tl_udb/28-HOS.usfm

618 lines
51 KiB
Plaintext
Raw Permalink Blame History

This file contains invisible Unicode characters

This file contains invisible Unicode characters that are indistinguishable to humans but may be processed differently by a computer. If you think that this is intentional, you can safely ignore this warning. Use the Escape button to reveal them.

\id HOS
\ide UTF-8
\h Hosea
\toc1 Hosea
\toc2 Hosea
\toc3 hos
\mt Hosea
\s5
\c 1
\p
\v 1 Ibinigay ni Yahweh ang mga mensaheng ito kay Hosea sa mga taon na naging mga hari sina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias sa Juda, at noong hari ng Israel si Jeroboam, na anak na lalaki ni Jehoas.
\p
\v 2 Nang magsalita si Yahweh sa pamamagitan ng propetang si Hosea sa unang pagkakataon, sinabi niya, "Humayo ka at mag-asawa ka ng babaing nagbebenta ng aliw. Magkakaroon siya ng mga anak dahil ibinigay niya ang kaniyang sarili sa ibang mga lalaki. Kung mag-aasawa ka ng isang babaing nagbebenta ng aliw, ipapakita nito kung paano kahiya-hiyang hindi naging tapat sa akin ang aking mga tao. Ipapakita nito sa kanila na iniwan nila ako, na kanilang Diyos."
\s5
\p
\v 3 Kaya pinakasalan ni Hosea si Gomer na anak na babae ni Diblaim. Nagbuntis siya at nagsilang ng isang anak na lalaki.
\p
\v 4 Sinabi ni Yahweh kay Hosea, "Bigyan mo ng pangalang Jezreel ang iyong sanggol, dahil malapit ko nang parusahan ang mga kabahagi sa pamilya ni Haring Jehu dahil sa mga pagpatay na ginawa niya sa lungsod ng Jezreel. Wawakasan ko rin ang kaharian ng Israel.
\p
\v 5 Sa araw na iyon, wawasakin ko ang lakas sa pakikipaglaban ng hukbo ng Israel, doon sa lambak ng Jezreel."
\s5
\p
\v 6 Kaagad na nagbuntis muli si Gomer at sa pagkakataong ito, nagsilang siya ng isang anak na babae. At sinabi ni Yahweh sa kaniya, "Bigyan mo siya ng pangalang Lo-ruhama, na nangangahulugang 'walang habag', dahil hindi na ako mahahabag pa sa mga taga-Israel, at hindi ko sila papatawarin sa kahit isang kasalanang kanilang ginawa.
\q1
\v 7 Ngunit kahahabagan ko ang mga taga-Juda. Ililigtas ko sila—ngunit hindi sa pamamagitan ng mga nakakamatay na sandata, ng pana, ng espada, o labanan. Hindi ko sila ililigtas sa pamamagitan ng mga hukbo o ng mga malalakas na kabayo at ng mga nakasay sa mga ito. Sa halip, ako, si Yahweh mismo ang magliligtas kanila."
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos maawat ni Gomer sa pagsuso si Lo-ruhama, muli siyang nagbuntis at nagsilang ng isang anak na lalaki.
\p
\v 9 Sinabi ni Yahweh, "Bigyan mo siya ng pangalang Lo-ammi, na ngangahulugang 'hindi ko mga tao', dahil ikaw, O Israel ay hindi ko mga tao—at hindi ko na kayo pangangalagaan bilang inyong Diyos.
\s5
\p
\v 10 Isang araw sa darating na panahon, magiging sindami ng mga buhangin sa dalampasigan ang mga taga-Israel. Walang makakabilang sa kanila. Sinabi ko sa Israel na, 'Hindi ko kayo mga tao,' —ngunit isang araw, sasabihin ko sa kanila, 'Kayo ang mga taong pangangalagaan at mamahalin ko.'
\p
\v 11 Sa araw na iyon, ako, si Yahweh ang magtitipon sa lahat ng mga taga-Juda at isasama ko sila sa lahat ng mga taga-Israel. Mamimili sila ng isang pinuno mula sa kanila, at lalabas sila sa lupain kung saan sila dinalang binihag. Sa araw na iyon sasabihin nila, "Dakila ang araw ng Jezreel!' (Ang Jezreel ay nangangahulugang 'Itinatanim ng Diyos ang kaniyang mga tao sa kaniyang lupain.')
\s5
\c 2
\p
\v 1 Tawagin ninyo ang mga lalaking kapwa ninyong Israelita na, 'Mga tao kayo ni Yahweh' at tawagin ninyo ang mga babaing kapwa ninyong Israelita na, 'Naging mabait si Yahweh sa inyo.'"
\s5
\p
\v 2 Sinabi ni Yahweh sa akin, "Nais kong paratangan mo ang Israel, na tulad ng isang ina sa iyo, sa pagiging tulad ng isang asawang hindi tapat sa akin. Ang bansang ito ay hindi na tulad ng isang asawa sa akin, at hindi na rin ako tulad ng isang asawa sa kaniya. Sabihin mo sa Israel na dapat nilang itigil ang pagkilos tulad ng babaing nagbebenta ng aliw, dapat niyang itigil ang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Dapat itigil na ng Israel ang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Dapat niyang itigil ang pagkilos tulad ng isang babaing iniiwan ang kaniyang asawa at sumasama sa ibang mga lalaki.
\q
\v 3 Kapag hindi siya tumigil, aalisin ko ang kaniyang kasuotan sa kaniya at huhubaran tulad noong isinilang siya. Gagawin ko siyang tulad ng tigang na ilang—tuyo at walang buhay, gagawin ko siyang tulad ng isang babaing namamatay sa pagka-uhaw sa disyerto.
\s5
\p
\v 4 Hindi ako maaawa sa kaniyang mga tao, na mga taga-Israel, dahil ang kanilang bansa ay tulad ng isang babaing nagbebenta ng aliw.
\p
\v 5 Ang Israel ay tulad ng isang babaing nagbebenta ng aliw, tulad siya ng babaing nagkaroon ng mga anak sa paggawa ng kahiya-hiyang mga bagay sa ibang mga lalaki. Nagpasya ang Israel na habulin ang mga diyus-diyosang ito na kaniyang minamahal, upang sambahin ang ibang mga diyos. Inisip niyang ang mga diyos na iyon ang nagbigay sa kaniya ng tinapay at tubig. Inisip niyang ang mga diyos na iyon ang nagbigay sa kaniya ng lana, lino, at langis ng olibo, at maging ang alak na inumin.
\s5
\p
\v 6 Kaya haharangan ko ng mga tinik ang daan ng Israel, at gagawa ako ng pader sa paligid niya upang hindi niya makita ang landas na tatahakin.
\q
\v 7 Hahabulin ng Israel ang kaniyang mga diyus-diyosan ngunit hindi niya sila matatagpuan. Hahanapin niya ang kaniyang mga hindi tunay na diyos, ngunit hindi niya sila matatagpuan. Pagkatapos, tulad ng isang babaing nagbebenta ng aliw na nagnanais bumalik sa kaniyang asawa, sasabihin niya sa akin, 'Babalik ako sa iyo na una kong minahal, dahil mas mabuti ang buhay kong kasama ka kaysa ngayon.'
\s5
\p
\v 8 Sasabihin ito ng mga tao, dahil hindi nila alam na ako, si Yahweh ang nagbigay sa kanila ng kanilang butil, bagong alak at langis na olibo. Ako ang nagbigay sa kanila ng maraming pilak at ginto kaya naging mayaman sila. Ngunit pagkatapos, ginawa nila ang lahat ng mga ginto at pilak sa mga bagay na ginagamit sa pagsamba sa diyus-diyosang si Baal.
\q
\v 9 Kaya kukunin ko mula sa Israel ang lahat ng butil na ibinigay ko sa kanila. Kapag handa nang anihin ang trigo, hindi ko sila hahayaang kunin ang mga ito. Kukunin ko ang bagong alak na ibinigay ko sa kanila. Kukunin ko sa kanila ang lahat ng lana at lino na ibinigay ko upang gawing mga kasuotan nila, ang mga kasuotan na tumakip sa kanilang kahubaran.
\s5
\p
\v 10 Itatrato ko ang Israel gaya ng pagtrato ng isang lalaki sa kaniyang asawa kapag nakita niyang kasama siya ng ibang mga lalaki. Huhubaran ko siya sa harapan ng kaniyang mga mangingibig. Walang makakapagligtas sa kaniya sa gagawin ko.
