tl_udb/26-EZK.usfm

3621 lines
282 KiB
Plaintext

\id EZK
\ide UTF-8
\h Ezekiel
\toc1 Ezekiel
\toc2 Ezekiel
\toc3 ezk
\mt Ezekiel
\s5
\c 1
\p
\v 1-2 "Nang ako, si Ezekiel, ay tatlumpung taong gulang, naninirahan ako kasama ang mga Israelita sa tabi ng ilog Kebar na nasa timog ng Babilonia. Dinakip kami ng mga taga-Babilonia mula sa lupain ng Juda at dinala kami rito. Sa ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng taong iyon, ito ay para bang bumukas ang langit at nakakita ako ng mga pangitain mula sa Diyos. Ang ikalimang araw ng ikaapat na buwan ay halos limang taon mula nang mabihag si Haring Jehoiakin."
\p
\v 3 Kaya binigyan ng Diyos si Ezekiel na pari, na anak ni Buzi, ng mga mensahe sa Babilonia habang siya ay nasa tabi ng ilog Kebar. Sumakaniya ang kapangyarihan ni Yahweh roon.
\s5
\p
\v 4 Sa isa sa mga pangitain, nakakita ako ng bagyong hangin na dumarating mula sa hilaga. May isang malaking ulap, at kidlat na patuloy na kumikislap sa loob nito, at isang maningning na liwanag ang nakapalibot sa ulap. Sa gitna kung saan kumikislap ang kidlat, may kulay-ambar na apoy.
\p
\v 5 Sa gitna ng bagyo, nakita ko ang wangis ng apat na buhay na nilalang. Kawangis sila ng mga tao,
\p
\v 6 ngunit ang bawat isa sa kanila ay may apat na mukha at apat na pakpak.
\s5
\q1
\v 7 Ang kanilang mga binti ay tulad ng mga binti ng tao, ngunit ang kanilang mga paa ay kawangis ng mga kuko ng mga guya na kuminang tulad ng pinakintab na tanso.
\p
\v 8 Sa apat na dako ng kanilang mga katawan sa ilalim ng kanilang mga pakpak, may mga kamay tulad ng mayroon sa mga tao.
\p
\v 9 Habang nakatayo ang apat na nilalang doon, bumuo sila ng isang bilog, sa pamamagitan ng kanilang mga pakpak na sumasagi sa bawat isa. Hindi sila lumiliko kapag umuusad sila, umusad sila nang tuwiran.
\s5
\p
\v 10 Ang bawat nilalang ay may apat na mukha. Sa harap ay may mukhang kawangis ng mukha ng isang tao. Ang mukha sa kanang dako ay kawangis ng mukha ng isang leon. Ang mukha sa kaliwang dako ay kawangis ng mukha ng isang toro. Ang mukha sa likod ay kawangis ng mukha ng isang agila.
\p
\v 11 Ang dalawa sa mga pakpak ng bawat nilalang ay nakataas at nakasagi sa mga pakpak ng mga nilalang na nasa magkabilang dako nito. Ang iba pang dalawang pakpak ay nakatiklop sa katawan ng nilalang.
\q1
\v 12 Umusad nang tuwiran ang mga nilalang saanmang direksiyon sila naising pumunta ng Espiritu ng Diyos na namahala sa kanila, nang hindi sila nagbabago ng mga direksiyon habang gumagalaw.
\s5
\q1
\v 13 Kawangis ng mga nagliliyab na baga o mga sulu ang apat na nilalang. Isang nagliliyab na apoy ang gumalaw paurong at pasulong sa mga nilalang, at kumislap ang kidlat mula sa kanila.
\p
\v 14 Napakabilis na gumagalaw paurong at pasulong ang mga nilalang, kaya tulad sila ng mga kislap ng kidlat!
\s5
\p
\v 15 Habang nakatingin ako sa apat na buhay na nilalang, nakita ko ang isang gulong sa ilalim sa tabi ng bawat isa sa kanila.
\p
\v 16 Magkakapareho ang bawat gulong, at nagliwanag ang lahat ng mga ito tulad ng berilyo. Ang bawat gulong ay parang may isang gulong sa loob ng isa pang gulong.
\s5
\p
\v 17 Kapag umuusad sila, uusad sila nang tuwiran sa isa sa apat na direksiyong kanilang kaharap, hindi sila lumiliko sa isa pang direksiyon habang umuusad.
\p
\v 18 Ang mga gilid ng mga gulong ay kahanga-hanga at nakakatakot, at natakpan ang mga ito ng mga mata.
\s5
\p
\v 19 Kapag umuusad ang mga buhay na nilalang, umuusad ang mga gulong kasama nila. Kaya kapag pumapaitaas ang mga nilalang mula sa lupa, pumapaitaas din ang mga gulong.
\p
\v 20 Pumupunta sila saanman sila nais pumunta ng Espiritu ng Diyos na namamahala sa kanila, at pumupuntang kasama nila ang mga gulong, dahil pinamamahalaan ng kanilang espiritu ang mga gulong.
\p
\v 21 Kapag umuusad ang mga nilalang, umuusad ang mga gulong. Kapag tumitigil ang mga nilalang, tumitigil ang mga gulong. Kapag pumapaitaas mula sa lupa ang mga nilalang, pumapaitaas kasama nila ang mga gulong.
\s5
\p
\v 22 Sa ibabaw ng mga ulo ng mga nilalang ay may isang bagay na kawangis ng isang pabilog na bubong. Kumikislap ito gaya ng pagkislap ng yelo, at kahanga-hanga ito.
\q
\v 23 Sa ilalim ng pabilog na bubong, ibinuka ng mga nilalang ang kanilang mga pakpak. Ang bawat isa ay may dalawang pakpak na nakasagi sa mga pakpak ng mga nilalang sa magkabilang dako, at dalawang pakpak na nakatakip sa kaniyang sariling katawan.
\s5
\p
\v 24 Kapag umuusad ang mga nilalang, nakakagawa ng isang tunog ang kanilang mga pakpak na katulad ng pagbagsak ng mga alon sa dagat. Tumutunog din ito tulad ng tinig ng Makapangyarihang Diyos, at tulad ng ingay ng paglakad ng maraming hukbo. Kapag tumitigil ang mga nilalang sa lupa, ibinababa nila ang kanilang mga pakpak.
\q
\v 25 Habang nakatayo sila sa lupa na nakababa ang kanilang mga pakpak, may isang tinig mula sa pabilog na bubong na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo.
\s5
\p
\v 26 Sa itaas ng pabilog na bubong ay may kawangis ng isang napakalaking tronong gawa sa isang napakalaking safiro. Ang nakaupo sa trono ay kawangis ng isang tao.
\s5
\p
\v 27 Nakita ko sa itaas ng kaniyang baywang na kawangis niya ang metal na nagliliwanag na parang may napaka-init na apoy sa loob nito. At nakita ko sa ibaba ng kaniyang baywang na may napakaliwanag na ilaw na nakapalibot sa kaniya.
\p
\v 28 Kuminang ito tulad ng bahaghari sa mga ulap sa isang maulang araw. Iyan ay ang maliwanag na ilaw na kumakatawan sa presensya ni Yahweh. Nang makita ko ito, nagpatirapa ako sa lupa, at narinig ko siyang nagsasalita!
\s5
\c 2
\p
\v 1 Sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, tumayo ka habang nagsasalita ako sa iyo."
\p
\v 2 Habang nagsasalita siya sa akin, lumoob sa akin ang Espiritu ng Diyos at binigyan ako ng kakayahang tumayo. At narinig ko siyang nagsasalita sa akin.
\q
\v 3 Sinabi niya, "Anak ng tao, isusugo kita sa mga Israelita. Sila ay mga taong lumayo at naghimagsik laban sa akin. Naghimagsik ang kanilang mga ninuno laban sa akin, at hanggang ngayon sila mismo ay naghihimagsik laban sa akin.
\s5
\p
\v 4 Ang mga tao kung saan kita isusugo ay mga taong napakatigas ang ulo. Ngunit sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa inyo.'
\p
\v 5 At kapag sinasabi mo sa kanila ang aking mga mensahe, marahil pakikinggang mabuti ng mga suwail na mga taong iyon ang mga mensahe at marahil hindi nila papakinggang mabuti, ngunit malalaman nilang isang propeta ang kabilang sa kanila!
\s5
\p
\v 6 At ikaw, anak ng tao, hindi ka dapat matakot sa kanila o sa kanilang mga sinasabi. Ang mamuhay kasama nila ay parang pamumuhay sa gitna ng mga dawag o mga alakdan, ngunit huwag kang matakot sa kanila. Mga suwail silang tao, ngunit huwag mong hayaang takutin ka nila.
\s5
\q
\v 7 Sabihin mo sa kanila ang aking mensahe, ngunit huwag mong asahang bibigyan nila ito ng pansin, dahil napakasuwail nila.
\p
\v 8 Ngunit anak ng tao, dapat mong bigyan ng pansin ang aking sinasabi. Huwag kang maging suwail tulad nila. Ngayon, buksan mo ang iyong bibig at kainin ang ibinibigay ko sa iyo."
\s5
\q
\v 9 Pagkatapos, habang nanonood ako, nakita ko ang kaniyang kamay na naka-unat sa akin. Sa kaniyang kamay ay may isang balumbon.
\p
\v 10 Inilatag niya ang balumbon. Sa magkabilang dako nito ay nakasulat ang mga salitang naghayag ng kalungkutan at pagtangis at mga salitang tungkol sa kabalisahan.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Sinabi niya sa akin, "Anak ng Tao, kainin mo itong kasulatang binalumbon na nasa iyong harapan. Pagkatapos, pumunta ka at magsalita sa mga Israelita."
\p
\v 2 Kaya ibinuka ko ang aking bibig, at ibinigay niya sa akin ang kasulatang binalumbon upang kainin ito.
\p
\v 3 At sinabi niya sa akin, "Anak ng Tao, kainin mo ang kasulatang binalumbon na ibinigay ko sa iyo. Punuin mo ang iyong tiyan sa pamamagitan nito." Kaya kinain ko ito, at sa aking bibig, kasintamis ng pulot-pukyutan ang lasa nito.
\s5
\p
\v 4 At sinabi niya sa akin, "Anak ng Tao, pumunta ka sa mga Israelita at sabihin mo sa kanila ang aking mensahe.
\p
\v 5 Isinusugo kita sa mga taong hindi mahirap pag-aralan ang wika, wikang hindi mo naiintindihan. Isinusugo kita sa iyong mga kababayang Israelita.
\p
\v 6 Isinusugo kita sa mga taong labis mong naiintidhan ang wika. Kung isinusugo kita sa mga taong mahirap mong maintindihan ang wika, bibigyang pansin nila ang iyong sinasabi sa kanila.
\p
\v 7 Ngunit ayaw makinig ng mga Israelita sa iyo dahil hindi nila nais na makinig sa akin. Ayaw nilang makinig dahil napakasuwail nilang lahat.
\s5
\p
\v 8 Ngunit ikaw, bibigyan kita ng kakayahang maging kasintigas at kasintibay nila.
\p
\v 9 Gagawin kitang kasintatag tulad ng pinakamatigas na bato, tulad ng batong pingkian. Kaya, kahit na sila ay napakasuwail na mga tao, huwag kang matakot sa kanila, huwag mong hayaan na takutin ka nila."
\s5
\p
\v 10 Sinabi rin niya sa akin, "Anak ng Tao, makinig ka ng maigi sa aking sinasabi, at lagi mo itong iisipin.
\p
\v 11 Pumunta ka sa kapwa mong mga Israelita na naririto matapos bihagin at magsalita ka sa kanila. Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh' at pagkatapos, sabihin mo sa kanila ang aking mensahe, kahit na nais nila itong pakinggan o mas pipiliin nilang hindi mabuhay."
\s5
\p
\v 12 At sa pangitain, itinaas ako ng Espiritu ng Diyos, at may narinig akong nagsasalita nang napakalakas sa aking likuran, tulad ng malakas na lindol. May narinig akong nagsasabi, "Purihin ang ating maluwalhating si Yahweh sa lugar kung saan siya nananahan sa langit!"
\p
\v 13 Narinig ko ang tunog ng mga pakpak ng apat na buhay na nilalang na sumasagi sa isa't isa, at narinig ko rin ang tunog ng mga gulong na nasa kanilang tabi. Ito ay isang napakalakas na tunog tulad ng isang lindol.
\s5
\p
\v 14 Dinala ako palayo ng Espiritu. Naramdaman ko ang sobrang pait at galit sa aking kalooban, at itinutulak ako ni Yahweh nang napakalakas.
\q
\v 15 Nakarating ako sa mga bihag na nanirahan sa bayan ng Tel-abib malapit sa Kanal Kebar sa Babilonia. At namahinga ako nang pitong araw kung saan sila naninirahan. Nagulat ako sa lahat ng aking nakita.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos ng pitong araw na iyon, ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito:
\p
\v 17 "Anak ng Tao, hinihirang kita na maging tulad ng isang bantay. Kaya makinig ka sa mga mensaheng ito na ibibigay ko sa iyo, at sabihin mo sa kanila ang mga mensaheng iyon upang balaan sila.
\q
\v 18 Kapag sasabihin ko ang tungkol sa ilang masasamang tao, 'Tiyak na mamatay sila dahil sa kanilang mga kasalanan,' kung hindi mo sila babalaan o sasabihin sa kanila na dapat silang tumalikod sa kanilang masamang pag-uugali kung nais nilang iligtas ang kanilang mga buhay, mamamatay sila dahil sa kanilang mga kasalanan, at magiging pananagutan mo ito dahil hindi ka kumilos upang pigilan ito.
\q
\v 19 Ngunit kung babalaan mo ang masasamang tao at hindi sila tumalikod sa lahat ng kanilang masasamang pag-uugali, mamamatay sila dahil sa kanilang mga kasalanan, ngunit maililigtas mo ang iyong sarili mula sa aking kaparusahan.
\s5
\p
\v 20 Sa parehong paraan, kapag tumalikod ang mga matuwid na tao mula sa kanilang matuwid na pag-uugali at gumawa ng masasamang gawain, magdudulot ako ng masasamang pangyayari sa kanila. Ngunit kailangan mo silang balaan. Kung hindi mo sila babalaan, kung hindi nila ititigil ang kanilang masamang pag-uugali, mamamatay sila dahil sa kanilang mga kasalanan. Hindi ko iisipin ang tungkol sa matutuwid na bagay na kanilang nagawa noon, ngunit ibibigay ko sa iyo ang pananagutan para sa kanilang kamatayan.
\p
\v 21 Ngunit kung babalaan mo ang matutuwid na tao na hindi magkasala, at hindi sila nagkasala; tiyak na mananatili silang buhay dahil pinakinggan nila ng mabuti ang iyong babala, at maililigtas mo ang iyong sarili mula sa aking kaparusahan."
\s5
\p
\v 22 Naramdaman ko ang pamamahala ni Yahweh, at nagsalita siya sa akin at sinabi, "Tumayo ka at pumunta sa kapatagan, at kakausapin kita roon."
\p
\v 23 Kaya tumayo ako at pumunta sa kapatagan. At nakita ko ang kaluwalhatian ni Yahweh doon, tulad ng kaluwalhatian na nakita ko sa Kanal Kebar. At nagpatirapa ako sa lupa.
\s5
\p
\v 24 Pagkatapos, pumasok sa akin ang Espiritu ng Diyos at binigyan ako ng kakayahang tumayo. Sinabi niya sa akin, "Magpunta ka sa iyong tahanan at manatili sa loob nito.
\q
\v 25 Itatali ka ng mga tao gamit ang mga lubid, na ang kalalabasan ay hindi ka na makakapunta sa mga tao.
\s5
\p
\v 26 Kahit na napakasuwail nilang mga tao, ididikit ko ang iyong dila sa ngala-ngala ng iyong bibig, na magiging dahilan upang hindi ka magkaroon ng kakayahang makausap at suwayin sila.
\p
\v 27 Ngunit pagkatapos, kapag magsasalita akong muli sa iyo, bibigyan kita ng kakayahang magsalita at sabihin sa kanilang 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa inyo.' Papakinggan ako ng mga nais akong pakinggan, ngunit mamamatay ang mga hindi pumapansin sa mensahe, sapagkat mga suwail silang tao!"
\s5
\c 4
\p
\v 1 Nagpatuloy si Yahweh at sinabi, "Anak ng tao, kumuha ka ng malaking laryo at gumuhit ng mga linya dito na kumakatawan sa Jerusalem.
\p
\v 2 Pagkatapos, gumuhit ka ng mga anyo sa palibot nito upang kumatawan sa mga kawal ng kaaway na magtatayo ng mga muog at mga tanggulan sa palibot ng lungsod upang sakupin ito. Maglagay ka ng mga anyo sa palibot nito na kumakawatan sa mga panghampas.
\p
\v 3 At kumuha ka ng bakal na palayok, at ilagay mo ito upang maging tulad ng isang bakal na pader sa pagitan mo at sa ukit ng lungsod. At iharap mo ang iyong mukha sa guhit. Sumasagisag ito na papalibutan ng mga hukbo ng kaaway ang lungsod upang salakayin ito. Magiging isang babala iyan sa mga Israelita.
\s5
\p
\v 4-5 Pagkatapos, humiga ka ng patagilid sa iyong kaliwa at manatiling ganyan ng 390 na araw. Magiging sagisag ka sa pagpasan ng kaparusahan para sa mga kasalanan ng mga Israelita, ang hilagang kaharian. Kailangan mong humiga ng ganyan ng isang araw para sa bawat taon na parurusahan ko sila.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos niyan, humiga kang muli. Sa pagkakataong ito, humiga ka ng patagilid sa iyong kanan ng apatnapung araw. Sisimbolo iyan na parurusahan ang mga taga-Judea, ang katimugang kaharian, dahil sa kanilang mga kasalanan, isang taon para sa bawat araw na hihiga ka roon.
\p
\v 7 Humarap ka sa guhit ng Jerusalem at ililis ang iyong manggas sa braso tulad ng ginagawa ng isang kawal na naghahandang pumunta sa labanan, at magpropesiya ka tungkol sa mangyayari sa lungsod.
\p
\v 8 Hindi ka makakagalaw; ito ay para bang itinali kita gamit ang mga lubid upang hindi ka makalingon sa isang dako papunta sa kabila hanggang matapos mo ang pagsisimbolo sa kung gaano kadaming taong makukubkob ang lungsod.
\s5
\p
\v 9 Bago mo gawin iyon, kumuha ka ng ilang trigo, sebada, mga bitsuwelas, mga lentil, batad, at espelta; at ilagay mo ang mga ito sa isang lalagyang banga, at gamitin mo iyon upang magluto ng tinapay para sa iyong sarili. Iyan ang iyong kakainin sa loob ng 390 na araw habang nakahiga ka ng patagilid sa iyong kaliwang dako.
\p
\v 10 Kakain ka ng humigit kumulang dalawandaang gramo ng tinapay sa bawat araw sa buong maghapon.
\p
\v 11 Sukatin mo rin ang humigit kumulang na kalahating litro ng tubig upang inumin sa bawat araw sa buong maghapon.
\s5
\p
\v 12 Kainin mo ang tinapay tulad ng pagkain mo sa isang tinapay na sebada. Ngunit gamitin mo ang iyong sariling tuyong dumi upang maging panggatong sa pagluto ng tinapay habang pinapanood ka ng mga tao.
\p
\v 13 Magsasagisag iyan na sapilitang kakain ang mga Israelita ng pagkaing hindi katanggap-tanggap sa akin kapag nanirahan sila sa mga bansa kung saan ko sila sapilitang pinapunta."
\s5
\p
\v 14 At sinabi ko, "Huwag, Panginoong Yahweh! Huwag mo akong piliting gawin iyon! Hindi ko kailanman ginawang hindi katanggap-tanggap ang aking sarili sa iyo. Mula sa panahong bata pa ako, hindi pa ako nakakain ng karne ng anumang hayop na natagpuang patay o mga pinatay ng mga mababangis na hayop. At hindi pa ako kailanman nakakain ng anumang karneng hindi katanggap-tanggap sa iyo."
\p
\v 15 Sumagot si Yahweh, "Dahil diyan, pahihintulutan kitang iluto ang iyong tinapay gamit ang pinatuyong dumi ng baka sa halip na dumi ng tao bilang panggatong."
\s5
\p
\v 16 At sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, puputulin ko ang pagtutustos ng pagkain sa Jerusalem. At kakakain ang mga tao ng kaunting pagkain at kaunting tubig na ipinahintulot sa kanila ng kanilang mga pinuno, at labis silang mamimihagti at mababalisa habang ginagawa nila iyon,
\p
\v 17 dahil magiging salat sa tubig at pagkain. Makikita nilang labis na papayat ang bawat isa, at pangingilabutan sila; ngunit mangyayari ito dahil pinarurusahan sila sa kanilang mga kasalanan na kanilan ginawa."
\s5
\c 5
\p
\v 1 "Pagkatapos, anak ng tao, kapag sinimulan mo nang gawin ang mga bagay na iyon, kumuha ka ng matalim na espada at gamitin ito tulad sa labaha ng barbero upang ahitan ang iyong ulo at balbas. Ilagay mo ang buhok na iyong inahit sa timbangan at hatiin ang buhok sa tatlong magkakapantay na bahagi.
\p
\v 2 Kapag natapos na ang panahong isasagisag mong papaligiran ng mga kawal ng kaaway ang lungsod, ilagay mo ang ikatlong bahagi ng buhok sa loob ng guhit ng lungsod at sunugin ito. Kumuha ka ng isa pang ikatlong bahagi ng buhok, ikalat ito sa lahat ng paligid ng guhit ng lungsod at saka mo ito iwasiwas gamit ang iyong espada. Sasagisag iyan na lilipulin ko ang mga tao ng Jerusalem gamit ang mga espada ng kaaway. At pahihintulutan mo ang hangin upang ikalat ang ibang ikatlong bahagi ng buhok. Sasagisag iyan na kahit tumakas sila mula sa lungsod, ipapatugis at ipapasalakay ko sila sa kanilang mga kaaway gamit ang mga espada.
\s5
\q
\v 3 Ngunit kumuha ka ng kaunti sa iyong buhok at itali mo ang mga ito sa iyong manggas.
\q
\v 4 At kunin mo ang kaunti sa buhok na iyon, itapon sa apoy, at sunugin mo ang mga ito. Sisimbolo iyan na kakalat ang isang apoy mula sa Jerusalem at mawawasak ang mga bagay sa buong Israel.
\s5
\p
\v 5 Ito ang sinasabi ko, ang Panginoong Yahweh: Kakatawan ang guhit na ito sa Jerusalem, ang lungsod na aking inilagay sa gitna ng mga bansa, kasama ang ibang mga bansang nakapalibot dito.
\p
\v 6 Ngunit naghimagsik ang masasamang tao ng Jerusalem laban sa pagsunod sa aking mga kautusan, at ipinapakita nilang mas lalo silang masama kaysa sa mga tao ng mga bansang nakapalibot. Tinanggihan nila ang aking mga batas at hindi sinunod ang aking mga kautusan.
\s5
\p
\v 7 Kaya, ito ang sinasabi ko, ang Panginoong Yahweh, sa inyo: Kayong mga tao ng Jerusalem ay mas lalong naging suwail kaysa sa mga tao ng mga bansang nakapalibot sa inyo, hindi kayo sumunod sa alinman sa aking mga batas. Hindi ninyo sinunod kahit ang mga batas ng mga bansang nakapalibot sa inyo!
\p
\v 8 Kaya, ito ang sinasabi ko, ang Panginoong Yahweh: Tumututol ako sa inyong mga taga-Jerusalem. Parurusahan ko kayo, at makikita ito ng mga tao sa ibang mga bansa.
\s5
\p
\v 9 Dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan at mga kaugalian, parurusahan ko kayong mga taga-Jerusalem, tulad ng hindi ko pa nagawa kailanman noon at hindi ko na gagawing muli kailanman.
\p
\v 10 Bilang kinahinatnan, kakainin ng mga magulang na kasama ninyo ang kanilang mga anak, at kakainin ng mga anak ang kanilang mga magulang dahil walang ibang makakain. Parurusahan ko kayo nang matindi, at ikakalat ko ang mga mabubuhay sa bawat dako.
\s5
\p
\v 11 Kaya, ako, ang Panginoong Yahweh, ang gumagawa ng pahayag na ito! Tiyak na habang ako ay nabubuhay, dahil dinungisan ninyo ang aking templo sa pamamagitan ng lahat ng inyong mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan at ng ibang mga kakila-kilabot na mga bagay na inyong ginawa, hindi ko na kayo pagpapalain. Hindi ko kayo kaaawaan o kahahabagan.
\p
\v 12 Mamamatay ang ikatlong bahagi ng iyong mga kababayan sa loob ng lungsod dahil sa mga salot na kanilang mararanasan, o dahil sa taggutom. Papatayin ang ikatlong bahagi ng iyong mga kababayan sa pamamagitan ng espada ng inyong mga kaaway sa labas ng lungsod. At ikakalat ko ang ikatlong bahagi sa bawat dako, ngunit tutugisin pa rin kayo ng inyong mga kaaway o papatayin sa pamamagitan ng kanilang mga espada.
\s5
\p
\v 13 Pagkatapos, hindi na ako magagalit sa inyo; ititigil ko na ang pagpaparusa sa inyo pagkatapos kong ipaghiganti ang aking sarili laban sa inyo. At kapag tumigil na ako sa pagpaparusa sa inyo, malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang nagsalita sa inyo dahil natapos ko na kayong parusahan nang aking galit.
\p
\v 14 Wawasakin ko ang inyong lungsod, upang ang mga tao ng ibang mga bansang nakapaligid sa inyo ay daraan at makikita ito, at kukutyain kayo.
\s5
\p
\v 15 Uuyamin at tutuyain nila kayo. Kapag pinarusahan ko kayo nang matindi dahil sa labis kong galit, manginginig sila sa takot at magiging isang babala kayo sa kanila. Tiyak na mangyayari iyan dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito.
\p
\v 16 At kapag pinutol ko ang inyong panustos ng pagkain at ginawa kong labis ang kagutuman doon, ito ay para bang ipinapana ko sa inyo ang aking mga pana na wawasak sa inyo.
\p
\v 17 Kaya ipararanas ko sa inyo ang taggutom, at magpapadala ako ng mga mababangis na hayop upang salakayin kayo at ang inyong anak, at mapapatay ang lahat ng inyong mga anak. Makakaranas kayo ng mga salot at mga digmaan, at ipapasalakay ko kayo sa inyong mga kaaaway sa pamamagitan ng kanilang mga espada. Tiyak na mangyayari iyan dahil akong si Yahweh ang nagsabi nito."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, lumingon ka patungo sa mga bundok ng Israel at hulaan ang tungkol sa mangyayari sa kanila at sabihin mo,
\p
\v 3 Mga bundok ng Israel, makinig kung ano ang sasabihin sa inyo ng Panginoong Yahweh! Sinasabi niya ito sa kabundukan at matataas na burol at sa mga batis at sa mabababang lambak. Sinasabi niya: Magpapadala ako ng mga kawal kaaway na may mga espada upang wasakin ang lahat ng mga dambana sa tuktok ng inyong mga burol.
\s5
\p
\v 4 Dudurugin nila ang lahat ng inyong mga altar para sa pagsasamba ng mga diyus-diyosan at ang inyong mga poste na ginagamit ninyo para sa pag-aaral ng kalawakan at papatayin nila ang maraming Isaraelita sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan.
\p
\v 5 Hahandusay ang kanilang mga bangkay sa harapan ng kanilang mga diyus-diyosan at ikakalat ang kanilang mga buto sa palibot ng kanilang mga altar.
\s5
\p
\v 6 Saanman kayong mga Israelita manirahan, mawawasak ang inyong mga bayan at dudurugin ang inyong mga dambana kung saan kayo sumasamba sa mga diyus-diyosan. Madudurog ng lubusan ang inyong mga altar at magiging isang tumpok ng pagkawasak ang lahat ng inyong pag-aari.
\p
\v 7 Marami sa inyong mga tao ang mamamatay sa inyong harapan, at pagkatapos malalaman ninyo na ako, si Yahweh, na may kapangyarihan na gawin ang mga bagay na aking sinasabi na aking gagawin.
\s5
\p
\v 8 Ngunit pahihintulutan ko na manatiling buhay ang ilan sa inyo. Makakatakas sila sa kamatayan kapag ikakalat kayo ng inyong mga kaaway sa iba't-ibang mga bansa.
\p
\v 9 Kapag mangyayari iyon, sa mga bansang iyon na kung saan pinilit kayong magpunta, kayong mga nakatakas sa kamatayan ay iisipin ako. Maaalala ninyo na labis akong nalungkot sapagkat tumalikod kayo mula sa akin, sapagkat hindi kayo naging tapat sa akin at dahil ninais ninyong sambahin ang inyong mga diyus-diyosan. Kamumuhian ninyo ang inyong mga sarili dahil sa masama at kamuhi-muhing mga bagay na inyong nagawa.
\p
\v 10 At mapagtatanto ninyo na ako, si Yahweh, ang nagparusa sa inyo. Mapagtatanto ninyo na kapag pinagbantaan ko kayong parusahan, tinitiyak ko na talagang gawin iyon.
\s5
\p
\v 11 Kaya ito ang sinasabi ko, ang Panginoong Yahweh, sa iyo Ezekiel: Ipalakpak ang iyong mga kamay at ipadyak ang iyong mga paa at umiyak upang ipakita na nalulungkot ka at naghihinagpis tungkol sa mangyayari sa mga Israelita dahil sa lahat ng kanilang kasamaan at kamuhi-muhing pag-uugali. Mamamatay sila sa espada ng kanilang mga kaaway, mamamatay sila sa gutom at mamamatay sila mula sa mga salot.
\p
\v 12 Mamamatay sa mga salot ang mga nasa malayo sa Jerusalem, mamamatay sa pamamamagitan ng mga espada ng kaaway ang mga malapit sa Jerusalem. Ang mga buhay pa pagkatapos noon ay mamamatay mula sa pagkagutom. Ganito ko sila parurusahan.
\s5
\p
\v 13 Ang ilan sa mga bangkay ng inyong mga tao ay ilalatag kasama ng kanilang mga diyus-diyosan sa palibot ng kanilang mga altar, sa bawat mataas na tuktok ng burol at sa lahat ng tuktok ng mga bundok, sa ilalim ng bawat malalaking punong kahoy—sa lahat ng mga lugar kung saan sila nagsusunog ng insenso upang parangalan ang kanilang mga diyus-diyosan. Kapag mangyayari ito, mapagtatanto ninyo na ako si Yahweh ang may gawa nito.
\p
\v 14 Sapagkat hahampasin ko gamit ang aking kamay at gagawin kong tigang ang bawat lugar kung saan sila naninirahan sa inyong bansa, mula sa malayong disyerto sa katimugang bayan ng Dibla sa malayong hilaga. Pagkatapos, mapagtatanto nila na ako, si Yahweh ang may gawa nito."'
\s5
\c 7
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Ikaw, anak ng tao, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh sa mga tao ng Israel: Lahat sa Israel, lahat ng bagay na nasa sa mga hangganan nito ay malapit ng mawasak.
\s5
\p
\v 3 Kayong mga tao ng Israel, dumating na ang wakas. Parurusahan ko kayo ng matindi. Hahatulan ko kayo para sa lahat ng masasamang bagay na inyong ginawa at pagbabayarin kayo sa inyong nakakasukang pag-uugali.
\p
\v 4 Hindi ko kayo kaaawaan o kahahabagan. Tiyak na parurusahan ko kayo sa inyong masasamang pag-uugali. At malalaman ninyo na nangyayari iyon sapagkat ako, si Yahweh ang may gawa nito.
\s5
\p
\v 5 Ito rin ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon: Malapit na kayong makaranas maraming nakakatakot na mga sakuna!
\p
\v 6 Ito ang magiging wakas ng Israel, mawawala ang inyong bansa! At magwawakas ang inyong mga buhay!
\p
\v 7 Ito ang magiging wakas ninyong mga taong naninirahan sa lupain ng Israel. Dumating na ang panahon, nalalapit na ang araw na mawawasak kayo. Sa panahong iyon, hindi na matutuwa ang mga taong sumasamba ng mga diyus-diyosan sa kabundukan, magkakagulo sila.
\s5
\p
\v 8 Labis akong nagalit sa inyo at aking ibubuhos ang pagpaparusa sa inyo. Hahatulan ko kayo para sa lahat ng masasamang bagay na inyong ginawa at pagbabayarin kayo sa inyong kasuklam-suklam na pag-uugali.
\p
\v 9 Hindi ko kayo kaaawaan o kahahabagan. Tiyak na parurusahan ko kayo sa inyong masamang pag-uugali. At malalaman ninyo na akong si Yahweh, ang nagparusa sa inyo.
\s5
\p
\v 10 Narito na ang araw ng inyong pagpaparusa! Ito ay dumating na! Dumating na ang mga sakuna bilang bunga ng inyong pagmamataas.
\p
\v 11 Kumikilos ng marahas ang mga tao at gumagawa ng mas higit na masasamang mga bagay. At walang matitira sa mga pag-aari sa mga taong iyon, wala sa kanilang mga pera at hindi sila igagalang ng sinumang tao.
\s5
\p
\v 12 Ngayon na ang panahon, dumating na ang araw na iyon. Hindi dapat magalak ang mga taong bumibili ng mga bagay dahil binili nila ng napakamura mga bagay na at hindi dapat malungkot ang mga nagbebenta ng mga bagay dahil kailangan nilang ibenta ang mga bagay ng napakamura, sapagkat parurusahan ni Yahweh ang bawat isa.
\p
\v 13 Ang mga taong nagbebenta ng ilan sa kanilang mga ari-arian ay wala nang kakayanang bilhin ulit ito—wala na silang kakayanang bumalik upang makita ito, sapagkat nagkasala sila at wala kahit isa sa kanila ang magtatagumpay sa pananatiling buhay.
\s5
\p
\v 14 Hihipan ng inyong mga pinunong kawal ang mga trumpeta upang ihanda ang hukbo sa pakikipaglaban, ngunit walang sinuman ang tutugon dahil galit ako sa lahat na mga tao.
\p
\v 15 Kapag mangyayari ang mga bagay na iyon, nasa labas ng lungsod ang inyong mga kaaway na may mga espada at magkakaroon ng mga salot at mga taggutom sa loob ng lungsod. Ang mga mahuhuli sa labas ng lungsod ay papatayin sa pamamagitan ng espada ng kanilang mga kaaway, at mamamatay mula sa mga taggutom at mga salot iyong nasa loob ng lungsod.
\p
\v 16 Ang mga makakaligtas at makakatakas ay tatakas sa kabundukan at tataghoy silang lahat dahil sa kanilang mga kasalanan, tulad ng taghoy ng kalapati.
\s5
\p
\v 17 Sapagkat labis silang matatakot, manlalambot at manghihina ang kamay ng lahat ng mga tao at labis na manghihina ang kanilang mga tuhod at walang kakayanang patindigin sila.
\p
\v 18 Magsusuot sila ng mga kasuotan na gawa sa magaspang na tela at matatakot sila. Ipapakita ng kanilang mga mukha na nahihiya sila at aahitan nila ang kanilang mga ulo upang ipakita na labis silang nalulungkot.
\p
\v 19 Itatapon nila ang kanilang mga pilak sa mga lansangan at ituturing ang kanilang mga ginto sa ganoong paraan na itinuring nila ang basura, sapagkat napagtanto nila na walang kakayanan ang kanilang mga pilak at ginto na iligtas sila kapag pinarurusahan na sila ni Yahweh. Hindi sila makakabili ng pagkain upang punuin ang kanilang mga sikmura, sapagkat ang pagkakaroon ng maraming pilak at ginto ang nagdala sa kanila sa kasalanan.
\s5
\p
\v 20 Mapagmalaki sila, kaya ginamit nila ang kanilang magandang alahas upang gumawa ng kamuhi-muhi at kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan ng kanilang hindi totoong mga diyos. Kaya ipapakita ko kung gaano kasuklam-suklam at hindi katanggap-tanggap ang mga bagay na ito.
\q
\v 21 Ibibigay ko ang kanilang mga pilak at ginto sa mga dayuhan na sasakop sa inyong bansa at kukunin ang inyong mahahalagang mga kayamanan. Ibibigay ko ang mga bagay na iyon sa masasamang tao at hindi ako makikialam kung gagawa sila ng kahiya-hiyang mga bagay sa mga bagay na kanilang kinuha.
\p
\v 22 Pahihintulutan ko ang mga magnanakaw na pumasok sa aking sagradong templo at lapastanganin ito.
\s5
\p
\v 23 Maghanda ng mga tanikala na panggapos sa inyo kapag binihag kayo ng inyong mga kaaway bilang kaparusahan para sa hindi makatarungang pagdanak ng dugo sa buong bansa at para sa karahasan sa loob ng lungsod.
\p
\v 24 Kaya magdadala ako ng mga hukbo ng mga bansa kung saan napakasama ang mga tao upang kunin ang mga tahanan ng mga Israelita. Ipapaunawa ko sa mga Israelita na hindi na sila dapat magmalaki. Gagawin ng inyong mga kaaway na hindi katanggap-tanggap na gamitin ang inyong mga lugar ng pagsamba.
\p
\v 25 Kapag tatakutin kayo ng inyong mga kaaway, magsusumamo kayo sa kanila para sa kapayapaan, ngunit hindi magkakaroon ng kapayapaan.
\s5
\p
\v 26 Makakaranas kayo ng maraming mga sakuna at patuloy ninyong maririnig ang mga bulung-bulungan tungkol sa mga sakuna na nangyayari sa ibang mga lugar. Magsusumamo ang mga tao sa mga propeta upang sabihin sa kanila kung anong pangitain ang kanilang natanggap, ngunit hindi makatatanggap ng anumang mga pangitain ang mga propeta. Hindi na magtuturo sa mga tao ang mga pari ng kautusan na ibinigay ko kay Moises. Kahit ang mas matandang matalinong tao ay walang anumang sagot.
\p
\v 27 Magluluksa ang inyong hari at hindi na aasa ang kaniyang anak na lalaki na may magandang bagay na mangyayari. Manginginig ang mga kamay ng lahat ng tao sa buong bansa. At gagawin ko sa kanila kung ano ang nararapat sa kanila dahil sa kanilang masamang pag-uugali. Isusumpa at hahatulan ko sila katulad sa paraan ng paghatol at pagsumpa nila sa iba. Pagkatapos malalaman nila na ako, si Yahweh ang may kapangyarihan sa paggawa ng aking sinabi na aking gagawin."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Sa ika-limang araw ng ika-anim ng buwan, halos anim na taon pagkatapos makuha kaming mga Israelita ng mga taga-Babilonia patungo sa kanilang lupain. Nakaupo ako kasama ng mga pinuno ng Juda sa aking tahanan nang naramdaman kong dumating muli sa akin ang presensiya ng Panginoong Yahweh.
\p
\v 2 At sa isang pangitain, nakakita ako ng isang kawangis ng isang tao, ngunit sa ibaba ng kaniyang baywang ng kaniyang katawan ay tulad ng apoy at sa itaas ng kaniyang baywang ay kumikinang ang kaniyang katawan tulad ng isang mainit na metal.
\s5
\p
\v 3 Iniabot niya ang parang isang kamay at hinila ako sa pamamagitan ng buhok ng aking ulo. Itinaas ako ng Espiritu pataas sa lupain at sa mga pangitain ay dinala ako ng Diyos mula sa Babilonia tungo sa Jerusalem. Dinala niya ako sa templo, sa hilagang loobang tarangkahan, sa lugar kung saan may isang diyus-diyoasan na dahilan ng pagkamuhi at labis na pagkagalit ni Yahweh.
\p
\v 4 At doon sa aking harapan ay mayroong napakaliwanag na ilaw ng Diyos mismo na kung saan sinasamba noon ng mga Israelita. Katulad ito ng pangitain na aking nakita sa kapatagan.
\s5
\p
\v 5 Sinabi ng Diyos sa akin, "Anak ng tao, tumingin ka sa hilaga!" Kaya tumingin ako at nakita ko sa pasukan ng tarangkahan malapit sa altar ng diyus-diyosan na iyon na dahilan ng pagkamuhi at labis na pagkagalit ni Yahweh.
\p
\v 6 Sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, nakikita mo ba kung ano ang ginagawa ng mga Israelita? Gumagawa sila ng kamuhi-muhing mga bagay dito, mga bagay na magiging dahilan upang aking iiwan ang templo. Ngunit makakakita ka ng marami pang kamuhi-muhing mga bagay.
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos, dinala niya ako sa pasukan ng patyo. Tumingin ako at nakakita ng isang butas sa pader.
\p
\v 8 Sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, maghukay ka sa pader dito." Kaya naghukay ako sa pader at nakakita ako ng pintuan sa loob.
\p
\v 9 Sinabi niya sa akin, "Pumasok ka, tingnan mo ang masama at kamuhi-muhing mga bagay na kanilang ginagawa rito!"
\s5
\p
\v 10 Kaya pumasok ako sa pintuan at tumingin at aking nakita sa buong pader ng isang malaking silid, mga guhit ng lahat ng uri ng nilalang na gumagapang sa lupa at ibang kamuhi-muhing mga hayop at mga guhit ng lahat ng mga diyus-diyosan na sinasamba ng mga tao ng Israel.
\p
\v 11 Nakatayo sa kanilang harapan ang pitumpung mga nakatatanda ng Israel. At nakatayo kasama nila si Jaasias na anak na lalaki ni Safan. May hawak na palayok ang bawat isa sa kanila kung saan sinusunog ang insenso at pumaitaas ang mahalimuyak na usok ng sinunog na insenso.
\s5
\p
\v 12 Sinabi ng Diyos sa akin, "Anak ng tao, tingnan mo kung ano ang ginagawa ng mga nakatatandang mga Israelita rito sa kadiliman, nakatayo ang bawat isa sa kanila sa harapan ng dambana sa kaniyang sariling diyus-diyosan! Sinasabi nila, 'hindi tayo nakikita ni Yahweh, pinabayaan ni Yahweh ang bansang ito."'
\p
\v 13 Sinabi niya rin, "Ngunit makakakita ka pa ng mas maraming mga bagay na kamuhi-muhi!"
\s5
\p
\v 14 Pagkatapos, dinala niya ako sa pasukan ng hilagang labasang tarangkahan ng templo. Nakakita ako ng babae na nakaupo roon, nagluluksa sa pagkamatay ng diyos ng mga tao ng Babilonia, na si Tammuz.
\p
\v 15 Sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, nakikita mo ba ito? At makakakita ka pa ng mas maraming kamuhi-muhi kaysa rito!"
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos, dinala ako sa loobang patyo sa templo. Doon sa pasukan ng templo, sa pagitan ng balkonahe at altar mayroong dalawampu't limang kalalakihan. Nakatalikod sila sa templo at nakaharap ang kanilang mga mukha sa silangan, yumukod sila upang sambahin ang hindi totoong mga diyos na si Shemesh habang papataas ang araw sa silangan.
\s5
\p
\v 17 Sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, nakikita mo ba ang kanilang ginagawa? Iniisip mo ba na hindi ito isang mabigat na bagay na ginagawa ng mga kalalakihan ng Juda, ang pagsamba ng kamuhi-muhing mga bagay rito? Ngunit gumagawa pa sila ng nakakatakot na mga bagay. Kumikilos sila ng marahas sa kanikang buong bansa at patuloy na pumupukaw ng aking galit. Tingnan mo sila! Nilalait nila ako sa pamamagitan ng kanilang mga kilos sa pagsamba ng hindi totoong diyos!
\p
\v 18 Kaya ipapakita ko sa kanila na labis akong nagalit. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan. At kahit sumigaw sila ng malakas sa akin para tulungan sila, Hindi ko sila bibigyan ng pansin."
\s5
\c 9
\p
\v 1 Pagkatapos, tumawag ng malakas si Yahweh, "Kayong mga lalaking magpaparusa sa lungsod na ito, dalhin ninyo rito ang mga kagamitang pangwasak."
\q
\v 2 At nakita ko ang anim na lalaking paparating mula sa hilagang tarangkahan ng templo. Bawat isa ay may dala-dalang isang sandata. Kasama nila ang isang taong nakasuot ng isang puting damit na lino. May dala siyang isang lagayan sa kaniyang tagiliran na naglalaman ng mga bagay na panulat. Pumasok silang lahat at tumayo sa tabi ng tansong altar.
