forked from WA-Catalog/tl_udb
691 lines
43 KiB
Plaintext
691 lines
43 KiB
Plaintext
\id ECC
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Ang Mangangaral
|
|
\toc1 Ang Mangangaral
|
|
\toc2 Ang Mangangaral
|
|
\toc3 ecc
|
|
\mt Ang Mangangaral
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ang mga ito ay mga salita at mga kawikaan ng anak ni Haring David, na hari sa Jerusalem. Tinatawag akong 'Ang Mangangaral' ng mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ang Mangangaral ang nagsasabi, "Walang mamamalagi. Lahat ito ay tulad ng hamog sa umaga o ang hangin; Ito ay umaalis at dumarating, pero sa anong dahilan?
|
|
\p
|
|
\v 3 Ano ang pakinabang ng mga tao mula sa lahat ng paghahanapbuhay na kanilang ginawa dito sa lupa?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Bawat taon namamatay ang mga matatanda at ipinapanganak ang mga sanggol, pero ang mundo ay hindi kailanman magbabago.
|
|
\p
|
|
\v 5 Bawat umaga sumisikat ang araw, at bawat gabi ito ay lumulubog, at pagkatapos ito ay nagmamadaling umikot kung saan ito ay nagsimula.
|
|
\p
|
|
\v 6 Umiihip ang hangin sa timog, at pagkatapos ito ay babalik at magsisimulang umihip sa hilaga. Ito ay patuloy ng paikut-ikot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 7 Dumadaloy ang lahat ng agos ng tubig sa dagat, pero ang dagat ay hindi kailanman napuno. Ang tubig ay bumabalik sa ilalim ng lupa at muling dadaloy sa mga ilog; tapos ito ay aagos muli sa dagat.
|
|
\p
|
|
\v 8 Ang lahat ay hindi kasiya-siya maging ang pag-usapan ito ay hindi namin gusto. Parehong mga bagay ang aming nakikita, at kami ay nagsawa na sa kanila. Aming naririnig ang pare-parehong mga bagay, pero ninais naming makarinig ng mas marami pa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Patuloy na mananatili ang mga bagay gaya ng dati. Mga bagay na nangyayari ay nangyari na, at muling mangyayari ang mga ito. Kung ano ang nagawa noon ay magagawa muli. Wala talagang bago sa mundong ito.
|
|
\p
|
|
\v 10 Minsan sinasabi ng tao, "tingnan ito! Ito ay bago!" Pero mayroon na ito bago pa tayo ipinanganak.
|
|
\p
|
|
\v 11 Hindi na naaalala ng mga tao ang mga bagay na nangyari noon, at sa hinaharap, hindi aalalahanin ng mga tao kung ano ang ating ginagawa ngayon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q1
|
|
\v 12 Ako, ang Mangangaral, ay naging hari ng Israel sa maraming taon, naghari sa Jerusalem.
|
|
\q1
|
|
\v 13 Sa paggamit ng aking karunungan, pinag-isipan kong mabuti na malaman ang lahat ng ginagawa sa mundo. Ito ay isang gawaing pumagod sa akin, gaya ng sinumang magtatangkang gawin ito.
|
|
\p
|
|
\v 14 Ito ay parang walang nangyayari sa mundo na totoong nagbibigay daan sa ating gumawa ng anumang kapaki-pakinabang. Katulad ito ng pagtatangkang pasunurin ang hangin.
|
|
\p
|
|
\v 15 Maraming baluktot na bagay na hindi maaaring ituwid. Hindi natin kayang bilangin ang mga bagay na hindi natin nakikita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Sinabi ko sa sarili, "ako ay mas matalino kaysa sa sinumang namuno sa Jerusalem. Mas matalino ako at mas maraming nalalaman kahit sa sinuman sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya ipinasya ko na lalong pag-aralan ang pagiging matalino, at pag-aralan din tungkol sa paggawa ng mga bagay na labis ang kahangalan at kalokohan. Pero napatunayan ko na maging ang pagpupumilit na unawain ang mga bagay na iyon ay walang kabuluhan din, tulad ng pagtatangkang pasunurin ang hangin.
|
|
\p
|
|
\v 18 . Ang sinumang maging labis na napakarunong ay labis na nabibigo. At habang dumarami ang nalalaman ay lalong tumitindi ang kapighatian.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos sinabi ko sa sarili, "Kung ganoon, susubukan kong gawin ang lahat ng bagay na ikasasaya ko. Malalaman ko kung ang mga gusto kong gawin ay totoong magpapaligaya sa akin." Pero nalaman ko na ang mga gawaing iyon ay walang kabuluhan.
|
|
\p
|
|
\v 2 Kaya sinabi ko sa sarili, kahangalan itong tumawa sa lahat ng oras, at ang patuloy sa paggawa nang makakasaya sa akin ay hindi nagdadala ng kahit na anong pangmatagalang pakinabang."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Kaya, pagkatapos itong pag-isipang mabuti, pinasya kong magsaya at uminom ng maraming alak ang sarili. Habang sinisikap ko pa rin maging matalino, kahangalan ang aking ipinakita. Sinubukan kong pag-aralan ang maaaring gawin ng tao para lumigaya sa maigsing panahon na sila ay nabubuhay sa mundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Gumawa ako ng mga dakilang bagay. Nagtayo ako ng mga bahay para sa aking sarili at nagtanim ng mga ubasan.
|
|
\p
|
|
\v 5 Nagpagawa ako ng mga hardin at liwasan. Pagkatapos tinaniman ko ang hardin na maraming uri ng bungang kahoy.
|
|
\p
|
|
\v 6 Gumawa ako ng mga imbakan ng tubig na magdidilig sa mga bungang kahoy.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 7 Bumili ako ng mga lalaki at babaeng alipin. May mga ipinanganak na sa aking palasyo na kalaunan ay naging alipin ko. Marami rin akong pag-aaring baka mas marami kaysa sa mga baka ng mga nakaraang hari sa Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 8 Nakaipon din ako ng napakaraming pilak at ginto na nagmula sa mga yaman ng mga hari at mga pinuno ng mga lalawigan. Kasama sa aking ari-arian ang mga lalaki at babaeng umaawit sa akin, at marami akong mga asawa at iba pang mga babaeng kinakasama, na ikatutuwa ng maraming lalaki sa buong mundo na magkaroon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 9 Kaya nakamit ko marami pang kapangyarihan at kayamanan kaysa sa sinumang haring namuno sa Jerusalem bago ako, at hinayaan kong patuloy akong patnubayan ng aking karunungan.