\p
\v 11 Patitigilin ko ang mga taga-Israel sa pagganap ng kanilang mga pagdiriwang, ititigil nila ang pagganap sa kanilang mga kapistahan sa bawat taon. Hindi na nila ipagdiriwang ang simula ng bawat buwan. Hindi na nila ipagdiriwang ang mga Araw ng Pamamahinga. Hindi na nila kayang ganapin ang mga itinakdang kapistahan sa buong taon.
\s5
\p
\v 12 Wawasakin ko ang lahat ng mga puno ng ubas at mga puno ng igos ng Israel. Dahil ang Israel ay tulad ng isang babaing nagsasabing, 'Ito ang mga bagay na ibinigay sa akin ng aking mga mangingibig bilang kabayaran.' Ako, si Yahweh, gagawin kong gubat ang mga lugar na iyon, isang kasukalan kung saan walang mga puno ng ubas ang tutubo, at kung saan kakainin ng mga mabangis na hayop ang anumang bungang tutubo roon.'
\p
\v 13 Paparusahan ko ang babaing ito na nagngangalang Israel sa lahat ng mga pagkakataong nagsunog siya ng insenso upang sambahin ang mga diyus-diyosang Baal. Pinalamutian niya ang kaniyang sarili ng mga singsing at alahas, gaya ng isang babaing nagbebenta ng aliw na nagpapaganda ng kaniyang sarili para sa kaniyang mga mangingibig. Nakagawian niyang sundan ang kaniyang mga mangingibig—tulad ng pagsunod ng Israel sa mga Baal—ang mga hindi tunay na diyos na kaniyang sinamba. At kinalimutan niya ako." Ito ang sinasabi ni Yahweh.
\s5
\p
\v 14 "Aakayin ko siya sa ilang at sasabihin ko sa kaniyang mahal ko siya. Hihikayatin ko siyang mahalin akong muli.
\p
\v 15 Ibabalik kong muli sa kaniya ang kaniyang mga ubasan, at sa Lambak ng Kaguluhan, bibigyan ko siyang muli ng pag-asa. Sasagot siya sa akin nang may pagmamahal at kagalakan, gaya noong mga unang araw nang minahal namin ang isa't isa—nang pinalaya ko siya, at lumabas siya sa Egipto.
\s5
\p
\v 16 Sa panahong iyon, tatawagin ako ng Israel na, 'Aking Asawa,' gaya ng sasabihin ng isang babae sa kaniyang taong asawa. Hindi na siya tatawag sa isang diyos na, 'Aking Baal,' ngunit tatawagin niya ako bilang, 'Aking Asawa.'
\p
\v 17 Hindi ko papayagan ang Israel na sabihin ang mga pangalan ng mga imahen ni Baal na nakagawian niyang sambahin. Makakalimutan ng aking mga tao ang mga pangalan ng mga Baal na iyon at ng kanilang mga diyus-diyosan, at hindi na sila muling sasambahin ng aking mga taong taga-Israel kailanman.
\s5
\p
\v 18 Sa panahong iyon, gagawa ako ng kasunduan para sa kanila: sa lahat ng mga mababangis na hayop at mga ibon, at maging sa mga maliliit na hayop na gumagapang sa lupa. Hindi na nila muling sasaktan ang aking mga tao. Ipapangako kong aalisin ko ang lahat ng mga sandata na ginagamit sa pakikipaglaban sa labanan, ang mga pana at mga palaso, at ang mga espada, at ang bawat digmaan, aalisin at wawasakin ko ang lahat ng mga ito. At hahayaan kong mamahinga ang aking mga tao sa kapayapaan, hindi na sila matatakot pa.
\s5
\p
\v 19 Ikaw ay magiging tulad ng isang asawa sa akin magpakailanman, Israel. Ipapangako ko ang aking sarili sa iyo, sa pamamagitan ng paggawa ng katuwiran, at sa pamamagitan ng pagmamahal sa katarungan. Ipinapangako kong mamahalin kita at ipapakita ang kabaitan sa iyo kahit hindi ito nararapat sa iyo.
\q
\v 20 Tutuparin ko ang aking pangako sa iyo, Israel. Hindi ako magsisinungaling sa iyo kailanman, at makikilala mo ako—ang pangalan ko ay Yahweh.
\s5
\p
\v 21 At sa panahong iyon, tutulungan kita"—sinasabi ni Yahweh. "Uutusan ko ang langit, at magbubuhos ng ulan ang langit sa lupa.
\p
\v 22 At magbibigay ang lupa ng butil, bagong alak at mga puno ng olibo, at tutubo ang mga ito sa Lambak ng Jezreel.
\s5
\p
\v 23 Sa panahong iyon, aalagaan ko ang mga Israelita gaya ng isang magsasakang tinataniman ang sarili niyang lupain at inaalagaan ang kaniyang mga pananim. Ipapakita ko ang aking pagmamahal sa mga taong tinawag kong 'Hindi ko mga tao.' At sa mga tinawag kong 'Hindi ko mga tao,' tatawagin ko na sila ngayon sa isang bagong pangalan: 'Mga tao ko kayo.' Sasabihin nila sa akin, 'Ikaw ang aming Diyos.'"
\s5
\c 3
\p
\v 1 Pagkatapos, sinabi sa akin ni Yahweh, "Humayo ka at mahalin ang isang babae, kahit na minahal siya ng ibang lalaki, at hindi rin siya tapat sa kaniyang asawa. Magiging tulad mo ako, dahil mahal ko ang mga taga-Israel, kahit na sumasamba sila sa ibang mga diyos at kumakain ng mga tinapay na may pasas sa kanilang karangalan."
\p
\v 2 Kahit na siya ay alipin, pag-aari ng ibang tao, binili ko siya ng 170 gramong pilak, at 330 litrong butil ng sebada.
\p
\v 3 At sinabi ko sa kaniya, "Mamumuhay ka kasama ko mula ngayon. Hindi ka na magbebenta ng aliw na natutulog kasama ang iba't ibang mga lalaki. Hindi ka na magiging pag-aari ng kahit sinong ibang lalaki, sa akin lamang, at magiging tapat ako sa iyo at mamumuhay kasama mo sa buong buhay ko."
\s5
\p
\v 4 Nang ginawa ko ang lahat ng mga bagay na ito, ito ay upang ipakita na ang mga taga-Israel ay mamumuhay sa mahabang panahon at walang sinumang haring namumuno sa kanila. Hindi sila magkakaroon ng prinsipe, ng mga alay o mga banal na haligi na itinatayo para sa pagsamba, ng mga efod o mga diyus-diyosan sa kanilang mga tahanan.
\p
\v 5 Pagkatapos ng ilang panahon, manunumbalik ang mga taga-Israel kay Yahweh, aasa silang tatanggapin niya sila. Aasa silang magkakaroon silang muli ng kaapu-apuhan ni David upang kanilang magiging hari. Sa mga huling araw, lalapit sila kay Yahweh upang parangalan siya at manginginig sila sa harapan niya dahil sa kaniyang kabutihan sa kanila.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Makinig sa mensahe ni Yahweh para sa inyo. "Kayong mga Israelita na naninirahan sa lugar na ito, pinaparatangan kayo ni Yahweh." Sinasabi niya, "Wala akong mahanap dito na sinumang nagsasabi ng katotohanan. Wala akong makitang sinumang umiibig sa akin. Wala sa inyo ang tapat na makapagsasabing nakikilala niya ako.
\p
\v 2 Sumumpa at nagsinungaling kayo, pumatay at nagnakaw kayo, at nangalunya kayo. Nilabag ninyo ang bawat kautusan at sunud-sunod kayong pumapatay.
\s5
\p
\v 3 Dahil sa ginagawa ng mga tao, ang lupain ngayon ay isa nang ilang. Namamatay ang bawat nilalang na naninirahan dito, mula sa mga hayop na naninirahan sa mga bukid hanggang sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid at namamatay rin maging ang mga isda sa karagatan.
\s5
\p
\v 4 Ngunit hindi ninyo dapat paratangan ang sinuman sa kaguluhang ito. Hindi ninyo dapat pahintulutan ang sinuman na itama ang ibang tao, walang sinuman ang may karapatan niyan dahil may kasalanan ang bawat isa. At pinaparatangan ko rin ang mga pari.
\p
\v 5 Nagkakasala kayong mga pari sa araw at nagkakasala ang mga kasama ninyong propeta sa gabi. Ipinapangako ko sa inyo na wawasakin ko ang Israel na tulad ng isang ina sa inyo.