\s5
\p
\v 3 At ang kaluwalhatian na sumagisag sa presensiya ng Diyos ng Israel ay pumaitaas mula sa taas ng apat na may pakpak na nilalang at pumunta sa pasukan ng templo, at tinawag ni Yahweh ang lalaking nakasuot ng puting damit na lino,
\p
\v 4 at sinabi sa kaniya, "Pumunta ka sa lahat ng dako ng Jerusalem at maglagay ng isang palatandaan sa noo ng mga labis na nalulungkot dahil sa mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginawa sa loob ng lungsod."
\s5
\p
\v 5 Habang ako ay nakikinig, sinabi niya sa iba pang anim na lalaki, "Sundan ninyo ang lalaking nakasuot ng puting balabal, at patayin ninyo ang mga tao. Huwag ninyo silang kaawaan o kumilos ng may pagkahabag sa kanila.
\q
\v 6 Patayin ninyo ang mga matatandang kalalakihan, mga binata, mga kababaihan, matatandang kababaihan at mga bata; ngunit huwag ninyong saktan ang kahit sinong may palatandaan sa kanilang noo. Mag-umpisa kayo sa aking templo." Kaya nag-umpisa sila sa pamamagitan ng pagpatay sa mga nakatatanda na sumasamba sa mga diyus-diyosan sa harap ng templo.
\s5
\p
\v 7 At sinabi ni Yahweh sa mga kalalakihan, "Dungisan ninyo ang templo sa pamamagitan ng pagpuno sa patyo ng mga bangkay ng inyong pinatay! Umpisahan na ninyo ngayon!" Kaya lumabas sila at inumpisahang pumatay ng mga tao sa lahat ng dako ng lungsod.
\p
\v 8 Habang ginagawa nila iyon, naiwan akong mag-isa. Nagpatirapa ako sa lupa at umiyak, "Yahweh na aking Panginoon, lilipulin mo ba ang lahat ng ibang tao sa Israel na nabubuhay, habang labis mong pinarurusahan ang mga tao ng Jerusalem?"
\s5
\p
\v 9 Sumagot siya, "Napakarami at napaktindi ng mga kasalanan ng mga tao! Mayroong patayan sa lahat ng dako sa bansang ito, at puno ng mga taong gumagawa ng hindi makatarungan ang lungsod na ito. Sinasabi nila, 'Iniwan ni Yahweh ang bansang ito, at hindi niya nakikita ang ating ginagawa.'
\p
\v 10 Kaya hindi ko sila kaaawaan o mahahabag sa kanila. Gagawin ko sa kanila ang masasamang bagay na ginawa nila sa ibang mga tao."
\p
\v 11 At nagbalik ang lalaking nakasuot ng balabal na lino, na nagsasabi, "Nagawa ko na ang iniutos mong gawin ko."
\s5
\c 10
\p
\v 1 At nakita ko ang kahawig ng isang trono na gawa sa sapiro sa itaas ng bagay na kahawig ng isang pabilog na bubong na nasa itaas ng mga ulo ng nilalang na may apat na pakpak.
\p
\v 2 Sinabi ni Yahweh sa lalaking nakasuot ng balabal na lino, "Pumunta ka sa pagitan ng mga gulong na nasa ilalim ng mga nilalang na may pakpak. Pumulot ka ng maraming nagbabagang uling hanggang sa makakaya mo, at ikalat mo ito sa buong lungsod." At habang nakamasid ako, umalis ang lalaking nakasuot ng puting balabal.
\s5
\p
\v 3 Ang mga nilalang na may apat na pakpak ay nakatayo sa katimugang bahagi ng templo nang pumasok ang lalaking nakasuot ng puting balabal. At pinuno ng ulap ang loob ng patyo ng templo.
\p
\v 4 At pumaitaas ang kaluwalhatian ni Yahweh mula sa itaas ng mga nilalang na may pakpak at tumayo sa itaas ng bungad ng pintuan ng templo. Pinuno nito ang buong templo ng ulap at ang lahat ng nasa patyo ay lumiwanag dahil sa maluwalhating presensiya ni Yahweh.
\p
\v 5 Narinig ko rin ang tunog na gawa ng mga pakpak ng mga nilalang na may pakpak sa patyo sa labas ng templo. Napakalakas nito, tulad ng tinig ng Makapangyarihang Diyos kapag nagsasalita siya.
\s5
\p
\v 6 Nang utusan ni Yahweh ang lalaking nakasuot ng balabal na lino upang kumuha ng mga nagbabagang uling mula sa gitna ng mga nilalang na may pakpak, pumunta ang lalaki sa patyo at tumayo sa tabi ng isa sa mga gulong.
\p
\v 7 At iniabot ng isa sa mga nilalang na may pakpak ang kaniyang kamay sa apoy na nandoon sa kanila. Pumulot siya ng ilan sa mga uling at inilagay ito sa mga kamay ng lalaking nakasuot ng balabal na lino, kinuha ito ng lalaki at umalis.
\p
\v 8 Sa ilalim ng mga pakpak ng mga nilalang na may pakpak ay may isang bagay na kahawig ng mga kamay ng isang tao.
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos, nakita ko ang apat na gulong sa tabi ng mga nilalang na may pakpak. May isang gulong sa tabi ng bawat nilalang na may pakpak. Kumikinang ang mga gulong na tulad ng napakahalagang mga bato.
\p
\v 10 Magkakatulad ang lahat ng mga gulong: Bawat isang gulong ay nasa loob ng isa pang gulong.
\p
\v 11 Kapag lumipat sila, nagtutungo sila saan mang dako nakaharap ang mga nilalang na may pakpak. Hindi na lumiliko ang mga gulong sa ibang dako habang lumipad ang mga nilalang na may pakpak.
\s5
\p
\v 12 Ang kanilang mga katawan, at ang kanilang mga likod, mga kamay at mga pakpak ay natakpan ng mga mata. Ang mga gulong din ay natakpan ng mga mata.
\p
\v 13 Narinig ko ang isang taong tinatawag silang 'ang mga umiikot na gulong."
\p
\v 14 Bawat isa sa mga nilalang na may pakpak ay may apat na mukha. Ang isang mukha ay tulad sa mukha ng isang toro, ang isa ay tulad sa mukha ng tao, at ang isang mukha ay tulad sa mukha ng isang leon, at ang isang mukha ay tulad sa isang agila.
\s5
\p
\v 15 Pagkatapos, pumaitaas ang mga nilalang na may pakpak. Katulad sila ng mga buhay na nilalang na aking nakita sa tabi ng kanal Kebar.
\p
\v 16 Kapag lumilipat ang mga nilalang na may pakpak, lumilipat ang mga gulong kasama nila. Kapag ibinuka ng mga nilalang na may pakpak ang kanilang mga pakpak upang lumipad sa ibabaw ng lupa, hindi sila iniiwanan ng mga gulong ngunit nananatili sa kanilang tabi.
\p
\v 17 Kapag tumitigil ang mga nilalang na may pakpak, tumitigil ang mga gulong. Kapag mag-uumpisang lumipad ang mga nilalang na may pakapak, lumilipad ang mga gulong kasama nila, dahil ang Espiritu ng mga buhay na nilalang ay nasa mga gulong
\s5
\p
\v 18 Pakatapos, umalis ang kaluwalhatian ni Yahweh sa pasukan ng templo at tumigil sa ibabaw ng mga nilalang na may pakpak.
\p
\v 19 Habang aking minamasdan, ibinuka ng mga nilalang na may pakpak ang kanilang mga pakpak at nag-umpisang lumipad, at sumama ang mga gulong sa kanila. Tumigil sila sa tarangkahan sa silangang bahagi ng templo, at ang kaluwalhatian ng Diyos, na siyang sinamba ng mga Israelita ay nasa ibabaw nila.
\s5
\p
\v 20 Ang mga ito ay tulad ng apat na buhay na nilalang na nakita ko sa tabi ng kanal Kebar, at napagtanto ko na sila ay mga nilalang na may pakpak.
\p
\v 21 Bawat isa sa kanila ay may apat na mukha at apat na pakpak, at sa ilalim ng kanilang mga pakpak ay kahawig ng mga kamay ng isang tao.
\p
\v 22 Ang kanilang mukha ay katulad ng mga mukha na nakita ko sa kanal Kebar. Lumipad ang bawat isa sa kanila ng tuloy-tuloy.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Pagkatapos, itinaas ako ng Espiritu ng Diyos at dinala ako sa tarangkahan sa silangang bahagi ng templo. Naroon sa tarangkahan ang dalawampu't limang lalaki. Nakita ko sa kanila si Jaazanias na anak na lalaki ni Azur, at si Pelatia na anak na lalaki ni Benaias na mga pinuno ng mga tao.
\s5
\p
\v 2 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Anak ng tao, ito ang mga bagong pinuno sa Jerusalem na nagbabalak gumawa ng masasamang bagay at ang magbibigay ng mga masasamang payo sa mga tao sa lungsod na ito.
\p
\v 3 Sinasabi nila, 'Hindi pa ito ang panahon upang magtayo ng mga bahay, ngunit tulad lamang ito ng mga pirasong karne na maingat na inilagay sa mga tinakpang palayok na mangangalaga sa atin mula sa masasamang bagay na mangyayari sa iba.'
\p
\v 4 Kaya, anak ng tao, magpropesiya ka tungkol sa mga kakila-kilabot na mga bagay na mangyayari sa kanila."
\s5
\p
\v 5 At dumating sa akin ang Espiritu ni Yahweh at sinasabing sabihin ko sa mga tao na, "Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Kayong mga Israelitang nagsasabi ng mga bagay na iyon, at alam ko kung ano ang inyong iniisip.
\p
\v 6 Pumatay kayo ng maraming tao sa lungsod na ito at pinuno ang mga lansangan ng kanilang mga bangkay.
\p
\v 7 Kaya ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Ang mga bangkay ng mga taong inyong pinatay dito ay tulad ng karne at ang Jerusalem ang kaldero, ngunit paaalisin ko kayong mga tao mula sa lungsod na ito!
\s5
\p
\v 8 Natatakot kayo na mapatay ng mga espada ng mga kaaway, kaya iyon ang ipaparanas ko na mangyayari sa inyo.
\p
\v 9 Paaalisin ko kayo mula sa lungsod na ito at bibigyan ko ng kakayahang ang mga dayuhan na bihagin kayo at parusahan kayo.
\p
\v 10 Papatayin nila kayo sa pamamagitan ng kanilang mga espada at paparusahan kayo dito mismo sa Israel! At magpagtatanto ng mga tao na ako si Yahweh ay may kapangyarihan upang gawin kung ano ang aking sinabi na gagawin ko.
\s5
\q
\v 11 Ang lungsod na ito ay hindi magiging isang lugar na pangangalagaan tulad ng isang karne sa nakatakip sa palayok. Parurusahan ko kayo saanman kayo sa Israel.
\p
\v 12 At malalaman ninyo na ako si Yahweh, nahulaan ang mangyayari dahil hindi ninyo sinunod ang aking mga utos at batas; sa halip, ginaya ninyo ang masamang pag-uugali ng mga tao sa nalalapit na mga bansa."
\s5
\p
\v 13 Habang ipinapahayag ko iyan, biglang namatay si Pelatia na anak na lalaki ni Benaias. At nagpatirapa ako sa lupa at sumigaw ng malakas, "Panginoon kong Yahweh, papatayin mo rin ba ang lahat ng mga taong Israelita na buhay pa?"
\s5
\p
\v 14 At ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito,
\p
\v 15 "Anak ng tao, pinag-uusapan ang mga taong nananatili sa Jerusalem ang tungkol sa inyong mga kamag-anak, mga angkan, at ang lahat ng natira sa mga Israelitang binihag at sinasabing, 'Sila ay nasa Babilonia, malayo kay Yahweh. Iniwan nila ang kanilang mga ari-arian dito sa Israel, kaya ang ari-arian nila ngayon ay pag-aari na namin!"
\s5
\p
\v 16 Kaya sabihin mo sa kanila, "Ito ang sinasabi ng Paninoong Yahweh: Bagaman inilayo ko sila sa Israel at ikinalat sila sa ibang mga bansa, sa sandaling panahon, magiging tulad ako ng isang kanlungan para sa kanila sa mga bansa kung saan sila kinuha."
\p
\v 17 Kaya sabihin mo rin sa kanila, "Ito ang sinasabi ni Yahweh: Balang araw, titipunin ko kayo mula sa mga bansa kung saan kayo kinuha at ibabalik kayo sa Israel, at maninirahan kayong muli sa inyong bansa.
\p
\v 18 Kapag bumalik kayo sa inyong bansa, wawasakin ninyo ang lahat ng nakapandidiring mga rebulto ng mga diyos at kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 19 Bubuuin ko ang inyong mga puso at bibigyan kayo ng isang panibagong paraan ng pag-iisip kapag bumalik kayo sa Israel. Hindi na kayo magmamatigas, ngunit magiging masunurin.
\p
\v 20 Kapag ginawa ko iyon, maingat ninyong susundin ang lahat ng aking mga kautusan. Magiging mga tao ko kayo, at magiging ako ang inyong Diyos.
\p
\v 21 Ngunit para sa mga tapat na sumasamba sa kanilang nakapandidiring mga imahen at kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan, parurusahan ko sila sapagkat ito ang nararapat sa kanila dahil sa mga masasamang bagay na kanilang ginawa." Ito ang ipinahayag ni Yahweh.
\s5
\p
\v 22 At ang mga nilalang na may pakpak, kasama ang kanilang mga gulong sa kanilang tabi ay ibinuka ang kanilang mga pakpak at lumipad sa himpapawid at nasa kanilang itaas ang nakasisilaw na liwanag ni Yahweh.
\p
\v 23 Pumaitaas ang liwanag na iyon mula sa lungsod at tumigil sa itaas ng bundok sa silangan ng lungsod.
\s5
\p
\v 24 Sa pangitain na aking nakikita, itinaas ako ng Espiritu ng Diyos at dinala ako pabalik sa mga bihag sa Babilonia. At natapos na ang pangitain,
\p
\v 25 at sinabi ko sa mga bihag ang lahat ng ipinakita sa akin ni Yahweh sa pangitain.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, naninirahan ka kasama ang mga taong napakasuwail. May mga mata sila ngunit hindi nila nakikita ang nais kong makita nila; may mga tainga sila ngunit hindi sila nakikinig sa nais kong marinig nila, dahil mga suwail silang tao.
\s5
\q
\v 3 Kaya, anak ng tao, ihanda mo ang iyong mga gamit na para bang ipapatapon ka. Pagkatapos, sa umaga, habang nakatingin ang mga tao, humanda ka sa pag-alis papunta sa ibang lugar. Kahit pa mga suwail ang mga tao, marahil maiintindihan nila kung ano ang iyong ipinapahiwatig.
\s5
\p
\v 4 Sa umaga, habang nakatingin sila, ilabas mo ang mga gamit na nais mong dalhin at balutin ang mga ito. At sa gabi, habang nakatingin sila, gawin mo kung ano ang ginagawa ng mga naghahanda para sa pagkakatapon.
\p
\v 5 Maghukay ka sa pader ng lungsod at dalhin mo ang iyong mga gamit sa pamamagitan ng butas.
\p
\v 6 Ilagay mo ang mga ito sa sako at pasanin sa iyong balikat habang nakatingin sila at umalis ka kapag dumilim na. Takpan mo ang iyong mukha upang hindi mo makita ang daan. Nais kong gawin mo ito dahil nais kong balaan mo ang mga Israelita."
\s5
\q
\v 7 Kaya ginawa ko ang sinabi ni Yahweh na dapat kong gawin. Sa umaga, kinuha ko ang aking mga gamit palabas sa aking tahanan na para bang nagbabalot ako para sa pagkakatapon. At sa gabi, naghukay ako sa pader ng lungsod. At habang nakatingin ang mga tao, pinasan ko sa aking balikat ang aking mga gamit na nakasako at umalis.
\s5
\q
\v 8 Kinaumagahan, ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito,
\p
\v 9 "Anak ng tao, hindi ba itinatanong ng mga suwail na Israelita kung, 'Ano ang iyong ginagawa?'
\p
\v 10 Kaya bumalik ka at sabihin sa kanila, 'Para sa hari ng Jerusalem ang aking ginawa at sa lahat ng iba pang mga Isarelita na naroon.'
\s5
\p
\v 11 Sabihin mo sa kanila, 'Isang babala para sa inyo ang aking ginawa. Kung anuman ang ginawa ko sa inyong harapan, mangyayari ang mga ito. Mabibihag sila at sapilitang ipapatapon sa ibang bansa.
\p
\v 12 Papasanin ng kanilang hari sa kaniyang balikat ang kaniyang mga ari-arian kapag dumilim na at susubukang tumakas. Maghuhukay ng butas sa pader ng lungsod ang kaniyang mga alipin at kukunin niya ang kaniyang mga ari-arian sa pamamagitan nito. Tatakpan niya ang kaniyang mukha upang hindi siya makilala ng iba at upang hindi niya makita ang lupain.
\p
\v 13 Ngunit para bang sasakluban ko siya ng isang lambat upang mabihag siya, huhulihin siya ng mga kawal na kaaway, bubulagin siya at dadalhin sa lungsod ng Babilonia kung saan naninirahan ang mga Caldeo. Ngunit hindi niya ito makikita dahil bubulagin siya at doon siya mamamatay.
\s5
\p
\v 14 Ikakalat ko ang lahat ng mga nakasama niya—ang kaniyang mga tagapayo at ang kaniyang mga kawal—sa lahat ng dako at ipapatugis ko sila sa kaniyang mga kaaway gamit ang kanilang mga espada na nakahandang patayin sila.
\p
\v 15 Pagkatapos, kapag naipangalat ko sila sa lahat ng mga bansa, malalaman nila na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.
\p
\v 16 Ngunit ititira ko ang ilan sa kanila mula sa kamatayan gamit ang espada, o kamatayan sa pagkagutom, o kamatayan sa pagkakasakit upang maitala nila ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na kanilang ginagawa at malalaman nila na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihan gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko."
\s5
\p
\v 17 At muling nagbigay sa akin ng mensahe si Yahweh. Sinabi niya,
\p
\v 18 "Anak ng tao, manginig ka habang kinakain mo ang iyong pagkain at mangatog ka sa takot habang iniinom mo ang iyong tubig.
\s5
\p
\v 19 Sabihin mo ito sa mga Israelita, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Panginoon tungkol sa mga naninirahan pa sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar ng Israel. Magiging balisa rin sila nang lubusan habang kinakain ang kanilang pagkain at iniinom ang kanilang tubig dahil malapit nang makuha ang lahat ng bagay mula sa kanilang bansa. Mangyayari iyon dahil patuloy pa ring gumagawa ng karahasan ang mga taong naninirahan doon.
\p
\v 20 Magiging wasak na lugar ang mga bayan na pinaninirahan ng mga tao at magiging tigang ang lupain. At kayo na mga tao, malalaman ninyo na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.'"
\s5
\p
\v 21 Binigyan ako ni Yahwweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 22 "Anak ng tao, may kasabihan ang mga Israelita na sinasabi, 'Patuloy na lumilipas ang mga araw at hindi nangyayari ang sinabi ng propeta.'
\p
\v 23 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Panginoon: patutunayan ko na hindi totoo ang kanilang mga sinasabi at hindi na nila ito muling sasabihin sa Israel.' Sabihin mo sa kanila, 'Malapit nang mangyari ang lahat ng bagay na inihayag ng mga propeta.'
\s5
\p
\v 24 Hindi na magsasabi ang mga propeta ng mga pangitaing hindi totoo sa mga Israelita o magsasabi ng mga propesiya sa mga tao para lamang malugod sila.
\p
\v 25 Sa halip, Ako, si Yahweh, sasabihin ko ang nais kong sabihin sa mga tao at agad na mangyayari kung anuman ang aking ipinahayag. Kayong mga suwail na tao, hahayaan kong mangyari ang lahat ng bagay na sinabi kong mangyayari. Iyan ang aking sinasabi, Ako, si Yahweh, ang Panginoon."'
\s5
\p
\v 26 Ibinigay rin ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin. Sinabi niya,
\p
\v 27 "Anak ng tao, patuloy na sinasabi ng mga Israelita ito tungkol sa iyo, 'Hindi kaagad mangyayari ang mga bagay na kaniyang nakikita sa mga pangitain. Mangyayari lamang ang mga bagay na ito sa matagal pang panahon mula ngayon, malayo pa sa hinaharap.'
\q
\v 28 Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Panginoon: Hindi na maaantala ang katuparan ng mga bagay na ipinahayag ko. Malapit nang mangyari ang anuman na aking ipinahayag."'
\s5
\c 13
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, magpahayag ka ng isang babala laban sa mga propeta ng Israel na nagpapahayag. Nagpapahayag ang ilan sa kanila ng mga bagay na sila mismo ang nag-isip. Sabihin mo sa kanila, 'Makinig kayo sa sinasabi ni Yahweh!
\p
\v 3 Sinabi niya, "Mangyayari ang mga kakila-kilabot na bagay sa mga masasamang propeta na nagpapahayag mula sa kanilang sariling kaisipan at walang anumang pangitain na nakita mula sa akin.
\p
\v 4 Kayong mga Israelita, gaya ng mga asong-gubat sa disyerto ang inyong mga propeta, mga hayop sila na kumakain ng mga tira ng iba.
\s5
\p
\v 5 Dahil nakikinig kayo sa kanila, hindi ninyo inayos ang mga sira o pinatibay ang inyong mga pader. Kailangang gawin iyon upang maging matibay ang mga pader kapag, Ako, si Yahweh, ang magpapadala ng mga kaaway ninyo upang salakayin kayo.
\p
\v 6 Hindi totoo ang mga pangitain at mga propesiya ng mga propetang iyon. Sinasabi nila, 'Sinabi ito sa akin ni Yahweh.' Hindi ko sila isinugo sa inyo upang maging mga propeta ko, ngunit umaasa kayo na totoong mangyayari ang kanilang mga ipinapahayag!
\p
\v 7 Sinasabi nilang nakakita sila ng mga pangitain, ngunit hindi totoo ang mga pangitain na iyon at mga kasinungalingan ang mga bagay na kanilang ipinapahayag. Sinasabi nila, 'Sinabi ito sa akin ni Yahweh,' ngunit wala akong sinabi na anuman sa kanila!
\s5
\p
\v 8 Kaya, Ako, si Yahweh, ang Panginoon, ito ang aking sinasabi: Dahil sinabi ninyo kung ano ang hindi totoo, kayong mga propeta at dahil mga kasinungalingan ang inyong mga pangitain, Ako ay laban sa inyo.
\p
\v 9 Pahihirapan ko kayong lahat na mga propetang nagsasabi ng kasinungalingan na nakakita kayo ng mga pangitain at nagpapahayag ng mga bagay na kasinungalingan. Hindi kayo mapapabilang sa aking mga tao, hindi maitatala ang inyong mga pangalan sa talaan ng mga Israelita at hindi na kayo makakabalik sa Israel. At malalaman ninyo na Ako, si Yahweh ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\p
\v 10 Nilinlang nila ang aking mga tao, sinasabi nila, "Magiging maayos ang lahat ng bagay para sa atin" kahit pa hindi maayos ang lahat ng bagay. Para bang nais nilang mag-sisp ang mga tao na may napakatibay na pader kahit hindi naman ito matibay.
\p
\v 11 Kaya sabihin mo sa mga propetang nagpahid ng kalburong pampinta sa pader na siguradong guguho ang pader na iyon. Uulan nang napakalakas. Magpapabagsak ako ng mga malalaking yelo. Iihip ang napakalakas na hangin laban dito.
\p
\v 12 Kapag bumagsak na ang mga pader, tiyak na sasabihin ng mga tao sa mga propeta, "Tiyak na hindi pinatibay ng puting pampinta ang pader!"
\s5
\p
\v 13 Kaya, Ako, si Yahweh, ang Panginoon, ang nagsabi nito: Dahil lubos ang galit ko sa inyo, magpapadala ako ng mga hukbong kaaway upang wasakin ang Jersusalem. Para bang magpapadala ako ng napakalakas na hangin, yelo at napakalakas na ulan upang wasakin kayo.
\p
\v 14 Parang pader na napintahan ng kalburong pampinta ang mga hindi totoong pagpapahayag ng inyong mga propeta, ngunit papabagsakin ko ito at wawasakin hanggang sa lupa na ang kahahantungan nito ay makikita ng mga tao ang mga pundasyon nito. Kapag gumuho ang pader, mamatay rin kayo at malalaman ng lahat na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\p
\v 15 Sa paraang iyon, ipapakita ko na labis ang aking galit sa mga taong nagtayo ng pader at ang mga nagpinta ng kalburong pampinta nito ay pinatay na.
\p
\v 16 Ito ang mga propetang nagpapahayag na magiging maayos ang lahat ng bagay para sa mga tao ng Jerusalem kahit pa hindi naman magiging maayos ang lahat ng bagay para sa kanila.'
\s5
\p
\v 17 Kaya ikaw, anak ng tao, ipakita mo na galit ka sa mga kababaihan ng Jerusalem na nagpapahayag ng mga bagay mula lamang sa kanilang sariling isipan at magpahayag ka ng totoong propesiya laban sa kanila.
\p
\v 18 Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Panginoon: Kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa inyong mga kababaihan na nagsusuot ng mga agimat sa inyong mga kamay at gumagawa ng mga talukbong na may iba't ibang sukat upang ilagay sa inyong mga ulo para malinlang ang mga tao. Iniisip ninyong malilinlang ninyo ang iba sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na alam ninyo kung ano ang mangyayari sa hinaharap at maililigtas ninyo ang inyong mga sariling buhay.
\s5
\p
\v 19 Nilapastangan ninyo ako sa pagsasabi ng mga kasinungalingan upang makakuha mula sa aking mga tao ng ilang sandakot na sebada at ilang maliliit na piraso ng tinapay. Nakinig sa mga kasinungalingan ang aking mga tao at ang mga kababaihang nagsisinungaling sa kanila ang naging dahilan upang mamatay ang mga hindi naman dapat mamatay at itinira ang hindi naman dapat manatiling buhay.'
\s5
\p
\v 20 Kaya, Ako, si Yahweh, ang Panginoon, ito ang aking sinasabi sa mga kababaihang iyon, 'Kinamumuhian ko ang inyong mga agimat na ginamit upang malinlang ninyo ang mga tao tulad ng pagbitag ng ibang tao sa mga ibon. Pipigtasin ko ang mga agimat na iyon sa inyong mga kamay at hahayaan ko ang mga taong nalinlang ninyo na hindi na muling magpapalinlang sa inyo.
\p
\v 21 Sisirain ko rin ang inyong mga talukbong at ililigtas ko ang aking mga tao na patuloy na nagpapalinlang sa inyo at hindi na sila muling mapapasailalim sa inyong pamamahala. At malalaman ninyo na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\p
\v 22 Pinahina ninyo ang loob ng mga matuwid na tao sa pagsasabi ng mga kasinungalingan kahit hindi ko naman ginawa ang mga bagay upang ikalungkot nila. At hinikayat ninyo ang mga masasamang tao upang magpatuloy na gawin ang kanilang mga masasamang pag-uugali, kung tatalikuran nila ito, magpapatuloy sana silang mamuhay.
\p
\v 23 Kaya, hindi na kayo muling makakapagsinungaling na nakakita kayo ng mga pangitain o makapagsasabi sa mga tao kung ano ang mangyayari sa hinaharap upang malugod sila. Ililigtas ko ang aking mga tao sa inyong panlilinlang. At malalaman ninyo na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Isang araw, may ilan sa mga nakatatanda ng Israel ang pumunta sa akin at umupo sa aking harapan.
\q
\v 2 At ibinigay ni Yahweh sa akin ang mensaheng ito,
\p
\v 3 "Anak ng tao, sumasamba sa diyus-diyosan ang mga kalalakihang ito at hinahayaan nila ang mga diyus-diyosan upang mahikayat sila sa pagkakasala. Kaya dapat ko ba silang sagutin kung hihiling sila sa akin ng payo?
\s5
\p
\v 4 Ngunit sabihin mo ito sa kanila: 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Panginoon: Kapag may Israelitang nais sumamba sa mga diyus-diyosan na hihikayat sa kaniya upang magkasala at pumupunta sa propeta upang makakuha ng payo, Ako, si Yahweh, ibibigay sa kaniya ang parehong kasagutan na nararapat nilang matanggap dahil sumasamba sila sa mga diyus-diyosan.
\p
\v 5 Gagawin ko ito upang muli akong sambahin nang may katapatan ng mga Israelitang tumalikod sa akin upang sambahin ang kanilang mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 6 Kaya, sabihin mo sa mga Israelita, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ang Panginoon, 'Magsisi na kayo! Itigil na ninyo ang pagsamba sa inyong mga diyus-diyosan at itigil na rin ninyo ang iba pang kasuklam-suklam ninyong pag-uugali!'
\s5
\q
\v 7 Sinuman sa inyo na mga Israelita o sinumang mga dayuhang naninirahan sa inyo ang tatalikod sa akin at sinimulang sambahin ang mga diyus-diyosan upang mahikayat siya sa pagkakasala at pupunta sa isang propeta upang malaman kung ano ang nais kong gawin niya, ako mismo ang sasagot sa kaniya.
\p
\v 8 Ipapakita kong kinamumuhian ko siya at ang mga nangyayari sa kaniya ang dahilan upang maging babala siya sa iba at maging dahilan upang hamakin siya ng mga tao. Hahayaan kong hindi na siya mapapabilang sa aking mga tao. At malalaman ninyo na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\p
\v 9 At kung nilinlang at nagbigay ng propesiyang hindi totoo ang isang propeta, kahit pa pinahintulutan ko siyang ibigay ang mensaheng iyon, palalayasin ko siya at aalisin mula sa aking mga Israelita.
\p
\v 10 Parehong mapapatawan ng kasalanan ang propeta at ang humiling ng payo sa kaniya at kapwa paparusahan ko sila.
\p
\v 11 At hindi na ako muling tatalikuran ng aking bayan at hindi na sila muling magiging hindi katanggap-tanggap sa akin dahil sa kanilang mga kasalanan. Magiging mga tao ko sila at Ako ang kanilang magiging Diyos. Iyan ang aking sinasabi, Ako, si Yahweh, ang Panginoon."
\s5
\p
\v 12 Muling nagbigay sa akin ng mensahe si Yahweh. Sinabi niya,
\p
\v 13 "Ikaw tao, kung nagkasala laban sa akin ang ibang mga tao sa ilang bansa sa pamamagitan ng pagtalikod sa akin, parurusahan ko sila sa paraang ititigil ko ang pagtustos ng kanilang makakain at magpapadala ako ng taggutom upang mamatay ang mga tao at mga hayop,
\q
\v 14 kahit pa naroon sina Noe, Daniel at Job, maililigtas lamang nila ang kanilang mga sarili dahil sa kanilang pagiging matuwid. Iyan ang aking ipinahayag, Ako, si Yahweh, ang Panginoon.
\s5
\p
\v 15 O kahit pa magpadala ako ng mga hayop sa buong bansa at sasalakay sila at papatayin ang karamihan sa mga tao upang maging lubos na mapanganib ang maglakbay sa bansang iyon upang walang sinuman ang maglalakbay sa bansang iyon,
\p
\v 16 dahil tiyak na buhay ako, kahit pa naroon ang tatlong kalalakihan sa bansang iyon, hindi nila maililigtas sa kamatayan kahit pa ang kanilang mga sariling anak. Silang tatlo lamang ang maililigtas at magiging napabayaang lugar ang bansa. Iyan ang aking ipinahayag, Ako, si Yahweh, ang Panginoon.
\s5
\p
\v 17 O kung magpadala ako ng mga kawal na kaaway upang patayin ang mga tao at mga hayop sa buong bansang iyon gamit ang kanilang mga espada,
\p
\v 18 dahil tiyak na buhay Ako, kahit pa naroon ang tatlong kalalakihan sa bansang iyon, hindi nila maililigtas sa kamatayan kahit pa ang kanilang mga sariling anak. Maililigtas lamang nila ang kanilang mga sarili. Iyan ang aking ipinahayag, Ako, si Yahweh, ang Panginoon.
\s5
\p
\v 19 O kung magpadala ako ng salot sa lupain at hayaang mamatay ang mga tao at mga hayop mula sa salot dahil labis akong nagagalit sa mga taong iyon,
\q
\v 20 dahil tiyak na buhay ako kahit pa naroon sina Noe, Daniel at Job sa bansang iyon, hindi nila maililigtas kahit pa ang kanilang mga sariling anak. Maililigtas lamang nila ang kanilang mga sarili dahil sa kanilang pagiging matuwid. Iyan ang aking ipinahayag, Ako, si Yahweh, ang Panginoon.
\s5
\p
\v 21 Kaya ngayon, ito ang aking sinasabi: Ako, si Yahweh ang Panginoon, 'Hahayaan kong mangyari ang apat na bagay sa mga tao ng Jerusalem upang parusahan sila nang lubusan. Papatayin ang ilang mga tao at mga hayop sa pamamagitan ng espada, may ilang mga mamatay dahil sa taggutom, sasalakayin at papatayin ng mga mababangis na hayop ang iba at mamatay naman sa salot ang iba.
\s5
\p
\v 22 Ngunit mananatiling buhay ang ilan sa iyong mga tao, kapwa mga matatanda at mga bata. Pupunta sila sa iyo, Ezekiel. At kapag nakita mo ang kanilang kasuklam-suklam na pag-uugali at mga kilos, mapagtatanto mo na may mga mabuti akong dahilan kung bakit pinahintulot kong maranasan ng mga taong iyon sa Jerusalem ang napakaraming sakuna na ipinadala ko sa kanila.
\p
\v 23 Kapag nakita mo ang mga bagay na iyon na kanilang ginagawa, malalaman mo na may mga mabuting dahilan ako upang gawin ang lahat ng mga bagay na iyon na pinahintulot kong mangyari sa kanila. Iyan ang aking ipinahayag, Ako, si Yahweh, ang Panginoon.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, tiyak na hindi higit na kapaki-pakinabang ang puno ng ubas kaysa mga sanga ng mga punong-kahoy sa isang kagubatan.
\q
\v 3 Walang sinumang gumagawa ng kahit na tulos mula sa mga ito upang pagsabitan ng mga bagay.
\q
\v 4 At pagkatapos na maitapon sa apoy ang isang sanga ng isang ubas, at tinupok ng apoy ang magkabilang dulo nito at naging uling ang gitna ng sanga, mapapakinabangan pa ba ito sa anumang bagay?
\s5
\q
\v 5 Hindi; kung wala itong pakinabang bago pa ito masunog, tiyak na hindi ito makakagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang pagkatapos itong matupok ng apoy at maging uling.
\q
\v 6 Samakatuwid, Akong si Yahweh, ang Panginoon, ang nagsabi: Ang puno ng ubas ay mapapakinabangan lamang bilang panggatong sa apoy. Gayon din, walang pakinabang ang mga taong naninirahan sa Jerusalem.
\s5
\q
\v 7 Hindi ko sila tatanggapin. Ito ay para bang nakatakas sila mula sa apoy ngunit mayroon pa ring apoy na tutupok sa kanila. At kapag pinarusahan ko sila, kayong mga nanatiling buhay, malalaman ninyong Akong si Yahweh ang gumawa nito.
\q
\v 8 Gagawin kong walang kuwenta ang inyong bansa dahil hindi kayo naging tapat sa akin. Ito ang sinasabi ko, Akong si Yahweh, ang Panginoon."
\s5
\c 16
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Anak ng tao, ipaalam mo sa mga tao ng Jerusalem ang tungkol sa kanilang kasuklam-suklam na pag-uugali.
\q
\v 3 Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon sa mga tao ng Jerusalem: Para bang ikaw ay isang babaeng napabilang sa mga taong Amoreo ang ama at ang iyong ina ay napabilang sa mga taong Hitea.
\s5
\p
\v 4 Para bang sa araw na isinilang ka, hindi pinutol ang iyong pusod at hindi hinugasan sa tubig ang iyong katawan o pinahiran ng asin at binalot ng mga kapirasong tela na tulad ng madalas na ginagawa sa mga sanggol na Israelita.
\p
\v 5 Walang sinumang naawa sa iyo o gumawa ng mabuti sa iyo sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na ito sa iyo. Sa halip, para bang ikaw ay kinamuhian nila. Pagkasilang mo, itinapon ka nila sa isang parang upang mamatay.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos, para bang dumaan ako at nakita kitang nakahiga sa iyong sariling dugo at sumisipa. At habang nakahiga ka doon at sumisipa sa iyong sariling dugo, sinabi ko sa iyo, "Nais kong manatili kang buhay!"
\p
\v 7 Ito ay para bang pinalaki kita, gaya ng paglaki ng mga halaman sa isang parang; lumaki ka at naging matangkad at naging katulad ng isang mamahaling hiyas. Lumaki ka ngang isang magandang babae, ngunit ikaw ay lubusang hubo't hubad pa rin.
\s5
\p
\v 8 Nang muli kitang makita pagkatapos ng ilang taon, ito ay para bang itinakip ko sa iyo ang aking balabal upang ipahiwatig na pakakasalan kita, na ang resulta ay hindi ka na hubad. Taimtim kong ipinangako na pakakasalan kita at gumawa ako ng isang kasunduan ng pagpapakasal sa iyo, at naging asawa kita.' Iyan ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon.
\s5
\p
\v 9 At pagkatapos nito, para bang pinaliguan kita at hinugasan ang dugo mula sa iyo at naglagay ng langis sa iyong katawan.
\p
\v 10 Ito ay para bang sinuotan kita ng isang pinong linong balabal at binigyan kita ng mga mamahaling kasuotang damit. Sinuotan kita ng naburdahang damit at sinuotan ng sandalyas na balat ang iyong mga paa.
\p
\v 11 Ito ay para bang sinuotan kita ng mga pulseras sa iyong mga kamay at kuwintas sa iyong leeg. Ang lahat ng mga bagay na iyon ay nakabitan ng mga magagandang hiyas.
\q
\v 12 Nilagyan ko ng gintong hikaw ang iyong ilong at kinabitan ko ng mga hikaw ang iyong mga tainga at nilagyan ng magandang korona ang iyong ulo.
\s5
\p
\v 13 Kaya ito ay para bang nagsuot ka ng mga alahas na ginto at pilak. Nagkaroon ka ng mga damit na yari sa pinong lino at iba pang mamahaling tela at naburdahang damit. Kumain ka ng mga mabuting harina, pulot-pukyutan at langis. Ikaw ang naging pinakamagandang babae at ginawa kitang isang reyna.
\p
\v 14 Ikaw ay naging napakaganda, na ang naging resulta, narinig ng mga tao sa ibang mga bansa ang tungkol sa iyo, dahil alam nilang Akong si Yahweh na Panginoon ang naging dahilan upang maging labis na maganda.
\s5
\p
\v 15 Ngunit para bang nakalimutan mong pinaganda kita at nagsimula kang naging mahalay sa bawat dumarating na lalaki, at nagpakasaya silang lahat sa iyong kagandahan.
\q
\v 16 Ito ay para bang kumuha ka ng ilan sa iyong mga kasuotan upang gumawa ng mga dambanang napalamutian ng maganda, kung saan doon ka nakipagtalik sa mga lalaking iyon. Hindi dapat nangyari ang mga bagay na iyon kailanman.
\s5
\p
\v 17 Kinuha mo ang mga purong ginto at pilak na ibinigay ko sa iyo at gumawa ka ng mga diyus-diyosang lalaki para sa iyong sarili upang makipagtalik sa kanila.
\p
\v 18 Kinuha mo ang ilan sa iyong mga naburdahang kasuotan upang isuot sa mga diyus-diyosang iyon, at nagsunog ka ng langis at insenso sa harapan nila upang parangalan sila.
\q
\v 19 At ang tinapay na gawa mula sa pinong harina at ang langis ng olibo at pulot-pukyutan na ibinigay ko sa iyo upang kainin, inihandog mo bilang isang mabangong alay sa mga diyus-diyosang iyon. Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpahayag na iyan ang nangyari.
\s5
\p
\v 20 Kinuha mo pa maging ang mga anak mong lalaki at babae na dapat sana ay nakalaan para sa akin at sila ay inialay at pinatay na para bang hindi sila gaanong mahalaga kaysa sa iyong pagiging isang bayarang babae.
\p
\v 21 Sila na katulad ng aking mga anak ay pinatay mo, at inialay mo sila bilang mga handog sa mga huwad na diyos!
\q
\v 22 Lahat sa panahong kumikilos ka bilang isang bayarang babae at gumagawa ng mga bagay na kasuklam-suklam, hindi mo inisip ang tungkol sa panahong ikaw ay para bang napakabata pa, hubad, at nakahiga sa iyong sariling dugo at sumisipa-sipa sa isang parang.
\s5
\p
\v 23 Kaya Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpapahayag na kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa iyo. Dagdag pa sa lahat ng mga ibang ginawa mong kasamaan,
\q
\v 24 nagtayo ka ng dambana sa lahat ng mga lungsod upang sumamba sa mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 25 Sa bungad ng bawat lansangan, nagtayo ka ng isang dambana at ipinakita mo sa mga tao ang iyong magandang katawan, iniaalok mong makipagtalik sa bawat lalaking dumaraan, lalong naging kilala bilang babaeng bayaran bawat araw.
\q
\v 26 Ito ay para bang katulad ka ng nakipagtalik ka mga kalalakihang mula sa Egipto na nasasabik na makipagtalik sa iyo, mga lalaking naninirahan malapit sa Israel. Ginalit mo ako nang labis dahil lalo kang naging sabik na makipagtalik nang higit at higit pa sa kanila.
\s5
\q
\v 27 Kaya pinarusahan kita at ipinasakop kita sa iyong mga kaaway upang bihagin ang ilan sa iyong bansa. Pinahintulutan ko ang iyong mga sakim na kaaway mula sa Filistia na talunin ka; at maging sila ay nagulat dahil sa iyong nakakahiyang pag-uugali.
\p
\v 28 Ito ay para bang nakipagtalik ka rin sa mga kawal ng Asiria dahil palagi mong ninanais na makipagtalik sa mas maraming lalaki. At pagkatapos noon, hindi ka pa rin nasiyahan.
\p
\v 29 Kaya nakipagtalik ka rin sa mga kawal mula sa Babilonia, isang bansa na puno ng mga mangangalakal, ngunit kahit iyon ay hindi pa rin nagbigay-kasiyahan sa iyo.
\s5
\q
\v 30 Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpapahayag na noong ginawa mo ang lahat ng mga bagay na iyon, kumilos na parang isang mapangahas na babaeng bayaran, ipinapakita mo na hindi mo kayang pigilan ang iyong kahalayan at gagawin mo ang kahit na ano, gaano man ito kahalay, sapagkat ninais mong bigyang kasiyahan ang iyong pagnanasa.
\p
\v 31 Ngunit nang gumawa ka ng mga dambana upang sumamba sa mga diyus-diyosan sa bawat plasa sa lungsod, hindi ka talaga kagaya ng isang babaeng bayaran sapagkat ang mga babaeng bayaran ay nagpapabayad ng pera. Tumanggi kang magpabayad ng pera para sa iyong ginawa!
\s5
\q
\v 32 Katulad ka ng isang babaeng gumawa ng kataksilan. Mas ninanais mo pang makipagtalik sa mga hindi mo kakilalang lalaki kaysa sa iyong asawa.
\q
\v 33 Binabayaran ang mga bayarang babae, ngunit para bang ikaw ang nagbibigay ng mga handog sa lahat ng iyong mga mangingibig; sinusuhulan mo sila na lumapit sa iyo mula pa sa lahat ng dako upang makipagtalik.
\q
\v 34 Kaya kahit na ikaw ay kumikilos na parang isang babaeng bayaran, ikaw ay tunay na kabaliktaran ng ibang mga babaeng bayaran! Sa halip na sila ang magbibigay ng pera sa iyo, ikaw ang nagbibigay sa kanila ng pera upang makipagtalik sa iyo!
\s5
\q
\v 35 Kaya nga, kayong mga tao ng Jerusalem, kayong mga katulad ng isang babaeng bayaran, makinig kayo sa sinasabi ni Yahweh na Panginoon tungkol sa inyo!
