forked from WA-Catalog/tl_udb
1122 lines
78 KiB
Plaintext
1122 lines
78 KiB
Plaintext
\id NEH
|
|
\ide UTF-8
|
|
\h Nehemias
|
|
\toc1 Nehemias
|
|
\toc2 Nehemias
|
|
\toc3 neh
|
|
\mt Nehemias
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 1
|
|
\p
|
|
\v 1 Ako si Nehemias na anak ni Hacalias. Sinusulat ko ang salaysay na ito na ginawa ko nang bumalik ako sa Jerusalem. Sa ikadalawampung taon pagkatapos magsimulang mamuno ni Haring Artaxerxes sa Imperyo ng Persia, sa buwan ng Kislev, ako ay nasa Susa, ang kabisera ng Persia.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ang kapatid kong si Hanani ay dumating para makipagkita sa akin. Siya at iba pang mga lalaki ay galing sa Juda. Tinanong ko sila tungkol sa maliit na bilang ng mga Judio na nakatakas mula sa pagkakatapon sa Babilonia, at ang tungkol sa lungsod ng Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Sinabi nila sa akin, "Ang mga Judio na nakaligtas sa pagkabihag ay namumuhay doon sa Juda sa matinding kahirapan at kahihiyan. Ang pader ng lungsod sa maraming lugar ay nawasak kaya ang mga hukbo ay madaling nakapasok dito, at hindi lang iyon, ang mga tarangkahan ng lungsod ay lubos na tinupok ng apoy."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Nang marinig ko iyon, umupo ako at umiyak. Ilang araw akong nanangis at nag-ayuno, at nanalangin sa Diyos na nasa langit.
|
|
\p
|
|
\v 5 Sinabi ko, "Yahweh, ikaw ang Diyos na nasa langit. Ikaw ang dakila at kahanga-hangang Diyos, at iniingatan mo ang banal na kasunduan at pangako mo sa lahat ng nagmamahal sa iyo at sumusunod sa mga tuntunin mo at mga utos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Nakikiusap ako na tumingin ka sa akin at makinig sa aking panalangin. Ako ay nananalangin araw at gabi para sa Israel na iyong bayan. Inaamin ko na nagkasala kami. Kahit ako at ang aking pamilya ay nagkasala laban sa iyo.
|
|
\q1
|
|
\v 7 Gumawa kami ng labis na kasamaan. Maraming taon na ang nakalipas nang ibinigay mo sa iyong lingkod na si Moises ang iyong mga batas at ang lahat ng mga alituntuning dapat gawin namin, pero hindi namin ito tinupad.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Pero nakikiusap ako na alalahanin mo ang sinabi mo sa iyong lingkod na si Moises. Sinabi mo, 'Kung hindi kayo namumuhay sa pananampalataya at pagsunod sa akin, ikakalat ko kayo sa mga bansa,
|
|
\p
|
|
\v 9 Pero kung magbabalik-loob kayo at susundin ang aking mga utos, kahit na kayo ay itinapon sa malayong lugar, titipunin ko kayong lahat at dadalhin ko kayo pabalik sa lugar na ito kung saan ipinakita ko sa inyo kung gaano ako kadakila at kaluwalhati.'
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Kami ang inyong mga lingkod. Kami ang inyong bayan na iniligtas mo mula sa pagkabihag sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan. Ginawa mo iyon dahil kaya mong gawin ang anumang naisin mo.
|
|
\p
|
|
\v 11 Yahweh, pakiusap pakinggan mo ang aking panalangin, ako ay iyong lingkod. Pakiusap pakinggan mo ang panalangin ng lahat ng tao na mayroong lubos na kasiyahan habang pinararangalan nila kung sino ka at kung ano ang ginawa mo. Ngayon nananalangin ako na bigyan mo ako ng katagumpayan kapag ako ay pumunta sa hari; at pangalagaan mo ako sa paggawa ko ng isang kahilingan sa hari na maglalagay sa buhay ko sa panganib. Kaawaan mo ako." Ako ay naglilingkod bilang isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaang lingkod ng hari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 2
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa buwan ng Nisan sa panahon ng ikadalawampung taon ng paghahari ni Haring Artaxerxes, oras na para magbigay ng alak sa kaniya habang kapistahan. Kinuha ko ang alak at ibinigay ito sa hari. Hindi kailanman ako naging malungkot sa harapan ng hari.
|
|
\p
|
|
\v 2 Pero noong araw na iyon, ang hari ay tumingin sa akin at sinabi niya, "Bakit napakalungkot mo?" Hindi ka naman mukhang may sakit. Marahil ang espiritu mo ay nababagabag?" Pagkatapos ako ay lubhang natakot.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 3 Tumugon ako, "O Hari, nawa ay mamuno ka ng mahaba at marami pang taon! Ako ay malungkot dahil sa isang dahilan, dahil ang lungsod na pinaglibingan ng aking mga ninuno ay nawasak, at ang lahat ng tarangkahan sa palibot ng lungsod ay nasunog at naging abo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Tumugon ang hari, "Anong gusto mong gawin ko para sa iyo?" At bago ako sumagot sa kaniya, nanalangin ako sa Diyos na nasa langit.
|
|
\p
|
|
\v 5 Pagkatapos tumugon ako, "Kung kalooban mong gawin ito, at kung ikaw ay nalulugod sa akin, maaari mo akong ipadala sa Jerusalem, kung saan nakalibing ang aking mga ninuno, para maitayo kong muli ang lungsod."
|
|
\p
|
|
\v 6 Ang hari (kasama ang reyna na nakaupo sa kaniyang tabi) ay nagtanong sa akin, "Kung papayagan kitang pumunta, gaano ka katagal mawawala? At kailan ka babalik? "Binigyan niya ako ng pahintulot na pumunta sa sandaling ibigay ko ang mga araw nang pagpunta ko roon at pagbalik.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 7 Sinabi ko rin sa hari, "Bilang gantimpala sa aking tapat na paglilingkod sa inyo, pakiusap bigyan mo ako ng mga sulat na nakapangalan sa mga gobernador na namamahala ng lugar sa ibayong Ilog ng Eufrates. Pakiusap bigyan mo sila ng mga utos na pahintulutan ako na maglakbay nang ligtas sa kanilang lalawigan papunta at pabalik sa Juda.
|
|
\p
|
|
\v 8 Sumulat ka rin kay Asaf, na nangangasiwa sa lahat ng troso sa inyong kagubatan, at sabihin sa kaniya na gumawa ng mga biga para maayos ang mga tarangkahan ng tanggulan kasunod ng templo, at para ayusin ang mga pader ng lungsod, at ang bahay kung saan ako maninirahan." Ginawa ng hari ang kahilingan kong gawin niya, dahil tinutulungan ako ng Diyos na makuha ang aking mga kailangan para sa pag-aayos ng mga ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 9 Umalis ako para pumunta sa Juda. Nagpadala ang hari ng ilang pinuno ng mga hukbo at mga kawal na nakasakay sa kabayo para samahan ako, at para ipagtanggol ako. Nang dumating kami sa rehiyon kung saan namamahala ang mga gobernador, ibinigay ko sa kanila ang mga sulat mula sa hari.
|
|
\p
|
|
\v 10 Pero ang dalawang opisyal ng pamahalaan, sina Sanballat na Horonita at Tobias ang Ammonitang lingkod, ay narinig na dumating ako, at labis silang nagalit na may isang dumating para tulungan ang bayan ng Israel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Kaya pumunta ako sa Jerusalem at nanatili roon ng tatlong araw.
|
|
\p
|
|
\v 12 Lumabas ako ng gabi sa lungsod, at nagsama ko ng ilang mga kalalakihan. Isa lamang ang hayop na dala namin, ang hayop na sinasakyan ko. Wala akong pinagsabihan tungkol sa sinabi sa akin ng Diyos na gawin sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Lumabas kami, at umikot sa lungsod. Nagpunta kami sa Tarangkahan ng Lambak, at dinaanan ang bukal na tinatawag na Bukal ng Dragon, pagkatapos sa Tarangkahan ng Dumi. Siniyasat namin ang lahat ng pader sa palibot ng Jerusalem at nakitang sira ito lahat, at ang mga tarangkahang gawa sa kahoy sa buong paligid ng pader ay sinunog.
|
|
\p
|
|
\v 14 Pagkatapos nagpunta kami sa Tarangkahan ng Bukal at sa paliguan na tinatawag na Paliguan ng Hari, pero hindi na makapasok sa makipot na daan ang aking asno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Kaya bumalik kami at pumunta sa Lambak ng Kidron at siniyasat namin ang pader doon bago kami bumalik at pumasok muli sa lungsod sa Tarangkahan ng Lambak.
|
|
\p
|
|
\v 16 Hindi alam ng mga opisyales ng lungsod kung saan ako pumunta o kung ano ang aking ginawa. Wala akong sinabi sa mga pinuno ng Judio o sa mga opisyales o sa mga pari o sa sino pa mang mag-aayos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Sinabi ko, "Alam niyong lahat ang mga kakila-kilabot na bagay na nangyari sa ating lungsod. Ang lungsod ay nanatiling wasak, pati ang mga tarangkahan ay natupok. Halikayo, kumilos tayo para itayong muli ang pader ng Jerusalem. Kung gagawin natin ito, hindi na natin ikahihiya ang ating lungsod."
|
|
\p
|
|
\v 18 Pagkatapos sinabi ko sa kanila kung paano ako tinulungan ng Diyos nang nakipag-usap ako sa hari, at kung ano ang sinabi sa akin ng hari. Tumugon sila, "Tayong bumangon at magtayo!" Kaya naghanda sila para gawin ang mabuting gawaing ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Pero narinig nila Sanballat, Tobias ang Ammonitang lingkod, at Gesem na Arabo, ang tungkol sa plano naming gawin. Kinutya nila kami at ginawang katatawanan. Sinabi nila, "Anong gawain itong ginagawa ninyo? Kayo ba ay nagrerebelde sa hari?"
|
|
\v 20 Pero tumugon ako, "Ang Diyos na nasa langit ang magbibigay sa amin ng katagumpayan. Pero wala kayong karapatan sa lungsod na ito, wala kayong ginawa, wala kayong karapatan para angkinin ito, at wala kayong makasaysayang kaugnayan sa lungsod ng Jerusalem."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 3
|
|
\p
|
|
\v 1 Pagkatapos si Eliasib, ang punong pari ng Israel, na gumagawa kasama ang ibang mga pari, ang nagtayong muli ng Tarangkahan ng Tupa. Ihiniwalay nila ito para sa karangalan ni Yahweh, at inilagay ang mga pinto ng tarangkahan sa lugar nito. Pagkatapos itinayo nilang muli ang pader hanggang sa Tore ng Sandaan, ihiniwalay nila ito para sa karangalan ni Yahweh. Itinayo rin nilang muli ang Tore ng Hananel.
|
|
\p
|
|
\v 2 Sumunod sa kanila na muling nagtayo ang mga lalaking mula sa Jericho. Sumunod sa kanila na muling nagtayo si Zacur na anak ni Imri.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Ang mga anak ni Hasenaa ang nagtayo ng Tarangkahan ng Isda. Inilatag nila ang mga kahoy na biga sa ibabaw ng mga tarangkahan at inilagay rin nila ang mga pinto sa lugar. Pagkatapos ikinabit nila ang mga tornilyo at mga rehas para tumibay ang kandado.
|
|
\p
|
|
\v 4 Kasunod nila, si Meremot, ang anak ni Urias at apo ni Hakoz, na nag-ayos ng mga pader para gawin itong matibay. Kasunod niya si Mesulam anak ni Berequias at apo ni Mesezabel, na nag-ayos ng bahagi ng pader. Kasunod niya si Zadok anak ni Baana na nag-ayos ng bahagi ng pader.
|
|
\p
|
|
\v 5 Kasunod niya ang mga taga-Tekoa na nag-ayos ng bahagi ng pader, pero ang mga pinuno ng taga-Tekoa ay tumangging gawin ang gawain na itinakda sa kanila ng mga tagapangasiwa nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Sina Joida anak ni Pasea at Mesulam anak ni Besodeias ang nag-ayos ng Lumang Tarangkahan. Inilagay rin nila sa mga lugar ang mga biga sa ibabaw ng tarangkahan at inilagay ang mga tornilyo at ang mga rehas para sa pagkandado ng tarangkahan.
|
|
\p
|
|
\v 7 Kasunod nila sina Melatias mula sa lungsod ng Gibeon at si Jadon mula sa lungsod ng Meronot ang nanguna sa paggawa ng pader. Pinangunahan nila ang mga lalaki mula sa Gibeon at Mizpa. Ang Mizpa ay isang bayan na pinamunuan ng gobernador ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Kasunod niya si Uziel anak ni Harhaiah at Hananias pero ginawa nila ang bahagi ng pader hanggang sa Malapad na Pader. Si Harhaiah ay gumawa ng mga bagay mula sa ginto at si Hananiah ay gumawa ng mga pabango.