\s5
\p
\v 6 Napapahamak ang aking mga tao dahil tinanggihan ninyong mga pari na unawain ako. Bakit kakaunti ang pagkaunawa ninyo sa akin? Dahil tinanggihan ninyo ang mga bagay na iniutos kong gawin ninyo. Kaya tinatanggihan ko kayo bilang mga pari sa akin. Tingnan ninyo ang inyong mga kinalimutan: Kinalimutan ninyo ang mga alituntunin na aking ibinigay sa inyo, na inyong Diyos. Dahil kinalimutan ninyo ako, kakalimutan ko rin ang inyong mga anak.
\p
\v 7 Habang dumadami kayong mga pari, ganoon din ang pagdami ng inyong mga ginagawa na aking ipinagbabawal. Iginagalang kayo ng lahat ngayon, ngunit ipapahiya ko kayo sa pamamagitan nila.
\s5
\p
\v 8 Kapag nagkasala ang ibang tao, nagdadala sila ng mga alay sa akin at kinakain ninyo ang ilan sa mga ito. Kaya ninanais pa ninyong magkasala nang marami ang mga tao.
\p
\v 9 Parurusahan ko kayong mga pari tulad ng pagpaparusa ko sa mga tao. Pararusahan ko kayong lahat dahil sa inyong pag-uugali. Pagbabayarin ko kayong lahat para sa lahat ng mga kasamaan na inyong ginawa.
\s5
\p
\v 10 Kakain kayong lahat ngunit hindi kayo kailanman mabubusog at palagi kayong magugutom. Ipagpapatuloy nilang sumiping sa ibang mga babae, ngunit hindi sila magbubuntis dahil iniwan ninyo ako, na ang pangalan ay Yahweh.
\s5
\p
\v 11 Ibinigay ninyo ang inyong mga sarili sa paggagawa ng mga ipinagbabawal na sekswal na mga gawain at sa pag-iinom ng alak at bagong alak. Ang lahat ng ito ay naging dahilan upang hindi ninyo maaaring malaman ang tama sa mali.
\p
\v 12 Nananalangin ang aking mga tao sa isang diyus-diyosan na gawa sa isang pirasong kahoy. Tinatanong nila sa kanilang mga tungkod na sabihin sa kanila kung saang daan sila tutungo! Napuno sila ng espiritu ng kahalayan na naglayo sa kanila mula sa akin, ang Diyos na dapat nilang sambahin.
\s5
\p
\v 13 Hinahabol nila ang ibang mga diyos, sa mga lugar na pinagsasambahan sa mga diyus-diyosan na itinayo sa tuktok ng mga bundok. Nagsusunog sila ng mga alay sa mga diyus-diyosan sa tuktok ng mga burol na iyon, sa lahat ng mga lugar kung saan sinasamba nila ang mga diyus-diyosan, sa ilalim ng mga puno ng ensina, sa mga puno ng alamo, at sa mga puno ng roble dahil nagbibigay ang mga punong ito ng magandang lilim. Sa pagsunod sa inyong halimbawa, nagpasya ang inyong mga anak na babae na maging mga babaing nagbebenta ng aliw, at nakagawa ng pangagalunya ang inyong mga babaing manugang.
\p
\v 14 Ngunit hindi ko parurusahan ang mga babaing bahagi sa pagbebenta ng aliw, o ang inyong mga babaing manugang nang nakagawa sila ng pangangalunya. Ang mga lalaking ito ang gumagawa ng gayunding bagay! Sumisiping sila sa mga babaing nagbebenta ng aliw at naghahandog sila ng mga alay sa mga tahanan ng mga diyus-diyosan kung saan may mga babaing nagbebenta ng aliw sa dambana para sa mga lalaking pumupunta upang sumamba sa mga diyus-diyosan. Wawasakin ko ang mga taong ito dahil hindi nila nauunawaan kung ano ang kanilang ginagawa!
\s5
\p
\v 15 Israel, iniwan ninyo ako at pumunta sa mga diyus-diyosan. Ngunit umaasa ako na hindi gagawin ng Juda ang gayunding bagay. Kayong mga tao ng Juda, huwag kayong pumunta sa Gilgal. Huwag kayong umakyat sa Beth-aven upang sumamba sa mga diyus-diyosan doon. Huwag kayong mangako ng taimtim sa pagtatawag sa akin upang gawing mabuti ang inyong mga pangako, sa pagdaragdag sa inyong mga panata na mga salitang, 'Sapagkat buhay si Yahweh!"
\p
\v 16 Kasing tigas ng ulo ng Israel ang batang baka. Maaari ko ba silang pakainin ngayon kung sila ay tulad ng mga maliliit na tupa sa pastulan?
\s5
\p
\v 17 Umalis ang Efraim upang makipag-isa sa mga diyus-diyosan. Iwanan ninyong mag-isa ang mga taong iyon!
\p
\v 18 Kapag natapos nilang inumin ang lahat ng kanilang mga inuming alak, gumagawa pa sila ng mas marami pang mga sekswal na kasalanan. Iniibig gawin ng kanilang mga pinuno ang mga kahiya-hiyang bagay na ito.
\p
\v 19 May sasalakay sa kanila, magiging tulad siya ng isang ipu-ipo na mag-aangat sa kanila at tatangayin sila palayo sa ibang lugar. Sa panahong iyon lamang sila mapapahiya dahil nagbigay sila ng mga handog sa mga diyus-diyosan.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Makinig kayong mga pari! Magbigay pansin, kayong mga Israelita! At kayong mga kasapi sa pamilya ng hari, kailangan din ninyong makinig! Sapagkat parurusahan ko kayong lahat. Ang mga bagay na inyong ginawa ay tulad ng isang patibong sa mga tao sa Mizpa. Ang mga bagay na inyong ginawa ay naging tulad ng isang lambat na inilatag upang makahuli ng mga taong nakatira sa Bundok ng Tabor.
\p
\v 2 Maraming pinatay ang mga naghimagsik laban sa akin na nalulunod na sa kanilang dugo. Sinasabi ko sa inyo na parurusahan ko silang lahat.
\s5
\q
\v 3 Kayong mga tao sa Efraim, ang gitna ng Israel, kilala ko kayo. Kilala ko kayo ng lubusan kung ano ang katulad ninyo, kayong mga Israelita.
\q
\v 4 Kayong mga tao sa Efraim, kumilos kayo tulad ng mga babaing nagbebenta ng aliw. Oo, marumi kayong mga Israelita. Walang kakayahan ang Efraim at Israel na humiling sa akin upang patawarin sila dahil sa kanilang ginawa. Pinili nilang maging hindi tapat at imoral, at hindi nila ako kinilala, si Yawheh."
\s5
\p
\v 5 Ang Israel ay mapagmataas. Dahil dito, nalalaman ng iba kung gaano siya nagkasala. Ang mga kasalanang ginawa ng mga Israelita ang dahilan ng kawalan ng kanilang pananampalataya kay Yahweh. Nawawalan na din ng pananampalataya ang Juda.
\p
\v 6 Umaasa silang mahikayat si Yahweh na kahabagan sila. Dumarating sila upang mag-alay ng mga tupa at mga baka sa kaniya mula sa kanilang mga kawan at mga pastulan. Ngunit malalaman nila na hindi sila kahahabagan ni Yahweh dahil itinigil niya na ang pagtulong sa kanila, iniiwan na niya silang mag-isa.
\p
\v 7 Hindi nila natupad ang kanilang mga pangako kay Yahweh at nagkaroon sila ng mga anak sa mga babaing dayuhan. Kaya sa panahon ng mga kapistahan ng bagong buwan, mapapahamak sila kasama ng kanilang mga nilinis na mga bukid."
\s5
\p
\v 8 Sinasabi ni Yahweh, "Hipan ang mga sungay ng lalaking tupa sa lungsod ng Gibea! Hipan ang mga trumpeta sa lungsod ng Rama! Isigaw ang hudyat sa lungsod ng Beth-aven! Pangunahan ninyo kami sa labanan, kayong mga tao sa tribo ni Benjamin!
\p
\v 9 Parurusahan ko ang mga tao ng Efraim at gagawing tumpok ng mga durog na bato ang kanilang lungsod. Ito ang aking pangako sa mga tribo ni Israel. Nangangako ako sa inyong lahat na gagawin ko ito.
\s5
\p
\v 10 Ang mga pinuno ng Juda ay kasing sama ng mga tao na nagnanakaw sa bukiran sa pamamagitan ng paglipat ng mga palatandaan. Ninanakaw nila ang mga lupain na hindi nila pag-aari. Parurusahan ko sila sa paraang ikapapahamak nila.
