forked from WA-Catalog/tl_udb
168 lines
16 KiB
Plaintext
168 lines
16 KiB
Plaintext
\id MAL
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Malakias
|
|
\toc1 Malakias
|
|
\toc2 Malakias
|
|
\toc3 mal
|
|
\mt Malakias
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ito ang mensaheng ibinigay ni Yahweh kay Malakias para sa mga Israelita.
|
|
\p
|
|
\v 2-3 Sinabi ni Yahweh, "Inibig ko kayo." Ngunit sumagot kayong mga tao, "Paano mo ipinakita sa amin na iniibig mo kami?" Sumagot si Yahweh, "Hindi ba totoong magkapatid sina Esau at Jacob? Gayon pa man, mayroon akong tipan kay Jacob at sa kaniyang mga kaapu-apuhan, ngunit wala akong tipan kay Esau at sa kaniyang mga kaapu-apuhan. Ako ang nagdulot sa lupain ni Esau upang mapabayaan, isang lugar kung saan mga mababangis na aso lamang ang maninirahan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Maaaring sabihin ng mga kaapu-apuhan ni Esau na naninirahan ngayon sa Edom, "Oo, winasak ng Diyos ang ating mga lungsod ngunit muli nating itatayo ang mga bahay sa mga winasak." Ngunit tumugon si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, "Muli man silang makapagpatayo ng mga bahay ngunit muli kong wawasakin ang mga ito. Tatawagin ang kanilang bansa, 'Ang lupain kung saan naninirahan ang mga masasamang tao,' at tatawagin ang kanilang mga kababayan, 'Ang mga taong kinapopootan ni Yahweh magpakailanman.'"
|
|
\p
|
|
\v 5 Kayong mga Israelita, kapag nakita ninyo mismo kung ano ang gagawin ko sa kanila, sasabihin ninyo, "Malinaw na lubhang makapangyarihan si Yahweh maging sa labas ng mga hangganan ng Israel!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ngunit si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, sinabi niya sa mga tao, "Pinararangalan ng mga lalaki ang kanilang mga ama at iginagalang ng mga lingkod ang kanilang mga panginoon. Kung gayun, kung katulad ako ng inyong ama at panginoon, bakit hindi ninyo ako pinararangalan? Bakit hindi ninyo ako sinusunod?" At si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, may isang bagay na sasabihin para sa inyong mga pari: 'Hindi kayo nagpapakita ng paggalang sa akin! Ngunit nagtanong kayong mga pari, 'Paano namin ipinakita ang kawalan ng paggalang sa iyo?'
|
|
\q1
|
|
\v 7 Sumagot ako: Sa halip na parangalan ninyo ako, hinamak ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng mga hindi karapat-dapat sa aking altar, mga alay na hindi ko kailanman tatanggapin. At malakas ang loob ninyong magtanong, 'Anong mga alay ang aming ibinigay na hindi karapat-dapat sa iyo?' Sumagot ako: Iniisip ninyong hindi mahalaga kung hindi ninyo pararangalan ang aking altar.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Naghandog kayo ng mga hayop na bulag bilang mga alay. Hindi ba mali iyon? Naghandog kayo ng mga hayop na may sakit at pilay. Iniisip ba talaga ninyong tatanggapin ko ang mga kaloob na ito? Wala kayong lakas ng loob upang ihandog ang mga ito sa inyong sariling gobernador! Alam ninyong hindi niya tatanggapin ang mga ito. Alam ninyong hindi siya malulugod sa inyo at hindi niya kayo tatanggapin!" Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel!
|
|
\p
|
|
\v 9 Kumikilos kayo upang hilingin na tulungan tayo ng Diyos. Ngunit sinabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel, "Kung magdadala kayo ng mga alay na hindi katanggap-tanggap sa akin, bakit ko kayo tutulungan?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Sinabi rin ni Yahweh, "Nawa isa sa inyo ang magsara ng mga tarangkahan sa patyo ng templo upang walang sinuman ang makapaghandog ng mga walang kabuluhang mga alay na iyon. Hindi ako nalulugod sa inyo at hindi ko tatanggapin ang mga handog na dinadala ninyo sa akin. Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
|
\p
|
|
\v 11 Sinabi rin niya, "Sa katanuyan, pararangalan ako ng mga tao sa ibang bansa mula sa silangan hanggang kanluran. Magsusunog sila ng mga insenso upang parangalan ako at magdadala sila ng mga nararapat na handog, mga handog na tatanggapin ko. Mangyayari ito dahil pupurihin at pararangalan ako ng mga tao sa lahat ng bansa.