|
|
\p
|
|
\v 9 Kasunod nilang nag-ayos ng bahagi ng pader si Refaias anak ni Hur, ang namuno sa kalahating distrito ng Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 10 Kasunod niyang nag-ayos ng bahagi ng pader si Jedaias anak ni Harumaf na malapit sa kaniyang bahay. Kasunod niyang nag-ayos ng bahagi ng pader si Hattus anak ni Hashabneias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Sina Malaquias anak ni Harim at Hashub anak ni Pahathmoab ang nag-ayos ng isang bahagi ng pader at nag-ayos din ng Tore ng mga Pugon.
|
|
\p
|
|
\v 12 Kasunod niyang nag-ayos ng bahagi ng pader si Sallum anak ni Halohes na namuno ng isa pang kalahati ng distrito ng Jerusalem. Ang kaniyang mga anak na babae ay tumulong sa kaniya sa paggawa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Sila Hanun at ang mga taong mula sa lungsod ng Zanoa ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Lambak. Inilagay nila ang mga tarangkahan sa lugar nito at inilagay rin ang mga tornilyo at mga rehas para sa pagkandado ng tarangkahan. Inayos nila ang pader na 460 metro ang haba hanggang sa Tarangkahan ng Dumi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Si Malquias anak ni Recab na pinamunuan ang distrito ng Beth Hakerem ang nag-ayos ng Tarangkahan ng Dumi. Inilagay niya rin sa mga lugar nito ang mga tornilyo at mga rehas para sa pagkandado ng tarangkahan.
|
|
\q
|
|
\v 15 Si Sallum anak ni Colhoze na pinamunuan ang distrito ng Mizpa ang nag-ayos ng Bukal na Tarangkahan. Naglagay siya ng bubong sa ibabaw ng tarangkahan, at inilagay sa mga lugar ang mga tarangkahan at mga tornilyo at ang mga rehas para sa pagkandado ng tarangkahan. Malapit sa Paliguan ng Siloam itinayo niya ang pader sa tabi ng hardin ng hari hanggang sa mga baitang na pababa mula sa lungsod ni David.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Kasunod niya si Nehemias anak ni Azbuk na pinamunuan ang kalahating distrito ng Beth Sur na nag-yos ng pader hanggang sa mga libingan sa lungsod ni David, sa paliguan na gawa ng tao, at sa Bahay ng mga Bayani.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kasunod niya ang ilang mga kaapu-apuhan ni Levi na tumulong sa mga pari na nag-ayos sa mga bahagi ng pader. Si Rehum anak ni Bani ang nag-ayos ng isang bahagi. Si Hashabias na namuno sa kalahating distrito ng Keila ang nag-ayos ng kasunod na bahagi sa ngalan ng mga tao ng kaniyang distrito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 18 Si Bavai anak ni Henadad na pinamunuan ang isa pang bahagi ng kalahating distrito ng Keila ang nag-ayos ng kasunod na bahagi kasama ang ibang kaapu-apuhan ng Levi.
|
|
\q
|
|
\v 19 Kasunod niya si Ezer anak ni Jeshua na pinamunuan ang lungsod ng Mizpa, ang nag-ayos ng isa pang bahagi sa harap ng mga baitang paitaas ng taguan ng mga armas hanggang sa dulo kung saan may isang tukod sa sulok ng pader.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Kasunod niya, si Baruch anak ni Zabbai na may matinding kasigasigan na nag-ayos ng isang bahagi ng pader. Ginawa niya ang bahagi mula sa pintuan ng bahay ni Eliasib ang punong pari hanggang sa dulo ng kaniyang bahay.
|
|
\p
|
|
\v 21 Kasunod niya si Meremot anak ni Urias at apo ni Hakoz na nag-ayos ng isang bahagi mula sa pinto ng bahay ni Eliasib hanggang sa dulo ng kaniyang bahay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Kasunod niya ang ilang mga pari na nag-ayos ng mga bahagi ng pader. Ang mga pari mula sa lugar malapit sa Jerusalen ang nag-ayos ng isang bahagi.
|
|
\p
|
|
\v 23 Kasunod nila, sina Benjamin at Hassub na nag-ayos ng isang bahagi sa harap ng kanilang bahay. Si Azarias anak ni Maaseias at apo ni Ananias ang nag-ayos ng kasunod na bahagi sa harap ng kaniyang bahay.
|
|
\p
|
|
\v 24 Kasunod niya si Binui anak ni Henadad na nag-ayos ng isang bahagi mula sa bahay ni Azarias hanggang sa bahagyang pagliko ng pader.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 25 Kasunod niya si Palal na anak ni Uzai na nag-ayos ng isang bahagi mula sa sulok ng pader at mula sa tore ng bantay na mas mataas kaysa sa dakong itaas ng palasyo. Ang tore ng bantay ay malapit sa patyo kung saan ang mga bantay ay naninirahan.
|
|
\p
|
|
\v 26 Kasunod ni Palas si Pedaias anak ni Paros na nag-ayos ng pader. Kasunod niya ang mga lingkod sa templo na nag-ayos ng isang bahagi sa harapan ng Tarangkahan ng Tubig sa silangang bahagi ng mataas na tore.
|
|
\p
|
|
\v 27 Kasunod niya ang mga taga-Tekoa na nag-ayos ng ikalawang bahagi sa tapat ng mataas na tore hanggang sa pader ng Ofel.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Isang grupo ng mga pari ang nag-ayos ng pader pahilaga mula sa Tarangkahan ng Kabayo. Bawat isa ay nag-ayos ng bahagi sa tapat ng kaniyang sariling bahay.
|
|
\v 29 Kasunod niya si Zadok anak ni Immer na nag-ayos ng bahagi sa harapan ng kaniyang sariling bahay. Kasunod niyang nag-ayos ng kasunod na bahagi si Semaias anak ni Secanaias, tagapamahala ng silangang tarangkahan.
|
|
\v 30 Kasunod niya, sina Hananias anak ni Selemias at Hanun ang ikaanim na anak ni Zalaf na nag-ayos ng isang bahagi. Iyon ang ikalawang bahagi na kanilang inayos. Pagkatapos niya si Mesulam anak ni Berequias ang nag-ayos ng mga pader sa bahagi na nakaharap sa mga silid kung saan siya nakatira.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 31 Kasunod nila si Malquias na gumawa rin ng mga bagay mula sa ginto, ang nag-ayos ng isang bahagi hanggang sa gusali na ginamit ng mga lingkod ng templo at mga mangangalakal, na nasa harap ng Tarangkahan ng Paghirang at ang itaas na mga silid sa dulo.
|
|
\v 32 Ang ibang mga lalaki na gumawa mula sa ginto, gumagawa ng magagandang bagay kasama ng mga mangangalakal, ang nag-ayos ng huling bahagi ng pader hanggang sa Tarangkahan ng Tupa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 4
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang marinig ni Sanbalat na itinatayo namin muli ang pader ng lungsod, sumiklab ang kaniyang galit katulad ng isang apoy sa katotohanang itinatayo nilang muli ang Jerusalem, at siya ay galit na galit at nagsalita ng may pagkasuklam sa mga Judio.
|
|
\p
|
|
\v 2 Habang ang kaniyang mga tagapayo at opisyales ng mga hukbo na dumarating mula Samaria ay nakikinig, sinabi niya, "Ang mga Judiong ito ay hirap makatayo sa sarili nilang mga paa, ano kaya ang iniisip nilang gawin? Itatayo ba nilang muli ang lungsod at sila ay maninirahan dito? Aayusin ba nila ang templo at ang lahat ng mga handog na binigay ng mga pari kay Yahweh? Matatapos ba nila ang isang malaking gawain sa isang araw lamang? Gagawin ba nilang kapaki-pakinabang ang mga nasunog at walang silbing batong ito para itayong muli ang pader at bibigyang buhay ba nilang muli ang lungsod? kanila bang ibabangon muli ang lungsod?
|
|
\p
|
|
\v 3 Si Tobias ay nakatayo sa tabi ni Sanbalat. Sinabi niya, "Napakahina ng pader na itinatayo nila, kahit maliit na asong-gubat ang umakyat dito, ang batong pader nila ay babagsak sa lupa!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Pagkatapos, ako ay nanalangin. Sinabi ko, "Pakinggan mo kami aming Diyos, dahil kami ay kinukutya nila. Ibalik mo sa kanila ang mga mapang-insultong salita nila! Ipahintulot mo na dumating ang kanilang mga kalaban at sakupin sila at piliting dalhin sa ibang lupain!
|
|
\p
|
|
\v 5 Sila ay nagkasala. Huwag mong alisin sa kanila ang kanilang pagkakasala at hayaan mong managot sila sa ginawa nilang kasalanan sa harapan nyo. Lubusan nilang ginagalit ang mga nagtatayong muli ng pader dahil sa kanilang mga pang-iinsulto.
|
|
\p
|
|
\v 6 Pero pagkatapos ng ilang panahon, ang mga manggagawa ay naitayo na sa paligid ng buong lungsod ang halos kalahating taas sa kabuuan nito. Nakaya nilang tapusin ito dahil nais nilang gawin ang pinakamabuting trabaho na kaya nilang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Pero nang marinig nina Sanbalat, Tobias, ng mga taga-Arabya, ng mga Ammonita, at ng mga taga-Asdod na nagpapatuloy ang gawain sa pagtatayo ng pader at pinupuno nila ang mga pagitan sa pader, sila ay lalong nagalit.
|
|
\p
|
|
\v 8 Gumawa silang lahat ng plano para pumunta at labanan ang mamamayan ng Jerusalem, at magdulot ng kalituhan sa loob nito.
|
|
\p
|
|
\v 9 Pero kami ay nanalangin sa aming Diyos na ipagtanggol kami, at naglagay kami ng mga kalalakihan sa paligid ng mga pader para magbantay sa lungsod araw at gabi dahil sa mga galit na galit sa amin sa pagtatayong muli ng pader.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos, sinabi ng mga taga-Juda, "Ginamit na ng mga lalaking gumagawa sa pader ang lahat ng kanilang lakas. Napakarami ng mabibigat na batong durog na kailangan naming alisin; hindi namin kayang matapos ang gawaing ito. Sobra na ito para sa amin.
|
|
\p
|
|
\v 11 Maliban dito, sinasabi ng mga kalaban natin, Bago tayo makita ng mga Judio, susugod tayo bigla sa kanila at papatayin sila at ititigil ang kanilang gawain sa pader!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Dumating ang mga Judiong naninirahan malapit sa aming mga kalaban at sinabihan nila kami ng maraming beses, para balaan kami tungkol sa masamang mga plano ng aming mga kalaban.
|
|
\p
|
|
\v 13 Kaya naglagay ako ng mga tao mula sa bawat pamilya na tatayong bantay sa pader. Inilagay ko sila sa pinakamababang dako ng pader, sa mga lugar kung saan pinakamadaling tawirin ang pader. Ipagtatanggol nila ito gamit ang kanilang mga espada, mga sibat, at mga pana at mga palaso.
|
|
\p
|
|
\v 14 Pagkatapos kong siyasatin ang lahat ng bagay, tinawag ko ang mga pinuno at ang ibang mga opisyales at iba pang mga tao, at sinabi ko sa kanila, "Huwag kayong matakot sa ating mga kalaban! Tandaan ninyo na dakila ang Diyos at maluwalhati! At lumaban kayo para ipagtanggol ang inyong mga pamilya, ang inyong mga anak na lalaki at babae, ang inyong mga asawa, at ang inyong mga tahanan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Narinig ng aming mga kalaban na alam namin kung ano ang kanilang pinaplanong gawin at nagawa nang sirain ng Diyos ang lahat ng kanilang mga plano para itigil ang ating mga gawain. Kaya bumalik kaming lahat sa paggawa ng pader, sa lugar na dati naming ginagawaan.
|
|
\p
|
|
\v 16 Pero pagkatapos noon, kalahati lamang ng mga lalaki roon ang gumagawa ng gawain sa pader. Nakatayo ang iba roon na hawak-hawak ang kanilang mga sibat, panangga, pana at mga palaso, at nakasuot ng kalasag para sa pagtatanggol. Nakatayo ang mga pinunong nagbabantay sa likuran ng mga tao ng Juda.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Nakatayo ang mga pinuno sa likuran ng mga nagtatayo ng pader at sa mga nagbubuhat ng mabibigat sa kanilang mga likuran. Nagtayo ang bawat isa ng pader sa pamamagitan ng isang kamay at hawak ang isang sandata sa kabilang kamay.
|
|
\p
|
|
\v 18 May espada sa kanilang tagiliran ang lahat ng nagtatayo ng pader. Nakatayo sa aking tabi ang lalaking iihip ng trumpeta kapag lumusob ang kalaban.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Pagkatapos sinabi ko sa mga opisyales, sa ibang mahahalagang kalalakihan, at sa ibang mga tao, "Ito ay malaking gawain, at malayo tayo sa bawat isa sa kahabaan ng pader.
|
|
\p
|
|
\v 20 Kapag narinig ninyo ang trumpeta, magtipon kayo sa paligid ng lugar na iyon. Ang ating Diyos ang lalaban para sa atin!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Kaya nagpatuloy kaming gumawa. Buong araw na hawak-hawak ng kalahati ng kalalakihan ang kanilang sibat mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglitaw ng mga bituin sa gabi.
|
|
\p
|
|
\v 22 Sa oras na iyon, sinabi ko rin sa mga tao, "Sabihin ninyo sa bawat manggagawa at sa kaniyang katulong na sila ay dapat manatili sa loob ng Jerusalem sa gabi. Kapag ginawa nila iyon, mababantayan nila tayo sa gabi, at makakapagtrabaho sila sa umaga."
|
|
\p
|
|
\v 23 Sa oras na iyon, hindi ko hinubad ang aking damit, at lagi kong dala ang aking sandata. Gayundin ang aking mga kapatid, aking mga lingkod, at ang mga lalaking sumunod sa akin at naglingkod bilang mga bantay. Lahat kami ay ganoon ang ginawa, kahit na umalis kami para lamang kumuha ng maiinom na tubig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 5
|
|
\p
|
|
\v 1 Kinalaunan, dumaing ang mga kalalakihan at kanilang mga asawa para sa katarungan dahil sa ginagawa ng ilan sa mga Judio.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ang iba sa kanila ay nagsabi, "Marami kaming mga anak. Kaya kailangan namin ng madaming butil para makakain at manatiling buhay."
|
|
\q
|
|
\v 3 Sinabi naman ng iba, "Kinailangan naming isanla ang mga bukirin at mga ubasan at mga bahay na pag-aari namin para makakuha kami ng butil para kumain sa panahong ito ng taggutom."
