tl_udb/14-2CH.usfm

2248 lines
189 KiB
Plaintext

\id 2CH
\ide UTF-8
\h 2 Mga Cronica
\toc1 2 Mga Cronica
\toc2 2 Mga Cronica
\toc3 2ch
\mt 2 Mga Cronica
\s5
\c 1
\p
\v 1 Si Haring Solomon na anak ni David ay nakamit ang lubos na pamumuno sa kaniyang kaharian dahil kasama niya si Yahweh na kaniyang Diyos at binigyan siya ng kakayahang maging pinaka-makapangyarihang hari.
\s5
\v 2-5 Nang si David ang naging hari, iniutos niya na gagawin ang bagong sagradong tolda sa Jerusalem. Pagkatapos, dinala ni David at ng mga pinuno ng mga Israelita ang sagradong kaban mula sa lungsod ng Chiriath Jearim sa bagong sagradong tolda. Ngunit nang si Solomon ang naging hari, ang unang sagradong tolda ay naroon pa rin sa lungsod ng Gibeon. Iyon ay ang tolda na iniutos ni Moises na lingkod ng Diyos na gagawin sa ilang. Ang tanso na altar na ginawa ni Besalel na anak ni Uri at apo ni Hur ay nandoon pa rin sa Gibeon, sa harap ng unang sagradong tolda. Isang araw ipinatawag ni Solomon ang mga pinuno ng mga hukbo na may isang libong mga kawal at mga pinuno ng isandaang na mga kawal kasama ang mga hukom at lahat ng iba pang mga pinuno sa Israel. Sinabi niya sa kanila na sumama sa kaniya sa Gibeon. Kaya silang lahat ay pumunta sa dambana na nasa Gibeon kung saan naandoon ang sagradong tolda at sumamba roon kay Yahweh si Solomon at ang lahat ng iba pang kasama niya.
\s5
\p
\v 6 At umakyat si Solomon sa tansong altar sa harapan ng sagradong tolda at nag-alay ng isang libong mga hayop na kakatayin at sinunog nang lubos sa altar.
\q1
\v 7 Nagpakita ang Diyos kay Solomon sa gabing iyon sa pamamagitan ng isang panaginip at sinabi sa kaniya, "Humiling ka ng kahit anong nais mong ibigay ko sa iyo."
\s5
\p
\v 8 Sumagot si Solomon sa Diyos, "Napakabuti mo sa aking ama na si David, at ngayon pinili mo pa akong maging susunod na hari.
\p
\v 9 Kaya Yahweh na aking Diyos, ginawa mo akong hari upang pamunuan ang mga tao na kasing-dami ng alikabok sa lupa. Kaya gawin mo ang iyong ipinangako sa aking ama na si David.
\p
\v 10 Pakiusap gawin mo akong matalino upang malaman ko kong ano ang dapat gawin, upang mapamunuan kong mabuti ang mga taong ito, sapagkat walang sinuman ang makakapamuno sa lahat ng dakilang bansang ito kung wala ang tulong mo."
\p
\v 11 Sumagot ang Diyos kay Solomon, "Hindi ka humiling ng malaking halaga ng pera o maparangalan o mapatay ang iyong mga kaaway. At hindi mo rin hiniling na mamuhay sa mahabang panahon. Sa halip, hiniling mo na gagawin kitang matalino upang malaman ang dapat gawin, upang mapamahalaan mong mabuti ang aking mga taong pinili na pamunuan mo.
\s5
\q1
\v 12 Kaya gagawin kitang maging matalino upang malaman mo kung ano ang dapat mong gawin nang mapamunuang mabuti ang aking mga tao. Ngunit bibigyan din kita ng malaking halaga ng pera at pararangalan ka ng mga tao sa iba't ibang dako, na mas higit pa sa sinumang naunang mga hari sa iyo, at sa sinumang hari na susunod pa sa iyo."
\q1
\v 13 At umalis si Solomon at ang mga taong kasama niya sa sagradong tolda na nasa Gibeon at bumalik sila sa Jerusalem. Pinamunuan niya roon ang mga taong Israelita.
\s5
\p
\v 14 Nagkaroon si Solomon ng 1,400 na mga karwahe at labindalawang libong kalalakihan na sumasakay sa mga kabayo. Inilagay niya ang ilan sa mga karwahe at mga kabayo sa Jerusalem at inilagay niya ang ilan sa kanila sa iba't ibang mga lungsod.
\p
\v 15 Sa panahong si Solomon ang naghari kasing karaniwan lamang sa Jerusalem ang pilak at ginto na parang mga bato, at ang troso na mula sa punong sedar ay kasing dami ng troso mula sa karaniwang punong sikamoro sa paanan ng mga burol.
\p
\v 16 Inaangkat ang mga kabayo ni Solomon mula sa Ehipto at mula sa rehiyon ng Cilicia sa Turkey.
\p
\v 17 Sa Ehipto, nagbayad ang kaniyang mga tauhan ng pitong kilo ng pilak ang bawat karwahe at isang kilo at pito sa ikasampung bahagi sa bawat kabayo. Ipinagbili rin nila ang marami sa mga ito sa mga hari ng Heteo at mga lahi ng Arameo.
\s5
\c 2
\p
\v 1 Napagpasiyahan ni Solomon na dapat itayo ang templo kung saan dapat sambahin si Yahweh at magpapatayo rin ng palasyo para sa kaniyang sarili.
\p
\v 2 Inutusan niya ang pitumpung libong kalalakihan upang magbuhat sa kakailanganin pagpapatayo ng gusali at walumpung libong kalalakihan upang titibag ng mga bato mula sa tibagan sa mga burol. Pumili rin siya ng 3,600 na kalalakihan na tagapamahala sa kanila.
\q
\v 3 Ipinadala ni Solomon ang mensaheng ito kay Haring Hiram mula sa lungsod ng Tiro: "Maraming taon na ang lumipas ng ipatayo ng aking ama na si David ang kaniyang palasyo, nagpadala ka sa kaniya ng mga troso ng sedar. Maaari mo rin ba akong padalhan ng mga trosong sedar?
\s5
\p
\v 4 Magpapatayo na kami ng templo na ilalaan para kay Yahweh, upang pagsunugan ng insenso na gawa sa mababangong mga sangkap para sa kaniya, upang paglagyan lagi ng tinapay para sa kaniya at upang mag-alay ng hayop na susunugin tuwing umaga at gabi at sa araw ng pahinga, ganoon din sa bawat bagong buwan at sa iba pang natatanging pagdirawang upang parangalan si Yahweh na ating Diyos. Nais naming gawin ang mga bagay na ito magpakailanman tulad ng iniutos ni Yahweh.
\p
\v 5 Nais namin na maging dakila ang templong ito, sapagkat dakila kaysa sa iba pang mga diyus-diyosan ang aming Diyos.
\s5
\p
\v 6 Ngunit wala ni sinuman ang makapagpapatayo ng tirahan para sa Diyos, dahil maging ang kalangitan at kalupaan man ay hindi sapat para sa kaniya. Ako man ay hindi nararapat na magpatayo ng tahanan para sa kaniya, maliban sa isang lugar na alayan ng mga handog sa kaniya.
\q
\v 7 Kaya pakiusap, padalhan mo ako ng taong pinakamahusay sa paggawa ng mga bagay mula sa ginto, pilak, tanso at bakal, at paggawa ng mga bagay mula sa kulay-ube, pula at asul na tela. Dapat din siyang bihasa sa pag-uukit ng mga disenyo. Nais ko siyang magtrabaho sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda kasama ng aking mga dalubhasang mga manggagawa, na mga pinili ng aking amang si David.
\s5
\p
\v 8 Alam ko na dalubhasa ang iyong mga manggagawa sa pagputol ng troso, kaya pakiusap magpadala ka rin sa akin ng mga troso ng sedar, troso ng sipres at algum mula sa kabundukan ng Lebanon. Kasamang gagawa ang aking mga manggagawa sa iyong mga manggagawa.
\q
\v 9 Sa ganoong paraan, makapagbibigay sila sa akin ng maraming troso. Nangangailangan kami ng marami, sapagkat nais kong malaki at maganda ang ipapatayo naming templo.
\p
\v 10 Babayaran ko ang iyong mga manggagawang kalalakihan na puputol ng mga troso, 4, 400 kilolitrong malaking sisidlan ng giniling na trigo, 4,400 kilolitrong sebada, at 440 kilolitrong alak at 440 kilolitrong langis ng olibo."
\s5
\p
\v 11 Nang matanggap ni Hiram ang mensaheng ito, sumagot siya sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang mensahe kay Solomon: "Sapagkat mahal ni Yahweh ang kaniyang mga tao at pinili ka niyang maging kanilang hari.
\p
\v 12 Purihin ng lahat si Yahweh, ang Diyos na nagmamay-ari sa mga Israelita, ang lumikha ng langit at lupa! Binigyan niya si Haring David ng isang matalinong anak, taong napakatalino, at may mabuting kakayahan at pang-unawa. Nais niyang magpatayo ng isang templo para kay Yahweh at palasyo para sa kaniyang sarili.
\s5
\p
\v 13 Ipapadala ko sa iyo si Huram, isang taong dalubhasa.
\p
\v 14 Galing sa tribu ng Dan ang kaniyang ina, at taga rito sa Tiro ang kaniyang ama. May kakayahan siyang gumawa ng mga bagay mula sa ginto, pilak, tanso, bakal, bato at kahoy. Gumagawa rin siya ng mga magagandang bagay mula sa kulay-ube, asul, pulang tela, at gumagawa rin siya ng lahat ng uri ng pang-uukit. Kaya niyang gumawa ng mga bagay gamit ang kahit anong disenyo na ibibigay mo sa kaniya. Magtatrabaho siya kasama ng inyong mga manggagawa at sa mga manggagawang nagtrabaho sa iyong ama na si Haring David.
\s5
\p
\v 15 Ngayon, pakiusap ipadala mo sa amin ang trigo, sebada, langis ng olibo at alak na ipinangako mong ipapadala sa amin.
\p
\v 16 Kapag ginawa mo iyon, puputulin ng aking mga maggagawa ang lahat ng troso sa Kabundukan ng Lebanon na kailangan ninyo at dadalhin nila sa dagat. At minsanan naming tatalian ang mga troso upang maging mga balsa kasama nila, at palulutangin nila sa dagat papuntang lungsod ng Jopa. Mula roon, mag-utos ka ng kalalakihan upang dalhin ang mga ito sa Jerusalem."
\p
\v 17 Sinabi ni Solomon sa kaniyang mga manggagawa na bilangin ang lahat ng tao mula sa ibang bansang naninirahan sa Israel, katulad ng ginawa ng kaniyang ama na si David. Silang lahat ay 153,600.
\p
\v 18 Nagtalaga si Solomon ng pitumpung libo mula sa kanila upang buhatin ang mga materyales at walumpung libo upang tatapyas ng mga bato mula sa tibagan sa mga burol at 3,600 sa kanila upang pangasiwaan ang iba at tiyaking sila ay nagtatrabaho nang tuloy-tuloy.
\s5
\c 3
\p
\v 1 At sinimulang itayo ng mga manggagawa ni Solomon ang templo sa Jerusalem para kay Yahweh. Ipinatayo nila ito sa Bundok ng Moria, kung saan nagpakita ang anghel ni Yahweh sa kaniyang ama na si David. Itinayo nila ito sa lupang ibinenta ni Orna kay David, isang kaapu-apuhan na lahing Jebuseo, kung saan ito sinabi ni David na dapat ipatayo.
\p
\v 2 Sinimulan nila ang pagtatrabaho sa ikalawang araw ng ikalawang buwan, nang namumuno si Solomon nang halos apat na taon.
\p
\v 3 Humigit-kumulang na dalawampu't-pitong metro ang haba ng pundasyon ng templo at humigit-kumulang na siyam na metro ang lawak.
\s5
\p
\v 4 Humigit-kumulang na siyam na metro rin ang haba ang bungad na silid sa tapat ng harapan ng templo, katulad ng lapad ng templo. Humigit-kumulang na siyam na metro rin ang taas. Iniutos ni Solomon sa kaniyang mga manggagawa na lagyan ang bungad ng silid ng mga maninipis na pilyego ng purong ginto.
\p
\v 5 Gumamit ng mga panel ng kahoy ng sipres ang manggagawa ni Solomon at inihanay sa pangunahing bulwagan ng templo. At nilagyan nila ang mga panel na iyon ng napakanipis na mga pilyego ng purong ginto. Umukit sila sa mga ito ng imahe ng mga puno ng palma at mga disenyo na kawangis ng mga kadena.
\s5
\p
\v 6 Pinalamutian nila ang templo ng mahahalagang mga bato. Ang ginamit nilang ginto ay mula sa lupain ng Parvaim.
\p
\v 7 Tinakpan nila ang biga ng kisame, hamba ng pintuan, mga dingding at mga pintuan ng templo ng napakanipis na pilyego ng ginto. Umukit din sila ng mga imahe ng mga nilalang na may pakpak sa mga dingding.
\s5
\p
\v 8 Nagtayo rin sila ng kabanal-banalang dako sa loob ng templo. Humigit-kumulang na siyam na metro ang haba, katulad ng lapad ng templo. Ganun din ang lapad ng kabanal-banalang dako. Tinakpan nila ang mga dingding nito ng pilyego ng purong ginto na may kabuuang timbang ng humigit-kumulang dalawamput-isa na metrikong tonilada.
\p
\v 9 Ang bawat gintong pako ay tumitimbang ng 1.6 kilo. Tinakpan din nila ang mga dingding sa taas na mga silid ng mga maninipis na pilyego ng ginto.
\s5
\p
\v 10 Ang mga manggagawa ni Solomon ay gumawa ng dalawang imahe ng nilalang na may mga pakpak na ilalagay sa loob ng kabanal-banalang dako. Tinakpan ang mga imaheng ito ng napakanipis na pilyego ng ginto.
\p
\v 11-12 Ang bawat imahe ay may dalawang mahahabang pakpak. Ang isang pakpak ng bawat imahe ay umaabot sa dingding ng templo. Ang isa namang pakpak ng bawat imahe ay umaabot sa bawat pakpak ng isa pang imahe. Ang lapad ng pakpak ng bawat kerubin ay humigit-kumulang 4.6 metro. Ang isang pakpak ng bawat kerubin ay umaabot sa dingding, habang ang isa ay umaabot sa gitna ng silid at umaabot sa panloob na pakpak sa isa pang kerubin. Ang bawat pakpak ay humigit-kumulang 2.3 metro ang haba.
\s5
\p
\v 13 Humigit-kumulang ito ng siyam na metro mula sa panlabas ng pakpak ng isa pang imahe patungo sa labas na pakpak ng isa pang imahe. Nakaharap ang imahe sa daanan ng pinto papunta sa pangunahing silid.
\p
\v 14 Gumawa ang mga manggagawa ni Solomon ng kurtina na maghihiwalay sa pangunahing silid mula sa kabanal-banalang dako. Gawa ito sa asul, kulay-ube at pula na sinulid at pinong lino. Nakaburda sa kurtina ang hugis ng mga nilalang na may pakpak.
\q
\v 15 Gumawa sila ng dalawang tansong mga haligi at inilagay ang mga ito sa bungad ng templo. Ang bawat isa sa mga ito ay humigit-kumulang labing-amin na metro ang taas. Ang hiwalay na ulunan na ikinabit sa tuktok ng bawat haligi; ang bawat isa sa ulunan ay humigit-kumulang 2.3 metro ang taas.
\p
\v 16 Umukit ang mga manggagawa ng katulad ng kadena na inilagay sa tuktok ng mga haligi. Umukit din sila ng katulad ng bunga ng granada at inilagay sa mga inukit na kadena. May kabuuang isang daan ang mga ito.
\p
\v 17 Inilagay nila ang mga haligi sa harapan ng templo, ang isa sa timog na bahagi ng pasukan at ang isa sa hilagang bahagi. Ang nasa timog ay pinangalanang Jaquin at ang isa sa hilagang bahagi ay pinangalanang Boaz.
\s5
\c 4
\p
\v 1 Gumawa ang mga manggagawa ni Solomon ng isang kuwadradong altar na tanso, na mga siyam na metro ang haba sa bawat gilid, at mga 4.6 metro ang taas.
\p
\v 2 Gumawa rin sila ng napakalaking bilog na palanggana, na may sukat pabilog na halos labing-apat na metro.
\p
\v 3 Sa ilalim ng panlabas na gilid, may dalawang hilera ng mga maliliit na anyo ng mga toro na hinulma ng mga manggagawa na kabahagi ng metal ng palanggana. Ang bawat hilera ay may tatlong daang anyo ng mga toro.
\s5
\p
\v 4 Nakapatong ang palanggana sa labindalawang malalaking anyong mga toro na nakaharap palabas. Tatlong toro ang nakaharap sa hilaga, tatlo ang nakaharap sa kanluran, tatlo ang nakaharap sa timog, at tatlo ang nakaharap sa silangan.
\p
\v 5 Ang mga gilid ng palanggana ay mga walong sentimetro ang kapal. Ang labi ng palanggana ay hinugis gaya ng labi ng isang kopa; kawangis ito ng bulaklak na liryo. Ang palanggana ay kayang maglaman ng mga animnapu't anim na kilolitro ng tubig.
\p
\v 6 Ang mga manggagawa ay gumawa rin ng sampung palanggana para sa paghuhugas ng mga bagay na gagamitin sa pag-aalay. Ngunit ginagamit ng mga pari ang napakalaking palanggana para sa paghuhugas ng kanilang sarili.
\s5
\p
\v 7 Gumawa rin ang mga manggagawa ng sampung gintong patungan ng ilawan ayon sa inutos sa kanila ni Solomon. Inilagay nila ang mga ito sa templo, lima sa gawing timog at lima sa gawing hilaga.
\p
\v 8 Gumawa sila ng sampung mesa at inilagay ang mga ito sa templo, lima sa gawing timog at lima sa gawing hilaga. Gumawa rin sila ng sandaang gintong palanggana.
\s5
\p
\v 9 Nagtayo sila ng isang patyo para sa mga pari, at ng mas malaking patyo para sa ibang mga tao. Gumawa sila ng mga pintuan para sa mga patyo at binalot ang mga ito ng maninipis na pilyego ng tanso.
\p
\v 10 Inilagay nila ang napakalaking palanggana sa gawing silangan ng templo na nakaharap sa timog.
\s5
\p
\v 11 Gumawa rin sila ng mga palayok at ng mga pala para sa mga abo ng altar, at ng ibang mga maliliit na mangkok. Kaya natapos na ni Huram at ng kaniyang mga manggagawa ang lahat ng trabaho na ibinigay sa kaniya ni Haring Solomon upang gawin sa templo ng Diyos.
\p
\v 12 Ito ang mga bagay na ginawa nila: ang dalawang malalaking haligi, ang dalawang hugis mangkok na nasa tuktok ng dalawang haligi, ang dalawang pangkat ng inukit na kawangis ng mga tanikala upang palamutian ang mga tuktok ng dalawang haligi,
\p
\v 13 ang apatnaraang mga inukit na kawangis ng mga bunga ng granada na inilagay sa dalawang hilera, na ipinalamuti sa mga tuktok ng dalawang haligi.
\s5
\p
\v 14 Ang mga patungan, at mga palanggana na ipinatong sa mga ito,
\p
\v 15 ang napakalaking palanggana, at ang labindalawang anyong mga toro sa ilalim nito,
\p
\v 16 ang mga palayok, mga pala, mga pantusok ng karne, at lahat ng iba pang mga bagay na kailangan para sa gawain sa altar. Gawa sa pinakintab na tanso ang lahat ng ginawa ni Huram at ng kaniyang mga manggagawa para kay Haring Solomon.
\s5
\p
\v 17 Ginawa nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagbubuhos ng tinunaw na tanso sa hulmahang putik na itinayo ni Huram malapit sa Ilog Jordan sa pagitan ng mga lungsod ng Sucot at Zaretan.
\p
\v 18 Ang lahat ng mga bagay na iyon na ipinagawa ni Solomon sa kanila ay nakagamit ng napakaraming tanso; walang sumubok na timbangin ang lahat ng mga ito.
\s5
\p
\v 19 Ginawa rin ng mga manggagawa ni Solomon ang lahat ng mga bagay na ito na hindi nagtagal, inilagay nila sa templo: ang gintong altar, ang mga mesa na kung saan inilalagay ng mga pari ang tinapay na inihahandog sa harapan ng Diyos,
\p
\v 20 ang purong ginto na mga patungan ng ilawan at ang purong ginto na mga ilawan, kung saan nilalagyan ng langis ng mga pari upang mag-ilaw sa harapan ng napakabanal na dako, ayon sa sinabi ng Diyos kay Moises na dapat gawin ng mga pari,
\p
\v 21 ang purong ginto na mga palamuti na kawangis ng mga bulaklak, at ang mga ilawan at ang mga panipit,
\p
\v 22 ang purong gintong mga sindihan ng ilawan at mga mangkok na pangwisik, at mga panandok at mga sunugan ng insenso, ang gintong mga pintuan ng templo, ang gintong mga loobang pintuan patungo sa napakabanal na dako, at ang gintong mga pintuan patungo sa pangunahing bulwagan.
\s5
\c 5
\p
\v 1 Nang matapos na ng mga manggagawa ni Solomon ang pagtatayo sa templo, inilagay ni Solomon sa mga silid-imbakan ng templo ang lahat ng inialay ng kaniyang amang si David kay Yahweh—lahat ng pilak at ginto at lahat ng iba pang mga bagay na ginagamit sa templo.
\s5
\p
\v 2 Pagkatapos, ipinatawag ni Haring Solomon sa Jerusalem ang lahat ng mga nakatatanda ng Israel, lahat ng mga pinuno ng mga tribu at mga pamilya. Nais niyang sumama sila sa pagdala sa templo ng banal na kaban ni Yahweh mula sa Bundok ng Zion, kung saan kabilang ito sa lungsod na tinatawag na lungsod ni David.
\q
\v 3 Kaya nagtipun-tipon ang lahat ng mga pinuno ng Israel kasama ang hari, sa panahon ng Pista ng mga Tolda sa ikapitong buwan.
\s5
\q
\v 4 Nang makarating na silang lahat, itinaas ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang banal na kaban,
\p
\v 5 at binuhat nila ito at ang banal na tolda at ang mga banal na bagay na nasa loob nito. Ang mga pari na nagmula rin kay Levi ang bumuhat sa mga ito.
\p
\v 6 Pumunta sa harapan ng banal na kaban sina Haring Solomon at marami pang ibang mga tao ng Israel na nagtipon doon. At nag-alay sila ng napakaraming mga tupa at mga baka. Walang makabilang dahil napakarami ng mga ito.
\s5
\p
\v 7 Pagkatapos, dinala ng mga pari ang banal na kaban sa loob ng napakabanal na dako, sa loobang silid ng templo, at inilagay nila ito sa ilalim ng mga pakpak ng mga anyo ng mga nilalang na may pakpak.
\p
\v 8 Ang mga pakpak ng mga anyong iyon ay nakabuka sa ibabaw ng banal na kaban at sa ibabaw ng mga poste kung saan ito nakapatong.
\s5
\p
\v 9 Ang mga poste ay napakahaba, kaya makikita ang mga ito ng mga tao na nakatayo sa bungad ng napakabanal na dako, ngunit hindi makikita ang mga ito ng sinumang nakatayo sa labas ng templo. Naroon pa rin ang mga poste na iyon.
\p
\v 10 Ang mga bagay lamang na nasa loob ng banal na kaban ay ang dalawang tapyas ng bato na inilagay doon ni Moises noong naroon siya sa Bundok ng Sinai, kung saan gumawa si Yahweh ng kasunduan sa mga Israelita pagkatapos nilang makalabas sa Ehipto.
\s5
\p
\v 11 Pagkatapos, lumabas na ang mga pari sa banal na dako ng templo. Ang lahat ng mga pari na naroon, mula sa bawat isa sa kanilang mga pangkat ay ibinukod ang kanilang mga sarili mula sa iba at nagsagawa ng mga seremonya ng paglilinis na iniutos ng Diyos sa kanila bago sila makakapaglingkod sa kaniya.
\p
\v 12 Nakatayo sa dakong silangan ng altar ang mga kaapu-apuhan ni Levi na mga musikero—sina Asaf, Heman, Jedutun, ang kanilang mga anak na lalaki at mga kamag-anak. Nakadamit sila ng mga linong kasuotan, at tumutugtog sila ng mga pompiyang, mga alpa, at mga lira. Mayroong 120 iba pang mga pari na umiihip ng mga trumpeta.
\p
\v 13 Sabay-sabay na gumawa ng musika ang mga umiihip ng trumpeta at iba pang mga instrumentong pangmusika, at ang mga mang-aawit, na nagpupuri kay Yahweh at inaawit ang awit na ito: "Mabuti si Yahweh sa atin; tapat siyang umiibig sa atin magpakailanaman." At biglang napuno ng ulap ang templo.
\p
\v 14 Napuno ng kaluwalhatian ni Yahweh ang templo, kaya hindi nakayanan ng mga pari na ipagpatuloy ang kanilang gawain.
\s5
\c 6
\p
\v 1 At nanalangin si Solomon, "Yahweh, sinabi mo na mananahan ka sa isang maitim na ulap.
\p
\v 2 Ngunit nagtayo ako ngayon ng maluwalhating templo na kung saan ka mananahan magpakailanman!"
\p
\v 3 At habang nakatayo ang lahat ng tao roon, humarap si Solomon sa mga tao at hiniling sa Diyos na sila ay pagpalain.
\s5
\p
\v 4 Sinabi niya sa kanila, "Purihin natin si Yahweh, ang Diyos na nagmamay-ari sa ating mga Israelita, na siyang tumupad sa ipinangako niya sa aking ama na si David. Ito ang sinabi niya kay David:
\p
\v 5 'Mula noong panahong dinala ko ang aking mga tao mula sa Ehipto, wala akong piniling lungsod sa Israel kung saan itatayo ang templo upang sambahin ako ng mga tao roon. Ni pumili ako ng sinuman na magiging pinuno ng aking mga tao na mga Israelita.
\p
\v 6 Ngunit ngayon pinili ko ang Jerusalem upang maging lugar ng mga taong sasamba sa akin, at pinili kita, David, upang pamunuan ang mga tao kong Israelita."
\s5
\p
\v 7 At sinabi pa ni Solomon, "Nais ng aking ama na magtayo ng templo para kay Yahweh, ang Diyos na kung saan tayong mga Israelita ay pag-aari niya.
\p
\v 8 Ngunit sinabi ni Yahweh sa kaniya, 'Mabuti itong ninais mo na magtayo ng tahanan para sa akin.
\p
\v 9 Gayunpaman, hindi ikaw ang nais kong magtayo sa templo, sa halip isa sa sarili mong mga anak ang magtatayo nito.'
\s5
\p
\v 10 At tinupad ni Yahweh ang ipinangako niyang gagawin. Naging hari ako ng Israel pagkatapos ng paghahari ng aking ama, at naghahari ako sa mga tao, ayon sa pangako ni Yahweh, at inihanda ko ang pagtatayo sa templong ito para sa pagsamba natin kay Yahweh, ang Diyos na kung saan pag-aari niya tayong mga Israelita.
\p
\v 11 Inilagay ko ang banal na kaban sa templo, kung saan naroon ang mga tapyas na bato na ipinapakita ang kasunduang ginawa ni Yahweh sa ating mga Israelita."
\s5
\p
\v 12 At tumayo si Solomon sa harap ng altar na nasa harapan ng mga tao ng Israel na nagtipon doon. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay nang magsimula na siyang manalangin.
\p
\v 13 Ngayon nagtayo doon ang kaniyang mga manggagawa ng tansong entablado kung saan siya tatayo, na nasa mga 2.3 metro kuwadrado at nasa 1.5 metro ang taas. Inilagay nila ito sa panlabas na patyo. Umakyat si Solomon sa entabladong iyon at lumuhod siya sa harapan ng mga Israelita na nagtipon doon, at itinaas niya ang kaniyang mga kamay sa dakong langit.
\s5
\p
\v 14 At nanalangin siya, "Yahweh, ang Diyos kung saan pag-aari ninyo kaming mga taong Israelita, walang Diyos na katulad ninyo sa langit man o sa lupa. Mataimtim na ipinangako ninyo sa inyong kasunduan na matapat ninyo kaming mamahalin, at iyon ang inyong ginawa para sa amin na masigasig na ginagawa kung ano ang nais ninyo na gawin namin.
\p
\v 15 Tinupad ninyo ang mga bagay na ipinangako ninyong gagawin sa aking ama na si David na naglingkod sa inyo nang mabuti,. Tunay na ipinangako ninyong gagawin ang mga bagay na iyon para sa kaniya, at ngayon nakikita namin iyon sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan na nangyari ang lahat ng ito.
\s5
\p
\v 16 Kaya ngayon, Yahweh, ang Diyos na sinasamba naming mga Israelita, ayon sa inyong pangako sa iyong lingkod na si David na aking ama, pakiusap tiyakin ninyo na patuloy siyang magkaroon ng isang kaapu-apuhan na magiging hari ng Israel. Sapagkat pinangako ninyong gagawin ninyo ito kung ang kaniyang mga kaapu-apuhan ay magiging tapat sa inyo.
\p
\v 17 Kaya ngayon, Diyos ng mga taong Israelita, ipahintulot ninyo ang ipinangako ninyo kay David, na naglingkod sa inyo nang mabuti, na magkatotoo.
\s5
\p
\v 18 Ngunit aking Diyos, mananahan ka ba talaga sa lupa na kasama namin? Hindi ka mapagkasya ng templo na itinayo ko; maging ang sandaigdigan at kalangitan ay hindi ka mapagkasya.
\p
\v 19 Ngunit, Yahweh na aking Diyos, pakiusap pakinggan ninyo ang aking panalangin, habang ako ay nagsusumamo sa araw na ito at gawin ninyo ang aking hinihiling.
\p
\v 20 Palagi ninyong pangalagaan ang templong ito, ang lugar na sinasabing titirahan ninyo, upang palagi mo akong marinig kapag ako ay mananalangin, sapagkat ako ay lingkod ninyo.
\s5
\p
\v 21 Pakinggan ninyo kapag mananalangin ako, at pakinggan ninyo ang mga taong Israelita kapag mananalangin sila, narito man kami o kahit na nakaharap lang kami sa lugar na ito. Pakinggan mula sa langit, kung saan kayo nakatira; at kapag narinig ninyo kaming manalangin, patawarin ninyo kami.