\p
\v 36 Sinasabi niya na ang inyong ginawa ay para bang katulad ng pinagnasaan mo ang bawat tao sa iyong paligid at nakipagtalik ka sa kanila, kasama ang iyong ginawa na mga lalaking diyus-diyosan, kaya maging ang iyong mga anak ay inihandog mo pa sa kanila.
\p
\v 37 Kaya ang aking gagawin ay para bang titipunin ko iyong mga iniisip mong nagmahal sa iyo at yung mga kinapootan mo. Titipunin ko silang lahat sa iyong palibot upang salakayin ka, at ang aking gagawin ay para bang huhubarin ko ang iyong kasuotan at makikita ka nila kapag lubusan ka nang nakahubad.
\s5
\v 38 Parurusahan kita katulad ng pagparusa sa isang babaeng mapangalunya at pumapatay ng mga tao. Maghihiganti ako sa iyo at plalayuan kita sapagkat labis akong nagagalit sa iyo.
\p
\v 39 Pahihintulutan ko ang iyong mga kaaway na inakala mong nagmahal sa iyo upang wasakin ang iyong mga dambana at mga altar ng pagano. Huhubaran ka nila at itatago ang iyong mga kasuotan at alahas, at iiwanan ka nila nang walang anumang pantakip sa iyong sarili.
\s5
\v 40 Magdadala sila ng masasamang tao upang salakayin ka. At babatuhin ka ng mga taong iyon at pagpipira-pirasuhin ka gamit ang kanilang mga espada.
\p
\v 41 Susunugin nila ang iyong mga tahanan at parurusahan ka nila habang nanonood ang maraming mga babae. Hahayaan ko silang gawin ito sa iyo upang matutunan mo ang isang aral para sa pagkilos mo nang labis na pakikiapid at sa pagbabayad mo ng mga tao upang makipagtalik sa iyo.
\v 42 Pagkatapos, hindi na ako magagalit pa sa iyo. Ititigil ko na ang aking paninibugho dahil magbibigay kasiyahan sa akin ang iyong kaparusahan.
\s5
\v 43 Nakalimutan mo ang mga kahanga-hangang bagay na ginawa ko sa iyo sa mga nakaraang taon. Ginalit mo ako nang labis dahil sa lahat ng iyong mga ginawang kasamaan. Dagdag pa sa lahat ng mga kasuklam-suklam na iyong ginawa, gumawa ka pa ng maraming kahalayan. Kaya Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpapahayag na parurusahan kita dahil sa paggawa mo sa mga bagay na iyon.
\s5
\p
\v 44 Ang mga taong mahilig bumanggit ng mga kawikaan ay babanggitin ang kawikaang ito tungkol sa iyo, 'Ang mga babaeng anak ay kumikilos na katulad ng pagkilos ng kaniyang ina.'
\v 45 Katulad ka ng iyong ina; ito ay para bang kinamuhian niya ang kaniyang asawa at mga anak. Katulad ka ng iyong mga kapatid na babaeng kinamuhian din ang kanilang mga asawa at ang kanilang mga anak. Ito ay parang ang iyong ama ay kabilang sa mga taong Amoreo at ang iyong ina ay kabilang sa mga taong Heteo.
\s5
\v 46 Ito ay parang ang nakatatanda mong kapatid na babae ay ang Samaria, at siya at ang kaniyang mga anak na babae ay nanirahan sa iyong hilaga, at ito ay para bang ang iyong nakababatang kapatid na babae ay ang Sodoma, at ang kaniyang mga anak na babae ay nanirahan sa iyong timog.
\s5
\v 47 Hindi mo lamang ginaya ang kanilang mga kasuklam-suklam na pag-uugali, ngunit mabilis kang naging higit na makasalanan kaysa sa kanila.
\v 48 Akong si Yahweh na Panginoon ang taimtim na nagpapahayag, na dahil Ako ay buhay kailan pa man, ang mga taong nanirahan sa Sodoma at iba pang kalapit na lungsod ay hindi kailanman ginawa ang mga bagay na kasuklam-suklam na ginawa ninyong mga tao sa Jerusalem at sa ibang mga lugar sa Judah.
\s5
\v 49 Ito ang mga kasalanan ng mga taong nanirahan sa Sodoma, katulad ng mga kapatid mong babae na kabilang sa kanila, naging mapagmataas sila at hindi nila kailanman inisip na sila ay parurusahan. Hindi nila pinansin ang mga taong mahihirap at mga taong nasasaktan sa kanilang paligid.
\v 50 Ang mga tao sa Sodoma at mga kalapit na lungsod ay naging mapagmataas at ginawa ang mga bagay na kasuklam-suklam sa aking presensya, kaya nilayuan ko sila nang makita ko ang kanilang mga ginagawa.
\s5
\v 51 Gayon din, hindi gumawa ang mga taga-Samaria ng kalahati man lang sa dami ng kasalanang ginawa mo. Mas marami kang ginawang mga bagay na kasuklam-suklam kaysa sa kanila. Pinamukha mong mas mabuti ang mga taga-Samaria kaysa sa iyo.
\v 52 Mas malala ang iyong mga kasalanan kaysa sa kanilang mga kasalanan, kaya parang mas kakaunti ang kanilang kasamaan kaysa sa iyo. Kaya higit ang parusa ko sa iyo kaysa sa parusa ko sa kanila. At ang kinalabasan, ikaw ay mapapahiya at magdudulot ng kahihiyan.
\s5
\p
\v 53 Gayon man, darating ang araw na muli kong pasasaganain ang Sodoma at Samaria at ang mga lungsod na malapit dito. At muli din kitang pasasaganain.
\v 54 Ikaw ay lubos na mahihiya sa mga ginawa mong kasamaan, at iyon ang magpapalakas-loob sa mga tao sa mga lungsod na iyon.
\v 55 Magiging sagana muli ang mga taong taga-Sodoma at Samaria, at ikaw at ang mga tao sa kalapit na mga lungsod ay muli ding sasagana.
\s5
\v 56 Inirapan mo ang mga taga-Sodoma noong mapagmataas ka,
\v 57 bago naihayag na mas masama ka kaysa sa kaniya. At ngayon, iniinsulto at kinamumuhian ka ng mga taga-Edom at mga taga-Filistia.
\v 58 At pinarurusahan ka sa lahat ng iyong malalaswang pag-uugali at iba pang mga kasuklam-suklam na bagay na iyong ginawa. Ito ang sinasabi ni Yahweh sa iyo!
\s5
\v 59 Ito ang sinasabi ko, akong si Yahweh na Panginoon, patuloy kitang parurusahan katulad ng parusang nararapat sa iyo, dahil sa pagtalikod mo sa kasunduang ginawa ko sa iyo, hinamak mo ang taimtim na kasunduang ipinangako mong iyong susundin.
\s5
\p
\v 60 Ngunit hindi ko kalilimutan ang kasunduang ibinigay ko sa iyo matagal nang panahon ang nakalipas, at muli akong gagawa ng kasunduan sa iyo na magtatagal magpakailanman.
\v 61 At pagkatapos ay maiisip mo ang iyong mga ginawa, at mapapahiya ka tungkol sa mga bagay na iyon kapag pinatuloy mo ang mga taga-Sodoma at Samaria, mga lungsod na katulad ng iyong mga anak na babae, ngunit hindi sila magkakaroon ng kasunduang katulad ng kasunduan na gagawin ko para sa iyo.
\s5
\v 62 Itatatag ko ang aking kasunduan sa iyo, at malalaman mo na Akong si Yahweh ay may kapangyarihang gawin ang mga sinabi kong aking gagawin.
\v 63 Pagkatapos, kapag pinatawad na kita sa lahat ng iyong kasalanan, maiisip mo ang lahat ng tungkol sa mga kasalanang iyong ginawa at mapapahiya ka. Hindi ka na muling magmamalaki tungkol sa mga ito dahil ikaw ay mapapahiya." Ako, ang Panginoong Yahweh ang nagsabi!' Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Nagbigay muli si Yahweh ng mensahe sa akin. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, sabihin mo ang kuwentong ito bilang paglalarawan ng halimbawa sa mga Israelita.
\q
\v 3 Sabihin mo sa kanila, "Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Isang malaking agila at may malakas na mga pakpak, na may mga mahaba at magandang mga balahibo na may maraming kulay ang lumipad patungong Lebanon. Dumapo ito sa tuktok ng isang puno ng sedar
\q
\v 4 at binali ito. At dinala ito ng agila sa Canaan, isang bansa na may napakaraming mangangalakal at itinamim ito sa isa sa mga lungsod doon.
\s5
\p
\v 5 At kumuha ng binhi ang agilang iyon sa inyong bansa at itinanim ito sa isang matabang bukid. Itinanim niya ito tulad ng pagtatanim ng mga tao sa puno ng wilow sa tabi ng batis na sagana sa tubig.
\q
\v 6 Lumaki ito at naging isang baging ng ubas na gumagapang sa lupa. Bawat mga sanga ay humarap sa agila, Kaya naging mabuting puno ng ubas ito at nagkaroon ng maraming mga sanga at mga dahon.
\s5
\p
\v 7 Ngunit may isa pang malaking agila na may malakas na pakpak at magandang mga balahibo. At lumago ang ilang ugat ng puno ng ubas patungo sa agilang iyon maging ang mga sanga nito, umaasa na magdala ang agilang iyon ng mas maraming tubig para dito.
\p
\v 8 Nangyari iyon sa kabila ng katotohanan na kahit naitanim ang puno ng ubas sa matabang lupa kung saan may masaganang tubig, na nagkaroon ng napakaraming sanga, at ang mga ubas ay naging isang napakayabong na puno ng ubas ang kinahinatnan nito.'
\s5
\p
\v 9 At pagkatapos mong sabihin iyon sa mga tao, sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Tiyak na hindi mananatiling magiging mayabong ang puno ng ubas na iyon. Bubunutin ng agila ang mga ugat nito na siyang nagtanim nito at malalaglag ang lahat ng mga bunga at matutuyo ang mga dahon nito. At hindi na kailangan ang sinumang may malakas na braso o maraming tao upang bunutin ang mga ugat nito.
\p
\v 10 Kahit pa ilipat ito upang itanim, tiyak na hindi ito magpapatuloy na lalago. Kapag umihip ang mainit na hangin mula sa silangan laban dito, lubos itong matutuyo kung saan ito nakatanim!' "
\s5
\q
\v 11 At ibinigay ni Yahweh sa akin ang mensaheng ito:
\p
\v 12 "Itanong mo ito sa mga suwail na mga Israelita, 'Alam ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng talinghagang ito?' Sabihin mo sa kanila na nagpapahiwatig ito na pupunta ang hari ng Babilonia sa Jerusalem kasama ang kaniyang hukbo at bibihagin ang hari ng Juda at ang kaniyang mga opisyal at dadalhin sila sa Babilonia.
\s5
\q
\v 13 At kinuha niya ang isa sa mga malalapit na kamag-anak ng hari, itinalaga niya ang isa sa kanila bilang hari at gumawa ng isang kasunduan kasama niya, sapilitan siyang pinanumpa ng taimtim na manatiling tapat. Dinala rin ng hari ng Babilonia ang ibang mahahalagang mamamayan ng Juda patungo sa Babilonia
\p
\v 14 upang hindi na maging makapangyarihang muli ang kaharian ng Judah. Nilayon ng hari ng Babilonia na hindi magpapatuloy sa pag-iral ang kaharian ng Juda kung hindi susunod ang mga tao sa kasunduan na ginawa niya kasama ng hari ng Babilonia.
\s5
\p
\v 15 Naghimagsik ang hari ng Juda laban sa hari ng Babilonia sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga opisyal sa Egipto upang humiling sa kanila ng mga kabayo at ng isang malaking hukbo upang labanan ang hukbo ng Babilonia. Subalit tiyak na hindi magtatagumpay ang hari ng Juda. Ang mga pinuno na naghihimagsik tulad nito at ang tumangging sumunod sa mga napagkasunduan ay hindi makatatakas.
\p
\v 16 Ako ang Panginoong Yahweh ang nagpapahayag, dahil tiyak na Ako ay buhay, mamamatay ang hari ng Juda sa Babilonia, sa lungsod na kung saan itinalaga siya ng hari ng Babilonia upang maging hari ng Judah. Mamamatay siya dahil hindi niya sinunod ang taimtim na kasunduan at tumanggi siyang gawin ang kaniyang ipinangakong gawin.
\s5
\p
\v 17 Hindi matutulungan ng hari ng Egipto kasama ang kaniyang napakalaking hukbo ang hari ng Juda: Magtatayo ang mga kawal mula sa Babilonia ng mga rampa pataas laban sa mga pader ng lungsod at maglalagay ng mga gamit na pangwasak sa mga pader. Papasok sila sa Jerusalem at papatayin ang maraming tao.
\p
\v 18 Hinamak ng hari ng Juda ang mataimtim na kasunduan sa pamamagitan ng pagtatakwil nito. Kahit na nanumpa siya ng taimtim at nangako sa ilalim ng kapangyarihan ng hari ng Babilonia, nagsugo siya ng mga opisyal upang humingi ng tulong sa Egipto. Samakatuwid hindi niya matatakasan ang parusa ng hari ng Babilonia.
\s5
\p
\v 19 Kaya ito ang sinasabi ko, Akong si Yahweh na Panginoon: Dahil Ako ay nabubuhay, Paparusahan ko ang hari ng Juda sa pagbalewala sa taimtim na kasunduan na kaniyang ginawa kasama ang hari ng Babilonia at pagtangging sundin ito dahil nilabag nito ang aking inaasahan.
\q
\v 20 Kaya naman, para bang ilalatag ko ang lambat upang hulihin siya at siya ay mahuhuli nito. Siya ay bibihagin at dadalhin sa Babilonia upang parusahan dahil siya ay naghimagsik laban sa akin.
\p
\v 21 Karamihan sa kaniyang mga kawal na nagtangkang tumakas ay papatayin sa pamamamagitan ng mga espada ng kalaban, at ang mga nakaligtas ay ikakalat sa iba't ibang dako. Pagkatapos, malalaman ninyo na Akong si Yahweh na may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko."
\s5
\p
\v 22 Ito pa ang sinasabi ni Yahweh ang Panginoon: "Para bang kukuha ako ng isang usbong mula sa sanga sa tuktok ng pinakamataas na bahagi ng puno ng sedar at itatanim ko sa ibang lugar. Itatanim ko ito sa napakataas na bundok.
\q
\v 23 Ito ay para bang itatanim ko sa bundok ng Israel, at ito ay lalago at magiging isang napakagandang puno ng sedar. Maraming uri ng ibon ang gagawa ng mga pugad sa puno at magkakaroon sila ng lilim sa mga sanga nito.
\s5
\p
\v 24 At para bang lahat ng mga punong kahoy sa bukid ay malalaman nilang Ako, si Yahweh, ang mag-aalis sa mga matataas na puno at magpapatubo ng mga maliliit. Ako ang magdudulot sa mga malalagong puno upang matuyo, at ako ang magpapayabong sa mga natuyong mga puno upang lumago. Akong si Yahweh ang nagsabi nito, at nakatitiyak akong gagawin ko kung ano ang sinabi kong gagawin ko."
\s5
\c 18
\p
\v 1 Nagbigay si Yahweh sa akin ng iba pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 2 Kayong mga taong nagbanggit ng kawikaang ito at nagsabi na tungkol ito sa Israel: 'Mga magulang ang kumain ng maasim na ubas, ngunit ang kaniyang mga anak ang nakalasa ng napakaasim sa kanilang mga bibig.' Ibig nitong sabihin na iniisip ninyo na dapat kayong magdusa sa mga kasalanang ginawa ng inyong mga ninuno.
\s5
\p
\v 3 Ngunit Akong si Yahweh ang Panginoon ang nagpapahayag dahil tiyak na ako ay buhay Ako, hindi na ninyo mababanggit kailanman ang kawikaang ito, kayong mga Israelita.
\p
\v 4 Lahat ng nabubuhay ay pag-aari ko. Kasama rito ang kanilang mga anak at kanilang mga magulang, silang lahat ay pag-aari ko. At ang lahat ng nagkasala ang siyang mamamatay dahil sa kanilang mga kasalanan.
\s5
\p
\v 5 Ipagpalagay na mayroong isang matuwid na tao, na laging gumagawa ng makatarungan at tama.
\p
\v 6 Hindi siya kumakain ng mga karne na inialay sa mga diyus-diyosan sa ibabaw ng burol at hindi siya humihingi ng tulong sa mga diyus-diyosan tulad ng ginagawa ng iba sa Israel. Hindi siya nakikipagtalik sa asawa ng iba o kasama ang babaeng kasalukuyang may regla.
\s5
\p
\v 7 Hindi siya nang aabuso ng mga tao, kung may taong humihiram ng pera sa kaniya at binibigyan siya ng isang bagay bilang kasiguraduhan na babayaran niya ito agad, ang taong ito ay laging ibinabalik agad sa taong iyon ang pera bago lumubog ang araw. Hindi niya ninanakawan ang mga tao. Binibigyan niya ng pagkain ang mga taong nagugutom. Binibigyan niya ng damit ang mga taong nangangailangan ng mga damit.
\p
\v 8 Kapag nagpapahiram siya ng pera sa mga tao, hindi niya ito pinagbabayad ng tubo. Hindi siya gumagawa ng mga bagay na masasama. Laging makatarungan ang kaniyang pagpapasya.
\p
\v 9 Tapat siyang sumusunod sa aking mga utos. Ang taong iyon ay totoong matuwid, siya ay mananatiling buhay. Akong si Yahweh na Panginoon ang nangangako nito
\s5
\p
\v 10 Ngunit ipagpalagay na ang lalaking iyon ay may anak na gumagawa ng karahasan, na pumapatay ng mga tao at gumagawa ng anuman sa mga bagay na ito, kahit na hindi ginawa ng kaniyang ama ang anuman sa mga ito.
\p
\v 11 Kumain siya ng karne na inialay sa mga diyus-diyosan sa ibabaw ng burol. Nakikipagtalik din siya sa asawa ng ibang tao.
\s5
\p
\v 12 Inaabuso niya ang mga mahirap at mga taong nangangailangan. Ninanakawan niya ang mga tao. Kung mayroong nagbibigay sa kaniya ng anomang bagay na kasiguruhang babayaran agad ang perang kaniyang hiniram, ang hindi matuwid na tao kailanman ay hindi ito ibinabalik agad sa kaniya bago lumubog ang araw. Siya ay humihingi ng tulong sa mga diyus-diyosan. Gumagawa siya ng kasuklam-suklam na mga bagay.
\p
\v 13 Kapag nagpapahiram siya ng pera, pinapatubuan niya. Kung iniisip ninyo na patuloy kong bubuhayin ang taong iyon, tiyak na nagkakamali kayo. Dahil ginawa niya ang lahat na kasuklam-suklam na mga bagay na ito, tiyak hahayaan ko siyang mamamatay at ito ay kaniyang sariling pagkakamali.
\s5
\p
\v 14 Ngunit kung sakaling ang taong iyon ay may anak na nakakita sa lahat ng mga kasalanan na ginawa ng kaniyang ama, ngunit siya mismo ay hindi niya ginawa ang mga bagay na ito.
\p
\v 15 Ang anak ay hindi kumain ng karne na inialay sa mga diyos-diyusan sa mga ibabaw ng burol. Hindi siya humingi ng tulong sa mga diyus-diyosan. Hindi siya nakipagtalik sa asawa ng ibang tao.
\s5
\p
\v 16 Hindi siya nang-aabuso ng mga tao. Kung siya ay magpapahiram ng pera sa sinuman, hindi niya hihingian ang taong iyon ng anumang bagay upang may kasiguraduhang babayaran niya ang kaniyang inutang na pera. Hindi niya ninanakawan ang sinuman. Nagbibigay siya ng pagkain sa sinumang nangangailangan nito. Nagbibigay siya ng mga damit sa mga nagangailangan ng damit.
\p
\v 17 Hindi siya gumagawa ng kasalanan, hindi katulad ng kaniyang ama, at hindi siya nagbibigay ng patubo kung siya ay nagpapahiram ng pera. Tapat siyang sumusunod sa aking mga utos. Tinitiyak kong hindi mamamatay ang taong ito dahil sa kasalanan ng kaniyang ama, tiyak na mananatili siyang buhay.
\s5
\q
\v 18 Ngunit tinitiyak kong mamamatay ang kaniyang ama dahil sa kasalanang kaniyang ginawa, dahil dinaya niya at ninakawan ng ama ang mga tao, at gumawa siya ng iba pang masasamang bagay.
\s5
\p
\v 19 Kung tinatanong ninyo, 'Bakit hindi maghihirap ang anak sa masasamang bagay na ginawa ng kaniyang ama'?, Sasagutin kita, makatarungan at tama ang ginawa ng anak at sinunod ang lahat ng aking mga kautusan, kaya siya ay tiyak na mananatiling buhay.
\p
\v 20 Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay mamamatay dahil sa kaniyang kasalanan. Hindi ko parurusahan ang isang tao dahil nagkasala ang kanilang mga magulang, o dahil nagkasala ang kanilang mga anak. Gagantimpalaan ko ang mga taong namumuhay nang tama, at parurusahan ko ang mga taong masama, at namumuhay nang hindi wasto.
\s5
\p
\v 21 Ngunit kung ang isang masamang tao ay tumigil na sa paggawa ng mga masasamang bagay na dati niyang ginagawa, at kung nagsimula siyang sumunod na may katapatan sa aking mga utos, at kung gagawin niyang makatarungan at matuwid, siya ay tiyak na mananatiling buhay; hindi ko siya papatayin.
\p
\v 22 Hindi ko siya parurusahan sa mga kasalanang kaniyang ginawa sa nakaraan. Dahil sa mga mabubuting bagay na kaniyang ginawa mula sa oras na iyon, pahihintulutan ko siyang manatiling buhay.
\s5
\p
\v 23 Ako si Yahweh ang Panginoon, ipinapahayag ko na tiyak na hindi ako masaya tungkol sa masasamang taong mamamatay. Sa halip masaya ako kung itinitigil na nila ang paggawa ng mga bagay na masama at manatiling buhay bunga nito.
\s5
\p
\v 24 Ngunit kung ang isang matuwid na tao ay tumigil sa paggawa ng mga mabubuting bagay at nagsisimulang gumawa ng mga kasalanan at ginagawa ang mga bagay na kasuklam-suklam na ginagawa ng mga masasamang tao, tiyak na hindi ko siya papahintulutang manatiling buhay. Hindi ko iisipin ang mga mabubuting bagay na kaniyang ginawa sa nakaraan. Dahil hindi niya ginawa nang tapat kung ano ang mga nakakalugod sa akin, at dahil sa mga kasalanang kaniyang ginawa, tiyak na mamamatay siya.
\s5
\p
\v 25 Ngunit sinasabi ninyo na akong si Yahweh ay hindi makatarungan. Kayong mga Israelita, pakinggan ninyo ang aking sinasabi, tiyak na hindi ang aking ginagawa ang hindi makatarungan, ang hindi makatarungan ay ang mga patuloy ninyong ginagawa
\p
\v 26 Kung ang isang matuwid na tao ay tumalikod sa paggawa ng kung ano ang tama, at gumagawa ng kasalanan, mamamatay siya dahil sa kasalanan na kaniyang ginawa.
\s5
\p
\v 27 Subalit kung tumalikod ang isang masamang tao sa paggawa ng mga masasama at gumagawa ng makatarungan at matuwid, ililigtas niya ang kaniyang sarili sa kamatayan.
\p
\v 28 Sapagkat pinag-isipan niya ang tungkol sa mga masamang bagay na kaniyang ginawa at tinalikuran na niya ito, papahintulutan ko siyang mabuhay. Hindi ko siya papatayin.
\s5
\q
\v 29 Ngunit sinabi ninyong mga Israelita na hindi ako kumikilos nang makatarungan. Kayong mga Israelita, palagi akong kumikilos ng makatarungan. Kayo ang gumagawa ng masasama.
\p
\v 30 Kaya kayong mga Israelita, Akong si Yahweh na Panginoon, ang hahatol sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Magsisi kayo! Talikuran na ang masama ninyong pag-uugali! At, hindi ko na kayo wawasakin dahil sa mga maling bagay na inyong ginawa.
\s5
\p
\v 31 Tigilan na ang paggawa ng mga masamang bagay; simulang mag-isip ng bagong paraan. Kayo na mga Israelita, gusto ba talaga ninyo na papatayin ko kayo dahil sa inyong mga kasalanan?
\q
\v 32 Ako si Yahweh ang Panginoon, ipinapahayag ko na hindi ako nalulugod na kapag namatay kayo. Kaya talikuran ang iyong mga kasalanan at manatiling buhay!"
\s5
\c 19
\p
\v 1 Sinabi sa akin ni Yahweh,
\q
\v 2 "'Ezekiel, umawit ka ng isang malungkot na awiting panglibing na magiging isang talinghaga tungkol sa mga pinuno ng Israel. Sabihin mo sa mga Israelita, 'Para bang ang inyong ina ay isang matapang na babaeng leon na nagpalaki sa kaniyang anak sa gitna ng ibang mga leon.
\q
\v 3 Tinuruan niya ang isa sa kanila na manghuli ng ibang hayop upang patayin, at natutunan pa niyang pumatay at kumain ng tao.
\p
\v 4 Nang marinig ng mga tao mula sa ibang bansa ang tungkol sa kaniya, binitag nila siya sa isang hukay. Pagkatapos, gumamit sila ng mga kawit upang kaladkarin siya papunta sa Egipto.
\s5
\p
\v 5 Naghintay ang kaniyang ina para sa kaniyang pagbabalik, ngunit hindi nagtagal hindi na siya umasang mangyayari pa iyon. Kaya nagpalaki siya ng isa pang batang leon na naging napakabangis din.
\p
\v 6 Humuli siya ng ibang hayop upang patayin kasama ang ibang leon at natutunan pa niyang pumatay at kumain ng tao.
\p
\v 7 Ginahasa niya ang balo ng kaniyang mga biktima at winasak niya ang mga lungsod. Nang umatungal siya nang napakalakas, natakot ang lahat at iniwan ang lahat ng kanilang pag-aari.
\s5
\p
\v 8 Kaya binalak ng mga tao sa ibang mga bansa na patayin siya; at dumating ang mga kalalakihang mula sa iba't ibang lugar upang maglatag ng lambat sa kaniya. Siya ay hinuli nila sa pamamagitan nito.
\p
\v 9 Siya ay inilagay nila sa isang kulungang bakal at hinila nila ito gamit ang mga kawit at kadena; siya ay dinala nila sa hari ng Babilonia. Doon, siya ay ikinulong nila sa bundok na tanggulan, ang resulta, walang sinuman sa mga burol ng Israel ang nakarinig na siya ay muling umatungal.' Gayon din, sabihin mo sa mga Israelita:
\s5
\p
\v 10 Para bang isang puno ng ubas ang inyong ina na nakatanim sa tabi ng sapa. May saganang tubig, kaya mayroon itong maraming sanga at namunga ng maraming ubas.
\p
\v 11 Lumago ang puno ng ubas na iyon at mas tumangkad kaysa sa mga kalapit na puno; nakikita ng lahat na labis itong matibay at malusog. At ang mga sangang iyon ay angkop sa paggawa ng setro na sumasagisag sa kapangyarihan ng hari.
\s5
\p
\v 12 Ngunit labis na nagalit si Yahweh, kaya binunot niya sa ugat ang puno ng ubas at itinapon sa lupa, kung saan tinuyo ng napakainit na hanging mula sa disyerto ang lahat ng bunga nito. Nalanta ang mga matitibay na sanga at nasunog sa apoy.
\p
\v 13 Ngayon, itinanim ni Yahweh ang puno ng ubas na iyon sa isang mainit at tuyong disyerto.
\s5
\p
\v 14 Sinimulang sunugin ng apoy ang mga tangkay nito, at pagkatapos, sinimulang sunugin ang mga sanga, sinunog nito ang lahat ng ubas. Ngayon walang naiwan kahit isang matibay na sanga; ang mga ito ay hindi kailanman magiging setro para sa hari.' Ang awiting panlibing na ito ay dapat awitin nang napakalungkot."
\s5
\c 20
\p
\v 1 Halos pitong taon pagkatapos kaming dalhin ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain, sa ikasampung araw ng ikalimang buwan ng taon na iyon, dumating ang ilang nakatatanda ng Israel upang magtanong kung mayroon akong anumang mensahe para sa kanila mula kay Yahweh.
\s5
\p
\v 2 Pagkatapos, binigyan ako ni Yahweh ng mensahe para sa kanila. Sinabi niya,
\p
\v 3 "'Anak ng tao, kausapin mo ang mga nakatatanda at sabihin mo sa kanila na ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: 'Sinabi ninyo na naparito kayo upang magtanong kung may mensaheng mula sa akin, ngunit tulad ng tiyak na ako ay buhay, hindi ko kayo hahayaang humingi ng mensahe mula sa akin.'
\s5
\p
\v 4 Kung nais mo silang balaan, ipaalala mo sa kanila ang mga kasuklam-suklam na bagay na ginawa ng kanilang mga ninuno.
\p
\v 5 Pagkatapos, sabihin mo sa kanila, 'Nang araw na pinili ko kayong mga Israelita na maging akin, taimtim akong nanumpa sa inyong mga ninuno habang nasa Egipto pa sila. Sinabi ko sa kanila, "Ako si Yahweh, na inyong Diyos.
\p
\v 6 Ilalabas ko kayo mula sa Egipto at pangungunahan ko kayo sa isang lupaing pinili ko para sa inyo. Ito ang pinakamataba at pinakamagandang lupain sa mundo.
\s5
\p
\v 7 Dapat alisin ng bawat isa sa inyo ang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan na inyong minamahal, at ang mga diyus-diyosang natutunan ninyong sambahin sa Egipto, sa pamamagitan nito ginawa ninyong imposible para sa akin na tanggapin kayo. Sinasabi ko sa inyo ito, ako na si Yahweh na inyong Diyos.'"
\s5
\p
\v 8 Ngunit naghimagsik sila laban sa akin. Ayaw nilang makinig sa akin. Hindi nila inalis ang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosang minahal nila; hindi nila tinanggihan ang mga diyus-diyosang nakita nila sa Egipto. Kaya dahil galit ako sa kanila, sinabi kong parurusahan ko sila sa Egipto.
\p
\v 9 Ngunit alang-alang sa aking sariling reputasyon, ipinasya kong gumawa ng isang bagay para sa inyong mga tao upang hindi ako pagtawanan ng ibang mga lahi at sabihing wala akong kapangyarihan. Ipinasya kong makikita nilang ilalabas ko ang aking mga tao mula sa Egipto.
\s5
\p
\v 10 Kaya pinangunahan ko ang inyong mga tao palabas sa Egipto at dinala sila sa ilang.
\p
\v 11 Ibinigay ko sa kanila ang lahat ng aking kautusan at alituntunin upang sundin nila ang mga ito, at ang magiging resulta ay mabubuhay sila ng mahabang panahon.
\p
\v 12 Gayon din, itinatag ko ang Araw ng Pamamahinga bilang paalaala sa akin at sa kanila, nang sa gayon, malaman nila na ako si Yahweh, ang siyang naglaan sa kanila para sa aking karangalan.
\s5
\p
\v 13 Ngunit maging sa ilang, naghimagsik ang mga Israelita laban sa akin. Hindi nila sinunod ang aking mga utos, tinanggihan nila ang mga ito, kahit na mabubuhay sila ng mahabang panahon kung sinunod nila ang mga ito, at itinuring nilang pangkaraniwang araw ang mga Araw ng Pamamahinga. Kaya sinabi kong wawasakin ko sila sa ilang dahil iyon ang magpapakita na galit na galit ako sa kanila.
\p
\v 14 Ngunit muli, upang hindi ako pagtawanan ng ibang mga lahi, nagpasiya akong gumawa ng isang bagay upang ipakita sa mga lahing iyon na makapangyarihan pa rin ako tulad ng nakita nila, nang inilabas ko ang aking mga tao mula sa Egipto.
\s5
\p
\v 15 Taimtim kong ipinangako sa inyong mga tao sa ilang na hindi ko sila dadalhin sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa kanila, isang lupaing pinakamataba at pinakamangandang lupain sa mundo.
\p
\v 16 Ginawa ko ang panunumpang ito dahil tinanggihan nila at sinuway ang aking mga kautusan, at dahil itinuturing nilang pangkaraniwang araw ang mga Araw ng Pamamahinga. At iginiit nila ang pagsamba sa kanilang mga diyus-diyosan.
\p
\v 17 Ngunit naawa pa rin ako sa kanila kaya hindi ko sila pinarusahan sa ilang.
\s5
\p
\v 18 Sinabi ko sa kanilang mga anak, ang sumunod na henerasyon, 'Huwag ninyong gawin ang mga bagay na laging ginagawa ng inyong mga magulang. Huwag ninyong sambahin ang kanilang mga diyus-diyosan at gawing imposible para sa akin na tanggapin kayo.
\p
\v 19 Ako si Yahweh na inyong Diyos. Maingat ninyong sundin ang aking mga batas at utos.
\p
\v 20 Igalang ninyo ang aking mga Araw ng Pamamahinga, upang sa pamamagitan ng paggawa ng ganoon, papaalala nito sa inyo na pag-aari ko kayo.'
\s5
\p
\v 21 Ngunit nagrebelde din laban sa akin ang kanilang mga anak. Hindi nila maingat na sinunod ang aking mga kautusan, kahit na mabubuhay ng mahabang panahon ang sinumang sumusunod sa mga ito; at itinuring din nilang pangkaraniwang araw ang mga Araw ng Pamamahinga. Kaya muli kong sinabing papatayin ko silang lahat sa ilang, at sa ganitong paraan, ititigil ko ang aking galit.
\p
\v 22 Ngunit hindi ko ginawa iyon. Muli kong ipinasya na gumawa ng isang bagay upang ang lahi, iyong mga nakakita na inilabas ko ang inyong mga tao sa Egipto, ay hindi tumawa at sabihing nawala na ang aking kapangyarihan.
\s5
\p
\v 23 Kaya nangako ako sa kanila sa ilang na ikakalat ko sila sa maraming lahi,
\p
\v 24 dahil tinanggihan at sinuway nila ang lahat ng aking kautusan, at dahil itinuring nilang pangkaraniwang araw ang mga Araw ng Pamamahinga—at dahil sabik silang sambahin ang mga diyus-diyosang sinamba ng kanilang mga magulang.
\s5
\q
\v 25 Kaya pinayagan ko silang sumunod sa mga batas na hindi mabuti, mga batas na hindi makatutulong sa kanila na mabuhay ng mahabang panahon.
\p
\v 26 Pinayagan ko silang gumawa ng mga bagay na siyang dahilan kaya imposible para sa akin na tanggapin sila: Pinayagan ko silang ialay ang kanilang mga panganay na anak sa apoy. Pinayagan ko silang gawin iyon upang mangilabot sila sa kanilang sarili, at upang malaman nila na ako, si Yahweh, ay may kapangyarihang gawin ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\p
\v 27 Kaya, anak ng tao, magsalita ka sa mga Israelita. Sabihin mo ito sa kanila, 'Ito ang sinabi ni Yahweh na Panginoon sa inyo: Ito ang isang paraan na hindi ako pinarangalan ng inyong mga ninuno sa pamamagitan ng pagtalikod sa akin.
\q
\v 28 Pagkatapos ko silang dalhin sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa kanila, sa bawat pagkakataong may nakita silang matayog na burol o malaking berdeng puno, nag-alay sila roon ng mga handog sa mga diyus-diyosan. Nag-alay sila sa mga iyon, na siyang ikinagalit ko. Inialay nila sa mga diyus-diyosang iyon ang kanilang mabangong insenso at nagbuhos sila ng mga alak na handog sa kanila.
\p
\v 29 Pagkatapos, tinanong ko sila, 'Sinong nagsabi sa inyo na sumamba kayo sa dambanang katulad nito, dito sa tuktok ng bundok na ito?" Kaya ang mga iyon ay tinawag na Bama na ang ibig sabihin ay 'mga dambana sa tuktok ng burol '.'"
\s5
\p
\v 30 Kaya, sabihin mo ito sa mga Israelita: "Ito ang sinabi ni Yahweh na Panginoon: Bakit ninyo ginagaya ang inyong mga ninuno sa pamamagitan ng pagkilos sa mga paraang hindi ko kayo maaaring tanggapin? Kumikilos kayo tulad ng mga babaeng bayaran, iniiwan ng kanilang mga asawa para sa ibang lalaki. Sa ganoon ding paraan, iniwan ninyo ako upang sambahin ang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan.
\p
\v 31 Kapag ini-aalay ninyo ang inyong mga anak sa apoy, ginagawa ninyong hindi maaari para sa akin na tanggapin kayo. Ganoon din kapag yumuyuko kayo sa mga diyus-diyosan. Kayong mga Israelita, dapat ko ba kayong payagan na hingin sa akin na patnubayan kayo sa anumang bagay? Ako, si Yahweh ang Panginoon, nagsasabing tulad ng tiyak na ako ay buhay, hindi ako sasagot kung tatanungin ninyo ako.
\v 32 Sinabi ninyo, 'Gusto naming maging tulad ng ibang mga lahi sa mundo. Gusto naming sambahin ang mga diyus-diyosang gawa sa kahoy at bato katulad ng ginagawa nila'. Ngunit hindi kailanman mangyayari ang nais ninyo.
\s5
\p
\v 33 Ako, si Yahweh na inyong Panginoon, ay nagsasabing tulad ng tiyak na ako ay buhay, gagamitin ko ang aking dakilang kapangyarihan upang pamunuan kayo at upang ipakita na galit ako sa inyo.
\v 34 Sa pamamagitan ng aking dakilang kapangyarihan titipunin ko kayo mula sa mga lugar kung saan ko kayo ikinalat.
\p
\v 35 Dadalhin ko kayo sa ilang na pinapalibutan ng ibang bansa. Doon, habang tinitingnan ko kayo, hahatulan ko kayo.
\s5
\p
\v 36 Parurusahan ko kayo, tulad ng pagpaparusa ko sa inyong mga ninuno sa ilang malapit sa Egipto.
\v 37 Pasusunurin ko kayo sa akin; pipilitin ko kayong sumunod sa tipan na ginawa kong kasama ninyo.
\v 38 Wawasakin ko ang mga taong nasa inyo na nagrebelde laban sa akin. Kahit na ilalabas ko sila mula sa Babilonia, kung saan sila naninirahan ngayon, hindi sila makakapasok sa Israel. At malalaman ninyo na ako, si Yahweh, ang siyang may kapangyarihang gawin ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\v 39 Sa inyo namang mga Israelita, ito ang sinabi ko, ako na si Yahweh na Panginoon: Pumunta kayo at sambahin ang inyong mga diyus-diyosan, bawat isa sa inyo. Ngunit pagkatapos, tiyak na makikinig kayo sa akin at hindi na ninyo ako lalapastanganin sa pamamagitan ng pagdadala ng mga kaloob sa inyong mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 40 Ako, si Yahweh na Panginoon, inihahayag ko na sa aking sagradong burol, ang Zion, ang mataas na burol na iyan sa Israel, magdadala kayo ng mga kaloob sa akin at tatanggapin ko ang mga ito. Uutusan ko kayo na magdala sa akin doon ng mga kaloob at mga handog, at ang inyong mga alay na ilalaan ninyo para sa akin.
\v 41 Kapag ilalabas ko kayo mula sa ibang mga bansa kung saan kayo nakakalat, tatanggapin ko kayo na para bang kayo ay mabangong insenso. Ipapakita ko sa mga tao sa ibang mga bansa na inilaan ko ang aking sarili bilang banal, upang maparangalan ako.
\s5
\v 42 Pagkatapos, kapag dinala ko kayo sa lupain ng Israel, ang lupaing ipinangako kong ibibigay sa inyong mga ninuno, malalaman ninyo na ako, si Yahweh, ang gumawa nito.
\v 43 At doon sa Israel maaalala ninyo kung paano kayo namuhay noon, ang mga gawa na naging dahilan para kayo ay hindi maging katanggap-tanggap sa akin, at kamumuhian ninyo ang inyong sarili dahil sa lahat ng ginawa ninyong masama.
\v 44 Kapag kumilos ako sa inyong mga Israelita upang pangalagaan ang aking reputasyon, at hindi dahil sa inyong mga makasalanang gawa at masasamang pag-uugali, malalaman ninyong mga Israelita na ako, si Yahweh, ay may kapangyarihang gawin ang sinabi kong gagawin ko." Ito ang ipinahayag ni Yahweh na Panginoon.
\s5
\p
\v 45 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\v 46 "Anak ng tao, lumingon ka sa timog. Ipangaral mo ang tungkol sa mangyayari sa tuyong lupain na iyon, sa kagubatan doon.
\v 47 Sabihin mo sa kagubatang nasa ilang sa dakong timog ng Israel: Pakinggan mo ang mensaheng ito na sinasabi ng Panginoong Yahweh tungkol sa iyo: Magpapasiklab ako ng apoy sa iyong kalagitnaan, at susunugin nito ang lahat ng iyong puno, ang mga berdeng puno at ang mga lantang puno. Walang makakaapula sa nagliliyab na apoy. At susunugin ng apoy ang lahat ng mukha ng mga nakatira sa bahaging iyon, mula sa timog hanggang sa hilaga.
\s5
\v 48 Makikita ng lahat na ako, si Yahweh, ang siyang nagsindi ng apoy at walang sinuman ang makakaapula nito."
\v 49 Pagkatapos, sinabi ko, "Yahweh, aking Panginoon, kapag sinasabi ko sa mga tao ang mga bagay tulad nito, hindi sila naniniwala sa akin. Sinasabi nila tungkol sa akin, 'Nagsasabi lamang siya ng mga talinghaga.'"
\s5
\c 21
\p
\v 1 Nagbigay sa akin si Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, humarap ka sa timog. Ihanda mo ang iyong sarili laban sa kanila. Mangaral ka laban sa timog at magpahayag laban sa kagubatan sa dakong timog sa ilang ng Judea.
\q
\v 3 Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: tutol ako sa iyo, at para bang bubunutin ko ang aking espada sa kaluban upang patayin ang matuwid at ang masasamang tao sa inyo!
\s5
\p
\v 4 Kaya bubununutin ko ang aking espada mula sa kaluban at tatagpasin kita iyan ang gagawin ko sa iyo. Papatayin ko ang lahat, kabilang ang mga matuwid at masasamang tao. Papatayin ko ang lahat mula sa timog hanggang sa hilaga.
\p
\v 5 At malalaman ng lahat na Akong, si Yahweh, ang pumatay sa mga tao gamit ang espada, at hindi ko na ito ibabalik sa kaluban.'
\s5
\p
\v 6 Kaya nga, tumangis ka Anak ng tao! Tumangis ka sa harap ng mga Israelita na may labis na kalungkutan at labis na kapighatian.
\p
\v 7 At kapag tinanong ka nila, "Bakit ka tumatangis?' sabihin mo sa kanila dahil ito sa balitang malapit na ninyong marinig. Lubos na matatakot ang bawat isa, at hindi mapigilang manginig ang kanilang mga kamay, habang nanghihina ang kanilang mga tuhod gaya ng tubig. Isang malaking sakuna ang malapit nang mangyari. ito ang pangako ni Yahweh na Panginoon."
\s5
\p
\v 8 Nagbigay sa akin si Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 9 Anak ng tao, magpahayag ka at sabihin sa kanila, Ito ang sinasabi ng Panginoon: Patatalimin ko ang aking espada at pakikintabin ito.
\s5
\p
\v 10 Magiging matalim ito upang maaari kong gamiting pampatay sa maraming tao; Pakikintabin ko ito upang mangislap gaya ng kidlat. Hindi na magdiriwang ang mga tao ng Juda tungkol sa setro ng kanilang hari, dahil hindi na mapigilan nito ang espada na darating laban dito.
\p
\v 11 Kaya pakikintabin ko ang espada, at ang karapat-dapat na tao ang hahawak nito. Ngayon matalim na ito; ngayon makintab na, handa na para gamitin ng mamamatay-tao!
