tl_udb/15-EZR.usfm

776 lines
53 KiB
Plaintext

\id EZR
\ide UTF-8
\h EZRA
\toc1 EZRA
\toc2 EZRA
\toc3 ezr
\mt EZRA
\s5
\c 1
\p
\v 1 Noong unang taon na pinamahalaan ni Ciro ang Imperyo ng Persia, mayroon siyang ginawang isang bagay na nakatupad sa propesiya na sinabi ni Jeremias. Inudyukan ni Yahweh si Ciro na isulat ang mensaheng ito at naipahayag ang mensaheng ito sa pamamagitan ni Ciro sa kaniyang buong imperyo.
\p
\v 2 Ako, si Haring Ciro, ang namamahala sa Imperyo ng Persia, at ito ang sinasabi ko: Si Yahweh, ang Diyos na nasa langit ay ginawa akong pinuno ng lahat ng mga kaharian sa daigdig. At inatasan niya ako upang tiyakin na ang kaniyang mga tao ay magtatayo ng templo para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda.
\s5
\p
\v 3 Lahat kayong mga tao na nabibilang sa Diyos ay maaring umakyat sa Jerusalem para itayong muli ang templong ito para kay Yahweh, ang Diyos na nananahan sa Jerusalem, ang Diyos ng Israel.
\p
\v 4 Ang ibang taong naninirahan kung saan ang mga Israelita ay kasalukuyang nasa pagkakatapon, kung saan ang kanilang mga ninuno ay itinapon dito, ay dapat mag-ambag ng pilak at ginto sa kanilang mga hahayo. Kailangan rin nilang bigyan ang mga Judio ng mga gamit na kanilang kakailanganin para sa paglalakbay patungo sa Jerusalem. Sila ay dapat din magbigay sa kanila ng ilang alagang hayop at mga regalong pera na makakatulong sa pagtayo ng templo ng Diyos sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 5 Pagkatapos, inudyukan ng Diyos ang ilang mga pari at mga Levita at ibang mga pinuno ng mga tribu na nagmula kina Juda at Benjamin na bumalik sa Jerusalem. Ang mga inudyukan ng Diyos ay naghandang bumalik sa Jerusalem at itayo ang templo para sa kaniya doon.
\p
\v 6 Lahat ng kanilang mga kapitbahay ay tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga pilak at ginintuang mga bagay, at mga abasto para sa paglalakbay, at alagang hayop. Nagbigay din sila ng ibang mahahalagang regalo, at nagbigay din sa kanila ng pera para bumili ng mga bagay para sa pagpapatayo ng templo.
\s5
\q1
\v 7 Inilabas ni Haring Ciro ang lahat ng mga mahahalagang gamit na kinuha ng mga sundalo ni Haring Nebucadnezar mula sa templo ni Yahweh sa Jerusalem at inilagay sa mga templo ng kanilang mga diyos sa Babilonia.
\p
\v 8 Iniutos ni Ciro kay Mitredat na tagapag-ingat-yaman ng Emperyo ng Persia, na bilangin lahat ng mga bagay na ito at pagkatapos ibigay ang mga ito kay Sesbazar, ang pinuno ng pangkat na paalis pabalik sa Juda.
\s5
\p
\v 9 Ito ay isang talaan ng mga bagay na inambag ni Ciro: tatlumpung gintong palanggana, isang libong palangganang pilak, dalawampu't siyam na iba pang palanggana,
\p
\v 10 tatlumpong gintong mangkok, 410 na magkakatulad na mangkok na pilak, at isang libong iba pang kasangkapan.
\p
\v 11 Sa kabuuan, may 5,400 na pilak at ginto na mga kagamitan na naibigay kay Sesbazar upang dalhin niya kapag siya at ang iba ay bumalik sa Jerusalem.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Maraming Israelita ang binihag at dinala ng mga kawal ni Haring Nebucadnezar sa Babilonia. Pagkalipas ng maraming taon, ang ilang mga Israelita ay bumalik sa ilang lugar sa Juda at ang ilan ay bumalik sa Jerusalem. Nagpunta sila sa mga bayan kung saan nanirahan ang kanilang mga ninuno. Ito ang talaan ng mga grupo ng mga taong bumalik.
\p
\v 2 Ang mga pinuno ng mga grupong bumalik ay sina Zerubabel, Josue, Nehemias, Seraias, Reelaias, Mordecai, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum at Baana. Ito ang mga grupo ng mga taong kasama nilang bumalik:
\s5
\q
\v 3 2,172 mula sa mga kaapu-apuhan ni Paros,
\p
\v 4 372 mula sa mga kaapu-apuhan ni Sefatias,
\p
\v 5 775 mula sa mga kaapu-apuhan ni Ara,
\p
\v 6 2,812 mula sa mga kaapu-apuhan ni Pahat Moab, na mula naman sa mga pamilya nina Josue at Joab,
\s5
\q
\v 7 1,254 mula sa mga kaapu-apuhan ni Elam,
\p
\v 8 945 mula sa mga kaapu-apuhan ni Zatu,
\q
\v 9 760 mula sa mga kaapu-apuhan ni Zacai,
\p
\v 10 642 mula sa mga kaapu-apuhan ni Bani.
\s5
\p
\v 11 623 mula sa mga kaapu-apuhan ni Bebai,
\p
\v 12 1,222 mula sa mga kaapu-apuhan ni Azgad,
\p
\v 13 666 mula sa mga kaapu-apuhan ni Adonikam,
\p
\v 14 2,056 mula sa mga kaapu-apuhan ni Bigvai,
\s5
\p
\v 15 454 mula sa mga kaapu-apuhan ni Adin,
\p
\v 16 98 mula sa mga kaapu-apuhan ni Ater na nagmula sa lahi ni Ezequias,
\p
\v 17 323 mula sa mga kaapu-apuhan ni Bezai,
\p
\v 18 112 mula sa mga kaapu-apuhan ni Jora,
\s5
\p
\v 19 223 mula sa mga kaapu-apuhan ni Hasum,
\v 20 95 mula sa mga kaapu-apuhan ni Gibar. Ito naman ang listahan ng mga angkang nakabalik na nakatira sa mga sumusunod na bayan sa Juda ang kanilang mga ninuno:
\p
\v 21 123 mula sa Bethlehem,
\p
\v 22 56 mula sa Netofa,
\s5
\p
\v 23 128 mula sa Anatot,
\p
\v 24 42 mula sa Azmavet,
\p
\v 25 743 mula sa Jearim, Cafira at Beerot,
\p
\v 26 621 mula sa Rama at Geba,
\s5
\p
\v 27 122 mula sa Micmas,
\p
\v 28 223 mula sa Bethel at Ai,
\p
\v 29 52 mula sa Nebo,
\p
\v 30 156 mula sa Magbis,
\s5
\p
\v 31 1,254 mula sa Elam,
\p
\v 32 320 mula sa Harim,
\p
\v 33 725 mula sa Lod, Hadid at Ono,
\s5
\p
\v 34 345 mula sa Jerico,
\v 35 3,630 mula sa Senaa.
\s5
\p
\v 36 Ito naman ang listahan ng mga paring bumalik: 973 na kaapu-apuhan ni Jedaias (sila ang nagmula sa angkan ni Josue),
\p
\v 37 1,052 na kaapu-apuhan ni Imer,
\p
\v 38 1,247 na kaapu-apuhan ni Pashur,
\p
\v 39 1,017 na kaapu-apuhan ni Harim.
\s5
\p
\v 40 Ito ang mga bumalik na nagmula sa tribu ni Levi: 74 na kaapu-apuhan ni Josue at Kadmiel na siya namang nagmula sa mga kaapu-apuhan ni Hodavias,
\p
\v 41 128 na mang-aawit na kaapu-apuhan ni Asaf,
\p
\v 42 139 na mga bantay-pinto na kaapu-apuhan ng mga bantay-pinto na sina Sallum, Ater, Talmon, Akub, Hatita at Sobai.
\s5
\p
\v 43 Ang mga manggagawa sa templo na kaapu-apuhan ng mga lalaking ito: Ziha, Hasufa, Tabaot,
\v 44 Keros, Siaha, Padon,
\v 45 Lebana, Hagaba, Akub,
\p
\v 46 Hagab, Samlai, Hanan;
\s5
\p
\v 47 Gidel, Gahar, Reaias,
\p
\v 48 Rezin, Nekoda, Gazam,
\v 49 Uza, Pasea, Besai,
\p
\v 50 Asnah, Meunim, Nefisim,
\s5
\v 51 Bakbuk, Hakufa, Harhur,
\p
\v 52 Bazlut, Mehida, Harsa,
\v 53 Barkos, Sisera, Tema,
\p
\v 54 Nezias, at Hatifa.