\p
\v 11 Labis na magdurusa ang Efraim, mapapahamak ang mga tao kapag pinarusahan ko sila dahil ipinasya nilang sambahin ang mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 12 Wawasakin ko ang Efraim gaya ng pagwawasak ng isang tanga sa mga damit. Wawasakin ko ang Juda gaya ng pagwawasak ng bukbok sa kahoy.
\p
\v 13 Kapag napagtanto ng mga tao sa Efraim kung gaano sila kahina, hihingi sila ng tulong sa mga tao ng Asiria. Kapag napagtanto ng mga tao sa Juda kung gaano sila kahina, magpapadala sila ng mga mensahero sa dakilang hari ng Asiria. Ngunit hindi niya kayo matutulungan, hindi niya kayo kayang palakasing muli.
\s5
\p
\v 14 Magiging tulad ako ng isang leon sa mga tao ng Efraim sa Israel at magiging tulad ako ng isang batang leon sa mga tao ng Juda. Wawasakin ko at iiwanan ko sila. Dadalhin ko sila palayo at walang sinuman ang makakapagligtas sa kanila.
\p
\v 15 Pagkatapos, babalik ako sa aking pinagmulan at mula roon, hihintayin kong aminin nila na nagkasala sila; hihintayin ko silang lumapit at humingi ng tulong sa akin."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Sinasabi ng mga tao, "Halikayo, manumbalik tayo kay Yahweh. Niluray niya ang ating laman ng pira-piraso gaya ng pagluray ng isang leon sa kaniyang biktima. Ginawa niya ito ngunit pagagalingin niya ang ating mga sugat. Sinaktan niya tayo at ibinagsak ngunit gagamutin niya ang ating mga sugat at tatalian upang gagaling ang mga ito.
\p
\v 2 Pagkatapos ng pangalawang araw, ibabalik niya ang ating lakas at sa pangatlong araw, ibabangon niya tayo, kaya mamumuhay tayong malapit sa kaniya.
\p
\v 3 Subukan ninyong kilalanin si Yahweh at gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang makilala siya. Tiyak na tulad ito ng pagsikat ng araw sa kinabukasan, siya ay darating sa atin. Darating siya sa atin tulad ng ulan, tulad ng ulan na darating sa tagsibol sa ating mga bukirin."
\s5
\p
\v 4 Ngunit sinasabi ni Yahweh, "Ano ang gagawin ko sa inyo, kayong mga tao ng Efraim? Ano ang gagawin ko sa inyo, kayong mga tao sa tribo ng Juda? Iniibig ninyo ako gaya lamang nang pagpapakita ng mga ulap sa umaga bago sila maglahong muli. Iniibig ninyo ako gaya lamang nang pananatili ng hamog bago sumikat ang mainit na araw.
\p
\v 5 Isinugo ko ang aking mga propeta sa inyo, at ito ay parang pinutol ko kayo nang pira-piraso noong nagsalita sila ng mga mensaheng ibinigay ko sa kanila. Nawasak kayo sa pamamagitan ng sinabi nila sa inyo. Ito ay parang pinatay ko kayo sa pamamagitan ng aking mga salita na sinabi ko sa inyo. Nagsalita ako tungkol sa kung paano ko kayo parurusahan. Sinabi kong galit ako sa inyo sa pamamagitan ng mga propeta at sinabi nila ito sa inyo." "Yahweh, parurusahan mo sila sa pamamagitan ng pag-uutos na mangyayari ito. Ang iyong mga salita ay tulad ng mga kidlat."
\s5
\p
\v 6 Sinasabi ni Yahweh, "Nais kong maging tapat kayo sa akin magpakailanman. Iyon ang nais ko higit pa sa paghahandog ninyo sa akin ng mga alay. Nais kong makilala ninyo ako, iyon ang mas higit na mahalaga sa akin kaysa sa pagbibigay ninyo sa akin ng mga alay na sinunog ng mga pari sa altar.
\p
\v 7 Ngunit tulad ni Adan, na unang tao, ang kasundaang ginawa nila sa akin at akong si Yahweh, ang gumawa kasama nila—sinira nila ito. Nang ginawa nila iyon, hindi sila naging tapat sa akin.
\s5
\p
\v 8 Ang Gilead ay lungsod ng mga taong gumagawa ng mga masasamang bagay at sa mga lansangan ng lungsod na iyon ay ang bakas ng mga mamamatay tao.
\p
\v 9 Gaya ng mga magnanakaw na nagbabalak magtago at pagkatapos, nanakawan ang isang taong lumalampas sa kanila. Gayundin ang mga pari, nagtitipun-tipon sila upang gawin ang kanilang mga balak tulad ng mga magnanakaw at pumapatay sila sa daan patungong Shekem. Gumagawa sila ng mga mabibigat na kasalanan.
\s5
\p
\v 10 Kabilang sa mga Israelita, nakita ko ang kakila-kilabot na bagay, sinasamba ng mga tao ng Efraim ang mga diyus-diyosan sa lahat ng dako. Naging marumi ang Israelita sa pamamagitan ng kanilang mga ginawa.
\p
\v 11 At sa inyo rin, kayong mga tao ng Juda, nagtakda ako sa inyo ng panahong ihihiwalay ko ang inyong mga mabubuting tao mula sa inyong masasamang tao. Tulad ng anihan, kapag kinukuha ninyo ang lahat ng mga pananim at itinatago ninyo ang mabuti at itinatapon ang masama, iyon ang darating sa inyo, mga tao ng Juda. Iyon ang araw na muli kong ibabalik ang pagpapala at mga kayamanan ng aking mga tao."
\s5
\c 7
\p
\v 1 Madalas kong sinubukang pagalingin ang Israel, lantarang ipinakita ng mga tao na nagkakasala sila, at gayundin ang ipinapakita ng mga tao sa lungsod ng Samaria. Nagsisinungaling sila at nandadaya sa kanilang pamimili at pagtitinda, tulad sila ng kalalakihang lumalabag sa batas na lumulusob sa mga taong naglalakad sa mga lansangan.
\p
\v 2 Ngunit kahit sandali hindi sila nag-iisip na akong si Yahweh ang nakakakita ng lahat ng kanilang ginagawa. Kahit saan man sila magpunta, gumagawa sila ng masama, at nakikita ko ang lahat ng ito.
\s5
\p
\v 3 Nagbibigay galak sa kanilang hari ang masasamang bagay na kanilang ginagawa, at masaya ang mga opisyal ng hari kapag nagsasabi sila ng mga kasinungalingan.
\p
\v 4 Mahahalay ang gawa nilang lahat, nag-aalab sila sa pagnanasa tulad ng pag-aalab ng pugon ng panadero, kapag sinindihan niya ito, hindi niya na kailangang lagyan pa ng maraming panggatong, hanggan sa handa na siyang magluto ng tinapay.
\p
\v 5 Sa mga kapistahan ng hari, gumagawa ng mga mapangahas na bagay ang kaniyang mga opisyal dahil nalasing sila sa alak, at nakikisama ang hari sa kanila habang kinukutya nila ako.
\s5
\p
\v 6 Ngunit ang mga opisyal ding ito ang nagtakda tungkol sa paggawa ng balak upang patayin ang hari. Tahimik silang nagagalit sa magdamag, at lantarang ipinapakita ang kanilang galit sa umaga.
\p
\v 7 Ang lahat ng mga opisyal na iyon ay labis ang galit sa hari, kaya pinapatay nila ang lahat ng kanilang mga pinuno. Sa huli, napatay ang lahat ng kanilang mga hari, wala kahit isa sa kanila ang tumawag sa akin, si Yahweh, upang tumulong."
\s5
\p
\v 8 Sumama ang Israel sa ibang mga lahi— ang lahat ng mga tao ay tulad ng manipis na tinapay na isang bahagi lamang ang naluto— wala silang pakinabang at nawasak.
\p
\v 9 Ang mga taong nanggagaling sa malayo ang kumuha sa lakas ng Israel. Tumatanda siya at pumuputi ang kaniyang buhok, ngunit alam niya ito.
\s5
\p
\v 10 Labis na mapagmataas ang Israel na nakikita ito ng lahat. Gayunpaman, hindi sila manunumbalik sa akin—kay Yahweh na kanilang Diyos. Hindi nila susubukang hikayatin ako upang kaawaan ko sila, kahit na anong nangyayari sa kanila.
\p
\v 11 Ang Israel ay tulad ng isang mangmang na ibon, isang kalapati na madaling malinlang ng kahit na sino. Tumawag muna siya sa Egipto, at pagkatapos tulad ng ibon, lumipad siya patungong Asiria.