\s5
\p
\v 22 Kung paratangan ng mga tao ang isang tao sa paggawa ng isang maling bagay sa ibang tao, at kung dadalhin nila siya sa harap ng inyong altar sa labas ng banal na templong ito, at kung sasabihin niya, 'hindi ko ginawa iyon; parusahan nawa ako ng Diyos kung hindi ako nagsasabi ng totoo,'
\p
\v 23 at pakiusap pakinggan mula sa langit at pagpasyahan kung sino ang nagsasabi ng totoo. At parusahan ang taong iyon na nagkasala nang nararapat na kaparusahan, at gumawa kayo ng mabuti sa ibang tao bilang gantimpala sa kaniyang kawalan ng kasalanan.
\s5
\p
\v 24 At ipagpalagay nating matalo ng kanilang mga kaaway ang iyong mga taong Israelita dahil nagkasala sila laban sa inyo, at piliting pumunta sa ilang malayong bansa. Ipagpalagay pa natin na tatalikod sila mula sa makasalanang pag-uugali nila at haharap sa templong ito at kilalanin na makatarungan ang pagpaparusa ninyo sa kanila, at ipagpalagay natin na magmamakaawa sila upang patawarin ninyo.
\p
\v 25 Pakiusap pakinggan ninyo sila mula sa langit at patawarin ninyo sila sa mga kasalanang nagawa nila, at dalhin ninyo sila pabalik sa lupaing ito na ibinigay ninyo sa aming mga ninuno.
\s5
\p
\v 26 Kung hindi ninyo pahihintulutang umulan dahil nagkasala ang inyong mga tao laban sa inyo - sa panahong iyon, kung tatalikod sila mula sa kanilang makasalanang pag-uugali at mapagpakumbabang mananalangin sa inyo, kayo na narito sa lugar na ito,
\p
\v 27 sa panahong iyon pakinggan mula sa langit at patawarin ang kasalanan ng inyong mga tao. Turuan ninyo silang mamuhay sa tamang kaparaanan. At magpadala kayo ng ulan sa lupa na ibinigay ninyo sa iyong mga tao magpakailanman.
\s5
\p
\v 28 At kung makaranas ng taggutom ang inyong mga tao sa lugar na ito, o kung mayroong salot o amag o mga balang o mga tipaklong, o kung palilibutan ng mga kaaway ang alinman sa kanilang mga lungsod upang lusubin sila --kung alinman sa mga sakunang ito ang mangyari sa kanila --
\p
\v 29 at kung taimtim na makikiusap sa panahong iyon ang iyong mga taong Israelita, o kahit na isang tao lamang ang makagagawa nito -- kung iuunat nila ang kanilang mga kamay tungo sa templong ito at mananalangin sa iyo dahil alam nila ang kahinaan at kalungkutan sa kanilang mga puso --
\p
\v 30 sa panahong iyon pakinggan mula sa iyong tahanan sa langit at patawarin sila. Kayo lamang ang nakakaalam sa iniisip ng bawat tao, kaya gantimpalaan ang bawat tao ayon sa lahat ng bagay na kaniyang nagawa.
\p
\v 31 Gawin ito upang ikaw ay kanilang parangalan at ayusin ang kanilang mga buhay na iyong ninanais para sa kanila, sa lahat ng panahon na sila ay naninirahan sa lupaing ito na iyong ibinigay sa aming mga ninuno.
\s5
\p
\v 32 Mayroong ilang mga dayuhan na hindi kabilang sa mga Israelita na dumating dito mula sa mga malalayong bansa sapagkat narinig nilang ikaw ay napakadakila at makapangyarihan. Kung babaling sila sa templong ito at mananalangin,
\p
\v 33 na mula sa inyong tahanan sa langit pakinggan ninyo nawa ang kanilang mga panalangin at tugunin ang kanilang kahilingan na hiniling nilang gawin ninyo. Gawin ninyo ito upang ang lahat ng pangkat ng tao sa mundong ito ay papurihan at susundin kayo, katulad ng ginawa ng inyong mga taong taga Israel. At gawin ninyo ito upang malaman nilang kayo ay naririto sa templong ito na aking itinayo.
\s5
\p
\v 34 Kung isusugo ninyo ang inyong mga tao na magtungo at salakayin ang kanilang mga kaaway, kung mananalangin sila sa inyo, saan man sila naroroon, at kung haharap sila sa lungsod na ito na inyong pinili at haharap sa templo na aking itinayo upang kayo ay kanilang papurihan,
\p
\v 35 nawa ay pakinggan ninyo mula sa langit ang kanilang mga panalangin. Pakinggan ninyo ang kanilang panalangin at tulungan sila.
\s5
\p
\v 36 Tunay nga na ang bawat isa ay nagkakasala. Kaya kung ang iyong mga tao ay nagkasala laban sa inyo, at nagalit kayo sa kanila, maaaring pahintulutan niyo na mahuli sila ng kanilang mga kaaway upang gawin silang bihag at dalhin sa kanilang mga bansa, maging sa mga malalayong bansa.
\p
\v 37 Kung mangyayari ito, habang naroon sila sa malalayong bansa, kung sasabihin nilang 'Kami ay nagkasala; nakagawa kami ng mga bagay na mali at nakagawa ng mga bagay na napakasama,
\p
\v 38 ipagpalagay na taimtim silang nagsisisi at mananalangin na nakaharap sa lupaing inyong ibinigay sa kanilang mga ninuno, at nakaharap sa lungsod na ito na inyong pinili, at nakaharap sa templong ito na aking ipinatayo para sa inyo upang kayo ay laging narito.
\p
\v 39 At mula sa inyong tahanan sa kalangitan pakinggan ninyo ang kanilang mga panalangin, at pakinggan ninyo sila habang sila ay nagsusumamo sa iyong tulong, at gawin kung ano ang hiniling nilang gawin ninyo, at patawarin ang iyong mga taong nagkasala laban sa iyo.
\p
\v 40 At ngayon, aking Diyos, tingnan ninyo kami habang kami ay nananalangin sa inyo sa lugar na ito, at pakinggan ninyo nawa kami.
\p
\v 41 Yahweh aming Diyos, manahan kayo sa lugar na ito kasama ng inyong banal na kaban, ang kaban na nagpapakita na kayo ay makapangyarihan. Yahweh aming Diyos, hayaan mong malinaw na malaman ng iyong mga pari na sila ay inyong iniligtas. Hayaan mong ang iyong mga anak ay magalak dahil sa lahat ng mga mabubuting bagay na inyong ginawa para sa amin.
\p
\v 42 Yahweh aming Diyos, huwag ninyo akong itakwil, ang hari na inyong itinalaga bilang hari ng Israel; huwag ninyong kalimutan kung gaano kami naging matapat kay David, na inyong lingkod, dahil sa inyong kasunduan sa kaniya."
\s5
\c 7
\p
\v 1 Pagkatapos manalangin ni Solomon, may apoy na bumaba mula sa langit at sinunog ang mga hayop na inialay ng mga tao, gayundin ang iba pang mga handog. At napuno ang templo ng kapangyarihan at liwanag ni Yahweh.
\p
\v 2 Ang ilaw ay lubhang napakaliwanag, kaya hindi nakapasok ang mga pari sa templo ni Yahweh.
\p
\v 3 Nang makita ng lahat ng mga Israelita na naroon na may bumaba na apoy at liwanag ni Yahweh sa ibabaw ng templo, nagpatirapa sila na nakasayad ang kanilang mga mukha sa latag na bato. Sumamba at nagpasalamat sila kay Yahweh, at nagsabing, 'si Yahweh ay laging mabuti sa atin; mamahalin niya tayo magpakailanman, tulad ng ipinangako niyang gawin.
\s5
\p
\v 4-5 At inihandog ng hari at ng lahat ng taong naroon ang templo kay Yahweh sa pamamagitan ng paghandog sa kaniya ng mas marami pang alay. Naghandog si Haring Solomon ng dalawampu't dalawang libong mga baka at 120,000 na mga tupa at mga kambing upang ialay.
\p
\v 6 Ang mga pari ay nakatayo sa kanilang kinalalagyan, at ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi ay nakatayo sa kanilang kinalalagyan hawak ang pang-musikang instrumento upang purihin si Yahweh, mga instrumento na pinagawa ni Haring David upang papurihan si Yahweh at pasalamatan siya. Umawit sila ng, "Matapat ang pag-ibig niya sa atin magpakailanman." Nakatayo ang mga pari kaharap ang iba pang mga lahi ni Levi na hinihipan ang kanilang mga trumpeta habang ang lahat ng mga Israelita ay nakatayo at nakikinig.
\s5
\p
\v 7 Inihandog ni Solomon ang gitnang bahagi ng patyo sa harapan ng templo. At nagbigay siya ng mga handog upang maging ganap ang pagsunog ng mga ito roon kasama ang taba ng mga hayop na iaalay upang mapanatili ang magandang samahan nila kay Yahweh. Sinunog ng mga pari ang mga ito roon sa patyo sapagkat karagdagan sa mga ito ay ang mga handog na harina kaya wala ng sapat na lugar sa tansong altar upang sunugin ang lahat ng mga handog.
\s5
\p
\v 8 Ipinagdiwang ni Solomon at ng iba pang mga tao ang Pista ng mga Tolda sa loob ng pitong araw. Mayroong isang malaking pangkat ng mga tao na nakipagdiwang sa kaniya. Ilan sa kanila ay nagmula pa sa malayong lugar ng Hamat na nasa hilaga at mula sa hangganan ng Ehipto sa malayong timog.
\p
\v 9 At sa ika-walong araw sila ay nagtipong muli upang sumamba kay Yahweh. Ipinagdiwang nila ang paghahandog sa altar sa loob ng pitong araw at ang Pista ng mga Tolda sa loob din ng pitong araw.
\p
\v 10 At kinabukasan pinauwi na sila ni Solomon sa kanilang mga tahanan. Labis silang nagalak dahil sa lahat ng mga mabubuting bagay na ginawa ni Yahweh kay David at Solomon at sa mga Israelita.
\s5
\p
\v 11 Sa paraang ito, natapos ng mga manggagawa ni Solomon ang pagtatayo sa templo at sa palasyo ni Solomon. At natapos ni Solomon ang lahat ng bagay na binalak niyang gawin.
\p
\v 12 At isang gabi, nagpakita sa kaniya si Yahweh sa panaginip at sinabi sa kaniya, "Narinig ko ang iyong panalangin, at pinili ko ang templong ito upang maging lugar kung saan mag-aalay ng mga handog ang aking mga tao.
\s5
\p
\v 13 Kung aking pipigilan ang ulan sa pagbagsak, o kung utusan ko ang mga balang na kainin ang lahat ng pananim, o kung magpadala ako ng mga salot sa aking mga tao,
\p
\v 14 at kung ang mga taong pag-aari ko ay magsisisi sa kanilang mga kasalanan at tumigil sa paggawa ng mga ito at kung magsusumamo sila sa akin upang patawarin ko sila, tiyak na makikinig ako mula sa langit. Patatawarin ko sila sa kanilang pagkakasala at pahihintulutan ko silang umunlad muli.
\p
\v 15 Pakikinggan ko sila kung mananalangin sila sa akin sa lugar na ito.
\s5
\p
\v 16 Napagpasiyahan kong manatili sa templong ito, at ibinukod ko ito para sa akin. Pangangalagaan ko ito sa lahat ng panahon.
\p
\v 17 At ikaw naman, kung susundin mo ako katulad ng ginawa ni David na iyong ama, at kung gagawin mo ang lahat ng aking iniutos sa iyo na gawin mo, at kung susundin mo ang lahat ng aking mga batas at mga utos,
\p
\v 18 titiyakin ko na ang iyong mga kaapu-apuhan ay patuloy magiging mga hari, gaya ng ipinangako ko kay David na inyong ama, noong sinabi ko sa kaniya, 'Ang mga taong mula sa iyong mga kaapu-apuhan ay patuloy na maghahari sa Israel.
\s5
\p
\v 19 Ngunit kung kayong mga Israelita ay tatalikod sa akin at susuway sa mga kautusan at mga batas na ibinigay ko sa iyo, at magsisimula kayong sumamba sa ibang mga diyos,
\p
\v 20 paaalisin ko kayo sa lupaing ito na aking ibinigay sa inyo, at iiwan ko ang templong ito na inilaan ko para sa aking sarili. Hahayaan kong pagtawanan ng mga tao mula sa ibang mga pangkat ang tungkol sa mangyayari rito.
\v 21 Bagaman ang templong ito ngayon ay tunay na kahanga-hanga, kung mangyayari ito, ang lahat ng tao na mapadaan ay kikilabutan at kanilang sasabihin, 'Bakit pinayagan ni Yahweh na mangyari ang kakila-kilabot na mga bagay na katulad nito sa bansang ito at sa templong ito?'
\p
\v 22 At ang iba ay sasagot, 'Nangyari ito sapagkat tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos na nagmamay-ari sa kanilang mga ninuno, na naglabas sa kanilang mga ninuno mula sa Ehipto, at pinili nilang sumamba sa ibang mga diyos at sinubukang paglingkuran sila. Kaya hinayaan ni Yahweh na maranasan nila ang lahat ng sakuna.'~"
\s5
\c 8
\p
\v 1 Ginugol ng mga manggagawa ni Solomon ang dalawampung taon upang itayo ang templo at ang kaniyang palasyo.
\p
\v 2 At muling itinayo ng kaniyang mga manggagawa ang mga lungsod na ibinalik sa kaniya ni Haring Hiram at nagpadala si Solomon ng mga Israelita upang manirahan sa mga lungsod na iyon.
\s5
\p
\v 3 Pagkatapos, pumunta ang hukbo ni Solomon sa bayan ng Hamat-zoba at sinakop ito.
\p
\v 4 Itinayo din nilang muli ang mga pader sa paligid ng lungsod ng Tadmor sa ilang at sa rehiyon ng Hamat sa lahat ng mga bayan kung saan iniimbak nila ang mga gamit.
\s5
\p
\v 5 Itinayo nilang muli ang mga lungsod ng Bet-horong Itaas at Bet-horong Ibaba at itinayo ang mga pader sa paligid nito na may mga tarangkahan at mga pangharang para sa mga tarangkahan.
\p
\v 6 Itinayo din nilang muli ang lungsod ng Baalat, ang lahat ng mga lungsod na pinag-iimbakan nila ng mga gamit at ang mga lungsod kung saan inilalagay ang mga karwahe at mga kabayo ni Solomon. Itinatayo ng mga manggagawa ni Solomon ang anumang naisin niya na ipatayo sa Jerusalem, Lebanon at sa ibang mga lugar na kaniyang pinamumunuan.
\s5
\p
\v 7 Pinilit ni Solomon ang mga tao na mula sa ibang mga pangkat na hindi mga Israelita upang magtrabaho para sa kaniya na para bang sila ay mga alipin. Sila ang iba't ibang mga lahi ng mga tao na mula sa Het, Amor, Periz, Hiv at Jebus.
\p
\v 8 Kaapu-apuhan sila ng mga pangkat na hindi lubusang nilipol ng mga Israelita. Pinilit sila ni Solomon na maging mga manggagawa niya at ganoon pa din sila hanggang sa kasalukuyan.
\s5
\p
\v 9 Ngunit hindi pinilit ni Solomon ang mga Israelita na magtrabaho para sa kaniya. Naging kaniyang mga kawal, pinuno ng kaniyang mga mangangarwahe at mga mangangabayo ang mga Israelita.
\p
\v 10 Naging mga punong opisyal din sila ni Haring Solomon. May 250 sa kanila at pinangangasiwaan nila ang mga manggagawa.
\s5
\p
\v 11 Dinala ni Solomon ang kaniyang asawa na anak ng hari ng Ehipto sa lugar na itinayo ng kaniyang mga manggagawa para sa kaniya sa labas ng Jerusalem na tinawag na lungsod ni David. Sinabi niya, "Hindi ko nais na tumira ang aking asawa sa palasyo na itinayo ng mga manggagawa ng aking amang si Haring David, dahil pansamantalang naroon sa palasyo ang sagradong kaban at saan mang lugar naroon ang sagradong kaban ay banal."
\s5
\p
\v 12 Nagdala si Solomon ng maraming alay na ganap na susunugin sa altar na itinayo ng mga manggagawa ni Solomon sa harap ng pasukan ng templo.
\p
\v 13 Ginawa niya iyon na sinusunod ang mga alay na inihayag ni Moises na dapat gawin sa araw-araw, sa mga araw ng Pamamahinga, pagdiriwang sa bawat araw kung saan mayroong bagong buwan at sa tatlong pista na ipinagdiriwang sa bawat taon. Ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, Pista ng Pag-aani at ang Pista ng mga Tolda.
\s5
\p
\v 14 Sa pagsunod sa iniutos ng kaniyang amang si David, itinalaga ni Solomon ang mga pangkat ng mga pari sa kanilang mga gawain, itinalaga niya ang mga kaapu-apuhan ni Levi upang pangunahan ang mga tao habang umaawit sila upang purihin si Yahweh at habang tinutulungan nila ang mga pari sa kanilang pang-araw-araw na gawain. Nagtalaga din siya ng mga pangkat upang bantayan ang lahat ng mga tarangkahan dahil iyon din ang iniutos ng lingkod ng Diyos na si David.
\p
\v 15 Sinunod ng mga pari at iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi ang lahat ng iniutos ng hari, kabilang ang utos na pangalagaan ang mga silid-imbakan.
\s5
\p
\v 16 Ginawa nila ang lahat ng gawain sa pagpapatayo ng templo na iniutos ni Solomon na gawin hanggang sa matapos ito. Sa ganoong paraan, natapos nila ang pagpapatayo ng templo.
\p
\v 17 Pumunta ang ilang mga tao ni Solomon sa lungsod ng Ezion-geber at Elot sa baybaying dagat ng mga Tambo na kasunod ng rehiyon na pagmamay-ari ng mga taga-Edom.
\p
\v 18 Pinadalhan siya ni Haring Hiram mula sa lungsod ng Tiro ng mga barko na pinangangasiwaan ng kaniyang mga opisyal. Sila ang mga taong may karanasan sa paglalayag. Kasama ng mga taong ito ang mga tao ni Solomon sa barko papunta sa rehiyon ng Ofir at nakapagdala ng labing-anim na tonelada ng ginto na dinala nila kay Haring Solomon.
\s5
\c 9
\p
\v 1 Nang marinig ng reynang namumuno sa Sheba sa buong Arabia na si Solomon ay napakatanyag, naglakbay siya sa Jerusalem upang tanungin si Solomon ng mga katanungang mahihirap. Kasama niyang pumunta ang malaking pangkat ng mga tagapaglingkod at nagdala siya ng mga kamelyo na may kargang mga sangkap at mga mahahalagang bato. Nang dumating siya, ibinahagi niya kay Solomon ang kaniyang mga iniisip.
\v 2 Sinagot ni Solomon ang lahat ng kaniyang mga katanungan. Ipinaliwanag niya ang lahat ng nais niyang malaman, kahit na ang mga bagay na napakahirap.
\s5
\p
\v 3 Napatunayan ng reyna na napakatalino ni Solomon. Nakita niya ang kaniyang palasyo,
\p
\v 4 nakita niya ang mga pagkaing nakahain sa kaniyang mesa araw-araw, nakita niya kung saan nakatira ang kaniyang mga opisyal, ang kanilang mga kasuotan, ang mga tagapaglingkod na naghahanda ng pagkain at inumin at ang mga handog na kaniyang dinadala sa templo upang ialay. Labis siyang namangha.
\s5
\p
\v 5 Sinabi niya sa hari, "Totoo nga na ang lahat ng aking narinig sa aking bansa tungkol sa iyo at kung gaano ka katalino!
\q
\v 6 Ngunit hindi ko pinaniwalaan na ito ay totoo hanggang sa makarating ako rito at nakita ko mismo. Napakatalino mo at napakayaman, higit pa sa sinabi sa akin ng mga tao.
\s5
\p
\v 7 Mapalad ang mga taong naglilingkod sa iyo! Mapalad din ang iyong mga tagapaglingkod na patuloy na nananatili sa iyong harapan at nakikinig sa mga bagay na iyong sinasabi nang may katalinuhan!
\p
\v 8 Pinupuri ko si Yahweh ang iyong Diyos na ipinapakitang siya ay nalugod sa iyo, sa pamamagitan ng pagtatalaga niya sa iyo bilang hari ng Israel para sa kaniya. Patuloy na minamahal ng Diyos ang mga Israelita at nais niya silang tulungan magpakailanman, kaya itinalaga ka niya bilang kanilang hari, upang mamuno ka sa kanila ng may katapatan at katuwiran."
\s5
\p
\v 9 Pagkatapos, binigyan ng reyna si Solomon ng humigit-kumulang sa apat na metrikong toneladang ginto at napakaraming mga sangkap at mga mamahaling bato. Kailanman ay hindi pa nakatanggap si Haring Solomon ng ganito karaming sangkap na ibinigay ng reyna sa kaniya nang panahong iyon.
\s5
\p
\v 10-12 Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna na galing sa Sheba ang lahat ng kaniyang gusto. Higit ang ibinigay niya dito kaysa sa ibinigay sa kaniya. Pagkatapos, siya at ang kasama niyang mga dumating ay bumalik na sa kanilang lupain. Sa mga barkong pag-aari ni Haring Hiram, ang mga manggagawa ni Hiram at Solomon ay nagdala ng ginto mula Ofir. Nagdala rin sila ng maraming algum na kahoy, isang uri ng kahoy na wala sa Israel na kailanman ay wala pang nakakita.
\s5
\p
\v 13 Taun-taon ay may idinadala kay Solomon na humigit-kumulang dalawampu't tatlong tonelada ng ginto na karagdagang bayad sa mga buwis na ibinayad sa kaniya ng mga negosyante at mga mangangalakal.
\p
\v 14 At nagdala rin ang mga hari ng Arabia at mga gobernador ng mga distrito sa Israel ng pilak at ginto kay Solomon.
\s5
\p
\v 15 Kinuha ng mga manggagawa ni Solomon ang mga gintong ito at pinitpit ito hanggang sa naging manipis at ibinalot sa dalawang daang malalaking kalasag sa pamamagitan ng mga piraso ng mga gintong ito, naglagay sila ng humigit kumulang na 3.5 kilong ginto sa bawat kalasag.
\p
\v 16 Gumawa ang kaniyang mga manggagawa ng tatlong daang mga kalasag na mas maliit. Binalutan nila ang bawat isa ng halos 1.7 kilo ng ginto. Pagkatapos inilagay ng hari ang mga kalasag na iyon sa Bulwagan sa Kagubatan ng Lebanon.
\s5
\p
\v 17 Gumawa rin ang kaniyang mga manggagawa ng isang malaking trono para sa kaniya. Ang bahagi nito ay binalutan ng garing at ang ibang bahagi nito ay binalutan ng purong ginto.
\p
\v 18 May anim itong mga baitang sa harapan ng trono. May ginto itong tapakan na nakakabit sa mga baitang. Sa bawat gilid ng trono ay may patungan ng kamay at sa tabi nito ay may isang maliit na istatuwa ng leon. Ang likod na ibabaw ng trono ay pabilog.
\s5
\v 19 At mayroon itong labindalawang imahen ng mga leon. Walang tronong katulad nito ang makikita sa ibang kaharian.
\p
\v 20 Ang lahat ng inuman ni Solomon ay gawa sa ginto at ang iba't ibang uri ng kagamitang pinggan sa Bulwagan sa Kagubatan ng Lebanon ay gawa sa ginto. Hindi sila gumawa ng mga bagay na mula sa pilak, sapagkat sa panahong naghahari si Solomon, ang pilak ay itinuturing na hindi mahalaga.
\p
\v 21 May barkong panghukbo ang hari na naglalayag sa karagatang malalayo. Naglalayag ito kasama ang pangkat na barkong pangkalakal ni Hiram. Tuwing ikatlong taon, nagdadala ang barko ng ginto, pilak, garing, mga gorilya at malalaking unggoy.
\s5
\p
\v 22 Naging napakayaman at napakatalino ni Haring Solomon ng higit pa sa ibang hari sa daigdig.
\p
\v 23 Hinahangad ng lahat ng mga Hari sa buong mundo na makapunta at mapakinggan ang karunungan ni Solomon, mga bagay na inilagay ng Diyos sa kaniyang isipan.
\p
\v 24 Nagdadala ang lahat ng taong dumadalaw sa kaniya ng mga bagay na gawa sa pilak at ginto, nagdadala rin sila ng mga damit, sandata, pampalasa, kabayo at mga mola. Ipinagpatuloy ng mga mangngalakal na gawin ito taun-taon.
\s5
\p
\v 25 May apat na libong kwadra si Solomon para sa kaniyang mga kabayo at mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo. Inilagay ni Solomon ang ilan sa mga ito sa Jerusalem at sa ibang lungsod ang ilan kung saaan nakatago ang kaniyang mga karwahe.
\p
\v 26 Pinamunuan ni Solomon ang lahat ng hari sa hilagang silangan ng ilog Eufrates sa kanlurang rehiyon ng Pilistia at sa hangganan ng Ehipto sa hilaga.
\s5
\q
\v 27 Sa panahon ng paghahari ni Solomon, ginawa niyang pangkaraniwan lamang ang pilak sa Jerusalem katulad ng bato at pinarami rin niya ang mga puno ng cedar sa paanang burol ng Juda upang maging masagana katulad ng mga punong sikamoro.
\p
\v 28 Nagdala ang mga kinatawan ni Solomon ng mga kabayo mula sa bahagi ng Musri at sa ibang mga lugar.
\p
\v 29 Ang talaan ng lahat ng iba pang mga bagay na ginawa ni Solomon ay nakasulat sa mga balumbun na isinulat nina propeta Natan at Ahias na mula sa lungsod ng Shilo at ang balumbun kung saan nakasulat ang mga pangitain na nakita ni propeta Iddo tungkol kay Haring Jeroboam.
\p
\v 30 Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel sa loob ng apatnapung taon.
\v 31 Pagkatapos, namatay si Solomon at inilibing siya sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag na "ang lungsod ni David.' Ang kaniyang anak na si Rehoboam ang sumunod na naging hari.
\s5
\c 10
\p
\v 1 Pumunta sa lungsod ng Shekem ang lahat ng mga taong nagmula sa hilaga ng Israel upang italaga si Rehoboam na maging hari nila. Kaya, pumunta rin si Rehoboam doon.
\p
\v 2 Pumunta sa Egipto si Jereboam na anak ni Nebat upang tumakas kay Haring Solomon. Ngunit nang marinig niya ang tungkol sa pagnanais ng mga tao na italaga si Rehoboam na maging hari nila, bumalik siya Israel.
\s5
\p
\v 3 Kaya, ipinatawag ng mga pinuno ng lipi sa hilaga si Jeroboam at sumama siya sa kanila upang makipag-usap kay Rehoboam. Sinabi nila kay Rehoboam,
\p
\v 4 "Pinilit kami ng iyong amang si Solomon na magpakahirap sa pagtatrabaho, ngunit kung sisingilin mo kami ng mas mababang buwis kaysa sa ibinabayad namin sa kaniya at kung pagagaanin mo ang aming mga trabaho, maglilingkod kami sa iyo ng buong katapatan."
\v 5 Sumagot siya, "Bumalik kayo pagkatapos ng tatlong araw mula ngayon, at ibibigay ko sa inyo ang aking kasagutan." Kaya, umalis na si Jeroboam kasama ang mga pinuno.
\s5
\p
\v 6 At humingi ng payo si Haring Rehoboam sa mga matatandang kalalakihan na tagapayo ng kaniyang amang si Solomon noong nabubuhay pa siya. Tinanong niya sila, "Ano ang dapat kong sabihin upang sagutin ang mga kalalakihang ito?"
\p
\v 7 Sumagot sila, "Kung magiging mabait ka sa mga taong ito at gagawin ang mga bagay na nakalulugod sa kanila at kung magsasabi ka ng mga mabubuti kapag sinagot mo sila, palagi silang maglilingkod sa iyo."
\s5
\p
\v 8 Ngunit hindi siya sumang-ayon sa ipinayo ng mga matandang kalalakihan na gawin niya. Sa halip, humingi siya ng payo sa mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki, na mga tagapayo niya ngayon.
\p
\v 9 Sinabi niya sa kanila, "Ano ang masasabi ninyo na dapat kong isagot sa mga taong humihiling sa akin na bawasan ang kanilang mga trabaho at mga buwis na ipinataw sa kanila ng aking ama?"
\s5
\p
\v 10 Sumagot ang mga kabataang lalaki na kasabayan niyang lumaki, "Sinabi ng mga taong iyon na pinilit sila ng iyong ama na magpakahirap magtrabaho para sa kaniya, kaya nais nilang bawasan mo ang kanilang mga trabaho at mga buwis na sinisingil ng iyong ama sa kanila. Ngunit ito ang dapat mong sabihin sa kanila. 'Mas makapal ang aking mga hinliliit kaysa sa baywang ng aking ama.'
\p
\v 11 Ang nais naming sabihin, kung iniutos ng iyong ama sa mga tao na magpakahirap sa pagtatrabaho at magbayad ng mataas na mga buwis. Sabihin mo sa kanila na gagawin mong mas mabigat ang mga pasaning iyon. Kahit na pinalo sila ng iyong ama ng mga latigo, ngunit papaluin mo sila sa pamamagitan ng mga alakdan."
\s5
\p
\v 12 Makalipas ng tatlong araw, muling pumunta si Jeroboam at ang lahat ng mga pinuno kay Rehoboam, gaya ng sinabi niyang gawin nila.
\p
\v 13 Hindi pinakinggan ng hari ang payo ng mga matatandang lalaki at marahas siyang nagsalita sa mga pinuno ng mga Israelita. Sinabi niya sa kanila ang ipinayo sa kaniya ng mga kabataang lalaki.
\p
\v 14 Sinabi niya, "Nagbigay ang aking ama ng mabibigat na mga pasanin at mga buwis sa inyo ngunit pabibigatin ko pa ang inyong mga pasanin. Ito ay parang pinalo niya kayo ng mga latigo, ngunit papaluin ko naman kayo sa pamamagitan ng mga alakdan!"
