forked from WA-Catalog/tl_udb
463 lines
36 KiB
Plaintext
463 lines
36 KiB
Plaintext
\id AMO
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Amos
|
|
\toc1 Amos
|
|
\toc2 Amos
|
|
\toc3 amo
|
|
\mt Amos
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ito ang mensaheng ibinigay ni Yahweh kay Amos, isang pastol malapit sa bayan ng Tekoa sa timog ng Jerusalem. Tinanggap niya ang mensaheng ito tungkol sa Israel sa isang pangitain dalawang taon bago ang malakas na lindol. Ito ay noong hari ng Juda si Uzias at hari ng Israel si Jeroboam, lalaking anak ni haring Joas.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ito ang sinabi ni Amos: "Sisigaw si Yahweh nang napakalakas; kapag nagsasalita siya mula sa Bundok ng Zion sa Jerusalem, ang kaniyang tinig ay uugong katulad ng kulog. Kapag nangyari iyon, matutuyo ang pastulan kung saan ninyo inaalagaan ang inyong mga tupa at malalanta ang damo na nasa tuktok ng Bundok Carmelo dahil uutusan ni Yahweh ang ulan na huwag pumatak."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Ito rin ang sinabi ni Yahweh sa akin: "Parurusahan ko ang mga tao sa Damasco, ang kabisera ng Aram dahil sa maraming kasalanan na kanilang ginawa. Hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila, dahil sa mga malulupit na bagay na ginawa nila sa mga tao ng rehiyong Gilead.
|
|
\p
|
|
\v 4 Ipapasunog ko ang palasyo na itinayo at tinitirhan ni Haring Hazael, ang tanggulan kung saan naninirahan din ang kaniyang lalaking anak na si Haring Ben Hadad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Sisirain ko ang mga tarangkahan ng Damasco; pupuksain ko ang taong naninirahan sa Biqat Aven at ang taong namumuno sa Beth Eden. Mabibihag ang mga tao sa Aram at dadalhin sa rehiyon ng Kir."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Sinabi rin ito ni Yahweh sa akin: "Parurusahan ko ang mga tao ng mga lungsod ng Filistia. Parurusahan ko ang mga tao sa Gaza dahil sa maraming kasalanan na kanilang ginawa. Hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila dahil binihag nila ang malaking pangkat ng mga tao at dinala sila sa Edom at ibinenta upang maging mga alipin ng mga tao roon.
|
|
\q1
|
|
\v 7 Ganap kong susunugin ang mga pader ng Gaza at wawasakin ko rin ang mga tanggulan nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Lilipulin ko ang hari ng lungsod ng Asdod at ang haring namumuno sa lungsod ng Ashkelon. Parurusahan ko rin ang mga tao sa lungsod ng Ekron, at papatayin ang lahat ng mga taong nabubuhay pa sa Filistia."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Sinabi rin ito ni Yahweh sa akin: "Parurusahan ko ang mga tao sa lungsod ng Tiro dahil sa maraming kasalanan na ginawa ng kanilang mga tao. Hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa ko sa kanila dahil binihag din nila ang malaking pangkat ng ating mga tao at dinala sa Edom, ipinagwalang bahala ang kasunduan ng pagkakaibigan na kanilang ginawa kasama ng inyong mga pinuno.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kaya ganap na susunugin ang mga pader ng Tiro at wawasakin din ang mga tanggulan nito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Sinabi rin ito ni Yahweh sa akin: "Parurusahan ko ang mga tao sa Edom dahil sa maraming kasalanang ginawa ng kanilang mga tao. Hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila, dahil tinugis nila ang mga Israelita na nagmula kay Jacob na kapatid ni Isaw, at pinatay sila gamit ang mga espada; hindi man lamang sila naawa sa kanila. Galit na galit sila sa mga Israelita at patuloy silang nagagalit sa kanila.
|
|
\q1
|
|
\v 12 Susunugn ko ang distrito ng Teman sa Edom at ganap kong susunugin ang mga tanggulan ng Bozra, ang pinakamalaking lungsod sa Edom."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 13 Sinabi rin ito ni Yahweh sa akin: "Parurusahan ko ang mga tao sa Ammon dahil sa maraming kasalanang kanilang ginawa; hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila, dahil nilaslas ng kanilang mga kawal maging ang mga tiyan ng mga kababaihang buntis nang nilusob ng kanilang hukbo ang rehiyon ng Gilead upang makakuha ng mas maraming teritoryo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Ganap kong susunugin ang mga pader sa lungsod ng Rabba at ganap ko ding susunugin ang mga tanggulan nito. Sa panahon ng labanang iyon, sisigaw nang malakas ang kanilang mga kaaway at ang labanan ay magiging tulad ng matinding bagyo.
|
|
\p
|
|
\v 15 Pagkatapos ng labanan, bibihagin ang hari ng Ammon at kaniyang mga opisyal."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Sinabi rin ito ni Yahweh: "Parurusahan ko ang mga tao ng Moab dahil sa maraming kasalanang kanilang ginawa. Hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila, dahil hinukay nila ang mga buto ng hari ng Edom at ganap na sinunog ang mga ito, na ang naging resulta nito ay naging kasimputi ng apog ang mga abo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Kaya ganap kong susunugn ang mga tanggulan ng lungsod ng Keriot sa Moab. Maririnig ng mga tao ang sigawan ng mga kawal at ang malakas na pag-ihip ng trumpeta habang winawasak ko ang Moab
|
|
\q
|
|
\v 3 at habang nililipol ko ang hari nito at lahat ng mga pinuno nito. Tiyak na mangyayari ito dahil ako, si Yahweh ang nagsabi nito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Sinabi rin ito ni Yahweh: "Parurusahan ko ang mga tao ng Juda dahil sa maraming kasalanan na kanilang ginawa; hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila, dadil hindi nila tinanggap ang aking itinuro at hindi nila sinunod ang aking mga utos.
