tl_udb/19-PSA.usfm

7337 lines
349 KiB
Plaintext

\id PSA
\ide UTF-8
\h Mga Awit
\toc1 Mga Awit
\toc2 Mga Awit
\toc3 psa
\mt Mga Awit
\s5
\c 1
\p
\v 1 Mapalad ang hindi gumagawa ng payo sa kanila ng mga masasama, hindi gumagaya sa kaugalian ng mga makasalanan, at hindi sumasama sa mga taong pinagtatawanan ang Diyos.
\p
\v 2 Sa halip, ang mga kinaluluguran ni Yahweh ay ang mga nasisiyahan sa pag-unawa ng mga tinuturo niya sa atin. Binabasa nila at pinag-iisipan araw-araw at gabi-gabi ang tinuturo ni Yahweh.
\s5
\p
\v 3 Lagi silang gumagawa ng mga bagay na nagbibigay kaluguran sa Diyos, gaya ng mga namumungang puno na itinanim sa pampang ng isang batis na namumunga sa tamang panahon bawat taon. Katulad ng mga puno na hindi kailanman nalalanta, nagtatagumpay sila sa lahat ng kanilang ginagawa.
\s5
\p
\v 4 Pero hindi ganito ang mga masasama! Ang mga masasama ay walang kwenta gaya ng ipa na tinatangay ng hangin.
\p
\v 5 Kaya nga, kapag hinatulan ng Diyos ang sangkatauhan, susumpain niya ang mga masasama. Higit pa rito, hindi magiging kabilang ang mga masasama kapag tinipon ng Diyos ang lahat ng matutuwid.
\s5
\p
\v 6 Dahil ginagabayan at pinoprotektahan ni Yahweh ang mga matutuwid, pero ang landas na tinatahak ng masasama ay naghahatid sa kanila kung saan sila wawasakin ng Diyos magpakailanman.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Bakit napopoot ang mga lider ng mga bansa laban kay Yahweh? Bakit nagbabalak na maghimagsik ang mga tao laban sa kanya, kahit ito ay walang saysay?
\p
\v 2 Naghahandang mag-aklas ang mga hari ng mga bansa; sama-samang nagbabalak ang mga namamahala para labanan si Yahweh at ang kanyang hinirang.
\q
\v 3 Sinisigaw nila, "Palayain natin ang ating mga sarili mula sa kanilang kapangyarihan; huwag na natin silang hayaang pamahalaan pa tayo!"
\s5
\p
\v 4 Pero pinagtatawanan sila ng nakaupo sa trono sa langit; kinukutya ni Yahweh ang mga namamahalang iyon.
\p
\v 5 Pagkatapos, dahil galit siya sa kanila, sinasaway niya sila. Tinatakot niya sila kapag nauunawaan nila na galit na galit niya silang parurusahan.
\s5
\p
\v 6 Sinasabi ni Yahweh, "Itinalaga ko ang aking hari sa isang trono sa Sion, ang aking banal na burol sa Jerusalem."
\q
\v 7 Sasabihin ng kanyang hari, "Ipahahayag ko ang inutos ni Yahweh. Sinabi niya sa akin, 'Ikaw ay aking anak; ngayong araw, ako ay naging iyong ama.
\s5
\p
\v 8 Hilingin mong permanenteng mapasaiyo ang mga bansa, at ibibigay ko sa iyo ang mga ito. Maging ang pinakamalalayong mga bansa ay mapasasaiyo.
\q
\v 9 Ganap mo silang magagapi; wawasakin mo sila tulad ng pagbasag ng isang tao sa isang palayok gamit ang isang pamalong bakal."
\s5
\p
\v 10 Kaya, kayong mga hari at ibang mga namamahala ng mundo, maging matalino kayo sa pagkilos! Pakinggan ninyo ang babala ni Yahweh!
\p
\v 11 Sambahin ninyo si Yahweh; taimtim ninyo siyang parangalan. Magalak kayo sa mga bagay na ginawa niya, pero manginig kayo sa harapan niya!
\s5
\p
\v 12 Mapagpakumbaba kayong lumuhod sa harapan ng kanyang anak! Kung hindi ninyo ito gagawin, magagalit siya, at papatayin niya kayo agad. Huwag ninyong kalimutan na kaya niya, sa isang saglit, ipakita ang kaniyang lubos na galit! Pero mapalad silang humihiling ng pag-iingat sa kaniya.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Yahweh, marami akong kaaway! Maraming tao ang sumasalungat sa akin.
\p
\v 2 Maraming tao ang nagsasabi tungkol sa akin, "Siguradong hindi ka tutulungan ng Diyos."
\s5
\p
\v 3 Pero Yahweh, ikaw ay katulad ng isang kalasag na pinoprotektahan ako. Labis mo akong pinararangalan at pinalalakas ang aking loob.
\p
\v 4 Nananawagan ako sa iyo, Yahweh, at sinasagot mo ako mula sa Sion, ang banal mong burol.
\s5
\p
\v 5 Nahihiga ako at natutulog sa gabi, at nagigising ako sa umaga, dahil ikaw, Yahweh, ay inaalagaan ako sa gabi.
\p
\v 6 Maaaring may libo-libong sundalong kaaway na nakapaligid sa akin, pero hindi ako natatakot.
\s5
\p
\v 7 Bumangon ka, Yahweh! Aking Diyos, iligtas mo akong muli! Iinsultuhin mo ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng pagsampal sa kanilang mga pisngi; kapag papaluin mo sila, wawasakin mo ang kanilang kapangyarihan, at hindi na sila mananakit ng kahit sino.
\p
\v 8 Yahweh, ikaw ang nagliligtas sa iyong bayan mula sa kanilang kaaway. Yahweh, pagpalain mo ang bayan mo!
\s5
\c 4
\p
\v 1 O Diyos, sagutin mo ako kapag nananalangin ako sa iyo. Ikaw ang nagpapakita sa mga tao na tamang nagtiwala ako sa iyo. Sinagip mo ako nang nasa malaking kaguluhan ako. Kaawaan mo ako at pakinggan habang nananalangin ako.
\s5
\p
\v 2 Hanggang kailan ninyo ako ipapahiya sa halip na parangalan ako? Gustong-gusto ninyong mga tao na paratangan ako ng mali.
\p
\v 3 Lahat ng pinararangalan si Yahweh-- pinili niya sila para mapabilang sa kaniya. Pakikinggan ako ni Yahweh kapag nananalangin ako sa kaniya.
\s5
\p
\v 4 Dapat katakutan ninyo si Yahweh, pero huwag niyong hayaang ang takot niyo ay magdulot para kayo ay magkasala. Habang kayo ay nakahiga sa inyong higaan, tahimik ninyong siyasatin kung ano ang iniisip niyo sa inyong kalooban.
\p
\v 5 At saka, ialay ninyo kay Yahweh ang angkop na handog at patuloy kayong magtiwala sa kanya.
\s5
\p
\v 6 Tinatanong ng ilan, "Maaari bang may isang taong magdulot sa amin ng kabutihan?" Pero sabi ko, "Yahweh, manatili kang maging mabait sa amin.
\p
\v 7 Labis mo akong pinasaya; masaya pa ako kaysa sa isang nag-ani ng napakadaming butil at mga ubas.
\p
\v 8 Sa kapayapaan at katiyakan ako hihimlay sa gabi at mahimbing na natutulog dahil alam kong tanging ikaw, Yahweh, ang siyang magliligtas sa akin."
\s5
\c 5
\p
\v 1 Yahweh, dinggin mo ako habang ako ay nananalangin! Pansinin mo ako kapag ako ay dumadaing dahil lubha akong nagdurusa.
\p
\v 2 Ikaw ang aking Hari at aking Diyos. Kapag nananawagan ako para hilingin na tulungan mo, pakinggan mo ako dahil tanging sa iyo ako nananalangin.
\q
\v 3 Pakinggan mo ako sa bawat umagang nananalangin ako, at hihintayin kong tumugon ka.
\s5
\q
\v 4 Hindi ikaw ang diyos na natutuwa sa mga masasama; hindi mo kailanman tatanggapin ang mga gumagawa ng kasamaan.
\p
\v 5 Ang mayayabang ay hindi mo hahayaang sambahin ka. Kinamumuhian mo ang mga gumagawa ng masasama.
\p
\v 6 Palayasin mo ang mga sinungaling, at kinamumuhian mo ang mga pumapatay at ang mga nanlilinlang ng iba.
\s5
\p
\v 7 Yahweh, dahil labis at tapat mo akong minamahal, pumupunta ako sa iyong templo. Malaki ang paggalang ko sa iyo at luluhod ako sa pagsamba sa iyo sa banal mong templo.
\p
\v 8 Yahweh, dahil sa matuwid na pakikitungo mo sa akin, ipakita mo sa akin kung ano ang tamang gagawin. Dahil marami ang aking mga kaaway, ipakita mo sa akin nang maliwanag kung paano mamuhay sa tamang paraan.
\s5
\p
\v 9 Hindi kailanman sinasabi ng mga kaaway ko kung ano ang totoo; sa kalooban nila hangad nilang sirain ang iba. Nagsasabi sila ng mga banta ng karahasan at kamatayan. Ginagamit nila ang kanilang mga dila para magsabi ng mga magagandang bagay para kaluguran sila ng mga tao.
\p
\v 10 O Diyos, ihayag mo na sila ay may kasalanan at parusahan sila. Hayaan mong maranasan nila ang parehong sakuna na hinahangad nilang mangyari sa iba. Palayasin mo sila dahil gumawa sila ng maraming kasalanan, at naghimagsik sila laban sa iyo.
\s5
\p
\v 11 Pero hayaan mo na lahat ng mga iniingatan mo ay magalak; hayaan mo silang umawit sa iyo ng may kagalakan magpakailanman. Pangalagaan mo silang nagmamahal sa iyo; tunay na masaya sila dahil sa ginawa mo para sa kanila.
\p
\v 12 Yahweh, lagi mong pinagpapala ang mga gumagawa ng matuwid; iniingatan mo sila tulad ng pag-iingat ng isang sundalo sa kaniyang sarili gamit ang kaniyang kalasag.
\s5
\c 6
\p
\v 1 Yahweh, huwag mo akong itama kapag galit ka sa akin; huwag mo akong parusahan kapag naiinis ka.
\p
\v 2 Yahweh, maging mabait ka sa akin at pagalingin mo ako dahil naging mahina na ako. Nanginginig ang katawan ko dahil nakararanas ako ng labis na kalungkutan.
\s5
\p
\v 3 Yahweh, labis na nababagabag ang aking kalooban. Gaano katagal kong dapat pagtitiisan ito?
\p
\v 4 Yahweh, maawa ka at sagipin mo ako. Iligtas mo ako dahil palagi mong tinutupad ang mga pangako ng iyong kasunduan.
\p
\v 5 Hindi na kita mapapupurihan pagkatapos kong mamatay; walang sinuman sa lugar ng mga patay ang nagpupuri sa iyo.
\s5
\p
\v 6 Pagod na ako sa aking nararamdamang sakit. Buong gabi akong umiiyak kaya basang basa ng luha ang aking kama at unan.
\p
\v 7 Dahil sa labis kong pag-iyak, nahihirapan akong makakita. Nanghina na ang aking mga mata dahil sa patuloy kong pag-iyak dahil sa takot sa aking mga kaaway.
\s5
\p
\v 8 Kayong mga gumagawa ng mga masasama, lumayo kayo sa akin, dahil narinig ni Yahweh nang umiiyak ako!
\p
\v 9 Narinig ako ni Yahweh nang tumawag ako sa kaniya para tulungan ako, at sasagutin niya ang panalangin ko.
\p
\v 10 Kapag nangyari iyon, lahat ng mga kaaway ko ay mapapahiya; sila ang matatakot. Tatalikod sila sa akin at agad nila akong iiwanan dahil mapapahiya sila.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Yahweh aking Diyos, lumalapit ako sa iyo para ipagtanggol mo ako. Sagipin mo ako at iligtas mula sa mga humahabol sa akin para saktan ako.
\p
\v 2 Kapag hindi mo ito ginawa, pagpipira-pirasuhin nila ako tulad ng ginagawa ng isang leon kapag nilulusob nito ang hayop na nais nitong patayin; walang sinuman ang makapagliligtas sa akin mula sa kanila.
\s5
\p
\v 3 Yahweh aking Diyos, ipagpalagay mo na gumawa ako ng mali,
\p
\v 4 o gumawa ako ng masama sa kaibigan ko, o kaya, sa walang mabuting dahilan, sinaktan ko ang mga kaaway ko.
\s5
\p
\v 5 Kung gayon hayaan mong habulin ako ng mga kaaway ko at mahuli ako. Hayaan mo silang tapak-tapakan ako at iwanan akong nakahandusay sa lupa.
\s5
\p
\v 6 Yahweh, dahil galit ka sa mga humahabol sa akin, bumangon ka at lusubin ang mga lumulusob sa akin! Gawin mo sa kanila ang sinabi mong makatarungan!
\p
\v 7 Ang mga tao sa lahat ng bansa ay nakapalibot sa iyo para lusubin ka, pero pamumunuan mo sila mula sa kinaroroonan mo sa langit.
\s5
\p
\v 8 Yahweh, hatulan mo ang lahat ng tao sa lahat ng mga bansa! Yahweh, ipakita mo na wala akong ginawang mali.
\p
\v 9 O Diyos, alam mo ang iniisip ng bawat tao sa kanilang kalooban at dahil matuwid ka, ginagawa mo kung ano makatarungan. Kaya ngayon pigilan mo ang masasamang tao sa paggawa ng masasamang gawain, at ipagtanggol mo kaming lahat na matuwid!
\s5
\p
\v 10 O Diyos, ipagtanggol mo ako tulad ng pagtatanggol ng kalasag sa mga sundalo; sinasagip mo ang lahat ng matuwid sa kanilang kalooban.
\p
\v 11 Wasto ang paghatol mo sa bawat isa, at araw-araw mong pinarurusahan ang masasamang nilalait ang batas mo.
\s5
\p
\v 12 Tuwing hindi nagsisisi ang iyong mga kaaway; ito ay parang paghahasa ng iyong espada at paglalagay ng tali sa pana mo para maghandang patayin sila.
\p
\v 13 Hinahanda mo ang iyong mga sandata para patayin ang mga hinampas mo; umaapoy ang mga palaso na iyong ipapana.
\s5
\p
\v 14 Ang mga masasamang tao ay nagbabalak ng mga kasinungalingan at masasamang gawain nila, binabalak nila at kinaluluguran ang mga iniisip nila katulad ng buntis na binabalak na manganak.
\p
\v 15 Pero kapag naghuhukay sila ng malalim na hukay para mabitag ang iba, sila mismo ang malalaglag dito.
\p
\v 16 Sila mismo ang makararanas ng gulo na nais nilang gawin sa iba; sasaktan nila ang kanilang mga sarili sa mga marahas na mga bagay na nais nilang gawin sa iba.
\s5
\p
\v 17 Pinupuri ko si Yahweh dahil palagi siyang kumikilos nang may katuwiran; umaawit ako ng papuri kay Yahweh, ang higit na dakila kaysa sa ibang diyos.
\s5
\c 8
\p
\v 1 Yahweh aming Panginoon, alam ng mga tao sa buong mundo na labis ang kadakilaan mo! Nakikita namin ang kadakilaan mo tuwing tumitingin kami sa kalangitan!
\p
\v 2 Tinuruan mo ang mga bata at mga sanggol na purihin ka; napatatahimik nila ang mga kaaway mo at ang mga nais maghiganti sa iyo.
\s5
\p
\v 3 Tumitingin ako sa kalangitan tuwing gabi at nakikita ang mga bagay na iyong nilikha - ang buwan at mga tala na nilagay mo sa lugar nila.
\p
\v 4 Kahanga-hanga para sa akin na iniisip mo ang mga tao, at iniisip mo ang kapakanan nila!
\p
\v 5 Ginawa mong mahalaga lang nang kaunti ang mga anghel sa langit kaysa sa amin; dinulot mo kami na maging katulad ng mga hari!
\s5
\p
\v 6 Ginawa mo kaming tagapangasiwa ng lahat ng nilikha mo; binigyan mo kami ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay—
\p
\v 7 ang mga tupa at mga baka, at kahit ang mababangis na mga hayop,
\p
\v 8 ang mga ibon, ang mga isda, at sa iba pang mga lumalangoy sa dagat.
\s5
\p
\v 9 Yahweh aming Panginoon, alam ng mga tao sa buong mundo na labis ang kadakilaan mo!
\s5
\c 9
\p
\v 1 Yahweh, pupurihin kita ng buong kalooban ko. Ihahayag ko sa ibang mga tao ang lahat ng mga kamangha-manghang mga bagay na ginawa mo.
\q
\v 2 Aawit ako para ipagdiwang ang ginawa mo, ikaw na higit na dakila kaysa sa ibang mga diyos.
\s5
\p
\v 3 Kapag napagtanto ng mga kaaway ko na labis kang makapangyarihan, nadadapa sila, at namamatay.
\p
\v 4 Nakaluklok ka sa trono mo para hatulan ang mga tao, at humatol ka nang walang kinikilingan tungkol sa akin.
\s5
\p
\v 5 Sinaway mo ang mga tao sa ibang mga bansa, at tinanggal mo ang masasamang mga tao; binura mo ang mga pangalan nila magpakailanman.
\q
\v 6 Naglaho ang mga kaaway namin; winasak mo ang mga lungsod nila, at hindi man lang sila matandaan ng mga tao.
\s5
\p
\v 7 Pero naghahari si Yahweh magpakailanman. Hinahatulan niya ang mga tao habang nakaluklok siya sa kaniyang trono.
\p
\v 8 Matuwid niyang hahatulan ang lahat ng mga tao sa mundo; hahatulan niya ang mga tao sa lahat ng bansa nang walang kinikilingan.
\s5
\p
\v 9 Magiging kublihan si Yahweh ng mga inaapi; siya ay magiging tulad ng tahanan para sa kanila kapag nababagabag sila.
\p
\v 10 Nagtitiwala kay Yahweh ang mga nakakakilala sa kaniya; hindi niya iniiwan ang mga lumalapit sa kaniya para matulungan.
\s5
\p
\v 11 Namumuno si Yahweh sa Bundok ng Sion; purihin siya at awitan siya. Ihayag sa mga tao sa lahat ng mga bansa ang kahanga-kahangang mga bagay na ginawa niya.
\p
\v 12 Hindi niya kinakalimutan na parusahan ang mga pumatay ng ibang mga tao; parurusahan niya sila, at hindi niya pababayaan ang mga umiiyak dahil sa pagdurusa nila.
\s5
\p
\v 13 Yahweh, maawa ka sa akin! Tingnan mo kung paano ako sinugatan ng mga kaaway ko. Huwag mo akong hayaang mamatay dahil sa mga sugat na ito.
\p
\v 14 Gusto kong mabuhay para mapapurihan kita sa mga tarangkahan ng Jerusalem at magsaya dahil sinagip mo ako.
\s5
\p
\v 15 Tila nagbungkal ng hukay ang masasama sa maraming mga bansa para mahulog ako rito, pero sila ang nahulog sa hukay na iyon. Tila naglatag sila ng lambat para hulihin ako, pero ang paa nila ang nahuli sa lambat na iyon.
\p
\v 16 Dahil sa ginawa mo, alam ng mga tao na pinapatupad mo ang katarungan; hinayaan mong mabitag ang masasama sa mga masasamang bagay na sila mismo ang gumagawa.
\s5
\p
\v 17 Mamamatay ang lahat ng masasama at ibabaon sa kanilang mga libingan; ang mga espiritu nila ay mapupunta kasama ang mga kinalimutan ka.
\p
\v 18 Pero hindi mo makalilimutan ang mga nangangailangan; ang buong puso nilang inaasahan ay hindi masasayang.
\s5
\q
\v 19 Yahweh, bumangon ka at hatulan mo ang masasama sa mga bansa; huwag mo silang hayaang isipin na dahil malakas sila, hindi na kailanman sila maparurusahan.
\p
\v 20 Yahweh, turuan mo sila na dapat silang matakot sa iyo at parangalan ka. Ipaalam mo sa kanila na tao lamang sila.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Yahweh, bakit mo nilalayo ang iyong sarili mula sa amin? Bakit hindi ka nagbibigay ng pansin kapag mayroon kaming mga problema?
\p
\v 2 Ang mga taong mapagmataas ay nagdudulot sa mga taong mahihirap na magdusa. Kaya dulutin mo na mangyari sa kanila ang ginagawa nila sa iba, tulad ng mga pain na humuhuli ng mga tao na inayos para sa kanila!
\p
\v 3 Pinagyayabang nila ang tungkol sa masasamang bagay na gusto nilang gawin. Pinupuri nila ang mga taong kumukuha ng bagay na hindi sa kanila mula sa iba, at sinusumpa ka nila, Yahweh.
\s5
\p
\v 4 Ang masasama ay labis na mapagmataas. Kaya hindi sila humihingi ng tulong sa Diyos; ni hindi sila nag-iisip ng tungkol sa kaniya.
\p
\v 5 Pero parang nagtatagumpay sila sa lahat ng kanilang ginagawa. Ang mga bagay na iniutos mo ay napakahirap para sa kaniya na maintindihan; kinukutya nila ang kanilang mga kaaway.
\s5
\p
\v 6 Sa kanilang mga isipan iniisip nila, "Walang masamang mangyayari sa atin! Hindi tayo kailanman magkakaroon ng problema!"
\p
\v 7 Kapag sila ay nagsalita, sila ay laging nagsasabi ng sumpa, nagsisinungaling, at nananakot na sasaktan ang iba. Patuloy silang nagsasabi ng masasamang bagay na nagpapakita na sila ay handa ng gumawa ng masama at imoral na mga bagay.
\s5
\p
\v 8 Nagtatago sila sa mga nayon, at handa nang sugurin ang mga inosenteng tao. Patuloy silang naghahanap ng mga taong hindi sila kayang labanan.
\p
\v 9 Sila ay katulad ng mga leon na nakabaluktot at nagtatago, naghihintay na sunggaban ang ibang hayop. Katulad sila ng mga mangangaso na humuhuli ng walang magawang mga tao katulad ng mga hayop na may lambat at kinakaladkad palayo.
\p
\v 10 Katulad ng walang magawang mga hayop na pinatay, ang mga taong hindi maipagtanggol ang kanilang sarili ay pinapatay dahil sila ay nagagapi ng masasama.
\s5
\p
\v 11 Sinasabi ng masasama, "Hindi magbibigay ng pansin ang Diyos sa kung ano ang gagawin namin. Ang kaniyang mata ay nakatakip, at hindi niya makikita ang kahit na ano."
\p
\v 12 Yahweh, bumangon ka! Tulungan mo kami, o Diyos, ng iyong kapangyarihan! Huwag mong kalimutan ang mga naghihirap!
\s5
\p
\v 13 Ang masasama ay lagi kang kinukutya. Iniisip nila, "Hindi kami kailanman parurusahan ng Diyos!"
\p
\v 14 Pero nakikita mo ang gulo at pagkabalisa na kanilang dinulot. Ang mga tao na naghihirap ay umaasa na tutulungan mo sila, at tinutulungan mo rin ang mga ulila.
\s5
\p
\v 15 Sirain mo ang kapangyarihan ng masasama at buktot na mga tao! Patuloy mong tugisin at parusahan sila sa masasamang bagay na kanilang ginawa hanggang sa huminto silang gawin ang mga bagay na iyon.
\p
\v 16 Yahweh, ikaw ang aming hari magpakailanman, at paaalisin mo ang grupo ng mga dayuhan mula sa kaniyang lupain.
\s5
\p
\v 17 Nakinig ka sa mga nagdurusa kapag sila ay umiiyak sa iyo. Pinakikinggan mo sila kapag nagdarasal sila, at pinalalakas mo ang loob nila.
\p
\v 18 Ipinagtatanggol mo ang mga ulila at mga taong api mula sa taong malalakas na sinasaktan sila para walang sinuman ang mag-aalala o matatakot.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Nagtitiwala ako na iingatan ako ni Yahweh. Kaya hindi ako lumilipad sa kabundukan katulad ng ginagawa ng mga ibon.
\p
\v 2 Totoo na ang mga masasama ay nagtatago sa kadiliman, na hinihila nila pabalik ang kanilang pana at hinahanda ang kanilang palaso para tamaan ang mga taong pinaparangalan si Yahweh.
\s5
\p
\v 3 Kapag ang mga masasama ay hindi nagdusa sa pagsuway sa mga batas, ano ang magagawa ng mga matutuwid?
\p
\v 4 Pero si Yahweh ay nakaupo sa kaniyang trono sa banal niyang templo sa langit, at nakikita niya lahat ng ginagawa ng mga tao.
\s5
\p
\v 5 Inuusisa ni Yahweh kung ano ang ginagawa ng mga matutuwid at masasama, at nagagalit siya sa laging nananakit ng iba.
\p
\v 6 Magpapaulan siya ng nagbabagang apoy at nasusunog na asupre sa mga masasama; magpapadala siya ng nakakapasong hangin para parusahan sila.
\p
\v 7 Ginagawa ni Yahweh lahat ng tama, at mahal niya ang gumagawa ng tama; ang mga taong tulad ng mga taong ito ay pupunta sa kaniyang harapan.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Tulungan mo kami, Yahweh! Parang wala ng mga taong nagbibigay parangal sa iyo, na ang lahat ng matapat sa iyo ay naglaho.
\s5
\p
\v 2 Ang lahat ay nagsasabi ng kasinungalingan sa ibang tao; niloloko nila ang ibang tao sa pamamagitan ng pagbibigay-puri, pero nagsisinungaling sila.
\q
\v 3 Yahweh, hinihiling namin na putulin mo ang kanilang mga dila para hindi sila makapagpatuloy na magyabang.
\p
\v 4 Sinasabi nila, "Sa pagsasabi ng kasinungalingan makukuha namin ang gusto namin; kami ang pumipili ng aming sasabihin, kaya walang sinuman ang maaaring magsabi sa amin kung ano ang dapat naming gawin!"
\s5
\p
\v 5 Pero sumagot si Yahweh, "Nakita ko ang kahindik-hindik na mga bagay na ginawa nila sa mga taong walang magawa; narinig ko ang mga taong iyon na dumadaing, kaya ako ay babangon at ililigtas ang mga taong gustong tulungan ko sila."
\s5
\p
\v 6 Yahweh, lagi mong ginagawa ang ipinangako mo; ang iyong pinangako ay kasing halaga at dalisay ng pilak na pinainitan ng pitong beses sa pugon para matanggal ang mga dumi.
\q
\v 7 Yahweh, alam namin na iingatan mo kami na pinaparangalan ka sa mga masasama,
\q
\v 8 ang mga naglalakad sa paligid nang may pagmamataas, habang pinupuri sila ng mga tao sa paggawa ng mga masasamang gawain.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Yahweh, gaano katagal mo kalilimutan ang tungkol sa akin? Itatago mo ba ang iyong sarili sa akin magpakailanman?
\p
\v 2 Gaano ko katagal titiisin ang dalamhati sa aking sarili? Kailangan bang malungkot ako sa bawat araw? Gaano katagal ako patuloy na matatalo ng aking mga kaaway?
\s5
\p
\v 3 Yahweh aking Diyos, tumingin ka sa akin at sagutin mo ako. Bigyan mo ako ng kalakasan, o ako ay mamamatay.
\p
\v 4 Huwag mong hayaan ang aking mga kaaway na magyabang at sabihin, "Natalo namin siya!" Huwag mong hayaan na matalo nila ako, na magdudulot sa kanila ng kagalakan!
\s5
\p
\v 5 Pero nagtitiwala ako na mamahalin mo ako nang tapat; magagalak ako kapag iniligtas mo ako.
\p
\v 6 Yahweh, gumawa ka ng mabubuting bagay sa akin, kaya ako ay aawit sa iyo.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Ang mga taong mangmang lamang ang magsasabi sa kanilang sarili, "Walang Diyos!" Ang mga taong nagsasabi ng ganoong bagay ay gumagawa lamang ng masasamang gawain; walang sinuman sa kanila ang gumagawa ng kung ano ang mabuti.
\s5
\q
\v 2 Mula sa langit, si Yahweh ay tumitingin sa lahat; tumitingin siya kung sinuman ang pinakamarunong, sapat na karunungan para naising makilala siya.
\p
\v 3 Pero lahat sila ay masasama; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti.
\s5
\p
\v 4 Hindi ba malalaman ng mga masasama kung ano ang gagawin ng Diyos para parusahan sila? Kumikilos sila nang marahas sa bayan ni Yahweh at gusto silang simutin katulad ng pag-ubos ng pagkain, at hindi sila kailanman nagdarasal kay Yahweh.
\s5
\p
\v 5 Pero may ilang araw na sila ay labis na nasisindak dahil tinutulungan ng Diyos ang kumikilos ng matuwid at paparusahan ang mga tinatanggihan siya.
\p
\v 6 Ang mga gumagawa ng masama ay maaaring pigilan sa paggawa ng balak nilang gawin ang mga mahihina, pero sila ay iniingatan ni Yahweh.
\s5
\q
\v 7 Mayroon bang ipadadala si Yahweh para tulungan ang mga Israelita sa ngalan ni Yahweh? Yahweh, kapag pinagpala mong muli ang iyong bayan, lahat kaming mga Israelita, ang mga kaapu-apuhan ni Jacob, ay magagalak.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Sinong maaaring pumasok sa banal mong tolda, O Yahweh? Sinong maaaring manirahan sa banal mong bundok?
\p
\v 2 Tanging ang mga matuwid lang at hindi nagkakasala ang maaaring gumawa noon, ang mga taong laging nagsasabi ng totoo.
\s5
\q
\v 3 Hindi sila naninira ng ibang tao. Hindi sila gumagawa ng mali sa iba, at hindi sila nagsasabi ng masasamang salita tungkol kaninuman.
\s5
\q
\v 4 Ang mga nagpaparangal sa Diyos ay galit sa mga hindi niya tinanggap, pero nirerespeto nila ang mga may respeto kay Yahweh. Tinutupad nila ang mga pinangako nila kahit mapahamak pa sila.
\q
\v 5 Nagpapautang sila sa ibang tao nang hindi naniningil ng tubo, at hindi sila tumatanggap ng suhol para magsinungaling tungkol sa ibang tao na walang ginawang mali. Ang mga gumagawa ng mga bagay na iyon ay mananatiling panatag.
\s5
\c 16
\p
\v 1 O Diyos, ingatan mo ako dahil lumalapit ako sa iyo para manatili akong ligtas!
\q
\v 2 Sinabi ko kay Yahweh, "Ikaw ang aking Panginoon; lahat ng mabubuting bagay na mayroon ako ay galing sa iyo."
\q
\v 3 Ang mga taong nagsusumikap na maging banal sa lupaing ito ay kaaya-aya; masaya ako na makasama sila.
\s5
\p
\v 4 Ang mga taong sumasamba sa ibang diyos ay magkakaroon ng maraming bagay na magpapalungkot sa kanila. Hindi ako makikibahagi sa pag-aalay sa mga diyos nila, maging sa pagbanggit ng pangalan ng mga pangalan ng mga diyos-diyosan nila.
\s5
\p
\v 5 Ikaw ang pinili ko, O Yahweh, at binibigyan mo ako ng saganang pagpapala. Iniingatan mo ako at hawak mo ang buhay ko.
\p
\v 6 Binigyan ako ni Yahweh ng kaaya-ayang lugar para panahanan; masaya ako sa lahat ng bagay na ibinigay niya sa akin.
\s5
\p
\v 7 Pupurihin ko si Yahweh, ang nagtuturo sa akin; maging sa gabi, sinasabi niya sa akin kung ano ang dapat na gawin.
\p
\v 8 Alam kong kasama ko si Yahweh sa lahat ng oras. Walang anumang makapagpapaaalis sa akin mula sa kaniyang tabi.
\s5
\p
\v 9 Kaya nagagalak ako; karangalan sa akin na siya ay purihin, at panatag ako
\p
\v 10 dahil hindi mo ako pinabayaan, Yahweh, sa lugar ng mga patay, at hindi mo ako hahayaan, ako na nanatiling tapat sa tipan, na manatili roon.
\s5
\p
\v 11 Ipakikita mo sa aking ang daan papunta sa buhay na walang hanggan, at pasasayahin mo ako sa piling mo. Magkakaroon ako ng kasiyahan magpakailanman sa kanang kamay mo.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Pakinggan mo ako, oh Yahweh, sa pakiusap ko na maging makatarungan ka sa akin. Dinggin mo ako sa panawagan ko sa iyo na tulungan ako. Pansinin mo ang panalangin ko dahil tapat ang mga sinasabi ko.
\p
\v 2 Ikaw ang may kakayahan na ihayag akong walang-sala; pakiusap pumayag kang gawin ang tama para sa akin.
\s5
\q
\v 3 Kung pupuntahan mo ako sa gabi para alamin ang nasa isip ko, kung makikita mo ang laman ng aking puso, malalaman mo na nagpasya akong hindi magsinungaling kailanman; matutuklasan mong hindi ako nag-iisip ng anumang kasamaan.
\s5
\q
\v 4 Hindi ako kumilos gaya ng mga taong hindi ka pinararangalan; kumilos ako sa kapangyarihan ng iyong alituntunin; hindi ako kumilos gaya ng mga taong walang alam sa iyong batas.
\p
\v 5 Nanatili ako sa paggawa ng mga sinabi mong gawin ko; hindi ako nabigo na gawin ang mga bagay na iyon.
\s5
\q
\v 6 O Diyos, nananalangin ako sa iyo dahil tinutugon mo ako; pakiusap, makinig ka sa sinasabi ko.
\p
\v 7 Patuloy mong ipamalas sa akin ang iyong pag-ibig gaya ng ipinangako mo na iyong gagawin. Sa pamamagitan ng iyong matinding kapangyarihan, iniingatan mo ang lahat ng nagtitiwala sa iyo; pinananatili mo silang ligtas mula sa mga kaaway nila.
\s5
\p
\v 8 Ingatan mo ako tulad ng pag-iingat ng mga tao sa kanilang mga mata; ingatan mo ako tulad ng pag-iingat ng mga ibon sa kanilang mga inakay sa ilalim ng kanilang mga pakpak.
\p
\v 9 Huwag mong hayaan na lusubin ako ng mga makasalanan, mga kaaway kong nakapalibot sa akin na naghahangad na patayin ako.
\p
\v 10 Ipinagmamalaki nila ang mga yaman at nakamit nila pero wala silang awa kaninuman.
\s5
\q
\v 11 Tinugis nila ako at nakita. Pinaligiran nila ako, nag-aabang ng pagkakataon para itapon ako sa lupa at patayin ako.
\p
\v 12 Tulad sila ng mga leon na handang lapain ang mga hayop na mahuhuli nila; tulad sila ng mga batang leon na nagtatago, naghihintay na talunan ang biktima nila.
\s5
\q
\v 13 Tumayo ka, O Yahweh, lusubin mo ang mga kaaway ko at lipulin mo sila! Gamit ang iyong tabak, iligtas mo ako mula sa kanila na makasalanan!
\p
\v 14 O Yahweh, sa pamamagitan ng kapangyarihan mo, sagipin mo o ako mula sa mga taong ang mga hangarin ay nasa mundong ito lamang. Pero nagbibigay ka ng saganang pagkain para sa mga minamahal mo nang buong-giliw; ang mga anak nila ay magkakaroon din ng maraming bagay na ipamamana sa kanilang magiging mga apo.
\s5
\p
\v 15 O Yahweh, dahil namumuhay ako sa katuwiran, makakapiling kita pagdating ng araw. Sa paggising ko mula sa pagkamatay, makikita kita nang harapan at ako ay masisiyahan.
\s5
\c 18
\p
\v 1 Mahal kita, O Yahweh, na siyang nagbibigay ng lakas sa akin.
\s5
\q
\v 2 Si Yahweh ay tulad ng isang malaking bato; sa tuwing nasa tuktok ako nito, hindi ako naabot ng mga kaaway ko. Tulad siya ng isang matibay na tanggulan; tumatakbo ako rito para maging ligtas. Iniingatan niya ako tulad ng isang pananggalang na nag-iingat sa isang kawal; siya ang pinagkakatiwalaan ko para panatilihin akong ligtas; pinagtatanggol niya ako sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan!
\p
\v 3 Tumatawag ako kay Yahweh na karapat-dapat ng papuri galing sa akin at inililigtas niya ko mula sa mga kaaway ko.
\s5
\p
\v 4 Sa paligid ko ay mga mapanganib na sitwasyon kung saan maaari akong mamatay; para bang may mga malalaking alon na muntik nang bumagsak sa akin at pinatay ako.
\p
\v 5 Para bang ang libingan ay may lubid na nakapulupot sa akin, o para bang mayroong patibong na handang hulihin ako at patayin.
\s5
\p
\v 6 Pero noong lubos akong nagdadalamhati, tumawag ako kay Yahweh, at sa malayo niyang templo, dininig niya ako. Pinakinggan niya ako noong humingi ako ng tulong.
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos, nagalit si Yahweh at lumindol ang mundo at nayanig ang mga bundok hanggang sa paanan nito!
\p
\v 8 Lubos siyang nagalit na tila may usok na lumabas mula sa kaniyang ilong, na tila mga nagbabagang uling ang lumabas mula sa kaniyang bibig.
\s5
\p
\v 9 Binuksan niya ang kalangitan at bumaba sakay ng itim na ulap sa kaniyang paanan.
\p
\v 10 Lumipad siya nang nakasakay sa likod ng isang anghel na mabilis ang lipad kasabay ng ihip ng hangin.
\s5
\p
\v 11 Kadiliman ang bumabalot sa kaniya na parang kumot; madilim na mga ulap, puno ng tubig ang nakabalot sa kaniya.
\p
\v 12 Mga yelo at kidlat ay nakapalibot sa kaniya; mga yelo at nagbabagang mga uling ang bumagsak mula sa kalangitan.
\s5
\p
\v 13 At sumigaw si Yahweh nang malakas mula sa kalangitan, at sa kaniyang mga kaaway, ito ay sintunog ng kidlat.
\p
\v 14 Tinira niya sila gamit ang kaniyang palaso na nagkalat sa kanila; pinalito sila ng mga kislap ng kidlat.
\s5
\p
\v 15 Naging lantad ang ilalim ng karagatan, at ini-ahon ng mga tubig ang lupa nang sinaway ni Yahweh ang kaniyang mga kaaway gamit ang hininga ng kaniyang galit.
\s5
\p
\v 16 Para bang inabot niya ako mula sa langit at hinila ako mula sa malalim na dagat.
\p
\v 17 Sinagip niya ako mula sa malalakas kong kaaway na namumuhi sa akin; napakalakas nila at hindi ko sila kayang talunin mag-isa.
\s5
\q
\v 18 Noong nagdadalamhati ako, sinalakay nila ako, pero pinagtanggol ako ni Yahweh.
\p
\v 19 Ganap niya akong iniligtas; sinagip niya ako dahil nalulugod siya sa akin.
\s5
\p
\v 20 Binigyan ako ng gantimpala ni Yahweh dahil ginagawa ko kung ano ang tama; pinagpala niya ako dahil ako ay walang-sala.
\p
\v 21 Sinunod ko ang mga kautusan ni Yahweh; hindi ako tumalikod sa kaniya.
\s5
\p
\v 22 Sumunod ako sa kaniyang mga kapasyahan; hindi ako huminto sa pagsunod sa mga ito.
\p
\v 23 Alam niya na hindi ako gumawa ng mali at lumayo ako mula sa pagkakasala.
\p
\v 24 Kaya ginagantimpalaan niya ako dahil ginagawa ko kung ano ang tama; alam niyang hindi ako nagkasala.
\s5
\p
\v 25 O Yahweh, tapat ka sa mga tapat sa iyong tipan; patuloy kang gumagawa ng mabubuting bagay sa mga hindi gumagawa ng kasamaan.
\p
\v 26 Mabuti ka sa mga tapat sa isa't isa, pero tuso ka tungo sa mga kumikilos nang hindi tapat.
\s5
\p
\v 27 Inililigtas mo ang mababa ang kalooban, pero hinihiya mo ang mga mayayabang.
\p
\v 28 Pinananatili mo akong buhay at patuloy mong gagawin ito.
\q
\v 29 Pinalalakas mo ako, para magawa kong salakayin at lupigin ang isang hukbo ng mga kaaway na kawal; sa tulong mo magagawa kong lagpasan ang mga pader na nakapalibot sa mga lungsod ng kaaway ko.
\s5
\p
\v 30 Ang bawat ginagawa ni Yahweh na aking Diyos ay ganap. Makaaasa tayo sa kaniya na tutuparin niya ang kaniyang pangako. Tulad siya ng isang pananggalang na nag-iingat sa lahat ng tumatakbo sa kaniya.
\p
\v 31 Si Yahweh lang ang nag-iisang Diyos; siya lang ang tulad ng isang malaking bato na ang tuktok ay ligtas tayo.
\q
\v 32 Ang Diyos ang nagpapalakas sa akin at nagpapanatili na ligtas ako sa mga daang nilalakaran ko.
\s5
\q
\v 33 Pinabibilis niya ang lakad ko nang hindi natitisod, tulad ng isang usa na naglalakad sa mga kabundukan.
\q
\v 34 Tinuturuan niya ako paano gumamit ng matibay na pana na magagamit ko sa mga digmaan.
\s5
\q
\v 35 O Yahweh, iniingatan mo ako at inililigtas gamit ang iyong panangga; ikaw ay malakas kaya pinanatili mo akong ligtas. Naging malakas ako dahil sa tulong mo.
\p
\v 36 Lumikha ka ng isang ligtas na landas para sa akin, kaya hindi ako nadudulas.
\s5
\q
\v 37 Tinugis ko ang mga kaaway ko at naabutan ko sila; hindi ako tumigil hangga't hindi ko sila natatalong lahat.
\q
\v 38 Sa pagsalakay ko, hindi na nila nagawang tumayo pa ulit; nakahandusay sila sa lupa, talunan.
\q
\v 39 Pinalakas mo ako para makapagdigma ako at talunin ang mga kaaway ko.
\s5
\q
\v 40 Iniligtas mo ako mula sa mga kaaway ko, para hampasin ko sila sa mga leeg nila. Inubos ko ang lahat ng namumuhi sa akin.
\p
\v 41 Humingi sila ng tulong pero walang nagligtas sa kanila. Sumigaw sila kay Yahweh, pero hindi niya sila tinulungan.
\q
\v 42 Pinulbos ko sila at sila ay naging parang alikabok na tinatangay ng hangin palayo; itinapon ko sila gaya ng pagtatapon ng mga tao ng kalat sa kalsada.
\s5
\q
\v 43 Binigyan mo ako ng kakayahan na talunin ang mga lumaban sa akin at hinirang mo ako para maging pinuno ng maraming bayan; mga taong hindi ko kilala noon ay mga alipin ngayon sa aking kaharian.
\q
\v 44 Nang marinig ng mga dayuhan ang tungkol sa akin, namaluktot sila at sinunod ako.
\q
\v 45 Nawala ang kanilang tapang, at mula sa mga kweba kung saan sila nagtatago, dumating sila nang nanginginig.
\s5
\q
\v 46 Buhay si Yahweh! Purihin ang siyang tulad ng isang malaking bato kung saan sa tuktok ay ligtas ako! Itaas ang Diyos na naglilitas sa akin!
\q
\v 47 Binibigyan niya ako ng kakayahan na maghiganti sa mga kaaway ko; dinudulot niya na matalo ang ang mga bayan at pamunuan ang mga ito
\s5
\q
\v 48 at sinasagip niya ako mula sa mga kaaway ko. Itinaas niya ako para hindi ako maabot at masaktan ng mararahas na kalalakihan.
\q
\v 49 Kaya pinupuri ko siya, at sinasabi ko sa mga bayan ang mga dakilang bagay na ginawa niya.
\s5
\q
\v 50 Binigyan niya ako ng kakayahan, ang kaniyang hari, na buong lakas na lipulin ang mga kaaway ko; tapat niya akong iniibig gaya ng pangako niya sa kaniyang tipan. Mahal niya ako, si David, ang pinili niya na maging hari, at tapat niyang mamahalin ang mga kaapu-apuhan ko magpakailanman.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Kapag tumitingin ang mga tao sa lahat bagay na inilagay ng Diyos sa kalawakan, nakikita nila na napakadakila niya; nakikita nila ang mga dakilang bagay na kaniyang nilikha.
\q
\v 2 Bawat araw tila araw ito na nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos, at bawat gabi tila buwan at mga butuin ito na nagsasabing alam ng mga ito na ang Diyos ang gumawa sa kanila.
\q
\v 3 Hindi talaga nagsasalita ang mga ito; hindi nagsasabi ang mga ito ng kahit anong mga salita. Walang tinig mula sa mga ito para marinig ng sinuman.
\s5
\p
\v 4 Pero anuman ang ipinapahayag ng mga ito tungkol sa Diyos ay abot sa buong mundo, at kahit ang mga tao na nanirahan sa pinakamalayong lugar sa daigdig ay maaaring malaman ito. Ang araw ay nasa kalawakan kung saan nilagay ito ng Diyos;
\p
\v 5 ito ay sumisikat bawat umaga katulad ng lalaking ikinasal na masaya habang lumalabas sa kaniyang silid pagkatapos ng kaniyang kasal. Ito ay katulad ng malakas na atleta na sabik na sabik nang mag-umpisang tumakbo sa karera.
\p
\v 6 Ang araw ay sumisikat sa isang dako ng kalawakan at pumupunta sa kabilang dako ng kalawakan at lumulubog sa kabilang dako; walang maaaring magtago mula sa init nito.
\s5
\p
\v 7 Ang mga tagubilin na ibinigay sa atin ni Yahweh ay walang mali; iyon ang muling bumubuhay sa atin. Makatitiyak tayo na ang mga bagay na sinabi sa atin ni Yahweh ay hindi magbabago magpakailanman, at sa pag-aaral nito, ang mga taong hindi dating naturuan ay magiging marunong.
\p
\v 8 Ang mga batas ni Yahweh ay makatarungan; kapag iyon ay ating sinunod, magagalak tayo. Ang mga utos ni Yahweh ay malinaw, at sa pagbabasa ng mga ito, nasisimulan nating maunawaan kung paano nais ng Diyos na kumilos tayo.
\s5
\p
\v 9 Mabuti para sa mga tao na igalang si Yahweh; iyon ang isang bagay na kanilang gagawin magpakailanman. Anuman ang iniutos ni Yahweh ay makatarungan, at ito ay laging matuwid.
\p
\v 10 Ang mga bagay na pinagpasyahan ng Diyos ay mas mahalaga kaysa ginto, kahit ang pinakapinong ginto. Sila ay mas matamis kaysa sa pulot na tumutulo mula sa mga pulot-pukyutan.
\s5
\p
\v 11 Higit pa rito, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga ito natutunan ko kung anong mga bagay ang mabuting gawin at kung ano ang mga masasama, at nangangako ito ng labis na gantimpala sa mga susunod sa mga ito.
\p
\v 12 Pero walang sinumang maaaring makaalam ng lahat ng kaniyang pagkakamali; kaya Yahweh, patawarin mo ako sa mga bagay na ginawa ko na hindi ko naisip na mali.
\s5
\p
\v 13 Ilayo mo ako mula sa mga bagay na ginagawa ko na alam kong mali; huwag mong hayaan na patuloy kong ginagawa ang masasamang mga bagay na nais kong gawin. Kung gagawin mo iyon, hindi na ako magkakasala sa paggawa ng ganoong mga kasalanan, at hindi ko na gagawin ang matinding kasalanan ng labis na pagrerebelde laban sa iyo.
\p
\v 14 O Yahweh, ikaw ay tulad ng malaking bato na nasa tuktok kung saan ligtas ako; ikaw ang nag-iingat sa akin. Umaasa ako na ang mga bagay na aking sasabihin at iniisip ay laging makalulugod sa iyo.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Hangad namin na matutulungan ka ni Yahweh kapag ikaw ay tumawag sa kaniya kapag ikaw ay may kaguluhan! Hangad namin na ang Diyos, na pinarangalan ng aming ninuno na si Jacob, ay panatilihin kang ligtas mula sa iyong mga kaaway.
\p
\v 2 Hangad naming umabot siya nawa mula sa kaniyang banal na templo at tulungan ka at saklolohan ka mula sa bundok ng Sion kung saan siya nakatira.
\s5
\p
\v 3 Hangad naming tanggapin niya nawa ang lahat ng mga handog na ibinibigay mo sa kaniya para sunugin sa altar at lahat ng iba mong mga handog.
\p
\v 4 Hangad naming ibigay niya nawa sa iyo kung ano ang hinahangad ng iyong puso, at kayanin mo nawa na tuparin ang lahat ng hinahangad mong gawin.
\s5
\p
\v 5 Kapag tinalo mo ang iyong mga kaaway, kami ay sisigaw nang may galak. Itataas namin ang bandera na nagpapahayag na ang Diyos ang tumulong sa iyo. Hangad kong gawin nawa ni Yahweh para sa iyo ang lahat ng iyong hinihiling sa kaniya.
\p
\v 6 Alam ko ngayon na si Yahweh ang sasagip sa akin, ang siyang pinili niya na maging hari. Mula sa kaniyang banal na lugar sa kalangitan sasagutin niya ako, at ako ay kaniyang ililigtas sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan.
\s5
\p
\v 7 Nagtitiwala ang ilang mga hari na matatalo nila ang kanilang mga kaaway dahil sila ay may mga kalesang pandigma, at ang ilan ay nagtitiwala sa kanilang mga kabayo na may kakayahan na talunin ang kanilang mga kaaway, pero kami ay magtitiwala sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos.
\p
\v 8 Matitisod ang ilan at babagsak, pero kami ay magiging malakas at hindi matitinag.
\s5
\p
\v 9 Tulungan mo ang hari na talunin ang aming mga kaaway, Yahweh! Sagutin mo kami kapag kami ay humingi ng tulong!
\s5
\c 21
\p
\v 1 Yahweh, ako, na iyong ginawang hari, ay nasisiyahan dahil pinalakas mo ako. Nagagalak ako dahil binigyan mo ako ng kakayahan na talunin ang aking mga kaaway.
\p
\v 2 Binigay mo lahat ng pinakahahangad ko, at hindi mo tinangihang gawin kung ano ang hiniling ko na gawin mo.
\s5
\q
\v 3 Napakamaraming mga magagandang bagay ang nagawa mo para sa akin. Inilagay mo ang gintong korona sa aking ulo.
\p
\v 4 Hiniling ko sa iyo na hayaan mo akong mabuhay ng mahabang panahon, at binigyan mo ako ng kakayahan na mabuhay ng mahabang panahon.
\s5
\p
\v 5 Ang aking kapangyarihan bilang hari ay napakadakila dahil pinahintulutan mo na ako ay magtagumpay laban sa aking mga kaaway.
\p
\v 6 Pagpapalain mo ako magpakailanman, at pinasaya mo ako sa iyong presensya.
\s5
\p
\v 7 Yahweh, ikaw ang Diyos na makapangyarihan, at ako, ang hari, ay nagtitiwala sa iyo. Dahil matapat mo akong iniibig, ang mga bagay na nakapipinsala ay hindi kailanman mangyayari sa akin.
\p
\v 8 Bibigyan mo ako ng kakayanan na patayin ang lahat ng aking mga kaaway, lahat ng mga namumuhi sa akin.
\s5
\p
\v 9 Kapag ikaw ay nagpakita, ihahagis mo sila sa naglalagablab na pugon. Dahil galit kayo sa kanila, lalamunin mo sila; susunugin sila ng apoy.
\p
\v 10 Aalisin mo ang kanilang mga anak mula sa lupang ito; mawawalang lahat ang kanilang mga kaapu-apuhan.
\s5
\p
\v 11 Nais ka nilang saktan, pero anuman ang kanilang balak ay hindi kailanman magtatagumpay.
\p
\v 12 Patatakbuhin mo sila palayo sa pamamagitan ng pagpana sa kanila.
\s5
\p
\v 13 Yahweh, ipakita mo sa amin na ikaw ay napalakas! Kapag ginawa mo iyon, aawit kami at magpupuri kami sa iyo dahil ikaw ay lubos na makapangyarihan.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit nanatili kang malayo sa akin, at bakit hindi ka nakikinig sa akin? Bakit hindi ka nakikinig sa akin nang ako ay nagdurusa at dumadaing?
\p
\v 2 Diyos ko, sa bawat umaga ako ay tumatawag sa iyo, pero hindi mo ako sinasagot. Tumatawag ako sa iyo sa gabi; hindi ako nananahimik.
\s5
\p
\v 3 Pero kayo ay banal. Nakaupo kayo sa iyong trono bilang hari, at kami na bayan ng Israel ay pinupuri ka.
\p
\v 4 Ang aming mga ninuno ay nagtiwala sa iyo. Dahil nagtiwala sila sa iyo, sinagip mo sila.
\p
\v 5 Nang sila ay humingi ng tulong sa iyo, niligtas mo sila. Sila ay nagtiwala sa iyo, at hindi sila nabigo.
\s5
\p
\v 6 Pero hindi mo ako sinagip! Hinamak ako ng mga tao at hindi ako tinuring na isang tao; ang turing nila sa akin ay isang uod! Kinasusuklaman at hinahamak ako ng bawat tao.
\p
\v 7 Pinagtatawanan ako ng lahat ng nakakakita sa akin. Kinukutya at iniinsulto nila ako sa pag-iiling ng kanilang ulo sa akin na para bang ako ay masamang tao. Sinasabi nila,
\p
\v 8 "Nagtitiwala siya kay Yahweh, kaya ililigtas siya ni Yahweh! Sinasabi niya na si Yahweh ay lubhang nalulugod sa kaniya; kung gayon nga, dapat siyang sagipin ni Yahweh!"
\s5
\p
\v 9 Bakit hindi ninyo ako ipagtanggol ngayon tulad ng inyong ginawa noong ako ay ipinanganak? Hinimok mo ako na magtiwala sa iyo simula noong umiinom pa ako ng gatas ng nanay ko.
\p
\v 10 Ito ay tulad ng pag-ampon ninyo sa akin noong ako ay ipinanganak. Ikaw na ang aking Diyos simula ng ako ay isinilang.
\s5
\p
\v 11 Kaya huwag kang manatiling malayo mula sa akin ngayon dahil malapit sa akin ang mga kaaway na magdudulot ng kaguluhan, at walang sinuman ang makatutulong sa akin.
\p
\v 12 Nakapalibot sa akin ang aking mga kaaway tulad ng lupon ng mga toro. Pinalibutan ako ng mga taong malulupit, tulad ng mga malalakas na mga toro na nanginginain sa mga burol sa bahagi ng Bashan.
\p
\v 13 Tulad sila ng mga umaatungal na mga leon na sumasalakay sa mga hayop na gusto nilang kainin; nagmamadali silang pumunta sa akin para patayin ako; tulad sila ng mga leon na may mga bibig na nakabukas, handang nguyain ang kanilang mga biktima ng pira-piraso.
\s5
\p
\v 14 Pagod na pagod na ako, at nagkalasog-lasog na ang aking mga buto. Hindi na ako umaasa na ililigtas pa ako ng Diyos; lubos akong napanghinaan ng loob.
\p
\v 15 Natuyo ang aking lakas tulad ng isang basag na piraso ng tapayan na natuyo sa arawan. Uhaw na uhaw ako na ang aking dila ay dumidikit na sa aking ngalangala. O Diyos, tingin ko hinahayaan mo na akong mamatay at maging alabok!
\s5
\p
\v 16 Ang aking mga kaaway ay tulad ng ligaw na aso na pinaliligiran ako. Pinalilibutan ako ng grupo ng masasamang tao na nakahandang saktan ako. Tinusok nila ang aking mga kamay at paa.
\p
\v 17 Nanghihina ako at namamayat na nabibilang ko na ang aking mga buto. Nakatitig sa akin ang aking mga kaaway at natutuwa sa mga nangyari sa akin.
\s5
\p
\v 18 Pinagmasdan nila ang suot kong damit at pinagpustahan para alamin kung kanino mapupunta ang bawat isa.
\p
\v 19 Yahweh, ako ay pagmalasakitan mo! Ikaw na siyang pinanggagalingan ng kalakasan ko, dalian mo at ako ay tulungan!
\s5
\p
\v 20 Sagipin mo ako mula sa kanila na gusto akong patayin gamit ang kanilang mga espada. Iligtas mo ako mula sa kanilang lakas tulad ng mabangis na aso.
\p
\v 21 Ilayo mo ako sa aking mga kaaway na parang mga leong nakanganga at handa akong lamunin! Agawin mo ako mula sa mga taong tulad ng nanunuwag na toro.
\s5
\p
\v 22 Kung ililigtas mo ako, ipahahayag ko sa mga kapwa Israelita ang iyong kadakilaan. Pupurihin kita sa kalagitnaan ng mga taong nagtipon para sumamba sa iyo.
\p
\v 23 Kayong may kahanga-hangang paggalang kay Yahweh, purihin niyo siya! Kayong lahat na mula kay Jacob, parangalan niyo si Yahweh! Bayan ng Israel, sambahin niyo siya!
\s5
\p
\v 24 Hindi niya hinahamak o pinababayaan silang nagdurusa; hindi niya itinatago ang kaniyang mukha sa kanila. Nakikinig siya sa kanilang mga daing.
\p
\v 25 Yahweh, sa malaking kapulungan pupurihin kita dahil sa iyong ginawa. Sa harap ng mga may kahanga-hangang paggalang sa iyo, maghahandog ako ng mga alay na aking ipinangako.
\s5
\p
\v 26 Kakain hanggang mabusog ang mga mahihirap na inanyayahan ko sa hapag kainan. Pupurihin si Yahweh ng lahat ng lumapit para sumamba sa kaniya. Nananalangin ako na bigyan kayo ng Diyos ng kakayahan na mamuhay nang mahaba at masaya!