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 4 Sinabi ng iba, "Kinailangan naming humiram ng salapi pambayad ng buwis na utang namin sa hari para sa aming mga bukirin at mga ubasan.
|
|
\p
|
|
\v 5 Kami ay mga Judio tulad ng iba pang mga Judio. Kung gaano kahalaga sa kanila ang kanilang mga anak, gayundin sa amin. Pero napilitan kaming ipagbili ang mga anak namin na maging mga alipin para bayaran ang aming inutang. Naipagbili na namin ang ilan sa aming mga anak na babae para maging mga alipin. Kinuha na mula sa amin ang aming mga bukirin at mga ubasan, kaya ngayon wala kaming salapi para bayaran ang aming pagkakautang."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Galit na galit ako nang marinig ko ang mga bagay na ikinababahala nila.
|
|
\p
|
|
\v 7 Kaya pinag-isipan ko kung ano ang magagawa ko tungkol dito. Sinabi ko sa mga pinuno at mga opisyales, "Naniningil kayo ng tubo sa sarili ninyong mga kamag-anak kapag sila ay humihiram ng salapi sa inyo. Alam ninyo na mali iyan!" Pagkatapos nagpatawag ako ng isang malaking pangkat ng mga tao para magsakdal laban sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 8 Sinabi ko sa kanila, "Ang iba sa ating mga kamag-anak na Judio ay napilitang ipagbili ang mga sarili nila para maging mga alipin ng mga bansa. Hangga't makakaya natin, muli natin silang binibili para maibalik sila sa atin. Pero ngayon ipinagbibili ninyo kahit ang sarili ninyong mga kamag-anak para mapagbili muli sa amin, ang kanilang kapwa Judio!" Nang sinabi ko ito sa kanila, tumahimik sila. Hindi sila sumagot kahit isang salita.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Pagkatapos sinabi ko sa kanila, "Kasuklam-suklam ang ginagawa ninyo. Hindi ba dapat sumunod kayo sa Diyos at gawin kung ano ang tama? Kung gumawa kayo, mahahadlangan ninyo ang mga kalaban natin na ituring tayo ng walang paggalang.
|
|
\p
|
|
\v 10 Ako at aking mga kapwa Judio at ang aking mga lingkod ay nagpahiram ng salapi at butil sa mga tao. Pero itigil na nating lahat ang paniningil ng tubo sa anuman sa mga pautang na ito.
|
|
\p
|
|
\v 11 Dapat din ninyong ibalik sa kanila ang kanilang mga bukirin, mga ubasan, mga taniman ng puno ng olibo, at kanilang mga bahay na kinuha ninyo mula sa kanila. Dapat din ninyong ibalik sa kanila ang tubo na siningil ninyo nang humiram sila mula sa inyo ng salapi, butil, alak at langis ng olibo. Dapat ninyong gawin ito ngayon!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Sumagot ang mga pinuno, "Gagawin namin ang sinabi mo. Ibabalik namin sa kanila ang lahat ng pinilit naming ibigay nila sa amin, at hindi namin hihingin na ibigay nila sa amin ang kahit ano pa." Pagkatapos pinatawag ko ang mga pari, at pinasumpa ko sila na gagawin nila kung ano ang kanilang ipinangako.
|
|
\p
|
|
\v 13 Ipinagpag ko ang mga tiklop ng aking kasuotan at sinabi sa kanila, "Kung hindi ninyo gagawin kung ano ang kapapangako lang ninyong gagawin, sana ay ipagpag kayo ng Diyos tulad ng pagpagpag ko sa aking kasuotan." Sumagot silang lahat, "Amen, nawa mangyari nga ito!" At pinuri nila si Yahweh. Pagkatapos ginawa nila kung ano ang kanilang ipinangakong gagawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Ako ay itinalaga na maging gobernador ng Judea sa ika-dalawampung taon na hari si Artaxerxes ng Persia. Mula sa panahong iyon hanggang sa ika-tatlumpu't dalawang taon, sa loob ng labindalawang taon hindi ako tumanggap ni ang aking mga opisyales ng salapi na dapat naming tanggapin para ibili ng pagkain dahil sa pagiging gobernador ko.
|
|
\p
|
|
\v 15 Ang mga lalaking naging gobernador bago pa ako ay nagpabigat sa mga tao sa pamamagitan ng paghingi sa kanila ng apatnapung pirasong pilak araw-araw para sa kanilang pagkain at alak. Kahit ang kanilang mga lingkod ay nang-api ng mga tao. Pero hindi ko ginawa iyon, dahil nais kong bigyan ng karangalan at paggalang ang Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Patuloy rin akong gumawa sa pader na ito, at hindi kami bumili ng anumang lupain mula sa mga tao. Lahat ng mga nagtrabaho para sa akin ay sumama sa akin para gumawa sa pader.
|
|
\p
|
|
\v 17 At saka araw-araw, pananagutan kong pakainin sa aming mesa ang mga Judio at mga opisyales, isandaan at limampung katao; at pinakain din namin ang mga panauhin na dumating mula sa ibang mga bansa sa paligid namin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Bawat araw sinabi ko sa mga lingkod ko na hainan kami ng karne mula sa isang baka, anim na piling-pili na tupa, at mga ibon. At tuwing sampung araw binigyan ko sila ng malaking bagong panustos na alak. Pero alam ko na ang mga tao ay nabigatan sa pagbabayad ng maraming buwis, kaya hindi ko tinanggap ang salapi na karapatan ko bilang gobernador.
|
|
\p
|
|
\v 19 Aking Diyos, alalahanin mo ako, at gantimpalaan ako sa lahat ng ginawa ko para sa mga taong ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 6
|
|
\p
|
|
\v 1 Narinig nila Sanbalat, Tobias at Gesem at ng iba naming mga kaaway ang ulat na natapos na naming muling maitayo ang pader, at wala na ngayong mga puwang, pero hindi pa namin napapalitan ang mga pinto sa mga tarangkahan.
|
|
\p
|
|
\v 2 Kaya nagpadala ng isang mensahe sa akin sina Sanbalat at Gesem na mababasang, "Halika at makipag-usap ka sa amin sa isang lugar sa kapatagan ng Ono sa hilaga ng Jerusalem. "Pero hindi lihim na nais nila akong gawan ng masama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Kaya nagpadala ako ng mga sugo sa kanila na nagsasabing, "Gumagawa ako ng isang mahalagang gawain at hindi ako makabababa diyan. Hindi dapat mahinto ang gawain para lang makababa ako at makipag-usap sa inyo."
|
|
\p
|
|
\v 4 Apat na beses nila akong pinadalhan ng parehong mensahe, at sa bawat pagkakataon na sasagot ako sa kanila, pareho lang ang sinasabi ko.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Pagkatapos pinadala ni Sanbalat ang isa sa kanyang mga lingkod sa akin, na dala ang ika-limang mensahe. Ito ay nakasulat, pero hindi ito selyado at hawak niya ito sa kanyang kamay.
|
|
\p
|
|
\v 6 Ito ang ang nasusulat sa mensahe: "Narinig ng ilang mga tao sa mga kalapit na bansa na itinatayo mong muli at ng ilang mga Judio ang pader para makapagsimula ng isang himagsikan laban sa hari ng Babilonia, at binabalak mo na maging hari ng Israel. Sinabi sa amin ni Gesem na ito ay totoo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Sinasabi rin ng mga tao na nagtalaga ka ng ilang mga propeta para ipahayag sa Jerusalem na ikaw, Nehemias, ang hari ngayon sa Judea. Tiyak na maririnig ni Haring Artaxerxes ang mga ulat na ito, at pagkatapos malalagay ka sa malaking kaguluhan. Kaya iminumungkahi ko na dapat tayong magkita para pag-usapan ang bagay na ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Nang nabasa ko ang mensaheng iyon, pinabalik ko ang sugo kay Sanbalat para sabihin, "Wala sa mga sinabi mo ang totoo. Gawa-gawa mo lang ito sa sarili mong kaisipan."
|
|
\p
|
|
\v 9 Sinabi ko iyon kasi alam kong sinisikap nilang takutin kami, para isipin nilang, "Panghihinaan sila ng loob na hindi na sila gagawa sa pader, at hindi na kailanman matatapos ang trabaho." Kaya nanalangin ako, "O Diyos, bigyan mo ako ng lakas ng loob."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Isang araw pumunta ako para makipag-usap kay Semaya anak ni Delais at apo ni Mehetabel. Pumunta ako para makipag-usap sa kanya sa kanyang bahay. Inutusan siyang huwag umalis sa kanyang bahay. Sinabi niya sa akin, "Ikaw at ako ay dapat pumasok sa templo, at dapat tayong pumunta sa isa sa mga silid sa gitna ng templo, at kandaduhan ang mga pinto. Darating sila para patayin ka. Darating sila mamayang gabi para patayin ka."
|
|
\p
|
|
\v 11 Sumagot ako, "Hindi ako ganyang uri ng tao! Hindi ako tatakbo at magtatago sa templo para iligtas ang buhay ko! Hindi, hindi ko gagawin iyan!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Inisip ko ang tungkol sa kanyang sinabi at nakita ko na hindi sinabihan ng Diyos si Semaya kung ano ang sasabihin sa akin. Binayaran siya nina Tobias at Sanbalat.
|
|
\p
|
|
\v 13 Binayaran nila siya para takutin ako. Nais nilang suwayin ko ang mga utos ng Diyos at magkasala sa pamamagitan ng pagtatago sa templo. Kung ginawa ko iyon, bibigyan nila ako ng masamang pangalan dahil sa ginawa ko, at pagkatapos hihiyain nila ako.
|
|
\p
|
|
\v 14 Kaya nanalangin ako, "Aking Diyos, huwag mong kalimutan ang ginawa nina Tobias at Sanbalat. At huwag mong kalimutan ang babaeng propeta na si Noadias at ang iba pang mga propetang sinubukang takutin ako."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Natapos naming muling itayo ang pader sa buwan ng Elul, sa ika-dalawampu't limang araw ng buwan. Ginawa namin ang lahat ng trabaho sa loob ng limampu't dalawang araw.
|
|
\p
|
|
\v 16 Nang marinig ng mga kalaban namin sa mga kalapit na bansa ang tungkol doon, labis silang natakot at napahiya, dahil alam nila na ang Diyos ang tumulong sa amin na tapusin ang trabahong ito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Sa panahong ito, nagpapadala ang mga pinunong Judio ng maraming mga mensahe kay Tobias, at nagpapadala rin si Tobias ng mga mensahe pabalik sa kanila.
|
|
\p
|
|
\v 18 Maraming tao sa Judea ang nanumpa ng katapatan kay Tobias. Siya ang manugang ni Secanias anak ni Arah, at ang anak ni Tobias na si Jehohanan ay ikinasal sa anak na babae ni Mesulam na anak ni Berequias.
|
|
\p
|
|
\v 19 Madalas mag-usap sa harapan ko ang mga tao tungkol sa lahat ng mabubuting ginawa ni Tobias, at pagkatapos, sasabihin nila sa kanya ang lahat ng sinabi ko. Kaya nagpadala si Tobias ng maraming mga sulat sa akin para subukang takutin ako.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 7
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang maitayo na ang pader at ang mga tarangkahan nito, nagtalaga kami ng mga bantay sa templo at sa mga miyembro ng banal na mga mang-aawit at sa ibang mga kaapu-apuhan ni Levi ang trabaho na dapat nilang gawin.