\s5
\p
\v 55 Ang mga nagmula sa angkan ng mga alipin ni Haring Solomon na bumalik sa Jerusalem ay sina: Sotai, Hasoferet, Peruda,
\v 56 Jaala, Darkin, Gidel,
\v 57 Sefatias, Hatil, Poqueret-hazebaim, at Ami.
\v 58 Ang kabuuang bilang ng mga bumalik na nagmula sa kaapu-apuhan ng mga manggagawa sa templo at ng mga alipin ni Solomon ay 392.
\s5
\p
\v 59 May isa pang grupo ang bumalik sa Juda na nagmula sa Tel Melah, Tel Harsha, Kerub, Addon, at Immer sa Babilonia. Ngunit hindi nila mapatunayan na sila ay tunay na mga Israelita.
\v 60 Kabilang sa grupong ito ay mga tao na nagmula sa angkan ni Delaiah, Tobiah at Nekoda na ang bilang ay 652.
\s5
\p
\v 61 Kabilang sa mga kaapu-apuhan ng mga pari sa grupong ito ang mga taong nabibilang sa mga angkan nina Habaias, Hakoz at Barzilai. Si Barzilai ay nakapangasawa ng isang babaeng nagmula sa angkan ni Barzilai na mula sa rehiyon ng Gilead at simula noon, ginamit na niya ang pangalan ng angkan ng kaniyang biyenan.
\v 62 Hinanap ng grupong iyon ang pangalan ng kanilang mga ninuno sa mga dokumento na naglalaman ng pangalan ng mga ninuno ng lahat ng angkan, ngunit ang mga pangalang ito ay hindi nila natagpuan. Dahil dito, hindi sila pinahintulutang maglingkod bilang mga pari.
\v 63 Sinabi ng gobernador sa kanila na kakailanganin nilang hilingin sa isang pari na sumangguni kay Yahweh sa pamamagitan ng palabunutan upang malaman kung sila ay totoong mga Israelita o hindi. Kung maipapakita ng mga bato na sila ay tunay na mga Israelita, pahihinutulutan silang kumain ng bahagi ng mga alay na ibinibigay sa mga pari.
\s5
\p
\v 64 Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na bumalik sa Juda ay 42,360.
\v 65 Mayroon ding mga babae at lalaking mga lingkod na may bilang na 7,337 at mga musikero na may bilang na 200, kapwa mga lalaki at mga babaeng bumalik.
\s5
\v 66 Dinala ng mga Israelita mula sa Babilonia ang 736 na kabayo, 245 na mola,
\v 67 435 na kamelyo at 6,720 na asno.
\s5
\p
\v 68 Pagdating nila sa templo ni Yahweh sa Jerusalem, ilan sa pinuno ng mga angkan ay nagbigay ng pera para sa mga kagamitan kailangan sa pagpapatayong muli ng templo kung saan ito dating nakatayo.
\v 69 Lahat sila ay nagbigay sa abot ng kanilang makakaya. Sa kabuuan, nagbigay sila ng mahigit-kumulang 500 kilo ng ginto, 2.9 na metrik tonelada ng pilak at 100 na kausotan para sa mga pari.
\s5
\p
\v 70 At ang mga pari, ang ibang kaapu-apuhan ni Levi, ang mga musikero, ang mga bantay ng templo, at ang ilan sa mga tao ay nagsimulang manirahan sa mga bayan at nayong malapit sa Jerusalem. Ang ibang tao ay nagpunta sa ibang lugar sa Israel kung saan nanirahan ang kanilang mga ninuno.
\s5
\c 3
\p
\v 1 Matapos bumalik sa Jerusalem ang ilang taong Israelita at nagsimula silang mamuhay sa kanilang mga bayan, sa panahong tag-lagas ng taong iyon, silang lahat ay nagtipun-tipon sa Jerusalem.
\p
\v 2 Pagkatapos si Josue na anak ni Jehozadak, at ang kaniyang mga kapwa pari, at si Zerubabel na anak ni Sealtiel at ang kaniyang mga malalapit na kaibigan, lahat ay nagsimula na muling itayo ang altar ng Diyos ng Israel. Ginawa nila iyon upang sila ay makapag-alay ng mga handog na susunugin, ayon sa sinulat ni propetang Moises sa mga kautusang ibinigay ng Diyos sa kaniya.
\s5
\p
\v 3 Kahit na sila ay natatakot sa mga taong naninirahan na sa lugar na iyon, muli nilang itinayo ang altar na ito sa dating lugar. Nagsimula silang mag-alay ng handog tuwing umaga at gabi.
\p
\v 4 Labinlimang araw mula ng sila ay nagsimulang nag-alay ng mga handog na ito, ipinagdiwang ng mamamayan ang Kapistahan ng mga Tolda, gaya ng ipinag-utos ni Moises na kanilang gawin ayon sa mga alituntunin na ibinigay ng Diyos sa kaniya. Ang mga pari ay raw-araw na nag-aalay ng mga handog na kinakailangan sa araw na iyon.
\p
\v 5 Sila rin ay nagbibigay ng karaniwang mga handog na susunugin at ang mga handog na kinakailangn para sa mga kapistahan ng Bagong Buwan at ang iba pang mga kapistahan na kanilang ipinagdiwang sa mga natatanging panahon taun-taon para parangalan si Yahweh. Nagdala rin sila ng mga ibang handog na ang tanging dahilan lamang ay gusto nila itong dalhin, hindi dahil inatasan silang dalhin ito.
\s5
\p
\v 6 Ngunit kahit na sinimulan nilang dalhin ang mga handog na susunugin kay Yahweh sa pasimula ng panahon ng tag-lagas, hindi pa nila inumpisahan ang pagtatayo ng gusali ng templo.
\p
\v 7 Kaya ang mga Israelita ay umupa ng mga mason at karpentiro, at bumili sila ng mga troso galing sa puno ng cedar mula sa bayan ng Tiro at Sidon. Binigyan nila ang mga taong ito ng pagkain, alak at langis ng olibo bilang kabayaran. Dinala nila ang mga troso mula sa mga bundok ng Lebanon patungo sa baybaying Mediteraneo at pagkatapos pinalutang ang mga ito sa dagat papunta sa Jopa. Si Haring Ciro ang nagpahintulot sa kanilang gawin iyon. Kaya ang mga troso ay dinala sa kalupaan ng Jopa patungong Jerusalem.
\s5
\p
\v 8 Ang mga Israelita ay sinimulan na muling itayo ang templo sa panahon ng tag-sibol ng ikalawang taon matapos silang bumalik sa Jerusalem. Nagtrabaho sa gusali sina Zerubabel at Josue, kasama ang lahat ng taong nagbalik sa Jerusalem. Pinangasiwaan ng mga Levita ang gawaing ito.
\p
\v 9 Si Josue, ang kaniyang mga anak, at kaniyang ibang mga kamag-anak, at si Kadmiel at ang kaniyang mga anak, na mga kaapu-apuhan ni Juda ay tumulong din sa pangangasiwa sa gawaing ito. Ang taong kaapu-apuhan ni Henadad na mga Levita din ay sumamaa sa kanila sa pangangasiwa ng gawaing ito.
\s5
\p
\v 10 Nang matapos ng mga mangagawa ang paglalagay ng pundasyon ng templo, ang mga pari ay sinuot ang kanilang mga balabal at tumayo sa kanilang kinaroroonan at hinipan ang kanilang mga trumpeta. Pagkatapos ang mga Levita na mga kaapu-apuhan ni Asaf ay hinampas ang kanilang mga pompyang upang purihin si Yahweh, tulad nang sinabi ni Haring David kay Asaf at sa ibang mga musikero na dapat gawin.
\p
\v 11 Nagpuri at nagpasalamat sila kay Yahweh, at sila ay umawit ng ganito tungkol sa kaniya: "Siya ay napakabuti sa amin! Tinutupad niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa Israel, at mamahalin niya tayo magpakailanman." Kaya ang lahat ng tao ay sumigaw ng malakas, pinupuri siya dahil natapos na nila ang paglagay ng pundasyon ng kaniyang templo.
\s5
\p
\v 12 Karamihan sa mga matatandang pari, Levita, at mga ama ng mga pamilya ay naalala ang kalagayan ng dating templo, at sila ay malakas na umiyak nang makita nilang inilalagay nila ang pundasyon ng templong ito dahil batid nila na ang bagong templo ay hindi magiging kasingganda ng unang templo. Ngunit ang ibang tao ay sumigaw nang may kagalakan.
\p
\v 13 Ang sigawan at iyakan ay kagaya ng isang napakalakas na ingay na maging ang mga tao sa napakalayong lugar ay maririnig.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Narinig ng mga kaaway ng mga tao na bumalik mula sa Babilonia ang mga tribu ng Juda at Benjamin at muling itinatayo ang templo para kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
\p
\v 2 Kaya pumunta sila kay Zerubabel ang gobernador at sa iba pang pinunong Judio at sinabi sa kanila, "Gusto namin kayong tulungan na itayo ang templo, dahil kami ay sumasamba sa parehong Diyos na inyong sinasamba. Nag-aalay kami ng handog sa kaniya simula nang dinala kami rito ni Esarhadon, ang hari ng Asiria."