|
|
\q1
|
|
\v 12 Ngunit kayong mga pari—kayong mga pari na kumikilos sa paraang nagpapakita sa akin ng lubos na kawalan ng paggalang. Sinabi ninyo, 'Tama lang na hamakin ng mga tao ang altar sa pamamagitan ng pagdadala ng mga alay na hindi niya tatanggapin.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 13 Sinabi rin ninyo, 'Pagod na kami sa pagsusunog ng lahat ng mga handog na ito sa altar.' Suminghal kayo sa paggawa nito. Nagdala kayo ng tupa o mga kambing na sinalakay ng mga mababangis na hayop at hinati sa dalawa. Nagdala rin kayo ng mga hayop na may sakit o hindi makalakad. Hindi ba talaga ninyo maisip na hindi ko tatanggapin ang mga ito mula sa inyo?" Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
|
\p
|
|
\v 14 Sinabi rin ni Yahweh, "Susumpain ko ang sinumang susubukang linlangin ako sa kaniyang pangakong dadalhan niya ako ng hayop na walang kapintasan mula sa kaniyang kawan, ngunit magdadala sa akin ng isang may kapintasan. Kung gagawin iyan ng sinuman, parurusahan ko siya dahil isa akong dakilang hari at pinararangalan ako ng mga tao mula sa ibang mga bansa, ngunit hindi ninyo ginagawa!" Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Kayong mga pari, may sasabihin ako upang balaan kayo.
|
|
\p
|
|
\v 2 Sinasabi ito ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Bigyan ninyo ng pansin kung ano ang sinasabi ko at magpasyang parangalan ako. Kung hindi ninyo gagawin iyan, isusumpa ko kayo at isusumpa ko ang mga bagay na ginawa ko para sa inyo upang tulungan kayo. At isinumpa ko na sila dahil hindi ninyo ako pinarangalan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Parurusahan ko ang inyong mga kaapu-apuhan at para bang nagpahid ako ng dumi sa inyong mga mukha mula sa mga hayop na inyong inalay at darating ang iba at itatapon kayo kasama ang duming iyan.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kapag nangyari iyan, malalaman ninyong binalaan ko kayo ng ganito, upang sumunod kayong mga kaapu-apuhan ni Levi sa aking kasunduan kasama ng mga pari." Ito ang sinasabi ni Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Sinasabi rin niya, "Gumawa ako ng aking kasunduan sa ninuno ninyong si Levi dahil ninais kong mamuhay ang mga pari nang maginhawa at mapayapa. At iyan ang ibinigay kong kakayahang gawin nila. Iniutos kong igalang nila akong lubos at parangalan, at ginawa nga nila.
|
|
\p
|
|
\v 6 Itinuro nila sa mga tao kung ano ang totoo at tama; hindi sila nagsabi ng mga kasinungalingan. Naglingkod sila sa akin nang mapayapa at matapat at tinulungan nila ang maraming tao upang itigil ang pagkakasala.
|
|
\q
|
|
\v 7 Ang sinasabi ng mga pari ay nagbibigay kakayahan sa mga tao upang patuloy nilang matutunan ang katotohanan mula sa salinlahi hanggang sa susunod pang mga salinlahi. Dapat nilang matiyak na tuturuan sila ng mga pari ng pagtutuwid dahil dapat maging tunay silang mga mensahero mula sa akin, ako si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Ngunit kayong mga pari, hindi na kayo kumikilos sa ganoong pamamaraan. Sa halip, ang inyong itinuro sa mga tao ay nagdulot upang magkasala ang marami sa kanila. Itinakwil ninyo ang kasunduang ginawa ko kasama ang mga kaapu-apuhan ni Levi matagal na ang nakalipas.