|
|
\p
|
|
\v 2 Itinalaga ko ang aking kapatid na si Hanani bilang gobernador ng Jerusalem. Siya ay isang tapat na tao na ginagalang ang Diyos at pinaparangalan siya, higit pa kaysa sa iba. Sa karagdagan, itinalaga si Hananias bilang tagapamahala ng lugar ng tanggulan doon sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Sinabi ko sa kanila, "Huwag ninyong buksan ang mga tarangkahan ng Jerusalem hangga't hindi pa tirik ang araw. At isara ninyo ang mga tarangkahan at lagyan lang ng harang ang mga pinto tuwing may nagbabantay ng mga tarangkahan." Sinabi ko rin sa kanila na magtalaga mula sa mga naninirahan sa Jerusalem ng mga bantay, at italaga ang ilan sa kanila para bantayan ang mga himpilan sa palibot ng lungsod, at ang ilan naman ay magbantay malapit sa sarili nilang mga bahay."
|
|
\p
|
|
\v 4 Malaking lugar ang sakop ng lungsod ng Jerusalem, pero nang mga panahong iyon ilang mga tao lang ang naninirahan sa lungsod, at wala pa silang muling naitatayong mga bahay.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Binigyan ako ng Diyos ng kaisipan na tipunin ang mga pinuno at mga opisyal at ibang mga tao, at itala sila ayon sa kanilang mga pamilya sa mga aklat ng talaan ng mga pamilya. Natagpuan ko rin ang mga talaan ng mga mamamayan na unang nakabalik sa Jerusalem. Ito ang natagpuan kong nakasulat sa mga talaang iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 "Ito ay isang listahan ng mga taong bumalik sa Jerusalem at sa ibang mga lugar sa Judea. Sila ay nanirahan sa Babilonia. Dinala sila roon ni Nebucadnezar. Bumalik sila sa Jerusalem at sa Juda. Ang bawat isa ay bumalik sa sarili niyang lungsod kung saan nanirahan ang kaniyang mga ninuno bago ang pagkakatapon nila.
|
|
\p
|
|
\v 7 Bumalik sila kasama si Zerubabel, Josue, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana. Ito ang listahan ng bilang ng mga lalaki mula sa mga taong bumalik:
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Paros, 2,172,
|
|
\p
|
|
\v 9 mula sa mga kaapu-apuhan ni Sefatias, 372,
|
|
\p
|
|
\v 10 mula sa mga kaapu-apuhan ni Ara, 652.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Pahatmoab, ang mga kaapu-apuhan ni Jeshua at Joab, 2,818,
|
|
\p
|
|
\v 12 mula sa mga kaapu-apuhan ni Elam, 1,254,
|
|
\p
|
|
\v 13 mula sa mga kaapu-apuhan ni Zatu, 845,
|
|
\p
|
|
\v 14 mula sa mga kaapu-apuhan ni Zacai, 760.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Bani, 648,
|
|
\p
|
|
\v 16 mula sa mga kaapu-apuhan ni Bebai, 628,
|
|
\p
|
|
\v 17 mula sa mga kaapu-apuhan ni Azgad, 2,322,
|
|
\p
|
|
\v 18 mula sa mga kaapu-apuhan ni Adonikam, 667.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Bigvai, 2,067,
|
|
\p
|
|
\v 20 mula sa mga kaapu-apuhan ni Adin, 655,
|
|
\v 21 mula sa mga kaapu-apuhan ni Ater, na ang isa pang pangalan ay Hezekias, 98,
|
|
\p
|
|
\v 22 mula sa mga kaapu-apuhan ni Hasum, 328.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Bezai, 324,
|
|
\p
|
|
\v 24 mula sa mga kaapu-apuhan ni Harif, na ang isa pang pangalan ay Jora, 112,
|
|
\p
|
|
\v 25 mula sa mga kaapu-apuhan ni Gibeon, na ang isa pang pangalan ay Gibbar, 95.
|
|
\p
|
|
\v 26 Ang mga lalaki na ang mga ninuno na nanirahan sa mga bayang ito ay bumalik din: Ang mga lalaki mula sa Bethlehem at Netofa, 188.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 May mga lalaki din na mula sa Anatot, 128,
|
|
\p
|
|
\v 28 mga lalaki mula sa Beth Azmavet, 42,
|
|
\v 29 mga lalaki mula sa Kiriat Jearim, Kefira at Beerot, 743,
|
|
\p
|
|
\v 30 mga lalaki mula sa Rama at Geba, 621.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 31 May mga lalaki din na mula sa Micmas, 122,
|
|
\p
|
|
\v 32 mga lalaki mula sa Bethel at Ai, 123,
|
|
\p
|
|
\v 33 mga lalaki mula sa Nebo, 52,
|
|
\p
|
|
\v 34 mga lalaki mula sa Elam, 1,254.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 35 May mga lalaki din na mula sa Harim, 320,
|
|
\p
|
|
\v 36 mga lalaki mula sa Jerico, 345,
|
|
\p
|
|
\v 37 mga lalaki mula sa Lod, Hadid, at Ono, 721,
|
|
\p
|
|
\v 38 mga lalaki mula sa Senaa, 3,930. Ito din ang mga pari na bumalik:
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 39 Ang mga kaapu-apuhan ni Jedidias, na pamilya ni Jesua, 973,
|
|
\p
|
|
\v 40 ang mga kaapu-apuhan ni Imer, 1,052,
|
|
\p
|
|
\v 41 ang mga kaapu-apuhan ni Pashur, 1,247,
|
|
\p
|
|
\v 42 ang mga kaapu-apuhan ni Harim, 1,017.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 43 Ang mga kaapu-apuhan ni Levi na bumalik ay: 74 ang mga kaapu-apuhan ni Jesua at Kadmiel, na ilan sa mga kaapu-apuhan ni Hodeva, 74,
|
|
\p
|
|
\v 44 mga mang-aawit na kaapu-apuhan ni Asaf, 148.
|
|
\p
|
|
\v 45 Bumalik din ang 138 na tagapagbantay ng tarangkahan ng templo mula sa kaapu-apuhan ni Shallum, Ater, Talmon, Akub, Hatita, at Sobai.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 46 Ang mga manggagawa ng templo na bumalik ay mga kaapu-apuhan ng mga lalaking ito: Ziha, Hasufa, Tabaot,
|
|
\v 47 Keros, Sia, Padon,
|
|
\p
|
|
\v 48 Lebana, Hagaba, Shalmai,
|
|
\p
|
|
\v 49 Hanan, Gidel, Gahar,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 50 Reaia, Rezin, Nekoda,
|
|
\p
|
|
\v 51 Gazam, Uzza, Pasea,
|
|
\v 52 Besai, Meunim, Efusesim na tinatawag ding Nefusim,
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 53 Bakbuk, Hakufa, Harhur,
|
|
\p
|
|
\v 54 Bazlit, na tinatawag ding Bazlut, Mehida, Harsha,
|
|
\p
|
|
\v 55 Barkos, Sisera, Tema,
|
|
\v 56 Nezias, at Hatifa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 57 Mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Haring Solomon na bumalik ay sina: Sotai, Soferet, Perida,
|
|
\v 58 Jaala, Darkon, Gidel,
|
|
\v 59 Shefatias, Hatil, Pokeret Hazebaim, at Amon.
|
|
\p
|
|
\v 60 Lahat-lahat, mayroong 392 na mga manggagawa ng templo at mga kaapu-apuhan ng mga lingkod ni Solomon ang bumalik.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 61-62 Isa pang pangkat na 642 na mga tao mula sa mga angkan ni Delaias, Tobias, at Nekoda ang bumalik mula sa mga bayan ng Telmela, Telharsa, Kerub, Adan, na kilala ring Adon, at Imer sa Babilonia. Pero hindi nila mapatunayan na sila ay mga kaapu-apuhan ng Israel.
|
|
\p
|
|
\v 63 Bumalik din ang mga pari mula sa mga kaapu-apuhan ni Hobaias, Hakoz, at Barzilai. Mayroong asawa si Barzilai na kaapu-apuhan ng lalaki na nagngangalang Barzilai mula sa rehiyon ng Galaad, at kinuha niya ang pangalan ng pamilya ng asawa niya.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 64 Sinaliksik nila ang mga talaan na naglalaman ng mga pangalan ng ninuno, pero hindi nila mahanap ang pangalan ng mga pamilya nila kaya hindi sila pinayagan na magkaroon ng karapatan at tungkulin na taglay ng mga pari. Hindi sila karapat-dapat na maging mga pari dahil hindi nila matunton ang pinanggalingan ng kanilang pamilya.
|
|
\v 65 Sinabi sa kanila ng gobernador na hindi dapat sila payagan na kumain ng bahagi ng mga pagkain ng pari na mula sa mga alay, dapat silang dumating na may kasamang tao na marunong gumamit ng mga batong may tanda para malaman kung ano ang sinabi ng Diyos tungkol sa kanilang pagpapari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 66 Lahat-lahat, mayroong 42,360 na mga tao ang bumalik sa Judea.
|
|
\p
|
|
\v 67 Mayroon ding 7,337 na mga lingkod, at 245 na mga mang-aawit, kasama ang mga lalaki at mga babae.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 68 Mayroon ding mga nadala pabalik ang mga Israelita na 736 na mga kabayo, 245 na mga mola,
|
|
\v 69 435 na mga kamelyo, at 6,720 na mga asno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 70 Nagbigay ng regalo ang ilan sa mga pinuno ng mga angkan para sa muling pagtatayo ng templo. Nagbigay ang gobernador ng 8.5 na kilo ng ginto, 50 na mga mangkok para gamitin sa templo, at 530 na mga balabal para sa mga pari.
|
|
\v 71 Nagbigay ang ibang mga pinuno sa pananalapi ng 170 kilo ng ginto; lahat-lahat, nagbigay ng 1.2 na tonelada ng pilak ang mga pinuno ng mga angkan.
|
|
\p
|
|
\v 72 Ang ibang mga tao ay nagbigay ng 170 kilo ng ginto, at 1.1 na tonelada ng pilak, at animnapu't pitong balabal para sa mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 73 Kaya ang mga pari, ang mga Levita na tumulong sa mga pari, ang mga bantay ng templo, ang mga manunugtog, ang mga manggagawa sa templo, at marami pang mga karaniwang Israelita, ang nagsimulang manirahan sa mga bayan at mga lungsod ng Judea kung saan nanirahan ang kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 8
|
|
\p
|
|
\v 1 Lahat ng tao ay nagtipon-tipon sa liwasan na malapit sa Tarangkahan ng Tubig. Ang mga babae, lalaki at mga bata na sapat na ang gulang para maintindihan ang pagtitipon. Sinabi nila kay Ezra na dalhin ang balunbon ng batas na sinulat ni Moises, at binigay ni Yahweh na batas sa bayan ng Israel, para sundin nila ang mga patakaran at mga utos nito.
|
|
\p
|
|
\v 2 Si Ezra, na naglingjod sa Diyos sa pamamagitan ng mga pag-aalay sa templo, ang nagdala ng balumbon ng batas at ipinakita sa mga tao, sa mga lalaki at babae, at sa sinumang nakakaintindi sa kaniyang binasa. Ginawa niya ito sa unang araw ng ika-pitong buwan ng taon.
|
|
\p
|
|
\v 3 Kaya nilabas niya ito at binasa sa mga tao. Binasa niya ito simula umaga hanggang tanghali. Lahat ng tao ay nakinig, mga lalaki at babae, at sinumang may kakayahan na makaunawa sa kaniyang binasa. Ang mga tao ay nakinig nang mabuti sa binasa ni Ezra mula sa aklat ng batas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Si Ezra ay tumayo sa mataas na entabladong kahoy na ginawa ng mga tao para sa layunin na ito. Sa kaniyang kanang gilid nakatayo sina Matanias, Sema, Anaya, Urias, Hilkias, at Maaseias. Sa kaliwang gilid nakatayo sina Pedaias, Misael, Malquias, Hasum, Hasbadana, Zacarias at Mesulam.
|
|
\p
|
|
\v 5 Binuksan ni Ezra ang balumbon ng batas, habang siya ay nakatayo sa entablado sa itaas ng mga tao, at kitang-kita siya ng lahat, at nang binuksan niya ang aklat, lahat ng tao ay tumayo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Pagkatapos, pinuri ni Ezra si Yahweh, ang dakilang Diyos, at ang lahat ng tao ay itinaas ang mga kamay at sinabing, "Amen, Amen!" Pagkatapos lahat sila ay yumuko na nakasayad ang kanilang mga mukha sa lupa, at sila ay nagpuri kay Yahweh.
|
|
\p
|
|
\v 7 Sina Jeshua, Bani, Serebias, Jamin, Akub, Sabetai, Hodias, Maaseias, Kelita, Azarias, Jozabad, Hanan at Pelaias, ay mga Levita. Pinaliwanag nila ang kahulugan ng batas ni Moises sa mga tao na nakatayo roon.
|
|
\p
|
|
\v 8 Binasa rin nila ang balumbon ng batas na binigay ng Diyos kay Moises, at isinalin nila ito sa wikang Aramaic, at binigyan ng malinaw na kahulugan para sa mga taong nakakaintindi nito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Pagkatapos, si Nehemias, ang gobernador at si Ezra ang pari at eskriba, at ang mga Levita na nagbibigay ng kahulugan sa mga binasa sa mga tao, ay nagsabi sa kanila, "Si Yahweh na inyong Diyos ay kinilala ang araw na ito na inihiwalay mula sa ibang mga araw. Kaya huwag kayong malungkot at umiyak!" Dahil lahat ng tao ay umiiyak nang marinig nila ang batas ni Moises na binasa ni Ezra.
|
|
\p
|
|
\v 10 Pagkatapos sabi ni Nehemias sa kanila, "Umuwi na kayo at masiyahan sa masasarap na pagkain at kumuha ng matamis na inumin. At magpadala kayo ng ilan sa mga taong walang pagkain o inumin. Ito ang araw na inihiwalay para sambahin ang ating Panginoon. Huwag kayong mapuno ng kalungkutan! Ang kasiyahan na binigay ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo."