\s5
\p
\v 3 Ngunit tumugon sina Zerubabel, Josue, at ang iba pang pinunong Judio, "Hindi namin kayo pahihintulutan na tulungan kami na magtayo ng isang templo para sa aming Diyos. Kami lamang ang magtatayo nito para kay Yahweh, ayon sa sinabi ni Ciro na hari ng Persia, na gawin namin."
\s5
\p
\v 4 At sinubukan ng mga taong nakatira sa lupaing iyon bago bumalik ang mga Israelita na pahinain ang loob ng mga Judio at takutin, upang ihinto nila ang pagtatayo sa templo.
\p
\v 5 Sinuhulan nila ang mga pinuno ng pamahalaan para pigilan ang mga Judio na ipagpatuloy ang paggawa sa templo. Ginawa nila lahat ng ito sa panahong si Ciro ang hari ng Persia at gayundi nang maging hari si Dario.
\p
\v 6 At sa unang taon nang mging hari ang anak na lalaki ni Dario na si Ahasuero, ang mga kaaway ng mga Judio ay sumulat ng liham sa hari na nagsasabi na ang mga Judio ay nagpaplano na maghimagsik laban sa pamahalaan.
\s5
\p
\v 7 Sa kalaunan, nang ang anak na lalaki ni Ahasuerus na si Artaxerxes ay naging hari ng Persia, si Bislam, Mitredat, Tabeel at ang kanilang mga kasamahan ay sumulat sa kaniya. Sinulat nila ang liham sa wikang Aramaico, at ito ay naisalin sa wika ng mga taga-Persia.
\p
\v 8 Si Rehum, ang pinakamataas na komisyonado, at si Simsai na panlalawigang kalihim ay sumulat ng liham kay Haring Artaxerxes tungkol sa kung ano ang nangyayari sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 9 Isinaad nila na ang liham ay mula kay Rehum, Simsai, at ng kanilang mga kasamahan, ang mga hukom, at iba pang mga opisyal ng pamahalaan na galing sa Erec, Babilonia, at Susa na nasa distrito ng Elam.
\p
\v 10 Isinulat din nila na kinakatawan nila ang ibang mga pangkat ng mga tao na itinapon at ipinadala para tumira sa Samaria at sa ibang mga lungsod sa lalawigan kanluran ng Ilog ng Eufrates ng hukbo ng dakila at maluwalhating si Asurbanipal.
\s5
\p
\v 11 Ito ang isinulat nila sa liham: "Ang liham na ito ay para kay Haring Artaxerxes, at galing sa mga pinuno na naglilingkod sa iyo na nakatira sa lalawigan kanluran ng Ilog ng Eufrates.
\p
\v 12 "Kamahalan, gusto naming malaman ninyo na ang mga Judio na pumunta dito galing sa inyong lupain ay muling itinatayo ang lungsod ng Jerusalem. Ang mga taong ito ay masama at gustong maghimagsik laban sa inyo. Isinasaayos nila ngayon ang mga pundasyon ng mga pader at tinatayo ang pader ng lungsod.
\s5
\p
\v 13 Mahalagang malaman ninyo na kapag itinayo nila muli ang lungsod at matapos itayo ang mga pader, hihinto sila sa pagbabayad ng anumang buwis. Ang magiging resulta nito ay mas kakaunti ang pera sa inyong kabang-yaman.
\s5
\p
\v 14 Ngayon, dahil kami ay tapat sa iyo, at ayaw namin kayong mapahiya, ipinapadala namin ang impormasyong ito sa iyo.
\p
\v 15 At, iminumungkahi namin na utusan ninyo ang inyong mga opisyal na hanapin ang mga talaan na itinago ng inyong mga ninuno. Kapag ginawa ninyo iyon, malalaman ninyo na ang mga tao sa lungsod na ito ay laging naghihimagsik laban sa pamahalaan. Malalaman rin ninyo na mula pa noon na ang mga taong ito ay nagdulot ng gulo sa mga hari at sa mga namumuno ng mga lalawigan. Sila ay laging nag-aalsa laban sa mga namumuno sa kanila. Iyon ang dahilan kung bakit ang lungsod na ito ay winasak ng hukbo ng Babilonia.
\p
\v 16 Gusto naming malaman ninyo na kung itatayo nilang muli ang lungsod na ito at matapos ang pagtatayo sa mga pader nito, hindi na ninyo mapapamahalaan ang mga tao sa lalawigan na ito sa kanluran ng Ilog ng Eufrates."
\s5
\p
\v 17 Pagkatapos mabasa ng hari ang liham na ito, ipinadala niya ang tugon na ito sa kanila: "Sa inyo Rehum, ang mataas na komisyonado, at Simsai na kalihim ng lalawigan, at sa inyong mga kasamahan sa Samaria at sa ibang bahagi ng lalawigan na nasa kanluran ng Ilog ng Eufrates, pinaparating ko ang aking pagbati.
\p
\v 18 Ang liham na ipinadala ninyo sa akin ay naisalin at binasa sa akin.
\p
\v 19 Kaya, inutusan ko ang aking mga opisyal na hanapin ang mga talaan. Natuklasan ko na ito ay totoo na ang mga tao sa lungsod na iyon ay laging nag-aalsa laban sa kanilang mga pinuno, at ang lungsod ay puno ng mga tao na naghimagsik at nagdulot ng gulo.
\s5
\p
\v 20 Sa nakalipas na panahon, mga makapangyarihang hari ang namuno sa Jerusalem, at sila rin ay namuno sa buong lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates. Pinilit nila ang mga tao roon na magbayad sa kanila ng lahat ng uri ng buwis.
\p
\v 21 Kaya dapat ninyong iutos na ang mga tao ay dapat huminto sa pagtatayong muli ng lungsod. Kapag sinabi ko lamang sa kanila na maaari na nilang itayong muli ito, tsaka lamang sila papayagang ipagpatuloy.
\p
\v 22 Gawin ninyo ito kaagad, dahil hindi ko gusto na ang mga taong iyon ay gumawa ng kahit na ano para pinsalain ang mga bagay na aking pinagmamalasakitan."
\s5
\p
\v 23 Dinala ng mga tagapagbalita ang liham kina Rehum at Simsai at sa kanilang mga kasamahan at binasa ito sa kanila. Pagkatapos si Rehum at ang iba ay pumunta agad sa Jerusalem, at pinilit nila ang mga Judio na huminto sa pagtatayong muli ng pader ng lungsod.
\q
\v 24 Ang kinahinatnan, huminto sa muling pagtatayo ng templo ang mga Judio. Hindi sila gumawa ng kahit na anong gawain para itayo muli ang templo hanggang sa pangalawang taon matapos maging hari ng Persia si Dario.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Sa panahong iyon, dalawang propeta ang naghahayag ng mga mensahe mula sa Diyos para sa mga Judio sa Jerusalem at sa iba pang mga lungsod sa Juda. Ang mga propeta ay sina Hagai at Zacarias, na mula sa kaapu-apuhan ni Ido. Sinabi nila ang mga mensaheng mula sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel.
\p
\v 2 Pagkatapos, pinangunahan nila Zerubabel at Josue ang marami pang mga tao para itayong muli ang templo ng Diyos sa Jerusalem. Kasama din nila ang mga propeta ng Diyos na sina Hagai at Zacarias na tumulong sa kanila.
\s5
\q
\v 3 Ngunit si Tatenai na gobernador ng lalawigan sa kanluran ng ilog Eufrates, at Setar Bozenai na kaniyang alalay, kasama ang ilan sa kanilang mga opisyal ay pumunta sa Jerusalem at sinabi sa mga tao, "Sino ang nagpahintulot sa inyo para itayo ang templong ito?"
\q
\v 4 hiniling din nila ang mga Judio na sabihin sa kanila ang mga pangalan ng mga lalaking gumagawa sa templo.
\p
\v 5 Gayunpaman, ang Diyos ang nag-iingat sa mga pinunong Judio at sila ay hindi sila napigilan ng kanilang mga kaaway. Hinihintay nila si Haring Dario na gumawa ng isang utos na maaaring magbigay sa kanila ng pahintulot at ng kaniyang proteksyon upang sa gayon matapos nila ang kanilang trabaho sa templo, o kaya naman ay tuluyan nang itigil ang paggawa nito.
\s5
\p
\v 6 Kaya nagpadala ng ulat kay Haring Dario si Tatenai, Setar Bozenai, at ang kanilang mga opisyal.
\p
\v 7 Ito ang kanilang isinulat: "Haring Dario, umaasa kaming nasa mabuti kayong kalagayan.