|
|
\p
|
|
\v 5 Nalinlang at nahikayat silang sumamba sa mga hindi totoong diyos, parehong mga diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno. Kaya ganap kong susunugin ang lahat sa Juda kabilang ang mga tanggulan sa Jerusalem."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Sinabi rin ito ni Yahweh: "Parurusahan ko ang mga tao ng Israel dahil sa maraming kasalanan na kanilang ginawa. Hindi ko babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila, dahil ibinibenta nila ang mga matuwid na tao upang makakuha ng maliit na halagang pilak; ibinenta nila ang mga mahihirap na tao na naging dahilan upang maging alipin sila, kumukuha sa bawat isa sa kanila ng halaga ng pera upang makabili sila ng isang pares ng sandalyas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 7 Ito ay para bang tinatapakan nila ang mga mahihirap na tao sa dumi at hindi pinakikitunguhan nang patas ang mga walang kakayahan. Hindi ako pinararangalan ng mag-ama dahil sa pakikipagsiping nila sa parehong aliping babae.
|
|
\p
|
|
\v 8 Kapag nanghihiram ng pera ang mga mahihirap na tao, pinipilit ng mga nagpapautang ang mga taong iyon upang magbigay sa kanila ng isang pirasong damit upang itago nila hanggang sa mabayaran nila ang pera. Ngunit sa pagtatapos ng bawat araw, sa halip na ibalik nila ang kasuotang iyon gaya ng iniutos ni Yahweh sa kanila, humihiga sila sa kasuotang iyon sa mga lugar kung saan nila sinasamba ang kanilang mga diyos! Pinagbabayad nila ang mga tao sa iba't ibang kadahilanan at iniinom nila ito sa templo ng kanilang mga diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 9 Matagal ng panahon ang lumipas, upang tulungan ang inyong mga ninuno, nilipol ko ang lahi ng Amoreo. Parang kasintangkad nila ang punong sedar at kasinglakas ng punong ensina, ngunit ganap ko silang nilipol, kasindali ng pagputol ng isang tao sa mga sanga ng kahoy at pagkatapos ay hinukay ang lahat ng mga ugat nito.
|
|
\p
|
|
\v 10 Inilabas ko ang inyong mga ninuno sa Egipto at pagkatapos pinangunahan ko sila sa ilang ng apatnapung taon. At binigyan ko sila ng kakayahan upang sakupin ang lupain ng mga Amorita, sa Canaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Pinili ko ang ilan sa inyong mga Israelita upang maging propeta, at pinili ko ang iba upang maging Nazareo na ganap na matapat sa akin. Tiyak na alam ninyong mga Israelita na totoo ang aking sinabi!
|
|
\p
|
|
\v 12 Ngunit inutusan ninyo ang mga propeta na huwag sabihin ang mga mensaheng ibinigay ko sa kanila, at hinikayat ninyo ang Nazareo upang uminom ng alak na sinabi kong huwag nilang gagawin kailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Kaya dudurugin ko kayo gaya ng mga gulong ng kariton na punung-puno ng butil sa anumang madadaanan nito.
|
|
\p
|
|
\v 14 Kahit na tumakbo ka nang mabilis, hindi ka makakatakas; kahit na ikaw ay malakas, magiging parang mahina ka, at hindi maililigtas ng mga mandirigma ang kanilang mga sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Kahit na may kakayahan kang mamana, mapipilitan kang umurong; o kahit na tumakbo ka nang mabilis o kahit sumakay ka sa kabayo, hindi mo kayang iligtas ang iyong sarili.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ilalapag ng mga matatapang na mandirigma ang kanilang mga sandata kapag susubukan nilang tumakas sa araw na lilipulin ko sila. Tiyak na mangyayari ito dahil ako, si Yahweh ang nagsabi nito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 "Kayong mga Israelita, inilabas ko ang lahat ng inyong mga ninuno sa Egipto; kaya makinig kayo sa aking sinasabi tungkol sa inyo.
|
|
\p
|
|
\v 2 Mula sa lahat ng pangkat ng mga tao dito sa mundo, kayo lang ang pinili at iningatan ko. Iyan ang dahilan kung bakit ko kayo parurusahan dahill sa mga kasalanang inyong ginawa."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Tiyak na hindi lalakad na magkasama ang dalawang tao kung hindi pa sila nagkasundo sa kung saang lugar sila magsisimulang maglakad.
|
|
\p
|
|
\v 4 Tiyak na hindi uungal ang isang Leon sa gubat kung hindi ito nakapatay ng ibang hayop. Hindi ito umuungal sa yungib kung hindi nakakain ng laman ng isang nahuling hayop.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Walang makakahuli ng ibon kung hindi siya naghanda ng bitag para rito. Hindi iigkas ang isang bitag kapag walang hayop na nagpaigkas sa bitag.
|
|
\p
|
|
\v 6 Gayundin, tiyak na matatakot ang lahat ng tao sa lungsod, kapag narinig nila ang tunog ng trumpeta na hinipan ng isang tao na hudyat sa lumulusob na mga kaaway. At kapag naranasan ang sakuna sa isang lungsod, si Yahweh ang nagdulot nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Anumang binabalak ni Yahweh na gawin, sinasabi niya ang tungkol dito sa kaniyang mga propeta.