|
|
\p
|
|
\v 10 Nakuha ko ang lahat ng aking nakita at hinangad. Ginawa ko ang lahat na sa aking palagay ay magpapaligaya sa akin. Lahat ng bagay na ikinasisiya ko ay itinuring kong isang gantimpala sa lahat ng aking pagsisikap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Pero naisip ko ang tungkol sa lahat ng aking pagsisikap para makamtan ang mga bagay na ito. Nakita ko na wala sa mga ginawa ko ang magdadala sa akin ng anumang pangmatagalang pakinabang. Tulad din ito ng pagtatangka na pasunurin ang hangin.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya nagsimula kong isipin ang tungkol sa pagiging matalino, at tungkol sa pagiging mangmang din. Sinabi ko sa sarili, "Nakatitiyak ako na walang makahihigit pa kaysa sa ginawa ko."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 At inakala ko, "Mas mabuti pa talaga na maging matalino kaysa maging mangmang, gaya na ang liwanag ay mas mabuti kaysa sa kadiliman,
|
|
\p
|
|
\v 14 dahil ang matalino ay naglalakad sa liwanag at nakikita kung saan sila pupunta, pero ang mangmang ay naglalakad sa kadiliman at hindi nakikita ang kanilang patutunguhan. Ngunit napag-isip-isip ko na parehong mamamatay ang matalino at mangmang na tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Kaya sinabi ko sa sarili, "Napakatalino ko, pero mamatay akong tulad ng mangmang. Kaya paano kong pinakinabangan ang pagiging napakatalino? Hindi ko maunawaan kung bakit iniisip ng mga tao na mahalaga ang maging matalino.
|
|
\p
|
|
\v 16 Lahat namamatay ang mga matalino at mangmang. At pagkatapos nating mamatay, sa huli lahat tayo ay malilimutan."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya kinamuhian ko maging ang mabuhay, dahil lahat ng paghihirap na ating ginawa sa mundo ay nagpapapagod sa akin. Parang walang kabuluhan ang lahat ng ito, tulad ng pagtatangkang pasunurin ang hangin.
|
|
\p
|
|
\v 18 Sinimulan ko ring kamuhian ang lahat ng pinaghirapan ko dito sa mundo, dahil kapag ako ay mamatay, lahat ng aking nakamtan ay mapupunta sa magmamana nito pagkatapos ko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 At sino ang makakaalam kung ang taong ito ay magiging matalino o mangmang? Pero kahit na siya ay mangmang, makakamtan niya rin ang mga bagay na aking pinagsikapang makamtan nang may katalinuhan.
|
|
\q
|
|
\v 20 Inisip ko ang tungkol sa lahat ng paghihirap na aking ginawa sa mundong ito. Parang walang saysay at ako ay nalungkot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Ang ilan ay gumagawa nang may katalinuhan at kahusayan, gamit ang kanilang natutunan. Pero kapag sila ay namatay, iiwan nila ang lahat at ibang taong hindi nagpakahirap sa mga bagay na iyon ang magmamana nito. Ang katotohanang iyon ay parang walang kabuluhan din at nagpapahina ng aking loob.
|
|
\p
|
|
\v 22 Kaya walang saysay ang paghihirap na kanilang ginagawa.
|
|
\p
|
|
\v 23 Bawat araw ng paggawa ay nagdudulot sa kanila na makaranas ng sakit at pag-aalala. At sa gabi ang kanilang mga isipan ay hindi makapagpahinga. Ipinapakita rin nito kung paano ang lahat ng bagay ay pansamantala lang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 Kaya pinagpasyahan ko na ang pinakamabuting gawin ay magsaya sa ating kinakain at iniinom, at magsaya sa ating ginagawa. At nabatid ko na inilaan ng Diyos ang mga bagay na iyon sa atin.
|
|
\p
|
|
\v 25 Walang kahit na sinuman ang magiging masaya sa mga bagay na iyon kung hindi iyon ipinagkaloob ng Diyos sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Hinahayaan ng Diyos silang nalulugod sa kaniya na maging matalino, para malaman at maging masaya sa maraming bagay. Pero kung magpapakahirap ang makasalanan at maging mayaman, maaaring kunin ng Diyos ang kanilang pera at ibigay ito sa mga nakalulugod sa kaniya. Gayunman, ang dahilan para dito ay mahirap ko rin maunawaan. Para itong walang saysay na sila ay nagpakahirap; tulad ito ng pagtatangkang pasunurin ang hangin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Mayroong tamang panahon sa lahat, isang panahon para sa lahat na ating ginagawa sa mundong ito.
|
|
\p
|
|
\v 2 Mayroong tamang panahon para isilang ang kahit na sinong tao, at mayroong tamang panahon para siya ay mamatay. Mayroong tamang panahon para magtanim ng mga halaman at tamang panahon para anihin ang mga pananim.
|
|
\p
|
|
\v 3 Mayroong tamang panahong patayin ang mga tao, at tamang panahong pagpapagaling. Mayroong tamang panahon ng paggiba ng mga bagay at tamang panahon ng pagtatayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Mayroong tamang panahon ng pag-iyak, at tamang panahon ng pagtawa. Mayroong tamang panahon ng pagluluksa, at tamang panahon ng pagsasayaw ng may kagalakan.
|
|
\p
|
|
\v 5 Mayroong tamang panahon ng pagkakalat ng mga bato sa bukirin at tamang panahon ng pagtitipon ng mga batong gagawing mga pader. Mayroong tamang panahon ng pagyakap sa mga tao, at tamang panahon sa hindi pagyakap sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Mayroon tamang panahon ng paghahanap ng mga bagay, at tamang panahon ng paghinto sa paghahanap. Mayroong tamang panahon ng pag-iingat ng mga bagay, at tamang panahon ng pagtatapon.
|
|
\p
|
|
\v 7 Mayroong tamang panahong punitin ang aming mga damit dahil kami ay namimighati, at tamang panahon na tahiin ang aming mga damit. Mayroong tamang panahon ng pananahimik, at tamang panahon ng pagsasalita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Mayroong tamang panahon na dapat mahalin ang mga bagay na ginagawa ng mga tao, at tamang panahon na dapat kamuhian ang mga bagay na ginagawa ng mga tao. Mayroong tamang panahon ng digmaan, at tamang panahon ng kapayapaaan.
|
|
\p
|
|
\v 9 Ano ang pakinabang ng mga tao mula sa lahat ng paghihirap na kanilang ginawa?
|
|
\p
|
|
\v 10 Nakita ko ang paggawa na ibinigay ng Diyos sa mga tao na gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Inilaan ng Diyos ang isang tamang panahon para ang lahat na mangyari. Ipinabatid din niya sa mga tao na mayroong mga bagay na mananatili magpakailanman. Pero kahit sa mga iyon, walang lubos na nakakunawa sa lahat ng ginawa ng Diyos, mula sa panahon na sinimulan niya ang paglikha hanggang siya ay matapos sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Alam ko na ang pinakamabuti nating gawin ay magdiwang at gumawa ng mabubuting bagay habang tayo ay nabubuhay.