\s5
\p
\v 8 Gusto namin na malaman ninyo na pumunta kami sa Juda, kung saan ang templo ng dakilang Diyos ay itinatayong muli. Itinatayo ito ng mga lalaki gamit ang malalaking bato, at inilalagay nila ang mga posteng kahoy sa mga pader. Ang trabaho ay ginagawa nang buong husay, at sila ay matagumpay na umuusad.
\p
\v 9 Tinanong namin ang mga pinunong Judio, 'Sino ang nagpahintulot sa inyo para muling itayo ang templong ito?'
\p
\v 10 Hiniling din namin sa kanila na sabihin nila sa amin ang mga pangalan ng kanilang mga pinuno, nang sa ganoon ay maaari naming masabi sa iyo kung sino nga sila.
\s5
\p
\v 11 Ngunit sa halip na sabihin sa amin ang pangalan ng kanilang mga pinuno, ang sinabi nila ay, 'Pinaglilingkuran namin ang Diyos na siyang lumikha ng langit at ng lupa. Maraming taon na ang lumipas, isang dakilang hari ng Israel ang nagsabi sa aming mga ninuno para magtayo ng isang templo dito, at ngayon itinatayo naming muli ito.
\s5
\p
\v 12 Ngunit pinahintulutan ng Diyos, na namumuno sa langit, ang hukbo ni haring Nebucadnezar ng Babilonia, na sirain ang templong iyon dahil ang aming mga ninuno ay gumawa ng mga bagay na lubos na ikinagalit ng Diyos. Binihag ng hukbo ni Nebucadnezar ang maraming Israelita tungo sa Babilonia.
\p
\v 13 Gayunpaman, nang magsimulang mamuno si Ciro, ang hari ng Babilonia, inutos niya na dapat maitayong muli ang templo ng Diyos.
\s5
\p
\v 14 Ibinalik ni Ciro sa aming mga pinuno ang lahat ng ginto at pilak na mga kagamitan na kinuha nila mula sa templo at inilagay sa templo sa Babilonia. Ang mga bagay na iyon ay ibinigay sa isang lalake na nagngangalang Sesbazar, na siyang itinalaga ni Haring Ciro na maging gobernadoer sa Juda.
\p
\v 15 Itinagubilin ng hari sa kaniya na dalhin niya ang mga kagamitan pabalik sa Jerusalem, sa lugar kung saan ito ay kinuha. Inutos din niya na dapat nilang itayong muli ang templo sa lugar kung saan ito dating nakatayo. Kaya itinalaga ni Ciro si Sesbazar na maging gobernador sa Juda. Ipinadala din niya ang lahat ng bagay na gawa sa ginto at pilak upang ilagay ni Sesbazar sa loob ng bagong templo.
\s5
\p
\v 16 Kaya ginawa nga iyon ni Sesbazar. Dumating siya dito sa Jerusalem at pinangasiwaan ang mga lalaking naglagay ng pundasyon ng templo. At simula noong panahong iyon, ang mga tao ay ginagawa ang templo, ngunit hindi pa ito natatapos.'
\s5
\p
\v 17 Kaya, Kamahalan, pakiusap mag-utos kayo ng isang tao saliksikin sa lugar kung saan ang mahalagang mga talaan ay nakatago sa Babilonia, upang alamin kung totoong iniutos ni Haring Ciro na dapat maitayong muli ang templo sa Jerusalem. Pagkatapos, sabihin niyo sa amin kung ano ang gusto ninyong gawin namin tungkol sa bagay na ito."
\s5
\c 6
\p
\v 1 Inutusan ni Haring Dario ang isa sa kaniyang mga tauhan para maghanap sa lugar kung saan naitago ang mga mahahalagang talaan, ngunit ang mga dokumento ay wala doon sa Babilonia.
\p
\v 2 Nakita nila ang isang kasulatan sa tanggulang lungsod ng Ecbatana sa Media na nakapaloob ang impormasyong nais nilang malaman. Ito ang nakasulat sa kasulatan:
\s5
\p
\v 3 Sa unang taon ng pamumuno ni Ciro sa emperyo, nagpalabas siya ng isang kautusan tungkol sa templo ng Diyos na nasa Jerusalem. Sinabi niya na ang isang bagong templo ay dapat itayo sa dating lugar na kung saan ang mga Israelita ay nag-alay ng mga handog, na kung saan naroon ang orihinal na pundasyon ng unang templo. Ang templo ay dapat maging dalawampu't pitong metro ang taas at dalawampu't pitong metro ang lapad.
\p
\v 4 Ang gusali ay dapat gawa mula sa malalaking mga bato. Pagkatapos ang paglalagay ng tatlong patong ng bato, ang isang patong ng troso ay dapat ilagay sa ibabaw ng mga ito. Ang gawaing ito ay babayaran sa pamamagitan ng pera na mula sa kabang-yaman ng kaharian.
\p
\v 5 Gayundin ang ginto at pilak na kinuha ni Haring Nebucadnezar mula sa templo ng Diyos sa Jerusalem na dinala sa Babilonia ay dapat ibalik sa Jerusalem. Ang mga ito ay dapat ilagay muli sa templo ng Diyos."
\s5
\p
\v 6 Pagkatapos itong basahin, ipinadala ni Haring Dario ang mensahe sa mga pinuno ng kaaway ng mga Judio na nasa Jerusalem: "Ito ang mensahe para kay Tatenai na gobernador ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates, at para sa kaniyang pangalawang pinuno na si Setar Bozenai, at para sa lahat ng iyong mga kasamahan: Huwag kayong lalapit sa lugar na iyon.
\p
\v 7 Huwag kayong makialam sa pagpapatayo sa templo ng Diyos. Ang templo ay dapat itayong muli sa parehong lugar na kinaroroonan ng dating templo. At huwag ninyong hadlangan ang gobernador ng mga Judio o ang kanilang mga nakatatanda habang ginagawa nila ang gawaing ito.
\s5
\p
\v 8 Higit pa rito, inuutos ko sa inyo na tulungan ninyo ang mga pinuno ng mga Judio habang itinatayo nilang muli ang templo ng Diyos. Dapat ninyo silang bigyan ng mga pondo para sa gawain ng pagpatatayo mula sa aking kabang-yaman na nasa inyo.
\p
\v 9 Ang mga paring Judio sa Jerusalem ay nangangailangan ng mga batang toro, at lalaking tupa at batang tupa upang ihandog habang nagsusunog sila ng mga alay para sa Diyos ng langit. Dapat ninyong ibigay sa kanila ang mga hayop na kailangan nila. Gayundin, dapat tiyakin ninyong mabigyan sila ng trigo, asin, alak, at langis ng olibo na kailangan nila sa bawat araw para sa mga handog na iyon.
\p
\v 10 Kung gagawin ninyo iyon, sila ay makapag-aalay ng mga handog na nakalulugod sa Diyos na nasa langit, at ipapanalangin na pagpalain ako ng Diyos at ang aking mga anak.
\s5
\p
\v 11 Kung may isang susuway sa utos na ito, hihila ang aking mga kawal ng isang barakilan mula sa kaniyang bahay. Pagkatapos ay bubuhatin nila ang taong iyon pataas at itutusok nila siya sa barakilang iyon. At lubos nilang wawasakin ang tahanan ng lalaking iyon hanggang sa maging isang tambak ng durog na bato lamang ang matira.
\p
\v 12 Pinili ng Diyos ang lungsod na iyon ng Jerusalem bilang lugar kung saan ang mga tao ay pararangalan siya. Ang ninanais ko ay kaniyang paaalisin ang sinumang hari o anumang bansa na magtatangkang baguhin ang kautusang ito o matatangkang sirain ang templong iyon sa Jerusalem. Ako, si Dario, ang gumawa ng kautusang ito. Dapat ninyo itong sundin nang lubusan."
\s5
\p
\v 13 Si Tatenai na gobernador ng lalawigan, at ang kaniyang pangalawang si Setar Bozenai at ang kanilang mga kasama ay binasa ang mensahe at agad sinunod ang kautusan ni Haring Dario.
\p
\v 14 Kaya ang mga pinunong Judio ay nagpatuloy sa kanilang gawaing pagtatayong muli sa templo. Sila ay lubhang napalakas-loob sa mga mensaheng ipinangaral nina propeta Haggai at Zecarias. Ang mga Israelita ay nagpatuloy sa pagpatatayo sa templo, katulad ng iniutos ng Diyos sa kanila at tulad ng kautusan ni Haring Ciro at Haring Dario.
\p
\v 15 Natapos nila ang pagpatatayo nito sa ikatlong araw ng buwan ng Adar, sa ikaanim na taon ng pamumuno ni Haring Dario.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos, ang mga pari at mga Levita at lahat ng ibang mga Israelita na nagbalik mula sa Babilonia ay nagagalak na initinalaga ang templo.
