tl_udb/35-HAB.usfm

181 lines
13 KiB
Plaintext

\id HAB
\ide UTF-8
\h Habakuk
\toc1 Habakuk
\toc2 Habakuk
\toc3 hab
\mt Habakuk
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ito ang pag-uusap sa pagitan nina propeta Habakuk at Yahweh.
\p
\v 2 Sinabi ko, "Yahweh, hanggang kailan ako dapat humingi sa iyo ng tulong bago ka tumugon? Isinigaw ko, "Napakarahas kumilos ng mga tao!" ngunit hindi mo ako inililigtas!
\s5
\p
\v 3 Bakit mo pinapapanuod sa akin ang mga taong gumagawa ng masama, ngunit wala kang ginagawa? Nakikita ko ang mga tao na sinisira ang mga bagay at kumikilos nang mararahas. Nag-aaway at nagtatalo sila sa kahit saan.
\p
\v 4 Walang sinumang sumusunod sa katutusan ni Moises at walang sinumang kumikilos sa tamang pamamaraan sa matagal na panahon. Laging natatalo ng mga masasamang tao ang mga matutuwid na tao sa mga hukuman, dahil hindi kailanman gumagawa ng mga patas na pagpapasya ang mga hukom."
\s5
\p
\v 5 Sumagot si Yahweh sa akin, "Nangyayari ito, ngunit tingnan mo ang nangyayari sa ibang mga bansa. Kung titingnan mo, mamamangha ka at mabibigla, yamang may ginagawa ako ng sa oras na ito na hindi mo kailanman paniniwalaang mangyayari, kahit may magsabi sa iyo ng tungkol dito.
\p
\v 6 Malapit ko nang dalhin ang mga kawal ng Babilonia na malulupit at matutulin. Lalakad sila sa buong lupain at sasakupin ang maraming bansa.
\q1
\v 7 Sila ang mga taong labis na kinatatakutan ng iba at ginagawa nila ang anumang nais nila, dahil naniniwala sila na labis silang dakila at may karapatan silang hatulan ang lahat.
\s5
\p
\v 8 Mas mabilis ang mga kabayong humihila sa kanilang mga karwahe kaysa sa mga leopardo at mas mababangis sila kaysa sa mga lobo sa gabi. Mabilis ang pagtakbo ng mga kabayong sinasakyan ng mga kawal. Nanggaling sa malalayong lugar ang mga kawal na nakasakay sa kanila. Katulad sila ng mga agila na mabilis dumagit sa kanilang biktima.
\p
\v 9 Habang nakasakay sila, wala silang alinlangan na kumilos nang marahas. Masigasig silang sumulong, kasingbilis ng hangin sa disyerto at tinipon ang maraming bihag na kasing-dami ng buhangin!
\s5
\p
\v 10 Pinagtatawanan nila ang mga hari at mga prinsipe ng ibang mga bansa at kinutkuya nila ang lahat ng lungsod na may matataas na pader sa palibot ng mga ito. Nagtatambak sila ng lupa sa palibot ng lungsod na iyon upang dakipin sila.
\p
\v 11 Nagmamadali silang dumaraan na tulad ng hangin at pumunta sila upang lusubin ang ibang mga lungsod. Ngunit labis silang nagkasala dahil iniisip nila na ang sarili nilang kapangyarihan ay ang kanilang diyos!"
\s5
\q1
\v 12 Pagkatapos sinabi ko, "Yahweh, hindi ba ikaw ang walang hanggang Diyos? Ikaw ang siyang Banal, kaya hindi kami mamamatay. Kaya bakit mo ipinadala ang mga kalalakihang iyon mula sa Babilonia upang hatulan at patayin kami? Ikaw tulad ng aming Bato, sa ibabaw kung saan maaari kaming magtago, kaya bakit mo sila ipinadala upang parusahan kami?
\s5
\q1
\v 13 Ikaw ay dalisay at hindi mo kayang tiisin na tingnan ang masama, kaya bakit mo ipinagsasawalang-bahala ang mga taong mapanlinlang? Bakit wala kang ginagawa upang parusahan ang mga masasamang taong iyon na nagmula sa Babilonia na lumilipol sa mga taong mas higit na matuwid kaysa sa kanila?
\p
\v 14 Itinuturing nila kami na parang isda sa dagat o tulad ng ibang mga nilikha sa dagat na walang namumuno.