\s5
\p
\v 15 Kaya hindi pinakinggan ng hari ang mga pinuno ng mga tao. Nangyari ang lahat ng ito upang mangyari ang nais ni Yahweh, na sinabi niya kay propeta Ahias tungkol sa pagiging hari ni Jeroboam sa sampu sa labindalawang tribu.
\s5
\p
\v 16 Nang mapagtanto ng mga pinuno ng mga Israelita na hindi pinakinggan ng hari ang kanilang sinabi, sumigaw sila, "Wala na tayong anumang magagawa sa kaapu-apuhang ito ni Haring David! Hindi na tayo makikinig pa sa mga sinasabi ng apong ito ni Jesse! Kayong mga taga-Israel, umuwi na tayo sa ating mga tahanan! Ngunit para sa kaapu-apuhang ito ni David, kaya na niyang pangalagaan ang kaniyang sariling pamilya!" Kaya umuwi na ang mga pinuno ng mga Israelita sa kanilang mga tahanan.
\p
\v 17 At matapos iyon, ang tanging pinamunuan lamang ni Rehoboam na mga Israelita ay ang mga nakatira sa nasasakupang tribu ng Juda, sa kabukirang bahagi at sa mga lungsod, sa mga bayan at sa mga nayon.
\p
\v 18 At pumunta si Haring Rehoboam kasama si Adoram upang makipag-usap sa mga Israelita. Si Adoram ang tagapangasiwa sa mga taong pinilit na magtrabaho para kay Rehoboam. Ngunit pinatay siya ng mga Israelita sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya. Nang mangyari iyon, kaagad na sumakay si Haring Rehoboam sa kaniyang karwahe at tumakas papunta sa Jerusalem.
\v 19 Magmula sa mga panahong iyon, patuloy nang naghihimagsik ang mga tribu sa hilaga ng Israel laban sa mga kaapu-apuhan ni Haring David.
\s5
\c 11
\p
\v 1 Nang makarating si Rehoboam sa Jerusalem, tinipon niya ang 180,000 na pinakamahuhusay na mga kawal mula sa mga tribu nina Juda at Benjamin. Nais niyang kalabanin nila ang mga tribu ng Israel sa hilaga at talunin sila upang muli niyang mapamunuan ang lahat ng labindalawang lipi.
\s5
\p
\v 2 Ngunit nagsalita si Yahweh kay propeta Semaias at sinabi ito sa kaniya,
\v 3 "Pumunta ka at sabihin mo ito sa anak ni Solomon na si Rehoboam, ang hari ng Juda, at sa lahat ng mga Israelita sa mga lipi nina Juda at Benjamin,
\p
\v 4 'Sinabi ni Yahweh na hindi kayo dapat pumunta upang kalabanin ang mga tao ng Israel dahil sila ay inyong mga kamag-anak. Dapat umuwi na kayong lahat sa inyong mga tahanan. Nangyari ang nais ni Yahweh na mangyari.'" Kaya umalis si Semaias at pinakinggan nilang lahat ang iniutos ni Yahweh na dapat nilang gawin. Hindi nila nilusob si Jeroboam at ang kaniyang mga kawal.
\s5
\p
\v 5 Nanirahan si Rehoboam sa Jerusalem at nagtayo ang kaniyang mga manggagawa ng mga pader sa palibot ng ilang mga lungsod at mga bayan sa Juda upang pangalagaan sila laban sa mga paglusob ng mga kaaway.
\p
\v 6 Nagtayo sila ng mga pader sa lugar na pag-aari ng mga lipi nina Juda at Benjamin, sa palibot ng Bethlehem, Etam, Tekoa,
\v 7 Beth-sur, Soco, Adullam,
\p
\v 8 Gat, Maresa,
\p
\v 9 Adoraim, Laquis, Azeka,
\p
\v 10 Zora, Aijalon at Hebron.
\s5
\v 11 Nagtalaga rin siya ng pinuno ng hukbo sa bawat lungsod at nayon na iyon at binigyan niya sila ng mga pagkain, langis ng olibo at alak.
\p
\v 12 Naglagay siya ng mga kalasag at mga sibat sa lahat ng lungsod at pinatibay niyang mabuti ang mga ito. Kaya patuloy niyang pinangunahan ang mga lipi nina Juda at Benjamin.
\s5
\p
\v 13 Tinulungan si Rehoboam ng mga pari at ng iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi sa buong Israel.
\p
\v 14 Iniwan ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang kanilang ari-arian at pastulan, at pumunta sila sa Jerusalem at sa ibang mga lugar sa Juda sapagkat hindi sila pinapayagan ni Jeroboam at ng kaniyang mga anak na gawin ang gawain ng mga pari ni Yahweh.
\p
\v 15 Sa halip, itinalaga ni Jeroboam ang mga pari na nais niyang maglingkod sa mga altar na ipinag-utos niyang maipatayo sa iba't ibang dambana upang mag-alay ng mga handog sa mga diyus-diyosan na kaniyang iniutos na gawin na kawangis ng mga kambing at mga baka.
\s5
\p
\v 16 At pumunta sa Jerusalem ang mga tao mula sa bawat lipi sa Israel na nagnanais sumamba kay Yahweh, ang Diyos na nagmamay-ari sa mga Israelita, kasama ang angkan ni Levi upang mag-alay ng mga handog kay Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng kanilang mga ninuno.
\p
\v 17 Pinalakas nila ang kaharian ng Juda at sa loob ng tatlong taon masaya sila na si Rehoboam na anak ni Solomon ang hari. Sa panahong iyon ginawa nilang matuwid ang kanilang mga pamumuhay gaya ng ginawa ni David at Solomon noong una.
\s5
\p
\v 18 Napangasawa ni Rehoboam si Mahalat. Siya ang anak na babae ni Jerimot na anak ni David at ang kaniyang ina ay si Abihail na anak ni Eliab at apo ni Jesse.
\v 19 Nagkaroon ng tatlong anak na lalaki sina Rehoboam at Mahalat, sina Jeus, Semarias at Zaham.
\s5
\p
\v 20 Hindi nagtagal napangasawa ni Rehoboam si Maaca na anak na babae ni Absalom at nagkaroon sila ng apat na anak na lalaki, sina Abias, Atai, Ziza at Selomit.
\p
\v 21 Minahal ni Rehoboam si Maaca nang higit pa sa pagmamahal niya sa iba pa niyang mga asawa at mga asawang alipin. Sa kabuuan nagkaroon siya ng labing-walong mga asawa at animnapung mga asawang alipin at dalawampu't walong anak na lalaki at animnapung anak na babae.
\s5
\p
\v 22 Itinalaga ni Rehoboam ang kaniyang anak na si Abias na maging pinuno ng kaniyang mga nakatatanda at nakababatang kapatid dahil nais niyang italaga si Abias upang maging susunod na hari.
\p
\v 23 Buong karunungan niyang ipinadala ang iba pa niyang mga anak sa iba pang mga lungsod sa mga lugar na pag-aari ng mga lipi nina Juda at Benjamin at sa iba pang mga lungsod na mayroong mga pader na nakapalibot sa mga ito. Binigyan niya sila ng saganang pagkain at maraming mga asawa.
\s5
\c 12
\p
\v 1 Pagkatapos makamit ni Rehoboam ang ganap na pamamahala sa kaniyang kaharian, tumigil siya at ang lahat ng mga tao sa Juda sa pagsunod sa mga kautusan ni Yahweh.
\s5
\p
\v 2 Dahil dito, matapos ang pagiging hari ni Rehoboam ng halos limang taon, ipinadala ni Yahweh si Shishak na hari ng Ehipto kasama ang kaniyang hukbo upang salakayin ang Jerusalem.
\q
\v 3 Kasama niya ang kaniyang mga hukbong isang libo at dalawang daang karwahe, animnapung libong kawal na nakasakay sa mga kabayo at ang napakaraming bilang ng mga hukbo na nagmula sa dalawang rehiyon ng Libya at nagmula sa Etiopia.
\p
\v 4 Sinakop nila ang maraming mga lungsod sa Juda na napapalibutan ng mga pader at nakarating sila hanggang sa Jerusalem.
\s5
\v 5 At pumunta ang propetang si Semaias kay Rehoboam at sa iba pang mga pinuno ng Juda na nagtipun-tipon sa Jerusalem dahil natakot sila sa hukbo ni Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, "Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Tinalikuran ninyo ako, kaya ngayon tinatalikuran ko rin kayo, upang mabihag kayo ng mga hukbo ni Shishak."
\p
\v 6 At nagpakumbaba ang hari at iba pang mga pinuno ng mga Israelita at sinabi, "Makatarungan ang ginagawa sa atin ni Yahweh."
\s5
\q
\v 7 Nang makita ni Yahweh na nagpakumbaba sila, ibinigay niya kay Semaias ang mensaheng ito: "Dahil nagpakumbaba sila, hindi ko sila hahayaang mawasak. Sa halip, ililigtas ko sila sa madaling panahon. Hindi ko gagamitin ang mga hukbo ni Shishak upang ganap na lipulin ang mga tao sa Jerusalem,
\q
\v 8 ngunit sasakupin pa rin nila ang Jerusalem at pipilitin ang mga tao roon na gawin ang mga nais ipagawa sa kanila ni Shishak. Upang matututunan ng mga tao sa Jerusalem na mas mabuti ang maglingkod sa akin kaysa sa maglingkod sa mga hari ng ibang mga bansa."
\s5
\p
\v 9 Nang salakayin ng mga hukbo ni Shishak ang Jerusalem, kinuha nila ang mga mahahalagang bagay na nasa templo ni Yahweh at ang mga nasa palasyo ng hari. Kinuha nila ang lahat ng mga mahahalaga, kabilang ang mga gintong kalasag na ginawa ng mga manggagawa ni Solomon.
\p
\v 10 Kaya, gumawa ang mga manggagawa ni Haring Rehoboam ng mga tansong kalasag na magagamit sa halip na ang mga ginto, at ibinigay ang mga tansong kalasag sa mga pinuno ng mga kawal ng mga kalalakihang nagbabantay sa pasukan ng kaniyang palasyo.
\s5
\p
\v 11 Matapos iyon, sa tuwing pumupunta ang hari sa templo, sumasama sa kaniya ang mga taga-pagbantay na dala-dala ang mga tansong kalasag na iyon. At kapag aalis ang hari, ibinabalik nila ang mga tansong kalasag sa silid ng mga tagabantay.
\p
\v 12 Dahil nagpakumbaba si Rehoboam, nawala ang poot ni Yahweh sa kaniya at hindi siya inalis bilang hari. Sa halip, hinayaan niyang mangyari ang mga magagandang bagay sa Juda.
\s5
\p
\v 13 Muling nakamit ni Rehoboam ang ganap na pamamahala sa Jerusalem at patuloy na naging hari sa Juda. Naging hari siya sa edad na apatnapu't-isa. Naghari siya ng labing pitong taon sa Jerusalem, ang lungsod na hinirang ni Yahweh sa lahat ng mga tribu ng Israel na magiging lugar kung saan sasambahin siya ng mga tao.
\v 14 Naama ang pangalan ng ina ni Rehoboam. Nagmula siya sa lahi ng mga Amonita. Gumawa ng masama si Rehoboam dahil hindi niya sinubukang hanapin ang mga nais ni Yahweh na gawin niya.
\p
\v 15 Ang kasaysayan ng lahat ng mga ginawa ni Rehoboam habang siya ang hari, at ang mga talaan ng mga kasapi sa kaniyang pamilya ay nasa balumbon na isinulat ng mga propetang si Semaias at Iddo. Patuloy na naglalaban sa bawat isa ang mga hukbo nina Rehoboam at Jeroboam.
\p
\v 16 Nang mamatay si Rehoboam, inilibing siya sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David. At naging hari ang kaniyang anak na si Abija.
\s5
\c 13
\p
\v 1 Nang namumuno si Jeroboam sa Israel ng halos labing walong taon, naging hari ng Juda si Abias.
\p
\v 2 Namuno siya sa Jerusalem ng tatlong taon. Si Micaias ang kaniyang ina na anak ni Uriel na nagmula sa lungsod ng Gibea. Nagkaroon ng isang digmaan sa pagitan ng mga hukbo nila Abias at Jeroboam.
\p
\v 3 Nagpunta si Abias sa labanan dala ang kaniyang 400,000 na mahuhusay na kawal at naghanda si Jeroboam na labanan sila dala ang kaniyang 800,000 na mahuhusay na kawal.
\s5
\v 4 Tumayo si Abias sa tuktok ng Bundok ng Zemaraim sa may maburol na lupain na pagmamay-ari ng lipi ni Efraim at sumigaw siya, "Jeroboam at kayong lahat na mga tao ng Israel, makinig kayo sa akin!
\p
\v 5 Tiyak na alam ninyong si Yahweh na sinasamba nating mga Israelita ang gumawa ng isang kasunduan kay David sa pamamagitan ng kaniyang ipinangako na ang kaniyang mga kaapu-apuhan ang patuloy na mamumuno sa buong Israel.
\s5
\p
\v 6 Ngunit naghimagsik si Jeroboam na isa lamang opisyal ng anak ni David laban sa kaniyang hari na si Haring Solomon.
\p
\v 7 At nang maging hari si Rehoboam na anak ni Solomon na bata pa noon at walang karanasan, isang pangkat ng mga tampalasan at walang kabuluhan ang nagtipon-tipon sa paligid ninyo at naghimagsik laban sa kaniya.
\s5
\p
\v 8 At binabalak ninyo ngayon na labanan ang kaharian na itinatag ni Yahweh upang pamunuan ng mga anak ni David. Tunay nga na mayroon kayong isang malaking hukbo at dinala mo kasama ng inyong mga kawal ang mga rebultong guyang ginto na ginawa ng mga manggagawa ni Jeroboam upang maging mga diyos ninyo.
\p
\v 9 Ngunit pinaalis ninyo ang mga pari na hinirang ni Yahweh, mga kalalakihang anak ni Aaron, ang unang pinakapunong pari. Pinaalis din ninyo ang mga lahi ni Levita at humirang kayo ng mga pari na nais ninyo, tulad ng ginagawa ng mga tao sa ibang bansa. Upang maging pari ang isang tao, kailangan niyang ihandog ang kaniyang sarili kay Yahweh sa pamamagitan ng paghahandog ng batang toro at pitong lalaking tupa. Ang pari ding iyon ang nag-aalay ng mga handog sa mga hindi tunay na diyos.
\s5
\p
\v 10 Ngunit para sa amin, si Yahweh ang aming Diyos at hindi namin siya tinalikuran. Mga anak ni Aaron ang aming mga pari na naglilingkod kay Yahweh at mga lahi ni Levita ang tumutulong sa kanila.
\p
\v 11 Dinadala nila tuwing umaga at gabi ang mga alay kay Yahweh upang sunugin sa altar at sinusunog nila ang mabangong insenso. Inilalagay nila tuwing linggo sa banal na mesa ang tinapay sa harapan ni Yahweh at sinisindihan nila ang mga ilawan tuwing gabi na nasa gintong patungan. Sinusunod namin ang mga iniuutos ni Yahweh na aming Diyos. Ngunit tinalikuran ninyo siya, hindi na ninyo siya sinasamba.
\s5
\p
\v 12 Kasama namin si Yahweh, siya ang aming pinuno. Hihipan ng mga paring itinalaga niya ang kanilang mga trumpeta upang maghudyat na handa na kaming makipaglaban sa inyo. Kayong mga kalalakihan ng Israel, huwag ninyong labanan si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, dahil hindi kayo magtatagumpay laban sa kaniya."
\s5
\p
\v 13 Habang nagsasalita siya, nagpadala si Jeroboam ng ilan sa kaniyang mga hukbo sa palibot ng mga hukbo ng Juda. Kaya habang nasa harapan ng mga hukbo ng Juda ang mga kawal na kasama ni Jeroboam, nasa likuran naman ng hukbo ng Juda ang ibang kawal ng Israel.
\p
\v 14 Nang lumingon at nakita ng mga kawal ng Juda na sinasalakay sila mula sa harapan at sa likuran, humingi sila ng tulong kay Yahweh. Hinipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta
\p
\v 15 at sumigaw ng malakas ang mga kalalakihan ng Juda. At tinulungan ni Yahweh si Abias at ang hukbo ng Juda upang talunin si Jeroboam at ang hukbo ng Israel.
\s5
\p
\v 16 Tumakas ang mga kawal ng Israel mula sa mga kawal ng Juda at tinulungan ng Diyos ang hukbo ng Juda upang talunin sila.
\p
\v 17 Pinatay ni Abias at ng kaniyang mga hukbo ang mahuhusay na kawal ng Israel at pumatay sila ng 500,000 na pinakamahuhusay na kawal na naroroon sa Israel.
\p
\v 18 Kaya natalo ang mga kawal ng Israel at nanalo naman sa digmaan ang mga kawal ng Juda dahil nagtiwala sila kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
\p
\v 19 Tinugis ng hukbo ni Abias ang hukbo ni Jeroboam at sinakop nila mula sa mga tao ng Israel ang lungsod ng Bethel, Jesana, Efron at ang mga palibot na mga nayon.
\p
\v 20 Sa natitirang panahon ng pamumuno ni Abias, hindi na muling naging makapangyarihan si Jeroboam. At pinahintulutan ni Yahweh na magkaroon siya ng malubhang sakit at namatay siya.
\p
\v 21 Ngunit naging mas makapangyarihan si Abias. Nag-asawa siya ng labing apat at nagkaroon ng dalawamput-dalawang anak na lalaki at labing anim na mga anak na babae.
\p
\v 22 Ang iba pang mga bagay na ginawa ni Abias habang siya ang hari, kasama ang mga sinabi at ang mga ginawa niya ay nasa balumbon na sinulat ni propeta Iddo.
\s5
\c 14
\p
\v 1 Nang mamatay si Abias, inilibing kasama ng kaniyang mga ninuno sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David. Ang kaniyang anak na si Asa ang naging hari. Sa panahong naghahari si Asa, may kapayapaan sa Juda sa loob ng sampung taon.
\v 2 Ginawa ni Asa ang mga bagay na itinuturing ni Yahweh na kaniyang Diyos na matuwid at mabuti.
\p
\v 3 Tinanggal ng kaniyang mga manggagawa ang mga altar ng ibang mga diyos na nasa dambana. Dinurog nila ang mga sagradong batong haligi at pinabagsak ang mga posteng naroon para sa diyosang si Ashera.
\p
\v 4 Iniutos ni Asa sa mga taga-Juda na si Yahweh lamang ang sasambahin, ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno, hanapin ang kaniyang kalooban at sundin ang kaniyang mga kautusan.
\s5
\p
\v 5 Winasak ng kaniyang mga manggagawa ang lahat ng mga dambana at mga altar na pinagsusunugan ng insenso para sa mga diyus-diyosan sa bawat bayan ng Juda. Dahil dito, nagkaroon ng kapayapaan habang pinaghaharian ni Asa ang kaharian ng Juda.
\p
\v 6 Nagpatayo ang kaniyang mga manggagawa ng mga lungsod at mga pader sa kanilang paligid. Walang hukbo ang sumalakay sa Juda ng mga panahong iyon dahil pinagkalooban sila ni Yahweh ng kapayapaan.
\s5
\v 7 Sinabi ni Asa sa mga taga-Juda, "Kailangan nating patibayin ang mga bayang ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pader sa paligid nito, na may mga toreng bantayan at mga tarangkahan na may mga harang. Pagmamay-ari pa rin natin ang bansang ito dahil hiniling natin kay Yahweh na ating Diyos na tulungan tayo. Hiniling natin ang kaniyang tulong at binigyan niya tayo ng kapayapaan sa ating buong lupain." Kaya nagtayo sila ng mga gusali at nagtagumpay sila sa kanilang mga ginawa.
\p
\v 8 Mayroong 300,000 kalalakihang hukbo si Asa na nagmula sa Juda. Silang lahat ay may dalang malalaking mga kalasag at mga sibat. Mayroon din siyang 280,000 kalalakihan mula sa tribu ni Benjamin sa kaniyang hukbo. May dala din silang mga kalasag, pana at mga palaso. Silang lahat ay magigiting na mga kawal.
\s5
\p
\v 9 Sinalakay ni Zera ang lalaking nagmula sa Etiopia ang Juda na may hukbong isang milyong kalalakihan at tatlong daang karwahe. Nakarating siya sa Maresa, sa timog kanluran ng Jerusalem.
\p
\v 10 Nagpunta si Asa kasama ang kaniyang hukbo upang labanan sila at ang magkabilang panig ng hukbo ay humanay sa Lambak ng Sepata.
\p
\v 11 Pagkatapos, tumangis si Asa kay Yahweh na kaniyang Diyos, sinabi niya, "Yahweh, Wala kang katulad, na tumutulong sa mga mahihina upang labanan ang napakaraming hukbo. Naparito kami upang makipaglabanan sa ganito kalaking hukbo. Yahweh, ikaw ang aming Diyos, huwag mong hayaan ang sinuman na matalo ka."
\s5
\p
\v 12 At binigyan ni Yahweh ng kakayanan si Asa at ang hukbo ng Juda upang talunin ang hukbo ng Etiopia. Tumakas sila
\p
\v 13 at hinabol sila ni Asa kasama ang kaniyang hukbo mula sa timog-kanluran hanggang sa makarating sa Gerar. Ang napakaraming bilang ng mga kawal mula Etiopia ang napatay, na naging dahilan upang hindi na makalaban pa ang mga hindi namatay. Tuluyan silang pinabagsak ni Yahweh at ang kaniyang hukbo. At kinuha ng mga kalalakihan ng Juda ang kanilang mga ari-arian.
\v 14 Winasak ng mga kalalakihan ng Juda ang mga nayon na malapit sa lungsod ng Gerar dahil kumilos ang kapangyarihan ni Yahweh na matakot sila mg lubha at hindi na makalaban. Kinuha ng hukbo ng Juda ang mga mahahalagang bagay sa mga nayong iyon.
\p
\v 15 Sinalakay din nila ang mga lugar ng mga pastulan ng mga taong nag-aalaga ng hayop at ang kanilang mga tolda. Kinuha nila ang napakaraming bilang ng mga kawan ng tupa, kambing at mga kamelyo. Pagkatapos, bumalik sila sa Jerusalem.
\s5
\c 15
\p
\v 1 Napuspos ng Espiritu ng Diyos si Azarias na anak ni Oded.
\p
\v 2 Kinausap ni Azarias si Asa at sinabi sa kaniya, "Asa at lahat kayong mga tao sa lipi nina Juda at Benjamin, makinig kayo sa akin. Kasama ninyo si Yahweh kapag kayo ay nasa kaniya. Kung hihilingin ninyo sa kaniyang tulungan kayo, tutulungan niya kayo, ngunit kung tumalikod kayo sa kaniya, tatalikuran niya rin kayo.
\s5
\q
\v 3 Sa loob ng maraming taon, hindi kasama ng mga Israelita ang tunay na Diyos at wala silang mga pari o mga kautusan ng Diyos.
\q
\v 4 Ngunit ng makaranas sila ng paghihirap, nagbalik-loob sila kay Yahweh na ating Diyos at humiling sa kaniya na tulungan sila. At tinulungan niya sila.
\q
\v 5 Sa panahong iyon, hindi ligtas ang mga tao kapag sila ay naglalakbay dahil nakararanas ng maraming paghihirap ang lahat ng mga taong nakatira sa mga bansang iyon.
\s5
\q
\v 6 Tinalo ng mga hukbo ng ibang mga bansa ang iba't ibang mga bansa at tinalo ng mga hukbo mula sa ibang lungsod ang mga tao sa ibang lungsod dahil hinahayaan ng Diyos na makaranas sila ng maraming paghihirap.
\q
\v 7 Ngunit kayong mga tao, dapat kayong magpakatatag at huwag kayong panghinaan ng loob dahil gagantimpalaan kayo ng Diyos dahil sa inyong ginawa upang malugod siya."
\s5
\q
\v 8 Nang marinig ni Asa ang sinabi ni propeta Azarias na anak ni Oded, lumakas ang kaniyang loob. Inutusan niya ang kaniyang mga manggagawa na alisin ang lahat ng mga kasuklam-suklam na diyus-diyosan mula sa lahat ng dako sa mga tribu nina Juda at Benjamin at mula sa mga bayan na binihag ng kaniyang mga kawal sa kaburulan ng tribu ni Efraim. Inayos ng mga manggagawa ni Asa ang altar sa harap ng pasukan sa templo sa Jerusalem kung saan nag-aalay ang mga tao ng handog kay Yahweh.
\q
\v 9 At tinipon niya ang lahat ng tao sa tribu nina Juda at Benjamin at ang maraming tao mula sa mga tribu nina Efraim, Manases at Simeon na naninirahang kasama nila. Nagawa niya iyon dahil maraming tao mula sa mga tribu ng Israel ang pumunta sa kaniya, matapos nilang mapagtanto na tinutulungan siya ni Yahweh.
\s5
\q
\v 10 Matapos mamuno ni Asa sa loob ng halos labinlimang taon, sa ikatlong buwan ng taong iyon, nagtipun-tipon sa Jerusalem ang mga taong iyon.
\q
\v 11 Sa panahong iyon, naghandog sila kay Yahweh ng pitong daang toro at pitong libong tupa at mga kambing, mula sa mga hayop na nasamsam nila nang talunin nila ang hukbo ng Ethiopia.
\s5
\p
\v 12 Buong katapatan silang gumawa ng kasunduan na buong puso nilang sasambahin si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng kanilang mga ninuno.
\q
\v 13 Nangako silang papatayin ang lahat ng mga hindi sasamba kay Yahweh, kabilang ang mga kilala at ang mga hindi kilalang tao, ang mga lalaki at ang mga babae.
\s5
\q
\v 14 Sumigaw sila at hinipan ang mga trumpeta at ang iba pang mga tambuli habang buong puso nilang ipinangakong gagawin nila iyon.
\q
\v 15 Ang lahat ng taong nakatira sa Juda ay masayang nangako na gagawin ito dahil buong katapatan nilang ipinangako na buong puso nilang gagawin iyon. Masigasig nilang hiniling kay Yahweh na patnubayan sila at tinulungan niya sila. Kaya binigyan niya ng kapayapaan ang buong bansa nila.
\s5
\q
\v 16 Gumawa ng kasuklam-suklam na imahen ang lola ni Haring Asa na si Maaca para sa pagsamba sa diyosang si Ashera. Kaya inutusan ni Asa ang kaniyang mga manggagawa na gibain ang imahen na iyon, wasakin at sunugin sa lambak ng Kidron. Hindi niya hinayaan si Maaca na patuloy na hikayatin ang mga tao dahil siya ang ina ng dating hari.
\q
\v 17 Bagaman hindi naalis ng mga manggagawa ni Asa ang mga dambana sa Israel, walang alinlangan niyang ginawa ang nakalulugod kay Yahweh habang nabubuhay pa siya.
\q
\v 18 Inutusan niya ang kaniyang mga manggagawa na dalhin sa templo ng Diyos ang lahat ng mga pilak at ginto at ang iba pang mahahalagang kagamitan na inilaan niya at ng kaniyang ama sa Diyos.
\p
\v 19 Wala nang mga digmaan sa Juda sa loob ng tatlumpu't limang taon na paghahari ni Asa sa Juda.
\s5
\c 16
\p
\v 1 Nang halos tatlumpu't anim na taon nang namumuno si Asa sa Juda, umalis si Haring Baasa ng Israel, kasama ang kaniyang mga hukbo upang lusubin ang Juda. Nasakop nila ang bayan ng Rama sa hilaga ng Jerusalem at nagsimulang nagtayo ng pader sa palibot nito upang pigilan ang sinumang taong makapasok at makalabas sa bahagi ng Juda na pinamunuan ni Haring Asa.
\s5
\v 2 Kaya, sinabihan ni Asa ang kaniyang mga manggagawa na kunin ang lahat ng pilak at ginto na nasa mga silid-imbakan ng templo at sa kaniyang sariling palasyo at ibigay ito kay Ben-hadad, ang hari ng Aram na namumuno sa Damasco. Nagpadala siya ng liham, na nagsasabing,
\v 3 "Gusto kong magkaroon ng kasunduan ng kapayapaan sa pagitan nating dalawa tulad ng kasunduan sa pagitan ng ating mga ama. Tingnan mo, nagpadala ako ng maraming pilak at ginto. Kaya pakiusap, bawiin mo na ang ginawa mong kasunduan kay Baasa, ang hari ng Israel upang patigilin niya ang kaniyang mga kawal sa pagsalakay sa akin, dahil matatakot siya sa iyong hukbo.
\s5
\p
\v 4 Sumang-ayon si Ben-hadad sa mungkahi ni Haring Asa. Ipinadala niya ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo kasama ang kanilang mga kawal upang salakayin ang ilan sa mga bayan ng Israel. Nasakop nila ang Ijon, Dan, Abelmain at ang lahat ng lungsod sa tribo ni Neptali kung saan nakatago ang mga gamit.
\p
\v 5 Nang marinig ni Baasa ang tungkol doon, inutusan niya ang kaniyang mga hukbo na itigil ang pagpapatibay sa Rama.
\p
\v 6 Pagkatapos, tinipon ni Haring Asa ang lahat ng mga kalalakihan sa Juda at kinuha nila mula sa Rama ang lahat ng mga bato at troso na ginagamit ng mga tauhan ni Baasa sa pagpapatayo ng pader sa palibot ng bayang iyon. Dinala nila ang mga kagamitang iyon sa mga lungsod ng Geba at Mizpa sa hilaga ng Jerusalem at nagtayo ng mga pader sa palibot ng mga ito.
\s5
\p
\v 7 Sa panahong iyon, pumunta si propeta Hanani kay Haring Asa at sinabi sa kaniya, "Dahil umasa ka sa hari ng Aram at hindi kay Yahweh na ating Diyos, nakatakas mula sa iyo ang mga hukbo ng hari ng Aram.
\p
\v 8 Tandaan mo na napaka makapangyarihan ng mga malalaking hukbo mula sa Etiopia. Ngunit, nang umasa ka kay Yahweh, bibigyan niya ng kakayahan ang iyong mga hukbo na talunin sila.
\s5
\p
\v 9 Nangyari iyon dahil nakikita ni Yahweh ang mga nangyayari sa buong daigdig, at pinalalakas niya ang mga lubos na nagtitiwala sa kaniya. Nakagawa ka ng labis na kahangalan, kaya mula ngayon, lalabanan ng ibang mga hukbo ang iyong hukbo."