\s5
\p
\v 12 Kaya, Anak ng tao, umiyak ka at managhoy sapagkat gagamitin ko ang aking espada upang patayin ang aking mga tao kasama ang mga pinuno ng Israel. Papatayin sila ng espadang iyan kasama ang lahat ng iba pa sa aking mga tao; papatayin silang lahat ng aking espada, kaya kabugin ninyo ang inyong mga dibdib upang ipakita na kayo ay nalulungkot. v
\p
\v 13 13 Susubukan ko ang aking mga tao, at ano ang mangyayari kung ang setro ay hindi malabanan? Iyan ay Ako, si Yahweh na Panginoon, ang nagsabi.
\s5
\q
\v 14 Kaya, Anak ng tao, magpahayag ka; pagtampalin mo ang iyong kamay upang ipakita na ikaw ay labis na nalulungkot sa mangyayari. Paulit-ulit na tatagpasin ng aking espada ang aking mga tao; ito ang espadang pampatay sa maraming tao, habang nilulusob ko sila sa bawat dako.
\s5
\p
\v 15 Upang matakot ng labis ang maraming tao at mamatay ang mga tao, naglagay ako ng mga kawal sa bawat tarangkahan ng lungsod, handa na upang patayin ang mga tao. Kikislap ng gaya ng kidlat ang aking espada, habang pinapatay ng mga kawal ang mga tao.
\p
\v 16 Sasabihin ko sa aking espada na tumaga sa kaliwa't kanan at puntahan ang bawat lugar hanggang walang matirang buhay.
\p
\v 17 At ipapalakpak ko ang aking mga kamay na may katagumpayan; Pagkatapos hindi na ako magagalit pa. Tiyak na mangyayari iyan sapagkat ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.' "
\s5
\p
\v 18 Nagbigay sa akin si Yahweh ng isa pang mensahe. Sinasabi niya,
\p
\v 19 "Anak ng tao, iguhit mo sa isang mapa ang dalawang daanan para sa hari ng Babilonia upang magmartsa kasama ang kaniyang mga hukbo. Kapag umalis sila sa kanilang sariling bansa, pupunta sila sa isang posteng may tanda kung saan ang isang daanan ay nahati sa dalawang daanan.
\p
\v 20 Kung dadaan sila sa isa sa mga daanan na iyon, sasalakayin nila ang lungsod ng Rabba ang kapitolyo na grupo ng mga tao ng Ammon. Kung dadaan sila sa ibang daanan, mapupunta sila sa Juda at sa Jerusalem, isang lungsod na may pader sa palibot nito.
\s5
\p
\v 21 Kapag pumunta ang hukbo ng Babilonia sa sangang-daan, hihinto ang hukbo, habang isinasagawa ng hari ang rituwal na salamangka upang magpasya kung saang daan sila tutuloy. Ihahagis niya ang mga palaso; pagkatapos sasangguni siya sa kaniyang mga diyus-diyosan tungkol sa daan kung saan sila magpapatuloy, at sisiyasatin niya ang atay ng isang tupa.
\p
\v 22 Sa kaniyang kanang kamay pupulot siya ng isang palaso na may tatak ng pangalan ng Jerusalem. Pagkatapos, uutusan niya ang kaniyang mga kawal na pumunta sa Jerusalem. Kapag dumating na sila roon, ihahanda nila ang isang malaking pangtibag upang ipanggiba sa mga pader, At magbibigay ng utos ang hari para patayin nila ang mga tao. Sisigaw sila ng sigaw ng digmaan at ihahanda ang malaking pangtibag na panggiba sa mga tarangkahan ng lungsod. Magtatayo sila ng tambak ng lupa na halos malapit sa pader na nakapalibot sa lungsod. At maghahanda ng mga pader pangharang sa lungsod.
\p
\v 23 Iniisip ng mga tao sa Jerusalem na siyang nangako na maging tapat sa hari ng Babilonia na dapat mali ang mga rituwal ng salamangka. Iniisip nila na hindi sila dapat lusubin ng kaniyang mga hukbo. Ngunit ipapaalala niya sa kanila sa hindi nila pagiging tapat sila ay nagkasala, at sasabihin niya na nilabag nila ang kasunduan sa kaniya.
\s5
\q
\v 24 Kaya, sabihin mo sa mga Israelita na ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh. 'Pinahintulutan ninyong mga tao ang bawat isa upang ipakita na hayagan kayong nagrebelde laban sa hari ng Babilonia, at sa pamamagitan ng ginagawa ninyo na nagpapakita na bawat bagay na inyong ginagawa ay kasalanan. Dahil dito bibihagin niya kayo at dadalhin sa Babilonia.'
\s5
\p
\v 25 Gayundin, sabihin mo sa hari ng Juda, Ikaw na napakasamang hari ng Israel, ito na ang panahon para mamatay ka. Ito na ang panahon ni Yahweh upang parusahan ka.
\p
\v 26 At Ako, si Yahweh ang Panginoon ang nagsasabi sa iyo tungkol sa inyong hari sa Jerusalem,' Hubarin mo ang turbante ng hari at ang kaniyang korona dahil ang mga bagay ngayon ay hindi na katulad ng dati, Bibigyan ko ng kapangyarihan ang mga wala nito at ipapahiya ko ang mga may kapangyarihan.
\p
\v 27 Hahayaan kong wasakin ng Babilonia ang lahat ng bagay. Wala nang muling magiging hari sa Juda, hanggang hindi dumarating ang tao na karapat dapat na maging hari. At gagawin ko siyang hari.'
\s5
\p
\v 28 At, Anak ng tao, magpahayag ka at sabihin ako ang Panginoong Yahweh, na magsasabi tungkol sa mga ammonita at tungkol sa kung paano ko sila ipapahiya: Sasabihin ng hari ng Babilonia, 'May mga espada ang aking mga kawal; hinugot nila ang kanilang mga espada upang pumatay ng maraming tao. Pinakintab nila ito upang pumatay ng maraming tao at upang kumislap gaya ng kidlat.
\q
\v 29 Nagkuwento ang inyong mga propetang Ammonita ng mga maling pangitain tungkol sa mangyayari sa inyo, at sila ay gumawa ng mga walang kabuluhang seremonya na nagbibigay sa inyo ng maling mensahe. Kaya tatagain ng espada ang mga leeg ng mga masasamang tao; ito ang pagkakataon upang patayin sila ng aking mga kawal; ito ang araw na parurusahan ko sila sapagkat hindi sila naging tapat sa akin.'
\s5
\q
\v 30 Ngunit sa kalaunan ibabalik ng mga kawal ng Babilonia ang kanilang espada sa kanilang kaluban, sapagkat ang panahon ng pagpatay nila sa kanilang mga kaaway ay magwawakas na. hahatulan ko ang mga Babiloniang ito sa bansa kung saan sila isinilang.
\p
\v 31 Ibubuhos ko ang aking kaparusahan sa kanila. Dahil matindi ang galit ko sa kanila, ang aking paghinga sa kanila ang papaso sa kanila gaya ng apoy. Pahihintulutan ko ang walang awang mga kalalakihan upang dakipin sila, mga kalalakihang sanay sa pagpatay ng mga tao.
\s5
\p
\v 32 Magiging katulad sila ng panggatong na nasunog sa apoy. Dadaloy ang dugo nila sa sarili nilang lupain. Walang makakaalala sa kanila kailanman. Tiyak na mangyayari iyan sapagkat Ako, si Yahweh, ang nagsabi nito."
\s5
\c 22
\p
\v 1 Nagbigay si Yahweh sa akin ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, handa ka na bang hatulan ang mga tao sa Jerusalem? Ito ay isang lungsod na puno ng mga mamamatay tao. Ipaalala mo sa kanila ang lahat ng mga kasuklam suklam na kanilang ginawa.
\p
\v 3 Pagkatapos sabihin mo, ' Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa pamamagitan ng pagpatay ninyo ng mga tao at sa pamamagitan ng pagdungis ninyo sa inyong mga sarili, sa paggawa ng mga diyus-diyosan, kayong mga tao sa lungsod na ito, dinala ninyo ang inyong mga sarili sa oras na kayo ay aking wawasakin.
\s5
\p
\v 4 Nagkasala kayo sa pamamagitan ng pagpatay sa mga inosenting mga tao. Ginawa ninyong imposible para sa akin na kayo ay tanggapin sa pamamagitan ng paggawa ninyo ng mga diyus-diyosan para sa inyong mga sarili. Dinadala mo ang oras ng iyong katapusan. Kaya pagtatawanan at kukutyain kayo ng ibang mga tao.
\p
\v 5 Pagkakatuwaan ka rin ng mga taong nasa bansang malapit sa inyo at mga taong naninirahan nang malayo sa inyo, sapagkat puno ng kaguluhan ang inyong lungsod, at dahil ginawa ninyong imposible sa akin, ang inyong Diyos, upang tanggapin kayo.
\s5
\p
\v 6 Isipin ninyo kung paano ginamit ng bawat Israelitang naging hari sa inyo ang kapangyarihan upang pumatay ng mga tao.
\p
\v 7 Hindi na iginalang ng inyong mga tao ang kanilang mga magulang; inaapi nila ang mga dayuhan; inaabuso nila ang mga ulila at mga balo.
\p
\v 8 Hinamak ninyo ang aking mga sagradong lugar at mga kaugalian, at inyong itinuring na ordinaryong araw na lang ang Araw ng Pamamahinga.
\p
\v 9 Kabilang sa inyo ang ilang kalalakihan nagsasalita ng mga kasinulingan upang maparusahan ang iba. Mayroong mga kumakain ng pagkaing inialay sa mga diyus-diyosan sa dambana at hayagang ginagawa ang masasamang gawain.
\s5
\p
\v 10 May mga kalalakihang sumisiping sa asawa ng kanilang ama at mga kalalakihang sumisiping sa mga babaeng kasalukuyang may regla.
\p
\v 11 May mga kalalakihang sumisiping sa asawa ng iba. Sumisiping naman ang ibang kalalakihan sa kanilang mga manugang o sa kanilang mga kapatid sa isang magulang.
\p
\v 12 May mga kalalakihan naman sa inyo na tumatanggap ng mga suhol sa layuning maparusahan ang iba. Nagpapatubo kayo kapag kayo ay nagpapahiram ng pera sa mga tao. Naging mayaman kayo sa pamamagitan ng pamimilit ninyo sa mga tao upang bigyan kayo ng pera. At kinalimutan ninyo ako, si Yahweh.
\s5
\p
\v 13 kaya yuyugyugin ko ang aking kamay sa inyong mga kinita sa hindi makatarungang pamamaraan at sa mga pumapatay na naninirahan sa inyo.
\p
\v 14 Kapag natapos ko na kayong parusahan, hindi na kayo magiging matapang. Ako, si Yahweh, nagsabi ng aking gagawin sa inyo, at gagawin ko ito.
\p
\v 15 Ikakalat ko kayo sa maraming pangkat ng mga tao at wawakasan ko ang inyong makasalanang pag-uugali.
\p
\v 16 At kapag makita ng mga tao sa ibang mga bansa na kayo ay napahiya, malalaman ninyo na Ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang aking sinabi na gagawin ko.' "
\s5
\p
\v 17 At sinabi ni Yahweh sa akin,
\p
\v 18 Anak ng tao, naging walang kabuluhan sa akin ang iyong mga taong Israelita. Sila ay katulad ng kalawang sa akin. Katulad sila ng walang kabuluhang tanso, lata, bakal at tinggang nananatili pagkatapos malusaw ang pilak sa napakainit na pugon.
\p
\v 19 Dahil dito, Ako, si Yahweh ang Panginoon, na nagsasabi: Dahil lahat kayo ay naging tulad ng kalawang, titipunin ko kayo sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 20 Inilalagay ng mga tao ang pilak, tanso, bakal, tingga, at mga lata sa isang napakainit na pugon at tinutunaw ito sa nagliliyab na apoy upang sunugin ang karumihan. Katulad nito, titipunin ko kayo sa loob ng Jerusalem at dahil labis ang galit ko para ko kayong tutunawin.
\p
\v 21 Para bang ibubuga ko sa inyo ang mainit na hininga na nagpapakita ng labis ang aking galit, para bang matutunaw kayo,
\p
\v 22 para bang matutunaw kayo gaya ng tinunaw na pilak sa isang pugon, at malalaman ninyo na Ako, si Yahweh, na nagparusa sa inyo."
\s5
\p
\v 23 Nagbigay si Yahweh sa akin ng isa pang Mensahe. Sinasabi niya
\p
\v 24 "Anak ng tao, sabihin mo sa mga Israelita, 'Nakakasuklam kayo kay Yahweh, ganap na hindi kayo katanggap-tanggap sa kaniya. Kaya nagagalit sa inyo si Yahweh. Hindi na magkakaroon ng ulan sa inyong bansa.'
\p
\v 25 Ang kanilang mga pinuno ay tulad ng leon na niluluray ang mga hayop na kanilang pinatay. Nililipol ng mga pinuno ang kanilang mga tao. Ninanakaw nila ang mga kayamanan at mahahalagang bagay mula sa mga tao, at pinapatay nila ang maraming kalalakihan at ginawang balo ang kanilang mga asawang babae.
\s5
\p
\v 26 Sinuway ng kanilang mga pari ang aking mga kautusan, at hindi iginalang ang mga sagradong bagay sa pagsasabing walang pagkakaiba ang mga bagay na sagrado at sa mga bagay na hindi sagrado at hindi pagpansin sa aking mga kautusan tungkol sa pagpapahinga sa Araw ng Pamamahinga. Sa katunayan, hindi na nila ako ginalang.
\q
\v 27 Gaya ng mga asong lobo ang kanilang mga pinuno na niluluray ang mga hayop na kanilang pinatay. Pumapatay sila ng mga tao upang makuha ang kanilang mga pera.
\p
\v 28 Sinusubukan ng kanilang mga propetang takpan ang kanilang mga kasalanan sa pagsasabing nakatanggap sila ng mga pangitain na mula sa Diyos, ngunit sa pagbibigay nila ng mga maling mensahe. Sinasabi nila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon,' Kahit na wala akong anumang sinabi sa kanila.
\s5
\q
\v 29 Pinipilit ng mga Israelita ang iba na magbigay sa kanila ng pera at ninanakawan nila ang mga tao. Inaapi nila ang mga mahihirap na tao, at inaabuso nila ang mga dayuhan na nasa kanila sa pamamagitan ng hindi makatarungang pakikitungo sa mga hukuman.
\s5
\p
\v 30 Tumingin ako sa kanila upang humanap ng isang taong mananalangin para sa mga tao at upang magsisi sila para hindi ko na sila kailangang lipulin. Ngunit wala akong nakitang isa man.
\p
\v 31 Dahil labis akong galit sa kanila, mahigpit ko silang parurusahan dahil sa lahat ng masasamang bagay na kanilang ginawa. Na tiyak na mangyayari iyan dahil Ako, ang Panginoong Yahweh, ang nagsabi nito."
\s5
\c 23
\p
\v 1 Sinabi sa akin ni Yahweh,
\p
\v 2 "Anak ng tao, makinig sa talinghaga ito tungkol sa Jerusalem at Samaria. Minsan may dalawang babae, anak na babae na magkapareho ang ina.
\p
\v 3 Nanirahan sila sa Egipto. At mula sa panahon na sila ay mga bata pa, naging mga nagbebenta sila ng aliw. Sa lupaing iyon, kinakarinyo ng mga lalake ang kanilang mga suso at hinagod ang kanilang mga batang utong.
\p
\v 4 Ang nakakatandang kapatid na babae ay si Ohola, at ang kaniyang nakababatang kapatid na babae ay si Oholiba. Nang kalaunan sila ay naging aking mga asawa. Hindi nagtagal nagka-anak sila ng mga lalake at mga babae. Kumakatawan si Ohola sa Samaria, at kumakatawan si Oholiba sa Jerusalem.
\s5
\q
\v 5 kumilos si Ohola tulad ng isang nagbebenta ng aliw samantalang nanatili siya na aking asawang babae. Nagnasa siyang sumiping sa kanila na kaniyang inibig—mga kawal mula sa Asiria.
\p
\v 6 Ang ilan sa kanila ay mga opisyal at mga pinuno ng mga kawal. Nagsusuot sila ng magandang kasuotan na kulay lila na magkakapareho. Makisig silang lahat na kabinataan na nakasakay sa mga kabayo.
\p
\v 7 Kumilos siyang tulad ng isang nagbebenta ng aliw sa harap ng lahat ng mahalagang opisyal ng mga taga-Asiria. Hindi ko na siya tatanggapin bilang pagmamay-ari Hindi ko matagalan na tanggapin siya bilang aking pagmamay-ari, sapagkat sumasamba siya sa lahat ng mga diyus-diyosan ng mga kalalakihan na ninais niyang sipingan.
\s5
\q
\v 8 Nang dalaga pa siya noong nasa Egipto, nagsimula siyang maging isang babaeng nagbebenta ng aliw, at pinahintulutan niya ang mga kabinataan na hinahagod ang kaniyang mga suso at sipingan siya; nang tumanda na siya, hindi siya tumigil na kumilos tulad ng isang nagbebenta ng aliw.
\p
\v 9 Kaya pinahintulutan ko ang mga kawal ng mga Taga-Asiria, na nais niyang sipingan siya, upang bihagin siya.
\p
\v 10 Tinanggal nila ang lahat ng kaniyang mga damit pahubad sa kaniya. Kinuha nila ang kaniyang mga anak na lalake at mga anak na babae. At pagkatapos pinatay siya sa pamamagitan ng espada. Ang ibang mga kababaihan ay nagsimulang pag-usapan siya kung papaano siya naging kahiya-hiya, at tungkol sa kung papaanong karapat-dapat siyang magdusa.
\s5
\p
\v 11 Nakita ng kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Oholiba ang lahat ng mga bagay na iyon na nangyari kay Ohola, ngunit siya rin ay isang nagbebenta ng aliw, at nagnasa siyang sipingan ng mga kalalakihan ng mas marami kaysa sa ninais ng kaniyang nakatatandang kapatid na babae.
\p
\v 12 Ninais din ni Oholiba na sumiping sa mga kawal ng Asiria. Opisyal ng mga hukbo at mga pinuno ng mga kawal ang ilan sa kanila. nakasuot silang lahat ng mga magkakapehong magandang kasuotan. Makisig silang lahat na binata. at nakasakay sa mga kabayo.
\p
\v 13 Nakita ko ang kaniyang ginawa na naging dahilan upang hindi ko siya tanggapin, tulad ng kaniyang nakatatandang kapatid na babae.
\s5
\p
\v 14 Ngunit gumawa siya ng mas malalang mga bagay. Nakita niya ang mga iginuhit na mga lalake mula sa Babilonia sa mga pader, ipininta ng kulay pula.
\p
\v 15 Ang mga kalalakihan na iginuhit ay mayroong mga sinturon sa paligid ng kanilang mga baywang at mahabang turbante sa kanilang mga ulo. Magkahawig silang lahat na mga opisyal mula sa Babilonia na nakasakay sa mga karwahe.
\s5
\p
\v 16 Nang makita niya ang mga iginuhit na iyon agad iyong mga iginuhit, ninais niyang sumiping sa mga kalalakihang iyon, at nagpadala siya ng mga mensahe sa kanila sa Babilonia.
\p
\v 17 Pagkatapos pumunta sa kaniya ang mga kawal mula sa Babilonia, tinabihan siya sa kama at sumiping sa kaniya. Pagakatapos naging masama ang loob niya sa kanila at lumayo mula sa kanila.
\s5
\p
\v 18 Ngunit nang magpatuloy siyang kumilos ng hayagan tulad ng isang nagbebenta ng aliw at ipakita ang kaniyang sarile na hubad sa iba, nainis ako sa kaniya at tinanggihan siya, gaya ng ginawa kong pagtanggi sa kaniyang nakatatandang kapatid na babae.
\q
\v 19 Ngunit naging mas imoral siya, gaya ng maalala niya nang siya ay isang dalaga na nag-aaral na maging isang nagbebenta ng aliw sa Egipto.
\s5
\p
\v 20 "Doon ninais niyang sumiping sa kanila na umibig sa kaniya, na ang mga maseselang bahagi ng katawan ay napakahaba, tulad ng sa asno, at ang lumalabas ay napakarami, tulad ng sa mga kabayo."
\q
\v 21 Kaya ninais niyang maging imoral tulad noong siya ay bata pa. Nang hinahagod ng mga lalake ng Egipto ang kaniyang utong at kinarinyo ang kaniyang mga suso.
\s5
\p
\v 22 Kumakatawan sa inyo si Oholiba mga mamamayan ng Jerusalem. Samakatuwid, Ito ang sinsabi ng Panginoong Yahweh: Silang mga kawal na umibig sa iyo ngunit mula sa kanila kaya kayo lumayo sapagkat naging nakakainis sa kanila— gagawa ako ng paraan para magalit sila sa inyo. Papupuntahin ko sila at sasalakayin kayo mula sa bawat dako—
\p
\v 23 Mga kawal mula sa Babilonia at sa lahat ng mga lugar sa Babilonia, at ang kanilang mga kakampi mula sa rehiyon ng Pecod, Soa, at Koa, at sa lahat ng mga hukbo ng Asiria. Oo, makisig silang lahat na mga binata, mga opisyal ng mga hukbo at mga pinuno ng mg kawal, mga opisyal na mayroong labis na katanyagan, nakasakay lahat sa mga kabayo.
\s5
\q
\v 24 Sasalakay ang kanilang malaking hukbo na may mga sandata, nakasakay sa mga karwahe at hinihila ang mga bagon na pinaglalagyan ng mga gamit ng mga hukbo. Paliligiran nila kayo, may dala-dalang malaki at maliit na mga panangga, at nakasuot ng mga helmet. Pahihintulutan ko sila na bihagin kayo sa pamamaraang ng pagpaparusa nila palagi sa kanilang mga kaaway.
\p
\v 25 Sapagkat lubos akong nagalit sa inyo, Pakikilusin ko sila ng may matinding galit patungo sa inyo. Tatapyasin nila ang inyong mga ilong at ang inyong mga tainga. Pagkatapos, silang mga nananatiling buhay, papatayin sila sa pamamagitan ng mga espada. Kukunin nila ang inyong mga anak na lalake at mga anak na babae, at magiging tulad ng isang apoy na susunog sa inyong mga kaapu-apuhan.
\s5
\p
\v 26 Huhubarin nila ang iyong mga damit at ang iyong mga alahas, at kukunin nila ito palayo.
\p
\v 27 Sa pamamaraang iyon, pahihintuin ko ang lahat ng mga imoral na pag-uugali na nagsimula nang ikaw ay naging isang nagbebenta ng aliw sa Egipto. Hindi mo na muli pang nanasain na gawin ang mga bagay na iyon; hindi mo na iisipin pa ang tungkol sa kung ano ang iyong ginawa sa Egipto.
\s5
\p
\v 28 Ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: Silang mga kinamumuhian mo, sila na sa kanila kayo naging nakakainis at mula sa kanila kayo tumalikod— papahintulutan ko sila na bihagin kayo.
\p
\v 29 Magiging malupit sila; kukunin nila ang lahat ng mga bagay na pagmamay-ari ninyo. Iiwanan nila kayong ganap na hubad, at makikita ng bawat isa na kayo ay totoong isang nagbebenta ng aliw.
\s5
\p
\v 30 Ito ay dahil sa kung ano ang inyong ginawa na kayo ay parurusahan sa paraang iyon; kayo ay naging mga imoral na nagbebenta ng aliw; sumiping kayo sa mga kalalakihan ng ibang mga bansa, at ginawa ninyong hindi maaari para sa akin na tanggapin kayo, sapagkat sumamba kayo sa kanilang mga diyus-diyosan.
\p
\v 31 Kumilos kayong tulad ng mga tao ng Samaria, tulad ng iyong nakatatandang kapatid na babae. Kaya ako ang magiging dahilan upang kayo parusahan.
\s5
\p
\v 32 Ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: Magdurusa ka tulad ng pagdurusa ng mga tao kapag iinom sila mula sa isang saro na mayroong nakapaka tapang na inuming alak. Ito ay parang ikaw ay iinom mula sa saro upang ang mga tao ng Samaria ay uminom mula rito; isang malaking saro, isang mataas na saro. Sapagakat iinom ka kung ano ang nasa saro, manunungayaw ang maraming tao sa iyo at pagtatawanan ka, sapagkat maraming inumin sa sarong iyon.
\s5
\p
\v 33 Kapag ikaw ay sobrang lasing na, lubha kang malulungkot, sapagkat ang pag-inom sa kung ano ang nasa saro iyon ang magiging dahilan upa6ng ikaw ay mawasak; iiwanan ka ng bawat isa. Ito ang mangyayari sa mga tao ng Samaria, tulad ng iyong kapatid na babae.
\p
\v 34 Iinumin mo ang lahat ng likido na nasa sarong iyon; pagkatapos babasagin mo ang sarong iyon sa pirapiraso at gamitin ang mga pirasong iyon upang sugatan ang iyong mga suso sapagkat malulungkot kang lubos. Tiyak iyong mangyayari sapagkat ako si Yahweh ang nagsabi nito.
\s5
\p
\v 35 Samakatuwid, Ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: Sapagkat kinalimutan ninyo ako at tinanggihan ako, kinakailanagan na parusahan ko kayo dahil sa inyong imoral na pag-uugali at dahil sa pagiging isang nagbbebenta ng aliw."
\s5
\p
\v 36 Sinabi ni Yahweh sa Akin. "Anak ng Tao, hatulan mo ang mga tao ng dalawang lungsod na iyon na kumakatawan kay Ohola at Oholiba. Kinakailangan na paalalahanan mo sila sa kanilang kasuklam-suklam na pag-uugali.
\p
\v 37 Bagaman nakagawa sila ng pangangalunya at pumatay sila ng mga tao. Hindi sila naging matapat sa akin sa pamamagitan pagsamba sa ng mga diyus-diyosan. Kahit na inalay nila ang kanilang sariling mga anak, na pagmamay-ari ko, sa apoy.
\s5
\p
\v 38 Nakagawa sila ng iba pang mga kahiya-hiyang mga bagay: Sila ang naging dahilan upang hindi maging katanggap-tanggap ang aking templo na lugar para sa pagsamba, itinuring nila ang Araw ng Pamamahinga tulad ng ibang mga araw.
\p
\v 39 Noong araw ding iyon ay kanilang inialay ang kanilang mga anak sa kanilang mga diyus-diyosan, pumasok sila sa aking templo, na naging dahilan upang hindi magiging katanggap-tanggap na lugar para samabahin ako. Ginawa nila ito sa sarili kong tahanan!
\s5
\q
\v 40 Nagpadala sila ng mga mensahe sa mga kalalakihan sa mga bansa na malayo. At habang dumarating ang mga kalalakihang iyon, naligo ang dalawang magkapatid na babae para sa kanila, kinulayan ang kanilang mga kilay, at naggsusuot ng mga alahas.
\v 41 Nakaupo sila sa magandang upuan, na may mga lamesa sa harapan nito na kung saan inilagay nila ang mga insenso at langis ng olibo na pagmamay-ari ko.
\s5
\v 42 Di nagtagal nagkaroon ng isang maingay na kapulungan sa paligid nila. Kabilang sa kapulungan may mga lalaki mula sa sheba na nagmula sa mga disyerto ng Arabia. Nagsuot sila ng mga pulseras sa mga kamay ng dalawang magkapatid na babae, at naggsuot sila ng magandang korona sa kanilang mga ulo.
\s5
\p
\v 43 Pagkatapos sinabi ko ang tungkol sa babae na napagod sa pagsiping sa maraming kalalakihan, 'Ngayon ang mga lalaking iyon ay gagawa sa kaniya na parang siya ay isang nagbebenta ng aliw, sapagkat yaon ang kaniyang pagkatao.'
\v 44 Kaya sumiping sila sa dalawang babaeng iyon, sina Ohola at Oholiba, gaya ng mga lalake na sumiping sa mga nagbebenta ng aliw.
\v 45 Ngunit hahatulan sila ng mga matuwid na mga lalake upang parusahan, bilang mga babae na nakagawa ng pangangalunya at ang mga pumatay sa iba ay pinarusahan, sapagkat nakagawa ng pangangalunya ang mga babaeng iyon at pintay nila ang iba.
\s5
\v 46 Kaya ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: Magdala ng nagkakagulong mga tao upang lusubin ang Samaria at Jerusalem, at pahintulutan ang nagkakagulong mga tao na iyon na maging dahilan sa mga tao sa lungsod na iyon upang masindak; pahintulutan ang nagkakagulong mga tao upang nakawan sila.
\v 47 Babatuhin sila ng nagkakagulong mga tao upang patayin sila, pagpuputol-putulin sila ng pira-piraso sa pamamagitang ng mga espada, papatayin ang kanilang mga anak na lalake at mga anak na babae, At susunugin ang kanilang mga tahanan.
\s5
\v 48 Sa pamamaraang iyon, ako ang magpapahinto sa kanilang imoral na pag-uugali. Babalaan nito ang ibang kababaihan na huwag gayahin kung ano ang ginagawa ninyong mga mamamayan ng Jerusalem.
\v 49 Paparusahan ko kayong mga mamayan ng Jerusalem dahil sa inyong imoral na pag-uugali at sa pagsamba sa mga diyus-diyosan. Pagkatapos ay inyong malalaman na, ako ang Panginoong Yahweh, ay may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinabi na aking gagawin."
\s5
\c 24
\p
\v 1 Halos siyam na taon pagkatapos na dinala tayong mga Israelita ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain, sa ika-sampung araw ng ika-sampung buwan ng taon, ibinigay sa akin ni Yahweh ang mensaheng ito:
\q
\v 2 "Anak ng tao, isulat mo kung anong araw ng buwan ito. Sa araw na ito pinalibutan ng hukbo ng hari ng Babilonia ang Jerusalem.
\s5
\q
\v 3 Sabihan mo ng isang talinghaga ang mga Israelitang suwail na nasa Babilonia. Sabihin mo ito sa kanila: Ito ang sinasabi ni Yahweh ang Panginoon: 'Magbuhos ng tubig sa lutuang palayok at isalang ang palayok sa apoy.
\q
\v 4 Maglagay sa palayok ng ilang piraso ng karne mula sa isa sa mga pinakamainam mong tupa: ilagay ang hita at balikat na pinakamainam na mga bahagi.
\p
\v 5 Pagkatapos, punuin ang palayok ng mga pinakamaiinam na mga buto. Magbunton ng mga kahoy sa apoy at lutuin ang mga buto at ang karne sa kumukulong tubig.'
\s5
\q
\v 6 Gawin ninyo iyon dahil ito ang sinasabi ni Yahweh ang Panginoon: 'Katakot-takot na mga bagay ang mangyayari sa Jerusalem. Ito ang lungsod na punong-puno ng mga mamamatay tao, isang lungsod na tulad ng isang kinakalawang na tansong palayok at hindi maaaring matanggal ang kalawang. Tanggalin ang mga piraso ng karne sa kawa ngunit huwag mamimili kung anong mga bahagi ang tatanggalin.
\s5
\q
\v 7 Naroroon pa ang dugo ng mga taong pinatay sa Jerusalem. Pinatay sila sa mga lantad na mga bato, hindi sa lupa, kung saan maaaring matakpan ang kanilang mga dugo.
\q
\v 8 Ngunit ako ang nagpahid sa mga dugo sa lantad na bato ng mga taong napatay, kung saan hindi maaaring matakpan ang kanilang dugo. Ginawa ko iyon upang maaari ko itong makita at pagkatapos ay magagalit at maghihiganti.'
\s5
\p
\v 9 Samakatuwid, Ako si Yahweh ang Panginoon, ang nagsasabi nito: 'Katakot-takot na mga bagay ang mangyayari sa lungsod na iyon na punong-puno ng mga mamamatay tao! Ito ay para bang magbubunton din ako ng isang mataas na tumpok ng mga kahoy sa apoy.
\p
\v 10 Kaya pagbuntunin na ang kahoy at sindihan ng apoy! Lutuing mabuti ang karne at haluan ito ng ilang mga pampalasa. Lutuin ito hanggang sa mangitim ang mga buto.
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos, ilagay ang walang lamang palayok sa mga nagbabagang uling hangang sa uminit ng lubusan ang palayok at magbaga ang tanso, upang ang maging resulta nito ay mawala ang latak.
\p
\v 12 Ito ay para bang sinusubukan kong tanggalin ang latak na iyon, ngunit hindi ko iyon magawa, kahit na ilagay ko ang palayok na iyon sa apoy.
\s5
\p
\v 13 Naglalarawan sa inyong imoral na pag-uugali ang latak sa kawa. Sinubukan kong linisin kayo mula sa masamang pag-uugali, ngunit hindi ninyo ako pinahintulutang gawin iyon. Kaya hindi kayo malilinis mula sa inyong kasalanan hanggang sa maparusahan ko kayo at hindi na ako magagalit.
\s5
\p
\v 14 Ako, si Yahweh, ang nagsasabing tiyak na parurusahan ko kayo. At ito na ang panahon para gawin ko iyon. Hindi na magbabago ang aking isip. Hindi ako magpipigil sa pagpaparusa sa inyo at hindi ako maaawa sa inyo. Hahahatulan at parurusahan ko kayo dahil nararapat kayong parusahan dahil sa inyong makasalanang pag-uugali. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh ang Panginoon, ang nagsabi nito.'"
\s5
\p
\v 15 Isang araw, ibinigay ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin:
\q
\v 16 "Anak ng tao, kukunin ko ng biglaan mula sa iyo ang iyong asawa sa pamamagitan ng karamdaman, ang iyong asawa, na minamahal mo nang labis. Ngunit kapag mamatay siya, huwag mong ipapakita na ikaw ay nalulungkot o nagdadalamhati o umiiyak.
\q
\v 17 Maghinagpis ka ng tahimik. Huwag kang umiyak ng lantaran para sa kaniya. Hayaan mong nakasuot ang turbante sa iyong ulo at sa halip na naka-yapak isuot mo lamang ang iyong sandalyas sa iyong mga paa. Huwag mong takpan ang ibabang bahagi ng iyong mukha upang ipakita na nalulungkot ka. At huwag kainin ang uri ng pagkain na madalas kinakain ng mga taong nagluluksa."
\s5
\q
\v 18 Kaya isang umaga, nakipag-usap ako sa mga tao tulad ng nakagawian at nang gabing iyon biglang namatay ang aking asawa. Kinaumagahan, ginawa ko ang ipinapagawa ni Yahweh sa akin.
\s5
\q
\v 19 Pagakatapos, tinanong ako ng mga tao, "Ano ang ipinapahiwatig sa amin ng mga bagay na ginagawa mo?"
\p
\v 20 Sinagot ko sila, "Ito ang sinabi ni Yahweh sa akin:
\p
\v 21 'Sabihin mo sa mga Israelita na sisirain ko ang templo, ang gusali na inyong ipinagmamalaki, ang gusaling ikinagagalak ninyong tingnan. Ang inyong mga anak na iniwan ninyo sa Jerusalem nang sapilitan kayong dinala sa Babilonia—papatayin sila ng inyong mga kaaway.
\s5
\q
\v 22 Kapag nangyari iyon, gagawin ninyo ang aking ginawa: hindi ninyo tatakpan ang ibabang bahagi ng inyong mga mukha, o kumain ng mga uri ng mga pagkain na madalas na kinakain ng mga taong nagluluksa.
\p
\v 23 Panatilihin ninyong nakabalot ang mga turbante sa inyong mga ulo at isuot lamang ninyo ang inyong mga sandalyas sa inyong mga paa. Hindi kayo magdadalamhati o iiyak, ngunit labis na papayat ang inyong mga katawan at unti-unting mamamatay dahil sa inyong mga kasalanan. At maghihinagpis kayo para sa isa't-isa.
\q
\v 24 Magiging isang babala sa inyo si Ezekiel at dapat ninyong gawin ang kaniyang ginawa. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na ako, si Yahweh ang Panginoon ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.' "
\s5
\p
\v 25 At sinabi ni Yahweh sa akin, "Anak ng tao, hindi magtatagal sisirain ko ang kanilang sagradong templo na ikinagagalak nila at kanilang iginagalang at kinasasabikang tingnan at uubusin ko rin ang kanilang mga anak.
\p
\v 26 Sa araw na iyon, may isang makakatakas mula sa Jeruslem at darating at sasabihin sa inyo kung ano ang nangyari doon.
\p
\v 27 Kapag nangyari iyon, makakapagsalita na kayong muli nang walang pumipilit. Mag-uusap kayong dalawa. Magiging babala ka sa mga tao at malalaman nila na ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko."
\s5
\c 25
\p
\v 1 Hindi nagtagal, nagbigay si Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, humarap kayo kung saan naninirahan ang mga mamamayan ng Ammon, at mag propesiya tungkol sa kakila-kilabot na mga bagay na mangyayari sa kanila.
\s5
\p
\v 3 Sabihin ang tungkol sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Humiyaw kayo ng may kagalakan nang mawasak ang aking templo sa Jerusalem, at nang masira ang bansa ng Israel, at nang dinalang bihag ang mga tao ng Juda sa Babilonia.
\p
\v 4 Samakatuwid, papahintulutan ko ang mga hukbo ng mga tao sa silangan upang pumunta at sakupin kayo. Igagayak nila ang kanilang mga tolda sa iyong bansa at maninirahan doon. Kakainin nila ang bunga mula sa inyong mga bungang kahoy at iinom ng gatas mula sa inyong mga alaganag hayop.
\p
\v 5 Ako ang magiging dahilan sa kabisera ng inyong lungsod ng Rabba upang maging isang pastulan ng mga kamelyo, at sa mga natitira ng Ammon, na kung saan ngayon naninirahan ang inyong mga mamamayan, na magiging lugar lamang ng pastulan para sa mga tupa. At inyong malalaman, na ako si Yahweh ay may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinasabi na aking gagawin
\s5
\p
\v 6 Ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: Ipinalakpak ninyo ang inyong mga kamay at ipinadyak ang inyong paa, at tumawa sapagkat inyong hinamak ang mga tao sa lupain ng Israel.
\q
\v 7 Samakatuwid, Gagamitin ko ang aking kapangyarihan laban sa inyo, at bibigyan ko ng kakayahan ang ibang mga bansa upang sakupin kayo at kuhanin kayo tulad sa ibang mga ari-arian ninyo. Wawasakin ko kayo ng lubos, at hindi na kayo magiging isa sa mga bansa. Kapag nangyari iyon, malalaman ng mga tao, na ako si Yahweh ay may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinasabi na aking gagawin
\s5
\p
\v 8 Ito rin ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ang mga tao ng Moab sa timog ng Ammon at ang mga tao ng Seir sa timog ng Moab ay hinamak ang Israel at sinabing, "Ang mga mamamayan ng Israel ay naging tulad sa hindi mahalaga tulad ng lahat ng ibang mga bansa!"
\p
\v 9 Kaya nga wawasakin ko ang mga lungsod na nangangalaga sa mga hangganan ng Moab, simula sa Beth-jesimot, Baal-meon, at Kiyataim, Ang pinaka mainam na lungsod sa Moab.
\p
\v 10 Bibigyan ko ng kakayahan ang mga tao mula sa silangan upang sakupin ang Moab at sakupin din ang Ammon. Bilang resulta, Gaya lamang na ako ang magiging dahilan sa Ammon upang hindi na maalala pa ng ibang mga bansa,
\p
\v 11 Parurursahan ko rin ang mga tao ng Moab. Kapag nangyari iyon, malalaman ng mga tao, na ako si Yahweh ay may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinasabi na aking gagawin."
\s5
\p
\v 12 Ito rin ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: "Kayong mga tao ng Edom ay nagkasala ng paghihiganti sa mga tao ng Juda.
\p
\v 13 Samakatuwid ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: Gagamitin ko ang aking kapangyarihan laban sa mga tao ng Edom at papatayin ko ang kanilang mga kalalakihan at ang knilang mga hayop. Sisirain ko ang lupain mula sa rehiyon ng Teman sa kalagitnaan ng Edom sa rehiyon ng Dedan sa timog ng Edom, at maraming papatayin ang kanilang mga kaaway sa kanilang mga kalalakihan.
\s5
\p
\v 14 Gagamitin ng mga Israelita ang kanilang kapangyarihan upang makapaghiganti sa mga tao ng Edom. Ipapakita nila sa mga tao ng Edom na ako ay nagalit sa kanila at akin silang paparusahan. maghihinganti ako sa mga tao ng Edom. Kung gayon malalaman nila na, ako si Yahweh ay may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinasabi na aking gagawin."
\s5
\q
\v 15 Ito rin ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Gustong maghiganti ng labis ang pangkat ng mga tao ng Filisteo sa mga tao ng juda sa mahabang panahon. may masama silang hangarin na wasakin ang Juda.
\p
\v 16 Samakatuwid ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: Gagamitin ko ang aking kapangyarihan laban sa mg tao ng Filisteo. Papatayin ko ang pangkat ng mga tao ng Creta at silang lahat na naninirahan sa gilid ng baybayin ng dagat ng Mediterano.
\p
\v 17 Labis akong maghihiganti sa kanila at ipapakita ko na ako ay galit sa kanila sa pamamagitan ng pagparusa ko sa kanila. At kapag ako ay nakapaghiganti sa kanila, malalaman nila na, ako si Yahweh ay may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinasabi na aking gagawin."
\s5
\c 26
\p
\v 1 Halos labing isang taon nang tayong mga Israelita ay dalhin ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain, sa unang araw ng buwan, nagbigay sa akin si Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya sa akin,
\p
\v 2 "Anak ng tao, sumigaw sa kagalakan ang mga tao sa lungsod ng Tiro at sinabi ang tungkol sa Jerusalem, 'Jerusalem, ang lungsod kung saan pumupunta ang maraming mga mangangalakal na bansa ay wasak na ngayon. At ngayon, pupunta sa amin ang mga tao mula sa buong mundo upang bumili at magbenta ng mga bagay-bagay. Dahil nawasak na ngayon ang Jerusalem, kami ay uunlad!"
\s5
\p
\v 3 Kung gayon, ako si Yahweh na Panginoon, at ito ang aking sasabihin: 'Kayong mga taga-Tiro, ako na ngayon ang inyong kalaban. Papupuntahin ko ang mga hukbo ng maraming bansa upang lusubin ang iyong lungsod, tulad ng mga alon sa dagat na hinahampas ang mga dalampasigan.
\p
\v 4 Sisirain ng kanilang mga kawal ang mga pader sa palibot ng Tiro at gigibain ang iyong mga tore. Ganap na mawawasak ang lungsod. Pagkatapos, kakayurin nila ang nagibang mga bato upang lumantad na bato lamang ang lungsod.
\s5
\p
\v 5 Doon sa dagat, magiging lugar kung saan inilalatag ng mga kalalakihan ang kanilang mga lambat ang bahagi ng iyong lungsod na nasa isang isla upang patuyuin ang mga ito. Tunay na mangyayari ang mga ito dahil ako, si Yahweh ang Panginoon, ang nagsabi nito: Kukunin ng maraming tao mula sa maraming bansa ang lahat ng mahahalagang bagay sa iyong lungsod.
\p
\v 6 Papatayin ng mga kaaway mo gamit ang kanilang mga espadang-ang mga tao sa maliliit na mga nayon sa may baybayin malapit sa Tiro. At malalaman ng mga tao na ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin ang sinabi kong gagawin ko.'
\s5
\p
\v 7 Ako, si Yahweh ang Panginoon, ang nagsasabi na mangyayari ito: Mula sa silangan, dadalhin ko ang pinakamakapangyarihang hari sa mundo, si Haring Nebucadnezar ng Babilonia, kasama ang kaniyang hukbo upang salakayin ang Tiro. Magdadala sila ng mga kabayo at mga karwahe at mga mangangabayo at mga kalalakihang nagpapatakbo ng mga karwahe; magiging isa itong malaking hukbo.
\q
\v 8 Sa mga labanan sa mga maliliit na nayon sa baybayin, papatayin ng kanilang mga kawal ang maraming tao gamit ang kanilang mga espada. Pagkatapos, magtatayo sila ng mga makinarya upang gibain ang mga pader sa palibot ng lungsod sa Tiro. Gagawa sila ng isang bunton hanggang sa tuktok ng pader at itataas nila ang kanilang mga kalasag upang panangga nila sa kanilang mga sarili mula sa mga palasong pinapatama mula sa lupa.
\s5
\p
\v 9 Ang hari ang mag-uutos sa mga kawal na nangangasiwa sa paggiba ng pader at ang mga gagamit ng mga bakal upang gibain ang mga tore sa pader.