\q
\v 27 Dalangin ko na maalala at manumbalik kay Yahweh ang lahat ng mamamayan ng lahat ng bansa, maging sa malalayong lugar, at yumuko sa harap niya ang mamamayan ng lahat ng angkan.
\s5
\p
\v 28 Dahil si Yahweh ang hari! Maghahari siya sa lahat ng bansa.
\q
\v 29 Magdiriwang at luluhod sa harapan niya ang lahat ng mayayaman sa mundo. Balang araw mamamatay sila, dahil hindi nila ito maiiwasan, pero dadapa sila sa kaniyang harapan.
\s5
\p
\v 30 Maglilingkod din kay Yahweh maging ang mga susunod na salinlahi. Ikukuwento nila sa kanilang mga anak ang ginawa ni Yahweh.
\p
\v 31 Malalaman ng mga tao na hindi pa naipapanganak, silang mabubuhay sa susunod na mga panahon, kung paano sinagip ni Yahweh ang kaniyang bayan. Sasabihin sa kanila ng mga tao, "Ginawa ito ni Yahweh!"
\s5
\c 23
\p
\v 1 Yahweh, ikaw ang nanganagalaga sa akin tulad ng isang pastol sa kaniyang tupa, kaya lahat ng aking pangangailangan ay nasa akin.
\p
\v 2 Pinagpapahinga mo ako ng may kapayapaan tulad ng isang pastol na inaakay ang kaniyang tupa sa luntiang damuhan para makakain, gaya ng pagpapahimlay niya sa kanila sa tabi ng batis kung saan ang tubig ay dahan-dahang dumadaloy.
\s5
\p
\v 3 Ipinanunumbalik mo ang aking kalakasan. Ipinapakita mo sa akin ang pamumuhay sa katarungan, para maparangalan kita.
\s5
\p
\v 4 Kahit lumakad ako sa mapapanganib at nakamamatay na lugar, hindi ako matatakot dahil kasama kita. Iniingatan mo ako tulad ng isang pastol sa kaniyang tupa.
\s5
\q
\v 5 Ipinaghahanda mo ako ng isang malaking piging sa harapan ng aking mga kaaway. Tinatanggap mo ako bilang panauhin na iyong pinaparangalan. Binibigyan mo ako ng napakaraming pagpapala!
\s5
\p
\v 6 Sigurado akong magiging mabuti ka sa akin at kaaawaan ako habang ako ay nabubuhay; kung gayon, O Yahweh, mabubuhay ako sa tahanan mo magpakailanman.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Ang lupain at lahat ng naririto ay kay Yahweh; lahat ng mga tao sa mundo ay sa kaniya;
\q
\v 2 siya ang nagtatag ng lupa sa tubig, sa ibabaw ng tubig na napakalalim.
\s5
\q
\v 3 Sino ang papayagang umakyat sa Bundok ng Sion sa Jerusalem, para humarap at sumamba sa banal na templo ni Yahweh?
\q
\v 4 Sila lamang na ang mga gawa at mga iniisip ay malinis, sila na hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan, at hindi nagsasabi ng kasinungalingan nang taos-puso silang nangako na magsasabi ng katotohanan.
\s5
\p
\v 5 Pagpapalain sila ni Yahweh. Kapag hahatulan na sila ng Diyos, sasagipin niya sila at sasabihing wala sila ginawang mali.
\q
\v 6 Sila ang mga lumalapit sa Diyos, sila ang maaaring sumasamba sa Diyos, na siyang sinasamba naming mga Israelita.
\s5
\q
\v 7 Buksan niyo ang mga tarangkahan ng templo para makapasok ang ating dakilang hari!
\q
\v 8 Kilala ba ninyo ang dakilang hari? Siya si Yahweh, ang siyang pinakamalakas; siya si Yahweh, ang siyang gumagapi sa lahat ng kaniyang mga kaaway sa mga digmaan!
\s5
\p
\v 9 Buksan ang mga tarangkahan ng templo para makapasok ang ating dakilang hari!
\p
\v 10 Kilala ba ninyo ang dakilang hari? Siya si Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel; siya ang ating dakilang hari!
\s5
\c 25
\p
\v 1 Yahweh, ipinagkakaloob ko sa iyo ang aking sarili.
\p
\v 2 Aking Diyos, ako ay nagtitiwala sa iyo. Huwag mong hayaang talunin at hiyain ako ng aking mga kaaway. Huwag mong payagan ang aking mga kaaway na talunin ako at magsaya.
\p
\v 3 Huwag mong hayaang mapahiya ang sinumang nagtitiwala sa iyo. Hayaan mo na ang mga namumuhay nang may kataksilan para sa iba ay magkaroon ng kahihiyan.
\s5
\p
\v 4 Yahweh, ipakita mo sa akin ang paraan kung paano ako dapat mamuhay, turuan mo ako kung paano ako kikilos sa paraang nais mo.
\p
\v 5 Turuan mo ako na mamuhay sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong katotohanan dahil ikaw ang aking Diyos, ang siyang nagliligtas sa akin. Buong araw akong magtitiwala sa iyo.
\s5
\p
\v 6 Yahweh, huwag mong kalilimutan kung paano ka kumilos nang may kahabagan sa akin at buong katapatan mo akong minahal dahil sa iyong tipan; iyon ang pamamaraan ng iyong pakikitungo sa akin mula pa noong una.
\q
\v 7 Patawarin mo ako sa lahat ng mga makasalanang bagay na ginawa ko at sa mga paraan na nagrebelde ako laban sa iyo noong aking kabataan; hinihiling ko ito sa iyo dahil tapat mong minamahal ang iyong bayan at gumagawa ka ng mga mabubuting bagay para sa kanila, gaya ng ipinangako mo sa iyong tipan. Yahweh, huwag mo akong kalimutan!
\s5
\p
\v 8 Si Yahweh ay mabuti at patas, kaya ipinapakita niya sa mga makasalanan kung paano nila dapat pangasiwaan ang kanilang buhay.
\p
\v 9 Ipinapakita niya sa mga mapagpakumbaba kung ano ang tamang gawin nila at tinuturuan sila kung ano ang nais niyang ipagawa sa kanila.
\s5
\p
\v 10 Siya ay palaging nagmamahal ng buong katapatan sa atin at tinutupad ang kaniyang mga ipinangako para sa mga sumusunod sa kanyang tipan at sa mga tumutupad sa kanyang ipinag-uutos.
\p
\v 11 Yahweh, patawarin mo ako sa lahat ng aking mga kasalanan, na napakarami, para ikaw ay maparangalan ko.
\s5
\p
\v 12 Sa lahat ng taong may kahanga-hangang paggalang sa iyo, ipinapakita mo sa kanila ang tamang paraan kung paano sila mamumuhay.
\p
\v 13 Magiging masagana sila lagi, at ang kanilang mga kaapu-apuhan ay magpapatuloy na mamuhay sa lupaing ito.
\s5
\p
\v 14 Si Yahweh ay kaibigan ng mga taong may kamangha-manghang paggalang sa kanya, at itinuturo niya sa kanila ang tipan na kanyang ginawa kasama sila.
\q
\v 15 Lagi kong hinihiling kay Yahweh na tulungan ako, at sinasagip niya ako mula sa panganib.
\p
\v 16 Yahweh, pansinin mo ako at mahabag ka sa akin dahil ako ay nag-iisa, at ako ay lubhang nababalisa dahil ako ay nagdurusa.
\s5
\p
\v 17 Marami akong mga suliranin na nagdudulot ng takot sa akin; sagipin mo ako mula sa mga ito.
\p
\v 18 Tandaan mo na ako ay nababalisa at naguguluhan, at patawarin mo ako sa lahat ng aking mga kasalanan.
\p
\v 19 Tandaan mo na marami akong mga kaaway; nakikita mo na labis nila akong kinapopootan.
\s5
\p
\v 20 Ipagtanggol at sagipin mo ako mula sa kanila; Huwag mong hayaan na talunin nila ako na magbubunga ng kahihiyan ko; nagpunta ako sa iyo para magkaroon ng kublihan.
\q
\v 21 Ipagtanggol mo ako dahil ginagawa ko kung ano ang mabuti at matapat at dahil nagtitiwala ako sa iyo.
\s5
\p
\v 22 O Diyos, sagipin mo kaming mga Israelita sa lahat ng aming mga kaguluhan!
\s5
\c 26
\p
\v 1 Yahweh patunayan mo na ako ay walang kasalanan. Lagi kong ginagawa kung ano ang tama; pinagkatiwalaan kita at hindi nag-alinlangan kailanman na ako ay tutulungan mo.
\p
\v 2 Yahweh, siyasatin mo kung ano ang aking nagawa at ako ay subukin; suriin mo ang iniisip ko sa aking kalooban.
\p
\v 3 Hindi ko kailanman kalilimutan na ikaw ay totoo sa iyong tipan at tapat mo akong minamahal; namumuhay ako ayon sa iyong katotohanan.
\s5
\p
\v 4 Hindi ko ginugugol ang aking oras kasama ng mga sinungaling, at ako ay lumalayo sa mga mapagpaimbabaw.
\p
\v 5 Hindi ko gustong makisama sa mga masasamang tao at iniiwasan ko ang mga taong makasalanan.
\s5
\p
\v 6 Yahweh, hinuhugasan ko ang aking mga kamay para ipakita na ako ay walang sala. Habang sumasali ako sa mga naglalakad sa paligid ng iyong altar,
\p
\v 7 umaawit kami ng mga awitin para pasalamatan ka, at sinasabi namin sa iba ang mga kahanga-hangang bagay na iyong ginawa.
\q
\v 8 Yahweh, ibig kong tumira sa tahanan kung saan ka nananahan, sa lugar kung saan nakikita ang iyong kaluwalhatian.
\s5
\p
\v 9 Huwag mo akong palayasin kagaya ng pagpapalayas mo sa mga makasalanan; huwag mong dulutin na mamatay ako gaya ng pagdulot ng mga pumapatay ng tao,
\p
\v 10 ng mga taong handang gumawa ng mga masasamang bagay at ng mga laging tumatanggap ng mga suhol.
\s5
\q
\v 11 Pero para sa akin, lagi kong sinusubukang gawin kung ano ang tama. Kaya mahabag ka sa akin at sagipin mo ako.
\p
\v 12 Tumatayo ako sa mga lugar kung saan ako ligtas, at kapag nagtitipon ang lahat ng lingkod mo, pinupuri kita.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Si Yahweh ang siyang nagbibigay liwanag sa aking buhay at nagliligtas sa akin, kaya hindi ko kailangang matakot kaninuman. Si Yahweh ang siyang takbuhan ko para magkubli, kaya hindi ako matatakot kailanman.
\s5
\p
\v 2 Kapag ang mga gumagawa ng masama ay dumating para puksain ako, sila ay natitisod at nabubuwal.
\q
\v 3 Kahit paligiran ako ng isang hukbo, hindi ako matatakot. Kahit na salakayin nila ako, ako ay magtitiwala sa Diyos.
\s5
\p
\v 4 May isang bagay na hiniling ko kay Yahweh; Ito ang isang bagay na aking minimithi: nawa makasamba ako sa tahanan ni Yahweh bawat araw ng buhay ko, para makita ko kung gaano kamangha -mangha si Yahweh, at para maitanong sa kanya kung ano ang nais niyang ipagawa sa akin.
\s5
\p
\v 5 Pangangalagaan niya ako kapag ako ay may mga kaguluhan; pananatilihin niya akong ligtas sa kanyang banal na tolda. Pananatilihin niya akong ligtas sa ibabaw ng mataas na bato.
\p
\v 6 Kaya mapagtatagumpayan ko ang aking mga kaaway. Sisigaw ako nang buong galak habang nag-aalay ng mga handog sa kanyang banal na tolda, at pupurihin ko si Yahweh habang ako ay umaawit.
\s5
\p
\v 7 Yahweh, pakinggan mo ako habang ako ay nananalangin. Mahabag ka sa akin at sagutin mo ang aking panalangin.
\p
\v 8 Sa aking kalooban ay minimithi kong sambahin ka, kaya Yahweh, pupunta ako sa iyong templo para manalangin sa iyo.
\s5
\p
\v 9 Ako ang iyong lingkod; huwag kang magalit sa akin o ako ay saktan, o tumalikod sa akin. Lagi mo akong tinutulungan. Ikaw ang siyang nagligtas sa akin, kaya huwag mo akong pabayaan ngayon.
\p
\v 10 Kahit na iwanan ako ng aking ama at ina, si Yahweh ang laging mag-aalaga sa akin.
\s5
\p
\v 11 Yahweh, turuan mo akong gawin ang mga nais mong ipagawa sa akin, at pangunahan mo ako sa ligtas na landas dahil marami akong kaaway.
\p
\v 12 Huwag mong pahintulutan ang aking mga kaaway na gawin sa akin ang kanilang nais; marami silang sinasabing maling mga bagay tungkol sa akin at nagbabanta na gawan ako ng karahasan.
\s5
\p
\v 13 Patay na sana ako kung hindi ako nagtiwala sa iyo na magiging mabuti ka sa akin habang ako ay nabubuhay.
\p
\v 14 Kaya magtiwala kayo kay Yahweh! Maging matatag at matapang kayo, at maghintay nang may pag-asa na tutulungan niya kayo!
\s5
\c 28
\p
\v 1 Yahweh, nananawagan ako sa iyo; Tulad ka ng malaking muog sa tuktok kung saan ligtas ako. Huwag mo akong balewalain dahil kung ikaw ay mananahimik, mapapabilis ang pagsama ko sa mga nasa libingan.
\q
\v 2 Makinig ka sa akin kapag tumatawag ako sa iyo para tulungan ako, kapag itinataas ko ang aking mga kamay habang nakaharap sa napakabanal na lugar sa iyong sagradong tolda.
\s5
\p
\v 3 Huwag mo akong kaladkaring palayo kasama ng masasamang tao, kasama ng mga gumagawa ng masasamang gawain, kasama ng mga nagpapanggap na kumikilos nang may kapayapaan tungo sa iba habang sa kaloob-looban nila, napopoot sila sa kanila.
\q
\v 4 Parusahan ang mga tao sa paraan na nararapat para sa kanilang nagawa; parusahan mo sila para sa kanilang masasamang gawain.
\p
\v 5 Yahweh, hindi nila binibigyang pansin ang mga kahanga-hangang bagay na iyong nagawa at nalikha; kaya itaboy mo sila at huwag na silang hayaang makitang muli!
\s5
\p
\v 6 Purihin si Yahweh dahil dininig niya ako nang tumawag ako sa kaniya para tulungan ako!
\p
\v 7 Pinalalakas at pinagtatanggol ako ni Yahweh tulad ng isang kalasag; nagtitiwala ako sa kaniya, at tinutulungan niya ako. Kaya sa aking kaloob-looban ako ay natutuwa, at mula sa aking kaloob-looban pinupuri ko siya habang umaawit sa kaniya.
\p
\v 8 Pinalalakas tayo ni Yahweh at ipinagtatanggol; inililigtas niya ako, ako na itinalaga niya na maging hari.
\s5
\p
\v 9 Yahweh, iligtas mo ang iyong bayan: pagpalain mo ang mga kabilang sa iyo. Pangalagaan mo sila tulad ng pastol na nangangalaga ng kaniyang mga tupa; pangalagaan mo sila magpakailanman.
\s5
\c 29
\p
\v 1 Mga taong matatapang, purihin si Yahweh! Purihin siya dahil siya ay napakadakila at makapangyarihan.
\p
\v 2 Ipahayag na siya ay maluwalhati; magbihis ng inyong pinakamagandang kasuotan at yumuko kay Yahweh.
\s5
\q
\v 3 Nangingibabaw ang tinig ni Yahweh sa karagatan; ang maluwalhating Diyos ay dumadagundong. Nahahayag siya sa ibabaw ng malawak na karagatan.
\q
\v 4 Makapangyarihan at dakila ang kaniyang tinig.
\q
\v 5 Nakawawasak ng malalaking mga puno ng sedar ang tinig ni Yahweh, ang mga lumalagong sedar sa Lebanon.
\s5
\p
\v 6 Pinayayanig niya ng mga lindol ang rehiyon ng Lebanon gaya ng batang baka na lumulukso; pinayayanig niya ang Bundok ng Hermon gaya ng batang torong lumulukso.
\p
\v 7 Ang tinig ni Yahweh ay nagdudulot ng pagkislap ng kidlat.
\q
\v 8 Ang tinig ni Yahweh ay nagdudulot ng pagyanig ng disyerto; niyayanig niya ang ilang ng Kades.
\s5
\q
\v 9 Napapaanak ng tinig ni Yahweh ang usa, at nalalagas ang mga dahon mula sa mga puno habang ang mga tao sa templo ay sumisigaw, "Purihin ang Diyos!"
\p
\v 10 Naghahari si Yahweh sa baha na tumatakip sa ibabaw ng lupa; siya ang aming hari na mamamahala magpakailanman.
\s5
\q
\v 11 Pinapalakas ni Yahweh ang kaniyang bayan, at sila ay pinagpapala niya sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng mga bagay para sa kanila.
\s5
\c 30
\p
\v 1 Yahweh, pinupuri kita dahil sinagip mo ako. Hindi mo pinahintulutang mamatay ako o magmataas sa akin ang mga kaaway.
\q
\v 2 Yahweh, aking Diyos, tumawag ako sa iyo para tulungan mo ako nang nasugatan ako, at pinagaling mo ako.
\q
\v 3 Iniligtas mo ako mula sa kamatayan. Muntik na akong mamatay, pero pinalakas mo akong muli.
\s5
\q
\v 4 Lahat kayo na tapat sa tipan ni Yahweh, umawit para purihin siya! Alalahanin niyo kung ano ang ginawa ng Diyos, ang nag-iisang banal, at pasalamatan siya!
\q
\v 5 Kapag siya ay nagalit, nagagalit lamang siya sa napakaigsing panahon, pero siya ay mabuti sa lahat ng ating mga buhay. Maaaring umiiyak tayo sa gabi, pero pagsapit ng umaga tayo ay magagalak.
\s5
\q
\v 6 Para sa akin, panatag ako nang sinabi ko sa aking sarili, "Walang sinuman ang makatatalo sa akin!"
\p
\v 7 Yahweh, dahil ikaw ay mabuti sa akin, sa simula iniligtas mo ako na parang ako ay nasa tuktok ng isang mataas na bundok. Pero inakala ko na tinalikuran mo ako, at natakot ako.
\q
\v 8 Kaya nanawagan ako sa iyo, at ako ay nagsumamo na tulungan mo.
\s5
\p
\v 9 Sinabi ko, "Yahweh, ano ang iyong mapapala kung mamamatay ako? Sa anong paraan mo ito mapakikinabangan kung ako ay mapunta sa lugar kung saan naroroon ang mga patay na tao? Tiyak na ang mga taong walang buhay ay hindi na kayang magpuri sa iyo, at hindi na nila kayang sabihin sa iba na ikaw ay mapagkakatiwalaan!
\p
\v 10 Yahweh, dinggin mo ako, at maawa ka sa akin! Yahweh, tulungan mo ako!"
\s5
\p
\v 11 Pero ngayon pinagaling mo ako, at binago mo ako mula sa pagiging malungkot sa pagsasayaw nang may kagalakan. Inalis mo ang mga kasuotan na nagpakitang napakalungkot ko at binigyan mo ako ng mga kasuotan na nagpakitang napakasaya ko.
\q
\v 12 Kaya hindi ako mananahimik; pinarangalan mo ako sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa akin na umawit at papurihan ka. Yahweh, ikaw ang aking Diyos, at pasasalamatan kita magpakailanman.
\s5
\c 31
\p
\v 1 Yahweh, pumunta ako sa iyo para mapangalagaan; huwag mo akong hayaang maging talunan at kahiya-hiya. Yamang lagi mong ginagawa kung ano ang makatarungan, sagipin mo ako!
\p
\v 2 Pakinggan mo ako, at iligtas mo ako ngayon din! Maging tulad ka ng isang malaking bato kung saan magiging ligtas ako at tulad ng isang matatag na tanggulan kung saan magiging panatag ako.
\s5
\q
\v 3 Oo, ikaw ay tulad ng aking napakalaking bato at aking tanggulan; gabayan at pangunahan mo ako dahil ako ay sumasamba sa iyo.
\q
\v 4 Ikaw ang siyang nag-iingat sa akin, kaya ilayo mo ako sa pagkahulog sa mga nakatagong mga patibong na inalatag para sa akin ng aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 5 Yahweh, ikaw ang Diyos na aking mapagkakatiwalaan, kaya inilagay ko ang aking sarili sa iyong pangangalaga dahil sasagipin mo ako.
\q
\v 6 Yahweh, kinapopootan ko ang mga sumasamba sa walang kwentang mga diyos-diyosan, pero nagtitiwala ako sa iyo.
\p
\v 7 Ako ay magagalak dahil tapat mo akong minamahal. Nakikita mo ako kapag ako ay nahihirapan, at alam mo kapag ako ay nagkaroon ng mga suliranin.
\s5
\q
\v 8 Hindi mo hinayaan na mahuli ako ng aking mga kaaway; sa halip, sinagip mo ako mula sa panganib.
\p
\v 9 Pero ngayon, Yahweh, maging mabait ka tungo sa akin dahil ako ay naghihirap. Dahil sa aking tuloy-tuloy na pag-iyak hindi na ako makakakita ng maayos at ako ay pagod na pagod na.
\s5
\q
\v 10 Ako ay nanghihina dahil ako ay kaawa-awa; ang aking buhay ay umiiksi. Ako ay naging mahina dahil sa lahat ng aking mga suliranin; kahit na ang aking mga buto ay humihina.
\p
\v 11 Lahat ng aking mga kaaway ay ginawa akong katatawanan, at kahit ang aking mga kapitbahay ay kinamumuhian ako. Kahit ang aking mga kaibigan ay natatakot sa akin dahil iniisip nila na pinarurusahan mo ako. Kapag nakikita nila ako sa mga lansangan, tumatakbo sila palayo.
\s5
\p
\v 12 Ang mga tao ay kinalimutan ako tulad ng paglimot nila sa mga taong patay na. Iniisip nila na ako ay walang kwenta na parang isang basag na palayok.
\p
\v 13 Narinig ko ang mga taong naninirang-puri sa akin, at tinatakot nila ako. Ang aking mga kaaway ay nagbabalak na patayin ako.
\s5
\p
\v 14 Pero Yahweh, nagtitiwala ako sa iyo. Tiyak na masasabi ko na ikaw ang Diyos na aking sinasamba.
\q
\v 15 Buong buhay ko ay nasa iyong mga kamay; iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway, mula sa mga humahabol sa akin.
\q
\v 16 Maging mabuti ka sa akin at sagipin mo ako dahil tapat mo akong minamahal.
\s5
\p
\v 17 Yahweh, nanawagan ako sa iyo, kaya huwag mong hayaang sirain ng iba ang pagkatao ko. Nais kong makaranas ng kahihiyan ang mga masasamang tao; nais ko na maibaba sila sa lugar kung saan ang mga tao ay tahimik at patay.
\p
\v 18 Nais kong patahimikin mo ang mga taong nagsisinungaling para hindi na makapagsalita. Gawin mo ito sa mga nagmamalaki at sa mga mayayabang na nangbibintang ng iba.
\s5
\q
\v 19 Nag-ipon ka ng mga mabubuting bagay para sa mga mataas ang paggalang sa iyo. Gumagawa ka ng mga mabubuting bagay para sa sinumang pumupunta sa iyo para maligtas; nakikita ng lahat ang ginagawa mo.
\p
\v 20 Itinago mo ang mga tao sa iyong piling kung saan ligtas sila, at iniingatan mo sila mula sa mga nagbabalak na patayin sila. Itinago mo sila sa ligtas na lugar kung saan ang kanilang mga kaaway ay hindi makakapagsabi ng masama sa kanila.
\s5
\p
\v 21 Purihin si Yahweh! Kapa pinalilibutang ng aking mga kaaway ang lungsod kung saan ako ay nakatira, nakamamanghang ipinakita niya ang tapat niyang pagmamahal sa akin.
\p
\v 22 Ako ay natakot at napasigaw agad, "Ako ay napalayo mula kay Yahweh!" pero dininig mo ako at tinugon ang aking paghingi ng tulong.
\s5
\q
\v 23 Kayong mga pagmamay-ari ni Yahweh, mahalin ninyo siya! Iniingatan niya ang sinumang tapat sa kaniya, pero pinarurusahan niya ang mga mayayabang; pinarurusahan niya sila nang matindi gaya nararapat sa kanila.
\p
\v 24 Kayo na nakakatiyak na gagawa si Yahweh ng matinding bagay para sa inyo, maging malakas at matapang kayo!
\s5
\c 32
\p
\v 1 Silang mga pinatawad ng Diyos dahil sa paghihimagsik laban sa kaniya at silang may mga kasalanan na hindi na tinitignan ng Diyos, sila ang mga tunay na mapalad!
\q
\v 2 Silang mga may kasalanan na binura ni Yahweh at silang hindi na nandadaya, sila ang mga tunay na mapalad!
\s5
\p
\v 3 Kapag hindi ko inamain ang aking mga kasalanan, ang aking katawan ay mahina at may sakit, at ako ay dumadaing buong araw.
\q
\v 4 Araw at gabi, Yahweh, pinarurusahan mo ako nang matindi. Ang aking lakas ay naglaho tulad ng tubig sa panahon ng tag-init.
\s5
\q
\v 5 Kaya inamin ko ang aking mga kasalanan sa iyo; hindi ko na ito ililihim. Sinabi ko sa aking sarili, "Sasabihin ko kay Yahweh ang mga maling bagay na ginawa ko." Nang inamin ko ang mga ito, pinatawad mo ako, kaya ngayon hindi na ako binabagabag ng aking mga kasalanan.
\p
\v 6 Kaya ang mga taong sumasamba sa iyo ay dapat na manalangin kapag sila ay nasa malaking kaguluhan. Kung gagawin nila iyon, hindi darating ang paghihirap sa kanila tulad ng isang malaking baha.
\s5
\p
\v 7 Ikaw ay tulad ng isang lugar kung saan ako magtatago mula sa aking mga kaaway; iniingatan mo ako mula sa mga kaguluhan at binibigyan mo ako ng kakayanang sumigaw, habang pinupuri ka dahil sa pagligtas mo sa akin mula sa aking mga kaaway.
\q
\v 8 Sinasabi sa akin ni Yahweh, "Ituturo ko sa iyo kung paano ka dapat mamuhay. Tuturuan at babantayan kita.
\s5
\q
\v 9 Huwag kang maging hangal tulad ng mga kabayo at mga asno na hindi nakaiintindi ng anumang bagay; kailangan nila ng renda para makapunta sila sa lugar na gusto mong puntahan."
\q
\v 10 Ang mga masasamang tao ay magkakaroon ng maraming mga gulo na magpapalungkot sa kanila, pero silang mga nagtitiwala kay Yahweh ay makararanas ng tapat niyang pagmamahal sa lahat ng oras.
\s5
\q
\v 11 Kaya, lahat kayong matutuwid, magalak sa kung anong ginawa ni Yahweh para sa inyo; kayo na malinis ang puso, magalak at sumigaw sa kaligayahan.
\s5
\c 33
\p
\v 1 Kayo mga matutuwid ay dapat na sumigaw nang may kasiyahan kay Yahweh dahil ito ang karapat-dapat sa kaniya.
\q
\v 2 Purihin si Yahweh habang ikaw ay tumutugtog na mga awitin sa alpa. Purihin siya habang ikaw ay tumutugtog sa alpa na may sampung kwerdas.
\q
\v 3 Umawit ng bagong awitin sa kaniya; tugtugin nang mahusay ang mga instrumentong iyon, at sumigaw nang may kasiyahan habang tinutugtog ito.
\s5
\q
\v 4 Palaging tinutupad ni Yahweh ang anumang bagay na ipinangako niyang gagawin; mapagkakatiwalaan natin siya na lahat ng kaniyang ginawa ay tama.
\p
\v 5 Mahal niya ang lahat ng ginawa nating matuwid at tama. Tinutulungan ni Yahweh ang lahat ng mga tao sa buong mundo dahil minamahal niya sila magpakailanman.
\q
\v 6 Nilikha ni Yahweh ang lahat ng mga bagay sa kalangitan sa kaniyang utos, nilikha niya ang lahat ng bituin.
\s5
\p
\v 7 Inipon niya ang lahat ng tubig sa isang napakalaking lugar tulad ng isang tao na sumasalok ng tubig sa isang lalagyan.
\p
\v 8 Lahat ng tao sa mundo ay dapat parangalan si Yahweh; ang sanlibutan ay dapat parangalan siya.
\q
\v 9 Nang nagsalita siya, nalikha niya ang mundo. Lahat ng mga bagay ay nagsimulang umiral nang inutusan niya ito.
\s5
\q
\v 10 Hinihinto ni Yahweh ang ibang mga bansa mula sa paggawa ng mga bagay na gusto nilang gawin. Pinipigilan niya sila sa mga masasamang bagay na balak nilang gawin.
\q
\v 11 Pero ang napagpasyahang gawin ni Yahweh ay mananatili magpakailanman. Anuman ang kaniyang binalak ay hindi na magbabago pa.
\p
\v 12 Pinagpapala ni Yahweh ang ating bansa, tayo na sumasamba sa kaniya; napakapalad natin, ang bansang pagmamayari niya magpakailanman!
\s5
\p
\v 13 Nagmamasid si Yahweh mula sa langit at tinitingnan lahat ng mga tao.
\q
\v 14 Mula sa kaniyang trono, tinitingnan niya ang lahat ng mga tao naninirahan sa mundo.
\q
\v 15 Binuo niya ang ating mga pagkatao at nakikita niya ang lahat ng bagay na ating ginagawa.
\s5
\q
\v 16 Ito ay hindi dahil sa may malaking hukbo ang hari kaya nanalo siya sa laban at ito ay hindi dahil ang isang kawal ay malakas kaya niya natalo ang kaniyang kalaban.
\p
\v 17 Isang kahangalan na isipin na dahil sa malalakas na kabayo kaya nila naipanalo ang laban at maligtas ang mga sakay nito.
\s5
\p
\v 18 Huwag kalimutan na binabantayan ni Yahweh ang sinumang nagpaparangal sa kaniya, silang mga lubos na umaasa sa kaniyang matapat na pagmamahal.
\q
\v 19 Ililigtas niya sila sa kamatayan bago sila mamatay; inaalagaan niya sila kung may taggutom.
\s5
\p
\v 20 Nagtitiwala tayo na tutulungan tayo ni Yahweh gaya ng kalasag na nagiingat sa kawal.
\q
\v 21 Tayo ay nagagalak dahil sa kaniyang ginawa para sa atin nagtitiwala tayo sa kaniya dahil siya ay banal.
\s5
\p
\v 22 Yahweh, nananalangin kami na ikaw ay laging maging tapat sa pagmamahal mo habang kami ay lubos na umaasa na gagawa ka ng mga dakilang bagay para sa amin.
\s5
\c 34
\p
\v 1 Pupurihin ko palagi si Yahweh; patuloy ko siyang pupurihin.
\s5
\q
\v 2 Pupurihin ko si Yahweh dahil sa kaniyang ginawa. Ang mga naapi ay dapat makinig sa akin at magalak.
\p
\v 3 Sumama kayo sa akin sa pagsasabi sa iba na si Yahweh ay dakila! Tayo dapat ay sama-sama sa pagpapahayag kung gaano siya kaluwalhati!
\s5
\q
\v 4 Nanalangin ako kay Yahweh, at siya ay sumagot sa aking panalangin; niligtas niya ako mula sa lahat ng mga tumatakot sa akin.
\q
\v 5 Sa mga nagtitiwala sa kaniya na sila ay tutulungan niya ay magagalak; hindi na kailanman sila yuyuko sa kahihiyan.
\p
\v 6 Ako ay namimighati, pero tumawag ako kay Yahweh, at narinig niya ako. Niligtas niya ako mula sa lahat ng aking mga kaguluhan.
\s5
\p
\v 7 Ang anghel mula kay Yahweh ay nagbabantay sa mga may kahanga-hangang paggalang sa kaniya, at inililigtas sila ng anghel.
\p
\v 8 Subukan ninyo, at mararanasan ninyo na si Yahweh ay mabuti sa inyo! Napakapalad ng mga nagtitiwala sa kaniya na iingatan sila.
\p
\v 9 Lahat ng mga kabilang sa kaniya, magkaroon kayo ng kahanga-hangang paggalang sa kaniya! Ang mga gagawa noon ay palaging magkakaroon ng mga bagay na kailangan nila.
\s5
\p
\v 10 Ang mga leon ay kadalasang napakalakas, pero minsan kahit ang mga batang leon ay nagugutom at nanghihina. Pero, ang mga nagtitiwala kay Yahweh ay tatamasahin ang lahat ng bagay na kailangan nila.
\q
\v 11 Kayo ay aking mga mag-aaral, halikayo at makinig sa akin, at ituturo ko sa inyo kung paano magkaroon ng kahanga-hangang paggalang kay Yahweh.
\s5
\q
\v 12 Kung mayroon man sa inyo na gustong kasiyahan ang buhay at magkaroon ng magandang mahabang buhay,
\p
\v 13 huwag magsalita ng masama! Huwag magsabi ng mga kasinungalingan!
\p
\v 14 Tumanggi na gumawa ng masama; sa halip, gawin ang tama! Laging magpursigi na gawing mapayapa ang pamumuhay ng mga tao.
\s5
\q
\v 15 Maingat na minamasdan ni Yahweh ang mga kumikilos ng matuwid; palagi siyang tumutugon sa kanila kapag sila ay tumatawag ng tulong sa kaniya.
\p
\v 16 Pero si Yahweh ay laban sa mga gumagawa ng masama. Pagkatapos nilang mamatay, ang mga tao rito sa mundo ay tuluyang makalilimutan.
\q
\v 17 Naririnig ni Yahweh ang mga matutuwid kapag sila ay tumatawag sa kaniya; nililigtas niya sila mula sa kanilang mga kaguluhan.
\s5
\p
\v 18 Si Yahweh ay laging handang tumulong sa mga napanghihinaan ng loob; nililigtas niya ang mga walang pag-asa para sa kabutihan nila.
\q
\v 19 Ang mga matutuwid ay magkakaroon ng maraming kaguluhan, pero ililigtas sila ni Yahweh mula sa lahat ng mga kaguluhang iyon.
\q1
\v 20 Ipagtatanggol sila ni Yahweh mula sa kapahamakan; kapag nilusob sila ng kanilang mga kalaban, hindi nila mababalian ng mga buto ang matutuwid.
\s5
\p
\v 21 Ang mga sakuna ang papatay sa mga masasamang tao, at parurusahan ni Yahweh ang mga humahadlang sa mga matutuwid.
\q1
\v 22 Ililigtas ni Yahweh ang mga naglilingkod sa kaniya. Hindi niya hahatulan ang mga nagtitiwala sa kaniya.
\s5
\c 35
\p
\v 1 Yahweh, labanan mo ang mga lumalaban sa akin! Labanan mo ang aking mga kaaway kapag kinakalaban nila ako!
\q
\v 2 Maging tulad ka ng isang panangga para maipagtanggol ako at pumunta ka para tulungan ako!
\q
\v 3 Itaas mo ang iyong sibat at ihagis sa mga humahabol sa akin! Ipangako mo sa akin na bibigyan mo ako ng kakayahan na matalo ang aking mga kaaway.
\s5
\p
\v 4 Sa mga nagbabalak na patayin ako, gawin mo silang kahiya-hiya at sirain sila. Itulak at lituhin mo ang mga nagbabalak na gumawa ng masasamang bagay sa akin.
\q
\v 5 Ipadala mo ang iyong anghel para habulin sila at itaboy mo sila gaya ng ipa na hinahangin palayo.
\q
\v 6 Padilimin mo ang daanan na tatakbuhan nila at padulasin habang hinahabol sila ng iyong anghel!
\s5
\p
\v 7 Kahit na wala akong ginawang masama sa kanila, sila ay naghukay ng malalim na hukay para sa akin para mahulog ako; nagtago sila ng lambat para mahuli nila ako.
\q
\v 8 Iparanas mo sa kanila ang kapahamakan nang di nila inaasahan! Bitagin mo sila sa sarili nilang. Ihulog mo sila sa mga hukay na hinukay nila para sa akin, at hayaan mo silang mamatay roon!
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos, pupurihin kita Yahweh sa iyong ginawa para sa akin; matutuwa ako na niligtas mo ako.
\p
\v 10 Sasabihin ko sa aking buong kalooban, "Wala kang katulad Yahweh! Walang sinuman ang may kakayahang iligtas ang mga taong kawawa mula sa mga taong malalakas. Walang sinuman ang may kakayahan na iligtas ang mga mahihina at mga taong nangangailangan mula sa mga gustong magnakaw sa kanila."
\s5
\q
\v 11 Ang mga taong nagsasabi ng mga kasinungalingan ay nakatayo sa hukuman at inaakusahan ako sa mga bagay na wala naman akong kinalaman.
\q
\v 12 Kapalit ng mga ginagawa kong mga mabubuting bagay para sa kanila, gumawa sila ng masama sa akin, na nagbunga ng aking pag-iisa.
\s5
\q
\v 13 Nang sila ay may sakit, pinakita ko na ako ay malungkot. Hindi ako kumain ng kahit ano, at niyuko ko ang aking ulo habang nanalangin para sa kanila.
\q
\v 14 Nagdalamhati ako at niyuko ang aking ulo habang nanalangin na parang kaibigan o ina ko ang aking pinagdadalamhatian.
\s5
\q
\v 15 Pero nang ako ay may kaguluhan, silang lahat ay masaya tungkol doon. Hindi ko inaasahan na sila ay magsasama-sama para pagtawanan ako. Ang mga dayuhan ay patuloy na pinapalo ako; hindi sila tumitigil.
\p
\v 16 Ang mga tao na walang ginagalang ni isa ay kinutya ako at ginulo.
\s5
\q
\v 17 Panginoon, gaano mo katagal balak na tingnan lamang ang ginagawa nila? Iligtas mo ako mula sa kanilang mga paglusob. Iligtas mo ko mula sa pagpatay ng mga taong ito na lumulusob sa akin tulad ng mga leon na lumulusob sa ibang mga hayop!
\q
\v 18 Pagkatapos, kapag ang mga tao ay nagsama-sama, pupurihin kita, at pasasalamatan kita sa harap nilang lahat.
\s5
\q
\v 19 Huwag mong hayaang talunin ako ng aking mga kaaway, na nagsasabi ng mga kasinungalingan tungkol sa akin, at pagkatapos magsasaya sila tungkol doon! Huwag mong hayaang pagtawanan ako dahil sa paghihirap ko ng mga galit sa akin nang walang dahilan!
\p
\v 20 Hindi sila nagsasalita ng mahinahon sa mga tao; sa halip, naghahanap sila ng mga paraan kung paano magsabi ng mga kasinungalingan sa mga tao sa aming lupain na walang sinasaktang sinuman.
\s5
\q
\v 21 Sumisigaw sila sa akin para akusahan ako; sinasabi nila, "Nakita namin ang mga maling bagay na ginawa mo!"
\p
\v 22 Nakita mo ang mga bagay na ito Yahweh, kaya huwag kang manahimik! Huwag kang lumayo sa akin!
\p
\v 23 Bumangon ka, aking Diyos, ipagtanggol mo ang aking kaso sa korte, at matagumpay mo akong ipaglaban!
\s5
\p
\v 24 Yahweh, aking Diyos, dahil ikaw ay matuwid, patunayan mo na ako ay walang sala para ang aking mga kaaway ay hindi malugod na hatulan ako ng may sala.
\p
\v 25 Huwag mo silang hayaan na masabi nila sa mga sarili nila na, "Sa wakas, napatalsik din namin siya gaya ng gusto namin!"
\p
\v 26 Ganap mong lituhin at ipahiya ang mga nagsasaya dahil sa aking mga kasawian; ipahiya mo at siraan ang mga nagyayabang na sila ay mas mataas kaysa sa akin.
\s5
\p
\v 27 Pero hayaan mong magsaya at sumigaw sa tuwa ang mga nagnanais na ipayahag na ako ay walang sala; hayaan mo na lagi silang magsabing, "Dakila si Yahweh! Natutuwa siya sa nagdudulot ng kabutihan para sa mga naglilingkod sa kaniya."
\p
\v 28 Pagkatapos, ipahahayag ko na kumikilos ka sa tamang paraan, at pupurihin kita magpakailanman.
\s5
\c 36
\p
\v 1 Ang patuloy na pagnanasa na magkasala ay nasa kalooban ng mga masasama. Isinaalang-alang nila na hindi nila kailangan na magkaroon ng kahanga-hangang paggalang sa Diyos.
\p
\v 2 Dahil gusto nilang maniwala na may mabubuting bagay sa kanilang sarili, hindi nila inisip na alam ng Diyos at kinasusuklaman ang kanilang mga kasalanan.
\s5
\q
\v 3 Ang lahat ng kanilang sinasabi ay mapanlinlang at puno ng kasinungalingan; hindi na nila ginagawa ang mabubuti at sila ay hindi na matalino.
\q
\v 4 Habang sila ay nakahiga, sila ay gumagawa ng mga plano para makapanakit sa iba; determinado sila na gawin ang mga hindi mabubuting bagay, at kailanman ay hindi sila tumanggi na gawin ang masama.
\s5
\p
\v 5 Yahweh, ang iyong tapat na pagmamahal para sa amin ay kasing taas ng kalangitan; ang iyong katapatan sa paggawa ng iyong ipinangako ay umaabot sa mga kaulapan.
\q
\v 6 Ang iyong matuwid na pag-uugali ay kasing tatag ng pinakamataas ng mga bundok; ang pagkilos mo ng makatarungan ay magpapatuloy hangga't nagpapatuloy ang mga pinakamalalim na dagat. Inaalagaan mo ang mga tao at mga hayop.
\s5
\q
\v 7 O Diyos, ang iyong tapat na pag-ibig para sa amin ay napakahalaga. Iniingatan mo kami gaya ng pag-iingat ng mga ibon sa kanilang mga inakay.
\p
\v 8 Binibigyan mo kami ng labis-labis na pagkain mula sa kasaganaan na mayroon ka; ang mga dakila mong handog ay umaagos sa amin gaya ng ilog.
\p
\v 9 Ikaw ang dahilan kaya nabubuhay ang lahat; ang liwanag mo ang nagbibigay sa amin ng kakayahan na malaman ang katotohanan tungkol sa iyo.
\s5
\p
\v 10 Patuloy mong mahalin nang tapat ang mga matapat sa iyo, at ingatan mo silang namumuhay nang matuwid.
\p
\v 11 Huwag mong hayaan ang mga taong mapagmataas na lusubin ako, o hayaan ang masasamang tao na habulin ako.
\p
\v 12 Tingnan mo ang masasamang tao kung saan sila nahulog, sila ay natalo; sila ay tinapon, at sila ay hindi na muling makakabangon.
\s5
\c 37
\p
\v 1 Huwag kang mabahala sa ginagawa ng masasamang tao. Huwag mong hangarin na magkaroon ng mga bagay na mayroon ang mga taong gumagawa ng masama
\p
\v 2 dahil sa kalaunan sila ay mawawala gaya ng damong nalalanta sa kainitan ng araw at matutuyo. Katulad ng ilang mga luntiang halaman na sumibol pero namamatay sa init ng araw, ang masasamang tao ay mamamatay rin sa kalaunan.
\s5
\q
\v 3 Magtiwala kay Yahweh at gawin ang mabuti; kapag ginawa mo iyon, mamumuhay ka ng ligtas sa lupain na ibinigay niya sa iyo, at ikaw ay mamumuhay ng mapayapa.
\q
\v 4 Magalak sa lahat ng ginagawa ni Yahweh para sa iyo; kung iyong gagawin iyon, ibibigay niya sayo ang mga bagay na pinakahahangad mo.
\s5
\p
\v 5 Ilagak mo kay Yahweh ang lahat ng mga bagay na binabalak mo; magtiwala ka sa kaniya, at gagawin niya ang lahat ng bagay para tulungan ka.
\q
\v 6 Ipakikita niya nang kasing linaw ng sikat ng araw sa katanghalian na ikaw ay walang sala; ipakikita niya nang kasing linaw ng araw sa tanghali, na ang lahat ng mga bagay na iyong napagpasyahan ay makatarungan.
\s5
\q
\v 7 Maging panatag ka sa presensya ni Yahweh at matiyaga mong hintayin na gawin niya ang gusto mo. Huwag kang mabahala kapag ang gawa ng mga masasamang tao ay naging matagumpay, kapag nagawa nila ang mga masasamang bagay na kanilang binalak.
\s5
\q
\v 8 Huwag kang magalit sa ginagawa ng mga masasamang tao. Huwag mong naisin na ikaw ang magparusa sa kanila. Huwag kang mainggit sa mga ganoong mga tao dahil sinisira mo lang ang iyong sarili kung susubukan mong gawin iyon.
\q
\v 9 Balang araw aalisin ni Yahweh ang mga masasamang tao, pero ang mga nagtitiwala sa kaniya ay mamumuhay nang ligtas sa lupain na kaniyang ibinigay sa kanila.
\p
\v 10 Hindi magtatagal ang masasama ay mawawala. Hahanapin mo sila, pero hindi mo na sila makikita.
\s5
\q
\v 11 Pero silang mga nagpapakumbaba ay mamumuhay nang ligtas sa kanilang lupain. Sila ay masayang mamumuhay nang mapayapa at magkakaroon ng iba pang mga mabubuting bagay na binigay sa kanila ni Yahweh.
\p
\v 12 Ang masasamang tao ay balak na ipahamak ang mga matutuwid; binulyawan nila sila gaya ng mababangis na hayop.
\q
\v 13 Pero si Yahweh ay tinatawanan sila dahil alam niya na balang-araw huhusgahan niya at parurusahan ang masasamang tao.
\s5
\q
\v 14 Binubunot ng masasamang tao ang kanilang mga espada at naglalagay sila ng mga tali sa kanilang mga pana, na nakahandang pumatay ng mahihirap at para patayin ang namumuhay ng matuwid.
\q
\v 15 Pero sila ay mamamatay sa sarili nilang mga espada, at ang kanilang pana ay masisira.
\s5
\q
\v 16 Mabuti ang maging matuwid, kahit na wala kang maraming mga pag-aari, pero hindi mabuti ang maging masama kahit na ikaw ay napakayaman
\p
\v 17 dahil aalisin lahat ni Yahweh ang kalakasan ng mga makasalanan, pero aalalayan niya ang mga tao na namumuhay ng matuwid.
\s5
\p
\v 18 Sa bawat araw iniingatan ni Yahweh ang mga hindi gumagawa ng mga masasamang bagay; ang mga bagay na binibigay ni Yahweh sa kanila ay magtatagal magpakailanman.
\q
\v 19 Makakaligtas sila kapag nagkaroon ng mga sakuna; kapag mayroon taggutom, sila ay mayroon pa ring labis-labis na makakain.
\s5
\q
\v 20 Pero ang mga makasalanang tao ay mamamatay; katulad ng pagkamatay sa bukid ng mga magagandang ligaw na bulaklak sa ilalim ng mainit na araw at mawawala gaya ng usok, si Yahweh ang magsasanhi nang biglang pagkawala ng kaniyang mga kaaway.
\q
\v 21 Ang mga masasamang tao ay humihiram ng salapi, pero hindi nila magagawang bayaran ito; sa kabaliktaran, ang matutuwid ay mayroong sapat na salapi para bukas-palad na makapagbigay sa iba.
\s5
\q
\v 22 Silang mga pinagpala ni Yahweh ay mamumuhay nang ligtas sa lupain na kaniyang binigay sa kanila, pero aalisin niya ang mga tao na isinumpa niya.
\q
\v 23 Iniingatan ni Yahweh silang gumagawa ng nakalulugod sa kaniya, at hahayaan niya silang lumakad nang may pagtitiwala saan man sila pumunta;
\q
\v 24 kahit na sila ay madapa, hindi sila matutumba dahil sila ay hawak ni Yahweh sa kanilang kamay.
\s5
\p
\v 25 Ako ay naging bata, at ngayon ako ay matanda na, pero sa lahat ng mga taong iyon, hindi ako nakakita ng mga matutuwid na pinabayaan ni Yahweh, ni hindi ko nakita na ang kanilang mga anak ay kinailangan magmakaawa para sa pagkain.
\q
\v 26 Ang mga matutuwid ay mapagbigay at maligayang nagpapahiram ng salapi sa iba, at ang kanilang mga anak ay isang pagpapala sa kanila.
\q
\v 27 Tumalikod kayo mula sa paggawa ng masama, at gawin ang mabuti. Kapag iyon ang ginawa ninyo, kayo at ang inyong kaapu-apuhan ay mamumuhay sa inyong lupain magpakailanman.
\s5
\q
\v 28 Ito ay mangyayari dahil gustong makita ni Yahweh ang mga taong gumagawa ng makatarungan, at hindi niya kailanman pababayaan ang matutuwid. Iingatan niya sila magpakailanman; pero aalisin niya ang mga anak ng mga makasalanan.
\p
\v 29 Makukuha ng mga matutuwid ang lupain na ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa kanila, at sila ay mamumuhay roon magpakailanman.
\q
\v 30 Nagbibigay ang mga matutuwid ng matalinong payo para sa iba, at sila ay nagbibigay ng pag-asa sa iba na mamuhay nang tama.
\s5
\q
\v 31 Pupunuin nila ang kanilang isipan ng mga batas ng Diyos; sila ay hindi maliligaw mula sa paglalakad sa landasin ng Diyos.
\q
\v 32 Silang masasama ay naghihintay sa mga matutuwid para abangan sila at patayin habang sila ay naglalakad.
\q
\v 33 Pero hindi iiwan ni Yahweh ang mga matutuwid at hahayaang mahulog sa kamay ng kanilang mga kaaway. Hindi niya papayagan ang matutuwid na mahatulan kapag may isang tao silang dinala sa hukom para litisin.
\s5
\q
\v 34 Maging matiyaga at magtiwala na tutulungan ka ni Yahweh, at lumakad sa kaniyang landas. Kapag iyon ay ginawa mo, ikaw ay pararangalan niya sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng lupain na kaniyang pinangako, at kapag naalis na niya ang masama, makikita mo na mangyayari ito.
\s5
\q
\v 35 Nakita ko ang masasamang tao na kumikilos gaya ng mga mapang-api na minsang sasagana gaya ng mga puno na lumalaki ng mabuti sa matabang lupa,
\q
\v 36 pero nang tumingin ako ulit, sila ay wala na! Hinanap ko sila, pero pinaglaho sila ni Yahweh.
\s5
\q
\v 37 Pansinin mo ang mga taong hindi gumawa ng mga masasamang bagay, sa mga kumikilos ng matuwid; ang kanilang mga kaapu-apuhan ay magkakaroon ng kapayapaan sa kanilang pagkatao.
\q
\v 38 Pero aalisin ni Yahweh ang makasalanan; aalisin din niya ang kanilang mga kaapu-apuhan.
\s5
\q
\v 39 Sasagipin ni Yahweh ang mga matutuwid; sa panahon ng kaguluhan sila ay kaniyang iniingatan.
\q
\v 40 Tinutulungan sila ni Yahweh at inililigtas; sinasagip niya sila mula sa paglusob ng mga masasamang tao dahil sila ay pumunta sa kaniya para sila ay maingatan.
\s5
\c 38
\p
\v 1 Yahweh, kapag galit kayo sa akin, huwag mo akong sawayin at parusahan!
\q
\v 2 Ngayon parang pinatamaan mo ako ng iyong mga palaso at sinugatan; para mo akong hinampas at pinatumba.
\s5
\q
\v 3 Dahil nagalit ka sa akin, ako ay nagdurusa sa matinding paghihirap. Dahil sa aking kasalanan, may karamdaman ang aking buong katawan.
\q
\v 4 Parang baha ang lahat ng aking mga kasanalan na tumatakip sa aking ulunan; tulad sila ng sobrang bigat na pasanin na hindi ko kayang dalhin.
\s5
\q
\v 5 Dahil nakagawa ako ng mga kahangalan, may mga sugat ako na lumalala at sila ay nangangamoy.
\q
\v 6 Minsan nakayuko ako at minsan nakalugmok at nagluluksa sa buong araw.
\s5
\q
\v 7 Nag-aapoy ang aking buong katawan sa lagnat at ako ay may matinding karamdaman.
\p
\v 8 Ako ay pagod na pagod at walang lakas. Nalulumbay ang aking kalooban at tumatangis sa kalungkutan.
\s5
\q
\v 9 Yahweh, alam mong ninais ko na pagalingin mo ako; naririnig mo ako habang ako ay tumatangis.
\q
\v 10 Kumakabog ang aking puso at nauubos ang aking buong lakas. Hindi na ako makakita pa ng maayos.
\s5
\q
\v 11 Dahil sa aking sugat lumayo ang aking mga kaibigan at kapwa; maging ang aking pamilya ay lumayo sa akin.
\p
\v 12 Ang mga nagnanais patayin ako ay naglagay ng bitag para hulihin ako; nag-uusap sila kung paano ako papatayin; at buong araw silang nagbabalak laban sa akin.
\s5
\q
\v 13 Ngayon kumikilos ako tulad ng isang bingi at hindi nakikinig sa kanilang sinasabi. Kumikilos din ako tulad ng pipi at hindi sumasagot sa kanila.
\q
\v 14 Kumikilos din ako tulad ng taong hindi sumasagot sa mga taong kumakausap sa kaniya dahil hindi siya nakaririnig ng anumang bagay.
\s5
\q
\v 15 Pero Yahweh, nagtitiwala ako sa iyo. Aking Panginoong Diyos, sasagutin mo ako.
\q
\v 16 Sinabi ko sa iyo, "Huwag mo akong hayaang mamatay para magdulot ng kagalakan sa aking mga kaaway! Kung lalamunin ako ng kaguluhan, gagawan ako ng masasamang bagay ng aking mga kaaway!"
\s5
\q
\v 17 Sinabi ko iyon dahil ako ay babagsak na at patuloy na nasasaktan.
\q
\v 18 Inaamin ko ang aking mga maling ginawa; lubos akong nagsisisi sa aking mga kasalanan.
\s5
\q
\v 19 Malakas at malusog ang aking mga kaaway; maraming tao ang nagagalit sa akin nang walang dahilan.
\q
\v 20 Silang gumawa ng masasama kapalit ng mabubuting bagay na ginagawa ko sa kanila ay sinasalungat ako dahil sinisikap kong gumawa ng tama.
\s5
\p
\v 21 Yahweh, huwag mo akong pabayaan! Aking Diyos, huwag kang manatiling malayo sa akin.
\q
\v 22 Panginoon, ikaw ang nagligtas sa akin; magmadali ka at tulungan ako!
\s5
\c 39
\p
\v 1 Sinabi ko sa aking sarili, "Mag-iingat ako na hindi magkasala sa mga bagay na aking sinasabi. Hindi na ako dadaing habang ang mga masasamang tao ay malapit sa akin at maaaring marinig ako."
\s5
\p
\v 2 Kaya ako ay ganap na nanahimik, at hindi rin ako nagsalita patungkol sa mga bagay na mabuti; pero balewala iyon dahil ang paghihirap ko ay lalong lumala.
\q
\v 3 Nabalisa ako sa aking kalooban. Habang iniisip ko ang aking mga kaguluhan, mas lalo akong nag-alala. Pagkatapos sinabi ko ito:
\s5
\q
\v 4 "Yahweh, ipaalam mo sa akin kung hanggang kailan ako mabubuhay. Sabihin mo sa akin kung kailan ako mamamatay. Sabihin mo sa akin kung gaano karaming taon ako mabubuhay!
\q
\v 5 Tila dinulot mo na mabuhay ako ng maikling panahon lamang; ang aking buhay ay tila balewala sa iyo. Ang buhay ng lahat ng tao ay maikli na parang ihip ng hangin.
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos maglalaho kami tulad ng isang anino. Tila lahat ng aming ginagawa ay balewala. Minsan nakatatanggap kami ng maraming salapi pero hindi namin alam kung sino ang makatatanggap nito kapag namatay kami.
\q
\v 7 Kaya ngayon, Yahweh, hindi ako umaasang tatanggap ng kahit anong bagay kaninuman. Sa iyo lang ako panatag na umaasa na tatanggap ng mga pagpapala.
\s5
\p
\v 8 Sagipin mo ako mula sa pagpaparusa sa lahat ng ginawa kong kasalanan. Huwag mong hayaang pagkatuwaan ako ng mga taong hangal.
\q
\v 9 Wala akong sinabing anumang bagay nang ako ay pinarusahan mo dahil alam kong ikaw ang nagdulot na maghirap ako.
\s5
\q
\v 10 Pero ngayon, pakiusap tigilan mo na ang pagpaparusa sa akin! Kapag hindi mo ginawa ito, mamamatay ako dahil sa paraan ng pagpapahirap mo sa akin.
\q
\v 11 Kapag sinasaway mo ang isang tao at pinarurusahan siya sa kaniyang kasalanang ginawa, sinisira mo ang mga bagay na kaniyang minamahal tulad ng gamu-gamong kinakain ang mga kasuotan. Ang aming buhay ay naglalaho tulad ng ihip ng hangin.
\s5
\q
\v 12 Yahweh, makinig ka sa akin habang ako ay nananalangin; magbigay pansin ka sa akin habang umiiyak ako sa iyo. Tulungan mo ako habang ako ay umiiyak. Ako ay nandito sa lupa sa maikling panahon tulad ng lahat ng aking ninuno.