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Pinatahimik ng mga Levita ang mga tao, at sinabing "Tahimik! Huwag kayong umiyak, dahil ang araw na ito ay inihiwalay para kay Yahweh. Huwag kayong malungkot!"
|
|
\p
|
|
\v 12 Kaya ang mga tao ay umalis, at sila ay kumain at uminom, at nagdala sila ng bahagi ng pagkain sa mga wala. Napakasaya nila, dahil naintindihan nila ang kahulugan ng mga salita na binasa sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Sa sumunod na araw, ang mga pinuno ng mga pamilya at mga pari at mga Levita ay sumama kay Ezra para mag-aral nang sa gayon makakuha sila ng kaalaman mula sa mga salita ng batas.
|
|
\p
|
|
\v 14 Binasa nila ang batas kung paano inutusan ni Yahweh si Moises na utusan ang bayan ng Israel na manirahan sa pansamantalang mga silungan nang buong buwan, para alalahanin na ang kanilang mga ninuno ay tumira sa mga silungan nang sila ay lumakad sa ilang.
|
|
\p
|
|
\v 15 Natutunan din nila na kailangan nilang magpahayag sa Jerusalem at sa lahat ng mga bayan na ang mga tao ay kailangang pumunta sa mga burol at pumutol ng mga sanga mula sa mga puno ng olibo, ligaw na mga puno ng olibo, puno ng mga mirto, mga puno ng palma at mga mayayabong na puno. Kailangan nilang gumawa ng mga silungan mula sa mga sanga para tirhan nila habang kapistahan, katulad ng sinulat ni Moises tungkol dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Kaya ang mga tao ay nagpunta sa labas ng lungsod at pumutol ng mga sanga at ginamit ang mga ito para magtayo ng mga silungan. Nagtayo sila ng mga silungan sa bubong ng kanilang mga bahay, sa kanilang mga patyo, sa mga patyo ng templo, at sa liwasan malapit sa Tarangkahan ng Tubig at sa Tarangkahan ng Efraim.
|
|
\p
|
|
\v 17 Lahat ng mga Israelita na bumalik mula sa Babilonia ay nagtayo ng mga silungan at tumira roon ng isang linggo. Hindi naipagdiwang ng mga Israelita ang kapistahang tulad nito simula ng panahong nabubuhay pa si Josue. At ang mga tao ay lubos na nagalak.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Araw-araw ng linggong iyon, binabasa ni Ezra sa mga tao ang aklat ng batas ng Diyos. Pagkatapos, sa ikawalong-araw, sinunod nila ang utos at tinawag lahat ng tao na magsama-sama, para sa pagtatapos ng kanilang kapistahan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 9
|
|
\p
|
|
\v 1 Sa ika-dalawampu't apat na araw ng parehong buwan, ang mga tao ay nagsama-sama. Hindi sila kumain ng ilang araw, at sinuot nila ang mga damit na gawa sa sako na gamit sa pagdadala ng trigo at iba pang mga butil, at sila ay naglagay ng alikabok sa kanilang mga ulo.
|
|
\v 2 Ang mga kaapu-apuhan ng Israel ay inihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa lahat ng mga dayuhan. Sila ay tumayo roon at nagtapat ng kanilang mga sariling kasalanan at mga masasamang bagay na ginawa ng kanilang mga ninuno.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Tumayo sila at sa loob ng tatlong oras sila ay nagbasa mula sa batas ni Yahweh, at sa sumunod na tatlong oras sila ay nagsalita nang malakas tungkol sa kanilang mga kasalanan sa harap ni Yahweh, at sila ay yumuko at nagpuri sa kaniya.
|
|
\p
|
|
\v 4 Mayroong mga Levita na nakatayo sa mga hagdan. Sila ay sina Jeshua, Bani, Kadmiel, Sebanias, Buni, Serebias, isa pang Bani, at Kenani.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 Pagkatapos, tinawag ng mga pinuno ng mga Levita ang mga tao. Sila ay sina Jeshua, Bani, Hasabneias, Serebias, Hodias, Sebanias at Petahias. Sinabi nila, "Tumayo kayo at magbigay ng papuri kay Yahweh na inyong Diyos, na laging buhay at mabubuhay magpakailanman! Yahweh, pinupuri namin ang iyong maluwalhating pangalan! Ang iyong pangalan ay mas mahalaga kaysa lahat ng bagay na mabuti at kahanga-hanga!
|
|
\q
|
|
\v 6 Ikaw si Yahweh, at wala ng iba. Ginawa mo ang himpapawid at ang kalangitan na mataas sa lahat, at lahat ng mga anghel na gumagawa ng kalooban ng Diyos. Ginawa mo ang mundo at lahat ng bagay na naroon, at ginawa mo ang mga dagat at lahat ng naroon. Binigyan mo ng buhay ang lahat ng bagay. Lahat ng mga hukbo ng anghel sa langit ay sinasamba ka.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Yahweh, ikaw ang Diyos. Pinili mo si Abram at dinala siya palabas ng Ur sa Caldea. Binigay mo sa kaniya ang pangalang Abraham.
|
|
\p
|
|
\v 8 Nakita mo ang kaniyang kaloob-looban, at alam mo na siya ay mapagkakatiwalaang tao. Pagkatapos gumawa ka ng isang pangako sa kaniya gamit ang dugo, nangangakong ibibigay mo sa kaniyang mga kaapu-apuhan ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Jebuseo, at mga Gergeseo. At ikaw, Yahweh, ginawa mo ang iyong pangako, dahil lagi mong ginagawa ang nararapat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Nakita mo kung gaano naghihirap ang aming mga ninuno sa Ehipto. Narinig mo ang kanilang iyak para sa paghingi ng tulong nang sila ay nasa tabi ng dagat ng mga Tambo.
|
|
\p
|
|
\v 10 Gumawa ka ng maraming uri ng himala na naging sanhi sa hari, sa kaniyang mga alipin, at lahat ng kaniyang tao na maghirap. Bunga nito, ikaw, Yahweh, ay gumawa dakilang pangalan para sa iyong sarili, at ito ay alam pa rin na dakila hanggang ngayon!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 11 Hinati mo ang dagat sa dalawang bahagi, at ang iyong bayan ay naglakad sa gitna nito sa tuyong lupa. Nilunod mo ang mga sundalo na hukbo ng Ehipto, at sila ay lumubog gaya ng isang bato na lumulubog sa malalim na tubig!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Habang may araw ginabayan mo sila ng ulap tulad ng isang haligi na sumusunod sa kanila, at sa gabi nagbigay ka ng liwanag na nagmumula sa haliging apoy, para ipakita sa kanila kung saan sila maglalakad.
|
|
\p
|
|
\v 13 Sa Bundok ng Sinai, ikaw ay bumaba mula sa langit at nagsalita sa kanila. Nagbigay ka sa kanila ng maraming alituntunin at mga utos na makatarungan at maaasahan, at binigyan mo sila ng mga utos at batas na mabuti.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 14 Itinuro mo sa kanila ang tungkol sa banal na Kapahingahan, at binigyan mo sila mula sa iyong lingkod na si Moises ng mga kautusan, at mga panuntunan, at talaan ng mga batas para sundin nila. Sasabihin niya ito sa mga tao.
|
|
\p
|
|
\v 15 Kapag nagugutom sila, binibigyan mo sila ng tinapay mula sa langit. Kapag nauuhaw sila, binibigyan mo sila ng tubig mula sa bato. Sinabi mo sa kanila na pumunta at kunin ang lupain na ipinangako mong ibibigay sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Pero ang aming mga ninuno ay sobrang mapagmalaki at matigas ang ulo. Tumanggi sila kahit sa pakikinig sa mga inutos mong gawin nila.
|
|
\p
|
|
\v 17 Tumanggi silang makinig sa iyo. Nakalimutan nila ang lahat ng mga himala na ginawa mo para sa kanila. Naging matigas ang ulo nila, at dahil rebelde sila sa iyo, sila ay nagtalaga ng isang pinuno na magbabalik sa kanila sa Ehipto, kung saan magiging alipin silang muli! Pero ikaw ang Diyos na nagpapatawad lagi. Ikaw ay hindi agad nagagalit, at ang iyong pagmamahal sa kanila ay walang katapusan at dakila. Hindi mo sila iniwan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 18 Kaya, hindi mo sila pinabayaan, kahit na sila ay tumunaw ng mamahaling mga bakal at gumawa ng diyos-diyosan na mukhang guya. Iniharap nila ang guyang ito sa mga tao at sinasabing, 'Ito ang inyong diyos, na nagdala palabas sa inyo sa Ehipto,' habang sinumpa nila ang Diyos at ginawa ang pinagbawal niya.
|
|
\v 19 Ikaw ay laging maawain, at hindi mo sila iniwan nang sila ay nasa disyerto. Ang maningning na ulap tulad ng malaking haligi ang patuloy na gumabay sa kanila habang may araw, at ang haliging apoy ang nagpakita ng kanilang lalakaran sa gabi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 20 Pinadala mo ang iyong mabuting Espiritu para turuan sila. Hindi mo ipinagkait ang manna mula sa kanila nang sila ay nagugutom at binigyan mo sila ng tubig nang sila ay nauuhaw.
|
|
\p
|
|
\v 21 Sa apat-napung taon, inalagaan mo sila sa disyerto. Sa panahong iyon, wala na silang kinakailangang anuman. Ang kanilang mga damit ay hindi nasira, at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Binigyan mo sila ng mga kaharian at mga bansa. Nakuha nila kahit na ang mga pinakamalalayong lugar ng lupain. Tinirahan nila ang lupain na pinamahalaan ni Haring Sihon mula sa Hesbon at lupain na pinamahalaan ni Haring Og sa Bashan.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Tinulungan mo ang aming mga ninuno na dumami tulad ng maraming mga bituin sa langit, at dinala mo sila sa lupain, ang lupain na sinabi mo sa kanilang mga ama na papasukin at kukunin nila para sa kanilang mga sarili nang sa gayon ay matirhan nila ito.
|
|
\p
|
|
\v 24 Ang bayan ng Israel ay pumunta at kinuha ang lupain mula sa mga taong nakatira roon. Tinulungan mo silang matalo ang mga Cananeo at ang kanilang mga hari, at pinamunuan mo ang mga tao ng lupaing iyon. Tinulungan mo sila para magawa nila ang kahit anong bagay na kailangan nilang gawin sa mga taong iyon.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Sinakop ng aming mga ninuno ang mga lungsod na may mga nakapalibot na pader nila para sanggalan. Nakuha nila ang masaganang lupain. Nasakop nila ang mga bahay na puno ng mga mabubuting bagay at mga balon na nahukay na. Nakuha nila ang mga ubasan, taniman ng mga punong olibo, at mga bungang kahoy. Kinain nila lahat ng gusto nila at sila ay nasiyahan. Kinasiyahan nila ang kanilang sarili sa mga maraming kahanga-hangang kaloob na binigay mo sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 26 Pero sinuway ka nila at nagrebelde sila sa iyo. Tinalikuran nila ang iyong mga batas. Pinatay nila ang mga propeta na nagbabala sa kanila na kailangan nilang bumalik sa iyo. Sinumpa nila ang iyong pangalan.
|
|
\q
|
|
\v 27 Kaya binigay mo sila sa kanilang mga kalaban para talunin sila. Pero nang pinahirapan sila ang kanilang mga kalaban, tumawag sila sa iyo. Narinig mo ang kanilang iyak mula sa langit, at dahil sa iyong labis na kaawaan, nagpadala ka ng makapagliligtas sa kanila mula sa kanilang mga kalaban. At nagawa nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Pero nang nagkaroon muli ng panahon ng kapayapaan, ang aming mga ninuno ay muling gumawa ng mga masasamang bagay na ayaw mo. Kaya hinayaan mo ang kanilang mga kalaban na sakupin sila at pamahalaan sila. Pero sa tuwing sila ay iiyak sa iyong muli para tulungan sila, dininig mo sila sa langit, at dahil ikaw ay maawain iniligtas mo sila.
|
|
\p
|
|
\v 29 Binalaan mo sila na dapat sumunod ulit sa iyong mga batas, pero sila ay naging mapagmataas at mapagmatigas, at sumuway sila sa mga utos mo. Sinuway nila ang mga inutos mo na gawin nila. Hindi ka nila pinansin at nagmatigas na hindi makinig sa iyo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30 Ikaw ay nagtiyaga sa kanila ng maraming taon. Binalaan mo sila sa pamamagitan ng mga mensahe ng iyong Espiritu na binigay mo sa iyong mga propeta. Pero hindi sila nakinig sa mga mensaheng iyon. Kaya muli, hinayaan mo ang mga hukbo ng mga bansa na malapit sa kanila na matalo sila.