|
|
\p
|
|
\v 8 Tiyak na masisindak ang bawat isa kapag narinig nila ang isang leon na umaatungal; nagbigay si Yahweh ang Panginoon ng mga mensahe sa mga propeta, tiyak na ipahahayag nila ang mga mensaheng iyon, kahit na nasisindak nila ang mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Sinabi ko ito sa mga pinuno ng Samaria: Ipadala ninyo ang mga mensaheng ito sa mga pinuno ng lungsod ng Asdod at sa Egipto: "Pumunta kayo sa mga burol ng Samaria at tingnan ninyo ang pamamaraan ng kanilang mga pinuno sa pagsindak sa mga tao sa lungsod, at sa pamamaraan nila sa pagpapahirap sa mga tao!"
|
|
\p
|
|
\v 10 Sinabi ni Yahweh sa mga tao na naroon na hindi sila marunong gumawa ng mga bagay na matuwid. Ang kanilang tahanan ay puno ng mga mahahalagang bagay na kanilang ninakaw o kinuha sa pamamagitan ng karahasan sa iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Kaya sinasabi ni Yahweh na ating Diyos na hindi magtatagal, ang kanilang mga kaaway ay darating at gigibain ang kanilang mga panangga at kukunin ang mga mahahalagang bagay.
|
|
\p
|
|
\v 12 Ito ang ipinahayag ni Yahweh: "Kapag sinalakay ng leon ang isang tupa, minsan ang nagagawa na lang ng isang pastol ay makuha ang dalawang hita o isang tainga ng tupa sa bibig ng leon. Kagaya nito, kaunting tao lamang ang makakatakas mula sa Samaria, at maililigtas lang nila ang bahagi ng sopa at ng higaan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang pinuno ng mga hukbong anghel, "Ipahayag mo ang mensaheng ito tungkol sa kaapu-apuhan ni Jacob:
|
|
\p
|
|
\v 14 Kapag Ako, si Yahweh, ang magpaparusa sa mga tao ng Israel dahil sa ginawa nilang kasalanan, sisirain ko ang mga altar sa bayan ng Bethel; kahit na ang mga nakausling mga sungay na nasa mga sulok ng mga altar ay puputulin at babagsak sa lupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 15 Wawasakin ko ang mga bahay na tinitirahan nila sa panahon ng taglamig. Mawawasak ang magaganda at malalaking tahanan at mga tahanan na napapalamutian ng mga garing. Tiyak na mangyayari ito dahil ako, si Yaweh, ang nagsabi nito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Kayong mayayamang babae ng Samaria na lumaking mataba gaya ng matatabang mga baka sa rehiyon ng Bashan. Inaapi ninyo ang mahihirap na mga tao, at pinahihirapan ninyo ang mga taong nangangailangan. At sinasabi ninyo sa inyong mga asawa, "Dalhan ninyo kami ng maraming alak na inumin!"
|
|
\p
|
|
\v 2 Ngunit sinabi ito ng ating Diyos na si Yahweh " Sapagkat ako ay banal, taimtim kong pinapangako ito: Nalalapit na ang oras na dadalhin kayong lahat sa ibang bansa; kukunin kayo ng inyong mga kaaway na gamit ang mga matatalim na pang-kawit upang sunggaban kayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Kakaladkarin kayong palabas ng inyong mga kaaway sa sirang mga pader ng inyong lungsod, at sapilitan nila kayong papupuntahin sa Harmon. Tiyak na mangyayari ito sapagkat Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Pumunta kayo: pumunta kayo sa mga dambana sa Bethel at Gilgal, kung saan sinasamba ako ng maraming tao; pumunta kayo at maghimagsik nang mas higit laban sa akin! Maghandog kayo ng mga alay sa umaga pagdating ninyo, at magdala kayo ng ikapu ng inyong mga ani sa akin sa susunod na araw.
|
|
\p
|
|
\v 5 Magdala kayo ng mga handog na tinapay upang pasalamatan ako, at ng ibang mga handog na hindi naman kailangan, at magmataas kayo tungkol dito sa mga handog na inyong dinala, dahil ito ang gusto ninyong gawin; ngunit ginagawa ninyo ang mga ito upang magpasikat sa iba. Hindi upang paluguran ako. Ito ay tiyak na totoo, sapagkat Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Ako ang dahilan kung saan walang pagkain saan man sa inyong lungsod at mga bayan, ngunit sa kabila nito ay itinakwil ninyo ako.
|
|
\p
|
|
\v 7 Noong tatlong buwan bago ang panahon ng pag-aani ng mga pananim, sa panahon na kinakailangan ng mga pananim ang ulan, pinigilan ko ang pagbagsak nito. Minsan, pinahintulot kong umulan sa ilang mga bayan at pinigil ko itong bumagsak sa ibang mga bayan. Umulan sa ilang mga bukid ngunit hindi ito bumabagsak sa ibang mga bukid, na dahilan ng pagkatuyo ng lupa sa mga bukid kung saan hindi naulanan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Pasuray-suray ang inyong mga tao mula sa bayan tungo sa ibang bayan upang maghanap ng tubig, ngunit wala pa rin silang makuhang sapat na tubig upang inumin, ngunit sa kabila nito, hindi pa rin kayo bumalik sa akin. Ito ay tiyak na totoo, sapagkat Ako, si Yahweh ang nagsabi nito!