\p
\v 17 Sa seremonyang paghahandog sa templo, sila ay nag-alay ng isandaang toro, isandaang tupang lalaki, at apatnaraang batang tupa. Sila ay nag-alay din ng labindalawang kambing na lalaki bilang handog upang patawarin ng Diyos ang mga kasalanan ng mga tao ng labindalawang tribu ng Israel.
\p
\v 18 Pagkatapos, hinati ng mga pinunong Judio ang mga pari at Levita sa mga pangkat na maaaring magsalitan na maglingkod sa templo. Ginawa nila ito ayon sa isinulat ni Moises maraming taon na ang nakalipas sa mga batas na kaniyang isinulat.
\s5
\p
\v 19 Sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan, ang mga Judio na nagbalik mula sa Babilonia ay nagdiwang ng Pista ng Paskua.
\p
\v 20 Para maging karapat-dapat sila sa kanilang pag-aalay ng mga handog, nilinis ng mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang mga ritwal. Pagkatapos, kanilang pinatay ang mga batang tupa para sa kapakinabangan ng lahat ng taong nagbalik mula sa Babilonia, para sa ibang pari at para sa kanilang mga sarili.
\s5
\p
\v 21 Ang mga nagbalik mula sa Babilonia na kumain ng mga pagkain sa Paskua ay ihiniwalay ang kanilang sarili sa mga maruruming tao sa paligid nila na may ibang kultura, wika, at pagsamba, at sila ngayon ay sumamba kay Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita.
\p
\v 22 Ipinagdiwang nila ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa ng pitong araw. Ang mga Israelita sa buong lupain ay nagagalak dahil nabago ni Yahweh ang saloobin ng hari ng Asiria tungo sa kanila, at bilang resulta, ang hari ay tumulong sa kanila upang itayong muli ang templo ng Diyos, ang Diyos ng Israel.
\s5
\c 7
\p
\v 1 Matapos ang maraming taon, habang si Artaxerxes ay naghahari sa Persia, nagtungo si Ezra sa Jerusalem mula sa Babilonia. Siya ang anak na lalaki ni Seraias at ang apo na lalaki ni Azarias, at ang apo sa tuhod ni Hilcias.
\p
\v 2 Si Hilcias ang anak na lalaki ni Sallum na siyang anak na lalaki ni Sadoc na anak na lalaki ni Ahitob,
\p
\v 3 na anak na lalaki ni Amarias, na anak na lalaki ni Azarias, na siyang anak na lalaki ni Meraiot,
\p
\v 4 na anak na lalaki ni Zeraias, na anak na lalaki ni Uzzi, na anak na lalaki ni Bucci,
\p
\v 5 na anak na lalaki ni Abisue, na anak na lalaki ni Finehas, na anak na lalaki ni Eleazar, na siyang anak na lalaki ni Aron na unang pinakapunong pari.
\s5
\p
\v 6 Si Ezra ay isang lalaki na alam ang mga batas na isinulat ni Moises nang napakahusay. Iyon ang mga batas na ibinigay ni Yahweh na Diyos ng Israel sa mga Israelita. Siya ay umalis ng Babilonia matapos sabihin ng hari sa mga tao na ibigay nila ang anumang kaniyang hilingin. Sa katunayan, tinulungan ni Yahweh si Ezra nang labis sa lahat ng bagay na ito.
\p
\v 7 Ang ilan sa mga pari, mga kaaapu-apuhan ni Levi, mga mang-aawit, mga bantay sa tarangkahan, at mga lalaki na nagtrabaho sa templo, at ilan sa ibang mga Israelita ay umakyat kasama si Ezra sa Jerusalem. Ito ay sa panahon ng ikapitong taon na si Artaxerxes ay hari ng Persia.
\s5
\p
\v 8 Si Ezra at ang grupong kasama niya ay dumating sa Jerusalem sa ikalimang buwan ng ikapitong taonng paghahari ni Artaxerxes.
\p
\v 9 Sila ay umalis sa Babilonia sa unang araw ng unang buwan, na unang araw sa taon ng mga Judio. Dahil ang ginabayan sila ng Diyos, sila ay dumating ng ligtas sa Jerusalem sa unang araw ng ikalimang buwan ng taong iyon.
\p
\v 10 Sa buong buhay ni Ezra, inilaan niya ang kaniyang sarili sa pag-aaral sa kautusan ni Yahweh at kung paano sundin ang mga kautusang iyon. Itinuri din niya ang mga batas na iyon at lahat ng utos sa mga Israelita ng maraming taon.
\s5
\p
\v 11 Bago umalis si Ezra sa Babilonia patungong Jerusalem, si Haring Artaxerxes ay sumulat ng isang liham at nagbigay ng isang kopya sa kaniya. Ito ang isinulat ng hari:
\p
\v 12 "Ang sulat na ito ay mula sa akin, Artaxerxes, ang pinakadakila sa mga hari. Ibinibigay ko ito kay Ezra na pari, na nag-aral ng napakahusay sa lahat ng patakaran at mga tuntunin na ibinigay ng Diyos na nasa langit sa mga Israelita.
\p
\v 13 Ezra, aking iniutos na kapag ikaw ay babalik sa Jerusalem, kahit sinong Israelita sa aking kaharian na nais sumama sa iyo ay pinapayagan. Kabilang dito ang sinumang pari at kaapu-apuhan ni Levi na nagtatrabaho sa templo na nais sumama.
\s5
\p
\v 14 Ako, kasama ang aking pitong tagapayo, ay ipinapadala ko kayo sa Jerusalem, upang inyong malaman kung ano ang mga nangyayari doon at sa ibang bayan sa Juda. Dadalhin mo ang isang kopya ng mga kautusan ng Diyos; tiyakin mo na ginagawa ng mga tao ang lahat ng bagay na nakasulat sa mga kautusang iyon.
\p
\v 15 Sinasabi rin namin sa iyo na iyong dalhin ang mga pilak at ginto na ninanais ko at ng aking mga tagapayo na ibigay sa iyo, upang iyong ialay ito bilang handog sa Diyos ng Israel na naninirahan sa Jerusalem.
\p
\v 16 Dapat mo ring kunin ang kahit anong pilak at ginto na ibinibigay sa iyo ng mga tao sa buong lalawigan ng Babilonia, at ang perang maligayang sinabi ng mga mga pari at ng ibang Israelita na ibibigay nila sa iyo upang maging mga handog para sa pagtatayo sa templo ng kanilang Diyos sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 17 Gamit ang perang ito, dapat kang bumili ng mga toro, mga lalaking tupa, mga batang tupa, at ang butil at alak na susunugin ng mga pari sa altar sa labas ng templo ng inyong Diyos sa Jerusalem.
\p
\v 18 Kung mayroong anumang pilak o ginto na matitira pagkatapos mong mabili ang lahat ng mga bagay na iyon, ikaw at iyong mga kasamahan ay pinahihintulutang gamitin ito sa pagbili ng kahit anong nais ninyo, ngunit bilhin lamang ninyo ang mga bagay na inyong alam na nais ng Diyos na bilhin ninyo.
\s5
\p
\v 19 Kami ay nagbigay sa iyo ng ilang mahahalagang kasangkapan na magagamit sa templo ng inyong Diyos. Dalhin mo rin ang mga ito para sa Jerusalem.
\p
\v 20 Kung ikaw ay nangangailangan pa ng ibang mga bagay para sa templo, ikaw ay pinahihintulutang kumuha ng pera para sa mga bagay na iyon mula sa kabang-yaman ng hari dito.
\s5
\v 21 At ako si Haring Artaxerxes na nag-uutos nito sa lahat ng mga tagapag-ingat-yaman sa kanlurang lalawigan ng Ilog ng Eufrates: Ibigay mo kay Ezra, ang paring pinag-aralan ng napakahusay ang mga kautusan ng Diyos na nasa langit, ang lahat ng bagay na kaniyang hilingin ay agad ninyo itong ibigay sa kaniya.
\p
\v 22 Bigyan ninyo siya ng hanggang 3.5 metrikong tonelada ng pilak, limang daang dildil ng trigo, 2.2 litrong alak, katulad ng langis ng olibo, at lahat ng asin na kanilang kailangan.
\p
\v 23 Siguraduhin ninyong maibibigay ninyo ang anumang hihilingi ng Diyos para sa kaniyang templo, dahil ayaw natin na magalit siya sa akin o sa aking mga kaapu-apuhan na magiging mga hari.
\s5
\p
\v 24 Inuutos din namin na wala sa mga pari, mga kaapu-apuhan ni Levi na nagtatrabaho sa templo, mga mang-aawit, mga bantay ng templo, o ibang mga lalaki na nagtatrabaho sa templo, ang kinakailangang magbayad ng anumang buwis.