\q
\v 13 Ngayon hayaan mo akong mapag-isa at huwag mo akong parusahan pa para kahit sandali ako ay ngumiti at maging masaya bago mamatay."
\s5
\c 40
\p
\v 1 Mataimtim akong naghintay kay Yahwheh para ako ay tulungan at nakinig siya sa akin nang tumawag ako sa kaniya.
\q
\v 2 Nang nagkaroon ako ng maraming problema, parang ako ay nasa isang malalim na hukay. Pero ako ay inangat niya mula sa putik at burak sa hukay na iyon; at inilagay niya ang aking mga paa sa matatag na bato at binigyan ako ng lakas na makalakad ng ligtas.
\s5
\p
\v 3 Siya ang nagbigay sa akin ng bagong awit para awitin, isang awit na papuri sa kaniya na ating Diyos. Maraming tao ang makaaalam kung ano ang kaniyang ginawa para sa akin at sasambahin siya nila at pagkakatiwalaan.
\q
\v 4 Napakapalad ng mga nagtitiwala kay Yahweh na sila ay iingatan, silang hindi nagtitiwala sa mga diyos-diyosan o sumasama sa mga sumasamba sa mga hindi totoong diyos.
\s5
\q
\v 5 O Yahweh, aking Diyos, kayo ay nakagawa ng mga kamangha-manghang bagay! Walang sinuman ang makasusulat ng lahat ng mga kamangha-manghang bagay na plano mo para sa amin. Kung susubukin kong sabihin sa iba ang tungkol sa lahat ng mga kamangha-manghang bagay na iyong ginawa, hindi ko ito magagawa dahil napakarami nito para aking sabihin.
\p
\v 6 Hindi mo kinalulugdan ang iba't-ibang uri ng pag-aalay at paghahandog. Binigyan mo ako ng kakayahan na maintindihan ito nang lubos. Ang mga hayop na sinunog sa altar at ibang mga alay ay hindi mo kinakailangan bago ka magpatawad ng mga kasalanan.
\s5
\q
\v 7 Kaya sinabi ko sa iyo, "Yahweh, naririto ako para sundin ang mga batas na nasusulat sa balunbon, mga bagay na gusto mong gawin ko."
\q
\v 8 O aking Diyos, nasisiyahan akong gawin ang iyong nais; lagi kong iniisip ang tungkol sa iyong mga batas mula sa aking kalooban.
\p
\v 9 Nang nagtipon-tipon lahat ng tao, sinabi ko sa kanila kung paano mo ginawa ang tama at kung paano mo kami sinagip. Yahweh, alam mong hindi ako tumatanggi na sabihin iyon sa kanila.
\s5
\q
\v 10 Hindi ko itinago sa aking sarili ang balita na lagi kang gumagawa ng matuwid; nang maraming tao ang nagtipon-tipon para sambahin ka, sinabi ko sa kanila na matapat ka at iniligtas mo kami. Hindi ko inilihim na ikaw ay tapat na nagmamahal sa amin at matapat sa amin.
\q
\v 11 Yahweh, huwag kang huminto sa pagiging maawain sa akin. Dahil tapat mo akong minahal at tapat ka sa akin; lagi mo akong ingatan.
\s5
\q
\v 12 Napakarami ng aking problema; hindi ko sila mabilang. Naghihirap ako ngayon dahil ako ay nagkasala. Hindi na ako makakita dahil sa aking mga luha. Mas marami pa ang mga kasalanan na aking nagawa kaysa sa mga buhok sa aking ulo. Ako ay lubos na pinanghihinaan ng loob.
\q
\v 13 O Yahweh, pakiusap ako ay iligtas mo! Tulungan mo ako agad!
\s5
\q
\v 14 Ibaba mo silang mga masasaya sa aking mga kaguluhan, at nagdulot sa akin ng kahihiyan. Tugisin mo silang mga nagtatangka na patayin ako.
\q
\v 15 Nawa mapanghinaan ng loob silang ginagawa akong katatawanan kapag natalo mo sila.
\s5
\p
\v 16 Pero nawa silang mga lumalapit para sambahin ka ay magkaroon ng labis na kagalakan. Nawa silang mga nagmamahal sa iyo dahil iniligtas mo sila ay paulit-ulit na isigaw, "Dakila si Yahweh!"
\p
\v 17 Para sa akin, ako ay mahirap at nangangailangan, pero alam kong hindi ako kinalimutan ng Panginoon. O aking Diyos, ikaw ang siyang magliligtas at tutulong sa akin, kaya pakiusap, tulungan mo ako agad!
\s5
\c 41
\p
\v 1 Napakapalad nilang mga nagkakaloob para sa mga mahihirap; si Yahweh ang sasagip sa mga taong iyon kapag nasa kaguluhan sila.
\q
\v 2 Si Yahweh ang mangangalaga sa kanila at pahihintulutan silang mabuhay ng mahabang panahon. Siya ang magdudulot sa kanila na maging masaya sa lupain ng Israel at sasagipin niya sila mula sa kanilang mga kaaway.
\q
\v 3 Kapag sila ay may sakit, si Yahweh ang magpapalakas at magpapagaling sa kanila.
\s5
\q
\v 4 Noong may sakit ako, sinabi ko, "Yahweh, kaawaan mo ako at pagalingin; alam ko na may sakit ako dahil nagkasala ako laban sa iyo."
\q
\v 5 Nagsasabi ang mga kaaway ko ng masasakit na salita tungkol sa akin; sinasabi nila, "Kailan ba siya mamamatay, at pagkatapos ay makalimutan siya ng lahat?"
\q
\v 6 Kapag pumupunta sa akin ang mga kaaway ko, magpapanggap sila na may malasakit sa akin. Sabik silang nakikinig sa lahat ng mga masasamang balita tungkol sa akin. Pagkatapos ay aalis sila at ipagsasabi sa lahat kung ano ang nangyayari sa akin.
\s5
\q
\v 7 Lahat silang napopoot sa akin ay binubulong sa iba ang tungkol sa akin, at umaasa silang may napakasamang bagay ang mangyayari sa akin.
\q
\v 8 Sinasabi nila, "Mamamatay rin siya kalaunan dahil sa kaniyang pagkakasakit; hindi na siya kailanman makakatayo mula sa kaniyang higaan bago siya mamatay."
\p
\v 9 Kahit ang pinakamalapit na kaibigan na lubos kong pinagkatiwalaan, ang siyang madalas kumain kasama ko, ay pinagtaksilan ako.
\s5
\q
\v 10 Pero Yahweh, kaawaan mo ako, at palusugin mo akong muli. Kapag ginawa mo iyon, pagbabayarin ko ang aking mga kaaway.
\q
\v 11 Kung hahayaan mo akong gawin ito at hindi ako matatalo ng aking mga kaaway, malalaman ko na nalulugod ka sa akin.
\q
\v 12 Malalaman ko na dahil sa paggawa ko ng matuwid kaya tinulungan mo ako, at malalaman ko na hahayaan mo akong makasama ka magpakailanman.
\s5
\q
\v 13 Purihin si Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita; Purihin siya magpakailanman! Amen! Ito ang nais ko! Ikalawang Aklat
\s5
\c 42
\p
\v 1 O Diyos, labis kitang kailangan gaya ng usa na kailangang uminom ng tubig mula sa malamig na sapa. Nais ko na makasama ka, ang Diyos na makapangyarihan sa lahat.
\q
\v 2 Sabi ko sa sarili ko, "Kailan kaya ako makakabalik sa templo ng Israel at muling sasamba sa iyo?"
\s5
\q
\v 3 Tumatangis ako bawat araw at gabi; iyak ako nang iyak; at habang ginagawa ko ito, lagi akong tinatanong ng aking mga kaaway, "Bakit hindi ka tinutulungan ng Diyos mo?"
\q
\v 4 Masugid akong nananalangin sa Diyos habang inaalala ko nang pumupunta ako kasama ang mga tao sa templo ng Jerusalem. Pinangungunahan ko sila habang magkakasama kaming naglalakad; sumisigaw kaming lahat ng may kagalakan at umaawit para pasalamatan ang Diyos dahil sa kaniyang ginawa; marami kami na nagdiriwang.
\s5
\q
\v 5 Kaya ngayon, sabi ko sa sarili ko, "Bakit ako labis na nababahala? Umaasa ako na may pagtitiwala sa Diyos na pagpalain ako, at muli ko siyang pupurihin, ang aking Diyos na nagliligtas sa akin."
\q
\v 6 Pero ngayon, Yahweh, labis akong nababahala kaya iniisip kita. Naroon ka sa Israel nang mabilis na umaagos pababa ang Ilog ng Jordan mula sa ilalim ng mga tuktok ng Bundok ng Hermon at mula sa Bundok ng Mizar.
\s5
\p
\v 7 Pero dito, ang nararamdaman kong labis na kalungkutan ay tulad ng tubig na pinaagos mo pababa; tulad ito ng talon na bumabagsak pababa at bumabaha sa akin.
\q
\v 8 Nais ko na ipakita sa akin ni Yahweh bawat araw na tapat niya akong minamahal, nang sa gayon, aawit ako at magdarasal sa kaniya bawat gabi, ang Diyos na siyang dahilan para mabuhay ako.
\s5
\q
\v 9 Sabi ko sa Diyos, na tulad ng isang malaking bato sa taas kung saan ligtas ako, "Bakit mo ako kinalimutan? Alam mo ang mga kahirapan na dinala sa akin ng aking mga kaaway."
\p
\v 10 Lagi nila akong pinagtatawanan; patuloy nilang tinatanong, "Bakit hindi ka tinutulungan ng Diyos mo?" Kapag nilalait nila ako tulad nito, katulad ito ng mga sugat na dumudurog sa aking mga buto.
\s5
\q
\v 11 Pero sabi ko sa sarili ko, "Bakit ako labis na nababahala? Aasa ako na may pagtitiwala sa Diyos na pagpalain ako, at muli ko siyang pupurihin, ang aking Diyos na nagliligtas sa akin."
\s5
\c 43
\p
\v 1 O Diyos, ipahayag mo na wala akong kasalanan. Ipagtanggol mo ako kapag nagsasalita ng mga bagay laban sa akin ang mga tao—silang mga hindi nagpaparangal sa iyo! Sagipin mo ako mula sa mga taong nililinlang ako at nagsasabi ng mga bagay na hindi totoo tungkol sa akin.
\q
\v 2 Ikaw ang Diyos, ang siyang nag-iingat sa akin; bakit mo ako pinabayaan? Tila hindi tama na lagi akong malungkot dahil kumikilos ng kalupitan ang aking mga kaaway sa akin.
\s5
\q
\v 3 Magsalita ka ng katotohanan na makakatulong para mabuhay ako. Magbigay ka ng utos na nagpapahintulot sa akin na bumalik sa Sion, sa banal na burol sa Jerusalem, at sa iyong templo kung saan ka naninirahan.
\q
\v 4 Kapag ginawa mo ito, pupunta ako sa iyong altar para sambahin ka, aking Diyos, na nagbibigay sa akin ng lubos na kagalakan. Doon ay pupurihin kita, ang Diyos na aking sinasamba, at patutugtugin ko ang aking alpa.
\s5
\q
\v 5 Kaya bakit ako malungkot at pinanghihinaan ng loob? Panatag akong umaasa sa Diyos na pagpapalain ako, at muli ko siyang pupurihin, ang aking Diyos na nagliligtas sa akin."
\s5
\c 44
\p
\v 1 O Diyos, narinig mismo namin kung ano ang sinabi sa amin ng aming mga magulang at mga ninuno. Sinabi nila sa amin ang tungkol sa mga himala na ginawa mo noong unang panahon.
\q
\v 2 Sinabi nila sa amin kung paano mo pinalayas ang mga taong makasalanan at hinayaan kaming tumira sa kanilang lupain. Sinabi sa amin na pinarusahan mo ang mga taong makasalanan at hinayaang angkinin ng iyong sariling bayan ang lupain.
\s5
\q
\v 3 Hindi sa pamamagitan ng paggamit ng sarili nilang mga espada na nasakop nila ang mga tao na naninirahan sa lupaing iyon, at hindi sa pamamagitan ng sarili nilang kapangyarihan na matagumpay sila; ito ay sa pamamagitan lang ng iyong kapangyarihan na nagawa nila ang mga bagay na iyon; at sigurado sila na kasama mo sila, ipinapakita mo na nalulugod ka sa kanila.
\q
\v 4 Ikaw ang aking Hari at aking Diyos; gawin mo kaming bayan mo na may kakayahang talunin ang aming mga kaaway.
\s5
\q
\v 5 Sa pamamagitan ng kapangyarihan mo na napapabagsak namin ang aming mga kaaway at niyuyurakan namin sila.
\q
\v 6 Hindi ako nagtitiwala na kaya kong iligtas ang aking sarili sa pamamagitan ng aking pana at palaso at aking espada.
\s5
\q
\v 7 Hindi, ikaw ang sumagip sa amin mula sa aming mga kaaway; ikaw ang nagdulot kung bakit ang mga napopoot sa amin ay nahihiya dahil natalo sila.
\q
\v 8 Lagi kaming nagmamalaki tungkol sa ginawa ng Diyos para sa amin, at pasasalamatan namin siya habang buhay.
\s5
\q
\v 9 Pero ngayon, itinakwil mo kami at ipinahiya kami; nang lumalaban ang aming hukbo sa digmaan, hindi mo na sila sinasamahan
\q
\v 10 Dinulot mo kami na takbuhan ang aming mga kaaway, kaya nakuha nila ang mga bagay na pag-aari namin.
\q
\v 11 Pinahintulutan mo kaming maging tulad ng mga tupa na nakahanda nang katayin; ikinalat mo kami palayo sa ibang mga bansa.
\s5
\q
\v 12 Tila ipinagbili mo kami, ang iyong bayan, sa aming mga kaaway sa napakaliit na halaga, kahit na hindi ka nakinabang sa pagbebenta sa amin!
\q
\v 13 Pinagtatawanan kami ng mga taong naninirahan sa mga bansa malapit sa amin; tinatawanan nila kami at nililibak.
\p
\v 14 Ginagawa nilang biro ang pangalan ng aming bansa, umiiling sila para ipakita na hinahamak nila kami.
\s5
\q
\v 15 Buong araw ako ay napahiya; kapag nakita ng mga tao ang aking mukha, malalaman nila na nahihiya ako.
\q
\v 16 Naririnig ko ang mga nangungutya sa akin at nanlalait sa mga sinasabi ko; Nahihiya ako sa harap ng aking mga kaaway at sa mga nais na ipahamak ako.
\q
\v 17 Nangyari ang lahat ng mga bagay na ito sa amin kahit hindi ka namin kinalimutan, at hindi kami ang sumuway sa tipan na ginawa mo sa aming mga ninuno.
\s5
\p
\v 18 Hindi kami tumigil na maging tapat sa iyo, at hindi kami tumigil sa paggawa ng mga nais mong gawin namin.
\q
\v 19 Tila hinayaan mo kaming maging kaawa-awa sa gitna ng mga mababangis na hayop at iniwan mo kami sa malalim at madilim na bangin.
\q
\v 20 Kung nakalimutan namin na sambahin ang aming Diyos, o kung sumamba kami sa ibang diyos,
\q
\v 21 tiyak na malalaman mo ito dahil alam mo maging ang iniisip namin ng palihim.
\q
\v 22 Pero dahil kabilang kami sa iyo kaya patuloy kaming pinapatay ng aming mga kaaway. Itinuturing nila kami na parang mga tupa lang na kakatayin nila.
\s5
\q
\v 23 Kaya Yahweh, tumindig ka! Bakit ka natutulog? Bumangon ka! Huwag mo kaming tanggihan habang buhay!
\q
\v 24 Bakit hindi ka tumitingin sa amin? Bakit mo kinakalimutan na nagdurusa kami, na inaapi kami ng mga aming mga kaaway?
\s5
\q
\v 25 Kami ay nasa lubos na pagkabahala; wala kaming magawa; wala kaming pinagkaiba sa patay.
\q
\v 26 Kumilos ka! Pumunta ka at tulungan kami! Sagipin mo kami dahil mahal mo kami gaya ng ipinangako mong gawin.
\s5
\c 45
\p
\v 1 Sa kaloob-looban ko, pinukaw ako ng isang bagay na magandang isulat, isang awit na kakantahin ko sa hari. Ang mga salita ng awiting ito ay isusulat ko, ang magaling na manunulat.
\q
\v 2 O Hari, ikaw ang pinakamakisig na lalaki sa buong mundo, at napakahusay mo magsalita! Kaya alam namin na ikaw ay pinagpapala ng Diyos.
\s5
\q
\v 3 Ikaw na makapangyarihang mandirigma, ilagay mo ang iyong espada! Ikaw ay maluwalhati at dakila.
\q
\v 4 Sumakay ka tulad ng isang dakilang hari para ipagtanggol ang katotohanan na iyong sinasabi at mga patas na mga pagpapasya na iyong ginagawa! Dahil lumalaban ka sa maraming digmaan, natutunan mong gawin ang mga bagay na kinatatakutan ng mga kaaway.
\s5
\q
\v 5 Matalim ang iyong mga palaso, tinutusok nito ang mga puso ng iyong mga kaaway. Babagsak sa iyong paanan ang mga sundalo ng maraming bansa.
\q
\v 6 Ang kaharian na ibibigay sa iyo ng Diyos ay mananatili magpakailanman. Namumuno ka nang tapat sa mga tao.
\q
\v 7 Iniibig mo ang mga matutuwid na gawain, at kinamumuhian mo ang masasamang gawain. Kaya ang Diyos, ang iyong Diyos, ay pinili ka para maging hari at pinasaya ka kaysa sa ibang hari.
\s5
\q
\v 8 Ang halimuyak ng iba't-ibang mga sangkap ng pabango ay nasa iyong mga damit. Nililibang ka ng mga musikero sa inyong garing palasyo sa pagtugtog ng mga intrumentong may kwerdas.
\q
\v 9 Kasama sa iyong mga asawa ay ang mga babaeng anak ng ibang mga hari. Sa iyong kanang kamay, nakatayo ang iyong mapapangasawa, ang reyna, suot ang magagandang gintong palamuti mula sa Ophir.
\s5
\q
\v 10 Ngayon may sasabihin ako sa iyong mapapangasawa: "Makinig ka sa akin nang mabuti! Kalimutan mo ang mamamayang nakatira sa iyong bayan, kalimutan mo ang iyong mga kamag-anak!
\q
\v 11 Dahil napakaganda mo, nananisin ng hari na makasama ka. Siya ang iyong panginoon, kaya dapat mo siyang sundin.
\s5
\q
\v 12 Magdadala ng mga handog ang mga tao mula sa lungsod ng Tiro para sa iyo; tatangkain ng mayayaman na hikayatin ka na gumawa ng mga pabor para sa kanila.
\q
\v 13 Ikaw, na mapapangasawa ng hari, pumasok ka sa palasyo suot-suot ang mga magagandang damit na gawa mula sa gintong sinulid."
\s5
\q
\v 14 O hari! Habang suot-suot niya ang makulay na damit pangkasal, dadalhin siya sa iyo ng mga babaeng lingkod niya. Sasamahan siya ng maraming dalaga.
\q
\v 15 Magagalak sila habang papasok sila sa iyong palasyo.
\s5
\p
\v 16 Balang araw, ang iyong mga anak at mga apo ay magiging mga hari, gaya ng iyong mga ninuno. Gagawin mo silang mga tagapamahala ng maraming bansa.
\q
\v 17 Samantalang ako, sisiguruhin ko na maaalala ng bawat tao sa bawat salinlahi ang mga dakilang bagay na iyong ginawa, at ang mga tao ay pupurihin ka magpakailanman.
\s5
\c 46
\p
\v 1 Ang Diyos ang nangangalaga at nagpapalakas sa atin; lagi siyang handang tumulong sa tuwing tayo ay may kaguluhan.
\q
\v 2 Kaya, kahit na mayanig ang mundo, hindi tayo matatakot. Kahit na bumagsak ang mga kabundukan sa kalagitnaan ng dagat,
\q
\v 3 at kahit mangalit at bumula ang tubig sa dagat, at kahit mayanig nang matindi ang mga burol, hindi kami matatakot!
\s5
\q
\v 4 Ang mga pagpapalang mula sa Diyos ay tulad ng isang ilog na nagpapasaya ng mga tao sa lungsod, doon kung saan kami sumasamba sa kaniya. Ito ang lungsod kung saan naroon ang templo ng Diyos, na siyang mas dakila kaysa ibang diyos.
\q
\v 5 Ang Diyos ay nasa lungsod na ito, at hindi ito masisira kailanman; darating siya para tulungan ang mga tao sa lungsod sa bukang-liwayway bawat araw.
\s5
\q
\v 6 Minsan ang mga mamamayan ng maraming bansa ay natatakot; ang mga kaharian ay bumabagsak; nagsalita nang malakas ang Diyos tulad ng kulog, at ang lupa ay natunaw.
\q
\v 7 Pero si Yahweh, na pinuno ng mga hukbo ng anghel, ay kasama natin; ang Diyos na sinamba ni Jacob ang ating kublihan.
\s5
\p
\v 8 Halika at masdan mo ang mga bagay na ginawa ni Yahweh! Halika at tingnan mo ang mga bagay na winasak niya sa lahat ng dako ng mundo.
\p
\v 9 Pinahihinto niya ang mga digmaan sa buong daigdig; sinira niya ang mga pana at palaso; sinira niya ang mga sibat; at sinusunog niya ang mga panangga.
\s5
\p
\v 10 Sinabi ng Diyos, "Mapanatag kayo at tandaan mo na ako ay Diyos! Ang lahat ng mamamayan sa lahat ng bansa ay pararangalan ako. Ang lahat ng tao sa lahat ng dako ay paparangalan ako."
\p
\v 11 Kaya huwag mong kalimutan na si Yahweh, ang pinuno ng mga hukbo ng anghel ay kasama natin; ang Diyos na sinamba ni Jacob ang ating kublihan.
\s5
\c 47
\p
\v 1 Kayong mga tao sa buong mundo, ipalakpak ninyo ang mga inyong kamay! Sumigaw kayo nang may kagalakan para purihin ang Diyos!
\q
\v 2 Si Yahweh, na mas higit pa kaysa iba pang diyos, ay kahanga-hanga; siya ang hari na namumuno sa buong mundo!
\s5
\q
\v 3 Binigyan niya tayo ng kakayahan para talunin ang hukbo ng mga grupo ng tao na nanirahan sa Canaan.
\q
\v 4 Pinili niya ang lupang ito para sa atin kung saan tayo ngayon ay naninirahan; tayong mga Israelita, na kaniyang minamahal, ay nagmamalaki na sabihin na ang lupaing ito ay sa atin.
\q
\v 5 Umakyat ang Diyos sa kaniyang templo. Sumigaw ang mga tao nang may kagalakan at hinipan ang mga trumpeta habang umaakyat siya.
\s5
\q
\v 6 Umawit ng mga awitin para purihin ang Diyos! Umawit ng papuri sa kaniya! Awitan ang Diyos, na ating hari!
\q
\v 7 Ang Diyos ang siyang naghahari sa lahat ng bagay sa mundo; umawit ng awit sa kaniya!
\s5
\q
\v 8 Ang Diyos ay umupo sa kaniyang banal na trono habang namamahala sa mga tao ng lahat ng tribu.
\q
\v 9 Ang mga pinuno ng mga grupo ng mga tao ay nagtipon sa harapan ng bayan ng Diyos, ang mga taong nagmula kay Abraham. Higit na makapangyarihan ang Diyos kaysa mga armas ng mga hari sa mundong ito; dakila siya, at pararangalan siya ng lahat ng tao sa lahat ng dako.
\s5
\c 48
\p
\v 1 Dakila si Yahweh, at karapat-dapat siyang purihin nang lubos sa lungsod kung saan siya naninirahan, na itinayo sa ibabaw ng Sion, ang kaniyang banal na burol.
\q
\v 2 Ang lungsod na iyon sa mataas na burol ay nakabibighani; ito ang lungsod kung saan naninirahan ang tunay na Diyos, ang dakilang hari, at nagdudulot ito sa mga tao sa buong mundo na magalak kapag nakikita nila ito.
\q
\v 3 Sa mga matitibay na tore naroon ang Diyos, at ipinapakita niya na pinapangalagaan niya ang mga mamamayan sa lungsod na iyon.
\s5
\q
\v 4 Maraming mga hari ang nagtipon kasama ang kanilang mga hukbo para sugurin ang ating lungsod,
\q
\v 5 pero nang makita nila ito, namangha sila; at natakot, at tumakbo palayo.
\q
\v 6 Dahil lubos silang natakot, nanginig sila gaya ng babaeng malapit nang manganak.
\s5
\q
\v 7 Niyanig sila gaya ng mga barko mula sa Tarsis na hinahampas ng malakas na hangin.
\p
\v 8 Narinig namin na ang lungsod na ito ay maluwalhati, at napatunayan namin na ito ay totoo. Ito ang lungsod kung saan naninirahan si Yahweh, na pinuno ng mga hukbo ng angel. Ito ay lungsod na pangangalagaan ng Diyos magpakailanman.
\s5
\q
\v 9 O Diyos, dito sa iyong templo, iniisip namin kung gaano mo kami kamahal gaya nG pinangakong mong gagawin.
\q
\v 10 Pupurihin ka ng mga tao sa bawat dako ng mundo dahil ikaw ay namamahala nang makapangyarihan at makatarungan.
\s5
\q
\v 11 Ang mga taong naninirahan sa Bundok ng Sion ay dapat magsaya! Ang mga tao sa lahat ng lungsod ng Juda ay dapat magalak dahil hinahatulan mo nang patas ang mga tao.
\s5
\q
\v 12 Kayong mga Israelita ay dapat lumakad sa palibot ng Bundok ng Sion at bilangin ang mga tore roon;
\q
\v 13 pansinin ninyo ang mga pader doon at suriin ang kanilang pinakamalalakas na bahagi para masabi ninyo sa inyong mga anak ang tungkol sa mga ito.
\s5
\q
\v 14 Sabihin ninyo sa inyong mga anak, "Ito ang lungsod ng ating Diyos, ang nabubuhay magpakailanman; papatnubayan niya tayo habang buhay."
\s5
\c 49
\p
\v 1 Kayong mga nagmula sa lahat ng mga grupo ng mga tao, makinig kayo! Kayong mga tao sa buong mundo,
\q
\v 2 mga mahahalagang tao at hindi mahahalagang tao, mga mayayaman at mahihirap, bawat isa, makinig sa sinasabi ko.
\s5
\q
\v 3 Dahil makabuluhan ang aking iniisip at ang aking sinasabi ay magbibigay sa inyo ng kakayahang maging marunong.
\q
\v 4 Nag-iisip ako ng mga salita ng karunungan para sabihin sa inyo, at habang tinutugtog ko ang aking alpa, ipinapaliwanag ko ang ibig sabihin ng mga ito.
\q
\v 5 Hindi ako nababahala kapag ako ay nasa kaguluhan, kapag ako ay napapaligiran ng aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 6 Sila ang mga masasamang tao na nagtitiwala na laging mabuti ang mga bagay para sa kanila dahil sila ay mayaman at ipinagmamalaki nila ang pagiging napakayaman.
\q
\v 7 Maaaring mayaman nga sila, pero walang makababayad sa Diyos ng salapi para mabuhay siya magpakailanman! Walang maaaring makabayad sa Diyos nang sapat para pahintulutan siya ng Diyos na patuloy na mabuhay
\q
\v 8 dahil ang halaga nito ay ubod nang laki, at hindi siya kailanman makababayad nang sapat
\s5
\q
\v 9 para mabuhay siya magpakailanman at hindi kailanman mamatay at mailibing!
\q
\v 10 Nakikita namin na namamatay ang mga hangal at mangmang, pero nakikita namin na ang mga marurunong ay namamatay rin; iniiwan nilang lahat ang kanilang kayamanan, at ito ay minamana ng iba.
\s5
\q
\v 11 Minsan nagkaroon sila ng mga bahay sa lupang pag-aari nila, pero ngayon ang kanilang tahanan ay libingan na nila magpakailanman, ang lugar na kanilang pananahanan sa lahat ng panahon!
\s5
\q
\v 12 Kahit na dakila ang mga tao, hindi nito mapipigilan ang kamatayan nila; lahat ng tao ay namamatay, tulad din ng mga hayop.
\q
\v 13 Ganyan ang nangyayari sa mga may kahangalang nagtitiwala sa kanilang nagawa, silang labis na nagagalak sa lahat ng kanilang pagmamay-ari.
\s5
\q
\v 14 Tiyak na mamamatay sila tulad ng tupa kapag ihahatid sila ng isang pastol para katayin. Kinaumagahan pamumunuan sila ng mga matutuwid at pagkatapos ang mga taong mayayaman ay mamamatay at ang mga katawan nila ay mabilis na mabubulok sa kanilang mga libingan; titira sila kung saan naroroon ang mga patay na tao, malayo sa kanilang mga tahanan.
\q
\v 15 Pero tiyak na sasagipin ako ng Diyos para hindi ako nakagapos sa lugar ng mga patay; dadalhin niya ako sa kanyang sarili.
\s5
\q
\v 16 Kaya huwag kang mabagabag kapag may taong yumaman at parangya nang parangya ang mga bahay na tinitirahan nila;
\q
\v 17 dahil kapag siya ay namatay, wala siyang dadalhin, hindi sasama sa kanya ang kanyang mga kayamanan.
\s5
\q
\v 18 Habang nabubuhay ang isang mayaman, binabati niya ang kanyang sarili at pinupuri siya ng mga tao dahil sa pagiging matagumpay,
\q
\v 19 pero mamamatay siya at sasama sa kanyang mga ninuno, na kailanman ay hindi na muling makakakita ng liwanag ng araw.
\q
\v 20 Kahit na dakila ang isang tao, hindi mapipigilan ang kamatayan nito; mamamatay siya, tulad ng mga hayop.
\s5
\c 50
\p
\v 1 Ang Diyos, na pinakamakapangyarihan, ay nagsasalita; pinapatawag niya ang lahat ng tao, mula sa silangan hanggang sa kanluran.
\q
\v 2 Ang kanyang kaluwalhatian ay lumiliwanag mula sa Bundok ng Sion sa Jerusalem, isang lungsod na sukdulan sa ganda.
\s5
\q
\v 3 Darating sa atin ang ating Diyos, at hindi siya tahimik. Isang malaking apoy ang nasa harapan niya, at isang bagyo ang nasa paligid niya.
\p
\v 4 Darating siya para hatulan ang kanyang bayan. Sumisigaw siya sa mga angel sa langit at sa mga tao sa lupa.
\q
\v 5 Sinasabi niya, tawagin ang mga tapat na sumasamba sa akin, ang mga nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog ng mga alay sa akin."
\s5
\q
\v 6 Idinedeklara ng mga anghel sa langit, "Ang Diyos ay matuwid at siya ang kataas-taasang hukom."
\s5
\q
\v 7 Sinasabi ng Diyos, "Bayan ko, makinig kayo! Kayong bayan ng Israel, makinig habang ako, ang inyong Diyos, ay nagsasabi kung ano sa ginawa ninyong mali.
\q
\v 8 Hindi ko kayo pinupuna dahil sa pagbibigay ng mga alay sa akin, sa mga handog na lagi ninyong sinusunog sa altar para sa akin.
\s5
\q
\v 9 Pero hindi ko talaga kailangan ang mga toro mula sa inyong mga kamalig at ang mga kambing mula sa inyong mga kural na inyong inihahandog,
\q
\v 10 dahil ang lahat ng mga hayop sa gubat ay pag-aari ko, at lahat ng baka sa isang libong burol ay pag-aari ko rin.
\q
\v 11 Kilala at pag-aari ko ang lahat ng mga ibon sa kabundukan, at lahat ng mga nilalang na gumagalaw sa paligid sa mga bukirin.
\s5
\q
\v 12 Kaya kung ako ay nagugutom, hindi ko kayo sasabihan na dalhan ako ng pagkain dahil lahat ng nasa mundo ay pag-aari ko!
\q
\v 13 Hindi ko kinakain ang laman ng mga toro na inaalay ninyo, at hindi ko iniinom ang dugo ng mga kambing na inihahandog ninyo sa akin.
\s5
\q
\v 14 Ang alay na talagang gusto ko ay ang pasalamatan ninyo ako at gawin lahat ng ipinangako ninyong gagawin.
\p
\v 15 Manalangin kayo sa akin kapag kayo ay nasa kaguluhan. Kung gagawin ninyo ito, sasagipin ko kayo, at pagkatapos, pupurihin ninyo ako.
\s5
\q
\v 16 Pero sinasabi ko sa masasamang mga taong ito: Bakit ninyo sinasalaysay ang aking mga utos o pinag-uusapan ang tungkol sa tipan na ginawa ko sa inyo?
\q
\v 17 Dahil tumanggi kayong payagan akong disiplinahin ko kayo, at sumuway kung ano ang sinabi kong gawin ninyo.
\s5
\q
\v 18 Tuwing makakakita kayo ng isang magnanakaw, nagiging kaibigan niya kayo, at madalas kayo masyadong magpalipas ng oras sa mga nangangalunya.
\q
\v 19 Lagi ninyong pinag-uusapan ang tungkol sa paggawa ng mga masasamang bagay at lagi ninyong sinisikap na manlinlang ng mga tao.
\q
\v 20 Lagi ninyong inaakusahan ang mga kasapi ng inyong pamilya at sinisiraang-puri sila.
\s5
\q
\v 21 Ginawa ninyo ang lahat ng mga bagay na iyon, at wala akong sinabi sa inyo, kaya inisip ninyo na ako ay isang makasalanan tulad ninyo. Pero ngayon, kinakagalitan ko kayo at inaakusahan kayo, sa mismong harapan ninyo.
\p
\v 22 Kaya, lahat kayo na nagsasawalang halaga sa akin, bigyang pansin ito, dahil kung hindi, dudurugin ko kayo, at walang sasagip sa inyo.
\s5
\q
\v 23 Ang alay na tunay na nagbibigay karangalan sa akin ay ang pasalamatan ako sa kung ano ang nagawa ko at ilililgtas ko ang mga taong laging gumagawa ng mga bagay na gusto kong gawin nila.
\s5
\c 51
\p
\v 1 O Diyos, kumilos kayo nang may awa sa akin dahil minamahal ninyo ako nang tapat; dahil kayo ay labis na maawain, burahin mo ang talaan ng mga paraan kung paano ko kayo sinuway!
\q
\v 2 Gawin ninyo akong dalisay mula sa mga maling bagay na aking ginawa; linisin ninyo ako mula sa aking kasalanan.
\s5
\q
\v 3 Sinasabi ko iyon dahil alam ko ang mga paraan kung paano ko kayo sinuway; hindi ko malilimutan ang mga iyon.
\q
\v 4 Ikaw, ikaw lamang ang tunay na nagawan ko ng kasalanan, at nakita mo ang mga masasamang bagay na ginawa ko. Kapag sinasabi mo na nagkasala ako, tama ka, at kapag hinahatulan mo ako, makatarungan mong sinasabi na karapat-dapat akong maparusahan.
\s5
\q
\v 5 Makasalanan na ako mula pa nang ako ay ipinanganak; Tunay nga, ganoon na ako mula pa nang ipinagdalang-tao ako ng aking ina.
\q
\v 6 Ang nais mo ay naisin ng aking kaloob-looban kung ano ang totoo para maituro mo sa akin sa akin kung paano kumilos nang may karunungan.
\s5
\q
\v 7 Dalisayin mo ako mula sa aking mga kasalanan, at pagkatapos mangyari iyon, magiging malinis ako sa aking kaloob-looban; linisin mo ako, at pagkatapos ang aking kaloob-looban ay magiging mas maputi kaysa sa niyebe.
\q
\v 8 Ipahintulot mong magalak akong muli; dinurog mo ang aking espiritu; pero ngayon hayaan mong muli akong malugod.
\q
\v 9 Huwag mong patuloy na tingnan ang mga kasalanang ginawa ko; burahin mo ang talaan ng mga masasamang bagay na ginawa ko.
\s5
\q
\v 10 O Diyos, dalisayin mo ang aking kaloob-looban. Maglagay ka ng isang bago at tapat na espiritu sa aking kalooban.
\q
\v 11 Huwag mo akong itaboy mula sa iyo dahil sa aking kasalanan at huwag mong alisin ang iyong Banal na Espiritu sa akin.
\s5
\q
\v 12 Pasayahin mo ako dahil sa kaalamang pinalaya mo na ako mula sa aking kasalanan, at pagnaisin ang aking espiritu na maging handang sumunod sa iyo.
\q
\v 13 Kung gagawin mo iyon, maituturo ko sa ibang mga makasalanan kung ano ang gusto mong gawin nila, at magsisisi sila at magsisimulang sumunod sa iyo.
\s5
\q
\v 14 O Diyos, ikaw ang siyang nagligtas sa akin, patawarin mo ako sa kasalanan ko na naging dahilan para mamatay ang mga hindi ko kaaway. Kapag gagawin mo iyon, aaawit ako nang may kagalakan tungkol sa pagiging napakabuti at matuwid mo.
\q
\v 15 O Yahweh, tulungan mo akong magsalita para mapapurihan kita.
\q
\v 16 Hindi ka nalulugod sa mga alay lamang na dinadala sa iyo ng mga tao. Kung hindi iyon sapat para ikalugod mo, dadalhan kita ng mga alay. Hindi ka nalulugod sa mga sinusunog na handog lamang.
\s5
\q
\v 17 Ang alay na talagang gusto mo ay para sa mga tao na maging tunay na mapagpakumbaba at nagsisisi sa paggawa ng kasalanan; O Diyos, hindi mo tatanggihan ang ganitong uri ng alay.
\q
\v 18 O Diyos, maging mabuti ka sa mga tao na naninirahan sa Jerusalem; tulungan mo sila na muling maitayo ang mga pader ng lungsod.
\q
\v 19 Kapag nangyari iyon, dadalhan nila ka ng kaukulang mga alay, mga hayop na kanilang lubusang sinusunog, mga batang toro na sinusunog nila sa iyong altar, at ikaw ay malulugod.
\s5
\c 52
\p
\v 1 Ikaw na nagmamalaki, iniisip mo na ikaw ay malakas; ipinagmamayabang mo ang kaguluhan na ginawa mo sa iba, pero tapat na pinangangalagaan ng Diyos ang mga tao mula sa iyo.
\q
\v 2 Buong araw ay binalak mong mapalayas ang iba; ang sinasabi mo ay tulad ng matalas na talim, at palagi mong nililinlang ang iba.
\s5
\q
\v 3 Mas gusto mong gumagawa ng masama kaysa sa paggawa ng mabuti, at gusto mong magsabi ng mga kasinungalingan kaysa magsabi ng katotohanan.
\s5
\q
\v 4 Ikaw, ang nagsasabi ng mga bagay para makapanlinlang ng mga tao, gusto mong magsabi ng mga bagay na nakakasakit ng tao!
\q
\v 5 Pero ang Diyos ang magpapalayas sa iyo magpakailanman; ikaw ay susunggaban niya at kakaladkarin mula sa iyong bahay at aalisin kaniya mula sa mundong ito kung saan ang mga tao ay nabubuhay.
\s5
\q
\v 6 Kapag nakita ng mga matutuwid iyon, magugulat sila at tatawanan nila ang mangyayari sa iyo at sasabihing,
\q
\v 7 "Masdan ang nangyari sa taong hindi humiling sa Diyos na pangalagaan siya; nagtiwala siya na ililigtas siya ng kaniyang kayamanan; nagtiwala siya sa salapi na kaniyang kinuha sa masamang paraan mula sa iba.
\s5
\q
\v 8 Pero ako ay may katiyakan dahil sumasamba ako sa templo ng Diyos; tulad ako ng matatag na puno ng olibo. nagtitiwala ako sa Diyos na matapat na magmamahal magpakailanman.
\q
\v 9 O Diyos, lagi akong magpapasalamat sa pagwasak mo sa masama. Habang nakatayo ako sa harapan ng mga taong maka-Diyos, ipapahayag ko na ikaw ay mabuti.
\s5
\c 53
\p
\v 1 Ang taong mangmang lamang ang magsasabi sa kanilang sarili, "Walang Diyos!" Ang mga taong nagsasabi ng ganun ay mga tiwali, sila ay gumagawa ng kakila-kilabot na mga kasalanan; wala ni isa sa kanila ang gumagawa ng mabuti.
\q
\v 2 Nakatingin ang Diyos mula sa langit at nakikita ang mga tao; tinitingnan niya kung may taong matalino at nagsasaliksik upang kilalanin ang Diyos.
\q
\v 3 Pero lahat ng mga tao ay bulok ang moral; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti.
\s5
\q
\v 4 Lahat ba ng masasamang taong ito ay hindi matututo sa kung ano ang gagawin sa kanila ng Diyos? Gumagawa sila ng marahas sa bayan ni Yahweh habang kinakain ang mga pagkain na kaniyang ibinibigay, at hindi kailanman sila nanalangin kay Yahweh.
\q
\v 5 Pero balang araw magiging takot na takot ang mga taong iyon, kahit na walang dapat ikatakot. Dahil idudulot ng Diyos na mamatay silang mga sumasalakay sa iyo, at kaniyang ikakalat ang kanilang mga buto. Tinanggihan nila ang Diyos, kaya idudulot ng Diyos na sila ay matalo at lubos na mapahiya.
\s5
\q
\v 6 Ang nais ko ay dumating ang Diyos at iligtas ang mga Israelita! O Diyos, kung pagpapalain mo ulit ang bayan mo, lahat ng mga Israelita, lahat ng kaapu-apuhan ni Jacob, ay magagalak.
\s5
\c 54
\p
\v 1 O Diyos, iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan, at ipakita sa mga tao na wala akong ginawang kahit anung mali.
\q
\v 2 O Diyos pakinggan mo aking dalangin, pakinggan kung ano ang sasabihin ko sa inyo.
\q
\v 3 Dahil ang mga dayuhan ay sumusubok na salakayin ako; ang mga taong mapagmalaki ay gusto akong patayin, mga taong walang paggalang sa iyo.
\s5
\q
\v 4 Pero ang Diyos ang tumulong sa akin; Ipinagtatanggol ako ni Yahweh mula sa aking mga kaaway.
\q
\v 5 Sa halip, idudulot niya sa kanila ang mga masasamang bagay na gusto nilang gawin sa akin; dahil matapat mong ginawa kung ano ang inyong ipinangako sa akin, wasakin mo sila.
\s5
\q
\v 6 Yahweh, masaya akong magbibigay sa iyo ng aking handog dahil ito ang nais ko at magpapasalamat ako sa iyo, dahil ikaw ay mabuti sa akin;
\q
\v 7 sinagip mo ako sa lahat ng aking mga kaguluhan at nakita ko na ginapi mo ang aking mga kaaway.
\s5
\c 55
\p
\v 1 O Diyos, dinggin mo ang aking dasal at huwag kang lumayo habang ako ay nagsusumamo sa iyo.
\q
\v 2 Makinig ka sa akin at sagutin mo ako dahil ako ay nilalamon na ako ng aking mga kaguluhan.
\q
\v 3 Tinatakot ako ng aking mga kaaway; inaapi ako ng masasamang tao. Sila ang nagdulot sa akin ng matinding mga kaguluhan; nagagalit sila at napopoot sa akin.
\s5
\q
\v 4 Nasindak ako at takot na takot na mamatay.
\q
\v 5 Ako ay takot na takot at nanginginig; ako ay lubos na nasindak.
\s5
\q
\v 6 Sinabi ko, 'Sana may mga pakpak ako gaya ng kalapati! Kung may mga pakpak ako, lilipad ako palayo at maghahanap ng lugar para magpahinga.
\q
\v 7 Ako ay lilipad palayo at mamumuhay sa ilang.
\s5
\q
\v 8 Magmamadali akong maghanap ng ligtas na lugar kung saan hindi ako hahampasin ng aking mga kaaway tulad ng malakas na hangin at bagyo.'
\q
\v 9 "Panginoon, guluhin mo at pabagsakin ang kanilang plano dahil nakikita ko sila na gumagawa ng mararahas at nagdudulot ng karahasan sa bayan ng Jerusalem.
\s5
\q
\v 10 Araw at gabi ay naglalakad sila sa paligid ng ibabaw ng mga pader nito, gumagawa ng kasamaan at nagdudulot ng kaguluhan.
\q
\v 11 Sinisira nila ang mga bagay sa lahat ng dako. Ang mga tao sa pamilihan ay kanilang inaapi at niloloko.
\s5
\q
\v 12 Kung pinagkakatuwaan ako ng kaaway, kaya ko itong tiisin. Kung mayroon mang napopoot sa akin, na hinahamak ako, magtatago ako mula sa kaniya.
\q
\v 13 Pero ang gumagawa nito ay isang taong katulad ko, kasamahan ko, at kaibigan.
\q
\v 14 Noon marami kaming magagandang pinag-uusapan; naglalakad kami nang magkasama sa templo ng Diyos.
\s5
\q
\v 15 Nais ko na ang aking mga kaaway ay malibing ng buhay sa lugar kung nasaan ang mga patay. Gusto ko ito dahil sa mga masasamang bagay na kanilang ginawa sa kanilang mga tahanan.
\s5
\q
\v 16 Pero hihilingin ko kay Yahweh, ang aking Diyos, na tulungan ako, at ililigtas niya ako.
\q
\v 17 Sa bawat umaga, tanghali at gabi sinasabi ko sa kaniya ang aking mga alalahanin, dumadaing ako at naririnig niya ang aking boses.
\q
\v 18 Napakarami kong mga kaaway pero sasagipin niya ako at ibabalik niya akong ligtas mula sa labanan.
\s5
\q
\v 19 Ang Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay magpakailanman at siya ay makikinig sa akin. Idudulot niya na magapi ang aking mga kaaway at sila ay mapahiya dahil hindi nila binago ang kanilang masasamang ugali at dahil wala silang paggalang sa Diyos.
\s5
\q
\v 20 Ang aking kasamahan na binanggit ko dati ay pinagtaksilan ang kaniyang mga kaibigan at hindi tumupad sa kanilang kasunduan.
\q
\v 21 Ang kaniyang sinasabi ay madaling pakinggan tulad ng mantikilyang madaling lunukin, pero sa kaniyang kalooban kinapopootan niya ang mga tao; ang kaniyang mga salita ay nakapapawi tulad ng langis ng olibo, pero sinasaktan nila ang mga tao tulad ng ginagawa ng matatalim na mga espada.
\s5
\q
\v 22 Ilagay sa mga kamay ni Yahweh ang iyong mga kaguluhan, at aalagaan ka niya. Hindi niya papayagan ang sakuna na sirain ang mga matutuwid.
\q
\v 23 O Diyos, idudulot mong mamatay ang mga mamamatay-tao at sinungaling bago pa mangalahati ang inaasahan nilang buhay; pero para sa akin, magtitiwala ako sa iyo.
\s5
\c 56
\p
\v 1 O Diyos, maawa ka sa akin dahil ginugulo ako ng mga tao; hindi ako tinitigilan ng mga kaaway ko.
\q
\v 2 Palagi akong ginugulo ng mga kaaway ko; marami sa kanila ang mayayabang na sumusugod sa akin.
\s5
\q
\v 3 Pero tuwing natatakot ako, nagtitiwala ako sa iyo.
\q
\v 4 O Diyos, pinupuri kita dahil tinutupad mo ang iyong ipinangako; nagtitiwala ako sa iyo, at hindi na ako natatakot. Siguradong hindi ako matatalo ng mga ordinaryong tao!
\s5
\q
\v 5 Hindi huminto ang mga kaaway ko sa pagpilit na nagsabi ako ng mga bagay na hindi ko naman sinabi; lagi silang nag-iisip ng mga paraan para saktan ako.
\q
\v 6 Para gumawa ng gulo sa akin, nagtatago sila at pinanunuod ang lahat ng ginagawa ko, naghihintay ng pagkakataong patayin ako.
\s5
\q
\v 7 Kaya, O Diyos, parusahan mo sila dahil sa mga masasamang bagay na ginagawa nila; ipakita mo na galit ka sa pamamagitan ng pagtalo mo sa mga taong iyon!
\q
\v 8 Binilang mo ang mga pagkakataong naliligaw ako; tila inilagay mo lahat ng aking mga luha sa bote para makita mo kung gaano karami ang luha ko. Binilang mo ang aking luga at isinulat ang bilang nito sa aklat.
\s5
\q
\v 9 Kapag tumatawag ako sa iyo, aking Diyos, matatalo ang aking mga kaaway; alam kong mangyayari iyon dahil ikaw ang lumalaban para sa akin.
\q
\v 10 Pinupuri kita dahil tinutupad mo kung ano ang ipinangako mo; Yahweh, lagi kitang pupurihin dahil doon.
\v 11 Nagtitiwala ako sa iyo, at bunga nito, hindi ako matatakot. Alam kong hindi talaga ako masasaktan ng tao!
\s5
\q
\v 12 Dadalhin ko sa iyo ang handog na aking ipinangako; magdadala ako sa iyo ng handog para pasalamatan ka
\q
\v 13 dahil hindi mo hinayaan na ako ay mapatay; iningatan mo ako mula sa pagkakatisod. Dahil dito, magpapatuloy akong mamuhay sa iyong presensiya na nagliliwanag sa mga nabubuhay.
\s5
\c 57
\p
\v 1 O Diyos, maawa ka sa akin! Maawa ka sa akin dahil lumalapit ako sa iyo para ingatan ako. Hinihiling ko na ingatan mo ako tulad ng pag-iingat ng inang ibon sa kaniyang mga inakay na nakasilong sa kaniyang pakpak matapos ang bagyo.
\s5
\q
\v 2 O Diyos, ikaw na mas dakila kaysa sa ibang mga diyos, nagmamakaawa ako sa iyo, ikaw na nagbibigay lakas sa akin na matupad ang lahat ng nais mo.
\q
\v 3 Sasagutin mo ako mula sa langit at sasagipin ako pero tatalunin mo at ipapahiya ang aking mga kaaway na nang-aapi sa akin! Mamahalin ako nang tapat lagi ng Diyos katulad ng ipinangako niya sa akin.
\s5
\q
\v 4 Minsan pinalilibutan ako ng aking mga kaaway, na handa akong patayin katulad nang pagpatay ng mga leon sa mga tao; katulad sila ng mga leon na nilalapa ang mga hayop na pinatay nila. Pero mga tao ang aking mga kaaway, at mayroon silang mga sibat at palaso, hindi mga ngipin; nagsasalita rin sila ng mga kasinungalingan tungkol sa akin.
\q
\v 5 O Diyos, ipakita mo sa kalangitan na ikaw ay napakadakila! Ipakita mo ang iyong kaluwalhatian sa sangkatauhan!
\s5
\q
\v 6 Parang naglatag ang aking mga kaaway ng isang lambat para sunggaban ako, at labis akong nag-aalala. Parang humukay sila ng malalim sa daanan kung saan ako naglalakad, pero sila mismo ang nahulog dito!
\s5
\q
\v 7 O Diyos, lubos akong nagtitiwala sa iyo. Aawit ako sa iyo, at magpupuri habang umaawit.
\q
\v 8 Isang karangalan na purihin ka araw-araw habang tinutugtog ang aking malaking alpa o lira.
\s5
\q
\v 9 Panginoon, pasasalamatan kita sa gitna ng mga tao; at pupurihin kita sa gitna ng maraming mga pangkat ng tao,
\q
\v 10 dahil ang iyong tapat na pag-ibig sa amin ay kasing lawak ng pagitan ng lupa sa langit, at dahil sa iyong katapatan.
\q
\v 11 O Diyos, ipakita mong dakila at maluwalhati ka sa buong mundo at buong sanlibutan!
\s5
\c 58
\p
\v 1 Sa tuwing nagsasalita kayong mga tagapamahala, hindi ninyo kailanman sinasabi ang tama; kayong mga tao ay hindi kailanman humatol nang patas sa mga alitan.
\q
\v 2 Hindi, sa inyong mga kalooban iniisip niyo lang ang paggawa ng mali, at gumagawa kayo ng mga marahas na krimen sa buong lupain ng Israel.
\s5
\q
\v 3 Ang mga masasamang tao ay gumagawa ng mga maling bagay at nagsasabi ng mga kasinungalingan sa buong buhay nila.
\q
\v 4 Tulad ng kamandag ng ahas ang pananakit na dulot ng mga sinasabi ng mga masasamang tao. Tumatanggi silang makinig sa mga utos na parang mga binging kobra.
\q
\v 5 Bunga nito, tulad ng ahas na hindi sumusunod sa pang-aamo ng tunog ng plauta at awitin, hindi sila nakikinig kapag pinapagalitan sila.
\s5
\q
\v 6 O Diyos, para sa mga kaaway kong ito na gusto akong salakayin katulad ng mga batang leon, basagin mo ang mga ngipin nila!
\q
\v 7 Dulutin mo silang maglaho katulad ng paglaho ng tubig mula sa tuyong lupa. Pudpurin mo ang mga tulis ng mga palasong tinitira nila sa amin!
\q
\v 8 Gawin mo silang parang mga kuhol na naglalaho sa lusak; gawin mo silang parang sanggol na patay na nang ipinanganak!
\s5
\q
\v 9 Umaasa akong tatanggalin ninyo sila tulad ng pagtangay ng hangin sa mga dayami matapos putulin.
\q
\v 10 Ang mga taong gumagawa ng tama ay magagalak kapag nakita nilang pinaparusahan ng Diyos ang mga masasamang tao; magtatagumpay sila laban sa mga masasamang tao.
\q
\v 11 Pagkatapos sasabihin ng mga tao, "Tunay nga na may gantimpala para sa mga matutuwid; at may Diyos nga na makatarungang humahatol sa mga tao rito sa mundo!"
\s5
\c 59
\p
\v 1 O Diyos, sagipin mo ako mula sa aking mga kaaway! Ingatan mo ako mula sa mga lumulusob sa akin!
\q
\v 2 Ingatan mo ako mula sa mga taong gustong gumawa sa akin ng masama, mula sa mga mamamatay-tao!
\s5
\q
\v 3 Tingnan mo! Nag-aabang silang patayin ako! Ang mga mababangis na tao ay nagsasama-sama para salakayin ako. Yahweh, ginagawa nila iyon kahit na wala akong ginagawang mali!
\q
\v 4 Hindi dahil gumagawa ako ng anumang kasalanan laban sa kanila kaya sila tumatakbo at naghahandang lusubin ako. Pakiusap, tingnan mo ang aking kalagayan at tulungan mo ako.
\s5
\q
\v 5 Yahweh aking Diyos, pinuno ng mga hukbo ng mga anghel, siya na sinasamba naming mga Israelita, parusahan mo ang lahat ng mga tao sa lahat ng mga bansa na hindi nagpaparangal sa iyo; huwag kang maawa sa mga masasamang tao na nagtaksil sa amin.
\s5
\q
\v 6 Bumabalik sila tuwing gabi na nagngangalit katulad ng mga mababangis na aso habang gumagala sa lungsod na ito.
\q
\v 7 Sumisigaw sila ng mga kakila-kilabot na mga bagay; sumisigaw sila ng mga bagay na nakasisira katulad ng ginagawa ng mga espada, dahil sinasabi nilang, "Walang makaririnig sa atin!"
\s5
\q
\v 8 Pero Yahweh, higit ka kaysa sa mga mamamayan ng mga bayang pagano.
\q
\v 9 O Diyos, tiwala ako sa iyo dahil ikaw ay napakalakas; ikaw ang aking kublihan.
\s5
\q
\v 10 Dahil mahal mo ako, darating ka para iligtas ako katulad ng ipinangako mo; ipakikita mo sa akin kung paano mo tatalunin ang aking mga kaaway.
\q
\v 11 Pero huwag mo silang patayin agad; mabuting ang aking mga nasasakupan ay hindi malimutan kung paano mo sila pinarusahan! Sa halip, Panginoon, ikaw ay parang kalasag na nag-iingat sa amin, ikalat mo sila gamit ang iyong kapangyarihan, at talunin mo sila.
\s5
\q
\v 12 Dahil sila ay makasalanan, hayaan mong mabitag sila dahil sa kanilang kayabangan. Dahil lagi silang nagbibigay ng sumpa at nagsisinungaling,
\q
\v 13 dahil galit ka, patayin mo sila; tuluyan mo silang wasakin para malaman ng mga tao na namumuno ka sa amin, ang bayang Israel, at naghahari ka sa buong mundo.
\s5
\q
\v 14 Patagong bumabalik-balik ang aking mga kaaway, nagngangalit katulad ng mga mababangis na aso habang sila ay gumagala sa lungsod na ito.
\q
\v 15 Gumagala sila, naghahanap ng pagkain; at kung hindi sila nakakita ng sapat, umaalulong sila na parang mga aso.
\s5
\q
\v 16 Pero para sa akin, aawit ako tungkol sa iyong kapangyarihan; araw-araw, aawit ako nang may galak tungkol sa tapat mong pagmamahal sa amin. Aawit ako tungkol sa kung paano mo ako iningatan nang ako ay nababalisa.
\q
\v 17 O Diyos, ikaw ang nagpapalakas sa akin; ikaw ang nag-iingat sa akin; tapat mo akong minamahal, katulad ng ipinangako mo sa iyong tipan.
\s5
\c 60
\p
\v 1 Ako ay nanalangin, "O Diyos, itinakwil mo kaming mga Israelita! Dahil nagalit ka sa amin, binigyan mo ng kakayahan ang aming mga kaaway na sirain ang aming mga hanay. Pakiusap, hayaan mong maging malakas kaming muli!
\s5
\q
\v 2 Nang natalo kami ng kaaway, parang nagpadala kayo ng isang malakas na lindol kung saan nahati ang lupa. Kaya ngayon, gaya ng maaari mong idulot na mawala ang mga bitak sa lupa, tulungan mong maging malakas muli ang aming hukbo, dahil parang nahahati ang aming bansa.
