa kaniyang sambahayan.
|
||
\q
|
||
\v 34 At dinala niya sina Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at binigyan sila ng makakain. Napakasaya niya at ng lahat sa kaniyang sambahayan sapagkat nanampalataya silang lahat sa Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 35 Kinabukasan, sinabihan ng mga pinuno ng lungsod ang ilan sa mga kawal na tumungo sa kulungan upang sabihin sa bantay-bilanguan, "Palayain na ninyo ang dalawang bilanggo!"
|
||
\p
|
||
\v 36 Nang marinig ito ng bantay-bilangguan, pumunta siya at sinabi kay Pablo, "Sinabi sa akin ng mga pinuno ng lungsod na palayain na kayo. Kaya maaari na kayong makaalis ngayon ng bilangguan at humayo ng may kapayapaan!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 37 Ngunit sinabi ni Pablo sa bantay-bilangguan, "Sinabi ng mga pinuno ng lungsod sa mga kalalakihan na bugbugin kami sa harapan ng napakaraming tao, kahit na kami ay mga mamamayang Romano, at ibinilanggo kami. At ngayon, gusto nila kaming paalisin nang hindi sinasabi sa sinuman! Hindi namin iyan tatanggapin! Dapat silang mga pinuno ng lungsod ang pumunta mismo at palayain kami mula sa bilangguan."
|
||
\p
|
||
\v 38 Kaya pumunta ang mga kawal at sinabi sa mga pinuno ng lungsod ang sinabi ni Pablo. Nang marinig ng mga pinuno ng lungsod na sina Pablo at Silas ay mga mamamayan ng Roma, natakot sila sapagkat gumawa sila ng maling bagay.
|
||
\p
|
||
\v 39 Kaya pumunta ang mga pinuno ng lungsod kina Pablo at Silas at sinabi nilang sila ay humihingi ng paumanhin dahil sa ginawa nila. Pinalabas sila ng mga pinuno ng lungsod sa labas ng kulungan at pinakiusapan na umalis sa lungsod.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 40 Pagkatapos umalis nina Pablo at Silas sa bilangguan, pumunta sila sa bahay ni Lydia. Nakipagtagpo sila sa kaniya doon at sa iba pang mga mananampalataya. Pinalakas nila ang loob ng mga mananampalataya na magpatuloy na magtiwala sa Panginoong Jesus, at umalis ang dalawang apostol sa lungsod ng Filipos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 17
|
||
\p
|
||
\v 1 Naglakbay sila sa pamamagitan ng mga lungsod ng Amfipolis at Apollonia at dumating sa lungsod ng Tesalonica. Mayroong lugar ng pagkikita ng mga Judio doon.
|
||
\p
|
||
\v 2 Sa Araw ng Pamamahinga pumupunta si Pablo sa lugar ng pagkikita tulad ng kaniyang nakagawian. Sa tatlong linggo pumunta siya doon bawat araw ng pamamahinga. Sinabi niya sa mga tao ang tungkol sa kung paano sinabi ng Kasulatan na si Jesus ang magiging Cristo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 3 Pinakita niya mula sa mga Kasulatan na sinulat ng mga propeta na dapat mamatay ang Mesias at muling mabuhay. Sinabi niya, "Itong taong si Jesus ay ang Cristo. Namatay siya at muling nabuhay, katulad ng sinabi ng mga propeta na gagawin niya."
|
||
\q
|
||
\v 4 Ang ilan sa mga Judio doon ay naniwala sa kung ano ang sinabi ni Pablo at nagsimulang makipagkita kina Pablo at Silas. Mayroon ding maraming mga hindi Judio at maraming mga mahahalagang babae na sinasamba ang Diyos at naniwala rin sa mensahe patungkol kay Jesus, at nagsimula rin silang makipagkita kina Pablo at Silas.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Pero ilan sa mga pinunong Judio ang nagalit dahil maraming mga tao ang naniwala sa kung ano ang tinuro ni Pablo. Kaya pumunta sila sa publikong lugar at hinimok ang ilan sa mga masamang mga lalaki na sumunod sa kanila. Sa ganitong paraan, tinipon ng mga pinunong Judio ang mga tao at dinulot sila na gumawa ng maraming ingay. Yaong mga Judio at ang iba doon ay tumakbo papunta sa bahay ng taong nagngangalang Jason kung saan nananatili sina Pablo at Silas. Nais nilang dalhin sila Pablo at Sila sa labas kung nasaan ang mga tao.
|
||
\q
|
||
\v 6 Nalaman nila na wala si Pablo at Silas doon sa bahay, pero natagpuan nila si Jason at kinuha siya. Kinaladkad nila siya at ang ilan sa mga mananampalataya na kasama niya kung nasaan ang mga pinuno ng lungsod. Sinabi nila, "Ang mga lalaki na nagdulot ng gulo sa lahat ng lugar sa mundo ay dumating na rin dito,
|
||
\p
|
||
\v 7 at itong si Jason ay pinatuloy ang mga taong yaon sa kaniyang bahay. Sila ay kumikilos laban sa Emperador. Sinasabi nila na may isa pang tao, na nagngangalang Jesus, ay ang tunay na hari!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Nang marinig iyon ng mga taong nagtipon at ng mga pinuno ng lungsod, labis silang nagalit at naudyok.
|
||
\p
|
||
\v 9 Pinagbayad ng multa ng mga pinuno ng lungsod sina Jason at ang ibang mga mananampalataya ng multa at sinabi sa kanila na ibabalik nila ang pera kapag hindi na nagdulot sina Pablo at Silas ng kahit ano pang gulo. Pagkatapos ay pinakawalan ng mga pinuno ng lungsod si Jason at ang ibang mga mananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 10 Kaya nang gabi ding iyon, ipinadala palabas ng mga mananampalataya sina Pablo at Silas sa Tesalonica papunta sa bayan ng Berea. Nang dumating doon sina Pablo at Silas, pumunta sila sa lugar ng tagpuan ng mga Judio.
|
||
\q
|
||
\v 11 Karamihan sa mga Judio ng Tesalonica ay hindi nananabik na makinig sa mensahe ng Diyos, pero ang mga Judio ng Berea ay labis na nananabik na makinig, kaya nakinig sila ng maigi sa mensahe patungkol kay Jesus. Araw-araw nilang binasa ang mga Kasulatan para sa kanilang mga sarili para malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Pablo kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 12 Dahil sa katuruan ni Pablo, maraming mga Judio ang naniwala kay Jesus, at ilan din sa mga mahahalagang mga babaeng hindi Judio at maraming mga lalaking hindi Judio ang naniwala sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 13 Pero ang mga Judio sa Tesalonica ay narinig na si Pablo ay nasa Berea at nangangaral ng mensahe mula sa Diyos tungkol kay Jesus. Kaya pumunta sila sa Berea at nagsabi ng mga bagay sa mga tao doon na ginawa silang labis na galit kay Pablo.
|
||
\p
|
||
\v 14 Dinala ng ilan sa mga mananampalataya ng Berea si Pablo sa baybaying dagat para pumunta sa isa pang lungsod. Pero nanatili sina Timoteo at Silas sa Berea.
|
||
\p
|
||
\v 15 Nang dumating na si Pablo at ang iba pang mga lalaki sa baybayin, sumakay sila sa bangka at pumunta sa lungsod ng Atenas. Pagkatapos ay sinabi ni Pablo sa mga lalaki na sumama sa kaniya, "Sabihin ninyo kina Silas at Timoteo na sumama sa akin dito sa Atenas sa lalong madaling panahon." Kaya ang mga lalaking yaon ay umalis sa Atenas at bumalik sa Berea.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Sa Atenas, hinintay ni Pablo na dumating sina Silas at Timoteo. Habang naghihintay, naglakad-lakad siya sa paligid ng lungsod. Siya ay labis na nadalamhati dahil maraming mga diyos-diyosan sa lungsod.
|
||
\p
|
||
\v 17 Kaya pumunta siya sa lugar ng tagpuan ng mga Judio at nagsalita sa mga Judio tungkol kay Jesus, at kasama din ang mga Griyego na tinanggap kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Judio. Araw-araw rin siyang pumunta sa publikong lugar at nakipag-usap sa mga tao na nakilala niya roon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 May nakilala si Pablo na mga guro na mahilig makipagusap sa kung ano ang pinaniniwalaan ng mga tao. Ang mga tao ay tinawag ang iba sa kanila na mga Epicureo, at ang iba ay tinatawag nilang mga Estoico. Sinabi nila kay Pablo kung ano ang kanilang pinaniniwalaan, at tinanong nila siya kung ano ang kaniyang pinaniniwalaan. Pagkatapos, ang ilan sa kanila ay sinabi sa bawat isa, "Siya ay may sinasabi tungkol sa isang kakaibang diyos." Sinabi nila iyon dahil sinasabi sa kanila ni Pablo na namatay si Jesus at muling nabuhay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Kaya dinala nila siya sa lugar kung saan nagtatagpo ang mga pinuno ng lungsod. Nang dumating sila doon, sinabi nila kay Pablo, "Pakiusap sabihin mo sa amin, ano ang bagong mensahe na ito na itinuturo mo sa mga tao?
|
||
\q
|
||
\v 20 Nagtuturo ka ng mga bagay na hindi namin maintindihan, kaya nais naming malaman kung ano ang kahulugan ng mga ito."
|
||
\p
|
||
\v 21 Ang mga tao ng Atenas at ng mga tao na mula sa ibang lalawigan na nanirahan doon ay mahilig makipagusap tungkol sa kung ano ang bago sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Pagkatapos ay tumayo si Pablo sa harap ng mga tao at sinabi, "Mga tao ng Atenas, nakikita ko na labis kayong relihiyoso.
|
||
\q
|
||
\v 23 Sinasabi ko iyon dahil, habang naglalakad ako ay nakita ko ang mga bagay na sinasamba ninyo, nakita ko rin ang altar na may mga salita na may nag-ukit: ITO AY PINARARANGALAN ANG DIYOS NA HINDI NAMIN KILALA. Kaya ngayon ay sasabihin ko sa inyo ang tungkol sa Diyos na iyon na sinasamba ninyo ngunit hindi ninyo kilala.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Siya ang Diyos na naglikha ng mundo at lahat ng nandito. Pinamumunan niya ang lahat ng mga nilalang sa langit at sa ibabaw ng lupa, at hindi siya naninirahan sa mga templo na itinayo ng mga tao.
|
||
\q
|
||
\v 25 Hindi niya kailangan ng kahit ano na ginawa ng tao para sa kaniya dahil siya ang nagbibigay buhay at hininga sa mga tao, at binibigay niya ang lahat ng kanilang pangangailangan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 26 Sa simula, lumikha ang Diyos ng isang mag-asawa, at mula sa kanila ay nilikha ng Diyos ang lahat ng pangkat ng mga tao na ngayon ay naninirahan sa bawat dako sa lupa. Nilagay niya ang bawat pangkat ng tao sa kanilang lugar para sa oras nito.
|
||
\p
|
||
\v 27 Nais niyang mabatid ng mga tao na kailangan nila siya. Nang sa gayon ay maaari nilang hanapin siya at matagpuan siya. Nais ng Diyos na hanapin natin siya, bagama't siya ay labis na malapit sa bawat isa sa atin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 28 Nang dahil sa Diyos kaya tayo nabubuhay, gumagalaw, at namamalagi, tulad ng sinabi ng isa sa inyo, 'Dahil tayo ay kaniyang mga anak.'
|
||
\p
|
||
\v 29 Kaya, dahil tayo ay mga anak ng Diyos, huwag dapat nating isipin na ang Diyos ay tulad ng ginto, pilak, o bato, na ginawa sa isang bagay ng tao.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 30 Sa mga panahon nang hindi pa alam ng mga tao kung ano ang nais ng Diyos na gawin nila, hindi niya sila pinarusahan para sa kung ano ang kanilang ginawa. Pero ngayon ay inuutusan ng Diyos ang lahat ng mga tao sa bawat dako na tumalikod mula sa kanilang mga masasamang gawain.
|
||
\p
|
||
\v 31 Sinasabi niya sa atin na sa tiyak na araw na kaniyang pinili ay hahatulan niya tayong lahat ng may katarungan sa pamamagitan ng tao na kaniyang pinili, sinisigurado na nainitindihan natin ito sa pamamagitan ng pagbubuhay sa taong ito mula sa kamatayan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 32 Nang marinig ng mga tao ang sinabi ni Pablo na may taong muling nabuhay pagkatapos niyang mamatay, ang ilang sa kanila ay pinagtawanan siya. Pero ang iba ay hiniling sa kaniya na bumalik at sabihin sa kanila ang tungkol dito sa iba pang araw.
|
||
\v 33 Pagkatapos nilang sabihin iyon, naglakad na palayo si Pablo.
|
||
\p
|
||
\v 34 Pero, sumama kay Pablo ang ilan sa mga tao at pinaniwalaan ang kaniyang mensahe tungkol kay Jesus. Kabilang doon sa mga naniwala kay Jesus ay ang lalaking nagngangalang Dionisio. Mayroon ding babae na nagngangalang Damaris at ilan sa ibang mga tao na kasama nila ang naniwala.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 18
|
||
\p
|
||
\v 1 Pagkatapos ng iyon, si Pablo ay umalis sa lungsod ng Atena at nagpunta sa lungsod ng Corinto.
|
||
\q
|
||
\v 2 Nakita niya doon ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila na mula sa rehiyon ng Ponto. Sina Aquila at kaniyang asawa na si Priscilla ay nagkaroon ng maikling panahon sa lungsod ng Roma, sa Italya. Umalis sila sa Roma dahil si Claudius, Ang Emperador ng Roma, ay ipinag-utos na ang lahat ng mga Judio ay dapat umalis sa Roma.
|
||
\p
|
||
\v 3 Sina Aquila at Priscila ay taga-gawa ng mga tolda upang kumita ng pera. Si Pablo rin ay taga-gawa ng mga tolda, kaya siya ay nanatili kasama nila at sila ay magkakasamang nagtrabaho.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Tuwing Araw ng Pamamahinga, si Pablo ay nagpupunta sa Tagpuang lugar ng mga Judio, kung saan nagsasalita siya sa mga Judio at mga hindi Judio. Nagturo siya sa kanila tungkol kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 5 Pagkatapos sina Silas at Timoteo ay nagpunta mula sa rehiyon ng Macedonia. Nang sila ay makarating doon, si Pablo ay hindi na gumagawa ng mga tolda. Ginamit niya ang kaniyang buong panahon sa pagsasalita tungkol kay Jesus sa mga Judio. Sinabi niya sa kanila na si Jesus ang Cristo
|
||
\p
|
||
\v 6 Pero ang mga Judio ay nagsimulang tumalikod laban kay Pablo at nagsalita ng masasamang mga bagay tungkol sa kaniya. Kaya pinagpag niya ang alikabok sa kaniyang kasuotan upang ipakita sa kanila na ang Diyos ay hindi natutuwa sa kanila, at sinabi niya sa kanila, "Kung kayo ay parurusahan ng Diyos, iyon ay dahil sa inyo, hindi sa akin! Simula ngayon ako ay magsasalita sa mga tao na hindi Judio!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Kaya si Pablo ay umalis na sa tagpuang lugar ng mga Judio at nagpunta sa isang bahay na katabi nito, at nangaral doon. Si Tito Justus ang may-ari ng bahay, isang hindi Judio na sumasamba sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 8 Pagkatapos nito, ang mga pinuno ng tagpuang lugar ng mga Judio, na ang pangalan ay Crispus at ang kaniyang buong pamilya ay naniwala sa Panginoong Jesus. Karamihan sa ibang mga tao sa Corinto na nakinig kay Pablo ay naniwala rin kay Jesus at nabautismuhan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Isang gabi, Si Pablo ay nagkaroon ng isang pangitain kung saan sinabi sa kaniya ng Panginoong Jesus "Huwag kang matakot sa mga tao na laban sa iyo, ngunit patuloy na magsalita tungkol sa akin,
|
||
\p
|
||
\v 10 dahil tutulungan kita at walang sinuman ang makakasakit sa iyo rito. Patuloy mong sabihin sa kanila ang tungkol sa akin, dahil maraming tao sa lungsod na ito na nabibilang sa akin.