\s5
\p
\v 25 Ezra binigyan ka ng inyong Diyos ng kakayahan na maging napakatalino. Sa pamamagitan ng karunungang iyon, humirang ka ng mga lalaki sa kanlurang lalawigan ng Ilog Eufrates na huhusga sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga tao, at mga lalaki na huhusga sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga pamahalaan. Magtalaga ka dapat ng mga lalaki na alam ang mga kautusan ng inyong Diyos. Lahat kayo ay dapat magturo ng mga kautusan ng Diyos sa iba na hindi pa nakakaalam nito.
\p
\v 26 Ang lahat ng hindi sumusunod sa batas ng Diyos o sa mga batas ng pamahalaan ay dapat labis na maparusahan. Ang iba sa kanila ay bibitayin, ang iba ay mailalagay sa kulungan, ang iba ay ipadadala sa ibang bansa o ang lahat ng kanilang pag-aari ay kukunin sa kanila."
\s5
\p
\v 27 Sinabi ni Ezra, "Purihin si Yahweh, ang Diyos na siyang sinasamba ng ating mga ninuno! Siya ang nagdulot sa hari na naisin na parangalan ang kaniyang templo sa Jerusalem.
\p
\v 28 Dahil ang Diyos ay gumawa ng mabuti at matapat sa akin na hari at lahat ng kaniyang tagapayo at lahat ng kaniyang makapangyarihang mga opisyal ay gumawa rin ng mabuti sa akin. Dahil tinulungan ako ng Diyos, ako ay nahikayat at ako ay nakapanghimok ng ibang mga Israelitang pinuno na pumunta paakyat ng Jerusalem kasama ko."
\s5
\c 8
\p
\v 1 Ito ang listahan ng mga pangalan ng mga pinuno ng mga angkan na sumama sa akin sa Jerusalem mula sa Babilonia nang si Artaxerxes ang hari ng Persia:
\p
\v 2 Si Gersom, na nagmula sa angkan ni Finehas na apo ni Aaron. Si Daniel, na nagmula sa angkan ni Itamar na anak ni Aaron. Si Hatus, na kaapu-apuhan ni Secanias na nagmula sa angkan ni Haring David.
\p
\v 3 Si Zacarias at ang 150 na iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Paros.
\s5
\p
\v 4 Si Eliehoenai na lalaking anak ni Zeraias at dalawandaang ibang lalaki na nagmula sa angkan ni Pahat Moab.
\p
\v 5 Si Ben Jahaziel at tatlong daang ibang mga lalaki na nagmula sa angkan ni Secanias.
\p
\v 6 Si Ebed na anak ni Jonatan at limampung ibang lalaki na nagmula sa angkan ni Adin.
\p
\v 7 Si Isaya na lalaking anak ni Atalias at pitumpung iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Elam.
\s5
\p
\v 8 Si Zebadias na anak ni Micael at ang walumpung iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Sefatias.
\p
\v 9 Si Obadias na anak ni Jehiel at ang 218 na iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Joab.
\p
\v 10 Si Bani Josifias at isandaan at animnapung iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Selomit.
\p
\v 11 Si Zacarias na anak ni Bebai at dalawampu't walong iba pang lalaki na nagmula sa angkan ng isa pang lalaki na nagngangalang Bebai.
\s5
\p
\v 12 Si Johanan na lalaking anak ni Hacatan at isandaan at sampung iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Azgad.
\p
\v 13 Sina Elifelet, Jeuel, at Semarias rin na bumalik dito kinalaunan kasama ang animnapung iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Adonikam.
\p
\v 14 Sina Utai at Zacur at pitumpung iba pang lalaki na nagmula sa angkan ni Bigvai.
\s5
\p
\v 15 Sinabi ni Ezra, "Tinipon ko ng sama-sama ang lahat ng mga Judio sa lagusang mula sa Babilonia patungo sa Ahava. Itinayo namin ang aming mga tolda roon at nanatili ng tatlong araw. Sa mga oras na iyon, binasa ko ang mga listahan ng mga pangalan at nalaman kong mayroong mga pari na sumasama sa amin, ngunit walang sa mga kaapu-apuhan ni Levi ang tumulong sa kanila sa templo.
\p
\v 16 Kaya ipinatawag ko sina Eliezer, Ariel, Semarias, Elnatan, Jarib, Natan, Zacarias, at Mesulam, lahat ay mga pinuno ng mga tao. Ipinatawag ko rin sina Joiarib at Elnatan na mga guro.
\s5
\p
\v 17 Pinadala ko silang lahat kay Ido, ang pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Levi, na naninirahan sa Casifia, upang hilingin na siya at ang kaniyang mga kamag-anak at ibang mga lalaki na gumawa sa templo ng Jerusalem ay magpadala sa amin ng ilang lalaking maaaring sumama sa amin para gumawa sa bagong templo ng Diyos.
\s5
\p
\v 18 Dahil ang Diyos ay gumawa ng mabuti sa amin, dinala nila sa amin ang isang lalaking nagngangalang Serebias at labing walo sa kaniyang mga anak at iba pang kamag-anak. Si Serebias ay isang napakarunong na lalaki, ang kaapu-apuhan ni Mali, na apo ni Levi.
\p
\v 19 Ipinadala rin nila sa amin si Hasabias, kasama si Jesaias, mga kaapu-apuhan ng anak ni Levi na si Merari at dalawampu sa mga kamag-anak nila.
\p
\v 20 Ipinadala rin nila ang 220 na iba pang mga lalaki upang gumawa sa templo. Ang mga kanunu-nunuan ng mga lalaking iyon ay itinalaga ni Haring David upang tulungan ang mga kaapu-apuhan ni Levi. Inilista ko ang mga pangalan ng lahat ng mga lalaking iyon.
\s5
\p
\v 21 Doon sa tabi ng lagusan sa Ahava, naghayag ako ng panahon para sa aming lahat na mag-ayuno at manalangin. Sinabi ko sa kanila na dapat kaming ipakumbaba ang aming mga sarili sa harapan ng aming Diyos. Nanalangin kami na ipagtanggol kami ng Diyos habang kami ay naglalakbay, at ipagtanggol din ang aming mga anak at ang aming mga ari-arian.
\q
\v 22 Noong nakaraan, nasabi na namin sa hari na iniingatan ng aming Diyos ang lahat ng mga tunay na nagtitiwala sa kaniya, ngunit siya ay labis na nagalit sa mga tumatangging sumunod sa kaniya. Kaya kahiya-hiya ang humiling sa hari na magpadala ng mga kawal at mga lalaking nakasakay sa mga kabayo upang ipagtanggol kami mula sa aming mga kaaway habang kami ay naglalakbay sa daan.
\p
\v 23 Kaya nag-ayuno kami at hiniling sa Diyos na ipagtanggol kami, at nanalangin kami sa kaniya.
\s5
\p
\v 24 Pumili ako ng labindalawang pinuno ng mga pari, sina Serebias at Hasabias at sampung iba pa.
\p
\v 25 Itinalaga ko sila para pangasiwaan ang pagdadala sa Jerusalem ng mga kaloob na pilak at ginto at iba pang mga mahahalagang kasangkapan na binigay ng hari at ng kaniyang mga tagapayo at iba pang mga opisyal, at mga Israelita na naninirahan sa Babilonia, na inambag para sa templo ng ating Diyos.
\s5
\p
\v 26 Nang ibinigay ko ang iba't-ibang kasangkapang ito sa mga pari, tinimbang ko ang bawat isa. Ito ang kabuuan: halos dalawampu't dalawang metrikong tonelada ng pilak, isandaang kasangkapang gawa sa pilak na ang kabuuang timbang ay halos 3.4 metrikong tonelada, halos 3.4 metrikong tonelada ng ginto,
\p
\v 27 dalawampung gintong mangkok na ang kabuuang timbang ay halos 8.5 kilo, at dalawang kasangkapang gawa sa makinang na tanso na kasinghalaga ng gawa sa ginto.
\s5
\v 28 Sinabi ko sa mga paring iyon, 'Kayo ay natatanging itinalaga para kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng ating kanunu-nunuan, at ang mga mahahalagang bagay na ito ay natatangi sa kaniya sa parehong paraan. Kusang-loob na ibinigay ng mga tao ang mga bagay na ito para maging handog kay Yahweh.
\p
\v 29 Kaya bantayan ninyo ang mga iyon ng mabuti, at pagdating natin sa Jerusalem, timbangin niyo iyon sa harapan ng mga pari, sa mga kaapu-apuhan ni Levi na tutulong sa mga pari, at sa iba pang mga pinuno ng Israelita roon. Ilalagay nila iyon sa mga bodega ng bagong templo.'