|
|
\p
|
|
\v 13 At alam ko rin na ang lahat ay dapat matuwa kung ano ang kanilang kinakain at iniinom, at matuwa sa gawaing kanilang ginagawa. Iyon ay mga kaloob na ibinigay ng Diyos sa atin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Alam ko rin na mananatili kailanman ang mga ginagawa ng Diyos. Walang makapagdadagdag sa kung ano ang ginagawa ng Diyos, at walang makakabawas sa mga bagay na kaniyang ginagawa. Ginagawa ng Diyos ang mga iyon para parangalan siya ng mga tao.
|
|
\q
|
|
\v 15 Ang mga bagay na naganap ngayon ay dati nang naganap, at mga bagay na mangyayari sa hinaharap ay dati nang nangyari; Idudulot ng Diyos na nanaisin nating maunawaan ang mga hiwaga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Bukod pa dito, nakita ko na sa mundong ito, kahit sa mga hukuman kung saan inaasahang hahatol ng matuwid ang mga hukom tungkol sa mga nasasakdal, ay gumawa sila ng maraming masamang bagay.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya sinabi ko sa sarili, "Hahatulan ng Diyos pareho ang matutuwid at masasamang tao. Mayroong tiyak na panahon para sa kaniya na gawin iyon dahil mayroon siyang panahon para gawin ang lahat ng bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 18 At tungkol sa mga tao, sinabi ko rin sa sarili, "sinusubok tayo ng Diyos, para ipakita sa atin na sa isang banda ang tao ay walang pagkakaiba kaysa sa mga hayop.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 19 Ang mangyayari sa mga tao ay mangyayari sa mga hayop. Mamatay ang mga hayop, at mamatay ang mga tao. Lahat tayo ay kailangang huminga para manatiling buhay. Walang kalamangan ang mga tao sa mga hayop sa isang banda. Lahat ay napakabilis na maglalaho.
|
|
\p
|
|
\v 20 Namamatay at inililibing ang lahat ng mga tao at mga hayop. Tayong lahat ay mula sa lupa, at kapag tayo ay namatay, ang ating mga bangkay ay nagiging lupa muli.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Walang nakakaalam kung ang mga tao ay paakyat at mga hayop ay pababa sa lugar na kung saan naroon ang mga patay.
|
|
\p
|
|
\v 22 Kaya naisip ko na ang pinakamabuting bagay sa ating mga tao ay maging masaya sa gawaing ating ginagawa, dahil ito ang ibinigay ng Diyos sa atin. Sinabi ko ito dahil walang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa atin pagkatapos natin mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Pinag-isipan ko pang mabuti ang lahat ng tungkol sa paghihirap na nararanasan ng mga tao sa mundo. Naalala ko ang tungkol sa mga luha ng mga taong inapi at walang sinumang umaaliw sa kanila. Silang umaapi sa kanila ay mayroong kapangyarihan, at walang isa man ang makapagbibigay ginhawa sa mga taong inapi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Kaya inisip ko mas mapalad ang mga patay na kaysa sa kanilang nabubuhay pa.
|
|
\p
|
|
\v 3 At higit na mas mapalad ang mga hindi pa isinisilang kaysa sa dalawang uri ng taong iyon, dahil ang mga hindi pa isinisilang ay hindi makikita ang lahat ng kasamaang ginagawa sa mundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Inisip ko rin ang tungkol sa lahat ng paghihirap na ginagawa ng mga tao at ang mga bagay na kanilang natapos na. At inisip ko kung paano kinaiinggitan ng kaniyang kapwa ang isang taong nagpapakahirap. Napagpasyahan ko na ito rin ay isang bagay na walang kabuluhan. Tulad ito ng pagtatangkang pasunurin ang hangin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Ayaw magtrabaho ang mga hangal. Nakahulukip-kip ang mga kamay habang naka-upo at walang ginagawa. Kaya sila ang sumisira sa kanilang mga sarili.
|
|
\p
|
|
\v 6 Kaya sinasabi ng iba, "Mas mabuting masiyahan sa kaunting salapi mula sa matahimik na paggawa, kaysa sa pag-aalala at sinusubok makalikom ng maraming salapi, na parang walang saysay tulad ng pagtatangkang pasunurin ang hangin."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Naalala ko pa ang tungkol sa ilang bagay na nangyayari sa mundo na tila walang saysay.
|
|
\p
|
|
\v 8 Mayroong mga taong nabubuhay mag-isa; wala silang pamilya o kahit mga anak o mga kapatid na lalaki o babaeng kasama nila. Sila ay nagpapakahirap sa bawat araw nang walang tigil; kumikita sila ng malaking pera, pero kailanman sila ay hindi nasisiyahan sa kanilang mga kinikita. Tinatanong nila ang kanilang sarili, "Bakit ba ako nagpapakahirap; sino ba talaga ang aking tinutulungan? Bakit hindi ko ginagawa ang mga bagay na gusto kong gawin? Kung ano ang aking ginagawa ay tila walang saysay." Ito ay napakasamang kalagayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Ang paggawa ng may kasama ay mas mabuti kaysa sa nag-iisa sa lahat ng oras. Kung ikaw ay may isang kaibigan, makakatulong siya sa iyong ginagawa.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kung ikaw ay madadapa, matutulungan kang bumangon muli. Pero kung madapa kang nag-iisa, mahihirapan ka, dahil walang tutulong sa iyong bumangon.
|
|
\p
|
|
\v 11 Katulad din, kung magkasamang mahihiga ang dalawa, matutulungan nilang manatiling mainit ang bawat isa. Pero siguradong hindi maiinitan ang natutulog nang nag-iisa,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Ang taong nag-iisa ay madaling lusubin at matalo ng isa pang tao, pero ang dalawang tao ay maaaring magtulungan at labanan ang lumulusob sa kanila. Ang tatlong tao ay lalong madaling maipagtatanggol ang kanilang mga sarili, gaya ng isang lubid na yari sa tatlong hibla na mas mahirap malagot kaysa sa isang lubid na yari sa dalawang hibla.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Ang kabataang lalaking mahirap pero matalino ay mas mabuti kaysa sa isang matandang mangmang na hari na hindi nakikinig sa mabubuting payong kanyang tinatanggap.
|
|
\p
|
|
\v 14 Maaari magtagumpay ang kabataang lalaki tulad nito at maging hari balang araw, kahit pa mahirap ang kaniyang mga magulang o kahit dati siyang galing sa bilangguan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Pero pagkatapos, ibang kabataang lalaki ang magiging hari, at lahat ay nagsimulang tumulong sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 16 Maraming bilang ng mga tao ang nakapaligid sa kaniya. Pero makalipas ang ilang taon, siya din ay pagsasawaan. Kaya ang lahat ng ito ay walang kabuluhan, tulad ng pagtatangkang alagaan ang hangin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Maging maingat sa paglapit sa Diyos sa kaniyang tahanan. Pakinggan siyang mabuti. Mas mabuti ito kaysa sa paghahain ng mga handog sa kaniya at pagkatapos ay hindi susunod sa kaniya, kung saan ito ay kahangalan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Pag-isipang mabuti bago ka magsalita at huwag agad agad mangako sa Diyos na gagawin mo ang isang bagay. Huwag kalimutan na ang Diyos ay nasa langit at magagawa niya ang anumang bagay, habang ikaw, sa kabilang banda, ay narito sa lupa. Kaya pag-isipang mabuti bago ka magsalita.