\s5
\p
\v 12 Ngunit kapag parating na sila roon, ilalatag ko ang aking lambat sa kanila, hahatakin ko sila pababa tulad ng paghahatak pababa ng isang mangangaso sa mga ibon mula sa hangin papunta sa isang lambat. Parurusahan ko silang lahat ng sama-sama.
\p
\v 13 Magiging nakatatakot ito para sa aking mga tao, sapagkat iniwan nila ako! Mapapahamak sila sapagkat naghimagsik sila laban sa akin. Ninais kong sagipin sila, ngunit patuloy silang nagsasabi ng mga kasinungalingan laban sa akin.
\s5
\p
\v 14 Hindi sila tumatawag sa akin, hindi sila tumatawag sa akin na taos sa kanilang mga puso, humihiga lamang sila sa kanilang mga higaan at humahagulgol at umiiyak. Sinusugatan nila ang kanilang mga sarili upang subukang kunin ang pansin ng kanilang mga diyus-diyosan, upang makatanggap sila ng trigo at bagong alak mula sa kanilang mga diyos. Naghimagsik sila laban sa akin.
\p
\v 15 Kahit na sinanay ko sila at tinulungang maging malakas, kahit ngayon, nagbabalak silang gumawa ng masama laban sa akin.
\s5
\p
\v 16 Pumaroon sila at pumarito, ngunit hindi kailanman sa akin, ang Kataas-taasang Diyos. Sila ay tulad ng isang panang napuputol kapag hinihila ito ng isang tao. Papatayin ang kanilang mga opisyal sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway, mamamatay sila sapagkat hinamak nila ako. Ito ang dahilan kong bakit hahamakin sila ng mga tao sa Egipto."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Sinasabi ni Yahweh, "Kumuha ka ng isang trumpeta at hipan ito. May mga kaaway na mabilis sasalakay sa aking mga tao, tulad ng mabilis na pagsasalakay ng isang agila sa kaniyang bibiktimahin. Ito ay dahil iniwan ng aking mga tao ang aking kasunduan sa kanila at lumabag sila sa kautusang ibinigay ko sa kanila.
\p
\v 2 Tumatawag ang aking mga tao sa akin at sinasabi, 'Aming Diyos, tapat kami sa iyo!'
\p
\v 3 Ngunit itinapon ng mga tao ng Israel ang mabuti, kaya hahabulin sila ng kanilang mga kaaway.
\s5
\p
\v 4 Nagtalaga ang Israel ng mga hari para sa kanilang mga sarili, ngunit hindi nila isinangguni sa akin ang tungkol dito. Pumili sila ng kanilang mga hari na hindi nagtatanong sa akin upang payagan sila. Kinuha nila ang kanilang mga pilak at ginto at ginawang mga diyus-diyosan ang mga ito na kanilang sinamba, ngunit ang kahihinatnan, mapapahamak ang mga tao."
\p
\v 5 Sinasabi ng propeta, "Oo, hindi tinanggap ni Yahweh ang inyong mga diyus-diyosan, kayong mga tao ng Samaria—isang diyus-diyosan na gawa sa hugis ng isang guya!" sinasabi ni Yahweh, "Marahil ang mga taong ito ay hindi na makagagawa ng mga bagay na nakalulugod sa akin kailanman. Labis akong nagagalit sa kanila!
\s5
\p
\v 6 Ang nakakahiya nito, nanggaling sa Israel ang diyus-diyosang ito! Ginawa ito ng isang dalubhasang manggagawa. Isa lamang itong diyus-diyosan, hindi ito magiging tunay at buhay na Diyos! Titiyakin kong may isang taong babasag nito nang pira-piraso.
\p
\v 7 Ito ay dahil gumagawa ng walang kabuluhang mga bagay ang mga taong ito, kaya may isang bagay na nakatatakot na wawasak sa kanila. Ang nakatayo nilang trigo sa bukurin ay hindi magbibigay ng ani. At kahit ito ay magkaroon, kakainin ng mga dayuhang kawal ang lahat ng bunga nito.
\s5
\p
\v 8 Winasak ng ibang mga bansa ang kapangyarihan ng Israel. Ngayon, ang Israel ay tulad ng isang luma at basag na palayok na wala kahit sinuman ang nagnanais.
\p
\v 9 Humingi sila ng tulong sa hari ng Asiria, sila ay tulad ng mailap na asnong nagpalibut-libot nang nag-iisa. Sinubukang bayaran ng mga tao ng Israel ang ibang mga bansa upang ipagtanggol sila.
\p
\v 10 Bagaman ginawa nila ito, titipunin ko sila sa madaling panahon upang lipulin sila. Magsisimula silang maghirap dahil kailangan nilang magbayad ng pera sa hari ng Asiria.
\s5
\p
\v 11 Gumawa ng maraming mga altar ang mga tao ng Efraim kung saan maaaring maghandog ng mga alay para sa kanilang mga ksalanan, ngunit, ang mga altar na ito ay naging mga lugar kung saan nakagawa ang mga tao ng nakatatakot na mga kasalanan laban sa akin.
\p
\v 12 Kahit na sinulat ko ang aking mga kauutusan ng sampung libong beses para sa mga tao ng Israel, tatanggihan nilang sundin ang mga ito. Sasabihin nilang hindi pa nila kailanman narinig ang mga ito.
\s5
\p
\v 13 Pag-isipan natin ang tungkol sa mga alay na ibinigay nila sa akin. Nag-alay sila ng karne at kinain nila ito, ngunit akong si Yahweh ay hindi nalugod sa mga alay na iyon. Iisipin ko ang tungkol kanilang mga kasalanan at parurusahan ang mga tao dahil sa mga ito. Pababalikin ko sila sa Egipto.
\p
\v 14 At bakit nangyari ito? Kinalimutan ako ng mga tao ng Israel, ang Diyos na ginawa silang isang bansa. Sa halip na parangalan ako, nagtayo sila ng malalaking tahanan upang tirahan. At sa halip na sambahin si Yahweh, nagtayo ang mga tao ng Juda ng mga pader sa palibot ng kanilang mga lungsod upang pananggol. Kaya akong si Yahweh, ito ang gagawin ko: magpapadala ako ng apoy na wawasak sa lahat ng kanilang mga palasyo at lahat ng kanilang mga pinatibay na lungsod."
\s5
\c 9
\p
\v 1 Sinasabi ni Hosea ito: Huwag kang magsaya, O Israel, huwag kang magdiwang tulad ng ibang mga lahi! Hindi kayo naging tapat sa inyong Diyos. Tinanggihan ninyong gawin kung ano ang sinabi niya sa inyo. Sa bawat lugar kung saan naggigiik ang mga tao ng kanilang trigo, binigay ninyo ang inyong mga handog at mga alay sa mga diyus-diyosan. Kayo ay tulad sa mga kalalakihang nagbabayad ng pera upang sumiping sa mga kababaihan.
\q
\v 2 Ngayon hindi kayo magkakaroon ng sapat na trigo o alak upang pakainin ang inyong mga tao. Hindi na kayo magkakaroon ng pag-asa sa kahit anong bagong alak, dahil bibiguin kayo ng mga puno ng ubas.
\s5
\p
\v 3 Hindi magpapatuloy na manirahan ang mga tao ng Israel sa lupaing pinili ni Yahweh bilang kaniya. Sa halip, isang araw, babalik sila sa Egipto. At sa Asiria, kailangan nilang kainin ang uri ng pagkaing ipinagbawal sa kanila ng Diyos na kainin.
\p
\v 4 Hindi na sila maaaring magbuhos ng alak upang ihandog ito kay Yahweh, hindi na magpapalugod sa kaniya ang kanilang mga alay. Hindi na magiging katanggap-tanggap sa Diyos ang kanilang mga alay tulad ng pagkaing kinakain ng mga tao sa mga lamayan, at lahat nang kakain ng pagkaing iyon ay magiging hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Ang pagkaing iyon ang kakainin nila, hindi nila maaaring dalhin ito sa tahanan ni Yahweh upang ihandog ito sa kaniya.
\s5
\p
\v 5 Doon, sa isang bansang malayo mula sa inyong tahanan, hindi kayo maaaring magdiwang ng mga kapistahang iniutos ni Yahweh sa inyo na ipagdiwang.
\q
\v 6 Tingnan ninyo! Kung nakatakas kayo at hindi kayo pinatay ng mga taga-Asiria, mabibihag kayo ng hukbo ng Egipto. Mamamatay kayo roon, at ang mga tao sa lungsod ng Memfis ang maglilibing sa inyo. Ang lahat ng kayamanan ninyong pilak ay magiging tulad ng ilang, at maging ang inyong mga tahanan.
