forked from WA-Catalog/tl_udb
327 lines
26 KiB
Plaintext
327 lines
26 KiB
Plaintext
\id MIC
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Mikas
|
|
\toc1 Mikas
|
|
\toc2 Mikas
|
|
\toc3 mic
|
|
\mt Mikas
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ibinigay ni Yahweh kay Mikas, na mula sa Moreset sa Juda, ang mga mensaheng ito sa pangitain tungkol sa Samaria at Jerusalem nang panahong sina Jotam, Ahaz, at Hezekias ang mga hari ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Kayong mga tao sa lahat ng dako sa daigdig, pakinggan ninyo ito. Inaakusahan kayo ni Yahweh na ating Diyos mula sa kaniyang banal na templo sa langit.
|
|
\p
|
|
\v 3 Bababa siya mula sa langit at maglalakad sa mga lugar kung saan kayo sumasamba sa mga diyus-diyosan.
|
|
\p
|
|
\v 4 Ito ay parang mga bundok na matutunaw sa ilalim ng kaniyang mga paa gaya ng waks na natutunaw sa harap ng apoy at gaya ng tubig na naglalaho kapag bumubuhos ito sa isang lambak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Mangyayari ang mga bagay na iyon dahil sa mga kakila-kilabot na kasalanang ginawa ng mga Israelita, na mga kaapu-apuhan ni Jacob. Ngunit ang mga tao sa lungsod ng Samaria ang nanghikayat sa lahat ng Israelita upang magkasala. At dahil ito sa mga taga-Jerusalem na nagtayo ng mga altar upang sambahin ang kanilang mga diyos kaya inakala ng ibang mga taga-Juda na kailangan rin nilang sumamba sa mga diyus-diyosan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ito ang sinasabi ni Yahweh: "Gagawin kong bunton ng mga durog na bato ang Samaria. Magiging isa lamang itong bukirin para sa pagtatanim ng mga ubas. Pagugulungin ko sa lambak ang mga bato ng mga gusaling ito. Gigibain ko ang mga gusali hanggang sa pundasyon ng mga ito.
|
|
\q1
|
|
\v 7 Ipadudurog ko sa iba ang mga diyus-diyosan sa Samaria. Susunugin ang mga kaloob na ibinigay sa mga babaeng sa mga templo ng kanilang mga diyus-diyosan. Dahil doon binabayaran ng mga tao ang mga babaeng nagbebenta ng aliw, kukunin ng kanilang mga kaaway ang mga diyus-diyosang iyon at ibebenta ang mga ito upang ibayad sa mga babaeng nagbebenta ng aliw sa ibang mga bansa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Dahil mawawasak ang Samaria, iiyak ako at tatangis. Lalakad ako ng nakapaa at nakahubad. Aalulong ako gaya ng isang asong gubat at sisigaw nang matinis gaya ng isang kuwago.
|
|
\p
|
|
\v 9 Mananaghoy ako dahil lubusang mawawasak ang Samaria, walang makapagliligtas sa lungsod na iyon. Ngunit gayon din ang mangyayari sa Juda. Na parang narating na ng kaaway na hukbo ang tarangkahan ng lungsod ng Jerusalem, ang pangunahing lungsod kung saan naninirahan ang aking mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 10 Huwag ninyo itong sabihin sa ating mga kaaway sa lungsod ng Gat sa Filistia! Huwag kayong umiyak kung hindi, malalaman ng mga tao roon kung ano ang nangyayari. Sa halip, maglupasay na lang kayo sa lupa sa Beth-Leafra.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Kayong mga taong naninirahan sa Safir, dadalhin kayo sa ibang bansa na nakahubad at kahiya-hiya. Kayong mga taga-Bethezel, dapat kayong magluksa dahil walang sinuman mula sa Zaanan ang lalabas upang tulungan kayo.