|
|
\q
|
|
\v 3 Kung ikaw ay patuloy na nag-iisip at nag-aalala tungkol sa mga bagay, magkakaroon ka ng mga masamang panaginip tungkol sa kanila at hindi makapagpapahinga nang mabuti. At mas madami ang iyong sinasabi, mas malamang na makapagsasalita ka ng mga hangal na bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 4 Kapag ikaw ay buong puso na nangako sa Diyos na gagawin mo ang isang bagay, huwag patagalin ang pagtupad nito, dahil hindi nalulugod ang Diyos sa mga taong hangal. Gawin ang lahat ng iyong pinangakong gagawin sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 5 Mas mabuti pang huwag mangako ng kahit na ano kaysa sa mangakong gagawin ang isang bagay at pagkatapos ay hindi naman gagawin ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Huwag hayaang ang mga bagay na iyong pinangakong gagawin ay magdulot sa iyong magkasala dahil sa hindi pagtupad sa kanila. At kung nangako kang gagawin ang ilang bagay sa Diyos ngunit hindi mo ito ginawa, huwag mong sasabihin sa pari ng Diyos na ito ay isang pagkakamali mo na mangakong gagawin iyon. Kung ganito ang gagawin mo, maaaring wasakin ng Diyos ang lahat ng iyong pinaghirapang gawin.
|
|
\p
|
|
\v 7 Ang pangakong gagawin ang isang bagay at hindi pagtupad nito ay tulad ng pagkakaroon ng isang walang saysay na panaginip. Sa halip, parangalan ang Diyos sa pagtupad ng pangako sa kaniya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Huwag kang magulat kung makita mong inaapi ang mahihirap. Mayroon mga taong mapipigilan ang iba sa pang-aapi sa kanila, ngunit nasa ilalim ng kapangyarihan ng isang taong mas mataas maging ang mga taong ito.
|
|
\p
|
|
\v 9 Kahit na ang mga tao sa buong lupain ang nagmamay-ari ng kanilang mga bukirin, pinipilit sila ng hari na magbigay sa kaniya ng ilang pananim na kanilang inaani.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Hindi kailanman maiisip ng lahat na nagtatangkang kumita ng napakalaking pera na may sapat na siya. Hindi siya kailanman masisiyahan sa perang mayroon na siya. Ang katotohanang ito ay wala ring kabuluhan.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kapag mas maraming pera mayroon ang tao, mas gusto nilang gastusin ito. Hindi nakikinabang dito ang mga taong maraming pera, maliban sa pagmasdan at hangaan ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Mahimbing ang tulog ng nagpapakahirap sa gabi, kahit hindi sapat ang kanilang kinain. Ngunit hindi makatulog ang mayayaman dahil sa kanilang pag-aalala sa kanilang pera.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Nakita ko ang isa pang nakakatakot na pangyayari dito sa mundo. Iniipon ng tao ang lahat ng kanilang pera at nagiging mayaman, ngunit malungkot sila dahil sa pagtatago ng kanilang pera.
|
|
\p
|
|
\v 14 Kung may pangyayaring magiging dahilan ng pagkawala ng kanilang pera, kapag mamatay sila, walang perang maiiwan para sa kanilang mga anak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Nang ipinanganak tayo, wala tayong dalang kahit anong bagay, at kapag tayo ay mamatay, wala tayong dadalhin mula sa lahat na ating pinaghirapang ipunin.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ito rin ay tila walang saysay. Walang dala-dala ang tao sa mundo nang sila ay ipinanganak, at kapag sila ay lumisan sa mundong ito, wala silang madadala. Nagpakahirap sila, ngunit wala silang tinatanggap na panghabangbuhay na pakinabang.
|
|
\p
|
|
\v 17 Higit pa rito, ang mayayaman ay laging kawawa, malungkot at nalulumbay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Kaya ang pinakamabuting bagay na gawin ng tao dito sa mundo sa ilang mga taon na hinayaan ng Diyos na sila ay mabuhay ay kumain, uminom at magsaya sa kanilang ginagawa, dahil iyon ang mga bagay na ipinahihintulot niyang gawin nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Kung ang tao ay mayaman at maraming ari-arian, at nagagawang magsaya sa mga bagay na mayroon sila at magsaya sa kanilang gawain, ang mga bagay na iyon ay mga kaloob din mula sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 20 Hindi gaanong iniisip ng mga taong iyon ang tungkol sa lahat nang nangyari sa buong buhay nila, dahil tinitiyak ng Diyos na nagpapatuloy sila sa gawaing kanilang ikinatutuwa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Nakita ko ang iba pang bagay dito sa mundong ito na nagpapahirap sa mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 2 Hinayaan ng Diyos magkaroon ng maraming pera at ari-arian ang ibang tao upang parangalan nila siya. Mayroon silang lahat ng gusto nila. Ngunit minsan, hindi hinayaan ng Diyos na magalak sila sa mga bagay na iyon. Ibang tao ang nakikinabang at nasisiyahan sa mga iyon. Ito man ay tila walang saysay at hindi makatarungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Maaaring ang isang tao ay may isang daang anak at mabubuhay ng maraming taon. Ngunit kung hindi siya masaya sa mga bagay na mayroon siya, at hindi siya maayos inilibing pagkatapos niyang mamatay, sinasabi kong mas mapalad ang isang sanggol na patay nang isilang.
|
|
\p
|
|
\v 4 Ito ay totoo, kahit walang kabuluhan ang pagsilang ng patay na sanggol - kahit wala itong pangalan at ang sandaling buhay nito ay magiging isang malungkot na alaala lang sa hinaharap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Ang sanggol na iyon ay hindi nabuhay para makita ang araw o malaman ang anumang bagay. Pero kahit pa, makakahanap ito nang higit na kapanghingahan kaysa sa mayayamang nabubuhay.
|
|
\p
|
|
\v 6 Kahit mabubuhay ng dalawang libong taon ang mga tao, kung hindi naman sila nasisiyahan sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos, mas mabuti pa sa kanila na hindi kailanman ipinanganak. Lahat silang nabuhay ng mahabang panahon ay tiyak na mapupunta sa iisang lugar - sa libingan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Ang tao ay nagpapakahirap para kumita ng sapat na perang pambili ng makakain, pero madalas kulang ang makakain.
|
|
\p
|
|
\v 8 Kaya parang hindi nakatatanggap nang higit na pakinabang ang mga matalinong tao kaysa sa mga mangmang. At parang hindi nakikinabang mula sa kaalaman ng pangangasiwa ng kanilang mga buhay ang mga mahihirap.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Mas mabuting masiyahan sa mga bagay na mayroon na tayo kaysa sa patuloy na paghahangad pa ng marami. Walang kabuluhan ang patuloy na paghahangad ng mas maraming bagay, tulad ng pagtangkang habulin ang hangin.