|
|
\p
|
|
\v 9 Pinatuyo ko ang inyong mga taniman ng butil, at ng inyong mga halamanan, at mga ubasan upang masira at amagin. Nagpadala ako ng mga balang upang kainin ang dahon ng inyong mga puno ng igos at punong olibo, ngunit sa kabila nito, itinakwil ninyo ako. Ito ay tiyak na totoo, sapagkat Ako, si Yahweh ang nagsabi nito!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Ipararanas ko sa inyo ang mga salot tulad ng salot na aking ipinadala sa taga-Egipto. Pinapatay ko ang maraming mga kabataan sa mga labanan. At pinahintulutan ko ang inyong mga kaaway na kunin ang inyong mga kabayo. Marami sa inyong mga kawal ang napatay, at napuno ng amoy ng kanilang mga bangkay ang inyong mga kampo. Ngunit sa kabila ng mga ito, itinakwil ninyo ako. Ito ay tiyak na totoo, sapagkat Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito!
|
|
\p
|
|
\v 11 Pinalayas ko ang marami sa inyo, gaya ng mga tao sa Sodoma at Gomorra. Ang mga hindi namatay sa inyo ay tulad ng isang patpat na kinuha sa apoy kaya hindi nasunog nang buo. Ngunit sa kabila nito, itinakwil ninyo ako. Ito ay tiyak na totoo, sapagkat Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya ngayon, parurusahan ko kayong mga Israelita. Humanda kayo sa pagtayo sa aking harapan, na inyong Diyos kapag humatol na ako sa inyo!
|
|
\p
|
|
\v 13 Ako ang gumawa ng mga bundok, at ng hangin. Ihahayag ko sa mga tao ang aking iniisip, at minsan ang liwanag ng araw ay nagiging kadiliman tulad ng gabi. Pinamamahalaan ko ang lahat ng mga bagay, at maging sa paglakad sa pinakamataas na mga bundok sa ibabaw ng mundo! Ako si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Kayong mga mamamayan ng Israel, pakinggan ninyo itong awiting panglibing na kakantahahin ko tungkol sa inyo:
|
|
\p
|
|
\v 2 "Tulad kayo ng isang dalaga, ngunit sa kabila nito, tiyak na ikaw ay babagsak at hindi na kailanman makatatayong muli! Pinabayaan ka na nakahandusay sa lupa, at wala ni isang tutulong upang itayo ka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Ito ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon sa mga Israelita: "Kapag nilusob kayo ng inyong mga kaaway, at kapag ang isang libo sa inyong mga kawal ang makikipaglaban, isang daan lamang ang matitirang buhay. At kapag isandaang kawal ang lalabas sa inyong lungsod upang makipaglaban, sampu lamang ang matitirang buhay."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 4 Ipinagpatuloy ni Yahweh ang sinasabi niya sa mga Israelita: Kayong mga Israelita, bumalik kayo sa akin! Kung gagawin ninyo ito, kayo ay mananatiling buhay.
|
|
\p
|
|
\v 5 Huwag kayong pumunta sa Bethel upang humingi ng tulong sa akin; huwag kayong pumunta sa Gilgal upang sumamba; huwag kayong pumunta sa Beersheba, dahil kakaladkarin ng inyong mga kaaway ang mga taga-Gilgal upang dalhin sa ibang bansa, at ganap nilang wawasakin ang Bethel."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Kaya lumspit kay Yahweh; kung gagawin ninyo ito, mananatili kayong buhay. Kung hindi ninyo gagawin ito, bababa si Yahweh sa inyo na mga kaapu-apuhan ni Jose na tulad ng isang apoy; ang apoy na ito ang susunog sa lahat ng nasa Bethel at walang makapagliligtas sa bayan na ito.
|
|
\p
|
|
\v 7 Kayong mga tao, ginawa ninyong masama ang mabuti; pinaniwala ninyo ang iba na ito ay isang bagay na napakapait; tinuring ninyo ang mga mabubuting bagay na para bang napakasama ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Alam ba ninyo kung sino ang lumikha sa lahat ng mga pangkat ng mga bituin at naglagay sa kanilang mga kinalalagyan? Bawat umaga ay ginagawa ang dilim upang maging madaling araw, at ang bawat gabi ay ginagawa ang liwanag upang maging dilim. Sinalok niya ang tubig mula sa mga karagatan upang maging mga ulap, at mula sa ulap ibinuhos niya ang tubig sa lupa. Si Yahweh ang gumawa sa lahat ng mga bagay na ito.
|
|
\p
|
|
\v 9 Siya ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga malalakas na kawal, at siya ang sanhi ng pagbagsak ng mga matataas na pader na nakapalibot sa mga lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Siya ang magpaparusa sa inyo dahil kinamumuhian ninyo ang mga sumasaway sa mga gumagawa ng hindi makatarungang pagpapasya; kinapopootan ninyo ang mga tao na nagsasabi ng katotohanan sa inyong mga hukuman.
|
|
\p
|
|
\v 11 Pinahihirapan ninyo ang mga taong dukha at pinipilit ninyo silang magbayad ng mga matataas na buwis. Kaya nakapagpatayo kayo ng mga malalaking bahay na gawa sa bato para sa inyong mga sarili, ngunit hindi ninyo matitirahan ang mga ito. Nagtanim kayo ng mga ubasan, ngunit walang anumang bunga ng mga ubas na aanihin ninyo upang gawing alak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Alam kong lahat ang inyong mga kasalanan at ang mga kakila-kilabot na ginawa ninyong mga kasalanan. Inaapi ninyo ang mga taong matutuwid at tumatanggap kayo ng mga suhol. Hindi ninyo pinapayagan ang mga hukom na pakitunguhan nang nararapat ang mga taong mahihirap.
|
|
\p
|
|
\v 13 Ito ang panahon na maraming tao ang gagawa ng mga masasamang bagay, kaya ang mga tao na matitino ang pag-iisip ay walang masasabi na kahit ano.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Upang manatili kayong buhay, kailangan tumigil kayo sa paggawa ng masama, at simulan ninyong gumawa ng mabuti. Kung iyon ang gagawin ninyo, si Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel ay kasama ninyo ayon sa sinasabi ninyo na palagi ninyo siyang kasama.