|
||
\p
|
||
\v 11 Kaya si Pablo ay nanatili sa Corinto ng isang taon at kalahati, tinuturo sa mga tao ang mensahe mula sa Diyos tungkol kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Nang si Galio ay naging Gobernador ng mga Romano sa lalawigan ng Acaya, ang mga pinunong Judio ay nagsama-sama at hinuli si Pablo. Dinala nila si Pablo sa harap ng gobernador at inakusahan siya,
|
||
\p
|
||
\v 13 na nagsasabing, "Ang lalaking ito ay nagtuturo sa mga tao na sumamba sa Diyos sa paraan na laban sa batas ng mga Judio."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Nang si Pablo ay magsasalita na, biglang sinabi ni Galio sa mga Judio, "Kung ang lalaking ito ay nilabag ang mga batas ng Romano, Ako ay makikinig sa inyong mga Judio kung ano ang nais sabihin sa akin.
|
||
\p
|
||
\v 15 Pero kayo ay nagsasalita tungkol sa mga salita at mga pangalan at sa inyong mga batas bilang Judio, kaya kayo ang dapat kumausap sa kaniya tungkol dito. Hindi ako hahatol sa ganitong mga bagay!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Pagkatapos sabihin iyon ni Galio, sinabi niya sa ibang mga kawal na alisin ang Pinuno ng mga Judio sa hukuman.
|
||
\p
|
||
\v 17 Pagkatapos, sinunggaban ng mga tao ang Pinuno ng mga Judio na si Sostenes. Binugbog nila siya sa harap ng upuan ng hukuman. Pero si Galio ay walang ginawa tungkol dito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 18 Si Pablo ay nanatili kasama ang mga mananampalataya sa Corinto ng marami pang mga araw. Pagkatapos, siya ay sumakay sa bapor kasama sina Priscila at Aquila at naglayag sa Probinsya ng Syria. Inahit niya ang kaniyang ulo sa Cecraea dahil sa isang panata na kaniyang ginawa.
|
||
\p
|
||
\v 19 Sila ay nakarating sa lungsod ng Efeso, at sina Priscila at Aquila ay nanatili roon. Si Pablo mismo ang pumasok sa tagpuang lugar ng mga Judio at nagsalita sa mga Judio tungkol kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Sila ay nakiusap sa kanya na manatili pa ng matagal pero tumanggi siya.
|
||
\p
|
||
\v 21 Ngunit habang siya ay paalis, sinabi niya sa kanila, "Ako ay babalik, kung loobin iyon ng Diyos sa akin." Pagkatapos, siya ay sumakay sa isang bapor at naglayag palayo mula sa Efeso.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Nang dumating ang bangka sa lungsod ng Caesarea, bumaba si Pablo. Umakyat siya sa Jerusalem at binati ang mga mananampalataya roon. Pagkatapos, siya ay nagpunta sa lungsod ng Antioquia sa rehiyon ng Syria.
|
||
\p
|
||
\v 23 Si Pablo ay nag-ukol ng ilang oras kasama ang mga mananampalataya roon. Pagkatapos, siya ay umalis ng Antioquia at naglakad sa maraming mga lungsod sa rehiyon ng Galatia at Phrygia. Pinilit niya ang mga mananampalataya na maniwala pa ng husto sa mensahe mula sa Diyos tungkol kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Habang si Pablo ay papunta sa Galatia at Phrygia, isang lalaking Judio na ang pangalan ay Apollo ang dumating sa Efeso. Galing siya sa lungsod ng Alexandria at siya ay magaling magsalita tungkol sa Kasulatan.
|
||
\p
|
||
\v 25 Tinuruan si Apollo ng ibang mga mananampalataya kung paano nais ng Panginoong Jesus na ang tao ay mamuhay, at tinuro niya ng masigasig ang mga bagay na iyon sa mga tao. Pero hindi niya tinuturo lahat ng bagay tungkol kay Jesus dahil ang alam niya lamang ay ang pagbautismo ni Juan na tagapagbautismo.
|
||
\p
|
||
\v 26 Nagpunta si Apollo sa tagpuang lugar ng mga Judio, at sinabi niya sa mga tao doon ang mga bagay na kaniyang natutunan. Nang narinig nina Priscila at Aquila ang tungkol sa kaniyang mga tinuro, Hiniling nila sa kaniya na pumunta sa kanilang tahanan kung saan itinuro nila sa kaniya ng husto ang tungkol kay Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Nang napagpasyahan ni Apollo na gusto niyang pumunta sa rehiyon ng Acaya, sinabi sa kaniya ng mga mananampalataya na taga Efeso na makabubuti sa kaniya na gawin ang mga bagay na iyon. Kaya sila ay sumulat ng isang liham sa mga mananampalataya sa Acaya na sinasabing dapat nilang tanggapin si Apollo. Nang siya ay makarating doon, tinulungan niya silang mga magiliw na binigyan ng Diyos ng kakayanan upang maniwala kay Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 28 Si Apollo ay matapang na nagsasalita sa mga pinuno ng mga Judio habang may ibang mga taong nakikinig. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng Kasulatan, siya ay may kakayahan na ipakita sa kanila na si Jesus ang Messias.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 19
|
||
\p
|
||
\v 1 Habang nasa Corinto si Apolos, umalis si Pablo sa Frigia at Galacia at pumunta sa Asia, at bumalik siya sa Efeso. Nakatagpo siya ng ilang mga tao na nagsabing mga mananampalataya sila.
|
||
\q
|
||
\v 2 Tinanong niya sila, "Tinanggap ba ninyo ang Banal na Espiritu nang naniwala kayo sa mensahe ng Diyos?" Sumagot sila, "Hindi, hindi pa namin tinanggap. Hindi pa namin narinig na mayroong Banal na Espiritu."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 3 Kaya nagtanong si Pablo, "Kaya noong nabautismuhan kayo, ano ang nalaman ninyo?" Sumagot sila, "Naniwala kami sa mga itinuro ni Juan na Tagapagbautismo."
|
||
\p
|
||
\v 4 Sinabi ni Pablo, "Binautismuhan ni Juan ang mga tao na tumalikod sa kanilang mga masasamang gawa. Sinabi rin niya sa mga tao na manampalataya sa isang darating pagkatapos niyang dumating, at si Jesus ang taong iyon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Kaya nang marinig ito ng mga kalalakihang iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus.
|
||
\p
|
||
\v 6 Pagkatapos noon, isa-isang ipinatong ni Pablo ang kaniyang mga kamay sa kanilang mga ulo, at bumaba ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa bawat isa sa kanila. Binigyan sila ng Banal na Espiritu ng kapangyarihan upang magsalita sa mga wika na hindi nila natutunan, at nagsalita din sila ng mga mensahe na sinabi sa kanila ng Banal na Espiritu.
|
||
\p
|
||
\v 7 Humigit-kumulang sa labindalawang kalalakihan ang binautismuhan ni Pablo at tumanggap ng Banal na Espiritu.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 8 Sa tatlong buwan pagkatapos niyan, pumasok si Pablo sa lugar kung saan nagpupulong ang mga Judio sa Efeso sa bawat Araw ng Pamamahinga at nagturo at hinikayat niya ang mga tao tungkol kay Jesus at kung paano ipapakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari.
|
||
\p
|
||
\v 9 Ngunit hindi naniwala ang ilan sa mga Judio sa mensahe at hindi na nais marinig pa iyon. Maraming masasamang bagay ang sinabi nila tungkol sa itinuturo ni Pablo. Kaya iniwan sila ni Pablo at isinama niya ang mga mananampalataya upang makipagpulong sa pulungang lugar sa Tirano.
|
||
\p
|
||
\v 10 Nagturo si Pablo ng dalawang taon sa mga tao doon. Sa ganitong paraan, marami sa mga Judio at hindi Judio ang tumira sa mga rehiyon ng Asia at narinig nila ang mensahe tungkol sa Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Binigyan din ng Diyos si Pablo ng kapangyarihan upang gumawa ng mga himala.
|
||
\p
|
||
\v 12 Kung hindi makapunta ang mga may sakit kay Pablo, ang mga piraso ng tela na hinawakan ni Pablo ay kinukuha nila at inilalagay sa mga may sakit na tao. Bilang kinahinatnan, gagaling ang mga taong may sakit, at lalayas ang mga masasamang espiritu sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Mayroon ding ilan na mga Judio na naglakad mula sa bayan-bayan, at inutusan nila ang mga masasamang espiritu sa mga lugar na iyon na lumayas sa mga tao. Ilan sa mga Judiong iyon ang nagsabi sa mga masasamang espiritu na lumayas sa mga tao sa pagsasabi ng "Inuutusan ko kayong lumayas sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoong Jesus, ang taong ipinangangaral ni Pablo!"
|
||
\p
|
||
\v 14 May pitong mga kalalakihan ang gumagawa nito. Mga anak sila ng isang tao na nagngangalang Esceva, na isang Judio, na tinawag ang kaniyang sarili na isang punong pari.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Ngunit isang araw, habang ginagawa nila iyon, hindi lumayas ang masamang espiritu sa taong iyon. Sa halip, sinabi ng masamang espiritu sa kanila, "Kilala ko si Jesus, at kilala ko si Pablo, ngunit walang sinuman ang nagbigay sa inyo ng kapangyarihan upang gawin ang anuman sa akin!"
|
||
\p
|
||
\v 16 Pagkatapos niyang sabihin iyon, biglang tumalon ang taong sinapian ng masamang espiritu sa mga anak ni Esceva. Pinatumba niya silang lahat at sinaktan ang bawat isa sa kanila. Pinunit niya ang kanilang mga damit at sinugatan niya sila. Natakot silang lahat at tumakbo palabas ng bahay.
|
||
\p
|
||
\v 17 Lahat ng mga tao na nakatira sa Efeso, narinig ng mga Judio at mga hindi Judio ang nangyari. Natakot sila dahil nakita nilang napakalakas ng taong nasapian ng masamang espiritu. Sa parehong oras, pinarangalan nila ang pangalan ng Panginoong Jesus.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 Sa oras na iyon, habang nakikinig ang ibang mga mananampalataya, maraming mga mananampalataya ang nagsabi tungkol sa mga masasamang bagay na kanilang ginagawa.
|
||
\p
|
||
\v 19 Kinuha ng ilan sa mga taong mangkukulam ang kanilang mga balumbon na nagsasabi kung paano isagawa ang salamangka at sinunog nila sa lugar kung saan makikita sila ng lahat. Nang pinagsama-sama ng mga tao ang halaga ng mga balumbon, nagkakahalaga ito ng limampung libong mga pilak na barya.
|
||
\p
|
||
\v 20 Sa ganitong paraan, maraming mga tao ang nakarinig ng mensahe tungkol sa Panginoong Jesus at sumampalataya sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 21 Nang matapos ni Pablo ang kaniyang gawain sa Efeso, pinangunahan siya ng Espiritu na magpasiya na magpunta sa Jerusalem, ngunit balak na niya noong una na dalawin ang mga mananampalataya sa mga rehiyon ng Macedonia at Acaya. Sinabi ni Pablo, "Pagkatapos kong magpunta sa Jerusalem, pupunta rin ako sa Roma."
|
||
\p
|
||
\v 22 Ipinadala niya ang dalawa niyang lingkod, sina Timoteo at Erasto sa Macedonia. Ngunit nanatili si Pablo sa lungsod ng Efeso, sa lalawigan ng Asia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 Pagkatapos noon, nag-umpisang gumawa ng isang malaking kaguluhan ang mga tao sa Efeso dahil kay Jesus at sa mga katuruan patungkol sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 24 May isang lalaki roon na ang pangalan ay Demetrio. Gumawa siya ng mga rebulto ng diyosang si Diana na gawa sa pilak. Kumikita ng maraming pera si Demetrio sa mga kakalakihan na gumagawa at nagbebenta sa mga diyus-diyosang ito.
|
||
\q
|
||
\v 25 Sama-sama na ipinatawag ni Demetrio ang lahat ng mga manggagawa na gumagawa ng mga diyus-diyosan. Sinabi niya sa kanila, "Mga kalalakihan, alam ninyong kumikita tayo ng maraming pera sa paggawa ng ating trabaho.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 26 Alam ninyo na itinuro ni Pablo sa maraming mga tao na nakatira sa Efeso na huwag ng bumili ng mga rebulto na ating ginagawa. Ngayon, kahit ang mga taong mula sa iba pang mga lugar sa ating lalawigan ay hindi na gustong bumili ng ating mga gawa. Sinasabi ni Pablo sa mga tao na ang mga diyos na sinasamba natin ay hindi mga diyos at hindi natin sila dapat sambahin.
|
||
\p
|
||
\v 27 Kung makikinig ang mga tao sa kaniya, pahihintuin nila ang ating negosyo. Hindi na iisipin ng mga tao na kailangan nilang pumunta sa templo ni Diana upang sambahin siya. Hindi na nila iisipin na si Diana ay dakila. Gayunman lahat ng mga lalawigan sa Asia at maging ang buong sanlibutan ay sumasamba sa kaniya!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 28 Nagalit ang lahat ng mga kalalakihan doon kay Pablo nang marinig nila ang mga sinabi ni Demetrio. Nag-umpisa silang sumigaw, "Ang diyosang si Diana ng mga taga-Efeso ay dakila!"
|
||
\p
|
||
\v 29 Marami sa mga tao sa lungsod ang nagalit kay Pablo at nag-umpisang magsigawan. Kinuha ng ilang mga tao sina Gaius at Aristarco na dalawang mga lalaki mula sa Macedonia na kasamang naglakbay ni Pablo. At tumakbo ang napakaraming tao, kinakaladkad ang mga kalalakihang iyon kasama nila papunta sa tiatro ng lungsod.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Nais ni Pablo na magpunta sa tiatro upang makipag-usap sa mga tao, ngunit hindi siya pinayagan na umalis ng ibang mga mananampalataya na pumunta doon.
|
||
\p
|
||
\v 31 Narinig ng ilang mga pinuno ng lungsod na mga kaibigan ni Pablo ang nangyayari. Nagpadala sila ng isang taong magsasabi kay Pablo na huwag pumunta sa tiatro.
|
||
\p
|
||
\v 32 Nagpatuloy sa pagsigaw ang napakaraming tao sa tiatro. Sumigaw ang ilan ng isang bagay, sumigaw naman ang ilan ng iba pang bagay. Ngunit hindi alam ng karamihan sa kanila kung bakit sila nagpupulong!