\q
\v 3 Dinulot mo kami, ang iyong bayan, na maghirap; parang pinilit mong ipainom sa amin ang matapang na alak na nagdulot sa amin na magsuray-suray sa paligid pagkatapos namin malasing.
\s5
\q
\v 4 Pero itinaas mo ang isang labanang bandera para sa mga nagpaparangal sa iyo para magtipon sila sa paligid nito at hindi mapatay ng mga palaso ng kaaway.
\q
\v 5 Tugunin mo ang aming mga panalangin at bigyan mo kami ng kakayahang talunin ang aming mga kaaway sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan para kami, ang bayan na iyong minamahal, ay maligtas."
\s5
\q
\v 6 Pagkatapos tinugon ng Diyos ang aking panalangin at nagsalita mula sa kaniyang templo, nagsasabing, "Dahil nasakop ko ang inyong mga kaaway, hahatiin ko ang lungsod ng Shekem, at ipamamahagi ko sa lahat ng aking bayan ang lupain sa Lambak ng Sucot.
\q
\v 7 Akin ang lupain sa Galaad; Akin ang mamamayan ng lipi ng Manases; ang lipi ng Efraim ay tulad ng aking sanggalang sa ulo; at ang lipi ng Juda ay tulad ng setro na ginagamit ko sa pamamahala.
\s5
\q
\v 8 Ang lupain ng Moab ay tulad ng isang hugasan; Tatapakan ko ang lupain ng Edom para ipakitang pag-aari ko ito; matagumpay akong sisigaw dahil tinalo ko ang bayan sa lahat ng lupain sa Filistia.
\q
\v 9 Dahil nais kong talunin ang bayan ng Edom, sino ang mamumuno ng aking hukbo sa kanilang kabisera na may matibay na mga pader sa paligid nito?"
\s5
\q
\v 10 Kaya, O Diyos, tila kami ay talagang pinabayaan mo na; tila hindi mo na kami sinasamahan kapag ang aming mga hukbo ay lumalaban sa aming mga kaaway.
\q
\v 11 Kailangan ka namin para tulungan kami kapag lumalaban sa aming mga kaaway dahil ang tulong na maaaring ibigay ng tao ay walang kabuluhan.
\q
\v 12 Pero sa tulong mo, kami ay magwawagi; bibigyan mo kami ng kakayahang talunin ang aming mga kaaway.
\s5
\c 61
\p
\v 1 O Diyos, dinggin mo ako at sagutin mo ang aking dalangin.
\q
\v 2 Habang nanghihina ang loob ko at malayo sa aking tahanan, ako ay tumatawag sa iyo. Dalhin mo ako sa lugar na magiging tulad ng mataas na muog sa ibabaw kung saan magiging ligtas ako.
\q
\v 3 Ikaw ang aking kublihan; ikaw ay tulad ng isang matatag na tore na hindi kayang lusubin ng aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 4 Hayaan mo akong manahan malapit sa banal mong tolda sa buong buhay ko! Hayaan mo akong maging ligtas gaya ng inakay ay ligtas sa silong ng pakpak ng kaniyang ina.
\q
\v 5 O Diyos, pinakinggan mo ako nang ako ay taimtim na nangako ng mga handog sa iyo; pinagpala mo ako ng mga bagay na nararapat sa mga sumasamba sa iyo.
\s5
\q
\v 6 Ako ang hari ng Israel; hayaan mo akong mabuhay at mamuno sa maraming taon, at pahintulutan mo ang aking kaapu-apuhan na mamuno rin.
\q
\v 7 Payagan mo kaming mamuno ng walang hanggan habang sinusubaybayan mo kami; bantayan mo kami habang tapat kang umiibig sa amin at gawin mo sa amin ang iyong ipinangako.
\s5
\q
\v 8 Kung gagawin mo iyon, ako ay laging aawit ng papuri sa iyo habang sa bawat araw ay naghahandog ako ng mga alay na ipinangako kong ibibigay sa iyo.
\s5
\c 62
\p
\v 1 Ang Diyos lamang ang nagbibigay sa akin ng kapayapaan sa aking kalooban, at siya lamang ang makapagliligtas sa akin mula sa aking mga kaaway.
\q
\v 2 Siya ay tulad ng isang malaking bato kung saan maliligtas ako; siya ay tulad ng mataas na tanggulan na hindi kayang akyatin ng aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 3 Kailan kayo hihinto, aking mga kaaway, sa pagsalakay sa akin? Ako ay nakakaramdam na mahina ako laban sa inyo gaya ng isang tagilid na pader o isang sirang bakod.
\q
\v 4 Ang plano ng aking mga kaaway ay alisin ako mula sa aking mahalagang tungkulin para hindi na ako parangalan ng mga tao. Masaya sila sa pagsisinungaling. Pinagpapala nila ang mga tao pero sinusumpa nila ang mga ito sa kanilang kalooban.
\s5
\q
\v 5 Ang Diyos lang ang nagpapaginhawa sa aking kalooban; siya lang ang makatutulong sa akin.
\q
\v 6 Siya lang ang tulad ng isang malaking bato kung saan ako ay may kaligtasan; siya ay isang kanlungan; kailanman hindi ako maaabutan ng aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 7 Ang Diyos ang siyang magliligtas sa akin at magpaparangal sa akin. Katulad siya ng isang malaki, matibay na muog kung saan ako ay makapananahan.
\q
\v 8 Kayo na aking bayan, lagi kayong magtiwala sa kaniya. Sabihin ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong kaguluhan dahil sa kaniya tayo dumudulog para sa ating kaligtasan.
\s5
\q
\v 9 Ang mga taong tinuturing na hindi mahalaga ay hindi maaasahan gaya ng ihip ng hangin; ang mga taong itinuturing na mahalaga ay napupunta rin sa kawalan ng halaga. Kung sila ay titimbangin ninyo mas magaan sila kaysa ihip ng hangin.
\q
\v 10 Huwag kayong magtitiwala sa salapi na mula sa pangingikil; huwag kayong makinabang sa pagnanakaw. Kung kayo ay yumaman, huwag kayong magtitiwala sa inyong kayamanan.
\s5
\q
\v 11 Narinig ko na maraming beses na sinabi ng Diyos na siya ang tunay na may kapangyarihan,
\q
\v 12 at siya ang tapat na nagmamahal sa atin, gaya ng kaniyang ipinangako. Ginagantimpalaan niya ang bawat isa sa atin ayon sa ating mga gawa.
\s5
\c 63
\p
\v 1 O Diyos, ikaw ang Diyos na aking sinasamba. Hinahanap-hanap kita tulad ng paghahanap ng tubig sa gitna ng mainit na disyerto.
\q
\v 2 Ako ay nasa iyong templo para maranasan ko ang iyong pagmamahal at kapangyarihan.
\s5
\q
\v 3 Lagi mo akong minamahal, gaya ng iyong ipinangako; ito ay higit na mahalaga kaysa sa aking buong buhay, kaya lagi kitang pupurihin.
\q
\v 4 Pupurihin kita sa lahat ng panahon habang ako ay nabubuhay; itataas ko ang aking mga kamay sa iyo habang ako ay nananalangin.
\s5
\q
\v 5 Ang pagkilala sa iyo ay nagbibigay sa akin ng kasapatang higit na nagpapasaya kaysa mga pagkain sa isang malaking handaan, kaya pupurihin kita kasabay ng pag-awit ng masasayang awitin.
\q
\v 6 Habang ako ay nakahiga, iniisip kita. Ikaw ang iniisip ko sa buong magdamag.
\s5
\q
\v 7 Dahil lagi mo akong tinutulungan, ako ay masayang aawit dahil alam ko na iingatan mo ako gaya ng pag-iingat ng inahing ibon sa kaniyang inakay sa ilalim ng kaniyang pakpak.
\q
\v 8 Sumusunod ako sa iyo, at iniingatan ako ng kamay mo.
\s5
\q
\v 9 Pero ang mapupunta sa kamatayan ay ang mga gustong pumatay sa akin;
\v 10 mamamatay sila sa labanan at ang kanilang mga bangkay ay kakainin ng mga aso.
\s5
\q
\v 11 Pero ako na hari ng Israel ay magagalak sa ginawa ng Diyos; at sila na humihiling sa Diyos para patunayan ang kanilang sinabi ay pupurihin siya, pero hindi niya hahayaang makapagsalita ang mga sinungaling ng anumang bagay.
\s5
\c 64
\p
\v 1 O Diyos, dinggin mo ako habang sinasabi ko ang aking mga alalahanin. Takot ako sa mga kaaway ko; iligtas mo ako sa kanila.
\q
\v 2 Ingatan mo ako sa mga may masamang balak sa akin; ingatan mo ako sa mga gumagawa ng masama.
\s5
\q
\v 3 Ang sinasabi nila ay masama tulad ng matalas na espada; ang kanilang masamang mga salita ay tulad ng mga palaso.
\q
\v 4 Sila ay walang kinakatakutan; sila ay nagsisinungaling at naninira sa mga hindi gumagawa ng mali. Tulad sila ng mga taong biglang lumilitaw para panain ang kaniyang mga kaaway.
\s5
\q
\v 5 Pinalalakas nila ang loob ng bawat isa tungkol sa pagtupad ng kanilang masamang balak; nag-uusap-usap sila para makagawa ng patibong para humuli ng mga tao. Sinasabi nila, "Walang makakakita sa ating ginagawa
\q
\v 6 dahil binalak namin ng mabuti ang mga bagay na aming gagawin." Tunay na nakagugulat ang iniisip at binabalak ng mga tao!
\s5
\q
\v 7 Pero sila ay masusugatan sa pamamagitan ng mga palaso ng Diyos.
\q
\v 8 Dahil kung ano ang sinasabi nila ang magpapatunay na sila ay may sala, kaya palalayasin sila ng Diyos. Lahat ng makakakita kung ano ang nangyayari sa kanila ay iiling para hamakin sila.
\q
\v 9 Pagkatapos ang lahat ay matatakot din sa maaring mangyari rin sa kanila; sasabihin nila sa iba kung ano ginawa ng Diyos, at mag-iisip sila mismo tungkol dito.
\s5
\q
\v 10 Magagalak ang mga matuwid dahil sa ginawa ni Yahweh; dapat silang pumunta sa kaniya para makaligtas; at lahat ng nagpaparangal sa kaniya ay pupurihin siya.
\s5
\c 65
\p
\v 1 O Diyos, karapat-dapat na purihin ka sa Jerusalem at gawin kung ano ang aming ipinangako
\q
\v 2 dahil tinutugon mo ang aming dalangin. Ang mga tao sa lahat ng dako ay pupunta sa iyo.
\q
\v 3 Ang marami naming mga kasalanan ay tulad ng napakabigat na pasanin sa atin, pero pinatawad mo kami.
\s5
\q
\v 4 Napakapalad nilang mga pinili na laging nasa bakuran ng iyong templo. Magiging masaya kami sa lahat ng pagpapala na ibibigay mo dahil sumasamba kami sa iyong banal na templo.
\s5
\q
\v 5 O Diyos, tuwing kami ay nananalangin sa iyo, sagutin mo kami o iligtas sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang gawa; ikaw ang siyang magliligtas sa amin; nagtitiwala sa iyo ang mga taong nakatira sa kasuluk-sulukan ng mundo, sa kabilang ibayo ng mga karagatan.
\s5
\q
\v 6 Ikaw ang siyang naglalagay ng mga bundok sa kanilang mga lugar, nagpapakita ito na ikaw ay lubos na makapangyarihan.
\q
\v 7 Ikaw ang nagpapatahimik sa mga umaatungal na mga dagat, at ang nagpapahinto sa hampas ng mga alon sa dalampasigan, ikaw ang pumapayapa sa mga tao kapag sila ay nagdudulot ng kaguluhan.
\s5
\q
\v 8 Ang mga taong nabubuhay sa malalayong lugar ng mundo ay namamangha sa iyong mga himala; dahil sa iyong ginagawa, ang mga tao na nabubuhay sa malayong kanluran at silangan ay masayang aawit.
\q
\v 9 Iniingatan mo ang lupa at nagpapadala ka ng ulan, pinapalago mo ang maraming bagay; pinupuno mo ang mga batis ng tubig at pinatutubo mo ang mga butil. Ito ang inyong itinakda na mangyayari.
\s5
\q
\v 10 Nagpapadala ka ng maraming ulan sa mga bukirin na inararo, at pinupuno mo ng tubig ang mga taniman. Sa ambon pinalalambot mo ang matigas na lupa, at pinagpapala mo ang lupa para lumago ang mga tanim.
\q
\v 11 Dahil pinagpala mo ang lupa, may magandang pananim sa panahon ng anihan; kahit saan ka pumunta, sagana ang ani.
\q
\v 12 Ang mga pastulan ay puno ng mga tupa at kambing; na para bang ang mga burol ay masayang-masaya.
\s5
\q
\v 13 Ang kaparangan ay binabalot ng mga tupa at mga kambing, at ang mga lambak ay puno ng mga butil; tila umaawit din ang mga ito at sumisigaw sa kagalakan.
\s5
\c 66
\p
\v 1 Sabihin sa lahat ng tao na magpuri sila sa Diyos nang may kagalakan!
\q
\v 2 Umawit sila ng mga awitin na nagsasabing dakila at maluwalhati ang Diyos!
\s5
\q
\v 3 Sabihin nila sa Diyos, "Dakila at kahanga-hanga ang kapangyarihan niya kaya naduwag ang kaniyang mga kaaway."
\q
\v 4 Ang lahat ng tao ay sasamba, magpupuri at magpaparangal sa kaniya.
\s5
\q
\v 5 Halika at sariwain ang ginawa ng Diyos! Sariwain ang mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya sa kaniyang bayan.
\q
\v 6 Pinatuyo niya ang dagat kaya nakalakad ang aming mga ninuno sa gitna nito. Nagalak kami dahil sa ginawa niyang ito.
\q
\v 7 Namumuno siya magpakailanman sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, at sinusubaybayan niya ang lahat ng bayan at ang masasamang ginagawa nila. Hindi dapat magmalaki ang mga bansang hindi nagpapasakop sa kaniya.
\s5
\q
\v 8 Kayong mga tao sa lahat ng mga bansa, purihin ang ating Diyos! Purihin siya hanggang marinig ng mga tao ang papuri sa kaniya.
\q
\v 9 Iningatan niya tayo at hindi niya tayo hinayaang mapahamak.
\s5
\q
\v 10 Hinayaan mo kaming makaranas ng matitinding pagsubok, O Diyos, para ang mga buhay namin ay maging dalisay gaya ng mga mahahalagang metal na dumadaan sa mainit na apoy para matanggal ang karumihan.
\q
\v 11 Hinayaan mong tiisin namin ang paghihirap tulad ng mabibigat na pasanin sa aming mga likod.
\q
\v 12 Hinayaan mong tapak-tapakan kami ng aming mga kaaway; nakaranas kami ng matinding paghihirap pero ngayon iniligtas mo kami.
\s5
\q
\v 13 Mag-aalay ako sa iyo sa templo gaya ng aking ipinangako.
\q
\v 14 Noong naghihirap ako, nangako ako na mag-aalay ako sa iyo kapag tinulungan mo ako; at tinulungan mo ako kaya mag-aalay ako sa iyo gaya ng aking ipinangako.
\q
\v 15 Mag-aalay ako ng tupa, maging ng mga toro at kambing, at malulugod ka sa samyo ng alay ko.
\s5
\q
\v 16 Makinig kayong lahat na mga sumasamba sa Diyos at sasabihin ko kung ano ang ginawa niya sa buhay ko.
\q
\v 17 Humingi ako ng tulong kasabay ng pagpupuri sa kaniya.
\q
\v 18 Kung hindi ko pinansin ang mga nagawa kong kasalanan, hindi ako papansinin ng Diyos.
\s5
\q
\v 19 Pero dahil inamin ko ang aking mga kasalanan, pinakinggan ng Diyos ang aking mga panalangin.
\q
\v 20 Pinupuri ko ang Diyos dahil hindi niya binalewala ang aking mga panalangin; patuloy niya akong minamahal gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\c 67
\p
\v 1 Kaawaan mo kami at pagpalain, O Diyos; maging mabuti ka sa amin.
\q
\v 2 Gawin mo ito nang sa gayon malaman ng lahat ng tao kung ano ang layunin mo para sa kanila at malaman nila na mayroon kang kapangyarihan na iligtas sila.
\s5
\q
\v 3 Nawa purihin ka ng lahat ng tao, O Diyos; nais kong purihin ka ng lahat!
\q
\v 4 Nais ko na ang lahat ng tao ay magalak at umawit ng may kasiyahan dahil sa makatuwirang paghatol mo at paggabay sa lahat ng mga bansa.
\s5
\q
\v 5 Nawa purihin ka ng lahat ng tao, O Diyos; nais kong purihin ka ng lahat!
\q
\v 6 Saganang namunga ang aming mga pananim; pinagpala kami ng Diyos, ng aming Diyos.
\s5
\q
\v 7 Dahil pinagpala tayo ng Diyos, nawa ay sambahin siya ng lahat ng tao sa mundo.
\s5
\c 68
\p
\v 1 Talunin mo ang iyong mga kaaway, O Diyos, at ilayo mo ang mga napopoot sa iyo.
\q
\v 2 Gaya ng usok, itaboy mo ang mga kaaway mo. Gaya ng kandila, paglahuin mo ang masasama.
\q
\v 3 Pero magalak nawa at magdiwang ang mga matutuwid; nawa magalak sila sa presensiya ng Diyos; nawa maging masaya sila at magkaroon ng kagalakan.
\s5
\q
\v 4 Umawit sa Diyos; umawit sa Diyos para purihin siya; umawit sa kaniya na naglalakbay sa mga kapatagan; ang pangalan niya ay Yahweh; magalak kayo sa kaniyang presensiya.
\q
\v 5 Ang Diyos na naninirahan sa banal na templo ay isang ama sa mga ulila at tagapagtanggol ng mga balo.
\q
\v 6 Binibigyan niya ng mga pamilya ang mga nag-iisa sa buhay. Pinalalaya niya ang mga alipin at pinagtatagumpay sila; pero ang mga suwail ay sapilitang maninirahan sa isang napakainit at tuyot na lupain.
\s5
\q
\v 7 Pinalaya mo ang iyong bayan mula sa Ehipto, O Diyos, at sinamahan mo sila sa disyerto.
\q
\v 8 Pagkatapos nito, nayanig ang lupain sa Bundok ng Sinai nang ikaw ay nagpakita sa iyong bayan, at bumuhos ang ulan mula sa kalangitan, at ang bayan mo ay sumamba sa iyo.
\s5
\q
\v 9 Pinabuhos mo ang saganang ulan doon sa ilang, at pinalago muli ang mga magagandang pananim sa lupain na ibinigay mo sa aming mga Israelita.
\q
\v 10 Nagtayo ang iyong bayan ng mga bahay doon; dahil naging mabuti ka sa kanila, nagbigay ka ng pagkain para sa mga mahihirap.
\s5
\q
\v 11 Sinabi ng Diyos ang mensaheng ito, at marami ang nagdala ng kaniyang mensahe sa iba't ibang lugar.
\q
\v 12-13 Sinabi nila, "Maraming hari at kanilang mga hukbo ang tumatakbo palayo mula sa aming hukbo!" Nang inuwi ng aming hukbo ang mga bagay na nakuha nila, pinaghati-hatian ng mga babae sa bahay ang mga iyon at ibinahagi ito sa kani-kanilang mga pamilya. Nakakuha sila ng mga rebulto ng mga kalapati na nababalot ang pakpak ng pilak at nababalot ng purong ginto ang mga balahibo. Pero ang ilan sa kanila ay naiwan sa pastulan at hindi sumama sa digmaan. Bakit hindi kayo pumunta?
\s5
\q
\v 14 Nang tinalo ng Makapangyarihang Diyos ang kaniyang mga kaaway na hari at kanilang mga hukbo, naalala ko ang pag-ulan ng niyebe sa Bundok ng Salmon!
\q
\v 15 Mayroon doong napakataas na bundok sa bulubunduking bayan ng Bashan, isang bundok na maraming mga taluktok.
\q
\v 16 Pero ang mga taong naninirahan malapit sa bundok na iyon ay hindi dapat mainggit sa mga nakatira malapit sa Bundok ng Sion, ang bundok na pinili ng Diyos na panahanan! Mananahan doon si Yahweh magpakailanman!
\s5
\q
\v 17 Pagkatapos naming matalo ang lahat ng aming mga kalaban, tila ang Panginoon, na pinapalibutan ng libo-libong malalakas na karwahe, ay bumaba mula sa Bundok ng Sinai at pumunta sa banal na templo sa Jerusalem.
\q
\v 18 Umakyat siya sa banal na bundok kung nasaan ang kaniyang templo kasama ang maraming tao na nabihag sa mga digmaan; tumanggap siya ng mga kaloob mula sa kaniyang mga kaaway na kaniyang tinalo. Tumanggap siya ng mga kaloob kahit mula sa mga suwail, at si Yahweh, ang aming Diyos, ay mananahan doon sa kaniyang banal na templo magpakailanman.
\s5
\q
\v 19 Purihin ang Panginoon, na umaalalay sa amin araw-araw; siya ang nagliligtas sa amin.
\q
\v 20 Ang aming Diyos, ang Diyos na nagliligtas sa amin, siya si Yahweh, ang aming Panginoon, ang tumulong sa amin na makaligtas mula sa kamatayan noong kami ay nakikipagdigma.
\q
\v 21 Pero dudurugin ng Diyos ang ulo ng aming mga kaaway, ang mga taong patuloy nagkakasala.
\s5
\q
\v 22 Sinabi ng Diyos, "Ibabalik ko ang iyong mga kaaway na namatay sa Bashan, at ibabalik ko ang mga nalunod sa karagatan.
\q
\v 23 Gagawin ko ito para mahugasan ang inyong mga paa sa kanilang dugo, at didilaan ng mga aso niyo ang dugo ng inyong mga kaaway."
\s5
\q
\v 24 Nakita ng lahat, O Diyos, ang iyong prusisyon ng katagumpayan sa banal mong templo sa pagdiriwang ng pagtatagumpay laban sa iyong mga kaaway. Naglakad ka tulad ng isang hari.
\q
\v 25 Ang mga mang-aawit ay nasa harapan, ang mga manunugtog ay nasa likuran at ang mga dalaga ay nagsasayawan gamit ang kanilang mga tamburin sa kanilang kalagitnaan.
\s5
\q
\v 26 Lahat sila ay umaawit, "Kayong mga Israelita, purihin niyo ang Diyos sa inyong pagtitipon, purihin niyo si Yahweh!"
\q
\v 27 Unang pupunta ang mga angkan ni Benjamin, ang pinakamaliit na angkan, at kasunod nila ang mga pinuno ng angkan ng Juda at kanilang pangkat, at kasunod nila ang mga pinuno ng mga angkan nina Zebulun at Naptali.
\s5
\q
\v 28 Kayong mga Israelita, pinalakas tayo ng Diyos. Tulungan mo kami, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan gaya ng pagtulong mo sa amin dati.
\q
\v 29 Ipakita mo sa amin ang iyong lakas mula sa templo sa Jerusalem kung saan ang mga hari ay magdadala ng mga kaloob sa iyo.
\s5
\q
\v 30 Sumigaw ka habang tinatalo mo ang iyong mga kaaway gaya ng mga taga-Ehipto, na parang mga mababangis na hayop sa mga damuhan. Sumigaw ka habang tinatalo mo ang mga makapangyarihang bansa, gaya ng kawan ng mga toro. Ipahiya mo sila; payukuin mo sila at magbigay sila ng kaloob sa iyo. Itaboy mo at ikalat mo ang mga taong mahilig makipagdigma sa ibang mga bansa.
\q
\v 31 Pagkatapos, ang mga pinuno ng Ehipto ay magkakaloob sa iyo, at ang mga taga-Etiopia ay magtataas ng kanilang mga kamay para purihin ka.
\s5
\q
\v 32 Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, umawit kayo sa Diyos! Umawit kayo ng mga papuri kay Yahweh!
\q
\v 33 Umawit kayo sa Diyos na nasa langit, ang langit na nilikha niya noong unang panahon. Makinig kayo habang sumisigaw siya ng may makapangyarihang tinig.
\s5
\q
\v 34 Ipahayag na ang Diyos ay makapangyarihan; siya ang hari na namumuno sa buong Israel at ipinapakita rin niya ang kaniyang kapangyarihan sa kalangitan.
\q
\v 35 Kahanga-hanga ang Diyos sa kaniyang banal na templo; siya ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita. Nagbibigay siya ng kapangyarihan at kalakasan sa kaniyang bayan. Purihin ang Diyos!
\s5
\c 69
\p
\v 1 Iligtas mo ako, O Diyos, dahil nanganganib ang buhay ko. Tila nakalubog ako sa baha at dahan-dahang nalulunod.
\q
\v 2 Tila palubog ako nang palubog sa malalim na putikan, at wala akong matapakan na matibay na lupa. Ako ay nasa malalim na katubigan, at rumaragasa ang baha sa akin.
\s5
\q
\v 3 Pagod na pagod na ako sa kahihingi ng tulong; nanunuyo na ang aking lalamunan. Namumugto ang mga mata ko dahil sa kaiiyak sa paghingi ng tulong sa Diyos.
\q
\v 4 Lahat ng napopoot sa akin ng walang kadahilanan ay mas marami pa sa buhok sa aking ulunan! Ang mga gustong pumuksa sa akin ay malakas, at naagsasabi sila ng mga kasinungalingan ukol sa akin. Pinababalik nila ang mga bagay na hindi ko naman ninakaw!
\s5
\q
\v 5 Nakikita mo ang mga kasalanang nagawa ko, O Diyos. Alam mo na naging hangal ako sa pagsuway sa iyong mga kautusan.
\q
\v 6 O Yahweh na aking Diyos, pinuno ng mga hukbong-anghel, huwag mong hayaang dahil sa mga kasalanan ko, mapahiya ang mga nagtitiwala sa iyo. O Diyos na sinasamba naming mga Israelita, huwag mong hayaang mapahiya sila dahil sa akin.
\s5
\q
\v 7 Nilait ako ng mga tao dahil tapat ako sa iyo. Lubusan nila akong pinahiya.
\q
\v 8 Maging ang mga nakatatanda kong kapatid ay parang itinakwil ako at itinuturing nila ako na parang isang dayuhan.
\q
\v 9 Nilapastangan ng mga tao ang iyong templo; pero dahil sinikap kong panatilihing banal ang iyong templo, ginulo ako ng mga tao. Kaya ang mga nang-iinsulto sa iyo ay iniinsulto na rin ako.
\s5
\q
\v 10 Noong nag-ayuno ako para ipakita ang paghihinagpis ko dahil sa paglapastangan nila sa iyong templo, nilait lang nila ako.
\q
\v 11 Kapag nagsusuot ako ng sako para ipakita na malungkot ako, tinatawanan nila ako.
\q
\v 12 Kahit ang mga nakakatanda sa lungsod ay nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa akin. Kumakanta ang mga lasenggo sa lungsod ng mga kasuklam-suklam na kanta tungkol sa akin.
\s5
\q
\v 13 Pero patuloy akong mananalangin sa iyo, Yahweh. Sa panahong itinakda mo, sagutin mo ako at sagipin dahil tapat mo akong iniibig, gaya ng ipinangako mo.
\q
\v 14 Huwag mo nang hayaan na manghina pa ako. Iligtas mo ako mula sa mga galit sa akin!
\q
\v 15 Huwag mong hayaan ang rumaragasang baha ay pumalibot sa akin; huwag mong hayaang lamunin ako ng putik; ingatan mo na huwag akong lumubog sa kamatayan.
\s5
\q
\v 16 Sagutin mo ang panalangin ko, Yahweh at tulungan mo ako dahil mabuti ka at tapat sa iyong pag-ibig sa akin.
\q
\v 17 Huwag mong itago ang sarili mo sa akin; tugunin mo agad ako dahil lubos na nanganganib ang buhay ko.
\s5
\q
\v 18 Lumapit ka sa akin at iligtas ako; sagipin mo ako mula sa aking mga kaaway.
\q
\v 19 Alam mo na minamaliiit ako, hinihiya ako at binabastos ako ng mga tao; kilala mo ang mga kaaway ko.
\s5
\q
\v 20 Sobrang nasaktan ako sa mga panlalait nila-- wala akong magawa. Naghanap ako ng taong maaawa sa akin pero walang ni isa ang naawa sa akin. Nais ko na mayroong magpapalakas ng loob ko, pero wala.
\q
\v 21 Sa halip, binigyan nila ako ng pagkain na lasang lason, at nang nauhaw ako, binigyan nila ako ng suka para inumin.
\s5
\q
\v 22 Sana malason sila sa sarili nilang pagkain; sana mangyari ito habang iniisip nilang ligtas sila.
\q
\v 23 Sana magdilim ang kanilang mga mata nang wala silang makita at ang kanilang mga likod ay humina nang humina.
\s5
\q
\v 24 Ipakita mo sa kanila na galit na galit ka sa kanila! Sa matinding galit mo, habulin mo at hulihin sila.
\q
\v 25 Hayaan mong maging wasak ang kanilang mga bayan; nawa walang manirahan sa kanilang mga tolda.
\s5
\q
\v 26 Gawin mo ito dahil inuusig nila ang mga pinarusahan mo, tinitingnan nila kung paano nagdurusa ang mga pinarusahan mo, at ipinagsasabi nila sa iba ang tungkol dito.
\q
\v 27 Huwag mong kalimutan ang mga kasalanang ginagawa nila at parusahan mo sila sa kasamaan nila.
\s5
\q
\v 28 Huwag mo silang bigyan ng buhay na walang hanggan mula sa aklat ng buhay; huwag mo silang isama sa matutuwid.
\q
\v 29 Nahihirapan ako at nasasaktan. Sagipin mo ako at ingatan, O Diyos.
\s5
\q
\v 30 Kapag ginawa ito ng Diyos, aawit ako ng papuri sa Diyos, at pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa kaniya.
\q
\v 31 Mas malulugod si Yahweh dito kaysa sa pag-aalay ko ng mga baka at mga toro.
\s5
\q
\v 32 Makikita ng mga naaapi na iniligtas ako ng Diyos, at matutuwa sila. Nawa lumakas ang loob ng lahat ng humihingi ng saklolo sa Diyos.
\q
\v 33 Nakikinig si Yahweh sa mga nangangailangan; hindi niya isinasawalang-bahala ang mga naghirap para sa kaniya.
\s5
\q
\v 34 Nawa purihin ang Diyos ng lahat ng nasa langit at lupa, at lahat ng kaniyang nilikha na nasa karagatan.
\q
\v 35 Ililigtas ng Diyos ang kaniyang bayan mula sa kaniyang mga kaaway, at muli niyang itatayo ang mga bayan na nasa Juda. Maninirahan ang kaniyang bayan doon at muling aangkinin ang lupain.
\q
\v 36 Mamanahin ito ng mga kaapu-apuhan ng kaniyang bayan, at mamumuhay doon ng ligtas ang mga nagmamahal sa kaniya.
\s5
\c 70
\p
\v 1 O Diyos, pakiusap iligtas mo ako! Yahweh, agad mo akong tulungan!
\q
\v 2 Hiyain mo ang mga masaya dahil sa aking mga kagulugan, sa mga nagtatangka na patayin ako. Habulin mo sila palayo; hayaan mong hiyain sila ng bawat tao, dahil gusto nila akong makitang nagdurusa.
\q
\v 3 Umaasa ako na idudulot mo na mapanghinaan sila ng loob at mapahiya dahil naging masaya sila tungkol sa aking mga problema.
\s5
\q
\v 4 Pero umaaasa ako na lahat ng nananalangin sa iyo ay magalak dahil sa iyo. Umaasa ako na lahat ng naghihintay sa iyo para iligtas mo sila ay magsasabing, "Dakila ang Diyos!"
\q
\v 5 Ako naman, ako ay mahirap at nangangailangan; kaya aking Diyos, pumunta ka na agad! Yahweh, ikaw lang ang nagliligtas at tumutulong sa akin, kaya pakiusap, pumunta ka na agad!
\s5
\c 71
\p
\v 1 Yahweh, lumapit ako sa iyo para maligtas; kailanman huwag mo akong hayaang mapahiya.
\q
\v 2 Dahil laging tama ang ginagawa mo; tulungan mo ako at sagipin, pakinggan mo ako at iligtas!
\q
\v 3 Maging tulad ka ng isang malaking bato kung saan ligtas ako. Inutos mo sa mga anghel na sagipin ako.
\s5
\q
\v 4 O Diyos, sagipin mo ako mula sa masasama, mula sa kapangyarihan ng mga hindi makatarungan at sa mga masasama.
\q
\v 5 Yahweh, Panginoon ko, ikaw ang inaasahan kong tumutulong sa akin, nagtitiwala ako sa iyo mula noong bata pa ako.
\s5
\q
\v 6 Nagtiwala ako sa iyo sa buong buhay ko; inalagaan mo ako mula pa sa araw ng aking kapanganakan, kaya pupurihin kita sa lahat ng oras.
\q
\v 7 Naging halimbawa sa maraming tao kung paano mo ako iniligtas dahil nalaman nila na ikaw ang malakas na tagapagtanggol ko.
\s5
\q
\v 8 Pupurihin kita buong araw, ihahayag ko na ikaw ay maluwalhati.
\q
\v 9 Ngayon matanda na ako huwag mo akong talikuran; huwag mo akong pabayaan ngayon na mahina na ako.
\s5
\q
\v 10 Sinasabi ng aking mga kaaway na gusto nila akong patayin; sama-sama silang nag-uusap at nagbabalak kung paano nila iyon gagawin.
\q
\v 11 Sinasabi nila, "Iniwan na siya ng Diyos; maaari na natin siyang habulin at dakpin dahil walang magliligtas sa kaniya."
\s5
\q
\v 12 O Diyos, huwag kayong lumayo sa akin; tulungan mo ako agad!
\q
\v 13 Ipatalo mo at ipawasak ang mga naninira sa akin; ipahiya at gawin mong katawa-tawa ang mga gustong manakit at manghiya sa akin.
\s5
\q
\v 14 Para sa akin, magpapatuloy ako at magtitiwalang aasa na gagawa ka ng mga dakilang bagay para sa akin, at pupurihin kita ng mas higit pa.
\q
\v 15 Sasabihin ko sa mga tao na ginagawa mo kung ano ang tama; buong araw kong sasabihin sa mga tao kung paano mo ako iniligtas, kahit na ang ginawa mo ay hindi ko maintindihan.
\q
\v 16 Yahweh, aking Panginoon, pupurihin kita sa makapangyarihan mong ginawa; ihahayag ko na ikaw lang ang parating kumikilos ng makatarungan.
\s5
\q
\v 17 O Diyos, tinuruan mo ako ng maraming bagay mula pa sa aking kabataan, sinasabi ko pa rin sa mga tao ang tungkol sa kahanga-hangang mga ginawa mo.
\q
\v 18 Ngayon, O Diyos, kapag matanda na ko at puti na ang buhok ko, huwag mo akong pabayaan. Samahan mo ako habang patuloy kong ihinahayag ito sa mga anak at mga apo ko.
\s5
\q
\v 19 O Diyos, gumagawa ka ng matutuwid na bagay; na parang umabot ito hanggang sa himpapawid. Gumagawa ka ng mga kahanga-hangang bagay; wala kang katulad.
\q
\v 20 Hinayaan mo na magkaroon kami ng maraming problema at magdusa, pero palalakasin mo kami ulit; sa bingit ng kamatayan pananatilihin mo kaming buhay.
\s5
\q
\v 21 Pararangalan at papalakasin mo ulit ang loob ko.
\q
\v 22 Pupurihin kita habang tinutugtog ko ang aking alpa; pupurihin kita, aking Diyos, sa pagiging tapat mo sa mga pangako mo. Tutugtugin ko ang mga himno para purihin ka, ang banal na Diyos na sinasamba naming mga Israelita.
\s5
\q
\v 23 Sisigaw ako sa galak habang umaawit; aawit ang buo kong pagkatao dahil iniligtas mo ako.
\q
\v 24 Buong araw kong sasabihin sa mga tao na kumikilos ka ng matuwid dahil natalo at napahiya mo ang mga gustong manakit sa akin.
\s5
\c 72
\p
\v 1 O Diyos, bigyang mo ng kakayahan ang hari na itinalaga mo sa Israel na mamahala ng makatarungan. Ipakita mo sa kaniya kung paano humatol ng patas sa mga bagay,
\q
\v 2 nang sa gayon makapaghatol siya nang patas sa bayan mo at maaari mapamunuan niya ang inuusig mong bayan nang makatarungan.
\q
\v 3 Hinahangad ko na sa buong bansa, kahit sa mga burol at kabundukan, mamuhay ang mga tao nang payapa at matuwid.
\s5
\q
\v 4 Tulungan mo ang iyong hari na ipagtanggol ang mahihirap at sagipin ang mga nangangailangan at talunin ang mga nang-aapi sa kanila.
\q
\v 5 Ninanais ko na mabuhay ang iyong hari hanggang ang araw at buwan ay nagliliwanag, magpakailanman.
\s5
\q
\v 6 Ninanais ko na ikasaya ng mga tao ang pamumuno niya tulad ng pagsasaya nila sa ulan sa mga patubong pananim, katulad ng pagsasaya nila sa ulan na pumapatak sa lupa.
\q
\v 7 Umaasa ako na nawa ang mga tao ay mamuhay nang matuwid sa mga taong namumuno siya at nawa mamuhay sila nang payapa at masagana hanggang nagliliwanag ang buwan.
\s5
\q
\v 8 Umaasa ako na pamunuan ng hari ng Israel ang mga tao sa lahat ng dako mula sa dagat sa silangan hanggang sa isa pa sa kanluran at mula sa Ilog Eufrates at sa pinakaliblib na mga lugar sa mundo.
\q
\v 9 Umaasa ako na yumuko sa harapan niya ang mga namumuhay sa ilang at magpatirapa sa lupa ang mga kalaban niya bilang pagpapasakop sa ating hari.
\q
\v 10 Umaasa ako na magbayad ng mga buwis sa hari ng Israel ang hari ng Tarsis at ang mga hari ng mga isla sa dagat. Umaasa ako na magdala ng mga handog ang hari ng Sheba sa timog at ang hari ng Seba sa timog-kanluran para sa kaniya.
\s5
\q
\v 11 Umaasa ako na nawa ay yumuko ang mga hari sa mundo sa hari ng Israel at magsilbi ang mga tao sa lahat ng mga bansa sa ating hari.
\q
\v 12 Niligtas niya ang mga mahihirap nang umiiyak sila para humingi ng tulong at tinutulungan niya ang mga nangangailangan at ang sinumang walang tumutulong.
\s5
\q
\v 13 Naaawa siya sa mga mahihina at nangangailangan; nililigtas niya ang buhay ng mga tao.
\q
\v 14 Nililigtas ng ating hari ang mga tao mula sa pang-aapi at sa pionagmalupitan dahil mahalaga sa ating hari ang kanilang buhay.
\s5
\q
\v 15 Umaasa akong mabuhay nawa sa mahabang panahon ang hari! Umaasa akong bigyan siya nawa ng ginto mula sa Sheba. Nais ko na manalangin nawa ang mga tao palagi para sa hari at purihin siya sa lahat ng oras, araw-araw
\q
\v 16 Umaasa ako na mamunga nawa ng maraming butil sa lahat ng dako, maging sa tuktok ng mga burol sa lupain kung saan siya namumuno, gaya ng butil na lumalaki sa mga burol ng Lebanon. Umaasa ako na mapupuno ng mga tao ang mga lungsod ng Israel gaya ng mga bukid na puno ng mga damo.
\s5
\q
\v 17 Nais ko na hindi kailanman makalimutan ang pangalan ng hari. Umaasa ako na maalala nawa siya ng mga tao hanggang sumisikat ang araw. Umaasa ako na purihin nawa ng mga tao si Yahweh, ang Diyos ng Israel, gaya ng pagpapala niya sa hari ng Israel.
\s5
\q
\v 18 Purihin si Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita; siya lamang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga bagay.
\q
\v 19 Purihin siya magpakailanman! Nais ko na ang kaluwalhatian niya nawa ay punuin ang buong mundo! Amen! Nawa mangyari ito!
\q
\v 20 Ito ang wakas ng mga panalangin na isinulat ni David, na anak ni Jesse.
\s5
\c 73
\p
\v 1 Ang Diyos ay tunay na mabuti sa aming mga Israelita, sa mga may gustong gawin ng buong puso ang mga ninanais ng Diyos.
\q
\v 2 Para sa akin, halos tumigil na akong magtiwala sa Diyos; muntik na akong magkasala laban sa kaniya
\q
\v 3 dahil nakita ko ang mga taong nagmamalaking sabihin na hindi na nila kailangan ang Diyos, at nais kong maging katulad nila. Nakita ko na sila ay yumaman kahit sila ay masasama.
\s5
\q
\v 4 Hindi naghirap ang mga taong iyon mula sa karamdaman; lagi silang malakas at malusog.
\q
\v 5 Wala silang mga kaguluhan na mayroon ang ibang tao; wala silang mga problema tulad ng iba.
\s5
\q
\v 6 Kaya sila ay mayayabang, kasing yabang ng isang babae na may magandang kwintas. Pinagmamayabang pa nila ang kanilang karahasan tulad ng iba na ipinagmamayabang ang kanilang magandang damit.
\q
\v 7 Lumalabas sa kanilang kaloob-looban ang mga masasamang gawain, at lagi nilang iniisip ang paggawa ng marami pang kasamaan.
\s5
\q
\v 8 Hinahamak nila ang ibang tao, at pinag-uusapan nila ang tungkol sa paggawa ng mga masasamang bagay para sa kanila; nagmamalaki sila habang nagpaplano para apihin ang iba.
\q
\v 9 Nagsasalita sila ng mga masasamang bagay tungkol sa Diyos, na nasa langit, at nagsasalita sila nang may kayabangan tungkol sa mga bagay na kanilang nagawa dito sa mundo.
\s5
\q
\v 10 Bunga nito, nakinig ang mga tao sa lahat ng sinabi nila.
\q
\v 11 Sinabi ng masasamang tao sa kanilang sarili, "Siguradong hindi malalaman ng Diyos kung ano ang ginawa natin; ang sabi ng ibang tao mas dakila siya sa ibang diyus-diyosan, pero hindi niya ito malalaman."
\q
\v 12 Ganoon ang mga masasamang tao; wala silang pakialam sa anumang bagay, at lalo silang yumayaman.
\s5
\q
\v 13 Kaya, O Diyos, parang balewala ang lahat ng ginawa ko ayon sa kagustuhan mo at ang hindi ko pagkakasala.
\q
\v 14 Araw-araw akong may problema, at kada umaga mo akong pinaparusahan.
\q
\v 15 Pero kung ipagsisigawan ko ito sa ibang tao, ako ay magkakasala laban sa iyong bayan.
\s5
\q
\v 16 Nang sinubukan kong isipin ang tungkol dito, nahirapan akong intindihin ito.
\q
\v 17 Pero nang pumunta ako sa iyong templo, nangusap ka sa akin, at naintindihan ko kung ano ang mangyayari sa masasama pagkatapos nilang mamatay.
\s5
\q
\v 18 Sigurado na ako ngayon, na ilalagay mo sila sa mapanganib na mga lugar kung saan babagsak sila at mamamatay.
\q
\v 19 Agad silang mawawasak; mamamatay sila sa kakila-kilabot na mga paraan.
\q
\v 20 Mawawala sila na kasing bilis ng paglipas ng panaginip kapag nagising na ang tao sa umaga; Panginoon, kapag bumangon ka, hahayaan mong maglaho sila.
\s5
\q
\v 21 Nang nalungkot ako at nasaktan ang kalooban ko,
\q
\v 22 Ako ay naging hangal at mangmang, at umasal na parang hayop sa iyo.
\s5
\q
\v 23 Pero lagi akong malapit sa iyo, at hawak mo ang aking kamay.
\q
\v 24 Ginagabayan mo ako sa pamamagitan ng pagtuturo mo sa akin, at sa wakas ng aking buhay, tatanggapin mo ako at pararangalan.
\s5
\q
\v 25 Ikaw ay nasa langit, at ako ay pag-aari mo; wala akong hinahangad sa mundong ito ng higit pa roon.
\q
\v 26 Ang aking katawan at isipan ay maaaring manghina; pero, O Diyos, patuloy mo akong binibigyan ng kalakasan; pag-aari mo ako magpakailanman.
\s5
\q
\v 27 Ang sinumang nananatiling malayo mula sa iyo ay mawawasak; palalayasin mo ang mga tumatalikod sa iyo.
\q
\v 28 Pero para sa akin, kahanga-hanga ang maging malapit sa Diyos at mapangalagaan ni Yahweh at ipahayag sa iba ang lahat ng nagawa niya para sa akin.
\s5
\c 74
\p
\v 1 O Diyos, bakit mo kami pinabayaan? Bakit mo kami tinatanggihan? Bakit ka nagagalit sa amin kung kami ang mga tupa sa iyong pastulan at ikaw ang aming pastol?
\q
\v 2 Huwag mong kalimutan ang pinili mong bayan noon pa man, ang mga pinalaya mo sa pagka-alipin sa Ehipto at tinanggap mo sa iyong pamilya. Huwag mong kalimutan ang Jerusalem, na iyong tahanan sa daigdig na ito.
\s5
\q
\v 3 Lumakad ka at pagmasdan ang lahat ng mga nawasak; winasak ng aming mga kaaway ang lahat ng bagay sa banal na templo.
\q
\v 4 Sumigaw sa katagumpayan ang iyong mga kaaway sa banal na lugar na ito; itinayo nila ang kanilang mga bandera para ipakita na tinalo nila kami.
\q
\v 5 Pinutol nila ang lahat ng mga inukit na bagay sa templo gaya ng pagputol sa mga puno ng mga magtotroso.
\q
\v 6 Pagkatapos dinurog nila ang lahat ng inukit na kahoy gamit ang kanilang mga palakol at mga maso.
\s5
\q
\v 7 Pagkatapos, sinunog nila ang iyong templo; para hindi na ito maging karapat-dapat na sambahan ng mga tao.
\q
\v 8 Sinabi nila sa kanilang sarili, "Tuluyan naming wawasakin ang mga Israelita," at sinunog din nila ang iba pang mga lugar kung saan nagtitipon-tipon kami para sumamba sa iyo.
\s5
\q
\v 9 Lahat ng aming banal na mga simbolo ay nawala; wala nang propeta ngayon, at walang sinuman ang nakaaalam kung hanggang kailan ito magpapatuloy.
\q
\v 10 O Diyos, gaano katagal ka pagtatawanan ng aming mga kaaway? Iinsultuhin ka ba nila?
\q
\v 11 Bakit ayaw mo kaming tulungan? Bakit mo itinago ang iyong kamay sa loob ng balabal sa halip na gamitin ito para wasakin ang aming mga kaaway?
\s5
\q
\v 12 O Diyos, ikaw ang hari sa lahat ng panahon mula nang lumabas kami sa Ehipto, at hinayaan mo kaming talunin ang aming mga kaaway sa lupain ng Israel.
\q
\v 13 Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan hinati mo ang dagat; dinurog mo ang mga ulo ng mga namamahala sa Ehipto na tulad ng mga malalaking hayop sa dagat.
\s5
\q
\v 14 Dinurog mo ang ulo ng hari ng Ehipto at ipinakin ang kaniyang katawan sa mga hayop sa ilang.
\q
\v 15 Idinulot mo na ang mga bukal at mga batis ay dumaloy, at tinuyo mo rin ang mga ilog na hindi pa natuyo dati.
\s5
\q
\v 16 Nilikha mo ang mga araw at mga gabi, at inilagay mo ang araw at ang buwan sa kanilang mga lugar.
\q
\v 17 Tinukoy mo kung saan magtatapos ang mga dagat at magsisimula ang lupain, at nilikha mo ang tag-araw at taglamig.
\s5
\q
\v 18 Yahweh, huwag mong kalimutan na pinagtawanan ka ng mga kaaway mo at ang mga hangal na humahamak sa iyo.
\q
\v 19 Huwag mong pabayaan ang mahina mong bayan na mapasakamay sa malulupit nilang mga kaaway; huwag mong kalimutan ang naghihirap mong bayan.
\s5
\q
\v 20 Patuloy mong isipin ang iyong tipan sa amin; alalahanin mo na may mga mararahas na tao sa bawat magulong lugar sa daigdig.
\q
\v 21 Huwag mong hayaang mapahiya ang iyong inaping bayan; tulungan mo ang mga mahihirap at nangangailangan para muli ka nilang mapapurihan.
\s5
\q
\v 22 O Diyos, tumindig ka at ipagtanggol ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtatanggol sa iyong bayan! Huwag mong kalimutan na lagi kang pinagtatawanan ng mga hangal!
\q
\v 23 Huwag mong kalimutan na hinahamak ka ng iyong mga kaaway; hindi sila tumitigil sa paghiyaw habang patuloy ka nilang sinasalungat.
\s5
\c 75
\p
\v 1 Nagpapasalamat kami sa iyo; aming Diyos, salamat sa iyo. Malapit ka sa amin, at ipinapahayag namin sa iba ang kahanga-hangang mga bagay na iyong ginawa para sa amin.
\q
\v 2 Sinabi mo, "May itinakda akong panahon kung kailan hahatulan ko ang lahat ng tao, at hahatulan ko ang bawat isa nang walang kinikilingan.
\q
\v 3 Kapag lumindol ang daigdig at ang lahat ng nilalang ay nanginig, ako ang siyang magpapanatili sa pundasyong ito.
\s5
\q
\v 4 Sinasabi ko sa mga taong nagyayabang, "Tigilan ninyo ang pagmamagaling!' at ang sabi ko naman sa masasama, 'Huwag kayong pasikat!"
\q
\v 5 Huwag kayong maging mapagmataas, at huwag magsalita nang may kayabangan!
\q
\v 6 Ang siyang hahatol sa mga tao ay hindi nagmumula sa silangan o sa kanluran, at hindi siya nagmumula sa ilang.
\s5
\q
\v 7 Ang Diyos ang siyang hahatol sa mga tao; ipinapahiya niya at pinarurusahan ang ilan, at pinaparangalan niya ang iba.
\q
\v 8 Ito ay parang hawak ni Yahweh ang isang tasa sa kaniyang kamay; ito ay puno ng matapang na alak na nakalalasing nang husto; at kapag ibinuhos ito ni Yahweh, pipilitin niya ang lahat ng mga masasamang tao na inumin ito; iinumin nila ang bawat patak nito; lubos niya silang paparusahan.
\s5
\q
\v 9 Pero para sa akin, hindi ako titigil magsabi kung ano ang ginawa ng Diyos na sinamba ni Jacob; hindi ako kailanman titigil sa pag-awit ng papuri sa kaniya.
\q
\v 10 Ipinapangako niya ito: "Wawasakin ko ang kapangyarihan ng mga masasamang tao, pero palalakasin ko ang kapangyarihan ng mga matutuwid."
\s5
\c 76
\p
\v 1 Ipinakilala ng Diyos ang kaniyang sarili sa bayan ng Juda; pinararangalan siya ng mga taga-Israel.
\q
\v 2 Nakatira siya sa Jerusalem; naninirahan siya sa Bundok ng Sion.
\q
\v 3 Sinira niya roon ang nagliliyab na palaso na pinana ng kaniyang mga kaaway, at sinira niya rin ang kanilang mga kalasag at mga espada at ibang mga sandatang ginamit nila sa mga labanan.
\s5
\q
\v 4 O Diyos, ikaw ay makapangyarihan! Gaya ka ng isang dakilang hari na bumalik mula sa mga bundok kung saan tinalo mo ang iyong mga kalaban.
\q
\v 5 Ang kanilang mga matatapang na sundalo ay pinatay, at ang kanilang mga pag-aari ay kinuha. Ang mga kalaban na iyon ay namatay; tunay nga, walang sinuman sa kanila ang makalalaban pa.
\s5
\q
\v 6 Nang sinaway mo ang iyong mga kalaban, O Diyos na sinamba ni Jacob, namatay ang kanilang mga kabayo at ang mga sakay nito.
\q
\v 7 Tunay nga, tinakot mo ang bawat isa. Kapag galit ka at pinaparusahan mo ang mga tao, walang sinuman ang makatatagal dito.
\s5
\q
\v 8 Ipinahayag mo mula sa langit na hahatulan mo ang mga tao, at ililigtas ang lahat ng mga inapi nila kaya bawat isa sa daigdig ay natakot at wala nang masabi pa
\q
\v 9 nang tumindig ka para ipahayag na parurusahan mo ang mga taong masasama at ililigtas ang lahat ng mga inapi.
\s5
\q
\v 10 Kapag pinarusahan mo ang mga kinapopootan mo, pupurihin ka ng iyong bayan, at ang mga kaaway mo na nakaligtas ay sasamba sa iyo sa mga araw ng iyong pagdiriwang.
\s5
\q
\v 11 Kaya dalhin kay Yahweh ang mga handog na ipinangako mo sa kaniya; lahat ng mga katabing bayan ay dapat ding magdala ng mga kaloob sa kaniya, siya na kahanga-hanga.
\q
\v 12 Ibinababa niya ang mga pinuno, at sinisindak ang mga hari.
\s5
\c 77
\p
\v 1 Iiyak ako sa Diyos; iiyak ako nang malakas sa kanya, at makikinig siya sa akin.
\s5
\q
\v 2 Nang nagkaroon ako ng kaguluhan, nanalangin ako sa Panginoon; buong gabi kong itinaas ang mga kamay ko habang nanalangin ako, pero walang makapagbigay ng kaaliwan sa akin.
\q
\v 3 Nang inisip ko ang Diyos, nawalan ako ng pag-asa; nang iniisip-isip ko siya, napanghinaan ako ng loob.
\s5
\q
\v 4 Tuwing gabi hindi niya ako pinapatulog; sobra akong nag-aalala na hindi ko alam ang sasabihin ko.
\q
\v 5 Naisip ko ang mga araw na nagdaan; naalala ko ang mga nangyari noong nakaraang mga taon.
\s5
\q
\v 6 Buong gabi kong iniisip ang mga bagay-bagay; nagninilay-nilay ako, at ito ang tinanong ko sa aking sarili:
\q
\v 7 "Lagi ba akong tatanggihan ng Diyos? Hindi na ba siya masisiyahan sa akin?
\s5
\q
\v 8 Tumigil na ba siyang magmahal nang tapat sa akin? Hindi na ba niya gagawin ang ipinangako niya na gagawin niya?
\q
\v 9 Nangako ang Diyos na kikilos ng awa sa akin; nakalimutan niya na ba iyon? Dahil galit siya sa akin, napagpasyahan niya na ba na hindi na maging mabait sa akin?"
\s5
\q
\v 10 Sabi ko, "Ang nakapagpapalungkot sa akin nang labis ay parang ang Diyos, na higit sa lahat ng diyos, ay hindi na ginagamit ang kaniyang kapangyarihan para sa atin."
\s5
\q
\v 11 Pero pagkatapos naalala ko ang mga dakilang bagay na ginawa mo Yahweh; naalala ko ang mga kahanga-hangang mga bagay na ginawa mo dati.
\q
\v 12 Nagninilay-nilay ako sa lahat ng iyong ginawa, at iniisip ko ang iyong makapangyarihang mga ginawa.
\s5
\q
\v 13 O Diyos, lahat ng ginawa mo ay kamangha-mangha; tiyak na walang diyos na mas dakila kaysa sa iyo!
\q
\v 14 Ikaw ang Diyos, ang gumagawa ng mga himala; pinakita mo sa mga mamamayan ng maraming bayan na ikaw ay makapangyarihan.
\q
\v 15 Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan niligtas mo ang iyong bayan mula sa Ehipto; niligtas mo ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at kaniyang anak na si Jose.
\s5
\q
\v 16 Tila nakita ka ng katubigan at natakot nang labis, at kahit na ang pinakamalalim na bahagi ng tubig ay nayanig.
\q
\v 17 Bumuhos ang ulan mula sa mga ulap; kumulog ng sobrang lakas, at nagkislapan ang kidlat sa lahat ng mga dako.
\s5
\q
\v 18 Dumagundong ang boses mo na parang kulog sa ipu-ipo. Nagliwanag ang kidlat, at ang lupa ay nayanig nang matindi.
\q
\v 19 Pagkatapos, lumakad ka sa dagat sa daanan na iyong ginawa sa kailaliman ng tubig, pero ang bakas ng iyong mga paa ay hindi makita.
\q
\v 20 Inakay mo ang iyong bayan gaya ng pastol na inaakay ang kaniyang kawan ng tupa habang si Moises at Aaron ang pinuno ng iyong bayan.
\s5
\c 78
\p
\v 1 Aking mga kaibigan, makinig kayo sa aking ituturo; makinig kayo nang mabuti sa aking sasabihin.
\q
\v 2 Magbibigay ako sa inyo ng ilang mga kawikaan na sinabi ng mga matatalinong tao. Ito ang mga kawikaan tungkol sa mga bagay na nangyari na noon, mga bagay na mahirap unawain.
\s5
\q
\v 3 Ito ang mga bagay na narinig natin at alam na natin noon, mga bagay na sinabi ng ating mga magulang at mga ninuno.
\q
\v 4 Sasabihin natin ang mga bagay na ito sa ating mga anak, pero sasabihin din natin ito sa ating mga apo, ang tungkol sa kapangyarihan ni Yahweh at ang maluwalhating mga bagay na ginawa niya.
\s5
\q
\v 5 Nagbigay siya ng mga batas at mga utos sa mga Israelita, sa mga kaapu-apuhan ni Jacob, at sinabi niya sa ating mga ninuno na ituro ito sa kanilang mga anak.