\p
\v 10 Labis na nagalit si Asa sa propeta dahil sa mga sinabi nito. Kaya inutusan niya ang kaniyang mga opisyal upang ilagay si Hanani sa bilangguan. Sa araw ding iyon, nagsimula siyang tratuhin ng napakalupit ang ilan sa kaniyang mga tauhan.
\s5
\p
\v 11 Nakasulat sa aklat ng mga hari sa Juda at Israel ang lahat ng mga bagay na ginawa ni Asa nang namumuno siya mula sa panahon na nagsimula siya hanggang sa namatay siya.
\q
\v 12 Nang halos tatlumpu't siyam na taon nang namumuno si Asa, dumanas siya ng sakit sa kaniyang mga paa. Labis na napakalubha ang sakit, ngunit sa kabila ng lahat, hindi siya humingi ng tulong mula kay Yahweh. Sa halip, humingi siya ng tulong mula sa mga manggagamot lamang.
\s5
\p
\v 13 Namatay siya, nang namumuno siya nang halos sa apatnapu't taon.
\p
\v 14 Inilibing siya ng mga tao sa libingan na ginawa ng kaniyang mga manggagawa para sa kaniya sa bahagi ng Jerusalem na tinawag na "ang lungsod ni David." Inihimlay nila ang kaniyang bangkay sa higaang nababalutan ng iba't ibang pabango na pinaghalo-halo. Gumawa rin sila ng malaking apoy upang parangalan siya.
\s5
\c 17
\p
\v 1 Pagkatapos, ang anak ni Asa na si Jehoshafat ang naging hari ng Juda at pinalakas niya ang kaniyang hukbo upang malabanan nila ang paglusob ng hukbo ng Israel.
\p
\v 2 Naglagay siya ng mga kawal sa lahat ng lungsod sa Juda na pinalibutan nila ng mga pader, at naglagay siya ng mga kawal sa iba pang mga lugar sa Juda at sa mga bayan sa tribo ni Efraim na nasakop ng mga kawal ng kaniyang ama na si Asa.
\s5
\v 3 Tinulungan ni Yahweh si Jehoshafat dahil nang magsimula siyang maghari sa Juda, ginawa niya ang mga bagay na kalugod-lugod sa Diyos katulad ng ginawa ng kaniyang ninunong si David. Hindi siya humingi ng tulong sa diyus-diyosang si Baal.
\v 4 Sa halip, humingi siya ng payo mula sa Diyos na sinamba ng kaniyang ama at sinunod niya ang mga utos ng Diyos. Hindi niya ginawa ang mga masamang bagay na palaging ginagawa ng mga hari ng Israel.
\s5
\p
\v 5 Binigyan siya ni Yahweh ng kakayahan upang ganap niyang pamahalaan ang kaniyang kaharian. Nagdala ang lahat ng tao ng Juda sa kaniya ng mga kaloob kung kaya naging napakayaman niya at labis siyang iginagalang.
\v 6 Buong katapatan niyang ginagawa kung ano ang kalugud-lugod sa Diyos. Inalis ng kaniyang mga manggagawa sa buong Juda ang mga dambana at imahen na ginagamit sa pagsamba sa diyosang si Ashera.
\s5
\p
\v 7 Nang halos tatlong taon na siyang naghahari sa Juda, pinapunta niya ang ilan sa mga opisyal niya na sina Benhayil, Obadias, Zecharias, Netanel, at Micaias upang magturo sa mga tao sa iba't ibang lungsod sa Juda.
\p
\v 8 Kasama nila ang ilang mga kaapu-apuhan ni Levi, sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonijas, Tobias, at Tobadonijas, kasama ang dalawang pari na sina Elisama at Jehoram.
\p
\v 9 Dinala nila ang balumbon kung saan nakasulat ang mga kautusan ni Yahweh at itinuro nila ito sa mga tao sa lahat ng bayan sa buong Juda.
\s5
\p
\v 10 Labis na natakot ang mga tao sa lahat ng kaharian na nasa palibot ng Juda kung ano ang maaaring gawin ni Yahweh upang parusahan sila kung lalabanan nila ang Juda, kaya hindi nila sinubukang kalabanin ang hukbo ni Jehoshafat.
\v 11 Nagdala ng kaloob kay Jehoshafat ang ilang tao na mula sa Filistia, ibinigay din nila sa kaniya ang pilak na hiningi niyang bayaran nila sa kaniya. Nagbigay sa kaniya ang ilang Arabo ng 7,700 na lalaking tupa at 7,700 na kambing.
\s5
\p
\v 12 Patuloy na naging higit na makapangyarihan si Jehoshafat. Nagtayo ang kaniyang mga manggagawa ng mga tanggulan at mga imbakan ng kagamitan sa iba't ibang bayan sa Juda.
\v 13 Pagkatapos naglagay sila ng maraming kagamitan sa mga imbakan na iyon. Naglagay din si Jehoshafat ng mga bihasang kawal sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 14 Ang mga pinuno at bilang na mula sa bawat tribo ay ang mga sumusunod: Mula sa tribo ni Juda, si Adna ang pinuno ng mga kawal, at pinamunuan niya ang 300,000 na mga kawal.
\p
\v 15 Pumapangalawa sa kaniya si Jehohanan, pinamunuan niya ang 280,000 na mga kawal.
\p
\v 16 Sumunod ang anak ni Zicri na si Amasias na nagkusang maglingkod kay Yahweh sa ganitong paraan, pinamunuan niya ang 200,000 na matatapang na mga kawal.
\p
\v 17 Mula sa tribo ni Benjamin, si Eliada na isang matapang na kawal ang pinuno ng mga kawal, pinamunuan niya ang 200,000 na mga lalaking may mga pana, palaso at mga panangga.
\p
\v 18 Sumunod si Jehosabad na pinamunuan ang 180,000 na mga lalaking may mga sandata sa pakikidigma.
\p
\v 19 Iyon ang mga kawal na naglingkod sa hari ng Jerusalem, maliban pa sa mga lalaking inilagay ng hari sa ibang mga lungsod sa Juda na pinapalibutan ng mga pader.
\s5
\c 18
\p
\v 1 Naging napakayaman ni Jehoshafat at labis siyang iginagalang. Ngunit ipinagkasundo niya ang isa sa kaniyang pamilya na pakasalan ang isang tao mula sa pamilya ni Haring Ahab ng Israel.
\v 2 Pagkalipas ng ilang taon, bumaba siya mula sa Jerusalem papuntang Samaria upang dalawin si Ahab. Malugod na tinanggap ni Ahab si Jehoshafat at ang mga lalaking kasama niya sa pamamagitan ng pagkatay ng maraming tupa at baka para sa isang pagdiriwang.
\p
\v 3 Pagkatapos, tinanong ni Ahab si Jehoshafat, "Sasama ka ba at ang iyong hukbo sa aking hukbo upang salakayin ang lungsod ng Ramot sa rehiyon ng Gilead?" Sumagot si Jehoshafat, "Ako at ang aking mga kawal ay handang sumunod sa iyong utos. Makikipagdigma kami kung sasabihin mo na pumunta kami.
\s5
\p
\v 4 At dagdag pa niya, "Dapat muna nating tanungin si Yahweh, upang malaman natin ang gusto niyang gawin natin."
\p
\v 5 Kaya tinipon ng hari ng Israel ang lahat ng kaniyang apat na raang propeta at tinanong sila, "Dapat ba kaming pumunta upang labanan ang mga tao ng Ramot o hindi dapat?" Sumagot sila, "Oo, pumunta kayo at salakayin sila dahil bibigyan ng Diyos ng kakayahan ang inyong hukbo upang talunin sila."
\s5
\p
\v 6 Ngunit nagtanong si Jehoshafat, "Wala na bang propeta ni Yahweh dito na maaari nating tanungin?"
\p
\v 7 Sumagot ang hari ng Israel, "May isa pang tao dito na maaari nating tanungin upang malaman ang kagustuhan ni Yahweh. Ang pangalan niya ay Micaias na anak ni Imla. Ngunit kinamumuhian ko siya dahil hindi siya kailanman nagsabi ng anumang mabuti tungkol sa akin. Lagi niyang hinuhulaan na masasamang bagay ang mangyayari sa sakin." Sumagot si Jehoshafat, "Haring Ahab, hindi mo dapat sabihin iyan!"
\p
\v 8 Kaya sinabi ng hari ng Israel sa isa sa kaniyang opisyal na kaagad na ipatawag si Micaias.
\s5
\p
\v 9 Nakaupo ang hari ng Israel at hari ng Juda sa kanilang trono, suot ang kanilang damit panghari. Nakaupo sila malapit sa tarangkahan ng Samaria at lahat ng propeta ay abalang nagpapahayag ng propesiya sa kanila.
\p
\v 10 Ang isa sa kanila na nagngangalang Zedekias na anak ni Quenaanah ay gumawa ng sungay ng toro na gawa sa bakal. Ipinahayag niya kay Ahab, "Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Gamit ang mga sungay tulad nito, patuloy na sasalakayin ng iyong hukbo ang hukbo ng Aram katulad ng pagsalakay ng toro sa ibang hayop, hanggang sa ganap mo silang mawasak.'"
\p
\v 11 Sumang-ayon ang lahat ng iba pang propeta ni Ahab. Sinabi nila, "Oo! Kung sasalakayin ninyo ang Ramot sa Gilead, magtatagumpay kayo dahil bibigyan kayo ni Yahweh ng kakayahan upang talunin sila.
\s5
\p
\v 12 Sinabi ng mensahero na pumunta upang tawagin si Micaias, "Makinig ka sa akin! Ang lahat ng ibang propeta ay iisa ang sinasabi. Mas mabuting gawin mo rin ang kanilang ginagawa!"
\p
\v 13 Ngunit sinabi ni Micaias, "Tiyak na buhay si Yahweh, sasabihin ko lamang sa kaniya ang sinasabi sa akin ni Yahweh."
\p
\v 14 Nang dumating si Micaias, tinanong siya ng hari ng Israel, "Dapat ba naming salakayin ang Ramot o hindi?" Sumagot si Micaias, "Oo, pumunta kayo! Bibigyan ni Yahweh ng kakayahan ang inyong hukbo upang talunin sila!"
\s5
\p
\v 15 Ngunit nais ni Haring Ahab na magmukhang magalang kay Yahweh sa harap ni Jehoshafat. Sinabi niya kay Micaias, "Lagi kong sinasabi sa iyo na ang sabihin mo lamang ay ang sinabi ni Yahweh na sabihin mo!"
\p
\v 16 Pagkatapos, sumagot si Micaias, "Ang totoo, sa pangitain na nakita ko, nagkalat sa mga bundok ang lahat ng hukbo ng Israel. Para silang mga tupang walang pastol. At sinabi ni Yahweh, 'Ang kanilang pinuno ay pinatay. Kaya sabihin mo sa kanilang umuwi nang payapa.'"
\s5
\p
\v 17 Bumaling si Ahab kay Jehoshafat at sinabi, "Sinabi ko na sa iyo na hindi kailanman nagsasabi si Micaias na mabuti ang mangyayari sa akin! Mga masasamang bagay lamang ang kaniyang hula sa akin."
\v 18 Ngunit nagpatuloy pa si Micaias, sinasabi, "Makinig kayo sa ipinakita sa akin ni Yahweh! Sa isang pangitain, nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono kasama ang lahat ng hukbo ng langit na nakatayo sa palibot niya, sa kaniyang kanan at kaliwang bahagi.
\s5
\p
\v 19 At sinabi ni Yahweh, 'Sino ang hihikayat kay Ahab, ang hari ng Israel, na makipaglaban sa mga tao ng Ramot upang mapatay siya roon?' Nagmungkahi ang ilan, at iba naman ang iminungkahi ng ilan.
\s5
\p
\v 20 Sa huli, isang espiritu ang lumapit at sinabi, 'Magagawa ko!' Tinanong siya ni Yahweh, 'Paano mo gagawin?'
\p
\v 21 Sumagot ang espiritu, 'Pupunta ako at hihimukin ko ang lahat ng propeta ni Ahab na magsinungaling.' Sinabi ni Yahweh, 'Magtatagumpay ka, pumunta ka at gawin mo!
\s5
\p
\v 22 Kaya ngayon sinasabi ko sa inyo na si Yahweh ang kumilos upang magsinungaling sa iyo ang iyong mga propeta. Ipinasya ni Yahweh na nakakatakot ang mangyayari sa iyo."
\s5
\p
\v 23 Pagkatapos, lumapit si Zedekias kay Micaias at sinampal niya ito sa mukha. Sinabi niya, "Sa tingin mo ba, umalis sa akin ang espiritu ni Yahweh upang magsalita sa iyo?"
\p
\v 24 Sumagot si Micaias, "Malalaman mo kung sino sa atin tunay na nakipag-usap ang espiritu ni Yahweh sa araw na papasok ka sa silid ng bahay upang magtago mula sa mga kawal na taga-Aram!"
\s5
\p
\v 25 Inutusan ni Haring Ahab ang kaniyang mga kawal, "Hulihin ninyo si Micaias at dalhin niyo siya kay Ammon, ang gobernador ng lungsod na ito at sa aking anak na si Joash.
\p
\v 26 Sabihin ninyo sa kanila na iniutos ko na dapat nilang ikulong ang taong ito at bigyan lamang siya ng tinapay at tubig. Huwag ninyo siyang bigyan ng ibang kakainin hanggang makabalik ako nang ligtas mula sa digmaan!"
\p
\v 27 Sumagot si Micaias, "Kung babalik ka nang ligtas, magiging malinaw na hindi si Yahweh ang nagsabi sa akin ng mga sinabi ko sa iyo!" Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng nakatayo roon, "Huwag ninyong kalilimutan ang sinabi ko kay Haring Ahab!"
\s5
\p
\v 28 Kaya pinamunuan ng hari ng Israel at hari ng Juda ang kanilang mga hukbo papuntang Ramot sa Gilead.
\v 29 Sinabi ni Haring Ahab kay Jehoshafat, "Magsusuot ako ng ibang damit upang walang makakilala na ako ang hari. Ngunit dapat mong isuot ang iyong damit panghari." Kaya nagbalatkayo ang hari ng Israel at pumunta silang dalawa sa digmaan.
\p
\v 30 Sinabi ng hari ng Aram sa kaniyang mga kawal na nagpapatakbo ng mga karwahe, "Salakayin lamang ninyo ang hari ng Israel! Huwag ninyong salakayin ang sinuman."
\s5
\p
\v 31 Kaya nang nakita ng mga kawal na nagpapatakbo ng mga karwahe ng taga-Aram si Jehoshafat na nakadamit panghari, inisip nila, "Tiyak na siya ang hari ng Israel!"
\v 32 Kaya naghanda sila upang salakayin siya. Ngunit nang sumigaw si Jehoshafat, tinulungan siya ni Yahweh at napagtanto nila na hindi siya ang Hari ng Israel. At pinatigil sila ng Diyos sa paghabol kay Jehoshafat.
\s5
\v 33 Ngunit isang kawal na taga-Aram ang pumana kay Ahab nang hindi nalalaman kung sino siya. Tinamaan si Ahab sa pagitan ng pinagdugtungan ng kaniyang baluti. Sinabi ni Ahab sa nagpapatakbo ng kaniyang karwahe, "Pabalikin mo ang karwahe at ilayo mo ako dito! Malubha akong nasugatan!"
\v 34 Buong araw na nagpatuloy ang digmaan. Nakaupo si Ahab sa kaniyang karwahe na nakaharap sa mga kawal na taga-Aram, nang palubog na ang araw, namatay siya.
\s5
\c 19
\p
\v 1 Nang bumalik nang ligtas si Haring Jehoshafat sa kaniyang palasyo sa Jerusalem,
\v 2 lumabas sa lungsod si propetang Jehu na anak ni Hanani upang salubungin ang hari, at sinabi sa kaniya, "Hindi nararapat sa iyo na tulungan ang masamang tao at mahalin ang mga namumuhi kay Yahweh. Dahil sa ginawa mo, galit si Yahweh sa iyo.
\v 3 Ngunit may ginawa kang mga mabuting bagay, inalis mo ang mga bantayog sa bansang ito na ginagamit sa pagsamba sa diyosang si Ashera at nagsikap kang gawin ang kalugod-lugod sa Diyos.
\s5
\p
\v 4 Tumira si Jehoshafat sa Jerusalem. Ngunit nang minsan, tulad ng minsan na niyang ginawa, pinuntahan niya ang lahat ng tao sa bansa, mula sa lungsod ng Beer-seba sa pinakatimog hanggang sa maburol na bansa ng lipi ni Efraim sa pinakahilaga at hinikayat niya silang manumbalik sa pagsamba kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno.
\p
\v 5 Nagtalaga siya ng mga hukom sa buong Juda, sa bawat lungsod na pinapalibutan ng mga pader.
\s5
\p
\v 6 Sinabi niya sa kanila, "Maging maingat sa inyong pagpapasya dahil humahatol kayo ng mga kaso hindi upang malugod ang mga tao kundi upang malugod si Yahweh. Nakikita niya kayo sa tuwing magpapasya kayo.
\p
\v 7 Kaya ngayon, igalang ninyo si Yahweh at maging maingat sa paghatol, at huwag ninyong kalilimutan na makatarungan si Yahweh na ating Diyos at hindi niya kailanman ginagawa ang kagustuhan ng tao kapalit ng pera.
\s5
\p
\v 8 Sa Jerusalem, nagtalaga din si Jehoshafat ng ilang mga pari, ibang mga kaapu-apuhan ni Levi at ilang mga pinuno ng pamilya ng Israelita upang maging hukom. Sinabi niya sa kanila na gawin nila ang sinasabi ng mga kautusan ni Yahweh na tama kapag lulutas sila ng mga pagtatalo. Tumira sa Jerusalem ang mga lalaking iyon.
\p
\v 9 Sinabi niya sa kanila ito: "Dapat lagi ninyong gawin nang tapat ang inyong gawain at may labis na paggalang kay Yahweh.
\s5
\p
\v 10 Sa bawat pagtatalo ng inyong mga kapwa Israelitang nakatira sa mga lungsod na nais nilang ayusin ninyo, dapat ninyo silang balaan na huwag magkasala sa Diyos sa pagsisinungaling nila sa panahon ng paglilitis, maging paglilitis man ito tungkol sa pagpatay o tungkol sa mga kautusan o tungkol sa mga utos ng hari. Kung hindi ninyo sila babalaan, parurusahan kayo ng Diyos. Gawin ninyo ito upang hindi siya magalit sa inyo o sa inyong mga kapwa Israelita.
\s5
\p
\v 11 Si Amarias na pinakapunong pari ang mangangasiwa sa inyo sa kahit anong bagay na may kinalaman kay Yahweh, at si Zebedias na anak ni Ismael at pinuno ng tribo ni Juda ang mangangasiwa sa inyo sa kahit anong bagay na may kinalaman sa akin. At ang mga kaapu-apuhan ni Levi ang tutulong sa inyo. Matapang na kumilos at dalangin ko na tulungan ni Yahweh ang mga taong ginagawa nang mabuti ang kanilang gawain.
\s5
\c 20
\p
\v 1 Di nagtagal, dumating ang mga hukbo mula sa Moab at Ammon at ilang mga kawal mula sa Meun sa lugar ng Edom upang makipaglaban sa mga hukbo ni Jehoshafat.
\p
\v 2 May ilang kalalakihan ang dumating at nagsabi kay Jehoshafat, "Isang malaking hukbo ang paparating upang salakayin ang iyong hukbo. Galing sila sa rehiyon ng Edom, sa ibang bahagi ng Dagat na Patay. Nakarating na sila sa Hazazon-tamar!" En-gedi ang isa pang pangalan para sa lugar na iyon.
\s5
\p
\v 3 Lubos na natakot si Jehoshafat, kaya nagpasya siyang tanungin si Yahweh kung ano ang dapat niyang gawin. Ipinahayag din niya sa lahat ng mga tao sa Juda na dapat mag-ayuno.
\p
\v 4 Nagtipun-tipon ang mga tao sa Juda upang hilingin kay Yahweh na tulungan sila. Dumating sila sa Jerusalem mula sa iba't ibang bayan ng Juda upang humingi ng tulong kay Yahweh.
\s5
\p
\v 5 At tumayo si Jehoshafat sa harap ng mga tao ng Juda sa harap ng bagong patyo ng templo,
\p
\v 6 at nanalangin siya ng ganito: "Yahweh, ang Diyos ng aming mga ninuno, naghahari ka sa langit. Naghahari ka sa lahat ng mga hari at mga bansa sa mundo. Nagagawa mo ang anumang bagay; walang sinuman ang makahahadlang sa iyo.
\p
\v 7 Aming Diyos, pinaalis mo ang mga taong nanirahan sa lupaing ito habang nauna ang iyong mga Israelita dito, at walang alinlangan mong ibinigay ito sa amin na mga kaapu-apuhan ni Abraham, upang mapasa amin ang lupain magpakailanman.
\s5
\p
\v 8 Nanirahan dito ang aming mga ninuno at nagpatayo ng isang templo upang sambahin ka. Nanalangin sila sa mga oras na iyon:
\p
\v 9 'Kung makaranas kami ng mga sakuna, mula man ito sa aming mga kaaway na sasalakay sa amin, o dahil sa karamdaman o gutom, magtitipun-tipon kami sa templong ito sa iyong presensya, dahil sumang-ayon ka upang pumarito. Nakikiusap kami sa iyo dahil sa aming mga paghihirap at pakikinggan mo kami at ililigtas.'
\s5
\p
\v 10 Hindi mo hinayaan na mapasok ng aming mga ninunong Israelita ang mga bansang Ammon, Moab, o Edom nang naglakbay sila mula Ehipto hanggang Canaan. Kaya lumayo ang aming mga ninuno sa mga lugar na iyon at hindi sinalakay ang mga tao doon at hindi sila winasak. Ngunit ngayon, darating sila dito upang salakayin kami.
\p
\v 11 Gumawa kami ng mga mabubuting bagay para sa kanila. Ngunit ngayon, tingnan mo kung paano nila kami gantihan, sa pamamagitan ng pagpapalayas sa amin mula sa lupain na iyong ibinigay sa aming mga ninuno upang maging kanilang pag-aari at sa kanilang mga kaapu-apuhan magpakailanman!
\s5
\p
\v 12 Kaya, aming Diyos, pakiusap parusahan mo sila. Hindi namin kayang talunin ang napakaraming hukbo na paparating upang salakayin kami. Hindi namin alam kung ano ang aming gagawin, ngunit umaasa kami sa iyo upang tulungan kami."
\p
\v 13 Nakatayo ang lahat ng mga kalalakihan ng Juda at ang kanilang mga asawa, mga anak, at mga sanggol sa presensya ni Yahweh habang nananalangin si Jehoshafat.
\s5
\p
\v 14 At bumaba ang Espiritu ni Yahweh kay Jahaziel, ang lalaking anak ni Zacarias na anak ni Benaias, na anak ni Jeiel, na anak ni Matanias. Kaapu-apuhan siya ni Levi at kaapu-apuhan ni Asaf. Tumayo siya sa harap ng buong grupo na nagkatipun-tipon doon,
\p
\v 15 at nagsabi, "Haring Jehoshafat at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem at sa iba pang lugar ng Juda, makinig kayo! Ito ang sinasabi ni Yahweh sa inyo: 'Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob dahil sa malaking hukbo na paparating upang salakayin kayo, dahil hindi kayo ang magpapanalo sa labanan na ito. Ang Diyos ang magpapanalo nito.
\s5
\p
\v 16 Bukas, lumakad kayo pababa patungo sa kanila. Aakyat sila mula sa daan ng Ziz, ang hilaga ng En-gedi. Makakasalubong ninyo sila sa dulo ng bangin malapit sa disyerto ng Jeruel.
\p
\v 17 Ngunit hindi ninyo kailangang lumaban sa labanan na ito. Kayong mga kawal mula sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar ng Juda, manatili lamang kayo sa inyong kinatatayuan, manatiling nakatayo at pagmasdan kung ano ang mangyayari. Makikita ninyo ang pagliligtas ni Yahweh sa inyo. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob. Bukas, lumakad kayo patungo sa kanila, at makakasama ninyo si Yahweh.
\s5
\p
\v 18 Nagpatirapa sa lupa si Jehoshafat, at lumuhod ang lahat ng mga tao ng Jerusalem at ng iba pang lugar ng Juda na naroroon upang sambahin si Yahweh.
\p
\v 19 At tumayo ang ilang mga kaapu-apuhan ni Levi na kaapu-apuhan ni Kohat at Korah at malakas na pinapurihan si Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita.
\s5
\p
\v 20 Kinabukasan, maagang umalis ang hukbo patungo sa disyerto malapit sa bayan ng Tekoa. Habang paalis sila, tumayo si Jehoshafat at sinabi sa kanila, "Kayo na mga tao sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar ng Juda, makinig kayo sa akin! Magtiwala kayo kay Yahweh na ating Diyos; kung gagawin ninyo ito, mapapalakas kayo. Magtiwala kayo sa mga sinabi ng kaniyang mga propeta; kung gagawin ninyo ito, magtatagumpay kayo."
\p
\v 21 At pagkatapos niyang sumangguni sa mga pinuno ng mga tao, nagtalaga ng ilang mga tao si Jehoshafat upang umawit ng mga papuri kay Yahweh para sa kaniyang kadakilaan, at upang manguna sa buong hukbo patungo sa kaaway. Umaawit sila ng, "Pasalamatan si Yahweh, dahil tapat ang pagmamahal niya sa atin magpakailanman.
\s5
\p
\v 22 Nang magsimula silang umawit at magpuri kay Yahweh, nagdulot si Yahweh sa ilang mga kaaway na kawal ng isang hindi inaasahang paglusob sa Ammon at Moab at Edom. Tinalo nila ang iba ng kanilang mga hukbo.
\p
\v 23 At nilusob ng mga kawal ng Ammonita at Moabita ang mga kawal mula sa Edom at tuluyan silang nalipol. Matapos nilang patayin ang mga kalalakihan mula sa Edom, pinatay nila ang isa't isa.
\s5
\p
\v 24 Nang dumating ang mga kawal mula sa Juda sa isang lugar kung saan natatanaw nila ang buong disyerto, nakita nila ang malaking hukbo ng kanilang mga kaaway, at nakita na lamang nila ang mga bangkay na nakahandusay sa lupa. Walang sinuman ang nakaligtas.
\s5
\v 25 Kaya lumapit si Jehoshafat at ang kaniyang mga kawal upang kunin ang mga ari-arian ng kanilang mga kalaban, at nakita nila ang maraming kagamitan at mga damit at iba pang mga mahahalagang bagay; napakarami nito na halos hindi nila kayang buhatin. Mayroong napakaraming bagay, kaya umabot ito ng halos tatlong araw upang maipon nilang lahat.
\p
\v 26 Sa mga sumunod na araw, nagtipun-tipon sila sa Lambak ng Beraca at doon pinuri si Yahweh. Kaya tinatawag pa din na Beraca ang lambak na iyon dahil ang kahulugan nito ay papuri.
\s5
\p
\v 27 At habang pinangungunahan sila ni Jehoshafat, bumalik sa Jerusalem ang lahat ng mga kawal mula sa Jerusalem at iba pang mga lugar ng Juda. Masaya sila dahil tinalo ni Yahweh ang lahat ng kanilang mga kalaban.
\v 28 Nang dumating sila sa Jerusalem, pumunta sila sa templo, tumugtog ng mga alpa, mga lira at mga trumpeta.
\s5
\p
\v 29 Natakot ng lubusan ang mga tao sa mga kaharian at mga karatig bansa nang kanilang marinig kung paano nakipaglaban si Yahweh sa mga kaaway ng mga Israelita.
\p
\v 30 At nagkaroon ng kapayapaan sa kaharian na pinamumunuan ni Jehoshafat, dahil ang Diyos ang nagbigay sa kaniya ng kapayapaan sa buong bansa.
\s5
\p
\v 31 Nagpatuloy na pinamunuan ni Jehoshafat ang Juda. Tatlumpu't limang taong gulang siya nang naging hari sa Juda, at naghari siya sa Jerusalem ng dalawampu't limang taon. Azuba ang pangalan ng kaniyang ina, ang babaeng anak ni Silhi.
\v 32 Ginawa niya ang mga bagay na nakalulugod kay Yahweh, tulad ng ginawa ng kaniyang ama na si Asa at hindi siya tumigil na gawin ang mga bagay na iyon.
\v 33 Ngunit hindi pa rin niya inalis ang mga dambana sa kabukiran at marami paring mga tao ang hindi tapat na sumusunod sa Diyos na sinasamba ng kanilang mga ninuno.
\s5
\v 34 Ang talaan ng iba pang mga bagay na ginawa ni Jehoshafat nang naghari siya, mula umpisa hanggang sa namatay siya ay nasa mga balumbon na isinulat ni propetang Jehu, ang lalaking anak ni Hanani. Nakasulat rin ang mga ito sa mga balumbon na talaan ng mga gawain ng mga hari ng Israel.
\s5
\p
\v 35 Hindi nagtagal, nakipagkasundo si Jehoshafat kay Ahazias, ang hari ng Israel, isang napakasamang hari.
\p
\v 36 Nagkasundo sila na dapat gumawa ng mga barkong matutulin ang kanilang mga manggagawa upang gamiting pangkalakal sa ibang mga bansa. Matapos na magawa ang mga barko sa Ezion-geber,
\v 37 si Eliezer, ang lalaking anak ni Dodavahu sa lungsod ng Maresa, nagpahayag ng propesiya laban kay Jehoshafat. Kaniyang sinabi, "Nagkaroon ka ng kasunduan kay Ahazias, isang napakasamang hari. Kaya wawasakin ni Yahweh ang mga barkong ginawa ng inyong mga manggagawa." At nawasak ang lahat ng mga barko at hindi na makakapaglayag sa mga ibang bansa.
\s5
\c 21
\p
\v 1 Namatay si Jehoshafat at inilibing kung saan nakalibing ang kaniyang mga ninuno sa bahagi ng Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David. Sumunod na naging hari sa Juda ang kaniyang anak na si Jehoram.
\p
\v 2 Sina Azarias, Jehiel, Zacarias, Azarias, Micael, at Sefatias ang mga nakababatang lalaking kapatid ni Jehoram.