\s5
\p
\v 7 Panahon ito ngayon ng Diyos upang parusahan kayo, dumating na ang panahon kung saan pagbabayarin kayo ng Diyos sa bawat kasalanang inyong nagawa. At kailangang mapagtanto ninyong lahat na mga tao ng Israel na mangyayari ang mga bagay na ito. Kaya mangmang ang inyong mga bulaang propeta, at ang mga iniisip ninyong kinasihan ng Diyos ay mga baliw. Ito ay dahil labis kayong nagkasala at dahil naging mga kaaway kayo ni Yahweh.
\s5
\p
\v 8 Ang mga tunay na propeta ay mga bantay sa mga tao ng Israel at kasama nila ang aking Diyos. Ngunit saanman sila pumunta, naglalagay ng mga patibong ang iba para sa kanila, kahit sa templo ng kanilang Diyos, kinamumuhian sila ng iba.
\p
\v 9 Dinungisan ng mga tao ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagkakasala tulad ng ginawa ng mga Israelita sa Gibea, matagal na ang nakalipas. Hindi kalilimutan ng Diyos ang masasamang bagay na ginawa nila, tiyak na parurusahan niya sila.
\s5
\p
\v 10 Sinasabi ni Yahweh, "Nang natagpuan ko ang Israel, katulad ito ng isang taong naghahanap ng tumutubong mga ubas sa ilang. Nang nakita ko ang inyong mga ninuno, katulad sila ng pinaka-unang mga igos na lumilitaw sa isang taon, mga igos na tumutubo sa isang batang puno ng igos. Ngunit nang dumating sila sa Bundok ng Peor, binigay nilang lubos ang kanilang mga sarili sa kasuka-sukang diyus-diyosang si Baal at sila ay naging kasuklam-suklam tulad ng iniibig nilang diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 11 Ang karangalan ng Efraim ay tulad ng isang ibon na lumilipad palayo. Gagawin kong baog ang kanilang mga kababaihan upang hindi magsisilang, walang babae ang magbubuntis, at walang maglilihi nang kahit isang sanggol sa loob ng sinapupunan.
\p
\v 12 Kahit na magpalaki sila ng mga anak na hindi sa kanila, kukunin ko sila mula sa kanilang mga ina. Magiging malala ang maaaring mangyari sa kanila, kapag iniwanan ko sila!
\s5
\p
\v 13 Nakita ko ang mga tao ng Israel, sila ay tulad ng Tiro, sila ay tulad ng isang punong naitanim sa isang magandang parang. Ngunit kinailangan nilang pangunahan ang kanilang sariling mga anak patungo sa kanilang mga kaaway na papatay sa kanila."
\p
\v 14 Sinasabi ni Hosea, Yahweh, ibigay mo sa kanila—ano ang dapat mong ibigay sa kanila? Bigyan mo sila ng mga sinapupunang nakukunan, at hayaang mawalan ng gatas ang mga suso ng kanilang mga ina para sa kanilang mga sanggol.
\s5
\p
\v 15 Sinasabi Yahweh, "Dahil sa lahat ng masasamang bagay na ginawa ng aking mga tao sa Gilgal, doon ako nagsimulang mamuhi sa kanila. At dahil sa lahat ng mga makasalanang gawa na kanilang ginawa, paaalisin ko sila sa lugar na kanilang tinitirahan. Hindi ko na sila iibigin pa, lumalaban ang lahat ng kanilang mga opisyal laban sa akin.
\s5
\p
\v 16 Ang Efraim ay tulad ng isang puno ng ubas na natuyo at hindi namumunga. Kahit na manganak sila, papatayin ko ang mga batang iyon na kanilang iniibig."
\p
\v 17 Sinasabi ni Hosea, itinakwil ng aking Diyos ang mga tao sa Israel dahil hindi sila sumunod sa kaniya, at magpagalagala sila mula sa isang bansa patungo sa isa pa.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Katulad ng puno ng ubas ang Israel na nagbunga ng kumpol kumpol na ubas. Ngunit habang lalong nadadagdagan ang kanilang bunga, lalo silang yumayaman. Dahil sa perang iyon gumawa sila ng mas maraming haliging bato bilang parangal sa kanilang mga diyus-diyosan.
\p
\v 2 Mandaraya sila at hindi mapagkakatiwalaan; ngunit dumating na ang panahon upang pagbayaran nila ang kanilang mga kasalanan. Dudurugin ni Yahweh ang kanilang mga altar ng pira-piraso--sa mga lugar kung saan sila nagbigay ng mga alay sa kanilang mga diyus-diyosan, at nangangako siyang dudurugin ang mga sagradong haliging iyon sa tabi ng kanilang sinasambang hindi totoong mga diyos.
\s5
\p
\v 3 Sinabi nila, "Wala kaming hari ngayon sapagkat hindi namin ginagalang si Yahweh. Ngunit kahit may hari kami, paano makakatulong sa amin ang hari?"
\p
\v 4 Gumawa ng kasinungalingang mga pangako ang mga tao ng Isreal at hindi tamang kasunduan; at dahil hindi tinutupad ang kanilang mga pangako, ang uri ng kanilang katarungan ay pumapatay ng mga tao, tulad ng ginagawa ng nakakalasong mga damo sa bukid.
\s5
\p
\v 5 Nanginginig ang mga tao ng Samaria sa takot dahil sa nangyari sa diyus-diyosang baka ng Beth-aven. Humagulgol ang mga taong iyon sa nangyari sa mga diyus-diyosang iyon, gayon din ang mga paring naglilingkod sa kanila; nagalak sila sa kanila at pinuri ang kanilang kagandahan, ngunit ngayon kinuha na mula sa kanila ang mga diyus-diyosang iyon.
\p
\v 6 Dadalhin sa Asiria ang kanilang mga diyus-diyosan bilang isang regalo sa dakilang hari. Malalagay sa kahihiyan ang mga tao ng Israel; mapapahiya sila sa pagtiwala sa payong tinanggap nila sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 7 Mamatay ang hari ng Samaria. Magiging tulad siya sa isang maliit na piraso ng kahoy na lumulutang pababa ng batis.
\p
\v 8 Makikilala ang mga lugar sa kanilang kasamaan--mga altar kung saan sumasamba ang mga tao sa diyus-diyosan--wawasakin ang lahat. Tutubo ang mga tinik at dawag at tatabunan ang mga altar na nasa Samaria. Magmamakaawa at sasabihin ng mga tao sa mga bundok, "Tabunan mo kami" at sa mga burol, "Bagsakan mo kami"
\s5
\p
\v 9 Mga tao ng Israel, nagkakasala na kayo mula pa sa mga araw ng Gibea; na parang noon pa man ay naninirahan na kayo roon. Nilusob ng mga kaaway ang iyong mga ninuno sa Gibea.
\s5
\p
\v 10 Sinabi ni yahweh, "Kapag magpasya akong gumawa, parurusahan ko sila. Magsasamasama ang mga pangkat ng mga tao upang makipaglaban sa kanila; Bibihagin sila ng mga pangkat ng mga taong iyon at ikakadena sila dahil sa marami nilang mga kasalanan.
\p
\v 11 Parang naturuang baka si Efraim na kinagigiliwan niyang maggiik ng butil, paghihiwalay ng butil mula sa ipa, at hindi ako naglalagay ng mabigat na pamatok sa kaniyang malambot na leeg. Ngunit ilalagay ko ngayon si Efraim sa ilalim ng pamatok na iyon, at mag-aararo si Juda, at magbubungkal ng lupa si Jacob sa pamamagitan ng pangsuyod.
\s5
\p
\v 12 Mag araro kayo ngayon, at gawin kung ano ang tama, at aani kayo ng bunga ng matapat na pag-ibig. Gawin ang mahirap na trabahong pagbubungkal sa hindi pa naaararong lupa, sapagkat ngayon na ang panahon ninyo upang hilingin kay Yahweh na maawa sa inyo, upang darating siya at iligtas kayo sapagkat ginagawa niya kung ano ang tama.
\p
\v 13 Nagkasala kayo ng karumaldumal na kasalanan, at papasanin ninyo ngayon ang mga kinahinatnan. Nagsasabi kayo ng kasinungalingan, at ngayon pagdusahan ninyo ang mga bunga ng mga kasinungalingang sinabi ninyo. Nagtiwala kayo sa sarili ninyong kakayahan at kaalaman, at umasa kayo sa mga kawal ng inyong mga hukbo.