|
|
\q
|
|
\v 9 Kaya hinayaan kong hamakin kayo ng lahat ng tao at upang ipahiya nila kayo sapagkat hindi ninyo ako sinunod. Sa halip, tinuturuan ninyo ang mga tao ng mga ibang bagay na nababatay sa kahalagahan ng mga ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Ngayon, babalaan ko kayo tungkol sa ibang bagay. Tiyak na tayong mga Israelita ay isang lahi dahil lamang nilikha tayo ng Diyos bilang isang lahi. Ngunit nagsisinungaling tayo at sinasaktan ang isa't isa sa ganitong paraan, ipinahiya natin ang kasunduang ginawa ni Yahweh sa ating mga ninuno.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kayong mga taga-Juda ay hindi naging tapat kay Yahweh. Gumawa kayo ng mga kasuklam-suklam na bagay sa Jerusalem at sa ibang dako ng Israel. Nilapastangan ninyong mga kalalakihang Israelita ang templo na minamahal ni Yahweh. Ginawa ninyo iyan sa pamamagitan ng pakikipag-asawa ninyo sa mga dayuhang kababaihan, mga kababaihang sumasamba sa diyus-diyosan.
|
|
\p
|
|
\v 12 Itaboy nawa ni Yahweh mula sa Israel ang bawat taong gumawa nito, kasama ng kaniyang mga kaapu-apuhan—kahit na magdala sila ng mga handog kay Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Ito pa ang ibang bagay na inyong ginagawa: Pumupunta at tumatangis kayo sa harapan ng altar ni Yahweh, tinatakpan ito ng inyong mga luha. Nagdadalamhati kayo dahil hindi na niya binibigyang pansin ang inyong mga handog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Dumaing kayo sa pagsasabing, "Bakit hindi nais ni Yahweh ang aming mga handog?" Ang sagot ay dahil narinig ni Yahweh na ang bawat isa sa inyong mga kalalakihan ay taimtim na nangakong magiging tapat sa inyong mga asawa noong bata pa kayo. Ngunit kayong mga kalalakihan ay hindi ninyo ginawa ang inyong ipinangako, itinaboy ninyo sila, ang mga pinangakuan ninyo ng ganyan upang makapag-asawa kayo ng mga babaing dayuhan.
|
|
\p
|
|
\v 15 Sa katunayan, pinag-isa kayo ni Yahweh sa inyong asawa at binigyan niya kayo ng bahagi ng kaniyang espiritu. Ginawa niya ito dahil nais niyang magkaroon kayo ng mga anak na magpaparangal sa kaniya. Kaya dapat mag-ingat kayong hindi maakit ng ibang mga babae. Nawa ay wala sa inyo ang maging taksil sa inyong napangasawa noong kabataan pa ninyo.
|
|
\p
|
|
\v 16 Sabi ni Yahweh, ang Diyos na nagmamay-ari sa ating Israelita, "Kinamumuhian ko ang paghihiwalay!" Kaya, kapag hihiwalayan ninyong mga lalaki ang inyong mga asawa, inaapi ninyo sila sa pagiging malupit ninyo sa kanila. Kaya, tiyakin ninyong hindi kayo taksil sa inyong mga asawa. Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Kayo ang naging dahilan ng pagkawala ng tiyaga ni Yahweh sa inyo sa pagsasabi ng lahat ng mga nakakasuklam na bagay. Subalit malakas ang loob ninyong magtanong, "Paano namin winala ang kaniyang pasensiya?" Ang sagot ay dahil sinabi ninyong nalulugod si Yahweh sa lahat ng mga gumagawa ng masama, na mabuti ang pagtingin niya sa mga ito. At kayo ang dahilan kaya nawalan siya ng tiyaga sa pamamagitan ng laging pagsasabi ng, "Bakit hindi makatarungang kumikilos ang Diyos sa atin?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi ito ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Tingnan ninyo, malapit ko ng isugo ang isang mensahero sa inyo, na siyang maghahanda sa inyo upang tanggapin ako. At ako na Panginoon, na sinasabi ninyong nais ninyong dumating ay biglang lilitaw sa aking templo—Si Yahweh, na inyong ginawan ng kasunduan, na sinasabi ninyong inyong kinasisiyahan— ako mismo ang darating.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ngunit wala sa inyo ang tunay na mananatili sa dating gawi kapag dumating siya. Sapagkat ipapahayag ni Yahweh na walang hindi nagkasala kapag dumating siya. Kikilos siyang tulad ng apoy na may sapat na init upang gawing puro ang tanso. Kikilos siyang tulad ng matapang na sabon, na ginagamit na panglinis ng mga naglalaba sa damit.