\v 3 Bago namatay si Jehoshafat, nagbigay siya sa kanila ng mga malalaking handog na pilak at ginto at iba pang mga mahahalagang bagay. Itinalaga rin niya sila upang pamunuan ang iba't ibang lungsod sa Juda na may nakapalibot na pader. Ngunit hinirang niya si Jehoram upang maging hari ng Juda dahil si Jehoram ang pinakamatanda niyang anak.
\s5
\p
\v 4 Matapos na naging ganap na hari si Jehoram sa kaharian ng kaniyang ama, siya ang dahilan ng kamatayan ng kaniyang mga nakababatang lalaking kapatid, kasama ang ilang mga pinuno ng bansa.
\p
\v 5 Tatlumpu't dalawang taong gulang siya nang naging hari, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng walong taon.
\s5
\p
\v 6 Ngunit ginawa din niya ang mga masasamang bagay na tulad sa ginawa ng mga hari ng Israel. Ginawa niya ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na masama, mga bagay na ginawa ng pamilya ni Ahab, dahil pinakasalan niya ang isa sa mga babaeng anak ni Ahab.
\p
\v 7 Gayunman, dahil sa tipan na ginawa ni Yahweh kay Haring David, hindi nais ni Yahweh na mawasak ang mga kaapu-apuhan ng Juda.
\s5
\p
\v 8 Habang naghahari si Jehoram, naghimagsik ang mga tao sa rehiyon ng Edom laban sa hari ng Juda at nagtalaga sila ng kanilang sariling hari.
\p
\v 9 Kaya pumunta si Jehoram at ang kaniyang mga pinuno at mga tauhan sa Edom na nakakarwahe. Pinalibutan sila ng mga hukbo ng Edom doon. Gayunman, sinalakay sila ni Jehoram at ng kaniyang hukbo at nakaligtas mula sa kanila, at tumakas sila nang gabing iyon.
\p
\v 10 Ngunit hindi na nabawi ng hari ng Juda na pamunuan ang Edom, at hindi pa rin hawak ng Juda ang Edom. Naghimagsik laban sa Juda ang mga tao sa lungsod ng Libna sa pagitan ng Juda at Filistia. Nangyari ang mga bagay na iyon dahil tumalikod si Jehoram sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
\s5
\p
\v 11 Nagpatayo rin siya ng mga dambana sa mga bundok ng Juda upang sambahin ang mga diyus-diyosan. Siya ang dahilan ng paglayo ng mga tao kay Yahweh sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyus-diyosan.
\s5
\p
\v 12 Isang araw, nakatanggap si Jehoram ng isang liham mula kay propetang Elias. Sinulat ni Elias ang ganito: "Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng iyong ninuno na si Haring David: 'Hindi mo ginawa ang mga bagay na nakalulugod sa akin tulad ng ginawa ng iyong ama na si Jehoshafat o ang mga ginawa ni Haring Asa.
\p
\v 13 Sa halip, patuloy kang gumawa ng mga masasamang bagay na ginawa ng mga hari ng Israel. Hinikayat mo ang mga tao sa Jerusalem at ang iba pang lugar sa Juda na tumigil sa pagsamba kay Yahweh at upang hindi maging tapat sa kaniya. At pinatay mo ang iyong mga lalaking kapatid, mga kalalakihan na mas mabuti kaysa sa iyo.
\v 14 Kaya ngayon, ipapadanas ni Yahweh ang matinding sakuna sa mga tao ng iyong kaharian at gayundin ang iyong sariling mga anak at mga asawa, at ang lahat ng iyong pag-aari.
\p
\v 15 At magkakaroon ka ng isang karamdaman sa bituka na patuloy na lulubha, at dadanas ka ng hirap nito hanggang sa mamatay ka."
\s5
\p
\v 16 At si Yahweh ang naging dahilan upang magalit kay Jehoram ang ilang kalalakihan mula sa mga tao ng Filistia at ilang mga Arabo na naninirahan malapit sa Dagat ng Mediteraneo, kung saan nanirahan ang mga tao mula sa Etiopia.
\p
\v 17 Sinalakay ng kanilang mga hukbo ang Juda at kinuha ang lahat ng mga mahahalagang bagay na kanilang natagpuan sa kaharian ng hari sa Jerusalem; kinuha din nila ang kaniyang mga lalaking anak at mga asawa. Ang bunsong anak niyang lalaki na si Ahazias lamang ang hindi nila kinuha.
\s5
\p
\v 18 Matapos ang pangyayaring iyon, pinahirapan ni Yahweh si Jehoram sa pamamagitan ng isang karamdaman sa bituka na walang sinumang manggagamot ang makapagpapagaling.
\p
\v 19 Pagkalipas ng dalawang taon, habang dumaranas siya ng matinding sakit, namatay siya dahil sa karamdamang iyon. Nagsusunog ang mga tao sa Juda upang parangalan ang kanilang mga ninuno kapag namatay sila, ngunit hindi sila nagsunog para kay Jehoram.
\p
\v 20 Tatlumpu't dalawang taong gulang si Jehoram nang naging hari siya, at walong taon siyang naghari sa Jerusalem. Walang sinuman ang nanghinayang sa kaniyang pagkamatay. Inilibing ang kaniyang bangkay sa isang bahagi ng Jerusalem na tinatawag na lungsod ni David, ngunit hindi siya inilibing kung saan nakalibing ang ibang mga hari ng Juda.
\s5
\c 22
\p
\v 1 Hinirang ng mga tao sa Jerusalem ang bunsong anak ni Jehoram na si Ahazias bilang kanilang hari, dahil pinatay ang lahat ng iba pang mga lalaking anak ni Jehoram ng mga kalalakihang Filistia kasama ang ilang mga Arabo na sumalakay sa Juda.
\p
\v 2 Dalawampu't dalawang taong gulang si Ahazias nang naging hari. Naghari siya sa Jerusalem ng isang taon. Atalia ang pangalan ng kaniyang ina, isang babaeng apo ni Haring Omri ng Israel.
\p
\v 3 Isinagawa ni haring Ahazias ang mga bagay na ginawa ng mga pamilya ni Ahab, dahil ang kaniyang ina ang naghikayat sa kaniya upang gawin ang mga maling bagay.
\s5
\p
\v 4 Ginawa niya ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na masama, katulad ng mga ginawa ng kaapu-apuhan ni Ahab, dahil matapos mamatay ang ama ni Ahazias, sila ang kaniyang mga naging tagapayo. Ang pagsunod ni Ahazias sa mga maling payo ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.
\p
\v 5 Bago siya namatay, ginawa niya ang mga bagay na kanilang sinabi upang kaniyang gawin sa pamamagitan ng pagsama kay Joram, ang lalaking anak ni Haring Ahab ng Israel, upang makipaglaban sa mga hukbo ni Hazael, ang hari ng Aram sa Ramot-gilead. Sugatan doon si Joram dahil sa mga taga-Aram.
\s5
\p
\v 6 Matapos siyang nasugatan, bumalik si Joram sa lungsod ng Jezreel upang doon magpagaling ng kaniyang mga sugat mula sa labanan. At bumaba sa Jezreel si Haring Ahazias upang makita si Joram, ang anak ni Haring Ahab, dahil sugatan siya.
\s5
\p
\v 7 Ang Diyos ang nagdulot ng kamatayan ni Ahazias sa kaniyang pagbisita kay Joram. Nang dumating si Ahazias, sumama siya kay Joram upang makipagkita kay Jehu, ang lalaking anak ni Namsi, na itinalaga ni Yahweh upang patayin ang lahat ng kaapu-apuhan ni Ahab.
\p
\v 8 Habang pinapatay ni Jehu at ng kaniyang mga kasamang kalalakihan ang mga kaapu-apuhan ni Ahab, natagpuan nila ang mga pinuno ng Juda at ang mga lalaking anak na kamag-anak ni Ahazias na nagsisilbi para kay Ahazias, at pinatay din silang lahat.
\s5
\p
\v 9 At pumunta si Jehu upang hanapin si Ahazias, natagpuan ng kaniyang mga kawal si Ahazias na nagtatago sa lungsod ng Samaria. Dinala siya kay Jehu at pinatay. At inilibing nila ang kaniyang bangkay, dahil sinabi nila, "Marapat lamang na ilibing siya, dahil kaapu-apuhan siya ni Jehoshafat, na ginawa ang lahat upang mapaluguran si Yahweh." Pagkatapos nito, wala nang kaapu-apuhan si Ahazias na magkaroon ng sapat na kapangyarihan upang maging mga hari ng Juda.
\s5
\p
\v 10 Nang nakita ni Atalia, ang ina ni Ahazias, na patay na ang kaniyang anak, ipinag-utos niya na patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Ahazias na maaaring maging hari.
\p
\v 11 Ngunit si Jehosabet, ang babaeng anak ni Haring Jehoram, kinuha niya si Joas, ang bunsong anak ni Ahazias, inilayo niya sa ibang mga lalaking anak ng hari na papatayin at itinago kasama ang kaniyang tagapag-alaga sa isang silid ng templo. Dahil babaeng kapatid ni Ahazias si Jehosabet, ang babaeng anak ni Haring Jehoram at asawa ng punong-pari na si Joiada, itinago niya ang bata upang hindi siya patayin ni Atalia.
\p
\v 12 Nanatili siyang nakatago roon sa loob ng anim na taon habang pinamumunuan ni Atalia ang Juda.
\s5
\c 23
\p
\v 1 Nang sumunod na taon, nagpasya si Joiada na kailangan niyang gawin ang isang bagay. Kaya gumawa siya ng isang kasunduan kasama ang mga pinuno ng hukbo ng mga pangkat ng isang daang mga kawal. Si Azarias ang anak ni Jeroham, si Ismael ang anak ni Jehohanan, Si Azarias ang anak ni Obed, Si Maasias ang anak ni Adaya at Elisafat ang anak ni Zicri.
\p
\v 2 Pumunta sila sa buong Juda at tinipon ang mga kaapu-apuhan ni Levi at ang mga pinuno ng mga pamilyang Israelita mula sa lahat ng mga lungsod. Nang makarating sila sa Jerusalem,
\p
\v 3 pumunta ang buong pangkat sa templo at gumawa doon ng isang kasunduan kasama ang batang hari. Sinabi ni Joiada sa kanila, "Ito ang anak ng dating hari ng Juda. Kaya siya ang dapat na mamuno, gaya ng ipinangako ni Yahweh na dapat gawin ng mga kaapu-apuhan ni Haring David.
\s5
\p
\v 4 Kaya ito ang dapat ninyong gawin. Ang ikatlong bahagi sa inyong mga pari at ibang mga kaapu-apuhan ni Levi na nagsimulang magtrabaho sa araw ng pamamahinga ay kailangang magbantay sa mga pintuan ng templo.
\q
\v 5 Kailangang magbantay sa palasyo ng hari ang ikatlong bahagi sa inyo at kailangang magbantay sa Saligang Tarangkahan ang ikatlong bahagi sa inyo. Ang iba pang mga tao ay nasa patyo sa labas ng templo.
\s5
\p
\v 6 Tanging ang mga pari at ang mga kaapu-apuhan ni Levi na nagtatrabaho doon ang pinayagang pumasok sa templo, dahil sila ang itinalaga para sa gawaing iyon. Ang iba pang mga tao ay dapat manatili sa patyo upang sundin ang iniutos ni Yahweh.
\p
\v 7 Kayong mga kaapu-apuhan ni Levi ay kailangang tumayo sa palibot ng batang hari, ang bawat isa sa inyo na may mga hawak na sandata sa kamay. Dapat ninyong patayin ang sinuman na magtatangkang pasukin ang templo. At manatiling malapit sa hari, saanman siya pumunta."
\s5
\q
\v 8 Kaya ginawa ng mga kaapu-apuhan ni Levi at lahat ng mga tao ng Juda ang sinabi sa kanila ni Joiada. Hindi niya pinayagan ang sinuman na umuwi pagkatapos nilang magtrabaho sa araw na iyon. Kinuha ng bawat pinuno ng kawal ang kanilang mga tauhan, sila na tinatapos ang kanilang trabaho sa Araw ng Pamamahinga at sila na nagsisimula sa kanilang trabaho sa araw na iyon.
\p
\v 9 At ibinigay ni Joiada sa bawat isa sa mga pinuno ng kawal ang mga sibat at ang malalaki at maliliit na mga pananggalang na inilagay ni Haring David sa templo.
\s5
\p
\v 10 Iniutos niya sa lahat ng mga bantay na tumayo sa kanilang mga puwesto, ang bawat isa na hawak ang kaniyang espada na nakapalibot sa hari, na malapit sa altar at sa templo mula hilagang bahagi hanggang sa timog na bahagi.
\p
\v 11 Inilabas ni Joiada at ng kaniyang mga anak si Joas. Inilagay nila ang korona sa kaniyang ulo at ibinigay sa kaniya ang isang nakarolyong kasulatan kung saan nakasulat ang mga patakaran na kailangang sundin ng isang hari, at ipinahayag nila na siya ay hari na. Pinahiran siya ng langis ng olibo at sumigaw, "Nais naming mabuhay ang hari ng maraming taon!"
\s5
\p
\v 12 Nang marinig ni Atalia ang ingay ng mga taong tumatakbo at nagkakasiyahan ukol sa hari, tumakbo siya papunta sa templo.
\p
\v 13 Nakita niya ang batang hari na nakatayo sa tabi ng haligi sa pasukan ng templo, isang lugar sa templo kung saan pangkaraniwang tumatayo ang hari. Nakatayo sa tabi ng hari ang mga pinuno ng hukbo at mga manunugtog ng trumpeta at ang lahat ng mga taga-Juda ay nagagalak at hinihipan ang mga trumpeta at pinangungunahan ng mga mang-aawit ang mga tao gamit ang kanilang mga instrumentong pang musika habang nagpupuri sila sa Diyos. Pagkatapos, pinunit ni Atalia ang kaniyang panlabas na kasuotan at nagsimulang sumigaw, "Gumagawa kayo ng kataksilan!"
\s5
\p
\v 14 Sinabi ni Joiada na pinakapunong pari sa mga pinuno ng mga hukbo, "Patayin siya, ngunit huwag siyang patayin sa templo ni Yahweh!" Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, "Ilabas ninyo si Atalia sa gitna ng inyong mga hanay at patayin ang sinumang sumubok na sumunod sa kaniya!"
\p
\v 15 Sinubukan niyang tumakas ngunit hinuli siya ng makarating siya sa Tarangkahan ng Kabayo, bago ang palasyo at doon siya pinatay.
\s5
\p
\v 16 Pagkatapos, gumawa ng isang kasunduan si Joiada na siya at ang hari at ang lahat ng ibang mga tao ay magiging mga tao ni Yahweh.
\p
\v 17 Pumunta sa templo ni Baal ang lahat ng mga tao na naroon at giniba ito. Binasag nila ang mga altar ni Baal. Pinatay rin nila si Matan, ang pari ni Baal, sa harap ng mga altar na iyon.
\s5
\p
\v 18 Pagkatapos, hinirang ni Joiada ang mga pari, na nagmula rin kay Levi, upang mangalaga sa templo. Bahagi sila ng pangkat kung saan ibinigay ni Haring David ang iba't ibang gawain sa templo, upang ialay ang mga hayop na ganap na susunugin sa altar, na ginagawa kung ano ang nakasulat sa kautusan na ibinigay ni Moises sa kanila. Sinabi rin niya sa kanila na magalak at umawit, na iniutos rin ni David.
\q
\v 19 Naglagay rin siya ng mga tagapagbantay sa mga tarangkahan ng templo upang walang sinuman na hindi katanggap-tanggap sa Diyos ang makapasok.
\s5
\p
\v 20 Isinama ni Joiada ang mga pinuno ng hukbo, ang mga mahahalagang tao, ang mga pinuno at marami pang iba at dinala ang hari sa ibaba mula sa templo. Pumunta sila sa palasyo sa pamamagitan ng Mataas na Tarangkahan at pinaupo ang hari sa kaniyang trono.
\q
\v 21 At nagalak ang mga taga-Juda at nagkaroon ng katahimikan sa buong lungsod dahil napatay na si Atalia.
\s5
\c 24
\p
\v 1 Si Joas ay pitong taong gulang nang maging hari ng Juda, at naghari siya sa Jerusalem ng apatnapung taon. Sibias ang pangalan ng kaniyang ina na nagmula sa lungsod ng Beer-seba.
\v 2 Lahat ng ginawa ni Joas ay nakalulugod kay Yahweh habang si Joiada ang pinakapunong pari.
\v 3 Pumili si Joiada ng dalawang babae na maging mga asawa ni Joas. At nagkaanak sila kay Joas ng mga anak na lalaki at babae.
\s5
\q
\v 4 Makalipas ang ilang taon, nagpasya si Joas na dapat ayusin ang templo.
\p
\v 5 Ipinatawag niya ang mga pari at ang iba pang kaapu-apuhan ni Levi at sinabi sa kanila, "Pumunta kayo sa mga lungsod ng Juda at kolektahin mula sa mga tao ang perang buwis na kailangan nilang bayaran bawat taon at gamitin ang perang iyon na pambayad para sa pagpapaayos sa templo. Gawin ninyo ito kaagad." Ngunit hindi ito kaagad ginawa ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
\s5
\q
\v 6 Kaya ipinatawag ng hari si Joiada at sinabi sa kaniya, "Bakit hindi mo inatasan ang mga kaapu-apuhan ni Levi na dalhin sa Jerusalem mula sa iba't ibang lugar sa Juda ang taunang buwis na sinabi ni Moises na kailangang bayaran ng mga taga-Juda, para sa pangangalaga sa sagradong tolda?"
\q
\v 7 Kailangang ayusin ang templo dahil pinasok ng mga anak ng masamang babaeng si Atalia ang templo at winasak ang ilang kagamitan at ginamit din ang ilang sagradong kasangkapan na naroon sa pagsamba kay Baal.
\s5
\q
\v 8 Kaya bilang pagsunod sa utos ng hari, gumawa ang mga kaapu-apuhan ni Levi ng isang kahon at inilagay ito sa labas ng templo, sa isa sa mga pasukan.
\p
\v 9 Pagkatapos, nagpadala ang hari ng mga liham sa lahat ng lugar sa Juda. Hinihiling niya sa bawat isa na dalhin ang kanilang perang buwis sa templo, tulad ng iniatas ni Moises na gawin ng mga Israelita nang sila ay nasa ilang.
\p
\v 10 Sumang-ayon ang lahat ng opisyal at ang ibang mga tao at dinala nila ang kanilang mga ambag nang may kagalakan. Inihulog nila ang pera sa kahon hanggang sa mapuno ito.
\s5
\p
\v 11 Sa tuwing dinadala ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang kahon sa mga opisyal ng hari, at kapag nakita nila na marami na ang pera na nasa loob nito, kukunin ng kalihim ng hari at ng kanang-kamay ng punong pari ang lahat ng pera sa kahon at pagkatapos, ibabalik nila ang kahon sa kinalalagyan nito. Madalas nila itong ginagawa at malaking halaga ng pera ang kanilang nalikom.
\p
\v 12 Ibinibigay ng hari at ni Joiada ang pera sa mga lalaking nangangasiwa sa gawain ng pagpapaayos sa templo. Umupa ang mga lalaking iyon ng mga kantero at mga karpintero upang ayusin ang templo. Umupa rin sila ng mga lalaking may kakayahang gumawa sa pamamagitan ng bakal at tanso upang ayusin ang mga bagay na nasira sa templo.
\s5
\p
\v 13 Nagtrabaho nang mabuti ang mga manggagawa at umusad ang gawaing pag-aayos sa templo. Muli nilang itinayo ang templo upang mapanumbalik ito sa dati at ginawa nila itong mas matibay.
\p
\v 14 Nang matapos nila ang gawaing pag-aayos, dinala nila sa hari at kay Joiada ang perang hindi nila nagamit. Ginamit ang perang iyon sa paggawa ng mga kasangkapan na gagamitin sa paghahandog na kailangang ganap na susunugin sa altar at upang gumawa ng mga mangkok at iba pang kasangkapang ginto at pilak sa templo. Habang nabubuhay si Joiada, patuloy na nagdadala ang mga tao sa templo ng mga handog na ganap na susunugin sa altar.
\s5
\p
\v 15 Si Joiada ay naging napakatanda. Siya ay namatay sa edad na 130.
\q
\v 16 Inilibing siya kung saan nililibing ang mga hari, sa bahagi ng Jerusalem na tinawag na lungsod ni David. Inilibing siya doon dahil sa mga mabubuting bagay na kaniyang nagawa sa Juda para sa Diyos at para sa templo ng Diyos.
\s5
\q
\v 17 Pagkamatay ni Joiada, nagpunta kay Joas ang mga pinuno ng Juda, lumuhod sa harapan niya at hinikayat siyang gawin kung ano ang gusto nila.
\q
\v 18 Kaya huminto sila at ang ibang tao sa pagsamba sa templo at sinimulan nila ang pagsamba sa mga imahen na itinalaga sa babaeng inaaring diyos na si Asera at sa ibang diyus-diyosan. Dahil ginagawa nila ang mga makasalanang bagay na ito, labis na nagalit ang Diyos sa mga taga-Jerusalem at sa mga tao sa ibang lugar ng Juda.
\q
\v 19 Kahit na nagpadala si Yahweh ng mga propeta upang hikayatin sila na manumbalik sa kaniya, at kahit na nagpatotoo ang mga propeta tungkol sa mga masasamang bagay na kanilang nagawa, hindi binigyang pansin ng mga tao.
\s5
\p
\v 20 Kaya napuspos ng Espiritu ng Diyos si Zacarias na anak ni Joiada, ang pinakapunong pari. Tumayo siya sa harapan ng mga tao at sinabi, "Ito ang sinasabi ng Diyos, "Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh? Hindi kayo sasagana kung gagawin ninyo ito. Yamang huminto kayo sa pagsunod kay Yahweh, hihinto rin siya sa pag-aalaga sa inyo."
\p
\v 21 Ngunit binalak ng mga tao na patayin si Zacarias. At pinahintulutan sila ng hari na patayin siya. Siya ay pinatay nila sa pamamagitan ng pagbato sa kaniya sa patyo ng templo.
\q
\v 22 Kinalimutan ni haring Joas ang kagandahang-loob sa kaniya ni Joiada na ama ni Zacarias. Kaya sila ay inutusan niya na patayin si Zacarias na anak ni Joiada, na nagsabi habang naghihingalo siya, "Umaasa ako na makikita ni Yahweh ang ginagawa ninyo sa akin at parurusahan kayo sa paggawa nito."
\s5
\p
\v 23 Nang malapit na sa katapusan ang taon na iyon, nagmartsa ang hukbo ng Aram upang lusubin ang hukbo ni Joas. Sinalakay nila ang Juda at nilusob ang Jerusalem at pinatay ang lahat ng pinuno ng mga tao. Sinamsam nila ang maraming mahahalagang bagay at ipinadala ang mga ito sa kanilang hari sa Damasco na kanilang kabisera.
\q
\v 24 Kakaunti lamang ang hukbo ng Aram na pumunta sa Juda, ngunit pinahintulutan sila ni Yahweh na talunin ang malaking hukbo ng Juda dahil pinarurusahan niya si Joas at ang ibang tao ng Juda sa pag-iwan sa kaniya, ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno.
\s5
\p
\v 25 Bago natapos ang labanan, malubhang nasugatan si Joas. At nagpasya ang kaniyang mga opisyal na patayin siya dahil sa pagpatay niya kay Zacarias na anak ni Joiada, ang pinakapunong pari. Siya ay pinatay nila habang nasa kaniyang higaan. Siya ay inilibing nila sa bahagi ng Jerusalem na tinawag na lungsod ni David, ngunit hindi siya inilibing sa lugar na kung saan nakalibing ang ibang mga hari.
\p
\v 26 Ang mga nagsabuwatan na patayin siya ay sina Sabad na anak ni Simeat na isang babaeng Ammonita, at Jehosabad na anak ni Simrit na isang babaeng Moabita.
\s5
\p
\v 27 Ang kasaysayan ng mga bagay na naganap sa pamamagitan ng mga anak ni Joas at ang maraming propesiya tungkol kay Joas at ang kaniyang ginawa upang ayusin ang templo ay nakasulat sa Ang Paliwanag sa Ang Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Pagkatapos mamatay ni Joas, naging hari ang kaniyang anak na si Amazias.
\s5
\c 25
\p
\v 1 Si Amazias ay dalawampu't limang taong gulang nang maging hari siya ng Juda. Naghari siya sa Jerusalem ng dalawamput-siyam na taon. Si Jehoadan ang kaniyang ina. Siya ay mula sa Jerusalem.
\p
\v 2 Maraming ginawa si Amazias na kalugud-lugod kay Yahweh, ngunit hindi niya lubos na gustong gawin ang mga ito.
\s5
\p
\v 3 Nang lubos niyang mapamahalaan ang kaniyang kaharian, siya ang nagbigay dahilan sa iba upang patayin ang mga opisyal na pumatay sa kaniyang ama.
\p
\v 4 Ngunit hindi niya iniutos na patayin ang kanilang mga anak. Sinunod niya kung ano ang nasa kautusan na isinulat ni Moises. Iniutos ni Yahweh sa mga kautusang iyon na, "Hindi dapat patayin ang mga tao dahil sa nagawa ng kanilang mga anak, at hindi dapat patayin ang mga anak dahil sa nagawa ng kanilang mga magulang. Dapat lamang na patayin ang mga tao sa mga kasalanan na sila mismo ang gumawa."
\s5
\p
\v 5 Ipinatawag ni Amazias ang mga lalaki sa tribu ng Juda at Benjamin na pumunta sa Jerusalem, at doon niya sila pinagpangkat-pangkat, bawat angkan sa isang grupo sa pamamagitan ng kanilang mga sarili. At nagtalaga siya ng mga pinuno na mag-uutos sa bawat pangkat. Ilang pinuno ang nag-uutos sa isandaang lalaki at ang ilan ay nag-uutos sa isang libong lalaki. Binilang nila ang mga lalaking may dalawampung taong gulang at sa kabuuan ay mayroong 300,000 na lalaki. Silang lahat ay handang sumama sa hukbo, at may kakayahan na makipaglaban ng mahusay, gamit ang mga sibat at mga panangga.
\p
\v 6 Umupa rin si Amazias ng 100,000 na mahuhusay na mga kawal mula sa Israel, nagbayad siya ng higit kumulang 3.5 metrik toneladang pilak para sa kanila.
\s5
\v 7 Ngunit pumunta sa kaniya ang isang propeta at sinabi, "Kamahalan, dapat huwag mong payagan ang mga kawal na nagmula sa Israel na magmartsa kasama ng iyong mga kawal, dahil hindi tinutulungan ni Yahweh ang mga tao sa tribu ni Efraim o saan man sa Israel.
\p
\v 8 Kahit na pupunta ang iyong mga kawal at makipaglaban nang may katapangan sa mga labanan, ang Diyos ang magdudulot sa iyong mga kaaway upang talunin kayo. Huwag kalimutan na ang Diyos ay may kapangyarihang tumulong sa mga hukbo o magdulot sa kanila ng pagkatalo."
\s5
\p
\v 9 Tinanong ni Amazias ang propetang iyon, "Kung gagawin ko iyan, paano naman ang malaking halaga ng pilak na ibinayad ko upang upahan ang mga kawal mula sa Israel?" Sumagot ang propeta, "May kakayahan si Yahweh na ibalik sa iyo ang maraming pera kaysa sa binayad mo upang upahan ang mga kawal na iyon."
\p
\v 10 Kaya pinabalik ni Amazias sa kanilang mga tahanan ang mga kawal na nagmula sa Israel, ngunit labis silang nagalit sa hari ng Juda sa hindi niya pagpayag sa kanila na manatili at lumaban.
\s5
\p
\v 11 Naging matapang si Amazias at pinangunahan niya ang kaniyang hukbo sa Lambak ng Asin. Doon nila pinatay ang sampung libong kawal ng mga Edomita.
\p
\v 12 Binihag din ng hukbo ng Juda ang iba pang sampung libong kawal, dinala sila sa tuktok ng bangin at silang lahat ay inihulog mula sa tuktok ng isang bangin, kaya't namatay silang lahat na bali-bali ang kanilang mga buto.
\s5
\p
\v 13 Habang nangyayari iyon, sinalakay ng mga kawal ng Israel na pinauwi ni Amazias ang mga lungsod at mga bayan sa Judea, mula sa lungsod ng Samaria hanggang sa lungsod ng Bet-horon. Pinatay nila ang tatlong libong tao at kinuha ang malaking halaga ng mga mahahalagang bagay.
\s5
\p
\v 14 Nang bumalik si Amazias sa Jerusalem matapos patayin ng kaniyang hukbo ang mga kawal mula sa Edom, dinala niya ang mga diyus-diyosan na sinamba ng kaniyang mga kaaway. Itinayo niya ang mga ito na maging kaniyang sariling mga diyos. At lumuhod siya upang sambahin ang mga ito at nag-alay ng mga handog sa mga ito.
\v 15 Dahil dito, labis na nagalit si Yahweh kay Amazias. Nagpadala siya ng isang propeta sa kaniya, na nagsabi, "Bakit mo sinasamba itong dayuhang mga diyos na walang kakayahang magligtas ng kanilang sariling mga tao noong nilusob sila ng iyong hukbo?"
\s5
\p
\v 16 Habang siya ay nagsasalita pa, sinabi sa kaniya ng hari, "Natitiyak namin na hindi ka itinalagang maging isa sa aking mga tagapayo. Kaya tumigil ka sa pagsasalita! Kung may sasabihin ka pa, sasabihin ko sa aking mga kawal upang patayin ka!" Kaya sinabi ng propeta, "Alam kong nagpasya ang Diyos upang palayasin ka, dahil sinimulan mong sumamba sa mga diyus-diyosan at hindi pinansin ang aking payo." At hindi na nagsalita ang propeta.
\s5
\p
\v 17 Hindi nagtagal sumangguni si Amazias, ang hari ng Juda sa kaniyang mga tagapayo. At nagpadala siya ng isang mensahe kay Joas, ang hari ng Israel. Sinulat niya, "Halika ka at harapin mo ako sa labanan."
\s5
\p
\v 18 Ngunit ito ang tugon ni Joas kay Haring Amazias, "Minsan, may isang dawag na tumutubo sa kabundukan ng Lebanon ang nagpadala ng mensahe sa isang puno ng sedar, nagsasabi, 'Ibigay mo ang iyong anak na babae sa aking anak upang siya ay pakasalan niya.' Ngunit dumating ang isang mabangis na hayop sa Lebanon at tinapakan ang dawag.