\p
\v 10 Magkakaroon ng hari ng napakaraming bilang ng mga kabayo at ang pagpadyak ng kanilang mga paa ang bubuo ng alikabok na tataas at babalot sa buong lungsod. Magmimistulang yumayanig ang mga pader dahil sa ingay na mula sa mga kabayo, at mga kariton na lagayan at mga karwahe kapag pumasok sila sa lungsod kung saan giniba na ng mga kaaway ang mga pader.
\q
\v 11 Tinapak-tapakan ng mga paa ng mga kabayo ang lahat ng mga lansangan ng lungsod. Papatayin ng mga kawal ang mga tao gamit ang kanilang mga espada. Iguguho nila ang mga bantayog na kumikilala sa kanilang kalakasan.
\s5
\p
\v 12 Kukunin nila ang lahat ng mga mahahalagang ari-arian ng mga tao at nanakawin ang mga bagay na ipinagbibili ng mga mangangalakal. Gigibain nila ang mga pader ng mga bahay at sisirain ang kanilang mga magagarang bahay. Pagkatapos, itatapon nila sa dagat ang mga bato ng mga bahay na iyon pati na ang mga kahoy at mga nadurog na bato.
\p
\v 13 Hindi na muling aawit ang mga tao ng maiingay na awitin o tutugtog ng kanilang mga arpa.
\p
\v 14 Sila ang sanhi na magiging puro bato ang lungsod at isang lugar lamang na paglalatagan ng mga tao sa kanilang mga lambat. At hindi na maitatayo pang muli ang lungsod."' Tiyak na mangyayari ang mga bagay na iyon dahil ang Panginoong Yahweh ang nagpahayag na ang lahat ng iyon ay mangyayari.
\s5
\p
\v 15 Sinasabi rin ito ng Panginoong Yahweh tungkol sa mga taga-Tiro: Kapag dumadaing ang mga taga-Tiro dahil nasugatan sila ng kaaway at kapag maraming tao ang namamatay at kapag winawasak ng kaaway ang lungsod, manginginig ang mga taong naninirahan sa baybayin ng dalampasigan dahil natatakot sila.
\p
\v 16 Bababa sa kanilang mga trono ang lahat ng mga hari sa mga lungsod sa may baybayin ng dalampasigan at isasantabi ang kanilang mga balabal at ang kanilang mga binurdahang kasuotan. Masisindak sila at uupo sila sa lupa na nanginginig. Mabibigla sila dahil sa nangyari sa lungsod ng Tiro.
\s5
\p
\v 17 At aawit sila ng malungkot na awitin tungkol sa lungsod, tulad nito: 'Ang kilalang lungsod, kung saan nanirahan ang maraming mga kalalakihang naglalayag sa dagat, ngayon ay wala na! Labis na naging makapangyarihan sa kanilang paglalayag ang mga tao sa lungsod na iyon, ngunit ngayon ay nasa ilalim siya ng dagat at sinisindak nila ang lahat ng mga taong naninirahan malapit sa kanila.
\p
\v 18 Ngunit ngayon, ang lahat ng mga taong naninirahan sa baybayin ng dalampasigan ay natatakot dahil winasak ng kaaway ang malaking lungsod. Kaya ito mismong lupain sa may dalampasigan ay yumayanig; takot na takot ang mga tao sa mga isla sa karagatan dahil ang lungsod na iyon ay wala na.'
\s5
\p
\v 19 Ito rin ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: 'Kapag napaalis ko ang lahat ng tao sa lungsod ng Tiro, tulad ng pag-alis ng mga tao sa ibang mga lungsod na wala nang naninirahan at kapag binalot ko ang lungsod sa mga malalaking alon ng dagat ay
\p
\v 20 dadalhin ko pababa ang mga mamamayan ng lungsod na iyon upang makasama ang mga matagal nang namatay. Patitirahin ko sila sa lugar sa ilalim ng lupa na tulad ng dating nawasak, kasama ng mga dating nahulog na sa hukay na iyon, at hindi na sila kailanman babalik sa mundo, kung saan buhay ang mga tao.
\p
\v 21 Ako ang sanhi ng kanilang pagkamatay sa katakot-takot na paraan at iyon ang magiging katapusan nila. Hahanapin ng mga tao ang lungsod na iyon ngunit mawawala na iyon." Ito ang ipinahayag ng Panginoong Yahweh na mangyayari.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Sinabi ito ni Yahweh sa akin:
\p
\v 2 "Anak ng tao, umawit ka ng isang awiting pangluksa tungkol sa Tiro.
\q
\v 3 Nasa isang isla sa hangganan ng dagat ang lungsod ng Tiro at nakikipagkalakalan sa mga pangkat ng mga tao na naninirahan sa mga dalampasigan ang kanilang mga mangangalakal. Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Panginoon na dapat mong sabihin sa kanila: Kayong mga taga-Tiro, sinasabi ninyo na napakaganda ng inyong lungsod.
\s5
\p
\v 4 Ikaw ang namahala sa mga binibili at ibinibenta ng mga taong naninirahan sa baybayin ng dagat. Ginawa itong napakaganda ng mga nagpatayo ng iyong lungsod.
\p
\v 5 Ikaw at ang iyong lungsod ay tulad ng isang malaking barko na ginawa mo mula sa mga puno ng pir sa Bundok ng Hermon. Pagkatapos ay kumuha ka ng kahoy na sedar mula sa Lebanon upang gumawa ng isang palo para sa barko.
\s5
\p
\v 6 Naglilok ka ng mga sagwan mula sa mga puno ng oak mula sa rehiyon ng Basan. Ginawa mo ang palapag na yari sa kahoy ng cyprus mula sa isla ng Cyprus at binalutan mo ang mga palapag ng garing.
\p
\v 7 Ginawa mo ang mga layag mula sa mga linong may magagarang burda mula sa Egipto. Ang mga layag na iyon ay tila bandila na nakikita ng mga tao mula sa malayo.
\s5
\p
\v 8 Ang mga kalalakihan mula sa mga lungsod ng Sidon at Arvad ang humila sa iyong mga sagwan. Ang mga bihasang manlalayag mula sa Tiro ang nagpapaandar ng barko.
\p
\v 9 Nakasakay ang mga bihasang mang-uukit mula sa Gebal. Inaayos nila ang mga puwang ng iyong mga barko. Dumating ang mga manlalayag mula sa maraming bansa na nakasakay sa kanilang mga barko upang makipagkalakal sa iyo.
\s5
\p
\v 10 Ang mga kawal sa iyong hukbo ay ang mga kalalakihang nagmula pa sa mga malalayong lupain ng Persia, Lydia at Libya. Isinabit nila ang kanilang mga kalasag at mga helmet sa mga pader ng iyong lungsod. Naging dahilan ito upang hangaan ng maraming tao ang iyong lungsod.
\p
\v 11 Tagapagbantay sa iyong mga pader ng lungsod ang mga kalalakihan mula sa mga lungsod ng Arvad at Helec. Nasa tore mo ang mga kalalakihan mula sa lungsod ng Gamad. Isinasabit din nila ang kanilang mga kalasag sa iyong mga pader. Ginawa rin nilang napakaganda ang iyong lungsod.
\s5
\p
\v 12 Dahil sa maraming bagay na iyong ikinakalakal, nagpadala ng maraming mga mangangalakal ang mga kalalakihan mula sa Tarsis na nagdadala ng pilak, bakal, lata at tingga upang ipalit sa mga bagay na mayroon ka.
\p
\v 13 Nagdala ng mga alipin at mga bagay na gawa sa tanso ang mga nangangakalakal mula sa mga rehiyon ng Grecia, Tubal at Meshec upang ikalakal sa mga bagay na mayroon ka.
\s5
\p
\v 14 Nagdala ang mga kalalakihan mula sa Beth-Togar ng mga kabayong pangtrabaho, mga kabayong pandigma at mga mula upang ikalakal ang mga bagay na mayroon ka.
\p
\v 15 Pumupunta sa iyo ang mga mangangalakal mula sa isla ng Rodes. Nakipagkalakalan sa iyo ang mga tao mula sa maraming bansa sa mga baybayin ng dagat. Nagdala sila ng garing at mamahaling itim na kahoy upang ikalakal sa mga bagay na mayroon ka.
\s5
\p
\v 16 Dahil mayroon kang napakaraming mga bagay upang ipangkalakal, dinadalhan ka ng mga tao mula sa Aram ng mga mamahaling turkesang bato, telang kulay lila, binurdahang tela, tela napinong lino, at alahas mula sa koral at mga rubi.
\p
\v 17 Nagdala ang mga taga-Juda at taga-Israel ng mga trigo mula sa lungsod ng Minith sa Ammon, mga igos, pulot, langis ng olibo, at pamahid upang ikalakal sa mga bagay na mayroon ka.
\p
\v 18 Dahil mayroon kang napakaraming bagay upang ipagbili, nagdala ng alak mula sa bayan ng Helbon at puting lana mula sa bahagi ng Zahar ang mga kalalakihang mula sa Damasco upang ikalakal sa maraming bagay na mayroon ka.
\s5
\p
\v 19 Nagdala ng mga bagay na gawa sa bakal, pampalasa mula sa cassia, at mababangong buto ng kalamo ang mga kalalakihan mula sa tribo ni Dan at mga kalalakihang Griyego mula sa lugar ng Uzal upang ipagpalit sa mga bagay na mayroon ka.
\p
\v 20 Nagdadala ng mga upuang kumot ang mga mangangalakal mula sa Dedan sa katimugang Edom upang ipagpalit sa mga bagay na mayroon ka.
\p
\v 21 Nagpadala ng mga mangangalakal ang mga kalalakihan mula sa Arabia at lahat ng mga namumuno sa rehiyon ng Kedar upang ipagpalit ang mga tupa, mga lalaking tupa at mga lalaking kambing sa mga bagay na mayroon ka.
\s5
\p
\v 22 Nagdala ng maraming uri ng mga masasarap na mga pampalasa, mga alahas at ginto ang mga mangangalakal mula sa Seba at Raama sa Arabia upang ipalit sa mga bagay na mayroon ka.
\p
\v 23 Dumating ang mga kalalakihan mula sa Haran, Canne, Eden, Seba, Assur at Kilmad sa Mesopatamya dala ang kanilang mga kalakal.
\s5
\p
\v 24 Nagdala sila ng mga magagandang bagay upang ikalakal sa iyo: asul na tela, binurdahang tela, at mga alpombra na may maraming kulay na nakarolyo at nakatali ng mga lubid.
\p
\v 25 Dala-dala ng mga barko mula sa Tarsis ang lahat ng mga bagay na iyong ipinagbili. Puno ng mga bagay na iyon ang mga imbakan sa iyong isla at nagdala sa iyo ng malaking karangalan.
\s5
\p
\v 26 Ang mga kalalakihang nagsasagwan ng itong mga barko ay dinala ang mga barkong puno ng mga kargamento patungo sa malawak na karagatan. Ngunit ngayon, winasak ng malakas na hangin mula sa silangan ang mga barkong iyon.
\q
\v 27 Nawala na ang lahat ng mga bagay na nasa barko — lahat ng mga mahahalagang kargamento, marami sa mga manlalayag at mga kapitan ng barko, ang mga manggagawa sa barko, mga mangangalakal at mga kawal. Sa araw na nawasak ang mga barko, lumubog sa ilalim ng dagat ang lahat ng kanilang mga tripulante.
\s5
\q
\v 28 Nanginig ang mga tao sa mga lungsod na nasa tabing dagat nang marinig nila na sumisigaw ang iyong mga kapitan ng barko.
\q
\v 29 Iiwanan lahat ng mga kalalakihang humihila ng sagwan ang mga barko. Pupunta sa baybayin ang mga manlalayag at mga kapitan at tatayo sa dalampasigan.
\p
\v 30 Iiyak sila ng malakas dahil sa nangyari sa iyo at tatangis sila ng matindi. Maglalagay sila ng lupa sa kanilang mga ulo at gugulong sa mga abo.
\s5
\q
\v 31 Inaahit nila ang kanilang mga ulo upang ipakita na napakalungkot nila dahil sa nangyari sa iyo at magsusuot sila ng magaspang na sako upang magluksa. Buong pait silang dadaing at magluluksa para sa iyo.
\p
\v 32 Habang tumatangis sila at nagluluksa dahil sa nangyari sa iyo, inaawit nila itong malungkot na awiting pangluksa: 'Tiyak na wala nang ibang lungsod na tulad ng Tiro, na ngayon ay nananahimik, nababalutan ng mga alon ng dagat.'
\q
\v 33 Ang mga kalakal na ipinagbili ng iyong mga mangangalakal ay ang mga bagay na nagpalugod sa mga tao ng maraming bansa. Naging mayaman ang mga hari sa mga malalayong lugar mula sa pera na nakuha nila sa pakikipagkalakalan sa iyo.
\s5
\p
\v 34 Ngunit ngayon, tulad ng isang barkong nawasak sa dagat, ang iyong lungsod at ang lahat ng naroroon ay sira sa ilalim ng dagat. Ang lahat ng iyong mga kargamento at ang iyong mga manlalayag ay lumubog sa ilalim ng dagat.
\q
\v 35 Nanlumo ang lahat ng mga tao na naninirahan sa baybayin ng dagat dahil sa nangyari sa iyo. Labis na natakot ang kanilang mga hari. Nanginig sila sa takot habang sila ay nanonood.
\q
\v 36 Umiling ang mga ulo ng mga mangangalakal ng ibang mga bansa dahil napakahirap para sa kanila na paniwalaan ang nangyari. Ngayon ang iyong lungsod ay wala na, at hindi na ito muling lilitaw."
\s5
\c 28
\p
\v 1 At nagbigay si Yahweh sa akin ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Anak ng tao, ibigay mo sa hari ng Tiro ang mensaheng ito na mula sa akin, ang Panginoong Yahweh: 'Labis ang iyong pagmamalaki na isa kang diyos, at ikaw ay hindi pwedeng pakialaman, dahil nakaupo ka sa trono mo sa isang lungsod sa isla sa may dagat! Ipinagmamalaki mo na isa kang diyos, ngunit sa katotohanan isa kang tao lamang, hindi isang diyos.
\p
\v 3 Iniisip mo na ikaw ay mas matalino kaysa kay Daniel at iniisip mo na lahat ng mga lihim ay alam mo.
\s5
\q
\v 4 Dahil sa matalino ka at tuso sa negosyo, ikaw ay labis na naging napakayaman. Nagtamo ka ng napakaraming ginto at pilak sa iyong kabang-yaman.
\p
\v 5 Oo, totoo na sa iyong matalinong pagbibili at pagbebenta, ikaw ay labis na naging napaka-yaman. At dahil sa mayaman ka na, ikaw ay naging labis na mapagmataas.
\s5
\p
\v 6 Kaya, sinabi ni Yahweh na Panginoon na dahil sa akala mong kasing talino mo ang isang diyos,
\p
\v 7 magdadala siya ng mga dayuhang hukbo upang lusubin ang inyong bansa, isang hukbo na maging sandhi na matatakot ang ibang mga bansa. Bubunutin nila ang kanilang mga espada upang pagtatagpasin kayo, kayong mga nag-iisip na kahanga-hanga ang inyong karunungan at sisirain nila ang lahat ng magaganda ninyong mga bagay at gagawin nilang pangit.
\s5
\p
\v 8 Dadalhin nila kayo sa inyong libingan. Marahas ang inyong kamatayan gaya ng mga namatay sa dagat.
\p
\v 9 At tiyak na hindi mo masasabi sa papatay sa iyo na isa kang diyos, dahil alam nila na ikaw ay hindi diyos. Ikaw ay tao lamang.
\p
\v 10 Mamamatay kang tulad ng ibang taong namatay, silang mga hindi katanggap-tanggap sa Diyos, silang pinatay ng mga dayuhan. Iyon ay tiyak na mangyayari dahil si Yahweh ang nagsabi nito,"'
\s5
\p
\v 11 Ibinigay din ni Yahweh ang mensaheng ito sa akin:
\q
\v 12 "Anak ng tao, umawit ka ng malungkot na awit tungkol sa hari ng Tiro. Sabihin mo na si Yahweh na Panginoon ang nagsabi nito sa kaniya: 'Ikaw ay ganap na walang kapintasan, at pinakamarunong at pinakamakisig na lalaki.
\q
\v 13 Napakasaya ang inyong buhay, dahil ikaw ay nasa aking magandang hardin ng Eden. Ang iyong mga damit ay napapalamutian ng maraming uri ng mga mamahaling bato----sardio, topaz, esmeralda, Karbungko onise, jasper, safiro, at berilo na bato. Ang mga batong iyon ay nakalapat sa ginto na hinanda ko para sa iyo sa araw na ikaw ay aking nilikha.
\s5
\q
\v 14 Ikaw ang pinili ko na maging malakas na anghel upang bantayan ang mga tao. Inilagay kita sa banal kong bundok, at lumakad ka sa mga kumikislap na mga bato.
\p
\v 15 Lahat ng ginawa mo ay lubos na mabubuti mula sa araw ng inyong pagkalikha, hanggang sa sinimulan mong gumawa ng masasamang mga bagay.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos ikaw ay naging abala sa pagbibili at pagbebenta ng mga bagay, nagsimula kang maging marahas, at ikaw ay nagkasala. Kaya hiniya kita. Ikaw, na anghel na dapat sanang magbantay ng mga tao---pinilit kitang pinaalis sa sarili kong bundok; pinilit kitang iwanan mo ang mga kumikinang na mga bato.
\q
\v 17 Labis kang naging mapagmataas dahil napakakisig mo. Dahil mahal mo ang mga magagandang bagay, ginawa mo ang mga bagay na hindi magagawa ng mga taong matatalino. Kaya ibinagsak kita sa lupa, at pinayagan ko ang ibang mga hari na makita ka upang pagtawanan.
\s5
\p
\v 18 Sa paggawa mo ng maraming kasalanan at sa iyong hindi tapat na pagbili at pagbebenta ng mga bagay, ikaw ang naging dahilan upang ang lugar kung saan ako sinamba ng mga tao ay hindi maging katanggap tanggap sa akin. Kaya gagawa ako ng apoy na tutupok sa inyong lungsod. Matutupok lahat ang inyong lungsod; makikita ng mga tao na nanonood nito na abo na lang ang natira sa lupa.
\q
\v 19 Lahat ng mga tao na nakakaalam sa dating anyo ng inyong lungsod ay manlulumo. Ngayon ang inyong lungsod ay maglalaho, at hindi na muling makikita.'"
\s5
\p
\v 20 Pagkatapos ay binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 21 "Anak ng tao, pumunta ka sa lungsod ng Sidon, at sabihin mo ang mga masasamang mangyayari rito.
\p
\v 22 Ipaalam mo sa mga tao sa Sidon ang mensaheng ito na galing kay Yahweh na Panginoon. Sabihin mo sa kanila: 'Kayong mga tao sa Sidon, ako ang inyong kaaway. Sa pamamagitan ng aking gagawin sa inyo, dito ko maipapakita sa inyo kung gaano ako kadakila, at malalaman ninyo na si Yahweh ang magpaparusa sa inyo at hahatol sa inyo ng may katarungan. Malalaman ninyo na ako ay iba sa inyo at ako ay pupurihin sa pamamagitan ng gagawin ko sa inyo!
\s5
\q
\v 23 Magpapadala ako ng salot sa inyo, at magpapadala ako ng mga kaaway at papatayin kayo sa inyong mga kalye. Lulusubin nila kayo sa lahat ng dako at pagpapatayin ang inyong mga tao sa loob ng pader ng inyong lungsod. Pagkatapos, malalaman ng bawat isa na ako, si Yahweh, ay may kapangyarihan na gawin ang sinabi ko na aking gagawin.'
\q
\v 24 Hindi na sila sasaktan ng mga taong nakatira malapit sa mga mamamayan ng Israel gaya ng pananakit ng dawag at matutulis na tinik sa mga tao. At pagkatapos malalaman ng mga Israelita na ako, si Yahweh, ay may kapangyarihan na gawin ang sinabi ko na gagawin ko."
\s5
\p
\v 25 At ito rin ang sabi ni Yahweh na Panginoon: "Titipunin ko sila mula sa mga malalayong bansa kung saan ko sila ikinalat. At makikita ng ibang mga grupo ng mga tao na ako ay itinalaga at pinaparangalan, kapag ang sambayanan ng Israel ay gagawa ng kanilang tahanan sa lupain na ibinigay ko sa aking lingkod na si Jacob!
\p
\v 26 Mabuhay na ligtas ang aking mg tao doon sa Israel; magtatayo sila ng mga tahanan at magtatanim sila ng mga ubasan. At kapag pinarusahan ko ang grupo ng mga tao na malapit sa kanila na humamak sa kanila, malalaman ng aking mga tao na ako, si Yahweh na Diyos nila, ang siyang gumawa nito."
\s5
\c 29
\p
\v 1 Halos sampung taon matapos dalhin kaming mga Israelita ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain, sa ikalabing dalawang araw ng ikasampung buwan ng taon na iyon, nagbigay muli si Yahweh sa akin ng isa pang mensahe. Sinabi niya sa akin,
\p
\v 2 "Anak ng tao, pumunta ka sa Ehipto at ipahayag mo ang masasamang mga bagay na mangyayari sa hari ng Ehipto at lahat ng mga tao doon.
\q
\v 3 Ibigay mo sa hari itong mensahe na galing sa akin, ang Panginoong Yahweh: 'Ikaw hari ng Ehipto, Ako, si Yahweh, ay iyong kaaway. Gaya ka ng isang napakalaking nilalang sa dagat na nakahiga sa daluyan ng Ilog Nilo. Sinasabi mo na ang Ilog Nilo ay sa iyo, na ikaw ang gumawa noon para sa sarili mo.
\s5
\q
\v 4 Ngunit para bang maglalagay ako ng kawit sa inyong mga panga at hihilain kita palabas sa lupa, na nakadikit ang mga isda sa inyong mga kaliskis.
\q
\v 5 Iiwanan kita at ang lahat ng isda sa ilang upang mamamatay; babagsak ka sa lupa, at wala ni isa na dadamput sa iyong bangkay upang ilibing ka, dahil ipinahayag ko na ang iyong katawan ay magiging pagkain ng mababangis na mga hayop at mga ibon.
\s5
\p
\v 6 Kapag nangyari ang mga iyon, malalaman ng lahat ng tao sa Egipto na ako, si Yahweh, ay may kapangyarihan upang gawin kung ano ang aking sinabi na gagawin ko. Nagtiwala ang mga Israelita na tutulungan ninyo sila. Ngunit tulad kayo ng poste na tambo sa kanilang mga kamay.
\p
\v 7 At ng sumandal sila sa posteng iyon, ito ay nadurog at nahiwa ang kanilang mga balikat. Noong sumandal sila sa inyo, para kayong nasirang poste, ang kahihinatnan ay nabali ang kanilang mga hita.'
\s5
\q
\v 8 Kaya sinabi ng Panginoon Yahweh, 'Dadalhin ko ang mga kaaway ng Egipto upang lusubin sila sa pamamagitan ng kanilang espada; pagpapatayin nila ang mga tao at mga hayop sa Egipto.
\q
\v 9 Magiging disyerto ang Egipto na walang laman. Pagkatapos malalaman ng mga tao sa Egipto na ako nga, si Yahweh, ang may kapangyarihan na gawin kung ang mga sinabi niya na kaniyang gagawin, at paparusahan niya ang mga tao sa Egipto sa pagsabi nila na ang Ilog Nilo ay kanila dahil sila ang gumawa nito.
\p
\v 10 Laban ako sa inyo at sa inyong mga daluyan ng tubig, at wawasakin ko ang Egipto at gawin kong ilang na walang laman mula sa lungsod ng Migdol sa hilaga hanggang sa Sevene sa timog, hanggang sa layo ng timog sa hangganan ng Etiopia.
\s5
\q
\v 11 Sa loob ng apatnapung taon walang lalakad sa lugar na iyan, at maninirahan doon.
\p
\v 12 Magiging mapanglaw ang Egipto, at mapapaligiran ng ibang mga bansa na napabayaan. Ang mga lungsod ng Egipto ay mawawala ng laman at walang katau-tao sa apatnapung taon, at ang mga lupain sa palibot ay ganoon din. Ikakalat ko ang mga taga Egipto sa ibat-ibang mga bansang malalayo.'
\s5
\p
\v 13 Ngunit sinabi din ng Panginoon Yahweh ito: 'Sa pagtatapos ng apatnapung taon, bibigyan ko ng kakayahan ang mga taga Ehipto na makabalik muli sa kanilang mga tahanan.
\p
\v 14 Ibabalik ko ang mga taga Ehipto na binihag ng kanilang kaaway at papayagan ko silang manirahan muli sa lupain ng Patros sa timog, kung saan sila dating nanirahan. Ngunit patuloy na magiging mahinang kaharian ang Ehipto.
\s5
\p
\v 15 Siya ang magiging pinakamababa sa lahat ng mga bansa. Hindi ito kailanman maging higit na tanyag kaysa sa kalapit na bansa. Pahihinain ko nang lubusan ang Ehipto at kahit kailan hindi sila muling mamumuno ng ibang mga bansa.
\p
\v 16 At kapag nangyari ito, hindi na mag-iisip ang mga pinuno ng Israel na humingi ng tulong sa Ehipto. Kapag pinarusahan ko ang Ehipto, maalaala ng mga Israelita na nagkasala sila noong nagtiwala sila na matutulungan sila ng Ehipto. At malalaman ng mga mamamayan ng Israel na ang Panginoong Yahweh ay may kapangyarihan na gawin ang anumang sinabi niya na gawin.
\s5
\p
\v 17 Pagkalipas ng halos dalawamput pitong taon nang kaming mga Israelita ay binihag at dinala sa Babilonia, sa unang araw ng unang buwan, ibinigay ni Yahweh sa akin ang mensaheng ito:
\q
\v 18 "Anak ng tao, ang mga hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay malakas na nakipaglaban sa taga Tiro, at ang nangyari nakalbo ang kanilang mga ulo dahil sa nakikiskis ang ilalim ng kanilang mga helmet, at ang mga balikat nila ay nalapnus. Ngunit walang nakuha si Nebukadnezar at ang kaniyang mga hukbo na mahahalagang mga gamit mula sa Tiro upang gantimpalaan sila sa napakahirap na labanan na ginawa nila.
\s5
\p
\v 19 Kaya, sinabi ng Panginoong Yahweh na bibigyan niya ng kakayahan ang mga hukbo ni haring Nebucadnezar upang sakupin ang Ehipto. Kukunin nila ang mga mahahalagang bagay doon at dadalhin nila, upang ibigay ng hari sa kaniyang mga hukbo.
\p
\v 20 Sinabi ni Yahweh na bibigyan niya sila ng kakayahan upang sakupin ang Ehipto na pinakaganti sa ginawa nila sa Tyre dahil si Nebucadnezar at ang kaniyang mga hukbo ay naglilingkod sa kaniya, ginagawa nila ang mga gusto niyang ipagawa sa kanila na sirain ang Tiro."
\s5
\p
\v 21 Sinabi ni Yahweh sa akin, "Balang araw gagawin ko na ang Israel na magiging isang napakalakas na bansa. Kapag nangyari iyon, gagawin ko na makinig sila sa sasabihin mo sa kanila. Pagkatapos niyan malalaman nila na kaya nangyari ang mga ito dahil ako, si Yahweh, ang gumawa nito."
\s5
\c 30
\p
\v 1 Nagbigay sa akin si Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Anak ng tao, magpahayag ka tungkol sa mangyayari sa Ehipto. Sabihin mo na ito ang sinasabi ko, ako, ang Panginoonng Yahweh, nagsabi: 'Umiyak at tumangis, dahil darating ang isang araw na mangyayari ang katakot-takot na mga bagay.
\q
\v 3 Malapit na ang araw na iyon, ang araw na ako, si Yahweh, parurusahan ko ang mga tao. Magiging tulad ito ng isang araw na puno ng mabagyong ulap at sakuna para sa maraming mga bansa.
\s5
\q
\v 4 Isang hukbo ng kaaway ang darating upang salakayin ang Ehipto sa pamamagitan ng kanilang mga espada at magkakaroon ng matinding pagkabalisa ang mga tao sa Cush. Papatay ng maraming tao sa Ehipto Ang mga hukbo ng mga kaaway. Kukunin nila ang lahat ng mga mahahalagang bagay at pababagsakin nila ang mga gusali sa kanilang mga pundasyon.
\q
\v 5 Ang mga kawal ng Cush, Libya, Lidya at ang lahat ng mga banyaga sa lupain ng Ehipto, kasama ang mga Judio na naninirahan sa Ehipto—mamamatay silang lahat dahil sa digmaan.'
\s5
\q
\v 6 Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Tatalunin ng hukbong ito ang mga kakampi ng Ehipto at magwawakas ang kapangyarihan na ipinagmamalaki ng ng mga taga-Ehipto. Mula sa lungsod ng Migdal sa hilaga hanggang sa lungsod ng Sevene sa timog, papatayin nila ang mga kawal ng mga kakampi ng Ehipto. Ito ang pahayag ni Yahweh ang Panginoon.
\p
\v 7 Magugulat ang mga kawal ng mga kakampi ng Ehipto, at ang kaniyang kakamping mga lungsod ay mawawasak, napapalibutan ng mga nasirang lungsod sa kalapit na mga bansa.
\s5
\q
\v 8 Pagkatapos, kapag masusunog ko na ang lahat sa Ehipto at kapag matatalo na ng kanilang mga kaaway ang lahat ng kanilang mga kakampi, malalaman ng mga tao na ako, si Yahweh, ang may kapangyarihang gawin ang kung ano ang aking sinabi na gagawin ko.
\p
\v 9 Sa oras na iyon, magpapagdala ako ng mga mensahero upang agad pupunta sa Ilog ng Nilo gamit ang mga bangka upang takutin ang mga tao sa Cush na nag-aakala paring ligtas sila. Matatakot sila kapag marinig nila na nawasak na ang Ehipto. Malapit na itong mangyayari!
\s5
\p
\v 10 Ako, ang Panginoong Yahweh, ang nagsasabi nito: Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia, wawasakin ko ang napakaraming tao sa Ehipto.
\p
\v 11 Si Nebucadnezar at ang kaniyang hukbo, na mga kawal na walang awa sa kahit kanino ay darating upang sirain ang Ehipto. Huhugutin nila ang kanilang mga espada at pupunuin ang Ehipto ng mga bangkay ng kanilang mga napatay.
\s5
\q
\v 12 Tutuyuin ko ang mga batis ng Ilog ng Nilo at ibebenta ko ang bansa ng Egipto sa mga masasamang tao. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga dayuhan wawasakin ko ang lupain at lahat ng naririto. Tiyak na mangyayari iyon dahil ako, si Yahweh, ang nagsasabing mangyayari ito.
\s5
\p
\v 13 Ako, ang Panginoon Yahweh, ang nagsasabi nito: Ipasisira ko sa mga kaaway ang mga diyos-diyusan sa lungsod ng Memfis. Hindi na magkakaroon ng hari sa Egipto at tatakutin ko ang lahat ng tao sa lupain ng Egipto.
\p
\v 14 Palalayasin ko ang mga tao sa rehiyon ng Patros sa timog ng Egipto. Magsisimula ako ng mga sunog sa lungsod ng Zoan sa hilagang-silangan ng Egipto at parurusahan ang mga tao sa lungsod ng Tebez sa timog ng Egipto.
\s5
\p
\v 15 Parurusahan ko ang mga kawal sa tanggulan ng Pelesium sa hilagang Egipto at papatayin ko ang mga tao sa Tebes.
\p
\v 16 Susunugin ko ang Egipto sa pamamagitan ng apoy. Magdurusa sa matinding sakit ang mga tao sa Pelesium. Sasakupin ng mga kaaway ang Tebes at patuloy na matatakot ang mga tao sa Memfis.
\s5
\p
\v 17 Papatayin ng maraming kabataang lalaki ng kaaway sa mga lungsod ng Heliopolis at Busbastis sa hilagang Egipto at mapupunta sa Babilonia ang mga taong naiwan.
\q
\v 18 Magiging isang madilim na araw ang pagkawasak sa lungsod ng Tafanes sa hilagang-silanganan ng Egipto kapag wawakasan ko ang kapangyarihan ng Egipto. Hindi na magiging malakas ang bansang iyon. Magiging gaya ito ng isang madilim na ulap na kukubkob sa Egipto dahil ang mga tao sa mga nayon nito ay pupunta sa Babilonia bilang mga bilanggo.
\q
\v 19 Ganoon ko paparusahan ang Egipto at malalaman ng mga tao na ako, si Yahweh, may kapangyarihang gawin ang sinabi kong gagawin ko."'
\s5
\q
\v 20 Halos labing-isang taon pagkatapos tayong mga Israelita ay dalhin ng mga taga-Babilonia sa kanilang bansa, binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe sa ika-pitong araw ng unang buwan ng taon na iyon. Sinabi niya,
\p
\v 21 "Anak ng tao, binigyan ko ng kakayahan ang hukbo ni Nebucadnezar upang talunin ang hukbo ng Egipto. Para bang binali ko ang isa sa mga braso ng hari ng Egipto at hindi ito nabendahan upang gumaling ito at hindi ito nilagyan ng palapa upang pagkatapos nitong pagalingin ang braso magiging sapat ang kalakasan nito upang humawak ng espada.
\s5
\p
\v 22 Samakatuwid, Ako, ang Panginoong Yahweh, ang nagsasabi nito: Ako ang kaaway ng hari ng Egipto. Ganap kong wawasakin ang kapangyarihan ng Egipto. Ito ay magiging gaya ngayon ng pagbali ko sa mga braso ng hari, ang malakas na braso at ang bali na, at maging dahilan upang malaglag ang espada mula sa kaniyang kamay.
\p
\v 23 Ikakalat ko ang mga tao ng Egipto sa mga bansa.
\q
\v 24 Para bang palalakasin ko ang mga braso ng hari ng Babilonia at maglalagay ng esapada sa kaniyang kamay, at para bang binali ko ang braso ng hari sa Egipto at maghihinagpis siya sa harapan ng hari ng Babilonia tulad sa isang kawal na sugatan at malapit nang mamatay.
\s5
\p
\v 25 Gagawin kong malakas ang hari ng Babilonia at magiging ganap na mahina ang hari ng Egipto. Kapag nangyari iyon, kapag nagawa kong palakasin ang hukbo ng Babilonia, gagamitin nila ang kapangyarihang iyon upang salakayin ang Egipto.
\p
\v 26 Ikakalat ko ang mga tao ng Egipto sa mga bansa. At kapag nangyari iyon, malalaman ng mga tao na ako, si Yahweh, ang may kapangyarihan na gawin kung ano ang sinabi ko na gagawin ko.
\s5
\c 31
\p
\v 1 Halos labing isang taon matapos na kaming mga Israelita ay dalhin ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain, binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe, sa unang araw ng ikatlong buwan ng taong iyon. Sinabi niya,
\p
\v 2 "Anak ng tao, sabihin mo sa hari ng Egipto at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, 'Iniisip mo na wala ng bansang may kapangyarihan na kasinglakas na gaya sa kapangyarihan ng iyong bansa.
\s5
\q
\v 3 Iniisip mo na ang iyong bansa ay kasinglakas na gaya ng Asiria noon. Oo, ang Asiria ay tulad ng isang mataas na punong sedro sa Lebanon; mayroon itong malalaki at magagandang mga sanga na nagbibigay lilim para sa iba pang mga punongkahoy sa kagubatan. Napakataas niya noon; ang dulo nito ay lampas hanggang sa itaas ng mga dahon ng iba pang mga punongkahoy.
\q
\v 4 Ang tubig na dumadaloy rito ay mula sa malalalim na mga bukal, kaya lumaki ang punong sedar ng mataas at napakaberde. At dumaloy ang tubig sa palibot ng ilalim ng punongkahoy hanggang sa mga daluyan na nagdadala ng tubig para sa iba pang kalapit na mga punongkahoy.
\s5
\q
\v 5 Ang napakalaking punongkahoy na iyon ay lumaki nang napakataas, mas mataas kaysa sa lahat ng iba pang mga punongkahoy na nakapalibot dito. Lumago ang makakapal at mahabang mga sanga nito dahil sa saganang tubig na nasa ilalim ng punongkahoy.
\q
\v 6 Nagpupugad ang mga ibon sa mga sanga nito, at nagsilang ng kanilang mga anak ang mga mababangis na hayop sa ilalim ng mga sangang iyon. At parang ang mga tao sa lahat ng dakilang mga bansa na nakatira sa lilim ng punong iyon.
\p
\v 7 Kahanga-hanga ito at maganda; lumago at yumabong ang mga sanga nito dahil lumalim ang mga ugat ng punongkahoy sa lupa kung saan mayroong saganang pagkukunan ng tubig.
\s5
\q
\v 8 Ang mga punong sedar sa aking halamanan sa Eden ay hindi kasinglaki na gaya ng punong iyon, at ang mga sanga ng mga puno ng abeto ay hindi kasinghaba at kasingkapal na gaya ng mga sanga ng punong sedar na iyon. At hindi rin kasinghaba at kasingkapal ang mga sanga ng iba pang mga puno. Walang puno sa aking halamanan ang kasingganda na tulad sa punong sedar.
\p
\v 9 Dahil ginawa kong napakaganda ang punongkahoy na iyon dahil sa kahanga-hangang mga berdeng sanga nito, ang lahat ng mga pinuno ng iba pang mga bansa na inilarawan sa pamamagitan ng mga punongkahoy sa Eden ay nainggit sa bansa na kinatawan sa pamamagitan ng punongkahoy na iyon.'
\s5
\q
\v 10 Kaya, ako na Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito: 'Ang punong iyon na kumakatawan sa Asiria ay lumaki ng napakataas; ang dulo nito ay mas mataas kaysa sa iba pang mga puno, at naging labis na mapagmalaki ito dahil napakataas nito.
\p
\v 11 Kaya, pinahintulutan ko ang isa pang makapangyarihang bansa upang sakupin ito, upang wasakin ito dahil sa nararapat itong wasakin. Itinapon ko na ito.
\s5
\p
\v 12 Pinutol at iniwan ito ng isang dayuhang hukbo na sumindak sa mga tao ng iba pang mga bansa. Nagsihulog ang mga sanga nito sa mga bundok at sa mga lambak. Ang ilan sa mga sanga nito ay sirang nakalapag sa lahat ng mga bangin sa lupain. Lumabas mula sa pagkakalilim nito ang lahat ng mga tao sa iba pang mga bansa at iniwan ito.
\s5
\p
\v 13 Nanirahan ang mga ibon sa bumagsak na punongkahoy, at tumira ang mga mababangis na hayop mula sa mga sanga nito. Ganito ang nangyayari sa iba pang mga bansa ng umasa sila sa Asiria.
\p
\v 14 Ngayon, wala ng iba pang punongkahoy—wala ng iba pang bansa, kahit na sagana sa tubig ang punongkahoy, na lalaki ng napakataas at maging mapagmalaki, o maging magtaas ang dulo nito sa mga sanga ng iba pang mga punongkahoy. Ang iba pang mga bansa ay hindi magiging kasinglakas na gaya ng bansang iyon; tiyak na mamamatay ang lahat ng mga bansa at mabubulok, katulad ng mga tao na namamatay at pupunta sa kanilang mga libingan."
\s5
\q
\v 15 Ito ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon: "Noong pinutol na ang napakalaking punongkahoy na iyon, ito ay parang nagdadalamhati ang mga bukal na dumidilig rito, dahil pinatuyo ko ang napakaraming tubig mula sa mga bukal. Parang pinagdalamhati ko ang mga bundok ng Lebanon para rito, at upang tumangis ang lahat ng mga punongkahoy na naroon.
\s5
\q
\v 16 Ako ang nagpanginig sa mga tao ng iba pang mga bansa nang narinig nila na ang punongkahoy na iyon ay bumagsak sa lupa—nang narinig nila na nawasak na ang Asiria. Lahat ng iba pang mga grupo ng mga tao ay naging tulad ng magagandang punongkahoy sa Lebanon na nadiligang mabuti, ngunit napanatag sila nang dumating na kasama nila ang hari na kinakatawan ng punong sedar na iyon sa lugar na kung saan katulad sila ng mga taong patay.
\s5
\p
\v 17 Ang mga tao na kinakatawan ng mga punongkahoy na lumaki sa lilim ng malaking punongkahoy na iyon, na mga kasapi ng makapangyarihang bansa na kumakatawan sa punong sedar, ay namatay din at naroon kung saan ang mga patay.
\p
\v 18 Ang talinghagang ito ay isang babala sa inyong mga taga-Egipto. Iniisip ninyo na wala ng iba pang bansa na kasinglakas at kasingdakila na gaya ninyo. Ngunit mawawasak din ang inyong bansa, kasama ng mga iba pang mga bansa. Ang iyong mga tao ay kasama ng iba pang mga tao na hindi nararapat na sambahin ako, mga taong pinatay sa pamamagitan ng mga espada ng kanilang mga kaaway. Iyan ang mangyayari sa hari ng Egipto at sa lahat ng kaniyang mga lingkod." Ito ang ipinahayag ng Panginoong Yahweh na mangyayari.
\s5
\c 32
\p
\v 1 Halos labindalawang taon ang lumipas nang kaming mga Israelita ay dalhin ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain, binigyan muli ako ni Yahweh ng isa pang mensahe sa unang araw ng ikalabindalawang buwan ng taong iyon. Sinabi niya sa akin,
\q
\v 2 "Anak ng tao, umawit ka nang isang malungkot na awitin tungkol kay Faraon, ang hari ng Egipto. Awitin mo ito sa kaniya: 'Ikaw ay parang isang leon sa gitna ng mga bansa; ikaw ay parang isang dambuhala sa ilog naghahaplit paikot sa tubig, pinapagalaw ang tubig sa pamamagitan ng iyong mga paa at ginagawang maputik ang lahat ng tubig.
\s5
\p
\v 3 Ngunit ako, ang Panginoong Yahweh, ang nagsasabi sa iyo na magpapadala ako ng maraming tao upang ihagis ang aking lambat sa iyo, at iaahon ka nila sa lupa.
\q
\v 4 Ihahagis ka nila sa isang parang, kung saan iiwanan ko ang iyong kapalaran. Pahihintulutan ko ang mga ibon na dumapo sa iyo at kakainin ang lahat ng mga mababangis na hayop ang laman ng iyong bangkay hanggang mabusog ang kanilang mga tiyan.
\s5
\q
\v 5 Pahihintulutan ko silang ikalat ang iyong mga laman sa mga burol at pupunuin ang mga lambak ng inuuod mong katawan.
\p
\v 6 Pahihintulutan ko sila na punuin ang lupain ng iyong dugo, gayon din ang mga kabundukan. Pupunuin nila ang mga bangin ng iyong dugo.
\s5
\p
\v 7 Kapag palalayasin na kita at ang iyong mga kaapu-apuhan, tatakpan ko ang kalawakan at hindi pahihintulutan ang mga bituin na magliwanag. Maglalagay ako ng maitim na ulap sa harapan ng araw, at hindi na magliliwanag ang buwan.
\q
\v 8 Pahihintulutan ko ang mga bituin sa kalawakan upang magdilim at magkakaroon ng kadiliman sa iyong buong lupain. Iyan ay tiyak na mangyayari dahil ako si Yahweh ang Panginoon ang nagsabi nito.
\s5
\q
\v 9 At kapag marinig ng mga tao sa maraming bansa ang tungkol sa iyong pagkawasak, marami sa kanila ang matatakot, mga taong naninirahan sa mga bansang hindi mo pa kilala.
\q
\v 10 Sisindakin ko ang maraming mga tao dahil sa nangyari sa iyo. Ang kanilang mga hari ay manginginig sa takot at mangangatog dahil sa pagwasak ko sa iyo, noong ikinampay ko ang aking espada sa kanilang harapan upang patayin kita. Sa panahon na ikaw ay namatay, lahat sila ay manginginig, natatakot na baka patayin ko din sila.
\s5
\q
\v 11 Ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi sa iyo, Egipto, hahampasin ka ng mga espada ng hukbo ng hari ng Babilonia.
\q
\v 12 Pahihintulutan ko ang mga magigiting na kawal ng Babilonia upang patayin ang inyong pinakamahuhusay na mga kawal— ang mga kawal ng Babilonia, na higit na walang-awa kaysa sa ibang bansa. Dudulutan nila ng sanhi ang mga taga-Egipto upang ihinto ang pagiging mapagmalaki, dahil papatayin nila ang karamihan sa iyong mga tao..