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 33 Isa sa mga Judio doon ang nagngangalang Alejandro. Itinulak siya ng ilan sa mga Judio sa harap ng maraming tao upang makapagsalita siya sa mga tao. Sinubukang isenyas ni Alejandro ang kaniyang mga kamay upang mapahinto ang maraming tao sa pagsigaw. Nais niyang sabihin sa kanila na hindi ang mga Judio ang dahilan ng kaguluhan.
|
||
\q
|
||
\v 34 Ngunit marami sa mga hindi Judio ang nakakaalam na si Alejandro ay isang Judio at alam na hindi sumasamba ang mga Judio sa diyosang si Diana. Kaya nagsigawan ang mga hindi Judio ng dalawang oras na, "Dakila ang diyosa na si Diana ng mga taga-Efeso!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 35 At isa sa mga namumuno sa lungsod ang nagpatigil sa pagsisigawan ng maraming tao. Sinabi niya sa kanila, "Mga kapwa ko mamamayan, alam ng lahat sa mundo na ang sagradong imahe ng ating diyosa na si Diana ay nahulog mula sa langit!
|
||
\v 36 Alam iyon ng lahat, at walang sinuman ang makapagsasabing ang lahat ng bagay na ito ay hindi totoo. Kaya dapat tumahimik na kayo ngayon. Huwag kayong gagawa ng anumang kahangalan.
|
||
\p
|
||
\v 37 Hindi ninyo dapat dinala ang dalawang mga kalalakihang ito dito, dahil wala silang ginawa na anumang masama. Hindi sila pumunta sa ating mga templo at kumuha ng mga bagay doon, at hindi sila nagsalita ng masama sa ating diyosa.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 38 Kaya, kung nais nina Demetrio at ng kaniyang mga kapwa manggagawa na paratangan ang sinumang gumagawa ng anumang masama, dapat nilang gawin ito sa tamang paraan. Mayroong mga hukuman na maaari nilang puntahan kung gusto nila, at mayroong mga hukom na pinili ng pamahalaan. Maaari ninyong paratangan ang sinuman doon.
|
||
\p
|
||
\v 39 Ngunit kung nais ninyong magtanong tungkol sa iba pang bagay, dapat ninyo itong itanong sa inyong mga pinuno upang pangasiwaan ito kung ang mga pinunong iyon ay magkasama-sama.
|
||
\p
|
||
\v 40 Hindi ito isang mabuting pagpupulong! Pangasiwaan ninyo ang kaguluhang ito sa tamang paraan dahil hindi namin nais na lumaban sa pamahalaan. Kung tatanungin ako ng mga pinuno tungkol sa lahat ng inyong isinisigaw, wala akong maibibigay na magandang kasagutan."
|
||
\p
|
||
\v 41 Ito ang sinabi ng pinuno ng lungsod sa maraming tao. At sinabi niya sa kanilang lahat na umuwi, at umuwi silang lahat sa kanilang mga bahay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 20
|
||
\p
|
||
\v 1 Pagkatapos tumigil ng mga tao na taga-Efeso sa kaguluhan, sama-samang ipinatawag ni Pablo ang mga mananampalataya. Hinimok niya silang magpatuloy na magtiwala sa Panginoong Jesus. Hindi nagtagal pagkatapos noon, sinabi niya sa kanila na "Paalam" at umalis upang pumunta sa rehiyon ng Macedonia.
|
||
\p
|
||
\v 2 Nang makarating siya doon, hinimok niya silang magpatuloy na magtiwala sa Panginoong Jesus. Pagkatapos, pumunta siya sa Grecia.
|
||
\p
|
||
\v 3 Nanatili siya ng tatlong buwan sa Grecia. Pagkatapos ay binalak niyang bumalik sa Siria sa pamamagitan ng barko, ngunit narinig niya na may ilang mga Judio doon ang nagbabalak na patayin siya habang siya ay naglalakbay. Kaya nagpasiya siyang maglakbay na lang sa lupa, at pumunta siya muli patungong Macedonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Ang mga kalalakihang kasama niyang maglalakbay patungong Jerusalem ay sina Sopater na anak ni Pirro mula sa bayan ng Berea, Aristarco at Segundo na mula sa lungsod ng Tesalonica; si Gaius na mula sa lungsod ng Derbe; at Timoteo na nagmula sa rehiyon ng Galacia; at sina Tiquico at Trofimo na nagmula sa lalawigan ng Asia.
|
||
\p
|
||
\v 5 Nauna ang pitong kalalakihan na iyon kaysa kay Pablo at sa akin na si Lucas, sa pamamagitan ng barko mula sa Macedonia, kaya nauna silang nakarating sa lungsod ng Troas bago kami at hinintay nila kaming dalawa doon.
|
||
\p
|
||
\v 6 Ngunit naglakbay kami ni Pablo sa lupa hanggang sa lungsod ng Filipos. Pagkatapos ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura ng mga Judio, sumakay kami sa barko, papunta sa lungsod ng Troas. Pagkatapos ng limang araw, nakarating kami sa Troas at nakipagkita sa iba pang mga kalalakihan na naunang naglayag sa amin. At lahat kami ay nanatili ng pitong araw sa Troas.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Sa unang araw ng linggo, kaming lahat ay nagkatipon-tipon at sama-sama naming binahagi ang aming makakain kasama ang iba pang mananampalataya. Nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya hanggang hating-gabi, dahil binabalak niyang umalis ng Troas kinabukasan.
|
||
\p
|
||
\v 8 Maraming nakasinding lampara sa itaas ng silid kung saan kami ay nagkatipon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 May isang binata na nagngangalang Eutico ang na roon. Nakaupo siya sa pasimano ng nakabukas na bintana sa pangatlong palapag ng bahay. Habang si Pablo ay patuloy na nagsasalita ng mahabang oras, si Eutico ay labis na inaantok. At sa bandang huli, siya ay nakatulog ng mahimbing. Nahulog siya sa bintana, hanggang sa ibaba. Ilan sa mga mananampalataya ay kaagad-agad na bumaba at siya ay binuhat. Ngunit siya ay patay na.
|
||
\p
|
||
\v 10 Bumaba din si Pablo. Dumapa siya sa binata at niyakap niya. At sinabi niya sa mga taong nakatayo sa paligid na, "Huwag kayong mag-alala; siya ay muling nabuhay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Muling umakyat sa taas si Pablo at naghanda siya ng pagkain at kinain niya ito. Pagkatapos ay kinausap niya ang mga mananampalataya hanggang sumikat ang araw. At umalis siya.
|
||
\p
|
||
\v 12 Ang iba pang mga tao ay inuwi ang binata sa bahay, at sila ay labis na naaliw dahil muli siyang nabuhay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Pagkatapos ay pumunta kami sa barko. Ngunit hindi namin kasamang sumakay si Pablo sa barko patungong Troas, dahil gusto niyang maglakbay sa lupa upang makarating kaagad sa bayan ng Ason. Ang iba sa amin ay sumakay ng barko at naglayag patungong Ason.
|
||
\p
|
||
\v 14 Nagkita kami ni Pablo sa Ason. Kasama namin siyang sumakay ng barko, at naglayag kami patungong lungsod ng Mitilene.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Kinabukasan nang nakarating kami sa Mileto, naglayag kami mula roon at nakarating sa isang lugar na malapit sa Isla ng Quio. Pagkatapos ng araw na iyon, naglayag kami sa Isla ng Samos. Kinabukasan muli kaming umalis sa Samos at naglayag sa lungsod ng Mileto.
|
||
\p
|
||
\v 16 Ang Mileto ay nasa timog lamang lungsod ng Efeso. Ayaw ni Pablo na huminto sa Efeso dahil ayaw niyang maglaan ng panahon sa Asia. Kung maaari, nais niyang makarating sa Jerusalem bago ang araw ng Pentecostes, at ang araw ng pista na iyon ay nalalapit.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Nang makarating ang barko sa Mileto, nagpadala si Pablo ng isang mensahero papuntang Efeso upang hilingin sa mga nakatatanda sa pangkat ng mga mananampalataya doon na makipag-usap sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 18 Nang pumunta ang mga nakatatanda sa kaniya, sinabi ni Pablo sa kanila, "Mula noong unang araw na nakarating ako dito sa lalawigan ng Asia hanggang sa araw na ako ay umalis, alam ninyo kung paano ako umasal sa inyo sa buong panahon na kasama ninyo ako.
|
||
\p
|
||
\v 19 Alam ninyo kung paano ako patuloy na naglilingkod sa Panginoong Jesus ng buong pagpapakumbaba at kung papaanong umiiyak ako minsan. Alam din ninyo kung paano ako nagdusa dahil sa mga hindi mananampalatayang Judio na madalas akong subukang saktan.
|
||
\p
|
||
\v 20 Alam ninyo rin, na kapag nangangaral ako ng mensahe ng Diyos sa inyo, wala akong pinalalampas na maaaring makakatulong sa inyo. Alam ninyo na itinuro ko ang mensahe ng Diyos sa maraming tao na naroroon, pumunta rin ako sa inyong mga tahanan at tinuruan kayo doon.
|
||
\p
|
||
\v 21 Nangaral ako sa maging sa mga Judio at mga hindi Judio, na sinasabi sa kanilang lahat na dapat talikuran ang kanilang makasalanang pag-uugali at manampalataya sa ating Panginoong Jesus."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 At ngayon ay pupunta ako sa Jerusalem, dahil malinaw na ipinakita sa akin ng Banal na Espiritu na dapat akong pumunta doon, at kailangan ko siyang sundin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon.
|
||
\p
|
||
\v 23 Ngunit alam ko na sa bawat lungsod na dinalaw ko, nangusap sa akin ang Banal na Espiritu na ipapabilanggo ako ng mga tao sa Jerusalem at pahihirapan ako.
|
||
\p
|
||
\v 24 Ngunit wala akong pakialam kahit na patayin man nila ako, matapos ko lamang ang gawain na sinabi sakin ng Panginoong Jesus na dapat kong gawin. Tinawag niya ako upang sabihin sa mga tao ang mabuting mensahe na iniligtas tayo ng Diyos sa pamamagitan ng kaniyang ginawa para sa atin na hindi tayo karapat-dapat.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 25 Ipinangaral ko sa inyo ang mensahe kung paano ipapakita mismo ng Diyos ang kaniyang pagiging hari. Ngunit alam ko na ngayon ang huling araw na makikita ninyo ako, kayong mga kapwa ko mananampalataya.
|
||
\p
|
||
\v 26 Kaya nais ko na maintindihan ninyong lahat na kung sinuman ang nakarinig ng aking pangaral at namatay nang hindi nagtitiwala kay Jesus, hindi ko na kasalanan iyon,
|
||
\p
|
||
\v 27 dahil sinabi ko sa inyong lahat ang plano ng Diyos para sa atin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 28 Kayong mga pinuno, dapat kayong magpatuloy sa pananampalataya at sundin ang mensahe ng Diyos. Dapat din ninyong tulungan ang lahat ng iba pang mga mananampalataya na ibinigay sa inyo ng Banal na Espiritu upang pangalagaan. Ingatan ninyo ang inyong mga sarili at ang kalipunan ng mga mananampalataya sa Panginoon bilang isang pastol na nangangalaga sa kaniyang mga tupa. Binili sila ng Diyos mula sa dugo na umagos sa katawan ng kaniyang Anak sa krus.
|
||
\p
|
||
\v 29 Talagang alam ko na pagkatapos ng aking pag-alis, may mga taong darating na magtuturo sa inyo ng mga kasinungalingan at labis na magbibigay ng kapahamakan sa mga mananampalataya. Tulad sila ng mga mababangis na lobo na papatay sa mga tupa.
|
||
\p
|
||
\v 30 Kahit sa inyong pangkat ng mga pinuno, mayroong ilang magsisinungaling sa iba pang mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga maling bagay. Ituturo nila ang mga mensaheng ito upang ang ilang mga tao na maniniwala sa kanila at magiging mga tagasunod nila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 31 Kaya mag-ingat kayo na wala sana sa inyo ang tumigil sa paniniwala sa totoong mensahe tungkol sa ating Panginoong Jesus! Alalahanin ninyo na sa araw at gabi ng tatlong taon itinuro ko sa inyo ang mensaheng iyon at binalaan kayo nang may pagluha upang maging tapat sa Panginoon."
|
||
\p
|
||
\v 32 "At ngayong iiwan ko kayo, hinihiling ko sa Diyos na pag-ingatan niya kayo at upang kayo ay patuloy na manampalataya mula sa kaniyang mga mensahe na iniligtas niya sa pamamagitan ng ginawa niya sa atin na hindi tayo karapat-dapat. Kung ipagpapatuloy ninyong maniwala sa mensahe na sinabi ko sa inyo, magiging matatag kayo, at ibibigay sa inyo ng Diyos magpakailanman ang mga magagandang bagay na ipinangako na ibigay sa lahat ng kaniyang pag-aari.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 33 Para sa akin, hindi ko kailanman hinangad ang pera ng sinuman o magagarang kasuotan.
|
||
\p
|
||
\v 34 Kayo mismo ang nakakaalam na nagtrabaho ako gamit ang aking mga kamay upang kumita ng pera na kakailanganin ko at ng aking mga kaibigan.
|
||
\p
|
||
\v 35 Sa lahat ng aking ginawa, ipinakita ko sa inyo na kailangan natin na magtrabaho ng mabuti upang magkaroon ng sapat na pera na ibibigay doon sa mga nangagailangan. Dapat nating alalahanin na ang ating Panginoong Jesus mismo ang nagsabi, 'Mas natutuwa ang isang tao kapag nagbibigay siya kaysa tumatanggap sa kanila."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 36 Nang matapos magsalita si Pablo, lumuhod siya kasama ang lahat ng mga nakatatanda at nanalangin.
|
||
\v 37 Umiyak sila ng malakas lahat, at niyakap nila si Pablo at hinalikan siya.
|
||
\v 38 Labis silang nalungkot dahil sinabi niya na hindi na nila kailanman pa makikita siyang muli. At lahat sila ay sinamahan siya papuntang barko.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 21
|
||
\p
|
||
\v 1 Pagkatapos naming mamaalam sa mga nakatatanda mula sa Efeso, sumakay kami ng barko at naglayag patungo sa Isla ng Coos, kung saan huminto ang barko kinagabihan. Kinabukasan sumakay kami ng barko galing ng Coos papunta sa Isla ng Rodas, kung saan muling huminto ang barko. Pagkatapos ng araw na iyon, pumunta kami sa bayan ng Patara, kung saan huminto ang barko.
|
||
\p
|
||
\v 2 Iniwan namin ang barko sa Patara, at may nakapagsabi sa amin na mayroong isang barko na papunta sa rehiyon ng Fenicia. Kaya sumakay kami sa barkong iyon at naglayag ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 3 Naglayag kami sa dagat hanggang makita namin ang Isla ng Cyprus. Dumaan kami sa katimugan ng isla at nagpatuloy na maglayag hanggang makarating kami sa rehiyon ng Fenicia, sa lalawigan ng Siria, at sa lungsod ng Tiro. Mananatili doon ang barko ng ilang araw sapagkat ibababa ng mga manggagawa nito ang mga kargamento.
|
||
\p
|
||
\v 4 May nakapagsabi sa amin kung saan naninirahan ang mga mananampalataya sa Tiro, kaya pumunta kami at nanatili kasama nila ng pitong araw. Sapagkat inihayag sa kanila ng Espiritu ng Diyos na ang mga tao ang magiging dahilan ng pagdurusa ni Pablo sa Jerusalem, sinabi nila kay Pablo na hindi siya dapat pumunta doon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Ngunit nang dumating ang oras upang muling umalis ang barko, naghanda kami upang magpatuloy sa aming paglalakbay sa Jerusalem. Nang umalis kami sa Tiro, sumama sa amin ang lahat ng mga kalalakihan at ang kanilang mga asawa at mga anak sa dulo ng dagat. Lumuhod kaming lahat doon sa buhanginan at nanalangin.