\p
\v 19 Ang ibig kong sabihin ay sinasabi mo sa iyong sarili na tinalo ng iyong hukbo ang hukbo ng Edom, kaya naging mapagmataas ka. Maaari kang magmalaki sa iyong tagumpay, ngunit hindi mo ako dapat labanan. Kung gagawin mo, gumagawa ka lamang ng gulo sa iyong sarili. Tatalunin kita at ang Juda na kasama mo."
\s5
\p
\v 20 Ngunit hindi binigyang-pansin ni Amazias ang mensahe ni Joas. Nangyari ito dahil nais ng Diyos na talunin sila ng hukbo ni Joas, dahil sinasamba nila ang mga diyos ng Edom.
\v 21 Kaya lumusob ang hukbo ni Joas. Nagharap ang kanilang dalawang hukbo sa lungsod ng Bet-semes sa Juda.
\p
\v 22 Masaklap na tinalo ng hukbo ng Israel ang hukbo ng Juda at lahat ng kawal ng Juda ay tumakas papunta sa kanilang mga tahanan.
\s5
\p
\v 23 Doon din binihag ng hukbo ni Haring Joas si Haring Amazias. Pagkatapos, dinala niya si Amazias sa Jerusalem at giniba ng kaniyang mga kawal ang pader na nakapalibot sa lungsod, mula sa Tarangkahan ng Efraim hanggang sa Tarangkahan sa Sulok. Isa itong bahagi na may habang 180 na metro.
\p
\v 24 Kinuha din ng kaniyang mga kawal ang ginto, pilak at iba pang mahahalagang mga kasangkapan mula sa templo na binabantayan ng mga kaapu-apuhan ni Obed Edom. Kinuha din nila ang mga mahahalagang bagay sa palasyo at dinala sa Samaria ang ilang bilanggo na kanilang binihag.
\s5
\p
\v 25 Namatay si Haring Joas ng Israel at nabuhay si Haring Amazias ng Juda ng labing-limang taon pagkatapos nito.
\v 26 Nakasulat ang kasaysayan ng lahat ng ibang mga bagay na ginawa ni Amazias habang siya ang hari ng Judah sa Ang Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
\s5
\p
\v 27 Mula sa panahon na nagsimulang sumuway si Amazias kay Yahweh, ilang lalaki sa Jerusalem ang nagplanong patayin siya. Sinubukan niyang tumakas sa lungsod ng Laquis, ngunit nagpadala ang mga gustong pumatay sa kaniya ng ibang grupo ng mga tao sa Laquis at pinatay siya doon.
\v 28 Isinakay nila ang kaniyang bangkay sa isang kabayo at ibinalik ito sa Jerusalem at inilibing kung saan inilibing ang kaniyang mga ninuno sa bahagi ng Jerusalem na tinawag na lungsod ni David.
\s5
\c 26
\p
\v 1-2 Pagkatapos mamatay ni Haring Amazias, ang lahat ng tao ay kinuha ang kaniyang anak na si Uzias na maging hari nila. Labing-anim na taong gulang si Uzias sa panahong iyon. Isa sa mga bagay na nangyari habang siya ang hari ay ang pagsakop ng kaniyang mga manggagawa sa lungsod ng Elat at muli itong itinayo.
\p
\v 3 Naghari si Uzias sa Jerusalem ng limamput-dalawang taon. Si Jeconias ang kaniyang ina na mula sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 4 Ginawa ni Uzias ang mga bagay na sinabi ni Yahweh na mabuti, tulad ng ginawa ng kaniyang ama na si Amazias.
\p
\v 5 Sinikap niyang malugod ang Diyos habang nabubuhay si paring Zacarias, dahil tinuruan siya ni Zacarias na igalang ang Diyos. Habang sinisikap ni Uzias na malugod ang Diyos, binigyan siya ng Diyos ng kakayahan na maging matagumpay.
\s5
\p
\v 6 Nilusob ni Uzias at ng kaniyang hukbo ang hukbo ng Filistia. Giniba nila ang mga pader sa mga lungsod ng Gat, Jabne at Asdod. At muli nilang itinayo ang mga lungsod na malapit sa Asdod at iba pang mga lugar sa Filistia.
\p
\v 7 Ang Diyos ang tumulong sa kanila na labanan ang hukbo ng Filistia at ang mga Arabo na nakatira sa lungsod ng Gurbaal, at ang mga kaapu-apuhan ng Meun na pumunta sa lugar na iyon mula sa Edom.
\v 8 Maging ang grupo ng Ammonita ay nagbabayad ng buwis kay Uzias taun-taon. Kaya naging tanyag si Uzias hanggang sa hangganan ng Ehipto dahil siya ay naging lubos na makapangyarihan.
\s5
\p
\v 9 Nagtayo ang mga manggagawa ni Uzias ng mga toreng bantayan sa Jerusalem sa Tarangkahan sa Sulok, sa Tarangkahan sa Lambak at sa lugar kung saan napapaikot ang pader, at naglagay sila ng mga sandata sa mga toreng iyon.
\p
\v 10 Nagtayo rin sila ng mga toreng bantayan sa ilang at naghukay ng maraming balon. Ginawa nila iyon upang magkaroon ng tubig ang napakaraming baka ng hari na nasa mga paanan ng burol at sa mga kapatagan. Lubos na kinahiligan ni Uzias ang pagsasaka kaya nagtalaga rin siya ng mga manggagawa na mangangalaga ng kaniyang mga bukirin, ubasan sa mga kaburulan at sa matatabang lugar.
\s5
\v 11 Sinanay ang hukbo ni Uzias para sa pakikipaglaban sa mga labanan. Nasa hanay silang laging handang pumunta sa labanan. Si Jeiel ang kalihim ng hari at si Maaseias na isa sa mga pinuno ng hukbo, ang bumilang sa mga lalaki at naglagay sa kanila sa mga hanay. Si Hananias ang kanilang pinuno na isa sa mga opisyal ng hari.
\p
\v 12 May mga pinunong hinirang upang mamahala sa mga kawal. Nagmula sila sa tradisyonal na mga pamilya ng Juda, at sila ay may bilang na 2,600.
\p
\v 13 Sa mga hanay na pinangungunahan ng mga pinuno ay may kabuuan na 307,500 na mga bihasang kawal. Lubos itong makapangyarihan na hukbo, handang labanan ang mga kaaway ng hari.
\s5
\p
\v 14 Binigyan ni Uzias ang bawat kawal ng tig-iisang panangga, sibat, helmet, baluti na gawa sa bakal, pana at tirador para sa paghahagis ng mga bato.
\p
\v 15 Sa Jerusalem, gumawa ang kaniyang mga mahuhusay na manggagawa ng mga makina upang ilagay sa mga toreng bantayan at sa mga sulok ng mga pader, upang pumana at maghagis ng mga malalaking bato. Siya ay naging napakatanyag maging sa mga malalayong lugar dahil lubos siyang tinulungan ng Diyos at binigyan siya ng kakayahan na maging lubos na makapangyarihan.
\s5
\p
\v 16 Ngunit dahil lubos na makapangyarihan si Uzias, siya ay naging mapagmataas at iyon ang nagdulot sa kaniya upang maparusahan. Sinuway niya ang iniutos ni Yahweh na kaniyang Diyos. Pumunta siya sa templo upang magsunog ng insenso sa altar na kung saan sinabi ng Diyos na ang mga pari lamang ang dapat magsunog ng insenso.
\p
\v 17 Sumunod sa kaniya si Azarias na pinakapunong pari at ang walumpong matatapang na pari sa templo.
\p
\v 18 Siya ay sinaway nila at sinabi sa kaniya, "Uzias, hindi ito makatarungan sapagkat hindi ka naitalaga na magsunog ng insenso upang parangalan si Yahweh. Ang tungkuling ito ay para sa mga pari, ang mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang una nating pinakapunong pari! Dapat kang umalis kaagad, dahil sinuway mo si Yahweh na ating Diyos at hindi ka niya pararangalan sa iyong ginawa!"
\s5
\p
\v 19 Ngayon, hawak ni Uzias sa kaniyang kamay ang isang kawali para magsunog ng insenso. Galit na galit siya sa mga pari, ngunit biglang may lumitaw na bahid ng ketong sa kaniyang noo.
\p
\v 20 Nang tumingin sa kaniya si Azarias, ang pinakapunong pari at ang lahat ng iba pang mga pari na naroon, nakita nila ang ketong sa kaniyang noo, kaya siya ay kaagad nilang dinala sa labas. At talagang ninais ng hari na iwanan ang templo dahil alam niya na si Yahweh ang nagdulot sa kaniya na magkaroon ng ketong at ayaw niyang lumala ito.
\s5
\p
\v 21 Si haring Uzias ay may ketong hanggang sa namatay siya. Dahil mayroon siyang ketong, tumira siya sa isang bahay na malayo sa ibang bahay, at hindi siya pinayagan na pumasok sa patyo ng templo. Ang kaniyang anak na si Jotam ang nangasiwa sa palasyo at namuno sa mga tao ng Juda.
\s5
\p
\v 22 Ang isang talaan ng lahat ng ginawa ni Uzias habang siya ang hari ng Juda ay isinulat ni propeta Isaias na anak ni Amos.
\p
\v 23 Dahil ketongin si Uzias, siya ay hindi nila inilibing sa maharlikang mga libingan nang mamatay siya. Sa halip, inilibing siya sa malapit na sementeryo na pag-aari ng mga hari. At ang kaniyang anak na si Jotam ang naging hari ng Juda.
\s5
\c 27
\p
\v 1 Si Jotam ay dalawampu't limang taong gulang nang maging hari siya ng Juda. Namuno siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Ang kaniyang ina ay si Jerusa na anak ng paring si Zadok.
\p
\v 2 Gumawa si Jotam ng maraming mga bagay na kalugod-lugod kay Yahweh gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Uzias. Sinunod niya si Yahweh at ginawa ang mga bagay na matuwid. Gumawa siya ng maraming mabubuting bagay na ginawa ng kaniyang amang si Uzias at hindi rin siya nagsunog ng insenso sa templo, gaya ng ginawa ng kaniyang ama. Gayunpaman, nagpatuloy ang mga taga-Juda sa pagkakasala laban kay Yahweh.
\s5
\v 3 Muling itinayo ng mga manggagawa ni Jotam ang mataas na tarangkahan ng templo at marami silang ginawa upang maisaayos ang pader malapit sa burol ng Ofel.
\p
\v 4 Nagtayo sila ng mga lungsod sa mga kaburulan ng Juda at nagtayo sila ng mga kuta at mga tore bilang pananggalang sa kagubatan.
\s5
\p
\v 5 Sa mga panahong siya ang hari ng Juda, sinalakay at tinalo ng kaniyang hukbo ang hukbo ng mga Ammonita. At pinagbabayad niya sila ng tatlo at kalahating metriko tonilada ng pilak, 2,200 kilolitro ng malaking lalagyan ng trigo at 2,200 kilolitro ng malaking lalagyan ng sebada taun-taon sa loob ng tatlong taon.
\s5
\p
\v 6 Matapat na sinunod ni Jotam si Yahweh na kaniyang Diyos at dahil dito, naging makapangyarihan siyang hari.
\p
\v 7 Ang talaan ng lahat ng mga bagay na ginawa ni Jotam noong panahong siya ang hari, kabilang ang mga pakikipagdigma ng kaniyang hukbo ay nasusulat sa Aklat ng mga hari ng Juda at Israel.
\s5
\p
\v 8 Pagkatapos niyang pamunuan ang Juda sa loob ng labing-anim na taon, namatay siya nang siya ay apatnapu't isang taong gulang.
\p
\v 9 Inilibing siya sa Jerusalem at ang anak niyang si Ahaz ang sumunod na naging hari ng Juda.
\s5
\c 28
\p
\v 1 Si Ahaz ay dalawampung taong gulang nang maging hari siya ng Juda. Namuno siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Si Haring David na kaniyang ninuno ay naging mabuting hari, ngunit si Ahaz ay hindi naging katulad ni David. Patuloy niyang sinusuway si Yahweh
\v 2 at naging kasing-sama ng mga hari ng Israel. Gumawa siya ng mga rebulto ng diyos na si Baal sa pamamagitan ng kaniyang mga manggagawa na humulma ng mga ito sa metal.
\s5
\p
\v 3 Nagsunog siya ng insenso sa lambak ng Ben Hinom. Pinatay pa niya ang ilan sa kaniyang sariling mga anak sa apoy bilang mga alay. Katulad ito ng mga kasuklam-suklam na kaugalian na ginagawa ng mga taong dating nakatira sa lugar na iyon, mga taong pinalayas ni Yahweh nang papunta na ang mga Israelita sa lupaing iyon.
\v 4 Naghandog siya ng mga alay sa mga diyus-diyosan sa iba't ibang mga dambana sa tuktok ng mga burol at sa ilalim ng lahat ng mga malalaki at luntiang puno.
\s5
\p
\v 5 Kung kaya't pinayagan ni Yahweh na kaniyang Diyos na talunin ng hukbo ng hari ng Aram ang kaniyang hukbo. Nabihag nila ang maraming kawal ng Juda at dinala ang mga ito bilang bilanggo sa Damasco. Tinalo rin ng hukbo ng hari ng Israel ang hukbo ng hari ng Juda at nakapatay ng napakaraming mga kawal.
\p
\v 6 Sa loob ng isang araw, nakapatay ng 120,000 magagaling na mga kawal ng Juda ang hukbo ni haring Peka ng Israel na anak ni Remalias. Nangyari iyon dahil tinalikuran ng mga taga-Juda si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ng kanilang mga ninuno.
\s5
\p
\v 7 Pinatay ni Zicri na isang mandirigma mula sa lipi ni Efraim ang anak ni haring Ahaz na si Maasias, maging si Azkiram na namamahala sa palasyo at si Elkana, ang kanang kamay ng hari.
\p
\v 8 Nakabihag ng 200,000 na taga-Juda ang mga kawal ng Israel, kabilang ang maraming mga asawa at mga anak ng mga kawal ng Juda. Sinamsam din nila at dinala sa Samaria ang maraming mahahalagang mga bagay.
\s5
\p
\v 9 Ngunit isang propeta ni Yahweh na nagngangalang Obed ang nasa Samaria. Lumabas siya sa lungsod upang salubungin ang hukbo habang ito ay papabalik. Sinabi niya sa sa kanila, "Nagalit sa mga taga-Juda si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, kaya ipinasakamay niya sila sa inyo at marami kayong pinatay dahil sa nagngangalit na poot.
\p
\v 10 At ngayon, gusto ninyong magkasala sa pamamagitan ng paggawa ninyong alipin sa mga kalalakihan at kababaihang mula sa Juda, ngunit tiyak na nasaktan ninyo sa bagay na ito si Yahweh, ang ating Diyos.
\p
\v 11 Kaya makinig kayo! Ibalik ninyo sa Juda ang inyong mga kababayan na inyong binihag, sapagkat labis ang galit ni Yahweh sa inyo dahil sa inyong ginawa sa kanila."
\s5
\v 12 Pagkatapos, sinaway ng ilang mga pinuno ng lipi ng Efraim sina Azarias na anak ni Johanan, si Berquias na anak ni Mesillemot, si Jehizkias na anak ni Sallum at si Amasa na anak ni hadlai ang mga bumabalik galing sa labanan.
\v 13 Sinabi nila sa kanila, "Hindi ninyo dapat dalhin dito ang mga bilanggo! Kapag ginawa ninyo iyon, ituturing ni Yahweh na tayo ay nagkasala. Napatunayan tayong nakagawa ng maraming kasalanan, gusto ba ninyo na lalo pang madagdagan ang ating kasalanan sa paggawa ng isa pang kasalanan? Galit na galit na ang Diyos sa ating mga taga-Israel.
\s5
\v 14 Kaya, pinalaya ng mga kawal ang mga bilanggo at ibinalik sa kanila ang mga mahahalagang bagay na kanilang kinuha habang nanonood ang kanilang mga pinuno at ang iba pa.
\p
\v 15 Nagtalaga ang mga pinuno ng ilang mga tao upang pangalagaan ang mga bilanggo. Kinuha ng mga lalaking ito ang ilan sa mga damit na kinuha ng mga kawal sa mga taga-Juda at ibinigay sa mga taong walang damit. Nagbigay din sila ng mga sandalyas at iba pang mga damit sa mga bilanggo, maging ng makakain at maiinom, at nagbigay sila sa kanila ng langis ng olibo upang ipahid sa mga sugat nila. Nagbigay sila ng mga asno sa mga lubusang nanghihina upang sakyan nila ang mga ito. Pagkatapos, dinala sila sa Jerico, ang lungsod na maraming puno ng palma. Sa bandang huli, bumalik ang mga taong iyon sa Samaria.
\s5
\p
\v 16 Nang mga panahong iyon, nagpadala ng sulat si haring Ahaz sa hari ng Asiria na humuhingi ng tulong.
\v 17 Ginawa niya iyon dahil muling sumalakay ang hukbo ng mga Edomita sa Juda at dinala bilang bihag ang marami sa mga mamamayan ng Juda.
\p
\v 18 Sa panahon ding iyon, sinalakay ng mga kalalakihan mula sa Filistia ang mga nayon sa paanan ng mga burol at sa katimugang ilang ng Juda. Nasakop nila ang lungsod ng Beth-Semes, Aijalon at Gederot, gayon din ang mga nasa Soco, Timna, Gimzo pati na ang mga kalapit nayon.
\s5
\v 19 Pinayagan ni Yahweh na mangyari ang mga bagay na ito upang ibaba si haring Ahaz, dahil hinimok niya ang mga taga-Juda na gumawa ng mga masasamang bagay at sinuway ng labis si Yahweh.
\p
\v 20 Ipinadala ni Tiglat-Pileser na hari ng Asiria ang kaniyang hukbo na nagsasabing tutulungan nila si Ahaz, ngunit sa halip na tulungan siya, nagdulot pa sila ng gulo sa kaniya.
\v 21 Kinuha ng mga kawal ni Ahaz ang ilan sa mga mahahalagang bagay mula sa templo at mula sa palasyo ng hari at mula sa ibang mga pinuno ng Juda at ipinadala sa hari ng Asiria upang maging kabayaran sa kaniya upang tulungan sila, ngunit tumanggi ang hari ng Asiria na tulungan si Ahaz.
\s5
\p
\v 22 Habang nararanasan ni haring Ahaz ang mga kaguluhang iyon, lalo pa niyang sinuway si Yahweh.
\v 23 Naghandog siya ng mga alay sa mga diyos na sinasamba sa Damasco, tinalo ng hukbo nito ang hukbo niya. Inisip niya na "Tinulungan sila ng mga diyos na sinasamba ng mga hari ng Aram, kaya maghahandog ako ng mga alay sa mga diyos na iyon upang tulungan nila ako." Ngunit ang pagsamba sa mga diyos na iyon ang naging sanhi ng pagbagsak ni Ahaz at ng buong Israel.
\s5
\v 24 Tinipon at pinagputul-putol ni Ahaz ang lahat ng mga kasangkapan na ginamit sa templo. Isinara niya ang mga pintuan ng templo at nagtayo ng mga altar para sa pagsamba sa mga diyus-diyosan sa bawat lansangan sa Jerusalem.
\p
\v 25 Nagtayo ang kaniyang mga manggagawa ng mga dambana sa bawat lungsod ng Juda upang pagsunugan ng mga alay para sa mga diyos. At ito ang naging dahilan kaya nagalit ng matindi si Yahweh, ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno.
\s5
\p
\v 26 Ang talaan ng ibang mga bagay na ginawa ni Ahaz habang siya ang hari, mula sa pasimula ng kaniyang pamumuno hanggang sa kamatayan niya ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
\v 27 Namatay si Ahaz at inilibing sa Jerusalem, ngunit hindi siya inilibing sa libingan kung saan inililibing ang ibang mga hari. At naging hari ang kaniyang anak na si Ezequias.
\s5
\c 29
\p
\v 1 Si Ezequias ay dalawampu't limang taong gulang nang siya ay maging hari ng Juda. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampu't siyam na taon. Si Abija na anak ng isang lalaking nagngangalang Zacarias ang kaniyang ina.
\p
\v 2 Ginawa ni Ezequias ang mga bagay na itinuturing ni Yahweh na matuwid, gaya ng ginawa ng ninuno niyang si Haring David.
\s5
\v 3 Noong unang buwan ng unang taon ng pamumuno ni Ezequias sa Juda, binuksan niya ang mga pintuan ng mga templo at kinumpuni ng kaniyang mga manggagawa ang mga ito.
\v 4 Pagkatapos, tinipon niya ang mga pari at ang mga iba pang kaapu-apuhan ni Levi sa may patyo sa silangang bahagi ng templo,
\v 5 at sinabi niya sa kanila, "Makinig kayo sa akin, kayong mga kaapu-apuhan ni Levi! Ibukod ninyo ang inyong mga sarili, at ihanda ang tahanan ni Yahweh, ito ay lugar para maparangalan si Yahweh na sinamba ng inyong mga ninuno. Tanggalin ninyo ang lahat ng karumihan na nasa banal na lugar.
\s5
\p
\v 6 Sinuway ng ating mga ninuno ang Diyos, marami silang ginawang bagay na sinasabi ni Yahweh na masama, at gumawa sila ng mga bagay na hindi nakakalugod. Tinalikuran nila ang lugar na tinitirahan ni Yahweh.
\p
\v 7 Isinara nila ang mga pintuan ng templo at pinatay ang ilaw ng mga lampara. Hindi sila nagsusunog ng anumang insenso at hindi sila naghahandog ng anumang mga alay na dapat masunog ng ganap sa may altar sa banal na lugar.
\s5
\v 8 Kaya labis na nagalit si Yahweh sa ating mga taga-Jerusalem at iba pang mga lugar sa Juda, at sinindak niya ang ibang tao at tinakot tayo. Hinamak nila tayo at alam na alam ninyo ito.
\v 9 Ito ang dahilan kung bakit napatay sa mga labanan ang ating mga ama, at nabihag at dinala sa ibang mga bansa ang ating mga anak at mga asawa.
\s5
\p
\v 10 Ngunit ngayon nais kong gumawa ng kasunduan kay Yahweh, ang ating Diyos, upang hindi na siya magalit sa atin.
\v 11 Kayo na para ko nang mga anak, huwag kayong magsasayang ng oras. Gawin na ninyo agad ang nais ni Yahweh na gawin ninyo. Pinili kayo ni Yahweh upang tumayo sa kaniyang presensiya at maghandog ng mga alay at magsunog ng insenso."
\s5
\p
\v 12 At nagsimulang magtrabaho sa templo ang mga kaapu-apuhan ni Levi. Mula sa mga kaapu-apuhan ni Kohat, narito sina Mahat na anak ni Amasai, at si Joel na anak ni Azarias. Mula sa mga kaapu-apuhan ni Merari, narito sina Kish na anak ni Abdi, at si Azarias na anak ni Jehalelel. Mula sa mga kaapu-apuhan ni Gershon, narito sina Joah na anak ni Zimna, at si Eden na anak ni Joah.
\p
\v 13 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Elizafan, narito sina Simri at Jeiel. Mula sa mga kaapu-apuhan ni Asaf, narito sina Zacarias at Matanias.
\p
\v 14 Mula sa mga kaapu-apuhan ni Heman, narito sina Jehiel at Simei. Mula sa mga kaapu-apuhan ni Jeduthun, narito sina Semias at Uziel.
\s5
\p
\v 15 Nang matapos tipunin ng mga lalaking iyon ang mga kapwa nila Levita, at nang matapos nilang ibukod ang kanilang mga sarili bilang paghahanda sa pagsunod sa hari na sumusunod sa kautusan ni Yahweh at magpunta sa templo upang linisin ito.
\p
\v 16 Pumasok ang mga pari sa templo upang linisin ito. Inilabas nila sa patyo ng templo ang lahat ng mga bagay na hindi kalugod-lugod kay Yahweh na nakita nila sa loob ng templo. Pagkatapos, dinala ng mga kaapu-apuhan ni Levi ang mga bagay na iyon sa Lambak ng Kidron at sinunog doon.
\p
\v 17 Sinimulan ng mga pari at ng iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi ang gawain sa unang araw ng unang buwan at natapos ang pagbubukod para sa karangalan ni Yahweh, at ang patyo ng templo sa ika-walong araw ng buwan na iyon. Natapos nila ang gawain ng pagbubukod ng templo para sa karangalan ni Yahweh, pagkaraan ng isang linggo.
\s5
\v 18 Pagkatapos, pumunta sila kay Haring Ezequias at iniulat ito: "Nalinis na namin ang lahat ng bahagi ng templo, at ang altar kung saan sinusunog ng ganap ang mga alay at ang lahat ng mga kagamitan na ginagamit sa altar, ang mesa kung saan inilalagay ng mga pari ang tinapay sa harapan ni Yahweh, at maging ang mga bagay na ginagamit sa mesang iyon.
\p
\v 19 Namuno si Ahaz sa atin, sinuway niya ang iniutos ni Yahweh, at itinapon niya ang karamihan sa mga kagamitan at mga kasangkapan na nasa templo, ang mga bagay na dapat ay naroon, ngunit naibalik na namin ang mga iyon. Itinalaga namin ang mga iyon sa seremonya ni Yahweh at inilagay sa altar ni Yahweh kung saan ito maaaring makita."
\s5
\p
\v 20 Kinaumagahan, tinipon ni Haring Ezequias ang lahat ng mga opisyal ng lungsod at nagpunta sila sa patyo ng templo.
\p
\v 21 Nagdala sila ng pitong lalaking baka, pitong lalaking tupa, pitong lalaking batang tupa, at pitong lalaking kambing upang maging alay. Nang sa gayon, patawarin ni Yahweh ang mga kasalanan ng lahat ng mga tao sa kaharian ng Juda at upang linisin ang templo. Inutusan ng hari ang mga pari na mga kaapu-apuhan ni Aaron na ihandog ang mga hayop upang maging mga alay kay Yahweh sa altar.
\s5
\p
\v 22 Kaya pinatay muna ng mga pari ang mga baka at kinuha ang dugo at iwinisik ito sa altar. Pagkatapos, pinatay nila ang mga lalaking tupa at iwinisik ang dugo ng mga ito sa altar. Pagkatapos, pinatay nila ang mga batang tupa at iwinisik ang dugo ng mga ito sa altar.
\p
\v 23 Dinala sa hari at sa ibang mga naroroon ang mga kambing na papatayin bilang handog upang patawarin ni Yahweh ang mga kasalanan ng mga tao. Ipinatong ng hari at ng lahat ng naroroon ang kanilang mga kamay sa mga kambing na iyon.
\v 24 Pagkatapos, pinatay ng mga pari ang mga kambing na iyon at iwinisik ang dugo ng mga ito sa altar upang maging kabayaran sa mga kasalanan ng Israel. Ginawa ito ng mga pari dahil iniutos ng hari na susunugin ng ganap ang mga handog na iyon sa altar at isasagawa ang ibang pag-aalay para sa lahat ng mga tao ng Israel.
\s5
\p
\v 25 Pagkatapos, sinabihan ng hari ang mga kaapu-apuhan ni Levi na tumayo sa templo na may mga pompyang, alpa at mga lira bilang pagsunod sa iniutos ni David at ng mga propeta niyang sina Gad at Natan. Iyon ang mga bagay na sinabi ni Yahweh sa mga propeta na dapat gawin ng mga kaapu-apuhan ni Levi.
\p
\v 26 Kaya pumunta at tumayo ang mga kaapu-apuhan ni Levi sa templo at sinimulang patugtugin ang mga instrumentong ibinigay ni Haring David sa kanila. At sinimulang hipan ng mga pari ang kanilang mga trumpeta.
\s5
\v 27 Pagkatapos, sinabi ni Ezequias sa ilang mga pari na patayin ang mga hayop na susunugin ng ganap sa altar. Nang simulan nilang patayin ang mga hayop, nagsimulang mag-awitan ang mga tao ng papuri kay Yahweh habang tinutugtog ng ibang mga kaapu-apuhan ni Levi ang kanilang mga instrumento.
\v 28 Yumukod upang sumamba kay Yahweh ang lahat ng mga taong naroon, habang kumakanta ang mga mang-aawit at tumutugtog ang mga manunugtog ng trumpeta. Nagpatuloy sila sa paggawa nito hanggang sa matapos nilang patayin ang lahat ng mga hayop na susunugin ng ganap.
\s5
\p
\v 29 Nang matapos nilang ihandog ang mga alay, lumuhod at sumamba ang hari at ang lahat ng naroon kay Yahweh.
\v 30 Pagkatapos, inutusan ni Haring Ezequias at ng kaniyang mga opisyal ang mga Levita na purihin si Yahweh, na inaawit ang awiting nilikha ni David at Asaf na propeta. Kaya umawit sila ng mga awiting may kagalakan at yumukod upang sumamba.
\s5
\p
\v 31 At sinabi ni Ezequias, "Ngayon ay ibinukod na ninyo ang inyong mga sarili para sa karangalan ni Yahweh. Kaya lumapit kayo sa templo at magdala ng mga hayop upang ialay at dalhin din ninyo ang iba pang mga handog upang pasalamatan si Yahweh para sa kaniyang mga ginawa sa inyo." Pagkatapos, magdala ng mga hayop ang mga taong nagnanais magdala ng hayop upang sunugin ng ganap sa altar.
\s5
\p
\v 32 Sa pangkalahatan, nagdala sila ng pitumpung lalaking baka, isandaang lalaking tupa, at dalawandaang lalaking batang tupa upang sunugin ng ganap sa altar.
\v 33 Ang ibang hayop na kanilang dinala upang ialay ay animnaraang lalaking baka at tatlunglibong tupa at kambing na ibinukod para sa karangalan.
\s5
\v 34 Kakaunti ang mga pari upang balatan ang mga hayop na susunugin ng ganap sa altar. Kaya tinulungan sila ng mga kapwa nila Levita hanggang sa matapos ang gawain, at hanggang sa matapos ng ibang mga pari na ibukod ang mga sarili nila para sa karangalan ni Yahweh, katulad ng mga kaapu-apuhan ni Levi na naibukod din ang kanilang mga sarili upang parangalan si Yahweh.
