forked from WA-Catalog/tl_udb
155 lines
12 KiB
Plaintext
155 lines
12 KiB
Plaintext
\id NAM
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Nahum
|
|
\toc1 Nahum
|
|
\toc2 Nahum
|
|
\toc3 nam
|
|
\mt Nahum
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako si Nahum na nagmula sa nayon ng Elcos. Isa itong mensahe tungkol sa lungsod ng Ninive, isang mensahe na ibinigay sa akin ni Yahweh sa isang pangitain.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Hindi pinahihintulutan ni Yahweh na ating Panginoon na may ibang diyos maliban sa kaniya. Galit na galit siya sa mga sumasamba sa ibang mga diyos at patuloy siyang magagalit sa kaniyang mga kaaway.
|
|
\p
|
|
\v 3 Hindi madaling magalit si Yahweh, ngunit siya ay lubos na makapangyarihan at hindi niya kailanman sasabihin na walang sala ang kaniyang mga kaaway. Saan man siya lalakad, may mga ipu-ipo at mga bagyo at ang mga ulap ay parang mga alabok na sinisipa ng kaniyang mga paa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Kapag inuutusan niyang matuyo ang mga karagatan at mga ilog, natutuyo ang mga ito. Nilalanta niya ang mga damo sa mga parang sa rehiyon ng Bashan at sa mga libis ng Bundok Carmel at unti-unti niyang winawala ang mga bulaklak sa Lebanon.
|
|
\p
|
|
\v 5 Kapag nagpapakita siya, para bang nayayanig ang mga bundok at gumuguho ang mga burol, lumilindol ang lupa at nanginginig ang mga tao sa lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Wala kahit sino ang makakapigil sa kaniya kapag lubha siyang nagalit, wala kahit isa ang makakaligtas kapag napakatindi ang kaniyang galit. Kapag labis siyang nagalit, para bang nagliliyab na apoy at para bang nadudurog ang mga bundok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 7 Ngunit siya ay mabuti, pinangangalagaan niya tayo na kaniyang mga tao kapag dumaranas tayo ng mga kaguluhan. Inaalagaan niya ang mga nagtitiwala sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 8 Ngunit pupuksain niya ang kaniyang mga kaaway. Pupuksain niya sila na parang baha na sinisira ang lahat. Hahabulin niya ang kaniyang mga kaaway hanggang sa kadiliman na kinaroroonan ng mga patay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya walang kabuluhan ito para sa inyo na mga tao ng Ninive na magsabuwatan laban kay Yahweh. Hindi niya kayo kailangang hampasin ng dalawang beses upang kayo ay sirain, sisirain niya kayo sa paghampas niya sa inyo ng isang beses lamang.
|
|
\p
|
|
\v 10 Para bang mga sala-salabat na tinik ang kaniyang mga kaaway at pasuray-suray sila na parang mga taong lasing. Sila ay susunugin na para bang mga tuyong dayami.
|
|
\p
|
|
\v 11 May isang tao sa Ninive na nagpayo sa mga tao na gawin ang napakasamang mga bagay laban kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 12 Ngunit ito ang sinasabi ni Yahweh sa inyong mga Israelita: "Kahit na ang mga tao ng Asiria ay may napakaraming tao at napakalakas ang kanilang hukbo, mawawasak sila at maglalaho. Sinabi ko sa aking mga tao sa Juda, pinarusahan ko na kayo, ngunit hindi ko na kayo muling parurusahan pa.
|
|
\q1
|
|
\v 13 Ngayon wawakasan ko ang pang-aalipin sa inyo ng mga tao ng Asiria, na parang bang lalagutin ko ang mga tanikala sa inyong mga kamay at mga paa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 At ito rin ang ipinapahayag ni Yahweh tungkol sa inyong mga taga-Ninive: "Hindi kayo magkakaroon ng anumang mga kaapu-apuhan na magdadala ng mga pangalan ng inyong pamilya. At wawasakin ko ang lahat ng rebulto ng inyong mga diyos na inukit man o hinulma. Ipapapatay ko kayo at ihahatid sa inyong mga libingan dahil kayo ay marumi!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Kayong mga tao ng Juda. Tingnan ninyo! Darating ang isang mensahero sa kabila ng mga bundok at magdadala siya ng magandang balita sa inyo. Ipapahayag niya na mayroon na kayong kapayapaan. Kaya ipagdiwang ninyo ang inyong mga kapistahan at gawin ang mataimtim ninyong ipinangakong gawin nang binabantaan kayo ng inyong mga kaaway na kayo ay lulusubin, dahil hindi na muling sasakupin ng inyong mga masasamang kaaway ang inyong bansa, dahil mawawasak sila nang lubusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Kayong mga tao ng Ninive, paparating ang inyong mga kaaway upang lusubin kayo. Kaya maglagay kayo ng mga bantay sa mga tuktok ng mga pader sa palibot ng lungsod! Bantayan ninyo ang mga kalye hanggang sa lungsod! Humanda kayo sa pakikipaglaban! Tipunin ninyong magkakasama ang inyong mga hukbo!