\p
\v 30 Kaya kinuha ng mga pari at ng mga kaapu-apuhan ni Levi mula sa akin ang lahat ng kaloob na pilak at ginto at iba pang mahahalagang bagay upang madala iyon sa templo sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 31 Sa ikalabindalawang araw ng unang buwan, umalis kami sa lagusan ng Ahava at sinimulan ang paglalakbay patungo sa Jerusalem. Iningatan kami ng aming Diyos, at habang kami ay naglalakbay, hinadlangan niya ang aming mga kaaway at mga tulisan mula sa pagsalakay sa amin.
\v 32 Pagdating namin sa Jerusalem, nagpahinga kami sa loob ng tatlong araw.
\s5
\p
\v 33 At sa ikaapat na araw, nagtungo kami sa templo. Doon namin tinimbang ang pilak at ginto at ang iba pang mga bagay at ibinigay sa paring si Meremot na anak ni Urias. Si Eleazar na anak ni Finehas at dalawang kaapu-apuhan ni Levi, si Jozabad na anak ni Josue at si Noadias na anak ni Binui, ay kasama niya.
\p
\v 34 Binilang nila ang lahat, at isinulat kung ilan ang timbang nila, at sinulat ang pagkakalarawan ng bawat isa.
\s5
\p
\v 35 Kami na bumalik mula sa Babilonia ay nag-alay sa Diyos ng mga handog sa altar. Nag-alay kami ng labindalawang toro para sa aming lahat na mga taga-Israelita. Naghandog din kami ng siyamnapu't anim na tupang lalaki at pitumpu't pitong tupa. Nag-alay din kami ng labindalawang kambing para pambayad sa mga kasalanan na nagawa ng lahat ng mga tao. Lahat ng mga ito ay ganap na sinunog sa altar.
\p
\v 36 Ang ilan sa aming bumalik mula sa Babilonia ay dinala ang sulat na ibinigay ng hari para sa mga gobernador at ibang mga opisyal ng lalawigan sa kanluran ng Ilog Eufrates. Pagkatapos nilang basahin ang sulat, ginawa nila ang lahat ng makakaya nila para sa aming mga taga-Israelita at para sa templo ng Diyos."
\s5
\c 9
\p
\v 1 "Kinalaunan, pumunta sa akin ang mga pinuno ng Judio at sinabi, 'Maraming Israelita, maging ilang mga pari at ilang mga lalaki na kaapu-apuhan ni Levi na naglilingkod sa templo, ang hindi nagpigil ng kanilang mga sarili na gawin ang mga ginagawa ng ibang taong naninirahan sa lupaing ito. Ginagawa nila ang parehong kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa rin ng mga Cananeo, Heteo, Perezeo, Jebuseo, Amonita, at mga pangkat ng Amoreo, maging ang mga tao mula sa Moab at Ehipto.
\v 2 Lalo na ang ilang lalaking Israelita na nag-asawa ng mga babaeng hindi naman Israelita, at hinayaan ang kanilang mga anak na lalaki na gawin din iyon. Kaya tayong sagradong tao ng Diyos ay naging marumi. At ilan sa ating mga pinuno at opisyal ang mga kauna-unahang nagtaksil sa Diyos sa paraang ito!'
\s5
\p
\v 3 Nang marinig ko iyon, ako ay napuno ng kalungkutan, kaya pinunit ko ang aking mga damit at ginupit ang aking buhok mula sa aking ulo at mula sa aking balbas. Pagkatapos, umupo ako nang hiyang-hiya sa aking mga kababayan yamang alam naman ng mga Israelita na binalaan kami ng Diyos na parurusahan kami kung susuwayin namin ang kaniyang sinabi tungkol sa pag-aasawa ng mga babaeng hindi Israelita.
\p
\v 4 Kaya marami sa kanila ang nanginig nang marinig nila ang ilan sa mga bumalik mula sa Babilonia ay nagkasala nang tulad nito. Sila ay lumapit at umupo sa aking tabi hanggang sa oras na upang ihandog ang pang-gabing handog na butil.
\s5
\p
\v 5 Nang oras na ng paghahandog ng mga alay, ako ay nakaupo pa rin doon, suot ko ang mga gulagulanit na damit na iyon at nagdadalamhati. Tumayo ako at dali-daling nagpatirapa sa lupa. Itinaas ko ang aking mga kamay kay Yahweh, na aking Diyos,
\q
\v 6 at ito ang aking ipinagdasal: 'Yahweh aking Diyos, ako ay hiyang-hiya at walang mukhang maihaharap sa iyo. Ang mga kasalanan na nagawa naming mga Israelita ay napakalaki na tila lumagpas na sa aming mga ulunan. At ang aming kasalanan ay tila umabot na sa kalangitan.
\s5
\p
\v 7 Simula sa panahon ng aming mga ninuno hanggang sa ngayon, hindi namin maitatanggi na kami ay nagkasala. Iyon ang naging dahilan kaya kami at ang aming mga hari, at mga pari ay natalo ng mga hukbo ng mga hari ng mga ibang lupain. Pinatay nila ang ilan sa aming mga kababayan, binihag nila ang ilan, ninakaw nila ang ilan, at sila ang nagdulot ng kahihiyan sa kanilang lahat, na tulad namin ngayon.
\s5
\p
\v 8 Subalit ngayon, Yahweh na Diyos, ipinaranas mo sa amin ang iyong lubos na kabaitan. Pinayagan mong makaligtas ang ilan sa amin. Muli mong binuhay ang aming mga diwa at pinayagan kaming makalaya mula sa pagiging alipin sa Babilonia at upang muling makabalik nang ligtas para mamuhay sa banal na lugar.
\p
\v 9 Kami ay mga alipin, pero hindi mo kami iniwan. Sa halip, dahil ikaw ay laging tapat sa kasunduan mo sa amin, dinulot mo sa mga hari ng Persia na pakitunguhan kami nang may kabaitan. Pinahintulutan mo kami na patuloy na mabuhay at itayo muli ang iyong templo mula sa lubusang pagkawasak. Hinayaan mo kaming magsimula muling mamuhay nang ligtas dito sa Jerusalem at sa ibang bayan sa Juda.
\s5
\p
\v 10 Aming Diyos, ano pa ba ang masasabi namin ngayon? Sa kabila ng lahat ng mga ginawa mo para sa amin, sinuway namin ang iyong mga utos --
\p
\v 11 mga utos na ibinigay mo sa pamamagitan ng iyong mga lingkod na propeta. Sinabi nila sa amin na ang lugar na aming pananahanan ay isang lugar na marumi dahil sa mga bagay na kasuklam-suklam na ginagawa ng mga naninirahan doon. Sinabi nila na ang magkabilang dulo ng lupain ay napuno ng mga taong gumagawa ng imoralidad.
\p
\v 12 Sinabi nila sa amin na huwag naming hayaan ang aming mga anak na babae na maging asawa ang kanilang mga anak! Huwag naming hayaan ang aming mga anak na lalaki na maging asawa ng kanilang mga anak! Huwag rin naming subukang gawing maayos ang kanilang pamumuhay! Sinabi nila na kapag sinunod namin ang mga tuntuning ito, magiging matatag ang aming bansa, at tatamasahin namin ang magandang mga ani mula sa lupain, at ang lupain ay maging pag-aari ng aming mga kaapu-apuhan magpakailanman.
\s5
\p
\v 13 Ngunit pinarusahan mo kami dahil kami ay lubos na nagkasala sa paggawa namin ng masasamang bagay. Gayunpaman, hindi mo kami pinarusahan na kasing bigat ng nararapat na parusa sa amin. Sinasabi ko ito dahil ikaw na aming Diyos ay pinayagan mong makaligtas ang ilan sa amin.
\p
\v 14 Subalit, ilan sa amin ngayon ang muling sumusuway sa iyong mga utos, at ginagawang asawa ang mga babae na gumagawa ng mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyon. Kung ipagpapatuloy namin ang mga kasuklam-suklam na mga bagay na iyon, tiyak na lilipulin mo kaming lahat hanggang sa walang sinuman sa amin ang matirang buhay.
\s5
\p
\v 15 Yahweh, Diyos ng Israel, palagi mong ginagawa ang matuwid na mga bagay! Kami ay nagkasala. Ilan lamang kami sa mga taong nakaligtas mula sa Babilonia, ngunit kami ay nananalangin sa iyo, kahit na hindi kami karapat-dapat na manatili sa iyong presensiya.""'
\s5
\c 10
\p
\v 1 Habang si Ezra ay nakaluhod sa harapan ng templo at nanalangin at umiiyak, ipinagtatapat niya ang mga kasalanang ginawa ng mga Israelita. Maraming tao, mga lalaki at mga babae at mga bata, ang nagkatipon sa kaniyang paligid at umiiyak din nang labis.
\p
\v 2 Pagkatapos, sinabi ito ni Secanias na anak ni Jehiel sa angkan ni Elam: "Sinuway namin ang Diyos. Ilan sa amin ay nag-asawa ng mga babae na hindi mga Israelita. Ngunit mayroon pa rin tayong pag-asa na si Yahweh ay magiging maawain sa atin na mga Israelita.