|
|
\p
|
|
\v 3 Hahatulan kayo ni Yahweh, magiging tulad siya ng nagpapanday ng pilak na ginagawang puro ang kaniyang pilak, na walang karumihan. Gagawin kayong lahat ni Yahweh na tulad ng purong ginto o pilak. Pagkatapos, tatanggapin ni Yahweh ang inyong mga handog na inyong dadalhin sa kaniya, sapagkat magiging matuwid kayo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Kapag nangyari iyan, tatanggaping muli ni Yahweh ang mga handog na dadalhin sa kaniya ng mga tao sa Jerusalem at Juda, gaya ng ginawa niya dati.
|
|
\p
|
|
\v 5 Ito ang sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Sa panahong iyan, darating ako upang hatulan kayo. Mabilis akong sasaksi laban sa mga gumagawa ng panghuhula, laban sa mga nang-aapi sa mga kawawang balo at mga ulila, laban sa mga hindi nakikitungo nang makatarungan sa mga dayuhang kasama ninyo at laban sa mga tumatangging parangalan ako."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ako si Yahweh at hindi ako kailanman nagbabago. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko pa kayo nililipol, kahit na nilinlang ninyo ang mga tao gaya ng ginawa ng inyong ninunong si Jacob.
|
|
\p
|
|
\v 7 Magmula pa noong panahong nabubuhay ang inyong mga ninuno, hindi ninyo pinansin ang aking mga kautusan at tinanggihan ninyong sundin ang mga ito. Ngayon manumbalik kayo sa akin; kung gagawin ninyo ito, babalik ako sa inyo. Iyan ang sinasabi ko, akong si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel. Ngunit tinatanong ninyo, 'Kailanman hindi kami nawala sa iyo, kaya paano kami manunumbalik sa iyo?'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Tumugon ako: Tiyak na hindi dapat dayain ng mga tao ang Diyos, ngunit dinaya ninyo akong mga tao! Tinanong ninyo, 'Sa anong paraan ka namin dinaya?' Tumugon ako: Dinaya ninyo ako sa pamamagitan ng hindi ninyo pagdala ng inyong mga ikapu sa bawat taon at ibang mga handog na iniutos kong ibigay ninyo sa akin.
|
|
\p
|
|
\v 9 Isinumpa ko ang lahat na inyong ginagawa dahil dinadaya ninyo akong mga tao sa bansang ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Ngayon, dalhin ninyo ang lahat ng mga ikapu sa mga silid-imbakan ng templo, upang magkaroon ng sapat na pagkain para sa mga taong naglilingkod sa akin doon. Kung gagawin ninyo iyan, Ako, si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbo ng anghel ay nangangakong bubuksan ko ang mga bintana ng langit at ibubuhos ko mula sa mga ito ang mga biyaya sa inyo. Kapag dadalhin ninyo ang inyong mga ikapu sa templo, magiging napakarami ng mga pagpapala, na ang kalalabasan ay hindi na kayo magkaroon ng sapat na lugar upang mapaglagyan ng lahat ng mga ito. Kaya subukan ninyo ako kung nagsasabi ako ng totoo.