|
|
\q1
|
|
\v 12 Balisang naghihintay ang mga taga-Marot para sa mga mabubuting bagay na mangyayari sa kanila. Ngunit gagawa ako ng mga bagay na kakila-kilabot sa kanila at malapit nang mangyari ang mga ito sa mga tarangkahan ng Jerusalem."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 13 Kayong mga tao sa lungsod ng Laquis, itali ninyo ang inyong mga kabayo upang hilahin ang inyong mga karwahe kung saan sasakay kayo upang tumakas mula sa inyong mga kaaway. Naghimagsik ang mga Israelita laban kay Yahweh at ginaya ninyo sila, at iyon ang naging dahilan upang magsimulang magkasala rin ang mga taga-Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 14 Kayong mga taga-Juda, magpadala kayo ng kaloob ng pamamaalam sa mga taga-Moreset, dahil malapit na itong wasakin ng kanilang mga kaaway. Malapit ng malaman ng mga hari ng Israel na bibiguin sila ng mga tao sa bayan ng Aczib.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Kayong mga taga-Maresa, malapit ng magpadala si Yahweh ng taong sasakop sa inyong bayan. Kakailanganin para sa mga dakilang pinuno ng Israel ang umalis at magtago sa kuweba na malapit sa Adullam.
|
|
\p
|
|
\v 16 Kayong mga taga-Juda, ahitan ninyo ang inyong mga ulo at magluksa, dahil malapit ng dalhin ng sapilitan ang inyong mga minamahal na anak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Kakila-kilabot ang mangyayari sa inyong mga gising sa gabi at nagbabalak gumawa ng mga bagay na masama. At bumabangon kayo sa madaling araw, at ginagawa ninyo ang mga bagay na iyon habang may kakayahan kayong gawin ang mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 2 Gusto ninyo ang mga bukirin na pag-aari ng ibang mga tao, kaya inaangkin ninyo ang mga ito. Kinukuha rin ninyo ang kanilang mga tirahan. Dinaraya ninyo ang mga tao upang kunin ang kanilang mga tahanan, kinukuha ninyo ang mga ari-arian na pag-aari ng kanilang mga pamilya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Kaya, ito ang sinasabi ni Yahweh, "Pahihintulutan ko kayong mga Israelita na dumanas ng mga sakuna at hindi kayo makakatakas sa mga ito. Hindi na kayo makakalakad nang may pagmamataas dahil kapag nangyari iyon, magiging panahon ito ng labis na kaguluhan para sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 4 Sa panahong iyon, kayong mayayaman ay pagtatawanan kayo ng inyong mga kaaway, kukutyain nila kayo sa pamamagitan ng pag-awit nitong malungkot na awitin tungkol sa inyo, 'Kaming mga Israelita ay ganap na nawasak; kinukuha sa amin ni Yahweh ang aming lupain at ibibigay ito sa mga sumakop sa amin.'"
|
|
\p
|
|
\v 5 Kaya kapag panahon na upang ibalik ang lupain sa inyong mga taong nabibilang kay Yahweh, wala ni isa mang mabubuhay sa inyo na mga mayayamang pamilya upang muling makuha ang anuman sa lupaing iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ang mga taong nakarinig sa sinabi kong iyon ay tumugon sa akin, "Huwag kayong magpropesiya ng ganitong mga bagay! Huwag ninyong sabihing ipapahiya tayo ni Yahweh sa pamamagitan ng pagpahintulot niya na makaranas tayo ng mga sakuna!"
|
|
\q
|
|
\v 7 Ngunit kayong mga tao ay nagsasalita ng ganito! Sinasabi ninyo na hindi kailanman magagalit si Yahweh at hindi niya talaga tayo parurusahan." Siyempre, tiyak na makakatulong ang sinasabi ko sa mga namumuhay sa matuwid na daan.
|
|
\p
|
|
\v 8 Ngunit sinabi ni Yahweh, "Kamakailan lamang, ang aking mga tao ay naghimagsik sa akin tulad ng isang kaaway. Kayong mga mayayamang tao ay tumanggi na ibalik ang mga kasuotan ng mga umutang sa inyo ng pera, ang mga kasuotan na ibinigay nila sa inyo upang maipangako na babayaran nila ang kanilang mga utang. Kinukuha ninyo ang kanilang mga kasuotan nang walang pasabi, binibigla ninyo sila gaya ng mga kawal na pauwi galing sa digmaan na mabibigla sa pagsalakay sa halip na ligtas sa tahanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 9 Pinilit ninyo ang mga babae na lisanin ang kanilang mga masasayang tahanan at inyong ninakaw mula sa kanilang mga anak magpakailanman ang mga pagpapala na nais kong ibigay sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kaya tumayo at umalis kayo rito! Hindi ito isang lugar kung saan maaari kayong mamahinga at maging ligtas dahil dinungisan ninyo ito. Titiyakin kong ganap itong mawawasak.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kayong mga tao, ang gusto ninyo ay isang propeta na magsisinungaling sa inyo at magsasabi, 'Mangangaral ako na dapat uminom kayo ng saganang alak at iba pang nakalalasing na mga inumin!' Ganito ang uri ng propeta na magpapasiya sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 "Ngunit balang araw, kayong mga kaapu-apuhan ni Jacob, ibabalik ko ang mga Israelitang nakaligtas mula sa pagkabihag. Titipunin ko kayong lahat tulad ng isang pastol na tinitipon ang kaniyang mga tupa sa isang kulungan at dadami kayo sa inyong lupain.