\s5
\p
\v 15 Iniisip ng mga kawal ng Babilonia na kami ay isda upang kanilang bingwitin o upang hulihin sa kanilang mga lambat, habang nagsasaya sila at nagdiriwang.
\p
\v 16 Kung mahuhuli nila kami, sasambahin nila ang kanilang mga sandata na ginamit nila upang hulihin kami, nag-aalay sila ng mga handog at nagsusunog ng insenso sa harapan ng mga ito! Sasabihin nilang, 'Ang mga sandatang ito ang naging dahilan ng ating pagyaman at makakain ng mamahaling pagkain.'
\p
\v 17 Hahayaan ba ninyong ipagpatuloy nila ang pagsakop sa mga tao magpakailanman? Hahayaan ba ninyong lipulin nila nang walang awa ang mga tao sa ibang mga bansa?"
\s5
\c 2
\p
\v 1 Pagkatapos kong sabihin iyon, sinabi ko sa aking sarili, "Aakyat ako sa puwesto na aking bantayan at tatayo sa aking toreng bantayan. Maghihintay ako doon upang malaman ang sasabihin ni Yahweh, kung ano ang kaniyang itutugon at kung paano ako sasagot."
\s5
\p
\v 2 At tumugon si Yahweh sa akin, "Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang aking ipinapahayag sa iyo sa pangitaing ito at basahin mo sa isang mensahero para itakbo niya ito upang sabihin sa ibang tao.
\q
\v 3 Sa pangitaing ito, magsasalita ako tungkol sa mga bagay na mangyayari sa hinaharap. Hindi ngayon ang panahon na mangyayari ang mga bagay na iyon, ngunit tiyak na mangyayari ang mga ito at kapag nangyari ito, mangyayari ito kaagad at hindi maaantala ang mga ito. Gusto mong mangyari kaagad ang mga ito, ngunit hindi nangyayari. Ngunit magtiyagang maghintay upang mangyari ang mga ito!
\s5
\p
\v 4 Isipin mo ang mga mapagmataas na tao! Tiyak na hindi nila ginagawa ang matuwid. Ngunit mabubuhay ang mga taong matuwid dahil tapat nilang ginagawa ang gusto kong gawin nila.
\p
\v 5 Kapag nabubuhay ang mga tao nang sobra gaya ng alak, lilinlangin nila ang kanilang mga sarili at hindi makapagpapahinga ang mga mapagmataas na mga tao. Ibinubuka ng mga sakim na tao ang kanilang mga bibig na kasinglawak ng lugar kung saan naroon ang mga patay na tao at hindi sila kailanman nasiyahan gaya na lamang ng lugar ng mga patay na hindi kailanman nagkaroon ng sapat na patay na mga tao. Sinasakop ng mga hukbo ng Babilonia ang maraming bansa para sa kanilang mga sarili at binihag ang lahat ng mga tao nito.
\s5
\p
\v 6 Ngunit darating ang panahon na hahamakin ng lahat ng kanilang mga bihag ang mga kawal ng Babilonia! Sila ay pagtatawanan nila na nagsasabing, 'Nakakatakot na mga bagay ang mangyayari sa inyo, mga taong nagnakaw ng mga bagay mula sa ibang mga bansa! Kinuha ninyo ang maraming bagay sa pamamagitan ng pagpilit ninyo sa mga tao na ibigay ang mga ito sa inyo. Ngunit tiyak na hindi ninyo maitatago ang mga bagay na iyon nang matagal!'
\q
\v 7 Biglang babangon ang mga taong hinamak ninyo at magiging dahilan ng inyong panginginig at kukunin nila ang lahat ng mga bagay na ninakaw ninyo mula sa kanila.
\p
\v 8 Nagnakaw kayo ng mga bagay mula sa mga tao sa maraming bansa. Pinatay ninyo ang mga taong mula sa iba't ibang pangkat ng mga tao at winasak ninyo ang kanilang lupain at ang kanilang mga lungsod. Kaya nanakawin ng mga nabubuhay pa ang mga mahahalagang bagay mula sa inyo.
\s5
\q
\v 9 Nakakatakot na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga tao ng Babilonia na nagtayo ng mga malalaking bahay gamit ang perang kinuha ninyo sa pamamagitan ng pagpilit ninyo sa mga tao upang ibigay nila ito sa inyo. Mapagmataas kayo at iniisip ninyo na magiging ligtas ang inyong mga bahay dahil itinayo ninyo ang mga ito sa mga lugar kung saan madali ninyo itong ipagtanggol.