|
|
\p
|
|
\v 11 Magkakaroon kayo ng masaganang pananim na aanihin, dahil pangangalagaan ko sila upang hindi sirain ng mga balang. Hindi mahuhulog ang mga ubas mula sa mga puno bago mahinog ang mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kapag nangyari iyan, sasabihin ng mga tao sa lahat ng bansa na tunay ngang tinulungan ko kayo dahil magiging kaaya-aya ang inyong bansa. Kaya, akong si Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel ay nagsasabi."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 "Ako, si Yahweh ay may ibang bagay na sasabihin sa inyo. Nagsabi kayo ng mga katakut-takot na bagay tungkol sa akin. Ngunit tumugon kayo, 'Anong katakut-takot na mga bagay ang sinabi namin tungkol sa iyo?'
|
|
\p
|
|
\v 14 Tumugon ako: Sinabi ninyong walang halaga sa inyo ang paglilingkod sa akin. Sinabi ninyong wala kayong napala sa pagsunod ninyo ng aking mga kautusan. Sinabi ninyo na wala kayong napala sa pagsisisi sa inyong mga kasalanan.
|
|
\q
|
|
\v 15 Pinagpasiyahan din ninyo na magmula ngayon, sasabihin ninyong nais kong tulungan ang mga mayayabang na tao. Iniisip ninyo na ang mga gumagawa nang masama ang yumayaman. Iniisip ninyong hindi ko pinarurusahan ang mga nagpapakasama."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Pagkatapos marinig ng mga tao ang mga mensaheng ito na dinala ko sa kanila mula kay Yahweh, pinag-usapan ng isa't isa ng taong nagpaparangal kay Yahweh ang mga bagay na ito. At nakinig si Yahweh sa kanilang mga usapan. Habang nagbabantay siya, isinulat nila sa isang balumbon ang mga bagay na magpapaalala sa kanila tungkol sa kanilang ipinangako at isinulat nila sa balumbong iyon ang mga pangalan ng mga nagpaparangal kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Sinabi ito ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel tungkol sa mga taong iyon: "Magiging mga tao ko sila. Sa araw na hahatulan ko ang mga tao, hindi ko sila parurusahan, gaya ng isang amang hindi pinarurusahan ang kaniyang anak na sumusunod sa kaniya.
|
|
\q
|
|
\v 18 Kapag nangyari iyan, makikita ninyong muli kung paano ko pakitunguhan ang mga matutuwid na tao at mga masasamang tao. Makikita ninyong magkaiba ang pakikitungo ko sa mga sumasamba sa akin at mula sa pakikitungo ko sa mga hindi sumasamba sa akin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Ito rin ang sinasabi ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel: "Darating ang panahon na hahatulan at parurusahan ko ang lahat ng tao. Kapag nangyari iyan, magiging tulad ito ng araw na sinusunog nila ang dayami sa mga bukirin. Masusunog nang lubusan ang mga taong iyon—gaya ng mga ugat at mga sanga at lahat ng nasa puno na nasusunog nang lubusan sa napakainit na apoy.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ngunit kayong mga nagpaparangal sa akin, ako, na laging kumikilos nang matuwid ay darating sa inyo at gagamutin kayo, gaya ng pagsikat ng araw sa umaga. Magagalak kayo na parang mga batang guya kapag iniwan nila ang kanilang mga kulungan upang maglaro sa bukirin.
|
|
\p
|
|
\v 3 Sa araw na hahatulan ko ang mga tao, lubos ninyong matatalo ang mga masasamang tao. Magiging parang tinapakan ninyo sila." Ito ang ipinapangako ni Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Siguraduhin ninyong susundin ninyo ang kautusang ibinigay ko kay Moises, na tapat na naglingkod sa akin. Sundin ninyo ang lahat ng mga kautusan at mga alituntuning ibinigay ko sa kaniya sa Bundok ng Sinai, para sundin ninyong lahat na mga Israelita.
|
|
\p
|
|
\v 5 Pakinggan ninyo ito: Isang araw, isusugo ko sa inyo ang propetang si Elias. Darating siya bago ang matindi at katakut-katakot na araw, kapag ako, na si Yahweh ay hahatulan at parurusahan ang lahat.
|
|
\p
|
|
\v 6 Dahil sa kaniyang ipinapangaral, muling magkakaisa ang mga magulang at ang kanilang mga anak sa pagmamahal sa isa't isa. Kung hindi iyan mangyayari, darating ako at wawasakin ang inyong bansa."
|