\s5
\p
\v 35 Bilang karagdagan sa lahat ng mga handog na sinunog ng ganap sa altar, sinunog ng mga pari ang taba ng mga hayop na naialay upang panatilihin ang magandang ugnayan kay Yahweh, mayroon ding handog na alak. Sa ganitong paraan muling nagsimula ang pananambahan sa templo.
\v 36 Nagdiwang si Ezequias at ang lahat ng mga tao, dahil binigyan sila ng Diyos ng kakayahang gawin ng mabilis ang lahat ng pagkukumpuni.
\s5
\c 30
\p
\v 1-3 Nais ipagdiwang ni Haring Ezequias at ng kaniyang mga opisyal at lahat ng iba pang mga tao na nagtipon sa Jerusalem ang pista ng Paskwa. Ngunit hindi nila ito naipagdiwang sa nakagawiang panahon dahil marami sa mga pari ang hindi pa nakapagsagawa ng lahat ng seremonya ng paglilinis para sa kanilang sarili, kaya hindi sila pinayagang gawin ang mga gawain sa pagdiriwang na iyon. At, hindi pumunta ang lahat sa Jerusalem upang ipagdiwang ito. Kaya pinagpasyahan nilang ipagdiwang ang pista sa susunod na buwan.
\s5
\v 4 Inisip ng hari at lahat ng ibang mga tao na nagtipun-tipon na ito ay magandang plano.
\v 5 Kaya napagpasyahan nilang magpadala ng mga mensahe sa lahat ng mga lungsod at sa mga nayon sa Juda at sa Israel, mula sa Beer-seba sa malayong timog at Dan sa malayong hilaga, kabilang ang mga lugar sa lipi ni Efraim at Manases na imbitahan ang mga tao na pumunta sa templo sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskwa upang parangalan si Yahweh, ang Diyos na sinamba ng mga Israelita. Marami sa mga tao ang hindi pa kailanman nakapagdiwang ng pista na iyon kahit na nasusulat sa batas ni Moises na dapat nilang gawin iyon.
\s5
\v 6 Sa pagsunod sa iniutos ng hari, pumunta ang mga mensahero sa buong Juda at Israel, dala-dala ang mga mensahe na isinulat ng hari at ng kaniyang mga opisyal. Ito ang kanilang isinulat: "Kayong mga Israelita, kayong mga nakaligtas pagkatapos na maging alipin ng mga hari sa Asiria, magbalik kayo kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng ating dakilang mga ninuno na sina Abraham, Isaac at Jacob upang sa ganoon ay magbalik siya sa inyo. Hindi matapat na sinunod ng inyong mga magulang at inyong kapwa mamamayan si Yahweh, ang Diyos na sinamba ng inyong mga ninuno.
\s5
\p
\v 7 Huwag ninyong gawin ang tulad ng kanilang ginawa, dahil ang ginawa nila ang naging dahilan upang parusahan sila ni Yahweh ng matindi na nagdulot ng labis na pagkatakot sa ibang mga tao nang marinig nila ang kaniyang ginawa.
\v 8 Huwag kayong maging palalo gaya ng ating mga ninuno. Gawin ninyo ang nais ng Diyos. Pumunta kayo sa Jerusalem sa templo, na inilaan niya para sa kaniyang karangalan magpakailanman. Gawin kung ano ang nakalulugod kay Yahweh na ating Diyos upang hindi na siya magalit sa inyo.
\p
\v 9 Kapag bumalik kayo kay Yahweh, ang mga taong dumakip sa ating mga kapatid at sa ating mga anak ay magiging mabait sila sa kanila at pahihintulutan silang bumalik sa lupaing ito. Huwag ninyong kalilimutan na si Yahweh na ating Diyos ay mabuti at mahabagin. kapag bumalik kayo sa kaniya, hindi na niya kayo itatakwil."
\s5
\p
\v 10 Pumunta ang mga mensahero sa lahat ng mga lungsod sa lipi nina Efraim at Manases, hanggang sa pinakadulo sa lipi ni Zebulun at ibinigay ang mensaheng ito, ngunit karamihan sa mga tao doon ay hinamak at kinutya sila.
\p
\v 11 Ngunit inamin ng ilan sa mga tao sa lipi nina Asher, Manases at Zebulun ang kanilang kasalanan at pumunta sa Jerusalem.
\v 12 Maging sa Juda, kumilos ang Diyos upang naisin ng mga tao na sama-samang sumunod kay Yahweh, ang siyang sinabi sa sulat na ipinadala ng hari at ng kaniyang mga opisyal na kanilang gagawin.
\s5
\p
\v 13 Kaya nagtipun-tipon ang napakaraming bilang ng tao sa Jerusalem sa ikalawang buwan ng taon upang ipagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.
\p
\v 14 Tinanggal nila ang mga altar ni Baal sa Jerusalem at inalis ang mga altar para sa pagsusunog ng insenso upang parangalan ang mga ibang diyos; sinunog nila itong lahat sa Lambak ng Kidron.
\p
\v 15 Kinatay nila ang mga tupang pang-Paskwa sa ikalabing-apat na araw ng buwan na iyon. Nahiya ang mga pari at ibang mga kaapu-apuhan ni Levi na hindi nagsagawa ng mga seremonya para linisin ang kanilang mga sarili kaya naghanda sila ng kanilang mga sarili upang maging karapat-dapat para sa paglilingkod kay Yahweh at nagdala sila sa templo ng mga hayop upang ganap na sunugin sa altar sa tahanan ni Yahweh.
\s5
\p
\v 16 At tumayo sila sa mga lugar ayon sa isinulat ni Moises sa kaniyang batas na dapat nilang tayuan. At ibinigay ng mga kaapu-apuhan ni Levi sa mga pari ang mga mangkok na naglalaman ng mga dugo ng mga hayop na naialay na, at iwinisik ng mga pari ang ilang mga dugo sa altar.
\p
\v 17 Hindi nakapaglinis ng kanilang mga sarili ang karamihan sa mga tao at samakatuwid hindi sila maaaring pumatay ng mga tupa at ilaan ang mga ito kay Yahweh. Sa gayon kinakailangan ang mga kaapu-apuhan ni Levi ang pumatay ng mga tupa para sa kanila.
\s5
\v 18 Bagaman hindi nakapaglinis sa kanilang mga sarili ang karamihan sa mga tao na nanggaling mula sa lipi nina Efraim, Manases, at Isacar, kumain pa rin sila ng pagkain ng Pista ng Paskwa, binabalewala ang mga panuntunan na isinulat ni Moises. Ngunit nanalangin si Ezequias para sa kanila, na sinasabing "Yahweh, lagi mong ginagawa ang mabuti; panalangin ko na patawarin mo ang bawat isa
\v 19 taos pusong nagnanais na parangalan ka, ang Diyos na sinamba ng aming mga ninuno, kahit na hindi sila nakapaglinis ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa banal na kautusan na ibinigay mo sa amin."
\v 20 At pinakinggan ni Yahweh kung ano ang panalangin ni Ezequias; pinatawad niya ang mga tao at hindi sila pinarusahan.
\s5
\p
\v 21 Nagdiwang ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura ang mga Israelita na naroon sa Jerusalem sa loob ng pitong araw. Nagalak silang lubos habang nagdiriwang, habang umaawit kay Yahweh ang mga pari at mga kaapu-apuhan ni Levi sa araw-araw at tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika upang purihin ang Diyos.
\p
\v 22 Pinasalamatan ni Ezequias ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Levi para sa paggawa ng gawaing ito para kay Yahweh dahil sa napakahusay na pangunguna sa mga tao na sumasamba. Para sa pitong mga araw na iyon, kumain ang mga tao ng pagkain ng Paskwa at nagdala ng mga handog upang mapanatili ang kapayapaan kay Yahweh at purihin si Yahweh, ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno.
\s5
\p
\v 23 Napagpasyahan ng buong pangkat na magdiwang ng pitong araw pa, kaya ginawa nila: nagdiwang sila nang may kagalakan sa pito pang mga araw.
\v 24 Nagbigay si haring Ezequias ng isang libong toro at pitong libong tupa na kakatayin bilang pagkain ng mga tao sa panahon ng pista at nagbigay din sa kanila ang mga opisyal ng isang libong toro at sampunglibong tupa at kambing. Marami sa mga pari ang nagtalaga sa kanilang mga sarili para sa paglilingkod kay Yahweh at para parangalan siya sa pistang ito.
\s5
\p
\v 25 Nagalak ang lahat ng mga tao sa Juda, kasama ang mga pari at mga kaapu-apuhan ni Levi at ang lahat ng mga tao mula sa Israel na dumating, at kasama ang ilan mula sa ibang mga bansa na naninirahan sa Israel at ilan mula sa ibang mga bansa na naninirahan sa Juda.
\p
\v 26 Lubos ang kagalakan ng bawat isa sa Jerusalem, sapagkat walang nangyari sa Jerusalem na tulad nito mula noong panahon ng paghahari ng anak ni David na si Solomon sa Isarel.
\v 27 Tumayo ang mga pari at ang iba mga kaapu-apuhan ni Levi upang pagpalain ang mga tao at narinig sila ng Diyos, sapagkat umabot sa langit ang kanilang mga panalangin, ang banal na lugar na kung saan naninirahan ang Diyos.
\s5
\c 31
\p
\v 1 Nang matapos ang pagdiriwang, pumunta sa lahat ng lungsod sa Juda ang mga Israelitang naroon at winasak ang mga batong ginagamit sa pagsamba sa mga diyus-diyosan, at giniba ang mga imahe na ginagamit sa pagsamba sa diyosang si Ashera. Sinira nila ang mga dambana at mga altar ni Baal sa buong lipi nina Juda at Benjamin at gayon din sa mga lipi nina Efraim at Manases. Pagkatapos nilang wasakin ang lahat ng mga ito, bumalik sila sa kani-kanilang mga lungsod at mga bayan.
\s5
\p
\v 2 Hinati ni Ezequias sa pangkat ang mga pari at ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi. Itinalaga niya ang ilan sa mga pangkat na maghandog ng mga alay na ganap na susunugin sa altar at sa mga handog upang panatilihin ang ugnayan kay Yahweh. Itinalaga niya ang ilan sa mga pangkat upang gawin ang ibang mga gawain sa templo, pinangunahan ng ilan ang mga tao sa kanilang pagsamba, ang ilan ay para magpasalamat kay Yahweh, at ang ilan ay para umawit ng mga awitin upang purihin si Yahweh sa mga tarangkahan ng templo.
\v 3 Nagbigay ang hari ng sarili niyang pondo upang pambili ng mga hayop na maaaring iaalay sa umaga at sa gabi sa bawat araw, at sa mga Araw ng Pamamahinga, upang ipagdiwang ang mga bagong buwan, at sa panahon ng ibang mga pista, ayon sa nakasulat sa kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises.
\s5
\v 4 Sinabi ni Ezequias sa mga taong nakatira sa Jerusalem na ibigay sa mga pari at sa iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi ang mga bahagi ng karne na nararapat na ibigay sa kanila, upang maiukol ang lahat ng oras nila sa pagsunod sa mga kautusan ni Yahweh.
\v 5 Pagkasabing-pagkasabi niya nito sa kanila, masagana silang nagbigay ng unang bahagi ng kanilang inaning butil, unang bahagi ng bagong alak na kanilang ginawa, langis ng olibo at pulot, at ng mga panananim na lumago sa kanilang mga bukirin. Dinala nila sa templo ang ikasampung bahagi ng lahat ng kanilang mga pananim.
\s5
\v 6 Dinala rin ng mga kalalakihang nakatira sa iba't ibang lungsod ng Israel at Juda ang ikasampung bahagi ng kanilang baka, tupa at mga kambing, at ikasampu ng iba pang mga bagay na kanilang inilaan para sa pagpaparangal kay Yahweh na kanilang Diyos, at pinagsama-sama ang lahat ng mga ito sa mga bunton.
\p
\v 7 Sinimulan nilang gawin iyon sa ikatlong buwan at natapos ang mga iyon sa ikapitong buwan.
\v 8 Nang makita ni Ezeqiuas at ng kaniyang mga opisyal ang mga nakabunton, pinuri nila si Yahweh at hiniling nila sa Diyos na pagpalain ang mga tao.
\s5
\p
\v 9 Ngunit tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi, "Ano ang mga bunton na ito?"
\v 10 At sumagot ang pinakapunong pari na si Azarias na isang kaapu-apuhan ni Zadok, "Nang magsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga alay sa templo, nagkaroon kami ng pagkain na higit sa aming pangangailangan. Nangyari ang mga ito dahil labis na pinagpala ni Yahweh ang mga kapwa nating Israelita, pagkatapos naming mga pari at ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi na kunin ang lahat ng aming pangangailangan, ang lahat ng mga ito ang natira!"
\p
\v 11 At iniutos ni Ezequias na dapat silang maghanda ng mga silid imbakan sa templo para mapag-imbakan ng mga gamit na ito.
\p
\v 12 Pagkatapos, dinala nila sa mga silid imbakan ang lahat ng ikapu at ang mga handog at ang mga bagay na inilaan para kay Yahweh na dinala ng mga tao. Isa sa mga kaapu-apuhan ni Levi na nagngangalang Conanias ang namamahala sa mga bagay na iyon at katuwang niya ang nakakabata niyang kapatid na lalaki na si Semei.
\p
\v 13 Pinangasiwaan ng dalawang lalaking iyon sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat at Banaias habang ginagawa nila ang kanilang trabaho. Itinalaga sila ni Haring Ezequias. Si Azarias ang nangasiwa sa lahat ng natapos na gawain sa templo.
\s5
\p
\v 14 Ang isa pang kaapu-apuhan ni Levi na anak ni Imna na si Korah, na nagbabantay sa silangang tarangkahan ng templo, ang nangasiwa sa mga handog na ibinigay ng kusang loob sa Diyos. Ipinamahagi niya sa mga pari at sa iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi ang mga handog at ang iba pang mga bagay na nailaan para kay Yahweh.
\v 15 Tapat na umaalalay sina Eden, Menyamin, Jeshua, Amarias, at Sechanias, sa kaniya sa mga bayan kung saan nakatira ang mga pari. Ipinamahagi nila ang mga bagay na iyon sa mga kasamahan nilang mga pari. Ipinamahagi nila ang mga ito sa bawat isa, kabilang na ang mga kabataan at mga matatanda.
\s5
\v 16 Ipinamahagi din nila ang mga bagay na ito sa mga lalaki na may tatlong taong gulang, na ang mga pangalan ay nakatala sa balumbon kung saan nakasulat ang listahan ng mga pangalan ng kanilang pamilya. Sila ay mga kalalakihan na pinahihintulutang pumasok sa templo upang gawin ang kanilang mga trabaho sa araw-araw, ang mga gawaing itinalaga sa bawat pangkat na dapat gawin.
\s5
\p
\v 17 Ang mga pangalan ng mga pari ay nasa balumbon kung saan nakasulat ang mga pangalan ng kanilang mga pamilya. Ipinamahagi din nila ang mga bagay sa mga pangkat ng mga kaapu-apuhan ni Levi, na nasa dalawampung taong gulang pataas.
\p
\v 18 Isinama nila ang lahat ng kanilang mga maliliit na anak at mga asawa at iba pang mga anak na lalaki at babae na ang mga pangalan ay nasa balumbon kung saan nakasulat ang mga pangalan ng kanilang mga pamilya, dahil tapat din nilang inilaan ang kanilang sarili para sa pagpaparangal kay Yahweh at Sa kaniyang mga utos para sa kabanalan.
\v 19 Itinalaga din ni Ezequias ang iba pang mga kalalakihan upang ipamahagi ang mga bahagi ng mga handog na iyon para sa mga pari at sa iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi na nakatira sa mga pastulan sa palibot ng mga bayan ng Juda. Ngunit ibinigay nila ang mga bagay sa mga kaapu-apuhan lamang ni Aaron ang unang pinakapunong pari, na ang mga pangalan ay nasa balumbon na naglalaman ng mga pangalan ng kanilang mga pamilya.
\s5
\p
\v 20 Ito ang ginawa ni Ezequias sa buong Juda. Lagi siyang matapat sa paggawa ng mga bagay na tama at mabuti na sinasabi ni Yahweh na kaniyang Diyos.
\p
\v 21 Sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa para sa pagsamba sa loob ng templo, at habang sinusunod niya ang mga batas at kautusan ng Diyos, sinubukan niyang alamin kung ano ang nais ng Diyos, at masigla siyang gumawa. Kaya nagtagumpay siya.
\s5
\c 32
\p
\v 1 Pagkatapos na sundin ni Haring Ezequias ang mga tagubilin ni Yahweh at gawin ang lahat ng mga bagay na iyon, dumating ang Hari ng Asiria na si Sinaquerib kasama ang kaniyang hukbo at sinakop ang Juda. Inutusan niya ang kaniyang mga kawal na palibutan ang mga lungsod na napapalibutan ng mga pader, iniisip nilang pumasok sa mga pader at sakupin ang mga lungsod na iyon.
\s5
\q
\v 2 Nang nakita ni Ezequias na dumating si Sinaquerib kasama ang kaniyang hukbo at hinahangad nilang lulusubin ang Jerusalem,
\p
\v 3-4 sumangguni siya sa kaniyang mga opisyal at sa mga pinuno ng hukbo. Sinabi nila sa kanilang sarili, "Bakit dapat pahintulutan ang hari ng Asiria at ang kaniyang hukbo na pumarito at maghanap ng masaganang tubig na maiinom?" Kaya nagpasiya silang pahintuin ang tubig na umaagos palabas ng lungsod. Nagsama-sama sa isang malaking pangkat ang mga kalalakihan at hinarangan ang lahat ng mga bukal at ang mga sapa na umaagos sa bahaging iyon.
\s5
\q
\v 5 At nagtrabaho sila ng maigi upang ayusin ang lahat ng mga nasira sa pader ng lungsod at nagtayo ng tore ng bantay sa ibabaw ng mga pader. Pinatibay nila ang Millo, isang napakalaking pananggalang na pader sa silangang bahagi ng lungsod ni David. Gumawa rin sila ng maraming sandata at mga kalasag.
\s5
\p
\v 6 Nagtalaga si Ezequias ng mga pinuno ng mga hukbo at tinipon niya sila ng sama-sama sa kaniyang harapan sa isa sa mga tarangkahan ng lungsod at pinalakas niya ang kanilang loob sa pagsasabi nito sa kanila:
\p
\v 7 "Maging malakas at matapang. Huwag kayong matakot o panghinaan ng loob dahil sa hari ng Asiria at sa malaking hukbo na kasama niya sapagkat kasama natin si Yahweh at mas higit na makapangyarihan siya kaysa sa kanilang kapangyarihan.
\q
\v 8 Umaasa sila sa kapangyarihan ng tao, ngunit kasama natin si Yahweh na ating Diyos na tutulong at makikipaglaban para sa atin." Kaya mas naging panatag sila dahil sa sinabi ni Ezekias, na hari ng Juda.
\s5
\q
\v 9 Hindi nagtagal, nang pinapalibutan ni Sinaquerib kasama ang lahat ng kaniyang mga kawal ang lungsod ng Laquis, nagsugo siya sa Jerusalem ng ilan sa mga opisyal upang ibigay ang mensaheng ito kay Haring Ezequias at sa lahat ng mga taga-Juda na naroon:
\q
\v 10 "Ako si Sinaquerib, ang dakilang hari ng Asiria at ito ang aking sinasabi, habang nananatili kayo sa Jerusalem, pinalilibutan ng aking mga kawal ang lungsod na ito. Kaya ano ang inaasahan ninyo upang manatili kayong ligtas?
\s5
\q
\v 11 Sinasabi ni Ezequias sa inyo, 'Ililigtas kami ni Yahweh na aming Diyos mula sa pagkakatalo sa hukbo mo.' Nais niya kayong mamatay sa kawalan ng pagkain o tubig.
\q
\v 12 Si Ezequias ang nagsabi sa kaniyang mga tao na alisin ang mga dambana ng diyos at mga altar sa mga bukirin, sinasabi niya sa inyong mga taga-Jerusalem at sa iba pang lugar sa Juda, 'Kailangan ninyong sumamba sa iisang altar lamang at sa altar lamang na iyon magsunog ng mga alay.'
\s5
\p
\v 13-14 Hindi ba ninyo nalalaman kung ano ang ginawa ko at ng aking mga ninuno sa lahat ng mga pangkat ng mga lahi sa ibang mga bansa? Winasak namin silang lahat at hindi sila nailigtas ng kanilang mga diyos mula sa akin.
\p
\v 15 Kaya huwag ninyong pahintulutan na linlangin kayo ni Ezequias tulad nito. Huwag ninyong paniwalaan ang sinasabi niya, dahil walang diyos ng anumang bansa o kaharian ang nakapagligtas kailanman ng kaniyang mga tao mula sa pananakop ng aking mga hukbo at sa mga hukbo ng aking mga ninuno. Kaya tiyak na hindi rin kayo kayang iligtas ng inyong Diyos mula sa aking kapangyarihan."
\s5
\p
\v 16 Marami pang pangungutya ang sinabi ng mga opisyal ni Sinaquerib kay Yahweh na kanilang Diyos at kay Ezequias, na mabuting naglilingkod sa Diyos.
\q
\v 17 Marami pang isinulat si haring Sinaquerib na pang-iinsulto kay Yahweh, ang Diyos ng mga Israelita. Isinulat niya, "Walang diyos ng alinman sa mga bansang ito na aking nasakop ang maaaring makapagligtas sa kaniyang mga tao mula sa akin. Gayon din, na hindi kayang iligtas ng Diyos ni Ezequias ang kaniyang mga tao mula sa aking mga kamay."
\s5
\q
\v 18 At sinigawan ng mga opisyal ang mga tao na nasa pader gamit ang salitang Hebreo, upang takutin sila, iniisip ng mga kawal ng Asiria na sa paraang ito ay masasakop nila ang lungsod nang walang digmaan.
\p
\v 19 Minaliit nila ang Diyos na sinasamba ng mga taga-Jerusalem tulad ng pangmamaliit nila sa diyos ng ibang mga lahi ng mundo, mga diyos na iniukit lamang ng mga mang-uukit.
\s5
\p
\v 20 Nagmaka-awa sina Haring Ezequias at ang Propetang si Isaias sa Diyos, taimtim silang nanalangin tungkol sa mga ito.
\p
\v 21 At sa gabing iyon nagsugo si Yahweh ng isang anghel na siyang pumatay sa lahat ng mga kawal ng Asiria at sa kanilang mga pinuno at mga opisyal sa lugar kung saan itinayo ng hari ng Asiria at ng kaniyang hukbo ang kanilang tolda. Kaya umalis ang hari ng Asiria at bumalik siya sa kaniyang sariling bansa na hiyang-hiya. At isang araw pumunta siya sa templo ng kaniyang diyos, tinaga siya ng tabak ng ilan sa kaniyang sariling mga anak na lalaki at pinatay siya.
\s5
\p
\v 22 Ganito pinatnubayan at iniligtas ni Yahweh si Ezequias at ang mga taga-Jerusalem mula sa kapangyarihan ni Sinaquerib, ang hari ng Asiria, at mula sa kapangyarihan ng lahat ng iba pa nilang mga kaaway.
\q
\v 23 Maraming tao ang nagdala ng mga handog kay Yahweh sa Jerusalem at nagdala din ng mga mamahaling kaloob para kay Ezequias. At mula sa panahong iyon, labis na iginagalang si Ezequias ng lahat ng mga tao sa ibang mga bansa.
\s5
\q
\v 24 Sa panahong iyon, malubhang nagkasakit si Ezequias. inakala niya na mamamatay na siya. Ngunit nanalangin siya kay Yahweh at sinagot ni Yahweh ang kaniyang panalangin. Gumawa siya ng himala at pinagaling niya si Ezequias.
\p
\v 25 Ngunit nagmalaki si Ezequias, at hindi siya nagpasalamat kay Yahweh sa kabutihan na ginawa sa kaniya. Dahil dito nagalit si Yahweh sa kaniya at pinarusahan siya at ang mga taga-Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda.
\q
\v 26 Pagkatapos, humingi si Ezequias ng tawad sa kaniyang pagiging mapagmalaki at humingi din ng tawad ang mga taga-Jerusalem sa kanilang mga kasalanan. Kaya hindi na sila panarusahan ni Yahweh mula sa natitira pang taon ng paghahari ni Ezequias.
\s5
\q
\v 27 Naging napakayaman ni Ezequias at labis siyang pinarangalan. Gumawa ang kaniyang mga manggagawa ng silid imbakan para sa kaniyang mga pilak, ginto at para sa kaniyang mga mamahaling mga bato, para sa mga pampabango at mga kalasag at sa iba pang mga mahahalagang bagay.
\p
\v 28 Nagtayo din ang kaniyang mga manggagawa ng gusali upang dito itago ang mga butil, alak at langis ng olibo na ginawa ng mga tao at ang mga dinala sa kaniya. Gumawa din sila ng mga kuwadra para sa lahat ng uri ng baka at kural para sa kanilang mga kawan ng tupa at mga kambing.
\q
\v 29 Nagtayo din sila ng mga lungsod para sa napakaraming kawan ng tupa, kambing at sa maraming baka, sapagkat pinayaman siya ng Diyos.
\s5
\p
\v 30 Si Ezequias ang nagsabi sa kaniyang mga manggagawa na harangan ang lugar kung saan dumadaloy ang bukal ng Gihon, at gumawa sila ng daluyan ng tubig kung saan dadaloy patungo sa kanlurang bahagi ng lungsod ni David. Nagawa niyang lahat ang anumang ninais niyang gawin.
\q
\v 31 Ngunit nang dumating ang mga mensahero na ipinadala ng mga pinuno ng Babilonia at tinanong ang tungkol sa himalang ginawa ng Diyos para sa kaniya, pinahintulutan ng Diyos si Ezequias na sabihin kung ano ang nais niya upang subukin si Ezequias kung sasabihin niya o hindi na ang Diyos ang gumawa ng himala.
\s5
\q
\v 32 Ang iba pang mga bagay na nangyari habang namumuno si Ezequias at ang mga bagay na ginawa niya upang palugurin ang Diyos ay nakasulat sa balumbon kung saan nakasulat ang mga Pangitain ng Propetang si Isaias. Nakasulat din ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
\p
\v 33 Nang namatay si Ezequias, inilibing siya sa libingan ng mga kagalang-galang na hari ng Juda. Pinarangalan siya ng lahat sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda. At naging hari ang kaniyang anak na si Manases.
\s5
\c 33
\p
\v 1 Labing-dalawang taong gulang si Manases nang maging hari siya ng Juda, at naghari siya sa Jerusalem ng limampu't limang taon.
\v 2 Marami siyang ginawang kasamaan kay Yahweh. Ginaya niya ang mga kasuklam-suklam na bagay na dating ginawa ng mga pangkat ng mga lahi na pinalayas sa Israel bago nanirahan ang kaniyang mga tao sa lupain.
\q
\v 3 Iniutos niya sa kaniyang mga manggagawa na muling itayo ang mga dambana para sa pagsasamba sa mga diyus-diyosan na sinira ng kaniyang amang si Ezequias. Sinabi niya sa kanila na ihanda ang imahen upang parangalan ang diyos na si Baal at gumawa ng imahen upang parangalan ang diyosang si Ashera. Yumukod din siya upang sambahin ang mga bituin.
\s5
\q
\v 4 Iniutos niya sa kaniyang mga manggagawa na magtayo ng mga altar ng mga dayuhang diyos sa loob ng templo, kung saan sinabi ni Yahweh, "Dito sa Jerusalem nais kong sambahin ako ng mga tao, magpakailanman."
\p
\v 5 Iniutos niya na magpatayo ng mga altar na pagsambahan sa lahat ng mga bituin sa magkabilang patyo sa labas ng templo.
\q
\v 6 Inialay din niya ang ilan sa kaniyang mga anak na lalaki at sinunog ang mga ito sa apoy sa Lambak ng Ben Hinom. Nagsagawa siya ng mga ritwal upang magsanay sa pangkukulam, sumangguni siya sa mga manghuhula. Nangkukulam siya. Nakipag-usap siya sa mga taong sumasangguni sa espiritu ng mga taong namatay na upang malaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap, maraming kasamaan ang kaniyang ginawa, na sinasabi ni Yahweh na napakasama, mga bagay na naging sanhi ng labis na pagkagalit ni Yahweh.
\s5
\p
\v 7 Kinuha ni Manases ang iniukit na diyus-diyosan na ginawa ng kaniyang mga manggagawa at inilagay ito sa loob ng templo. Ito ang templong tinutukoy ng Diyos na kaniyang sinabi kay David at sa kaniyang anak na si Solomon, "Ang aking templo ay itatayo dito sa Jerusalem, ang lungsod na aking pinili kung saan ko gusto kong sambahin ako ng mga tao magpakailanman.
\p
\v 8 Kung susundin nilang lahat ang aking mga kautusan, mga utos at tuntunin na sinabi ko kay Moises na ibigay sa kanila, hindi ko na palalayasin ang mga Israelita sa lupaing ito na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno."
\q
\v 9 Ngunit pinangunahan ni Manases na gumawa ng masama ang mga tao ng Israel at ang iba pang mga tao sa Judah, ang kinalabasan ay mas malala pa ang kanilang kasamaang ginawa kaysa sa ginawa ng mga taong pinalayas ni Yahweh bago nanirahan ang mga Israelita sa lupain.
\s5
\q
\v 10 Nangusap si Yahweh kay Manases at sa lahat ng mga taga-Juda, ngunit binalewala nila ito.
\q
\v 11 Kaya pinahintulutan ni Yahweh na pumunta ang mga pinuno ng hukbo ng Asiria at ang kanilang mga kawal upang pumunta sa Jerusalem at kinuha nila si Manases. Nilagyan nila ng kawit ang kaniyang ilong at nilagyan siya ng tansong kadena ang kaniyang mga paa, at dinala siya sa Babilonia.
\s5
\p
\v 12 Habang nagdurusa siya doon, nagpakumbaba siya sa harapan ni Yahweh, ang Diyos na sinamba ng kaniyang mga ninuno, at nagmakaawa siya na tulungan siya ni Yahweh.
\p
\v 13 Nang nanalangin siya, pinakinggan at kinaawaan siya ni Yahweh. Kaya pinahintulutan siyang makabalik sa Jerusalem at pamunuan muli ang kaniyang kaharian. Pagkatapos, napagtanto ni Manases na si Yahweh ay Diyos, na kayang gawin ang anumang bagay.