\q
\v 6 Inutos niya ito para ang kanilang mga anak ay malaman din iyon at para maituro rin iyon sa sarili nilang mga anak.
\s5
\q
\v 7 Sa paraang iyon, magtitiwala rin sila sa Diyos at hindi makalilimutan ang mga bagay na kaniyang ginawa; sa halip, susundin nila ang mga utos niya.
\q
\v 8 Hindi sila magiging katulad ng kanilang mga ninuno, na sobrang tigas ng ulo at patuloy na nagrerebelde laban sa Diyos; at hindi sila patuloy na nagtitiwala ng matatag sa Diyos, at hindi lang siya ang kanilang sinamba.
\s5
\q
\v 9 Ang mga sundalo ng tribu ng Efraim ay may mga pana at mga palaso, pero tumakbo sila palayo mula sa kanilang mga kalaban sa araw ng pakikipaglaban.
\q
\v 10 Hindi nila ginawa ang napagkasunduan nila sa Diyos na dapat nilang gawin; tumanggi silang sumunod sa kaniyang mga batas.
\q
\v 11 Nakalimutan nila ang kaniyang mga ginawa; nakalimutan nila ang tungkol sa mga himala na nakita nila na ginawa niya.
\s5
\q
\v 12 Habang ang ating mga ninuno ay nanunuod, gumawa ang Diyos ng mga himala sa paligid ng lugar sa lungsod ng Soan sa Ehipto.
\q
\v 13 Pagkatapos, hinati niya ang dagat na Pula, na nagsama-sama ang tubig sa magkabilang gilid gaya ng isang pader, kung saan nakalakad ang aming mga ninuno sa tuyong lupa.
\q
\v 14 Pinangunahan niya sila sa pamamagitan ng ulap habang araw at mainit na liwanag habang gabi.
\s5
\q
\v 15 Biniyak niya ang mga bato sa ilang at binigyan ang ating mga ninuno ng sapat na tubig mula sa ilalim ng lupa.
\q
\v 16 Gumawa siya ng daluyan ng tubig na umaagos mula sa bato; ang tubig ay umaagos gaya ng isang ilog.
\s5
\q
\v 17 Pero ang aming mga ninuno ay nagpatuloy na magkasala laban sa Diyos; nagrebelde sila sa ilang laban sa pinakadakila sa lahat ng diyos.
\q
\v 18 Sa pamamagitan ng paghingi sa Diyos na bigyan sila ng pagkain na gusto nila, sinubukan nilang alamin kung lagi niyang gagawin ang kanilang mga kahilingan sa kaniya.
\s5
\q
\v 19 Hinamak nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasabing, "Kaya ba ng Diyos na magbigay ng pagkain dito sa ilang para sa atin?
\q
\v 20 Totoo na pinalo niya ang bato at bumulwak ang tubig galing doon, pero kaya niya rin kayang magbigay ng tinapay at karne para sa atin na bayan niya?"
\s5
\q
\v 21 Nang narinig iyon ni Yahweh, nagalit siya ng sobra, at nagpadala siya ng apoy para sunugin ang ilan sa mga Israelita.
\q
\v 22 Ginawa niya iyon dahil hindi sila nagtiwala sa kaniya, at hindi sila naniwala na nais niyang iligtas sila.
\s5
\q
\v 23 Pero nagsalita ang Diyos sa kalangitan at inutusan itong bumukas gaya ng isang pinto
\q
\v 24 at pagkatapos, bumagsak ang pagkain na parang ulan, pagkain na pinangalanan nilang "manna." Binigyan sila ng Diyos ng butil na galing sa langit.
\q
\v 25 Kaya kinain ng mga tao ang pagkain na kinakain ng mga anghel, at binigay ng Diyos lahat ng manna na gusto nila.
\s5
\q
\v 26 Kinalaunan, ipinaihip niya ang hangin mula sa silangan,
\q
\v 27 sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, pinadala niya rin ang hangin mula sa timog, at dinala ng hangin ang mga ibon na sobrang dami tulad ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat.
\q
\v 28 Hinulog ng Diyos ang mga ibon sa kalagitnaan ng kanilang kampo. May mga ibon sa lahat ng palagid ng kanilang mga tolda.
\s5
\q
\v 29 Kaya niluto ng mga tao ang mga ibon at kinain ang karne nito; ang kanilang mga tiyan ay nabusog dahil binigay ng Diyos ang gusto nila.
\q
\v 30 Pero hindi pa nila nakakain lahat ng gusto nila.
\s5
\q
\v 31 Sa panahong iyon, galit na galit pa rin ang Diyos sa kanila, at dinulot niyang mamatay ang pinakamalalakas nilang mga kalalakihan; pinalayas niya ang maraming mahuhusay na batang mga Israelita.
\q
\v 32 Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga tao ay nagpatuloy na magkasala; sa kabila ng lahat ng ginawang himala ng Diyos, hindi pa rin sila nagtiwala na iingatan niya sila.
\s5
\q
\v 33 Kaya tinakot niya sila nang buong buhay nila; hinayaan niyang mamatay sila habang bata.
\q
\v 34 Sa tuwing hinahayaan ng Diyos na mamatay ang ilang mga Israelita, ang iba ay nais magsisi; nais nilang humingi ng tawad at masidhing humihilinh na iligtas sila ng Diyos.
\s5
\q
\v 35 Gusto nilang alalahanin na ang Diyos ay gaya ng isang malaking bato kung saan ligtas sila, at siya na higit sa lahat ng diyos, ang nagligtas sa kanila.
\q
\v 36 Pero sinubukan nilang lokohin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang sinabi; ang lahat ng kanilang mga salita ay kasinungalingan lamang.
\q
\v 37 Hindi sila matapat sa kaniya; hindi nila pinansin ang tipan na ginawa niya sa kanila.
\s5
\q
\v 38 Pero ang Diyos ay kumilos nang may awa sa kaniyang bayan. Pinatawad niya sila sa kanilang kasalanan at hindi sila pinalayas. Maraming beses niyang pinigil ang kaniyang galit sa kanila at pinigilan ang kaniyang sarili na parusahan sila nang matindi.
\s5
\q
\v 39 Naalala niya na sila ay mga tao lamang na mamamatay, mga tao na mabilis mawala gaya ng hangin na umihip at pagkatapos ay mawawala na.
\q
\v 40 Maraming beses na nagrebelde ang aming mga ninuno laban sa Diyos sa ilang at pinalungkot siya.
\q
\v 41 Maraming beses silang gumawa ng mga masasamang bagay para malaman kung maaari silang gumawa ng mga bagay na hindi sila paparusahan ng Diyos. Madalas nilang galitin ang banal na Diyos ng Israel.
\s5
\q
\v 42 Nakalimutan nila ang tungkol sa kaniyang dakilang kapangyarihan, at nakalimutan nila ang oras na niligtas sila mula sa kanilang mga kalaban.
\q
\v 43 Nakalimutan nila nang gumawa ka ng maraming mga himala sa lugar malapit sa lungsod ng Soan sa Ehipto.
\s5
\q
\v 44 Ginawa niyang dugo ang Ilog Nilo para ang mga tao sa Ehipto ay walang tubig na mainom.
\q
\v 45 Dinala niya sa mga tao sa Ehipto ang kulupon ng mga langaw na kumagat sa kanila, at nagpadala siya ng mga palaka na kinain ang lahat ng bagay.
\q
\v 46 Nagpadala siya ng mga balang para kainin ang kanilang mga pananim at ang ibang mga bagay na lumalaki sa kanilang mga taniman.
\s5
\q
\v 47 Nagpaulan siya ng yelo para wasakin ang mga ubasan, at nagpaulan siya ng mas maraming yelo para sirain ang mga igos sa mga puno ng sikamore.
\q
\v 48 Nagpaulan siya ng yelo na pumatay sa kanilang baka at kidlat na pumatay sa kanilang tupa at mga baka.
\q
\v 49 Dahil ang Diyos ay galit na galit sa mga tao sa Ehipto, dinulot niyang mamighati sila. Ang mga sakunang tumama sa kanila ay gaya ng isang pangkat ng mga anghel na winasak ang lahat ng bagay.
\s5
\q
\v 50 Hindi niya binawasan ang kaniyang galit sa kanila, at hindi niya kinaawaan ang kanilang mga buhay; nagpadala siya ng salot na pumatay sa karamihan sa kanila.
\q
\v 51 Sa salot na iyon dinulot niya na mamatay lahat ng mga panganay na anak ng mga tao ng Ehipto.
\s5
\q
\v 52 Pagkatapos, inakay niya ang kaniyang bayan palabas ng Ehipto tulad ng isang pastol na inaakay ang kaniyang tupa, at pinatnubayan sila habang sila ay naglakad sa ilang.
\q
\v 53 Inakay niya sila nang ligtas, at hindi sila natakot, pero ang kanilang mga kalaban ay nalunod sa dagat.
\s5
\q
\v 54 Kinalaunan, dinala niya sila sa Canaan, ang kaniyang banal na lupain, sa Bundok ng Sion, at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, pinalupig niya ang mga taong nakatira roon.
\q
\v 55 Pinatalsik niya ang mga pangkat ng tao habang ang kaniyang bayan ay sumusulong; nagtalaga siya ng bahagi ng lupain sa bawat tribu na aariin, at binigay niya ang mga bahay na iyon sa mga Israelita.
\s5
\q
\v 56 Gayumpaman, ang mga Israelita ay nagrebelde laban sa Diyos, na higit sa lahat ng diyos, at gumawa sila ng maraming mga masasamang bagay para makita kung makagagawa sila ng mga bagay na hindi sila parurusahan ng Diyos; hindi nila sinunod ang mga utos niya.
\q
\v 57 Sa halip, ginawa nila ang ginawa ng kanilang mga ninuno, nagrebelde sila laban sa Diyos at hindi sila naging tapat sa kaniya; hindi sila maasahan gaya ng nasisirang pana tuwing sinusubukan mo itong itira.
\s5
\q
\v 58 Dahil sumamba sila sa inukit na mga imahe ng kanilang mga diyos sa taas ng mga burol, ginalit nila ang Diyos.
\q
\v 59 Nakita niya ang kanilang ginagawa at nagalit sia nang sobra, kaya tinanggihan niya ang mga Israelita.
\s5
\q
\v 60 Hindi na siya nagpakita sa kanila sa Shilo sa banal na tolda kung saan siya naninirahan kasama nila.
\q
\v 61 Hinayaan niya ang mga kalaban nila na makuha ang banal na baul, na sumisimbolo ng kaniyang kapangyarihan at kaniyang kaluwalhatian.
\s5
\q
\v 62 Dahil siya ay galit sa kaniyang bayan, hinayaan niya ang kanilang mga kalaban na patayin sila.
\q
\v 63 Ang mga batang lalaki ay napatay sa mga labanan, na naging dahilan na ang mga batang babae ay wala ng mapakasalan.
\s5
\q
\v 64 Maraming mga pari ang napatay sa espada ng kanilang mga kalaban, at hindi pinayagan ng mga tao ang balo ng pari na mamighati.
\q
\v 65 Kinalaunan, ang Diyos ay parang nagising mula sa pagkakatulog, gaya siya ng isang malakas na lalaki na nagalit dahil uminom siya ng maraming alak.
\q
\v 66 Tinulak niya ang kaniyang mga kalaban pabalik at ginawa silang kahiya-hiya nang mahabang panahon dahil natalo sila.
\s5
\q
\v 67 Pero hindi niya tinayo ang kaniyang tolda kung saan nakatira ang tribu ng Efraim; hindi niya pinili ang kanilang lugar para gawin iyon.
\q
\v 68 Sa halip, pinili niya ang lugar kung saan nakatira ang tribu ng Juda; pinili niya ang Bundok ng Sion, na mahal niya.
\q
\v 69 Nagpasya siyang itayo ang templo niya roon, mataas gaya ng kaniyang tahanan sa langit; ginawa niya itong matatag, gaya ng mundo, at nilayon na manatili magpakailanman ang kaniyang templo.
\s5
\q
\v 70 Pinili niya si David, na naglingkod sa kaniya nang tapat, at kinuha siya mula sa pastulan
\q
\v 71 kung saan siya nag-aalaga ng tupa ng kaniyang ama, at itinalaga siya na maging pinuno ng mga Israelita, ang mga taong laging kabilang sa Diyos.
\q
\v 72 Inalagaan ni David ang mga Israelita nang tapat at buong puso, at ginabayan sila nang may kahusayan.
\s5
\c 79
\p
\v 1 O Diyos, sinalakay ng ibang pangkat ng mga tao ang sarili mong lupain. Nilapastangan nila ang iyong templo, at winasak nila ang lahat ng mga gusali sa Jerusalem.
\q
\v 2 Sa halip na ilibing ang mga bangkay ng iyong bayan na kanilang pinatay, ipinahintulot nilang kainin ng mga buwitre ang laman ng mga bangkay na iyon, at ipinahintulot din nilang kainin ng mga mababangis na hayop ang mga bangkay ng iyong bayan.
\q
\v 3 Nang pinatay nila ang iyong bayan, ang kanilang dugo ay tulad ng tubig na dumaloy sa mga lansangan ng Jerusalem, at wala na halos naiwang isa man para ilibing ang kanilang mga bangkay.
\s5
\q
\v 4 Hinahamak kami ng mga pangkat ng tao na naninirahan sa mga bansa na nakapaligid sa aming lupain; pinagtatawanan at kinukutya nila kami.
\q
\v 5 Yahweh, hanggang kailan ito magpapatuloy? Magagalit ba kayo sa amin magpakailanman? Tulad ba ng nag-aalab na apoy ang iyong galit?
\s5
\q
\v 6 Sa halip na magalit ka sa amin, magalit ka sa mga pangkat ng tao na hindi kumikilala sa iyo! Magalit ka sa mga kaharian na ang mga tao ay hindi nananalangin sa iyo
\q
\v 7 dahil pinatay nila ang mga Israelita at winasak ang iyong bansa.
\s5
\q
\v 8 Huwag mo kaming parusahan dahil sa mga kasalanang nagawa ng aming mga ninuno! Kaawaan mo kami ngayon dahil lubos na nanghihina ang aming loob.
\q
\v 9 O Diyos, maraming beses mo kaming iniligtas, kaya tulungan mo kami ngayon; sagipin at patawarin mo kami sa nagawa naming kasalanan para maparangalan ka ng ibang mga tao.
\s5
\q
\v 10 Hindi tama ang sinasabi tungkol sa amin ng ibang pangkat ng mga tao na, "Kung makapangyarihan ang kanilang Diyos, bakit hindi niya sila tinutulungan?" Hayaan mong makita ka naming pinarurusahan mo ang mga tao sa ibang mga bansa bilang kapalit ng pagdanak ng aming dugo at pagpatay ng marami sa amin, na iyong bayan.
\q
\v 11 Pakinggan mo ang pagdaing ng iyong bayan habang sila ay nasa bilangguan, at sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan, palayain mo silang mga bibitayin ng aming mga kaaway.
\s5
\q
\v 12 Bilang kapalit sa madalas nilang panlalait sa iyo, parusahan sila nang higit pa sa pitong beses!
\q
\v 13 Pagkatapos mong gawin iyon, kami na inaalagaan mo gaya ng pastol na nag-aalaga ng kaniyang tupa ay patuloy kang pupurihin; patuloy ka naming pupurihin mula sa mga salinlahi magpakailanman.
\s5
\c 80
\p
\v 1 Yahweh, ikaw na namumuno sa amin bilang pastol na pinamumunuan ang kaniyang kawan ng tupa, ikaw na nakaupo sa trono sa Kabanal-banalang Lugar sa templo, sa ibabaw ng mga hugis ng pakpak na mga nilalang, ay lumapit at gumawa ng mga bagay na makapangyarihan para sa amin na bayan mong Israel.
\q
\v 2 Ipakita mo ang iyong sarili sa mga tao sa mga lipi ng Efraim at Benjamin at Manases! Ipakita mo sa amin na ikaw ay makapangyarihan at lumapit ka at sagipin mo kami!
\q
\v 3 O Diyos, dulutin mong maging malakas ang aming bansa tulad ng dati; maging mabuti ka sa amin para maligtas kami mula sa aming mga kaaway!
\s5
\q
\v 4 Yahweh, pinuno ng mga hukbon ng anghel, gaano katagal kang magagalit sa amin, na iyong bayan, kapag nananalangin kami sa iyo?
\q
\v 5 Tila ang tanging pagkain at inumin na ibinigay mo sa amin ay isang tasang puno ng aming mga luha!
\q
\v 6 Pinahintulutan mo ang mga pangkat ng tao na nakapaligid sa amin na magtalo-talo sa pagpapasya kung anong bahagi ng aming lupa ang kukunin ng bawat isa; pinagtatawanan nila kami.
\s5
\q
\v 7 O Diyos, pinuno ng mga hukbon ng anghel, palakasin mo ang aming bansa tulad ng dati! Maging mabuti ka sa amin para maligtas kami!
\q
\v 8 Tulad ng halaman ng ubas ang aming mga ninuno na inilabas mo sa Ehipto; pinalayas mo ang ibang mga pangkat ng tao mula sa lupaing ito, at inilagay mo ang iyong bayan sa kanilang lupain.
\s5
\q
\v 9 Katulad ng mga taong naglilinis ng lupa para matanman ng puno ng ubas, inalis mo ang mga taong naninirahan sa lupaing ito para aming matirhan. Katulad ng mga ugat ng puno ng ubas na gumagapang sa kailaliman ng lupa at kumakalat, binigyan mo ng kakayahang sumagana ang aming mga ninuno at nagsimulang manirahan sa mga bayan sa buong lupaing ito.
\q
\v 10 Katulad ng malalaking puno ng ubas na tumatabing sa mga burol at habang ang kanilang mga sanga ay mas mataas pa kaysa sa malalaking mga puno ng sedar,
\q
\v 11 ang bayan mo ang namuno sa buong Canaan, mula sa Dagat Meditereneo sa kanluran hanggang sa Ilog ng Eufrates sa silangan.
\s5
\q
\v 12 Sa gayon bakit mo kami pinabayaan at pahintulutang gibain ng aming mga kaaway ang mga pader namin? Katulad ka ng isang taong gumigiba ng mga bakuran sa paligid ng kaniyang ubasan, sa gayon lahat ng taong dumadaan ay makapagnanakaw ng mga ubas;
\q
\v 13 maaaring matapakan ng mga baboy-ramo ang mga puno ng ubas, at maaari ring kainin ng mga mababangis na hayop ang mga ubas.
\s5
\q
\v 14 Ikaw na Pinuno ng mga hukbo ng anghel, manumbalik ka sa amin! Pagmasdan mo mula sa kalangitan at tingnan kung ano ang nangyayari sa amin! Lumapit ka at sagipin mo kami tulad ng mga puno ng ubas mo,
\q
\v 15 tulad ng murang puno ng ubas na itinanim at pinalago!
\q
\v 16 Winasak at sinunog ng aming mga kaaway ang lahat sa aming lupain; pagmasdan sila nang may galit at puksain mo sila!
\s5
\q
\v 17 Pero palakasin kami bilang bayan mong pinili, kaming bayan ng Israel na dati mong pinalakas.
\q
\v 18 Kapag ginawa mo iyon, hindi na kami muling tatalikod sa iyo magpakailanman; palakasin mo kaming muli, at pagkatapos pupurihin ka namin.
\s5
\q
\v 19 Yahweh, Pinuno ng mga hukbo ng anghel, panumbalikin mo kaming muli; maging mabuti ka sa amin at sagipin mo kami mula sa aming mga kaaway!
\s5
\c 81
\p
\v 1 Umawit ng mga awitin para papurihan ang Diyos, na nagpalakas sa atin kapag lumalaban tayo sa ating mga kaaway; sumigaw ng may kagalakan sa Diyos, ang sinasamba naming mga kaapu-apuhan ni Jacob!
\q
\v 2 Simulang patugtugin ang musika, at patunugin ang mga tamburin; magpatugtog ng kaaya-ayang musika sa mga alpa at lira.
\q
\v 3 Hipan ang mga trumpeta tuwing kapistahan para ipagdiwang ang bawat bagong buwan, bawat panahon ng kabilugan ng buwan, at sa panahon ng iba pa nating mga kapistahan.
\s5
\q
\v 4 Gawin mo ito dahil kautusan ito para sa aming mga Israelita; utos ito na ginawa ng Diyos para sa mga kaapu-apuhan ni Jacob.
\q
\v 5 Ibinigay niya ito sa bayan ng Israel nang pinarusahan niya ang mga tao sa lupain ng Ehipto. Doon ko sila narinig na nagsasalita sa wika na hindi ko alam.
\s5
\q
\v 6 Sinasabi ito ng Diyos: "Pagkatapos kayong sapilitang pagtrabahuin ng mga pinuno ng Ehipto bilang mga alipin, kinuha ko ang mga mabibigat na pasanin ninyo, at binigyan ko kayo ng kakayahan para ibaba ang mga dalang mabibigat na tisa na inyong pinapasan.
\q
\v 7 Nang kayo ay lubhang namimighati, nanawagan kayo sa akin, at kayo ay sinagip ko; tinugon ko kayo sa gitna ng madilim na ulap. Kalaunan sinubukan ko kung magtitiwala kayo sa akin para bigyan kayo ng inumin nang kayo ay nasa disyerto ng Meriba.
\s5
\q
\v 8 Kayo na aking bayan, makinig kayo habang binabalaan ko kayo! Hinahangad ko na kayong mga Israelita ay magbigay pansin sa aking sinasabi sa inyo!
\q
\v 9 Hindi kayo dapat magkaroon ng anumang mga imahe ng ibang mga diyos sa kalagitnaan ninyo; hindi ninyo dapat kailanman yukuran ang anuman sa kanila para sambahin!
\q
\v 10 Ako si Yahweh, ang inyong Diyos; hindi ang anumang mga diyos na iyon ang naglabas sa inyo sa Ehipto; ako ang siyang gumawa nito! Kaya hilingin ninyo kung ano ang nais ninyong gawin ko para sa inyo, at gagawin ko ito.
\s5
\q
\v 11 Pero ang bayan ko ay hindi nakinig sa akin; hindi nila ako sinunod.
\q
\v 12 Dahil napakatigas ng kanilang kalooban, pinahintulutan ko silang gawin ang anumang nais nilang gawin.
\s5
\q
\v 13 Ang hangad ko ay makinig sa akin ang bayan ko; na ang mga Israelita ay mamuhay tulad ng nais kong gawin nila.
\q
\v 14 Kung gagawin nila iyon, agad kong matatalo ang kanilang mga kaaway; lulupigin ko ang mga nagpapahirap sa kanila.
\s5
\q
\v 15 Pagkatapos lahat ng napopoot sa akin ay yuyuko sa harap ko, at parurusahan ko sila magpakailanman.
\q
\v 16 Pero kayong mga Israelita bibigyan ko kayo ng napakainam na trigo, at pupunuin ko ng pulot ang inyong mga sikmura."
\s5
\c 82
\p
\v 1 Ang Diyos ang tumatayo sa kapulungan ng lahat ng mga espiritu na nilagay niya na mamuno sa kaniyang nilikha. Sinasabi niya sa kanila na pinagpasiyahan niya ito:
\q
\v 2 "Dapat kayong tumigil sa hindi makatarungang paghatol sa mga tao; hindi na kayo dapat kailanman gumawa ng mga pasya na paboran ang mga masasamang tao!
\s5
\q
\v 3 Dapat ninyong ipagtanggol ang mga dukha at mga ulila; dapat makatarungan kayong kumilos sa mga nangangailangan at sa mga walang tumutulong.
\q
\v 4 Sagipin niyosila mula sa kapangyarihan ng mga masasamang tao!"
\s5
\q
\v 5 Ang mga pinunong iyon ay walang nalalaman o nauunawaan na anumang bagay! Sila ay napakasama, at bunga ng kanilang masamang pag-uugali, tila ang pundasyon ng mundo ay niyayanig!
\s5
\q
\v 6 Sinabi ko sa kanila dati, "Sa palagay ninyo kayo ay mga diyos! Parang lahat kayo ay aking mga anak,
\q
\v 7 pero mamamatay kayo tulad ng mga tao; ang inyong mga buhay ay matatapos tulad ng mga buhay ng lahat ng pinuno."
\s5
\q
\v 8 O Diyos, bumangon ka at hatulan mo ang bawat isa sa mundo dahil lahat ng mga pangkat ng tao ay pag-aari mo!
\s5
\c 83
\p
\v 1 O Diyos, huwag mong ipagpatuloy ang pagiging tahimik! Huwag kang manahimik at walang sinasabi
\q
\v 2 dahil ang iyong mga kaaway ay nanggugulo laban sa iyo; ang mga galit ay naghihimagsik laban sa iyo!
\s5
\q
\v 3 Sila ay palihim na nagplano na gumawa ng mga bagay para saktan kami, ang iyong bayan; sila ay nagsasabwatan laban sa mga tao na iyong iniingatan.
\q
\v 4 Sinasabi nila, "Halikayo, dapat nating wasakin ang kanilang bansa para walang sinuman ang makaaalala na nagkaroon ng isang bansang Israel!"
\q
\v 5 Sumang-ayon sila kung ano ang gusto nilang gawin para sirain ang Israel, at sumang-ayon sila na lusubin kayo nang magkakasama—
\s5
\q
\v 6 ang mga taong nakatira sa mga tolda ng Edom— ang mga Ismaelita, Moabita at ang mga Hagrita, nakipagsabwatan sila kasama
\v 7 ang mga mamamayan ng Gebal, mga Amonita, mga Amalekita, mga Filisteo, at mga mamamayan sa lungsod ng Tiro.
\s5
\q
\v 8 Sinamahan sila ng mga taga-Asiria; sila ay malalakas na kakampi ng mga taga-Moab at taga-Ammon, na kaapu-apuhan ng pamangkin ni Abraham na si Lot.
\s5
\q
\v 9 O Diyos, kung ano ang ginawa mo sa bayan ng Sisera at Jabin sa Ilog ng Kishon, gawin mo rin sa bayan ng Midian.
\q
\v 10 Winasak mo sila sa bayan ng Endor, at ang kanilang mga bangkay ay nakakalat sa lupa at nabulok.
\s5
\q
\v 11 Gawin mo sa kanila ang mga bagay na ginawa mo sa mga haring sina Oreb at Zeeb; talunin mo ang kanilang pinuno katulad ng pagkatalo mo kina Zebah at Zalmunna,
\q
\v 12 na nagsabing, "Kukunin namin ang lupain na sinabi ng mga Israelita na pag-aari ng Diyos!"
\s5
\q
\v 13 Aking Diyos, hayaan mo silang maglaho kaagad tulad ng ipo-ipo, tulad ng ipa na tinatangay ng hangin!
\q
\v 14 Katulad ng apoy na sumusunog sa gubat at kabundukan,
\q
\v 15 paalisin mo sila sa ppamamagitan ng iyong mga bagyo at takutin mo sila ng iyong malaking bagyo!
\s5
\q
\v 16 Ipahiya mo sila para sabihing ikaw ay labis na makapangyarihan.
\q
\v 17 Idulot mo na maging kahiya-hiya sila magpakailanman dahil sa pagiging talunan, at patayin mo sila habang sila ay kahiya-hiya.
\s5
\q
\v 18 Ipaalam sa kanila na ikaw, na nagngangalang Yahweh, ay ang kataas-taasang pinuno sa lahat ng bagay sa mundo.
\s5
\c 84
\p
\v 1 Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel, ang iyong templo ay napakaganda!
\q
\v 2 Gusto kong mapunta diyan; Yahweh, labis ko itong ninanais. Kasama ang lahat ng aking pagkatao, aawit ako nang may kagalakan sa iyo, na makapangyarihang Diyos.
\s5
\q
\v 3 Pati ang mga maya at mga layang-layang ay gumawa ng mga pugad malapit sa iyong templo; iniingatan nila ang kanilang mga inakay malapit sa mga altar kung saan ang mga tao ay nag-aalay ng mga handog sa iyo, pinuno ng mga hukbo ng anghel, aking Hari at aking Diyos.
\q
\v 4 Mapalad ang mga iyon na laging nasa iyong templo, patuloy na umaawit para papurihan ka.
\s5
\q
\v 5 Mapalad silang pinalakas mo, silang mga nagnanais pumunta sa Bundok ng Sion.
\q
\v 6 Habang sila ay naglalakbay sa tuyong lambak ng Baca, ginawa mo itong lugar kung saan may mga bukal ng tubig, kung saan ang mga ulan sa taglagas ay pinupuno ang lambak ng mga lawa ng tubig.
\s5
\q
\v 7 Bunga nito, mas ginanahan ang mga naglalakbay papunta sa piling mo sa Bundok ng Zion.
\q
\v 8 Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel, dinggin ang aking panalangin; O Diyos, na sinasamba naming mga kaapu-apuhan ni Jacob, pakinggan kung ano ang aking sinasabi!
\q
\v 9 O Diyos, maging mabait ka sa aming hari, ang siyang nangangalaga sa amin, ang siyang pinili mo para pamunuan kami.
\q
\v 10 Para sa akin, ang paglaan ko ng isang araw sa iyong templo ay mas mabuti kaysa paglaan ng isang libong araw sa ibang lugar; ang pagtayo sa pasukan ng iyong templo ay mas mabuti kaysa pagtira sa mga lugar kung saan nakatira ang mga masasamang tao.
\s5
\q
\v 11 Si Yahweh na aming Diyos ay tulad ng araw na nagniningning sa amin at katulad ng isang kalasag na nangangalaga sa amin; kumikilos siya ng ayon sa amin at pinararangalan niya kami. Si Yahweh ay hindi tumatanggi na magbigay ng kahit na anong mabuting bagay sa mga gumagawa ng tama.
\q
\v 12 Yahweh, pinuno ng mga hukbo ng anghel, mapalad ang mga nagtitiwala sa iyo!
\s5
\c 85
\p
\v 1 Yahweh, naging mabait ka sa amin sa lupain na ito; muli mong pinasagana kaming mga Israelita.
\q
\v 2 Pinatawad mo kami, ang iyong bayan, sa mga kasalanan na aming nagawa; pinatawad mo kami sa lahat ng aming pagkakasala.
\s5
\q
\v 3 Huminahon ka at itinigil mo ang pagpaparusa mo nang matindi sa amin.
\q
\v 4 Ngayon, O Diyos, ang tanging makapagliligtas sa amin, huminahon ka at tulungan mo kami.
\q
\v 5 Patuloy ka bang magagalit sa amin magpakailanman?
\s5
\q
\v 6 Pakiusap, pasaganahin mo kaming muli na iyong bayan para maipagdiwang namin ang iyong mga ginawa.
\q
\v 7 Yahweh, sa pamamagitan ng pagliligtas mo sa amin mula sa aming mga kaguluhan, ipinakita mo ang wagas mong pagmamahal.
\s5
\q
\v 8 Gusto kong makinig sa sinasabi ni Yahweh na aming Diyos dahil pinangako niya na hahayaan niya kami, na kaniyang bayan, na mabuhay nang mapayapa kung hindi kami babalik sa paggawa ng mga kahangalan.
\q
\v 9 Siguradong handa siyang iligtas ang mga may malaking respeto sa kaniya, para manatili ang kanyang kaluwalhatian sa aming lupain.
\s5
\q
\v 10 Kung mangyari iyon, mamahalin niya tayo ng tapat at tutuparin ang ipinangako niya; kikilos tayo ng matuwid, at bibigyan tayo ng kapayapaan, na magiging tulad ng halik na ibinigay niya sa atin.
\q
\v 11 Dito sa mundo, tayo ay magiging tapat sa Diyos, at mula sa langit, kikilos ng makatarungan ang Diyos sa atin.
\s5
\q
\v 12 Oo, gagawa si Yahweh ng mga mabubuting bagay para sa atin, at magkakaroon ng masaganang ani sa ating lupain.
\q
\v 13 Si Yahweh ay palaging kumikilos ng matuwid, kumikilos siya ng matuwid kahit saan siya pumunta.
\s5
\c 86
\p
\v 1 Yahweh, pakinggan mo ako dahil ako ay mahina at nangangailangan.
\q
\v 2 Huwag mo akong hayaang mamatay, dahil naging tapat naman ako sa iyo; iligtas mo ako dahil ako ang iyong lingkod at naniniwala ako sa iyo aking Diyos.
\s5
\q
\v 3 Panginoon, tulungan mo ako dahil umiiyak ako buong maghapon.
\q
\v 4 Panginoon, pasayahin mo ako, dahil nagdarasal ako sa iyo.
\s5
\q
\v 5 Panginoon, mabuti ka sa amin, at pinapatawad mo kami; labis mong minamahal nang tapat ang lahat ng nagdarasal sa iyo.
\q
\v 6 Yahweh, makinig ka sa aking panalangin; dinggin mo ako kapag humihingi ako ng tulong sa iyo.
\q
\v 7 Kapag mayroon akong mga problema, tumatawag ako sa iyo dahil alam kong tutulungan mo ako.
\s5
\q
\v 8 Panginoon, sa lahat ng mga diyos na sinasamba ng mga paganong bansa, walang sinuman ang katulad mo; wala ni isa sa kanila ang nakagawa ng dakilang mga bagay na ginawa mo.
\q
\v 9 Panginoon, balang-araw ang mga tao mula sa lahat ng bansa na iyong itinatag ay pupunta at yuyuko sa harap mo, at pupurihin ka nila.
\s5
\q
\v 10 Ikaw ay dakila, at gumagawa ka ng kamangha-manghang mga bagay; ikaw lamang ang Diyos.
\q
\v 11 Yahweh, ituro mo sa akin ang tamang pamamaraan kung paano ako mamumuhay. Hayaan mo akong sambahin kita ng buo kong pagkatao.
\q
\v 12 Panginoon, aking Diyos, ako ay magpapasalamat sa iyo, at pupurihin kita magpakailanman.
\s5
\q
\v 13 Tapat mo akong minamahal ayon sa pangako mo; iniligtas mo ako mula sa kamatayan.
\q
\v 14 Pero O Diyos, may mga taong gusto akong saktan, isang grupo ang gustong pumatay sa akin; sila ay mga taong walang respeto sa iyo.
\s5
\q
\v 15 Pero O Diyos, lagi kayong kumikilos ng may awa at kabaitan; hindi ka nagagalit kaagad; tapat mo kaming minamahal at lagi mong ginagawa para sa amin kung ano ang ipinangako mo.
\q
\v 16 Tumingin ka sa akin at maawa ka; palakasin mo at iligtas ako, ako na naglilingkod sa iyo nang tapat tulad ng aking ina.
\q
\v 17 Yahweh, patunayan mo ang iyong kabutihan sa akin para mapahiya ang aking mga kalaban kapag nakita nila na pinapalakas mo ang loob ko at tinulungan mo ako.
\s5
\c 87
\p
\v 1 Ang lungsod na itinayo ni Yahweh ay nasa kaniyang banal na burol.
\q
\v 2 Minamahal niya ang lungsod na iyon, ang Jesrusalem, higit sa pagmamahal niya sa anumang lugar sa Israel.
\q
\v 3 Kayong mga taga-Jerusalem, pakinggan ninyo ang ibang mga tao na nagsasabi ng kamangha-manghang mga bagay tungkol sa inyong lungsod.
\s5
\q
\v 4 Ang iba sa nakakakilala sa ating Diyos ay mga taga-Ehipto at Babilonia, gayundin ang mga taga-Filistia at Tiro at Etiopia; balang-araw sasabihin nila, "Kahit na hindi ako pinanganak sa Jerusalem, para na rin akong pinanganak doon dahil pag-aari ako ni Yahweh."
\s5
\q
\v 5 Tungkol sa Jerusalem, sasabihin ng mga tao, "Lahat ng taong ito ay pinanganak doon, at ang makapangyarihang Diyos ay pananatilihing malakas ang lungsod na iyon."
\q
\v 6 Susulat si Yahweh ng listahan ng mga pangalan ng mga tao ng iba't-ibang mga grupo na pag-aari niya, at idedeklara niya na sila ay mga mamamayan ng Jerusalem.
\s5
\q
\v 7 Lahat sila ay sasayaw at aawit, na nagsasabing, "Ang Jerusalem ang pinagmulan ng ating mga pagpapala."
\s5
\c 88
\p
\v 1 O Yahweh, ikaw na nagliligtas sa akin, araw-araw akong humihingi ng saklolo sa iyo.
\q
\v 2 Pakinggan mo ang panalangin ko, ang pagdaing ko ng saklolo!
\s5
\q
\v 3 Marami na akong mapapait na karanasan, at malapit na akong mamatay at pumunta kung nasaan ang mga patay.
\q
\v 4 Dahil nanghihina na ako, naniniwala ang ibang tao na malapit na akong mamatay.
\s5
\q
\v 5 Katulad ako ng bangkay na pinabayaan; katulad ako ng mga patay sa libingan, mga tao na tuluyan nang kinalimutan dahil hindi mo na sila inaalagaan.
\q
\v 6 Tila itinapon mo ako sa isang malalim, madilim na hukay, sa lugar kung saan itinatapon ang mga bangkay.
\s5
\q
\v 7 Tila galit na galit ka sa akin, at tila dinurog mo ako katulad ng mga alon ng dagat na humahampas sa mga tao.
\s5
\q
\v 8 Iniwasan ako ng mga kaibigan ko; naging nakapandidiri ako sa kanila. Tila nakagapos ako sa kulungan at hindi makatakas.
\s5
\q
\v 9 Hindi na ako makakita nang maayos dahil sa kaiiyak. Yahweh, araw-araw akong tumatawag sa iyo para tulungan ako; tinataas ko ang aking mga kamay habang ako ay nananalangin.
\q
\v 10 Tiyak na hindi ka gumagawa ng mga himala sa mga patay! Ang kanilang espiritu ay hindi bumabangon para purihin ka!
\s5
\q
\v 11 Hindi nakapagsasalita ang mga bangkay patungkol sa iyong tapat na pagmamahal sa amin, at sa lugar kung saan ganap ng winasak ang mga tao, walang sinuman ang makapagsasabi ng tapat mong ginawa sa amin.
\q
\v 12 Wala ni isa sa malalim, madilim na hukay ang makakikita ng mga himalang ginagawa mo, at walang sinuman sa lugar kung saan tuluyang kinalimutan ang mga tao ang makapagsasabi tungkol sa kabutihan mo sa amin.
\s5
\q
\v 13 Pero para sa akin, Yahweh, nagmamakaawa ako sa iyo na tulungan mo ako; nananalangin ako sa iyo araw-araw.
\q
\v 14 Bakit mo ako tinatanggihan, Yahweh? Bakit mo ako tinatalikuran?
\s5
\q
\v 15 Buong buhay ko, nagdusa na ako, at ilang beses ngmuntik mamatay; nawalan na ako ng pag-asa dahil sa pagtitiis sa mga katakot-takot na bagay na ginawa mo sa akin.
\q
\v 16 Nararamdaman ko na dinurog mo ako dahil galit ka sa akin; halos patayin ako ng mga katakot-takot na bagay na ginawa mo sa akin.
\s5
\q
\v 17 Tila pinalilibutan nila ako tulad ng baha; pinaliligiran nila ako sa lahat ng dako.
\q
\v 18 Pinalayo mo rin sa akin ang mga kaibigan ko at mga mahal ko sa buhay, tila ang tanging naiwang kaibigan ko ay ang kadiliman.
\s5
\c 89
\p
\v 1 Yahweh, habang buhay akong aawit tungkol sa tapat mong pagmamahal sa akin; maririnig ng lahat ng taong hindi pa ipinapanganak na tapat mong ginawa ang lahat ng iyong ipinangako.
\q
\v 2 Sasabihin ko sa lahat ng tao na tapat mo kaming mamahalin magpakailanman, at ang katapatan mo sa paggawa ng mga ipinangako mo sa amin ay mananatili gaya ng kalangitan.
\s5
\q
\v 3 Sinabi ni Yahweh, "Nakipagkasundo ako kay David, ang pinili ko na paglingkuran ako. Ginawa ko ang pormal na kasunduan na ito sa kaniya:
\q
\v 4 'Hahayaan ko ang mga kaapu-apuhan mo na laging maging mga hari; hindi magwawakas ang mga lahi ng hari na nagmumula sa iyo."
\s5
\q
\v 5 Purihin ka ng lahat ng nilalang sa langit, Yahweh, dahil sa mga kamangha-manghang bagay na ginagawa mo, maging ng mga banal mong anghel ay umawit tungkol sa katapatan mo sa iyong pangako.
\q
\v 6 Walang sinuman sa langit ang maihahambing sa iyo, Yahweh. Walang anghel sa langit ang papantay sa iyo.
\s5
\q
\v 7 Hinahayag ng mga nagtitipong banal na anghel na dapat kang itaas; sinasabi nila na mas dakila ka kaysa sa lahat ng anghel na nakapalibot sa iyong trono!
\q
\v 8 O Yahweh na aming Diyos, pinuno ng mga hukbo ng anghel, wala nang mas makapangyarihan sa iyo; ang katapatan mo sa iyong pangako ay tulad ng balabal na laging nakabalot sa iyo.
\s5
\q
\v 9 Naghahari ka sa makapangyarihang karagatan; kapag nagngangalit ang mga alon, pinapayapa mo sila.
\q
\v 10 Ikaw ang siyang pumatay at tumalo sa makapangyarihang halimaw ng dagat na nagngangalang Rahab. Tinalo at ikinalat mo ang iyong mga kaaway sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
\s5
\q
\v 11 Pagmamay-ari mo kalangitan at ang mundo; lahat ng nandito sa mundo ay pag-aari mo dahil ikaw ang lumikha ng lahat ng ito.
\q
\v 12 Nilikha mo ang lahat ng bagay mula sa hilaga at kanluran. Maging Bundok ng Tabor at Bundok ng Hermon ay umaawit ng may kagalakan sa iyo.
\s5
\q
\v 13 Napakalakas mo; ikaw ay tunay na napakalakas.
\q
\v 14 Pinamumunuan mo ang mga tao ng patas at makatarungan; lagi mo kaming tapat na minamahal at ginagawa mo kung ano ang iyong ipinangako.
\s5
\q
\v 15 Yahweh, mapalad ang mga sumasamba sa iyo nang may sigaw ng kagalakan sa kanilang mga pagdiriwang, siyang nabubuhay nang may katiyakang sila ay iyong binabantayan.
\q
\v 16 Araw-araw, sa buong maghapon, pinagdiriwang nila ang iyong ginawa, at pinupuri ka nila dahil sa mga kabutihang ginawa mo sa kanila.
\s5
\q
\v 17 Binibigay mo sa amin ang iyong dakilang lakas; dahil ikaw ay kumikilos para sa akin, tinatalo namin ang aming mga kaaway.
\q
\v 18 Yahweh, binigay mo sa amin ang siyang magtatangol sa amin; ikaw, ang banal na Diyos na sinasamba naming mga Israelita, ang pumili ng hari para sa amin.
\s5
\q
\v 19 Matagal nang panahon ang lumipas nang nangusap ka sa isang pangitan sa isa sa iyong mga lingkod, at iyong sinabi, "Pumili ako ng isang tanyag na sundalo; pinili ko siya mula sa mga tao para maging hari.
\q
\v 20 Iyon ay si David, ang tapat na maglilingkod sa akin, at pinahiran ko siya ng banal na langis ng olibo para gawin siyang hari.
\q
\v 21 Sasakanya ang aking lakas, sa pamamagitan ng kapangyarihan ko, palalakasin ko siya.
\q
\v 22 Hindi siya maiisahan ng kaniyang mga kaaway, at hindi siya tatalunin ng masasama.
\q
\v 23 Dudurugin ko ang kaniyang mga kaaway sa kaniyang harapan at aalisin ko ang mga namumuhi sa kaniya.
\s5
\q
\v 24 Magiging tapat ako sa pag-ibig ko sa kaniya at tutulungan ko siyang talunin ang mga kaaway niya.
\q
\v 25 Palalawakin ko ang kaniyang kaharian simula sa Dagat Mediteraneo hanggang sa Ilog Eufrates.
\q
\v 26 Sasabihin niya sa akin, 'Ikaw ang aking Ama, aking Diyos, ang siyang nagtatanggol at nagliligtas sa akin.'
\s5
\q
\v 27 Ibibigay ko sa kaniya ang karapatan bilang panganay ko; siya ang magiging pinakadakilang hari sa buong mundo.
\q
\v 28 Palagi akong magiging tapat sa kaniya, at ang kasunduan kong pagpalain siya ay magtatagal habang buhay.
\q
\v 29 Itatatag ko ang kaniyang mga kaapu-apuhan na walang katapusan, ilan sa mga kaapu-apuhan niya ay laging magiging mga hari.
\s5
\q
\v 30 Pero kung susuwayin ako ng kaniyang mga kaapu-apuhan, kung babalewalain nila ang aking mga patakaran
\q
\v 31 kung isasawalang-bahala nila ang aking mga hinihingi at hindi gagawin ang mga bagay na aking sinabi,
\q
\v 32 parurusahan ko sila nang matindi at pahihirapan dahil sa ginagawa nilang pagsuway.
\s5
\q
\v 33 Pero hindi ako hihinto sa pagmamahal nang tapat kay David, at tutuparin ko ang pinangako ko sa kaniya.
\q
\v 34 Hindi ko lalabagin ang kasunduan namin ni babaguhin ang anumang sinabi ko sa kaniya.
\s5
\q
\v 35 Taos-puso akong nangako kay David, at hindi na iyon magbabago; dahil ako ang Diyos, hindi ako kailanman magsisinungaling kay David.
\q
\v 36 Ipinangako ko na hindi mawawala sa lahi niya ang pagiging hari magpakailanman; mananatili ito habang sumisikat ang araw.
\q
\v 37 Ang lahi na iyon ay mananatili tulad ng buwan na laging nagmamatyag sa lahat ng bagay sa lupa."
\s5
\q
\v 38 Pero ngayon itinakwil mo siya, Yahweh! Nagalit ka nang husto sa hari na hinirang mo.
\q
\v 39 Tila nilabag mo ang kasunduan mo sa lingkod mong si David; tila tinapon mo ang kaniyang korona sa lupa.
\q
\v 40 Giniba mo ang mga pader na nangangalaga sa kaniyang lungsod at hinayaan mong mawasak ang kaniyang mga tanggulan.
\s5
\q
\v 41 Pinagnakawan siya ng lahat ng dumaraan; pinagtawanan siya ng kaniyang mga karatig-bayan.
\q
\v 42 Binigyan mo ng kakayanan ang kaniyang mga kaaway na talunin siya; pinasaya mo silang lahat.
\q
\v 43 Ginawa mong walang silbi ang kaniyang espada at hindi mo siya tinulungan sa kaniyang mga laban.
\s5
\q
\v 44 Tinapos mo ang kaniyang karangyaan at binagsak ang kaniyang trono sa lupa.
\q
\v 45 Pinatanda mo siya habang siya ay bata pa at hiniya mo siya.
\s5
\q
\v 46 Hanggang kailan ito magpapatuloy, O Yahweh? Habang buhay ka bang hindi magpaparamdam sa amin? Hanggang kailan ka magagalit sa amin? Hanggang kailan maglalagablab ang iyong galit sa amin tulad ng apoy?
\q
\v 47 Huwag mong kalimutan na maikli lang ang buhay; Huwag mong kalimutan na nilikha mo kami para mamatay din balang araw.
\q
\v 48 Walang sinuman ang hindi mamamatay; walang kayang buhayin ang sarili niya matapos niyang mamatay.
\s5
\q
\v 49 Ipinangako mo noon na tapat mo akong mamahalin, Yahweh; bakit hindi mo iyon ginagawa? Taos-puso mo itong ipinangako kay David!
\q
\v 50 Huwag mong kalimutan, Yahweh, ang pang-iinsulto at paglalapastangan ng mga tao sa akin! Sinusumpa ako ng ibang mga tao!
\q
\v 51 Minamaliit ng mga kaaway mo ang iyong piniling hari, Yahweh! Hindi sila tumitigil sa panghihiya nila sa kaniya saan man siya pumunta.
\s5
\q
\v 52 Nawa mapapurihan si Yahweh magpakailanman! Amen! Mangyari nawa ito!
\s5
\c 90
\p
\v 1 Panginoon, noon pa man ay naging tulad ka na ng isang tahanan para sa amin.
\q
\v 2 Bago mo nilikha ang mga bundok, bago mo hinubog ang lupa at lahat ng nandito, Diyos ka na noon pa man, at mananatili kang Diyos magpakailanman.
\s5
\q
\v 3 Kapag namamatay ang mga tao, binabalik mo ulit sa lupa ang mga katawan nila; ginagawa mong lupa ulit ang mga bangkay nila kung saan unang nilikha ang tao.
\q
\v 4 Kapag isinasaalang-alang mo ang oras, ang isang libong taon ay kasing ikli lang ng isang araw na lumilipas; isinasaalang-alang mo na kasing ikli lang nila ang ilang oras sa gabi.
\s5
\q
\v 5 Dinudulot mong mamatay agad ang mga tao; nabubuhay lang sila ng maikling panahon tulad ng panaginip na tumatagal lang ng ilang sandali. Tulad sila ng damo na tumutubo.
\q
\v 6 Sa umaga, tumutubo at lumalago ng mabuti ang mga damo, pero natutuyot ito at tuluyang nalalanta sa gabi.
\s5
\q
\v 7 Gayundin, dahil sa mga kasalanan na ginagawa namin, nagagalit ka sa amin; tinatakot mo kami at winawasak.
\q
\v 8 Tila nilalagay mo ang mga kasalanan namin sa harapan mo; nilalatag mo maging ang mga lihim na kasalanan namin kung saan mo makikita ang mga ito.
\s5
\q
\v 9 Dahil sa galit mo sa amin, tinatapos mo ang buhay namin; mabilis na lumilipas ang mga taon na binubuhay namin tulad ng isang buntong-hininga.
\q
\v 10 Nabubuhay lang ang tao ng pitumpung taon; ang ilan walumpung taon kung malakas sila. Pero kahit ang mabubuting mga taon namin ay puno pa rin ng masasakit at mapapait na karanasan; magwawakas din ang buhay namin, at mamamatay kami.
\s5
\q
\v 11 Wala pa talagang nakararanas ng makapangyarihang mga bagay na kaya mong gawin sa kanila kapag galit ka sa kanila, at hindi natatakot ang mga tao na parurusahan mo sila dahil sa galit mo sa kanila.
\q
\v 12 Kaya turuan mo kaming alalahanin na maikli lang ang buhay namin para magamit namin ito nang maayos.
\q
\v 13 Yahweh, hanggang kailan ka magagalit sa amin? Kaawaan mo kaming mga lingkod mo.
\s5
\q
\v 14 Araw-araw, ipakita mo sa amin na sapat na sa amin kung tapat mo kaming minamahal gaya ng ipinangako mo. Ipakita mo sa amin ito para makasigaw kami nang may kagalakan at maging masaya kami sa natitirang mga taon ng buhay namin.
\q
\v 15 Tumbasan mo ngayon ng kasiyahan ang mga taon na pinahirapan mo kami at nakaranas ng kaguluhan.
\q
\v 16 Bigyan mo kami ng kakayanan na makita ang kamangha-manghang mga bagay na ginagawa mo, at bigyan mo ng kakayanan ang mga anak namin na makita rin ang kaluwalhatian mo.
\s5
\q
\v 17 Panginoon, aming Diyos, pagpalain mo kami at tulungan mo kaming magtagumpay; oo, tulungan mo kaming magtagumpay sa lahat ng ginagawa namin!
\s5
\c 91
\p
\v 1 Silang mga nananahan sa ilalim ng pag-iingat ng Diyos na makapangyarihan, ay may kakayahang mamahinga ng ligtas sa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
\q
\v 2 Ipahahayag ko kay Yahweh, "Iningatan mo ako; ikaw ay tulad ng tanggulan kung saan ligtas ako. Ikaw ang aking Diyos, ang nag-iisang pinagkakatiwalaan ko."
\s5
\q
\v 3 Sasagipin ka niya mula sa lahat ng nakakubling patibong at ililigtas ka mula sa nakakamatay na mga sakit.
\q
\v 4 Ipagtatanggol ka niya gaya ng ibong iniingatan ang kaniyang mga inakay sa ilalim ng kaniyang mga pakpak. Ikaw ay magiging ligtas sa kaniyang pangangalaga. Ang kaniyang tapat na pagtupad ng kanyang pinangako ay tulad ng isang kalasag na mag-iingat sa iyo.
\s5
\q
\v 5 Hindi ka matatakot sa mga bagay na nangyayari sa gabi o sa mga palaso na ipapana ng iyong kaaway sa umaga.
\q
\v 6 Hindi ka matatakot sa mga salot na sanhi ng mga demonyo nang sila ay lumusob sa mga tao sa gabi o ng iba pang masasamang hukbo na pumapatay ng mga tao sa katanghalian.
\q
\v 7 Kahit na libong tao ang mamatay sa tabi mo, kahit na sampung libong tao ang namamatay sa paligid mo, hindi ka mapapahamak.
\s5
\q
\v 8 Masdan mo at tingnan na ang mga masasamang tao ay pinarurusahan!
\q
\v 9 Iniingatan ako ni Yahweh; pagkatiwalaan moang Diyos na makapangyarihan para ikaw ay kupkupin rin.
\s5
\q
\v 10 Kung gagawin mo ito, walang masamang mangyayari sa iyo; walang salot na lalapit sa iyong bahay
\q
\v 11 dahil uutusan ni Yahweh ang kaniyang mga anghel para ingatan ka sa lahat ng iyong ginagawa.
\s5
\q
\v 12 Hahawakan ka nila ng kanilang mga kamay para hindi mo masaktan ang iyong paa sa malaking bato.
\q
\v 13 Ikaw ay mananatiling ligtas mula sa panghahamak ng iyong mga kaaway; ito ay magiging mahirap na parang ikaw ay pumapatay ng mga mababangis na leon at mga makamandag na ahas sa pamamagitan ng pagtapak sa kanila!
\s5
\q
\v 14 Sinabi ni Yahweh, "Sasagipin ko ang sinumang nagmamahal sa akin; iingatan ko sila dahil kinilala nila na ako si Yahweh.
\q
\v 15 Kapag nanawagan sila sa akin, sasagutin ko sila. Tutulungan ko sila kapag sila ay nakararanas ng gulo; sasagipin ko at pararangalan sila.
\q
\v 16 Gagantimpalaan ko sila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng buhay ng mahabang panahon, at ililigtas ko sila."
\s5
\c 92
\p
\v 1 Yahweh, mabuti para sa mga tao na pasalamatan ka at umawit ng papuri sa iyo na dakila kaysa sa ibang diyos.
\q
\v 2 Mabuting ipahayag tuwing umaga na tapat mo kaming minamahal at umawit bawat gabi na nagpapahayag na lagi mong ginagawa ang anumang ipinangako mo,
\q
\v 3 kasama ng mga manunugtog gamit ang mga alpa na mayroong sampung mga kwerdas at mga tunog na likha ng lira.
\s5
\q
\v 4 Yahweh, pinasaya mo ako; umaawit ako sa galak dahil sa mga ginawa mo.
\q
\v 5 Yahweh, ang mga bagay na ginawa mo ay dakila! Pero mahirap intindihin ang lahat ng iniisip mo.
\s5
\q
\v 6 May mga bagay na ginawa ka na hindi nalalaman ng mga hangal, mga bagay na hindi naiintindihan ng mangmang.
\q
\v 7 Hindi nila maintindihan kahit na dumarami ang bilang ng masasama gaya ng dahon ng damo at umuunlad ang mga ginagawa ng masama, sila ay tuluyang mawawasak.
\s5
\q
\v 8 Pero Yahweh, ikaw ay magiging hari magpakailanman.
\q
\v 9 Yahweh, ang mga kaaway mo ay tiyak na mamamatay, at sinumang gumagawa ng mga masasamang bagay ay malulupig.
\s5
\q
\v 10 Pero pinalakas mo ako gaya ng toro; pinasaya mo ako ng labis.
\q
\v 11 Nakita kong natalo mo ang aking mga kaaway, at narinig ko ang masasamang tao na dumadaing habang sila ay kinakatay.
\s5
\q
\v 12 Pero ang taong matutuwid ay sasagana tulad ng mga puno ng palma na lumago, tulad ng mga puno ng sedar na lumaki sa Lebanon.
\q
\v 13 Sila ay tulad ng mga puno na tinanim ng mga tao sa templo ni Yahweh sa Jerusalem, ang mga puno na malapit sa patyo ng templo ng ating Diyos.
\s5
\q
\v 14 Kahit na tumanda na ang taong matutuwid, sila ay gumagawa pa rin ng mga bagay na nakalulugod sa Diyos. Sila ay mananatiling malakas at puno ng sigasig tulad ng mga puno na nananatiling puno ng dagta.
\q
\v 15 Nagpapakita ito na si Yahweh ay makatarungan; siya ay tulad ng napakalaking bato kung saan ligtas ako, at hindi siya kailanman gumagawa ng anumang kasamaan.
\s5
\c 93
\p
\v 1 Yahweh, ikaw ay naging Hari! Ang kadakilaan at ang kapangyarihan na mayroon ka ay tulad ng mga balabal na isinusuot ng hari. Inilagay mo ang mundo nang matatag, at hindi ito kailanman mayayanig.
\q
\v 2 Sinimulan mong mamuno bilang hari sa napakamahabang panahon; ikaw ay palaging buhay.
\s5
\q
\v 3 Yahweh, nang nilikha mo ang mundo, hiniwalay mo ang tubig mula sa magulong tipak ng lupa at binuo ang karagatan, at ang mga alon ng tubig ng karagatang iyon ay dumadagundong pa rin,
\q
\v 4 pero ikaw ay mas higit kaysa sa dagundong ng mga karagatang iyon, mas makapangyarihan ka sa mga alon ng karagatan! Ikaw si Yahweh, ang siyang mas higit kaysa sa anumang diyos!