|
|
\p
|
|
\v 15 Mahalin ang mabuti at kamuhian ang masama! Subukan ninyong maging dahilan upang ang mga hukom sa inyong mga hukuman ay gagawa ng tamang paghahatol! Kapag ginawa ninyo ang mga bagay na ito, marahil si Yahweh na Pinuno ng mga hukbong anghel, ay kaaawaan kayong mga kaapu-apuhan ni Jose na nabubuhay pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 "Dahil ako, si Yahweh, ang magpaparusa sa inyo dahil sa mga kasalanan ninyo, ito ang taimtim kong pinahayag: Mananaghoy nang malakas ang mga tao sa bawat daan, at magugulat ang mga tao sa bawat liwasan. Tatawagin ang mga magsasaka upang pumunta at tumangis, kasama ang ibang opisyal ng mga mangluluksa upang managhoy para doon sa mga patay.
|
|
\p
|
|
\v 17 Mananaghoy ang mga tao sa inyong mga ubasan, dahil parurusahan ko kayo nang matindi. Tiyak na mangyayari ang mga ito dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Mangyayari ang kakila-kilabot na bagay sa inyo na gustong parusahan ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway, dahil ang araw na iyan ay araw ng kadiliman, hindi ng liwanag.
|
|
\p
|
|
\v 19 At sa panahon na iyon, kapag sinubukan mong takbuhan ang isang leon, haharapin mo ang isang oso. Kapag tumakbo ka sa inyong tahanan upang maligtas, at inihawak sa dingding ang inyong kamay, tutuklawin ito ng ahas.
|
|
\p
|
|
\v 20 Sa araw na iyan, kapag parurusahan niya ang mga tao, tiyak na kakila-kilabot ang mangyayari, gaya ng gabi na napakadilim na kahit kaunting liwanag ay wala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Sinasabi ni Yahweh, "Kinamumuhian ko ang inyong mga relihiyosong pagdiriwang at mga panahon ng inyong pagtitipon-tipon upang sambahin ako; kinapopootan ko ang lahat ng mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 22 Kahit magdala kayo ng mga handog na susunugin sa altar at handog na butil, hindi ko na tatanggapin ang mga ito. At kahit magdala kayo ng mga handog upang ibalik ang pakikisama ninyo sa akin, hindi ko papansinin ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Kaya itigil ninyo ang pag-awit ng mga maiingay na awitin! Hindi ako makikinig kahit tugtugin ninyo ang mga alpa.
|
|
\q
|
|
\v 24 Sa halip, kumilos nang makatarungan at matuwid, dapat gawin ninyo ito at huwag kailanman tumigil; kung gagawin ninyo ito, ito ay gaya ng tubig sa ilog na kailanman ay hindi hihinto sa pag-agos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Kayong mga mamamayan ng Israel, ang inyong mga ninuno ay nagpagala-gala sa ilang ng apatnapung taon; at sa panahon na iyon, kahit kailan ay hindi sila nagdala ng handog at hain sa akin.
|
|
\q
|
|
\v 26 Ngunit ngayon dadalhin ninyo ang dalawang rebulto na ginawa ninyo— Sikkut, ang diyus-diyosan na tinatawag ninyong 'hari,' at Kaiwan, ang imahe ng bituin na inyong sinasamba. Dadalhin ninyo ang mga ito doon sa bibihag sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 27 Sapagkat pipilitin ko kayo ngayon na pumunta sa isang malayong bansa na lagpas ng Damascus! At tiyak na mangyayari ito dahil ako, si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel, ang nagsabi nito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Nakakasindak na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga taga-Jerusalem na hindi nag-aalala sa kahit na anumang bagay, at ganoon din sa inyong mga pinuno na naninirahan sa burol ng lungsod ng Samaria, kayong nag-iisip na kayo ay ligtas. Tinatawag ninyo ang inyong mga sarili na pinakamahalagang tao sa mundo, at kayo ang mga pinuno na siyang pinupuntahan ng mga Israelita upang hingan ng tulong.
|
|
\p
|
|
\v 2 Sabihin mo sa kanila, "Pumunta lamang kayo sa lungsod ng Calne at pagmasdan ninyo. Pagkatapos, pumunta kayo upang tingnan ang dakilang lungsod ng Hamat at sa Gat sa Filistia at pagmasdan ninyo ang mga ito. Lahat sila ay masagana. Ngayon, ang inyong mga lupain ay mas mabuti kaysa sa mga lugar na ito, at ang inyong dalawang bansa - ang Juda at Samaria - ay mas malaki. Kaya ligtas kayo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Nakakasindak na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga pinuno! Sinusubukan ninyong iwasang isipin ang tungkol sa pagdating ng panahon na mararanasan ninyo ang kapahamakan, kapag marahas kayong lulusubin ng inyong mga kaaway.
|
|
\p
|
|
\v 4 Sinusunod ninyo ang mga kaugalian ng dayuhan sa pagsandal sa mga malalambot na upuan na pinapalamutian ng mga mamahaling garing habang kumakain. Kinakain ninyo ang mga malalambot na karne ng mga batang tupa at matatabang baka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Lumilikha kayo ng mga bagong awitin na parang wala na kayong iba pang mas magandang gagawin at tinutugtog ninyo ang mga ito sa inyong mga alpa gaya ng ginawa ni Haring David.