\s5
\p
\v 13 Papatayin ko ang lahat ng baka sa Egipto na nanginginain sa tabi ng mga batis. Ang kahinatnan ay, ang mga tubig sa mga batis na iyon ay hindi na magiging maputik muli dahil sa pagdaraan dito ng mga tao at mga baka.
\q
\v 14 At pahihintulutan ko ang mga batis sa Egipto na muling maging maalumanay at aagos nang dahan-dahan gaya ng pagdaloy ng langis ng olibo."' Ito ang ipinapahayag ng Panginoong Yahweh.
\s5
\p
\v 15 Sinabi rin niya ito, "Kapag gagawin kong walang laman ang Egipto, kapag aalisin ko na ang lahat ng bagay na tumutubo sa lupain, at kapag paaalisin ko na ang lahat ng mga tao na nakitira doon, malalaman ng mga tao na ako si Yahweh, ang may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinabi na gagawin ko.
\p
\v 16 Iyan ang malungkot na awit na aawitin ng mga tao tungkol sa Egipto. Aawitin ito ng mga babae ng maraming bansa, aawitin nila ito tungkol sa Egipto at lahat ng mga tagapaglingkod nito. Ito ay tiyak na mangyayari dahil si Yahweh ang nagsabi na ito ay mangyayari.
\s5
\q
\v 17 Sa ikalabinlimang araw sa parehong buwan, nagbigay si Yahweh ng iba pang mensahe sa akin. Kaniyang sinabi,
\q
\v 18 "Anak ng tao, managhoy ka tungkol sa mga tagapaglingkod ng Egipto, dahil ipadadala ko sila sa malalim na lugar sa lupa, kung saan sila at ang mga tao ng iba pang makapangyarihang mga bansa ay naroon. Ipadadala ko sila doon, kasama ang mga iba, pababa sa lugar na kinaroroonan ng mga patay.
\s5
\p
\v 19 Sabihin mo sa kanila, 'Kayong mga taga-Egipto, iniisip ninyo na mas maganda kayo kaysa sa mga tao ng ibang mga bansa. Ngunit bababa rin kayo sa lugar na kinaroroonan ng mga taong namatay na walang diyos.
\p
\v 20 Mamamatay kayo sa gitna ng mga ibang pinatay ng kanilang mga kaaway. Binunot ng kanilang mga kaaway ang kanilang mga espada para lumusob, at kanilang kakaladkarin ang napakaraming bilang ng mga taga-Egipto at kaniyang mga tagapaglingkod.
\p
\v 21 Sa lugar na kinaroroonan ng mga taong patay ay pagtatawanan kayong mga taga-Egipto at ng iyong mga kakampi ng mga makapangyarihang pinuno ng ibang mga bansa. Sasabihin nila na dumating kayo para makihiga sa kanila, na mga taong walang diyos at pinatay ng kanilang mga kaaway.
\s5
\p
\v 22 Naroon din ang mga bangkay ng mga taga-Asiria at ang kanilang mga hukbo. Napalibutan sila ng mga bangkay ng iba pang pinatay ng kanilang mga kaaway.
\q
\v 23 Ang kanilang mga libingan ay nandoon sa malalim na hukay at hihiga ang mga bangkay ng mga kawal ng kanilang hukbo sa palibot ng kanilang mga libingan. Naroon din ang mga bangkay ng mga sumindak sa mga iba pang napakarami, sapagkat pinatay din sila ng kanilang mga kaaway.
\s5
\q
\v 24 Marami, maraming mga tao mula sa bansang Elam ang nandoon din at ang mga tagapaglingkod ni Elam, dahil pinatay sila ng kanilang mga kaaway. Ito ay mga kawal na sumindak sa mga tao sa maraming lugar. Sa panahong iyon, sila ay hihiga doon sa malalim na hukay sa ilalim ng lupa, at kasama sila sa mga iba pang mga pumupunta doon ay naging kahiya-hiya.
\p
\v 25 Ang mga taga-Elam at ang mga tagapaglingkod nito ay hihiga doon sa gitna ng iba pang mga pinatay, napapalibutan ang mga libingan sa pamamagitan ng isang napakaraming ibang mga tao. Noong buhay pa sila, sinindak nila ang mga tao ng iba pang mga bansa, ngunit wala silang diyos, at ngayon, dahil pinatay sila ng kanilang mga kaaway, hihiga sila kasama ang iba pang mga nasa malalim na hukay na iyon na kahiya-hiya.
\s5
\q
\v 26 Lahat ng mga bangkay ng kawal sa mga lupain ng Mesech at Tubal ay nandoon din, napapalibutan sa pamamagitan ng mga libingan ng isang napakaraming bilang ng kanilang mga tagapaglingkod. Habang sila ay buhay, sinindak nila ang mga tao sa maraming mga lugar. Lahat sila ay mga taong walang diyos na pinatay ng kanilang mga kaaway.
\q
\v 27 Hihiga sila doon sa tabi ng mga hindi tuli na mga mandirigma na namatay. Ang kanilang mga kalasag ay nasa kanilang mga katawan at ang kanilang mga espada ay nasa ilalim ng kanilang mga ulo. Nang sila ay buhay, sinindak nila sa takot ang maraming mga tao sa lupa.
\s5
\p
\v 28 Ikaw hari ng Egipto, papatayin din kita at hihiga ka doon kasama ang mga taong walang diyos na pinatay ng kanilang mga kaaway.
\q
\v 29 Ang mga taga-Edom ay nandoon din, kasama ang kanilang mga hari at mga pinuno. Makapangyarihan sila ngunit papatayin ko sila. Hihiga sila doon sa lugar kung saan nakahiga ang iba pang mga tao na walang diyos.
\s5
\p
\v 30 Nandoon din lahat ng mga namamahala sa mga bansa na nasa hilaga ng Israel, kasama ang mga tao mula sa lungsod ng Sidon. Dahil sa kanilang kapangyarihan, sinindak nila ang iba pang mga tao, ngunit hihiga sila doon. Wala silang diyos at hihiga sila doon sa tabi ng iba pang mga pinatay ng kanilang mga kaaway. Sila, kasama ang lahat ng bumaba sa malalim na hukay na iyon ay naging kahiya-hiya.
\s5
\q
\v 31 Makikita sila ng hari ng Egipto at ang lahat ng kaniyang hukbo at naging panatag sila tungkol sa pagkamatay ng kanilang mga tagapaglingkod, dahil nalaman nila na may isa pang napakalaking grupo ng mga tao na pinatay ng kanilang mga kaaway.
\q
\v 32 Nang nabubuhay pa ang haring iyan, pinahintulutan kong sindakin niya ang iba pang maraming bansa, ngunit siya at ang kaniyang napakaraming hukbo ay nandoon kasama ang iba pang mga taong walang diyos na pinatay ng kanilang mga kaaway." Ito ay tiyak at siguradong mangyayari dahil ang Panginoong Yahweh ang nagsabi na mangyayari ito.
\s5
\c 33
\p
\v 1 Nagbigay pa si Yahweh ng isa pang mensahe sa akin. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Anak ng tao, magsalita ka sa iyong mga kapwa Israelita at sabihin mo ito sa kanila. Ipagpalagay na magdadala ako ng mga hukbo ng mga kaaway upang salakayin ang isang bansa at ang mga tao sa bansang iyon ay pipili ng isa sa kanilang sariling mga tao upang maging isang tagapagbantay.
\q
\v 3 At ipagpalagay na kapag kaniyang makita at matanawan ang mga hukbo ng kaaway na paparating at kaniyang hihipan ang isang trumpeta upang bigyang babala ang bawat isa.
\q
\v 4 Kung narinig ng bawat isa ang trumpeta ngunit hindi binigyang pansin at kung ang taong iyon ay mamatay dahil sa mga kaaway, pananagutan ng taong iyon ang sarili niyang kamatayan.
\s5
\p
\v 5 Kung bibigyan niya ng pansin, maliligtas niya ang kaniyang sariling buhay. Ngunit kung mamatay siya, sarili na niya itong kasalanan.
\q
\v 6 Ngayon, ipagpalagay na nakita ng tagapagbantay na paparating ang hukbo ng kaaway at hindi niya hinipan ang trumpeta upang magbigay babala sa mga tao. Pagkatapos, ipagpalagay na isa sa kaniyang mga tao ang namatay dahil sa kaaway. Namatay ang taong iyon dahil sa sarili niyang pagkakamali, ngunit pananagutin ko ang tagapagbantay para dito.
\s5
\p
\v 7 Anak ng tao, ang talinghagang ito ay may isang kahulugan para sa iyo. Itinalaga kita bilang isang tagapagbantay para sa mga Israelita. Kaya lagi kang makinig kung ano ang aking sasabihin at bigyang babala ang mga tao para sa akin.
\p
\v 8 Kapag sabihin ko sa masamang tao, 'Ikaw masamang tao tiyak na mamamatay ka dahil sa iyong mga kasalanan', dapat mong sabihin sa kaniya kung ano ang aking sinabi, kung hindi ka magsalita sa taong iyon upang bigyang babala para talikuran ang kaniyang mga kasalanan, mamamatay ang masamang taong iyon dahil sa kaniyang mga kasalanan ngunit pananagutin kita sa kaniyang kamatayan.
\q
\v 9 Ngunit kung binigyan mo ng babala ang masamang tao na dapat niyang talikuran ang kaniyang mga kasalanan at siya ay namatay dahil sa kaniyang mga kasalanan, ngunit nailigtas mo ang iyong sariling buhay.
\s5
\q
\v 10 Anak ng tao, sabihin mo sa mga taong Israelita, 'Ito ang sinasabi ninyong lahat, "Ang sala na nararamdaman namin para sa hindi pagsunod sa mga kautusan ng Diyos at pagkakasala ay kagaya ng isang napakabigat na pasanin para sa amin at nasasaktan kami at dahan-dahan kaming namamatay. Kaya ano ang aming gagawin upang manatili kaming buhay?"
\q
\v 11 Sabihin mo sa kanila, 'sinasabi ng Panginoong Yahweh, "Siguradong ako ay buhay, hindi ko ikinakatuwa na ang mga masasamang tao ay mamatay. Mas pipiliin ko na talikuran nila ang kanilang mga masasamang pag-uugali at patuloy na mabuhay. Kaya magsisi na kayo! Talikuran ninyo ang inyong masasamang pag-uugali! Kayong mga Israelita, gusto ba talaga ninyong mamatay?"
\s5
\p
\v 12 Kaya, Anak ng tao, sabihin mo sa iyong mga kapwa Israelita na kung ang isang mabuting tao ay magsimulang sumuway sa akin, ang katotohanan na dati silang mga matuwid ay hindi magiging dahilan para hindi ko sila parusahan. Gayundin naman, kung ang masamang tao ay tumalikod mula sa kanilang mga masasamang pag-uugali, hindi sila mamamatay dahil sa mga kasalanang iyon. At kung ang mabuting tao ay magsimulang magkasala hindi ko pahihintulutan na maging dahilan ang katotohanan na naging mabuti sila upang hindi ko sila parusahan ngayon.
\p
\v 13 Sabihin mo sa kanila na kung sasabihin ko sa mga mabuting tao na tiyak na mananatili silang buhay, ngunit kung iisipin nila na maaari na silang gumawa ng masama na hindi ko sila parurusahan— kung magkagayon, hindi ko papansinin ang mga mabubuting bagay na kanilang ginawa sa nakaraan. Sisiguraduhin kong mamamatay sila dahil sa mga masasamang bagay na kanilang ginagawa ngayon.
\s5
\q
\v 14 Ipagpatuloy mong sabihin sa mga tao ang mga bagay na ito: kung sasabihin ko sa ilang masamang tao na, "Ikaw ay tiyak na mamamatay dahil sa iyong mga kasalanan,' sakaling ihinto ng taong iyon ang paggawa ng masama at umpisahang gumawa kung ano ang makatarungan at mabuti.
\q
\v 15 Halimbawa, baka sakaling ibalik niya kung ano ang kaniyang kinuha mula sa ibang tao upang siguruhing babayaran ng taong iyon ang kaniyang inutang, o baka sakaling ibalik niya ang mga bagay na kaniyang ninakaw, o baka sakaling sundin niya ang mga batas na nagbibigay buhay sa mga sumusunod nito upang manatiling buhay. Kung mangyayari ito, tiyak na mabubuhay siya. Hindi siya mamamatay dahil sa mga kasalanang nagawa niya sa nakaraan.
\q
\v 16 Babaliwalain ko ang mga kasalanan na kaniyang nagawa sa nakaraan, siya ay tiyak na mabubuhay.
\s5
\p
\v 17 Sabihin mo ito sa mga tao: na nagsasabing hindi makatwiran ang aking ginagawa, ngunit ang kanilang mga ginagawa ang hindi makatwiran. At sabihin mo din ang mga bagay na ito sa kanila:
\p
\v 18 Kung ang isang mabuting tao ay hihinto sa paggawa ng mabuti at magsimulang gumawa ng masama, makatuwiran na ang taong ito ay mamatay dahil sa kaniyang mga kasalanan.
\q
\v 19 At kung tinalikuran ng masamang tao ang kaniyang masamang pag-uugali at gawin kung ano ang mabuti at makatuwiran, makatuwiran ito para sa kaniya na manatiling buhay dahil sa ginawa niyang iyon.
\p
\v 20 Ipaalala mo sa mga tao na nagsasabi pa rin na ang aking ginagawa ay hindi makatuwiran. Maaari nilang sabihin ang lahat ng kanilang gustong sabihin, ngunit parurusahan ko ang bawat isa sa kanila ayon sa kanilang ginawa. Sabihin mo ito sa kanila."
\s5
\q
\v 21 Halos labindalawang taon matapos kaming dalhing mga Israelita ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain, sa ika-limang araw ng ika-sampung buwan sa taong iyon, isang lalaki na nakatakas mula sa Jerusalem ang dumating sa akin sa Babilonia at sinabi, "Nabihag na ang Jerusalem!"
\p
\v 22 Sa kinagabihan bago dumating ang lalaking iyon, pinamahalaan ako ni Yahweh. Kaya nang dumating ang lalaking iyon, binigyan ako ni Yahweh ng kakayahan upang makapagsalita muli, hindi na ako napilitan na manahimik.
\s5
\p
\v 23 Pagkatapos nagbigay si Yahweh ng isang mensahe sa akin. Sinabi niya,
\p
\v 24 "Anak ng tao, sinasabi ng mga tao na naninirahan sa lugar ng pagkawasak sa Israel, 'nag-iisang tao lamang si Abraham, ngunit ipinangako ni Yahweh sa kaniya na siya at ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay mamanahin ang lupaing ito. Ngunit marami kami, kaya tiyak na ibibigay ni Yahweh sa amin ang lupaing ito bilang ari-arian.
\s5
\q
\v 25 Kaya magpadala ka ng isang mensahe sa kanila at sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ang Panginoon, "Kumain kayo ng karne ng hayop na may dugo pa. Sumasamba pa rin kayo sa mga diyus-diyosan. At pumapatay pa rin kayo. Kaya dapat bang mapasainyo ang lupaing ito?
\q
\v 26 Ginagamit pa rin ninyo ang inyong mga espada upang makuha ang mga bagay na gusto ninyo. Gumagawa kayo ng maraming kasuklam-suklam na bagay. Bawat isa sa inyo ay nakikipagtalik sa asawang babae ng ibang lalaki. Kaya dapat ba talagang mapasainyo ang lupain ng Israel?" '
\s5
\q
\v 27 Ipadala mo ang isang mensaheng ito sa kanila at sabihin mo sa kanila na ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh para sa kanila: 'Gaya ng kasiguraduhan na Ako ay buhay, sa mga naiwan sa lugar ng pagkawasak sa Jerusalem, papatayin din sila ng kanilang mga kaaway. At sa mga naninirahan kalapit bansa, papatayin sila ng mga mababangis na hayop. Sa mga naninirahan sa kanilang mga tanggulan at sa mga kuweba ay mamamatay sa pamamagitan ng sakit.
\q
\v 28 Sisirain ko ang inyong mga bansa upang maging isang pinabayaang parang. Hindi na ninyo maipagmamalaki ang inyong pagiging malakas na bansa. Magiging isang lubos na pinabayaan ang mga kabundukan ng Israel na ang kahihinatnan nito ay wala nang dadaan dito.
\q
\v 29 At kapag pahihintulutan ko ang kanilang mga bansa upang maging isang pinabayaang parang dahil sa lahat ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na inyong ginawa, malalaman nila na Ako si Yahweh, na may kapangyarihan na gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko."
\s5
\q
\v 30 Para sa iyo, Anak ng tao, ang iyong mga kapwa Israelita dito sa Babilonia ay nakatayo sa gilid ng pader ng lungsod o sa mga pintuan ng kanilang mga tahanan at nagsasabi sa bawat isa. Sinasabi nila, 'Halikayo at ating pakinggan ang salita na nagmula kay Yahweh.'
\q
\v 31 Ang aking mga tao ay darating sa iyo gaya ng madalas nilang ginagawa at uupo sila sa iyong harapan upang makinig kung ano ang iyong sasabihin. Ngunit hindi nila gagawin ang sinabi mo sa kanila na dapat nilang gawin. Sinasabi nila sa kanilang bibig na mahal nila ako, ngunit sa kanilang kalooban, sabik nilang kamtin ang mga bagay sa pamamagitan ng paggawa ng hindi makatarungan.
\s5
\q
\v 32 Para sa kanila, para ka lamang isang tao na umaawit sa kanila ng magagandang mga awitin at tumutugtog nang mahusay ng isang instrumento. Narinig nila kung ano ang iyong sinabi, ngunit hindi nila ginagawa kung ano ang iyong sinabi na gawin nila.
\q
\v 33 Ang mga kasindak-sindak na mga bagay na aking sinabi na mangyayari sa kanila ay tiyak na mangyayari. At pagkatapos, malalaman nila na ang isang propeta ay kasama nila, at ikaw ang propetang iyon."
\s5
\c 34
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Anak ng tao, sabihin mo ang aking mensahe laban sa mga pinuno ng Israel. Sila ang dapat na nag-aalaga sa aking mga tao, katulad ng mga pastol na nag-aalaga sa kanilang mga kawan. Sabihin mo sa kanila na ito ang sinasabi ko, na ako ang Panginoong Yahweh: 'Kayong mga Pastol ng Israel, kakila-kilabot na mga bagay ang mangyayari sa inyo dahil inaalagaan lamang ninyo ang inyong mga sarili. Dapat ay inaalagaan ninyo ng tiyak ang ang aking mga tupa.
\p
\v 3 Ngunit para kayong mga pastol na kumakain ng matabang tupa, na kumakatay sa pinakamainam na mga hayop para sa kanilang mabalahibong tela. Hindi talaga kayo tunay na mga pastol.
\s5
\q
\v 4 Hindi ninyo inalagaan ang may sakit na tupa; hindi ninyo binigyang pansin ang mga sugatan. Hindi ninyo hinanap ang mga naligaw na tupa. Pinamunuan ninyo sila sa pamamagitan ng lakas at dahas.
\q
\v 5 Dahil hindi ninyo sila inalagaan, ang aking mga tao ay nagpagala-gala na gaya ng tupa. At habang sila ay nangalat, sinalakay sila ng mababangis na hayop at sila ay pinatay, at kinain ang kanilang laman.
\p
\v 6 Ang aking mga tao ay nagpagala-gala na tulad ng tupa sa ibabaw ng mga matataas na burol at mga kabundukan. Sila ay nagkalat sa buong mundo, at walang kahit isa man ang naghanap sa kanila.
\s5
\p
\v 7 Kaya, kayo ang dapat na gumagawang tulad ng mga pastol, makinig sa kailangang kong sabihin sa inyo, Ako ang Panginoong Yahweh.
\p
\v 8 Dahil tiyak na buhay ako, ang aking mga tao ay tulad ng isang kawan ng tupa na walang sinumang pastol, at ang kinahinatnan nito ay para itong sinalakay ng mga mababangis na hayop ang aking mga tao at kinain sila. Kayong mga pastol ay hindi naghanap sa kanila; sa halip, nais lamang ninyong maglaan ng pagkain para sa inyong mga sarili.
\s5
\p
\v 9 Kaya, kayo na dapat maging mga pastol ng aking mga tao, makinig kayo sa akin.
\p
\v 10 Ako ay laban sa inyo mga pinuno. Parurusahan ko kayo para sa pang-aabuso ninyo sa aking mga tao. Aalisin ko kayo mula sa pangangalaga ng aking mga tao; hindi na ninyo pakakainin ang inyong mga sarili habang pinagwawalang-bahala sila. Ililigtas ko ang aking mga tao mula sa inyo, at hindi na ninyo sila makakatay at makakain.
\s5
\q
\v 11 Ako, ang Panginoong Yahweh, na nagsasabi sa inyong mga pinuno na ako mismo ang maghahanap sa aking mga tupa at mangangalaga sa kanila.
\q
\v 12 Gaya ng isang pastol na nangangalaga sa kaniyang tupa, ililigtas ko ang aking mga tao mula sa lahat ng mga lugar kung saan ninyo sila ikinalat, nang hampasin sila ng mga sakuna at natakot sila.
\p
\v 13 Ibabalik ko sila mula mga bansang iyon at muli silang titipunin sa kanilang sariling lupain. Pangungunahan ko ang aking tupa sa magandang pastulan sa mga burol ng Israel, sa mga batis, at sa mga nayon ng Israel.
\s5
\p
\v 14 Ang aking mga tupa ay manginginain sa magandang pastulan sa mga ibabaw ng bundok. Hihiga sila sa mga magagandang panginginainan.
\q
\v 15 Ako mismo ang mag-aalaga sa aking mga tao at pahihintulutan ko silang mahiga at magpahinga. Akong si Yahweh na Panginoon ang nangangako nito.
\p
\v 16 Hahanapin ko ang mga nawawala; Ibabalik ko ang mga naligaw palayo. Bebendahan ko ang mga napilayan at palalakasin ang mga mahihina. Ngunit pupuksain ko ang mga matataba at malalakas. Magiging patas ang pagturing ko para sa aking tupa, aking mga tao.
\s5
\q
\v 17 At para sa inyo, aking mga tao, aking tupa, Ako ang Panginoong Yahweh na nagsasabi nito: 'Hahatulan ko ang bawat isa sa inyo; Ihihiwalay ko ang mga payapa mula sa mga malulupit at malalakas.
\p
\v 18 Kayong mga pinuno, kayo na tulad ng tupang gumagawa ng kasamaan sa mga iba: masama ito na pinananatili ninyo ang pinakamainam na mga pastulan para sa inyong mga sarili. Naging mas malala ito nang tinapakan ninyo ang magagandang damo ng inyong mga paa. Masama ito na ikaw mismo ay umiinom ng malinaw na tubig. Mas malala pa nito na ginagamit ninyo ang inyong mga paa upang maging maputik ang natitirang tubig.
\q
\v 19 Pinipilit ninyo ang aking kawan na kumain ng damo na inyong tinapakan at uminom ng tubig na inyong ginawang maputik!
\s5
\q1
\v 20 Kaya, Ako ang Panginoong Yahweh na nagsasabi nito sa inyo: Ako mismo ang hahatol sa ninyo na tulad ng matatabang tupa at sa lahat ng aking mga tao, silang mga tulad ng mapapayat na tupa.
\p
\v 21 Kayo na tulad ng malalakas na tupa, gamit ang inyong mga balikat at mga puwit itinutulak ninyo ang iba palayo. Sinusuwag ninyo sila gamit ang inyong mga sungay, hanggang sa naitaboy ninyo silang lahat sa magagandang pastulan.
\s5
\q1
\v 22 Ngunit sasagipin ko ang aking mga tao, at hindi na kayo mananakaw pa mula sa kanila. Ako ang hahatol sa pagitan ng isang tao at iba pa.
\q1
\v 23 At hihirang ako ng isang pinuno para sa kanila, isang tao na magiging tulad ni Haring David, na naglingkod nang napakahusay. Ang pinunong iyon ang mangangalaga sa kanila at magiging gaya ng pastol sa kanila.
\q1
\v 24 Akong si Yahweh, ang magiging Diyos nila, at ang isang tulad ni Haring David ang magiging hari nila. Tiyak na mangyayari iyon dahil Akong si Yahweh ang nagsabi nito.
\s5
\p
\v 25 Gagawa ako ng isang kasunduan sa mga Israelita. Mangangako ako na bibigyan ko sila ng kapayapaan. Mangangako ako na paaalisin ko ang lahat ng mga mababangis na hayop sa Israel, upang ang aking mga tao ay makapamuhay ng ligtas, kahit sa ilang at sa mga kagubatan.
\q1
\v 26 Pagpapalain ko sila, at pagpapalain ko ang mga burol ng aking lupain. Pagpapalain ko sila sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng mga pagbuhos ng ulan sa tamang panahon; bubuhos ang mga ito upang pagpalain sila.
\q1
\v 27 Ang mga punong namumunga ay mamumunga, at ang lupa ay magbibigay ng mga ani. At ang mga tao ay mamumuhay ng matiwasay sa kanilang lupain. Kapag sinagip ko sila mula sa mga taong umalipin sa kanila, malalaman nila na ako si Yahweh, ang may kapangyarihan na gawin kung ano ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\q1
\v 28 Ang mga kawal mula sa ibang mga bansa ay hindi na kukunin ang kanilang mga mahahalagang pag-aari, at hindi na sila sasalakayin ng mga mababangis na hayop. Mamumuhay sila nang ligtas, at wala kahit isa ang makakapanakot sa kanila.
\p
\v 29 Ako ang magdudulot sa kanilang lupain upang maging mapayapa at upang magbigay ng mga magagandang ani. Hindi na magkakaroon ng taggutom sa lupain, at hindi na sila kukutyain ng mga tao sa ibang mga bansa.
\s5
\q
\v 30 At malalaman nila na Akong si Yahweh na kanilang Diyos ang tumutulong sa kanila, at malalaman nila na silang mga taong Israelita ay aking mga tao.
\q
\v 31 Ito ay para bang kayo, aking mga tao, ay aking mga tupa na aking inaalagaan, at ako ang magiging Diyos ninyo. Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpahayag nito."
\s5
\c 35
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 2 "Anak ng tao, humarap ka sa Edom at magpropesiya ka kung ano ang mangyayari sa mga tao nito. Sabihin mo ito sa kanila:
\q
\v 3 'Kayong mga nakatira malapit sa Bundok ng Seir sa Edom, Ako ang inyong kaaway. Gagamitin ko ang aking kapangyarihan upang hampasin kayo at wasakin ang inyong bansa.
\s5
\p
\v 4 Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at lilisanin ito ng lahat. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na Akong si Yahweh, ang may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinabi na gagawin ko.
\q
\v 5 Kayo ay naging kaaway lagi ng mga Israelita. Nagalak kayo nang dumanas sila ng malalaking sakuna, nang lusubin sila ng kanilang mga kaaway, nang pinarurusahan ko sila ng matindi sa mga kasalanang kanilang nagawa.
\q
\v 6 Samakatwid, Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpapahayag na dahil Ako ay tiyak na buhay, pahihintulutan ko ang inyong mga kaaway na patayin kayo. Paulit-ulit nila kayong lulusubin. Nasiyahan kayo sa panonood sa ibang taong namamatay, kaya papatayin ko kayo.
\s5
\p
\v 7 Kaya nga, paaalisin ko ang lahat sa Bundok ng Seir, at wawasakin ko ang sinumang papasok o aalis dito.
\q
\v 8 Pupunuin ko ang inyong mga kabundukan ng mga bangkay ng mga pinatay. Ang mga bangkay ng mga pinatay ng inyong mga kaaway ay hahandusay sa inyong mga burol, sa inyong mga lambak at sa lahat ng inyong mga bangin.
\p
\v 9 Gagawin ko na ang inyong lupain ay walang taong maninirahan magpakailanman. Wala kahit isa ang maninirahang muli sa inyong mga bayan. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na Akong si Yahweh, ang may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinabi na gagawin ko.
\s5
\p
\v 10 Sinabi ninyong mga tao, 'Maaangkin natin ang Israel at Juda. Aagawin natin ang kanilang teritoryo!' Sinabi ninyo iyon, kahit na Akong si Yahweh ay naroon at pinangangalagaan sila.
\q
\v 11 Samakatwid, Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpapahayag na dahil Ako ay tiyak na buhay, parurusahan ko kayo sa pagiging galit sa aking mga tao, sa pagkainggit sa kanila at sa pagkamuhi sa kanila. At kapag pinarusahan ko kayo, titiyakin kong malalaman ng mga Israelita na Ako ang nagparusa sa inyo.
\s5
\q
\v 12 At malalaman ninyo na Akong si Yahweh ang nakarinig sa lahat ng kasuklam-suklam na bagay na inyong sinabi tungkol sa lupain ng Israel. Sinabi ninyo na ang lupain ay nawasak at maaari ninyo itong sakupin para sa inyong mga sarili.
\q
\v 13 Nilait ninyo ako. Narinig ko lahat ang inyong sinabi tungkol sa akin.
\s5
\q
\v 14 Kaya ito ang sinasabi ko, Akong si Yahweh na Panginoon: Kayong mga taong naninirahan sa Bundok ng Seir at sa lahat ng mga lugar sa Edom, kapag pinaalis ko ang lahat sa inyong lupain, magagalak ang lahat na nasa mundo.
\q
\v 15 Nagalak kayo nang mawasak ang lupain ng mga Israelita, kaya ganoon din ang gagawin ko sa inyong lupain. Kapag nangyari iyon, malalaman ng mga tao na Akong si Yahweh ang may kapangyarihan na gawin kung ano ang aking sinabi na gagawin ko.'"
\s5
\c 36
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh kay Ezekiel, "Anak ng tao, magbigay ka ng isang mensahe sa maburol na bansa at mga kabundukan sa Israel na para bang sila ay mga tao. Sabihin sa kanila na makinig sa aking mensahe para sa kanila.
\p
\v 2 Ito na: ang mga kaaway ng Israel, silang mga pangkat ng tao na naninirahan sa malapit, na ngayon ay napakasaya, dahil sinasabi nila na wasak na ang Jerusalem, kaya ang maburol na bansa at mga kabundukan ng Israel ngayon ay pag-aari na nila.
\q
\v 3 Kaya ikaw, Ezekiel, dapat mong sabihin sa mga kabundukan ng Israel kung ano ang aking sinasabi sa kanila, Ako ang Panginoong Yahweh. 'Sinalakay kayo ng mga kawal ng ibang mga bansa mula sa bawat dako, at iniwan kayo ng lahat. Ang mga banyagang kawal ay nasa inyong lupain ngayon. Nagsasalita sila nang napakalaswa tungkol sa inyong mga tao, ang Israelita, at nagsabi sila ng lahat ng uri ng kasinungalingan tungkol sa kanila.
\s5
\q
\v 4-6 Kaya, kayong mga kabundukan ng Israel, makinig sa mensaheng ito mula sa akin. Ako si Yahweh na Panginoon ay may sasabihin sa inyo, ang mga burol at mga kabundukan, at sa inyo, ang mga bangin at mga lambak, at sa inyo, ang mga bayan at mga lungsod na sinunog ng kaaway, kung saan walang kahit na isa ang nabubuhay pa, kung saan kinuha ng kaaway ang lahat ng mahahalagang bagay, at kung saan ang lahat ng mga tao na mga lahing nakapalibot ay nanghahamak. "Ako ang Panginoong Yahweh na ang nagpapahayag nito: Galit na galit ako sa mga taga-Edom at sa ibang mga pangkat ng tao; inalipusta nila ang iyong taong Israelita at nagagalak na kinuha ang lahat ng kanilang lupain bilang mga pastulan. Kaya dapat na magsalita sa inyo si Ezekiel para sa akin, sa lupain ng Israel, sa mga kabundukan at sa mga burol, sa mga lambak at sa mga bangin: Ako si Yahweh na Panginoon ay galit na galit dahil inalipusta kayo ng mga kaaway.
\s5
\q
\v 7 Kaya nga, Akong, si Yahweh na Panginoon ang nagsasabi nito: Mataimtim kong ipinapahayag na ipapahiya ko ang mga tao ng mga bansang nakapalibot sa inyo.
\s5
\p
\v 8 Ngunit sinasabi ko sa inyo mga kabundukan ng Israel na napakalaking bunga ng mga prutas ang lalago sa inyong mga punongkahoy para sa aking mga taong Israelita, dahil malapit na silang umuwi mula sa Babilonia.
\p
\v 9 Kikilos ako upang tulungan kayo, at magiging mabuti ako sa inyo. Bibigyan ko ng kakayahan ang mga magsasaka upang mag-araro ng lupa at magtanim ng binhi sa inyo.
\s5
\p
\v 10 Pararamihin ko ang bilang ng mga taong naninirahan doon sa inyong mga kabundukan at saanman sa Israel upang lubusang dumami. Ang mga tao ay mamumuhay sa mga lungsod at magtatayong muli ng mga bahay kung saan mga pagkawasak lamang ang naroon ngayon.
\p
\v 11 Ako ang magdudulot sa bilang ng mga tao at mga inaalagaang hayop upang dumami. Ang mga tao ay magkakaroon ng maraming mga anak. Bibigyan ko ng kakayahan ang mga tao upang manirahan doon gaya nang dati nilang ginawa, at ako ang magdudulot sa kanila upang managana na gaya ng dati.
\p
\v 12 At bibigyan ko ng kakayahan ang aking mga taong Israelita na lumakad sa iyong mga kabundukan. Sila ay magmamay-ari ng lupain sa iyo; Ikaw ay magiging kabilang sa kanila magpakailanman. Magkakaroon ka nang sapat na pagkain para kainin nila, kaya hindi na sila muling magugutom at mamamatay.
\s5
\p
\v 13 Ako si Yahweh na Panginoon, sinasabi ko ito sa inyo mga kabundukan: Ito ay totoo na sinasabi ng mga tao na hindi sila makapagpalago ng maraming mga pananim sa inyo, kaya namatay sila sa gutom.
\p
\v 14 Ngunit hindi na mangyayari iyon.
\p
\v 15 Mga kabundukan hindi na kayo lilibakin ng ibang mga pangkat ng tao. Hindi na nila kayo pagtatawanan; kayong mga kabundukan, hindi na ninyo pagdurusahin sa pagkatalo ang iyong bansa. Ako ang Panginoong Yahweh, ako mismo ang nagsasabi nito sa iyo."
\s5
\q
\v 16 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\p
\v 17 "Anak ng tao, nang ang mga taong Israelita ay namumuhay sa kanilang sariling lupain, dinumihan nila ito sa pamamagitan ng mga bagay na kanilang ginawa. Ginawa nila itong hindi katanggap-tanggap sa akin. Ibinilang kong kasuklam-suklam ang kanilang mga pag-uugali gaya ng mga basahan na ginagamit ng mga babae sa panahon ng kanilang buwanang pagreregla.
\p
\v 18 Kaya mahigpit ko silang parurusahan, dahil pinatay nila ang maraming mga tao at dahil sumamba sila sa mga diyus-diyosan doon. Ginawa nilang hindi katanggap-tanggap sa akin ang buo nilang lupain.
\s5
\q
\v 19 Kaya ginawa kong ikalat sila ng kanilang mga kaaway sa ibang mga lupain. Pinarusahan ko sila gaya ng kaparusahan na nararapat sa kanila dahil gumawa sila ng napakaraming masasamang mga bagay.
\p
\v 20 Kahit saan sila pumunta sa mga lupaing iyon, nagdudulot sila sa ibang mga tao upang hamakin ako, sa halip na ako ay parangalan. Sinasabi ng mga taong iyon, 'Ang mga Israelita ay nabibilang kay Yahweh, ngunit hindi sapat ang kaniyang lakas upang pangalagaan sila. Kailangan nilang iwan ang lupain na ibinigay niya sa kanila.'
\q
\v 21 Ipinahiya ako ng mga Israelita sa mga pangkat ng mga tao kung saan sila ay napunta, na dapat sana ay sambahin ako ng mga pangkat ng mga taong iyon.
\s5
\p
\v 22 Kaya ikaw, Ezekiel, sabihin mo sa mga taong Israelita na ako ang Panginoong Yahweh ang nagsasabi nito sa kanila: 'Kayong mga taong Israelita, hindi ito sa inyong kapakanan na ililigtas ko kayo mula sa inyong mga kaaway. Sa halip, gagawin ko ito upang ang mga tao sa ibang mga lupaing ito ay sambahin ako bilang Diyos. Ginawa ninyo nang buong husay upang ipahiya ako saanman kayo pumaroon.
\p
\v 23 Ipapakita ko na ang ibang mga pangkat ng taong ito ay dapat sumamba sa akin bilang Diyos, kahit hindi pa nila nalalaman ito kailanman sa pamamagitan ng panonood kung paano kayo kumilos. Kapag pinatunayan ko sa kanila na ako ay makapangyarihan at kayang gawin ang anumang bagay, at malalaman nila na ipagpapatuloy ko ang lahat nang sinabi kong gagawin. At makikita nila na pinararangalan mo ako bilang Diyos na banal.
\s5
\p
\v 24 Ang gagawin ko ay ibabalik ka mula sa mga malalayong lupain. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga lugar kung saan kayo napunta, at ibabalik ko kayo sa sarili ninyong lupain.
\p
\v 25 Ito ay parang magwiwisik ako ng malinis na tubig sa inyo, at pagkatapos ay magiging malinis kayo. Gagawin ko kayong malinis mula sa lahat ng mga bagay na naging dahilan upang tanggihan ko kayo, at ako ang magpapahinto sa inyo sa pagsamba sa mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 26 Bibigyan ko kayo ng isang ganap at bagong paraan ng pag-iisip. Bibigyan ko kayo ng kakayahan upang tumigil sa pagiging matigas ang ulo, at bibigyan ko kayo ng kakayahang sumunod sa akin mula sa iyong panloob na pagkatao.
\p
\v 27 Ilalagay ko ang aking Espiritu sa inyo at bibigyan kayo ng kakayahang sumunod ng maingat sa lahat ng aking kautusan.
\p
\v 28 Mamumuhay kayong muli sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga ninuno. Kayo ay magiging mga tao ko, at ako ang magiging Diyos ninyo.
\s5
\p
\v 29 Palalayain ko kayo mula sa lahat ng mga bagay na naging dahilan upang tanggihan ko kayo. Ako ang magpaparami sa inyong mga butil, at hindi na ako magpapadala muli ng taggutom sa inyo.
\q
\v 30 Pagbubungahin ko ng marami ang mga puno ng prutas at ang sa inyong mga lupa upang umani ng maraming magagandang ani, na ang kinahinatnan ay hindi ka na hahamakin ng mga tao sa ibang mga bansa dahil sa kawalan mo ng sapat na pagkain.
\p
\v 31 Kapag nangyari iyon, maiisip mo ang tungkol sa dating kasamaan ng iyong pag-uugali at mga masasamang gawa, at kayo ay magagalit nang labis sa inyong mga sarili para sa inyong mga kasalanan at mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyong ginawa.
\s5
\p
\v 32 Ngunit ako ang Panginoong Yahweh, ang nagsasabi nito sa inyo: Ito ay hindi para sa inyong kapakanan na gagawin ko ang mga bagay na iyon. Kayong mga taong Israelita ay nararapat na mahiya sa inyong pag-uugali.
\p
\v 33 Ako ang Panginoong Yahweh, ang nagsasabi rin nito sa inyo: Sa panahong lilinisan ko kayo sa lahat ng inyong mga nagawang kasalanan, bibigyan ko kayo ng kakayahan na muling manirahan sa inyong mga lungsod at magtayo ng mga tahanan kung saan ngayon ay mga lugar ng pagkawasak lamang ang naroon.
\p
\v 34 Ang mga tao na magdaraan sa inyong bansa ay makikita na ang inyong lupain ay ay muling binubungkal, at ang inyong mga tao ay naninirahang muli dito.
\s5
\p
\v 35 At sasabihin nila, "Ang lupaing ito na dating wasak at naging napakataba, tulad ng hardin ng Eden. Ang mga lungsod na mga tumpok ng pagkawasak, walang tao at nawasak, ngayon ay mayroong mga bahay sa palibot ng mga ito, at ang mga tao ay naninirahan sa mga lungsod na iyon."
\p
\v 36 Kapag mangyari iyon, malalaman ng mga taong nananatili pa sa mga lupaing nakapalibot sa inyo na ako si Yahweh, ang nagbigay ng kakayahan sa inyo upang itayong muli ang nawasak, at upang magtanim muli ng mga pananim sa mga bukirin na walang tumutubo sa mga ito. Ako si Yahweh, ang nagsabi na ito ay mangyayari, at ako ang magdudulot upang mangyari ito.
\s5
\p
\v 37 Akong si Yahweh na Panginoon ang nagsasabi rin nito: Muli kong sasagutin ang inyong mga pagsamo sa akin upang gawing kasindami ng tupa ang inyong mga tao.
\p
\v 38 Gagawin ko silang marami gaya ng mga kawan ng tupa na kakailanganin para sa pag-aalay sa Jerusalem sa panahon ng inyong mga karaniwang pagdiriwang. Ang mga lungsod na nawasak ngayon ay mapupuno ng mga tao, at pagkatapos ay malalaman ninyo na Ako si Yahweh, ang gumawa nito."
\s5
\c 37
\p
\v 1 Isang araw, binigyan ako ni Yahweh ng isa pang pangitain. Sa pangitain na iyon, naramdaman ko ang kapangyarihan ng Diyos sa akin, at sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu, dinala niya ako sa gitna ng isang lambak. Punung-puno ito ng mga buto ng mga taong pinatay.
\p
\v 2 Sinamahan niya ako papunta at pabalik sa mga butong iyon. Nakita ko na napakaraming mga buto roon, mga buto na tuyong-tuyo.
\q
\v 3 Tinanong niya ako, "Anak ng tao, sa tingin mo ba ay magiging mga taong buhay muli ang mga butong ito?" Sumagot ako, "Yahweh, aking Panginoon, ikaw lamang ang nakakaalam kung iyon ay mangyayari."
\s5
\q
\v 4 At sinabi niya sa akin, "Magsalita ka ng isang mensahe para sa akin para sa mga butong ito. Sabihin mo sa kanila, 'Kayong mga tuyong buto, makinig kayo sa sasabihini ni Yahweh.
\p
\v 5 Ito ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon sa inyo: Ibibigay ko ang aking hininga sa bawat isa sa inyo, at mabubuhay kayong muli.
\q
\v 6 Maglalagay ako ng mga litid sa inyong mga buto at babalutin ang inyong mga buto ng laman. Babalutin ko ng balat ang inyong laman. At hihingahan ko kayo, at mabubuhay kayo. Kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na, ako si Yahweh, ay may kapangyarihan na gawin ang sinabi ko na gagawin ko.' "
\s5
\q
\v 7 Kaya nagsalita ako sa mga buto gaya ng iniutos sa akin ni Yahweh na magsalita ako. Habang nagsasalita ako, mayroong isang ingay, isang tunog ng pagyanig, at nagsama-sama ang mga buto at nagkadikit-dikit sa isa't isa.
\q
\v 8 Habang ako ay nakatingin, nakita ko ang mga litid na dumidikit sa mga ito at ang laman na bumabalot sa kanila, at pagkatapos binalutan ng balat ang mga laman, ngunit hindi humihinga ang mga ito.
\s5
\q
\v 9 At sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, magsalita ka ng isang mensahe para sa akin sa hangin. Sabihin mo sa hangin, "Hangin, sinasabi ni Yahweh sa iyo, umihip ka mula sa apat na mga direksyon. Huminga ka sa mga taong ito na pinatay, upang sa gayon ay mabuhay silang muli!"'
\p
\v 10 Kaya sinabi ko ang iniutos niya na sabihin ko, at binigyan sila ng hininga at nagsimula silang huminga. Nabuhay sila at tumayo, gaya ng isang napakaking hukbo.
\s5
\q
\v 11 At sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, ang mga butong ito ay kumakatawan sa lahat ng mga taong Israelita. Sabi ng mga tao, "Parang natuyo na ang aming mga buto; wala na kaming magandang aasahan pa; nawasak na ang aming bansa.'