\p
\v 10 Ngunit dahil winasak ninyo ang iba, nagdulot kayo ng kahihiyan sa inyong pamilya at sa inyong mga sarili!
\p
\v 11 Sisigaw ang mga bato sa mga pader ng inyong mga bahay upang paratangan kayo, gayundin ang gagawin ng mga barakilan sa inyong mga kisame!
\s5
\p
\v 12 Mga katakut-takot na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga taga-Babilonia na pumatay ng mga tao upang makapagpatayo kayo ng mga lungsod, mga lungsod na itinayo ninyo sa pamamagitan ng paggamit sa perang kinuha ninyo sa paggawa ng mga krimen.
\p
\v 13 Ngunit si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, ipinahayag niya na mawawasak sa pamamagitan ng apoy ang lahat ng bagay na itinayo ng mga taong gumagawa ng mga bagay na iyon, magpapakahirap sila sa pagtratrabaho para sa wala.
\p
\v 14 Ngunit sa kabaligtaran, katulad ng mga karagatang puno ng tubig, mapupuno ang daigdig ng mga taong nakakaalam na napakadakila ni Yahweh!
\s5
\p
\v 15 Mga katakut-takot na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga taga-Babilonia na nagdulot upang malasing ang mga taong nakatira sa mga kalapit na bansa. Pinilit ninyo silang uminom ng maraming nakakalasong alak hanggang sa malasing sila at pagkatapos, maglalakad-lakad sila nang nakahubad dahil masaya kayo na makita iyon.
\p
\v 16 Ngunit kayo ang siyang mapapahiya sa lalong madaling panahon sa halip na parangalan. Para bang pinilit kayong uminom ng maraming alak hanggang sa malasing din kayo na susuray-suray sa paligid. Iinumin ninyo ang alak na nagpapakitang parurusahan kayo ni Yahweh at siya ang dahilan upang ipahiya kayo ng ibang tao sa halip na parangalan kayo.
\s5
\p
\v 17 Gumawa kayo ng mga karahasan sa mga tao sa Lebanon at pinatay ninyo ang mga maiilap na hayop doon, ngunit parurusahan kayo nang matindi sa paggawa ng mga iyon. Pinatay ninyo ang maraming tao at winasak ninyo ang kanilang mga lupain at ang kanilang mga lungsod.
\s5
\p
\v 18 Kailangang malaman ninyong mga taga-Babilonia na ganap na walang kabuluhan ang mga diyus-diyosan dahil ang mga tao ang gumawa ng mga ito. Nililinlang kayo ng mga imahen na inukit o hinulmang mga imahe. Ang mga nagtitiwala sa mga diyus-diyosan ay nagtitiwala sa mga bagay na sila mismo ang gumawa, mga bagay na hindi nakapagsasalita!
\p
\v 19 Mga katakut-takot na mga bagay ang mangyayari sa inyo, mga taong nagsasabi sa walang buhay na diyus-diyosang gawa sa mga kahoy, 'Gumising kayo!' Tiyak na hindi sasabihin sa inyo ng mga batong diyus-diyosan kung ano ang dapat ninyong gawin, maganda silang tingnan dahil nababalutan sila ng pilak at ginto ngunit hindi sila buhay.
\q
\v 20 Ngunit nasa loob ng kaniyang banal na templo si Yahweh; dapat manahimik ang lahat ng nasa sa lupa sa kaniyang harapan!"
\s5
\c 3
\p
\v 1 Isang panalangin ni Habakuk na propeta.
\p
\v 2 Yahweh, narinig ko ang tungkol sa iyo at iginagalang kita dahil sa lahat ng kamangha-manghang mga bagay na iyong ginawa. Sa aming panahon, gawin mong muli ang ilan sa mga bagay na iyon na ginawa mo noon! Kahit na galit ka sa amin, kaawaan mo kami!
\s5
\p
\v 3 Sa isang pangitain, nakita ko ang Diyos, ang Siyang Banal, paparating mula sa rehiyon ng Teman sa Edom; nakita ko rin siyang paparating mula sa mga burol ng Paran sa rehiyon ng Sinai. Napuno ang kalangitan ng kaniyang kaluwalhatian at ang mundo ay puno ng mga taong nagpupuri sa kaniya.