\s5
\q
\v 14 Hindi nagtagal, inayos muli ng mga manggagawa ni Manases ang silanganang bahagi ng panlabas na pader sa palibot ng Jerusalem at pinataas nila ito. Pinaabot nila ang pader sa hilagang bukal ng Gihon hanggang sa Tarangkahang Isda at sa palibot ng bahagi ng lungsod na tinatatawag nilang Bulubundukin ng Ofel. Nagtalaga rin si Manases ng mga pinunong kawal upang magbantay sa bawat lungsod sa Juda sa mga pader na nakapalibot sa kanila.
\q
\v 15 Inalis ng mga manggagawa ni Manases ang mga diyus-diyusan at imahen ng diyos ng ibang mga bansa. Sinabi din niya sa kanila na alisin ang mga altar na kanilang ginawa sa Bundok ng Zion at sa iba pang mga lugar sa Jerusalem. Ipinatapon niya ang mga bagay na ito sa labas ng lungsod.
\s5
\q
\v 16 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila na ayusin ang altar ni Yahweh at naghandog siya ng mga alay upang manumbalik ang pakikiisa nila kay Yahweh at upang pasalamatan siya. Pagkatapos, sinabi niya sa mga taga-Juda na si Yahweh lamang ang dapat nilang sambahin.
\p
\v 17 Patuloy na naghahandog ng mga alay ang mga tao sa mga dambana, ngunit para kay Yahweh lamang na kanilang Diyos.
\s5
\p
\v 18 Ang iba pang mga bagay na nangyari habang namumuno si Manases, kasama ng kaniyang panalangin sa Diyos at ang mga mensahe mula kay Yahweh na sinabi ng mga propeta sa kaniya ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel.
\q
\v 19 Ang ipinanalangin ni Manases at kung paano siya kinaawaan ng Diyos dahil nagmakaawa siya sa Diyos—gayon din ang kaniyang mga kasalanan at ang mga paraan ng kaniyang pagsuway sa Diyos—gayon din ang mga talaan ng mga lugar kung saan niya itinayo ang mga dambana at kung saan itinayo ang imahen upang parangalan ang diyosang si Ashera at ang iba pang mga diyus-diyosan bago siya nagpakumbaba—nakasulat ang lahat ng mga ito sa mga isinulat ng mga Propeta.
\p
\v 20 Namatay si Manases at inilibing siya sa kaniyang palasyo. Pagkatapos, naging hari ng Juda ang kaniyang anak na si Ammon.
\s5
\q
\v 21 Dalawampu't dalawang taong gulang si Ammon nang maging hari siya at namuno siya sa Jerusalem ng dalawang taon.
\p
\v 22 Marami siyang ginawang masama na sinabi ni Yahweh na masama, gaya ng ginawa ng kaniyang amang si Manases. Sinamba ni Ammon ang lahat ng mga diyus-diyosan na ginawa ng mga manggagawa ni Manases.
\p
\v 23 Ngunit hindi siya nagpakumbaba at kumilala kay Yahweh gaya ng ginawa ng kaniyang ama. Kaya naging mas makasalanan siya kaysa sa kaniyang ama.
\s5
\p
\v 24 At nagplano ang mga opisyal ni Ammon upang patayin siya. Pinatay nila siya sa kaniyang palasyo.
\q
\v 25 Ngunit pinatay ng mga taga-Juda ang lahat ng mga pumatay kay Ammon at itinalaga nila ang kaniyang anak na si Josias upang maging hari nila.
\s5
\c 34
\p
\v 1 Walong taong gulang si Josias nang siya ay maging hari ng Juda. Namuno siya sa Jerusalem ng tatlumpu't isang taon.
\v 2 Gumawa siya ng mga nakapagpapalugod kay Yahweh, at isinabuhay niya sa kaniyang buhay ang mga ginawa ng kaniyang ninunong si Haring David. Lubos niyang sinunod ang lahat ng mga kautusan ng Diyos.
\p
\v 3 Noong halos walong taon na siyang namumuno, habang siya ay bata pa, nagsimula siyang sumamba sa Diyos gaya ng ginawa ng kaniyang ninunong si Haring David. Pagkaraan ng apat na taon, sinimulan niyang ipatanggal ang lahat ng mga dambana ng mga pagano sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Juda, at ang mga imahe na ginagamit upang parangalan ang diyosang si Ashera at ang mga inukit na diyus-diyosan at mga metal na imahen ng mga diyos.
\s5
\v 4 Habang pinamamahalaan niya sila, giniba ng kaniyang mga manggagawa ang mga altar kung saan sinasamba ng mga tao si Baal. Binasag nila ang mga altar na malapit sa altar na iyon kung saan nagsusunog ng insenso ang mga tao. Binasag din nila ang mga imahen kung saan pinaparangalan ang diyosang si Ashera at ang mga diyus-diyosang inukit mula sa kahoy o bato at mga metal na estatuwa. Binasag nila ito sa maliliit na piraso at ikinalat ang mga piraso nito sa mga libingan ng mga naghandog sa kanila.
\v 5 Sinunog nila ang mga buto ng mga paring naghandog ng mga alay. Sinunog nila ang mga ito sa kanilang sariling mga altar. Sa ganoong paraan ginawang katanggap-tanggap ni Josias ang Jerusalem at ang iba pang mga lugar sa Juda upang sambahin nilang muli si Yahweh.
\s5
\p
\v 6 Sa mga bayan sa mga tribo ng Manases, Efraim, at Simeon, at hanggang sa hilaga ng Neftali at sa lahat ng mga nawasak na bayan sa paligid nito,
\p
\v 7 binasag ng mga manggagawa ni Josias ang mga paganong altar at ang mga imahe upang parangalan ang diyosang si Ashera, at dinurog nila ang mga imahe hanggang mapulbos, mga imaheng inukit ng mga mang-uukit. Binasag din nila sa maliliit na piraso ang lahat ng mga altar na pinagsusunugan ng mga insenso sa kabuuan ng Israel. Pagkatapos ay bumalik si Josias sa Jerusalem.
\s5
\p
\v 8 Nang namumuno si Josias nang halos labing walong taon, nagpasya siyang gumawa ng ibang bagay upang maging katanggap-tanggap ang lupain at ang templo upang sambahin si Yahweh. Kaya ipinadala niya si Safan na anak ni Azalias, at si Maasias ang gobernador ng lungsod, at si Joas na anak ni Joahaz na kalihim upang ipagawang muli ang templo ni Yahweh.
\p
\v 9 Pumunta sila kay Hilkias na pinakapunong pari at binigyan siya ng pera na dinala sa templo. Ito ang perang nakolekta ng mga kaapu-apuhan ni Levi na nagbantay ng mga pintuan ng templo na mula sa mga lipi ni Manases at Efraim at iba pang mga lugar sa Israel, at mula na rin sa lahat ng mga tao sa Jerusalem at iba pang mga lugar sa mga lipi nina Juda at Benjamin—lahat ng mga tao sa lupain na nakaligtas.
\s5
\p
\v 10 At nagbigay si Hilkias ng pera sa mga kalalakihang itinalaga na mamamahala sa pagpapagawang muli ng templo. Binayaran ng tagapangasiwa ang mga kalalakihang nagtatrabaho sa pagpapagawang muli ng templo.
\v 11 Nagbigay din sila ng ilang pera sa mga karpintero at tagapagtayo upang pambili ng natapiyas na mga bato at mga troso para sa mga dugtungan at biga ng mga gusali na hinayaan ng mga hari na masira.
\s5
\v 12 Tapat na ginawa ng mga manggagawa ang kanilang mga trabaho, ang kanilang mga tagapangasiwa ay sina Jahat at Obadias, na kaapu-apuhan ni Merari na anak ni Levi at Zacarias at Mesulam, na mga kaapu-apuhan ni Kohat na anak ni Levi. Ang lahat ng kaapu-apuhan ni Levi na magagaling tumugtug ng mga instrumentong pangmusika,
\p
\v 13 sila ang nangasiwa sa lahat ng mga mangagawa habang ginagawa nila ang kanilang mga trabaho. Ang ilan sa mga kaapu-apuhan ni Levi ay mga kalihim; tagapagtago ng talaan ang ilan, at tagapagbantay ang ilan sa mga pintuan ng templo.
\s5
\p
\v 14 Habang nagbibigay sila ng nalikom na pera sa tagapangasiwa na nalikom sa templo, natagpuan ng pinakapunong pari ang isang balumbon na doon nakasulat ang batas ni Yahweh na ibinigay kay Moises na ibibigay sa mga tao.
\v 15 Kaya sinabi ni Hilkias kay Safan, "Nakatagpo ako ng isang balumbon sa templo kung saan nakasulat dito ang kautusan ni Yahweh na ibinigay kay Moises!" At ibinigay ni Hilkias kay Safan ang balumbon.
\p
\v 16 Dinala ni Safan ang balumbon sa hari at sinabi sa kaniya "Ginagagawa ng mga opisyal mo ang lahat ng sinabi mong gawin nila.
\s5
\v 17 Kinuha nila ang mga pera na nasa templo at inbinigay nila ito sa mga kalalakihan na nangangasiwa sa mga kalalakihang gumagawang muli ng templo."
\p
\v 18 At sinabi ni Safan sa hari, "mayroon din akong dalang balumbon para sa iyo na ibinigay ni Hilkias sa akin." At sinimulan itong basahin ni Safan sa hari.
\v 19 Nang marinig ng hari ang mga kautusan na nakasulat sa balumbon, pinunit niya ang kaniyang kasuotan dahil sa labis na pagkabalisa.
\s5
\q1
\v 20 Pagkatapos, ibinigay ang mga tagubiling ito kina Hilkias, Ahikam na anak ni Safan, Abdon na anak ni Mica, kay Safan, at kay Asaias na natatanging tagapayo ng hari:
\p
\v 21 "Pumunta kayo at tanungin ninyo si Yahweh para sa akin at para sa lahat ng kaniyang mga tao na nabubuhay pa sa Juda at Israel, kung ano ang nakasulat sa natagpuang balumbon na ito. Dahil maliwanag na labis na nagagalit sa atin si Yahweh dahil sa pagsuway ng ating mga ninuno sa sinabi ni Yahweh. Hindi nila sinunod ang mga kautusang nakasulat sa balumbong ito."
\s5
\q1
\v 22 Kaya pumunta sina Hilkias at ang iba upang kumunsulta sa isang babae na nagngangalang Hulda, na isang propeta na nakatira sa Ikalawang Distrito ng Jerusalem. Ang kaniyang asawang si Sallum na anak ni Tokat ang namamahala sa mga balabal na isinusuot sa templo.
\s5
\q1
\v 23 Nang sinabi nila sa kaniya kung ano ang pinapasabi ng hari, sinabi ng niya sa kanila, "Ito ang pinasasabi ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba nating mga Israelita: 'Bumalik kayo at sabihin ninyo sa hari na nagpapunta sa inyo
\q1
\v 24 na ito ang pinapasabi ni Yahweh: "Pakinggan ninyo itong mabuti. Magdadala ako ng isang delubyo sa Jerusalem at sa lahat ng mga taong naninirahan dito. Ipapadala ko sa kanila ang mga sumpang nakasulat sa balumbon na binasa sa hari ng Juda.
\p
\v 25 Gagawin ko iyon sapagkat itinakwil nila ako, at nagsunog sila ng insenso para parangalan ang ibang mga diyus-diyosan. Labis nila akong ginalit dahil sa lahat ng mga diyus-diyosang ginawa nila."'
\s5
\q1
\v 26 Ipinadala kayo ng hari ng Juda upang tanungin ako, si Yahweh, kung ano ang gusto ko. Humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniya, akong si Yahweh, ang Diyos na sinasamba ninyong mga Israelita, ito ang masasabi ko tungkol sa inyong nabasa:
\q1
\v 27 'Dahil pinakinggan mong mabuti kung ano ang nakasulat sa balumbon, at nagpakumbaba ka nang marinig mo kung ano ang aking sinabi na babala kung ano ang maaaring mangyayari sa lungsod na ito at sa mga taong naninirahan dito, at dahil pinunit mo inyong mga balabal at tumangis ka sa aking harapan, pinakinggan kita.
\q1
\v 28 Kaya papahintulutan kitang mamatay ng mapayapa, nang hindi mo makikitang pinaparusahan ko ang lugar na ito at ang mga taong naninirahan dito."' Kaya dinala nila ang sagot ng babae pabalik sa hari.
\s5
\p
\v 29 Pagkatapos ay ipinatawag ng hari ang lahat ng mga nakatatanda sa Jerusalem at sa iba pang mga lugar sa Judea.
\v 30 Sama-sama silang pumunta sa templo kasama ang mga pinuno ng Juda at marami pang ibang mga tao ng Jerusalem at ang mga pari at iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi, mula sa pinaka hindi mahalaga hanggang sa pinakamahalaga. At habang nakikinig sila, binasa sa kanila ng hari ang lahat ng napapaloob sa balumbon na natagpuan sa templo na naglalaman ng mga kautusan ng Diyos.
\s5
\v 31 Pagkatapos ay tumayo ang hari sa tabi ng haligi sa pasukan ng templo, kung saan nakatayo ang mga hari sa tuwing nagpapahayag sila ng mga mahahalagang bagay at habang nakikinig si Yahweh, inulit niya ang kaniyang pangako na tapat siyang susunod ng kaniyang buong pagkatao kay Yahweh at sa lahat ng kaniyang kautusan, mga tagubilin at mga batas ni Yahweh na nakasulat sa balumbon.
\v 32 At sinabi ng hari na ang lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem at mula sa mga lipi ni Benjamin ay dapat mangako na susundin rin nila ang mga batas na iyon. At ginawa nga nila iyon, sumasang-ayon sila na susundin ang kasunduan na ginawa nila kasama ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno.
\s5
\v 33 Iniutos ni Josaias sa kaniyang mga manggagawa na alisin ang lahat ng mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan mula sa lahat ng lupain ng mga Israelita, at iniutos niya na ang lahat ng mga nagmula sa Israael na naroroon ay dapat sumamba lamang kay Yahweh na kanilang Diyos. Habang nabubuhay si Josaias, ginawa ng mga tao kung ano ang nakapagpalugod kay Yahweh, ang Diyos na sinamba ng kanilang mga ninuno.
\s5
\c 35
\p
\v 1 Iniutos ni Josaias na dapat ipagdiwang ng mga tao ang Pista ng Paskwa sa Jerusalem. Kaya nagkatay sila ng mga tupa para sa Paskwa sa ika-14 na araw ng unang buwan.
\v 2 Itinalaga ni Josaias sa mga pari ang mga gawaing dapat nilang gawin sa templo at hinikayat niya sila na gawin nilang mabuti ang kanilang trabaho.
\s5
\v 3 Ang mga kaapu-apuhan ni Levi ang mga nagturo sa lahat ng Israelita. Inilaan sila para kay Yahweh. Sinabi ni Josaias sa kanila, "Ilagay ang sagradong kaban sa templo na itinayo ng mga manggagawa ni Haring Solomon na anak ni David. Ngunit buhatin ninyo ito gamit ang mga bitbitan nito. Huwag ninyo itong buhatin sa inyong mga balikat. At gawin ninyong mabuti ang inyong mga trabaho para kay Yahweh na inyong Diyos at para sa kaniyang mga tao na mga Israelita.
\p
\v 4 Magbukod-bukod kayo ayon sa inyong mga kinaugaliang mga angkan, sundin ang mga tagubilin na isinulat nina Haring David at ng kaniyang anak na si Solomon.
\s5
\v 5 Pagkatapos ay tumayo kayo sa templo na ang bawat isa sa inyo ay kasama sa sarili ninyong mga angkang Levita, handang tulungan ang inyong kapwa Israelita kapag nagdadala sila ng kanilang mga handog sa templo.
\v 6 Kakatayin ang mga tupa para sa Paskwa. Gawin ninyo ito para sa inyong mga kapwa Israelita. Isagawa ang mga ritwal upang mailaan ninyo ang inyong sarili para sa karangalan ng Diyos at paglilingkod kay Yahweh at gagawin ang kaniyang trabaho. Ihanda ang mga iaalay na gawin ang sinabi ni Yahweh kay Moises na sabihin sa inyo kung ano ang dapat ninyong gawin."
\s5
\p
\v 7 Nagbigay si Josaias mula sa kaniyang sariling mga kawan ng tatlumpung libong mga batang tupa at mga kambing para sa iaalay sa Paskwa. Nagbigay din siya ng tatlong libong toro mula sa sarili niyang mga kawan.
\v 8 Kusang loob ding nagbigay ang kaniyang mga opisyal ng mga hayop para sa mga tao at mga pari at sa iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi. Sina Hilkias, Zacarias at Jehiel na mga opisyal na namamahala sa templo ay nagbigay sa mga pari ng 2,600 na mga batang tupa at tatlong daang mga baka na iaalay para sa Paskwa.
\p
\v 9 Gayun din si Conanias, kasama ng kaniyang mga nakababatang kapatid na lalaki na sina Semaya, Nathanael, Hosabias, Jehiel at Jozabad, ang mga pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Levi ay naghanda ng limang libong mga batang tupa upang maging mga handog para sa Paskwa para sa iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi.
\s5
\p
\v 10 Ayos na ang lahat ng para sa Paskwa: Ang mga pari at ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi ay nakapuwesto na sa kani-kanilang mga grupo gaya ng iniutos ng hari.
\v 11 Pagkatapos ay kinatay nila ang mga tupa na handog para sa Paskwa. Nagwisik ng dugo ang mga pari mula sa mga mangkok na iniabot sa kanila, habang nagtatanggal ng balat ng hayop ang ibang kaapu-apuhan ni Levi.
\v 12 Itinabi nila ang mga hayop na buong susunugin sa altar upang maibigay sa iba't-ibang grupo ng mga pamilya para ihandog kay Yahweh, sinusunod ang mga tagubilin na nasusulat sa mga kautusan na ibinigay ng Diyos kay Moises. Ginawa rin nila ito sa mga baka.
\s5
\v 13 Sa pagsunod sa mga alituntuning ito, inihaw nila sa ibabaw ng apoy ang mga batang tupa para sa Paskwa. At pinakuluan nila ang karne ng sagradong mga handog sa mga kaldero at kawa at mga kawali, at agad na inihain ang karne sa lahat ng mga taong naroroon.
\v 14 Pagkatapos noon, inihanda nila ang karne para sa kanilang mga sarili at para sa mga pari, dahil maraming ginagawa ang mga pari hanggang sa gumabi, na naghahandog ng mga iaalay para ganap itong masunog at sinusunog ang mga matatabang bahagi ng mga alay. Kaya ang mga kaapu-apuhan ni Levi ang naghanda ng karne para sa kanilang mga sarili at para sa mga pari, na mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang unang pinakapunong pari.
\s5
\v 15 Ang mga manunugtog na mga kaapu-apuhan ni Asaf ay nakapwesto sa kani-kanilang mga kinatatayuan, gaya ng iniutos ni Haring David, Asaf, Heman at Jedutun na propeta ng hari. Hindi na kinakailangang umalis sa kani-kanilang mga na kinatatayuan ang mga nagbabantay ng mga tarangkahan dahil ang kanilang kapwa na mga kaapu-apuhan ni Levi ang naghanda ng pagkain para makain nila.
\s5
\p
\v 16 Kaya sa araw na iyon nagawa na ang lahat ng mga dapat gawin para sa pagsamba kay Yahweh. Ipinagdiwang nila ang Pista ng Paskwa at inihandog ang mga alay upang ganap na sunugin sa altar na iniutos ni Josias.
\v 17 Nagdiwang ng Paskwa noong araw na iyon ang mga Israelitang naroroon, at sa loob ng pitong araw ay ipinagdiwang nila ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura.
\s5
\v 18 Ang Pista ng Paskwa ay hindi pa naipagdiriwang ng kagaya noon sa Israel sa panahong nabubuhay pa ang propetang si Samuel. At wala sa mga hari ng Israel ang nagdiwang ng Paskwa na gaya ng ginawa ni Josias, kasama ng mga pari, at ang iba pang mga kaapu-apuhan ni Levi at ang lahat ng iba pang mga mamamayan ng Juda at Israel na naroroon kasama ng mga taong naninirahan sa Jerusalem.
\v 19 Ipinagdiwang nila ang Pista ng Paskwa nang si Josias ang namumuno ng halos labing walong taon.
\s5
\p
\v 20 Matapos gawin ni Josias ang lahat ng iyon upang ibalik ang pagsamba sa templo, pumunta si Haring Neco ng Ehipto kasama ng kaniyang hukbo upang lusubin ang lungsod ng Carquemis sa may Ilog ng Eufrates at lumusob si Josias kasama ng kaniyang hukbo upang makipagdigma laban sa kanila.
\v 21 Nagpadala ng ilang mga mensahero si Neco kay Josias upang sabihin sa kaniya na, "Ikaw ang hari ng Juda at tiyak na walang dahilan para labanan mo ako. Lulusubin namin ang hukbo ng Babilonia. Sinabi sa akin ng Diyos na magmadali. Kaya tigilan mo ang pagsuway sa Diyos na kakampi ko. Kung hindi ka hihinto, papatayin ka ng Diyos."
\s5
\p
\v 22 Ngunit hindi nakinig sa kaniya si Josias. Sa halip, nagbalatkayo siya upang malusob niya ang hukbo ng Ehipto nang walang nakakakilala sa kaniya. Hindi niya binigyang pansin ang sinabi ng Diyos na sabihin ni Neco sa kaniya. Sa halip, siya at ang kaniyang hukbo ay pumunta upang lusubin ang hukbo ni Neco sa kapatagan ng Megido.
\s5
\p
\v 23 Tinamaan ng ilang mga mamamana si Haring Josias. Sinabi niya sa kaniyang mga opisyal, "Ilayo ninyo ako dito dahil lubha akong nasugatan."
\p
\v 24 Kaya inilabas nila siya sa kaniyang karwahe at inilipat sa isa pang karwahe na dinala niya. At dinala nila siya sa Jerusalem kung saan siya namatay. Inilibing siya sa libingan kung saan inilibing ang kaniyang mga ninuno at nagluksa para sa kaniya ang lahat ng mga mamamayan ng Jerusalem at ng iba pang mga lugar sa Juda.
\s5
\p
\v 25 Lumikha ng isang awit ang propetang si Jeremias upang magluksa para kay Josias at ang lahat ng mga kalalakihan at mga kababaihang mangaawit sa Israel ay nagluluksa parin para kay Josias sa pamamagitan ng pagkanta sa awiting iyon. Naging kaugalian na iyon sa Israel. Ang mga salita ng awit na iyon ay nakasulat sa isang balumbon ng mga awitin na pangluksa.
\p
\v 26-27 Isang talaan ng iba pang mga bagay na nangyari habang naghahari si Josias, mula sa panahong nagsimula siyang mamuno hanggang sa siya ay mamatay ay nakasulat sa mga kautusan ni Yahweh na nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel, kasama na dito kung paano siya naging matapat na deboto sa pagpaparangal sa Diyos.
\s5
\c 36
\p
\v 1 At pinili ng mga taga-Juda ang anak ni Josias na si Jehoahaz at itinalaga siyang maging hari sa Jerusalem.
\p
\v 2 Dalawampu't tatlong taong gulang si Jehoahaz nang siya ay maging hari, ngunit namuno siya mula sa Jerusalem ng tatlong buwan lamang.
\s5
\v 3 Dinakip siya ng hari ng Ehipto at pinigilan siyang mamuno. Pinilit din niya ang mga taga-Juda na magbayad sa kaniya ng buwis na halos apat na toneladang pilak at halos tatlumpu't apat na kilong ginto.
\v 4 Itinalaga ng hari ng Ehipto ang nakababatang kapatid ni Jehoahaz na si Eliakim na maging hari ng Juda. Pinalitan niya ang pangalan ni Eliakim na Jehoiakim. Ngunit hinuli ni Neco si Jeoahaz at dinala sa Ehipto.
\s5
\p
\v 5 Dalawapu't limang taong gulang si Jehoiakim nang siya ay maging hari ng Juda at namuno siya mula sa Jerusalem ng labing isang taon. Marami siyang ginawang bagay na sinasabi ni Yahweh na masasama.
\v 6 At sinalakay ng hukbo ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ang hukbo ng mga kawal ni Jehoiakim. Nadakip nila si Jehoiakim, ginapos siya gamit ang tansong kadena at dinala siya sa Babilonia.
\v 7 kinuha rin ng mga kawal ni Nebucadnezar ang mga mahahalagang bagay mula sa templo. Dinala nila ang mga ito sa Babilonia at inilagay ang mga ito sa palasyo ni Haring Nebucadnezar.
\s5
\p
\v 8 Isang talaan ng iba pang mga bagay na nangyari habang si Jehoiakim ay naghahari, mga ginawa niyang hindi kaaya-ayang mga bagay at masasamang bagay na sinasabi ng mga tao na kaniyang ginawa. Ito ay nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel. Matapos siyang dalhin sa Babilonia, ang kaniyang anak na si Jehoiakin ang naging hari ng Juda.
\s5
\p
\v 9 Labing walong taong gulang si Jehoiakin nang siya ay maging hari ng Juda at namuno siya mula sa Jerusalem sa loob lamang ng tatlong buwan at sampung araw. Marami siyang ginawang mga bagay na sinasabi ni Yahweh na masama.
\p
\v 10 Sa panahon ng tagsibol nang sumunod na taon, nagpadala ng mga kawal si Haring Nebucadnezar upang dalhin siya sa Babilonia. Dinala rin nila sa Babilonia ang maraming mga mahahalagang bagay na mula sa templo ni Yahweh. Pagkatapos itinalaga ni Nebucadnezar ang tiyuhin ni Jehoiakin na si Zedekias upang maging hari ng Juda.
\s5
\p
\v 11 Dalawampu't isang taong gulang si Zedekias nang siya ay maging hari at namuno siya sa Jerusalem ng labing isang taon.
\p
\v 12 Maraming bagay na masama ang ginawa niya na sinasabi ni Yahweh. Hindi siya nagpakumbaba nang sabihan siya ni propeta Jeremias ng mensahe ni Yahweh upang balaan siya.
\s5
\p
\v 13 Hindi siya bumalik kay Yahweh, ang Diyos na sinasabi ng mga Israelita na kanilang sinasamba. Nagrebelde rin si Zedekias laban kay Haring Nebucadnezar na pumilit sa kaniya na mataimtim na mangako gamit ang pangalan ng Diyos na maging matapat sa kaniya. Naging matigas ang ulo ni Zedekias.
\p
\v 14 Dagdag pa rito, ang lahat ng mga pinuno ng mga pari at pati na rin ng mga mamamayan ng Juda ay muling naging mas masama pa, ginagawa ang lahat ng mga hindi kaaya-ayang mga bagay na ginawa ng mga tao sa ibang mga bansa at ginawang hindi katanggap-tanggap na lugar na pagsambahan kung saan inilaan ito ni Yahweh para sa kaniyang sarili.
\s5
\p
\v 15 Si Yahweh na sinasambang Diyos ng mga ninuno ng mga taga-Juda ay maraming beses na nagbigay ng mga mensahe sa kaniyang mga propeta at ibinigay naman ang mga mensaheng iyon ng mga propeta sa mga taga-Juda. Ginawa iyon ni Yahweh dahil kinaawaan niya ang kaniyang mga tao at hindi niya gustong mawasak ang kaniyang templo.
\v 16 Ngunit patuloy na kinukutya ng mga tao ang mga mensahero ng Diyos. Kinamuhian nila ang mga mensahe ng Diyos. Kinutya nila ang kaniyang mga propeta, hanggang sa labis na nagalit ang Diyos sa kaniyang mga tao, na sa kinahinatnan nito ay wala nang makakapigil sa kaniya na wasakin ang Juda.
\s5
\p
\v 17 Inudyukan niya ang hari ng Babilonia kasama ang kaniyang hukbo na salakayin ang Juda. Pinatay nila ang mga kabataang lalaki gamit ang kanilang mga tabak kahit sa templo. Hindi nila pinalagpas ang kahit na sino, maging mga kabataang lalaki o mga kabataang babae o matatanda. Ginawa ng Diyos na talunin silang lahat ng mga hukbo ni Nebucadnezar.
\s5
\p
\v 18 Dinala ng kaniyang mga kawal sa Babilonia ang lahat ng mga bagay na ginagamit sa templo ng Diyos, mga malalaking man o maliliit na mga bagay, lahat ng mga mahahalagang bagay at ang mga mahahalagang bagay na pagmamay-ari ng hari at ng kaniyang mga opisyal.
\v 19 Sinunog nila ang templo at giniba nila ang pader na nakapalibot sa Jerusalem. Sinunog nila ang lahat ng mga palasyo sa Jerusalem at winasak ang lahat ng mga mahahalagang mga bagay doon.
\s5
\p
\v 20 Dinala sa Babilonia ng mga kawal ni Nebucadnezar ang natitirang mga tao na hindi namatay sa espada. Ang mga taong iyon ang naging mga alipin ng hari at alipin ng kaniyang mga anak na lalaki, hanggang masakop ng hukbo ng Persia ang Babilonia.
\v 21 Sinabi ni Moises na sa bawat ikapitong taon ay hindi dapat magtanim ang mga tao sa kanilang lupain. Dapat nilang pagpahingahin ang lupa. Ngunit hindi iyon ginawa ng mga tao. Kaya matapos wasakin ng hukbo ng Babilonia ang Juda, nakapagpahinga ang lupa. Nagpatuloy ito ng pitumpung taon, natupad ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na dapat mangyayari.
\s5
\p
\v 22 Sa panahon ng unang taon na si Ciro ang hari ng Persia, upang maganap ang sinabi ni Yahweh kay Jeremias na mangyayari, inudyukan ni Yahweh si Ciro na isulat at ipahayag ito sa kabuuan ng kaniyang kaharian:
\p
\v 23 "Ako, si Ciro, ang hari ng Persia, ay nagpapahayag na si Yahweh, ang Diyos na namamahala sa kalangitan, ay binigyan ako ng kakayahan na maging pinuno ng lahat ng mga kaharian ng mundong ito. At itinalaga niya ako na iutos na magtayo ang aking mga manggagawa ng isang templo para sa kaniya sa Jerusalem, na nasa Juda. Pinahihintulutan ko ang kahit na sino sa kaniyang mga tao na pumunta sa Jerusalem. At ipagdadasal ko na sumakanila si Yahweh."