|
|
\p
|
|
\v 10 Ang lahat ng bagay na naririto sa mundo ay binigyan ng mga pangalan. Alam ng lahat kung ano ang kawangis ng tao, kaya walang kabuluhang makipagtalo sa Diyos, na mas malakas kaysa sa atin.
|
|
\p
|
|
\v 11 Habang dumadami ang ating sinasabi, mas madalas na walang saysay ang mga ito, kaya totoong walang pakinabang sa atin ang magsalita ng magsalita.
|
|
\p
|
|
\v 12 Walang tao ang nakakaalam ng lahat ng makakabuti sa kaniyang sariling buhay. Mabubuhay ang mga tao sa tila iilang walang kahulugang mga araw. Mabilis lumilipas ang buhay, tulad ng isang anino, at walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang darating pagkalipas nating mamatay. Mabubuhay tayo sa maikling panahon lamang at pagkatapos ay maglalahong parang singaw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Mas mabuting pararangalan tayo ng ibang tao kaysa magkaroon ng mamahaling pabango. Mas mabuti ang araw ng ating kamatayan kaysa sa araw nang tayo ay ipinanganak.
|
|
\p
|
|
\v 2 Mas mabuti pang magtungo sa isang bahay kung saan pinagluluksa ng mga tao ang pagkamatay ng isang tao kaysa magtungo sa isang bahay kung saan nagdiriwang ang mga tao, sapagkat ang lahat ay nakatakdang mamamatay at dapat isipin ng mga tao kung kailan sila mamamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Mas mabuting maging malungkot kaysa sa palaging tumatawa, dahil kapag tayo ay malungkot, mas makapag-iisip tayong mabuti tungkol sa mga bagay na ikatatalino at ikasasaya natin.
|
|
\p
|
|
\v 4 Pumupunta ang mga marunong na tao sa ibang taong nagluuksa upang aliwin sila, ngunit hinahanap lamang ng mangmang ang mga tumatawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Mas mabuting bigyang pansin ang sinumang sumasaway sa iyo kaysa makinig sa mga awitin ng isang mangmang.
|
|
\p
|
|
\v 6 Hindi na tayo matututo sa pakikinig sa halakhak ng mga mangmang na tao kaysa sa pakikinig sa ingay ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok. Walang saysay ang pakikinig sa mga hangal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Kapag sinasabi ng marurunong sa iba, "Kailangan mo akong bayaran ng malaki para pangalagaan ka," iyan ang nagiging dahilan upang maging mangmang ang mga marurunong na tao. Ang mga tumatanggap ng mga suhol ay hindi makakayanang gumawa ng tama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Ang pagtatapos ng isang bagay ay mas mabuti kaysa sa pagsisimula, at ang pagiging matiyaga ay mas mabuti kaysa sa pagiging mayabang.
|
|
\p
|
|
\v 9 Huwag madaling magalit, dahil itong mga mangmang ay siyang nagagalit ng husto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Huwag sasabihin, "Mas mabuti pa ang mga bagay dati," dahil tanging ang mga mangmang ang nagsasabi nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Ang pagiging matalino ay gaya ng nagmamana ng mahahalagang mga bagay. Mayroong pangmatagalang pakinabang sa sinuman sa mundo ang isang matalino.
|
|
\p
|
|
\v 12 Minsan tayo ay pingangalagaan ng pagiging matalino, kagaya ng minsang pangangalaga ng pagkakaroon ng maraming pera. Gayunman, mas mabuti ang pagiging matalino kaysa sa maraming pera, dahil inilalayo tayo ng pagiging matalino sa paggawa ng kamangmangan na maaaring magdulot sa atin ng kamatayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Isiping mabuti ang tungkol sa ginawa ng Diyos. Tiyak na walang makatutuwid ng mga bagay na ginawang baluktot ng Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Kapag ang mga bagay ay mabuti para sa iyo, maging masaya, at kapag ang mga bagay ay hindi mabuti para sa iyo, alalahanin na ang Diyos ang siyang nagdudulot ng mabuting bagay at siya rin ang nagdudulot ng mga sakuna. Gayunman hindi ipinapahayag ng Diyos sa sinuman kung ano talaga ang kaniyang kinabukasan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Sa lahat ng panahong ako ay nabuhay maraming mga bagay ang nakita ko na parang walang saysay. Nakita kong namamatay ang mga matutuwid na tao kahit sila ay bata pa, at nakita ko na nananatiling buhay ang mga masasama sa matagal na panahon sa kabila ng pagpapatuloy ng kanilang kasamaan.
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaya huwag mong iisipin na ikaw ay napakamatuwid at ikaw ay napakatalino, dahil kapag iniisip mo ang mga bagay na iyon, wawasakin mo ang iyong sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Kung masama o kamangmangan ang iyong ginagawa, maaari kang mamatay habang bata ka pa.
|
|
\p
|
|
\v 18 Patuloy na subukang maging matalino at gawin kung ano ang tama. Makikita ang dalawang ito sa taong laging gumagalang sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Kung ikaw ay matalino, magiging mas makapangyarihan ka kaysa sa sampung pinakamakapangyarihang lalaki sa inyong lungsod.
|
|
\p
|
|
\v 20 Walang sinuman sa mundong ito ang gumagawa ng laging tama, na hindi nagkakasala.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 21 Huwag pansinin ang lahat ng sinasabi ng mga tao, dahil kapag ginawa mo ito, maaari mong marinig na sumpain ka ng iyong alipin.
|
|
\p
|
|
\v 22 Kahit na nalalaman mo na sinumpa mo rin ang ibang tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Sinabi ko sa sarili na gagamitin ang aking karunungan para pag-aralan ang lahat ng mga bagay na naisulat ko, pero hindi ko ginawa ang mga ito.
|
|
\p
|
|
\v 24 Parang malayo ang karunungan sa akin. Wala kahit isa man ang tunay na nakakaalam ng lahat.