\s5
\p
\v 4 Katulad ng pagsikat ng araw ang kaniyang kaluwalhatian, kumikislap ang sinag mula sa kaniyang mga kamay kung saan naroroon ang kaniyang kapangyarihan.
\p
\v 5 Nagpadala siya ng mga salot sa kaniyang harapan at dumating mula sa kaniyang likuran ang iba pang mga salot.
\s5
\p
\v 6 Nang huminto siya, nayanig ang daigdig. Nang tingnan niya ang mga bansa, nanginig ang lahat ng tao. Gumuho ang mga bundok at burol na naroon mula pa noong unang panahon. Siya lamang ang nag-iisang buhay magpakailanman!
\s5
\p
\v 7 Sa pangitain, nakita kong labis na natatakot ang mga taong nakatira sa mga tolda sa rehiyon ng Cusan at nanginginig ang mga tao sa rehiyon ng Midian.
\p
\v 8 Yahweh, dahil ba nagagalit ka sa mga ilog at mga batis kaya hinampas mo ang mga ito? Ang mga karagatan ba ang nagpagalit nang labis sa iyo, bilang resulta, sumakay ka sa pamamagitan nila na may mga kabayong humihila sa mga karwahe na ginamit mo upang magtagumpay ang iyong layunin?
\s5
\p
\v 9 Para bang inilabas mo ang iyong pana at naghanda ka upang ipana ito at hinawakan ang mga palaso upang ilagay sa iyong pana. Pagkatapos, hinati mo ang daigdig at lumabas ang mga batis.
\p
\v 10 Para bang nakita ka ng mga bundok na ginagawa mo iyon, at nanginig sila sa sakit. Rumagasa ang tubig baha, para bang dumagundong ang malalim na karagatan at pinataas nito ang mga alon.
\s5
\p
\v 11 Huminto sa paggalaw ang araw at buwan sa kalangitan, habang dumaan ang kislap ng iyong kidlat tulad ng isang mabilis na palaso at ang iyong kumikinang na sibat ay kumislap.
\p
\v 12 Sa labis na pagkagalit, naglakad ka sa ibayo ng daigdig at tinapakan ang mga hukbo ng maraming bansa!
\s5
\p
\v 13 Ngunit pumunta ka rin upang sagipin ang iyong mga tao at upang iligtas ang iyong mga pinili. Dinurog mo ang pinuno ng mga masasamang taong iyon at pinugutan siya kaya ang tuod ng leeg na lamang ang naroon!
\s5
\p
\v 14 Nilipol mo sa kaniyang sariling sibat ang pinuno ng mga kawal na nagmamadaling gaya ng ipu-ipo upang lusubin at ikalat tayo, iniisip nilang kaya nila tayong sakupin gaya ng madali nilang pagtalo sa mga mahihinang tao na nagtatago sa kanila.
\q
\v 15 Naglakad ka sa dagat sa pamamagitan ng iyong mga kabayo upang wasakin ang iyong mga kaaway at pinalakas ang alon.
\s5
\p
\v 16 Nang makita ko ang pangitaing iyon, kumabog ang aking puso at nangatal ang aking bibig dahil natakot ako. Nanghina ang aking mga binti at nanginig ako dahil ako ay nasindak. Ngunit tahimik akong maghihintay para sa mga tao ng Babilonia, sa mga sumakop sa ating bansa upang maranasan nila ang mga sakuna!
\s5
\p
\v 17 Kaya, kahit na walang mga bulaklak sa mga puno ng igos at walang mga bunga ng ubas sa mga puno ng ubas, kahit wala ring lumalaking bunga ng olibo sa mga puno ng olibo at walang ng mga ani sa mga bukid, kahit na mamatay ang mga kawan ng tupa at kambing sa mga bukid at wala ng mga baka sa kulungan,
\s5
\q
\v 18 magagalak ako dahil kay Yahweh! Magagalak ako dahil ang aking Diyos ay siyang nagliligtas sa akin!
\q
\v 19 Si Yahweh na Panginoon ang siyang nagbibigay sa akin ng kalakasan at binibigyan niya ako ng kakayahan upang makaakyat ako nang matiwasay gaya ng ginagawa ng usa. (Ang mensaheng ito ay para sa direktor ng mang-aawit. Kapag inawit ang panalanging ito, sasamahan ito ng mga taong tumutugtog ng mga instrumentong may kuwerdas.)