|
|
\v 31 Pero dahil ikaw ay maawain, hindi mo sila lubusang winasak o iniwan magpakailanman. Ikaw ay mahabagin at maawaing Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Aming Diyos, ikaw ay dakila! Ikaw ay makapangyarihan! Ikaw ay kahanga-hanga! Tapat mo kaming minahal katulad ng pangako mo sa iyong tipan sa amin na tinupad mo! Pero ngayon kami ay lubhang naghihirap sa mga bagay na ito. Huwag mong hayaan na hindi maging mahalaga sa iyo ang aming mga paghihirap! Ito ay dumating sa aming mga hari, aming mga prinsipe, aming mga pari, aming mga propeta, aming mga ninuno, at sa iyong bayan, mula sa mga araw ng hari ng Assiria hanggang ngayon.
|
|
\p
|
|
\v 33 Alam namin na ikaw ay kumilos ng makatarungan sa tuwing pinaparusahan mo kami. Kami ay lubhang nagkasala sa iyo, pero pinakitunguhan mo kami ng tapat pero gumawa pa din kami ng masama.
|
|
\p
|
|
\v 34 Ang aming mga hari, mga pinuno, mga pari at aming ibang mga ninuno ay sumuway sa iyong mga batas. Hindi nila inunawa ang iyong mga kautusan o ang iyong mga babala na binigay mo sa kanila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 35 Kahit na mayroon silang sariling mga hari, at sila ay nagsaya sa mga mabubuting bagay na ginawa mo para sa kanila sa malaki at mayamang lupain na binigay mo sa kanila, hindi sila naglingkod sa iyo at hindi sila humihinto sa paggawa ng masama.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 36 Kaya ngayon kami ay mga alipin dito sa lupain na binigay mo sa aming mga ninuno, ang lupain na binigay mo sa kanila para tamasahin nila ang lahat ng mabubuting bagay na tumutubo rito. Pero kami ay naging mga alipin dito!
|
|
\v 37 Dahil kami ay nagkasala, hindi kami makakain ng mga bagay na tumutubo rito. Ang mga hari na namamahala ngayon sa amin ay nagsasaya sa mga bagay na tumutubo rito. Pinamamahalaan nila kami at kinukuha ang aming mga baka. Dapat kaming maglingkod sa kanila at gawin ang mga bagay na nakalulugod sa kanila. Kami ay nasa lubos na pagdurusa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 38 Dahil sa lahat ng ito, kami, ang bayan ng Israel ay gumagawa ng isang tapat na kasunduan sa isang balumbon. Isusulat namin dito ang mga pangalan ng aming mga pinuno, pangalan ng mga Levita, at mga pangalan ng mga pari, at pagkatapos seselyuhan namin ito."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 10
|
|
\p
|
|
\v 1 Ito ang listahan ng mga lumagda ng kasunduan: Ako, si Nehemias, ang gobernador at pati si Zedekias.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ang mga pari na lumagda ay sina: Seraias, Azarias, Jeremias,
|
|
\p
|
|
\v 3 Pashur, Amarias, Malchias,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Hatus, Sebanias, Maluch,
|
|
\p
|
|
\v 5 Harim, Meremot, Obadias,
|
|
\p
|
|
\v 6 Daniel, Ginneton, Baruch,
|
|
\p
|
|
\v 7 Mesullam, Abias, Miamin,
|
|
\p
|
|
\v 8 Maazias, Bilgai at Semeias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 9 Ang mga kaapu-apuhan ni Levi na lumagda ay sina: Jesua na anak ni Azaniah, Binnui na mula sa angkan ni Henadad, Cadmiel,
|
|
\p
|
|
\v 10 Sebanias, Odaia, Celita, Pelaia, Hanan,
|
|
\p
|
|
\v 11 Micha, Rehob, Hasabias,
|
|
\p
|
|
\v 12 Zaccur, Serebias, Sebanias,
|
|
\p
|
|
\v 13 Odaia, Bani, at Beninu.
|
|
\p
|
|
\v 14 Ang mga Israelitang pinuno na lumagda ay sina: Paros, Pahatmoab, Elam, Zattu, at Bani.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Bunni, Azgad, Bebai,
|
|
\p
|
|
\v 16 Adonia, Bigvai, Adin,
|
|
\p
|
|
\v 17 Ater, Hezekias, Azur,
|
|
\p
|
|
\v 18 Hodijah, Hasum, Besai,
|
|
\p
|
|
\v 19 Hariph, Anathoth, Nebai,
|
|
\p
|
|
\v 20 Magpiash, Mesullam, Hezir,
|
|
\p
|
|
\v 21 Mesezabel, Zadok at Jaddua.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Pelatias, Hanan, Anaias,
|
|
\p
|
|
\v 23 Oseas, Hananias, Hassub,
|
|
\p
|
|
\v 24 Lohes, Pileha, Shobek,
|
|
\p
|
|
\v 25 Rehum, Hashabnah, Maasias,
|
|
\p
|
|
\v 26 Ahias, Hanan, Anan,
|
|
\p
|
|
\v 27 Maluch, Harim, at Baana.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Ang iba pang mga tao ay gumawa ng taos-pusong kasunduan, kasama ang mga pari, mga bantay, mga mang-aawit, at mga manggagawa ng templo. Isinama rin nila ang lahat ng mga lalaki mula sa ibang karatig na mga lupain na iniwan ang kanilang mga bayan at nanirahan sa Israel. Ang mga lalaking ito, kasama ang kanilang mga asawa, kanilang mga anak na mga lalaki at babae na nasa tamang edad na para maintindihan ang kanilang ginagawa, ay nangakong susundin ang batas ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 29 Lahat sila ay sumama sa kanilang mga pinuno sa paggawa ng taos-pusong kasunduang ito. Sila ay sumang-ayon na susundin ang lahat ng mga batas na ibinigay ng Diyos kay Moises. Sila ay sumang-ayon na sumunod at sundin ang lahat ng bagay na inutos ni Yahweh na ating Diyos, at lahat ng kaniyang mga atas at mga tagubilin. Sila ay nangakong gagawin ang mga sumusunod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30 "Hindi natin papayagan ang ating mga anak na babae na mag-asawa ng mga taong nakatira sa lupaing ito na hindi sumasamba kay Yahweh, at hindi natin papayagan ang ating mga anak na lalaki na gawin silang asawa.
|
|
\p
|
|
\v 31 Kung ang mga tao mula sa ibang mga bansa na nakatira sa lupain ay dalhan tayo ng butil o ibang bagay para itinda sa atin sa mga Araw ng Pamamahinga o kahit ibang banal na araw, tayo ay hindi bibili ng kahit ano mula sa kanila. At sa bawat ikapitong taon, pagpapahingahin natin ang mga bukirin at tayo ay hindi magtatanim ng kahit anong pananim sa isang taon, at huwag na nating singilin ang lahat ng mga pagkakautang ng ibang mga Judio.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Bawat isa rin sa amin ay nangako sa aming mga sarili na bawat taon, magbabayad kami ng 5 gramo ng pilak para sa naglilingkod at nangangalaga ng templo.
|
|
\p
|
|
\v 33 Sa salaping iyan makabibili sila ng mga bagay na ito: Ang tinapay para sa harap ng Diyos, ang harina na inialay sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunog nito sa altar bawat araw, ang mga hayop na pinatay at ganap na sinusunog sa altar, ang sagradong mga alay para sa mga Araw ng Pamamahinga at para sa pagdiriwang ng mga bagong buwan at ibang mga pista at mga pag-aalay na handog sa Diyos, ang mga hayop na iaalay para bayaran ang parusa para sa mga kasalanan ng mga tao sa Israel, at anumang bagay na kailangan para sa gawain ng pag-aalaga ng templo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 34 Bawat taon ang mga pari, mga kaapu-apuhan ni Levi na tumulong sa mga pari, at ang iba pa sa atin ay magpapalabunutan para malaman sa taong iyon kung sinong pamilya ng mga Levita ang magbibigay ng kahoy bilang panggatong sa altar para sunugin ang mga alay sa bahay ng ating Diyos, gaya nang nakasulat sa batas ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 35 Tayo ay nangako na sa bawat taon bawat pamilya ay magdadala sa templo ng alay mula sa unang bunga na ating pinatubo sa ating lupa at inani para sa pagkain, at mula sa unang mga prutas na pinalaki sa ating mga puno nang taong iyon.
|
|
\p
|
|
\v 36 Dadalhin natin sa tahanan ng Diyos ang panganay nating anak na lalaki at magdadala rin tayo ng mga panganay na anak ng batang guya at mga tupa at mga batang kambing para ihandog sa Diyos. Iyan ang nakasulat sa batas ng Diyos na dapat nating gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 37 Dadalhin rin natin sa mga pari na nasa templo ang harina na gawa sa unang butil na inaani natin bawat taon, at ang iba nating mga alay na alak, langis ng oliba, at prutas. Dadalhin rin natin ang mga ikapu sa mga kaapu-apuhan ni Levi na tumutulong sa mga pari.
|
|
\p
|
|
\v 38 Isang pari, mula sa kaapu-apuhan ni Aaron, ang magiging kasama ng mga Levita at mangangasiwa sa kanila tuwing mangongolekta sila ng mga ikapu. Pagkatapos ang mga kaapu-apuhan ni Levi ay dapat kumuha ng bahagi nito, sampung porsiyento ng mga bagay na dinala ng mga tao, at ilagay ito sa mga imbakan sa templo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 39 Ang mga kaapu-apuhan ni Levi at ilan sa mga mamamayan ng Israel ay dapat dalhin ang mga alay ng butil, alak, at langis ng oliba sa mga imbakan kung saan iniingatan ang iba't-ibang kagamitan ng mga naglilingkod sa templo. Iyan ang lugar kung saan naninirahan ang mga pari na naglilingkod sa mga oras na iyon, ang mga bantay, at kung saan umaawit ang ang mga grupo ng mga mang-aawit sa templo. Tayo ay nangangako na hindi natin isasawalang bahala ang pangangalaga sa templo ng ating Diyos."
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 11
|
|
\p
|
|
\v 1 Ang mga pinuno ng mga Israelita at ang kanilang mga pamilya ay nanirahan sa Jerusalem. Ang naiwang mga tao ay nagpalabunutan para piliin ang isa sa sampung pamilya na maninirahan sa Jerusalem, ang lungsod na ibinukod para sa Diyos. Ang natitirang siyam ay nanirahan sa ibang mga bayan.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ang mga taong ito ay humiling sa Diyos na pagpalain ang mga nagkusang manirahan sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 3 Ito ang mga pinuno ng mga lalawigan na pumunta para manirahan sa Jerusalem. Pero sa mga lungsod ng Juda ang bawat isa ay nanirahan sa sarili niyang lupain sa kanilang mga bayan. Ang ilan mula sa Israel, mga pari, mga Levita, mga tagapaglingkod ng templo, at mga kaapu-apuhan ng mga tagapaglingkod ni Solomon ay pumunta para manirahan sa Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 4 Pero ilan sa mga tao sa Juda at ang mga tao mula sa bayan ni Benjamin ay nanatili at nanirahan sa Jerusalem. Ito ang nagmula sa mga kamag-anak ni Juda: Si Ataias na anak Uzias, na anak ni Zacarias, na anak ni Amarias, na anak ni Sefatias, na anak ni Mahalalel, kaapu-apuhan ni Peres.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 5 At naroon si Maaseias, anak ni Baruc, na anak ni Colhoze, na anak ni Adaias, na anak ni Joiarib, na anak ni Zacarias, na kaapu-apuhan ni Sela na anak ni Juda.
|
|
\p
|
|
\v 6 Mayroong 468 kalalakihan ang kaapu-apuhan ni Peres.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 7 Ang isa sa mga kalalakihan mula angkan ni Benjamin ang nagpasyang manirahan sa Jerusalem ay si Salu, na anak ni Mesulam, na anak ni Joed, na anak ni Pedaias, na anak ni Itiel, na anak ni Jesaias.
|
|
\p
|
|
\v 8 Dalawa sa mga kamag-anak ni Salu, sina Gabai at Salai, ay nanirahan din sa Jerusalem. Sa kabuuan, 928 mula sa lipi ni Benjamin ang nanirahan sa Jerusalem. Ang kanilang pinuno ay si Zicri.
|
|
\p
|
|
\v 9 Ang opisyal na pangalawang tagapamahala sa Jerusalem ay si Hesenua.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Ang mga pari na nanirahan sa Jerusalem ay sina Jedaias na anak ni Joiarib,
|
|
\v 11 Si Seraias na anak ni Hilkias, na anak ni Mesulam, na anak ni Zadok, na anak ni Meraiot, na anak ni Ahitub, na dating pinuno ng lahat ng mga pari.
|
|
\p
|
|
\v 12 Sa kabuuan, 822 na kasapi ng angkan na iyon ang naglingkod sa templo. Isa pang pari na nanirahan sa Jerusalem ay si Adaias, na anak ni Jeroham, na anak ni Pelalias, na anak ni Amzi, na anak ni Zacarias, na anak ni Pashur, na anak ni Malquijas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 13 Sa kabuuan, may 242 kasapi ng angkan na iyon na mga pinuno ng mga angkan ang nanirahan sa Jerusalem. Ang isa pang pari na nanirahan sa Jerusalem ay si Amasai na anak ni Asarel, na anak ni Asai, na anak ni Masilemot, na anak ni Imer.