|
|
\p
|
|
\v 25 Pero ipinasya kong siyasatin ang mga bagay at gamit ang aking karunungan at subukang unawain ang kadahilanan ng lahat. Nais ko rin unawain kung bakit nagpapakasama ang tao at bakit sila nagpapakahangal.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Isang bagay ang natutunan ko na kapag hinayaan mo ang isang babae na akitin ka ay mas masahol kaysa sa paghihingalo. Ang isang babaeng nanuknukso sa mga lalaki ay mapanganib tulad ng isang patibong. Kung pahihintulutan mo siyang yakapin ka, ito ay parang ikinakadena ka na niya. Mabibihag ng babaeng katulad nito ang mga makasalanang lalaki, ngunit makaka-iwas ang mga lalaking nakalulugod sa Diyos mula sa ganitong babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Ito ang aking natutunan. Sinubukan kong mas higit pang may matutunan para malaman ang dahilan ng lahat,
|
|
\p
|
|
\v 28 at nagpatuloy akong sikaping marami pang malaman, pero hindi ko natagpuan lahat ng aking hinahanap. Ngunit isang bagay ang aking natuklasan na sa kalagitnaan ng isang libong tao nakatagpo ako ng isang matuwid na lalaki, ngunit hindi ako nakakita kahit isang matuwid na babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 29 Ito lamang ang natutunan ko: nang nilikha ng Diyos ang tao, sila ay matuwid, pero natuklasan nila ang maraming paraan para guluhin ang kanilang sariling buhay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Sasabihin ko sa iyo ang tungkol sa kanilang totoong marunong, bilang resulta, maaari nilang ipaliwanag kung bakit nangyayari ang lahat. Ang pagiging isang marunong ay nakapagpapasaya at nagpapangiti sa mga tao
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 2 Tapat mong ipinangako sa Diyos na susundin kung ano ang mga utos ng hari, kaya gawin iyon.
|
|
\p
|
|
\v 3 Huwag padalos-dalos gawin ang anumang bagay kapag ito ay may kinalaman sa hari. At huwag makisama sa kanilang gustong lumaban sa kaniya, dahil gagawin ng hari kung ano ang nais niyang gawin.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kailangan nating sumunod sa sinasabi ng hari nang higit kaysa sa pagsunod sa sinasabi ng iba pa, dahil walang makapagsasabi sa hari, "Bakit mo ginagawa iyan?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Kung iyong susundin ang mga utos ng hari, hindi ka niya sasaktan. Kaya maging matalino, at alamin ang tamang oras sa paggawa ng mga bagay at tamang paraan ng paggawa sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 6 Kahit na maraming paghihirap ang nararanasan ng mga tao, mayroong tamang paraan at tamang oras ng paggawa sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 7 Walang nakakaalam kung ano ang magaganap sa hinaharap, kaya walang makapagsasabi sa kaniya kung ano ang maaaring mangyari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Hindi natin kayang pigilan ang ating paghinga, at hindi natin kayang pigilan kung kailan tayo hihinto ng paghinga at mamatay. Hindi papayagan ang mga sundalong umuwi habang nasa digmaan, at hindi maililigtas ang masamang tao sa patuloy na paggawa ng masama.
|
|
\p
|
|
\v 9 Naisip ko ang tungkol sa lahat ng bagay na iyon at naisip ko ang tungkol sa lahat ng mga ibang bagay na nagaganap sa mundong ito. Nakita ko na minsan nakagagawa ang tao ng matinding pinsala sa iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Nakita ko rin na minsan pagkatapos mamatay ang masasama, sila ay labis na pinaparangalan ng mga tao sa kanilang libing sa mga lungsod kung saan nila ginawa ang mga kasamaan. Mahirap itong maintindihan kung bakit ito nangyayari.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kung hindi agad naparusahan ang masasama, mag-uudyok din ito sa ibang tao na gumawa ng masasamang bagay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Pero kahit na gumawa ng isang daang krimen ang mga makasalan, at kahit na mabuhay sila sa mahabang panahon, alam ko na magiging mas mabuti ang mga bagay para sa nagpaparangal at gumagalang sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 13 Alam ko rin na ang mga bagay ay hindi magiging mabuti sa kanilang masasama, dahil hindi nila pinaparangalan ang Diyos. Ang mga anino ay hindi nagtatagal sa mahabang oras. Gayon din, hindi mabubuhay ng mahabang panahon ang mga masasama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Isa pang bagay na minsan nagaganap sa mundong ito ay ang mga masasamang bagay na nangyayari sa mga matutuwid, at mga mabubuting bagay na nangyayari sa mga masasama. Ito ay mahirap maunawaan kung bakit iyan ay nangyayari.
|
|
\p
|
|
\v 15 Kaya ako ay nagpasya na aking papayuhan ang mga tao na maging masaya habang sila ay nabubuhay, dahil ang pinakamabuting bagay na maaaring gawin ng mga tao dito sa mundong ito ay kumain at uminom at maging masaya. Ang nasisiyahan sa mga ganoong bagay ay makakatulong sa mga tao habang sila ay gumagawa, sa lahat ng mga araw na ibinigay ng Diyos sa kanila para manatiling buhay dito sa mundo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Naisip ko tungkol sa pagiging marunong at tungkol sa mga taong nagpapakahirap sa mundong ito, araw at gabi ay nagtratrabaho at walang oras sa pagtulog.
|
|
\p
|
|
\v 17 Pagkatapos naisip ko ang tungkol sa lahat na ginawa ng Diyos, at nabatid ko na walang makauunawa ng lahat ng bagay na nagyayari dito sa mundong ito. Katunayan, lubos na hindi kayang maunawaan ng mga tao ang lahat ng ginagawa ng Diyos, kahit na magsumikap silang gawin ito. Kahit na angkinin nila na naunawaan nila itong lahat, hindi nila kaya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Inisip ko ang tungkol sa lahat ng mga bagay na iyon, at napagpasyahan kong hawak ng Diyos ang nangyayari sa lahat ng tao, maging sa matatalino at matutuwid. Walang nakakaalam kung mamahalin o kamumuhian ba sila ng iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 2 Pero alam natin na balang araw, mamamatay tayong lahat. Hindi mahalaga kung kumilos tayo nang matuwid o masama, mabuti man tayo o hindi, katanggap-tanggap man tayong sambahin ang Diyos o nakagawa man tayo ng mga bagay na naging dahilan para hindi tayo katanggap-tanggap. Hindi mahalaga kung maghandog man tayo sa Diyos o hindi. Hindi mahalaga kung tutuparin man natin ang ipinangako natin sa Diyos o hindi. Mamamatay tayong lahat. Pareho ang mangyayari sa mga mabubuti at makasalanang tao, sa mga taos pusong nangangako sa Diyos at sa mga takot mangako.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Tila mali na pareho lamang ang mangyayari sa lahat ng tao sa mundo. Lahat ay mamamatay. Dagdag pa rito, puno ng kasamaan ang kaloob-looban ng mga tao. Gumagawa ng kahangalan ang mga tao habang nabubuhay sila, at sinasamahan nila ang mga patay na.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Habang nabubuhay pa tayo, maaasahan natin na may mangyayari sa atin na mga magagandang bagay. Nasusuklam tayo sa mga aso, pero mas mabuting maging asong buhay kaysa maging kahanga-hangang leon na patay na.
|
|
\p
|
|
\v 5 Alam nating mga nabubuhay na mamamatay tayo balang-araw, pero walang alam ang mga patay na tao. Hindi na makatatanggap ng gantimpala ang mga patay na at malilimutan din sila ng mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 6 Habang nabubuhay pa sila, nagmahal sila, kinasuklaman at kinamuhian nila ang mga tao, pero huminto silang gawin ang anuman doon nang namatay sila. Hindi na sila magiging bahagi ng anumang nangyayari dito sa mundo kailanman.