\s5
\p
\v 3 Gagawin namin kung ano ang iyong sinabing gawin namin, at maging ang mga iba na mayroong kahanga-hangang paggalang sa iniuutos ng aming Diyos. Gagawin namin kung ano ang sinasabi ng Diyos sa kaniyang mga kautusan. Gagawa kami ng isang kasunduan sa ating Diyos, sasabihin namin na tayo ay makikipag-hiwalay sa ating mga asawang hindi Israelita, at palalayasin namin sila kasama ang kanilang mga anak.
\p
\v 4 Responsibilidad mong sabihin sa amin kung ano ang dapat naming gawin. Kaya tumayo ka, at magpakatapang ka, at gawin mo kung ano ang kinakailangan. Tutulungan ka namin."
\s5
\p
\v 5 Kaya tumayo si Ezra at hiniling sa mga pinuno ng mga pari, sa mga kaapu-apuhan ni Levi, at sa lahat ng ibang Israelita ay mataimtim na ipinahayag na gagawin nila kung ano ang sinabi ni Secanias na dapat nilang gawin. Kaya silang lahat ay mataimtim na nangako na gagawin nila iyon.
\p
\v 6 Pagkatapos, si Ezra ay lumayo mula sa harapan ng templo at nagpunta sa silid kung saan nakatira si Jehohanan. Sa gabing iyon, nanatili siya roon, subalit hindi siya kumain at uminom ng anumang bagay. Nanatili siyang malungkot dahil ang ilang mga Israelita na bumalik mula sa Babilonia ay hindi naging matapat na sumunod sa mga kautusan ng Diyos.
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos, ang mga pinuno ay nagpadala ng isang mensahe sa lahat ng tao sa Jerusalem at sa ibang bayan ng Juda, sinasabi sa lahat na ang mga bumalik mula sa Babilonia ay dapat pumunta sa Jerusalem kaagad.
\p
\v 8 Ang mga pinuno ay nagsabi rin na kung sinuman ang hindi makarating sa loob ng tatlong araw, kanilang ipag-uutos na kunin mula sa kanila ang lahat ng ari-arian, at hindi na sila dapat ituring na kabilang sa mga Israelita; sila ay maituturing na mga dayuhan.
\s5
\p
\v 9 Kaya sa loob ng tatlong araw, lahat ng mga tao sa tribu ng Juda at Benjamin ay nagkatipon sa Jerusalem. Sila doon ay nakaupo sa patyo sa harapan ng templo. Nanginginig sila dahil umuulan ng malakas at dahil nag-aalala sila na sila ay parurusahan dahil sa kanilang ginawa.
\p
\v 10 Pagkatapos, tumayo si Ezra at sinabi sa kanila, "Ilan sa inyong mga lalaki ay nakagawa ng pagtataksil laban sa Diyos. Nag-asawa kayo ng mga babae na hindi mga Israelita. Dahil sa dito, ginawa ninyo kaming mga Israelita na maging higit na makasalanan kaysa sa dati.
\s5
\p
\v 11 Kaya ngayon dapat kayong sumamba kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng inyong mga ninuno, at dapat ninyong gawin ang nais niya. Ihiwalay ninyo ang inyong mga sarili mula sa mga tao ng ibang mga bansa at sa mga babae na inyong pinakasalan mula sa mga bansang iyon."
\s5
\p
\v 12 Sumagot ang buong pangkat, malakas na sumigaw, "Oo, tama ang sinabi mo! Gagawin namin kung ano ang sinabi mo.
\p
\v 13 Ngunit napakalaki ng aming pangkat, at umuulan ng malakas. Gayun din naman, marami sa amin ay nakagawa ng masamang kasalanang ito. Ito ay isang bagay na hindi namin maaasikaso sa loob ng isa o dalawang araw, at hindi namin kayang tumagal sa ulang ito.
\s5
\p
\v 14 Kaya payagan ninyo ang aming mga pinuno na magpasiya para sa aming lahat kung ano ang dapat naming gawin. Sabihin ninyo sa bawat isang nakipag-asawa ng mga babaeng hindi Israelita na pumunta sa oras na napagpasiyahan ninyo. Sila ay dapat pumunta kasama ang mga nakatatanda at mga hukom mula sa bawat lungsod. Kung gagawin natin iyon, ititigil ng Diyos ang galit niya sa atin dahil sa ating mga ginawa."
\p
\v 15 Si Jonatan na anak na lalaki ni Asahel, at si Jazeias na anak na lalaki ni Tikva ay sumalungat dito, at si Mesulam at Sabetai, isang kaapu-apuhan ni Levi ay sinang-ayunan sila.
\s5
\p
\v 16 Pero ang lahat ng ibang bumalik mula sa Babilonia ay nagsabi na gagawin nila ito. Kaya si Ezra ay pumili ng mga pinuno ng bawat angkan, at isinulat ang kanilang mga pangalan. Sa unang araw ng ikasampung buwan, ang mga tao ay dumating upang imbestigahan ang mga usapin.
\p
\v 17 Sa unang araw ng unang buwan ng sumunod na taon, natapos nilang alamin kung sinong ang mga lalaking nag-asawa ng mga babae na hindi Israelita.
\s5
\p
\v 18 Ito ang listahan ng mga pangalan ng mga pari na nag-asawa ng hindi Israelita, at kung saang angkan sila kabilang. Ang angkan ni Josue at ang kaniyang mga kapatid na lalaki, na mga anak na lalaki ni Jehozadak, sina Maasesias, Eliezer, Jarib, at Gedalia.
\v 19 Mataimtim nilang ipinangako na hihiwalayan nila ang kanilang mga asawa, at bawat isa sa kanila ay mag-alay ng tig-iisang lalaking tupa upang maging handog para sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan.
\s5
\p
\v 20 Kabilang sa mga angkan ni Imer ay sina Hanani at Zebadias.
\p
\v 21 Kabilang sa mga angkan ni Harim ay sina Maaseias, Elias, Semaias, Jehiel, at Uzias.
\p
\v 22 Kabilang sa mga angkan ni Pasur ay sina Elioenai, Maaseias, Ismael, Netanel, Jozabad, at Elasa.
\s5
\p
\v 23 Ang mga kaapu-apuhan ni Levi na nag-asawa ng hindi mga Israelita ay sina Jozabad, Simei, Kelaias (na ang ibang pangalan ay Kelita), Petahias, Juda, at Eliezer.
\p
\v 24 Naroon din ang manunugtug na si Eliasib. Kabilang sa mga nagbabantay ng templo ay sina Sallum, Telem, at Uri.
\p
\v 25 Ito ang listahan ng mga pangalan ng ibang Israelita na nakipag-asawa ng mga dayuhang babae: Sa angkan ni Paros ay sina Ramias, Izias, Malquijas, Mijamin, Eleazar, Malquijas, at Benaias.
\s5
\p
\v 26 Sa angkan ni Elam ay sina Matanias, Zecarias, Jehiel, Abdi, Jeremot, at Elias.
\p
\v 27 Sa angkan ni Zatu ay sina Elioenai, Eliasib, Matanias, Jeremot, Zabad, at Aziza.
\p
\v 28 Sa angkan ni Bebai ay sina Jehohanan, Hananias, Zabai, at Atlai.
\p
\v 29 Sa angkan ni Bani ay sina Mesulam, Maluc, Adaias, Jasub, at Seal Jeremot.
\s5
\p
\v 30 Sa angkan ni Pahat Moab ay sina Adna, Helal, Benaias, Maaseias, Matanias, Bezalel, Binui, at Manases.
\p
\v 31 Sa angkan ni Harim ay sina Eliezer, Isijas, Malquijas, Semaias, Simeon,
\p
\v 32 Benjamin, Maluc, at Semarias.
\s5
\p
\v 33 Sa angkan ni Hasum ay sina Matenai, Matata, Zabad, Elifelet, Jeremai, Manases, at Simei.
\p
\v 34 Sa angkan ni Bani ay sina Maadai, Amram, Uel,
\p
\v 35 Benaias, Bedeias, Heluhi,
\p
\v 36 Vanias, Meremot, Eliasib,
\s5
\v 37 Matanias, Matenai, Jaasu,
\p
\v 38 Bani, Binui, at Simei,
\v 39 Selemias, Natan, Adaias,
\p
\v 40 Macnadebai, Sasai, Sarai,
\s5
\v 41 Azarel, Selemias, Semarias,
\v 42 Salum, Amarias at Jose.
\p
\v 43 Sa angkan ni Nebo ay sina Jeiel, Matitias, Zabad, Zebina, Ido, Joel, at Benaias.
\p
\v 44 Ang bawat isa sa mga lalaking ito ay nakapag-asawa ng babae na hindi Israelita, at ilan sa kanila ay nagkaroon ng mga anak sa mga babaing iyon.