|
|
\p
|
|
\v 13 Tutulungan sila ng inyong pinuno na iwanan ang mga bansa kung saan sila sapilitang dinala, pangungunahan niya sila na makalabas sa mga tarangkahan ng mga lungsod ng kanilang mga kaaway, pabalik sa inyong sariling bansa. Pangungunahan sila ng inyong hari, Ako ito, si Yahweh, ang siyang magiging hari nila!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 At sinabi ko, "Kayong mga pinuno ng mga Israelita, makinig sa sasabihin ko! Dapat tiyak na alam ninyo kung ano ang mga bagay na tamang gawin at kung ano ang mga bagay na mali,
|
|
\p
|
|
\v 2 ngunit kinapopootan ninyo ang mabuti at iniibig ang masama. Kumikilos kayo tulad ng mga nangangatay ng hayop, para ninyong binabalatan ang aking mga tao at tinatanggal ang laman mula sa kanilang mga buto.
|
|
\p
|
|
\v 3 Para ninyo silang tinatadtad tulad ng karneng iluluto sa isang palayok.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 At kapag dumaranas kayo ng mga kaguluhan, nakikiusap kayo kay Yahweh na kayo ay tulungan niya, ngunit hindi niya kayo sasagutin. Sa panahong iyon, tatalikuran niya kayo dahil sa mga masasamang bagay na inyong nagawa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa inyong mga bulaang propeta na nanlilinlang sa mga tao, "Kung ang isang tao ay magbibigay ng pagkain, sinasabi ng mga propetang ito na magiging masagana siya. Ngunit ipinapahayag nila na parurusahan ko ang sinumang hindi magbibigay sa kanila ng pagkain.
|
|
\p
|
|
\v 6 Kaya ngayon, para itong gabi na sasapit sa inyo na mga propeta, hindi na kayo makatatanggap ng anumang mga pangitain. Parang bang lulubog ang araw para sa inyo, ang panahon na labis kayong pinarangalan ay magwawakas.
|
|
\p
|
|
\v 7 At mapapahiya kayong mga manghuhula, tatakpan ninyo ang inyong mga mukha dahil mapapahiya kayo, dahil kapag tatanungin ninyo ako kung ano ang magyayari, hindi ako sasagot."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Ngunit para sa akin, puno ako ng kapangyarihan ng Diyos, kapangyarihang mula sa Espiritu ni Yahweh. Matuwid ako at malakas at ipinapahayag ko sa mga Israelita na nagkasala sila at naghimagsik laban kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Pakinggan ninyo ito, kayong mga pinuno ng mga Israelita: Namumuhi kayo kapag ginagawa ng mga tao kung ano ang matuwid at kapag sinasabi ng mga tao ang totoo, sinasabi ninyo na mali ito.
|
|
\p
|
|
\v 10 Para kayong nagtatayo ng mga tahanan sa Jerusalem sa mga pundasyon na binubuo ng pagpatay sa mga tao at paggawa ng masama.