|
|
\p
|
|
\v 7 Kaya sasabihin ko sa iyo, maging masaya ka habang kumakain at umiinom ka, dahil iyan ang gusto ng Diyos na gawin mo.
|
|
\p
|
|
\v 8 Magsuot ka ng mga magagandang damit at ayusin mo ang iyong sarili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Masaya kang mamuhay kasama ang iyong asawa na minamahal mo, sa lahat ng pagkakataong ibinigay ng Diyos sa iyo na mabuhay sa mundong ito. Kahit na mahirap maintindihan kung bakit nangyayari ang maraming bagay, ang buhay na ito kasama ang iyong asawa ay ang gantimpala mo sa paggawa ng mga trabahong ginagawa mo sa mundong ito.
|
|
\p
|
|
\v 10 Anuman ang kaya mong gawin, gawin mo ito nang buo mong lakas, dahil balang-araw mamamatay ka, at sa lugar ng mga patay kung saan ka pupunta, walang nagtatrabaho o nagpaplano o nakaaalam ng kahit ano o mayroong karunungan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Mayroon pa akong nakita dito sa mundo: Hindi laging nananalo sa takbuhan ang pinakamabilis tumakbo, hindi laging nananalo sa labanan ang pinakamalakas na sundalo, hindi laging may pagkain ang pinakamarunong, hindi laging yumayaman ang mga pinakamatalino, at hindi laging pinaparangalan ng iba ang mga taong maraming inaral. Hindi natin laging makokontrol ang mga bagay at kung kailan sila mangyayari sa atin.
|
|
\p
|
|
\v 12 Walang nakaaalam kung kailan siya mamamatay. Malupit na hinuhuli ang mga isda sa lambat, at ang mga ibon ay nahuhuli sa mga patibong. Katulad niyon, nakararanas ng mga trahedya ang mga tao sa mga oras na hindi nila inaasahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Minsan may nakita ako dito sa mundo na ginawa ng isang tao na pinahanga ako.
|
|
\p
|
|
\v 14 Mayroong isang maliit na bayan kung saan kaunti lamang ang naninirahan. Ang hukbo ng isang malakas na hari ay pumunta sa bayan na iyon at pinalibutan ito. Nagtayo sila ng mga rampa sa mga pader nito para makaakyat at salakayin ang bayan.
|
|
\p
|
|
\v 15 Sa bayan na iyon, may isang taong mahirap pero napakarunong. Dahil sa iminungkahi ng taong iyon, ligtas na ang bayan, ngunit nalimutan din siya ng mga tao.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaya naisip ko na kahit na ang pagiging marunong ay mas mabuti kaysa sa pagiging malakas, kung mahirap ka, walang magpapahalaga sa ginagawa mo, at makakalimutan din ng mga tao ang sinabi mo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Ang marunong na tao na mahinahong magsalita—mas pakikinggan siya ng mga tao kaysa sa haring sumisigaw sa isang pangkat ng mga hangal.
|
|
\p
|
|
\v 18 Ang pagiging marunong ay mas kapaki-pakinabang kaysa sa pagkakaroon ng maraming sandata; subalit, kung gagawa ng isang kahangalan ang isang tao, masisira niya ang maraming magagandang bagay na ginawa ng iba.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Mapapabaho ng ilang patay na langaw sa loob ng bote ng pabango ang buong pabango. Katulad niyon, ang kaunting kahangalan ay may mas malaking epekto kaysa sa pagkilos nang marunong.
|
|
\p
|
|
\v 2 Kung mag-iisip ang mga tao nang may kabuluhan, inaakay sila para gumawa ng tama; kung hangal silang mag-isip, nagdudulot ito para gumawa sila ng mali.
|
|
\p
|
|
\v 3 Kahit naglalakad ang mga hangal sa lansangan, ipinapakita nila na wala sila sa tamang katinuan. Ipinapakita nila sa lahat na hindi sila marunong.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Huwag kang umalis sa trabaho mo kapag galit sa iyo ang isang pinuno. Kung mananatili kang kalmado, titigil ang kaniyang galit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Mayroon pa akong nakita sa mundong ito, isang maling bagay na ginagawa minsan ng mga pinuno:
|
|
\p
|
|
\v 6 nagtatalaga sila ng mga taong hangal sa matataas na posisyon, habang itinatalaga nila ang mayayaman sa mga hindi mahahalagang posisyon.
|
|
\p
|
|
\v 7 Hinahayaan nila ang mga alipin na sumakay sa mga kabayo katulad ng laging ginagawa ng mayayaman, pero pinipilit nila ang mga opisyal na maglakad tulad ng laging ginagawa ng mga alipin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Maaaring mahulog ang mga nagbungkal ng mga hukay sa mga iyon. Maaaring makagat ng ahas ang gumigiba ng pader na nasa pader na iyon.
|
|
\p
|
|
\v 9 Kung nagtatrabaho ka sa isang tibagan ng bato, maaaring malaglagan ka ng bato at masaktan ka. Maaaring masaktan ang mga nangangahoy ng isa sa mga trosong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Kung hindi matalim ang palakol mo, kailangan mong magtrabaho nang mas mabuti para putulin ang isang puno, pero gamit ang karunungan, magtatagumpay ka.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kung nanuklaw ang ahas bago pa ito paamuhin, ang kakayahan ng taong iyon para paamuhin ang ahas ay hindi niya pakikinabangan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Nagsasabi ng makabuluhan ang mga matalinong tao, at dahil doon, pinararangalan sila ng mga tao, ngunit nasisira ang mga hangal sa pamamagitan ng kanilang sinasabi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Kapag magsimulang magsalita ang mga hangal, nagsasabi sila ng mga kahangalan, at nagtatapos sila sa pagsasabi ng mga bagay na masama at hangal.
|
|
\p
|
|
\v 14 Marami silang sinasabi. Walang nakakaalam sa atin kung ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap, o ano ang mangyayari pagkatapos nating mamatay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Lubusang napapagod ang mga hangal sa ginagawa nilang trabaho, kaya hindi nila kayang hanapin ang daan papunta sa kanilang bayan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Nakakatakot na mga bagay ang mangyayari sa mga tao ng isang bansa na ang pinuno ay isang batang hangal, siyang may pinuno na patuloy na kumakain sa buong araw, araw-araw.
|
|
\p
|
|
\v 17 Ngunit mapalad ang isang bayan kung ang pinuno nito ay galing sa isang maharlikang pamilya, kung ang mga pinuno nito ay nagdiriwang lang sa tamang panahon, at kung kumakain at umiinom lang sila para lumakas, hindi para malasing.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Napakatamad ng ibang tao at hindi inaayos ang kanilang bubong, kaya nagigiba ito at nalalaglag. Kung hindi nila aayusin ang bubong, tutulo ang tubig kapag umulan.