\s5
\p
\v 14 Magmumula ang ingay ng digmaan sa gitna ng iyong mga tao; mawawasak ang lahat ng inyong pinagtibay na mga lungsod. Magiging tulad ito nang wasakin ni Salman ang Beth-arvel sa digmaan, nang patayin ang mga ina habang hinahawakan ang kanilang mga anak.
\p
\v 15 Ganoon din ang gagawin sa inyo, kayo na mga tao sa lungsod ng Bethel, dahil sa lahat ng masasamang mga bagay na inyong ginawa. Nang magsimula ang digmaan sa madaling araw, mamamatay ang hari ng Israel; papatayin siya ng kaaway."
\s5
\c 11
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh, "Nang ang bansang Israel ay tulad ng isang binata, minahal ko siya. Siya ay tulad ng isang anak sa akin, na aking tinawag mula sa Egipto.
\p
\v 2 Ngunit sa palagian kong pagtawag sa kanila, lalo silang tumatakbong palayo. Sa bawat araw sila ay naghahandog ng kanilang mga alay sa mga diyus-diyusang nagngangalang Baal, at nagsusunog sila ng insenso upang parangalan sila.
\s5
\p
\v 3 Ngunit ako na siyang nagturo sa kanila na gawin ang lahat ng mabuting bagay, gaya ng isang ama na nagtuturo sa kaniyang anak upang lumakad. Tulad ako ng isang ama, na hinahawakan sila sa pamamagitan ng kanilang maliliit na mga bisig. Ngunit hindi nila nauunawaan na ako ang siyang nangangalaga sa kanila.
\p
\v 4 Pinapatnubayan ko sila ng may kabaitan, pinangunahan ko sila sa pamamagitan ng panali ng pagmamahal ng makataong kabaitan. Minahal ko sila ng lubos na akin silang pinatnubayan at pinangunahan sa pamamagitan ng aking sariling mga kamay. Nagtrabaho sila ng napakahirap, tulad ng isang pamatok ng bakang lalaki na humihila ng araro, ngunit pinagaan ko ang kanilang pamatok at niluwagan ang bigat ng kanilang mga panga, kaya hindi sila nakaranas ng sakit.
\s5
\p
\v 5 Ngunit ang Israel ay tiyak na babalik sa Egipto, at ang Asiria ay tiyak na mamumuno sa kanila, dahil tumanggi silang manumbalik sa akin at sambahin ako bilang kanilang Diyos.
\p
\v 6 Sasalakayin ng kanilang mga kaaway ang mga lungsod ng Israel sa pamamagitan ng espada; wawasakin ng kanilang mga kaaway ang mga harang na nagpapanatili sa kanilang mga tarangkahan na sarado at ligtas. Wawasakin ng kanilang mga kaaway ang mga tao ng Israel at maglalagay ng hangganan sa lahat ng ginawa nilang mga plano.
\p
\v 7 Determinado ang aking mga tao na tumalikod sa akin. Nagpanggap silang tumatawag sa akin, ang Kataastaasang Diyos, ngunit hindi ko pahihintulutan ang sinumang tumulong sa kanila.
\s5
\p
\v 8 Ngunit kayo bansang Israel—mahal kong Israel—Hindi ko kayo iiwan. Hindi ko kayo ibibigay sa inyong mga kaaway. Hindi ko nais gumawa para sa inyo gaya ng ginawa ko para sa Adma o gawin kayong tulad ng Zeboim—mga lungsod na aking winasak kasama ang Sodoma. Nagbago ang aking isipan tungkol sa pagpaparusa sa inyo; mahabang panahon akong nananabik upang magkaroon ng habag sa inyo.
\p
\v 9 Nakapagpasiya na akong hindi kayo parusahan nang labis. Hindi ko nais na wasakin kayo, ang mga tao ng aking bansang Israel, na aking mahal. Madaling magpasya ang mga tao na gawin iyon, ngunit ako ay Diyos, hindi tao. Ako ang Banal na namumuhay sa inyo; Hindi ako pupunta sa inyo at magalit sa inyo.
\s5
\p
\v 10 Ipinamumuhay nila sa kanilang mga buhay ang pagsunod sa aking mga utos. Aatungal ako tulad ng isang leon. At nang ako ay umatungal, narinig ng aking mga tao at dumating na nanginginig. Bumalik sila sa akin mula sa malayo—bumalik sila sa akin mula sa kanluran.
\q
\v 11 Dumating silang balisa sa lupain tulad ng isang kawan ng mga ibon na nagmula sa Egipto. At ang ilan ay tulad ng mga kalapati na lumipad mula sa Asiria. Minsan pa hahayaan ko silang mamuhay sa kanilang sariling mga tahanan, sa lupain ng Israel. Ako si Yahweh, ang nangako nito."
\s5
\p
\v 12 Patuloy na nagsisinungaling ang mga tao ng Israel sa akin. Ngunit sumusunod pa rin sa akin ang mga tao ng Juda at sila ay tapat sa akin, ang Banal."
\s5
\c 12
\p
\v 1 Ginagawa ng mga tao ng Israel kung ano lamang ang walang kabuluhan; ginagawa nila ang mga bagay na sisira lamang sa kanila. Nagsasabi sila ng higit pang kasinungalingan; ginagawa nila ang mga gawa ng karahasan. Gumagawa sila ng kasunduan sa Asiria, at nagpadala sila ng langis nang olibo sa Egipto, upang hikayatin ang mga bansa na ipagtanggol sila.
\p
\v 2 Inaakusahan din ni Yahweh ang mg tao ng Juda sa paglabag sa kaniyang kautusan. Parurusahan niya ang mga kaapu-apuhan ni Jacob sa kanilang ginawa. Pagbabayarin niya sila; Ibibigay niya sa kanila kung ano ang nararapat sa kanila.
\s5
\q
\v 3 Nang si Jacob ay nasa sinapupunan pa ng kaniyang ina, sinunggaban niya ang sakong ng kaniyang kapatid na si Esau dahil nais niyang kunin ang lugar ng pagiging panganay. Nang lumaki na si Jacob, nakipagbuno siya sa Diyos.
\p
\v 4 Nang nagpakita ang anghel sa kaniya, nakipagbuno siya sa kaniya at nanalo siya. Umiyak si Jacob sa anghel at nagmakaawa sa kaniya na basbasan siya. Natagpuan ni Jacob si Yahweh sa Bethel; at nakipag-usap si Yahweh sa kaniya.
\s5
\p
\v 5 Ito si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo ng anghel! "Yahweh" ang pangalan na dapat nating sambahin.
\p
\v 6 Manumbalik kayo sa inyong Diyos! Sundin ang kaniyang kautusan at gawin kung ano ang tama. Huwag tumigil sa pagtitiwala sa inyong Diyos para tulungan niya kayo.
\s5
\q
\v 7 Ang mga mangangalakal ay masama; gumagamit sila ng mga timbangang mali ang mga timbang at mga sukatan, upang maaari nilang dayain ang mga taong bumibili sa kanila.
\q
\v 8 Nagyabang ang mga tao ng Israel, "Napaka-yaman namin, at nakahanap kami ng paraan upang kami ay lalong maging mayaman kaysa sa ngayon. Sa lahat ng aming pagbili at pagbebenta, walang sinuman ang makakakita ng anumang mali sa aming ginawa.
\s5
\p
\v 9 Ngunit sinabi ni Yahweh, "Ako si Yahweh" na dapat ninyong sambahin; Ako ang siyang nagdala sa inyong mga ninuno palabas ng Egipto. Pipilitin ko kayong lumayo mula sa inyong mga tahanan at hayaan kayong manirahan muli sa inyong mga tolda, gaya ng paninirahan ninyo sa mga tolda ng ilang mga araw at bawat taon tuwing ipagdiriwang ninyo ang Pista ng mga Kanlungan.
\p
\v 10 Ilang ulit akong nagsalita sa mga propeta at nagbigay sa kanila ng mga pangitain para sa inyo, at binigyan ko sila ng mga talinghaga, upang magsalita sila sa inyo."
\s5
\p
\v 11 Sinabi ng mga propeta na kung ito ay totoo na ang mga tao sa rehiyon ng Galaad ay masasama, at tiyak na ang mga ito ay walang kabuluhan! Pumapatay sila ng mga baka sa Gilgal at inihahandog nila ito sa kanilang mga diyus-diyosan; Ngunit gigibain ang mga altar na ito at maging tumpok ng mga bato sa kanilang bukirin.
\p
\v 12 Si Jacob ay tumakas sa lupain ng Aram; siya, na di nagtagal pinalitan ng Diyos ang pangalan ng Israel, nagtrabaho ng maraming taon upang mapangasawa ang isang babae. Inalagaan niya ang mga tupa ng kaniyang tiyuhin upang mapangasawa siya.