|
|
\p
|
|
\v 14 May 128 kasapi ng angkan na iyon na mga magigiting na sundalo ang nanirahan sa Jerusalem. Ang kanilang pinuno ay si Zabdiel na anak ni Hagedolim.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Isa pang kaapu-apuhan ni Levi na nanirahan sa Jerusalem ay si Semaias ang anak ni Hasub, na anak ni Azkiram, na anak ni Hashabias, na anak ni Buni.
|
|
\p
|
|
\v 16 Ang dalawang iba pa ay sina Sabetai at Jozabad, mga bantog na mga lalaki, mga pinuno ng mga Levita, na namahala sa mga gawain sa labas ng templo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 17 Ang isa pa ay si Matanias, na anak ni Mica, na anak ni Zabdi, na anak ni Asap. Pinangasiwaan ni Matania ang koro ng templo nang umawit sila ng mga panalangin para pasalamatan ang Diyos. Ang kanyang katuwang ay si Bakbukuias. Ang isa pa ay si Abda, ang anak ni Samua, na anak ni Galal, na anak ni Jedathun.
|
|
\p
|
|
\v 18 Sa kabuuan, may 284 na mga Levita sa lungsod ang ibinukod para sa Diyos.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Ang mga tagapagbantay ng tarangkahan na nanirahan sa Jerusalem ay sina Akub at Talmon. Sa kabuuan, may 172 sa kanila at sa kanilang mga kamag-anak ang nanirahan sa Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 20 Ang iba pang mga Israelita kasama ang mga kaapu-apuhan ni Levi at mga pari ay nanirahan sa sarili nilang ari-arian sa ibang mga bayan at mga lungsod sa Judea.
|
|
\p
|
|
\v 21 Pero ang mga manggagawa ng templo ay nanirahan sa Opel sa Jerusalem. Pinamahalaan sila nina Ziha at Gispa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Ang lalaking namahala sa mga kaapu-apuhan ni Levi na nanirahan sa Jerusalem ay si Uzi ang anak ni Bani, na anak ni Hasabia, na anak ni Mataias, na anak ni Mica. Si Uzi ay kabilang sa angkan ni Asap, ang angkan na nangasiwa sa musika sa templo.
|
|
\p
|
|
\v 23 Ang hari ng Persia ay nag-utos na dapat pagpasyahan ng mga angkan kung anong gawain ang nararapat para pangunahan ang musika sa templo bawat araw.
|
|
\p
|
|
\v 24 Si Petahias na anak ni Mezesabel, na mula sa angkan ni Zera at kaapu-apuhan ni Juda, ang kinatawan ng mga Israelita sa hari ng Persia.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Ilan sa mga tao na hindi nanirahan sa Jerusalem ay namuhay sa mga nayon na malapit sa kanilang mga bukirin. Ilan mula sa mga lipi ni Juda ay nanirahan sa mga nayon na malapit sa Arba, Dibon, at Jekabzeel.
|
|
\p
|
|
\v 26 Ang ilan ay nanirahan sa Jeshua, sa Molada, sa Beth-pelet,
|
|
\p
|
|
\v 27 sa Hazar-shual, at sa Beer-seba at sa mga nayon na malapit dito.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Ang iba ay nanirahan sa Ziklag, sa Mecona, at sa mga nayon na malapit dito,
|
|
\p
|
|
\v 29 sa En-rimon, sa Zora, sa Jarmut,
|
|
\p
|
|
\v 30 sa Zanoa, sa Adullam, at sa mga nayon na malapit sa mga lungsod na iyon. Ang ilan ay nanirahan sa Laquis at sa mga karatig nayon at ang ilan ay nanirahan sa Azeka at mga nayon na malapit dito. Lahat ng mga taong iyon ay nanirahan sa Judea, sa lugar na pagitan ng Beer-seba sa timog at sa lambak ng Ben-Hinom sa hilaga, sa gilid ng Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 31 Ang mga tao na mula sa lipi ni Benjamin ay nanirahan sa Geba, Micmas, Aija na kilala rin bilang Ai, Bethel at sa mga kalapit-nayon,
|
|
\p
|
|
\v 32 sa Anatot, sa Nob, sa Ananias,
|
|
\p
|
|
\v 33 sa Hazor, sa Rama, sa Gitaim,
|
|
\p
|
|
\v 34 sa Hadid, sa Zeboim, sa Nebalat,
|
|
\p
|
|
\v 35 sa Lod, sa Ono, at sa mga lambak ng mga manggagawa.
|
|
\p
|
|
\v 36 Ang ilan sa mga Levita na nanirahan sa Judea ay ipinadala para makipamuhay sa bayan ni Benjamin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 12
|
|
\p
|
|
\v 1 Maraming mga pari at mga kaapu-apuhan ni Levi ang bumalik mula sa Babilonia kasama nina Zerubabel at Josue. Isinama nila sina Seraias, Jeremias, Ezra,
|
|
\p
|
|
\v 2 Amarias, Maluc, Hatus,
|
|
\q
|
|
\v 3 Secanias, Rehum, Meremot,
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Ido, Gineton, Abijas,
|
|
\p
|
|
\v 5 Mijamin, Moadias, Bilga,
|
|
\p
|
|
\v 6 Semaias, Joiarib, Jedaias,
|
|
\q
|
|
\v 7 Salu, Amok, Hilkias, at Jedaias. Lahat ng mga lalaking ito ay mga pinuno ng mga pari sa panahon na si Josue ang pinakapinuno ng lahat ng mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\q
|
|
\v 8 Ito ang listahan ng mga kaapu-apuhan ni Levi na bumalik. Sina: Josue, Binui, Kadmiel, Serabias, Juda, at Matanias. Sila ang mga tagapangasiwa sa pag-awit ng mga awitin para pasalamatan ang Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 9 Sina Bakbukuias, Uno, at ibang mga kaapu-apuhan ni Levi ay bumuo ng isang pangkat ng mang-aawit na nakatayo sa kabila ng ibang pangkat nang sila ay umawit.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Sa maraming taon, si Josue ay ang dating pinakapunong pari. Siya ang ama ni Joiakim, na ama ni Eliasib, na ama ni Joiada,
|
|
\p
|
|
\v 11 na ama ni Jonatan, na ama ni Jadua.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Si Joiakim ang pinuno ng lahat ng mga pari. Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari: si Meraias mula sa pamilya ni Seraias, si Hananias mula sa pamilya ni Jeremias,
|
|
\p
|
|
\v 13 si Mesulam mula sa pamilya ni Ezra, si Jehohanan mula sa pamilya ni Amarias,
|
|
\p
|
|
\v 14 si Jonatan mula sa pamilya ni Maluc, si Jose mula sa pamilya ni Secanias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Ang mga pinuno pa ay sina Adna mula sa pamilya ni Harim, si Helkai mula sa pamilya ni Meremot,
|
|
\p
|
|
\v 16 si Zacarias mula sa pamilya ni Ido, si Mesulam mula sa pamilya ni Gineton,
|
|
\p
|
|
\v 17 si Zicri mula sa pamilya ni Abijas. Mayroon ding pinuno mula sa pamilya ni Miniamin, si Piltai na mula sa pamilya ni Moadias.
|
|
\p
|
|
\v 18 Si Samua mula sa pamilya ni Bilga, si Jehonatan mula sa pamilya ni Semaias,
|
|
\p
|
|
\v 19 si Matenai mula sa pamilya ni Joiarib, si Uzi na mula sa pamilya ni Jedaias
|
|
\p
|
|
\v 20 si Kalai mula sa pamilya ni Salu, si Eber mula sa pamilya ni Amok,
|
|
\p
|
|
\v 21 si Hashabias mula sa pamilya ni Hilkias, at si Nathanael mula sa pamilya ni Jedaias.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 22 Sa panahon na pinangunahan ni Eliasib ang mga Levita, ito ang listahan nilang lahat: sina Eliasib, Joiada, Johanan, at Jadua ang mga pinuno ng lahat ng mga pari. Sinulat nila ang mga pangalan ng mga pamilya na mga kaapu-apuhan ni Levi. Nang si Dario ang hari ng Persia, ang mga pari ang naatasan sa pagtatala ng mga pinuno ng mga pamilya.
|
|
\p
|
|
\v 23 Sinulat nila ang mga pangalan ng mga pinuno ng mga pamilya na kaapu-apuhan ni Levi sa aklat ng kasaysayan. Itinala nila ang mga kaganapan hanggang sa panahon na ang apo ni Eliasib na si Johanan ang pinuno ng lahat ng mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 24 Ito ang mga pinuno ng mga Levita: sina Hashabias, Serebias, Josue na anak ni Kadmiel, at kanilang mga kapatid na nakatayo sa kabila nila para purihin at magbigay pasasalamat sa Diyos. Ginawa nila ito gaya ng itinuro sa kanila ni Haring David, ang taong naglingkod sa Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 25 Sina Matanias, Bakbukuias, Obadias, Mesulam, Talmon, at Akub ay mga tagapagbantay ng tarangkahan. Sila ay nakatayong nagbabantay sa mga bodega na malapit sa mga tarangkahan ng templo.
|
|
\p
|
|
\v 26 Ginawa nila ang gawaing ito sa panahon ni Joiakim na anak ni Josue na apong lalaki ni Jehozadak, sa panahon ni Nehemias ang gobernador at Ezra ang pari. Alam na alam din ni Ezra ang mga batas ng Judio.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 27 Nang itinalaga namin ang pader sa paligid ng Jerusalem, pinatawag namin ang mga kaapu-apuhan ni Levi mula sa mga lugar sa palibot ng Israel kung saan sila nanirahan, para maaaring silang makapunta para ipagdiwang ang pagtatalaga ng pader. Sila ay aawit ng pasasalamat sa Diyos at marami sa kanila ang gumawa ng musika sa pamamagitan ng pagtugtog ng mga pompiyang at mga alpa at ibang mga instrumentong may kwerdas.
|
|
\v 28 Pinatawag namin ang mga kaapu-apuhan ni Levi na palaging umaawit ng sama-sama. Pumunta sila sa Jerusalem mula sa mga kalapit na lugar kung saan sila namalagi, at mula sa mga lugar sa palibot ng Netofa, sa timog-silangan ng Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 29 Pumunta rin sila mula sa tatlong mga lugar sa hilagang silangan ng Jerusalem, Beth Gilgal at mga lugar sa palibot ng Geba at Azmavet. Ang mga mang-aawit ay gumawa ng mga nayon malapit sa Jerusalem kung saan sila naninirahan.
|
|
\p
|
|
\v 30 Ang mga pari at mga kaapu-apuhan ni Levi ay gumanap ng mga rituwal para gawin silang malinis sa mga mata ng Diyos, at ginawa din nila sa lahat ng mga tao, at kahit sa mga tarangkahan ng lungsod at sa huli, sa pader.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 31 Pagkatapos ay sama-sama kong tinipon ang mga pinuno ng Juda sa ibabaw ng pader, at itinalaga ko sila na manguna sa dalawang malalaking pangkat na maglakad sa palibot ng lungsod sa taas ng pader, na nagpapasalamat sa Diyos. Nang nakaharap sila sa lungsod, isang pangkat ang naglakad sa kanan patungo sa Tarangkahan ng Dumi.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 32 Sa likod ng kanilang mga pinuno ay naglakad sina Hoshaias at kalahati ng mga pinuno ng Juda.
|
|
\p
|
|
\v 33 Ang mga sumunod pagkatapos nila ay sina Azarias, Ezra, Mesulam,
|
|
\p
|
|
\v 34 Juda, Benjamin, Semaias, Jeremias,
|
|
\p
|
|
\v 35 at ilan sa mga anak ng mga pari na tumugtog ng kanilang mga trumpeta, kasama si Zacarias na anak ni Jonatan, na anak si Semaias, na anak ni Matanias, na anak ni Micaias, na anak ni Zacur, ang kaaapu-apuhan ni Asaf.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 36 Sa likod nila ay naglakad ang ibang mga kasapi ng pamilya ni Zacarias, kasama sina Semaias, Azarel, Milalai, Gilalai, Maai, Natanael, Juda, at Hanani. Lahat sila ay tumutugtog ng parehong mga instrumento na ginamit ni Haring David maraming taon na ang nakalipas. Si Ezra, ang taong alam na alam ang mga batas ng Judio, ay naglakad sa harap ng pangkat na ito.
|
|
\p
|
|
\v 37 Nang marating nila ang Tarangkahan ng Bukal, sila ay pumanhik patungo sa lungsod ni David, dinaanan ang palasyo ni David, at pagkatapos sa pader ng Tarangkahan ng Tubig, sa silangang bahagi ng lungsod.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 38 Ang ibang mang-aawit na umaawit at nagpapasalamat kay Yahweh ay naglakad sa kaliwa sa ibabaw ng pader. Sinundan ko sila kasama ang kalahati ng mga tao. Dinaanan namin ang Tore ng mga Pugon patungo sa Malapad na Pader.