\s5
\q
\v 5 Yahweh, ang iyong mga batas ay hindi kailanman nagbabago, at ang templo mo ay laging banal. Iyon ay magiging totoo magpakailanman.
\s5
\c 94
\p
\v 1 Yahweh, ikaw ay may kakayahang maghiganti sa iyong mga kaaway. Kaya ipakita mo sa kanila na sila ay parurusahan mo!
\q
\v 2 Ikaw ang nag-iisang hahatol sa lahat ng mga tao sa mundo; kaya bumangon ka at ibigay mo sa kanila ang nararapat.
\s5
\q
\v 3 Yahweh, gaano katagal magagalak ang masasamang tao? Hindi tamang patuloy silang nagagalak!
\q
\v 4 Gumagawa sila ng mga masasamang bagay, at ipinagmamayabang nila ang kanilang ginagawa; gaano katagal sila pahihintulutang patuloy na gawin iyon?
\s5
\q
\v 5 Yahweh, parang dinudurog kami, ang iyong bayan, ng masasama; inaapi nila ang bansa na ginawa mo at nabibilang sayo lamang.
\q
\v 6 Pinapatay nila ang mga balo at mga ulila at mga tao mula sa ibang bansa na iniisip na ligtas manirahan sa aming lupain.
\q
\v 7 Sinasabi ng masasamang tao, "Hindi nakikita ni Yahweh ang anumang bagay; ang Diyos na sinasamba ng mga Israelita ay hindi nakikita ang mga masasamang bagay na aming ginagawa."
\s5
\q
\v 8 Kayong masasamang tao na namumuno sa Israel, kayo ay mga hangal at mangmang; kailan kayo magiging matalino?
\q
\v 9 Nilikha ng Diyos ang ating mga tainga; sa tingin niyo ba hindi niya naririnig ang sinasabi ninyo? Nilikha niya ang ating mga mata; sa tingin niyo ba hindi niya nakikita ang masasamang bagay na ginagawa ninyo?
\s5
\q
\v 10 Itinatama niya ang mga namumuno sa ibang mga bansa; sa tingin niyo ba hindi niya kayo parurusahan? Siya ang nag-iisang may alam ng lahat ng bagay; bakit iniisip ninyo na hindi niya alam ang ginagawa ninyo?
\q
\v 11 Alam ni Yahweh ang lahat ng bagay na iniisip ng mga tao; alam niya na ang iniisip nila ay masama at walang silbi.
\s5
\q
\v 12 Yahweh, mapalad ang sinumang nagpapahintulot sa iyo na disiplinahin sila, ang sinumang gusto na ituro mo sa kanila ang iyong mga batas.
\q
\v 13 Kapag ang mga taong iyon ay nagkaroon ng gulo, ikaw ang magpapatigil ng mga gulong iyon, at balang araw magiging tulad ito ng paghuhukay mo para sa mga masasamang tao, at sila ay mahuhulog sa hukay na iyon at mamamatay.
\s5
\q
\v 14 Hindi pababayaan ni Yahweh ang kaniyang bayan; hindi niya tatakasan ang sinumang nabibilang sa kaniya.
\q
\v 15 Balang araw ang hukom ang magpapasya sa mga bagay nang walang kinikilingan para sa mga tao, at lahat ng taong tapat ay malulugod doon.
\q
\v 16 Pero nang inapi ako ng masasamang tao, walang nagtanggol sa akin! Walang sinuman ang tumayo para magpatotoo para sa akin laban sa mga masasamang tao.
\s5
\q
\v 17 Kung hindi ako tinulungan ni Yahweh ng mga oras na iyon, maaaring binitay na ako; ang aking buhay ay napunta sana sa lugar kung saan ang mga patay ay walang sinasabi.
\q
\v 18 Sinabi ko, "Ako ay nahuhulog sa sakuna," pero, Yahweh, tinulungan mo ako sa pamamagitan ng tapat na pagmamahal mo sa akin.
\q
\v 19 Tuwing nag-aalala ako, inaaliw mo ako at naging dahilan para maging masaya ako.
\s5
\q
\v 20 Wala kang kinalaman sa mga masasamang hukom, silang nagtatag ng mga batas na nagpapahintulot sa mga tao na gawin ang hindi tama.
\q
\v 21 Binabalak nilang alisin ang matutuwid, at ipinahayag nila na ang mga walang malay na mga tao ay dapat hatulan ng kamatayan.
\s5
\q
\v 22 Pero si Yahweh ay naging tulad ng aking tanggulan; aking Diyos tulad ng isang malaking bato na nag-ingat sa akin.
\q
\v 23 Parurusahan niya ang mga masasamang pinuno kapalit ng mga bagay na nagawa nila; aalisin niya sila dahil sa mga kasalanan na nagawa nila; oo, si Yahweh na ating Diyos ay lilipulin sila.
\s5
\c 95
\p
\v 1 Halikayo, umawit tayo kay Yahweh; umawit tayo nang may kagalakan sa nag-ingat at nagligtas sa atin!
\q
\v 2 Dapat natin siyang pasalamatan habang tayo ay papunta sa harap niya at umawit ng masasayang awit habang pinupuri natin siya.
\q
\v 3 Dahil si Yahweh ay dakilang Diyos, siya ay dakilang hari na namumuno sa lahat ng ibang diyos.
\s5
\q
\v 4 Pinamunuan niya ang buong mundo mula sa pinakamalalim na mga lugar hanggang sa pinakamataas na mga bundok.
\q
\v 5 Sa kaniya ang mga dagat dahil siya ang lumikha nito. Siya ang nag-iisang lumikha ng tuyong lupa.
\s5
\q
\v 6 Tayo ay dapat pumunta, magpuri, at magpatirapa sa harap niya. Tayo ay dapat lumuhod sa harap ni Yahweh, ang nag-iisang lumikha sa atin.
\q
\v 7 Siya ang ating Diyos, at tayo ang mga taong iniingatan niya, tulad ng tupa na pinangangalagaan ng pastol. Nais ko ngayong araw na dinggin ninyo ang sinasabi ni Yahweh sa inyo.
\s5
\q
\v 8 Sinasabi niya, "Huwag maging matigas ang ulo ninyo gaya ng ginawa ng inyong ninuno sa Meribah, at gaya ng ginawa nila sa Massah sa ilang.
\q
\v 9 Sila ang inyong mga ninuno na gustong makita kung magagawa nila ang mamasamang bagay ng hindi ko sila pinarurusahan. Kahit na nakita nila ako na nagsasagawa ng maraming himala, sinubukan nila ako kung ipagpapatuloy ko ang pagiging matiyaga sa kanila.
\s5
\q
\v 10 Sa loob ng apatnapung taon, galit ako sa mga taong iyon, at sinabi ko, 'Ang mga taong iyon ay hindi maaasahan. Tinanggihan nilang sundin ang aking mga utos.
\q
\v 11 Kaya dahil galit na galit ako; taimtim kong sinabi sa kanila, 'Hindi sila kailanman makapapasok sa lupain ng Canaan kung saan pahihintulutan ko silang magpahinga!"
\s5
\c 96
\p
\v 1 Umawit kay Yahweh ng bagong awitin! Kayong mga tao sa buong daigdig, umawit kay Yahweh!
\q
\v 2 Umawit kay Yahweh at siya ay purihin! Ipahayag araw-araw sa ibang mga tao na iniligtas niya tayo.
\s5
\q
\v 3 Ihayag ninyo ang tungkol sa kanyang kaluwalhatian sa lahat ng grupo ng mga tao; ihayag ninyo sa lahat ng grupo ng mga tao ang mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.
\q
\v 4 Dakila si Yahweh, at nararapat siyang purihin nang lubos; dapat siyang igalang higit sa ibang mga diyos.
\s5
\q
\v 5 Lahat ng diyos na sinasamba ng ibang grupo ng mga tao ay mga diyus-diyosan lamang, pero si Yahweh ay tunay na dakila; nilikha niya ang mga kalangitan!
\q
\v 6 Pinaparangalan siya ng mga taong nasa presensiya at nakikita na siya ay isang dakilang hari. Nakikita nila sa kaniyang templo na tunay siyang makapangyarihan at lubos ang kagandahan.
\s5
\q
\v 7 Kayong mga tao sa mga bansa sa buong daigdig, purihin si Yahweh! Purihin si Yahweh dahil sa kanyang maluwalhating kapangyarihan!
\q
\v 8 Purihin si Yahweh dahil karapat-dapat siyang papurihan. Magdala ng handog at lumapit sa kaniyang templo.
\s5
\q
\v 9 Magbigay galang kay Yahweh kapag nagpapakita siya sa kaniyang maluwalhating templo. Bawat isa sa daigdig ay dapat tunay na matakot sa kaniyang presensiya, dahil siya ay mabuti at makapangyarihan, lubos na iba kaysa sa atin.
\q
\v 10 Sabihin sa lahat ng mga grupo ng mga tao, "Si Yahweh ang hari!" Itinatag niya ang mundo sa tamang lugar, at walang anumang makatitinag dito kailanman. Makatarungan niyang hahatulan ang lahat ng grupo ng mga tao.
\s5
\q
\v 11 Lahat ng mga nilalang na nasa kalangitan ay dapat magsaya, at lahat ng mga tao sa daigdig ay dapat magalak. Ang mga karagatan at lahat ng mga nilalang na nasa karagatan ay dapat sumigaw para magpuri kay Yahweh.
\q
\v 12 Ang mga bukirin at lahat ng mga nabubuhay roon ay dapat magalak. Kapag ginawa nila iyon, tila lahat ng mga puno sa mga kagubatan ay umaawit nang buong kagalakan sa
\q
\v 13 harapan ni Yahweh. Mangyayari iyon kapag dumating siya para hatulan ang bawat isa sa daigdig. Hahatulan niya ang lahat ng tao nang patas ayon sa alam niyang totoo.
\s5
\c 97
\p
\v 1 Si Yahweh ang hari! Nais kong lahat ng tao sa daigdig ay magsaya pati ang mga taong naninirahan sa mga pulo sa mga karagatan ay magalak.
\q
\v 2 May mga maiitim na ulap na nakapalibot sa kanya; siya ay lubusang naghahari, makatarungan, at patas.
\s5
\q
\v 3 Nagpapadala siya ng apoy sa kanyang unahan, at lubos niyang tinutupok ang lahat ng kanyang mga kaaway sa apoy na iyon.
\q
\v 4 Nagpapadala siya ng kidlat sa buong mundo para kumislap; nakikita ito ng mga tao sa mundo, at ito ay nagdudulot sa kanila para matakot at manginig.
\q
\v 5 Matutunaw ang mga bundok gaya ng kandila sa harapan ni Yahweh, sa harapan ng nag-iisang Panginoon, na naghahari sa buong daigdig.
\s5
\q
\v 6 Ipinapahayag ng mga anghel sa langit na siya ay gumagawa ng matuwid, at nakikita ng lahat ng grupo ng mga tao ang kaniyang kaluwalhatian.
\q
\v 7 Lahat ng taong sumasamba sa mga diyos-diyosan ay dapat mapahiya; ang lahat ng mga nagmamalaki sa kanilang mga huwad na diyos ay dapat maintindihan na ang kanilang mga diyos ay walang silbi. Lahat ng mga diyos na iyon ay yuyukod para sambahin si Yahweh.
\q
\v 8 Narinig ng mga mamamayan ng Jerusalem na ang Diyos ay makatarungan, at sila ay nagalak; nagalak din ang mga tao sa ibang mga lungsod ng Juda dahil hinahatulan at pinaparusahan ni Yahweh ang mga masasama.
\s5
\q
\v 9 Si Yahweh ang kataas-taasang Hari sa buong daigdig; siya ay makapangyarihan, at wala ni isa sa ibang mga diyos ang may kapangyarihan.
\q
\v 10 Minamahal ni Yahweh ang mga taong napopoot sa mga masasama; pinoprotektahan niya ang mga buhay ng kanyang bayan, at sila ay sinasagip kapag sinusubukan silang saktan ng mga masasama.
\q
\v 11 Inaayos niya ang buhay ng mga matutuwid para makapamuhay ng ganap; idinudulot niya ang kaloob-looban ng mga matutuwid na magalak.
\s5
\q
\v 12 Kayong mga taong matutuwid, magalak kayo tungkol sa mga nagawa ni Yahweh, at siya ay pasalamatan, ang ating banal na Diyos!
\s5
\c 98
\p
\v 1 Umawit kay Yahweh ng bagong awitin dahil nakagawa siya ng mga kamangha-manghang bagay! Pinabagsak niya ang kaniyang mga kaaway sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
\q
\v 2 Ipinahayag ni Yahweh sa kanyang bayan na pinabagsak niya ang kanyang mga kaaway; ipinakita niya na pinarusahan niya ang kanyang mga kaaway, at nakita ng mga tao sa buong mundo ang kanyang nagawa.
\s5
\q
\v 3 Gaya ng ipinangako niya sa ating mga Israelita, buong katapatan niya tayong minahal at naging tapat siya sa atin. Nakita ng mga taong naninirahan sa mga malalayong lugar sa buong daigdig na pinabagsak ng ating Diyos ang kanyang mga kaaway.
\q
\v 4 Kayong mga tao na naninirahan sa lahat ng dako ay dapat umawit nang buong kagalakan kay Yahweh; purihin siya habang kayo ay umaawit at sumisigaw ng buong kagalakan!
\s5
\q
\v 5 Purihin si Yahweh habang tumutugtog kayo ng mga lira, nagtutugtugan ng kasiya-siyang musika.
\q
\v 6 Dapat hipan ang mga trumpeta ng ilan sa inyo at ang iba naman ay tambuli habang ang iba ay sumisigaw nang buong kagalakan kay Yahweh, ang ating hari.
\s5
\q
\v 7 Ang mga karagatan at ang lahat ng mga nilikhang nasa mga karagatan ay dapat umatungal para magpuri kay Yahweh. Dapat magsi-awit ang lahat ng tao sa buong daigdig!
\q
\v 8 Parang itong tulad ng mga ilog na ipinapalakpak ang kanilang mga kamay para magpuri kay Yahweh at ang mga burol na sama-samang nagsisi-awitan ng buong kagalakan sa harapan ni Yahweh
\q
\v 9 dahil darating siya para hatulan ang lahat ng tao sa daigdig! Hahatulan niya ang lahat ng grupo ng mga tao sa mundo nang makatarungan at patas.
\s5
\c 99
\p
\v 1 Si Yahweh ang kataas-taasang hari, kaya dapat manginig ang lahat ng mga grupo ng tao sa kanyang harapan! Nakaluklok siya sa trono sa loob ng templo sa itaas ng mga estatwang may pakpak, kaya dapat mayanig ang daigdig!
\q
\v 2 Si Yahweh ay makapagyarihang hari sa Jerusalem; siya rin ang kataas-taasang naghahari sa lahat ng grupo ng mga tao.
\q
\v 3 Sila ay dapat magpuri sa kanya dahil siya ay napakadakila; siya ay banal.
\s5
\q
\v 4 Siya ay makapangyarihang hari na umiibig sa katarungan; siya ay humahatol nang may katarungan at may pagkakapantay-pantay sa Israel.
\q
\v 5 Purihin si Yahweh, ang ating Diyos! Sambahin siya sa harap ng kanyang tuntungan, ang sagradong kaban sa loob ng kanyang templo, kung saan niya pinaghaharian ang mga tao. Siya ay banal!
\s5
\q
\v 6 Dalawa sa kanyang mga pari sina Moises at Aaron; Si Samuel rin ang isa pang nanalangin sa kanya. Ang tatlong iyon ay tumangis kay Yahweh para tulungan sila, at sila ay tinugon.
\q
\v 7 Kinausap niya sina Moises at Aaron mula sa ulap na animo isang napakalaking haligi; sinunod nila ang lahat ng mga batas at mga kautusan na kanyang ibinigay sa kanila.
\s5
\q
\v 8 Yahweh, aming Diyos, tinugon mo ang iyong bayan nang tumangis sila sa iyo para humingi ng tulong; ikaw ang Diyos na nagpatawad sa kanilang pagkakasala, kahit na pinarusahan mo sila dahil sa kanilang mga pagkakamali.
\q
\v 9 Purihin si Yahweh, ang ating Diyos, at sambahin siya sa templo ng kanyang sagradong burol; nararapat itong gawin dahil si Yahweh, ang Diyos natin, ay banal!
\s5
\c 100
\p
\v 1 Lahat ng tao sa mundo ay dapat sumigaw nang buong kagalakan kay Yahweh!
\q
\v 2 Dapat nating sambahin si Yahweh nang buong kasayahan! Dapat tayong lumapit sa kanyang harapan na umaawit ng mga awiting masaya.
\s5
\q
\v 3 Dapat nating kilalanin na si Yahweh ay Diyos; siya ang lumikha sa atin, at tayo ay kanyang pag-aari. Tayo ang bayan na kanyang iniingatan; katulad tayo ng mga tupa na iniingatan ng kanilang pastol.
\s5
\q
\v 4 Pumasok sa mga tarangkahan ng kanyang templo na nagpapasalamat sa kanya; pumasok sa silid ng templo na umaawit ng mga awitin para magpuri sa kanya! Pasalamatan at purihin siya
\q
\v 5 dahil si Yahweh ay laging gumagawa ng mabubuting bagay para sa atin. Matapat niya tayong minamahal kagaya ng kanyang ipinangako sa atin, at siya ay tapat.
\s5
\c 101
\p
\v 1 Yahweh, aawit ako sa iyo! Aawit ako tungkol sa iyong katapatan at pagiging makatarungan sa amin.
\s5
\q
\v 2 Nangangako ako na habang pinamumunuan ko ang mga tao, mamumuhay ako sa kaparaanan na hindi ako mapupuna ninuman. Yahweh, kailan ka darating para tulungan ako? Gagawin ko ang mga bagay na tama.
\q
\v 3 Hindi ko papayagan ang sinumang gumagawa ng masama na lumapit sa akin. Napopoot ako sa mga gawain ng mga tumalikod sa iyo; lubusan kong iiwasan ang mga taong iyon.
\s5
\q
\v 4 Hindi ako magiging manloloko, at wala akong kahit anong gagawing masama.
\q
\v 5 Paaalisin ko ang sinumang lihim na naninirang puri sa ibang tao, at hindi ko hahayaang lumapit sa akin ang mga mapagmataas at arogante.
\q
\v 6 Pagtitibayin ko ang mga tao sa lupaing ito na tapat sa Diyos, at hahayaan kong mamuhay silang kasama ko. Papayagan kong maglingkod sa akin ang mga namumuhay nang maayos para walang sinumang maaaring pumuna sa kanila.
\s5
\q
\v 7 Hindi ko papayagan ang sinumang lumilinlang sa iba na maglingkod sa aking palasyo, walang sinumang sinungaling ang papayagang magpatuloy na maglilingkod sa akin.
\q
\v 8 Pagsisikapan ko araw-araw na paalisin lahat ang mga masasamang tao sa lupaing ito. Paaalisin ko sila mula sa lungsod na ito, ang lungsod ni Yahweh.
\s5
\c 102
\p
\v 1 Yahweh, makinig ka sa aking ipinapanalangin; dinggin mo ako habang umiiyak ako sa iyo!
\q
\v 2 Huwag mo akong talikuran! Makinig ka sa akin, at agad mo akong sagutin sa tuwing tatawag ako sa iyo!
\s5
\q
\v 3 Nagwawakas ang aking buhay na parang naglalahong usok; mayroon akong mataas na lagnat na nag-aalab sa aking katawan gaya ng apoy na nag-aalab.
\q
\v 4 Pakiramdam ko na parang natutuyo ako tulad ng ginapas na damo, at hindi ako nag-iisip ng tungkol sa kahit anong pagkain.
\s5
\q
\v 5 Malakas akong nananaghoy, at nakikita ang aking mga buto sa ilalim ng aking balat dahil labis akong pumayat.
\q
\v 6 Katulad ako ng malungkot at hinahamak na buwitre sa ilang, katulad ng isang kwago na nag-iisa sa gusaling wasak at inabandona.
\s5
\q
\v 7 Nakahiga akong gising sa gabi; dahil walang sinuman ang umaaliw sa akin, tulad ako ng isang malungkot na ibon na nakatuntong sa isang bubungan.
\q
\v 8 Sa buong maghapon araw-araw, iniinsulto ako ng aking mga kaaway; silang pinagtatawanan ako ay binabanggit ang aking pangalan at nagsasabing, "Nawa maging katulad ka niya" kapag sinusumpa nila ang mga tao.
\s5
\q
\v 9-10 Dahil sa galit na galit ka sa akin, umupo ako sa mga abo habang labis akong nagdurusa; ang mga abong iyon ay nahuhulog sa tinapay na kinakain ko, at ang aking iniinom ay nahaluan ng aking luha. Tila binuhat mo ako at itinapon!
\s5
\q
\v 11 Ang panahon ko para mabuhay ay maikli tulad ng anino sa gabi na malapit nang mawala. Natutuyo ako gaya ng damo na natutuyo sa mainit na araw.
\q
\v 12 Pero Yahweh, ikaw ang aming hari na namumuno magpakailanman; maaalala ka ng mga taong hindi pa ipinapanganak.
\s5
\q
\v 13 Babangon ka at kikilos nang may awa sa mga mamamayan ng Jerusalem; panahon na ngayon para gawin mo iyon; oras na para maging mabait ka sa kanila.
\q
\v 14 Kahit nawasak na ang lungsod, kaming naglilingkod sa iyo ay nananatiling nagmamahal sa mga bato na dating nasa mga pader ng lungsod; dahil may mga durog na bato ngayon sa lahat ng dako, kami, na iyong bayan, ay labis na nalulungkot kapag nakikita ito.
\q
\v 15 Yahweh, balang araw ang mga tao ng ibang mga bansa ay magkakaroon sa iyo ng kahanga-hangang paggalang; makikita ng lahat ng mga hari sa daigdig na ikaw ay labis na maluwalhati.
\q
\v 16 Ang Jerusalem ay muli mong itatayo, at magpapakita ka roon ng may kaluwalhatian mo.
\s5
\q
\v 17 Pakikinggan mo ang mga panalangin ng iyong bayan na walang tahanan, at hindi mo sila babalewalain kapag sila ay nagsumamo para tulungan mo.
\q
\v 18 Yahweh, nais kong isulat ang mga salitang ito para malaman ng mga tao sa darating na mga taon kung ano ang ginawa mo, para purihin ka ng mga taong hindi pa ipinapanganak.
\s5
\q
\v 19 Malalaman nila na tumingin ka pababa mula sa sarili mong lugar sa langit at nakita mo kung ano ang nangyayari sa daigdig.
\q
\v 20 Malalaman nila na pinapakinggan mo ang mga bilanggong dumaraing at palalayain mo ang mga nasabihang, "Kayo ay bibitayin."
\s5
\q
\v 21 Bunga nito, pupurihin ka ng mga tao sa Jerusalem dahil sa mga ginawa mo.
\q
\v 22 Maraming tao mula sa ibang mga grupo ng mga tao at mga mamamayan ng ibang mga kaharian ang magtitipon para sambahin ka.
\s5
\q
\v 23 Pero ngayon dinulot mo na maging mahina ako habang ako ay bata pa; palagay ko ay hindi na magtatagal ang aking buhay.
\q
\v 24 Sinasabi ko sa iyo, "Aking Diyos, huwag mo ako ngayon kunin mula sa daigdig bago ako tumanda! Ikaw, sa kabilang banda, ay nabubuhay magpakailan!
\s5
\q
\v 25 Matagal mo ng nilikha ang mundo, at ginawa mo ang kalangitan gamit ang sarili mong mga kamay.
\q
\v 26 Maglalaho ang daigdig at ang kalangitan, pero ikaw ay mananatili. Masisira sila gaya ng mga damit na nasisira. Itatapon mo sila gaya ng mga taong itinapon ang mga lumang damit, at hindi na sila mananatili.
\q
\v 27 Pero hindi ka tulad ng mga bagay na nilikha mo dahil hindi ka nagbabago; hindi ka kailanman mamamatay.
\s5
\q
\v 28 Balang araw ligtas na maninirahan ang aming mga anak sa Jerusalem, at pangangalagaan ang kanilang mga kaapu-apuhan habang namumuhay sila sa iyong piling.
\s5
\c 103
\p
\v 1 Sinasabi ko sa aking sarili na dapat kong purihin si Yahweh. Pupurihin ko siya dahil siya ay banal.
\q
\v 2 Sinasabi ko sa aking sarili na dapat kong purihin si Yahweh at hindi kalimutan kailanman ang lahat ng mabubuting bagay na ginawa niya para sa akin.
\s5
\q
\v 3 Pinatatawad niya lahat ng aking mga kasalanan, at pinagagaling niya ako sa lahat ng aking mga karamdaman;
\q
\v 4 hindi niya hinahayaang ako ay mamatay, at pinagpapala niya ako sa pamamagitan ng tapat na pagmamahal sa akin, at naging maawain sa akin gaya ng pinangako niyang gagawin.
\q
\v 5 Binibigyan niya ako ng mabubuting bagay sa buong buhay ko. Pinararamdam niyang bata ako at pinapalakas tulad ng mga agila.
\s5
\q
\v 6 Hinahatulan ni Yahweh nang makatarungan ang mga itinuring nang hindi patas.
\q
\v 7 Noong unang panahon ibinunyag niya kay Moises kung ano ang balak niyang gawin; ipinakita niya sa mga ninuno nating mga Israelita ang mga makapangyarihang bagay na kaya niyang gawin.
\q
\v 8 Naging maawain at mabait si Yahweh; hindi siya madaling magalit kapag nagkakasala tayo; lagi niyang ipinapakita sa atin na tapat niya tayong minamahal.
\s5
\q
\v 9 Hindi niya tayo patuloy na sasawayin, at sa habang panahon hindi siya mananatiling galit.
\q
\v 10 Hindi niya tayo pinarusahan dahil sa ating mga kasalanan gaya ng nararapat sa atin.
\s5
\q
\v 11 Napakataas ng kalangitan sa ibabaw ng daigdig, at kasindakila ito ng tapat na pag-ibig ng Diyos sa lahat ng sumasamba sa kaniya.
\q
\v 12 Inalis niya ang ating mga kasalanan at inilayo niya ito sa atin gaya ng layo ng silangan sa kanluran.
\q
\v 13 Tulad ng mga magulang na maawain sa kanilang mga anak, si Yahweh ay mabuti sa mga sumasamba sa kanya.
\s5
\q
\v 14 Batid niya kung ano ang katulad ng ating mga katawan; naaalala niya na nilikha niya tayo mula sa alabok, kaya madali tayong mabigo na gawin kung ano ang ikinalulugod niya.
\q
\v 15 Tayong mga tao ay hindi nabubuhay magpakailanman; tulad tayo ng damo na natutuyo at namamatay. Tulad tayo ng mga bulaklak sa kagubatan na sandaling namumukadkad;
\q
\v 16 pero kapag hinihipan ang mga ito ng mainit na hangin, sila ay naglalaho, at wala ng makakikita sa kanilang muli.
\s5
\q
\v 17 Pero tapat na mamahalin ni Yahweh ang lahat ng sumasamba sa kanya, gaya ng kanyang ipinangako. Patas siyang kikilos sa ating mga anak at sa kanilang mga anak;
\q
\v 18 kikilos siya sa ganoong paraan sa lahat ng mga sumusunod sa tipan na kanyang ginawa sa kanila para pagpalain sila kapag ginawa nila ang ayon sa sinabi niyang gawin nila, sa lahat ng sumusunod sa inutos niya.
\q
\v 19 Umupo si Yahweh sa kalangitan kung saan namumuno siya bilang hari; mula roon pinamumunuan niya ang lahat ng bagay.
\s5
\q
\v 20 Kayong mga anghel na pag-aari ni Yahweh, purihin niyo siya! Kayo ay mga makapangyarihang nilalang na ginagawa kung ano ang sinasabi niyang gawin ninyo; sinusunod ninyo kung ano ang kanyang iniuutos.
\q
\v 21 Purihan niyo si Yahweh, kayong mga hukbo ng anghel na naglilingkod sa kaniya at ginagawa kung ano ang ninanais niya.
\q
\v 22 Lahat kayong mga bagay na nilikha ni Yahweh, purihan niyo siya; purihan niyo siya sa bawat lugar kung saan siya namumuno! Pupurihin ko rin si Yahweh!
\s5
\c 104
\p
\v 1 Sinasabi ko sa aking sarili na dapat kong purihin si Yahweh. Yahweh, aking Diyos, napakadakila mo! Bilang hari na suot ang kanyang maharlikang kasuotan, mayroon kang karangalan at kamaharlikaan sa paligid mo!
\q
\v 2 Nilikha mo ang liwanag at nagtatago ka sa likod nito. Tulad ng isang tao na nagtatayo ng isang tolda, nilalatag mo ang buong kalangitan gaya ng taong nagtatayo ng tolda.
\q
\v 3 Itinayo mo ang iyong palasyo sa ibabaw ng mga ulap. Ginawa mo tulad ng karwahe ang mga ulap para isakay ka.
\s5
\q
\v 4 Ginawa mong tulad ng iyong mga mensahero ang mga hangin, at ang iyong mga lingkod tulad ng mga liyab ng apoy.
\q
\v 5 Ang mundo ay inilagay mo sa pundasyon nito nang matatag para hindi ito kailanman matinag.
\s5
\q
\v 6 Pagkatapos, binalot mo ang daigdig ng isang baha, tulad ng isang kumot; at ang mga bundok ay binalot ng tubig.
\q
\v 7 Pero nang sinuway mo ang tubig, ang karagatan ay umurong; nagsalita ang tinig mo tulad ng kulog, at pagkatapos ang katubigan ay agarang lumayo.
\s5
\q
\v 8 Lumitaw ang mga bundok mula sa tubig, at bumaba ang mga lambak sa mga antas na ipinasiya mo para sa kanila.
\q
\v 9 Pagkatapos, nagtakda ka ng hangganan para sa karagatan, isang hangganang hindi nila maaaring tawirin; hindi na kailanman babalutin ng kanilang tubig ang buong daigdig.
\s5
\q
\v 10 Pinabuhos mo ang tubig sa bukal sa mga bangin; ang tubig nila ay dumadaloy pababa sa pagitan ng mga bundok.
\q
\v 11 Ang mga batis na iyon ay nagbibigay ng tubig para mainom ng lahat ng mga hayop; umiinom ng tubig at hindi na nauuhaw ang mga maiilap na asno.
\q
\v 12 Ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad sa tabi ng batis, at umaawit sila sa mga sanga ng mga puno.
\s5
\q
\v 13 Mula sa kalangitan binubuhos mo ang ulan sa mga bundok, at pinupuno mo ang lupa ng maraming mabubuting bagay na nilikha mo.
\q
\v 14 Pinatutubo mo ang damo para makain ng mga baka, at pinalalaki mo ang mga halaman para sa mga tao. Sa ganoong paraan, nakukuha ng mga hayop at tao ang kanilang pagkain mula sa mga tumutubo sa lupa.
\q
\v 15 Kumukuha kami ng mga ubas para gumawa ng alak na iinumin at para magsaya; kumukuha kami ng mga olibo para maging maaliwalas ang aming mukha, at kumukuha kami ng butil para gumawa ng tinapay na makapagbibigay sa amin ng lakas.
\s5
\q
\v 16 Yahweh, nagpapadala ka ng saganang ulan para diligan ang iyong mga puno, ang mga puno ng sedar na itinanim mo sa Lebanon.
\q
\v 17 Gumagawa ang mga ibon ng kanilang mga pugad sa mga punong iyon, at gumagawa ang mga tagak ng kanilang mga pugad sa mga puno ng pino.
\q
\v 18 Ang mga kambing na maiilap ay naninirahan sa kaitaasan ng mga bundok, at ang mga kuneho naman ay sa malalaking bato naninirahan.
\s5
\q
\v 19 Yahweh, ginawa mo ang buwan para ipahiwatig ang kapanahunan para sa aming kapistahan, at ginawa mo ang araw na alam ang paglubog kung kailan.
\q
\v 20 Nagdadala ka ng kadiliman at ito ay nagiging gabi, kung kailan gumagala-gala sa paligid ang lahat ng mga hayop sa gubat para maghanap ng pagkain.
\s5
\q
\v 21 Sa gabi, umuungal ang mga leon habang naghahanap ng kanilang makakain, pero umaasa sa iyo na ikaw ang magbibigay ng pagkain nila.
\q
\v 22 Sa pagsapit ng bukang-liwayway, bumabalik sila sa kanilang lungga para matulog.
\s5
\q
\v 23 Sa araw, pumupunta sa kanilang trabaho ang mga tao; sila hanggang gabi ay nagtatrabaho.
\q
\v 24 Yahweh, gumawa ka ng napakaraming iba't ibang uri ng mga bagay! Ikaw ay sadyang napakatalino dahil ginawa mo ang lahat ng mga iyon. Ang daigdig ay puno ng iyong mga nilikha.
\s5
\q
\v 25 Nakikita namin ang karagatan na napakalawak. Ito ay puno ng maraming uri ng mga buhay na nilalang, mga malalaki at maliliit.
\q
\v 26 Nakikita namin ang mga barko na naglalayag! Nakikita namin ang malaking halimaw-dagat na ginawa mo para magpakitang-gilas sa paligid ng dagat.
\s5
\q
\v 27 Umaasa sa iyo ang lahat ng mga nilalang na ibigay mo sa kanila ang pagkain na kanilang kailangan.
\q
\v 28 Kapag ibinibigay mo ang pagkaing kanilang kailangan, tinitipon nila ito. Ibinibigay mo sa kanila kung ano ang mayroon ka sa iyong kamay, at kinakain nila ito at sila ay nasisiyahan.
\s5
\q
\v 29 Pero kung tatanggi kang ibigay ang pagkain sa kanila, labis silang matatakot. Kapag nilagot mo ang kanilang paghinga, mamamatay sila; nabubulok ang kanilang mga katawan at muling nagiging lupa.
\q
\v 30 Kapag sinimulan mong pahingahin ang mga bagong silang na nilalang, nagsisimula silang mabuhay; nagbibigay ka ng bagong buhay sa lahat ng mga buhay na nilalang sa daigdig.
\s5
\q
\v 31 Nawa manatili magpakailanman ang kaluwalhatian ni Yahweh. Nawamagalak siya tungkol sa lahat ng mga bagay na kanyang nilikha.
\q
\v 32 Niyayanig niya ang daigdig sa pamamagitan lamang ng pagtingin dito! Sa pamamagitan lamang ng paghipo sa mga bundok, pinabubuga niya sila ng apoy at usok!
\s5
\q
\v 33 Aawit ako kay Yahweh habang ako ay nabubuhay. Pupurihin ko ang aking Diyos hanggang sa araw na mamatay ako.
\q
\v 34 Masiyahan nawa si Yahweh sa lahat ng mga bagay na ito na inisip ko tungkol sa kanya dahil nagagalak ako tungkol sa pagkakilala ko sa kanya.
\s5
\q
\v 35 Gayunpaman, nawa maglaho ang mga makasalanan mula sa daigdig; nawa mawala na ang mga masasamang tao! Pero para sa akin, pupurihin ko si Yahweh! Purihin siya!
\s5
\c 105
\p
\v 1 Magpasalamat kayo kay Yahweh; sambahin niyo siya at manalangin sa kanya. Sabihin niyo sa lahat ng nasa mundo ang kaniyang ginawa.
\q
\v 2 Awitan siya; purihin siya habang umaawit kayo sa kaniya; sabihin niyo sa iba ang kaniyang kamangha-manghang mga himala.
\q
\v 3 Magmalaki kayo dahil kay Yahweh, ang nag-iisang Diyos. Magdiwang kayong mga sumasamba kay Yahweh!
\s5
\q
\v 4 Hilingin ninyo kay Yahweh na tulungan niya ako at ibigay sa inyo ang kalakasan niya at lagi niyong nanaisin na makasama siya!
\q
\v 5-6 Kayong mga kaapu-apuhan ni Abraham na lingkod ng Diyos, kayong mga kaapu-apuhan ni Jacob, ang mga tao na pinili ng Diyos, alalahanin lahat ang tungkol sa mga kamangha-mangha niyang gawa; gumawa siya ng mga himala, at pinarusahan niya ang lahat ng ating mga kaaway.
\s5
\q
\v 7 Siya si Yahweh, ang ating Diyos. Siya ang namamahala at humahatol sa lahat ng tao sa buong daigdig.
\q
\v 8 Hindi niya malilimutan kailanman ang tipan na kaniyang ginawa; gumawa siya ng pangako na magtatagal ng isang libong salinlahi.
\s5
\q
\v 9 Iyon ang tipan na ginawa niya para kay Abraham, at inulit niya ang tipan na iyon kay Isaac.
\q
\v 10 Kinalaunan, inulit niya ito kay Jacob bilang isang tipan para sa mga Israelitang mananatili magpakailanman.
\q
\v 11 Ang sinabi niya ay, "ibibigay ko sa inyo ang rehiyon ng Canaan; mapapasa-inyo ito at sa inyong kaapu-apuhan magpakailanman."
\s5
\q
\v 12 Sinabi niya iyon sa kanila nang sila ay kakaunti pa, isang maliit na grupo ng mga tao na naninirahan sa lupaing iyon gaya ng mga dayuhan.
\q
\v 13 Nagpatuloy sila sa paglibot sa bawat lugar, mula sa isang kaharian patungo sa iba pa.
\s5
\q
\v 14 Pero hindi niya pinahintulutan na apihin sila ng iba. Binalaan niya ang mga haring iyon sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na,
\q
\v 15 "Huwag kayong gumawa ng nakasasakit sa bayan na aking pinili! Huwag ninyong saktan ang aking mga propeta!"
\s5
\q
\v 16 Nagpadala siya ng taggutom sa Canaan, at bunga nito lahat ng tao ay walang makain.
\q
\v 17 Kaya nagpunta sa Ehipto ang kaniyang bayan, pero may pinadala muna siyang tao roon. Pinadala niya si Jose, na ipinagbili bilang alipin.
\s5
\q
\v 18 Kinalaunan, habang si Jose ay nakakulong sa Ehipto, kinadena nila ang kaniyang binti na sumugat sa kaniyang mga paa, nilagay nila ang bakal na kwintas sa kaniyang leeg.
\q
\v 19 Nasa bilangguan si Jose hanggang sa nangyari ang kaniyang hula at nakita na siya ay tama.
\s5
\q
\v 20 Nagpadala ang hari ng Ehipto ng mga alipin na kaniyang pinalaya; pinakawalan ng tagapamahalang ito si Jose mula sa bilangguan.
\q
\v 21 Pagkatapos itinalaga siyang mamahala sa lahat ng bagay na nasa sambahayan ng hari, para ingatan lahat ng bagay na pagmamay-ari ng hari.
\q
\v 22 Pinahintulutan si Jose na pamunuan ang mga natatanging lingkod ng hari para gawin ang lahat ng pinagagawa ni Jose, at sabihan maging ang mga tagapayo ng hari kung ano ang dapat gawin sa mga mamamayan sa Ehipto.
\q
\v 23 Kinalaunan, dumating ang ama ni Jose na si Jacob sa Ehipto. Nanirahan siya gaya ng isang dayuhan sa lupain na pagmamay-ari ng mga kaapu-apuhan ni Ham.
\s5
\q
\v 24 Pagkalipas ng maraming taon, pinarami ni Yahweh ang mga kaapu-apuhan ni Jacob ng labis. Bunga nito, ang mga kaaway nilang taga-Ehipto ay ipinalagay na ang mga Israelita ay napakalakas.
\q
\v 25 Kaya dinulot ni Yahweh pahirapan ng mga tagapamahala ng Ehipto ang bayan ng Israel, at sinimulan nilang apihin ang kaniyang bayan.
\q
\v 26 Pero, pagkatapos ipinadala niya ang kaniyang lingkod na si Moises kasama ang nakatatandang kapatid na si Aaron, na pinili rin ni Yahweh na maging lingkod niya.
\q
\v 27 Gumawa silang dalawa ng kamangha-manghang mga himala sa kalagitnaan ng mga tao sa Ehipto kung saan nakatira ang mga kaapu-apuhan ni Ham.
\s5
\q
\v 28 Nagpadala si Yahweh ng kadiliman para walang makitang kahit ano ang mga tao sa Ehipto, pero hindi sumunod ang mga namamahala sa Ehipto kay Moises at Aaron na hayaan ang mga Israelita na makaalis ng Ehipto.
\q
\v 29 Ginawang dugo ni Yahweh ang lahat ng katubigan sa Ehipto, na nagdulot para mamatay lahat ng isda.
\q
\v 30 Pagkatapos pinuno niya ng mga palaka ang buong lupain: maging ang mga silid-tulugan ng hari at kaniyang opisyales ay may mga palaka.
\s5
\q
\v 31 Pagkatapos inutusan ni Yahweh ang mga langaw, at kumpol sa kanila ang bumaba sa mga tao sa Ehipto, at kinuyog ng mga niknik ang buong bansa.
\q
\v 32 Sa halip na magpadala ng ulan, nagpadala si Yahweh ng katakot-takot na pag-ulan ng yelo, at nagkislapan ang kidlat sa buong lupain.
\q
\v 33 Sinira ng pag-ulan ng yelo ang kanilang mga ubasan at mga puno ng igos at sinira lahat ng iba pang mga puno.
\s5
\q
\v 34 Inutusan niya ang mga balang na pumunta; at mga laksa-laksa sa kanila ang pumunta; sa sobrang daming dumating hindi na sila mabilang.
\q
\v 35 Kinain ng mga balang ang lahat ng luntiang halaman sa lupain, sinira lahat ng mga pananim.
\q
\v 36 Pagkatapos pinatay ni Yahweh ang panganay sa bawat bahay ng mga mamayanan sa Ehipto.
\s5
\q
\v 37 Pagkatapos inilabas niya ang mga Israelita sa Ehipto; pasan-pasan nila ang mga mabibigat na mga alahas na gawa sa pilak at ginto na ibinigay sa kanila ng mga tao sa Ehipto. Walang naiwan ni isa dahil walang nagkasakit sa kanila.
\q
\v 38 Natuwa ang mga tao sa Ehipto nang umalis ang mga Israelita dahil lubos nilang kinakatakutan ang mga Israelita.
\q
\v 39 Pagkatapos naglagay ng ulap si Yahweh para liliman ang mga Israelita; at sa gabi ito ay naging malaking apoy ito sa kalangitan na nagbibigay liwanag sa kanila.
\s5
\q
\v 40 Kinalaunan, humingi ng karneng makakain ang mga Israelita, at pinadalhan sila ng mga kawan ng pugo ni Yahweh, at binigyan sila ng maraming mana, tinapay mula sa langit, tuwing umaga.
\q
\v 41 Isang araw, ibinuka niya ang isang bato at umagos ang tubig para mainom nila; iyon ay gaya ng ilog na dumadaloy sa disyerto.
\q
\v 42 Ginawa niya iyon dahil laging niyang iniisip ang tungkol sa sagradong pangako na binigay niya sa kanyang lingkod na si Abraham.
\s5
\q
\v 43 Nagalak ang kaniyang bayan dahil sa pagpapalaya niya sa kanila mula sa Ehipto; silang kaniyang pinili ay nagsisigawan nang may kagalakan habang naglalakbay.
\q
\v 44 Ibinigay niya sa kanila ang lupain na pag-aari ng mga grupo ng mga tao na nakatira sa Canaan, at kinuha ng mga Israelita ang lahat ng kanilang yaman.
\q
\v 45 Ginawa ni Yahweh ang lahat ng ito para gawin nilang lahat ang pinag-uutos niya sa kanila. Purihin si Yahweh!
\s5
\c 106
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Purihin si Yahweh dahil lahat ng bagay na ginagawa niya ay mabuti; matapat niya tayong minamahal magpakailanman gaya ng kanyang ipinangako sa atin!
\q
\v 2 Dahil si Yahweh ay maraming mabubuting bagay na ginawa, walang sinuman ang makapagsasabi ng lahat ng mga dakilang bagay na ginawa ni Yahweh, walang sinuman ang makagpupuri sa kaniya nang sapat.
\s5
\q
\v 3 Mapalad silang mga namumuhay ng patas; silang laging gumagawa ng matuwid.
\q
\v 4 O Yahweh, maging mabait ka sa akin kapag tinutulungan mo ang iyong bayan; tulungan mo ako kapag inililigtas mo sila.
\q
\v 5 Hayaan mong makita kong muli ang pag-unlad ng iyong bayan at makitang maligayang muli ang lahat ng mamamayan ng iyong bansang Israel; hayaan mo akong magsaya kasama nila! Nais kong purihin ka kasama silang lahat na pag-aari mo.
\s5
\q
\v 6 Kami at ang aming mga ninuno ay nagkasala; gumawa kami ng kasamaan at kabuktutan.
\q
\v 7 Nang nasa Ehipto ang aming mga ninuno, hindi sila nagbigay-pansin sa mga kamangha-manghang bagay na ginawa ni Yahweh; kinalimutan nila ang tungkol sa maraming pagkakataong ipinakita niya na tapat niya silang minahal. Sa halip, nang sila ay nasa Dagat ng Tambo, nagrebelde sila laban sa Diyos, na makapangyarihan sa alinmang diyos.
\s5
\q
\v 8 Pero iniligtas niya sila alang-alang sa kaniyang sariling pangalan para ipakita na lubos siyang makapagyarihan.
\q
\v 9 Sinuway niya ang Dagat ng Tambo at natuyo ito, at pagkatapos habang pinapangunahan niya ang ating mga ninuno, naglakad sila sa tuyong lupa gaya ng disyerto.
\s5
\q
\v 10 Sa ganitong paraan, iniligtas niya sila sa kapangyarihan ng kanilang mga kaaway.
\q
\v 11 Pagkatapos nalunod ang kanilang mga kaaway sa Dagat ng Tambo; wala ni isa man ang natira.
\q
\v 12 Nang mangyari ito, naniwala ang ating mga ninuno na tinupad nga ni Yahweh ang pinangako niya para sa kanila, at umawit sila ng papuri sa kanya.
\s5
\q
\v 13 Pero madali nilang nilimot ang ginawa niya para sa kanila; nagmadali silang gumawa ng mga bagay nang hindi pa alam ang gusto ni Yahweh na gawin nila.
\q
\v 14 Hinahanap-hanap nila ang mga pagkain tulad ng kinain nila noon sa Ehipto. Gumawa sila ng masasamang bagay para malaman kung parurusahan ba sila ng Diyos o hindi.
\q
\v 15 Kaya binigay niya sa kanila ang kanilang kahilingan, pero pinahirapan din niya sila ng matinding karamdaman.
\s5
\q
\v 16 Pagkatapos nang nainggit ang ibang mga lalaki kay Moises at sa nakatatanda niyang kapatid na si Aaron, ang matapat na lingkod ni Yahweh bilang isang pari,
\q
\v 17 bumuka ang lupa at nilamon si Dathan at nalibing din si Abiram at kaniyang pamilya.
\q
\v 18 Nagpababa ang Diyos ng apoy mula sa langit na sumunog sa lahat ng taong masasama na kumampi sa kanila.
\s5
\q
\v 19 Pagkatapos gumawa ng gintong imahe ng guya ang mga pinuno ng Israel sa Bundok ng Sinai at sinamba ito.
\q
\v 20 Sa halip na sambahin ang ating dakilang Diyos, sinimulan nilang sambahin ang isang imahe ng guya na kumakain ng damo.
\q
\v 21 Nilimot nila ang Diyos, na nagligtas sa kanila sa pamamagitan ng malaking himala na ginawa niya sa Ehipto.
\s5
\q
\v 22 Nilimot nila mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya para sa kanila sa Ehipto at mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginawa para sa kanila sa Dagat ng Tambo.
\q
\v 23 Dahil dito, sinabi ng Diyos na kaniyang lilipulin ang mga Israelita: pero si Moises, ang kaniyang pinili para maglingkod sa kaniya, ay tumayo at nakiusap sa Diyos na huwag nang gawin ito. Bunga nito, hindi na sila pinatay ng Diyos.
\s5
\q
\v 24 Kinalaunan, tumanggi ang ating mga ninunong pumasok sa magandang lupain ng Canaan dahil hindi sila naniwala na tutuparin ng Diyos ang kaniyang ipinangako at pahihintulutan silang kunin ang lupain mula sa mga taong naninirahan doon.
\q
\v 25 Nanatili sila sa kanilang mga tolda na nagrereklamo at hindi pinapansin ang sinasabi ni Yahweh na dapat nilang gawin.
\s5
\q
\v 26 Kaya mataimtim niyang sinabi sa kanila na siya ang magdudulot sa kanila na mamatay doon sa ilang,
\q
\v 27 na ikakalat niya ang kanilang kaapu-apuhan sa mga tao sa ibang mga bansa at mga pangkat na hindi naniniwala sa kaniya, at hahayaan niya silang mamatay sa mga lupaing iyon.
\s5
\q
\v 28 Kalaunan, ang mga Israelita ay nagsimulang sumamba sa imahe ni Baal sa Bundok ng Peor, at kumain sila ng karneng inialay kay Baal at iba pang mga diyos na walang buhay.
\q
\v 29 Galit na galit si Yahweh dahil sa kanilang ginawa, kaya muli siyang nagpadala sa kanila ng matinding sakit.
\s5
\q
\v 30 Pero tumayo si Finehas at pinarusahan silang mga nagkasala, at bunga nito, natapos ang salot.
\q
\v 31 Matatatandaan ng mga tao hanggang sa mga susunod pang panahon ang kabutihang ito na ginawa ni Finehas.
\s5
\q
\v 32 Pagkatapos sa mga Bukal ng Meriba, ginalit muli ng ating mga ninuno si Yahweh, kaya nagkaroon ng problema si Moises.
\q
\v 33 Labis nilang ginalit si Moises, at nakapagsalita siya ng mga kahangalan.
\q
\v 34 Hindi pinatay ng ating mga ninuno ang ibang mga pangkat ng tao gaya ng sinabi sa kanila na gawin nila.
\q
\v 35 Sa halip, kinuha ng mga lalaki ang mga babae at nagsimulang gumawa ng masasamang bagay kasama nila.
\q
\v 36 Sumamba ang ating mga ninuno sa kanilang diyos-diyosan, na humantong sa kanilang kamatayan.
\s5
\q
\v 37 Ang ibang mga Israelita ay nag-alay ng kanilang mga anak sa mga demonyo na kinakatawan ng mga diyos-diyosang iyon.
\q
\v 38 Pumatay sila ng mga batang walang ginawang mali, at inalay sila sa mga diyos-diyosan sa Canaan. Bunga nito, narumihan ang Canaan ng mga patayang iyon.
\q
\v 39 Kaya sa kanilang mga gawa, ginawa nilang hindi katanggap-tanggap ang kanilang sarili sa Diyos; dahil hindi sila tapat na sumamba sa nag-iisang Diyos, naging tulad sila ng mga babaeng nakiki-apid.
\s5
\q
\v 40 Kaya galit na galit si Yahweh sa kaniyang bayan; Lubos niya silang kinamumuhian.
\q
\v 41 Bunga nito, hinayaan niya silang masakop ng mga taong hindi naniniwala sa kaniya, kaya pinamunuan sila ng mga taong galit sa kanila.
\s5
\q
\v 42 Pinahirapan at hinigpitan sila ng kanilang mga kaaway.
\q
\v 43 Maraming beses nang iniligtas ni Yahweh ang kaniyang bayan, pero patuloy sila sa pagsuway sa kaniya, at sa huli, tuluyan silang naghirap dahil sa kanilang mga ginawang kasalanan.
\s5
\q
\v 44 Gayumpaman, lagi silang pinakikinggan ni Yahweh kapag dumaraing sila sa kaniya, at nakikinig siya sa kanila kapag nahihirapan sila.
\q
\v 45 Para sa kanilang kapakanan, inalala niya ang kaniyang pangako na pagpalain sila; dahil hindi siya kailanman tumigil sa pagmamahal sa kanila nang labis, hindi na niya tinuloy na higit pa silang parusahan.
\q
\v 46 Dinulot niya na ang lahat ng mga naghatid sa kanila sa Babilonia ay maawa sa kanila.
\s5
\q
\v 47 Oh Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami at ibalik sa Israel para makapagpasalamat kami at magpuri nang may kagalakan.
\q
\v 48 Purihin si Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, purihin siya ngayon at magpakailanman! Lahat ng mga tao ay dapat sumang-ayon! Purihin si Yahweh!
\s5
\c 107
\p
\v 1 Magpasalamat kay Yahweh dahil lagi siyang gumagawa ng mabuti para sa atin! Magpakailanman ang kaniyang tapat na pag-ibig sa atin, gaya ng kaniyang ipinangako sa atin!
\q
\v 2 Silang mga niligtas ni Yahweh ay dapat sabihin sa iba na iniligtas sila ni Yahweh mula sa kanilang mga kaaway.
\q
\v 3 Tinipon niya ang mga pinatapon sa maraming lupain; Pinagtipon-tipon niya kayo mula sa silangan at kanluran, mula hilaga at mula sa timog.
\s5
\q
\v 4 Naligaw sa disyerto ang iba sa mga bumalik mula sa ibang mga bansa; nawala sila at walang bahay na matutuluyan.
\q
\v 5 Gutom at uhaw sila, at nagbagsakan sa kapaguran.
\q
\v 6 Nang sila ay nasa kaguluhan, tumawag sila kay Yahweh, at iniligtas niya sila mula sa kagipitan.
\q
\v 7 Pinangunahan niya sila sa matuwid na daan para makalakad nang maayos papunta sa mga lungsod ng Canaan kung saan maaari silang manirahan.
\s5
\q
\v 8 Dapat nilang papurihan si Yahweh dahil sa tapat na pag-ibig niya sa kanila at para sa mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya para sa mga tao.
\q
\v 9 Nagbibigay siya ng tubig para sa taong nauuhaw at maraming pagkain para makakain ang taong nagugutom.
\q
\v 10 Ang iba sa kanila ay nasa madilim na bilangguan; sila ay mga bilanggong naghihirap dahil sa kadenang nakatali sa kanilang mga kamay at paa.
\s5
\q
\v 11 Nasa bilangguan sila dahil nagrebelde sila laban sa mensahe ng Diyos; naroon sila dahil hinamak nila ang tagubilin na ibinigay ng Diyos, na mas mataas sa lahat ng mga diyos.
\q
\v 12 Kaya pinahirapan sila ng Diyos para hindi na sila magmataas pa; kapag sila ay nasa kaguluhan, walang sinuman ang tutulong sa kanila.
\q
\v 13 Tumawag sila kay Yahweh nang sila ay nasa kaguluhan at iniligtas niya sila mula sa kagipitan.
\s5
\q
\v 14 Winasak niya ang mga kadena na nasa kanilang mga kamay at paa at inalis sila mula sa napakadilim na mga bilangguan.
\q
\v 15-16 Sinira niya ang mga tarangkahan ng bilangguan na gawa sa tanso; winasak niya ang mga rehas na gawa sa bakal. Dapat nilang papurihan si Yahweh dahil sa matapat na pagmamahal niya sa kanila at para sa mga kamangha-manghang bagay na ginagawa niya sa mga tao.
\s5
\q
\v 17 Nagrebelde sa Diyos ang iba sa kanila, kaya naghirap sila dahil sa kanilang mga kasalanan.
\q
\v 18 Hindi nila gustong kumain ng anumang pagkain at halos mamatay na sila.
\q
\v 19 Nang sila ay nasa kaguluhan, tumawag sila kay Yahweh, at iniligtas niya sila mula sa kagipitan.
\s5
\q
\v 20 Nang iniutos niya na pagalingin sila, sila ay gumaling; iniligtas niya sila mula sa kamatayan.
\q
\v 21 Dapat nilang papurihan si Yahweh sa pagmamahal sa kanila ng matapat at para sa kamangha-manghang bagay na ginagawa niya sa mga tao.
\q
\v 22 Dapat silang magbigay ng mga handog sa kaniya para ipakita na nagpapasalamat sila, at dapat umawit sila ng may kagalakan tungkol sa mga himala na kaniyang ginawa.
\s5
\q
\v 23 Naglayag ang iba sa kanila; nagbebenta sila ng mga bagay sa mga lungsod.
\q
\v 24 Habang naglalayag sila, nakita nila ang mga himalang ginawa ni Yahweh, ang mga kamangha-manghang ginawa niya nang sila ay nasa malalim na dagat.
\s5
\q
\v 25 Inutusan niya ang hangin at naging malakas ito at umugong ang matataas na mga alon.
\q
\v 26 Ang barkong ginagamit nila sa paglalayag ay naihagis nang mataas sa hangin, at lumubog sila sa gitna ng mataas na mga alon; natakot ang mga maglalayag.
\q
\v 27 Nadadapa at nagluray-luray sila tulad ng mga lasing na lalaki, at hindi nila alam kung ano ang kanilang gagawin.
\s5
\q
\v 28 Nang sila ay nasa kaguluhan, tumawag sila kay Yahweh at iniligtas niya sila sa kagipitan.
\q
\v 29 Pinahinahon niya ang bagyo at pinanatili ang mga alon.
\q
\v 30 Nagalak sila nang naging mapayapa ito; at dinala sila ni Yahweh nang ligtas sa daungan na kanilang hiniling.
\s5
\q
\v 31 Dapat nilang papurihan si Yahweh dahil sa tapat niyang pagmamahal sa kanila at sa mga kamangha-manghang bagay na kaniyang ginagawa para sa mga tao.
\q
\v 32 Dapat nilang papurihan siya kasama ng mga Israelita kapag nagtipon-tipon sila, at dapat nilang papurihan siya sa harap ng mga pinuno ng bansa.