|
|
\p
|
|
\v 11 May kinikilingan ang pagpapasya ng inyong mga pinuno kung makakatanggap lamang sila ng mga suhol. Nagtuturo lamang ang inyong mga pari kung magbabayad ng maayos ang mga taong iyon. Inaatasan ng inyong mga bulaang propeta ang mga tao na bayaran sila upang sabihin sa mga tao ang mangyayari sa kanila sa hinaharap. Sinasabi ng mga propetang iyon, "Sinasabi sa amin ni Yahweh ang dapat naming sabihin at sinasabi namin na hindi tayo makararanas ng anumang sakuna."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Dahil sa ginagawa ninyong mga pinuno, aararuhin ang bundok ng Sion tulad ng isang bukid at magiging bunton ito ng mga gumuhong bato. Matatakpan ng mga punong kahoy ang ibabaw ng burol kung saan nakatayo ang templo ngayon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinasabi ni Yahweh na balang araw, magiging nasa tuktok ng bundok ang kaniyang templo at magiging pinakamahalaga ang bundok na iyon sa lahat ng bundok sa lupa; magiging mas mataas ito sa lahat ng mga burol at pupunta roon ang mga malalaking grupo ng mga tao mula sa buong mundo upang sumamba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Sasabihin ng mga tao sa isa't isa mula sa maraming bansa, "Pumunta tayo sa bundok kung saan naroon si Yahweh, sa templo kung saan maaari nating sambahin ang Diyos na sinamba ni Jacob. Doon, tuturuan niya tayo kung paano tayo mamuhay ayon sa kaniyang kagustuhan at gagawin natin ang gusto niyang ipagawa sa atin." Ang bundok ng Zion ang lugar kung saan niya tuturuan ang mga tao; at lalabas ang mga tao mula sa Jerusalem upang sabihin sa iba ang kaniyang mga mensahe.
|
|
\p
|
|
\v 3 Pagkakasunduin ni Yahweh ang mga alitan sa pagitan ng maraming magkakaibang tao at mga grupo na naglalaban-laban sa isa't isa at pagkakasunduin din niya ang mga alitan sa pagitan ng mga makapangyarihang bansa na nasa malayo. At pupukpukin ng mga tao ang kanilang mga espada upang maging mga talim ng araro at ang kanilang mga sibat upang maging mga kutsilyong pamutol. Ang mga hukbo ng mga bansa ay hindi na makikipaglaban sa mga hukbo ng iba pang mga bansa at hindi na nila sasanayin ang mga kalalakihan kung paano makipaglaban sa mga digmaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Uupo nang matiwasay ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang mga sariling ubasan at sa ilalim ng kaniyang mga sariling puno ng igos; at walang sinuman ang makapagbibigay ng takot sa kanila. Tiyak na iyon ang mangyayari dahil sinabi ito ni Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel.
|
|
\p
|
|
\v 5 Marami sa mga tao ng ibang mga bansa ang sasamba sa kanilang mga diyos, ngunit sasambambahin namin si Yahweh na aming Diyos magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Sinasabi ni Yawheh, "Darating ang panahong titipunin ko ang mga taong pinarusahan ko, mga ipinatapon ko, at ang lahat ng mga pinahirapan ko nang labis.
|
|
\p
|
|
\v 7 Muling magiging isang matatag na bansa ang aking mga taong hindi namatay sa pagkakatapon. At ako, si Yahweh, ang kanilang magiging hari at mamumuno ako mula sa Jerusalem magpakailanman.
|
|
\p
|
|
\v 8 At para sa inyong mga taga-Jerusalem, kayo na mga nagbabantay sa lahat ng aking mga tao katulad ng pagbabantay ng pastol sa kaniyang mga tupa mula sa tore, muli kayong magkakaroon ng kapangyarihan kayong mga nakatira sa Bundok ng Zion. Kayong mga tao na nakatira sa Jerusalem, muli kayong mamumuno na tulad ng ginawa ninyo noong una.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kaya bakit kayo tumatangis ngayon? Dahil ba ito sa wala kayong hari? Namatay na ba ang lahat ng inyong matatalinong tao? Umiiyak kayo nang malakas tulad ng isang babaeng nagsisilang ng isang sanggol.
|
|
\p
|
|
\v 10 Mabuti, kayong mga tao ng Jerusalem ay dapat mamilipit at dumaing kagaya ng babaing nanganganak, dahil ngayon kailangan ninyong lisanin ang lungsod na ito. Habang naglalakbay kayo, magtatayo kayo ng mga tolda sa mga parang sa gabi; at maninirahan kayo sa Babilonia. Ngunit habang naroon kayo, Akong si Yahweh, ang magliligtas sa inyo; palalayain ko kayo mula sa kapangyarihan ng inyong mga kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Ngayon, nagsitipon ang mga hukbo ng maraming bansa upang lusubin kayo. Sinasabi nila, "Dapat na mawasak ang Jerusalem! Nais naming makita ang lungsod na ito na maging lungsod ng pagkawasak!'"