|
|
\p
|
|
\v 2 Kahit na sinira ng inyong mga kawal ang mga kaapu-apuhan ni Jacob, pararangalan muli sila ni Yahweh sa pamamagitan ng ibang mga bansa. Winasak ng mga mananakop na nagmula sa inyong bansa ang Israel gaya ng mga kaaway na kayang bunutin ang isang ubasan, ngunit muling sasagana ang Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Kikinang nang mapula habang naaarawan ang mga kalasag ng mga kawal ng kaaway na paparating upang lusubin kayo. At magsusuot sila ng matingkad na pulang mga uniporme. Kikislap ang metal ng mga gulong ng kanilang karwahe kapag humanay sila sa harap ng labanan, at itataas ng kanilang mga kawal ang kanilang sibat na gawa sa saypres at iwawagayway ang mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 4 Humahagibis ang kanilang mga karwahe sa mga lansangan ng Ninive at tumatakbo nang mabilis hanggang sa mga liwasan. Kasimbilis ng kidlat at para itong mga nag-aapoy na sulo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Tatawagin ng kanilang hari ang kaniyang mga opisyal na pupunta nang mabilis na sila ay matitisod. Magmamadali sila upang lusubin ang pader ng lungsod. Ihahanda nila ang napakalaking kalasag na yari sa kahoy upang pangalagaan ang mga lumulusob na mga kawal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Pipiliting buksan ng mga kawal ng kaaway ang mga tarangkahan ng lungsod sa mga ilog at guguho ang palasyo.
|
|
\q
|
|
\v 7 Huhubaran ng damit ang reyna ng mga kalabang kawal at dadaing ang kaniyang mga babaeng alipin tulad ng mga kalapati at dadagukan ang kanilang mga dibdib upang ipakita na sila ay lubhang malungkot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Mabilis na tatakas ang mga tao mula sa Ninive tulad ng pagdaloy ng tubig mula sa isang nabasag na dam. Sisigaw ang mga opisyal, "Tigil! Tumigil kayo!" ngunit hindi lilingon man lamang ang mga tao habang tumatakas sila.
|
|
\q
|
|
\v 9 Sasabihin ng mga manlulusob na kaaway sa isa't isa, "Samsamin ang pilak! Kunin ang ginto! May isang malaking halaga ng napakamahalagang bagay sa lungsod, higit na mahalagang bagay kaysa sa maaaring bilangin ng sinuman!"
|
|
\p
|
|
\v 10 Hindi magtatagal masasamsam o mawawasak ang lahat ng mahalagang bagay sa lungsod. Manginginig ang mga tao, na ang resulta ay hindi sila makakalaban. Mamumutla lahat ang kanilang mukha sa takot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Pagkatapos na mangyari iyon, sasabihin ng mga tao, "Anong nangyari sa dakilang lungsod na iyon ng Ninive? Para itong isang lungga na puno ng mga batang leon, kung saan nakatira ang lalaki at babaeng mga leon at pinapakain ang mga batang leon, kung saan wala silang kinakatakutan.
|
|
\p
|
|
\v 12 Ang mga kawal sa Ninive ay tulad ng mga leon na pumapatay at lumalapa ng ibang mga hayop at dinadala ang karne sa kanilang mga lungga."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Si Yahweh na Pinuno ng mga hukbo ng mga anghel ay sinasabi sa mga tao ng Ninive, "Ako ang inyong kaaway. Susunugin ko sa apoy ang inyong mga karwahe at tataas sa usok. Papatayin ang inyong mga binata sa pamamagitan ng mga espada. Paglalahuin ko lahat ng mahahalagang bagay na kanilang ninakaw mula sa ibang mga bansa. Hindi na magdadala ng mga mensahe ang inyong mga mensahero sa ibang mga bansa na nag-uutos na sumuko sa kanila ang kanilang mga hukbo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Katakut-takot na mga bagay ang mangyayari sa Ninive, ang lungsod na iyon na puno ng mga taong pumapatay, nagnanakaw at sinungaling. Ang lungsod ay puno ng mga taong binihag ng mga kawal mula sa iba't ibang bansa.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ngunit ngayon pakinggan ang mga kawal ng kaaway na paparating upang lusubin ang Ninive. Pakinggan ang lumalagutok nilang mga latigo at pakinggan ang pagkalampag ng mga gulong ng kanilang karwahe! Pakinggan ang kanilang humahagibis na mga kabayo at kanilang rumaragasang mga karwahe!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Tingnan ninyo ang kanilang mga kumikislap na mga espada at kumikinang na mga sibat habang sumusugod ang mga mangangabayo! Maraming tao ng Ninive ang mapapatay, magkakaroon ng mga tumpok ng mga bangkay, kaya marami sa mga manlulusob ang matitisod sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 4 Lahat iyon ay mangyayari dahil ang Ninive ay tulad ng isang magandang babaeng nagbebenta ng aliw na tinutukso ang mga lalaki sa kung saan sila ay mawawasak. Ang Ninive ay isang magandang lungsod na nang-akit ng mga tao ng mga ibang bansa na pumunta roon. Tinuturuan ng mga taga-Ninive ang mga tao ng mga ibang bansa ng mga ritwal ng pagsasalamangka at inaalipin sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Kaya sinasabi ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, sa mga tao ng Ninive: "Ako ang inyong kaaway at hahayaan kong makita kayo ng ibang mga bansa na lubusang mapahiya gaya ng mga babaeng nangalunya na napahiya sa pagkakataas ng kanilang mga palda, na ang resulta ay makikita ng mga tao ang kanilang mga hubad na katawan.