\p
\v 12 Kaya sabihin mo ang aking mensahe sa kanila at sabihin, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Aking mga tao, ito ay para bang bubuksan ko ang inyong mga libingan at bubuhayin kong muli ang inyong mga bangkay. Ibabalik ko kayo sa Israel.
\s5
\q
\v 13 At kapag nangyari iyon, malalaman ninyo na mga tao ko na Ako si Yahweh ang gumawa nito.
\q
\v 14 Ilalagay ko ang aking espiritu sa inyo at ito ay parang muli kayong nabuhay, at patitirahin ko kayong muli sa sarili ninyong lupain. At malalaman ninyo ito na ako si Yahweh ang nagsabi na mangyayari ito at ang magpapahintulot na mangyayari ito. Akong si Yahweh ang nagpahayag nito.' "
\s5
\q
\v 15 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya,
\q
\v 16 "Anak ng tao, kumuha ka ng isang patpat at sulatan mo ito, 'Kumakatawan ito sa Juda at sa lahat ng mga tribo ng Juda.'
\p
\v 17 At kumuha kang muli ng isa pa at isulat ito, 'Kumakatawan ito sa Israel at sa lahat ng mga tribo ng Israel.' At pagsamahin mo ang mga ito upang ito ay maging parang isang malaking patpat sa iyong kamay.
\s5
\p
\v 18 Kapag tinanong ka ng mga kapwa mo Israelita, 'Ano ang kahulugan ng ginawa mong ito?',
\q
\v 19 sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Ang isang piraso ng kahoy sa kamay ni Ezekiel ay kumakatawan sa Israel at sa lahat ng mga tribo ng Israel. Pag-iisahin ko ito sa isang pirasong kahoy na kumakatawan sa Juda, upang maging isang patpat sa kaniyang kamay.'
\q
\v 20 At Anak ng tao, itaas mo ang mga piraso ng kahoy na sinulatan mo, upang makita ito ng mga tao.
\s5
\q
\v 21 Sabihin mo sa mga tao, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh ang Panginoon: Ilalabas ko kayong mga Israelita sa mga bansa kung saan sapilitan kayong pinapunta. Titipunin ko kayo mula sa lahat ng mga lupaing iyon, pabalik sa inyong sariling lupain.
\q
\v 22 At muli ko kayong gagawing isang bansa sa inyong lupain, sa mga bundok ng Israel. At isang hari na maghahari sa inyong lahat. Hindi na kayo muling magiging dalawang bansa o mahahati sa dalawang kaharian.
\q
\v 23 Kailanman ay hindi na ninyo dudungisan ang inyong mga sarili sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan at sa mga karumal-dumal na imahe ng mga diyos, dahil pahihintuin ko kayo sa pagkakasala at pipigilan kayo sa hindi pagtanggap sa akin. Kayo ay magiging aking mga tao, at Ako ang magiging Diyos ninyo.'
\s5
\q
\v 24 Isang taong kagaya ni Haring David, na naglingkod sa akin nang napakabuti, ang magiging hari ng inyong mga kaapu-apuhan, at ito ay parang siya ang magiging pastol nila. Maingat nilang susundin ang lahat ng aking batas.
\p
\v 25 Maninirahan sila sa lupain na ibinigay ko kay Jacob, na naglingkod din sa akin nang napakabuti; maninirahan sila sa lupain kung saan nanirahan ang inyong mga ninuno. Sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga apo ay mamumuhay roon magpakailanman, at ang isang katulad ni Haring David ang magiging hari nila magpakailanman.
\s5
\q
\v 26 Gagawa ako ng isang kasunduan sa kanila na magbibigay sa kanila ng kapayapaan; magiging isang kasunduan ito na mananatili magpakailanman. Ibibigay kong muli sa kanila ang lupaing iyon at pararamihin ang kanilang bilang. At ilalagay ko sa gitna nila ang aking templo magpakailanman.
\q
\v 27 Ang aking tahanan kung saan ako mananahan sa kalagitnaan nila; Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ang aking magiging mga tao.
\q
\v 28 At kung ang aking templo ay naroon nang muli sa kanila, malalaman ng mga tao sa mga bansa na Ako si Yahweh ang pumili sa Israel para sa aking karangalan."
\s5
\c 38
\p
\v 1 Binigyan ako ni Yahweh ng isa pang mensahe. Sinabi niya sa akin,
\q
\v 2 "Anak ng tao, umikot ka at humarap ka sa Magog, ang bansa kung saan si Gog ang hari. Siya rin ang pinuno ng mga bansang Meshec at Tubal. Ipahayag mo ang aking mensahe tungkol sa mga nakakakilabot na mga bagay na mangyayari sa kaniya.
\q
\v 3 Sabihin mo ito: 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Gog, ikaw na namumuno sa Mesech at Tubal, ako ay iyong kaaway.
\s5
\q
\v 4 Para bang paiikutin kita at kakawitan ang iyong mga panga at dadalhin kita sa Israel—ikaw at ang lahat mong hukbo, pati na ang iyong mga kabayo at mga kalalakihang may dalang mga sandata na nakasakay sa mga kabayong iyon, at marami pang iba na mga kawal na may dalang malalaki at maliliit na mga panangga, silang lahat na may dalang mga espada.
\q
\v 5 kasama rin ng iyong mga kawal ang mga hukbong mula sa Persia, Etiopia, at Put, lahat sila ay mayroong mga panangga at mga helmet,
\q
\v 6 lahat din ng mga kawal mula sa Gomer at ang isang hukbo mula sa Beth-togarma—ang mga lupaing ito na parehong nasa dulong hilaga ng Israel. Pupunta ang mga hukbo ng maraming bansa sa iyo.'
\s5
\q
\v 7 Sabihin ito kay Gog: 'Maghanda ka, at maging handa na maging pinuno ng lahat ng mga kawal.
\p
\v 8 Sa panahong darating, uutusan ka ni Yahweh na pamunuan ang mga hukbong iyon upang salakayin ang Israel, na isang bansa na ang mga gusali ay itinayong muli matapos itong wasakin sa mga digmaan. Ang kanilang mga tao ay ibinalik mula sa maraming mga bansa upang mamuhay muli sa mga burol ng Israel kung saan walang nanirahan ng matagal na panahon. Ibabalik ni Yahweh ang mga Israelita mula sa iba pang mga lupain, at mamumuhay sila nang mapayapa.
\q
\v 9 Ikaw at ang lahat ng mga hukbong iyon mula sa maraming mga bansa ay pupunta sa Israel, susulong na gaya ng isang malakas na bagyo. Ang iyong hukbo ay magiging tulad ng isang malaking ulap na babalot sa lupain.
\s5
\q
\v 10 Ngunit ito ang sasabihin ko, akong si Yahweh na Panginoon: Sa araw na iyon, magbabalak ka ng isang bagay na napakasama.
\q
\v 11 Sasabihin mo ito sa iyong sarili: "Sasakupin ng aking hukbo ang isang bansa kung saan ang mga nayon ay walang nakapalibot na mga pader. Sasalakayin namin ang mga tao na namumuhay nang payapa at nag-iisip na walang sinuman ang makakapanakit sa kanila. Ang kanilang mga bayan at mga nayon ay walang mga pader na may tarangkahan at mga bakal.
\p
\v 12 Kaya madali para sa atin na salakayin ang mga taong ito. Sila ang mga taong magkasamang bumalik mula sa maraming bansa kung saan tumira sila ng maraming taon, mga taong namumuhay nang tahimik sa kanilang mga lupain kasama ang lahat ng kanilang mga alagang hayop at iba pang mga ari-arian. Naninirahan sila sa bansa na nasa gitna ng pinakamahalagang mga bansa sa mundo. Kukunin ng aming mga kawal ang lahat ng kanilang mga ari-arian."
\s5
\q
\v 13 At ang mga tao ng Sheba at Dedan at ang mga mangangalakal ng Tarsis ay darating at sasabihin sa iyo, "Tinitipon mo ba ang lahat ng iyong mga kawal upang salakayin ang Israel at kunin ang lahat ng kanilang pilak at ginto? Binabalak mo bang kunin ang kanilang mga hayop at ang lahat ng kanilang mga mahahalagang ari-arian?" '
\s5
\q
\v 14 Kaya, Anak ng tao, dalhin mo ang aking mensahe tungkol kay Gog at sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa panahong iyon, kapag ang aking mga tao ay namumuhay nang ligtas, tiyak na maiisip mo sila.
\q
\v 15 Pupunta ka mula sa iyong lugar sa dulong hilaga ng Israel, kasama ang mga hukbo ng iba pang maraming mga bansa, ang lahat ay nakasakay sa mga kabayo, isang malaking hukbo.
\q
\v 16 Magmamartsa ka palapit sa aking mga taong Israelita, at babalutin ng iyong mga kawal ang lupain na gaya ng isang malaking ulap. Gog, papupuntahin ko ang iyong hukbo upang salakayin ang bansa na aking pag-aari, ngunit ang gagawin ko sa iyo ay upang ipakita sa mga tao ng iba pang mga bansa na ako ay banal.
\s5
\q
\v 17 Ito ang sinasabi ko, akong si Yahweh na Panginoon kay Gog: Sa mga nagdaang taon, nang ibinigay ko ang mga mensahe sa aking mga lingkod, na mga propeta sa Israel, may mga mensahe na tungkol sa iyo. Sa panahong iyon, sinabi nila sa maraming mga taon na papupuntahin ko ang iyong mga hukbo upang salakayin ang aking mga tao.
\q
\v 18 Kaya ito ang mangyayari na sasabihin ko, akong si Yahweh na Panginoon: Kapag sinasalakay na ng iyong hukbo ang Israel, labis akong magagalit sa iyo.
\s5
\q
\v 19 Magiging matindi ang aking galit, at para ipakita na galit ako, magkakaroon ng isang napakalakas na lindol sa Israel, kung saan paparoon ang iyong mga hukbo.
\q
\v 20 Ang mga isda sa dagat, ang mga ibon, ang mga mababangis na hayop, at ang mga hayop na gumagapang sa lupa, at ang lahat ng mga tao sa kalupaan ay manginginig dahil sa aking gagawin. Babagsak ang mga bundok, guguho ang mga talampas, at lahat ng mga pader sa lahat ng dako ay babagsak sa lupa.
\s5
\p
\v 21 Gog, sa lahat ng mga bundok sa bansa na pag-aari ko, paglalabanin ko ang iyong mga kawal laban sa isa't-isa.
\q
\v 22 Parurusahan kita at ang iyong mga kawal ng mga salot, at papatayin ko sila. Magpapadala ako sa iyo at sa iyong mga hukbo na pumunta mula sa maraming lupain ng napakalakas na ulan, ulang may yelo at nagniningas na asupre mula sa langit.
\q
\v 23 Sa paraang ito, malalaman ng mga tao sa maraming bansa na ako ay napakadakila, at ipapakita ko sa kanila ang aking kabanalan. At makikita nila kung sino ako at malalaman nila na Ako si Yahweh.' "
\s5
\c 39
\p
\v 1 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Anak ng tao, magsalita ka para sa akin tungkol sa mga kakila-kilabot na bagay na mangyayari sa Gog. Sabihin mo ito sa kaniya: 'Gog, ako ang iyong kaaway, ikaw na namumuno sa Meshec at Tubal.
\p
\v 2 Paiikutin kita at kakaladkarin kita at ang iyong mga hukbo mula sa kalayuan ng hilaga ng Israel at ipadadala ko kayo upang makipaglaban sa mga kabundukan ng Israel.
\q
\v 3 Kapag naroon kayo, aagawin ko ang inyong mga pana mula sa inyong mga kaliwang kamay at ibabagsak ko ang inyong mga palaso mula sa inyong mga kanang kamay.
\s5
\q
\v 4 Mamatay ka at ang lahat ng mga kawal na kasama mo sa kabundukan ng Israel. Ibibigay ko ang inyong mga bangkay upang maging pagkain ng mga ibon na kumakain ng patay na laman at sa mga mababangis na hayop.
\q
\v 5 Mamamatay kayo sa malawak na kabukiran. Tiyak na mangyayari ito dahil akong si Yahweh na Panginoon ang nagsabi na mangyayari ito.
\p
\v 6 Pahihintulutan kong masunog ang Magog at ang lahat ng mga naninirahan nang ligtas sa mga lugar sa mga baybayin at malalaman nila na akong si Yahweh ang may kapangyarihan na gawin ang sinabi kong gagawin ko.
\s5
\q
\v 7 Hahayaan kong malaman ng aking mga taong Israelita na ako ay banal. Hindi ko na hahayaang hamakin nila ako at malalaman ng mga pangkat ng mga tao sa ibang mga lupain na ako si Yahweh, ang Diyos na sinasamba at pinararangalan ng Israel.
\p
\v 8 Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpahayag na malapit nang mangyari ang mga iyon. Mabilis na darating ang araw na iyon.
\s5
\q
\v 9 Sa panahong iyon, lalabas ang mga taong naninirahan sa mga lungsod ng Israel at titipunin ang mga sandata mula sa mga patay na kawal at gagamitin ang mga ito sa pagpapaapoy upang lutuin ang kanilang pagkain. Susunugin nila ang mga maliliit at malalaking kalasag, ang mga pana at ang mga palaso, ang mga pandigmang pamalo at ang mga sibat. Magkakaroon ng sapat na mga sandata upang gamitin bilang panggatong sa loob ng pitong taon.
\q
\v 10 Hindi nila kailangang magtipon ng mga panggatong sa bukirin o pumutol ng kahoy mula sa mga puno sa mga kagubatan dahil ang lahat ng mga sandatang iyon ang magiging mga panggatong na kakailanganin nila. At kukunin nila ang mga mahahalagang bagay mula sa mga kumuha ng mga mahahalagang bagay mula sa kanila at nanakawan nila ng mga bagay ang mga taong nagnakaw ng mga bagay mula sa kanila. Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpahayag na mangyayari ito.
\s5
\q
\v 11 Sa panahong iyon, gagawa ako ng libingan para sa iyo, Gog at sa iyong mga kawal, sa lambak sa silangan ng Dagat na Patay. Haharangan ng libingan na iyon ang daan na karaniwang dinadaanan ng mga manlalakbay dahil ikaw, Gog at ang mga kawal ng iyong malaking hukbo ay ililibing doon. Kaya pangangalanan itong Lambak ng Hamon Gog.
\s5
\q
\v 12 Sa loob ng pitong buwan, ililibing ng mga Israelita ang inyong mga bangkay. Kakailanganing ilibing silang lahat upang hindi madungisan ang lupain dahil sa hindi nailibing na mga bangkay.
\q
\v 13 Ang lahat ng mga tao sa Israel ang maglilibing sa kanila. Pararangalan nila ako sa araw na makamit ko ang tagumpay na iyon at maaalala nila ang araw na iyon magpakailanman.
\s5
\q
\v 14 Pagkatapos ng pitong buwan na iyon, magtatalaga ng mga kalalakihan ang mga Israelita upang pumunta sa buong lupain para ilibing ang alinmang natitirang mga bangkay upang hindi manatiling madungis ang lupain.
\q
\v 15 Kapag pumunta sila sa lupain, kapag nakakita ng buto ng tao ang isa man sa kanila, maglalagay siya ng palatandaan sa tabi nito. Kapag nakita ng mga tagapaghukay ng libingan ang mga palatandaan, pupulutin nila ang mga buto at ililibing ang mga ito sa Lambak ng Hamon Gog.
\q
\v 16 Magkakaroon ng lungsod doon na ang pangalan ay Hamonah. At lilinisin nila ang lupain sa pamamagitan ng paglilibing sa mga bangkay.'"
\s5
\q
\v 17 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Anak ng tao, akong si Yahweh na Panginoon ang nagsabi nito: Ipatawag mo ang lahat ng uri ng ibon at mabangis na hayop. Sabihin mo sa kanila, 'Magtipun-tipon kayo mula sa lahat ng dako at pumunta sa salu-salo na inihanda ni Yahweh para sa inyo. Magiging malaking salu-salo ito sa kabundukan ng Israel. Doon, kakainin ninyo ang laman ng mga kalalakihan at iinumin ang kanilang dugo.
\q
\v 18 Kakainin niyo ang laman ng mga malalakas na kawal at iinumin ang dugo ng mga hari na para bang sila ay mga pinatabang hayop sa rehiyon ng Bashan—na para bang sila ay lalaking tupa, mga kordero, mga kambing at mga toro.
\s5
\p
\v 19 Sa salu-salo na inhahanda ni Yahweh para sa inyo, kakain kayo ng mga taba hanggang sa mabusog ang inyong mga sikmura at iinom kayo ng dugo hanggang sa para bang mga lasing na kayo.
\q
\v 20 Para bang kumakain kayo sa hapag na inihanda ko para sa inyo. Kakainin ninyo ang lahat ng nais ninyong laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay sa mga ito, lahat ng uri ng malalakas na kawal.' Akong si Yahweh na Panginoon ang nagpahayag nito.
\s5
\q
\v 21 'Ipapakita ko sa mga tao ng mga bansa na makapangyarihan ako at makikita ng lahat ng bansa kung paano ko sila parurusahan.
\p
\v 22 Sa panahong iyon, malalaman ng mga Israelita na akong si Yahweh na kanilang Diyos ay may kapangyarihang gawin ang aking sinabi na aking gagawin.
\s5
\q
\v 23 At malalaman ng mga tao sa ibang mga lupain na pinilit ang mga Israelita na pumunta sa ibang mga bansa dahil nagkasala sila sa pamamagitan ng hindi pagiging tapat sa akin. Tinalikuran ko sila at pinahintulutan ko ang kanilang mga kaaway na bihagin sila at patayin ang marami sa kanila.
\q
\v 24 Pinarusahan ko sila gaya ng nararapat sa kanila dahil sa kanilang nakasusuklam na pag-uugali at mga kasalanan at tinalikuran ko sila.
\s5
\q
\v 25 Kaya ngayon, akong si Yahweh na Panginoon ang nagsasabi nito: Ibabalik ko ngayon mula sa pagpapatapon ang mga kaapu-apuhan ni Jacob; kahahabagan ko ang lahat ng mga Israelita at titiyakin ko rin na pararangalan nila ako.
\q
\v 26 Kapag bumalik ang mga Israelita sa kanilang sariling bansa, mamumuhay sila nang ligtas sa kanilang lupain na walang sinumang magiging dahilan upang matakot sila. Kalilimutan nila ang mga kahihiyan at mga kataksilan na kanilang ginawa noon.
\p
\v 27 Nang ibinalik ko sila mula sa mga bansa ng kanilang mga kaaway at tinipon sila sa Israel, malalaman ng mga tao sa maraming bansa kung gaano ako kabanal dahil sa aking ginawa para sa aking mga tao.
\s5
\q
\v 28 Malalaman ng mga Israelita na akong si Yahweh ang gumawa nito. Malalaman nila iyon dahil pinilit ko silang pumunta sa ibang mga bansa at tinipon ko sila sa sarili nilang bansa. Hindi ko iiwan ang sinuman sa kanila sa mga bansang iyon.
\q
\v 29 Hindi ko na sila tatalikuran: Ibibigay ko ang aking Espiritu sa mga Israelita. Tiyak na mangyayari ito dahil akong si Yahweh na Panginoon ang nagsabi nito."
\s5
\c 40
\p
\v 1 Halos dalawampu't limang taon na matapos dalhin tayong mga Israelita ng mga taga-Babilonia sa kanilang lupain. Sa ika-sampung araw ng unang buwan ng taong iyon, halos labing-apat na taon matapos mawasak ang Jerusalem. Hinawakan ako ni Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan at dinala niya ako sa Israel sa isang pangitain.
\q
\v 2 Dinala niya ako sa isang napakataas na bundok. Sa timog na bahagi ng bundok na iyon, may ilang mga gusali na tila bahagi ng isang lungsod.
\s5
\p
\v 3 Nang dalhin niya ako roon, nakakita ako ng isang lalaki na tila gawa sa tanso. Nakatayo siya sa loob ng tarangkahan ng lungsod at may hawak siyang isang lino na panali at isang patpat na panukat.
\q
\v 4 Sinabi niya sa akin, "Anak ng tao, tingnan mong mabuti ang lahat ng ipapakita ko sa iyo at bigyang pansin ang lahat ng aking sinasabi at ang lahat ng aking ipapakita sa iyo dahil iyan ang dahilan kaya ka dinala dito ng Diyos. At pagkatapos, dapat mong sabihin sa mga Israelita ang lahat ng iyong nakita rito."
\s5
\q
\v 5 Sa pangitain, nakita ko na may pader na ganap na nakapalibot sa templo. Halos 3.2 metro ang haba ng patpat na panukat na nasa kamay ng lalaki. Sinukat niya ang pader; halos 3.2 metro ang kapal at halos 3.2 metro ang taas nito.
\p
\v 6 Pagkatapos, pumunta siya sa tarangkahan sa pader ng templo sa silangang bahagi ng templo. Umakyat siya sa mga baitang at sinukat ang daanan ng tarangkahan na nakaharap sa labas, halos 3.2 metro ang lalim nito.
\q
\v 7 At may mga alkoba para sa mga tagapagbantay ng templo, halos 3.2 metro ang haba at lalim ng bawat isa. Halos 2.7 metro ang layo ng pader sa pagitan ng bawat alkoba. Halos 3.2 metro rin ang lalim ng daanan sa tarangkahan na nakaharap sa loob patungo sa portiko ng templo.
\s5
\q
\v 8 At sinukat niya ang portiko na kasunod ng tarangkahan, halos 3.2 metro ang haba nito.
\p
\v 9 Sinukat din niya ang lalim na halos 3.2 metro. Halos isang metro ang kapal ng magkabilang bahagi ng haligi ng pinto ng templo. Ito ang portiko na nakadugtong sa tarangkahan ng templo sa panloob na bahagi ng tarangkahan na nakaharap sa templo.
\q
\v 10 May tatlong alkoba sa loob ng tarangkahan sa silangan para sa mga tagapagbantay sa bawat bahagi ng tarangkahan. Pare-pareho ang haba at lalim ng lahat ng mga ito. At pareho ang layo ng pader sa pagitan ng mga ito.
\s5
\q
\v 11 At sinukat niya ang bungad ng tarangkahan, halos 5.4 metro ang lawak nito at halos pitong metro ang haba ng pasukan mula sa tarangkahan.
\q
\v 12 May mababang pader na halos kalahating metro ang taas sa harap ng mga alkoba. Halos 3.2 metro ang haba ng bawat alkoba sa lahat ng sulok.
\q
\v 13 At sinukat ng lalaki ang lapad ng daanan sa tarangkahan mula sa bubong ng alkoba sa isang bahagi patungo sa bubong ng alkoba sa kabilang bahagi. Halos 13.5 metro ang layo mula sa pasukan ng isang alkoba patungo sa isa pa.
\s5
\q
\v 14 At sinukat ng lalaki ang pader na naghihiwalay sa mga alkoba sa isa't isa; tatlumpu't dalawang metro ang haba nito. Sinukat niya ang mga ito hanggang sa portiko ng tarangkahan.
\q
\v 15 Halos dalawampu't pitong metro ang layo mula sa pasukan sa tarangkahan hanggang sa dulo ng portiko nito.
\p
\v 16 May mga masisikip na bintana sa mga pader ng lahat ng mga alkoba at gayundin sa mga panloob na pader sa pagitan ng mga alkoba. May ganito ring mga bintana ang portiko sa panloob na bahagi nito. Napapalamutian ng mga inukit na puno ng palma ang pader na nasa pagitan ng mga alkoba.
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa panlabas na patyo ng templo. Nakita ko roon ang ilang mga silid at ang isang latag na bato sa patyo. May tatlumpung silid na nakaharap sa patyo.
\q
\v 18 Nasa palibot ng patyo ang latag na bato at umabot ito mula sa mga pader patungo sa patyo na kasinlayo ng mga pasukan sa tarangkahan. Iyon ang pang-ibabang latag na bato.
\q
\v 19 At sinukat ng lalaki ang pagitan mula sa kabila ng panlabas na patyo ng templo, sa pagitan ng panlabas na tarangkahan at panloob na patyo. Halos limampu't apat na metro ito sa dakong silangan at pareho ang layo sa dakong hilaga ng patyo.
\s5
\q
\v 20 At sinukat niya kung gaano kahaba at kung gaano kalawak ang daanan sa tarangkahan sa hilagang bahagi, ito ang pasukan patungo sa panlabas na patyo ng templo.
\q
\v 21 May tatlong alkoba para sa mga tagapagbantay sa bawat bahagi ng daanan sa tarangkahan. Halos dalawampu't pitong metro mula sa daanan sa tarangkahan hanggang sa dulo ng portiko nito at 13.5 metro ang lawak nito.
\s5
\q
\v 22 Mayroon itong mga bintana, portiko, mga alkoba ng tagapagbantay at mga palamuting puno ng palma na kagaya ng naroon sa tarangkahan sa silangan. Gaya ng tarangkahan sa silangan, may pitong baitang paakyat dito at sa portiko nito.
\q
\v 23 Sa kabila ng panlabas na patyo mula sa tarangkahan sa hilaga ay may isang tarangkahan patungo sa panloob na patyo gaya ng mayroon sa silangang bahagi. Sinukat ng lalaki ang layo mula sa tarangkahan sa hilaga hanggang sa tarangkahan patungo sa panloob na patyo. Halos limampu't apat na metro ang layo nito.
\s5
\q
\v 24 Pagkatapos dinala niya ako sa daanan sa tarangkahan sa timog na patungo sa panloob na patyo at sinukat niya ang pasukan. Pareho ang sukat nito sa iba pang mga daanan sa tarangkahan. Ang mga alkoba nito, ang mga pader nito sa pagitan ng mga alkoba at ang silid na pasukan nito ay pareho ang sukat gaya ng mga nasa kabilang bahagi.
\q1
\v 25 May mga masisikip na bintana sa mga pader ng daanan sa tarangkahan at sa portiko nito, gaya ng nasa ibang mga bahagi. Halos dalawampu't limang metro ang haba at 13.5 metro ang lawak ng daanan sa tarangkahan at ng portiko nito.
\s5
\q1
\v 26 May pitong baitang paakyat sa tarangkahan na iyon at sa portiko nito. May nakaukit din na mga puno ng palma sa mga pader na nasa pagitan ng mga silid.
\q1
\v 27 Sa kabila ng panlabas na patyo mula sa tarangkahan sa timog, may isang tarangkahan na pasukan patungo sa panloob na patyo. Sinukat ng lalaki ang layo mula sa daanan sa tarangkahan na iyon hanggang pasukan sa bahaging timog ng panlabas na patyo. Halos limampu't apat na metro din ang layo nito.
\s5
\q1
\v 28 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa pasukan sa timog patungo sa panloob na patyo at sinukat niya ang pasukan sa timog. Pareho ang sukat nito sa iba pang mga tarangkahan.
\q1
\v 29 Sinukat niya ang mga alkoba, mga pader at mga portiko nito sa pamamagitan ng parehong mga pamantayan sa pagsukat na kaniyang ginagamit. Mayroong mga bintana sa buong palibot ng tarangkahan at ng portiko nito. Halos dalawampu't pitong metro ang haba at 13.5 metro ang lawak ng tarangkahan at ng portiko nito.
\q1
\v 30 Halos 13.5 metro ang haba at halos 2.7 metro ang lawak ng mga portiko ng panloob na tarangkahan na patungo sa panloob na patyo.
\q1
\v 31 Nakaharap sa panlabas na patyo ang pasukan ng portiko. Napapalamutian ng mga nakaukit na puno ng palma ang mga pader at may walong baitang paakyat dito.
\s5
\p
\v 32 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa silangang bahagi ng panloob na patyo at sinukat niya ang tarangkahan. Pareho ang mga sukat nito sa iba pang mga tarangkahan.
\v 33 Pareho sa iba pa ang sukat ng mga alkoba, mga pader at mga portiko nito. Mayroong mga bintana sa buong palibot ng tarangkahan at ng portiko nito. Halos dalawampu't pitong metro ang haba at halos 13.5 metro ang lawak ng tarangkahan at ng portiko nito.
\p
\v 34 Nakaharap sa panlabas na patyo ang portiko nito. Mayroon ding nakaukit dito na mga puno ng palma na nakapalamuti sa mga pader at mayroon itong walong baitang paakyat dito.
\s5
\p
\v 35 Pagkatapos, dinala niya ako sa pasukan sa hilagang bahagi at sinukat ito. Pareho ang sukat nito sa iba pang mga pasukan.
\v 36 At ang mga alkoba, ang mga pader sa pagitan ng mga ito at ang pasukang silid, lahat ay may mga maliliit na bintana sa mga pader. Katulad ng iba pang mga tarangkahan ang sukat ng lahat ng ito. Halos dalwampu't pitong metro ang haba at halos 13.5 metro ang lawak ng tarangkahan at portiko nito.
\v 37 Nakaharap sa panlabas na patyo ang portiko nito. Mayroon ding mga nakaukit na puno ng palma na nakapalamuti sa mga pader at mayroon itong walong baitang paakyat dito.
\s5
\p
\v 38 Sa bawat panloob na pasukan, may isang silid na mayroong pintuan. Ito ang mga silid kung saan hinuhugasan ang mga katawan ng mga patay na hayop na ganap na susunugin sa altar.
\v 39 Dalawang hapag sa bawat portiko, isa sa magkabilang bahagi. Sa mga hapag na iyon kakatayin ang mga hayop na ganap na susunugin, gayundin ang mga hayop na alay para sa mga kasalanan na ginawa ng mga tao at ang mga alay na kumikilala sa pagkakasala na kanilang ginawa sa ibang mga tao.
\s5
\v 40 Gaya ng nasa labas ng panloob na patyo, sa kaliwang bahagi ng mga baitang paakyat sa hilagang tarangkahan nito, may dalawang hapag at sa kanang bahagi ng mga baitang, may dalawa pang hapag.
\v 41 Mayroong apat na hapag sa panlabas na bahagi ng bawat tarangkahan ng panloob na patyo at mayroon ding apat na hapag sa panloob na bahagi. Kinakatay sa mga hapag na ito ang mga hayop na iaalay.
\s5
\v 42 May apat din na hapag na gawa sa tinapyas na bato para sa paghahanda ng mga handog na ganap na susunugin, halos 0.8 metro ang haba sa bawat bahagi at halos kalahating metro ang taas. Ilalagay ng mga pari sa mga batong hapag na iyon ang mga kagamitan para sa pagkatay sa lahat ng mga hayop.
\v 43 Ilalagay sa mga batong hapag na iyon ang karne para sa mga pag-aalay. May mga kalawit kung saan nakasabit ang karne, may dalawang ngipin ang bawat isa, halos walong sentimetro ang haba ng bawat isa na nakakabit sa mga pader ng mga portiko.
\s5
\p
\v 44 Sa labas ng dalawa sa mga panloob na daanan sa tarangkahan, sa bahagi ng panloob na patyo, may mga silid para sa mga nangunguna sa pag-awit sa oras ng pagsamba, isa sa hilagang bahagi at isa sa bahaging timog.
\v 45 Sinabi sa akin ng lalaki, "Para sa mga pari na naglilingkod sa templo ang silid na nakaharap sa timog ang pintuan.
\s5
\v 46 Para sa mga pari na nangangasiwa ng mga gawain sa altar ang silid na nakaharap sa hilaga ang pintuan. Sila ang mga kaapu-apuhan ni Zadok, sila lamang ang mga kaapu-apuhan ni Levi na pinahintulutang lumapit kay Yahweh habang naglilingkod sila para sa kaniya."
\v 47 At sinukat niya ang patyo, parisukat ito, halos limampu't apat na metro ang haba at halos limapu't apat na metro ang lawak. Nasa harapan ng santuwaryo ang altar.
\s5
\p
\v 48 Pagkatapos dinala niya ako sa portiko ng santuwaryo at sinukat ang mga haligi ng pintuan at ang mga pader ng mga ito sa bawat bahagi ng pasukan; halos 2.7 metro ang kapal ng mga ito. Halos pitong metro ang lawak ng pintuan at halos 1.6 metro ang lawak ng mga gilid sa bawat bahagi nito.
\v 49 Halos labing-isang metro ang lawak ng portiko at halos anim na metro ang lalim nito sa bawat bahagi. Mayroong mga baitang paakyat dito at may mga haligi sa bawat bahagi ng portiko.
\s5
\c 41
\p
\v 1 At sa pangitain, dinala ako ng lalaki sa banal na lugar sa templo at sinukat ang mga haligi ng pinto sa magkabilang bahagi ng pasukan, halos 3.2 metro ang lawak ng bawat isa.
\q
\v 2 Halos 5.4 metro ang lawak ng pasukan at halos 2.7 metro ang haba ng mga pader sa bawat bahagi nito. Sinukat din niya ang banal na lugar, halos dalawampu't dalawang metro ang haba at halos labing isang metro ang lawak nito.
\s5
\q
\v 3 Pagkatapos, pumasok siya sa panloob na silid ng templo, ang kabanal-banalang lugar at sinukat ang mga pader sa magkabilang bahagi ng pasukan, halos isang metro ang lawak ng bawat isa. Halos 3.2 metro ang lawak ng pintuan at halos 3.8 metro ang haba ng bawat pader sa bawat bahagi ng pasukan.
\q
\v 4 Pagkatapos, sinukat niya ang panloob na silid, halos labing isang metro ang haba nito at halos labing isang metro ang lawak. At sinabi niya sa akin, "Ito ang kabanal-banalang lugar."
\s5
\q
\v 5 Pagkatapos, sinukat niya ang pader ng templo, halos 3.2 metro ang kapal nito. Mayroong hilera ng mga silid sa tabi ng panlabas na pader ng templo. Halos dalawang metro ang lawak ng bawat silid na iyon.
\q
\v 6 Mayroong tatlong palapag ng mga silid, may tatlumpung silid ang bawat palapag. Mayroong mga pasimano sa buong palibot ng pader ng templo na sumusuporta sa mga tagilirang silid sa itaas. Walang ginawang karagdagang suporta sa pader ng santuwaryo.
\q
\v 7 Ang bawat tagilirang silid ay mas maluwang kaysa sa nasa ibaba nito. Unang ginawa ang mga pinakamasikip na silid sa ibaba. Pagkatapos, ginawa ang mas maluwang na hanay ng mga silid sa ibabaw nito at ang pinakamaluwang na hanay ay nasa tuktok. Ginawa ang isang hagdanan mula sa pinakaibabang palapag patungo sa gitnang palapag hanggang sa pinakamataas na palapag.
\s5
\q
\v 8 Nakita ko na may terasa sa palibot ng templo. Ang terasa ang pundasyon para sa mga tagilirang silid, halos 3.2 metro ang taas nito.
\p
\v 9 Halos 2.7 metro ang kapal ng panlabas na pader ng mga tagilirang silid na iyon. Mayroong bakanteng lugar sa pagitan ng mga tagilirang silid na iyon sa buong paligid ng santuwaryo
\s5
\q
\v 10 at ang mga silid ng mga pari na nakapalibot sa patyo, mayroong puwang na halos labing isang metro sa pagitan ng dalawang hanay ng mga tagilirang silid sa buong paligid ng santuwaryo.
\q
\v 11 Mayroong dalawang pinto sa mga tagilirang silid na iyon sa ibang bukas na lugar, nakaharap ang isa sa hilaga at ang isa ay nakaharap sa timog. Halos 2.7 metro ang lawak ng bukas na lugar na ito.
\s5
\q
\v 12 May malaking gusali sa dakong kanluran ng templo. Halos tatlumpu't walong metro ang lawak nito, mayroon itong pader na halos 2.7 metro ang kapal at halos apatnapu't siyam na metro ang haba.
\q
\v 13 Pagkatapos, sinukat ng lalaki ang templo. Halos limampu't apat na metro ang haba nito at halos limampu't apat na metro ang lawak ng patyo ng templo kung saan naroon ang malaking gusali. Pareho ang sukat ng gusali at ng pader nito.
\p
\v 14 Halos limampu't apat na metro rin ang lawak ng patyo sa dakong silangan ng templo sa kabila ng harapan ng templo.
\s5
\q
\v 15 Pagkatapos, sinukat niya ang gusali sa dakong kanluran. Halos limampu't apat na metro rin ang haba nito, kabilang ang mga pader nito. Ang panlabas na mga pader ng banal na lugar, ang kabanal-banalang lugar at ang portiko,
\q
\v 16 ang panloob na mga pader sa itaas at sa ibaba ng masisikip na bintana at ang mga galerya sa lahat ng palapag, natatakpan ang lahat ng ito ng maninipis na tabla.
\q
\v 17 Napapalamutian ng mga inukit na mga nilalang na may pakpak at mga puno ng palmera ang lahat ng pader sa loob ng templo, inukit na puno ng palmera ang nasa pagitan ng bawat imahen ng nilalang na may pakpak.
\s5
\q
\v 18-19 May dalawang mukha ang bawat nilalang na may pakpak. Ang isang mukha ay mukha ng isang tao at ang isa ay mukha ng isang leon. Ang mga imaheng iyon ay nakaukit sa mga pader sa buong paligid sa loob ng templo at nakatingin ang bawat mukha sa inukit na puno ng palmera.
\q
\v 20 Tinakpan nila ang buong pader, mula sa sahig hanggang sa pader na nasa itaas ng pasukan.
\s5
\q
\v 21 May mga parisukat na haligi ng pinto sa pasukan hanggang sa pangunahing silid ng templo, pare-pareho lahat ng hugis.
\q
\v 22 May isang altar na kahoy sa harap ng kabanal-banalang lugar. Halos 1.6 metro ang taas nito at halos isang metro ang lawak sa lahat ng apat na dako. Gawa lahat sa kahoy ang mga sulok, patungan at mga gilid nito. At sinabi sa akin ng lalaki, "Ito ang hapag na nasa harapan ni Yahweh."
\q
\v 23 Mayroong mga natitiklop na pinto ang banal na lugar at ang kabanal-banalang lugar.
\q
\v 24 Binubuo ang bawat pinto ng dalawang bahagi na ikinakabit ng mga bisagra.
\s5
\p
\v 25 May mga nakaukit na nilalang na may pakpak at mga puno ng palmera sa mga pintong ito. Mayroon ding bubong na kahoy sa itaas ng harap ng portiko ng santuwaryo.
\q
\v 26 Sa mga tagilirang pader ng portiko, may masisikip na mga bintana na may nakaukit na imahen ng mga puno ng palmera sa gilid ng mga bintana. Mayroon ding nakausling mga bubong ang mga tagilirang silid sa palibot ng templo.
\s5
\c 42
\p
\v 1 At sa pangitain, dinala ako ng lalaki palabas ng panloob na patyo sa pamamagitan ng tarangkahan sa dakong hilaga. Pumasok kami sa panlabas na patyo at nakarating sa mga silid na nakaharap sa panlabas na pader sa hilaga.
\q
\v 2 Halos limampu't apat na metro ang haba ng gusaling iyon na may mga silid at halos dalawampu't pitong metro ang lawak.
\q
\v 3 May isang pangkat ng mga silid sa gusaling iyon na nakaharap sa panloob na patyo. Halos labing isang metro ang agwat sa pagitan ng mga silid na iyon at ng santuwaryo na pangunahing gusali ng templo. Gawa sa tatlong palapag ang mga silid na ito. Mayroong daanan ang bawat hanay ng mga silid sa ibabaw ng hanay ng mga silid sa ibaba nito. Mayroong mga silid na natatanaw ang bukas na lugar ng panlabas na patyo.
\s5
\q
\v 4 May daanan na halos 5.4 metro ang lawak at halos limampu't apat na metro ang haba sa isang bahagi ng mga silid. Nasa hilagang bahagi ang lahat ng pinto ng mga silid na ito.
\q
\v 5 Mas masikip ang bawat hanay ng mga silid kaysa sa hanay ng mga silid sa ibaba ng mga ito, dahil may daanan sa harap ng bawat pang-itaas na hanay.
\q
\v 6 Ang mga silid sa itaas na palapag ay walang mga haligi upang suportahan ang mga ito gaya ng nasa patyo, dahil sinusuportahan ng mga pader ng mga silid sa ibaba ang mga silid na iyon.
\s5
\p
\v 7 Kahanay ng panlabas na pader ang mga silid na nakaharap sa panlabas na patyo, halos dalawampu't pitong metro ang haba ng bahagi ng panlabas na pader na ito.
\q
\v 8 Halos dalawampu't pitong metro ang haba ng hilera ng mga silid na nasa tabi ng panlabas na patyo at halos limampu't apat na metro ang haba ng hilera ng mga silid na nakaharap sa templo.
\q
\v 9 May pasukan ang ibabang palapag sa silangang bahagi nito na nagmumula sa panlabas na patyo.
\s5
\p
\v 10 Mayroon ding hanay ng mga silid sa silangang bahagi, sa tabi ng panlabas na pader ng panlabas na patyo na kasunod ng patyo ng templo.
\q
\v 11 Mayroong daanan sa harap ng mga ito. Katulad ng mga silid na ito ang mga silid sa hilagang bahagi. Pareho ang haba at lapad ng mga ito at pareho din ang uri ng mga pasukan.
\q1
\v 12 Mayroon ding mga pintuan sa mga silid sa bahaging timog na katulad ng nasa hilagang bahagi. May isang panloob na daanan na may panlabas na pinto, may mga pinto ang daanan patungo sa lahat ng silid. May panlabas na pinto sa dulong silangan ng daanan.
\s5
\q1
\v 13 At sinabi sa akin ng lalaki, "Ang mga silid sa dakong hilaga at timog na natatanaw ang santuwaryo ng templo ay para lamang sa natatanging mga layunin para kay Yahweh. Dito kakainin ng mga pari na naghahandog ng mga alay kay Yahweh ang kanilang bahagi sa mga alay na iyon. Dahil natatangi ang mga silid na ito, gagamitin ang mga ito upang pag-imbakan ng mga handog para kay Yahweh. Ang harina para sa mga handog na harina, mga handog para sa mga kasalanang nagawa ng mga tao at para sa mga handog na ginawa ng mga tao para sa kanilang mga kasalanan.
\q1
\v 14 Kapag lilisanin ng mga pari ang templo, hindi sila pinapayagang pumasok kaagad sa panlabas na patyo. Dapat muna nilang hubarin ang mga damit na kanilang isinuot sa loob ng banal na lugar, dahil natatangi ang mga damit na iyon na inilaan para sa kanilang gawain. Dapat silang magsuot ng ibang mga damit bago sila pumasok sa mga bahagi ng templo kung saan nagtitipon ang ibang mga tao."
\s5
\q1
\v 15 Nang matapos sukatin ng lalaki ang loob ng templo, dinala niya ako palabas sa pamamagitan ng silangang pasukan at sinukat ang buong paligid.
\s5
\q1
\v 16-19 Sinukat niya ang apat na bahagi ng lugar. Mayroong pader sa palibot ng lugar na halos 270 metro ang haba sa bawat bahagi.
\s5
\q1
\v 20 Ang pader na iyon ang naghihiwalay sa lugar na banal mula sa mga lugar na hindi banal.
\s5
\c 43
\p
\v 1 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa pasukan sa dakong silangan.
\q
\v 2 Bigla kong nakita ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel mula sa silangan. Gaya ng dagundong ng umaagos na ilog ang tunog ng kaniyang pagdating at nagniningning ang buong lugar na iyon ng kaniyang kaluwalhatian.
\s5
\q
\v 3 Katulad ng nakita ko sa una kong pangitain ang nakita ko sa pangitaing ito, una sa pamamagitan ng ilog Kebar at sumunod nang wasakin ng Diyos ang Jerusalem. Nagpatirapa ako sa lupa.
\q
\v 4 Pumasok sa templo ang kaluwalhatian ni Yahweh sa pamamagitan ng silangang pasukan
\q
\v 5 at pagkatapos, itinayo ako ng Espiritu at dinala ako sa panloob na patyo habang pinupuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang templo.
\s5
\q1
\v 6 At habang nakatayo ang lalaki sa aking tabi, narinig ko na may kumakausap sa akin mula sa loob ng templo.
\q1
\v 7 Sinabi niya, "Anak ng tao, ito ang aking templo, ang lugar kung saan uupo ako sa aking trono at kung saan ipapahinga ko ang aking mga paa. Dito ako mananahan magpakailanman kasama ang mga Israelita. Hindi na ako muling ipapahiya ng mga Israelita at ng kanilang mga hari sa pamamagitan ng pagsamba sa ibang mga diyos sa kanilang mga dambana o sa pamamagitan ng paggawa ng walang buhay na mga diyus-diyosan ng kanilang mga dating hari.