|
|
\p
|
|
\v 12 Sinabi ng propeta, hindi nila nalalaman ang iniisip ni Yahweh at hindi nila nauunawaan ang kaniyang binabalak. Titipunin niya sila at parurusahan na gaya ng pag-giik ng mga magsasaka ng butil sa lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Sinasabi ni Yahweh, "Kaya, kayong mga taga-Jerusalem, tumindig kayo at parusahan ang mga bansang kumakalaban sa inyo. Palalakasin ko kayo na parang mayroon kayong mga sungay na gawa sa bakal, na parang mayroon kayong mga kuko na gawa sa tanso; at dudurugin ninyo ang maraming bansa. At kukunin ninyo mula sa inyong mga kaaway ang lahat ng mga kayamanang kinuha nila sa iba pang mga bansa at ihahandog ninyo ang mga bagay na iyon sa akin, ang siyang Panginoon ng lahat ng mga tao sa mundo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Kayong mga taga-Jerusalem, tipunin at pagkaisahin ang inyong mga pangkat. Kahit mayroong pader sa palibot ng inyong lungsod upang protektahan ito, ang mga kawal ng inyong kalaban ay nakapalibot sa inyong lungsod. Hindi magtatagal hahampasin nila ang mukha ng inyong pinuno ng isang pamalo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Ngunit kayong mga tao ng Bethlehem sa distrito ng Efrata, kahit na pinakamaliit ang inyong bayan sa lahat ng bayan ng Juda, may isang mamumuno sa Israel ang isisilang sa inyong bayan. Isang tao na ang kaniyang pamilya ay nabuhay matagal ng panahon ang nakalipas.
|
|
\q
|
|
\v 3 Ngayon pahihintulutan ng Diyos ang inyong mga kaaway na sakupin kayo, kayong mga Israelita, ngunit pansamantala lamang ito, kagaya ng pansamantalang labis na sakit na nararamdaman ng mga babae habang isinisilang ang kanilang mga sanggol. Pagkatapos nito, babalik sa kani-kanilang bansa ang mga kapwa kababayan ninyo na ipinatapon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 4 At ang lalaking ito na mamumuno doon sa Jerusalem ay tatayo at pangungunahan niya nang mahusay ang kaniyang mga tao dahil ang Diyos niyang si Yahweh ang magbibigay ng lakas sa kaniya at dakilang karangalan. At maninirahan ang mga tao na kaniyang pinamumunuan sa Jerusalem nang ligtas. Labis siyang pararangalan ng mga tao sa lahat ng dako ng mundo kaya walang sinumang magbabalak na lusubin ang Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 5 At gagawin niya ang mga bagay na mabuti para sa kaniyang mga tao. Kapag lulusubin ng hukbo ng mga taga-Asiria ang ating bansa at sirain ang ating mga tanggulan, magtatalaga tayo ng pito o walong mga pinuno upang pamunuan ang ating hukbo upang labanan sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Sa pamamagitan ng kanilang mga espada, tatalunin ng ating hukbo ang hukbo ng Asiria, na ang kabisera ay itinatag ni Nimrod matagal ng panahon ang nakalipas. Kaya ililigtas tayo ng ating mga hukbo mula sa hukbo ng Asiria kapag lulusubin nila ang ating bansa.
|
|
\p
|
|
\v 7 Magiging pagpapala sa ibang mga tao sa ibang bansa ang mga kaapu-apuhan ni Jacob na nakaligtas, gaya ng hamog at ulan na pinapadala ni Yahweh para sa ikabubuti ng mga damo. Hindi sila magtitiwala sa mga tao upang tulungan sila; sa halip umaasa sila kay Yahweh.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Sa gitna ng kanilang mga kaaway sa maraming grupo ng mga tao, ang mga kaapu-apuhan ni Jacob na nanatiling buhay ay magiging kagaya ng isang leon kasama ang ibang mga mababangis na hayop sa kagubatan, kagaya ng isang malakas na batang leon na sasalakay sa mga tupa sa isang kawan at walang sinuman ang makakaligtas sa kanilang kalaban.