\s5
\q
\v 33 Minsan si Yahweh ang nagdudulot ng pagkakatuyo ng mga ilog at naging ilang, at nagpatuyo ng mga bukal ng tubig na maging lupa.
\q
\v 34 Minsan siya ang nagdudulot na maging tigang na lupa ang masaganang pananim na nagbubunga ng hindi pagbunga ng mga pananim. Ginawa niya iyon dahil napakasama ng mga tao na naninirahan doon.
\q
\v 35 Pero minsan siya ang nagdudulot sa mga disyerto na magkaroon ng lawa ng tubig at siya ang nagdudulot na umagos ang mga bukal sa tuyong-tuyong lupa.
\s5
\q
\v 36 Dinadala niya ang mga taong nagugutom sa lupain na iyon, para mamuhay roon at para magtayo ng mga lungsod doon.
\q
\v 37 Nagtanim sila ng mga binhi sa bukiran, at nagtanim sila ng ubasan na namumunga ng maraming mga ubas.
\q
\v 38 Pinagpapala niya ang mga tao, at ang mga babaeng nanganganak ng maraming bata, at mayroon silang malaking kawan ng mga baka.
\s5
\q
\v 39 Kapag lumiliit ang bilang ng mga tao at pinapahiya sila ng kanilang mga kaaway sa pang-aapi at nagdudulot sa kanila ng paghihirap,
\q
\v 40 pinakikita ni Yahweh ang pang-aapi sa mga pinuno na nagpapahirap sa kanila at inililigaw niya sila sa ilang kung saan walang mga daan.
\s5
\q
\v 41 Pero nililigtas niya ang mga taong mahihirap mula sa matinding paghihirap at nagpaparami sa kanilang mga pamilya tulad ng mga kawan ng tupa.
\q
\v 42 Nakikita ng mga taong namumuhay ng tama ang mga ganitong bagay at nagagalak sila; naririnig din ng mga masasamang tao ang ganitong mga bagay pero wala silang masasabi laban kay Yahweh.
\q
\v 43 Dapat pag-isipan ng mabuti ng mga marurunong ang mga bagay na ito; dapat nilang isipin ang lahat ng mga bagay na ginawa sa kanila ni Yahweh para ipakita na tapat niya silang minamahal.
\s5
\c 108
\p
\v 1 O Diyos, nagtitiwala ako sa iyo, aawit ako para papurihan ka. Ito ay isang pagpaparangal para gumising at papurihan ka.
\q
\v 2 Gigising ako bago pa sumikat ang araw at papupurihan ka habang pinatutugtog ko ang aking alpa at lira.
\s5
\q
\v 3 Nanalangin ako, "Yahweh pasasalamatan kita sa lahat ng mga pangkat ng tao; aawit ako ng papuri sa bawat mga bansa
\q
\v 4 dahil ang iyong tapat na pagmamahal para sa amin ay umaabot sa kalangitan, at tapat ka sa pagpapatupad ng iyong mga pangako gaya ng mga ulap sa ibabaw ng mundo.
\s5
\q
\v 5 Yahweh, ipakita mo sa kalangitan na ikaw ay napakadakila! Ipakita mo ang kaluwalhatian mo sa mga tao sa buong mundo!
\q
\v 6 Sagutin mo ang aming mga dalangin at tulungan mo kami sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan na talunin ang aming mga kaaway para kaming mga tao na iyong minamahal ay maligtas."
\s5
\q
\v 7 Sumagot si Yahweh sa aming mga panalangin at nagsalita siya mula sa templo, at sinasabing, "Dahil nasakop ko ang iyong mga kaaway, magagalak akong hatiin ang lungsod ng Shekem, at aking ipamamahagi sa mga tao ang lupain ng lambak ng Sukot.
\q
\v 8 Ang rehiyon ng Gilead ay akin; ang mga tao sa tribu ng Manases ay akin; at ang tribu ng Juda ay tulad ng aking setro.
\s5
\q
\v 9 Tulad ng palanggana ang rehiyon ng Moab; ihahagis ko ang aking sandalyas sa rehiyon ng Edom para ipakita na sa akin ito; sisigaw ako ng may pagtatagumpay dahil natalo ko ang mga tao sa rehiyon ng Filistia."
\q
\v 10 Dahil gusto naming lusubin ang mga tao sa Edom, sino ang gagabay sa aking mga hukbo sa kanilang kabisera na napaliligiran ng matitibay na mga pader?
\s5
\q
\v 11 O Diyos, hindi namin gustong pabayaan mo kami, gusto naming pumunta kasama ka kapag nag martsa ang aming mga hukbo para labanan ang aming mga kaaway.
\q
\v 12 Kailangan namin ang tulong mo kapag nakikipaglaban sa aming mga kaaway dahil ang tulong na ibibigay ng mga tao ay walang katuturan.
\q
\v 13 Pero ang tulong mo sa amin ang magpapanalo sa amin; ikaw ang magbibigay ng kakayahan para talunin namin ang aming mga kaaway.
\s5
\c 109
\p
\v 1 O Diyos, ikaw ang aking pinupuri, kaya sagutin mo ang panalangin ko
\q
\v 2 dahil ang masasama ay naninira at nagsasabi ng mga kasinungalingan tungkol sa akin.
\q
\v 3 Patuloy nilang sinasabi na kinapopootan nila ako, at sinasaktan nila ako ng walang dahilan.
\s5
\q
\v 4 Ipinapakita ko na mahal ko sila at pinapanalangin ko sila, pero sa halip na maging sila mabait sa akin, sinasabi nila na gumawa ako ng masasamang bagay.
\q
\v 5 Kapalit ng paggawa ko ng mabubuting bagay at pagmamahal sa kanila, gumawa sila ng masasamang bagay sa akin at kinapootan ako.
\s5
\q
\v 6 Kaya magtalaga ka ng masamang hukom na hahatol sa aking kaaway, at magdala ka ng isa sa kaniyang mga kaaway na tatayo at mag-aakusa sa kaniya.
\q
\v 7 Kapag natapos na ang paglilitis, idulot na sabihin ng hukom na siya ay may kasalanan na kahit ang pagmamakaawa niya ay ituring na kasalanan.
\s5
\q
\v 8 Pagkatapos, idulot na mamatay siya sa lalong madaling panahon; magdala ka ng isa pang tao na papalit sa kaniyang tungkulin.
\q
\v 9 Idulot mo ang kaniyang mga anak na hindi magkaroon ng ama, at ang kaniyang asawa na maging balo.
\q
\v 10 Idulot mo na umalis sa wasak na tahanan na kanilang tinitirhan ang kaniyang mga anak at magpagala-gala sa paligid na nanghihingi ng pagkain.
\s5
\q
\v 11 Idulot na ang lahat ng taong pinagkakautangan niya ng salapi ay samsamin ang kaniyang pag-aari; idulot mo ang mga taong hindi kilala na kunin ang lahat na kaniyang nakuha.
\q
\v 12 Tiyakin mo na walang magpapakita ng katapatan sa kaniyang alaala para sa kapakanan ng iyong tipan; tiyakin mo na walang maaawa sa kaniyang mga anak.
\q
\v 13 Idulot mo ang lahat ng kaniyang mga anak na mamatay, para wala nang mabuhay na magdadala sa kaniyang pangalan.
\s5
\q
\v 14 Yahweh, alalahanin mo at huwag patawarin ang masasamang bagay na ginawa ng kanilang mga ninuno, at huwag mo ring patawarin maging mga kasalanang nagawa ng kaniyang ina.
\q
\v 15 Patuloy mong isipin ang kaniyang mga kasalanan, pero pahintulutan mo ang lahat na tuluyan nang makalimutan kung sino siya.
\q
\v 16 Ipinapanalangin ko ang mga bagay na ito dahil ang taong iyon, na kaaway ko, ay hindi kailanman kumilos ng nararapat sa iba na ayon sa sinasabi ng iyong tipan; pinahirapan niya ang mga mahihirap at nangangailangan at kahit ang mga walang magawa ay kaniyang pinatay.
\s5
\q
\v 17 Gusto niya ang magsumpa ng mga tao. Kaya ang mga nakakikilabot na bagay na kaniyang hiniling na mangyari sa iba-- idulot mo na mangyari ito sa kaniya! Hindi niya gustong pagpalain ang iba, kaya tiyakin mo na walang magpapala sa kaniya!
\q
\v 18 Madalas niyang isumpa ang ibang tao, at; idulot mo na ang mga nakakikilabot na bagay na gusto niyang mangyari sa iba ay mangyari sa kaniya at pumasok ka sa kaniyang katawan gaya ng ginagawa ng tubig, gaya ng langis ng olibo na nababad sa buto ng tao kapag kinuskos ito sa kaniyang balat.
\s5
\q
\v 19 Idulot na ang mga nakakkilabot na bagay na kumapit sa kaniya gaya ng kaniyang mga damit at pumalibot ka sa kaniya gaya ng sinturon na sinusuot niya araw-araw.
\q
\v 20 Yahweh, nais kong parusahan mo sa ganoong paraan ang lahat ng aking kaaway, silang nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa akin.
\s5
\q
\v 21 Pero Yahweh, aking Diyos, gumawa ka ng mabubuting bagay sa akin para maparangalan kita; iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway dahil minamahal mo ako nang matapat gaya ng iyong ipinangako.
\q
\v 22 Hinihiling ko na gawin mo ito dahil mahirap lang ako at nangangailangan at ang aking kalooban ay puno ng sakit.
\q
\v 23 Sa tingin ko, ang nalalabing oras ng aking buhay ay kasing iksi ng anino ng gabi na sa kalaunan ay maglalaho. Maitatapon ako palayo gaya ng balang na hinihipan ng hangin.
\s5
\q
\v 24 Mahina ang aking mga tuhod dahil madalas akong nag-aayuno, at ang aking katawan ay labis na namayat.
\q
\v 25 Pinagtatawanan ako ng mga tao na nag-aakusa sa akin; kapag nakikita nila ako, iniinsulto nila ako sa pamamagitan ng pag-iling na kanilang mga ulo sa akin.
\s5
\q
\v 26 Yahweh, aking Diyos, tulungan mo ako! Dahil ako ay minamahal mo nang tapat, sagipin mo ako!
\q
\v 27 Kapag iniligtas mo ako, ipaalam mo sa aking mga kaaway na ikaw ang gumawa nito!
\s5
\q
\v 28 Maaari nila akong sumpain, pero hinihiling ko na pagpalain mo ako. Ipatalo mo ang mga umuusig sa akin at ipahiya, pero hayaan mo na maging masaya ako!
\q
\v 29 Tuluyan mong ipahiya ang mga umaakusa sa akin; ipakita mo sa ibang tao na sila ay napahiya na kasindali ng pagkakita sa mga damit na kanilang sinusuot!
\s5
\q
\v 30 Pero labis akong magpapasalamat kay Yahweh; pupurihin ko siya kapag nasa gitna ako ng karamihan ng mga tao na nagpupuri sa kaniya.
\q
\v 31 Gagawin ko iyon dahil ipinagtatanggol niya ang mahihirap na tulad ko at dahil iniligtas niya tayo mula sa mga nagsabi na dapat tayong mamatay.
\s5
\c 110
\p
\v 1 Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon na hari, "Umupo ka rito, malapit sa akin, sa lugar ng pinakamataas na karangalan hanggang sa tuluyan kong matalo ang iyong mga kaaway at gawin silang tulad ng tuntungan para sa iyong paa!"
\s5
\q
\v 2 Paaabutin ni Yahweh ang iyong kapangyarihan bilang hari mula sa Jerusalem hanggang sa ibang mga lugar; ikaw ang mamumuno sa lahat ng iyong mga kaaway.
\q
\v 3 Sa araw na pamumunuan mo ang iyong mga hukbo sa labanan, marami sa mga tauhan mo ay magkukusang-loob na sumali sa iyong hukbo. Ang iyong kabataang lakas ay kikilos para sa iyo gaya ng hamog na nagdidilig sa lupa sa umaga."
\s5
\q
\v 4 Gumawa ng mataimtim na pangako si Yahweh at hindi niya kailanman babaguhin ang kaniyang isip; sinabi niya sa hari, "Ikaw ay magiging pari magpakailanman gaya ni Melchisedek."
\s5
\q
\v 5 Ang Panginoon ay nakatayo sa iyong kanang tabi; kapag siya ay nagalit, matatalo niya ang maraming mga hari.
\q
\v 6 Hahatulan at parurusahan niya ang mga tao ng maraming bansa; maraming katawan ng mga patay na sundalo ang hihimlay sa lupa. Dudurugin niya ang lahat ng mga hari sa buong mundo.
\s5
\q
\v 7 Pero ang hari ay iinom mula sa batis sa tabi ng daan; manunumbalik ang kaniyang lakas pagkatapos niyang matalo ang kaniyang mga kaaway.
\s5
\c 111
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Pasasalamatan ko si Yahweh ng buo kong pagkatao sa tuwing dumarating ng magkakasama ang mga gumagawa ng tama.
\q
\v 2 Kahanga-hanga ang mga bagay na ginawa ni Yahweh! Ang lahat ng labis na natuwa sa mga bagay na iyon ay nais na pag-aralan ito.
\q
\v 3 Dahil siya ay dakilang hari at gumagawa ng kahanga-hangang mga bagay, ang mga tao ay lubos na pararangalan siya at igagalang; ang mga bagay na matutuwid na kaniyang ginawa ay mananatili magpakailanman.
\s5
\q
\v 4 Siya ay gumawa ng mga kamangha-manghang bagay na laging matatandaan ng mga tao; si Yahweh ay palaging kumikilos nang may kabaitan at kaawaan.
\q
\v 5 Siya ang nagbibigay ng pagkain sa mga may kahanga-hangang paggalang para sa kaniya; hindi niya kailanman kinalimutan ang tipan na ginawa niya sa ating mga ninuno.
\q
\v 6 Sa pagbibigay ng kakayahan sa kaniyang bayan na sakupin ang lupain na pag-aari ng ibang pangkat ng mga tao, ipinakita niya sa atin, na kaniyang bayan, na labis siyang makapangyarihan.
\s5
\q
\v 7 Ginagawa niya ang mga bagay nang patas, gaya ng kaniyang ipinangako sa atin, at makaaasa tayo sa kaniya na tutulungan niya tayo kapag inuutusan niya tayong gumawa ng mga bagay.
\q
\v 8 Dapat sundin ang kaniyang inutos magpakailanman; at kumilos siya sa totoo at matuwid na asal nang binigay niya sa atin ang mga kautusang iyon.
\q
\v 9 Iniligtas niya tayo na kaniyang bayan mula sa pagkakaalipin sa Ehipto, at gumawa siya ng tipan sa atin na mananatili magpakailanman. Siya ay banal at kahanga-hanga.
\s5
\q
\v 10 Ang pagkakaroon ng kahanga-hangang paggalang kay Yahweh ang daan para maging matalino. Malalaman ng lahat na sumusunod sa kaniyang kautusan ang mabuti para makapagpasiya sila ng dapat gawin. Dapat natin siyang purihin magpakailanman!
\s5
\c 112
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Mapalad silang may kahanga-hangang paggalang para sa kaniya, silang sumusunod nang may kagalakan sa kaniyang mga kautusan.
\q
\v 2 Ang kanilang mga anak ay sasagana sa kanilang lupain; pagpapalain ng Diyos ang kanilang mga kaapu-apuhan.
\s5
\q
\v 3 Ang kanilang mga pamilya ay magiging mayaman, at ang kanilang matutuwid na mga gawa ay mananatili magpakailanman.
\q
\v 4 Para sa mga nagpaparangal sa Diyos, ito ay para bang isang liwanag na nagniningning sa kanila sa kadiliman, sa mga mabubuti, maawain at matuwid.
\q
\v 5 Magiging mabuti ang mga bagay para sa mga bukas-palad na nagpapahiram ng salapi sa iba at nagsasagawa ng kanilang tungkulin nang tapat.
\s5
\q
\v 6 Ang mga matutuwid ay hindi magagapi dahil sa kanilang mga kaguluhan; laging pahahalagahan ng ibang tao ang alaala nila.
\q
\v 7 Hindi sila natatakot kapag nakatanggap sila ng masamang balita; panatag silang nagtitiwala kay Yahweh.
\s5
\q
\v 8 Tiwala sila at hindi natatakot dahil alam nila na makikita nila na tatalunin ng Diyos ang kanilang mga kaaway.
\q
\v 9 Bukas-palad silang nagbibigay ng mga bagay sa taong mahihirap; mananatili magpakailaman ang kanilang mabubuting gawa, at itataas sila at pararangalan.
\s5
\q
\v 10 Makikita ng masasamang tao ang mga bagay na iyon at magagalit; kanilang ngangalitin ang kanilang mga ngipin, pero sila ay mawawala at mamamatay. Ang masasamang bagay na gusto nilang gawin ay hindi kailanman mangyayari.
\s5
\c 113
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Kayong mga tao na naglilingkod kay Yahweh, purihin siya! Purihin siya!
\q
\v 2 Ang lahat ay dapat magpuri kay Yahweh ngayon at magpakailanman!
\s5
\q
\v 3 Ang mga taong naninirahan sa silangan, at mga taong naninirahan sa kanluran, bawat isa, ay dapat purihin si Yahweh!
\q
\v 4 Pinamamahalan ni Yahweh ang lahat ng mga bansa, at ipinapakita niya sa kaitaasan ng kalangitan ang kadakilaan ng kaniyang kaluwalhatian.
\s5
\q
\v 5 Walang sinuman ang katulad ni Yahweh, ang ating Diyos, na nakaluklok sa kalangitan
\q
\v 6 at nakatingin pababa mula sa kalangitan at nakikita ang mga tao sa lupa.
\s5
\q
\v 7 Itinataas niya ang mahihirap para hindi na sila mauupo sa dumi; itinataas niya ang nangangailangan para hindi na sila maupo sa tambak ng abo
\q
\v 8 at dinudulot silang parangalan sa pamamagitan ng pag-upo sa tabi ng mga pinuno, mga pinuno na namamahala sa sarili niyang bayan.
\s5
\q
\v 9 Siya rin ang nagbibigay kakayanan sa mga babaeng walang anak na mamuhay sa kanilang tahanan na kasing saya ng mga inang may mga anak. Purihin si Yahweh!
\s5
\c 114
\p
\v 1 Nang umalis ang bayan ng Israel sa Ehipto, nang iniwan ng mga kaapu-apuhan ni Jacob ang mga taong nagsasalita sa wikang dayuhan,
\q
\v 2 ang lupaing Juda ay naging lugar kung saan sinamba ng mga tao ang Diyos; at ang lupain ng Israel ay naging lugar na kaniyang pinamumunuan.
\s5
\q
\v 3 Nang dumating sila sa Dagat ng Tambo, tila tumakbo palayo ang tubig ng makita sila nito! Nang dumating sila sa Ilog Jordan, ang tubig sa ilog ay tumigil sa pag-agos para makatawid dito ang mga Israelita.
\q
\v 4 Nang dumating sila sa Bundok ng Sinai at mayroong malakas na lindol doon, tila lumukso ang mga bundok tulad ng mga kambing at tumalon ang mga burol gaya ng mga tupa.
\s5
\q
\v 5 Kung nagtatanong ang sinuman, "Ano ang nangyari sa Dagat ng Tambo na mawala ang tubig nito? Ano ang nagpahinto sa pag-agos ng tubig sa Ilog ng Jordan?
\q
\v 6 Ano ang nangyari na mga bundok ay lumukso tulad ng mga kambing at tumalon ang mga burol tulad ng mga tupa?"
\q
\v 7 Tunay nga, na manginginig ang buong mundo sa harapan ng Panginoon! Bawat isa ay manginginig sa presensya ng Diyos na sinamba ni Jacob!
\s5
\q
\v 8 Siya ang nagpaagos ng lawa ng tubig mula sa bato para inumin ng mga Israelita, at siya ang nagpa-agos ng bukal mula sa purong batong bangin!
\s5
\c 115
\p
\v 1 Dapat ikaw lamang ang pupurihin ng mga tao, O Yahweh; dapat silang magpuri sa iyo, hindi sa amin, dahil matapat kang nagmamahal sa amin at laging tinutupad ang ipinangako mo.
\q
\v 2 Hindi tama na ibang grupo ng mga tao ang dapat magsabi tungkol sa amin, "Inaangkin nila na ang kanilang Diyos ay labis na makapangyarihan, pero kung ito ay totoo, bakit hindi niya sila tinutulungan?"
\s5
\q
\v 3 Ang Diyos namin ay nasa langit, at ginagawa niya anuman ang kaniyang naisin!
\q
\v 4 Pero ang kanilang diyos-diyosan ay mga rebulto lamang na gawa sa pilak at ginto, mga bagay na ginawa ng mga tao.
\s5
\q
\v 5 May mga bibig ang kanilang diyos-diyosan, pero hindi sila nakapagsasalita ng anuman; may mga mata sila, pero hindi sila nakakakita ng anuman.
\q
\v 6 May mga tainga sila, pero hindi sila nakaririnig ng anuman; may mga ilong sila, pero hindi sila nakaaamoy ng anuman.
\s5
\q
\v 7 May mga kamay sila, pero wala silang nararamdaman na anuman; may mga paa sila, pero hindi sila makalakad, at hindi man lang sila makagawa ng anumang tunog sa kanilang lalamunan!
\q
\v 8 Ang mga taong gumagawa ng mga diyos-diyosan ay walang kapangyarihan gaya ng kanilang mga ginagawa, at walang patutunguhan ang mga nagtitiwala sa mga diyos-diyosang iyon.
\s5
\q
\v 9 Kayo, mga kababayan kong Israelita, magtiwala kayo kay Yahweh! Siya ang tutulong sa inyo at magtatangol sa inyo tulad ng isang kalasag.
\q
\v 10 Kayong mga pari, ang kaapu-apuhan ni Aaron, magtiwala kayo kay Yahweh! Siya ang tutulong sa inyo at magtatanggol tulad ng isang kalasag.
\q
\v 11 Lahat ng may mataas na paggalang kay Yahweh, magtiwala sa kaniya! Siya ang tutulong sa inyo at magtatanggol tulad ng isang kalasag.
\s5
\q
\v 12 Hindi tayo kinalimutan ni Yahweh; pagpapalain niya tayong bayan ng Israel! Pagpapalain niya ang mga pari,
\q
\v 13 at pagpapalain niya ang may mataas na paggalang sa kaniya; pagpapalain niya ang lahat, mahalagang tao o hindi, lahat sila!
\q
\v 14 Nais kong bigyan kayo ni Yahweh ng maraming anak, mga kapwa ko Israelita, at sa inyong mga kaapu-apuhan.
\s5
\q
\v 15 Nais kong pagpalain kayo ni Yahweh, ang siyang gumawa ng langit at lupa!
\q
\v 16 Si Yahweh ang may-ari ng buong kalangitan, pero ibinigay niya sa atin ang lahat ng bagay na nasa lupa.
\s5
\q
\v 17 Hindi makakapagpuri ang patay kay Yahweh; kapag bumaba sila sa lugar ng mga patay, hindi sila nakapagsasalita at hindi makakagpagpuri sa kaniya.
\q
\v 18 Pero tayong mga nabubuhay ay magpapasalamat sa kaniya, ngayon at magpakailanman. Purihin si Yahweh!
\s5
\c 116
\p
\v 1 Mahal ko si Yahweh dahil dinidinig niya ako kapag umiiyak ako sa kaniya para sa tulong.
\q
\v 2 Pinakikinggan niya ako, kaya buong buhay akong tatawag sa kaniya.
\s5
\q
\v 3 Pinaiisip ako ng lahat ng nakapaligid sa akin na mamamatay ako; labis akong natakot na mamamatay ako at pupunta sa lugar ng mga patay. Labis akong nalungkot at natakot.
\q
\v 4 Pero tumawag ako kay Yahweh, na nagsasabing, "Yaweh, nakikiusap ako sa iyo na iligtas mo ako!"
\s5
\q
\v 5 Mapagbigay at matuwid si Yahweh; siya ang ating Diyos, at kumikilos siya ng may awa sa atin.
\q
\v 6 Pinagtatanggol niya ang mga walang kakayanan; nang inisip kong mamamatay ako, iniligtas niya ako.
\s5
\q
\v 7 Dapat kong palakasin ang aking sarili dahil gumawa si Yahweh ng napakabuting mga bagay para sa akin.
\q
\v 8 Iniligtas ako ni Yahweh mula sa kamatayan at iningatan niya ako mula sa aking mga kaguluhan na magdudulot sa akin ng pag-iyak. Iningatan niya ako mula sa sakuna.
\s5
\q
\v 9 Kaya dito sa lupa kung saan nabubuhay pa ang mga tao, nabubuhay ako, na nalalamang pinapatnubayan ako ni Yahweh.
\q
\v 10 Patuloy akong naniniwala kay Yahweh, kahit na sabihin kong, "Labis akong nasaktan."
\q
\v 11 Kahit na nabalisa ako at sinabing, "Hindi ko kayang magtiwala kaninuman," patuloy akong nagtiwala kay Yahweh.
\s5
\q
\v 12 Kaya ngayon sasabihin ko sa inyo ang aking ihahandog para kay Yahweh dahil sa lahat ng kabutihang ginawa niya sa akin.
\q
\v 13 Ihahandog ko ang isang kopa ng alak para magpasalamat sa kaniya sa pagliligtas sa akin.
\q
\v 14 Sa tuwing kasama ko ang maraming tao na pag-aari ni Yahweh, ibibigay ko sa kaniya ang mga handog na taimtim kong ipinangakong ibibigay sa kaniya.
\q
\v 15 Labis na nagdalamhati si Yahweh kapag namamatay ang isa sa kaniyang mga tao.
\s5
\q
\v 16 Ako ang naglilingkod kay Yahweh; pinaglilingkuran ko siya tulad ng ginawa ng aking ina. Tinapos niya ang aking mga kaguluhan.
\q
\v 17 Mag-aalay ako ng handog para pasalamatan siya, at mananalangin ako sa kaniya.
\s5
\q
\v 18-19 Kapag kasama ko ang bayan na pagaari ni Yahweh sa patyo sa labas ng kaniyang templo sa Jerusalam, ibibigay ko sa kaniya ang handog na taimtim kong pinangakong ibibigay sa kaniya. Purihin si Yahweh!
\s5
\c 117
\p
\v 1 Kayong mga tao sa lahat ng bansa, purihin si Yahweh! Lahat kayong mga pangkat ng tao, purihin siya
\q
\v 2 dahil tapat niya tayong minamahal gaya ng kaniyang ipinangako, at magpakailanman niyang tutuparin ang ipinangako niya. Purihin si Yahweh!
\s5
\c 118
\p
\v 1 Sabihin ninyo kay Yahweh na lubos niyo siyang pinasasalamatan dahil sa mabubuting bagay na ginawa niya para sa inyo! Magpakailanman niya tayong tapat na mamahalin, tayo na kaniyang bayan.
\q
\v 2 Kayong mga Israelita dapat paulit-ulit niyong isigaw, "Magpakailanman niya tayong tapat na mamahalin, tayo na kaniyang bayan!"
\s5
\q
\v 3 Dapat kayong paulit-ulit na sumigaw, mga pari na kaapu-apuhan ni Aaron, "Magpakailanman niya tayong tapat na mamahalin, tayo na kaniyang bayan!"
\q
\v 4 Lahat ng gumagalang sa kaniya ay dapat isigaw nang paulit-ulit, "Magpakailanman niya tayong tapat na mamahalin, tayo na kaniyang bayan!"
\s5
\q
\v 5 Nang nababalisa ako, tumawag ako kay Yahweh, at sinagot niya ako at pinalaya mula sa aking mga alalahanin.
\q
\v 6 Nasa tabi ko si Yahweh, kaya hindi ako matatakot sa anumang bagay. Walang sinuman ang makapipigil sa Diyos na pagpalain ako magpakailanman.
\q
\v 7 Oo, si Yahweh ay nasa tabi ko, kaya panonoorin ko nang may katagumpayan ang mga kaaway ko habang tinatalo niya sila.
\s5
\q
\v 8 Higit na mabuti ang magtiwala kay Yahweh kaysa umasa sa tao.
\q
\v 9 Higit na mabuti ang magtiwala kay Yahweh para ingatan tayo kaysa magtiwala sa makapangyarihang tao na mag-iingat sa atin.
\s5
\q
\v 10 Pinalibutan tayo ng hukbo ng maraming bansa, pero si Yahweh ang nagbigay kakayanan sa atin para talunin sila sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
\q
\v 11 Ganap nila tayong pinalibutan, pero tinalo natin sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahweh.
\q
\v 12 Kumpulan silang pumalibot sa akin tulad ng galit na mga bubuyog; tulad sila ng apoy na sumiklab sa mga tinik, pero tinalo namin sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Yahweh.
\s5
\q
\v 13 Galit na galit kaming sinalakay ng aming mga kaaway at halos matalo kami, pero tinulungan kami ni Yahweh.
\q
\v 14 Si Yahweh ang nagpapalakas sa akin, at siya ang lagi kong inaawitan; iniligtas niya tayo mula sa ating mga kaaway.
\s5
\q
\v 15 Makinig kayo sa masasayang awitin ng katagumpayan na inaawit sa mga tolda ng bayang nagpaparangal sa Diyos! Sila ay umaawit, "Tinalo ni Yahweh ang aming mga kaaway sa pamamagitan ng kaniyang dakilang kapangyarihan;
\q
\v 16 itinaas niya ang kaniyang malakas na kanang kamay para ipakita na siya ay masaya sa mga tinalo niyang mga kaaway. Ganap na tinalo sila ni Yahweh!"
\s5
\q
\v 17 Hindi ako mapapatay sa digmaan; mabubuhay ako para ipahayag ang kahanga-hangang mga bagay na ginawa ni Yahweh.
\q
\v 18 Lubha akong pinarusahan ni Yahweh, pero hindi niya pinahintulutan na mamatay ako.
\s5
\q
\v 19 Kayong mga bantay, buksan ninyo ang mga tarangkahan ng templo para makapasok ako at pasalamatan si Yahweh.
\q
\v 20 Ito ang mga tarangkahan patungo sa Templo para sambahin at parangalan ang Diyos.
\q
\v 21 O Yahweh, nagpapasalamat ako na sinagot mo ang aking panalangin at iniligtas mo ako sa aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 22 Ang piniling hari ni Yahweh ay tulad ng isang bato na tinanggihan ng mga tagapagtayo nang nagtatayo sila ng bahay, pero ang bato na iyon ang naging batong panulukan.
\q
\v 23 Ginawa ito ni Yahweh, at kahanga-hangang pagmasdan ang bagay na ito.
\s5
\q
\v 24 Ito ang araw kung saan inaalala namin si Yahweh na kumilos nang may kapangyarihan para talunin ang aming mga kaaway; kami ay magsasaya at magagalak sa araw na ito.
\q
\v 25 O Yahweh, nakikiusap kami na patuloy mo kaming iligtas mula sa aming mga kaaway. O Yahweh, pakiusap tulungan mo kaming maisagawa kung ano ang nais mong gawin namin.
\s5
\q
\v 26 O Yahweh, pagpalain mo ang pumupunta ng may kapangyarihan mo. Pupurihin ka namin mula sa templo.
\q
\v 27 Si Yahweh ang Diyos, at siya ang nagpadala ng kaniyang liwanag sa atin. Lumapit kayo, magdala kayo ng hayop na ihahandog at itali ito sa sungay ng altar.
\q
\v 28 Yahweh, ikaw ang Diyos na aking sinasamba at pupurihin kita! Ikaw ang aking Diyos, at sasabihin ko sa bawat isa na ikaw ay dakila!
\s5
\q
\v 29 Pasalamatan si Yahweh dahil gumagawa siya ng mabubuting bagay para sa atin! Tapat niya tayong mamahalin magpakailanman tulad ng kaniyang ipinangako.
\s5
\c 119
\p
\v 1 Mapalad ang mga taong walang makapagpapatunay na may nagawa silang kamalian, silang laging sumusunod sa mga batas ni Yahweh.
\q
\v 2 Mapalad silang mga sumusunod sa kaniyang mga utos, at humihiling na masunod ito nang buong puso.
\s5
\q
\v 3 Hindi sila gumagawa ng kasalanan; namumuhay sila ayon sa kagustuhan ni Yahweh.
\q
\v 4 Binigyan mo kami ng gabay sa pamumuhay, Yahweh, at sinabihang sundin ito nang tapat.
\s5
\q
\v 5 Nais kong maging tapat sa lahat ng inutos mo.
\q
\v 6 Sa ganitong paraan, hindi ako mahihiya kapag iniisip ko ang mga ito.
\s5
\q
\v 7 Kapag natutunan ko ang lahat ng mga alituntunin mo, pupurihin kita nang may dalisay na puso.
\q
\v 8 Susundin ko lahat ng mga alituntunin mo; huwag mo akong pabayaan!
\s5
\q
\v 9 Alam ko na sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos mo mapananatiling dalisay ang pamumuhay ng isang kabataan.
\q
\v 10 Sinisikap kong paglingkuran ka nang buong puso, huwag mo akong hayaang malayo sa mga inutos mo.
\s5
\q
\v 11 Tinandaan ko ang mga utos mo para hindi ako magkasala sa iyo.
\q
\v 12 Pinupuri kita, Yahweh; ituro mo sa akin ang mga alituntunin mo.
\s5
\q
\v 13 Ipinahayag ko sa mga tao ang lahat ng mga inutos mo sa amin.
\q
\v 14 Masaya akong sumusunod sa mga kautusan mo; mas kinasisiyahan ko ito kaysa sa pagiging mayaman.
\s5
\q
\v 15 Pag-aaralan ko lahat ng mga inutos mo, at pagsisikapan kong ipamuhay ang mga ito.
\q
\v 16 Magiging masaya ako sa pagsunod sa mga alituntunin mo, at hindi ko kalilimutan ang mga salita mo.
\s5
\q
\v 17 Maging mabuti ka sa akin na naglilingkod sa iyo para patuloy akong mabuhay at sundin ang mga utos mo habang nabubuhay ako.
\q
\v 18 Tulungan mo akong umunawa para malaman ko ang mga kahanga-hangang bagay na isinulat mo sa batas mo.
\s5
\q
\v 19 Maikli lamang ang buhay ko sa lupa kaya huwag mong itago sa akin ang pang-unawa.
\q
\v 20 Masidhi ang pagnanais ko na malaman ang mga utos mo sa lahat ng oras.
\s5
\q
\v 21 Itinutuwid mo ang mga mapagmalaki; isinusumpa mo ang mga sumusuway sa mga utos mo.
\q
\v 22 Huwag mong hayaang patuloy nila akong hamakin at kutyain; hinihiling ko ito dahil sinunod ko ang mga kautusan mo.
\s5
\q
\v 23 Nagsama-sama ang mga pinuno at nagbabalak nang masama sa akin, pero pagninilayan ko ang mga inutos mo.
\q
\v 24 Nasisiyahan ako sa mga kautusan mo na parang mga tagapayo ko ang mga ito.
\s5
\q
\v 25 Parang mamamatay ako nang maaga; iligtas mo ako gaya ng ipinangako mo.
\q
\v 26 Kapag sinasabi ko ang mga bagay na nagawa ko, sinasagot mo ako; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
\s5
\q
\v 27 Ipaunawa mo sa akin kung paano mo ako nais mamuhay at pagninilayan ko ang mga kamangha-manghang tagubilin mo.
\q
\v 28 Napakalungkot ko kaya nanghihina ako, muli mo akong palakasin gaya ng ipinangako mo.
\s5
\q
\v 29 Pigilan mo akong magsinungaling at maging mabuti ka sa akin sa pamamagitan ng pagtuturo mo sa akin ng mga batas mo.
\q
\v 30 Napagpasyahan ko na tapat akong susunod sa iyo; desidido akong sundin ang mga utos mo.
\s5
\q
\v 31 Sinisikap kong sumunod sa mga kautusan mo, Yahweh; huwag mo akong pabayaan o hayaang mapahiya.
\q
\v 32 Sabik akong susunod sa mga utos mo dahil tinulungan mo akong lubos na maunawaan ang mga nais mong gawin ko.
\s5
\q
\v 33 Ituro mo sa akin, Yahweh, ang kahulugan ng mga alituntunin mo, at ganap kong susundin ang mga ito.
\q
\v 34 Ipaunawa mo sa akin ang iyong mga batas para masunod ko ito nang buong puso.
\s5
\q
\v 35 Masaya ako sa pagsunod sa mga utos mo, kaya pangunahan mo ako sa landas na pinili mo para sa akin.
\q
\v 36 Bigyan mo ako ng pagnanais na gawin ang mga utos mo at hindi ang naisin na maging mayaman.
\s5
\q
\v 37 Huwag mong hayaang bumaling ang aking paningin sa mga walang halaga; hayaan mong mamuhay ako ayon sa nais mo.
\q
\v 38 Dahil ako ay naglilingkod sa iyo, gawin mo ang iyong ipinangako para sa akin, na ipinangako mo rin sa lahat ng nagpaparangal sa iyo.
\s5
\q
\v 39 Natakot ako nang hinamak ako ng mga kaaway ko; pigilan mo sila! Pero matuwid ka kapag pinarurusahan mo ang mga kaaway ko.
\q
\v 40 Labis kong ninanais na sundin ang gabay mo sa pamumuhay; dahil ikaw ay matuwid, hayaan mong patuloy akong mabuhay.
\s5
\q
\v 41 Ipakita mo sa akin, Yahweh, na tapat mo akong iniibig, at iligtas mo ako gaya ng ipinangako mong gagawin.
\q
\v 42 Pagkatapos, masasagot ko na ang mga nanghamak sa akin dahil nagtitiwala ako sa iyong salita.
\s5
\q
\v 43 Huwag mo akong pigilang magsabi ng katotohanan dahil may tiwala ako sa iyong mga palatuntunan.
\q
\v 44 Lagi kong susundin ang mga batas mo magpakailanpaman.
\s5
\q
\v 45 Lagi akong magiging ligtas dahil sinikap kong sundin ang mga gabay mo sa pamumuhay.
\q
\v 46 Sasabihin ko sa mga hari kung ano ang iniutos mo, at dahil hindi nila mapatunayang mali ako, hindi nila ako mapapahiya.
\s5
\q
\v 47 Nasisiyahan akong sundin ang mga utos mo at minamahal ko ito.
\q
\v 48 Ginagalang ko ang mga kautusan mo, at minamahal ko ito; pagninilayan ko ang lahat ng mga iniutos mo sa aming gawin.
\s5
\q
\v 49 Huwag mong kalimutan ang mga sinabi mong gagawin mo para sa akin na naglilingkod sa iyo, dahil dito may pagtitiwala akong umaasa ng mabubuting bagay mula sa iyo.
\q
\v 50 Noong naghihirap ako, inaliw mo ako; ginawa mo ang ipinangako mo, at pinanatili mo akong buhay.
\s5
\q
\v 51 Lagi akong ginagawang katatawanan ng mga mapagmalaki, pero hindi ako tumatalikod sa pagsunod sa mga batas mo.
\q
\v 52 Kapag inaaalala ko, Yahweh, ang mga utos na ibinigay mo sa amin noong unang panahon, naaaliw ako.
\s5
\q
\v 53 Kapag nakikita kong hindi sinusunod ng mga masasama ang mga batas mo, labis akong nagagalit.
\q
\v 54 Habang nabubuhay ako sa mundong ito ng maikling panahon, nagsusulat ako ng mga awitin tungkol sa mga alituntunin mo.
\s5
\q
\v 55 Iniisip kita tuwing gabi, Yahweh, kaya sinusunod ko ang mga batas mo.
\q
\v 56 Ang lagi kong ginagawa ay ang sumunod sa mga gabay mo sa pamumuhay.
\s5
\q
\v 57 Ikaw ang pinili ko, Yahweh, at nangako akong susunod ako sa mga salita mo.
\q
\v 58 Buong puso akong nakikiusap sa iyo na maging mabuti ka sa akin gaya ng ipinangako mong gagawin.
\s5
\q
\v 59 Iniisip ko ang naging asal ko, at napagpasyahan kong bumalik sa pagsunod sa mga kautusan mo.
\q
\v 60 Nagmamadali akong sumusunod sa mga utos mo; hindi ko ipinagpapaliban ang mga ito.
\s5
\q
\v 61 Sinisikap akong habulin ng masasama gaya ng mangangaso na nanghuhuli ng mga hayop gamit ang lambat; pero hindi ko kinakalimutan ang mga batas mo.
\q
\v 62 Sa kalagitnaan ng gabi nagising ako, at pinuri kita dahil makatarungan ang mga utos mo.
\s5
\q
\v 63 Kaibigan ako ng mga may takot sa iyo, sila na mga sumusunod sa mga gabay mo sa pamumuhay.
\q
\v 64 Tapat mong iniibig lahat ng mga tao, Yahweh; ituro mo sa akin ang mga alituntunin mo.
\s5
\q
\v 65 Gumawa ka ng kabutihan sa akin, Yahweh, gaya ng ipinangako mong gagawin.
\q
\v 66 Turuan mo akong mag-isip ng mabuti bago ako magpasya ng gagawin, at turuan mo ako ng ibang mga bagay na kailangan kong malaman dahil naniniwala ako na tama ang sumunod sa mga utos mo.
\s5
\q
\v 67 Nakagawa ako ng mali bago mo ako saktan, pero ngayon sumusunod ako sa iyong mga salita.
\q
\v 68 Napakabuti mo at mabuti ang ginagawa mo, ituro mo sa akin ang mga alituntunin mo.
\s5
\q
\v 69 Nagsabi ng mga kasinungalingan tungkol sa akin ang mga mayayabang, pero sumusunod ako sa mga gabay mo sa pamumuhay.
\q
\v 70 Matitigas ang ulo ng mga taong iyon, pero nasisiyahan ako sa mga batas mo.
\s5
\q
\v 71 Napabuti sa akin na sinaktan mo ako dahil natutunan ko ang iyong mga alituntunin.
\q
\v 72 Higit pa sa ginto ang mga batas na ibinigay mo sa amin, higit pa sa libo-libong piraso ng ginto at pilak.
\s5
\q
\v 73 Nilikha mo ako at hinubog ang aking katawan; tulungan mo akong maging matalino para matutunan ko ang mga utos mo.
\q
\v 74 Makikita ng mga may takot sa iyo kung ano ang ginawa mo para sa akin, at magagalak sila dahil makikita nila na nagtiwala ako sa mga salita mo.
\s5
\q
\v 75 Alam ko na ang mga palatuntunan mo ay matuwid, Yahweh, at hinayaan mo akong magtiis dahil iniibig mo ako nang labis.
\q
\v 76 Aliwin mo ako sa pamamagitan ng pagpapakita na tapat mo akong iniibig gaya ng sinabi mo na gagawin mo.
\s5
\q
\v 77 Mahabag ka sa akin para patuloy akong mabuhay dahil nasisiyahan ako sa mga batas mo.
\q
\v 78 Ipahiya mo ang mga taong mapagmalaki dahil sa maling paratang sa akin; pero ako, patuloy kong pagninilayan ang mga inutos mo na gawin ko.
\s5
\q
\v 79 Pabalikin mo sa akin ang mga may takot sa iyo para matutunan nila ang mga utos mo.
\q
\v 80 Hayaan mong ganap kong masunod ang mga alituntunin mo para hindi ako mapahiya dahil sa hindi paggawa nito.
\s5
\q
\v 81 Hinihintay ko na iligtas mo ako sa aking mga kaaway; magtitiwala ako na sasabihin mo sa akin kung ano ang gagawin mo.
\q
\v 82 Pagod na ang aking mga mata sa mahabang paghihintay sa ipinangako mong gagawin, at nagtatanong ako, "Kailan mo ako tutulungan?"
\s5
\q
\v 83 Naging tulad ako ng sisidlan ng alak na walang silbi, natuyot dahil sa mahabang panahon na nakasabit habang nauusukan sa loob ng bahay, pero hindi ko kinalimutan ang mga kautusan mo.
\q
\v 84 Hanggang kailan pa ako maghihintay? Kailan mo parurusahan ang mga umuusig sa akin?
\s5
\q
\v 85 Tila ang mga mapagmalaki, ang mga sumusuway sa mga batas mo, ay naghukay ng malalim para sa akin.
\q
\v 86 Lahat ng mga utos mo ay mapagkakatiwalaan; pero inuusig ako ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga kasinungalingan tungkol sa akin, kaya pakiusap, tulungan mo ako.
\s5
\q
\v 87 Halos patayin ako ng mga taong iyon, pero hindi ako tumigil sa pagsunod sa mga gabay mo sa pamumuhay.
\q
\v 88 Dahil tapat mo akong iniibig, hayaan mong patuloy akong mabuhay para patuloy kong masunod ang mga kautusan na sinabi mo.
\s5
\q
\v 89 Ang salita mo, Yahweh, ay mananatili magpakailanman; matatag itong nakatakda sa kalangitan.
\q
\v 90 Patuloy kang tapat na kikilos sa mga taong hindi pa ipinapanganak; inilagay mo sa lugar ang mundo, at matatag itong nananatili roon.
\s5
\q
\v 91 Sa araw na ito, lahat ng bagay sa mundo ay nananatili dahil sinabi mo; lahat ng nasa lupa ay naglilingkod sa iyo.
\q
\v 92 Kung hindi ako nasiyahan sa pagsunod sa mga batas mo, namatay na sana ako dahil sa paghihirap ko.
\s5
\q
\v 93 Hindi ko kailanman makalilimutan ang mga gabay mo dahil bunga ng pagsunod ko sa mga ito, hinayaan mo akong patuloy na mabuhay.
\q
\v 94 Nabibilang ako sa iyo; iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway dahil sinikap kong sundin ang mga gabay mo sa pamumuhay.
\s5
\q
\v 95 Naghihintay ang mga masasama na patayin ako, pero iisipin ko ang tungkol sa mga kautusan mo.
\q
\v 96 Natutunan ko na mayroong hangganan ang lahat, pero ang mga utos mo ay wala.
\s5
\q
\v 97 Lubos kong iniibig ang mga batas mo. Pinagninilayan ko ang lahat ng ito tuwing umaga.
\q
\v 98 Dahil alam ko ang mga utos mo at iniisip ang mga ito sa lahat ng oras, naging higit na matalino ako kaysa sa aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 99 Higit akong nakauunawa kaysa sa aking mga guro dahil pinagninilayan ko ang inutos mo.
\q
\v 100 Higit akong nakauunawa kaysa sa mga nakatatanda dahil sinusunod ko ang mga gabay mo sa pamumuhay.
\s5
\q
\v 101 Iniwasan ko ang lahat ng masasamang asal para masunod ko ang mga utos mo.
\q
\v 102 Hindi ako tumangging sumunod sa mga ito dahil tinuruan mo ako habang pinag-aralan ko ito.
\s5
\q
\v 103 Nang binasa ko ang mga salita mo, para itong pulot na aking kinain; oo, higit pa nga itong matamis kaysa sa pulot.
\q
\v 104 Dahil natutunan ko ang mga gabay mo sa pamumuhay, marami akong nauunawaan; kaya nga, kinapopootan ko ang lahat ng masasama na ginagawa ng ibang tao.
\s5
\q
\v 105 Ang salita mo ay ilawan na naggagabay sa akin; tulad ito ng liwanag na nagpapakita ng landas na dapat kong tahakin.
\q
\v 106 Tapat kong pinapangako na lagi kong susundin ang mga palatuntunan mo; lahat ng mga ito ay makatarungan.
\s5
\q
\v 107 Labis akong naghihirap, Yahweh; palakasin mo ako gaya ng ipinangako mo.
\q
\v 108 Kapag nagpapasalamat ako habang nananalangin, Yahweh, naging tulad ito ng alay sa iyo; pakiusap tanggapin mo ito, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
\s5
\q
\v 109 Madalas akong pinagtatangkaang patayin ng aking mga kaaway, pero hindi ko kinalilimutan ang mga batas mo.
\q
\v 110 Sinikap akong hulihin ng masasama gaya ng mangangaso na nanghuhuli ng maliliit na hayop, pero hindi ko sinuway ang mga gabay mo sa pamumuhay.
\s5
\q
\v 111 Nasa akin ang mga kautusan mo magpakailanman; dahil dito, masaya ako sa aking kalooban.
\q
\v 112 Napagpasiyahan ko na laging sumunod sa lahat ng mga utos mo.
\s5
\q
\v 113 Galit ako sa mga taong hanggang salita lang ang pagsasabing mahal ka, pero ako, minamahal ko ang batas mo.
\q
\v 114 Tulad ka ng isang lugar kung saan makapagtatago ako sa aking mga kaaway, at kalasag sa likod kung saan pinangangalagaan ako mula sa kanila; nagtitiwala ako sa mga pangako mo.
\s5
\q
\v 115 Kayong masasama, lumayo kayo sa akin para masunod ko ang mga utos ng Diyos!
\q
\v 116 Palakasin mo ako gaya ng ipinangako mo, para patuloy akong mabuhay. Panatag ako na panunumbalikin mo ako; huwag mo akong biguin.
\s5
\q
\v 117 Ingatan mo ako para maging ligtas at lagi kong bibigyang-pansin ang mga utos mo.
\q
\v 118 Tinakwil mo lahat ng mga sumusuway sa mga kautusan mo; anumang pandaraya ang kanilang binabalak ay walang silbi.
\s5
\q
\v 119 Inaalis mo ang lahat ng masasama gaya ng pag-alis sa basura; kaya nga, minamahal ko ang mga kautusan mo.
\q
\v 120 Nanginginig ako sa takot sa iyo; takot ako dahil pinarurusahan mo ang mga sumusuway sa mga palatuntunan mo.
\s5
\q
\v 121 Pero ginawa ko kung ano ang matuwid at makatarungan; kaya huwag mo akong hayaang apihin ng mga tao.
\q
\v 122 Panindigan mo ang paggawa ng mabubuting bagay sa akin, at huwag mong hayaang apihin ako ng mga mapagmalaki.
\s5
\q
\v 123 Pagod na ang aking mga mata sa matagal na paghihintay na ako ay iligtas mo gaya ng iyong ipinangako.
\q
\v 124 Ipakita mo sa akin na tapat mo akong iniibig, at ituro mo sa akin ang iyong mga kautusan.
\s5
\q
\v 125 Ako ang naglilingkod sa iyo; ipaunawa mo akin ang gusto mong malaman ko para matutunan ko ang mga kautusan mo.
\q
\v 126 Ngayon na ang oras, Yahweh, para parusahan mo ang mga tao dahil sinuway nila ang mga batas mo.
\s5
\q
\v 127 Tunay nga na minamahal ko ang mga utos mo nang higit pa sa ginto; minamahal ko ang mga ito nang higit pa sa pinakadalisay na ginto.
\q
\v 128 Kaya namumuhay ako ayon sa gabay mo sa pamumuhay, at kinapopootan ko ang lahat ng masasama na ginagawa ng iba.
\s5
\q
\v 129 Ang mga kautusan mo ay kahanga-hanga, kaya sinusunod ko ito nang buong puso.
\q
\v 130 Kapag may nagpapaliwanag sa iyong mga salita, tila nagbibigay ito ng liwanag; kahit ang mga hindi natuto sa mga batas mo ay napapatalino nito.
\s5
\q
\v 131 Sabik akong nagnanais na malaman ang mga utos mo gaya ng asong nagugutom na nagnanais na mapakain.
\q
\v 132 Pakinggan mo ako at maging mabuti ka sa akin gaya ng ginagawa mo sa lahat ng nagmamahal sa iyo.
\s5
\q
\v 133 Gabayan mo ako gaya ng ipinangako mo; huwag mong hayaang pamunuan ako ng mga masasama.
\q
\v 134 Iligtas mo ako mula sa mga nang-aapi sa akin para masunod ko ang mga gabay mo sa pamumuhay.
\s5
\q
\v 135 Maging mabuti ka sa akin at ituro sa akin ang mga kautusan mo.
\q
\v 136 Iyak ako nang iyak dahil maraming tao ang sumusuway sa mga batas mo.
\s5
\q
\v 137 Matuwid ka, Yahweh, at ang mga palatuntunan mo ay makatarungan.
\q
\v 138 Totoo ang mga kautusan mo at lahat ay matuwid at makatarungan.
\s5
\q
\v 139 Galit na galit ako dahil binabalewala ng mga kaaway ko ang mga salita mo.
\q
\v 140 Natagpuan ko na ang mga pangako mo ay maasahan, at mahal ko ang mga ito.
\s5
\q
\v 141 Hindi ako mahalaga, at hinahamak ako ng mga tao, pero hindi ko kinalilimutan ang mga gabay mo sa pamumuhay.
\q
\v 142 Matuwid ka at magiging matuwid magpakailanman, at ang mga batas mo ay hindi kailanman magbabago.
\s5
\q
\v 143 Lagi akong may mga kaguluhan at nag-aalala ako, pero ang mga utos mo ang nagpapasaya sa akin.
\q
\v 144 Ang mga kautusan mo ay laging makatarungan; tulungan mo akong maunawaan ito para patuloy akong mabuhay.
\s5
\q
\v 145 Buong puso akong nananawagan sa iyo, Yahweh; sagutin mo ako at susundin ko ang mga kautusan mo.
\q
\v 146 Nananawagan ako sa iyo, "Iligtas mo ako, at iingatan ko ang mga kautusan mo.
\s5
\q
\v 147 Tuwing umaga bumabangon ako nang maaga at nananawagan sa iyo para tulungan ako; nagtitiwala ako na gagawin mo ang iyong ipinangako.
\q
\v 148 Buong gabi akong gising, at pinagninilayan ko ang mga utos at pangako mo.
\s5
\q
\v 149 Dahil tapat mo akong minamahal, Yahweh, makinig ka habang nananalangin ako; panatilihin mo akong ligtas dahil iniingatan ko ang mga palatuntunan mo.
\q
\v 150 Palapit nang palapit sa akin ang mga taong masasama na nang-aapi sa akin; binabalewala nila ang mga batas mo.
\s5
\q
\v 151 Pero ikaw Yahweh, ay malapit sa akin, at alam ko na ang mga utos mo ay hindi kailanman magbabago.
\q
\v 152 Natagpuan ko ang mga kautusan mo noon, at alam ko na itinakda mo ito na manatili magpakailanman.
\s5
\q
\v 153 Tumingin ka sa akin, tingnan mo ang labis kong paghihirap, at pagalingin mo ako dahil hindi ko kinalilimutan ang mga batas mo.
\q
\v 154 Ipagtanggol mo ako kapag inaakusahan ako ng iba at sagipin mo ako mula sa kanila; hayaan mong patuloy akong mabuhay gaya ng ipinangako mo.
\s5
\q
\v 155 Sinusuway ng masasama ang mga kautusan mo, kaya tiyak na hindi mo sila ililigtas.
\q
\v 156 Naging mahabagin ka, Yahweh, sa pamamagitan ng pagtulong sa akin sa maraming paraan; hayaan mong patuloy akong mabuhay gaya ng ginagawa mo hanggang ngayon.
\s5
\q
\v 157 Marami akong mga kaaway; marami sa kanila ang nagpapahirap sa akin, pero hindi ko isinasantabi ang mga utos mo.
\q
\v 158 Kapag tinitingnan ko ang mga hindi tapat sa iyo, nasusuklam ako dahil hindi nila sinusunod ang mga kautusan mo.
\s5
\q
\v 159 Pansinin mo, Yahweh, na minamahal ko ang mga gabay mo sa pamumuhay; dahil tapat mo akong minamahal, hayaan mong patuloy akong mabuhay.
\q
\v 160 Maaasahan ko ang lahat ng sinabi mo; lahat ng mga palatuntunan mo ay mananatili magpakailanman.
\s5
\q
\v 161 Inuusig ako ng mga pinuno ng walang dahilan, pero sa kalooban ko ay mayroon akong takot sa iyong mga salita.
\q
\v 162 Masaya ako sa mga salita mo gaya ng taong nakatagpo ng malaking kayamanan.
\s5
\q
\v 163 Kinapopootan ko ang lahat ng kasinungalingan pero minamahal ko ang mga batas mo.
\q
\v 164 Dahil makatarungan lahat ng mga kautusan mo, pinupuri kita ng pitong beses sa isang araw.
\s5
\q
\v 165 Nagiging maayos ang buhay ng mga nagmamahal sa mga batas mo; walang makapagpapaiwan sa kanila rito.
\q
\v 166 Tiwala ako na ililigtas mo ako, Yahweh, mula sa aking mga kaguluhan, at sinusunod ko ang mga utos mo.
\s5
\q
\v 167 Sinusunod ko ang mga gusto mong gawin namin; at lubos ko itong minamahal.
\q
\v 168 Sinusunod ko ang mga gabay mo sa pamumuhay, at nakikita mo ang lahat ng ginagawa ko.
\s5
\q
\v 169 Makinig ka sa akin, Yahweh, habang nananalangin para tulungan mo; tulungan mo akong maunawaan ang mga salita mo.
\q
\v 170 Pakinggan mo ako habang nananalangin, at sagipin mo tulad ng sinabi mong gagawin.
\s5
\q
\v 171 Lagi kitang pupurihin dahil itinuro mo sa akin ang iyong mga patakaran.
\q
\v 172 Aawit ako tungkol sa iyong mga salita dahil lahat ng mga utos mo ay makatarungan.
\s5
\q
\v 173 Hinihiling ko sa iyo na lagi kang maging handa para tulungan ako dahil pinili kong sumunod sa mga gabay mo sa pamumuhay.
\q
\v 174 Labis ang pagnanais ko, Yahweh, na sagipin mo ako mula sa aking mga kaaway; nasisiyahan ako sa mga batas mo.
\s5
\q
\v 175 Hayaan mong patuloy akong mabuhay para patuloy kitang purihin at matulungan mo ako.