|
|
\p
|
|
\v 6 Iniinom ninyo ang buong mangkok na puno ng alak at nilalagyan ninyo ng mga mamahaling mga pabango ang inyong mga katawan, ngunit hindi kayo nagluluksa tungkol sa ating bansang Israel na malapit nang mawasak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Ang pagdiriwang ninyo at pamamahinga sa malalambot na mga upuan ay malapit nang magtapos at kayo ay mapapabilang sa mga naunang pinilit ng inyong mga kaaway upang dalhing bihag.
|
|
\p
|
|
\v 8 Mataimtim itong ipinahayag ni Yahweh na Panginoon: "Kinamumuhian ko ang mga tao ng Israel dahil napakayabang nila. Kinasusuklaman ko ang kanilang mga tanggulan. Bibigyan ko ng kakayahan ang kanilang mga kaaway upang bihagin ang kanilang kabisera ng lungsod at ang lahat ng narito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kapag nangyari iyon, kung may sampung tao sa isang bahay, mamamatay silang lahat.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kapag pumunta sa bahay ang isang kamag-anak na siyang may katungkulan sa pagsunog ng kanilang mga bangkay at magtatanong sa sinumang taong nagtatago pa roon, "May kasama ka pa ba rito?" at sumagot ang taong iyon ng "Wala," sasabihin ng taong nagtanong, "Tumahimik ka! Huwag mong babanggitin ang pangalan ni Yahweh, kung hindi ay papatayin din niya tayo!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Nakasisindak na mga bagay tulad nito ang mangyayari dahil iniutos ni Yahweh na dapat durugin hanggang sa magpira-piraso ang mga malalaking sambahayan at dapat durugin sa maliliit na piraso ang mga maliliit na sambahayan sa Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Tunay ngang hindi tumatakbo ang mga kabayo sa mga malalaking bato at tunay ngang hindi maaararo ng mga tao ang mga bato sa pamamagitan ng mga baka. Ngunit ginawa ninyo ang mga bagay na hindi dapat gawin ng kahit na sino. Pinasama ninyo ang makatarungan. Binago ninyo kung ano ang tama at itinuring itong parang mga bagay na mapait.
|
|
\p
|
|
\v 13 Nagmamalaki kayo dahil nabihag ninyo ang lungsod ng Lo Debar at sinabi ninyo, "Nabihag namin ang Karnaim sa pamamagitan ng aming sariling kapangyarihan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Ngunit si Yahweh, ang Pinuno ng mga hukbong anghel ay ipinapahayag na, "Ipapalusob ko kayo sa isang bansa, kayong mga Israelita. Pahihirapan nila kayo mula sa Pasukan sa Hamat sa hilagang kanluran hanggang sa batis ng Araba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Ipinakita sa akin ni Yahweh na ating Diyos sa isang pangitain na magpapadala siya ng mga balang upang sirain ang ating mga pananim. Mangyayari ito pagkatapos anihin ang dayami na bahagi para sa hari at bago igayak na anihin ang mga natirang mga dayami.
|
|
\p
|
|
\v 2 Sa pangitain ay nakita kong paparating ang mga balang na iyon, at kinain nila ang lahat ng bagay na kulay berde. Pagkatapos humiyaw ako, "Yahweh na aming Panginoon, nagsusumamo akong patawarin kami! Wala kaming kakayahang mga Israelita; paano kami makaliligtas?"
|
|
\p
|
|
\v 3 Kaya binago ni Yahweh ang kaniyang kaisipan at sinabi, "Hindi ito mangyayari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Pagkatapos ito ang ipinakita sa akin ni Yahweh na ating Panginoon sa isa pang pangitain: Tumatawag siya ng isang apoy upang dumating at parusahan ang kaniyang mga tao. Nakita ko sa pangitain na tinuyo ng apoy ang tubig sa buong lupain at sinunog din ang lahat ng bagay na nasa lupa.
|
|
\p
|
|
\v 5 Pagkatapos muli akong sumigaw, "Yahweh na aming Panginoon, Nakikiusap ako sa iyo, nagsusumamo na ito ay itigil! Wala kaming kakayahang mga Israelita; paano kami makaliligtas?"
|
|
\p
|
|
\v 6 Kaya muling binago ni Yahweh ang kanyang kaisipan, at sinabi, "Hindi rin ito mangyayari."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Pagkatapos nagpakita pa ng isang pangitain si Yahweh sa akin. Nakita ko siya na nakatayo sa gilid ng isang pader. Ito ay napakatuwid sapagkat itinayo ito gamit ang isang hulog. Mayroong hawak na hulog si Yahweh sa kaniyang kamay.
|
|
\p
|
|
\v 8 Tinanong ako ni Yahweh, "Amos, ano ang iyong nakikita?" Sumagot ako, "Isang hulog." Pagkatapos sinabi ni Yahweh, "Tingnan mo, gagamit ako ng isang hulog mamamayang Israelita. Hindi ko muling babaguhin ang aking isip tungkol sa pagpaparusa sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Mawawasak ang mga dambana na kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Isaac na sumasamba sa mga diyus-diyosan. At ang iba pang mahalagang mga dambana sa Israel ay mawawasak din. At bibigyan ko ng kakayahan ang inyong mga kaaway na lusubin ang inyong mamamayan sa pamamagitan ng espada, at kanilang papatayin si Haring Jeroboam at ang lahat ng kaniyang kaapu-apuhan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos si Amazias, ang pari ng Bethel, ay nagpadala ng isang mensahe kay Jeroboam, ang hari ng Israel. Sinabi niya sa mensahe, "May masamang balak si Amos laban sa iyo kasama ng iyong mamamayang Israelita. Nababahala ako na ang mga tao ng bansang ito ay hindi malaman na mali siya.