\s5
\p
\v 13 Ginamit ni Yahweh ang propetang si Moises upang dalhin palabas ng Egipto ang Israel, at inalagaan niya sila sa pamamagitan ng propeta na namuno sa kanila.
\p
\v 14 Nagdulot ng sobrang galit ang mga tao ng Israel kay Yahweh; sinabi ng kanilang Panginoon sila ang may sala sa kamatayan ng marami, at ang kanilang kasalanan ay nanatili sa kanila. Sila ay magbabayad sa kaniya dahil ininsulto nila siya sa pamamagitan ng kanilang kahiya-hiyang mga gawa.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Sabi ni Yahweh, "Nang nagsalita ang mga pinuno ng Israel, nanginig ang mga tao; iginalang sila sa Israel. Ngunit dahil silang lahat ay sumamba kay Baal, sila ay nagkasala, at namatay.
\p
\v 2 Ngayon ay mas higit silang nagkasala; gumawa sila ng mga larawang hinugis mula sa pilak upang gawing mga diyus-diyosan nila. Mga rebultong napakahusay ang pagkakagawa ng mga diyus-diyosang iyon, ngunit ang mga rebultong iyon ay ginawa lamang ng mga mahuhusay na manggagagwa. Ngunit nakita ng ibang mga tao na ang mga kalalakihan ng Israel ay nag-alay sa mga diyus-diyosang-guya at humalik sa mga ito upang sumamba sa mga ito.
\s5
\p
\v 3 Kaya maglalaho ang mga tao ng Israel kasim-bilis tulad ng mga ulap na namuo sa umaga, kasim-bilis tulad ng hamog, nang patuyuin ito ng araw. Sila ay madaling maglalaho tulad ng ipa na hihipan ng hangin palayo mula sa lugar ng giikan. Sila ay mabilis na maglalaho tulad ng usok na lalabas mula sa pausukan.
\s5
\p
\v 4 Ngunit ako si Yahweh, na dapat ninyong sambahin; Ako ang nagpalaya sa inyo palabas sa lupain ng Egipto. Walang ibang Diyos kayong dapat sambahin; dapat Ako lamang ang inyong sambahin. Walang sinuman ang maaaring magligtas sa inyo.
\p
\v 5 Pinangalagaan ko kayo sa ilang, sa isang disyerto na kung saan walang tubig na maiinom.
\p
\v 6 Nang binigyan ko kayo ng pagkain, kumain kayo hanggang sa masiyahan kayo. Ngunit nang hindi na kayo gutom, naging mapagmalaki kayo at kinalimutan ang tungkol sa akin.
\s5
\p
\v 7 Kaya sasalakayin ko kayo tulad ng isang leon; Sasalakayin ko kayo tulad ng isang leopardong naghihintay sa tabi ng daan upang biglang tumalon sa isang manlalakbay.
\p
\v 8 Darating ako laban sa inyo tulad ng isang babaing oso kapag ninakaw ng isang tao ang kaniyang mga anak, at lalaslasin ko ang inyong mga dibdib. Tulad ng isang leon na sumasalakay—tulad ng isang mabangis na hayop na pipilasin kayo ng hiwa-hiwalay.
\s5
\p
\v 9 Kayong mga tao ng Israel, kayo ay mawawasak dahil kayo ay lumaban sa akin—laban sa makakatulong sa inyo.
\p
\v 10 Walang sinumang hari ang makapagliligtas sa inyo alinman sa inyong mga lungsod. Walang sinuman sa mga pinuno ang inyong hiniling sa akin na ibinigay ko sa inyo.
\p
\v 11 Nang binigyan ko kayo ng isang hari, ibinigay ko siya sa inyo nang galit ako sa inyo. At dahil galit ako sa inyo, kinuha ko ang inyong mga hari.
\s5
\p
\v 12 Patuloy kong sinusubaybayan ang lahat ng mga masasamang gawa na ginawa ninyong mga tao ng Israel; Itinala ko ang lahat ng inyong pagkakasala.
\p
\v 13 Ikaw ay tulad ng isang sanggol na handa nang ipanganak, ngunit ikaw ay mangmang, dahil ikaw ay tulad ng isang bata na tumangging ipanganak.
\s5
\p
\v 14 Ilalayo ko ba talaga kayo mula sa kamatayan? Ililigtas ko ba kayo mula sa kamatayan? Hindi! Hahayaan ko kayong mamatay hahayaan ko kayong mapahamak. Wala na akong natitirang habag sa inyo."
\s5
\p
\v 15 Sinabi ni propeta Hosea: Bagaman kayong mga tao ng Israel ay mas mayaman kaysa sa kanila na nasa Juda, darating ang araw kapag wawasakin kayo ni Yahweh. Masasalubong ninyo ang sakuna. Kukunin ng inyong mga kaaway ang lahat ng mahalagang bagay palayo mula sa inyo.
\s5
\p
\v 16 Ang mga tao sa lungsod ng Samaria ay nagkasala dahil sila ay naghimagsik laban sa Diyos. Papatayin sila ng kanilang mga kaaway sa pamamagitan ng mga espada. Itatapon nila sa lupa ang kanilang mga anak at papatayin sila; lalaslasin nila ang tiyan ng mga babaing buntis."
\s5
\c 14
\p
\v 1 Israel, manumbalik kay Yahweh na inyong Diyos! Kayo ay nagkasala dahil nakagawa kayo ng masasamang bagay.
\q
\v 2 Kaya ngayon, manumbalik kay Yahweh, at isipin ang tungkol sa kung paano ninyo aminin ang inyong mga kasalanan sa kaniya. Sabihin ito sa kaniya: "Alisin ang lahat ng aming mga kasalanan, at tanggapin kami; nakikiusap kami na maging mabait ka sa amin. Nakikiusap kami na tanggapin mo kaming muli, upang maaari ka naming purihin sa aming mga salita at awit.
\s5
\p
\v 3 Hindi tayo maililigtas ng Asiria. Walang kabuluhan para sa atin ang pagsakay sa mga kabayo sa labanan. Hindi na natin kailanman muling sasabihin, 'Kayo ay aming mga diyos' sa mga diyus-diyosan na ginawa namin sa pamamagitan ng aming mga kamay. Kahit tumingin sa inyo ang mga bata na walang mga ama, Yahweh, at matagpuan nila na ikaw ay mabait sa kanila."
\s5
\p
\v 4 Sinabi ni Yahweh, "Patatawarin ko ang mga taong ito sa pagtalikod palayo mula sa akin, at iibigin ko sila ng walang humpay, dahil nakapagpasya ako na itigil ang magalit sa kanila.
\p
\v 5 Tutulungan ko ang mga tao ng Israel tulad ng pagtulong ng hamog sa lupa. Sasagana sila tulad ng pagyabong ng mga liryo. Magiging matatag sila tulad ng mga puno ng sedar sa Lebanon.
\p
\v 6 Magiging tulad sila ng mga puno na nalalatag ang mga sanga. Magiging kasing ganda sila tulad ng mga puno ng olibo, at mapapasiya nila ang iba tulad sa halimuyak ng punong sedar sa Lebanon.
\s5
\q
\v 7 Manunumbalik at mamumuhay sila malapit sa akin, at ipagtatanggol ko sila mula sa paghihirap. Magiging matagumpay sila tulad ng isang butil sa bukid na lumalago ng mabuti, tulad ng mga puno ng ubas na lumalago ng mabuti. Magiging tanyag sila tulad ng alak na ginawa ng mga tao sa lupain ng Lebanon.
\p
\v 8 Sasabihin ng mga tao sa Israel, 'Wala na tayong magagawa pa sa mga diyus-diyosan!' Ako ito, si Yahweh, na mangangalaga sa inyo. Walang diyus-diyosan ang makagagawa nang ganuon. Tulad ako ng isang puno ng sipres na lumalago at nananatiling sariwa sa buong taon; nagmula sa akin ang lahat ng inyong mabuting mga regalo."
\s5
\p
\v 9 Mauunawaan ng bawat matalinong tao ang mga bagay tungkol sa aking naisulat; silang may mga pang-unawa ay pag-aaralan ang mga bagay na ito at magbigay ng maingat na pansin sa kanila. Sa paraang nais ni Yahweh na mamuhay tayo ng tama. Ipinamumuhay nila kung ano ang ginagawa nilang tama. Ang mga mapaghimagsik na mga tao, gayunman, ang kasalanan ay hindi maaaring sumunod sa kaniya.