|
|
\p
|
|
\v 9 Kayong mga Israelita, tatalunin ninyo ang lahat ng inyong mga kalaban at wawasakin sila ng lubusan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Sinasabi ni Yahweh, sa panahong ito, sisirain ko ang mga kabayo ng mga Israelita na ginagamit ng inyong mga kawal sa labanan, gayon din ang inyong mga karwahe.
|
|
\p
|
|
\v 11 Pababagsakin ko ang mga pader ng inyong lungsod at wawasakin ko ang lahat ng inyong matatag na mga lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Aalisin ko ang lahat ng kasama ninyong may kasanayan sa mahika at ang mga manghuhula.
|
|
\p
|
|
\v 13 Wawasakin ko ang lahat ng inyong diyus-diyosan at mga sagrado na haliging bato at hindi na rin kayo luluhod at sasamba sa mga bagay na ginawa ninyo mismo.
|
|
\p
|
|
\v 14 Aalisin ko sa inyo ang mga haligi na kumakatawan sa diyosang si Ashera at wawasakin ko rin ang lahat ng inyong mga diyus-diyosan.
|
|
\p
|
|
\v 15 Dahil lubos akong magagalit, parurusahan ko rin ang mga tao sa lahat ng mga bansa na hindi sumusunod sa akin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Bigyang pansin kung ano ang sasabihin ni Yahweh: Sinabi ni Mikas kay Yahweh, "Tumayo ka sa hukuman at paratangan mo ang mga Israelita. Hayaang mapakinggan ng mga burol at ng mga bundok kung ano ang iyong sasabihin.
|
|
\p
|
|
\v 2 Kinakailangang makinig nang mabuti ang mga bundok sa kung ano ang mga sasabihin ni Yahweh tungkol sa kaniyang mga tao, upang maging mga saksi sila. Sa katunayan, maraming mga bagay ang maipaparatang ni Yahweh sa kaniyang mga taong Israelita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Sinasabi niya ito, "Aking mga tao, ano ang nagawa ko upang magdulot ng kaguluhan para sa inyo? Ano ang nagawa ko upang makaranas kayo ng mga kahirapan? Sagutin ninyo ako!
|
|
\p
|
|
\v 4 Gumawa ako ng dakilang mga bagay para sa inyong mga ninuno; Inilabas ko sila mula sa Egipto; Iniligtas ko sila mula sa lupaing iyon kung saan naging alipin sila. Sinugo ko si Moises at ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki na si Aaron at ang kaniyang nakatatandang kapatid na babae na si Miriam upang pangunahan sila.
|
|
\p
|
|
\v 5 Aking mamamayang Israel, alalahanin ninyo ang tungkol kay Balak na hari ng Moab nang hilingin kay Balaam na anak ni Beor upang sumpain ang inyong mga ninuno at isipin ninyo ang tungkol sa itinugon ni Balaam. Isipin ninyo ang tungkol sa kung paano mahimalang tumawid sa Ilog Jordan ang inyong mga ninuno habang naglalakbay sila mula Acacia hanggang Gilgal. Isipin ang tungkol sa mga bagay na iyon upang sa gayon malaman ninyo na Ako si Yahweh ay ginagawa kung ano ang mabuti."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Nagtanong ang mga Israelita, "Ano ang dapat naming dalhin kay Yahweh na naninirahan sa langit kapag lumapit kami sa kaniya at lumuhod sa kaniyang harapan? Dapat ba kaming magdala ng isang taong gulang na mga guya na magiging alay na papatayin at buong susunugin sa altar?
|
|
\p
|
|
\v 7 Malulugod ba si Yahweh kung mag-aalay ng isang libong lalaking tupa at sampung libong batis ng langis ng olibo? Dapat ba naming ialay ang aming mga panganay na anak para sa nagawa naming mga kasalanan?"