|
||
\p
|
||
\v 6 Pagkatapos naming mamaalam, sumakay si Pablo at kami na kaniyang mga kasama sa barko, at bumalik ang ibang mga mananampalataya sa kanilang sariling mga tahanan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Pagkatapos naming umalis sa Tiro, nagpatuloy kaming sakay ng barkong iyon sa lungsod ng Tolemaida. Mayroong mga mananampalataya doon, at binati namin sila at nanatiling kasama sila ng gabing iyon.
|
||
\p
|
||
\v 8 Umalis kami sa Tolemaida kinabukasan at naglayag patungo sa lungsod ng Cesarea, na kung saan nanatili kami sa bahay ni Felipe, na naglaan ng kaniyang panahon na ibahagi sa ibang tao kung papaano magiging tagasunod ni Jesus. Isa siya sa pitong kalalakihang pinili ng mga mananampalataya sa Jerusalem upang mangalaga sa mga balo.
|
||
\p
|
||
\v 9 Mayroon siyang apat na anak na babae na walang asawa. Madalas na nagsasabi ang bawat isa sa kanila ng mga mensahe na ipinahayag sa kanila ng Banal na Espiritu.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 10 Pagkatapos naming manatili sa bahay ni Felipe ng ilang araw, pumunta galing sa distrito ng Judea at dumating sa Cesarea ang isang mananampalataya na nagngangalang Agabo. Madalas siyang nagpapahayag ng mga mensahe na sinasabi sa kaniya ng Banal sa Espiritu.
|
||
\p
|
||
\v 11 Pumunta siya kung saan kami naroon, kinuha niya ang sinturon ni Pablo. Pakatapos itinali niya ang kaniyang mga paa at mga kamay sa pamamagitan nito at nagsabi, "Sinabi ng Banal na Espiritu, 'Itatali ng mg pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ang mga paa at kamay ng nagmamay-ari ng sinturong ito na gaya nito, at ipapasakamay siya sa mga hindi Judio bilang isang bilanggo."'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Nang marinig namin iyon, kami at ang iba pang mga mananampalataya na naroon ay nakiusap kay Pablo, "Pakiusap huwag kang pumunta sa Jerusalem!"
|
||
\p
|
||
\v 13 Ngunit sumagot si Pablo, "Pakiusap huminto kayo sa pag-iyak at paghadlang sa aking pagpunta! Bakit kayo umiiyak at sinusubukang hadlangan ako na magpatuloy? Handa akong makulong at mamatay din sa Jerusaelm sapagkat naglilingkod ako sa Panginoong Jesus."
|
||
\q
|
||
\v 14 Nang mapagtanto namin na pupunta siya sa Jerusalem, hindi na namin siya sinubukang pigilan pa. Sinabi namin, "Mangyari nawa ang kalooban ng Panginoon!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Pagkatapos ng mga araw na iyon sa Cesarea, inihanda namin ang aming mga ari-arian at naglakbay kami sa lupa patungo sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 16 Sumama rin sa amin ang ilan sa mga mananampalataya mula sa Cesarea. Isinama nila kami upang manatili sa bahay ng isang tao na nagngangalang Mnason. Nagmula siya sa Isla ng Cyprus, at nanampalataya siya kay Jesus nang unang marinig ng mga tao ang mensahe tungkol sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Nang makarating kami sa Jerusalem, may grupo ng mga mananampalataya ang masayang bumati sa amin.
|
||
\p
|
||
\v 18 Kinabukasan nagpunta si Pablo at kaming natitira upang makipag-usap kay Santiago, na siyang namumuno sa iglesia doon. Naroon din ang lahat ng iba pang mga pinuno ng iglesia sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 19 Binati sila ni Pablo, at pagkatapos ay sinabi niya ang lahat ng mga bagay tungkol sa kakayahang ibinigay ng Diyos sa kaniya na gawin sa mga hindi Judio.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Nang marinig nila iyon, nagpasalamat sa Diyos sina Santiago at ang ibang nakatatanda. Nagsabi kay Pablo ang isa sa kanila, "Kapatid, nalalaman mong lubos na napakaraming libo namin dito na mga Judio na nanampalataya sa Panginoong Jesus. At saka, nalalaman ninyong lahat kami ay maingat na nagpapatuloy na sumusunod sa mga kautusan na ibinigay sa amin ni Moises.
|
||
\p
|
||
\v 21 Ngunit sinabihan ang ating kapwa mananampalatayang Judio na kapag kayo ay kasama ng mga hindi Judio, sinasabi ninyo sa mga mananampalatayang Judio na naninirahan doon na dapat silang huminto sa pagsunod sa mga kautusan ni Moises. Sinasabi ng mga tao na sinasabi ninyo sa mga mananampalatayang Judio na huwag nilang tuliin ang kanilang mga anak na lalaki at huwag isagawa ang iba pa nating mga kaugalian. Hindi kami naniniwala na nagsasabi sila ng katotohanan tungkol sa inyo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Ngunit maririnig ng ating mga kapwa mananampalatayang Judio na dumating ka at magagalit sila sa iyo. Kaya kinakailangang may gawin ka upang maipakita sa kanila na hindi totoo kung ano man ang narinig nila tungkol sa iyo.
|
||
\p
|
||
\v 23 Kaya pakiusap na gawin mo ang iminumungkahi namin sa iyo. May apat na kalalakihan sa atin na gumawa ng isang panata sa Diyos.
|
||
\q
|
||
\v 24 Sumama ka sa mga kalalakihang ito sa templo at gawin ang mga seremoniya doon na kinakailangan para sa iyo at sa kanila na makasamba sa loob ng templo. Pagkatapos, kapag oras na para ihandog nila ang mga alay, bayaran mo ang kanilang mga inalay. Pagkatapos, maaari nilang ahitin ang kanilang mga ulo upang ipakita na nagawa na nila ang sinabi nilang gagawin nila. Kapag nakita ka ng mga tao sa loob ng templo na kasama ang mga kalalakihang iyon, malalaman nila na kung anuman ang sinabi nila tungkol sa iyo ay hindi tototo. Sa halip, malalaman nilang lahat na sumusunod ka sa lahat ng ating mga kautusang Judio.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 Para naman sa mga mananampalatayang hindi Judio, kaming mga nakatatanda dito sa Jerusalem ay nag-usap tungkol sa kung ano sa ating mga kautusan ang dapat nilang sundin, at sumulat kami ng liham sa kanila, na nagsasabi kung ano ang aming napagpasyahan. Isinulat namin na hindi sila dapat kumain ng karne na inihandog ng mga tao bilang isang alay sa anumang diyus-diyosan, hindi sila dapat kumain ng dugo mula sa mga hayop, at hindi sila dapat kumain ng karne ng mga hayop na pinatay ng mga tao sa pamamagitan ng pagbigti. Sinabi rin namin sa kanila na huwag silang sumiping sa kaninuman na hindi nila asawa."
|
||
\p
|
||
\v 26 Kaya pumayag si Pablo na gawin ang kanilang hiniling, at kinabukasan isinama niya ang apat na kalalakihan, at sama-sama silang naglinis ng kanilang mga sarili. Pagkatapos, pumunta si Pablo sa loob ng templo at sinabi sa pari kung anong araw sila matatapos sa paglilinis ng kanilang sarili at kailan sila maghahandog ng mga hayop bilang mga alay para sa bawat isa sa kanila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 Nang malapit ng matapos ang pitong araw ng paglilinis ng kanilang mga sarili, bumalik si Pablo sa loob ng templo. Nakita siya roon ng ilan sa mga Judiong galing sa Asia at labis silang nagalit sa kaniya. Tumawag sila ng marami pang mga Judio na nasa loob ng templo upang tulungan silang dakipin si Pablo.
|
||
\p
|
||
\v 28 Sumigaw sila, "Mga kapwa Israelita, pumunta kayo at tulungan ninyo kaming parusahan ang taong ito! Siya ang nagtuturo sa mga tao kahit saan siya pumunta na dapat nilang kamuhian ang mga Judio. Itinuturo niya sa mga tao na hindi na nila dapat pang sundin ang kautusan ni Moises o ang galangin ang banal na templong ito. Nakapagdala pa siya dito ng hindi Judio sa loob ng nasasakupan ng ating templo, na nagiging dahilan ng lugar na ito upang maging marumi!"
|
||
\q
|
||
\v 29 Sinabi nila ito sapagkat nakita nila si Pablo na naglalakad sa palibot ng Jerusalem kasama si Trofimo, na hindi isang Judio. Hindi pinahihintulutan ng kanilang mga batas ang mga hindi Judio sa loob ng templo, at inisip nilang isinama ni Pablo si Trofimo sa loob ng nasasakupan ng templo noon araw na iyon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 30 Narinig ng mga tao sa buong lungsod na mayroon gulo sa loob ng nasasakupan ng templo, at patakbo silang pumunta roon. Hinuli nila si Pablo at kinaladkad siya palabas ng templo. Isinara ang tarangkahan papunta sa loob nasasakupan ng templo, upang hindi magkagulo ang mga tao sa loob ng templo.
|
||
\p
|
||
\v 31 Habang sinusubukan nilang patayin si Pablo, may tumakbo sa kampo na malapit sa templo at sinabi sa pinuno ng mga kawal ng Romano na maraming tao sa Jerusalem ang nagkakagulo sa templo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 32 Nagmadaling nagsama ng mga opisyal at ng isang malaking pangkat ng mga kawal ang pinuno ng mga kawal at tumakbo sa templo kung saan naroon ang karamihan ng mga tao. Nang makita ng mga tao na sumisigaw at bumubugbog kay Pablo na paparating ang pinuno ng mga kawal at ang mga kawal, huminto sila sa pagbugbog sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 33 Pumunta ang pinuno ng mga kawal kung saan naroon si Pablo at dinampot siya. Ipinag-utos niya sa mga kawal na itali ng kadena ang bawat kamay ni Pablo. Pagkatapos tinanong niya ang mga tao, "Sino ang taong ito, at ano ang kaniyang ginawa?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 34 Ang ilan sa napakaraming tao roon ay isinisigaw ang isang bagay, at iba naman ang isinisigaw ng ilan sa kanila. Sapagkat nagpatuloy silang sumisigaw ng napakalakas, hindi maintindihan ng pinuno ng mga kawal kung ano ang kanilang sinasabi. Kaya ipinag-utos niyang dalin sa kampo si Pablo upang maaari niyang doon siya tanungin.
|
||
\p
|
||
\v 35 Pinangunahan ng mga kawal si Pablo sa hagdanan ng kampo, ngunit maraming mga tao ang patuloy na sumunod sa kanila, sinusubukang patayin si Pablo. Kaya sinabi ng pinuno ng mga kawal sa mga kawal na buhatin si Pablo paakyat ng hagdanan sa loob ng kampo.
|
||
\p
|
||
\v 36 Patuloy na sumisigaw ang mga taong sumunod, "Patayin siya! Patayin siya!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 37 Nang malapit nang dalhin si Pablo sa loob ng kampo, sinabi niya sa salitang Griego sa pinuno ng mga kawal, "Maaari ba kitang makausap?" Sinabi ng pinuno ng mga kawal, "Nagulat ako na nakapagsasalita ka ng salitang Griego!
|
||
\p
|
||
\v 38 Akala ko na ikaw iyong taong mula sa Ehipto na nais maghimagsik laban sa pamahalaan kailan lang, at nagsama ng apat na libong mararahas na kalalakihan kasama niya mula sa disyerto, upang hindi namin siya mahuli."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 39 Sumagot si Pablo, "Hindi, hindi ako! Isa akong Judio. Ipinanganak ako sa Tarso, na isang mahalagang lungsod sa lalawigan ng Cilicia. Nakikiusap ako na hayaan mo akong magsalita sa mga tao."
|
||
\p
|
||
\v 40 Pagkatapos pinahintulutan ng pinuno ng mga kawal na magsalita si Pablo. Kaya tumayo si Pablo sa hagdanan at ikinumpas ang kaniyang kamay upang manahimik ang mga tao. At pagkatapos manahimik ng mga tao, nakipagusap si Pablo sa kanila sa sarili nilang wikang Hebreo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 22
|
||
\p
|
||
\v 1 Sinabi ni Pablo, "Mga nakatatandang mga Judio at kapwa kong mga Judio, makinig kayo sa akin ngayon habang magsasalita ako sa mga nag-paratang sa akin!"
|
||
\p
|
||
\v 2 Nang marinig ng maraming mga tao ang pananalita ni Pablo sa kanilang sariling wikang Hebreo, tumahimik sila at nakinig. At sinabi ni Pablo sa kanila,
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 3 Isa akong Judio, katulad ninyong lahat. Ipinanganak ako sa lungsod ng Tarso, sa lalawigan ng Cilicia, ngunit lumaki ako dito sa Jerusalem. Nang bata pa ako, natutunan ko ang mga kautusan na ibinigay ni Moises sa ating mga ninuno. Si Gamaliel ang aking guro. Sinunod ko ang mga kautusang iyon, dahil nais kong sumunod sa Diyos, at sigurado ako na lahat din kayo ay sumusunod sa mga kautusang iyon.
|
||
\p
|
||
\v 4 Kaya sinubukang kong ipahuli ang mga nananampalataya sa mensahe ng Diyos tungkol kay Jesus. Humahanap ako ng mga paraan upang patayin sila. Kapag nakakakita ako ng mga kalalakihan o kababaihan na nananampalataya sa mga mensahe, ipinapatapon ko sila sa bilangguan.
|
||
\p
|
||
\v 5 Alam ito ng pinakapunong pari, at maging ang iba pang mga kalalakihan na kabilang sa Konseho ng Judio. Binigyan nila ako ng mga liham upang dalhin sa kanilang mga kapwa Judio sa lungsod ng Damasco. Ang mga liham na iyon ay nagbigay ng kapangyarihan sa akin na magpunta doon at hulihin ang mga tao na nananampalataya kay Jesus. At pagkatapos dalhin ko sila bilang mga bilanggo dito sa Jerusalem, upang maparusahan sila dito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Kaya pumunta ako sa Damasco. Magtatanghali noon habang palapit na ako sa Damasco, biglang may isang maliwanag na ilaw mula sa langit ang pumalibot na kumislap sa akin.
|
||
\p
|
||
\v 7 Ang ilaw ay sobrang liwanag kaya natumba ako sa lupa. At nakarinig ako ng isang tinig mula sa langit na nagsalita sa akin, na nagsasabi, "Saulo! Saulo! bakit mo ginawa ang mga bagay na ito upang saktan ako?'
|
||
\p
|
||
\v 8 Sumagot ako, "Sino ka, Panginoon?" Sumagot siya, "Ako si Jesus, na taga-Nazaret na iyong sinasaktan?'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Ang mga tao na kasama kong naglalakbay ay nakita din ang liwanag ngunit hindi nila naintindihan ang mga sinabi ng tinig.
|
||
\p
|
||
\v 10 At nagtanong ako, "Panginoon, ano ang gusto mong ipagawa sa akin? Sinabi sa akin ng Panginoon, "Tumayo ka at pumunta sa Damasco. May isang tao doon na magsasabi sa iyo sa lahat ng plano ko para sa iyo.'