|
|
\p
|
|
\v 6 Tatapunan ko kayo ng basura sa pamamagitan ng ibang tao. Ipapakita ko sa iba na hinahamak ko kayo nang labis at hahayaan kong laitin kayo ng lahat sa publiko.
|
|
\p
|
|
\v 7 Lahat ng makakakita sa inyo ay tatalikuran kayo at sasabihin, 'Nawasak ang Ninive, ngunit lubos na walang tatangis para dito.' Ninive, wala ni isa ang gustong umaliw sa iyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Tiyak na hindi ligtas ang inyong lungsod kaysa sa lungsod ng Tebes noon. Ang Tebes ay isang mahalagang lungsod sa tabi ng ilog Nilo, ang ilog ay parang isang pader na nakapalibot sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 9 Tinulungan ng mga pinuno ng Etiopia at Egipto ang Tebes na walang limitasyon sa kanilang kapangyarihan. Kaanib rin ng Tebes ang mga pamahalaan ng mga kalapit na bansa ng Put at Libya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Gayon pa man, nasakop ang Tebes at nabihag ang mga tao nito. Ang kanilang mga anak ay dinurog sa mga lansangan ng Lungsod. Nagpalabunutan ang mga kawal ng kaaway upang magpasya kung sino ang kukuha ng bawat opisyal sa Tebes upang maging kaniyang alipin. Lahat ng mga pinuno ng Tebes ay ginapos pamamagitan ng mga tanikala.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kayong mga taga-Ninive ay mahihilo din at malalasing at maghahanap kayo ng mga lugar na pagtataguan upang makatakas mula sa inyong mga kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Gigibain ng inyong mga kaaway ang mga pader sa palibot ng inyong lungsod tulad ng unang bunga ng mga igos na mahuhulog sa inyong mga bibig kapag niyugyog ninyo ang puno nito. Ganito kadaling masakop ang inyong lungsod.
|
|
\p
|
|
\v 13 Tingnan ninyo ang inyong mga kawal! Matutulad sila sa mahihinang babae! Maluwang na mabubuksan ang mga tarangkahan ng inyong lungsod upang pahintulutan na pumasok ang inyong mga kaaway sa mga ito at susunugin ang mga baras ng mga tarangkahang iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Mag-imbak na kayo ng tubig ngayon upang gamitin kapag napalibutan ng inyong mga kaaway ang lungsod! Ayusin ninyo ang mga kuta! Maghukay kayo ng malagkit na lupa at tapak-tapakan ito upang lumambot at hulmahin upang makagawa ng ladrilyo na pang-ayos sa mga pader!
|
|
\q
|
|
\v 15 Gayon pa man, susunugin ng inyong mga kaaway ang inyong lungsod. Papatayin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang mga espada. Papatayin nila kayo tulad ng mga balang na naninira ng mga pananim. Mauna kayo at paramihin ang inyong populasyon tulad ng mga dumapong mga balang at mga tipaklong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Mayroong napakaraming mangangalakal sa inyong lungsod ngayon, mas marami kaysa mga bituin. Ngunit kapag nawasak ang inyong lungsod, kukunin ng mga mangangalakal na iyon ang mga mahahalagang bagay at maglalahong tulad ng mga balang na sinimot ang mga dahon mula sa mga halaman at pagkatapos ay nagsisiliparan.
|
|
\p
|
|
\v 17 Tulad ng mga dumapong balang na nagsisiksikan sa mga bakod sa malamig na panahon ang inyong mga pinuno at pagkatapos ay nagsisiliparan kapag sumikat ang araw at walang nakakaalam kung saan sila pumunta.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 18 Hari ng Asiria, mamamatay lahat ang iyong opisyal, mamamahinga magpakailanman ang iyong mahahalagang mga tao. Kakalat sa mga kabundukan ang iyong mga tao at walang sinuman ang titipon sa kanila.
|
|
\q
|
|
\v 19 Tulad ka ng isang taong may mga sugat na hindi gumagaling. Isa itong sugat na magdudulot sa kaniya ng pagkamatay. At papalakpak ang lahat na makakarinig kung ano ang nangyari sa iyo. Sasabihin nila, "Nagdurusa ang lahat dahil patuloy siyang gumagawa nang napakalupit sa atin."
|