|
|
\p
|
|
\v 8 Hindi, dahil ipinakita niya sa bawat isa sa atin kung ano ang mabuting gawin. Pinakita niya kung ano ang kailangang gawin ng bawat isa: Gusto niyang maging makatarungan tayo at ibigin ang pagiging mahabagin para sa iba at gusto niyang mamuhay tayo na mapagpakumbaba habang nakikisama tayo sa kaniya na ating Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Ito ang sinasabi ng Diyos, "Ako si Yahweh, kaya kung matalino kayo, dapat parangalan ninyo ako. Nananawagan ako sa inyo mga taga-Jerusalem upang sabihin ito sa inyo. Dumarating ang mga hukbo na wawasak sa inyong lungsod, kaya makinig kayong mabuti sa akin, ang magdudulot sa kanila na paparusa sa inyo sa pamamagitan ng aking pamalo.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kayong mga masasamang tao, pinuno ninyo ang inyong tahanan ng mga mamahaling bagay sa pamamagitan ng panloloko sa iba. Gumamit kayo ng madayang panukat kapag bumibili kayo at nagbebenta ng mga bagay. Mga bagay na kinamumuhian ko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Iniisip ba ninyo na hindi ba dapat ako magsalita tungkol sa mga taong gumagamit ng mga timbangan na hindi tumitimbang nang wasto, at gumagamit ng timbangan na hindi tama, iniisip ba ninyo?
|
|
\p
|
|
\v 12 Laging gumagawa ng marahas ang mga mayayamang tao sa inyo upang kumita ng pera mula sa mga mahihirap na tao. Sinungaling ang lahat ng tao sa Jerusalem at lagi nilang nililinlang ang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Kung gayon, sinimulan ko nang paalisin kayo upang wasakin kayo dahil sa mga kasalanan na inyong nagawa.
|
|
\p
|
|
\v 14 Hindi magtatagal, kakain kayo ngunit hind sapat para mabusog kayo. Mararamdaman pa rin ng inyong mga tiyan na sila ay walang laman. Susubukan ninyong mag-ipon ng pera, ngunit wala kayong maiipon dahil magpapadala ako ng mga kaaway ninyo upang kunin ito mula sa inyo sa mga digmaan.
|
|
\p
|
|
\v 15 Magtatanim kayo ng mga pananim, ngunit wala kayong maaani. Magpipisa kayo ng mga olibo ngunit hindi kayo ang gagamit ng langis nito kundi ang iba. Tatapak-tapakan ninyo ang mga ubas at gagawa kayo ng alak mula sa katas, ngunit hindi kayo ang iinom ng alak kundi ang iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Mangyayari ang lahat ng bagay na iyon sa inyo dahil sinunod lamang ninyo ang masamang mga kautusan ni Haring Omri, at ginawa ninyo ang mga kakila-kilabot na mga bagay na iniutos ni haring Ahab at ng kaniyang mga kaapu-apuhan. Kaya wawasakin ko ang inyong bansa at ako ang magdudulot sa ibang mga grupo ng tao upang hamakin kayo, aking mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Labis akong nalulungkot! Katulad ako ng isang tao na nagugutom, na naghahanap ng prutas upang kainin at walang matagpuang mga ubas o mga igos upang kainin dahil pinitas na ang lahat ng mga bunga.
|
|
\p
|
|
\v 2 Naglaho na mula sa lupaing ito ang lahat ng nagpaparangal sa Diyos, walang isa man sa kanila ang natira. Mga mamamatay tao ang lahat ng natira, parang ang bawat isa ay sabik na patayin ang kaniyang kababayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Buong lakas nilang ginagawa kung ano ang masama. Humihingi ng suhol ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno at mga hukom. Sinasabi ng mga mahahalagang tao ang kanilang mga nais, at magkakasama silang nagbalak kung paano nila ito makukuha.
|
|
\p
|
|
\v 4 Maging ang mga pinakamahuhusay na tao ay walang halaga gaya ng dawag, malala pa sa matinik na halaman ang mga tao na inaakala naming pinakamatapat. Ngunit malapit na silang hatulan ni Yahweh. Ngayon ang oras na parurusahan niya ang mga tao, kapag labis silang nalilito dahil dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Kaya huwag kayong magtiwala sa sinuman! Huwag kayong magtiwala kahit sa isang kaibigan, maging maingat kung ano ang sasabihin ninyo sa inyong asawang babae na inyong iniibig.
|
|
\p
|
|
\v 6 Hahamakin ng mga lalaki ang kanilang mga ama at lalabanan ng mga babae ang kanilang mga ina. Lalabanan ng mga kababaihan ang kanilang mga biyenang babae. Ang mga nakatira sa inyong sariling tahanan ang inyong magiging mga kaaway.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Para sa akin, hihintayin ko si Yahweh upang tulungan ako. Buong pagtitiwala akong aasa na ang Diyos, na aking Tagapagligtas ang sasagot sa akin, kapag nanalangin ako.