\q1
\v 8 Inilagay ng inyong mga tao ang kanilang mga altar malapit sa aking altar at ang mga haligi ng pinto ng kanilang templo ay katabi ng mga haligi ng pinto ng aking templo. Pader lamang ang pagitan ng mga ito. At ipinahiya nila ako sa pamamagitan ng kasuklam-suklam na mga bagay na kanilang ginawa. Kaya nagalit ako at nilipol sila.
\s5
\q1
\v 9 Ngayon, dapat nilang ihinto itong nakasusuklam na pagsamba sa mga diyus-diyosan at ang mga ritwal na ito upang parangalan ang mga diyus-diyosan ng mga hari. Kapag huminto sila sa paggawa ng mga bagay na iyon, mananahan ako kasama nila magpakailanman.
\s5
\q1
\v 10 Anak ng tao, ilarawan mo sa mga Israelita ang katulad ng templong ito na ipinakita ko sa iyong pangitain, upang mahiya sila sa kanilang mga nagawang kasalanan.
\q1
\v 11 Kung nahiya sila dahil sa lahat ng masasamang bagay na kanilang ginawa, sabihin mo sa kanila ang lahat ng tungkol sa templo na ipinakita ko sa iyo. Ang disenyo nito, ang mga labasan at ang mga pasukan at ang lahat ng tungkol dito. At sabihin mo sa kanila ang lahat ng aking kautusan at alituntunin tungkol sa pagsamba sa akin doon. Isulat mo ang lahat ng bagay na ito habang pinapanood ka nila, upang magawa nilang sundin ang mga ito nang may katapatan.
\s5
\q1
\v 12 At ito ang pinakadakilang kautusan tungkol sa templo. Dapat mapanatiling sagrado at banal ang lahat ng lugar sa tuktok ng burol kung saan itatayo ang templo.
\s5
\q1
\v 13 Ito ang mga sukat ng altar, gamit ang panukat na patpat na gaya ng ginamit na panukat sa templo. Mayroong kanal sa palibot ng altar na halos kalahating metro ang lalim at kalahating metro ang lawak. Mayroon itong gilid sa palibot nito na halos 23 sentimetro ang lawak. Ito ang bubuo sa patungan ng buong altar.
\q1
\v 14 Halos isang metro ang taas ng ibabang bahagi ng kanal patungo sa ibabang pasimano na nakapalibot sa altar. Halos kalahating metro ang lawak ng ibabang pasimano. Mula sa pasimanong iyon patungo sa itaas na pasimano, halos 2.1 metro ito. Kalahating metro rin ang lawak ng pasimanong iyon.
\s5
\q1
\v 15 Isa pang 2.1 metro ang taas ng sunugan sa tuktok ng altar at mayroong parang sungay na nakausli sa itaas mula sa bawat apat na sulok.
\p
\v 16 Parisukat ang lugar na nasa tuktok ng altar, halos 6.5 metro ang haba sa bawat bahagi.
\q1
\v 17 Parisukat din ang itaas na pasimano na nakapaligid sa sunugan, halos 7.6 metro ang haba ng bawat bahagi at mayroon itong gilid sa buong palibot na halos dalawampu't pitong sentimetro ang lawak. Mayroong lawak na kalahating metro ang kanal sa ibaba ng altar. Mayroong mga baitang na patungo sa itaas papunta sa silangang bahagi ng altar."
\s5
\q1
\v 18 Pagkatapos, sinabi ng lalaki sa akin, "Anak ng tao, ito ang sinasabi ni Yahweh na Panginoon. Ito ang mga alituntunin para sa paghahandog ng mga alay na ganap na susunugin at para sa pagwiwisik ng dugo sa mga bahagi ng altar kapag itinayo na ito.
\q1
\v 19 Dapat kang magbigay sa mga pari ng isang batang toro upang maging alay para sa mga kasalanan ng mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Levi, mula sa angkan ni Zadok na lumalapit sa altar upang paglingkuran ako.
\s5
\q1
\v 20 Dapat kang kumuha ng kaunting dugo mula sa toro at ipahid ito sa apat na bahagi ng altar at sa apat na sulok ng itaas na pasimano at sa buong palibot, upang tanggapin ko ang altar at gawin ang altar na para lamang sa akin.
\q1
\v 21 Dapat mong sunugin ang torong iyon sa labas ng templo sa bahagi ng templo na inilaan para sa layuning iyon.
\s5
\q1
\v 22 Sa susunod na araw, dapat kang mag-alay ng lalaking kambing na walang kapintasan, bilang alay, upang tanggapin ko ang altar. Pagkatapos, dapat mong linisin muli ang altar, gaya ng ginawa mo sa pamamagitan ng toro na inialay.
\q1
\v 23 Kapag natapos mong gawin ang lahat ng iyon, dapat kang mag-alay ng batang toro at isang lalaking tupa na parehong walang kapintasan.
\q1
\v 24 Dapat mo silang ialay sa akin na si Yahweh. Dapat wisikan ng mga pari ang mga ito ng asin at ganap na sunugin sa altar bilang alay sa akin.
\s5
\q1
\v 25 Pagkatapos, sa bawat araw sa loob ng pitong araw, dapat kang magdala ng lalaking kambing sa pari upang ialay, upang tanggapin ko ang altar. Dapat ka ring mag-alay ng batang toro at lalaking tupa na walang kapintasan ang bawat isa na ibibigay ng mga pari.
\p
\v 26 Sa loob ng pitong araw, pababanalin ng mga pari ang altar, upang tanggapin ko ang altar. Sa pamamagitan ng paggawa nito, ilalaan nila ito para sa aking karangalan.
\q1
\v 27 Sa katapusan ng pitong araw na iyon, simula sa susunod na araw, magpapatuloy ang mga pari sa paglalagay ng mga alay sa altar upang ganap na sunugin at mga alay upang mangako ng pakikipagkaibigan sa akin. At tatanggapin ko kayo. Ito ang ipinahayag ko, ang Yahweh na Panginoon."
\s5
\c 44
\p
\v 1 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki pabalik sa panlabas na pasukan patungo sa templo ngunit nakasara ang tarangkahan, ang tarangkahang nasa silangang bahagi.
\q
\v 2 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Dapat manatiling nakasara ang tarangkahang ito. Hindi ito maaaring buksan ng sinuman at walang sinuman ang pahihintulutang makapasok dito. Dapat manatili itong nakasara dahil, ako si Yahweh na Diyos ng Israel, ginawa ko itong natatangi para sa akin kapag pumasok ako sa loob nito.
\q
\v 3 Ang pinuno lamang ng Israel ang pahihintulutang umupo sa loob ng pasukang ito upang kumain sa aking harapan. Dapat siyang pumasok at umalis sa templo sa pamamagitan ng tarangkahang ito."
\s5
\q
\v 4 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa harapan ng templo sa pamamagitan ng pasukan sa hilaga. Tumingin ako at nakita ko na napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang kaniyang templo, at nagpatirapa ako sa lupa.
\q
\v 5 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Anak ng tao, tingnan mong mabuti at makinig ng mabuti sa lahat ng sasabihin ko tungkol sa lahat ng mga tuntunin na may kinalaman sa templo. Tandaan mong mabuti ang pasukan at ang lahat ng mga labasan.
\s5
\q
\v 6 Sabihin mo ito sa mga suwail na Israelita: 'Ito ang sasabihin ko, akong Panginoong Yahweh: Kayong mga Israelita, hindi ko na matiis ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ninyo!
\q
\v 7 At ang karagdagan sa iba pang kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa ninyo, dinala ninyo sa aking templo ang mga dayuhang kalalakihan na hindi tuli at walang nalalaman tungkol sa kung paano ako igalang. Sa ginawa ninyong iyan, idinulot ninyo sa aking templo upang maging hindi katanggap-tanggap na lugar upang sambahin ako at sinuway ninyo ang aking tipan sa inyo habang naghahandog kayo sa akin ng pagkain, taba at dugo.
\s5
\q
\v 8 Sa halip na gagawin ang mga iniutos ko na gawin ninyo alang-alang sa aking mga banal na bagay, nagtalaga kayo ng mga dayuhan upang pangasiwaan ang aking templo.
\q
\v 9 Ngunit ito ang aking sasabihin, akong si Yahweh: Walang dayuhan, walang kalalakihang hindi tuli at walang tao na walang diyos ang pahihintulutang pumasok sa aking templo maging ang mga dayuhang permanenteng nakikitira sa inyong mga Israelita.
\s5
\q
\v 10 Tinalikuran ako ng maraming kaapu-apuhan ni Levi kasama ang halos lahat ng mga Israelita at nagsimulang sumamba sa mga diyus-diyosan. Parurusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan.
\q
\v 11 Pahihintulutan ko silang magtrabaho sa aking templo at maging tagapangasiwa ng mga tarangkahan ng templo. Kakatayin nila ang mga hayop na ganap na susunugin sa altar at susunugin ang iba pang mga handog para sa mga tao at sila rin ang tutulong sa mga tao.
\q
\v 12 Ngunit dahil tinulungan nila ang mga tao na sumamba sa mga diyus-diyosan at nagdulot sa maraming Israelita na magkasala sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan, sumusumpa ako na parurusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan.
\s5
\q
\v 13 Hindi sila dapat lumapit sa akin upang maglingkod bilang mga pari. Hindi sila dapat lumapit sa anumang mga bagay na banal o mga handog na banal. Mapapahiya sila dahil sa mga bagay na kanilang ginawa, kung saan may kasalanan sila.
\p
\v 14 Ngunit itatalaga ko pa rin silang tagapangasiwa sa mga gawain sa templo at hahayaan ko silang gawin ang lahat ng mga gawain na kinakailangang gawin doon.
\s5
\q
\v 15 Ngunit ang mga paring nagmula sa lahi ni Levi at ang mga nagmula sa angkan ni Zadok ang matapat na naglingkod sa aking templo nang talikuran ako ng iba pang mga Israelita. Kaya, dapat silang lumapit sa akin upang maglingkod sa akin. Tatayo sila sa aking harapan upang maghandog ng mga alay na taba at dugo ng hayop.
\q
\v 16 Sila lamang ang pahihintulutang pumasok sa aking templo. Sila lamang ang pahihintulutang lumapit sa aking altar upang maglingkod sa akin at gawin ang anumang sabihin ko sa kanila na gawin nila.
\s5
\q
\v 17 Kapag pumasok sila sa daanan patungo sa panloob na patyo, dapat silang magsuot ng puting linong damit. Hindi sila dapat magsuot ng anumang damit na gawa sa lana habang ginagawa nila ang kanilang mga gawain sa mga tarangkahan ng panloob na patyo o sa loob ng templo.
\p
\v 18 Dapat silang magsuot ng mga puting linong turbante sa kanilang mga ulo at mga linong pamigkis sa palibot ng kanilang mga baywang. Hindi sila dapat magsuot ng anumang makapagdudulot sa kanila ng pawis.
\s5
\q
\v 19 Bago sila lumabas sa patyo kung saan naroon ang ibang tao, kailangan nilang hubarin ang mga damit na kanilang ginamit at iwanan ang mga ito sa loob ng banal na mga silid at magsuot ng ibang damit, upang hindi maging banal ang mga tao na hahawak sa mga banal na damit.
\s5
\q
\v 20 Hindi dapat ahitan ng mga pari ang kanilang mga ulo o huwag hayaang humaba ang kanilang buhok, ngunit dapat nilang panatilihing pantay ang haba ng kanilang buhok.
\q
\v 21 Hindi dapat uminom ng alak ang mga pari bago sila pumasok sa panloob na patyo.
\q
\v 22 At hindi rin dapat makipag-asawa ang mga pari ng mga balo ng ibang lalaki na hindi pari o sa mga babaing nakipaghiwalay sa asawa. Pinahihintulutan lamang silang magkipag-asawa sa mga babaing birhen o sa mga babaeng balo ng ibang mga pari.
\s5
\q
\v 23 Dapat nilang turuan ang mga tao nang pagkakaiba ng mga bagay na banal at mga bagay na hindi banal at turuan sila kung paano malalaman ang mga bagay na katanggap-tanggap sa akin at mga bagay na hindi katanggap-tanggap.
\q
\v 24 Kung may pagtatalo sa pagitan ng mga tao, ang mga pari ang dapat maglingkod bilang mga hukom at magpasya ng mga bagay nang naaayon sa aking mga kautusan. Dapat silang sumunod sa lahat ng aking mga kautusan at mga atas na may kinalaman sa banal na mga pagdiriwang, at dapat nilang ituring ang aking mga Araw ng Pamamahinga bilang natatanging araw para sa akin.
\s5
\q
\v 25 Pinahihintulutan ang mga pari na lumapit sa bangkay ng isang ama, ina, mga anak, kapatid na lalaki o babae na wala pang asawa. Ngunit hindi nila dapat dungisan ang kanilang mga sarili sa paglapit sa isang bangkay ng sinuman.
\q
\v 26 Kung hinawakan ng isang pari ang bangkay ng isang malapit na kamag-anak, dapat siyang magsagawa ng mga ritwal upang muling maging katanggap-tanggap na maglingkod sa akin. Pagkatapos niyang magsagawa ng mga ritwal na iyon, dapat siyang maghintay ng pitong araw.
\q1
\v 27 At sa araw ng muli niyang pagpasok sa panloob na patyo upang maglingkod sa akin sa templo, dapat siyang magbigay ng isang handog upang alisin ang kaniyang pagkakasala. Ako si Yahweh na Panginoon, at iyan ang aking pahayag.
\s5
\q1
\v 28 Hindi magmamay-ari ang mga pari ng anumang lupain. Magkakaroon lamang sila ng anumang ipagkakaloob ko sa kanila.
\v 29 Kakainin nila ang mga handog na ginawa mula sa harina, mga handog upang maalis ang bigat ng pagkakasala ng mga tao, at ang mga handog na ginawa nang mabigong ibigay sa akin ng mga tao ang mga bagay na kinakailangan nilang ibigay. Magiging pag-aari ng mga pari ang lahat ng iba pang mga bagay na nasa Israel na inilaan para sa akin.
\s5
\v 30 Magiging pag-aari ng mga pari ang mga pinakamaiinam na bunga ng unang bahagi ng bawat ani at ang lahat ng iba pang mga natatanging kaloob. Dapat mong ibigay sa kanila ang unang bahagi ng iyong pinong harina, upang pagpalain ko ang mga taong nakatira sa iyong tahanan.
\v 31 Hindi dapat kainin ng mga pari ang laman ng anumang ibon o hayop na natagpuang patay o pinatay ng mga mababangis na hayop.
\s5
\c 45
\p
\v 1 Kapag hinati-hati ang lupain ng Israel sa labindalawang tribu, dapat mong ibigay kay Yahweh ang isang bahagi ng lupain na magiging isang banal na distrito. Magiging 13.5 kilometro ang haba nito at 5.4 kilometro ang lawak. Ilalaan ang buong bahaging ito para kay Yahweh.
\q
\v 2 Sa bahagi ng lugar na iyan, iiwanang walang laman ang buong bahagi ng templo na isang kuwadrado na halos 270 metro ang haba sa bawat sulok. Iiwanang walang laman ang buong paligid ng bahagi ng templo bilang isang karagdagang mahabang makitid na lupain na halos dalawampu't pitong metro ang lawak.
\s5
\q
\v 3 Sa loob ng banal na distrito, sukatin ninyo ang isang bahagi na halos 13.5 kilometro ang haba at halos 5.4 kilometro ang lawak.
\q
\v 4 Magiging banal na bahagi ito ng lupain para sa mga pari na naglilingkod sa templo, mga taong lumapit kay Yahweh upang maglingkod sa kaniya. Magiging isang lugar ito na namumukod tangi para kay Yahweh, para sa mga tahanan ng mga pari at para sa templo.
\q
\v 5 Para sa mga kaapu-apuhan ni Levi na nagtatrabaho sa templo ang isang bahagi na may sukat na halos 13.5 kilometro ang haba at halos 5.4 kilometro ang lawak. Magiging pag-aari nila ang bahaging iyon at maaari silang magtayo ng mga bayan doon upang manirahan.
\s5
\q
\v 6 Sa tabi ng banal na lugar na ito, may isang bahagi ng lupain na halos 13.5 kilometro ang haba at halos 2.7 kilometro ang lawak. Para ito sa isang lungsod kung saan maaaring manirahan ang sinuman sa Israel.
\q
\v 7 Magkakaroon ang pinuno ng Israel ng lupain na nasa bawat bahagi ng lugar na binubuo ng distrito ng templo at ng lungsod. Aabot ito hanggang sa kanluran mula sa kanluraning dulo ng mga bahaging iyon patungo sa silangan mula sa silanganing dulo ng mga bahaging iyon. Magiging pareho ang sukat ng layo ng silangang hangganan at layo ng kanlurang hangganan bilang pahalang na hangganan ng iba pang mga lupain.
\s5
\q
\v 8 Magiging pag-aari ng pinuno ang bahaging ito ng lupain. Kaya hindi na magkakaroon ng anumang dahilan ang mga pinuno sa pagpapahirap ng aking mga tao at sa pagnanakaw ng kanilang lupain. Ilalaan nila ang natitirang mga bahagi ng lupain sa Israel sa bawat tribu na hahatiin para sa mga tao.
\s5
\q
\v 9 Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Kayong mga pinuno ng Israel, dapat ninyong itigil ang inyong karahasan at ang pagpapahirap sa mga tao! Dapat ninyong gawin ang makatarungan at matuwid. Itigil ninyo ang pagsamsam ng lupain mula sa mga tao, itigil ninyo ang sapilitang pagpapalayas sa kanila sa kanilang lupain!
\q
\v 10 Dapat din kayong gumamit ng tamang mga timbangan at tamang lalagyan na panukat ng mga bagay.
\q
\v 11 Dapat pareho ang sukat ng mga basket para sa panukat ng mga tuyong bagay at mga lalagyan para sa panukat ng mga likido, dapat maglaman ang bawat isa ng dalawampu't dalawang litro na tinatawag na efa (panukat para sa mga tuyong bagay) at isang bath (panukat para sa mga likido).
\q
\v 12 Kapag tinimbang ninyo ang mga bagay, dapat ninyong gamitin ang mga timbangan na tinatanggap ng lahat na tama. Hahatiin ang siklo sa dalawampung gera at magkakahalaga ng animnapung siklo ang isang mina.
\s5
\q
\v 13 Dapat ninyong ibigay sa pinuno ang isang takal ng trigo o barley sa bawat animnapung takal na inyong aanihin.
\q
\v 14 Dapat kayong magbigay sa kaniya ng isang takal ng langis ng olibo sa bawat isang daang takal na inyong ginawa.
\q
\v 15 Ipinahayag din ni Yahweh na dapat kayong kumuha ng isang tupa o kambing mula sa bawat dalawang-daan sa inyong mga kawan sa malagong mga pastulan ng Israel. Dapat kayong mag-alay ng isang tupa o isang kambing para sa iba't ibang mga paghahandog: mga handog na susunugin at handog sa pangakong pakikipagkaibigan kay Yahweh at mga handog upang bayaran ang mga kasalanan ng tao. "Ito ang utos ng Panginoong Yahweh."
\s5
\p
\v 16 Dapat sumama ang lahat ng tao sa lupain sa pagdadala ng handog na ito sa pinuno ng Israel.
\q
\v 17 Dapat magbigay ng mga hayop ang pinuno upang ganap na sunugin sa altar, harina na gawa mula sa butil para sa mga paghahandog at alak para sa mga banal na pagdiriwang na itinakda ni Yahweh para sa mga Israelita. Gayundin ang mga pista upang ipagdiwang ang mga Bagong Buwan at ang mga paghahandog para sa mga Araw ng Pamamahinga. Dapat siyang magbigay ng mga hayop na ihahandog upang maging katanggap-tanggap sa Diyos ang mga tao, mga handog na harina na gawa sa butil, mga handog na ganap ng susunugin at mga handog upang mangako ng pakikipagkaibigan kay Yahweh at upang bayaran ang mga kasalanan ng mga tao ng Israel."
\s5
\q1
\v 18 Ito rin ang ipinahayag ng Panginoong Yahweh: "Sa unang araw ng unang buwan sa bawat taon, dapat kayong kumuha ng isang batang toro na walang kapintasan at ihandog ito upang dalisayin ang templo.
\q1
\v 19 Dapat kumuha ang pari ng dugo ng alay bilang kabayaran para sa kasalanan ng mga tao at dapat niya itong ipahid sa haligi ng pintuan ng templo, sa apat na sulok ng itaas ng pasamanong nakapalibot sa altar at sa haligi ng tarangkahan ng panloob na patyo.
\q1
\v 20 Ganoon din ang dapat ninyong gawin sa ikapitong araw ng buwan para sa sinumang tao na nagkasala nang hindi sinasadya o nang hindi nalalaman na nagkasala sila. Sa gagawin ninyong iyon, dadalisayin ninyo ang templo.
\s5
\p
\v 21 Sa unang buwan ng bawat taon, sa ikalabing apat na araw ng buwan, dapat ninyong simulang ipagdiwang ang pista ng Paskua. Magtatagal ng pitong araw ang pagdiriwang. Sa panahong iyon, hindi kayo dapat kumain ng anumang tinapay na may lebadura.
\q1
\v 22 Sa unang araw, dapat magbigay ang pinuno ng isang toro bilang handog para sa kaniyang sarili at para sa ibang mga tao sa bansa.
\s5
\q1
\v 23 At sa bawat araw ng pitong araw na iyon, dapat siyang magbigay ng pitong toro at pitong lalaking tupa na walang mga kapintasan bilang isang handog upang maaaring tanggapin ng Diyos ang mga tao.
\q1
\v 24 Dapat din siyang magbigay ng dalawampu't dalawang litro na harina bilang handog kasama ng bawat toro, parehong dami ng harina kasama ng bawat lalaking tupa at apat din na litro ng langis ng olibo sa bawat handog na harina.
\s5
\q1
\v 25 Sa pitong araw ng pagdiriwang ng pista, nang manirahan ang mga Israelita sa mga tolda sa panahon ng paglisan nila mula sa Egipto, kung saan magsisimula sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan ng bawat taon, dapat magbigay ang pinuno ng mga parehong bagay para sa mga handog upang maaaring tanggapin ng Diyos ang mga tao, para sa mga handog na ganap na susunugin, para sa mga handog na mga bagay na gawa sa mga butil at para sa mga handog na langis ng olibo.
\s5
\c 46
\p
\v 1 Ito ang iba pang ipinahayag ng Panginoong Yahweh: 'Dapat isara ang silangang pasukan sa panloob na patyo sa anim na araw ninyong pagtatrabaho sa bawat isang linggo, ngunit sa mga Araw ng Pamamahinga at sa mga araw na mayroong Bagong Buwan, dapat mabuksan ang daanan.
\q
\v 2 Dapat pumasok sa patyo ang pinuno sa pamamagitan ng daanan sa pasukang silid at tatayo sa tabi ng mga haligi ng tarangkahan ng panloob na patyo. At dapat maghandog ang mga pari ng hayop na ganap na susunugin sa altar at gayundin ang kaniyang handog sa pangakong pakikipagkaibigan sa akin. Dapat akong sambahin ng pinuno sa pasukan ng panloob na daanan at pagkatapos kailangan niyang umalis. Ngunit hindi isasara ang tarangkahan hanggang sa gabing iyon.
\s5
\q
\v 3 Sa mga Araw ng Pamamahinga at sa mga araw na mayroong Bagong Buwan, dapat sambahin din ako ng mga tao sa pasukan ng tarangkahang ito.
\q
\v 4 Ang handog na dadalhin ng pinuno na ganap na susunugin sa Araw ng Pamamahinga ay anim na lalaking kordero at isang lalaking tupa na pare-parehong walang kapintasan.
\q
\v 5 Ang handog na ibibigay niya na kasama ng lalaking tupa ay dapat dalawampu't dalawang litrong harina, at ang harinang ihahandog niya na kasama ng mga kordero ay ayon lamang sa dami ng nais niyang ibigay, kasama ng isang litrong langis ng olibo para sa bawat dalawampu't dalawang litrong harina.
\s5
\q
\v 6 At sa bawat araw na mayroong Bagong Buwan, dapat siyang maghandog ng isang batang toro, anim na kordero at isang lalaking tupa na pare-parehong walang kapintasan.
\q
\v 7 Dapat din siyang magbigay ng dalawampu't dalawang litrong harina kasama ng toro, parehong dami ng harina kasama ng lalaking tupa at ang dami ng nais niyang ibigay na harina kasama ng mga kordero, na may kasamang isang litrong langis ng olibo sa bawat dalawampu't dalawang litrong harina.
\p
\v 8 Kapag pumasok ang pinuno sa templo, dapat siyang pumasok sa pamamagitan ng tarangkahan at sa pasukan ng silid na ito, at dapat siyang lumabas sa parehong daanan.
\s5
\p
\v 9 Kapag pumunta ang mga tao upang sumamba sa akin sa mga pagdiriwang na akong si Yahweh ang nag-utos, ang mga taong pumasok sa templo sa pamamagitan ng daanang nasa hilaga ay dapat lumabas sa daanang nasa timog. At ang mga taong pumasok sa daanang nasa timog ay dapat lumabas sa daanang nasa hilaga. Hindi dapat lumabas ang mga tao sa daanan kung saan sila pumasok, dapat lumabas sila sa kabilang daanan.
\p
\v 10 Dapat pumasok ang pinuno kapag pumasok ang ibang tao at lalabas kapag lumabas ang mga tao.
\s5
\p
\v 11 Sa panahon ng mga pagdiriwang na idadaos ninyo para sa akin, dapat magbigay ang hari ng dalawampu't dalawang litrong harina kasama ng isang toro o isang lalaking tupa at ang dami ng harina ay ayon lamang sa nais niyang ibigay kasama ng mga kordero at isang litrong langis ng olibo sa bawat dalawampu't dalawang litro ng harina.
\p
\v 12 Kapag nagbigay ang pinuno ng isang handog na hindi kinakailangan, kahit isang handog na ganap na susunugin o isang handog upang ipagdiwang ang pakikiisa sa akin, dapat buksan para sa kaniya ang tarangkahang nasa silangan. Dapat niyang ibigay ang kaniyang handog gaya ng kaniyang ginagawa sa mga Araw ng Pamamahinga. At pagkatapos, lalabas siya at dapat nilang isara ang daanan pagkatapos niyang makalabas.
\s5
\p
\v 13 Sa umaga ng bawat araw, dapat magbigay ang isang tao ng isang taong gulang na kordero na walang kapintasan bilang isang handog para sa akin, isang handog na ganap na susunugin ng mga pari.
\p
\v 14 Isang tao rin ang dapat magbigay ng handog na harina sa bawat umaga. Dapat halos 3.5 litrong harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo. Hindi kayo dapat tumigil sa pagbibigay sa akin na Yahweh ng mga handog na ito na harina at langis ng olibo sa bawat araw.
\q
\v 15 Dapat ninyong ibigay sa akin sa bawat umaga ang kordero at ang handog na harina at langis ng olibo upang ganap na sunugin sa altar.
\s5
\p
\v 16 Ito ang ipinahahayag ng Panginoong Yahweh: Kung magbibigay ang pinuno ng ilan sa kaniyang mga lupain sa isa sa kaniyang mga anak na lalaki, upang maging permanente niyang pag-aari, sa huli magiging pag-aari ito ng mga kaapu-apuhan ng kaniyang mga anak na lalaki.
\p
\v 17 Gayunpaman, kapag ibinigay niya ang ilan sa kaniyang lupain sa isa sa kaniyang mga lingkod, hahayaang maging pag-aari ng lingkod ang lupaing iyon hanggang sa Taon ng Kalayaan. Pagkatapos, muli itong magiging pag-aari ng pinuno. Ngunit kung ibibigay ng pinuno ang lupain sa kaniyang mga anak na lalaki, magiging permanente nilang pag-aari ang lupaing iyon.
\q
\v 18 Hindi dapat kunin ng pinuno ang anumang pag-aari ng mga tao at pilitin silang manirahan sa ibang lugar. Dapat magmumula sa kaniyang sariling ari-arian ang lupain na ibibigay niya sa kaniyang mga anak at hindi galing sa ari-arian ng sinuman upang wala sa aking mga tao ang mahiwalay mula sa kaniyang sariling ari-arian."'
\s5
\p
\v 19 At sa pangitain, dinala ako ng lalaki sa pasukan sa tabi ng daanan patungo sa banal na mga silid na nasa kanlurang bahagi, ang mga silid na pag-aari ng mga pari at ipinakita niya sa akin ang isang lugar sa dulo ng silangang bahagi.
\q
\v 20 Sinabi niya sa akin, "Ito ang lugar kung saan lulutuin ng mga pari ang handog na karne na ginawa ng mga tao dahil nabigo silang gawin ang ipinangako nila kay Yahweh na gagawin nila at ang mga handog na magdudulot sa mga tao upang maging katanggap-tanggap sa Panginoon, at kung saan sila magluluto ng tinapay na gawa sa harina na dinala bilang mga handog. Lulutuin nila ang mga bagay na iyon sa kanilang mga silid upang maiwasan ang pagdala ng mga ito sa panlabas na patyo upang doon ito lutuin, baka maging banal ang mga tao na hahawak ng mga ito."
\s5
\p
\v 21 Pagkatapos, dinala ako ng lalaki sa panlabas na patyo at dinala niya ako sa palibot ng apat na sulok nito. Sa bawat sulok, nakita ko ang isang nababakurang bahagi,
\q
\v 22 halos dalawampu't dalawang metro ang haba at labing-anim na metro ang lawak ng bawat isa.
\p
\v 23 Nakapalibot sa loob ng bawat nababakurang mga bahagi nito ang isang pasamanong bato na may mga lugar na pinag-aapuyan sa lahat ng palibot sa ilalim ng pasamano.
\p
\v 24 Sinabi sa akin ng lalaki, "Ito ang mga kusina kung saan lulutuin ng mga kaapu-apuhan ni Levi na nagtatrabaho sa templo ang mga handog na dinadala ng mga tao."
\s5
\c 47
\p
\v 1 At sa pangitain, dinala ako ng lalaki pabalik sa pasukan ng templo. Nakakita ako doon ng tubig na lumalabas mula sa ilalim ng pasukan at umaagos patungong silangan. Umaagos ang tubig pababa sa gawing timog ng pasukan, sa may kanan ng altar.
\q
\v 2 At dinala niya ako palabas sa hilagang tarangkahan at dinala ako sa palibot ng silangang tarangkahan sa panlabas na bahagi nito.
\s5
\q
\v 3 Habang patuloy na naglalakad ang lalaki patungong silangan, nakita ko na mayroon siyang taling panukat sa kaniyang kamay. Sumukat siya ng halos 540 metro at pagkatapos dinala niya ako sa may tubig na lumukob sa aking mga bukung-bukong.
\q
\v 4 At muli siyang sumukat ng halos 540 metro at dinala niya ako sa tubig na hanggang sa aking mga tuhod. At muli siyang sumukat ng halos 540 metro at dinala niya ako sa tubig na hanggang sa aking baywang.
\q
\v 5 At muli siyang sumukat ng halos 540 metro at dinala niya ako sa tubig na ngayon ay isang nang ilog na hindi ko matawid dahil napakalalim ng tubig at upang makapagpatuloy ay kakailanganin kong lumangoy.
\s5
\q
\v 6 Pagkatapos, tinanong niya ako, "Anak ng tao, isipin mong mabuti ang tungkol dito." At dinala niya ako sa pampang ng ilog
\q
\v 7 at bumalik dito patungo sa direksiyon kung saan kami nanggaling. Nakita ko doon ang maraming puno na tumutubo sa bawat bahagi ng ilog.
\q
\v 8 Sinabi niya sa akin, "Dumadaloy sa silangan ang tubig na ito at bumababa patungo sa Dagat na Patay. At kapag pumasok ang tubig sa Dagat na Patay, mananatili itong sariwa at panunumbalikin ang tubig ng Dagat at muli itong magiging sariwa.
\s5
\q
\v 9 Nag-uumpukan na isda ang mabubuhay sa tubig saanman dadaloy ang ilog. Magkakaroon ng maraming isda sa Dagat na Patay, dahil ang tubig na dumadaloy rito ang magdudulot sa maalat na tubig upang maging sariwang tubig. Saanman dumadaloy ang ilog, sasagana ang lahat ng nasa tabi nito.
\q1
\v 10 Tatayo sa tabi ng ilog ang mga mangingisda upang manghuli ng isda. Mula sa En-gedi na nasa dakong kanluran hanggang sa En-eglaim, magkakaroon ng mga lugar na lalatagan ng mga lambat. Magkakaroon ng maraming uri ng isda tulad ng mga naroon sa Dagat Mediteraneo.
\s5
\q1
\v 11 Ngunit hindi magiging sariwa ang mga latian at mga ilat sa tabi ng pampang, matitira ang mga ito upang gawing asin.
\q1
\v 12 Maraming uri ng mga bungang-kahoy ang tutubo sa magkabilang bahagi ng ilog. Hindi malalanta ang kanilang mga dahon at patuloy silang magkakaroon ng bunga. Mamumunga sila ng bagong bunga bawat buwan dahil ang tubig na nagmumula sa templo ay patuloy na dadaloy sa mga puno. Magiging mainam na kainin ang mga bunga nito at magiging mainam na panlunas ang mga dahon nito."
\s5
\p
\v 13 Sa pangitain, sinabi rin ito sa akin ni Yahweh: "Narito ang isang talaan ng labindalawang tribo ng Israel at ang lupaing matatanggap ng bawat tribo. Makatatanggap ng dalawang bahagi ang mga kaapu-apuhan ni Jose.
\q1
\v 14 Hatiin ang lupain ng pantay-pantay sa lahat ng mga tribo. Itinaas ko ang aking kamay upang sumumpa sa inyong mga ninuno na ibibigay ko sa kanila ang lupaing ito upang maging permanente nilang pag-aari.
\s5
\q1
\v 15 Ito ang magiging mga hangganan ng lupain: Sa hilagang bahagi, aabot ito mula sa Dagat Mediteraneo sa silangan daanan patungong Hetlon, lampas ng Lebo Hamat patungong Sedad,
\v 16 Berotha at hanggang sa Sibrahim, na nasa hangganan sa pagitan ng Damasco at Hamat. Ang hangganan ay makararating hanggang sa Haser-hatticon na nasa hangganan ng rehiyon ng Hauran.
\v 17 Kaya ang hangganan ay aabot mula sa Dagat ng Meditereneo patungong Hazar-enon sa hangganan sa pagitan ng Hamat sa hilaga at ng Damasco sa timog. Iyon ang magiging hangganan sa hilaga.
\s5
\p
\v 18 Sa silangang bahagi, aabot ang hangganan sa pagitan ng Hauran at Damasco, sa timog ng Ilog Jordan, sa pagitan ng rehiyon Gilead at sa lupaing sakop ng Israel, sa tabi ng Dagat na Patay hanggang sa Tamar. Iyon ang magiging hangganan sa silangan.
\p
\v 19 Sa bahagi ng timog, aabot ang hangganan mula sa Tamar hanggang sa mga bukal na malapit sa Meribot-cades. At aabot ito sa kanluran sa tabi ng batis ng Egipto hanggang sa Dagat Meditereneo. Iyon ang magiging hangganan sa katimugan.
\p
\v 20 Sa bahagi ng kanluran, ang Dagat Mediteraneo ang magiging hangganan sa hilaga hanggang sa dulo malapit sa Lebo Hamat.
\s5
\p
\v 21 Dapat ninyong ibahagi ang lupaing ito sa inyong mga sarili at sa mga tribo ng Israel.
\v 22 Dapat ninyong itakda na permanente ninyong pag-aari ang lupain para sa inyong mga sarili at para rin sa sinumang dayuhan na naninirahan at nag-aalaga ng kanilang mga anak sa inyo. Dapat ninyo silang ituring na tulad ng mga katutubong mga Israelita at mayroon dapat silang nakatakdang lupain sa mga tribo ng Israel.
\v 23 Saanman naninirahan ang mga dayuhan, dapat ninyo silang bigyan ng ilang lupain upang maging permanenteng pag-aari nila.' Iyan ang mga ipinahayag ng Panginoong Yahweh."
\s5
\c 48
\p
\v 1 Narito ang mga talaan ng mga tribo ng Israel at ang sakop na lupaing matatangap ng bawat tribo. Mag-uumpisa sa Dagat ng Medetereneo ang hilagang hangganan ng Israel at patungong silangan hanggang sa lungsod ng Hetlon at hanggang sa Lebo Hamat at patungo hanggang sa Hazar-enon na nasa timog ng Damasco at magpapatuloy ito hanggang sa Hamat. Makakatanggap ng lupain ang bawat tribo na aabot mula sa silangang hangganan ng Israel sa kanluran patungo sa Dagat ng Mediteraneo.
\q
\v 2 Magiging lupain na sakop ng tribo ng Aser ang kanilang bahaging timog.
\q
\v 3 Magiging lupain na sakop ng tribong Neftali ang timog na lupain ng mga Aser.
\s5
\q
\v 4 Ang timog na lupain ng Neftali ay magiging lupaing sakop ng tribo ng Manases.
\q
\v 5 Ang timog na lupain ng Manases ay magiging lupaing sakop ng tribo ng Efraim.
\q
\v 6 Ang timog na lupain ng Efraim ay magiging lupain na sakop ng tribo ng Ruben.
\q
\v 7 Ang timog na lupain ng Ruben ay magiging lupaing sakop ng tribo ng Juda.
\s5
\p
\v 8 Ang timog na lupain ng Juda ay magiging bahagi na ibibigay sa akin ng buong bansa at ibubukod ninyo ito para sa natatanging paggamit. Ang templo ang magiging gitna ng bahaging ito. Magiging kasing-haba ito ng anumang bahagi ng lupaing itinalaga sa tribo ng Israel.
\q
\v 9 Ang natatanging lugar na ito ay halos 13.5 kilometro ang haba at halos 5.4 kilometro ang lawak. Ito ang ibibigay ninyo kay Yahweh.
\s5
\q
\v 10 Sa loob ng natatanging lugar na ito, ito ang itatalaga ninyo sa mga pari: itatalaga ninyo sa kanila ang isang bahagi ng lupain na may sukat na halos 13.5 kilometro sa dakong hilaga at timog at halos 5.4 kilometro sa dakong kanluran at dakong silangan. Ang templo ni Yahweh ang magiging gitna ng natatanging lugar na ito
\q
\v 11 Ang templo ang magiging lugar para sa mga pari, ang mga taong ibinukod para sa aking karangalan na mga kaapu-apuhan ni Zadok. Sila ang mga naglingkod sa akin nang may katapatan at hindi tumalikod kay Yahweh tulad ng ginawa ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
\q
\v 12 Kapag naipamahagi ang lupain, ihahandog ninyo sa akin ang natatanging lugar na iyon upang maging natatanging bahagi iyon ng mga pari ituturing ninyong napakanatatangi sa akin ang lupaing ito. Kasunod ng lupaing sakop ng mga pari ay kung saan maninirahan ang ibang mga kaapu-apuhan ni Levi.
\s5
\q
\v 13 Ang lupain na itatalaga ninyo sa mga kaapu-apuhan ni Levi ay magiging pareho ang sukat sa lupain na matatanggap ng mga pari. Kaya kapag pinagsama-sama, magiging halos 13.5 kilometro ang haba at halos labing-isang kilometro ang lawak ng dalawang bahagi ng lupaing ito.
\q
\v 14 Wala sa natatanging lupain na ito, itong pinakamainam na lupain ang ibebenta o maikakalakal o gagamitin ng ibang mga tao, dahil pag-aari ito ni Yahweh. Ibinukod ito para sa kaniya.
\s5
\q1
\v 15 Ang isa pang mahaba at makitid na piraso ng lupain na halos 13.5 kilometro ang haba at halos 2.7 kilometro ang lawak ay inilaan upang gamitin ng mga taong naninirahan sa natatanging lugar at doon maaari silang magtayo ng mga tahanan at magkaroon ng mga pastulan at magkakaroon ng isang lungsod sa gitnang bahagi ng lugar na ito.
\q
\v 16 Magiging parisukat ang lungsod na may sukat na halos 2.4 kilometro ang haba sa bawat dako.
\s5
\p
\v 17 Magkakaroon ng bukas na lugar sa palibot ng lungsod, sa loob ng natatanging lugar na magiging halos 135 metro ang lalim sa bawat dako.
\q1
\v 18 Magkakaroon ng lugar na sakahan sa labas ng lungsod na aabot ng halos 5.4 kilometro sa silangang dako at halos 5.4 kilometro sa dakong kanluran. Ang mga lalaking nagtatrabaho roon ang magbibigay ng pagkain para sa mga tao na nagtatrabaho sa lungsod.
\s5
\q1
\v 19 Ang mga taong nagmula sa iba't ibang mga tribo upang magtrabaho sa lungsod ay maaari ring magtrabaho sa sinasakang-lupain na ito.
\q1
\v 20 Itong buong natatanging lugar, kasama na ang lupaing ibinigay na gagamitin para kay Yahweh at ang lungsod, ay magiging isang parisukat na halos 13.5 kilometro ang haba sa bawat panig nito.
\s5
\q1
\v 21 Ang malawak na sukat ng lupain sa silangan at sa kanlurang bahagi ni Yahweh at ang lungsod ay magiging pag-aari ng pinuno. Ang isang bahagi ay aabot sa silangan hanggang sa silangang hangganan ng Israel at ang iba ay aabot sa kanluran hanggang sa Dagat ng Meditereneo. Magiging nasa gitna ang bahagi ni Yahweh na kinaroroonan ng templo.
\q1
\v 22 Ang bahagi na pag-aari ng pinuno ay nasa pagitan ng tribo ng Juda sa dakong hilaga at ng tribo ng Benjamin sa dakong timog.
\s5
\q
\v 23 Sa dakong timog ng bahagi ni Yahweh, makakatanggap ang bawat ibang mga tribo ng isang bahagi ng lupain na pinalawak mula sa hangganan sa silangan ng Israel na kanlurang bahagi ng Dagat ng Mediteraneo. Gayundin magiging lupang sakop ng Benjamin ang bahagi ni Yahweh na nasa timog.
\q
\v 24 Sa timog ng lupain ng Benjamin ang magiging lupaing sakop ng tribong Simeon.
\q
\v 25 Sa timog ng lupain ng Simeon ang magiging lupaing sakop ng tribong Isacar.
\p
\v 26 Sa timog ng lupain ng Isacar ang magiging lupaing sakop ng tribong Zebulun.
\s5
\v 27 Sa timog ng lupain ng Zebulun ang magiging lupaing sakop ng tribong Gad.
\q
\v 28 Ang katimugang hangganan ng lupain ng Gad ay aabot sa timog mula sa En-gedi hanggang sa mga bukal sa Meribat-cades at patungo sa kanluran sa batis ng Egipto hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
\q
\v 29 Ito ang isang paglalarawan sa lupain na dapat ninyong italaga sa mga tribo ng Israel, upang maging permananteng pag-aari nila ito.' Ito ang aking ipinahayag, akong Panginoong si Yahweh.
\s5
\p
\v 30 Narito ang mga tarangkahan ng lungsod: Sa dakong hilaga, na halos 2.4 kilometro ang haba,
\q
\v 31 magkakaroon ng tatlong tarangkahan. Sa bawat tarangkahan ay ipapangalan ang isa sa mga tribo ng Israel. Ang una ay ipapangalan kay Reuben, ang susunod ay kay Juda at ang susunod ay kay Levi.
\q
\v 32 Sa dakong silangan, halos 2.4 kilometro rin ang haba ng mga tarangkahan na ipinangalan kay Jose, Benjamin at Dan.
\s5
\q
\v 33 Sa dakong timog, halos 2.4 kilometro rin ang haba ng mga tarangkahan na ipinangalan ka simeon, Isacar at Zebulun.
\p
\v 34 Sa dakong kanluran, halos 2.4 kilometro rin ang haba ng mga tarangkahan na ipinangalan kay Gad, Aser at Neftali.
\v 35 Ang distansiya sa palibot ng lungsod ay halos 9.7 kilometro. Mula noong panahong iyon, ang pangalan ng lungsod ay magiging "Si Yahweh ay Naroon."