|
||
\p
|
||
\v 11 Pagkatapos noon, hindi na ako makakita, naging dahilan ang liwanag ng ilaw upang ako ay mabulag. Kaya inakay ako ng mga kalalakihan na kasama ko at dinala ako sa Damasco.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Isang tao na nagngangalang Ananias ang dumating upang makita ako. Isa siyang tao na pinararangalan ang Diyos at sumunod sa mga batas ng mga Judio. Ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Damasco ay nagsabi ng mga mubuting bagay tungkol sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 13 Dumating siya at tumayo sa aking tabi at sinabi sa akin, 'Kaibigan kong Saulo, makakakita kang muli!' Agad akong nakakita at nakita ko siyang nakatayo sa aking tabi.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 At sinabi niya, "Pinili ka ng Diyos na ating sinasamba at sinamba ng ating mga ninuno at ipapakita niya sa iyo ang nais niyang ipagawa sa iyo. Ipinakita niya sa iyo ang kaisa-isang matuwid, si Jesus na Mesiyas, at narinig mo siyang nagsalita mismo sa iyo.
|
||
\p
|
||
\v 15 Nais niyang sabihin mo sa mga tao kahit saan man kung ano ang nakita at narinig mo mula sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 16 Kaya ngayon, huwag ka nang mag-atubili! Tumayo ka, ikaw ay babautismuhan ko at manalangin ka sa Panginoong Jesus at humingi ka ng tawad sa Diyos sa iyong mga kasalanan!"'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Hindi nagtagal, bumalik ako sa Jerusalem. Isang araw, nang pumunta ako sa patyo ng templo at habang nananalangin ako doon, nakita ko ang isang pangitain.
|
||
\p
|
||
\v 18 Nangusap ang Panginoon sa akin na nagsasabi, 'Huwag ka ng manatili dito! Umalis ka sa Jerusalem ngayon, dahil hindi maniniwala ang mga tao sa sasabihin mo sa kanila tungkol sa akin!'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Ngunit sinabi ko sa kaniya, 'Panginoon, alam nila na pumunta ako sa ating maraming mga sinogaga upang maghanap ng mga tao na nanampalataya sa iyo. Ipinakulong ko ang mga natuklasan ko na sumampalataya sa iyo, at pinaghahampas ko din sila.
|
||
\p
|
||
\v 20 Naalala nila na noong pinatay si Esteban dahil sinabi niya sa mga tao ang tungkol sa iyo, nakatayo ako doon na nanood at sumasang-ayon ako sa mga ginagawa nila. Binabantayan ko pa nga ang mga pang-ibabaw na damit ng mga pumatay sa kaniya na itinabi nila sa gilid!
|
||
\p
|
||
\v 21 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, "Hindi, huwag kang manatili dito! Umalis ka sa Jerusalem, dahil isusugo kita sa malayo mula rito at sa mga iba pang pangkat ng mga tao, sa mga hindi Judio!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Nakinig ang mga tao sa sinasabi ni Pablo hanggang sa nabanggit niya na isinusugo siya ng Panginoon sa iba pang pangkat ng mga tao. At nag-umpisa silang nagsisigawan, "Patayin siya! hindi siya karapat-dapat na mabuhay pa!"
|
||
\p
|
||
\v 23 Habang sila ay nagsisigawan, tinanggal nila ang kanilang pang-ibabaw na kasuotan at naghagis ng alikabok sa hangin, na nagpapakita kung gaano sila kagalit.
|
||
\p
|
||
\v 24 Kaya ipinag-utos ng pinuno ng kawal na dalhin si Pablo sa bilangguan. Sinabi niya sa mga kawal na latiguhin si Pablo upang umamin sa mga bagay na nagawa niya at kung bakit galit ang mga Judio sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 At iniunat nila ang kaniyang mga braso at itinali nila upang maaari nilang latiguhin siya sa kaniyang likod. Ngunit sinabi ni Pablo sa kawal na malapit sa kaniya, "Lumalabag kayo sa batas kung latiguhin ninyo ako, na isang mamamayang Romano na dalhin sa hukuman upang isakdal at hatulan!
|
||
\p
|
||
\v 26 Nang marinig ng opisyal iyon, pumunta siya sa pinunong kawal at iniulat ito sa kaniya. Sinabi niya sa pinunong kawal, "Mamamayan sa Roma ang taong ito! Tiyak na hindi mo ipag-uutos sa amin na latiguhin siya!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 27 Nagulat ang pinunong kawal ng marinig niya iyon. Siya mismo ang nagpunta sa bilangguan at sinabi kay Pablo, "Sabihin mo sa akin, isa ka ba talagang mamamayan ng Roma? Sumagot si Pablo, "Oo",
|
||
\p
|
||
\v 28 At sinabi ng pinunong kawal, "Ako rin ay isang mamamayan ng Roma. Nagbayad ako ng malaking halaga ng pera upang maging isang mamamayan ng Roma." Sabi ni Pablo, "Ngunit ipinanganak ako na isang mamamayan ng Roma."
|
||
\q
|
||
\v 29 Lalatiguhin na sana ng mga kawal si Pablo at tatanungin siya sa mga ginawa niya. Ngunit nang marinig nila ang sinabi ni Pablo, iniwan nila siya. Bigla din natakot ang pinunong kawal, dahil nalaman niya na si Pablo ay isang mamamayan ng Roma at nilabag niya ang batas nang iniutos niya sa mga kawal na itali sa kamay si Pablo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Gusto pang malaman ng pinunong kawal kung bakit pinaratangan si Pablo ng mga Judio. Kaya kinabukasan ay sinabi niya sa mga kawal na si Pablo ay kalagan mula sa tanikala. Ipinatawag rin niya ang mga punong pari at iba pang kasapi sa Konseho ng Judio upang makipagpulong. At dinala niya si Pablo kung saan nagpulong ang Konseho at sinabi sa kaniya na tumayo sa kanilang harapan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 23
|
||
\p
|
||
\v 1 Tumingin si Pablo sa kasapi ng Konseho ng Judio at sinabi: "Mga kapwa ko Judio, sa buong buhay ko ay namuhay ako na iginagalang ang ating Diyos, at wala akong alam na kahit anong bagay na ginawa ko na alam kong mali."
|
||
\p
|
||
\v 2 Nang marinig ng pinakapunong pari na si Ananias ang mga sinabi ni Pablo, sinabi niya sa mga kalalakihan na nakatayo malapit kay Pablo na sampalin siya sa bibig.
|
||
\p
|
||
\v 3 At sinabi ni Pablo kay Ananias, "Paparusahan ka ng Diyos dahil diyan, ikaw na mapagkunwari! Nakaupo ka diyan at hahatulan ako, sa pamamagitan ng mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises. Ngunit ikaw mismo ang hindi sumunod sa mga kautusang iyon, dahil ipinag-utos mo na na ako ay saktan kahit hindi pa napapatunayan na may anumang bagay akong ginawang mali!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Sinabi ng mga kalalakihan na nakatayo sa tabi ni Pablo, "Hindi ka dapat magsalita ng masama sa lingkod ng Diyos, na ating pinakapunong pari!
|
||
\q
|
||
\v 5 Sumagot si Pablo, "Mga kapwa ko Judio, ipagpaumanhin ninyo na sinabi ko iyon. Hindi ko alam na ang taong nagsabi sa isa sa inyo na paluin ako ay pinakapunong pari. Kung alam ko iyon, hindi ko nais magsalita ng masama tungkol sa ating pinakapunong pari, dahil alam kong ito ay nakasulat sa kautusan nating mga Judio, "Huwag magsalita ng masama sa sinumang namumuno sa inyo!"'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Alam ni Pablo na ang ilan sa mga kasapi ng konseho ay mga Saduseo at ang iba naman ay mga Pariseo. Kaya nagsalita siya ng malakas sa bulwagan ng Konseho, "Mga kapwa ko Judio, isa akong Pariseo, katulad ng aking ama. Inilagay ako sa paglilitis dahil natitiyak ko na isang araw, bubuhayin muli ng Diyos ang mga namatay."
|
||
\p
|
||
\v 7 Nang sinabi niya iyon, ang mga Pariseo at mga Saduseo ay nag-umpisang magtalo sa isa't isa tungkol sa kung mabubuhay muli o hindi ang mga taong namatay.
|
||
\q
|
||
\v 8 Naniniwala ang mga Saduseo na pagkatapos mamatay ang mga tao, hindi na sila mabubuhay muli. Naniniwala rin sila na walang mga anghel at walang ibang uri ng mga espiritu. Ngunit naniniwala ang mga Pariseo sa lahat ng mga bagay na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Kaya nagkampi-kampi sila at nagsimulang magsigawan sa isa't isa habang sila ay nagtatalo. Ilan sa mga tagapagturo ng kautusan ng mga Pariseo ang tumayo. Isa sa kanila ang nagsabi "Naisip namin na walang ginawang mali ang taong ito. Marahil isang anghel o ilan sa ibang espiritu ang nangusap sa kaniya na kung saan ang sinasabi niya ay totoo."
|
||
\p
|
||
\v 10 At ang mga Pariseo at Saduseo ay naging marahas sa isa't isa. Kaya natakot ang pinuno ng kawal na baka pagpirapirasuhin nila si Pablo. Sinabihan niya ang mga kawal na bumaba sa bilangguan at ilayo si Pablo sa mga kasapi ng Konseho at dalhin siya sa kampo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Kinagabihan, nakita ni Pablo ang Panginoong Jesus na nakatayo malapit sa kaniya. Sinabi ng Panginoon sa kaniya, "Lakasan mo ang iyong loob! Sinabi mo sa mga tao dito sa Jerusalem ang tungkol sa akin, at kailangan mo ring sabihin sa mga tao sa Roma ang tungkol sa akin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Kinaumagahan, ilan sa mga Judio na galit kay Pablo ang nagpulong at pinag-usapan kung paano siya papatayin. Sinabi nila sa kanilang mga sarili na hindi sila kakain o iinom ng kahit ano hanggat hindi nila siya napapatay. Hiningi nila sa Diyos na isumpa sila kapag hindi nila nagawa kung ano ang kanilang ipinangako.
|
||
\p
|
||
\v 13 Mahigit na apatnapung kalalakihan ang gustong pumatay kay Pablo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Pumunta sila sa mga punong pari at sa mga nakatatandang mga Judio at sinabi sa kanila, "Narinig ng Diyos ang ipinangako namin na hindi kami kakain o iinom ng kahit ano hanggang sa mapatay namin si Pablo.
|
||
\p
|
||
\v 15 Kaya hinihiling namin na pumunta kayo sa pinuno ng kawal at humiling sa kaniya, bilang kumakatawan sa buong Konseho ng mga Judio na dalhin si Pablo sa amin. Sabihin ninyo sa pinunong kawal na nais pa ninyong kausapin si Pablo. Maghihintay kami upang patayin si Pablo habang siya ay nasa daan papunta dito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Ngunit narinig ng pamangkin ni Pablo na anak ng kapatid niyang babae ang mga binabalak nilang gawin, kaya pumunta siya sa kampo at sinabi kay Pablo.
|
||
\p
|
||
\v 17 Nang marinig ni Pablo iyon, tinawag niya ang isa sa mga opisyal at sinabi sa kaniya, "Pinapakiusap ko na dalhin ang binatang ito sa pinunong kawal, dahil kailangan niyang sabihin sa kaniya ang isang bagay."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 18 Kaya dinala ng opisyal ang binata sa pinunong kawal. Sinabi ng opisyal sa pinuno ng kawal, "Ang bilanggong si Pablo ay tinawag ako at sinabi na, 'Pinapakiusap ko na dalhin ang binatang ito sa pinunong kawal, dahil kailangan niyang sabihin sa kaniya ang isang bagay..'"
|
||
\q
|
||
\v 19 Hinila ng pinunong kawal sa kamay ang binata at dinala kasama niya, at tinanong siya, "Ano ang kailangan mong sabihin sa akin?"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Sabi niya, "May ilang mga Judio na gustong dalhin si Pablo sa kanilang Konseho bukas. Sasabihin nila na gusto pa nilang tanungin siya ng ilan pang mga katanungan. Ngunit hindi iyon totoo.
|
||
\q
|
||
\v 21 Huwag mong gawin kung ano ang hinihingi nila na iyong gawin, dahil mahigit sa apatnapung kalalakihang Judio ang magtatago at maghihintay upang patayin si Pablo kung dadaan siya sa daan patungong Konseho. Nangako rin sila sa Diyos na hindi sila kakain o iinom ng kahit ano hanggang sa mapatay nila si Pablo. Nakahanda na sila para gawin iyon, at ngayon naghihintay sila sa iyong pagsang-ayon para gawin kung ano ang hinihingi nila sa iyo na gawin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Sinabi ng pinunong kawal sa binata "Huwag mong sasabihin kahit kanino na sinabi mo sa akin ang kanilang balak." At pinauwi niya ang binata.
|
||
\p
|
||
\v 23 At ipinatawag ng pinunong kawal ang dalawa sa kaniyang opisyal at sinabi sa kanila, "Maghanda ng pangkat ng dalawang-daang mga kawal na handang maglakbay. Kumuha pa ng pitumpung kawal na mangangabayo, at dalawang daan na kawal na may mga dalang sibat. Dapat maging handa kayong lahat sa pag-alis sa alas-nuwebe ng gabi, na bumaba papuntang lungsod ng Cesarea.
|
||
\q
|
||
\v 24 At magdala kayo ng mga kabayong masasakyan ni Pablo, at ihatid siya sa palasyo ni Gobernador Felix."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 At nagsulat ng liham ang pinunong kawal upang ipadala sa gobernador. Ito ang kaniyang isinulat:
|
||
\p
|
||
\v 26 "Ako si Claudio Lisias na sumusulat sa iyo. Ikaw, Felix, na aming gobernador na pinaparangalan, binabati ko kayo.
|
||
\p
|
||
\v 27 Ipinadala ko sa iyo ang taong ito na si Pablo, dahil may mga Judio na sumunggab sa kaniya at siya ay papatayin sana. Ngunit narinig ko ang isang taong nagsabi sa akin na siya ay isang mamamayan sa Roma, kaya ako at ang mga kawal ay nagpunta upang iligtas siya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 28 Gusto kong malaman kung ano ang sinasabi ng mga Judio na ginawa niyang mali, kaya kinuha ko siya mula sa Konseho ng mga Judio.
|
||
\p
|
||
\v 29 Nakinig ako habang tinatanong nila ang taong ito at sumagot siya sa kanila. Ang mga bagay na ipinaratang nila sa kaniya ay tungkol sa ginawa niya sa kautusan ng Judio. Ngunit hindi lumabag si Pablo sa anumang mga kautusan ng Romano. Kaya hindi siya dapat patayin ng aming mga opisyal o kahit ipabilanggo siya.
|
||
\p
|
||
\v 30 May isang nagsabi sa akin na ilan sa mga Judio ay may balak na patayin ang taong ito, kaya ipinadala ko siya sa iyo. Upang mabigyan mo siya ng patas na paglilitis diyan. Ipinag-utos ko rin sa mga Judio na nagparatang sa kaniya na pumunta sa Cesarea at sabihin sa iyo kung ano ang mga paratang nila sa kaniya. Paalam."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 31 Kaya ginawa ng mga kawal ang mga sinabi sa kanila ng pinunong kawal. Kinuha nila si Pablo at dinala kasama nila ng gabing iyon sa Antipatris.
|
||
\p
|
||
\v 32 Kinabukasan, nakabalik sa Jerusalem ang mga kawal na naglakad lang at ang mga kawal na nakakabayo ay sumama kay Pablo.
|
||
\p
|
||
\v 33 Nang marating nila ang lungsod ng Cesarea, ibinigay nila ang liham sa gobernador, at iniharap sa kaniya si Pablo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 34 Binasa ng gobernador ang liham at sinabi niya kay Pablo, "Saang lalawigan ka nagmula?" Sumagot si Pablo, "Ako ay nagmula sa Celicia."