|
|
\p
|
|
\v 8 Kayo na aming mga kaaway, huwag ninyong ikalugod ang tungkol sa nangyari sa amin, dahil kahit na naranasan namin ang mga sakuna, matatapos ang mga sakunang ito at muli kaming magiging masagana. Kung gaya ito ng nakaupo kami sa kadiliman, si Yahweh ang magiging aming liwanag.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Dapat tayong maging matiyaga habang pinaparusahan tayo ni Yahweh dahil nagkasala tayo laban sa kaniya. Ngunit hindi magtatagal, magiging gaya ito nang pagpunta niya sa hukuman at ipagtatanggol tayo. Titiyakin niya na gagawa ang mga hukom ng tamang desisyon tungkol sa atin. Magiging katulad ito ng paglabas niya sa atin patungo sa liwanag at makikita natin na ililigtas niya tayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Makikita rin ito ng ating mga kaaway at mapapahiya sila dahil kinutya nila tayo, na nagsasabi "Bakit hindi kayo tinutulungan ni Yahweh na inyong Diyos?" Ngunit makikita natin mismo na matatalo sila, makikita natin silang tinatapakan katulad ng putik sa mga lansangan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Kayong mga tao ng Israel, sa panahong iyon muling maitatayo ang inyong mga lungsod at magiging mas malawak ang inyong mga nasasakupan.
|
|
\p
|
|
\v 12 Babalik sa inyo ang inyong mga mamamayan mula sa maraming bansa, mula sa Asiria, mula sa silangang malapit sa Ilog Eufrates at mula sa timog ng Egipto, mula sa Dagat na Patay hanggang sa dagat ng Mediterano at mula sa maraming mga bundok.
|
|
\p
|
|
\v 13 Ngunit mapapabayaan ang ibang mga bansa sa mundo dahil sa kasamaang ginawa ng kanilang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Yahweh, ipagtanggol mo ang iyong mga tao gaya ng pagtatanggol ng isang pastol sa kaniyang mga tupa gamit ang kaniyang tungkod. Pangunahan mo ang mga tao na pinili mo upang mapabilang sa iyo. Kahit na namumuhay ng mag-isa ang ilan sa kanila sa kagubatan, ibigay mo sa kanila ang mayabong na lupaing pastulan sa mga rehiyon ng Bashan at Gilead, na kanilang pag-aari noong una.
|
|
\p
|
|
\v 15 Sinabi ni Yahweh, "Oo, gagawa ako ng mga himala para sa inyo katulad ng mga himala na ginawa ko nang iniligtas ko ang inyong mga ninuno mula sa pagiging alipin sa Egipto."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Makikita ng mga tao mula sa maraming bansa kung ano ang ginawa ni Yahweh para sa inyo at mapapahiya sila dahil wala silang anumang kapangyarihan. Ilalagay nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig at sa kanilang mga tainga dahil labis silang mamamangha sa ginawa ni Yahweh. Hindi nila kayang magsabi ng anuman o makarinig ng anuman, dahil nasindak sila sa takot.
|
|
\p
|
|
\v 17 Sa labis nilang pagkapahiya, gagapang sila sa lupa katulad ng mga ahas. Lalabas sila sa kanilang mga tahanan na nanginginig at tatayo upang parangalan si Yahweh na ating Diyos. Labis silang matatakot sa kaniya at manginginig sa harap niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Yahweh, walang Diyos na katulad mo; pinatawad mo ang mga kasalanan ng mga tao na nanatiling tapat, ang mga tao na napabilang sa iyo. Hindi ka nananatiling galit magpakailanman; lubos kang nagagalak na ipakita sa amin na matapat mo kaming iniibig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Muli kang kikilos nang may kabaitan sa amin. Aalisin mo ang kasulatang nakarolyo kung saan mo isinulat ang mga kasalanan na ginawa namin, na para bang tinatapakan mo ito ng iyong paa o itinatapon ito sa malalim na karagatan.
|
|
\p
|
|
\v 20 Ipapakita mo na matapat mong ginagawa ang iyong ipinangako sa amin at matapat mo kaming iniibig, gaya ng mataimtim mong ipinangako na gagawin mo noong una sa aming mga ninunong sina Abraham at Jacob.
|