|
|
\p
|
|
\v 19 Nagpapatawa at nagpapasaya ang pagkain at pag-inom ng alak. Kung may sapat kang pera, mabibili mo ang lahat ng kailangan mo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Huwag kang mag-isip na sumpain ang hari, o ang mayayaman, kahit na nag-iisa ka sa iyong kuwarto. Baka marinig ng maliit na ibon ang sinasabi mo at sasabihin sa mga taong iyon kung ano ang sinabi mo tungkol sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Bukas-palad kang magbigay ng pera sa iba; kung gagawin mo iyon, makukuha mo rin ang parehong halaga.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ibahagi mo ang ibang pag-aari mo sa pito o walong iba pa, dahil hindi mo alam kung kailan ka makakaranas ng sakuna at kakailanganin ang kanilang tulong.
|
|
\p
|
|
\v 3 Totoo nga na kapag puno ng tubig ang mga ulap, nagbubuhos sila ng ulan sa lupa. Gayun din, kapag nahulog ang isang puno sa lupa, doon na ito mananatili.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Kung nakita ng mga magsasaka kung saang direksyon umiihip ang hangin, malalaman nila kung tama bang magtanim sa oras na iyon o hindi. Totoo rin na kapag tinignan ng mga magsasaka ang ulap at nakitang umiihip ito mula sa kanluran at magdadala ng ulan, hindi nila susubukang mag-ani sa araw na iyon.
|
|
\p
|
|
\v 5 Hindi natin alam kung saan nanggagaling ang hangin o kung saan ito papunta, at hindi natin alam kung paano nabubuo ang katawan sa sinapupunan ng ina. Ganoon din, ang Diyos ang siyang gumagawa ng lahat, at hindi natin lubusang maintindihan ang ginagawa niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Magsimula kang magtanim sa umaga, at huwag kang tumigil hanggang gabi, dahil hindi mo alam kung alin ang lalago nang mabuti, kung ang itinanim mo ba ng umaga o sa gabi, o parehong lalago nang maayos.
|
|
\p
|
|
\v 7 Napakasayang mabuhay at makitang sumikat ang araw tuwing umaga.
|
|
\p
|
|
\v 8 Kahit mabuhay ang mga tao ng maraming taon, dapat silang magpakasaya sa lahat ng iyon. Ngunit hindi nila dapat makalimutan na mamamatay sila balang araw at hindi na nila muli makikita ang liwanag, at hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Kayong mga kabataan, magsaya kayo habang bata pa kayo. Masaya ninyong gawin ang mga bagay na gusto ninyong gawin. Ngunit huwag ninyong kalimutan na isang araw, hahatulan kayo ng Diyos dahil sa lahat ng mga bagay na ginagawa ninyo.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kaya habang bata pa kayo, huwag kayong mag-alala, at huwag pansinin ang mga kirot ng inyong katawan, dahil hindi tayo mananatiling bata at malakas magpakailanman.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Habang bata ka pa, isipin mo lagi ang Diyos na lumikha sa iyo. Gawin mo iyan bago ka tumanda at makaranas ng kaguluhan, sa mga taon na sasabihin mo, "Hindi na ako natutuwang mabuhay."
|
|
\p
|
|
\v 2 Kapag tumanda ka, ang liwanag mula sa araw, buwan at mga bituin ay didilim, at magmumukhang mabilis na bumabalik ang mga ulap pagkatapos umulan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Hihina ang mga bisig na ginagamit ninyo para protektahan ang inyong sarili, at ang inyong mga binti na umaalalay sa katawan ninyo. Mahuhulog ang marami sa mga ngipin na ginagamit ninyo sa pagnguya ng pagkain, at hindi na makakikita nang malinaw ang mga mata na ginagamit ninyo sa pagtanaw sa bintana.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Hindi na maririnig ng mga tainga ninyo ang mga ingay sa mga lansangan, at hindi na ninyo maririnig nang malinaw ang tunog ng mga taong nagdidikdik ng mga butil gamit ang mga giikan. Magigising kayo sa umaga dahil sa mga umaawit na mga ibon, pero hindi na ninyo maririnig nang maigi ang mga awit na kinakanta ng mga ibon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Matatakot kayo sa mga matataas na mga lugar at sa mga kapahamakan sa mga lansangan kung saan kayo naglalakad. Puputi ang mga buhok ninyo katulad ng mga bulaklak ng puno ng pili. Kapag susubukan ninyong maglakad, kakaladkarin ninyo ang sarili ninyo katulad ng mga tipaklong at hindi na kayo magnanasa ng babae. Pagkatapos ay mamamatay kayo at pupunta sa inyong walang hanggang tahanan, at sa mga lansangan ang mga taong nagdadalamhati para sa inyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Lagi ninyong isipin ang Diyos ngayon, dahil magwawakas din ang mga buhay natin, katulad ng mga pilak na kadena o mga gintong mangkok na madaling nababasag, o katulad ng mga lalagyanan ng mga tubig na nasira sa mga bukal, o katulad ng mga sirang kalo sa balon.
|
|
\q
|
|
\v 7 Pagkatapos, maaagnas at magiging alabok muli ang ating mga bangkay, at babalik sa Diyos ang ating mga espiritu, ang siyang nagbigay sa atin ng ating mga espiritu.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 8 Kaya ako, ang Mangangaral, sinasabi muli na ang lahat ay pansamantala at walang silbi.
|
|
\p
|
|
\v 9 Ako, ang Mangangaral ay itinuring na napakarunong na lalaki, at tinuruan ko ang mga tao ng maraming mga bagay. Binuo at isinulat ko ang maraming kasabihan, at maingat kong pinag-isipan at inayos ang mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Naghanap ako ng mga salita na kaaya-ayang pakinggan, at mapagkakatiwalaan at totoo ang sinulat ko.
|
|
\p
|
|
\v 11 Ang mga bagay na sinasabi ko at ng iba pang mga marurunong na tao ay nagtuturo sa mga tao kung ano ang dapat nilang gawin. Sila ay parang mga pastol natin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya, aking anak, magbigay pansin sa sinulat ko, at maingat na piliin kung ano ang babasahin mo na sinulat ng iba. Ang gawaing ito na pagsusulat ng mga libro ay walang katapusan. Ang subukang pag-aralan ang lahat ng ito ay isang walang hanggang tungkulin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Ngayon ay narinig mo ang lahat ng sinabi ko sa iyo, at ito ang pagtatapos: Sambahin mo ang Diyos, at sundin mo ang kaniyang mga utos, dahil ang mga utos na iyon ang nagbubuod ng lahat ng dapat gawin ng mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 14 At huwag mong kalimutan na hahatulan ng Diyos ang lahat ng ginagawa natin, mabubuti at masasamang bagay, kahit ang mga bagay na palihim nating ginagawa.
|