|
||
\p
|
||
\v 35 At sinabi ng gobernador, "Kapag dumating ang mga taong nagparatang sa iyo, papakinggan ko kung ano ang sasabihin ng bawat isa sa inyo at saka ko hahatulan ang iyong kaso." At ipinag-utos niya na bantayan si Pablo sa palasyo na ipinatayo ng Dakilang Haring si Herodes.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 24
|
||
\p
|
||
\v 1 Nakalipas ang limang araw, ang pinakapunong pari na si Ananias ay bumaba doon mula sa Jerusalem kasama ang ibang mga nakatatandang mga Judio at isang tagapagsalita na nagngangalang Tertulo. Doon ay sinabi nila sa gobernador kung ano ang ginawa ni Pablo na inisip nilang mali.
|
||
\q
|
||
\v 2 Ipinag-utos ng gobernador na ipasok si Pablo. Nang nakarating na si Pablo, inumpisahan siyang paratangan ni Tertulo. Sinabi niya sa gobernador, "Kagalang-galang na Gobernador Felix, sa maraming taon na namuno ka sa amin, namuhay kaming payapa. Sa pamamagitan ng mahusay mong pagpaplano, marami kang ginawang magandang pagbabago sa lalawigang ito.
|
||
\q
|
||
\v 3 Samakatwid, Gobernador Felix, palagi namin kayong pinasasalamatan sa lahat ng bagay na nagawa mo sa aming lahat, saan mo man nagawa ang mga bagay na ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 4 Ngunit upang kayo ay hindi na labis na maabala, hinihingi ko na makinig kayong mabuti sa aking sasabihin.
|
||
\p
|
||
\v 5 Nagmatyag kami na ang taong ito, saanman siya magpunta ay ginugulo niya ang mga Judio. Siya rin ang namumuno sa buong pangkat na tinawag ng mga tao na mga tagasunod ng Nazareno.
|
||
\q
|
||
\v 6 Sinubukan rin niyang gumawa ng anumang bagay na ikarurumi ng templo sa Jerusalem, kaya hinuli namin siya. ("At nais namin siyang hatulan ayon sa aming kautusan")
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 7
|
||
\q
|
||
\v 8 (Ngunit si Lisias, ang pinunong kawal sa kampo ng Romano ay dumating kasama ang kaniyang mga kawal at kinuha siya sa amin,) "Kung ikaw mismo ang magtatanong sa kaniya, malalaman mo na ang lahat ng mga bagay na pinaparatang namin sa kaniya ay totoo."
|
||
\p
|
||
\v 9 At sinabi ng mga pinuno ng mga Judio doon sa gobernador na ang mga sinabi ni Tertulo ay totoo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 10 At sinenyasan ng gobernador si Pablo sa pamamagitan ng kaniyang kamay upang magsalita siya. Sumagot si Pablo at sinabi, "Gobernador Felix, nalalaman kong kayo'y naging hukom sa lalawigang ito ng mga Judio sa matagal na panahon. Kaya ikinagagalak kong ipagtanggol ang aking sarili. Alam kong makikinig ka sa akin at hahatulan mo ako ng patas.
|
||
\p
|
||
\v 11 Alam mo na hindi pa hihigit sa labindalawang araw nang ako ay dumating sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos.
|
||
\p
|
||
\v 12 Walang sinuman ang makapagsasabi na nakita nila akong nakikipagtalo kaninuman sa patyo ng templo dahil hindi ko ginawa iyon. Walang sinuman ang makapagsasabi na nakita nila na ako ang sanhi ng kaguluhan ng mga tao sa kahit saang sinagoga ng mga Judio o nagpasimula ng gulo kahit saan man sa Jerusalem, dahil hindi ko ginawa iyon.
|
||
\p
|
||
\v 13 Kaya hindi nila mapapatunayan sa iyo ang tungkol sa mga bagay na pinaparatang nila sa akin ngayon.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Ngunit inaamin ko sa iyo na ito ay totoo: Sinasamba ko ang Diyos na sinamba rin ng aming mga ninuno. Totoo na sinunod ko ang pamamaraan na itinuro ni Jesus sa amin. Naniniwala rin ako sa lahat ng isinulat ni Moises sa kautusan na ibinigay sa kaniya ng Diyos at ang lahat ng isinulat ng ibang mga propeta sa kanilang mga aklat.
|
||
\p
|
||
\v 15 Naniniwala rin ako, katulad ng paniniwala ng mga kalalakihang ito na isang araw ay bubuhaying muli ng Diyos ang lahat ng namatay, silang mga mabubuti at mga masasama.
|
||
\q
|
||
\v 16 Dahil naniniwala ako na darating ang araw na iyon, palagi kong sinusubakan na gawin ang mga nakalulugod sa Diyos at kung ano ang tamang iniisip ng ibang tao.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 17 Pagkaraan ng ilang taon na ako ay nagpunta sa ibang mga lugar, bumalik ako sa Jerusalem upang maghatid ng pera sa aking mga kapwa Judio na mahihirap.
|
||
\q
|
||
\v 18 May ilang mga Judio mula sa Asia ang nakakita sa akin sa patyo ng templo nang natapos ko ang ritwal na nagpapahintulot na makasamba sa Diyos. Wala akong kasamang maraming tao, at hindi ako ang dahilan na magkagulo ang mga tao.
|
||
\q
|
||
\v 19 Ngunit ang mga Judio na iyon ang dahilan sa kaguluhan ng mga tao. Sila dapat ang nandito sa iyong harapan upang paratangan ako, kung iniisip nila na nakagawa ako ng mali.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 20 Ngunit kung hindi nila nais gawin iyon, ang mga kalalakihang Judio na nandito ang dapat magsabi sa iyo kung ano ang inisip nila na ginawa kong mali nang ipinagtanggol ko ang aking sarili sa kanilang Konseho.
|
||
\p
|
||
\v 21 Maaaring sabihin nila na may ginawa akong mali nang isinigaw ko, 'Hinahatulan ninyo ako ngayon dahil naniniwala ako na bubuhayin muli ng Diyos ang lahat ng mga tao na namatay na."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 22 Alam na ni Felix ang tungkol sa tinatawag ng mga tao na daan ni Jesus. Ngunit hindi na niya hinayaan si Pablo o ang mga Judio na magpatuloy sa pagsasalita. Sa halip, sinabi niya sa kanila, "Mamaya, kapag dumating si Lisias na Pinuno ng kawal, pagpapasyahan ko ang kasong ito."
|
||
\p
|
||
\v 23 At iniutos niya sa opisyal na nagbabantay kay Pablo na ibalik siya sa bilangguan at tiyakin na bantayan palagi si Pablo. Ngunit sinabi niya na hindi dapat nakakadena si Pablo, at kung dadalaw ang kaniyang mga kaibigan, dapat silang pahintulutan ng opisyal na tulungan si Pablo sa kahit anong paraan na nais nila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 24 Pagkaraan ng ilang araw, bumalik si Felix kasama ang kaniyang asawang si Drusila, na isang Judio, at ipinatawag niya si Pablo. Nakinig si Felix sa mga sinabi ni Pablo tungkol sa pagtitiwala kay Jesu-Cristo.
|
||
\p
|
||
\v 25 Kinausap siya ni Pablo tungkol sa mga kung ano ang nais ng Diyos na gawin ng mga tao upang malugod siya. Ipinaliwanag rin niya kung paano dapat silang magpigil sa pagkilos at may panahon na hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao. Natakot si Felix pagkatapos niyang marinig ang mga bagay na iyon, kaya sinabi niya kay Pablo, "Iyon lang ang nais kong marinig ngayon. Kapag may panahon pa ako, hihilingin ko na papuntahin ka sa akin muli."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 26 Umaasa si Felix na bibigyan siya ni Pablo ng kaunting pera, kaya madalas niyang papapuntahin si Pablo sa kaniya. Madalas kausapin ni Pablo si Felix, ngunit hindi niya binigyan ng anumang pera si Felix, at hindi sinabi ni Felix sa kaniyang mga kawal na pakawalan si Pablo sa bilangguan.
|
||
\p
|
||
\v 27 Hinayaan ni Felix na manatili si Pablo sa bilangguan dahil nais niyang bigyang-lugod ang mga pinuno ng mga Judio. Ngunit nang lumipas ang dalawang taon, si Porcio Festo ang naging gobernador na pumalit kay Felix.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 25
|
||
\p
|
||
\v 1 Nagsimulang mamuno si Festo bilang gobernador ng lalawigan. Pagkaraan ng tatlong araw, umalis siya sa lungsod ng Cesarea at pumunta sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 2 Doon, tumayo sa harapan ni Festo ang mga punong pari at ang iba pang mga pinuno ng mga Judio at sinabi na nakagawa si Pablo ng mga bagay na talagang mali.
|
||
\p
|
||
\v 3 Agad nilang hiniling kay Festo na dalhin sa paglilitis si Pablo sa Jerusalem. Ngunit binalak talagang nilang tambangan siya sa daan at patayin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Sumagot si Festo, "Binabantayan si Pablo sa Cesarea, hayaan ninyo siyang manatili roon. Ako mismo ang pupunta agad sa Cesarea."
|
||
\p
|
||
\v 5 "Kaya," sinabi niya, "dapat kayong sumama sa akin doon, kung sinuman sa inyo na may kakayahan. Kung mayroon kayong ipaparatang kay Pablo, maaari ninyong gawin doon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Nanatili si Festo sa Jerusalem kasama ng mga pinuno ng templo ng walo o sampung mga araw pa. Pagkatapos bumalik siya pababa sa lungsod ng Cesarea. Kinabukasan ipinag-utos ni Festo na dalhin si Pablo sa kaniya, kung saan siya nakaupo bilang hukom.
|
||
\q
|
||
\v 7 Pagkatapos dalhin si Pablo sa harapan ng hukuman, nagtipun-tipon sa palibot niya ang mga pinuno ng mga Judio na bumaba mula sa Jerusalem upang akusahan siya ng maraming mabibigat na paratang, ngunit hindi nila napatunayan ang alinman sa mga iyon.
|
||
\p
|
||
\v 8 Pagkatapos nagsalita si Pablo para sa kaniyang sarili. Sinabi niya, "Wala akong ginawa laban sa kautusan ng mga Judio, o laban sa templo, o laban sa Emperador."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Ngunit gusto ni Festo na mapalugod niya ang mga pinuno ng mga Judio, kaya tinanong niya si Pablo, "Nais mo bang pumunta sa Jerusalem upang doon kita hatulan tungkol sa mga bagay na ito?"
|
||
\p
|
||
\v 10 Sumagot si Pablo, "Hindi, nakatayo ako sa iyong harapan ngayon, na kumakatawan sa Emperador. Dito ako nararapat na hatulan. Wala akong nagawang masama sa mga Judio, na iyong lubos na nalalaman.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Kung nakagawa man ako ng mga bagay na karapat-dapat sa kamatayan, hindi ko tatanggihan na mamatay; ngunit walang anuman sa mga ipinaparatang nila sa akin na karapat-dapat sa ganoong kaparusahan. Walang sinuman ang maaaring magparusa sa akin upang masiyahan sila. Hiniling ko na si Cesar mismo ang humatol sa akin."
|
||
\p
|
||
\v 12 Pagkatapos sumangguni ni Festo sa kaniyang mga tagapayo, sinabi niya, "Umapela ka kay Cesar, at kaya kay Cesar ka dapat pumunta!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 13 Pagkatapos ng ilang araw, dumating si Haring Herod Agripa sa Cesarea, kasama ng kaniyang kapatid na babaeng si Bernice. Pumunta sila upang magbigay ng paggalang kay Festo.
|
||
\p
|
||
\v 14 Nanatili ng ilang araw sina Haring Agripa at Bernice sa Cesarea. Pagkalipas ng ilang araw, sinabi ni Festo kay Agripa ang tungkol kay Pablo. Sinabi niya, "May isang lalaki dito na itinago ni Felix sa kulungan.
|
||
\q
|
||
\v 15 Nang pumunta ako sa Jerusalem, pumunta sa aking harapan ang mga punong pari at ang mga nakatatandang mga Judio at hiniling sa akin na parusahan siya ng kamatayan.
|
||
\p
|
||
\v 16 Ngunit sinabi ko sa kanila na kapag ang isang tao na akusado sa isang mabigat na pagkakasala, hindi kaugalian ng mga Romano na parusahan agad ang isang tao. Sa halip, hinahayaan namin ang akusado na harapin ang mga nag-aakusa sa kaniya at ipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa kung ano ang sinasabi nila sa kaniya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Kaya nang dumating ang mga Judiong iyon dito sa Cesarea, hindi ko na pinatagal ang pag-uusig. Ang araw matapos ang kanilang pagdating, naupo ako sa upuan ng hukom at nag-utos sa mga bantay na dalhin sa loob ang bilanggo.
|
||
\p
|
||
\v 18 Ngunit nang sabihin sa akin ng mga pinunong Judio ang ginawang pagkakamali ng bilanggo, hindi ko inisip na ang mga bagay na sinabi nila ay seryoso.
|
||
\p
|
||
\v 19 Sa halip, ang hindi nila mapagkasunduan ay tungkol sa mga bagay sa kanilang sariling relihiyon at tungkol sa isang lalaki na nagngangalang Jesus na namatay, ngunit sinabi ni Pablo na nabuhay.
|
||
\p
|
||
\v 20 Hindi ko nauunawaan ang mga usaping ito, o kung paano malaman ang katotohanan. Kaya tinanong ko si Pablo, 'Nais mo bang pumunta sa Jerusalem, upang doon kita hatulan sa mga bagay na ito?'