|
|
\v 39 Mula roon, dinaanan namin ang Tarangkahan ni Efraim, Tarangkahan ni Jeshanas, Tarangkahan ng Isda, ang Tore ni Hananel, ang Tore ng Sandaang mga Sundalo, patungo sa Tarangkahan ng mga Tupa. Natapos ang paglalakad namin malapit sa tarangkahan patungo sa templo.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 40 Ang parehong pangkat ay narating ang tahanan ng Diyos habang sila ay umaawit at nagpapasalamat sa kaniya. Tumayo sila sa kanilang mga puwesto doon. Ako at ang mga pinuno na kasama ko ay tumayo rin sa aming mga puwesto.
|
|
\v 41 Sa aking pangkat ay kasama ang lahat ng mga paring umiihip ng mga trumpeta: sina Eliakim, Maaseias, Miniamin, Micaias, Elioenai, Zacarias, Hananias,
|
|
\v 42 isa pang Maaseias, Semaias, Eleazar, Uzi, Jehohanan, Malquijas, Elam, at Ezer. Ang mga mang-aawit, sa pangunguna ni Jezharias, ay umawit nang malakas.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 43 Pagkatapos, kami ay pumunta sa labas ng templo, naghandog kami ng maraming mga alay. Lahat kaming mga lalaki ay nagdiwang dahil dinulot ng Diyos na kami ay lubos na magalak. Ang mga babae at mga bata ay nagalak din. Ang mga tao sa malalayo ay dinig na dinig ang ingay na ginagawa namin sa Jerusalem.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 44 Nang araw na iyon, itinakda ang mga lalaki na maging tagapangasiwa sa mga bodega kung saan tinatago ang salapi na binibigay ng mga tao para sa templo. Sila rin ang tagapangasiwa ng mga ikasampung bahagi at sa unang bahagi ng butil at prutas na inaani sa bawat taon.
|
|
\v 45 Dinala rin nila sa mga bodega ang isang bahagi ng ani mula sa mga bukirin para sa mga pari at mga kaapu-apuhan ni Levi. Ginawa ito dahil ang mga tao sa Juda ay lubos ang kagalakan na magkaroon ng mga naglilingkod sa tahanan ni Yahweh. Ang mga pari at mga Levita ay naglilingkod kay Yahweh sa kanilang mga rituwal para sa paglilinis ng mga bagay, at bilang mga manununugtog sa templo at mga tagapagbantay ng tarangkahan ay ginawa din ang kanilang mga gawain gaya ng pinayahag ni Haring David at kaniyang anak na Solomon na dapat nilang gawin.
|
|
|
|
\s5
|
|
\v 46 Mula pa sa panahon ni David at Asaf, mayroon ng mga tagapamahala at mga mang-aawit, at umaawit sila para purihin at pasalamatan ang Diyos.
|
|
\v 47 Sa mga panahon ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias ang gobernador, lahat ng mga Israelita ay nagkaloob ng pagkain araw-araw na kailangan ng mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan ng templo. Itinatabi nila kung ano ang kailangan ng mga Levita para mabuhay, at ang mga Levita naman ay itinatabi ang kailangan ng mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang unang pinuno ng lahat ng mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\c 13
|
|
\p
|
|
\v 1 Nang araw na iyon, nagbasa ng talata ang mga pari habang ang mga tao ay nakikinig ng mga batas na binigay ng Diyos kay Moises na nagsasabing walang Ammonita o Moabita ang pahihintulutan kailanman na pumunta sa lugar kung saan ang bayan ng Diyos ay sumasamba.
|
|
\p
|
|
\v 2 Ito ay sa kadahilanang ang mga Ammonita at Moabita ay hindi nagbigay ng anumang pagkain o tubig sa mga Israelita pagkatapos nilang umalis mula sa Ehipto. Sa halip, ang mga Ammonita at Moabita ay nagbayad ng salapi kay Balaam para hikayatin siyang isumpa ang mga Israelita. Pero pinalitan ng isang pagpapala ng Diyos ang planong iyon na isumpa ang Israel.
|
|
\p
|
|
\v 3 Kaya nang marinig ng mamamayan ang mga utos na binasa sa kanila, pinaalis nila ang mga tao na ang mga ninuno ay mula sa ibang mga bansa.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 4 Noong una, si Eliasib, ang pari, ang itinalagang mamahala ng mga imbakan sa templo. Siya ay kamag-anak ni Tobias.
|
|
\p
|
|
\v 5 Hinayaan niyang gamitin ni Tobias ang isang malaking silid. Doon nila inipon ang mga handog na butil at insenso. Inilagay nila ang mga kagamitan na ginagamit sa templo. Iniipon nila roon ang mga handog na ibinigay ng mga tao para sa mga Levita. Dinala nila ang mga ikapu ng butil, alak at langis ng olibo na iniutos ng Diyos para sa mga Levita, mga manunugtog, at mga tagapagbantay ng tarangkahan. At dinala nila ang mga kaloob para tulungan ang ibang mga pari.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 6 Noong panahong iyon, wala ako sa Jerusalem. Ito ang ika-tatlumpu't dalawang taon na si Artaxerxes ang hari ng Babilonia, at bumalik ako para mag-ulat sa hari kung ano ang aking ginagawa. Pagkatapos kong pumunta roon sandali, hiniling ko sa hari na payagan akong bumalik sa Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 7 Nang ako ay bumalik, nalaman kong si Eliasib ay gumawa ng masamang bagay. Hinayaan niyang mamahala si Tobias sa isang imbakan sa mismong tahanan ng Diyos para sa sarili niyang pakinabang.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 8 Ako ay galit na galit. Pumunta ako sa silid na iyon at itinapon ko ang lahat ng pag-aari ni Tobias.
|
|
\p
|
|
\v 9 Pagkatapos inutos ko na magsagawa sila ng isang rituwal ng paglilinis sa silid na iyon para gawin itong dalisay muli. At inutos ko rin na lahat ng kagamitang ginagamit sa templo at lahat ng handog na butil at insenso ay dapat maibalik sa silid na iyon kung saan sila nararapat.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 10 Nalaman ko rin na ang mga manunugtog ng templo at ang ibang mga Levita ay umalis sa Jerusalem at bumalik sa kanilang mga bukid, dahil ang mga tao ng Israel ay hindi nagdadala sa mga imbakan ng pagkaing kailangan nila.
|
|
\p
|
|
\v 11 Kaya pinagalitan ko ang mga opisyales, sinabi ko sa kanila, "Bakit hindi ninyo inalagaan ang mga gawain sa templo?" Kaya tinipon ko sila at binalik sila sa kanilang mga puwesto.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 12 Pagkatapos ang lahat ng mamamayan ng Juda ay nagsimulang magdala ulit sa mga imbakan ng templo ng kanilang mga ikapu ng butil, alak, at langis ng olibo.
|
|
\p
|
|
\v 13 Itinalaga ko ang mga lalaking ito para mamahala ng mga imbakan. Sina Selemias ang pari, Sadoc, ang dalubhasa sa mga batas ng Judio, at Pedaias, ang kaapu-apuhan ni Levi. Itinalaga ko rin si Hanan na anak ni Zacur at apo ni Matanias para tulungan sila. Alam ko na mapagkakatiwalaan ko ang mga lalaking iyon para ipamahagi ang mga handog nang pantay-pantay sa kanilang mga kapwa manggagawa.
|
|
\p
|
|
\v 14 Aking Diyos, huwag mong kalimutan ang lahat ng mga mabubuting gawa na ginawa ko para sa iyong templo at para sa gawain doon!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 15 Noong panahon ding iyon, nakita ko ang ibang mga tao sa Judea na nagtatrabaho sa Araw ng Pamamahinga. Ang iba ay nagpipiga ng mga ubas para gumawa ng alak. Ang iba ay naglalagay ng butil, mga sisidlan ng alak, mga tiklis ng ubas, igos, at marami pang ibang mga bagay sa kanilang mga asno at dinadala sa Jerusalem. Binalaan ko sila na huwag magtinda ng anumang mga bagay sa mga mamamayan ng Judea sa Araw ng Pamamahinga.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 16 Nakita ko rin ang mga taga-Tiro na naninirahan sa Jerusalem na nagdadala ng isda at iba pang mga bagay sa Jerusalem para magtinda sa mga taga-Judea sa Araw ng Pamamahinga.
|
|
\p
|
|
\v 17 Kaya pinagalitan ko ang mga pinunong Judio at sinabi sa kanilang, "Napakasama ng bagay na ito ginagawa ninyo! Ginagawa ninyo ang mga Araw ng Pamamahinga na isang bagay na hindi ginusto ng Diyos.
|
|
\p
|
|
\v 18 Ang inyong mga ninuno ay gumawa ng mga bagay tulad nito, kaya pinarusahan sila ng Diyos. Hinayaan niyang mawasak ang lungsod na ito dahil sa kanilang kasalanan! At ngayon sa pamamagitan ng paglabag ng mga batas para sa Araw ng Pamamahinga, gagalitin ninyo ang Diyos, at parurusahan niya tayo nang higit pa!"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 19 Nang dumilim na sa mga tarangkahan ng Jerusalem, itinalaga ko ang ilan sa aking mga tauhan para matiyak na walang makapagdadala ng anumang mga kalakal sa lungsod para itinda sa araw na iyon.
|
|
\p
|
|
\v 20 Ang mga mangangalakal at mga nagtitinda ng lahat ng uri ng mga kalakal at paninda ay nananatili sa labas ng Jerusalem sa ilang pagkakataon ng Biyernes ng gabi sa pagsisimula ng Araw ng Pamamahinga, na umaasang makapagtitinda sa susunod na araw.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 21 Binalaan ko sila, "Walang saysay para sa inyo ang manatili rito sa labas ng mga pader! Kung gagawin niyo ito ulit, gagamitan ko na kayo ng dahas!" Kaya pagkatapos noon, hindi na sila pumunta sa Araw ng Pamamahinga.
|
|
\p
|
|
\v 22 Inutos ko rin sa mga Levita na gawing dalisay ang kanilang mga sarili at bantayan ang mga Tarangkahan ng Lungsod para panatilihing banal ang Araw ng Pamamahinga. Aking Diyos, alalahanin mo kung ano ang ginawa ko para sa iyo! At maging mabuti ka sa akin, dahil dakila ang iyong pag-ibig.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 23 Noong panahong iyon, nalaman ko rin na marami sa mga kalalakihang Judio ang nag-asawa ng mga babae mula sa Asdod, Ammon, at Moab.
|
|
\p
|
|
\v 24 Kalahati ng kanilang mga anak ay nagsasalita ng wika ng mga tao sa Asdod at iba pa, pero hindi nila alam kung paano magsalita ng wika ng Juda, tanging ang wika ng mga tao kung saan sila naninirahan ang alam nila.
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 25 Kaya pinagalitan ko ang mga lalaking iyon, at hiniling ko sa Diyos na isumpa, at sinuntok ko ang ilan sa kanila, at ang iba naman ay sinabunutan ko! At pinilit ko silang pinanumpa, na nalalamang nakikinig ang Diyos, na hindi na sila kailanman ulit mag-asawa ng mga dayuhan at huwag hayaang mag-asawa ng dayuhan ang kanilang mga anak.
|
|
\p
|
|
\v 26 Sinabi ko sa kanila, "Si Solomon, ang hari ng Israel, ay nagkasala dahil sa pag-aasawa ng mga dayuhang babae. Wala siyang katulad na hari sa ibang mga bansa. Minahal siya ng Diyos at itinakdang hari ng buong Israel. Pero siya ay nagkasala dahil sa kaniyang mga dayuhang asawa.
|
|
\v 27 Sa tingin niyo ba, dapat nating gawin ang ginawa ninyo, na nag-asawa kayo ng mga dayuhan, at gumawa ng alam nating mali, at gumawa ng malaking kasalanan sa ating Diyos sa pamamagitan ng pag-aasawa sa mga dayuhang babae na sumasamba sa mga diyos-diyosan?"
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 28 Isa sa mga anak ni Joiada, na apo ni Eliasib na pinuno ng lahat ng mga pari, ay nag-asawa ng anak na babae ni Sanbalat. Kaya itinaboy ko ang anak ni Joiada palabas ng Jerusalem.
|
|
\p
|
|
\v 29 Aking Diyos, alalahanin mo silang mga nagdala ng kahihiyan sa kaparian, at sinira nila ang tipan ng kaparian at ng mga Levita dahil sa ginawa nila!
|
|
|
|
\s5
|
|
\p
|
|
\v 30 Kinuha ko mula sa kanila ang lahat ng mula sa ibang mga bansa at mga relihiyon. Itinatag ko rin ang mga alituntunin para sa mga pari at mga Levita, para malaman nila ang kanilang mga tungkulin.
|
|
\v 31 Tiniyak ko na mayroong kahoy na susunugin sa altar sa mga itinakdang oras at araw. Isinaayos ko rin na magdala ang mga tao sa mga imbakan ng unang bahagi ng ani. Aking Diyos, huwag mong kalimutan na ginawa ko ang lahat ng bagay na ito, at pagpalain mo ako dahil sa paggawa ko nito.
|