|
|
\p
|
|
\v 11 Ito ang kaniyang sinasabi: 'Malapit ng mapatay si Jeroboam sa pamamagitan ng isang tao gamit ang isang espada, at dadalhing bihag ang mga Israelita.'~"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Pagkatapos pumunta sa akin si Amazias at sinabi. "Ikaw na propeta, umalis kana dito! Bumalik ka sa bayan ng Juda! Gawin mo ang pagpapahayag ng propesiya doon kung gusto mong kumita ng pera!
|
|
\p
|
|
\v 13 Huwag ka nang magpropesiya kailanman dito sa Bethel, sapagkat narito ang pambansang templo, ang templo ng mga hari ay narito"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Sumagot ako kay Amazias, "Hindi ako dating propeta at hindi isang propeta ang aking ama; isa akong pastol. Nangangalaga rin ako ng mga puno ng sikamoro.
|
|
\p
|
|
\v 15 Ngunit kinuha ako ni Yahweh mula sa pag-aalaga ng mga tupa, at sinabi niya sa akin, 'Pumunta ka sa Israel at magpropesiya ka sa mga tao ko doon!'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Sinabi mo sa akin, 'Huwag kang magpropesiya at sabihin ang mga kakila-kilabot na mga bagay na mangyayari sa mga Israelita; itigil mo na ang pagsasabi ng mga bagay na ito!'
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya makinig kung ano ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa iyo: 'Magiging isang bayarang babae ang iyong asawa sa mismong lungsod na ito; mamamatay ang iyong mga anak na lalake at mga anak na babae sapagkat papatayin sila ng kanilang mga kaaway. Susukatin naman ng iba ang iyong mga lupain at paghahati-hatian nila ito sa kanilang mga sarili; at mamamatay ka sa ibang bansa. at tiyak na iiwanan ng mga Israelita ang kanilang bansa at dadalin silang bihag."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagpakita sa akin ng isang pangitain si Yahweh ng isang basket na puno ng hinog na prutas.
|
|
\p
|
|
\v 2 Nagtanong siya sa akin, "Amos, ano ang nakikita mo?" Sumagot ako, "Isang basket ng prutas na hinog na hinog," Sinabi niya, "Tanda ito sa nalalapit na katapusan para sa aking mga taong Israelita. Hindi ko na muling babaguhin ang aking kaisipan tungkol sa pagpaparusa sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 3 Hindi magtatagal, tatangis ang mga tao sa halip na umaawit sa templo. Magkakaroon ng mga bangkay sa lahat ng dako, at walang masasabi ang mga tao habang inaalis nila ang mga ito. Tiyak na mangyayari ang mga bagay na ito dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Ito ay gaya sa mga taong tumatapak sa mga taong nangangailangan, at pinahihirapan ninyo ang mga taong mahihirap.
|
|
\p
|
|
\v 5 At lagi ninyong sinasabi, "Hinihiling namin na ang pista ng bagong buwan ay hindi na magtatagal, upang pahintulutan kaming ibenta ang aming butil. Hinihiling namin na hindi na magtatagal ang araw ng pamamahinga, upang muli kaming payagan na itinda ang aming mga trigo.—Kapag ibinenta namin ito, maaari kaming maningil ng mataas na halaga para sa mga ito, at maaari naming dayain ang mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng hindi tamang timbang.
|
|
\p
|
|
\v 6 Magbebenta kami ng hindi magandang trigo. Para sa mga nangagailangan, mahihirap at sa mga walang pera upang makabili ng mga bagay, gagawin namin silang mga alipin sa pamamagitan ng pagbili namin sa kanila ng kapirasong halaga ng pilak kung saan maaari naming maibili ng isang pares na sandalyas!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Ipinahayag ni Yahweh, "Ako ay buhay, na dapat ninyong sambahin: Taimtim kong ipinapahayag na hindi ko malilimutan ang mga masasamang bagay na inyong ginawa.
|
|
\p
|
|
\v 8 Dahil sa mga masasamang bagay na ito, tiyak na manginginig ang inyong bansa at lahat kayo ay magluluksa. Ito ay magiging tulad ng paulit-ulit na pag-ahon at pagbagsak ng Ilog Nilo na puno ng tubig at umaapaw sa bawat pangpang at muling babalik sa ilalim ng ilog.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 At sa panahong parurusahan ko ang aking mga tao, palulubugin ko ang araw sa katanghalian, didilim ang buong mundo sa araw.
|
|
\p
|
|
\v 10 Gagawin kong araw ng pagluluksa ang inyong mga panrelihiyong pagdiriwang: sa halip na awitan, ang lahat ay mag-iiyakan. Dahil sa aking gagawin, lahat kayo ay magsusuot ng telang magaspang at aahitin ang inyong mga ulo upang maipakita na kayo ay nagdadalamhati. Gagawin kong pagtatangis ang oras na iyon tulad ng mga taong nagluluksa pagkatapos mamatay ang nag-iisang anak. Lahat kayo ay labis na malulungkot sa buong panahong ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 At sinasabi ito ni Yahweh na ating Diyos: "Malapit na ang panahon kapag gagawin kong napakahirap ang buong bansa. Ngunit hindi ito ang panahon nang kawalan ng pagkain at tubig; sa halip ito ay isang panahon ng kawalan ng mga mensahe mula sa akin para sa sinumang makikinig.
|
|
\p
|
|
\v 12 Susuray-suray ang mga tao sa Dagat na Patay patungo sa Dagat ng Mediteraneo, at magpapagala-gala sila mula sa hilaga patungo sa silangan, na naghahanap ng mensahe mula sa akin, ngunit wala kahit na ano silang masusumpungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Sa panahong ito, kahit ang mga magagandang dalaga at mga binata na malalakas ay manghihina dahil sila ay labis na mauuhaw.