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 21 Ngunit hiniling ni Pablo na si Cesar mismo ang humatol sa kaniyang kaso, kaya iniutos ko sa kaniya na mabantayan siyang maigi hanggang maipadala ko siya kay Cesar."
|
||
\p
|
||
\v 22 Pagkatapos ay sinabi ni Agripa kay Festo, "Gusto ko mismong marinig kung ano ang sasabihin ng taong ito." Sumagot si Festo, "Isasaayos ko para sa iyo upang marinig mo siya bukas."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 Kinabukasan pumasok sa bulwagan ng hukuman sina Agripa at Bernice, at pinaparangalan sila ng lahat ng mga tao. Sumama sa kanila ang ilan sa mga pinuno ng mga kawal na Romano at mahahalagang tao. Pagkatapos ipinag-utos ni Festo na dalhin ng mga bantay si Pablo sa loob.
|
||
\p
|
||
\v 24 Pagkapasok ni Pablo, sinabi ni Festo, "Haring Agripa at lahat kayo na naririto, nakita ninyo ang taong ito! Maraming pinuno ng mga Judio, parehong sa Jerusalem at dito, hiniling sa akin na huwag na siyang mabuhay pa ng matagal.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 Ngunit wala akong natagpuang ginawa niya na karapat-dapat sa kamatayan. Gayunpaman, hiniling niyang si Cesar ang hahatol sa kaniyang kaso, kaya napagpasiyahan kong ipadala siya sa Roma.
|
||
\q
|
||
\v 26 Ngunit hindi ko alam kung ano ang aking isusulat sa Emperador tungkol sa kaniya. Kaya dinala ko siya rito upang makausap kayong lahat, at lalo na sa iyo, Haring Agripa! Ginawa ko ito upang maaari mo siyang tanungin. Nang sa gayon ay malaman ko kung ano ang isusulat ko sa Emperador.
|
||
\p
|
||
\v 27 Inisip ko na maaaring maging hindi makatuwiran na magpadala ng isang bilanggo sa Emperador sa Roma na hindi nagsasabi ng tama kung ano ang mga maling bagay na sinsabi ng mga tao na kaniyang ginawa."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 26
|
||
\p
|
||
\v 1 Pagkatapos sinabi ni Agripa kay Pablo, "Papahintulutan ka namin ngayong magsalita para sa iyong panig."Pagkatapos iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay upang ipakita na siya ay magsasalita na. Sinabi niya,
|
||
\p
|
||
\v 2 " Haring Agripa, itinuturing ko na mapalad ako na sa araw na ito na aking maipapaliwanag sa iyo kung bakit ang mga pinuno ng mga Judio ay mali nang sabihin nilang nakagawa ako ng mga masamang bagay.
|
||
\p
|
||
\v 3 Lubos akong mapalad sapagkat nalalaman mo ang lahat tungkol sa kaugalian naming mga Judio at ang mga katanungan tungkol sa aming pinagtatalunan. Kaya pinakikiusap ko sa iyo na makinig ng may katiyagaan."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 4 Nalalaman ng lahat ng mga kapwa ko Judio ang tungkol sa kung paano ako namuhay mula sa aking pagkabata. Nalalaman nila kung paano ako namuhay sa lungsod kung saan ako ipinanganak at di nagtagal sa Jerusalem.
|
||
\p
|
||
\v 5 Nakilala na nila ako mula pa sa simula, at masasabi nila sa iyo, kung nanaisin nila, na noon pa mang ako ay bata pa napakaingat kong sumusunod sa pinakamahigpit na kaugalian ng ating relihiyon. Namuhay ako tulad ng ibang mga Pariseo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 6 Nililitis ako ngayong araw na ito sapagkat kampante akong umaasa na gagawin ng Diyos ang kaniyang ipinangako sa ating mga ninuno.
|
||
\p
|
||
\v 7 Kampante ring naghintay ang ating labing dalawang tribo ng mga Judio sa Diyos na gawin para sa atin kung ano ang kaniyang ipinangako, bilang parangal nila at pagsamba sa kaniya, araw at gabi. Kagalang-galang na hari, nagtitiwala akong umaasa na gagawin ng Diyos kung ano ang kaniyang ipinangako, at naniniwala din sila doon! Ngunit ito ay kung ano ang aking inaasahan na gawin ng Diyos na kanilang sinasabi na ginawa kong mali.
|
||
\q
|
||
\v 8 O Hari, talaga bang naniniwala ka na hindi kayang bumuhay ng Diyos ng mga patay?
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 May panahon sa nakaraan na ako, din, ay sigurado na kinakailan kong gawin ang lahat ng bagay na aking makakaya upang pahintuin ang mga tao mula sa paniniwala kay Jesus mula sa bayan ng Nazaret.
|
||
\p
|
||
\v 10 Kaya ito ang aking ginawa nang naninirahan ako sa Jerusalem. Ikinulong ko sa mga bilangguan ang maraming mananampalataya, ayon sa punong pari na naroon na nagbigay sa akin ng kapangyarihan na gawin. At nang patayin ng kanilang mga tao ang mga mananampalataya, umaayon ako sa panig na iyon.
|
||
\q
|
||
\v 11 Madalas pinarurusahan ko ang mga Judiong iyon na nagtitiwala kay Jesus. Hinahanap ko sila kahit saang lugar at sa bawat sinagoga. Galit na galit ako sa kanila sapagkat sumusunod sila kay Jesus bilang Cristo, na akin silang pinipilit, gamit ang aking buong lakas, kaya hahamakin nila ang Diyos at susumpain ang kaniyang pangalan. Kapag sinumpa nila ang Diyos, maaari silang ilagay sa kamatayan. Napakatindi ng aking galit sa kanila na ibig ko silang malitis at maparusahan ng kamatayan kapag sila ay humarap sa hukuman ng mga Judio. Lagi kong ibinibigay ang aking pagsang-ayon sa panig ng kanilang pagbitay. Pumupunta ako kahit pa sa ibang lungsod ng ibang bansa upang hanapin sila para hulihin, at ibalik sa Jerusalem, at parusahan sila. Gusto ko silang mapatay.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Binigyan ako ng mga punong pari ng kapangyarihang hulihin ang mga mananampalataya sa Damasco, at doon ako pumunta. Ngunit habang patungo ako doon,
|
||
\p
|
||
\v 13 nang katanghalian-tapat, nakita ko sa daan ang isang maningning na ilaw sa himpapawid. Mas maningning pa ito kaysa sa araw! Nagliwanag ito sa palibot ko, at ganun din sa palibot ng mga naglalakbay na kasama ko.
|
||
\p
|
||
\v 14 Lahat kami ay bumagsak sa lupa. Pagkatapos nakarinig ako ng tinig na nangungusap sa akin sa wikang Hebreo. Sinabi niya, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako pinag-uusig? Napakahirap sumipa na gaya ng isang baka laban sa matulis na patpat na pansundot ng isang pastol.'
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 15 Pagkatapos sinabi ko, 'Sino ka, Panginoon?' Sinabi niya, 'Ako si Jesus! Ako ang iyong kinakalaban.
|
||
\p
|
||
\v 16 Ngunit bumangon ka at tumayo sa iyong mga paa! Nagpakita ako sa iyo upang gawin kang isa sa aking mga lingkod at isang saksi kung ano ang iyong nakita sa kung ano ang iyong nalaman tungkol sa akin ngayon at kung ano ang aking ipapakita sa iyo kalaunan.
|
||
\p
|
||
\v 17 Ipagtatanggol kita mula sa mga tao at sa hindi Judio kung saan kita isusugo,
|
||
\p
|
||
\v 18 upang buksan ang kanilang mga mata, na tumalikod sila mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan, at mula sa kapangyarihan ng kaaway ng Diyos. sa ganitong pamamaraan papatawarin ng Diyos ang kanilang mga kasalanan at ibibigay sa kanila ang lahat ng mga bagay na mayroon ang aking mga tao magpakailananman, sa mga taong pag-aari ko sa pamamagitan ng pananampalataya.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 "Kaya, haring Agripa, ginawa ko kung ano ang sinabi sa akin ng Diyos sa isang pangitain na gawin.
|
||
\p
|
||
\v 20 Una, nakipag-usap ako sa mga Judio na nasa Damasco at sa mga nasa Jerusalem, at sa lahat ng nakapalibot na nayon ng Judea, at sa lahat ng mga hindi Judio na naroon din. Sinabi ko sa kanila na kinakailangan nilang huminto sa pagkakasala at humiling sa Diyos ng tulong. Sinabi ko rin sa kanila na kinakailangan din nilang gawin yaong mga bagay na nagpapakita na humito na sila sa pagkakasala.
|
||
\p
|
||
\v 21 Sapagkat nangangaral ako ng mga mensaheng ito na ang ilan sa mga Judio ay hinuli ako sa loob ng nasasakupan ng templo at sinubukan akong patayin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 22 Gayunman, tinutulungan ako ng Diyos, kaya nagpatuloy akong ipahayag ang mga bagay na ito hanggang sa araw na ito. Nagpatuloy akong sabihin sa kapwa pangkaraniwang tao at mga taong matataas ang kalagayan na akmang-akma kung ano ang sinabing mangyayari ng mga propeta at ni Moises.
|
||
\p
|
||
\v 23 Sinabi nila na ang Cristo ay magdurusa at mamamatay, na kinakailangan siya ang unang bubuhayin mula sa mga patay. Sinabi rin nila na ipapahayag niya, kapwa sa kaniyang sariling mga tao at sa mga taong hindi Judio, na totoong kaya silang iligtas ng Diyos."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 24 Bago makapagsalita si Pablo ng anumang bagay pa, sumigaw si Festo ng malakas na tinig: "Pablo, nababaliw ka! Napakarami mong natutunan, at iyan ang dahilan ng iyong kabaliwan!"
|
||
\p
|
||
\v 25 Ngunit sumagot si Pablo, "Kagalanggalang na Festo, hindi ako nababaliw! Bagkus, totoo ang aking sinasabi at may kaliwanagan ng kaisipan!
|
||
\p
|
||
\v 26 Sapagkat nalalaman ni Haring Agripa ang tungkol sa aking sinasabi, at makapagsasalita ako ng malaya sa kaniya tungkol sa kanila. Nakakasiguro ako na walang anuman sa mga bagay na ito ang maaaring hindi niya mapansin, sapagkat wala sa mga bagay na ito ang nangyari ng lihim."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 27 "Haring Agripa, naniniwala kaba sa isinulat ng mga propeta? Alam kong naniniwala ka sa mga bagay na iyon."
|
||
\p
|
||
\v 28 At sumagot si Agripa kay Pablo, "Sa maikling sandali ay malapit mo na akong mahikayat na maging isang Kristiano!"
|
||
\p
|
||
\v 29 Sumagot si Pablo, "Kahit na sa maikling oras o mahabang oras, hindi naman ito mahalaga. Ipinanalangin ko sa Diyos na ikaw at pati na rin ang lahat ng mga nakikinig sa akin ngayon na maging tulad ko, maliban sa mga kadenang ito!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Saka tumayo ang hari. Tumayo ang gobernador, si Bernice, at ang lahat ng iba pa
|
||
\p
|
||
\v 31 at lumabas sila ng silid. Pagkatapos nilang lumabas, sinabi nila sa isa't-isa, "Walang ginawa ang taong ito na karapat-dapat sa kamatayan o kadenahan siya."
|
||
\p
|
||
\v 32 Sinabi ni Agripa kay Festo, "Kung hindi hiniling ng taong ito na ang Emperador ang hahatol sa kaniya, maaari na sana siyang makalaya."
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 27
|
||
\p
|
||
\v 1 Nang mapagpasyahan ng Gobernador na dapat kaming maglayag patungo sa Italia, inilagay niya si Pablo at ang ilan pang mga bilanggo sa pamamahala ng kapitan ng mga kawal na nagngangalang Julio. Senturion ang kaniyang katungkulan at bahagi siya ng isang pulutong na tinatawag na "ang Augusto".
|
||
\p
|
||
\v 2 Sumakay kami sa isang barko na nagmula sa lungsod ng Adramento sa Asia. Maglalayag ang barko sa mga lugar ng baybayin ng Asia. Sa mga daang ito sa dagat kami dumaan. Sumama sa amin si Aristarco, na mula sa Tesalonica sa Macedonia.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 3 Kinabukasan dumating kami sa Sidon. Pinakitunguhan ni Julio si Pablo ng may kabaitan at pinahintulutan siyang pumunta at makita ang kaniyang mga kaibigan, na nagmamalasakit sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 4 Kaya naglayag ang barko mula roon. Nagpunta kami sa tabi ng baybayin ng Cyprus, sa bahagi na nakukublihan ng mga hangin na umiihip pasalungat sa amin.
|
||
\p
|
||
\v 5 Pagkatapos niyon, tumawid kami sa dagat na malapit sa mga baybayin ng Cilicia at Pamfilia. Nakarating ang barko sa Mira, kung saan nasa Licia. Doon kami bumaba ng barko.
|
||
\p
|
||
\v 6 Sa Mira, nakatagpo si Julio ng isang barko na nagmula sa Alejandria at maglalayag patungong Italia. Kaya nakipag-ayos siya para sa amin na makasakay sa barko, at umalis kami.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Mabagal ang aming paglalayag ng maraming mga araw at nakarating kami malapit sa Cinido, ngunit nahirapan kami ng makarating doon, sapagkat ang hangin ay pasalungat sa amin. Pagkatapos noon, napakalakas ng hangin at hindi makagalaw ang barko pasulong pakanluran. Sa halip, naglayag kami sa tabi ng mga baybayin ng Isla ng Creta, na kung saan hindi malakas ang ihip ng hangin, at dumaan kami malapit sa Salmon, isang maliit na lupain na nakausli sa tubig.
|
||
\p
|
||
\v 8 Malakas parin ang hangin, at pinipigilan nito ang barko na gumalaw ng mabilis pasulong. Kaya mabagal ang pagkilos ng barko namin sa tabi ng baybayin ng Creta, at dumating kami sa isang bayan na tinatawag na Mabuting Daungan, malapit sa Lasea.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 9 Lumipas ang maraming oras, at naging mapanganib na para maglayag, sapagkat natapos na ang panahon ng pag-aayuno ng mga Judio at magiging malakas ang bagyo sa dagat. Kaya sinabi ni Pablo sa mga kalalakihan sa barko,
|
||
\p
|
||
\v 10 "Mga ginoo, nakikita ko na kung maglalayag tayo ngayon, magiging mapanganib ito para sa atin na maaaring magdulot ng lubhang pinsala at pagkawala, hindi lamang sa mga kargamento at sa barko, ngunit pati narin sa ating mga buhay."
|
||
\p
|
||
\v 11 Ngunit hindi naniwala kay Pablo ang kapitan ng mga Romano. Sa halip, naniwala siya sa sinasabi ng kapitan ng barko at sa sinabi ng may-ari ng barko, at nagpasya siyang gawin kung ano ang kanilang ipinayo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 12 Hindi magandang lugar ang daungan upang manatili sa panahon ng taglamig, kaya nagpayo ang karamihan sa mga mandaragat na pumunta sa dagat mula roon. Umaasa silang makakaabot sila sa Fenix at mamalagi sa taglamig doon. Isang bayan sa Creta ang Fenix. Parehong umiihip ang hangin mula sa hilagang-kanluran at timog-kanluran.
|
||
\p
|
||
\v 13 Sapagkat mayroon lamang mahinang hangin ang umiihip mula sa timog, inisip ng mga tripulante ng barko na maaari na silang makapaglayag tulad sa nais nila. Kaya itinaas nila ang mga angkla pataas mula dagat, at naglayag ang barko malapit sa tabi ng baybayin ng Isla ng Creta.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 14 Pagkatapos ng maikling panahon, gayunman, umihip ang isang hangin na may kasamang bagyo pababa mula sa dalampasigan. Umiihip sa ibayo ng isla mula sa hilagang bahagi at tumama sa barko. Tinawag ang hangin na Euraclidon, "ang Hilagangsilangan Hangin"
|
||
\p
|
||
\v 15 Umiihip ito ng napaka lakas pasalungat sa harapan ng barko, at hindi kami makapaglayag pasalungat dito. Kaya hinayaan ng mga mandaragat ang hangin na magpakilos sa barko kung saan direksyon umiihip ang hangin.
|
||
\p
|
||
\v 16 Naglayag ang barko sa tabi ng baybayin ng isang maliit na isla na may pangalang Cauda. Nahirapan kami, ngunit nakaya naming maitali ng matiwasay ang mga maliliit na pangsagip na bangka sa barko.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 17 Pagkatapos na maitaas ng mga mandaragat ang mga maliliit na pangsagip na bangka sa loob ng barko, gumamit sila ng mga kawad upang patibayin ang barko. Ipinaikot nila ang mga kawad sa ilalim ng katawan ng barko upang patibayin ang barko. Natatakot ang mga mandaragat na ang aming barko ay sumadsad sa pulong buhangin na tinawag na Sirte, kaya ibinaba nila ang layag at sa ganitong pamamaraan ang hangin ang nagpausad sa amin.
|
||
\p
|
||
\v 18 Nagpatuloy ang matinding paghampas ng hangin at ng mga alon sa barko, kaya nang kinabukasan sinimulang magtapon ng mga mandaragat ng mga bagay sa dagat.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 19 Sa ikatlong araw ng bagyo, nagtapon sa dagat ang mga mandaragat ng karamihan sa mga layag, mga lubid, at mga poste, upang mapagaan ang barko. Ginawa nila ito sa pamamagitan ng kanilang sariling mga kamay.