\q
\v 176 Nagkasala at tumalikod ako sa iyo gaya ng isang tupa na iniwan ang kaniyang kawan; hanapin mo ako dahil hindi ko kinalimutan ang mga utos mo.
\s5
\c 120
\p
\v 1 Nang ako ay nasa kahirapan, tumawag ako kay Yahweh at sinagot niya ako.
\q
\v 2 Nanalangin ako, "Yahweh, iligtas mo ako mula sa mga nagsisinungaling sa akin at nanunubok na linlangin ako!"
\s5
\q
\v 3 Kayong mga tao na nagsisinungaling sa akin, sasabihin ko sa inyo kung ano ang gagawin sa inyo ng Diyos at anong gagawin niya para parusahan kayo.
\q
\v 4 Papanain niya kayo ng matatalim na palaso gaya ng ginagawa ng mga sundalo, at susunugin niya kayo ng nagbabagang uling mula sa kahoy ng puno ng tambo.
\s5
\q
\v 5 Kakila-kilabot para sa akin, na namumuhay ako kasama ng mga taong malulupit tulad ng mga nanirahan sa lupain ng Meshec o Kedar.
\q
\v 6 Matagal-tagal rin akong nanirahan sa mga taong napopoot na mamuhay kasama ang iba ng may kapayapaan.
\q
\v 7 Sa tuwing nagsasalita ako tungkol sa mapayapang pamumuhay, sila ay nag-uusap tungkol sa pagsisimula ng digmaan.
\s5
\c 121
\p
\v 1 Kapag naglalakbay kami patungong Jerusalem, nakatingin ako pataas sa mga burol at tinatanong ang aking sarili, "Sino ang tutulong sa akin?"
\q
\v 2 Ang sagot ko ay si Yahweh ang tumutulong sa akin; siya ang lumikha ng langit at ng lupa.
\s5
\q
\v 3 Hindi niya tayo hahayaang mabuwal; hindi makakatulog ang Diyos, na siyang nag-iingat sa amin.
\q
\v 4 Ang nag-iingat sa aming mga Israelita ay hindi kailanman inaantok o natutulog.
\s5
\q
\v 5 Si Yahweh ang siyang nagbabantay sa atin; tulad siya ng lilim na nag-iingat sa atin mula sa araw.
\q
\v 6 Hindi niya hahayaang masaktan tayo ng araw sa umaga, at hindi niya hahayaan na masaktan tayo ng buwan sa gabi.
\s5
\q
\v 7 Si Yahweh ang mag-iingat sa atin mula sa anumang mga pananakit; iingatan niya tayo.
\q
\v 8 Iingatan niya tayo sa oras ng pag-alis natin sa ating bahay sa umaga hanggang sa makabalik tayo sa gabi; iingatan niya tayo ngayon at magpakailanman.
\s5
\c 122
\p
\v 1 Ako ay nagalak nang sinabi sa akin ng mga tao, "Dapat pumunta tayo sa templo ni Yahweh sa Jerusalem!"
\q
\v 2 Narito kami ngayon, nakatayo sa loob ng tarangkahan ng Jerusalem.
\q
\v 3 Ang Jerusalem ay isang lungsod na naitayo nang napakaganda.
\s5
\q
\v 4 Kaming mga angkan ng Israel na pag-aari ni Yahweh ay makaaakyat na roon gaya ng inutos ni Yahweh na dapat naming gawin, at maaari naming pasalamatan siya.
\q
\v 5 Doon ang mga hari ng Israel, ang mga kaapu-apuhan ni Haring David, ay umupo sa kanilang mga trono at nagpasya ng mga kaso nang walang kinikilingan kapag nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga tao.
\s5
\q
\v 6 Manalangin na magkaroon ng kapayapaan sa Jerusalem; nais ko para sa mga nagmamahal sa Jerusalem na maging matagumpay sa buhay.
\q
\v 7 Nais ko nawa na magkaroon ng kapayapaan sa lungsod at ang mga tao sa palasyo ay maging ligtas.
\s5
\q
\v 8 Para sa kapakanan ng aking mga kamag-anak at mga kaibigan, sinabi ko, "Nais ko sa mga tao na mamuhay ng may kapayapaan sa loob ng Jerusalem."
\q
\v 9 Dahil mahal ko ang templo ni Yahweh na aming Diyos, dalangin ko na maging mabuti ang kalagayan ng mga tao na namumuhay sa Jerusalem.
\s5
\c 123
\p
\v 1 O Yahweh, nakatingala ako sa langit, kung saan ka namumuno.
\q
\v 2 Tulad ng mga alipin na nagtatanong sa kaniyang amo kung ano ang kanilang kailangan sa amin, kami ay humihiling, Yahweh aming Diyos, kung ano ang aming kailangan, hanggang ikaw ay kumilos ng may kaawaan sa amin.
\s5
\q
\v 3 O Yahweh, maawa ka sa amin dahil ang aming mga kaaway ay labis kaming hinahamak.
\q
\v 4 Ang mga taong mayayabang ay pinagkatuwaan kami ng mahabang panahon, at ang taong mapagmataas ay inapi kami at tinuring kaming tila wala halaga.
\s5
\c 124
\p
\v 1 Sagutin mo ang tanong na ito, ikaw na bayan ng Israel: Ano sana ang nangyari sa atin kung hindi tayo tinulungan ni Yahweh?
\q
\v 2 Kung hindi nakipaglaban si Yahweh para sa atin nang nilusob tayo ng ating mga kaaway,
\q
\v 3 patay na siguro tayo ngayon dahil galit na galit sila sa atin!
\s5
\q
\v 4 Magiging kagaya sila ng tubig baha na tatangayin tayo palayo; parang matatakpan tayo ng tubig,
\q
\v 5 at malulunod tayo sa baha.
\s5
\q
\v 6 Pero pinupuri namin si Yahweh dahil hindi niya kami hinayaang wasakin ng aming mga kaaway.
\q
\v 7 Nakatakas kami mula sa aming mga kaaway gaya ng ibong tumatakas mula sa bitag na inilagay ng mga manghuhuli; tila ang bitag na inilagay ng aming mga kaaway ay nasira at kami ay nakalaya!
\s5
\q
\v 8 Si Yahweh ang tumutulong sa amin; siya ang lumikha ng langit at lupa.
\s5
\c 125
\p
\v 1 Tulad ng Bundok ng Sion ang mga nagtitiwala kay Yawheh, na hindi matitinag o maaalis sa lugar nito.
\q
\v 2 Gaya ng pag-iingat sa mga burol na nakapalibot sa Jerusalem, gayundin ang pag-iingat sa atin ni Yahweh, na kaniyang bayan, at iingatan niya tayo magpakailanman.
\q
\v 3 Hindi dapat pahintulutan ang masasama na mamuno sa lupain kung saan naninirahan ang taong matutuwid. Kung ginawa nila iyon, maiisipan ng mga taong matutuwid na gumawa ng masama.
\s5
\q
\v 4 Yahweh, gumawa ka ng mabuti sa mga gumagawa ng mabuti sa iba at sa mga tapat na sumusunod sa iyong mga utos.
\q
\v 5 Pero kapag parurusahan mo ang mga Israelitang hindi na sumusunod sa iyo, parurusahan mo sila gaya ng pagpaparusa mo sa mga gumawa ng masama. Nais ko na mangyari ang mga bagay na iyon nang maayos sa bayan ng Israel!
\s5
\c 126
\p
\v 1 Nang pasaganahin muli ni Yahweh ang Israel, ito ay kahanga-hanga; tila kami ay nananaginip.
\s5
\q
\v 2 Napakasaya namin, at aming pinagpatuloy ang pagsigaw ng may kagalakan. Pagkatapos sinabi sa amin ng ibang pangkat ng mga tao, "Gumawa si Yahweh ng kamangha-manghang mga bagay sa kanila!"
\q
\v 3 Sinabi namin, "Oo, tunay na gumawa siya ng kamangha-manghang mga bagay para sa amin at napakasaya namin."
\s5
\q
\v 4 Ibalik mo ang dati naming kalagayan, O Yahweh, tulad ng mga ulan na pinupuno ang mga batis sa dakong timog ng ilang sa Judea. Bigyan mo ng kakayahan ang aming bansa na maging malakas muli tulad ng dati.
\q
\v 5 Umiyak kami nang itinatanim namin ang mga binhi dahil mahirap na gawain ang paghahanda ng mga lupa na hindi na inaararo ng matagal na panahon; ngayon gusto naming sumigaw sa kagalakan dahil kami ay nakapag-iipon ng maraming ani.
\q
\v 6 Ang mga umiiyak habang dala ang sako ng mga binhi sa bukirin ay sisigaw sa kagalakan habang dala nila ang mga pananim sa kanilang tahanan sa panahon ng pag-aani.
\s5
\c 127
\p
\v 1 Kung magtatayo ang mga tao ng bahay na walang tulong ni Yahweh, sila ay nagtatayo ng walang kabuluhan. Gayundin, kung hindi iingatan ni Yahwheh ang lungsod, walang saysay ang pananatiling gising ng mga tagapagbantay sa gabi.
\q
\v 2 Walang saysay rin ang paggising ng sobrang aga at pagtulog ng gabing-gabi para magtrabaho sa buong araw para kumita ng salapi pambili ng pagkain dahil nagbibigay si Yahweh ng pagkain sa kaniyang mga minamahal.
\s5
\q
\v 3 Ang mga anak ay regalo sa mga magulang mula kay Yahweh; gantimpala sila mula sa kaniya.
\q
\v 4 Kung nagkaroon ng mga anak ang isang lalaki habang bata pa siya, kapag lumaki sila, makatutulong silang ipagtanggol ang kaniyang pamilya gaya ng sundalo na kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili kung mayroong siyang pana at mga palaso sa kaniyang kamay.
\q
\v 5 Mapalad ang taong mayroong maraming anak; tulad siya ng isang sundalo na may maraming palaso sa kaniyang sisidlan. Kung ang isang tao na mayroong maraming anak ay kinuha ng kaniyang mga kaaway sa lugar kung saan nila pinagpasyahan, hindi nila matatalo ang taong iyon dahil tutulungan siyang ipagtanggol ng kaniyang mga anak.
\s5
\c 128
\p
\v 1 Mapalad ka na may masidhing respeto sa kaniya at ginagawa ang nais niyang gawin.
\q
\v 2 Masisiyahan ka sa mga pagkain na iyong ihahanda sa iyong sarili; papalarin ka at magiging masagana.
\s5
\q
\v 3 Magiging tulad ng ubasan na namumunga ng marami ang iyong asawa; manganganak siya ng marami. Ang iyong mga anak ay uupo sa palibot ng iyong hapag-kainan; magiging tulad ka ng matibay na puno ng olibo na maraming usbong na tumutubo sa paligid nito.
\q
\v 4 Tulad nito, pagpapalain ni Yahweh ang bawat tao na may matinding paggalang sa kaniya.
\q
\v 5 Nais ko na pagpalain ka ng lubos ng Diyos na nasa kaniyang templo sa Bundok ng Sion, at makita mo ang bayan ng Jerusalem na magiging masagana sa araw-araw na ikaw ay nabubuhay!
\q
\v 6 Nais kong mabuhay ka pa ng maraming taon at magkaroon ng mga apo at makita mo sila. Nais kong mangyari ng maayos ang mga ito sa bayan ng Israel!
\s5
\c 129
\p
\v 1 Sinabi ko na pinahirapan ako ng aking mga kaaway simula noong bata pa ako. Ngayon hinihiling ko, mga kapwa Israelita na ulitin niyo ang mga salitang iyon:
\q
\v 2 "Pinahirapan kami ng aming mga kaaway simula nang magsimula ang aming bansa, pero hindi nila kami natalo!
\q
\v 3 Hinampas kami ng aming mga kaaway ng latigo na humiwa sa aming mga likuran gaya ng magsasaka na gumagamit ng pang-araro para magbungkal ng malalim sa lupa.
\s5
\q
\v 4 Pero si Yahweh ay matuwid, at pinalaya niya kami sa pagiging alipin ng mga masasamang tao.
\q
\v 5 Sana mailagay sila sa kahihiyan dahil tatalunin namin sila—lahat ng mga kaaway ng Jerusalem.
\s5
\q
\v 6 Sana mawalan sila ng halaga, tulad ng mga damo na tumutubo sa bubong ng mga bahay na natutuyo at hindi na lumalaki;
\q
\v 7 walang sinuman ang gusto pumutol nito at itali ng sama-sama at dalhin ito.
\q
\v 8 Kadalasan ang mga taong dumadaan at nakikita ang mga taong nag-aani ay sinasabihan nila nito, "Nais namin na pagpalain nawa kayo ni Yahweh!" Pero hindi ito mangyayari sa mga kaaway ng Israel. Kami, bilang mga kumakatawan kay Yahweh, ay pinagpapala kayo, aming mga kapwa Israelita!
\s5
\c 130
\p
\v 1 Yahweh, napakadami kong problema, kaya tumatawag ako sa iyo.
\q
\v 2 Yahweh, dinggin mo ako habang tumatawag sa iyo para kaawaan mo!
\s5
\q
\v 3 Yahweh, kung ikaw ay nagtago ng isang talaan ng mga kasalanan na aming nagawa, wala sa amin ang makatatakas mula sa kahatulan at kaparusahan!
\q
\v 4 Pero pinatawad mo kami na nagbunga ng pagkakaroon ng matinding paggalang sa iyo.
\s5
\q
\v 5 Sinabi ni Yahweh na tutulungan niya ako; nagtitiwala ako sa sinabi niya, at sabik akong naghihintay na gawin niya iyon.
\q
\v 6 Mas naghihintay ako sa tulong ni Yahweh kaysa sa tagabantay na naghihintay na mag-umaga; oo, mas sabik akong naghihintay kaysa sa kanila!
\s5
\q
\v 7 Ikaw, aking kapwa Israelita, lubos na umaasa ako na pagpapalain tayo ni Yahweh. Pagpapalain niya tayo dahil kinaaawaan niya tayo, at nais niyang maligtas tayo.
\q
\v 8 Siya ang magliligtas sa ating mga Israelita mula sa pagpaparusa sa lahat ng ating mga kasalanang nagawa.
\s5
\c 131
\p
\v 1 Yahweh, hindi ako nagmamalaki, hindi ako karapat-dapat na magkaroon ng mga kahanga-hangang bagay sa mundong ito, hindi ko rin iniisip ang mga problema na hindi ko naman kayang lutasin.
\s5
\q
\v 2 Sa halip, tahimik at payapa ang aking kalooban tulad ng isang maliit na bata na hindi na inaalagaan pero masayang kasama ang kaniyang ina. Sa parehong paraan, payapa ang aking kalooban.
\q
\v 3 Kayo, aking kapwa Israelita, lubos akong umaasa na gagawa ng mabubuting bagay si Yahweh sa inyo ngayon at magpakailanman!
\s5
\c 132
\p
\v 1 Yahweh, huwag mong kalimutan si Haring David at lahat ng mga paghihirap na kaniyang tiniis!
\q
\v 2 buong puso siyang nangako sa iyo, dakilang Diyos na sinamba ng aming ninunong si Jacob.
\s5
\q
\v 3 Sinabi niya, "Hindi ako uuwi o magpapahinga sa aking higaan,
\q
\v 4 at hindi ako matutulog kailanman
\q
\v 5 hanggang magawa ko ang isang lugar para kay Yahweh, isang tahanan para sa dakilang Diyos na sinamba ni Jacob."
\s5
\q
\v 6 Sa Efratah narinig namin kung nasaan ang sagradong baul. Kaya nagpunta kami at natagpuan ito malapit sa lungsod ng Kiriat Jearim at dinala namin ito sa Jerusalem.
\q
\v 7 Pagkatapos sinabi namin, "Pumunta tayo sa sagradong tolda ni Yahweh sa Jerusalem; sambahin natin siya sa harapan ng kaniyang trono kung saan siya nakaupo."
\q
\v 8 Yahweh, pumunta ka sa lugar kung saan ka namumuhay ng walang hanggan, sa lugar kung nasaan ang iyong sagradong baul, sa lugar na nagpapakita na labis kang makapangyarihan.
\s5
\q
\v 9 Gusto ko na laging nakikita ang matuwid na gawa ng iyong mga pari at laging sumisigaw ng may kagalakan ang iyong bayan.
\q
\v 10 Pinili mo si David para paglingkuran ka bilang hari ng Israel; huwag mo siyang itakwil!
\s5
\q
\v 11 Yahweh, taos-puso kang nangako kay David, isang pangako na hindi mo sisirain. Sinabi mo, "Dudulutin ko na mamuno ang ang iyong mga kaapu-apuhan bilang hari tulad mo.
\q
\v 12 Kung susundin nila ang aking tipan at susundin nila ang lahat ng mga utos na ibibigay ko sa kanila, hindi matatapos kailanman ang hanay ng mga hari mula sa iyo."
\s5
\q
\v 13 Pinili ni Yahweh ang Jerusalem; kung saan gusto niyang mamuno.
\q
\v 14 Sinabi niya, "Ito ang lungsod kung saan ako mamumuhay magpakailanman; ito ang lugar kung saan nais kong manatili.
\s5
\q
\v 15 Ibibigay ko sa bayan ng Jerusalem ang lahat ng kanilang kailangan; magbibigay ako ng sapat na pagkain para masiyahan kahit ang mga taong mahihirap doon.
\q
\v 16 Magdudulot ako sa mga pari na kumilos ng karapat-dapat sa aking mga iniligtas; at lahat ng mga tao na naninirahan doon ay sisigaw ng may kagalakan.
\s5
\q
\v 17 Sa Jerusalem magdudulot ako sa isa sa mga kaapu-apuhan ni David na maging isang dakilang hari; siya rin ang magiging hari na pinili ko. Doon ipagpapatuloy ko ang hanay ng mga kaapu-apuhan ni David.
\q
\v 18 Tatalunin ko ang kaniyang mga kaaway at magdudulot sa kanila ng labis na kahihiyan; pero ang korona na suot ng aking hari ay laging magliliwanag."
\s5
\c 133
\p
\v 1 Napakabuti at kaaya-aya para sa bayan ng Diyos na sama-samang magtipon sa kapayapaan.
\s5
\q
\v 2 Nakalulugod ito gaya ng mamahaling langis na tumutulo mula sa ulo hanggang sa balbas ng punong paring si Aaron nang pahiran siya ng langis ni Moises, na dumaloy sa kuwelyo ng kaniyang mga damit.
\q
\v 3 Ang sama-samang pagtitipon sa kapayapaan ay nakalulugod gaya ng hamog na bumabagsak sa Bundok ng Hermon at ang hamog na bumabagsak sa Bundok ng Sion. Nangako si Yahweh na pagpapalain ang kaniyang mga tao sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagpapanatili magpakailanman ng kanilang bansa.
\s5
\c 134
\p
\v 1 Lahat kayong naglilingkod kay Yahweh, kayong tumatayo at naglilingkod sa gabi sa kaniyang templo, halina at purihin siya!
\q
\v 2 Itaas ang inyong mga kamay para manalangin sa kaniyang templo at purihin siya.
\s5
\q
\v 3 Nawa si Yahweh, na siyang gumawa ng langit at ng lupa, ay pagpalain kayo mula sa pinananahanan niya sa templo sa Bundok ng Sion!
\s5
\c 135
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Kayong mga sumasamba sa kaniya, purihin siya!
\q
\v 2 Kayong nakatayo sa patyo ng templo ni Yahweh ating Diyos, na handang maglingkod sa kaniya, purihin siya!
\s5
\q
\v 3 Purihin si Yahweh dahil gumagawa siya ng kabutihan para sa atin; umawit sa kaniya dahil ito ay nakagagalak na gawin.
\q
\v 4 Pinili niya tayo, ang kaapu-apuhan ni Jacob; Pinili niya tayong mga Israelita na mabilang sa kaniya.
\s5
\q
\v 5 Sinasabi ko ang mga bagay na ito dahil alam kong dakila si Yahweh; mas dakila siya sa lahat ng mga diyos.
\q
\v 6 Ginagawa ni Yahweh ang kahit anong ninanais niyang gawin sa langit, sa lupa, at sa mga dagat, hanggang sa kailaliman ng mga dagat.
\s5
\q
\v 7 Siya ang nagdulot na magkaroon ng ulap mula sa mga malalayong lugar sa lupa; hinahayaan niya ang mga kidlat na magliwanag kasama ang ulan, at dinadala niya ang mga hangin mula sa imbakan nito.
\s5
\q
\v 8 Siya ang pumatay sa lahat ng mga panganay na anak sa Ehipto, ang panganay sa mga tao at mga hayop.
\q
\v 9 Doon gumawa siya ng maraming uri ng mga himala para parusahan ang hari at lahat ng kaniyang mga opisyales.
\s5
\q
\v 10 Nilusob niya ang maraming bansa at pinatay ang mga makapangyarihang hari na namuno sa kanila:
\q
\v 11 sina Sihon, ang hari ng grupo ng bayan ng Amor, Og, ang hari ng Bashan, at lahat ng ibang mga hari sa lupain ng Canaan.
\s5
\q
\v 12 Pagkatapos binigay niya ang kanilang mga lupain sa aming mga Israelita para maging amin magpakailanman.
\q
\v 13 Yahweh, ang iyong pangalan ang mananatili magpakailanman, at ang mga tao na hindi pa naipapanganak ay maaalala ang mga dakilang bagay na iyong ginawa.
\s5
\q
\v 14 Pinapahayag ni Yahweh na tayo, ang kaniyang bayan, ay walang sala, at siya ay kumikilos na puno ng kaawaan sa atin.
\q
\v 15 Pero ang mga diyus-diyusan na sinasamba ng ibang tao ay mga rebulto lamang na gawa sa pilak at ginto, mga bagay na ginawa ng tao.
\q
\v 16 Ang kanilang mga diyos-diyusan ay may bibig, pero hindi nakapagsasalita; may mga mata, pero hindi nakakakita.
\q
\v 17 May mga tainga pero hindi nakaririnig, at hindi rin humihinga.
\q
\v 18 Ang mga tao na gumagawa ng mga diyos-diyusan na iyon ay walang kapangyarihan tulad ng kanilang mga diyos-diyusan, at ang mga nagtitiwala sa kanilang mga diyos-diyusan ay walang magagawa gaya ng kanilang diyos-diyusan!
\s5
\q
\v 19 Mga kapwa ko Israelita, purihin si Yahweh! kayong mga pari mula sa kaapuha-apuhan ni Aaron, purihin si Yahweh!
\q
\v 20 Kayong mga tao na mula sa kaapuha-apuhan ni Levi, na tinutulungan ang mga pari, purihin si Yahweh! Lahat kayong mayroong mapitagang respeto kay Yahweh, purihin si siya!
\q
\v 21 Purihin si Yahweh sa templo ng Bundok ng Sion sa Jerusalem kung saan siya naninirahan! Purihin si Yahweh!
\s5
\c 136
\p
\v 1 Pasalamatan si Yahweh dahil gumagawa siya ng mabubuting bagay para sa atin; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 2 Pasalamatan ang Diyos, siyang dakila sa lahat ng mga diyos; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 3 Pasalamatan ang Panginoon na siyang mas dakila sa lahat ng mga panginoon; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 4 Siya ang nag-iisang makagagawa ng kamangha-manghang mga himala; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 5 Siya ang nag-iisang lumikha ng kalangitan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 6 Siya ang nagdulot sa lupa na umangat sa ibabaw ng malalim na tubig; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 7 Siya ang lumikha ng kahanga-hangang liwanag sa himpapawid; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 8 Nilikha niya ang araw para magliwanag sa umaga; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 9 Ginawa niya ang buwan at mga bituin para magliwanag sa gabi; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 10 Siya ang pumatay sa mga panganay na anak sa Ehipto; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 11 pinangunahan niya ang mga Israelita mula sa Ehipto; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 12 Sa kaniyang malakas na kamay inalis niya sila roon; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 13 Siya ang nagdulot sa dagat na mga Tambo na mahati; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 14 Binigyan niya ng kakayahan ang mga Israelita na makatawid dito sa tuyong lupa; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 15 Pero siya ang nagdulot na malunod doon ang hari ng Ehipto at ang kaniyang hukbo; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 16 Siya ang nanguna sa kaniyang bayan ng ligtas sa ilang; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 17 Pinatay niya ang mga makapangyarihang hari; mamahalin niya tayo magpakailanaman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 18 Pinatay niya ang mga tanyag na hari; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 19 Pinatay niya si Sihon, ang hari ng pangkat ng mga tao sa Amor; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 20 Pinatay niya si Og, ang hari ng rehiyon ng Bashan; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 21 Binigay niya ang kanilang mga lupain sa atin, na kaniyang bayan; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 22 Binigay niya ang mga lupain na iyon sa atin na bayan ng Israel, na naglilingkod sa kaniya; mamahalin niya tayo gaya magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 23 Hindi niya tayo kinalimutan nang tinalo tayo ng ating mga kaaway; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\s5
\q
\v 24 Sinagip niya tayo mula sa ating mga kaaway; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 25 Siya ang nagbibigay ng mga pagkain sa lahat ng mga buhay na nilalang; mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako.
\q
\v 26 Kaya pasalamatan ang Diyos, siyang nabubuhay sa langit dahil mamahalin niya tayo magpakailanman gaya ng kaniyang ipinangako!
\s5
\c 137
\p
\v 1 Nang dinala tayo sa Babilonia malayo mula sa Jerusalem, naupo tayo sa tabi ng ilog at umiyak nang ating maisip ang tungkol sa templo sa Bundok ng Sion sa Jerusalem.
\q
\v 2 Sa puno sa tabi ng mga ilog sinabit natin ang ating mga alpa dahil hindi na natin gustong gamitin pa ito at dahil napakalungkot natin.
\s5
\q
\v 3 Ang mga sundalo na humuli sa atin at nagdala sa atin sa Babilonia ay pinilit tayong umawit para sa kanila; sinabi nila na aliwin natin sila; sinabi nila "Awitan kami ng isa sa mga awit na inyong inawit noon sa Jerusalem!"
\q
\v 4 Pero inisip natin, "Malungkot tayo dahil pinaparusahan tayo ni Yahweh at dinala tayo sa dayuhang lupain; hindi tayo makaawit ng mga awitin tungkol kay Yahweh habang tayo ay narito!"
\s5
\q
\v 5 Kung nakalimutan ko ang tungkol sa Jerusalem, nawa matuyot ang aking mga kamay para hindi ko na matugtog pa ang aking alpa!
\q
\v 6 Sana hindi na ako makaawit muli kung nakalimutan ko ang tungkol sa Jerusalem, kung hindi ko itinuturing ang Jerusalem na nagdulot sa akin na maging masaya kaysa sa anumang bagay.
\s5
\q
\v 7 Yahweh, parusahan mo ang bayan ng pangkat ng Edom dahil sa ginawa nila sa amin noong araw na nasakop ng hukbo ng Babilonia ang Jerusalem. Huwag mong kalimutan ang kanilang sinabi, "Wasakin ang lahat ng mga gusali! Sirain niyo ang lahat ng ito! Iwanan niyo lamang ang pundasyon nito!"
\s5
\q
\v 8 Kayong bayan ng Babilonia, kayo ay tiyak na masisira! Mapalad ang mga nagparusa sa inyo dahil sa inyong ginawa;
\q
\v 9 Mapalad silang mga kumuha ng inyong mga anak at dinurog sila ng pira-piraso sa mga bato.
\s5
\c 138
\p
\v 1 Nagpapasalamat ako sa iyo, Yahweh, mula sa aking kalooban. Umaawit ako para papurihan ka sa harap ng mga diyus-diyusan para kutyain sila.
\q
\v 2 Nang ako ay tumingin sa iyong banal na templo, yumuko ako at nagpasalamat dahil tapat mo kaming minamahal at lahat ng iyong ipinangako ay ginagawa mo. Pinakita mo na ikaw ay higit sa kahit anumang bagay, at lagi mong ginagawa ang iyong ipinangako.
\s5
\q
\v 3 Noong araw na tumawag ako sa iyo, sinagot mo ako; ako ay hinayaan mong maging malakas at matapang.
\q
\v 4 Yahweh, balang araw ang lahat ng mga hari ng mundong ito ay pupurihin ka dahil naririnig na nila ang iyong sinabi.
\s5
\q
\v 5 Aawit sila tungkol sa iyong ginawa; aawit sila at sasabihin na ikaw ay labis na dakila.
\q
\v 6 Yahweh, ikaw ang kataas-taasan, pero pinangangalagaan mo ang mga taong itinuturing na hindi mahalaga. Alam mo ang ginagawa ng mga mapagmalaki kahit na ikaw ay malayo sa kanila at nag-iisip na hindi mo sila nakikita.
\s5
\q
\v 7 Noong ako ay nasa kalagitnaan ng maraming kaguluhan, niligtas mo ako. Sinagip mo ako gamit ng iyong kamay mula sa aking mga kaaway na galit sa akin.
\q
\v 8 Yahweh, gagawin mo sa akin ang lahat ng iyong pinangako; kami ay tapat mong minamahal magpakailanman. Tapusin mo kung ano ang sinimulan mong gawin para sa aming mga Israelita!
\s5
\c 139
\p
\v 1 Siniyasat mo ang kalooban ko, Yahweh, at alam mo ang lahat tungkol sa akin.
\q
\v 2 Alam mo kapag ako ay uupo at kapag ako ay tatayo. Kahit na ikaw ay malayo sa akin, alam mo ang aking iniisip.
\s5
\q
\v 3 Mula sa aking pagbangon sa umaga hanggang sa aking paghiga sa gabi, alam mo ang lahat ng aking ginagawa.
\q
\v 4 Yahweh, bago pa man ako magsalita, alam mo na ang lahat ng aking sasabihin!
\q
\v 5 Pinapangalagaan mo ako sa lahat ng panig; inilagay mo ang iyong makapangyarihang kamay para pangalagaan ako.
\q
\v 6 Hindi ko maiintindihan na alam mo ang lahat sa akin. Tunay na mahirap para sa akin na maintindihan iyon.
\s5
\q
\v 7 Saan ako maaaring pumunta para makatakas sa iyong Espiritu? Saan ako maaaring lumayo mula sa iyo?
\q
\v 8 Kung pupunta ako sa langit, naroon ka. Kung hihiga ako sa lugar kung nasaan ang mga patay, naroon ka.
\s5
\q
\v 9 Kung madadala ako ng araw sa kabilang dako ng himpapawid, kung ako ay lilipad pakanluran at makagawa ng lugar na titirhan sa isang isla sa karagatan,
\q
\v 10 ikaw rin ay naroon para pangunahan ako ng iyong kamay at tulungan ako.
\s5
\q
\v 11 Maaari kong hilingin sa kadiliman na itago ako, o hilingin ang liwanag na nakapalibot sa akin para maging kadiliman,
\q
\v 12 pero kahit mangyari iyon, ang kadiliman ay hindi magiging kadiliman para sa iyo! Para sa iyo ang gabi ay kasing liwanag ng umaga, ang liwanag ng araw at ang kadiliman ay walang pinagkaiba.
\s5
\q
\v 13 Ang lahat ng parte ng aking katawan ay nilikha mo; pinagsama-sama mo ang bawat parte ng aking katawan noong ako ay nasa sinapupunan ng aking ina.
\q
\v 14 Pinupuri kita dahil ginawa mo ang aking katawan nang kamangha-mangha at kagila-gilalas. Ang lahat ng iyong ginawa ay kahanga-hanga! Alam na alam ko ito.
\s5
\q
\v 15 Nang nabuo ang aking katawan, habang ito ay pinagsasama-sama kung saan walang ibang taong maaaring makakita nito, nakita mo ito!
\q
\v 16 Nakita mo ako bago ako ipinanganak. Isinulat mo sa iyong libro ang bilang ng mga araw na iyong napagpasyahan na ako ay mabubuhay. Ginawa mo iyon bago pa man magsimula ang mga araw na iyon!
\s5
\q
\v 17 Napakahalaga ng iyong iniisip tungkol sa akin, O Diyos. Mayroong malaking halaga ang mga bagay na iyong iniisip.
\q
\v 18 Kung mabibilang ko sila, makikita kong higit pa sila sa mga butil ng buhangin sa dalampasigan. Sa paggising ko, ako ay nasa iyo pa rin at alam ko na palagi mo akong iniisip.
\s5
\q
\v 19 O Diyos, aking hiling na patayin mo ang masasamang tao! Nais kong iwanan ako ng taong mararahas.
\q
\v 20 Nagsasabi sila ng mga masasamang bagay tungkol sa iyo; sinisira nila ang iyong pangalan.
\s5
\q
\v 21 Yahweh, tunay na kinapopootan ko ang mga napopoot sa iyo! Kinasusuklaman ko silang nagrerebelde laban sa iyo.
\q
\v 22 Galit ako sa kanila nang lubos, at itinuring ko silang aking mga kaaway.
\s5
\q
\v 23 Saliksikin mo ang aking pagkatao, O Diyos; alamin mo ang aking iniisip!
\q
\v 24 Alamin mo kung mayroong masama sa aking pagkatao, at pangunahan ako sa daan na magdadala sa akin na makasama ka magpakailanman.
\s5
\c 140
\p
\v 1 Yahweh, sagipin mo ako mula sa paglusob ng mga masamang tao; higit pa roon, panatilihin mo akong ligtas mula sa paglusob ng mga taong mararahas.
\q
\v 2 Nagbabalak sila lagi ng mga masasamang bagay, at lagi nilang sinusulsulan ang mga tao para magpasimula ng away.
\q
\v 3 Sa kanilang pananalita, nakasasakit sila ng mga tao tulad ng makamandag na mga ahas.
\s5
\q
\v 4 Yahweh, ingatan mo ako sa kapangyarihan ng masasamang tao. Panatilihin mo akong ligtas mula sa mararahas na nagbabalak na sirain ako.
\q
\v 5 Tila ang mayayabang ay naghanda ng bitag sa akin; tila ikinalat nila ang kanilang mga lambat para hulihin ako; tila inilagay nila ang mga bagay na iyon sa daan para hulihin ako.
\s5
\q
\v 6 Sasabihin ko sa iyo, "Yahweh, ikaw ang aking Diyos. Makinig ka sa aking pagtawag ng tulong sa iyo."
\q
\v 7 Yahweh na aking Panginoon, ikaw ang siyang malakas na nagtatanggol sa akin; iniingatan mo ako sa digmaan na parang nilagyan mo ng pananggalang ang aking ulo.
\q
\v 8 Yahweh, huwag mong ibigay ang nais ng masasamang tao, at huwag mong hayaan na gawin nila ang kanilang masasamang plano.
\s5
\q
\v 9 Huwag mong hayaang maging mayabang ang aking mga kaaway; hayaan mo na ang masasamang bagay na gusto nilang gawin sa akin ay mangyari sa kanila sa halip na sa akin.
\q
\v 10 Hayaan na ang mga nagbabagang uling ay bumagsak sa kanilang mga ulo! Hayaan mo na itapon sila sa malalim na hukay kung saan hindi sila makakaahon!
\q
\v 11 Huwag mong hayaang magtagumpay ang mga naninirang-puri; hayaan mong mangyari ang masasamang bagay sa mga taong mararahas at sirain sila.
\s5
\q
\v 12 Yahweh, alam kong ipagtatanggol mo ang mga inaapi, at gagawin mo ang makatarungan.
\q
\v 13 Tiyak na magpapasalamat sa iyo ang matutuwid at mamumuhay sila sa iyong presensiya.
\s5
\c 141
\p
\v 1 Tumawag ako sa iyo, Yahweh; pakiusap tulungan mo ako agad! Makinig ka sa aking tawag sa iyo.
\q
\v 2 Tanggapin mo ang aking panalangin na parang insensong sinunog bilang handog para sa iyo. Tanggapin mo ako habang nakataas ang aking mga kamay sa iyo sa panalangin, tulad ng pagtanggap mo sa mga sakripisyo na inaalay sa iyo sa gabi.
\s5
\q
\v 3 Yahweh, huwag mo akong hayaang magsalita ng mga maling bagay; bantayan mo ang aking sasabihin tulad ng tagapagbantay na nagbabantay ng pinto.
\q
\v 4 Pigilan mo ako sa pagnanais na gumawa ng kahit anong bagay na mali at sa pagsama sa mga masasamang tao kapag gusto nilang gumawa ng masasamang gawain. Huwag mo rin akong hayaan na makibahagi sa kanilang kinakaing masasarap na pagkain.
\s5
\q
\v 5 Mabuti kung mga taong matutuwid ang humampas o sumaway sa akin dahil sinusubukan nilang kumilos nang may kabaitan sa akin para turuan ako kung anong tama; kapag ginagawa nila iyon, ito ay para bang pagpaparangal sa akin sa pamamagitan ng pagpahid ng langis ng olibo sa aking ulo; pero palagi kong ipinananalangin na maparusahan ang masasama dahil sa kanilang masamang gawain.
\q
\v 6 Kapag ang kanilang mga pinuno ay nailaglag mula sa itaas ng mabatong mga bangin, malalaman nila na ang sinasabi ko rito ay mabuti.
\q
\v 7 Malalaman nila na balang araw ang kanilang mga katawan ay nagkalat sa lugar ng mga patay, tulad ng isang nakakalat na tipak ng lupa kapag nag-aararo siya sa bukid.
\s5
\q
\v 8 Pero Yahweh aking Diyos, patuloy kong hinihiling na tulungan mo ako. Hinihingi ko na ingatan mo ako; huwag mong hayaan na mamatay na ako!
\q
\v 9 Tila naglagay sila ng patibong para sa akin; ingatan mo ako mula sa pagkahulog sa mga patibong na iyon. Tila nagkalat sila ng mga lambat para hulihin ako; huwag mo akong hayaang mahuli ng mga lambat na iyon.
\q
\v 10 Nais kong mahulog ang mga masasamang tao sa patibong na hinanda nila para sa akin habang ako ay tumatakas mula sa kanila.
\s5
\c 142
\p
\v 1 Yahweh, tumatawag ako sa iyo; nakikiusap ako na tulungan mo ako.
\q
\v 2 Ilalapit ko sa iyo lahat ng problema ko; sasabihin ko sa iyo lahat ng mga suliranin ko.
\s5
\q
\v 3 Kapag ako ay labis na napanghinaan ng loob, alam mo ang dapat kong gawin. Kahit saan ako lumakad, para bang may mga nakatagong patibong ang aking mga kaaway na paghuhulugan ko.
\q
\v 4 Tumingin ako sa paligid, pero walang sinuman ang nakakita sa akin, walang sinuman ang nangangalaga sa akin, at walang sinuman ang mag-aalala sa nangyayari sa akin.
\q
\v 5 Kaya Yahweh, tumatawag ako sa iyo para tulungan mo; ikaw ang nangangalaga sa akin; ikaw lang ang kailangan ko habang ako ay nabubuhay.
\s5
\q
\v 6 Pakinggan mo ako habang tumatawag ako sa iyo para tulungan mo dahil labis akong nahihirapan. Sagipin mo ako dahil ang nagpapahirap sa akin ay napakalakas; hindi ko kayang makatakas mula sa kanila.
\q
\v 7 Palayain mo ako sa aking mga kaguluhan para makapagpasalamat ako sa iyo. Kung gagawin mo iyon, kapag kasama ko ang ibang namumuhay nang tama, papupurihan kita dahil napakabuti mo sa akin.
\s5
\c 143
\p
\v 1 Yahweh, dinggin mo ako habang nananalangin sa iyo! Dahil ikaw ay matuwid at dahil matapat mong ginagawa ang ipinangako mo, makinig ka sa aking pagsusumamo na gawin mo para sa akin.
\q
\v 2 Isa ako sa mga sumasamba sa iyo; huwag mo akong husgahan dahil walang kang itinuturing na sinumang ganap na walang sala.
\s5
\q
\v 3 Hinahabol ako ng aking mga kaaway; ganap nila akong natalo. Para bang nilagay nila ako sa madilim na kulungan kung saan wala na akong mabuting aasahan pa.
\q
\v 4 Kaya ang aking kalooban ay labis na napanghinaan ng loob; labis akong nawalan ng gana.
\s5
\q
\v 5 Naalala ko ang nangyari dati; pinag-isipan kong mabuti ang lahat ng mga bagay na ginawa mo; isinaalang-alang ko ang iyong mga dakilang nagawa.
\q
\v 6 Itinaas ko ang aking mga kamay sa iyo habang nananalangin; labis kong gusto na makasama ka gaya ng kauhawan ko sa tubig sa isang malawak na disyerto.
\s5
\q
\v 7 Ako ay labis na napanghihinaan ng loob, Yahweh, kaya pakiusap sagutin mo ako ngayon! Huwag kang lumayo sa akin dahil kapag ginawa mo iyon, hindi magtatagal mapapabilang ako sa mga taong bumababa sa lugar ng mga patay.
\q
\v 8 Ipaalala mo sa akin tuwing umaga na tapat mo akong minamahal dahil nagtitiwala ako sa iyo. Nananalangin ako sa iyo; ipakita mo sa akin ang mga bagay na dapat kong gawin.
\s5
\q
\v 9 Yahweh, pumunta ako sa iyo para pangalagaan ako kaya sagipin mo ako mula sa aking mga kaaway.
\q
\v 10 Ikaw ang aking Diyos; turuan mo akong gawin ang mga bagay na nais mong gawin ko. Gusto ko na ipakita sa akin ng iyong mabuting Espiritu ang mga bagay na tamang gawin.
\s5
\q
\v 11 Yahweh, ibalik mo ako sa dati kong kalagayan kapag ako ay nag-aagaw buhay tulad ng pinangako mong gawin dahil ikaw ay matuwid!
\q
\v 12 Isa ako sa naglilingkod sa iyo; dahil matapat mo akong minamahal gaya ng ipinangako mong gawin, patayin mo ang aking mga kaaway at alisin ang lahat ng nang-aapi sa akin.
\s5
\c 144
\p
\v 1 Pinupuri kita Yahweh, gaya ng isang malaking bato kung saan ako ligtas! Sinasanay niya ang aking kamay para magamit ko ito sa pakikipaglaban; sinasanay niya ang aking mga daliri para pumana ng palaso sa isang digmaan.
\q
\v 2 Pinangangalagaan niya ako gaya ng kaniyang ipinangako; gaya siya ng muog kung saan ligtas ako, pinangangalagaan niya ako gaya ng pananggalang na nangangalaga sa mga sundalo, at siya ang nagbibigay ng kublihan sa akin. Tinalo niya ang ibang mga bansa at inilagay sila sa ilalim ng aking kapangyarihan.
\s5
\q
\v 3 Kaming mga tao ay hindi mahalaga, Yahweh! Bakit mo kami napapansin? Kamangha-mangha sa akin na binibigyan mo ng pansin ang mga tao.
\q
\v 4 Ang oras ng aming buhay ay kasing iksi ng ihip ng hangin; ang aming oras para mabuhay ay naglalaho gaya ng anino.
\s5
\q
\v 5 Yahweh, buksan mo ang himpapawid at bumaba ka! Hampasin mo ang mga bundok para lumabas ang usok mula sa kanila!
\q
\v 6 Pakislapin mo ang kidlat para tumakbo ang mga kaaway mo. Panain mo sila at patakasin nang natataranta.
\s5
\q
\v 7 Ang aking mga kaaway ay para bang baha na nakapalibot sa akin; iabot mo pababa ang iyong kamay mula sa langit at sagipin mo ako mula sa kanila. Sila ay mga taong mula sa ibang bansa
\q
\v 8 na palaging nagsisinungaling. Kahit na sumumpa sila ng pagsasabi ng totoo, nagsisinungaling sila.
\s5
\q
\v 9 O Diyos, aawit ako ng mga bagong awit para sa iyo, at ako ay tutugtog sa aking alpa na may sampung kwerdas habang inaawitan ka.
\q
\v 10 Hinayaan mo ang mga hari na talunin ang kanilang mga kaaway; sinagip mo ang mga katulad kong naglilingkod sa iyo.
\q
\v 11 Kaya hinihiling ko na iligats mo ako na hindi mapatay ng mga espada na dala-dala ng masasamang tao. Sagipin mo ako mula sa kapangyarihan ng mga taong mula sa ibang bansa na laging nagsisinungaling. Kahit na sumumpa sila na magsabi ng katotohanan, nagsisinungaling sila.
\s5
\q
\v 12 Hinihiling ko na ang ating mga anak na lalaki ay lumaki sa karampatang gulang; hinihiling ko na ang ating anak na babae ay lumaki gaya ng tuwid at mataas na poste na nakatayo sa sulok ng mga palasyo.
\q
\v 13 Hinihiling ko na ang ating mga kamalig ay mapuno ng maraming iba't ibang mga pananim. Hinihiling ko na ang mga tupa sa ating bukid ay manganak ng maraming batang tupa.
\s5
\q
\v 14 Hinihiling ko na manganak ng marami ang ating mga baka na walang makukunan o mamamatay sa panganganak. Hinihiling ko na walang anumang panahon na ang mga tao sa lansangan ay hihingi ng tulong dahil sa mga dayuhang sundalong sumasalakay.
\q
\v 15 Kung mangyayari ang mga mabubuting bagay tulad nito sa ating bansa, napakapalad ng mga tao. Mapalad silang sumasamba kay Yahweh bilang Diyos.
\s5
\c 145
\p
\v 1 Aking Diyos at Hari, ihahayag ko na ikaw ay napakadakila; pupurihin kita ngayon at kailanman.
\q
\v 2 Araw-araw ay pupurihin kita; Oo, pupurihin kita magpakailanman.
\q
\v 3 Yahweh, dakila ka, at nararapat kang labis na mapapurihan; hindi namin lubos na maunawaan kung gaano ka kadakila.
\s5
\q
\v 4 Sasabihin ng mga magulang sa kanilang mga anak ang mga bagay na iyong ginawa; sasabihin nila sa mga bata ang tungkol sa iyong makapangyarihang mga gawa.
\q
\v 5 Iisipin ko ang iyong kaluwalhatian at katanyagan, at pag-iisipan kong mabuti ang lahat ng iyong kahanga-hangang mga gawa.
\s5
\q
\v 6 Sasabihin ng mga tao ang tungkol sa iyong kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa, at ihahayag ko na ikaw ay labis na dakila.
\q
\v 7 Maaalala at ihahayag ng mga tao na ikaw ay napakabuti sa amin, at aawit silang maligaya na palagi kang kumikilos nang makatarungan.
\s5
\q
\v 8 Yahweh, kumikilos ka nang mabuti at nang may awa sa amin; hindi ka mabilis magalit, tapat mo kaming labis na minamahal gaya ng ipinangako mo.
\q
\v 9 Yahweh, mabuti ka sa lahat, at kumikilos ka nang may awa sa lahat ng iyong nilikha.
\s5
\q
\v 10 Yahweh, ang lahat ng nilalang na iyong nilikha ay magpapasalamat at magpupuri sa iyo.
\q
\v 11 Sasabihin nila sa iba na ikaw ay namumuno nang maluwalhati bilang hari at ikaw ay labis na makapangyarihan.
\q
\v 12 Gagawin nila iyon para malaman ng lahat ang tungkol sa mga makapangyarihang mong gawa at pinamumunuan mo kami nang maluwalhati.
\s5
\q
\v 13 Hindi ka titigil sa pagiging hari; ikaw ay mamumuno sa lahat ng mga henerasyon.
\s5
\q
\v 14 Yahweh, tinutulungan mo silang mga napanghihinaan ng loob, at inaangat mo silang nawawalan ng pag-asa.
\q
\v 15 Ang lahat ng nilalang na ginawa mo ay umaasa na bibigyan mo sila ng pagkain at binibigyan mo sila ng pagkain kapag kinailangan nila ito.
\q
\v 16 Bukas-palad kang nagbibigay ng pagkain sa lahat ng iyong nilikha at pinasasaya sila.
\s5
\q
\v 17 Lahat ng ginagawa ni Yahweh, ginagawa niya nang makatarungan; lahat ng ginagawa niya, ginagawa niya nang may kaawaan.
\q
\v 18 Lumalapit si Yahweh sa mga tumatawag sa kaniya, sa mga tumatawag sa kaniya nang matapat.
\q
\v 19 Sa mga may kahanga-hangang paggalang sa kaniya, binibigay niya ang kailangan nila. Sila ay naririnig niya kapag tumawag sila sa kaniya at nililigtas sila.
\s5
\q
\v 20 Pinangangalagaan ni Yahweh ang lahat ng nagmamahal sa kaniya, pero aalisin niya ang masasamang tao.
\q
\v 21 Lagi kong pupurihin si Yahweh; hinihiling ko na purihin siya magpakailanman ng mga tao sa lahat ng dako, dahil ginagawa niya ang lahat nang walang kapintasan.
\s5
\c 146
\p
\v 1 Purihin si Yahweh. Sa aking buong kalooban pupurihin ko si Yahweh.
\q
\v 2 Pupurihin ko si Yahweh hangga't ako ay nabubuhay; aawit ako ng papuri sa aking Diyos sa aking buong buhay.
\s5
\q
\v 3 Kayo, huwag kayong magtiwala sa inyong mga pinuno; huwag magtiwala sa mga tao dahil hindi sila makaliligtas.
\q
\v 4 Kapag namatay sila, ang kanilang bangkay ay mabubulok at magiging lupa ulit. Pagkatapos mamatay, hindi na nila magagawa ang mga bagay na kanilang binalak na gawin.
\s5
\q
\v 5 Pero mapalad silang tinutulungan ng Diyos, ang Diyos na sinasamba ni Jacob. Sila ang mga taong lubos na umaasa kay Yahweh, ang kanilang Diyos, na tutulungan sila.
\q
\v 6 Siya ang lumikha ng langit at ng lupa, ng mga karagatan at lahat ng nilalang dito. Lagi niyang ginagawa ang ipinangako niyang gawin.
\s5
\q
\v 7 Siya ang nagpapasiya nang patas sa mga bagay para sa mga pinakikitunguhan nang hindi patas, at nagbibigay siya ng pagkain sa mga nagugutom. Pinalalaya niya ang mga nasa kulungan.
\q
\v 8 Si Yahweh ang nagbigay-daan sa mga bulag na makakita muli. Inaangat niya silang nahulog. Iniibig niya taong matutuwid.
\s5
\q
\v 9 Inaalagaan ni Yahweh ang mga nagmula sa ibang bansa na naninirahan sa ating bayan, at tinutulungan niya ang mga balo at mga ulila. Pero pinipigil niya ang mga masasamang tao sa kanilang ginagawa.
\q
\v 10 Maghahari si Yahweh sa atin magpakailanman; kayong mga taga-Israel, ang inyong Diyos ay mamumuno magpakailanman! Purihin si Yahweh!
\s5
\c 147
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Mabuting umawit sa ating Diyos. Kasiya-siya at nararapat lang na gawin ito.
\s5
\q
\v 2 Nawasak ang Jerusalem, pero tinutulungan tayo ni Yahweh na itayo ulit ito.
\q
\v 3 Ibinabalik niya ang mga taong dinala sa ibang bayan. Pinalalakas niya ulit ang mga pinanghihinaan ng loob.
\s5
\q
\v 4 Siya ang lumikha ng mga bituin.
\q
\v 5 Dakila at makapangyarihan si Yahweh, at walang kapantay ang kaniyang karunungan.
\s5
\q
\v 6 Itinataas ni Yahweh ang mga inaapi, at ibinababa niya ang mga masasama.
\q
\v 7 Pasalamatan si Yahweh sa pag-awit ng pagpupuri sa kaniya; gamit ang alpa, tumugtog para sa ating Diyos.
\s5
\q
\v 8 Pinangangalagaan niya ang mga ulap sa himpapawid, ang mga lupain at mga halaman,
\q
\v 9 at pinakakain niya maging ang mga nagugutom na hayop.
\s5
\q
\v 10 Hindi siya bilib sa lakas ng tao o ng hayop na matuling tumakbo.
\q
\v 11 Sa halip, ang nagpapasaya sa kaniya ay ang mga taong may mataas na pagtingin sa kaniya, mga taong panatag na nagtitiwala sa kaniyang walang-hanggang pag-ibig, gaya ng ipinangako niya.
\s5
\q
\v 12 Purihin niyo si Yahweh, kayong mga mamamayan ng Jerusalem! Purihin niyo ang inyong Diyos!
\q
\v 13 Iniingatan niya ang kaniyang bayan at pinagpapala sila.
\q
\v 14 Pinagyayaman niya sila at pinasasagana. Binibigyan niya kayo ng pinakamasasarap na trigo para kainin.
\s5
\q
\v 15 Nangyayari ang anumang sabihin niya; madali nitong naaabot ang lugar kung saan niya ito ipinadala.
\q
\v 16 Nagpapaulan siya ng nyebe para balutin ang lupa na parang puting kumot, at ikinakalat niya ito sa lupa gaya ng pagdala ng hangin sa alabok.
\s5
\q
\v 17 Nagpapaulan siya ng tipak ng yelo na nagsasanhi ng matinding pagkaginaw, pagkaginaw na mahirap tiisin.
\q
\v 18 Pero sa salita niya, natutunaw rin ang mga ito na parang tubig na dumadaloy sa sapa.
\s5
\q
\v 19 Kinakausap niya ang mga Israelita, sinasabi sa kanila ang kaniyang mga ipinag-uutos at mga pasya.
\q
\v 20 Hindi ito ginawa ni Yahweh para sa ibang bansa. Wala silang alam tungkol dito. Purihin si Yahweh!
\s5
\c 148
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Purihin siya, kayong mga anghel sa kalangitan!
\q
\v 2 Kayong lahat na mga anghel na nabibilang sa Diyos, purihin siya! Kayong mga hukbo ni Yahweh, purihin siya!
\s5
\q
\v 3 Purihin niyo siya, araw at buwan! Purihin niyo siya, mga bituin!
\q
\v 4 Purihin niyo siya, kayong mga pinakamatataas na kalangitan! Purihin niyo siya, kayong mga tubig sa ibabaw ng ulap, purihin siya!
\s5
\q
\v 5 Purihin nilang lahat si Yahweh dahil nilikha niya sila.
\q
\v 6 Siya ang nagtalaga sa kanila sa kinalalagyan nila, inutos niya na manatili ito roon habang-buhay. Hindi sila makasusuway sa kaniya.
\s5
\q
\v 7 Purihin si Yahweh ng lahat ng nasa mundo. Purihin siya ng malalaking hayop, maging ng iba pang nasa ilalim ng dagat;
\q
\v 8 ng apoy at ng yelo, ng nyebe at hamog, ng malalakas na hangin na sumusunod sa kaniya, purihin niyo si Yahweh!
\s5
\q
\v 9 Kayong mga burol at mga bundok, mga bungang-kahoy at mga puno,
\q
\v 10 lahat ng mababangis at maamong hayop, lahat ng gumagapang sa lupa at mga lumilipad sa himpapawid, purihin niyo si Yahweh.
\s5
\q
\v 11 Kayong mga hari sa mundo, at ang lahat ng mamamayan sa ilalim niyo, maging ang ibang mga pinuno,
\q
\v 12 kayong mga binata, kayong mga dalaga, kayong matatanda at mga bata, ang bawat isa, purihin niyo si Yahweh.
\s5
\q
\v 13 Purihin nilang lahat si Yahweh dahil higit siyang dakila kaysa kaninuman. Hawak niya ang buong mundo at kalangitan sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan.
\q
\v 14 Pinalalakas niya tayong mga Israelita, ang kaniyang bayan, na napakahalaga sa kaniya, para papurihan natin siya, kaya purihin natin siya!
\s5
\c 149
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Umawit ng bagong awit kay Yahweh; purihin siya sa pagtitipon ng kaniyang bayan!
\s5
\q
\v 2 Magalak kayong mga Israelita dahil sa ginawa ng Diyos na inyong manlilikha para sa inyo! Kayong mga mamamayan ng Jerusalem, magdiwang kayo dahil sa ginawa ng Diyos na inyong hari para sa inyo!
\q
\v 3 Purihin si Yahweh sa sayawan, sa paggamit ng tamburin, at sa pagtugtog ng alpa para purihin siya!
\s5
\q
\v 4 Nalulugod si Yahweh sa kaniyang bayan; pinararangalan niya ang mga mapagkumbaba sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na talunin ang kanilang mga kaaway.
\q
\v 5 Dahil nanalo sila sa mga digmaan, magdiwang at mag-awitan ang mga mamamayan buong magdamag!
\s5
\q
\v 6 Umawit sila nang malakas para purihin ang Diyos; kasabay nito, hawakan din nila ang matatalim na espada sa kanilang mga kamay
\q
\v 7 na handang gamitin ang mga ito para talunin ang mga sundalo ng mga bansa na hindi sumasamba sa Diyos at para parusahan ang bansang iyon.
\s5
\q
\v 8 Bibihagin nila ang mga hari at pinuno.
\q
\v 9 Hahatulan nila sila at parurusahan ang mga mamamayan ng ibang bansa gaya ng nasusulat ng Diyos. Pararangalan ng lahat ng matitira ang tapat na bayan ng Diyos dahil dito. Purihin si Yahweh!
\s5
\c 150
\p
\v 1 Purihin si Yahweh! Purihin ang Diyos sa kaniyang templo!
\q
\v 2 Purihin siya sa kaniyang tahanan sa langit! Purihin siya dahil sa mga dakilang ginawa niya; purihin siya dahil siya ay tunay na dakila!
\s5
\q
\v 3 Purihin siya sa malakas na pag-ihip ng trumpeta; purihin siya sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa at maliliit na instrumentong may kwerdas!
\q
\v 4 Purihin siya sa pamamagitan ng pagtatambol at pagsasayawan.
\q
\v 5 Purihin siya sa pamamagitan ng pagtugtog ng plawta! Purihin siya sa pamamagitan ng tunog ng pompyang!
\s5
\q
\v 6 Purihin ng lahat ng nilalang si Yahweh! Purihin si Yahweh!