|
|
\p
|
|
\v 14 Sa mga taong nanunumpa gamit ang mga pangalan ng kanilang mga kahiya-hiyang diyos ng Samaria, at sa mga nangangako na gagawin ang isang bagay na gamit ang pangalan ng diyos ng Dan, at sa mga mataimtim na nangangako upang gawin ang isang bagay na gamit ang pangalan ng diyos ng Beerseba— mamamatay silang lahat; kailanman ay hindi na sila mabubuhay muli."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Nagpakita sa akin si Yahweh ng iba pang pangitain. Sa pangitain, nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng altar. Sinabi niya, "Hampasin ang mga tuktok ng mga haligi ng templo, hanggang sa mabuwal at bumagsak, upang mayanig ang mga pundasyon. At babagsakan ng mga kasangkapan ng templo ang mga tao na nasa loob nito. Papatayin ko sa espada ang sinumang magtatatangkang tumakas; wala kahit isa ang makakatakas.
|
|
\q
|
|
\v 2 Kung maghuhukay sila ng malalim na mga hukay sa lupa, kahit pa sa daang patungo sa mga lugar ng mga patay, o susubukan nilang umakyat sa himpapawid, upang makatakas, aabutin ko at susunggaban ko sila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Kung pupunta sila sa tuktok ng Bundok ng Carmelo upang tumakas, hahanapin ko sila at lulupigin. Kung susubukan nilang magtago sa akin mula sa kailaliman ng dagat, uutusan ko ang dambuhalang hayop sa dagat upang kagatin sila.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kung mabihag sila ng kanilang mga kaaway at sapilitan silang dalhin sa ibang mga bansa, iuutos ko na patayin sila roon sa pamamagitan ng mga espada. Nagpasya ako na pupuksain sila, hindi upang tulungan sila."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Kapag si Yahweh, na Pinuno ng mga hukbong anghel, ay hinipo ang mundo, matutunaw ito, at maraming tao ang mamamatay sa buong mundo at magluluksa ang iba para sa kanila. Para bang paulit-ulit na itinataas at ibinabagsak ni Yahweh ang lupa gaya ng Ilog Nilo na tumataas at bumabagsak.
|
|
\q
|
|
\v 6 Itinatayo niya ang kaniyang magandang palasyo sa kalangitan at gagawin ang mga himpapawid tulad ng simboryo sa buong lupain. Sasalukin niya ang tubig sa karagatan at ilalagay ang mga ito sa mga ulap, at pagkatapos ay ibubuhos sa kalupaan. Yahweh ang kaniyang pangalan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Sinasabi ni Yahweh, "Kayong mga Israelita, tiyak na hindi na kayo ngayon mahalaga sa akin kaysa sa mga tao ng Etiopia. Dinala ko ang inyong mga ninuno dito mula sa Egipto, ngunit dinala ko rin ang mga tao ng Filisteo mula sa Caftor at dinala ko ang mga tao ng Aram mula sa rehiyon ng Kir.
|
|
\p
|
|
\v 8 Ako si Yahweh ang Panginoon, nakita kong lubos na makasalanan kayong mga tao sa kaharian ng Israel, kaya wawasakin ko kayo. Ngunit hindi ko lubusang papatayin ang lahat ng kaapu-apuhan ni Jacob. Ito ay tiyak na mangyayari dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Nang iniutos ko ang mga ito, magiging tulad ito ng pagliglig ko sa inyong mga Israelita na nabubuhay sa iba't ibang mga bansa, gaya ng pagliliglig ng magsasaka sa isang salaan upang ihiwalay ang mga maliliit na bato mula sa butil upang hindi malaglag ang mga ito sa lupa kasama ang butil.
|
|
\p
|
|
\v 10 Mula sa lahat ng aking mga tao, kayong lahat na makasalanang tao na nagsabing, 'Hindi kami makakaranas ng mga sakuna; walang mangyayaring masama sa amin,' papatayin kayo ng inyong mga kaaway gamit ang kanilang mga espada."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 "Nawasak ang kaharian na pinaghaharian ni Haring David, tulad ng isang bahay na gumuho at nasira. Ngunit balang araw ibabangon ko ito upang maging kahariang muli. Muli ko itong pagpapalain tulad ng dati.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kapag nangyari iyon, sasakuping muli ng inyong kaaway ang natitirang bahagi ng rehiyon ng Edom at kanilang sasakupin ang ibang mga bansa na dating pagmamay-ari ko. Ako, si Yahweh, ang nagsabing gagawin ko ang mga bagay na ito, at titiyakin kong mangyayari ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Darating ang panahon na lalago ang inyong mga pananim; hindi magtatagal pagkatapos anihin ang mga pananim, aararuhin muli ng magsasaka ang lupa upang taniman ng mas maraming pananim, hindi magtatagal pagkatapos mataniman ang mga ubasan, mag-aani ang magsasaka ng mga ubas at aapakan ang mga ito upang gawing alak. At dahil magkakaroon ng masaganang alak, ito ay tila dumadaloy ang alak pababa mula sa mga burol.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Muli kong pagpapalain ang aking mga taong Israelita. Muli ninyong itatayo ang inyong mga bayan at manirahan sa mga ito. Tataniman ninyo ang mga ubasan at iinumin ang alak na ginawa mula sa mga ubas na ibinunga ng mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 15 Patitirahin kong muli kayo sa inyong mga lupain, ang lupain na aking ibinigay sa inyong mga ninuno; wala ng magpapalayas sa inyo dito kailanman. Iyan ay tiyak na mangyayari dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito."
|