|
||
\p
|
||
\v 20 Nagpatuloy ang napakalakas na pag-ihip ng hangin sa maraming mga araw, at nagdilim ang mga alapaap araw at gabi kaya hindi namin makita ang araw o kaya ang mga bituin. Nawala na ang aming pag-asa na makaliligtas pa kami.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 21 Wala sa amin na nasa barko ang nakakain ng maraming araw. Kaya isang araw, tumayo si Pablo sa harapan namin at nagsabing, "Mga kaibigan, nakinig sana kayo sa akin nang aking sinabi na huwag tayong maglayag mula sa Creta.
|
||
\p
|
||
\v 22 Ngunit ngayon, nakikiusap ako sa inyo, huwag kayong matakot, sapagkat wala sa atin ang mamamatay. Sisirain ng bagyo ang barko ngunit hindi tayo.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 23 Alam ko ito, sapagkat kagabi ang Diyos, na nagmamay-ari sa akin at aking pinaglingkuran, may isang angel na isinugo na dumating at tumayo sa tabi ko.
|
||
\p
|
||
\v 24 Sinabi ng angel sa akin, 'Pablo, huwag kang matakot! Kinakakailangan na pumunta ka sa Roma at tumayo doon sa harapan ng Emperador upang hatulan ka niya. Gusto kong malaman mo na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang lahat ng kasama mo na naglalayag sa barko na makaliligtas din.'
|
||
\p
|
||
\v 25 Kaya magsaya kayo, mga kaibigan, sapagkat naniniwala ako na pinahintulot ng Diyos na ito ay mangyari, tugma sa sinabi ng angel sa akin.
|
||
\p
|
||
\v 26 Gayunman, sasalpok ang barko sa ilang isla, at mapapadpad tayo sa mga pampang doon."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 27 Sa loob nang ikalabingapat na gabi nang magsimula ang bagyo, tinatangay ng hangin ang barko patawid ng dagat ng Adriatico. Nang maghahating-gabi, naisip ng mga mandaragat na malapit na ang barko sa kalupaan.
|
||
\q
|
||
\v 28 kaya ibinaba nila ang mga lubid upang sukatin kung gaano kalalim ang tubig. Nang muli nilang itinaas ang mga lubid, nasukat nila ito at nakita na apatnapung metro ang lalim. Hindi nagtagal, muli silang nagsukat at tatlumpung metro ang nakita nila.
|
||
\q
|
||
\v 29 Natakot sila na baka pumunta ang barko sa ilang mga kabatuhan, kaya inihagis nila palabas ang mga angkla mula sa hulihang bahagi ng barko. Pagkatapos nanalangin sila na mag-umaga na upang makita nila kung saan papunta ang barko.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Nagpaplano ang ilan sa mga mandaragat na tumakas mula sa barko, kaya ibinaba nila ang maliit na pangsagip na bangka sa dagat. Upang walang sinuman ang makaalam kung ano ang napagplanuhan nilang gawin, nagkunwari sila na gusto nilang ibaba ang ilan sa mga sinepete mula sa unahan ng barko.
|
||
\q
|
||
\v 31 Ngunit sinabi ni Pablo sa kapitan ng hukbo at sa mga kawal, "Kung hindi mananatili ang mga mandaragat sa barko, wala kayong pag-asa na makaligtas."
|
||
\p
|
||
\v 32 Kaya pinutol ng mga kawal ang mga lubid at hinayaang bumagsak sa tubig ang mga maliit na pangsagip na bangka.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 33 Bago magmadaling araw, hinikayat ni Pablo ang bawat isa na nasa barko na kumain man lang ng kahit konting pagkain. Sinabi niya, "Sa nakalipas na labingapat na araw naghihintay kayo at nakamasid at hindi kumain ng anumang bagay.
|
||
\p
|
||
\v 34 Kaya ngayon, hinihikayat ko kayo na kumain man lang ng kahit konting pagkain. kinakailangan ninyo itong gawin upang mabuhay. Wala kahit isa sa inyong mga buhok sa ulo ang malalagas."
|
||
\q
|
||
\v 35 pagkatapos sabihin ito ni Pablo, habang ang bawat isa ay nakamasid, kumuha siya ng ilang tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa mga ito. Saka pinutol niya ang tinapay at sinimulang kainin ang ilang piraso sa mga ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 36 Pagkatapos naging masaya ang lahat at kumain sila.
|
||
\v 37 Mayroong kabuuang 276 kami na nasa barko.
|
||
\v 38 Nang makakain ng lubos ang bawat isa, pinagaan nila ang barko sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga natirang trigo sa dagat.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 39 Nakakita kami ng kalupaan nang madaling araw, ngunit hindi alam ng mga mandaragat kung nasaan kami. Gayunman, nakakita sila ng baybayin at isang malawak na lugar na buhanginan na nasa gilid ng tubig. Nagpasya sila na subukan na patakbuhin ang barko patungo sa tabing-dagat.
|
||
\q
|
||
\v 40 Kaya inihagis nila pababa ang mga angkla at hinayaang bumagsak sa dagat. Sa oras ding iyon, kinalagan nila ang mga lubid na nagdurugtong sa mga timon, at itinaas nila ang nasa unahang layag upang umihip ang hangin dito. Minaniobra nila ang barko patungo sa baybayin.
|
||
\p
|
||
\v 41 Ngunit naglayag ang barko sa magkakasalungat na alon at sumadsad sa isang buhanginan na natatakpan ng mga alon. Bumaon ang unahan ng barko doon at hindi makagalaw at malakas na alon ang humapas sa likod ng barko, kaya nagsimulang mawasak ang barko.
|
||
|
||
\s5
|
||
\v 42 Nasaisip ng mga kawal na patayin ang lahat ng mga bilanggo upang wala ni isa sa kanila ang makalangoy palayo at makatakas.
|
||
\v 43 Ngunit gustong iligtas ng kapitan ng hukbo si Pablo, kaya pinahinto niya ang mga kawal na gawin ito. Sa halip, ipinag-utos niya sa bawat isa na kung sino ang may kakayahang lumangoy ay tumalon sa tubig at lumangoy sa pampang.
|
||
\v 44 Pagkatapos sinabi niya sa iba na humawak sa mga kahoy o sa ibang mga bagay mula sa barko at pumunta patungo sa pampang. Ginawa namin kung ano ang sinabi niya, at sa ganuong pamamaraan kaming lahat ay nakarating ng ligtas sa kalupaan.
|
||
|
||
\s5
|
||
\c 28
|
||
\p
|
||
\v 1 Matapos kaming dumating na ligtas sa dalampasigan, nalaman namin na ang pulong iyon na tinatawag na Malta.
|
||
\q
|
||
\v 2 Magiliw kaming tinanggap ng mga taong nakatira roon nang mas mabuti kaysa sa nakasanayan. Nagpaapoy sila at inaanyayahan kami na pumunta at painitan ang aming mga sarili, sapagkat umuulan noon at malamig.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 3 Noong kumuha si Pablo ng mga sanga at inilagay sa apoy, may isang makamandag na ahas ang lumabas mula sa apoy upang tumakas mula sa init, at kinagat nito ang kamay ni Pablo at nanatili roon.
|
||
\q
|
||
\v 4 Nakita ng mga tao sa pulo ang nilalang na nakabitin sa kamay ni Pablo, sinabi nila sa isat-isa, "Marahil nakapatay ng tao ang taong ito. Kahit nakatakas siya mula sa pagkalunod sa dagat, ang diyos ng hustisya ang papatay sa kaniya."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 5 Ngunit pinagpag lang ni Pablo ang ahas papunta sa apoy, at walang nangyari sa kaniya.
|
||
\p
|
||
\v 6 Inaasahan ng mga tao na sa katagalan ang katawan ni Pablo ay mamamaga na may lagnat o biglang matumba at mamatay. Ngunit habang hinintay nila ito ng matagal, nakita nila na walang masamang nangyari sa kaniya. Kaya nagbago ng iniisip ang mga tao at sinabi sa isat-isa, "Hindi mamamatay tao ang taong ito! Isa siyang diyos!"
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 7 Ngayon, sa isang lugar na malapit kung saan sila naroroon, may mga sakahan na pagmamay-ari ng isang tao na nagngangalang Publio. Punong opisyal siya sa pulo. Inaanyayahan niya kami na pumunta at manatili sa kaniyang tahanan. Inaruga niya kami ng mabuti sa loob ng tatlong araw.
|
||
\p
|
||
\v 8 At sa panahon iyon may lagnat at disintirya ang ama ni Publio, at nakaratay sa higaan. Kaya dinalaw at ipinanalangin siya ni Pablo. At ipinatong ni Pablo ang kaniyang kamay sa kaniya at pinagaling siya.
|
||
\p
|
||
\v 9 Pagkatapos gawin ni Pablo iyon, pumunta sa kaniya ang ibang mga tao sa pulo na may sakit, at pinagaling niya rin sila.
|
||
\p
|
||
\v 10 Nagdala sila ng mga handog at ipinakita nila sa ibang paraan na malaki ang paggalang nila sa amin. Nang handa na kaming umalis makalipas ang tatlong buwan, nagdala sila sa amin ng pagkain at iba pang mga bagay na kakailanganin namin sa barko.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 11 Pagkatapos naming manatili doon ng tatlong buwan, sumakay kami ng barko na nanggaling sa Alejandria at naglayag papuntang Italia. Sa harapan ng barko ay may inukit na imahe ng kambal na diyos na nagngangalang sina Castos at Pollux.
|
||
\q
|
||
\v 12 Nang dumating kami sa lungsod ng Siracusa, nanatili kami doon ng tatlong araw.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 13 At naglayag kami at dumating sa lungsod ng Regio sa Italia. Sa sumunod na araw, umihip ang hangin mula sa timog, kaya nakarating kami sa loob lamang ng dalawang araw sa bayan ng Puteoli. Iniwan namin doon ang barko.
|
||
\q
|
||
\v 14 Sa Puteoli nakipagkita kami sa ilang mga kapwa mananampalataya na nagnanais na manatili kami sa kanila sa loob ng pitong araw. Pagkatapos nito, nakarating kami sa Roma sa wakas.
|
||
\p
|
||
\v 15 Sa Roma, narinig ng ilan sa kapwa mananampalataya ang patungkol sa amin, kaya dumating sila upang makipagkita sa amin. Nakipagkita sa amin ang ilan sa kanila sa bayan na tinatawag na Ang Pamilihan sa Daan ng Appio, at ang iba ay nakipagkita sa amin sa bayan na tinatawag na Ang Tatlong Bahay Panuluyan. Nang nakita ni Pablo ang mga mananampalatayang iyon, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang kaniyang loob.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 16 Nang dumating kami sa Roma, pinayagan si Pablo na tumira ng mag-isa sa isang bahay. Ngunit may kawal doon na laging nagbabantay sa kaniya.
|
||
\q
|
||
\v 17 Pagkatapos manatili ni Pablo doon sa loob ng tatlong araw, nagpadala siya ng mensahe sa pinuno ng mga Judio upang pumunta at makipag-usap sa kaniya. Nang dumating sila sa kaniya, sinabi ni Pablo sa kanila, "Minamahal kong mga kapatid, kahit hindi ako humadlang sa ating mga tao ni nagsalita ng laban sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako ng ating mga pinuno sa Jerusalem. Ngunit bago pa nila ako mapatay, may isang pinunong kawal na Romano ang nagligtas sa akin at hindi nagtagal ipinadala ako sa lungsod ng Cesaria upang litisin ako sa pamahalaang Romano.
|
||
\p
|
||
\v 18 Tinanong ako ng pamahalaang Romano at ninais na pakawalan ako, sapagkat wala akong ginawa na masamang bagay na nararapat akong patayin.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 19 Ngunit nang nagsalita ang pinuno ng mga Judio roon laban sa nais ng mga Romano upang palayain ako, kinailangan kong hilingin sa Emperador na hutulan niya ako dito sa Roma. Ngunit ang dahilan ko sa paggawa nito, hindi dahil ninais ko na paratangan ang ating mga pinuno sa kahit anong bagay.
|
||
\p
|
||
\v 20 Kaya hiniling ko na pumunta kayo dito upang masabi ko sa inyo kung bakit isa akong bilanggo. Ito'y dahil naniwala ako kung ano ang hinihintay na may pananalig sa mga tao ng Israel na gagawin ng Diyos para sa atin."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 21 At sinabi ng pinuno ng mga Judio, "Wala kaming natanggap na kahit anong mga liham mula sa ating kapwa mga Judio na nasa Judea patungkol sayo. Gayundin, wala ni isa sa ating kapwa mga Judio na dumating dito mula sa Judea ang nagsabi ng anumang bagay na masama patungkol sa iyo.
|
||
\p
|
||
\v 22 Subalit nais naming marinig kung ano ang iniisip mo patungkol sa kalipunang iyon kung saan ka napabilang, sapagkat alam namin na sa maraming lugar nagsasalita ang mga tao laban dito."
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 23 Kaya nakapagpasiya sila na bumalik sa ibang araw upang marinig na magsalita sa kanila si Pablo. Noong dumating ang araw na iyon, mas marami pang tao ang dumating kaysa noon sa tinutuluyan ni Pablo. Sinabi ni Pablo sa kanila kung paano mamuno ang Diyos sa bawat tao; sinabi niya ang patungkol sa kung paano ipinahayag ng kautusan ni Moises at ang mga propeta ang tungkol kay Jesus. Nagsalita si Pablo sa lahat na nais makinig mula umaga hanggang gabi.
|
||
\q
|
||
\v 24 Ang ilan sa mga Judiong iyon ay nahikayat na maniwala na totoo ang sinasabi ni Pablo patungkol kay Jesus, ngunit hindi naniniwala ang iba na totoo ito.
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 25 Nang nagsimula silang salungatin ang isat-isa, at nang papaalis na sila. May isa pang bagay na sinabi si Pablo: "Sinabi ng Banal na Espiritu ang katotohanan sa inyong mga ninuno, nang sinabi niya ang mga salitang ito kay Isaias na propeta:
|
||
\p
|
||
\v 26 Pumunta kayo sa inyong mga kababayan at sabihin sa kanila: 'Narinig ninyo sa inyong mga tainga, ngunit hindi ninyo kailanman naintindihan kung ano ang sinasabi ng Diyos. Nakita ninyo sa inyong mga mata ngunit hindi ninyo talaga nakikita ang mga bagay na ginagawa ng Diyos.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 27 Hindi maintindihan ng mga taong ito, sapagkat naging matigas ang kanilang kalooban. Halos naging bingi na ang kanilang mga tainga; at ipinikit nila ang kanilang mga mata sapagkat ayaw nilang makita. Ayaw nilang marinig ng kanilang mga tainga o maintindihan ng kanilang mga puso, kung magkaganun babalik sila sa akin at pagagalingin ko sila.
|
||
|
||
\s5
|
||
\q
|
||
\v 28-29 Kaya, dapat ninyong malaman na nag-aalok ang Diyos na iligtas ang mga hindi Judio, at makikinig sila."
|
||
|
||
\s5
|
||
\p
|
||
\v 30 Nanatili si Pablo roon sa buong dalawang taon sa bahay na kaniyang inupahan. Maraming tao ang pumunta upang makita siya, at sila'y kaniyang tinanggap nang may kagalakan at nakipag-usap sa kanila.
|
||
\p
|
||
\v 31 Nangangaral siya at nagturo sa mga tao kung papaano ipapakita ng Diyos ang kaniyang sarili bilang hari, at nagturo sa kanila patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo. Ginawa niya iyon na may katapangan, at wala kahit isa ang sumubok na pumigil sa kaniya.
|